• johned@aibi.ph

NAPARITO KAYO SA AKIN

 

ISANG MANWAL SA PAGMIMINISTERYO SA MGA BILANGGO

 

 

PAGHAHANDOG

 

Ang manwal na ito ay inihahandog nang may pagmamahal sa mga taong nagbigay ng inspirasyon dito…

Ang mga babae sa Central California Women’s Facility

At sa alaala ng dating bilanggo sa death row na si

Karla Faye Tucker

na mula sa Texas death row ay maluwalhating naparoon sa mga

bisig ni Jesus noong Pebrero 3, 1998.

 

 

 

 

Mga Pagkilala

 

Ang manwal na ito ay nirepaso mula sa iba’t ibang pananaw:

 

·        Isang Chaplain sa bilangguan.

·        Isang bilanggo sa death row.

·        Mga “volunteers” na nagmiministeryo sa bilangguan.

·        Mga “volunteers” na nakikipagsulatan at bumibisita ng isahan sa mga bilanggo.

 

Isang tanging pasasalamat kay Dr. Bob Schuarz, Director ng Prison Ministry sa State Of Colorado para sa Full Gospel Businessmens’ Fellowship International, sa pagwawasto ng ilang bahagi ng orihinal na manuskrito ng manwal na ito; at kay Catherine Thompson, isang natatanging kapatid sa Panginoon na nabilanggo sa California’s Death Row  for Women.

 

 

NILALAMAN

 

 

KABANATA                                        PAMAGAT                                                  PAHINA

 

Pambungad ………………………………………………………………………            3   

 

Mga Layunin ……………………………………………………………………..           5

 

1. “Naparito Kayo Sa Akin”: Ang Uto Ng Biblia Sa Ministeryo …………….                9

 

2. Mga Katangian At Paghahanda  …………………………………………….....         15

 

3. Ang Pagsisimula Ng Ministeryo Sa Mga Bilanggo ……………………………         21

 

4. Pakikipagsulatan Sa Mga Bilanggo …………………………………………….        31

 

5. Pagdalaw Sa Mga Bilanggo …………………………………………………….        35

 

6. Pagdaraos Ng Mga Grupong Pagtitipon …………………………………………      40

 

7. Pagmiministeryo Sa Pamilya Ng Mga Bilanggo ………………………………..       49

 

8. Pagmiministeryo Sa Mga Bilanggo Sa Death Row ……………………………..       55

 

9. Ministeryo Pagkalabas Ng Bilangguan ………………………………………….       62

 

10. Mga Tipo Ng Institusyon At Mga Bilanggo …………………………………….      68

 

11. Mga Alituntunin Sa Pananamit At Kaligtasan ………………………………….       74

 

12. Pakikitungo Sa Mga Bilanggo ………………………………………………….       80

 

13. Mga Indibiduwal Na Panuntunan ……………………………………………….      88

 

Pagtatapos: Ang Salita Ay Hindi Nakagapos ……………………………………….      89

 

 

Unang Apendise:   Talasalitaan ……………………………………………………..      92

Ikalawang Apendise: Mga Talatang May Kinalaman Sa Mga Bilanggo …………...      93

Ikatlong Apendise:  Mga Kayamanang Mapagkukunan sa Ministeryo ……………..      96

 

Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit ………………………………………………..     98

PAMBUNGAD

 

Hawak mo sa iyong kamay ang isang susi sa isang kahon ng kayamanan. Sa loob ng kahon ay ginto, pilak, at mamahaling mga hiyas. Ang kahon na kinalalagyan ng mga kayamanang ito ay kakaiba – hindi kanais-nais. Napapalibutan ito ng matatalim na alambre, dekuryenteng mga bakod, at mga toreng guwardiyado. Subalit sa loob ay may mga kayamanan …. mga lalake at mga babaing mahalaga sa Dios, na naghihintay sa IYO.

 

 Itong manwal na hawak mo – “”Naparito Kayo Sa Akin”- ay isang panuntunan ng pagsasanay para sa ministeryo sa bilangguan. Ang manwal na ito ay nagbibigay ng mga tagubilin sa bawat lebel ng pagkasangkot:

 

  • Ang pinakamaliit na lebel ng pakikipagsulatan sa isang bilanggo.
  • Pagdalaw ng isahan sa mga bilanggo.
  • Paglilingkod sa mga gawain ng pagsamba, mga tanging palatuntunan, o pag-aaral ng Biblia sa loob ng bilangguan.
  • Pagtulong sa mga pamilya ng mga bilanggo.
  • Pagmiministeryo sa bilanggo pagkalabas ng bilangguan.

 

Kasama rito ang mga alituntunin sa pananamit at kaligtasan, mga uri ng institusyon at mga bilanggo, at kung paano makitungo sa mga bilanggo upang sila ay mahalina sa mensahe ng Ebanghelyo at tumanggap kay Jesucristo bilang kanilang personal na Tagapagligtas.

 

Ang manwal na ito ay isinulat upang gamitin bilang kursong pagsasanay para sa:

 

  • Mga indibiduwal na nais maglingkod sa mga bilanggo.
  • Mga iglesia na nagbabalak magkaroon ng gawain sa bilangguan.
  • Mga denominasyon na nais makasangkot ang kanilang mga iglesia sa ganitong ministeryo.
  • Mga paaralan ng Biblia na nais magsanay ng mga estudiyante para sa ministeryo sa bilangguan.
  • Mga chaplain na nangangailangan ng magagamit sa pagsasanay para sa kaniyang mga “volunteers.”

 

Ang bawat kabanata ay may mga layunin sa pagtuturo upang patnubayan ang pagkatuto at isang pansariling pagsusulit upang masukat ang paglago ng bawat isa. (Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito at maaaring alisin ng tagapagturo kung hindi niya nais na makita ito ng mag-aaral.) Ang mga Apendise ay may kasamang talasalitaan ng mga salitang ginagamit sa bilangguan, mga talata sa Kasulatan na may kinalaman sa mga bilanggo, at listahan ng mga kayamanang mapagkukunan sa ministeryo.

 

Ang Ika-Labingtatlong Kabanata ng manwal na ito ay isang indibiduwal na bahagi kung saan ang isang “volunteer,” iglesia, chaplain, isang organisasyong Kristiyano ay makapagsisingit ng mga materyales ng kinakailangan sa pagsasanay na angkop sa kanilang kalagayan – mga gamit tulad ng mapa, mga batas, alituntunin sa pananamit, mga forms, atbp. Kung ikaw ay isang tagapagturo sa paaralan ng Biblia at ginagamit mo ang manwal na ito, maaari mong isingit

ang iyong “lecture notes” o “handouts” sa Ika-Labingtatlong Kabanata.

 

  • Maaari mong paramihin ang kopya ng manwal na ito para sa kaluwalhatian ng Dios.

 

  • Ang mga nilalaman ng manwal na ito ay maaaring kunin sa Internet sa:

 

                  http://www.harvestime.org/

 

  • Maaari kang makakuha ng kopya ng manwal na ito sa “3 ½” computer disk in word perfect 6.1 for windows 95 format or rich text format” sa pagpapadala mo ng $10 sa:

Harvestime, 14431 Tierra Dr., Colorado Springs, CO, USA, 80921.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN

 

Sa pagtatapos ng pagsasanay sa manwal na ito, ikaw ay may kakayahang:

  • Magbigay ng mga reperensya para sa utos ng Biblia para sa ministeryo sa mga bilanggo.
  • Ipaliwanag kung bakit ang mga mananampalataya ay dapat makasangkot sa ministeryo sa mga bilanggo.
  • Masabi ang mga espirituwal na hangarin ng ministeryo sa mga bilanggo.
  • Ilista ang mga hangaring pangsosyal ng ministeryo sa bilangguan.
  • Ibuod kung ano ang maibibigay ng Ebanghelyo sa mga bilanggo.
  • Tukuyin mo ang iyong papel na gagampanan sa ministeryo sa mga bilanggo.
  • Ibuod ang mga espirituwal na katangian ng isang manggagawa sa ministeryong ito.
  • Tukuyin ang apat na larangan ng paghahanda na mahalaga para sa mabisang ministeryo sa bilangguan.
  • Ibuod ang mga hakbang sa pagpapasimula ng ministeryo sa mga bilanggo.
  • Tukuyin ang iba’t ibang uri ng ministeryo na magagawa mo sa bilanguan.
  • Maghanda at magsumite ng plano ng programa para sa ministeryo sa bilangguan.
  • Kumuha at magsanay ng mga manggagawa.
  • Ipaliwanag kung paano magpasimula ng pakikipagsulatan sa isang bilanggo.
  • Ibuod ang mga panuntunan sa pakikipagsulatan sa isang bilanggo.
  • Ipaliwanag ang kahalagahan ng ministeryo ng  personal na pagbibisita.
  • Ipaliwanag kung paano ang pagsangkot sa isahan na pagbibisita sa bilanggo.
  • Ibuod ang mga panuntunan sa pagbibisita nang isahan sa isang bilanggo.
  • Tukuyin ang iba’t ibang miting ng mga grupo na maaaring gawin sa bilangguan.
  • Ibuod ang mga alituntunin sa pagdaraos ng miting ng mga grupo.
  • Ipaliwanag kung bakit ang mga pamilya ng mga bilanggo ay madalas nasa krisis.
  • Tukuyin ang mga paraan kung paano ka makapagmiministeryo sa pamilya ng mga bilanggo.
  •  Ibuod ang mga panuntunan ng pagmiministeryo sa pamilya ng mga bilanggo.
  • Ipaliwanag kung paano makapaguumpisa ng ministeryo sa mga bilanggo sa death row.
  • Talakayin ang mga alituntunin sa pagmiministeryo sa mga bilanggo sa death row.
  • Ipaliwanag kung paano ihahanda sa kamatayan ang isang bilanggo sa death row.
  • Tukuyin ang mga karaniwang pangangailangan ng mga dating nagkasala.
  • Ilarawan ang mga uri ng ministeryo para sa nakalaya na mga bilanggo.
  • Maglista ng mga hakbang sa pagpapasimula ng ministeryo sa nakalaya nang bilanggo.
  • Alamin ang iyong gagampanang papel sa ministeryo ng nakalaya na.
  • Ipakita ang iyong pagkaunawa sa mga antas ng pag-iingat para sa kaligtasan sa bilangguan.
  • Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga bilibid at mga bilangguan.
  • Talakayin ang karaniwang tipo ng bilanggo.
  • Ipaliwanag kung paano makikitungo sa mga bilanggo na nagsasabing sila ay walang sala.
  • Ipaliwanag ang alituntunin sa pananamit na maaaring gamitin sa anumang institusyon na may kaparusahan.
  • Ibuod ang mga alituntunin sa kaligtasan na maaaring gamitin sa anumang institusyon na may kaparusahan.
  • Magbigay ng mga alituntunin sa pagkaligtas sa isang insidente ng pangho-hostage.
  • Ipaliwanag ang unang alituntunin sa pakikitungo sa mga bilanggo.
  • Ibuod ang mga alituntunin sa pakikitungo sa mga bilanggo.
  • Ibigay ang kahulugan ng “setup,” ipaliwanag kung paano ito nagaganap, at paano ito maiiwasan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Kayamanan Sa Mga Celda Ng Bilangguan

Ni Bill Yount

 

Malalim na ang gabi at ako’y pagod na … subalit nang hatinggabi na, nagsalita ang Dios sa aking espiritu at nagtanong…

 

“Bill, saan itinatago ng tao ang kaniyang mga kayamanan at mahahalagang mga bagay?” Ang sagot ko ay, “Panginoon, karaniwan, ang mga kayamanang ito tulad ng ginto, pilak, mga diyamante at mahahalagang hiyas ay nakakandado sa isang lugar na hindi kita ng tao, na may mga guwardiya na may kandado at susi.”

 

Nagsalita ang Dios. “Tulad ng tao, ang Aking pinakamahalagang mga kayamanan ay nakasusi din.” At nakita ko si Jesus na nakatayo sa harap ng tila libu-libong mga bilangguan at kulungan.

Ang sabi ng Panginoon, “Sila ay halos nasira ng kaaway, subalit ang mga kaluluwang ito ay malaki ang magagawa, at magagamit upang magdala ng kaluwalhatian sa Aking pangalan. Sabihin mo sa Aking bayan, pupunta Ako sa mga bilangguan upang buhayin ang mga kaloob at tawag na natutulog sa buhay ng mga ito na ibinigay sa kanila bago pa ang patibayan ng sanglibutan. Mula sa mga pader na ito ay lalabas ang isang espirituwal na army na magkakaroon ng kapangyarihan na sipain ang mga pintuan ng Impiyerno at mananagumpay laban sa mga kapangyarihan ni Satanas na tumatali sa Aking mga tao sa Aking sariling tahanan.

 

“Sabihin mo sa Aking bayan na ang malaking kayamanan ay natatago sa likod ng mga pader na ito, sa mga nakalimutang mga sisidlang ito. Ang Aking bayan ay dapat pumarito at hipuin ang mga buhay na ito, sapagkat ang makapangyarihang pahid ay pakakawalan sa kanila para sa tagumpay sa hinaharap sa Aking Kaharian. Sila ay dapat maibalik.”

 

At nakita ko ang Panginoon na umakyat sa mga pintuan ng bilangguan na may susi. Ang iisang susi ay nakapagbukas sa lahat ng pintuan at ang mga ito ay bumukas. Nakarinig ako at nakakita ng malakas na putok tulad ng dinamita na sumabog sa likod ng mga pader. Ang tunog nito ay tila biglang paglusob na espirituwal. Lumingon si Jesus at sinabi, “Sabihin mo sa Aking bayan na pumasok at kunin ang mga gamit nila at iligtas sila.” Pagkatapos ay lumakad si Jesus sa kalagitnaan nila at hinihipo ang mga bilanggo na nagsusumiksik sa Kaniya. Ang marami na hinipo Niya ay biglang nagkaroon ng ginintuang liwanag sa ibabaw nila. Nangusap ang Dios sa akin, “Nariyan ang ginto!” Ang iba naman ay mayroong pinilakang liwanag sa palibot nila. Ang sabi ng Dios, “Nariyan ang pilak!”

 

Tulad ng mabagal na pagkilos sila ay lumago at tila naging mga higanteng mga sundalo at mandirigma. Suot nila ang baluti ng Dios at ang bawat piraso ay purong ginto! Pati mga pananggalang ay mga ginto! Nang makita ko ang mga ginintuang pananggalang, narinig kong sinabi ng Dios sa mga mandirigma, “Ngayon humayo kayo at kunin ninyo ang itinuro sa inyo ni Satanas at gamitin ninyo ito laban sa kaniya. Humayo kayo at hilahin ninyo ang mga kapangyarihang humahawak sa Aking Iglesia.” Ang mga espirituwal na higante ay nagpasimulang humakbang sa ibabaw ng mga pader ng bilangguan at walang nakalaban sa kanila, at sila ay nagtungo kaagad sa harapan ng digmaan laban sa kaaway. Nakita ko silang nilampasan ang mga iglesia at mga kilalang pangalan na mga ministro-kilala sa kanilang kapangyarihan sa Dios- ay nadaig ng mga higanteng mga mandirigma tulad ni David na lumalaban kay Goliath! Tinawid nila ang kampo ng kalaban at nagumpisang pinalaya ang mga tao ng Dios mula sa gapos ni Satanas, samantalang ang mga demonio ay nanginginig at tumakas mula sa kanila. Wala sinomang nakaaalam, kahit na ang iglesia, kung sino ang mga higanteng espirituwal na ito o kung saan sila nanggaling. Sila ay nabalik sa Tahanan ng Dios at nagkaroon ng malaking tagumpay at kagalakan. Nakita ko rin ang pilak, mga mamahaling kayamanan, at mga sisidlan na dinala sa loob. Sa loob ng ginto at pilak ay mga tao na walang nakakaalam: Mga tinanggihan ng lipunan, mga taong kalye, ang mga itinakwil, ang mahihirap at mga dinusta. Ito ang mga kayamanan na nawawala sa Kaniyang Tahanan.

 

At sinabi ng Panginoon, “ Kung nais ng bayan Ko na malaman kung saan sila kailangan, sabihin mo na kailangan sila sa mga kalsada, sa mga ospital, sa pagmimisyon, at sa mga bilangguan. Kapag sila’y naparoon, masusumpungan nila Ako roon at ang susunod na pagkilos ng Aking Espiritu.”  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG  KABANATA

 

“NAPARITO KAYO SA AKIN…”

Ang Utos Ng Biblia Para Sa Ministeryo

 

SUSING TALATA:

 

...Ako’y nabilanggo, at inyo Akong pinaroonan.  (Mateo 25: 36)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Magbigay ng mga reperensya ng utos ng kasulatan para sa ministeryo sa bilangguan.
  • Ipaliwanag kung bakit ang mga mananampalataya ay dapat kasangkot sa ministeryo sa bilangguan.
  • Masabi ang mga espirituwal na hangarin ng ministeryo sa bilangguan.
  • Ilista ang mga hangaring sosyal ng ministeryo sa bilangguan.
  • Ibuod kung ano ang iniaalok ng Ebanghelyo sa mga bilanggo.
  • Alamin ang iyong katungkulan sa ministeryo sa bilangguan.

 

PAMBUNGAD

 

Mga alambre. Mga bakal na rehas at mabibigat na pintong metal. Mga toreng may guwardiya at armas. Mga kriminal. Ito ang bilangguan!

 

  • Ang sabi ng lipunan, “Ikulong sila at itapon ang susi.”

 

  • Ang sabi ng mga politiko, “Kailangan nating magtayo ng lalong maraming bilangguan.”

 

  • Ang sabi ng estatistiko, “80% ng mga bilanggo ay nagbabalik sa bilangguan matapos silang palayain—nag-aaksaya tayo ng panahon sa pagsusumikap na baguhin ang kanilang buhay.”

 

…Subalit ang sabi ni Jesus, “Ako ay nabilanggo, at inyo Akong pinaroonan.”

 

Ang sistema ng bilangguan ang kaisa-isang “negosyo” na nagtatagumpay dahil sa kaniyang kabiguan. Ang populasyon ng mga bilangguan ay palaki ng palaki. Madalas, ang mga taong nanggaling sa bilangguan ay lalong lumalala kay sa noong hindi pa sila nakukulong. Ang marami ay lalong gumagawa ng krimen, nababalik sa kulungan, at nasisilo sa “umiikot na pintuan ng krimen,” bilangguan, at paglaya.

 

Ang tugon dito ay hindi ang pagdadagdag ng maraming bilangguan. Hindi ang pagkukulong sa mga tao at “itapon na ang susi.” Hindi rin ang pagbitay, sapagkat nasumpungan na hindi nasugpo ang krimen sa pagbitay ng may sala. Ang katugunan ay ang Ebanghelyo ni Jesucristo na nagpapakita ng kapangyarihan!

 

Kailangan ng mga bilanggo ang pagbabagong-buhay, hindi ang pagsasaayos ng buhay—at inutusan ni Jesus ang Kaniyang mga tagasunod na umabot sa kabila ng mga alambreng matutulis, at mga bakal na rehas upang hipuin ang buhay ng mga lalake at babae na tinalian ng gapos ng kasalanan.

 

ANG UTOS PARA SA MINISTERYO SA BILANGGUAN

 

Malinaw ang utos sa Salita ng Dios tungkol sa ministeryo sa bilangguan, sa kasulatan at sa halimbawa.

 

KASULATAN:

 

Ang pinakadakilang utos para sa ministeryo sa bilangguan ay ibinigay sa Mateo 25: 31-40. Sinabi ni Jesus:

 

…Pagparito ng Anak ng tao sa nasa Kaniyang kaluwalhatian, na kasama Niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok Siya sa luklukan ng Kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap Niya ang lahat ng mga bansa: at sila’y pagbubukdinbukdin Niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay Niya ang mga tupa sa Kaniyang kanan, datapuwat sa kaliwa ang mga kambing. Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa Kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng Aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: Sapagkat Ako’y nagutom, at Ako’y inyong pinakain; Ako’y nauhaw, at Ako’y inyong pinainom; Ako’y naging taga ibang bayan, at inyo Akong pinatuloy; Naging hubad, at inyo Akong pinaramtan; Ako’y nagkasakit, at inyo Akong dinalaw; Ako’y nabilanggo, at inyo Akong pinaroonan. Kung magkagayo’y sasagutin Siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan Ka namin nakitang nagutom, at pinakain Ka namin? O nauuhaw, at pinainom Ka? At kailan Ka namin nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? O hubad, at pinaramtan Ka? At kailan Ka namin nakitang may sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw Ka namin? At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa Akin ninyo ginawa.  (Mateo 25:31-40)

 

HALIMBAWA:

 

Si Jesucristo mismo ang ating halimbawa sa ministeryo sa bilangguan. Isa sa mga pinagtuunan ng ministeryo ni Jesus ay ang mga bilanggo:

 

...Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan. (Isaias 42:7)

 

Sinabi ni Jesus:

 

“Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa Akin; sapagkat pinahiran Ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kanilang sinugo Ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng mga bilangguan sa mga nangabibilanggo. (Isaias 61: 1)

 

Kahit nang mamamatay na Siya sa krus, nag-ukol pa ng panahon si Jesus na abutin ang isang bilanggo ng pagibig at malasakit. Bilang bunga nito, ang nahatulang kriminal ay nakaranas ng pagibig ng Dios, biyaya at kapatawaran. Sa pagitan ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, sinasabi na si Jesus “… ay yumaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan” (I Pedro 3:19).

 

Nakalulungkot na, sa kabila ng malinaw na utos ng Biblia at halimbawa ni Jesus na maglingkod sa mga bilanggo, ang maraming mga mananampalataya ay nagdaraan sa kabila ng kalye, tulad ng mga lider ng relihiyon sa talinghaga ng Mabuting Samaritano (tingnan ang Lucas 10: 29-37).

 

BAKIT MINISTERYO SA BILANGGUAN?

 

Bakit dapat magmalasakit ang mga mananampalataya sa ministeryo sa bilangguan? Sapagkat…

 

1.  Ito ay iniutos nang malinaw sa Kasulatan (Mateo 25: 31-40). Sa buong Biblia ay maraming halimbawa, paglalarawan, at mga utos tungkol sa mga bilangguan, mga bilanggo, pagkagapos, pagkakulong, at pagka-alipin. Ang mga ito ay binanggit sa Biblia nang higit sa 130 na beses. (Tingnan ang Ikalawang Apendise sa manwal na ito.)

 

2. Dapat nating sundin ang halimbawa ni Cristo na naglingkod sa mga bilanggo.

 

3. Ang mga bilangguan ay tumatagpo sa mga dapat paglingkuran ng kahit na anong pagmimisyon: Mga taong nawawala at ang pangangailangan sa mga manggagawa.

 

4. Hindi kalooban ng Dios na ang sinuman ay mapahamak – kahit mga mamamatay tao, mga nanggagahasa, at nangbabastos (II Pedro 3:9). Mahal ng Dios kahit ang “pinakamasamang makasalanan” (I Timoteo 1:15).

 

5. Hindi kaya ng Chaplain na paglingkuran ang lahat ng mga bilanggo sa ilalim niya. Wala siyang sapat na panahon na gawin ang lahat ng paglilingkod na ito.

 

6. Maraming mga bilangguan ang walang upahang mga chaplain at ang marami ay walang mga gawaing pagrelihiyon.

 

7. Sa bawat isang nakukulong, may tatlo o limang ibang mga tao ang apektado: Mga asawa, mga anak, mga magulang, atbp. Ang mga bilanggo at ang kanilang mga pamilya ay kumakatawan sa malaking bahagi ng lipunan sa anumang kultura.

 

8. Ang mga hidwang relihiyon at mga kulto ay umaabot sa mga bilanggo. Dapat tayong mauna sa kanila na may mensahe ng Ebanghelyo ni Cristo!

 

MGA HANGARIN PARA SA MINISTERYO SA BILANGGUAN

 

Ang mga espirituwal na pakay ng ministeryo sa bilangguan ay maaaring isa, o lahat sa mga ito:

 

  • Upang ibahagi ang walang pasubaling pagibig ng Dios.
  • Upang ihayag ang Ebanghelyo ni Jesucristo sa isang paraan na yayakapin ito ng mga bilanggo at tatanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas.
  • Upang alagaan ang mga bagong hikayat sa Salita ng Dios at turuan silang mag-aral ng Biblia.
  • Upang ipakita ang kapangyarihan ng panalangin at turuan silang manalangin.
  • Upang pangunahan ang mga bilanggo na maranasan ang kapangyarihan ng Dios na magbago ng buhay na magpapalaya sa kanila mula sa pagkadama ng kasalanan, kahihiyan, mga negatibong damdamin, at mga pagka-alipin.
  • Upang maglingkod sa mga pamilya ng mga bilanggo.

 

Ang mga hangaring panglipunan ng ministeryo sa bilangguan ay:

 

  • Upang mapakinabangan ang bilanggo sa loob ng bilangguan.
  • Upang magkaroon ng ugnayan ang komunidad at ang taong nakakulong sa mga “Correctional institutions.”
  • Upang ihanda ang mga residente sa muling pagpasok sa lipunan (pangpisikal, sa pagiisip, pang moral, at pang-espirituwal).
  • Upang tulungan ang mga pamilya ng bilanggo sa mga praktikal na paraan.
  • Upang magbigay ng praktikal na tulong sa kaniyang paglabas sa bilangguan.

 

ANO ANG INAALOK NG EBANGHELYO

 

Ang Ebanghelyo ni Jesucristo ay maraming bagay na maiaalok sa mga bilanggo.

  • Kapatawaran mula sa kasalanan.
  • Isang pagkakataon na makahingi ng tawad.
  • Kalayaan mula sa kaguluhan ng konsiyensiya at kahihiyan.
  • Pagtanggap –marami sa kanila ay tinanggihan na.
  • Mga bagong pagpapahalaga at pananaw.
  • Mga estratehiya sa paglutas ng mahihirap na situwasyon at mga negatibong damdamin.
  • Mga kailangan para sa isang tunay at matapat na mga kaugnayan.
  • Isang masaganang buhay sa pamamagitan ni Jesucristo.
  • Isang bagong layunin sa pamumuhay.
  • Walang hanggang buhay.

ANO ANG IYONG KATUNGKULAN?

 

Sa mga milyon-milyong mga aktibong mananampalataya sa buong mundo, kakaunti lamang ang kasangkot sa ministeryo sa mga bilanggo, kahit halos lahat ng mga nayon ay may bilangguan. Subalit ang utos ng Kasulatan sa pamamagitan ng pagtuturo at halimbawa ay malinaw.

 

Ang bawat mananampalataya ay dapat kasangkot sa ministeryo sa mga bilanggo. Hindi ang ibig sabihin nito, ikaw ay mismong pupunta sa kulungan. Tulad sa pagmimisyon –hindi lahat ay tinawag na magpunta sa ibang bansa upang magbahagi ng Ebanghelyo. Subalit-tulad sa pagmimisyon- ang bawat mananampalataya ay dapat kasangkot sa ministeryo sa bilangguan sa ano mang kapasidad.

 

Maraming paraan ng pagiging kasangkot:

  • Magbigay ng suporta sa panalangin para sa ministeryo sa bilanggo.
  • Bumisita sa nakakulong.
  • Sumulat sa isang bilanggo.
  • Tumulong sa mga pamilya ng mga bilanggo.
  • Tulungan ang mga bilanggo na makabalik nang maayos sa lipunan pagkalaya nila.
  • Magdaos ng gawain ng pagsamba, pag-aaral ng Biblia, o mga miting ng grupo sa loob ng bilangguan.
  • Sumulat, magimprenta, at mamahagi ng mga materiyales ng pagsasanay na ayon sa Biblia na angkop sa mga bilanggo.
  • Magbigay ng mga Biblia at mga babasahing Kristiyano para sa mga bilanggo.
  • Magbigay ng suporta sa pananalapi para sa ministeryo sa bilangguan.
  • Maglingkod bilang isang chaplain sa bilangguan.

 

 

Isang Bagong Pasimula

 

“Ako ay isang nahatulang bilanggo, hinatulan ng habang buhay na walang parole-hinatulan na mamatay sa bilangguan. Natutuhan ko na pag nawala na ang lahat sa iyo, ipakikita ng Dios na mas malaki ang pakinabang mo kay sa maibibigay ng mundo.

 

Ang bilangguan ay isang lugar kung saan tayo mahuhulma ng Dios upang maging mapakinabang na mga kagamitan na tatagal sa panghabang buhay na pagsamba at papuri, kahit tayo ay hinatulan ng anim na buwan o panghabang-buhay. Habang pinag-aaralan ko ang Biblia, lalo kong nais na makilala pa si Cristo…Habang humahaba ang pananatili ko sa bilangguan, lalong lumalaki ang pagnanais ko na makahalubilo ang mga tao na namumuhay ng buhay na banal at makisalamuha sa kanila. Ang bilangguan ay isang lugar kung saan nakagagawa ang Panginoon ng Kaniyang pinakamabuting gawa.

 

Ang bilangguan ay hindi kinakailangang maging katapusan ng buhay. Ito ay maaaring maging bagong pasimula –kahit para doon sa nahatulan ng panghabang-buhay.” (R.S.)

 

 
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Pasimulan mo na manalangin kung anong uri ng paglilingkod ang nais ng Dios na gawin mo para

 sa ministeryong ito.

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA UNANG KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

2. Ilista ang pangunahing reperensya sa utos ng Kasulatan para sa ministeryo sa bilangguan.

 

________________________________________

3. Sino ang ating pinakadakilang halimbawa para sa ministeryo sa bilangguan?

 

________________________________________

4. Maglista ng walong dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay dapat makasangkot sa ministeryo sa bilangguan.

 

___________________________________    ________________________________________

___________________________________    ________________________________________

___________________________________    ________________________________________

___________________________________    ________________________________________

5. Anu-ano ang mga espirituwal na hangarin ng ministeryo sa bilangguan?

________________________________________

________________________________________

6. Ilista ang mga hangaring panlipunan ng ministeryo sa bilangguan.

 

________________________________________

________________________________________

7. Ibuod kung ano ang maibibigay ng Ebanghelyo sa mga bilanggo.

 

________________________________________

________________________________________


(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

IKALAWANG  KABANATA

 

MGA KATANGIAN AT PAGHAHANDA

 

 

SUSING TALATA:

 

…ikaw ay maging uliran ng nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.  (I Timoteo 4:12)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

  • Ibuod ang mga espirituwal na katangian ng manggagawa sa bilangguan.
  • Tukuyin ang apat na mga larangan ng paghahanda na mahalaga sa ministeryo sa bilangguan.

 

PAMBUNGAD

 

Ang mga naglilingkod sa mga bilanggo ay dapat siguruhin ang kanilang relasyon kay Cristo, maging mabuting halimbawa, at laging maging handa na magbigay ng kasagutan sa pagasa na nasa kaniya. Samantalang ang isang taong naglilingkod sa ganitong ministeryo ay dapat kakitaan ng mga espirituwal na katangian na itinuturo sa Salita, ang kabanatang ito ay nagbibigay ng diin sa kinakailangang mga katangian ng mga manggagawa sa bilangguan:

 

MGA ESPIRITUWAL NA KATANGIAN

 

KATAPANGAN:

 

Ang pagpasok sa bilangguan upang maglingkod – kahit sa isahan o grupong kalagayan- ay labas sa kinasanayan ng karamihan sa mga mananampalataya. Karaniwan ay hindi ka mapakali sa mga unang pagkakataon na pagpasok mo rito- subalit tandaan mo, iingatan ka ng Dios kapag ikaw ay naglilingkod sa Kaniya. Kadalasan, ang chapel sa bilangguan ay isang ligtas na lugar kung saan ang mga nakakulong ay bukas at marunong makipagkaibigan. Kung ikaw ay may takot, tandaan mo na ang Dios ay hindi nagbibigay ng espiritu ng pagkatakot-kaya kilalanin mo kung saan nanggagaling ang takot at pagtagumpayan mo ito sa pangalan ni Jesus!

 

PAKIKIPAGTULUNGAN:

 

Maraming iba’t ibang tao sa lipunan ng bilangguan. Bilang naglilingkod nang kusang-loob—dagdag sa mga bilanggo—ikaw ay makakahalubilo ng mga opisyal (mga guwardiya) at isang chaplain o supervisor. Karamihan sa mga makikilala mo ay tatratuhin ka nang may respeto. Siguruhin mo na igalang mo rin sila, kinakausap sila o nakikipagkamay kung ito’y katanggap-tanggap, na ginagamit ang kanilang pangalan hangga’t maaari. Ang isang mabuting manggagawa ay marunong makipagtulungan sa iba—administrasyon, iba pang volunteers, at lalo na sa chaplain, kung mayroong isa doon.

 

Mahalaga para sa iyo, na volunteer, na maunawaan ang gawain ng chaplain sa bilangguan. Ang mga chaplain ay nagtatrabaho ng mahahabang oras sa mahirap na mga kalagayan. Sa bawat araw ang chaplain ay nakikitungo sa maraming responsabilidad tulad ng mga personal na krisis ng bilanggo, nagbibigay ng mga programa na tumatagpo sa mga espirituwal na pangangailangan ng mga bilanggo, at nakikipagbuno sa mga kabiguan na mahalagang bahagi ng pagiging chaplain sa bilangguan.

 

Karamihan sa mga full-time na chaplain sa bilangguan ay nagdaan sa mas higit na pagsasanay at preparasyon sa gawaing ito kay sa mga pastor. Bago sila matanggap sa mga bilangguan sila ay kinakailangang magtapos sa seminaryo at pagtibayin ng kanilang denominasyon. Madalas ay kinakailangan din silang magpastor muna bago matanggap sa pagiging chaplain. Ang mga chaplain ay kinakailangang maging katanggap-tanggap din sa bantay bilangguan kung saan siya maglilingkod.

 

Ang isang chaplain ay isang administrador ng programa ng relihiyon ng buong bilangguan. Siya ang nangangasiwa ng pangangaral sa mga oras ng pagsamba, nangangasiwa sa pag-aaral ng relihiyon, maraming oras ang ginugugol sa personal na pagpapayo; kumukuha, nagsasanay, at nangangasiwa ng mga volunteers; at gumagawa ng maraming mga gawain ng administrador (mga sulat, mga miting, mga ulat.)

 

Mahalaga para sa mga volunteers na magkaroon ng magandang relasyon sa chaplain. Maselan na sirain mo ang pagtitiwala sa iyo at gamitin mo ang iyong karapatan na makapasok sa bilangguan upang siraan ang reputasyon ng chaplain o maliitin mo ang kaniyang mga programa. Kung may problema, laging makipag-usap muna sa chaplain. 

 

WALANG PAGKUKUNWARI:

 

Magpakatotoo ka! Madaling makakilala ang mga bilanggo ng mga palsipikado. Ang isang tao ay hindi dapat dumalaw sa bilangguan na may maling motibo tulad ng paghahanap ng mapapangasawa o magpasikat ng kaniyang mga kakayahan. Mahusay kumilatis ang mga bilanggo. Madali nilang makita ang tao na sumali sa “team” para lamang mag-osyoso. Ang mga makasariling mga motibo at “mas-banal-ako-sa-iyo” na damdamin ay walang lugar sa ganitong ministeryo.

 

KABABAANG-LOOB:

 

Maging mapagpakumbaba. Tandaan--ikaw ay naroon upang maglingkod. Laging magpailalim sa mga awtoridad (Chaplain, mga guwardiya, bantay-bilangguan).

 

 

 

 

MAPAGPATAWAD:

 

Lagi kang may espiritu ng pagpapatawad, tinatandaan na maliban sa biyaya ng Dios, ikaw ay maaaring nandoon din sa ganoong situwasyon. Kinikilala mo na ang kapatawaran ng Dios ay umaabot kahit doon sa mga tinatawag ng lipunan na “kulang-kulang” at ang “pinakamasamang indibiduwal.”

 

MAPAGPASENSIYA:

 

Ang lipunan, mga kaibigan, at mga kapamilya ay sumuko na sa karamihan sa mga bilanggo. Hindi na nila kailangan ang dagdag na pagtanggi. Dagdagan mo ang iyong pasensiya. Ipinangako ng Dios na ikaw ay aani ng espirituwal na bunga sa iyong kapanahunan. Ang mga volunteer na nagpasimula, pagkatapos ay umayaw, ay nakakasira ng kalooban ng bilanggo, nakasisira ng loob ng chaplain at staff sa bilangguan, at nagbibigay ng masamang impresyon sa iglesia.

 

TAPAT:

 

Maging tapat ka, hindi pabagu-bago, at maaasahan sa pagganap ng iyong mga tungkulin, lalo na sa pagtupad ng mga pangako at pagdating sa oras sa mga pagtitipon o gawain. Ang chaplain sa bilangguan ay umaasa sa iyo, at ang mga bilanggo. Ang isang pagdalaw na nasa iyong listahan ng mga gagawin ay maaaring maging isang masayang linggo ng isang bilanggo. Huwag mo silang biguin. Maging tapat ka sa malaking pribilehiyo na ibinigay sa iyo ng Dios. Ang pagiging tapat at maaasahan ay malaking katangian na pinahahalagahan ng mga chaplain sa naglilingkod

na mga volunteers.

 

MARUNONG DUMAMAY:

 

Ang pakikiramay ay ang madama ang nadarama ng iba na parang ikaw ang nasa lugar nila. Sa Lumang Tipan, ang Propetang si Ezekiel ay naupo sa tabi ng Ilog Chebar kasama ng mga kinubnob bago niya ibinahagi ang mensahe ng Dios sa kanila. Nakahanda silang makinig sapagkat alam nilang nakauunawa siya. “Naupo siya kung saan sila naupo” (Ezekiel 1:1). 

 

MAY DAMDAMIN SA PAGMIMISYON:

 

Ang may damdamin sa pagmimisyon ay ang pagnanais at pagpapasiya na bigyan ng priyoridad (sa panahong itinakda para dito), ang paniniwala na ito ang talagang nais mong gawin (sa oras na iyon) kaysa anomang bagay sa buong mundo!

 

LUMALAGONG ESPIRITUWAL:

 

Huwag mo lamang pangunahan ang mga bilanggo na lumagong espirituwal, subalit ikaw mismo ay dapat laan at sabik na lumago. Ang espirituwal na paglago ay isang panghabang buhay na proseso. Kung may pagkadama ka na “nakarating” ka na sa kaalaman o sa pag-uugali, ipinakikita mo lamang na ikaw ay hindi pa malago.

 

MATATAG ANG EMOSYON:

 

Mahalaga na kaya mong hawakan ang iyong damdamin: Galit, pagkalungkot, mataas isang araw at bagsak sa susunod. Ang bilangguan ay isang malungkot na lugar at hindi na kailangan ng mga bilanggo ang dagdag na kadiliman at kabiguan.

 

MAY PAGIBIG:

 

Pag-aralan mo ang I Corinto 13. Ang pinakamalakas na puwersa sa likod ng anumang ministeryo--at lalo na ang ministeryo sa bilangguan--ay pagibig. Pagibig sa Dios. Walang pasubaling pagibig para sa bilanggo. Pagibig para sa misyon na itinawag sa iyo ng Dios.

 

PAGHAHANDA

 

May apat na mahahalagang larangan ng paghahanda para sa may nais na maglingkod nang mabisa sa bilangguan:

 

1.   MAGHANDA SA PANANALANGIN:

 

Tulad sa bawat ministeryo, ang mabisang ministeryo sa bilangguan ay pinaiinit sa pamamagitan ng panalangin. Narito ang mga tiyak na bagay na ipananalangin:

 

  • Ang chaplain ng institusyon.
  • Bawat isang bilanggo.
  • Mga pamilya ng mga bilanggo.
  • Ang bantay-bilangguan at ang staff ng administrasyon.
  • Mga opisyal ng Pagdidisiplina.
  • Ligtas na pagbisita ng mga volunteers na naglilingkod sa bilangguan.
  • Mga bilanggo sa parole: Para sa espirituwal at praktikal na pangangailangan –

Mga trabaho, tirahan.

  • Kapahayagan upang makita ang pangangailangan ng mga bilanggo.
  • Espirituwal na pagbabagong-buhay.
  • Na magtindig ang Dios ng malakas ng mga lider sa loob ng iglesia sa bilangguan.
  • Mga kahilingan sa panalangin ng mga bilanggo: Ang mga chapel sa bilangguan ay may kahon para sa mga kahilingan sa panalangin. Isinusulat ng mga bilanggo ang kanilang mga kahilingan sa panalangin upang idalangin nang tiyak ng chaplain at mga volunteers.

 

2.   MAGHANDA SA SALITA NG DIOS:

 

Ang volunteer na manggagawa ay dapat may mahusay na kaalaman ng Biblia at ng Kristiyanismo. Karamihan sa mga bilanggo ay hindi interesado sa teolohiya, subalit kailangan nila ang malinaw na paglalahad ng Ebanghelyo. Kung hindi ka nag-aaral at nakauunawa ng Salita, paano mo matutulungan ang isa na magtuto at mag-aral ng Biblia? Upang maging mabisang manggagawa sa bilangguan dapat ay patuloy kang nag-aaral ng Salita ng Dios.

 

 

3.   MAGHANDA PARA SA IYONG TIYAK NA RESPONSABILIDAD:

 

Maghanda ka para sa iyong tiyak na responsabilidad sa ministeryo. Kung ikaw ay aawit, ihanda mo na ang iyong tape na “accompaniment.” Kung ikaw ay magtuturo, mag-ukol ka ng sapat na panahon sa pag-aaral ng iyong leksiyon. Kung ikaw ay gagamit ng video, overhead projector, o anumang kagamitan, ihanda ang mga ito bago gamitin.

 

4.   PAGHANDAAN ANG TIYAK NA INSTITUSYON NA IYONG PAPASUKAN:

 

  • Alamin ang mga alituntunin sa pananamit at pag-uugali ng tiyak na institusyong ito. Bawat institusyon ay may kanilang sariling mga alituntunin.
  • Alamin kung kangino ka nananagot bilang isang volunteer.
  • Alamin kung ano ang pinapayagang dalhin sa loob ng bilangguan.
  • Dapat mong maunawaan kung paano ginagawa ang ministeryong Kristiyano sa sistema nila.
  • Dumalo ka ng mga pagsasanay at “orientation classes” na ibinibigay ng bilangguan o ng chaplain.



                       Ang Babae Sa Likod Ng Pader

                                Ni Kassie Logan

 

Kung minsan ito ay malungkot na lugar,

Walang makitang nagmamahal,

Naghahanap ng panloob na kaligayahan,

Subalit natatalian ng kalungkutan

Sa pag-upo at pagmamasid ko sa labas ng bakod,

Sa mga sasakyang nagdaraan,

Ang kamanghamangha sa lahat,

Ay nagpatigil sa akin at nagtanong ng “Bakit?”

Bakit ipinataw sa akin ng Panginoon,

Ang ganitong kabigat na krus?

Bakit ang mapagmahal ng Dios na pinaglilingkuran ko,

Ay pinahintulutan ang hindi patas na bagay na ito?

Ang panahon sa akin ay hindi bago,

Dapat tanggapin hangga’t makakaya ko,

Pagkat alam kong sa takbo ng mga pangyayari,

Si Jesus ko ay may plano.

At balang araw ay lalabas ako sa mga pintuang iyon,

Pag tumawag ang malumanay na tinig ng Panginoon,

At isasaysay ko ang aking kuwento,

Tungkol sa “babae sa likod ng mga pader.”

 
 


 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKALAWANG KABANATA

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibuod ang mga espirituwal na katangian ng isang manggagawa sa ministeryo sa bilangguan na tinalakay sa kabanatang ito.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Tukuyin ang apat na larangan ng paghahanda na mahalaga sa mabisang ministeryo sa bilangguan.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

IKATLONG  KABANATA

 

ANG PAGSISIMULA NG MINISTERYO SA  BILANGGUAN

 

SUSING TALATA:

 

Ngunit ito ay isang bayan na nanakaw at nasamsam; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay, at sila’y nangakubli sa mga bilangguan: sila’y pinaka huli at walang magligtas; pinaka samsam, at walang magsabi, Iyong papanumbalikin.

(Isaias 42:22)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos mo ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Ibuod ang mga hakbang sa pagsisimula ng ministeryo sa bilangguan.
  • Tukuyin ang iba’t ibang uri ng ministeryo na maaari mong ibigay sa institusyon.
  • Maghanda at magsumite ng plano ng programa para sa ministeryo sa bilangguan.
  • Maghanap at magsanay ng mga volunteers.

 

PAMBUNGAD

 

Ikaw ay kombinsido. Ang utos ng Biblia at halimbawa ay malinaw. Bilang isang mananampalataya, nais mong makasangkot sa ministeryo sa bilangguan. Subalit paano ka magpapasimula? Paano ka makapapasok sa bilangguan? Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng detalyadong mga hakbang sa pagsisimula ng ministeryo sa bilangguan. Matututuhan mo ang iba’t ibang uri ng ministeryo na maaari mong ibigay sa isang institusyon, paano maghanda at magsumite ng plano para sa iyong programa, at mga paraan ng pagkuha at pagsasanay ng mga volunteers.

 

ANG PAGSISIMULA NG MINISTERYO SA BILANGGUAN

 

Narito ang pitong mga hakbang na magpapatnubay sa iyo sa proseso ng paguumpisa ng ministeryo sa bilangguan.

 

UNANG HAKBANG: Manalangin

 

Ang lahat ng mga bagay ay pinag-aalab ng panalangin. Ipanalangin mo kung ano ang nais ng Dios sa tiyak na institusyon na ito at ang iyong papel na gagampanan dito. Maglagay ng pundasyon ng panalangin bago mo pasimulan ang iyong ministeryo.

 

IKALAWANG HAKBANG: Sumangguni sa iyong lider na espirituwal

 

Kung ikaw ay pastor, isangguni mo ito sa iyong board. Kung ikaw ay miembro ng iglesia, kausapin mo ang iyong pastor. Mahalaga ito dahil sa mga sumusunod na mga dahilan:

 

  • Ito ay kortesiya.
  • Ang mga lider na espirituwal ay makapagbibigay ng patnubay at mga isipan sa iyo.
  • Maaaring ang iyong lider na espirituwal ay may mga plano na patungkol sa ministeryong ito. Kung gayon, maging bahagi ka nito, huwag mong sirain ang plano niya.

 

Subukin mong kunin ang interes at suporta ng iyong espirituwal na lider. Mahalaga itong suportang ito sa pagkuha ng mga volunteer upang magkaroon ng mga manggagawa sa programang ito. Ang susi ay ipakita mo sa iyong pastor kung paanong ang ministeryong ito ay makakatulong sa iba’t ibang programa, ministeryo, at mga serbisyo ng iglesia. Ibahagi mo kung paanong itong inutos ng Dios na gawin ay makatutulong sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga miembro ng iglesia na gumawa sa loob at labas ng institusyon.

 

IKATLONG HAKBANG: Gumawa ka ng pagsusuri

 

Narito ang mga tanong na iyong sasagutin sa pagsusuri:

 

  • Anong mga bilangguan ang nasa iyong komunidad?

 

  • Mayroon bang lokal na kapisanan ng mga ministro? Ano ang kanilang ginagawa, kung mayroon? Interesado ba sila sa ministeryo ng bilangguan? (Kung nakapagsimula na sila ng ganitong ministeryo at may programa na patungkol dito, maging bahagi ka nito.)

 

  • Sino ang nangangasiwa ng mga volunteer sa institusyon? Makiugnay ka at alamin:

 

  • Paano ka kumukuha ng clearance para sa ministeryo sa bilangguan?

-May mga forms ba na kailangang sulatan?

-Mayroon bang espesyal na pagsasanay na dapat kunin?

-Anong ID ang kinakailangan para mabigyan ng clearance?

 

  • Mayroon bang mga pangangailangan sa institusyon?

 

-Anong mga pangangailangan ang mapupunan ng iyong iglesia? Pilitin mong huwag madoble ang mga ginagawa na ng mga Kristiyanong organisasyon. Dapat tayong magtulungan, hindi magkompitensiya, sa isa’t isa.

-Alamin mo kung anong programa sa rehabilitasyon ang mayroon sa lokal na institusyon kung saan mo nais maglingkod, pati ng pagkakahati ng  populasyon

(mga lahi, relihiyon, mga edad, lalaki o babae, atbp.) at, kung posible, ang pilosopiya ng kanilang administrasyon. Kunin mo ang lahat ng impormasyon tungkol sa institusyon bago ka humingi ng permiso na makapaglingkod doon. Kung may kilala kang administrador, opisyal, o dating bilanggo, kausapin mo sila tungkol sa mga pangangailangan at mga kondisyon doon.

 

Ang mga posibleng mga aktibidades at serbisyong maibibigay mo sa institusyon ay:

 

  • Pagdaraos ng oras ng pagsamba.
  • Pagkuha ng lugar ng chaplain kung siya ay may sakit o nasa bakasyon.
  • Pagkakaroon ng espesyal na programa ng musika o drama.
  • Pagdaraos ng pag-aaral ng Biblia.
  • Pagtuturo ng mga klase tungkol sa mga kaalaman, trabaho, o sa personal na paglago.
  • Pagtatatag ng isang Kristiyanong grupo para sa mga addict.
  • Pamimigay ng mga babasahin at mga Biblia.
  • Magpalabas ng isang Kristiyanong pelikula.
  • Magbigay ng mga indibiduwal na serbisyo dagdag sa iyong programa sa grupo:

-Magbigay ng “Bible Correspondence Courses.”

-Ipakilala ang mga bilanggo sa mga Kristiyanong bisita.

-Ipakilala ang mga bilanggo sa magiging kasulatan nila.

-Magbigay ng impormasyon para makilala ang mga pamilya ng mga bilanggo.

-Ituro ang mga bilanggo sa mga programa na tutulong sa kanila pagkalabas ng bilangguan.

 

Pansinin: Bago ka gumawa ng panukala para sa ministeryong ito, pag-aralan mo muna ang Ika-apat hanggang Ika-siyam na kabanata ng manwal na ito na nagtatalakay ng iba’t ibang ministeryo para sa  indibiduwal at mga grupo na nais mong kasangkutan.

 

IKA-APAT NA HAKBANG: Maghanda ng nakaplanong programa

 

Ang panukala ay…

 

  • Magbibigay ng pakay, mga layunin, at mga praktikal na bagay ng iyong programa.
  • Isusumite para ma-aprobahan ng institusyon kung saan ka maglilingkod.
  • Magagamit sa pagkuha ng mga volunteers. (Dapat mong malaman kung anong uri ng ministeryo ang iyong nais na gawin upang makakuha ng mabibisang mga volunteers.)

 

Ang iyong panukala ay dapat isaalang-alang ang mga sumusunod…

 

Mga Hangarin: Ano ang pakay ng iyong programa? Ano ang nais mong maabot? Tingnan ang Unang Kabanata ng manwal na ito para sa listahan ng mga posibleng mga hangarin. Siguruhin na isali ang iyong tiyak na hangarin.

 

 Mga Pakinabang: Paano makikinabang ang mga bilanggo sa iyong programa? Paano makikinabang ang institusyon dito?

 

May Katiyakan:  Tukuyin ang tiyak na ministeryo. Ito ba ay ministeryo sa grupo? Sa mga indibiduwal na bilanggo? Sa kanilang nga pamilya? Ministeryo sa bilanggo pagkalaya nito?

Direktor:  Sino ang mangangasiwa ng iyong programa? Anu-ano ang kaniyang mga kuwalipikasyon at karanasan?

 

Volunteers: Sinu-sino ang kasangkot sa programa mo? Anong uri ng pagsasanay ang ibibigay sa kanila? (Iminumungkahi namin na gamitin mo ang manwal na ito sa pagsasanay. Ito ang layunin kung bakit ito isinulat.)

 

Mga Lugar:  Anong uring lugar ang kakailanganin mo sa bilangguan? Kailangan mo ba ang chapel sa bilangguan? Isang silid? Isang silid-aralan? Ang lugar kung saan bumibisita ang mga tao?

 

Araw, oras:  Mga araw at oras ng pagtitipon.

 

Mga Kagamitan:  Kakailanganin mo ba ang overhead projector, video projector, mga instrumentong pangmusika, mga aklat awitan, mga tapes sa pagkanta? Ito ba ay ipahihiram ng institusyon o manggagaling sa iyo? Papayagan ka ba ng institusyon na magpasok ng ganitong mga gamit? Kung magbibigay ka ng “handouts” sa mga bilanggo, mayroon ba silang copying machine?

 

Pananalapi:  Bagaman ang karamihan ng ministeryo sa bilangguan ay pinaglilingkuran ng mga volunteers, kailangan pa rin ang salapi—halimbawa sa iyong pamimigay ng mga Biblia, mga aklat, tracts, at iba pang mga “handouts” na aprobado ng bilangguan.

 

Ang institusyon na binabalak mong paglingkuran ay maaaring may nakahanda nang form na iyong susundin sa paggawa mo ng iyong plano. Magtanong ka patungkol dito. Narito ang isang “Proposal Form” na ginagamit ng isang bilangguan sa America:

 

________________________________________

 

Sample Proposal Form

 

1. Para kangino nakatuon ang iyong programa?

2. Sino ang mangangasiwa ng iyong programa?

3. Anu-ano ang mga layunin ng iyong programa?

4. Anu-anong serbisyo ang iniaalok ng iyong programa para sa mga bilanggo?

5. Anu-anong serbisyo ang iniaalok ng iyong programa para sa institusyon?

6. Anong “format” ang iyong gagamitin upang ipakita ang iyong programa?

7. Anong uri ng pag-aaral sa teolohiya ang tinapos/ kredensiyal/ karanasan sa paglilingkod sa bilangguan mayroon ang mangangasiwa nito?

8. Ano ang detalyadong pupuntahan ng iyong programa?

9. Anu-anong araw/ oras magtatagpo ang programang ito?

10. Ilang tao ang kasangkot sa programang ito?

11. Paano sila sasanayin?

12. Gaano kalaking lugar ang kakailanganin mo para iyong mga pagtitipon?

 

Ang mga sumusunod na impormasyon ay kailangan para sa imbestigasyon ng bawat tao na dadalhin mo sa loob ng bilangguan:

 

            1) Pangalan

            2) Petsa ng kapanganakan

            3) Numero ng Driver’s license

            4) Social Security Number

 

Magbigay ka sa amin ng iyong rekord ng mga pagkasangkot mo sa gawain sa bilangguan at ng anumang impormasyon tungkol sa kakaibang uri ng iyong ministeryo.

 

________________________________________


Narito ang isang sampol na sulat na ginagamit para sa isang panukala sa isang institusyon:

 

________________________________________

                                            Ang Iyong Address  (may letterhead, kung maaari)

 

Petsa

Address nila

 

Dear ______________________

 

Kami ay humihingi ng pahintulot na magdaos ng ministeryo sa bilangguan sa (Pangalan ng institusyon).

 

Ang aming programa ay nakatuon sa mga bilanggo, subalit naniniwala kami na makikinabang din ang mga trabahador sa institusyon sa pagbibigay sa mga bilanggo ng maayos na paggamit ng kanilang libreng oras at pag-unlad ng “morale” ng mga bilanggo. Nasumpungan din na ang mga bilanggo na naging tunay na tagasunod sa itinuturo ng Biblia ay naging mabubuting mga mamamayan ng institusyon. Ang kanilang impluwensiya ay nagbibigay ng positibong epekto sa ibang mga bilanggo at nagiging masunurin sila sa awtoridad na nakakaiwas sa mga situwasyon na nagdudulot ng tensiyon at pagkakagalit sa pagitan ng mga nagtatrabaho sa institusyon at sa mga bilanggo.

 

Ang ating mga volunteers ay magsasanay sa isang pagsasanay ng ministeryo sa bilangguan, kung saan sila ay tuturuan ng tamang pananamit at mga alituntunin ng kaligtasan, mga tipo ng institusyon at bilanggo, at kung paano makitungo sa mga bilanggo. Sa aming pagsasanay, binibigyang diin ang pagkaalam at pagpapatupad ng mga alituntunin at pagiwas sa mga posibleng banta sa seguridad. Kung kinakailangan, kami ay nakalaang magdaan sa anumang “orientation” na ibibigay ng inyong staff.

 

Sa ngayon, nakalaan kaming mag-alok ng alinman sa mga sumusunod na mga serbisyo:

 

(Ilarawan ng detalyado ang programang nais mong ihandog, na ginagamit ang mga panuntunan sa kabanatang ito.)

 

Sa hinaharap, nais kong makipag-usap sa inyo tungkol sa detalye ng panukalang ito. Salamat po sa inyong oras at sa konsiderasyon na ibibigay ninyo sa kahilingang ito.

 

Gumagalang,

(Pangalan mo)

 

________________________________________

 

Kung ikaw ay nakapagdaos na ng matagumpay na ministeryo sa mga bilangguan sa ibang lugar, ilakip mo ang rekomendasyon ng opisyales sa mga bilangguang pinaglingkuran mo. Kung nakatanggap ka ng kahilingan mula sa mga bilanggo para sa tiyak na programa na binabalak mong gawin, ilakip mo rin ito sa iyong panukala.

 

IKALIMANG HAKBANG: Isumite mo ang iyong panukala

 

Magbigay ka ng kopya ng iyong panukala sa iyong pastor o lider na espirituwal para repasuhin, pagkatapos ay magsumite ka ng kopya sa chaplain o sa tamang awtoridad sa bilangguan at maghintay ka ng tugon. Maaaring tawagin ka nila upang talakayin ang iyong panukala. Kung magkagayon, dumating ka sa oras, manamit nang angkop, at paghandaang mabuti ang pagkikitang ito. Kung hindi ka tumanggap ng tugon sa iyong ibinigay na panukala pagkatapos ng ilang panahon ng paghihintay, ikaw na ang tumawag at makipagtipan sa taong pinagbigyan mo ng panukala.

 

Kung hindi tanggapin ang iyong kahilingan na magbigay ng serbisyo, subukin mo uli pagkalipas ng ilang buwan. Dito rin makikita ang iyong pagkatalaga at pasensiya. Ang mga administrador at mga chaplain ay umaalis din, nagreretiro, o nalilipat ng destino, at maaaring ang pumalit ay mas mabibigyan ng pabor ang iyong programa.

 

Pansinin: Sa ngayon, sa Estados Unidos, katungkulan ng administrador ng institusyon na ang bawat bilanggo at nakatira doon ay matupad ang karapatan nilang sumamba ayon sa kanilang paniniwala. Ang tanging paraan para huwag payagan ang karapatang ito ay kung may malaking dahilan para ito ay limitahan, (halimbawa, isang banta sa seguridad).

 

IKA-ANIM NA HAKBANG: Kumuha at magsanay ng mga volunteers

 

Pagkatapos kang mabigyan ng pagsang-ayon ng iyong pastor at ng institusyon kung saan ka maglilingkod, kailangan mong kumuha ng mga volunteers upang isagawa ang programa. Ang isang volunteer ay mahalaga…

 

·        Sa bilanggo, bilang isang ugnayan sa mundo sa labas, isang kaibigan, modelo ng isang matatag na Kristiyano.

·        Sa pamilya ng mga bilanggo, sa pagbibigay ng impormasyon, praktikal at espirituwal na tulong sa kanilang pagsalunga sa problemang ito.

·        Sa chaplain, bilang isang tulong sa pagsulong ng kaniyang programa.

·        Sa administrasyon ng bilangguan, bilang dagdag na tulong upang tulungan sa pagbabago ang mga bilanggo at makabalik sa lipunan. Ang volunteer ay maaaring magbigay ng mga serbisyong hindi maibibigay ng institusyon dahil sa limitadong tauhan at budget.

·        Sa ibang mga volunteer, bilang isang panggagalingan ng pampalakas ng loob, pagsasanay, at halimbawa na susundan.

·        Sa lokal na iglesia, bilang isang paraan ng pakikipag-ugnay, pinalalawak ang pagkadama ng pangangailangan para sa ministeryo sa bilangguan.

·        Sa kaniyang sarili, ang ministeryong ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang magamit niya ang kaniyang espirituwal na mga kaloob at nahahasa ang kaniyang pananampalataya.

 

Maraming paraan ng pagkuha ng mga volunteers:

 

  • Maglathala sa bulitin ng iglesia.
  • Ipahayag sa mga gawain sa iglesia.
  • Kumuha sa maliliit na mga pagtitipon.
  • Maghanda ng mga posters at ipaskel ito sa mga lugar na madaling makita.
  • Magplano ng “Araw Ng Ministeryo sa mga Bilanggo” sa iglesia o mga iglesia na nais mong kasangkutin sa ministeryong ito. Hilingin mo na magsalita ang isang aktibo sa ministeryo sa mga bilanggo at magsali ng mga testimoniyo ng mga dating bilanggo. Ihanda mo ang programa at ipahayag ang gawain (petsa, oras, lugar) para sa kanila na nais makilahok. (Dagdag sa pagkuha ng mga volunteers, ang “Araw ng Ministeryo sa mga Bilanggo” ay ihahanda ang mga iglesia na tanggapin ang mga dating mga bilanggo sa kanilang fellowship.)

 

Sa pagsala ng mga volunteers, isaalang-alang ang mga sumusunod:

 

  • Nagkaroon na ba ng karanasan sa pagmiministeryo sa bilangguan ang taong ito?
  • May kaloob ba siya sa musika?
  • Anu-anong mga lenguwahe ang kaniyang alam salitain?
  • May kakayahan ba siyang manguna sa maliit na grupo?
  • May karanasan na ba siyang magbahagi ng Ebanghelyo sa iba?
  • Ano ang kaniyang espirituwal na kaloob? Ang pagtuturo at pagpapayo ay mahahalagang mga kaloob sa ministeryo sa bilangguan.
  • Sila ba ay dati nang nakulong? Kung totoo ito, isangguni muna kung papayagan silang makapasok sa bilangguan.
  • Alamin kung nasaan ang kanilang interes at kung saan sila magiging mabisa:

-Pasulat sa bilanggo?

-Pagbibisita sa bilanggo?

-Pagmiministeryo sa pamilya ng mga bilanggo?

-Ministeryo sa isang grupo sa loob ng bilangguan?

-Ministeryo sa mga nakalaya na?

 

Maaari mong pasagutin sa isang “form” ang pinipili mong volunteer sa unang pagtitipon. Gamitin ang sumusunod na “form, “ o baguhin mo ito ayon sa iyong situwasyon:

 

________________________________________

                                    Mga Katanungan Para Sa Mga Volunteer

                                    (Lahat ng impormasyon dito ay ililihim)

 

Pangalan _____________________________________   Edad _____     Kasarian _______
Tirahan: ________________________________________
Lunsod_________________  Probinsiya _______________________  Postal code ___________
Telepono sa bahay ______________________  Estado: ____ Walang asawa  ____ May asawa

Trabaho at Katungkulan ____________________________  Telepono sa Trabaho ___________
Kaanib sa anong Iglesia? ____________________  Adres ng Iglesia: ______________________

Lagyan ng tsek ang larangan ng ministeryo sa bilangguan na nais mong makasangkot. Kung higit sa isa ang iyong lalagyan ng tsek, lagyan ng bilang ang mga ito ayon sa iyong hilig.

 

____ Pakikipagsulatan                                   _____ Pag-aaral Ng Biblia sa Grupo

____ Pagbibigay ng masasakyan                   _____ Gawain ng Pagsamba

____ Pagsubaybay sa dating bilanggo           _____ Pagsubaybay sa pamilya

____ Pagsulat sa isang bilanggo                    _____ Pagbisita nang isahan sa bilanggo

 

Ikaw ba ay naaresto na? Kung “oo,” ilista ang petsa, lugar, at pagkakasala.

 

________________________________________
Ikaw ba ay nalagay na sa isang mental na institusyon? ____ Kung “oo,” kailan at gaano katagal?

 

________________________________________
Ikaw ba ay umiinom ng gamot sa anumang dahilan? ____ Kung “oo,” ipaliwanag:

 

________________________________________
May karanasan ka na ba sa pakikitungo sa mga bilanggo? _____ Kung “oo,” ipaliwanag:
                                 

________________________________________
Anu-anong mga lengguwahe ang alam mong salitain?

 

________________________________________
Marunong ka bang tumugtog ng instrumentong pangmusika at umawit? Kung “oo,”ano iyon?___

Mga grupong interesado kang makasalamuha:   Mga lalake       Mga Babae      Mga Kabataan

 

Pirma ___________________________________                        Petsa  _________________

Pansinin: Kung ang mga babae ay pinapayagan sa volunteer team para sa isang institusyon ng mga lalake, mahalagang tandaan na ang pinakamataas na pamantayan ng paguugali at pananamit ay sundin. Ganoon din naman sa mga lalake na naglilingkod sa mga babaing bilanggo. Hangga’t maaari, magkaroon ng mag-asawahang pares. Hindi lamang ito makakaiwas sa mga masuliraning situwasyon, kundi ito ay magiging mabuting modelo ng maayos na pagsasamahang mag-asawa.

 

Pagkatapos mong makuha ang mga volunteers, sanayin mo sila:

 

·        Pagbalikan mo ang iyong panukalang ministeryo na kasama nila.

·        Pag-usapan kung saan sila nababagay pagamit sa programang ito.

·        Gamitin mo ang manwal na ito sa pagsasanay sa kanila sa ministeryo sa bilangguan.

·        Magkaroon ng “orientation” sa institusyon bilang unang hakbang sa pagkakaroon ng interes at sa pagsasala doon sa mga hindi komportable sa ganitong ministeryo.

·        Siguruhin mo na makakuha ka ng “clearance” para sa bawat isang volunteer para makapasok sa institusyon.

·        Magkaroon ng kumpletong pagsasanay na hinihiling ng chaplain o ng administrasyon ng institusyong iyong paglilingkuran.

 

IKA-PITONG HAKBANG: Ihanda mo ang iyong unang miting o gawain

 

·        Siguruhin na ang mga volunteer ay sinanay nang husto.

·        Siguruhin na ang bawat isa ay maayos ang pananamit sa pagbisita o paglilingkod sa “outreach” sa bilangguan.

·        Siguruhin na ang bawat isa ay may tamang ID sa pagpasok sa institusyon.

·        Maraming paraan ng pagpapatakbo ng gawain sa bilangguan. Kung makadiskubre ka ng maayos na paraan, huwag kang bantulot na gamitin mo ito- subalit huwag kang matakot na sumubok ng mga bagong idea at makabagong pamamaraan paminsan-minsan. Tingnan ang Ika-Anim na Kabanata ng manwal na ito para sa panuntunan sa pagdaraos ng gawain sa loob ng bilangguan.

·        Siguruhin na ang bawat isa ay nauunawaan ang kanilang papel na gagampanan sa ministeryo: Ano ang gagawin, kailan, at gaano kahaba an oras na ibibigay dito.

 

 

Magpatuloy kayong umabot sa mga tao sa loob ng bilangguan. Maraming mga tao rito na tulad ko na nagmamahal sa Panginoon – o maaaring maging katulad ko – mga taong maaaring mabago ang takbo ng buhay kung sila ay maaabot. Kung makita sila ng Iglesia at yakapin sila bilang bahagi ng Katawan Ni Cristo – hikayatin at alagaan sila sa Panginoon at turuan sila na manghikayat din ng iba na nakapalibot sa kanila –isang pagbabagong-buhay ang lalaganap sa loob ng mga pader na ito.”

 

 

 

·         Bilanggo sa Texas Death Row

·         Karla Faye Tucker

·         Pebrero 3, 1998

 
                                                                                                                                             

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKATLONG KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibuod ang mga hakbang sa pagsisimula ng ministeryo sa bilangguan na tinalakay sa kabanatang ito.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Anu-anong iba’t ibang uri ng ministeryo ang maibibigay mo sa isang institusyon?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Anu-anong mga paraan ang magagamit mo sa pagkuha ng mga volunteer?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

5. Anu-anong mga mungkahi ang ibinigay sa kabanatang ito sa pagsasanay ng mga volunteer?

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

IKA-APAT  NA  KABANATA

 

PAKIKIPAGSULATAN SA MGA BILANGGO

 

SUSING TALATA:

 

Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo’y may buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.  (I Juan 5:13)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

·        Ipaliwanag kung paano magpasimula ng pakikipagsulatan sa isang bilanggo.

·        Ibuod ang mga panuntunan sa pakikipagsulatan sa mga bilanggo.

 

PAMBUNGAD

 

Ang kabanatang ito ay para doon sa mga nais magkaroon ng ministeryo ng pakikipagsulatan sa mga bilanggo. Ipinaliliwanag dito kung paano ito pasisimulan at nagtuturo ng mga panuntunan sa ligtas at mabisang pakikipagsulatan.

 

PAANO MAGSIMULA

 

Una, makipag-ugnay ka sa tamang awtoridad sa institusyon. Ang ibang mga bilangguan ay may programa ng paghahanap ng mga tamang kasulatan o bisita ng bilanggo sa “mga kaibigang” tagalabas. Kung ang bilangguan ay walang ganitong programa, makipag-ugnay sa chaplain at humingi ng mga pangalan ng mga bilanggo na nais makipagsulatan.

 

Pangalawa, humingi ka ng listahan sa bilangguang ito, ng mga alituntunin ng pakikipagsulatan. Karamihan sa mga bilangguan ay may yari nang alituntunin sa pakikipagsulatan. Iba-iba ang mga alituntunin sa bawat institusyon. Ang ilang bilangguan ay pumapayag na magpadala ka ng selyo at papel na sulatan sa pamamagitan ng koreo, mga aklat na malambot ang takip, mga babasahing Ebangelio, at mga cassette tapes. Ang iba namang institusyon ay may tiyak na paraan ng pagpapadala ng mga ito, halimbawa, ang aklat ay nanggaling mismo sa naglimbag nito. Ang ibang insititusiyon ay hindi pumapayag na ang mga bagay na ito ay ipadala sa koreo.

 

MGA PANUNTUNAN SA PAKIKIPAGSULATAN

 

Narito ang ilang mga panuntunan sa pakikipagsulatan sa mga bilanggo:

 

1. Sa pagsulat sa mga bilanggo, tandaan na ang marami sa kanila ay nagsususpetsa, may galit sa kalooban, at nalulungkot.

 

·        Sila ay nagsususpetsa sapagkat sila ay pinagsamantalahan sa nakaraang mga relasyon. Maaaring may tanong sila sa motibo mo ng pagsulat: “Ano ang mapapala mo rito?” Pagtrabahuhan mo na magkaroon ng pagtitiwala, paggalang at pagkakaunawaan sa pagitan ninyong dalawa.

 

·        Ang mga bilanggo ay may galit sa kalooban sapagkat sila ay tinanggihan ng lipunan, at ikaw ay kabilang sa lipunan. Bigyan mo ang mga bilanggo ng pagibig na walang pasubali at dagdag na unawa.

 

·        Sila ay nalulungkot sapagkat sila ay nahiwalay sa lipunan, mga kaibigan, at pamilya. Ang marami ay tinanggihan ng pamilya. Ang isang linggong walang sulat ay tila isang taon, kaya sumulat kang madalas at tumugon agad sa sulat niya. Ang tawag ng isang bilanggo sa sulat ay “papel na sinag ng araw.”

 

2. Idalangin mo na tulungan ka ng Dios na maunawaan mo ang bawat sulat at turuan ka sa tamang isasagot. (Tingnan ang Ika-Labingdalawang Kabanata na tungkol sa “Pakikitungo sa Mga Bilanggo.”)

 

3. Hangga’t maaari, huwag mong gamitin ang iyong adres sa tirahan sa pagsagot mo ng sulat. Gamitin mo ang P.O. Box o ang adres ng iyong iglesia o ministeryo. Sa gayon ay maiiwasan mo ang mga problema sa hinaharap, tulad ng isang bilanggo na pupunta sa bahay mo pagkalabas niya ng bilangguan.

 

4. Linawin mo sa umpisa pa lamang na hindi mo intensiyon na magkaroon ng katipan. Madali para sa isang bilanggo na mahulog ang loob sa iyo kahit hindi ka pa niya nakikita dahil sa kanilang kalungkutan. Ang iyong kabutihan ay maaaring bigyan ng ibang kahulugan. Kung mangyari ito, dapat mo itong iwasto sa susunod mong sulat at pagbisita. Maging magalang at gumamit ng tamang pananalita, subalit naninindigan ka sa larangang ito. Ang ibang ministeryo ay pinahihintulutan lamang ang sulatan sa parehong kasarian.

 

5. Huwag kang magbabahagi ng anumang bagay tungkol sa iyong sarili na maaaring gamitin laban sa iyo pagdating ng araw, sa anumang dahilan.

 

6. Huwag kang magpapadala ng salapi malibang idinalangin mo ito at alam mong tiyak na pinangungunahan ka ng Dios na gawin ito. Kung ikaw ay magpapadala ng pera, hindi ito hiram. Ipadala mo bilang isang kaloob, subalit linawin mo na huwag siyang umasa na magbibigay ka pa sa mga darating na panahon. Padaanin mo ang kaloob sa tamang tauhan sa institusyon.

 

7. Huwag kang mangangako na magbibigay ka ng trabaho, pabahay, atbp., pagkalabas niya sa bilangguan, malibang ang ministeryo na kinabibilangan mo ay nakahandang ibigay ito. Ang iyong pakay ng pagsulat ay magpalakas ng loob sa Panginoon. Anumang kahilingan para sa mga serbisyong sosyal ay dapat paraanin sa tamang ministeryo na nangangasiwa sa paglaya ng bilanggo.

8. Iwasan ang “pagsesermon” sa iyong mga sulat. Gumawa ka muna ng tulay, at kapag palagay na ang loob niya sa iyo, madali nang magbahagi ng mga bagay na espirituwal. Ibahagi mo sa kaniya ang mga karanasan mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay upang madama niyang siya ay kabahagi ng iyong buhay at pamilya.  

 

9. Isama sa iyong sulat ang anumang bagay na pinahihintulutan na ipadala tulad ng…

 

  • Mga larawan.
  • Mga babasahin sa magasin o balita.
  • Crossword puzzle.
  • Mga postcards na may larawan.
  • Kaloob na mga selyo o papel sulatan, paminsan-minsan, kung papayagan.
  • Mga nakakatawang cartoons.
  • Mga papel na bookmarks.
  • Mga leksiyon ng correspondence sa Bible Study.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-APAT NA KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Anu-anong mga mahahalagang bagay ang dapat mong gawin sa pagpapasimula mo ng pakikipagsulatan sa isang bilanggo?

 

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod mo ang mga panuntunan sa pakikipagsulatan sa isang bilanggo na tinalakay sa kabanatang ito.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

IKA-LIMANG  KABANATA

 

PAGDALAW SA MGA BILANGGO

 

SUSING TALATA:

 

Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya ng kayo’y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.  (Hebreo 13: 3) 

 

MGA LAYUNIN:

 

  • Ipaliwanag kung bakit ang personal na pagbisita ay isang mahalagang ministeryo.
  • Ipaliwanag kung paano makisangkot sa isahang pagbibisita sa mga bilanggo.
  • Ibuod ang mga panuntunan sa pagbibisita ng personal sa isang bilanggo.

 

PAMBUNGAD

 

 Marami sa mga bilanggo ay walang bumibisita sa kanila:

 

  • Ang kanilang pamilya ay malayo ang tirahan mula sa bilangguan o walang sapat na pamasahe para bumisita.
  • Ang kanilang pamilya ay itinakwil na sila o baka wala silang pamilya.
  • Baka tinanggihan na sila ng mga dati nilang mga kaibigan.

 

Ang mga personal na pagbibisita sa bilanggo ay isa sa pinakamapakinabang na ministeryo sa bilangguan. Ipinaliliwanag ng kabanatang ito ang kahalagahan nito, mga detalye kung paano makasangkot dito, at mga panuntunan sa pagbisita ng personal sa mga bilanggo.

 

ANG KAHALAGAHAN NG PERSONAL NA PAGBISITA

 

Ang pagbibisita sa bilanggo nang isahan ay mahalagang ministeryo dahil sa mga sumusunod:

 

  • Ang bawat kaluluwa ay mahalaga sa Dios: “Hindi nais ng Panginoon na ang sinuman ay mapahamak” (II Pedro 3:9). Naglingkod si Jesus sa mga karamihan, subalit lagi Siyang may panahon para sa indibiduwal (para sa isang halimbawa, tingnan ang Juan 4).

 

  • Ang maraming mga bilanggo ay hindi dadalo sa mga gawaing pang relihiyon. Marahil ay hindi naging maganda ang naging karanasan nila sa mga gawain sa iglesia. Maaari ring natatakot silang dumalo sa mga gawain sa bilangguan at baka ituring ng ibang mga bilanggo na ito ay tanda ng kahinaan, at sila ay tuksuhin.

 

  • Ang maraming mga bilanggo ay hindi pa nakakaranas ng tunay na makadios at walang pasubaling pakikipagkaibigan. Ang nakilala lamang nila ay mga hindi tunay na kaugnayan kung saan sila ay inabuso.

 

  • Tulad ng marami sa atin –mas madaling magbukas ng puso sa isang personal na usapan kay sa sa isang grupo. Malaya kang maihayag ang iyong isipan sa isahang pakikipag-ugnay kay sa sa isang grupo ng mga tao. Maibabahagi ng bilanggo ang kaniyang mga pangangailangan sa iyo, makapananalangin kayo at makapag-aaral ng Salita ng Dios na magkasama, at magkakaroon kayo ng espirituwal na malapit na kaugnayan.

 

  • Ikaw ay nagsisilbing tulay na pabalik sa lipunan para sa isang bilanggo. Magkakaroon sila ng kaibigang naghihintay sa kanila paglabas nila sa bilangguan.

 

  • Hindi sosobra ang mga kaibigan mo. Hindi ka lamang magiging pagpapala, subalit ikaw ay pagpapalain sa pamamagitan ng tunay na pakikipagkaibigan sa isang bilanggo.

 

PAANO MAKASANGKOT

 

Narito ang ilang mga panuntunan sa pagkasangkot sa isahang pagbibisita sa mga bilanggo.

 

  • Magtanong tungkol sa programa ng pagbibisita sa bilangguan kung saan mo nais na maglingkod. Ang marami ay may maayos na programa sa pagtatambal ng bilanggo at volunteer na nais bumisita ng isahan.

 

  • Kung ang institusyon ay walang organisadong programa sa pagtatambal ng bilanggo at volunteer, hingin mo ang tulong ng chaplain upang gawin ito. Kung walang chaplain, sumangguni sa administrador na nangangasiwa ng pagbibisita at pagtatambal.

 

  • Ang mga tao na naglilingkod sa loob ng bilangguan sa isang grupo na may programang pang relihiyon ay maaari ring makatulong. Madalas ay may nalalaman silang bilanggo na walang bumibisita o makikinabang sa isang personal na pagpansin.

 

  • Kung posible, makipagsulatan ka muna sa bilanggo bago ka dumalaw. Madadama mo na magkaibigan na kayo kapag nagkita kayo sa unang pagkakataon.

 

MGA PANUNTUNAN SA PAGDALAW

 

Narito ang ilang panuntunan sa pagbibisita:

 

·        Magdaan ka sa tamang proseso upang mabigyan ka ng permiso ng institusyon na dumalaw. Maaari kang sumagot sa mga forms, mabigyan ng permiso bago ka dumalaw sa unang pagkakataon, magdala ka ng tamang ID, atbp.

 

·        Alamin at sundin ang lahat ng alituntunin sa pagdalaw nang personal sa bilangguang iyong paglilingkuran. Ang mga alituntunin ay maaaring tumukoy sa araw at oras ng pagbibisita, angkop na pananamit, kaligtasan, at mga batas sa pananamit. Sila ang nagsasabi kung alin ang puwede at hindi puwedeng dalhin sa loob ng bilangguan. Ang maraming mga bilangguan ay may mga alituntunin sa pagsusulatan. Magtanong ka tungkol dito. (Para sa pangkalahatang panuntunan, tingnan ang Ika-labingisang Kabanata ng manwal na ito tungkol sa “Mga Alituntunin Sa Pananamit at Kaligtasan.”)

 

·        Pinakamabuting bumisita nang isahan sa taong katulad mo ang kasarian. Maiiwasan dito ang mga pagkakamali ng pagkakaroon ng mga romantikong relasyon.

 

·        Sa normal na kalagayan, mas mabuti na huwag magbigay ng salapi sa bilanggo o sa kaniyang pamilya. Kung naniniwala kang may tunay na pangangailangan at pinapatnubayan ka ng Dios na gawin ito, mas mabuting ibigay ang iyong tulong sa pamamagitan ng chaplain o ng isang kontak sa institusyon, at huwag nang ipaalam kuung saan nanggaling ito.

 

·        Kung ikaw ay makapagtatag ng tunay na pagkakaibigan sa bilanggo, mas madaling pagusapan ang mga bagay na espirituwal at ibahagi ang Ebanghelyo sa kaniya.

 

·        Huwag magsermon o maglecture. Hingin ang tulong ng Dios kung paano ibabahagi ang Kaniyang pagibig at ang Salita ng Dios sa paraang katanggap-tanggap. Matapos maging mananampalataya ang isang bilanggo, patuloly mo siyang alagaan sa Salita ng Dios.

 

·        Kung papayagan ng institusyon, magbigay ka ng Biblia at ng babasahing nagdidisipulo sa iyong kaibigan. Depende sa mga alituntunin sa bilangguan, maaari kang magpadala ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng koreo, ikaw mismo ang magdala, o ibigay ang mga ito sa pamamagitan ng chaplain.

 

·        Malibang ikaw ay nagsanay o binigyan ka ng Dios ng kaloob na magpayo ng personal, huwag mong pasukan ang larangang ito sa inyong kaugnayan sa isa’t isa.

Naroon ka bilang isang kaibigan. Huwag mong isipin na katungkulang mong magbigay ng sagot sa lahat ng mga isyu na ihaharap sa iyo.

 

·        Tulad sa lahat ng pakikipagkaibigan, ikaw ay matutong maglihim. Huwag ihayag ang mga personal na mga impormasyon na ibinahagi ng iyong espesyal na kaibigan.

 

·        Ang bilangguan ay isang impersonal na lugar na nagpapababa ng kalagayan ng tao, at ang isang bilanggo ay bihirang magkaroon ng pagkakataon na makatanggap ng indibiduwal na pansin. Bayaan mong madama ng iyong kaibigan na siya ay espesyal. Gawin mo ang iyong pagbisita na isang positibo, nagtataas ng damdamin, at masayang panahon.

 

·        Laging tandaan na ikaw ay embahador ng Panginoong Jesucristo –subalit huwag mong ubusin ang lahat mong panahon sa mga bagay na esprituwal. Magkaroon ka ng balanseng kaugnayan tulad ng kaugnayan mo sa iyong mga kaibigan. Pag-usapan ninyo ang mga balita sa kapaligiran, magtawanan kayo, at mag-enjoy ka kasama ng iyong kaibigan!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-LIMANG KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Bakit mahalaga ang ministeryo ng personal na pagbibisita?

 

________________________________________

________________________________________

3. Maglista ng mga paraan kung paano makasangkot sa isahang pagbibisita sa mga bilanggo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Ibuod ang mga panuntunang ibinigay sa kabanatang ito tungkol sa pagbibisita nang isahan sa isang bilanggo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM  NA  KABANATA

 

PAGDARAOS NG MGA GRUPONG PAGTITIPON

 

SUSING TALATA:

 

Datapuwat nang makita Niya ang mga karamihan, ay nahabag Siya sa kanila, sapagkat pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor.  (Mateo 9:36)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

  • Tukuyin ang iba’t ibang uri ng mga grupong pagtitipon na maaaring idaos sa mga bilangguan.
  • Ibuod ang mga panuntunan sa pagdaraos ng mga grupong pagtitipon.

 

PAMBUNGAD

 

Ang maraming mga bilangguan ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga grupo na magministeryo sa mga bilanggo. Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng mga ministeryong pang-grupo at nagmumungkahi ng mga panuntunan sa pagdaraos ng mga ito.

 

MGA URI NG MGA GRUPONG PAGTITIPON

 

Maraming uri ng mga Kristiyanong grupong pagtitipon ang posibleng idaos sa loob ng bilangguan:

 

·        Gawain ng pagsamba

·        Pag-aaral ng Biblia

·        Mga klase sa musika

(upang sanayin ang mga mang-aawit, manunugtog, o ang koro para sa mga gawain ng pagsamba sa bilangguan)

·        Kristiyanong pagsusulat

·        Maliliit na grupo na nagbibigay ng tulong Kristiyano para sa mga addict/ o may problemang emosyonal

·        Mga klase sa pagiging magulang

·        Mga kurso sa Biblia na pang kolehiyo

·        Klase ng pagdidisipulo para sa mga bagong hikayat

 

Tandaan na sundin ang mga panuntunan sa Ikatlong Kabanata ng manwal na ito sa paghahanda at sa pagsusumite ng iyong panukala sa institusyon.

PAGDARAOS NG MGA GRUPONG PAGTITIPON

 

 

Narito ang ilang pangkalahatang panuntunan sa pagdaraos ng mga grupong pagtitipon sa isang bilangguan.

 

ORAS:

 

Mahigpit ang iskedyul ng mga “correctional institutions.” Lahat ng mga grupong pagtitipon ay dapat magsimula at magtapos sa takdang oras.

 

MUSIKA:

 

Ang musika para sa mga oras ng pagsamba sa bilangguan ay dapat nakapagpapalakas ng loob at nagpapasigla. Ang mga awit na maaaring magkaroon ng ibang kahulugan sa kanila ay hindi dapat gamitin, halimbawa, “Iligtas Ang Mga Namamatay.” Ganoon din ang mga awit na nakapagpapalungkot tulad ng “Walang Nakaaalam Ng Mga Suliranin Ko.” Kung ikaw ay gagamit ng mga awit sa transparencies, mga aklat awitan, o cassette tapes, ihanda ang mga ito.

Laging humingi ng pahintulot sa chaplain bago magdaos ng mga gawaing pang musika na kakaiba sa dati mong ginagawa (espesyal ng mga grupo, cantata, atbp.)

 

PANANALANGIN:

 

Narito anga ilang mga mungkahi para sa oras ng panalangin:

 

·        Gawing maikli ang panalangin at direkto sa tinutukoy, malibang kumilos ang Espiritu Santo sa isang espesyal na paraan.  Ang mahabang panalangin ay nakakabagot at baka sabihin ng mga bilanggo na “Ang mga taong ito ay nangangailangan ng mahabang mga panalangin.”

 

·        Ang posisyon sa pananalangin ay hindi mahalaga, subalit kung may malaking grupo (50 pataas), mas mabuti na nakaupo o nakatayo ang mga tao habang nananalangin sa halip na palalapitin sa harap at paluluhurin. (Upang madaling kontrolin ang mga tao.)

 

·        Mag-ukol ng maraming panahon sa pananalangin para sa pisikal, sosyal, pag-iisip, at espirituwal na pangangailangan ng mga bilanggo – ang kanilang mga alalahanin kaugnay ng kanilang mga pamilya. Ipanalangin mo rin ang mga staff sa bilangguan.

 

·        Mabuting nakabukas ng kaunti ang iyong mga mata (o hilingin sa isang kasama sa team na dumilat sa oras ng pananalangin) bilang pag-iingat.

 

PAGBASA NG KASULATAN:

 

Ang tao na bumabasa ng Kasulatan, sa oras ng pagsamba, ay “tulad” ng tinig ng Dios at siya ang naghahanda ng puso para sa sermon o pagtuturo. Ipabas ito nang may damdamin, paggalang, at pagbibigay ng kahulugan (tingnan ang Nehemias 8:8). Ipahayag nang malinaw, bago magpasimulang bumasa, kung saan matatagpuan ang talatang babasahin (aklat, kabanata, at mga talata). Bigyan ng panahon ang mga may Biblia na hanapin ang talata. Paabutin ang iyong boses hanggang sa likuran ng silid. Tumayo ka nang tuwid at magsalita nang malinaw. Basahin ang Salita ng Dios nang may damdamin na ang mga emosyon ng mga bilanggo ay mapukaw at ang kanilang mga puso ay tumingin paitaas.

 

MGA PATOTOO:

 

Kung ikaw ay nahilingan na magpatotoo, huwag mong isipin na ito na ang ginintuang pagkakataon mo na mangaral. Huwag kang gagamit ng mga salitang nauunawaan lamang sa inyong denominasyon tulad ng, “Mula nang ako ay dumating sa mensahe” o kaya ay “Matapos kong tanggapin ang katotohanan.” Mas mabuting gamitin ang mga salitang “Mula nang ako ay maging Kristiyano” o “ Nang tanggapin ko si Jesucristo bilang aking personal na Tagapagligtas.”

 

Panatilihin ang iyong patotoo ay nakasentro kay Cristo at sundin ang mga sumusunod na paalaala:

 

A. Laging sabihin kung ano ang nagawa ni Cristo para sa iyo at sa iyong pamilya, nagbabanggit ng mga bagay na nauukol sa pagpapalakas ng pananampalataya ng mga bilanggo. Huwag mong patanyagin ang kasalanan sa pagsasabi mo ng mga detalye.

 

B. Gawin mong maikli lang ito, mga 2-3 minuto. Huwag mong piliting sabihing lahat. Tandaan mo na ikaw ay nagsasalita sa loob ng oras na ibinigay sa iyo. Mas mahaba kang magpatotoo, mas kakaunti ang matitirang oras para sa magdadala ng Salita ng Dios.

 

C. Ayusin mo ang lakas ng iyong tinig. Magsalita ka nang malinaw at malakas, lalo na kung walang mikropono, upang ikaw ay marinig at maunawaan ng lahat.  

 

PANGANGARAL O PAGTUTURO:

 

Ang mga mensahe sa pangangaral o pagtuturo ay hindi dapat lumampas ng 30 minuto (malibang may espesyal na pagkilos ang Espiritu Santo). Ang maraming mga bilanggo ay limitado ang oras ng pakikinig. Nais mo ring magkaroon ng pagkakataon pagkatapos ng mensahe na tapusin nang maayos ang gawain at makisalamuha sa mga taga roon (ang fellowship ay mahalaga sa kanila).

 

Gawin mo na ang iyong mga mensahe ay angkop sa mga bilanggo. Iangkop mo ang iyong gagawin sa nalalaman mo tungkol sa mga bilanggo. Mga mensahe ng pagpapaunlad ng karakter at nagpapalakas ng loob ang bagay sa kanila. Kung bumabanggit ka ng punto tungkol sa mga maling ginawa, ang lagi mong sasabihin ay “tayo” upang kasali ka doon.

 

Ang mga sumusunod na mga bagay ay hindi dapat gawin sa isang mensahe:

 

  • Huwag mong kagagalitan ang mga residente. Sobra na ang narinig nilang galit mula sa mga kamag-anak, mga abogado, mga huwes, atbp.
  • Huwag magbibitiw ng anumang pangungusap na maglalagay sa alanganin ng seguridad ng bilangguan.
  • Huwag mong siraan ang ibang relihiyon.
  • Huwag ka magpakita ng “mas banal ako sa iyo” na damdamin.
  • Huwag magtanong ng mga tanong na magiging dahilan ng pagtatalo o huwag mong isipin na ang grupo ay laban sa sinasabi mo.
  • Sa maliliit na grupo, maupo nang magkakaharap.
  • Sa maliit na grupo, himuking makisangkot ang lahat. Mabisa ang tanong at sagot na paraan. Huwag pabayaang ang isa ay laging nagsasalita.
  • Siguruhin na ang bawat isa ay may Biblia at himukin na ang lahat ay sumunod sa binabasa.
  • Kung kinakailangang paalisin ang isang estudiyanteng nanggugulo sa grupo, gawin ito sa magalang na paraan, subalit dapat ikaw ang masunod. Kung kinakailangan, hingin ang tulong ng opisyal sa bilangguan na nagdidisiplina.

 

PAGTUGON:

 

Kung aanyayahan mo sila na tumugon sa dulo ng mensahe –upang tanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas o magtalaga ng kanilang buhay –maging malinaw kung ano ang nais mong gawin nila at bakit kailangan ito. Kung mayroon kang malaking grupo, mas mabuting itaas na lang nila ang kanilang kamay sa halip na lumapit sa harap (bilang pag-iingat).

 

PAKIKILAHOK NG BILANGGO:

 

Himukin ang mga bilanggo na makilahok sa gawain. Halimbawa, hilingin sa isa na umawit o magbahagi ng kaniyang patotoo. Mag-ingat sa nilalaman at haba ng pakikilahok ng mga bilanggo. Tandaan na limitado lamang ang oras na ibinibigay sa inyo kaya kaunti lang ang maaaring lumahok sa bawat gawain. Kung kinakailangan, magkaroon ng listahan ng mga gaganap. Salain ang mga awit na aawitin ng mga bilanggo, sapagkat ang mga bagong hikayat kung minsan ay hindi ankop ang inaawit. Laging ikaw ang nangangasiwa. Huwag mong pabayaan na ang sinumang bilanggo ang nasusunod sa pagtitipon ng grupo.

 

Sa maliliit na mga grupo – lalo na ang mga Kristiyanong grupo na nakikitungo sa mga addict- maglaan ka ng pagkakataon na ang lahat ay makapagsalita. Maaari kang mabigla kapag ang isang bilanggo ay kinalaban ang kapwa bilanggo sa mga ganitong pagtitipon. Ibalik mo ang usapan sa mga isyu na tinatalakay sa halip na sa mga personalidad.

 

PAGSUBAYBAY:

 

Ang mga bilanggo na tumanggap kay Jesucristo bilang personal na Tagapagligtas – sa isa sa mga pagtitipon – ay dapat masubaybayan habang nasa bilangguan pa.

 

Hangga’t maaari, kunin ang kanilang pangalan, bigyan ng kopya ang chaplain, at kunin mo ang isang kopya para magamit mo sa pagsubaybay. Himukin mo sila na dumalo sa mga pag-aaral ng Biblia, sa mga gawain kung Linggo, at ibang mga pagkakataong ibinibigay ng institusyon.

 

Kung binibigyan ng pagkakataon ng institusyon na sila ay mabinyagan sa tubig, dapat silang tumanggap ng pagtuturo tungkol dito at mabinyagan. (Ang isang bilangguan ay may malalim na inuman ng mga kabayo na nagagamit ng chaplain sa pagbibinyag.)

 

Ang mga bagong hikayat ay tulad ng maliliit na mga bata na nag-aaral humakbang sa kanilang espirituwal na paglakad. Madalas, ang kanilang kapaligiran ay laban sa kanilang mga paniniwala. Ang palagiang pagsuporta, pampalakas ng loob, at pananalangin ay kailangan. Dapat silang:

 

  • Maging aktibo sa espirituwal na pamumuhay sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga gawain ng pagsamba, pag-aaral ng Biblia, at iba pang mga gawaing pang Kristiyano.

 

  • Mabigyan sila ng responsabilidad sa ministeryo kung nakahanda na sila na gampanan ito.

Ang marami ay may mga angkop na talento sa maaaring gamitin para sa gawain ng Panginoon. Ang pag-aaral ng mga espirituwal na kaloob ay makatutulong na madiskubre nila ang kanilang mga talento at magamit ang mga ito.

 

  • Mahimok na magpatuloy na dumalo nang regular sa mga gawain ng pagsamba at pag-aaral ng Biblia.

 

  • Himukin na makipagkaibigan sa ibang mga Kristiyano sa loob at labas ng bilangguan. Mabuting magtoka ka ng isang “kaibigang espirituwal” sa bawat isang nahikayat. Ang tao na ito ay dadalaw at susulat sa kaniya nang regular, at patuloy na magsusubaybay pagkalabas niya sa bilangguan. Kung malipat ng kulungan ang kaniyang “espirituwal na kaibigan” maaari niya itong patuloy na sulatan, palakasin ang loob at bigyan ng espirituwal na patnubay. (Babala: Siguruhin na ang “kaibigang espirituwal” ay pareho ng kasarian ng bilanggo.)

 

PAGPASOK AT PAGLABAS SA SILID:

 

Mahalaga –lalo na sa malalaking grupo – na magkaroon ng mga tiyak na proseso ng pagpasok at paglabas ng silid upang magkaroon ng kaayusan. Sa ibang mga institusyon ang mga bilanggo ay kinakailangang pumirma pag pumasok sa silid, kaya may tala sila ng pagsangkot. Magtakda ng ilang mga bilanggo na maiiwan upang maglinis at mag-ayos ng silid na iniwan. Burahin ang pisara, siguruhin na ligtas ang mga kagamitan, maglagay ng mga materiyales, damputin ang mga basura, at ayusin ang mga silya at mga mesa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Isang Paglalakbay Sa Bukirin Ng Pag-aani

 

Ang Paraan: Nakikita mo na ang mga ilaw mga sampung milya pa ang layo, lumiliwanag sa harap ng lumulubog na araw. Ang daang tinatahak ay may mga puno ng igos sa isang tabi, peach, at mga puno ng nuts na nagbubunga na ng kanilang mayamang taunang pag-aani. Sa kabila ng kalsada ang mga makina ay nag-aani ng dayami. Subalit sa harap namin …kung saan may liwanag sa kalayuan… ay ang mas malaking pag-aani.

 

Ang Pagpasok:  Sa aming pagpasok sa bilangguan, nagdaan kami sa isang guwardiya na maraming mga senyas ng babala:

-Ikaw ay pumapasok sa isang mahigpit na lugar: Bawal ang mga armas, baril, kutsilyo, o mga drugs.

            -Ikaw ay dapat magparekisa ng iyong sarili at ng iyong mga daladalahan.

            -Ikaw ay pumapasok sa isang lugar na apektado ng AIDS.

            -Pag nagkaroon ng kagulo, hindi kami nakikipag-areglo sa mga hostages.

Kami ay unang pumasok sa dako ng mga bisita. Doon ay dapat naming alisin ang lahat ng alahas, lahat ng laman ng bulsa, ang aming mga sinturon, at mga reloj. Siniyasat ang aming mga Biblia at bag at kami ay dumaan sa metal detector. Kami ay pinapasok, binigyan ng pases, at ang aming mga braso ay tinatakan ng ultraviolet ID code. Lumabas kami sa sentro ng mga bisita at naghintay na mabuksan ang malaking pinto. Pagkabukas ng pinto, pumasok kami sa isang maliit na cubicle. Ang gate sa likod namin ay sumara nang malakas, at ang gate sa harap namin ay bumukas at nagtuloy kami sa control center. Doon ay nag-ring kami ng bell sa labas. Ang gate ay bumukas at sumara sa likod namin, ang aming mga ID ay sinuri, at ang isang malaking pinto ay bumukas. Sa wakas… kami ay nasa loob na ng solar ng bilangguan. Kami ay napapalibutan ng matataas na mga bakod na may mga alambreng matatalim. Tumawid kami sa solar patungo sa maliit na silid sa gawing silangan kung saan naghihintay ang pag-aani.

 

Ang Pag-aani:  Mga simpleng kahoy na upuan ang naroon sa simpleng silid. Walang magagandang bintana, walang carpet, o komportableng mga upuan. Subalit ang silid ay puno ng  mga buhay na aanihin. Ang mga babae ay nangasa mga silya, nakapila sa mga pader, at nangakaupo sa sahig.

 

-Ipakikilala namin sa iyo si AG, na makukulong ng 15 taon dahil sa pagpatay sa isang drug pusher. Ang kaniyang buhay ay mahimalang nabago sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios. Siya ang nangangasiwa sa ibang mga nakakulong na panghabang buhay. Naparito sila upang mabago ring tulad niya nang makita nila ang pagbabago sa kaniyang buhay.

 

-Si SK ay isang guro hanggang nang gabing yaon na uminom siya ng sobra, nagmaneho ng kotse, nakasagasa at nakapatay ng isang tao sa kalye. Si SK ay isa nang born-again na Kristiyano.

 

-Si DL ay nanggaling sa isang impluwensiya ng pagsamba kay Satanas. Siya ay mataas na saserdote sa simbahan ni Satanas. Sa pagkabata, siya ay inabuso ng kaniyang step-father at nagkaanak siya sa edad na 12. Siya ay nahatulan dahil sa kidnapping at mga pagkakasalang kaugnay ng drugs. Siya ay naligtas, napuspos ng Espiritu Santo, at nagkaroon ng College Degree mula sa isang Kristiyanong unibersidad habang nakakulong.

 

-Si  AM ay galing sa drugs at pagbebenta ng katawan. Sa kaniyang tanang buhay ay wala siyang natapos hanggang sa nakulong siya at dito ay nakatapos ng Bible College sa bilangguan. Siya ay lalabas na bukas, at ngayong gabi ang mukha niya ay nagliliwanag at nagbibigay siya ng kaluwalhatian sa Dios. Siya ay nag-iisang pumasok sa mga pintuang ito. Siya ay lalabas na kasama ang Dios.

 

Sana ay may panahon kami na ipakilala ang bawat isang estudiyante sa iyo. Sila ay mga dating magnanakaw, mga addict, nagdidispalko, mga nagbebenta ng katawan, at mga mamamatay tao. Ang hindi magagawa ng edukasyon, rehabilitasyon, at pagpapayo, nagawa ng kapangyarihan ng Ebanghelyo. Sa paglilingkod namin ng Salita ng Dios, makikita mo ang mga luha ng pagsisisi. Maririnig mo ang mga tinig ng papuri sa Dios. Makakikita ka pa ng nagsasayaw at sumisigaw sa Panginoon. Bagaman sila ay nakakulong pa rin sa mga rehas at mga alambreng matatalim, ang mga babaing ito ay nakasumpong na ng kalayaan kay Jesucristo. Ito ang tunay na pag-aani.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ANG PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-ANIM NA KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ilista mo ang iba’t ibang uri ng grupong pagtitipon na maaaring ganapin sa bilangguan.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod ang mga panuntunan na ibinigay sa kabanatang ito para sa mga sumusunod:

Oras ________________________________________

________________________________________

Musika ________________________________________

________________________________________

Pananalangin ________________________________________

________________________________________

Pagbasa ng Kasulatan ________________________________________

________________________________________

Mga Patotoo________________________________________

________________________________________

Pangangaral o pagtuturo________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

Pagtugon ________________________________________

________________________________________

Pakikilahok ng Bilanggo________________________________________

________________________________________

Pagsubaybay________________________________________

________________________________________

Pagpasok at paglabas ng silid________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

 

 

IKAPITONG  KABANATA

 

PAGMIMINISTERYO SA PAMILYA NG MGA BILANGGO

 

SUSING TALATA:

 

            …at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.  (Genesis 12:3)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Ipaliwanag kung bakit ang pamilya ng bilanggo ay laging may krisis.
  • Tukuyin ang mga paraan kung paano ka makapagmiministeryo sa pamilya ng mga bilanggo.
  • Ibuod ang mga panuntunan sa pagmiministeryo sa mga pamilya ng mga bilanggo.

 

PAMBUNGAD

 

Libu-libong mga pamilya ang apektado taon-taon dahil sa pagkakabilanggo ng kanilang kapamilya. Karamihan sa mga pamilyang ito ay sira at puno ng kalungkutan, pag-aalala, at pagkadama na sila ay tinanggihan. Kakaunti sa mga pamilyang ito ang tumatanggap ng pansin mula sa iglesia.

 

Sinabi ng Dios kay Abraham na sa pamamagitan niya, “lahat ng angkan sa lupa ay pagpapalain.” Bilang mga espirituwal na tagpagmana ni Abraham, tayo rin ay maaaring magpala sa mga pamilya. Ang kabanatang ito ay magpapakita kung paanong ikaw at ang iyong iglesia ay maaaring makasangkot sa paglilingkod sa mga pamilya ng mga bilanggo.

 

PAGUNAWA SA KRISIS

 

Kapag ang isang miembro ng pamilya ay inaresto, ito ay nagdudulot ng pag-aalala, takot, at walang kasiguruhan sa kanilang asawa, mga anak, o mga magulang. Ang pagkabilanggo ay nagdadala ng dobleng krisis sa pamilya. Ang unang krisis ay ang isa sa miembro ng pamilya ay naaresto dahil sa paglabag sa batas. Ang pangalawang krisis ay ang pamilya ay nahati. Ang pagkakabilanggo ay natutulad sa pagkamatay na isang kaanib ng pamilya.

 

Ang mga anak ay nagdaranas ng kahihiyan at kawalan pag ang isang magulang ay nakulong. Sila ay maaaring malipat ng tirahan kung ititira sa mga kamag-anak, mga kaibigan, mga bahay ampunan, o sa isang institusyon. Ang marami ay hindi nakakabisita sa magulang – marahil ay dahil sa utos ng korte, malayo ang bilangguan, o ang pinansiyal na kalagayan na pumipigil sa kanila sa pagdalaw (pamasahe, pagkain, tirahan).

 

PAANO TUTULONG SA MGA PAMILYA NG MGA BILANGGO

 

Narito ang mga praktikal na pamamaraan ng pagtulong sa mga pamilya ng mga bilanggo:

 

Sasakyan at Tirahan:  Maglaan ka ng sasakyan patungo sa bilangguan at pabalik upang sila ay makadalaw sa miembro ng pamilya na nabilanggo. Kung ikaw ay nakatira malapit sa bilangguan, maglaan ka ng lugar para sa pamilya na matulugan sa magdamag habang bumibisita. Ayon sa mga pag-aaral, ang pamilya na laging may koneksiyon sa bilanggo ay malaki ang nagagawa sa pagtulong sa bilanggo na maka-adjust sa lipunan pagkalabas nito.

 

Impormasyon:  Maaaring hindi alam ng pamilya ang pagkuha ng mga impormasyon- tulad ng petsa ng paglilitis, kailan at paano dumalaw, o kung paano kukuha ng abogado. Makakatulong ka kung aalamin mo ang sistema tungkol dito.

 

Mga Serbisyong Sosyal: Magbigay ng impormasyon tungkol sa pribado at publikong ahensiya na nagbibigay ng trabaho, tulong na legal, pabahay, tulong sa pananalapi, pagpapayo, edukasyon, atbp. Maaaring kailangan din ng pamilya ng tulong sa pag-aapply sa mga programang ito.

 

Trabaho:  Kung ang kumikita ay nakakulong, kakailanganin ng asawa ng trabaho.

 

Pabahay, pagkain, pananamit, at pananalapi: Maaaring kailangan ng pamilya ng pansamantala o permanenteng tirahan, pagkain, o pananalapi upang makabangon sila. Kung ikaw o ang iglesia ay nagbibigay ng tulong na pinansiyal, gumamit ng tseke, hangga’t maaari, at isulat para sa tiyak na pangangailangan, direcho sa kasera, o kompaniyang babayaran, atbp.

 

Pagpapayo:  Ang buong pamilya o miembro ng pamilya na isahan ay nangangailangan ng personal na payo upang maharap nila ang krisis na ito.

 

Mga regalo sa espesyal na okasyon:  Ang Pasko at mga birthday ay mahirap para sa mga anak ng bilanggo. Ang isang paraan ng pagtulong ay magbalot ka ng regalo para sa Pasko at mga birthday at ibigay mo sa anak, mula sa magulang na nakabilanggo. Ito ay nagdadala ng kagalakan sa bilanggo at sa anak!

 

Isang tahanang-sambahan:  Ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo sa pamilya ng bilanggo ay bigyan sila ng isang tahanang-sambahan na mapagmahal, nagmamalasakit, na tinatanggap ang kanilang kalagayan.

 

PAANO MAKIKIPAG-UGNAYAN SA MGA PAMILYA NG MGA BILANGGO

 

Dalawang mahalagang bagay ang dapat tandaan bago ka makipag-ugnay sa pamilya ng bilanggo:

 

  • Magtanong ka sa chaplain o administrasyon ng bilangguan kung saan ka naglilingkod. Tingnan kung may mga batas laban dito o isang proseso na dapat mong sundin.
  • Humingi ng permiso sa bilanggo upang ang pamilya at ang institusyon ay may pagsang-ayon dito. Ang pahintulot din ang magsasaad ng iyong pakay sa pagkontak sa kanila. Maaari mong gamitin ang sumusunod na form na ito.

 

 



Paghingi Ng Pahintulot Na Makiugnay Sa Pamilya

 

Nagagalak kami na susugin ang iyong kahiligan na kami ay makipag-ugnayan sa iyong pamilya upang magbigay ng lakas ng loob, payo, pag-aaral ng Biblia, at mga pangangailangan kung posible ito –subalit kailangan namin ang iyong pagsang-ayon dito. Paki sagot ang mga tanong sa form na ito. Isulat nang malinaw:

 

Pangalan ________________________________________

ID Numero ng Bilanggo _____________________ Dormitoryo ____________________

Institusyon _________________________  Lokasyon ____________________________

Makipag-ugnay kay:

 

Pangalan ng               Tirahan             Telepono             Anong Relasyon             Layunin

Miembro ng                                                                        Sa Iyo                            ng Pakiki-

     Pamilya                                                                                                                      pag-ugnay                                                                                                                                  

                                                           

________________________________________

________________________________________

Pirma ___________________________________                     Petsa ______________________

 

Pinahintulutan ng chaplain o administrador:

Ni ___________________________________            ________________

                             Pirma                                                          Petsa

 

Pansinin:

 

Hindi namin maaaring makontak ang mga kamag-anak na ipinagbawal ng korte na makipag-ugnay sa iyo.

 

 

________________________________________

 

Maaari kang tumawag o bumisita sandali upang mapasimulan mo ang ministeryong ito. Sa pagtatapos mo ng pagtawag o pagbisita, ipanalangin mo sila. Sa susunod na pagbisita, magdala ka ng kopya ng babasahin na ginagamit ng bilanggo para sa mga kaanak niyang may gulang na upang sama-sama silang lumagong espirituwal. Kung hindi sila interesado sa babasahin, magpatuloy kang bumisita upang sila ay kaibiganin at suportahan. Laging dalhin ang usapan sa mga kalagayan sa tahanan, sa pamilya, trabaho, at mga plano sa hinaharap. Iwasan na pag-usapan ang mga negatibong nangyari sa nakaraan. Sa mga susunod na pagbisita mo, maaari silang magbahagi ng mga suliranin ng pamilya sa iyo. Kung may isang malaking pangangailangan, tanungin kung maaari kang tumulong dito.

 

Pansinin: Ang mag-asawang team ay mabuting bumisita. Ang mga lalake ay hindi dapat bumisita sa asawang babae ng bilanggo, o ang babae ay bibisita sa asawang lalake na nag-iisa.

 

Kapag kayo ay naglilingkod sa pamilya ng bilanggo, ilihim ang lahat ng mga bagay na hindi dapat sabihin sa iba. Ibahagi lamang ang ipinahintulot sa iyo ng pamilya na maaari mong banggitin. Huwag kang sasangkot sa mga bagay na legal o babanggit ng mga problema sa pagitan ng bilanggo at ng kaniyang pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

 

ISANG MINISTERYO NA IPINANGANAK SA PUSO NG DIOS

Ni Dr. Bob Schwartz

Director ng Prison Ministry, State of Colorado, Full Gospel Business Men’s Fellowship International

 

 

Ang ministeryo sa mga bilangguan ay isang makalangit na ministeryong ipinanganak mula sa puso ng Dios. Ito ay isang ministeryo kung saan ang isa ay dapat may pahid, pinili, tinawag, at sinugo. Dapat itong gawin sa larangan ng Espiritu sa tunay na pagsunod sa kalooban ng Dios. Nang tawagin kami ng Dios sa ministeryong ito, binigyan Niya kami ng Kaniyang pasanin, pagibig, at kahabagan ng Espiritu Santo. Ito ay isang espesyal na ministeryo at mahalaga kay Cristo.

 

Ito ay isang ministeryo kung saan Siya ay naluluwalhati na mabuti at kung saan ibinigay Niya ang lahat ng kayamanan ng Langit. Tinatawag Niya ang mga lalake at babae at mga bata sa Kaniya sa bilangguan. Madalas kami ay nangangaral sa mga buong sambahayan. Sa ibang mga bansa ang mga anak ay kasamang nakakulong ng mga magulang. Ang Ebanghelismo para sa mga bata ay idinaraos sa mga bansang ito upang maabot ang mga bata para kay Cristo.

 

Ito ay ministeryong malapit sa puso ng Dios, at ang mapili na kabahagi ng Kaniyang team ay isang malaking karangalan. Ito ay ministeryo ng isang alipin na ginaganap sa kapangyarihan ng Dios sa larangan ng Espiritu. Isang ministeryo kung saan tayo ay umaani sa pamamagitan ng kapahayagan ng kaalaman (Katotohanang itinuro ng Espiritu mula sa Espiritu ng Dios sa ating bagong likhang tao), mula sa puso ng Ama tungo sa puso ng Kaniyang mga anak. Ito ay ministeryo ng paggapos at pagpapalaya, na nalalaman sa pamamagitan ng Espiritu Santo kung anong espiritu ang tatalian, at kung alin ang pakakawalan. Ito ay ministeryo ng pag-aalaga ng alagad, kung saan ang mga bilanggo ay tinuturuan sa pamamagitan ng kapahayagan kung paano magkakaroon ng matagumpay na buhay, at sinusugo upang maging mamamalakaya ng mga tao para kay Cristo.

 

Ito ay isang ministeryo na nagdadala ng malaking kagalakan sa puso ng Dios at sa mga taong inaabot natin sa mahal na Pangalan ni Cristo at sa maluwalhating Ebanghelyo ng ating Panginoon at Tagapagligtas.

 

“Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya nang kayo’y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.”

                                                   (Hebreo 13: 3)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-PITONG KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Bakit madalas nasa krisis ang pamilya ng bilanggo?

 

________________________________________

________________________________________

3. Anu-ano ang mga paraan kung paano ka makapagmiministeryo sa pamilya ng mga bilanggo?

________________________________________

________________________________________

4. Anu-ano ang dalawang mahahalagang bagay na dapat mong gawin bago ka makipag-ugnay sa pamilya ng bilanggo?

 

________________________________________

________________________________________

5. Ibuod ang mga panuntunan na ibinigay sa kabanatang ito tungkol sa pagmiministeryo sa pamilya ng mga bilanggo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

IKA-WALONG  KABANATA

 

PAGMIMINISTERYO SA MGA BILANGGO SA “DEATH ROW”

 

SUSING TALATA:

 

Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag; ayon sa kadakilaan ng Iyong kapangyarihan ay palagiin Mo yaong mga nangatakda sa kamatayan.  (Awit 79: 11)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, may kakayahan kang:

 

  • Ipaliwanag kung paano sisimulan ang ministeryo sa mga bilanggo sa death row.
  • Talakayin ang mga panuntunan sa pagmiministeryo sa mga bilanggo sa death row.
  • Ipaliwanag kung paano maghahanda ang bilanggo para sa kamatayan.

 

PAMBUNGAD

 

Ang ibang mga bilangguan ay may mga “death row”- isang hiwalay na kulungan para sa mga nahatulang mamatay ng bansa o probinsiya. Ang mga ito ay nakakulong sa mahigpit na seguridad. Ang death row ay isang kakaibang bahagi ng bilangguan, at ang kabanatang ito ay isinulat upang matulungan kang magministeryo nang mabisa sa ganitong kalagayan.

 

PAANO MAGPASIMULA NG MINISTERYO SA MGA BILANGGO SA DEATH ROW

 

Ang ministeryo sa death row-tulad ng ibang ministeryo sa bilangguan- ay dapat sinang-ayunan ng chaplain o administrasyon ng institusyon. Kadalasan, hindi ka agad papayagang pumasok sa death row. Ang chaplain at administrador ay nais ka munang pagmasdang naglilingkod sa ibang sektor ng bilangguan- sa isang grupo o isahang ministeryo sa pangkalahatang populasyon ng mga bilanggo.

 

Ang ilang mga institusyon ay hindi pinapayagan ang mga grupo na magministeryo sa death row bilang pag-iingat. Huwag kang masiraan ng loob- maaari kang payagan na magministeryo ng isahan sa pamamagitan ng pagbisita o pagsulat sa bilanggo sa death row. Ito ay maaaring maging mabisa, sa pakikipagkaibigan at sa pagbabahagi ng mensahe ng Ebanghelyo. Maaaring ito rin ay magbukas ng posibilidad ng ministeryo sa grupo sa darating na araw.

 

Kung ang mga pagtitipon ng grupo ay hindi pinapayagan, maghanap ka ng ibang paraan ng paglilingkod sa death row. Halimbawa, sa isang institusyon na hindi pinapayagan magministeryo ang isang grupo, ang isang video player ay pinayagang maipasok at ang chaplain at volunteer ay nagdadala ng mga Kristiyanong video sa death row. Ang ibang mga modernang institusyon ay may telebisyon na nakapagpapalabas ng video-tape na mga gawain ng pagsamba. Ang mga Kristiyanong tapes na pinakikinggan ay pinahihintulutan din. Maaari ring itambal sa isang bilanggo sa death row sa isang bisitang Kristiyano na maglilingkod ng isahan sa kanila.

 

ANG PAGMIMINISTERYO SA MGA BILANGGO SA DEATH ROW

 

Kung ikaw ay nagmiministeryo sa pagsulat o pagbisita ng isahan sa isang bilanggo sa death row, pagbalikan mo ang Ika-Apat at Ika-Limang Kabanata ng manwal na ito para sa mga panuntunan sa pagsulat at pagbisita. Kung kayo ay naglilingkod bilang isang grupo, tingnan ang Ika-anim, Ika-Labingisa, at Ika-Labingdalawang Kabanata. Ang mga pangkalahatang mga panuntunan sa mga kabanatang ito ay maaari ring gamitin sa death row.

 

Kakaiba sa death row ang mga sumusunod na mga panuntunan:

 

  • Kung minsan ay may kakaibang mga batas sa pagbisita, pagsulat, at pagdaraos ng mga pagtitipon ng mga grupo sa death row dahil sa isyu ng seguridad. Magtanong tungkol sa mga regulasyong ito at sundin mong mabuti!

 

  • Kung ang bilanggo sa death row ay nagsasabing inosente siya, wala kang karapatang hamunin ito. Maraming mga pagkakataon na ang bilanggo ay pinalaya mula sa death row dahil napatunayan nang walang duda na sila ay walang sala. Kung sinasabi nilang wala silang sala, manalangin kang kasama niya na gagawa ang Dios ng paraan at ang hustisiya ay mangyayari.

 

  • Ang mga damdamin ng pag-iisa, kalungkutan, at pagkawala ng pag-asa ay madalas nakikita rito sapagkat ang death row na mga bilanggo ay hiwa-hiwalay, nakakulong lamang sa kanilang mga selda, at masyadong limitado sa pagsangkot sa mga programa sa bilangguan. Makatutulong ka sa pagiging isang kaibigang nagbibigay ng pag-asa at mag-ukol ng panahon upang huwag silang mainip (puzzles, mga laro, sining at mga proyekto, babasahin, mga kurso na pasulat, atbp. –anuman ang pinahihintulutan ng institusyon).

 

  • Ang mga tao ay inilalagay sa death row dahil sa mga marahas na krimen na nagawa nila. Ang iba ay inaamin ang kanilang kasalanan, subalit walang pagsisisi sa nagawa nila. Kailangang may kakayahan kang tanggapin na ganoon sila - sa pamamagitan ng pagibig at ng kapangyarihan ng Dios na bumabago – saka mo sila pangunahan sa isang lugar na dapat nilang kalagyan.

 

  • Dapat kang magkaroon ng tunay na pagkaunawa ng pagbabagong-buhay na ayon sa Biblia: “…Kaya’t kung sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito sila’y pawang naging mga bago” (I Corinto 5:17).

Maaaring singilin pa rin ng lipunan ang mga krimen na ginawa niya sa pamamagitan ng pagbabayad niya ng kaniyang buhay, subalit pinatawad na siya ng Dios at siya ay bago nang nilalang. Hindi na siya yaong dating tao na gumawa ng krimen.

 

  • Siguruhin mo na ang pagbaling nila kay Jesucristo ay hindi nangangahulugan na ililigtas sila mula sa parusa ng kamatayan. Ibahagi ang Hebreo 11 sa kanila. Ang maraming mga makadios na tao ay iniligtas mula sa kamatayan, subalit ang iba ay napatay. Ang iba ay pinalaya mula sa bilangguan; ang iba ay hindi. Nais ibigay ng Dios sa kanila ang namamatay na pananampalataya at ang buhay na pananampalataya rin.

 

  • Magpatuloy ka na humawak sa pananampalataya kasama ng bilanggo sa death row hanggang sa naubos na ang mga apila para dinggin ang kasong ito –subalit huwag kang mag-atubili na maghanda kung malapit na ang kamatayan.

 

- Mayroon bang kailangan silang patawarin? Tulungan mo sila sa prosesong ito.

 

-Mayroon bang kailangan silang hingan ng dispensa at kapatawaran –mga biktima, ang kanilang mga pamilya, ang kaniyang pamilya at mga kaibigan? Subaybayan mo sila sa paggawa nito.

 

-Kung mayroon silang mga batang mga anak, himukin mo sila na sumulat sa kanilang anak upang ibigay ito sa kaniya sa kaniyang paglaki.

 

- Mayroon ba silang mga bagay na kailangang isara o desisyunan?

 

-Pag-usapan ang kamatayan nang hayagan, at ang katunayan na bilang isang mananampalataya, wala tayong dapat ikatakot. Ang bawat isa ay may takdang panahon ng pagkamatay. Ang pagkakaiba lamang nila kay sa ibang mananampalataya ay alam nila ang kanilang petsa. Maaari itong maging positibong bagay, sapagkat nabibigyan sila ng pagkakataon na sabihin at gawin ang mga bagay na kailangang sabihin at gawin. Para sa isang mananampalataya, ang kamatayan ay nilamon ng pagtatagumpay:

 

Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, ngunit tayong lahat ay babaguhin, Sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagkat tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin. Sapagkat kinakailangan na itong may kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan. Datapuwat kapag itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.” Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?”  (I Corinto 15: 51-55)

 

Pinalalaya tayo ng kamatayan mula sa mga kasalanan, mga pagsubok, at mga kabigatan ng buhay na ito:

 

Sapagkat nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios,  bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan. Sapagkat tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit: Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad. Sapagkat tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami’y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.  (II Corinto 5: 1-4)

 

Kapag namatay ang isang mananampalataya, ito ay mahalaga sa paningin ng Dios:

 

Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng Kaniyang mga banal.  (Awit 116: 15)

 

Pagkamatay, ang isang mananampalataya ay pumapasok agad sa presensiya ng Panginoon.

 

Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon. (II Corinto 5:8)

 

·        Tulungan silang ituon ang paningin sa walang hanggan at ang mga kamangha-manghang mga bagay na naghihintay sa Langit. Tingnan ang Apocalipsis Kabanata 21 at 22.

 

Kung hilingin ng bilanggo sa death row na ikaw ay naroon sa kanilang kamatayan upang magkaroon siya ng espirituwal na suporta, gawin mo iyon kung pinahihintulutan ito ng bilangguan. Matutulungan mo siyang makita ito bilang isang maluwalhating pag-uwi sa halip na nakakatakot na karanasan – sapagkat tunay, na ang bilanggo sa death row na naging bagong nilalang kay Cristo ay pupunta agad mula sa pagbitay sa presensiya ng Dios.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Walang Mga Pihitan Ang Mga Pinto Rito

Ni Catherine Thompson

California Death Row for Women

 

“Madalas akong pagsabihan ng mga kaibigan ko at mga kasama na aking ilagay ang aking isipan sa papel. Hanggang kamakailan lamang, Ayaw kong isulat ang mga ito. Subalit mga ilang araw lamang ang nakalilipas, ang isang tagalabas na tumitingin sa aming unit ay nagtanong kung ano ang damdamin ko na ako ay nasa death row at ngayon ay nakaharap sa kamatayan. Ang isa pang tao ay nagtanong kung ako ay okay sapagkat hindi ako nagrereklamo at ako’y laging may ngiti sa labi.

 

“Ang hindi alam ng marami ay ang huli kong pagngiti ng tunay ay noong Hunyo 13, 1990. Sumunod na araw, ang aking matalik na kaibigan, ang ka-sekreto ko, at ang mahal ng aking buhay ay kinuha sa akin dahil sa isang malagim na krimen. Yaon ang huling araw na masasabi ko nang tapat na nakadama ako ng tunay na kaligayahan at nagpakita ng tunay na pagngiti. Sa pamamagitan ng pangyayaring ito ay natutuhan ko ang tatlong P ng aking pang-araw-araw na pamumuhay: Patience (Pasensiya), Perseverance (Pagtitiyaga), at Purity (Kalinisan). Ginagawa ko ito araw-araw na pakonti-konti.

 

“May mga bagay sa aking buhay na hindi ko dating pinapansin subalit ngayon ay itinuturing kong isang pribilehiyo, tulad ng tawag sa telepono, paglabas sa sikat ng araw at sariwang hangin, o tulad ng pagpihit ng pintuan o pagbubukas ng bintana. Walang mga pihitan ang mga pintuan dito. Ang aking pinto ay kontrolado ng kuryente ng isang opisyal na nagdidisiplina mula sa isang silid.

 

“Bilang isang mabungang mamamayan ng lipunan, bumoto ako laban sa pagbitay sa mga bilanggo. Ang dama ko ay binilang ng Dios ang ating mga buhay dito sa lupa at hindi binibigyan ang tao ng awtoridad na baguhin yaon. Walang sinoman – maging kriminal o lipunan – ang may karapatang pumatay. Nakaupo ako at naghihintay na bigyan ako ng abogado mula sa estado para sa aking apila sapagkat hindi ko kayang bumili ng hustisya. Sa ating lipunan, ang hustisya –tulad ng lahat ng bagay – ay mahal ang katumbas.

 

“Samantala, ginugugol ko ang aking mga araw na itinataas ang aking dignidad. Ang aking kalayaan ay kinuha, ang aking puso ay nadurog, ang aking ngiti ay nasira- subalit walang taong makakukuha ng aking dignidad.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Isang Ilaw Sa Death Row

Ni Michael Ross

Connecticut Death Row

 

“Ang death row ay isang napakadilim at malungkot na dako. Bilang isang taong nahatulan, ikaw ay pinagsabihan ng lipunan na hindi ka karapatdapat mabuhay. Ikaw ay itinuring na mapanganib na makisalamuha sa pangkalahatang populasyon ng bilangguan,  at ikaw ay inihiwalay sa ibang mga  bilanggo upang ikulong sa isang espesyal na tirahan na tinawag na death row. Sa wakas, ang pag-iisa mo ay lalong sumisidhi, sapagkat ang maraming mga nahatulang mga lalake at babae ay wala nang koneksiyon o pinabayaan na ng kanilang mga sariling pamilya.

 

“Paano ko nalaman ito? Sapagkat ako mismo ay nahatulan, sa death row ng Connecticut. Subalit isa ako sa mga pinalad. May kontak pa rin ako sa ilang miembro ng aking pamilya at marami akong kasulatan… Subalit, bihira ito, at hindi ito ang kalakaran… kilala ko ang mga bilanggo na hindi tumatanggap ng sulat at walang bumibisita.

 

“ May mga kilala ako na pagkatapos bitayin ay wala man lamang kumuha ng katawan. Sila ay inilibing sa libingan ng mga pulubi na walang dumalo sa gawain ng paglilibing kundi ang chaplain – yon ay, kung sila ay mapalad na magkaroon man lamang ng gawain – at ang kawalan ng dignidad na nakasulat ang numero ng bilanggo sa lapida sa halip na ang pangalan nito. Sila ay walang mga mukha na mga hinatulan na binitay ng estado at inilibing sa mga libingang walang pangalan, at wala man lamang nakapansin ng kanilang pagkamatay, lalo pa ipagluksa ang kanilang pagkamatay.

 

“Oo, ang death row ay maaaring maging napakalungkot na lugar. Subalit may kapangyarihan ka  na baguhin ito. May kakayahan kang magdala ng liwanag ng pag-asa sa napakadilim na pag-iisa sa death row. At, kasabay niyaon, ang ilaw na yaon ay maaaring mahipo rin ang iyong puso, at ituro sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa naisip kailan man. Ito ay kasing dali ng pagsulat ng isang liham. Kasi, sa bilangguan, ang mga sulat ay yaong ilaw ng pag-asa sa bilanggo na laging nag-iisa.

 

“Ang karanasan ng pagsulat ay madalas may magandang epekto sa mga taong sumusulat – sa magkabilang panig. Ang tao sa death row ay nakakaalam na may isa doon na nagmamalasakit sa kanila, at sila ay natututong harapin ang mga kahirapan ng buhay sa death row. Sila na nasa labas ay nalalaman na isa lamang bilanggo ay makapag-aalis ng ilang mga ibang pag-aakala at takot tungkol sa mga bilangguan at sila na nakakulong doon.

 

“Ang tawag ni Jesus sa atin upang bisitahin ang mga nakabilanggo ay malinaw. Maaaring ang pakikipagsulatan mo sa isang bilanggo sa death row ay isang paraan ng pagbibisita.”

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-WALONG KABANATA

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibuod ang mga mungkahing ibinigay sa kabanatang ito kung paano magpapasimula ng ministeryo sa death row.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Talakayin ang mga panuntunan na ibinigay sa kabanatang ito kung paano magmiministeryo sa mga bilanggo ng death row.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Talakayin ang mga mungkahing ibinigay dito kung paano mo tutulungan ang bilanggo sa death row na harapin ang kamatayan.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

(Ang mga sagot sa pagsususlit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

IKA-SIYAM  NA  KABANATA

 

ANG MINISTERYO PAGKALABAS NG BILANGGUAN

 

SUSING TALATA:

 

…Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan. (Isaias 42:7)

 

MGA LAYUNIN:

 

·        Tukuyin ang mga karaniwang pangangailangan ng mga dating bilanggo.

·        Ilarawan ang mga uri ng ministeryo pagkalabas ng bilangguan.

·        Maglista ng mga hakbang sa pagsisimula ng ministeryo pagkalabas ng bilangguan.

·        Alamin ang iyong papel na gagampanan sa ministeryo pagkalabas ng bilangguan.

 

PAMBUNGAD

 

Ang ibang mga bilanggo ay pinalalaya matapos nilang tapusin ang kanilang sentensiya na itinakda ng batas. Sa ibang mga lugar, pagkatapos matupad ang bahagi ng sentensiya, ang mga bilanggo ay pinahaharap sa parole board. Kung sila ay binigyan ng parole bago malubos ang sentensiya, sila ay pinalalaya na may mga kondisyon, tulad ng pagpapakita ng regular, hindi pakikisalamuha sa mga dating kasama sa krimen, at mga limitasyon tungkol sa pamumuhay at mga kaayusan sa trabaho. Ang mga kondisyon sa pagpapalaya ay iba-iba at ito ay itinatakda ng korte, ng parole board, o ng opisyal ng parole.

 

Ang mga dating bilanggo ay maraming mga pangangailangan sa pagpasok nilang muli sa lipunan. Tutulungan ka ng kabanatang ito sa pagtukoy ng mga pangangailangang ito, unawain mo ang iba’t ibang uri ng ministeryo pagkalabas ng bilangguan, at alamin ang iyong papel sa pagmiministeryo sa mga dating bilanggo.

 

ANG MGA PANGANGAILANGAN NG DATING BILANGGO

 

Mapalad ang ibang bilanggo na umuuwi sa mga pamilya o mga iglesiang nagmamalasakit pagkalabas nila sa bilangguan, subalit kung walang sumusuporta sa kanila, ang ministeryo pagkalabas ng bilangguan ay napakahalaga. Ang bawat tao ay iba at may iba’t ibang pangangailangan, subalit narito ang ilang mga karaniwang pangangailangan ng mga bilanggo na kalalabas pa lamang mula sa isang institusyon.

 

·        Kailangan niya ng isang iglesia na tatanggap sa kaniya upang siya ay alagaan at espirituwal na lumago. Anyayahan mo siya na pumunta sa iglesia na kasama mo. Tumabi ka sa kaniya at anyayahan mo siya na sumama sa iyo sa pagkain pagkatapos ng gawain. 

 

·        Kailangan niya ang tirahan, pagkain, at damit. Ang mga bilanggo na walang damit panglabas ay nangangailangan ng “kahon para sa parolee” –naglalaman ng mga damit, kasuotang panloob, at mga sapatos na maisusuot paglabas sa kulungan.

 

·        Kailangan niya ng “vocational training” at ng trabaho.

 

·        Maaari niyang kailanganin ang pagpapayong pinansiyal (pagbabadget, pag-aayos ng pananalapi, atbp.) Tandaan: huwag ka magbibigay ng pinansiyal na tulong na personal sa dating bilanggo. Mas mabuti na paraanin sa iglesia o sa administrador ng programa ng nakalayang bilanggo ang tulong na ito.

 

·        Kailangan niya ng pagpapayong pang pamilya kung pinagkakaisa niya ang kaniyang pamilya.

 

·        Maaari niyang kailanganin ang dagdag na payo tungkol sa pagiging addict o sa paglalasing. Ang mga mananampalataya na nagtalaga na kay Cristo ay masusumpungan na ang tukso sa pagiging addict ang pinaka-unang haharapin niya na pakikipagbaka sa labas.

 

·        Kung matagal siyang nakulong, kakailanganin niya ang tulong kahit na sa mga simpleng desisyon sapagkat ang mga bilanggo ay hindi na sanay gumawa ng mga desisiyon.

 

·        Kakailanganin niya ng malakas na suporta ng mga kaibigan na magmamahal at tatanggap sa kaniya, mananalangin para sa kaniya at kasama niya, at tutulungan siya sa kaniyang mga problema.

 

Karagdagan dito, alamin mo ang lahat ng impormasyon tungkol sa bilanggo bago siya palayain. Ang kaalamang ito ay makatutulong sa ministeryo ng pinalayang bilanggo. Alamin ang mga trabahong kaya niyang gawin at ang naabot niya sa pag-aaral. Alamin kung saan siya titira habang laya (kung minsan ay ibinibigay sa bilanggo ang lugar na dapat niyang puntahan). Pag-usapan ninyo ng chaplain at ng mga awtoridad sa institusyon ang mga plano bago mo kausapin ang bilanggo. Huwag kang mangangako ng anuman na hindi mo kayang gawin.

 

MGA MINISTERYO PAGKATAPOS NG BILANGGUAN

 

Maraming uri ng ministeryo pagkalabas ng bilangguan na mauumpisahan mo o maituturo na puntahan ng bilanggo:

 

  • Isang Kristiyanong “half-way house.” Ito ay tahanan para sa mga sumuway sa batas at tinatawag na “half-way” sapagkat ito ay ang paglilipat mula sa bilangguan tungo sa normal na lipunan. Ang ministeryong ito ay nagbibigay ng tirahan, pagkain, payo, at paghahanap ng trabaho sa mga ito. Ang mga nakatira doon ay may hangganan ang pagtira kung ano ang itinakda ng mga awtoridad o hanggang sila ay makahanap ng trabaho at tirahan. Ang ibang tahanang ganito ay may programa ng pag-aalaga at ang mga kasangkot dito ay kailangang matapos ang programa bago payagang magsarili. Kung ikaw ay magbubukas ng “half-way house,” mahalaga na may mahigpit na mga batas tungkol sa drugs, alak, curfew, at iba pang pangkalahatang pamantayan ng  pag-uugali.

 

  • “The Local Rescue Mission”:  Ang ibang mga lunsod ay nagpapatakbo ng “rescue mission” na tumatanggap ng mga dating bilanggo sa kanilang programang  pagdidisipulo at “vocational.”

 

  • Mga Programang pinatatakbo ng gobiyerno at pribadong organisasyon: Ang ibang mga lugar ay may mga programa na pinatatakbo ng gobiyerno o pribadong organisasyon upang tulungan ang mga dating bilanggo na makabalik sa lipunan. Kasama rito ang mga tahanang pang-grupo, pagpapayo tungkol sa trabaho, at iba pang tulong.

 

  • Mga Programa ng Iglesia: Ang isang iglesia ay maaaring magpasimula ng isang grupo ng mga dating bilanggo, na nagbibigay ng tulong sa tirahan, pagpapayo, at paghahanap ng trabaho. Ang mga may sariling negosyo sa iglesia ay maaaring makausap tungkol sa pagbibigay ng trabaho sa dating bilanggo. Ang isang iglesia ay nagbukas ng “fast food restaurant” na pinatatakbo ng mga dating bilanggo na “born again.”

 

  • Mga Kristiyanong paaralan at mga Bible Schools: Ang ibang paaralan ay nagbibigay ng “scholarship,” cuarto, at pagkain sa mga may kakayahang mag-aral na mga bilanggo. Kung ikaw ay administrador ng isang paaralang Kristiyano, ito ay magandang ministeryo sa mga dating bilanggo.

 

PAGPAPASIMULA NG MINISTERYO PAGLABAS SA BILANGGUAN

 

UNANG HAKBANG: Manalangin ka.

 

Ang lahat ng mga bagay ay pinag-aalab ng panalangin. Ipanalangin mo kung ano ang nais ng Dios na gawin mo sa larangan ng ministeryo pagkalabas ng bilangguan.

 

IKALAWANG HAKBANG: Sumangguni sa iyong espirituwal na lider.

 

Kung ikaw ay pastor, isangguni mo ito sa iyong board. Kung ikaw ay miembro ng iglesia, kausapin mo ang iyong pastor. Mahalaga ito dahil sa mga sumusunod na mga dahilan:

 

  • Ito ay kortesiya.
  • Ang mga lider na espirituwal ay makapagbibigay ng patnubay at mga isipan sa iyo.
  • Maaaring ang iyong lider na espirituwal ay may mga plano na patungkol sa ministeryong ito. Kung gayon, maging bahagi ka nito, huwag mong sirain ang plano niya.

 

IKATLONG HAKBANG: Gumawa ka ng pagsusuri.

 

Narito ang mga tanong na iyong sasagutin sa pagsusuri:

 

  • Mayroon bang lokal na ministeryo pagkalabas ng bilangguan? Ano ang kanilang ginagawa, kung mayroon? (Kung nakapagsimula na sila ng ganitong ministeryo at may programa na patungkol dito, maging bahagi ka nito.)

 

  • Anu-ano ang mga pangangailangan sa iyong komunidad patungkol sa ministeryo pagkalabas ng bilangguan?

 

  • Anong mga pangangailangan ang mapupunan ng iyong iglesia? (Pilitin mong huwag madoble ang mga ginagawa na ng mga Kristiyanong organisasyon. Dapat tayong magtulungan, hindi magkompitensiya, sa isa’t isa.)

 

IKA-APAT NA HAKBANG: Bumisita ka sa isang ministeryong katulad nito.

 

Kung ikaw ay magbubukas ng ministeryo para sa dating bilanggo, bumisita ka sa isang ministeryong katulad nito sa ibang lugar. Matuto ka sa kanilang mga tagumpay at kabiguan.

 

IKA-LIMANG HAKBANG:  Alamin ang mga isyu ng organisasyon.

 

Narito ang ilang mga isyu ng organisasyon na iyong aalamin:

 

  • Pananalapi: Ang ministeryo pagkalabas ng bilangguan ay nangangailangan ng pinansiyal na suporta. Maghanap ng pagkukunan ng salapi at ayusin ang paggastos.

 

  • Lugar na gagamitin:  Anong uri ng lugar ang kailangan? Saan ito nandoon? Makakukuha ka ba ng permiso sa lokal na gobiyerno sa lugar na binabalak mo?

 

  • Mga Tauhan:  Sino ang magpapatakbo ng ministeryo sa mga nakalaya na? Anu-ano ang mga kinakailangang kuwalipikasyon ng mga manggagawa? Ang mga puwesto bang ito ay bayaran o “volunteer”?

 

ALAMIN ANG PAPEL MONG GAGAMPANAN

 

Ano ang iyong gagampanang papel sa ministeryo sa mga bilanggong pinalaya na? Ito ay nakasalalay sa mga sagot sa sumusunod na mga tanong:

 

  • 1. Ano ang pinapayagan sa institusyon na pinaglilingkuran mo? Ang ilang mga institusyon ay hindi pinapayagan ang mga volunteers na naglilingkod sa loob ng bilangguan na magministeryo sa mga bilanggo paglaya nila. Ang dahilan ay kung magbalik sa kulungan ang bilanggo, sila ay baka masyadong malapit na sa volunteer o mabigyan ng mga espesyal na pabor dahil sa relasyon nila sa labas.

 

  • 2. Saan ka pinakamabisa?  Mas mabisa ka bang maglingkod sa bilanggong nakakulong o sa isa na nakalaya na? Saan nandoon ang iyong interes at pangitain? Alin ang nagbibigay sa iyo ng malaking kaligayahan at pinakadakilang espirituwal na mga bunga?

 

  • 3. Ano ang iyong limitasyon sa oras at lakas?  Hindi mo maaaring paglingkuran ang lahat. Dahil sa limitasyon ng oras at lakas, kailangan mong piliin kung ikaw ay maglilingkod sa loob o labas ng bilangguan, hindi sa dalawang ito.

 

Kung ang inyong institusyon ay hindi pumapayag na ikaw ay makasangkot sa paglilingkod sa bilanggo pagkalabas nito, o wala kang panahon o pasanin para sa ministeryong ito, ikaw ay maaaring maglingkod bilang ahente nito. Gumawa ng listahan ng mga iglesia , mga indibiduwal, o mga organisasyong kaugnay ng iglesia na kasangkot sa ministeryo sa bilanggo pagkalabas nito, at ituro mo ang mga bilanggo sa kanila.

 

Anuman ang iyong pagkasangkot, ang iyong papel ay dapat bilang isang kaibigan o suporta. Huwag kang maging salalak sa bilanggo. Nariyan ka para sa kaniya, subalit huwag mo siyang sakalin. Himukin mo siyang matutong mamuhay sa sariling sikap.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-SIYAM NA KABANATA

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Anu-ano ang mga karaniwang mga kailangan ng mga dating bilanggo sa kabanatang ito?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Maglista ng mga uri ng ministeryo para sa kalalabas sa bilangguan?

________________________________________

________________________________________

4. Ilista ang mga hakbang sa pagsisimula ng ministeryo pagkalabas sa bilangguan.

 

________________________________________

________________________________________

5. Anu-anong tatlong tanong ang tutulong sa pagpapasiya mo ng iyong gagampanan sa ministeryo sa mga bilanggo na nakalaya na?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________


 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

IKA-SAMPUNG  KABANATA

 

MGA TIPO NG INSTITUSYON AT MGA BILANGGO

 

SUSING TALATA:

 

Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa Akin; sapagkat pinahiran Ako ng

Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; Kaniyang sinugo Ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo…

(Isaias 61:1)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Magpakita ng pagkaunawa ng mga lebel ng seguridad ng institusyon.
  • Talakayin ang mga pagkakaiba ng kulungan, bilangguan, at ibang mga pasilidad.
  • Pag-usapan ang karaniwang tipo ng bilanggo.
  • Ipaliwanag kung paano dapat pakitunguhan ang mga bilanggo na nagsasabing sila’y walang sala.

 

PAMBUNGAD

 

Ang iba bang bilanggo ay mas mapanganib kay sa iba? May pagkakaiba ba ang kulungan at bilangguan? May mga magkakatulad bang mga katangian ang mga bilanggo? Paano mo pakikitunguhan ang isa na nagsasabing wala siyang kasalanan? Ito ang mga susing isyu na tatalakayin sa kabanatang ito.

 

MGA TIPO NG INSTITUSYON

 

Ang bawat kulungan at bilangguan ay kakaiba, subalit karamihan sa mga institusyon ay inuuri ayon sa mga tipo ng nakakulong doon:

 

  • “Maximum security institutions:  Dito nakakulong ang mga bilanggo na pinaka mapanganib, marahil dahil sa uri ng krimen na kanilang nagawa o dahil sa kanilang pag-uugali sa bilangguan. Ang mga hinatulan ng bitay ay dito nakakulong. Sila ay matamang binabantayan at ang kanilang pakikilahok sa mga programa ng mga volunteers ay limitado.

 

  • Medium security institutions:  Ito ang mga hindi gaanong mapanganib na mga preso na hindi gaanong mahigpit ang seguridad. Hindi nila kailangan ang masyadong pagbabantay at sila ay pinapayagang makilahok nang malaya sa mga programang pang relihiyon.

 

  • Minimum security institutions:  Dito nakakulong ang mga bilanggo na malapit nang palayain, nakulong sa mga krimen na hindi gaanong marahas, o sila na napatunayan nang mapagkakatiwalaan. Sila ay pinahihintulutang magtrabaho sa labas ng bilangguan kung minsan at madalas ay may kalayaang makilahok sa mga programang pang relihiyon.

 

Ang ibang mga institusyon ay mayroon nitong tatlong lebel ng seguridad sa isang lugar. Ang mga lebel na ito ay matatagpuan din sa mga kulungan. Kung minsan ay iba’t iba ang unipormeng ipinasusuot sa kanila depende sa lebel ng seguridad.

 

PAGKAKAIBA NG MGA KULUNGAN AT MGA BILANGGUAN

 

Bagaman ang mga kulungan at bilangguan ay parehong ikinukulong ang mga sumuway sa batas, may pagkakaiba sa kanilang dalawa. Ang mga nakakulong sa bilangguan ay nilitis at hinatulan na. Kadalasan, sa kulungan muna inilalagay ang lahat ng mga preso. Ang marami rito ay hindi pa nahahatulan at naghihintay ng paglilitis. Ang iba naman ay narito habang naghihintay ng sentensiya. Ang iba ay maikling pagkakulong lamang ang kailangan na hindi na kailangang dalhin sa bilangguan.

 

Ang mga nakakulong sa bilangguan ay nakapirme. Mas mahaba ang mga sentensiya ng mga ito kaya matagal mo silang mapaglilingkuran. Ang mga nasa kulungan ay paiba-iba. Ang mga ito ay naghihintay lamang ng paglilitis o may maikling sentensiya. Ang panahon mo para sa kanila ay limitado.

 

Ang ibang mga bilangguan ay may mga pasilidad para sa mga programa ng pagpapayo at rehabilitasyon, subalit karamihan sa mga kulungan ay wala nito. Ang mga bilangguan ay may mga lugar para sa mga grupong pagtitipon tulad ng mga gawain ng pagsamba at mga pag-aaral ng Biblia.

 

Ang mga kalagayang pisikal, emosyonal, at pag-iisip ng mga preso sa kulungan ay iba at hindi maayos kay sa mga bilanggo. Madalas ay walang lugar na pribado para maka-usap mo nang isahan ang mga nasa kulungan. Ang mga preso sa kulungan ay madalas bagot, di mapakali, at takot. Higit sa lahat, ang di pagkaalam ng hinaharap ang nananaig sa kanilang buhay.  

 

IBA’T IBANG URI NG MGA GUSALI PARA SA MGA BILANGGO

 

Ang iba’t ibang uri ng gusali at programa sa mga nakakulong ay:

 

  • Work release centers:  Pinahihintulutan na magtrabaho sa komunidad sa araw at bumabalik sa center para ikulong sa gabi.

 

  • Halfway house:  Para sa mga taong naka-parole. Sila ay nakatira rito habang naghahanap ng trabaho at isang lugar na matitirahan. Maaari silang hilingin na tapusin muna ang programa ng pagpapayo at pagsasanay na ibinibigay sa halfway house.

 

  • Road camp, fire camp, forestry camp, or work camp:  Ang mga bilanggo ay gumagawa sa mga kalye, nagpapatay ng sunog, o nagtatrabaho sa mga publikong gubat o bukirin.

 

  • Detention, juvenile hall, or reformatory:  Ang mga bata pang mga bilanggo ay inihihiwalay sa mga may edad nang mga preso.

 

MGA TIPO NG BILANGGO

 

Ang bawat preso ay iba. Mahal ng Dios ang bawat isa at hindi Niya kalooban na ang sinoman ay mapahamak.Walang “natatanging” bilanggo sa paningin ng Dios, subalit may mga karaniwang katangian na makatutulong na maunawaan mo ang karamihan sa kanila.

 

            Edukasyon:  Madalas, mababa ang pinag-aralan ng mga bilanggo.

 

Tahanang kinalakhan:  Ang mga bilanggo ay karaniwang galing sa mga tahanan na inabuso sila, may diborsyo, kakaunting pagtuturo, at walang disiplina.

 

Vocational training:  Ang maraming mga preso ay walang alam na trabaho. Maaaring sila ay hindi naging matagumpay sa pag-aaral o hindi nagtagal sa trabaho o nagtrabaho sa mababa magpasuweldo.

 

Self-image:  Ang mga bilanggo madalas ay may mababang pagtingin sa sarili dahil sa sila ay tinanggihan ng lipunan, mga kaibigan, o kapamilya.

 

Emotional profile:  Ang maraming bilanggo ay nakukonsiyensiya dahil sa nagawa nila o sa pinagdaanan ng kanilang pamilya. Kalungkutan, kawalan ng pag-asa, at galit ay karaniwang nadarama.

 

Social responsibility:  Ang mga bilanggo ay limitado ang pagiging responsible sa lipunan. Maaaring wala silang pagsisisi sa ginawa nilang krimen o iniisip nila na sila ay inapi sapagkat sila ay nakakulong.

 

Common offenses:  Apat ang mga karaniwang krimen sa karamihan sa mga preso sa maraming bansa: Pagnanakaw, panghohold-up, pagpatay, at tungkol sa mga pinagbabawal na gamot. Ang ibang dahilan ng pagkakulong ay panggagahasa, kidnaping, pag-atake sa kapwa, pagdispalko ng pera, pagpapalsipika, at pangloloko.

 

Ang mga bilanggo ay may mga papel ding ginagampanan sa bilangguan na dapat mong malaman sa ministeryo:

 

·        “Heckers” ay dumadalo sa klase ng Biblia bilang mga tunay na estudiyante, subalit ginugulo ang klase sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga tanong na hindi masagot. Maaari silang magkuwento ng mga eskandalo ng iglesia at mga pastor o gawing oras ng pagrereklamo ang oras ng mga patotoo. Panatilihin ang disiplina ng grupo sa pamamagitan ng pagbabalik ng usapan sa tamang paksa.

·        Perennial seekers ay laging tumutugon sa paanyaya sa paglapit sa altar dahil sa kakulangan ng pagkaunawa ng kung ano ang pagkahikayat, may pagnanais na bigyan ka ng kasiyahan, o dahil sa makasalanan pa rin sila mula nang sila ay mahikayat. Patuloy mong bigyan sila ng mainit na pagtanggap at ipanalangin mo sila. Kung sila ay may kapanatagan na sa kanilang relasyon sa Dios at nauunawaan na ang pagkahikayat, magbabago rin sila.

 

·        Manipulators ay sila na mga magiliw at kanais-nais, subalit sinusubukang gamitin ka para sa kanilang mga layunin. Pagbalikan ang “Paano Maiiwasan ang “Set-up” sa Ika-Labingisang Kabanata ng manwal na ito para sa mga mungkahi kung paano sila pakikitunguhan.

 

·        Institutionalized na mga bilanggo ay yaong mga matagal nang nakakulong at nahihirapang mamuhay bukod sa buhay sa kulungan. Kung sila ay bumalik sa bilangguan pagkatapos ng parole, huwag kang masiraan ng loob. Maaaring sila ay taos pusong tumanggap sa Panginoon subalit kailangan lamang ng kakayahan upang masanay sa buhay sa labas ng kulungan.

 

Tandaan –ang mga katangiang ito ay hindi totoo sa lahat ng bilanggo. Ang iba ay mga edukado at humawak ng matataas na posisyon at trabaho na mahusay magpasuweldo. Ang iba ay nanggaling sa mabubuti at umaalalay na pamilya. Ang iba ay taos-pusong naghahanap, may pagnanais na matututo tungkol sa Dios. Ang mga pangkalahatang katangiang ito ay halaw sa maraming pag-aaral ng nakararaming mga bilanggo.

 

Lalong mahalaga, tandaan mong tingnan ang mga bilanggo hindi kung paano sila noon, o sa ngayon. Tingnan mo sila bilang mga magigiting na lalake at babae ng Dios kapag ang Ebanghelyo ay makalangit na nagkabunga sa kanilang mga buhay!

 

INOSENTE NGA BA ANG ILAN?

 

 Ang maraming mga bilanggo ay patuloy na sinasabing sila ay walang sala. Para sa ilan na talagang nagkasala, ito ay isang uri ng pagtakas sa katotohanan. Hindi nila maharap ang nagawa nila, kaya nagdadahilan sila o sinisisi nila ang iba. Subalit dapat mong malaman- ang ibang mga preso na nagsasabing wala silang kasalanan ay totoong inosente! Nagkaroon ng mga insidente kung saan ang bilanggo ay pinalaya mula sa bilanguan matapos mapatunayan- na walang duda – na sila ay nahatulan nang mali. (Ito ay totoo rin sa mga bilanggo sa death row!)

 

Hindi ka naparoon upang ikaw ang maghatol kung sino ang may sala o wala. Naroon ka upang maging isang kaibigan at magministeryo ng pagibig ng Dios sa kanila. Suportahan mo ang bilanggo. Sabihin mong ipananalangin mo siya na ang Dios ang tumulong sa kanilang kaso at nang ang tamang hustisya ang maganap.

 

Tandaan mo na-sa maraming kadahilanan- ang maraming mga bayani ng pananampalataya ay may rekord sa bilangguan.

 

Si Jose ay nagdusa ng dalawang taon sa bilangguan at pinagbintangang nanggahasa (Genesis 39). Si Samson ay ikinulong ng mga Pilisteo (Hukom 16). Si Jeremias ay ikinulong sa kulungan ni Haring Sedechias nang dalawang beses, minsan sa pagsesermon ng hindi niya nais at minsan ay inakusahan ng rebelyon (Jeremias 32, 37).

 

Ang marami sa mga apostoles ay itinapon sa bilangguan ng mga Saduceo (Gawa 5). Si Juan Bautista ay ipinabilanggo ni Herodes (Mateo 4) at si Pedro (Gawa 12), gayon din si Pablo. Si Apostol Pablo ay mahaba ang pagkabilanggo. Nagsilbe siya ng sentensiya sa Jerusalem (Gawa 23), sa Cesarea (Gawa 23), isang local na kulungan sa Filipos (Gawa 16), at marahil ay dalawang beses sa bilangguan sa Roma.

 

Ang mga Kristiyano ay ibinilanggo ayon sa kasaysayan ng Iglesia – sina John Bunyan at Dietrich Bonhoeffer ay dalawang tanyag na mga mananampalataya na nakulong. Ang modernang Tsina, Russia, at Uganda ay nakakita ng mga libu-libong mga mananampalataya na ibinilanggo at minartir.

 

Ang sabi ni Jesus ay ang pagiging tapat na Kristiyano ay maaaring humantong sa bilangguan (Mateo 10 at 24). Gayon din, ang pagiging bilanggo ay maaaring maghatid sa iyo sa pananampalataya – tulad ng sinabi ng isang bilanggo sa death row na nauwi sa Kalbaryo.

 

Laging tandaan … may mga dakilang lalake at babae sa magkabilang bahagi ng pader ng bilangguan.

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-SAMPUNG KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ilista at ilarawan ang mga karaniwang mga lebel ng seguridad.

 

________________________________________

________________________________________

3. Talakayin ang mga pagkakaiba ng kulungan at bilangguan.

 

________________________________________

________________________________________

4. Anu-ano ang iba’t ibang uri ng lugar na pinagkukulungan na tinalakay sa kabanatang ito?

 

________________________________________

________________________________________

5. Talakayin ang iyong natutuhan tungkol sa tipo ng mga bilanggo.

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

6. Paano mo pakikitunguhan ang mga  bilanggo na nagsasabing sila ay walang sala?

________________________________________

________________________________________


(Ang mga sagot sa pasusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

IKA-LABINGISANG  KABANATA

 

MGA ALITUNTUNIN SA PANANAMIT AT KALIGTASAN

 

SUSING TALATA:

 

Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios.  (Roma 13:1)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Ilarawan ang uri ng pananamit na angkop sa lahat ng institusyon na kulungan.
  • Ibuod ang mga batas ng kaligtasan para sa lahat ng institusyon na kulungan.
  • Magbigay ng alituntunin kung paano ka makaliligtas sa isang hostage na situwasyon.

 

PAMBUNGAD

 

Karamihan sa mga bilangguan ay may tiyak na mga alituntunin sa pananamit at sa kaligtasan. Siguruhin mo na magtanong patungkol dito, at humingi ng nakasulat na alituntunin kung mayroon. Sa kabanatang ito, matututuhan mo ang pangkalahatang mga alituntunin ng pananamit at kaligtasan para sa lahat ng institusyon. Matututuhan mo rin kung paano makaliligtas sa isang insidente ng pangho-hostage, kung ito ay mangyari.

 

ANGKOP NA KASUOTAN

 

Ang bawat kulungan at bilangguan ay may batas tungkol sa pananamit para sa kanilang kalagayan. Halimbawa, ipinagbabawal ng ibang institusyon na magsuot ang volunteers at mga bisita ng mga damit na may kulay na katulad ng uniporme ng bilanggo o ng guwardiya. Tanungin mo ang mga batas sa institusyong iyong bibisitahin. Narito ang mga pangkalahatang batas ng pananamit para sa lahat ng mga institusyon:

 

  • Huwag magsusuot ng makipot at nakahulma sa katawan na mga damit.
  • Huwag magsusuot ng mga damit na may mababang leeg.
  • Huwag magsusuot ng mga tee shirt na panglabas na may nakasulat.
  • Bawal ang mga suot na tulad ng sa mga gang.
  • Huwag magsusuot ng “see-through” o mga damit na nagpapakita ng iyong katawan.
  • Huwag magsusuot ng shorts.
  • Para sa mga babae:

-Ang mga palda ay lampas tuhod ang haba.

-Iwasan ang mga suot na nagpapakita ng strap ng bra.

(Ang ibang institusyon ay nagbabawal ng sleeveless na blouse dahil dito.)

 

Sa pangkalahatan, magsuot ng damit na angkop sa trabaho. Ikaw ay narito sa gawain ng Hari ng mga hari!

 

MGA BATAS PANGKALIGTASAN

 

Ang bawat kulungan ay may mga batas pangkaligtasan para sa kanilang institusyon. Siguruhing magtanong sa mga batas sa institusyong iyong bibisitahin. Ang pagsunod sa mga batas ay magpapatibay na ang iyong patotoong Kristiyano ay tunay at magiging mabisa ang iyong ministeryo. Pag-aralan at sundin ang mga batas sa iyong lokal na kulungan.

 

 

Narito ang pangkalahatang mga batas pangkaligtasan para sa lahat ng institusyon:

 

1.  Iwanan ang mga sumusunod sa bahay o sa loob ng iyong sasakyan: Bag, pitaka, mga   

     briefcase, pera at mga hindi kailangan.

2.  Laging magdala ng ID. Ang maraming institusyon ay naghahanap ng ID na may larawan mo.

3.  Humanda na saliksikin ka sa anumang oras.

4.  Magtagpo at sama-samang dumating kung kayo ay magmiministeryo bilang isang grupo. Ang

     ibang institusyon ay sasamahan kayo sa inyong pupuntahan.

5.  Siguruhin na sumunod sa patakaran ng pananamit sa institusyon.

6.  Laging magtanong sa chaplain o miembro ng staff kung hindi sigurado sa anumang bagay.

     Huwag aakalain ang anumang bagay!

 

7.  Kung kayo ay naglilingkod sa isang grupo, lagi kayong magtinginan sa isa’t isa, lalo na sa

     pagpasok at paglabas ng institusyon. (Pansinin: Laging bantayan ng mga lalake ang mga  

     babae sa kulungan ng mga lalake, at ganoon din ang gagawin ng mga babae sa mga lalake sa  

     kulungan ng mga babae.) Huwag hihiwalay sa grupo.

8.  Huwag na huwag kang tatakbo sa isang institusyon. Ang pagtakbo ay nagpapakita na may

     hinahabol at humahabol. Ito ay isang senyales ng panganib.

9.  Alamin mo ang mga lugar sa institusyon. Huwag kang papasok sa mga lugar na

     ipinagbabawal. Laging lumakad sa mga bangketa. Huwag humanap ng mga short cuts

     (maaaring may panganib doon.)

10. Alamin ang mga proseso sa oras ng emergency. Ang ibang institusyon ay may mga alarma sa

      mga silid ng pagtitipon o sila mismo ang nagbibigay ng alarma o silbato sa mga volunteers.

      Ikaw ay inaasahang sumunod sa opisyal kung ang utos, direksiyon, o tagubilin ay ibinigay.  

      Ito ay para sa iyong proteksiyon at sa kaligtasan ng institusyon. Kung hindi mo makayanan

      ang emergency, umalis ka sa daan. Kung dumating ang emergency na apektado ang malaking     

      bahagi ng populasyon ng institusyon, ang programa ng pagbisita  at ibang mga aktibidades ay  

      itinitigil.

11. Kung may mangyaring emergency sa preso, alamin ang proseso sa pagtawag ng tulong ng

      doktor.

12. Kung ang isang krimen ay naganap…

  • Humingi ng tulong agad.
  • Walang lalabas sa dako ng krimen.
  • Manatiling ikaw ang nangangasiwa at payapain mo ang mga nasapalibot mo.

13. Huwag kang magdadala ng mga kontrabando sa loob ng institusyon. Ang mga ito ay mga

      drugs, paputok, alak, at mga armas. Maaari din itong magsama ng mga bagay na hindi mo

      iniisip na maselan tulad ng bubble gum na maaaring gamitin upang maging hulmahan sa

      pagkopya ng mga susi o mga kandado. Siguruhin na magtanong kung aling mga bagay ang

      pinahihintulutang dalhin sa loob.

14. Huwag magdadala ng anumang gamot (legal ng drugs) sa anumang institusyon. Huwag kang

      papasok sa institusyon pagkainom mo ng gamot na hahadlang sa iyong pagiging mabisa.

15. Huwag kang magdadala ng kamera o tape recorder sa bilangguan malibang may pahintulot.

      Ang mga retrato ay isang “security risk” pag napunta sa maling kamay.

16. Huwag magiwan ng damit (mga sweater at jacket) na maaaring kunin at gamitin ng preso sa

      pagtakas.

17. Kung ikaw ay binigyan ng susi, lagi mong dala ito sa lahat ng oras. Huwag mong ilalapag ito

      kahit saan! Kung ikaw ang nakatoka na magsara ng pinto at magkandado nito, siguruhin na  

      natingnan mo ang buong silid bago ito isara. Tingnan mo ang store room, sa ilalim ng mesa,

      mga sulok, paliguan. Siguruhin na ang mga ito ay walang laman bago isara.

18. Ang mga opisyal na nakabantay sa mga pintuan, labasan, at mga gate ay responsable sa

      pagtukoy sa iyo at sa pagsaliksik ng iyong sasakyan, balutan, pitaka, o bag na nagdaraan sa

      kaniya. Kapag may nirerekisa ang opisyal sa gate, huwag mo siyang kausapin.

 19. Huwag magdadala ng anomang mensahe mula sa o papunta sa bilanggo – pasalita o

       nakasulat – sa labas ng institusyon. Ang pagdadala ng mga mensahe para sa bilanggo sa iba

      sa labas ay maaaring – lingid sa iyong kaalaman – tungkol sa pagtakas.

20. Ang maraming mga institusyon ay nagbibigay ng badge o card sa mga volunteers. Siguruhin

      na laging suot ito sa buong panahon na ikaw ay nasa loob ng institusyon.

 

PAANO MAKALILIGTAS SA MGA SITUWASYON NG PANGHO-HOSTAGE

 

Malayong mangyari – subalit kung ikaw ay naglilingkod sa isang institusyon na ganito ikaw ay dapat maging alisto sa posibilidad na ikaw ay gawing hostage. Ang mga sumusunod na mga alituntunin ay ginamit na may permiso ng American Correctional Association:

 

1.  Magingat sa mga nagpapakabayani. Huwag kumilos nang tulad ng mangmang.

2.  Makipagtulungan at sumunod sa mga hinihiling ng hostage taker na hindi ka nagmumukhang alipin o galit.

3.  Maghanap ka ng isang lugar na ligtas na mapagtataguan kung ang mga awtoridad o mga bilanggo ay puwersadong aatakihin ang iyong lugar.

4. Manatiling kalmado.

5. Huwag magpapapansin. Iwasan ang pagmamasid sa mga krimen na ginagawa ng mga nanggugulo. Tumingin pababa o palayo. Huwag makisali sa kanilang mga usapan o ginagawa.

6. Huwag mong takutin ang mga hostage takers o magsabi na ikaw ay tetestigo laban sa kanila. Kung itinatago ng mga bilanggo ang kanilang sariling pagkatao, huwag mo ipahahalata na kilala mo sila.

7. Huwag mong ibigay ang iyong ID o damit. Ang pagkawala ng mga ito ay nakasisira ng loob. Gagamitin ito ng bilanggo sa pakikipagtawaran. Huwag kang makipagpalit ng damit sa preso. Manganganib ang buhay mo pag inatake sila.

8. Dahil sa stress ng pagiging hostage, baka mawalan ka ng tubig sa katawan. Kung maaari at mahaba ang oras ng pangho-hostage, pilitin mong uminom at kumain –kahit hindi ka nagugutom.

9. Huwag kang magsasabi o gagawa ng anuman upang galitin at magsuspetsa ang mga bumihag sa iyo. Lumagay ka sa gitna at maging mabuting tagapakinig kung gustong nilang magsalita. Magingat sa pagbibigay ng mungkahi sa kanila sapagkat baka ka masisi kapag may maling nangyari. 

10. Mag-isip ng mga dahilan kung bakit dapat ka, at ang mga kasama mo, panatilihing buhay at huwag kayong saktan. Himukin mo sila na ipaalam sa mga awtoridad kung nasaan kayo at kung ano ang inyong lagay. Magbigay ka ng mungkahi sa pakikipag-negosasyon na makikinabang ang mga bumihag sa inyo.

11. Kung ikaw, na isang hostage, ay magsilbing negosyador sa pagitan ng mga preso at awtoridad, ang mga mensahe sa pagitan ng dalawang grupo ay dapat ibigay nang malinaw.

12. Kung may umatake upang iligtas ka at nagputukan, dumapa ka agad sa sahig at maghanap ng kublihan. Ilagay ang mga kamay sa iyong ulo. Kung angkop, magpakilala ka. Huwag kang lumaban kung hinuli ka hanggang ang tamang pagkilala ay nagawa.

13. Kahit hindi ka mukhang interesado habang ikaw ay na-hostage, pagmasdan mong mabuti ang lahat, at isulat mo kaagad pagkalaya mo. Lahat ng mga ito ay makakatulong sa paglilitis ng mga nanggulo.

 

Ang pinakamahalaga – dagdag sa mga praktikal na mga alituntunin na ito – lagi kang manalangin at umasa sa Espiritu Santo. Tandaan mo na walang nangyayari nang walang pahintulot ng Dios. Kaya nga , tandaan mo na “Ang lahat nga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios” (Roma 8:28). Wala kang dapat ikatakot. Ililigtas ka ng Dios ayon sa Kaniyang kalooban at panahon. Kung kinakailangan, makapagpapadala Siya ng mga anghel upang magligtas sa iyo!

Isang pangwakas na pansin:  Huwag nawa makasira ng iyong kalooban ang pagtalakay sa mga pag-iingat sa loob ng bilangguan at sa pagiging hostage, upang ikaw ay magministeryo rito. Mas malaki ang panganib sa mga highway ng iyong lunsod kay sa pagpasok sa loob ng bilangguan! Ang mga bilanggo kung minsan ay binabantayan ang mga volunteers laban sa mga nanggugulo sapagkat alam nila na ang mga ito ay tunay na nagmamalasakit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARLING PAGSUSULIT PARA SA IKA-LABINGISANG KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ilarawan ang angkop na pananamit na maaaring gamitin sa lahat ng institusyon.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod ang mga batas pangkaligtasan na maaaring gamitin sa lahat ng institusyon.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Ibuod ang mga alituntunin sa kabanatang ito kung paano makaliligtas sa isang situwasyon ng pangho-hostage.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

5. Humingi ng listahan ng angkop na pananamit at batas pangkaligtasan sa institusyong pinaglilingkuran mo. Isingit mo ito sa Ika-Labingtatlong Kabanata bilang tulong na gamit sa iyong tiyak na institusyong pinaglilingkuran.

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata  sa manwal na ito.)

 

IKA-LABINGDALAWANG  KABANATA

 

PAKIKITUNGO SA MGA BILANGGO

 

SUSING TALATA:

 

… Na sawayin na may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila’y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan, at sila’y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.

(II Timoteo 2: 25-26)

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, ikaw ay may kakayahang:

 

  • Ipaliwanag ang unang batas sa pakikitungo sa mga bilanggo.
  • Ibuod ang mga alituntunin sa pakikitungo sa mga bilanggo.
  • Ibigay ang kahulugan ng “setup.”
  • Ipaliwanag kung paano nangyayari ang “setup.”
  • Maglista ng tatlong paraan kung paano makaiiwas sa “setup.”

 

PAMBUNGAD

 

Bilang kaanib ng prison ministry team, kinakatawan mo si Jesucristo – hindi ang iyong sarili. Ikaw ay kaniyang embahador. Sa pamamagitan ng iyong kilos, pananalita, o pananamit, ikaw ay makakatulong o makakasagabal sa gawain ng Iglesia sa likod ng mga rehas.

 

Ang pakikipagkapwa ay hindi madali sa labas at sa loob ng bilangguan. Ang ibang mga preso ay hindi interesado sa mga bagay na espirituwal. Ang iba ay tatanggihan kayo. Ang ilan naman ay maaaring gamitin kayo upang makuha ang nais nila. Makakatulong na alalahanin mo ang talinghaga ng Manghahasik at ang apat na uri ng lupa na kinahulugan ng mga binhi. Ang mga bilanggo, tulad ng lahat, ay kabilang sa alin man sa mga kategoryang ito.

 

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng mga alituntunin sa mabisang  pakikitungo  sa mga bilanggo sa kulungan.

 

ANG UNANG BATAS

 

Ang unang batas sa pakikitungo sa mga bilanggo: Alamin at sundin ang lahat ng mga batas sa institusyon na iyong pinaglilingkuran. Kasama rito ang mga oras ng pagdalaw, sino ang pinapayagan at hindi pinapayagang pumasok, ano ang puwedeng ipasok, saan ka puwede o hindi puwedeng pumunta, at ang angkop na pananamit. Ang Ika-labingisang kabanata ng manwal na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa tamang pananamit at mga batas ng kaligtasan na hindi na uulitin dito. Ang kabanatang ito ay tungkol sa pakikitungo sa mga bilanggo sa isang personal at grupong situwasyon.

 

MGA ALITUNTUNIN SA PAKIKITUNGO SA MGA BILANGGO

 

Ang mga bilanggo ay maraming mga kabiguan sa kanilang buhay. Ang marami ay nakaranas na ng paulit-ulit na kabiguan at sila ay suspitchoso sa anumang alok ng tulong o patnubay. Ang pakikitungo sa mga preso ay hindi maaaring ilagay sa isang paraan lamang. Malaki ang nakasalalay sa iyong mabuting pagpapasiya. Ang mga susunod ay mga pangkalahatang alituntunin sa pakikitungo sa mga bilanggo:

 

  • Huwag ka magkunwari o ituring ang iyong sarili na espesyal. Magpahayag ka ng iyong sarili nang tunay. Bayaan mong malaman ng mga preso na ikaw ay nandoon dahil sa tunay na pagmamalasakit, sapagkat ito ang nais ng Panginoon na gawin mo. Bilang isang volunteer, ikaw ay susubukin upang makita kung ikaw ay tunay. Makikita ng mga preso kung ano ka bago nila marinig ang iyong sasabihin. Wala silang pakialam kung gaano ang nalalaman mo hangga’t hindi nila nalalaman kung gaano ka nagmamalasakit. Magtapat ka. Ang mga bilanggo ay sensitibo sa pagkukunwari at mga hindi tunay.

 

  • Pag-aralan mo ang mga lengguaheng ginagamit nila sa kulungan, subalit mag-ingat ka sa paggamit nito. Baka may ibang kahulugan ang mga ito na hindi mo nalalaman.

 

  • Pag-aralan mong ibahagi ang mensahe ng kaligtasan sa isang malinaw at simpleng paraan. Ang malalaking salita tulad ng “propitiation” at “atonement” ay hindi makahulugan sa karaniwang bilanggo.

 

  • Maging sensitibo ka sa mga oras ng krisis lalo na kapag bagong arestado, ang mga unang linggo sa bilangguan, bago at pagkatapos ng paglilitis, kung ang mga apila ay hindi ibinigay, at bago palayain. Ang mga “holidays” ay mahirap ding mga panahon.

 

  • Maging totoo ang sinasabi mo. Ang oo ay oo, at ang hindi ay hindi. Maging patas ka at hindi pabagu-bago. Sinusunod ang mga batas para sa iba, at mas maluwag sa iba ay hindi patas. Ito rin ay uri ng pagiging sobrang pamilyar.

 

  • Maging mabuti kang alalay, nagbibigay ng lakas ng loob, mapagkaibigan, at matatag ang paninindigan. Maging tapat ka, malawak ang isip, at hindi pumapayag kung nararapat. Marunong kang makipag-kaibigan subalit hindi masyadong pamilyar.

 

  • Ang pagiging magalang ang susi. Kailangan mong igalang ang mga karapatan at ang pagiging indibiduwal ng bilanggo. Iwasan ang negatibong damdamin at ang pakiramdam  na ikaw ay nakahihigit sa kaniya. Tumugon ka sa mga pangangailangan at interes ng bilanggo, hindi ng sa iyo. Kapag nahuli mo ang paggalang at tiwala ng bilanggo, magiging bukas siya sa iyo.

 

  • Huwag mo payagang bolahin ka ng bilanggo sa mga kuwento ng pagkakamali ng akusasyon, walang hustisiyang pagkakulong, o hindi tratong tao na tinanggap niya. Ang mga ito ay ginagawa upang mahabag ka sa kaniya at upang gamitin ka niya. Kung iniisip mong totoo ang kuwento – at sa ibang pagkakataon ay totoo nga – sabihin mo sa bilanggo na ito ay ibabahagi mo sa chaplain at hihingi ka ng tulong sa kaniya.

 

  • Huwag ka magbitiw ng mga salitang nakakaintriga sa staff o bilanggo tungkol sa mga grupong politikal, mga ibang lahi,  ibang mga grupo ng relihiyon, mga staff sa bilangguan, mga indibiduwal na preso, o ibang mga volunteer sa ministeryong ito.

 

  • Huwag mong akalain na ang bilanggo ay inosente o hindi at huwag kang magbibigay ng payong abogado. Hindi ka abogado o huwes.

 

  • Huwag kang magbubulgar ng mga personal na detalye, na alam mo, tungkol sa buhay ng staff o ng ibang bilanggo.

 

  • Ang isang mabuting ugali ay mangako ka lamang ng mga bagay na kaya mong tuparin, at kaunti lamang. Kapag tumatanggi ka sa isang kahilingan ipaliwanag kung bakit kailangang tanggihan at ipahayag ang iyong kalungkutan dahil dito.

 

  • Ang isa sa mga paraan kung paano maiiwasan ang pagiging masyadong pamilyar sa isa’t isa ay ang pagtawag sa mga kasamahan sa ministeryo, at sa bilanggo, ng “Kapatid”- at ginagamit ang una at huling pangalan. (Hindi ito kailangan sa isahang pagbibisita o pakikipagsulatan.)

 

  • Huwag mo basta ibibigay ang iyong adres sa bahay at ang iyong numero ng telepono. Ang ibang institusyon ay mahal maningil ng tawag sa telepono, kahit lokal na tawag- at ikaw ay inaasahang magbabayad nito. Kung ibibigay mo ang iyong numero, sabihin mo kung gaano kadalas mo nais na tawagan ka nila.

 

  • Huwag mong itanong kung bakit nakakulong siya. Ito ay nakakhiya, at hindi mo naman kailangang malaman ito upang ituro siya kay Cristo. Ang ibang mga bilanggo ay nais ibahagi ang kanilang kaso sa iyo, kung gayon ay mabuting makinig ka, magpalakas ng loob, at manalanging kasama nila.

 

  • Bantayan mo ang pagiging masyadong pamilyar –lalo na kung tungkol sa sex. Ang iyong relasyon sa bilanggo –lalo na sa grupo – ay dapat maging propesyonal. Bantayan mo ang iyong emosyon, lalo na kung ikaw ay nasa kabilang kasarian. Ang mga pagpapakita ng pagibig ay sapat na upang mawala ka sa volunteer status. Kung ang isang bilanggo ay nagpapakita ng pagkagusto sa iyo at may ginagawang hindi maganda sa iyo, pakitunguhan mo siya nang wasto at isumbong mo sa chaplain o administrador. Marahil ay sinusubukan niya kung hanggang saan ka tatagal.

 

  • Huwag kang papayag na ayusin mo ang isang personal na” business transaction “

para sa bilanggo.

 

  • Huwag kang magulat sa mga sinasabi ng mga bilanggo o kung paano nila ito sinasabi.

 

  • Huwag mong hihimukin ang mga bilanggo na baguhin ang kanilang relihiyon. Naroon ka upang ibahagi ang Ebangelyo – at ito ang gagawa ng kinakailangang pagbabago.

 

  • Pagsumikapan mo na igalang ka nila. Linawin mo na hindi ka maaaring gamitin. Kung may situwasyon na itinuturing mong “bingit,” makiugnay ka sa mga opisyal ng bilangguan kung paano ito malulutas.

 

  • Paghandaan mo na ang galit. Ang bilanggo na puno ng problema, ay maaaring galit sa iyo. Kapag ganoon ang turing sa iyo, huwag mo piliting makipag-usap sa kaniya at huwag kang tumugon sa ganoon ding paraan, at nangiinsulto, o nag-aalala. Relax ka lang, huwag mong pansinin ang pagsopla niya sa iyo, o lumayo ka muna sandali. Baka sakaling magbago siya. Laging magpakita ng pagibig na walang pasubali.

 

  • Huwag mong dalhin lahat ng problema niya sa iyong sarili. Hindi mo mga problema ito. Ang sobrang pagdadala ng problema ng bilanggo ay nagbubunga ng damdamin na: “Nagkakamali sila sa iyo.”

 

  • Huwag mong asahan na pasalamatan ka. Maaaring wala kang matanggap na pagpapahalaga mula sa bilanggo. Maaaring nadadama niya ito, subalit hindi siya marunong magsabi nito. Subalit, ang iyong mga ginagawa ay pinahahalagahan at gagantimpalaan ng Dios.

 

  • Magtakda ka ng limitasyon. Ang ibang mga bilanggo ay patuloy kang ididiin hanggang hindi mo sinasabing “tama na.” Kung gaano katindi ang pagdiin nila sa iyo ay nakabatay sa iyong pahintulot. Huwag makikipag-kompromiso.

 

  • Huwag ka mag-panic kung masumpungan mong nag-iisa kang kasama ng bilanggo.

 

  • Iwanan mo ang iyong mga personal na mga problema sa bahay. Sapat na ang mga problema ng mga bilanggo. Hindi nila kailangang madagdagan pa ng bigat sa mga problema mo.

 

  • Sa isang malumanay na paraan, ipahatid mo na inaasahan mo ang tamang damdamin mula sa mga bilanggo.

 

  • Huwag kang magpakita ng kawalan ng kasiguruhan sa mga ginagawa mo. Ikaw ay isang lider, subalit alam mo rin kung hanggang saan ang iyong awtoridad.

 

  • Huwag mong ipakikita na ikaw ay nagalit sa pamamagitan ng masamang salita, pagiging brusko, o abusado sa anomang paraan.

 

  • Magpahayag ka ng pasasalamat kung mabuti ang kanilang pag-uugali – “Okay kayo ngayon ah,- ang lahat ay nakikinig!”

 

  • Kung sila ay nanghihingi ng mga sulat ng rekomendasyon sa huwes o sa ibang awtoridad ng hustisiya, sabihin na ipapasa mo ang kahilingang ito sa chaplain para timbangin at aksiyonan.

 

  • Paglingkuran mo sila sa pamamagitan ng personal na pagpapayo. Ang pagpapayo ay nagdadala ng pakikipagkaibigan at relasyon ng pag-alalay para sa isa na naghahanap ng katugunan sa kaniyang mga suliranin. Ang ganitong uri ng relasyon ay maaaring maganap pagkatapos ng oras ng pagsamba o ng pag-aaral ng Biblia, kung nais ng bilanggo na pag-usapan ang tungkol sa kaniyang narinig na sermon o may problemang nais na ibahagi sa iyo. Kadalasan ay hindi sila naghahanap ng solusyon. Nais lamang nila na may makinig sa kanila at magkaroon ng suporta ng kaibigan.

 

  • Maaaring may nalalaman kang impormasyon na kompidensiyal. Hindi mo dapat sabihin ito kahit kangino na walang karapatang makaalam nito. Ang impormasyon ay hindi mo dapat gamitin sa iyong pakinabang. Dapat mong pakitunguhan ang kaniyang espirituwal na problema na hindi binabanggit ang kaniyang krimeng nagawa. Lahat ng isyu na ibinunyag sa oras ng pagpapayo ay dapat sa iyo lamang, malibang may tangka sa seguridad ng institusyon, o ang bilanggo ay may balak na saktan ang kaniyang sarili o ang iba. Sa ganitong kaso, huwag mo nang sabihin na ire-report mo ito, gawin mo na.

 

  • Maging mabuting tagapakinig. Hindi mo kailangan na malaman ang sagot sa lahat ng bagay, subalit ipaalam mo sa kanila na may tugon ang Dios! Kung iniisip mong kailangan ng bilanggo ng pormal na tagapayo, himukin mo siya na gawin ito sa pamamagitan ng institusyon.

 

  • Huwag kang gagawa ng desisyon para sa preso, kahit ano ang mangyari. Tulungan mo silang gumawa ng sarili nilang desisyon. Ito ang magtuturo sa kanila na maging responsable para sa kanilang buhay. At, hindi ka nila masisisi kung mali ang maging desisyon.

 

  • Huwag mong husgahan ang preso sa kaniyang hitsura, at paraan ng pananalita. Tingnan mo sila bilang mga indibiduwal. Huwag kang mag-akala bayay sa mga uri ng tao. Ang paglalagay ng bilanggo sa isang kategorya ay hindi patas at hindi makatao.

 

  • Huwag ka basta sasabad kung iniisp mong mali ang sinasabi ng isa. Makinig ka!

 

  • Huwag mo silang pagalitan o tanungin tungkol sa nagawa nila kaya sila nakulong dito. Ang marami sa kanila ay mababa na ang tingin sa sarili.

 

  • Maging mapagpasensiya ka. Ang mga positbong epekto ng iyong pagpapasensiya sa isang bilanggo ay maaaring hindi agad makita. Higit sa lahat, huwag kang masiraan ng loob. Gawin mo ang iyong pinakamabuti, manalangin ka, at iwan mo ang bunga sa Dios.

 

 

 

 

PAG-IWAS  SA  “SETUP”

 

Ang kumunoy ay kapareho rin ng hitsura ng buhangin sa ibabaw, subalit ito ay isang mapanganib na lupa na hihigup sa iyo at papatayin ka. Hindi ito tulad ng nakikita mo sa ibabaw.

Totoo rin ito sa mga relasyon. Ang mga tao ay hindi laging tulad ng nakikita mo sa ibabaw. Samantalang hindi lahat ng mga bilanggo ay sanay na sa ugaling kriminal, ang marami sa kanila ay ganoon. Dahil dito kailangan mong iwasan ang setup sa isang institusyon.

 

ANO ANG “SETUP”?

 

Ang setup ay isang situwasyon kung saan ikaw ay napilitang iwaksi ang iyong mga sariling paniniwala, mga pamantayan, o mga batas ng institusyon. Ikaw ay pinilit o nilinlang sa isang situwasyon ng pakikipag-kompromiso, at pinagsamantalahan ng bilanggo na tumanggap ng mga pabor tulad ng drugs, alak, atbp.

 

PAANO NANGYAYARI ANG “SETUP”?

 

Ang setup ay nangyayari ng ganito:

 

Pagmamasid:

 

Ang mga bilanggo ay pinagmamasdan ka kung paano ka kumilos kapag ikaw ay nagigipit, ang lebel ng iyong pagtitiis, kung ikaw ay sumusunod sa mga batas, at kung gaano ka kabisa na manguna sa isang mahirap na situwasyon.

 

Pagsubok:

 

Bago sila gumawa ng anumang palagay tungkol sa iyo, ikaw ay susubukin nila sa maliliit na paraan. Maaari silang humiling ng mga materiyales na hindi dapat hingin, mga pabor, umiinog sa mga batas, nagmumukhang kawawa, o nagsusumikap na makipag-usap sa iyo ng isahan upang maging malapit ang loob mo sa kaniya. Kung ikaw ay mapagbigay sa “maliliit na mga bagay” na ito, ikaw ay kandidato para sa setup.

 

Ang “Setup:”

 

Kung ikaw ay nakikipag-ayos upang masuway ang mga maliliit na batas o nakikipag-ugnayan ka sa “intimate” at hindi dapat na relasyon, ikaw ay ise-setup ng bilanggo sa paggamit nito upang makuha ang nais niya. Tatakutin ka nila na isusumbong sa administrasyon sa maliliit na pagsuway mo sa batas sa nakaraan o sabihin sa iyo na ikaw ay nalinlang sa paggawa ng isang bagay na ilegal. Ginagamit nila ito upang makuha ang nais nila – maaaring mga kontrabando tulad ng drugs, alak, o ibang mga pabor.

 

PAG-IWAS SA “SETUP”:

 

Maaari mong maiwasan ang setup kung ikaw ay…

 

1. Maging propesyonal ang pananaw:

 

Ang pagiging propesyonal ay isang salitang ginagamit sa tiyak na pananaw at damdamin sa ministeryo sa bilangguan. Ang ibig sabihin nito ay ang iyong mga pamantayan at uri ng pamumuhay ay mas mataas kay sa mga pamantayan at uri ng pamumuhay ng karamihan sa mga tao na nakakulong. Hindi ka propesyonal kung ginagamit mo ang salita ng mga preso o pinaiikot mo ang mga batas ng institusyon para sa sarili mong kapakanan tulad ng ginagawa ng mga bilanggo.

 

2. Iwasan ang pagiging masyadong pamilyar:

 

Pauli-ulit nang nabigyan ng diin ito sa manwal na ito –maaari kang maging propesyonal at maging mabuting kaibigan. Alamin ang pagkakaiba ng pagiging mabuting kaibigan at sobrang pamilyar. Ikaw ay sobrang pamilyar kung nagbibigay ka ng lisensiya o kalayaan. Naghihigpit ka ng mga batas sa isa, subalit maluwag ka sa iba, ay isa pang halimbawa nito. Nakikipag-usap ka ng intimate o nangangako ng mga pabor na wala sa iyong kapangyarihang ibigay sa iba.

 

3. Huwag pumayag na sumuway sa mga batas sa anomang situwasyon:

 

Ang setup ay laging tungkol sa pagsuway sa batas sa nakaraan. Huwag kang pumayag na sumuway sa anomang batas kahit na ano ang mangyari.

 

4. Kaagad i-report ang tangkang mag-setup:

 

Kung ikaw ay nilapitan sa ganitong paraan o ikaw ay nasilo sa isang setup, sabihin agad ito sa chaplain o sa administrasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT PARA SA IKA-LABINGDALAWANG KABANATA

 

 

1. Isulat ang susing talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

2. Ano ang unang batas sa pakikitungo sa isang bilanggo?

 

________________________________________

3. Ibuod ang apat na mga alituntunin sa pakikitungo sa mga preso na ibinigay sa kabanatang ito.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Ano ang setup?

 

________________________________________

________________________________________

5. Paano nangyayari ang setup?

 

________________________________________

________________________________________

6. Maglista ng apat na paraan upang makaiwas sa setup.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________



(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

IKA-LABINGTATLONG  KABANATA

 

MGA INDIBIDUWAL NA PANUNTUNAN

 

Ang manwal na ito ay nagbibigay ng pangkalahatang panuntunan para sa ministeryo na magagamit sa karamihan ng mga kulungan at bilangguan. Ang huling bahagi ay itinalaga para sa mga dapat na isingit na tiyak na panuntunan sa institusyong iyong pinaglilingkuran.

 

Narito ang ilang mga mungkahing bagay na maaaring isingit sa seksiyon ng manwal na ito:

 

  • Ang “organizational chart” ng institusyon na iyong pinaglilingkuran. (Sa tsart na ito nakikita kung sino ang bahagi ng iyong ministeryo at kung kangino ka napapailalim sa loob ng institusyon.)

 

  • Mga alituntunin tungkol sa pananamit at kaligtasan sa institusyong iyong pinaglilingkuran.

 

  • Mga panuntunan kung ano ang maaari mong dalhin o ipadala – o ng iyong ministry team- sa loob ng institusyon na iyong pinaglilingkuran: Mga Biblia? Mga pag-aaral ng Biblia? Babasahin? Cassette tapes? Videos?

 

  • Mga tiyak na panuntunan sa pagbisita sa bilanggo, kasali na rito ang mga araw at oras ng pagdalaw at kung ano ang puwede at hindi puwedeng dalhin.

 

  • Mga panuntunan tungkol sa pakikipagsulatan sa mga bilanggo at mga bagay na maaaring ipadala sa koreo.

 

  • Isang mapa ng institusyon.

 

  • Mga ipinamimigay na handouts mula sa pagsasanay na ibinigay ng institusyon.

 

  • Mga listahan ng referral ng lokal na mga organisasyon o ministeryo na tumutulong sa mga bilanggo na pinalaya na tungkol sa tirahan, trabaho, pananamit, pananalapi, atbp.

 

  • Kung ikaw ay isang chaplain o volunteer coordinator na nakagawa ng mga materiyales para sa pagsasanay sa iyong institusyon na pinaglilingkuran, isingit mo ang mga ito sa seksiyon na ito.

 

  • Kung ikaw ay tagapagturo sa isang Bible college, isingit mo ang mga lecture notes mo at handouts sa seksiyon na ito.

 

 

 

PAGTATAPOS

 

ANG SALITA AY HINDI NAKAGAPOS

 

…ngunit ang Salita ng Dios ay hindi natatanikalaan. (II Timoteo 2:9)

 

Si Jesus ay nasa iyong lokal na kulungan. Siya ay nagsisilbi ng sentensiya sa bilangguan…

 

“Kung magkagayo’y sasagutin Siya ng mga mautwid, na mangagsasabi, “At kailan ka naming nakitang … nasa bilangguan, at dinalaw Ka namin? At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotothanang sinasabi Ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa Aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa Akin ninyo ginawa.”  (Mateo 25: 37-40)

 

Mula sa espirituwal na pananaw, walang halaga na mailalagay sa kaluluwa ng lalake, babae, o ng kabataan:

 

“Sapagkat ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay!”  (Mateo 16: 26)

 

Mula sa pinansiyal na pananaw, para sa bawat taong nakaiwas sa bilangguan ay nakatipid ang gobiyerno ng libu-libong dolyar isang taon sa halaga ng pagkakabilanggo. Hindi kasali rito ang mga serbisyong sosyal para sa kanilang mga pamilya na ibinibigay ng gobiyerno, at hindi rin kasali sa kuwenta ang malaking presyo sa pamilya o kontribusyon sa pananalapi kung ang bilanggong ito ay may hanapbuhay.

 

Sa pagtanggap ng utos para sa ministeryo sa bilangguan –sa pagmamarcha sa mga linya ng matatalim ng alambre at mga may armas na guwardia –ikaw ay napaparoon sa kailaliman ng impiyerno upang magmina ng mga mahahalagang bato para sa Panginoon.

 

Oo-mayroong mga hindi tatanggap ng iyong mensahe. Mayroong mga magkukunwari, subalit hindi tatanggap. Marami ang babalik din sa kanilang mga dating gawi. Subalit tandaan mo…

 

  • Nagpasimula ang Dios sa isang lalake at babae na may sakdal na pinagmulan at namuhay sa isang sakdal na kapaligiran, at kapwa sila nabigo.

 

  • Nang sinabi ni Jesus na Siya ay magdurusa, ang maraming mga alagad ay hindi na sumunod sa Kaniya –hindi sila nakalaan na magbayad ng halaga.

 

  • Sa mga huling oras ng Kaniyang buhay, iniwan Siya ng Kaniyang mga alagad, itinatwa Siya ng isa, at ang isa ay ipinagkanulo Siya – bagaman ang marami sa mga ito ay tinupad ang dakilang hamon na dalhin ang Ebanghelyo sa mga bansa sa buong mundo.

Huwag mong sukatin ang halaga ng iyong ministeryo sa bilangguan batay sa iyong mga kabiguan. Ang sukat ay ayon sa iyong mga tagumpay. Ikaw ay bahagi ng isang network na bumabago na mundo – Isang bilangguan sa isang panahon, isang tao sa isang panahon.

 

Maraming mga hamon sa ministeryo sa bilangguan, subalit marami ring mga gantimpala. Ang mga volunteers ay tinatrabaho ang mga bilanggo at dating mga bilanggo na iniisip, “Pupunta ako sa madilim na lugar na ito at dadalhin ko ang pagibig ng Dios.” Madalas, lumalabas sila na nagpapatotoo, “Mas marami ang nakuha ko kay sa naibigay ko.”

 

Sa pagtanggap mo ng utos sa ministeryo sa bilangguan, ikaw ay nagiging bahagi ng isang masiglang team –isang network na laganap sa buong sanglibutan na nagtitipon ng mga hiyas para sa Panginoon.

 

At sila’y magiging Akin,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin , samakatuwid baga’y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa Kaniyang anak na naglilingkod sa Kaniya. (Malakias 3:17)

 

Magpatuloy kang magtindig ng mga espirituwal na anak hanggang sa dumating ang Panginoon:

 

  • Huwag kang masisiraan ng loob.
  • Huwag lalabo ang iyong pangitain.
  • Huwag kang sumuko sa isang bilanggo.
  • Huwag kang titigil ng paglilingkod.

 

“Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila’y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyon mga anak na babae ay kakalungin.

(Isaias 60: 4)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Buhay… Sa Libis Ng Lilim Ng Kamatayan

 

 

Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, at ang araw ay maningning na sumisikat at nagbibigay ng init sa aming nayon sa Central California. Ito ang araw upang magdiwang ng buhay, subalit ang aming pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay dadalhin kami sa libis ng lilim ng kamatayan. Sumama ka sa amin – ito ay pagdiriwang ng buhay kay Jesus na hindi mo agad malilimutan.

 

Pumasok kami sa Central California Women’s Facility at nagdaan sa maraming mga pintuan at mga check points. May mga 4,000 na mga babae ang nakakulong dito sa ngayon, kasama ang mga mahigpit ang seguridad at death row na mga bilanggo. Ang lugar na pagdarausan ng pagkabuhay na maguli ay nasa lilim ng kamatayan, kung paanong ang walang laman na libingan ay nasa anino ng bundok ng Golgotha. Kami ay napapalibutan ng matatalim na mga alambre na dekuryenteng bakod sa pagitan nito. Sa itaas namin ay ang mga tore ng mga guwardiyang armado at sa kabila ng solar ay nandoon ang lugar ng California’s death row for women.

 

Ang aming gawain ay magpapasimula ng katanghalian, subalit alas 10:30 ng umaga pa lamang ay nakapila na ang mga babae. Binuksan ang chaplel ng alas 11 ng umaga at ito ay umaapaw na sa puno. Maraming mga babae ang nakatayo sa gilid ng mga pader at plataporma, nakatayo sa likod, at sa labas na nakasilip sa mga bintana. Ang marami sa mga babae ay may tatoo, mga palaban ang hitsura, at ang iba ay halatang mga tomboy. Subalit sila ay naparito ngayon upang tumanggap ng mensahe ng buhay.

 

Nang buksan namin ang gawain, biglang nabuhay ang chapel sa kagalakan. Sa aming pagsasama-sama sa pagpupuri at pagsamba ang isang bilanggo ay tumutugtog ng piano, ang pangalawa ay ang bongo drums, at ang pangatlo ay tumutugtog ng ritmo sa kumpletong drum set. Dagdagan mo ng mga tambourine at maracas ito, isang koro na may tiempong soul, at ang pinakabuhay na awitan na makikita mo!

 

Sa pagtatapos ng solo ng isang bilanggo na pinamagatang, “Ang Dugo,” bilang tumahimik ang audience na kinabibilangan ng iba’t ibang uri ng mga tao. Ibinahagi namin ang mensahe ng kamatayan at pagkabuhay ni Jesucristo na pinamagatang,  Ang Apat Na Halamanan ng Dios.” Mula sa halamanan ng Eden kung saan ang dugo ay tumigis para kay Adam at kay Eva, naglakbay kami sa Halamanan ng Gethsemane kung saan pinawisan si Jesus ng mga patak ng dugo, patungo sa halamanan sa paanan ng Bundok ng Golgotha kung saan ang dugo ay umagos mula sa krus. Kami ngayon ay tumingin sa hardin ng aming puso, kung saan ang dugo ni Jesus ay dapat ding umagos para sa kasalanan. Sa pagtawag namin sa mga magtatalaga, ang mga kamay ay nakataas sa boong silid at ang himala ay naganap: Ang espirituwal na buhay ang kumuha ng lugar ng espirituwal na kamatayan. Madadama mo ang pagbabago at makikita mo sa mga mukha ng mga kababaihan.

 

Sa pagtingin namin sa siksikang silid na ito, naiisip namin ang ibang mga bilanggo na naupo sa mga upuan ding ito sa mga taong nagdaan at ngayon ay malaya na sa daigdig sa labas. Naroon si Debra, na tumanggap ng kanyang B.A. sa Christian Education, may asawa at aktibo sa isang lokal na iglesia. Si Irene, malapit nang tumanggap ng kaniyang B.A., isang miembro ng honor society at presidente ng kaniyang school business club. Naroon si Rosie, nagtatrabaho bilang isang nurse, kapiling na ang kaniyang mga anak.

 

Madalas kaming tinatanong, “Bakit kayo nagpupunta sa bilangguan at nag-aaksaya ang inyong panahon sa mga taong yaon? Hindi niyo ba alam na ang marami sa kanila ay ulit-ulit na magbabalik din sa kulungan? Talaga bang iniisip niyong mababago niyo sila ? Ang sagot namin ay, “Hindi namin sila mababago. Subalit ang programa namin ay 100% na matagumpay kung ang mga estudiyante ay gagamitin ang mga katotohanang ito sa kanilang mga buhay. Ang aming garantiya ay nasa Josua 1:8:

 

“Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagkat kung magkagayo’y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo, ka ng mabuting kawakasan.”

 

 

 

 

UNANG  APENDISE

 

TALASALITAAN

 

 

 

 

Ang bahaging ito ay hindi na isinalin sa Tagalog sapagkat ang mga salitang ginagamit ng mga bilanggo sa America ay hindi ginagamit dito.

   

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG  APENDISE

 

MGA TALATANG MAY KINALAMAN SA MGA BILANGGO

 

Genesis 39: 11-41:14:          Si Jose ay maling inakusahan ng planong panggagahasa at ang

                                             Kaniyang mga karanasan sa bilangguan.

Genesis 42:15-20:                Kinulong ni Jose ang kaniyang mga kapatid.

Genesis 45: 4-8:                   Inihayag ni Jose ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kapatid.

Bilang 21:1:                         Ikinulong ng Hari sa Arad ang ilan sa mga Israelita.

Hukom 16: 21-25:               Binulag si Samson at ikinulong.

I Mga Hari 22:27:                Si Micheas ay ikinulong dahil sa kaniyang hula.

2 Mga Hari 17:4:                 Si Hoshea, hari ng Israel, ay ikinulong ng hari ng Assyria dahil siya

                                             ay isang traidor.

2 Mga Hari 24: 10-12:         Si Jehoiachin, hari ng Israel, ikinulong ni Nebuchadnezzar.

2 Mga Hari 25: 27-30:         Si Jehoichin ay pinalaya ni Merodach, bagong hari ng Babylonia.

2 Mga Cronica 16: 7-10      Si Hanani ikinulong ni Asa,hari ng Juda. sa pagbibigay ng masamang

                                             hula.

2 Mga Cronica 18: 26:         Si Micaiah ay ikinulong ni Ahab, hari ng Israel, dahil sa kaniyang

                                             hula.

Awit 69: 33:                         Hindi hinahamak ng Panginoon ang mga bilanggo.

Awit 79:11, 102:20:             Isang kahilingan na iligtas ng Panginoon ang mga nahatulang

                                              mamatay.

Awit 146:7:                          Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo.

Isaias 14:7:                           Hindi pinapayagan ni Satanas ang kaniyang mga bilanggo na umuwi

Isaias 24:21-22:                    Ang mga hari ng sanglibutan ay ikinulong.

Isaias 42:7:                           Ang hula na sa pagdating ni Jesus ang mga bilanggo ay Kaniyang

                                             palalayain.

Isaias 49:9:                           Sa araw ng pagliligtas tatawagin ng Panginoon ang mga bilanggo na

                                             lumapit at palalayain ang mga nasa kadiliman.

Isaias 53: 8:                          Ang pagkakabilanggo ni Jesus ay hinulaan.

Isaias 61:1:                           Ang paghahayag ng pinahiran ng Panginoon upang ipahayag ang

                                             kalayaan para sa mga bilanggo.

Jeremias 32:1-2:                   Si Jeremias ikinulong sa Juda.

Jeremias 32: 6-15:                Bumili ng bukid si Jeremias habang nakakulong.

Jeremias 33:                         Nagsalita ang Panginoon kay Jeremias habang siya’y nakakulong.

Jeremias 36:5:                      Idinikta ni Jeremias ang Salita ng Dios kay Baruch habang siya’y

                                             nakakulong.

Jeremias 36:26:                    Sinubukan ni Jehoikim na ipa-aresto si Jeremias.

Jeremias  37:4-38:13:           Maling inakusahan ng paghiwalay, si Jeremias ay hinagupit at

                                             ikinulong.

Jeremias 38:28:                    Patuloy ang pagkakulong ni Jeremias hanggang ang Jerusalem ay

                                             makubkob.  

Jeremias 40:1-4:               Si Jeremias ay pinalaya ng guwardiya ng hari.

Jeremias 52:11:                Si Zedekias, hari ng Jerusalem, ay binulag at ikinulong habang buhay

                                         ng hari ng Babylonia.

Jeremias 52:31-34:           Jehoichin, hari ng Juda, ay pinalaya mula sa bilangguan ng hari ng

                                         Babylonia.

Panaghoy 3: 34:               Hindi kusang dumadalamhati ang Dios ng mga bilanggo.

Panaghoy 3: 53-55:          Nakiusap si Jeremias sa Dios habang siya ay nakakulong.

Daniel 3: 1-28:                 Sila Shadrach, Meshach, at Abednego ay ikinulong, inihagis sa hurno

                                         at iniligtas ng Dios.

Daniel 6: 16-24:               Si Daniel ay inihagis sa yungib ng mga leon at iniligtas ng Dios.

Zacarias 9: 11-12:            Ang pangako ng Dios na ililigtas ang mga bilanggo.

Mateo 4: 12:                     Ikinulong si Juan Bautista.

Mateo 5:25-26:                 Payo na mabuting makipagkasundo sa iyong kaaway na magdadala sa

                                         iyo sa hukuman. Kung hindi, ikaw ay makukulong.

Mateo 11:2:                      Si Juan Bautista na nakakulong, ay nagtanong kay Jesus kung Siya nga

                                         ang darating.

Mateo 14:3,10:                 Si Juan Bautista ay ikinulong at pinugutan ng ulo.

Mateo  18:30:                   Ang walang patawad na alipin ay ipinakulong ang isang taong may

                                         utang sa kaniya.

Mateo 25:35,39,44:          Sinabi ni Jesus na ang mga taong naglilingkod sa bilangguan ay

                                         pinaglilingkuran Siya, at ang mga taong hindi naglilingkod sa

                                         bilangguan ay hindi nakapagsilbi sa Kanya.                                        

Mateo  27:15-21:             Pinalaya ng taong bayan si Barrabas.

Marcos 1: 14; 6:17,27:    Si Juan Bautista ay ikinulong at pinugutan ng ulo.

Marcos 15:6:                   Pinalaya si Barabas mula sa bilangguan.

Lucas 3:20:                      Ikinulong si Juan Bautista.

Lucas 4:18:                      Sinabi ni Jesus ang Kaniyang tawag, ang katuparan ng Isaias 61:1-3.

Lucas 12:58-59:               Payo na makipagkasundo ka sa iyong kaaway upang makatakas ka sa

                                         pagkabilanggo.

Lucas 21:12-13:               Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad na sila ay makukulong dahil sa

                                         Kaniyang pangalan at sila ay magiging mga saksi Niya.

Lucas 22:33:                    Sinabi ni Pedro na siya ay susunod kay Jesus sa kulungan at sa

                                         kamatayan.

Lucas  23:19,25:              Ang paglaya ni Barrabas bilang kahilingan ng mga tao.

Gawa 4:3:                         Si Pedro at si Juan ay nabilanggo.

Gawa 5: 18-23:                Ang mga apostol ay ikinulong at pinalaya ng anghel ng Panginoon.

Gawa 5:40:                      Hinagupit ang mga alagad dahil sa pangangaral tungkol kay Jesus.

Gawa 7: 54-60:                Binato si Esteban hanggang sa mamatay.

Gawa 8:3;9:2,14,21:        Inuusig ni Saulo ang mga Kristiyano, ang kaniyang pagkahikayat at

                                         kaniyang ministeryo.

Gawa 12:1-2:                   Si Santiago, kapatid ni Juan, pinatay ng tabak sa utos ni Herodes.

Gawa 12:3-17:                 Kinulong si Pedro at pinalaya ng anghel ng Panginoon.

Gawa 12:18-19:               Pinatay ni Herodes ang mga guwardiya na nagbabantay kay Pedro.

Gawa 14:19:                    Binato si Pablo ng mga tao at iniwang mistulang patay.

Gawa 16: 25-39:              Hinagupit si Pablo at Silas at ikinulong. Lumindol,nabuksan ang mga

                                         pintuan, natanggal ang mga tanikala. Tumanggap ng kaligtasan ang

                                         bantay bilangguan. Pinalaya si Pablo at Silas ng mga opisyal.

Gawa 20:22-24:            Hinulaan ni Pablo ang kaniyang pagkabilanggo sa Jerusalem.

Gawa 21:11:                 Tiniyak ni Agabus, isang propeta, na si Pablo ay makukulong sa

                                      Jerusalem.

Gawa 21:30-35:            Ang mga tao sa Jerusalem ay hinuli si Pablo upang patayin siya.

Gawa 22:24-29:            Nagpatotoo si Pablo na dati siya ay umuusig sa mga Kristiyano.

Gawa 23:1-35:              Nagsalita si Pablo sa harap ng Sanhedrin at ikinulong siya.

Gawa kabanata 24:       Ang paglilitis ni Pablo sa harap ni Felix at ang apila kay Cesar.            

Gawa kabanata 25:       Ang paglilitis ni Pablo sa harap ni Festus.

Gawa kabanata 26:       Ang paglilitis ni Pablo sa harap ni Agrippa.

Gawa 27: 1-28:15:        Ang biyahe si Pablo sa Roma, bantay ng mga sundalong Romano.

Gawa 28:17-20:            Nagsalita si Pablo tungkol sa kaniyang pagkabilanggo.

Gawa 28:16:                  Pinahintulutan si Pablo na tumira sa kaniyang bahay na may guwardiya.

2 Corinto 11:23:            Nagsalita si Pablo tungkol sa kaniyang pagkabilanggo at mga paghihirap

                                      para kay Cristo.

Efeso 3:1; 4:1:               Sinabi ni Pablo na siya ay bilanggo ni Cristo.

Efeso 6:20:                    Sinabi ni Pablo na siya ay embahador na nakagapos.

Filipos 1: 11-18:           Sinabi ni Pablo na ang kaniyang pagkabilanggo ay nagpalawak ng

                                      kaharian ni Cristo.

Colosas 4: 10:               Si Aristarchus ay kasama ni Paul sa bilangguan.

II Timoteo 1:8:              Hiniling ni Pablo na huwag mahiya ang mga tao dahil sa kaniyang 

                                      pagkakulong.

II Timoteo 1:16-17:      Pinagpala ni Pablo si Onesiphorus dahil sa paglilingkod niya kay Pablo

                                     sa bilangguan.

II Timoteo 2:9:             Sinabi ni Pablo na bagaman siya ay nakatali, ang Salita ng Dios ay hindi.

II Timoteo 4:16-17:      Ang Panginoon ay nanatili sa tabi ni Pablo bagaman iniwan siya ng lahat.

Filemon 1:9-10:            Nakiusap si Pablo ng kahabagan para kay Onesimo na naligtas sa

                                      bilangguan.

Filemon 1:23:               Si Epaphras, ang kasama ni Pablo sa bilangguan.

Hebreo 13: 3:                Alalahanin ninyo sila na nasa bilangguan at ituring ninyo na kayo ay

                                      kasama nila sa bilangguan.

I Pedro 3:19:                 Naglingkod si Cristo sa mga nasa bilangguan.

II Pedro 2:4:                  Ikinulong ng Dios ang mga anghel na nag-alsa laban sa Kaniya.

Judas 1:6:                      Ikinulong ng Dios ang mga anghel na nag-alsa laban sa Kaniya.

Apocalipsis 2:10:          Ikukulong ng diablo ang ilan upang sila ay subukan.

Apocalipsis 2:13:          Si Antipas, tapat na lingkod ng Dios, ay pinatay.

Apocalipsis 20:7:          Si Satanas ay pinalaya mula sa bilangguan ng maikling panahon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  APENDISE

 

MGA KAYAMANANG MAPAGKUKUNAN SA MINISTERYO

 

Ang apendiseng ito ay nagbibigay nng mga mungkahi para sa mga kayamanang mapagkukunan para sa ministeryo sa bilangguan kasama ang mga pag-aaral ng Biblia, mga tracts, mga Biblia, at mga video. Lahat ng mga babasahin ay ipakikita muna sa mga opisyal ng bilangguan bago ipamahagi, at ang ibang institusyon ay kinakailangan ang pahintulot bago magpalabas ng video. Karamihan sa mga listahan dito ay naka batay sa mga organisasyon sa America.

 

Hindi na inilista rito ang mga pagkukunan ng mga Biblia, mga Gospel tracts, mga video na ipapalabas, at mga leksiyon sa pag-aaral ng Biblia, sapagkat ang lahat ng ito ay matatagpuan sa America.

 

Ang International Correspondence Institute (ICI) sa Pilipinas ay nag-aalok ng murang mga Gospel tracts para sa mga pastor at mga nais na kumuha nito. Ang mga Assemblies of God na mga pastor ay walang bayad sa pagkuha ng tracts dito. Ang opisina ng ICI ay matatagpuan sa Gov. Santiago St., Malinta, Valenzuela, Metro Manila., Philippines.

 

MGA BIBLE STUDIES:

 

Sa pagbibigay ng mga Biblie Studies sa mga bilanggo, tandaan na ang maraming mga bilanggo ay nanggaling sa mga dukhang pamilya at hindi mataas ang pinag-aralan. Dahil dito, mamili ka ng simpleng mga aralin, madaling basahin, at sapat ang laki ng titik ng pagkalimbag.

 

Maraming mga Bible Study resources sa internet na walang bayad. Maghanap ka na ginagamit ang mga salitang Christian Resources o Biblie Studies.  Ang susunod na mga pag-aaral ng Biblia ay inilimbag ng Harvestime International Network, ang mga lumikha ng manwal na ito tungkol sa ministeryo sa bilangguan. Ang mga ito ay mababasa sa Internet na walang bayad sa:

 

                        http://globalchristians.org/tagalog/index.html

 

 

            Mga Estratehiya Para Sa pag-aaning Espirituwal

            Mga Saligan Ng Pananampalataya

            Pamumuhay Na Pinaghaharian Ng Dios

            Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Sa Pakikibakang Espirituwal

            Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo

            Pagkilala Sa Tinig Ng Dios

            Mga Mabibisang Paraan Ng Pag-aaral Ng Biblia

            Pagsisiyasat Ng Buong Biblia

            Pagbubuo Ng Pananaw Sa Mundo Batay Sa Biblia

            Mga Paraan Ng Pagtuturo

            Mga Paraan Ng Pagpaparami

            Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan

            Mga Prinsipyo Ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia

            Mga Prinsipyo Ng Pagsusuri Ng Kapaligiran

            Pangangasiwa Batay Sa Layunin

            Mga Paraan Ng Pagpapakilos Sa Mga Tao

            Panghihikayat Ng Kaluluwa Tulad Ng Pagkalat Ng Lebadura

            Kababaihan: Sa Pananaw Ng Biblia

            Pananalangin Ng Pamamagitan

            Ang Pakikibaka Para Sa Katawan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT

 

UNANG KABANATA:

 

1. …Ako’y nabilanggo, at inyo Akong pinaroonan.  (Mateo 25:36)

 

2. Ang pinakamahalagang reperensya para sa utos ng Biblia tungkol sa ministeryo sa bilangguan ay ang Mateo 25: 31-40.

 

3. Si Jesus ang pinakadakilang halimbawa para sa ministeryo sa bilangguan.

 

4. Ang walong dahilan kung bakit tayo ay dapat makasangkot sa ministeryo sa bilangguan ay:

 

1.  Ito ay iniutos nang malinaw sa Kasulatan (Mateo 25: 31-40).

2. Dapat nating sundin ang halimbawa ni Cristo na naglingkod sa mga bilanggo.

3. Ang mga bilangguan ay tumatagpo sa mga dapat paglingkuran ng kahit na anong pagmimisyon: Mga taong nawawala at ang pangangailangan sa mga manggagawa.

4. Hindi kalooban ng Dios na ang sinuman ay mapahamak.

5. Hindi kaya ng Chaplain na paglingkuran ang lahat ng mga bilanggo sa ilalim niya.

6. Maraming mga bilangguan ang walang upahang mga chaplain at ang marami ay walang mga gawaing pagrelihiyon.

7. Sa bawat isang nakukulong, may tatlo o limang ibang mga tao ang apektado.

8. Ang mga hidwang relihiyon at mga kulto ay umaabot sa mga bilanggo. Dapat tayong mauna sa kanila na may mensahe ng Ebanghelyo ni Cristo!

 

5. Ang mga espirituwal na pakay ng ministeryo sa bilangguan ay ang mga sumusunod:

 

  • Upang ibahagi ang walang pasubaling pagibig ng Dios.
  • Upang ihayag ang Ebanghelyo ni Jesucristo sa isang paraan na yayakapin ito ng mga bilanggo at tatanggapin si Cristo bilang Tagapagligtas.
  • Upang alagaan ang mga bagong hikayat sa Salita ng Dios at turuan silang mag-aral ng Biblia.
  • Upang ipakita ang kapangyarihan ng panalangin at turuan silang manalangin.
  • Upang pangunahan ang mga bilanggo na maranasan ang kapangyarihan ng Dios na magbago ng buhay na magpapalaya sa kanila mula sa pagkadama ng kasalanan, kahihiyan, mga negatibong damdamin, at mga pagka-alipin.
  • Upang maglingkod sa mga pamilya ng mga bilanggo.

 

6.  Ang mga hangaring panglipunan ng ministeryo sa bilangguan ay:

 

  • Upang mapakinabangan ang bilanggo sa loob ng bilangguan.
  • Upang magkaroon ng ugnayan ang komunidad at ang taong nakakulong sa mga “Correctional institutions.”
  • Upang ihanda ang mga residente sa muling pagpasok sa lipunan (pangpisikal, sa pagiisip, pang moral, at pang-espirituwal).
  • Upang tulungan ang mga pamilya ng bilanggo sa mga praktikal na paraan.
  • Upang magbigay ng praktikal na tulong sa kaniyang paglabas sa bilangguan.

 

7.  Ang Ebanghelyo ni Jesucristo ay maraming bagay na maiaalok sa mga bilanggo:

 

  • Kapatawaran mula sa kasalanan.
  • Isang pagkakataon na makahingi ng tawad.
  • Kalayaan mula sa kaguluhan ng konsiyensiya at kahihiyan.
  • Pagtanggap –marami sa kanila ay tinanggihan na.
  • Mga bagong pagpapahalaga at pananaw.
  • Mga estratehiya sa paglutas ng mahihirap na situwasyon at mga negatibong damdamin.
  • Mga kailangan para sa isang tunay at matapat na mga kaugnayan.
  • Isang masaganang buhay sa pamamagitan ni Jesucristo.
  • Isang bagong layunin sa pamumuhay.
  • Walang hanggang buhay.

 

IKALAWANG KABANATA:

 

1. …ikaw ay maging uliran ng nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.  (I Timoteo 4:12)

 

2. Ihambing ang iyong buod sa mga espirituwal na katangian ng isang volunteer sa ministeryo sa bilangguan na tinalakay sa kabanatang ito.

 

3. Ang apat na preparasyon na mahalaga para sa mabisang ministeryo sa bilangguan ay:

            1. Paghahanda sa panalangin.

            2. Paghahanda sa Salita.

            3. Paghahanda sa iyong tiyak na pahid.

            4. Paghahanda sa tiyak na institusyon na paglilingkuran.

 

IKATLONG KABANATA:

 

1. Ngunit ito ay isang bayan na nanakaw at nasamsam; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay, at sila’y nangakubli sa mga bilangguan: sila’y pinaka huli at walang magligtas; pinaka samsam, at walang magsabi, Iyong papanumbalikin.  (Isaias 42:22)

 

2. Ihambing ang iyong buod sa mga hakbang sa pagsisimula ng ministeryo sa bilangguan na tinalakay sa kabanatang ito.

 

3. Ang mga posibleng mga aktibidades at serbisyong maibibigay mo sa institusyon ay:

 

  • Pagdaraos ng oras ng pagsamba.
  • Pagkuha ng lugar ng chaplain kung siya ay may sakit o nasa bakasyon.
  • Pagkakaroon ng espesyal na programa ng musika o drama.
  • Pagdaraos ng pag-aaral ng Biblia.
  • Pagtuturo ng mga klase tungkol sa mga kaalaman, trabaho, o sa personal na paglago.
  • Pagtatatag ng isang Kristiyanong grupo para sa mga addict.
  • Pamimigay ng mga babasahin at mga Biblia.
  • Magpalabas ng isang Kristiyanong pelikula.
  • Magbigay ng mga indibiduwal na serbisyo dagdag sa iyong programa sa grupo:

-Magbigay ng “Bible Correspondence Courses.”

-Ipakilala ang mga bilanggo sa mga Kristiyanong bisita.

-Ipakilala ang mga bilanggo sa magiging kasulatan nila.

-Magbigay ng impormasyon para makilala ang mga pamilya ng mga bilanggo.

-Ituro ang mga bilanggo sa mga programa na tutulong sa kanila pagkalabas ng   

  bilangguan.

 

4. Maraming paraan ng pagkuha ng mga volunteers:

 

  • Maglathala sa bulitin ng iglesia.
  • Ipahayag sa mga gawain sa iglesia.
  • Kumuha sa maliliit na mga pagtitipon.
  • Maghanda ng mga posters at ipaskel ito sa mga lugar na madaling makita.
  • Magplano ng “Araw Ng Ministeryo sa mga Bilanggo” sa iglesia o mga iglesia na nais mong kasangkutin sa ministeryong ito.

 

5. Ihambing mo ang iyong buod ng pagsasanay sa mga volunteers na tinalakay sa kabanatang ito.

 

IKA-APAT NA KABANATA:

 

1. Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo’y may buhay na   

    walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. 

    (I Juan 5:13)

 

2.  Ang dalawang mahahalagang mga bagay na dapat gawin kung nais mong makipagsulatan sa

     isang bilanggo ay:

 

·        Makipag-ugnay ka sa tamang awtoridad sa institusyon.

·        Humingi ka ng listahan sa bilangguang ito, ng mga alituntunin ng pakikipagsulatan.

 

3. Ihambing ang iyong buod sa mga panuntunan sa pakikipagsulatan sa mga bilanggo na tinalakay sa kabanatang ito.

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya ng kayo’y nangagagapos na kasama nila; ang

    mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.  (Hebreo 13: 3) 

 

 

2. Ang pagbibisita sa bilanggo nang isahan ay mahalagang ministeryo dahil sa mga sumusunod:

 

  • Ang bawat kaluluwa ay mahalaga sa Dios.
  • Ang maraming mga bilanggo ay hindi dadalo sa mga gawaing pang relihiyon.
  • Ang maraming mga bilanggo ay hindi pa nakakaranas ng tunay na makadios at walang pasubaling pakikipagkaibigan.
  • Malaya kang maihayag ang iyong isipan sa isahang pakikipag-ugnay kay sa sa isang grupo ng mga tao.
  • Ikaw ay magsisilbing tulay na pabalik sa lipunan para sa isang bilanggo.
  •  Hindi ka lamang magiging pagpapala, subalit ikaw ay pagpapalain sa pamamagitan ng tunay na pakikipagkaibigan sa isang bilanggo.

 

3.  Ikaw ay maaaring makasangkot sa isahang pagbibisita sa mga bilanggo sa mga sumusunod na

     paraan:

 

  • Magtanong tungkol sa programa ng pagbibisita sa bilangguan kung saan mo nais na maglingkod.
  • Kung ang institusyon ay walang organisadong programa sa pagtatambal ng bilanggo at volunteer, hingin mo ang tulong ng chaplain upang gawin ito. Kung walang chaplain, sumangguni sa administrador na nangangasiwa ng pagbibisita at pagtatambal.
  • Ang mga tao na naglilingkod sa loob ng bilangguan sa isang grupo na may programang pang relihiyon ay maaari ring makatulong.
  • Kung posible, makipagsulatan ka muna sa bilanggo bago ka dumalaw.

 

4.  Ihambing ang iyong buod sa mga panuntunang ibinigay sa kabanatang ito tungkol sa pagbibisita ng isahan sa isang bilanggo.

 

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1.  Datapuwat nang makita Niya ang mga karamihan, ay nahabag Siya sa kanila, sapagkat

     pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor.  (Mateo 9:36)

 

2.  Mga uri ng mga grupong pagtitipon na maaaring idaos sa loob ng bilangguan ay:

·        Gawain ng pagsamba

·        Pag-aaral ng Biblia

·        Mga klase sa musika

·        Kristiyanong pagsusulat

·        Maliliit na grupo na nagbibigay ng tulong Kristiyano para sa mga addict/ o may mga problemang emosyonal

·        Mga klase sa pagiging magulang

·        Mga kurso sa Biblia na pang kolehiyo

·        Klase ng pagdidisipulo para sa mga bagong hikayat

 

3. Ihambing ang iyong buod sa bawat larangan sa mga panuntunang ibinigay sa kabanatang ito.

IKA-PITONG KABANATA:

 

1. …at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.  (Genesis 12:3)

 

2. Kapag ang isang miembro ng pamilya ay inaresto, ito ay nagdudulot ng pag-aalala, takot, at

    walang kasiguruhan sa kanilang asawa, mga anak, o mga magulang. Ang pamilya ay nahahati.

   Ang mga anak ay nagdaranas ng kahihiyan at kawalan kapag ang isang magulang ay nakulong.

 

3. Maaari kang tumulong sa mga pamilya ng mga bilanggo sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 

  • Sasakyan at Tirahan
  • Impormasyon
  • Mga Serbisyong Sosyal
  • Trabaho
  • Pabahay, pagkain, pananamit, at pananalapi
  • Pagpapayo
  • Mga regalo sa espesyal na okasyon
  • Isang tahanang-sambahan

 

4.  Dalawang mahalagang bagay ang dapat tandaan bago ka makipag-ugnay sa pamilya ng

     bilanggo:

  • Magtanong ka sa chaplain o administrasyon ng bilangguan kung saan ka naglilingkod.
  • Humingi ng permiso sa bilanggo upang ang pamilya at ang institusyon ay may pagsang-ayon dito.

 

5. Ihambing ang iyong buod sa mga panuntunang ibinigay sa kabanatang ito kung paanong magmiministeryo sa pamilya ng bilanggo.

 

IKA-WALONG KABANATA:

 

1. Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag; ayon sa kadakilaan ng Iyong

    kapangyarihan ay palagiin Mo yaong mga nangatakda sa kamatayan.  (Awit 79: 11)

 

2. Ihambing ang iyong buod sa mga mungkahi na ibinigay sa kabanatang ito kung paano

    magpasimulang magministeryo sa death row.

 

3. Ihambing ang iyong tinalakay sa mga panuntunan na ibinigay sa kabanatang ito kung paano

    magministeryo sa mga bilanggo sa death row.

 

4. Matutulungan mo ang isang bilanggo na humarap sa kamatayan sa pamamagitan ng:

 

·        Mayroon bang kailangan silang patawarin? Tulungan mo sila sa prosesong ito.

 

·        Mayroon bang kailangan silang hingan ng dispensa at kapatawaran –mga biktima, ang kanilang mga pamilya, ang kaniyang pamilya at mga kaibigan?

 

·        Kung mayroon silang mga batang mga anak, himukin mo sila na sumulat sa kanilang anak upang ibigay ito sa kaniya sa kaniyang paglaki.

 

·        Mayroon ba silang mga bagay na kailangang tapusin o desisyunan?

 

·        Pag-usapan ang kamatayan nang hayagan, at ang katunayan na bilang isang mananampalataya, wala tayong dapat ikatakot.

 

·        Tulungan silang ituon ang paningin sa walang hanggan at ang mga kamangha-manghang mga bagay na naghihintay sa Langit.

 

·        Kung hilingin ng bilanggo sa death row na ikaw ay naroon sa kanilang kamatayan upang magkaroon siya ng espirituwal na suporta, gawin mo iyon kung pinahihintulutan ito ng bilangguan.

 

IKA-SIYAM NA KABANATA:

 

1. …Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at

        nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan. (Isaias 42:7)

 

2. Ang mga karaniwang kailangan ng mga dating bilanggo ay:

 

·        Kailangan niya ng isang iglesia na tatanggap sa kaniya upang siya ay alagaan at espirituwal na lumago.

·        Kailangan niya ang tirahan, pagkain, at damit.

·        Kailangan niya ng “vocational training” at ng trabaho.

·        Maaari niyang kailanganin ang pagpapayong pinansiyal.

·        Kailangan niya ng pagpapayong pang pamilya kung pinagkakaisa niya ang kaniyang pamilya.

·        Maaari niyang kailanganin ang dagdag na payo tungkol sa pagiging addict o sa paglalasing.

·        Kung matagal siyang nakulong, kakailanganin niya ang tulong kahit na sa mga simpleng desisyon sapagkat ang mga bilanggo ay hindi na sanay gumawa ng mga desisiyon.

·        Kakailanganin niya ng malakas na suporta ng mga kaibigan na magmamahal at tatanggap sa kaniya, mananalangin para sa kaniya at kasama niya, at tutulungan siya sa kaniyang mga problema.

 

3. Ang mga ministeryo pagkalabas sa bilangguan ay:

 

  • Isang Kristiyanong “half-way house.”
  • “The Local Rescue Mission”  
  • Mga Programang pinatatakbo ng gobiyerno at pribadong organisasyon
  • Mga Programa ng Iglesia
  • Mga Kristiyanong paaralan at mga Bible Schools

 

4. Ang mga hakbang sa pagpapasimula ng ministeryo sa kalalabas sa bilangguan ay:

 

UNANG HAKBANG: Manalangin ka.

IKALAWANG HAKBANG: Sumangguni sa iyong espirituwal na lider.

IKATLONG HAKBANG: Gumawa ka ng pagsusuri.

IKA-APAT NA HAKBANG: Bumisita ka sa isang ministeryong katulad nito.

IKA-LIMANG HAKBANG:  Alamin ang mga isyu ng organisasyon.

 

Narito ang ilang mga isyu ng organisasyon na iyong aalamin:

  • Pananalapi
  • Lugar na gagamitin
  • Mga Tauhan

 

 

Ang ang iyong gagampanang papel sa ministeryo sa mga bilanggong pinalaya na ay nakasalalay sa mga sagot sa tatlong tanong na ito:

 

  • 1. Ano ang pinapayagan sa institusyon na pinaglilingkuran mo?
  • 2. Saan ka pinakamabisa?  
  • 3. Ano ang iyong limitasyon sa oras at lakas? 

 

IKA-SAMPUNG KABANATA:

 

 

1. Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa Akin; sapagkat pinahiran Ako ng

    Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; Kaniyang sinugo Ako    

    upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at

    magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo…  (Isaias 61:1)

 

2. Ang karaniwang security lebel ay pinakamahigpit, hindi gaanong mahigpit, kaunting security.

 

3. Ang mga nakakulong sa bilangguan ay nilitis at hinatulan na. Kadalasan, sa kulungan muna inilalagay ang lahat ng mga preso. Ang marami rito ay hindi pa nahahatulan at naghihintay ng paglilitis. Ang iba naman ay narito habang naghihintay ng sentensiya. Ang iba ay maikling pagkakulong lamang ang kailangan na hindi na kailangang dalhin sa bilangguan.

Ang mga nakakulong sa bilangguan ay nakapirme. Mas mahaba ang mga sentensiya ng mga ito kaya matagal mo silang mapaglilingkuran. Ang ibang mga bilangguan ay may mga pasilidad para sa mga programa ng pagpapayo at rehabilitasyon, subalit karamihan sa mga kulungan ay wala nito. Ang mga bilangguan ay may mga lugar para sa mga grupong pagtitipon tulad ng mga gawain ng pagsamba at mga pag-aaral ng Biblia. Ang mga kalagayang pisikal, emosyonal, at pag-iisip ng mga preso sa kulungan ay iba at hindi maayos kay sa mga bilanggo.   

 

4.  Ang iba’t ibang uri ng gusali at programa sa mga nakakulong ay:

 

  • Work release centers
  • Halfway house
  • Road camp, fire camp, forestry camp, or work camp
  • Detention, juvenile hall, or reformatory

 

5. Ihambing ang iyong buod sa tinalakay tungkol sa tipo ng mga bilanggo sa kabanatang ito.

 

IKA-LABINGISANG KABANATA:

 

1.  Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagkat walang

     kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios. 

    (Roma 13:1)

 

2. Ihambing ang iyong sagot sa tinalakay tungkol sa angkop na pananamit sa kabanatang ito.

 

3. Ihambing ang iyong buod ng mga batas ng kaligatasan na tinalakay sa kabanatang ito.

 

4. Ihambing ang iyong buod sa mga panuntunan na ibinigay sa kabanatang ito upang makaligtas sa isang hostage na situwasyon.

 

5. Siguruhin mo na makakuha ng listahan ng mga alituntunin sa pananamit at kaligtasan sa institusyon na iyong pinaglilingkuran. Isingit mo ito sa huling bahagi (Ika-labingtatlong Kabanata) ng manwal na ito na nakadesenyo para sa mga materiyales na angkop sa iyong tiyak na institusyon.

 

IKA-LABINGDALAWANG KABANATA:

 

1. … Na sawayin na may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila’y pagkalooban

     ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan, at sila’y makawala sa silo ng diablo, na

     bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.  (II Timoteo 2: 25-26)

 

2. Ang unang batas sa tamang pakikiugnay sa mga bilanggo ay alamin at sundin ang mga batas.

 

3. Ihambing ang iyong buod sa mga panuntunang ibinigay sa kabanatang ito kung paano makitungo sa mga bilanggo.

 

4. Ang setup ay isang situwasyon kung saan ikaw ay napilitang iwaksi ang iyong mga sariling paniniwala, mga pamantayan, o mga batas ng institusyon. Ikaw ay pinilit o nilinlang sa isang situwasyon ng pakikipag-kompromiso, at pinagsamantalahan ng bilanggo na tumanggap ng mga pabor tulad ng drugs, alak, atbp.

 

5. Ang setup ay nangyayari ng ganito:

 

Pagmamasid:

 

Ang mga bilanggo ay pinagmamasdan ka kung paano ka kumilos kapag ikaw ay nagigipit, ang lebel ng iyong pagtitiis, kung ikaw ay sumusunod sa mga batas, at kung gaano ka kabisa na manguna sa isang mahirap na situwasyon.

 

Pagsubok:

 

Bago sila gumawa ng anumang palagay tungkol sa iyo, ikaw ay susubukin nila sa maliliit na paraan. Maaari silang humiling ng mga materiyales na hindi dapat hingin, mga pabor, umiinog sa mga batas, nagmumukhang kawawa, o nagsusumikap na makipag-usap sa iyo ng isahan upang maging malapit ang loob mo sa kaniya. Kung ikaw ay mapagbigay sa “maliliit na mga bagay” na ito, ikaw ay kandidato para sa setup.

 

Ang “Setup:”

 

Kung ikaw ay nakikipag-ayos upang masuway ang mga maliliit na batas o nakikipag-ugnayan ka sa “intimate” at hindi dapat na relasyon, ikaw ay ise-setup ng bilanggo sa paggamit nito upang makuha ang nais niya.

 

6. Maaari mong maiwasan ang setup kung ikaw ay…

 

1. Maging propesyonal ang pananaw

2. Iwasan ang pagiging masyadong pamilyar

3. Huwag pumayag na sumuway sa mga batas sa anomang situwasyon

4. Kaagad i-report ang tangkang mag-setup

 

IKA-LABINGTATLONG KABANATA:

 

Isang kabanata para sa indibiduwal. Walang pansariling pagsusulit.