PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
TULAD NG PAGKALAT NG LEBADURA
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga
dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Network
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pansariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletuhin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG
PAG-AARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagsasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalangin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.
Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
Module: Panghihikayat
Kurso: Panghihikayat Ng Kaluluwa Tulad Ng Pagkalat Ng Lebadura
PAMBUNGAD
- Halos ikatatlong bahagi ng populasyon ng mundo ay hindi pa nakakarinig ng mensahe ng Ebanghelyo.
- Kahit sa isang libong grupo ng mga tao ang hindi pa napapasok para Sa Panginoong Jesu Cristo.
- Maraming mga tribo ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang unang misyonero.
- May higit kumulang na 1,700 na mga lengguwahe na walang nakasulat na Salita Ng Dios.
- Ang populasyon ng mundo ay madodoble sa loob ng 50 mga taon.
Kung ating iisipin ang mga estatistika na katulad nito sa mga terminong pagtupad sa Dakilang Utos Ni Jesu Cristo para dalhin ang Ebanghelyo ng Kaharian Ng Dios sa bawa’t nilalang, ating napagtatanto na tayo ay nahaharap sa malaking gawain. Ang kursong ito ay nasulat para pakilusin at ihanda ang mga mananamaplataya para matupad ang dakilang hamon. Ito ay malaking gawain, ngunit hindi imposible.
Karamihan sa mga kurso ng panghihikayat ng kaluluwa ay nakatuon sa utos na “humayo” sa lahat ng mundo kasama ang Ebanghelyo. Kanilang binibigyan ng tuon ang pangangaral at pagtuturo ng mensahe ng Ebanghelyo. Ang kursong ito ay naiiba dahil ito ay nakatuon din kung ano ang sinabi Ni Jesus na gawin “sa iyong paghayo” at ang halimbawa ng Iglesya sa Bagong Tipan kung ano ang gagawin “habang ikaw ay nandoon.” Ang kurso ay nahahati sa tatlong mga bahagi:
Unang Bahagi, ang pamagat ay “Humayo.” Ito ay nakatuon sa utos na ibinigay Ni Jesus na ipangaral ang Ebanghelyo ng Kaharian Ng Dios sa lahat ng nilalang. Kasama dito ang panuto sa mensahe na dapat ibahagi, ang mga mensahero, kung paano ipahahatid ang Ebanghelyo, at ang mga tatanggap ng mensahe. Ang paraan ng panghihikayat ng kaluluwa ay itinuro rin, na binigyan diin ang mga ginamit sa panahon ng Bagong Tipan. Ang parehong paraan ng personal at pangmaramihan na panghihikayat ng kaluluwa ay tinalakay, na may tiyak na panuto kung paano haharapin ang mga kahirapan at ang pagsubaybay na pagkalinga sa mga bagong nahikayat. Ibinigay din ang panuto sa pag paplano at pagpapakilos sa espirituwal na kayamanan at pakikipagtulungan sa iba para sa panghihikayat ng kaluluwa.
Ikalawang Bahagi, ang pamagat ay “Sa iyong paghayo.” Sa Ebanghelyo ng Bagong Tipan, hindi kailanman inutusan Ni Jesus ang kahit sino na ipangaral ang Ebanghelyo ng wala ang paguutos na sila ay magministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya. Sinabi Niya sa kanila “Sa inyong paghayo… pagalingin ang may sakit, palayasin ang mga demonyo…” (Mateo 10:1,7-8). Habang ang maraming tao ay lumalapit para sa pagpapagaling at pagpapalaya, ang espirituwal na pag-aani ay nagsimulang dumami ng napakabilis na kinailangan ng bagong manggagawa. Hindi nagtagal ang 70 mga disipolo ay kinailangan at pinahayo para
mangaral, magturo, at magpalaya. Ang pagpapakita ng kapangyarihan na ito “ sa kanilang paghayo” ang nagdulot ng mabilis na pagkalat ng Ebanghelyo sa buong mundo. Dahil sa kadahilanan na ito, ang ikalawang bahagi ng kursong ito ay nakatuon sa ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya na dapat kasama ng pangangaral at pagtuturo ng Ebanghelyo.
Ikatlong Bahagi ay nakatuon sa halimbawa ng ipinahayag sa Iglesya sa Bagong Tipan kung ano ang dapat gawin “ habang ikaw ay nandoon.” Iminumungkahi nito na ang panghihikayat ng kaluluwa ay hindi lubos hanggat ang isang iglesya ay naitatag sa grupo ng mga bagong mananampalataya. Ang panghihikayat ng kaluluwa na walang pagtatatag ng lokal na iglesya ay katulad ng pagsilang ng isang bata sa mundo at hindi angkinin ang responsabilidad para sa kasunod na pag-aalaga sa kanila. Ang tao ay hindi dapat na ituring na “nahikayat” hanggat siya ay hindi siya kumikilos na bahagi ng lokal na pagtitipon ng iglesya. Para magawa ito, mayroon dapat na lokal na iglesya.. Ang isang lugar ay hindi dapat ituring na nahikayat hanggat hindi nakapagtatatag ng isang iglesya dito.
Ang tatlong-bahagi ng panghihikayat ng kaluluwa ay tinatawag na” panghihikayat ng kaluluwa tulad ng pagkalat ng lebadura” dahil ikakalat nito ng mabilis ang Ebanghelyo sa buong mundo kung paano ang lebadura ay mangalat sa isang tumpok ng masa ng tinapay. Maaaring kakaunti at nakatago ang lebadura, ngunit ang lakas nito ay walang hangganan.
MGA LAYUNIN NG KURSO
Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahan na:
· Ibigay ang kahulugan ng panghihikayat ng kaluluwa tulad ng pagkalat ng lebadura
· Ipaliwanag ang utos ng panghihikayat ng kaluluwa.
· Ibuod ang mensahe ng panghihikayat ng kaluluwa.
· Kilalanin ang mga mensahero ng panghihikayat ng kaluluwa.
· Kilalanin ang mga tatanggap ng mensahe.
· Ihatid ang Ebanghelyo sa iba.
· Ibuod ang mga prinsipyo ng Bagong Tipan tungkol sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Ibuod ang mga talinghaga ng Bagong Tipan tungkol sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Gumawa ng personal na panghihikayat ng kaluluwa.
· Harapin ang mga kahirapan na iyong hinaharap sa panghihikayat ng kaluluwa .
· Abutin ang buong lugar sa pamamagitan ng “saturation evangelism” (pagbababad sa panghihikayat ng kaluluwa.)
· Gumawa ng pangmaramihan na panghihikayat ng kaluluwa.
· Subaybayan at alagaan ang bagong mga nahikayat.
· Gumawa ng plano para sa panghihikayt ng kaluluwa.
· Makipagtulungan sa iba sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Ibuod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya.
· Ipaliwanag ang mga pabagu-bago na umaapekto sa kagalingan.
· “ Sa iyong paghayo, pagalingin.”
· “ Sa iyong paghayo, palayain.”
· Ilarawan ang halimbawa ng Bagong Tipan sa pagtatayo ng iglesya.
· Sundin ang mga paraan ng Bagong Tipan sa pagtatayo ng mga iglesya.
· Sundin ang mga paraan ng Bagong Tipan sa pagpaparami ng mga iglesya.
PAMBUNGAD
SA UNANG BAHAGI
“HUMAYO”
Ang unang bahagi ay nakatuon sa utos na “humayo” sa lahat ng mundo at hikayatin ang bawa’t buhay na nilalang.
Sa bahaging ito iyong natututunan ang tungkol sa utos na ibinigay Ni Jesus na ipangaral ang Ebanghelyo ng Kaharian at tanggapin ang panuto sa mensahe na dapat maipamahagi, ang mensahero ng Ebanghelyo, paano ibabahagi ng Ebanghelyo, at kanino ito dapat na ibahagi.
Matututo ka ng maraming mga paraan ng panghihikayat ng kaluluwa, na nakatuon sa mga ginamit sa panahon ng Bagong Tipan. Ang parehong personal at pangmaramihan na panghihikayat ng kaluluwa ay tinalakay, na may tiyak na panuto kung paano harapin ang mga kahirapan sa panghihikayat at pagsubaybay ng bagong mga nahikayat.
Ang panuto ay ibinigay din sa pagpaplano at pakikipagtulungan sa iba para sa layunin ng panghihikayat ng kaluluwa.
At ngayon… ikaw ba ay handa na “HUMAYO”?
UNANG KABANATA
ANG PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA TULAD NG PAGKALAT NG
LEBADURA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng “panghihikayat ng kaluluwa tulad ng lebadura.”
· Ipaliwanag ang “kahulugan ng nawala.”
· Ipaliwanag ang “kahihinatnan ng nawala.”
· Kilalanin ang anim na mga hakbang ng proseso ng panghihikayat ng kaluluwa.
SUSING TALATA:
At muling sinabi niya, sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?
Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal
na harina, hanggang sa ito’y nalebadurang lahat. (Lucas 13:20-21)
PAMBUNGAD
Tinatalakay ng aralin na ito ang pangangailangan ng panghihikayat ng kaluluwa, ipinapaliwanag ang proseso ng panghihikayat ng kaluluwa., at ibinibigay ang kahulugan ng mga termino na mahalaga para maunawaan mo sa pagsisimula ng iyong pag-aaral ng paksang ito. Sa panahon ng Lumang Tipan nang ang templo ay itinatag, ang tunog ng martilyo, lagari, palakol, o anumang kasangkapan na bakal ay hindi narinig habang ito ay itinatayo ( I Mga Hari 6:7)
Ang katahimikan kung saan ang natural na mga bato ay nailagay sa kanyang lugar ay natural na halimbawa ng dakilang espirituwal na katotohanan. Isang “mas dakila kay Solomon” ay nagtatatag ng gusali isang dakilang espirituwal na templo. Ang espirituwal na templong ito ay gawa sa “buhay na mga bato” na inilatag ng Panginoon Jesu Cristo. Ang templong ito ay naitayo ng tahimik, kung saan ang bawa’t bato ay lubos na magkakaakma. Ito ay nangyari sa pamamagitan ng tahimik ngunit makapangyarihang proseso ng “panghihikayat ng kaluluwa na mistulang lebadura.”
PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA NA KATULAD NG LEBADURA
At muling sinabi niya, sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?
Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal
na harina, hanggang sa ito’y nalebadurang lahat. (Lucas 13:20-21)
Ipinahahayag ng talatang ito na Ang Dios ay gumagawa na walang maraming kasunod na ingay at publisidad. Iyong maaasahan na ang Kaharian ay lalaganap sa pamamagitan ng panlabas katulad ng paglupig ng kawal at pagsakop ng kontinente. Ngunit ang pagkalat ng Kaharian Ng Dios ay katulad ng isang buobuo na lebadura na masa ng tinapay. Ang lebadura ay maaaring kakaunti at nakatago, ngunit mayroong walang hanggang kakayahan. Katulad ng lebadura, ang kapangyarihan ng Kaharian ay hindi panlabas sa halip ay panloob.
Sa ibang halimbawa, inihambing Ni Jesus ang paglaganap ng Kaharian Ng Dios sa isang buto ng mustasa:
...Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?
Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa
kaniyang sariling halamanan; at ito’y sumibol, at naging isang punong kahoy;
at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit. (Lucas 13:18-19)
Sa nakaraan na talinghaga, inihambing Ni Jesus ang pananampalataya sa isang butil ng mustasa. Sinabi niya na walang imposible sa kahit na maliit na pananampalataya. Katulad ng paraan kung paano ang lebadura ay kumakalat, isang maliit na butil ng mustasa ay lumago sa isang malaking puno. Ang halimbawa na ito ay naglalarawan ng tahimik, subalit makapangyarihan at mabisang paraan ng pagsulong ng Kaharian.
Maraming bagong mga paraan na makatutulong sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang mga ito ay tinatawag na “teknolohiya.” Kasama dito ang mga bagay katulad ng mga imprenta, mga “computer”, mga radio, telebisyon, “audio at video tapes”, at “satellites”. Ang bagong paraan ng paglalakbay ay nakatutulong din sa mga tao na makapaglakbay ng mabilis pata ipalaganap ang Ebanghelyo. Ang lahat ng mga bagong teknolohiya ay kagamit-gamit ngunit ang tunay na kapangyarihan ng Ebanghelyo ay mananatiling panloob. Ang ibig sabihin natin nito ay ang kapangyarihan ng Ebanghelyo mismo. Ito ang inilalarawan ng talinghaga ng lebadura at ng butil ng mustasa.
Ang Ebanghelyo ng Kaharian Ng Dios ay darami para lumaganap sa buong “tipak ” ng mundo dahil sa panloob na kapangyarihan ng Kaharian na katulad ng lebadura sa masa ng tinapay. Ang ibig sabihin nito ay ang paglaganap ng Ebanghelyo ay hindi limitado kung saan ang tao ay hindi sumusulong sa teknolohiya. Kahit sa maliit na pananampalataya, ang Kaharian ay susulong. Ito ang panghihikayat ng kaluluwa na mistulang lebadura.
ANG KAHULUGAN NG PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
Ang salita para sa “panghihikayat ng kaluluwa o “panghihikayat” ay galing sa salitang Griego na “evangelion.” May apat na uri ng payak na salita. Ang ibig sabihin ng isang salita ay “mabuting balita,” ang ibig sabihin ng dalawang salita “ ipahayag ang mabuting balita,” at ang isa ay tumutukoy sa “evangelista” o tao na gumagawa ng pagpapahayag.
Hindi lamang ang ibig sabihin ng panghihikayat ng kaluluwa ay serye ng pagtitipon o mga “church service”.Ang panghihikayat ng kaluluwa ay hindi katulad ng “revival”. Ang “revival ay pagkilos Ng Panginoon sa Iglesya. Ang tuon sa “revival” ay sa presensiya ng Panginoon sa panunumbalik ng buhay ng Kanyang mga anak. Ang panghihikayat ng kaluluwa ay pagkilos ng iglesya para sa Panginoon..Ang tuon sa panghihikayat ng kaluluwa ay sa karanasan ng bagong kapanganakan. Ang simula ng espirituwal na buhay. Ang muling pagbabago ay resulta ng “revival”, gayun man, inihahanda nito ang mga puwersa ng panghihikayat ng kaluluwa na resulta ang “bagong nilalang Kay Cristo” kaya nga ang dalawa ay mahigpit na magkaugnay sa termino ng espirituwal na buhay.
Ang Panghihikayat ng kaluluwa ay:
… “ pagpapahayag ng Ebanghelyo sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo sa paraan na ang lalake at babae
ay may balidong pagkakataon na tumanggap Kay Jesu Cristo bilang Tagapagligtas
at Panginoon at maging responsable na kaanib ng Kanyang Iglesya.”
Ating siyasatin ng detalye ang kahulugan nito. Ang “Ebanghelyo” ay mensahe na dapat na ibahagi. Ang pangunahin na mensahe Ng Ebanghelyo ay ibinuod sa I Corinto 15:1-5, subalit ang “Ebanghelyo ng Kaharian” ay aktuwal na kasama ang lahat ng itinuro Ni Jesus ( Mateo 28:18-20). Ang pagkahikayat batay sa Biblia ay galing sa katotohanan. Ang Ebanghelyo ay pagtatagpo sa pagitan ng katotohanan at hindi makatuwiran, Si Cristo at ang mga makasalanan, at ang Langit at Impiyerno.
Ang Ebanghelyo ng Kaharian Ng Dios ang dapat na ibahagi, hindi ang mga tradisyon ng mga tao o pinaniniwalaan ng denominasyon. Ang layunin ay hindi para tuligsain ang sistema ng politika o ibang mga relihiyon. Ang layunin ay hindi baguhin ang lipunan, subalit makita ang pagbabago ng mga tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ebanghelyo.
Ang layunin ay hindi rin ang “mabuting mga gawa” ng edukasyon, medical, o pagaalaga at programa ng pagpapakain. Ang mga ito ay makabubuti sa pagtupad ng Dakilang Utos kung ito lamang ay ginawa sa konteksto ng panghihikayat ng kaluluwa. Ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ay dapat na maging layunin kung hindi ang mga ito ay magiging programa lamang ng panlipunan.
Si Jesus ay nagministeryo sa pisikal na mga pangangailangan sa pagpapakain ng maraming tao, pagpapagaling, at pagpapalaya. Subalit ang mga gawain na ito ay ginawa sa konteksto ng panghihikayat ng kaluluwa. Kasama nito ang pagtuturo at pangangaral ng Ebanghelyo.
Ang ibig sabihin ng “maipahayag ang Ebanghelyo” ay maibahagi sa paraan na mag-aakay sa mga tao para tanggapin Si Jesu Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon. Kung iyong ibinahagi ang Ebanghelyo sa paraan na ito, ikaw ay nanghihikayat ng kaluluwa. Kung ikaw ay manghihikayat ng kaluluwa, dapat kang makipagugnayan sa mga espirituwal na nawawala sa kasalanan, kaya nga ang panghihikayat ng kaluluwa ay dapat mangyari kung nasaan ang mga makasalanan.
Ang ibig sabihin ng “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” ay ang mensahe ay dapat na maipahayag hindi lamang sa berbal na pamamaraan, subalit sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapangyarihan. Sinabi ni Pablo:
At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga
salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng espiritu at ng
kapangyarihan:
Upang ang iyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga
tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. (I Corinto 2:4-5)
Ang ibig sabihin din ng “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” ay ang pagpahid ng Espiritu Santo ay dapat nasa pagpapahayag ng Ebanghelyo, dahil kailangan ang gawa Ng Espiritu para makahikayat
Walang taong makalalapit sa akin, maliban na ang Amang nagsugo sa akin
ang sa kaniya’y magdala sa akin; at siya’y aking ibabangon sa huling araw.
(Juan 6:44)
Ang ibig sabihin ng “pagtanggap” ay ang mga nakikinig ay tumutugon sa mensahe. Ang impormasyon na walang paganyaya ay panuto. Ito ay pangangaral, ngunit hindi panghihikayat ng kaluluwa. Mayroon dapat na pagkakataon na tumugon sa tunay na panghihikayat ng kaluluwa . Ang pagbibigay ng iyong testimonyo tungkol sa iyong pagkahikayat ay paraan ng panghihikayat ng kaluluwa na tinatawag na “pagsaksi”, subalit hindi ito panghihikayat ng kaluluwa. Ang pagsaksi ay hindi panghihikayat. Ang pagsaksi ay mahalaga, ngunit hindi ito kasiguruhan ng kaligtasan. Ang tunay na panghihikayat ng kaluluwa ay pagpapakilala sa mga tao Kay Cristo sa paraan na makikita nila ang pangangailangan ng personal na pagpapasiya. Ang resulta ng panghihikayat ng kaluluwa sa karanasan ng pagiging “born again” na tinatawag na “pagkahikayat o “kaligtasan.”
Ang “pagtanggap Kay Jesu Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon” ay hindi lamang pagtugon para tanggapin ang kaligtasan ngunit isang proseso na nag-aakay tungo Kay Jesus na maging Panginoon ng buhay ng tao. Ito ay nagpapahiwatig na ang bagong nahikayat ay naging disipolo at naging responsable na kaanib ng Iglesya. Pansinin na ito ay Kanyang Iglesya,” ang ibig sabihin ay tunay na katawan Ni Cristo, hindi lamang tiyak na denominsyon o organisasyon.
Ang ibig sabihin ng isang “balidong pagkakataon” ay ang mensahe ay dapat na mapanatili na sapat sa paraan na ito ay nauunawaan ng pangkaraniwang karamihan ng mga tao. Ang ibig sabihin nito ay naipahayag na angkop sa lengguwahe, edukasyon, at antas ng kultura ng bawa’t isa. Ang ibig sabihin din nito ay hindi natin dapat na ipalagay na ang tao o nayon ay nahikayat dahil tayo ay nakapangaral minsan sa lugar. Ang pagsaksi ay dapat na mapanatili ng mahaba at sapat na maunawaan para magkaroon ng pagkakataon na tumugon.Ang bawa’t isa, isang pamilya, tribo, o bansa ay masasabing nahikayat kung nakatagpo nila ang Ebanghelyo, sapat para magkaroon ng pagakataon na tumugon dito na may pananampalataya. Ang “balidong pagkakataon” ay nagpapahiwatig din ng makapangyarihan na mensahe na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga tao na makita ang pagpapahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpapagaling at pagpapalaya.
ANG PANGANGAILANGAN NG EBANGELISMO
Bakit kailangan na mahikayat ang mundo? Para masagot ang tanong na ito kailangan na maunawaan mo ang dalawang bagay: Ang kahulugan at kahihinatnan ng nawawala.
ANG KAHULUGAN NG NAWALA:
Basahin ang tungkol sa paglikha sa tao sa Genesis mga kabanata 1 at 2. Pagkatapos basahin ang kabanata 3 tungkol sa kung paano ang kasalanan ay pumasok sa mundo. Nang sina Adan at Eva ay unang nilikha, sila ay may lubos, likas na walang kasalanan. Pagkatapos na sila ay nagkasala ang likas ay nasira. Nang sina Adan at Eva ay nagsimulang dumami at nagkaroon ng mga anak, ang mga bagong dagdag sa lahi ng sangkatauhan ay ipinanganak na may pangunahin na likas na kasalanan. Ang tao ay hindi na mabuti kung paano ito nilikha Ng Dios. Ang kanyang natural na pag-iisip at mga ginagawa ay masama.
Inilarawan ng Genesis 4:1-6:4 ang kasaysayan ng kasalanan sa pagsisimula nito para lumaganap sa buong mundo. Nakatala sa mga kabanatang ito ang unang pagpatay, ang unang panloloko, at kung paano ang kasamaan ng tao ay lumago hanggang ang bawa’t pag-iisip, gayun din naman ang gawa, ay masama. Sa wakas, ang buong mundo ay sumobra na ang kasalanan na Ang Dios ay aktuwal na nagsisi dahil ginawa Niya ang tao.
( Genesis 6:5-6).
Dahil sa mabilis na paglago ng kasalanan, nagpasiya Ang Dios na gunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha ngunit nagligtas ng isang matuwid na tao, si Noe, at ang kanyang pamilya. (Basahin nag kuwento ni Noe at ang baha sa Genesis 6: 8-9:17). Pagkatapos ng baha, ang pamilya ni Noe ay nagsimulang dumami. Halos mabilis ang pagkakaroon ng muling kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga tao ay tinawag ng mga “makasalanan”:
Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa
kaluwalhatian ng Diyos. (Roma 3:23)
Ang lahat ng tao na hindi nagsisi sa kasalanan at nakaranas ng bagong kapanganakan na inilarawan Ni Jesus sa Juan kabanata 3 at itinuring na “nawala” dahil naiwala nila ang likas na walang kasalanan na dating pagkalikha Ng Dios sa tao. Maaari nating masabi na sila ay “hindi ligtas”o “hindi mananampalataya” dahil hindi sila naligtas mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala Sa Panginoon Jesu Cristo bilang Tagapagligtas.
KAHIHINATNAN NG NAWALA:
Dahil sa dating kasalanan nina Adan at Eva, ang kamatayan ay pumasok sa mundo at dahil dito hindi naglaon ang bawa’t isa ay pisikal na namatay. Pagkatapos ng kamatayan darating ng paghuhukom:
At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at
pagkatapos nito ay ang paghuhukom. (Hebreo 9:27)
Pagkatapos ng kamatayan tatayo tayo sa harapan Ng Dios para sa paghuhukom. Ang mga tao na hindi nagsisi sa kanilang mga kasalanan ay haharap sa ikalawang kamatayan. Sila ay walanghanggan na mahihiwalay mula Sa Dios sa “espirituwal na mamamatay” Ang kanilang kahihinatnan ay Impiyerno:
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwat ang kaloob
na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na
Panginoon. (Roma 6:23)
At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit na nangakatayo sa
harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat,
na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na
nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay,
ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Apocalipsis 20:12,15)
Kung tunay mong mauunawaan ng kahihinatnan ng nawala, iyong mapagtatanto na kailangang kailangan ang panghihikayat ng kaluluwa.
Kung ang mga tao ay hindi maabot ng Ebanghelyo, sila ay mamamatay sa kasalanan at nakaukol sila sa Impiyerno.
ANG PROSESO NG PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
Ang panghihikayat ng kaluluwa ay proseso na kasama ang presensiya at pagpapahayag ng Ebanghelyo, paghimok, pagtatanim, pagkalubos, at pakikilahok. Siyasatin natin ang proseso na ito:
PRESENSIYA: “Presensiya” ang panghihikayat ng kaluluwa ay nagpapakita ng mga katangian Ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapakita ng ugali at pagmamalasakit ng Kristiyano. Ang mundo ay hindi maaabot para Kay Jesus ng walang tunay na presensiya ng Kristiyano. Ang mga mananampalataya ay kailangang makapagsimula ng kaugnayan, makiisa, at maglingkod sa mga hindi mananampalataya. Hindi ka makahihimok ng mga makasalanan kung wala kang pakikitungo sa kanila.
PAGPAPAHAYAG:
Maraming mananampalataya na nanatiling “”secret service” na mga Kristiyano, na sinasabi. Iniisip nila na ang kanilang presensiya sa mga hindi mananampalataya ay sapat para matupad ang Dakilang Utos na panghihikayat ng buong mundo. Subalit ang utos ni Jesus ay dapat natin ipahayag ang Ebanghelyo sa pamamagitan ng pangangaral, pagtuturo at pagsaksi. Dapat din natin na ipakita nag kapangyarihan ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpapagaling at pagpapalaya. Ito ang mga paraan na ang Ebanghelyo ay naipahahayag.
PAGHIMOK:
Hindi nagtatapos ang proseso ng panghihikayat ng kaluluwa sa pagpapahayag ng Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ay dapat na maipahayag sa paraan na ang mga tao ay mahihimok para maging mga mananampalataya Ni Jesu Cristo.
PAGTATANIM:
Ang bagong mga mananampalataya na nahimok na sumusnod Kay Jesus ay dapat na “maitanim” sa pagtitipon ng iglesya o isang iglesya ang dapat na “maitanim” sa isang grupo ng bagong mga mananampalataya.
PAGKALUBOS;
Bilang resulta ng pagtatanim, ang mga nahikayat ay espirituwal na nagiging ganap sa kontexto ng local na iglesya. (Ang espirituwal na kaganapan ay tinatawag na “kaganapan” sa Biblia).
PAKIKILAHOK:
Ang proseso ng panghihikayat ay husto kung ang bagong mga mananampalataya ay mismong naging aktibo sa gawain ng panghihikayat ng kaluluwa att magsimula na espirituwal na manganak.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng “panghihikyat ng kaluluwa tulad ng lebadura.”
________________________________________
3. Ano ang ibig sabihin ng “ang kahulugan ng nawala”?
________________________________________
4. Ano ang ibig sabihin ng “ang kahihinatnan ng nawala”?
________________________________________
5. Itala ang anim na mga hakbang sa proseso ng panghihikayat ng kaluluwa.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Sa pambungad na kabanatang ito iniharap sa
iyo ang kahulugan ng “panghihikayat ng kaluluwa”:
Panghihikayat ng kaluluwa: Ang panghihikayat ng kaluluwa ay pagpapahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo sa paraan na ang mga lalake at babae ay may balidong pagkakataon na tumanggap Kay Jesu Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon at maging reponsable na mga kaanib ng Kanyang Iglesya.
Narito ang ilan sa mga termino na dapat mong mapag-aralan:
“Pagdadala ng Ebanghelyo:
Ang mga terminong ito ay ginagamit sa prosesos ng panghihikayat ng kaluluwa.
“Nahikayat”:
Pang-isaan, isang pamilya, tribo, o bansa ay maaaring masabi na nahikayat kung sila ay nakarinig ng Ebanghelyo na sapat na magkaroon ng pagkakataon na tumugon dito sa pamamagitan ng pananampalataya. Kasama sa buong proseso ng panghihikayat ng kaluluwa ay isama ang nahikayat sa lokal na pagtitipon ng iglesya o ang pagtatatag ng iglesya sa isang grupo ng mga bagong mananampalataya.
“Ebanghelista”:
Ang isang ebanghelista ay may natatanging kaloob ng pangunguna mula Sa Dios kung saan ang kakayahan ng pagbabahagi ng Ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya sa paraan na ang lalake at babae ay tutugon at maging responsable na kaanib ng katawan Ni Cristo. Ang ibig sabihin ng salitang “ebanghelista” ay “ ang nagdadala ng mabuting balita.” Kahit ang mga mananampalataya ay walang natatanging kaloob ng pangunguna ng isang ebanghelista, ang lahat ay dapat gumawa ng gawa ng isang ebanghelista.
Pagsaksi:
Ang pagbabahagi ng isang mananampalataya ng kanyang personal na karanasan Kay Jesus Cristo sa hindi mananampalataya.
Personal na Panghihikayat ng kaluluwa:
Ang personal na panghihikayat ng kaluluwa ay ang pagbabahagi ng Ebanghelyo sa hindi ligtas na tao ng isang mananampalataya.
Pangmaramihan na panghihikayat ng kaluluwa:
Ang pangmaramihan na panghihikayat ng kaluluwa ay tinatawag din na “grupo” na panghihikayat ng kaluluwa. Ito ay pagbabahagi ng Ebanghelyo sa isang grupo ng mga tao. Kasama dito ang mga gawain na katulad ng pangmaramihan na krusada, “evangelistic rallies”, at konsiyerto na Ebanghelyo.
Panghihikayat ng kaluluwa ng layko:
Ang tinutukoy ng terminong ito ay ang gawain ng panghihikayat ng kaluluwa na ginagawa ng isang layko ( mga tao na hindi “full-time” na naglilingkod sa iglesya).
“Saturation” na panghihikayat ng kaluluwa.
Ang tinutukoy ng “Saturation” na panghihikayat ng kaluluwa ay “saturating” ang isang tiyak na heograpiyang lugar para ang bawa’t tao ay maabot ng Ebanghelyo.
Nahikayat:
Ang isang nahikayat ay isang tao na tumanggap Kay Jesu Cristo bilang Tagapagligtas. Siya ay nahikayat mula sa lumang buhay na makalasalan tungo sa buhay Kay Jesus.
Disipolo:
Ang isang disipolo ay isang nahikayat na matatag na sa pangunahin ng pananampalatayang Kristiyano at may kakayahan na magtindig ng bagong hikayat at gawin silang disipolo. Ang ibig sabihin ng salitang “disipolo” ay mag-aaral, isang estudyante, ang isang tao na natututo sa pagsunod.
Pagsubaybay:
Ang pagsubaybay ay ang proseso ng pagsasanay sa bagong nahikayat para madala sila sa kaganapan Kay Cristo, na ang dulot ay pagtatag ng espiritu, paglago, at pagpaparami. Ito ay tinatawag din na “discipleship” dahil kasama dito ang pagdala sa bagong nahikayat at gawin silang disipolo Ng Panginoon Jesus Cristo.
2. Sa panahon ng Lumang Tipan, sinabi Ng Dios kay Abraham na sa pamamagitan niya ang lahat ng bansa sa mundo ay mapagpapala. Subalti kasama sa pagpapalang ito ay dakilang responsabilidad. Kinailangan ni Abraham na iwan ang kanyang bansa, ang kanyang sariling mga tao, at ang sangbahayan ng kanyang ama na magtungo sa lupain na ipinakita Ng Dios sa kanya. ( Genesis 12:1)
Sa una, si Abraham ay nagtungo sa lugar na tinatawag na Haran at nanatili doon
( Genesis 11:31). Siya ay natukso na manatili sa Haran, ngunit para matanggap ang pagpapala kailangan niyang sumunod Sa Dios at lisanin ang lugar na ito. Si Abraham ay hindi magiging ama ng dakilang bansa at matupad ang kanyang sariling ambisyon sa iisang panahon. Ang pagtawid sa hangganan ng lunsod ng Haran at magtungo sa pagtupad ng plano Ng Dios ay malaking pagpapasiya kay Abraham.
Alm mo ba kaya ka naging mananampalataya ngayon dahil sa pagpapasiya ni Abraham? Dahil umalis si Abraham sa Haran, siya ay pinagpala Ng Dios. Sa pamamagitan ni Abraham ang lahat ng lalake at babae sa lahat ng mga bansa sa lahat ng lugar ay pinagpala ng Ebanghelyo. Dahil sa pagsunod na ito sila ay pinagpala dahil sa kaligtasan sa pamamagitan Ni Jesu Cristo mula sa pamilya ni Abraham.
Katulad ni Abraham, kung nakatanggap ka ng pagpapala nakatanggap ka rin ng malaking responsabilidad. Para sa mga napagpala ng kaligtasan at Ng Espiritu Santo, ang panghihikayat ng kaluluwa ay hindi pagpili. Ito ay isang obligasyon ( Mga Gawa 1:8).
“Spititually speaking”, ang bawa’t mananampalataya ay haharap sa bandang huli ng kanilang “Haran” sa buhay. Ang espirituwal na “Haran” na ito ay lugar kung saan ka pinapupunta Ng Dios, “ nakalaan ka ba na tanggihan ang iyong sariling ambisyon para sa pakinabang ng Ebanghelyo? Nakalaan ka bang iwan ang iyong sariling bayan, ang iyong mga kababayan, ang iyong sambahayan kung hilingin ko ito? Hindi mo matutupad ang iyong sariling ambisyon at pagpapalain ang mga bansa sa iisang panahon. Dapat mong tawirin ang guhit at iwan ang Haran.
3. Sinasabi ng Biblia na “ang kakaunting lebadura ay kayang mapaalsa ang buong tipak” ( Galacia 5:9). Iyong natutunan sa aralin an ito na ang Kaharian Ng Dios ay mapaparami katulad ng lebadura. Ang kasamaan ay dumarami rin katulad nito. Pag-aralan ang sumusunod na mga talata: Mateo 16:6-12; Marcos 8:15; I Corinto 5:6-8. Sa Bagong Tipan, ang lebadura ay tumutukoy sa kumakalat na katangian ng Ebanghelyo o pagtalikod (kalagayan na panghihina) ng Iglesya. Sa Lumang Tipan, ang lebadura ay para bagang magkatulad na kahulugan. Ito ay hindi pinahihintulutan sa ibang paghahandog, kung paano ito kumakatawan sa kasamaan. Sa ibang mga paghahandog, katulad ng paghahandog ng pagpapasalamat, ito ay pinahihintulutan.
4. Kung ikaw ay pastor o lider ng iglesya, gamitin ang sumusunod na mga tanong para itaya ang kasalukuyan na kalagayan ng panghihikayt ng kaluluwa sa iyong “fellowship”. Isulat ang iyong mga sagot sa ibang pahina ng papel:
(1) Sino ang may responsabilidad sa panghihikayat ng kaluluwa sa inyong iglesya?
(2) Ilan ang mga tao na nahikayat at naging bahagi ng inyong pagtitipion sa iglesya sa nakaraang limang tao?
(3) Ano ang kasalukuyan na ginagawa ng inyong iglesya sa pagabot sa hindi pa naligtas? Tiyakin mo ang iyong sagot.
(4) Ano ang mga programa sa inyong iglesya sa kasalukuyan ang hindi na epektibo sa pagdadala ng mga bagong hikayat?
(5) Paano tumutulong ang inyong iglesya para madiskubre ng mga kaanib ang kanilang espirituwal na mga kaloob at gamitin ang mga ito sa gawain ng panghihikayat ng kaluluwa?
(6) Ano ang maaaring gawin ng inyong iglesya para maabot ang inyong komunidad ng Ebanghelyo?
(7) Ano ang plano ng inyong iglesya para maabot ang inyong bansa ng Ebanghelyo?
(8) Ano ang plano ng inyong iglesya para maabot ang ibang bansa ng Ebanghelyo?
(9) Sa loob ng limang taong nagdaan, gaano kadalas magbigay ang inyong iglesya ng tiyak na pagsasanay para sa personal na panghihikayat ng kaluluwa para sa mga kaanib?
(10) Gaano kadalas sa inyong mga gawain ang pagbibigay tuon sa panghihikayat ng kaluluwa, halimbawa, mga mensahe na ang layunin ay pag-abot sa hindi pa ligtas, pagbibigay ng pagkakataon na tumugon sa Ebanghelyo, at iba pa.
(11) Kailan ang huling pagkakataon na ang inyong iglesya ay nakilahaok sa pangmaramihang panghihikayat ng kaluluwa, katulad ng krusada, “rally”, o konsiyerto, at iba pa?
Tayain ang iyong mga sagot at alalahanin ang mga sumusunod:
(1) Kung walang tiyak na responsable para sa pagpaplano ng panghihikayat ng kaluluwa sa inyong iglesya, posible ba na magtakda ng isang tao para dito?
(2) Kung ang bilang ng mga taong nahikayat at naging bahagi ng inyong pagtitipon sa iglesya sa huling limang taon ay mababa, paano ito mababago sa pamamagitan ng pagbibigay tuon sa panghihikayat ng kaluluwa?
(3) Ano ang madaling magagawa ng inyong iglesya para maabot ang mga hindi pa ligtas?
(4) Ano ang kasalukuyang mga programa na hindi mabisa na maaaring alisin para magbigay ng pagkakataon para sa mga bagong paraan ng panghihikayat ng kaluluwa?
(5) Paano ang inyong iglesya ay makatutulong para ma diskubre ng mga kaanib ang kanilang espirituwal na mga kaloob at magamit ang mga ito sa gawain ng panghihikayat ng kaluluwa? ( Ang kurso ng Harvestime International Institute na “Mga Paraan ng Pagpapakilos sa Mga Tao” ay maaaring makatulong sa iyo sa gawain na ito.)
(6) Ano ang maaaring simulan ng inyong iglesya para maabot ang inyong komunidad ng Ebanghelyo?
(7) Ano ang maaaring gawin ng inyong iglesya para maabot ang inyong bansa ng Ebanghelyo?
(8) Ano ang maaaring gawin ng inyong iglesya para maabot ang ibang bansa ng Ebanghelyo?
(9) Gaano kaaga makapagbibigay ng pagsasanay ang inyong iglesya sa panghihikayat ng kaluluwa sa mga kaanib ng iglesya? (Magagamit mo ang kursong ito para sanayin ang inyong mga kaanib. Alamin ang tiyak na oras at kung sino ang magtuturo sa mga sesyon.)
(10) Paano mo mabibigyan ng pagkakataon sa inyong regular na pagtitipon ang mga hindi pa ligtas upang tumugon sa Ebanghelyo?
(11) Ano ang magagawa ng inyong iglesya tungkol sa pangmaramihan na panghihikayat ng kaluluwa? Maaari ka bang magplano ng “rally” o konsiyerto o makasama sa ibang iglesya para magkaroon ng “evangelistic crusade?
IKALAWANG KABANATA
ANG UTOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Kilalanin ang limang mga prinsipyo kung saan nakabatay ang utos.
· Kilalanin ang tatlong mga bagay na kinakailangan para matupad ang utos sa panghihikayat ng kaluluwa.
SUSING TALATA:
Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang
mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng
kaniyang lakad; ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, ngunit ang
kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay. (Ezekiel 33:8)
PAMBUNGAD
Ang mga tao ay nakikilahok sa panghihikayat ng kaluluwa sa iba’t ibang mga dahilan. Ang bagong mga nahikayat ay kadalasang masigasig sa panghihikayat ng kaluluwa dahil sa tuwa sa kanilang bagong pagkahikayat. Ang ibang mga tao ay napilitan sa panghihikayat ng kaluluwa dahil sa konsiyensiya. Ang iba ay nakilahok dahil sa paaralan o programa ng pagsasanay kung saan sila ay hinihiling na makilahok.
Ang batayan ng panghihikayat ng kaluluwa sa Biblia ay dahil utos ito Ng Panginoong Jesu Cristo. Ang isang “utos” ay isang pagtatalaga o bilin mula sa isang tao tungo sa iba. Ang paksa ng aralin na ito ay ang utos sa panghihikayat ng kaluluwa
ANG UTOS NG PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
Ang utos ng paghihikayat ng kaluluwa na ibinigay Ng Panginoon Jesus Cristo sa Kanyang tagasunod ay batay sa mga prinsipyo na itinuro ng Salita Ng Dios. Ang mga ito ay prinsipyo ng mga utos, kalagayan, pagmamalasakit, kompetensiya, at katuparan.
UTOS:
Ang unang batayan ng kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa ay ang prinsipyo ng utos. Ang panghihikayat ng kaluluwa ay utos Ni Jesus sa ilang mga talata na nakilalang “Dakilang Utos.”Ang mga sumusunod na reperensiya ay tungkol sa utos ng panghihikayat ng kaluluwa. Ang lahat ng mga talata ay nagpapaliwanag ng Gawain, ngunit ang bawa’t isa ay magkakaiba. Hindi ito sumasalungat, ngunit tumutulong sa iba sa pagpapahayag ng iba’t ibang aspeto ng kautusan.
Nakasulat sa Mateo at Juan ang kapangyarihan para sa gawain ng panghihikayat ng kaluluwa. Ang Mateo , Marcos at Lucas ay nagpapaliwanag ng lawak ng misyon. Ang Mateo, Lucas, Juan at Mga Gawa ay ipinahayag Ang Espiritu Santo bilang kapangyarihan para matupad ang gawain. Binanggit ni Marcos ang mensahe at idinagdag ni Lucas ang mga detalye. Ang mga reperensiyang ito ay nagpapahayag na kasama sa kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa ang pagsasanay ng disipulo, pangangaral ng Ebanghelyo sa bawa’t nilalang, pangangaral tungkol sa pagsisisi at ang pag-alis ng mga kasalanan ng buong mundo, pagpapatawad at nananatiling mga kasalanan, at pagsaksi tungkol Kay Jesus:
Dahil dito magsiyaon nga kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng
mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan
ng sanglibutan. (Mateo 28:19-20)
At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa boong sanglibutan, at
inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang
hindi sumasampalataya ay parurusahan.
At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas
sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika.
Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na
makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga
may-sakit, at sila’y magsisigaling. (Marcos 16:15-18)
At sinabi niya sa kanila, ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang
maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga
kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.
Kayo’y mga saksi ng mga bagay na ito. (Lucas 24:46-48)
Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, kapayapaan ang sumainyo: kung
paanong pagkasugo sa aking ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
At nang masabi niya ito, sila’y hiningahan niya, at sa kanila’y sinabi,
Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila;
sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad. (Juan
20:21-23)
Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea
at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)
Ang kahalagahan ng utos na ito ay pinatotohanan ng mga sumusunod na mga talata:
Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang
mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng
kaniyang lakad; ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, ngunit ang
kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay. (Ezekiel 33:8)
Sapagkat ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya
siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at
sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel. (Lucas 9:26)
KALAGAYAN:
Ang kautusan para sa panghihikayat ng kaluluwa ay ibinigay din dahil sa kalagayan ng bukid na anihin ng mundo. Nakikita natin ang mga daan ng tao na nawala sa kasalanan, walang pag-asa, tungo sa walang-hanggan, na walang Dios. Ang mahigpit na kalagayan ng anihin ay dapat magudyok sa atin na kumilos. Sinabi Ni Jesus na ang anihin ay hinog na ngunit ang mga manggagawa ay kakaunti:
At sinabi niya sa kanila, sa katotohana’y marami ang aanihin, datapuwat
kakaunti ang mga manggagawa: kaya’t idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na
magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin. (Lucas 10:2)
Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang
pagaani? Narito, sa inyo’y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at
inyong tignan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. (Juan 4:35)
PAGMAMALASAKIT:
Ang kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa ay nakatuon din sa prinsipyo ng pagmamalasakit. Ang panghihikayat ng kaluluwa ay dapat gawin ng may pusong nahahabag para sa mga naliligaw na kaluluwa. Si Pablo ay puno ng banal na pagkahabag para sa mga naliligaw. Siya ay nakalaan na isumpa Ng Dios para lamang ang mga Hudyo na kanyang mga kapatid ay maligtas. Siya ay nagtungo sa kanila kahit siya ay binabalaan na patayin at nang siya ay nagdusa sa kanilang mga kamay.
Ang pagkahabag Ni Jesus ang dahilan kung bakit Siya ay nakahanda na humarap sa krus ng Kalbaryo. Si Jesus ay tumangis sa pagkabulag ng mga liderato ng relihiyon sa Jerusalem. Kung mayroon na mas maraming luha ng pagkahabag sa ating mga mata, marahil ay kakaunti ang pagtangis sa Impiyerno ng mga naligaw. Ang argumento ay hindi makapagliligtas ng mga kaluluwa. Ang isa ay maaaring may katotohanan, kung ito ay hindi sinasabi ng may pag-ibig at pagkahabag ito ay makamamatay sa halip na makabuhay. Ang pagkahabag ay nagdadala ng walang kapaguran na panghihikayat ng kaluluwa, dahil ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, lahat ay binabata, at hindi nagkukulang ( I Corinto 13: 4,7,8). Ang ganitong mapagmahal na kahabagan ay ibinigay Ng Espiritu Ng Dios. Ito ay bunga ng Espiritu Santo na lumalago mula sa presensiya Niya na nasa iyong puso.
KOMPETENSIYA:
Ang kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa ay nakatuon din sa prinsipyo ng kompetensiya. Kung hindi natin aabutin ang ating mga kalapit bansa na nangangailangan ng pagbabago, ang ibang ka kompetensiya sa politika at relihiyon na puwersa ay makaaabot sa kanila.
Narito, ang mga araw ay dumarating sabi ng Panginoong Dios, na ako’y
magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay o kauhawan man
dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.
At sila’y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilaga hanggang sa
silangan; sila’y magsisitakbo ng paroo’t parito upang hanapin ang salita ng
Panginoon, at hindi masusumpungan. (Amos 8:11-12)
Kahit ang espirituwal na pagkagutom ay nagdadala para magsaliksik sa katotohanan, ito ay maaaring magdulot ng pagtanggap sa masamang sistema ng politika, kulto, kapangyarihan ng nakapagpapahirap na relihiyon kung ang puwang ay hindi mapupunan.
Ang prinsipyo ng kompetensiya ay itinuro Ni Jesus sa talinghaga kung saan ang kalaban ay nagtatanim ng dawag ( damo) sa bukirin ng anihin. Kung hindi tayo magtatanim at bungkalin ang mabuting butil sa Salita Ng Dios, ang kalaban ay magtatanim ng dawag ng kasamaan. Ang kompetisyon ng ganitong masamang espirituwal na tinik at mga damo na sumasakal sa Salita Ng Dios ay nakasasagabal sa paglaganap ng Ebanghelyo.
KATUPARAN:
Ang kautusan ng paghihikayat ng kaluluwa ay nakatuon din sa prinsipyo ng katuparan (ang wakas) ng lahat ng bagay. Sinabi Ni Jesus ang paghihikayat ng kaluluwa sa pangmalawakan ay paghahanda sa kalagayan ng Kanyang pagbabalik sa lupa at ang wakas ng panahon na alam natin:
At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa boong sanglibutan sa
pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
(Mateo 24:14)
PAANO MATUTUPAD ANG KAUTUSAN
Ang Iglesya ang kinatawan ng Kaharian Ng Dios sa mundo at inutusan na dalhin ang mensahe ng Ebanghelyo sa lahat ng mga tao sa lupa. Kung ating titingnan ang mga dapat unahin, programa at mga gawain ng isang pangkaraniwang iglesya ngayon , para bagang , maiisip natin na nakalimutan o nalito tayo tungkol sa ating misyon bilang mga mananampalataya.
Tayo ay abala , ngunit abala na ano ang ginagawa? Gaano kadami ang mga programa , pagtitipon, at mga gawain na aktuwal na nagbubunga ng bagong mga nahikayat? Marami tayong marangyang ebanghelista na mayroong kaakit-akit an mga sermon at nakatutuwang kuwento. Sa panahon ng Biblia, isang pampublikong sermon ang nagbunga ng tatlong libong nahikayat. Ngayon para bagang tatlong libong sermon na kakaunti ang resulta na nahikayat.
Tatlong bagay ang kinakailangan para matupad ang kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa:
ITO AY DAPAT NA UNANG PRAYORIDAD:
Ang panghihikayat ng kaluluwa ay dapat na unang prayoridad. Dapat natin unahin na gawin ang panghihikayat ng kaluluwa sa bawa’t tao sa mundo. Ang ating pangangaral, pag-aaral, pag paplano, paggawa ng programa, pagtuturo, pagsasanay- lahat ng bagay ay dapat naka sentro sa layunin na ito.
Ang Iglesia ay dapat na maging estasyon ng pagpapadala sa halip na lugar para sa pagpapahinga at paglalaro. Ang lahat ng gawain sa iglesya ay dapat nakatutulong sa pagpapakilos sa mga taong umaabot ng kaluluwa. Ang mga lider ng Iglesya ay dapat mapakilos ang Katawan Ni Cristo, nagbibigay ng inspirasyon at pagsasanay sa mga mnanampalataya para gawin ang panghihikayat ng kaluluwa.
ITO AY DAPAT NA KINASIHAN NG
KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO:
Ang panghihikayat ng kaluluwa ay hindi mahina o niyutral na gawain sa Bagong Tipan. Ito ay may kapangyarihan na pagtatagpo Sa Espiritu Santo at sa mga puwersa ng kasamaan. Ang Espiritu Santo at ang Kanyang bunga, mga kaloob, at kapangyarihan, ay dapat na maging totoo sa ating mga buhay. Ang Salita ay dapat na maipamuhay at maituro na may pagpapakita ng kapangyarihan. Ang Ebanghelyo ay dapat na maipahayag, hindi ihinihingi ng paumanhin, pinalalabnaw, binabago, o pagbabalat kayo. Ang pinaggagalingan ng bawa’t espirituwal na kaloob ng bawa’t kaanib ng Katawan ay dapat na mapakilos para matapos ang gawain ng panghihikayat ng kaluluwa. Dapat natin ipagpalit ang ating likas na karnal para makatulad Ni Cristo ang ating ugali na magbibigay sa atin na maging saksi sa katotohanan ng Ebanghelyo.
ITO AY DAPAT SUMUNOD SA HALIMBAWA NG BAGONG TIPAN:
Para matupad natin ang kautusan na ito, dapat tayong magsimula na gumawang muli ng halimbawa ng Bagong Tipan sa panghihikayat ng kaluluwa: Ang bawa’t isa, sa lahat ng dako, araw-araw ay sumasaksi at umaabot ng mga kaluluwa. Sa panahon ng Bagong Tipan, ang panghihikayat ng kaluluwa ay dapat na maging bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay. Ang bawa’t denominasyon, bawa’t lokal na iglesya, bawa’t Kristiyanong lider, bawa’t tahanan, at bawa’t isa ay dapat na kumikilos sa gawain.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Isulat ang limang prinsipyo kung saan ang kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa ay naka batay.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
3. Kilalanin ang tatlong bagay na kinakailangan para matupad ang kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Ang tawag ng panghihikayat ng kaluluwa ay hindi pagpili o mungkahi. Ito ay utos. Pag-aralan ang sumusunod na tsart kung saan pinaghambing ang iba’t ibang talaan sa Biblia ng Dakilang Utos. Tingnan ang bawa’t reperensiya sa iyong Biblia. Pansinin ang kapangyarihan na mayroon ka para matupad ang utos. Obserbahan ang lawak ng iyong ministeryo, ang mensahe nito, at ang gawain kung saan ka makatutulong sa proseso ng pagpaparami.
Reperensiya Ang
Ang Ang
Ang
Kapangyarihan Lawak
Mensahe Gawain
________________________________________
Mateo “Ang lahat ng Lahat ng Ang lahat na Mga disipolo na
28:19-20 kapangyarihan” mga Bansa iniutos Ni Jesus humayo, pagba bautismo, pag-
tuturo.
Marcos Sa pangalan Ni Sa lahat ng Ang Ebanghelyo Humayo at
16:15 Jesus mundo,sa magpagaling ng mangaral,
bawa’t nilalang. may sakit
Lucas Sa pangalan Ni Sa lahat ng mga Pagsisisi at Pangangaral,
24:46-49 Jesus bansa simula sa pagpapatawad ng pagpapahayag,
Jerusalem mga kasalanan pagsaksi
Juan Ipinadala Ni ( Ang lawak ng ministeryo, ang mensahe, at ang mga
20:21 Jesus kung gawain ay dapat na katulad ng “Kay Jesus”)
paano Siya
ipinadala Ng
Ama.
Mga Gawa Kapangyarihan Jerusalem, Judea, Cristo Saksi
1:8 ng Espiritu Santo Samaria, at sa
dulo ng daigdig
________________________________________
2. Naibigay nang maliwanag ang kautusan sa panghihikayat ng kaluluwa sa Salita Ng Dios, bakit maraming Kristiyano ang atubili na tuparin nag dakilang utos? Narito ang karaniwang sagabal sa panghihikayat ng kaluluwa.
KULANG SA KAKAYAHAN:
Maraming tao ang hindi nanghihikayat ng kaluluwa dahil nararamdaman nila na kulang sila sa kakayahan na gumawa nito. Maaaring kulang sila sa pormal na edukasyon o pagkaunawa tungkol sa Biblia at mga paraan ng panghihikayat ng kaluluwa. Ang ibang mga tao ay hindi tunay na kulang sa kakayahan, ngunit may mahinang tingin sa kanilang sarili o maling pagpapakumbaba.
Palaging tandaan na Ang Dios ay tumatawag sa ordinaryong mga tao para gumawa ng dakilang mga bagay. Basahin ang kuwento ni Gideon sa Mga Hukom 6 hanggang 8. Nang Si Gideon ay tinawag para tuparin ang dakilang misyon Ng Dios, siya ay nagtatago dahil siya ay natatakot sa kalaban. Ang kanyang tugon ay “ Paano ko magagawa ito? Ang aking lipi ay pinakamahina at kakaunti sa mga pamilya.”
Si Moises ay may katulad na tugon nang siya ay tinawag na manguna sa bansang Israel. Sinabi niya” Sino ako? Hindi ako marikit mangusap , kahit ng panahong nakaraan, kahit mula ng magsalita Ka sa iyong lingkod; sapagka’t ako’y kimi sa pangungusap at umid sa dila” (Exodo 3-4). Si propeta Jeremias ay sinasabi na siya ay isang bata at walang kakayahan na magamit Ng Dios (Jeremias 1:4-9).
Ang mga tao na sa kanilang pakiramdam ay kulang sa kakayahan sa panghihikayat ng kaluluwa ay dapat humiling Sa Dios ng karunungan na Kanyang ipinangako ( Santiago 1:5). Dapat nilang maunawaan na ginagamit Ng Dios ang walang likas na kakayahan para Siya ang makatanggap ng kaluwalhatian ( I Corinto 1:27-29).
WALANG HALAGANG PAGSUSUMIKAP:
Maraming tao ang walang ginagawa dahil ang pakiramdam nila ay ang kanilang lakas ay hindi mahalaga dahil ang anihin ay napakalaki. Ano ang magagawa ng isang tao sa milyon na naligaw sa kasamaan ng kadiliman? Iyong matatandaan na ang kawal ni Gideon ay pinaliit ang bilang para Ang Dios ang makakuha ng kaluwalhatian sa halip na ang tao. (Hukom 7). Ang Dios ay nalulugod sa paggamit sa mga hindi mahalagang kakayahan at gamitin ang mga ito sa Kanyang mga layunin. Iyong matututunan sa dako roon ng pag-aaral na ito kung paano ang nag-iisang tao, pag-abot, at pagsasanay sa isang tao bawa’t taon, ay literal na makapagtatayo ng libo-libong mga mananampalataya sa isang maikling panahon. Ang isang liwanag ay hindi lumalagos sa kadiliman, ngunit ang maraming maliliit na apoy, na ilawan ng paisa-isa, sa pagtagal ay magdudulot ng malaking liwanag.
TAKOT:
Ang tao ay natatakot na sila ay tanggihan ng kanilang sinasaksihan. Kung hindi sila bihasa sa mga paraan ng panghihikayat ng kaluluwa, katatakutan nila ang hindi alam. Sila ay natatakot na mapahiya sa sitwasyon na hindi nila kayang dalhin o tanong na hindi nila masagot. Ang takot sa panghihikayat ng kaluluwa ay kadalasan nag-uugat sa mga tanong na katulad nito:
-Ano ang aking sasabihin? Iyong matututunan ang mensahe na dapat sabihin sa Ikatlong Kabanta ng kursong ito.
- Paano ko sasabihin ito? Iyong matututunan kung paano ibahagi ang mensahe sa Ika-limang kabanata ng kursong ito.
- Paano ko haharapin ang mga kahirapan? Ang Ika-sampung kabanata ng kursong ito ay ipinaliwanag kung paano haharapin ang mga kahirapan na maaaring lumabas sa iyong panghihikayat ng kaluluwa.
-Paano kung hindi ko masagot ang tanong? Kung hindi mo masagot ang tanong, aminin mo. Sabihin sa tao na iyong pag-aaralan ang marami pang tungkol dito at bumalik ka sa kanya at sabihin ang sagot.
-Paano kung nakasakit ako ng damdamin? Ang kadalasan na nakasasakit ng damdamin ng tao ay ang hindi tapat na paguusap tungkol Sa Dios, ngunit ang pagkukunwari na alam lahat ang mga sagot, galit, o pakikipagaway. Kung ikaw ay mapagmahal at tapat sa iyong pakikitungo sa mga tao at nakasakit ka pa ng damdamin, iyong tandaan: Ikaw ang asin ng lupa. Sa natural na mundo , kung ang asin ay ipinahid sa sugat ito ay nagiging sanhi ng hindi magandang reaksiyon sa una, ngunit ang resulta ay kagalingan. Ganito rin ang katotohanan sa espirituwal na mundo.
-Paano kung ako ay nabigo? Mas mabuti na sumubok at nabigo kaysa hindi sumubok kailanman. Ang tagumpay at pagkabigo ay hindi pangunahin na alalahanin ng panghihikayat ng kaluluwa. Ikaw ay tinawag na maging tapat. Tatlong uri ng pagkabigo ang natala sa talinghaga ng maghahasik (Marcos 4:1-20) Hindi magtatagal sa kabanatang ito, sinasabi ni Marcos na ang mismong lupa, na inihanda Ng Espiritu Santo, na nagbubunga ng butil hindi ang maghahasik. Hindi ito dapat gamitin na dahilan para umiwas sa tawag para sa pagtatalaga, gayunman. Tayo ay tinawag na mangisda para sa mga kaluluwa ng tao at hulihin sila, hindi lamang sila maimpluwensiyahan!
PAGKAKAHIWALAY:
Kadalasan ang panghihikayat ng kaluluwa ay naaantalaa dahil wala tayong pakikipag-ugnayan sa mga hindi mananamalataya. Kung ang lahat ng iyong mga kaibigan at kakilala ay mga Kristiyano, hindi mo madadala ang naliligaw. Hindi ka makakaabot ng mga hindi mananampalataya kung hindi ka nakikitungo sa kanila.
HINDI SAPAT:
Hindi sapat na panahon at motibasyon ay naka aantala sa mga tao sa pagtupad ng kautusan ng panghihikayat ng kaluluwa. Laging tandaan, gayunman… Humanap ka ng panahon kung ano ang nais mong gawin, at ano ang iyong nadarama na dapat unahin. Kung wala kang panahon na magbahagi ng Ebanghelyo, siguro hindi mo nais na gawin ito o hindi mo nadarama na ito ay dapat unahin. Kailangan mong magtaya ng iyong mga prayoridad.
Ang kawalan ng motibasyon ay kadalasang mga resulta ng kawalan ng karanasan. Napansin mo ba kung paano ang bagong mga Kristiyano ay palaging masigasig sa pagbabahagi ng kanilang pananampalataya? Dahil ang kanilang karanasan ay sariwa at nakatutuwa. Kung hindi ka mag-iingat, mawawala ito sa iyo paglaon kung hindi mo pananatiliin ang sariwa at mahalagang kaugnayan Sa Panginoon.
ESPIRITUWAL NA KAGANAPAN:
Sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na sila ay dapat may kakayahan na makapagturo sa Ebanghelyo sa iba, ngunit dahil sa espirituwal na kahinaan hindi nila kayang gawin ito (Hebreo 5:12). Ang espirituwal na kahinaan ay nakikita kung ang mga mananampalataya ay may alitan sa kanilang mga sarili (I Corinto 3:1-3). Kung ikaw ay abala sa pakikipaglaban sa iyong kapatid Kay Cristo, walang kang panahon sa panghihikayat ng kaluluwa.
3. Ngayon an iyong napag-aralan ang karaniwan na mga dahilan na nakaaantala sa panghihikayat ng kaluluwa, basahin ang sumusunod na mga salaysay at lagyan ng tsek ang naglalarawan sa iyong nadarama:
KULANG SA
KAKAYAHAN:
_____ Hindi Ko alam ang aking sasabihin sa iba.
_____ Hindi Ko nauunawaan ng mabuti ang Biblia.
_____ Hindi ako mahusay na makipag-usap sa iba.
WALANG HALAGANG PAGSUSUMIKAP:
_____ Nadarama ko na hindi ako makagagawa ng pagbabago dahil ako ay nag-iisa.
_____ Ang gawain ng panghihikayat ng kaluluwa ay napakalaki at ako ay nalulula.
TAKOT:
_____ Natatakot ako na makasakit ng damdamin ng iba.
_____ Natatakot ako baka ako mabigo.
_____ Natatakot ako hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong.
_____ Natatakot ako na mapahiya.
_____ Hindi ko alam ang aking sasabihin.
PAGKAKAHIWALAY:
_____ Wala akong pakikipagunayan sa mga hindi mananampalataya.
HINDI SAPAT:
_____ Wala akong panahon na gagamitin sa panghihikayat ng kaluluwa.
_____ Wala akong motibasyon sa panghihikayat ng kaluluwa.
ESPIRITUWAL NA KAGANAPAN:
_____ Hindi ko nadarama na ako ay espirituwal na ganap para magbahagi ng Ebanghelyo sa iba.
_____ Kadalasan, ako ay may problema sa ibang mga kapatid sa Panginoon.
4. Repasuhin ang mga bagay na iyong nilagyan ng tsek sa itaas. Sa tabi ng bawa’t bagay na iyong nilagyan ng marka ilagay kung maiaayos mo ang mga balakid sa pamamagitan ng pagsasanay, pag-aaral, paggawa, o sa pagbabago ng iyong prayoridad.
5. Anong mga bagay sa listahan ang nakaaantala sa iyo? Paano mo mapagtatagumpayan ang mga ito?
IKATLONG KABANATA
ANG MENSAHE
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “Ebanghelyo ng Kaharian”.
· Ibuod ang pangunahin na mga elemento ng Ebanghelyo.
· Isulat ang apat na mga paraan na ang Ebanghelyo ay pandaigdigan.
· Ipaliwanag kung bakit ang Ebanghelyo ay makapangyarihan.
SUSING TALATA:
Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap:
na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
At siya’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon
sa mga kasulatan. (I Corinto 15:3-4)
PAMBUNGAD
Ang Dios ay may natatanging plano sa pagabot sa mundo ng Ebanghelyo. Ipinahayag Ni Jesus ang planong ito nang sinabi Niya sa Kanyang mga disipolo …
Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea
at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)
Ipinahayag ng talatang ito ang ilan sa mga bagay na tungkol sa plano Ng Dios sa panghihikayat ng kaluluwa:
- Si Jesu Cristo ang nilalaman ng mensahe.
-Ang mga disipolo ang mensahero ng Ebanghelyo na binigyan ng makapangyarihang kakayahan Ng Espiritu Santo.
-Ang buong mundo ang tatanggap ng mensahe.
Sa aralin na ito iyong matututunan ang tungkol sa nilalaman ng mensahe ng Ebanghelyo. Sa Ika-apat na kabanata iyong matututunan ang tungkol sa mga mensahero ng Ebanghelyo na mga mananamaplataya na binigyang kapangyarihan Ng Espiritu Santo. Sa Ika-limang kabanata ipinalililwanag kung paano ang mga mensahero ay magpapahayag ng mensahe at ang Ika-anim na kabanata ay tungkol sa mga tao na tatanggap ng mensahe.
ANG EBANGHELYO NG KAHARIAN
Sinabi Ni Jesus:
At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa boong sanglibutan sa
pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
(Mateo 24:14)
Ang mensahe ng panghihikayat ng kaluluwa ay ang Ebanghelyo ng Kaharian. Ang ibig sabihin ng aktuwal na salitang “Ebanghelyo” ay “mabuting balita.” Kung ating pinag-uusapan ang salitang Ebanghelyo base sa Biblia, ito ay tumutukoy sa mabuting balita ng Kaharian Ng Dios at kaligtasan sa pamamagitan Ni Jesu Cristo.
Sa Roma 1:1 ang Ebanghelyo ay tinawag na “Ebanghelyo Ng Dios.” Sa Roma 2:16 ito ay tinawag na “Ebanghelyo ni Pablo.” Sa Roma 1:16 ito ay Ebanghelyo Ni Cristo.” Walang pagsasalungatan ang mga talata dahil ang Dios ang may akda ng Ebanghelyo, Si Cristo ang tema, at ang tao ang tatanggap.
ANG PANGUNAHING ELEMENTO NG EBANGHELYO
Sa I Corinto 15:1-4, ang pangunahing mga elemento ng Ebanghelyo ay ibinigay ni Pablo:
Ngayo’y ipinatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa
inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong
pinananatilihan,
Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan
ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya
nang walang kabuluhan.
Sapagka’t ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin namang tinanggap:
na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
At siya’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon
sa mga kasulatan. (I Corinto 15:1-4)
Ang pangunahing mensahe ng Ebanghelyo ay Si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Biblia, Siya ay inilibing, at muling nabuhay ayon sa Biblia. Sa payak na katuturan, ang Ebanghelyo ay maaaring ibuod sa mensahe ng Juan 3:16:
Sapagkat gayon na lang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay
niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya
ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)
Sa malawak na kahulugan, kasama dito ang lahat na itinuro Ni Jesus sa Kanyang mga disipolo.
Dahil dito magsiyaon kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga
bansa...na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos ko sa inyo. (Mateo 28:18 at 20)
Ang tao ay dapat na masabihan ng tungkol sa Kaharian, mahamon na pumasok, at masanay kung paano mamuhay bilang residente ng Kaharian.
Ang Ebanghelyo na ating ipinangangaral ay hindi ebanghelyong sosyal para mabago ang lipunan, subalit Ebanghelyo Ng Dios para maligtas ang mga makasalanan. Kasama dapat sa mensahe ng Kaharian ang tawag sa pagsisisi mula sa mga kasalanan:
Pagkatapos nang
madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng
Dios.
At sinasabi, Naganap
na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at
magsisampalataya sa evangelio. (Marcos 1:14-15)
Mula noon ay
nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit
na ang kaharian ng langit. (Mateo 4:17)
(Kung hindi mo nauunawaan ang pangunahing prinsipyo ng Kaharian Ng Dios, pag-aralan mo ang kurso ng Harvestime International Institute na “Pamumuhay na Pinaghaharian Ng Dios”.)
ANG MENSAHE AY PARA SA LAHAT
Ang pinakamahalagang salita sa Ebanghelyo ay “ang sinoman.” Ito ay ginamit Ni Jesus
(Juan 3:16), Pablo (Roma 10:13), at Juan ( Apocalipsis 22:17). Ang Ebanghelyo ay para sa lahat ng tao,sa lahat ng lahi, kultura, tribo, at mga bansa. Ito ay isang panlahatan na mensahe dahil sa apat na mga dahilan:
1. Ang kasalanan ay panlahatan: Roma 3:23
2. Ang alok ng kaligtasan ay panlahatan: I Timoteo 2:4
3. Ang utos na magsisi ay panlahatan: Mga Gawa 17:30
4. Ang paanyaya sa mga mananampalataya ay panlahatan: Roma 10:9-11
ANG KAPANGYARIHAN NG EBANGHELYO
Mayroong makapangyarihang mensahe ang Ebanghelyo: Sinabi ni Pablo:
Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagkat siyang
kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una’y sa Judio,
at gayon din sa Griego.
Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa
pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Ngunit ang
ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sapagka’t ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat
ng kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng
kalikuan;
Sapagka’t ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka’t
ito’y ipinahayag ng Dios sa kanila. (Roma 1:16-19)
Ipinahayag ng mga talatang ito kung bakit makapangyarihan ang Ebanghelyo. Ito ay makapangyarihan dahil ito ay :
- Ipinahahayag nito ang Kapangyarihan Ng Dios sa tao.
- Ito ay nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao, hindi isinasaalang-alang ang lahi, kulay, o kredo.
- Ipinahahayag
nito ang maaaring alam ng tao tungkol Sa Dios.
- Ipinahahayag nito ang paghuhukom at poot Ng Dios laban sa kasalanan.
- Ipinahahayag nito ang katuwiran ng Dios.
- Ipinakikita nito kung paano maging inaring ganap (pinatawad, pinanumbalik ang tamang kaugnayan Sa Dios) sa pamamagitan ng pananampalataya.
- Ito ang batayan ng pananampalataya kung saan tayo namumuhay.
ANG PAGPAPAKITA NG KAPANGYARIHAN
Ang Ebanghelyo ay dapat na maipangaral at maituro, ngunit kasama dapat ang pagpapakita ng Kaharian Ng Dios na kumikilos. Sinabi Ni Jesus sa Kanyang mga disipolo:
At samantalang kayo’y nangangalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsasabi,
Ang kaharian ng langit ay malapit na.
Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga
ketong, mangagpalabas kayo ng demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay
ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10:7-8)
Ang mensahe ng Kaharian ay hindi lamang sa salita. Ang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios ay dapat kasama sa berbal na pagpapahayag. Ito ay nakita sa halimbawa na sinimulan Ni Jesus:
At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo
sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at
pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman. (Mateo 9:35)
Datapuwa’t nang maalaman ng mga karamiha’y nagsisunod sa kaniya: at
sila’y tinanggap niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa
kaharian ng Dios, at pinagagaling niya ang nangagkakailangang gamutin. (Lucas
9:11)
Ang pagpapakita ng kapangyarihan – mga himala at pagpapagaling- ay ang Kaharian Ng Dios na kumikilos. Ito ay dapat na bahagi ng mensahe ng panghihikayat ng kaluluwa. Sinabi ni Pablo:
Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa
kapangyarihan. (I Corinto 4:20)
PANSARILING PAG-SUSULILT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng “Ebanghelyo ng Kaharian.”
________________________________________
________________________________________
3. Ano ang pangunahing mga elemento ng Ebanghelyo?
________________________________________
________________________________________
4. Itala ang apat na paraan kung bakit ang Ebanghelyo ay panlahatan?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
5. Ipaliwanag kung bakit ang Ebanghelyo ay makapangyarihan?
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Para sa dagdag na pag-aaral
tungkol sa Kaharian Ng Dios, pag-aralan ang kurso ng “Pamumuhay Na Pinaghaharian Ng Dios.”
2. Basahin ang II Mga Hari 4:29-37. Ito ay kuwento kung paano binuhay ni Eliseo ang isang bata mula sa patay. Basahin ang “background” ng kuwento sa II Mga Hari 4:8-17. Ang batang ito ay “miracle baby” na sagot sa panalangin ni Eliseo at kahilingan ng babaeng Sunamita na may ginawang kabutihan sa propeta. Ang talaan ng kamatayan ng bata ay ibinigay sa mga talata 18-20. Ang tunay na dahilan ng pagkamatay ay hindi ibinigay. Posible na ito ay isang uri ng “stroke” dahil idinaing ng bata ang kanyang ulo. Ang kuwentong ito ay natural na halimbawa mula sa espirituwal na katotohanan tungkol sa panghihikayat ng kaluluwa ay maaaring manggaling. Ang panghihikayat ng kaluluwa ay katulad ng pagkabuhay ng patay dahil iniligtas ang mga tao mula sa walang-hanggang kahihinatnan ng espirtuwal na kamatayan. Sinasabi ng Biblia na ang kaluluwa na nagkasala ay mamamatay, at ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, at ang mga makasalanan ay patay sa pagsuway at kasalanan. Ang sumusunod na espirituwal na pag-angkop ay maaaring makuha sa kuwento sa II Mga Hari 4. Para makabuhay ng patay…
I. Dapat Mayroon Kang Pananampalataya:
A. (Mga talata 20-21) Hindi tinanggap ng ina ang pagkamatay ng bata. Ang kalimitan ay tumangis, tumawag ng propesional na magdadalamhati, at ihanda ang katawan para paglamayan.
B. Sa halip ( talata 21) inihiga niya sa higaan ni Eliseo, isinara ang pinto, at umalis para papuntahin ang propeta. Para maunawaan ito, dapat mong basahin ang pangyayari sa I Mga Hari 17:17-24 kung paano binuhay ni Eliseo ang bata mula sa kamatayan. Ang pagdala ng bata sa silid ng propeta ay isang gawa ng pananampalataya, muling tinawag ang paggawa ng himala ni Elias. Hindi niya hinintay ang propeta na dalhin niya ito. Dinala niya ang bata sa silid at inaasahan ang katulad na himala.
C. Ang Dios ay bumubuhay ng patay mula sa simula. Dalhin ang mga hindi ligtas na mga tao, kung ano sila, sa lugar ng himala.
D. (Mga talata 22-23) Pansinin ang pananampalataya nang sinabi niya bilang sagot sa kanyang asawang lalake, “ Maaayos ito.”
E. Sa iyong pagsisimula ng pagkilos na may pananampalataya, ito ay lumalakas. Nang siya ay malapit na sa propeta, ang kanyang pananampalataya ay lumakas. ( Talata 26). Nang ipinadala ni Eliseo ang kanyang alipin,
Tinanong siya ni Gehazi, hindi na niya sinabi na “maayos ito.” Sinabi niya, “mabuti na.”
II. Dapat Kang Magmadali: Pansinin ang talata 22 sinabi ng babae, “ Para ako ay makatakbo.” Dapat kang tumakbo para mabuhay ang patay dahilal ang mga kaluluwa ay namamatay sa kasalanan.
III. Dapat Kang Sumira sa Tradisyon:
A. ( Talata 23) Tinanong siya ng kanyang asawang lalake, “ Ano ang iyong ginagawa?” Hindi nakaugalian ang oras na pumunta sa propeta. Hindi bagong buwan o sabbath.
B. Maaaring ikaw ay sumira sa tradisyon para maka panghikayat ng kaluluwa sa pagpapakita ng kapangayrihan. Maaaring sabihin ng mga tao sa iyo na , “Hindi ganito ang paggawa namin ng mga bagay.”
IV. Dapat Mayroon Kang Kahabagan:
A. ( Mga talata 25-27) Ang patay ay hindi kailanman mabubuhay na muli ni “Gehazis” na walang habag. Nang ang babae ay naghahanap ng buhay, wala siyang habag at maaaring paalisin niya.
B. Ang propeta ay nagpakita ng pagmamalasakit. Itinanong niya, “ Maayos ba kayo ng iyong asawang lalake at ng bata?”
C. May mga tao na nakikipaglaban para “makaabot sa itaas” tungo sa atin. Sila ay naguguluhan at nahuhulog sa aming mga paa, ngunit itinataboy natin sila palayo. Ipinadadala natin sila sa hindi Kristiyanong tagapayo, mga ipinagbabawal na gamut,o “rehabilitation centers”.
V. Dapat Kang Pumunta Kung Nasaan Sila:
A. (Mga talata 29-31) Para tulungan ang mga patay sa kasalanan, dapat kang pumunta kung nasaan sila kung paano si Elias pumunta sa bata.
B. Hindi tayo magpapadala ng walang kapangyarihan na tao ( katulad ni Gehazi) o kapalit ( kinatawan ng kamanggagawa). Para buhayin mula sa kamatayan ng kasalanan, Si Jesus ay pumarito sa mundo. Siya ay nagtungo kung nasaan tayo.
C. Hindi maaari sa ina ang kapalit. Ang namamatay na mga lalake at babae ay hindi mapapanatag kung hindi sa kapangyarihan Ng Dios na may kakayahan na magbigay ng hininga ng bagong buhay sa patay na kaluluwa.
D. Nang sinabi ng babae ang kanyang pangangailangan, una sinugo ni Eliseo si Gehazi para magministeryo sa bata. Ngunit ang patay ay hindi mabubuhay ni “Gehazi”—kahit nga hawak niya ang tungkod ng Dios. Si Gehazi ay nauna kay Eliseo at sa babae, at inilapat ang tungkod Ng Dios sa bata, subalit walang nangyari.
E. Kung nais mo na mabuhay na muli ang patay, dapat mong sundan ang halimbawa ng Maestro. Basahin ang I Mga Hari 17:17-24, Si Elias na maestro ni Eliseo, ay nagbigay ng halimbawa sa pagbuhay ng patay na bata. Kung sinundan ni Eliseo ang halimbawa ni Elias hindi niya isusugo si Gehazi na dala ang kanyang tungkod para subukan ang kanyang gawain.
F. Inisip ni Eliseo na ang kapangyarihan Ng Dios ay kikilos kahit wala ang kanyang presensiya at kakayahan. Ginagamit natin ang doktrina o praktikal na katotohanan at inilalatag sa espirituwal na patay, ngunit hindi tayo personal na nakikilahok, subalit wala tayong bisa sa mga naliligaw na kaluluwa katulad ng nagawa ng tungkod ni Eliseo.
G. Ang letra ng kautusan na walang Espiritu ay hindi kailanman makakabuhay ng patay na tao. Ang buhay ay hindi dadaloy hanggat ang liderato ay naglalagay ng walang malasakit na kamay at tungkod sa patay na lalake at babae.
VI. Dapat Malaman Mo Ang Masamang Kalagayan:
A. (Talata 31) Si Gehazi ay hindi naniniwala na ang bata ay talagang patay. Pagbalik niya sinabi niya na “ang bata ay hindi magising.” Subalit ang bata ay hindi natutulog. Siya ay patay. Si Gehazi ay hindi naniniwala ngunit sinasabi niya na natutulog lamang.
B. (Talata 32) Alam ni Eliseo na ang bata ay patay na.
C. Ang mga mananampalataya na naliligaw sa kasalanan ay hindi lamang basta natutulog. Ito ay masama ang kalagayan. Ito ay espirituwal na kamatayan, at sila ay hindi kailanman mabubuhay hanggat hindi natin nababatid ito.
VII. Hindi Ka Dapat Matalo Ng Pagkabigo:
(Talata 31 … “ Ang bata ay hindi nagising.”) Nabigo sa unang pagsubok na buhayin ang bata. Kung ikaw ay nabigo sa pagsubok, huwag kang susuko. Huwag mong sabihin na dahil sa pagkabigo ikaw ay hindi tinawag sa gawain. Ang aralin ng pagkabigo ay hindi magbibitiw mula sa misyon, subalit pagbabago ng paraan. Dapat mong sundin ang halimbawa ng maestro.
VIII. Dapat Mong Buhayin Muli Ang Buhay Sa Loob Ng Silid:
(Talata33) Dapat kang pumasok sa “loob ng silid” ng panalangin, isara ang pinto at mamagitan sa panalangin para sa namamatay na sangkatauhan.
IX. Dapat Kang Magkaroon Ng Kapangyarihan:
A. Sa pagpasok niya sa loob ng silid, alam na ni Eliseo ang pinanggagalingan ng kanyang kapangyarihan. Minsan bago ang pangyayari, ang kapa ni Elias ay nahulog kay Eliseo. Alam niya ang pinanggagalingan ng kanyang kapangyarihan. Ito ay subok at napatunayan na.
B. Sa iyong sarili, hindi mo muling maibabalik ang patay na mga puso ng lalake at babae na mabubuhay na muli. Ang Dios ang pinanggagalingan ng iyong kapangyarihan. Ang kappa ng Kanyang Espiritu Santo ay bumagsak sa iyo ng may bautismo ng kapangyarihan.
X. Dapat Mong Malaman Ang Layunin:
Ang iyong layunin ay hindi linisin ang patay na katawan, embalsamuhin ng mga insenso, o takpan ng pinong lino. Ang lahat ng mga ito ay mabuti, subalit mayroon ka pa rin na patay na katawan. Ang iyong layunin ay hinsi magturo ng moralidad, pagpapaunlad ng sarili, takpan ang kasalanan, o baguhin ang lipunan. Ang iyong layunin ay bagong espirituwal na buhay!
XI. Dapat Masigla Ka :
A. (Mga Talata 34-35) Pagkatapos ng panalangin, si Eliseo ay tumigil sa harapan ng bangkay at ipinatong ang kanyang bibig sa bibig ng patay na bata. Inilagay niya ang kanyang mata sa mata nito, ang kanyang kamay sa kamay nito. Ang mainit na katawan ng anak Ng Dios ay nabalutan ang malamig na katawan ng bata. Para makabuhay ka ng patay, dapat kang magkaroon ng “contact” sa patay. Nang muling buhayin tayo Ni Jesus Siya mismo ay namatay sa Kanyang sarili. Kung muli kang bubuhay ng patay, dapat mong madama ang bata at ang takot ng kamatayan na iyon.
B. Maiisip ng isang tao na ang matandang lalake ay dapat magkaroon ng “contact” sa bata, sa halip sinabi na iniunat ang kanyang sarili. Ang pag- abot sa malapit ng mamatay na lalake at babae ay isang “stretching” pagsubok na karanasan. Dapat mong iwan ang komportableng kalagayan ng iyong tahanan at seguridad ng iyong mga Kristiyanong kaibigan at kapaligiran. Dapat kang lumabas sa iyong paraan.
C. Habang sinakop niya ang kamatayan ng buhay, ang init ng kanyang katawan ay pumasok sa bata. Kung ikaw sa iyong sarili ay patay, hindi mangyayari ito. Ang paglalagay ng isang bangkay sa isa pa ay walang pag-asa. Walang kabuluhan para sa mamamatay na tao para magtipon sa isa pang patay na kaluluwa.
XII. Hindi Ka Dapat Mamalagi Kung Hindi Sa Buhay:
A. Ang talatang 34 ay nagpapakita na ang katawan ng bata ay uminit. Ngunit si Eliseo ay hindi napanatag sa palatandaan na ito ng buhay. Hindi malahininga ang ating nais, ngunit buhay! Hindi emosyon subalit tunay na “revival”.
B. Si Eliseo ay nagpabalik-balik, naghihintay ng walang pag-aalinlangan na tumatawag Sa Dios. Pagkatapos, inunat niya muli ang kanyang katawan sa bata. Sa pagkakataon na ito ang bata ay bumahin ng pitong beses (Ang ibig sabihin ng “bumahin” ay “ paghahabol ng hininga”). Sa kanyang paghahabol ng kanyang hininga, bagong buhay ang pumasok sa kanyang katawan, pagkatapos ay nabuksan ang kanyang mga mata. Kung ang patay na lalake at babae ay naghahabol sa kanilang sarili ang nakahihikayat at muling pagbabago ng kapangyarihan ng “ malakas na hangin ng Espiritu Santo,” sila rin ay makararanas ng bagong buhay na dumadaloy mula sa muling pagkabuhay na kapangyarihan Ng Dios.
IKA-APAT NA KABANATA
ANG MGA MENSAHERO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibuod ang tungkulin ng Salita Ng Dios sa paghihikayat ng kaluluwa.
· Ipaliwanag ang tungkulin Ng Dios sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Kilalanin ang tungkulin Ni Jesus sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Ibuod ang tungkulin Ng Espiritu Santo sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Ipaliwanag ang tungkulin ng panalangin sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Kilalanin ang iyong tungkulin sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “saksi”.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “layko”.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “pastor”.
· Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pagkatawag ng layko.
SUSING TALATA:
Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagkat siyang
kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una’y sa Judio,
at gayon din sa Griego. (Roma 1:16)
PAMBUNGAD
Iyong pinag-aaralan ang plano Ng Dios sa panghihikayat ng kaluluwa para abutin ang mundo ng Ebanghelyo na ipinahayag sa Mga Gawa 1:8:
- Si Jesu Cristo ang nilalaman ng mensahe.
- Ang mga disipolo ang mga mensahero ng Ebanghelyo na binigyan ng kapangayrihan Ng Espiritu Santo .
Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagkat siyang
kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una’y sa Judio,
at gayon din sa Griego. (Roma 1:16)
Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay
ipinanganak ng Dios: at ang bawat umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa
ipinanganak niyaon. (I Juan 5:1)
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang
kasama nila ang Panginoon, at pinatotohanan ang salita sa pamamagitan ng mga
tandang kalakip. Siya nawa. (Marcos 16:20)
Gayon ma’y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na
ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paparito
sa inyo; ngunit kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo.
At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol
sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol. (Juan 16:7-8)
At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang
banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitain sa mga
anak ni Israel. (Exodo 19:6)
Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote,
bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga
karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang
kagilagilalas na kalinawagan. (I Pedro 2:9)
Sapagkat masdan ninyo ang sa inyo’y pagkakatawag, mga kapatid, na hindi
ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan,
hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan,
upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na
mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
At ang bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang
pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang
mga bagay na mahahalaga:
Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios. (I Corinto 26-29)
Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ang
dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa
aming sarili. (II Corinto 4:7)
Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at
pagkatalastas na sila’y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay
nangagtaka sila; at nangagpakilala nila, na sila’y nangakasama ni Jesus.
At nang mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila,
ay wala silang maitutol. (Mga Gawa 4:13-14)
IKA-LIMANG KABANATA
PAGHAHATID NG MENSAHE
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Kilalanin ang anim na mahalagang prinsipyo ng paghahatid ng mensahe.
· Kilalanin ang basehan sa Biblia na nagbibigay ng pormula para sa paghahatid ng Ebanghelyo sa mga tao at sa ibang mga kultura.
SUSING TALATA:
Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa
pagkaalam ng bawat mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo. (Filemon 6)
PAMBUNGAD
Sa Ikatlong Kabanata iyong pinagaralan ang tungkol sa nilalaman ng mensahe ng panghihikayat ng kaluluwa at sa Ika-apat na Kabanata nututunan mo na ikaw ay mensahero ng Ebanghelyo. Ang aralin na ito ay nakatuon sa proseso ng paghahatid ng mensahe ng panghihikayat ng kaluluwa.
Ang mabisang paghahatid ng mensahe ay isang kasanayan sa paghahatid ng mensahe mula sa isang tao tungo sa iba sa paraan na ito ay natatanggap ng walang mali. Ang pagmamalasakit ng panghihikayat ng kaluluwa ay maibahagi ang Ebanghelyo sa paraan na ito ay nauunawaan at katanggap-tanggap.
ANG PAGHAHATID NG MENSAHE NG PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
Narito ang anim na mahalagang mga prinsipyo ng paghahatid ng Ebanghelyo. Ang paghahatid ng mensahe ng panghihikyat ng kaluluwa ay dapat na:
KASAMA ANG MAKATAO AT BANAL NA MGA ELEMENTO:
Ang paghahatid ng mensahe ng panghihikayat ng kaluluwa ay iba kaysa ibang uri ng paghahatid ng balita dahil sa Salita Ng Dios, Dios Ama, Anak, at Espiritu Santo ay kasama sa proseso. Ang pagbabahagi ng Ebanghelyo ay hindi lamang pakikipag-usap o pakikipagkuwentuhan sa iba. Ito ay banal na paghahatid ng mensahe na kinasihan ng makapangyarihan mula sa espirituwal na puwersa na kumikilos para mahikayat at manalig ang tumatanggap ng mensahe.
PARA SA LAHAT NG
URI NG TAO:
Ang paghahatid ng mensahe ng panghihikayat ng kaluluwa ay dapat para sa lahat ng uri ng tao: mayaman, mahirap, may pinag-aralan at hindi nakapag-aral, sibilisado, hindi sibilisado. Ito ay sinangayunan ni Pablo nang sinabi niya…
Ako’y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa
marurunong at gayon din sa mga mangmang. (Roma 1:14)
Nang sinabi niya na siya ay may utang ito ay totoo sa kanya dahil sa kanyang pagtanggap sa Ebanghelyo ito ay utang niya sa iba na ibahagi sa kanila. Kanyang nadama ang responsabilidad sa lahat ng tao sa lahat ng dako. Walang pagtatangi sa uri ng tao sa isipan ni Pablo. Ang bawa’t isa ay nangangailangan ng Ebanghelyo. Walang napaka hirap, o mayaman, sobrang relihiyosa o pagano, sobrang malapit o malayo. Hindi ka dapat may kinikilingan sa paghahatid ng Ebanghelyo. Kung magpapakita ka ng pagtatangi, ikaw ay nagkakasala (Santiago 2:1-4).
BALANSE SA PAGITAN NG MGA GRUPO AT PANG-ISAHAN:
Ang nais ng maraming mananampalataya ay makontento sa maramihan. Ang mga pastor ay gumugugol ng kanilang panahon sa likod ng pulpito sa harapan ng grupo. Ang bawa’t isa ay nawawala sa karamihan. Ito ay makatotohanan sa maraming kultura kung saan ang pangmaramihan na paghahatid ay posible sa pamamagitan ng “media” katulad ng telebisyon at radyo.
Walang maaaring ipalit sa personal na pakikipagusap. Kadalasan si Pablo ay nagmiministeryo sa malaking grupo ngunit ang kanyang paglalarawan ng pagmiministeryo sa mga taga Tesalonica ay katulad ng isang ina na nag-aalaga sa kanyang anak at isang ama sa kanyang sariling mga anak ( I Tesalonica 2:7,11). Kanyang binabalanse ang kanyang paglilingkod sa pagitan ng mga grupo ay pang-isahan.
Si Jesus ay nanghikayat ng kaluluwa sa maraming tao, ngunit nagbahagi Siya ng Ebanghelyo ng isahan katulad ng babae sa Samaria, Nicodemo, Zacheo, at iba pa.
MAUNAWAAN SA LOOB NG KONTEKSTO NG KULTURA:
Ang iba’t ibang kultura ay may iba’t ibang paraan ng paggawa ng mga bagay. Ito ay totoo kahit sa panhon ng Biblia. Halimbawa, ang Lystra ay malayo at paganong lugar. Ang Athens ay sibilisado na lunsod at mahirap maabot ng Ebanghelyo. Ang Berea ay masayang tumanggap ng Salita Ng Dios. Sila ay naghahanap sa katotohanan.
Ang maraming kultura, palawikaan, politika , edukasyon, at pagkakaiba ng mga bansa ay naghahain ng hamon subalit sila ay maaaring mapagtagumpayan at ang Ebanghelyo na naipahayag sa katanggap-tanggap na paraan. Para maunawaan ang ibang kultura kailangan na nakalaaan na iakma ang iyong pag-iisip at ugali. Natural, hindi mo dapat baguhin ang iyong pag-iisip o ugali na sasalungat sa pamantayan ng ipinahayag na nakasulat na Salita Ng Dios, ngunit maaaring kang magbago sa ibang mga paraan na makatutulong para mas sapat na maipahatid ang Ebanghelyo.
Ang Ebanghelyo ay dapat na maipahatid sa paraan na ito ay nauunawaan ng mga nakikinig. Ang mga salita, lengguwahe, at ang uri ng pagbabahagi ay dapat na iakma para ang Ebanghelyo ay maunawaan. Kinikilala ni Pablo ang ganitong gawa.
(Mga Gawa 21:37-40; 22:2).
Ang Mga Gawa 26:18 ay nagbibigay ng halimbawa para sa mabisang paghahatid ng Ebanghelyo sa mga tao na iba ang kultura. Isinugo Ng Dios si Pablo sa mga Pagano…
Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila’y mangagbalik sa ilaw
mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios upang
sila’y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan
ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. (Mga Gawa
26:18)
Ang Ebanghelyo ay dapat maipahayag sa paraan na :
1. Ito ay magbubukas ng mga mata ng mga tao.
2. Sila ay babaling mula sa espirituwal na kadiliman tungo sa liwanag.
3. Sila ay babaling mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo Sa Dios.
4. Sila ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaligtasan.
5. Sila ay tumanggap ng espirtuwal na mana sa pamamagitan ng pagbabanal ng pananampalataya.
Ang kultura kung saan ang tao ay lumaki ay nagpapasiya ng limang bagay:
-Ang kanyang lengguwahe: Paano siya magpahayag at tumanggap ng paghahatid ng mensahe at kaisipan.
-Ang kanyang pangkalahatang pananaw: Kung ano ang kanyang pananaw at pagkaunawa sa mundo.
-Ang kanyang paniniwala: Relihiyon, paniniwala sa hindi pangkaraniwan; paraan ng pag-iisip; proseso ng pag-iisip.
- Ang kanyang pinahahalagahan: Ang halaga, o pagpapahalaga niya sa mga bagay.
- Ang kanyang ugali: Paano siya gumawa at kumilos; sa sosyal at kultura na katanggap tanggap na ugali.
Pansinin mo ang sumusunod na tsart na tinutukoy ang bawa’t isa sa Mga Gawa 26:18:
Lengguwahe: Ang mensahe ay mabisang naipahatid, naunawaan, at tinanggap.
Pangkalahatang pananaw: Ang pangkalahatang pananaw sa Biblia ay naihatid.
Nagbukas sa kanilang mga
mata:
Paniniwala: Mensahe ng pananampalataya; Ebanghelyo ng Kaharian ay nagbago ng kanilang paniniwala.
Nagbago ang pinahahalagahan.
Na sila ay bumaling at
Tumanggap: Pagbabago ng pag-uugali.
HIGITAN ANG PAGSASALITA:
Ang salita ay pangunahin sa paghahatid ng mensahe. Sa pamamagitan ng nakasulat na Salita, ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kalooban sa sangkatauhan. Ngunit kung iyong panunundan ang halimbawa ng mga lider ng Bagong Tipan, dapat higitan mo ang pagsasalita, lalo na sa mga kultura na nakatuon sa karanasan. Nais Ng Dios na maranasan ng mga tao ang katotohanan ng Ebanghelyo, hindi lamang marinig ang tungkol dito. Ito ang dahil kung bakit sinabi Ni Jesus” Sa inyong paghayo pagalingin ang karamdaman at palayasin ang demonyo.” Ang paghahatid ng Ebanghelyo ay higit sa pagsasalita. Ito ay pagpapakita ng kapangyarihan.
MAY PAGKAKAISA SA URI NG IYONG PAMUMUHAY:
Sinabi ni Pablo kay Filemon na mamuhay na …
Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa
pagkaalam ng bawat mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo. (Filemon 6)
Si Pablo ay pinalalakas ang loob ni Filemon na hayaan na ang pananampalataya niya ay maihatid sa pamamagitan ng Kristiyanong pagkatao at ugali na nagpapakita kung Sino si Jesus sa iba. Walang mga salita ang makahihigit sa kapangyarihan ng pagkukunwari, o anumang salita ang makatutupad sa kung ano ang maaabot ng kapangyarihan ng positibong halimbawa. Ang paghahatid ng Ebanghelyo ay dapat na may pagkakaisa sa iyong uri ng pamumuhay para ito ay maging mabisa.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Isulat ang anim na mahahalagang prinsipyo ng paghahatid ng Ebanghelyo.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
3. Ano ang reperensiya mula sa Biblia ang nagbibigay ng halimbawa para sa paghahatid ng Ebanghelyo sa mga tao sa ibang kultura?
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Bahagi ng magaling na paghahatid ng balita ay maging magaling na tagapakinig. Narito ang pangunahing mga prinsipyo ng pakikinig:
- Ibigay ng husto ang iyong sarili sa pakikinig sa sinasabi ng ibang tao . Ang pakikinig ay hindi pagsabad. Ang ibig sabihin nito ay pagpipigil sa iyong naisin na magsalita.
- Bigyan ng prayoridad ang sinasabi ng iba. Maaaring iniisip mo na mayroon kang sagot, ngunit maghintay ka hanggat ikaw ay siguradong alam mo kung ano ang tanong.
- Siguruhin mo na nauunawaan mo ang ibig sabihin ng tagapagsalita. Kung hindi, magtanong ka.
-Ang mga tanong ay mahalaga sa proseso ng pakikinig. Ang mga ito ay nakatutulong para maliwanag ang sinabi.
- Kilalanin ang walang salita na paghahatid ng mensahe. Maging sensitibo sa pagpapahiwatig ng mukha at mga kilos hindi lamang mga salita. Ang isang tao ay maaaring nagsasabi ng isang bagay , ngunit ang pagpapahiwatig ng kanyang mga kilos ay nagpapahayag ng iba.
2. Ang pangangaral ni Pablo ay nagkakaiba-iba sa pagitan ng mga lahi at mga bansa. Paghambingin ang kanyang sermon sa sinagoga ng Antioch sa Mga Gawa 13 at sa kanyang pangangaral sa Athens sa Mga Gawa 17.
3. Si Jesus ay magaling na tagapaghatid ng mensahe.
- Mayroon Siyang kaalaman sa kasaysayan at Biblia: Mateo 12:38-42.
- Gumagamit Siya ng mga bagay at larawan na alam na alam ng mga tao: Lucas 21:29-32; Marcos 4:21-34
- Siya ay simple, gumagawa ng mga diskurso tungkol sa ilaw, tinapay, mabuting pastol, at ang puno: Juan 6;35; 8:12; 15:1
- Hindi Siya palaging nagbibigay ng sagot, ngunit iniharap ang marami Niyang mga katuruan sa pamamagitan ng mga talinghaga at mga tanong.
- Gumagamit siya ng katatawanan. Halimbawa, paghahambing ng puwing sa mata ng iyong kapatid at ang tahilan sa iyong sariling mata: Mateo 7:3-5
-Gumagamit siya ng pangangatwiran: Mateo 12:1-32
IKA-ANIM NA KABANATA
MGA TATANGGAP NG MENSAHE
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag ang proseso Ng Dios para sa pagpaparami ng mga mananampalataya.
· Sabihin kung sino ang dalawang lalake sa Bagong Tipan na ginamit bilang halimbawa ng prosesong ito.
· Kilalanin ang prayoridad para sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Kilalanin ng apat na uri ng mga makasalanan na inilarawan sa Biblia.
· Magsimula sa panghihikayat ng kaluluwa.
SUSING TALATA:
At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi,
ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga
iba. (II Timoteo 2:2)
At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi,
ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga
iba. (II Timoteo 2:2)
Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan
na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
Kundi gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga
balita tungkol sa kanya, at siyang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
(Roma 15:20-21)
IKA-PITONG KABANATA
MGA PAMAMARAAN: MGA PRINSIPYO NG BAGONG TIPAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibuod ang pangunahing mga prinsipyo ng Bagong Tipan para sa panghihikayat ng kaluluwa.
· Ipaliwanag ang resulta ng paghihikayat ng kaluluwa sa Bagong Tipan.
SUSING TALATA:
Samantala nang sila’y hinihintay ni Pablo sa Atenas, ay namuhi ang
kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng
diosdiosan. (Mga Gawa 17:16)
Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat ako’y pinahiran niya
upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang
itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang
bigyan ng kalayaan ang nangaapi
Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. (Lucas 4:18-19)
At nangagtaka sila sa kaniyang aral, sapagkat may kapamahalaan ang
kaniyang salita.
At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa’t isa, na nangag
sasabi, Anong salita kaya ito? Sapagkat siya na may kapamahalaan at
kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas
sila. (Lucas 4:32, 36)
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang
kasama nila ang Panginoon, at pinatotohanan ang salita sa pamamagitan ng mga
tandang kalakip. Siya nawa. (Marcos 16:20)
At nangyari nang isa sa mga araw na yaon, na siya’y nagtuturo; at may
nangakaupo doong mga Fariseo at mga guro sa kautusan, na nagsipanggaling sa
bawat nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem: at ang kapangyarihan ng Panginoon
ay sumasa kaniya upang magpagaling. (Lucas 5:17)
At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labindalawang alagad, at
binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang
mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at
ang lahat ng sarisaring karamdaman. (Mateo 10:1)
At sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, sapagkat kanilang
nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga may sakit. (Juan 6:2)
At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga
salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng espiritu at ng
kapangyarihan:
Upang ang iyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga
tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. (I Corinto 2:4-5)
At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga
pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaong, ay ipagpag ninyo ang alabok
ng inyong mga paa. (Mateo 10:14)
Datapuwat sinabi niya sa kanila, dapat namang ipangaral ko sa mga ibang
bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagkat sa ganito ay sinugo
ako. (Lucas 4:43)
...at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya ay nangagbalik-loob sa
Panginoon. (Mga Gawa 11:21)
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “talinghaga.”
· Ipaliwanag kung bakit gumamit Si Jesus ng mga talinghaga.
· Kilalanin ang mga prinsipyo ng panghihikayat ng kaluluwa sa mga talinghaga na itinuro Ni Jesus.
SUSING TALATA:
At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa
kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig; (Mateo 4:33)
At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila
pinagsalitaan sa mga talinghaga? (Mateo 13:10)
At sumagot siya at sinabi sa kanila, Sa inyo’y ipinagkaloob ang
mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwat hindi ipinagkaloob
sa kanila. (Mateo 13:11)
Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng
espiritu ng Dios: sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya
nauunawa sapagkat ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu. (I Corinto
2:14)
At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa
ipinatong niya nag kaniyang mga kamay sa ilang mga may sakit, at pinagaling
sila.
At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya... (Marcos 6:5-6)
Hindi mapagliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako gaya ng
pagpapalibang ipinalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo na hindi niya
ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. (II Pedro 3:9)
IKA-SIYAM NA KABANATA
MGA
PAMAMARAAN: PERSONAL NA PANGHIHIKAYAT
NG KALULUWA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng personal na panghihikayat ng kaluluwa.
· Isulat ang tatlong paraan kung paano ginagawa ang personal na panghihikayat ng kaluluwa.
· Ipaliwanag kung paano magdala ng kaluluwa Kay Cristo.
SUSING TALATA:
...At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya’y
nagsisisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo. Sinabi niya sa akin
ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. (Juan 4:39)
Iyong natutunan ang mga paraan ng pagbabahagi ng Ebanghelyo sa Bagong Tipan kasama ang personal at grupo ng panghihikayat ng kaluluwa. Sa aralin na ito iyong matututunan kung paano gawin ang personal na panghihikayat ng kaluluwa. Sa Ika-sampung Kabanata iyong matututunan kung paano harapin ang mga paghihirap na iyong mararanasan sa personal na panghihikayat ng kaluluwa.
Ang personal na panghihikayat ng kaluluwa ay kung ano ang inilalarawan ng pangalan: Ito ay personal na pagbabahagi ng Ebanghelyo sa isang tao. Ito ay “tao –sa-tao, isahang panghihikayat ng kaluluwa. Ang personal na panghihikayat ng kaluluwa ay ginagawa sa isa sa mga sumusunod na tatlong mga paraan.
At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya’y
nagsisisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo. Sinabi niya sa akin
ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. (Juan 4:39)
At siya’y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid bagay
pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala
sa Panginoon. (Mga Awit 40:3)
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag kung bakit ang mga tao ay gumagawa ng dahilan.
· Harapin ang karaniwan na mga paghihirap na makakaharap sa personal na panghihikayat ng kaluluwa.
SUSING TALATA:
Sapagkat ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang
sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay
na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios;
upang sila’y walang madahilan. (Roma 1:20)
Sapagkat ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang
sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay
na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios;
upang sila’y walang madahilan. (Roma 1:20)
IKA-LABINGISANG KABANATA
MGA
PAMAMARAAN: PASUYOD NA EBANGHELISMO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng “pasuyod na ebangelismo.”
· Ibuod ang basehan sa Biblia ng pasuyod na ebangelismo.
· Talakayin ang pangunahing prinsipyo ng pasuyod na ebanghelismo.
· Talakayin ang halimbawa ng pasuyod na ebangelismo.
· Ipaliwang kung paano ihahanda ng lokal na pastor ang kanyang kongregasyon para sa pasuyod na ebangelismo.
SUSING TALATA:
Sa bisa ng mga tanda at mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu
ng Dios; ano pa’t buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico,
ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo. (Roma 15:19)
Ang ibig sabihin ng “suyurin ay puntahan lahat ng lugar sa buong palibot
na iyon.” Ang pagsuyod na
panghihikayat ng kaluluwa ay isang paraan sa pagpapalagananp ng Ebanghelyo na
may tungkulin na katulad ng lebadura sa masa ng tinapay. Ang layunin nitoa y
para lumaganap ang Ebanghelyo hanggang ang buong lugar ay makalatan at
maapektuhan. Maguumpisa sa lokal na komunidad (ang iyong Jerusalem), ang
pagsuyod na panghihikayat ng kaluluwa ay para kalatan ng ebanghelio ang iyong
estado o lalawigan at di magtatagal ay ang bansa.
Ang pariralang “pasuyod na ebanghelismo” ay hindi makikita sa Biblia, gayon din ang panghihikayat ng kaluluwa at personal na panghihikayat ng kaluluwa o pangmaramihan na panghihikayat ng kaluluwa. Ang binigyan tuon ng Bagong Tipan ay ang gawain ng panghihikayat ng kaluluwa kahit nga ang mga tiyak na termino ay hindi ginamit.
Gayunman, ang pasuyod na ebanghelismo ay maayos na inilarawan sa Bagong Tipan. Iniulat ng konseho ng lunsod na pinuno ng mga apostol ang Jerusalem ng kanilang mga doktrina (Mga Gawa 5:28). Ang mga iglesya sa lahat ng Judea, Galilea, at Samaria ay napalakas. Ang lahat ng nakatira sa Lydda, Saron ay lumapit Sa Panginoon at ang lahat ng Joppa ay nabahaginan ng Ebanghelyo (Mga Gawa 9:31,35, 42). Libu-libong mga Hudyo ang lumapit sa Panginooon (Mga Gawa 21:20). Sa Antioch ng Pisidia at Efeso, natala na ang “Salita Ng Panginoon ay lumaganap sa buong lupain” (Mga Gawa 13:49).
Ang lahat ng nakatira sa Asia ay nakarinig ng Salita Ng Dios ( Mga Gawa 19:10), at marahil ang pinakamalaking ulat sa pasuyod na ebanghelismo ay galing sa sulat ni Apostol Pablo:
Sa bisa ng mga tanda at mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu
ng Dios; ano pa’t buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico,
ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo.
Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi noon sa napagbalitaan
na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
Kundi gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga
balita tungkol sa kanya, at siyang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
(Roma 15:19-21)
PANGUNAHING PRINSIPYO NG PASUYOD NA EBANGHELISMO
Ang pasuyod na ebanghelismo ay base sa sumusunod na mga prinsipyo:
Datapuwat sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang
bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. (II Corinto
9:6)
Ang paglalapat nito sa panghihikayat ng kaluluwa, ang ibig sabihin ng saligan ng pagaani ay ang mga iglesya na gumagawa ng panghihikayat ng kaluluwa ay makaaasa na umani ng naliligaw na mga kaluluwa. Walang halaga kung gaano kabuti ang binhi, kung gaano kataba ang lupa, o gaano kahusay ang magsasaka, hindi siya makaaani ng hindi nagtatanim. Ang mga pastor at mga iglesya na hindi nagtatanim sa panghihikayat ng kaluluwa ay hindi makaaani ng bunga ng panghihikayat ng kaluluwa. Kinakailangan sa pagbababad na panghihikayat ng kaluluwa na maglaan ka ng panahon, mga tao, pagsisikap, panalangin, luha, at pondo sa panghihikayat ng kaluluwa.
Kahit nga ang bawa’t mananampalataya ay mapakilos para sa panghihikayat ng kaluluwa, sa ilang mga lunsod at mga bansa, sila ay kakaunti kung ihahambing sa kabuuang populasyon . Nguit hindi ito nakaaantala sa pasuyod na ebanghelismo. Kung Ang Dios ay gumawa ng dakilang mga bagay sa kakaunting mga tao, ang lahat ng kaluwalhatian ay natutuon sa Kanya sa halip na sa mga tao.
Kinakailangan sa pasuyod na ebanghelismo na ang bawa’t mananampalataya ay mahikayat at mapakilos para sa gawain ng panghihikayat ng kaluluwa. Kasama sa pagpapakilos ang “vertical” na kaugnayan mula Sa Dios tungo sa iyo, mahikayat ka na magkaroon ng pagmamahal para sa nawawala at namamatay na mundo. Kailangan din ang “horizontal” na kaugnayan mula sa isang tao tungo sa iba. Kung ikaw ay nakilos Ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, ang iyong kasigasigan ay nakakahawa at lumalaganap sa iba.
Sa tradisyon, ang panghhihikayat ng kaluluwa ay naka sentro sa pastor. Sa pagbababad na pasuyod na ebanghelismo, ang tuon ay nabago mula sa pulpito tungo sa mga bangko. Gayunman hindi ang samahan ang nagsa isang tabi sa pastor, dahil ang kanyang tungkulin bilang lider ay higit na mahalaga ngayon. Siya dapat ang magpapakilos sa lokal na kongregasyon.
Ang pagpapakilos ng iglesya para sa panghihikayat ng kaluluwa ay base sa konsepto ng Biblia ng espirituwal na mga kaloob, kung saan ang bawa’t kaanib ay gumagawa sa larangan ng kanyang mga kaloob.. ( Ang Harvestime International Institute na kursong may pamagat na “Mga Paraan ng Pagpapakilos sa Mga Tao” ay nagpapaliwanag ng detalyado sa mga “pagpapakilos base sa kaloob “
Sa pasuyod na ebanghelismo kung ating pinag-uusapan ang iglesya, ang ibig sabihin natin ay lokal na kongregasyon, ang iglesya bilang denominasyon o grupo ng mga iglesya, at ang Iglesya bilang kabuuang pandaigdigan na komunidad ng tunay na mga mananampalataya.
Kinakailangan ng pasuyod na ebangelismo ang pagkakaisa sa patotoo kasama ang ibang mga mananampalataya at ibang mga denominasyon. Ang ganitong mga patotoo ay hindi kailangan ng pagbibigay ng personal na kombiksiyon o pagpapahalaga sa denominasyon. Ito ay pagkakaisa ng espiritu na pinangyari ng Espiritu Ng Dios (I Corinto 12:13). Ang ating mga espiritu ay nagkakaisa para sa gawain ng panghihikayat ng kaluluwa.
Ang mga anak Ng Dios ay tinawag na Katawan Ni Cristo ( Efeso 4:12). Kung ito ay tutoo, dapat tayong kumilos bilang katawan at hindi parang walang kaugnayan at hindi magkatugma na mga kaanib. (Matututunan mo ang maraming bagay tungkol dito sa iyong pag-aaral ng “ Networking Para sa Panghihikayt ng Kaluluwa” sa Ika-labinglimang Kabanata.) Pinipilit ng pasuyod na ebanghelismo na makapagtala ng higit na maraming mga iglesya, misyon, denominasyon, at organisasyon na posibleng makiisa sa panghihikayat ng kaluluwa.
ANG LIKAS NITO AY PANDAIGDIGAN:
Ang Dakilang utos ay ibinigay sa lahat ng tagasunod Ni Cristo at ang utos ay para sa bawa’t nilalang. Ang ibig sabihin ng pasuyod na ebanghelismo ay gamitin ang bawa’t puwedeng gamitin na mga paraan, para maabot ang bawa’t tao, pagpapakilala sa buong Ebanghelyo sa lahat ng tao.
Sa maraming pagkakataon, ang layunin ng ating panghihikayat ng kaluluwa ay itinakda na napakababa. Iniisip lamang natin sa isang malait na heograpiyang lugar. Ang paggawa sa limitadong pondo at limitadong pangitain, kung minsan naniniwala tayo na ating nagawa na ang ating responsabilidad kung tayo ay nasa maliit na bahagi ng lunsod o bansa.
Nang tayo ay inutusan Ng Dios na humayo at mag disipulo ng mga bansa ang ibig Niyang sabihin sa atin ay abutin ang lahat ng mga bansa. Ang likas ng pagbababad na panghihikayat ng kaluluwa ay pandaigdigan, kung ang buong bansa ay maabot ang mundo ay maabot.
ANG HALIMBAWA NG PASUYOD NA EBANGELISMO
Ang pasuyod na ebanghelismo ay may iba’t ibang hugis kung ito ay iaangkop sa buong mundo. Ang mga kultura sa buong mundo ay nagkakaiba at natural na ang panghihikayat ng kaluluwa sa iba’t ibang kultura ay maipalalagay na magkakaiba ang halimbawa . Dapat nating makilala ang paraan na mabisa sa isang kultura ay maaaring hindi mabisa sa iba.
Ang pangunahing halimbawa ng pasuyod na ebanghelismo, gayunman, ay para magdesenyo ng pagabot sa labas para mapasok ang bawa’t grupo ng mga tao sa bawa’t rehiyon ng bawa’t bansa, at sa wakas , bawa’t bansa ng mundo. Narito ang pangunahing halimbawa ng pasuyod na ebanghelismo:
ANG ORGANISASYON:
Para sa kabuuang pagsusuyod ng isang bansa, dapat ay may katugma na lokal, rehiyon
(estado o lalawigan), at nasyonal na pagsisikap ng panghihikayat ng kaluluwa. Para magawa ito, iminumungkahi na ang komite ng panghihikayat ng kaluluwa ay mabuo sa bawa’t iglesya. Ang komite na ito ay isinasaalang-alang ang panghihikayat ng kaluluwa sa tiyak na lugar sa heograpiya at bawa’t grupo ng mga tao sa loob ng lugar na iyon.
Ang komite sa lunsod ay dapat na mabuo ng lokal na mga iglesya para itugma ang panghihikayat ng kaluluwa sa loob ng lunsod. Ito ay magbibigay ng pagkakatugma sa halip na kompetisyon sa pagitan ng mga iglesya sa lokal na antas. Ang isasaalang –alang ng komite ng rehiyon ay sa buong estado o lalawigan, at ang komite ng nasyonal ay sa loob ng pambansang pagsisikap.
Ang bumubuo ng bawa’t komite ay magkakaiba-iba depende sa lokal, rehiyon, at nasyonal na mga pangyayari at mga layunin. Ngunit ang bawa’t komite ay maaaring magkaroon ng sumusunod na mga kaanib:
-Tagapangulo: Na siyang nangunguna at magaayos ng komite.
-Katulong na –Tagapanguna: Tumutulong sa tagapangulo at papalit sa kanya kung wala siya.
-Kalihim: Ang gagawa ng mga gawain ng sekretarya, katulad ng mga sulat, paalala para sa pagtitapon, talaan, at iba pa.
-Tagapangulo sa Pananalapi: May hawak ng pondo, badyet, at pag-uulat tungkol sa pondo.
-Tagapangulo sa Panalangin: Nangunguna at nagtutugma ng pagsisikap sa panalangin para sa panghihikayat ng kaluluwa.
-Tagapangulo ng Pagsasanay: Nag oorganisa ng pagsasanay para sa panghihikayat ng kaluluwa.
Tagapangulo ng Mga Kagamitan: Responsable sa mga kailangan na mga babasahin, para sa panghihikayat ng kaluluwa, katulad ng “tracts”, mga Biblia, gayun din ang mga mapa, tarheta para sa pagbibisita, panghihikayat na mga aklat, pelikula, “tapes” at iba pa.
-Tagapangulo ng Publisidad: Ang naghahawak ng mga pahayag sa mga natatanging gawain sa radio, telebisyon, pahayagan, “sound cars”, paskil, at pulyeto, gayun din ang mga sulat.
ANG SKEDYUL:
Dapat ay may organisadong skedyul para sa mga gawain ng pasuyod na ebanghelismo. Narito ang mga mungkahi sa pantaunan na skedyul:
Enero: Mag organisa ng lokal, rehiyonal ( estado o lalawigan), at nasyonal na komite.
Pebrero: Magsanay ng lideratura.
Marso: Sanayin ang bawa’t Kristiyano
Abril: Pagsuyod ng lokal na mga lugar
Mayo: ng bawa’t paraan ng panghihikayat
Hunyo: ng kaluluwa.
Hulyo: Kampanya ng panghihikayat ng kaluluwa sa lokal.
Agosto: Pagsubaybay sa lokal na sinuyod.
Setyembre: Kampanya sa panghihikayat ng kaluluwa sa rehiyon.
Oktubre: Pagsubaybay sa rehiyon.
Nobyembre: Kampanya ng panghihikayat ng kaluluwa sa nasyonal.
Disyembre: Pagsubaybay at pagpaplano para sa susunod na taon.
(Sa ika-labing dalawang Kabanata matututunan mo kung paano mag organisa at gumawa ng krusada ng panghihikayat ng kaluluwa. Sa Ika–labintatlong Kabanata iyong matututunan kung paano ang pagsubaybay sa bagong mananampalataya at pagsasanay sa pagdidisipulo.)
MGA PAMAMARAAN:
Ang bawa’t maiisip na uri ng panghihikayat ng kaluluwa ay ginamit sa lokal, rehiyonal, at nasyonal na antas, kasama ang mga sumusunod:
-Pagtitipon ng panalanginan na nakatuon sa panghihikayat ng kaluluwa.
-Panghihikayat ng kaluluwa sa radio at telebisyon.
- Panghihikayat ng kaluluwa sa “audio at video cassettes”.
-Mga pelikula ng panghihikayat ng kaluluwa.
-Pag-aaral ng Biblia sa mga tahanan, iglesya, o pagtitipon ng komunidad sa isang lugar para manghikayat ng kaluluwa.
- Mga kurso tungkol sa panghihikayat ng kaluluwa sa pamamagitan ng sulat.
-Pagdadala sa mga tao sa iglesya at sa mga pagititpon ng gawain ng panghihikayat ng kaluluwa.
-Panghihikayat ng kaluluwa sa bahay-bahay.
-Panghihikayat ng kaluluwa sa mga tauhan ng military.
-Panghihikayat ng kaluluwa na nakatuon para maabot ang mga tao sa kalakalan at propesyonal.
-Pagtuturo sa pagbasa at pagsulat na nakatuon sa panghihikayat ng kaluluwa.
-Mga program na pang medisina na nakatuon sa panghihikayat ng kaluluwa.
- Panghihikayat ng kaluluwa sa telepono.
-Nakasakay sa sasakyan habang nagbabahagi ng Ebanghelyo at nag-aanyaya sa mga tao para sa pagtitipon ng gawain sa panghihikayat ng kaluluwa.
-Personal na liham na nagbabahagi ng Ebanghelyo.
-Panghihikayat ng kaluluwa sa mga intitusyon sa bilangguan, ospital at tahanan para sa mga matatanda.
-Panghihikayat ng kaluluwa sa pamamagitan ng Kristiyanong pag-aaral: Panlingguhan na pag-aaral, paaralan ng Biblia tuwing bakasyon, at Paaralan ng Biblia.
-Panghihikayat ng kaluluwa sa parke, plaza, at ibang lugar na sentro ng pagtitipon.
- Panghihikayat ng kaluluwa sa natatanging pangyayari sa komunidad, halimbawa isang lokal na perya, sirkus, o politikal na pagtitipon.
-Konsiyerto ng panghihikayat ng kaluluwa at pagtatanghal ng drama.
-Panghihikayat ng kaluluwa sa pamamagitan ng babasahin: Pagbabahagi ng “tracks, aklat, at iba pang nakaimprenta na mga babasahin.
- Panghihikayat ng kaluluwa sa mga natatanging pangangailangan: Nagugumon sa alcohol, ipinagbabawal na gamut, mga walang makain, walang tirahan, pag-aalaga ng bata, may kapansanan sa pisikal at pag-iisip.
-Natatanging panghihikayat ng kaluluwa sa pagabot sa mga bata, kabataan, kalalakihan,at kababaihan.
- Panghihikayat ng kaluluwa sa mga “international” na mga mag-aaral at lokal na kolehiyo at unibersidad.
- Panghihikayat ng kaluluwa sa mga paaralan o pampublikong paaralan.
-Pangmaramihan na mga krusada sa local, rehiyonal, at nasyonal na antas.
Ang ilan sa mga paraan ng panghihikayat ng kaluluwa na nabanggit ay maaaring hindi posible sa ibang mga bansa dahil sa patakaran ng gobyerno. Subalit ang punto sa pasuyod na ebangelismo ay seryoso na pagsisikap upang masuyod ang bansa ng Ebanghelyo sa bawa’t lehitimong posibleng paraan.
Walang limitasyon ang iba’t ibang mga paraan na maaaring makasama sa pagbababad na panghihikayat ng kaluluwa. Tandaan na ang layunin ay maabot ng Ebanghelyo ang bawa’t isa.
PAGHAHANDA SA LOKAL NA IGLESYA
Dahil ang rehiyonal, at nasyonal na pagsisikap ay nagmula sa mga ginagawa sa lokal na antas, at dahil ang pagbababad na panghihikayat ng kaluluwa ay nangyayari sa loob ng gawain ng lokal na iglesya, mahalaga na alam ng lokal na pastor kung paano ihahanda ang kongregasyon para sa pasuyod na panghihikayat ng kaluluwa. Narito ang ilan sa mga paraan para matulungan ang pastor na magawa ang layunin na ito:
-Ipakita mo mismo sa iyong sarili. Kung makikita ng kongregasyon na ikaw ay nasisiyahan tungkol sa panghihikayat ng kaluluwa at pagabot sa mga kaluluwa, sila ay maaapektuhan ng iyong kasigasigan.
-Ituon ang mensahe ng Linggo ng umaga sa mga hindi pa ligtas. Kung may bisita sa iglesya na hindi pa ligtas, kadalasan ito ay Linggo ng umaga.
-Magtakda ng pirmihan na panahon, para mangaral ng serye ng mensahe sa panghihikayat ng kaluluwa.
-Gamitin ang “media” sa panghihikayat ng kaluluwa sa inyong kongregasyon: Maaaring kasama ang “video at audio cassette tapes”, pelikula, at mga aklat na tungkol sa panghihikayat ng kaluluwa.
-Gawin na ang pagaboi\t sa kaluluwa ay kinakailangan para sa liderato. Ang isang katangian para sa bawa’t lider ay dapat na umaabot ng kaluluwa. Kung ang iyong kasalukuyan na mga pamunuan ay hindi umaabot ng mga kaluluwa para Kay Cristo simulan ang pagsasanay sa kanila.
-Ituon ang Paaralan Panlinggo sa pagabot sa mga kaluluwa: Ang mga guro ay dapat masanay kung paano ipahayag ang Ebanghelyo at mag-anyaya sa mga mag-aaral na tumugon dito. Ang hindi pa ligtas na mga magulang ng bata sa paaralan panlinggo ay dapat na maabot.
-Gawin na ang panghihikayat ng kaluluwa ay maituon sa panalanginan na pagtitipon: Marami sa mga pagtitipon ng panalangin ngayon ay nagiging katulad ng isa pang paglilingkod na may awitan, magandang pangangaral, ngunit maikling tunay na panalangin. Akayin ang mga tao na bumalik sa tunay, pinangungunahan ng espiritu, Bagong Tipan na pananalangin na nakatuon sa naliligaw at magtatayo ng mga manggagawa sa anihin.
-Mangasiwa ng pirmihan na pagsasanay sa panghihikayat ng kaluluwa: Maaaring magamit ang kursong ito, “Panghihikayat Ng Kaluluwa Tulad Ng Pagkalat Ng Lebandura,” sa layunin na ito. Patuloy na ulitin ang klase habang ang mga bagong kaanib ay nalilipat sa inyong kongregasyon o bagong nahikayat ay lumapit Sa Panginoon.
-Gumawa ng plano sa iyong lugar: Kumuha ng mapa ng inyong nayon o lunsod. Hatiin ito sa bawa’t bahagi at maglagay ng lider sa bawa’t bahay. Pagkatapos…
-Maglaan ng kahit isang gabi kada linggo para sa personal na panghihikayat ng kaluluwa. Ginagawa lamang natin ang mga bagay na nagbibigay tayo ng panahon para gawin, at ito ay tutoo sa panghihikayat ng kaluluwa. Hindi ka maguumpisa na umabot ng kaluluwa hanggat ikaw ay naglalaan ng tiyak na oras para dito.
-Maglaan ng tiyak na araw at oras, makipagtipon sa mga manggagawa para sa panalangin, at pagkatapos ipadala sila ng dalawa-dalawa. Bigyan sila ng “assignment card” para bisitahin ang mga pamilya, kalakal, tindahan, plaza, parke, estasyon ng gasoline, taberna, bilyaran sa bawa’t lugar—ito ang pasuyod na panghihikayat ng kaluluwa.
-Simulan ng pagsubaybay na programa: Sanayin ang iyong mga tao na personal na maging responsible para sa pagsubaybay ng mga nahikayat. Magsimula ng klase para sa bagong nahikayat para turuan sila ng pangunahing doktrina ng Kristiyanong Pananampalataya at isama sila sa iglesya.
PANSARILING PAG-SUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng “ pasuyod na ebangelismo.”
________________________________________
________________________________________
3. Ibuod ang basehan sa Biblia ng pasuyod na ebanghelismo.
________________________________________
________________________________________
4. Talakayin ang pangunahing prinsipyo ng pasuyod na ebanghelismo.
________________________________________
________________________________________
5. Talakayin ang halimbawa ng pasuyod na ebanghelismo.
________________________________________
________________________________________
6. Ipaliwanag kung paano ang lokal na pastor ay maihahanda ang kanyang kongregasyon para sa pasuyod na ebanghelismo.
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Ang kurso ng Harvestime International Institute na kursong “Pagsusuri Ng Kapaligiran,” ay ibingay ng detalye kung paano ang pagsusuri ng isang nayon, lunsod, rehiyon, o bansa bago mapasok ng Ebanghelyo ang mga ito. Ito ay makatutulong sa iyo sa pagkilala ng mga pangangilangan at paggawa ng mga plano para sa pasuyod na ebanghelismo.
2. Gumawa ng plano para sa pasuyod na ebanghelismo para sa lunsod, o nayon kung saan ka nakatira. Ipanalangin kung ano ang mga gawain ng panghihikayat ng kaluluwa na dapat makasama at pagkatapos gumawa ng skedyul para magawa ang iyong plano. Ano ang mga iglesya o Kristiyanong organisasyon ang maaaring makisama sa iyong pagpasok sa iyong komunidad?
3. Kung iyong pinag-aaralan ang kursong ito sa bilangguan, gumawa ng plano ng pagsuyod na panghihikayat ng kaluluwa para sa intitusyon kung saan ka nabilanggo . Kung ang iyong piitan ay may “chaplain”/ pastor. Humingi ng tulong sa kanya.
IKA-LABINDALAWANG KABANATA
MGA PAMAMARAAN:
PANGMARAMIHAN NA PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag ang pakinabang ng pangmaramihan na krusada.
· Ibuod ang impormasyon na tinalakay tungkol sa aralin na ito:
· Espirituwal na paghahanda
· Ang lugar ng krusada
· Ang mga kagamitan
· Petsa at oras
· Pagpapahayag
· Pananalapi
· Ang paunang paghahanda sa mga kagamitan
· Pagsasanay sa mga manggagawa
· Pangangasiwa ng gawain
· Follow-up
· Isagawa ang pangmaramihan na krusada.
SUSING TALATA:
Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha
kayo ng kagilagilalas; sapagkat Ako’y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga
kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo. (Habacuc 1:5)
Ang paraan ng pangmaramihan na pagtitipon sa panghihikayat ng kaluluwa ay base sa Biblia. Halos 150 na beses sa Bagong Tipan na ating mababasa na si Jesus ay nagsalita sa maraming tao. Si Apostol Pablo at ang ibang mga disipulo ay kadalasan nagministeryo sa pamilihan kung saan maraming nagtitipon na mga tao.
Ang pangmaramihan na pagtitipon ay umaabot sa mga tao na sa ilang taon ay naghahanap ng Dios. Ito ay humihipo sa mga tao na hindi kailanman natutungo sa gusali ng iglesya. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios sa mga mananamaplataya. Ito ay madaling umaabot sa mga tao ng mensahe ng Ebanghelyo at isang mahalagang paraan para sa pagabot sa mabilis na lumalagong populasyon ng mundo.
Ang isang istadyum ng palaruan ay karaniwan alam na alam ng mga tao sa lunsod. Maging maingat sa pagkuha ng nakasulat na pahintulot para sa paggamit ng aktuwal na palaruan at para sa paggawa ng plataporma sa bukid. Ang saradong istadyum na palaruan ay nagbibigay ng masmalaking regulasyon ng mga tao. Siyasatin ang mga lugar na pasukan at labasan para makasiguro na ito ay magandang lugar at sapat.
(Pansinin: Ang gusali ng iglesya ay hindi dapat gamitin para sa pangmaramihan na krusada dahil ito ay makasasagabal ng pagkamabisa ng “outreach”. Maraming hindi pa ligtas na mga tao ay hindi komportable na magtungo sa iglesya. Ang ilan sa mga denominasyon ay nagbabawal na ang kanilang mga kaanib ay pumasok sa iglesya na iba ang denominasyon.)
Sa bawa’t lugar, narito ang ilang karagdagan na mga bagay na dapat alalahanin:
-Upuan.
-Sapat na paradahan ng sasakyan.
-Sapat na mga pasukan at labasan.
-Malapit sa pampublikong sakayan.
-Magagamit na kuryente para sa liwanag at tunog “sound”.
-Palikuran
ANG KONTRATA NG KAGAMITAN
Dapat mayroon kang kontrata na may lagda para sa kagamitan bago gumawa ng anumang mga pahayag ng lugar ng krusada. Ang ilan sa mga pangunahing mga bagay na dapat isama sa kontrata:
1. Ang iyong pangalan at ang pangalan ng tao, kompanya, o samahan na nagpapaupa ng lugar sa iyo.
2. Ang tiyak na petsa kung kailan mo gagamitin ang kagamitan/ lugar.
3. Ang tiyak na mga oras na iyong gagamitin ang kagamitan/ lugar.
4. Ang kabuuang salapi na ibabayad para sa paggamit ng kagamitan/ lugar.
5. Ang gagawin na paraan at tiyak na petsa ng pagbabayad.
6. Ang tiyak na paunang oras sa unang pagtatagpo para makita ang mga kagamitan /lugar para sa paghahanda.
7. Iba pang mga bagay: Kasama ba sa halaga ang kuryente? Plataporma? Upuan? Palikuran? Paglilinis?
PETSA NG KRUSADA
Ang petsa ng krusada ay maaaring maapektuhan ng kagamitan /lugar na iyong napili. Maaaring ito ay magamit lamang sa tiyak na mga araw o sa panahon ng tiyak na mga buwan. Ibang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng petsa ay dapat na isama ang :
-Panahon: Kung ang krusada ay gagawin sa labas, dapat mong isaalang -alang ang sobrang lamig , tag-ulan, at tag-init na panahon at subukan na iwasan ang mga ito. Magkonsulta sa mga taong nakatira sa lunsod kung saan ang krusada ay pinaplano para sa pinakamagandang panahon ng pagsasagawa ng krusada.
-Bakasyon: Pinakamabuti na iwasan ang panahon ng bakasyon dahil ang mga tao ay abala sa kanilang mga pamilya at pagdiriwang.
-Magkakasalungat na mga pangyayari: Iwasan ang magkasalungat na mga pangyayari katulad ng pista, perya, gawain ng paaralan, pagtitipon ng politika, at iba pa.
ORAS NG KRUSADA
Para maabot ang pinakamalaking bilang ng mga tao, itakda ang krusada sa panahon na sila ay makadadalo. Isaalang-alang ang palatakdaan ng trabaho ng lokal na komunidad, regulasyon ng takdang oras kung hanggan saan maaaring nasa labas ang mga tao, at palatakdaan ng pampublikong transportasyon.
PAGPAPAHAYAG NG KRUSADA
Kung nakalimutan mong ipaalam sa mga tao na ang krusada ay gagawin , hindi mo mararanasan ang malaking pagkakataon na ibinibigay ng pangmaramihan na pagtitipon. Kahit sa limitadong badyet, makaaabot ka ng malaking lugar ng balita ng pagtitipon. Una, dapat mong malaman ang dalawang bagay:
1. Ano ang isasama mo sa iyong pag-aanunsiyo.
2. Saan mo gugugulin ang magagamit na pondo.
Ating isaalang-alang ang bawa’t mga bagay na ito:
ANO ANG ISASAMA MO:
Ang petsa, oras, at maliwanag na direksiyon tungkol sa lugar ng krusada ay dapat na kasama sa lahat ng pagaanunsiyo. Dapat mo rin sabihin na Si Jesus ay nananatiling gumagawa ng mga himala ng kaligtsan, pagpapagaling, at pagpapalaya ngayon. Ito ay magdudulot ng pagnanais para sa mga nangangailangan ng kagalingan o pagpapalaya sa kanilang mga sarili o may mga mahal sa buhay na ganito ang mga pangangailangan. Ito ay nagdadala rin sa mga tao sa krusada na may espiritu na umaasa, tunay na naghahanp para sa pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios.
SAAN MO GUGUGULIN ANG IYONG SALAPI:
Narito ang ilan na mga paraan ng pagaanunsiyo na dapat isaalang-alang sa paggugol sa iyong badyet para sa pagaanynsuyo:
Pulyeto: Ang pulyeto ang pinakamahalagang piraso ng pagaanunsiyo na iyong maihahanda. Ito ay anunsiyo ng krusada na naka imprenta sa murang papel halos 5 ½ at 8 ½ na pulgada ang laki. Ang mga ito ay maaaring personal na ibigay sa mga tao sa kalsada, sa mga plasa, mga parke, at tindahan. Ang mga ito ay maaaring ibigay sa mga mananamapalataya at iglesya na nasa lugar para ipamahagi. Maaari mo ring ipamahagi sa bahay-bahay. Kung maaari ang pulyeto ay gawin na kaakit-akit, ngunit mura, para makapag-imprenta ka ng maraming sipi. Siguruhin na bigyan ang mag-iimprenta ng sapat na panahon sa paggawa ng pulyeto para makuha ito sa panahon na nais mong matanggap ang mga ito.
Ipamigay at pulyeto sa lahat ng lugar na nais mong maabot isang linggo bago magsimula ang krusada. (Sa mga lugar na maaaring magkaroon ng pag-uusig at oposisyon makabubuti na maghintay ng tatlong araw bago ang krusada para ipamigay ang pulyeto.) Mag organisa ng pangkat ng mga tao na lalabas sa tiyak na mga lugar para ipamigay ang mga pulyeto. Ang pinakamabuting paraan sa paggawa nito ay kumuha ng mapa ng lugar at magtakda ng mga tao sa tiyak na mga bahagi.
Bandila: Ang mga bandila ay mga tanda na gawa sa tela na maaaring isabit sa pangunahing pagsasalikop ng daan sa lunsod. Siguruhin na ang bawa’t pangunahing daan tungo sa lunsod ay malalagyan. Maaaring kumuha ng pahintulot mula sa gobyerno ng lunsod para magawa ito sa ilang mga lugar. Maaari mo rin isabit ang mga estandarte/ bandila sa mga plasa, at mga parke—kung saan maraming bilang ng mga tao ang nagtitipon. Siguruhin na ang lahat ng impormasyon ( petsa, oras, lugar) ay kasama sa bandila.
Paskil: Ang paskil ay pinalaking pulyeto, magkatulad ang desenyo at impormasyon. Ang pagkakaiba ay higit na malaki at naka imprenta sa matibay na papel para ito ay maisabit sa bawa’t magagamit na lugar sa buong lunsod.
Muli, pinakamabuti na magorganisa ng mga pangkat ng tao at sabihin sa kanila ang tiyak na mga lugar kung saan nila ilalagay ang mga paskil. Ang layunin ay ilagay ang paskil kung saan makikita ng mga tao ito, kung saan nagdadaan ang trapiko sa lunsod. Huwag isa lamang paskil ang ilagay sa isang lugar. Ang mga mata ng tao ay naakit sa mas maraming lugar na pinaglagyan kung saan tatlo o apat na magkakatulad na paskil ang nakalagay.
Sasakyan na may nag-aanunsiyo: May mga tao na hindi nakababasa ng paskil, pulyeto, o bandila, ngunit makauunawa sila ng mga anunsiyo na kanilang narinig sa malakas na “speaker”. Ang sasakyan na may nag-aanunsiyo na kinakausap ang publiko na umiikot sa buong lunsod para ipahayag ang krusada. Maingat na ihanda ang nakasulat na anunsiyo na babasahin at tandaan ang tiyak na daan para sa daraanan ng sasakyan para hindi magkatulad na lugar ang mauulit habang ang iba ay hindi napuntahan.
Mga Pahayagan: Ang mga nakasulat sa pahayagan ay dapat naglalaman ng mga pangunahing impormasyon na nasa pulyeto at paskil. Huwag matakot humingi ng diskuwento sa halaga ng pagaanunsiyo, dahil ikaw ay gumagawa para sa lunsod ng paglilingkod sa publiko. Ang mga tao ay maliligtas mula sa ipinababawal na mga gamot, alcohol, at magpagaling ng espiritu, pag-iisp, at pisikal na kalagayan dahil sa krusada. Magiging mas mabuti ang lugar ng lunsod dahil sa gawa Ng Dios sa komunidad.
May mga pahayagan na maaaring magbigay ng walang bayad na artikulo tungkol sa krusada. Dapat kasama sa artikulo ang pangunahing mga impormasyon petsa, oras, at lugar ng pagtitipon, ngunit mas detalye kaysa inilagay na mga anunsiyo. Imungkahi na ang tagaulat ay makipagtalakayn sa iyo bilang bumibisita na ebanghelista o “cover” ang unang “service” ng krusada.
Radyo at Telebisyon: Kung maraming radio at telebisyon sa lugar, dapat mong isipin ang uri ng pagaanunsiyong ito. Muli, gumagawa ka ng paglilingkod sa komunidad, kaya huwag matakot na humingi ng murang bayad sa pagaanunsiyo. Siguruhin na mayroong nakasulat na kontrata na nagsasabi ng tiyak na oras ng araw kung saan ang pahayag ay ipalalabas o sasabihin at ang haba ng anunsiyo.
Narito ang ilan na mga mungkahi para sa paggamit ng radyo at telebisyon na walang gastos:
-Makipag-usap nang isahan at organisasyon na nagsasahimpapawid ng Kristiyanong radyo o telebisyon na programa sa lugar. Hilingin sila na ipahayag ang krusada sa kanilang programa.
-Imungkahi na ang estasyon ay magbigay ng maikling pampublikong paglilingkod na anunsiyo, dahil ikaw ay gumagawa ng paglilingkod sa komumidad.
-Imungkahi na ang estasyon ay dumalo sa unang pagtitipon ng krusada at I “tape” ang bahagi nito o aktuwal na isahimpapawid ng sabayan.
Imungkahi na ikaw, bilang bumibisita na ebanghelista, ay kapayanim sa isa sa lokal na programa na “secular”.
Mga Sulat: Natatanging sulat ng paanyaya ay maaaring ipadala sa gobyerno at mga lider ng kalakalan at ibang komunidad.
Telepono: Kung may serbisyo ng telepono sa lunsod, kumuha ng sipi ng nakasulat ng direktoryo ng telepono. Punitin ang libro sa bawat bahagi at hatiin ang mga pahina sa iba’t ibang bahagi mga iglesya. Hilingin sa mga mananamaplataya na nasa lugar na tumawag at anyayahan ang mga tao sa pagtitipon.
“Verbal” na pag-aanunsiyo: Ang “verbal” na pagaanunsiyo ay maaaring gawin sa lokal na pagtitipon ng mga samahan, mga paaralan, komunidad na mga gawain, at mga iglesya.
PANANALAPI NG KRUSADA
Katanggap- tanggap na tumanggap ng handog sa pangmaramihan na krusada, ngunit sa maraming pagkakataon, ang paghahandog ay hindi dapat tumanggap hanggang sa huling bahagi ng krusada; hindi sa unang gabi. Una, ang kapangyarihan Ng Dios ay kailangan na sumalakay sa komunidad para makakuha ng puso ng mga tao. Kung mararanasan ng mga tao ang katotohanan Ni Jesus, ang kapangyarihan ng kalaban sa pamamagitan ng balita, paninirang puri, at maling pagpaparatang tungkol sa mga pananalapi ay hindi masisira ng gawain.
Ang mga pananalapi ay dapat malaman ng mga tao kung saan gugugulin. Para masiguro ito, magandang magtatag ng isang lokal na komite ng mga Kristiyano para hawakan ang pananalapi. Ang pagbibilang, pagtatala, at pagtatago nito ay hindi dapat maiwan sa isang tao lamang. Pinakakaunti ang tatlong tao na dapat nakaharap sa lahat ng oras kung ang handog ay binibilang at ginagawa. Kung may lokal na bangko, mabuti na magbukas ng hiwalay na “account” ang krusada.
Ang buong talaan ng lahat ng pondo na natanggap at ginugol para sa krusada ay dapat na itago. Ang mga bagay ay dapat na may resibo, at ang impormasyon ay dapat na magamit sa mga lokal na tumulong na mga pastor at mga iglesya. Ang mga nalikom na handog ay dapat gamitin para sa pagbabayad ng renta ng lugar, kagamitan, pagaanunsiyo para sa krusada, mga kagamitan na ginamit sa “sound system”, at mga transportasyon, tirahan, at iba pang mga ginugol.
PAUNANG PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITAN/ LUGAR
May ilang mga bagay na dapat mong ihanda para sa kagamitan ng krusada bago ang unang pagtitipon.
Kasama dito ang mga sumusunod:
ANG LUGAR:
Dapat ang lugar ay may maliwanag na tanda ng mga bandila, paskil, o mga tanda sa lupa at sa malapit na lugar.
ANG ENTABLADO:
Kung ang kagamitan /lugar ay walang entablado, kailangan mong magtayo . Ang unang bagay na dapat gawin ay alamin ang lugar. Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang:
1. Ang mga tao ba ay natural na matitipon sa harapan ng entablado gaano man sila karami? Kung wala kang pader sa tabi o likod ng entablado, may tao na nakapalibot at mahirap na masupil ang maraming tao at panatiliin ang kanilang atensiyon.
2. Kung ang krusada ay gagawin sa saradong lugar na may bakod o dingding, mahalaga na ang entablado ay ilagay sa kabila ng pangunahing pasukan para ang mga tao ay hindi paikot-ikot sa entablado at magiging dahilan ng pagkaabala sa panahon ng “service”.
3. Kung ang lupa ay hindi patag dapat mong isipin ang lugar kung saan ang mga tao ay makakakita ng mabuti sa entablado. Kung ang lugar ay walang upuan, ang mga tao ay nakatayo sa “service” mahirap kung kailangan na sila ay tumayo sa malalim o hindi patag na lugar.
4. Kung ikaw ay nasa plasa o parke ng lunsod, magugustuhan mo na ilagay ang entablado kung saan pinakatahimik na lugar mula sa trapiko.
Sa maraming pagkakataon, ang mga kompanya ng kahoy at magbibigay para sa paggawa ng entablado ng krusada. Sa ibang pagakakataon, maaari nilang pa rentahan o ipautang ang kahoy. Ito ay mas mabuti sa halip na bumili, dahil maaari mong iablik kung ang krusada ay tapos na. Maaari mong isipin na ilagay ang entablado sa ibabaw ng malaking bariles, katulad ng bariles ng langis, o likido, kung mayroon nito. Ang laki ng entablado ay maglalaman kung ilan ang mga tao na aakyat dito.
Siguruhin na maglagay ng rampa na patungo sa pulpito mula sa magkabilang tabi ng entablado. Ito ay gagamitin para sa pagpapatotoo ng kaligtasan, kagalingan, at pagpapalaya na iyong dadalhin mula sa mga tagapakinig. Ang malakas na hawakan sa panlabas ng dulo ng rampang ito ay makatutulong para sa mga tao na suportahan ang kanilang sarili sa kanilang pag-akyat at pagbaba sa rampa. Ang pagkakabit ng makitid na piraso ng kahoy na nakapako pahalang sa rampa ay magbibigay ng magandang tapakan.
ANG LUGAR NG ALTAR:
Ang lubid sa isang lugar patungo sa harapan ng entablado. Ito ay makapipigil sa mga tao an mapuno malapit sa harapan ng entablado at magbibigay ng lugar para mapaglingkuran ang mga tutugon sa pagtawag sa altar. I-desenyo ang lubid para ito ay maibababa kung nais mo ang lahat ng tao ay makapunta sa harapan sa panahon ng pagtawag sa altar.
KURYENTE:
Siguruhin na ihiwalay ang linya para sa mga ilaw at ang ”power system”. Huwag kailanman pagsasamahin ang linya ng dalawang ito. Palaging magkaroon ng pinanggagalingan ng kuryente at patayan sa lugar kung saan walang makakagalaw nito.
“SOUND SYSTEM”
Subukin ang “sound system” na mabuti, pinakamaikli isang oras bago ang “service”. Makatutulong kung ikaw ay may “back up” na kagamitan o pampalit na mga parte na magagamit para sa “emergency”.
NAKARESERBA NA BAHAGI NG LUGAR:
Lagyan ng maliwag na tanda ang bahagi na ito. Halimbawa, mayroon kang nakareserba na lugar para sa tagasalin para sa mga hindi nagsasalita ng lengguwahe na ginagamit. Maaaring kailangan mo ng lugar para sa mga musikero, solowista,o koro ng krusada. Maaaring mayroon ka rin na nakareserbang mga upuan para sa mga manggagawa.
IBA PANG PAGHAHANDA:
Maglaan ng mga lagayan ng handog at anumang kagamitan ng maaaring gamitin para sa pagpapayo katulad ng tsapa, “decision card”, “tracts”, at iba pa.
PAGSASANAY SA MGA MANGGAGAWA NG KRUSADA
Sa pagsasanay ng mga mananapalataya na nasa lugar para tumulong sa krusada, sila ay mas higit sa tagapanuod lamang. Sila ay magiging bahagi ng “outreach” para sa mga kaluluwa at mananalangain at magkakaroon ng pasanin sa pagtitipon sa halip na basta lamang maghintay kung ano ang mangyayari.
PAGTATALA NG MGA MANGGAGAWA:
Ang mga manggagawa sa krusada ay dapat na ganap na Kristiyano mula sa kasaping mga iglesya sa lugar kung saan ginagawa ang krusada. Ang mga pastor ay makatutulong ng pagtatala ng mga manggagawa mula sa kanilang mga iglesya at magsilbing mga tagapayo. Kung idaraos ang krusada sa walang mga iglesya, mangalap ng bagong grupo ng mga manggagawa na mga mananapalataya mula sa malapit na lugar para dumating at tumulong sa krusada bilang manggagawa.
PAGTATAKDA NG KLASE NG PAGSASANAY:
Pinakamabuti na gawin ang pagsasanay ng manggagawa para sa dalawang gabi bago ang pagsisimula ng krusada para ang pagsasanay ay maging sariwa sa mga isip ng mga tao. Ang unang klase ay maaaring gawin sa lokal na iglesya o bulwagan, ngunit ang huling klase ay dapat gawin sa mismong pagdarausan ng krusada para mailagay sa lugar ang mga manggagawa.
Hindi ibig sabihin na ang isang tao na matagal nang Kristiyano ay hindi na niya kailangan ng pagsasanay. Huwag hayaan na sabihin ng sinoman na ,”Alam ko ang gusto mong mangyari, kaya hindi na ako dapat dumalo ng pagsasanay na klase.” Ang lokal na mga kasamang pastor at lahat ng mga manggagawa sa krusada ay dapat magsanay.
MAGBIGAY NG KASANAYAN SA MGA MANGGAGAWA:
Makatutulong kung ang mga manggagawa ay makikilala sa pagsuot ng mga tsapa o may kulay na tali. Sabihin sa kanila na magdamit ng malinis at maayos, at gumawa kasama ang mga kaanib na katulad ang kasarian kung posible. Sila ay dapat na nasa krusada kalahating oras bago ang pagsisimula ng “service”
Ang mga manggagawa ay dapat mayroong Biblia, lapis, o panulat, at “decision card”, kung gumagamit ka ng mga ito para sulatan ng mga pangalan at tirahan ng bagong nahikayat. Kung posibleng mura ang halaga ng naka imprenta na materyales para bigyan ang bagong mga nahikayat katulad ng Ebanghelyo ni Juan o “tracts”, magbibigay sa kanila ng dagdag na pagtuturo ito tungkol sa buhay Kristiyano.
PAGSASANAY PARA SA MGA TAGAPAYO:
Ang mga manggagawa ay dapat mabigyan ng pangunahing pagtuturo sa pagpapayo. Alam nila dapat kung paano mag-akay ng isang tao Kay Jesu Cristo at kung paano manalangin sa mga nangangailangan ng pagpapalaya at kagalingan. Gamitin ang ilang mga bahagi ng kursong ito sa pagsasanay sa larangan na ito. Mayroon din na patnubay sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng aralin na ito.
Ang mga manggagawa ay magmiministeryo sa mga hindi pa ligtas na tumugon sa tawag ng kaligtasan. Maaaring matawag din sila na magministeryo sa inaalihan ng demonyo (tingnan ang sumusunod na bahagi sa pagpigil sa mga tao). Sila ay tutulong din na magministeryo sa pagpapalaya at pagpapagaling sa pamamagitan ng paggawa kasama ang mga tao sa bahagi na naatang sa kanila at sa pagmiministeryo mo ng natatanging mga panalangin.
PAGPIPIGIL SA MGA TAO:
Tandaan a ikaw ay nakikipagladan sa espiritu para sa mga kaluluwa ng lalake at babae, pagligtas sa kanila mula sa walang-hanggan na kahihinatnan sa impiyerno. Kung ginagawa mo ito sa maramihan, ang kapangyarihan ng demonyo ay hindi lamang nakaupo ng walang ginagawa at nagmamasid.
Una sa lahat, mayroon ka dapat na kapangyarihan at awtoridad Ng Espiritu Santo at gamitin ito sa pangalan Ni Jesus para itali ang espiritu ng kaguluhan. Ikalawa, dapat mong italaga ang pasanin sa iyong mga manggagawa. Dapat sila ay palaging alerto sa mga kaguluhan at abala at alam kung ano ang gagawin kung ito ay mangyari.
Sanayin na kumilos nang mabilis ang mga manggagawa at huwag magatubili kung may problema na nangyari. Huwag hintayin na matapos na lang ang pangyayari, dahil hindi ito titigil. Huwag maghintay sa ibang tao na tumugon. Kilalanin ito ng mabilis bilang gawain ng Demonyo at ituring ito na gawa nga niya.
Ang mahalaga rito ay harapin ang problema sa paraan na hindi na lalaki pa ang gulo na nangyari na. Huwag gagawa ng bagay na magpapalaki sa sitwasyon. Kumilos sa paraan na mababalik ang atensiyon sa entablado sa madaling panahon.
Kadalasan, gagamitin ni Satanas ang taong inaalihan ng demonyo para simulan ang pagpapakita. Sa karamihan na mga kaso, hindi dapat harapin ng mga manggagawa sa harapan ng maraming tao, dapat nilang dalhin sa labas at doon palayasin ang demonyo palabas. Ang mahalaga, anuman ang ginawa, ito ay dapat gawin ng mabilis at matahimik kung posible. Kilalanin ang kaguluhan kung ano talaga ang mga ito: Si Satanas ay kumikilos upang pigilin ang ginagawa Ng Dios.
Bilang bahagi ng mga tao, dapat kang magsanay ng mga natatanging mga manggagawa para sa entablado at may mga patungo sa rampa. Ang mga manggagawa sa rampa ay dapat hindi mapanatili ang mga taong hindi nararapat doon, at tulungan ang mga tao na nagpaparo’t parito sa entablado. Tatanggapin din nila ang mga tao na magpapatotoo na dadalhin nila mula sa karamihan, tiyakin ang mga himala, at samahan sila sa entablado.
Ang mga manggagawa sa entablado ay kasama ang mga “ushers” na nakatayo sa magkabilang tabi ng entablado na nasanay para huwag hayaan na sinonam ay makapunta sa entablado na hindi ipinadala ng mga manggagawa sa rampa. Mayroon dapat mga dalawa pang ibang manggagawa na kasama para tumulong sa pag-aayos ng linya ng patotoo.
Bilang bahagi ng pagpipigil sa mga tao, maaaring nais mong magsanay ng “ushers” para tumulong sa mga tao na pabalik-balik mula sa upuan ( kung mayroon upuan) at para sa paglikom ng handog. Maaaring kailanganin mo na magsanay ng mga manggagawa para tumulong sa paradahan kung ang karamihan sa mga tao ay may sasakyan nang dumating. Gumawa ng pag-aaral ng lugar ng paradahan ng sasakyan at ang mga paraan at maghanda ng krokis kung paano ang trapiko ay dadaloy. Maaaring nais mo na maglaan ng ilan na mga paradahan para sa mga manggagawa at grupo ng krusada. Maghanda ng kinakailangan na tanda para sa paradahan, tamang ilaw kung posible, at bantay laban sa maninira (tandaan . . . ikaw ay nakikipaglaban sa espiritu).
KALIGTASAN:
Kung ikaw ay nagbigay ng panawagan para sa kaligtasan, hilingin na ang mga manggagawa na nasanay ay mabilis na tumayo sa tabi ng mga lugar na itinakda para sa kanila. Ang tawag para sa kaligtasan ay nagsasabi na oras na para sa ministeryo ng paglilingkod. Sanayin sila na ibigay ang buong atensiyon kung ano ang iyong sinasabi sa oras na iyon. Maaaring pangunahan ka Ng Dios na magministeryo sa kakaibang paraan sa ibang panahon, at dapat silang nakahanda para umayon sa iyo habang Ang Espiritu Santo ay kumikilos.
Kadalasan, dahil sa laki ng tugon sa pangmaramihang krusada, pinakamabuti na manalangin ng isang pangmaramihan na panalangin at hilingin sila na sumunod sa panalangin ng makasalanan pagkatapos mo. Mahalaga na ang mga tumugon sa tawag ng kaligtasan ay masubaybayan, kaya siguruhin na ang isa sa tatlong bagay ay mangyari:
- Punan ng tagapayo ang “decision card” ng pangalan at tirahan ng bagong nahikayat para sila ay matawagan ng lokal na pastor para sa “follow up.”
o
- Gumawa ng pahayag para sa pagtitipon sa susunod na umaga para sa lahat ng mga tumanggap Kay Jesus. Sa panahon ng umagang pagtitipon, ang pagsubaybay ay maaaring gawin sa mga bagong mananampalataya.
o
- Ang mga tumugon para sa kaligtasan ay pangunahan sa natatanging silid ng pagpapayo o sa isang lugar. Sasamahan sila ng mga manggagawa sa lugar na ito, magbigay ng dagdag na pagpapayo, at kunin ang kanilang pangalan at tirahan sa “decision card.”
Kung ikaw ay gumagamit ng “decision card”, ang mga ito ay dapat may lugar para sa :
-Pangalan
-Tirahan
-Telepono
-Tugon: Isang lugar na malalagyan ng tsek kung sila ay tumanggap ng kaligtasan, para baguhin ang kanilang pagtatalaga Kay Cristo, pagpapalaya, kagalingan, at iba pa.
-Komentaryo: Isang lugar para sa dagdag na komentaryo ng
tagapayo na maaaring magtala ng anumang impormasyon na makakatulong sa pagsubaybay.
-Lagda: Isang lugar para sa lagda ng tagapayo.
Kung ang “decision card” ay ginamit, kung posible gawin itong dalawang bahagi na “form”, para dalawang sipi ang magagawa sa pagsulat sa “form.” Ang orihinal ay ibibigay sa lokal na pastor para sa “follow up”. Ang isang sipi ay maaaring manatili sa manggagawa para kanilang masubaybayan ang bagong nahikayat. Sanayin ang iyong manggagawa na maliwanag na sulatan ang mga tarheta. Maglagay ng tao na responsable para sa pagkuha at proseso ng lahat ng mga tarheta.
PAGPAPAGALING AT PAGPAPALAYA:
Ang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios ay nagpapatotoo ng pangangaral ng Ebanghelyo. Habang iyong matututunan sa Ikalawang Bahagi ng kursong ito, ang pagpapagaling at pagpapalaya ay mahalagang bahagi ng panghihikayat ng kaluluwa. Para palakasin ang pananampalataya ng mga mananampalataya, patunayan ang Salilta Ng Dios, at akitin ang mga hindi mananampalataya, makatutulong na ibahagi ang patotoo ng ginawa Ng Dios sa krusada. Tandaan na ang karamihan ng hindi pa ligtas na mga tao ay pumupunta ng hindi naniniwala. Sila ay nagdududa.
Kung ikaw ay nananalangin para sa kagalingan at pagpapalaya, sanayin ang mga manggagawa na nakabukas ang mga mata. Kung ikaw ay nananalangin, hayaan na ang mga tao na nakikinig na ilagay nila ang kanilang kamay sa maysakit na bahagi. Pagkatapos na manalangin, hilingin sila na gawin ang mga bagay na hindi nila dating nagagawa. Sanayin ang mga manggagawa na panoorin ang mga tao habang kanilang inilalagay ang kamay sa sakit at pagkatapos ng panalangin kumilos ng may pananampalataya. Maaaring lumapit ang mga manggagawa para kunin ang mga patotoo ng mga tao.
(Kung iyong sinasanay ang mga manggagawa, aktuwal na manalangin ng pagpapagaling at pagpapalaya. Maraming pagkakataon na ikaw ay gagaling sa panahon ng pagsasanay). Sa panahon ng pagsasanay, ipakita sa mga manggagawa kung paano aalamin ang isang bulag sa pamamagitan ng paghawak ng mga daliri at hilingin sila na bilangin. Para sa bingi, ang tunog sa likod ng tao ay maaaring ulitin, katulad ng pagpalakpak ng mga kamay ng ilang beses. Nakikitang pagpapagaling, katulad ng bingi, bulag, mga bukol, pilay, palakasin ang pananampalataya higit sa panloob na mga kagalingan na hindi kaagad mapatutunayan.
Kung ang isang manggagawa ay nakatagpo ng isang tao na nakaranas ng pagpapagaling at pagpapalaya, sanayin sila na dalhin (hindi ipadala) ang taong iyon sa nasa manggagawa ng rampa. At sasamahan ng manggagawa sa rampa sa mga nasa entablado ay maaari mong kapanayamin sila at ibahagi ang mga patotoo kung ano ang ginagawa Ng Dios. Ang manggagawa ay babalik sa kanyang lugar para patuloy na magministeryo at tumanggap ng mga patotoo.
PAGLALAGAY SA LUGAR:
Gumamit ng krokis sa unang klase ng pagsasanay para ipakita sa mga manggagawa kung saan sila ilalagay na lugar. Sa ikalawang gabi ng pagsasanay na gagawin sa lugar ng krusada, aktuwal na ilagay ang bawa’t manggagawa sa lugar kung saan sila tatayo sa panahon ng bawa’t “service.”
Magkaroon ng sapat na manggagawa sa lugar ng altar para kayang magabot ng mga braso sa lugar na ito. Ito ay mahalaga para sa pagpipigil ng mga tao at sa pagmiministeryo sa mga tutungo sa harapan.
Ilagay ang natatanging nasanay na mga manggagawa sa rampa at entablado sa kanilang mga lugar at magkapareho na ikalat ang natitirang mga manggagawa sa buong lugar. Siguruhin na maglagay ng mga manggagawa sa pasukan at labasan para masiguro ang “power sources.”
PAGDARAOS NG GAWAIN NG
KRUSADA
Narito ang ilan na mga mungkahi para sa pangangasiwa ng “service” sa krusada:
PAGSISIMULA NG “SERVICE”:
Magpatugtog ng natatanging musika 30 minutos bago ang pagsisimula ng “service”. Ang tugtog ay makaaakit sa mga tao para magtungo sa lugar at maihahanda ang puso ng mga tao na natitipon para tumanggap ng Salita Ng Dios. Ibilin sa mga musikero at soloista kung ano ang mga awit na gagamitin. Piliin ang mga awit na masaya, nakapagbibigay ng inspirasyon, at nakahihikayat ng kaluluwa. Huwag piliin ang mga awit na sentimental o mahirap na maunawaan. Gamitin ang mga awit na nagpapakita ng buhay at kasigasigan na makaaakit sa mga hindi pa ligtas.
Pagkatapos ng unang gabi, may mga tao na naligtas, gumaling, at napalaya. Hilingin na ilan sa kanila ang magbigay ng patotoo sa panahon ng 30 minuto bago ang “service”. Kapayanim sila at magtanong ng tiyak na mga tanong para maiwasan mo na maubos ang panahon ng “service” ( isang nakasisirang paraan ni Satanas).
ANG MINISTERYO NG SALITA:
Sa ipinahayag na oras, simulan ang “service” ng krusada. Huwag patagalin ang unang bahagi. Ang layunin ng krusada ng panghihikayat ng kaluluwa ay para maabot ang mga kaluluwa para Kay Jesus. Para magawa ito, ang Salita Ng Dios ay dapat maipangaral at ang kapangyarihan Ng Dios ay maipakita. Ang mga tao ay dumalo na may malaking esprituwal, pisikal, at emosyonal na pangangailangan. Hindi sila nandoon para makinig ng mahabang mga anunsiyo, biro, pambungad , at hindi mahalagang paguusap.
Bago ka magsimulang mangaral, ipahayag sa mga tao na ikaw ay mananalangin para sa pagpapagaling at pagpapalaya pagkatapos na ikaw ay mangaral. Marami sa mga tao na dumalo ay para gumaling, at kung ikaw ay magsimula na mangaral na hindi mo binabanggit ito maaari nilang hindi maunawan ang tungkol sa “service”. Kung liliwanagin mo na ikaw ay mananalangin para sa mga may sakit pagkatapos ng sermon, mas makikinig sila sa iyong mensahe.
ANG PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN:
Sa pagtatapos ng sermon, ang dapat na unang asikasuhin ay kaligtasan. Bigyan diin na ang kagalingan ng kaluluwa ay higit na mahalaga sa kagalingan ng katawan. Ipapanalangin mo ang katawan, ngunit nais mo munang ipanalangin ang kanilang kaluluwa, na sila ay espirituwal na pagagalingin Ng Dios at patatawarin ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo Ni Jesu Cristo.
Kadalasan, dahil sa laki ng tugon sa pangmaramihan na krusada, pinakamabuting manalangin ng pangmaramihan at hilingin sa kanila na ulitin ang panalangin ng makasalanan para sa kapatawaran pagkatapos mo. Mahalaga na ang mga taong ito ay makatanggap ng “follow-up care”. Kaya siguruhin, katulad ng nabanggit sa pagsasanay ng mga manggagawa na bahagi, na ang isa sa tatlong bagay ay mangyari.
- Punan ng tagapayo ang “decision card” ng pangalan at tirahan ng bagong nahikayat para sila ay matawagan ng lokal na pastor para sa “follow up.”
o
- Gumawa ng pahayag para sa pagtitipon sa susunod na umaga para sa lahat ng mga tumanggap Kay Jesus. Sa panahon ng umagang pagtitipon, “follow up care” ay maaaring gawin sa mga bagong mananampalataya.
o
- Ang mga tumugon para sa kaligtasan ay pangunahan sa natatanging silid ng pagpapayo o sa isang lugar. Sasamahan sila ng mga manggagawa sa lugar na ito, magbigay ng dagdag na pagpapayo, at kunin ang kanilang pangalan at tirahan sa “decision card.”
MGA PANALANGIN PARA SA PAGPAPAGALING AT PAGPAPALAYA:
Pagkatapos ng panalangin ng kaligtasan, panahon na para magsimula ng panalangin para sa pagpapagaling at pagpapalaya. Bawa’t sitwasyon ng ministeryo ay magkakaiba, may mga panahon na aakayin ka Ng Dios sa isang tiyak na mga paraan kung paano mag ministeyro. Ngunit narito ang ilan sa mga pangkalahatan na mungkahi para sa pagmiministeryo sa pagpapagaling sa pangmaramihan na kapaligiran ng krusada.
Sa malaking grupo ng mga tao, imposible na ipanalangin ang bawa’t isa ng isahan. Una, manalangin ng ilan na mga panalangin at ituon sa bawa’t isang tiyak na karamdaman. Hilingin sa mga manggagawa an dalhin ang mga patotoo sa entablado mula sa mga nangangailangan ng kagalingan. Ang pananampalataya ng mga nakikinig ay mapalalakas ng mga patotoong ito, pagkatapos maaari kang manalangin para sa huling pangmaramihan na panalangin ng pagpapalaya para sa lahat ng uri ng kalungkutan. Tandaan, mahalaga na bukas ka sa pangunguna Ng Dios sa lugar na ito. Walang naitatag na paraan.
PAGTATAPOS NG “SERVICE”:
Sa pagtatapos ng “service”, siguruhin na sabihin ang susunod na pagtitipon ng krusada at ang pang umaga na pag-aaral para sa bagong nahikayat. Magbigay ng tukoy na impormasyon kung ano ang mga oras at mga lugar.
PAG “FOLLOW UP” NG KRUSADA
Ang bawa’t nahikayat mula sa krusada ay dapat makatanggap ng kasunod na pag-aalaga. Tinutupad nito ang “pagtuturo ng lahat ng mga bagay” na dapat sumunod sa pagkahikayat bilang iniutos ng Dakilang Utos.
Sa panahon ng panawagan sa altar para sa kaligtasan ang isa sa dalawang bagay ay dapat nangyari:
1. Ang bagong nahikayat ay pupunan ang “decision card: Ito ay ginagawa alin sa dalawa sa lugar ng altar o sa natatanging silid ng pagpapayo. Ang mga tarhetang ito ay dapat na maibigay sa lokal na mga pastor na gagawa ng kasunod na pag-aalaga.
2. Ang pang umagang klase para sa mga bagong nahikayat ay naipahayag: Sa umagang klase ang bagong nahikayat ay dapat makatanggap ng kasunod na pag-aalaga at ang kanilang mga pangalan at tirahan ay makuha para sa dagdag na kasunod na pag-aaalaga ng lokal na mga pastor.
Ang kasabihan para sa kasunod na pag-aalaga ay dapat “Huwag Paaalisin.” Huwag paaalisin ang bagong nahikayat hanggat hindi siya naisasama sa “fellowship ng lokal na iglesya.
Ang Ika-labintatlong Kabanata ng kursong ito ay nagbibigay ng impormasyon sa kasunod na pagtuturo para sa bagong mga mananampalataya.
PANSARILING PAG-SUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ipaliwaang ang benepisyo ng pangmaramihang krusada.
________________________________________
________________________________________
IKA-LABING TATLONG KABANATA
MGA PAGPAPASIYA O MGA DISIPULO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “nahikayat”.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “disipulo”.
· Isulat ang anim na panuto na dapat magawa sa mabilis na “follow up” ng bagong nahikayat.
· Kilalanin ang siyam na mga prinsipyo ng disipulo na ginamit Ni Jesus.
· Ipaliwanag ang tunay na pagsubok ng pagigiging disipulo,
· Maglaan ng mabilis na “follow- up” para sa bagong nahikayat.
· Maglaan ng mas mahabang “follow-up” para sa bagong nahikayat
SUSING TALATA:
At nang magkagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya at
tinahak ang lupain ng Galacia at Frigia, na sunodsunod na pinagtitibay ang
lahat ng mga alagad. (Mga Gawa 18:23)
Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na
magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian
ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios. (Mga Gawa 14:22)
Dahil dito magsiyaon nga kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng
mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa
katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:19-20)
Dahil dito magsiyaon nga kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng
mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo. (Mateo 28:19)
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa
katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:20)
...ay umalis siya at tinahak ang lupain ng Galacia at Frigia, na
sunodsunod na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad. (Mga Gawa 18:23)
Sapagkat kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at
sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay
maliligtas ka;
Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa
pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas. (Roma 10:9-10)
Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na
walang hanggan, (Juan 3:15)
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng salitang “nahikayat”.
________________________________________
3. Ibigay ang kahulugan ng salitang “disipulo”.
________________________________________
4. Isulat ang anim na panuto na dapat magawa sa kaagad na “follow up” ng bagong nahikayat.
____________________________ ___________________________
____________________________ ___________________________
____________________________ ___________________________
5. Kilalanin ang siyam na mga prinsipyo ng disipulo na ginamit Ni Jesus.
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
_____________________________
6. Ano ang tunay na pagsubok ng isang disipulo?
________________________________________
IKA-LABINGAPAT NA KABANATA
PAGPAPLANO PARA SA PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ilarawan ang pakinabang ng pagpaplano.
· Ipaliwanag kung bakit ang pagpaplano ay base sa Biblia.
· Gamitin ang halimbawa para sa pagpaplano sa aralin na ito para sa pagpaplano ng panghihikayat ng kaluluwa
SUSING TALATA:
Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat ako’y pinahiran niya
upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang
itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang
bigyan ng kalayaan ang nangaapi. (Lucas 4:18)
Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat ako’y pinahiran niya
upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang
itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang
bigyan ng kalayaan ang nangaapi. (Lucas 4:18)
IKA-LABINGLIMANG KABANATA
PAKIKIPAGTULUNGAN
(“NETWORKING”) PARA SA PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng “networking”.
· Ipaliwanag kung bakit ang iglesya ay isang “network”.
· Talakayin ang mga lakas ng “networking”.
· Ipaliwanag ang kahalagahan ng espirituwal na mga kaloob at “networking.”
· Ipaliwanag ang pagkakaisa na resulta mula sa “networking”.
· Ipaliwanag ang praktikal na paglalapat ng “networking.”
SUSING TALATA:
Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo’y mangagkaisa ng
pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa
lamang pag-iisip;
Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o
sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng
bawat isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
Huwag tignan ng bawat isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang
bawat isa naman ay sa iba’t iba. (Filipos 2:2-4)
Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako’y sa
iyo, na sila nama’y sumaatin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na Ako’y
sinugo mo. (Juan 17:21)
Naipinakilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa
kaniyang minagaling na ipinasya niya sa kaniya rin
Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang
lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang
mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko. (Efeso 1:9-10)
Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo’y mangagkaisa ng
pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa
lamang pag-iisip;
Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o
sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng
bawat isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang
bawat isa naman ay sa iba’t iba. (Filipos 2:2-4)
Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga
alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa. (Juan 13:35)
At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, Pumaroon ka
sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya. (Lucas 5:4)
At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa boong magdamag ay nagsipagpagal
kami, at wala kaming nahuli: datapuwat sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga
lambat. (Lucas 5:5)
Datapuwat lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya: at
nangagkatipon ang lubhang maraming tao upnag makinig, at upang pagalingin sa
kanilang mga sakit. (Lucas 5:15)
Umahon nga si Simon Pedro, at hinila ang lambat sa lupa, puno ng
malalaking isda, na isang daan at limangpu at tatlo, at sa ganoong karami ay
hindi napunit ang lambat. (Juan 21:11)
Datapuwat nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni
Jesus, na nagsasabi, Lumayo ka sa akin; sapagkat ako’y taong makasalanan, Oh
Panginoon. (Lucas 5:8)
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag ang ilan sa mga saloobin tungkol sa pagpapagaling.
· Kilalanin ang limang kategorya ng karamdaman,
· Ibigay ang kahulugan ng “divine healing.”
· Kilalanin ang pinanggagalingan ng karamdaman.
· Kilalanin ang mga dahilan para sa karamdaman.
· Ipaliwanag ang dalawang kahihinatnan ng karamdaman.
· Talakayin ang mga layunin ng “divine healing.”
SUSING TALATA:
Ngunit lubhang magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa, kay sa
mahulog ang isang kudlit ng kautusan.
Ang bawat lalake na inihihiwalay ang kanyang asawa, at mag asawa sa
iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang babaing inihiwalay ng kaniyang
asawa ay nagkakasala ng pangangalunya. (Lucas 16:17-18)
Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka’t
ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag
maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin
namang kalilimutan ang iyong mga anak. (Oseas 4:6)
At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga paa, upang huwag maligaw
ang pilay, kundi bagkus gumaling. (Hebreo 12:13)
Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito’y
kasalanan sa kaniya. (Santiago 4:17)
Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit,
o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo
mang hinanap ang nawala; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may
kahigpitan.
Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang
nabalian, at palalakasin ang may sakit: ngunit aking lilipunin ang mataba at
malakas; aking pakakanin sila sa katuwiran. (Ezekiel 34:4, 16)
At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at
kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit.
At sila’y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at
magpagaling ng mga may sakit. (Lucas 9:1-2)
Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya’y
sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa
sa iyo ang lalong masama. (Juan 5:14)
...Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala, ni ang kaniyang mga
magulang man: kundi upang mahayag sa kanya ang mga gawa ng Dios. (Juan 9:3)
Gayon ma’y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad: Aking kinalong sila
sa aking mga bisig; ngunit hindi nila kinilala na aking pinagaling sila. (Oseas
11:3)
Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila’y nangababagabag; iyong inaalis
ang kanilang hininga, sila’y nangamatay, at nagsisibalik sa kanilang
pagkaalabok. (Mga Awit 104:29)
Datapuwat maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob.
Itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.
(I Corinto 12:31)
Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa
pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; At ang kaniyang mga malumanay na
kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa. (Mga Awit 145:8-9)
At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya’y hinipo, at
sinabi sa kaniya, ibig ko; luminis ka. (Marcos 1:41)
At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga
bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila’y kanilang inilagay
sa kaniyang mga paanan; at sila’y pinagaling niya:
Ano pa’t nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita
ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at
nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel. (Mateo
15:30-31)
At sila, nang mapagbalaan na nila, ay pinakawlan, palibhasa’y hindi
nangakasumpong ng anomang bagay upang sila’y kanilang mangaparusahan, dahil sa
bayan; sapagkat niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na
ginawa. (Mga Gawa 4:21)
At ang takot ay dumating sa bawat kaluluwa: at ginawa ang maraming
kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol. (Mga Gawa 2:43)
...Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga
karamdaman. (Mateo 8:17)
Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong
sampalatayanan.
Datapuwa’t kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo
magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa upang maalaman
ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako’y nasa Ama. (Juan 10:37-38)
At sinabi ng babae kay Elias, Ngayo’y talastas ko na ikaw ay lalake ng
Dios, at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan. (1 Mga Hari
17:24)
Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng
boong katapanangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya,
na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga
kababalaghan. (Mga Gawa 14:3)
Nang makita nga nila ang katapanangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas
na sila’y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at
nangapagkilala nila, na sila’y nangakasama ni Jesus. (Mga Gawa 4:13)
2. Ipaliwanag ang ilan sa mga saloobin tungo sa pagpapagaling.
________________________________________
3. Kilalanin ang limang kategorya ng karamdaman,
____________ ___________ _____________ _____________ ___________
4. Ibigay ang kahulugan ng “divine healing.”
________________________________________
5. Sino ang pinanggagalingan ng karamdaman?
________________________________________
6. Isulat ang ilan sa mga dahilan para sa karamdaman.
________________________________________
7. Ano ang dalawang kahihinatnan ng karamdaman.
________________________ _______________________
8. Isulat ang ilan sa mga layunin ng “divine healing.”
IKA-LABING PITONG KABANATA
MGA BAGAY NA NAKAKA-APEKTO SA KAGALINGAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng “variables.”
· Talakayin ang mga kinaugalian ng mga tao na naka aapekto sa pagpapagaling.
· Talakayin ang ilan sa mga “variables” na naka-aapekto sa pagpapagaling.
SUSING TALATA:
Upang ang iyong daan ay malaman sa lupa, ang iyong pangligtas na
kagalingan sa lahat ng mga bansa. (Mga Awit 67:2)
Bakit hindi maraming tao ang gumagaling? Bakit ang ilan ay gumagaling at ang iba ay hindi? Bakit ang
mabababaw at makamundong Kristiyano kung minsan ay gumagaling at ang mga tapat
at laan na mga tao ay hindi pa nakatatanggap ng kagalingan? Ito ang mga tanong na iyong nakakaharap kung
ikaw ay nagsisimulang magministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya. Ang aralin
na ito ay nakatuon sa mga pabagu-bago na naka aapekto sa pagpapagaling. Ang
“variables” ay isang bahagi na nagiging sanhi ng iba’t iba o kakaibang mga
resulta.
Ipinangako Ng Dios ang pagpapagaling sa Kanyang Salita. Gayon pa man, dapat nating alalahanin, na ang bawa’t pangako Ng Dios ay may kondisyon ayon sa tugon ng tao.Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na maunawaan ang mga pabagu-bago na naka aapekto sa pagpapagaling.
PAGUNAWA AT PAGTUGON SA MGA PABAGU-BAGO
Ang pabagu-bago sa ministeryo ng pagpapagaling at mga dahilan kung bakit ang ilan ay gumagaling at ang iba ay hindi. Bago magsimula sa pag-aaral na ito, mahalaga na tandaan na hindi ka magkakaroon ng mga sagot sa bawa’t tanong na iyong makakaharap sa pagpapagaling at pagpapalaya.
Natural sa tao na nais na maunawaan ng lahat ng mga bagay.. Ang unang pagtukso ay naka sentro sa usapin na ito. Ang naisin na ito na malaman ang lahat ng mga bagay ay nag-ugat mula sa paghihimagsik at mayroong hindi masagot na mga tanong. Ang problema na ito ng likas na tao ay isa sa dapat mong mapagtagumpayanm para makapag ministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya nang mabisa.
Ipinahayag ng Biblia ang ilan sa mga pabagu-bago na naka aapekto sa pagpapagaling at pagpapalaya, ngunit hindi ka kailanman magkakaroon ng mga sagot sa bawa’t tanong. Kung magagawa mo, hindi mo na kailangan Ang Dios at ang pananampalataya. Maliwanag sa Biblia na ang ilang mga bagay ay ipinahayag sa atin, habang ang iba ay hindi:
Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: ngunit ang
mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man,
upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. (Deutoronomio
29:29)
Sa pagpapagaling at pagpapalaya, dapat mong matutunan na ilagay sa isang tabi ang hindi masagot na mga tanong at iwanan ang sekretong mga bagay sa Panginoon.
Ang pagpapagaling at pagpapalaya
ay bahagi ng Ebanghelyo katulad ng
kaligtasan. Kung ikaw ay
nagmiministeryo ng pagpapagaling at pagpapalaya at ang ilan ay hindi nakatatanggap, matutukso ka na sumuko
na. Ngunit alalahanin mo ang tanong na ito: Tumigil ka ba ng pangangaral ng
kaligtasan dahil ang bawa’t isa na nakarinig ng mensahe nito ay hindi naligtas?
Bakit tayo ay madaling tumigil sa pagmiinisteryo ng
pagpapagaling at pagpapalaya dahil ang bawa’t isa ay hindi nakatanggap? Marahil dahil sa pagpapagaling at pagpapalaya, ang pagmamataas ay pumapasok. Nauuwi tayo sa hiya kung ipinanalangin natin ang isang nakikitang tao na may sakit at hindi gumaling. Nakikita ng iba ito dahil ito ay panlabas. Kung may isang tumugon sa kaligtasan ngunit hindi talagang naligtas , hindi makikita ito dahil ito ay panloob. Ang ating “pride” ay naaapektuhan kung ano ang nakikita ng mga tao sa panlabas.
Hindi ka kailanman magkakaroon ng mga sagot sa lahat ng mga pabagu-bago na naka-aapekto sa pagpapagaling higit sa mga bagay na naka-aapekto sa mga tugon sa kaligtasan. Ang ilan ay naligtas, ang iba ay hindi. Ang ilan ay gumaling ang iba ay hindi.
Ipinahayag ng Biblia ang ilan sa pabagu-bago na naka-aapekto sa pagpapagaling at pagpapalaya, gayunpaman, mahalaga para sa iyo na maunawaan ang mga ito para matulungan mo ang iba na gumawa sa pamamagitan nila para makatanggap ng pagpapagaling. Narito ang ilan sa mga pabagu-bago:
KAKULANGAN SA PAGTUTURO
Ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa pagpapagaling, ang mga prinsipyo nito, pinanggagalingan, paano gagamitin ang pananampalataya, at makatanggap nito ay maaaring makaapekto sa kagalingan. Sinabi Ng Dios:
Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagkat
ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakwil ka, upang ikaw ay huwag
maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin
namang kalilimutan ang iyong mga anak. (Oseas 4:6)
Sinabi Ni Jesus tayo ay nahuhulog sa pagkakamali kung hindi natin nauunawaan ang Salita Ng Dios at ang kanyang kapangyarihan.
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa
hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios. (Mateo
22:29)
Ang ilan sa mga tao ay hindi nakatanggap ng kagalingan dahil hindi nila nauunawaan ang Salita Ng Dios at ang Kanyang kapangyarihan. Ang pananampalataya para sa kagalingan ay galing sa pagkarinig ng Salita Ng Dios tungkol sa pagpapagaling ( Roma 10:17). Ang Salita Ng Dios ay tinatawag ng Biblia na butil. Ang ilang mga tao ay nagsusubok na umani ng kagalingan ng walang Salita ng pagpapagaling na naitanim sa kanilang mga puso. Ang butil ay hindi makagagawa maliban na ito ay nasa sa atin. Bago sabihin “Ako ang Panginoon na nagpagaling sa iyo,” Unang sinabi Ng Dios, “Kung ikaw ay matiyagang sumusunod sa Aking Salita.” Ang Salita ay sinundan ng kagalingan.
Gaano karaming tao ang maliligtas kung hindi kailanman sila nakarinig ng mensahe ng kaligtasan? O gaano karami ang maliligtas kung ang pangunahing punto ng mensahe ng kaligtasan ay :
-Maaaring hindi kalooban Ng Dios na ikaw ay maligtas.
-Ang iyong kasalanan ay para sa kaluwalhatian Ng Dios.
-Ang araw ng kaligtasan ay lumipas na.
Subalit naririnig din natin ang pangungusap tungkol sa kagalingan na bahagi rin ng “atonement” /pagbabayad Ni Cristo:
-Maaaring hindi kalooban Ng Dios na ikaw ay gumaling.
-Ang iyong karamdaman ay para sa kaluwalhatian Ng Dios.
-Ang araw ng kagalingan ay lumipas na.
Ang mga tao ay dapat maturuan ng Salita Ng Dios tungkol sa kagalingan kung paano sila naturuan ng tungkol sa kaligtasan. Ang butil ng Salita ang nagdadala ng anihin ng kagalingan.
MGA KINAUGALIAN NG TAO
Ang mga kinaugalian ay mga pinaniniwalaan, tuntunin, at mga prinsipyo ng tao. Ang ating mga kinaugalian at pinaniniwalaan ay nakaaantala sa gawain Ng Salita Ng Dios:
...At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong
sali’t-saling sabi. (Mateo 15:6)
Kung ang pananampalataya ay galing sa pakikinig ng Salita Ng Dios, ito ay magiiwan na ang pakikinig at pagtanggap sa mga kinaugalian at mga doktrina ng mga tao na sumisira ng pananampalataya. Narito ang ilan sa mga karaniwang kinaugalian ng tao na naka aapekto sa kagalingan:
SINASABI NG KAUGALIAN:
“Ang pagpapagaling at mga himala ay hindi sa panahon ngayon.”
Naniniwala ang ilang mga tao na ang kagalingan ay sa panahon lamang ng Biblia o sa hinaharap sa pagbabalik Ni Jesus.
ANG ATING TUGON:
Sinabi Ng Dios:
...sapagkat ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo. (Exodo 15:26)
Ang ibig sabihin ng “Ako ay” ay nasa pangkasalukuyan.panahon. Paano natin mapapalitan ng “Ako noon” ay nakaraan na panahon o “Ako ay magiging” ay nasa panghinaharap? Itinuturo ng Biblia na Ang Dios ay hindi nagbabago:
Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na kaloob ay pawang buhat
sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit
anino man ng pagiiba. (Santiago 1:17)
Sapagkat ako, ang Panginoon, ay hindi nababago; kaya’t kayo, Oh mga
anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos. (Malakias 3:6)
Ang Dios ay hindi nagbago simula pa ng panahon:
Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.
(Hebreo 13:8)
Kung ang araw ng himala ay nakaraan na, gayun din ang araw ng kaligtasan, dahil walang mas dakilang himala higit sa kaligtasan. Ang ilang mga tao ay sinasabi na ang kagalingan ay sa panghinaharap sa pagbabalik Ni Jesus sa lupa. Kung ito ay totoo, ang ministeryo ng mga guro , pastor at ibang mga lider ay dapat na sa panghinaharap na panahon din dahil ang kaloob ng pagpapagaling ay espirituwal na kaloob katulad ng ibang mga kaloob.
Ang pinaka nakahihikayat na argumento laban sa pahayag na ang mga himala ay hindi para ngayon ay ang dokumentaryo na natalang karanasan. Si Jesus ay naghimala at nagpagaling:
At sumagot siya at sa kanila’y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin
ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag
ay nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay
nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakakarinig, ang mga patay ay ibinabangon,
sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita. (Lucas 7:22) Tingnan din
ang Mga Gawa 4:14-16.
Nakasulat sa aklat ng Mga Gawa ang mga himala at pagpapagaling sa unang Iglesya. Ang dokumentaryong nakasulat ng makabagong kasaysayan ng Iglesya ay nagpapatunay din ng maraming pagpapagaling at mga himala.
Ang ilan sa mga tao ay nagtatanong, “Kung ang pagpapagaling ay para sa ngayon, bakit ang mga mananampalataya ay hindi pumunta kung saan –saan para buhayin muli ang mga namatay na at pagalingin ang may mga karamdaman?” Ang muling pag buhay sa patay ay hindi bahagi ng Dakilang Utos na ibinigay sa Iglesya. Iniutos sa mga disipulo nang una silang pinahayo sa paglalakbay upang mangaral na ipahayag ang Kaharian. Ang pagtindig ng patay ay unang bunga ng muling pagkabuhay Ni Jesus na darating.
May pagkakaiba sa pagitan ng natatanging mga himala at mga himala ng pagkakatipan. Ang natatanging mga himala ay ginawa bilang tanda sa natatanging pagkakataon, katulad ng ginawang alak ang tubig, paglakad sa dagat, pagpaparami ng tinapay at mga isda, paghati ng Dagat na Pula, at pagbuhay na muli ng patay. Ang kagalingan ay tipan ng himala sa Lumang Tipan, hindi natatanging himala. Ang Dios ay nananatiling bumubuhay ng patay, ngunit ito ay pinagpapasiyahan ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at hindi bahagi ng pangkalahatang utos sa atin para magpagaling.
Habang tayo ay nasa paksa ng kamatayan, sinasabi ng ibang mga tao na nagdududa kung ang makalangit na pagpapagaling ay palaging nangyayari, walang Kristiyano ang mamamatay. Walang ganitong pahayag sa Biblia. Ang Biblia ay nagbibigay ng makalangit na kalusugan sa loob ng normal na panahon ng buhay.
Kahit ang pagbabayad Ni Cristo ng Knaiyang dugo ay binili ang ating walang-hanggang pagtubos mula sa kamatayan, ang katawan na may kamatayan ay mamamatay malibang Si Jesus ay bumalik muna at pagkatapos ay pagdagit. Katulad din ng itinuturo ng Biblia na ang pagpapagaling ay nagtatakda ng limitasyon sa haba ng buhay ng tao:
Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon. . . (Mga Awit 90:10)
At kung paanong
itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
(Hebreo 9:27)
SINASABI NG
KAUGALIAN:
“Sa panahon Ni Jesus walang may kakayahan na
tulong mula sa medisina. Ngayon ito ay makatutulong na, tayo ay inaasahan na
gamitin ito sa halip na manalangin para sa kagalingan.”
ANG ATING TUGON:
Simula ng 400 B.C. mayroong siyensiya ng
medisina na sa panggagamot. Si Hippocrates 460-370 B.C., ang ama ng medisina,
siya ang nagpasimula ng siyensiya ng medisina sa mataas na lipunan. Ang ilan sa
mga teknolohiya ay ginagamit hanggang ngayon. Maraming may kakayahan na mga
manggagamot sa panahon Ni Jesus sa Grecia, Egipto, at Roma.
Ang makalangit na kagalingan ay walang
kinalaman sa may kakayahan o walang kakayahan na medisina ng siyensiya. Ito ay
pagpapala na ibinigay sa kabayaran ng kasalanan. Ang bawa’t mabuting kaloob ay
galing Sa Dios, kaya katanggap-tanggap na gumamit ng lehitimong tulong ng
medisina. Gayunpaman, tandaan na ang medisina ay hindi kapalit para sa tipan na
ipinangakong kagalingan.
Sa kabila ng maraming pakinabang sa medisina
marami pa ring walang kagalingan na mga
karamdaman, kaya ang makalangit na kagalingan ay kailangan pa rin. Gayundin
maraming mga tao na hindi maabot ng tulong ng medisina. Halimbawa, sa Africa,
80 % ang itinaya na ang mga tao ay walang pangunahing pag-aalaga ng medisina.
SINASABI NG
KAUGALIAN:
Ang makalangit na kagalingan ay itinuturo
lamang ng bulaang mga kulto.”
ANG ATING TUGON:
Sina Wesley, Luther , at Zinzendorf, mga lider
ng Metodista, Lutheran, at Moravian na mga iglesya ay iginagalang, lahat ay
nagturo ng makalangit na kagalingan/ “divine healing”. Ang mga nagtuturo ngayon
nito, kasama ang makapangyarihan na pagliligtas ng dugo Ni Jesus at ang
kadiosan Ni Crsito, ay hindi higit na hindi karaniwan sa mga lider na ito. Ang
ilan sa mga kulto ay nagtuturo ng kagalingan, ngunit hindi tunay na kagalingan
base sa Biblia. “Ito ay “psychic” o “mind over matter” na kagalingan mula sa
ibang pinanggalingan hindi Sa Dios.
Si Satanas ay manlilinlang at manggagaya. Hindi
natin inaalis ang makalangit na kagalingan/ “divine healing”dahil lamang siya
ay nangloloko at nagpapagaling sa pamamagitan ng masamang kapangyarihan.
Maraming naloloko si Satanas na sa paniniwala na ang paghuhugas sa ilog ng
Ganges sa India ay makalilinis ng kasalanan. Hihinto ba tayo ng pangangaral ng
kaligtasan dahil ginagaya lamang ito ni Satanas? Sa katotohanan na binibigyan
ng panahon ni Satanas na gayahin ang makalangit na kagalingan/ “divine healing”
ito ay pagpapakita na may tunay na kagalingan.
SINASABI NG
KAUGALIAN:
Higit na binibigyan diin ng makalangit na
kagalingan/ “divine healing” ang katawan kaysa sa kaluluwa.”
ANG ATING TUGON:
Ang ilan sa mga nagmiministeryo sa
pagapapgaling ay nahulog sa halimbawang ito ngunit hindi ito ang halimbawa sa
Biblia ng kagalingan. Ang halimbawa base sa Biblia ay tungkol sa kabuuan ng
tao, katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang kagalingan ay hindi mismong
Ebanghelyo, ito ay isang aspeto ng Ebenghelyo Ni Cristo. Hindi ito dapat
maipangaral hiwalay sa pagbabayad “atonement” para sa kaligtasan ng kaluluwa ng
makasalanang lalake at babae. Ang pagbibigay ng panahon ng iglesya sa espiritu
at gawain ng medisina sa katawan kasama ay parehong hindi nabigyan ng pansin ang
kabuuan ng isang konsepto ng tao na ipinakilala sa Biblia.
SINASABI NG
KAUGALIAN:
“May sakit ka dahil nagkasala ka.”
ANG ATING TUGON:
Napag-usapan na natin ang paksang ito sa
pagtalakay ng pinanggagalingan at mga dahilan para sa karamdaman sa Ika-labinganim
na Kabanata. Habang ang lahat ng karamdaman ay nasa mundo dahil sa kasalanan,
hindi ibig sabihin na ang isang tao na may sakit ay dahil sa personal na
kasalanan.
SINASABI NG
KAUGALIAN:
“Kalooban Ng Dios na ikaw ay magkasakit. Ito ay
para sa kaluwalahatian Niya.”
ANG ATING TUGON:
Marami ang hindi nagtatanong kung kaya ba Ng
Dios o hindi na magpagaling, ngunit kung nais ba Niya. Sinasabi ng Biblia na
tayo ay hindi matalino kung hindi natin maunawaan ang kalooban Ng Dios:
Kaya huwag kayong
maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
(Efeso 5:17)
Ang pagkilala sa kalooban Ng Dios tungkol sa
karamdaman ay nagbibigay ng matabang lupa kung saan ang pananampalataya ay
maaaring lumago. Ang panalangin ng pananampalataya ay ang panalangin lamang na
mabisa para magkamit ng kagalingan. Hindi ito maipapanalangin habang tayo ay
nagtataka kung kalooban Ng Dios na mag pagaling.
Una, kung naniniwala ka na kalooban Ng Dios na
ikaw ay magkasakit, mali na humiling sa isang tao na ipanalangin ka para sa
iyong kagalingan. Kung ang karamdaman ay galing Sa Dios, kung ganoon ang mga
manggagamot ay maaaring galing sa masama dahil sinusubukan nila na maalis ang
karamdaman. Ang mga ospital ay maaaring mali dahil hinahanap nila kung paano
maalis ang karamdaman ayon sa kanilang paglaban sa kalooban Ng Dios. Ang bawa’t
nars ay maaaring lumalaban Sa Dios sa bawa’t pagsisikap na maibsan ang
pagdurusa.
Ang mga naniniwala na ang sakit ay pagpapala ay
hindi dapat tumanggap ng paggamot ng medisina para maalis ang kanilang
“pagpapala,” ngunit dapat manalangin
ang lahat ng kapamilya at kasamahan sa iglesya na makatanggap ng katulad
na “pagpapala.” Ang mga naniniwala na ito ay galing Sa Dios ay hindi dapat
hayaan na operahan ng mga manggagamot at alisin ang kanilang “pagpapala.” Kung
tunay kang naniniwala na ang sakit ay kalooban Ng Dios para sa iyo bilang
mananampalataya, dapat tumigil na uminom ng gamot at magkunsulta sa manggagamot
dahil lumalaban ka laban sa kalooban Ng Dios.
Ngunit alam natin na ang lehitimong
manggagamot, medisina, ospital, at siyensiya ng medisina ay mga dagdag na
kabutihan Ng Dios. Dahil ang sakit ay galing kay Satanas, ang bawa’t lehitimong
paraan para ibsan ang pagdurusa ay galing sa ating Amang nasa Langit. (ang ibig
sabihin ng lehitimo ay mga paraan na hindi kasama ang paraan ni Satanas o
pagsuway sa Salita Ng Dios.)
Tutoo na ang ating mga katawan ay binili sa
malaking halaga at dapat nating
luwalhatiin Ang Dios sa mga ito, kung tayo man ay may karamdaman o mabuti.
Ngunit ayon sa mga nakasulat sa Biblia , Ang Dios ay naluluwalhati kung ang mga
tao ay gumagaling. Kung ang karamdaman ay lumuluwalhati Sa Dios, ninanakaw Ni
Cristo ang kaluwalhatian Sa Dios sa pamamagitan ng pagpapagaling sa karamdaman.
Kung ang karamdaman ay lumuluwalhati Sa Dios , dapat tayong manalangin na
tayong lahat ay magkasakit. Ang Dios ay hindi naluluwalhati sa karamdaman ng
katawan kung paano hindi naluluwalhati Ang Dios sa karamdaman ng kasalanan sa
espiritu.
Kung minsan pinahihintulutan Ng Dios ang karamdaman
na dumapo sa mananampalataya, ngunit palaging tandaan kay Satanas galing ito. (
Si Job ang isang halimbawa nito.) Hindi kalooban Ng Dios ang karamdaman sa
mananampalataya, Alam ng Dios ang atake ni Satanas at ginagamit Niya ang lahat
ng mga bagay (kahit masama) para magkalakip-lakip para sa iyong ikabubuti. Ito
ang dahilan kahit sa panahon ng karamdaman ikaw ay malalapit Sa Panginoon.
Palaging hinahanap Ng Dios na magdala ng kabutihan mula sa kasamaan. Ginagamit
Niya ang dulot ng kasalanan para malutas ito sa pamamagitan ng kamatayan Ni
Jesus.
Si Pablo ay unang nangaral sa Galacia dahil sa
nabagong “schedule” dahil sa sakit (Galacia 4:13-15). Dahil sa sakit ni
Trophimus ay hindi nakatungo sa Roma
kasama si Pablo at nagdusa ng katulad na kapalaran (II Timoteo 4:20). Ang
karamdaman ay ginamit para mapigil ang kasalanan sa Genesis 12 at 20. Kahit ang
mga halimbawang ito ay naglalarawan kung paano ito ginagamit Ng Dios, tandaan
na . . .
...siya’y hindi kusang
dumadalamhati... (Mga Panaghoy 3:33)
Hindi galing Sa Dios ang karamdaman sa buhay ng
mananamaplataya, ngunit kinukuha Niya ang pinaplano ni Satanas na kasamaan at
ginagawa ito para makamit ang espirituwal na pagtatagumpay habang ikaw ay
inaatake.
Kung karamdaman lamang hindi ito magdudulot ng
mga mananampalataya. Ito ay magbubunga ng poot, pagdaing, walang
paniniwalang mga tao. Ang Salita ang nag papabanal at nagbubunga ng paglago
(Juan 17:17). Tutoo na kadalasan nagbabasa ka ng Biblia sa panahon ng
karamdaman, hindi kinakailangan na magkasakit para espirituwal na lumago. Makatutulong na tandaan ito: Ang
kalooban Ng Dios para sa mga mananampalataya ay makatulad Ni Cristo sa ugali.
Ang lahat ng bagay pati ang karamdaman at kalusugan ay nagkakaroon ng halaga
dahil sa makalangit na layunin na ito. (Roma 8:28-29)
Sa kalagayan ng hindi mananampalataya, ang
karamdaman ay resulta mula sa kasalanan at ang kasamang paghuhukom Ng Dios na
galing mula sa kasalanan. Ngunit kahit ang mga ito ay magagamit Ng Dios para sa ikabubuti, kung paano ang
pagpapagaling at pagpapalaya ay maka pag miministeryo , ang kaligtasan ang
resulta nito.
Maraming ibinigay na mga pangako Ang Dios sa
Kanyang Salita tungkol sa pagpapagaling at pagpapalaya. Bakit ibibigay Ng Dios
ang mga ito sa Kanyang Salita kung kalooban Niya na ikaw ay magkasakit? Kung sinasabi ng mananamaplataya, “Hindi ko alam kung kalooban Ng Dios na ako
ay pagalingin,” tanungin niya, “Kalooban ba Ng Dios na gawin ang Kanyang mga
pangako?”
Sinabi Ni Jesus ,”Kung nakita ninyo ako, nakita
ninyo ang Ama.” Sinabi Niya ito dahil ginawa Niya ang gawain at kalooban Ng Ama
(Juan 14:9). Kung nagtataka kung nais o hindi nais Ng Dios na magpagaling, dapat mo lamang tingnan ang
kilos ng ating Panginoon.
Kung nananalangin ka ng kagalingan,
ipanalangin”Ang kalooban Mo ang mangyari” o ayon sa Iyong kalooban.” Huwag mong
sasabihin “kung ito ang kalooban Mo” kung ikaw ay nananalangin para sa
kagalingan at pagpapalaya. Ang isang makasalanan ay hindi nananalangin na
“Panginoon, iligtas mo ako kung kalooban mo.” Ang kagalingan ay bahagi ng
pagbabayad/ “atonement” katulad sa kaligtasan. Ito ay nag papahiwatig ng
pag-aalinlangan na nais Ng Dios na mabuo tayo. “Ayon sa Kanyang kalooban” ay
nagpapakita ng pagtitiwala ng pananampalataya, habang iniiwan mo ang paraan,
lawak, at panahon sa Kanya.
Kahit sa kalagayan ng karamdaman na hahantong
sa kamatayan, manalangin “ayon sa kalooban Niya” hindi “kung kalooban Mo” na
magpagaling. “Ayon sa kalooban Mo” ay iniiwan ang panahon at kalagayan Sa Dios.
Maaari Niyang piliin ang pangwakas na kagalingan sa pamamagitan ng kamatayan na
mag-aalis sa mananampalataya mula sa presensiya ng karamdaman para sa
walang-hanggan.
Tinuruan tayo Ni Jesus na manalangin “Mangyari
nawa ang kalooban mo dito sa lupa, kahit na sa Langit.” Walang karamdaman at
sakit sa Langit, kaya makakapanalangin tayo ng may pagtitiwala laban sa lupa na
alam natin na hindi Niya kalooban. Si Jesus ay hindi kailanman nanalangin
”pagalingin Mo kung Iyong kalooban, Dios.” Nanalangin lamang Siya ng “Kung
kalooban Mo “ nang Siya ay nanalangin tungkol sa kaugnayan Niya sa sariling
pagpapasakop sa plano Ng Dios para sa kanyng buhay – hindi sa kagalingan.
Sumisira ng pananampalataya ang panalangin
na “Kung iyong kalooban “. Nang ito ay
ginamit ng isang taong itinakwil na ketongin na hindi niya alam ang kalooban Ni
Cristo sa pagpapagaling. Itinuwid siya Ni Jesus sa kanyang kawalan ng
kasiguruhan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng katiyakan, “Gagawin Ko.”
Huwag babaguhin ang katotohanan Ng Dios sa mga pag-asa at mga tanong. Kumilos
sa mga ito bilang katotohanan at makikita mo na ang mga ito ay makapangyarihan.
Hindi ibig sabihin na ang isang tao na hindi
gumaling kaagad o dahil siya ay namatay dahil sa karamdaman na humantong sa
kamatayan ay hindi kalooban Ng Dios na siya ay gumaling. Tinitingnan natin ang
mga bagay ayon sa panahon, habang ang pananaw Ng Dios ay pangwalang-hanggan. Dapat mong tandaan na may mga . . .
Naantalang Kagalingan: Si Sara ay hindi mabilis na gumaling sa kanyang pagkabaog. Si Job ay hindi kaagad-agad na gumaling. Ang ama ni Juan Bautista ay hindi gumaling sa kanyang pagkapipi hanggang hindi dumating ang takdang panahon. Si Jesus ay dalawang beses na nalangin para sa isang taong bulag, na nakatanggap lamang ng bahagi ng kagalingan sa unang pagkakataon. Kung minsan ang kagalingan ay naaantala para magdala ng higit na dakilang kaluwalhatian Sa Dios. Ang mabuting halimbawa nito ay ang kuwento ng muling pagkabuhay ni Lazaro.
Karamdaman na humahantong sa kamatayan: Ang kamatayan ay isa lamang pangyayari sa loob ng kaharian ng walang-hanggan sa buhay ng mananampalataya. Kahit ang karamdaman na humahantong sa kamatayan ay ginapi ng tagumpay dahil ang kamatayan sa isang mananampalataya ay pangwakas na kagalingan. Sa ating pagpasok sa presensiya ng Hari tayo ay ganap na at hindi kailanman magdurusa mula sa kasalanan o karamdaman. Tungkol sa kamatayan, sinabi ni Pablo tayo ay inihanda para sa ganitong layunin: “ Ang mawala sa katawan ay mapasa tahanan na kasama ng Panginoon”
(II Corinto 5:6-9).
Kung hindi ka naniniwala na ang kagalingan ay para sa lahat, ikaw ay dapat maniwala na ang kagalingan ay pinamumunuan ng direktong kapahayagan sa bawa’t pagkakataon kung kalooban o hindi kalooban Ng Dios na gumaling. Ikaw ngayon ay umaasa sa direktong kapahayagan sa tao sa halip na sa nakasulat na Salita Ng Dios. Mawawalan ka ng basehan para sa pananampalataya hanggat hindi mo natatanggap ang natatanging kapahayagan sa bawa’t kalagayan na ang may sakit ay may pabor na mapagaling.
SINASABI NG KAUGALIAN:
“Marami ang paghihirap ng matuwid. Ang iyong karamdaman ay isang paghihirap na dapat mong tiisin dahil ikaw ay matuwid.”
ANG ATING TUGON:
Ang ibig sabihin ng salitang “paghihirap” na ginamit sa Mga Awit 34:19, ay nagmula sa kaugalian na ito, hindi tinutukoy nito ang karamdaman, ngunit pagsubok, kahirapan, pag-uusig, o pagtukso. Kahit kung ang tinutukoy nito ay karamdaman, ang ibang bahagi ng talata ay nagpapakita na nais na palayain tayo Ng Panginoon.
Sa Santiago 5:13-16 ang pagkakaiba ay napansin sa pagitan ng paghihirap at karamdaman. Kung ikaw ay naghihirap dahil; sa pagsubok, pag-uusig, at pagtukso, dapat kang manalangin para sa iyong sarili (Santiago 5:13). Kahit humingi ka ng ipanalangin ng iba , hindi sila tinawag para ipanalangin ang lahat na maalis ang mga problema mo.
Itinuturo ng Biblia na manalangin ka kung ikaw ay naghihirap dahil kailangan mong matutunan kung paano maging mananagumpay sa pamamagitan ng pananalangin sa iyong sarili sa mga pagsubok at pagtukso sa dumarating sa iyo. Gayunman, kung sa kaso ng karamdaman, ang mga matatanda sa iglesya ay dapat ipatawag para manalagnin (Santiago 5:14). Ang may sakit ay dapat na iligtas (mula sa kanilang pisikal na karamdaman), gumaling (bumalik ang lakas), at mapatawad sa kasalanan ( espirituwal na kagalingan).
SINASABI NG KAUGALIAN:
Ang iyong karamdaman ay “tinik sa laman katulad ni Pablo o ito ang iyong krus. Dapat mong matutunan na mamuhay kasama ito.”
ANG ATING TUGON:
Madaling harapin ang pagangkin na ang sakit ay iyong krus. Ang krus ay hindi problema, karamdaman, at paghihirap na ating nararanasan na hindi natin sariling pinili. Niliwanag Ni Jesus na ang “pagdadala ng krus” ay gawa na may kusang loob, hindi tinanggap natin dahil wala tayong pagpili na ginawa. Hindi itinuring Ni Jesus ang karamdaman at kamatayan bilang krus na ipinadala Ng Dios. Kanyang ipinalagay ito bilang kalaban.
Karaniwan ang “tinik sa laman” na sinasabi ay base sa tiniis sa laman ni Pablo na inilarawan sa II Corinto 12. Ang mga tao na naniniwala sa tinig ni Pablo ay karamdaman ito ang itinatampok na punto kung tinatalakay ang kagalingan. Maraming mga mananampalataya ay naloko at hindi nakatanggap ng kagalingan dahil sa tinik bilang doktrina ng karamdaman.
Ating siyasatin kung ano ang aktuwal na sinasabi ng Biblia tungkol sa tinik.
Ano Ito:
Sinasabi ng Biblia na ito ay isang “mensahero.”
Ang salitang Griego na “mensahero” ay ginamit ng pitong beses sa Bagong Tipan.
Ito ay isinalin ng 181 beses na
“anghel”. Sa 188 beses na ginamit ito ay tumutukoy bilang isang
personalidad, hindi sakit o karamdaman. Ang isang “mensahero “ ay isang
personalidad.
Ang paggamit sa salitang “tinik” sa Lumang
Tipan ay sumusuporta dito. Ang tinik ay ginamit sa Mga Bilang 33:55 at Josue
23:13 para ilarawan ang mga tao sa lupain ng Canaan. Sa parehong mga kasong ito
ay hindi pisikal na paghihirap, ngunit pagatake ng kalaban.
Kanino Galing Ito:
Sinasabi ng Biblia na ito ay mensahero mula kay
Satanas.
Bakit Ito
Pinahintulutan:
Sinabi ni Pablo na ang tinik ay
pinahihintulutan dahil sa dami ng kapahayagan na kanyang natanggap at ang
posibilidad tungo sa pagmamataas. Bago ang sinoman na mag sabi na siya ay may
tinik sa laman dapat niyang isaalang-alang kung gaano karami ang mga
kapahayagan at mga pangitain na kanyang natanggap. Siya ba ay karapat-dapat na
magkaroon ng tinik? Marami sa mga tao
na nag-iisip na sila ay may tinik sa laman ngunit hindi nakatanggap ng anumang
uri ng kapahayagan at pangitain.
Ang tinik ay bahagi ng katuparan
ng propesiya. Nang si Pablo ay
nahikayat, Sinabi Ng Dios...
. . . aking
ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa
aking pangalan. ( Mga Gawa 9:16)
Ano Ang Ginawa
Nito:
Ang tinik ay sumusuntok kay Pablo. Ang ibig
sabihin ng “sumuntok” ay paulit-ulit na pagsuntok. Ang salitang “suntok”
ay hindi permanenteng may sakit ngunit paulit-ulit na pagatake. Ang mensahero ay ipinadala para
paulit-ulitin na atakihin si Pablo para subukin na pigilan na ipangaral ang Salita Ng Dios.
Hindi ipinangako Ng Dios na aalisin Niya sa mga
mananampalataya ang kanilang panlabas na pag atake, ngunit ipinangako Niya na
pagagalingin Niya ang sakit. Paulit-ulit tayong binigyan ng babala na kung tayo
ay mamumuhay ng makaDios tayo ay nagdurusa ng pag-uusig at paghihirap, ngunit
hindi karamdaman.
Paano Ito
Ipinakikita:
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng iba’t ibang
mga paraan na ang tinik na ito ay nagpapasigla sa oposisyon para atakihin si
Pablo:
-Nais ng mga Hudyo na patayin si Pablo
pagkatapos na siya ay nahikayat: Mga
Gawa 9:23
-Si Pablo ay napigilan na sumama sa mga
mananampalataya: Mga Gawa 9:26-29
-Siya ay kinalaban ni Satanas: Mga Gawa 13:6-12
-Siya ay kinalaban ng mga Hudyo sa pagkakagulo
ng mga tao: Mga Gawa 13:44-49
-Siya ay pinaalis sa Antioquia sa Pisidia: Mga
Gawa 13:50
-Siya ay pinagkaguluhan at pinaalis sa Iconium: Mga Gawa 14:1-5
-Siya ay nagtungo sa Lystra at Derbe kung saan
siya binato at iniwan na patay: Mga
Gawa 14:6-19
-Siya ay patuloy na nakikipagtalo sa mga
bulaang kapatiran: Mga Gawa 19:8
-Siya ay gunulpi at ibinilanggo sa
Filipos: Mga Gawa 16:12-40
-Siya ay pinagkaguluhan ng mga tao at pinaalis
sa Tesalonica: Mga Gawa 17:1-10
-Siya ay pinagkaguluhan ng mga tao at pinaalis
sa Berea: Mga Gawa 17:10-14
-Siya ay pinagkaguluhan ng mga tao sa
Corinto: Mga Gawa 18:1-23
-Siya ay pinagkaguluhan ng mga tao sa Efeso: Mga Gawa 19:23-31
-Ang buhay niya ay pinagpaplanuhan ng masama ng
mga Hudyo: Mga Gawa 20:3
-Siya ay dinakip ng mga Hudyo, dinumog ng mga
tao, sinubukan sa korte ng limang beses, at nagdusa ng ibang mga paghihirap: II Corinto 11:23-33
Ni minsan , sa lahat ng kanyang sulat , na
sinabi niya na ang sakit ay bilang pag atake na kanyang pinagdusahan. Sa I
Corinto 4:11, ipinakita ni Pablo na ang kanyang pananaw sa pag ateke ay hindi
permanenteng karamdaman. Sinabi niya, “Kahit sa oras na ito, pareho tayong
naghahangad at nauuhaw, at hubad, at inaatake, at walang tiyak na titirhan.”
Nakaranas si Pablo ng karamdaman ayon sa Galacia 4:13-16, ngunit hindi ito ang
kanyang tinik dahil hindi ito permanenteng kalagayan. Sinabi niya na ito ang
unang pagkakataon.
Ang ilan ay naniniwala na ang tinik ni Pablo ay
ang kanyang may deperensiyang mga mata, ngunit ang kanyang mga mata ay gumaling
mula sa pagkabulag (Mga Gawa 9:18). Ang paniniwala na ang kanyang mata ay
patuloy na may problema ay nag papabulaan sa kapangyarihan Ng Dios sa
pagpapagaling.
Isa pa, tama ba na tawagin ang problema sa mata
ay resulta mula sa pagkakita ng kaluwalhatian Ng Dios bilang mensahero ni
Satanas? Sinabi mismo ni Pablo sa taon ng 60 A.D., nang isinulat niya ang mga
sulat , na sa panahon ng 14 na taong nakalipas na natanggap niya ang maraming
kapahayagan na naging resulta ng kanyang tinik sa laman. Ito ay 12 taon
pagkatapos na siya ay nahikayat kung saan niya nakita nag kaluwalhatian Ng
Dios.
Kung ginagamit ni Pablo ang parirala sa Galacia
4:15 “na kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at
ibinigay sa akin,” Ito ay “figure of speech” sa Hebreo. Ito ay katulad ng mga
pariralang ginagamit para ipahayag ang malalim na pagnanais. Halimbawa,
“ibibigay ko ang aking kanang kamay.” Kung si Pablo ay may sakit sa mata na
sinasabi ng iba, katulad ng “ophthalmia” na may nana na lumalabas mula sa
kanyang mga mata, kakaiba na ito ay magbibigay ng inspirasyon sa mga tao para
sa pananampalataya para sa natatanging himala. Nang si Pablo ay sumulat sa mga
taga Corinto tungkol sa kanilang mga kabiguan sa pagkilala ng katawan ng
Panginoon bilang dahilan kaya may sakit at mahihina sila, maaaring itatanong
“Ano ang sanhi ng iyong pagkamasakitin?
Ang Mga Resulta:
Kung si Pablo ay nagsasabi ng kanyang mga
“kahinaan” na ang ibig sabihin ay “nais ng kalakasan, kahinaan, walang
kakayahan na magdulot ng mga resulta sa pamamagitan ng kanyang sariling natural
na kakayahan.”
Ang pagtatapos tungkol sa tinik ni Pablo ay,
kahit hindi natin alam ang tiyak na kung ano ang tinik, kung ikaw ay naturuan
na ito ay sakit ilagay sa isip ang mga sumusunod:
Ang tinik ni Pablo ay nagdulot na maipakita ang kaluwalhatian ng kapangyarihan Ng Dios sa Kanyang buhay. Ang ilang mga tao ay ginagamit ang “tinik sa laman” bilang dahilan para manghina sa karamdaman. Dapat nilang tandaan na ang basehan lamang halimbawa sa Biblia ng ganitong tinik sa laman ay “out-wrote, out-preached, out-travelled” ang lahat ng kanyang kapareha sa ministeryo. Ang tinik ay hindi nakapigil sa kanyang paglilingkod sa Kaharian o sa pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios sa pamamagitan niya.
KAWALAN NG PANANAMPALATAYA
Ang isa pang pabago-bago na naka-aapekto sa kagalingan ay kawalan ng pananampalataya. Ang resulta ng kawalan ng pananampalataya ay maaaring...
-Pag-iisip na hindi maka pagpapagaling Ang Dios.
-Pag-iisip na makapagpapagaling Ang Dios, ngunit maaaring pinili Niya na hindi ako pagalingin.
-Pag-iisip na makapagpapagaling Ang Dios, at pagagalingin Niya ako ngunit hindi ngayon.
-Isang kapaligiran na walang pananampalataya na nakapipigil sa kagalingan.
Mayroong ilang mga halimbawa sa Biblia kung paano ang kawalan ng pananampalataya ay nakapigil sa gawain Ng Dios. Sa lunsod ng Nazareth Si Jesus
...hindi gumagawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa
kawalan nila ng pananampalataya. (Mateo 13:58)
Si Jesus ay nagulat, o nabigla, na ang mga tao ay hindi naniwala:
At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya..(Marcos 6:5-6)
Sinabi ng Biblia:
Ngunit humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang
pagaalinlangan: sapagkat yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat
na itinutuak ng hangin at ipinadpad sa magkabikabila.
Sapagkat huwag isipin ng taong yaon na siya’y tatanggap ng anomang
bagay sa Panginoon. Ang taong may dalawang akala ay walang tiyaga sa lahat ng
kaniyang mga paglakad. (Santiago 1:6-8)
Basahin ang kuwento ng
pagpapagaling ng anak ni Jairus sa Marcos 5:35-40. Malalaman mo na ang mga nakapipigil sa
kapaligiran ng pananampalataya ay pinaalis sa silid habang Si Jesus ay
nagmiministeryo ng kagalingan. Ang pangkalahatang kawalan ng pananampalataya ay
isa sa pangunahing mga dahilan kaya hindi natin nakikita ang kagalingan at
pagpapalaya na dumadaloy sa ating mga iglesya kung paano ito ninanais Ng Dios.
Tayo ay kaanib ng bawa’t isa. Kung ang bahagi ng ating Katawan ay hindi
naniniwala sa pagpapagaling, ang kawalan ng pananampalatayang ito ay
makapipigil sa pagdaloy ng kapangyarihan sa ating kalagitnaan.
Sinasabi sa Biblia, “Ang mga tandang ito ay
susunod sa KANILA na sumasampalataya.”
Ang talatang ito ay tumutukoy sa mga mananampalataya (ang iglesya). Hindi
sinasabi ng talata “siya na sumasampalataya,” tumutukoy sa isahan. Hindi ito
pananampalataya ng isa o dalawang ebanghelista na nagdulot ng kagalingan na
nakasulat sa Mga Gawa. Ito ay pananamplataya ng buong Iglesya na puspos Ng Espiritu .
Kung Si Jesus ay hindi gumawa ng
makapangyarihang mga gawain sa Nazareth dahil sa kanilang (panglahatan) kawalan
ng pananampalataya, hindi rin ba tutoo na ang ating panglahatan na kawalan ng
pananampalataya ay nakapipigil sa kagalingan? Ngayon ang malaking bahagi ng
Iglesya ay tumututol kung ano ang ipinairal ng unang iglesya tungkol sa
panalangin. Hindi nila tinatanggap ang pananaw sa karamdaman base sa Biblia. Hindi
sila naturuan ng Salita Ng Dios tungkol sa kagalingan. Gayunman, sinasabi nila
na ang hindi nakatanggap ng kagalingan at inakusahan nila ang sumusubok na
magministeryo ng kagalingan. Ngunit ito ay kabiguan kung saan sila - -
pangkalahatan- - ang may malaking responsabilidad.
Ang mga nangangaral ng “full Gospel” ng
kaligtasan na may pagpapagaling at pagpapalaya ay kadalasang may obligasyon na
maghirap sa “Nazareth” ng kawalan ng pananampalataya.
Marami tayong nakikitang naliligtas dahil halos
ang buong daigdig ay tumatanggap sa doktrina ng kaligtasan sa mga panguhahing
iglesya. Ngunit hindi tayo nakakakita
ng maraming pagpapagaling dahil tayo ay napipilitan na maghirap dahil sa
kinaugalian, pagtanggi, at kawalan ng pananampalataya sa maraming denominasyon.
Kung ang pangkalahatang kawalan ng
pananampalataya ay hindi nakaaapekto sa daloy ng ministeryo ng pagpapagaling,
bakit hindi ipinagpatuloy Ni Jesus ang pag miministeryo Niya sa Nazareth?
(Ngayon, sa pangkalahatan tayo ay nagmiministeryo ng pagpapagaling sa mahihirap
na bansa higit sa Kanluran na mga bansa dahil mayroong saloobin na
pangkalahatang kawalan ng pananampalataya. Kung ano ang sinabi Ng Dios, sila ay
naniwala. Kanilang inasahan ang hindi natural bilang bahagi ng kanilang
pangaraw-araw na pamumuhay. Maraming mga tao sa bansang kanluran ay hindi
handang tumanggap dahil sa kanilang pagkamateryalismong kaalaman at
pangangatwiran ng tao.
KAKULANGAN SA
PANANAMPALATAYA
Ang kawalan ng pananampalataya ay paniniwala na
hindi kaya o hindi gagawa ng isang bagay Ang Dios. Hindi nangangahulugan na may
pananampalataya ka kung wala sa iyo ang kawalan ng pananampalataya. Halimbawa,
ang isang Ateista ay hindi naniniwala Sa Dios. Ang isang agnostiko ay niyutral.
Ang isang mananampalataya ay may pananampalataya. Ang kakulangan ng kawalan ng
pananampalataya ng isang agnostiko ay hindi ibig sabihin na siya ay may
pananampalataya.
Dapat mong palitan ang kawalan ng
pananampalataya ng pananampalataya Sa Dios dahil ang panalangin ng
pananampalataya ay nagtitindig sa may sakit (Santiago 5:15). Dapat kang lumapit
ng may pananampalataya, magsalita ng mga salita ng pananampalataya, at kumilos
ng may pananampalataya. Dapat kang lumakad ng may pananampalataya at hindi ayon
sa paningin (tingnan ang kalagayan ng katawan o sintomas).
Sinusubukan ni Satanas na pigilan ang
kagalingan sa pamamagitan na gawin kang lumalakad ayon sa paningin sa halip na
sa pananampalataya. Sinusubukan ka niya na tumingin sa mga sintomas.
Sinusubukan niya na tingnan mo ang iba na inangkin ang kagalingan, ngunit hindi
naman. Hindi pananampalataya sa iyong pananampalataya o sa pananampalataya sa
pananampalataya ng iba. Ang pananampalataya lamang ay hindi nakagagaling. Ang
Dios ang nagpapagaling. Nakita ni Pablo na ang pilay ay may pananampalataya na pagagalingin
Ng Dios (Mga Gawa 14:8-10).
Hindi kinakailangan ng malaking pananampalataya
para gumaling. Sinabi Ni Jesus ang pananampalataya na kasing liit ng butil ng
mustasa ay napakamakapangyarihan. Kinakatagpo Ni Jesus ang mga tao sa antas ng
kanilang pananampalataya. Kung saan nadarama nila na kinakailangan na nandoon
ang presensiya Niya, Siya ay pumupunta. Kung mayroon silang pananampalataya na
hindi kinakailangan, nagsasalita Siya ng Salita mula sa malayong lugar at
nagkakaroon ng kagalingan.
Kung ang may sakit ay hindi gumagaling ,
kadalasan sinisisi ng mga tao na ang dahilan ay kulang sa pananampalataya.
Ngunit katulad ng iyong natututunan sa aralin na ito, marami pang pabagu-bago
na iba na dapat alalahanin. Hindi kailanman humatol si Jesus sa mga tao na
humihiling ng kagalingan dahil sa kakulangan ng pananampalataya.
PERSONAL NA HINDI
INAAMIN NA KASALANAN
Sinasangayunan ng Biblia ang direktong
kaugnayan sa pagitan ng pangisahan na kasalanan at karamdaman sa ilang mga
pagkakataon:
Mangagpahayagan nga
kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa’t isa ang iba,
upang kayo’y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin
ng taong matuwid. (Santiago 5:16)
Sinabi ni David , ” hindi ako diringgin Ng Pannginoon kung ako ay may kasalanan sa aking puso.”
Hindi ipinangako Ng Dios na sisirain Niya ang mga gawain ng Demonyo sa katawan habang tayo ay kumakapit sa mga gawain ng Demonyo sa ating kaluluwa. Kung mayroong kasalanan sa puso ng isang may sakit, maaaring hindi siya gumaling. Kung mayroong kasalanan sa puso ng isang nagmiinisteryo , maaaring hindi magkaroon ng kagalingan dahil hindi siya naririnig Ng Panginoon.
Ang hindi makapagpatawad na espiritu o pagkagalit ay nakapipigil sa kagalingan, “Kung hindi mo mapatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan, hindi ka rin patatawarin Ng Ama na nasa Langit sa iyong mga kasalanan..” Kung hindi tayo mapatatawad Ng Dios kung hindi tayo maka pagpatawad sa iba, hindi rin Niya tayo pagagalingin, dahil kasama ang kabuuan ng kaluluwa, espiritu, at katawan sa kagalingan.
PAGTANGGI SA KAGALINGAN
Tinanong Ni Jesus ang pilay na lalake sa languyan ng betesda:
Nang makita ni Jesus na siya’y nakahandusay, at mapagkilalang siya’y
malaon nang panahong may sakit, at sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang
gumaling? (Juan 5:6)
Kadalasan, hinihiling lamang natin ang kagalingan o pagpapalaya. Nais Ng Dios na pagalingin ang katawan, kaluluwa, at espiritu. Dahil ang tao ay katawan, kaluluwa, at espiritu, ang konsepto ng kagalingan ay nagpapahiwatig na pakikitungo sa lahat ng mga ito. Hindi nating mabibigyan diin ang pisikal na kalusugan hiwalay sa kaluluwa at espiritu, kagalingan hiwalay sa kaligtasan.
Ang Dios ay espiritu. Siya ay nakikipagugnayan
sa iyo sa pamamagitan ng iyong espiritu. Ang iyong espiritu ay namamahala sa
iyong pisikal, mental, espirituwal, at emosyonal na buhay. Ang iyong buong
buhay ay base sa espirituwal. Dahil ikaw ay may espiritu na nilalang, ang
kagalingan ng katawan ay nagsisimula sa espiritu.
Nang nilikha Ng Dios ang tao, ang Kanyang
espiritu ang nangangasiwa na kapangyarihan ng Kanyang buhay sa lupa. Ito ay
para magkaroon ng pangingibabaw sa isip, at katawan at madala ang mga ito sa
nagkakaisang ganap na tao kung saan mananahan Ang Dios. Nang una, sa hardin ng
Eden, ang tao ay may malapit na espirituwal na kaugnayan Sa Dios.
Sa pagbabawal sa puno ng kaalaman sa Hardin,
pinagbabawalan Ng Dios na ang tao ay mamuhay sa antas ng pisikal at
intelektuwal na kaalaman. Nang ang tao ay nagkasala, ang kanyang espiritu ay
nalubog at pinili niya na mamuhay sa
pamamagitan ng kanyang karunungan. Kung ang isip ay mas mataas sa espiritu at
ito ang nangunguna, ang espirituwal na bahagi ng tao ay namamatay (o tumitigil
na gumawa bilang pinanggagalingan na kanyang pagtugon Sa Dios at sa buhay). Mula
sa panahon na iyon, mayroong paghihiwalay ng espiritu, isip, at katawan, na
resulta ng kakulangan ng pagkakaisa sa taong nilalang, sa pagitan ng tao, ng
kanyang kapaligiran, at ng kanyang Manlilikha.
KAKULANGAN SA
PAGPAPASIYA AT PAGNANAIS
Tinanong Ni Jesus ang pilay na lalake sa
Betesda:
Nang makita ni Jesus
na siya’y nakahandusay, at mapagkilalang siya’y malaon nang panahong may sakit,
at sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling? (Juan 5:6)
Sa pagkakataon na ito, ang pilay ay dapat gumawa ng pagpapasiya. Ang ilang mga tao ay hindi nais na gumaling. Nalulugod sila sa simpatiya at atensiyon na kanilang tinatanggap sa kanilang pagkakasakit. Ang ilan ay nakatatanggap ng benepisyong medikal mula sa mga pensiyon o legal na mga bagay at ayaw nilang mawala ang mga ito. Ang iba ay may matinding naisin na makasama Ng Panginoon at ayaw na nilang gumaling.
MGA PROBLEMA SA
ATING MGA KAHILINGAN
May ilang mga problema sa ating mga kahilingan
para sa pagpapagaling na nakapipigil sa pagpapakita nito:
HINDI HUMIHINGI:
Una, at ang pangunahin, ay kung minsan hindi
tayo humihiling ng kagalingan. Tayo ay bumabaling sa medisina para makatulong
sa atin at sa mga kaibigan para sa kaaliwan:
...kayo’y wala,
sapagkat hindi kayo nagsisihingi. (Santiago 4:2)
HINDI TIYAK ANG
KAHILINGAN:
Kung minsan , ang mga panalangin ay napipigil
dahil hindi ito tiyak:
Kayo’y nagsisihingi...
(Santiago 4:3)
Kung masama ang iyong hinihiling , hindi ka tiyak sa iyong mga panalangin. Hindi tama ang iyong panalangin hindi mo natumbok.
MALI ANG MOTIBO SA
PAGHILING:
Kung minsan mali ang ating motibo sa panalangin:
Kayo’y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagkat
nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan. (Santiago
4:3)
Ang ibang tao ay nais na gumaling, ngunit ayaw nilang baguhin ang kanilang makasalanan, makamundo, hindi nakatalagang uri ng pamumuhay. Nais nilang maging maayos para sila ay makabalik sa kanilang sariling gawain. Dapat isaalang-alang ng mga tao ang mga tanong na ito: Ano ang iyong motibo bakit nais mong gumaling.? Para ba ikaw ay makabalik sa makasariling pamumuhay? Para madali mong magawa ang mabubuting gawain sa halip na magawa mo ang tiyak na layunin Ng Dios para sa iyo?”
KAKULANGAN SA PAGTITIYAGA
Kung minsan hindi tayo nagtitiyaga
(nagpapatuloy) sa pananalangin. Nang
una si Pablo ay nangangaral habang siya ay may sakit ( Galacia 4:13-14) at di
nagtagal siya ay gumaling. Mukhang walang bisa kaagad kay Epafrodito ang
panalangin na kamuntik ng mamatay (Filipos 2:27) at si Trofimo ay naiwan na may
sakit (II Timoteo 4:20). Ngunit sa katapusan pareho silang gumaling. (Pansinin
na sila Pablo rin ay patuloy na nalangin para sa may sakit sa kabila na ang mga
kasong ito ay walang mabilis na kagalingan).
Iniisip ng ibang mg atao na kung mahigit sa isa
ka humiling sa kagalignan ito ay kulang sa pananampalataya. Hindi itinuro Ni
Jesus na ang pagtitiyaga sa panalangin ay kawalan ng pananamaplataya o kulang
sa pananampalataya. Kanyang hinihimok ito. Itinuturo ng Lucas 11:1-13 ang kahalagahan ng pagtitiyaga
sa panalangin sa mga talinghaga ng hindi bagay na kaibigan ( mga talata 5-8) at
ang balo at ang hukom (mga talata 1-8). Ang halimbawa ni Daniel ay naghihimok
na magtiyaga . Narinig Ng Dios ang kanyang panalangin mula nang una siyang
manalangin, ngunit pinipigilan ni Satanas ang anghel na magdadala ng sagot.
Huwag kang susuko kung ang kagalingan ay hindi
nangyari pagkatapos ng unang panalangin mo. Tandaan na may mga “paghingi,
paghahanap, at pagkatok” na antas ng panalangin. Kung minsan humiling ka at
madaling nasagot ang iyong kahilingan. Kung minsan dapat mong hanapin at
patuloy kang kumatok bago makatanggap ng sagot sa ibang mga panalangin. Si
propeta Elias ay nanalangin ng apoy na bumaba mula sa Langit. Kinailangan na
pitong beses siya manalangin para umulan.
Patuloy na magtiyaga sa panalangin hanggang
malaman mo na ang iyong petisyon ay marinig. Kung mayroon kang katiyakan sa
iyong espiritu, magsimulang purihin Ang Dios kahit hindi mo pa nakikita ang
resulta:
-Sina Jehoshapaht at ang mga anak ng Israel ay
nagsimulang magpuri Sa Dios sa pamamagitan ng malakas na tinig bago nila
aktuwal na makita ang sagot sa kanilang mga panalangin.
-Paunang pinasalamatan Ni Jesus Ang Dios para
sa muling pagkabuhay ni Lazaro
-Minsan si Abraham ay nakatiyak sa pangako ng
isang anak, hindi siya nagpatuloy na nalangin. Naniwala siya at niluwalhati ang
Dios.
PAGSUWAY SA PROSESO
NG PAGPAPAGALING
Kung minsan Ang Dios ay nagbibigay ng natatanging panuto sa proseso ng pagpapagaling. Halimbawa, sa pamamagitan ni propeta Elias, sinabi Ng Dios kay Naaman na maligo sa putik na ilog para makatanggap ng kagalingan (II Mga Hari) 5:1-14). Kung minsan ang isang simpleng gawa ng pagsunod ang lahat na kinakailangan sa pagitan mo at ng himala.
MALING PAGKILALA SA
KATAWAN NI CRISTO
Basahin ang I Corinto 11:27-30. Para sa dagdag
na impormasyon basahin din ang Lucas 22:2-20, Mateo 26:27-29, at Marcos
14:22-25. Ang kahinaan at karamdaman ay resulta ng hindi tamang pagkilala ng
Katawan Ni Cristo. Para “makilala” ay
“matutunan at maunawaan ang isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri ,
pagsisiyasat, at kilatisin.”
Maaaring hindi nating makilala ang Katawan Ni Cristo sa tatlong mga paraan:
ANG KAHULUGAN NG DUGO AT LAMAN:
Hindi natin nakilala kung hindi natin nauunawaan ang kahulugan ng bunga ng puno at ng tinapay na simbolo ng Kanyang dugo at laman. Ito ang nangyari nang unang itinuro Ni Jesus ang katuruan nito sa Juan 6:66 at marami ang tumalikod sa pagsunod Sa Kanya. Hindi nila naunawaan ang espirituwal na kahulugan ng Kanyang itinuturo . Habang marami ang kumikilala sa dugo para maalis ang mga kasalanan, kadalasan hindi nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng katawan. Ang katawan ay para sa kagalingan, para makain natin ito at gumaling. (Tingnan ang Juan 6:48-58 at Lucas 6:48-51.)
PAGKAKABAHA-BAHAGI SA KATAWAN:
Kung minsan hindi natin nakikilala ang ating mga kapatid na bahagi ng Katawan Ni Cristo at ang pagkakabaha-bahagi ay nangyaayri sa iglesya. Tayo ay kumakain at umiinom ng hindi karapat-dapat kung hindi natin tamang nakikilala (tunay na nauunawaan) ang ating pakikiisa sa ating mga kapatid sa Panginoon. Ipinaliwanag ni Pablo sa I Corinto 3:1-13 na ang karnal na Kristiyano ay kasama sa pagkakabaha-bahagi ay hindi makakakain ng laman (laman, katawan) ng Salita dahil sa kanilang pagkakarnal.
PAGKAIN NG HINDI NARARAPAT:
Tayo ay kumakain ng hindi karapat-dapat kung tayo ay nagkokomunyon ng hindi sinisiyasat ang buhay. Ang kahinaan at karamdaman ang resulta. Kaya sinasabi ni Pablo na siyasatin ang espirtiuwal na inyong sarili at magsisi bago magkomunyon.
ANG MASAMANG ESPIRITU AY HINDI NAPALAYAS
Ang ilan ay hindi nakatanggap ng kagalingan dahil ang kanilang sakit ay gawa ng masamang espiritu na dapat mapalayas. Kailangan nila ng higit sa panalangin para sa kagalingan. Sa mga kalagayan na dulot ng masamang espiritu, nakasulat sa Biblia na ang kaaway ay pinalayas para magkaroon ng kagalingan.
PAGLABAG SA NATURAL NA KAUTUSAN
Ang parehong Dios ang nagsabi “Ako ang Panginoon na magpapagaling sa inyo” ay Siya ring nagbigay ng natural na kautusan sa kalusugan at kalinisan ng Kanyang mga tao. Ang ilang mga tao ay hindi nakatatanggap ng kagalingan dahil kanilang nilalabag ang mga natural na kautusan na ito. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring magpatuloy sa pag-inom ng alkohol na inumin at nagtataka kung bakit sila ay hindi gumagaling sa kalagayan ng kanilang atay. Maaaring magpatuloy sila sa paninigarilyo at nagtataka kung bakit hindi sila pinagagaling Ng Dios sa kanilang kanser sa baga.
ITINAKDANG PANAHON NG KAMATAYAN
Itinuturo ng Biblia na may takdang panahon ng kamatayan ( Ecclesiastes 3:2 at Hebreo 9:27). Kahit ang dakilang propeta na si Elias, na gumawa ng maraming himala ng pagpapagaling at pagpapalaya, dahil ang “sakit na makamamatay sa kanya” ( II Mga Hari 13:14). Matututunan mo kung paano ang pagharap sa ganitong pabagu-bago kung ikaw ay natuto na magministeryo sa walang lunas na karamdaman bilang bahagi ng panuto sa pagmiministeryo sa kagalingan sa Ikalabing-walong Kabanata.
HULING PAALA-ALA
Sinimulan natin ang aralin na ito ng ilang mga tanong:
Ano ang mga pabagu-bago na naka-aapekto sa kagalingan? Bakit hindi maraming tao ang gumagaling? Bakit ang ilan ay gumagaling ang iba ay hindi? Bakit ang mabababaw at makamundong Kristiyano kung minsan ay gumagaling habang ang ibang tapat at nakalaan na mga tao ay hindi pa nakatatanggap ng kagalingan?
Ang mga pabagu-bago na iyong napag-aralan sa aralin na ito ay ilan lamang sa mga bahagi na naka-aapekto sa kagalingan at pagpapalaya. Gayunman palaging tandaan.
Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: ngunit ang
mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man,
upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. (Deuteronomio
29:29)
Kinakailangan lamang ng pananampalataya ang pananampalataya: Ang pananampalataya. Kung mayroon kang sagot sa lahat , hindi mo na kailangan ng pananampalataya. Hinihiling lamang Ng Dios na gumawa ayon sa pananampalataya sa Kanyang salita, hindi magbigay ng sagot.
Sa pagtatapos, narito ang mahalagang pangungusap tungkol sa pabagu-bago ng kagalingan. Ito ay ginawa ng kilalang pastor na nagministeryo ng mahabang taon sa pagpapagaling at pagpapalaya:
“Ipangagaral ko ang lahat ng Ebanghelyo kung
hindi ko kailanman nakita ang isang tao na naligtas o gumaling habang ako ay
nabubuhay. Ipinapasiya ko na ibase ang aking mga doktrina ayon sa
walangkamatayang Salita Ng Dios, hindi
dahil sa hindi pangkaraniwang karanasan.”
-F.F. Bosworth
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng “pabagu-bago.”
________________________________________
________________________________________
3. Talakayin ang mga kinaugalian ng mga tao na naka aapekto sa pagpapagaling.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
4. Talakayin ang ilan sa mga pabagu-bago na naka-aapekto sa pagpapagaling.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
IKA-LABING WALONG KABANATA
“SA IYONG PAGHAYO, MAGPAGALING”
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
·
Talakayin
ang mga paunang paghahanda para sa ministeryo ng pagpapagaling.
· Ibuod ang panuntunan sa pagmiministeryo ng pagpapagaling.
· Talakayin ang “follow-up” na pag-aalaga para sa mga gumaling.
· Talakayin ang “follow-up” na pag-aalaga para sa mga hindi gumaling.
SUSING TALATA:
At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na
mangagsasabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na.
Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga
ketong, mangagpalabas kayo ng demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay
ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10:7-8)
(I Pedro 4:10 MBB)
At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man: kundi yumaon
ka ng iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa
iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila. (Lucas 5:14)
Umuwi ka sa inyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga
bagay ang ginawa ng Dios sa iyo... (Lucas 8:39)
...Narito, ikaw ay gumagaling na: huwag ka nang magkasala, baka
mangyari pa sa iyo ang lalong masama. (Juan 5:14)
...Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula
ngayo’y huwag ka nang magkasala. (Juan 8:11)
...kundi yumaon ka ng
iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo,
alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila. (Lucas 5:14)
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Talakayin ang mga paghahanda para sa
ministeryo ng pagpapagaling.
________________________________________
________________________________________
3.
Ibuod ang panuntunan sa pagmiministeryo ng pagpapagaling.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
4.
Talakayin ang “follow-up” na pag-aalaga para sa mga gumaling.
________________________________________
________________________________________
5.
Talakayin ang “follow-up” na pag-aalaga para sa mga hindi gumaling.
________________________________________
________________________________________
...inyong ikagalak
ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na
nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit. (Lucas 10:20)
IKA-LABING SIYAM NA KABANATA
“SA IYONG PAGHAYO, MAGPALAYA”
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Kilalanin ang tatlong pangunahing mga uri ng demonyo na umaatake sa katawan, kaluluwa, at espiritu ng tao.
· Ipaliwanag ang halaga ng kaloob ng pagkilala sa mga espiritu sa pagharap sa masamang kapangyarihan.
· Ipaliwanag ang ibig sabihin na maging “demon obsessed”.
· Kilalanin ang mga katangian ng isang “demon obsessed” na tao.
· Ipaliwanag ang ibig sabihin na maging “demon oppressed”.
· Kilalanin ang mga katangian ng isang “demon opressed” na tao.
· Ipaliwanag ang ibig sabihin na maging “demon possessed”.
· Kilalanin ang mga katangian ng isang “demon possessed” na tao.
· Ibuod ang ministeryo Ni Jesus kaugnay sa masamang mga kapangyarihan.
· Gamitin ang panuntunan base sa Bilbia para mapagtagumpayan ang masamang mga kapangyarihan.
SUSING TALATA:
Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya’y
pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na
gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo;
sapagkat sumasa kaniya ang Dios. (Mga Gawa 10:38)
Sa makatuwid baga’y si
Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo
at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa
lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa kaniya ang Dios. (Mga
Gawa 10:38)
Ngunit hayag na sinasabi ng espiritu na sa mga huling panahon ang iba’y
magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung
mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio. (I Timoteo 4:1)
At ibinuhos sa ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal
ng tubig; at nangaging dugo. (Apocalipsis 16:14)
At nangyari, na nang kami’y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay
sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula,
at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng
panghuhula. (Mga Gawa 16:16)
Sa makatuwid baga’y si
Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo
at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa
lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa kaniya ang Dios. (Mga
Gawa 10:38)
O hindi baga ninyo
nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na
tinanggap ninyo sa Dios? At hindi kayo sa inyong sarili;
Sapagkat kayo’y
binilli sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios. (I Corinto
6:19-20)
...malayo ito sa iyo:
kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo. (Mateo 16:22)
Sinabi ni Jesus kay Pedro:
...Lumagay ka sa
likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka’t hindi mo pinagiisip ang
mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao. (Mateo 16:23)
At kung ang sinoman ay
hindi nasumpungan nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang
apoy. (Apocalipsis 20:15)
Ang matagumpay ay
daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa ano mang
paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipapahayag ko ang kaniyang
pangalan sa harapan ng kaniyang mga anghel. (Apocalipsis 3:5)
Ngunit hinahampas ko
ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan,
pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil. (I Corinto 9:27)
At lalakip ang mga
tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio...
(Marcos 16:17)
At pinalapit niya sa
kaniya ang kaniyang labindalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan
laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang
mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.
(Mateo 10:1)
At pinalapit niya sa
kaniya ang labindalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan
niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu (Marcos 6:7)
At lalakip ang mga tandang
ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio... (Marcos
16:17)
Mangagpapagaling kayo
ng mga may sakit, mangagpapabangon kayo ng mga patay, mangaglilinis kayo ng mga
ketong, mangagpapalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay
ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10:8)
At pinalapit niya sa
kaniya ang labindalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan
niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu (Marcos 6:7)
O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin
ang kaniyang mga pagaari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at kung
magkagayo’y masasamsaman niya ang kaniyang bahay. (Mateo 12:29)
At nang makita ni
Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang
karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu,
iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa
kaniya. (Marcos 9:25)
At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay
pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw
bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag
ka nang pumasok na muli sa kaniya. (Marcos 9:25)
...Anong aming
ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios! naparito ka baga upang kami’y iyong
pahirapan bago dumating ang kapanahunan? (Mateo 8:29)
Pagka ang karumaldumal
na espiritu ay lumabas sa isang tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig,
na humahanap ng kapahingahan, at pagka hindi makasumpong, ay sinasabing,
Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko.
At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan.
Kung magkagayo’y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na
lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila’y nagsisipasok at nagsisitahan doon:
at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una.
(Lucas 11:24-26)
... Umuwi ka sa iyong
mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang
ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka Niya.
At siya’y yumaon ng
kaniyang lakad, at nagpasimulang ihayag sa Decapolis kung gaanong kadakilang
mga bagay ang sa kaniya’y ginawa ni Jesus: at nangagtaka ang lahat ng mga tao.
(Marcos 5:19-20)
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ano ang tatlong pangunahing mga uri ng demonyo na umaatake sa katawan, kaluluwa, at espiritu ng tao.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng kaloob ng pagkilala sa mga espiritu sa pagharap sa masamang mga kapangyarihan?
________________________________________
________________________________________
4. Ano ang ibig sabihin ng sinasaniban ng demonyo?
________________________________________
________________________________________
5. Ano ang mga katangian ng isang taong sinasaniban ng demonyo?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
6. Ano ang ibig sabihin na maging buyo sa mga demonyo?
________________________________________
________________________________________
7. Ano ang katangian ng isang taong buyo sa mga demonyo?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
8. Ano ang ibig sabihin ng pinahihirapan ng demonyo?
________________________________________
________________________________________
9. Ano ang mga katangian ng isang taong pinahihirapan ng demonyo?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
10. Ibuod ang panuntunan base sa Bilbia na ibinigay sa araling ito para mapagtagumpayan ang masasamang kapangyarihan.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Mula
sa 3,774 na mga talata sa apat na aklat ng Ebanghelyo, 484 ang tiyak na may
kaugnayan sa kagalingang espirituwal at mental na mga sakit at ang muling
pagkabuhay ng mga patay. Sa Marcos ,209 na mga talata mula sa 666 ay kaugnay sa
mga himala Ni Jesus. Ang 1,257 na mga
kuwento ng mga talata sa Ebanghelyo, 484 (38.5 %) ang nakatuon sa paglalarawan
ng himala ng pagpapagaling. Gamitin ang mga sumusunod na balangkas ng pag-aaral
tungkol sa ministeryo Ni Jesus sa pagpapagaling:
I. Ang
layunin Ni Jesus:
A. Si Jesus ay pumarito para sabihin ang
mga salita Ng Dios:
...at wala akong
ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa
itinuro sa akin ng Ama. (Juan 8:28)
B. Si
Jesus ay pumarito para sa gawin ang gawain at kalooban Ng Dios:
Sapagkat bumaba akong
mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang
kalooban ng nagsugo sa akin. (Juan 6:38)
Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin,
samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa. (Juan 9:4)
...ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.
(Juan 4:34)
C. Ang mga ito ang mga layunin:
...Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng
Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo. (I Juan 3:8)
...ang gayon ding mga gawa na aking
ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako’y sinugo ng Ama. (Juan 5:36)
D. Ang pagkahabag ang emosyon na motibasyon :
Halimbawa tingnan ang Mateo 9:36; 12:9-13; 14:14; 18:27; 20:29-34; 29:34; Marcos 1:41; 3:1-5; 5:19; Lucas 6:6-10; 7:12-15; 10:33; 14:1-6; at Juan 11:38-44.
Ang ibang mga emosyon na ipinahayag sa pagpapagaling ay pagdadalamhati, galit, hinagpis, at pagtangis. Ang pagkahabag ay katulad ng ibig sabihin ng awa. Ang Kanyang awa at umaabot sa lahat ng henerasyon at magpawalang-hanggan. . . . Dahil dito alam natin na Ang Dios ay tumutugon ng magkatulad na paraan sa mga sakit ngayon. Ikaw ay kahahabagan sa pamamagitan ng pagpapakita nito: Mapalad ang mahabagin , sapagkat sila ay kahahabagan.
E.
Ang
mga ginawa Ni Jesus ay kalugod-lugod Sa Ama:
...sapagkat ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya’y nakalulugod.
(Juan 8:29)
II. Mga
reperensiya kung saan silang lahat
ay pinagaling Ni Jesus:
-Mga
Gawa 10:38
-Lucas
4:40; 6:17-19
-Lucas
9:11
-Mateo
12:15
-Mateo
4:23-25
-Mateo
9:6; 35
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA
PAGTATANIM NG IGLESYA: ANG
MODELO
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “iglesya”.
· Kilalanin ang ulo ng iglesya.
· Kilalanin ang katawan ng iglesya.
·
Kilalanin
ang mga lider sa iglesya.
· Ibuod ang misyon ng iglesya.
· Kilalanin ang modelong iglesiya sa Bagong Tipan.
SUSING TALATA:
Ano pa’t kayo’y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa
Macedonia at nangasa Acaya.
Sapagkat mula sa inyo’y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang
sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong
pananampalataya sa Dios; ano pa’t kami ay wala nang kailangan magsabi pang
anoman. (I Tesalonica 1:7-8)
...lahat ng mga bagay
ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging
pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia.
Na siyang katawan
niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat. (Efeso 1:22-23)
Mayroong anim na susing mga prinsipyo na
makikita sa pag-aaral ng misyon sa iglesya ng Bagong Tipan:
Una: Sila ang may responsabilidad na
dalhin ang Ebanghelyo sa kanilang komunidad, bansa, at mundo. Ipinakikilala Ng
Iglesya Si Jesus sa Mundo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Inaakay nila ang
mga tao sa tamang kaugnayan Kay Jesus para maranasan nila ang kaligtasan at
bagong buhay.
Ikalawa: Ang Ebanghelyo ay naipangaral sa mga
hindi pa ligtas kung saan sila nandoon. Ang mga apostol ay hindi umupa ng
bulwagan o kulungin ang kanilang sarili sa mga gusali. Sila ay nagtitipon sa
templo, tahanan, o silid sa itaas (Mga Gawa 2:46 at 5:42). Sila ay nangaral sa
pangmaramihan at personal na panghihikayat ng kaluluwa.
Ikatlo: Ang Ebanghelyo ay ipinangaral
bilang kaligtasan sa pamamagitan Ni Jesus, hindi sistema ng pinaniniwalaan ng
relihiyon o mga seremonya. Ito ay base sa Biblia, naka sentro Kay Cristo,
kaugnay sa pangangailangan, at pagpapakita ng kapangyarihan.
Ika-apat: Ang mga matatamda ang pinagtutuunan
ng pansin dahil kung ang mga matatanda ang mahikayat Kay Cristo, ang kanilang
mga anak ay mahihikayat din. Sa ganitong paraan ang buong pamilya ay magiging
mananampalataya. (Tingnan ang pagkahikayat ng kuwento ni Cornelio sa Mga Gawa
10; Ang bantay sa bilangguan sa Filipos
sa Mga Gawa 16;31-33; Si Lydia sa Mga Gawa 16:14-15; Estefanas sa I Corinto 1:16; Onesiforo sa II Timoteo 1:16; At Filemon sa Filemon 2.)
Ika-lima: Ang bagong mananampalataya ay
isinasama sa buhay ng lokal na iglesya. Sila ay naturuan at pinakakain sa
panalangin at pagtitipon sa ibang mga
kaanib ng katawan (Mga Gawa 2:42). Ang mga mananampalataya ay pinatatatag sa
mga doktrina, prinsipyo, at mga gawain ng pamumuhay Kristiyano. Sila ay
naturuan na “pansinin ang lahat ng mga bagay” na itinuro Ni Jesus.
Ika-anim: Kinilala ng iglesya at ipinadala
ang mga tinawag para magdala ng Ebanghelyo sa ibang lugar (Mga Gawa 13:1-3).
ANG HALIMBAWA SA
TESALONICA
Inilarawan ng iglesya sa Tesalonica ang modelo
sa panghihikayat ng kaluluwa at pagpapalakas na katangian ng Bagong Tipan na mga
iglesya. Isinulat ni Pablo sa kanila at sinasabi. . .
Sapagkat hindi kami
nasusumpungang magsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng
nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng kasakiman, saksi ang Dios;
Ni nagsihanap man sa
mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, na maaaring magsigamit
kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo.
Kundi kami ay
nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiw pagka inaamo ang
kaniyang sariling mga anak:
Gayon din kami, palibhasa’y may magiliw na pagibig sa inyo, ay
kinalugdan naming kayo’y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi
naman ng aming sariling mga kaluluwa, sapagkat kayo’y naging lalong mahal sa
amin.
Sapagkat inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at
pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa
gabi’t araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
Kayo’y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at
pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong
nagsisisampalataya. (ITesalonica 1:5-10)
Pansinin ang sumusunod na halimbawa ng talatang
ito:
“ANG AMING
EBANGHELYO AY DUMATING SA INYO”:
Ang mensahe ay dumating sa mga tao sa Tesalonica sa pamamagitan ng Salita at may pagpapakita ng kapangyarihan. Ito ay naipangaral mula sa personal na kombiksiyon at may kapangyarihan Ng Espiritu Santo.
“IYONG NATANGGAP
ANG SALITA”:
May malaking oposisyon sa Ebanghelyo, para sa mga tao ang nakatanggap nito sa gitna ng matinding pagdurusa. Kanilang tinanggap ang mensahe na may kagalakan Ng Espiritu Santo.
“IKAW AY NAGING
MANGGAGAYA”:
Ang mga nahikayat ay sumunod sa turo at halimbawa Ni Jesus at ng mga apostol.
“IKAW AY NAGING
HALIMBAWA SA LAHAT NG MGA MANANAMPALATAYA”:
Pinarisan nila ang modelo, pagkatapos ay naging
modelo na sila.
“ANG SALITA NG
PANGINOON AY NARINIG MULA SA IYO”:
Ang mga taong ito ay walang radyo, telebisyon, “video” o “audio tapes”, o pagpapahayag kung paano ang ilan sa atin ay ginagawa ito ngayon. Ginagamit nila ang paraan base sa Biblia ng “person-to person” na pagbabahagi ng Ebanghelyo.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng salitang “iglesya”.
________________________________________
3.
Sino
ang ulo ng iglesya?
________________________________________
4.
Sino
ang katawan ng iglesya?
________________________________________
5.
Sino
ang mga lider sa iglesya?
________________________________________
________________________________________
6. Ano ang misyon ng iglesya?
________________________________________
________________________________________
7. Ano ang halimbawa na tinalakay sa Bagong Tipan ng iglesya sa aralin na ito?.
________________________________________
IKA-DALAWAMPU’T ISANG KABANATA
PAGTATANIM NG IGLESYA: MGA PARAAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Kilalanin ang sampung mga hakbang sa”cycle”ng pagtatanim ng iglesya.
· Kilalanin ang pitong prayoridad ng ministeryo kung saan nakatuon ang pagsisikap sa panghihikayat ng kaluluwa.
SUSING TALATA:
Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa
boong panahon magpakailanman. Siya nawa. (Efeso 3:21)
Dahil dito’y iniwan
kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng
mga matanda sa bawat bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo. (Tito 1:5)
Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan
na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
Kundi gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga
balita tungkol sa kaniya, at silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
(Roma 15:20-21)
At nangyari sa Iconio na sila’y magkasamang nagsipasok sa sinagoga ng
mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa’t nagsisampalataya ang
lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego. (Mga Gawa 14:1)
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ano ang sampung mga hakbang sa”cycle”ng pagtatanim ng iglesya?
__________________________________ _______________________________
__________________________________ _______________________________
__________________________________ _______________________________
__________________________________ _______________________________
__________________________________ _______________________________
3. Ano ang pitong prayoridad ng ministeryo ni
Apostol Pablo?
__________________________________ _______________________________
__________________________________ _______________________________
__________________________________ _______________________________
_________________________________
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Ang
panghihikayat ng kaluluwa at pagtatanim ng iglesya na ginawa ni Apostol Pablo
ay kadalasang ibinubuod sa tatlong paglalakbay pangmisyon:
Ang unang paglalakbay: Mga Gawa 13:1-14:28
Ang ikalawang paglalakbay: Mga Gawa 15:36-18:22
Ang ikatlong paglalakbay: Mga Gawa 18:23-21:14
2. Pag-aralan ang maraming bagay tungkol sa “cycle” ng pagtatanim ng iglesya na ginamit ni Pablo sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa lunsod ng Efeso:
Kinatagpo ang mga tao: Mga Gawa 18:19; 19:1,8,9
Ipinahayag ang Ebanghelyo Mga Gawa 19:4,9,10
Nahikayat ang mga nakarinig: Mga Gawa 19:5,18
Tinipon ang mga mananampalataya: Mga Gawa 19:9-10
Natiyak
ang pananampalataya: Mga Gawa 20:20, 27
Itinalaga
ang mga lider: Mga Gawa 20:17,28; I Timoteo 1:3,4
Pinuri
ang iglesya:
Mga
Gawa 20:17; Efeso 1:1-3,15,16
PAGSISIYASAT SA KOMUNIDAD
Petsa ng Pagbisita:_________________
Pangalan:_________________________________
Tirahan: ___________________
Kaanib ng sambahayan: Asawang
lalaki:_______ Asawang babae:______
Bilang ng mga anak_______
(1) Ikaw ba ay aktibong kaanib ng iglesya? (Ang
tanong na ito ay maaaring mag-akay sa
iyo para malaman mo kung sino ang maaaring mabahaginan ng Ebanghelyo.
Alalahanin na ikaw ay pumapasok sa bagong lugar para sa layunin ng
panghihikayat ng kaluluwa, hindi para maakay ang mga tao na lumayo mula sa mga
iglesya na naitatag na.)
___ Siya ay aktibong kaanib. ___ Siya ay hindi aktibong kaanib.
(2) Ano
sa tingin mo ang pinakamalaking pangangailangan ng mga tao sa lugar na ito?
( Ang
sagot na iyong matatanggap sa tanong na ito ay makatutulong sa iyo na malaman
ang mga ministeryo na maaaring kailangan sa partikular na lugar na ito.
Makatutulong din sa iyo na maiugnay ang pagsisikap sa panghihikayat ng kaluluwa
sa mga pangangailangan ng mga tao.)
________________________________________
(3) Ano
sa tingin mo bakit karamihan sa mga tao dito ay hindi dumadalo ng iglesya?
( Ang
tanong na ito ay nagbibigay ng pagkakataon para harapin ang pagtutol na mayroon
ang mga tao.)
________________________________________
(4)
Bilang pastor sa bagong iglesya sa inyong lugar, ano ang tiyak na maaari
kong magawa para sa iyo at sa iyong pamilya?
(Ang tanong na ito ay magbibigay ng pagkakataon para magsimulang
maglingkod sa pamilyang ito, na ang huling layunin ay panghihikayat ng
kaluluwa.)
________________________________________
(5) Mayroon ka bang kaibigan o mga kamaganak na
maaaring interesado sa iglesya katulad nito? ( Ito ay magbibigay ng dagdag na
“contact” para sa panghihikayat ng kaluluwa.)
________________________________________
Lagyan ng tsek ang angkop na mga bagay: ___ Mabuting kandidato.
___ aktibo sa ibang Iglesya. ___ Nais ng isa pang bisita. ___ Nais ng Biblia
___ Nais ng Kristiyanong babasahin tungkol sa _________________________
PAG-ORGANISA SA PAGSISIMULA NG IGLESYA
Isulat ang mga pangalan ng mga maaaring sumama
sa pangkat ng mananalangin para sa
bagong iglesya:
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
Kilalanin ang mga maaaring bumuo ng pagsisimula ng bagong iglesya. Maaaring may bagong mananampalataya na kahihikayat lamang sa lugar na iyon o ganap na mga mananampalataya na maaaring ipadala ng “mother “ na iglesya para tumulong sa pagtatanim ng iglesya sa tiyak na lugar.
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
___. Nakapili na kami ng pangalan para sa iglesya.
___ Mayroon na kaming Salaysay ng Layunin/ “Statemnet of Purpose”
___ Mayroon kaming nakasulat na Pahayag ng Pananampalataya na nagsasabi kung ano ang pinaniniwalaan ng iglesya.
___Nakumpleto na namin ang mga legal na dokumneto na kinakailangan ng gobyerno para sa bagong iglesya.
___ Nakumpleto na namin ang kinakailangan ng denominasyon.
___ Mayroon na kaming naitakdang kinakailangan para sa mga kaanib.
___ Mayroon na kaming naitatag na badyet sa pananalapi .
(Ang kurso ng Harvestime International Institute na “Pangangasiwa Batay sa Layunin” , ay nagbigay ng detalyeng habilin kung paano gawin ito.)
PAGTATATAG NG
LIDERATURA SA IGLESYA:
___
Nalaman na namin ang kailangan na mga lider para masimulan ang iglesya.
___
Nalaman na namin ang kailangan ng liderato sa panghinaharap para sa
iglesya.
___
Pinakikilos na namin ang mga tao na gagawa ng ministeryo base sa
kanilang espirituwal na mga kaloob.
(Ang kurso ng Harvestime International
Institute na “Mga Paraan ng Pag-papakilos
Sa Mga Tao.,” ay makatutulong sa iyo na gawin ito).
Ang kurso ng Harvestime International Institute
na “Pangangasiwa Batay Sa Layunin,”
ay nagbibigay ng paglalarawan ng tungkulin para sa mga sumusunod na tungkulin
sa lideratura ng iglesya
-Pastor
-“Assistant”
Pastor
-Apostol
-Propeta
-Guro
-Ebanghelista
-Mga matanda
-Diakono
-“Chairman” sa panalangin
-Direktor ng “Christian Education”
-Direktor ng panghihikayat ng kaluluwa at misyon
-Direktor ng ministeryo ng kalalakihan
-Direktor ng ministeryo ng kababaihan
-Direktor sa Musika
-Kalihim ng iglesya
-Direktor ng pananalapi
-Direktor ng “property maintenance”
-Direktor ng “Audi-Visual”
- “Ushers”
- “Publicity Chairman”
-Natatanging Komite
Ang kurso ng Harvestime International Institute na “Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia” ay papatnubay sa iyo sa pagpili at pagpapaunlad ng mga lider para sa iglesya. Nagbibigay din ito ng mga prinsipyo para maging mahusay na lider at mahusay na tagasunod batay sa Biblia.
PAGPILI NG LUGAR NG PAGTITIPON:
___ Ang lugar na aming napili para magtipon ay nakikita sa komunidad (madaling makita ng mga tao ).
___ Ito ay madaling marating (madaling maabot ng pampublikong sasakyan at malalakad).
___ Ito ay may maayos na paradahan (kung ang mga kaanib ay may sasakyan tungo sa iglesya).
___ Ang
lugar ay nasa sona ng lokal na gobyerno para sa paggamit ng iglesya.
___ May sapat na kanal (para maiwasana ng baha).
___ Walang utang , buwis, o daanan /“right of way” na ating responsabilidad.
___ Ang pasilidad ay nasa mabuting kalagayan.
(Alalahanin kung ano ang maaaring gawin sa
suwelo, bubong, dinding, bintana, pinto, maaaring magalawan na lugar para
maging kagamit-gamit. Kung iniisip mong bilhin ang lugar, humingi ng payo sa
mahusay sa pagpapagawa para masiyasat ito.)
___ Ang
pasilidad ba ay sapat para sa iyong pangkasalukuyan at panghinaharap na
pagpapalawak? Narito ang pangunahing
mga pangangailangan sa pasilidad:
-Isang “multi-purpose” na silid na
maaaring magamit para sa pagsamba, pananalangin, at “fellowship”.
-Lugar
na maaaring magamit sa pagbabautismo.
-Silid-aralan
ng Pastor.
-Opisina
ng Kalihim.
-Silid
para sa mga bata.
-Silid-aralan
para sa Lingguhang pag-aaral o pag-aaral ng Biblia.
-Lutuan.
-Palikuran.
___ May
posibilidad ba ng pag-aayos/”remodelling”?
Narito ng bentahe at hindi bentahe ng iba’t
ibang pasilidad na kadalasang ginagamit ng mga iglesya:
Ang Iglesya sa
Tahanan:
Mga Bentahe:
-Nagbibigay ng malapit na “fellowship”
-Walang bayad sa paggamit ng pasilidad.
-Ito ang paraan ng Bagong Tipan.
-Kung ito ay sumisikip, ito ay magbibigay ng motibasyon sa mga nagumpisa na grupo para maghanap ng sapat na pasilidad para magkaroon ng paglago.
Posibleng Disbentahe:
-Ang iba ay hindi komportable na magtungo sa pribadong tahanan maliban na kilala nila ang may ari.
-May limitadong paradahan at upuan.
-Kung minsan ang mga kapit-bahay ay hindi natutuwa na may iglesya na bahay na malapit sa kanila.
-Maaaring magpahirap ito sa may ari ng bahay para buksan ang kanilang tahanan maraming beses sa isang linggo.
-Ang lugar ng tahanan ay maaaring hindi maganda. Maaaring mahirap makita.
Ang Niyutral Na Bulwagan ng Komunidad:
Ang ganitong uri ng posibilidad ay maaaring bulwagan ng pagtitipon ng bayan, pang-pribadong pag-aari na “conference center’, lugar ng pinagdarausan ng pagtitipon ng samahan, paaralan, “conference room” ng “motel o hotel”, palaruan. (Pansinin: Sa pagpili ng bulwagan ng komunidad, ang paggamit para sa “funeral chapel” ay hindi iminumungkahi. Iniuugnay ng mga tao ang kapilya sa mga patay at maaaring magbalik sa alaala para sa mga nagdusa ng kalungkutan.)
Bentahe:
-May sapat na upuan at paradahan.
-Kadalasan madaling makita.
-Karamihan sa mga tao alam nila kung saan lugar ang mga bulwagan.
-May silid para lumago bago magkaroon ng
permanenteng pasilidad.
Posibleng Disbentahe:
-Mahirap panatilihing malinis ang
lugar dahil ito ay ginagamit ng iba.
-Ang dekorasyon at mga kagamitan ay
maaaring hindi angkop sa gawain ng pagsamba.
-Maaaring mahirap ang pagtatakda ng gawain dahil may ibang gumagamit.
-Maaaring kailanganin na ang mayari o manggagawa ang mga bukas at magsara ng pasilidad.
Pakikibahagi Sa Iba Ng Gusali Ng Iglesya :
Bentahe:
-May sapat na upuan at paradahan.
-Kadalasan madaling makita.
-May lugar sa paglago bago gumawa ng pinansiyal na pangako para bumili ng iyong sariling iglesya.
-Ang iglesya ay nagbibigay ng magandang kapaligiran sa pagsamba.
Posibleng Disbentahe:
-Maaaring mahirap panatiliing malinis ang lugar dahil ito ay ginagamit ng iba.
-Maaaring mahirap ang pagtatakda ng gawain dahil may ibang gumagamit.
Bumili ng Bahay, Gawin itong Iglesya at Bahay Pastoral kung hindi na
kailangan:
Bentahe:
-Sa maraming pagkakataon, mas madaling umutang
para sa bahay sa halip na iglesya. Pag nagtagal maaaring gawing tirahan ng
pastor. May limitadong pamumuhunan sa pananalapi ng proyekto.
-Kadalasan, ang mga kapit-bahay ay sangayon
kung alam nila na ang iglesya ay pansamantala lamang gagamitin ito.
-Makagagawa ng “worshipful atmosphere”.
Posibleng Disbentahe
-Ang kongregasyon ay maaaring abalahin ang aktuwal na pasilidad ng iglesya.
-Ang posibilidad ng paglago ay limitado.
-Kakulangan sa sapat na pasilidad.
PAGPAPLANO AT PAGSASAGAWA NG
UNANG GAWAIN:
___ Mayroon natayong itinakdang petsa, oras, at lokasyon para sa unang gawain.
___ Naipamalita na sa komunidad.
(Maaaring kasama sa pagpapahayag ang pamamalita, telebisyon, radyo, pulyeto, karatula, pahayagan, talaan ng telepono, tanda, at iba pa, depende sa heograpiyang lugar at pananalapi.)
-Naka pagplano na kami ng unang paglilingkod para sa mga hindi pa mananampalataya at magbigay ng pagkakataon para sa pagsamba, pangangaral, at pagtugon.
PAGSASAGAWA NG PIRMIHANG MGA GAWAIN:
Maaaring kasama sa gawain ang:
-Pagsamba:
Ito ay dapat nakasentro Sa Dios, batay sa Biblia, pinangungunahan Ng
Espiritu Santo, at kaugnay sa pangangailangan. Ang musika ay dapat kasama ang
partisipasyon ng buong “fellowship” gayun din ang natatanging grupo katulad ng
soloista, koro, at iba.
-Paghahandog.
-“Communion”.
-Pagbasa, pangangaral, at pagtuturo mula sa
Salita Ng Dios. Ito ay dapat sumunod sa organisadong halimbawa ng panghihikayat
ng kaluluwa at pagdidisipulo para ikaw ay patuloy na magtitindig ng bagong
nahikayat at paghahanda sa kanila para sa gawain ng ministeryo.
-Bautismo sa tubig.
-Pagkakataon para sa paghahandog at pagtatalaga
sa Panginoon para sa parehong mananampalataya t hindi mananampalataya.
-Pagkilos ng kaloob ng Espiritu Santo.
-Pagmiministeryo ng katawan, kung saan ang mga
kaanib ay nagmiministeryo sa kapatiran.
Ang paggamit ng iba’t ibang makabagong mga
paraan para maipahayag ang Ebanghelyo katulad ng “video at audio cassettes”,
pelikula, organisadong kagamitan sa pagtuturo/“curriculum,”, konsiyerto, at iba
pa.
Narito ang ilan sa mga
mungkahi para sa pagpaplano ng mga gawain para maabot ang hindi pa ligtas:
-Ituon Sa Kanilang Pangangailangan: Pagpapahayag ng “Puspos Ng Espiritu Santo na
paglilingkod” maaaring hindi maka-akit sa mga hindi pa ligtas at maaaring
aktuwal na makapag-paalis sa ibang mga tao. Sa halip, ituon sa kanilang
pangangailangan. Halimbawa, maaaring magpahayag ng paglilingkod “Paano Mapagtatagumpayan
Ang Mahirap na Sitwasyon Ng Iyong Buhay.”
-Maging Lahat ng Bagay Para sa
Lahat Para Makaabot ng Ilan: Tingnan
ang I Corinto 10:19-23. Walang pamantayan na paraan para maabot ang hindi pa
ligtas. Sa halip manalangin. “Tungkol saan ang dapat kong ipangaral?” Ipanalangin, “Para kanino ako
mangangaral?” Tingnan ang mga tao na dinadala sa iyo Ng Dios para alagaan mo.
-Ituon Ang Iyong Mensahe Tungkol Sa “ Mabuting
Balita” Ng Ebanghelyo: Hindi ito
Ebanghelyo maliban ito ay mabuting balita. Isaalang-alang ang sumusunod na mga
tanong:
-Ipinahihiwatig ba ng pamagat ng
mensahe na ako ay may mabuting balita na ibabahagi?
-Ang mensahe ba ay nagaalok ng
praktikal na tulong mula sa Salita Ng Dios?
-Ano
ang pinaka positibong paraan para maipahayag ang mensaheng ito?
-Ano ang pinaka simpleng paraan para ipahayag ito? (Ang simple ay hindi mababaw. Si Jesus ay nagbabahagi ng napaka simple ngunit napaka lalim na mga mensahe).
-Paano ko maibabahagi ito na may matinding epekto? (Ang mga Pariseo ay nagsipi mula sa iba at hindi nagkaroon ng matinding epekto. Ang mga disipulo ay nagbahagi mula sa karanasan, at ang mga buhay ay nabago. Magbahagi ng personal, tapat, at may kasigasigan at kombiksiyon.)
-Ano ang pinaka nakakawili na paraan na sabihin ito? ( Si Jesus ay gumamit ng nakakawili na kuwento ng tao at mga talinghaga na naunawaan ng karaniwang tao.)
-Bawasan ang anunsiyo ng Iglesya: Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng nakaimprentang “bulletin” o iba pang mga paraan.
Ang hindi pa ligtas na mga tao ay dumalo dahil mayroon silang pangangailangan sa kanilang mga buhay, hindi para makinig ng tungkol sa sosyal na programa ng iglesya, at mga pangyayari.
-Maingat Na Pumili Ng Talata Sa Biblia At Mga Awitin: Siguruhin ang mga ito ay nakatuon sa hindi pa ligtas at madaling maunawaan. Halimbawa, Talata tungkol sa “dashing your little ones against the wall” propesiya sa Lumang Tipan ay hindi madaling maunawaan ng hindi pa ligtas. Siguruhin na ang mga awit ay madaling maunawaan at nakatuon a hindi pa ligtas.
-Mag-alok Ng Pagkakataon Para Sa Tugon: Palaging mag-alok ng pagkakataon para tanggapin Si Jesus at asahan na ang mga tao ay tutugon.
PAGTATATAG NG MGA PLANO PARA SA PATULOY NA GAWAIN NG MINISTERYO:
Dapat kang patuloy na magtakda, magpatupad, at magtaya ng mga layunin para sa panghinaharap na pag–unlad ng iglesya. Ang pangunahing tuon ng mga planong ito, siyempre, ang patuloy na panghihikayat ng kaluluwa, pagdidisipulo, at pagtatanim ng iglesya. Ang Ika-labing apat na Kabanata ng kursong ito at ang Harvestime International Institute na kursong, “Pangangasiwa Batay Sa layunin,” ay tutulong sa iyo ng pagtatakda, pagpapatupad, pagtaya ng mga plano.
4. Kung may ibang mga iglesya sa lugar kung saan ka nagpaplanong magsimula ng bagong iglesya, huwag kang maging ka kompetensiya. Ang sulat o bisita sa mga pastor ng mga iglesya ay dapat magbigay ng sumusunod na kasiguruhan:
“Pahintulutan
po ninyo ako na ipakilala ang aking sarili. Ako po si _____________
(pangalan__________________ kinatawan______________(pangalan ng iyong
iglesya)_____________.
Mga kinatawan ng aming iglesya ay
makikipagtagpo sa mga tao sa komunidad na ito para sa layunin ng pagbabahgi ng
Ebanghelyo, pagabot sa bagong nahikayat, at pagtatatag ng lokal na iglesya.
(Ipaliwanag pa nang mabuti ang iyong layunin
sa puntong ito: Ang bago bang iglesya
ay magmiministeryo sa tiyak na grupo ng mga tao o lugar? Ano ang kakaibang
layunin sa komunidad?)
Sa proseso ng ating pakikipagtagpo sa mga
tao sa komunidad, posible ba na ang ilang mga kaanib ng iyong iglesya ay maaaring makausap. Hindi namin
layunin na maimpluwensiyahan ang mga kaanib ng ibang iglesya para iwan ang
kanilang “fellowship”. Ang aming naisin ay para ibahagi ang Ebanghelyo sa mga
hindi pa naaabot sa komunidad at gumawa na nakikiisa sa iyong iglesya sa
pag-abot sa lugar para sa Panginoong Jesu Cristo.”
IKA-DALAWAMPU’T
DALAWANG KABANATA
PAGTATANIM NG IGLESYA: ANG PAGPAPARAMI
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng “panloob na paglago ng iglesya.”
· Ibigay ang kahulugan ng “pagpapalawak na paglago ng iglesya.”
· Ibigay ang kahulugan ng “pagdagdag na paglago ng iglesya.”
· Ibigay ang kahulugan ng “pagtawid na paglago ng iglesya.”
SUSING TALATA:
At...nangangapit sa Ulo, na sa kaniya’y ang
boong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at
mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios. (Colosas 2:19)
Kung pinaguusapan ang “panloob na paglago” ng
Iglesya, ang tinutukoy natin ay espirituwal na paglago at pag-unlad ng mga
kaanib nito. Ang Iglesya ay espirituwal
na lumalago ayon sa kasukat na paglago ng bawa’t isang kaanib nito.
Tinutukoy ni Pablo ang prosesong ito,
paghambingin ito sa panloob na paglago sa natural na katawan:
At...nangangapit sa Ulo, na sa kaniya’y ang
boong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at
mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios. (Colosas 2:19)
Ang tinutukoy ng espirituwal na paglago ay Ang “paglakas Sa Dios”. Habang
ang mga kaanib ay espirituwal na lumalago, ang Iglesya ay nakararanas ng
panloob na paglago. Ang buong Katawan
ay naalagaan at lumalakas sa paglakas Sa Dios. Ang espirituwal na paglago ay
paglakas sa espirituwal na kaganapan na resulta ng pag-unlad ng buhay Ni Cristo
sa mananampalataya. Ito ay paglago sa kaalaman Kay Jesus:
Datapuwa’t magsilago kayo sa biyaya at sa
pagkakilala sa ating Panginoon at tagapagligtas na si Jesu Cristo. (II Pedro 3:18)
Ito ay paglago Kay Jesus:
Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may
pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa
makatuwid baga’y si Cristo (Efeso 4:15)
Ang ibig sabihin ng espirituwal na paglago ay pagkamatay sa sarili at
paglakas ng buhay Ni Cristo sa iyo.
Siya’y
kinakailangang dumakila, ngunit ako’y kinakailangang bumaba. (Juan 3:30)
Ang espirituwal na paglago ay hindi kaagad nangyayari dahil resulta ng
tagal ng panahon na pagiging mananampalataya. Ito ay resulta ng pag-unlad ng
buhay Ni Cristo sa mananampalataya.
Kasama sa mga ebidensiya ng espirituwal na paglago ay:
1. Pagdami ng
espirituwal na kaalaman.
2. Tamang paggamit ng
kaalaman na ito sa buhay at ministeryo.
3.
Ang malalim na kasiyahan sa
espirituwal na mga bagay.
4. Dakilang pag-ibig
Sa Dios at sa iba.
5. Pag-unlad ng
pagkatulad Kay Cristo na mga katangiang espirituwal
6. Ang pagtaas ng
naisin at kakayahan na magbahagi ng Ebanghelyo sa iba.
7. Pag-unlad at
epektibong paggamit ng espirituwal na mga kaloob.
Ang paglago ay natural na resulta ng buhay.
Kung mayroong espirituwal na buhay sa iglesya, ang resulta nito ay panloob na
paglago gayundin naman ang paglawak, pagdagdag, at pagtawid na mga paglago.
-Espirituwal na Mga Kaloob: Ang paglago ng tao ay
nangangailangan ng pagunlad ng estraktura ng buto para suportahan ang
pagpaparami ng mga selula. Para ang
Katawan Ni Cristo ay lumago, ang estraktura ay mahalaga rin. Sinabi ni Jesus ang anihin ay hinog na,
subalit kakaunti ang taga-ani, at sila ay dapat epektibong ma organisa para
maani ang anihin.
PAGDAGDAG NA
PAGLAGO
Ang pagdagdag na paglago ay nangyayari kung ang
iglesya ay nagsimula ng isa pang iglesya sa magkatulad na kultura. Ang bagong
iglesya ay dagdag ng “ina/unang”
iglesya, kung paano ang isang bata sa natural na mundo ay pisikal na dagdag ng
mga magulang. Ang talaan ng dagdag sa aklat ng Mga Gawa ay nagpapahayag na ang
mga iglesyang nasimulan ng iglesya sa Jerusalem sa Juda, Galilea, Lidda,
Sarona, at Joppa. Ang mga ito ay magkakatulad na kultura ng mga Hudyo.
Mayroong apat na mga paraan kung paano ang bagong iglesya ay nagsimula:
1.
Ang isang iglesya ay
nagsimula ng isa pang iglesya.
2.
Ilang mga iglesya ay
nagtulong-tulong para makapagsimula ng isa pang iglesya.
3.
Ang isang malaking iglesya
ay naghati para makabuo ng dalawa o higit pa na magkahiwalay na mga iglesya.
4.
Ang bawa’t isang
mananampalataya ay inatasan sa tiyak na lugar para magsimula ng iglesya. Ang
may espirituwal na kaloob ng pagiging apostol ang kadalasan ng ginagamit sa
paraan na ito. Kung minsan ang taong
ito ay tinatawag na “magtatanim/ magsisimula ng iglesya.”
Sa mga ito, ang pagpaparami ay nangyayari sa pamamagitan ng pagdagdag ng
mensahe ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong Katawan ng mga
mananampalataya.
Ang mga bagong iglesya ay maaaring magkakaiba ng uri ng pagdagdag:
1. Mga Iglesya Na Nagmiministeryo sa Partikular Na Komunidad:
Ang mga iglesyang ito ay natatag para magministeryo sa pagtikular na
komunidad, nayon, o lugar sa bayan. Ito ay maaaring resulta ng pagbabahagi ng
ebanghelio na nagtayo ng grupo ng bagong mananampalataya sa tiyak na
lugar. Maaaring ito ay naitatag para
magministeryo sa mga hindi pa naaabot o mga lugar na handang tumugon.
2. Mga Iglesya Na Nagmiministeryo Sa Mga Partikular Na Grupo Na Katutubo:
Ang “fellowship” na ito ay nag miministeryo sa particular na grupo ng
katutubo na magkatulad ng kultura, angkan at lengguwahe. Halimbawa, ang iglesya
ay maaaring nagsimula para sa mga tao na marunoong magsalita ng Espanol at
hindi nakakaintindi ng Ingles na “service”. Ang isa pang halimbawa ay para sa
mga Asiano na takas nanasa kampo o para sa mga Indians sa “American
reservation.”
3. Mga Iglesya Na May Natatanging Layunin:
Ang
iglesya ay maaaring maitatag para sa natatanging layunin: Halimbawa, ang iglesya ay maaaring naitanim
malapit sa kolehiyo para maka pagministeryo para sa mga mag-aaral.
PAGTAWID NA PAGLAGO
Ang pagtawid na paglago ay nangyayari kung
ang iglesya ay tumawid ng bansa, ibang salita, o katutubong puwang para
magtanin/ magsimula ng bagong iglesya sa ibang kultura. Ang terminong “pagtawid” ay ginamit dahil
nang ang prosesong ito ay nangyari isang “tulay “ ang ginawa mula sa isang
kultura tungo sa isang kultura para maparating ang Ebanghelyo. Dahil sa sa modernong
pamamaraan ng paglalakbay at pag-uusap,
naging malaking bentahe ito para
ang kakayahan na pagtawid na paglago ng iglesya ay mangyari kahit nga sa malayong mga lugar.
Ang pagtawid na paglago ay bahagi ng plano Ng
Panginoon para sa pagpalawig ng Ebanghelyo sa buong mundo. Ang mga disipolo ay dapat magsimula sa
kanilang pagsaksi sa kanilang sariling kultura sa Jerusalem at palawakin ang
pagtatanim/pagsisimula ng mga iglesya sa ibang lugar na parehong kultura.
Sumunod, ang mga disipolo ay dapat maging tulay sa ibang bansa, sa ibang salita,
at puwang sa ibang lahi para maipangalat ang Ebanghelyo sa mga kultura na
kakaiba sa kanila tungo sa mga lugar katulad ng Samaria at sa “dulong bahagi ng
mundo” ( Mga Gawa 1:8). Madaling
natupad ng mga disipolo ang utos na magparami sa loob ng kanilang sariling
kultura (Mga Gawa 2). Ang pagdagdag ng iglesya sa ibang rehiyon na magkatulad
na kultura ay resulta ng pag-uusig.
Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng
Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan. (Mga
Gawa 8:1,4)
Nakasulat sa Mga Gawa 8 na si Felipe ang
unang tumawid sa puwang ng kultura sa “revival” sa Samaria. Sina Pedro at Juan ang nagpatuloy ng ministeryo sa lugar na iyon.
Nahirapan si Apostol Pedro na tanggapin ang pagtatalaga na maglingkod “cross
culturally”. Siya ay debotong Hudyo at dating limitado ang pakikitungo sa mga
Pagano (ibang bansa na hindi Hudyo).
Ang Dios ay nagsalita kay Pedro sa pangitain na nakatala sa Mga Gawa 10
at dinala ni Pedro ang Ebanghelyo sa mga Pagano sa Cesaria. Ang pinakamagandang
paglalarawan sa pagtawid na paglago ay ang ministeryo ni Apostol Pablo. Tinawag Ng Dios si Pablo para sa tiyak na
ministeryong ito. Si Pablo ay Hudyo, ngunit sinabi Ng Dios sa kanya na siya ay:
...sapagkat siya’y
sisidlang hirang sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga
Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel. (Mga Gawa 9:15)
Sinasabi ko sa inyo, na bibigyan ang bawat
mayroon; datapuwat ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya. (Lucas
19:26)
At ang mga bagay na iyong narnig sa akin sa
gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na
makapagtuturo naman sa mga iba. (II Timoteo 2:2)
...Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan
, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
(II TImoteo 2:3)
1. At muling sinabi niya, sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?
Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito’y nalebadurang lahat. (Lucas 13:20-21)
1. Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
At siya’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. (I Corinto 15:3-4)
1. Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo’y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pag-iisip;
Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawat isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
Huwag tignan ng bawat isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawat isa naman ay sa iba’t iba. (Filipos 2:2-4)
1. Ngunit lubhang magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa, kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan.
Ang bawat lalaki na inihihiwalay ang kanyang asawa, at mag asawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya. (Lucas 16:17-18)
1. At samantalang kayo’y nangangalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsasabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na.
Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad. (Mateo 10:7-8)
1. Ano pa’t kayo’y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya.
Sapagkat mula sa inyo’y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa’t kami ay wala nang kailangan magsabi pa ng anoman. (I Tesalonica 1:7-8)