• johned@aibi.ph

MGA PARAAN NG PAGPAPAKILOS

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Harvestime International Network

14431 Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

 

 

© Harvestime International Institute

NILALAMAN

 

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito        .            .            .            .            .            .            I

Mga Mungkahi Para sa Sama-samang Pag-aaral     .            .            .            .            II

Pambungad Ng Kurso   .            .            .            .            .            .            .            .            1

Mga Layunin ng Kurso            .            .            .            .            .            .            .            3

 

 

1.            Pagpapakilos o Pagmamanipula            .            .            .               .            .            4

2.         Ang Batayan Sa Biblia ng Pagpapakilos            .            .            .            .            16

3.         Ang Apoy Ng Dios            .            .            .            .            .            .            .            23

4.         Ang Kaluwalhatian Ng Dios            .            .            .            .            .            .            42

5.         Ang Mga Layunin Ng Kaluwalhatian Ng Dios            .             .            .            65       

6.         Paano Luluwalhatiin Ang Dios            .            .            .            .            .            74

7.         Ang Arko Ay Parating!            .            .            .            .            .            .            88       

8.         Ang Pagbabalik ng Tabernakulo Ni David   .            .            .            .            99       

9.            Hinahanap: Mga Mananamba            .            .            .            .            .            .          112

10.       Paano Sumamba?            .            .            .            .            .            .            .          140

11.       Ano Ang “Revival”?            .            .            .            .            .            .            .          161

12.       Ang Revival Sa Lumang Tipan .            .            .            .            .            .            172

13.       Mga Prinsipyo Sa Biblia Tungkol Sa “Revival”            .            .            .            192

14.       Ang Nagpapakilos            .            .            .            .            .            .            .            200

15.       Ang Napakilos             .            .            .            .            .            .            .            209

16.       Mga Prinsipyo Ng Pagsakop             .            .            .            .            .            .           216

17.            Pagkatapos Ng Achor            .            .            .            .            .            .            .           228

18.       Ang Istorya Ng Tatlong Lunsod            .            .            .            .            .            239

19.       Ang Pagpapakilos Batay sa Kaloob .            .            .            .            .            247

 

APENDISE:            .            .            .            .            .            .            .            .            .            259

 

Mga Sagot sa Pansariling Pagsusulit            .            .            .            .            .            .            273

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO

PORMAT NG MANWAL

 

Mga Layunin:  Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.

 

Susing Talata:  Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.

 

Nilalaman ng Kabanata:  Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.

 

Pansariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaral ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, Ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado

 

 

DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT

 

Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG

PAG-AARAL

 

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.

 

Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagsasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 

PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD

NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalangin.  Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.

 

Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

 

 

II

 


Module:   Pagpapakilos

Kurso:     Mga Paraan ng Pagpapakilos

 

PAMBUNGAD NG KURSO

 

Ang ibig sabihin ng “pagpapakilos” ay  “madala sa kalagayan na handa para sa aktibong paglilingkod, para gamitin ang lakas sa paggawa.”  Ang “pamamaraan “ ay sistema ng “mga paraan,” isang maliwanag na paraan para magawa ang plano ng pangitain.

 

Ang makamundong estratehiya ng pagbubuyo  ay nakatuon sa pagmamanipula sa mga tao at ibang pinanggagalingan para sa layunin ng kasakiman at makasariling pakinabang. Para “maibuyo” ang iba, ang mga apela ay nakasentro sa mga bagay na kaaya-aya sa laman o makuha sa pamamagitan ng kasalanan, panggigipit, at puwersa. Ang pagkakaiba ng pagpapakilos ay , ito ay batay sa mga prinsipyo ng Biblia at ang panghihikayat ay galing Sa Dios  sa halip na sa tao. Ang resulta ng pagpapakilos ay mula sa makapangyarihang hipo Ng Dios sa halip na sa mahinang uri ng apela sa emosyon sa laman.

 

Sa kursong ito iyong matututunan ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakilos at pagbubuyo.

Iyong pag-aaralan ang batayan sa Biblia ng pagpapakilos at matututunan na ang apoy, kaluwalhatian, at pagsamba Sa Dios ay kasama sa pagpapakilos sa mga anak Ng Dios. Iyong matututunan ang mga prinsipyo sa Biblia ng “revival” at matututunan ang kahalagahan ng mga ito para mapanatili ang kinakailangan na pag-udyok para magawa ang espirituwal na pangitain.

 

Maglalakbay ka rin sa talaan ni Josue sa Biblia, matututunan kung paano niya napakilos ang mga anak Ng Dios para makuha ang lupang pangako sa Canaan.  Pag-aaralan mo ang uri ng tao na ginagamit Ng Dios bilang tagapagpakilos, at kung paano mahihikayat ang iba mula sa walang ginagawa tungo sa aktibong pagkasangkot.

 

Pag-aaralan mo rin ang mga prinsipyo ng pagpasok na maaaring magamit sa pagpasok sa bansa, lunsod, o nayon para Sa Dios. Matututunan mo ang dapat gawin pagkatapos na maranasan ang “Lambak ng Kaguluhan” at kung paano harapin ang espirituwal na higante sa lupain.

 

Ipinakikita ng kursong ito ang mga paraan (maliwanag na paraan) ng pagpapakilos sa mga mananampalataya ( pag-sasaayos ng kanilang kakayahan para kumilos) para matupad  ang pangitain ng pangkalahatang espirituwal na pag-aani. Ang kursong ito ay bahagi ng serye ng Harvestime International Institute na nakadesenyo na akayin ang mananampalataya na nais magpagamit Sa Dios at baguhin ang pangarap mula sa pagnanais tungo sa pagpapakita.

 

Sa unang “module” ng pagsasanay na tinatawag na “Paglalarawan,” ang mga mag-aaral ay hinamon ng pangitain ng espirituwal na pag-aani ng mga bukirin kung saan ang lahat ng mga mananampalataya ay tinawag. Sa ikalawang “module”, “Deputizing”/ Kinatawan,” ilang mga kurso ang nagpapatatag ng espituwal na saligan na kinakailangan para maging tagaani.

Sa ikatlong “module”, na may pamagat na “Papaparami,” ang mga mag-aaral ay hinamon sa espirituwal na pagpaparami habang sila ay dumadami at nagbabahagi ng kanilang natutunan sa  iba. Sa ika-apat na “module”,  na may pamagat “ Pag-organisa,” ay ipinaliliwanag ang espirituwal na kayamanan na resulta mula sa “pagpaparami” na isang antas sa pagunlad. Ang susunod na ayos ng kursong ito ay sa “Pagpapakilos” na nagpapakit ang mga paraan para sa pagpapakilos ng mga espirituwal na puwersa para Sa Dios at ipaliwanag ang praktikal na pag-aangkop ng pangitain ng  Harvestime para sa tiyak na bahagi ng ministeryo.

 

Ang mga naunang kurso ng Harvestime bago ang  kursong ito ay mahalagang lahat. Kung iyong susubukin ang pagapakilos na walang pundasyon, ikaw ay may kasigasigan ngunit walang pagkaunawa. Hindi ka makapagpapakilos kung wala ang mga tao, kung saan naging mahalaga ang pagpaparami. Kung susubukin mo na magpakilos ng walang organisasyon, mayroon kang ginagawa ngunit walang pagpapalano na makabuluhan.

 

Sa maraming pagkakataon ng paglilingkod ng mga Kristiyano, iniaalay natin ang pinakamabuti Sa Dios at iniisip na ito ay sapat na. Ang ating pinakamabuti ay hindi kailanman sapat. Ang organisasyon ay hindi sapat. Ang Espirituwal na pagpapadami ay hindi sapat. Kahit ang magandang saligan ng pananampalataya ay hindi sapat. Tutoo... dapat nating ialay ang pinakamabuti... ngunit dapat tayong tumingin Sa Dios at idagdag ang Kanyang banal na apoy, Kanyang kaluwalhatian, at espirituwal na pagbabago. Hindi tayo dapat dumepende sa ating pagsasanay, karanasan, at organisasyon. Sa halip, dapat nakadepende tayo sa paghipo Ng Dios sa mga ginagawa ng ating mga kamay. Doon lang tayo magiging, tagaani na kimikilos sa gawain ng pag-aani.

           

At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo. (Mga Awit 90:17)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahan na:

·                    Ibigay ang kahulugan ng pagpapakilos

·                    Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakilos at pagmamanipula.

·                    Ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng pagpapakilos at panghihikayat ng kaluluwa.

·                    Ibuod ang Batayan ng Biblia sa pagpapakilos.

·                    Talakayin ang bawa’t sumusundo na espirituwal na puwersa ng pagpapakilos:

 

·                    Ang Apoy Ng Dios

·                    Ang Kaluwalhatian Ng Dios

·                    Pagsamba Sa Dios

·                    “Revival” mula Sa Dios

 

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu at katotohanan.

·                    Talakayin kung paano tayo dapat sumamba Sa Dios.

·                    Kilalanin ang mga prinsipyo ng “revival” batay sa Biblia .

·                    Ipaliwanag kung paano mapakilos ang mga taong hindi kumikilos.

·                    Ipaliwanag kung paano haharapin ang kabiguan.

·                    Kilalanin ang mga prinsipyo ng pagpasok batay sa Biblia na ipinahayag sa aklat ng Josue.

·                    Kilalanin ang mga katangian na kinakailangan para maging tagapagpakilos sa iba.

·                    Pakilusin ang iyong iglesya batay sa espirituwal na mga kaloob.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG KABANATA

 

PAGPAPAKILOS O PAGMAMANIPULA?

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng  “ pagmamanipula.”

·                    Ibigay ang kahulugan ng  “pagpapakilos.”

·                    Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng espirituwal na pagpapakilos sa pagmamanipula.

·                    Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi kumikilos at kumikilos na mga tao.

·                    Ibuod ang kaugnayan sa pagitan ng pagpapakilos at panghihikayat ng kaluluwa.

 

SUSING TALATA:

           

Sa inyo’y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang maibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; (Mateo 20:26)

 

PAMBUNGAD

 

Sinabi na “ang matagumpay na pagpapalawak ng kahit anong samahan ay nasa direktong kasukat ng kakayahan na mapakilos at makilahok ang bawa’t kaanib nito sa palagian na ipakalat ang mga pinaniniwalaang, mga layunin, at pilosopiya.”

 

Para magawa ang layunin at matupad ang pangitain, dapat kang kumilos. Kung gumagawa ka lamang ng mga plano at mga programa, mayroon kang organisasyon. Kung pinakikilos mo ang mga tao , mayroon kang organismo at ang bawa’t tao sa organismo ay nagiging bahagi ng pagtupad ng pangitain.

 

Ang panlabas na pagpapakilos ay resulta ng panloob na pagbunsod. Ang bawa’t isa ay nahikayat na gumawa ng isang bagay. Ang mahalagang susi sa mabisang ministeryo ay mahikayat at mapakilos ang mga anak Ng Dios para sa gawain ng ministeryo.

 

PAGMAMANIPULA

 

Ang makamundong estratehiya ng pagpapakilos ay nakasentro sa pagmamanipula ng mga tao para sa pansariling pakinabang. Ang ibig sabihin ng para “magmanipula” ay para “mahusay na mangasiwa, mamahala, o pangunahan ang isnag tao para sa makasariling mga layunin.” Ang isang nagmamanipulang tao ay gumagamit ng iba, bilang “mga bagay” para makamit ang ninanais.

 

Sa pagmamanipula, sinisikap na pakilusin ang mga tao na naka sentro sa mga bagay na nakalulugod sa laman. Ang isang  tao ay nahikayat na ang isang gawain ay makaaabot sa kanyang sariling mga layunin, pangangailangan, o naisin. Nais niyang umunlad sa papuri at atensiyon mula sa iba. Pinagsusumikapan niya ang kalagayan at ang damdamin na siya ay katanggap tanggap. Kadalasan kasama ang pananalapi at materyal na pakinabang. Ang mga ito ay ilan sa mga panloob na nagtulak para kumilos siya.

 

Ang pagmamanipula ay naka batay sa pangangailangan. Nakikita ng mga lider ang pangangailangan at minamanipula ang mga tao at ang mga kayamanan para maabot ang pangangailangan na iyon. Kung ikaw ay naitutulak ng pangangailangan,” ikaw ay magiging “kontrolado ng pangangailangan,” Ang mga tao ay pangungunahan ka at mamanipulahin ka para maabot ang kanilang personal na mga pangangailangan.

 

Sa simula, mayroong dalawang uri ng pagmamanipula. Ang isa ay “pagtulak” na pagmamanipula na gumagamit ng takot bilang puwersa nito. Ang isa  ay “paghila na pagbunsod” na gumagamit ng makalaman na pampasigla at gantimpala. Kung ang mananampalataya ay kailangan na itulak o hilahin  para makisama sa gawain ng Kaharian Ng Dios, makikita na may maling nangyayari.

 

Sa pagmamanipula, ang mga tao ay kadalasan na tinatrato na may pagkiling at kung minsan  kinukonsiyensiya at pinupuwersa  ng mga mga lider para magawa ang dapat gawin. Ngunit nag babala ang Biblia sa mga espirituwal na mga lider para pigilan (huwag gumamit)...

           

At kayong  mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalam na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, at sa kaniya’y walang itinatanging tao. (Efeso 6:9)

 

Sa makatuwid, dapat kang makitungo sa mga pinangungunahan mo kung paano ka pinakikitunguhan Ng Dios.

 

Ang “pangkukulam” ay naka sulat sa Galacia 5:20 bilang gawa ng laman. Sa talatang ito ang pangkukulam ay hindi lamang tinutukoy ang masamang gawain ng mga mangkukulam na tagasunod ni Satanas. Tinutukoy din nito ang makalaman “pagmamanipula” sa ibang tao para sa iyong sariling layunin at nasa.

 

Itinuro Ni Jesus  na ang mga mananampalataya ay hindi dapat gawin ang makamundong mga paraan ng pag-uugali at pangangasiwa:

           

Sa inyo’y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang maibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; (Mateo 20:26)

 

PAGPAPAKILOS

 

Ang mga mananampalataya ay hindi dapat nagmamanipula, ngunit dapat silang nagpapakilos. Ang Dios ay palaging kumikilos sa pamamagitan ng mga tao na naitulak na kumilos. Sa buong talaan ng Biblia Siya ay tumatawag ng mga tao para pisikal, espirituwal, at ang  pananalapi ay pakilusin para magawa ang Kanyang mga plano at mga layunin.

 

Ang ibig sabihin ng “pakilusin” ay  para “ mailagay sa kahandaan para sa aktibong paglilingkod , para magamit ang lakas ng tao sa paggawa.” Sa malawak na termino, ang pagpapakilos ay tungkol  sa anumang pangyayari kung saan ang mga anak Ng Dios ay nagising at patuloy na kumikilos at lumalago hanggang kanilang makita ang lugar nila sa estratehiyang paglahok sa gawain para matapos ang panghihikayat ng kaluluwa sa sandaigdigan.

 

Ang espirituwal na pagpapakilos ay nagkakaiba mula sa pag mamanipula dahil ito ay batay sa mga prinsipyo ng Biblia at ang pagbunsod ay nakatuon Sa Dios sa halip na sa tao. Ito ay hindi nakatuon sa laman o sarili. Ito a y hindi ministeryo na ayon  sa pangangailangan, ngunit ayon sa utos.

           

Halimbawa, nang binisita Ni Jesus ang paliguan ng Betesda, maraming mga tao ang pilay, may sakit, at karamdaman. Ngunit isang tao lamang ang pinagaling Ni Jesus. Siya ay nakabatay sa utos sa halip na sa pangangailangan. Hindi ibig sabihin nito na Siya ay walang damdamin sa iba, ngunit Siya ay pinangunahan Ng Dios na mag ministeryo sa isang tao.

 

Kung ikaw ay nag miministeryo ayon sa pangangailangan, di magtatagal ikaw ay magagapi ng maraming pangangailangan na nakapalibot sa iyo.. Pagkatapos, ikaw ay pangungunahan ng-pangangailangan. Ang pangangailangan ng mga tao ang mangunguna sa iyong buhay at ministeryo. Ikaw ay ma mamanipula nila at ikaw ay mag mamanipula para maabot ang malaking kahilingan ng mga pangangailangan na ito.

 

Kung ang oryentasyon mo ay ayon sa utos sa halip na pangangailangan, ang iyong ministeryo ay pinangungunahan Ng Dios sa halip na pinangungunahan ng tao. Ang mag bubunsod at magpapakilos sa iyo ay ang kapangyarihan Ng Dios sa halip na pagmamanupula ng mga tao at ng kanilang mga  pangangailangan.

 

ANG HINDI KUMIKILOS AT ANG KUMIKILOS

 

Ang kabaligtaran ng napakilos ay hindi kumikilos. Mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng dalawa kung ikaw ay mag bubunsod ng hindi aktibong mga mananampalataya:

 

ANG HINDI KUMIKILOS NA TAO:

 

Ang ibig sabihin ng “hindi kumikilos” ay “walang malasakit”, hindi aktibo, hindi tumutugon, hindi nababahala, walang emosyon o walang damdamin.” Narito ang karaniwang mga dahilan kung  bakit ang mga tao ay hindi kumikilos, kung bakit sila ay hindi aktibo, hindi nababahala, hindi kasama sa gawain ng Panginoon:

 

-Hindi sila pinangungunahan  Ng Panginoon Jesu Cristo.

 

-Hindi nila nauunawaan ang kahulugan gn Dakilang Utos.

 

-Hindi nila alam ang kanilang lugar sa Katawan Ni Cristo.

 

-Wala silang mga layunin, pangitain, at direksiyon.

 

-Wala silang iisang pangitain. (Marami silang nakikita na dapat gawin at walang maliwanag na pangitain ng kanilang tungkulin, kaya sila ay pinanghihinaan ng loob at walang ginagawa.)

 

-Sila ay abalang-abala ng mga alalahanin at gawain ng kamunduhan.

 

-Sila ay natatakot na ang kanilang kusang loob na pagsama ay samantalahin ng iba.

 

-Ang lideratura na awtoritatibo na gumagawa ng lahat ay humahadlang sa kanilang pagsama. Ito ay ministeryo na “batay sa personalidad”sa halip na sa minsiteyo ng Katawan na kasama ang lahat ng mga kaanib sa gawain Ng Panginoon. ( Ang pastor o espirituwal na lider ay hindi dapat siya lamang ang gumagawa ng gawain. Dapat niyang ihanda at pakilusin ang katawan para sa gawain ng ministeryo.)

 

-Sila ay nabubuhay sa nakaraan. Ang Biblia ay nagbabala, “Alalahanin ang asawa ni Lot.” Ang pagtingin sa “mabubuting nakaraan na mga araw” o kung paano ang mga bagay ay ginawa dati” ay humahadlang sa paggawa sa pangkasalukuyan.

 

-Sila ay lumalakad sa laman: Kung ang tao ay lumalakad sa laman, hindi sila makagagawa ng espirituwal na mga layunin. Hinahadlangan ng laman ang paggawa “ng mga bagay na dapat mong gawin” (Roma 7:15). Pagkabigo, pagkakabaha-bahagi, at hindi nalulutas na hidwaan ay mga tanda na ang tao ay lumalakad sa laman. Ang mga ito at katulad na gawain ang magdadala sa mga tao para hindi maging aktibo sa Kaharian Ng Dios.

 

-Ang kasalanan ang nagbabawal sa pagdaloy ng hipo Ng Dios, ng Kanyang apoy, kaluwalhatian, at “revival”. Dahil ang mga ito ang espirituwal na puwersa sa pagpapakilos, di magtatagal ang mananampalatya na  nagpapatuloy sa kasalanan ay mawawala ang kanyang pagkabuyo.

 

-Ang panghihina ng loob ay nagdudulot ng hindi pagkilos. Ang isang tao na pinanghinaan ng loob ay nakasara ang isip, may pangangailangan ng kapangyarihan, pangunguna, at para magawa niya sa kanyang paraan. Umiiwas siya sa personal na responsabilidad, sinisisi ang iba sa mga problema, at nais na makaganti. Siya ay hindi matatag at hindi tapat. (Tingnan ang bahagi ng “Dagdag Na Pag-aaral” ng aralin na ito).

 

-Ang “propesyonal” na ugali. Ito ay problema na kadalasan na nagbibigay sa mga tao para hindi maging aktibo sa makabagong panahon ng iglesya. Ang “propesyonal” na ugaling ito nagsasabing “Umupa tayo, magagawa ito.”

 

 

 

 

ANG HINDI KUMIKILOS NA MGA TAO:

 

Ang isang tao na hindi kumikilos ay nagdudulot ng magkakasamang hindi kumikilos na mga tao. Sa pauna ang pinakamagandang halimbawa ng larawan ng iglesyang ito na hindi kumikilos na iglesya ay ang igleysa sa Sardis sa Apocalipsis 3:1. “Ipinamumuhay nila ang kanilang pangalan”, ngunit sila ay patay.” Narito ang mga “talaan ng hindi kumikilos na iglesya.” Paano ang inyong iglesya ay masusukat?

 

-Pisikal na pagaalaga sa kagamitan ng iglesya ay mababa sa karaniwan at nagpapakita ng ugalil na “hindi ako nababahala”.

 

-Sobrang naka depende sa pastor o inuupahan na mga manggagawa para gawin ang ministeryo.

 

-May malakas na pag tanaw sa nakaraan, paniniwala na ang “dating mga panahon “ay mas mabuti sa pangkasalukuyan.

 

-Mayroong pagbaba ng bilang ng  mga kaanib.

 

-Maraming hindi aktibong mga kaanib.

 

-Ang tuon ay sa musika, mga bata, at ang mga kabataan habang ang mga matanda at nananatiling hindi aktibo.

 

-Ang ekonomiya ay mas mahalaga sa pagpapasiya sa halip na hakbang ng pananampalataya.

 

-Ang pag-usap ay hindi maayos sa pagitan ng mga kaanib, pastor, at mga manggagawa.

 

-Ang mababang bilang ng mga dumadalo ay nagpapahayag ng mababang antas ng pagmamalasakit.

 

-Walang init sa panghihikayat ng kaluluwa.

 

-Ang malaking bahagi ng mga tao na gumagawa ng patakaran at ang agresibong mga kaanib ay mula sa mga kaanib na ang kongregasyon ay nagsimula o mula sa “mga dati ng mga kaanib”

 

-Ang pananaw ng pastor sa kanyang ministeryo ay sa nakaraan sa halip na sa panghinaharap.

 

-Ang kongregasyon ay nakumbinsi na kung makakakita sila ng “super pastor” para palitan ang kanilang pastro, ang kanilang problema ay mawawala na.

 

-Ang nagpapatakbo ng katawan ng kongregasyon ( pamunuan, konseho, at iba pa) ay karaniwan na ang pangunahaing tungkulin ay pagbabawal sa mga bagay na hindi dapat gawin. (Sa aktibong iglesya, ang nagpapatakbo na katawan ay nang hihikayat na maging malikhain, pagbabago, hakbang ng pananampalataya, at kung kinakailangan nagbibigay sa  halip na pumipigil ).

 

-Ang mga bagong plano ay naabot ng may pagtatalo kung “kung bakit hindi ito magiging mabisa dito.”

 

-Ang tuon ay sa pagkatuto sa halip na paggawa.

 

-Ang karaniwang kaanib ay hindi kilala sa pangalan ang mahigit sa limang tao sa kongregasyon.

 

-Kadalasan ang mga tao ay namimintas kung ano o ano ang hindi nangyayari.

 

-Ang mga bagong kaanib ay nahihirapan na makadama na sila ay kasama at kailangan.

 

Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagpapakita ng walang pagmamalasakit, walang bahala, at kulang sa pakikilahok.

 

ANG KUMIKILOS NA TAO:

 

Ang isang taong napakilos ay handa na maki-ayon at tumugon sa pangunguna ng Espiritu Santo. Hindi siya nakalaan sa makasariling pamamaraan. Kanyang inihanda ang kanyang espirituwal na sisidlan (ang kanyang “wineskin”) para tanggapin ang “bagong alak” (bagong mga bagay na ginagawa Ng Dios). Ang isang napakilos na tao ay naka depende Sa Dios sa halip na naka depende sa sarili. Siya ay espirituwal sa halip na naudyukan ng laman. Siya ay natutuwa tungkol sa mga gawain Ng Dios at kasama sa Kaharian Ng Dios.

 

Ang isang napakilos na tao ay nakalaan na gumawa – kahit humakbang sa panganib na may pananampalataya—at responsabilidad niya ang kanyang mga gawa. Ang isang napakilos na tao ay matatag, tapat, at sa halip na maghiganti sa oras ng kagipitan, hinahanap niya ang solusyon. Siya ay kumikilos ayon sa utos sa halip na ayon sa pangangailangan. Hindi siya na mamanipula ng iba at nagsasamantala sa iba. Siya ay mahabaging, maibigin, kasama at natutuwa sa gawain ng Kaharian.

 

ANG KUMIKILOS NA MGA TAO:

 

Pagbalik aralan ang mga palatandaan na ibinigay sa aralin na ito  ng hindi kumikilos na iglesya. Isipin ang kabaliktaran ng bawa’t mga palatandaan na ito. Ang kabaliktaran ng bawa’t ugali ay naglalarawan ng napakilos, naibunsod na iglesya.

 

Ang napakilos na iglesya ay may pagbabagong espirituwal. Ang napakilos na iglesya ay naibunsod, may alab sa pagmamahal at mahabangin sa mga naliligaw. Ito ay binubuo ng grupo ng mga tao na aktibong kasama sa pagtupad ng Dakilang Utos. Ito ay may pag-iisip ng Kaharian sa halip na sa denominasyon. Ito ay sumasamba, muling nabuhay na iglesya na puspos ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng Dios.

 

MGA KATANGIAN NG TAGAPAGPAKILOS

 

Minsan mayroong kilalang siyentipiko na si Sir Isaac Newton. Pinag-aralan at isinulat niya ang natural na batas ng pagkilos. Ang unang  batas ay ...

 

“Ang katawan na kumilos ay nahihilig na manatiling kumikilos at ang katawan na nakatigil ay nahihilig na manatiling nakatigil.”


Ito ay tutoo rin sa espirituwal. Ang mga tao ay mananatiling walang bahala, walang malasakit, at hindi aktibo hanggat hindi maibunsod at mapakilos para sa gawain Ng Kaharian.

 

Dito papasok ang ministeryo ng “nagpapakilos”. Ang isang nagpapakilos ay nagpapakilos sa iba. Ngunti para magawa ito dapat muna niyang pakilusin ang kanyang sarili. Ang isang napakilos na tao ay makapagpapakilos ng iba sa pamamagitang ng halimbawa at pagpapalakas ng loob sa halip na puwersa o takot.

 

Ang isang nagpapakilos ay nakatalaga sa tiyak na gawain ng Dakilang Utos. Nakatuon siya  sa labas ng kanyang sarili at sa kanyang personal at sariling mga pangangailangan. Hindi siya nakatingin sa organisasyon ,denominasyon. Siya ay nakatuon sa Kaharian . Ang kanyang mga layunin, at mga pakay ay nakatuon sa Kaharian Ng Dios.

 

Ang isang nagpapakilos ay inihahanda ang iba para sa gawain ng ministeryo sa pamamagitan ng paghamon sa kanila na may espirituwal na pangitain, pinatatatag sila sa saligan ng pananampalataya, at hinahamon sila sa espirituwal na pagpaparami. Tinutulungan niya ang mga tao na madiskubre at magamit ang kanilang kakayahan na walang madama na magkatakot sa kanilang espirituwal na paglago at pagunlad ng Kaharian Ng Dios.

 

Sa katunayan, ang espirituwal na mga lider na itinatag Ng Dios sa iglesya ay mga apostol, propeta, ebanghelista, pastor, at mga guro ay lahat na dapat maging tagapagpakilos. Ang kanilang pakay ay para “maihanda” ang iba para sa gawain ng ministeryo (Efeso 4:11-12).

 

Ang isang tagapagpakilos ay hindi kailanman ipinapalagay ang mga tao bilang walang buhay na mga bagay na magagamit para magawa ang isang bagay. Alam niya na sa pagpapakilos higit sa pagsabi ng “gawin mo ito” at hayaan na gawin ng tao ang dapat gawin. Kinikilala niya na ang ibang tao ay ay ginawa sa wagis Ng Dios at hindi “mga bagay” para magamit, kahit sa gawain Ng Kaharian.

 

Ang isang tagapagpakilos ay matapang sa pagharap sa mga oposisyon at may malalim na espirituwal na karanasan. Ang kanyang buhay ay nahipo Ng kapangyarihan at kaluwalhatian Ng Dios. Siya ay lumalakad na may dangal at nananatili ng malapit, personal na kaugnayan Sa Panginoon.

 

Si Josue, ang lalaking napili Ng Dios para mapakilos ang Israel para kunin ang Lupang Pangako, ay isa sa pinakamagandang halimbawa ng tagapagpakilos. Pag-aaraln mo ang marami pang bagay tungkol sa kanya at mga katangian ng tagapagpakilos sa Ika-Labingapat na Kabanata ng kursong ito.

Maraming mga mananampalataya ang espirituwal na patay dahil ang nangangaral sa kanila ay patay na tao. Sila ay hindi aktibo, walang damdamin, walang bahala, at walang malasakit. Kung kulang ka sa pusong pagaapoy, ang iyong pinangungunayan ay wala nito.

 

Ang walang damdamin na relihiyon ay hindi makapapatay ng apoy ng nagngangalit na kaaway na nasa mundo natin ngayon. Ang pinakamahusay na paraan para lumaban sa apoy ay sa pamamagitan ng apoy. Kung paano natutunan ni Elias, ang kahoy ay hindi sapat, ang altar ay hindi sapat... kahit ang ating mga sakripisyo at hindi sapat. Dapat nating mahipo ang apoy ng Dios!

 

Nakatala sa Mga Bilang 16:46-48 kung paano si Aaron ay ginamit Ng Dios para tumayo sa pagitan ng buhay at patay, naglaan ng tulay ng buhay. Ito ang ginagawa ng napakilos na tao. Siya ay tumatayo sa pagitan ng patay (hindi kumikilos) at ng buhay (aktibo). Siya ay ginamit Ng Dios para pakilusin ang mga mananampalataya sa gawain. Daladala niya ang tagasuri na puspos ng apoy Ng Dios, pinagaapoy ang bawa’t buhay na kaniyang hinihipo ng apoy na ito.

 

Maraming mga tao ang nagsusubok na manguna sa mga anak Ng Dios at gawin ang gawain Ng Dios na may pusong hindi tunay na nagapoy o puso na nawala ang kanilang alab. Ang apoy ba na nagsindi sa disyerto ng nag-aapoy na puno sa panahon ni Moises ay makapagsisindi sa ating mga puso ng apoy hanggang  tayo ay magalab para Sa Dios? Ang apoy ba na nakita ni Ezekiel na umalis ng unti-unti mula sa Israel ay babalik sa atin ngayon?

 

PAGPAPAKILOS AT PANGHIHIKAYAT NG KALULUWA

 

Ano ang dahilan kung bakit natin pinakikilos ang mga tao?  Bakit natin sinusubukan na maibunsod ang hindi kumikilos na mga tao? Kung ang mga tao ay panatag sa ating kongregasyon ng iglesya at ang kanilang mga pangangailangan ay naaabot, bakit hahalukayin ang mga bagay na ito?

 

Dapat tayong magmalasakit sa pagpapakilos ng mga espirituwal na kayamanan dahil ito lamang ang paraan para ang dakilang espirituwal na pagaani ng ating mundo ay maaaring maani. Pinakikilos antin ang espirituwal na kayamanan para sa layunin ng panghihikayat ng kaluluwa.

 

May pagkakaiba sa pagitan ng pagpapakilos at sa ibang paraan ng panghihikayat ng kaluluwa. Sa karamihan sa mga programa ng panghihikayat, ang sentro ng atensiyon ay sa mga may “kaloob” ( o kung minsan sa makabagong iglesya ang “mga propesiyonal”) na ebanghelista. Sa ganitong uri ng panghihikayat ng kaluluwa, ang tuon ay sa pagdami ng bilang ng mga tagapakinig. Ang pagpapahayag, pag-aanyaya, pakikipanayam sa radyo at telebisyon, at marami pang ibang paraan na ginagamit. Ang lahat ng posibleng maaring gawin para mapalawak ang epekto ng ministeryo ng ebanghelista.

 

Ang napakilos na paraan sa panghihikayat ng kaluluwa ay nakatuon sa lahat ng mga mananampalataya, sa halip na sa may mga tiyak na ministeryo na kaloob ng panghihikayt ng kaluluwa. Hinahanap nitoa ng pagpaparami ng bilang ng mga nahikayat sa pamamagitan ng pagbunsod sa bawa’t isa sa mga anak Ng Dios para “gawin ang gawain ng ebanghelista” (II Timoteo 4:5).

 

Ang uri ng pagpapakilos ay ginawa sa balangkas ng Biblia ng Iglesya. Ito ay tinawag na “ministeryo ng katawan,” kung saan ang bawa’t tao ay nananagot ng kanyang kalagayan batay sa espirituwal na kaloob. Pagkatapos ang buong katawan ay naglilingkod na may pagkakaisa para maabot ang pangkalahatang mga layunin na may pakikiisa sa Dakilang Utos. Sa pagpapakilos para sa panghihikayat ng kaluluwa, ginagamit natin ang lahat ng maaaring paraan para maabot ang bawa’t antas ng lipunan, pagpapahayag ng buong ebanghelyo sa lahat ng mga tao.

 

ANG PANAHON NG PAGPAPAKILOS

 

Sa natural na hukbo, ang mga pangkat ay pinakikilos sa oras ng digmaan at /o malaking pangangailangan. Sa espirituwal, ito ay panahon ng pakikipaglaban. Tayo ay nasa dakilang labanan para sa mga puso, kaluluwa, at kaisipan ng mga lalaki at babae sa buong mundo. Ito ay panahon ng malaking pangangailangan. Tinitingnan natin ito kung paano natin tinitingnan ang espirituwal na pagaani ng bukirin sa mundo, handa na anihin, ngunti may kakaunti na mga manggagawa ang gumagawa ng bahagya sa paglubog ng araw. Ngayon ang panahon sa pagpapakilos sa mga anak Ng Dios. Katulad ng sinabi ni propeta Micah, “Kumilos! Ang kaaway ay nangubkob...” (Mikas 5:1, ang Mabuting Balita Biblia).

 

Ngunit para mapakilos, dapat tayong bumalik Sa utos Ng Dios sa halip na ayon sa pangangailangan na ministeryo. Dapat tayong dumepende Sa Dios sa halip na sa sarili. Ang organisasyon, pagkakaisa, pagpapadami, doktrina... ang lahat ng mga ito ay mahalaga. Ngunit Ang Dios lamang ang makapagpapadala ng apoy, ng kaluwalhatian, at ang “revival” ng nagpapakilos sa Kanyang mga anak. Kung paanoang katawan na walang hininga at buhay, gayundin ang mga anak Ng Dios na organisado, mag pagkakaisa, at naturuan ng doktrina, ngunti kulang sa hininga ng buhay Ng Espiritu Santo.

 

Kung aasa ka sa iyong pinag-aralan, iyong magagawa kung ano ang nagawa ng pag-aaral. Kung aasa ka sa kakayahan at matiyagang paggawa, iyong makakamit ang mga resulta ng iyong matiyagang paggawa at kakayahan. Kung aasa ka sa komite lamang, marami kang magagawa ... ngunit kung ano lamang ang magagawa ng komite. Ngunit kung aasa ka Sa Dios, magagawa mo kung ano ang magagawa Ng Dios!

 

Ang pagsisikap ng tao ay hindi kailanman magagawa ang gawain. Ang dakilang huling panahon ng pag-aani  ay hindi maaani ng makalaman na mga paraan:

 

Napakamangmang na baga kayo? Kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo’y nangagpapakasakdal kayo sa laman?(Galacia 3:3)

 

Ang gawain na ito ay hindi magagawa ng pagmamanipula o sa kalakasan ng tao o kapangyarihan.

 

Nang magkagayo’y siya’y sumagot at nagsalita sa akin... hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (Zacarias 4:6)

 

Maraming taon ang nakalipas, Ang Dios ay nagbigay sa isang propeta na si Zacarias ng pangitain ng isang gintong sabitan ng lampara. Ang lampara ang nagbigay ng liwanag sa daluyan na nakatanggap ng langis galing sa buhay na puno ng olobo. Ang lampara ay nagapoy hanggat ang langis ay dumadaloy.

 

Hindi mo magagawa ang gawain Ng Dios kung wala ang pahid Ng Dios na patuloy na dumadaloy sa iyong buhay. Dapat kang nakakabit sa buhay na puno ng olibo. Katulad ng sagana na namumunga dapat kang maikabit sa puno (Juan 15). Ito ay banal na nagbunsod. Ito ay makapangyarihang pagpapakilos.

 

Si Jesus ay nahipo ng pagpapakilos na ito ng apoy Ng Espiritu Santo (Lucas 4:18). Ang unang iglesya ay nagapoy sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pentecostes (Mga Gawa 2). Alam ni David ang kapangyarihan Ng Espiritu (II Samuel 23:2). Pinatotohanan ni Ezekiel ito ng paulit-ulit. Sina Ezra (Ezra 7;6) at Nehemias (Nehemias 2:18) ay nadama rin  ang nagbunsod, nagpapakilos na mga puwersa Ng Dios nang ang kamay Ng Panginoon ay nasa kanila. Alam ni apostol Pablo ito (II Corinto 1:1-22).

 

At malalaman mo rin ito!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING-PAGSUSULIT

 

1.                  Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

________________________________________

2.                  Ibigay ang kahulugan ng  “ pagmamanipula.”

________________________________________

________________________________________

3.                  Ibigay ang kahulugan ng  “pagpapakilos.”

________________________________________

________________________________________

4.                  Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng espirituwal na pagpapakilos sa pagmamanipula.

________________________________________

________________________________________

5.                  Ipaliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng hindi kumikilos at kumikilos na tao.

________________________________________

 

6.                  Ibuod ang kaugnayan sa pagitan ng pagpapakilos at panghihikayat ng kaluluwa.

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Basahin ang istorya ng hukbo ni David sa I Samuel 30. Obserbahan kung paano ang mga lalaking ito ay mayroong larawan ng isang taong pinaghinaan ng loob:

 

“Ang taong pinanghinaan ng loob ay sarado ang isipan, may pangangailangan ng kapangyarihan, pangunguna, at nais na mangyari ang kanyang sariling paraan. Umiiwas siya sa personal na responsabilidad, sinisisi ang iba sa mga problema, at nais na maghiganti. Siya ay hindi matatag at hindi tapat.”

 

Ano ang ginawa ni David para mabago ang kalagayan?  May kilala ka bang tao na pinaghihinaan ng loob? Paano mo siya mapalalakas ang loob nila?

 

2. Ang likas ng pagbunsod sa  tao ay pinagaralan gn lalaking si Abraham Maslow. Sinasabi niya para maibunsod ang mga tao na kumilos dapat mong matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan na kasama ang mga sumusunod:

 

            -Para matupad ang sariling kakayahan.

            -Para lumago at umunlad.

            -Para maging malikhain.

            -Pahalagahan ng iba.

            -Pahalagahan ang sarili.

            -Madama na siya ay kasama.

            -Para magmahal.

            -Para mahalin.

            -Tirahan.

            -Ligtas.

            -“Sex”

            -Uhaw.

            -Gutom.

 

Habang ang mga ito ay mahalaga sa buhay dito sa mundo, ang lahat ng mga ito ay makalaman an pagnanais. Ang mga tao na napakilos batay sa mga pagtuon sa mga ganitong mga pangangailangan ay hindi mananatiling nahikayat. Kung ang kanilang makasariling mga pangangailangan ay hindi matugunan, sila ay babalik sa hindi paggawa.

 

Hindi mo mapakikilos ang mga tao para sa espirituwal na mga layunin batay sa makalaman na mga pangangailangan. Dapat mo  silang mapakilos para sa espirituwal na mga layunin batay sa espirituwal na mga prinsipyo.

 

 

 

 

IKALAWANG KABANATA

 

ANG BATAYAN SA BIBLIA NG PAGPAPAKILOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung paano ang pagpapakilos ay itinakda Ng Dios.

·                    Kilalanin ang paglalarawan batay sa termino ng Biblia na nagpapahiwatig sa pagpapakilos.

·                    Kilalanin ang utos batay sa Biblia para sa pagpapakilos sa mga mananampalataya.

·                    Ipaliwanag kung paano ang pagpapakilos ay ginagawa sa iglesya sa Bagong Tipan.

·                    Isulat ang halimbawa ng pagpapakilos sa Lumang Tipan.

·                    Ibuod kung ano ang iyong natutunan tungkol sa pagpapakilos mula sa buhay ni Gedeon.

 

SUSING TALATA:

 

Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. (Mga Gawa 8:4)

 

PAMBUNGAD

 

Sa buong talaan ng Biblia, ginagawa Ng Dios ang Kanyang plano at natutupad ang Kanyang mga layunin sa mga pamamagitan ng mga tao na kumikilos para gumawa. Ipinahayag ng Biblia na ang pagpapakilos ay utos Ng Dios at ipinahihiwatig batay sa termino ng paglalarawan sa Biblia. Ito ay inilarawan sa iglesya sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan, at ito ay  naka sentro sa utos na ibinigay sa mga mananampalataya para tuparin ang Dakilang Utos.

 

Sa aralin na ito iyong pag-aaralan ang batayan sa Biblia ng pagpapakilos. Matututunan mo rin ang sentral na katotohanan ng pagpapakilos sa Biblia. Sa katotohanan ang ganitong pagpapakilos ay hindi nakabatay sa pangangalap ng malaking pisikal o pinanggagalingan ng salapi. Ang Dios ay gumagawa ng makapangyarihang mga bagay sa pamamagitan ng kakauntinig mga tao na napakilos para gumawa at tumugon sa Kanyang tawag.

 

ANG PAGPAPAKILOS AY ITINAKDA NG DIOS

 

Basahin ang Efeso 4:11-16. Ipinahayag ng mga talatang na ang dahilan kung bakit nagbigay Ang Panginoon ng natatanging mga kaloob sa pamunuan ng Iglesya ay para sa layunin na maihanda (pagpapakilos) ang mga tao para sa gawain  ng ministeryo. Ang lahat ng  mga apostol, propeta, ebanghelista, pastor, at guro ay dapat na “nagpapakilos.” Sila ang natatanging ministeryo ng mga kaloob na itinalaga Ng Dios para maihanda (mapakilos) ang mga mananampalataya para sa gawain ng ministeryo. Ang katotohanan na ang Espiritu Santo ay nananahan at nagbibigay sa bawa’t mananampalataya ng espirituwal na mga kaloob ay nagpapatunay din na ang pagpapakilos ng buong Katawan Ni Cristo ay itinalaga Ng Dios (Roma 12:3-8 at I Corinto 12:1-31).

 

ANG PAGPAPAKILOS AY IPINAHIHIWATIG NG PAGLALARAWAN NA MGA TERMINO

 

Ang ginamit na mga termino na naglalarawan para sa Iglesya ay nagpapahiwatig din ng pagpapakilos. Ang  Roma 12:3-8 at I Corinto 12:1-31 ay nagsasabi ng tungkol sa Iglesya na gumagawa bilang “katawan,” na ang bawa’t mananampalataya ay napakilos para matupad ang naiibang layunin. Ang pagiging saserdote ng lahat ng mga mananampalataya na inilarawan sa Hebreo 10:19-22, I Pedro 2:9, at Apocalipsis 1:6 ay nagpapahiwatig ng ang pagpapakilos ng buong Iglesya para sa gawain ng Kaharian.

 

ANG PAGPAPAKILOS AY NAKA SENTRO SA UTOS NG BIBLIA

 

Ang pagpapakilos ay naka sentro sa utos sa Biblia na ibinigay sa mga mananampalataya. Halimbawa, maliwanag na sinabi sa Biblia na ang mga mananampalataya ay nilalang para gumawa na mabubuting mga gawa. (Tingnan ang Efeso 2:10, Tito 2:14; 3:8; Santiago 2;17, at I Pedro 2:12). Para matupad natin ang mga ito, dapat tayong mapakilos na gumawa.

 

Ang pagpapakilos ay naka sentro rin sa pagtupad ng Dakilang Utos para maipalaganap ang Ebangehlyo sa mga bansa ng mundo:

 

Dahil dito magsiayon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

 

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo...(Mateo 28:19-20)

 

Humayo, mangaral, magturo, bautismuhan... ang lahat ng mga ito ay salita na kumikilos. Ang napakilos na puwersa ng mga mananampalataya ay kinakailangan para matupad ang mga utos na ito.

 

ANG PAGPAPAKILOS AY GINAGAWA SA BAGONG TIPAN

 

Ang Iglesya sa Bagong Tipan ay napakilos na grupo ng mga tao. Sila ay araw-araw na nag miministeryo sa templo at sa bawa’t bahay (Mga Gawa 5:42). Sila ay nagpupuri at sumasamba Sa Dios, at pinararami Ng Panginoon ang kanilang bilang araw-araw (Mga Gawa 2:47).

 

Kahit ang pag-uusig ay hindi nagpalamig sa kanilang kasigasigan. Ang resulta ng pag-uusig sa pagkalat ng kanilang mga kaanib ngunit...

 

Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. (Mga Gawa 8:4)

 

Ang unang iglesya ay nagbuo ng grupo ng mga misyonero at ipanadala sila sa ibang mga bansa (Mga Gawa 13:1-3). Sila ay nag ministeryo mula sa Jerusalem, Judea, Samaria, at sa dulo na bahagi ng mundo. Literal nila na “binaliktad ang mundo ng upside down” para Sa Dios (Mga Gawa 17:10).

 

ANG PAGPAPAKILOS AY INILARAWAN SA LUMANG TIPAN

 

Ang pagpapakilos ay inilarawan din sa Lumang Tipan. Basahin kung paano pinakilos Ng Dios ang Kanyang mga anak para ...

 

            -Ang pagtatayo ng taberbakulo:                 Exodo 35:4-29

            -Ang pagsakop sa Lupang Pangako:               Josue 1:10-15

            -Ang pagtatayo ng unang templo:               I Mga Hari 5:13-18; I Cronica 29:1-9

            -Ang pagtatayo ng ikalawang templo: Ezra 1:5-6; 3:8-13; Hagai 1:2-15

            -Ang muling pagtatayo ng pader ng Jerico:            Nehemias 2:17-6:15

 

Mapag-aaralan mo rin ang talaan sa Lumang Tipan ng mga pakikipaglaban kung saan pinakilos Ng Dios ang Kanyang mga anak para lupigin ang kapangyarihan ng kalaban. Ang nakatutuwang halimbawa ay ang istorya ni Gedeon.

 

ANG HALIMBAWA NI GEDEON

 

Ang isa sa pinakadakilang prinsipyo ng pagpapakilos sa Biblia ay ang pagtupad Ng Dios sa dakilang mga bagay sa pamamagitan ng kakaunting mga tao na napakilos para sa Kanyang mga layunin. Tatawagin natin itong ang “halimbawa ni Gedeon” ng pagpapakilos dahil ito ay inilarawan ng istorya ng lalaking si Gedeon.

 

Basahin ang Mga Hukom 6:11-24. Nang ang anghel ay nagpakita kay Gedeon, hindi tinutukoy ng lalake ang tungkol sa pakikipaglaban o pagpasok sa lupain. Ginagawa niya ang kabaliktaran. Siya ay nagtatago sa kalaban na dumating sa lupain pagkatapos na itinanim ng Israela ng kanilang binhi. Ninanakaw ng kalaban ang anihin at sinusubukan ni Gedeon na anihin ang limitadong anihin na may pagtatago at takot.

 

Ito ay larawan ng maraming “pag-aani” na ginagawa sa mundo ngayon. Ang mga tao ay nagsusubok na anihin ang espirituwal na anihin para Sa Dios habang nagtatago sa takot, nagtatago sa kalaban. Habang tayo ay nasa depensibong kalagayan na ito, ang ating “paghihiwalay” sa mga butil ay magiging limitado . Katulad ng Israel , tayo ay magiging “maghihirap ng mabigat.”

 

Nang ang anghel ay kinausap tinawag siyang “lalaking makapangyarihan na may tapang,” maiisip natin na si Gedeon ay tumingin sa paligid at sinabi sa kanyang sarili, “Wala akong nakikitang makapangyarihan na mandirigma.” Hindi niya nakikilala na Ang Panginoon ay nasa kanya.”

Ang lahat ng nakita ni Gedeon ay ang nakagugulat na kalagayaan sa nakapalibot sa kanya. Kanyang itinanong, “ Kung Ang Panginoon ay kasama namin, bakit nga ang lahat ay sumapit sa amin?  Nasaan ang lahat ng Kanyang mga himala na sinabi sa amin ng aming mga ama?

 

Kung iyong titingnan ang kalagayan ng inyong bansa at ang mundo na nakapalibot sa iyo, maaring mong maitanong “Kung ang Dios ay kasama natin, bakit nangyayari ang lahat ng ito?  Nakapanghihina ng loob. Ito ay nakagugulat. Nasaan ang mahimalang gawa ng kapangyarihan  Ng Dios?

 

Nasa ganitong kalagayan ng takot at pagaalinlangan kaya ang Dios ay patuloy na tumatawag ng mga “Gedeon” ngayon. Ang katotohanan ng “halimbawa ni Gedeon” ay ang Dios ay tumatawag sa mahihinang mga tao para gumawa ng makapangyarihang mga bagay. Sinabi ng anghel kay Gedeon, “ Yuamaon ka sa kalakasan mong ito... hindi ba Ako ang nagsugo sa iyo?”  Ang nag-iisang nagbunsod na magbibigay ng kapangyarihan sa atin para maabot ang mahirap na pagsubok ng ating henerasyon ay ang pangako na ang Panginoon ay kasama natin. Ang pangako ng na ang presensiya Niya ay ibinigay sa mga napakilos na gumawa at tumugon sa Kanyang tawag na humayo:

 

Dahil dito magsiayon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa... at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan  ng sanglibutan. (Bahagi ng Mateo 28:19-20)

 

Tinanong ni Gedeon ang anghel, “Paano ko magagawa ito? Ang aking lipi ang pinakadukha at ako ang pinakamaliit sa aming pamilya.” Nadama rin ni Moises ang ganito. Gayun din si Jeremias at kahit si Apostol Pablo. Maaaring ganito rin ang iyong nadarama. Maaari mong madama na ikaw ay limitado sa iyong katatayuan sa lipunan, pananalapi, pinagaralan, o kakayahan.

 

Ngunit Ang Dios ay gumagawa sa mahihinang mga tao na napakilos para tumugon sa Kanyang tawag:

 

Sapagka’t masdan ninyo ang sa inyo’y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangayarihan , hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:

 

Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;

 

At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, an pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalan ng halaga ang mga bagay na mahahalaga:

 

Upang walang laman na magmapuri sa haarapn ng Dios. (I Corinto 1:26-29)

 

Ang partikular na kakayahan na kaloob Ng Dios kay Gedeon ay hindi lamang ang kanyang kakayahan sa pag-utos sa hukbo. Ang kakayahan sa pagbunsod sa iba na sumama sa gawain. Alam natin na siya ay tagumpay dito dahil sa 32,000 mga lalake ang tumugon sa kanyang tawag sa hukbo!

 

Ngunit pagkatapos na pinalakas ng loob Ng Dios si Gedeon sa pangangalap ng mga tao , Ipinakikita Niya na Siya ay kumikilos sa kakaunti gayundin sa marami. Inalis Ng Dios ang 22,000 na may kakayahan na makipaglaban. Ang sinoman na may takot ay pinahintulutan na umuwi.

 

Sinala Ng Dios ang 9,700 na mga lalaki . Ang mga hindi nababahala at listo ( hindi mga nagmamasid habang umiinom) ay pinauwi rin. Natira ang 300 na mga lalake... isang porsiyento sa orihinal na nag boluntaryo. Isipin mo kung ano ang nadama ni Gedeon, haharapin na mga hukbo ng 135,000 na mga lalake!

 

Ang kakaiba ay 450 mga lalaki pabor sa Madian sa iisa. Ngunit Ang Dios ay gumagawa ng dakilang mga bagay sa pamamagitan ng kakaunting mga lalake. Sila ay nanalo sa kanilang kalaban. Kanilang nakuha ang kanilang teritoryo na tamang kanila. Naani nila ang kanilang anihin.

 

Nang ang pagsasanib ng Madian, Amalekita, at iba pa ay nagsama-sama laban sa anak Ng Dios, ang Espiritu Ng Dios ay dumaloy kay Gedeon. Ang literal na ibig sabihin ng salitang Hebreo ay “dumaloy” ay “nadamitan.” Ang kapangyarihan Ng Dios ay ibinigay kay Gedeon sa panahon ng pangangailangan... hindi bago at hindi pagkatapos. Makikita mo rin ang katotohanan na ito sa iyong buhay. Ang makapangyarihan na pagpapakilos Ng Dios ay hindi mo mararanasan hanggat hindi ka tumutugon sa Kanyang tawag na humayo.

 

Ang kampo ng lumulusob na kalabaan ay inilarawan bilang “ nakapirmi sa burol na tulad ng makapal na balang.” Ang kanilang kamelyo ay katulad ng “buhangin sa pampang.” Ito ay napakarami. Ginulat ni Gedeon ang kaaway sa paghihip ng trumpeta at  pagwagayway ng mga  sulo. Ito ang maaaring pinakamalaking pagpapanakbuhan ng kamelyo sa kasaysayan! Ang kasama sa tagumpay ni Gedeon ang mahusay na estratehiya at maingat na pag-aayos, organisadong gawa, ngunit may mas mahigit dito. Ito ay pagsisikap na itinalaga at pinakilos ng kapangyarihan Ng Dios.

 

Maaari kang mahina at matatakutin na tao na gumagawa na may mahina at matatakutin na mga tao na kakaunti sa bilang. Ngunit maaaring bigyan ka Ng Dios ng Kanyang kapangyarihan kung paano Niya binigyan si Gedeon. Ikaw ba ay mahina sa tao, pananalapi, at materyal na pinagkukunan? Matuwa ka... Natutuwa na gumawa Ang Dios ng dakilang mga bagay sa pamamagitan ng limitado na natural na paraan... At kung gagawin Niya , kukunin Niya ang kaluwalhatian!

 

Ang istorya ni Gedeon ay naglalarawan na ang kakaunting mandirigma, napakilos ng kapangyarihan Ng Dios, na organisa sa magkatulad na pangitain at estratehiya ay maaaring maging tagumpay laban sa nakagugulat na pangyayari.

 

PANSARILING PAG-SUSULIT

 

1.                  Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.         Paano ang pagpapakilos ay itinakda Ng Dios?

 

________________________________________

 

3.                  Ano ang ilan sa mga paglalarawan batay sa termino ng Biblia na nagpapahiwatig sa pagpapakilos?

 

________________________________________

 

4.                  Kilalanin ang isang utos batay sa Biblia para sa pagpapakilos sa mga mananampalataya.

 

________________________________________

 

5.                  Ipaliwanag kung paano ang pagpapakilos ay ginagawa sa iglesya sa Bagong Tipan.

 

________________________________________

 

6.                  Isulat ang halimbawa ng pagpapakilos sa Lumang Tipan.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

7.                  Ibuod kung ano ang iyong natutunan tungkol sa pagpapakilos mula sa buhay ni Gideon.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kanabata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ilan sa mga talinghaga na sinabi Ni Jesus sa Bagong Tipan ay ipinahayag ang kahalagahan ng pagpapakilos.

 

Pag-aralan ang sumusunod na talinghaga:

 

1. Ang mga mananampalataya ay dapat na mapakilos para hanapin ang naliligaw sa kasalanan:

 

-Ang Talinghaga ng nawalang tupa:                          Mateo 18:12-14;  Lucas 15:4-7

-Ang Talinghaga ng nawawalang pilak:                Lucas 15:8-10

-Ang Talinghaga ng alibughang anak:                Lucas 15:11-32

 

2. Ang mga mananampalataya ay dapat na mapakilos para maging handa sa pagbabalik Ni Jesus:

 

-Ang Talinghaga ng mga salapi:                                Mateo 25:14-30; Lucas 19:11-27

-Ang Talinghaga ng taong naglakabay sa               Marcos 13:34-37

malayong lupain

-Ang Talinghaga ng mga alipin:                                Mateo 24:43-51; Lucas 12:39-46

-Ang Talinghaga ng nagmamasid na mga alipin:            Lucas 12:36-38

-Ang Talinghaga ng sampung dalaga:              Mateo 25:1-12

 

3. Ang mga mananampalataya ay dapat na mapakilos para gawin ang gawain Ng Dios sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo:

 

- Ang Talinghaga ng maghahasik:                              Mateo 13:3-8;  Marcos 4:3-8

-Ang Talinghaga ng damo at trigo:                           Mateo 13:24-30

-Ang Talinghaga ng lambat:                                     Mateo 13:47-50

-Ang Talinghaga ng buto ng mustasa:                       Mateo 13:31-32; Marcos 4:31-32;

Lucas 13:19

-Ang Talinghaga ng mga salapi:                                Mateo 25:14-30; Lucas 19:11-27

-Ang Talinghaga ng pag-aani:                                  Mateo 9:37-38; Lucas 10:2

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG KABANATA

 

ANG APOY NG DIOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Talakayin ang espirituwal na pagkakapareho ng pakinabang ng natural na apoy.

·                    Ibigay ang kahulugan ng “apoy Ng Dios.”

·                    Ibigay ang buod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa apoy ng Pentecostes.

·                    Kilalanin ang mga layunin ng apoy Ng Dios.

·                    Ipaliwanag kung paano mararanasan ang apoy Ng Dios.

 

SUSING MGA TALATA:

 

Nang makatapos nga ng pananalangin si Solomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

 

At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.

 

At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica 7:1-3)

 

PAMBUNGAD

 

Sa Ikalawang Kabanata siniyasat mo ang batayan ng Biblia sa pagpapakilos, natutunan na Ang Dios ay kumikilos sa pamamagitan ng napakilos na mga tao, kung sila man ay marami o kakaunti. Ang kabanatang ito ang una sa ilan na nakatuon sa espirituwal na bahagi ng nagpapakilos sa mga  anak Ng Dios. Sa kabanatang ito at sa susunod na mga aralin iyong pag-aaralan ang apoy Ng Dios , ang kalulwalhatian Ng Dios , at ang pagsamba Sa Dios.

 

Tumigil at basahin na muli ang Susing Mga Talata para sa aralin na ito (II Cronica 7:1-3). Iyong mapapansin na ang apoy Ng Dios ay naunang bumaba, pagkatapos ay ipinahayag ang kaluwalhatian Ng Dios, at sa katapusan ang mga anak Ng Dios ay pumasok sa tunay na pagsamba. Ang apoy Ng Dios , ang kaluwalhatian Ng Dios , at ang tunay na pagsamba ang lahat ng mga ito ay espirituwal na puwersa na nagpapakilos at naghahanda para kumilos ang anak Ng Dios na gumawa.

 

NATURAL NA APOY

 

Maraming positibong pakinabang ang apoy sa natural na mundo. Ang apoy ay nagbibigay ng lakas at init. Ito ay ginagamit para maghanda ng pagkain. Ang kontroladong pagsunog ng lupa ay nagbibigay ng mga abo na nagpapataba sa lupa para magkaroon ng magandang anihin.

 

Ang apoy ay tumutupok sa dumi. Sinusunog nito ang dumi sa ginto at pilak. Ang apoy ay nakakukuha ng pansin na nakikita ng maraming tao na palagiang nagtitipon kung ang isang bagay ay nasusunog. Ang apoy ay nagsisindi ng ibang apoy, ngunit ito ay mamamatay kung ito ay hindi patuloy na nagagatungan. Ang aandap-andap na apoy ay halos patay na ay maaaring paypayan para ito ay magningas na muli.

 

ESPIRITUWAL NA APOY

 

Ang natural na apoy ay katulad ng espirituwal na apoy. Ang apoy Ng Dios ay nagbibigay ng lakas para sa gawain Ng Dios. Pinaiinit nito ang malamig, hindi nababahala na espiritu. Ang resulta nito ay espirituwal na pagkain at maraming espirituwal na pagaani. Ang apoy Ng Dios ay sumusunog sa dumi ng iyong buhay,  gumagawa katulad ng ginagawa nito sa ginto at pilak sa natural na mundo para sunugin ang mga dumi.

 

Ang lalake at babae na mainit sa pamamagitan Ng apoy Ng Dios ay nakaaakit sa mga tao para sa mensahe ng Salita. Kung paano ang natural na apoy, ang espirituwal na apoy ay nagsisindi sa ibang mga apoy. Ang mananampalataya na nag-aapoy sa damdamin para sa mga naliligaw at nagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios ay madaling magpapainit sa mga buhay ng mga nakapalibot sa kanya.

 

Ngunit kung paano ang apoy sa natural na mundo ay dapat na patuloy na gatungan, gayun din ang espirituwal na apoy ay dapat na gatungan. Mayroon ba na pagkakataon na ikaw ay mas espirituwal na mainit para Sa Dios kaysa sa ngayon? Ang aandap-andap na apoy na halos patay na ay maaaring paliyabin para maging makinang na apoy.

 

Kung paano Ang Dios ang nagbibigay ng apoy sa altar ng sunugan ng handog, ibinibigay Niya ang Kanyang apoy  mula sa Langit para hipuin ang iyong kaluluwa. Ngunit ikaw ay may responsabilidad na panatilihin na nagbabaga ang apoy (Levitico 9:24;  II Cronica 7:11). Ikaw ay espirituwal na nagaapoy. Ang iyong espirituwal na likas ay nilikha para panatiliin na maalab sa pamamagitan ng espiritu Ng Dios. Ito ang ating panalangin para sa iyo sa iyong pag-aaral sa aralin na ito. “Magliyab Para Sa Dios.”

 

ANG DIOS AT ANG APOY

 

Madalas na may sinasabi ang Biblia tungkol sa apoy Ng Dios:

 

Sapagka’t ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga. (Deuteronomio 4:24)

 

Sapagka’t ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw. (Hebreo 12:29)

 

Ang mga tao na nakakita ng pangitain Ng Dios ay nagasasabi na ang Kanyang anyo ay katulad ng apoy:

 

Nang magkagayo’y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga. (Ezekiel 8:2)

 

Aking minasdan hanggang sa ang luklukan ay nangaglalagay, at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo; ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy.

 

Ang kaniyang katawan naman ay gaya ng berilo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng anyo ng kidlat, at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy, at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa, ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso, at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan. (Daniel 7:9;  10:6)

 

At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy. (Apocalipsis 1:14) (Tingnan din ang Apocalipsis 3:18) at 19:12 at Mga Awit 18:8,12)

 

ANO ANG APOY NG DIOS?

 

Kung ating pinaguusapan ang tungkol sa “apoy Ng Dios” hindi natin tinutukoy ang natural na apoy. Sinabi Ni Jesus:

 

Akoy’ naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na? (Lucas 12:49)

 

Ano ang apoy Ng Dios? Kung ating pinaguusapan ang “apoy Ng Dios,” ang tinutukoy natin ay ang apoy ng Pentecostes kung saan ang unang pagbuhos ng Espiritu Santo ay aktuwal na ipinakita:

 

At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, nanagkabahabahagi; at dumapo sa bawat isa sa kanila.

 

At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. (Mga Gawa 2:3-4)

 

Ang apoy Ng Dios ay ang apoy na naranasan sa Pentecostes. Ito ang apoy na magpapalaya sa iyong dila para magsalita. Ito ang apoy na magbibigay ng kapangyarihan para matupad ang Dakilang Utos:

 

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)

 

Sinabi Ni Jesus :

 

Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy. (Mateo 3:11)

 

ANG APOY NG PENTECOSTES

 

Narito ang ilang katotohanan tungkol sa apoy ng Pentecostes:

 

ITO AY PINAGNINGAS NG DIOS:

 

Paulit-ulit sa Salita, sinasabi Ng Dios “Paniningasin ko ang apoy” (tingnan ang Jeremias 21:14; 22:7;  49:27; 50:32; Amos 1:14;  2:2,5). Ang apoy Ng Dios ay hindi emosyon. Ito ay ay hindi pinagniningas ng mabilis na tugtugin o malakas na pangangaral. Ito ay pinagniningas at pinagaapoy Ng Dios. Ang apoy sa Pentecostes ay pinagningas ng Dios mismo:

 

Datapuwa’t ito’y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel:

 

At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang iyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, at ang iyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, ang iyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:

 

Oo’t sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon ibubuhos ko ang aking Espiritu...(Mga Gawa 2:16-18)

 

ITO AY WALANG GATONG:

 

Basahin ang istorya ni Moises at ang nagniningas na puno sa Exodo 3. Ito ay natural na halimbawa ng dakilang espirituwal na katotohanan. Ang apoy Ng Dios ay binaliwala ang gatong na kailangan ng puno at patuloy na nag-aapoy. Ang himala ay hindi sa nagaapoy na puno lalo na hindi sa walang gatong na apoy.

 

Alam ni Moises mula sa kanyang karanasan sa pagpatay sa taga Egipto na hindi niya mapagkakatiwalaan ang kanyang sariling damdamin o kapangyarihan para sa espirituwal na gawain kung saan siya tinawag Ng Dios. Sa nag-aapoy na puno inilarawan Ng Dios na ang Kanyang apoy ay nagniningas ng walang natural na gatong. Maaaring nasubukan mo na at nabigo sa gawain Ng Dios. Ngunit ang apoy Ng Dios ay binalewala ang “gatong” ng iyong natural na mga talento at kakayahan.

 

ITO AY NAGPAPATULOY:

 

Ang Dios ang nagbibigay ng apoy, ngunit may responsabilidad ka na panatiliin ang pagniningas:

 

Ang apoy ay papanatilihing nagninigas sa ibabaw ng dambana; hindi papatayin. (Levitico 6:13)

 

Nais Ng Dios na pagningasin mo ang baga ng iyong kaluluwa. Nais Niya na maginit ka para sa Kaharian Ng Dios.

 

ITO AY MAY-KAUGNAY SA KANYANG LIKAS:

 

Ang pitong espiritu Ng Dios ay may- kaugnayan sa apoy:

 

At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios. (Apocalipsis 4:5)

 

Ang pitong espiritu Ng Dios ay ang mga :

 

            1.            Katotohanan                                       Juan 16:13

            2.            Biyaya:                                     Hebreo 10:29

            3.            Buhay:                                                  Roma 8:2

            4.            Pagaampon:                                          Roma 8:15

            5.            Kabanalan:                                           Roma 1:4

            6.            Katalinuhan at pahayag:                       Efeso 1:17

            7.            Kaluwalhatian:                          I Pedro 4:14

 

Kung ang iyong buhay ay hinipo ng apoy Ng Dios, ang Kanyang Espiritu ng pagaampon ay kumikilos sa iyo. Ang kanyang katotohanan, biyaya, buhay, kabanalan, katalinuhan, at kaluwalhatian ay nagiinit sa iyong buhay.

 

 

 

 

ITO AY KAUGNAY SA PANALANGIN:

 

Basahin ang istorya ni Elias sa Bundok ng Carmel sa I Mga Hari 18. Nang si Elias ay manalangin ang apoy ng Dios ay bumaba. Kung nais natin na maranasan ang apoy ng Pentecostes, dapat tayong matutong manalangin. Sa Silid sa Itaas, ang mga mananampalataya ay nanalangin ng ilang araw at nagiisip kung bakit ang apoy Ng Dios ay hindi bumababa.

 

Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? Sabi ng Panginoon... (Jeremias 23:29)

 

At kung aking sabihin, hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako’y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil. (Jeremias 20:9)

 

Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka’t inyong sinalita ang salitang ito, narito, gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila’y pupugnawin niyaon. (Jeremias 5:14)

 

Ipinapayo ko s iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita. (Apocalipsis 3:18)

 

Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay. (Mga Awit 12:6)

 

Kung ang apoy Ng Dios ay hinipo ang iyong kaluluwa, ang Kanyang Salita ay katulad ng apoy na humipo sa iyong mga buto. Ito ay literal na magiinit sa iyo araw at gabi. Basahin ang Jeremias 36. Sa istoryang ito, sinubukan ng Hari na sirain ang Salita Ng Dios, ngunit nasumpungan niya na hindi niya mapigilan ang salita ng apoy!

 

ITO AY MAY-KAUGNAY SA KANYANG SALITA:

 

Ang apoy Ng Dios ay nangangailangan ng banal na sisidlan kung saan ito magliliyab. Ang bawa’t sisidlan na ginamit para sa apoy sa tabernakulo at templo ay banal. Maaari ka lamang maging banal habang ang naglilinis na apoy ng pagbabayad Ni Jesu Cristo ay nagliliyab sa iyong  buhay. Ang kaugnayan ng apoy sa pagbabayad ni Jesus ay inilarawan ng si Aaron ay tumayo sa pagitan ng buhay at mga ptay:

 

At sinabi ni Moises kay Aaron, kunin mo ang iyong suuban, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: sapagka’t may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na. (Mga Bilang 16:46)

 

 

 

 

ANG MGA  LAYUNIN NG APOY NG DIOS

 

Habang  pinag-aaralan mo ang sumusunod na mga layunin ng apoy Ng Dios, madali mong mauunawaan kung baki’t ang espirituwal na apoy na ito ay mahalaga sa pagbunsod at pagpapakilos:

 

ITO AY NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA IYONG MINISTERYO:

 

Ikaw ay napili Ng Dios sa gitna ng apoy ng paghihirap. Ikaw ay binigyan ng kapangyarihan Ng Dios para matupad ang iyong ministeryo sa pamamagitan ng Kanyang nakatutupok na apoy:

 

Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan.  (Isaias 64:2)

 

Narito dinalisay kita, ngunit hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian. (Isaias 48:10)

 

Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy. (Mga Awit 104:4)

 

ITO AY NAGPAPAKITA NG PRESENSIYA NG DIOS:

 

Ang simbolo ng natural na apoy ay palaging ginagamit para maipakita ang presensiya Ng Dios sa Lumang Tipan:

 

At ang Panginoo’y nagsalita sa iyo mula sa gitna ng apoy... (Deuteronomio 4:12)

 

Sapagkat ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng boong lahi ng Israel, sa kanilang boong paglalakbay. (Exodo 40:38) (Tingnan din ang Mga Bilang 9:15)

 

Ang espirituwal na apoy Ng Dios na nagliliyab sa iyong kaluluwa ay nagpapakita rin ng Kanyang presensiya. Ang iyong ministeryo ay pinatutunayan ng presensiya Ng Dios.

 

 

 

 

 

ITO AY NAGBIBIGAY NG PATNUBAY:

 

Kung ang mga tao ay napakilos para sa gawain ng Panginoon, sila ay mayroon dapat na direksiyon. Ang apoy Ng Dios ay tanda ng direksiyon na Kanyang ibinibigay sa Kanyang mga anak:

 

At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila’y makapaglakad sa araw at sa gabi.

 

Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan. (Exodo 13:21-22)

 

At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sa pagka’t ikaw Panginoon ay napakita ng mukhaan, at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw at sa isang haliging apoy sa gabi. (Mga Bilang 14:14) (Tingnan din ang Nehemias 9:12,19; Mga Awit 78:14;  105:39)

 

Na nagpauna sa inyo, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi upang ituro sa inyo kung saan daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw. (Deuteronomio 1:33)

 

 

ITO AY NAGLILINIS AT NAGPAPAPINO:

 

Sa panahon ng Lumang Tipan, ang apoy ay ginagamit  para sirain ang anumang hindi banal:

 

-Anumang bagay na naapektuhgan ng ketong ay dapat na sunugin ng apoy: Levitico 13:52

 

-Ang mga rebulto ay dapat sunugin ng apoy:  Deuteronomio 7:5; 25; 9:21;  12:3; 

I Cronica  14:12;  Isaias 37:19;  Jeremias 43:13; Mikas 1:7

 

-Ang nasamsam ng iyong kalaban ay dapat na sunugin:  Deuteronomio 13:16

 

- Ang apoy Ng Dios sa buhay ng mga mananampalataya ay nagpapapino at sinusunog ang hindi banal:

 

Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga bata, at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa...(Isaias 54:16)

 

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin , ang Panginoon ay aking Dios. (Zacarias 13:9)

 

...Sapagkat siya’y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi... (Malakias 3:2)

 

Para ikaw ay magamit Ng Dios , dapat mong sunugin ang karumihan sa iyong buhay. Kung tatanggi ka sa proseso ng paglilinis, ikaw ay makakatulad ng napakasamang (tumatanggi)  pilak na hindi mabuti:

 

Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na nanganinirang puri; sila’y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.

 

Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagkat ang masama ay hindi nangaalis.

 

Tatawagin silang pilak na itinakuwil, sapagkat itinakuwil sila ng Panginoon. (Jeremias 6:28-30)

 

ITO AY NAGHIHIWALAY:

 

Ang apoy ay ginagamit sa proseso ng paghihiwalay, sa parehong natural at espirituwal na mga mundo:

 

Bawat bagay na hindi naaano sa apoy, ay inyong pararaanin sa apoy, at magiging malinis; gayon ma’y inyong lilinisin ng tubig para sa karumihan; at ang lahat na hindi nakatatagal sa apoy, ay inyong pararaanin sa tubig. (Mga Bilang 31:23)

 

Kaya’t kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng trigo, at kung paanong ang tuyong damo ay nasusupok sa alab...(Isaias 5:24)

 

At ngayon pa’y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy; ang bawat punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy. (Mateo 3:10) (Tingnan din ang Mateo 7:19 at 13:40-42)

 

Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya’y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at masusunog. (Juan 15:6)

 

Kung iakw ay tunay na napakilos para Sa Dios, ikaw ay inihiwalay mula sa kasalanan at sa mga bagay ng mundong ito. Ikaw ay inihiwalay para sa Kanyang layunin at ang gawa ng Kaharian.

 

ITO AY SUMUSUBOK:

 

Ang apoy Ng Dios ay “nagsusubok” na apoy. Susubukin ng apoy ang iyong pananampalataya Sa Dios:

 

Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagamat ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa  pagpapakahayag ni Jesucristo. (I Pedro 1:7)

 

Susubukin din ng apoy ang iyong gawa para Sa Dios:

 

Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag: sapagkat ang araw ang magsasaysay, sapagkat sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon.

 

Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya’y tatanggap ng kagantihan.

 

Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: ngunit siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma’y tulad sa pamamagitan ng apoy. (I Corinto 3:13-15)

 

Ang kahoy, dayami, at pinaggapasan ( sa ibabaw ng lupa) at sinusunog ng apoy. Ang ginto at pilak (sa ilalim ng lupa) ay hindi natutupok ng apoy. Ang lahat ng iyong ginagawa na nakikita at para makita ng mga tao ay gawa na matutupok ng apoy Ng Dios. Ang tunay na gawa na magtatagal ang kahalagahan ay karaniwang hindi nakikita at pinahahalagahan ng tao.

 

ITO AY NAGPAPAKITA NG PAGSANGAYON:

 

Basahin ang pagaalsa ni Korah sa Mga Bilang 16. Nang ang apoy ay bumaba, tinupok nito ang nagaalsang mga tao at ipnakita ang pagsangayon ng Dios sa Kanyang piniling mga pinuno. Sa II Mga Hari 1:10-14 Si Elias ay pinatunayan bilang lalaki Ng Dios nang ang apoy Ng Dios ay bumaba at tinupok ang mga kapitan at ang kanilang mga tao. Kahit Ang Dios ay maaaring hindi magpadala ng aktuwal na pisikal na apoy para ipakita ang Kanyang pagsangayon, ang espirituwal na apoy Ng Dios ay nananahan sa iyong buhay at ministeryo ay nagpapakita ng Kanyang pagsangayon.

 

IPINAKIKITA NITO ANG KAPANGYARIHAN NG DIOS

 

Pagbalik-aralan ng istorya ni Elias sa bundok ng Carmel sa I Mga Hari 18. Si Elias sa pagakakataon na ito, ang kapangyarihan Ng Dios ay ipinakita sa aktuwal na apoy. Maaaring hindi ipakita Ng Dios ang kanyang kapangyarihan sa aktuwal na apoy sa iyong pagmiministeryo, ngunit ipakikita Niya ang espirituwal na “apoy” . Habang  nasasaksihan ng mga tao ang Salita ng kapangyarihan at ang mga tanda na kasunod, kikilalanin nila ang nag-iisa na tunay at buhay Na Dios.

 

ITO AY ESPIRITUWAL NA SANDATA:

 

Ang apoy Ng Dios ay espirituwal na sandata:

 

At nangyari, sa pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio. (Exodo 14:24)

 

Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo’y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon. (Deuteronomio 9:3)

 

Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat; kaniyang sinisusog ang mga karo sa apoy. (Mga Awit 46:9)

 

Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. (Mga Awit 50:3)

 

Ang kalaban ay may nakatutupok na apoy para sirain ang lahat ng mabuti at dalisay sa iyong buhay (tingnan ang “Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng aralin na ito.)  Katulad ng iyong “paglaban sa apoy sa pamamagitan ng apoy” sa natural na mundo, sa pagtatatag ng “pagbalik ng apoy,” iyong lalabanan ang apoy ng kalaban ng espirituwal na apoy Ng Dios:

 

At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon;

 

Na anopa’t sila’y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagkat kanilang sisilaban ang mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios. (Ezekiel 39:9-10)

 

Ang apoy Ng Dios ay pumapatay sa apoy ng kalaban:

 

Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilnag kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. (Mga Awit 118:12)

 

Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay upang huwag na silang mangakabangon uli. (Mga Awit 140:10)

 

Sapagka’t ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon. (Kawikaan 25:22)

 

Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinususog ang kaniyang mga kaaway sa boong palibot. (Mga Awit 97:3)

 

At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama. (Mga Awit 106:18)

 

Kahit ang ginawa ni  Apostol Pablo sa natural na mundo, dapat espirituwal nating ipagpag ang  atake ng kalaban sa apoy Ng Dios:

 

Datapuwa’t pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kaniyang kamay. (Mga Gawa 28:3)

 

Sinabi sa Hebreo 11 na ang mga lalake  at babae na may pananampalataya na “Ipinagpag ang karahasan ng apoy...” (Hebreo 11:34).

 

PAANO MARARANASAN ANG APOY NG DIOS

 

Narito kung paano mo mararanasan at patuloy na mapananatili ang apoy Ng Dios sa iyong buhay:

 

MAGING “BORN AGAIN”

 

Dahil ang apoy Ng Dios ay espirituwal na apoy, dapat mong maranasan sa iyong espirituwal na pagkatao. Ang ibig sabihin nito ay dapat ka munang ma “born again” sa pamamagitan ng pagsisisi at pagtanggap Kay Jesu Cristo bilang iyong personal na Tagapagligtas.

 

TANGGAPIN ANG BAUTISMO NG ESPIRITU SANTO:

 

Iyong natutunan na ang apoy ng Dios ay may kaugnayan sa karanasan sa Pentecostes ng bautismo sa Espiritu Santo. Ang Harvestime Internatinal Network ay may kursong may pamagat na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo” na papatnubay sa iyo para maranasan ang bautismong ito Ng Espiritu Santo.

 

HAYAAN NA ANG APOY ANG MAGLINIS SA IYONG BUHAY:

 

Kung paano ang natural na apoy ay sinusunog at inaalis ang mga dumi sa ginto at pilak, ang apoy Ng Dios ang tutupok ng karumihan sa iyong espirituwal na buhay. Para patuloy mong maranasan ang apoy ng kapangyarihan ng Dios, dapat mong hayaan ang apoy Ng Dios na gawin itong  gawain ng paglilinis. Kung iyong tatanggihan ang apoy na maglilinis sa mga karumihan na ito, ito ay katulad ng pagtapon ng tubig sa natural na apoy. Ang apoy ay mamamatay.

 

 

 

 

PAGNINGASIN ANG IBANG MGA APOY:

 

Sa natural na mundo , ang apoy ay lumalaki ayon sa lakas habang ito ay nagpapaapoy ng ibang apoy sa nakapalibot dito.Totoo rin ito sa espirituwal na mundo. Kung iyong patuloy na nararanasan ang apoy Ng Dios, dapat kang maging aktibo sa pagsisindi ng iba na nakapalibot sa iyo. Dapat mong gawin ito para matupad ang Dakilang Utos at pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iba. Ang apoy ay umaakit sa mga tao, na nakikita mula sa mga tao na palaging nagsasama-sama para magtipon kung may nagaapoy. Hayaan na ang apoy Ng Dios na nasa iyo ay magsindi ng espirituwal na apoy sa iba.

 

PATULOY NA GATUNGAN ANG APOY:

 

Sa natural na mundo natural na ang apoy ay mamatay kung hindi ito patuloy na magatungan. Tutoo rin ito sa espirituwal na mundo. Dapat mong patuloy na gatungan ang espirituwal na apoy sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng Salita Ng Dios . Ang aandap-andap na apoy na halos patay na ay maaaring mapaypayang muli para ito ay magningas ng malakas.

 

ANG APOY, ANG KALUWALHATIAN, AT ANG PAGSAMBA

 

Ang apoy Ng Dios ay may kaugnayan sa kaluwalhatian ng Dios:

 

Sapagkat ako, sabi  ng Panginoon, ay magiging sa kaniya’y isang kutang apoy sa palibot, at ako’y magiging kaluwalhatian sa gitna niya. (Zacarias 2:5)

 

At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban, at ipinakuha sa kaniyang abay. (Exodo 2:5... Tingnan din ang Deuteronomio 5:24)

 

At sinabi ni Saul sa kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay nasumpungan na. Ngunit tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya.

(I Samuel 10:16)

 

...sapagkat sa itaas ng lahat ng kalauwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. (Isaias 4:5)

 

Kaya’t luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga’y ang pangalanng Panginoon, ng Dios ng Israel sa mga pulo ng dagat. (Isaias 24:15)

 

Ang apoy at ang kaluwalhatian Ng Dios ay may –kaugnayan din sa pagsamba. Pansinin na ang apoy, kaluwalhatian, at pagsamba ay nabanggit na may ayos:

 

Nang makatapos nga ng pananalangin si Solomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

 

At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.

 

At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica 7:1-3)

 

Hindi tayo mapakikilos para sa gawain ng ministeryo sa pamamagitan lamang ng damdamin. Ito ay dapat na tunay na apoy ng buhay Na Dios. Hindi tayo mapakikilos ng kaluwalhatian ang sarili, tao ng mundong ito. Dapat tayong mapakilos ng kaluwalhatian Ng Dios. Hindi tayo makasasamba ng malamig na pormalidad. Ang ating pagsamba ay dapat na kaloob at bigay ng apoy at kaluwalhatian Ng Dios.

 

Ang apoy, kaluwalhatian , at pagsamba... Sa ayos na ito.

 

Sa susunod na aralin iyong sisimulan ang iyong pag-aaral sa “kaluwalhatian.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.                  Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2                    Talakayin ang espirituwal na pagkakatulad ng pakinabang ng natural na apoy.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

3.         Ibigay ang kahulugan ng “apoy Ng Dios.”

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

4.                  Ibigay ang buod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa apoy ng Pentecostes.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

5.                  Kilalanin ang mga layunin ng apoy Ng Dios.

 

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

6.                  Ipaliwanag kung paano mararanasan at mapananatili ang apoy Ng Dios.

 

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.      Dapat kang maging maingat na hindi malito sa apoy ng Dios at sa apoy ng kalaban. Halimbawa,  ang mga alipin ni Job ay tumakbo at sinabi sa kanya:

 

Samantalang siya’y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. (Job 1:16)

 

Kung iyong pag-aaralan ang Job kabanata 1 at 2, iyong madidiskubre ang apoy na ito ay hindi galing mula Sa Dios. Narito ang ilan sa mga katangian ng apoy ng kaaway:

 

ITO AY SUMISIRANG APOY:

 

At madalas na siya’y inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya’y patayin: datapuwa’t kung mayroon kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami. (Marcos 9:22)

 

ITO AY GINAGATUNGAN NG KASAKIMAN:

 

Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan at hindi masusunog ang kaniyang mga suot? (Kawikaan 6:27)

 

ITO AY APOY NG KAHIRAPAN:

 

Basahin ang istorya ng tatlong Hebreong mananampalataya sa Daniel 3. Ang mga Kristiyano ay kadalasan na nalalagay sa apoy ng kaharipan ng kalaban Ng Dios.

 

ITO AY KASAMAAN:

 

Sapagkat ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok. (Isaias 9:18)

 

ITO AY NAKA-AAPEKTO SA IYONG GAWA:

 

Nais ng kalaban na sirain ang iyong gawa para sa Dios sa pamamagitan ng kanyang apoy. Kung hindi mo alam ang kanyang pagbabanta, ikaw ay makakatulad ni Job na nagtanong” sino ang nagsunog sa aking bukid? (II Samuel 14:31)

 

INAASINTA NITO ANG IYONG PAMILYA:

 

Nalaman ni David na ang kalaban ang sumira sa Ziklag ng apoy at ginawang bihag ang kanyang pamilya at ang mga tauhan (I Samuel 30:1). Patuloy na inaasinta ni Satanas ang tahanan at pamilya:

At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid bagay bawat malalaking bahay, ay sinunog niya ng apoy. (II Mga Hari 25:9) (Tingnan din ang Jeremias 15:13)

 

INAASINTA NITO ANG IYONG ESPIRITUWAL NA MUOG:

 

Sinunog ng kalaban ang muog ng Israel:  II Mga Hari 8:12

 

SINUSUNOG NITO ANG MAGANDA:

 

Sinunog ng kalaban ang palasyo sa Jerusalem:  II Cronica 36:19

 

SINISIRA NITO ANG IYONG ESPIRITUWAL NA PANANGGALANG:

 

Sinunog ng kalaban ang pintuan ng Jerusalem na tanda ng iyong espirituwal na pinto ng depensa:  Nehemias 1:3;  2:13, 17.

 

NAAPEKTUHAN NITO ANG IYONG PANANALAPI:

 

Sinabi ng apoy ng kalaban na ...

 

Sapagkat ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula kaitaasan? (Job 31:12)

 

ANG KASANGKAPAN NITO AY ANG IYONG SARILING DILA:

 

Sapagkat sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. (Kawikaan 26:20)

 

Ang walang kabuluhan ay kumatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy. (Kawikaan 16:27)

 

ITO AY KAKAIBANG APOY:

 

Sinasabi ng ilang mga tao tungkol sa espirituwal na mga bagay, “Nais ko ng magkaroon ng kakaibang apoy sa halip na walang apoy.”  Ngunit ito ay hindi mabuti. Ang apoy na hindi magagapi ay delikado sa parehong natural at espirituwal na mga mundo:

 

At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawat isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila’y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila.

 

At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng panginoon.

 

Nang magkagayo’y sinabi ni Moises kay Aaron, Ito ang sinalita ng Panginoon, na sinasabi, Ako’y babanalin ng mga lumalapit sa akin at sa harap ng boong bayan ay luluwalhatiin ako. At si Aaron ay hindi umimik. (Levitico 10:1-3)

 

At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon...(Mga Bilang 3:4)

 

...Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; ngunit dinala mo kami sa saganang dako. (Mga Awit 66:12)

 

Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako’y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpang niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo. (Isaias 43:2)

 

2. Ang apoy Ng Dios ay apoy din ng paghuhukom. Pag-aralan ang sumusunod na reperensiya:

 

            Genesis 19:24;  22;6;  Exodo 9:23-24;  Levitico 10:2;  20:14;  21:9; 

Mga Bilang 11:1-13;  26:10;  Mga Panaghoy 2:3-4;  4:11;  Deuteronomio 32:22;  Josue 6:24; 7:15, 25; 8:8,19;  Mga Awit 11:6; 78:21;  89:46;  Isaias 30:27;  42:25;  Ezekiel 15;  Jeremias 15:14;  34:2;  Apocalipsis 4:5; 8:5; 7-8;  9:17-18;

Mateo 18:8-9; 25:41;  Lucas 17:29;  Apocalipsis 20:9-10,14-15;  21:8.

 

Ang apoy ng paghuhukom Ng Dios ay:

 

-Paghihiganti:  II Tesalonica 1:8

-Makipaglaban:  Amos 7:4

-Sumila :  Isaias 29:6;  30:30; Jeremias 17:27;  Ezekiel 23;45;  Amos 1:14;  Nahum 3:15;  Zacarias 9:4;  11:1.

-Tumutupok:  Ezekiel 22:31

-Mapanibugho:  Mga Awit 79:5;  Ang Awit ng Mga Awit8:6;  Ezekiel 36:5;  38:19;  Zefanias 1:18;  3:8

-Galit:  Isaaias 65:5

-Galit na galit:  Ezekiel 21:31;  38:19;  Mga Awit 21:9

-Nagtutunaw:  Ezekiel 22:20

-Pagwikaan: Isaais 66:15

-Hindi mapapatay:  Jeremias 4:4;  17:27

-Galit:  Nahum 1:6

-Walang kamatayan:  Judas 1:7

 

Ang apoy na paghuhukom Ng Dios ay ibubuhos sa huling mga panahon ayon sa ating pagkakaalam ngayon:

 

-Ang langit at lupa ay huhukoman at sisirain ng apoy Ng Dios :  II Pedro 3:7-12

-Ang impiyerno ay lugar ng paghuhukom at apoy:  Marcos 9:44-48

-Ang kahihinatnan ni Satanas ay apoy:  Apocalipsis 20:10

-Ang kahihinatnan ng kamatayan ay impiyerno at apoy:  Apocalipsis 20:14

-Ang sinoman na wala sa aklat ng buhay ay itatapon sa dagat-dagatang apoy: 

Apocalipsis 20:15 at 21:8

 

Narito ang ilan pang mga katotohanan tungkol sa apoy ng paghuhukom Ng Dios:

 

- Hindi ka makapagtatago sa apoy ng paghuhukom.  Walang proteksiyon:  Nahum 3:13

 

-Hindi mo mapalalaya ang iyong sarili:

 

Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya’y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya’y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako’y naiinitan, aking nakita ang apoy. (Isaias 44:16)

 

-Matatakasan mo ito : Sa pamamagitan ng pagsisisi ikaw ay madadagit bilang “dupong ng apoy”  na aagaw  sa apoy:  Zacarias 3:2

 

-Mahahadlangan mo ang apoy ng paghuhukom:

 

Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo’y mangabubuhay; baka siya’y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makakapatay niyaon. (Amos 5:6)

 

-Ikaw ay itinalaga parta mailigtas ang iba mula sa apoy ng paghuhukom Ng Dios:

 

At ang iba’y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba’y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman. (Judas 1:23)

 

3. Pag-aralan ang tatlong apoy ni Apostol Pedro”

 

            -Juan 18:18:  Nakapalibot sa apoy ng kalaban;  nagbabala at pumayapa sa pagsuway.

 

-Juan 21:9:  Ang apoy ng pagtatalaga:  Tinawag siya Ni Jesus na pakainin ang kanyang tupa at ang kamatayan ng isang martir.

 

            - Mga Gawa 2;3:  Ang apoy ng Espiritu Santo.

 

4. Kung hindi mo pa nararanasan ang Bautismo Ng Espiritu Santo , kailangan mo na kunin ang kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na (Ang Minsiteryo Ng Espiritu Santo.”  Ang kursong ito ay nagpapaliwanag kung paano mapuspos ng “apoy ng Pentecostes.”

IKA-APAT NA KABANATA

 

ANG KALUWALHATIAN NG DIOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Mga Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng “kaluwalhatian.”

·                    Kilalanin ang pinanggagalingan ng kaluwalhatian.

·                    Ibuod ang mga katangian ng kaluwalhatian Ng Dios.

·                    Talakayin kung saan ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian.

·                    Tanggapin ang “kaluwalhatian” bilang kaloob mula Sa Dios.

 

SUSING MGA TALATA:

 

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.

 

Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: ngunit ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. (Isaias 60:1-2)

 

PAMBUNGAD

 

Sa pagsisimula ng serye ng mga aralin na ito, ipinaliwanag namin na ang apoy Ng Dios, ang Kanyang Kaluwalhatian, at ang tunay na pagsamba ay espirituwal na mga puwersa na nagpapakilos at naghahanda sa mga anak ng Dios para gumawa (  II Cronica 7:1-3). Sa huling kabanata iyong pinagaralan ang tungkol sa apoy Ng Dios at ang kahalagahan nito sa pagpapakilos sa iyo para sa gawain ng ministeryo sa pagpapakita ng presensiya Ng Dios, kapangyarihan, at pagsangayon, at paggawa ng iyong ministeryo, paglilinis, pagpapakinis, paghihiwalay, pagsubok, at pagbibigay ng patnubay. Natutunan mo rin ang kahalagahan nito bilang espirituwal na sandata na maaaring magamit laban sa iyong kalaban, na si Satanas.

 

Ang kabanatang ito ang una sa apat na mga aralin tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios. Ipinakikilala nito ang pangunahing mga katotohanan tungkol sa Kanyang Kaluwalhatian. Sa Ika-limang kabanata iyong pag-aaralan “Ang Mga Layunin Ng Kaluwalhatian Ng Dios “ at sa Ika-Anim na Kabanata iyong pag-aaralan “Paano Luluwalhatiin Ang Dios.” Sa mga Kabanatang Ika-pito at Ika-walo iyong matututunan kung paano ang kaluwalhatian Ng Dios ay mapanunumbalik kung ito ay nawala.

 

Maaaring ikaw ay pinanghinaan ng loob at walang kapaga-pag-asa at nanlalamig at walang buhay espirituwal. Ngunit ang Salita Ng Panginoon sa iyo ay ...

 

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagkat ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.

 

Sapagkat narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: ngunit ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang Kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.  (Isaias 60: 1-2)

 

Ang mga talatang ito ay bahagi ng propesiya tungkol sa Israel, ang bansa na kauri ng Iglesya. Ikaw ay bahagi ng Iglesya, at ang talatang ito ay nagpapakita na ang kaluwalhatian ng Dios ay mananahan sa IYO (isahan) gayun din naman sa IYO (pangmaramihan... ang Iglesya). Ipinangako rin ng Panginoon:

 

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat ng tao, sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon. (Isaias 40:5)

 

Ipinakikita ng talatang ito na ang “lahat ng tao” ay makakikita ng kaluwalhatian Ng Panginoon. Ang “laman” ay halos walang karapatan na makasama sa kaluwalhatian Ng Dios, ngunit ito ang pangako Ng Dios!  Para makita mo ang kaluwalhatian  at para maipahayag sa iyo, dapat mong maunawaan kung ano ito, ang mga layunin, at paano luluwalhatiin Ang Dios.

 

ANG KAHULUGAN NG KALUWALHATIAN

 

Ang “kaluwalhatian” ay isa sa mayamang salita sa lengguwaheng Ingles. Walang isang salita ang magsisilbing mahusay na magkatulad ang kahulugan, ngunit narito ang ilang mga salita na naglalarawan sa “kaluwalhatian”

 

Karangalan. papuri, kaningningan, kaliwanagan, kapangyarihan, pagpapataas, karapat dapat, katulad, kagandahan, kilala, katayuan.

 

Kung ang salitang “kaluwalhatian” ay ginamit Ng Dios ito ay pagpapahayag ng Kanyang pagkaDios. Ang kaluwalhatian Ng Dios ay ang pagpapakita ng Kanyang kagalingan, kagandahan, kamaharlikahan, kapangyarihan, at kaganapan ng Kanyang pagkaDios. At tandaan... ang magandang kaluwalhatian ay nasa sa IYO.

 

ANG PINANGGAGALINGAN NG KALUWALHATIAN

 

Ang Dios ang pinanggagalignan ng kaluwalhatian na ating tinutukoy. Siya ay tinawag na “ang kaluwalhatian Ng Dios” (Mga Gawa 7:2). Ang Dios ang nagbibigay ng kaluwalhatian sa tao. Sinabi ni propeta Daniel sa Hari...

 

Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian; (Daniel 2:37)

 

 

ANG MGA KATANGIAN NG KALUWALHATIAN NG DIOS

 

Narito ang ilang mahalagang katotohanan tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios:

 

ITO AY WALANG KATAPUSAN:

 

...Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa. (Mga Awit 104:31)

 

Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. (I Timoteo 1:17)

 

Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa (I Pedro 5:11)

 

(Tingnan din ang II Timoteo 2:10;  I Pedro 5:10;  Galacia 1:5;  at Hebreo 13:21)

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG KARANGALAN:

 

Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan, at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, mabubuhay ako. (Mga Awit 145:5)

 

“Ang kaluwalhatian ng Kanyang karangalan” ay pinagusapan sa Isaias 2:10,19 at 21.

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG TINIG:

 

At sa kanila na sa Horma, at sa kanila na nasa Chorasan, at sa kanila na nasa Athach. (I Samuel 30:30)

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG MGA MATA:

 

Binanggit ni Isaias ang “mga mata ng Kanyang kaluwalhatian” (Isaias 3:8).

 

ITO AY KAKAIBA:

 

Ang kaluwlahatian Ng Dios ay hindi dapat ibigay sa iba:

 

Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawan inanyuan. (Isaias 42:8)

 

...at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibibigay sa iba. (Isaias 48:11)

 

 

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG KABANALAN:

 

Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanaln. Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan? (Exodo 15:11)

 

Ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian. (Mga Awit 97:6)

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG PANGALAN:

 

Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin. (Juan 12:28)

 

Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kauutusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios. (Deuteronomio 28:58)

 

ITO AY NASA ITAAS NG LANGIT:

 

Ako’y magpapasalamat sa Panginoon ng aking boong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. (Mga Awit 8:1)

 

Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit. (Mga Awit 113:4)

 

ITO AY NASA ITAAS NG LUPA:

 

Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas, sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng boong lupa.

 

Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa boong lupa.  (Mga Awit 108:5 at 57:5)

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG KAHARIAN:

 

Ang Kaharian Ng Dios ay maluwalhati:

 

Sila’y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan. (Mga Awit 145:11)

 

Binabanggit din ng talata 12 ang maluwalhating karangalan ng Kanyang Kaharian (tingnan ang Daniel 7:14).

 

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG TRONO:

 

Ang trono Ng Dios ay tinawag na “ang trono ng kaluwalhatian” (I Samuel 2:8; Jeremias 14:21;  17:12).

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG GAWA:

 

Ipanahahayag ng Biblia ang gawa Ng Dios ay kagalang-galang at maluwalhati

(Mga Awit 111:3).

 

ITO AY MAY KAUGNAYAN SA KANYANG KAPANGYARIHAN:

 

Binabanggit ng Salita ang kaluwalhatian ng Kanyang kapangyarihan (II Tesalonica 1:9).

 

ITO AY DAKILA:

 

Oo, sila’y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon; sapagka’t dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon. (Mga Awit 138:5)

 

Ang mga talatang ito ay nagpapahiwatig na Ang Dios ay may tanda ng kaluwalhatian, kinatawan ng kaluwalhatian, at pinalilibutan ng kaluwalhatian. Ang kaluwalhatian ay tanda ng Kanyang kalikasan. Para tamang makilala Ang Dios dapat makilala Siya sa  Kanyang kaluwalhatian.

 

SAAN IPINAHAHAYAG ANG KANYANG KALUWALHATIAN

 

Karagdagan sa pagpapaliwanag ng pangunahing katotohanan tungkol asa kaluwalhatian Ng Dios , kinilala ng Biblia  kung saan ipinahahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian:

 

SA PAGLIKHA:

 

Ang unang paraan kung saan ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa tao ay nang nilikha ang langit at ang lupa:

 

Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. (Mga Awit 19:1)

 

Ibinigay ni Job ang ilang mga kabanata na naka detalye kung paano ipinahayag ng Dios ang Kanyang sarili sa paglikha (tingnan ang Job 38-41). Kahit sa pangunahing mga bagay katulad ng kidlat, tubig, ang kaluwalhatian Ng Dios ay ipinahayag (Mga Awit 29:3).

 

Nilalabanan ni Satanas ang katotohanan ng makalangit na paglikha napakahirap na kasinunganlingan katulad ng teorya ng ebolusyon dahil alam niya na Ang Dios ay nahahayag sa paglikha:

 

Sapagka’t ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila’y walang madahilan. (Roma 1:20)

 

SA LANGIT AT LUPA:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay ipinakita sa langit at lupa, habang ang mga mananampalataya ay ipinahahayag Siya sa pamamagitan ng papuri, pagsamba, at pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iba:

 

Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa boong lupa. (Mga Awit 57:11)

 

At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man; at mapuno ang boong lupa ng kaniyang kaluwalhatian. Siya nawa, at Siya nawa. (Mga Awit 72:19)

 

...Ang kaluwalhatia’y tumakip sa langit. At ang lupa’y napuno ng kaniyang kapurihan. (Habacuc 3:3)

 

Sapagka’t ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat. (Habacuc 2:14)

 

...at sa harap ng boong bayan ay luwalhatiin ako... (Levitico 10:3)

 

Ngunit tunay, na kung paanong ako’y buhay at kung paanong mapuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang boong lupa: (Mga Bilang 14:21)

 

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.(I Cronica 16:24)

 

At nagsisigawang isa’t isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang boong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian. (Isaias 6:3)

 

...tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ng kaluwalhatian ng Dios...(Mga Gawa 7:55)

 

SA PAMAMAGITAN NG KANYANG MGA GAWA:

 

Ang mga gawa Ng Dios ay nagpapakita ng Kanyang kaluwalhatian:

 

Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal.

 

Sila’y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng inyong kapangyarihan;

 

Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.

 

Ang kaharian mo’y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo’y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo’y sa lahat ng sali’t saling lahi. (Mga Awit 145:10-13)

 

KAY JESUS:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nakikita Kay Jesus, na nagtataglay ng kaluwalhatian Ng Dios bago pa ang pasimula:

 

At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon. (Juan 17:5)

 

Ang Dios ang pinagmulan ng Kanyang kaluwalhatain. Hindi hinanap Ni Jesus ang Kanyang sariling kaluwalhatian. Niluwalhati Niya Ang Dios (Juan 8:50). Hindi niluwalhati Ni Jesus ang Kanyang sarili. Siya ay niluwalhati Ng Dios (Hebreo 5:5).

 

...Nang siya nga’y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya:

 

At luwalhatiin siya ng Dios sa kaniyang sarili at pagdaka’y luluwalhatiin siya niya.   (Juan 13:31-32)  (Tingnan ang Juan 17:1)

           

Sapagka’t siya’y tumanggap sa Dios Ama ng karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan. (II Pedro 1:17)

 

Narito kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios na ipinahayag Kay Jesus:

 

-Sinabi ng mga disipulo Kay  Jesus, “nakita namin ang Kanyang kaluwalhatian”:  Juan 1:14

-Ang mga gawa Ni Jesus ay nagpapakita ng Kanyang kaluwalhatian:  Juan 2:11

-Siya ay nagtindig mula sa mga patay sa kaluwalhatian:  I Pedro 1:21; I Pedro 1:11

-Siya ay tinanggap sa kaluwalhatian:  I Timoteo 3:16

-Siya ay darating sa kaluwalhatian:  Mateo 16; 27; 24:30;  25:31;  Marcos 8:38;  13:26; Lucas 9:26; 21:27;  Tito 2:13

-Siya ay uupo sa trono ng kaluwalhatian:  Mateo 19:28;  25:31;  Marcos 10:37

-Siya ay lalagyan ng korona ng may kaluwalhatian:  Hebreo 2:9

-Siya ay tinawag na “Ang Panginoon ng kaluwalhatian”: Santiago 2:1

-Ang kaluwlahatian ay dapat iukol sa Kanya kahit Sa Dios:  II Pedro 3:18

-Sa pamamagitan ng pagdurusa , dinala tayo Ni Jesus sa kaluwahatian:  Hebreo 2:10

-Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, Si Jesus ay pumasok sa Kanyang huling maluwalhating kalagayan:  Juan 12:23;  Lucas 24:46;  Juan 7;39;  12:16

-Ipinahayag Ng Dios ang Kanyang mga pangako at kaluwalhatian Kay Jesus: 

II Corinto 1:20

-Tayo ay nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios sa pamamagitan Ni Jesus: Efeso 3:21;

Roma 16:27

 

SA KALIGTASAN:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay ipinahayag sa plano ng kaligtasan:

 

Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas...(Mga Awit 21:5)

 

TIYAK NA MGA LUGAR:

 

Ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa tiyak na mga lugar. Sa nakaraang panahon, ipinahayag Niya ito sa tiyak na heograpiyang lugar. Ipinahayag Niya ang Kanyang kaluwalhatian sa tabernakulo ng Lumang Tipan at templo. Ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa Israel, at ngayon ipinahayag Niya ito sa Iglesya ng sama-sama at sa mga mananampalataya ng isa-isa:

 

1. Heograpiyang Lugar:

 

Sinabi Ng Dios kay Ezekiel na magtungo doon (sa kapatagan) at Kanyang ipahahayag ang Kanyang kaluwalhatian, kung paano Niya ito ginawa sa ilog ng Chebar:

 

Nang magkagayo’y bumangon ako at ako’y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako’y napasubsob. (Ezekiel 3:23)

At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan. (Ezekiel 8:4)

 

Si Moises ay sinabihan na tumayo sa bato at DOON ipahahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian (Exodo 33;22).

 

2. Sa Tabernakulo:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay ipinahayag sa tabernakulo ng Lumang Tipan:

 

At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na mya halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ikaapat na bahagi ng isang hin ng alak, ay pinakahandog na inumin. (Exodo 29:40)

 

Nang magkagayo’y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo (Exodo 40:34)

 

At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka’t lumagay sa ibabaw niyaong ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo. (Exodo 40:34-35)

 

...At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel. (Mga Bilang 14:10)

 

3. Sa Templo:

 

Ipinahayag din Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa templo noong panahon ng Lumang Tipan:

 

At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay. (Ezekiel 43:5)

 

Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking  kalulugdan, at ako’y luluwalhati, sabi ng Panginoon. (Hagai 1:8)

 

...at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian... (Hagai 2:7)

 

Na anopa’t ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon. (I Mga Hari 8:11)

 

Nang makatapos nga ng pananalangin si Salomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

 

At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica 7:1-3)  (Tingnan din ang Exodo 40:34; 14:4, 17; 16:10; Ezekiel 1:28; 8:4; 10:30-34; 11:22-23; II Cronica 5:13-14; 7:1-3)

 

4.   Sa Israel:

 

Ang Israel ay pinili na sila ay...

 

...upang sila’y maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: ngunit hindi nila dininig. (Jeremias 13:11)

 

Sinabi na Ang Dios “ang kaluwalhatian ng Kanyang mga anak sa Israel”  (Lucas 2:32). Sinabi Ng Dios sa Israel...

 

...Ikaw ay aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati. (Isaias 49:3)

 

... sapagka’t tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel. (Isaias 44:23)

 

Ngunit ang Israel ay nabigo na maipahayag ang kaluwalhatian Ng Dios sa kanila nang sapat:

 

Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na hindi mga dios? ngunit ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.  (Jeremias 2:11)

 

5. Sa Iglesya:

 

Sa panahon ng Bagong Tipan, Ang Dios ay nagsimulang ipahayag ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng bagong grupo ng mga tao na kilalang bilang Iglesya:

 

... Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan. (Roma 9:4)

 

Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios.

 

Na mga itinayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;

 

Na sa kaniya’y ang boong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon.

 

Na sa kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu. (Efeso 2:19-22)

 

Nais Ng Dios ang maluwalhating Iglesya, na puspos ng Kanyang kaluwalhatian:

 

Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito’y nararapat maging banal at walang kapintasan. (Efeso 5:27)

 

6. Sa Nag-iisang Mananampalataya:

 

Ang Iglesya ay binubuo ng isahang mga mananampalataya. Para ang kaluwalhatian Ng Dios ay maipahayag sa Iglesya ng magkakasama, ito ay dapat na maipahayag sa bawa’t mananampalataya nang isahan:

 

Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo! (I Corinto 3:16)

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawn ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;

 

Sapagka’t kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios. (I Corinto 6:19-20)

 

Tumigil sa iyong pag-aaral ngayon at basahin ang Hagai 2:3-9. Ito ay sa “huling bahay” ( ang ating mga katawan bilang templo) na ang dakilang kaluwalhatian Ng Panginoon ay maipapahayag:

 

Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag, mula sa aming sarili. (II Corinto 4:7)

 

Ang kaluwalhatian ( kayamanan) sa sisidlang lupa; kung ito ay sa gintong sisidlang, ang mga tao ay maaakit sa sisidlang sa halip na sa nilalaman:

 

Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. (II Corinto 3:18)

 

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

 

Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:

 

At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring ganap ay niluwalhati din naman niya. (Roma 8:28-30)

 

ANG KALUWALHATIAN NI CRISTO

 

Natutunan mo na kung paano nag kaluwalhatian Ng Dios ay ipinahayag Kay Jesus, ngunit alam mo ba na IKAW din ang dapat na maging kaluwalhatian Ni Cristo? Pag-aralan ang sumusunod na mga talata:

 

... sapagkat kaniyang niluwalhati ka. (Isaias 55:5)

 

Bawat tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa. (Isaias 43:7)

 

Dapat tayong lumakad ng karapat-dapat Sa Dios na “tumawag sa iyo para sa Kanyang kaharian at kaluwalhatian” (I Tesalonica 2:12)

 

Tayo ay mga mensahero Ni Cristo at ang kaluwalhatian Ni Cristo (II Corinto 8:23). Itinalaga na Ng Dios na dapat tayong maging papuri ng Kanyang kaluwalhatian (Efeso 1:12)

 

Ikaw naman ay magiging putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios. (Isaias 62:3)

 

At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian. (Roma 9:23)

 

...gaya naman ni Cristo ng tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios. (Roma 15:7)

 

Upang kayo’y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian. (I Tesalonica 2:12)

 

Tayo ay “tinawag sa Kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan Ni Jesu Cristo” (I Pedro 5:10)

 

Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan. (II Pedro 1:3)

 

Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin. (I Corinto 2:7)

 

Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luluwalhatiin sa inyo...(II Tesalonica 1:12)

 

Sapagkat kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagkat nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio. (II Tesalonica 2:14)

 

Dapat tayong maging “papuri sa Kanyang kaluwalhatian” (Efeso 1:12)

 

...at ako’y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay. (Ezekiel 26:20)

 

Nais Ng Dios na malaman natin ang kayamanan ng Kanyang kaluwalhatian (Colosas 1:27)

 

Dapat tayong maging mensahero ng kaluwalhatian. Ang unang mga mananampalataya ay tinawag na “ang mensahero ng mga iglesya at ng kaluwalhatian Ni Cristo”  (II Corinto 8:23)

 

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan. (I Cronica 16:24)

 

Ngayon nauunawaan mo na dapat makita sa iyo ang kaluwalhatian Ng Dios, ngunit maaring nagtatanong ka, “Nasaan at paano ko makukuha ang kaluwalhatian  na ito?”

 

ANG KALOOB NG KALUWALHATIAN

 

Ang kahangahanga na kaluwalhatian na ito Ng Dios ay nakalaan sa IYO bilang kaloob. Sinabi Ni Jesus:

 

At ang kaluwalhatiang sa aki’y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa. (Juan 17:22)

 

Nais Ng Panginoon na iyong matanggap ang katulad na kaluwalhatian kung saan Siya naluwalhati Ng Ama. Kung ito ay kaloob. Ang dapat mo lamang gawin ay angkinin ito:

 

Sapagak’t ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: Ang Panginoo’y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid. (Mga Awit 84:11)

 

Habang ikaw ay nabago ng Salita Ng Dios, panalangin, at mga karanasan ng buhay na iyong nakatagpo, ikaw ay nasa proseso ng pagtanggap sa kaluwalhatian na ito:

 

Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. (II Corinto 3:18)

 

Ang kaluwalhatian ay nakikita mula sa salamin (ang Salita ) tungo sa iyong buhay. Nais kunin Ng Dios ang lubos na kahungkagan sa Kanyang kaluwalhatian at baguhin ito bilang instrumento ng magpapahayag ng Kanyang kaluwalhatian.

 

Ikaw ay dapat patungo mula sa “kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian,” hindi pagkabigo tungo sa pagkabigo!  Ang kaluwalhatian Ng Dios ang dapat na kapangyarihan na nagpapakilos sa iyo. Sinasabi ng mga tao ngayon hindi noon, “Makikita natin Si Jesus.” Kung ipahihintulot Ng Dios...

 

Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw ; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian. (Isaias 60:19)

 

Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagniningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo. (II Corinto 4:6)

 

Sana ikaw ay umiyak katulad ni Moises:

 

...idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. (Exodo 33:18)

 

At sana ay naisin mo ang pagnanais Ni David na nagnanais na...

 

...upang tanawain ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian. (Mga Awit 63:2)

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.                  Isulat ang Susing Mga Talata mula samemorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.                  Ibigay ang kahulugan ng “kaluwalhatian.”

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3.                  Sino ang pinanggagalingan ng kaluwalhatian?

 

________________________________________

 

4.                  Ibuod ang mga katangian ng kaluwalhatian Ng Dios.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

5.                  Saan ipinahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

6.                  Ang pangungusap ba na ito ay tama o mali:  Dapat kang gumawa ng mabubuting mga gawa para matanggap ang kaluwalhatian mula Sa Dios. Hindi ito kaloob. Ang pangungusap ay ___________________.

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.   Sa kabanatang ito iyong natutunan ang tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios . Ang Biblia ay naglalarawan ng ibang uri ng kaluwalhatian na tinatawag na “walang kabuluhan na kaluwalhatian.” Ang uri ng kaluwalhatian na ito ay...

 

ANG KALUWALHATIAN NG TAO:

 

Ang lahat ng tao ay naghahanap ng anumang uri ng kaluwalhatian. Kung hindi ito kaluwalhatian Ng Dios, ito ay walang kabuluhan na kaluwalhatian. Ang ilan sa mga tao ay mahal ang kaluwlahatian ng tao higit sa kaluwalhatian Ng Dios:

 

Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila’y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila  ang sa kanila’y ganti. (Mateo 6:2)

 

Ang anumang bagay na iyong ginagawa para matanggap ang kaluwalhatian mula sa tao, ang kanilang papuri ay iyong gantimpala. Tinutukoy ito ni Pablo na ang mga ito ay “kaluwalhatian na nakikita” ngunit hindi sa puso ( II Corinto 5:12). Ang kaluwalhatian ng tao ay hindi nagtatagal:

 

Sapagka’t lahat ng laman ay gaya ng damo, at ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo’y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:

 

Datapuwa’t ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. (I Pedro 1:24-25)

 

Hindi mo dapat naisin ang kaluwalhatian ng tao:

 

Ako’y naging mangmang: pinilit ninyo ako; ako sana’y dapat ninyong purihin: sapagka’t sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol, bagaman ako’y walang kabuluhan. (II Corinto 12:11)

 

Ako’y naging mangmang: pinilit ninyo ako...sapagka’t sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol, bagaman ako’y walang kabuluhan. (II Corinto 12:11)

 

Kaya’t huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka’t ang lahat ng mga bagay ay sa inyo. (I Corinto 3:21)

 

...Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo. (I Tesalonica 2:6)

 

Ang anumang kaluwalhatain na iyong natatanggap ay dapat maibigay Sa Dios. Sinabi ni Pablo:

 

At kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin. (Galacia 1:24)

 

ANG KALUWALHATIAN NG SARILI:

 

Maaaring nagagawa mo ang walang kabuluhan na kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagluluwalhati sa iyong sarili:

 

Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: Gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian ay hindi kaluwalhatian. (Kawikaan 25:27)

Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus.

 

Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa boong limpak?

(I Corinto 5:5-6)

 

Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili’y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa’t ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya’y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya’y walang kalikuan. (Juan 7:18)

 

Maraming kaluwalhatian na mula sa laman (II Corinto 12:6). Mayroon na mga “naluluwalhati sa kanilang kahihiyan” o kasalanan (Fillipos 3:19). Sinasabi niya na ang kanilang kahihinatnan ay pagkawasak! Sinasabi ng Santiago 3:14 kung mayroon tayong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa ating mga puso, hindi tayo naluluwalkhati at “nanloloko laban sa katotohanan.”

 

Sapagka’t kung ipinapangaral ko an evangelio, ay wala akong sukat ipagmapuri: sapagka’t ang pangangailangan ay iniatang sa akin; sapagka’t sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio. (I Corinto 9:16)

 

Kundi pinili ng Dios ang mga bagay ng kamangmangan ng sanglibutan, upng hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;

 

At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:

 

Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios. (I Corinto 1:17-29)

 

David, ang iyong iyak ay dapat na :

 

Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan. (Mga Awit 115:1)

 

Ang “naluluwalhating buhay “ ay hindi makasariling buhay:

 

Ngunit hindi ko hinanap ag aking sariling kaluwalhatian: may isang humahanap at humahatol. (Juan 8:50)

 

Anumang pagluwalhati na iyong ginagawa ay hindi dapat sa sarili, ngunit para sa Panginoon:

 

Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri ay magmamapuri sa Panginoon. (I Corinto 1:31 at II Corinto 10:17)

 

Maaari mo rin na luwalhatiin ang mga bagay na may kinalaman sa Panginoon:

 

Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios. (Roma 15:17)

 

Maaari mo rin na luwalhatiin ang krus at ang lahat ng kinakatawan nito:

 

Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan. (Galacia 6:14)

 

ANG KALUWALHATIAN NG MUNDO AT ANG MGA KAHARIAN NITO:

 

Ang isa pang uri ng “walang kabuluhan na kaluwalhatian” ay ang kaluwalhatian ng mundo at ang mga kaharian nito:

 

Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila. (Mateo 4:8. Tingnan din ang Lucas 4:6)

 

Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:

 

Sapagka’t pagka siya’y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya. (Mga Awit 49:16-17)

 

Ang mga hari at mga reyna at mga bansa ay nawala ang “korona ng kanilang kaluwalhatian” (Isaias 8:7; Jeremias 13:18;  48:18; Daniel 4:36;  5:18-20).

 

(Narito ang ilan pang mga karagdagan na mga talata tungkol sa makamundong kaluwalhatian:  Daniel 11:39;  Oseas 9:11;  10:5;  Mikas 2:9;Habacuc 2:16; Zacarias 11:3)

 

Ang mga bansa ay dapat luwalhatiin Ang Panginoon sa halip na ang kanilang sariling lakas at kapangyarihan:

 

... At ikaw ay susumpa, Buhay ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila. (Jeremias 4:2)

 

(Tingnan din ang I Samuel 35:2;  Isaias 24:23;  25:3; 26:15;  41:16;  60:9;  Mga Awit 86:9;  102:15-16).

 

2. Ang Biblia ay nagbigay ng mga babala tungkol sa walang kabuluhan na kaluwalhatian:

 

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang mga bangkay ng mga tao ay mangabubuwal na parang dumi sa luwal na parang, at parang bigkis sa likod ng manggagapas; at walang dadampot.

 

Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala ako, na ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang loob, kahatulan at katuwiran sapagka’t sa mga bagay na ito ay nalulugod ako, sabi ng Panginoon. (Jeremias 9:23-24)

 

Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t isa, nangagiinggitan sa isa’t isa. (Galacia 5:26)

 

Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba. (Filipos 2:3)

 

3. Ipinahayag ng Biblia ang kasalukuyang resulta ng walang kabuluhan na kaluwalhatian:

 

Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng boong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa.(Isaias 23:9)

 

Ang kaluwalhatian ng mundo ay “lumilipas na bulaklak at maagang bunga bago ang taginit (bulok)”... (Isaias 28:1,4)

 

3. Ipinahahayag din nito ang panghinaharap na mga resulta ng walang kabuluhan na kaluwalhatian:

 

Kaya’t pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon. (Isaias 5:14)

 

Sa kahulihan, ang lahat ng kaluwalhatian ng mga bansa ay magiging Kanyang...

 

At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.

 

At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa. (Apocalipsis 21:24,26)

 

4. Narito ang ilan sa karagdagang impormasyon tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios. Ipagpatuloy ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng pagkatuto tungkol sa ...

 

ANG UNANG PAGPAPAKITA NG KALUWALHATIAN NG DIOS:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios na nagpakita kay Abraham nang siya ay nasa Mesopotamia:  Mga Gawa 7:2.

 

ANG UNANG PAGBANGGIT SA SALITA:

 

Ang kaluwalhatian Ng Panginoon na nagpakita sa ulap:  Exodo 16:10.

 

Kawili-wili, ang pagpapakita na ito ay tugon sa mga sinasabi ng Israel.

 

ANG UNANG PAGKAKATAON NA IBINIGAY ANG KALUWALHATIAN SA DIOS:

 

Ang unang pagkakataon na ang kaluwalhatian ay ibinigay Sa Dios ay sa awit ni Miriam pagkatapos na ang Isarel ay nakatawid sa Pulang dagat mula sa Egipto:

 

... Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan. Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan. (madalas na paulilt-ulit) (Exodo 15:1-21)

 

 

PAANO ANG KALUWALHATIAN NG DIOS AY NAKITA SA NAKARAANG MGA KAPAHAYAGAN:

 

Nakatala sa Biblia kung paano naagpakita ang kaluwalhatian Ng Dios nang ito ay nakitang ipinahayag sa nakaraan. Ito ay...

 

Katulad ng bahaghari:

 

Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon. At nang aking makita, ako’y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita. (Ezekiel 1:28)

 

Nakatayo:

 

Nang magkagayo’y bumangon ako at ako’y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako’y napasubsob. (Ezekiel 3:23)

 

Mula sa silangan , nagniningning, na may makapangyarihan na tinig:

 

At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silangan; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian. (Ezekiel 43:2)

 

Bilang maliwanag na ilaw:

 

Tinutukoy ni Pablo ang “kaningningan ng Kanyang kaluwalhatian “ sa Hebreo 1:3. Sinabi Ni Jesus “Ako ang ilaw ng mundo.” Sinabi ni Pablo, “Hindi ko makita ang kaluwalhatian ng ilaw na iyon (Mga Gawa 22:11). Ang bagong Jerusalem ay inilarawan bilang nagtataglay ng kaluwalhatian Ng Dios bilang ilaw:

 

At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiliwanag sa kaniya: sapagka’t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero. (Apocalipsis 21:23)

 

At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka’t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.

 

At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.

 

At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa. (Apocalipsis 21:23,24,26)

 

Ang Dios ay nananahan sa ilaw na walang sinoman ang makalalapit (I Timoteo 6:15-16).

 

Usok:

 

At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel. (Apocalipsis 15:8)

 

At kung may usok, may apoy... Ang apoy na hindi mapapatay:

 

At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel. (Exodo 24:17)

 

At ang lahat na mga anak ni Irael ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, sapagka’t siya’y mabuti; sapagkat ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica 7:3)

 

At inyong sinabi, Narito, ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan, at aming narinig ang kaniyang tinig mula sa gitna ng apoy: aming nakita sa araw na ito, na ang Dios ay nakikipagusap sa tao, at siya’y buhay. (Deuteronomio 5:24)

 

Sa loob at bilang ulap:

 

At nangyari, pagkapagsalita ni Aaron sa boong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sila’y tumingin sa dakong ilang, at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa ulap. (Exodo 16:10)

 

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai, at tinakpan ng ulap na amin na araw...( Exodo 24:16)

 

Nang magkagayo’y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.

 

At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka’t lumagay sa ibabaw niyaong ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo. (Exodo 40:34-35)

At nangyari, nang magpipisan ang kapisanan laban kay Moises at laban kay Aaron, na sila’y tumingin sa dako ng tabernakulo ng kapisanan; at, narito, tinakpan ng ulap at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw. (Mga Bilang 16:42)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LIMANG  KABANATA

 

ANG MGA LAYUNIN NG KALUWALHATIAN NG DIOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibuod ang mga layunin ng kaluwalhatian Ng Dios.

 

SUSING TALATA:

           

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat ng tao, sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon. (Isaias 40:5)

PAMBUNGAD

 

Sa huling aralin iyong natutunan ang pangunahing katotohanan tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios, ano ito, saan Niya ipinahayag ang Kanyang kaluwalhatian, at ikaw ay binigyan ng kaloob ng kaluwalhatian. Ang kasiyasiyang kaloob ng kaluwalhatian na ito ay maraming mga layunin sa iyong buhay, ang lahat ng ito ay maghahanda at magpapakilos sa iyo para matupad ang iyong natatanging bahagi sa plano Ng Dios.

 

MGA LAYUNIN NG KALUWALHATIAN NG DIOS

 

Paulit-ulit sa Biblia na sinabi Ng Dios na Kanyang ipahahayag ang Kanyang kaluwalhatian para ang mga bansa ay makilala siya:

 

Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila’y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga g aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako’y luwalhatiin.  (Isaias 60:21)

 

Ngunit marami pang ibang mga layunin para sa kaluwalhatian Ng Dios, ang karamihan dito ay may kaugnayan sa iyo bilang indibiduwal. Ang kaluwalhatian ay ibinigay para:

 

PROBISYON/ PANUSTOS:

 

Kung ikaw ay napakilos para gumawa ng gawain para Sa Dios, magkakaroon ka ng parehong natural at espirituwal na mga pangangailangan. Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbibigay sa iyong natural na mga pangangailangan:

 

At pupunan ng aking Dios ang bawat kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (Filipos 4:19)

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagkakalaoob ng iyong espirituwal na mga pangangailangan:

 

            Upang sa inyo’y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo’y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; (Efeso 3:16)

 

KALAKASAN:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbibigay ng lakas para mag ministeryo:

 

Sapagka’t ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan...(Mga Awit 89:17)

 

Na kayo’y palakasin ng boong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian...(Colossas 1:11)

 

KAGALAKAN:

 

Habang ikaw ay nagmiministeryo ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbibigay sa iyo ng kagalakan :

 

Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan. (Mga Awit 149:5)

 

...Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin ang inyong kagalakan; ngunit sila’y mangapapahiya. (Isaias 66:5)

 

Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig, na bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma’y inyong sinasampalatayanan, na kayo’y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian. (I Pedro 1:8)

 

Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon. (I Cronica 16:10)

 

KALAYAAN:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ang may responsabilidad para palayain ka mula sa pagkabihag tungo sa kalayaan. Ang Kanyang kaluwalhatian ay gagawa ng ganitong bagay para sa mga iyong pinagmiministeryuhan:

 

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo... (Isaias 60:1)

 

Na ang boong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios. (Roma 8:21)

 

KAPAHINGAHAN:

 

Habang ikaw ay napapagal at nalulumbay, ikaw ay bibigyan Ng Dios ng maluwalhating kapahingahan:

 

At mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati. (Isaias 11:10)

 

PAGBABANAL:

 

Pinababanal at ginagawa kang banal na sisidlan ng kaluwalhatian, handa na magamit Ng Dios:

 

Pitong araw na isusuot ng anak ng magiging saserdote nakahalili niya, pagka siya’y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang  mangasiwa sa dakong banal. (Exodo 29:30)

 

(Ang dahilan kung bakit marami tayong nakikitang kasalanan sa Iglesya ay dahil wala ang kaluwlahatian Ng Dios doon!)

 

PAGKAKAISA:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ang sanhi ng pagkakaisa, na mahalaga habang ang Iglesya ay kumikilos bilang isang Katawan para matupad ang Dakilang Utos:

 

At ang kaluwalhatiang sa aki’y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila’y maging isa, na gaya naman natin na iisa. (Juan 17:22)

 

PATNUBAY:

 

Pinapatnubayan ka Ng Dios sa pamaamgitan ng Kanyang kaluwalhatian:

 

Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises? Na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan? (Isaias 63:12)

 

...gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan. (Isaias 63:14)

 

KATALINUHAN:

 

Ang katalinuhan na iyong kailangan para maging mabisa sa ministeryo ay nagmumula Sa kaluwalhatian Ng Dios:

 

Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;

 

Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal. (Efeso 1:17-18)

 

KAPAHAYAGAN:

 

Niluluwalhati Ng Espiritu Santo Ang Dios habang ipinahahayag Niya ang mga bagay sa iyo na tungkol Sa Dios :

 

Luluwalhatiin niya ako: sapagka’t kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo’y ipahahayag.  (Juan 16:14)

 

PAGLULUWALHATI SA KANYANG SALITA:

 

Ang kapahayagan ay palaging lumuluwalhati Sa Salita Ng Dios. Nang ipinahayag na ang kaligtasan ay para rin sa mga Pagano...

 

... At pagdaka’y sinaktan siya ng anghel ng Panginoon, sapagka’t hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya’y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga. (Mga Gawa 12:23)

 

Ang Salita Ng Dios ay naluwalhati habang pinahihintulutan mo ito na kumilos sa iyong buhay:

 

Kaya’t nang hindi na kami mangakatiis, ay minagaling naming maiwang nagiisa sa Atenas  (II Tesalonica 3:1)

 

MULING PAGKABUHAY:

 

Ikaw ay “muling ibabangon mula sa mga patay” sa pamamagitan gn kaluwalhatian Ng Panginoon. Ang Dios ay nasa proseso ng pagbabago sa iyong napakasamang katawan tungo sa maluwalhating katawan (Filipos 3:21).  Sa oras ng pagpapakita Ni Cristo, ikaw ay makikita na kasama Niya “sa kaluwalhatian” ( Colosas 3:4). Tingnan  din ang I Corinto 15:43).

PAKIKIPAGLABAN:

 

Nais nakawin ng kalaban ang iyong kaluwalhatian:

 

At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.  (Mga Awit 78:61)

 

Ang dahilan kung bakit nais ng kalaban na nakawin ang iyong kaluwalhatian dahil alam niya ang mahalagang mga layunin nito para ikaw ay kumilos sa gawain para Sa Panginoon. Alam din niya na ang kaluwalhatian Ng Dios ay mabisang sandata para sa espirituwal na pakikipaglaban:

 

...at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; Siya’y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao. (Isaias 66:5)

 

Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko’y nasa Dios. (Mga Awit 62:7)

 

Ngunit ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. (Mga Awit 3:3)

 

Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay nangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod. (Isaias 58:8)

 

Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway...Umawit kayo sa Panginoon, sapagka’t siya’y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat. (Exodo 15:6,21)

 

At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng boong tahanan ng bundok ng Sion at sa itaas  ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagkat sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. (Isaias 4:5)

 

Sapagkat ako, sabi  ng Panginoon, ay magiging sa kaniya’y isang kutang apoy sa palibot, at ako’y magiging kaluwalhatian sa gitna niya. (Zacarias 2:5)

 

Sa gayo’y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kanluran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka’t siya’y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon. (Isaias 59:19)

 

Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo nniya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; sapagka’t ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata. (Zacarias 2:8)

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay bahagi ng iyong pananggalang na kalasag, ay mayroong pagikot na nangyayari kung iyong ginagamit ang kalulwalhatian sa pakikipaglaban. Ang Kanyang kaluwalhatian ay ang iyong depensa, at sa iyong paggamit nito, ikaw ay dapat na magbigay ng kaluwalhatian. Sa iyong pagbibigay ng kaluwalhatian, makatatanggap ka pa ng maraming kaluwalhatian:

 

At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, at magtagumpay sa iyong kapurihan. (I Cronica 16:35)

 

At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako. (Mga Awit 50:15)

 

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat ng tao, sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon. (Isaias 40:5)

 

Ngayon na naunawaan mo ang mga mahalagang layunin ng kaluwalhatian Ng Dios sa pagpapakilos sa iyo para sa gawain ng ministeryo, kailangan mong malaman kung paano mararanasan ang kaluwalhatian Ng Dios. Ito ang iyong matututunan sa susunod na kabanata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Ibuod kung ano ang iyong natutunan sa aralin na ito tungkol sa mga layunin ng kaluwalhatian Ng Dios.

 

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Ang kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios ay hindi naka depende sa karapat-dapat na kandidato. Pag-aralan ang tungkol sa mga sumusunod na lalake kung saan nagpahayag ng Kanyang kaluwalhatian Ang Dios:

 

Si Abraham : Ang lalaking nagsinungaling.

 

Ang kapahayagan ng kaluwalhatian ang naging dahilan para iwan ang lahat dahil sa utos Ng Dios. (Genesis 12:1-4) Sinabi Ng Biblia “Malakas ang kanyang pananampalataya, nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios.”  (Roma 4:20)

 

Si Moises : Ang  utal na pastol.

 

Siya ay nanguna sa bansa para makalaya dahil sa kapahayagan ng kaluwalhatian.  (Exodo 34:29)

 

Si Jacob:  Ang tumakas na manloloko.

 

... Kahit nga nagpahayag ng kaluwalhatian Ang Dios sa pangitain at ginawang dakila si Jacob.  (Genesis 28:10-15)

 

Si Isaias: Ang isang batang lalake na may maruming bibig.

 

Ang pangitain ni Isaias ng kaluwalhatian Ng Dios ay nagdulot ng dakilang ministeryo ng propesiya. (Isaias 6)

 

Si Saul (Pablo):  Sa una ay mang-uusig at pumapatay ng anak Ng Dios.

 

Ang kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios ay nagbago sa kanyang buhay (Mga Gawa 9)

 

Hindi nagtatangi ng tao Ang Dios. Kung ipinahayag Niya ang kaluwalhatian Niya sa mga taong ito na parang hindi karapat-dapat. Kanyang ipahahayag ang Kanyang kaluwalhatian Sa IYO.

 

Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan.

 

Datapuwwa’t kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawat taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego:

 

Sapagka’t ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao. (Roma 2:7,10-11)

 

2. Tingnan ang kabanata 17 ng Juan sa iyong pag-aaral ng mga layunin ng kaluwalhatian Ng Dios sa buhay Ni Jesus:  Nang sinabi Ni Jesus “ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbigay sa Kanya, Nagbigay Siya sa atin”... Ano ang kasama sa kaluwalhatian na ito? (Pansinin ang mga talata 1 at 22). Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nagbigay Kay Jesus ng ...

 

 

            -Kapangyarihan para akayin ang iba sa kaalaman sa tunay na Dios: 3

            -Kakayahan na matagumpay na matapaos ang gawain Ng Dios:  4

            -Mga tao na sumama sa ministeryo:  6,9,11,12

            -Ang Salita ng katotohanan:  8,14

            -Ng Kanyang utos:  8,18,23,25

            -Iglesya (ang mga ito na ibinigay mo sa akin”): 2,24

            -Kanyang Sariling Ama:  23

            -Pag-ibig:  23,24,26

            -Pagkakaisa:21-22

            -Kagalakan:  13

 

3. Natutunan mo sa nakaraan kung paano ang apoy Ng Dios ay may kaugnayan sa Kanyang Paghuhukom. Ang kaluwalhatian Ng Dios ay ipinahayag din sa paghuhukom. Basahin ang Mga Bilang 16. Nang Si Korah at ang kanyang nagaaklas na grupo ay nagsama-sama bago sa tabernakulo, “ang kaluwalhatian Ng Panginoon ay nagpakita” sa paghuhukom.

 

Sinabi Ng Dios:

 

At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila. (Ezekiel 39:21)

 

Basahin ang Roma 2:5-10:  Ang dakilang gantimpala ng Dios ay ang pagbibigay ng Kanyang walang-hanggang kaluwalhatian. Ang pinakamatinding huling paghuhukom ay ang hindi makasama sa kaluwalhatian na ito:

 

Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (II Tesalonica 1:9)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM NA KABANATA

 

PAANO LULUWALHATIIN ANG DIOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung paano luluwalhatiin Ang Dios.

·                    Talakayin ang patuloy na pagikot ng pagbibigay at pagtanggap ng kaluwalhatian.

 

SUSING TALATA:

           

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sumasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios.

(Juan 11:40)

 

PAMBUNGAD

 

Sa nakaraan na dalawang mga kabanata iyong napag-aralan ang tungkol sa kaluwalhatian ng Dios at ang mga layunin. Natutunan mo rin na ikaw ay nilikha para luwalhatiin Siya at hayaan na ang Kanyang kaluwalhatian ay makita sa iyong buhay at ministeryo.

 

Para iyong maranasan ang kaluwalhatian ng Dios at maakay ang iba na maranasan ito, kailangan mong malaman kung  paano Siya luluwalhatiin. Habang iyong niluluwalhati Ang Dios, Kanyang ipahahayag sa iyo ang higit Niyang kaluwalhatian. Naranasan ni Moises ang kaluwalhatian Ng Dios at naakay niya ang iba na maranasan ito:

 

At sinabi ni Moises, Ito ang utos ng Panginoon na gawin ninyo: at lilitaw sa inyo ang kaluwalhatian ng Panginoon

 

At pumasok si Moises at s Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at sila’y lumabas, at binasbasan ang bayan: at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa buong bayan. (Levitico 9:6,23)

 

Nakaakay si Moises ng iba para maranasan ang kaluwalhatian Ng Dios at magagawa mo rin ito. Ipakikita ng aralin na ito ang mga prinsipyo sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano luluwalhatiin Ang Dios.

 

PAANO LULUWALHATIIN ANG DIOS

 

Ayon sa Biblia , maaari mong maluwalhati Ang Dios sa mga sumusunod na paraan:

 

 

SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA:

 

Ang kaluwalhatian ay ipinahayag habang ikaw ay pinakikilos na maniwala at kumilos sa pananampalataya:

 

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sumasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios. (Juan 11:40)

 

Sinasabi ng Salita na si Abraham:

 

Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios.

(Roma 4:20)

 

SA PAMAMAGITAN NG PAGTUBOS:

 

Ang Dios ay naluwalhati sa iyong pagkatubos mula sa kasalanan. Ang pagluluwalhati ay tinatawag na kaligtasan at pagiging ganap:

 

At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring ganap ay niluwalhati din naman niya. (Roma 8:30)

 

SA PAMAMAGITAN NG PAGSISISI:

 

Ang Dios ay naluwalhati sa iyong unang pagsisisi at pagkahikayat mula sa kasalanan at sa pamamagitan ng patuloy na pagsisisi kung ikaw ay nagkasala:

 

At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin. (Josue 7:19)

 

Kasama sa pagsisisi ang paglilinis ng iyong sarili mula sa makasalanan na ugali at gawain. Ito ay nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios:

 

Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya; at lahat ng mga matuwid sa puso ay nagsisiluwalhati. (Mga Awit 64:10)

 

Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito’y nararapat maging banal at walang kapintasan. (Efeso 5:27)

 

 

 

SA PAMAMAGITAN NG PAGTANGGAP:

 

Ang Dios ay naluwalhati sa iyong pagtanggap na Si Jesus ay Panginoon:

 

At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:11)

 

SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAKUMBABA SA IYONG SARILI:

 

Ang Dios ay naluwalhati kung ikaw ay nagpapakumbaba:

 

At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila. (Mga Bilang 20:6)

 

Kasama sa pagpapakumbaba sa iyong sarili ang pag-aayuno at panalangin:

 

Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay nangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod  (Isaias 58:8)

 

Sa iyong pagpapakumbaba at pananalangin, sinasagot Ng Dios ang iyong mga panalangin at ito ay nagbibigay ng higit na kaluwalhatian Sa Dios:

 

Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawat uminon  ng tubig na ito ay muling mauuhaw. (Juan 14:13)

 

Ang ibig sabihin ng pagpapakumbaba sa iyong sarili ay paghahandog ng iyong katawan bilang buhay na handog:

 

Sapagak’t kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios. (I Corinto 6:20)

 

SA PAMAMAGITAN NG PAGSAMA SA KANYANG PRESENSIYA:

 

Ikaw ay nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios kung ikaw ay patuloy na sumasama (namumuhay na patuloy) sa Kanyang presensiya:

 

Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: karangalan at kasayahan ag nangasa kaniyang tahanan. (I Cronica 16:27)

 

Ikaw ay patuloy na sumasama sa presensiya Ng Dios sa pamamagitan ng pamumuhay Ni Cristo sa iyo:

 

At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako’y limuluwalhati sa kanila. (Juan 17:10)

 

Ikaw ay sumasama sa Kanyang presensiya sa pamamagitan ng pagpapahintulot Sa Dios na pumasok at kumilos sa pamamagitan mo:

 

...At nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Filisteo, siya’y natakot, at ang kaniyang puso ay nanginig na mainam. (I Samuel 28:5)

 

SA PAGDURUSA:

 

Kung nakakaranas ka ng mga suliranin, pagsubok, at pagdurusa sa buhay, Ang Dios ay naluluwalhati  kung ang iyong tugon ay tama:

 

At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya. (Roma 8:17-18)

 

Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga baga na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? (Lucas 24:26)

 

Sinabi ni Pablo:

 

...kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

 

At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

 

At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagak’t ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

 

Sapagka’t nang tayo ay mahina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama. (Roma 5:3-6)

 

Ang lahat ng bagay ay para sa ikabubuti mo, para ang mayamang awa sa pamamagitan ng pagpapasalamat ng marami ay mauwi sa kaluwalhatian Ng Dios.

 

Sapagka’t ang lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios.

 

Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.

 

Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw. (II Corinto 4:15,17 at 16)

 

Kung kinakailangang ako’y magmapuri, ako’y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan. (II Corinto 11:30)

 

...ngunit sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking mga kahinaan. (II Corinto 12:5)

 

At siya’y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka’t ang aking kapangyarihan  ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. (II Corinto 12:9)

 

Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kapurihan ninyo. (Efeso 3:13)

 

Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagamat ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa  pagpapakahayag ni Jesucristo. (I Pedro 1:7)

 

Sapagka’t anong kapurihan nga, kung kayo’y nangagkakasala, at kayo’y tinatampal ang inyong tanggapin na may pagtitiis ngunit kung kayo’y gumagawa ng mabuti, at kayo’y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito’y kalugodlugod sa Dios. (I Pedro 2:20)

 

Kundi kayo’y mangagalak, sapagka’t kayo’y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

 

Kung kayo’y mapintasan dahil sa pangalabn ni Cristo, ay mapapalad kayo: sapagka’t ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritung Dios ay nagpapahingalay sa inyo...

 

Ngunit kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito. (I Pedro 4:11-16)

 

Ipinahihiwatig ng I Pedro 5:1 at 4 na sa iyong pakikiisa sa Kanyang pagdurusa, makikiisa ka rin sa Kanyang kaluwalhatian. Kahit ang karamdaman ay maaring magamit para sa kaluwalhatian Ng Dios kung ang mga resulta ay kagalingan:

 

Ngunit pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito’y hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon. (Juan 11:4)

 

Ang pagbabagong anyo Ni Jesus ay nangyari dahil sa pagdurusa na Kanyang haharapin. Para makita ang kaluwalhatian na nagbago sa pagdurusa!

 

 SA PAGTUPAD NG IYONG MINISTERYO:

 

Ang Dios ay naluwalhati kung iyong natupad ang tawag mo sa ministeryo:

 

Na kung ang sinoma’y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios; kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios; upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa (I Pedro 4:11)

 

Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo’yariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawat nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya;

 

Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo’y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo. (II Tesalonica 1:11-12)

 

Ang iyong ministeryo ay kasama ang mabubuting gawa at Ang Dios ay naluwalhati sa paggawa mo ng mga gawain na ito:

 

Datapuwa’t kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawat taong gumagawa ng mabuti...(Roma 2:10)

 

Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.  (Mateo 5:16)

 

Kasama din sa mabubuting gawa ang iyong pag-uugali at pakikipag-usap. Itinuturo ng II Pedro 2:12 na Ang Dios ay naluwalhati kung ang iyong pag-uugali at pakikipagusap ay tama. Kasama sa gawain Ng dios ang espirituwal na pamumunga. Ito ay nagbibigay din ng kalulwalhatian Sa Dios:

 

Sa ganito’y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo’y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo’y magiging aking mga alagad. (Juan 15:8)

 

Ang bunga ng katuwiran ay nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios:

 

Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito’y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios. (Filipos 1:11)

 

Kasama sa gawain Ng Dios ang pagbabahagi ng mensahe ng Ebanghelyo Ng Dios na nagpapahayag ng Kanyang kaluwalhatian sa mga bansa:

 

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.

 

Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: ngunit ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. (Isaias 60:1-2)

 

Sinasabi ng Mga Awit 96:3 na “ipahayag ang Kanyang kaluwalhatian mula sa mga pagano”

 

...at sila’y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa. (Isaias 66:19)

 

Sila’y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan. (Mga Awti 145:11)

 

Ang mensahe na ating ipinangangaral ay tinawag na “maluwalhating Ebanghelyo”(tingnan ang I Timoteo 1:11;  II Corinto 3:7 hanggang 4:6;  Colosas 1:27).  Kung ang Ebanghelyo ay naipangaral at pinaniwalaan, ito ay may kaluwalhatian na pinatutunguhan ( II Tesalonica 3:1). Kung tinanggap ng tao ang Ebanghelyo, naluwalhati Ang Dios (II Tesalonica 1:12). Ang mga nakarinig at naniwala ay nabigay ng kaluwalhatian Sa Dios (Mga Gawa 13:48). Ang mga naglakbay at nangaral ng Ebanghelyo gawin ito para sa kaluwalhatian Ng Dios (II Corinto 8:9). Kahit ang kayamanan  ng kaluwalhatian ay sa iyo sa pamamagitan ng Ebanghelyo (Efeso 1:16; Colosas 1:11).

 

Sa iyong pagmiministeryo ipinakikita Ng Dios ang Kanyang kapangyarihan at niluluwalhati Siya ng tao:

 

...sapagka’t niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na ginawa. (Mga Gawa 4:21)

 

(Basahin kung paano Ang Dios ay naluwalhati sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapangyarihan;  Mateo 9:8;  15:31;  Marcos 2;12;  Lucas 2:20;  5:25-26;  7:16;  13:13;  17:15;  18:43;  19:38;  23:47)

 

Naluwalhati Ang Dios sa pagtupad ng gawain kung saan ka tinawag:

 

Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. (Juan 17:4)

 

Maaari mong luwalhatiin Ang Dios sa lahat ng iyong ginagawa:

 

Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man, o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

(I Corinto 10:31)

 

Na kung ang sinoma’y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios; kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios; upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa (I Pedro 4:11)

 

Ang halaga ng uri ng iyong ginagawa ay maaring kung minsan ay pangkaraniwan lamang, ngunit ito ay nagiging hindi pangkaraniwan kung ito ay ginawa para sa kaluwalhatian Ng Dios.

 

SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD SA KANYANG SALITA:

 

Ang kaluwalhatian Ng Dios ay naipahayag sa Kanyang mga salita:

 

Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. (II Corinto 3:18)

 

Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag. (Mga Awit 119:130)...

 

Alalahanin na ang “liwanag” ay may kaugnayan sa Kanyang kaluwalhatian.

 

Nang sinira ni Moises ang Salita Ng Dios na nakasulat sa bato, nawala ang kaluwalhatian sa kanyang mukha. Ibinibigay Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa mga tao na tumatanggap at sumusunod sa Kanyang mga salita. Hindi natin maaaring bigyan ng sobrang diin ang Salita kung tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios , dahil Si Jesus Ang Salita.

 

SA PAMAMAGITAN NG PAPURI AT PAGSAMBA:

 

Ang tao  na sobrang naapektuhan ng kaluwalhatian Ng Dios, ay ibinabalik ang kaluwalhatian at papuri Sa Kanya:

 

...Ang naghahandog ng haing pasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.  (Mga Awit 50:23)

 

Ang pinakamataas na pagsamba na nangyari sa Bagong Tipan ay nang ang mga nilikha ay kusang niluwalhati Ang Dios. Ang luwalhati ay dapat na :

1.                  Ialay Sa Dios :  I Samuel 6:5;  I Cronica 16:29

 

2.                  Iukol Sa Dios:  Mga Awit 29:1-11. Sinasabi sa Mateo 6:13 “Sa Iyo ang kaluwalhatian magpakailanman.”

 

3.                  Ibigay Sa Dios:  Malakias 2:2

 

4.                  Gawa Ng Kanyang Kaluwalhatian Sa Atin:  Mga aWit 57:8;  108:1, 30:12

 

5.                  Ginawa Sa Pagkakaisa:  Roma 15:6

 

Ang pagluluwalhati Sa Dios ay hindi ginagawa sa kawalan. Ikaw ay nagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios dahil ...

 

1.         Ito ay utos:

 

Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatian marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan.

(I Cronica 16:29)

 

Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo. (Isaias 42:12)

 

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa, ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. (Mga Awit 96:3)

 

...At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawat bagay: kaluwwalhatian. (Mga Awit 29:9)

 

Ang sumusunod na mga talata ay tungkol sa pagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios:  Nehemias 9:5;  I Samuel 6:5;  I Cronica 16:10, 28-29,35;  29:11,13;  Jeremias 13:16; Apocalipsis 1:6;  4:9;  4:11; 5:12-13; 7:12;  14:7;  19:1;  Mga Awit 22:23;  29:1-2;  66:2;  96:7-8)

 

2.         Ito Ay Karapat-dapat Sa Kanya:

 

Pinapanganak ng tinig ng panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga gubat: At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawat bagay: kaluwwalhatian. (Mga Awit 29:2)

 

3.         Sa Kanyang Likas:

 

Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon at luluwalhatiin ang inyong pangalan? sapagka’t ikaw lamang ang banal...(Apocalipsis 15:4)

 

At upang ang mga Gentil ay maluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan.. (Roma 15:9)

 

4.         Sa Kanyang Pangalan:

 

Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking boong puso; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man. (Mga Awit 86:12)

 

...kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan...(Mga Awit 115:1)

 

Purihin nila ang pangalan ng Panginoon, sapagka’t ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. (Mga Awit 148:13)

 

5.            Nilikha Niya Ang Lahat Ng Mga Bagay:

 

Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka’t nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha. (Apocalipsis 4:11 Tingnan din ang Apocalipsis 14:7)

 

6.            Pinananatili Niya Ang Lahat Ng Mga Bagay:

 

Sapagka’t kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. (Roma 11:36)

 

7.         Sa Pagtubos:

 

At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, Kung gayo’y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay. (Mga Gawa 11:18)

 

At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring ganap ay niluwalhati din naman niya. (Roma 8:30)

 

Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal. (Efeso 1:6)

 

 

 

 

 

8.         Sa Kanyang Paghuhukom:

 

...Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol...(Apocalipsis 14:7.  Tingnan din ang Apocalipsis 15:4)

 

9.         Sa Iyong Mana Sa Kanya:

 

Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, Upang ako’y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako’y lumuwalhati na kasama ng inyong mana. (Mga Awit 106:5)

 

Marami ka pang matututunan  ang tungkol sa kung paano luluwalhatiin Ang Dios sa ika-walo at ika-siyam na mga kabanata na tungkol sa paksa ng pagsamba.

 

NAGPAPATULOY NA PAG-IKOT

 

Sa araliln na ito iyong natutunan kung paano luwalhatiin Ang Dios . Habang niluluwalhati mo Siya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunan na ito, ipinahahayag pa Ng Dios ang  higit na kaluwalhatian Niya sa iyo at sa pamamagitan mo. Habang ikaw ay nagbibigay ng kaluwalhatian para sa Kanyang mga ginawa, ikaw ay nakatatanggap ng kaluwalhatian para ikaw ay patuloy na kumilos sa iyong ministeryo. Ang patuloy na pagikot na ito ay walang katapusan, ang nagbubuyo na puwersa na naghahanda sa iyo para matupad ang pagkatawag Ng Dios sa iyo na dapat mong gawin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.         Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.            Ipaliwanag kung paano luluwalhatiin Ang Dios.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3.            Talakayin ang patuloy na pagikot ng pagbibigay at pagtanggap ng kaluwalhatian.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.      Basahin ang Isaias 60. Ang unang talata ay nagbigay ng pagsubok:

 

Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag na tulad ng araw. Nililiwanagan ka ng kaningningan ni Yahweh. (Isaias 60:1, MBB)

 

Ang mga natitirang talata sa kabanatang ito ay nagpapahayag ng mga resulta kung ang kaluwalhatian Ng Dios ay nananahan sa iyo:

 

Talata 2: Kahit ang kadiliman ay nasa lupa, Ang Panginoon at ang Kanyang kaluwalhatian ay mananahan sa iyo. Hindi ka dapat maapektuhan ng mga pangyayari sa iyong paligid.

 

Talata 3:  Ang mga bansa ay tutungo sa kaningningan ng Kanyang kaluwalhatian... kahit mga lilder sa politika.

 

Talata 4: “Ang mga anak” mula sa malayo ang ibig sabihin hindi lamang sa iyong sariling pamilya, ngunit pati ang espirituwal  na mga anak.

 

Mga Talata 5-12:  Ang mga kayamanan ng kalaban ay kikilos para sa kaharian.  Sa talata 11 “mga puwersa” ang ibig sabihin ay kayamanan).

 

Talata 13: Magkakaroon ng pagkakaisa kahit sa natural ay magkaiba.

 

Mga Talata 14-19:  Muling kukunin Ng Dios ang ninakaw ng kalaban:

 

            Talata 14:  Ang mga dumalamhati sa iyo ay yuyuko .

 

            Talata 17: Inilarawan na buong pagbaliktad

 

            Talata 18: Ang mga pakikipaglaban ay titigil.

 

            Talata 16: Ang manunubos ay magtatagumpay.

 

            Talata 19: “Ang Dios” ay magiging “Ang kaluwalhatian.”

 

Talata 20:  Pagtangis ay matatapos.

 

Talata 21: Ang matuwid ang magmamana  ng lupa.

 

Talata 22:  Ang maliit ay magiging dakila at Ang Dios ay kikilos ng mabilis.

 

Ang larawan na ito ng mga resulta ng kaluwalahtian Ng Panginoon ay nagpatuloy sa

Isaias 61:

 

Mga talata 1-3:  Ang pahid ay mananahan sa iyo.  Mga talata 4-11: Ang mga nasayang na mga lugar ay muling itatayo.

 

2. Ngayon pag-aralan ang Isaias 43. Pansinin ang talata 7:  “Kahit ang bawa’t isa na tinawag sa pangalan; dahil nilikha Ko sila para sa Aking kaluwalhatian...”  Ito” kahit ang bawa’t isa” ito ay para sa mga nasabi na. Ang sumusunod ay ibinigay para sa mga mayroong kaluwalhatian Ng Dios na nananahan sa kanila:

 

 

            -Pagtubos:     1           -Paglaya:     2               -Espirituwal na pagaani:      4-6

 

3. Basahin ang Mga Awit 24. Ito ay naglalarawan kung paano ang Hari ng Kaluwalhatian ay pumapasok. Siya ay pumapasok sa mga :

 

            -May malinis na mga kamay:                                                                         4

            -May dalisay na puso:                                                                                                4

            -Hindi itinataas ang kanilang kaluluwa sa walang kabuluhan:                    4

            -Hindi sumusumpa sa kabulaanan:                                                                  4

            -Nagbubukas ng kanilang espirtuwal na pinto sa Kanyang presensiya            7 at 9

 

4. Pansinin kung ano ang mangyayari kung hindi mo naluluwalhati Ang Dios:

 

Kung hindi ninyo didinggin, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo, at aking susumpain ang inyong kapalaran; oo, akin na silang sinumpa, sapagka’t hindi ninyo inilagak sa inyong puso. (Malakias 2:2)

 

Ang mensahe Ng Dios  kay Belsasar ay katulad:

 

Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit... at ang Dios na kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati. (Daniel 5:23)

 

Tiyak natuto si Herodes ng mahirap na aralin tungkol sa pagbibigay ng kaluwalhatian Sa Dios. Sinaktan siya ng anghel Ng Panginoon dahil hindi siya nagbigay ng kaluwalhatian Sa Dios Tingnan ang Mga Gawa 12:23.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-PITONG KABANATA

 

ANG ARKO AY PARATING

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung bakit ang kaluwalhatian ng Dios ay umalis sa Kanyang mga anak.

·                    Ibuod ang mga pangyayari at ang kanilang espirituwal na kahalagahan nang ang arko ay nasa bawa’t sumusunod na mga lugar:

·                    Ebenezer

·                    Aphek

·                    Ashdod

·                    Gath

·                    Ekron

·                    Beth-shemesh

·                    Kirjath- Jearim

·                    Jerusalem

·                    Kilalanin ang kinakailangan na apat na mga bagay para sa pagbabalik ng kaluwalhatian Ng Dios.

 

SUSING TALATA:

 

Gayon iniahon ng boong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.

(I Cronica 15:28)

           

PAMBUNGAD

 

Sinabi Ng Dios kay Moises, “Kung gagawin mo ang tabernakulo ayon sa disenyo, ang aking kaluwalhatian ay mananahan doon”  (Exodo 25:9). Sa simula ang tao ay nilikha para sa kaluwalhatian Ng Dios.  Tayo ay nilikha ayon sa Kanyang wangis  at itinakda sa mga gawa ng Kanyang mga kamay para magbigay ng kaluwalhatian sa Kanya (Hebreo 2:7). Nang ang tao ay nagkasala, ang “disenyo” ay nabago at ang kaluwalhatian ay nawala:

 

Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. (Roma 3:23)

 

Katulad ng tabernakulo ni Moises, ikaw ang tabernakulo Ng Dios. Kung iyong itinatatag ang iyong espirituwal na buhay ayon sa tamang disenyo ang kaluwalhatian ay mananahan diyan. Kung babaguhin mo ang disenyo, ang kaluwalhatian ay lilisan:

 

Sapagka’t kahit kilala nila ang Dios, siya’y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdili. (Roma 1:21-23)

 

Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo. (Mga Awit 106:20)

 

Sa pamamagitan ng paghuhukom Ng Dios, ang ilan ay magsisisi at ang kaluwalhatian ay manunumbalik:

 

At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol at nagiba ang ikasampung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatakot, at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit. (Apocalipsis 11:13)

 

Ang ilan ay hindi magsisisi at mababawi ang kaluwalhatian:

 

At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila’y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya’y luwalhatiin. (Apocalipsis 16:9)

 

Ang makasalanan ay walang kaluwalhatian. Ito ay napanunumbalik sa pamamagitan ng proseso ng pagtubos:

 

...At at ang mga tinawag ay inaring ganap naman niya: at ang mga inaring ganap ay niluwalhati din naman niya. (Roma 8:28-30)

 

Ang “kaluwalhatian” ay umaalis din mula sa anak Ng Dios nang ang kasalanan ay naghiwalay sa kanila mula sa presensiya Niya. Ano ang maaring gawin kung ang kaluwalhatian Ng Dios ay umalis dahil ang disenyo ay nabago ng kasalanan?  Ang pag-aaral sa Lumang Tipan tungkol sa Arko Ng Dios na umalis at nagbalik sa Israel ay nagbigay ng natural na pagkakatulad sa dakilang espirituwal na katotohanan na sagot sa tanong na ito.

           

ANG PAGALIS AT PAGBALIK NG ARKO

 

Ang Arko Ng Dios ay tanda ng kaluwalhatian Ng Dios sa kalagitnaan ng Kanyang mga anak. Pinangungunahan Ng Arko ang Israel sa kanilang paglalakbay sa ilang. Ito ang nanguna sa kanilang pagtawid sa ilog ng Jordan sa Canaan. Ito ay nauna sa kanila sa pakikipaglaban bilang tanda ng presensiya Ng Dios.

 

Sa I Samuel mga kabanata 4 hanggang 7 may nakalulungkot na istorya tungkol sa Arkong ito, ang tanda ng presensiya Ng Dios sa Kanyang mga anak, ay nawala. Basahin ang mga kabanatang ito sa Biblia bago magpatuloy sa mga natitirang aralin na ito.

 

 

MULA SA SHILO TUNGO SA EBENEZER:

 

Nagsimula  ang I Samuel 4 na ang bansang Israel ay nakikipaglaban sa Filisteo. Ang Israel ay nagkampo sa lugar ng Ebenezer at ang mga hukbo ng Filisteo ay nagtayo ng kanilang mga tolda sa Aphec. Ang Israel ay natatalo sa labanan dahil sa kasalanan na nasa kanilang kalagitnaan, lalo na sa kanilang lideratura (tingnan ang I Samuel kabanata 3).  Nang nawala ang 4,000 mga lalake sa labanan, nagsimula silang magtanong “Bakit sila ay hinampas Ng Dios?

 

Sa halip na hanapin nila ang Panginoon at siyasatin ang kanilang mga puso para ipahayag ang tunay na problema, ang hukbo ng Israel ay nagpasiya na kunin ang Arko, ang tanda ng presensiya Ng Dios, at ipinadala bago sa kanila sa labanan. Sa nakaraan na pakikipaglaban, sa utos Ng Dios, pinangunahan ng Arko ang hukbo ng Israel sa pakikipaglaban, ngunit ito ay tanda lamang ng presensiya Ng Dios. Dahil sa kasalanan, ang presensiya Ng Dios ay hindi kasama ng Kanyang mga anak sa pakikipaglaban kaya ang tanda ng Kanyang presensiya ay walang kabuluhan.

 

Pagkatapos ng unang bahagi ng pakikipaglaban sa Canaan, ang tabernakulo ay itinatag sa lugar na tinatawag na Shiloh. Ang Israel ay ipinadala sa Shiloh at dinala ang Arko sa Ebenezer. Nang ang Arko ay dumating sa kampo, Ang Israel ay nagbigay ng dakilang sumigaw ng kagalakan dahil sigurado na ngayon mananalo sila sa pakikipaglaban sa mga Filisteo.

 

Ngunit ang tanda na walang aktuwal na presensiya Ng Dios ay walang kabuluhan. Nang ang labanan ay muling nagsimula, 30,000 mga hukbo ng Israel ang napatay at kinuha ng Filisteo ang Arko Ng Dios. Kahit ang mga  anak ng saserdoteng si Eli ay napatay.

 

Nang ang mensahero ay dumating kay Eli para sabihin ang balita, siya ay nabigla at bumagsak siya sa kanyang upuan, nabali ang kanyang leeg, at namatay. Ang buntis na manugang niya ay dagling naghirap at nanganak ng isang lalaking anak. Kanyang ipinangalanan ng “Ichabod” na ang ibig sabihin ay “ang kaluwalhatian Ng Dios ay lumisan”:

At kaniyang sinabi, Ang kaluwlhatian ng Dios ay nahiwalay sa Israel; sapagka’t ang kaban ng Dios ay kinuha. (I Samuel 4:22)

Ang tanda ng presensiya Ng Dios ay nasa kamay na ngayon ng kalaban at ang Israel ay natalo sa laban. Kung nawala natin ang presensiya Ng Dios, tayo ay matatalo rin sa labanan.

Sa maraming mga lugar ngayon, ang Iglesya ay kampante na sa mga tanda ng presensiya Ng Dios. Mayroon tayong tanda na mga krus, kalapati, kagamitan sa banal na hapunan, kandila, at malaking gusali ng iglesya. Maaaring may emosyon na sumisigaw at nagpupuri Sa Dios, katulad ng ginawa ng Israel nang ang Arko ay dumating sa kampo.

Ngunit tunay ba na ang presensiya Ng Dios ay nasa sa atin, o kampante na tayo sa mga tanda at mga rituwal? Sa tuwing tayo ay kampante na sa tanda, rituwal, at kinaugalian, ang presensiya Ng Dios ay umaalis. Ang kaluwalhatian Ng Dios ay nawala sa mga kalaban. Tayo ba ay kontento na sa rituwal sa halip na sa tunay na presensiya Ng Dios?

MULA SA EBENEZER TUNGO SA APHEK:

Nang makuha ng mga Filisteo ang Arko Ng Dios, una nilang dinala sa lugar na tinawag na Aphek na ang ibig sabihin “lakas at tanggulan.” Ito ay isang lugar na hindi nakuha ng Israel mula sa Canaanite nang nasakop nila ang Canaan. Nakatala sa I Samuel 4:1 at 29:1 na hindi nagtagal ito ay naging base kung saan sisimulan ang pag-atake laban sa Israel.

Sa Aphek, aktuwal na dinagit ang tanda ng presensiya sa pamamagitan ng pagdungis at pandarambong dito.  Ang anumang bahagi ng iyong buhay na naiwan na hindi nagapi ay nagiging muog at tanggulan ng Satanas. Ito ay magagamit ng kalaban para simulan ang atake laban sa iyo at mawawala ang kaluwalhatian ng Dios. Kukunin ni Satanas ang mahalaga at gagahasain ito sa pamamagitan ng pagdungis, paglapastangan, at pandarambong. Ang rituwal (Ebenezer) ay palaging nabubunsod sa pagdagit (Aphek).

MULA SA APHEK TUNGO SA ASHDOD:

Sa I Samuel 5, nakasulat sa Biblia na sumunod na inilipat ang Arko sa lugar na tinatawag na Ashdod. Ang Ashdod ay isa sa limang pangunahing lunsod ng Filisteo at ang lugar ng isa sa pinakakilala na mga templo ng dios ng bansa, na si Dagon. Sa Ashdod, ang mga Filisteo ay nagsubok na magtatag ng Arko na kasama ang ibang dios diyusan ngunit ang kanilang mga dios ay palaging bumabagsak at sa kahulihan ay nasira at nagkapira-piraso.

Nang naiwala mo ang kaluwalhatian ng Dios sa pamamagitan ng rituwal at espirituwal na pagnanakaw ng kalaban, ang susunod mong kilos ay subukin na pangatwiranan ang iyong kalagayan sa pag kompromiso. Katulad ng Filisteo, ginagawa mo ito sa pagsubok na magtatag ng kaluwalhatian Ng Dios kasama ang makamundong diyus-diyusan ng iyong buhay. Ito ay maaaring aktuwal na nakikitang mga idolo na bato o putik, o maaari itong mga idolo ng kayamanan o makamundong pag-uugali o pamumuhay. Iyong sinusubukan na makita kung gaano karami ang maaari mong makamtan sa mga makamundong kayamanan at magkamit pa rin ng kaluwalahtian Ng Dios sa iyong buhay.

Ngunit ang lahat ng mga idolo ay dapat na lumuhod sa harapan ng kaluwalhatian Ng Dios. Nang makilala ng mga Filisteo ang kapangyarihan Ng Dios, sila ay natakot at ibinalik ang arko sa lunsod ng Gath.

MULA SA ASHDOD TUNGO SA GATH:

Ang ibig sabihin ng “Gath” ay “pigaan ng alak.” Tuwing ikaw ay nagkokompromiso at pinahihintulutan ang kalaban na magtatag ng muog sa iyong buhay (ang ibig sabihin ng mga salitang Aphec at Ashdod ay “muog”) madali mong makikita ang iyong sarili sa kanyang “pigaan ng alak.” Pipigain ka niya, dadaganan, at itutulak ka hanggang ang lahat ng kabutihan ay maalis sa iyong buhay..

Sa Gath, nagpadala ng paghuhukom Ang Dios sa Filisteo sa kanilang “tagong bahagi” (pribadong bahagi ng katawan). Dito ang balik ng pagkawala ng kaluwalhatian ay nagsimulang makita at ang paghuhukom Ng Dios ay nagsimulang bumaba.

Hindi maaari Sa Dios ang espirituwal na rituwal. Hindi  Niya pahihintulutan na ang Kanyang presensiya ay maagaw sa ating mga buhay at mga iglesya. Hindi Niya pababayaan na magbigay ng katwiran sa pamamagitan ng pag kompromiso ng walang kaparusahan  ng Kanyang paghuhukom.

MULA SA GATH TUNGO SA EKRON:

Ang ibig sabihin ng Ekron ay lipulin na ang ibig sabihin ay “kamatayan.” Ang nakamamatay na pagkawasak ay dumating sa lunsod bilang hukom mula Sa Dios. Ang pagkalipol ng espirituwal na kamatayan ay hindi malayo sa balik ng paghuhukom Ng Dios. Kung hindi natin pakikinggan ang mensahe Ng Dios, madali tayong magiging katulad ng iglesya sa Sardis na may pangalan na tayo ay nabubuhay , ngunit tayo ay patay. Apocalipsis 3:1)

MULA SA EKRON TUNGO SA BETHSHEMESH:

Sa Ekron ang Arko Ng Dios ay nagbago ng direksiyon at nagsimula ng mahaba at mabagal na pagbalik sa Israel. Ngunit ang tanda ng presensiya Ng Dios ay hindi madaling mabalik sa mga anak Ng Dios. Umabot ng higit sa 20 mga taon bago ito dumating sa Jerusalem!

Pagkatapos ng paglipol sa pamamagitan ng kamatayan sa Ekron, ang mga Filisteo ay nagpasiya na makabubuti na ibalik ang Arko kung saan ito nararapat (I Samuel 6). Gumawa sila ng kariton, at inilagay ang Arko dito, at gumamit ng dalawang baka para hilahin ang laman nito. Ang dalawang baka na ito ay may dalawang anak na nasa tirahan nito. Ang natural na gawi kung sila ay naiwan sa kanilang sarili ay tutungo kung nasaan ang kanilang mga anak. Sa halip, ang mga baka ay nagtungo sa Israel. (Kahit ang mangmang na mga hayop ay alam na ang kaluwalhatian ay para sa mga anak Ng Dios at hindi sa kamay ng mga kalaban!)

Ang mga baka at ang kanilang mahalagang karga ay dumating ng una sa lugar na tinatawag na Bethshemesh kung saan ang ilan sa mga tao sa Israel ay nagaani ng kanilang anihin. Nang makita nila ang Arko, sila ay nagsimulang magalak. Kinuha nila ang kariton at mga baka at inihandog sila bilang handog Sa Panginoon.

Ngunti ang mga tao sa Bethshemesh ay tumanggi na kilalanin na hindi basta ipinadadala Ng Dios ang Kanyang presensiya para lamang pagpalain tayo. Ang kabanalan ay dapat na nasa puso ng anumang pagkilos Ng Dios. Nais ng mga taong ito ang presensiya Ng Dios sa kanila, ngunit hindi nila nais ang kaparaanan Ng Dios. Ang tingin nila sa Arko ay, ipinabawal Ng Dios. Mahigit sa 50,000 mga tao ang namatay dahil sa kanilang kasalanan (Exodo19:21).

Maraming pagkakataon tayo ay nagagalak kung ang presensiya Ng Dios ay nagsimulang kumilos sa ating kalagitnaan at inaangkin natin na nais natin ng “revival.” Ngunti tumatanggi tayo na lumakad sa kabanalan. Nais natin ng presensiya Ng Dios, ngunit tumatangi tayo na sumunod sa kautusan Ng Dios. Dahil dito, ang presensiya Ng Dios ay patuloy na lumilisan.

MULA SA BETHSHEMESH TUNGO SA KIRJATH-JEARIM:

Dahil ang mga tao sa Bethshemesh ay tumanggi sa pamantayan Ng Dios, ang Arko ay ipinadala sa Kirjath-Jearim kung saan ito nanatili ng 20 taon:

At nangyari, mula nang araw na itahan ang kaban sa Chriath-jearim, na ang panahon ay nagtatagal; sapagka’t naging dalawang pung taon; at ang boong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon. (I Samuel 7:2)

Kahit ang Arko ay nasa kalagitnaan ng mga tao sa Kirjath-Jearim, tinanggihan nila ang kapangyarihan. Nasa kalagitnaan nila ang tanda ng presensiya ng kanilang Dios, ngunit sila at ang lahat ng Israel ay “tumangis” sa Panginoon. Ang ibig sabihin nito ay naghahanap sila ng Kanyang kapangyarihan, nagugutom at nauuhaw sa Kanyang presensiya. Ang Jerusalem ay nabalewala sa presensiya Ng Dios, habang ang Arko Ng Dios ay walong milya lamang ang layo!

Sa maraming taon, ang Arko ay nagpalipat-lipat sa mga lunsod na may maliit na pagturing,  paggalang, at pagkaunawa ng kahalagahan nito. Kasama nito ang maaaring lahat ng kapangyarihan Ng Dios, ngunit walang sinoman ang nakauunawa, walang nagaalaga, at walang sinoman ang nagbigay ng maraming pansin dito.

Ito ba ang larawan ng iyong espirituwal na kalagayan? Ikaw ba ay natatali sa rituwal ng relihiyon at ninakaw ang presensiya Ng Dios? Nagmatuwid ka ba sa iyong makamundong kalagayan, nadama ang bunga ng paghuhukom Ng Dios at kahit nga ang paglipol sa espirituwal na kamatayan sa iyong buhay?

Mayroong mabuting balita para sa iyo... Ang Arko Ng Dios , ang Kanyang kaluwalhatian at presensiya ay malapit... Ito ay malapit lamang. Naghihintay lamang Ang Dios na ang lalake o at babae  na may sapat na pagnanais para sa Kanyang presensiya na sila ang manguna sa daan patungo sa panunumbalik ng kapangyarihan Ng Dios.

 

MULA SA KIRJATH-JEARIM TUNGO SA JERUSALEM:

 

Dumating ang araw na nakatagpo Ang Dios ng tao na malapit sa Kanyang puso na hindi magpapahinga hanggat ang Arko ng kaluwalhatian Ng Dios  ay buong naibalik sa Kanyang mga anak. Ang lalaking ito ay si David. Nasasabik si David na dalhin ang Arko Ng Dios sa mga anak Ng Dios. Nagtanong siya, “Paano ko maibabalik ang Arko Ng Dios sa Kaniyang tahanan ?” (I Cronica 13:12)

 

Marami ang nagtatanong nito ngayon... “Paano tayo makapaapsok sa pagbabalik ng presensiya Ng Dios, ang bagong pagkilos ng Espiritu na ating ninanais?” Matututunan mo ang tungkol dito sa susunod na aralin sa “Pagpapanumbalik Ng Tabernakulo Ni David,”, ngunit ngayon, pag-aaralan antin kung paano nadala Ni David ang Arko mula sa Kirjath-jearim tungo sa Zion, pagbabalik ng nawalang kaluwalhatian ng anak Ng Dios.

 

Una, basahin ang I Cronica 13:1-7 sa iyong Biblia.Ang talatang ito ay talaan nang unang subukin ni David na dalhin pabalik ang Arko sa anak Ng Dios. Dahil binuhat ng mga Filisteo ang Arko sa kariton inisip niya na maaari itong dalhin sa ganitong paraan. Ang arko ay inilagay sa kariton na hinahatak ng baka. Nang ang baka ay nadapa, dalawang tao ang humipo sa Arko para alalayan ito, at sila ay namatay.

 

Bilang mananampalataya, dapat tayong lumakad sa Salita Ng Dios, hindi sa pamamagitan ng halimbawa o karanasan. Nais Ng Dios ang mataas na pamantayan sa Kanyang mga lingkod kaysa sa mga hindi mananampalataya. Ang paghuhukom ay ipinaratang dahil ang Arko ay inilipat ng hindi ayon sa paraan na iniutos Ng Dios. Muling inalala ni David ang kanyang karanasan sa I Cronica 15:1-24. Sinabi niya ang unang subukin ang pagdadala  ng kaluwalhatian ay hindi “ayon sa tamang kaayusan.” Para ang kaluwalhatian ay maibalik, ito ay dapat ayon sa paraan Ng Dios.

 

ANG PROSESO NG PAGBABALIK

 

Basahin ang tungkol sa  tagumpay ni David nang subukin niya na ibalik ang Arko sa I Cronica 13-17. Apat na bagay ang kinakailangan para ang Arko Ng kaluwalhatian Ng Dios ay maibalik sa Kanyang mga anak. Ang mga bagay na ito ay kailangan din para maranasan ng pagbalik ng Kanyang kaluwalhatian ngayon:

 

1.  PAGNANAIS:

 

Sa 20 taon, ang buong Israel ay nagnanais ng mas malapit na kaugnayan Sa Panginoon. Mayroon silang pagnanais sa Kanyang kaluwalhatian. Ang unang hakbang sa proseso ng pagbalik ay magkaroon ng pagnanais para sa kaluwalhatian Ng Dios. Ngunit ang pagnanais ay hindi sapat. Maaaring nais mong mabuti ang isang bagay, ngunit para makuha mo ito dapat kang mayroong...

 

2. DETERMINASYON:

 

May determinasyon sa David na ibalik ang arko. Sinabi niya, “Dalhin natin muli ang arko ng ating Dios sa atin” ( I Cronica 13:3). Hindi lamang na dapat mong naisin ang kaluwalhatian Ng Dios , dapat mong pagpasiyahan sa iyong puso na hindi ka titigil hanggat hindi mo ito natatanggap . Kahit ang kabiguan ay hindi nakapigil kay David. Nang hindi siya nagtagumpay sa unang pagkakataon sumubok muli siya!

 

3.  DIREKSIYON:

 

Nagsimulang kumilos sina David at ang kanyang mga kasama na kumilos sa direksiyon ng Arko para maibalik muli ito. Ang pagnanais ay hindi sapat. Kahit ang pagpupunyagi ay hindi sapat. Dapat mong simulan na kumilos sa direksiyon ng presensiya Ng Dios para ang kaluwalhatian ay muling maibalik.

 

Hindi mo mararanasan ang kaluwalhatian kung hindi ikaw ay patungo sa salungat na direksiyon sa paraan ng mundo. Hindi mo mararanasan ito kung ikaw ay tumatakbo mula sa Dios sa pagsuway sa Kanyang tawag sa iyong buhay. Dapat kang magtungo sa direksiyon Ng Dios para ang kaluwalhatian ay makita.

 

 

 

 

4.  TAMANG KAAYUSAN:

 

Sa unang pagsisikap na ibalik ang Arko, ang baka ay nadapa at ang kariton ay lumagpak. Ang kaluwalhatian ay hindi maibabalik sa kariton na gawa ng tao. Ito ay dapat maibalik ayon sa plano Ng Dios, ayon sa tamang kaayusan.” Sinubukan natin na ibalik ang kaluwalhatian Ng Dios sa ating kalagitnaan sa pamamagitan ng kariton na “gawa ng tao”. Mayroon tayong mga programa at rituwal na tumutukoy sa pagkakaisa at pagkakapatiran.

 

Nakawiwili, ang ibig sabihinn ng mga pangalan ng dalawang lalake na namatay dahil sa paghipo ng arko ay lakas (Uzza) at mabuting kapatid (Ahio). Ang ating kariton na gawa ng tao ay maaaring mukhang “sweet” at mabuting kapatid, ngunit ang mga ito ang tunay na lakas ng tao. Ang kahihinatnan sa huli ng kariton na gawa ng tao ay sagabal, madulas, padausdos at sa huli... kamatayan.

 

Hindi natin maibabalik ang kapangyarihan sa Zion sa pamamagitan ng ating sariling mga plano, programa, o lakas... Ito ay dapat na dumating sa paraan Ng Dios batay sa Salita Niya. Inamin ni David sa kahulihan:

 

At sinomang hindi humanap sa Panginoon, sa Dios ng Israel, ay papatayin, maging maliit o malaki, maging lalake o babae. (I Cronica 15:13)

 

Nang ang tamang kaayusan Ng Dios ay nasunod, ang kaluwalhatian ay bumalik. Marami ka pang matututunan tungkol sa “tamang kaayusan” sa susunod na aralin sa “Pagbabalik Ng Tabernakulo Ni David.”

 

ANG APOY, ANG KALUWALHATIAN, AT PAGSAMBA

 

Ang apoy at kaluwalhatian ay parehong mahalaga na espirituwal na mga puwersa. Kung walang apoy, ang kaluwalhatian ay madaling kukupas. Kung walang apoy at kaluwalhatian, tayo ay hindi makakikilos sa harap ng kalaban.

 

Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito tungkol sa apoy at kaluwalhatian iyong natutunan na ang parehong apoy at kaluwalhatian ay may kaugnayan sa pagsamba. (II Cronica 7:1-3) Ang susunod na tatlong aralin ay iugnay sa tatlong mga puwersang ito ng pagpapakilos sa iyong pag-aaral ng “Pagbabalik Ng Tabernakulo Ni David,” “Naghahanap: Ng Mga Sasamba,” at “Paano Sumamba.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.         Isulata ng Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Ipaliwanag kung bakit ang kaluwalhatian Ng Dios ay umalis mula sa Kanyang mga anak.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3. Ibuod ang  mga pangyaayri at ang kanilang espirituwal na kahalagahan nang ang arko ay nasa mga sumusunod na lugar:

 

Ebenezer

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Aphek

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Ashdod

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Gath

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

Ekron

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Beth-shemesh

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Kirjath-Jearim

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Jerusalem

 

________________________________________

 

________________________________________

 

.4. Ano ang apat na mga bagay na kinakailangan para maibalik ang kaluwalhatian Ng Dios?

 

            _________________________________            ________________________________

 

            _________________________________            ________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang Pagalis At Pagdating Ng Arko

 

1.         Gamitin ang mapa ng Palestinya sa panahon ng Lumang Tipan para masundan ang paglalakbay ng Arko:

 

            Ebenezer:                                Rituwal

            Aphek:                                     Pagdagit

            Ashdod:                                   Pagbibigay katwiran

            Gath:                                        Pagbalik

            Ekron:                                      Pagalis

            Beth-shemesh:                                   Pagayaw

            Kirjath-Jearim:              Pagtanggi

            Jerusalem (Zion):                      Panunumbalik

 

2.         Ang mga lugar ba na ito ay maaaring maiangkop sa personal?  Ito ay maaaring maiangkop sa buong katawan ng iglesya?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-WALONG KABANATA

 

ANG PAGBABALIK NG TABERNAKULO NI DAVID

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “pagbabalik ng tabernakulo ni David.”

·                    Magbigay ng talata mula sa Biblia kung saan ang pagbabalik ay ibinigay sa propesiya.

·                    Ipaliwanag kung kailan ito maibabalik.

·                    Ipaliwanag kung paano ito maibabalik.

·                    Ibuod kung paano ang pagbabalik ng tabernakulo ni David ay may  kaugnayan sa iyo.

 

SUSING TALATA:

 

Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, at muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; at muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo. (Mga Gawa 15:16)

           

PAMBUNGAD

 

Sa huling aralin, iyong natutunan kung paano ang Arko  ay nawala sa Israel at, kasama dito ang presensiya, kapangyarihan, at kaluwalhatian Ng Dios. Nang dinala muli ni David ang Arko sa Israel, ang presensiya Ng Dios ay naibalik sa kalagitnaan ng Kanyang mga anak. Ang istorya ng pagbabalik ay mahalaga, dahil ito ay may kaugnayan sa makabagong Iglesya  at ang pangako Ng Dios na nagsasabi...

 

Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, at muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; at muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo. (Mga Gawa 15:16)

 

Bago magpatuloy sa aralin na ito, pag-aralan ang I Cronica mga kabanata 13-17.

 

ANG PANGAKO NG PAGPAPANUMBALIK

 

Pag-aralan ang sumusunod na mga talata. Sinabi Ng Dios...

 

Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buawal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una;

 

Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito,

Narito, ang mga kaarawan ay dumaraing, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at na mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ag mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw. (Amos 9:11-13)

 

Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, at muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; at muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo. (Mga Gawa 15:16)

 

Narito ang buod ng propesiya sa mga talatang ito:

 

            -Ang Panginoon ay babalik.

 

-Gagawin muli Niya ang tabernakulo ni David na bumagsak. Kanyang muling itatatag ang mga labi at itatayo ito.

 

-Ang mga layunin kung bakit ito ay gagawin ito ay para sa mga naiwan ng Edom (natirang mga tao) ay hanapin ang Panginoon at ang mga Pagano ay magkaroon ng pangalan Ng Panginoon sa kanila. (Ang ibig sabihin ng Pagano ay lahat ng mga bansa na hindi Israel).

 

            -Ang Dios ay gumagawa ng mga bagay na ito.

 

            -Ito ay bahagi ng plano Ng Dios mula sa simula ng mundo.

 

Ano ang ibig sabihin ng mga talatang ito? Ano ang pagpapanumbalik?  Ano ang ibinalik?  Kailan at paano ang pagpapanumbalik na ito ay mangyayari? Ano ang ibig sabihin sa Iglesya ngayon? Paano ito may kaugnayan sa pagpapakilos?

 

ANO ANG PAGPAPANUMBALIK?

 

Ang ibig sabihin ng ”pagpapanumbalik” ay “gawing buo o kumpleto, gawing buhay.” Ito ay paggawa ng pagbabalik sa orihinal na kondisyon o kalagayan.

 

ANO ANG NAIBALIK?

 

Ang tabernakulo ni David ay naibalik. Para maunawan kung ano ang ibig sabihin nito, dapat nating muling pag-aralan ang ilang kasaysayan ng Arko Ng Dios.

 

ANG PAGGAWA NG ARKO:

 

Si Moises ay binigayan ng direksiyon mula Sa Dios para sa paggawa ng Arko nang siya’y nasa bundok ng Sinai (tingnan ang Exodo 26:10-22). Ang arko ay hugis pahaba na kahon, 3 ¾ piye ang haba at 2 ¼ piye ang lapad at 2 ¼ piye ang taas. Ang kahon ay gawa sa kahoy at nilatagan sa loob at labas ng ginto.

 

Ang bawat bahagi ng arko ay may kahulugan na tanda. Ang ibig sabihin nito ang bawat bahagi ay kumakatawan sa espirituwal na katotohanan. Ipinaaala sa atin ng kahoy na ang Panginoon ay nagkatawan tao sa sa kahoy na krus dinala Niya ang ating mga kasalanan. Ang ginto ay nagpapahayag ng Kanyang Kadiyosan (I Pedro 2:24). Ang tatlong hanay (ginto, kahoy, ginto) ay nagpapaalala sa atin ng mayroong isang dios na walanghanggan na nagpakita sa tatlong persona.

 

MGA NILALAMAN NG ARKO:

 

Naglalaman ng tatlong bagay ang arko, ang lahat ng ito ay may simbolong espirituwal:

 

            -Ang hapag na bato ay tanda ng kabanalan, na Si Jesus ang “daan” patungo Sa Dios.

-Ang palayok ng manna na kumakatawan sa Salita Ng Dios. Si Jesus ay Salita rin  o “ang katotohanan.”

-Ang tungkod ni Aaron, na kumakatawan sa pahid Ng Dios at Si Jesus bilang “ang buhay”  (Juan 14:6).

 

KAHALAGAHAN NG ARKO:

 

Katulad ng iyong natutunan sa nakaraan na aralin, ang Arko ay lugar ng malalim, espirituwal , at malapit na pakikipagkaisa at “fellowship” Sa Dios. Ito ay lugar kung saan nakikita ang kapangyarihan, presensiya, at kaluwalhatian Ng Dios.

 

LUGAR NG ARKO:

 

Sa orihinal, ang Arko ay nakalagay sa tabernakulo ni Moises. Ito ang tirahan ng Dios sa panahon ng pagliliwaliw sa ilang mula sa bundok ng Sinai hanggang Shiloh sa Lupang Pangako. Ang arko ay nasa silid na tinatawag na “pinaka banal na dako” na pinalilibutan ng panlabas na arko at ang banal na dako.

 

Ang tatlong bahagi sa Tabernakulo ni Moises ay tanda ng tatlong bahagi na ministeryo Ni Cristo bilang propeta, saserdote, at Hari. Ang panlabas na korte ay nagsasabi ng tungkol sa ministeryo Ni Jesus bilang propeta. Sa panalabas na korte hinaharap ang kasalanan sa pagsamba sa Lumang Tipan. Si Jesus ang naging propeta Ng Dios na ipinadala para alisin ang ating mga kasalanan.

 

Ang punong saserdote ng Israel ay namamagitan sa panalangin para sa kasalanan ng mga tao  sa banal na dako. Tinutukoy nito ang ministeryo Ni Jesus bilang saserdote na palaging namamagitan sa panalangin para sa mga mananampalataya. Ang pinakabanal na dako ay nababalutan ng makapal na belo. Sa likod ng belong ito, ang isang tao ay nakatayo sa presensiya Ng Hari. Kung tayo ay pumasok sa likod ng belo ang ibig sabihin nito sa espirituwal , nakakatagpo natin Si Cristo sa Kanyang tungkulin bilang Hari ng mga Hari.

 

Pagkatapos ng paglalakbay sa ilang nang sila ay nagtungo sa Canaan, ang Arko ay inilagay sa Shiloh. Ito ay naging sentro ng pagtitipon para sa buhay relihiyon ng Israel para sa ilang mga taon (tingnan ang Josue 18:1,8-10;  19:51;  21:2;  22:9,12,19;  Mga Hukom 18:31). Natutunan mo ito sa huling kabanata, kung paano ang Arko ay dinala mula sa Shilo at natalo sa labanan ng kalaban. Nakatala sa Biblia na Ang Dios...

 

...pinabayaan ang tabernakulo ng Shilo, ang tolda ng kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;

 

At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng  kaaway. (Mga Awit 78:60-61)

 

Nang ang Arko ay nakuha palabas sa tabernakulo ni Moises sa Shilo, hindi na ito nabalik na muli doon. Nang ito ay naibalik, ito ay naibalik sa tabernakulo ni David.

 

May mga saserdote na nagpatuloy na maghandog ng dugo sa Shiloh. Kanilang pinanatili ang legal na kaayusan ni Moises na ginagawa sa labas ng tabernakulo, sa banal na dako, at sa pinaka banal na dako. Ngunit ang pinakabanal na dako sa Shiloh ay walang laman. Ang presensiya Ng Dios ay wala roon.

 

Ang presensiya Ng Dios ay nasa tabernakulo ni David. Sa tabernakulong ito, ang sakripisyo ng papuri at pagsamba ay inihandog ng mga mangaawit at musikero. Walang panlabas na korte, banal na dako, at may belo na pinaka banal na dako. Mayroong daan para sa lahat sa presensiya Ng Dios.

 

ANO ANG ESPIRITUWAL NA KAHULUGAN NITO:

 

Sa panahon ni David, ang tabernakulo ay aktuwal na dako, isang tolda na inihanda para itira ang Arko Ng Dios. Ngunit sa mga propesiya na iyong nabasa sa aralin na ito kung saan sinabi Ng Dios ang pagpapanumbalik ng tabernakulo Ni David, ay tinutukoy Niya ang espirituwal na mga bagay.

 

Ang “pagpapanumbalik ng tabernakulo ni David” ay pagpapanumbalikng espirituwal na tabernakulo na ito ay sa bahay “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay,” na Si Jesus. Kung paano ang unang tabernakulo, ang tabernakulong ito ay nagtataglay ng tatlong bahagi ng ministeryo Ni Cristo bilang propeta, saserdote, at hari. Dito nananahan ang kapangyarihan, presensiya, at kaluwalhatian Ng Dios. Ang presensiya Ng Dios ay hindi natagpuan sa pormal na luma, rituwal na pagsamba na kinakatawan na uri na nangyari sa Shiloh. Ang dako na Kanyang tirahan ay ang tabernakulo ni David.

 

KAILAN ITO MAIPANUNUMBALIK?

 

Sinabi ng Biblia na ang tabernakulo ni David ay maibabalik “katulad ng dating panahon.” Ang tabernakulo ni David ay muling maitatayo sa panahon kung saan ang mga kalagayan ay katulad ng panahon na ito ay nanumbalik sa mga dating panahon.”

 

Anong uro ng panahon ang mga iyon? Itinayo ni David ang kanyang tabernakulo nang ang kaluwalhatian at kapangyarihan ng presensiya Ng Dios ay nawala. Ang pagsamba ay naging rituwal. Iniwan Ng Dios ang lugar ng pormal na pagsamba dahil sa masamang espirituwal na kalagayan ng Kanyang mga anak:

 

Gayon ma’y nanukso at naghimagsik sila laban sa Kataas-taasang Dios, AT hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;

 

Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: Sila’y nagsilisyang parang magdarayang busog.

 

Sapagka’t minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako. At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.

 

Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel.

 

... Sa gayo’y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Shilo, ang tolda ng kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;

 

At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng  kaaway. (Mga Awit 78:56-61)

 

Nakakita ka ba ng ganitong kalagayan sa iglesya na katulad ng inilarawan sa mga talatang  ito? Kaya ngayon  ang panahon para ang tabernakulo ni David ay maipanunumbalik!

 

PAANO ITO MAIBABALIK?

 

Ang ating “Arko” ng presensiya Ng Dios ay maibabalik sa katulad na paraan kung paano ito nangyari sa panahon ni David:

 

SA TAMANG KAAYUSAN:

 

Sa unang pagsubok ni David  na dalhin ang Arko, siya ay nabigo dahil ito ay hindi ayon sa “tamang kaayusan.”  Iniutos Ng Dios na ang arko ay ilagay sa mga kahoy at ipatong sa  balikat ng mga Levita (espirituwal na mga lider). Sinubukan ni David na galawin ang Arko sa isang kariton kung paano ginawa ng mga Filisteo at ang paghuhukom Ng Dios ay bumaba. Nang dinala ni David ang Arko sa “tamang kaayusan” siya ay nagtagumpay.

 

SA INIHANDANG LUGAR:

 

Si David ay naghanda ng lugar para sa Arko Ng Dios ( I Cronica 15:1,3,12). May tiyak planadong paghahanda  para ang presensiya Ng Dios ay manahan.

 

SA BAGONG TABERNAKULO:

 

Si David ay nagtindig ng tabernakulo (tolda) para sa tirahan Ng Dios dahil sinabi Ng Dios:

 

Sapagka’t hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako’y lumakad sa tolda at sa tabernakulo. (II Samuel 7:6)

 

SAMA-SAMANG PAGTITIPION NG MGA ANAK NG DIOS:

 

Kasama din ang malaking sama-samang pagtitipon ng mga anak Ng Dios sa mga paghahanda para sa pagdadala ng Arko sa tabernakulo ni David . Ang dahilan sa pagkakaisa ay ang pagdadala ng Arko Ng Panginoon at pagpapanumbalik ng tunay na pagsamba pagkatapos ng malungkot na mga taon ng espirituwal na pagbaba mula sa panahon Ni Samuel hanggang sa paghahari ni Haring Saul.

 

PAGBABANAL:

 

Kasama rin sa paghahanda ng tabernakulo ni David ang pagbabanal. Tinawag ni David ang espirituwal na mga lider ng Israel (ang mga saserdote at mga Levitico) para banalin ang kanilang mga sarili para madala ang Arko Ng Dios.

 

Ang ibig sabihin ng “pagbabanal” ay “para ihiwalay ang sarili, ihiwalay bilang banal sa Panginoon, o para sa banal na gawain.”  Kasama sa pagbabanal na ito ang paglilinis sa pamamagitan ng dugo , pagpaligo sa tubig, at pagpahid ng banal na langis.

 

PAGBALIK SA TUNAY NA PAGSAMBA:

 

Nang ang Arko Ng Dios ay dinala, ito ay magkasamang pagaawitan, pagsigaw, ang tunog ng instrumento ng pagtugtog, at sayawan. Tiyak na hindi ito tahimik na pagsamba na paglilingkod, ngunit isa sa dakilang kagalakan, kat’waan, masaya, at may kasigasigan.

 

Kahit si Haring David ay tumugtog at sumayaw na may lakas sa harapan Ng Panginoon. Ang mga mangaawit at manunugtog ay umawit at tumugtog, at ang Arko (presensiya Ng Dios) ang sentro ng atensiyon (basahin ang Mga Awit 87:7 at Mga Awit 68:25).

 

ANO ANG  KAUGNAYAN NITO SA IYO?

 

Ang bawa’t detalye ng aktuwal na pagtayo at paglalakbay ng Arko ay halimbawa para sa atin ngayon.

 

Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. (I Corinto 10:11)

 

Ang ating espirituwal na “arko” ay ang presensiya Ng Dios sa Kanyang mga anak. Para maranasan natin ang pagbabalik ng Kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian, dapat espirituwal tayong maghanda na katulad ng kay David:

 

 

SA TAMANG KAAYUSAN:

 

Sinubukan natin na dalhin ang presensiya Ng Dios sa pamamagitan ng maraming mga uri na

“mga kariton nagawa ng tao.” Sinubukan natin ang Kristiyanong pagpapasaya, denominasyon, mga rituwal, programa, at relihiyon. Ang lahat ng ito ay nabigo. Para madala natin ang presensiya Ng Dios sa ating kalagitnaan, dapat nating gawin ayon sa utos Ng Dios. Dapat tayong maghanda ng katulad na ginawa ni David. Kasama dito ang ...

 

INIHANDANG LUGAR:

 

Kung ang tabernakulo ni David ay dapat na mapanumbalik, dapat tayong maghanda ng lugar. Dapat nating ihanda ang ating mga sarili at ang ating mga iglesya para sa bagong kilos ng presensiya Ng Dios.

 

Ang “bagong alak” ay hindi maaaring isalin sa lumang “balat ng alak.” Dapat nating alisin sa ating mga sarili ang mga kinaugalian at rituwal. Dapat nating isa-isangtabi ang ating mga  programa, talatakdaan, at mga kinaugalian, ang paraan ng ating paggawa sa mga bagay, at ihanda ang ating mga sarili para sa bagong pagkilos Ng Dios.

 

BAGONG TABERNAKULO:

 

Ang bawa’t isang mananampalataya ang “tabernakulo” o lugar kung saan Ang Dios ay nananahan. Ang mga mananampalataya ay tinawag na “tabernakulo” Ng Dios sa II Pedro 1;13-14, II Corinto 5:1, at I Corinto 6:19.

 

Ang Iglesya ay binubuo ng mga mananampalataya at ito ay sama-samang tabernakulo Ng presensiya Ng Dios.

 

            -Sinabi Ni Jesus, “Itatayo Ko ang Aking iglesya”: Mateo 16:18

            -Sinabi ni Pablo, “Ikaw ay gusali Ng Dios”: I Corinto 3:9

-Sinabi ni Pedro, “Ikaw din, bilang buhay na mga bato, ay itinayo sa espirituwal na bahay”:  I Pedro 2:5

 

Ang isahan at sama-samang mananampalataya ay tunay na tabernakulo Ng Dios, kung saan Si Jesus ang ating Punong Saserdote:

 

Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit,

 

Ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao. (Hebreo 8:1-2)

 

Ang tunay na tabernakulo Ng Dios ay lahat ng mga mananampalataya. Ang Dios ay hindi mailalagay sa “gusali” ng tao kung ito man ay aktuwal na templo, o denominasyon o organisasyon.

SAMA-SAMANG PAGTITIPON NG MGA ANAK NG DIOS:

 

Kung nais makita ng Iglesya  ang pagpapanumbalik ng ating espirituwal na “arko” ng presensiya Ng Dios, dapat tayong sama-samang magtipon ng may pagkakaisa. Ang mga lider ay dapat na sama-samang magtipon sa pagkakaisa (Exodo 4:29). Ang mga tao ay dapat magsama-sama (Mga Gawa 14:27). Kung ang mga mananampalataya ay sama-samang magtitipon sa pagkakaisa ang iuutos Ng Panginoon ang Kanyang pagpapala. Dapat tayong magkaisa, sumangayon, sa iisang layunin (Mga Awit 133;  Mga Gawa 2:1-4).

 

PAGBABANAL:

 

Kahit ang pagbabanal ay kinakailangan sa paghahanda ng tabernakulo ni David, ito ay kinakailangan din sa espirituwal na pagpapanumbalik ng tabernakulo. Ang Espirituwal na mga lider ay dapat na maging banal para madala ang arko Ng Dios. Dapat tayong bumalik sa moral at espirituwal na karangalan sa ministeryo at magkaroon ng pinansiyal na pananagutan.

 

Ang mga tao ay dapat na maging banal para makatanggap ng Arko ng presensiya Ng Dios. Hindi na natin pahihintulutan ang kasalanan na kumilos sa ating kongregasyon. Hindi na tayo uupo sa pangangaral na “nakakasisiya sa ating mga pandinig,” nagpapasiya, at nagpapatawa sa atin at magagandang istorya.

 

Kasama sa Lumang Tipan na pagbabanal ang paglilinis sa pamamagitan ng dugo, pagpaligo sa tubig, at pagpahid ng langis, gayundin ang ating pagbabanal kasama ang dugo Ni Jesus (Hebreo 13:12), ang tubig ng Salita Ng Dios (Juan 17:17), at ang pagpahid ng Espiritu Santo (I Pedro 1:2).

 

Dapat tayong malinis ng dugo Ni Jesus. Dapat tayong bumalik sa tunay na katuruan, pangangaral, at pagtugon sa Salita Ng Dios. Ang pagpahid ng Espiritu Santo ay dapat na mag- bigay ng kapangyarihan sa mga lider at mga tao, dumadaloy sa ating kalagitnaan at hinihipo ang gawain ng ating mga kamay na may kabanalan.

 

PAGBALIK SA TUNAY NA PAGSAMBA:

 

Ang Arko ng presensiya Ng Dios ay babalik sa ating kalagitnaan kung tayo ay babalik sa tunay na pagsamba. Ito ay hindi pagsamba sa pamamagitan ng rituwal o kredo, ngunit ito ay uri na nangyari sa tabernakulo ni David at nang ang arko ay nadala sa Jerusalem. Ito ay pagsamaba ng may pagaawitan, pagtugtog ng instrumento, pagsigaw, pagsayaw... ang pagsamba na may dakilang kagalakan, katuwaan, tuwa, at kasigasigan.

 

Ang tabernakulo ni David ay maibabalik kung ang presensiya Ng Dios, tulad ng Arko sa panahon ni David, na naging sentro ng atensiyon sa halip na sa mga programa, rituwal, at kinaugalian. Matututunan mo pa ang maraming mga bagay tungkol sa tunay na pagsambang ito sa susunod na aralin na may pamagat na “Naghahanap: Mga Sumasamba” at Ika-sampung kabanata “Paano Sumamba.”

 

 

PAGPAPANUMBALIK AT PAGPAPAKILOS

 

Ipinangako Ng Panginoon na Kanyang ibabalik ang tabernakulo ni David, ang tahanan para sa Espiritu Ng Dios. Ang pagpapanumbalik na ito , na pinangunahan ng pagbalik sa pagkakaisa, pagbabanal, at sa tunay na papuri at pagsamba, na magdudulot ng dakilang pag-aani ng mga kaluluwa sa huling panahon na lumapit Sa Panginoong Jesu Cristo:

 

Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una;

 

Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito,

 

Narito, ang mga kaarawan ay dumaraing, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw. (Amos 9:11-13)

 

Nang ang tabernakulo ay naibalik, magkakaroon ng saganang ani, sa katotohanan maraming mga ani na magkakasunod, pagkatapos ng isa isa muli. Mga bansa at mga tao na hindi kilala Ang Panginoon (kinakatawan ng “Edom” at mga “Pagano” sa propesiya ni Amos) ay magsisimula na bumaling sa Panginoon.

 

Ito ay magiging makapangyarihan na kilos Ng Dios na ang mga tagaani ng espirituwal na anihin sa mga bukid ay mahihirapan na sumabay dito! Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan na mapakilos ang lahat ng ating espirituwal na kayamaan ngayon. Tayo ay dapat na handa!

 

TATLONG TABERNAKULO NA TINIRAHAN NG PRESENSIYA NG DIOS

 

Ang Arko ay unang itinira sa tabernakulo ni Moises. Ito ay tanda ng kautusan at ang kasama nitong pormal. Kaayusan ng pagsamba. Ang Arko ay nawala pagkatapos na iwanan Ng Dios ang tabernakulong ito, ito ay naibalik sa bagong tirahan na lugar na tabernakulo ni David. Ito ay kinakatawan ng tunay na Iglesya na susunod ng tamang kaayusan para maghanda ng lugar para sa presensiya Ng Dios, pagbabanal sa kanilang mga sarili at sama-samang magtipon sa pagkakaisa, na nakatuon sa presensiya Ng Dios ang atensiyon. Ito ay kinakatawan ng mga anak Ng Dios na papasok sa bagong pagpapakilos ng kapangyarihan Ng Dios na may tuwa, lakas, may galak na pagsamba sa espiritu at katotohanan.

 

Kung gaano sa Israel ay nagpatuloy sa sumamba sa Shiloh, maaari kang magpatuloy sa lumang ,pormal na pagsamba kung nais mo... Ngunit ang presensiya Ng Dios ay nasa bundok ng Zion sa Jerusalem kung nasaan ang Arko. Hindi mo nanaisin na manatili sa Shiloh kung nakikita mo ang Espiritu Ng Dios ay kumikilos ng bago sa bundok ng Zion.

 

Magandang pansinin na ang lahat ng Zion ay nasa Jerusalem, ngunit hindi lahat ng Jerusalem ay nasa Zion. Ang Zion ay lunsod na nasa loob ng lunsod. Ang Zion ay pangalan para sa mga anak Ng Dios (Isaias 51:16). Ang Dios ay tumatawag sa Iglesya mula sa loob ng Iglesya kung saan ang tabernakulo ni David ay naibalik. Ito ay hindi paghahati na gawa ng tao  o kanal na naghahati sa mga iglesya. Ang mga sumasamba sa Zion ay mananatiling bahagi ng Jerusalem, ngunit sila ay nasa bagong daloy ng Espiritu Ng Dios.

 

May iba pang tabernakulo ng Lumang Tipan kung saan nandoon ang Arko. Sa bandang huli ang anak ni David na si Solomon ay magtatayo ng magandang Arko. Ito ang huling lugar na titirahan ng tanda ng presensiya Ng Dios. Ang kahoy na nagbuhat ng Arko ay maaalis.  Ang Arko ng presensiya Ng Dios ay hindi na kikilos kailanman.

 

Tinutukoy ng tabernakulo ni Soloman ang panahon sa hinaharap kung saan ang presensiya Ng Dios ay magpakailanman na nasa ating kalagitnaan ... ito ang dahilan kung bakit ang kahoy na nagbuhat sa Arko ay naalis na.

 

Tinutukoy nito ang bagong Langit at lupa kung saan ito inilarawan ni Apostol Juan...

 

At hindi ako nakakita ng templo doon; sapagka’t ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon. (Apocalipsis 21:22)

 

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay nasa kanila, at magiging Dios nila. (Apocalipsis 21:3)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.      Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “pagbabalik ng tabernakulo ni David.”

 

________________________________________

 

________________________________________

3.      Magbigay ng talata mula sa Biblia kung saan ang pagbabalik ay ibinigay sa propesiya.

 

________________________________________

 

4.      Kailan maibabalik ang tabernakulo ni David?

 

________________________________________

 

5.      Paano ito maibabalik?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

6.      Ano ang kaugnayan sa iyo ng pagbabalik ng tabernakulo ni David ?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.  Pinaghambing ng sumusunod na tsart ang pagsamaba sa tabernakulo ni Moises at ang tabernakulo ni David:

 

            Tabernakulo Ni Moises                                                Tabernakulo Ni David

 

Isang belo:  Walang daan tungo sa Pinaka                        Walang belo: May daan tungo sa Arko

Banal na Dako kung saan naroroon ang                ng presensiya Ng Dios.

presensiya Ng Dios.

 

Handog na hayop.                                                  Handog ng pagpupuri at pagsamba.

 

Lumang ministeryo at kaayusn ni Moises.            Bagong ministeryo at kaayusan ni David.

 

Walang Arko Ng Dios.            Ang Arko Ng Dios.

 

2. Ang tabernakulo ni David ay itinayo sa lunsod ng Jerusalem sa bundok ng ang pangalan ay Zion. Sa pagtatapos na bahagi ng aralin na ito napansin na ang bundok ng Zion sa Jerusalem ay kung saan ang presensiya Ng Dios ay nandoon at ang lahat ng Zion ay nasa Jerusalem ngunit hindi lahat ng Jerusalem ay nasa Zion. Bilang “lunsod na nasa loob ng lunsod, “ Ang Zion ay kinakatawan bilang “iglesya mula sa loob ng iglesya” kung saan ang tabernakulo ni David ay naibalik.

 

Ang Biblia ay may tinutukoy na makalupang Zion na aktuwal na lugar sa Jerusalem kung saan nakatayo  ang tabernakulo ni David. Ang Biblia ay may tinutukoy na makalangit na Zion, kung saan ang makalupang Zion ang tanda (II Corinto 4:18;  Hebreo 12;22; Apocalipsis 14:1). May espirituwal na Zion din. Kung ang mga tao ay na “born again”, sila ay naging “anak ng Zion,” ang espirituwal na lunsod ay naitatag sa batong saligan ng Panginoong Jesu Cristo.

 

Kaya nga may tatlong aspeto ng kahalagahan ng Zion sa Biblia. Isaisip ito. Narito ang ilang mga katotohanan tungkol sa bundok ng Zion na maaaring iangkop sa espirituwal na larangan. Ang Zion ay...

 

-Saan nananahan Ang Dios:  Mga Awit 9:11;  74:2; 76:1-2;  Joel 3:16, 21;  Isaias 8:18

 

-Ang lugar ng kaligtasan ng Israel:  Mga Awit 53:6;  69:35; Isaias 59:20;  Zacarias 9:9;

Isaias 46:13;  62:11

 

-Ang lunsod na pinaghaharian Ng Panginoon :  Mga Awit 146:10;  Isaias 60:14

 

-Kung saan ang mga makasalanan at mapagkunwari ay hinaharap:  Isaias 33:14-15;  33:5;  31:9; 1:27; Amos 6:1

 

-Kung saan ang batong saligan ay nakalatag:  Isaias 28:16;  I Pedro 2:6-8; Mateo 21:42;

Mga Gawa 4:11

 

-Kung saan Ang Dios ay may tapat na naiwan:  Isaias 37:31;  Jeremias 3;14;  Mikas 4:7;

II Mga Hari 19:31

 

-Kung saan ang kaluwalhatian Ng Dios ay bumaba:  Isaias 4:5-6; Mga Awit 102:13,16

 

-Isang lugar ng pagpapalaya:  Joel 2:32;  Mga Gawa 2:21

 

-Isang lugar ng kagalakan para sa buong mundo:  Mga Awit 48:2.11

 

-Kung saan ang kagandahan Ng Dios ay nagniningning:  Mga Awit 50:2

 

-Kung saan ang Panginoon ay pinapupurihan:  Mga Awit 65:1

 

-Isang lugar ng kalakasan para sa mga anak Ng Dios:  Mga Awit 20:2-3;  84:4-7

 

-Isang lugar na pinili Ng Dios:  Isaias 14:32

 

-Isang lugar na higit na minamahal Ng Dios  kaysa sa iba:  Mga Awit 87:1-3

 

-Kung saan ang mga tao ay ipinanganak ay tumatag: Mga Awit 87:5-6;  Isaias 66:8

 

-Kung saan ang pangalan Ng Panginoon ay ipinahayag:  Mga Awit 102:21

 

-Isang lugar ng pagpapala:  Mga Awit 128:5;  135:21;  134:3

 

-Walang hanggan na tirahan Ng Dios:  Mga Awit 132:13-14

 

-Kung saan ang salita Ng Dios ay itinuro:  Isaias 2:1-5; Mikas 4:1-2

 

-Isang lugar na sumisigaw, umaawit, at kaginhawahan:  Isaias 12:6

 

-Pangalan para sa mga anak Ng Dios:  Isaias 51:16

 

-Isang lugar na nagpapahayag ng mabuting balita:  Isaias 40:9;  42:1,2,7,8;  41:27; Mikas 4:13

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-SIYAM NA KABANATA

 

HINAHANAP: MGA MANANAMBA

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng pagsamba.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa espiritu.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa katotohanan.

·                    Ibuod ang tatlong dahilan kung bakit sumasamba.

·                    Ipaliwanag ang halimbawa ng pagsamba.

·                    Itala ang limang mga resulta ng pagsamba.

·                    Kilalanin ang limang uri ng pagsamba.

·                    Magbigay ng mga reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano ang paghahanda sa pagsamba.

·                    Ipaliwanag kung kailan tayo dapat sumamba.

·                    Ipaliwanag kung saan tayo dapat sumamba.

 

SUSING MGA TALATA:

 

Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

 

Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. (Juan 4:23-24)

 

PAMBUNGAD

 

Ang pagpapanumbalik ng pagpapakilos na presensiya Ng Dios ay darating sa pagsamba. Nais Ng Dios ang mga sumasamba! Sa kabanatang ito iyong ipagpapatuloy ang pag-aaral sa pagsamba, matututunan mo ang kahulugan ng pagsamba at kaugnay na mga salita. Iyong matututunan kung ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu at katotohanan at bakit, kailan, at saan sasamba. Iyong matututunan ang halimbawa ng pagsamba, paano maghanda para sa pagsamba, at ang mga uri at mga resulta ng pagsamba. Sa susunod na aralin iyong matututunan kung paano sumamba Sa Dios habang ikaw ay sumasamba sa espiritu at katotohanan.

 

 

 

KAHULUGAN

 

Ang ibig sabihin ng pagsamba ay paggalang, paghalik, magbigay ng parangal sa, pagpitaganan, tumayo na namamangha, magpakita ng pagmamahal, magpatirapa, at gumalang. Ang pagsamba ay pagkilala Sa Dios, ang Kanyang likas, katangian, pamamaraan, at pag-angkin, kung ito man ay pagpupuri o paggawa ng Kristiyanong paglilingkod. “Para maglingkod” ay kahulugan din ng “pagsamba.” Ang ibig sabihin ng pagsamba ay pagpapahalaga sa isang tao. Ito ay aktibong tugon Sa Dios kung saan ipinahahayag ang Kanyang kahalagahan, ipagbunyi siya, at ipagmalaki ang Kanyang pangalan.

 

Ang pagsamba ay hindi porma ng sining dahil hindi ipamamahagi Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian sa porma ng sining. Ito ay hindi liturhiya, kredo, rituwal, paulit-ulit na walang kabuluhan, o pag kopya ng itinatag na kaayusan ng paglilingkod kada Linggo. Ang pagsamba ay hindi nakaaabala na pagtitiis sa sermon, paulit-ulit na mga panalangin, o mga himno na may kakaunting pag-iisip at wala sa puso. Sa pagsamba iyong ipinahayag sa paraan ng Biblia  kung ano ang iyong nadarama sa puso. Ang pagsamba ay hindi kalagayan ng loob, ito ay tugon. Ito ay hindi lamang pakiramdam, ngunit isang pagpapahayag. Ito ay hindi walang pakialam, ngunit pakikilahok.

 

Ang pagsamba ay:

 

            Tungkulin: ng tao na ...

            Umaapaw: mula sa loob na may...

             Pagbuhos: na ipinahayag sa pagmamahal at tungkulin.

 

Narito ang ilang mga salita na kaugnay sa pagsamba sa Biblia:

 

Pasalamat:Ang ibig sabihin ng magbigay ng pasalamat ay kilalanin, pagkilala ng utang na loob, pagdiriwang, at magpahayag.

 

Papuri: Ang ibig sabihin ng papuri ay parangal. Inilarawan ng Biblia na ang papuri ay nangyayari sa  maraming mga paraan. Ang isa sa mga ito ay para “kumibit o kumalabit” katulad ng ginagawa sa instrumento na kuwerdas. Kasama sa papuri ang pag-awit ng mga salmo, at papuri, pagamin, pagpapala, pagdiriwang na may pagmamalaki, pagsigaw, at pagsasaya. Sa tutoo ang salitang “papuri” ay may walong iba’t ibang kahulugan. Ang dalawang kahulugan ay nakatutuwa. Sila ay para “mapawalan sa Panginoon” at maging “maingay na luku-luko.”

 

Luwalhatiin:  Para magbigay ng karangalan sa, kalagayan, kagandahan.

 

Paggalang: Para itaas, magpakita ng pagtangi sa.

 

Dakilain: Para magbigay ng kadakilaan, luwalhatiin.

 

 

 

ANG KAUGNAYAN NG PAGPAPASALAMAT, PAPURI, AT PAGSAMBA

 

Walang malaking paghahati sa pagitan ng papuri, pagsamba, at pagpapasalamat. Habang ikaw ay sumasamba ikaw ay maaaring dumaloy ng madali mula sa isa tungo sa isa, katulad ng inilarawan sa aklat ng Mga Awit. “Technically” gayun pa man mayroong pagkaakiba sa pagitan ng tatlo:

 

Pagpapasalamat nakatuon kung ano ang ginawa Ng Dios. Sinabi ng Biblia”huwag mong kalilimutan ang Kanyang kabutihan” (mga bagay na ginawa Niya para sa iyo).

 

Papuri  nakatuon Sa Dios, kung sino Siya, at ang Kanyang mga katangian. Isang paraan para papurihan Ang Dios ay ituon sa Kanyang mga pangalan at katangian.

 

Kung paano may sinabing paraan ng pagpasok sa tabernakulo ng Lumang Tipan, may tamang paraan para sa iyo sa pagpasok sa presensiya Ng Dios. Ikaw ay “pumapasok sa Kanyang pintuan na may pagpapasalamat at sa Kanyang korte na may pagpupuri.”  Ikaw ay kumikilos tungo sa kinaroroonan ng Kanyang presensiya sa pamamagitan ng pagpapasalamat at pagpupuri. Sa iyong pagpupuri, ikaw ay nagtatayo ng espirituwal na lugar para Ang Dios ay bumaba at manahan. Pagkatapos sasambahin mo Siya sa espiritu at katotohanan.

 

Pagsamba ang iyong ministeryo Sa Dios. Marami sa atin ang abala sa pagmimiisteryo para Sa Dios sa pamamagitan ng pangangaral, pagtuturo, pagsasanay, at iba pa. Ngunit ang pinakamahalaga mong ministeryo ay pagmiministeryo Sa Dios sa pamamagitan ng pagpupuri at pagsamba.

 

PANGUNAHING MGA PAHAYAG

 

Ipinapalagay ng pagsamba na may Dios at Siya ay maaaring makilala ng tao. Itinuturo ng Biblia na ang pagpupuri at pagsamba ay dapat na parehong sa publiko at pribado. Ang tunay na bahagi ng pagsamba ay ang nasain ng puso para Sa Dios. Ang dahilan kung bakit ang pagsamba ay nabibigo na mangyari sa mga upuan dahil ito ay hindi nangyayari sa pang-araw-araw na ginagawa sa pamumuhay. Ang mga magkakasamang tunay na sumasamba sa pagtitipon ng Iglesya ay ang mga pumapasok para gawin sa publiko kung ano ang kanilang nagawa na sa pribado. Ang pagsamba ay resulta ng uri ng pamumuhay ng pagsamba, hindi matalinong pag paplanong sama-samang oras ng pagsamba. Ang pagpupuri at pagsamba ay hindi pangmaramihan na tungkulin. Ito ay tugon ng isahan Sa Dios. Kung tayo ay nagkaisa tayo ay humahalo sa tugon ng grupo, ngunit ang bawa’t pagpapahayag ay mula sa magkakahiwalay na tao.

 

Ang iyong tugon ay hindi dapat maapektuhan ng iba na kulang sa pagtugon. Maaari mong purihin Ang Panginoon kahit anuman ang halimbawa ng mga nakapalibot sa iyo! Awitin mo, ibahagi mo, isigaw mo, kalabitin mo, ngunit simulan mo!

 

Katangian ng huling henerasyon na hindi mapagpasalamat, at mayroong maka-Dios na gawain at pagtat’wa ng kapangyarihan nito. Ito ang dahilan kung bakit kailangan na ituro ang pagsamba. Ang pagsamba ay dapat na mapangunahan ng iyong kalooban, hindi ng iyong damdamin. Kung tunay kang naniniwala na Ang Dios ang nangunguna sa iyong buhay, maaari kang magalak. Sinasabi ng Biblia na kalooban Ng Dios na magbigay ng pasasalamat sa bawa’t kalagayan (I Tesalonica 5:18)

 

Ang patuloy na pagpupuri ay utos Ng Dios sa mga Kristiyano sa Bagong Tipan:

 

Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. (Hebreo 13:15)

 

Karamihan sa atin ay nasanay na maakay sa pagsamba. Sinabi Ng Dios “ikaw ay pumasok” at “ikaw ay maghandog ng papuri.” Sa maraming mga bansa, ginagarantiyahan ng kanilang saligang batas ang kalayaan sa pagsamba. Kung minsan ang mga mananampalataya ay higit na mamamayan sa halip na Kristiyano. Iniisip nila na mayroon silang kalayaan na pumili kung paano at kung kailan sila sasamba. Ngunit ang Biblia ay masyadong tiyak tungkol sa pagsamba.

 

ESPIRITU AT KATOTOHANAN

 

Batay sa Susing Talata ng aralin na ito, para ang pagsamba ay maging katanggap-tanggap ito ay dapat na magawa “sa espiritu at katotohanan.” Ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu at katotohanan?  Ang Juan 4:33-34 ay kaugnay sa ibang talata sa Mateo. Sinabi Ni Jesus sa mga lider ng relihiyon ng Kanyang panahon...

 

Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios. (Mateo 22:29)

 

Ipinakikita ng “Biblia” ang katotohanan ng ating pagsamba. Ang “kapangyarihan Ng Dios” ay nagpapakita ng espiritu ng ating pagsamba. Kung paano ang Biblia at ang kapangyarihan Ng Dios ay kinakailangan para sa tamang pagkaunawa ng espirituwal na mga bagay, ang espiritu at ang katotohanan ay kinakailangan para sa katanggap-tanggap na pagsamba.

 

Para maunawaan kung ano ang sinasabi Ni Jesus tungkol sa pagsamba, ating suriin ang kalagayan kung saan Niya sinabi ang pangungusap na ito. Tingnan ang Juan 4 sa iyong Biblia.

 

ANG TALATA SA BIBLIA:

 

Hindi kinakailangan para Kay Jesus na dumaan sa Samaria tungo sa Kanyang patutunguhan, ngunit sinabi Niya na “kailangan” na magtungo Siya sa lugar na iyon. Siya ay may dakilang paghirang na dapat gawin. Si Jesus ay nagpapahinga sa tabi ng balon, habang ang Kanyang mga disipulo ay nagtungo sa lunsod para bumili ng pagkain nang ang babae ay lumapit para sumalok ng tubig. Makikita na siya ay mahirap sa materyal, dahil wala siyang alipin para sumalok ng tubig para sa kanya, ngunit mas espirituwal na mahirap siya.

 

Madaling inalis Ni Jesus ang balakid para maiwasan siya na makatanggap ng espirituwal na tulong mula sa Kanya. Dapat din nating alisin ang lipi, kultura, denominasyon, at teolohiyang balakid at personal na pagtatangi para makapagdala ng espirituwal na “tubig” sa nauuhaw na mundo. Hinarap Ni Jesus ang bawa’t mga ito sa Kanyang pakikipag-usap sa babaing ito.

 

Sinabi Ni Jesus sa babae, “Kung alam mo” (Juan 4:10). Dapat kang sumamba mula sa kalagayan ng pagkaunawa. (Marami pa tayong sasabihin tungkol dito kung tinatalakay na natin ang “katotohanan” sa bandang huli ng aralin na ito.) Ang kaalaman (katotohanan) ay magdudulot ng kaunawaan kung sino talaga Ang Panginoon at tutungo sa pagsamba. Sinabi Ni Jesus, “Kung alam mo, hihingi ka ng” Kaalaman (katotohanan) ay palaging nangangailangan ng tugon. Ang ating responsabilidad ay humiling. Ang Kanyang tugon ay magbigay.

 

Sinabi ng babae Kay Jesus, “Walang kang ipansasalok para mabigyan mo ako ng tubig.” Tinitingnan niya ang mga bagay sa natural, ang nakikita lamang ng mga mata. Siya ay balisa dahil “walang ipansasalok” nang ang pinagmumulan ng buhay na tubig ay nandoon sa kanyang harapan. Katulad ng babaing ito , marami sa atin ang nakatuon sa mga imposible sa buhay, kung tayo ay nasa presensiya ng manggagawa ng himala. Ang buhay na ibinigay Ni Jesus ay nagdala sa pagsamba. Ito ay espirituwal na tubig na nakapapatid ng iyong uhaw sa pagbubukal mula sa iyong espiritu.

 

Ngunit may iba pang mga balakid na dapat alisin Ni Jesus bago ang babaing ito ay makatanggap ng espirituwal na buhay na dumadaloy at tumugon sa tunay na pagsamba. Tinanong ng babae Si Jesus, “Ikaw ba ay mas dakila sa aming Ama na si Jacob?” Ito ay balakid na kultura ng natural na mga kaugnayan na dapat alisin Ni Jesus bago ang pagsamba ay matanggap. (Sa bandang huli, hinarap Niya ang kaugalian ng pagsamba. Ang kinaugalian at kultura ay dalawang na may pinakamalaking balakid sa pagsamba sa espiritu at katotohanan).

 

 Hinarap Ni Jesus ang katotohanan na ang babae ay hindi nasisiyahan sa kanyang kaugnayan sa pitong lalake. Sinusubukan niya na punan ang espirituwal na kakulangan sa kanya sa pamamagitan ng natural na kaugnayan (mga talata 15-19).

 

Palaging tandaan na walang anumang bagay ang makapapalit sa pagsamba. Ikaw ay mabibigo sa natural na mga kaugnayan, ang iyong personal na buhay, ang iyong iglesya hanggat ikaw ay tunay na sumasamba. Ang tunay na kasiyahan ay hindi din nanggagaling sa ministeryo. Alalahanin kung ano ang sinabi Ni Jesus kay Martha na abala sa paggawa ng mga bagay para sa Panginoon. Sinabi Niya pinili ni Maria ang mas mabuting ministeryo ng pagupo sa Kanyang presensiya. Mas mabuti na sumamba kaysa sa gumawa, umupo o maglingkod.

 

Hinarap Ni Jesus ang babaing ito sa espirituwal na kalagayan, ngunit binago niya ang usapan sa teolohiyang paksa. (Maaaring mangyari ito sa iyo kung ikaw ay nakikiharap sa mga tao tungkol sa espirituwal na mga bagay!)

 

Sinabi Ni Jesus na ang mga Samaritano ay sumsamba sa espiritu, ngunit walang katotohanan (mga talata 19-24). Sa panahon nina Ezra at Nehemias nang ang mga Samaritano ay hindi pinahintulutan na tumulong sa Israel para muling itayo ang templo, nagtayo sila ng kanilang sariling templo sa bundok ng Gerizim kung saan pinaniniwalaan nila na doon inihandog ni Abraham si Isaac at pinangyarihan ng panaginip ni Jacob. Sila ay madalas na umaakyat sa bundok na ito at sumasamba, ngunit walang katotohanan ang Ebanghelyo.

 

Ang mga Hudyo ay sumasamba sa katotohanan (kautusan) ngunit walang espiritu. Si Jesus na Hudyo, ay nagsabi “Alam natin kung ano ang ating sinasamba, dahil ang kaligtasan ay para sa mga Hudyo.” Nauunawaan ng mga Hudyo ang katotohanan, ngunit sila ay malamig, legalismo, mapagkunwari, at marituwal. Sila ay gumagawa ng rituwal ng pagsamba ngunit ang kanialng mga puso ay wala dito. Ang Dios ay dapat na sambahin bilang “Ama” at “Espiritu”. Ang Espiritu ay likas. Ang Ama ay kaugnayan. Ang usapin ng pagsamba ay hindi saan at kailan ito ginagawa  kundi Sino at papaano.

 

Hinarap Ni Jesus ang katotohanan sa pagsamba, hindi porma ng pagsamba. Kasama sa pagsamba kung sino tayo bilang “tunay na sumasamba” at kung paano tayo “tunay na sumasamba.” Hindi na limitado ang pagsamba sa tiyak na lugar katulad ng gusali ng iglesya, kahit nga hindi natin dapat iwanan ang ating sama-samang pagtitipon bilang katawan na sumasamba (Hebreo 10:25a). Kung ikaw ay tunay na sumasamba, hindi mo kailangan na hanapin Ang Dios... hinahanap ka Niya. Hinahanap Ng Dios ang mga sasamba sa Kanya sa espiritu at katotohanan.

 

Basahin ang mga talata 28-42. Hindi dapat batayan ang karanasan ng iba sa pagsamba. Ang mga tao sa Samaria ay kumilos sa pagsamba dahil sa katotohanan (kaalaman) at espiritu (karanasan). Sila ay nagtungo at sarili nilang narinig ang katotohanan mula Kay Jesus.

 

Ngayon na atin nang sinuri ang mga kalagayan kung saan ang mga Susing Talata ay ibinigay, ating talakayin nang mas detalye ang dalawang kinakailangan para sa pagsamba:  Espiritu at katotohan.

 

ESPIRITU:

 

Ang tao “triune” na nilikha. Siya ay binubuo ng katawan na nakikita at ang hindi nakikita na kaluluwa at espiritu. Ang kaluluwa ay ang “soulish” na likas ng tao, ang isipan, kalooban, at damdamin. Ang espiritu ay ang espirituwal na loob ng tao. Ang iyong espiritu ay may tugon na damdamin katulad ng kaluluwa. Ang kaluluwa at espiritu ay malapit na may kaugnayan ngunit magkahiwalay, dahil sinasabi ng Biblia sa atin na ang Salita Ng Dios ay matalim at maaaring makapahiwalay ang mga ito. Narito ang ilang mga katotohanan tungkol sa iyong espiritu:

 

-Binigyan ka Ng Dios ng espiritu at ito ay babalik sa Kanya sa kamatayan:  Ecclesiastes 12:7; Isaias 42:5;  Zacarias 12:1

 

-Ang Dios Ang Dios ng mga espiritu ng lahat ng mga tao:  Mga Bilang 27:16

 

-Naaapektuhan ng iyong sariling dila ng iyong espiritu:  Kawikaan 15:13

 

-Ikaw ay dapat na maging halimbawa ng mga mananampalataya sa espiritu:  I Timoteo 4:12

 

-Sa panahon ng Biblia, ang pader na nakapalibot sa lunsod ay ang depensa nito. Ikaw ay katulad ng lunsod na may sirang pader kung hindi mo pinangungunahan ang iyong espiritu:

Kawikaan 16:32;  25:28

 

-Ang Dios ay nagsasalita sa iyo sa iyong espiritu: “Ang espiritu ng tao ay liwanag Ng Panginoon”: Kawikaan 20:27

 

-Ikaw ay binalaan na ingatan ang iyong espiritu:  Malakias 2:16

 

-Ang ibig sabihin ng “Pagsamba sa espiritu”ay pagsamba mula sa loob tungo palabas. Si Pablo ay nagsasabi tungkol sa paglilingkod Sa Dios “ng aking espiritu”:  Roma 1:9

-Sinasabi ni Isaias ang tungkol sa paghanap Sa Panginoon ng “espiritu ko na nasa akin”:  Isaias 26:9

 

-Si David ay pinagpapala Ang Panginoon ng lahat ng nasa kanya:  Mga Awit 103:1

 

-Dapat mong luwalhatiin Ang Dios ng iyong espiritu:  I Corinto 6:20

 

-Kung ikaw ay nananalangin sa ibang salita, ang iyong espiritu ay nananalangin:  I Corinto 14:14-15.

 

-Hindi ka tunay na makasasamba sa iyong espiritu hanggat hindi ka napapalakas ng Kanyang Espiritu, kaya ang pagsamba sa espiritu ay kasama rin ang Espiritu Santo. Habang ikaw ay sumasamba, ang Espiritu Ng Dios ay nagpapatotoo sa iyong espiritu (Roma 8:16).

 

-Ang ibig sabihin ng “Espiritu” ay higit sa panloob na pagsamba. Dahil ang tao ay “triune” na nilikha, kung ikaw ay sumasamba sa iyong espiritu dapat kang sumamba kasama ang iyong kaluluwa at katawan na bahagi ng iyong “triune” na likas.

 

KATOTOHANAN

 

Ang ibig sabihin ng “katotohanan” ay para alisin ang takip, buksan, at hindi itago. Para ang isang bagay ay maging tutoo, ito ay dapat na maabot ang tatlong katangian:

 

1.      Ito ay dapat na pangkalahatan: Ito ay dapat na iangkop para sa lahat.

2.      Ito ay dapat na magkakatulad:  Ito ay angkop sa bawa’t isa sa magkatulad na paraan. Ang katangian ay magkatulad para sa matanda, bata, mayaman, mahirap, itim, puti, at iba pa.

3.      Ito ay hindi dapat na magwawakas: Ang ibig sabihin nito ay may pangwalang-hanggan na bisa.

 

Ang pagsamba ay dapat nakabatay sa katotohanan kung saan ang impormasyon ay makukuha sa pagiisip na nagdudulot mula sa panahon na ginugol kasama ang pagdiskubre Sa Dios.

 

Dapat mong maunawaan kung bakit at ano ang iyong ginagawa kung ikaw ay sumasamba. Kung ikaw ay nangangaral ng matalinong sermon na kumikilos ng damdamin na maraming istorya at nakatutuwang mga bagay, maaaring sabihin ng mga tao “Siya ay mahusay na tagapagsalita” sa halip na sambahin Ang Dios. Ito ang dahilan kung bakit dapat kang nakatalaga sa “expository” na pagtuturo at pangangaral ng Salita Ng Dios.

 

Ang katotohanan ay binigyan diin sa unang iglesya. Sila ay patuloy na matiyagang nagaaral ng doktrina (Mga Gawa 2:42). Sinabi ni Pablo kay Timoteo na basahin at ipangaral ang doktrina (I Timoteo 4:13). Ang Salita Ng Dios ay binigyang diin (Colosas 3:16-17). Nang makita ni Pablo ang mga tao sa “Mars Hill” na sumasamba, ito ay hindi katanggap-tangap dahil ito ay hindi batay sa tunay na kaalaman Ng Dios. Sinabi niya na sila ay “walang alam na sumasamba” (Mga Gawa 17:23)

 

Kung ikaw ay sasamba, dapat kang nakatalaga sa Salita Ng Dios, hindi lamang sa damdamin. Ang dahilan kung bakit kinakailangan Ng Dios ang pagsamba sa katotohanan dahil...

 

Diablo...hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito. (Juan 8:44)

 

At sa kanila’y kaniyang sinabi, Kayo’y mga taga ibaba; ako’y taga itaas: kayo’y mga taga sanglibutang ito; ako’y hindi taga sanglibutang ito. (Juan 8:23)

 

Kung ikaw ay sasamba sa “katotohanan” dapat mong malaman kung ano ang sinasabi ng Biblia na tutoo. Ito ay mahalaga dahil may “espiritu ng katotohanan” at “espiritu ng mali” na kumikilos sa mundo. May sinasabi ang Biblia na “palaging nag-aaral, ngunit hindi makaunawa ng katotohanan.” Narito ang tugon sa tanong ni Pilato, “Ano ang katotohanan?” Ang buod na ito ay galing mula sa lahat ng reperensiya tungkol sa “katotohanan” sa Biblia:

 

1.      Ang Dios ay katotohanan:

 

-Siya ay nabubuhay sa katotohanan.

-Ang Kanyang mga mata ay nasa katotohanan.

-Ang daan Ng Dios ay katotohanan.

-Ang Kanyang mga gawa ay katotohanan.

-Ang Kanyang Salita ay katotohanan.

-Ang Kanyang payo ay katotohanan.

-Ang Kanyang habag ay katotohanan.

-Ipinahahayag Niya ang katotohanan.

-Siya ay naghuhukom batay sa katotohanan.

-Ang Kanyang katotohanan ay walang-hanggan at walang limitasyon.

-Nais Niya na ang lahat ng tao ay malaman ang katotohanan.

-Sumasangayon Siya sa iyong ministeryo batay sa katotohanan.

-Siya ay “ama” sa iyong katotohanan.

 

2.  Si Jesus ay katotohanan:

 

-Siya ay katotohanan sa laman.

-Siya ang tunay na liwanag.

-Siya ang tunay na tinapay.

-Siya ang tunay na puno.

-Siya ang puno ng katotohanan.

-Ang katotohanan ay nagmula sa Kanya.

-Ito ay nasa Kanya.

-Siya ang tapat at totoong saksi.

-Siya ay nagtataglay ng talaan ng katotohanan.

-Siya ang “daan at katotohanan.”

 

3.  Ang Espiritu Santo tinawag na espiritu ng katotohanan.

 

4.  Ang Salita ay totoo at ang paghuhukom Ng Dios ay batay sa katotohanan.

 

5.  Ang kaligtasan batay sa Ebanghelyo ay katotohanan.

 

6.  Ang bunga ng Espiritu Santo ay nasa lahat ng kabutihan, katuwiran, at katotohanan, kaya ito ay totoo (Efeso 5:9)

 

7.  Ang iglesya ay dapat na maitatag sa katotohanan, ang haligi at lupa ng katotohanan.

 

8.  Ang pahid Ng Dios ay totoo (I Juan 2:27)

 

Kung ikaw ay tunay na sumasamba, hindi mo lamang dapat malaman ang katotohanan, dapat kang tumugon dito. Sina Haring Saul at David ay parehong sumasamba. Nang sila ay hinarap ng kasalanan, si David ay tumugon sa pamamagitan ng pagsisisi. Si Saul ay hindi. Ang pagsamba ni Saul ay hindi katanggap-tanggap dahil sa :

 

1.  Mga tao: “Dahil nakita ko ang mga tao”... Nag-alaala siya sa iniisip ng mga tao sa halip na iniisip Ng Dios.

 

2.  Kabanalan: Siya ay mapagmapuri inaangkin niya ang lugar ng propeta dahil hindi batay sa Biblia ang magtungo sa labanan bago manalangin.

 

3.  Pagmamataas: Si Saul ay makapag-iisa. Pansinin kung paano niya sinabi “Ako sa aking sarili, wala ka dito.”

 

Si Saul ay naghandong ng pagsamba nang hinihiling Ng Dios ang pagsisisi at ang kanyang pagsamba ay tinanggihan. Mas nais Ng Dios ang pagsunod sa pagsasakripisyo. Ang paggawa ng porma, gaanuman ito kabanal, walang halaga ito kung ang puso ay hindi tama Sa Dios.

 

Isang kaibigan ni David na si Ishthobel, na inilarawan minsan na nagsasalita ng “orakulo” Ng Dios ay sumasamba rin. Siya ay naglakad kasama ni David tungo sa tahanan Ng Dios. Siya ay sumamba sa espiritu , ngunit hindi niya hinayaan na ang katotohanan ay magbago sa kanya. Sa katapusan sumama siya sa pagaalsa laban kay David.

 

PAGSASAMA NG ESPIRITU AT KATOTOHANAN

 

Ang sumamba sa espiritu ay para hayaan ang Espiritu Santo na kumilos sa iyong natubos na espiritu, na magbibigay ng pagmamahal, pagsamo, pagmamalasakit, pagpaparangal, at paggalang na umakyat Sa Dios na espiritu. Ang pagsamba sa katotohanan ay sumamba ayon sa Salita Ng Dios at tumugon ng tama sa katotohanan Ng Dios.

 

Kaya nga, ang “pagsamba sa espiritu at katotohanan” ay kasama ang mananampalataya sa paggalang at pagmamahal Sa Dios sa pamamagitan ng paggising sa Espiritu Santo batay sa Salita Ng Dios. Ang Espiritu Santo at ang Salita Ng Dios ay parehong kailangan para ang tunay na pagsamba ay mangyari. Kung wala ang presensiya ng Espiritu Santo, ang pagsamba ay patay at walang buhay. Kung walang Salita, ang pagsamba ay naging parang damdamin lamang o rituwal.

 

BAKIT TAYO SUMASAMBA

 

Tayo ay sumasamba dahil sa ...

 

HALIMBAWA:

 

Maraming halimbawa ng pagsamba sa Biblia.

 

PANGARAL:

 

Tayo ay inutusan sa Biblia na sumamba:

 

Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan. (Isaias 43:21)

 

Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.

 

Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kalinawagan. (I Pedro 2:5, 9)

 

Purihin si Yahweh! O kay buti ng umawit at magpuri sa Dios, ang magpuri sa kanya’y tunay na nakalulugod. (Mga Awit 147:1 MBB)

 

Ang unang utos ay sambahin Ang Dios (Exodo 20:1-5;  Mga Awit 45:11). Ang iyong pinaka dakilang ministeryo ay sambahin Ang Dios sa halip gumawa para Sa Dios:

 

Mga anak ko, huwag kayong mangagpabaya: sapagka’t pinili kayo ng Panginoon upang magsitayo sa harap niya, upang magsipangasiwa sa kaniya, at kayo’y maging kaniyang mga tagapangasiwa, at magagsunog kayo ng kamangyan. (II Cronica 29:11)

 

WALANG-HANGGANG KAHIHINATNAN:

 

Ikaw ay nilikha para sumamba at ang iyong walang-hanggang kahihinatnan ay malalaman kung ikaw ay sumamba o hindi sa tunay Na Dios.

 

ANG KAAYUSAN NG PAGSAMBA

 

Kasama sa kaayusan ng pagsamba ang :

 

            Pagdakila:                                            Dios                                    (Pagabot sa itaas)

            Pagpapalakas:                                      Ang Katawan Ni Cristo     (Pagabot sa loob)

            Panghihikayat ng kaluluwa:                      Sa naliligaw                               (Pagabot sa labas)

 

Ang lahat ng ito ay kinakailangan. Sinundan ng unang iglesya ang kaayusan na ito. (Mga Gawa 24:3,46-47) Binigyan diin din ito ni Juan (Juan 15:1-11,12-17,18-27). Kung ikaw ay nagdakila, ikaw ay lumalakas. Kung ikaw ay malakas, ikaw ay manghihikayat ng kaluluwa. Kung ikaw ay naghikayat ng kaluluwa, ikaw ay lumalakas at nadakila... at ang kaayusan ay nagpapatuloy.

 

MGA RESULTA NG PAGSAMBA:

 

Narito ang ilan sa magandang mga resulta ng pagsamba:

 

ANG DIOS AY NALUWALHATI:

 

Ang naghahandog ng haing pasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.  (Mga Awit 50:23)

 

ANG MGA NAGHAHANAP AT KINILALA:

 

Ang mga naghahanap ay tinanggap sa presensiya Ng Dios:

 

Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. (Mga Awit 100:4)

 

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. (Filipos 4:6)

 

Sinabi ng Biblia na Ang Dios ay tumatahan sa mga papuri ng Kanyang mga anak (Mga Awit 22:3). Kung pinupuri mo Siya, ikaw ay nagtatayo ng espirituwal na tabernakulo kung saan Siya ay nananahan.

 

ANG MGA MANANAMPALATAYA AY DINALISAY:

 

Kung ikaw ay nagtungo sa presensiya Ng Dios sa pamamagitan ng pagsamba, ikaw ay dinalisay:

 

Sinong aahon sa bundok ng panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal?

 

Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi susumpa na may kabulaanan.

 

Siya’y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan. (Mga Awit 24:3-5)

 

Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri. (Kawikaan 27:21)

 

Habang ikaw ay uminit at nabagsak sa Kanyang presensiya, ang mga karumihan sa iyong buhay ay inihiwalay mula sa mamahaling metal at umiibabaw para maaari mong makuha ang mga ito at dalhin ito sa krus. Kung ikaw ay maglalaan ng panahon sa Kanyang presensiya, ikaw ay nabago:

 

            -Nakita kay Moises ang kaluwalhatian Ng Dios sa Kanyang mukha.

            -Napansin ng mga tao na ang mga disipulo ay nakasama Ng Dios.

            -Si Isaias ang lalake na may maduming dila ay, nilinis ng apoy Ng Dios.

 

ANG IGLESYA AY NAPALAKAS:

 

Ang resulta sa mga tao ng iglesya na nagpupuri ay pagkakabuklod, nagbibigay, masaya, at sumasamba sa tahanan gayundin pagmagkakasama (Mga Gawa 2:42-47)

 

 

 

 

ANG NALILIGAW AY NAHIKAYAT ANG KALULUWA:

 

Nakatala sa Mga Gawa 2:47 na ang mga mananampalataya ay nagpupuri Sa Dios at maraming mga tao ang nadagdag sa Iglesya. Kung ikaw ay sumasamba sa espiritu at katotohanan, ang mga hindi mananampalataya na dumadalo sa inyong kalagitnaan ay lalapit Sa Dios.

 

PAGHAHANDA PARA SA PAGSAMBA

 

Narito ang talata na nagpapaliwanag kung paano ang paghahanda ng iyong puso sa pagsamba:

 

Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig.  (Hebreo 10:22)

 

Ang tawag sa pagsamba ay “Tayo ay lumapit.” Sa iyong paglapit, ang mga lugar ng pagsiyasat ay mga:

 

Katapatan:  Tunay na puso.

 

Pagtitiwala: May buong kasiguruhan ng pananampalataya.

 

Kababaang loob:  Pagkilala na ikaw ay hindi karapat –dapat maliban sa pamamagitan ng dugo.

 

Dalisay:  Araw-araw na paghuhugas ng dalisay na tubig ng Salita Ng Dios.

 

MGA URI NG PAGSAMBA

 

May sinasabi ang Biblia tungkol sa ilang mga uri ng pagsamba:

 

PAGSAMBA NG PAGSISISI:

 

Ang Mga Awit 51 ay magandang halimbawa ng pagsamba ng pagsisisi. Ito ang panalangin ni David pagkatapos na siya ay nagkasala kay Batsheba.

 

PAGSAMBA NG PAGTANGGAP:

 

Nawala kay Job ang kanyang mga anak at kayamanan, gayunpaman siya ay sumamba:

 

Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;

 

At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon. (Job 1:20-21)

 

PAGSAMBA NG PAGMAMAHAL:

 

Basahin ang Genesis 22:1-14. Ang istorya nina Abraham at Isaac ay ang pinakadakilang halimbawa ng pagsamba ng pagmamahal. Pansinin na prayoridad ni Abraham ang pagsamba. Siya ay “maagang” gumising para sumamba, kahit alam niya na mawawala ang kanyang anak, na mahal na mahal niya. (ilan sa atin ay hindi magaabalang gumising ng maaga para sumamba. Nadarama natin  na sobra naman ito).

 

Kinakailangan ng pagsamba ng pagmamahal ang paghiwalay para Sa Dios. Sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, “Maghintay kayo dito.” Ang tunay na pagsamba ay kusang loob na paghihiwalay mula sa mga kaguluhan. Ang tunay na pagsamba ay pangisahan. Hindi ka kailanman tunay na makasasamba hanggat hindi mo ito ginagawa ng nag-iisa sa pagsamba ng pagmamahal.

 

Ang pagsamba ng pagmamahal ay mahalaga. Sa kaso ni Abraham, siya ay hinilingan na ibigay ang nag-iisang anak niya. Sinabi ni David na hindi siya naghahandog Sa Dios ng isang bagay na hindi mahalaga sa kanya (I Samuel 24:24). Ang pagsamba ng pagmamahal ay nilalabanan ang pansariling naisin. Ang tuon ay Sa Dios lamang. Para maihandog ang pagsamba ng pagmamahal, si Abraham ay dapat mamatay sa naisin na magkaanak. Ngunit naluwalhati Ang Dios sa pagsamba ni Abraham. Ang pagsasakripisyo na pagsamba ay nagdudulot ng kaluwalhatian Sa Dios.

 

PAGSAMBA NG PAGTATALAGA:

 

Para sa halimbawa ng pagsamba ng pagtatalaga, tingnan ang II Cronica 15:10-15. Nakatala dito na ang Israel ay gumawa ng kasunduan na maglilingkod Sa Dios sa kanilang pagsamba.

 

PAGSAMBA NA PAKIKIPAGLABAN:

 

Sa una, may apat na bahagi ang atake ng iyong kalaban. Inaatake ni Satanas ang iyong pagsamba Sa Dios, ang Salita Ng Dios, ang Kristiyanong paglakad mo, at ang iyong gawa para Sa Dios.

 

Basahin ang Mga Awit 149:6-9. Ito ay mahusay na halimbawa kung paano ang papuri  ay ginamit bilang sandata. Kasama sa Salita ng Dios, ito ay...

 

1.  Nagpapatupad ang paghihiganti sa mga pagano:  Ang papuri ay epektibo sa pakikipaglaban sa mga hindi nakakakilala Sa Dios.

 

2.  Nagpatupad ang kaparusahan: Ang katarungan at paghuhukom ay resulta ng papuri.

 

3.  Ginagapos sa kadena ng kanilang hari :  Sinabihan tayo na igapos ang mga demonyo at palayasin sila.

 

4.  Ginagapos sa maharlika ng kadenang bakal:  Ang papuri ay gumagapos sa mas mahinang kapangyarihan ni Satanas, katulad ng mga lider sa sistema ng mundong ito.

 

5.  Nagpapatupad ng nakasulat na paghuhukom sa kanila: Habang ikaw ay nagpupuri, ang iyong kalaban ay nahukuman batay sa Salita Ng Dios.

 

Marami pang ibang halimbawa ng pagpupuri at pagsamba sa Biblia na nagsisilbing espirituwal na sandata. Narito ang ilan sa mga halimbawa:

 

-Si Gedeon ay sumamba bago lumaban sa Madianitas at siya at ang kanyang mga tauhan ay sumigaw bago ang labanan.

 

-Sina Pablo at Silas ay sumamba bago sila nakawala sa bilangguan.

 

-Si Jonas ay sumamba bago siya nakalaya mula sa isda.

 

KAILAN DAPAT SUMAMBA

 

Dapat kang sumamba:

 

ARAW-ARAW:

 

Ang Israel ay araw-araw na pinuri Ang Panginoon” (II Cronica 30:21). Ang iglesya sa Bagong Tipan ay nagtungo sa bahay-bahay at nagpupuri Sa Panginoon (Mga Gawa 2;46-47)

 

PATULOY:

 

Aking purihin ang Panginoon sa boong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig. (Mga Awit 34:1)

 

Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangagsayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon...(Mga Awit 35:27)

 

Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. (Hebreo 13:15)

 

At palaging sila’y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios. (Lucas 24:53)

 

Mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan (Mga Awit 84:4 MBB)

 

At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo’y mangapuspos ng Espiritu;

 

Na kayo’y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;

 

Na kayo’y laging magpapasalamat sa lahat ng mga bagy sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama. (Efeso 5:18-20)

 

PAGKATAPOS NG NATATANGING PAGPAPAKITA NG PANGINOON:

 

Basahin ang tungkol sa natatanging pagpapakita Ng Dios kay Abraham sa Genesis 12. Basahin ang tungkol sa pagpapakita Ng Dios kay Moises sa Exodo 34. Kung nagpahayag Ang Dios ng Kanyang sarili sa natatanging paraan, ang mga tao ay sumasamba.

 

SA PAGTANGGAP NG MGA PANGAKO NG DIOS:

 

Nang si Abraham ay nakatanggap ng natatanging pangako mula Sa Dios sa Genesis 13:14-18, siya ay tumugon sa pagsamba.

 

SA SAGOT SA PANALANGIN:

 

Nang Si Eleazar ay nasagot ang kanyang panalangin, siya ay sumamba (Genesis 24)

 

KUNG NAPAUNLAKAN NG PABOR NG TAO:

 

Nang si Eleazar ay napaunlakan ng pabor ng tao sa Genesis 24;52, siya ay sumamba Sa Dios (Genesis 24:52).

 

PAGKATAPOS NG PAGHIHIRAP:

 

Si David ay sumamba Sa Dios pagkatapos na mamatay ang kanyang anak. Ito ay tunay na sakripisyo ng pagpupuri. Sinasabi ng Mga Awit 27:5 sa panahon ng problema, subalit ang talata 6 ay nagsasabi ng paghahandog ng “sakripisyo ng kagalakan.” Sinabi ni David:

 

Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. (Mga Awit 116:17)

 

At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan. (Mga Awit 107:22)

 

Ang pagpupuri at pagsamba ay hindi sakripisyo kung ang lahat ng bagay ay nagiging mabuti at iyong nadarama na magpuri Sa Dios. Ito ay nagiging sakripisyo kung ang mga bagay ay nagiging mali at nais mo pa ring purihin Siya.

 

 

 

SA PANAHON NG PAGSUBOK AT PAKIKIPAGLABAN:

 

Sa panahon ng kanyang paghihirap sa pagsubok at espirituwal na pakikilaban, si Job ay sumamba Sa Dios.

 

SA LAHAT NG IYONG GINAGAWA:

 

Ikaw ay palaging dapat sumamba Sa Dios sa laaht ng iyong ginagawa. Iyong ginagawa ito kung iyong ginagawa ang lahat para sa kaluwalhatian Ng Dios.

 

 

WALANG HANGGAN:

 

Ako’y nagpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka’t iyong ginawa: at ako’y maghihintay sa iyong pangalan sapagka’t mabuti sa harapan ng iyong mga banal. (Mga Awit 52:9)

 

SAAN DAPAT SUMAMBA

 

SA KONGREGASYON (IGLESYA):

 

Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. (Mga Awit 22:22)

 

Ako’y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao. (Mga Awit 35:18)

 

Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal. (Mga Awit 149:1)

 

SA IYONG TAHANAN:

 

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang, sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan. (Mga Awit 149:5 MBB)

 

SA HARAPAN NG MGA MANANAMPALATAYA:

 

At siya’y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga’y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon. (Mga Awit 40:3)

 

Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.

 

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa, ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. ( Awit 96:2-3)

 

SA HARAPAN NG MGA BANSA SA MUNDO:

 

Ako’y magpaapsalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako’y aawit ng mga papuri sa iyo sa gitna ng mga bansa. (Mga Awit 108:3)

 

Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, boong lupa.

 

Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.

 

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa, ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. (Mga Awit 96:1-3)

 

Sa susunod na aralin ipagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral sa pagsamba habang natututunan mo ang marami pang bagay na tiyak kung PAANO sumamba habang ikaw ay sumasamba sa espiritu at katotohanan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

 

1.  Isulat ang Susing Mga Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.  Ibigay ang kahulugan ng pagsamba.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3.  Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa espiritu.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

4.      Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng sumasamba sa katotohanan.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

5.      Ibuod ang tatlong dahilan kung bakit sumasamba.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

6.      Ipaliwanag ang modelo ng pagsamba.

 

________________________________________

 

7.  Itala ang limang mga resulta ng pagsamba.

 

________________________________________

 

________________________________________

________________________________________

 

________________________________________

________________________________________

 

8.  Kilalanin ang limang uri ng pagsamba.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

9.  Magbigay ng reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag kung paano ang paghahanda sa pagsamba.

 

________________________________________

 

10.  Ipaliwanag kung kailan tayo dapat sumamba.

 

________________________________________

 

________________________________________

11.  Ipaliwanag kung saan tayo dapat sumamba.

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

 

1. Pag-aralan ang kasaysayan ng pagsamba para marami pang matutunan tungkol dito:

 

PAGSAMBA BAGO ANG PAGLIKHA:

 

Tingnan ang talaan sa Job 38:4-7.

 

PAGSAMBA BAGO NAGKASALA ANG TAO:

 

Sina Adan at Eva ay sumamba Sa Dios bago sila nagkasala. Simula ng sila ay tumigil sa pagsamba Sa Dios sila ay nagkasala. (Genesis 3:1-13)

 

PAGSAMBA SA LUMANG TIPAN:

 

Cain at Abel: Genesis 4

 

Ang mga patriyarka:  Genesis- Deuteronomio

 

Ang bansa ng Israel sa ilang at lupang pangako:  Exodo hanggang Ruth.

 

Madetalyeng pagsamba sa Lumang Tipan. Pitong kabanata ang kinailangan para mabuo ito

 ( may kabuuang 243 na mga talata) para ilarawan ang tabernakulo at 31 lamang para ilarawan ang buong paglikha sa mundo.

 

Ang sinoman na lumalapit sa kabanal-banalang dako ay dumadaan sa isang pinto at naglalakad sa patyo para makarating sa pinananahanan Ng Dios. Ang pinto ay tinatawag na “pagpapasalamat” at ang patyo ay tinatawag na “papuri.”

 

Ipinakikita ng Mga Awit 22:3 na tinitirahan Ng Dios ang mga papuri  ng Kanyang mga anak. Ang kanyang tirahan ay sa kalagitnaan ng patyo ng  pagpupuri. Kahit ang panalangin ay dapat gawa nito (Filipos 4:6).

 

Sa iyong pagpasok sa Kanyang presensiya, ang daluyan ng pag-uusap ay nakabukas kung saan makapagsasalita ka at madirinig. Maaari mong gugulin ang buong buhay mo bilang nasa labas na patyo na Kristiyano o maaari kang pumasok sa loob na patyo ng tunay na pagsamba.

 

PAGSAMBA SA BAGONG TIPAN:

 

Ang pagsamba Ni Jesus:  Hebreo 2:12

 

Pagsamba sa unang iglesya: Sila ay nagtitipon sa mga tahanan at sa araw Ng Panginoon:  Juan 20:19,26;  Mga Gawa 20:7;  I Corinto 16:2.

 

Mayroon silang aktuwal na iglesya sa mga tahanan kahit sila ay patuloy ng pagtitipon sa sinagoga at templo:  Filemon 2: Roma 16:5; Colosas 4:15

 

Kasama sa bahagi ng pagsamba sa Bagong Tipan ang :

 

Pangangaral:  Mga Gawa 20:7;  I Corinto 14:19

 

Pagbabasa ng Salita:  Santiago 1:22;  Colosas 4:16

 

Panalangin:  I Corinto 14:14-16

 

Pagaawitan:  Efeso 5:19;  Colosas 3:16

 

Bautismo at Huling Hapunan: Mga Gawa 2:41;  I Corinto 11:18-34

 

Pagbibigay ng tulong:  I Corinto 16:12

 

Pagkilos ng Espiritu:  I Corinto 12

 

PAGSAMBBA SA KASALUKUYAN:

 

Ngayon ang iyong katawan ay templo ng Espiritu Santo Ng Dios:

 

Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo! (I Corinto 3:16)

 

Ang unang 11 mga kabanata ng Roma ay nagsasabi tungkol sa kamangha-mangha na Ebanghelyo. Ang ating tugon dito ay ibinigay sa Roma 12:1-2: Dapat nating ihandog ang ating mga katawan (ang ating buong katawan, kaluluwa, espiritu) isang buhay na handog.

 

PAGSAMBA SA HINAHARAP:

 

Ang panghinaharap na kaayusan ng pagsamba ay ipinahayag sa aklat ng Apocalipsis sa sumusunod na mga talata:

 

Apocalipsis 4:10-11;  5:14;  11:15-17;  14:6-7;  15:4;  19:4,10;  22:8-9

 

2. Narito ang ilang mga bagay na dahilan kung bakit ang pagsamba ay hindi katanggap-tanggap Sa Dios:

 

PANGHIHIMASOK NG KAHARIAN NI SATANAS:

 

Gumagapos na espiritu, kaguluhan, at pagantala ay ginagamit ni Satanas para panghimasukan ang pagsamba.

 

 

KASALANAN:

 

Ang anumang uri ng kasalanan ay nakapipigil sa pagsamba:

 

Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon. (Mga Awit 66:18)

Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig. (Isaias 59:2)

 

Kung iyong papalitan ng pagsamba ang pagsunod, ito ay hindi katanggap –tanggap:

 

...Ngunit ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka, ng pinakamabuti sa mga nalagang bagay, upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal.

 

Sapagka’t ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka’t dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka...(I Samuel 15:22-23)

 

NAKOKONSIYENSIYA:

 

Ang maling damdamin ng pagkakasala ay pumipigil sa iyo na lumapit sa presensiya Ng Dios sa pagsamba. Ang pinakamabuting paraan para makita ng kaibhan ng pagkakasala at kombiksiyon ng Espiritu Santo ay para alalahanin  na si Satanas ay pagkalahatan na inilalagay sa damdamin ng pagkakasala. Ang Espiritu Santo ay tiyak kung Siya ay nangsusumbat ng kasalalan.

 

TAKOT:

 

Ang pagkatakot sa  pananaw ng iba, takot ng pagpapahayag ng damdamin, pagkatakot sa pagtanggi, at takot na pagtawanan ang lahat ng ito ay nakapipigil sa pagsamba.

 

PAGMAMATAAS:

 

Sinasabi ng Biblia na nilalabanan Ng Dios ang mapagmataas. Ang tao na nilalabanan Ng Dios ay tiyak na hindi makasasamba Sa Kanya.

 

MALING KAISIPAN SA DIOS:

 

Iniisp ng ibang tao na Ang Dios ay mabagsik, malupit, at handa na hagupit sila hanggang mamatay. Habang dapat nating isipin na igalang, hindi ibig sabihin na tumugon sa takot.

 

 

ESPIRITU NG KABIGATAN

 

Para mapurihan Ang Dios, dapat ay may kusang loob na alisin ang espiritu ng kabigatan. Kasama dito ang awa sa sarili, kapighatian, kalungkutan, at negatibong pag-iisip.

 

PAGKAPORMAL NA HUMAHADLANG SA KALAYAAN:

 

May sinasabi ang Biblia sa mga may porma ng kabutihan na tumatanggi sa kapangyarihan Ng Dios. Ang pagkapormal at rituwal ay nakahahadlang sa kalayaan ng pagsamba at gawin  itong kapaguran (tingnan ang Malakias 1:11-13). Kung ang pagsamba ay maging kapaguran, walang kagalakan at katuwaan dito (Joel 1:16).

 

KAUGALIAN:

 

Sinabi Ni Jesus na ang mga lider sa relihiyon ng panahon Niya:

 

Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao. (Mateo 15:9)

 

Ang mga legalismo na kinaugalian ng tao, pangkaraniwang ginagawa, at paulit-ulit na walang kabuluhan, at iba pa, ang lahat ng ito ay nakahahadlang sa tunay na pagsamba (Mateo 6:7;  Filipos 3;13). Ang bawat iglesya ay nakabuo ng mga kinaugalian at kadalasan ito ay isinasaalang –alang sa halip na maghandog ng tunay na pagsamba.

 

PAGSAMBA SA DIYUSDIYUSAN:

 

Ang napakatanda ng kultura ay puno ng mga diyus-diyusan. Nakatala sa  Mga Awit 115 ang tatlong katangian ng mga diyus-diyusan:

 

1.  Ang mga ito ay ginawa ng tao.

 

2.  Ang mga ito ay walang buhay at walang kapangyarihan.

 

3.  Ang mga tao ay nakakatulad ng kanilang sinasamba. Halimbawa, Ang Israel ay nabulag at napipi sa tunay Na Dios dahil sila ay sumamba sa bulag at piping diyus-diyusan.

 

Kumusta naman ang ating mga diyus-diyusan  ngayon? Ang ilan sa mga diyus-diyusan ay may katangian na katulad nito. Ang anumang bagay na kumukuha ng maraming panahon, atensiyon, at pagmamahal higit Sa Dios ay diyus-diyusan. Tinutukoy ng Job ang materyalismo bilang diyus-diyusan ng “ginto at pilak” (Job 31L24-28). Ang ministeryo ay maaaring maging diyus-diyusan (Lucas 10:41).

 

 

 

 

KAWALAN NG PAGKAKAISA SA IYONG ASAWA:

 

Ang kawalan ng pagkkaisa sa iyong asawa ay makahahadlang sa iyong mga panalangin. Dahil ang pagsamba ay bahagi ng iyong panalangain, ang iyong pagsamba ay nahahadlangan din.

(I Pedro 3:7).

 

PAGMAMASID SA HALIP NA PAKIKILAHOK:

 

Kung ikaw ay tagamasid sa halip na kasama sa paggawa, ikaw ay nagiging katulad ng asawa ni David na si Micah na hindi sumasama ngunit nanonood at binatikos ang pagsamba ni David.

 

ALALAHANIN NG MUNDO:

 

Isa sa mga bagay na gagawin ni anti-Cristo ay “pagurin palayo” ang mga mananampalataya ng Dios sa mga alalahanin ng mundo. Ang alalahanin ng mundo ay makapangyayari sa iyong espiritu at makagugulo sa iyong pagsamba (Daniel 7:25 at Marcos 4:19).

 

EDUKASYON:

 

Mula sa panahon ng puno ng kaalaman sa Hardin ng Eden, Ang pagsamo ni Satanas ay naka sentro sa edukasyon. Kahit tungkol sa Kristiyanong edukasyon, iyong natututunan ang lahat ng tungkol Sa Dios subalit hindi kailanman tumutugon sa Kanya sa pagpupuri at pagsamba.

 

PAGSAMBA SA TUNAY NA DIOS SA MALING PORMA:

Maaari kang sumamba sa tamang Dios, ngunit sa maling paraan. Ikaw ay sumasamba Sa Dios sa maling paraan kung ikaw ay sumasamba sa Kanya...

 

1.  Sa iyong pagkaunawa sa Kanya:

 

Sa Exodo 32 ang Israel ay gumawa ng kinatawan ng Dios sa pamamagitan ng gintong guya. Pinababa nila Ang Dios sa imahen at sinamba sa hindi katanggap–tanggap na paraan. Ipinakikita ng Isaias 40:18-26 na Ang Dios ay hindi maaaring paliitin sa isang imahen. May mga tao ngayon ang nagsasabing “Sinasamba ko Ang Dios kung paano ang pagkaunawa ko sa Kanya,” ngunit ito ay hindi katanggap-tanggap. Ang iyong kahulugan Ng Dios ay dapat maabot ang katangian ayon sa Biblia.

 

2.  Sa istilo ng iyong pamamaraan:

 

Nang subukin ni Cain na sumamba Sa Dios sa kanyang sariling paraan at ang kanyang pagsamba ay tinanggihan (Genesis 4).

 

Sina Nadab at Abihu ay naghandog ng kakaibang apoy at namatay (Levitico 10:1-2).

 

Si Saul ay sumamba nang ang nais Ng Dios ay pagsisisi (I Samuel 13:8-14a).

 

Ang mga Pariseo ay sumamba sa kanilang sariling legal, kinaugalian na paraan ngunit ito ay walang kabuluhan (Mateo 15:1-9;  23:23-28).

 

3.  Mali ang pag-uugali:

 

Ang Malakias 1:6-14;  3:13-14; 4:1,3 ay nagsasabi ng pangkaraniwang ginagawa at rituwal na pagsamba. Ang mga saserdote ang lider sa kasalanan na ito, ngunit ito ay dumaloy pababa sa mga tao.“Narito ang araw na sinsabi ng mga tao na kapaguran” tungkol sa pagsamba. Pansinin ang mga resulta ng hindi katanggap-tanggap na pagsamba sa Malakias 4:1,3. Basahin ang Isaias 1:11-20:  Ang mga tao ay gumagawa ng tamang bagay sa tamang Dios sa tamang paraan ngunit maling pag-uugali.

 

NANG ANG KALUWALHATIAN AY UMALIS:

 

Natutunan mo na ang tungkol sa kaluwalhatian Ng Dios at kung paano ito umalis mula sa Israel nang ang Arko ay nakuha. Nang ang kaluwalhatian Ng Dios ay nakuha, Ang Dios ay hindi na sumama sa pagsamba ng paglilingkod Ng Israel. Basahin ang Isaias 1:11-15. Walang isa man ang nangulila Sa Dios sa kanilang mga pagtitipon. Kung ang mga talatang ito ay isusulat na muli Ng Dios para sa maraming makabagong mga iglesya ngayon, maaaring mabasa ito sa mga sumusunod:

 

“Ang karamihan ng inyong mga ikapo at mga handog... ano ang mga ito sa Akin? At ano ang iyong itinuturing na mga sakripisyo... Mayroon na Akong sapat na mabubuti n’yong  mga gawa, pagpapalaganap na kampanya, at pagtatatag ng pondo sa pamamagitan ng hapunan. Hindi ako nasisiyahan sa mga nakalilibang, bastos, nanlolokong mga mangaawit at mangangaral.

 

Kung kayo ay magtitipon para Ako ay katagpuin, sino ang humiling nito sa inyo, ang pagyurak ng aking korte na walang paggalang at mas nakatuon sa pagbabatian sa isa’t isa sa halip na makipagtipan sa Akin?

 

Tigilan ang pagdadala ng walang kabuluhang mga paghahandog! Ang inyong paglilingkod ay kaguluhan sa Akin. Ang pagtitipon sa umaga ng Linggo at mga gabi, Miyerkoles ng gabi, Hindi ko matagalan ang inyong masamang pagtitipon.

 

Ang inyong maringal na seremonya, drama, mga pista na kinamumuhian ng Aking kaluluwa. Ang mga ito ay naging pabigat sa Akin. Ako ay pagod na sa pakikinig sa mga ito.

 

Kung iyong ibinubukas ang inyong mga kamay sa panalangin, Itatago Ko ang Aking mga mata sa inyo. Kung kayo ay mananalangin, hindi Ko kayo diringgin...”

 

3. Pag-aralan pa ang maraming bagay tungkol sa iyong espiritu. Maaari na ito ay :

 

-Nagdadalamhati:                                   Exodo 6:9

-Nakagapos:                                        Mga Gawa 20:22;  Roma 8:15

-Nababagabag:                         Mga Awit 51:17;  Kawikaan 15:13

-Nananaghili:                                        Santiago 4:5

-Marilag:                                              Daniel 5:12 Kawikaan 17:27

-Matatakutin:                                        II Timoteo 1:7

-Maningas:                                           Mga Gawa 18:25

-Marumi:                                              II Coritno 7:1

-Mabuti:                                               Nehemias 9:20

-Napipighati:                                         Daniel 7:15;  Isaias 54:6

-Puno ng pagdaraya:                                Mga Awit 32:2

-Matigas:                                              Deuteronomio 2:30

-Madaling magalit:                         Kawikaan 14:29;  Ecclesiastes 7:9

-Mapagmataas:                         Kawikaan 16:18

-Mapagpakumbaba:                              Kawikaan 16:19; Isaias 57:15

-Mapanibugho:                         Mga Bilang 5:14

-Mapaghusga:                                       Isaias 28:6

-Malaswa:                                            Santiago 4:5

-Kahinhinan:                                         Galacia 6:1; I Corinto 4;21;  I Pedro 3:4

-Bago:                                                  Ezekiel 11:19;  18:31; 36:26; Roma 7:6

-Nanglulupaypay:                                  Mga Awit 77:3; 142:3 143:4,7

-Matiyaga:                                            Ecclesiastes 7:8

-Pagkaunawa:                                       Marcos 2:8

-Mapagpakumbaba                               Isaias 66:2 Mateo 5:3

-Napilitan:                                            Mga Gawa 18:5

-Mapagmataas:                         Ecclesiastes 7:8

-Mapagpasiya:                                      Mga Gawa 19:21

- Mapanghikayat:                                    Mga Gawa 6:10

-Nagbibigay buhay:                          I Corinto 15:45

-Tahimik:                                              Zacarias 6:8; I Pedro 3:4

-Nanariwa:                                           I Corinto16:18; II Coritno 7:13

-Nagagalak:                                          Lucas 1:47

-Katiwasayan:                                      II Corinto 2:13

-Matuwid:                                            Mga Awit 51:10

-Nagsisiyasat:                                       Mga Awit 77:6

-Naglilingkod:                                       Roma 12:11

-Nananabik            :                                   Marcos 2:8

-Pagkakatulog:                         Roma 11:8

-Malungkutin:                                       Isaias 1:15

-Tapat:                                                 Mga Awit 78:8

-Namuhi:                                              Ezra 1:1 Mga Gawa 17:16; Hagai 1:14

-Malakas:                                             Lucas 2:40

-Magulo:                                              Genesis 41:8: Daniel 2:3; Juan 13:21: II Tesalonica 2:2

-Walang kabuluhan:                                Ecclesiastes 1:14

-Magulo:                                              Ecclesiastes 1:17; 2:11,17

-Nakahanda:                                        Mateo 26:41; Marcos 14:38 (nagsasabi ng salungat sa pagitan ng espiritu at laman)

-Matalino:                                             Exodo 28:3

-Sugatan:                                              Kawikaan 18:14

-Mali:                                                   Lucas 9:55

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-SAMPUNG KABANATA

 

PAANO SUMAMBA

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibuod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kung paano sumamba.

·                    Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan sa pagitan ng apoy, ang kaluwalhatian, at pagsamba.

 

SUSING TALATA:

 

Purihin ninyo siya ng ma pandereta at sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawa at ng flauta. (Mga Awit 150:4)

           

PAMBUNGAD

 

Natutunan muna na dapat kang sumamba sa espiritu at katotohanan, ngunit tiyakin mo kung paano dapat sumamba? Kung anong uri ng pagsamba ang katanggap-tanggap dito sa bagong “tabernakulo ni David” kung saan ito ay ibinabalik Ng Dios.

 

Ang pagsamba sa Biblia ay may paggalang. Ang mga tao ay nagpapatirapa sa kanilang mga mukha, nagbubulay-bulay, at tahimik sa harapan Ng Dios. Ngunit ang pagsamba ay may kagalakan din, maingay, at masigla. Sinabi sa Israel, ang “sigaw ng Hari ay kasama nila.” Kung may ingay sa tabernakulo, ang presensiya Ng Dios ay nandoon. Kung walang ingay, Siya ay wala doon.

 

Ang ilan sa mga tao ay tumututol sa ganitong uri ng masiglang pagsamba. Sinasabi nila na ito ay “masagwa at wala sa kaayusan.” Sinasabi ng Biblia na “Hayaan na ang lahat ng mga bagay ay gawin na may kaangkupan at kaayusan,” ngunit ang diin ay dapat na nasa “HAYAAN NA ANG LAHAT NG BAGAY AY GAWIN” ( I Corinto 14:40).

 

Iniisip ng iba na ang masiglang pagsamba ay kamangmangan at hindi kinakailangan. Ngunit ipinahahayag ng Biblia ang kaugnayan sa pagitan ng kung ano ang nakikitang kamangmangan sa ating pagiisip at kapangyarihan Ng Dios at pagpapala. Isaalang-alang ang mga “kamangmangan” na mga bagay:

 

            -Pagtaas ng tungkod ni Moises sa Pulang Dagat at ang tubig ay nahati.

            -Ang pagsigaw ng Israel at ang pader ng Jerico ay bumagsak.

-Sina Gideon at ang 300 mga lalake na may pitcher, parol, at trumpeta para talunin ang mga hukbo ng Midian.

            -Ang bulag na lalake na naghugas sa paliguan ng Siloam at nakakita.

-Ang paghuhugas ni Naaman sa putikan ng ilog ng Jordan para sa kagalingan ng ketong.

            -Pagkakita ni Pedro ng salaping buwis sa bibig ng isda.

 

Sa aralin na ito iyong matututunan ang parehong paggalang at masiglang mga paraan ng pagsamba Sa Dios. Ang pagsamba ay isa sa mga dakilang prinsipyo sa Biblia para sa pagpapakilos, dahil ang tunay na pagsamba ay nagtutulak at nagpapakilos sa mga anak Ng Dios.

 

PAANO TAYO SUMAMBA

 

Narito ang mga paraan batay sa Biblia sa pagsamba Sa Dios:

 

PAGLILINGKOD:

 

Ang pinakadakila mong ministeryo ay paglilingkod ay pagpupuri at pagsamba. Ngunit ikaw ay sumasamba rin sa iyong paglilingkod sa Kanya sa paggawa ng gawain ng Dios batay sa katotohanan Halimbawa, ang isang paraan ng pagsamba Sa Dios ay pagtugon sa Kanyang  tawag na “humayo at turuan ang lahat ng mga bansa.”

 

PAGBIBIGAY:

 

Nakatala na paulit-ulit sa Luma at Bagong Tipan, na ang pagbibigay ng materyal na kayamanan ay bahagi ng pirmihan na paglilingkod at itinuturing gawa ng pagsamba.

 

MANATILING TAHIMIK SA HARAPAN NG DIOS:

 

Kasama sa tahimik na ugali ng paggalang ay pagbubulay-bulay  Sa Dios at sa Kanyang Salita:

 

Tumahimik ang lahat na tao, sa harap ng Panginoon... (Zacarias 2:13)

 

SUMASAMBA SA PAMAMAGITAN NG IYONG BIBIG:

 

Pinatunayan ng Agham na, katulad ng tatak ng daliri, ang bawa’t tinig ng tao ay may tinatawag na “tatak” Ang iyong “tatak ng boses”, katulad ng tatak ng daliri, ay iba sa lahat ng mga  boses. Alam Ng Dios ang IYONG boses at naghihintay na marinig  ito sa pagpupuri Sa Kanya araw-araw. Narito ang ilang mga paraan para magamit ang iyong boses sa pagsamba Sa Dios:

 

PAGSASALITA NG PAPURI:

 

...maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. (Hebreo 13:15)

 

Ang “bunga ng ating mga bibig” ay pagsamba Sa Dios. Pagsasalita ng papuri...

 

Ang ginagawa ng unang mga Kristiyano:

 

At palaging sila’y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios. (Lucas 24:53)

 

Ang kalooban Ng Dios sa bawa’t Kristiyano:

 

Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka’t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. (I Tesalonica 5:18)

 

Katunayan ng buhay na puspos ng espiritu:

 

...kundi kayo’y mangapuspos ng Espiritu...Na kayo’y laging magpapasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucrsito sa Dios na ating Ama. (Efeso 5:18,20)

 

Ang pangunahing tungkulin ng maharlikang saserdote (mga mananampalataya):

 

Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kalinawagan. (I Pedro 2:9)

 

Nagbibigay ng daan sa Kanyang presensiya:

 

Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. (Mga Awit 100:4)

 

Iniutos sa mensahe mula sa trono:

 

At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat ng mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki. (Apocalipsis 19:5)

 

Ay iyong tungkulin hanggang ikaw ay may hininga:

 

Purihin ng bawat bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon. (Mga Awit 150:6)

 

Ito ay ugali na dapat gawin sa lahat ng araw:

 

Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin. (Mga Awit 113:3)

 

Ito ay pagsusulit sa pagdidisipulo:

 

Sa ganito’y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo’y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo’y magiging aking mga alagad. (Juan 15:8)

 

Maaaring gawin ng kahit matanda na mananampalataya:

 

Sila’y mangagbubunga sa katandaan...(Mga Awit 92:14)

 

Ang resulta nito ay kasiyahan:

 

Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran na kaniya. (Kawikaan 12:14)

 

PAGSASALITA SA IBANG WIKA:

 

Basahin ang I Corinto  14:14-18 sa iyong Biblia. Ang iyong papuri ay ganap kung ikaw ay sumasamba sa iyong makalangit na lengguwahe. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo na siya ay masaya ginawa niya ito higit kanino man.

 

PAGSIGAW:

 

Ang pagsigaw ay ginamit para purihin Ang Dios mula pa sa simula:

 

Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pangumaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? (Job 38:7)

 

...sila’y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit. (Mga Awit 65:13)

 

Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa’t kambing na iyong mga pinakahandog sa susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan. (Isaias 44:23)

 

Narito ang ilang mga bagay na itinuturo ng Biblia tungkol sa pagsigaw:

            -Ang Dios ay napailanglang na may hiyaw:  Mga Awit 47:5

            -Si Jesus ay babalik na may sigaw:  I Tesalonica 4:16

            -Kung walang kagalakan at katuwaan, walang sigaw; Jeremias 48:33.

 

Sa natural na mundo, kung ikaw ay dumalo sa pampalakasan at hindi mo nauunawaan laro, hindi mo alam kung kailan ka sisigaw para sa iyong paboritong koponan. Pareho din sa espirituwal: Kung ang mga hindi sumisigaw ay tunay na nauunawaan kung ano ang nangyayari sa espirituwal na mga bagay, sila ay sisigaw. Nagapi Ni Jesus ang ating kalaban. Tayo ay naligtas mula sa kasalanan at mayroong walang-hanggan na buhay. Siya ang ating kagalingan at probisyon. Paano hindi natin madadama na sumigaw mula sa ating mga puso?

 

Narito ang ilang mga pagkakataon kung kailan ang pagsigaw ay ginamit sa Biblia:

           

Pagsigaw dahil sa presensiya Ng Dios:

 

Napansin ng mundo nang “sumigaw ang Hari sa kanilang kalagitnaan” (Mga Bilang 23:21).

 

Gayon iniahon ng bong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso. (I Cronica 15:28)

 

At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento, ang boong Israel ay humiyaw ng malakas na hiyaw, na ano pa’t naghinugong sa lupa. (I Samuel 4:5-6)

 

Pagsigaw sa kapahayagan Ng Panginoon:

 

...at nang makita yaon ng boong bayan, ay nagsigawan at nangagpatirapa. (Levitico 9:24)

 

Pagsigaw ng pagtatalaga:

 

At sila’y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig, at may mga hiyawan, at may mga pakakak, at may mga patunog.(II Cronica 15:14)

 

Pagsigaw dahil sa gawa Ng Panginoon:

 

Sila ay sumigaw ng malakas para sa kagalakan nang ang pundasyong tahanan Ng Dios ay inilatag ( Ezra 3:11-13).

 

Pagsigaw sa pakikipaglaban:

 

-Ang pader ng Jerico ay bumagsak sa sigaw:  Josue 6

-“Sumigaw, ibinigay Ng Panginoon ang lunsod sa iyo.”: Josue 6:16

-Si David ay nagtungo sa labanan at sumigaw para sa labanan:  I Samuel 17:20)

-Ang hukbo Ng Dios ay sumigaw nang kanilang sundan ang mga Filisteo:  I Samuel 17:52

-Nang ang masama ay mawala, may sigawan:  Kawikaan 11:10

 

Ngunit iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka’t iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng inyong pangalan. (Mga Awit 5:11)

 

... at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda, nangyari, na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang boong Israel sa harap ni Abias at ng Juda. (II Cronica 13:15)

 

Sino ka, Oh malaking bundok? Sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan...(Zacarias 4:7)

 

Tayo ay inutusan na sumigaw:

 

Ngunit iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka’t iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng inyong pangalan. (Mga Awit 5:11)

 

Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ag Panginoon...(Mga Awit 35:27)

 

Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. (Mga Awit 47:1)

 

...at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.  (Mga Awit 132:9)

 

Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.  (Mga Awit 132:16)

 

Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka...sapagka’t dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo. (Isaias 12:6)

 

... Umawit ka, O anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng boong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. (Zefanias 3:14)

 

...humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito ang iyong hari ay naparirito sa iyo; Siya’y ganap at may pagliligtas...(Zacarias 9:9)

 

... Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon, kayo’y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob, at magsihiyaw kayo dahil sa puno ng mga bansa: mangagtanyag kayo, magsipuri kayo, at mangagsabi, Oh Panginoon, iligtas mo ang iyong bayan, ang nalabi sa Israel. (Jeremias 31:7)

 

 

PAGTAWA:

 

Ang pagtawa ay paraan din ng pagpapahayag ng berbal na papuri Sa Dios:

 

Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nagagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.

 

Nang magkagayo’y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo’y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.

 

Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay. (Mga Awit 126:1-3)

 

PAGAWIT:

 

Ang musika sa pagsamba ay hindi pauna sa pangunahing bahagi ng pangangaral. Ito ay bahagi ng pangunahing pangyayari na pagsamba. Walong magkakahiwalay  na salita  ay isinalain  “awit” sa Lumang Tipan. Ang ibig sabihin ng isa ay  sumigaw o umawit  ng malakas para sa kagalakan. Ang ibang kahulugan ay matinis na tunog, ng kagalakan at pagsasaya. Ang ibang kahulugan ay masayahin na tinig ng pagaawitan at pagtatagumpay.

 

Ang pagawit ng espirituwal na mga awit ay nagbibigay ng “ready-made” na salita para purihin Ang Dios at magkaroon ng pagkakaisa sa pagtugon gayun din sa magkakasamang pagawit. Palaging hinihikayat ni David na ang iba ay sumama sa kanyang pagawit ng mga awit ng pagsamba. Alam ni Satanas ang kapangyarihan ng musika at pag-aawitan. Ito ang dahilan kung bakit ginamit niya ang masamang musika para ipangalat ang kabulaanan.

 

Colosas 3:16 at Efeso 5:19 ay nagbibihgay ng panuto sa pagaawitan sa pagsamba. Dapat nating gamitin ang:

 

1. Mga Awit:  Mula sa imnaryo ng aklat ng Israel na aklat ng mga Awit sa Biblia.

2. Himno: Mga awit tungkol Sa Dios at sa Kanyang mga katangian at mga awit para Sa Dios.

3. Espirituwal na mga awit:  Mga Awit mula sa puso, pagawit sa “espiritu at pagkaunawa.”

 

Ang pagawit sa espiritu ay hindi katulad ng pagawit mula sa pagiisip. Kung minsan Ang Dios ay kumikilos sa pamamagitan ng tiyak na awit ng papuri. Kung ginawa Niya ito, huwag matatakot na dumaloy dito. Huwag hayaan na ang pangangat’wiran at kaisipan ay magsabi” naawit mo na ng maraming beses.” Tayo ay binalaan ng tungkol sa pagawit sa “idle song”, musika na walang ibig sabihin (Amos 6:5 MBB). Dapat tayong umawit ng mga awit na pagpapalaya (I Samuel 6:23) at mga papuri (Mga Awit  68:4).

 

Ang ministeryo ng musika ay mahalaga sa paglilingkod na pagsamba. Si David ay pumili ng 4,000 mga Levita para sa paglilingkod sa musika. I Cronica 25:6-7 nagsasabi tungkol sa mga “tinuruan sa mga awit Ng Panginoon.”

 

Si Joel ang pinuno, at si Sepham ang ikalawa, at si Janai, at si Saphat sa Basan:

 

At ang kanilang mga kapaitd sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: si Michael, at si Mesullam, at si Seba, at si Jorai, si Jachan, at si Zia, at si Heber, pito.

 

Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Galaad, na anak ni Michael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz. (I Cronica 5:12-14).

 

Sinabi Ni Jesus:

 

Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo. (Hebreo 2:12)

 

PAGPUPURI SA DIOS SA PAMAMAGITAN NG INSTRUMENTO:

 

Ipinaratang kay David ang paggawa ng maraming instrumento ng pagsamba, kahit hindi natin alam ang tiyak niyang ginawa (Amos 6:5) May tatlong uri ng mga instrumento na nabanggit sa Biblia:

 

1. Perkusiyon na panugtog: Mga kampanilya sa laylayan ng damit ng saserdote:  Exodo 28:33-35 at Zacarias 14:20.

 

Simbalo:  I Cronica 15:16,19; 28;  II Cronica 5:13; 29:25;  Ezra 3;10;  Nehemias 12:27. Sa ilang mga lugar isinalin ang salita na “pompiyang” na katumbas ng makabagong “castanets” at “shakers”.

 

Tamburin: Tinatawag din na “tabret” o “pandereta”. Mga Awit 81:2; 149:3;  150:4; 

Exodo 15:20.

 

Batingaw: I Corinto 13:1. Sa Mga Awit 150 dalawang uri ng pompiyang o batingaw ang nabanggit, matunog at mataas na tunog.

 

2.  May kuwerdas na mga instrumento:

 

Salteryo, viola, at sambuko na katulad sa alpa; at saltero na may sangpung kuwerdas, parihabang “zither”: Mga Awit 33;2;  144:9;  92:3.

 

Gaita:  katulad ng alpa:  Daniel 3:5,7,10,15.

 

Lute:  Panugtog na  may tatlong kawad .

 

Kudyapi:  Panugtog na kawad: Genesis 4:21

 

3.  Instrumentong de hangin:  Klarinete:  Isaias 5:12;  30:29;  Jeremias 48:36. Ito ay isinalin sa ilang mga lugar bilang pito.

 

Pito at organ:  Genesis 4:21;  I Samuel 10:5

 

Sa I Mga Hari 1:40 nabanggit ang isang doble na “reed” na panugtog na katumbas sa makabagong oboe.

 

Flauta:  Isaias 30:29

 

Shofar at trumpeta: Ang Shofar ay ginagamit na pinagpapalit sa trumpeta. Ang panugtog na ito ay ginamit para takutin ang kalaban (Mga Hukom 7:19-20) at para palatandaan (Josue 6:20; Mga Hukom 7:16-22; Zacarias 9:14,15). Nakarinig si Juan ng tunog ng trumpeta bago ang kanyang pangitain sa Apocalipsis (Apocalipsis 1:10) at ang trumpeta ay tanda ng paghuhukom (I Corinto 15;52;  I Tesalonica 4:16; Apocalipsis 8:3).

 

Ang Shofar ay patuloy pa rin na ginagamit para tawagin ang mga Hudyo para sumamba.

 

Narito ang ilang mga talata na naghihikayat sa atin na purihin Ang Dios ng mga panugtog:

 

Purihin ninyo siya nng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa.

 

Purihin ninyo siya ng mga pandereta at sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawa at ng flauta.

 

Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta. (Mga Awit 150:3-5)

 

Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga papuri sa ating Dios: (Mga Awit 147:7)

 

Kayo’y mangagpasalamat sa Panginoon ng may alpa... (Mga Awit 33:2)

 

PAGSAMBA KASAMA ANG IYONG KATAWAN:

 

Ang tao ay hindi kailanman nilikha para maging kaluluwa, espiritu, o katawan lamang. Siya ay “triune being” binubuo ng tatlong bahagi. Hindi ka makasasamba sa iyong espiritu at/o kaluluwa lamang. Ikaw ay dapat na sumamba kasama ang iyong katawan.

 

Kung minsan tinatanggihan nating gawin ito dahil ayaw natin na gumawa ng palabas sa ating mga sarili. Natatakot tayo na maging “gawa ng laman ito.” Ngunit kung ating mapaktatagumpayan ang ating pagmamataas at paghihimagsik tayo ay makapapasok sa magandang pagdaloy ng papuri at pagsamba.

 

Narito ang ilang mga dahilan kung bakit tayo ay tumatanggi sa pagsamba kasama ang ating katawan:

 

1.      Pagmamataas.

2.      Hindi tayo komportable dahil hindi pa natin kailanman nagagawa ito.

3.      Kinaugalian ng mga tao na nagsasabing” Hindi natin ginagawa ito dito.”

4.      Hindi natin kinikilala na ito ay utos.

5.      Kinilala natin na ito ay utos, ngunit tayo ay lumalaban at ayaw natin gawin ito.

 

Kung ating napagtagumpayan ang mga pagtutol na ito at magsimula na sumamba kasama ang ating mga katawan gayun din ang ating kaluluwa at espiritu, ang kaluwalhatian Ng Panginoon ay kikilos sa ating kalagitnaan. Narito ang ilang mga paraan para sumamba kasama ang iyong katawan:

 

PAGTAYO SA KANYANG PRESENSIYA:

 

Tingnan ang II Cronica 20:19;  Ezekiel 44:15;  Mga Awit 135:1-2;  134:1 Para sa mga halimbawa ng mga tao na nakatayo para sambahin Ang Dios.

 

PAGTAAS NG IYONG MGA KAMAY:

 

Dapat mong itaas ang iyong banal na mga kamay, paraan batay sa Biblia ng pagpapahayag ng pasasalamat Sa Dios:

 

Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: Purihin ka ng aking mga labi.

 

Sa gayo’y pupurihin kita habang ako’y nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan. (Mga Awit 63:3-4)

 

Ito ay paraan na tanda ng pagpapahayag ng tumataas na pagsamba:

 

Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan. (Mga Gawa 141:2)

 

Itinataas mo ang iyong puso kung iyong itinataas ang iyong mga kamay:

 

Itinataas namin ang aming mga puso at mga kamay...(Mga Panaghoy 3)

 

Ang pagtaas ng iyong mga kamay ay pagpapahayag ng espirituwal na pagkauhaw:

 

Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo: ang aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay. (Mga Awit 143:6)

 

Kung iyong itinataas ang iyong mga kamay , iyong binubuksan Sa Dios at sinasabi  na, “Pumasok  at puspusin Mo ako ng Iyong presensiya.” Ang pagtataas ng mga kamay ay ginamit din na pagbibigay ng basbas, bilang paraan ng pagpapala sa iba at Sa Dios. Si Jesus ay bumalik Sa Ama na nakataas ang mga kamay, namamagitan para sa mga Kanyang minamahal at pagpalain sila (Lucas 24:50-51). Tahimik na pinatotohanan nito ang Salita Ng Dios:

 

Akin namang itatas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako’y magbubulay sa iyong mga palatuntunan. (Mga Awit 119:48)

 

Hinihikayat ito ng Biblia:

 

Ibig ko ngang ang mga tao’y magsipanalangin sa bawat dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. (I Timoteo 2:8)

 

Iniutos din ito ng Biblia:

 

Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon. (Mga Awit 134:2)

 

PAGPALAKPAK:

 

Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. (Mga Awit 47:1)

 

PAGTUNGO AT PAGLUHOD:

 

Ang “pagtungo” ay maaaring tumutukoy sa ulo o buong katawan. Basahin ang sumusunod na mga talata para sa mga halimbawa ng pagtungo at pagluhod bilang porma ng pagsamba: Genesis 24;48;  Exodo 4:31;  12;27; I Cronica 29:20, 30;  II Cronica 6;13;  I Mga Hari 8:54;  Nehemias 8:6; Daniel 6:10;  Mateo 17:14;  Marcos 1:40;  10:17;  Lucas 22;41;  Mga Gawa 7;60;  9:40;  20:36;  21:5.

 

Tayo ay inutusan na tumungo at sumamba:

 

Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at magsiyukod; tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. (Mga Awit 95:6)

 

Sinasabi ng Biblia na ang “bawa’t tuhod ay dapat na lumuhod “sa harapan Ng Panginoon:

 

Ako’y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, na sa akin ay luluhod ang bawa’t tuhod, bawat dila ay susumpa.(Isaias 45:23)

 

Sapagaka’t nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, at ang bawat dila ay magpapahayag sa Dios. (Roma 14:11)

 

Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa.

 

At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:10-11)

 

Nang si Pablo ay nagsalita tungkol sa ating kaalaman ng Ebangehlyo at ang ating katayuan sa Iglesya at Kay Jesus, sinabi niya ito ang dahilan kung bakit tayo dapat lumuhod:

           

Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kapurihan ninyo.

 

Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama. (Efeso 3:13-14)

 

Dahil sa kahalagahan ng pagluhod, binalaan tayo ng Biblia sa mga resulta ng pagluhod sa huwad na mga diyos: Exodo 23:24;  Levitico 26:1;  Deuteronomio 5:9;  Mga Bilang 25:2;  Josue 23:7;  Mga Hukom 2;12,17,19: I Mga Hari 19:18;  Roma 11;4;  II Mga Hari 17:35; 

II Cronica 25:14.

           

PAGLAKAD AT PAGTALON:

 

Ang paglakad at pagtalon ay maaaring pagsamahin sa pagsamba Sa Dios. Si David ay tumalon sa harapan ng Arko nang ito ay bumabalik sa Israel (II Samuel 6:16). Ang pilay na lalake na gumaling ay lumakad at tumalon at pinuri Ang Dios (Mga Gawa 3:8). (Kung ang kaluwalhatian Ng Dios at ang mga tanda katulad ng pagpapagaling ay maraming nakikita sa ating mga paglilingkod maaaring makita natin ang maraming mga tao na tumatalon sa pagpupuri at pagsamba!)

 

 

SUMASAYAW:

 

Ang unang natala ng pagsayaw sa harapan Ng Panginoon ay nakita sa Exodo:

 

At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsasayawan. (Exodo 15:20)

 

Madaling, dinungisan ni Satanas ang sayaw:

 

At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan...(Exodo 32:19)

 

Mababasa natin sa I Samuel 18:6 na sila ay umawit at sumayaw sina Saul at David, na pumatay sa mga libo at sampong libo . Gaano pa  tayo na Siya ang tumalo sa ating kalaban!

 

Si David ay sumayaw sa harapan Ng Panginoon:

 

At nagsayaw si David ng kaniyang boong lakas sa harap ng Panginoon; at si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino. (II Samuel 6:14)

 

Ang kanyang asawang si Michal, na tumuligsa sa kaniya ay nabaog (II Samuel 6:16-17;  I Cronica 15:29-30). Siya ay naghihimagsik sa simula, dahil tinawag ni David ang lahat ng Israel para sa pagbabalik ng Arko at hindi siya nagtungo. Siya ay nanatili sa kanyang lugar at nakatingin na nagmamataas, nangangat’wiran at namimintas.

 

Narito ang mahalagang katotohanan tungkol kay Michal:

 

1.      Siya ay anak ng Hari:  I Samuel 14:49;  18:20,27

 

2.      Siya ay asawa ni David:  I Samuel 18:27

 

3.      Siya ay binili ng dugo:  I Samuel 18:25-27

 

4.      Mahal niya ang kanyang asawa at inilagay sa panganib ang kanyang buhay para sa kanyang asawa:  I Samuel 18:20

 

5.      Mahal siya ni David at tumanggi na siya ay lagyan ng korona hanggang siya ay naibalik sa kanya:  I Samuel 19:12.

 

Subalit sa kabila ng lahat ng mga bagay na ito, dahil kinamumuhian niya ang masiglang porma ng pagsamba ni David, siya ay nabaog.

 

Si Micah ay uri ng Iglesya na anak ng Hari, asawa Ni Cristo, mahal Niya, tinubos ng Kanyang dugo, at maibabalik Kay Cristo. Kung minsan ang espirituwal na pagkabaog ba ay maaaring resulta ng ating kapalaluan, pangangatwiran, mapamintas na ugali tungo sa iba’t ibang porma ng pagsamba na inilarawan sa Biblia?

 

Sa istorya ng Alibughang Anak sa Lucas 15, ang mapagmapuri na nakatatandang kapatid ay pinintasan ang pagsasaya at pagsasayawan. Gayunman sinasabi ng Biblia ang katulad na kagalakan ay nangyayari sa Langit kung ang isang makasalanan ay nagsisi (Lucas 15:10).

 

Ang pagsayaw ay kaugnay sa kagalakan sa Panginoon. Nais Ng Dios na ang iyong pananangis ay mapalitan ng pagsasayaw:

 

Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan. (Mga Awit 30:11)

 

Kung magkagayo’y magagalak ang dalaga sa sayawan...at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan. (Jeremias 31:13)

 

Sinasabi ng Biblia na may panahon sa pagsayaw (Ecclesiastes 3:4) at inutusan pa tayo na magsayaw sa harapan Ng Dios:

 

Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa. (Mga Awit 149:3)

 

Purihin ninyo siya ng may pandereta at sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawa at ng flauta. (Mga Awit 150:4)

 

ANG APOY , ANG KALUWALHATIAN, AT ANG PAGSAMBA

 

Sa Ikatlong kabanata ng kursong ito, sinimulan mo ang pag-aaral tungkol sa apoy, ang kaluwalhatian, at ang pagsamba Sa Dios. Ang tatlong makapangyarihan espirituwal na puwersang ito ay detalye na magkakaugnay.

 

Nais natin ng kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios, ngunit hindi natin nararanasan ang paglilinis ng Kanyang makapangyarihang apoy. Nais nating sumamba, ngunit ang ating pagsusumikap ay hindi sapat dahil ito ay itinulak ng ating mga sarili sa halip na dumaloy mula sa kapahayagan ng kapangyarihan Ng Dios.

 

Ang apoy Ng Dios , kasama ang makapangyarihan na pagpiga  at paglilinis, ay kinakailangan para ang kaluwalhatian Ng Dios ay maipahayag. Ang kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios ay resulta ng tunay na pagsamba sa ating pagpapanumbalik ng tabernakulo ni David sa pamamagitan ng pagsamba sa espiritu at katotohanan.

 

Ito ang kaayusan na naranasan sa Lumang Tipan....ang apoy, kaluwalhatian, at ang pagsamba:

 

Nang makatapos nga ng pananalangin si Solomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

 

At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.

 

At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y nangapatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica 7:1-3)

 

Kung ikaw ay nahipo ng apoy, nakatanggap ng kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios, at magsimulang sumamba sa espiritu at katotohanan, hindi magtatagal iyong mararanasan ang “revival”. Ang susunod na tatlong aralin ay tungkol sa paksang ito ng “revival” na isa pang makapangyarihan na magbubunsod para mapakilos ang mga anak Ng Dios.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.      Ibuod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa kung paano sumamba.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

3.      Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan ng apoy, ang kaluwalhatian, at pagsamba.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang Mga Awit ay pagsamba na aklat at nagtuturo ito ng maraming bagay tungkol sa paksa. Sinabi ni David”

 

Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.

 

Sa gayo’y tumingin ako sa iyo sa santuario, upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian. (Mga Awit 63:1-2)

 

Si David ay hindi sanay sa pagtungo sa luma at patay na templo kung saan siya ay naiinip at walang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios.

 

Para sa halimbawa ng pagtuturo sa Mga Awit tungkol sa papuri, pag-aralan ang sumusunod na Mga Awit:

 

MGA AWIT 81

 

ANG KASUNDUAN SA PAGPUPURI

 

Ang Dios ay gumawa ng kasunduan ng pagpupuri sa Israel. Sinabi Niya: talata 8: ”Kung sila ay, Ako ay...”

 

ANG ATING BAHAGI: Mga talata 1-7

 

Apat na paraan ng pagpupuri:  1-3

            -Malakas na pagaawitan.

            -Paggawa ng masayang ingay.

            -Mga Awit.

            -Pandereta, alpa, saltero, trumpeta, at iba pa.

 

Limang magbubunsod sa pagpupuri:

            -Utos ng Salita Ng Dios: 4

            -Ang pagpupuri ng mga tao ay patotoo Sa Dios: 5

            -Dapat tayong magpuri sa Kanyang kaluwalhatian ( Efeso 1:12)

            -Dahil sa pagpapalaya sa nakaraan:  6-7

            -Dahil sa natugon na panalangin:  7

            -Para sa mga pagsubok at paghihirap:  7

 

BAHAGI NG DIOS:  Mga talata 9-10

 

-Tayo ay iiiwas sa idolatriya:  Sa likod ng idolatriya ay mga kapangyarihan ng demonyo. (pansinin ang pagkakasunod-sunod sa Deuteronomio 32: Pinabayaan ng Israel 15, Kinilos 16, Inihain 17, Kinalimutan 18).

-Tayo ay makasasamba sa kadalisayan:  “Hindi maiiba ang iyong pagsamba Sa Dios.”

 

-Napanumbalik na kaugnayan: “Ako Ang Panginoon na iyong  Dios.”

 

-Tayo ay pupuspusin ng pagpupuri:  Kung hindi ka makalapit Sa Dios sa Kanyang mga kahilingan (pagsamba), lumapit ka sa Kanya kung ano ang Kanyang ninanais. Magbigay ng papuri at pupunuin Niya ang iyong bibig ng papuri.

 

MALUNGKOT NA BUOD:  Mga talata 11-13

 

Binaliwala ang tinig Ng Dios at tinanggihan ang Kanyang presensiya, kaya pinabayaan Ng Dios na mangyari ang kanilang pamamaraan. Kasama sa kasunduan ang mga pakinabang na dapat sa Israel...

 

            -Pasusukuin ang mga kaaway:  14-15

            -Ipagkakaloob ang pangangailangan:  16

            -Kasapatan:  16

           

MGA AWIT 149

 

ANG ARALIN NG PAGPUPURI

 

PAANO GAWIN ITO:

 

Purihin NINYO Ang Panginoon:  Dapat mong pangunahan ang iyong mga damdamin kung hindi , ikaw ay pangungunahan nito.

 

            -Umawit.

            -Sumama sa pagpupuri ng kongregasyon.

            -Pakawalan ang iyong damdamin at maging masayahin.

            -Purihin Ang Panginoon kasama ang iyong katawan.

            -Kung ikaw ay makatutugtog ng instrumento, gawin mo.

 

BAKIT GAGAWIN ITO:

 

-Dahil kung sino Siya: 1

 

-Dahil sa mga nagawa Niya:  2

 

-Dahil Siya ay nalulugod dito:  4

 

-Dahil sa ginagawa Ng Dios sa iyong buhay:  4

 

-Dahil ikaw ay sumasama sa pagkakaisa ng “kongregasyon ng mga mananampalataya” (mga talata 1 at 6). Ang ibig sabihin nito ikaw ay kaisa sa Iglesya na nasa Langit  kung ikaw ay sumasamba. Tingnan din ang Hebreo 12;22-24.

-Dahilan ng papuri ay sandata:  7-9

 

Ngayon ikaw na ang gagawa... Pag-aralan ang aklat ng Mga awit, isulat kung ano ang iyong natutunan tungkol sa pagsamba sa bawa’t kabanata. Gawin natin ang Mga Awit 93 bilang halimbawa:

 

MGA AWIT 93

 

-Bakit kailangan na sambahin mo Ang Dios?  Mga talata 3-5 at 7

 

-Paano ka tinuruan ng awit na ito ng pagsamba?

 

            -Pag-aawitan:                                    Talata 1

            -Masayang ingay:                Talata 1

            -Mga Awit:                            Talata 1

            -Pagtungo at pagluhod:            Talata 6 (paggalang)

            -Ipagmalaki Ang Dios:    Talata 1-5

 

-Ano ang dapat na magbubunsod sa iyo?  (Tingnan ang talata 3... “Walang katulad ang ating Dios”).

 

Ano ang mga kaparusahan ng pagmamatigas na puso at hindi pagkilala sa kataas-taasang kapangyarihan Ng Dios sa pagsamba?

 

Gamitin ang Mga Awit 100 “Isang Tawag Sa Pagsamba” para sa unang pagisahan na pag-aaral.

 

MGA AWIT 100

 

ANG TAWAG SA PAGSAMBA

 

 

HALIMBAWA NG PAGSAMBA:

 

Ang pagsamba ay hindi nanggaling sa tao ngunit Sa Dios. Kung ito ay galing sa tao, pabutihan, baguhin, pintasan, tanggihan ang ibang bahagi nito, at paunlarin ito. Para tayo ay sumamba ng karapat-dapat, dapat nating matutunan ang marami pang mga bagay tungkol sa mga halimbawa at kaayusan ng pagpupuri.

 

Ang halilmbawa ay makikita kung saan natin nakita ang ganap na papuri sa Langit sa pamamagitan ng nakasulat na Salita Ng Dios. Ang mga modelo ay ang mga nakikita natin sa lupa. Ang makalupang halimbawa na may kulang kung ano ang ating nakikita sa halimbawa ng Salita Ng Dios na nagtataglay ng tanda “ginawa ng tao.”

 

 

 

ISANG MODELO SA ISAIAS:

 

Ipinahayag ng Isaias ang halimbawa ng pagsamba batay sa Biblia. Ang tunay na pagsamba ay resulta kung ikaw ay...

 

-Nakakita ng pangitain ng kamanghamangha na kabanalan Ng Dios: Talata 1-4

 

-Sumamba ng buong kalakasan mo. Ang lakas ng papuri ay napakalakas na napakilos ang poste ng pintuan: Talata 4.

 

-Kilalanin ang sarili mong makasalanan na kalagayan: Talata 5

 

Ang pagsamba ay tutulong sa iyo na makita mo ang iyong sarili kung ano ito talaga. Inaalis nito ang bastos na pag-uugali ng marami sa atin na mayroon nito nang tayo ay lumapit sa presensiya Ng Dios. Inamin ni Abraham na siya ay walang halaga at alabok at abo lamang (Genesis 18:27). Kinapootan ni Job ang kanyang sarili at nagsisi sa alabok at abo (Job 42:6). Sinabi ni Manoah”Tayo ay sigurado na mamamatay, dahil nakita natin Ang Dios”  (Mga Hukom 13:22).

 

Sinabi ni Habacuc “Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig; kabuluka’y pumasok sa aking mga buto, at ako’y nanginginig”  (Habacuc 3:16).

 

Sinabi ni Ezra, “Ako’y napahiya at namula sa itaas ang aking mukha sa Iyo... hindi kami makatatayo sa harapan Mo dahil sa aming mga sala.”  (Exra 9:6,15)

 

-Ikaw ay makararanas ng paglilinis at kapatawaran:  Mga talata 6-7

 

-Ikaw ay magiging mensahero ng mensahe Ng Dios na nagaapoy sa iyong mga labi: 

Talata 8

 

-Ikaw ay aayon Sa Dios:  Sinabi ni Isaias “Narito ako” bago niya malaman kung saan, kailan, bakit, at kung sino ang kasama niya sa pagtungo. Dahil sa kanyang karanasan sa pagsamba Sa Dios, ang mga bagay na ito ay hindi mahalaga. Kung ang tao ay nagmamahal Sa Dios, hindi kinakailangan na maghintay sa detalye. Ang mga manggagawa Sa Dios na hindi sumasamba Sa Dios ay nagnais ng mga detalye dahil hindi sila nagtitiwala sa Kanya.

 

MGA HALIMBAWA SA APOCALIPSIS:

 

Basahin ang Apocalipsis mga kabanata 4-5. Kanilang itinuturo sa Langit...

            -Ang Dios ang tuon ng atensiyon :  4:2-6 at 5:13

-Ang pagsamba ay banal na gawain. Sila ay patuloy na nagbibigay ng kaluwalhatian at paggalang at pasasalamat: 4:8

-Sila ay lumuhod at nagbigay ng mga korona sa Kanya. Lahat ng papuri na malakas na mga tinig at alpa: 4:10

-May pag-aawitan:  5:9-10

-Ang mga anghel ay sumama sa pagsamba:  5:12

-Ang pagsamba ay malakas:  5;12

-Sila ay nagpatirapa at sumamba: 5:8 at 14.

-May tiyak na nilalaman ang kanilang pagsamba:  4:8,11 at 5:9-10,12-14

 

Ang nilalaman ay nakatuon sa :

            -Kabanalan Ng Dios:  4;8

            -Kanyang kalakasan:  4:8

            -Sa Kanyang walang-hanggang likas:  4:8

            -Pagiging karapatdapat Ng Dios:  Kaluwalhatian, karangalan, kapangyarihan:  4:11

            -Paglikha:  4:11

            -Kaligtasan at katubusan:  5:9

            -Pagpapala:  5:12-13

 

Basahin din ang Apocalipsis 19. Mga talata 1-7 ay nagpapakita ng parehong halimbawa ng pagsamba. Ipinahihiwatig ng talata 6 na ang pagsamba ay napakalakas, ito ay katulad ng “malakas na pagkulog.” Sa mga talata 1,2,6-8, at 10 ipinakita ang tuon ng pagsamba ay Sa Dios lamang, ang Kanyang kaluwalhatian, karangalan, kapangyarihan, at tunay at katwiran na paghuhukom, dahil Siya ay naghahari na makapangyarihan. Ipinakikita ng talata 4 na sila ay bumagsak na nagsasabi “amen” at “alleluia.” Ipinakikita ng talata 7 maraming kagalakan at pagsasaya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABING ISANG KABANATA

 

ANO ANG “REVIVAL”

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng “revival”

·                    Ipaliwanag kung paano tayo maghahanda para sa “revival”

·                    Kilalanin kung kailangan ng “revival.”

·                    Talakayin ang mga katibayan ng pagbabalik sa dating kalagayan.

·                    Magbigay ng halimbawa ng Bagong Tipan na uri ng tao na ginagamit Ng Dios para magkaroon ng “revival”.

·                    Ibuod ang mga balakid sa “revival”

 

SUSING TALATA:

           

At nakita ng boong bayang siya’y lumalakad at nagpupuri sa Dios. (Mga Gawa 3:9)

PAMBUNGAD

 

Walang ministeryo na mananatiling matagal na napakilos nang walang makapangyarihan na pagkilos Ng Dios sa “revival.” Sa aralin at sa dalawang susunod na mga aralin iyong pag-aaralan ang tungkol sa “revival”, siyasatin ang nakasulat sa Lumang Tipan tungkol sa “revival”, at matutunan ang mga prinsipyo batay sa Biblia para para magkaroon ng revival.”

 

ANG PANG-ISAHAN NA KARANASAN

 

Maaari mong madama na ang iglesya o denominasyon na iyong kinaaaniban ay espirituwal na patay sa kasalukuyan ... at maaari kang maituwid. Ngunit hindi mo mararanasan ng magkakasama kung ano ang hindi mo nararanasan sa isahan. Dapat mong maranasan ng isahan ang “revival” para maranasan ito ng sama-sama kung saan ikaw ay bahagi nito. Kahit ang Pentecostes ay pangisahan na karanasan, ang pagsasalita ng ibang wika ng “bawa’t isa sa kanila” at ang bawa’t isa ay nakapagsalita  ayon sa pagbibigay ng Espiritu Santo.

 

Tayo ay nananalangin, nag-aayuno, ay sumasamo para magkaroon ng “revival”, ngunit para maranasan natin ito ng magkakasama, dapat una muna nating maranasan ng isahan. Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito tungkol sa “revival”, gawin itong personal na pahayag:

 

-Ako ay sisigla na muli batay sa mga prinsipyo at mga pangako sa Salita Ng Dios.

-Ako ay sisigla na muli kahit ano ang nangyayari sa aming tahanan, iglesya, komunidad, o bansa.

            -Ako ay magagamit Ng Dios bilang instrumento ng “revival.

KAHULUGAN NG “REVIVAL”

 

Una, siyasatin natin kung ano ang hindi “revival.” Ang “revival” ay hindi basta lamang damdamin. Ang mga tao ay emosyonal na tumutugon sa “revival”, ngunit ang emosyon ay bahagi lamang ng “revival”, hindi ito ang “revival”. Ang tunay na “revival” ay makaaapekto sa buong tao, gayun pa man kasama ang kanyang emosyon. Ang kaalaman ng mga katotohanan ay hindi makapagpapakilos sa tao. Ayon sa estadistika sa bilang ng mga namatay dahil sa may alkohol na inumin hindi kailanman nahikayat ang mga manginginom. Mga bilang sa pagtaas ng krimen hindi nagpapabago sa mga kriminal. Ang magbubunsod na kapangyarihan Ng Espiritu Santo ay dapat na humipo sa tao sa espirituwal at emosyon  para ito ay magkaroon ng pagbabago.

 

Ang “revival’ ay hindi malakas na musika at “mainit” na pangangaral. Hindi ito kampanya para sa bagong mga kaanib para tumaas ang bilang ng pagdalo. Ang paglago ng Iglesya ay resulta ng “revival,” ngunit hindi ito katulad ng “revival”.

 

Ang “revival” ay hindi panghihikyat ng kaluluwa. Ang panghihikayat ng kaluluwa ay pagpapahayag ng mabuting balilta ng Ebanghelyo. Ang “revival” ay mauuna sa panghihikayat ng kaluluwa, kung ang patay na mga mananampalataya ay “muling sisigla”, ang resulta nito ay panghihikayat ng kaluluwa.

 

Sa kahulihan, ang “revival” ay hindi lamang serye ng natatanging mga pagtitipon... maliban na ang natatanging mga pagtitipon ay hinipo ng makapangyarihang pagkilos Ng Dios.

 

Ang “revival” ay ...

 

Ang pinakamakapangyarihang, pambihirang gawa ng Dios sa pamamagitan at sa kapakanan ng mga tao na natuto at nagsagawa ng mga prinsipyo na ipnahayag sa “Rhema” na Salita Ng Dios tungkol sa “revival.”

 

Ang “revival” ay ang pinakamakapangyarihan, dahil dito hindi ito magagawa ng tao. Ito ay pambihira, dahil ito ay natatanging gawa Ng Dios. Ang “revival” ay gumagawa sa grupo ng mga tao at sa kapakanan ng mga ito. Para makapaghanda sa “revival”, dapat natin isagawa ang mga prinsipyo na ipinahayag sa Salilta Ng Dios patungkol sa “revival. Ang lahat ng mga bagay na itinuturo ng Biblia tungkol sa “revival” ay tinatawag na “rhema” o “tiyak” na salita Ng Dios tungkol sa paksa.

 

Dapat din nating sabihin na ang “revival” ay:

 

-Ang paggising, nagpalakas, nagpanumbalik sa mga anak Ng Dios , ang pagpapalakas ng mga bagay na nananatili.

 

-Ang pagbalik sa kamalayan o buhay. Ang muling sumigla ay naging aktibo at bumubukadkad muli.

 

-Ang mabilis na pagpasok Ng Espiritu sa katawan na nagbanta na maging bangkay.

 

-Panahon ng pananariwang muli mula sa presensiya Ng Panginoon.

(Mga Gawa 3:19)

 

PAGHAHANDA PARA SA “REVIVAL.”

 

Maaari nating ihambing ang paghahanda para sa “revival” sa gawain ng pagsasaka. Ang isang magsasaka ay maaaring umupo at manalangin para sa magandang anihin, ngunit kung hindi niya inihanda ang bukid, itinanim ang mga binhi, at dinilig ang pananim, hindi ito mangyayari.

 

Kamangmangan din ang isang magsasaka na nag-iisip dahil ginawa niya ng kanyang bahagi sa gawain na ito na ang anihin ay makasisiguro. Kailangan ang pinakamakapangyarihan Ng Dios sa ulan, sikat ng araw, at ang tamang kaayusan ng panahon  para mahinog ang pananim. Ang magsasaka ay gagawa na may pagkakaisa sa mga prinsipyo ng pagtatanim at pag-aani, ang panahon ng butil at pagaani ay ipinahayag sa Salita Ng Dios. Ang Dios ay nananatiling pinakamakapangyarihan, sa ulan, araw, at tamang kaayusan ng panahon ay manggagaling sa Kanya.

 

Magkatulad na paghahambing ang maaaring gamitin para sa “revival”. Ito ang pinakamakapangyarihang kilos Ng Dios, ngunit para umani ng “revival”, dapat tayong maghanda para dito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyo na ipinahayag sa Salita Ng Dios. Ang “revival” ay magkasamang pagkilos Ng Espiritu Ng Dios at ng tugon ng mga anak Ng Dios.

TUNAY BA NA NAIS NATIN NG “REVIVAL?”

 

Bago natin sabihin na nais natin ng “revival” dapat nating siyasatin ang ating mga puso. Tayo ba ay tunay na tapat? Nauunawan ba natin ang ating hinihingi? Sinasabi natin “Ibuhos Mo ang Iyong Espiritu sa lahat ng mga tao...” Ngunit nagdaragdag tayo ng babala, “ngunit huwag hayaan na ang aming mga anak ay magpropesiya o mga batang lalake ay makakita ng pangitain... Huwag masyadong maging emosyonal.”

 

Ang resulta ng “revival” sa Bagong Tipan na Iglesya ay pagkalat ng mga mananampalataya, pag-uusig, pagkamatay na martir, at ang paglilinis  ng Iglesya. Gaano karami sa mga kaanib ng ating iglesya ang maaaring “bumagsak ng patay” katulad nina Ananias at Saphira sa tunay na pakilos ng “revival”? Tunay ba na nais natin ng “revival”?

 

KAILAN KAILANGAN ANG “REVIVAL”

 

Siyempre ang “revival” ay palaging kailangan, ngunit ito ay pinakakailangan kung  nakikita ang muling pagbabalik sa dating kalagayan. Para maunawaan ang muling pagbabalik sa dating kalagayan, alalahanin ang halimbawa ng Israel. Tinawag ni Jeremias ang problema ng Israel na “tumalikod” (Jeremias 1:3-4).  Sinasabi ng Biblia :

 

Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti. (Kawikaan 14:14)

 

Tingnan ang Jeremias kabanata 2. Iyong mapapansin na ang Israel ay...

 

-Nagpasiya na Ang Dios ay hindi gaanong mahalaga sa kanila katulad noon (“Dati akong”...) 2:5

 

-Nakalimutan ang dakilang mga bagay na ginawa Ng Dios para sa kanila sa mga nakaraan na araw: 2:6-7

 

-Kahit ang mga lider ng relihiyon ay sumama sa pagtalikod. Nabigo ang mga saserdote na itanong,”Nasaan Ang Panginoon?”: 2:8

 

-Iniwanan nila Ang Dios sa kanilang mga buhay, sila ay tumalikod sa ibang mga bagay... sa kasong ito, mga diyus-diyusan: 2:11-12; 27-28

 

-Iniwan nila ang pinanggagalingan ng tunay na espirituwal na tubig, at nagsimulang umukit ng sisidlan na hindi makapaghahawak ng tubig. Ipinagpalit nila ang buhay na tubig para sa patay na tubig: 2:13

 

-Sila ay nagsimulang espirituwal na maanod:  2:19

 

-Sila ay pumasok sa mapagmapuring kalagayan: 2:22-23

 

-Sila ay nagmamatuwid sa kanilang mga dahilan: 3:11

 

-Hinahatak nila ang iba sa kanilang kabulukan: 2:33-34

 

Ang pagtalikod  ay kasalanan na pagiwan Sa Dios ay punuin ang buhay ng kanyang sarili. Ito ay inilarawan bilang isang baboy na bumalik sa putikan at isang aso na kinain ang kanyang suka (II Pedro 2:21-22).

 

MGA KATIBAYAN NG PAGBABALIK SA DATING KALAGAYAN

 

Narito ang ilang mga katibayan ng pagbabalik sa dating kalagayan. Siyasatin ang iyong sariling puso at buhay sa iyong pag-aaaral sa talaan na ito. Ikaw ay pumapasok sa pagbabalik sa dating kalagayan...

 

1. Kung ang panalangin ay hindi na mahalagang bahagi ng iyong buhay. Sinabi na ang “revival ay naaantala dahil ang panalangin ay nabulok.” Sa panahon ng Bagong Tipan, natagpuan natin ang mga tao sa itaas na silid nagpapagal. Ngayon nakikita natin ang mga mananampalataya sa silid kainan nagoorganisa.

 

2. Kung ang paghahanap para sa katotohanan ng Biblia ay tumigil at ikaw ay naging panatag na sa iyong kaalaman na tinataglay. Ito ay hindi nagsasabi na ang tumalikod ay hindi nagbabasa ng Biblia. Marami sa kanila ang may gawi ng pagbabasa, ngunit habang binabasa nila ang mga salita hindi sila nakakatanggap ng sariwang kapahayagan at pagsasagawa sa katotohanan. Ang kaalaman na kanilang nakuha ay itinuturing bilang katotohanan at hindi ginagawa sa kanilang mga buhay.

 

3. Kung ang saloobin tungkol sa walang-hanggan na mga bagay ay tumigil na maging pirmihan at/o mahalaga.

 

4. Kung iyong pinatatawad ang iyong sariling kasalanan ng mapagmapuri at sinasabi “alam Ng Panginoon na ako ay alabok lamang” o “ganito talaga ako.”

 

5. Kung nahihiya sa espirituwal na pagtatalakayan. Halimbawa, talakayan sa mga bagay na nagbubunsod at/ o hindi kampante sa pagsaksi sa mga naliligaw.

 

6.  Kung ang ibang mga bagay katulad ng libangan, paglalaro, at pagsasaya ay naging una sa iyong buhay.

 

7.  Kung ang kasalanan ay maaaring pagbigyan ng walang pagtanggi sa iyong konsiyensiya.

 

8. Kung ang hangarin na makatulad ng kabanalan Ni Crsito ay hindi na nangingibabaw sa iyong buhay.

 

9. Kung ang pagkakaroon ng salapi at mga bagay ay nangingibabaw sa iyong buhay.

 

10: Kung iyong naririnig ang pangalan Ng Panginoon ay walang kabuluhan, pinagtatawanan ang mga espirituwal na bagay, at ang walang-hanggang usapin ay binabastos at hindi nakikilos sa galit at gawa.

 

11. Kung ang “pagsamba” ay naging kapaguran. Ang mga pagtitipon sa Iglesya ay nawala ang sigla, mabibigkas ang mga awit ng relihiyon at mga salita na walang puso, walang awit sa iyong puso, walang pagpupuri na may tunog ng kagalakan.

 

12. Kung ang pagsira sa pagkakaisa sa samahan ay walang halaga sa iyo.

 

13. Kung ang simpleng dahilan ay sapat para hindi ka makadalo sa Kristianong paglilingkod.

 

14. Kung ang iyong makalaman na damdamin ay wala sa kaayusan. Nanood ka ng mga malalaswang palabas sa  sinehan at telebisyon, nakikinig sa hindi makaDios na musika, at nagbabasa ng mababang moral na babasahin.

 

15. Kung ikaw ay nakasabay ng masaya sa istilo ng makamundong pamumuhay: Halimbawa, hindi nababayaran na utang, pagkahikahos, panloloko, hindi tapat, hindi natutupad na usapan at mga pangako, malasawang istilo ng pananamit, panloloko sa iyong “boss” sa oras ng trabaho, at iba pa.

 

16. Kung  ang iyong kakulangan ng espirituwal na kapangyarihan ay hindi na mahalaga sa iyo; walang kapaguran na pagnanais ng higit Sa Dios at sa Kanyang kapangyarihan sa iyong buhay.

 

17. Kung ang iyong iglesya ay espirituwal nang bumagsak. Ang ganitong espirituwal na pagbagsak ay nakikita sa gawa ng laman. Ang “carnal” na iglesya ay maaaring may...

 

            -Kasangkapan, ngunit walang panghihikayat ng kaluluwa.

            -Pagkakagulo, ngunit hindi paglikha.

            -Gawa, ngunit hindi masigasig.

            -Kalansing, ngunit hindi “revival”.

            - Mapagmataas, ngunit hindi dinamiko para Sa Dios.

 

Ang ganitong espirituwal na pagbagsak ay nakikita rin kung ang Salita Ng Dios ay hindi na naipangangaral na may kapangyarihan sa iyong iglesya ngunit ikaw ay kampante.

 

18. Kung ang moral, politika, espirituwal, at ekonomiyang kalagayan ng mundo at ng iyong bansa ay walang halaga sa iyo.

 

19. Kung ang iyong puso ay matigas: Hindi ka madaling lumuha, hindi ka maalalahanin, padalos-dalos, at iba pa. Hindi ka tumatangis sa mga bagay na ikinalungkot Ni Jesus katulad ng nawalang lunsod, ang espirituwal na kalagayan ng tao, ang kapighatian ng iba.

 

20.  Kung naiwala mo ang iyong espirituwal na kalakasan, at hindi mo napagtanto ito. Ang “revival” ay hindi na kailanman kailangan kaysa sa iglesya o bawa’t isa ay ipinararatang na sila ay matagumpay sa unang hanay ng labanan, ngunit sa katotohanan ang lahat ng nakapalibot ay biktima ng pagtalikod.

 

ANG TAO NA GINAGAMIT NG DIOS

 

Si Juan Bautista ang dakilang halimbawa ng uri ng tao na ginagamit Ng Dios para magdala ng “revival”. Sa panahon ng Bagong Tipan, Si Juan Bautista ay nagdala ng hindi popular na  mensahe ng pagsisisi ngunit ang kanyang mga magulang ay sinabihan na “ Siya ay magiging dakila sa paningin Ng Panginoon.”  Bilang lingkod ng Ebanghelyo at ng mga anak Ng Dios ang ating alalahanin ay dapat na maging “dakila” sa paningin Ng Panginoon sa halip sa sa paningin ng tao.

 

Si Juan ay “nag-iisang tao na tinawag.” Ang mahuhusay na mga agila ay mag-isang lumilipad. Ang magaling na leon ay mag-isang naghahanap. Dakilang kaluluwa ay mag-isang  lumalakad. Ang pagiisang paglalakad kasama Ang Dios ay kinakailangan para ikaw ay maging instrumento ng “revival”.

 

Kakaiba si Juan Bautista sa doktrina, pananamit, at kinakain. Siya ay tinig sa halip na alingawngaw. Maraming mangangaral ay makakasipi mula sa pinakabagong aklat na kanilang nabasa, ngunit kakaunti mula sa aklat ng Salita Ng Dios.

 

Inaangkin natin na tayo ay “mga propeta Ng Dios.” Ang mga propeta ay maaaring may mga himala, ngunit isa ang sigurado, may mensahe sila DAPAT. Si Juan Bautista ay may mensahe! Ang mahiyain at nakatatakot na pangangaral ay karaniwan ngayon kaysa sa nagsisiyasat ng puso, maapoy na pagwiwika, pagsansala, at pangangaral na ipinakita ni Juan Bautista. Kadalasan ang mga mangangaral ay naghahanap ng papuri sa halip na mamalakaya ng tao.

 

Ang walang kapangyarihan na pangangaral ay hindi nakakikilos dahil ito ay galing sa libingan sa halip na sa sinapupunan. Marami ang sumusunod sa matatas na pagsasalita, maganda, walang luha, walang damdamin na pagpapahayag. Ang plataporma ay naging iskaparate para ipakita ng mga talento at mga  kaloob. Ipinalit natin ang “propaganda” para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Dapat nating ipangaral at ituro bilang mamamatay na tao sa mamamatay na mga tao. Sa halip sapat na sa atin ang maikling pangaral sa maliit sa batang Kristiyano, “snack bar” na mga pangaral, na pinasarap ng patawa.

 

Paano kung ang ating mga mensahe ay nagdulot ng pagkamatay nina Ananias at Saphira katulad ng mensahe ni Pedro... o pagkabulag, katulad ng ginawa ng salita ni Pablo kay Elymas?  Dapat matakot tayo na makakuha ng “masamang pangalan.” (Takot tayo na makakuha tayo ng masamang pangalan kung may isa na maging emosyonal!)

 

Ang Dios ay nagtitindig ng mga lalake at babae, nagtatago sa pagkakataon na ito, na magsasalita sa kapangyarihan ng Espiritu ang lahat ng nagaapoy na katotohanan na Salita Ng Dios na dapat marinig. Nais mo ba na maging bahagi ng dakilang pagkilos Ng Dios?  Una kailangan mong maranasan ang “revival” sa iyong sarili. Maaaring hindi mo mababago ang kalagayan ng iyong iglesya, ngunit mababago mo ang kalagayan ng iyong sariling kaluluwa. Kung sapat na mga tao ang gagawa nito, ito AY MABABAGO sa iglesya.

 

MGA BALAKID PARA MAGKAROON NG “REVIVAL”

 

Bago natin pag-aralan ang tungkol sa “revival at mga prinsipyo” ng Lumang Tipan , siyasatin muna natin ang ilang mga balakid sa “revival”. Ito ang mga bagay na pumipigil sa pinakamakapangyarihan pagkilos Ng Dios sa ating mga iglesya.

 

MGA BALAKID SA LIDERATURA:

 

Ang mga lider na hindi nangangaral at nagtuturo ng may kapangyarihan ng Salita Ng Dios. Ang walang buhay pananalangin, walang programa ng pag-aaral sa Biblia, walang kapangyarihan ang denominasyon, at walang masidhing pasanin sa pagpapahayag ng Salita ay nakapipigil sa “revival”. Ang mga nagpapalakad sa kanilang kongregasyon at pumipighati sa Espiritu ng Dios ay nakapipigil din sa Kanyang pinakamakapangyarihan na pagkilos.

 

Ang mga lider na hindi talaga nangangalaga sa mga tupa ay nakapipigil sa “revival”.. Hindi nila inaakay ang mga tupa sa sariwang pastulan at sa mga tubig na pahingahan na kinakailangan para sila ay muling buhayin. Mga lider na nawala ang kanilang pagkahabag sa namamatay na mundo ay  nakapipigil sa “revival”. Marami ang hindi nakababatid ng kanilang responsabilidad na maging lider para magka “revival”. Pinangangaralan ng Biblia  ang mga manggagawa na...

 

Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;

 

Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matatanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.

 

Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga’y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?

 

Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan. (Joel 2:15-18)

 

MGA BALAKID SA KONGREGASYON:

 

Maaaring may mga balakid sa “revival” na nagmumula sa kongregasyon ng anak Ng Dios. Ang pagmamahal ng kongregasyon sa kinaugalian ay nakapanghihimasok sa “revival”. Ang “revival” at pagbabago ay singkahulugan. Ang Dios ay may kaayusan at maasahan, ngunit Siya rin ay sariwa at napakahalaga. Siya ay hindi maka tradisyon. Kung ang iglesya ay dapat na tumakbo batay sa kaugalian ng tao, ito ay tatakbo ng walang kapangyarihan at presensiya Ng Dios. Ang kongregasyon na nagmamahal sa pormal na kaayusan ay nakapipigil sa “revival”. Ang asawa ni David na si Michal, na nagbawal sa kanya dahil sa kanyang madamdamin na pagsamba ay nabaog. Mahal ng baog na iglesya ang rituwal at pormal na kaayusan.

 

Ang pagmamahal sa maikling oras ay nakapipigil din ng “revival”. Nais natin na Ang Dios ay magpadala ng “revival” sa dalawang oras na inilaan para Sa kanya sa Linggo ng umaga, at gawin ito nang hindi hahaba sa 12 ng tanghali.

 

Maraming mga kongregasyon ang nagmamahal sa katamtaman na katotohanan. Hindi nila nais na maharap ng  pahayag Ni Cristo sa kanilang pangangaral tungkol sa kasalanan at paghuhukom. Ang katotohanan na kinakailangan para sa “revival” ay hindi palaging sapat. Ang pagmamahal ng paggalang ng iba ay nakapipigil din ng “revival”. Ang ilang mga kongregasyon ay mas nagaalaala kung “ano ang iisipin ng mga tao” sa halip kung ano ang iniisip Ng Dios.

 

PANGKALAHATANG BALAKID:

 

May ibang mga balakid na maaaring makita sa parehong lideratura at kongregasyon. Ang kawalang-katarungan ay nakapipigil ng “revival”, kung ito man ay matatagpuan sa mga tao na nakaupo o sa pulpito:

Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.

 

Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig. (Isaias 59:1-2)

 

Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: ngunit ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan. (Kawikaan 28:13)

 

Ang ugali ng pagbibitiw na “ito ang mga huling araw at maasahan natin na ang mga bagay ay palala ng palala”. Wala ang pansin sa panalangin at Salita, tumangging magpakumbaba sa sarili, at tumangging hanapin Ang Panginoon ang lahat ng ito ay nakapipigil sa “revival”.

 

Ang paglilimita Sa Dios ay nakapipigil sa Kanyang pinakamakapangyarihan na pagkilos sa ating kalagitnaan:

 

At sila’y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel. (Mga Awit 78:41)

 

At siya’y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya. (Mateo 13:58)

 

Ang walang malasakit ay nakapipigil sa “revival”. Ang mga tao ay walang bahala sa mga pahayag Ni Cristo at sa mga pangangailangan ng iba. Ang walang pakiramdam sa espirituwal na kalagayan at sa pagkilos Ng Espiritu Ng Dios  ay nakapipigil sa “revival”

 

Sa kahulihan, ang ating sariling hindi pagpapasiya ay nakapipigil sa “revival”: Tuany ba na nais natin ng “revival”?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.   Ibigay ang kahulugan ng “revival”

 

________________________________________

 

 

3.  Paano tayo maghahanda para sa “revival”

 

________________________________________

 

________________________________________

 

4.      Kailan kailangan ng “revival.”

 

________________________________________

 

 

5.  Kilalanin ang ilang mga katibayan ng pagbabalik sa dating kalagayan na tinalakay sa aralin na ito.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

6.  Magbigay ng halimbawa sa Bagong Tipan na uri ng tao na giinagamit Ng Dios para magkaroon ng “revival”.

 

________________________________________

 

 

7.   Ibuod ang mga balakid sa “revival”

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.  Sa aralin na ito iyong napagaralan ang tungkol sa kalagayan ng pagtalikod ng Israel sa Jeremias kabanata 2. Nakasulat sa Jeremias kabanata 1 kung paano itinindig Ng Dios ang propeta para manumbalik ang Israel Sa Dios para sa paghahanda sa “revival”. Ang damdamin ni Jeremias ay hindi siya karapat-dapat para sa ministeryong ito, ngunit ginamit siya Ng Dios sa anumang paraan.

 

Maaaring nadarama mo na hindi ka karapat-dapat na magamit Ng Dios para ihanda ang iba sa
”revival”, ngunit kung iyong mapagtatagumpayan ang iyong takot at hayaan na ilagay ng Dios sa iyong espiritu ang Kanyang mensahe, ikaw ay maaaring maging instrumento ng “revival”.

 

2. May isang nagsabi ...

 

            Kung ang lahat ng mga tao ay gigising,

            Kung ang lahat ng malahininga ay magiinit,

            At ang lahat ng masama ang loob ay masisiyahan,

            At ang lahat ng pinanghihinaan ng loob ay magiging masaya,

            At ang lahat ng nalulungkot at titingin sa itaas,

            At ang lahat ng lumayo ay makikipagayos,

            At ang mga nagtsismis ay tatahimik,

            Saka maaaring magkaroon ng “revival”.

 

3. Ang Hebreo ay tungkol sa mga mananampalataya na lumupig sa mga kaharian at pumigil sa bunganga ng leon... Kailangan nating maranasan ang kapangyarihan Ng Dios, hindi lamang pagusapan ito:  Ang tao na may karanasan ay hindi kailanman nasa awa ng tao na may argumento.

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINDALAWANG KABANATA

 

ANG “REVIVAL” SA LUMANG TIPAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang mga prinsipyo ng “revival’ na nakita sa talaan ng Lumang Tipan.

 

SUSING TALATA:

 

Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. (I Corinto 10:11)

           

PAMBUNGAD

 

Ang Dios ay kumikilos sa mundong ito sa pamamagitan ng mga tao na lumalakad sa pagsunod sa mga prinsipyo na ipinahayag sa Kanyang Salita. Ang pag-aaral ng “revival” sa Lumang Tipan ay nagbibigay ng mga prinsipyo na maaaring iangkop sa paghahanda sa iyo para sa pagkilos ng “revival” Ng Dios sa iyong sariling buhay. Mayroon tayong kasiguruhan ng Biblia para dito...

 

...anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa. (Roma 15:4)

 

Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin...(I Corinto 10:11)

 

Sa aralin na ito iyong pag-aaralan ang mga “revival” sa Lumang Tipan. Sa susunod na aralin iyong matututunan ang mga prinsipyo ng “revival” na galing mula sa mga talaan na maaaring maiangkop sa iyong sariling buhay at ministeryo.

 

Narito ang kaayusan na ginamit sa aralin na ito:

 

Ang mga reperensiya  ay ibinigay para iyong mabasa ang tungkol sa bawa’t “revival” na nasa iyong Biblia.

 

Ipinaliwanag ang umiiral na kalagayan na nauna at nag-akay sa “revival”.

 

Ang pumukaw na bahagi na naging simula ng “revival” ay pinansin.

 

Mga resulta ng “revival” ay sinuri.

 

Dahil sa kaayusan ng pag-aaral sa aralin na ito. Walang “Pansariling Pagsusulit” o “Para Sa Dagdag na Pagaaral” na bahagi sa kabanatang ito.

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI JACOB

 

MGA REPERENSIYA:

Genesis 35:1-15

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. Ang ulo ng pamilya ay walang “fellowship” Sa Dios:  Mula sa umpisa si Jacob ay manloloko at nakipagsabwatan. Siya ang nangako na maglilingkod Sa Dios habang tinakbuhan ang poot ni Esau, ngunit madaling nakalimutan ang pangakong ito.

 

Kaya ni Jacob ang kanyang sarili. Hindi nakita na ang kanyang naabot ay mula Sa Dios kahit nga hinanap niya ang pagpapala Ng Panginoon. Naniniwala siya na nakuha niya mag-isa ang pagpapala . Si Jacob ay mahilig sa mga bagay na materyal at mas higit na nag-aalala sa kanyang kayamanan at pagsusustento sa kanyang sarili at kanyang pamilya kaysa sa kanyang kaugnayan Sa Dios.

 

2. Ang estraktura ng kanyang pamilya ay hindi batay sa kaayusan ng Biblia:  May itinatangi na nakita kay Jose. Hindi pinangunahan ni Jacob nang mabuti ang kanyang sambahayan at ang kanyang mga anak ay naghiganti sa pamamagitan ng paglapastangan sa kanyang anak na babae (Genesis 34). Ang kanyang mga asawa ay manloloko, selosa, at nakipagsabwatan.

 

3. May mababang espirituwal na kapaligiran:  Ninakaw ng mga asawa ang mga huwad na mga dios. Pumatay ang kanyang mga anak, nagnakaw at nandambong. Siya at ang kanyang

kapamilya ay makasalanan at may diyusdiyusan:  Genesis 35.

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW :

 

1. Ilang mga pangyayari ang nakabigla kay Jacob para siya ay mapukaw:  Genesis 35.

 

2. Ang “revival” ay nagsimula sa Salita Ng Dios:  Genesis 35:1

 

MGA RESULTA:

 

Ang “revival” ay nangyari sa tahanan. Kung ang ating mga tahanan ay muling nagkabuhay, ang ating mga iglesya ay muling mabubuhay din!

 

1. Inalis ng mga pamilya  ang kanilang mga diyusdiyusan at nilinis ang kanilang mga sarili:  Genesis 35:2.

 

2. Kanilang kinilala ang tunay Na Dios:  Genesis 35:3

3. Sila ay bumalik sa lugar ng espirituwal na karanasan: (Pumunta sa Bethel):  Genesis 35:3

 

4. Sila ay nagtayo ng altar, nagsisi, at bumalik sa tunay na pagsamba:  Genesis 35:7

 

5. Ang kanilang mga buhay ay nabago: Ang pangalan ni Jacob ay nabago para maging tanda ng espirituwal na pagbabagong ito:  Genesis 32:24-32

 

6. Si Jacob ay nakatanggap ng bagong kapahayagan Ng Dios:  Ipinahayag Ng Panginoon ang Kanyang sarili “Dios na Makapangyarihan” na nangangahulugan na pinakamakapangyarihan, ang Isa na may kasapatan:  Genesis 32:24-32

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI MOISES

 

MGA REPERENSIYA:

 

Exodo 32:1-35;  33:1-23;  Mga kabanata 34-35

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

(Nakaraan na kalagayan: Pagtanggi sa lider Ng Dios; reklemador; mga pagnanasa ng laman)

 

1. Ang mga tao ay nakatingin sa mga tao. Nang si Moises ay naantala sa pagbaba sila ay bumaling kay Aaron na napatunayang mas mahinang lider:  Exodo 32:1

 

2. Pagtanggi sa tunay Na Dios:  Exodo 32:1

 

3. Kalokohan:  Pagkain, paginom, paglalaro:  Exodo 32;6 (Ang salita para sa paglalaro ay aktuwal na nangangahulugan ng “sexual” na kasalanan.)

 

4. Kabulukan:  Exodo 32:7

 

5. Pagtanggi sa Salita: Exodo 32:8

 

6. “Sutil” (Matigas ang ulo at nakatatag sa kanilang sariling makasalanan na mga gawain): Exodo 32:9

 

7. Paglipat ng pagsisi para sa kasalanan:  Exodo 32:21-24

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Ang resulta ng kanilang kasalanan na pumukaw sa kanila. Sila ay nabigyan ng pagpili sa pagitan ng buhay at kamatayan:  Exodo 32:25-28

 

2. Ang presensiya Ng Dios ay naalis. Ang tabernakulo ay nasa labas ng kampo bilang pagpapaalaala na ang Dios ay wala na sa kanilang kalagitnaan:  Sinabi Ng Dios “Hindi na ako aakyat sa kalagitnaan ninyo.”  Ito ay pumukaw sa kanilang pansin! Ang  mahinahon at nakaaaliw na mga mensahe ay hindi magdudulot ng pagkabuyo:  Exodo 33:3-11

 

3. Ang pamamagitan ni Moises:  Exodo 32:11-14, 30-34; 33:12-16

 

MGA RESULTA:

 

1. Pinuspos ng kaluwalhatian Ng Dios ang tabernakulo sa kanilang kalagitnaan:  Exodo 40:34-35

 

2. Sila ay napakilos mula sa ilang tungo sa kanilang lupang pangako:  Pagtatapos ng Exodo kabanata 40.

 

3. Inihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa kasalanan.  Ang mga nagnanais na magbagong buhay ay kailangan na umalis mula sa kalagitnaan ng “anak Ng Dios”:  Exodo 33:7-11. Maaaring umalis din ang mga tao (Exodo 33:7). Si Josue ay umalis (Exodo 33:11). Ngunit ang karamihan  sa kanila ay nakatuon ang mga mata sa tao (Exodo 33:8).

 

4. Pagbibigay:  Inalis ng Israel sa kanilang mga sarili ang mga palamuti sa harapan Ng Dios. Hindi ibig sabihin nito na mali ang magsuot ng alahas. Sa kasong ito ang kanilang mga palamuti ang nagdala sa kanila sa kapahamakan nang sila ay lumikha ng diyus diyusan. May bagong pagtatalaga na ibigay ang kanilang mga kayamanan Sa Panginoon gayundin ang kanilang panahon at kakayahan:  Exodo 33;6;  35:5,21-26,29;  Mga Kabanata 30-35;  36:1-7

 

5. Ang mga tao ay nagsisi at nagluksa ang Israel para sa kanilang mga kasalanan:  Exodo 33:4-6

 

6. Ang bagong tipan ang ginawa sa Salita:  Exodo 34:12-13

 

7. Sila ay naging mabisa sa pakikipaglaban:  Exodo 34:12-13

 

8. May mabagong  pagpapahalaga  sa pagsamba:  Exodo 34:14

 

9. Kalayaan mula sa diyus-diyusan:  Exodo 34:15-16

 

10. Pangkalahatan at pangisahan na kabanalan:  Exodo 34:12,15-17

 

11. May bagong pagsunod sa Araw ng Pangilin:  Exodo 34:21

 

12. Naghanda sila ng tabernakulo para sa presensiya Ng Dios:  Natitirang aklat ng Exodo.

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI SAMUEL

 

MGA REPERENSIYA:

 

I Samuel 7:1-17

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. “Walang hari sa Israel at ang bawa’t tao ay ginagawa ang minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata”:  Mga Hukom 17:6;  18:1; 19:1; 21:25

 

2. May kabulukan ng relihiyon. Binago ng anak ni Eli ang sistema para maakma sa kanilang mga sarili at hindi sinubukan na pigilan sila:  I Samuel 2:11-17 at 3:13

 

3. Pagkabulag na espirituwal:  Walang pagkakataon sa Salita at walang pangitain:  I Samuel 3:1 at 4:1-11

 

4. Paglusob ng kalaban:  Kung may panloob na kaguluhan, nagdudulot ito na ang mga anak Ng Dios ang puntirya ng kalaban. Ang Israel ay nilusob at ang Arko, ang pinakasakdal na kayamanan, ay nawala:  I Samuel 4:3 at 7:3

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Ang “revival” ay aktuwal na nagumpisa sa puso ng banal na mga babae ng henerasyon bago  ang : I Samuel 1:10

 

2. Ang pagkilos Ng Dios sa puso ni Hannah na nadulot sa pagtitindig kay Samuel para magamit Ng Dios sa “revival”. Sa buong panahon ng kadiliman, inihahanda siya Ng Dios :  I Samuel 3;19

 

3. Ang makapangyarihan na mga mensahe ni Samuel ay nagakay sa pagsisisi:;  Sinabi niya sa mga tao...

 

(1)   Dapat nating italaga ang ating mga sarili Sa Panginoon:  I Samuel 7:1-4 (Magbalik, alisin, maghanda, maglingkod.)

 

(2)      Dapat natin aminin ang ating mga kasalanan at manalangin Sa Panginoon:  I    Samuel 7:5-9

 

(3) Dapat natin asahan ang tulong Ng Dios at kumilos ng may tapang:  I Samuel 7:10-13

           

            (4)  Dapat natin gunitain kung ano ang ginawa Ng Dios sa nakaraan:  I Samuel 7:12

 

MGA RESULTA:

 

1. Ang pangkalahatan na pagtitipon ang tinawag sa Mizpah. Obserbahan ang dulot at kapangyarihan ng pagtitipon ng mga tao na magkatulad ang iniisip:  I Samuel 7:5

 

2. May bagong pagpapahalaga sa pagtatalaga. Ang tubig na naibuhos sa lupa ay hindi na maaring makuhang muli. Gayundin ang ating pagtatalaga:  I Samuel 7:6

 

3. Pag-aayuno: I Samuel 7:6

 

4. Pag-amin ng mga kasalanan:  I samuel 7:6

 

5. Ang paglusob ng kalaban:  Kung may espirituwal na pagsigla, ang kalaban ay palaging umaatake. Ito ay mahalagang prinsipyo ng “revival” na kung minsan ay ating nakakalimutan:  I Samuel 7:7-11

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI ELIAS

 

MGA REPERENSIYA:

 

I Mga Hari 17-18

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. Ang Israel ay pinangunahan ng masasamang mga lider:

 

Jeroboam, na naglagay ng dalawang guya na idinisenyo para palitan ang pagsamba Sa Dios:  I Mga Hari 12:28-32

 

Nadab, lumakad sa mga kasalanan ng kanyang ama, Jeroboam:  I Mga Hari 15:22

 

Baasha, ang pumatay kay Nadab:  I Mga Hari 15:27

 

Elah, manginginom at pumatay:  I Mga Hari 16:8-9

 

Zimri, na gumawa ng kataksilan:  I Mga Hari 16:20

 

Omri, ang lalaking gumawa ng sobrang kasamaan higit sa mga naunang hari sa kanya:  I Mga Hari 16:25-26

 

Ahab, anak ni Omri, gumawa ng mas higit na kasamanan sa lahat ng nauna sa kanya: 

 

2. Ang bansa ay nagawang sumamba sa mga diyos ng Cananeo, katulad ni Baal.

 

3. Ito ay masamang panahon sa espirituwal at politikal na larangan.

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Si Elias ay ginamit para gisingin ang mga tao sa kanilang pagtalikod na kalagayan. Ang pangalan ni Elias ay salungat sa mga panahon na iyon. Ang ibig sabihin ng Elias, ay “Si Yaweh ang aking Dios.”

 

2. Ginamit si Elias sa paghuhukom. Hindi nagpadala ng ulan Ang Dios at ginamit ang materyal na kapahamakan para kausapin ang Israel dahil nauubos ang kanilang panahon sa mga materyal na mga bagay:  I Mga Hari 17:1

 

(Bakit itong partikular na paghuhukom?) Ang mga diyos ni Ahab at Jezebel ay bihasa sa ulan, hamog, at kidlat).

3. Ang mga tao ay hindi tumugon sa paghuhukom. Sila ay naghahanap ng masisisi. Tinanong ni Ahab si Elias, “Ikaw ba ang gumugulo sa Israel?” Sinubukan niyang ibaling ang sisi mula sa kanyang sarili tungo sa mensahero Ng Dios:  I Mga Hari 18:18

 

MGA RESULTA:

 

1. Si Elias  ay inihanda Ng Dios bilang instrumento ng “revival”.

 

            (1)            Ang Salita Ng Dios ay nakarating sa kanya:  I Mga Hari 18:1

 

            (2)            Siya ay tumugon:  I Mga Hari 18:2

 

            (3)            Kanyang hinamon ang iba na magtalaga:  Nang nagtanong si Elias, “Hanggang kailan kayo magagaalinlangan sa dalawang isipan”  siya ay nagbibigay lamang ng paanyaya. Ngunit nang makita ng mga tao ang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios, sila ay tumugon:  I Mga Hari 18:21

 

2. Si Elias ay napanatili kahit ang lupa ay nasa ilalim ng paghuhukom. Maaari kang makaranas ng “revival” kahit ang kamatayan ay nakapalibot sa iyo:  I Mga Hari 17:2-4,9,10

 

3. Si Elias ay ipinadala  sa Zarephath (na ang ibig sabihin ay “ang lugar ng tunawan”). Nakaranas siya ng “revival” kasama ang natatanging kasapatan ng mga pangangailangan at mga himala at ang hindi nabagong kalagayan ng Israel sa pangkalahatan.

 

4. Sinubok ni Elias Ang Dios:  I  Mga Hari 18:22-37

 

5. Kinumpuni niya ang altar, ang sentro ng pagsamba:  I Mga Hari 18:30

 

6. Ang apoy ay bumagsak:  Ang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios ay kumilos kung ano ang hindi magawa ng paanyaya:  I Mga Hari 18:38

 

7. Ang nagiisang tunay Na Dios ay napapurihan:  I Mga Hari 18:39-40

 

8. Ang bulaang mga propeta ay nawasak:  I Mga Hari 18:40

 

9. Ang paghuhukom Ng Dios ay inalis mula sa lupa:  I Mga Hari 18:41-16

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI ASA

 

MGA REPERENSIYA:

 

II Cronica 14-15 at ang katulad na pangyaayri sa I Mga Hari 15:9-24.

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. Ang Israel ay mayaman sa panahon na ito, na maaring delikado o mas higit na delikado sa magulong panahon. Ang “revival” ay dumating sa panahon ng kasaganaan at tagumpay: 

II Cronica 14

 

Hindi kinakailangan na ang kalagayan ay masama bago  magkaroon ng “revival”. Ang kabutihan Ng Dios ay maaaring magdala sa pagsisisi:  Roma 2:4

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Ang “revival” ay nagumpisa sa puso ni Haring Asa:  II Cronica 14:4,7;  15:2,4,12,13,15.; 

16:12.  Si Haring Asa:

 

            (1)            Inalis ang diyus-diyusan:  II Cronica 14:3-5

 

            (2)            Muling itinayo ang winasak ng kalaban:  II Cronica 14:6-7

 

            (3)            Iniutos sa mga tao na hanapin Ang Panginoon:  II Cronica 14:5

 

(4)               Ibinalik ang Salita Ng Dios sa tamang lugar:  II Cronica 14:5

 

(5)               Umasa Sa Panginoon sa pakikipaglaban:  II Cronica 14:8-15

 

2. Ang mensahe ng “revival” ni Azarias:  II Cronica 15:2-7

 

            (1)            Tinawag sila na magpasiya:  II Cronica 15:2

 

(2)        Kanyang inalala ang nakaranan na kasaysayan at nangatwiran na kung Ang Dios ay nagpadala ng “revival” sa panahon ng kahinaan, sigurado na makapagpapadala Siya sa panahon ng tagumpay:  II Cronica 15:3-6

 

            (3)            Sila ay hinamon niya na angkinin ang malakas na kalagayan:  II Cronica 15:7

 

3. Ang pagbabago sa relihiyon ay pauna sa “revival” na ito:  Ang pagbabago sa relihiyon ay hindi katulad ng “revival” ngunit ito ay nagpatuloy sa 15 taon at naghanda sa mga tao para sa  “revival”:  II Cronica 14:3-5.

 

MGA RESULTA:

 

1.   Kapayapaan:  II Cronica 15:19

 

2.   Presensiya Ng Panginoon:  II Cronica 15:1-7

 

3.   Nangibabaw sa kanilang mga kalaban:  II Cronica 14:9-15;  15:19

 

4.  Pagalis ng mga diyusdiyusan:  Inalis ni Asa ang mga diyus diyusan, (pansinin sa

II Cronica 15:16 na hinarap din niya ang kanyang ina) binago ang altar Ng Panginoon, at ang mga tao ay pumasok sa kasunduan na hanapin Ang Dios (II Cronica 15:12). Nang ginawa nila ito , sila ay natagpuan nila ( II Cronica 15:15).

 

5. Mayroong:

 

-Pagbibigay ng materyal na mga bagay:                   II Cronica 15:11

-Pagpapanumbalik ng pagkakaisa:                              II Cronica 15:9-10

-Pagbabago ng kasunduan:                                           II Cronica 15:12-13

-Pagbabalik sa pagsamba:                                            II Cronica 15:12-13

-Pagbabago ng tahanan Ng Dios:                            II Cronica 15:19

 

Babala:  Kung ang tao ay bumaling Sa Dios, ang “revival” ay ipinanganak. Kung sila ay bumaling palayo Sa Dios, ito ay namamatay ( II Cronica 15:2). Ang “revival” na ito ay tumitigil dahil sa :

 

1. Maling pakikipaganib:  Pananampalataya sa tao sa halip na Sa Dios:  II Cronica 16:1-9

 

Pansinin ang pagkakasunod-sunod:  Ang maling pakikipag-anib ay nagaakay sa pagkagapos na magdadala sa espirituwal na karamdaman na ang resulta ay kamatayan. Kung hindi mo hinaharap ang kasalanan:

 

(1)               Ikaw ay naaapektuhan:  II Cronica 16:10

(2)               Ang iba ay naapektuhan:  II Cronica 16:10

 

2. Ibinilanggo nila ang propeta Ng Panginoon:  II Cronica 16:10

 

3.  Tumanggi sila na hanapin ang Panginoon:  II Cronica 16:11-14

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI JEHOSOPHAT

 

MGA REPERENSIYA:

 

II Cronica 20

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. Panahon ng pakikipaglaban.

 

2. Hind maka-Dios na pakikipag-anib:  Si Josafat ay paulit-ulit na pinaalalahanan ng apat na mga propeta Ng Dios na sumansala sa kanya dahil sa pakikipaganib niya sa hindi makaDios na alyansa:

 

            Jehu:  Pinaratangan siya na tumutulong kay Ahab at sa mga napopoot Sa Panginoon:

            II Cronica 20:36-37.

            Eliezer:  Pinaratangan siya na nakikipamataok sa negosyo ng barko: 

II Cronica 20:36-37.

 

Micaiah: Sinansala siya dahil sa pagsapi kay Ahab laban sa Ramoth Gilead:

II Cronica 18:16

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

Ang pagatake ng mga taga Siria:  II Cronica 20:1-3

 

MGA RESULTA:

 

1. Isahan, si Josafat ay nagpasiya sa kanyang sarili na hanapin Ang Panginoon at nagproklama ng pag-aayuno:  II Cronica

 

2. Tinawag niya ang Israel bilang mga tao (II Cronica 20:4) at mga pamilya

( II Cronica 20:13)

 

3. Si Josafat ay naging lalake na mapalanginin:  Narito ang pagsusuri ng “revival” sa panalangin” na kanyang idinalangin. Ito ay mahusay na halimbawa na dapat sundin kung ikaw ay nananalangin para sa “revival”:

 

- Sinamba niya Ang Dios:  II Cronica 20:6-7

 

-Sa kanyang pagsamba, kanyang binalikan kung ano ang ginawa Ng Dios sa nakaraan, sa kasalukuyan, sa Langit at lahat ng mga kaharian, at sa hinaharap.

 

-Kanyang ibinase ang kanyang apela sa mga pangako Ng Dios:  II Cronica 20:7-9

 

-Kanyang ipinakita  ang problema:  II Cronica 20:10-11

 

-Kanyang kinilala ang kanyang kahinaan sa pagharap sa problema:  II Cronica 20:12

 

-Kanyang kinilala ang kakayahan Ng Dios sa pagharap nito:  II Cronica 20:12

 

4. Ang Dios ay tumugon sa pamamagitan ng propesiya na ibinigay ni Jahaziel:  II Cronica 20:14-17

 

Narito ang buod ng kanyang propesiya, ito ay nagbigay ng siyam na mga hakbang sa pagpapalaya:

 

(1)               Makinig Sa Dios:  “Sinabi Ng Panginoon”:  II Cronica 20:15

 

(2)               Huwag tumingin sa panlabas na mga pangyayari:  II Cronica 20:15

 

(3)               Huwag matakot:  II Cronica 20:15,17

 

(4)               Huwag masiraan ng loob:  II Cronica 20:17

 

(5)               Kilalanin na ang laban ay Sa Dios:  II Cronica 20:15

 

(6)               Kilalanin na kasama mo Ang Dios:  II Cronica 20:17

 

(7)               Sundin ang plano Ng Dios:  II Cronica 20:16

 

(8)               Patatagin ang inyong mga sarili, manatiling nakatayo, tingnan ang kaligtasan Ng Panginoon:  II Cronica 20:17

 

(9)               Maghintay sa panahon Ng Dios ( Sa kasong ito ito ay “bukas”):  II Cronica 20:17

 

5. Narito ang tugon sa propesiya na nagdulot  ng “revival”:

 

            -Pagsamba:                    II Cronica 20:18

            -Paniniwala:                   II Cronica 20:20

            -Papuri:                        II Cronica 20:19,21-22

 

... Na nagdulot sa :

 

            -Tagumpay sa kalaban:                                    II Cronica 20:23-24

            -Pagangkin sa kanilang mana:              II Cronica 20:25

            -Kagalakan sa kanilang kalaban:                        II Cronica 20:27-28

            -Pagbalik sa kagalakan at pagsamba                     II Cronica 20:28

            -Takot Sa Dios sa kanilang kalaban:                        II Cronica 20:29

            -Kapayapaan:                                                    II Cronica 20:30

 

Babala: Basahin ang tungkol sa pagbagsak ng “revival” sa pangunguna ni Josafat sa II Cronica 20:31-17. Ito ay nangyari dahil sa:

 

(1)               Sumunod siya sa hindi mabuting mga halimbawa.

(2)               Ginawa niya ang “hindi tama”

(3)               Hindi niya inalis ang panloob na mga balakid (diyusdiyusan).

(4)               Hindi niya inalis ang panlabas na mga balakid (pakikisanib).

(5)               Hindi niya inihanda ang kanyang puso.

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI EZEQUIAS

 

MGA REPERENSIYA:

 

II Cronica 29:1-36;  30:1-27;  31:1-21

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

Ito ang mga kalagayan na hinarap ni Ezequias nang siya ay nasa lideratura:

 

1. Ang panahon sa pangunguna ni Ahaz ay napakasama ( II Cronica 28:1-27). Ang lahat ng kanyang ginawa ay nagakay sa mga tao na lumayo Sa Dios. Kanyang itinakwil ang lahat ng pagbabawal at hindi naging  matapat Sa Panginoon ( II Cronica 29:19).

 

2. Dahil dito, malubhang kahinaan ng militar ang dulot nito at ilang mga tao ang nadala bilang bilanggo sa Siria at natalo ng  kaharian na nasa norte  ang Judah. Si Ahaz ay naguluhan mula sa mga Filisteo at mga taga Edom.

 

3. Sa halip na tumawag Sa Dios para humingi ng tulong, siya ay nagapela sa hari ng Asiria. Sa halip na tulong na kanyang inaasahan, siya ay ninakawan ng hari na kanyang inasahan na kanyang makaanib:  II Cronica 29:16-21

 

4. Siya ay nanatili na hindi bumaling Sa Panginoon ( II Cronica 29:22) at ngayon siya ay naghandog sa mga diyos ng Siria (II Cronica 29:23). Kanyang isinara ang pinto ng templo ( II Cronica 29:24) at nagtatag ng altar para sa paganong pagsamba ( II Cronica 29:25).

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Mahinang militar, kalagayan sa ekonomiya, at espirituwal na kalagayan.

 

2. Ipinasiya ni Ezequias sa kanyang puso na bumalik Sa Panginoon:  Ang bansa ay nasa masamang kalagayan ng ekonomiya, ngunit si Ezequias ay nagsimula na magkaroon ng espirituwal na problema:  II Cronica 29:10

 

MGA RESULTA:

 

Ezequias:

 

1. Ginawa kung ano ang tama sa paningin Ng Dios:  II Cronica 29:2

 

2. Sumunod sa mahusay na mga halimbawa:  II Cronica 29:2

 

3. Binuksan ang mga pinto sa tahanan Ng Panginoon:  II Cronica 29:3

 

4. Binago ang layunin ng mga lider:  II Cronica 29:4-11

 

5. Nilinis ang ministeryo:  II Cronica 29:11

 

6. Nilinis ang tahanan Ng Dios:  II Cronica 29:15-19

 

7. Inakay ang mga tao sa pagsisisi:  II Cronica 29:20-24

 

8. Pinanumbalik ang pagpapahalaga sa pagpupuri at pagsamba:  II Cronica 29:25-28; 31:2; 30:17-21,23,25-26

 

9. Isinulong ang pagkakasundo:  II Cronica 29:24

 

10. Muling itinatag ang mga ordinansa Ng Dios ( Paskuwa):  II Cronica 30:1-5

 

11. Tinawag sa pagsisisi (bumalik at Siya ay babalik):  II Cronica 30:6-9

 

12. Nagpakumbaba sa sarili:  II Cronica 30:11

 

13. Isinulong ang pagkakaisa:  II Cronica 30:12

 

14. Sumunod Sa Dios:  II Cronica 30:12

 

15. Pinanumbalik ang kabanalan:  II Cronica 30:17

 

16. Itinuro ang Salita:  II Cronica 30: 22

 

17. Tumulong sa mga lider ng relihiyon na kunin ang tamang lugar:  II Cronica 30:3,16,27

 

18. Ibinagsak ang mga diyus-diyusan:  II Cronica 31:1

 

19. Isinulong ang mabuting tagapangasiwa:  II Cronica 29:31; 31:4,15

 

20. Umakay sa pagbalik ng kasaganaan:  II Cronica 32:27

 

21. Naging malakas sa pakikipaglaban:  32:6-8

 

22. Inilarawan ang sisi sa pagbabago:  Nang inihanda Ng Dios ang mga tao, “revival” ay hindi na matagal na dumating:  II Cronica 29:36

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI JOSIAH

 

MGA REPERENSIYA:

 

II Cronica 34:1-33;  35:1-19

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. Sobrang nakalimutan ang Biblia, ito ay aktuwal na nawala:  II Cronica 34:14

 

2. Ang templo (pagsamba) ay napabayaan:  II Cronica 34:10

 

3. Pagsamba sa diyus-diyusan at kasalanan:  II Cronica 34:3

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Hinipo Ng Dios ang puso ng lider:  Si Josiah ay walong taong gulang ng nagsimulang maghari at siya ay 30 taon na naghari :  II Cronica 34:1

 

2. Marami siyang problema na dapat pagtagumpayan:  Ang mahaba na masamang  paghahari ng kanyang lolo, ang kasalanan at brutal na pagkamatay ng kanyang ama, ang hindi naiayos at nakahihiya na sirang tahanan ng pagsamba, ang pagkawala ng Salita Ng Dios.

 

3. Ang susi sa kanyang tagumpay ay makikita sa II Cronica 43:2-3:

-Ginawa niya kung ano ang tama sa paningin Ng Dios.

-Suimunod siya sa mabuting mga halimbawa sa halip na sa masama.

-Hindi siya bumaling sa kaliwa o kanan (hindi siya nagulo tungkol Sa Dios).

-Hinanap niya Ang Dios mula sa kanyang pagkabata.

-Pinanindigan niya ang tama laban sa kasalanan at pagsamba sa diyus-diyusan.

-Pinangunahan niya ang pagbalik sa mga bagay na tungkol Sa Dios kasama dito ang pagaayos sa tahanan Ng Dios (II Cronica 34;8); muling pagtatatag ng Paskuwa ( II Cronica 35:1); at ang pagbalik sa Salita ( II Cronica 34:15,21,31).

 

II Cronica 34                                                                                      Deuteronomio 29

 

Talata 24            “lahat ng mga sumpa ay nakasulat”:                           29,21,27

Talata 25            “dahil iniwan nila Ako”:                                       25

Talata 25            “nagsindi ng insenso para sa ibang dios”:                26

Talata 25            “ibinunsod Ako sa galit”:                                        20,23,28

Talata 25            “ang poot ay ibubuhos”:                                            23,28

Talata 25            “at hindi maalis”:                                                     20

 

4. Nagpakumbaba si Josiah sa harapan Ng Dios (II Cronica 34:1-13).; ang Kanyang Salita

(II Cronica 34:14-28); at ang mga tao (II Cronica 34:29-33).

 

MGA RESULTA:

 

1. Ang mga diyus-diyusan ay winasak:  II Cronica 34:7

 

2. Kanilang inayos ang tahanan Ng Dios:  II Cronica 34:8

 

3. Kanilang muling itinatag ang Paskuwa:  II Cronica 35:1

 

4. Sila ay bumalik sa Salita:  Ito ay nasumpungan (II Cronica 34:15); pinagaralan:  (II Cronica 34:21); at tumugon dito (II Cronica 34:31).

 

Ang dalawang tugon ng mga tao ay mararanasan din ngayon:

 

(1)        Ang ilan ay katulad ng hari, positibong tumugon at nagpasiya na gawin ang lahat ng nakasulat sa kautusan Ng Dios:  II Cronica 34;31.

 

(2)     Ang iba ay sumama sa kanila, ngunit walang pagsisisi at hindi buong puso.     Sila ay tumugon , ngunit naglingkod lamang Sa Dios ng panahon na malakas ang mga lider:  II Cronica 34:32-33.

 

BABALA:

 

Basahin ang pagbagsak ng “revival” na ito sa II Cronica 35:20-27. Ang templo ay naayos at ang “revival” ay nagaganap na, ngunit ang mga bagay na ito ang tumalo kay Josias:

 

(1)               Kaguluhan:  Siya ay nagtungo sa labanan na hindi naman siya kasama.

II Cronica 35:20

 

            (2)            Pagsuway:  Tumanggi na makinig si Josias. II Cronica 35:21-22

 

(3)               Panloloko:  Siya ay nagpanggap sa kanyang sarili:  II Cronica 35:22

 

(4)            Natalo:  Siya ay nasugatan sa labanan:  II Cronica 35:23

 

(5)            Kamatayan:            Ito ang kumuha sa buhay ni Josias.  II Cronica 35:24

 

Mag ingat ka ... maaari kang sumunod sa katulad na espirituwal na pagbagsak:

 

            -Ang kaguluhan ay nagaakay sa ...

            -Pagsuway , na nagaakay sa ...

            -Panloloko, na nagdudulot ng ...

            -Pagkatalo, pagkatapos ay pagpasok..

            -Espirituwal na kamatayan.

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI ZOROBABEL

 

MGA REPERENSIYA:

 

Ageo 1;  Zacarias 1:1-6

 

Si Zorobabel ay kilala rin na si Sesbasar ( Ezra 5:16). Siya  ang gobernor ng Judah, isang lingkod Ng Dios, pinili Ng Dios, taga lagda para Sa Panginoon.

 

Ang “signet” ay tanda at pagkakakilanlan ng isang maharlika. Isang tao na lumalagda sa mga liham at dokumento. Ginagamit niya ito para lagyan ng selyo ang kanyang salita. Dahil ito ay kinakatawan niya, maingat niyang binabantayan ito at kadalasan ay isinusulot ito. Ito ang pinakamahal na kayamanan.

 

Si Jeconiah  ang naging  “signet” sa kamay Ng Dios, ngunit siya ay naalis mula rito:  Jeremias 22:24

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. Kasunod ng “revival” sa pangunguna ni Josias, ang mga anak ng Dios ay bumalik sa kasalanan. Kinailangan nila na matuto sa pamamagitan ng kalaban kung ano ang tinanggihan nila na matutunan sa pagtugon sa Salita Ng Dios.

 

2. Ang Judah ay 70 taon na nabihag sa Babilonya. Dahil sa habag Ng Dios Siya ay nakialam at inilagay sa puso ni Haring Siro na palayain ang mga tao at tulungan sila na muling maitayo ang kanilang lugar ng pagsamba. Kaya sa 538 B.C., ang maliit na pangkat ng kulang na 50 libo ang bumalik sa Jerusalem.

 

3. Pansinin ang Hagai 1:2 : “Ang mga taong ito” ay iminungkahi ang layo sa pagitan Ng Dios at kung ano ang tinatawag na dating “Kanyang mga anak.”

 

4. Ang umiiral na kalagayan ng panahon na iyon ay nakatala sa Ezra 1:6,9-10;

mga kabanata 5-6; 2:10-17

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Ang Dios ay nagpadala ng dalawang propeta:  Sina Hagai at Zacarias ang dalawang ito

ay dumating na nangangaral ng salita Ng Panginoon sa 520 B.C.

 

Ang mensahe ni Hagai ay :

 

Alalahanin ang iyong mga prayoridad: Para maranasan ang “revival”, ang gawain Ng Dios ang dapat na unahin sa halip na iyong gawain. Tigilan na bigyan Ang Dios ng mga nalalabi mong mga oras, talento, lakas, at mga pananalapi.

 

Sila ay maagang binigyan ng mga pangangailangan sa loob ng 16 na taon, ngunit hindi muling itinayo ang tahanan Ng Dios. Sa halip , sila ay nagtayo ng kanilang mga tahanan:  Hagai 1:4

 

Ang mga tao ay sinabihan na unahin ang gawain Ng Dios, at Siya ay malulugod, at maluluwalhati:  Hagai 1:8

 

Alalahanin ang iyong mga paraan:  Ang mga paraan ng mga tao ay hindi kalugod-lugod Sa Dios. Hagai 1:5;7

 

Alalahanin ang iyong kalagayan:

 

            Materyal:  Hagai 1:6,9-11;  2:15-17

            Espirituwal:  Hagai 2:10-14

 

Ang mensahe ni Zacarias ay masidhing tawag ng pagsisisi (Zacarias 1:1-6). Sinabi niya sa mga tao...

 

-Tumugon: Pansinin ang susi sa Hagai 1:3, “Kung ikaw ay babaling , Ako ay babaling.”

 

            -Matuto sa pamamagitan ng pag oobserba:  Hagai 1:4

            -Kilalanin na maikli ang buhay:  Hagai 1:5

 

Hinihiling Ng Dios na ibigay  ang kanilang oras at lakas  sa mga bagay na magtatagal.

 

Bumalik sa Salita:  Hagai 1:6

 

Kilalanin na pinakikitunguhan tayo ng Dios batay sa ating mga paraan at mga ginagawa:  Hagai 1:6

 

MGA RESULTA:

 

1.  Ang mga lider at mga tao ay sumunod:  Ang lider sa politika (Zorobabel) at ang espirituwal na mga lider ay nanguna:  Hagai 1:12

 

2. Sila ay “natakot” o seryosong sinunod ang mensahe:  Hagai 1:12

 

3. Pinagkalooban Ng Dios ang mga tumugon ng Kanyang presensiya at espiritu:

    Hagai 1:13-14

 

4. Ang prayoridad ay inilagay sa tamang kaayusan:  Hagai 1:14

 

5. Sila ay pinagpala Ng Dios:  Ihambing ang kalagayan ng Hagai 2:15-17 at ang  nasa 18-20.

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI SOLOMON

 

MGA REPERENSIYA:

 

II Cronica 6-7

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

Ang templo ay inihanda para parangalan Ang Dios. Ang “nakahandang templo” ay maaaring espirituwal na iangkop sa iyong buhay.  Kung iyong ihahanda ang iyong templo, igagalang Ng Dios ito.

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

Ang pagtatalaga ng “nakahandang templo” Sa Dios ay nagdulot ng “revival” na ito. Sa II Cronica 6

Si Solomon:

 

            -Sumasamba Sa Dios.

            -Binalikan ang ginawa Ng Dios sa nakaraan.

            -Lumapit batay sa Salita Ng Dios.

 

MGA RESULTA:

 

Sa kabanata 7, Ang Dios ay tumugon :

 

-Isang kaluwalhatian na napaka dakila kung saan ang saserdote ay hindi makapagministeryo.

-Isang nabagong espiritu sa pagsamba at paghahandog.

-Isang pagpili:  Ang “:revival” ay maaaring magpatuloy o tumigil, depende sa tugon ng tao sa Salita Ng Dios.

-Kapahayagan ng susi sa “revival”: II Cronica 7:14

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI JONAS

 

MGA REPERENSIYA:

 

Aklat ni Jonas.

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

1. Si Jonas ay rebelde at hindi nais na tuparin ang utos Ng Dios  at magamit bilang instrumento ng “revival”.

 

2. Ang Nineveh ay napakasamang lunsod.

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Ang “revival” ay aktuwal na nagumpisa sa paganong mga marino (Jonas 1:16) at kay Jonas sa tiyan ng isda (Jonas 2).

 

2. Si Jonas nangangaral ng mensahe ng pagsisisi sa Ninevah.

 

MGA RESULTA:

 

1. Ang buong lunsod ay nagsisi.

 

2. Ito lamang ang “revival” na natala sa dayuhang lupain at sa mga taga Hentil. Ang aklat ng Jonas ay nagpapakita na Ang Dios ay hindi lamang Dios ng tribo ng mga Hudyo, ngunit ng lahat ng mga bansa.  Jonas 2:9 ay nagpapakita na ang kaligtasan ay Sa Panginoon, hindi sa kultura, edukasyon, rituwal, at denominasyon.

 

 

“REVIVAL” SA PANGUNGUNA NI NEHEMIAS

 

MGA REPERENSIYA:

 

Nehemias 8-10

 

UMIIRAL NA KALAGAYAN:

 

Ang muling paggawa ang nauna sa “revival” na ito. Basahin ang Nehemias 1-6. Ang mga pangyayari na naganap ay natural na katulad kung ano ang dapat na espirituwal na maganap bago natin maranasan ang “revival”:

 

            -Pagalis ng karumihan.

            -Muling pagtatatag ng pundasyon.

            -Umaayon kung paano magagapi ang kalaban.

 

MGA BAGAY NA PUMUKAW:

 

1. Ang muling pagtatayo ng pader (Nehemias) at ng templo (Ezra).

 

2. Ang ministeryo nina Ezra at Nehemias.

 

3. Ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga tao:  Nehemias 3 at 4:6.

 

MGA RESULTA:

 

May siyam na mga elemento ang kasama sa  “revival” sa pangunguna ni Nehemias:

 

1. Panibagong pagpapahalaga sa Salita Ng Dios:  Dinala ng mga tao ang “scroll” sa mga lider at mayroon:

 

            -Pagbabasa ng Salita:                                       Nehemias 8: 1-5,18

            -Pagtuturo at pangangaral ng Salita:               Nehemias 8:8

            -Pagkaunawa ng Salita:                           Nehemias 8:12

            -Pagsunod sa Salita:                                       Nehemias 10:29

 

Ang “revival” ay nagumpisa sa pagbalik ng mga tao sa Salita. Ang  muling nabagong buhay ng mga tao ay naging instrumento ng “revival”. Ang muling nabagong buhay ng bawa’t isang tao ay nagdulot ng sama-samang “revival”

 

Kinakailangan ng “revival” na ito ang isang lider na may pagtatalaga sa Salita.  Ang dahilan kung bakit si Ezra ay magagamit Ng Dios sa tungkulin na ito ay dahil...

 

Sapagka’t sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya.

 

Sapagka’t inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan. (Ezra 7:9-10)

 

2. Ang pagkilala  at pagtanggap Sa Dios sa nakaraan at pangkasalukuyan:  Nehemias 9

 

3. Paggalang:  Nehemias 8:5

            -Sa Dios

            -Sa Salita Ng Dios

            -Sa araw Ng Panginoon

 

4. Magbalik sa tunay na pagsamba:  Nehemias 8:6 at ang lahat ng kabanata 9.

 

5. Pagtanggi ng mundo:  Paghihiwalay, pagbalik sa moralidad:  Nehemias 9:2,28;  10; 13:3

 

6. Panibagong pagtatalaga:  Nahemias 9:38; 10:29

 

            -Sa tahanan Ng Dios:  Nehemias 10:39

            -Sa pagiging katiwala: Nehemias 8:10; 10:37; 13:11-12.

            -Sa pagaayuno:  Nehemias 9:1

            -Sa panalangin:  Nehemias

 

7. Pagbibigayng kusang loob na paglilingkod:

 

- Sa Dios:  Nehemias 11:1-2

- Sa mga kapatiran Sa Panginoon:  Nehemias 8:10

           

8. Pagpapanumbalik ng pagkakaisa:  Nehemias 8:1

 

9. Pagkaunawa sa kasalanan:  Nehemias 9:33

 

            -Pagkilala sa kasalanan:  Nehemias 9:33

            -Pagsisisi at pagamin sa kasalanan:  Nehemias 9: 1-3

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINTATLONG KABANATA

 

MGA PRINSIPYO SA BIBLIA TUNGKOL SA “REVIVAL”

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Isulat ang pitong mga prinsipyo ng “revival” na inilarawan sa Lumang Tipan.

·                    Magbigay ng reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag sa plano Ng Dios sa para sa “revival”.

·                    Isulat ang apat na mga bagay na dapat gawin ng mga mananampalataya para maranasan ang “revival”.

·                    Ibuod ang tatlong mga bagay na gagawin Ng Dios bilang tugon.

 

SUSING TALATA:

 

Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipapatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain. (II Cronica 7:14)

 

                                                            PAMBUNGAD

 

Sa huling kabanata iyong napagaralan ang “revival sa Lumang Tipan. Ibinuod ng kabanatang ito ang mga prinsipyo sa Biblia tungkol sa “revival” na mga halimbawa na galing sa Lumang Tipan.

 

MGA PRINSIPYO SA BIBLIA TUNGKOL SA “REVIVAL”

 

Walang dalawang “revival” ang magkatulad, ngunit ang sumusunod na mga prinsipyo na nakita ay natala  sa Lumang Tipan:

 

1. Ang karamihan sa Lumang Tipan na “revival” ay nauna ang panahon ng matinding pagbagsak ng buhay espirituwal at kawalan ng pag-asa. Kung ang kalagayan na nakapalibot sa iyo ay bumabagsak at ikaw ay natutukso na mawalan ng pag-asa, sa halip ay magalak... Maaaring ikaw ay nasa bingit ng “revival!

 

2. Ang bawa’t “revival” ay naguumpisa sa puso ng isang tao, na naging instrumento ng Dios para gisingin ang iba. Habang hinihipo Ng Dios ang iyong puso ng apoy ng “revival”, iyong paiinitin ang apoy ng “revival” sa iba. Ito ang tunay na gawain ng nagpapakilos.

 

3. Ang bawa’t “revival” sa Lumang Tipan ay nakasalalay sa makapangyarihan na pagpapahayag  ng Salilta Ng Dios. Ang mensahe ng “revival” ay dapat nakatuon sa kasalanan, Impiyerno, at paghuhukom Ng Dios hindi kapangyarihan lamang, pag-ibig, kapayapaan, kasaganaan. Alalahanin ang mensahe ng “revival” ni Moises:

 

Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa;

 

Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito;

 

At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang dios, na hindi ninyo nangakilala. (Deuteronomio 11:26-28)

 

Pakinggan ang mga salilta ni Samuel:

 

At nagsalita si Samuel sa boong sangbahayan ng Israel, na nagsasabi, Kung kayo’y babalik sa Panginoon ng buo ninyong puso at inyo ngang alisin sa inyo ang mga dios na iba, at ang mga Astaroth, at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon, at sa kaniya lamang kayo maglingkod; at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo. (I Samuel 7:3)

 

Siyasatin ang mga salita ni Ezekiel:

 

Sa gayo’y ikaw, anak ng tao, ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel; kaya’t dinggin mo ang salita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin.

 

Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad; ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, ngunit ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay. (Ezekiel 33:7-8)

 

Pakinggan ang tinig ni Elias:

 

At si Elias ay lumipat sa boong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? Kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: ngunit kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya...(I Mga Hari 18:21)

 

4. Ang pagsisisimula sa kasalanaan ay palaging nauuna sa “revival”:  Ang pagsisisi ay kasama ang pagsira sa bawat rebulto at paghihiwalay mula sa mundo.

5. May pagbabalik sa tamang prayoridad. Kasama dito ang pagmamalasakit sa iba, pangingilin sa “Sabbath”, pagbibigay, panalangin, at ang Salita Ng Dios.

 

6. May tunay na pagbalik sa pagsamba Sa Dios. Ang pagsambang ito ay hindi malamig at pormal, rituwal, ngunit masaya, tugon na may damdamin ng mga tao sa kanilang Panginoon.

 

7. Ang bawa’t “revival” ay sinusundan ng panahon ng pagbubunga, kasaganaan, malaking kagalakan, at katuwaan.

 

PLANO NG DIOS SA “REVIVAL”

 

Ang talaan ng Lumang Tipan ay nagtataglay din ng plano Ng Dios para sa “revival”:

 

Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipapatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain. (II Cronica 7:14)

 

Marami sa mahalagang mga prinsipyo ng “revival” ay nilalaman ng talatang ito. Una, pansinin na Siya ay nagsasalita sa Kanyang bayan (“Kung ang Aking bayan”). Hindi Niya kinakausap ang mga makasalanan, ang mundo, o kung sinoman sa pangkalahatan. Kinakausap Ng Dios ang Kanyang bayan na “tinawag Ng Kanyang pangalan.” Narito kung ano ang dapat gawin ng mga anak Ng Dios para maranasan nila ang “revival”:

 

1. “PAGPAPAKUMBABA SA KANILANG MGA SARILI”:

 

Ang pagpapakumbaba sa iyong sarili ay dalhin ang iyong sarili ng mababa sa harapan Ng Dios ( pag-aralan ang Levitico 26:40-41). Ang pagpapakumbaba na ito ay kasama ang pagpapakumbaba sa iyong sarili sa harapan Ng Dios (II Cronica 34:1-13); sa Kanyang Salita (II Cronica 34:14-28);  at sa Kanyang mga anak (II Cronica 34:29-33).

 

2. “PANALANGIN”

 

Dapat kang manalangin ng tiyak na (1) paghanap Sa Dios at (2) bumaling mula sa iyong masamang gawain. Kadalasan”wala tayo” dahil “hindi tayo humihiling” o humihiling ng mali. Dapat nating hilingin sa Dios na tayo ay muling baguhin at manalangin ng tiyak na pagamin ng kasalanan at pagsisisi para maihanda ang ating mga puso para sa pagkilos ng Kanyang Espiritu.

 

3. “HANAPIN ANG MUKHA KO”

 

Ang parirala na “hanapin Ang Dios” ay ginamit sa sumusunod na mga talata sa Lumang Tipan:

 

Exodo 33;7;  Deuteronomio 4:29;  Ezra 8:22;  II Sauel 12:16;  21:1; I Cronica 16:10-11;  II Cronica 7:14;  11:16;  15:4;  20:4;  Mga Awit 105:3-4; 24:6;  27:8;  40:17;  69:7; 70:5;  Kawikaan 28:5;  Isaias 51:1;  Jeremias 29:13;  50:4;  Oseas 3:5;  5:6-7,15; 7:10; Daniel 9:3;  Zefanias1:6;  Zacarias 8:21;  Malakias 3:1.

 

Ang pagbabalik sa mga talatang ito ay ipinahayag na kasama sa  paghanap Sa Panginoon ang:

 

1. Kusang loob at taos sa puso na pagbaling Sa Dios.

 

2. Ang panloob na ugali ng pagtatalaga sa paglilingkod Sa Kanya.

 

3. Pagpapasiya na bumaling palayo mula sa lahat ng kasamaan.

 

4. Pagpapasiya na tuparin ang Kanyang kalooban.

 

5. Pagtatalaga sa mataimtim na panalangin.

 

Ang paghanap Sa Panginoon ang pangunahing paraan na maglalayo sa kasamaan (Amos 5:4,14). Ito ay katunayan ng tunay na pagpapakumbaba ( Zefanias 2:3). Ito ang batayan para maramdaman ang presensiya Ng Dios (Oseas 5:15). Ito ay nagdadala ng buhay (Amos 5:4-6) at ito ay dapat na gawin ng buong puso.  (Jeremias 29:12-13)

 

4. “TALIKURAN ANG KANILANG MASAMANG MGA LAKAD”:

 

Ang panalangin at paghanap Sa Dios ay hindi sapat sa kanilang mga sarili. Ang mga ito ay dapat samahan ng tunay na pagsisisi na ito ay pagbabago ng direksiyon. Dapat mong talikuran ang iyong masasamang mga lakad tungo Sa Dios. Ang pagsisisi ang tunay na binibigyan tuon ng lahat ng “revival” sa Biblia. Ito ay nakikita sa bawa’t “revival” sa Lumang Tipan. Ang Iglesya ay nagumpisa sa tawag ng pagsisisi (Mga Gawa 2). Ang huling tawag sa aklat Ng Apocalipsis ay para magsisi (Apocalipsis 22:16).

 

Ang pagsisisi ay kaloob mula Sa Dios na nagiging daan sa iyo para magbago ng direksiyon ng iyong buhay (Mga Gawa 5:29-31;  11:15-18;  II Timoteo 2:22-26). Lahat ng tao ay inutusan na magsisi (Mga Gawa 17:30). Kalooban Ng Dios na ang lahat ay magsisi (II Pedro 3:9) at Ang Dios ay kumikilos na may habag para lumapit ang mga tao sa pagsisisi (Roma 2:4). Kung walang pagsisisi ikaw ay mamamatay (Lucas 13:3,5). Iniutos Ni Jesus na ipangaral ang pagsisisi at pagalis ng mga kasalalan sa Kanyang pangalan sa lahat ng mga bansa (Lucas 24:47).

 

Kasama sa pagsisisi ang pagbaling mula sa mga kasalanan ng “omission” (mga bagay na hindi mo ginagawa na dapat mong gawin); paggawa (mga maling bagay na iyong ginawa);  at pagpapalagay ( pagpapalagay ng hindi naghahanap ng payo mula Sa Dios at nagkakasala sa proseso nito).

 

Kasama din sa pagsisisi ang pagbaling sa mga “patay na mga gawa” (Hebreo 6:1-3). Ang “mga patay na gawa” ay anumang ginagawa ng relihiyon para makuha ang pagpapahalaga Ng Dios sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao.

 

Maaaring kasama sa patay na mga gawa ang pagsamba, pagiikapo, at gawain ng kabutihan. Ang pagsamba ay dapat sa espiritu  at katotohanan o ito ay patay na gawa. Pagpupumilit, madamdamin, o dahil ikaw ay napahiya na ang basket ng paghahandog ay dumaan sa iyong harapan ay patay na gawa. Ang paggawa ng kabutihan  o ministeryo na ginawa dahil tungkulin o para makatanggap ng kaluwalhatian at patay na mga gawa rin.

 

Anumang gawa na walang kakayahan na maging buhay sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay patay na gawain. Halimbawa, pagpapahayag ng Ebanghelyo sa lahat ng panahon at mga lugar sa lahat ng mga tao na walang pagpapahalaga sa  pagudyok ng Espiritu Ng Dios ay maaaring pagtatapon ng perlas sa mga baboy (Mateo 7:6) at  kagalitan ang humahamak na walang kabuluhan (Kawikaan 9:7-8). Anumang gawa na ginawa sa lakas ng laman at hindi sa kapangyarihan Ng Espiritu Santo ay patay na gawa.

 

Pirmihan mo dapat na sinisiyasat ang iyong espirituwal na kalagayan, ang iyong mga motibo, at mga paraan ng ministeryo at pagsisisi sa mga gawain ng hindi paggawa, paggawa, pagpapalagay, at patay na mga gawa.

 

Buod:

 

Narito ang dapat mong gawin para sa paghahanda sa “revival”:

 

            -Pagpapakumbaba sa iyong sarili

            -Panalangin

            -Hanapin ang mukha Ng Dios

            -Talikuran ang iyong masamang mga lakad

 

Narito kung ano ang gagawin Ng Dios sa pagtugon:

 

            -“MAKINIG  mula sa Langit”:                                      Tumugon

            -“PATAWARIN ang kanilang kasalanan”:                   Makipagkasundo

            -“PAGAGALINGIN ang kanilang lupain”:             Panumbalikin

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

2.      Isulat ang pitong mga prinsipyo ng “revival” na inilarawan sa Lumang Tipan.

 

__________________________________                ________________________________

 

__________________________________                ________________________________

 

__________________________________                ________________________________

 

_____________________________________

 

 

3.      Magbigay ng reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag sa plano Ng Dios para sa “revival”.

 

________________________________________

 

 

4.      Isulat ang apat na mga bagay na dapat gawin ng mga mananampalataya para maranasan ang “revival”.

 

__________________________________                ________________________________

 

__________________________________                ________________________________

 

 

5.      Ibuod ang tatlong mga bagay na gagawin Ng dios bilang tugon.

 

__________________________________                ________________________________

 

_____________________________________

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Pagaralan ang nilalaman ng mensahe ng “revival” sa Bagong Tipan. Alalahanin ang salita nina...

 

            Juan Bautista:                                               Mateo 3:11

            Jesus:                                                   Marcos 1;14-15;  Lucas 13:1-5

            Pedro:                                                  Mga Gawa 2:22-24

 

2. Makaka diskubre ka ba ng ibang mga prinsipyo ng “revival” sa Biblia sa Lumang Tipan? Kung meron, idagdag mo sa mga ibinigay sa aralin na ito.

 

3. Kung Ang Dios ay nagumpisa na kumilos sa “revival”, si Satanas ay nagumpisa sa atake para pigilin ang pagdaloy ng Espiritu Ng Dios. Bantayan ang laban sa mga sumusunod na mga panganib kung ikaw ay nakararanas ng “revival”:

 

-Pagbibigay ng kaluwalhatian sa ginagamit na tao na karapat dapat ay Sa Dios. Ang mga lider ay maaaring igalang at parangalan, ngunit hindi dapat itaas. Ang “revival” ay para ilagay ang tuon ng mga tao Sa Dios. Ang pagbibigay ng tuon sa mga tao ay hahantong sa hindi magandang paghahambing sa pagitan ng mga instrumentro na ginagamit Ng Dios at nagtutulak sa pagkakabaha-bahagi.

 

-Subuking gayahin ang pagsisikap ng tao kung ano ang magagawa lamang ng Dios. Sinusubukan ng mga tao na gayahin ang ginagawa Ng Dios sa ibang dako, at umaasa na magbubunga ng magkatulad na resulta.

 

-Pagbibigay ng tuon sa kakaiba at nakagugulat na mga pangyayari. Ito ay nagaalis ng tuon palayo Sa Dios. Ang tuon ay hindi dapat sa maraming grupo ng mga tao, luha, pagkahikayat, kagalakan, kasigasigan, o anumang ibang pagpapakita ng reaksiyon ng tao, ngunit sa Dios mismo.

 

-Pagpapabaya sa pangangaral at pagtuturo ng Salita. Huwag hayaan na ang Salita ay mapalitan ng patotoo ng mga muling nagbagong buhay na tumalikod o bagong mga nahikayat. Huwag hayaan na kahit ang mga pagtitipon ng pananalangin o panahon ng pagsasaya, kahit kailangan ang mga ito, ay maalis ang Salita Ng Dios.

 

-Pagpspabaya sa pribadong “devotion” dahil sa mga gawain ng “revival”. Habang ikaw ay nasa pagnanais na hanapin Ang Dios na kumilos sa mga buhay na nakapalibot sa iyo, mag ingat at baka mapabayaan ang iyong sariling panahon ng pag-iisa sa Panginoon.

 

-Ang pagdadakila sa mga baguhan. Kung minsan ang bagong mga nahikayat na nadulot ng “revival” ay pinapurihan at mabilis na binibigyan ng mataas na tungkulin sa gawain ng ministeryo.

 

-Pagmamataas at paninibugho.

 

-Pagpapahigit sa katotohanan o magulong katotohanan. “Exaggeration” ng estadistika

( halimbawa, nahikayat, pagpapagaling). Ang ibang katotohanan ay kinakailangan na mabigyan ng tuon, (halimbawa pagsisisi), ngunit hindi dapat ma “exaggerate” at maalis ang iba. Huwag pababayaan ang buong pagpapayo Ng Dios, dahil ito ang lahat ng mensahe ng “revival”.

 

-Maalingasngas na pagamin ng kasalanan. Habang tayo ay naguumpiosa na magsisi at makipagayos sa iba, ang pagamin ng kasalanan ay kasama dito. Ngunit ang maalingasngas na pagamin ng kasalanan ay makasasama sa halip na makabuti at ito ay natakpan na paraan ng tsimis. Ang mga nagkasala sa pribado ay dapat umamin sa pribado. Kung patungkol sa pampublikong pagamin ng kasalanan tanungin ang tanong na ito:  “Ang akin ba na patotoo ay makasasagabal o makapagpapasulong ng gawain Ng Dios?”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGAPAT KABANATA

 

ANG NAGPAPAKILOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang halimbawa ng tao na ginamit Ng Dios para mapakilos ang iba sa Lumang Tipan.

·                    Ibuod ang mga katangian na kinakailangan para sa isang “mobilizer/ nagpapakilos “

 

SUSING TALATA:

           

Gayon ma’y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: ngunit ako’y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios. (Josue 14:8)

 

PAMBUNGAD

 

Ang aralin na ito ay pasimula sa apat na mga kabanata na nakatuon kung paano si Josue at ang bansang Israel ay napakilos para mapasok at makuha ang lupain na ipinangako sa kanila Ng Dios. Ang aklat ng Josue ay naglalaman ng maraming mga prinsipyo na maaaring maiangkop habang ikaw ay kumikilos para angkinin ang iyong nayon, lunsod, at bansa para Sa Dios.

 

Ang aralin na ito ay nakatuon sa uri ng tao na ginagamit Ng Dios para mapakilos ang iba. Ipinahahayag ng Ika-Labinlimang Kabanata ang paghahanda na kinakailangan bago  mapakilos ang grupo ng mga tao. Nilalaman ng Ika-labinganim na Kabanata ang mga “Prinsipyo ng Pagpasok.” Ang Ika-labingpitong Kabanata ay naglalaman ng tagubilin para kung paano harapin ang pagkatalo. Ang Ika-labingwalong Kabanata, na may pamagat na “Ang Istorya Ng Dalawang Lunsod,” ay nagbibigay ng mga prinsipyo batay sa Biblia para mapagtagumpayan ang mga espirituwal na mga higante.

 

ANG LUPAIN NG CANAAN

 

Ang lupain ng Canaan ang ipinangako Ng Dios na ibigay sa Israel (Josue 1:2). Ipinangako ng Dios na hindi sila bibiguin habang sila ay napakilos at gumagawa pasulong para angkinin ang lupa (Josue 1:5). Ipinangako din Niya na Siya ang kasama nila saan man sila magtungo (1:9). Ito ay magandang katotohanan para angkinin.

 

Ngunit hindi ibig sabihin ng mga pangakong ito na sila ay malaya na umupo at walang gagawin. May hakbang ng pananampalataya na dapat gawin...at ang unang hakbang ay naakay tungo sa Ilog Jordan. Sinabi Ng Dios sa mga tao “Magtindig at magtungo sa “ Jordan. Ang unang hakbang na ito ay dapat magsimula sa mga tao, hindi Sa Dios. Alam ng Israel na sila ay haharap sa mga higante at labanan sa lupain ng Canaan, ngunit ipinangako Ng Dios na Siya ay kasama nila.

 

Ipangako din Ng Dios na Siya ay kasama ng mga tao na magpapalaganap ng Ebanghelyo sa mga bansa ng mundo (Mateo 28:19-20). Ipinangko Niya na hindi Niya ikaw bibiguin. Ngunit hindi  ibig sabihin nito ay maaari kang maupo at walang gawin. May hakbang ng pananampalataya na dapat gawin.

 

Ikaw ay dapat na napakilos para angkinin ang iyong nayon, lunsod, at bansa para Sa Dios. Kung ikaw ay lider, dapat mong mapakilos ang iba. Ang ibig sabihin nito ay dapat mong maihanda ang iyong mga pinangungunahan para maakay sa “pagtawid na kasama mo” at angkinin ang lupain, kahit ang iyong unang hakbang ay katulad ng Israel, na nagtungo sa “Ilog Jordan”

 

ANG NAGPAPAKILOS

 

Sinabi Ng Dios kay Josue na magtindig at magtungo sa Jordan at angkinin ang lupang pangako. Sinabi din Niya na kumilos at dalhin ang buong bansang Israel (Josue 1:2).

 

Anong uri ng tao ang napili para mapakilos ang mga anak Ng Dios at sakupin ang nayon, lunsod, at mga bansa para Sa Dios?  Buksan ang iyong Biblia sa aklat ng Josue at ating siyasatin ang katangian ni Josue, ang lalake na nagpakilos sa ilang milyong mga tao para gawin ang gawain Ng Dios. (Tiyakin na basahin ang bawa’t reperensiya sa iyong Biblia).

 

Una. Siyempre si Josue ay mananampalataya. Ang ibig sabihin ng  kanyang pangalan ay
”Ang Dios ay kaligtasan.” Siya ay lalake rin na ...

 

NAKAKARINIG MULA SA DIOS:

 

Kung Ang Dios ay nagsalita, kilala ni Josue ang tinig Niya. (Josue 1:1)

 

MAAARING MAKALIMOT SA NAKARAAN:

 

Si Josue ay lalake na maaaring makalimot sa nakaraan. Nang sinabi Ng Dios, “Si Moises na aking lingkod ay patay na,” Sinasabi Niya kay Josue na kalimutan ang nakaraan at magpatuloy para Sa Panginoon.

 

Mahal ni Josue si Moises. Siya ay naglingkod sa kanya sa labanan, naglakbay sa ilang na kasama niya, at ipinadala para tiktikan ang lupain ng Canaan para sa kanya. Si Josue ay nakakita ng dakilang mga himala sa  pangunguna ni Moises at kasama niya sa Bundok ng Sinai habang ipinahahayag Ng Dios ang Kanyang kaluwalhatian at ibinigay ang kautusan sa Israel.

 

Gaano nangungulila si Josue kay Moises! Ngunit ngayon na patay na si Moises, si Josue ay dapat magpatuloy para Sa Dios. Hindi alintana ang malaking kawalan na iyong napagdusahan sa nakaraan, dapat mong marinig ang sinasabi Ng Dios ngayon. “Ang bagay na iyon ay patay.” Kalimutan ang nakaraan at magpatuloy sa bagong mga bagay Ng Dios!

 

Sinabi ni Pablo “kalimutan ang mga bagay na nakaraan” (Filipos 3:13). Si Pablo ay maraming masamang bagay na dapat kalimutan. Kanyang inusig si Esteban, binato hanggang mamatay. Ngunit maraming mga bagay na mabubuti sa nakaraan. Nakakita siya ng maraming himala na nagawa para Sa Panginoon at naglakbay sa mga bansa na nangangaral ng Ebanghelyo. Ngunit alam niya na para “makapagpatuloy” sa bagong mga bagay Ng Dios hindi siya maaaring mamuhay sa pagkatalo o tagumpay ng nakaraan.

 

ALAM ANG KANYANG MGA ARI-ARIAN:

 

Inilarawan Ng Dios ang mga ari-arian ng Israel sa Josue 1:3-4. Alam ni Josue ang kanyang ari-arian na nasa Panginoon.

 

Inilarawan ng Biblia ang maraming mga bagay na dapat ari-arian ng mananampalataya. Kaligtasan, ang mga kaloob ng Espiritu Santo, lahat ng mga pangako Ng Dios... ang lahat ng mga ito ay iyong ari-arian. Para ito ay maangkin mo at mapakilos ang iba na maangkin ang mga ito, una dapat mong malaman kung ano ang mga ito.

 

MALAKAS AT MATAPANG:

 

Si Josue ay malakas at matapang. Kanyang pinatunayan ito sa maraming pagkakataon sa pakikipaglaban. Ngunit alam din niya na Ang Dios ang  pinanggagalingan ng Kanyang kalakasan (josue 1:5-6). Pansinin sa mga talata na Ang Dios ang nagbibigay ng kapangyarihan, presensiya, pangangailangan, at pagkalinga. Mayroon ka dapat na tamang pag-uugali (“:malakas at matapang”) ang ang tamang gawa (“tindig, magtungo, at angkinin”).

 

ALAM ANG SUSI SA TAGUMPAY:

 

Si Josue ay may iisang susi sa tagumpay: Ang Salita Ng Dios. Ang Salita ang iisang dakilang saligan ng tagumpay. Ito ang banal na naguudyok at nagpapakilos. Si Josue ay gumagawa ng Salita, hindi basta lamang nakikinig. Siya ay inutusan na iayos ang kanyang ugali batay sa Salita ay dapat niyang pagbulay-bulayan ito nang pirmihan.

 

Ngayon kung mayroon tao na maaaring magdahilan na wala siyang sapat na panahon para magbulay-bulay ng Salita Ng Dios, ito ay si Josue. Siya ay nangunguna sa grupo ng libo-libong mga tao sa ibang lupain! (Ito ay nagpapakita na ang ating mga dahilan para sa hindi pagbibigay ng panahon sa Salita ay mababaw at hindi sapat, hindi ba?)

 

 Kung nais mong maging matagumpay na nagpapakilos ng mga tao,dapat mong maglaan ng panahon  sa Salita Ng Dios at iayos ang iyong buhay at ministeryo batay sa Salita.

 

NASA KANYA ANG ESPIRITU NG DIOS:

 

Si Josue ay tao na tinitirahan ng Espiritu Ng Dios:

 

...At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; (Mga Bilang 27:18)

 

MAY TIWALA SA DIOS:

 

Si Josue ay taong may tiwala Sa Dios. Hindi niya sinabi na “susubukan natin na makadaan.” Sinabi niya, “Dadaan tayo”  (Josue 1:11).

 

TAO NA MAY PANANAMPALATAYA:

 

Basahin ang Mga Bilang 13-14. Sina Josue at Caleb ang dalawang tao lamang na naniniwala na masasakop ng Israel ang Canaan. Si Josue ay tao na may pananamapaltaya na naguudyok sa iba sa pananampalataya. Alam niya na ang takot ay nakakalumpo habang ang pananampalataya ay nagpapakilos.

 

MAY PUSONG ALIPIN:

 

Kahit si Josue ay dakilang lider, siya ay may pusong alipin. Nauna niyang natutunan na maglingkod bilang batang lalake sa tabernakulo (Exodo 33:11). Siya ay tinawag din na “tagapangasiwa” o “lingkod” ni Moises (Josue 1:1).

 

PUSPOS NG KARUNUNGAN:

 

Si Josue ay lalake na puspos ng karunungan Ng Dios:

 

At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan: sapagka’t ipinatong ni Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Pangnoon kay Moises. (Deuteronomio 34:9)

 

MADALING TURUAN:

 

Si Josue ay lalake na madaling turuan. Sa Mga Bilang Kabanata 11, nakita ni Josue ang ibang tao na nagpropesiya sa pangalan Ng Panginoon. Alam niya na si Moises ay propeta Ng Dios, itinanong ni Josue kung dapat niyang pigilin ang iba sa pagpo-propesiya. Si Moises ay tumugon:

 

At si Josue na anak ni Nun, na tagapangasiwa ni Moises, na isa sa kaniyang mga piling lalake, ay sumagot at nagsabi, Panginoon kong Moises, pagbawalan mo sila. (Mga Bilang 11:28)

 

Si Josue ay hindi naghinanakit sa panutong ito, ngunit siya ay natuto dito.

 

 

 

NAGPAPAKILOS NG MGA TAO:

 

Para mahikayat mo ang iba, una ka dapat na mahikayat . Ito ang ginawa Ng Dios kay Josue 1:1-9. Pagkatapos nahikayat ni Josue ang mga lider (Josue 1:10-15) at ang mga tao (Josue 1:16-18).

 

LUBOS NA SUMUSUNOD SA PANGINOON:

 

Si Josue ay lalake na lubos na sumusunod Sa Panginoon:

 

Gayon ma’y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: ngunit ako’y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios. (Josue 14:8)

 

ALAM KUNG PAANO MANINDIGAN NG NAG-IISA:

 

Ang mga tao na lumalakad ayon sa pananampalataya ay kasalasan na sinasalungat ng mga lumalakad ayon sa paningin. Ito ang nangyari nang ang unang dumating ang Israel sa hantungan ng kanilang lupang pangako. Alam ni Josue kung paano manindigan ng nagiisa kung ano ang alam niyang tama, kahit ang iba ay hindi sangayon sa kanya. Basahin ang istorya sa Mga Bilang 13-14.

 

MAY KARANASAN SA PAKIKIPAGLABAN:

 

Si Josue ay lalake na may karanasan na pakikipaglaban. Sa unang pagkakataon na si Josue ay nabanggit sa Biblia siya ay nakikipaglaban sa labanan sa Amalekita. (Tingnan ang Exodo 17:9-14). Kailangan niya ang karanasan na ito para masakop ang kalaban sa Canaan.

 

Kung napakilos mo ang iba at naakay sila sa mga pangako Ng Dios, may mga higante na haharapin at labanan na dapat labanan. Ngayon, gagamitin tayo Ng Dios bilang tagapagpakilos ang mga may karanasan sa espirituwal na pakikipaglaban.

 

MAY UNANG KARANASAN SA DIOS:

 

Bata pa lamang, si Josue ay may unang karanasan Sa Dios:

 

At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinagpaalam sila at sila’y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.

 

At sila’y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, ngunit hindi sila nasumpungan. (Deuteronomio 3:21-22)

 

Hindi mo mahaharap ang kalaban at mapakilos ang iba batay sa karanasan ng iba sa espirituwal na pakikipaglaban. Dapat malaman ni Josue na kasama niya Ang Dios katulad ng pagsama niya kay Moises.

 

MAY PAHID NG DIOS:

 

Nakatala sa Deuteronomio 34:9 na pinatungan ni Moises si Josue at  pinahiran siya na manguna sa bansa ng Israel.  Ipinakikita ng Mga Bilang 27:18 at 22 na pinahiran at pinamahal ni Moises si Josue para sa paglilingkod Sa Panginoon.

 

Ang tao na magpapakilos sa iba ay dapat munang pahiran at pamahalaan Ng Dios. Ang pagpahid ang maghahanda sa iyo para sa gawain ng ministeryo:

 

Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipangaaral ang mabuting balita sa mga dukha; ako’y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi. (Lucas 4:18)

 

NAKARANAS SA KALUWALHATIAN NG DIOS:

 

Iyong natutunan sa nakaraan na mga kabanata ang kahalagahan ng kaluwalhatian Ng Dios. Si Josue ay lalake na nakaranas ng kaluwalhatian Ng Dios:

 

... At tumindig si moises, at si Josue na kaniyang tagapangasiwa: at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios.

 

At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel. (Exodo 24:13 at 17)

 

ANG “IMPACT” NG TAGAPAGPAKILOS

 

Ang buhay ni Josue ay malaking “impact”/ impluwensiya sa mga nakapalibot sa kanya kahit pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang mg alider at mga tao na kanyang nasanay ay nagpatuloy na maglingkod Sa Dios:

 

At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel. (Mga Hukom 2:7)

 

Nais mo ba na ang iyong buhay ay magbigay ng ganitong uri ng “impact”/ impluwensiya? Ito ang uri ng tao na ginagamit Ng Dios bilang tagapagpakilos. Paano mo susukatin ang iyong buhay?  Si Josue ay lalake na ....

 

 

-Nakakarinig mula Sa Dios

-Maaaring makalimot sa nakaraan

-Alam ang kanyang pagmamay-ari

-Malakas at matapang

Alam ang susi sa tagumpay

-Nasa kanya ang Espiritu Ng Dios

-May tiwala Sa Dios

-Tao na may pananampalataya

-may pusong alipin

-Puspos ng karunungan

-Madaling turuan

-Nagpapakilos ng mga tao

-Lubos na sumusunod Sa Panginoon

-Alam kung paano manindigan ng nag-iisa

-May karanasan sa pakikipaglaban

-May unang karanasan Sa Dios

-May pahid Ng Dios

-Nakaranas ng kaluwalhatian ng Dios

 

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.  Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Kilalanin ang halimbawa sa Lumang Tipan ng taong ginamit Ng Dios para mapakilos ang iba.

 

________________________________________

 

3. Isulat ang mga katanginan na kinakailangan para maging “tagapagpakilos”

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Basahin ang aklat ng Josue para sa “background” na impormasyon para  dito at sumusunod na apat na aralin.

 

2. Matatagpuan mo ang isang mahalagang tao sa aklat ng Josue na ang pangalan ay Caleb. Siya ay tiyak na tagapagpakilos na lalake. Siya ay naibunsos na sakupin ang bundok para Sa Dios!

 

Sa umpisa si Caleb ay nagtungo sa Canaan sa pangunguna ng lideratura ni Moises ngunit walang utos sa panahon na iyon na sakupin ang bundok. Nang si Caleb ay bumalik sa Canaan sa pangunguna ng lideratura ni Josue, alam niya na dapat siyang dumepende Sa Dios. Siya ay kumikilos sa kakaibang teritoryo kung saan siya ay minsan lamang nanggaling makalipas ang 45 taon.

 

Si Caleb ay espirituwal na handa. Ipinakikita ng Biblia na siya ay “lubos” na sumusunod Sa Panginoon. Ang pinakamahusay na paghahanda para makuha ang “bundok” ay maging masunurin Sa Dios sa bawa’t bahagi ng buhay.

 

Kumusta ang iyong espirituwal na “bundok”? Anong teritoryo ang nais mong angkinin para Sa Dios? Anong pangarap ang iniingatan mo sa iyong puso?

 

Maaari ba na naghihintay Ang Dios sa iyong para sa mental, pisikal, emosyonal, at espirituwal na paghahanda ang iyong sarili. Magisip ng mga paraan na maaari mong gawin ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABING LIMANG KABANATA

 

ANG NAPAKILOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag ang apat na natural na mga halimbawa ng espirituwal na katotohanan na kinakailangan para sa pagpapakilos.

·                    Isulat ang tatlong dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay hindi lumalago mula sa “gatas” tungo sa “karne” ng Salita Ng Dios.

·                    Ipaliwanag kung paano ang mananampalataya ay makalilipat mula sa “gatas” tungo sa “karne” ng Salita Ng Dios.

 

SUSING TALATA:

 

Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan...(Hebreo 6:1)

 

PAMBUNGAD

 

Sa huling kabanata iyong natutunan ang mga katangian ng tao na dapat magpakilos sa anak Ng Dios. Hindi lahat ay tinawag na maging mga lider, ngunit ang bawa’t isa sa atin ay maaaring maging “mga Josue” sa espiritu at magpakita ng katulad na mga katangian.

 

Ang bawa’t lider ay dapat na may tagasunod. Ang anak Ng Dios ay dapat mapakilos para sumunod sa lider Ng Dios kung hindi magkakaroon ng  pagkalito at kaguluhan. Sa aralin na ito, matututunan mo kung paano espirituwal na magpakilos sa mga anak Ng Dios. Sa ika-labing siyam na kabanata ng kursong ito iyong matututunan ang praktikal na aspeto ng pagpapakilos habang iyong pinagaaralan ang “Pagpapakilos Batay Sa Kaloob.”

 

ANG NAPAKILOS NA MGA TAO

 

Apat na natatanging mga pangyayari ang naganap para mapakilos ang Israel para masakop ang Canaan, ang apat na mga bagay na ito, na natural na mga halimbawa ng espirituwal na katotohanan, ay personal na magpapakilos sa iyo at tutulong sa iyo para matulungan ang iba na mapakilos nang sama-sama. Dapat mong maranasan ang mga ito ng isahan bago masakop ang teritoryo ng kalaban ng iyong sariling buhay. Ang “fellowship” ng iglesya ay dapat maranasan ang mga ito nang sama-sama bago sila mapakilos para sakupin ang teritoryo na nasasakop ng kalaban ng kanilang mga nayon, lunsod, o bansa. Bago magpatuloy sa aralin na ito, basahin ang Ika-labing limang kabanata ng Josue.

 

 

ANG DUGO:

 

At ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal; at kanilang ipinagdiwang ang paskua ng ikalabing apat na araw ng buwan sa kinahapunan sa mga kapatagan ng Jerico. (Josue 5:10)

 

Ipinagdiwang ng Israel ang Paskuwa para muling gunitain ang kanilang kalayaan mula sa kasalanan. Ang Paskuwa ay nagpapaalala ng tungkol sa “dugo na ipinahid.” Para mapakilos para Sa Dios, dapat muna na ang dugo ay maipahid sa iyong buhay. Sa espirituwal na pag-uusap, para maranasan ang Paskuwa dapat kang maging “born again” sa pamamagitan ng kamatayan Ni Jesus sa krus ng Kalbaryo. Ang Kanyang dugo ay dapat muna na maipahid sa iyong buhay para matubos ka mula sa kamatayan ng kasalanan.

 

ANG KUTSILYO:

 

Pagbalik aralan ang Josue 5:2-9 na nag iistorya ng isa pang pangyayari sa pagpapakilos ng anak Ng Dios. Ito ang tanda ng “pagtutuli.” Ang lahat ng lalake ay dapat na matuli bilang tanda ng pakikipagtipan sa pagitan nila at Ng Dios. Ito ay sinimulan sa panahon ni Abraham ngunit hindi ginagawa sa panahon nang sila ay nasa ilang at hindi taglay ang tanda ng tipan sa kanila. Ang Israel ay naghahanda sa pakikipaglaban laban sa mga bansa ng Canaan, ngunit sa panahon na ito, iniutos Ng Dios na sila ay tuliin. Sa pamamagitan ng pagtutuli sa kanilang mga laman, sinalanta nila ang kanilang sarili sa presensiya ng kalaban.

 

Ang mga tao na dapat magpakilos para Sa Dios ay dapat na magtaglay ng mga tanda ng pagbabago sa kanilang mga buhay. Bilang mga mananampalataya, hindi na tayo tinuli sa laman, ngunit dapat tayong tuliin sa puso:

 

Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo. (Colosas 2:11)

 

Ang ating pagtutuli ay espirituwal at ito ay nasa puso sa halip na sa laman. Ngunit kung ikaw ay natuli sa puso may panlabas na mga tanda kung paano ang Israel ay natuli sa kanilang laman. Ikaw ay kikilos, magsasalita, at mamumuhay ng iba. Ang iyong buhay ay magtataglay ng tanda ng pagbabago bilang mga tanda ng iyong pakikipagtipan Sa Dios:

 

Sapagka’t siya’y hindi Judio kung sa labas lamang; ni maging pagtutuli yaong hayag sa laman;

 

Datapuwa’t siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios. (Roma 2:28-29)

 

Para ikaw ay mapakilos para Sa Dios, ang iyong buhay dapat nagtataglay ng pagbabago. Huwag kang matakot sa “kutsilyo” ng Salita Ng Dios sa mga tanda nito sa iyong buhay. Ang kahihiyan ng Egipto (kasalanan) ay dapat itapon nang malayo. Dapat mong alisin ang karumihan ng  laman.

 

Sa iyong pagtatayo ng kampo sa anino ng iyong kalaban, dapat mong mapagtanto na hindi ka makikipaglaban sa laman. Dapat mong salantain ang iyong laman at magtiwala lamang sa kapangyarihan ng pinakamakapangyarihang Dios.Ang lupain ay mapapasok at masasakop sa pamamagitan lamang ng kahinaan ng laman at sa kapangyarihan ng Espiritu.

 

Ang pagtutuli na ito ng puso ay dalawang bahagi. Ang Dios ay may bahagi rito:

 

At tutuliin ng Panginoon mong Dios ang iyong puso...(Deuteronomio 30:6)

 

Ikaw ay binabago Ng Dios, ngunit ikaw ang responsable sa pagtutuli:

 

Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, at inyong alisin ang mga kasamaan ng iyong puso...(Jeremias 4:4)

 

Dapat mong linisin ang iyong sarili sa karumihan ng iyong laman. Mahalaga na tandaan na hindi mo magagawa ang iyong bahagi hanggat hindi Niya ginagawa ang Kanyang bahagi. Ito ay magiging pagsusumikap lamang sa sariling pag-unlad.

 

Bago ka mapakilos sa paglilingkod, dapat nasa iyo ang tanda Ng Dios. Basahin ang Exodo 4:24-26. Nang si Moises ay pabalik para palayain ang Israel mula sa Egipto, siya ay pinigil ng anghel. Hindi siya handa na palayain ang anak Ng Dios dahil hindi niya tinataglay ang mga tanda ng pakikipagtipan sa kanyang buhay. Pagkatapos ng pagtutuli sa kanya, si Moises ay napakilos para gumawa ng makapangyarihang gawain para Sa Dios. Para makapagministeryo sa iba una ang iyong buhay ay dapat magtaglay ng mga tanda ng pagbabago.

 

ANG BUNGA:

 

Basahin ang Josue 5:9-12. Ang manna na kinain ng Israel sa ilang ay tumigil sa pagbagsak, at ang mga tao ay nagumpisa nang kumain ng bunga ng Canaan. Ang manna ay ipinadala mula Sa Dios at mahalaga sa oras na ito. Ito ay nagbigay ng pangunahing pangangailangan at angkop para sa paglalakbay sa ilang, ngunit ngayon panahon na ng paglipat sa bunga ng lupain. Ang “bunga” ay kumakatawan sa espirituwal na paglago:

 

Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan...(Hebreo 6:1)

 

Para mapakilos bilang puwersa para Sa Dios, ang mga tao ay dapat na lumipat mula sa pangunahain ng Kristiyanong paglakad tungo sa espirituwal na kaganapan. Dapat silang lumipat mula sa “gatas” tungo sa “karne” Ng Salita Ng Dios. Katulad ng manna, ang “gatas” ng Salita ay mahalaga:

 

Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito’y magsilago kayo sa ikaliligtas. (I Pedro 2:2)

 

Ngunit ang mga bata ay hindi napakikilos at madaling ipinadadala sa labanan. Dapat silang lumipat sa “karne.” May tatlong mga dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay hindi lumilipat mula sa “gatas” tungo sa “karne” ng Salita Ng Dios.

 

Una, sila ay walang karanasan sa Salita Ng Dios:

 

Sapagka’t bawat tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka’t siya’y isang sanggol. (Hebreo 5:13)

 

Ikalawa, hindi nila iniaangkpop/ ginagawa kung ano ang itinuro sa kanila.

 

Sapagka’t nang kayo’y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwalhatian, ay muling kayo’y nangangailangan na kayo’y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. (Hebreo 5:12)

 

Hindi ka bibigyan Ng Dios ng bagong maliwanag na pagkaunawa sa Kanyang Salita hanggat hindi mo ginagamit ang iyong natutunan na.

 

Ikatlo, sila ay karnal. Sinabi ni Pablo sa Iglesya sa Corinto:

 

Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag: sapagka’t ang araw ang magsasaysay, sapagka’t sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon. (I Corinto 3:13)

 

Paano ka makalilipat mula sa gatas tungo sa karne ng Salita:

Una, dapat mong naisin ang gatas ng Salita ay lumago (I Pedro 2:2). Habang iyong dinidisiplina ang iyong sarili para maging masunurin sa gatas ng Salita, may kakayahan ka na makatanggap ng karne ng Salita. (Alalahanin na ang karnal na mga taga Corinto ay hindi ginagawa ang Salita at hindi makalipat sa “karne”).

 

Sumunod, dapat mong italaga ang iyong sarili sa paghahanap sa karne. Basahin ang Kawikaan 2:1-5. Kung hahanapin mo ang karne ng Salita na katulad ng pagtatalaga sa talatang ito, iyong matatagpuan ito. Sa katapusan ang iyong disiplina ay magdudulot ng kaluguran sa karne ng Salita. Ang mga Salita ay magiging “kalugod –lugod sa iyong kaluluwa (Kawikaan 2:10).

 

ANG TABAK:

 

Basahin ang Josue 5:13-15. Sa paglapit ng oras ng labanan, higit na nadarama ni Josue ang personal na responsabilidad para sa nalalapit na pakikipaglaban. Nang si Josue ay nakakita ng tao na may hawak ng nakuhang tabak kanyang itinanong, “Iyan ba ay para sa amin o sa aming kalaban?” Dalawa lamang gilid ang nakita ni Josue, ang kanyang gilid at ng kalaban.

 

Ipinakilala ng tao ang kanyang sarili bilang prinsipe ng hukbo Ng Dios. Ang kanyang nakuhang tabak ay sumasagisag na ang katotohanan na ang pakikipaglaban ay Sa Panginoon at ito ay lalaban batay sa Kanyang Salita. Ang anumang pakikipaglaban na ipinaglaban para sa katuparan ng mga pangako Ng Dios ay pakikipaglaban Ng Dios at dapat makipaglaban ayon sa Kanyang paraan. Si Josue ay sinabihan na alisin ang kanyang sapatos dahil siya ay nasa banal na dako. Habang ikaw ay napakilos para Sa Dios, ikaw ay nasa lupa ng pagtubos, ngunit mananatiling nakaharap sa kalaban.

 

Ang “prinsipe ng hukbo Ng Dios” ba ay iyong kaibigan o kalaban?  Para tunay na mapakilos para Sa Dios dapat kang lumapit sa Kanyang harapan kung paano ang ginawa ni Josue na nagsabing, “Ano ang sasabihin ng aking Panginoon sa Kanyang lingkod?” Ang iyong tugon ay natatagpuan sa “kinuhang tabak” ng Kanyang Salita.

 

APAT NA MGA PALATANADAAN NG PAGPAPAKILOS

 

Nakatala sa Josue 5 ang paghahanda ng mga tao para gawin ang gawain para Sa Dios. Kung iyong iaangkop ang aralin na ito sa espirituwal, madidiskubre mo na ang mga tao na napakilos ay dapat na malinis ng bugo, nagtataglay ng palatandaan ng pagbabago sa kanilang mga buhay, pagbabago mula sa manna tungo sa bunga (ang gatas tungo sa karneng Salita Ng Dios), a t pasukin ang teritoryo ng kalaban batay sa “nakitang tabak” ng Salita Ng Dios.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.      Ipaliwanag ang iyong natural na mga halimbawa ng espirituwal na katotohanan na kinakailangan para sa pagpapakilos.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

3.      Isulat ang tatlong dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay hindi lumalago mula sa “gatas” tungo sa “karne” ng Salita Ng Dios.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

4.      Ipaliwanag kung paano ang mannampalataya ay makalilipat mula sa “gatas” tungo sa “karne” ng Salita Ng Dios.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ipinahayag ng Kawikaan 2:1-5 ang estratehiya para madiskubre ang “karne” ng Salita Ng Dios. Pagaralan ang mga talatang ito at ibuod sa iyong sariling mga salita:

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Paano mo ito maiaangkop sa iyong buhay?

 

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGANIM NA KABANATA

 

MGA PRINSIPYO NG PAGSAKOP

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibuod ang mga prinsipyo ng pagsakop na nakasulat sa aklat  ng Josue.

·                    Pakilusin ang iba sa pagangkop ng mga prinsipyong ito.

 

SUSING TALATA:

 

May apat na pung libo na nasasakbat ang handa sa pakikidigma ang dumaan sa harap ng Panginoon na patungo sa pakikibaka, sa mga kapatagan ng Jerico. (Josue 4:13)

 

PAMBUNGAD

 

Apat na pung libong tao ang napakilos ni Josue, ang dakilang tagapagpakilos. Sila ay dumaan sa Jordan handa para sa pakikipaglaban. Ang mga lalake at babaing ito ay hindi huminto sa kanilang paglabas mula sa Egipto (na sumasagisag ng kasalanan). Sila ay tumawid sa kanilang lupang pangako para angkinin ang lahat ng inihanda Ng Dios para sa kanila.

 

Ang “paglabas” mula sa kasalanan ay bahagi lamang ng plano Ng Dios para sa iyo. Nais din Niya na dalhin ka sa lupang pangako ng Kanyang pagpapala at mga pangako. Nais Niya na maging matagumpay kang Kristiyano, napakilos para matalo ang kalaban at angkinin ang mga lunsod at mga bansa para Sa Panginoon.

 

Ang buod ng plano ng Dios kay Moises ay:

 

At kami ay inilabas niya roon, na kaniyang ipinasok kami rito, upang ibigay sa amin ang lupain na kaniyang isinumpa sa ating mga magulang.  (Deuteronomio 6:23)

 

Sa Exodo, hinati Ng Dios ang tubig sa Pulang Dagat para madala ang Kanyang mga anak palabas sa lupa ng pagsakop sa Egipto. Sa Josue, hinati Ng Dios ang tubig sa Ilog Jordan para dalhin ang mga tao sa Canaan, ang lupa ng pagpapala.

 

Ang pakikipaglaban na naranasan ng Israel sa Canaan ay natural na mga halimbawa na maaaring maiangkop sa iyong sarili.

 

Sapagka’t ang anomang mga bagay na isinult nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa. (Roma 15:4)

 

Sa aralin na ito iyong pagaaralan ang mga prinsipyo ng pagpasok na ginamit ng Israel para sakupin ang Canaan. Ang mga prinsipyong ito ay maaring iangkiop para makapasok sa iyong sariling nayon lunsod, o bansa para Sa Dios.

 

ANG PUNTO NG WALANG PAGBABALIK

 

Ang Israel ay nasa hantungan ng Canaan bago ( tingnan ang Mga Bilang 13 at 14). Kung ikaw ay nasa hantungan ng Canaan, ikaw ay maaaring napakilos at lumipat pasulong o ikaw ay babalik sa ilang ng espirituwal na paglalagalag.

 

Nang ang Israel ay nagtungo sa hantungan ng Canaan sa unang pagkakataon, sinabi nila “hindi naming nasakop ang lupain... ang kalaban ay mas malakas sa amin”  (Mga Bilang 13:31). Ang kawalan ng paniniwala ay magpapatigil sa iyo sa pintuan ng mga pangako Ng Dios. Katulad ng Israel, kung ikaw ay matatakutin at hindi naniniwala ikaw ay magsisimulang:

 

            -Malungkot                                Mga Bilang 14:1

            -Magreklamo                             Mga Bilang 14:1

            -Lumingon                                 Mga Bilang 14:2

            -Magtanong                               Mga Bilang 14:3

            -Maghimagsik                            Mga Bilang 14:4

 

Ang kakulangan ng Israel sa pananampalataya ay unang nagdala sa panghihina ng loob, pagkatapos sa pagbabago sa maling akala, at pagkatapos ay sa pagsuway habang sila ay bumalik sa ilang.

 

Ngunit iba sa pagkakataon na ito. Apat na pung libong mga tao na nakahanda para sa pakikipaglaban ang tumawid sa  Jordan. Ang mensahe sa Jordan para “tumindig at magtungo sa Jordan” ay ibingay sa panahon kung kailan imposible sa natural. Ito ay panahon ng baha, at ang tubig ay napakalalim at malawak. Ngunit si Josue ay hindi nagatubili. Pinag martsa niya ang Israel sa pampang ng Ilog. Ito ay napakalayo hanggang kung saan sila magdadala.

 

Maaari kang makaharap ng “Ilog Jordan” sa iyong espirituwal na karanasan. Ito ay mukhang napakalalim at malawak at hindi mo alam kung paano mo matatawid ito at angkinin ang mga pangako Ng Dios para sa iyong buhay at ministeryo. Ngunit sinabi Ng Dios “tindig at magtungo.”

 

Kung iyong pakikilusin ang iyong sarili at magtungo kung gaano kalayo ang maaari mong marating, gagawin Ng Dios ay higit sa natural at gagawin ang iba. Hindi mo lang matatawid ang ilog, ngunit maisasama mo ang “iba sa iyo” katulad ng utos kay Josue na gawin. Palaging tandaan hindi ka uutusan Ng Dios na gumawa ng isang bagay na hindi Niya ipadadala ang Kanyang presensiya sa iyo. Ang arko, ang sagisag ng presensiya Ng Dios, ay tumawid bago ang Israel ay nagtalaga sa kanilang mga sarili nang sila ay tumawid at hinati ang Jordan at panoorin itong magsara sa kanilang likod. Sila ay nasa punto na hindi na maaaring bumalik. Dito ka nais dalhin Ng Dios sa iyong pag-aaral sa kursong ito.

 

ANG PRINSIPYO NG PAGPASOK

 

Pagkatapos na ang Israel ay tumawid sa Jordan sa Canaan, makikita natin ang mga pader ng mga lunsod na bumagsak sa kanilang pagsigaw, ang mga bansa ay nanginginig dahil sa kanilang presensiya, at ang hari na kanilang kalaban ay nakaluhod sa kanilang paanan. Ano ang espirituwal na mga prinsipyo na nagbago sa grupong ito ng mga lagalag, ang mga hindi sumundo, reklamador na mga tao sa naging makapangyarihan na mandirigma na sa kanilang sigaw lamang ay nagpabagsak ng malaking lunsod?

 

Pagkatapos na sila ay nakarating sa Canaan, si Josue ay hindi nagbuo ng komite para talakayin ang plano ng labanan. Ang mga tao ay hindi kumuha ng pananaw tungkol sa kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi sila  nagbotohan. Natutunan nila ang aralin sa unang pagkakataon na sila ay nagtungo sa hantungan ng Canaan (tingnan ang Exodo 13 at 14). Sa halip, ang Israel ay nagtungo pasulong sa utos Ng Dios bilang napakilos na pangkat, sakupin ang lupain para Sa Dios. Ang prinsipyo sa pakikipaglaban na kanilang ginamit ay maaaring espirituwal na magamit  sa iyong sariling buhay at ministeryo.

 

Ang sumusunod na mga prinsipyo ng pagpasok ay maaaring makuha mula sa pangunahing pakikipaglaban na nakasulat sa aklat ng Josue. Kasama rito ang mga ...

 

            -Ang sentro ng kampanya:                    6:1-8:35

            -Ang timog na kampanya:                    9:1-10-43

            -Ang norte na kampanya:                    11:1-15

 

MAGHANDA PARA SA PAKIKIPAGLABAN:

 

Ang prinsipyo ay maghanda para sa pakikipaglaban bago pumasok sa teritoryo ng kalaban. Napagaralan mo na ang tungkol sa paghahanda ni Josue at ang mga tao sa aralin 13 at 14. Ang Isarel ay napakilos at itinalaga Ng Dios:

 

Bawa’t dakong tuntungan ng talampakan ng iyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises. (Josue 1:3)

 

Ibinigay Ng Dios sa kanila ang lupain, ngunit nasakop lamang nila ang bahagi na kanilang inangkin. Basahin ang Josue 1:1-9. Naunawan ng mga tao ang kanilang responsabilidad ay ang mga:

 

            -Magtindig:                                                        1:2

            -Magtungo sa :                                       12

            -Maging malakas:                                               1:6-7,9

            -Magpakatapang na mabuti:                              1:9

            -Huwag matakot:                                               1:9

            -Huwag manlupaypay:                            1:9

            -Hatiin at angkinin ang mana:                           1:6

            -Gamitin ang Salita na maging matagumpay:

                        -Obserbahan ito:                                    1:7-8

                        -Isagawa ito:                                          1:7-8

                        -Huwag kang liliko:                            1:7

                        -Sabihin ito:                                            1:8

                        -Pagbulay-bulayan ito:                   1:8

                        -Sundin ang lahat ng nakasulat:            1:8

 

(Pansinin na para ito ay ma-obserbahan at gawin ang ayon sa Salita ay galing sa pagsasalita at pagbubulay nito.)

 

Ang mga responsabilidad na ito ay iyo rin habang ikaw ay napakikilos para pumasok sa teritoryo Ng Dios. Maliwanag at nauunawaan din ng Israel ang mga responsabilidad Ng Dios:

 

Unang Kabanata ng Josue:

 

            -Ibibigay Niya sa kanila ang lupain:                                       1:2-4

            -Walang makatatayo sinomang tao sa kanila:                           1:5

            -Siya ay kasama nila:                                                             1:5

                        -Hindi Niya sila bibiguin:                                                1:5

                        -Hindi Niya sila iiwan:                                      1:5

                        -Kasama nila Ang Dios saan man sila magtungo            1:9

            -Sila ay pagiginhawahin ng Salita Niya:                          1:7-8

 

Ito ang mga pangako Ng Dios sa mga napakilos at naihanda para sakupin ang kanilang mga bansa para Sa Dios.

 

KILALANIN ANG IYONG KALABAN:

 

Sa Josue ang kalaban ay mga Cananites. Kinilala Ng Dios ang kalaban at ibinigay ang tiyak na taktika para harapin sila sa Levitico kabanata 18 at Deuteronomio 12;31; Kabanata 7, at 20:16-18.

 

Kinilala ng Salita Ng Dios na ang kalaban ay ang mundo, ang laman, at ang Demonyo. Ang Biblia ay naglalaman ng maraming tiyak na panuto kung paano harapin ang mga puwersa ng kalaban. Para maging matagumpay sa pagpasok sa lupain, dapat mong makilala ang iyong kalaban, si Satanas, at paano siya haharapin. Kung hindi ka pamilyar sa espirituwal na pakikipaglaban, kunin ang Harvestime Internatioanl Institute na kurso na may pamagat na “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Sa Pakikibakang Espirituwal.”

 

KILALANIN ANG KALAGAYAN NG KALABAN:

 

Para makilala ang iyong kalaban, dapat mo siyang harapin, hindi tumakbo sa takot. Huwag kang matakot sa laki ng puwersa ng kalaban. Kung ikaw ay nagsimulang kumilos pasulong na may pananampalataya, matatagpuan mo na ang kamay Ng Dios ay nasa kalaban na!. Ito ang tungkol sa pagpapakilos.

 

Pag-aralan ang pakikipaglaban ng Israel sa pakikipagtulungan ng limang mga hari laban sa Israel sa Josue 10. Ang mga hari sa Jerusalem, Hebron, Jarmuth, Lachish, at Eglon lahat ay nagsama-sama ang puwersa laban sa Israel. Ang aktuwal na labanan ay inilarawan sa Josue 10:6-11. Ang Dios ay nakialam sa pamamagitan ng malaking himala  para sa Israel. Maaari mong basahin ang tungkol dito sa Josue 10:12-15. Ang mga Canaanites ay sumasamba sa araw at buwan. Nang ang araw at buwan ay huminto  dahil sa Israel, kanilang napagtanto na Ang Dios ng Israel ay mas dakila sa kanilang sariling mga dios.

 

Ang kanilang limang hari ay nakatago sa kuweba, sila ay inilabas at sinabi ni Josue sa Israel na ilagay ang kanilang paa sa kanilang mga leeg. Ito ay ginamit bilang natural, nakikitang halimbawa ng kalagayan ng kalaban ng mananampalataya. Ang ulo ni Satanas ay binasag Ni Jesus sa Kalbaryo. Si Jesus ang ulo ng iglesya, at tayo ang Kanyang katawan. Kung si Satanas ay nasa ilalim Ng Kanyang talampakan, na ipinangako sa Genesis 2:14-15, siya ay nasa ilalim din ng ating paa. Kung mayroong mga kalaban ng mundo at ng laman na nakatago sa iyong buhay, ilabas ang mga ito at harapin sila. Pagkatapos, sa espirituwal na pag-uusap, ilagay ang iyong paa sa leeg ng kalaban at lipulin siya.

 

HANAPIN ANG KASIGURUHAN NG PRESENSIYA NG DIOS:

 

Ang Arko, ang tanda ng presensiya Ng Dios, kasama ng Israel sa Ilog Jordan ay naglakbay bago ang pakikipaglaban. Nang ang Israel ay nagkasala, katulad ng kanilang ginawa sa Ai (Josue 7), ang presensiya Ng Dios ay umalis at sila ay natalo ng kalaban. Palaging siguruhin na kung ikaw ay napakilos at kumikilos para Sa Dios ang presensiya Ng Dios ay nauuna sa iyo. Kung may kasalanan sa iyong buhay, harapin ito. Ang kasalanan ay naghihiwalay sa presensiya Ng Dios.

 

KILALANIN NA ANG LABANAN AY SA DIOS:

 

Paulit-ulit na sinabi Ng Dios kay Josue at Israel “ang labanan ay sa Panginoon... Sumigaw para Sa Panginoon dahil ibinigay sa iyo ang lunsod... Ibinigay Ko ang lupain sa iyong mga kamay.” Palaging sabihin sa iyong  “mga tao na makikipaglaban” na ibinigay sa iyo Ng Dios ang tagumpay hanggang ang espiritong ito ay mapunta sa mga kawal sa may mataas na puwesto na magsasagawa ng pakikipaglaban. Hindi nila kailangan na kunin ang lupain sa kanilang sariling mga talento, kakayahan at kasanayan. Ang pakikipaglaban ay Sa Panginoon!

 

HUWAG DUMEPENDE SA NATURAL NA PANGANGATWIRAN:

                       

Kung si Josue ay dumepende sa kanyang sariling natural na pangangatwiran, hindi kailanman niya susubukin na magapi ang Jerico sa pamamagitan ng pag mamartsa sa palibot nito, sumisigaw, at humihihip ng torotot. Sa iyong pagpapakilos sa espirituwal na puwersa para Sa Dios, dapat mong makilala na ang Kanyang mga paraan ay hindi iyong mga paraan. Hindi mahalaga kung gaano katawatawa ang kalagayan iyon sa natural, dapat kang palaging magtitiwala Sa Dios.

 

Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. (Isaias 55:8)

 

Kung ano ang pananaw ng mundo na mahinang estratehiya, ginagamit Ng Dios para ang malakas ay mapahiya:

 

Sapagka’t ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.

 

Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas.

 

Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios. (I Corinto 1:25, 27, 29)

 

Tuwing si Josue ay dumedepende sa kanyang natural na pangangatwiran, siya ay nagkakaproblema. Basahin ang kanyang istorya sa pakikipag-alyansa sa mga Gabaonita sa Josue 9:1-27 na naglalarawan ng katotohanan na ito. Sa kasong ito, si Josue ay naloko ng mga anyo. Subukin ang lahat ng dumarating sa iyo alinman sa dalawa mula sa higit sa natural o natural na kaharian batay sa Salita Ng Dios, panalangin, at panloob na kapayapaan.

 

Hindi mo kayang makilala ang pinanggagalingan ng lahat ng bagay sa unang pagtingin, dahil ang pagdaraya ay sandata ng kalaban. Si Josue ay masyadong nagmamadali. Ang pagpapakilos ay hindi nangangahulugan ng pagmamadali ng walang makalangit na patnubay. Kung nag-aalinlangan, maghintay!

 

ITAGUYOD ANG OPENSA HIGIT SA DEPENSA NA PAKIKIPAGLABAN:

 

Hindi naghintay si Josue na umatake ang kalaban. Itinaguyod niya ang opensa na pakikipaglaban sa halip na pakikipaglaban ng depensa. Maraming mananampalataya ay ginagamit nila ang kanilang mga buhay sa pakikipaglaban sa atake ng kalaban sa halip na itaguyod ang opensa ng espirituwal na pakikipaglaban at sakupin ang kanilang “lupang pangako.”

 

MAGHANDA NG ESTRATEHIYA SA PAGKILOS:

 

Kung ang tao ay “nakahanda sa estratehiyang ng pagkilos,” siya ay palaging kumikilos. Siya ay hindi nakakulong sa kanyang mga gawain, makasangkot sa mga gawain ng mundo, o namumuhay sa nakaraang mga tagumpay o kabiguan. Siya ay kumikilos para Sa Dios, palaging umaangkin ng bagong teritoryo. Si Josue ay maestratehiyiang kumikilos sa Canaan. Siya ay palaging kumikilos, pinapasok ang bagong mga lugar, pinapakilos ang hukbo, kumikilos sa bagong utos mula Sa Dios.

 

Ang talaan sa Biblia ng unang Iglesya ay may estratehiyang kumikilos. Ang mga kaanib ay nagtutungo sa lahat ng dako nangangaral ng Salita. Para magkaroon ng estratehiyang pagkilos, dapat mong paunlarin sa iyong pag-iisip ang “pag-aani ng pag-iisip” at ang “pag-iisip ng isang kawal.”

 

Kung ikaw ay may “pagaani ng pag-iisip ,” ikaw ay nakalaan sa manatili o kumilos sa pangunguna Ng Dios para maani ang anihin. Madalas tayong dumarating sa panahon ng dakilang espirituwal na pag-aani sa ilang mga bansa ng mundo at humarap sa problema ng kakaunting mag-aani. Ang Iglesya ay dapat na gumawa ng bagong pagtatalaga na magtungo kung nasaan ang anihin. Nang si Pablo ay tinanggihan ng mga Hudyo sa Antiochia siya at ang kanyang pangkat ay nagtungo sa Iconium (Mga Gawa 13:51-52). Kung sila ay hindi tinanggap sa isang lunsod, kanilang “ipinapagpag ang mga alabok” mula sa kanilang mga paa at nagtungo kung saan ang espirituwal na pagaani ay hinog.

 

Kailangan mo rin na maging may “kaisipan ng isang kawal.” Kung ikaw ay may “kaisipan ng isang kawal” ikaw ay palaging nakikinig sa bagong utos mula sa Komandante. Ipalagay na ang kawal ay tumangging sumunod sa anumang utos maliban sa mga ibinigay sa kanyang 20 o 30 taon ang nakalipas. Ang mga ito ay mabuting utos nang ito ay ibinigay, ngunit matagal nang lumipas ang isipang ito ng Espiritu.

 

Nang Si Jesus ay nasa lupa, Siya ay may estratehiya sa pagkilos. Siya ay nagtungo mula sa isang nayon tungo sa isang nayon at iba’t ibang lugar (Lucas 4:43). Siya ay palaging tumutugon sa mga utos ng Ama. Para tayo ay umani ng anihin kung saan at kailan ito ay hinog na sa pakikipaglaban para sa estratehiyang teritoryo, dapat ganito rin tayong mamuhay.

 

LUSUBIN ANG SUSING “KUTA NG KALABAN”:

 

Ang estratehiya ni Josue sa Canaan ay serye ng atake laban sa susing lunsod sa Canaan (tingnan ang Josue 9) at 10:28-43). Inatake ni Josue ang sentro ng Canaan, inihiwalay ang dalawang kalahati ng bansa at ginawa itong imposible para sa natitirang kawal na magkaisa at makabuo laban sa hukbo ng Israel. Kanyang inatake ang susing kuta ng kalaban.

 

Pagpagpapasiyang talunin ang kalaban. Huwag makontento kung hindi buong tagumpay . Sa pagatake sa kuta ng kalaban sa iyong buhay, pinahihina mo ang kakayahan ni Satanas sa pagpapalakas ng kanyang hawak sa iyo.

 

HUWAG UMASA  SA LAMAN:

 

Hindi nais Ng Dios na ang Israel ay umasa sa mga kabayo at kalesa para sa kanilang tagumpay kaya ng kanilang natalo ang kawal ng Canaan, pinutol ng Israel ang paa ng kabayo ng kalaban (ang ibig sabihin ay pinutol ang kalamnan ng paa ng kabayo para ang hayop ay hindi makalaban sa labanan). Sa ganitong paraan hindi sinubok ng Israel na magtiwala sa mga kabayo at kalesa.

 

Ikaw ba ay nagtitiwala sa mga “kabayo at kalesa ng kalaban,” gumagawa kung ano ang ginagawa ng mundo, kung ikaw ay nakikipaglaban sa espirituwal na pakikibaka?

 

LUSUBIN ANG PINAGMULAN SA HALIP NA ANG MABABAW NA MGA SINTOMAS:

 

“Lubusang winasak” ng Israel ang kalaban hanggang “walang natira.” Ang lupa ay mapapasok lamang kung ang kalaban ay lubusan na nawasak. Kung ang Israel ay nagtira ng kahit ilang kalaban sa lupain, ang “ugat” ng kanilang kasalanan ay maaaring umunlad para sila ay guluhin muli.

 

Huwag titigil sa mababaw na pakikipaglaban. Huwag makontento sa hindi lubos na tagumpay. Magpatuloy na pakilusin ang iyong espirituwal na puwersa at pasukin ang lupa hanggang ang kalaban ay “lubos na mawasak.”

 

SUMUNOD SA DIOS:

 

Isa sa pinakamahalagang prinsipyo ng pagpasok ay pagsunod. Nakatala sa Biblia na...

 

Kung paanong nag-utos ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay gayon nagutos si Moises kay Josue: at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na inituos ng Panginoon kay Moises. (Josue 11:15)

 

Ang iyong kakayahan na magpakilos at pumasok ay direktong kaugnay ng iyong pagsunod Sa Dios.

 

MAGTIYAGA SA PAKIKIPAGLABAN:

 

Ang lahat ng tagumpay ni Josue ay hindi mabilis na pagkapanalo katulad ng Pakikipaglaban sa Jerico. Basahin ang Josue 11. Si Josue ay itinaguyod ang laban sa mga hari ng lupain sa loob ng anim na taon (Josue 11:18). Pagtitiyaga (manatiling tapat sa labanan) ay kinakailangan sa paghuli ng kuta ng kalaban, pagpapaalis ng kalaban, at pagsakop ng lahat ng mga pangako Ng Dios sa iyo.

 

IPAKO ANG ISIP SA MANANAGUMPAY SA HALIP  NA SA TAGUMPAY:

 

Pinangunahan ni Josue ang Israel sa pagsamba Sa Dios pagkatapos ng kanilang mga tagumpay sa millitar (tingnan ang Josue 8:29-31). Kung minsan nagkakamali tayo sa pagbibigay tuon sa labanan at sa ating bahagi sa pagkapanalo nito, ituon ang isip sa tagumpay sa halip na sa Mananagumpay, Ang Panginoon ng Hukbo.

 

MATUTO KUNG PAANO ANG KABIGUAN AY MAGING TAGUMPAY:

 

Ang Israel ay nakaranas ng malaking kabiguan sa maliit na lunsod na tinatawag na Ai. Mababasa mo ito sa Josue 7-8. Dahil sa kahalagahan ng prinsipyo na gawing tagumpay ang kabiguan, ang buong kabanata ay inilaan sa paksang ito. Iyong matutunan kung ano ang dapat gawin “Pagkatapos ng Kaguluhan” sa Ika-labingpitong Kabanata.

 

ANG LUPAIN NA NANATILI

 

Basahin ang Josue 13:1-7. Habang si Josue ay nalalapit sa kamatayan marami pang lupain na naiwan na dapat angkinin ng Israel. Dapat lubusin ng Israel kung ano ang sinimulan ni Josue na kanilang dapat gawin.

 

Ang tunay na napakilos na grupo ng mga tao ay magpapatuloy na pumasok sa teritoryo ng kalaban kahit ang kanilang lider ay inalis. Para tunay na mapakilos ang grupo ng mga tao dapat mong awatin sila na dumepende sa iyo. Nang si Josue ay namatay, ang bawa’t isang tribo ay dapat magpatuloy sa pakikipaglaban at alisin sa kanilang lupain ang presensiya ng kalaban. Ang natutunan nang sama-sama ay dapat maiangkop sa isahan.

 

Ipinangako Ng Dios na Kanyang alisin ang kanilang kalaban nang unti-unti ( Exodo 23:29-30). Hindi mo maalis ang iyong kalaban sa ilang labanan lamang. Unti-unting inaalis Ng Dios ang puwersa ng kalaban sa iyong buhay sa iyong pagharap at pagsakop sa mga pangyayari ng buhay. Kinakailangan ito ng palagiang pagdepende sa Kanya.

 

Ano ang mga pangako Ng Dios na naghihintay lamang para iyong angkinin ang mga ito? Anong kuta ng kalaban ang nananatili na dapat magapi?  Anong “lupa” sa iyong espirituwal na buhay ang nananatili na maangkin? Ang mga prinsipyo ng pagpasok ay tutulong sa iyo para mapakilos at masakop “ang lupain na naiwan.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

2. Ibuod ang mga prinsipyo ng pagpasok na nakatala sa aklat ng Josue.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Ang aklat ng Josue ay aktuwal na manwal kung paano magsagawa ng espirituwal na pakikipaglaban. Pag-aralan ang Josue gamitin ang sumusunod na balangkas:

 

            -Paghahanda:                                                                             Mga Kabanata 1-2,5

                        -Paghahanda Ng Isang Tao:   Josue

                        -Paghahanda Ng Mga Tao:    Israel

            -Pagsakop:                                                                                Mga Kabanata 3-12

            -Pag-angkin:                                                                          Mga Kabanata 13-24

 

2. Basahin ang Josue 12:7-14. Nakatala sa talatang ito ang 31 na tagumpay ni Josue sa kanyang kalaban. Gaano karami ang mga tagumpay mo sa taong ito?  Paano mo natalo ang iyong kalaban?

 

3. Ang talaan ng pagpapakilos at pagpasok ng Canaan sa aklat ng Josue ay sinunod ang “cirriculum plan” ng Harvestime International Institute. Pag-aralan muli ang aklat ng Josue sa termino o paraan ng:

 

            -Paglalarawan:                                       1:1-6

            -Paghihirang:                                          1:7-9

            -Pagpaparami:                                        1:10-16-17

            -Pagorganisa:                                         1:11

            -Pagpapakilos:                                       Mga Kabanata 3; 4:13

-Panghihikayat ng kaluluwa: Ang Israel ay dapat maging halimbawa sa mga bansa na nakapalibot sa Canaan.

 

Katulad ng aming ginawa sa programa ng Harvestime, ang parehong mga lider at tagasunod ay nasanay. (Josue 24).

 

4. Dapat “tulungan ni Josue ang Israel na mamana ang Canaan” (tingnan ang Deuteronomio 1:38 at 3:28). Ikaw ay tinawag para mapakilos ang mga nakapalibot sa iyo para ma mana ang mga pangako Ng Dios.

 

5. Basahin na muli ang aklat ni Josue. May nakita ka ba na ibang prinsipyo ng pagpasok na hindi nabanggit sa kabanatang ito? Kung mayroon, idagdag ang mga ito sa talaan ng pag-aaral ng aralin na ito,.

 

6. Ang pangkalahatan na ibinigay sa mga nakatira sa Canaan ay “Cananita” dahil sila ay nakatira sa lupain ng Canaan. Ang Cananita ay aktuwal na binubuo ng ilang mga tribo ng mga tao na may pagkakatulad sa mga sumusunod:

 

-Sila ay sumasamba sa bulaang dios na tinatawag na Baal. Astoreth, asawa ni Baal, ay kanilang diosa. “Baalim,” ang pangmaramihan ng Baal, ang kanilang imahen ni Baal.

 

-Ang kanilang “priestes” sa templo ay aktuwal na kalapating mababa ang lipad. Ang mga “Sodomites” ay lalaking puta.

 

-Kanilang sinasamba si Baal sa “matatas na lugar,” naniniwala na sila ay malalapit sa kanya. Ang mga mataas na lugar ay itinatag sa pundasyon na nagtataglay ng banga na may labi ng mga bata na inihandog kay Baal.

 

-Sila ay gumagawa ng imoral, panghuhula, pagsamba sa rebulto, at pagsamba sa araw, buwan, dagat, at dios ng bagyo. Sinasamba rin nila si Diana.

 

-Ang kanilang pagka materyalismo ay nagdulot ng panlabas na kasaganaan at panloob na kasamaan..

 

-Ang pitong mga bansa sa Canaan ay ang mga Canaanites, Hittites, Hivites, Perrizzites, Girgashintes, Amorites, Jebusites.

 

-Ang dahilan sa pagwasak sa Canaanites ay ibinigay sa Levitico 18 at Deuteronomio 12;31;  kabanata 7; at 20:16-18.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGPITONG KABANATA

 

PAGKATAPOS NG ACHOR

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang apat na dahilan para sa espirituwal na pagkabigo.

·                    Ibuod ang resulta ng espirituwal na kabiguan.

·                    Ipaliwanag ang apat na hakbang na lunas para sa pagbuti.

 

SUSING TALATA:

 

At sila’y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban. (II Timoteo 2:26)

 

PAMBUNGAD

 

Sa nakaraan na kabanata iyong natutunan kung paano Ang Dios ay inhanda ang tagapagpakilos (si Josue) at napakilos na mga tao ang Kanyang mga anak (Israel) para sakupin ang lupain ng Canaan. Napag-aralan mo rin ang mga prinsipyo ng pagpasok na kanilang ginamit na maaaring iangkop sa iyong sariling buhay at ministeryo.

 

Sa aralin na ito iyong matututunan kung paano hinarap ng Israel ang pagkatalo. Sa tuwing ikaw ay napakilos para Sa Dios at mag-umpisa na sakupin ang teritoryo sa Kanyang pangalan, makahaharap ka ng maraming mga problema. Kung minsan iyong mararanasan ang pagkatalo. Sa aralin na ito iyong matututunan kung ano ang dapat gawin “Pagkatapos ng Kaguluhan.”

 

ANG LABANAN SA JERICO

 

Ang unang malaking labanan na hinarap ng Israel pagkatapos tumawid sa Ilog Jordan ay nangyari sa lunsod ng Jerico. Iyong mababasa ang istorya ng Jerico sa Josue kabanata 6. Binigyan Ng Dios ang Israel ng kakaibang estratehiya para masakop ang lunsod na ito. Sila ay dapat na tahimik na magmartsa sa palibot nito ng anim na araw. Sa ikapitong araw sila ay dapat na magmartsa sa palibot nito ng pitong beses, at pagkatapos ang saserdote ay hihihip ng kanilang trumpeta at ang mga tao ay sisigaw dahil “ibinigay ng Panginoon sa iyo ang lunsod” (Josue 6:16).

 

Sa tuwing ikaw ay espirituwal na tatawid sa “Ilog Jordan”  sa iyong buhay at mag-umpisa na angkinin ang bagong teritoryo para Sa Dios, ikaw ay hindi pasubaling makahaharap ng “Jerico.” Anuman ang iyong “Jerico”, ang Dios ay magbibigay sa iyo ng tiyak na estratehiya para sa pakikipaglaban.

 

Kung minsan ang plano Ng Dios ay parang kalokohan katulad ng ibinigay kay Josue para sa kanyang Jerico. Ngunti kung maingat mong susundin ang direksiyon Ng Dios at lumakad sa Kanya sa kabanalan, ang iyong tagumpay ay sigurado. Ngunit hindi natin tatalakayin ang Jerico sa aralin na  ito. Kadalasan wala kang problem sa mga tagumpay ng iyong buhay. Nakatutuwa na lumakad sa mga tagumpay ng iyong mga “Jerico.”

 

Kadalasan nagkakaroon tayo ng problema kung nakaharap tayo ng kabiguan. Tayo ay lilipat sa kabanata 7  at 8 ng Josue kung saan dito nakasulat ang pangunahing pagkatalo na naranasan ng anak Ng Dios. Maglaan ng oras na basahin ang mga kabanatang ito bago magpatuloy sa aralin na ito.

 

ANG LAMBAK NG KAGULUHAN

 

Ang ibig sabihin ng salitang “Achor” ay “kaguluhan,” at ito ang tiyak na hinarap ng Israel ng sila ay nagsimulang umatake laban sa maliit na lunsod ng Ai. Ang istorya ng Ai at ang Lambak ng kaguluhan ay nagumpisa sa Josue 7:1 na may susing salita ”Ngunit.” Sa Josue 6 ang Israel ay lumalakad sa tagumpay, “ngunit” sa kabanata 8 matatagpuan na sila ay nasa kaguluhan.

 

Ating sisiyasatin ang dahilan kung bakit ang Israel ay natalo, ang mga resulta, at ang solusyon para sa kanilang problema. Iyong matatagpuan ang mga dahilan, resulta, at solusyon para sa kanilang problema na angkop sa iyong sariling pagkatalo.

 

ANG MGA DAHILAN:

 

Kung ikaw ay nabigo habang ikaw ay pumapasok at sumasakop sa teritoryo Ng Panginoon, mayroong palaging dahilan. Sa istorya ng Kaguluhan, may apat na dahilan ng pagkatalo, ang lahat ng mga ito ay karaniwan sa ating mga nararanasan na pagkatalo:

 

1. Mga Prinsipyo:

 

Paglabag sa prinsipyo Ng Dios (kasalanan) ay palaging nagdudulot ng pagkatalo. Sinabi Ng Dios na huwag kumuha ng anumang bulok ng Jerico. Ang mga ito ay dapat itinalaga Sa Panginoon dahil ito ang “unang mga bunga” ng labanan. Sila ay binalaan na huwag kumuha ng “isinumpang mga bagay na nasa iyo”:

 

At kayo, sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha sayo sa itinalagang bagay; sa gayo’y inyong ipasusumpa ang kampamento ng israel, at inyong babagabagin.

 

Ngunit lahat na pilak, at ginto, at mga sisidlang tanso at bakal, ay banal sa Panginoon: pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon. (Josue 6:18-19)

 

Nakatala sa Josue 7:1 kung paano ang lalaking si Achan ay kumuha ng “isinumpangbagay.” Ang pagsubok sa kanya ay katulad ng  halimbawa ng orihinal na pagsubok kay Eva. Kanyang  “nakita, nagnais, kinuha, at itinago.” Sinabi niya:

 

Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at akin kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon. (Josue 7:21)

 

Ang kasalanan ay palaging nag-uumpisa sa isip. Ang ugali ng kasalanan ay una sa gawa. Inisip ni Achan, “Sino ang makakakita” Sino ang makakaalam? Ito ay karaniwan sa kasalanan, nakita lamang niya ang panandaliang kasiyahan na idudulot nito at hindi ang kakilakilabot na pangmatagalan na epekto ng kanyang ginawa. Kung si Achan ay tumingin ng mga mata na may pananampalataya sa halip na mga mata ng laman, makikita niya ang mga bagay na ito bilang”isinumpa.” Sa halip, tiningnan niya ang mga ito sa natural na pakiramdam lamang.

 

Ang iyong espirituwal na kalaban ay ang mundo, laman, at ang demonyo. Ang mga ito ay magkakasamang gumagawa para subukin ang iyong pagnanasa sa laman. Ang pagnanasa sa paningin, at ang pagmamataas sa buhay. Kung iyong titingnan ang pagsubok ng mga mata na may pananamaplataya sa halip na sa mga mata ng pagnanasa, makikita mo na ito ay ipinagbabawal bilang “isinumpang mga bagay.”

 

Ang tiyak na kasalanan ni Achan ay ginawang gamit ng pribado ang dapat sanang para sa kaluwalhatian Ng Dios. Sana ay tulungan tayo Ng Dios na hindi kailanman tayo mabagsak sa katulad na patibong. Ang kasalanan ni Achan ay nakaapekto sa buong Israel. Ang pangunahing pagkatalo ng Israel ay dahil kanilang sinuway ang mga prinsipyo Ng Dios:

 

Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking inituos sa kanila; oo, sila’y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila’y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan. (Josue 7:11)

 

2. Pagmamatas:

 

Hindi lamang si Achan ay nagkamali sa istorya ng Kaguluhan. Nang si Josue ay nagpadala ng tao mula sa Jerico tungo sa Ai para tingnan ang bansa, ang mga tao ay bumalik at sinabi kay Josue...

           

At sila’y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang boong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang boong bayan doon; sapagaka’t sila’y kakaunti. (Josue 7:3)

 

Ang Ai ay maliit na lunsod kung ihahambing sa Jerico na kasasakop lamang ng Israel. Sa pagmamataas, ito ang inisip ng mga taong ito, ang “Ai ay dapat na walang problema. Tayo ay nakaharap ng mas malaking mga bagay at naging matagumpay. Hindi dapat magalala tungkol dito.” Ang Israel ay may tiwala sa sarili sa halip na may kompiyansa Sa Dios.

 

Sa ating sariling pakikipaglaban sa ating buhay kadalasan makakaya natin ang maliit na mga problema sa ating sarili. Ngunit walang pagtatagpo sa kalaban na napakaliit na hindi natin kailangan ang lahat ng pinanggagalingan na ibinigay Ng Dios para harapin ito. Kung ikaw ay magumpisa na kumilos sa pagtitiwala sa sarili at pagmamataas at maniwala na “hindi dapat magalala dito,” ikaw ay kumikilos sa delikadong teritoryo.

 

3.  Pananaw:

 

Ang mga tao na ipinadala para tingnan ang Ai ay tiningnan ang mga bagay sa kanilang natural na mga pakiramdam lamang. Wala silang espirituwal na pananaw para makita nag likuran ng pangibabaw na kaanyuan at makilala ang kapangyarihan ng kalaban.

 

Ang pagsunod sa natural na pananaw sa halip na espirituwal na pagkaunawa sa bagay ay nag- dulot ng hindi tamang paguulat. Sa Josue 7:3 sinabi ng mga taong ito na ang mga mandirigma sa Ai ay “kakaunti” ngunit sa katotohanan, may 12,000! (Josue 8:25).

 

Kung iyong isasama ang karnal na mga tao sa gawain Ng Dios palagi silang gagawa ng pagpapasiya batay sa kanilang natural , makalaman na pangunawa. Ito ay palaging magaakay sa karnal na pagpapayo. “ Ang ating mga tao ay sapat,” sinabi nila ito kay Josue. Ang karnal na pagpapayo ay palaging magaakay sa pagkatalo.

 

4. Kawalan ng Panalangin:

 

Si Josue ay may ilang kasalanan din sa pagkatalo sa Ai. Siya ay maingat na nakinig sa ulat ng mga tao na bumalik mula sa pagtingin sa lunsod ngunit hindi nanalangin tungkol sa ulat na kanyang natanggap. Siya ay madaling nagorganisa ng mga 3,000 mandirigma para umakyat sa Ai sa labanan.

 

Kung si Josue ay nanalangin, walang duda ipahahayag Ng Dios na may kasalanan sa Israel at balaan siya na huwag magtungo sa labanan. Kung si Josue ay naglaan ng panahon sa panalangin, kanyang madidiskubre na ang hanay ng pagatake sa Ai ay hindi katulad ng sa Jerico. Ang buhay ng “Ai” ay hindi masasakop ng katulad na paraan sa “Jerico.” Hindi tayo mabubuhay sa nakaraang mga tagumpay o ang kaugalian ng nakaraan. Ang Dios ay may bagong estratehiya bawa’t oras na tayo ay kumikilos at umuusog ng pasulong para angkinin ang teritoryo sa Kanyang pangalan.

 

Iyong napagaralan ang tungkol kay Gedeon sa Ikatlong kabanata at iyong matatandaan nang siya ay nagtungo sa laban pinaliit Ng Dios ang bilang ng mga tao. Sa Ai , pinarami Ng Dios . Hindi mo malilimitahan at mahuhulaan na susundin Ng Dios ang halimbawa ng nakaraan. Siya ay Dios ng mga bagong bagay na nagpahayag “Gagawa Ako ng bagong bagay.”

 

Ngunit si Josue ay hindi naglaan ng panahon sa panalangin. Ipinadala niya ang kakaunti na hukbo na masyadong natalo at tumakbo mula sa mga kalaban.

 

Buod:

 

Ang apat na dahilan sa pagkatalo ng Israel sa Ai ay sa mga  bahagi ng :

 

            -Mga Prinsipyo

            -Pagmamataas

            -Pananaw

            -Kawalan ng panalangin

 

ANG MGA RESULTA:

 

Kaya’t ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng Kanilang mga kaaway; sila’y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka’t sila’y naging sinumpa: ako’y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo. (Josue 7:12)

 

Kung paano palaging may dahilan sa pagkatalo, palaging may resulta mula sa pagkatalo. Pansinin ang mga resulta sa pagkatalo ng Israel:

 

            Josue 7:4-5:                                       Pagtakas sa kalaban.

            Josue 7:5                                           Espirituwal na kamatayan.

            Josue 7:5                                           Takot at kawalan ng pag-asa ng mga tao.

            Josue 7:6                                           Kawalan ng pag-asa ng lideratura.

Josue 7:7 Paglingon sa  “mabuti na nakaraan na mga araw.”

            Josue 7:8-9:                                       Pagtatanong.

 

Anong napakalungkot na larawan ng Israel. Hindi na sila nahikayat at napakilos na puwersa para Sa Dios. Sila ay mga  tao na pinanghinaan ng loob na may lider na pinanghinaan ng loob, nagtatanong, matatakutin, at tumatakbo mula sa kalaban.

 

Ang pagsuway sa mga prinsipyo Ng Dios, pagmamataas, karnal na pananaw,at kawalan ng panalangin ay palaging hindi magpapakilos sa iyo sa harapan ng kalaban. Ngunit huwag kailanman iisipin na ang huling kalalabasan ay batay sa kasalukuyang pangyayari at panandalian na pagkatalo. Kung paano may mga dahilan at mga resulta para sa pagkatalo, palaging may solusyon dito.

 

ANG LUNAS:

 

May lunas sa bawa’t pagkatalo. Kahit ikawa ay nabihag ng iyong kalabang, si Satanas, ikaw ay bubuti:

 

At sila’y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban. (II Timoteo 2:26)

 

Kung ikawa ay lumalakad ng talunan, ikaw ay lumalakad sa kalooban ng kalaban. Tutulungan ka Ng Dios na maging mabuti, ngunit dapat kang gumawa ng hakbang para “bumuti ang iyong sarili” sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyo ng Biblia ng pagbabalik. Basahin ang Josue 7;:10-13. Sa talatang ito matatagpuan mo ang apat na mga hakbang para bumuti na magagamit kung ikaw ay natalo ng kalaban:

 

1. Pahayag:

 

            At sinabi Ng Panginoon... ang Israel ay nagkasala... (Bahagi ng Josue 7:10-11)

 

Ang unang hakbang ng pagbuti ay magkaroon ng kapahayagan kung ano ang tunay na problema. Nang si Josue ay nanalangin, ipinahayag Ng Dios na ang Israel ay nagkasala.

 

Hilingin Sa Dios kung ano ang “isinumpang bagay” na nakatinding sa pagitan mo at ng tagumpay, ang bagay na iyan ang pumigil sa iyo mula sa pagkilos at bilabng tagapagpakilos.

 

Mahalaga na pansinin na ang pangisahan na pagkakasala ay makaaapekto sa buong sama-samang katawan. Sinabi Ng Dios kay Josue “sila” (lahat ng Israel) ay nagkasala, hindi lamang si Achan (Josue 7:11)

 

Madali nating nakikita ang problema sa Iglesya ngunit kadalasan hindi natin alam kung ano ang ating tungkulin sa mga problemang ito. Ang bawa’t mananampalataya ay bahagi ng sama-samang Katawan Ni Cristo. Ang kasalanan sa isang kaanib ay makaaapekto sa pagpapakilos at paggawa ng tungkulin ng buong Katawan.

 

2. Pagsisisi:

 

Hindi lamang ipinahayag Ng Dios ang problema kay Josue, Sinabi Niya sa kanya na harapin ito:

 

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito. (Josue 7:10)

 

Ang kapahayagan ng problema ay hindi sapat para mapabuti ang iyong sarili mula sa bitag ng kalaban. Dapat kang bumangon at harapin ang problema mismo. May panahon sa pagtigil sa panalangin at magumpisa na kumilos kung ano ang ipinahayag Ng Dios sa iyo.

 

Sinabi Ng Dios kay Josue na tawagin nang magkakasama ang mga tao at harapin ang kasalanan sa kanilang kalagitnaan. Para ikaw ay mapabuti sa iyong sarili mula sa bitag ng kalaban, dapat mong harapin ang problema. Si Josue ay mabilis sa pagsunod. Sinabi na siya ay “gumising nang maaga” para sundin ang utos Ng Dios (Josue 7:16). Nang ipinahayag Ng Dios na si Achan ang nagkasala, si Josue ay nagpadala ng tao “tumatakbo” tungo sa “tolda para kunin ang makasalanang bagay. Hindi tayo makapagmamadali na harapin ang kasalanan sa ating kalagitnaan. Ang pagkaantala ay pagsuway, ngunit...

 

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. (I Juan 1:9)

 

3. Pagpapanumbalik:

 

Ang susunod na hakbang pagkatapos ng pagsisisi ay pagpapanumbalik. Sa kaso ng pagkatalo sa Ai, ang isinumpang bagay ay inayos na at ang buong pamilya ni Achan ay pinarusahan. Sila ay binato hanggang mamatay sa Lambak ng Achor. Ang kabanalan ay napanumbalik sa anak Ng Dios. Ang paghihiwalay na dulot ng kanilang pagsuway sa mga prinsipyo , karnal na pananaw, pagmamataas, at kawalan ng panalangin ay itinama.

 

Kung ipinahayag Ng Dios ang dahilan sa iyong pagkatalo at ikaw ay nagsisi, dapat kang magbalik. Dapat mong alisin ang “isinumpang bagay” mula sa iyong buhay. Maaaring dapat mong patawarin ang iba o humingi ng kapatawaran. Maaaring kailangan mong itama ang makasalanan na situwasyon sa iyong pagsuway na ginawa.

 

4. Pagbalik:

 

Kung ang “fellowship” Sa Dios ay nasira ng kasalanan, ang pagbuti ay manggagaling sa pagbalik sa lugar ng iyong paghihiwalay at sakupin ang  kalaban. Ang iyong lakad kasama Ang Dios ay dapat na mabago. Dapat kang bumalik sa labanan para harapin ang iyong pagkatalo. Kaya pagkatapos ng kapahayagan ng kasalanan, pagsisisi, at pagpapanumbalik ang utos Ng Dios sa Israel aya “Umakyat sa Ai.”

 

Walang kapayapaan at di pagkakampi sa kalaban. Kung ikaw ay nabigo, ang kalaban ay magsasalita sa iyo ng mga salita ng pagkatalo:

 

            -“Sumuko kana.”

            -“Wala ng kompiyansiya sa iyo ng bawa’t isa.”

            -“Hindi nakikialam Ang Dios o hindi kayo tutulungan Niya.”

            -“Ikaw ay mahina at mabuti pa sa wala”

            -“Nabibigo ka lamang kung susubukin mo ulit.”

 

Ngunit dapat kang bumalik sa labanan. Dapat mong harapin ang kalaban at lumabas ng matagumpay! Hindi ka makalilipat sa ibang labanan hanggat hindi ka nananalo sa “Ai,” ang iyong lugar ng pagkatalo. Basahin ang Josue 8 na nagsasabi ng istorya ng pagbabalik ng Israel at tagumpay sa Ai. Siguruhin na pansinin na sa panahon na ito dinala ni Josue ang lahat ng mandirigma ng Israel!

 

Buod:

 

Narito ang lunas para bumuti batay sa Biblia:

            -Pahayag

            -Pagsisisi

            -Panunumbalik

            -Pagbalik

           

ANG PINTO NG PAG-ASA

 

Kung iyong susundin ang lunas Ng Dios para bumuti, Kanyang dadalhin ang iyong lambak sa Achor (kaguluhan) at aktuwal na gagawin itong pinto ng pag-asa:

 

... At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya’y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya’y sumampa mula sa lupain ng Egipto. (Oseas 2:15)

 

Ang Ika-pitong kabanata ay nagumpisa sa madalim na larawan ng nagsinding galit Ng Panginoon laban sa Kanyang mga anak. Ngunit sa ika-walong kabanata ang Israel ay muling napakilos para sa tagumpay:

 

            Josue 8:3-8:                           Ang Dios ay nagbigay ng estratehiya.

            Josue 8:7,18                          Ang tagumpay ay tiyak.

Josue 8:10-29: Ang lider at ang mga tao ay kumilos sa pagsunod at pananampalataya.

Josue 8:20: Ang kalaban ay walang kapangyarihan na makatakas.

Josue 8:22,26 Ang kalaban ay lubos na nawasak.

Josue 8:30-35 Tinanggap Ng Dios ang kaluwalhatian.

Josue 9:2 Ang takot Ng Dios at ang Kanyang mga anak ay bumagsak sa mga natirang kalaban.

 

Kung susundin mo ang lunas na ito para bumuti, masasaksihan mo ang mga resulta habang ibinabaling Ng Dios ang iyong sariling Lambak ng Achor sa pinto ng pag-asa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

2.      Kilalanin ang apat na dahilan para sa espirituwal na pagkabigo.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3.      Ibuod ang resulta ng kabiguan ng Israel sa Ai.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

4.      Isulat ang apat na hakbang na lunas para sa pagbuti.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Ang mga dahilan ng pagkatalo ng Israel sa Ai ay sa bahagi ng :

 

            -Mga prinsipyo

            -Pagmamataas

            -Pananaw

            -Kawalan ng panalangin

 

Alalahanin ang ilan sa mga espirituwal na pagkatalo na iyong naharap. Alin ang maaaring dahilan sa isa o higit sa isa sa apat na pangunahing mga problemang ito?

 

2. Pag-aralan ng mas detalye ang pakikipag-usap ni Josue Sa Dios :

 

            -Tanong:  7:7a

            -Padamdam:  7:7b

            -Tanong:  7:8

            -Padamdam:  7:9a.

            -Tanong:  7:9b

 

Pansinin na may pangunahing nakaligtaan sa tanong ni Josue. Hindi niya itinanong ang dahilan para sa pagkatalo ng Israel. Pansinin ang tanong ni Josue Sa Dios tungkol sa ...

           

...Sapagka’t mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang inyong gagawin sa iyong dakilang pangalan? (Josue 7:9)

 

Palaging tandaan na bawa’t pagkatalo na iyong naranasan ay nakaaapekto sa pangalan Ng Panginoon.

 

3. Suriin ang iyong nakaraan na espirituwal na mga pagkatalo. Ang mga resulta ba ay katulad ng mga naranasan ng Israel?

 

            Josue 7:4                                           Pagtakas sa kalaban.

            Josue 7:5                                           Espirituwal na kamatayan.

            Josue 7:5                                           Takot at kawalang pag-asa ng mga tao.

            Josue 7:6                                           Kawalang pag-asa ng lideratura.

Josue 7:7 Paglingon sa  “mabuti na nakaran na mga araw.”

            Josue 7:8-9:                                       Pagtatanong.

 

4. Maiisip mo na pagkatapos ng pagkatalo sa Ai, matututunan ni Josue ang kanayng aralin tungkol sa kawalan ng panalangin at pagtingin sa mga bagay ayon sa natural na pananaw. Basahin ang Josue 9 na muling binalikan ang istorya ng Gabaonita. Madidiskubre mo na si Josue ay muling nahulog sa katulad na patibong ng kalaban. Tinanaw niya ang kalagayan ng kanyang natural na pananaw at kumilos bago manalangin.

Tuwing ikaw ay makararanas ng pagkatalo hindi ka lamang dapat mapabuti mula dito, dapat kang palaging matuto rin mula dito para hindi ka muling babagsak sa magkatulad na atake.

 

5. Maaaring magtaka ka kung bakit ang buong pamilya ni Achan ay dapat mawasak. Nakita Ng Dios ang kahinaan kay Achan na naisalin sa kanyang pamilya. Ipinapaliwanag ng Biblia na ang mga kasalanan ng ama ay maaaring maisalin hanggang sa ikatlo at ika-apat na henerasyon (tingnan ang Exodo 20:15;  34:7; Deuteronomio 5:9).

 

Ngunit huwag matakot... Hindi ka dapat maapektuhan ng mga kasalanan ng iyong mga magulang at mga nuno. Dahil sa kamatayan Ni Jesus sa krus, ang sumpa ng kasalanan ng henerasyon ay maaaring masira. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagpapahid ng dugo Ni Jesus sa iyong buhay kung paano ang Israel ay nagpahid ng dugo ng kordero nang ang anghel ng kamatayan ay dumaan sa Egipto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGWALONG KABANATA

 

ANG ISTORYA NG TATLONG LUNSOD

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung bakit mahalaga na mapaglabanan ang espirituwal na higante sa iyong buhay.

·                    Kilalanin ang tatlong mga lunsod kung saan ang “kakaunti na mga higante” ay nanatili.

·                    Ipaliwanag ang mga resulta ng pagiwan ng mga higante sa tatlong lunsod na ito.

·                    Itala ang pitong mga paraan para sa pagpatay ng espirituwal na mga higante.

 

SUSING TALATA:

           

Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa Gaza, sa Gath, at sa Asdod laman, nagiwang siya ng ilan. (Josue 11:22)

 

PAMBUNGAD

 

Nang ang Israel ay pumasok sa Canaan, natagpuan nila ang mga higante sa lupain:

 

At doo’y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, na mula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin. (Mga Bilang 13:33)

 

Kung espirituwal na pag-uusapan, ang mga “higante” ay kumakatawan para sa malaking paghihirap na iyong haharapin sa buhay. Makatatagpo ka ng “higante” mga problema sa iyong pamilya, iglesya, panlipunan na pamumuhay, ministeryo, tranaho, at sa iyong sariling puso.

 

Matatagpuan mo ang mga higanteng ito sa daan ng tungkulin .  Nang ang Israel ay pasulong sila ay nakatagpo ng mga higante. Nang sila ay bumaling pabalik sa ilang, wala silang natagpuan. Kung ikaw ay nakatatagpo ng “higante” mga problema sa iyong buhay at ministeryo, ang mabuting balita ay ikaw ay umuunlad Sa Dios. Ikaw ay nasa hantungan ng iyong Canaan at kumikilos ng pasulong para angkinin ang mga pangako Ng Dios. Ang mga taong napakilos ay nakahaharap ng mga higante.

 

 

 

 

PAGWASAK SA MGA HIGANTE

 

Sinabi Ng Dios sa Israel na lubos na wasakin ang mga naninirahan sa Canaan, kasama ang mga higante. Ngunit ang Israel ay hindi nakinig sa babala Ng Dios:

 

At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo’y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, kailan ma’y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo:

 

At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Ngunit hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?

 

Kaya’t aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila’y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran, at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo. (Mga Hukom 2:1-3)

 

Nasakop ng Israel ang karamihan sa Canaan, ngunit may natira na “kakaunting mga higante” sa tatlong mga lunsod. Ang aralin na ito ay muling binabalikan ang “Istorya Ng Tatlong Lunsod” at kung paano ang mga higanteng ito ay naging “patibong at tinik” para sa Israel. Kung ang mga higante ng iyong buhay ay hindi maalis, ang mga ito ay magiging mga “patibong at mga tinik” sa iyong espirituwal na karanasan. Dahil dito, ipinapaliwanag ng aralin na ito ang mga “paraan ng pagpatay sa higante” na tutulong sa iyo na mapaglabanan ang mga higante sa iyong sariling buhay.

 

ANG ISTORYA NG TALONG MGA LUNSOD

 

Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa Gaza, sa Gath, at sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan. (Josue 11:22)

 

Ang mga Anakim ay pinahintulutan na manatili na kasama ng mga higante at kasama ng mga Cananeo kung saan sila inutusan Ng Dios na dapat mawasak. Pinahintulutan ng Israel ang mga “kakaunting higante” na manatili sa Gaza, Gath, at Ashdod. Sa bandang huli sa mga lugar na ito nagkaroon ng kaguluhan sa Israel, at nakuha natin ang ating “istorya ng tatlong mga lunsod.”

 

GAZA:

 

Basahin ang Mga Hukom 16. Sa Gaza natin matatagpuan ang anak Ng Dios , si Samson , ay nasa gulod. Sa lunsod kung saan ang higante ay napatawad, natagpuan ni Samson si Delilah at sa katagalan nawasak ang kanyang buhay at ministeryo. Hindi mahalaga kung gaano ka kalakas Sa Panginoon, kung ang higante ay pinahintulutan na manatili na hindi mapagtagumpayan, sila ay may kapasidad na magwasak sa iyong buhay at ministeryo.

 

 

 

ASHDOD:

 

Natutunan mo na ang tungkol sa lunsod ng Ashdod sa I Samuel 4-5 nang iyong pinagaralan ang tungkol sa pagalis ng kaluwalhatian Ng Dios mula sa Israel. Iyong matatandaan na ang Ashdod ay isa sa mga lunsod kung saan ang Filisteo ay kinuha ang Arko, ang sagisag ng presensiya at kaluwalhatian Ng Dios. Ito ang parehong Ashdod kung saan ang Israel ay nagiwan ng “kakaunting mga higante.”  Ang hindi napagtagumpayan na mga higante ay magnanakaw sa iyo sa kaluwalhatian ng presensiya Ng Dios.

 

GATH:

 

Isang masama tungkol sa pagiwan ng mga higante sa lupain ay ang mga “higante ay mag bubunga ng higante.” Sa I Samuel 17 ang mga anak Ng Dios ay nabihag ng isang higante na si Goliat. Si Goliat ay mula sa lunsod ng Gath, kung saan ang Israel ay nag-iwan ng kakaunting mga higante.”

 

Kung winasak ni Josue ang lahat ng mga higante sa pasimula, ang Isarael y hindi na makahaharap ng ganitong problema. Ngunit dito makikita natin na ang hukbo ng Israel ay nagtatago sa takot habang si Goliat ay lumalabas araw-araw para sila ay hamakin. Ang Israel ay nakaayos na sa pakikipaglaban (I Samuel 17:11). Mayroon silang sandata para sa pakikipaglaban at ang pagsasanay sa labanan ngunit sila ay hindi makakilos dahil sa higante, nabihag sa pangamba at takot (I Samuel 17:11).

 

Ang hindi napagtagumpayan na mga higante sa iyong buhay ay mamumunga ng maraming higante. Ang mga higanteng ito ay babalik para hamakin ka at sa katapusan ikaw ay mabibihag sa takot. Maaaring ang iyong espirituwal na sandata ay nakasuot sa iyo at nasanay ka sa espirituwal na pakikipaglaban, ngunit ikaw ay hindi makakakilos hanggat ikaw ay magtungo sa labanan at harapin ang higante.

 

MGA PARAAN NG PAGPATAY SA HIGANTE

 

May tao na dapat humarap sa higante! Ginamit Ng Dios ang batang lalake na ang pangalan ay si David, kung saan ang Espiritu at pahid  Ng Dios ay nananahan sa kanya. Ang “pamamaraan ng pagpatay sa higante” na ginamit ni David sa natural na pakikipaglaban na ito ay maaaring pairalin sa espirituwal na larangan sa iyong pagharap sa mga higante ng iyong sariling buhay.

 

UNA: MAGHANDA:

 

Para maharap ang mga higante sa iyong buhay, dapat kang maghanda sa mas maliit na labanan na iyong hinarap. Inalala ni David kung paano niya pinaglabanan ang leon at oso na umaatake sa tupa na kanyang inaalagaan (I Samuel 17:34-36). Alam niya na mahaharap niya ang kanyang higante dahil inihanda niya ang kanyang sarili sa “maliit na mga labanan” ng buhay.

 

Kung ikaw ay determinado na harapin ang higante, maging handa sa mga atake mula sa iba! Tandaan na ang mga lumalakad sa pananampalataya ay palaging sinusubok ng mga lumalakad sa takot. Si David ay inatake ng mga malalapit sa kanya, ang kanyang pamilya (I Samuel 17:28). Siya ay inatake ng lideratura (I Samuel 17:33) at siya ay kinutya ng mismong higante (I Samuel 17:44).

 

Kung ikaw ay naghanda para harapin ang mga higante sa iyong buhay, ang mga malalapit sa iyo, kasama ang iyong pamilya, maaaring umatake sila sa iyo. Maaring sabihin ng lideratura ito ay imposible. Ang mga higante mismo ay tutuyain ka. Ngunit kung espirituwal na inihanda mo ang iyong sarili sa maliit na mga labanan ng iyong buhay, ikaw ay may kompiyansiya na sabihin “Mapagtatagumpayan ko ang higanteng ito”!

 

IKALAWA: MAGPAHAYAG:

 

Si David ay may tamang pahayag. Kanyang ipinahayag ang kanyang kompiyansiya sa sinabi Ng Dios, “Alam ko Kaya kong mapagtagumpayan ang higanteng ito sa pangalan Ng Panginoon” (tingnan ang I Samuel 17:26,32,37, at 45-46).

 

IKATLO: PATUNAYAN:

 

Basahin ang I Samuel 38-40. Para ikaw ay maging matagumpay sa pagpatay sa mga higante, dapat mong mapatunayan ang iyong mga sandata. Sinikap ni Saul na damitan si David ng kanyang sariling baluti, ngunit hindi pa napatunayan ni David ang baluti ni Saul. Hindi mo mapagtatagumpayan ang mga higante batay sa ibang kapangyarihan o karanasan. Dapat mong ilagay ang buong baluti Ng Dios na inilarawan sa Efeso 6 at patunayan ito sa iyong sarili. Iyong “mapatutunayan” ang baluti Ng Dios sa iyong paggamit nito sa pagharap sa pang araw-araw na mga problema at hamon ng buhay, kaya kung ikaw ay humarap sa tunay na malaking mga higante ng buhay, ikaw ay handa.

 

IKA-APAT: LUMUSOB:

 

At nangyari nang ang Filisteo ay nagtindig, at  nagtungo at lumapit para katagpuin si David, si David ay nagmadali, at tumakbo tungo sa hukbo para katagpuin ang Filisteo (I Samuel 17:48). Ang iyong paghahanda ay maaaring mahusay, maaaring subok mo ang iyong baluti, at maaaring mahusay ng iyong pahayag ng pananampalataya Sa Dios. Ngunit kung ikaw ay tumakbo palayo sa higante, hindi mo siya kailanman malulupig.

 

Si David ay “tumakbo” tungo sa higante. Dapat mong tularan ito para mapagtagumpayan ang iyong kalaban. Dapat mong pasukin ang teritoryo ng kalaban. Walang posibleng tagumpay habang ikaw ay nakaupo, hindi kumikilos sa tabi ng bundok, nangangatwiran, nagkokompromiso, o nagdadahilan sa iyong patuloy na pagkatalo.

 

Nang ang 12 mga Israelita ay bumalik mula sa pagtiktik sa Canaan, Sinabi nina Josue at Caleb tungkol sa mga higante, “Sila ay tinapay para sa atin... kakainin natin sila.” Ibig sabihin, “Tayo ay magiging mas malakas at mapagtatagumpayan sila higit kung may mga higante na dapat mapagtagumpayan.” Maaari mong harapin ang higante, o hindi makakilos sa ilang. Kung iyong haharapin ang higante, ikaw ay magiging malakas kaysa kung walang higante na dapat mapagtagumpayan.

 

IKA-LIMA: TAMANG MOTIBO:

 

Kung iyong haharapin ang higante ng iyong buhay, dapat mo silang harapin nang may tamang motibo:

 

Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan kita, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang malaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:

 

At upang malaman ng buong kapisanan na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o sibat: sapagka’t ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay. (I Samuel 17:46-47)

 

Ang motibo ni David ay hindi para maangkin ang kaluwalhatian para sa kanya o ipakita kung gaano siya kalakas. Ang kanyang motibo ay para magbigay ng kaluwalhatian Sa Dios.

 

IKA-ANIM: GANAP NA MODELO:

 

Ang Dios ay may ganap na kaayusan sa tagumpay ni David. Ito ay tirador at limang makikinis na bato, ang una ay tinamaan ang nais niyang tamaan at lumagpak ang higante. Ang iyong higante ay kalaban Ng Dios at dapat kang lumaban gamit ang Kanyang sandata. Kahit ang sandata na inilarawan sa Efeso 6 ay mukhang hindi katulad ng limang mga bato para lupigin ang mga higante, ang mga ito ay mabisa! Hindi mo malalabanan ang espirituwal na mga higante ng natural , karnal na mga sandata. Dapat mong sundan ang ganap na kaayusan Ng Dios.

           

IKA-PITO: MANAIG:

 

Dapat kang makapanaig sa higante. Ang ibig sabihin nito dapat mo siyang lubos na wasakin. Nang ang higante ay lumagpak mula sa bato na itinira ni David, ang batang lalake ay nagmadali at  kinuha ang sariling espada ng higante at pinutulan niya ng ulo ito.

 

Kung ikaw ay lalaban sa paraan Ng Dios, gagamitn mo ang bagay na ipinanakot ng kalaban sa iyo para talunin siya. Ngunit tandaan, katulad ng istorya ng tatlong mga lunsod, dapat kang lubos na manaig sa higante o babalik ang kaguluhan sa iyo.

 

BUOD:

 

Para mapagtagumpayan ang mga higante dapat na ...

 

            -Maghanda nang tama.

            -Ipahayag ang kompiyansiya Sa Dios.

            -Patunayan ang iyong espirituwal na baluti.

            -Lumusob sa teritoryo ng higante.

            -Magkaroon ng tamang motibo.

            -Sundin ang ganap na halimbawa.

            -Manaig ng lubos sa kalaban.

 

Hinahadlangan ng mga higante ang pagkilos ng mga anak Ng Dios . Sila ay dapat na mapagtagumpayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

2.      Sa anong tatlong mga lunsod iniwan ni Josue ang “kakaunting mga higante” ?

 

_________________________  __________________________  _____________________

 

3.      Ano ang mga resulta ng pag-iwan ng kakaunting mga higante sa bawa’t lunsod na ito?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

4.      Ano ang mangyayari kung mag-iiwan ka ng hindi mapaglabanan na mga higante sa

     iyong buhay?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

5.      Itala ang pitong mga paraan ng pagpatay sa higante na tinalakay sa aralin na ito?

 

________________________________                    ________________________________

 

________________________________                    ________________________________

 

____________________________________

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Mayroon ka bang hindi mapagtagumpayan na mga higante sa iyong buhay? Kung mayroon, ano ang mga ito? Isulat ang mga ito sa ilalim:

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

Isipin kung paano mo gagamitin ang mga “paraan ng pagpatay sa higante” sa mga higante ng iyong buhay:

 

1.      Maghanda

2.      Ipahayag

3.      Patunayan

4.      Lumusob

5.      Tamang motibo

6.      Ganap na modelo

7.      Manaig

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGSIYAM KABANATA

 

ANG PAGPAPAKILOS BATAY SA KALOOB

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pagaralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahan na:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “batay sa kaloob” na pagpapakilos.

·                    Pakilusin ang iyong iglesya batay sa espirituwal na mga kaloob.

·                    Ipaliwanag kung paano isinisiwalat ng pagtataya kung ang tao ay tamang nailagay sa lugar sa ministeryo.

·                    Kilalanin ang susi sa paggamit ng espirituwal na mga kaloob.

 

SUSING TALATA:

           

Ngayon tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam. (I Corinto 12:1)

 

PAMBUNGAD

 

Ang kursong ito ay nakatuon sa espirituwal na mga bagay na kinakailangan para mapakilos ang mga tao sa gawain ng ministeryo. Lumipat sa “Mga Nilalaman” ng manwal na ito at pag- balik aralan ang pamagat ng mga kabanata. Ang bawa’t mga aralin ay bahagi ng proseso ng pagpapakilos. Kung iyong naunawaan at gamitin ang mga prinsipyo ng pagpapakilos, mapakikilos mo ang iyong sarili at iba na nakapalibot sa iyo.

 

Ang huling aralin na ito ng “Mga Paraan Ng Pagpapakilos”  ay tungkol sa “Batay sa Kaloob na Pagpapakilos.” Kung ikaw ay lider ng iba, ang aralin na ito ay mahalagang mahalaga. Ito ay nagbibigay ng praktikal na panuntunan para akayin ang grupo ng espirituwal na nabunsod na mga tao at aktuwal na pakilusin sila sa praktikal na paraan para sa gawain ng ministeryo.

 

BATAY SA KALOOB NA PAGPAPAKILOS

 

Ang iglesya ay maaaring ma organisa sa maraming magkakaibang mga paraan. Ito ay maaaring mangyari ayon sa mga naisin ng denominsayon o ng mga matatanda sa lokal na iglesya. Ito ay maaaring ma organisa sa paraan na kung ano ang nadarama na pinakamabisa ng pastor o espirituwal na mga lider . Ang ibang mga iglesya ay hindi organisado at ang pagkalito ang naghahari!

 

Para tunay na mabisang puwersa para Sa Dios, ang iglesya ay dapat ma organisa batay sa espirituwal na mga kaloob. Ang espirituwal na mga kaloob ay naghahanda sa atin para sa gawain ng ministeryo. Ang bawa’t pangkalahatang ministeryo ay dapat ma organisa at mapakilos batay sa mga natatanging mga kakayahan na ibinigay Ng Dios para sa gawain ng ministeryo.

 

Ang “batay sa kaloob na pagpapakilos” ay paraan ng pag organisa ng grupo ng mga tao para sa gawain ng ministeryo batay sa kanilang mga espirituwal na mga kaloob. Ang sistema na naka balangkas dito ay mahalaga para patnubayan ang mga tao para magawa kung ano ang tawag Ng Dios at maihanda sila na gawin ito.

 

Ang layunin ay hindi lamang mapunan ang bakante na mga tungkulin sa ministeryo o para “maisama ang mga tao.” Ito ay para patnubayan na may panalangin ang  mga mananampalataya sa mga bahagi ng paglilingkod kung saan ang kanilang espirituwal na mga  kaloob at karanasan ay pinakamabuting makapaghahanda sa kanila. Ang resulta ay ang buong Katawan ay gumagawa ng magkakasama sa paraan na idinesenyo Ng Dios para dito.

 

May tatlong pangunahing mga hakbang para sa batay sa kaloob ng pagpapakilos:

 

1.      Patnubayan ang mga tao na matuklasan ang kanilang espirituwal na mga kaloob.

2.      Kilalanin ang pangangailangan sa ministeryo.

3.      Iangkop ang mga tao sa tamang mga kaloob sa mga kinilalang pangangailangan.

 

UNANG HAKBANG: TUKLASIN ANG ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB:

 

Para iyong mapatnubayan ang  mga tao sa pagtuklas ng kanilang espirituwal na mga kaloob dapat ikaw at ang iyong mga tagasunod ay may kaalaman tungkol sa espirituwal na mga kaloob.

 

Ang Harvestime International Network ay nagaalok ng kursong may pamagat na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo”  na nagbibigay ng detalyeng panuto sa iba’t ibang espirituwal na mga kaloob. Kung iyong kinukuha ang mga kurso ng Harvestime ayon sa iminungkahing kaayusan, natapos  mo na ang kursong ito.

 

Tinalakay ng “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo” ang bawa’t espirituwal na kaloob at nagbigay ng pagsusuri para matulungan ka sa pagtuklas ng espirituwal na mga kaloob. Aming iminumungkahi na kunin ang kursong ito at ituro ito sa iyong iglesya bago subukin na mag organisa batay sa kaloob na pagpapakilos. (Kung wala ka ng kursong ito at hindi ka makakuha nito, ang maikling buod ng espirituwal na mga kaloob ay kasama sa “Apendise” ng kursong ito.)

 

Manalangin at patnubayan ang bawa’t kaanib ng iyong iglesya sa labing-apat na mga hakbang ng espirituwal na kaloob sa pagtuklas na inilarawan sa Apendise ng manwal na ito. Kasama sa mga hakbang na ito ang :

 

            Unang Hakbang:            Pagiging born again.

           

            Ikalawang Hakbang:            Pagtanggap ng bautismo Ng Espiritu Santo.

 

            Ikatlong Hakbang:            Magtamo ng kaalaman tungkol sa espirituwal na mga kaloob.

 

            Ika-apat na Hakbang:            Pansinin ang ganap na mga halimbawa ng mga kaloob.

 

Ika-limang Hakbang: Hanapin ang espirituwal na kaloob sa pamamagitan ng pag-aayuno at panalangin.

 

Ika-anim na Hakbang:  Pagpatong ng iyong mga kamay sa kanila at hilingin Sa Dios  na ipahayag ang kanilang mga kaloob.

 

Ika-pitong Hakbang: Pansariling pagsusuri ng espirituwal na kinawiwilihan.

 

Ika-walong Hakbang: Pagsusuri mo, bilang espirituwal na lider.

 

Ika-siyam na Hakbang: Pansariling pagsusuri ng nakaraan na Kristiyanong paglilingkod.

 

Ika-sampong Hakbang:  Pagkatapos ng espirituwal na palatanungan na ibinigay sa Harvestime na kurso na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”

 

Ika-labingisang Hakbang: Pagkilala sa espirituwal na mga kaloob na maaaring mayroon sila.

 

Ika-labing dalawang Hakbang:  Pagbibigay sa kanila ng mga talaan ng kinakailangan sa ministeryo ng iglesya.

 

Ika-labing tatlong Hakbang: Tulungan silang iangkop ang kanilang espirituwal na kaloob sa pangangailangan ng ministeryo.

 

Ika-labing apat na Hakbang:  Pagsasagawa ng “follow up” na pagtaya ng kanilang  ministeryo sa lugar.

 

Pagkatapos na ikaw ay nakapanalangin na sa pagsusuri ng espirituwal na mga kaloob ng mga kaanib ng iglesya sa kongregasyon, gumawa ng tsart na nagpapakita ng mga pangalan ng mga kaanib at espirituwal na kaloob na ipinahayag Ng Dios sa bawa’t isa. Gamitin ang “form” na ibinigay sa “Para sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng aralin na ito.

 

IKALAWANG HAKBANG: KILALANIN ANG PANGANGAILANGAN SA MINISTERYO:

 

Ngayon dapat mong kilalanin ang pangangailangan sa ministeryo sa inyong iglesya. Ano ang pangkasalukuyan na mga pangangailangan ? Anong tungkulin sa inyong iglesya ang hindi pa napupunan?  Anong bagong mga ministeryo ang pinaniniwalaan mo na pasisimulan sa iyo Ng Panginoon na kinakailangan mo ng manggagawa?  Narito ang ilan na posibleng kakailanganin sa ministeryo:

 

Pagbibisita: Sa may sakit, bagong dalo sa iglesya, mga kaanib ng iglesya, ospital., balo,  mga bilanggo, nagdadalamhati, tahanan para sa mga matanda..

           

Panghihikayat ng kaluluwa: Bahay-bahay, “evangelistic services”, krusada, “open air services”.

 

            “Follow up” na ministeryo: Para sa bagong nahikayat.

 

Manggagawa sa opisina/ suporta sa pamamahala:  Pagmamakinilya, pagguhit (sining), “filing”, pagbuo, pagpaparami ng materyal, mga sulat, telepono, mga talaan.

 

Kagandahang loob:  Pagluluto ng mga pagkain sa tirahan para sa mga nangangailangan o para sa bumibisitang mga pastor, ebanghelista, mga Kristiyano.

 

            Ministeryo para sa mahihirap:  Pagbibigay ng pagkain, damit, at tirahan.

 

Pagiingat ng Gusali Ng Iglesya:  Pagaayos ng hardin, pag pipinta, karpentero, kuryente, tubero, paglilinis.

 

Musika:  Koro, mga instrumento, tagapagpaawit, natatanging grupo sa musika, soloista, pagsusulat ng musika.

           

            Produksiyon na drama na pang relihiyon.

 

Pananalapi:  Pagtataguyod ng pondo, “accounting”, pagpaplano para sa mga ministeryo.

           

Pagsusulat:  Kristiyanong mga aklat, pulyeto, babasahin, peryodiko, artikulo sa magasin., tula.

 

“Multi-media”:  “Audio at video tapes”, radyo, telebisyon, “satellite” na pamamalita.

 

Pagpapayo:  Pangkalahatang pagpapayo o tiyak na mga grupo; pagpapayo sa telepono.

 

Ministeryo sa natatanging mga grupo: Bingi, bulag, may karamdaman sa isip, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, umiinom ng mga inumin na may alkohol, manggagawa sa ibang bansa, mga barkada, inang walang asawa, bakla, mga Hudyo, minoridad na grupo, kababaihan, kalalakihan, mga pamilya, mga magaasawa, inabusong mga anak, naglayas, napaalis sa paaralan, walang pinagaralan, bilanggo, militar, mga bata, kabataan, mga matanda.

 

Opisyales ng Iglesya: Mga matatanda, diakono/ diakonisa, guro sa panlingguhan na pag-aaral, “usher”, komite katulad ng “building”, pananalapi, at iba pa.

 

Pagsasalin:  Biblia, Kristiyanong babasahin.

 

Kristiyanong Edukasyon: Panlingguhan na pag-aaral, pagaaral ng Biblia tuwing bakasyon, Kristiyanong paaralan para sa mga bata, elementarya, mataas na paaralan, kolehiyo: pagsasanay para sa layko ginagamit ang mga kurso ng Harvestime International Institute, pag-aaral ng Biblia sa tahanan.

 

Misyonero/ Pagtatayo ng Iglesya:  Sa mga hindi pa naaabot na mga tao sa inyong rehiyon/ bansa.

 

Literatura: Kristiyanong aklatan, tindahan ng aklat, pagbabahagi ng Biblia at Kristiyanong babasahin.

 

Mga “camp at retreat”.

 

Pagkatapos na iyong makilala ang iba’t ibang pangangailangan sa ministeryo, magsulat ng maikling larawan ng mga responsabilidad ng bawa’t ministeryo. Narito ang isang halimbawa:

 

Ministeryo ng pagbibisita: Bawa’t Martes ng gabi magbisita ng mga kaanib ng iglesya na may sakit, nasa ospital, o kailangan ng magpapalakas ng loob at panalangin. Gumawa ng nakasulat na ulat bawa’t Linggo sa pastor tungkol sa resulta ng mga pagbibisita.

 

Ang kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na “Pangangasiwa Batay Sa Layunin” ay nagbibigay ng detalyeng impormasyon kung paano magsulat ng paglalarawan ng ministeryo.

 

Pagkatapos alamin kung anong espirituwal na kaloob ang magiging mahalaga para matagumpay na matupad ang ministeryong ito. Halimbawa, ang isang nagbibisita ay maaring mangailangan ng kaloob ng kagalingan o pangangaral (pagpapayo). Gamitin ang tsart sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng aralin na ito para tulungan ka na kilalanin ang pangangailangan sa ministeryo, pagsusulat ng paglalarawan, at kilalanin ang kinakailangan na espirituwal na mga kaloob para matagumpay na matupad ang bawa’t ministeryo.

 

IKATLONG HAKBANG: IANGKOP ANG MGA TAO, KALOOB, AT MGA KAILANGAN:

 

Kung natapos mo ang mga una at ikalawang hakbang, ikaw ay may ...

 

1.      Talaan ng bawa’t tao sa inyong iglesya at ang kanilang espirituwal na mga kaloob.

 

2.      Talaan ng tungkulin ng ministeryo na dapat mapunan, ang paglalarawan ng responsabilidad ng bawa’t isang pangangailangan ng ministeryo, ang mga espirituwal na mga kaloob na kinakailangan para sa bawa’t ministeryo.

 

Ikaw ay handa na na itugma ang tao sa tamang mga kaloob sa mga pangangailangan sa ministeryo na iyong nalaman. Gamitin ang “form” na ibinigay “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng aralin na ito. Ang iyong layunin ay itakda ang bawa’t tao para punan ang ministeryo kung saan ang kanyang espirituwal na mga kaloob ay makatutulong sa kanya na mabisang manungkulan.

 

Karamihan sa mga tao ay nais na ipanalangin ang tungkol sa ibinibigay na tungkulin bago tanggapin ito.Tiyakin na bigyan sila ng sipi ng paglalarawan ng ministeryo para malaman nila ang responsabilidad ng posisyon. Ang mga tao na tumanggi sa posisyon  ng ministeryo  na inaalok ay dapat na katagpuin muli para talakayin ang ibang posibleng daluyan ng paglilingkod.

 

Kung may tungkulin sa ministeryo na natuklasan na walang may kaloob na kaanib, mayroon kang dalawang maaaring gawin:

 

1. Ipanalangin kung ititigil o ipagpapaliban ang ministeryo hanggang may tamang may kaloob na mananampalataya ang maaaring gumawa nito.

 

2. Kung ang ministeryo ay mahalaga, pansamantalang punan ang tungkulin ng tao na may kaloob ng pangangasiwa. Ang tao na may ganitong kaloob ay kadalasang maipapalit na pansamantala, habang ang kaloob ng pangangasiwa ay makatutulong para gumawa ng responsabilidad para sa iba.

 

PAGTAYA

 

Pirmihan na tayahin ang bawa’t kaanib at ang kanilang ministeryo. Malalaman mo na ang tao ay nasa tamang lugar batay sa mga kaloob kung ...

 

-Siya ay namumunga sa ministeryo na kanyang pinaglilingkuran. Ang ibig sabihin nito makakakita ka ng positibong mga resulta sa kanyang ministeryo.

 

-Kung ginaganap niya at nasisiyahan sa ministeryo. Kung siya ay bigo, maaari siyang naglilingkod sa ministeryo na hindi niya kaloob.

 

-Kung ang naririnig mong ulat mula sa mga taong kanyang pinaglilikuran ay positibo na nagpapakita na siya ay mabisa sa tungkulin na kanyang pinaglilingkuran.

 

Kung ang tao ay hindi mabisa sa kanyang ministeryo na kanyang pinaglilingkuran, katagpuin muli sila para talakayin at ipanalangin ang tungkol sa kanilang espirituwal na mga kaloob. Patuloy na subukin hanggang ikaw ay maging matagumpay. Mas mabuti na magkaroon ng bahagyang pagoorganisa paminsan minsan sa halip na ang mga tao ay hindi makakilos sa upuan ng iglesya! Ang paminsan minsan na pagtaya ay makatutulong sa iyo na malaman ang kailangan na idagdag na ministeryo  habang ang iglesya ay lumalago.

 

ANG SUSI PARA SA PAGGAMIT NG MGA KALOOB

 

Maaaring magtagal para sa iyo ang muling mag-organisa sa inyong iglesya at mapakilos batay sa espirituwal na mga kaloob. Huwag panghinaan ng loob kung makatagpo ka  ng mga tao na hindi bukas sa pagbabago at nais na nila ang paraan na kanilang ginagawa sa loob ng “huling 40 taon”! Sa ganitong mga kaso, tandaan na ang susi para magamit ang lahat ng espirituwal na mga kaloob ay pag-ibig. Ipinakilala ni Pablo ang susing ito nang tinalakay niya ang mga kaloob ng Espiritu Santo. Sinabi niya...

 

...Datapuwa’t maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan. (I Corinto 12:31)

 

Basahin ang I Corinto 13 na nagpapaliwanag ng “pinakadakilang paraan.” Maaari kang mag propesiya, mayroong mga kaloob ng kagalingan, pananampalataya, pagbibigay, at iba pa, lahat ay kumikilos sa inyong iglesya, ngunit kung walang pag-ibig, sila ay hindi magiging mabisa. Ang mga kaloob ay hindi magiging pakinabang kung ito ay ginamit ng walang pag-ibig. Ang pagsasalita ng ibang wika ay nagiging maingay na kalatog. Ang bawa’t kaloob ay walang halaga, “kung walang nakikinabang,” kundi ito, ginamit na may pag-ibig. Ang pagpapakilos ng iglesya batay sa espirituwal na mga kaloob ay hindi rin pakinabang kung hindi ito naitatag sa pag-ibig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.   Ano ang pagpapakilos “batay sa kaloob” ?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

3. Isulat ang tatlong hakbang para sa pagpapakilos ng iglesya batay sa espirituwal na mga kaloob.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

4. Paano mo malalaman kung ang tao ay tamang nailagay sa lugar sa ministeryo.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

5. Ano ang susi para gamitin ang espirituwal na mga kaloob?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa  pagsusulit ay nasa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Kung nahihirapan ka sa mga tao sa iglesya habang iyong sinisikap na itatag ang batay sa kaloob na pagpapakilos, itanong sa kanila ang mga tanong na ito:

 

-Ilang porsiyento ng ating mga kaanib  ang aktibong kasama sa Kristiyanong paglilingkod?

 

-Sino ang may responsabilidad para mangalap ng mga tao para punan ang mga kakulangan sa ministeryo?

 

-Tayo ba ay pirmihan na lumalago sa iba’t ibang ministeryo sa ating komunidad? Ating bansa? Ating mundo?

 

-Kulang ba tayo sa sapat na mga manggagawa para anihin ang espirituwal na anihin?

 

-Ang atin ba na mga susing posisyon sa lideratura ay bakante?

 

-Ang ilan ba sa mga tao natin na naglilingkod sa iba’t ibang ministeryo ay bigo?

 

-May sistema ba tayo para ilagay ang ating mga bagong nahikayat at bagong kaanib ng iglesya  sa ministeryo?

 

-Ano ang ginagawa ng iglesya para hikayatin ang mga tao para tuklasin , paunlarin, at gamitin ang kanilang espirituwal na mga kaloob?

 

-Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay makatutulong sa iyo na mahikayat ang iba na kailangan ang pagbabago.

 

2. Gamitin ang mga tsart sa sumusunod na mga pahina habang iyong napakikilos ang iglesya batay sa espirituwal na mga kaloob:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

BATAY SA KALOOB NA PAGPAPAKILOS

 

Buod ng Kaloob ng Pagkakasapi

 

1. Itala ang pangalan ng bawa’t kaanib sa unang hanay .

 

2. Sa ikalawang hanay, isulat ang posisyon na kanilang ginagawa sa iglesya, kung mayroon. (Maaari mong makita ang ilan sa mga tao na kasalukuyan  na naglilingkod sa posisyon ay hindi angkop para sa mga posisyon na ito).

 

3. Batay sa patnubay na ibinigay sa Ika-labingsiyam na Kabanata at ng Apendisa ng kursong ito, kilalanin ang kanilang espirituwal na mga kaloob at isulat ang mga ito sa ikatlong hanay.

 

      (1)                                                           (2)                                                  (3)

Pangalan                     Kasalukuyang Posisyon Sa Iglesya             Espirituwal Na Kaloob

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

BATAY SA KALOOB NA PAGPAPAKILOS

 

Kailangan Na Ministeryo

 

1. Unang hanay, kilalanin ang pangangailangan sa ministeryo.

 

2. Sa ikalawang hanay, ilarawan ang mga responsabilidad sa tiyak na posisyon ng ministeryo.

 

3. Sa ikatlong hanay, kilalanin ang espirituwal na mga kaloob na kinakailangan para mabisang matupad ang minsteryong ito.

 

            (1)                                            (2)                                                       (3)

 

Kailangan na             Responsabilidad                   Kinakailangan Na Espirituwal

Ministeryo                                                                              Na Mga Kaloob

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

BATAY SA KALOOB NA PAGPAPAKILOS

 

Pagtutugma Sa Mga Tao, Pangangailangan, At Mga Kaloob

 

1. Isulat ang pangalan sa unang hanay.

 

2. Isulat ang kasalukuyang posisyon sa ministeryo sa ikalawang hanay.

 

3. Isulat ang kanilang espirituwal na mga kaloob sa ikatlong hanay.

 

4.  Isulat ang kanilang bagong posisyon ng ministeryo sa ika-apat na hanay. (Makikita mo na ang ilang mga tao na kasalukuyang humahawak ng posisyon ay maayos na tugma sa kanilang ministeryo at sa kanilang posisyon ay mananatiling magkatulad).

 

      (1)                                      (2)                                            (3)                                      (4)

Pangalan             Kasalukuyang  Posisyon          Espirituwal Na Mga                   Bagong

                                                                                    Kaloob                                                 Posisyon

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

APENDISE

 

Ang mga sumusunod ay maikling buod ng mga kaloob ng Espiritu Santo. Para sa dagdag na talakayan ng paksa at makatutulong na pagsusuri na “forms” kunin ang kurso ng Harvestime International Institute na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”

 

MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO

 

Iniwan Ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod ng responsabilidad na palawakin ang mensahe ng Ebanghelyo sa dulo ng mundo. Ang kapangyarihan Ng Espiritu Santo ay tutulong sa kanila na matupad ang gawain na ito (Mga Gawa 1:8). Hindi iniwan Ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod ng napakalaking responsabilidad ng walang ibinigay sa kanila na kakayahan para matupad ang hamon na ito. Ang espirituwal na mga kaloob ay makalangit na kakayahan na ibinigay Ng Espiritu Santo para magkaroon ng kapangyarihan ang mga mananampalataya para maging mabisang saksi ng Ebanghelyo.

 

May pagkakaiba sa pagitan ng espirituwal na mga kaloob at natural na talento. Ang talento ay natural na kakayahan na minana sa kapanganakan o napaunlad sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang espirituwal na kaloob ay makalangit na kakayahan na hindi galing sa mana o pagsasanay. Ito ay natatanging kakayahan na ibinigay Ng Espiritu Santo para magamit para sa tiyak na espirituwal na mga layunin.

 

Posible na ang natural na talento ay maaaring pahintulutan (sinangayunan at pinagpala) Ng Espiritu Santo pagkatapos na ang isang tao ay maging mananampalataya. Kung ito ay mangyari ang talento ay magiging kaloob gayon din naman ang talento. Halimbawa, ang isang tao ay may natural na talento sa pangangasiwa dahil sa pagsasanay na kanyang natanggap. Pagkatapos ng bautismo Sa Espiritu Santo ang natural na talentong ito ay pahihintulutan (sangayunan) ng Espiritu Santo at siya ay maaaring magamit sa espiirtuwal na kaloob ng pangangasiwa.

 

Ang espirituwal na mga kaloob ay nagbibigay ng espirituwal na kakayahan na mas dakila sa pinakamahusay na natural na mga talento. Kahit dapat nating gamitin ang lahat ng natural na mga talento para sa gawain Ng Panginoon, kailangan pa rin natin ng espirituwal na mga kaloob.

 

MGA LAYUNIN NG MGA KALOOB

 

Ang mga layunin ng mga kaloob ng Espiritu Santo ay nakasulat sa Efeso 4:12-15. Basahin ang talatang ito sa iyong Biblia. Ayon sa talatang ito, ang mga layunin ng Espiritu Santo ay para:

 

            -Gawing ganap ang mga mananamaplataya

            -Paunlarin ang gawain ng ministeryo.

            -Patibayin Si Cristo at ang iglesya.

 

Ang mga layuin o pakay ng espirituwal na mga kaloob upang tayo ay

           

-Magkaisa sa pananampalataya

            -Umunlad sa kaalaman Kay Cristo.

            -Umunlad sa kaganapan, Kay Cristo bilang ating modelo.

            -Maging matatag, di nalinlang ng maling mga katuruan.

            -Maging espirituwal na ganap Kay Cristo.

 

PAMAMAHAGI NG MGA KALOOB

 

Ang bawa’t mananampalataya ay may pinakakaunti na isang espirituwal na kaloob (I Pedro 4:10). Dahil ang bawa’t mananampalataya ay may isang espirituwal na kaloob, ang bawa’t isa sa atin ay may responsabilidad na dapat tuklasin at gamitin ang ating kaloob. Hindi ka mahuhukuman kung gaano karami ang iyong espirituwal na kaloob. Ikaw ay mahuhukuman kung gaano mo katapat na ginamit ang iyong espirituwal na kaloob o mga kaloob na ibinigay sa iyo. Ang talinghaga ng mga talento sa Mateo 25:14-30 ay nagpapatunay sa katotohanan na ito.

 

May maraming espirituwal na mga kaloob, ngunit walang mananampalataya na mayroon ng lahat ng mga kaloob Ng Espiritu Santo (tingnan ang I Corinto 12:29-30). Ang isang tao ay maaaring may higit sa iisang kaloob, ngunit walang isa na mayroon ng lahat ng mga kaloob Ng Espiritu. Kung mayroon siya., hindi na niya kailangan ang iba sa Katawan Ni Cristo.

 

Itinuturo ng Biblia na maraming mga kaloob na galing sa isang pinanggagalingan. Ang pinanggagalingan ng espirituwal na kaloob ay Ang Espiritu Santo. Siya ang nagbibigay at nagpapakilos sa mga kaloob na ito sa buhay ng mga mananamaplataya (tingnan ang I Corinto 12:4-7 at Roma 12:6-8). May iisang pinanggagalingan ng espirituwal na mga kaloob ngunit marami at iba’t iba ang mga kaloob. Walang kaloob na mas mahalaga sa isa.

 

Ang iyong posisyon sa Katawan Ni Cristo ay inihambing sa mga bahagi ng katawan ng tao. Katulad ng katawan ng tao, ang maliit na mga bahagi katulad ng mata ay may mahalagang tungkulin, ang waring “maliit” na kaloob ay kadalasan ay talagang mahalaga sa gawain ng iglesya. Ang ilang mga kaloob ay kasama ang malaking responsabilidad, ngunit walang kaloob ang mas mahalaga kaysa sa isa.

 

Ang ilang bahagi ng katawan ng tao ay mayroong mas malaking responsabilidad kaysa sa iba. Halimabwa, ang mata ay tumutulong sa iyo na makita ang nakapalibot sa iyo. Pinapatnubayan ka sa iyong paglakad. Pinahihintulutan ka na makabasa at makita at matuwa sa nilikha Ng Dios. Ang mata ay may malaking responsabilidad, ngunit hindi ito mas mahalaga sa hinlalaki na nagbibigay ng balanse sa paglakad. Ang patnubay ng mata para sa paglakad ay walang kabuluhan kung wala kang paa kung saan ka naka kalakad. Ang tungkulin ng mata para makabasa ay walang kabuluhan kung walang utak para maunawaan kung ano ang iyong binasa.

 

Kung minsan ang hindi pagkakaunawaan ay nangyayari sa Iglesya kung ang mga mananamaplataya ay hindi alam ang espirituwal na kaloob ng iba. Halimbawa, ang isang tao ay may kaloob ng pangangasiwa at naging masyadong walang pagtitiyaga sa mga tao na hindi masyadong organisa.

 

Ang bawa’t mananampalataya ay dapat gamitin ang kanyang espirituwal na mga kaloob para makagawa kasama ng ibang mga mananampalataya na mayroong ibang mga kaloob. Kung ito ay mangyayari, ang Iglesya ay mabisang gagawa bilang Katawan Ni Cristo.

 

KATIWALA NG MGA KALOOB

 

Ikaw ay katiwala lamang ng espirituwal na mga kaloob. Ang isang katiwala ay isang tao na hindi nagmamayari ng kanyang ginagawa. Ginagamit niya ang isang bagay na ibinigay sa kanyang ng ibang tao. Kanyang ginagamit ito sa ngalan ng tao na nagbigay nito sa kanya (I Corinto 4:1;  I Pedro 4:10). Bilang katiwala, ikaw ay huhusgahan bataya sa iyong katapatan sa paggamit ng iyong mga kaloob na ibinigay sa iyo (I Corinto 4:2)

 

ANG MGA KALOOB NG ESPIRITU

 

Ang pangunahing mga talata na kinilala ang espirituwal na mga kaloob ay nakatala sa ibaba:

 

            -Roma 12:1-8

            -I Corinto 12:1-13

            -Efeso 4:1-16

            -I Pedro 4:7-11

 

Para sa layunin ng pag-aaral aming hinati ang mga kaloob sa apat na mga pangunahing pangkat:

 

            -Natatanging mga Kaloob

            -Nangungusap na mga Kaloob 

            -Paglilingkod na mga Kaloob

            -Palatandaan na mga Kaloob

 

Ang Biblia ay hindi gumawa ng ganitong paghahati ng mga kaloob. Ginawa namin ito para matulungan ka na matandaan ng mas madali ang iba’t ibang mga kaloob. Narito ang mga talaan ng iba’t ibang mga kaloob.

 

NATATANGING MGA KALOOB:

 

Ang unang grupo ng mga espirituwal na mga kaloob na tinawag natin  na “natatanging mga kaloob.” Ginamit natin ang pamagat na ito para sa mga kaloob na ito dahil ang bawa’t isa ay natatanging posisyon ng lideratura sa iglesya. Ang natatanging kaloob ng lideratura ay mga:

 

Apostol: Ang apostol ay isang tao na may natatanging kakayahan na magbuo ng bagong mga iglesya sa iba’t ibang mga lugar at kultura at para pamahalaan ang ilang bilang ng mga iglesya bilang tagapangasiwa. Ang ibig sabihin ng apostol ay “isang kinatawan, isang ipinadala na may lubos na kapangyarihan at awtoridad na gumawa para sa isang tao.” Ang apostol ay may natatanging awtoridad o kakayahan na mapalawak ang Ebanghelyo sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng organisadong katawan ng mga mananampalataya. Ang makabagong termino na ginagamit ng iglesya para sa apostol ay misyonero at tagapagtanim ng iglesya.

 

Propeta: May dalawang kaloob ng propeta. Ang isa ay natatanging kaloob ng pagiging propeta. Ang iba ay pagsasalita ng kaloob ng propesiya. Sa pangkalahatan, ang propesiya ay patungkol sa pagsasalita sa ilalim ng natatanging inspirasyon Ng Dios. Ito ay natatanging kakayahan para makatanggap at maparating ng mabilis ang mensahe Ng Dios sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng “divinely- anointed utterance”/ makaDios na may pahid na pagsasalita. Ang “propeta” ay lider sa iglesya gayundin ang pagkakaroon ng nangungusap na kaloob ng propesiya.

 

Ebanghelista: Ang ebanghelista ay may natatanging kakayahan para magbahagi ng Ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya sa paraan na ang lalake at babae ay tumutugon at maging responsableng kaanib ng Katawan Ni Cristo. Ang ibig sabihin ng salitang “ebanghelista” ay “ang isang tao na nagdadala ng mabuting balita.”

 

Pastor: Ang mga pastor ay mga lider na manungkulan ng personal na responsabilidad sa mahabang panahon para sa espirituwal na kapakanan ng grupo ng mga mananampalataya. Ang pastor ay espirituwal na nag-aalaga sa mga nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan, tinuturuan sila ng Salita Ng Dios at nag miministeryo sa kanilang personal at espirituwal na mga pangangailangan.

 

Guro: Ang mga guro ay mga mananampalataya na may natatanging kakayahan ng mabisang pagpaparating ng Salita Ng Dios sa paraan na ang iba ay natututo at gawin kung ano ang itinuro. Ang natatanging kaloob ng pagiging guro ay kakaiba mula sa nangungusap na kaloob ng pagtuturo kung paano ang pagiging propeta ay kakaiba sa nangungusap na kaloob ng propesiya. Lahat ng mga mananampalataya ay walang natatanging kaloob ng pagtuturo o ang nangungusap na kaloob ng pagtuturo. Ngunit ang lahat ng mananampalataya ay dapat makasama sa pagtuturo ng pangunahing mensahe ng Ebanghelyo (hebreo 5:12).

 

NANGUNGUSAP NA MGA KALOOB:

 

Limang mga kaloob ang binigyan ng pamagat ng “nangungusap na mga kaloob” dahil ang lahat ng ito ay kasama ang pagsasalita ng malakas. Ang limang nangungusap na mga kaloob ay:

 

Propesiya:  Ang tao na may kaloob ng propesiya ay nagsasalita sa pamamagitan ng natatanging inspirasyon Ng Dios para sabihin nang madalian ang mensahe sa Kanyang mga anak. Ang nangungusap na kaloob ng propesiya lamang ay hindi ibig sabihin na ikaw ay may natatanging kaloob ng pagiging propeta. Ang Dios ay nagtatag ng propeta (na mayroon ding kaloob ng propesiya) sa natatanging posisyon ng lideratura sa iglesya. Kahit sila ay nag propesiya ng katulad ng propeta, ang mga tao na may kaloob ng propesiya ay walang natatanging posisyon ng lideratura ng isang propeta. Sila ay simple lamang nagpapahatid ng mga mensahe sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu Santo.

 

Pagtuturo: Katulad ng halimbawa sa mga propeta at propesiya, ang nangungusap na kaloob ng pagtuturo ay hindi ibig sabihin na ang tao ay may natatanging kaloob ng pagiging guro. Ang Dios ang nagtatag ng mga guro (na mayroon ding kaloob ng pagtuturo) sa natatanging posisyon ng lideratura sa iglesya. Ang nangungusap na kaloob ng pagtuturo ay kasama ang paghahatid ng Salita Ng Dios ngunit hindi kasama ang lideratura sa Iglesya kung paano ang lideratura na kaloob ng pagiging guro.

 

Pangangaral: Ang kaloob ng pangangaral ay kakayahan na maakay na lumapit sa isahan sa oras ng pangangailangan, tamang pagpapayo sa kanila ng Salita Ng Dios. Ang literal na kahulugan ng salitang”pangangaral” ay bukod na tawagin ang isang tao, para payuhan, bilinan, pagsabihan, pasiglahin, o aliwin. Ang pangangaral ay kakayahan na magbigay ng matalinong espirituwal na payo. Ang mga tao na may ganitong kaloob ay nagmiministeryo ng mga salita ng kaaliwan, kasiyahan, at pagpapasigla sa paraan na ang iba ay natulungan. Ang makabagong termino para sa kaloob na ito ay ang “kaloob ng pagpapayo.”

 

Salita Ng Katalinuhan: Ang salita ng katalinuhan ay kakayahan na makatanggap ng maliwanag na pagkaunawa kung paano ang kaalaman ay maiangkop sa tiyak na mga pangangailgann. Kung mabigyan ng mga katotohanan sa anumang kalagayan, ang isang tao na may ganitong kaloob ay alam kung paano iaangkop ang mga katotohanan para magbigay ng matalinong lunas. Ang salita ng katalinuhan ay makalangit na maliwanag na pagkaunawa sa mga tao at mga kalagayan na hindi nakikita ng pangkaraniwan na tao. Ang ibinigay na katalinuhan Ng Dios ay isinama sa pagkaunawa kung ano at paano gawin ang isang bagay. Ang kaloob na ito ay hindi tinawag na “ang kaloob ng katalinuhan”dahil ito nagbibigay ng isa na kabuuang katalinuhan Ng Dios. Ito ay salita ng katalinuhan, isa lamang bahagi ng walang katapusan na katalinuhan Ng Dios. Ang kaloob ng salita ng katalinuhan ay hindi galing sa pamamagitan ng pinagaralan. Ang pinanggalingan ng katalinuhan na ito Ay Dios.

 

Salita Ng Kaalaman: Ang salita ng kaalaman ay kakayahan na maunawaan ang mga bagay na hindi alam ng iba at hindi kayang maunawaan at maibahagi ang kaalaman sa kanila sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu. Katulad ng salita ng katalinuhan, ito ay hindi tinawag ng “ang kaloob ng kaalaman.” Ito ay kaloob ng “salita ng kaalaman”. Hindi ito kabuuang kaalaman Ng Dios, ngunit bahagi lamang ng Kanyang kaalaman. Ang pinanggalingan ng espirituwal na kaalaman Ay Dios. Ang kaloob ng salita ng kaalaman ay “revelatory” na kaalaman. Ang ibig sabihin nito ay kaalaman na ipinahayag Ng Dios. Hindi ito kaalaman na nakuha sa pamamagitan ng edukasyon o pag-aaral.

 

PAGLILINGKOD NA MGA KALOOB:

 

May siyam na espirituwal na mga kaloob na tinatawag natin ng “paglilingkod na mga kaloob.” Ang mga kaloob na ito ay “pinaglilingkuran” ang iglesya sa pamamagitan ng pagbibigay ng estraktura, organisasyon, at sumusuporta sa parehong espirituwal at praktikal na mga bahagi. Ang siyam na paglilingkod na mga kaloob ay:

 

Pagkilala Ng Espiritu: Ang pagkilala sa espiritu ay kakayahan na maitaya ang mga tao, doktrina, at mga kalagayan kung ang mga ito ay galing Sa Dios o kay Satanas. Hindi dapat malito sa pagkilala ng espiritu sa kritikal na espiritu. Ang kaloob ay espirituwal na kaloob. Ang espirituwal na mga bagay ay hindi nakikilala ng natural na isipan. Ang kaloob na ito ay limitado sa pagkilala ng mga espiritu. Hindi ito lamang pagkilala sa pangkalahatan. Ang kaloob na ito ay naglilingkod sa iglesya sa pamamagitan ng pagkilala sa mga tao na hahati sa “fellowship” na may maling mga motibo, doktrina, at pag-uugali. 

 

Pangunguna: Ang espirituwal na kaloob ng pangunguna ay ang kakayahan na magtakda ng mga layunin ayon sa layunin Ng Dios at para iparating ang mga layunin na ito sa iba. Ang tao na may kaloob na ito ay naguudyok at inaakay ang iba para matupad ang mga layunin na ito para sa kaluwalhatian Ng Dios. Ang pangunguna ay nabanggit sa Roma 12 at ang mga katangian para sa kaloob na ito ay ang isang tagapanguna na may kasipagan. Ang ibig sabihin ng kasipagan ay magpakita ng pirmihan na pagaalaga at pagsisikap na magawa kung ano ang dapat gawin. Ang ibig sabihin ay maging masipag, maasikaso, at matiyaga.

 

Pangangasiwa: Ang kaloob ng pangangasiwa ay aktuwal na tinawag na “pamahalaan” sa Biblia. Ang tao na may kaloob ng pangangasiwa ay may kakayahan na magbigay ng direksiyon, mag organisa, at gumawa ng pagpapasiya para sa kapakanan ng iba. Ang kahulugan ng salitang pangangasiwa ay katulad ng salilta na ginamit para sa isang piloto na naghahawak ng manibela ng barko. Ang magkatulad na salita na parehong ginamit sa Biblia. Ang tao na may kaloob nito ay responsable para sa direksiyon at paggawa ng pagpapasiya. Katulad ng piloto ng barko maaaring hindi siya ang may-ari ng barko, ngunit siya ay pinagkatiwalaan ng responsable na pangunguna sa paglalakbay.

 

Ang kaloob ng pangunguna at pangangasiwa ay parehong kasama sa pagoorganisa na kasanayan na ang resulta ay pagabot sa espirituwal na mga layunin. Kadalasan ang mananampalataya ay may parehong mga kaloob ng pangunguna at pangangasiwa. Kung ang tao ay may kaloob ng pangangasiwa ngunit walang kaloob ng pangunguna, kailangan niya ng isang tao na may kaloob para gumawa kasama niya. Ang tao na may kaloob ng pangangasiwa ay may kakayahan na manguna , mag organisa, at gumawa ng mga pagpapasiya. Ngunit kung walang kaloob ng pangnguna wala siyang kakayahan para mag-udyok at aktuwal na gumawa na kasama ang mga tao para matupad ang  mga layunin.

 

Pananampalataya: Ang isang tao na may kaloob ng pananampalataya ay may natatanging kakayahan na maniwala na may makalangit na kompiyansiya at pagtitiwala Sa Dios sa mahirap na mga kalagayan. Ito ay natatanging pananampalataya para maabot ang natatanging pangangailangan. Alam niya na gagawin Ng Dios ang imposible. Kanyang ginagamit ang kanyang pananampalataya kahit ang iba na nakapalibot sa kanya ay hindi naniniwala. Itinuturo ng Biblia na ang bawa’t tao ay may tiyak na lakas ng pananamaplataya na ibinigay sa kanya bilang kaloob Ng Dios (Roma 12;3b). Itinuturo rin na tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya (Efeso 2:8). Ngunit ang kaloob ng pananampalataya ay kakaiba na kakayahan na sumampalataya sa Dios sa bawa’t bahagi ng buhay. Ang pananampalatayang ito walang alam na imposible. Hindi nito nililimitahan ang magagawa Ng Dios.

 

Pagbibigay: Ang tao na may kaloob ng pagbibigay ay may natatanging kakayahan na magbigay ng materyal na mga bagay at kayamanan na pananalapi para sa gawain Ng Panginoon.

 

Pagtulong: Ang isang tao na may kaloob ng pagtulong ay may kakayahan na tumulong sa iba sa gawain Ng Panginoon, tulungan silang maging mabisa sa kanilang sariling espirituwal na mga kaloob. Mula sa tagapagingat ng mga gamit, musikero, anumang bagay na pagtulong sa gawain ng iglesya o ministeryo ay maaaring ituring na kaloob ng pagtulong.

 

Paglilingkod: Ang ibig sabihin ng salitang “nagmiministeryo” sa Roma 12:7 ay “paglilingkod”. Ang paglilingkod ay iba sa pagtulong dahil ito ay paghalili sa iba sa isang tungkulin. Ang isang naglilingkod na gumagawa ng responsabilidad para sa isang gawain para ang iba ay mapalaya para magawa ang kanilang espirituwal na  kaloob.

 

Kahabagan: Ang ibig sabihin ng kahabagan ay awa. Ang isang tao na may kaloob ng awa ay may natatanging pag-ibig sa mga nagdurusa at may kakayahan na tulungan sila.

 

Kagandahang loob: Ang kaloob ng kagandahang loob ay natatanging kakayahan na ibinigay Ng Dios sa isang kaanib ng Katawan Ni Cristo para magbigay ng pagkain at matitirahan para sa mga nangangailangan.

 

MGA KALOOB NG TANDA:

 

May apat na mga kaloob na tinatawag natin na “mga kaloob ng tanda” dahil ang mga ito ay makalangit na mga tanda ng kapangyarihan Ng Dios na kumikilos sa pamamagitan ng mga mananampalataya para patunayan ang Kanyang Salita. Ang mga kaloob ng mga tanda ay :

 

Mga Himala: Sa pamamagitan ng tao na may kaloob ng mga himala Ang Dios ay gumagawa ng makapangyarihan na mga gawa sa kabila ng posibilidad na maaaring mangyari sa natural. Ang mga gawang ito ay tanda na ang kapangyarihan Ng Dios ay mas dakila  kay Satanas, at ang Dios ay nakatanggap ng kaluwalhatian.

 

Kagalingan: Ang mananampalataya na may kaloob ng kagalingan ay may kakayahan na hayaan ang kapangyarihan Ng Dios ay dumaloy sa pamamagitan niya para mapanumbalik ang kalusugan hindi kasama ang paggamit ng natural na mga paraan. Ang ibig sabihin ng “kagalingan” ay maging mabuti.                                

 

Pagsasalita ng Ibang Wika: Ang kaloob ng pagsasalita ng ibang wika ay kakayahan na matanggap at paratingin ang mensahe Ng Dios sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng lengguwahe na hindi natutunan. Ang ibig  sabihin ng “Ibang Wika” ay mga lengguwahe. Ang dahilan kung bakit natin tinawag ito ng kaloob na “tanda” sa halip na kaloob ng “pagsasalita” ay dahil maliwanag na itinuro ng Biblia na ang kaloob na ito ay ibinigay para sa tanda.

 

Kung ang isang tao ay nagasasalita ng ibang wika maaari itong lengguwahe na alam at nakikilala ng mga tagapakinig (Mga Gawa 2:6-8). Maaari rin itong lengguwahe na hindi alam ng tao. Ito ay tinatawag na pagsasalita ng hindi alam na salita (I Corinto 14:2). Ang pagsasalita sa ibang wika ay pisikal na tanda na ang ibig sabihin ay nabautismuhan ng Espiritu Santo. Ngunit ang karanasan na ito ay iba sa kaloob ng pagsasalita ng ibang wika. Ang kaloob ng pagsasalita ng ibang wika ay natatanging kakayahan na magpahayag ng mensahe mula Sa Dios para sa iglesya sa lengguwahe na hindi alam ng nagsasalita.

 

Pabibigay ng kahulugan ng Ibang Wika: Ang kaloob ng pagbibigay ng kahulugan ay natatanging kakayahan para maunawaan sa lengguwahe na nauunawaan ang mensahe ng nagsasalita ng ibang wika. Ang pagbibigay ng kahulugan ng mensahe sa ibang wika ay ibinigay Ng Espiritu Santo sa isang tao na may espirituwal na kaloob na ito. Ito ay hindi binigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng pagkaunawa sa lengguwahe kung saan ang mensahe ay ibinigay. Ito ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapahayag mula Sa Espiritu Santo.

 

Tandaan... Ang mga kaloob ay natatanging kakayahan mula Sa Dios para mag ministeryo sa ibang mga paraan. Habang may ibang katunayan ng mga ito sa lahat ng ating mga buhay hindi ito nangangahuluigan na tayo ay may tiyak na kaloob. Halimbawa, ang lahat ng mga mananampalataya ay dapat magbigay sa gawain Ng Panginoon sa pamamagitan gn ikapo at paghahandog. Ngunit ang kaloob ng pagbibigay ay hindi pangkaraniwan na pagbibigay na naudyukan Ng Espiritu Ng Dios. Ang lahat ng mananamaplataya ay may sukat ng pananampalataya ayon sa Salita Ng Dios. Ngunit ang kaloob ng pananampalataya ay natatanging kakayahan na maniwala ng higit sa karaniwang Kristiyano.

 

ANG KAHALAGAHAN NG PAGTUKLAS

 

Mahalaga na matuklasan ang iyong espirituwal na kaloob para matupad ang espirituwal na mga layunin at pakay kung saan ang mga mananampalataya ay tinawag ( Efeso 4:12-15). Ang mga kaloob Ng Espiritu Santo ay ibinigay sa iglesya bilang mga sandata ng espirituwal na pakikipaglaban para labanan ang espirituwal na mga puwersa ni Satanas. Para ikaw ay mapakilos sa espirituwal na pakikipaglaban , dapat mong gawin ito batay sa iyong espirituwal na mga kaloob.

 

Kung hindi mo alam ang iyong espirituwal na mga kaloob, magkakaproblema ka sa pagsisikap na gamitin ang mga kaloob na hindi ibinigay sa iyo o hindi mo ginagamit ng maayos ang iyong kaloob. Ikaw ay mananagot Sa Dios sa hindi mo paggamit ng mga kaloob na ipinagkatiwala sa iyo Ng Dios. Ang pagtuklas ng espirituwal na kaloob ay tutulong sa iyo na maiwasan ang pagkabigo na galing sa pagsisikap na gawin ang tungkulin sa larangan na hindi mo kaloob. Magpapakilos din sa iyo ito para matupad ang iyong personal na kahihinatnan sa Katawan Ni Cristo.

 

PAGTUKLAS NG IYONG ESPIRITUWAL NA KALOOB

 

Ang mga sumusunod na panuntunan ay makatutulong sa iyo na matuklasan ang iyong espirituwal na kaloob o mga kaloob”

 

 

 

UNANG HAKBANG: Maging Born Again.

 

Dapat kang maging born again. Ang espirituwal na mga kaloob ay galing sa bagong kapanganakan kung paano ang natural na mga talento ay galing sa pamamagitan ng pisikal na kapanganakan. Kung hindi ka naipanganak sa natural na mundo hindi ka magkakaroon ng natural na mga talento. Kung hindi ka born again sa espirituwal na mundo hindi ka mabibigyan ng espirituwal na mga kaloob (Mga Gawa 2:38).

 

IKALAWANG HAKBANG:Pagtanggap Ng Bautismo Ng Espiritu Santo.

 

Hilingin Sa Dios na puspusin ka Ng Espiritu Santo. Pag-aralan ang Ikalawang kabanata ng Mga Gawa.

 

IKATLONG HAKBANG: Alamin Ang Espirituwal Na Mga Kaloob.

 

Kung hindi mo alam kung ano ang espirituwal na mga kaloob, hindi mo makikilala ang isa  na ibinigay sa iyo Ng Dios. Ang mga aralin na iyong napag-aralan sa mga aralin sa kursong ito ay naghanda sa iyo na makilala ang iba’t ibang mga kaloob na maaaring magamit ng mga mananampalataya.

 

IKA-APAT NA HAKBANG: Obserbahan Ang Mga Halimbawa Ng Mga Kaloob.

 

Sa iyong pagkilala kung anong mga kaloob ang nasa sa iyo, makatutulong na obserbahan ang ganap na mga halimbawa ng iba’t ibang mga kaloob. Ang “ganap na halimbawa” ng espirituwal na kaloob ay isang mananampalataya na naging mabisa sa paggamit ng kaloob para sa mahabang panahon.

 

Halimbawa, makipagusap sa isang tao na may kaloob ng pagtuturo. Itanong sa kanila kung paano nila nalaman na sila ay may kaloob, paano sila nag umpisa sa paggamit nito, at ano ang mga paraan kung paano nila patuloy na pinauunlad ang kanilang kaloob. Gawin ang ganito sa ibang mga kaloob.Ang pagkatuto kung paano natuklasan ng iba ang kanilang mga kaloob at pagmamasid ng ganap na halimbawa ng mga kaloob sa gawa ay makatutulong sa iyo na makilala ang iyong sariling kaloob.

 

IKALIMANG  HAKBANG:Hanapin Ang Espirituwal Na Kaloob

 

Naisin ang kaloob at mag ayuno at ipanalangin ito. Sinabi ng Biblia na hanapin ang espirituwal na mga kaloob (I Corinto 12:31). Ang bawa’t isa sa atin ay may kahit isang kaloob, ngunit ipinahihiwatig ng talatang ito na maaari tayong humiling ng kaloob na wala pa sa atin.

 

IKA-ANIM NA HAKBANG:  Pagpatong Ng Mga Kamay

 

Hilingin sa iyong espirituwal na lider na patungan kayo ng mga kamay at manalangin Sa Dios na ipahayag ang iyong espirituwal na kaloob (I Timoteo 4:14).

 

            Pansinin: Bilang resulta ng Unang Hakbang hanggang Anim maaaring ipahayag Ng Dios ang iyong espirituwal na kaloob. Kung hindi ito mangyari, magpatuloy sa sumusunod na mga hakbang.

 

IKA-PITONG HAKBANG: Suriin Ang Espirituwal Na Kinawiwilihan.

 

Sa mga ministeryo na nakikita mo na mayroon kang malaking kagalakan sa paglilingkod Sa Dios ay kadalasan dito ka binigyan ng kaloob Ng Dios. Kung paano ang kaloob sa natural na mundo na nagdudulot ng kagalakan, gayundin sa espirituwal na mga kaloob. Dapat ay may “matinding damdamin” o “pasanin” (malaking kasiyahan o pagnanais) para sa isang ministeryo para makapaglilngkod ng mabisa Sa Dios.

 

Halimbawa, ang isang tao na may kaloob sa pangangasiwa ay magagamit para mag organisa at manguna kahit sa anong larangan. Maaari siyang mangasiwa ng iglesya, isang Kristiyanong paaralan, sentro ng pagamutan ng nalulong sa ipinagbabawal na gamot, at iba pa. Ngunit mayroon siyang dapat na pasanin o damdamin para sa ministeryo kung saan niya magagamit ang kanyang kaloob. Kung wala siyang interes sa Kristiyanong paaralan, hindi siya magtatagal kahit siya ay may kaloob ng pangangasiwa.

 

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanog para matulungan ka na malaman ang iyong espirituwal na interes o pasanin:

 

1. Sa iyong pakiramdam anong uri ng tao ka lubos na naaakit?

 

(Kung ikaw ay tinawag sa partikular na grupo ng mga tao, ang iyong espirituwal na kaloob ay makauugnay sa iyong mga pangangailangan. Halimbawa, kung iyong nadarama ang tawag sa mga bata at nais mo na sila ay matuto ng tungkol Sa Dios, maaaring mayroon kang kaloob sa pagtuturo).

 

2. Anong bahagi ng pangangailangan ang nagiging daan para sa matinding pagkilos sa iyong damdamin?

 

3. Kung hindi ka mabibigo, ano ang iyong nais na gawin para Sa Panginoon?

 

(Iginagalang Ng Dios ang iyong personal na naisin).

 

4 Tapusin ang pangungusap na ito: “ Mayroong lumalago na walang kapahingahan na saloobin sa akin na dapat akong makasama sa ...”

 

(Ang ganitong saloobin ay kadalasan na Ang Dios ay nangungusap sa iyong espiritu tungkol sa larangan na nais Niya para doon ka maglilngkod).

 

5. Ako ay tiyak na Ang Dios ay may nakalaan na tawag sa akin sa tukoy na larangan sa ministeryo. Ito ay sa ...

 

(Kung alam mo ang tiyak na larangan ng ministeryo kung saan ka tinatawag Ng Diois, mas madali na malaman ang iyong espirituwal na kaloob. Ang Dios ay palaging nagbibigay ng kinakailangan na mga kaloob para iyong matupad ang tawag.)

 

6. Anong mga kaloob ang nagbibigay sa iyo ng sobrang kagalakan kung iyong iniisip ang mga ito o ginagamit ang mga ito?

 

 (Halimbawa, natutuwa ka ba sa pagtuturo? Natutuwa ka ba sa pagmamagandang loob at magpatuloy ng mga tao sa inyong tahanan? Ikaw ba ay madalas na nakikilos na magbigay ng malaking halaga sa gawain Ng Dios?)

 

IKA-WALONG HAKBANG:Pagsusuri  Ng Espirituwal Na Lider.

 

Hilingin ang isang Kristiyanong lider na suriin ang iyong espirituwal na kakayahan. Tanungin ang sumusunod na mga tanong at isulat ang mga sagot:

 

1. Sa anong larangan ng Kristiyanong paglilingkod ay iyong na obserbahan na ako ay mabisa?

 

2. Batay sa obserbasyon ng aking pagkamabisa, anong espirituwal na kaloob ang iyong pinaniniwalaan na maaaring mayroon ako?

 

IKA-SIYAM NA HAKBANG: Suriin Ang Iyong Nakaraan Na Kristiyanong   Paglilingkod.

 

Suriin ang iyong nakaraan na ministeryo. Sagutin ang mga tanong na ito:

 

1. Sa anong larangan ng Kristiyanong paglilingkod ang iyong napaglingkuran sa nakaraan?

 

2. Saan ka naging mabisa sa mga ito?

 

3. Saan larangan mo naranasan ang malaking kagalakan sa paglilingkod?

 

4. Alin sa mga ito napansin ng iyong espirituwal na lider at / o ng iba ang iyong pagkamabisa?

 

IKA-SAMPONG HAKBANG:Tapusin Ang Espirituwal Na Palatanungan

 

Ang kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Ay naglalaman ng dalawang espirituwal na kaloob na palatanungan. Kung posible na makuha mo ang kursong ito at makuha ang mga pagsusulit, ang iyong sagot sa mga tanong ay makatutulong sa iyo na malaman ang espirituwal na mga kaloob na ibinigay sa iyo Ng Dios.

 

IKALABINGISANG HAKBANG: Pagkilala Sa Espirituwal Na Mga Kaloob Na Iniisip Mo Na Mayroon Ka.

 

Kilalanin ang mga kaloob na iyong naiisip na maaaring mayroon ka batay sa :

 

1. Ang kaalaman ng mga kaloob na iyong nakuha sa pag-aaral.

 

2. Ano ang ipinahayag Ng Dios sa iyo sa panalangin?

 

3. Ano ang iyong nasuri sa iyong sarili?

 

4. Ano ang na obserbahan ng Kristiyanong lider sa iyong buhay.

 

5. Ang pagsusuri ng iyong pagkamabisa sa larangan ng ministeryo kung saan ka nakapaglingkod sa nakaraan.

 

6. Pagkatapos ng Palatanungan ng  Espirituwal na kaloob.

 

IKA-LABINDALAWANG HAKBANG:Kilalalnin Ang Espirituwal Na Pangangailangan

 

Dahil iyong tinatapos ang pagsusuri ng espirituwal na kaloob na ito bilang bahagi ng pagpapakilos batay sa kaloob na ginagawa sa inyong iglesya, alam na ng inyong pastor ang espirituwal na mga pangangailangan ng inyong lokal na ministeryo. Hilingin sa kanya na bigyan ka ng mga talaan ng mga pangangailangan sa ministeryo.

 

IKA-LABING TATLONG HAKBANG:Punan Ang Espirituwal Na Pangangailangan

 

Tutulungan ka ng pastor sa paghahambing ng talaan ng mga pangangailangan sa ministeryo sa mga talaan ng mga kaloob na iyong pinaniniwalaan na ibinigay sa iyo Ng Dios. Tutulungan ka na malaman ang espirituwal na pangangailangan na katugma sa mga kaloob mo, na iyong pinaniniwalaan na mayroon ka, pagkatapos gumawa ng pagtatalaga para punan ang pangangailangan na ito.

 

IKA-LABING APAT NA HAKBANG:Tayahin Ang Iyong Ministeryo:

 

Pagkatapos na makapaglingkod ka ng sandali sa larangan na iyong kaloob, makipagtagpo sa iyong pastor at tayahin ang iyong ministeryo. Iyong natuklasan at nagpapakita ng tamang pagiingat sa iyong espirituwal na mga kaloob...

 

-Kung ikaw ay nagbubunga sa larangan na iyong pinaglilingkuran. Ang ibig sabihin nito      ay makakakita ka ng positibong mga resulta sa iyong ministeryo.

 

-Kung ikaw ay masaya.... Ikaw ay nagagalak sa iyong ministeryo. Kung ikaw ay bigo, maaaring hindi ka naglilingkod sa larangan kung saan ka pinagkalooban.

 

-Kung ang “feedback” (mga puna na iyong natanggap mula sa iyong espirituwal na mga lider) ay nagsasabi na ikaw ay epektibo sa tungkulin na iyong pinaglilingkuran.

 

Kung ang ministeryo na iyong ginagawa ay hindi angkop sa iyong espirituwal na kakayahan at hindi ka mabisa, pagbalik-aralan ang iyong talaan ng posibleng mga kaloob at hilingin Sa Dios na ipakita sa iyo ang ibang larangan kung saan ka mag miministeryo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA TALAAN PARA MATUKLASAN ANG ESPIRITUWAL NA KALOOB

 

Ang mga sumusunod na talaan ay tutulong sa iyo na matapos ang praktikal na mga hakbang para matuklasan ang iyong espirituwal na kaloob na ibinigay sa iyo sa Apendise na ito:

 

Unang Hakbang:                      _____ Ako ang “born again” na.

 

Ikalawang Hakbang:                      _____ Natanggap ko na ang bautismo Ng Espiritu Santo

 

Ikatlong Hakbang:                      _____ Masasabi ko ang iba’t ibang espirituwal na mga kaloob.

 

Ika-apat na Hakbang: _____ Na obserbahan ko na ang ganap na halimbawa ng mga

                                                           kaloob.

 

Ika-limang Hakbang:                      _____ Nakita ko na ang espirituwal na kaloob sa pamamagitan     

                                                           ng pag-aayuno at panalangin.

 

Ika-anim na Hakbang: _____ Pinatungan na ako ng mga kamay ng aking espirituwal 

                                                           na mga lider at hiniling Sa Dios na ipahayag ang aking

                                                            mga kaloob.

           

Ika-pitong Hakbang:                      _____ Sinuri ko na ang aking espirituwal na interes.

 

Ika-walong Hakbang:                      _____ Nasuri na ako ng aking espiirtuwal na lider.

 

Ika-siyam na Hakbang: _____ Nasuri ko na ang aking nakaraan na Kristiyanong

                                                           paglilingkod.

 

Ika-sampong Hakbang: _____ Natapos ko na ang palatanungan ng espiirtuwal na

                                                           kaloob sa Harvestime na kurskong “Ang Ministeryo Ng

                                                           Espiritu Santo.”

 

Ika-labingisang Hakbang: _____ Nalaman ko na ang aking espiirutwal na kaloob na

                                                           pinaniniwalaan ko na mayroon ako.

 

Ika-labindalawang Hakbang:_____Sinuri kong muli ang espirituwal na mga pangangailangan

                                                         sa aking tahanan, komunidad, at iglesya.

 

Ika-labintatlong Hakbang: _____ Naitugma ko na ang aking kaloob sa pangangailangan at

                                                           nagumpisa na punan ito.

 

Ika-labingapat na Hakbang: _____ Nang tayahin ako ng aking ministeryo sa larangan na ito

                                                           ay nakita na ito ay epektibo.

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT

 

UNANG KABANATA:

 

1. Sa inyo’y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang maibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; (Mateo 20:26)

 

2. Ang ibig sabihin ng para “magmanipula” ay para “mahusay na mangasiwa, mamahala, o pangunahan ang isang tao para sa makasariling mga layunin.” Ang isang nagmamanipulang tao ay gumagamit ng iba bilang “mga bagay” para makamit ang ninanais.

 

3. Ang ibig sabihin ng “pakilusin” ay  para “ mailagay sa kahandaan para sa aktibong paglilingkod , para magamit ang lakas ng tao sa paggawa.” Sa malawak na termino, ang pagpapakilos ay tungkol sa sa anumang pangyayari kung saan ang mga anak Ng Dios ay nagising at patuloy na kumikilos at lumalago hanggang kanilang makita ang lugar nila sa estratehiyang paglahok sa gawain para matapos ang panghihikayat ng kaluluwa sa sandaidigan.

 

4. Ang espirituwal na pagpapakilos ay nagkakaiba mula sa pag mamanipula dahil ito ay batay sa mga prinsipyo ng Biblia at ang pagbunsod ay nakatuon sa Dios sa halip na sa tao. Ito ay hindi nakatuon sa laman o sarili. Ito ay hindi ministeryo na ayon  sa pangangailangan, ngunit ayon sa utos.

 

5. Pagbalik aralan ang talakayan sa Unang Kabanata.

 

6. Dapat tayong magmalasakit sa pagpapakilos sa espirituwal na kayamanan dahil ito lamang ang paraan na ang dakilang espirituwal na anihin ng ating mundo ay maaaring maani. Pinakikilos natin ang espirituwal na kayamanan para sa layunin ng panghihikayat ng kaluluwa.

 

IKALAWANG KABANATA:

 

1. Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. (Mga Gawa 8:4)

 

2. Ipinahayag ng Efeso 4:11-16.na ang dahilan kung bakit nagbigay Ang Panginoon ng natatanging mga kaloob sa pamunuan ng Iglesya ay para sa layunin na maihanda (pagpapakilos) ang mga tao para sa gawain  ng ministeryo. Ang lahat ng mga apostol, propeta, ebanghelista, pastor, at guro ay dapat na “nagpapakilos.” Sila ang natatanging ministeryo ng mga kaloob na itinalaga Ng Dios para maihanda (mapakilos) ang mga mananampalataya para sa gawain ng ministeryo.

 

Ang katotohanan na ang Espiritu Santo ay nananahan at nagbibigay sa bawa’t mananampalataya ng espirituwal na mga kaloob ay nagpapatunay na ang pagpapakilos ng buong Katawan Ni Cristo ay makalangit na itinalaga (tingnan ang Roma 12:3-8 at I Corinto 12:1-31).

 

3. Ihambing ang iyong tugon sa talakayan ng mga termino sa Biblia na nagpapahiwatig na pagpapakilos sa Ikalawang Kabanata.

 

4. Ihambing ang iyong sagot sa mga utos na ibinigay sa Ikalawang Kabanata.

 

5. Ihambing ang iyong sagot sa talakayan  sa Ikalawang Kabanata.

 

6. Ihambing ang iyong talaan sa mga halimbawa sa Ikalawang Kabanata.

 

7. Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Ikalawang Kabanata.

 

IKATLONG KABANATA:

 

1. Nang makatapos nga ng pananalangin si Solomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay.

 

At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.

 

At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila’y nangapatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. (II Cronica 7:1-3)

 

2. Maraming positibong pakinabang ang apoy sa natural na mundo. Ang apoy ay nagbibigay ng lakas at init. Ito ay ginagamit para maghanda ng pagkain. Ang kontroladong pagsunog ng lupa ay nagbibigay ng mga abo na nagpapataba sa lupa para magkaroon ng magandang anihin.

 

Ang apoy ay tumutupok sa dumi. Sinusunog nito ang dumi sa ginto at pilak. Ang apoy ay nakakukuha ng pansin na nakikita ng maraming tao na palagiang nagtitipon kung ang isang bagay ay nasusunog.

 

Ang apoy ay nagsisindi ng ibang apoy, ngunit ito ay mamamatay kung ito ay hindi patuloy na nagagatungan. Ang aandap-andap na apoy ay halos patay na ay maaaring paypayan para ito ay magningas na muli.

 

3. “Ang apoy Ng Dios” ay apoy ng karanasan sa Pentecostes. Ito ay apoy na magsasalita at magbibigay ng kapanngyarihan para matupad ang Dakilang Utos.

 

4. Tingnan ang talakayan sa Ikatlong Kabanata.

 

5. Tingnan ang talakayan ng mga layunin ng apoy Ng Dios sa Ikatlong Kabanata.

 

6.

-Maging born again.

            -Tanggapin ang bautismo ng Espiritu Santo.

            -Hayaan ang apoy ay pakinisin ang iyong buhay.

            -Sindihan ang ibang  apoy.

            -Patuloy na gatungan ang apoy.

 

IKA-APAT NA KABANATA:

 

1. Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka’t ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.

 

Sapagka’t narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: ngunit ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. (Isaias 60:1-2)

 

2. Ang “kaluwalhatian” ay isa sa mayamang salita sa lengguwaheng Ingles. Walang isang salita ang magsisilbing mahusay na magkatulad ang kahulugan, ngunit narito ang ilang mga salita na naglalarawan sa “kaluwalhatian”Karangalan. papuri, kaningningan, kaliwanagan, kapangyarihan, pagpapataas, karapat dapat, katulad, kagandahan, kilala, katayuan.

 

3. Ang Dios ang pinagmumulan ng kaluwalhatian.

 

4. Ihambing ang iyong talakayan sa Ika-apat na Kabanata.

 

5. Ihambing ang iyong talakayan sa Ika-apat na Kabanata.

 

6. Ang pangungusap ay mali. Ang kaluwalhatian ay kaloob mula Sa Dios.

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat ng tao, sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon. (Isaias 40:5)

 

2. Pagbalik aralan ang talakayan sa Ikalimang Kabanata.

 

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sumasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios.(Juan 11:40)

 

2. Ihambing ang iyong sagot sa talakayan sa Ika-anim na Kabanata.

 

3. Habang iyong niluluwalhati Ang Dios , Kanyang higit na ipinahahayag ang Kanyang kaluwalhatian sa iyo. Habang nagbibigay ka ng kaluwalhatian sa Kanyang ginawa, nakatatanggap ka ng dagdag na kaluwalhatian para pakilusin ka sa ministeryo.

 

 

IKA-PITONG KABANATA:

 

1. Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso. (I Cronica 15:28)

           

2. Katulad ng tabernakulo ni Moises, ikaw ang tabernakulo Ng Dios. Kung iyong itinatatag ang iyong espirituwal na buhay ayon sa tamang disenyo ang kaluwalhatian ay mananahan diyan. Kung babaguhin mo ang disenyo, ang kaluwalhatian ay lilisan:

 

3. Ebenezer, Aphek, Ashdod, Gath, Ekron, Beth-shemesh, Kirjath-Jearim, Jerusalem

 

4.

            1. Pagnanais

            2. Determinasyon

            3. Direksiyon

            4. Tamang kaayusan

 

IKA-WALONG KABANATA:

 

1. Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako’y babalik, at muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; at muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito’y aking itatayo. (Mga Gawa 15:16)

 

2. Ang “pagpapanumbalik ng tabernakulo ni David” ay pagpapanumbalik ng espirituwal na tabernakulo na ito ay sa bahay “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay,” na Si Jesus. Kung paano ang unang tabernakulo, ang tabernakulong ito ay nagtataglay ng tatlong bahagi ng ministeryo Ni Cristo bilang propeta, saserdote, at hari. Dito nananahan ang kapangyarihan, presenskiya, at kaluwalhatian Ng Dios. Ang presensiya Ng Dios ay hindi natagpuan sa pormal na luma, rituwal na pagsamba na kinakatawan na uri na nangyari sa Shiloh. Ang dako na Kanyang tirahan ay ang tabernakulo ni David.

 

3. Dapat mong naisulat ang anumang mga reperensiya na tinalakay sa Ika-walong Kabanata.

 

4. Ang tabernakulo ni David ay muling itatatag kung ang kalagayan ay katulad ng panahon na ito ay pinanumbalik “sa mga dating araw.”

 

5. Ito ay mapapanumbalik sa “tamang panahon.”

 

6. Ihambing ang iyong sagot sa talakayan sa Ika-walong Kabanata.

 

IKA-SIYAM NA KABANATA:

 

1. Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

 

Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. (Juan 4:23-24)       

 

2. Ang ibig sabihin ng pagsamba ay paggalang, paghalik, magbigay ng parangal sa, pagpitaganan, tumayo na namamangha, magpakita ng pagmamahal, magpatirapa, at gumalang. Ang pagsamba ay pagkilala Sa Dios, ang Kanyang likas, katangian, pamamaraan, at pag-angkin, kung ito man ay pagpupuri o paggawa ng Kristiyanong paglilingkod. “Para maglingkod” ay kahulugan din ng “pagsamba.” Ang ibig sabihin ng pagsamba ay pagpapahalaga sa isang tao. Ito ay aktibong tugon Sa Dios kung saan ipinahahayag ang Kanyang kahalagahan, ipagbunyi siya, at ipagmalaki ang Kanyang pangalan.

 

3. Tingnan ang talakayan ng pagsamba sa espiritu sa Ika-siyam na Kabanata.

 

4. Tingnan ang talakayan ng pagsamba sa katotohanan sa Ika-siyam na Kabanata.

 

5. Tayo ay sumasamba dahil sa halimbawa, pangangaral, at walang-hanggang kahihinatnan.

 

6. Kasama sa kaayusan ng pagsamba ay :

           

Pagdakila:                                            Dios                                    (Pagabot sa itaas)

            Pagpapalakas:                                      Ang Katawan Ni Cristo     (Pagabot sa loob)

            Panghihikayat ng kaluluwa:                      Sa naliligaw                               (Pagabot sa labas)

 

7. Dapat mong naisulat ang anuman sa limang mga resulta na tinalakay sa Ika-siyam na Kabanata.

 

8. Ang limang uri ng pagsamba ay:

 

            1. Pagsamba Ng Pagsisisi

            2. Pagsamba Ng Pagtanggap

            3. Pagsamba Ng Debosyon

            4. Pagsamba Ng Pagtatalaga

            5. Pagsamba Ng Pakikipaglaban

 

9. Hebreo 10:22

 

10. Tingnan ang talakayan sa Ika-Siyam na Kabanata.

 

11. Tingnan ang talakayan sa Ika-Siyam na Kabanata.

 

 

 

IKA-SAMPUNG KABANATA:

 

1. Purihin ninyo siya ng mga pandereta at sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawa at ng flauta. (Mga Awit 150:4)

 

2. Tingnan ang talakayan sa Ika-Sampong Kabanata tungkol sa itinuturo ng Biblia tungkol sa pagsamba

 

3. Ang apoy Ng Dios, kasama ang makapangyarihan na pagpiga at paglilinis, ay kinakailangan para ang kaluwalhatian Ng Dios ay maipahayag. Ang kapahayagan ng kaluwalhatian Ng Dios ay magdudulot ng tunay na pagsamba habang ating pinanunumbalik ang tabernakulo ni David sa pagsamba sa espiritu at katotohanan.

 

IKA-LABINGISANG KABANATA:

 

1. At nakita ng boong bayang siya’y lumalakd at nagpupuri sa Dios. (Mga Gawa 3:9)

 

2. Ang “revival” ay pinakamakapangyarihan, pambihirang gawa ng Dios sa pamamagitan at sa kapakanan ng mga tao na natuto at nagsagawa ng mga prinsipyo na ipinahayag sa “Rhema” na Salita Ng Dios tungkol sa “revival.”

 

3. Dapat nating paghandaan ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyo na ipinahayag sa Salita Ng Dios. Ang “revival” ay magkasamang pagkilos ng Espiritu Ng Dios at ang tugon ng mga anak Ng Dios.

 

4. Ang “revival” ay palaging kinakailangan, ngunit ito ay pinakakailangan kung ang pagtalikod ng kalagayan ay nakikita.

 

5. Tingnan ang talakayan ng mga ebidensiya ng pagtalikod na kalagayan sa Ika-Labingisang Kabanata.

 

6. Si Juan Bautista sa Bagong Tipan na halimbawa ng uri ng tao na ginagamit Ng Dios para magkaroon ng “revival”.

 

7. Tingnan ang talakayan ng mga balakid sa “revival” sa Ika-Labingisang Kabanata.

 

IKA-LABINDALAWANG KABANATA:

 

Walang pansariling pagsusulit para sa Ika-Labindalawang Kabanata.

 

IKA-LABINTATLONG KABANATA:

 

1. Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang

kanilang masamang lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipapatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain. (II Cronica 7:14)

 

2. Pagbalikaralan ang pitong mga prinsipyo ng “revival” na tinalakay sa Ika-Labintatlong Kabanata.

 

3. II Cronica 7:14

 

4. Magpakumbaba, Manalangin, Hanapin ang mukha Ng Dios, Talikdan ang kanilang kasamaan.

 

5. Tatlong bagay na gagawin Ng Dios bilang tugon Niya:

 

            -“MAKINIG  mula sa Langit”:                                      Tugon

            -“PATAWARIN ang kanilang kasalanan”:                   Makipagkasundo

            -“PAGAGALINGIN ang kanilang lupain”:             Panumbalikin

           

IKA-LABINGAPAT NA KABANATA:

 

1. Gayon ma’y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: ngunit ako’y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios. (Josue 14:8)

 

2. Josue

 

3. Siya ay lalake na

 

-Nakakarinig mula Sa Dios

-Maaaring makalimot sa nakaraan

-Alam ang kanyang pagmamay-ari

-Malakas at matapang

Alam ang susi sa tagumpay

-Nasa kanya ang Espiritu Ng Dios

-May tiwala Sa Dios

-Tao na may pananampalataya

-May pusong alipin

-Puspos ng karunungan

-Madaling turuan

-Nagpapakilos ng mga tao

-Lubos na sumusunod Sa Panginoon

-Alam kung paano manindigan ng nag-iisa

-May karanasan sa pakikipaglaban

-May unang karanasan Sa Dios

-May pahid Ng Dios

-Nakaranas ng kaluwalhatian ng Dios

 

 

 

IKA-LABINGLIMANG KABANTA:

 

1. Kaya’t tayo’y tumigl na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan...(Hebreo 6:1)       

 

2. Tingnan ang talakayan tungkol sa dugo, ang kutsilyo, ang bunga, at ang tabak sa Ika-Labinglimang Kabanata.

 

3. Tatlong dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay hindi umunlad mula sa “gatas” tungo sa “karne” ng Salita Ng Dios.

 

            -Una, hindi sila mahusay sa Salita Ng Dios.

            -Ikalawa, hindi nila sinusunod kung ano ang naituro sa kanila.

            -Ikatlo, sila ay karnal, sinabi ni Pablo sa iglesya sa Corinto.

 

4. Ang mananampalataya ay maaaring umunlad mula sa “gatas” tungo sa “karne” ng Salita Ng Dios sa pamamagitan ng pagnanais ng gatas ng Salita, dinidisiplina ang kanilang sarili para maging masunurin sa gatas ng Salita, at italaga ang iyong sarili sa paghahanap sa karne ng Salita .Sa katapusan ang iyong disiplina ay magdudulot ng kaluguran sa karne ng Salita.

 

IKA-LABINGANIM NA KABANATA:

 

1. May apat na pung libo na nasasakbatang handa sa pakikidigma ang dumaan sa harap ng Panginoon na patungo sa pakikibaka, sa mga kapatagan ng Jerico. (Josue 4:13)       

 

2. Pagbalikaralan ang talakayan sa Ika-labinganim na Kabanata.

 

IKA-LABINGPITONG KABANATA:

 

1 At sila’y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban. (II Timoteo 2:26)

 

2. Mga prinsipyo, Pagmamataas, Pananaw, Kawalan ng panalangin

 

3.Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Ika-labingpitong Kabanata.

 

4.

            -Pahayag

            -Pagsisisi

            -Pagpapanumbalik

            -Pagbalik

 

 

 

IKA-LABINGWALONG KABANTA:

 

1.Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa Gaza, sa Gath, at sa Asdod laman, nagiwan siya ng ilan. (Josue 11:22)

 

2. Gaza, Gad, at Ashdod.

 

3. Tingnan ang talakayan sa Ika-labingwalong Kabanata

 

4. Kung ang mga higante sa iyong buhay ay hindi maaalis, ang mga ito ay magiging “patibong at tinik” sa iyong espirituwal na karanasan.

 

5.         1. Maghanda       

            2. Magpahayag

            3. Patunayan

            4. Pumasok

            5. Tamang Motibo

            6. Ganap na Halimbawa

            7. Manaig

 

IKA-LABINGSIYAM NA KABANATA:

 

1.Ngayon tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam. (I Corinto 12:1)

 

2. Ang “batay sa kaloob na pagpapakilos” ay paraan ng pag organisa ng grupo ng mga tao para sa gawain ng ministeryo batay sa kanilang mga espirituwal na mga kaloob. Ang sistema na nakabalangkas dito ay mahalaga para patnubayan ang mga tao para magawa kung ano ang tawag Ng Dios at maihanda sila na gawin ito.

 

3. Tuklasin ang espirituwal na mga kaloob; kilalanin ang pangangailangan sa ministeryo, itugma ang mga tao, kaloob at mga pangangailangan.

 

4. Pirmihan na tayahin ang bawa’t kaanib at ang kanilang ministeryo. Malalaman mo na ang tao ay nasa tamang lugar batay sa mga kaloob kung ...

 

-Siya ay namumunga sa ministeryo na kanyang pinaglilingkuran. Ang ibig sabihin nito makakakita ka ng positibong mga resulta sa kanyang ministeryo.

 

-Kung ginaganap niya at nasisiyahan siya sa ministeryo. Kung siya ay bigo, maaari siyang naglilingkod sa ministeryo na hindi niya kaloob.

 

-Kung ang naririnig mong ulat mula sa mga taong kanyang pinaglilingkuran ay positibo na nagpapakita na siya ay mabisa sa tungkulin na kanyang pinaglilingkuran.

 

5. Pag-ibig