PAMUMUHAY NA PINAGHAHARIAN NG DIYOS
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang porgramang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pag-aaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga aral ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano na naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang layunin ng ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Network
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
Paano Gamitin Ang Manwal Na Ito . . . . .
. . . . .
. . I
Mga Mungkahi Para sa Sama-samang Pag-aaral . . . . . . . . . II
Pambungad . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1
Mga Layunin ng Kurso . . . . . . . . . . . . . . 3
1. Mga Di-Nakikitang Kaharian . . . . . . . . . . . . 4
2. Hari ng Mga Hari . . . . . . . . . . . . . . . 14
3. Ang Kaharian: Nakalipas, Kasalukuyan, Darating . . . . . . . . 32
4. Mga Susi sa Kaharian . . . . . . . . . . . . . 52
5. Pinalayas sa Kaharian . . . . . . . . . . . . . 67
6. Mga Huwaran at Mga Prinsipyo . . . . . . . . . . . 81
7. Ang Kultura ng Kaharian: Mga Prinsipyo ng Kaharian – Unang Bahagi . . 93
8. Ang Kultura ng Kaharian: Mga Prinsipyo ng Kaharian –
Ikalawang Bahagi .
. 106
9. Ang Kultura ng Kaharian: Mga Prinsipyo ng Kaharian –
Ikatlong Bahagi . .
122
10. Mga Talinhaga ng Kaharian . . . . . . . . . . 130
11. Mga Embahador ng Kaharian . . . . . . . . . . 140
Mga Kasagutan sa Pansariling Pagsusulit . . . . . . . . 155
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Bawa’t aralin ay binubuo ng:
Mga Layunin: Ito ang mga layuning dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaral ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, Ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas ng Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG PAGAARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga mag-aaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,
ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Mag-aaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata, at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalangin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling buod ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.
II
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NANG MALALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.
Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.)
Para sa Dagdag na Pag-aaral: Maaari mong gawin nang sama-sama o isahan ang mga proyekto
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nagpatala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat mag-aaral at pangasiwaan ang pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
III
MODULE: Paghirang
KURSO: Pamumuhay na Pinaghaharian ng Diyos: Mga Huwaran at Prinsipyo
PAMBUNGAD
Lahat ng tao ay namumuhay sa natural na kaharian ng mundong ito. Sila’y naninirahan sa lunsod o sa nayon na bahagi ng isang bansa. Ang bansang iyon ay bahagi ng kaharian nitong mundo.
Bukod sa natural na kaharian ng mundong ito ay may dalawang kahariang espirituwal. Ang bawat tao ay naninirahan sa isa sa mga ito: Ang kaharian ni Satanas o ang Kaharian ng Diyos.
Ang kursong ito ay tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ipinakikita rito ang dalawang larangang espirituwal, ang kanilang tagapamahala, at pinaghaharian. May mga susing espirituwal sa paglapit sa Kaharian ng Diyos, at mga babala sa mga napalayas sa Kaharian ng Diyos. Ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng Kahariang ito ay sinuri, ang mga talinhaga ng Kaharian ay ipinaliwanag, at ang mga huwaran at prinsipyo ay binigyang diin.
Bakit mahalaga na pag-aralan ang Kaharian ng Diyos?
Ito and sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad:
At ipangangaral ang evanghelyong ito ng
kaharian sa buong
sanglibutan sa
pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung
magkagayo’y darating ang wakas. ( Mateo 24: 14)
Bago dumating si Jesus upang itatag ang Kanyang Kaharian sa huling panahon, ang evangelio ay dapat maikalat sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Bago mo maipangaral ang evangelio ng Kaharian, dapat mo munang maunawaan ang Kaharian ng Diyos. Bago ka pagkatiwalaan ng mga susi sa Kaharian, dapat ay may karanasan ka na sa Kahariang yaon.
Sa nakaraan ay malaking pagpapahalaga ang ibinigay sa buhay at ministeryo ng Hari ng Kahariang ito, si Jesu-Cristo, at dapat naman. Subalit hindi sapat na diin ang ibinigay sa Evanghelio ng Kaharian. Ganito ang sinabi ni Jesus sa mga pinuno ng relihiyon noong panahon Niya:
…sapagka’t sinasarhan
ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao:
kayo’y hindi nagsisipasok, at ang
nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.
( Mateo 23: 13b)
Ang pangunahing layunin ng buhay ni Cristo ay ang Evanghelio ng Kaharian. Pinasimulan Niya ang Kanyang ministeryo sa pagpapahayag ng pagdating ng Kaharian ( Mateo 4: 17). Tinapos Niya ang Kanyang ministeryo sa lupa sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga bagay patungkol sa Kaharian ( Gawa 1:3). Sa pagitan ng pasimula at pagtatapos ng Kanyang ministeryo sa lupa, sa Kaharian pa rin ng Diyos ang Kanyang diin:
Datapuwa’t sinabi Niya sa kanila, dapat
namang ipangaral Ko sa mga ibang
bayan ang mabubuting
balita ng Kaharian ng Diyos: sapagka’t sa ganito ay sinugo
Ako. ( Lucas 4: 43 )
Ang Kaharian ng Diyos ang pinakamahalaga kay Jesus. Sa Kaharian ng Diyos nakatuon ang Kanyang mga pangangaral at mga talinhaga. Ang mga himalang ginawa Niya ang nagpatunay ng Kaharian ng Diyos.
Ang mga salitang “Kaharian ng Diyos” at “Kaharian ng Langit” ay mahigit 100 beses ginamit sa mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Hinimok tayo na hanapin muna ang Kaharian ng Diyos, idalangin ito, at ipangaral ito. Itinuro sa atin kung paano pumasok sa Kahariang ito, na ang pagtira rito ay nangangailangan ng bagong pamumuhay.
Kinakailangang maunawaan ang mga prinsipiyo at huwaran ng Kaharian ng Diyos bago ka makapasok dito, manirahan, at masunod ang utos na ipangaral ang evangelio sa buong mundo. Ito ang layunin ng kursong ito.
Subalit may lalong dakilang layunin ang pagkaunawa ng mga prinsipyo ng Kaharian ng Diyos. Hindi sapat ang malaman mo ang tungkol sa Kahariang ito. Dapat ito ay maranasan mo nang personal at gawin itong pangunahing layunin ng iyong buhay.
Ang mga tao ay naghahanap ng kahulugan sa buhay. Nais nila ng isang layunin upang mabuhay at mamatay. Gawin mo ang Kaharian ng Diyos na iyong pangunahing layunin sa buhay at ministeryo. Ito ay isang Kahariang hindi mabubuwag ng puwersa ng kaaway. Ito ay isang layuning pangwalang hanggan na dapat handugan ng iyong buong katapatan.
MGA LAYUNIN NG KURSO
Sa patatapos ng kursong ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
. Kilanlin ang mga di-nakikitang larangan ng mga espiritu.
. Kilanlin ang mga tagapangasiwa ng mga di-nakikitang larangan.
. Kilanlin ang mga pinaghaharian ng mga di-nakikitang larangan.
. Ipaliwanag kung paano ka makakapasok sa Kaharian ng Diyos.
. Ibigay ang buod ng nakaraan, pangkasalukuyan, at darating na Kaharian ng Diyos.
. Maglista ka ng mga kasalanang pipigil sa iyong pagpasok sa Kaharian ng Diyos.
. Kilanlin ang kahalagahan ng mga huwaran at prinsipyong espirituwal.
. Magpakita ng pagkaunawa ng mga pangunahing prinsipyo ng Kaharian ng Diyos.
. Magpakita ng pagkaunawa ng mga talinhaga ng Kaharian ng Diyos.
. Maging embahador ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng evangelio ng
Kaharian.
. Ipagpatuloy ang pansariling pag-aaral ng Kaharian ng Diyos.
. Ipagpatuloy ang pansariling pag-aaral ng ministeryo at mga aral ni Jesu-Cristo.
UNANG KABANATA
ANG
DI-NAKIKITANG MGA KAHARIAN
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito dapat mong magawa ang mga sumusunod:
. Isulat ang Susing Talata na iyong kinabisa.
. Ipakita ang pagkaunawa ng natural at espirituwal na larangan.
. Ibigay ang katuturan ng salitang “ kaharian.”
. Kilanlin ang dalawang kahariang espirituwal.
. Kilanlin ang mga tagapangasiwa ng mga kahariang espirituwal.
. Kilanlin ang mga naninirahan sa mga kahariang espirituwal.
. Ibigay ang katuturan ng “ Kaharian ni Satanas.”
. Ibigay ang katuturan ng “ Kaharian ng Diyos.”
Susing Talata:
At ipangangaral ang evengeliong ito ng Kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas. ( Mateo 24: 14)
PAMBUNGAD
Ang kabanatang ito ay nauukol sa larangang natural at espirituwal. Ang natural na larangan ay yaong nakikita, naririnig, nahihipo, o nalalasahan. Yan ang larangang nakikita mo sa iyong palibot.
Subalit may isa pang daigdig na nakapalibot sa iyo na kabahagi mo. Ito ay hindi nakikitang daigdig na may dalawang larangang espiritual. Sa kabanatang ito ay matututuhan mo ang mga kahariang espiritual, ang mga nangangasiwa at bumubuo nito. Matututuhan mo ang Kaharian ni Satanas at ang Kaharian ng Diyos.
ANG NATURAL AT ANG ESPIRITUWAL
Ang tao ay nabubuhay sa dalawang larangan: Ang larangang natural at larangang espirituwal. Ang natural na larangan ay nakikita, nadarama, nahihipo, naririnig, at nalalasahan. Ito ay nasasalat at nakikita. Ang tinitirhan mong bansa, lunsod, or nayon ay bahagi ng larangang natural. Nakikita mo ang mga taong bahagi ng iyong kapaligiran. Nakakausap mo sila. Nakikita mo, naririnig mo, at naaamoy mo ang mga nasa palibot mo.
Subalit may isa pang larangang kinabubuhayan mo. Yan ay ang larangang espirituwal. Hindi ito nakikita ng mga mata, subalit ito ay tunay tulad ng larangang natural. Tinalakay ni Pablo ang pagkakahati ng larangang natural at espirituwal.
Mayroon namang mga katawan ukol sa langit,
at mga katawang ukol sa lupa.
( I Corinto 15: 40 )
Lahat ng tao ay may natural na katawan na nakatira sa lupa. Subalit ang tao ay isang espirituwal na nilalang na may walang hanggang kaluluwa at espiritu. Ang tao ay may katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang iyong bahaging espirituwal ( kaluluwa at espiritu ) ay bahagi ng larangang espirituwal kung paanong ang iyong natural na katawan ay bahagi ng larangang natural.
DALAWANG KAHARIANG ESPIRITUWAL
May larangang natural sa mundong ito. Ito ay kaharian o mga tao na pinangungunahan ng isang hari. Binabanggit sa Biblia ang mga kaharian ng mundong ito. Ang mga kaharian ng sanglibutan ay kontrolado ni Satanas sa ngayon:
Muling dinala Siya ng diablo sa isang bundok
na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kanya
ang mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila:
At sinabi niya sa
Kanya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw
ay magpapatirapa at
sasambahin mo ako. ( Mateo 4: 8-9 )
Sa darating na panahon, lahat ng kaharian ng sanglibutan ay magiging Kaharian ng Diyos at Siya
ang mangangasiwa sa lahat ng ito:
At humihip ang ikapitong anghel; at
nagkaroon ng malakas na tinig sa langit, at nagsasabi,
Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo; at siya’y maghahari
magpakailan kailan man. (Apocalipses 11: 15)
Sa natural na daigdig ang hari ang pinakamakapangyarihang pinuno ng kaharian. Lahat ng teritoryo at mga tao ay sa kanya. Hawak niya ang buhay ng kanyang sinasakupan.
Ang larangang espirituwal ay may dalawang kahariang espirituwal, ang Kaharian ni Satanas at ang Kaharian ng Diyos. Kabilang sa Kaharian ni Satanas ay ang mga demonyo at mga taong namumuhay sa kasalanan at lumalabag sa Salita ng Diyos. Kabilang sa Kaharian ng Diyos ay ang Diyos Ama, si Jesu-Cristo, ang Banal na Espiritu, mga angel, at lahat ng taong sumusunod sa Salita ng Diyos.
ANG KAHARIAN NG DIYOS
May iisang Kaharian ang Diyos, subalit ito ay inilalarawan sa iba’t-ibang paraan sa Biblia. Ang mga salitang “Kaharian ng Langit” ay ginagamit din na tumutukoy sa “Kaharian ng Diyos.”
Ang Kahariang ito ay katulad din ng Kaharian ng Ama ( Mateo 26: 29), ni Jesus ( Apocalipses 1: 9), ni Cristo Jesus ( II Timoteo 4: 1), ni Cristo at ng Diyos ( Efeso 5: 5), “sa ating Panginoon at sa Kanyang Cristo” ( Apocalipses 11: 15), “ ng ating Diyos, at ang kapamahalaan ng kanyang Cristo” ( Apocalipses 12: 10), “ ng Anak ng Kanyang pagibig” ( Colosas 1: 13). Ang lahat ng ito ay mga katawagan ng Kaharian ng Diyos. Upang madaling maunawaan, ang titulong “Kaharian ng Diyos” ang ginamit sa kursong ito.
Ang Kaharian ng Diyos ay hindi isang denominasyon. Ang mga denominasyon ay kapisanan ng mga iglesia na likha ng tao. Itinatag sila upang magkaroon ng kaayusan sa pangangasiwa. Ang Baptist, Assembly of God, Metodista, Lutheran, atbp. ay mga halimbawa ng mga denominasyon.
Ang tunay na Iglesia ayon sa Biblia ay hindi denominasyon o kapisanang pang relihiyon. Ang tunay na Iglesia ay yaong mga naninirahan sa Kaharian ng Diyos. Ang tunay na Iglesia ay yung sama-samang katawang espirituwal na itinatag ng Diyos upang palaganapin ang evanghelIo ng Kaharian sa buong mundo. Ang Iglesiang ito ay kinabibilangan ng mga lalake at babae na bumubuo sa Kaharian ng Diyos.
Ang katungkulan ng Iglesia ay hindi lamang upang mangaral at magturo ng evanghelio ng Kaharian, subalit ito ay dapat magpakita ng tamang modelo ng buhay sa Kaharian ng Diyos. Dapat ay sinusunod ng Iglesia ang mga huwaran at prinsipyong ipinakita ng kanyang Hari na si Jesu-Cristo.
Ang Kaharian ng Diyos ay umiral na sa nakaraan, umiiral sa ngayon, at iiral sa hinaharap, sa iba’t-ibang porma. Sa ngayon, ang Kaharian ng Diyos ay nananahan sa buhay ng bawat isang lalake, babae, o bata man na kinilalang Hari si Jesus ng kanilang buhay. Sa darating na panahon, magkakaroon ng actuwal na nakikitang Kaharian ng Diyos. Ang nakaraan, pangkasalukuyan, at panghinaharap na Kaharian ng Diyos ay tatalakayin pa sa lalong malalim na paraan dito sa kursong ito.
Sapagkat ang Kaharian ng Diyos ay isang espirituwal na kaharian at hindi isang kahariang makalupa, kailangan itong unawain ng isang isipang espirituwal.
Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi
tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos;
sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagkat ang mga yaon ay sinisiyasat
ayon sa espiritu. ( I Corinto 2: 14 )
MGA TAGAPAMAHALA NG MGA KAHARIAN
Ang Kaharian ni Satanas ay pinamamahalaan ni Satanas. Lalo mong makikilala si Satanas at ang kanyang kaharian sa “ Para Sa Dagdag na Pag-aaral” na bahagi ng kabanatang ito. Sa pasimula, si Satanas ay isang magandang anghel na nilalang ng Diyos at bahagi ng Kaharian ng Diyos, subalit tinangka niyang sakupin ang Kaharian ng Diyos. Mababasa mo ang kanyang pag-aalsa sa Isaias 14: 12-17 at Ezekiel 28: 12-19.
Maraming anghel and sumama kay Satanas sa pag-aalsang ito at silang lahat ay pinalayas mula sa Kaharian ng Diyos.
Ang Kaharian ng Diyos ay pinamamahalaan ng Tatlong Persona na kinabibilangan ng Diyos Ama, ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at ng Banal na Espiritu. Higit mong mababatid ang tungkol sa tagapanguna ng Kahariang ito sa Ikalawang Kabanata ng kursong ito.
MGA NANINIRAHAN SA MGA KAHARIAN
Maliban sa mga tagapanguna, may mga iba pang naninirahan sa dalawang kahariang ito. Masasamang espiritung tinatawag na mga demonyo ang naninirahan sa Kaharian ni Satanas. Ang mga espiritung ito ay nananahan, nagpapahirap, namamahala, at gumagamit ng mga tao na kabilang sa kaharian ni Satanas. Sila ang nag-uudyok sa mga tao na gumawa ng masama.
Bago magwakas ang sanglibutan, gagamit si Satanas ng dalawang espesyal na espirituwal na nilalang mula sa kanyang kaharian na tinatawag na AntiCristo at Bulaang Propeta. Bahagi sila ng plano ng panlilinlang ni Satanas upang ibagsak ang Kaharian ng Diyos. May mga nananahan din sa Kaharian ng Diyos. Ito ay mga anghel na nilalang na espirituwal na naglilingkod sa mga tao na kabahagi ng Kaharian ng Diyos. Kung paanong ang mga demonyo ay sumusunod kay Satanas dito sa daigdig, ang mga anghel naman ay sumusunod sa kalooban ng Diyos.
Bagama’t ang mga anghel at mga demonyo ay mga nilalang na espirituwal, kung magkaminsan ay nagpapakita rin sila at nangungusap dito sa natural na daigdig. Ang mga demonyo na nagkakatawang tao ay nagsasalita at gumagawa ng masama sa pamamagitan ng mga taong ito, at kung magkaminsan ang mga anghel ay nagpapahayag din sa katawang nakikita.
Dagdag pa sa mga espirituwal na nilalang na ito, ang lahat ng taong nabubuhay ay, alin sa dalawa, nananahan sa Kaharian ni Satanas o sa Kaharian ng Diyos.
ANG PAGPASOK SA MGA KAHARIAN
Sa isa sa mga talinhaga ni Jesus ipinakita Niya na lahat ng tao ay, alin sa dalawa, bahagi ng Kaharian ni Satanas o Kaharian ng Diyos. Inihalintulad ni Jesus ang sanlibutan sa isang bukid. Ang mabuting binhi sa bukid ay ang mga anak ng Kaharian ng Diyos. Ang masamang binhi, na naging mga damo, ay ang mga anak ng masama:
At ang bukid ay ang sanglibutan; at ang
mabuting binhi, ay ito ang mga anak ng Kaharian; at ang mga pangsirang damo ay
ang mga anak ng masama. ( Mateo 13: 38 )
Ang mga tao ay pumapasok sa Kaharian ni Satanas sa pamamagitan ng kapanganakang natural. Itinuturo ng Biblia na ang lahat ng tao ay ipinanganak sa kasalanan. Ang ibig sabihin nito ay ang lahat ng tao ay likas na makasalanan o may binhi ng kasalanan sa kanyang kalooban. Ang kanyang natural na hilig ay gumawa ng masama:
Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan; at sa
kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina.
( Awit 51: 5 )
Kaya, “kung paano na sa pamamagitan ng
isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan,
at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng
mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.
( Roma 5: 12 )
Sapagka’t ang lahat ay
nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. ( Roma 3: 23 )
Sapagkat tayo’y ipinanganak na likas na makasalanan, lahat tayo ay dating naging bahagi ng Kaharian ni Satanas. Ang buong mensahe ng Salita ng Diyos, ang Banal na Biblia, ay ang panawagan sa tao na lumipat mula sa masamang Kaharian ni Satanas patungo sa matuwid na Kaharian ng Diyos.
Ang mga tao ay ipinanganak sa Kaharian ni Satanas sa pamamagitan ng natural na kapanganakan. Dapat ay muli silang ipanganak sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng espirituwal na kapanganakan. Tatalakayin pa ito ng lubos sa Ika-apat na Kabanata, “Mga Susi Sa Kaharian.”
Sila na ipinanganak na muli ay lumilipat ng tirahan mula sa Kaharian ni Satanas tungo sa Kaharian ng Diyos. Nagbabago sila ng pagtatapat mula kay Satanas tungo sa Diyos. Kung pumapasok sila sa Kaharian ng Diyos dapat nilang matutuhan ang mga prinsipyo na umiiral sa pamumuhay sa Kahariang ito. Ito ay tulad ng pagbabago ng pamumuhay sa isang bansa na bago mong nilipatan. Patuloy na tatalakayin ang mga mahahalagang prinsipyong ito sa ibang mga aralin sa kursong ito.
KAUGNAYAN NG DALAWANG KAHARIAN
Mula nang maghimagsik si Satanas, nagsimula na ang pakikibakang espirituwal sa pagitan ng Kaharian ni Satanas at Kaharian ng Diyos. Sa Biblia natala ang pakikibaka ng dalawang kahariang ito.
Ang pakikibakang espirituwal na ito sa buong sanlibutan ay nasa isip, kaluluwa, at espiritu ng sangkatauhan. Nais ni Satanas na ang tao ay patuloy na bihag ng kasalanan sa kanyang kaharian. Sa pamamagitan ng pandaraya, tinutukso niya ang mga lalake at babae na magkasala sa pita ng laman. Nais niyang makuha ang pagibig ng kaluluwa at espiritu na tanging Diyos lamang ang may karapatan.
Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito. ( Juan 10: 10 )
Magpapatuloy ang pakikibakang ito sa larangang espirituwal hanggang sa katapusan ng panahon.
Ang pakikibakang Espirituwal ay isang napakalalim na paksa kaya nga nag-ukol ang Harvestime International Institute ng isang buong kurso patungkol dito, “ Mga Pamamaraang Espirituwal: Isang Manwal Ng Pakikibakang Espirituwal,” Ang diin ng kursong ito ay ang Kaharian ni Satanas, and kanyang mga pamamaraan, at mga espirituwal na taktika upang madaig ang mga puwersa ng kaaway.
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na iyong kinabisa?
2. Anu-ano ang dalawang pagkakahating ginawa sa I Corinto 15: 44- 49?
_______________________________________ _____________________________________
3. Anu-ano ang dalawang di-nakikitang kaharian sa daigdig ngayon?
_______________________________________ _____________________________________
4. Sinu-sino ang mga namamahala sa dalawang di-nakikitang kahariang ito?
_______________________________________ ______________________________________
5. Sinu-sino ang namumuhay sa Kaharian ni Satanas?
6. Sinu-sino ang namumuhay sa Kaharian ng Diyos?
7. Isulat ang pagkakaiba ng mga katawagang ito: “ Kaharian ng Diyos” at “Kaharian ng Langit”?
8. Ibigay ang kahulugan ng salitang “ kaharian.”
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang kursong ito ay ukol sa pag-aaral ng Kaharian ng Diyos. Subalit sa iyong pag-aaral ng kabanatang ito, may isa pang di-nakikitang kaharian, ang espirituwal na Kaharian ni Satanas. Mahalaga na maunawaan mo ang dalawang espirituwal na kahariang ito.
Ang Kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “ Mga Espirituwal Na Estratehiya: Isang Manwal ng Pakikibakang Espirituwal” ay nagbibigay ng lalong malawak na impormasyon tungkol sa kahariang ito at mga pamamaraang espirituwal ng pakikitungo kay Satanas. Dapat ay magkaroon ka ng manwal na ito na katambal ng kursong ito na, “Pamumuhay Na Pinaghaharian Ng Dios.” Narito ang balangkas na nagbibigay ng pangunahing impormasyon tungkol kay Satanas at ng kanyang kaharian.
ANG KAHARIAN NI SATANAS
I. Tagapamahala sa Kaharian ni Satanas: Si Satanas
A. Ang kanyang Pinagmulan: Ang lahat ng bagay ay nilalang ng Diyos:
Juan 1: 3; Colosas 1: 16 -17.
B. Ang kanyang dating kaluwalhatian: Isaias 14: 12- 15; Ezekiel 28: 12- 17
C. Ang kanyang dating katungkulan: Ezekiel 28: 14
D. Ang kanyang pagbagsak: Ezekiel 28: 12- 19
E. Ang kanyang mga pangalan:
1. Diyos ng daigdig: II Corinto 4: 4
2. Anghel ng kaliwanagan: II Corinto 11: 14
3. Diablo: I Peter 5: 8; Mateo 4: 1
4. Satanas: John 13: 27
5. Lucifer: Isaias 14: 12
6. Dragon: Apocalipses 12: 3
7. Ang Ahas: Apocalipses 12: 9; 20: 2; II Corinto 11: 3; Genesis 3: 4, 14
8. Kalaban: I Pedro 5: 8
9. Belial ( Masama, walang halaga ) II Corinto 6: 15
10. Beelzebub ( mataas na kalagayan) Mateo 12: 24; Lucas 11: 15; Marcos 3: 22
11. Pumapatay: Juan 8: 44
12. Manunukso: Mateo 4: 6; I Tesalonica 3: 5
13. Pinahirang Anghel: Ezekiel 28: 14
14. Maninira: Apocalipses 9: 11
15. Mandaraya: Apocalipses 12: 9; 20: 3
16. Apolyon ( Mangwawasak ): Apocalipses 9: 11
17. Abadon ( Pumipinsala ): Apocalipses 9: 11
18. Hari ng kadiliman: Efeso 6: 12
19. Anghel ng kalaliman: Apocalipses 9: 11
20. Kaaway: Mateo 13: 39
21. Prinsipe ng mga demonyo: Mateo 12: 24
22. Ama ng kasinungalingan: Juan 8: 44
23. Hari sa Tiro: Ezekiel 28: 12- 15
24. Prinsipe ng sanglibutan: Juan 12: 31; 14: 30; 16: 11
25. Prinsipe ng kapangyarihan ng hangin: Efeso 2: 2
26. Espiritu ng mga anak ng pagsuway: Efeso 2: 2
27. Ang masama: I Juan 5: 9
28. Umuungal na leon: I Pedro 5: 8
29. Taga-usig ng kapatiran: Apocalipses 12: 10
F. Ang Kanyang mga Katangian:
1. Matalino at tuso: II Cor. 11: 3
2. Magagalitin: Apocalipses 12: 17
3. Matigas ang kalooban: II Timoteo 2: 26
4. Mapagmataas: I Timoteo 3: 6
5. Makapangyarihan: Efeso 2: 2
6. Mandaraya: Efeso 6: 11
7. Mabagsik at Malupit: I Pero 5: 8
8. Manlilinlang: II Corinto 11: 14
G. Mga natala na pananalita ni Satanas:
1. Genesis 3: 1, 4, 5
2. Job 1: 7-12
3. Job 2: 1-6
4. Mateo 4: 1-11
5. Lucas 4: 1-13
II. Mga Nananahan sa Kaharian ni Satanas: Mga espiritu ng Demonyo
A. Si Satanas ang namamahala sa hukbo ng mga demonyo: Mateo 12: 22-28
B. Ang Kanilang Pinagmulan: Apocalipses 12: 7-9; Judas 6
C. Ang Kanilang Mga Katangian:
1. Sila’y mga espiritu: Mateo 8: 16; Lucas 10: 17, 20
2. Nakapagsasalita: Marcos 5: 9, 12; Lucas 8: 28; Mateo 8: 31
3. Nananampalataya: Santiago 2: 19
4. Pinaiiral ang sariling kagustuhan: Lucas 8: 32; 11: 24
5. Nagpapakita ng katalinuhan: Marcos 1: 24
6. Emosyonal: Lucas 8: 28; Santiago 2: 19
7. Nakakikilala: Gawa 19: 15
8. May di-pangkaraniwang lakas: Gawa 19: 16; Marcos 5: 2, 3
9. May di-pangkaraniwang presensiya: Daniel 9: 21-23; 10: 10-14
D. Ang Kanilang Kaayusan:
1. Nagkakaisa: Mateo 12: 26, 45; Lucas 8: 30; I Timoteo 4: 1
2. Organisado: Kucas 8: 30
3. May iba’t-ibang antas ng kasamaan: Mateo 12: 43-45
4. May kaayusan ang estraktura: Efeso 1: 21; 3:10; 6:12; Roma 8: 38
5. Maraming uri ng mga demonyo: Mateo 10: 1; I Timoteo 4: 1
III. Mga Naninirahan sa Kaharian ni Satanas: Lahat ng tao na hindi bahagi ng Kaharian ng Diyos: Apocalipses 20: 15; 21: 8
IV. Ang Larangan ng mga Gawain ni Satanas at ng mga demonyo:
A. Nakalalapit sa presensiya ng Diyos: Job 1: 6-7
B. Nakalilibot sa buong sanglibutan: Apocalipses 12: 10
V. Mga Gawain ni Satanas at ng mga Demonyo:
Ang mga gawain ni Satanas at ng mga demonyo ay tinatalakay nang mabuti sa kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “ Mga Espirituwal na Estratehiya: Isang Manwal ng Pakikibakang Espirituwal.” Ang buod ay: Ang kanilang mga gawain ay laging laban sa Diyos, sa Kanyang mga layunin, at sa Kanyang bayan.
VI. Mas dakila ang Kapangyarihan ng mga Mananampalataya kaysa kay Satanas at sa kanyang mga demonyo:
A. Mateo 10: 1; Marcos 6: 7; 9:38; 16:17; Lucas 10:17; Gawa 5:16; 8:7; 16:16-18; 19:12
B. Ang mga pamamaraan ng pakikibakang espirituwal ay tinatalakay sa kurso ng
Harvestime International Institute na “ Mga Espirituwal na Estratehiya: Isang Manwal ng Pakikibakang Espirituwal.” Ang mga ito ay makapangyarihang patnubay na espirituwal upang magamit mo ang iyong kapamahalaan laban sa Kaharian ni Satanas.
VII. Ang Hantungan ng Kaharian ni Satanas:
A. Mateo 8: 29; 25:41; II Pedro 2:4; Judas 6; Apocalipses 12: 7-9; 20:10; I Juan 3:8;
Lucas 8: 28; Mateo 25: 41
IKALAWANG
KABANATA
HARI NG MGA HARI
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
- Ibigay ang katuturan ng salitang “ hari.”
- Tukuyin si Jesus na Hari ng Kaharian ng Diyos.
- Ipagpatuloy ang pag-aaral ng buhay at ministeryo ng Haring si Jesus.
Susing Talata:
At Siya’y maghahari sa
angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas
ang Kanyang Kaharian. ( Lucas 1: 33 )
PAMBUNGAD
Walang kaharian na walang hari. Sa kabanatang ito ay makikilala mo ang pinakadakilang hari na nanguna, ang Hari ng mga hari, si Jesu-Cristo.
ANO ANG HARI?
Ang hari ay ang pinakamakapangyarihang pinuno ng isang bansa o tribo. Ang ibig sabihin ng
“sovereign” ay siya ang pinakamakapangyarihan, pinakamataas na awtoridad, at hindi kontrolado ng sinuman.
Sa nakaraan ay maraming mga hari at kaharian dito sa daigdig. Sa kaharian dito sa lupa ang hari ang nagmamay-ari ng lahat ng lupang kanyang sinasakupan at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay sa buong kaharian, kabilang ang mga tao.
Ang hari ang gumagawa ng batas ng kaharian at ang mga mamamayan ng kaharian ay sumusunod sa mga batas na ito. Ang hari ay may kapangyarihan sa lahat ng tao sa kanyang kaharian, kasama nito ang kanilang buhay o kamatayan.
ANG HARI NG MGA HARI
Ang pinakadakila sa lahat ng hari ay ang Panginoong Jesu-Cristo. Tinagurian siya ni Pablo na Hari ng mga hari:
Na sa Kanyang kapanahunan ay ipahahayag
Siya, na mapalad at tanging Makapangyarihang
Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon.
( I Timteo 6: 15 )
Tinawag Siya sa Apocalipsis na Hari ng mga hari:
…sapagkat Siya’y
Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari.
( Apocalipsis 17: 14 )
At Siya’y mayroong
isang pangalang nakasulat sa kanyang damit at sa Kanyang hita, Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga
Panginoon.
( Apocalipsis 19: 16 )
Si Jesus ay Hari ng mga hari sapagkat Siya ay namumuno sa isang Kaharian na walang hanggan at makapangyarihan. Ang Kaharian ng Diyos ay walang katapusan. Hindi ito maibabagsak ng rebolusyon. Walang sinumang hari na papalit sa Hari ng mga hari.
NARITO NA ANG HARI BAGO ANG
LAHAT
Nasa Biblia ang kuwento ng Hari ng mga hari. Bahagi ng kuwentong ito ay ang salaysay ng Kanyang buhay at ministeryo sa lupa. Subalit buhay na si Jesus bago pa nagpasimula ang Kanyang ministeryo dito sa mundo. Mababasa mo ang Kanyang pasimula na kasama ng Diyos sa Juan 1: 1-18. ( Sa talatang ito si Jesus ay tinawag na “ Verbo.” )
MGA HULA PATUNGKOL SA HARI
Ang Lumang Tipan ay maraming mga hula patungkol sa Hari ng mga hari. Ang hula ay tahasang salita mula sa Diyos na nagpapakita ng mangyayari sa hinaharap na hindi kayang malaman ng natural na pag-iisip.
Itong mga hula sa Lumang Tipan ay nagpapakita kung paano, kailan, at saan isisilang ang Hari, at mga detalye ng Kanyang buhay, ministeryo, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli. Ang Bagong Tipan ang nagpapakita kung paanong natupad ni Jesus ang mga hulang ito.
( Isang detalyadong listahan ng mga hula ang nasa isang kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “ Mabibisang Pamamaraan ng Pag-aaral ng Biblia”)
ANGKAN NA PINAGMULAN NG HARI
Mababasa mo ang angkan na pinagmulan ng Hari ng mga hari, si Jesus, sa Mateo 1: 1-17 at sa Lucas 3: 23-38. Tinunton ang angkan ni Jesus mula sa Kanyang ama’t ina dito sa lupa. Subalit iyong tandaan na si Jesus ay tunay na Anak ng Diyos na isinilang ni Birhen Maria.
ANG KAPANGANAKAN NG HARI
Mababasa mo ang pagkasilang ng Haring si Jesus dito sa lupa sa Mateo 1 at 2 at sa Lucas 1 at 2.
ANG MGA PANGALAN NG HARI
Si Jesus ay tinawag sa iba’t-ibang ngalan, ang iba rito ay nagsasaad ng Kanyang ministeryo at pakay. Ang mga sumusunod ay mga pangalan ni Jesus, ang Hari ng mga hari:
Ang Pangalawang Adam: I Corinto 15: 45-47
Tagapagtanggol: I Juan 2: 1
Pinakamakapangyarihan: Apocalipsis 1: 8
Pasimula at Katapusan: Apocalipsis 21: 6
Amen: Apocalipsis 3: 14
Nabubuhay Magpakailanman: Daniel 7: 9
Anghel Na Nasa Kanyang Harapan: Isaias 63: 9
Pinahiran Higit Sa Kanyang Mga kasama: Awit 45: 7
Apostol At Dakilang Saserdote: Hebreo 3: 1
Bisig Ng Panginoon: Isaias 51: 9 -1
Gumawa at Sumakdal ng Ating Pananampalataya: Hebreo 12: 2
Gumawa Ng Walang Hanggang Kaligtasan: Hebreo 5: 9
Anak Ng Diyos: John 5: 18
Minamahal: Efeso 1: 6
Obispo ng Mga Kaluluwa: I Pedro 2: 25
Pinagpala at Makapangyarihang Hari: I Timoteo 6: 15
Ang Sanga: Zacarias 3: 8
Isang Matuwid Na Sanga: Jeremias 23: 5
Sanga ng Katuwiran: Jeremias 33:15
Sanga ng Ugat Ni Jesse: Isaias 1: 1
Tinapay ng Buhay: Juan 6: 35
Maliwanang Na Tala Sa Umaga: Apocalipsis 22: 16
Kapitan Ng Hukbo Ng Panginoon: Josue 5: 15
Anak ng Karpintero: Mateo 13: 55
Batong Panulok Na Pangulo: I Pedro 2: 6
Pinakamainam Sa Sampung Libo: Ang Awit Ni Solomon 5: 10
Ang Cristo: Juan 1: 41
Ang Cristo Ang Panginoon: Lucas 2: 11
Si Cristo Na Ating Panginoon: Roma 8: 39
Si Cristo Na Kapangyarihan Ng Diyos: I Corinto 1: 24
Tagapayo: Isaias 9: 6
Pinakatipan Sa Bayan: Isaias 42: 6
Ang Pagbubukang Liwayway: Lucas 1: 78
Ang Tala Sa Umaga: II Pedro 1: 19
Tagapagligtas: Roma 11: 26
Ang Pintuan: Juan 10: 9
Pinili: Isaias 42: 1
Emmanuel: Sumasa Atin Ang Diyos: Mateo 1: 23
Buhay Na Walang Hanggan: I Juan 5: 20
Walang Hanggang Ama: Isaias 9: 6
Tapat at Totoo: Apocalipsis 19:11
Saksing Tapat: Apocalipsis 1: 5
Ang Panganay: Hebreo 1: 6
Anak Na Panganay: Awit 89: 27
Panganay Sa Maraming Magkakapatid: Roma 8: 29
Pangunahing Bunga: I Corinto 15: 23
Ang Una At Ang Huli: Apocalipsis 22: 13
Batong Patibayan Sa Sion: Isaias 28: 16
Maluwalhating Diyos: Isaias 33: 21
Diyos Ng Israel: Isaias 45: 15
Sumasa Atin Ang Diyos: Mateo 1: 23
Mabuting Pastor: Juan 10: 11
Dakilang Diyos: Tito 2: 13
Ang Dakilang Saserdote: Hebreo 4: 14
Ulo Ng Katawan: Colosas 1: 18
Pangulo Ng Lahat Ng Mga Bagay: Efeso 1: 22
Pangulong Bato Sa Sulok: Awit 118: 22
Tagapagmana Ng Lahat Ng Mga Bagay Hebreo 1: 2
Ang Kanyang Pinahiran: Awit 2: 2
Ang Banal Ng Israel: Isaias 41: 14
Pag-asa Sa Kaluwalhatian: Colosas 1: 27
Ako Nga: Juan 8: 58
Larawan Ng Diyos Na Di Nakikita Colosas 1: 15
Emmanuel: Isaias 7: 14
Panginoong Jesu-Cristo: Roma 1: 3
Hukom ng Israel: Mikas 5: 1
Hari ng Kaluwalhatian: Awit 24: 7
Hari: Zacarias 9: 9
Hari ng Buong Sanglibutan: Zacarias 14: 9
Cordero ng Diyos: Juan 1: 29
Ilaw ng Sanglibutan: Juan 8: 12
Lila Ng Mga Libis: Ang Awit Ni Solomon 2: 1
Tinapay Na Buhay: Juan 6: 51
Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa Lahat: Apocalipsis 4: 8
Jesu-Cristo Na Panginoon at Tagapagligtas: II Pedro 2: 20
Panginoon ng Lahat: Acts 10: 36
Ang Panginoon Ay Ating Katuwiran: Jeremias 23: 6
Panginoon Na Inyong Manunubos: Isaias 43: 14
Pagibig: I Juan 4: 8
Tao Ng Kapanglawan: Isaias 53: 3
Panginoon: Mateo 23: 10
Mesias: Daniel 9: 25
Makapangyarihang Diyos: Isaias 9: 6
Makapangyarihan ng Jacob: Isaias 60: 16
Ang Aking Anghel: Exodo 23: 20-23
Kabanalbanalan: Daniel 9: 24
Pinakamakapangyarihan: Awit 45: 3
Nazareno: Mateo 2: 23
Nakaaalam ng Lahat ng Bagay: I Tim. 2: 17
Ang Cordero ng Ating Paskua: I Corinto 5: 7
Manggagamot: Lucas 4: 23
Prinsipe ng Kapayapaan: Isaias 9: 6
Pangulo ng Mga Hari Sa Lupa: Apocalipsis 1: 5
Propeta: Deuteronomio 18: 15-18
Pangpalubagloob: Roma 3: 25
Rabi: Juan 1: 49
Manunubos: Isaias 59: 20
Pagkabuhay na Maguli: Juan 11: 25
Matuwid Na Lingkod: Isaias 53: 11
Bato: I Corinto 10: 4
Angkan Ni Jesse: Isaias 11: 10
Rosa Ng Saron: Awit Ni Solomon 2: 1
Tagapagligtas Ng Sanglibutan: I Juan 4: 14
Lahi Ni David: Juan 7: 42
Binhi ng Babae: Genesis 3: 15
Anak Ng Diyos: Roma 1: 4
Anak Ng Tao: Gawa 7: 56
Anak Ni Maria: Marcos 6: 3
Anak Ng Kataastaasan: Lucas 1: 32
Bituin Sa Jacob: Bilang 24: 17
Bato: Mateo 21: 42
Araw Ng Katuwiran: Malakias 4: 2
Batong Panulok: Isaias 28: 16
Guro: Juan 3: 2
Katotohanan: Juan 14: 6
Kaloob Na Di Masayod: II Corinto 9: 15
Puno Ng Ubas: Juan 15: 1
Daan: Juan 14: 6
Kahangahanga: Isaias 9: 6
Verbo: Juan 1: 14
Salita Ng Diyos: Apocalipsis 19: 13
ANG BUHAY NG HARI
Ang mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ay nagsasalaysay ng buhay ng Haring si Jesus. Ang mga aklat na ito ay isinulat ng apat na alagad ni Jesus na kasama Niyang naglingkod sa ministeryo dito sa lupa.
ANG MINISTERYO NG HARI
Ang paglilingkod at pagtuturo ni Jesus ay nakatala sa mga aklat nila Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Sa “ Mga Kaparaanan Ng Pagtuturo,” isang kurso sa Harvestime International Institute, ay may kumpletong listahan ng mga aral ni Cristo ayon sa paksa.
Bagama’t marami ang natala sa apat na Evangelio tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus, ayon kay Juan:
At mayroon ding iba’t-ibang bagay na ginawa
si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay
inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin. ( Juan 21: 25 )
ANG TINANGGIHANG HARI
Kung lahi ang paguusapan, si Jesus ay ipinanganak na Hudio. Pumarito Siya bilang Hari, una sa Kanyang sariling bayan, subalit Siya’y tinanggihan. Pinagdudahan Siya kung Siya nga ang hinihintay na Hari ( Mateo 27: 11; Marcos 15: 2). Pinagbintangan Siya na nagmula kay Satanas sa halip na mula sa Diyos ( Mateo 12: 25-28; Lucas 11: 17-20 ). Sa isang pangyayari si Jesus ay pinupuwersa ng mga tao na gawing hari sapagkat ayaw Niyang itatag ang nakikitang kaharian na nais nila ( Juan 6: 15).
Minsan lang si Jesus pinarangalan sa publico bilang Hari. Ito ay nang pumasok Siya sa Jerusalem sa huling pagkakataon ( Mateo 21: 1-9). Subalit ang mga taong nagparangal sa kanya nang araw na yaon ang siya ring lumaban sa Kanya. Marami sa mga sumigaw ng “Hosana” sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem ay siya ring sumigaw ng “Ipako siya sa Krus” pagkalipas ng ilang araw. Bigo sila na hindi nagupo ni Jesus ang pamahalaang Romano at nagtayo ng dakilang kaharian dito sa lupa. Sila na gustong makalaya mula sa pang-aapi ng mga dayuhan ay galit nang si Jesus ay hindi nagtatag ng kaharian dito sa lupa.
Hindi si Jesus ang inaasahang Hari ng mga Hudio. Hindi Niya ibinagsak ang Emperio ng Roma. Hindi Siya nagtatag ng inaasahang kaharian dito sa lupa. Hindi Siya umasta tulad ng isang hari. Hindi nila natanto na bago pairalin ni Jesus ang Kanyang pagka Panginoon, Kanya munang pinagharian ang puso at kalooban ng tao.
Ang pinakadakilang pangangailangan ng mga Hudio ay hindi kalayaan mula sa Roma, kundi kalayaan mula sa gapos ng kasalanan. Ang susi sa Kaharian ni Jesus ay pagsisisi, hindi rebolusyon. ( Tatalakayin pa ito ng higit sa ibang kabanata.)
Tinukso si Jesus ni Satanas na magtatag ng Kaharian dito sa lupa (Mateo 4: 8; Lucas 4:5).
Hanggang sa katapusan ng ministeryo ni Jesus dito sa mundo, ang mga alagad ay nananabik sa isang Kaharian dito sa lupa (Gawa 1: 6). Subalit ang Kaharian ng Diyos ay hindi pa itatatag dito sa isang nakikitang sistema. Sinabi ni Jesus:
Ang Kaharian ko ay hindi sa sanglibutang
ito: kung ang Kaharian ko ay sa sanglibutang
ito, ang Aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako’y huwag maibigay
sa mga Judio: ngunit ngayo’y ang Aking Kaharian ay hindi rito.
( Juan 18: 36 )
Kaya nga ang Hari ng mg hari ay tinanggihan ng Kanyang sariling bayan:
Siya’y naparito sa sariling kanya, at
Siya’y hindi tinanggap ng mga sariling Kanya.
( Juan 1: 11)
Kaunti lamang ang kumilala kay Jesus bilang Hari. Si Natanael na isa sa Kanyang mga alagad ay isa sa mga ito:
Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, ikaw
ang Anak ng Diyos; ikaw ang Hari ng Israel.
( Juan 1: 49 )
Subalit sa kanila na tumanggap kay Jesus bilang Hari, nagkaroon sila ng malapit na kaugnayan sa Panginoon.
Datapwa’t ang lahat ng sa Kanya’y
nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng
karapatang maging mga anak ng Diyos, sa makatuwaid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kanyang
pangalan. ( Juan 1: 12 )
Lahat ng buhay ay nakasalalay sa mga kaugnayan. Ang mahalaga ay hindi kung gaano ka kagaling, kundi kung sino ang iyong kakilala. Hindi ang kaalaman natin sa Biblia o sa buhay Kristiyano ang ating tiket sa pagpasok sa Kaharian ng Diyos, kundi kung sino ang ating kakilala. Dapat ay kilala natin ang Hari ng mga hari. Sa Ika-apat na Kabanata ng “Mga Susi Sa Kaharian,” matututuhan mo kung paano pumasok at manirahan sa Kaharian ng Diyos.
ANG KAMATAYAN NG HARI
Ang taong makasalanan ay hindi makakapasok sa Kaharian ng Diyos. Ang Kaharian ng Diyos ay iba kaysa sa ibang kaharian. Ito ay Kaharian ng katwiran. Sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesus, gumawa Siya ng daan upang ang lahat ay maging bahagi ng Kanyang Kaharian. Hindi Siya karapat-dapat mamatay. Hindi Siya kailanman nagkasala, subalit Siya’y namatay para kunin ang lugar ng mga nagkasala. Siya ang nagbayad ng kaparusahang kamatayan para sa kanilang kasalanan:
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay
kamatayan; datapwat ang kaloob na
walang bayad ng Diyos ay buhay
na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon
natin. ( Roma 6: 23 )
Mababasa mo ang kamatayan ng Haring si Jesus sa Mateo 26-27, Marcos 14-15, Lucas 22-23, at Juan 18-19.
ANG PAGKABUHAY NA MAGULI NG
HARI
Pagkatapos ng Kanyang kamatayan sa krus, ang Hari ay inilibing subalit hindi Siya nanatili sa libingan. Mababasa mo ang Kanyang mahimalang pagkabuhay na maguli sa Mateo 28, Marcos 16, Lucas 24, at Juan 20.
Sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay mula sa mga patay, nagtagumpay na si Jesus mula sa kamatayan. Sila na kabilang sa Kaharian ng Diyos ay maaaring makaranas ng kamatayang pisikal tulad ni Jesus, subalit sila rin ay makararanas ng pagkabuhay mula sa kamatayan. Sapagkat ang ating Hari ay walang hanggan, tayo ay bahagi ng isang Kahariang walang katapusan at tayo ay may buhay na walang hanggan.
ANG MGA PAGPAPAKITA NG HARI
Nagpakita ang Haring si Jesus sa maraming mga tao pagkatapos Niyang mabuhay mula sa kamatayan. Mababasa mo ang ulat ng Kanyang mga pagpapakita sa Mateo 28, Marcos 16, Lucas 24, Juan 20-21, at Gawa 1.
ANG PAGBABALIK NG HARI SA
LANGIT
Pagkatapos magpakita ni Jesus sa mga tao sa loob ng apat na pung araw, Siya’y nagbalik sa langit. Siya’y mananatili roon hanggang sa Siya’y bumalik dito upang magtayo ng nakikitang Kaharian ng Diyos sa huling panahon. Lalo mo pang mauunawaan ito sa susunod na kabanata sa pagtalakay ng nakaraan, pangkasalukuyan, at darating na Kaharian ng Diyos. Mababasa mo ang pagbabalik ni Jesus sa langit sa Mateo 28: 16-20, Marcos 16: 19-20, Lucas 24: 50-53, at Gawa 1: 1-11.
ANG UTOS NG HARI
Bago Siya bumalik sa Langit, nagbigay si Jesus ng mahalagang utos na tayo ay maging mga kinatawan ng Kaharian ng Diyos sa buong mundo. Lalo mong mauunawaan ang utos na ito sa mga sumusunod na aralin.
ANG DARATING NA HARI
Inihayag ng Biblia na si Jesus ay babalik sa lupa na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian upang itatag ang Kanyang nakikitang Kaharian sa kanyang di na mababagong kalagayan ( final form). Mababasa mo ang Kanyang pagbabalik sa I Tesalonica 4: 13-18. Mababasa mo ang pagtatatag Niya ng Kaharian at ang mga pangyayari bago ito naganap sa aklat ng Apocalipsis. Ipinakita ng Biblia na ang Kaharian ni Jesus ay walang hanggan:
… at hindi magkakawakas ang Kanyang
Kaharian. ( Lucas 1: 33 )
Lahat ng kaharian sa lupa at ang kaharian ni Satanas ay madadaig ng Hari ng mga hari. Sa wakas ay ipahahayag na:
… Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa
ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo:
at siya’y maghahari magpakailan kailan man.
( Apocalipsis 11: 15 )
IPAGPATULOY ANG IYONG
PAG-AARAL
Ang kasaysayan ng Hari ng mga hari ay napakadakila upang malimitahan sa isang kabanata ng manwal na ito. Sa bahaging “ Para Sa Dagdag Na Pag-aaral ” sa kabanatang ito ay mapag-aaralan mo nang puspusan ang buhay ni Cristo na binalangkas sa mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan.
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang katuturan ng salitang “ hari.
________________________________________
3. Sino ang Hari sa Kaharian ng Diyos?
4. Anu-anong apat na mga aklat sa Bagong Tipan ang nagsasalaysay ng buhay, ministeryo, at mga aral ng Haring si Jesus dito sa lupa?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Pag-aralan ang buhay ng Hari at ang mga aral ng Kanyang Kaharian, na ginagamit ang sumusunod na balangkas. Ito ang pinagsanib na balangkas ng mga aklat nila Mateo, Marcos, Lucas, at Juan sa Bagong Tipan:
ANG HARI
AT ANG KANYANG
KAHARIAN
I. Narito na ang Hari bago ang lahat: Juan 1: 1-18
II. Ang Pagpapakilala sa Hari
A. Ang Pagdating ng Hari
1. Pinagmulan ng Hari: Mateo 1: 1-17; Lucas 3: 23-38
2. Ang Pagdating ng Hari:
a. Pagpapahayag ng kapanganakan ni Juan: Lucas 1: 5-25
b. Pagpapahayag kay Maria ng kapanganakan ni Jesus:
Lucas 1: 23-38
c. Ang pagdating ni Maria sa Judea: Lucas 1: 39-45
d. Ang papuri ni Maria: Lucas 1: 46-56
e. Ang kapanganakan ni Juan: Lucas 1: 57-80
f. Ang pagpapahayag ng kapanganakan ni Jesus kay Jose:
Mateo 1: 18-25
g. Ang kapanganakan ng Haring si Jesus: Lucas 2: 1-7
h. Pagbabalita ng kapanganakan ni Jesus sa mga pastor ng tupa:
Lucas 2: 8-20
3. Ang Hari bilang sanggol at bata
a. Ang pagtutuli sa Hari: Lucas 2: 21
b. Ang pagpapakilala sa Hari: Lucas 2: 22-38
c. Ang Hari bilang isang sanggol:
1) Sa Bethlehem: Mateo 2: 1-12
2) Sa Egipto: Mateo 2: 13-18
3) Sa Nazaret: Mateo 2: 19-23; Lucas 2: 39
d. Ang pagkabata ng Hari
1) Ang paglaki ng Hari: Lucas 2: 40
2) Ang pagdalaw ng Hari sa Jerusalem: Lucas 2: 41-50
3) Ang paglago ng Hari: Lucas 2: 51-52
B. Ang Tagapaghanda ng daan ng Hari: Juan Bautista
1. Ang mensahe kay Juan: Marcos 1: 1; Lucas 3: 1-2
2. Ang mensahe ni Juan: Mateo 3: 1-6; Marcos 1: 2-6; Lucas 3: 3-6
3. Ang paliwanag ni Juan: Mateo 3: 7-10; Lucas 3: 7-14
4. Ang pangako ni Juan: Mateo 3: 11-12; Marcos 1: 7-8; Lucas 3: 15-18
III. Ang Pagpapatibay sa Hari
A. Ang pagpapatibay sa Hari
1.Sa kanyang pagbabautismo: Mateo 3:13-17; Marcos 1:9-11;Luke 3: 21-23
2. Sa Kanyang Pagkatukso: Mateo 4:1-11; Marcos 1:12-13; Lucas 4: 1-13
3. Sa pamamagitan ng tagapaghanda ng Kanyang daan, si Juan:
a. Ang patotoo ni Juan sa mga pinuno: Juan 1: 19-28
b. Ang patotoo ni Juan kay Jesus: Juan 1: 29-34
B. Ang Pagtanggap sa Hari
1. Ang pagsampalataya ng mga unang alagad: Juan 1: 35-51
2. Pagsampalataya dahil sa unang himala: Juan 2: 1-12
3. Sinakop Niya ang templo: Juan 2: 13-22
4. Ang pagtanggap sa Judea: Juan 2: 23- 3: 21
5. Ang patotoo ni Juan: Juan 3: 22-36
6. Sa Zebulun/ Naptali: Mateo 4:12; Marcos 1:14; Lucas 3:19-20; 4:14; Juan 4: 1-4
7. Ang pagtanggap sa Samaria: Juan 4: 5-42
8. Ang pagtanggap sa Galilea: Juan 4: 43- 45
C. Ang Kapangyarihan ng Hari
1. Ang kapangyarihan Niyang mangaral: Mateo 4:17; Marcos 1:15;
Lucas 4: 14-15
2. Ang kapangyarihan Niya laban sa sakit: Juan 4: 46-54
3. Pagtanggi sa Kanyang kapangyarihan sa Nazaret: Lucas 4: 16-30
4. Ang pagtira Niya sa Capernaum: Mateo 4: 13-16
5. Ang kapangyarihan Niya sa kalikasan: Mateo 4: 18-22;
Marcos 1: 16-20; Lucas 5: 1-11
6. Ang kapangyarihan Niya laban sa mga demonyo: Marcos 1: 21-28; Lucas 4: 31-37
7. Ang kapangyarihan Niya laban sa karamdaman: Mateo 8: 14-17;
Marcos 1: 29-34; Lucas 4: 38-41
8. Ang kapangyarihan Niyang mangaral: Mateo 4: 23-25;
Marcos 1: 35-39; Lucas 4: 42-44
9. Kapangyarihan laban sa dungis ng kasalanan: Mateo 8: 1-4;
Marcos 1: 40-45; Lucas 5: 12-16
10. Ang Kanyang kapangyarihang magpatawad ng kasalanan:
Mateo 9: 9-13; Marcos 2: 1-12; Lucas 5: 17-26
11. Ang Kanyang kapangyarihan sa mga tao: Mateo 9: 9-13;
Marcos 2: 13-17; Lucas 5: 27-32
12. Ang Kanyang kapamahalaan laban sa tradisyon: Mateo 9: 14-17;
Marcos 2: 18-22; Lucas 5: 33-39
13. Ang Kanyang kapamahalaan patungkol sa Sabat:
a. Sa pamamagitan ng pagpapagaling sa paralitiko: Juan 5: 1-47
b. Sa pamamagitan ng pagtatalo tungkol sa uhay: Mateo 12: 1-8;
Marcos 2: 23-28; Lucas 6: 6-11
c. Sa pamamagitan ng pagpapagaling ng tuyong kamay:
Mateo 12: 9-14; Marcos 3: 1-6; Lucas 6: 6-11
14. Ang Kanyang kapangyarihang magpagaling: Mateo 12: 15-21;
Marcos 3: 7-12
15. Ang Kanyang kapangyarihang mag-utos: Marcos 3: 13-19;
Lucas 6: 12-16
16. Ang Kanyang kapangyarihang magpaliwanag ng kautusan:
Mateo 5: 1-7, 29; Lucas 6: 17-42
a. Siya ang katuparan: Mateo 5: 17-20
b. Pagtanggi sa mga tradisyonal na pagpapaliwanag ng kautusan:
1) Pagpatay: Mateo 5: 21-26
2) Pangangalunya: Mateo 5: 27-30
3) Paghihiwalay ng mag-asawa: Mateo 5: 31-32
4) Mga Sinumpaan: Mateo 5: 33-37
5) Paghihiganti: Mateo 5: 38-42
6) Pagibig: Mateo 5: 43-48; Lucas 6: 27-30; 32-36
c. Pagtanggi sa mga kaugalian ng mga Pariseo:
1) Pagbibigay: Mateo 6: 1-4
2) Pananalangin: Mateo 6: 5-15
3) Pag-aayuno: Mateo 6: 16-18
4) Pananaw tungkol sa kayamanan: Mateo 6: 19-24
5) Ang kakulangan ng pananampalataya: Mateo 6: 25-34
6) Ang paghatol sa kapwa: Mateo 7: 1-6; Lucas 6: 37-42
d. Mga tagubilin para sa mga papasok sa Kaharian:
1) Pananalangin: Mateo 7: 7-11
2) Katuwiran: Mateo 7: 12; Lucas 6: 31, 43-45
3) Paraan ng pagpasok: Mateo 7: 13-14
4) Babala sa mga bulaang tagapagturo: Mateo 7: 15-27
5) Ang dalawang pundasyon: Mateo 7: 24- 8:1;
Lucas 6: 46-49
17. Ang pagkilala ng kapangyarihan ng Hari sa Capernaum: Mateo 8:5-13;
Lucas 7: 1-10
18. Ang pagkilala ng kapangyarihan ng Hari sa Nain: Lucas 7: 11-17
19. Ang patotoo ng labindalawa sa Kaharian: Mateo 9: 35-11:1;
Marcos 6: 6-13; Lucas 9: 1-6
IV. Ang pagtatalo tungkol sa Hari
A. Ang pagtanggi kay Juan: Mateo 11: 2-19; Lucas 7: 18-35
1. Ang pagpatay kay Juan: Mateo 14: 1-12; Marcos 6: 14-29; Lucas 9: 7-9
B. Ang sumpa sa mga lunsod ng Galilea: Mateo 11: 20-30
1. Ang pagtuligsa sa kanilang kawalan ng pananampalataya:
Mateo 11:20-24
2. Pagpapaliwanag ng kanilang kawalan ng pananampalataya:
Mateo 11: 25-27
3. Isang paanyaya upang manampalataya: Mateo 11: 28-30
C. Pagtatalo ukol sa makasalanan: Lucas 7: 36-50
D. Patotoo sa Hari: Lucas 8: 1-3
E. Pagtanggi sa Hari ng mga pinuno: Mateo 12: 22-37; Marcos 3: 19-30
F. Kahilingan ng mga pinuno ng tanda mula sa Hari: Mateo 12: 38-45
G. Ang Pagtanggi ng bansa: Mateo 12: 46-50; Marcos 3: 31-35; Lucas 8: 19-21
H. Mga kapahayagan ng Haring tinanggihan:
1.Ang pangkasalukuyang kaharian: Mateo 13:1-53;Marcos 4:1-34;Lucas 8:4-18
2. Kapangyarihan sa kalikasan: Mateo 8: 18, 23-27; Mark 4: 35-41;
Lucas 8: 22-25
3. Kapangyarihan laban sa mga demonyo: Mateo 8: 28-34;
Marcos 5: 1-20; Lucas 8: 26-39
4. Kapangyarihan laban sa sakit at kamatayan: Mateo 9: 18-26;
Marcos 5: 21-43; Lucas 8: 40-56
5. Kapangyarihan laban sa pagkabulag: Mateo 9: 27-34
I. Ang di pagtanggap sa Nazaret: Mateo 13: 54-58: Marcos 6: 1-6
V. Mga tagubilin ng Hari sa mga alagad
A. Ang pagpapakain ng 5,000: Mateo 14: 13-21; Marcos 6: 30-44;
Lucas 9: 10-17; Juan 6: 1-13
B. Ang pagtanggi sa alok na maging Hari: Mateo 14: 22-23; Marcos 6: 45-46;
Juan 6: 14-15
C. Pagtuturo sa pamamagitan ng halimbawa sa Genezaret: Mateo 14: 34-36;
Marcos 6: 53-56
D. Pagtuturo patungkol sa Tinapay ng Buhay: Juan 6: 22-71
E. Pagtuturo patungkol sa Karumihan: Mateo 15: 1-20; Marcos 7: 1-23;
Juan 7: 1
F. Ang pagtuturo sa:
1. Tiro at Sidon: Mateo 15: 21-28; Marcos 7: 24-30
2. Decapolis: Mateo 15: 29-38; Marcos 7: 31-8: 9
3. Magadan: Mateo 15: 39-16: 4; Marcos 8: 10-12
4. Babala laban sa pagtanggi: Mateo 16: 5-12; Marcos 8: 13-26
G. Ang pagkukumpisal ni Pedro: Mateo 16:13-20; Marcos 8:27-30;
Lucas 9:18-21
H. Pagtuturo ukol sa kamatayan ng Hari: Mateo 16: 21; 17: 22-23;
Marcos 8: 31-33; 9: 30-32; Lucas 9: 22; 43-45
I. Patungkol sa Pagka-alagad: Mateo 16: 22-28; Marcos 8: 34-9:1;
Lucas 9: 23-27
J. Ang kapahayagan ng Hari: Mateo 17: 1-8; Marcos 9: 2-8; Lucas 9: 28-36
K.Tagubilin patungkol kay Elias: Mateo 17: 9-13; Marcos 9: 9-13
L. Patungkol sa pagtitiwala: Mateo 17: 14-21; Marcos 9: 14-29; Lucas 9: 37-43
M. Pagtuturo patungkol sa pagiging anak: Mateo 17: 24-27
N. Kababaang-loob: Mateo 18: 1-5; Marcos 9: 33-37; Lucas 9: 46-48
O. Pagmamataas: Mateo 18: 6-14; Marcos 9: 38-50; Lucas 9: 49-50
P. Pagpapatawad: Mateo 18: 15-35
Q. Ang pagiging alagad: Mateo 8: 19-22; Lucas 9: 57-62
R. Isang hamon mula sa mga kapatid ng Hari: Juan 7: 2-9
S. Ang paglalakbay patungo sa Jerusalem: Lucas 9: 51-56; Juan 7: 10
VI. Ang Paglaban sa Hari
A. Ang labanan sa Pista ng mga Tabernakulo
1. Ang kapamahalaan ng Hari ay pinagdudahan: Juan 7: 11-15
2. Ang paliwanang ng Hari: Juan 7: 16-24
3. Ang pagkatao ng Hari ay tinanong: Juan 7: 25-27
4. Ang paliwanang ng Hari: Juan 7: 28-30
5. Tugon: Juan 7: 31-36
6. Isang paanyaya mula sa Hari: Juan 7: 37-52
B. Ang pagtatalo patungkol sa kautusan: Juan 7: 58-8: 11
C. Ang pagtatalo patungkol sa liwanang: Juan 8: 12-20
D. Ang pagtatalo tungkol sa pagkatao ng Hari: Juan 8: 21-59
E. Ang pagtatalo patungkol sa pagpapagaling ng bulag na lalake: Juan 9: 1-41
F. Ang Pagtatalo patungkol sa pastor: Juan 10: 1-21
G. Patotoo ng Pito: Lucas 10: 1-24
H. Pagtatalo tungkol sa buhay na walang hanggan: Lucas 10: 25-37
I. Pagtatalo sa pista ng pagtatalaga: Juan 10: 22-39
J. Pagtatalo tungkol sa pagpapagaling ng bingi: Lucas 11: 14-36
K. Pagtatalo tungkol sa mga rituwal: Lucas 11: 37-54
VII. Mga tagubilin ng Hari sa mga alagad
A. Isang halimbawa ng pakikipagdaupang palad: Lucas 10: 38-42
B. Tagubilin tungkol sa panalangin: Lucas 11: 1-13
C. Mga prinsipyo ng Kaharian patungkol sa:
1. Pagpapaimbabaw: Lucas 12: 1-12
2. Kasakiman: Lucas 12: 13-34
3. Pagbabantay: Lucas 12: 35-41
4. Pagtatapat: Lucas 12: 42-48
5. Ang bunga ng pagbabalik ng Hari: Lucas 12: 49-53
6. Mga tanda ng panahon: Lucas 12: 54-59
7. Pagsisisi: Lucas 13: 1-9
8. Ang pangangailangan ng Israel: Lucas 13: 10-17
9. Ang programa ng Kaharian: Lucas 13: 18-21
D. Ang pag-alis mula sa Judea: Juan 10: 40-42
E. Mga tagubilin tungkol sa pagpasok sa Kaharian: Lucas 13: 22-35
F. Mga pagtuturo sa tahanan ng Pariseo: Lucas 14: 1-24
G. Mga pagtuturo tungkol sa mga prinsipyo ng Kaharian:
1. Sa pagiging alagad: Lucas 14: 25-35
2. Ang damdamin ng Diyos tungkol sa mga makasalanan: Lucas 15: 1-32
3. Kayamanan: Lucas 16: 1-31
4. Kapatawaran: Lucas 17: 1-6
5. Paglilingkod: Lucas 17: 7-10
H. Ang pagbuhay kay Lazarus:
1. Ang himala: Juan 11: 1-44
2. Pagtatalo tungkol sa himala: Juan 11: 45-54
I. Pagtuturo ng mga prinsipyo sa Kaharian tungkol sa:
1. Pasasalamat: Lucas 17: 11-19
2. Ang pagdating ng Hari: Lucas 17: 20-37
3. Pananalangin: Lucas 18: 1-14
4. Paghihiwalay ng mag-asawa: Mateo 19: 1-12; Marcos 10: 1-12
5. Pagpasok sa Kaharian: Mateo 19:13-15; Marcos 10 17-31;Lucas 18:31-34
6. Israel: Mateo 20: 29-34; Marcos 10: 46-53; Lucas 18: 35-43
7. Pansariling pananampalataya: Lucas 19: 1-10
8. Ang Kahariang naantala: Lucas 19: 11-28
VIII. Ang pagpapakilala sa Hari
A. Ang pagdating ng Hari sa Betania: Juan 11: 55- 12:1, 9-11
B. Pagpasok sa Jerusalem: Mateo 21: 1-11, 14-17; Marcos 11: 1-11;
Lucas 19: 29-44; Juan 12: 12-19
C. Ang Kapangyarihan ng Hari: Mateo 21: 12-13, 18-19; Marcos 11: 12-18; Lucas 19: 45-48
D. Mga Paanyaya ng Hari: Juan 12: 20-50
E. Katunayan ng Kanyang kapangyarihan: Mateo 21: 20-22; Marcos 11: 19-25;
Lucas 21: 37-38
F. Hinamon ang kapangyarihan ng Hari:
1. Ng mga saserdote at matatanda: Ang pagtanggi sa Hari: Mateo 21: 23- 22:14; Marcos 11: 27- 12: 12; Lucas 20: 1-19
2. Ng mga Pariseo at Herodiano: Mga prinsipyo ng Kaharian patungkol sa pagbabayad ng buwis: Mateo 22: 15-22; Marcos 12: 13-17;
Lucas 20: 20-26
3. Ng mga Saduceo: Mga prinsipyo ng Kaharian patungkol sa pagkabuhay na mag-uli: Mateo 22: 23-33; Marcos 12: 18-27; Lucas 20: 27-40
4. Ng mga Pariseo: Ang pinakadakilang utos sa Kaharian:
Mateo 22: 34-40; Marcos 12: 28-34
G. Isang hamon mula sa Hari: Mateo 22: 21-46; Marcos 12: 35-37;
Lucas 20: 41-44
H. Mga prinsipyo ng paghatol: Mateo 23: 1-39; Marcos 12: 38-40;
Lucas 20: 45-47
I. Mga Prinsipyo ng Kaharian tungkol sa pagbibigay: Marcos 12: 41-44;
Lucas 21: 1-4
IX. Ang paghahanda para sa kamatayan ng Hari
A. Mga hula ng Hari
1. Ang tanong: Mateo 24: 1-3
2. Ang kapighatian: Mateo 24: 27-30
3. Ang pangalawang pagdating: Mateo 24: 27-30
4. Ang pagbabalik ng Israel: Mateo 24: 31
5. Mga talinhaga sa mga huling araw:
a. Ang puno ng Igos: Mateo 24: 32-44
b. Ang tapat na alipin: Mateo 24: 45-51
c. Ang sampung birhen: Mateo 25: 1-13
d. Ang mga talento: Mateo 25: 31-46
B. Ang paghahanda para sa kamatayan ng Hari:
1. Ang hula tungkol sa Kanyang kamatayan: Mateo 26: 1-2; Marcos 14:1;
Lucas 22: 1
2. Ang plano ng mga pangulo: Mateo 26: 3-5; Marcos 14: 1-2; Lucas 22:2
3. Ang pagbubuhos ng pabango: Mateo 26:6-13; Marcos 14:3-9;Juan 12:2-8
4. Ang pangako ng pagkakanulo: Mateo 26: 14-16; Marcos 4: 10-11; Lucas 22: 3-6
5. Paghahanda para sa Pista ng Paskua: Mateo 26: 17-19;
Marcos 14: 12-16; Lucas 22: 7-13
6. Ang Pista ng Paskua: Mateo 26: 20; Marcos 14: 17;
Lucas 22: 14-16; 24-30
7. Pagbibigay ng halimbawa: Juan 13: 1-20
8. Ang hula ng pagkakanulo ni Judas: Mateo 26: 21-25; Marcos 14: 18-21;
Lucas 22: 21-23; Juan 13: 21-30
9. Ang hula sa pagtatatwa ni Pedro: Mateo 26: 31-35; Marcos 14: 27-31;
Lucas 22: 31-38; Juan 13: 37-38
10. Isang alaala: Mateo 26: 26-30; Marcos 14: 22-26; Lucas 22: 17-20
C. Ang pangwakas na mensahe ng Hari:
1. Pambungad: Juan 13: 31-35
2. Mga Suliranin: Juan 13: 36- 14: 24
3. Mga pangako: Juan 14: 25- 31
4. Mga tagubilin patungkol sa:
a. Pagbubunga: Juan 15: 1-17
b. Kaaway ng mga alagad: Juan 15: 18- 16: 4
c. Ang ministeryo ng Espiritu Santo: Juan 16: 5-15
d. Mga bunga ng pagkabuhay na mag-uli: Juan 16: 16-28
e. Pagtatapos: Juan 16: 29-33
D. Mga huling panalangin ng Hari
1. Ang Kanyang dalangin para sa Kanyang sarili: Juan 17: 1-5
2. Ang Kanyang dalangin para sa Kanyang mga alagad: Juan 17: 6-19
3. Ang Kanyang dalangin para sa lahat ng mananampalataya:
Juan 17: 20-26
E. Ang Dalangin sa Hardin: Mateo 26: 36-46; Marcos 14: 32-42; Lucas 22: 39-46;
Juan 18: 1
X. Ang kamatayan ng Hari
A. Ang pagdakip: Mateo 26: 47-56; Marcos 14: 43-52; Lucas 22: 47-53;
Juan 18: 2-12
B. Ang relihiosong paglilitis ng Hari
1. Ang paglilitis sa harap ni Annas: Juan 18: 12-14, 19-23
2. Ang paglilitis sa harap ni Caifas: Mateo 26: 57, 59-68; Marcos 14: 53,
55-56; Lucas 22: 54. 63-65; Juan 18: 24
3. Ang pagtatatwa ni Pedro: Mateo 26: 58, 69-75; Marcos 14: 53, 66-72; Lucas 22: 54-62; Juan 18: 15-18, 25-27
4. Ang desisyon ng Sanhedrin: Mateo 27:1; Marcos 15: 1; Lucas 22: 66-71
5. Ang kamatayan ni Judas: Mateo 27: 3-10
C. Ang paglilitis ng gobierno sa Hari
1. Ang paglilitis sa harap ni Pilato: Mateo 27: 2, 11-14; Marcos 15: 2-5;
Lucas 3: 1-5; Juan 18: 28-38
2. Ang paglilitis sa harap ni Herodes: Lucas 23: 6-12
3. Ang paglilitis sa harap ni Pilato: Mateo 27: 15-26; Marcos 15: 6-15;
Luke 23: 13-25; Juan 18: 39- 19:1, 4-16
4. Ang panglilibak sa Hari: Mateo 27:27-30; Marcos 15:16-19;
Juan 19: 2-3
D. Ang paglalakbay sa Kalbaryo: Mateo 27: 31-34; Marcos 15: 20-23;
Lucas 23: 26-33; Juan 19: 16-17
E. Ang pagpapako ng Hari sa krus
1. Ang unang tatlong oras: Mato 27: 35-44; Marcos 15: 24-32;
Luke 23: 33-43; Juan 19: 18-27
2. Ang pangalawang tatlong oras: Mateo 27: 45-50; Marcos 15: 33-37; Lucas 23: 44-46; Juan 19: 28-30
3. Mga tanda sa oras ng kamatayan ng Hari: Mateo 27: 51-56;
Marcos 15: 38-41; Lucas 23: 45, 47-49
F. Ang paglilibing ng Hari: Mateo 27: 57-60; Marcos 15: 42-47; Lucas 23: 50-56; Juan 19: 31-42
G. Ang pagtatatak ng libingan ng Hari: Mateo 27: 62-66
XI. Ang pagkabuhay na mag-uli ng Hari
A. Ang paghahanda ng mga kababaihan: Mateo 28: 1; Marcos 16: 1
B. Ang pagbubukas ng libingan: Mateo 28: 2-4
C. Ang pagdalaw ng mga kababaihan: Mateo 28: 5-8; Marcos 16: 2-8;
Lucas 24: 1-8; Juan 20: 1
D. Ang pag-uulat sa mga alagad: Lucas 24: 9-12; Juan 20: 2-10
E. Ang pagpapakita ng Hari kay Maria: Marcos 16: 9-11; Juan 20: 11-18
F. Ang pagpapakita ng Hari sa mga babae: Mateo 28: 9-10
G. Ang ulat ng mga guwardia: Mateo 28: 11-15
H. Ang pagpapakita sa mga alagad sa daang patungo sa Emaus:
Marcos 16: 12-13; Lucas 24: 13-32
I. Ang ulat ng dalawang alagad: Lucas 24: 33-35
J. Ang pagpapakita sa sampung alagad: Marcos 16: 14; Lucas 24: 36-43;
Juan 20: 19-25
K. Ang pagpapakita ng Hari sa labing isang alagad: Juan 20: 26-31
L. Ang pagpapakita ng Hari sa pitong alagad: Juan 21: 1-25
XII. Ang Iniutos ng Hari: Mateo 28: 16-20; Marcos 16: 15-18; Lucas 24: 44-49
XIII Ang pagbabalik ng Hari sa langit: Ang pag-akyat ni Jesus sa himpapawid:
Marcos 16: 19-20; Lucas 24: 50-53
IKATLONG
KABANATA
ANG KAHARIAN: SA NAKARAAN, SA KASALUKUYAN, SA
HINAHARAP
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kursong ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
- Ipakita ang pagkaunawa ng Kaharian ng Diyos sa nakaraan.
- Ipakita ang pagkaunawa ng Kaharian ng Diyos sa kasalukuyan.
- Ipakita ang pagkaunawa ng Kaharian ng Diyos sa hinaharap.
SUSING TALATA:
Kung magkagayo’y
sasabihin ng Hari sa nangasa kanyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang
Kahariang nakahanda sa inyo
buhat nang itatag ang sanglibutan. (
Mateo 25: 34 )
PAMBUNGAD
Sa mga nakaraang kabanata ay ipinakilala ang Kaharian ng Diyos at ang nangangasiwa ng Kahariang ito, ang Panginoong JesuCristo. Ipinakikita ng kabanatang ito ang pangkalahatang anyo (overview) ng Kaharian ng Diyos sa nakaraan, pangkasalukuyan, at sa hinaharap. Ipinakikita rin nito ang mahahalagang katotohanan tungkol sa Kaharian.
Nagkakaisa ang Luma at Bagong Tipan ng Biblia sa isang mahalagang paksa. Ang paksang yaon ay ang Kaharian ng Diyos at ang Hari. Ang mga salitang “ Kaharian ng Diyos” at “Kaharian ng Langit” ay wala sa Lumang Tipan. Ito ay mga katawagan sa Bagong Tipan. Subalit masusumpungan mo sa pag-aaral ng nagdaang kasaysayan ng Kaharian ng Diyos, ang kanyang pundasyon ay inilagay na sa Lumang Tipan. Ang pangkasalukuyan at hinaharap na kalagayan ng Kaharian ay itinatag sa mga pundasyong ito sa Lumang Tipan.
ANG NAGDAANG KAHARIAN:
LUMANG TIPAN
Ang Kaharian ng Diyos ay magpawalang hanggan. Ito ay narito na sa pasimula pa lamang at ito’y laging mananatili.
Ang Kaharian Mo’y walang hanggang Kaharian, at ang kapangyarihan mo’y sa lahat ng sali’t saling lahi. ( Awit 145: 13 )
Ang Kaharian ng Diyos ay nagmula
sa langit nang lalangin ng Diyos ang sanglibutan. Ninais Niya na ang makalangit
na Kaharian ay lumaganap sa sanglibutang Kanyang nilikha.
ISANG TAONG PINILI:
Upang matupad and nasang ito, lumalang ang Diyos ng isang sakdal na kalagayan na karugtong ng Kanyang Kaharian. Nilalang ng Diyos ang unang lalake at babae sa halamanan ng Eden upang mag-anak at magparami ng tao rito sa mundo. Sa pamamagitan ng pagpaparaming ito ng sangkatauhan ang Kaharian ay kakalat sa buong mundo.
Ang paglalang ng sanglibutan ay bilang paghahanda ng Kaharian ng Diyos na mamanahin ng tao.
Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa
nangasa kanyang kanan, Magsiparito kayo,
mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang Kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan. ( Mateo 25: 34 )
Ang unang lalake at babae, si Adam at si Eva, ay binigyan ng kapamahalaan sa Kaharian ng Diyos dito sa lupa.
At sinabi ng Diyos, Lalangin natin ang tao
sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis:
at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa
buomg lupa, at sa bawat umuusad,
na nagsisiusad sa ibabaw ng
lupa.
At nilalang ng Diyos
ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang: nilalang Niya sila na
lalake at babae.
At sila’y binasbasan
ng Diyos, at sa kanila’y sinabi ng Diyos, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa,
at inyong supilin; at
magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat hayop na
gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
( Genesis 1: 26 -28 )
Hindi nais ng Diyos ng sapilitang paglilingkod mula sa Kanyang sinasakupan sa Kanyang Kaharian dito sa lupa. Nais Niyang ang tao ay maging bahagi ng Kaharian ng Diyos ayon sa kanyang pagpili. Kaya’t gumawa Siya ng batas sa bagong Kaharian. Ang batas na ito ay nakasalalay sa malayang pagpili. Ang pagpiling ito ay magiging batayan ng kanyang pananatili sa Kaharian ng Diyos.
At iniutos ng Panginoong Diyos sa lalake, na
sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan
ay makakakain ka na may kalayaan:
Datapwa’t sa kahoy ng
pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain:
sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka. ( Genesis 2: 16 -17 )
Mababasa mo sa Genesis kapitulo 3 ang maling pagpili ni Adam at ni Eva. Nang magkasala si Adam at si Eva, nawalan sila ng mana sa kaharian ng Diyos. Nawalan sila ng buhay na walang hanggan at ng magandang kapaligiran sa Kaharian.
Dahil sa kasalanan, nagkaroon ng sumpa kay Satanas, sa sanglibutan, at sa tao. Mababasa mo ang mga sumpang ito sa Kapitulo 3 ng Genesis. Ang sanglibutan ay hindi na isang sakdal na dako, na walang salang bahagi ng makalangit na Kaharian. Ang tao ay nawalan na ng kapamahalaan sa sanglibutan, at siya ay nahiwalay sa presensiya ng Hari dahil sa kasalanan.
Inalok ng Diyos na palawakin ang Kanyang Kaharian sa pamamagitan ng tao, subalit ito ay tinanggihan. Nawala sa tao ang mana na inihanda ng Diyos para sa Kanya mula pa sa patibayan ng sanglibutan, at si Satanas ang nangasiwa sa lupa. Subalit sa kadiliman ng oras na ito ay ibinigay ng Diyos ang Kanyang pangako na maibalik ang Kaharian ng Diyos sa tao. Ang sabi ng Diyos kay Satanas:
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at
ang iyong binhi, at ang kanyang binhi; ito ang
dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong. (Genesis 3: 15 )
Ito ang unang pangako ng isang Haring darating upang sirain ang kapangyarihan ng kaaway na si Satanas. Mula sa katawan ng isang babae, ang Haring si JesuCristo ay darating. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan lilinisin ang kasalanan ng tao, ipapanganak siyang muli sa Kaharian ng Diyos, magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at makukuha niyang muli ang kanyang karampatang mana.
ISANG BAYANG PINILI:
Nang ang tao ay nagkasala, pumili ang Diyos ng isang bayan upang palaganapin ang Kanyang Kaharian sa buong mundo. Pinili ng Diyos si Abraham na pagmumulan ng bayang ito. Marami Siyang mga pangakong binitiwan tungkol sa bayan ng Israel at ang kanilang papel na gagampanan sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos sa buong mundo. Mababasa mo ang kasaysayan ni Abraham at ang mga pangako na ibinigay sa Kanya at sa bayan ng Israel sa Genesis 12 hanggang 25.
Ang bayan ng Israel ay pinili dahil sa plano ng Diyos, hindi bilang isang karapatan. Hindi sila pinili sapagkat sila ay mas magaling kaysa ibang bansa o mas mahal sila ng Diyos. Ito ay pagpiling may kaakbay na pananagutan. Ang pananagutang iyon ay upang palaganapin ang Kaharian ng Diyos sa buong mundo. Nagbigay ang Diyos ng mga batas ng Kaharian sa bayan ng Israel. Karamihan sa mga batas na ito ay nakatala sa aklat ng Exodo.
Nagtakda rin ang Diyos ng mga hari dito sa lupa upang pangasiwaan ang Kaharian ng Diyos:
At sa lahat ng aking mga anak…pinili Niya
si Salomon na aking anak upang umupo sa
luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel.
( I Mga Cronica 28: 5
)
Subalit ang bayan ng Israel ay nabigo sa kanyang pananagutang palawakin ang Kaharian. Paulit-ulit silang nagkasala at sumamba sa mga dios-diosan. Mababasa mo ang kanilang mga pagkakasala sa aklat ng Mga Hukom sa Lumang Tipan.
Inihalintulad ng Diyos ang Israel sa isang baging dito sa lupa. Ang Israel ay pinili upang magbunga ng bunga ng Kaharian ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa Israel:
Ang Israel ay isang mayabong na baging na
nagbunga: ayon sa karamihan ng
kanyang bunga kanyang pinarami
ang kanyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng
kanyang lupain ay nagsigawa sila ng mainam na haligi.
Ang kanilang puso ay
nahati; ngayo’y mangasusumpungan silang salarin; kanyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kanyang
sasamsamin ang kanilang mga
haligi.
Walang pagsalang
ngayo’y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari sapagkat kami
ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin? ( Oseas 10: 1-3)
Gayon ma’y tinamnan
kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi; bakit
ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin? ( Jeremias 2: 21)
Dahil sa kanilang pagtanggi sa Kaharian ng Diyos at hindi pagtupad sa pananagutang ikalat ito, ang Israel ay nahati. Ito ay naging magkahiwalay na bayan ng Israel at Juda. Sa wakas, kapwa sila nabihag at nalupig ng mga paganong bansa.
Sa kabila ng pagkukulang ng Israel, nangako ang Diyos na ang Kanyang Kaharian ay muling matatatag sa isang nakikitang anyo, at ang Israel ay muling magiging bahagi nito. Sa pamamagitan ng mga propeta nagbigay ang Diyos ng mga pangako tungkol sa Haring darating at sa Kaharian ng Diyos sa hinaharap.
Ang mga pangako ay ibinigay kay David ( II Samuel 7: 16; Awit 22: 27-28; 72: 7-11; 89: 1-4; 96 and 98) at kay Jeremias ( Jeremias 3: 17-18; 23: 5-6; 31:31-34 ). Nagbigay ng mga pangako si Propeta Isaias ( Isaias 2: 2-5; 33:20-22; 35; 62: 1-2; 65:17-25 ). Ang mga pangako ay ibinigay din kay Ezekiel ( Ezekiel 26: 25-30; 37: 22-28 ), Joel, ( Joel 2: 28), Zacarias ( Zacarias 8: 20-23; 12: 10; 14: 9-17), Amos ( Amos 9: 15), at Mikas ( Mikas 4). Marami pang ibang mga pangako patungkol sa Kaharian bukod sa mga nakalista rito.
Ang bayan ng Israel ay naghintay sa pagdating ng Mesias na tutupad ng mga dakilang pangakong ito. Naghintay sila ng Haring magpapalaya sa kanila mula sa pagkasakop ng ibang bansa. Naghintay sila ng Kaharian na nawala sa kanila na mabalik sa isang Kahariang nakikita.
ANG NAGDAANG KAHARIAN:
BAGONG TIPAN
May susing talata na nag-uugnay sa Luma at Bagong Tipan na kasaysayan ng Kaharian.
Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili
hanggang kay Juan; mula noo’y ang evangelio
ng Kaharian ng Diyos ay ipinangangaral, at ang bawat tao ay pumapasok doon na nagpipilit. ( Lucas 16: 16 )
Sa Lumang Tipan mababasa ang mga hula tungkol sa darating na Kaharian at ang Kanyang Hari. Sa Bagong Tipan natupad ang mga hulang ito. Ang mga batas sa Lumang Tipan ang naglagay ng pundasyon sa mga prinsipyo sa Bagong Tipan na magiging saligan ng pamamaraan ng buhay sa Kaharian. Nang dumating si Jesus, hindi Niya isinaisang tabi ang kautusan kundi tinupad Niya ito at pinalawak ang mga prinsipyo ng Kaharian sa pundasyong ito.
Nang ipahayag ni Juan Bautista sa ilang ng Judea na “ Ang Kaharian ng Diyos ay narito na,” gumamit siya ng mga salita na nauunawaan sa ngayon. Ang mga salitang ito ay nauunawaan ng bansang Israel sapagkat ang pag-asa ng ipinangakong Kaharian at ang Hari ay nag-aalab sa puso ng bawat isang Judio.
At nang mga araw na yaon ay dumating si
Juan Bautista, na nangangaral sa ilang
ng Judea, nagsasabi,
Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang
Kaharian ng langit.
Sapagkat ito yaong
sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig
ng isang sumisigaw sa ilang, ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang Kanyang mga landas. (
Mateo 3: 1- 3 )
ISANG TAONG PINILI:
Pumili ang Diyos ng isang tao sa Lumang Tipan upang palaganapin ang Kanyang Kaharian sa buong sanglibutan. Nabigo si Adam sa pananagutang ito. Sa Bagong Tipan, sinugo ng Diyos ang Kanyang sariling Anak, si Jesus, upang palaganapin ang Kanyang Kaharian dito sa lupa. Ginampanan ni Jesus ang responsabilidad na ito, sapagkat ito ang ginawa Niyang pinakamahalagang pakay ng Kanyang buhay at ministeryo.
Pagkatapos ng pagkabilanggo at pagkamatay ni Juan Bautista, nagpasimula si Jesus na ibahagi ang mensahe ng Kaharian:
Pagkatapos nang madakip si Juan, ay napasa
Galilea si Jesus na ipinangangaral
ang evangelio ng Diyos,
At sinasabi, Naganap
na ang panahon, at malapit na ang Kaharian ng Diyos; kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio. (
Marcos 1: 14- 15 )
Mula noon ay
nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo: sapagkat malapit na ang Kaharian ng
langit. ( Mateo 4: 17 )
Sa Kanyang ministeryo dito sa lupa, pumili si Jesus ng piling mga lalake upang maging mga alagad Niya. Tinuruan sila ni Jesus na humayo at mangaral na sinasabing, “ Ang Kaharian ng langit ay malapit na.” ( Mateo 10: 7) Anong kahulugan ng “ malapit na?” Tingnan natin ang mga salitang ito sa ibang contexto:
Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito,
malapit na ang nagkakanulo sa akin.
( Mateo 26: 46 )
Nang sabihin ni Jesus na ang magkakanulo sa Kanya ay “malapit na,” ang ibig Niyang sabihin ay dumating na siya ( si Judas). Ang oras ng kanyang pagkakanulo ay narito na. Nang sabihin ni Jesus na ang Kaharian ng Diyos ay narito na, ang ibig sabihin ay dumating na ang Kaharian. Ang buong buhay ni Jesus ay ginugol sa pangangaral na ang Kaharian ng Diyos ay dumating na. Itinuro Niya ang mga prinsipyo ng pamumuhay sa Kaharian, at ipinaliwanang kung paanong ang mga lalake at babae ay makakapasok sa Kaharian ng Diyos.
Bagamat narito na ang Kaharian ng Diyos, ito ay hindi pa nakikita:
At palibhasa’y tinanong Siya ng mga
Fariseo, kung kailan darating ang Kaharian
ng Diyos, ay sinagot Niya sila at sinabi, Ang Kaharian ng Diyos ay hindi paririto na mapagkikita;
Ni sasabihin man nila,
Narito! O Naririyan! Sapagkat narito, ang Kaharian ng Diyos
ay nasa loob ninyo. ( Lucas 17: 20- 21 )
Ang mga talinhaga ni Jesus patungkol sa Kaharian ay inilalarawan ito bilang isang binhi na inihasik, isang buto ng mustasa na itinanim sa ilalim ng lupa, isang natatagong kayamanan, at isang mamahaling perlas na nakatago. Sa lahat ng paghahalintulad na ito, ang Kaharian ay naririto subalit hindi nakikita.
Inasahan ng Israel na makikita ang Kaharian ng Diyos na darating, na may maingay na tugtugan sa Kanyang pagdating, na pinaghaharian ng isang nakikitang hari na makapangyarihan:
At samantalang pinakikinggan nila ang mga
bagay na ito, ay dinugtungan Niya ( ni Jesus)
at sinalita ang isang talinghaga, sapagkat Siya’y malapit na sa Jerusalem, at sapagkat kanilang inakala na
pagdaka’y mahahayag ang Kaharian ng Diyos.
( Lucas 19: 11 )
Ang talinhagang binanggit ni Jesus ay tungkol sa isang marangal na lalake na naparoon sa isang malayong lugar at babalik upang tanggapin ang kanyang kaharian. Dahil sa nalalapit na si Jesus sa Jerusalem, inihahanda na Niya ang mga tao sa Kanyang nalalapit na kamatayan. Sa pamamagitan ng talinhagang ito ipinahayag Niya na ang Kahariang nakikita ay hindi muna mangyayari. Sa Kanyang pagbabalik, ito ay matatatag.
Ang paniniwala ng Iarael ay ang tunay na Hari ay magtatatag ng Kaharian kaagad sa lahat ng karangyaan ng kaharian ni David. Ang pangako ng Diyos kay Haring David ay:
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking
pangalan, at aking itatatag ang luklukan
ng Kanyang Kaharian magpakailan man. ( II Samuel 7: 13 )
Nang si Jesus ay pumasok sa Jerusalem, ang akala ng mga tao ay itatatag na Niya ang nakikitang Kaharian na Jerusalem ang capitolyo, tulad ng ipinangako sa Lumang Tipan. Dahil dito, Sila ay nagalak at pinarangalan Siya bilang Hari sa Kanyang pagpasok sa lunsod. Sumigaw sila:
Mapalad ang Kahariang pumaparito, ang
Kaharian ng ating Amang si David: Hosana
sa kataastaasan. ( Marcos 11: 10 )
Subalit ang nakikitang Kaharian ay hindi pa itatatag. Nagbigay na si Jesus ng talinhaga tungkol sa lebadura na kahalo ng masa ng harina, upang ipakita ang pagkalat ng Kaharian ( Mateo 13: 33). Ito ay darating nang tahimik at patuloy tulad ng pagkalat ng pampaalsa sa masa ng tinapay.
Sinabi na ni Jesus ang talinhaga ng taong marangal na naglakbay sa malayong lugar at nagbalik upang tanggapin ang kanyang kaharian. Subalit hindi naunawaan ng Israel itong mga talinhaga ng Kaharian. Sapagkat hindi nagtatag kaagad si Jesus ng kahariang nakikita, makalipas ang ilang araw ang mga taong tumanggap sa Kanya bilang Hari ang tumanggi sa Kanya. Sila ay tumalikod sa Kanya at ipinapako Siya sa krus.
Nang dumating si Jesus sa sanglibutan, dumating na ang Kaharian ng Diyos dito. Sapagkat ang Kanyang pagdating ay di tulad ng kanilang inaasahan, tinanggihan ng mga Judio ang Kaharian at ang Hari.
Siya’y naparito sa sariling Kanya, at
Siya’y hindi tinanggap ng mga sariling Kanya.
Datapwat ang lahat ng sa Kanya’y
nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng
Diyos, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya
sa Kanyang pangalan:
Na mga ipinanganak na
hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban
ng tao, kundi ng Diyos. ( Juan 1: 11- 13 )
Dahil sa pagtangging ito, ipinahayag ni Jesus na ang Kaharian ng Diyos ay kinuha mula sa Israel at ibinigay sa isang bansa na magbubunga ng katuwiran:
Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa
inyo ang Kaharian ng Diyos, at ibibigay
sa isang bansang nagkakabunga. ( Mateo 21: 43 )
Ang ibig sabihin ni Jesus ay ang mensahe ng Kaharian ay dadalhin sa mga bansang Gentil ( lahat ng bansang labas sa Israel). Sila ay nakahandang tumanggap at tumugon dito.
Sinabi ni Jesus na ang bansang Israel at ang Jerusalem, na kanyang capitolyo, ay parurusahan:
At sila’y mangabubuwal sa pamamagitan ng
talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat
ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga
Gentil. ( Lucas 21: 24 )
Dahil sa tinanggihan ng Israel ang Kaharian at ang Hari, ang pagtatatag ng nakikitang kaharian ay ipinagpaliban hanggang sa muling dumating ang Hari. Ito ang tinatawag na pangalawang pagbabalik ni JesusCristo.
ISANG BAYANG PINILI:
Sa Lumang Tipan ay pinili ng Diyos ang Israel bilang isang bayan kung saan ang Kanyang Kaharian ay lalaganap sa buong mundo. Hindi nagtagumpay ang Israel sa katungkulang ito. Sa Bagong Tipan, pinili ng Diyos ang Iglesia, sila na tumanggap sa Evangelio, bilang isang katawan na gagamitin upang palaganapin itong Kaharian.
Si Apostol Pablo, pinili ng Diyos upang magdala ng Evangelio ng Kaharian sa mga Gentil, ang sumulat ng mga salitang ito:
Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na kayamanan ni Cristo;
At maipakita sa
lahat ng mga tao kung ano ang pagiging
katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng
Diyos na lumalang ng lahat ng mga bagay:
Upang ngayo’y sa
pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga
kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Diyos,
Ayon sa panukalang
walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin. ( Efeso 3: 8- 11 )
Alalahanin natin na ang Kaharian ay inihanda ng Diyos para sa tao mula pa sa patibayan ng sanglibutan. Pinili ng Diyos ang iglesia upang ihayag ang hiwaga ng Kaharian sa mga bansa ng sanglibutan. Sa pamamagitan nito, ang walang hanggang pakay ng Diyos ay matutupad:
Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng
Kanyang kalooban, ayon sa Kanyang
minagaling na ipinasya Niya sa Kanya rin.
Sa pagiging katiwala
sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nagasa
sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa
Kanya… ( Efeso 1: 9-10)
Ang Iglesia ang nakikitang katawan na sa pamamagitan nito ay maipalalaganap ang Kaharian ng Diyos sa buong mundo. Pag-aralan ang sumusunod na kaayusan:
____________________________________
Pandaigdigang Kaayusan -------------à Ang Kaharian
____________________________________
______________________________
Lokal, nakikitang organisasyon kung
saan ang kaharian ay palalaganapin -----------à Ang Iglesia
______________________________
______________________________
Mga tao na kabilang sa Iglesia ------------à Mga Mananampalataya
______________________________
Iniwan ni Jesus sa Iglesia ang pananagutan:
Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at
inyong ipangaral ang Evangelio sa lahat
ng kinapal. ( Marcos 16: 15 )
Kinasihan Niya ang mga alagad ng kapangyarihan upang maisagawa ang utos:
Datapwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem; at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng
lupa. ( Gawa 1: 8 )
Sa wakas, ang lahat ng bagay ay pasasakop sa Hari, si Jesus, na Siyang babalik upang itatag ang nakikitang kaharian.
ANG PANGKASALUKUYANG KAHARIAN
Itinuro ni Jesus na ang “ Kaharian ng Diyos ay nasa sa inyo.” Iyan ay, kung nasaan ang Hari at kung saan kinikilala ang Kanyang paghahari, doon naroroon ang Kaharian ng Diyos. Ang Kaharian ng Diyos ay yung lawak ng Kanyang paghahari. Ang Kaharian dito sa mundo ay kung gaano kalawak ang kumikilala sa Kanyang paghahari.
Tandaan mo na mula nang magrebelde si Satanas sa Kalangitan, ang digmaan ay patuloy sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at sa Kaharian ni Satanas. Makikita rito sa mundo ang pangkalahatang pag-aalsa laban sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagkakasala ng tao, ang sumpa ay dumating sa lupa, at sinamantala ito ni Satanas upang itatag ang kanyang masamang kaharian dito. Kitang-kita na kontrolado niya ang mga makalupang kaharian nang tuksuhin niya si Jesus:
Muling dinala Siya ng diablo sa isang
bundok na lubhang mataas, at ipinamalas
sa Kanya ang lahat ng mga
kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
At sinabi niya sa
Kanya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo
ako.
Nang magkagayo’y
sinabi sa kanya ni Jesus, Humayo ka, Satanas; sapagkat nasusulat, Sa Panginoon mong Diyos sasamba ka, at Siya
lamang ang iyong paglilingkuran. ( Mateo 4: 8- 10 )
Subalit hindi binitiwan ng Diyos ang Kanyang pagiging Hari sa kabila ng paglaban ng tao. Sinabi Niya ang Kanyang pakay na itatag ito:
At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay
maglalagay ang Diyos sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba
kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y
iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputol-putulin at lilipulin Niya ang lahat na
kahariang ito, at yaon’y lalagi magpakailan man. ( Daniel 2: 44 )
Ang Kaharian ng Diyos ay narito na ngayon. Hindi ito sa panghinaharap lamang na hindi natin mauunawaan hanggang sa makita natin ang Kaharian sa wakas ng daigdig. Ang paghahari ng Hari ay kinikilala na sa puso ng mga mananampalataya. Ang paghahari Niya ay kinikilala ng tunay na Iglesia ni Cristo. Ang Kaharian ay narito kung saan nagmamahal ang mga tao sa Diyos, naipanganak sa Kaharian, sinusunod ang mga prinsipyo ng pamumuhay sa Kaharian, at kinikilala ang paghahari ng Panginoong Jesu-Cristo bilang kanilang Hari.
Ang Kaharian ay isang hiwaga sa ngayon ( Marcos 4: 11) sapagkat ito ay hindi nakikita sa natural na paraan:
Ang Kaharian ng Diyos ay hindi paririto na
mapagkikita… ( Lucas 17: 20 )
Sa ngayon ang Kaharian ay makikita lamang dito sa lupa sa pamamagitan ng espiritu. Ito ay natatag na espiritual, bagamat hindi pa nakikita ng mata. Ang nakikitang Kaharian ng Diyos ay nasa Langit. Hindi ito yaong langit na nakikita sa alapaap. Ito ang Langit kung saan nakatira si Jesus bago Siya bumaba sa lupa ( Juan 17: 5 ). Dito Siya nagbalik matapos Siyang mabuhay na maguli mula sa kamatayan ( Gawa 1: 9- 11 ).
Ang Langit ang tirahan ng Diyos, ni Jesus, at ng mga anghel. Sa Langit naghihintay si Jesus hanggang sa dumating ang oras ng Kanyang pagbabalik sa lupa upang dito itatag ang Kanyang Kahariang nananatili at nakikita. Habang naghihintay si Jesus sa Langit, Siya ay naglilingkod bilang isang Tagapamagitan. Siya ay nakaupo sa kanang-kamay ng Diyos upang mamagitan para sa mga mananampalataya na narito pa sa lupa. ( Hebreo 7: 25 ).
ANG DARATING NA KAHARIAN
Bagamat sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na ang Kaharian ay narito na, sinabi rin Niya na ang Kaharian ay darating sa hinaharap. Tinuruan Niya ang Kanyang mga alagad na idalangin na “ Dumating nawa ang Kaharian Mo” ( Mateo 6: 10 ).
Inaasahan ng mga alagad na itatatag ni Jesus ang darating na Kahariang ito bago mag Kalbaryo. Nawalan sila ng pag-asa nang mamatay si Jesus. Nagkaroon sila ng pag-asa nang mabuhay si Jesus. Mula nang si Jesus ay mabuhay na maguli hanggang sa Siya ay umakyat sa Langit, marami Siyang itinuro tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ito ang nag-udyok sa Kanyang mga alagad na magtanong, “ Isasauli Mo baga ang Kaharian sa Israel sa panahong ito?” ( Gawa 1: 6). Ang tugon ni Jesus ay:
…Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga
panahon o ng mga bahagi ng panahon,
na itinakda ng Ama sa Kanyang sariling kapamahalaan.
(Gawa 1: 7 )
Ang pagdating ng Kaharian ay tiyak, subalit ang oras ng kanyang pagbabalik ay nakasalalay sa Ama.
Maraming binanggit si Jesus na dapat mangyari sa mundo bago maitatag ang Kanyang Kaharian dito sa lupa. Inihayag ito upang malaman natin na malapit na ang panahon. Mababasa natin ang mga tanda sa Mateo kapitulo 24 at 25, Marcos kapitulo 13, at Lucas 17: 20-37; 21: 8-36. Sinabi ni Jesus sa mga alagad na pag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, malapit nang dumating ang Kaharian ng Diyos:
Gayon din naman kayo, pagka nangakita
ninyong nangyari ang mga bagay na
ito, talastasin ninyo na
malapit na ang Kaharian ng Diyos. ( Lucas 21: 31 )
ANG EVANGELIO SA LAHAT NG
BANSA ANG TANDA NG SIMULA NG WAKAS:
At ipangangaral ang
evangeliong ito ng Kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y
darating ang wakas.
( Mateo 24: 14 )
BABALIK SI JESUS SA LUPA:
…Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa
inyo, ay paparitong gaya rin ng
inyong nakitang pagparoon Niya
sa langit. ( Gawa 1: 11 )
TATALUNIN NI JESUS ANG LAHAT
NG KAHARIAN SA LUPA:
Kung magkagayo’y, darating ang wakas, pagka
ibibigay na Niya ang Kaharian
sa Diyos, sa makatuwid baga’y sa Ama;
pagka lilipulin na Niya ang lahat ng paghahari,
at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
Sapagkat kinakailangang Siya’y maghari
hanggang mailagay Niya sa ilalim ng
Kanyang mga talampakan ang
lahat Niyang mga kaaway. ( I Corinto 15: 24 -25 )
At humihip ang
ikapitong anghel; at nagkaroon ng malakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang Kaharian ng
sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan kailan
man.(Apocalipsis 11: 15 )
SI SATANAS AT ANG KANYANG
MGA KAKAMPI AY NATALO:
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa
dagatdagatang apoy at asupre,
na kinaroroonan din naman ng
hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. ( Apocalipsis 20: 10
)
ANG LAHAT NG MGA BANSA AY
DARATING SA KAHARIAN:
At sinabi ko sa inyo,
na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kanluran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac,
at ni Jacob, sa Kaharian ng
Langit. ( Mateo 8: 11 )
ANG LAHAT NG TAO AY KIKILALA
KAY JESUS BILANG HARI:
Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Diyos, at
Siya’y binigyan ng pangalang lalo
sa lahat ng pangalan;
Upang sa Pangalan ni
Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa
ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa;
At upang ipahayag ng
lahat ng mga dila na si JesuCristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. ( Filipos 2: 9-11 )
At narinig ko ang gaya
ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya
ng ugong ng malalakas na kulog na
nagsasabi, Aleluya: sapagkat
naghahari ang Panginoong ating Diyos na makapangyarihan
sa lahat. ( Apocalipsis 19: 6
)
ANG LAHAT NG TAO, BUHAY MAN
O PATAY, AY HAHATULAN NG DIYOS:
Ipinagbibilin ko sa
iyo sa paningin ng Diyos, at ni Cristo Jesus, na Siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng
Kanyang pagpapakita at sa
Kanyang Kaharian. ( II Timoteo 4: 1 )
At nakita ko ang mga
patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan
ang ibang aklat, na Siyang aklat ng buhay: at ang mga
patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat; ayon sa
kanilang mga gawa.
At ibinigay ng dagat
ang mga patay na nasa kanya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at
sila’y hinatulan bawat tao ayon sa kani- kaniyang
mga gawa.
At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. ( Apocalipsis 20: 12, 13, 15 )
Nagsalaysay si Jesus ng talinghaga tungkol sa Kaharian na tulad ng isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng iba’t-ibang uri ng isda. Nang mahila na ang lambat, inihiwalay ang mabubuting isda mula sa hindi magandang uri (Mateo 13: 47, 48).
Inihalintulad din ni Jesus ang Kaharian sa panirang damo at trigo na sabay tumubo na magkasama. Subalit sa wakas ang mabuting trigo ay inihiwalay sa panirang damo
( Mateo 13: 24-30, 36-42). Sa pamamagitan ng halimbawa ng panirang damo na kasama ng trigo itinuro ni Jesus na dumating na ang Kaharian, subalit narito pa rin ang masasamang tao. Sabay na mamumuhay ang mga ito sa ilang panahon. Sa paghuhukom, sila’y paghihiwalayin.
Ang dalawang talinhagang ito ay patungkol sa paghihiwalay pagdating ng paghuhukom. Sila na pumasok sa Kaharian sa pamamagitan ng pagkapanganak na muli ay tatanggapin sa nakikitang Kaharian sa kanyang pangwalang hanggang kalagayan. Lahat ng hindi kabilang dito ay itataboy mula sa Kaharian:
Diyan na nga ang pagtangis, at ang
pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita
ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa Kaharian ng Diyos, at
kayo’y palabasin. ( Lucas 13: 28 )
ANG NAKIKITANG KAHARIAN NG
DIYOS AY ITATATAG:
At binigyan Siya ng kapangyarihan, at
kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat
ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa Kanya: at ang Kanyang kapangyarihan ay walang
hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at
ang Kanyang Kaharian, na hindi lilipas, at ang Kanyang kaharian ay hindi magigiba. ( Daniel 7: 14 )
ANG MGA TUNAY NA
MANANAMPALATAYA AY MAGHAHARING KASAMA NI JESUS SA KAHARIAN:
Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang
umupong kasama ko sa aking luklukan,
gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa Kaniyang luklukan. ( Apocalipsis
3: 21 )
MAGKAKAROON NG BAGONG LANGIT
AT BAGONG LUPA:
Mababasa mo ang paglalarawan ng Bagong Langit at Bagong Lupa sa Apocalipsis kapitulo 21 at 22. Ang Jerusalem ay magiging trono ng Panginoon, at ang lahat ng bansa ay titipunin dito:
Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang
Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at lahat
ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon,
sa Jerusalem: hindi na rin
lalakad pa man sila ng ayon sa pagmamatigas ng kanilang masamang kalooban. ( Jeremias 3: 17 )
ANG BUOD
Ating sumahin ang nakaraan, ang pangkasalukuyan, at ang darating na Kaharian ng Diyos.
Pag-aralan ang tsart sa ibaba at pag-aralan ang buod na kasunod ng tsart.
ß-----------ANG
KAHARIAN NG DIYOS SA LANGIT----------à
___________________
________________________
Kaharian ng Diyos sa Lupa Ang Pagbabalik Ang Pagtatatag ng Nakikitang
Ng Hari Kaharian ng Diyos na Pangwalang
Hanggan
Pinalaganap ng-------------à
Tao--------------à
Israel-------------à
Iglesia------------à
Pansinin ang putul-putol na guhit sa itaas ng diagram. Ito ay nagpapakita na ang Kaharian ng Diyos ay naroon na sa Langit bago pa nilalang ang sanglibutan.
Pansinin ang mga pana sa ibaba ng diagram. Nilalang ng Diyos ang lupa bilang pagpapalaganap ng Kanyang Makalangit na Kaharian. Pinili Niya ang tao bilang instrumento upang palaganapin ang Kanyang Kaharian. Hindi nagtagumpay ang tao sa katungkulang ito.
Datapuwat pumili ang Diyos ng isang bansa upang palaganapin ang Kanyang Kaharian. Subalit nabigo rin ang Israel. Sumamba sila sa mga diosdiosan at namuhay ayon sa pamantayan ng sanglibutan sa halip na ayon sa mga prinsipyo ng Kaharian.
At ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si JesuCristo. Kung paanong ang unang tao, si Adam, ay nabigo; ang pangalawang tao, si Jesus, ay nagtagumpay. Dinala Niya ang Kaharian ng Diyos sa lupa. Gumawa ng paraan si Jesus, sa pamamagitan ng espirituwal na pagkapanganak na muli, upang ang tao ay mabuhay sa Kaharian ng Diyos. At ang Kahariang ito ay nabubuhay sa loob niya bagama’t siya’y narito pa sa sanglibutan.
Sapagkat tinanggihan ang Hari at ang Kanyang Kaharian, ang pagtatatag ng nakikitang Kaharian ay ipinagpaliban hanggang sa pangalawang pagbabalik.
Upang palaganapin ang Evangelio ng Kaharian, pinili ng Diyos ngayon ang Iglesia. Ang Iglesia ang instrumento na magbabahagi ng mensahe ng Kaharian sa buong mundo. Kung paanong ang bayang pinili ng Diyos, ang Israel, ay nabigo, ang Iglesia ay magtatagumpay. Pag naipangaral na ang Evangelio ng Kaharian sa buong mundo, darating na sa pangalawang pagkakataon ang Hari. Ang nakikitang Kaharian ng Diyos ay itatatag sa pangwalang hanggang kalagayan. Lahat ng kaharian sa buong mundo ay tatalunin.
MGA KATOTOHANAN PATUNGKOL SA
KAHARIAN NG DIYOS
Napag-aralan mo na ang nakaraan, kasalukuyan, at darating na Kaharian ng Diyos. Narito ang iba pang mahahalagang katotohanan tungkol sa Kahariang ito:
ITO AY PINAGHAHARIAN NG
DIYOS MULA SA KANYANG TRONO SA KALANGITAN:
Itinatag ng Panginoon
ang Kanyang luklukan sa mga langit; at ang Kanyang Kaharian ay nagpupuno sa lahat. ( Awit 103: 19 )
ITO AY PINAGHAHARIAN NG
DIYOS NA HINDI NAGBABAGO:
Si Jesucristo ay Siya
ring kahapon at ngayon, oo at magpakailanman.
( Hebreo 13: 8 )
ANG KAHARIAN NG DIYOS AY
MAGPAWALANG HANGGAN:
Ang Kaharian Mo’y
walang hanggang Kaharian, at ang kapangyarihan Mo’y sa lahat ng sali’t saling lahi. ( Awit 145: 13 )
At Siya’y maghahari sa
angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas
ang Kanyang Kaharian. ( Lucas 1: 33 )
Ngunit tungkol sa Anak
ay sinasabi, Ang Iyong luklukan, O Diyos, ay magpakailan
man; At ang setro ng katuwiran ay siyang
setro ng Iyong kaharian. ( Hebreo 1: 8 )
Kay dakila ng Kanyang
mga tanda! At pagka makapangyarihan ng Kaniyang mga kababalaghan! Ang Kanyang kaharian ay walang hanggang
kaharian, at ang Kanyang
kapangyarihan ay sa sali’t saling
lahi. ( Daniel 4: 3 )
ANG KAHARIAN NG DIYOS AY
HINDI MATITINAG, MAGAGALAW, O MAWAWASAK:
Kayat pagkatanggap ng
isang kahariang hindi magagalaw, ay magkakaroon tayo ng
biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Diyos. ( Hebreo 12: 28 )
ANG KAHARIAN AY INIHANDA NA
MULA SA PASIMULA:
Kung magkagayo’y
sasabihin ng Hari sa nangasa Kanyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang
kahariang nakahanda sa inyo
buhat nang itatag ang sanglibutan. (
Mateo 25: 34 )
NAIS NG DIYOS NA MANAHIN
NATIN ANG KANYANG KAHARIAN:
Huwag kayong
mangatakot, munting kawan; sapagkat nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo’y ibigay ang kaharian. (
Lucas 12: 32 )
At kayo’y inihahalal
kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama. ( Lucas 22: 29 )
ANG KAHARIAN AY SA
PANGINOON:
Sapagkat ang Kaharian
ay sa Panginoon; at Siya ang puno ng mga bansa.
( Awit 22: 28 )
At huwag Mo kaming
ihatid sa tukso, kundi iligtas Mo kami sa masama. Sapagkat Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang
kaluwalhatian,
magpakailan man. (
Mateo 6: 13 )
At ang Panginoo’y
magiging Hari sa buong lupa; sa araw na yao’y magiging ang Panginoon
ay isa, at ang Kanyang pangalan ay isa. ( Zacarias 14: 9 )
ANG KAHARIAN NG DIYOS ANG
PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT NG KAHARIAN:
Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa mga
langit; At ang Kanyang kaharian ay nagpupuno sa lahat. (
Awit 103: 19 )
ANG KAHARIAN NG DIYOS AY
BINUBUO NG MGA TAO SA LAHAT NG BANSA:
At sila’y magsisipanggaling sa silangan at sa
kanluran, at sa timugan at sa hilagaan,
at magsisiupo sa Kaharian ng Diyos. ( Lucas 13: 29 )
ANG KAHARIAN NG DIYOS AY
HINDI SA SANGLIBUTANG ITO:
Sumagot si Jesus, Ang Kaharian Ko ay hindi sa
sanglibutang ito; kung ang Kaharian
ko ay sa sanglibutang ito, ang Aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako’y huwag maibigay sa mga Judio,
ngunit ngayo’y ang Aking kaharian ay hindi rito. ( Juan
18: 36 )
ANG KAHARIAN NG DIYOS AY
BATAY SA MGA PRINSIPYONG ESPIRITUWAL:
Sapagkat ang kaharian
ng Diyos ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu
Santo. ( Roma 14: 17 )
Sapagkat ang Kaharian
ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
( I Corinto 4: 20 )
ANG LAMAN AT ANG DUGO AY
HINDI MAKAPAGMAMANA NG KAHARIAN NG DIYOS:
Sinasabi ko nga ito,
mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana
ng Kaharian ng Diyos; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan. ( I Corinto 15: 50 )
Sumagot si Jesus at sa
kanya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo,
maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos.
Sumagot si Jesus,
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng
Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa Kaharian
ng Diyos. ( Juan 3: 3, 5 )
MAY MGA SUSING ESPIRITUWAL
SA KAHARIAN NG DIYOS:
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng
langit: at anoman ang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at
anoman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan
sa langit. ( Mateo 16: 19 )
Itong mga “susi sa Kaharian” ay ipaliliwanag sa susunod na kabanata.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
________________________________________
2. Sa isang hiwalay na papel, isulat ang maikling buod ng kasaysayan ng Kaharian ng Diyos sa nakaraan.
3. Sa isang hiwalay na papel, isulat ang maikling buod ng kasalukuyang Kaharian ng Diyos.
4. Sa isang hiwalay na papel, isulat ang maikling buod na naglalarawan sa darating na Kaharian ng Diyos.
5. Pagbalik-aralan ang mga mahahalagang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos sa araling ito, at subukin kung ilan ang maililista mo na hindi tumitingin sa aklat.
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay masusumpungan sa dulo ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG
NA PAG-AARAL
Tulad ng napag-aralan mo sa kursong ito, may dalawang kahariang espirituwal at lahat ng taong nabubuhay ay nakatira sa alinman sa dalawang ito. Ikaw ay maaaring namumuhay sa Kaharian ni Satanas o sa Kaharian ng Diyos. Habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito ikaw ay nabubuhay sa kaharian ng sanglibutan. Ang ibig sabihin nito ay nabubuhay ka sa isang bansa na nasa ilalim ng isang pamahalaan.
Ang pamahalaang panlupa ay pinasimulan din ng Diyos upang magkaroon ng kaayusan at upang maipatupad ang Kanyang mga batas dito sa lupa. Ang Diyos ang pinakamakapangyarihang pinuno sa ibabaw ng anumang makataong pamahalaan, at ito ay palalakarin ayon sa Kanyang Salita, plano, at mga pakay. Maliwanag na ang mga pamahalaan dito sa mundo ay hindi sumunod sa orihinal na plano ng Diyos. Sila ay masasama at mapang-api. Ang kanilang palakad ay hindi ayon sa mga prinsipyo ng Diyos. Marami sa mga pinuno ng mga bansang ito ay hindi man lang kumikilala sa Diyos. Ang mga ito ay naging “ Kaharian ng Sanglibutan” na kontrolado ni Satanas.
Sapagkat kinakailangang mamuhay ka sa ilalim ng isang pamahalaan, mahalaga na malaman mo kung ano ang itinuturo ng Biblia patungkol dito:
Mga Kaharian Ng Sanglibutan
I. Sa Diyos nagpasimula ang mga gobyerno
A. Ang mga gobyerno ay itinadhana ng Diyos: Roma 13: 1
B. Ang mga pinuno ay mga ministro ng Diyos: Roma 13: 4, 6
C. Ang Diyos ang nagtatatag at nagbabagsak ng gobyerno ayon sa Kanyang kalooban: Daniel 4: 32; 5: 21; Awit 75: 7
II. Ang plano ng Diyos sa gobyerno
A. Ang orihinal na plano ng Diyos ay magkaroon ng mga gobyerno:
1. Sa ikabubuti ng mga tao: Roma 13: 3, 4
2. Upang mangasiwa sa katuwiran at parusahan ang masama:
Roma 13: 3-4
B. Mga gobyernong laban sa Kanyang plano:
1. Ginagamit ang kapangyarihan upang sundin ang pansariling nasa:
I Hari 21: 7-14
2. Kapag nangyari ito, pinarurusahan ng Diyos ang pinuno o hari na gumawa nito: I Hari 21: 19
III. Mga katungkulan ng gobyerno sa mga tao
A. Hindi dapat ibulid ang mga tao sa kasalanan: I Hari 12: 28-30
B. Itaguyod ang ikabubuti ng mga tao: Roma 13: 1-5
C. Parusahan ang masama: Roma 13: 3-4
D. Panatilihin ang sariling kapayapaan: I Samuel 30: 21-24
E. Pangalagaan ang mga karapatan ng mga mamamayan: Gawa 22: 25-30
IV. Mga prinsipyong pumapatnubay sa mga hari:
A. Ang hari ay dapat matalino: Genesis 41: 33; Deuteronomio 1: 13
B. Ang hari ang magiingat at tutulong sa mga dukha at nangangailangan:
Roma 12: 4; Awit 82: 3-4
C. Dapat kilalanin ng hari na ang Diyos ay Diyos: Awit 2: 10, 11
D. Ang mga hari na hindi kumikilala sa Diyos ay ibinababa:
1. Nabucodonosor: Daniel 4
2. Belsasar: Daniel 5
3. Herodes: Gawa 12: 21-23
E. Ang Diyos ay maaaring maglagay ng hari na masunurin sa Kanya upang palitan ang hindi sumusunod sa Diyos: I Hari 11: 11
F. Maaaring alisin ng Diyos ang isang pamilya mula sa pangunguna dahil sa kasalanan : I Hari 14: 7-11
G. Dahil sa katuwiran ng isang tao, maaari siyang pahintulutan ng Diyos na maging tagapagmana o sumunod sa trono: I Hari 11: 13; Lucas 1: 32
V. Kaugnayan ng mga tao sa gobyerno
A. Hindi dapat labanan ang mga hari at mga batas: Roma 3: 2
1. Magpailalim nang dahil sa Panginoon: I Pedro 2: 13-14
2. Ang pagdusta sa gobyerno ay kasalanan ng laman: II Pedro 2: 10
3. Ang mga tao ay dapat sumusunod sa batas: Marcos 12: 17
B. May pasubali sa pagsunod: Ang mga utos ng hari ay hindi dapat sundin kung ang mga ito ay laban sa utos o pakay ng Diyos:
1. Exodo 1: 17
2. Daniel 3: 18
3. Gawa 5: 29
C. Ang mga tao ay dapat magbayad ng buwis sa gobyerno: Roma 13: 6-7;
Mateo 17: 25-27
D. Pinapayagan ng Diyos kung minsan na magkaroon ng pagpili sa gobyerno:
I Samuel 8: 4-9
E. Dapat ipanalangin ng mga tao ang kanilang mga hari: I Timoteo 2: 1-2
VI. Ang gobyerno sa lupa ay pansamantala lamang. Lahat ng gobyerno ay may katapusan: I Corinto 15: 24
IKA-APAT NA KABANATA
MGA SUSI SA KAHARIAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kursong ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kabisado.
- Masabi kung anu-ano ang mga susi sa Kaharian.
- Masabi kung kangino ibinigay ang mga susing ito.
- Kilalanin na kailangan ang pagsisisi mula sa kasalanan upang makarating sa Kaharian.
-Malaman na ang patuloy na paglagong espirituwal ay kailangan upang masiguro ang pagpasok sa Kaharian.
SUSING TALATA:
Ibibigay ko sa iyo ang
mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anoman ang iyong
kalagan sa lupa ay kakalagan
sa langit. ( Mateo 16: 19 )
PAMBUNGAD
Natutuhan mo na ang tungkol sa pangwalang hanggang Kaharian ng Diyos at ng Haring si Jesuscristo. Sa kabanatang ito ay malalaman mo kung paanong makakalapit sa Kaharian ng Diyos, sa iyong pag-aaral ng mga “ susi sa Kaharian.”
ISANG KAHARIANG ITINAKDA
Bago umakyat sa Langit si Jesus, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad:
At kayo’y inihahalal kong isang Kaharian,
na gaya nga ng pagkahalal sa Akin ng
aking Ama. ( Lucas 22: 29 )
Sinabi rin ni Jesus na ang Iglesia Niya ay palalaganapin ang mensahe ng Kaharian sa buong mundo:
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay
Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo
ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kanya.
Ibibigay ko sa iyo ang
mga susi ng Kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at
anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. ( Mateo 16: 18-19 )
Sa talatang ito ay ipinakita ni Jesus na si Pedro ay magiging isa sa mga pundasyong espirituwal ng unang Iglesia. Ibig sabihin nito ay malaki ang kanyang magiging bahagi sa paglago nito. Ang kahulugan ng pangalang Pedro ay isang “ bato.”
At sinabi ni Jesus patungkol sa Kanyang sarili, “… sa batong ito Ako ay magtatayo ng Iglesia”, nagpapahiwatig na ang Iglesia ay matatayo nang dahil sa Kanya. Siya ang bato kung saan matatayo ang Iglesia. May mga maliliit ding bato ( tulad ni Pedro). Ang mga batong ito ay magiging mahalagang bahagi ng Iglesia. Subalit si Jesus mismo ang tuntungang bato kung saan matatayo ang Iglesia.
May mga dalawang komentaryo si Jesus patungkol sa Iglesiang ito:
Una, Sinabi Niya na ang mga pintuan ng Hades ay hindi makapananaig laban dito.” Nagpapakita ito na ang Iglesia ay may mga kalaban, subalit hindi ito matatalo ng Kanyang mga kalaban.
Pangalawa, at ang pinakamahalaga sa ating pag-aaral ay, ipinangako ni Jesus na ibibigay Niya ang mga susi ng Kaharian sa Iglesia.
Sa buhay dito sa mundo kung ikaw ang may hawak ng susi sa isang gusali, ikaw ay may kapamahalaan doon. Dahil sa puwestong ito ikaw ang may hawak ng mga susi sa gusali.
Ang kapamahalaang sinasabi ni Jesus ay espirituwal. Binigyan Niya ang Iglesia ng mga susing espirituwal para makapasok sa Kaharian. Sabi ni Jesus “ Ako” ang magbibigay sa kanila. Ang kapangyarihan at kapamahalaan ng Iglesia ay manggagaling kay Jesus. Ang salitang “ ibibigay”
( panghinaharap) ay nangangahulugang hindi pa naibibigay ang mga
susi, nang ito ay sabihin ni Jesus. Ang kapangyarihang ito ay ibinigay sa Gawa
2 nang ibuhos ang Espiritu Santo sa mga alagad:
Datapwat tatanggapin
ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa. ( Gawa 1: 8 )
Ang mga susi sa Kaharian ay ang kapangyarihan na magtali at magkalag. Ang kahulugan ng pagtatali ay ang paglalagay ng posas. Tulad ito ng pagsasara ng pinto ng isang silid. Ang ibig sabihin ng kalagan ay ang palayain. Tulad naman ito ng pagbubukas ng pintuan ng isang silid.
Ang Iglesia ay nasa position ng kapamahalaan. Nasa kanya ang mga susi ng Kaharian ng Diyos. Ito ang gagamitin upang buksan ang espirituwal na pintuan ng Kaharian sa buong mundo. Si Pedro ang unang gagamit ng mga susing ito. Bubuksan niya ang pintuan ng ministeryo para sa mga Gentil na bansa dito sa mundo.
May kapangyarihan ang Iglesia na pakawalan ang puwersa ng mabuti at talian ang mga puwersang masasama. Sa lahat ng mga suliranin ng mga mananampalataya, ang pagtatali at pagpapalaya ang susi ng tagumpay.
PAANO ANG PAGPASOK SA
KAHARIAN
Ang mga susi sa Kaharian ay ibinigay ni Jesus sa Iglesia. Subalit paano talaga makakapasok sa Kaharian ng Diyos?
Basahin ang salaysay ni Nicodemo sa Juan 3: 1-21, isang pinuno ng relihiyon sa panahon ng ministeryo ni Jesus sa lupa. Lumapit siya kay Jesus at nagtatanong kung paano makakapasok sa Kaharian ng Diyos, at sa gayon ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ganito ang sabi ni Jesus:
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak
na muli, ay hindi siya
makakakita ng Kaharian ng Diyos. ( Juan
3: 3 )
Nalito si Nicodemo. Itinanong niya kay Jesus:
Paanong maipanganganak ang tao kung siya’y
matanda na? Makapapasok baga siyang
bilang ikalawa sa tiyan ng kanyang ina, at ipanganak? ( Juan 3: 4 )
Ipinaliwanag ni Jesus na ang sinasabi niyang “kapanganakang muli” ay hindi isang pisikal na pangyayari. Sa pamamagitan ng pagkapanganak na pisikal, ikaw ay ipinanganak sa mundong ito. Ikaw ay naging mamamayan ng isang bansa.
Sa natural na pagkasilang, namana mo ang likas na kasalanan ng tao:
Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan; at sa
kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina.
( Awit 51: 5 )
Sapagkat ang Kaharian ng Diyos ay isang espirituwal na Kaharian, dapat kang ipanganak dito sa pamamagitan ng espiritu. Dapat mong baguhin ang iyong tirahan mula sa Kaharian ni Satanas patungo sa Kaharian ng Diyos. Ang sabi ni Jesus ay:
Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at
ang ipinanganak ng espiritu ay espiritu
nga.
Huwag kang magtaka sa
aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli. ( Juan 3: 6-7 )
Ipinaliwanag ni Pablo na hindi ka makakapasok sa Kaharian na may katawang makalupa:
Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang
laman at ang dugo ay hindi makapagmamana
ng Kaharian ng Diyos…( I Corinto 15: 50 )
Pumapasok ka sa Kaharian ng Diyos at nagiging tagapagmana ng Kaharian sa pamamagitan ng espirituwal na kapanganakang muli. Upang ikaw ay ipanganak na muli, dapat kang maniwala na si Jesus ay namatay upang pagbayaran ang iyong mga kasalanan.
Dapat mong pagsisihan ang iyong kasalanan, humingi ng tawad, at magtiwala sa Kanya:
Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng
Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya
ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang
hanggan.
Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa
sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan;
kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.
( Juan 3: 16-17 )
( Ang Pagsisisi sa kasalanan at pananampalataya sa Diyos ay tinatalakay sa isang kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang “ Mga Pundasyon ng Pananampalataya.” Kung hindi mo pa tinatanggap ang karanasan ng pagiging born again, hinihimok kong pag-aralan mo ang kursong ito upang ito’y iyong lalong maunawaan.)
Sa pamamagitan lamang ni Jesus posibleng lumipat ka mula sa kaharian ni Satanas patungo sa Kaharian ng Diyos:
(Ang Diyos) Na Siyang nagligtas sa atin sa
kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat
sa atin sa Kaharian ng Anak ng Kanyang pagibig. ( Colosas 1: 13 )
PAGSISISI O REBOLUSYON?
Nang pumarito si Jesus sa sanglibutan upang palaganapin ang Kaharian ng Diyos, ang akala ng iba na kumilala sa Kanya bilang Hari ay itatatag ang Kaharian sa pamamagitan ng rebolusyon. Inakala nila na magkakaroon ng actuwal na pag-aalsa laban sa nakaupong kapangyarihan dito sa mundo. Subalit itinuro ni Jesus na ang susi sa Kanyang Kaharian ay pagsisisi, hindi rebolusyon.
Sumagot si Jesus, Ang Kaharian Ko ay hindi
sa sanglibutang ito: kung ang Kaharian
Ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako’y huwag maibigay sa mga Judio:
ngunit ngayo’y ang Aking Kaharian ay hindi rito. ( Juan
18: 36 )
Pagkatapos ngang
madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral
ang evangelio ng Diyos.
At sinasabi, Naganap
na ang panahon at malapit na ang Kaharian ng Diyos: kayo’y mangagsisi,
at magsisampalataya sa evangelio. ( Marcos 1: 14-15 )
Mula noon ay
nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang Kaharian ng
Langit. ( Mateo 4: 17 )
Nang si Jesus ay mamatay sa krus dalawang magnanakaw ang ipinako sa krus sa tabi Niya. Ang isa sa dalawa ay nagsisi at sinabi:
Jesus, alalahanin Mo ako , pagdating Mo sa
Iyong Kaharian.
At sinabi Niya sa
kanya, Katotohanang sinasabi Ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita
sa Paraiso. ( Lucas 23: 42-43 )
Ang pagsisisi ang tanging daan upang makapasok sa Kaharian ng Diyos.
Nagbabala si Jesus na magkakaroon ng maraming hidwang mga doctrina na nag-aangkin na sila ang tunay na daan sa Kaharian:
Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan:
sapagkat maluwang ang pintuan, at
malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok.
Sapagkat makipot ang
pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon. ( Mateo 7: 13-14 )
May isa lamang daan upang makapasok sa Kaharian at yan ay sa pamamagitan ni Jesucristo.
Nagbabala si Jesus na dapat ay pumasok ka na ngayon sa pintuang patungo sa walang hanggang buhay, sapagkat may araw na ito ay sasarhan:
Magpilit kayong magsipasok sa pintuang
makipot; sapagkat sinasabi ko sa inyo
na marami ang mangagsisikap na
pumasok, at hindi mangyayari.
Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan,
at mailapat na ang pinto, at magpasimula
kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo
kami; at Siya’y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi
ko kayo nangakikilala kung kayo’y taga saan.
( Lucas 13: 24-25 )
Ngayon ay bukas pa ang pintuan ng Kaharian. Makakapasok ka roon sa pamamagitan ng pagsisisi ng iyong kasalanan. Magiging huli na ang lahat sa oras ng paghuhukom ng Diyos sa sanglibutan. Isasara na ang pintuan noon.
TATLONG TALINHAGA TUNGKOL SA
PAGPASOK
May mga talinhaga si Jesus na isinalaysay sa Lucas 15: 1-32. Marami ka pang talinhaga na matututuhan sa kursong ito. Ang mga talinhaga ay mga natural na halimbawa na ginamit ni Jesus upang magpakita ng mga katotohanang espirituwal. Basahin mo ang mga talinhaga sa Lucas 15 tungkol sa nawawalang tupa, nawawalang salapi, at nawawalang anak. Lahat sila ay patungkol sa pagpasok sa Kaharian ng Diyos.
-Ang talinhaga ng pastor na naghahanap ng nawawalang tupa ay nagpapakita kung paanong ang Diyos ay naghahanap ng mga taong nalalayong espirituwal upang ibalik sila sa Kanyang Kaharian.
-Ang talinhaga ng babaeng naghahanap ng nawalang salapi ay nagpapakita ng pagtitiyaga sa paghahanap ng mga nagkasala upang madala sila sa Kaharian.
-Ang talinhaga ng nawawalang anak ay halimbawa ng prisipyo ng pagsisisi na maglalagay sa iyo sa tamang lugar bilang tagapagmana ng Kaharian ng Diyos.
DAGDAG SA PANANAMPALATAYA
Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang Anak na si Jesucristo, ikaw ay makakapasok sa Kaharian ng Diyos:
Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid;
hindi baga pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanglibutang ito upang
maging mayayaman sa pananampalataya, at
mga tagapagmana ng Kahariang
ipinanagko Niya sa mga
nagsisiibig sa Kaniya?
( Santiago 2: 5 )
Ayon kay Apostol Pedro, may mga espirituwal na katangian na dapat mong pagyamanin pagkatapos mong maranasan ang bagong buhay:
Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa
ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi
ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;
At sa kaalaman ay ang
pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;
At sa kabanalan ay ang
mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban
sa kapatid ay ang pagibig.
Sapagkat kung nasa
inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa
pagkakilala sa ating Panginoong
Jesucristo.
Sapagkat yaong wala ng
mga bagay na ito ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa
malapit, sa pagkalimot ng paglilinis ng kanyang dating mga kasalanan.
Kaya, mga kapatid,
lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo; sapagkat kung gawin
ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo
mangatitisod kailan man:
Sapagkat sa gayon ay
ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa Kahariang
walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo. ( II Pedro 1: 5-11 )
Pagkatapos mong pumasok sa Kaharian sa pamamagitan ng pananampalataya, dapat kang mamuhay ayon sa mga prinsipyo ng Kaharian ng Diyos. Kapag hindi mo ito ginawa, madali mong makakalimutan na ikaw ay nilinis na mula sa kasalanan at mababalik ka sa dati mong makasalanang buhay.
Sabi ni Pedro, kung ikaw ay lalagong espirituwal masisiguro ang pagpasok mo sa Kaharian. Sa kursong ito ay matututuhan mo ang mga prinsipyo ng pamumuhay sa Kaharian ng Diyos na magtuturo sa iyo ng paglagong espirituwal.
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kabisado.
________________________________________
________________________________________
2. Kangino ibinigay ang mga susi ng Kaharian?
________________________________________
3. Anu-ano ang mga susi ng Kaharian?
4. Ano ang dapat gawin ng sinomang lilipat mula sa kaharian ni Satanas patungo sa Kaharian ng Diyos?
________________________________________
5. Ano ang sinabi ni Jesus kay Nicodemo na dapat niyang gawin upang makapasok sa Kaharian ng Diyos?
6. Ano ang itinuturo ng mga talata sa II Pedro 1: 5-11? ( Maaari mong gamitin ang iyong Biblia upang basahin ang mga talatang ito).
7. Ano ang kahulugan ng pagtali ng isang bagay?
________________________________________
8. Ano ang kahulugan ng pagkalag ng isang bagay?
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay matatagpuan sa dulo ng kabanatang ito.)
PARA SA DAGDAG
NA PAG-AARAL
Sa naunang kabanata ay pinag-aralan mo ang balangkas ng buhay at mga aral ni Jesus na nakabase sa Hari, sa Kaharian, at sa mga prinsipyo ng Kaharian. Pinagsanib dito ang apat na Evanghelio nila Mateo, Marcos, Lucas, at Juan.
Ngayon ay pag-aaralan mo nang detalyado ang isa sa mga Evangeliong ito. Isinulat sa mga Judio ang aklat ni Mateo, bagamat ito ay para sa lahat ng mananampalataya. Ipinakita ni Mateo si Jesus na Siyang Mesias at binigyang diin niya ang papel ni Jesus bilang Hari ng mga Judio.
Pinahalagahan ni Mateo ang Evangelio ng Kaharian na itinuro ni Jesus. Dahil sa diing ito, ang Mateo ang isa sa pinakamahalagang aklat sa Biblia tungkol sa Kaharian ng Diyos. Ang salitang
“ Kaharian” ay mahigit 50 beses nabanggit sa aklat ni Mateo at ginamit niya ang mga katagang
“ Kaharian ng Langit” sa buong aklat.
Gamitin mo ang balangkas na ito sa iyong pag-aaral ng aklat ni Mateo patungkol sa Hari, sa Kanyang Kaharian, at mga prinsipyo ng Kaharian.
Unang Bahagi: Ang Pinag-angkanan Ng Hari
1: 1-17
I. Pambungad: 1: 1
II. Mga tao sa angkan: 1: 2-16
III. Ang plano ng angkan: 1: 17
Ikalawang Bahagi: Ang Kapanganakan At Pagkabata Ng Hari
1: 18 – 2: 23
I. Ang paglilihi: 1: 18-23
II. Ang Kapanganakan: 1: 24-25
III. Mga pangyayari kaugnay ng kapanganakan: 2: 1-23
A. Ang pagbisita ng mga pantas na lalake at ang plano ni Herodes: 2: 1-12
B. Ang pagtakas sa Egipto: 2: 13-15
C. Ang paghihiganti ni Herodes: 2: 16-18
D. Ang pagbabalik sa tahanan sa Nasaret: 2: 19-23
Ikatlong Bahagi: Paghahanda
3: 1- 4: 11
I. Ang paghahanda sa pagdating ng Hari: 3: 1-17
A. Ang ministeryo at mensahe ni Juan Bautista: 3: 1-12
B. Ang pagbibinyag sa Hari: 3: 13-17
II. Ang paghahanda ng Hari: 4: 1-11
A. Ang Kanyang pagkatao ay inatake ni Satanas: 4: 1-4
B. Ang Kanyang pagkadios ay inatake ni Satanas: 4: 5-7
C. Ang Kanyang pagkaMesias ay intake ni Satanas: 4: 8-11
Ika-Apat na Bahagi: Ang
Ministeryo Ng Hari Sa Galilea
4: 12- 13: 58
I. Isang tawag sa pagsisisi: 4: 12-17
II. Apat na mangingisda tinawag na maging alagad: 4: 18-22
III. Maagang tagumpay at katanyagan: 4: 23-25
IV. Mga prinsipyo ng pag-uugali sa mga mamamayan ng Kaharian: 5:1- 7:28
A. Mga wastong damdamin ng mga mamamayan sa Kaharian: 5: 1-12
B. Ang patotoo ng mga mamamayan sa Kaharian: Ilaw at asin: 5: 13-16
C. Mga prinsipyo ng Kaharian kaugnay ng kautusan at mga propeta: 5: 17-48
1. Ang pangkalahatang batas ng Diyos: 5: 17-20
2. Ang bagong batas: 5: 21- 48
a. Pagpatay: 5: 21-26
b. Pangangalunya: 5: 27-30
c. Paghihiwalay ng mag-asawa: 5: 31-32
d. Pagsumpa: 5: 33-37
e. Pagtrato sa iba: 5: 38-48
D. Ang tatlong pananaw patungkol sa pagsamba sa Kaharian: 6: 1-18
1. Pagbibigay: Pagtingin sa iba: 6: 1-4
2. Pananalangin: Tumingin sa itaas: 6: 5-15
3. Pag-aayuno: Tingnan ang kalooban: 6: 16-18
E. Ang inuuna ng mga mamamayan ng Kaharian: 6: 19-33
1. May kaugnayan sa pagpapahalaga: 6: 19-21
2. May kaugnayan sa paglilingkod: 6: 22-24
3. May kaugnayan sa mga material na pangangailangan
4. Ang wastong pagpapahalaga: Ang Kaharian: 6: 33
F. Wastong paguugali ng mga mamamayan sa Kaharian: 7: 1-29
1. Ang paghatol: 7: 1-5
2. Pagiingat sa mga banal na bagay: 7: 6
3. Pananalangin: 7: 7-12
a. Tatlong uri ng panalangin: Paghingi, pagsaliksik, pagkatok: 7: 7-8
b. Pagkakaiba ng ama sa lupa at Ama sa Langit: 7: 9-11
G. Mahahalagang tagubilin sa mga mamamayan ng Kaharian: 7: 13-29
1. Dalawang pintuan: 7: 13-14
2. Mga bulaang propeta: 7: 15-20
3. Ang katunayan ng lalake ng Diyos: Sumusunod sa Kanyang kalooban:
7: 21-23
4. Ang pagkakaiba ng matalino at mangmang na mga lalake: 7: 24-27
H. Ang pagkamangha sa turo ni Jesus: 7: 28-29
V. Ang kapamahalaan ng Hari: 8: 1- 9: 38
A. Kapamahalaan laban sa sakit: 8: 1-17
1. Pagpapagaling sa ketongin: 8: 1-4
2. Pagpapagaling sa alipin ng Centurion: 8: 5-13
3. Pagpapagaling sa biyenang babae ni Pedro: 8: 14-15
4. Pagpapagaling ng lahat ng uri ng sakit: 8: 16-17
B. Kapamahalaan sa mga alagad: 8: 18-22
C. Kapamahalaan sa kalikasan: 8: 23-24
D. Kapamahalaan laban sa mga demonyo: 8: 28-34
E. Kapamahalaan laban sa kasalanan: 9: 1-8
F. Kapamahalaan sa mga tao: 9: 9-17
1. Ang pagpili kay Mateo: 9: 9
2. Pagkain kasama ng mga makasalanan: 9: 10-13
3. Pagtugon sa hamon: 9: 14-17
G. Kapamahalaan laban sa kamatayan: Ang anak na babae ng pinuno:
9: 18-19, 23-26
H. Kapamahalaan laban sa mga kalagayang pisikal: 8: 20-38
1. Babaeng inaagasan ng dugo: 8: 20-22
2. Pagkabulag: 9: 27-31
3. Pagkabingi at inaalihan ng demonyo: 9: 32-34
4. Ang pagkamahabagin ni Jesus: 9: 35-38
VI. Pinahayo ng Hari: 10: 1-42
A. Ang labindalawang misionero at ang kanilang kapamahalaan: 10: 1-4
B. Mga tagubilin sa paglalakbay: 10: 5-42
1. Saan patutungo: 10: 5-6
2. Ang ministeryo: 10: 7-8
3. Mga material na tagubilin: 10: 9-15
4. Mga espirituwal na tagubilin: 10: 16-42
VII. Mga damdamin patungkol sa Kaharian: 11: 1-30
A. Ang Kahariang di naunawaan: 11: 1-11
B. Ang Kahariang minasama: 11: 12-19
C. Ang Kahariang tinanggihan: 11: 20-24
D. Ang Kahariang tinanggap: 11: 25-30
VIII. Mga pakikipagtalo sa mga Pariseo: 12: 1-14
A. Umaani sa araw ng Sabat: 12: 1-8
B. Nagpapagaling sa araw ng Sabat: 12: 9-13
C. Mga kinahinatnan: 12: 14-21
IX. Ang kasalanang walang kapatawaran: 12: 22-37
X. Ang tugon ni Cristo sa mga kahilingan ng mga Pariseo: 12: 38-45
XI. Ang kahalagahan ng espirituwal laban sa pisikal na mga kaugnayan sa Kaharian:
12: 46-50
XII. Mga talinhaga ng Kaharian: 13: 1-53
A. Talinhaga ng manghahasik: 13: 1-9
B. Kahalagahan ng mga talinhaga: 13: 10-17
C. Kahulugan ng talinhaga ng manghahasik: 13: 18-23
D.Talinhaga ng pangsirang damo: 13: 24-30
E. Talinhaga ng butil ng binhi ng mostasa: 13: 31-32
F. Talinhaga ng lebadura: 13: 33
G. Buod ng mga talinhaga: 13: 34-35
H. Kahulugan ng talinhaga ng pangsirang damo: 13: 36-43
I. Talinhaga ng natatagong kayamanan sa bukid: 13: 44
J. Talinhaga ng mahalagang perlas: 13: 45-46
K.Talinhaga ng lambat: 13: 47-50
L. Mga huling pananalita tungkol sa mga talinhaga: 13: 51-52
XIII. Ang pagtanggap sa Hari sa sariling lupain: 13: 53-58
Ika-Limang Bahagi: Ang
Ministeryo Ng Hari Sa Mga Lupain Ng Galilea
14:1- 18: 35
I. Ang kamatayan ni Juan Bautista: 14: 1-12
II. Ang paghiwalay ni Jesus sa ibayong dagat: 14: 13- 15: 20
A. Pagpapakain sa 5,000: 14: 13-21
B. Ang pagsunod dahil sa tinapay at isda: 14: 22-23
C. Ang paglakad sa ibabaw ng dagat: 14: 24-33
D. Ang paglilingkod sa Genezaret: 14: 34-36
E. Pakikipagtalo sa mga Pariseo at mga Eskriba: 15: 1-20
III. Ang paghiwalay ni Jesus sa lupain ng Tiro at Sidon: 15: 21-28
IV. Ang paghiwalay ni Jesus sa palibot ng Decapolis: 15: 29-38
A. Ministeryo ng pagpapagaling sa tabi ng Dagat ng Galilea: 15: 29-31
B. Ang pagpapakain ng 4,000: 15: 32-38
V. Ministeryo sa lupain ng Magdala: 15: 39- 16: 4
VI. Babala sa mga alagad patungkol sa mga Pariseo at Saduceo: 16: 5-12
VII. Paghiwalay patungo sa Cesarea ni Filipo: 16: 13- 17: 21
A. Pagsubok sa mga alagad: 16: 13-20
B. Pagpapahayag ng Kanyang kamatayan, pagkabuhay na maguli, at muling pagbabalik: 16: 21-28
C. Ang pagbabagong anyo ni Cristo: 17: 1-13
D. Ang pagpapagaling sa lalaking himatayin: 17: 14-21
VIII. Isang maikling pagdalaw sa Galilea: 17: 22- 18: 35
A. Isang paalaala sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na maguli: 17: 22-23
B. Pagbabayad ng buwis sa templo: 17: 24-27
C. Isang aralin tungkol sa pagiging dakila: 18: 1-6
D. Mga babala patungkol sa mga pagsuway: 18: 7-9
E. Talinhaga ng nawawalang tupa: 18: 10-14
F. Pag-aayos ng mga hidwaan ng mga mamamayan sa Kaharian: 18: 15-35
1. Paano mag-ayos ng mga hidwaan: 18: 15-17
2. Ang mga katungkulan at karapatan ng mga mamamayan sa Kaharian:
18: 18-20
3. Isang tanong tungkol sa kapatawaran: 18: 21-22
4. Ang Hari at ang mga may utang sa Kanya: 18: 23-35
Ika-Anim: Ang Ministeryo Ng Hari Sa Perea
19: 1- 20: 34
I. Pagpapagaling ng maraming tao sa Judea: 19: 1-2
II. Mga tanong patungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa: 19: 3-12
III. Mga bata ay pinagpala ni Jesus: 19: 13-15
IV. Ang pakikipag-usap sa mayaman at batang pinuno: 19: 16-22
V. Ang kasamaang dulot ng kayamanan: 19: 23-30
VI. Talinhaga ng puno ng sangbahayan: 20: 1-16
VII. Ang nalalapit na kamatayan at pagkabuhay na maguli: 20: 17-19
VIII. Isang makasariling kahilingan ng isang ina: 20: 20-28
IX. Dalawang bulag na lalake, pinagaling malapit sa Jerico: 20: 29-34
Ika-Pito: Ang Huling Linggo
Ng Hari
21: 1- 27: 31
I. Marangal na pagpasok sa Jerusalem: 21: 1-11
II. Paglilinis sa templo: 21: 12-17
III. Sinumpa ang puno ng igos: 21: 18-22
IV. Ang kapamahalaan ni Jesus ay hinamon: 21: 23-32
V. Talinhaga ng masamang puno ng sangbahayan: 21: 33-46
VI. Talinhaga ng handaan sa kasal: 22 : 1-14
VII. Sinubukang siraan si Jesus: 22: 15-45
A. Tanong tungkol sa pagbabayad ng buwis kay Cesar: 22: 15-22
B. Tanong patungkol sa pagkabuhay na maguli: 22: 23-33
C. Tanong patungkol sa dakilang utos: 22: 34-40
D. Mga tanong ni Jesus: 22: 41-46
VIII. Mga pagtatalo tungkol sa mga eskriba at mga Pariseo: 23: 1-39
A. Nagkukunwaring may kapangyarihan sa relihiyon: 23: 1-3
B. Naguutos ng mabibigat na pasan: 23: 4
C. Nais nila ng papuri ng tao: 23: 5- 7
D. Mga payo sa mga alagad: 23: 8-12
E. Mga kahatulan sa mga escriba at Pariseo: 23: 13-36
F. Ang pagtangis para sa Jerusalem: 23: 37-39
IX. Ang darating na Kaharian: 24: 1- 25: 46
A. Ang pagkawasak ng templo: 24: 1-2
B. Mga tanda ng wakas: 24: 3- 14
C. Panahon ng kapighatian: 24: 15-22
D. Ang pagbabalik ni Jesus: 24: 23-31
E. Talinhaga ng puno ng igos: 24: 32-35
F. Ang araw ng Panginoon: 24: 36-41
G. Ang utos upang magbantay: 24: 42-51
H. Mga talinhaga tungkol sa pagwawakas ng panahon: 25: 1-46
1. Ang sampung dalaga: 25: 1-13
2. Ang mga talento: 25: 14-30
3. Ang mga tupa at mga kambing: 25: 31-46
X. Mga pangyayari bago ipako si Jesus sa krus: 26: 1 – 27: 31
A. Pahayag ng nalalapit na kamatayan: 26: 1-2
B. Ang planong patayin si Jesus: 26: 3-5
C. Pagbubuhos ng pabango bilang paghahanda sa Kanyang libing: 26: 6-13
D. Nakipagkasundo si Judas na ipagbili si Jesus: 26: 14-16
E. Ang Huling Hapunan: 26: 17-29
1. Paghahanda sa Paskua: 26: 17- 19
2. Ang Huling Hapunan: 26: 20-29
3. Ang babala ni Jesus at ang pagyayabang ni Pedro: 26: 30-35
F. Getsemani: 26: 36- 46
G. Ang pagkakanulo at ang paghuli: 26: 47-56
H. Ang mga paglilitis kay Jesus: 26: 57 – 27: 26
Ika-Walo: Ang Kamatayan At
Pagtatagumpay Ng Hari
27: 27 – 28: 20
I. Ang pagpako sa krus at ang paglilibing: 27: 27-66
A. Ang pagtuya ng mga sundalo: 27: 27- 31
B. Ang daan patungo sa Kalbaryo: 27: 32
C. Ang kamatayan sa Kalbaryo: 27: 33-50
D. Mahimalang mga pangyayari: 27: 51-54
E. Mga matapat na kababaihan: 27: 55-56
F. Ang paglilibing: 27: 57-61
G. Ang pagbabantay sa libingan: 27: 62-66
II. Ang pagkabuhay na maguli: 28: 1-15
III. Ang Dakilang Utos: 28: 16-20
IKA-LIMANG KABANATA
PINALAYAS SA KAHARIAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kabisado.
- Ipakita ang mga talata sa Biblia na naglilista ng mga kasalanan na pipigil sa iyong
pagpasok sa Kaharian ng Diyos.
- Anu-ano ang mga kasalanan na pumipigil sa iyong pagpasok sa Kaharian ng Diyos?
-Magbigay ng referensiya sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano maaalis ang mga
kasalanan na pipigil sa iyong pagpasok sa Kaharian.
SUSING TALATA:
Hindi ang bawat nagsasabi sa akin,
Panginoon, Panginoon, ay papasok sa Kaharian
ng Langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. ( Mateo 7: 21 )
PAMBUNGAD
Sa natapos na kabanata ay natutuhan mo ang mga susing espirituwal na nagtuturo sa iyo kung paanong pumasok sa Kaharian ng Diyos. Ang kabanatang ito naman ay nagtuturo ng mga bagay na pipigil sa iyong pagpasok sa Kaharian ng Diyos. Tinutukoy dito ang kahindik-hindik na katotohanang ang ilang mga tao ay palalayasin mula sa Kaharian.
PINALAYAS SA KAHARIAN
Marami ang nag-aangkin na sila ay bahagi ng Kaharian ng Diyos subalit hindi naman sila taga Langit. Itinuturo ng Biblia na ang Kaharian ay puno ng mabuting binhi, at ang pansirang damo ay mula sa masamang binhi:
At ang bukid ay ang sanglibutan; at ang
mabuting binhi, ay ito ang mga anak ng Kaharian;
at ang mga pangsirang damo ay ang mga anak ng masama;….
….Susuguin ng Anak ng
tao ( si Jesus) ang Kanyang mga anghel, at Kanyang titipunin sa labas ng Kanyang Kaharian ang lahat ng mga
bagay na nangakapagpapatisod,
at ang nagsisigawa ng katampalasanan,
At sila’y igagatong sa
kalan ng apoy; diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
Kung magkagayo’y
mangagliliwanang ang mga matuwid na katulad ng araw sa Kaharian ng kanilang Ama….( Mateo 13: 38-43 )
Sa ngayon maraming mga nag-aangkin na sila ay naninirahan sa Kaharian subalit namumuhay pa rin sa kasalanan. Darating ang araw ng paghuhukom kung saan ihihiwalay ng Diyos ang mga ito mula sa tunay na taga Langit. Ang masasama ay palalayasin sa Kaharian ng Diyos.
Inihalintulad din ng Biblia ang Kaharian sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakalikom ng maraming uri ng isda:
Tulad din naman ang Kaharian ng Langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na nakahuli ng sari-saring isda:
Na, nang mapuno, ay
hinila nila sa pampang; at sila’y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwat
itinapon ang masasama.
Gayon din ang
mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid.
At sila’y igagatong sa
kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. ( Mateo 13: 47-50 )
Sinasabi ng Biblia na darating ang araw na:
….Marami ang
magsisipanggaling sa silanganan at sa kanluran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at
ni Jacob, sa Kaharian ng Langit. ( Mateo 8: 11 )
Subalit nagbabala si Jesus na:
Diyan na nga ang pagtangis, at ang
pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita
ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa Kaharian ng Diyos, at
kayo’y palabasin. ( Lucas 13: 28 )
Bago itinatag sa huling
pagkakataon ang Kaharian, haharap sa paghuhukom ng Diyos ang lahat ng tao, sila
na nadatnang buhay ni Jesus at sila na nangamatay na:
Ipinagbibilin ko sa
iyo sa paningin ng Diyos, at ni Cristo Jesus, na Siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng
Kanyang pagpapakita at sa
Kanyang Kaharian. ( II Timoteo 4: 1 )
Sa huling paghuhukom magkakaroon ng paghahati ang lahat ng tao. Ang iba ay papapasukin sa Kaharian at ang iba ay itataboy:
Datapwat pagparito ng Anak ng tao na nasa
Kanyang kaluwalhatian, na kasama
Niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok Siya sa luklukan ng Kanyang kaluwalhatian:
At titipunin sa harap
Niya ang lahat ng mga bansa: at sila’y pagbubukdinbukdin na gaya ng pagbubukodbukod ng mga
pastor sa mga tupa at sa mga kambing;
At ilalagay Niya ang
mga tupa sa Kanyang kanan, datapwat sa kaliiwa ang mga kambing.
Kung magkagayo’y
sasabihin ng Hari sa nangasa Kanyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng Aking Ama, manahin ninyo ang
Kahariang nakahanda sa inyo
buhat nang itatag ang sanglibutan. (
Mateo 25: 31-34 )
ANG PAGKAKAROON NG
PERMANENTENG TIRAHAN
Sapagkat ipinakita ng Biblia na ang iba ay palalayasin sa Kaharian, mahalagang maunawaan mo kung paanong magkakaroon ng permanenteng tirahan sa Kaharian ng Diyos. Sabi ni Jesus:
Hindi ang bawat nagsasabi sa akin,
Panginoon, Panginoon, ay papasok sa Kaharian
ng Langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa Langit. ( Mateo 7: 21 )
Ang pagkilala na si Jesus ay Panginoon ay hindi sapat para manatili kang permanente sa Kaharian ng Diyos. Hindi sapat ang pangako sa bibig lamang ayon kay Jesus. Dapat mong sundin ang kalooban ng Ama.
Kalooban ng Diyos na ikaw ay magsisi ng iyong kasalanan at tumanggap kay Jesucristo bilang iyong Tagapagligtas.
Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa
Kanyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba;
kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig
na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. ( II Pedro 3: 9 )
Matapos mong tanggapin si Jesus na Tagapagligtas, dapat mong sundin ang kalooban ng Panginoon. Dapat kang mamuhay ayon sa mga prinsipyo ng Kaharian na iyong pinasukan. Ang mga prinsipyong ito ay ipaliliwanag pa sa kursong ito.
Ang pagtira sa Kaharian ng Diyos ay higit pa sa pangakong pasalita. Nangangailangan ito ng pagbabago sa iyong pag-iisip at gawa. Dapat ay magkaroon ka ng bagong uri ng pamumuhay na naaayon sa mga prinsipyo ng Kaharian ng Diyos.
Ang kahalagahan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos ay binigyang diin sa pamamagitan ng isang kuwento ni Jesus sa Mateo 21: 28-32. Basahin mo ang kuwentong ito sa iyong Biblia. Ipinakikita na ang personal na pagtugon sa Evenghelio ay kinakailangan. Ang pangako sa salita ay hindi sapat. Dapat kang gumawa ng desisyon.
MGA KASALANANG PUMIPIGIL SA
PAGPASOK SA KAHARIAN
Ang kasalanan ay pumipigil sa pagpasok sa Kaharian ng Diyos. Ang kasalanan ay pagsuway sa kautusan ng Diyos:
Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay
sumasalangsang din naman sa kautusan:
at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan. ( I Juan 3: 4 )
Maraming kasalanan ang binbanggit sa Bagong Tipan. May kumpletong listahan ng mga kasalanang ito sa isang kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na Mga Pundasyon Ng Pananampalataya.
Dalawang bahagi ng Biblia ang nagsasabi ng mga kasalanang pumipigil sa pagpasok sa Kaharian ng Diyos:
O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga
liko ay hindi magsisipagmana ng Kaharian
ng Diyos? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga
mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni
ang mga mapakiapid sa kapwa lalake,
Ni ang mga magnanakaw,
ni ang mga masasakim, ni ang mga manlalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng Kaharian
ng Diyos. ( I Corinto 6: 9- 10 )
At hayag ang mga gawa
ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
Pagsamba sa
diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho,mga
pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
Mga kapanaghilian, mga
paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito;
tungkol sa mga bagay na ito ay
aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa
ng gayong mga bagay ay hindi
magsisipagmana ng Kaharian ng Diyos.
( Galacia 5: 19-21 )
Ang ibang kasalanan ay nakalista
sa dalawang sitas ng Kasulatang ito, at bawat sitas ay naglalaman ng mga
kasalanang hindi nakalista sa isang referennsiya. Ang mga sumusunod na mga kasalanan ay nabanggit sa Corinto at sa
Galacia:
KALIKUAN:
Sa unang listahan sa aklat ng Corinto ang talata ay nagsasabi ng ang mga liko ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos. Inulit ito sa Galacia. Tinawag ito sa Galacia na “karumihan” na ang ibig sabihin ay imoral.
May mga sistema sa ibang bansa kung paanong ang pag-aari ng isang taong namatay ay maililipat sa iba. Ang mga taong pagbibigyan nito ay tinatawag na tagapagmana. Kung ikaw ay tagapagmana ng isang bagay, ibig sabihin nito ay sa iyo mapupunta ang bagay na ito. Subalit bago mo matanggap ito, kailangang matupad mo ang mga hinihiling ng batas patungkol dito. Ikaw ay dapat tunay na tagapagmana ayon sa batas ng bansang yaon.
Ikaw ay tagapagmana ng Kaharian ng Diyos. Ginawa kang tagapagmana ni Jesus nang Siya’y namatay sa krus. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan para sa iyong kasalanan, makapapasok ka sa Kaharian ng Diyos. Subalit para ikaw ay maging tunay na tagapagmana, dapat ikaw ay pinatawad na sa iyong mga kasalanan sa nakaraan, magtiwala ka kay Jesus na babaguhin Niya ang iyong pamumuhay, pag-iisip, mga kilos at gawa, at magpasimulang mamuhay ng banal. Ito ang mga hinihiling ng Banal na Kasulatan.
Ang kahulugan ng salitang “ matuwid” ay makatarungan, wasto, at banal. Ibig sabihin nito ay ang buhay mo ay naaayon sa kalooban ng Diyos ayon sa Kanyang Salita na may kabanalan sa pag-iisip, salita, at gawa.
Ang katuwiran ay hindi makakamtan sa pagsunod sa kahit anong batas. Makakamtan lamang ito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Ang taong nagtitiwala kay Jesus ay “nagiging matuwid sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos” sa kanya. Siya ay nagiging tulad ng ninanais ng Diyos na hindi niya kayang abutin sa sarili niyang pagsisikap:
Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay
Kanyang inaring may sala dahil sa atin;
upang tayo’y maging sa Kaniya’y
katuwiran ng Diyos. (II Corinto 5:21)
Ang mga eskriba at Fariseo, mga pinuno ng relihiyon sa panahon ng ministeryo ni Jesus sa lupa, ay nagsumikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tradisyon ng relihiyon. Subalit nagbabala si Jesus:
….Kung hindi hihigit ang inyong katuwiran
sa katuwiran ng mga eskriba at mga
Fariseo, sa anomang paraan ay
hindi kayo magsisipasok sa Kaharian ng Langit.
( Mateo 5: 20 )
Sinabi ni Jesus sa mga pinuno ng relihiyon:
…Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo,
mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang Kaharian ng
Langit laban sa mga tao; sapagkat kayo’y hindi na
nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. ( Mateo 23: 13 )
Sinuman ang umaasa sa relihiyon,
mga tradisyon, at mga batas upang makaabot sa katuwiran ay tulad ng mga eskriba
at mga Fariseo. Ang mga ito ay hindi tunay na katuwiran. Panlabas na pagsunod
lamang sa mga batas ang ginagawa nila imbes na panloob na pagbabago ng puso.
Kung sila ay nagtuturo na ang pagsunod sa mga tradisyon ang pagkamit ng
katuwiran, sa gayo’y sila ang pumipigil na makapasok ang iba sa Kaharian.
Ang mga salitang “ kalikuan” at “karumihan” ay sumasakop sa lahat ng kasalanan. Bagama’t lahat ng kasalanan na nakalista sa Salita ng Diyos ay hindi nabanggit sa aklat ng Galacia at Corinto, itong dalawang salitang ito ay sakop ang lahat ng kasalanan. Sinuman ang namumuhay sa kasalanan ay hindi makakapasok sa Kaharian.
Pansinin na ang sitas sa Corinto ay nagbabala na “ huwag kang magpadaya.” Kung maniwala ka na maaari kang mamuhay ayon sa nais mo at makapasok ka sa Kaharian ng Diyos, ito ay isang pangdaraya at kasinungalingan ni Satanas.
NAKIKIAPID:
Ang pakikiapid ay pakikipagtalik ng dalawang tao na hindi kasal. Kasama na rito ang pangangalunya, na pakikipagtalik ng taong may asawa sa isang hindi niya asawa.
Kasama rin dito ang pakikipagtalik ng dalawang magkatulad ang kasarian at pakikipagtalik sa malapit na kamag-anak.
MANANAMBA SA DIOSDIOSAN:
Ito ay pagsamba sa mga diosdiosan. Hindi lamang ito pagsamba sa mga imahen na yari sa bato, kahoy, o mahahalagang hiyas. Ang idolo ay anumang bagay na mas mahalaga sa atin kaysa Diyos.
Ang mga mananamba sa diosdiosan ay yaong sumasamba sa mga imagen o anumang bagay liban sa tunay na Diyos. Ang pagsamba sa diosdiosan ay ang hindi pagkilala sa wastong dako ng Diyos sa iyong buhay.
MANGANGALUNYA:
Ang pangangalunya ay pakikipagtalik ng taong may asawa sa hindi niya asawa.
MANLALASING:
Sa aklat ng Galacia ang kasalanang ito ay tinawag na paglalasing. Apectado ang pag-iisip at pisikal na kalagayan ng isang taong umiinom ng mga matatapang na inumin, kadalasa’y may alkohol.
NAKIKIAPID SA KAPWA LALAKE:
Hindi lamang ito patungkol sa lalake na nakikipagtalik sa kapwa lalake, kundi pati sila na gumagawa ng imoral na kasalanan sa laman.
INAABUSO ANG KANILANG SARILI
SA IBA:
Ang kahulugan ng abuso ay pagsasamantala. Ang mga taong “inaabuso ang kanilang sarili sa iba” ay nakikipagtalik sa maling paraan o sa hindi nila asawa. Dahil dito, inaabuso nila ang kanilang katawan.
MGA MAGNANAKAW:
Ito ang mga taong nagnanakaw. Kinukuha nila ang mga gamit ng iba nang walang pahintulot o hindi alam ng may-ari. Sila ay tinatawag rin na kawatan.
MGA SAKIM:
Kapag ikaw ay nagnasa ng isang bagay, na gusto mong kunin ang pag-aari ng iba, ito ay kasakiman at pag-iimbot. Maaari mong nasain ang salapi, pag-aari, posisyon, o kapangyarihan ng iba. Maaari mo ring nasain ang asawa ng iba.
MGA MANLULUPIG:
Ang panlulupig ay ang pagkuha ng isang bagay sa pamamagitan ng puwersa, o pilitin ang iba na mapasa iyo ang isang bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan mo sa kanila.
MAPAGTUNGAYAW:
Ang taong mapagtungayaw ay nagsasalita ng masama laban sa iba, o sumasagot sa kausap sa isang hindi maayos na paraan.
Ang sumusunod na mga kasalanan ay matatagpuan lamang sa aklat ng Galacia:
KALIBUGAN:
Ang kalibugan ay kasalanan ng damdaming makalaman, malaswa, marumi, at kahiya-hiyang asal.
PANGKUKULAM:
Ang kasalanang ito ay ginagawa ng mga mangkukulam, mga magikero, astrologo, voodoo, paggamit ng mga bulong at orasyon, at mga gamot na panggayuma. Kasama rito ang lahat ng mga gawain at pagsamba kay Satanas.
PAGTATANIM O PAGKAMUHI:
Ang pagkamuhi ay ang kabaliktaran ng pagibig. Ito ay masidhing pagkagalit sa isang tao.
PAGTATALO:
Ito ay kasalanan ng pag-aaway, hindi pagkakasundo, at paghihiwalay ng damdamin.
PANINIBUGHO:
Ang paninibugho ay isang pagnanais na tularan ang iba upang sila ay makapantay o mahigtan. Ito ay isang espiritu ng kompetensiya at isang uri ng pagseselos.
PAG-AALITAN:
Matinding galit na nagdudulot ng karahasan.
PAGKAKAMPI-KAMPI:
Pag-aaway, pakikipagtunggali, o alitan.
PAGKAKABAHA-BAHAGI:
Nagsusulsol upang magkaroon ng kaguluhan, pagkakahati ng damdamin, at ligalig.
HIDWANG PANANAMPALATAYA:
Ito ay mga paniniwala na kontra sa Salita ng Diyos. Ito ay mga pansariling opinion na lihis at nagbubunga ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia.
KAPANAGHILIAN:
Ito ay pagseselos dahil sa tagumpay ng iba; pagdaramdam dahil sa pinansyal, espirituwal, o materyal na pagpapala na wala sa kanya.
PUMAPATAY:
Ito ay pinagplanuhang pagkitil ng
buhay ng kapwa at sinadya. Hindi kasali rito ang pagtatanggol sa sarili o
nakapatay dahil sa aksident.
KALAYAWAN:
Mahilig sa mga makamundong pamumuhay; maingay, malikot, at maharot.
DI PINAYAGANG MAKAPASOK
Dagdag sa listahan ng mga kasalanang tinukoy na, may ilan pang mga bagay na binanggit sa Biblia na nagiging dahilan ng hindi pagkapasok sa Kaharian:
ANG LAMAN AT ANG DUGO:
Nagbabala si Pablo:
Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang
laman at ang dugo ay hindi makapagmamana
ng Kaharian ng Diyos; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan. ( I Corinto 15: 50 )
Ito ay nagbabalik doon sa mga susi sa Kaharian na tinalakay sa nagdaang kabanata. Ang Kaharian ng Diyos ay isang espirituwal na Kaharian. Hindi ka maaaring pumasok doon sa iyong lupang katawan. Tulad ng sinabi sa nagdaang kabanata, ikaw ay dapat gumawa ng pagpapasiya na pumasok sa Kaharian sa pamamagitan ng pangalawang kapanganakan:
Sumagot si Jesus at sa kanya’y sinabi, Katotohan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng Kaharian ng Diyos.
… Maliban na ang tao’y
ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa Kaharian ng Diyos. ( Juan 3: 3 at 5 )
Sapagkat sa gayon ay
ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa Kahariang
walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesuscristo. ( II Pedro 1: 11 )
KULANG SA PANANAMPALATAYANG
TULAD SA MALIIT NA BATA:
Sinabi ni Jesus:
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang
kayo’y magsipanumbalik, at maging
tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa Kaharian ng Langit. ( Mateo 18: 3 )
Katotohanang sinasabi
ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng Kaharian
ng Diyos na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan. ( Marcos 10: 15 )
Mahalaga na matulad sa isang maliit na bata upang makapasok sa Kaharian ng Diyos. Hindi ang ibig sabihin nito ay kikilos ka at mag-iisip na parang bata, kung paanong ang kapanganakang muli ay hindi nangangahulugang ikaw ay papasok na muli sa bahay-bata ng iyong ina. Ang kahulugan nito ay papasok ka sa Kaharian sa pamamagitan ng pananampalataya tulad ng maliit na bata. Kung hindi ganoon, ay hindi ka makakapasok sa Kaharian.
MGA KAYAMANAN:
Sa isang pagtitipon sa ministeryo ni Jesus dito sa lupa, may isang pinuno na nagsabi sa Kanya na nais niyang sumunod kay Jesus bilang isang alagad. ( Basahin mo ang kuwentong ito sa Lucas 18: 18-25 ). Ang pinunong ito ay matuwid, subalit sinabi ni Jesus…
Isang bagay pa ang kulang sa iyo: ipagbili
mo ang lahat mong tinatangkilik, at
ipamahagi mo sa mga dukha, at
magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at
pumarito ka, sumunod ka sa
akin.
Datapwat nang marinig
niya ang mga bagay na ito, siya’y namanglaw na lubha; sapagkat siya’y totoong mayaman. ( Lucas 18: 22- 23 )
Pinili ng mayamang pinuno na hindi sumunod kay Jesus sapagkat mas mahalaga sa kanya ang kanyang kayamanan kaysa sa Panginoon…
At sa pagmamasid sa kanya ni Jesus ay
sinabi, Pagkahiraphirap na makapasok sa Kaharian
ng Diyos ang mga may kayamanan! ( Lucas 18: 24 )
At lumingap sa Jesus
sa palibotlibot, at sinabi sa Kanyang mga alagad, Kay hirap na
magsipasok as Kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan!
At nangagtaka ang mga
alagad sa Kaniyang mga salita. Datapuwat si Jesus ay muling sumagot at nagsabi sa kanila, Mga anak, kay hirap
na magsipasok sa Kaharian ng
Diyos ang mga magsisiasa sa mga kayamanan!
Magaan pa sa isang
kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang mayaman
ang pumasok sa Kaharian ng Diyos. ( Marcos 10:
23- 25 )
Hindi ibig sabihin ni Jesus na ang kayamanan ang pipigil sa pagpasok ng tao sa Kaharian. Ang pagibig sa kayamanan ang makakapigil sa pagpasok ng tao sa Kaharian sapagkat…
…ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng
uri ng kasamaan…
( I Timoteo 6: 10 )
Kung ang kayamanan ay mas mahalaga pa kaysa pagsunod kay Jesus, ito ang pumipigil sa atin sa pagpasok sa Kaharian.
ANG LUNAS SA KASALANAN
Kung ikaw ay nagkasala, isa lamang ang lunas nito: Kapatawaran sa pamamagitan ni Jesucristo. Ang sabi ni Pablo:
At ganyan ang mga ilan sa inyo: ngunit
nangahugasan na kayo, ngunit binanal na
kayo, ngunit inaring-ganap na kayo sa Pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating
Diyos. ( I Corinto 6: 11 )
Kahit ano ang nagawa mo sa nakaraan, kahit ano ang ginagawa mo sa ngayon, ikaw ay patatawarin:
Kung sinasabi nating tayo’y walang
kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili,
at ang katotohanan ay wala sa
atin.
Kung ipahahayag natin
ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin
sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
( I Juan 1: 8 - 9 )
Kung ikaw ay nilinis mula sa lahat ng kalikuan, ikaw ay pinatawad na sa lahat ng kasalanan na pumipigil sa pagpasok sa Kaharian ng Diyos.
DUKITIN MO:
Buksan mo ang iyong Biblia sa Marcos 9: 43-48. Itinuturo ni Jesus dito na kung ang iyong kamay o paa ay makapagpapatisod sa iyo, putulin mo ito.Ang sabi pa Niya, kung ang iyong mata ay makapagpapatisod sa iyo, dukitin mo ito.
At kung ang mata mo’y makapagpapatisod sa
iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa
iyo ang pumasok sa Kaharian ng
Diyos na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno. ( Marcos 9: 47 )
Ang ibig sabihin ni Jesus ay alisin mo sa iyong buhay ang anumang bagay na magiging sanhi ng iyong pagkakasala. Kahit na ito ay napakahalaga sa iyo, kailangan itong alisin. Ginamit Niya ang halimbawa ng kamay, paa, at mata. Sa natural, ang mga ito ay mahahalagang bahagi ng katawan. Subalit sabi ni Jesus, kung ito ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, mas mabuti pang tanggalin ito kaysa maging sagabal sa iyong pagpasok sa Kaharian.
Walang anuman… kasalanan,
kalayawan, o pag-aari na hindi sulit iwaksi upang ikaw ay huwag mapalayas sa
Kaharian.
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kabisado.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Maglista ng dalawang tiyak na mga kasalanan na pipigil sa iyong pagpasok sa Kaharian ng Diyos.
_________________________________ at
___________________________________
3. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Kung ang pangungusap ay totoo, isulat ang T sa puwang sa unahan nito. Kung ito ay mali, isulat ang M sa puwang sa unahan nito.
a._____ Kung ikaw ay mayaman, hindi ka maaaring pumasok sa Kaharian ng Diyos.
b._____ Ang laman at dugo ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.
c._____ Sinabi ni Jesus na dapat mong alisin ang anumang bagay na maaaring pumigil sa iyong pagpasok sa Kaharian.
d._____ Sinabi ni Jesus na ikaw ay dapat maging tulad ng isang batang maliit upang ikaw ay makapasok sa Kaharian ng Diyos.
e.______ Kailangan mong tanggapin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas upang ikaw ay makapasok sa Kaharian ng Diyos.
f.______ Ang dapat mo lang sabihin ay “ Si Jesus ay Diyos” at ikaw ay siguradong
makakapasok sa Kaharian ng Diyos.
g.______Magkakaroon ng paghuhukom sa huling araw at ang ibang tao ay palalayasin
mula sa Kaharian.
4. Magbigay ng sitas sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano maaalis ang kasalanan na pumipigil sa iyong pagpasok sa Kaharian ng Diyos.
5. Basahin ang listahan ng mga kasalanan na pumipigil sa iyong pagpasok sa Kaharian sa Unang Hanay. Pagkatapos ay basahin ang mga katuturan nito sa Pangalawang Hanay. Isulat ang bilang ng tamang katuturan sa puwang sa harap ng kasalanang tinutukoy. Sundin ang sampol sa unang bilang.
Unang Hanay Pangalawang
Hanay
2 a. Kalikuan 1. Makamundong pamumuhay; maharot at maingay.
___b. Nakikiapid 2. Sakop dito ang lahat ng kasalanan.
___c. Mananamba sa
diosdiosan 3. Nagseselos sa tagumpay ng iba.
___d. Mangangalunya 4. Kitlin ang buhay ng iba.
___e. Manlalasing 5. Pagtatalik ng dalawang hindi mag-asawa.
___f. Nakikiapid sa
kapwa lalake 6. Naapektuhan ng inuming may alkohol.
___g. Inaabuso ang sarili 7. Mga taong kumukuha ng gamit ng iba.
___h. Mga magnanakaw 8. Magsalita ng masama patungkol sa iba.
___i. Sakim 9. Sumasamba sa mga diosdiosan.
___j. Manlulupig 10. Lalakeng nagpaparaos ng kalibugan.
___k Mapagtungayaw 11. Nakikipagtalik sa hindi niya asawa.
___l. Kalibugan 12. Inaabuso ang sariling katawan.
___m.Pangkukulam 13. Nagnanasang mapasakanya ang pag-aari ng iba.
___n. Mapagtanim 14. Pagkuha ng isang bagay na may puwersa.
___o. Pagtatalo 15. Makasalanang damdamin at magaspang na ugali.
___p. Paninibugho 16. Matinding galit.
___q. Pag-aalitan 17. Mga paniniwalang salungat sa Salita ng Diyos.
___r. Pagkakampi-kampi 18. Pagkamuhi.
___s. Pagkakabaha-bahagi 19. Alitan, hidwaan.
___t. Hidwang
pananampalataya 20. Pagnanais na gayahin ang iba upang sila’y mahigtan.
___u. Kapanaghilian 21. Magbangay, mag-away.
___v. Pumapatay 22. Panunulsol upang magkaroon ng kaguluhan at ligalig.
___w.Kalayawan 23. Nangkukulam.
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa dulo ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG
NA PAG-AARAL
Pag-aralan ang mga referensiya tungkol sa Kaharian ng Diyos at ibigay ang buod ng mga prinsipyo ng Kaharian ayon sa aklat ni Marcos:
Marcos:
1: 14- 15
3: 24
4: 11, 26, 30
________________________________________
9: 1, 47
10: 14-15, 23-25
________________________________________
11: 9-10
13. 8
________________________________________
14: 25
________________________________________
15: 43
________________________________________
IKA-ANIM NA KABANATA
MGA HUWARAN AT MGA PRINSIPYO:
ISANG PANIMULA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
- Isulat ang susing talata na kabisado.
- Ibigay ang katuturan ng salitang “ huwaran.”
- Ibigay ang katuturan ng salitang “ prinsipyo.”
- Ipaliwanang ang ibig sabihin ng “Huwaran ng Biblia.”
- Ipaliwanag ang ibig sabihin ng “ Prinsipyo ng Biblia.”
- Ipaliwanang ang kahulugan ng “ Mga huwaran at prinsipyo ng Kaharian.”
SUSING TALATA:
Lahat ng ito’y, sabi ni David, aking
malaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon,
sa makatuwid baga’y lahat ng gawain sa anyong ito.
( I Cronica 28: 19 )
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata ay napag-aralan mo ang mga susing espirituwal na magpapapasok sa iyo sa Kaharian ng Diyos. Kung ikaw ay titira sa Kaharian ng Diyos dapat mong malaman ang mga huwaran at prinsipyo sa pamumuhay sa Kaharian. Katulad ito ng pag-aaral ng pamumuhay sa isang bagong bansang iyong nilipatan.
Sa Biblia nasusulat ang mga huwaran at prinsipyo na sinusunod sa Kaharian ng Diyos. Bago mo pag-aralan ang mga prinsipyong ito sa mga sumusunod na kabanata, kailangang matutuhan mo muna ang kahalagahan nito.
MGA HUWARAN AT MGA PRINSIPYO
Ang huwaran ay modelo ng isang bagay na ginawa upang gayahin. Halimbawa, sa Kanluran ang mga damit ay nililikha mula sa mga padron. Ang padron ay inilalagay sa ibabaw ng tela at ang tela ay ginugupit ayon dito. Maraming damit ang nagagawa mula sa isang padron, at silang lahat ay pare-pareho sapagkat ang mga ito ay galing sa isang huwaran.
Ang prinsipyo ay isang katotohanan, pamamaraan, o batas na pinagbabatayan ng gagawin. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may mga kaagapay na maliliit na katotohanan. Ang mababang katotohanan ay kaugnay ng pangkalahatang katotohanan. Halimbawa, ang pangunahing prinsipyo ng konstitusyon ng Estados Unidos ay ang kalayaang magpahayag ng damdamin. Ang mababang katotohanan noon ay ang karapatang sumulat at magsalita nang malaya, magtipuntipon, at magpahayag ng mga paniniwala.
MGA HUWARAN AT MGA PRINSIPYO
MULA SA BIBLIA
Ang huwaran ng Biblia ay isang espirituwal na modelo na ibinigay sa Kasulatan upang gayahin. Halimbawa, ang buhay ni Jesucristo ay ibinigay bilang isang huwaran o modelo para sundin ng mga mananampalataya.
Ang prinsipyo ng Biblia ay isang espirituwal na katotohanan na itinuturo sa Banal na Kasulatan. Ang mga prinsipyong ito ay may mga dagdag na mas mabababang prinsipyo na maaaring gamitin sa iba’t-ibang mga pagkakataon. Halimbawa, isang prinsipyong itinuro ni Jesus ay “Magbigay ka at ikaw ay tatanggap.” Ang mababang katotohanang napapaloob dito ay pagbibigay ng salapi, mga bagay na material, pagkakaibigan, atbp. Sa bawat isa nitong halimbawa, may espirituwal na pakinabang kang tatanggapin dahil sa iyong pagiging mapagbibigay.
ANG KAHALAGAHAN NG MGA
HUWARAN AT MGA PRINSIPYO
Basahin mo ang Ezekiel 43: 7-12. Ang bahaging ito ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga huwaran at mga prinsipyo. Nagtatag ang Diyos ng mga tiyak na huwaran upang sundin ng bansang Israel. Kasama rito ang espirituwal na huwaran ng pag-uugali at mga padron para sa bahay sambahan.
Subalit nagtayo ang Israel ng sarili nilang huwaran. Yaon ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang “nagtayo sila ng sarili nilang pintuan sa tabi ng pintuan Ko” at “ng sarili nilang mga poste sa tabi ng Aking poste.” Sapagkat gumawa ng sariling padron o huwaran ang Israel, nagtayo sila ng pader na naghiwalay sa kanila at sa Diyos. Ito ang nagpatigil ng pagdaloy ng kapangyarihan ng Diyos sa kanila. Hindi na naging katanggap-tanggap ang kanilang pagsamba sa harap ng Diyos.
Pinagsabihan sila ni Ezekiel na isukat nila ang padron ng kanilang buhay ayon sa huwaran ng Diyos:
Ikaw, anak ng tao, ituro mo ang buhay sa sangbahayan
ni Israel, upang sila’y mangapahiya
sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo. ( Ezekiel 43: 10 )
Kung ang mga tao ang magtatakda ng huwaran ng kanilang pag-uugali, sa kanilang sariling denominasyon, relihiyon, o cultura, gumagawa sila ng maling pamantayan ng pagsukat. Magtuturo sila na ito’y tulad ng doctrina ng Biblia subalit ito’y mga utos lamang ng tao.
Ganito ang sabi ni Jesus patungkol sa mga taong ganyan:
Datapwat walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao. ( Mateo 15: 9 )
Mahalagang maunawaan mo ang mga huwaran at mga prinsipyo ng Biblia sapagkat kung hindi ay magiging walang kabuluhan lamang ang iyong pagsamba sa Diyos.
Maraming mga pamantayan ng pagsukat ang sanglibutan. At ito madalas ang ginagawang pamantayan ng mga tao. Ang sukatan ng tao ang ginagamit ng mga tao imbes na ang sukatan ng Diyos. Ayon sa sulat ni Apostle Pablo:
Sapagkat hindi kami
nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanlang sarili: ngunit sila na
sinusukat ang kanilang sarili
sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang kanilang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa. ( II Corinto
10: 12 )
Nang bigyan si Moises ng tagubilin sa pagtatayo ng Tabernakulo, siya ay binigyan ng utos na sundin ito nang mahigpit ayon sa padron na ibinigay ng Diyos:
Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa
anyo ng Tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay
gayon ninyo gagawin.
At ingatan mo, na iyong
gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita ko sa iyo sa bundok.
( Exodo 25: 9, 40 )
… gaya naman ni Moises
na pinagsabihan ng Diyos nang malapit ng gawin niya
ang Tabernakulo: sapagkat
sinabi Niya, Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok. ( Hebreo
8: 5 )
Maingat si David sa pagsunod sa padron ng Diyos nang inihanda niya ang pagtatayo ng templo:
Lahat ng ito’y, sabi ni David, aking
naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon,
samakatuwid baga’y lahat ng gawain sa anyong ito. ( I Cronica 28: 19 )
Ang mga taong ito’y maingat sa pagsunod sa padron ng Diyos sa pisikal na sanglibutan. Lalo na tayong dapat maging maingat sa pagsunod sa mga espirituwal na padron at prinsipyo na nasa Biblia.
MGA HALIMBAWA NG MGA HUWARAN
SA BIBLIA
Si Jesus ang dakilang halimbawa kung saan natin dapat itulad ang ating buhay:
Sapagkat kayo’y binigyan ko ng halimbawa,
upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa
ko sa inyo. ( Juan 13: 15 )
Ang mga buhay ng lalake at babae ng Diyos ay nasulat sa Biblia upang maging halimbawa na ating sundin:
Ang mga bagay na ito nga’y pawang mga
naging halimbawa sa atin…
( I Corinto 10: 6 )
Ang mga bagay na ito
nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin…( I Corinto 10
: 11 )
Ang mga natalang mga bansa sa Biblia ay nagbibigay ng positibong halimbawa para sundin ng ibang bansa, at negatibong halimbawa upang iwasan:
At pinarusahan Niya ng pagkalipol ang mga
bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging
abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama.
( II Pedro 2: 6 )
Ang mga pinunong Kristiyano ay
dapat maging mabuting halimbawa sa kanilang mga tagasunod:
Pangalagaan ninyo ang
kawan ng Diyos na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan na
ayon sa kalooban ng Diyos; ni
hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pag- iisip;
Ni hindi rin naman ang
gaya na kayo’y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang
ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan. ( I Pedro 5: 2 -3)
Isinulat ni Apostol Pablo ang ganito:
Mga kapatid, kayo’y mangagkaisang tumulad
sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa
halimbawang nakikita ninyo sa akin.
(Filipos 3: 17)
Hindi dahil sa kami ay
walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay
sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.
( II Tesalonica 3: 9 )
Ang mga mananampalataya ay dapat maging mga espirituwal na huwaran din. Dapat sila ay maging magagandang halimbawa para sundin ng iba:
Huwag hamakin ng sinoman ang iyong
kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga
nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan. ( I
Timoteo 4: 12 )
Anupa’t kayo’y naging
uliran ng lahat ng nangananampalatayang
nangasa Macedonia at
nangasa Acaya. ( I Tesalonica 1: 7 )
Sa lahat ng mga bagay
ay magpakilala kung ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa…. ( Tito 2: 7 )
Kung ikaw ay magbibigay ng positibong espirituwal na halimbawa sa iba, dapat ay maunawaan mo ang mga prinsipyo ng Biblia at sundin mo ito sa iyong buhay.
MGA HALIMBAWA NG MGA
PRINSIPYO NG BIBLIA
Sa Hebreo 5: 12 binabanggit ni Pablo ang “ mga unang simulain ng mga aral ng Diyos.” Sa Hebreo 6: 1-3 nilista niya ang mga prinsipyong ito. Dahil sa kanilang kahalagahan, nag-ukol ang Harvestime International Institute ng isang buong kurso, “ Mga Saligan ng Pananampalataya,” sa mga prinsipyong ito.
Minumungkahi namin na kunin mo ang kursong ito, “ Mga Saligan ng Pananampalataya,” kaagapay ng kursong ito. Dito ipinaliliwannag nang husto ang kahalagahan ng mga unang prinsipyo ng Biblia. Ang mga prinsipyong ito ang nagbibigay ng saligang espirituwal upang maging bahagi ng iyong buhay ang mga huwaran at prinsipyo ng Kaharian.
MGA HUWARAN AT MGA PRINSIPYO
NG KAHARIAN
Sa mga sumusunod na kabanata matututuhan mo ang mga huwaran at mga prinsipyo na sinusunod sa pamumuhay sa Kaharian ng Diyos sa pag-aaral mo ng “Kultura ng Kaharian.”
Ang mga huwaran at mga prinsipyong ito ay iba kay sa mga pamantayan ng sanglibutan at sa mga huwaran at prinsipyo ng mga kaharian ng mundong ito.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kabisado.
________________________________________
________________________________________
2. Isulat ang katuturan ng salitang “ huwaran.”
________________________________________
3. Isulat ang katuturan ng salitang “ prinsipyo.”
________________________________________
________________________________________
4. Ano ang ibig sabihin ng “ huwaran ng Biblia?”
________________________________________
5. Ano ang ibig sabihin ng “ prinsipyo ng Biblia?”
________________________________________
6. Ano ang ibig sabihin ng “ mga huwaran at prinsipyo ng pamumuhay sa kaharian ng Diyos?”
________________________________________
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Sa mga sumusunod na kabanata ay pag-aaralan mo ang mga unang prinsipyo na sinusunod sa pamumuhay sa Kaharian ng Diyos. Ang mga prinsipyong ito ay hango sa mga kautusan ni Jesus. Gamitin mo ang balangkas na ito sa pag-aaral ng mga utos.
MGA UTOS NG HARI
PAGSISISI:
- Magsisi: Mateo 4: 17; Apocalipses 2: 5
- Lumapit ka sa Akin: Mateo 11: 28
- Hanapin ang Diyos, at ang Kanyang katuwiran: Mateo 6: 33
- Magpatawad ka kung may laban sa kanino man: Marcos 11: 25
- Tanggihan ang sarili: Mateo 16: 24
- Humingi…Humanap…Tumuktok: Mateo 7: 7
-Magpilit pumasok sa makipot na pintuan: Lucas 13: 24
MANAMPALATAYA:
- Manampalataya ka sa Evangelio:
- Magsisampalataya kayo sa Diyos, Marcos 1: 15
Magsisampalataya din kayo sa Akin: Juan 14: 1
- Manampalataya kayo sa Kanya na sinugo ng Diyos: Juan 6: 28-29
- Manampalataya kayo sa Akin na Ako’y nasa Ama,
at ang Ama ay nasa Akin: Juan 14: 11
- Manampalataya kayo…sa Aking mga gawa: Juan 10 : 37-38
- Habang may ilaw, manampalataya sa ilaw: Juan 12: 36
- Manampalataya ka na tinanggap mo na: Marcos 11: 24
ANG KAPANGANAKANG MULI:
- Ikaw ay dapat ipanganak na muli: Juan 3: 7
- Linisin mo muna ang nasa loob: Mateo 23: 26
- Gawing mabuti ang puno, at ang bunga ay gayon din: Mateo 12: 33
- Kayo’y manatili sa Akin, at Ako sa inyo: Juan 15: 4
- Magkaroon kayo ng asin sa inyong sarili: Marcos 9: 50
- Magsigawa kayo…sa pagkaing tumatagal: Juan 6: 27
- Magalak kayo, ang inyong pangalan ay nasa Langit: Lucas 10: 20
ANG PAGTANGGAP SA ESPIRITU
SANTO:
- Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo: Juan 20: 22
- Bayaan muna mapuno ang mga bata: Marcos 7: 27
- Kung sino ang nauuhaw, lumapit sa Akin: Juan 7: 37-39
- Sundin ang Aking utos; isang mangaaliw: Juan 14: 15-17
- Humingi…nang may pagtitiyaga: Juan 16: 24; Lucas 11: 5-13
- Maghintay…hanggang kayo’y masangkapan
ng kapangyarihan: Lucas 24: 49
- Ang Mangaaliw ang magpapatotoo sa Akin: Juan 15: 26-27
SUMUSUNOD KAY JESUS:
- Sumunod kayo sa Akin: Juan 12: 26
- Magpabinyag kayo: Mateo 3: 13-15; 28: 19
- Gawin niyo ito sa pag-aalala sa Akin: Lucas 22: 17-19
- Dapat din kayong mangaghugasan ng mga paa: Juan 13: 14-15
- Kung sinoman ang susunod sa Akin…
pasanin niya ang kanyang krus: Lucas 9: 23
- Mag-aral kayo sa Akin: Mateo 11: 29
- Magpatuloy kayo sa Aking pagibig: Juan 15: 9
PANANALANGIN:
- Laging manalangin: Lucas 21: 36
- Manalangin upang huwag kayong matukso: Lucas 22: 40-46
- Dumalangin sa Panginoon ng aanihin
na magpadala ng mga manggagawa: Lucas 10: 2
- Idalangin niyo sila na lumalait sa inyo: Lucas 6: 28
- Dumalangin sa Ama… sa Pangalan Ko: Mateo 6: 6;
Juan 16:24-26
- Manalangin kayo sa ganitong paraan: Mateo 6: 9-13
- Kung kayo’y mananalangin, huwag gamitin
ang walang kabuluhang paulit-ulit: Mateo 6: 7-8
PANANAMPALATAYA:
- Manampalataya ka sa Diyos: Marcos 11: 22
- Huwag kang di mapanampalatayahin: Juan 20: 27
- Huwag kayong mapagalinlangan: Lucas 12: 29
- Huwag kayong magintindi sa ikabubuhay: Mateo 6: 25-34
- Huwag magulumihanan ang inyong puso: Juan 14: 1-27
- Magalak kayo: Mateo 14: 27
- Huwag kayong matakot: Marcos 5: 36;
Lucas 12: 4-7
MAGTAPAT HANGGANG KAMATAYAN:
- Magtapat ka hanggang kamatayan: Apocalipsis 2: 10
- Panghawakang matibay ang nasa iyo: Apocalipsis 3: 11
- Magalak kung kayo ay inuusig: Mateo 5: 11-12;
Lucas 6: 23
- Pag kayo ay inusig dito, magsitakas kayo
sa susunod na bayan: Mateo 10: 23
- Huwag ninyong ikabalisa kung ano ang
inyong sasabihin: Mateo 10: 19
- Huwag kayong mangagbulungbulungan: Juan 6: 41-43
- Tumingala kayo, at itaas ang inyong ulo: Lucas 21: 28
IPANGARAL ANG
EVANGELIO:
- Ipangaral ang Evangelio sa lahat ng nilalang: Mateo 10: 7;
Marcos 16: 15
- Ipangaral sa Ngalan ni Cristo ang pagsisisi: Lucas 24: 46-47
- Magbinyag sa Ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo: Mateo 28: 19
- Ituro sa kanila…lahat ng iniutos ko sa inyo: Mateo 28: 20
- Ang sinasabi ko sa inyo…ay sabihin ninyo: Mateo 10: 27;
Marcos 4: 22
- Pakanin ninyo ang aking tupa: Juan 21: 15-17
- Pagalingin ninyo ang mga maysakit: Mateo 10: 8
KASAKIMAN:
- Mangag-ingat sa lahat ng kasakiman: Lucas 12: 15
- Huwag mag-ipon ng kayamanan sa lupa: Mateo 6: 19-20
- Magbayad ng ikapo…at huwag pabayaang
di gawin yaong iba: Mateo: 23: 23
- Bigyan ang nanghihingi sa inyo: Mateo 5: 42
- Ilimos ninyo ang mga bagay na nasa kalooban: Lucas 11: 41
- Pag kayo’y naghanda, tawagin ang mahihirap: Lucas 14: 12-13
PAGPAPAIMBABAW:
- Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo: Lucas 12: 1
- Mangagingat kayo sa mga escriba: Lucas 20: 46-47
- Huwag tutulad sa kanila: Mateo 23: 2-3
- Huwag gawin ang bahay ng aking Ama
na bahay-kalakal: Juan 2: 16
- Huwag magbigay ng limos na pakitang-tao: Mateo 6: 1-4
- Pumasok ka sa silid para manalangin nang lihim: Mateo 6: 5-6
- Kung kayo’y magaayuno…huwag mapanglaw
ang mukha upang ipaalam sa tao na kayo’y nagaayuno: Mateo 6: 16-18
KABABAANG –LOOB:
- Pasanin ninyo ang Aking pamatok: Mateo 11: 29
- Huwag mamamanginoon tulad ng mga Gentil: Mateo 20 : 25-26
- Ang pinakadalika ang magiging alipin ng lahat: Marcos 10: 43-44
- Huwag kayong patatawag na Rabi: Mateo 23: 8
- Huwag kayong uupo sa pangulong luklukan: Lucas 14: 8-11
- Huwag ninyong ikagalak na ang mga espiritu
ay nagsisisuko sa inyo: Lucas 10: 20
- Sabihin ninyong, “ Mga aliping walang
kabuluhan kami:” Lucas 17: 10
PAGIBIG NATIN SA KAPATIRAN:
- Mangagibigan kayo sa isa’t-isa tulad ng
pagibig Ko sa inyo: Juan 15: 12
- Huwag ninyong hamakin ang maliliit na mga ito: Mateo 18: 10-14
- Makipagkasundo ka sa iyong kapatid: Mateo 5: 23-24;
Marcos 9: 50
- Ayusin ang sama ng loob sa pagitan ng iyong kapatid: Mateo 18: 15-17
- Magpatawad ka nang makapitong beses sa isang araw: Mateo 18: 21-22;
Lucas 17: 3-4
- Huwag kang humatol ayon sa kaanyuan: Mateo 7: 1-5;
Juan 7: 24
- Huwag kayong mangagparusa: Luke 6: 37
SAKDAL NA PAGIBIG:
- Kayo nga’y mangagpakasakdal: Mateo 5: 48
- Ipagbili ang ari-arian at maglimos kayo: Mateo 19: 21;
Lucas 12: 32-33
- Ibigin niyo ang inyong kaaway: Mateo 5: 44; 26:52
- Gawan niyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo: Lucas 6: 27-28
- Magpahiram, hindi naghihintay ng kapalit: Lucas 6: 35
- Huwag makilaban sa masamang tao: Mateo 5: 39-41
- Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo
ang inyong kaluluwa: Lucas 21: 19
LUBOS NA PAGMAMAHAL SA
DIYOS:
- Ibigin mo ang Diyos ng buong puso, kaluluwa,
pagiisip, at lakas: Marcos 12: 30
- Diyos lamang ang iyong paglilingkuran: Mateo 4: 10
- Sambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan: Juan 4: 23-24
- Huwag tawaging Ama ang sinoman dito sa lupa: Mateo 23: 9
- Huwag mong tuksuhin ang Panginoon mong Diyos: Mateo 4: 7
- Matakot ka sa Diyos: Lucas 12: 5
- Lahat ng tao ay dapat parangalan ang Anak: Juan 5: 22-23
KATUNGKULAN NATIN SA DIYOS
AT SA TAO:
- Ibigay kay Cesar ang mga bagay na para sa kanya: Marcos 12: 17
- Huwag kang manumpa: Mateo 5: 34-37;
Marcos 4: 22
- Ang pinagsama ng Diyos, huwag papaghihiwalayin ng tao: Mateo 19: 5-6
- Makipagkasundo kaagad sa iyong kaalit: Mateo 5: 25
- Huwag pagbawalan ang iba na nagpapalayas ng demonyo: Marcos 9: 38-40
- Kainin kung ano ang inihanda sa harap mo: Lucas 10: 38
- Tipunin ang mga natira upang di masayang: Juan 6: 12
KATUNGKULAN NATIN SA ATING
KAPWA:
- Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili: Mateo 19: 17-19
- Huwag kang papatay: Mateo 19: 18
- Huwag kang mangangalunya: Mateo 19: 18
- Huwag kang magnanakaw: Mateo 19: 18
- Huwag kang sasaksi sa di katotohanan: Mateo 19: 18
- Igalang mo ang iyong ama at iyong ina: Mateo 19: 19
- Gawin mo sa iba ang nais mong gawin nila sa iyo: Lucas 6: 31
KATALINUHAN:
- Magpakatalino kayo gaya ng ahas, at maging
matimtiman tulad ng kalapati: Mateo 10: 16
- Magingat kayo sa mga tao: Mateo 10: 17
- Pabayaan ninyo ang mga bulag na taga-akay: Mateo 15: 12-14
- Huwag ibigay ang mga bagay na banal sa mga aso or baboy: Mateo 7: 6
- Ang mayroon supot ng salapi ay dalhin ito: Lucas 22: 35-36
- Magtanong kung sino ang karapatdapat at doon tumuloy: Mateo 10:11-13;
Lucas 10: 5-7
- Ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa kung ayaw
kayong tanggapin: Lucas 9: 5;
10: 10-11
MAGSALIKSIK NG KASULATAN:
- Saliksikin ninyo ang Kasulatan: Juan 5: 39
- Tandaan ninyo ang Aking sinalita: Juan 15: 20
- Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: Lucas 9: 44
- Ingatan ninyo kung paano kayo makinig: Lucas 8: 18
- Ingatan ninyo ang inyong pinakikinggan: Marcos 4: 24
- Magingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo: Mateo 16: 6-12
- Magingat kayo sa mga bulaang propeta: Mateo 7: 15-17
PALIWANAGIN ANG INYONG ILAW:
- Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw: Mateo 5: 16
- Masdan mo kung ang ilaw na nasa iyo ay kadiliman: Lucas 11: 35
- Humayo kayo at magsipagbunga: Juan 15: 16
- Maging maawain kayo: Lucas 6: 36
- Ipamalita mo ang mga dakilang bagay na ginawa
ng Panginoon sa iyo: Marcos 5: 19
- Itaas mo ang iyong paningin, tingnan mo ang bukirin: Juan 4: 35
- Lumakad kayo hangga’t may liwanag: Juan 12: 35
ANG IKALAWANG PAGPARITO NI
CRISTO:
- Manghawak kang matibay hanggang sa Ako’y pumariyan: Apocalipsis 2: 25;
3: 2-3
- Humanda kayo; darating na ang Anak: Lucas 12: 40
- Bigkisin ninyo ang inyong mga baywang, at paningasin
ang inyong mga ilawan: Lucas 12: 35-36
- Mangagingat kayo…baka mangalugmok ang inyong
mga puso: Lucas 21: 34
- Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot: Lucas 17: 31-32
- Magingat kayo na huwag kayong paligaw Marcos 13: 5-6
kangino mang tao: Lucas 21: 8
- Magbantay: Marcos 13: 34-37
IKA-PITONG KABANATA
ANG KULTURA NG KAHARIAN:
MGA PRINSIPYO NG KAHARIAN – UNANG BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kursong ito dapat mong magawa ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kabisado.
- Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkaalam ng mga prinsipyo ng Kaharian.
- Kilalanin ang mga mahahalagang prinsipyo ng pamumuhay sa Kaharian ng Diyos.
- Tukuyin ang pundasyon na kinasasaligan ng mga prinsipyo ng Kaharian.
- Ilista ang dalawang batas sa Kaharian na pinagbabasihan ng lahat ng mga prinsipyo.
SUSING TALATA:
At kayo’y inihalal
kong isang Kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng Aking Ama. (
Lucas 22: 29 )
PAMBUNGAD
Ang Evangelio ng Kaharian ay paanyaya sa tao na magbalik sa uri ng buhay na unang binalak ng Diyos para sa kanya. Subalit hindi nagtatag ng pamantayan ng moralidad ang Diyos upang kung maabot mo ito, ikaw ay makakapasok sa Kaharian. Isa lamang ang hinihiling upang makapasok ang sinuman: Pagsisisi sa kasalanan at espirituwal na kapanganakang muli. Sa pamamagitan ng pagtanggap kay Jesucristo bilang Tagapagligtas ikaw ay ipinanganak sa Kaharian at naging taga-Langit.
Ang paninirahan sa Kaharian ng Diyos ay nangangailangan ng bagong estilo ng pamumuhay na sinusunod ang mga batas ng Kaharian. Ang buhay sa espirituwal na Kaharian ay nakaka-apecto sa uri ng buhay dito sa mundo. Ang estilo ng buhay sa Kaharian ay kabalintunaan ng estilo ng buhay sa mga kaharian dito sa sanglibutan. Ito ay iba sa estraktura at sa prinsipyo. Ang pagpasok sa Kaharian ng Diyos ay tulad ng paglipat sa isang bagong bansa. Dapat mong matutuhan ang isang bagong kultura.
Sa natural na daigdig, ang “ kultura” ay mga huwaran ng pag-uugali na umiiral sa pamumuhay sa komunidad. Dito at sa mga sumusunod na kabanata ay matututuhan mo ang kultura ng Kaharian ng Diyos. Sa isang kabanata, mga karagdagang katotohanan tungkol sa Kaharian ay ipakikita sa pamamagitan ng mga talinhaga.
ANG KAHALAGAHAN NG MGA
PRINSIPYO NG KAHARIAN
Mahalagang malaman ang mga prinsipyo na umiiral sa Kaharian ng Diyos sapagkat:
KAILANGAN MONG MAMUHAY AYON
SA MGA PRINSIPYO NG KAHARIAN UPANG MANIRAHAN DOON:
Bagamat pagsisisi ang tanging kahilingan sa pagpasok sa Kaharian, may mga tiyak na kinakailangan upang makapanatili ka rito matapos kang maipanganak sa espiritu. Ang sabi ni Jesus ay:
Hindi ang bawat nagsasabi sa akin,
Panginoon, Panginoon, ay papasok sa Kaharian
ng Langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa Langit. ( Mateo 7: 21 )
Ang kalooban ng Ama, na ipinakita ni Jesucristo, ay ang mga mananampalataya ay pangunahan ng mga batas ng Kaharian.
ANG SABI NI JESUS AY
MAHALAGA ANG MGA PRINSIPYO NG KAHARIAN:
Sa Lucas 12: 22-31 itinuro ni Jesus na ang pinakamahalagang dapat bigyan ng pansin sa buhay ay ang Kaharian. Ganito ang Kanyang sinabi:
Gayon ma’y hanapin ninyo ang Kanyang
Kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga
bagay na ito. ( Lucas 12: 31 )
Kung una mong hahanapin ang Kanyang Kaharian… ang mga prinsipyo nito, ang uri ng buhay, ang Evangelio…ang lahat ng kinakailangan mo sa buhay ay ipagkakaloob.
ANG MGA BUNGA NG KAHARIAN
ANG KATUNAYAN NG PAGIGING KABILANG DITO:
Sinabi ni Jesus sa mga Judio na ang katunayan ng pagiging kabilang sa Kaharian ay kung ikaw ay kinakikitaan ng mga bunga nito ( Mateo 21: 43 ). Ang bunga ng Kaharian ay yung nakikita sa labas na nagmumula sa panloob na pamumuhay, kung paanong ang bunga ng puno na nakikita sa labas ay resulta ng buhay na galing sa loob nito. Kung ikaw ay residente ng Kaharian ng Diyos makikita ito sa iyong pamumuhay.
UPANG MAGHARI SA DARATING NA
KAHARIAN DAPAT NATING MALAMAN ANG MGA PRINSIPYO NITO:
Sinasabi ng II Timoteo 2: 12 na tayong mga mananampalataya ay maghaharing kasama ni Jesus sa darating na Kaharian ng Diyos. Ang “ paghahari” ay “ mangasiwa ng may kapangyarihan at kapamahalaan.” Kung ikaw ay maghaharing kasama Niya, dapat mong malaman ang mga batas na umiiral sa Kaharian.
ANG PUNDASYON NG MGA PRINSIPYO
NG KAHARIAN
Ang pundasyon sa natural na daigdig ay ang saligan ng kinatitirikang gusali. Sa tuwing magtatayo ng gusali ang sinoman, dapat munang maglagay ng tamang pundasyon. Ito ang mag-aalalay sa malaking gusali na nakikita.
Ang pundasyon ng Kaharian ng Diyos at ang umiiral na mga prinsipyo nito ay ang katuwiran:
Ngunit tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang
Iyong luklukan, O Diyos, ay magpakailan
man; At ang setro ng katuwiran ay siyang
setro ng Iyong Kaharian. ( Hebreo 1: 8 )
Ang setro ay isang bagay na hinahawakan ng hari bilang simbolo ng kapangyarihan. Ang kapangyarihan ng Kaharian ng Diyos ay katuwiran. Hindi ito katuwiran ng sariling kabutihan o relihiyon. Sinabi ni Jesus:
Sapagkat sinasabi ko sa inyo, na kung hindi
hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran
ng mga escriba at Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo
magsisipasok sa
Kaharian ng Langit. ( Mateo 5: 20 )
Ang mga Escriba at Fariseo ay mga pinuno ng relihiyon sa panahon ng ministeryo ni Cristo sa lupa. Ang kanilang karanasang espirituwal ay nakasalalay sa kanilang mga sariling pagsusumikap na maging matuwid. Marami silang mga batas, mga alituntunin, at mga tradisyon na nagdidikta ng bawat bahagi ng kanilang buhay.
Ang katuwiran na kinatatayuan ng Kaharian ay ang katuwiran ng Diyos. Sinabi sa atin:
Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kanyang
Kaharian, at ang Kanyang katuwiran;
at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
( Mateo 6: 33 )
Ang pundasyon ng Kaharian ng Diyos ay nakatayo sa matuwid na mga lalake ng Diyos na namumuhay nang banal.
Gayon ma’y ang matibay
na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga Kanya: at, Lumayo
sa kalikuan ang bawat isa na sumasambitla
ng pangalan ng Panginoon. (II Timoteo 2:19)
Makikita ito sa sumusunod na banghay:
Ang Pundasyon Ng Kaharian Ng
Diyos
Mga Taong Matuwid----------à Kilala ng Diyos ang sariling Kanya
Namumuhay nang matuwid--à Ang bawat isa na nagdadala ng pangalan
ng Panginoon ay dapat isuko ang lahat
ng kalikuan at lumayo rito.
May dalawang antas ng pagsuko sa buhay ng katuwiran. Makikita ito sa mga sumusunod na mga talata:
At narito, lumapit sa Kanya ang isa, at
nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na
gagawin ko upang ako’y magkaroon ng buhay na walang hanggan?
At sinabi Niya sa kanya, Bakit mo itinatanong sa Akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na Siyang mabuti;
datapuwat kung ibig mong pumasok sa buhay,
iingatan mo ang mga utos.
Sinabi sa Kanya ng binata, Ang lahat ng mga
bagay na ito ay ginanap ko; ano pa ang kulang sa akin?
Sinabi sa kanya ni
Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang
tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka,
sumunod ka sa Akin.
Datapuwat nang marinig
ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagkat siya’y isang may maraming pag-aari.
( Mateo 19: 16-17;
20-22 )
Ito ay isang antas ng katuwiran na kinakailangan sa “ pagpasok sa buhay.” Ito ang katuwiran na dumarating sa pamamagitan ng kapanganakang muli nang mahugasan ang tao sa kasalanan at magpasimula siyang mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos. Subalit may isa pang antas ng katuwiran na tinatawag na kasakdalan ( kaganapang espirituwal). Upang maabot ang kasakdalan kailangan ng lubusang pagwawaksi ng makamundong pagpapahalaga, mga pamantayan, o mga pag-aari na lubhang mahalaga sa iyo.
Hindi ang ibig sabihin nito ay ipagbili natin ang ating mga ari-arian at ipamigay ito sa mahihirap. Hiniling lamang ito ni Jesus sa lalaking ito sapagkat higit na mahalaga sa kanya ang kanyang kayamanan kay sa Diyos. Walang ibang mahalaga sa sanglibutang ito nang hihigit pa sa Hari. Upang maabot natin ang kasakdalan, dapat nating iwaksi ang mga maka-mundong prinsipyo at yakapin ang mga prinsipyo ng Kaharian ng Diyos.
ANG DALAWANG PINAKADAKILANG
PRINSIPYO NG KAHARIAN
May dalawang dakilang prinsipyo ng Kaharian kung saan nakasalalay ang ibang mga prinsipyo. Nang itanong kung ano ang pinakadakilang utos, ang tugon ni Jesus ay:
…Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng
buong puso mo, at ng buong kaluluwa
mo, at ng buong pag-iisip mo.
Ito ang dakila at
pangunang utos.
At ang pangalawang
katulad ay ito, iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Sa dalawang utos na
ito’y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
( Mateo 22: 37-40 )
Isinulat ni Marcos ang ganoon ding pangungusap sa ganitong paraan:
Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan
mo, O Israel; Ang Panginoon nating
Diyos, ang Panginoon ay iisa:
At iibigin mo ang
Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo, at ng buong lakas
mo.
Ang pangalawa ay ito,
Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito. ( Marcos 12:
29-31 )
Sinalita ni Jesus ang pangalawang utos sa ganitong paraan:
Kaya nga lahat ng mga
bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagkat ito ang sa
kautusan at ang mga propeta. (
Mateo 7: 12 )
At kung ano ang ibig
ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila. ( Lucas 6: 31 )
Narito ang buod. Ang dalawang pinakadakilang prinsipyo ng Kaharian ng Diyos ay:
1. Ibigin mo ang Diyos ng iyong buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas.
2. Ibigin ang iba tulad ng iyong sarili, at gawin sa iba ang nais mong gawin din ng iba sa iyo.
Lahat ng ibang mga prinsipoyo ng Kaharian ay nakabatay sa dalawang prinsipyong ito. Alin sa dalawa, ang bawat prinsipyo ng Kaharian ay patungkol sa kaugnayan mo sa Diyos o sa tao.
IPINAKIKILALA ANG KAHARIAN
Mula nang ipakilala ang Kaharian, kitang-kita na ang estraktura nito ay kabalintunaan ng estraktura ng mga kaharian dito sa daigdig. Matapos magpakita ang anghel kay birheng Maria at sabihin sa kanya na siya ang magiging ina ng darating na Hari, pinuri ni Maria ang Diyos. Ang mga sinalita niya sa kanyang pagsamba ay mga hula at nagpahayag ng bagong kaayusan sa Kaharian ng Diyos:
Sapagkat ginawan ako ng Makapangyarihan ng
mga dakilang bagay; at banal ang Kanyang
pangalan.
At ang Kanyang awa ay
sa lahi’t lahi, Sa nangatatakot sa Kanya.
Siya’y nagpakita ng
lakas ng Kanyang bisig; Isinambulat Niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
Ibinaba Niya ang mga
prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
Binusog Niya ang mga
nangagugutom ng mabubuting bagay; at pinaalis Niya ang mayayaman , na walang anoman. ( Lucas 1: 49-53 )
Ang mga matataas at mga makapangyarihan sa mundo ay ibababa, at sila na may mababang kalagayan ay itataas. Bubusugin ang mga nagugutom, samantala ang mga mayayaman ay paaalising walang dala.
Nang ipakilala ni Juan ang Kaharian ng Diyos, ganito rin ang nahayag:
Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain
ang bundok at burol; At ang liko
ay matutuwid, at ang
mga daang bakobako ay mangapapatag;
At makikita ng lahat
ng laman ang pagliligtas ng Diyos. ( Lucas 3: 5-6 )
Ang unang himala na ginawa ni Jesus ay ang tubig na naging alak. Ipinakikita rito na ang mga batas na umiiral sa Kaharian ay salungat sa mga batas sa mga kaharian dito sa mundo.
MGA PANGKALAHATANG PRINSIPYO: KULTURA NG KAHARIAN
Ang mga pangunahing prinsipyo na kinatatayuan ng Kaharian ng Diyos ay salungat sa kaisipan ng tao at ng umiiral na estraktura sa mga makamundong kaharian. Ang mga prinsipyong ito ay ang mga sumusunod:
“SA INYO’Y HINDI MAGKAKAGAYON”:
Itinatag ni Jesus ang mahalagang prinsipyong ito ng Kaharian:
Datapuwat sila’y pinalapit ni Jesus sa
Kanya, at sinabi, Nalaman ninyo na ang mga pinuno
ng mga Gentil ay nangagpapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng
kapamahalaan sa kanila.
Sa inyo’y hindi
magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
At sinomang magibig na
maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo;
Gayon din naman ang
Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kanyang buhay na pangtubos sa
marami.
( Mateo 20: 25-28 )
Datapuwat sa inyo’y
hindi gayon: kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya
ng naglilingkod.
( Lucas 22: 26 )
Datapuwat sa inyo ay
hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay
magiging lingkod ninyo;
At ang sinoman sa inyo
ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.
( Marcos 10: 43-44 )
Bagamat tinatalakay ni Jesus ang isang partikular na bagay ng pangunguna, nagtatag din Siya ng pangkalahatang prinsipyo ng Kaharian: “Sa inyo’y hindi magkakagayon.” Bagamat tinatanggap ng mga pamantayan ng mundo at makalupang kaharian ang ilan sa mga prinsipyong ito, ang mga prinsipyo ng Kaharian ng Diyos ay iba… “ Sa inyo’y hindi magkakagayon.”
ANG PRINSIPYO NG PAGKAKAISA:
Maraming mga kaharian dito sa lupa, sila’y magkakahati sa isa’t-isa. Mayroon ding mga pagkakahati sa mga kaharian sa mundo na naging resulta ng mga pag-aalsa. Ang Kaharian ng Diyos ay nagkakaisang Kaharian. Inilarawan ito na isang espirituwal na katawan na may maraming bahagi:
Sapagkat kung paanong ang katawan ay iisa,
at mayroong maraming mga sangkap,
at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagamat marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.
Sapagkat sa isang
Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging
tayo’y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinaiinom sa isang Espiritu.
Sapagkat ang katawan
ay hindi iisang sangkap, kundi marami.
( I Corinto 12: 12-14
)
Ang mga naninirahan sa Kaharian
ng Diyos ay nagkakaisa sa Diyos at kay Jesus:
Upang silang lahat ay maging isa; na gaya
Mo, Ama, sa Akin, at Ako’y sa iyo, na
sila nama’y sumaatin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na Ako’y sinugo mo.
At ang kaluwalhatiang
sa aki’y ibinigay Mo ay ibinigay Ko sa kanila; upang sila’y maging isa,
na gaya naman natin na iisa;
Ako’y sa kanila, at
Ikaw ay sa akin, upang sila’y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na Ikaw ang
sa Akin ay nagsugo, at sila’y
Iyong inibig, na gaya
ko na inibig mo. ( Juan 17: 21-23 )
Ang Diyos ay walang kaugnayan sa kaharian ni Satanas:
…Ang bawat kahariang nagkakabahabahagi
laban sa kaniyang sarili ay mawawasak;
ang bawat bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.
At kung pinalalabas ni
Satanas si Satanas, siya nababahagi laban sa kanyang sarili; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian?
At kung sa pamamagitan
ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonyo,
ang inyong mga anak sa
kaninong pamamagitan sila’y pinalalabas? Kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom.
Ngunit kung sa
pamamagitan ng Espiritu ng Diyos nagpapalabas ako ng mga demonyo, ay dumating nga sa inyo ang
Kaharian ng Diyos.
( Mateo 12: 25- 28. Tingnan din ang Marcos 3: 23-26 at Lucas 11: 17-20 )
Isa sa mga kahalagahan ng pagkakaisa sa Kaharian ng Diyos ay ang kapangyarihan Niyang walang hangganan. Nangako si Jesus:
Muling sinasabi ko sa inyo, na kung
pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang
nauukol sa anomang bagay ng kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng Aking
Ama na nasa langit.
Sapagkat kung saan
nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa Aking pangalan, ay naroroon Ako sa gitna nila. ( Mateo 18: 19-20 )
Sapagkat ang mga naninirahan sa
Kaharian ng Diyos ay nasa laman pa, hindi maiiwasan ang pag-aalitan kung
minsan. May mga utos si Jesus sa Mateo 18: 15-35 kung paano lulutasin ang mga
ito.
ANG PRINSIPYO NG PAGPASOK:
May dalawang paraan kung paanong ang Kaharian ng Diyos ay makapapasok sa sanglibutan: Bilang ilaw at bilang asin:
Kayo ang asin ng lupa; ngunit kung ang asin
ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat?
Wala ng ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at
yurakan ng mga tao.
Kayo ang ilaw ng
sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
Hindi rin nga
pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan
ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.
Lumiwanag na gayon ang
inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting
gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong
Ama na nasa langit. ( Mateo 5: 13-16 )
Walang taong
pagkapagpaningas niya ng isang ilawan, ay ilalagay sa isang dakong tago, ni sa ilalim man ng
takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw, upang
ang nagsisipasok ay makita ang ilaw.
Ang ilawan ng katawan
mo ay ang iyong mata: kung magaling ang iyong mata, ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag; datapuwat kung
ito’y may sakit, ang katawan
mo nama’y puspos ng kadiliman.
Masdan mo nga kung ang
ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman.
Kaya nga, kung ang
buong katawan mo ay puspos ng liwanag, na walang anomang bahaging madilim, ito’y lubos na mapupuspos ng
liwanag, na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may
liwanag na maningning. ( Lucas 11:
33-36 )
Mabuti nga ang asin:
datapuwat kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat?
Walang kabuluhang
maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi: itinatapon
sa labas. Ang may mga pakinig
upang ipakinig, ay makinig. (Lucas 14:
34-35 )
At sinabi Niya sa
kanila, Dinadala baga ang ilaw at nilalagay sa ilalim ng takalan, o sa lalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw. ( Marcos 4: 21 )
Mabuti ang asin:
datapuwat kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin,
at kayo’y magkaroon ng
kapayapaan sa isa’t isa. ( Marcos 9: 50 )
Sa likas na larangan, ang asin ay tahimik kung gumawa. Ito ay pumipigil ng kabulukan, nagpapagaling ng mga sugat, at nagbibigay lasa sa pagkain. Ang kaunting asin ay nakaka-apekto sa maraming pagkain.
Sa larangang espirituwal, ang naninirahan sa Kaharian ay dapat pumasok nang husto sa sanglibutan. Dapat nilang ingatan ang mga mataas na uri ng pamumuhay sa Kaharian, magdala ng kagalingan sa iba, at magbigay ng lasa sa buhay. Dapat nilang tuluy-tuloy na palaganapin ang Kaharian. Bilang asin, sila ay magkakaroon ng malaking epekto sa sangkatauhan. Sa isang bahagi ng Kasulatan, inihambing ni Jesus ang epekto ng asin sa Kaharian sa isang masa ng tinapay ( Mateo 13: 33 ). Tulad ng asin, ang kaunting pampaalsa ay tahimik na gumagawa at nakaka-apekto sa malaking masa ng tinapay.
Sa likas na larangan, ang ilaw ay tumatalo sa dilim. Inaalis nito ang kadiliman. Hindi maililihim ang ilaw sa kadiliman. Ang naninirahan sa Kaharian ay dapat maging espirituwal na ilaw ng sanglibutan. Dapat niyang ilantad ang kadiliman at ipakita ang daan palabas dito. Huwag niyang pabayaan ang anomang bagay ( takalan ) na pumatay sa ilaw ng Kaharian. Dapat ay nakikita ang uri ng pamumuhay ng mga mananampalataya, unti-unting pumapasok sa mga kaharian ng sanglibutan na dala ang Evangelio ng Kaharian.
MGA PRINSIPYO NG PANALANGIN:
Ang panalangin sa Kaharian ay nakabatay sa tatlong prinsipyo: Paghingi, pagsaliksik, at pagkatok:
Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan;
magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong;
magsituktok kayo at kayo’y bubuksan:
Sapagkat ang bawat
humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong;
at ang tumutuktok ay binubuksan. ( Mateo 7: 7-8 )
Ang bawat andana ng pananalangin ay pataas ang sidhi ng pagsasaliksik sa Diyos.
Nagbigay din si Jesus ng modelong panalangin para sa mga taga-Kaharian. Mababasa mo ito sa Mateo 6: 9-11 at sa Lucas 11: 2-4.
MGA PRINSIPYO NG PAGSAMBA:
Ang mahahalagang prinsipyo ng pagsamba ay inilarawan sa Mateo 6: 1-18. Basahin ito sa iyong Biblia. Ang mga prinsipyong ito ay:
Pagbibigay: Palabas na tingin Mateo 6: 1-4
Pananalangin: Pataas na tingin Mateo 6: 5-15
Pagaayuno: Panloob na tingin Mateo 6: 16-18
Ang lahat nitong mga uri ng pagsamba ay dapat ginagawa sa lihim upang pagpalain ng Diyos.
ANG PRINSIPYO NG DI-NAGBABAGONG PANGITAIN:
Ang nag-iisang pangitain ng taga-Kaharian ay ang hanapin muna ang Kaharian ng Diyos. Basahin ang Mateo 6: 19-34 at ihambing ito sa Lucas 12: 22-34.
Nagsaad si Jesus ng katapatan ng puso sa Mateo 6: 19-21.
Nagsaad Siya ng nag-iisang pangitain sa Mateo 6: 22-23.
Nagsaad Siya ng tapat na pagmamahal sa Lucas 13: 13.
Nagsaad Siya ng katapatan ng paglilingkod sa Mateo 6: 24 at Lucas 9: 60 at 62.
Nagsaad Siya ng di-nagbabagong pag-iisip sa Mateo 6: 25-32 at 34.
Ang mga sumusunod na talata ay buod ng prinsipyo ng di-nagbabagong pangitain:
Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kanyang
Kaharian, at ang Kanyang katuwiran;
at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
( Mateo 6: 33 )
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kabisado.
________________________________________
________________________________________
2. Ano ang pundasyon kung saan nakasalalay ang lahat ng prinsipyo ng Kaharian?
________________________________________
3. Anu-ano ang dalawang batas ng Kaharian na pinagbabasihan ng lahat ng mga prinsipyo?
Una:________________________________________
Pangalawa: ________________________________________
4. Magbigay ng apat na dahilan kung bakit mahalaga na malaman ang mga prinsipyo ng Kaharian.
____________________________ ___________________________________
____________________________ ______________________________________
5. Maaari mong gamitin ang iyong Biblia upang pagtambalin ang bawat talata sa prinsipyong itinuturo nito. Tingnan mo ang talata sa Unang Hanay. Piliin mo ang pangkalahatang prinsipyo mula sa Pangalawang Hanay na itinuturo nito. Isulat ang bilang sa puwang sa Unang Hanay. Sinagutan na ang unang bilang para iyong pamarisan.
Unang Hanay Pangalawang Hanay
a. __2__ Mateo 5: 13-16 1. Ang prinsipyo ng pagkakaisa
b. _____ I Corinto 12: 12-14 2. Ang prinsipyo ng pagpasok
c. _____ Mateo 20: 26 3. Mga prinsipyo ng panalangin
d. _____ Mateo 7: 7-12 4. Mga prinsipyo ng Kaharian, kabaliktaran
ng mga prinsipyo ng sanglibutan
e. _____ Mateo 6: 1-18 5. Nag-iisang pangitain
f. _____ Mateo 6: 19-34 6. Mga prinsipyo ng pagsamba
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay matatagpuan sa huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ibigay ang buod ng mga prinsipyo ng Kaharian na itinuro sa aklat ni Lucas:
Lucas 1: 33:
________________________________________
4: 43
________________________________________
6: 20
________________________________________
7: 28
________________________________________
8: 1,10
________________________________________
9: 2, 11, 27, 60
________________________________________
10: 9-11
________________________________________
11: 2, 17-20
________________________________________
12: 31-32
________________________________________
13: 18-29
________________________________________
14: 15
________________________________________
16: 16
________________________________________
17: 20-21
________________________________________
18: 16-29
________________________________________
19: 11-15
________________________________________
21: 10, 31
________________________________________
22: 16-30
________________________________________
23: 42, 50-51
________________________________________
IKA-WALONG KABANATA
ANG KULTURA NG KAHARIAN:
MGA PRINSIPYO NG KAHARIAN – IKALAWANG BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kursong ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
-Tukuyin ang mga pagkakaiba ng mga estraktura sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at sa mga kaharian ng sanglibutan.
SUSING TALATA:
Dinggin ninyo, mga
minamahal kong kapatid; hindi baga pinili ng Diyos ang mga dukha sa
sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya, at mga tagapagmana ng Kahariang ipinangako
Niya sa mga nagsisiibig sa
Kanya?
( Santiago 2: 5 )
PAMBUNGAD
Sa kabanatang ito ay lalo mong matututuhan ang tungkol sa Kaharian ng Diyos sa pagpapatuloy mo ng pag-aaral ng mga prinsipyo ng Kaharian. Matututuhan mo ang mga partikular na prinsipyo ng espirituwal na Kaharian na nakabatay sa mga pangkalahatang prinsipyo na tinalakay sa Ika-Pitong Kabanata.
MGA TIYAK NA PAGKAKAIBA: KULTURA NG KAHARIAN
Pag-aralan natin ngayon ang mga partikular na prinsipyo ng Kaharian na nakabatay sa mga pangkalahatang prinsipyo na tinalakay na. Marami sa mga pagkakaiba ay matatagpuan sa Mateo 5-7 at Lucas 6. Basahin mo muna ang mga kabanatang ito bago ka magpatuloy sa iyong pag-aaral.
Ang mga talatang ito ay bahagi ng mga aral ni Jesus na kilala sa tawag na “Sermon sa Bundok” sapagkat una Niya itong itinuro sa tabi ng kabundukan sa Israel. Maraming mga tiyak na prinsipyo ng Kaharian ang nilalaman ng sermong ito. Hindi sakop ng sermong ito ang lahat ng sitwasyon sa buhay, subalit ang mga prinsipyo ay kumakatawan sa mga ito. Dito itinatag ang huwaran ng mga karapat-dapat na pag-uugali na angkop sa lahat ng sitwasyon sa buhay.
Ang unang bahagi ng sermon, Mateo 5: 1-12, ay tinawag na “ Mga Pag-uugali” at dito tinalakay ang mga mahahalagang pag-uugali at pananaw na umiiral sa Kaharian na pinagpala ng Diyos. Sila na mga pinagpala ay hindi sumusunod sa mga kalakarang pagpapahalaga ng komunidad. Ang salitang “ mapapalad ” na ginamit dito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon ng Diyos. May pagkakaiba ang pinagpala at pagiging masaya. Ang pinagpala ay nakasalalay sa Diyos at hindi nababago ng mga pangyayari. Ang kasayahan ay nakasalalay sa mga pangyayari sa buhay.
Narito ang ilan sa mga kabalintunaan sa kultura ng Kaharian ng Diyos.
ANG KAHARIAN AY PARA SA MGA
MAPAGPAKUMBABA:
Mapapalad ang mga
mapagpakumbabang-loob: sapagkat kanila ang Kaharian
ng langit. ( Mateo 5: 3 )
Pinararangalan ng mundo sila na may mga kayamanang material. Pinipili ng Diyos ang mga dukha rito sa mundo at pinayayaman sila sa pananampalataya:
Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid;
hindi baga pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanglibutang ito upang
maging mayayaman sa pananampalataya, at mga tagapagmana
ng Kahariang ipinangako Niya sa mga nagsisiibig sa Kanya?
( Santiago 2: 5 )
At itiningin Niya ang
Kanyang mga mata sa Kanyang mga alagad, at sinabi,
Mapapalad kayong mga dukha;
sapagkat inyo ang Kaharian ng Diyos.
( Lucas 6: 20 )
ANG MGA DUKHA AY MAYAYAMAN
AT ANG MAYAYAMAN SA SANGLIBUTAN AY MGA DUKHA:
Ang mahalaga sa mga taga-sanglibutan ay ang tiwala sa sariling kakayahan, magpahayag ng sarili, at paunlarin ang sarili. Subalit nasisiyahan ang Diyos sa mga taong mababa ang kalooban. Sila na kinikilala na wala silang kakayahang iligtas ang kanilang sarili, bigyang kasiyahan ang pangangailangang espirituwal, at lutasin ang kanilang mga suliranin.
Datapuwat sa aba ninyong mayayaman!
Sapagkat tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.
( Lucas 6: 24 )
ANG KALUMBAYAN AY NAGDADALA
NG KAGALAKAN:
May dalawang uri ng kalumbayan. Ang kalumbayan sa sanglibutan ay sanhi ng kasalanan. Ito ay kalumbayan na bunga ng pagdurusa bilang kabayaran ng kasalanan. Subalit ang kalumbayang ito ay hindi humahantong sa pagbabago ng pamumuhay. Ang kalumbayang mula sa Diyos ay kalumbayan dahil sa kasalanan. Ang bunga ng makadiyos na kalumbayan ay pagsisisi.
Sapagkat ang kalumbayang mula sa Diyos, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot; datapuwat ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay. ( II Corinto 7: 10 )
Nalulugod ang Diyos sa ganitong uri ng kalumbayan. Sinabi Niyang sila na nakakaranas nito ay tatanggap ng kaaliwan:
Mapapalad ang nangahahapis; sapagkat sila’y
aaliwin. ( Mateo 5: 4 )
…Mapapalad kayong
nagsisitangis ngayon: sapagkat kayo’y magsisitawa.
( Lucas 6: 21 )
Katotohanan,
katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo’y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwat ang
sanglibutan ay magagalak; kayo’y mangalulumbay,
datapuwat ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
( Juan 16: 20 )
Sa Kaharian, ang mga nalulumbay ay inaaliw at ang kalumbayan ay nagdadala ng kagalakan. Ang kagalakan ay nauuwi sa kalumbayan para doon sa mga kaharian ng sanglibutan:
…Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon!
Sapagkat kayo’y magsisitaghoy at magsisitangis.
( Lucas 6: 25 )
ANG MAAAMO AY MAGTATAGUMPAY:
Ang kaamuan ay hindi kahinaan o pagwawalang bahala. Ang pagiging maamo ay pagkakaroon ng mabuting kalooban, hindi madaling magalit, at mabait. Kabaliktaran ito ng mga prinsipyo ng sanglibutan na ipinapayong “ igiit mo ang iyong sarili, at panindigan mo ang iyong mga karapatan.”
Ang kaamuan ay hindi natural sa taong nasa laman. Ito ay isa sa mga bunga ng Kaharian:
Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig,
katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod,
kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan, pagpipigil;
laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
( Galacia 5: 22-23 )
Ang mga katangiang ito ay dapat makita sa mga taga-Kaharian. Ang mga ito ay bunga ng pagkapuspos ng Espiritu Santo. ( Ito ay tinatalakay pang higit sa isang kurso sa Harvestime International Institute na pinamagatang “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”)
Hindi itinuturing ng sanglibutan ang mga maaamo na mananagumpay, subalit ipinangako ng Diyos na ang maaamo ang magmamana ng lupa:
Mapapalad ang maaamo; sapagkat mamanahin
nila ang lupa. ( Mateo 5: 5 )
ANG MGA NAGUGUTOM AY
BUBUSUGIN:
Maraming kinahuhumalingan ang mga tao rito sa mga kaharian ng sanglibutan. Gutom sila sa kapangyarihan, kayamanan, tagumpay, at kaligayahan. Ang mga naninirahan sa Kaharian ay di dapat maghangad ng ganitong mga bagay. Dapat nilang hanapin ang katuwiran na siyang pinakamahalagang prinsipyo ng Kaharian:
Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa
katuwiran; sapagkat sila’y bubusugin. ( Mateo 5: 6 )
Mapapalad kayong
nangagugutom ngayon; sapagkat kayo’y bubusugin…
( Lucas 6: 21 )
Ang ibang mananampalataya ay palipat-lipat ng dinadaluhang mga gawain, naghahanap ng mga “ pagpapala ” mula sa Diyos. Hindi sila kailanman nasisiyahan sa kanilang buhay espirituwal. Sa prinsipyong ito ng Kaharian, sila lamang na nagugutom sa katuwiran ang siyang mabubusog na espirituwal.
Sa likas na takbo ng buhay, hindi ka basta nauupo at naghihintay ng pagkain kung ikaw ay nagugutom. Gumagawa ka ng hakbang para ikaw ay mabusog, sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain. Sa espirituwal na kalagayan, hindi ka basta nauupo at naghihintay sa Diyos na walang ginagawa, para ikaw ay mabusog. Dapat kang magsaliksik ng espirituwal na pagkain sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aaral ng Kanyang Salita.
Sa Kaharian ng Diyos ang mga nagugutom ay nabubusog. Sila na mga nasa kaharian ng mundo ay laging gutom:
Sa aba ninyo mga busog ngayon! Sapagkat
kayo’y mangagugutom…
( Lucas 6: 25 )
ANG MGA MAHABAGIN AY
KAHAHABAGAN:
Ang prinsipyo sa sanglibutan ay nagbababala na kung ikaw ay masyadong mahabagin, aabusuhin ka nila. Kabaliktaran ang itinuturo ng Kaharian. Kung ikaw ay mahabagin ikaw naman ay kahahabagan, hindi aabusuhin:
Mapapalad ang mga mahabagin; sapagkat
sila’y kahahabagan. ( Mateo 5: 7)
ANG BINIBIGYANG DIIN AY ANG
PANGLOOB HINDI ANG PANGLABAS:
Ang mga pinuno ng relihiyon sa panahon ni Jesus ay binibigyang diin ang pagtupad sa kautusan at tradisyon sa halip na ang pangloob na damdamin. Mahigpit sila sa pagsunod sa Sabat, nag-aayuno ng regular, nananalangin nang hayagan, at naglilimos sa mahihirap.
Subalit binigyang halaga ni Jesus ang kalagayan ng puso sa halip na panlabas na mga sakripisyo.
Mapapalad ang mga may malinis na puso;
sapagkat makikita nila ang Diyos. (
Mateo 5: 8 )
Ang makakikita sa Diyos ay hindi yaong may mga panlabas ng kaanyuan ng relihiyon. Sila na may mga malinis na puso.
KAPAYAPAAN SA HALIP NA
REBOLUSYON:
Ang pag-aalsa ang paraan ng pagbabago sa mga kaharian ng sanglibutan. Ang mga mapagpayapa ay nagdadala ng pagbabago sa Kaharian ng Diyos. Sabi ni Jesus:
Mapapalad ang mga mapagpayapa; sapagkat
sila’y tatawaging mga anak ng Diyos.
( Mateo 5: 9 )
Ang kapayapaan ay hindi pagtakas sa mga suliranin o ang kawalan ng labanan. Ang kapayapaang sinasabi ni Jesus ay kakaiba sa kapayapaan sa sanglibutan:
Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang
Aking kapayapaan ay ibinibigay Ko
sa inyo: hindi gaya ng
ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan
ang inyong puso, ni matakot man. (Juan
14:27)
Ang kapayapaan ng sanglibutan ay may takot. Tutupad ba sila sa kasunduan ng kapayapaan? Tutuparin ba nila ang kanilang mga pangako? Sa kapayapaan ng Diyos, walang takot. Ipinangako Niya sa mga mananampalataya na sila ay magkakaroon ng sakdal na kapayapaan.
Maaari silang magkaroon ng kapayapaan ng Diyos kahit sa magulong mga pangyayari dito sa mundo.
ANG MGA PINAG-UUSIG AY
GAGANTIMPALAAN:
Ang prinsipyong ito ng Kaharian ay nagbibigay ng pagpapala para sa kanila na nagdurusa sa isang tiyak na dahilan: Dahil sa katuwiran.
Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa
katuwiran; sapagkat kanila ang Kaharian
ng langit. ( Mateo 5: 10 )
Mapapalad kayo kung
kayo’y kapootan ng mga tao, at kung kayo’y ihiwalay nila, at kayo’y
alimurahin, at itakwil ang inyong pangalan ng tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
Mangagalak kayo sa araw na yaon; at
magsilukso kayo sa kagalakan; sapagkat
narito, ang ganti sa inyo’y malaki
sa langit; sapagkat sa gayon ding paraan
ang ginawa ng kanilang mga
magulang sa mga propeta. ( Lucas 6:
22-23 )
Sa aba ninyo, pagka
ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! Sapagkat sa gayon ding paraan ang ginawa
ng kanilang mga magulang sa
mga bulaang propeta. ( Lucas 6: 26 )
Hindi ito pangkalahatang pagpapala sa lahat ng nagdurusa, sapagkat ang iba ay nagdurusa dahil sa kanilang kagagawan:
Sapagkat anong kapurihan nga, kung kayo’y
nangagkakasala, at kayo’y tinatampal
ay inyong tanggapin na may pagtitiis? ngunit kung kayo’y gumagawa ng mabuti, at kayo’y
nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis,
ito’y kalugodlugod sa Diyos. ( I Pedro 2: 20 )
Ang kasalanan ay nasa likod ng ilang pagdurusa:
May sakit baga ang sinoman sa inyo?
Ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin
nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:
At ang panalangin ng
pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay
ipatatawad sa kaniya.
Mangag pahayagan nga
kayo sa isat isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin
ng isa’t isa ang iba, upang kayo’y
magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na
panalangin ng taong matuwid. (Santiago 5:14-16 )
ANG PINAKA-ABA ANG DAKILA:
Sa mundo, ang pinakadakila ang itinataas. Itinuturing na dakila ang mga tao kung sila ay matagumpay, tanyag, mayaman, o makapangyarihan. Sa Kaharian ng Diyos, ang mga dakila ay yaong namumuhay at nagtuturo ng mga prinsipyo ng Kaharian. Mababa man ang tingin ng sanglibutan sa kanila, subalit sila ang pinakadakila sa Kaharian ng Diyos:
Kaya’t ang sinomang sumuway sa isa sa
kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang
gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa Kaharian ng langit; datapuwat ang sinomang gumanap at
ituro, ito’y tatawaging dakila sa Kaharian
ng langit. ( Mateo 5: 19 )
ANG NAGPAPAKABABA AY
MATATAAS:
Sapagkat ang bawat
nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas. ( Lucas 14: 11 )
Ang sinomang
nagmamataas ay mabababa; at ang sinomang nagpapakababa
ay matataas. ( Mateo 23: 12 )
ANG MGA PINUNO AY ALIPIN:
Ang mga kaharian sa sanglibutan ay tumitingala sa kanilang mga pinuno. Sila ay pinararangalan at itinataas. Maraming mga utusan ang naglilingkod sa kanila at itinuturing na mas mataas ang kanilang kalagayan kaysa iba.
Sa Kaharian ng Diyos, ikaw ay dapat maging alipin kung nais mong maging pinuno:
Datapuwat sila’y pinalapit ni Jesus sa
Kanya, at sinabi, Nalaman ninyo na ang
mga pinuno ng mga Gentil ay
nagpapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
Sa inyo’y hindi
magkakagayon: kundi ang sinomang magibig sa dumakila sa inyo ay
magiging lingkod ninyo;
At sinomang magibig na
maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo.
Gayon din naman ang
Anak ng tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang
maglingkod, at ibigay ang Kanyang buhay na pangtubos sa marami.
( Mateo 20: 25-28 )
Datapuwat sa inyo’y
hindi gayon: kundi bagkos ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya
ng naglilingkod. ( Lucas 22:
26 )
Datapuwat sa inyo ay
hindi gayon; kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay
magiging lingkod ninyo;
At ang sinoman sa inyo
ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.
( Marcos 10: 43-44 )
Datapuwat ang pinakadakila sa inyo ay
magiging lingkod ninyo.
( Mateo 23: 11)
ANG MGA HULI AY MAUUNA:
Sila na mga nangunguna sa mga kaharian dito sa mundo ang mga huli sa Kaharian ng Diyos:
Datapuwat maraming mga una na mangahuhuli;
at mga huli na mangauuna.
( Mateo 19: 30 )
Kaya’t ang mga una’y
mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna.
( Mateo 20: 16 )
At narito, may mga
huling magiging una at may mga unang magiging huli.
( Lucas 13: 30 )
ANG MALIIT AY MAGIGING DAKILA:
Ipinakita itong prinsipyong ito ni Jesus sa pamamagitan ng mga natural na halimbawa ng butil ng binhi ng mostasa, lebadura, at ang lepta ng bao:
...
Ang Kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa
kaniyang bukid;
Na siya ngang lalong
maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwat nang tumubo, ay lalong
malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa’t nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong
sa kanyang mga sanga.
…Ang Kaharian ng Diyos
ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito’y
nalebadurahang lahat.
( Mateo 13: 31-33.
Tunghayan din ang Marcos 4: 30- 32 )
At Siya’y tumunghay,
at nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog
ng kanilang mga alay sa
kabang-yaman.
At nakita Niya ang
isang dukhang babaing bao na doo’y naghuhulog ng dalawang lepta.
At sinabi Niya, Sa
katotohana’y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito
ay naghulog ng higit kaysa kanilang lahat.
Sapagkat ang lahat ng
mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila’y labis; datapuwat
siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kanya. ( Lucas 21: 1-4 )
ANG DINADAKILA AY ANG
MABABABA:
At sinabi Niya sa
kanila, Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwat nakikilala ng Diyos ang
inyong mga puso; sapagkat ang
dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Diyos.
( Lucas 16: 15 )
ANG MATATANDA AY MAGING
TULAD NG MGA BATA:
Sa Kaharian ng Diyos, ang mga matatanda ay dapat tumulad sa mga bata. Ang ibig sabihin nito ay dapat nilang tanggapin ang Evangelio ng Kaharian tulad ng pagtanggap ng isang bata: May simpleng pananampalataya.
Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga
alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino
nga baga ang pinakadakila sa
Kaharian ng langit?
At pinalapit Niya sa
Kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila.
At sinabi,
Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanum- balik, at maging tulad sa maliliit
na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok
sa kaharian ng langit.
Sinoman ngang
magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa Kaharian ng langit. ( Mateo 18: 1- 4 )
Datapuwat sinabi ni
Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin; sapagkat sa
mga ganito ang Kaharian ng
langit. ( Mateo 19: 14 )
Datapuwat pinalapit
sila ni Jesus sa Kanya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa Akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo
silang pagbawalan; sapagkat sa
mga ganito nauukol ang Kaharian ng Diyos.
Katotohanang sinasabi
Ko sa inyo, Sinomang hindi tumanggap ng Kaharian ng Diyos
na gaya ng maliliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.
( Lucas 18: 16-17 )
Katotohanang sinasabi
Ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng Kaharian
ng Diyos na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan. ( Marcos 10: 15
)
MAWALAN KA NG BUHAY UPANG
ILIGTAS YAON:
Katotohanan,
katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Maliban ang butil ng trigo ay mahulog
sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; ngunit kung mamatay, ay nagbubunga ng marami. ( Juan 12: 24 )
Sapagkat ang sinomang
magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito; at
ang sinomang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin at sa Evangelio ay maililigtas yaon. ( Marcos 8: 35 )
Ang nakasusumpong ng
buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon. ( Mateo 10: 39 )
Nawawala ang iyong buhay sa pagtanggi mo sa mga kalayawan at pamantayan ng sanglibutan upang sumunod sa Hari:
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa Kanyang
mga alagad, Kung ang sinomang tao’y
ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kanyang sarili, at pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.
Sapagkat ang sinomang
ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; at ang sinomang
mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong
niyaon.
( Mateo 16: 24-25 )
MAPOOT SA BUHAY SA HALIP NA
IBIGIN ITO:
Ang umiibig sa kanyang
buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kanyang
buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan. ( Juan 12: 25 )
MAGBIGAY UPANG TUMANGGAP:
Mangagbigay kayo, at kayo’y bibigyan; takal na
mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw,
ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagkat sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling
susukatin. ( Lucas 6: 38 )
ANG IMPOSIBLE AY POSIBLE:
Datapuwat sinabi Niya, Ang mga bagay na di
mangyayari sa mga tao ay may pangyayari
sa Diyos. ( Lucas 18: 27 )
At pagtingin ni Jesus
ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwat sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.
( Mateo 19: 26 )
Pagtingin ni Jesus sa
kanila’y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwat hindi gayon sa Diyos; sapagkat ang
lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Diyos.
( Marcos 10: 27 )
ANG MGA BULAG AY MAKAKAKITA
AT ANG MGA NAKAKAKITA AY MABUBULAG:
At sinabi ni Jesus, Sa
paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang hindi
nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita ay maging mga bulag. ( Juan 9: 39 )
Si Jesus ay nagbigay ng pangitaing espirituwal sa kanila na mga naligaw sa kadilimang espirituwal. Sila na nagiisip na sila’y may pangitaing espirituwal sa pamamagitan ng tradition ay bulag.
KUNIN ANG PAMATOK AT PASANIN
ITO AT MAGPAHINGA:
Ang pamatok ay isang bagay na ginagamit upang pagsamahin ang dalawang hayop para humila ng araro. Nangangahulugan ito ng paggawa. Ang pasanin ay isang bagay na dinadala. Ito ay may bigat. Sinabi ni Jesus:
Magsiparito sa akin, kayong lahat na
nangapapagal at nabibigatang lubha, at kayo’y Aking papagpapahingahin.
Pasanin ninyo ang
Aking pamatok, at magaral kayo sa Akin; sapagkat Ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
Sapagkat malambot ang
Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan.
( Mateo 11: 28-39 )
Makasusumpong ka ng tunay na kapahingahan kung magkasingkaw kayo ni Jesus upang dalhin ang Kanyang pasanin. Ang pasanin Niya ay ang madala ang Evangelio ng Kaharian sa lahat ng bansa sa buong mundo.
MAKALANGIT SA HALIP NA
MAKALUPANG KAYAMANAN ANG MAY HALAGA:
Huwag kayong
mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito’y sumisira ang tanga
at ang kalawang, at dito’y naghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw.
Kundi mangagtipon kayo
ng mga kayamanan sa langit, na doo’y hindi sumisira
kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo’y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga
magnanakaw:
Sapagkat kung saan
naroroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso. ( Mateo 6: 9-21 )
Inihalintulad ni Jesus ang mga nagpapahalaga sa makalupang kayamanan sa isang haling:
Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kanyang sarili, at hindi mayaman sa Diyos. ( Lucas 12: 21 )
MAKALANGIT, HINDI MAKALUPANG
KALUWALHATIAN ANG HINAHANAP:
Ang nagsasalita ng sa
ganang kanyang sarili’y humahanap ng kanyang sariling
kaluwalhatian: datapuwat ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kanya’y
nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kanya’y walang kalikuan. ( Juan 7: 18 )
Paanong kayo’y
makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa’t isa ng kaluwalhatian
at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Diyos? ( Juan 5: 44 )
Sumagot si Jesus, Kung
niluluwalhati Ko ang Aking sarili, ang kaluwalhatian
Ko ay walang anoman: ang Aking
Ama’y Siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa Kanya’y sinasabi ninyo, na Siya’y inyong Diyos. (Juan 8: 54 )
PAGKAKAHATI SA HALIP NA
KAPAYAPAAN ANG BUNGA:
Si Jesus ay kapayapaan. Nang Siya ay dumating sa lupa bilang tao, may kapayapaan sa sanglibutan.
Subalit nagdala si Jesus ng pagkakahati sa halip na kapayapaan sa mga kaharian ng sanglibutan. Mga sambahayan, mga lunsod, at mga kaharian ay nahati nang dahil sa Kanya. Ang iba ay naniwala at tinanggap Siya bilang Hari. Naging taga-Langit sila dahil sa kapanganakang espirituwal. Ang iba’y di tinanggap si Jesus na Hari at hindi naging bahagi ng Kaharian. Ito ay nagbunga ng pagkakahati:
Inaakala baga ninyo na Ako’y naparito upang
magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi Ko sa inyo, Hindi, kundi
bagkos pagkakabahabahagi:
Sapagkat mula ngayon
ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
Sila’y mangagkakabahabahagi, ang ama’y laban sa anak na lalake, at ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina’y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae; at ang manugang na babae ay laban sa kanyang biyanang babae.
(
Lucas 12: 51-53 )
…At ang magiging
kaaway ng tao ay ang kanya ring sariling
kasambahay.
( Mateo 10: 36 )
ANG NAKATAGO AY MAHAHAYAG:
…Sapagkat walang bagay
na natatakpan, na hindi mahahahyag; at natatago na hindi malalaman.
Ang sinasabi Ko sa
inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig
ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.
( Mateo 10: 26-27 )
ANG KAHARIAN AY
IPINAG-ANYAYA SA MGA MAKASALANAN SA HALIP NA SA MGA MATUWID:
… Sapagkat hindi Ako
naparito upang tumawag na mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.
( Mateo 9: 13 )
ESPIRITUWAL, HINDI ANG
NATURAL, ANG BINIGYANG DIIN:
Sapagkat ang Kaharian
ng Diyos ay hindi ang pagkain at pag-inom, kundi ang katuwiran at
ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.
( Roma 14: 17 )
Sapagkat ang Kaharian
ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.
( I Corinto 4: 20 )
KARAGDAGANG KABALINTUNAAN
Gamitin ang sumusunod na tsart upang pag-aralan ang mga pagkakaiba ng Kaharian ng Diyos at mga kaharian sa lupa:
Dalawang daan at dalawang pintuan: Mateo 7: 13-14
Dalawang propeta: Mateo 7: 15
Dalawang punong kahoy: Mateo 7:17-20; Lucas 6: 43-44
Dalawang pag-aangkin: Mateo 7: 21-23
Dalawang bahay: Mateo 7: 24-27; Lucas 6: 46-49
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kabisado.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ibigay ang tamang salita para mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa puwang:
Mga Tiyak Na Prinsipyo Ng Kaharian
a. Ang mga dukha ay ________________________________________.
b. Ang kalumbayan ay nagdadala ng_________________________________.
c. Ang maamo ay ________________________________________.
d. Ang nagugutom ay ________________________________________.
e. Ang mahabagin ay ________________________________________.
f. Pangloob sa halip na _____________________________ang binigyang diin.
g. Pagkakahati sa halip na ________________________________________.
h. Ang mga pinag-uusig ay ________________________________________.
i. Ang mga aba ay ________________________________________.
j. Ang mababang-loob ay ________________________________________.
k. Ang mga alipin ay ________________________________________.
l. Ang mga huli ay ________________________________________.
m. Ang maliit ay ________________________________________.
n. Ang nagpapahalaga sa sarili ay _____________________________________.
o. Mga matatanda ay ________________________________________.
p. Namamatay ka sa ________________________________________.
q. Nawawala ang buhay upang _______________________________________.
r. Napopoot ka sa buhay sa halip na __________________________________.
s. Ikaw ay nagbibigay upang _______________________________________.
t. Ang imposible ay ________________________________________.
u. Sila na mga bulag ________________________________________.
v. Dinadala mo ang pamatok at pasanin upang ___________________________.
w. Makalangit sa halip na ____________________kayamanan ang pinahahalagahan.
x. Ang nakatago ay ________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay matatagpuan sa huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG
NA PAG-AARAL
Sa pagpapatuloy mo ng pagaaral tungkol sa mga pagkakaiba sa Kaharian ng Diyos, repasuhin mo ang mga nakalista sa II Corinto 6: 8-10 at ilista mo sa ibaba.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
IKA-SIYAM NA KABANATA
ANG KULTURA NG KAHARIAN:
MGA PRINSIPYO NG KAHARIAN – IKATLONG BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kursong ito dapat mong magawa ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.
-Ipaliwanang ang kaugnayan ng kautusan sa Lumang Tipan sa mga prinsipyo ng Kaharian sa Bagong Tipan.
-Tukuyin ang mga prinsipyo ng Bagong Tipan na pinalawak sa mga kautusan sa Lumang Tipan.
SUSING TALATA:
Datapuwat nang
maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa Kaniya: at sila’y tinanggap
Niyang may galak at sinasalita sa kanila ang Kaharian ng Diyos, at pinagagaling Niya ang nangagkakailangang
gamutin. (Lucas 9: 11 )
PAMBUNGAD
Ipinagpapatuloy ng kabanatang ito ang pagaaral tungkol sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusuri ng kaugnayan ng kautusan sa Lumang Tipan at mga prinsipyo sa Bagong Tipan.
MGA KAYAMANANG LUMA AT BAGO
Isa sa mga halimbawang ibinigay ni Jesus tungkol sa Kaharian ng Diyos ay nagbibigay diin sa kombinasyon ng luma at bago sa mga prinsipyo ng Kaharian:
At ang sinabi Niya sa kanila, Kaya’t ang
bawat eskriba na ginagawang alagad sa Kaharian
ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kanyang kayamanan ng mga bagay ng
bago at luma. ( Mateo 13: 52 )
Ang mga prinsipyo ng Kaharian na
itinuro ni Jesus ay parehong luma at bago. Tinawag ni Jesus ang mga ito na
“luma at bagong kayamanan.” Ang kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises na
nakatala sa Exodo, Levitico, at Deuteronomio ang naging pundasyon ng mga
prinsipyo ng buhay sa Kaharian. Ang kautusan sa Lumang Tipan ay tiyak at
patungkol sa panglabas na mga gawain. Ang mga bagong prinsipyo ng Kaharian na
itinuro ni Jesus ay mas malawak ang sakop at patungkol sa pangloob na mga
pag-uugali at damdamin.
Hindi winalang bahala ni Jesus ang kautusan, kundi sinunod Niya ito:
Huwag ninyong isiping Ako’y naparito upang
sirain ang kautusan o ang mga propeta:
Ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
Sapagkat katotohanang
sinasabi Ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang
paraan ay hindi mawawala sa
kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
(Mateo 5: 17-18 )
At sinabi Niya sa
kanila, Ito ang mga salitang sinabi Ko sa inyo, nang Ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang
matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat
tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
( Lucas 24: 44 )
Pinalawak ni Jesus ang mga prinsipyo ng Kaharian sa pundasyon ng Lumang Tipan. Hindi Niya iwinaksi ang mga lumang prinsipyo. Inalis lang Niya ang mga panglabas na sabit ng relihiyon na nagiging dahilan upang hindi makita ang pangloob na katunayan ng Kaharian.
Ang mga aral ni Jesus ay tugma sa Lumang Tipan, subalit hindi kasundo ng mga pinuno ng relihiyon nang panahong yaon. Idinagdag ng mga Escriba at Fariseo ang kanilang mga tradisyon at interpretasyon ng mga kautusan ng Diyos. Masyado silang nakatali sa “ mga titik ng kautusan,” yaon ay ang pagsunod sa bawat detalye ng kautusan, kasama na ang kanilang sariling tradisyon at interpretasyon. Binigyang halaga ni Jesus ang “espiritu ng kautusan,” ang pangkalahatang mga prinsipyo sa likod ng mga kautusang ito.
ANG LUMA AY HINDI MAILALAGAY
SA BAGO
Itong mga prinsipyo ng Kaharian na itinuro ni Jesus ay hindi maipasok sa lumang estraktura ng relihiyon. Dalawang kuwento ang isinalaysay ni Jesus upang ipakita ito. Sinalita Niya ang tungkol sa luma at bagong damit:
At sinoma’y hindi nagtatagpi ng bagong kayo
sa damit na luma; sapagkat ang tagpi ay
bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit. (Mateo 9: 16)
Walang taong
nagtatagpi ng matibay na kayo sa damit na luma; sa ibang paraan ang itinagpi ay binabatak ang
tinagpian, sa makatuwid baga’y ang bago sa luma,
at lalong lumalala ang punit. ( Marcos 2: 21 )
At sinalita rin naman
Niya sa kanila ang isang talinghaga: Walang taong pumilas sa bagong damit at itinagpi sa damit na luma; sa
ibang paraa’y sisirain ang
bago, at sa luma naman ay hindi bagay ang tagping mula sa bago.
( Lucas 5: 36 )
Sinaysay din Niya ang tungkol sa luma at bagong alak:
Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga
balat na luma; sa ibang paraan ay nangagpuputok
ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapwa
nagsisitagal. ( Mateo 9: 17 )
At walang taong
nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga balat at
nabububo ang alak at nasisira ang
mga balat; kundi ang alak na
bago ay isinisilid sa mga bagong balat. (Marcos 2: 22 )
At walang taong
nagsisilid ng alak na bago sa mga balat na luma; sa ibang paraa’y papuputukin ng alak na bago
ang mga balat, at mabububo, masisira ang
mga balat.
Kundi dapat isilid ang
alak na bago sa mga bagong balat.
At walang taong
nakainom ng alak na laon, ay iibig sa alak na bago; sapagkat sasabihin niya, Mabuti ang laon. (
Lucas 5: 37-39 )
Ang mga lumang sistema ng relihiyon ay hindi matanggap ang “bagong alak” ng mga prinsipyo ng Kaharian. Ang bagong alak ay dapat ibuhos sa mga bagong sisidlan. Ito ang dahilan kung bakit ang pagpasok sa Kaharian ay sa pamamagitan ng espirituwal na kapanganakang muli. Kailangang bigyan ng panahon na magbago ang mga lumang estraktura ng relihiyon, sapagkat sila na nakaranas nito ay magsasabing, “ang luma ay mas mabuti.”
Hindi sinira ni Jesus ang dating estraktura ng relihiyon. Pinayagan Niya itong manatili kaalinsabay sa Kanyang pagbubuhos ng “bagong alak” sa mga bagong sisidlan ng mga lalake at babaeng ipinanganak na muli kay Cristo Jesus. Hindi Siya nagmadali sa paglilipat mula sa luma patungo sa bago.
Mahalagang susi ito sa pagpapakilala ng Evangelio ng Kaharian sa mga dakong may nakatatag nang mga relihiyon. Ang diin ay dapat mapunta sa pagbubuhos ng “bagong alak” sa mga bagong sisidlan, hindi sa pag-aaksaya ng panahon sa pagsira ng tradisyonal na estraktura ng relihiyon. Ang luma ay iwawaksi pag nasumpungan ng mga tao na mas mabuti ang”bagong alak.”
ISANG HUWARAN NG PAGKILALA
Sa buong Evangelio, makikilala mo ang “luma at bagong kayamanan” sa pamamagitan ng paghahanap sa mga sumusunod na mga tanda:
1. Inumpisahan ni Jesus ang Kanyang pagtuturo sa paggamit ng mga salitang “Nasasaad,” “Nasusulat”, o “Hindi ba ninyo nabasa?”
2 Ang kautusan ng Lumang Tipan ay binabanggit.
3. At idinaragdag ni Jesus ang, “Subalit sinasabi Ko sa inyo.”
4. Ang prinsipyo ng Kaharian sa Bagong Tipan, pinalawak na halaw sa Lumang Tipan, ay binabanggit.
MGA KAYAMANAN NG KAHARIAN
Ang sumusunod na tsart ang nagpapakita sa buod ng ilang “luma at bagong kayamanan” sa Kaharian na ipinakita ni Jesus. Basahin mo ang bawat sitas sa iyong pag-aaral nitong mga prinsipyo ng Kaharian.
Lumang Kayamanan
Bagong
Kayamanan
“Nasasaad”
“ Subalit
sinasabi Ko sa inyo”
Mateo Huwag kang papatay. Galit na walang dahilan ay pagpatay din.
5: 21-26
Mateo Ang pagsamba ay nakasalalay Ang pagsamba ay nakasalalay sa
sa mga ginagawang panglabas. pangloob na damdamin at pananaw.
5: 23-24;
6: 1-8;
23: 14, 23-27
Marcos
7: 6-8;
11: 25-26
Lucas
18: 10-14
Mateo Huwag kang mangangalunya. Kung inisip mo’y ginawa mo na rin.
5: 27-32
Mateo Huwag kang manunumpa Huwag ninyong ipanumpa ang anoman.
5: 33-37 ng di katotohanan.
23: 16-22
Mateo Mata sa mata at nigipin sa ngipin. Gantihan mo ng mabuti ang masama.
5: 38-42
Mateo Ibigin mo ang iyong kapwa. Ibigin mo ang iyong kaaway.
5: 43-47
Lucas 6: 27-35
Mateo Ang kabanalan ay pagsunod sa Ang kabanalan ay pagsunod sa mga
15: 3-9 mga tradisyon ng tao. utos ng Diyos.
Marcos 7: 7-13
Mateo Ang tao ay nilalang para Ang Sabat ay nilalang para sa tao.
12: 3-14 sumunod sa Sabat.
Marcos
2: 23-28;
3: 1-6
Lucas
6: 1-11;
Juan
5: 1-47
Mateo Pagpapahalaga sa Pagpapahalaga sa panloob
15: 10-20; panlabas na kabanalan. na kabanalan.
Marcos
7: 14-23
Mateo Paghihiwalay ng mag-asawa Paghihiwalay: di ayon sa plano ng
5:31-32; sa anomang dahilan. Diyos. Ang tanging dahilan ay
19: 1-9 pakikiapid.
Marcos
10: 2-12
Itong tsart na iyong pinag-aralan ay hindi sakop ang lahat ng “luma at bagong kayamanan.” Ito ay nakatuon sa mahahalagang mga halimbawa upang ipakita ang isang huwaran para ikaw ay makapagpatuloy sa iyong pag-aaral na pansarili.
Basahin mo ang apat na Evangelio ( Mateo. Marcos. Lucas, at Juan ) at hanapin mo ang huwarang ito. Gamitin mo ang “ Para Sa Dagdag Na Pag-aaral ” na bahagi ng kabanatang ito, upang madagdagan mo ang mga halimbawa ng luma at bagong kayamanan ng Kaharian.
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.
________________________________________
________________________________________
2. Isulat ang salitang “Luma” sa puwang sa harap ng pangungusap, kung ang tinutukoy ay kautusan sa Lumang Tipan. Isulat ang salitang “Bago” sa puwang sa harap ng pangungusap ng mga Prinsipyo ng Kaharian sa Bagong Tipan.
a._______Nagmamalasakit sa pangloob na damdamin at pananaw.
b._______Nagmamalasakit sa panglabas na mga ginagawa.
c._______ Mas tiyak.
d._______Mas malawak ang sakop.
e._______ Mga titik ng kautusan.
f._______Espiritu ng kautusan.
g._______Huwag kang papatay.
h._______Ang galit na walang dahilan ay pagpatay din.
i. _______Huwag kang manunumpa sa anoman.
j._______Huwag kang manunumpa sa hindi katotohanan.
k.______ Gantihan mo ng mabuti ang masama.
l._______Gantihan mo ng masama ang masama; Ngipin sa ngipin.
m.______ Ibigin mo ang iyong kapuwa.
n._______Ibigin mo ang iyong kaaway.
o._______Ang pagsamba ay nakasalalay sa pangloob na damdamin.
p.______Ang pagsamba ay nakasalalay sa mga ginagawang panglabas.
q.______Ang Sabat ay ginawa para sa tao.
r.______Ang tao ay ginawa para sumunod sa Sabat.
s.______Ang kabanalan ay pagsunod sa mga tradisyon ng tao.
t.______Ang kabanalan ay pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.
u.______Pagpapahalaga sa panglabas na kabanalan.
v.______Pagpapahalaga sa pangloob ng kabanalan.
w.______Paghihiwalay ng mag-asawa sa tiyak na dahilan.
x.______Paghihiwalay ng mag-asawa para sa anomang dahilan.
3. Bilugan ang tamang sagot upang mabuo ang pangungusap:
Si Jesus ay naparito upang________________________________________.
a. Sirain ang kautusan ng Lumang Tipan.
b. Tuparin ang kautusan ng Lumang Tipan.
4. Ano ang kaugnayan ng kautusan sa Lumang Tipan at ng mga prinsipyo ng Kaharian sa Bagong Tipan?
________________________________________
________________________________________
( Ang mga sagot sa test ay nasa dulo ng manwal na ito pagkatapos ng huling kabanata.)
PARA SA DAGDAG
NA PAG-AARAL
1. Hindi gaanong maraming reperensiya patungkol sa Kaharian sa aklat ni Juan, subalit itong mga ilang nabanggit ay mahahalaga:
Juan 1: 45-49: Kinilala ni Nathanael si Jesus bilang Hari at ang buhay na katuparan ng mga hula sa Lumang Tipan.
Juan Ikatlong Kabanata: Isa ito sa mga mahahalagang kabanata na nagpapaliwanag kung paano makakapasok sa Kaharian ng Diyos.
Juan 18: 36: Isang mahalagang reperensiya tungkol sa Kaharian: Itinatatag ang prinsipyo na ang Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito.
2. Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral ng “luma at bagong mga kayamanan” sa aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Ilista mo ang iyong mga na-diskubre dito sa tsart sa ibaba:
Lumang_Kayamanan
Bagong
Kayamanan
“ Nasasaad “
“ Subalit
sinasabi Ko sa inyo”
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
IKA-SAMPUNG KABANATA
MGA TALINHAGA NG KAHARIAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat mong magawa ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
- Ibigay ang katuturan ng talinhaga.
- Ipaliwanag kung bakit ginamit ni Jesus ang mga talinhaga upang ituro ang mga prinsipyo ng Kaharian.
- Tukuyin ang tampok na paksa ng mga talinhaga ni Jesus.
- Pag-aralan ang mga talinhaga ni Jesus upang matutuhan ang mga prinsipyo ng Kaharian.
SUSING TALATA:
At sumagot Siya at
sinabi sa kanila, Sa inyo’y ipinagkaloob ang mangakaalam
ng mga hiwaga ng Kaharian ng langit, datapuwat hindi ipinagkaloob sa kanila. ( Mateo 13: 11 )
PAMBUNGAD
Sa mga nakaraang kabanata ay natutuhan mo ang mga tampok na mga prinsipyo na umiiral sa Kaharian ng Diyos. Sa Kanyang ministeryo dito sa lupa, gumamit si Jesus ng isang kakaibang paraan ng pagtuturo na tinawag na “talinhaga,” upang ihayag ang ibang katotohanang espirituwal tungkol sa Kaharian.
Sa kabanatang ito ay matututuhan mo kung ano ang mga talinhaga at kung bakit ginamit ito ni Jesus upang ituro ang mga prinsipyo ng Kaharian. Pag-aaralan mo rin ang mga piling talinhaga upang matutuhan mo ang mga prinsipyo ng Kaharian.
ANO ANG TALINHAGA?
Ang talinhaga ay isang kuwento na ginagamitan ng halimbawa mula sa likas na sanglibutan upang magpakita ng katotohanang espirituwal. Ang tunay na kahulugan ng “talinhaga” ay “pagtabihin upang paghambingin.” Sa mga talinhaga, gumamit si Jesus ng halimbawang natural at inihambing ito sa katotohanang espirituwal. Ang talinhaga ay isang kuwentong makalupa na may makalangit na kahulugan. Ang natural ay yaong nao-obserbahan mo sa pamamagitan ng iyong mga pandama. Ito ay iyong nakikita, naririnig, at nahihipo. Ang bagay na espirituwal ay yaong nao-obserbahan mo sa pamamagitan ng mga pandamang espirituwal.
ANG PAKSA NG MGA TALINHAGA
Ang tampok na paksa ng mga talinhaga ni Jesus ay ang Kaharian ng Diyos. Bago Siya nagbahagi ng mga talinhaga, sinabi Niya ito bilang Kanyang paksa:
At Kaniyang sinabi, Sa ano natin itutulad
ang Kaharian ng Dios? o sa anong talinhaga
isasaysay natin ito? ( Marcos 4: 30 )
At sinabi nga Niya, Sa
ano tulad ang Kaharian ng Dios? at sa ano Ko itutulad?
( Lucas 13: 18 )
At muling sinabi
Niya, Sa ano Ko itutulad ang Kaharian
ng Dios? ( Lucas 13: 20)
Kahit ang talinhaga ay hindi tuwirang inilahad, ang paksa ay Kaharian ng Diyos pa rin. Ang bawat talinhaga na sinabi ni Jesus ay may kaugnayan sa Kaharian kahit paano.
BAKIT TALINHAGA?
Bakit pinili ni Jesus gamitin ang paraan ng pagtuturong ito upang ipakita ang mga katotohanang espirituwal patungkol sa Kaharian ng Diyos? Ganito rin ang tanong ng mga alagad.
At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa Kanya, Bakit Mo sila pinagsasalitaan ng mga talinghaga? (
Mateo 3: 10 )
Sumagot si Jesus:
…Sa inyo’y ipinagkaloob ang mangakaalam ng
mga hiwaga ng Kaharian ng langit,
datapuwat hindi ipinagkaloob
sa kanila. (Mateo 13:11.Tingnan din ang Lucas 8:10 )
Ang pagkaalam ng mga espirituwal na katotohanan ng Kaharian ay ibinigay sa mga alagad sapagkat may pagiisip silang espirituwal. Sila na walang espirituwal na pagiisip na nakarinig ng talinhaga ay hindi naunawaan ang mga ito sapagkat ang mga katotohanang espirituwal ay nauunawaan ng espirituwal na pagiisip:
Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi
tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu
ng Dios: sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kanya; at hindi niya nauunawa, sapagkat ang mga yaon
ay sinisiyasat ayon sa Espiritu.
( I Corinto 2: 14 )
Sila na may mga espirituwal na pagiisip ay nauunawaan ang mga prinsipyo ng Kaharian sa pamamagitan ng talinhaga. Sila na may mga makasalanang pagiisip ay hindi ito nauunawaan. Ginamit ni Jesus ang mga talinhaga upang itago ang mga dakilang prinsipyong espirituwal mula sa mga hindi mananampalataya:
Upang kung mangagsitingin sila’y
mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig
sila’y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila’y mangagbalikloob, at patawarin sila.
( Marcos 4: 12 )
( Ang isang taong may “ espirituwal na pagiisip” ay yaong ipinanganak na muli sa Espiritu tulad ng ipinaliwanag sa Ika-Apat na Kabanata nitong manwal.)
MGA TALINHAGA NG KAHARIAN
Lahat ng talinhaga na sinabi ni Jesus ay nagpapakita ng iba’t-ibang bagay tungkol sa Kaharian ng Dios. Ang paksa, mga reperensiya, at katotohanan ng Kaharian na itinuro ay nakalista rito. Tingnan mo ang bawat sitas sa iyong Biblia at basahin mo ang talinhaga.
MGA TALINHAGA TUNGKOL SA
ALOK NG KAHARIAN:
Ang mga sumusunod na talinhaga ay patungkol sa alok na ginawa ni Jesus sa Kaharian ng Diyos:
Ang Tinagpiang Damit: Mateo 9: 16; Marcos 2: 21; Lucas 5: 36
Ang Mga Sisidlan Ng Alak: Mateo 9: 17; Marcos 2: 22; Lucas 5: 37
Itinuturo ng mga talinhagang ito na nag-alok si Jesus ng isang Kahariang bago at kakaiba. Hindi ito maaaring ikulong sa mga sistema ng makalumang tradisyon ng relihiyon. Hindi posibleng maunawaan ang Kaharian ng Dios sa pamamagitan ng pagpipilit na ipasok ito sa mga lumang huwaran at pamumuhay.
Ang Mabuting Pastor: Juan 10: 1-16
Ang Haring si Jesus ay itinulad sa isang pastor. Ilalabas Niya ang Kanyang mga tupa mula sa gapos ng relihiyon patungo sa kalayaan ng Kanyang Kaharian. Makikilala ng Kanyang mga tupa ang Kanyang tinig at sila’y tutugon sa alok Niya ng Kaharian.
Ang Naligaw Na Tupa: Mateo 18: 12-14; Lucas 15: 4-7
Ang Nawalang Putol Ng Pilak: Lucas 15: 8-10
Ang Nawalang Anak: Lucas 15: 11-32
Ang mga talinhagang ito ay nagpakita kung paano hinanap ng Ama ang naligaw ng tupa para sa Kaharian, kung paanong ang Kanyang mga alagad ay dapat hanapin ang mga nawawala, at kung paanong ang pagsisisi ang susi ng pagiging tagapagmana ng Kaharian.
Ang Piging Ng Kasalan: Mateo 22: 1-14
Isang Malaking Handaan: Lucas 14: 16-24
Sa pamamagitan ng mga talinhagang ito, inanyayahan ni Jesus ang makabagong lahi ngayon na pumasok sa Kaharian. Ang unang paanyaya ay ibinigay sa isang piling grupo ng mga tao, ang bayan ng Israel. Hindi lahat ng pinili ay tumugon, kaya ang paanyaya ay inialok sa mga Gentil.
Ang Dalawang Nagtayo Ng Bahay: Mateo 7: 13-14; Lucas 13: 24-28
Iisang pintuan lamang ang daan patungo sa Kaharian. Ang pintuang yaon ay ang Panginoong Jesucristo.
MGA TALINHAGA TUNGKOL SA
PAGTANGGI SA HARI:
Mga Magsasakang Pumapatay: Mateo 21: 33-44; Marcos 12: 1-11; Lucas 20: 9-18
Gumamit si Jesus ng mga talinhaga upang ipakita na ang bayan ng Israel ay tinangggihan Siya bilang Mesias at Hari. Ipinakita ito sa talinhaga ng mga magsasakang pumapatay. Nagpadala ang Dios ng mga propeta sa lupa na inaalok ang Kaharian, subalit pinatay ng Israel ang mga ito. At ipinadala ng Dios ang sarili Niyang Anak. Siya man ay tinanggihan din at pinatay.
Ang Puno Ng Igos Na Walang Bunga: Lucas 13: 6-9
Nagkuwento si Jesus ng talinhaga tungkol sa puno ng igos na walang bunga. Ang puno ng igos ang natural na simbolo ng bayan ng Israel. Itinindig ng Diyos ang Israel bilang isang bayan na sa pamamagitan niya ay maipakita ang Kaharian sa buong mundo. Maraming beses na sinubukan ng Dios na “pagbungahin” ang “puno” sa mga paganong bansa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa tunay na Dios. Subalit ang Israel ay nanantiling baog at walang bunga.
Ang Kasalan: Mateo 22: 2-14
Gumamit din si Jesus ng talinhaga ng kasalan upang ipakita ang hindi pagtanggap sa Kanya. Sinugo ang mga alipin upang anyayahan ang mga tao sa kasalan. Subalit pinatay ng mga tao ang mga alipin at hindi tinanggap ang paanyaya. Ipinakita rito kung paano tinanggihan ang alok ng Kaharian.
MGA TALINHAGA TUNGKOL SA
PAGPAPALIBAN NG KAHARIAN:
Ang Mga Talento: Mateo 25: 14-20; Lucas 119: 11=27
Ang Lalakeng Naglakbay Ng Malayo: Marcos 13: 34-37
Ang Mga Alipin: Mateo 24: 43-51; Lucas 12: 39-46
Ang Mga Aliping Naghihintay: Lucas 12: 36-38
Si Jesus ay nagsalaysay ng mga talinhaga na nagpapakita na ang Kaharian ng Dios ay matatatag sa kanyang di nagbabagong kalagayan sa hinaharap. Ang Kaharian ay hindi darating sa kasalukuyan sapagkat tinanggihan ng Israel si Jesus bilang Hari. Ipinakikita rin ng mga talinhagang ito na si Jesus ay mawawalang pansamantala rito sa Kahariang matatatag. Binibigyang diin na ang Kanyang mga alagad ay magtatapat sa gawaing iniatang sa kanila, ginagamit ang kanilang mga talento at kakayahan upang ikalat ang Kaharian ng Dios.
Ang Puno Ng Igos: Mateo 24: 32-34; Marcos 13: 28-30; Lucas 21: 29-32
Isinalaysay ni Jesus ang puno ng igos na nagpapakita, humigit kumulang, kung kailan itatatag ang Kaharian ng Dios. Sinabi Niyang nasasabi ng sinoman kung malapit na ang tag-init sapagkat umuusbong na ang mga dahon at bulaklak ng puno ng igos. Tulad ng nabanggit na ang puno ng igos ang kumakatawan sa bansang Israel. Sinasabi ni Jesus na kapag ang Israel ay nabalik na sa kanyang sariling lupain, at magumpisa itong “bumukadkad” na muli bilang isang bansa, nalalapit na ang pagbabalik ng Hari. ( Naganap na ang pangyayaring ito…Nabalik na ang Israel sa sarili niyang bayan at natatag na bilang isang bansa!)
MGA TALINHAGA TUNGKOL SA
PAGLAGO NG KAHARIAN:
Nagsalaysay si Jesus ng mga talinhaga na nagpapakita kung paano palalaganapin ang Kaharian ng Dios sa buong sanglibutan.
Ang Mga Talento: Mateo 25: 14-30; Lucas 19: 11-27
Ang talinhagang ito ay nagpapakita na ang Kaharian ay kakalat sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga kakayahang espirituwal na ipinagkaloob sa mga mananampalataya.
Ang Manghahasik: Mateo 13: 3-8; Marcos 4: 3-8; Lucas 8: 5-8
Ang Evangelio ng Kaharian ay kakalat sa pamamagitan ng paghahasik ng binhi ng Salita ng Dios. Magkakaroon ng iba’t-ibang pagtugon sa paghahasik na ito, batay sa damdamin ng mga nakikinig. Ang bunga ay hindi nakasalalay sa manghahasik, kundi sa buhay na nakatago sa loob ng binhi at sa uri ng lupa na tinamnan nito ( ang puso ng tao).
Ang Pansirang Damo at ang Trigo: Mateo 13: 24-30
Sisirain ni Satanas ang pagpapalaganap ng Kaharian sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga taong tulad ng masamang “damo” sa pagitan ng mabubuting binhi sa Kaharian ng Dios. Ang mga pansirang damo na inihasik ni Satanas ay katulad din ng trigo. Sa panahon ng pag-aani, makikilala ang trigo sa bunga nito, samantalang ang mga damo ay walang bunga.
Ang Lambat: Mateo 13: 47-50
Ang Kaharian ay itinulad din sa isang lambat na inihagis sa dagat. Lahat ng uri ng isda ay nahuli, subalit nang ang lambat ay nahila na sa pampang, ang mabubuting isda ay inihihiwalay mula sa hindi magagandang isda. Iba’t-ibang uri ng tao ang mahahalina sa Kaharian. Bago itatag ang di nagbabagong kalagayan ng Kaharian, magkakaroon ng paghuhukom upang salain kung sino ang dapat alisin.
Ang Buto ng Mostasa: Mateo 13: 31-32; Marcos 4: 31-32; Lucas 13: 19
Ang Kaharian ng Dios ay tutubo tulad ng buto ng mostasa. Ang buto ay napakaliit at tila walang kabuluhan, subalit pag lumago ito ay nagiging napakalaking puno.
Ang Lebadura: Mateo 13: 33; Lucas 13: 21
Tulad ng lebadura sa isang masa ng tinapay, ang Kaharian ng Dios ay kakalat sa buong “masa” ng sanglibutan. Ang kapangyarihan ng Kaharian ay hindi panglabas, kundi pangloob.
MGA TALINHAGA TUNGKOL SA
PAGHUHUKOM SA KAHARIAN:
Ang Sampung Dalaga: Mateo 25: 1-12
Ang Mga Tupa At Mga Kambing: Mateo 25: 31-46
Maraming talinhaga si Jesus tungkol sa darating na paghuhukom sa Kaharian. Sa panahon ng paghuhukom, sila na mga tupa ng tunay na Pastor, si Jesucristo, ay tatanggapin. Ang iba ay hindi papapasukin sa Kaharian.
MGA TALINHAGA TUNGKOL SA
HALAGA NG KAHARIAN:
Gumamit si Jesus ng maraming talinhaga upang ipakita ang halaga ng Kaharian ng Dios.
Ang Mahalagang Perlas: Mateo 13: 45-46
Ang Nakatagong Kayamanan: Mateo 13: 44
Ipinakikita ng mga talinhagang ito na ang Kaharian ng Dios ay napakataas ng halaga na walang maitutulad dito. Higit na mahalaga ito kaysa anomang ari-arian ng tao. Kung kinalailangang iwaksi mo ang lahat ng pag-aari mo upang mapa sa iyo ang Kaharian, sulit ang sacripisyong ito.
Ang Puno Ng Sambahayan: Mateo 13: 52
Sa talinhagang ito inihalintulad ni Jesus ang Kanyang sarili sa isang puno ng sambahayan na naglalabas ng mga kinakailangan ng tahanan. Ang puno ng sambahayan ay siyang nangangasiwa ng mga bagay. Ang nangangasiwa sa tahanan ay maaaring maglabas ng bago o lumang bigas, bago o lumang alak. Sa kanyang mga inilalabas, ang mga pangangailangan ng sambahayan ay natutugunan. Sa ibang paraan, ang Kaharian na dinala ni Jesus ay tulad ng dating Kaharian. Sa isang dako, ito ay lubusang bago. Subalit kapwa ang luma at ang bago ay may halaga sa pagtagpo ng pangangailangan ng mga naninirahan sa Kaharian ng Dios.
MGA TALINHAGA TUNGKOL SA BUHAY SA KAHARIAN:
Karamihan sa mga sinalaysay na talinhaga ni Jesus ay nagpapaliwanang ng mga prinsipyo sa pamumuhay sa Kaharian.
Ang Dalawang Anak: Mateo 21: 28-32
Itinuro ni Jesus na ang pagsunod ang tanda ng pagiging anak sa loob ng pamilya ng Kaharian.
Ang Mabuting Samaritano: Lucas 10: 30-37
Ang prinsipyo ng Kaharian na ibigin ang lahat ay itinuturo sa talinhagang ito. Ang ating kapwa ay kahit sinong nangangailangan, na alam nating ang pangangailangan, at kaya nating tugunan ito.
Ang Dalawang May Pagkakautang: Lucas 7: 41-43
Itinuturo ng talinhagang ito na ang pagibig ay dapat ipakita ng taong nakaranas ng pagibig sa Kaharian.
Ang Publikano at ang Maniningil ng Buwis: Lucas 18: 10-14
Ang Fariseo ay lumapit sa Dios batay sa kanyang sariling katuwiran. Kinikilala ng maniningil ng buwis na hindi siya karapatdapat humarap sa Panginoon. Itinuro sa talinhagang ito kung paano dapat lumapit sa Dios ang mga tao upang mag-alay ng pagsamba, papuri, pasasalamat, paghingi, at pananalangin para sa iba sa Kaharian. Itinuro din ang pagpapakumbaba sa pananalangin at nagbabala tungkol sa kasalanan ng pagpapanggap na ikaw ay matuwid at higit na mabuti kaysa iba.
Ang Matiyagang Balo: Lucas 18: 1-8
Ang Kaibigang Mapilit: Lucas 11: 5-10
Ipinakikita sa dalawang talinhagang ito ang kahalagahan ng pagtitiyaga sa pananalangin.
Ang Matapat Na Tagapangasiwa: Mateo 25: 14-30
Ang talinhagang ito ang nagpapakita ng kahalagahan ng matalino at matuwid na pangangasiwa ng kayamanan ng Kaharian na ipinagkatiwala sa mga mananampalataya.
Mga Luklukan sa Handaan ng Kasal: Lucas 14: 7-11
Ipinakikita rito ang kahalagahan ng kababaang-loob, at ang pagtaas sa tungkulin sa Kaharian ng Dios ay sa Panginoon nagmumula.
Ang Puno at Ang Mga Sanga: Juan 15: 1-6
Inilalarawan dito ang kaugnayan ni Jesus sa Iglesia.
Mga Manggagawa Sa Ubasan: Mateo 20: 1-16
Itinuturo rito na ang mga
gantimpalang walang hanggan ay hindi ibinibigay ayon sa pamantayan ng mundo.
Ang Katungkulan ng Alipin: Lucas 17: 7-10
Itinuturo ng talinhagang ito na ang katungkulan natin ay maglingkod at sundin ang mga bagay na iniutos ng Hari.
Ang Hari na Pupunta sa Digmaan: Lucas 14: 31-33
Ang Taong Nagtatayo ng Isang Moog: Lucas 14: 28-30
Ipinakikita ng mga talinhagang ito ang kahalagahan ng tamang pagkaunawa sa pagtatalaga sa Kaharian.
Ang Damit na Pangkasal: Mateo 22: 10-14
Ipinakikita rito ang kahalagahan ng pagsusuot ng damit ng katuwiran upang makapanatili sa Kaharian. Ito ay maaabot ng sinoman sa pamamagitan ng katuwiran ni Jesus, hindi ng pansariling katuwiran.
Ang Pagbubulay-bulay ng Mayamang Lalake: Lucas 12 16-20
Ang kuwentong ito ay tungkol sa kahangalan ng pagsandal sa kayamanang lumilipas. Ang dapat unahin sa buhay ay ang walang hanggang Kaharian ng Diyos.
Ang Puwing at ang Tahilan: Mateo 7: 1-5; Lucas 6: 41-42
Itinuturo dito na tayo na ang maghusga sa ating sarili sa halip na ang iba.
Ang Pag-aani: Mateo 9: 37-38; Lucas 10: 2
Ito ay kuwento ng pag-aani, hinog na at handa nang anihin. Ito ang ginamit ni Jesus na talinhaga upang makita ng mga alagad ang pangangailangan na palaganapin ang Kaharian. Ang pangitaing ito ang nagpabago sa kanila mula sa pagiging “mamamalakaya” tungo sa pagiging “ mamamalakaya ng mga tao.”
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Ano ang talinhaga?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
3. Bakit gumamit sa Jesus ng mga talinhaga upang magturo ng mga katotohanan tungkol
sa Kaharian ng Dios?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
4. Ano ang tampok na paksa ng mga talinhaga ni Jesus?
________________________________________
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG
NA PAG-AARAL
Ang aklat ng Apocalipsis ay tulad ng sinasaad ng kanyang pangalan. Ito ay nagpapahayag ng mga bagay na dati’y hindi pa nalalaman. Ipinakita ng Dios kay Apostol Juan ang mga pangyayaring darating sa hinaharap. Hindi kailanman maaaring malaman ni Juan ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng natural na kaalaman. Isinulat ni Juan ang mga bagay na ito habang inihahayag sa kanya ng Dios, at tinawag niya itong aklat ng mga “Pahayag” o Apocalipsis.
Ang pahayag na ito ay mga pangyayari na magaganap bago magwakas ang sanglibutan at ang panahon na alam natin ngayon. Tulad ng mga talinhaga, ang mga Pahayag ay mahirap maunawaan ng likas na pag-iisip. Kailangan itong makita ng pag-iisip na espirituwal.
Marami ang ipinahayag ng aklat ng Apocalipsis tungkol sa darating na Kaharian ng Dios.
1. Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensiya tungkol sa Kaharian ng Dios sa aklat na ito: Apocalipsis 1: 9; 11: 15; 12: 10
2. Ang mga sumusunod na reperensiya ay tungkol sa mga kaharian ng sanglibutan at ni Satanas: Apocalisis 16: 10; 17: 17
3. Ang Apocalipsis 20: 10-15 ay nagpapakita ng huling hantungan ni Satanas at ng mga naninirahan sa kanyang kaharian.
4. Ang Apocalipsis Kabanata 21-22 ay naglalarawan ng hantungan ng mga naninirahan sa Kaharian ng Dios.
Isulat mo ang buod ng mga natutuhan mo mula sa mga sitas tungkol sa Kaharian ng Dios:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
IKA-LABINGISANG KABANATA
MGA EMBAHADOR NG KAHARIAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:
- Isulat ang Susing Talata na kinabisa.
- Ibigay ang kahulugan ng salitang” embahador.”
- Ibigay ang kahulugan ng salitang “ saksi.”
- Ipaliwanang ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian sa buong sanglibutan.
MGA SUSING TALATA:
At samantalang kayo’y
nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, at mangagsabi, Ang Kaharian ng langit ay malapit na.
Mangagpagaling kayo ng
mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga
demonio: tinanggap ninyong
walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
( Mateo 10: 7-8 )
PAMBUNGAD
Marami ka nang natutuhan tungkol sa Kaharian ng Dios sa kursong ito. Napag-alaman mo na may mga kahariang espirituwal si Satanas at ang Dios. Ang nakaraan, kasalukuyan, at darating na Kaharian ng Dios ay nirepaso na. Pinag-aralan mo rin ang buhay at mga aral ng Haring si Jesus. Binigyan ka na ng mga susi upang makapasok sa Kaharian ng Dios, at binigyan ka ng babala upang hindi ka mapalayas sa Kaharian. Pinag-aralan mo ang mga talinhaga ng Kaharian at natutuhan mo ang mga mahahalagang prinsipyo ng pamumuhay sa Kaharian.
Tatanggap ka ng espesyal na gawain sa huling kabanatang ito. Ang assignment na ito ay panghabang-buhay mong gagawin. Ikaw ay itinakda bilang embahador ng Kaharian ng Dios.
ANG MISYON NI JESUS
Si Jesus ay naparito sa lupa na may tanging misyon na maitatag ang Kaharian ng Dios:
Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa
Galilea si Jesus na ipinangangaral
ang Evangelio ng Dios,
At sinasabi, Naganap
na ang panahon, at malapit na ang Kaharian ng Dios; kayo’y mangagsisi,
at magsisampalataya sa Evangelio. ( Marcos 1: 14-15 )
Mula noon ay
nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang Kaharian ng
langit. ( Mateo 4: 17 )
Ang pagtatalaga ni Jesus sa Kaharian ng Dios ay nakikita sa Kanyang buong ministeryo:
Datapuwat sinabi Niya sa kanila, Dapat
namang ipangaral Ko sa ibang bayan ang mabubuting
balita ng Kaharian ng Dios; sapagkat sa ganito ay sinugo Ako.
( Lucas 4: 43 )
Pagkatapos ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, nanatili si Jesus sa sanglibutan sa maikling panahon at napakita Siya sa maraming mga tao. Ang mensahe Niya ay hindi nagbago. Ito’y nakatuon sa Kaharian ng Dios:
Na sa kanila nama’y napakita rin Siyang
buhay, sa pamamagitan ng maraming
mga katunayan, pagkatapos na Siya’y
makapaghirap, na napakikita sa kanila sa
loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa Kaharian ng Dios. ( Gawa 1: 3 )
Nagpasimula si Jesus ng Kanyang ministeryo sa pangangaral ng mensahe ng Kaharian
( Mateo 4: 17 ). Nagtapos Siya ng Kanyang ministeryo sa lupa sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bagay tungkol sa Kaharian ( Acts 1: 3 ). Sa pagitan ng pasimula at pagtatapos ng Kanyang ministeryo, ang Kanyang tampok na malasakit ay ang pagpapalaganap ng Kaharian ng Dios.
ANG DAKILANG UTOS
Bago pa Siya mamatay, inihanda na ni Jesus ang Kanyang mga alagad upang ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng Kaharian. Una, hinayaan Niyang magmasid kung paanong ang mensahe ng Kaharian ay ituturo:
At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon,
na Siya’y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at
dinadala ang mabubuting balita ng Kaharian ng
Dios, at kasama Niya ang labingdalawa. ( Luke 8: 1 )
Susunod, sinanay ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa pamamagitan ng paggawa. Ipinadala Niya sila sa buong Israel na may tagubilin na…
… ipangaral ang Kaharian ng Dios, at
magpagaling ng mga maysakit.
( Lucas 9: 2 )
Sa wakas, sila ay itinalaga na may responsabilidad na palaganapin ang Evangelio ng Kaharian ng Dios sa buong sanglibutan:
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng
kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
Dahil dito magsiyaon
nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismohan sa pangalan ng Ama at ng Anak
at ng Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa
kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo; at narito, Ako’y
sumasainyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
( Mateo 28: 18-20 )
At sinabi Niya sa
kanila, Magsiyaon kayo sa sanglibutan, at inyong ipangaral ang Evangelio sa lahat ng kinapal. (
Marcos 16: 15 )
MGA EMBAHADOR NG KAHARIAN
Bago bumalik si Jesus sa Langit, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad:
At kayo’y inihalal Kong isang Kaharian, na
gaya nga ng pagkahalal sa Akin ng Aking Ama. ( Lucas 22: 29 )
Ang Kahariang ibinigay ng Dios kay Jesus ay ibinigay din Niya sa Kanyang mga alagad, at tayo ay may pribilehiyo na maging bahagi nitong walang hanggang emperyo. Subalit ang Dios ay pumipili ayon sa pakay, hindi lang sa pribilehiyo. Iniwan ni Jesus sa Kanyang mga alagad ang responsabilidad ng pagpapalaganap ng Kaharian ng Dios sa buong mundo. Sila ay dapat maging mga embahador ng Kaharian.
Ang embahador ay isang representante ng isang kaharian upang katawanin ang isang bansa sa ibang lugar. Siya ang mensahero at awtorisadong ahente ng kaharian na kanyang kinakatawan. Ang sabi ni Pablo:
Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo.
( II Corinto 5: 20 )
Tayo ay mga embahador na ipinadala ng Hari upang isagawa ang gawain ng Kaharian ng Dios sa mga kaharian ng sanglibutan.
Ang ating takdang gawain bilang mga embahador ng Kaharian ay isang panghabang buhay na tungkulin. Sa oras na tanggapin natin ang gawaing ito, hindi na tayo makalilingon pa sa nakaraan:
Datapuwat sinabi sa kanya ni Jesus, Walang
taong pagkahawak sa araro, at lumilingon
sa likod, ay karapdapat sa Kaharian ng Dios. ( Lucas 9: 62 )
TAYO AY MGA SAKSI
Bilang mga embahador, tayo ay dapat maging mga saksi para sa Kaharian ng Dios. Ang saksi ay isang tao na makapagpapatotoo at makapaghaharap ng ebidensiya ng isang karanasan na siya mismo ang nakaranas. Siya ang personal na nakakita, naka-obserba, nakaranas, at makapagbibigay ng katibayan ng kanyang karanasan. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad:
At kayo naman ay magpapatotoo, sapagkat
kayo’y nanga kasama Ko buhat pa nang una. ( Juan 15: 27 )
Ang patotoo ng mga embahador ng Kaharian ay dapat lumaganap sa buong sanglibutan:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu
Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng
lupa. ( Gawa 1: 8 )
Ang mensahe ng mga saksi ay:
At sinabi Niya sa kanila, ganyan ang
pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo,
at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw:
At ipangaral sa
Kanyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.
Kayo’y mga saksi ng
mga bagay na ito. ( Lucas 24: 46-48 )
Sa paghayo ng mga alagad bilang mga saksi, ang Dios ay sumaksi rin sa pamamagitan nila:
Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na
kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at kababalaghan, at ng
saganang kapangyarihan, at ng mga kaloob ng Espiritu
Santo, ayon sa Kanyang sariling kalooban. ( Hebreo 2: 4 )
Dapat tayong maging mga embahador ng Kaharian, nagbibigay ng saksi sa mensahe, na kasama ang pagkasi ng Dios sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang kapangyarihan.
ISANG MAHALAGANG RESPONSABILIDAD
Bakit napakahalagang responsabilidad itong pagpapalaganap ng Kaharian?
Sapagkat sinabi ni Jesus:
At ipangangaral ang Evangeliong ito ng
Kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo
sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
( Mateo 24: 14 )
Ang permanenteng pagtatatag ng Kaharian ng Dios ay hindi mangyayari hanggang hindi naipangangaral ang Evangelio ng Kaharian sa buong sanglibutan. Pansinin mo na hindi lang basta Evangelio… kundi ang Evangelio ng Kaharian. Sa mga sumusunod na talata ay nagbigay si Pablo ng mga nilalaman ng Evangelio:
Ngayo’y ipinatatalastas ko sa inyo, mga
kapatid, ang Evangelio na sa inyo’y aking
ipinangaral, na inyo namang
tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan.
Sa pamamagitan naman nito’y
iligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang
salitang ipinangaral ko sa
inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
Sapagkat ibinigay ko
sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap; na si Cristo ay
namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan.
At Siya’y inilibing;
at Siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. ( I Corinto 15: 1-4 )
Ang pangunahing mensahe ng Evangelio ay si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan. Siya ay nilibing, at Siya’y nabuhay na maguli ayon sa mga kasulatan.
Ang Evangelio ay dapat ipangaral, subalit dapat isali ang mensahe ng Kaharian. Dapat ipaalam sa mga tao na may Kaharian ang Dios, at ituro sa kanila kung paano makakapasok at makapamumuhay dito.
PAGBABAHAGI NG KAHARIAN
Nagbigay si Jesus ng mga tiyak na panuntunan kung paano ibabahagi ang mensahe ng Kaharian. Ang pagsisisi ng kasalanan ay dapat kasali sa mensahe ng Kaharian:
Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa
Galilea si Jesus na ipinangangaral
ang Evangelio ng Dios,
At sinasabi, naganap
na ang panahon, at malapit na ang Kaharian ng Dios; kayo’y mangagsisi,
at magsisampalataya sa Evangelio. ( Marcos 1: 14-15 )
Mula noon ay
nagpasimulang mangaral si Jesus, at nagsabi, Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang Kaharian ng
langit. ( Mateo 4: 17 )
Ang mensahe ng Kaharian ay dapat palaganapin sa pamamagitan ng pagtuturo at pangangaral:
At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga
bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga
sinagoga nila, at
ipinangangaral ang Evangelio ng Kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring
karamdaman. ( Mateo 9: 35 )
At sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad…
At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang Kaharian ng langit ay malapit na. ( Mateo 10: 7 )
Ang mensahe ng Kaharian ay hindi lamang sa salita. Ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Dios ay dapat kaalinsabay ng pangnagaral tungkol sa Kaharian. Ito ay ipinakita sa halimbawa ni Jesus:
At nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan
at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga
nila, at ipinangangaral ang Evangelio ng Kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring
karamdaman. ( Mateo 9: 35 )
Datapuwat nang maalaman
ng mga karamihan ay nagsisunod sa Kaniya: at sila’y
tinanggap
Niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa Kaharian ng Dios, at pinagagaling Niya ang
nangagkakailangang gamutin. ( Lucas 9:
11 )
Tinuruan ni Jesus ang mga alagad na huwag lamang magturo at mangaral ng Kaharian, kundi sa bawat bayan ay…
… pagalingin ninyo ang mga may sakit na
nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, Lumapit
na sa inyo ang Kaharian ng Dios. ( Lucas 10: 9 )
At sila’y sinugo Niya
upang ipangaral ang Kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit. ( Lucas 9: 2 )
Ang kapahayagan ng kapangyarihan…mga himala at pagpapagaling…ay ang Kaharian ng Dios na kumikilos. Sinabi ni Pablo:
Sapagkat ang Kaharian ng Dios ay hindi sa
salita, kundi sa kapangyarihan.
( I Corinto 4: 20 )
TINUTUPAD ANG UTOS
Si Apostol Pablo, isang dakilang Embahador ng Kaharian sa unang Iglesia, ang nagsabi:
At ang aking pananalita at ang aking
pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat
ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:
Upang ang inyong
pananampalataya ay huwag masalig sa karunugan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. ( I
Corinto 2: 4-5 )
Ang unang Iglesia ay tumupad sa utos ng pagpapalaganap ng Kaharian ng Dios hindi lamang sa pamamagitan ng pagtuturo at pangangaral. Hindi ito pinalaganap ng mga nag-aral na teologo, mga partido, mga programa, o sa pagpapatayo ng mga gusali. Ang utos ay natupad sa pamamagitan ng pagsasanib ng mensahe ng Kaharian at ng kapahayagan ng kapangyarihan ng Hari.
Ang pagpapalaganap ng Kaharian ang naging pangunahing pakay ng unang Iglesia. Sa kabila ng pag-uusig, patuloy ang mga mananampalatay na tuparin ang utos bilang mga embahador ng Kaharian:
…At nang araw na yaon ay nangyari ang isang
malaking paguusig laban sa iglesia
na nasa Jerusalem; at silang
lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako…
Ang mga nagsipangalat
nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita.
( Gawa 8: 1, 4 )
Bahagi ng plano ng pagsusubaybay sa pagtatayo ng mga iglesia ay ang mga tagubilin patungkol sa Kaharian ng Dios:
…Nagsibalik sila…na pinatitibay ang mga
kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan
sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay
kinakailangang magsipasok tayo sa Kaharian ng
Dios. ( Gawa 14: 21-22 )
Ang Kaharian ng Dios ang mensahe ng mga miembro ng Iglesia:
Datapuwat nang magsipaniwala sila kay
Felipe na nagangaral ng mabubuting balita tungkol
sa Kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake’t mga babae. ( Gawa 8: 12 )
Ang Kaharian ng Dios ang tampok sa mga gawain ng mga dakilang lider ng Iglesia:
At siya’y ( si Pablo ) pumasok sa sinagoga,
at nagsalitang may katapangan sa loob
ng tatlong buwan, na nangagatuwiran at nanghihikayat tungkol sa mga bagay na
nauukol sa Kaharian ng Dios. ( Gawa 19: 8 )
Ang Kaharian ng Dios ang pinakatampok sa ministeryo ni Pablo. Sa pagtatapos ng kanyang ministeryo, sinabi niya sa mga mananampalataya:
At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong
lahat, na aking nilibot na pinangaralan
ng Kaharian, ay hindi na ninyo makikita
pa ang aking mukha. ( Gawa 20:
25 )
Sa huling natala sa Biblia patungkol kay Pablo, siya ay nagpapatuloy na pinalalaganap ang Kaharian bagamat siya’y nakakulong sa Roma:
Na ipinangangaral ang Kaharian ng Dios, at
itinuturo ang mga bagay na nauukol
sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya. ( Gawa 28: 31
)
ITINATAYO ANG KAHARIAN
Sa maraming pagkakataon, nawala na sa makabagong Iglesia ang diin sa pagtatayo ng Kaharian ng Dios. Nagtatayo tayo ng mga dakilang iglesia, magagandang gusali, at malalaking mga denominasyon. Binibigyan natin ng halaga ang pagtatayo ng mga bahay ampunan, mga paaralan, at mga ospital.
Kahit mabuti ang mga ito at bahagi ng ministeryo ng Iglesia, hindi ito ang dapat maging tampok. Hindi tayo inutusang maglikom ng halaga at magtayo ng gusali. Ang mga produkto nito ang maaaring maging resulta ng pagtatayo ng pansariling kaharian sa halip na ang buong mundong pagpapalaganap ng Kaharian ng Dios.
Nagbabala si Pablo tungkol dito nang kanyang sabihing:
Sapagkat pinagsisikapan nilang lahat ang sa
kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.
( Filipos 2: 21 )
Bawat proyekto ng isang
ministeryo ay dapat itanong ang ganito: Paano
ito makatutulong sa pagganap ng utos na ipalaganap ang Kaharian ng Dios?
Nagtuturo tayo at nangangaral tungkol sa maraming paksa…pag-aasawa, pamilya,
mga hula. Ang mga ito ay mabubuting paksa at kailangan sa daigdig ngayon. Nagsasanay
tayo ng mga dakilang orador upang tumayo sa mga pulpito. Subalit ang bawat
mensahe ay dapat husgahan sa tanong na ito: Paano
ang mensaheng ito makapagdadala ng mga prinsipyo ng Kaharian ng Dios?
Itanong mo ito sa iyong sarili…
- Kailan ako huling nakarinig ng mensahe tungkol sa Kaharian ng Dios?
- Paano tinutupad ng aking iglesia ang utos na palaganapin ang Kaharian ng Dios?
- Paano ko ginagampanan ang aking bahagi bilang isang embahador ng Kaharian ng Dios?
Itinuro ni Jesus na dapat nating ituon ang ating mga panalangin sa Kaharian. Idalangin natin na:
Dumating nawa ang Kaharian Mo. Gawin nawa
ang Iyong kalooban, kung paano sa
langit, gayon din naman sa lupa. ( Mateo 6: 10 )
Dapat nating hanapin ang Kaharian bilang ating pinakaunang gawain sa buhay:
Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kanyang
Kaharian, at ang Kanyang katuwiran;
at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
( Mateo 6: 33 )
Gayon ma’y hanapin
ninyo ang Kanyang Kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito. ( Lucas 12: 31 )
Itinatag ng Dios ang Iglesia upang magamit sa pagpapalaganap ng Kaharian sa mga bansa sa buong mundo. Nawala na ang pangitaing ito sa maraming iglesia. Binigyan nila ng diin ang pagpaparami ng mga kaanib at pagpapalaki ng denominasyon sa halip na ang pagtatayo ng Kaharian.
Ang pagpapaligsahan ng mga pastor, mga iglesia, at mga denominasyon ang naghati sa pagkakaisa ng Katawan ni Cristo. Nawala na sa atin ang pangitain ng nagkakaisang Kaharian ng Dios na kinabibilangan ng isang local na iglesia. Sa halip na magtulungan tayo sa isa’t isa sa pagpapalaganap ng Kaharian, nagpapaligsahan tayo sa pagpapatayo ng malalaking gusali, maraming mga miembro, at malaking pondo upang itayo ang sarili nating kaharian.
Ang plano ng Dios ay hindi lamang para ang iglesia ay mangaral ng Kaharian kundi ito ay maging buhay na patotoo ng Kaharian. Tinatanggap ba natin ang hamong ito?
Dapat matutuhan ng Iglesia na huwag bigyan ng gaanong halaga ang dami ng mga miembro. Dapat ay huwag matuon ang lahat ng pansin sa programa ng pagpapatayo ng mga gusali at sa pagpaparami ng miembro. Dapat hanapin muna ng Iglesia ang Kaharian ng Dios na tumatawid sa mga denominasyon, kultura, at pambansang hangganan. Kung hahanapin muna ng Iglesia ang Kaharian, ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa kanya.
ISANG HALIMBAWA SA LUMANG
TIPAN
Ang unang utos ng Dios sa tao ay “ magparami kayo at kalatan ninyo ang lupa” (Genesis 1: 28). Ang diin ay nasa tao. Ang pakay ay punuin ang mundo ng mga lalaki’t mga babae na nilalang sa wangis ng Dios na may personal na kaugnayan sa Dios. Subalit sa Genesis 11:1-9 napansin mo na nabago ng tao ang pakay na ito. Basahin mo ito sa iyong Biblia.
Sa Shinar and diin ay napunta sa pagtatayo ng siyudad at ng isang higanteng tore, imbes na paramihin ang mga tao sa mundo. Natuon ang atensiyon sa mga proyekto, hindi sa mga tao. Ang mga layunin ay makasarili: Upang magkaroon ng dakilang pangalan at tipunin ang maraming mga tao.
Tiningnan ng Dios ang mga tao sa kanilang paggawa sa Tore ni Babel. Hindi ito iniutos ng Dios, kaya tiningnan Niya kung ano ang kanilang ginagawa. Ito ang kalagayan ng marami nating mga iglesia. Hindi natin pinansin ang utos na palaganapin ang Kaharian, bagkos, nagtatayo tayo ng mga tore ng denominasyon at mga miembro. Nagtatayo tayo ng mga dakilang gusali. Ano kaya ang iisipin ng Dios kung manaog Siya at tingnan ang ating mga ginagawa?
“Magtayo tayo ng siyudad,” sabi ng mga tao sa Shinar. May pagkakaiba ang siyudad na itinayo ng tao at ang siyudad na ang nagtayo ay ang Dios. Ang mga tao ay nagtatayo na umaasa sa kanilang sariling kakayahan upang matugunan ang kanilang makasariling mga nasa.
Kumilos ang Dios. Bumaba Siya at ginulo ang kanilang wika.:
Halikayo! Tayo’y bumaba at diyan din ay
ating guluhin ang kanilang wika, na anopa’t sila’y huwag magkatalastasan
sa kanilang salita.
Ganito pinanabog sila
ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
Kaya ang pangalang
itinawag ay Babel; sapagkat doon ginulo ng Panginoon ang wika
ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa. ( Genesis 11: 7-9)
Sapagkat iba’t-ibang wika na ang sinasalita ng mga tao, napilitan silang itigil ang proyekto. Marami tayong naririnig na magkakalabang mga tinig sa iglesia ngayon. Kung hindi tayo nagkakaunawaan, ating suriin ang ating tore. Maaaring ang mga proyektong ating ginagawa ay hindi aprobado ng Dios. Kung magkaminsan, tulad ng sa Babel, ang pagpapalaganap ng Kaharian ay nangangailangan ng pagbubuwag, imbes na pagtatayo. Subalit ang ibang tao ay hindi nakalaang itigil ang kanilang proyekto upang palaganapin ang Kaharian sapagkat naging idolo na nila ang kanilang trabaho.
ISANG HALIMBAWA SA BAGONG
TIPAN
Inutusan ni Jesus ang unang Iglesia na magparami ng mga alagad sa buong mundo, hindi magtayo ng malaking iglesia sa Jesrusalem. Subalit nakita natin ang iglesia sa Jerusalem na napakabilis ng paglago, na nagdulot ng problema sa pangangasiwa nito ( Gawa 6). Sa Jerusalem naipon ang napakaraming mga Kristiyano sapagkat hindi sila nangaral sa ibang panig ng daigdig tulad ng inutos ni Jesus. Dahil dito, pinahintulutan ng Dios na dumating ang paguusig at nagsipangalat ang mga mananampalataya:
… At nang araw na yao’y nangyari ang isang
malaking paguusig laban sa iglesia na nasa
Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria… ( Gawa 8: 1)
Sa pamamagitan nito sila’y nagbalik sa orihinal na utos sa kanila na maging mga embahador ng Kaharian:
Ang mga nagsipangalat
nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita.
(Gawa 8: 4)
Pag nawala na ang malalaking mga iglesia, ang bayan ng Dios ay magpapatuloy. Ang Kaharian ng Dios ay hindi mapapalaganap sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtatayo ng malalaking gusali. Hindi ito susulong sa pamamagitan ng mga proyekto. Ito ay lalaganap sa pamamagitan ng mga embahador na nagdadala ng patotoo sa Evangelio ng Kaharian, at nanganganak ng mga alagad.
Sa nakaraang kabanata,”Mga Talinhaga ng Kaharian,”ipinaliwanag kung paanong ang Kaharian ay kakalat sa buong mundo. Ang talinhaga ng mga talento sa Lucas 19 at sa Mateo 25 ay nagpapakita na ang Kaharian ay lalaganap sa paggamit ng mga espirituwal na kaloob at kakayahan.
Ang talinhaga ng lebadura (Mateo 13:33) ay nagpakita ng maliit na pasimula, subalit tulad ng pampaalsa sa tinapay ito ay patuloy na kakalat. Ang talinhaga ng lambat na inihagis sa dagat ay nagpapakita na maraming mga lalaki at babae mula sa iba’t-ibang bansa ang mapapasok sa Kaharian ng Dios.
Ang Kaharian ay kumakalat din habang ang mga tao ay naghahagis ng binhi ng Evangelio sa puso ng mga tao. Tulad ng binhi sa natural na mundo, ang Evangelio ng Kaharian ay tumutubo, bagamat ang paraan ng pagtubo ay hindi gaanong nauunawaan ng nagtatanim (Marcos 4:26-27).
Pinangakuan tayo:
Huwag kayong mangatakot, munting kawan;
sapagkat nakalulugod na mainam
sa inyong Ama ang sa inyo’y ibigay ang Kaharian. (Lucas 12:32)
DUMATING ANG KAHARIAN MO
Darating ang araw na ang Kaharian ng Dios ay parmanante nang itatatag at ang kaharian ni Satanas ay matatalo:
At narinig ko ang isang malakas na tinig sa
langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating
ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang Kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kanyang Cristo:
sapagkat inihagis na ang tagapagsumbong sa
harapan ng ating Dios araw at gabi. (Apocalipsis 12:10)
Kung magkagayo’y
darating ang wakas, pagka ibibigay na Niya ang Kaharian sa Dios, samakatuwaid baga’y sa Ama;
pagka lilipulin na Niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. ( I Corinto 15:4)
At humihip ang
ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang Kaharian ng
sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan kailan
man.
( Apocalipsis 11:15)
At Siya’y maghahari sa
angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas
ang Kaniyang Kaharian. ( Lucas 1: 33)
Hanggang sa araw na yaon maaangkin mo ang Kanyang pangako…
Ako’y ililigtas ng
Panginoon sa bawat gawa ng masama, at ako’y Kaniyang iingatan sa Kaniyang Kaharian sa langit: na sumakaniya
nawa ang kaluwalhatian
magpakailan man. Siya nawa. ( II
Timoteo 4: 18)
At ang aming pangwakas na dalangin para sa inyo ay…
Upang kayo’y
magsilakad ng nararapat sa Dios, na Siyang tumawag sa inyo sa Kanyang
sariling Kaharian at kaluwalhatian. ( I Tesalonica 2:12)
PANSARILING
PAGSUSULIT
1. Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa.
________________________________________
________________________________________
2. Ano ang kahulugan ng salitang “ Embahador?”
________________________________________
________________________________________
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang “Saksi.”
________________________________________
________________________________________
4. Ang sabi ni Pablo ay, ang kanyang mga pangangaral ay hindi lamang mga salita kundi ito’y sinasabayan ng ano?
________________________________________
5. Bakit ang pagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian ay mahalagang
responsabilidad?
________________________________________
________________________________________
6. Ano ang pangunahing paksa ng ministeryo ni Jesus?
________________________________________
________________________________________
(Ang sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng kursong ito, binigyan ka ng pagkakataon na pag-aralan ang mga itinuturo ng Biblia tungkol sa Kaharian ng Dios sa mga aklat nila Mateo, Marcos, Lucas, Juan, at Apocalipsis. Binigyan ka rin ng balangkas upang mapag-aralan mo ang buhay ni Jesus bilang Hari, at mga prinsipyo at aral ng Kaharian ng Dios.
Sa huling kabanatang ito ay binigyan ng diin ang iyong katungkulan na maging emabahador ng Kaharian ng Dios sa buong mundo. Sa mga aklat ng Mga Gawa hanggang sa Judas sa Bagong Tipan ay nakalimbag ang mga ginawa ng mga mananampalataya bilang mga embahador. Pag-aralan mo ang mga aklat na ito upang makita mo kung paano nila ginawa ito:
Mga Gawa 1:3,6,9-11; 8:12; 14:22; 19:8; 20:25; 28: 23,31
________________________________________
Roma 14: 7
________________________________________
I Corinto 4:20; 6:9-10; 15: 24,50
________________________________________
Galacia 5: 19-21
________________________________________
Efeso 5: 5
________________________________________
Colosas 1: 13, 4: 11
________________________________________
I Tesalonica 2: 12
________________________________________
II Tesalonica 1: 5
________________________________________
I Timoteo 6: 15; 17: 14; 19: 16
________________________________________
II Timoteo 4: 1, 18
________________________________________
Hebreo 1: 8; 11:33; 12:28
________________________________________
Santiago 2: 5
________________________________________
II Pedro 1: 11
________________________________________
MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT
UNANG KABANATA:
1. At ipangangaral ang Evangeliong ito ng Kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.
( Mateo 24:14)
2. Ang pagkakahati ng lahat ng bagay sa natural o espirituwal. Tingnan ang I Corinto 15: 44-49.
3. Ang Kaharian ni Satanas at ang Kaharian ng Dios.
4. Si Satanas ang naghahari sa Kaharian ni Satanas. Ang Kadiosan (Ama, Jesus, at ang Espiritu Santo ) ang naghahari sa Kaharian ng Dios.
5. Ang mga naninirahan sa Kaharian ni Satanas ay si Satanas, mga demonyo, at ang lahat ng mga tao na namumuhay sa kasalanan at laban sa Dios.
6. Ang mga naninirahan sa Kaharian ng Dios ay ang Dios Ama, si Jesucristo, ang Espiritu Santo, mga angel, at lahat ng taong namumuhay sa katuwiran at pagsunod sa Dios.
7. Walang pagkakaiba sa dalawa.
8. Ang isang kaharian ay ang
teritoryo at ang mga tao na nasasakupan ng hari..
IKALAWANG KABANATA:
1. At Siya’y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang Kaniyang Kaharian. (Lucas 1: 33)
2. Ang isang hari ay ang pinakamakapangyarihang puno ng isang nasyon, tribo, o bansa. Ang ibig sabihin ng “sovereign” ay siya ang may pinakamalakas na kapangyarihan, pinakamataas na awtoridad, at hindi kontrolado ng sinuman.
3. Jesus.
4. Mateo, Marcos, Lucas, Juan.
IKATLONG KABANATA:
1. Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari na nangasa Kaniyang kanan, magsiparito kayo, mga pinagpala ng Aking Ama, manahin ninyo ang Kahariang nakahanda sa inyo buhat ng itatag ang sanglibutan. ( Mateo 25: 34)
2. Ihambing ang iyong buod doon sa larawan ng nakaraang kasaysayan ng Kaharian ng Dios sa Ikatlong Kabanata.
3. Ihambing ang iyong buod doon sa larawan ng pangkasalukuyang Kaharian ng Dios sa Ikatlong Kabanata.
4. Ihambing ang iyong buod doon sa larawan ng darating na Kaharian ng Dios sa Ikatlong Kabanata.
5. Repasuhin ang mahahalagang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Dios sa Ikatlong Kabanata.
IKA-APAT NA KABANATA:
1. Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at anoman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. ( Mateo 16: 19)
2. Ang Iglesia.
3. Sila ang mga espirituwal na kapangyarihan upang talian ang kapangyarihan ng masama, palayain ang mga kapangyarihan ng mabuti, at buksan ang pintuan sa Kaharian ng Dios sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Evangelio.
4. Pagsisisi sa kasalanan; ang pagiging pinanganak ng muli.
5. Makaranas ng espirituwal na kapanganakan; maging “born again.”
6. Matapos tanggapin ang kapanganakang muli sa pamamamgitan ng pananampalataya, dapat tayong lumagong espirituwal upang makatiyak tayo ng pagpasok sa Kaharian ng Dios.
7. Ang pagtatali sa isang bagay ay palibutan ito ng panali upang hindi makawala. Tulad ito ng pagsasara at pagkakandado sa pintuan ng isang silid.
8. Ang ibig sabihin ng pakawalan ay palayain ito. Tulad ito ng pagbubukas ng pintuan ng isang silid.
IKALIMANG KABANATA:
1. Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa Kaharian ng Langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa Langit. ( Mateo 7:21)
2. I Corinto 6: 9-10 at Galacia 5: 19-21.
3. a. Mali; b. Tama; c. Tama; d. Tama; e. Tama; f. Mali; g. Tama
4. I Juan 1: 8-9.
5.
a. 2 m. 23
b. 5 n. 18
c. 9 o. 19
d. 11 p. 20
e. 6 q. 16
f. 10 r. 21
g. 12 s. 22
h. 7 t. 17
i. 3 u. 3
j. 14 v. 4
k. 8 w. 1
l. 15
IKA-ANIM NA KABANATA:
1. Lahat ng tao’y, sabi ni David, aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, samakatuwid baga’y lahat ng gawain sa anyong ito. (I Cronica 28:19)
2. Ang huwaran ay isang modelo ng isang bagay na ginawa upang tularan.
3. Ang prinsipyo ay isang katotohanan, pamamaraan, o batas na basihan ng pag-uugali. Ito ay isang pangkalahatang katotohanan na may ibang mabababang na katotohanan.
4. Ang modelong hango sa Biblia ay isang halimbawa upang tularan.
5. Ang prinsipyong hango sa Biblia ay isang espirituwal na katotohanan na itinuro sa Kasulatan. Madalas ay may kasama itong mga mabababang mga prinsipyo.
6. Ito ay mga huwaran at prinsipyong umiiral sa Kaharian ng Dios.
IKA-PITONG KABANATA:
1. At kayo’y inihalal Kong isang Kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa Akin ng Aking Ama.
( Lucas 22: 29)
2. Katuwiran.
3. Una: Ibigin ang Dios. Pangalawa: Ibigin ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.
4.
- Dapat ay ipamuhay mo ang mga ito upang makapanatili ka sa Kaharian.
- Sabi ni Jesus ay mahalaga sila.
- Ang mga bunga ng Kaharian ang tanda ng pag-aari nito.
- Upang maghari ka sa darating na Kaharian, dapat mong maalaman ang mga prinsipyo
dito.
5.
a. 2 d. 3
b. l e. 5
c. 4 f. 6
IKAPITONG KABANATA:
1. Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya, at mga tagapagmana ng Kahariang ipinangako Niya sa mga nagsisiibig sa Kaniya? (Santiago 2: 5)
2. Repasuhin mo ang mga prinsipyong ibinigay sa kabanatang ito:
a. mayaman f. panglabas k. pinakadakila p. mabuhay u. makita
b. kagalakan g. kapayapaan l. una q. maligtas v. pahinga
c. mananagumpay h.nagbibigay m. dakila r. mapagmahal w makalupa
d. puno gantimpala n.mababang s. tumanggap. x.ipinakita
e. kahabagan i. pinuno halaga t. posible j.itinaas o. mga bata
IKA-SIYAM NA KABANATA:
1. Datapuwat nang maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa Kaniya: at sila’y tinanggap Niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa Kaharian ng Dios, at pinagagaling Niya ang nangagkakailangang gamutin. (Lucas 9:11)
2.
a. bago
b. luma
c. luma
d. bago
e. luma
f. bago
g. luma
h. bago
i. bago
j. luma
k. bago
l. luma
m. luma
n. bago
o. bago
p. luma
q. bago
r. luma
s. luma
t. bago
u. luma
v. bago
w. bago
x. luma
3. Ang sagot ay b.
4. Ang mga prinsipyo ng Bagong Tipan ay hinango sa pundasyon ng kautusan ng
Lumang Tipan.
IKASAMPUNG KABANATA:
1. At sumagot Siya at sinabi sa kanila, Sa inyo’y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng Kaharian ng Langit, datapuwat hindi ipinagkaloob sa kanila. ( Mateo 13:11)
2. Ang talinhaga ay isang kuwentong gumagamit ng mga bagay sa lupa upang magpakita ng katotohanang espirituwal. Ang aktuwal na kahulugan ng “talinhaga” ay pagtabihin upang paghambingin. Ginamit ni Jesus ang talinhaga upang ipaliwanang ang makalangit na kahulugan.
3. Gumamit si Jesus ng talinhaga sa pagtuturo ng mga katotohanan sa Kaharian upang sila na may mga espirituwal na pagiisip ay matutuhan ang mga prinsipyong ito. Sila na may makasalanang pagiisip ay hindi makaunawa. Ginamit ni Jesus ang mga talinhaga upang itago ang mga prinsipyong ito sa mga hindi mananampalataya.
4. Ang Kaharian ng Dios.
IKA-LABINGISANG KABANATA:
1. At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang Kaharian ng Langit ay malapit na.
Mangagpagaling kayo ng mga maysakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio; tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad. ( Mateo 10: 7-8)
2. Ang embahador ay isang representante na pinadala ng isang kaharian upang kumatawan at makipagusap sa isang kaharian. Siya ay isang sugo at mensaherong may awtoridad na mula sa kanyang pinaggalingang kaharian.
3. Ang saksi ay isang taong makakapagpatotoo at makapagpapakita ng ebidensiya ng isang bagay na siya mismo ang nakaranas. Siya ang mismong nakakita, nakaobserba, nakaranas, at makapagpapakita ng ebidensiya ng kanyang naranasan.
4. Ang pagpapakita ng kapangyarihan.
5. Sapagkat ang wakas ay hindi darating at ang ultimong Kaharian ng Dios ay hindi matatatag hanggang ang Evangelio ng Kaharian ay maipangaral sa buong mundo.
6. Palaganapin ang mensahe ng Kaharian ng Dios.