• johned@aibi.ph

MGA PARAAN NG

 

PAGPAPARAMI

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Harvestime International Network

14431 Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

 

© Harvestime International Institute

 

 

 

NILALAMAN

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito         .           .           .           .           .           .           I

Mga Mungkahi Para sa Sama-samang Pag-aaral           .           .           .           .           II

Pambungad      .           .           .           .           .           .           .           .           .           1

Mga Layunin ng Kurso .           .           .           .           .           .           .           4

 

1.         Mamamalakaya Ng Tao           .           .           .           .           .           .           5         

 

2.         Ang Araw Ng Maliliit    Na Bagay        .           .           .           .           .         13

 

3.         Mga Talinghaga Ng Pagpaparami          .           .           .           .           .           35

 

4.         Isa Dagdagan Ng Isa Ay Higit Sa Dalawa         .           .           .           .           45       

 

5.        Pambungad Sa Pagpapalago Ng Iglesya             .           .           .           .           57       

 

6.         Panloob Na Paglagong Espirituwal        .           .           .           .           .          69

 

7.         Pagpapalawak Na Paglago       .           .           .           .           .           .           89

 

8.         Pagdagdag Na Paglago .           .           .           .           .           .           114

 

9.         Paglago Sa Pagmimisyon          .           .           .           .           .           .          123

 

10.       Mga Pagpapasiya o Mga Disipolo         .           .           .           .           .           141                 

11.       Napigil Na Paglago.      .           .           .           .           .           .           .           164

 

12.       Isang Dagdag Na Sentro Ng Pagsasanay          .           .           .           .           177                 

 

Mga Sagot sa Pansariling Pag-susulit                 .           .           .           .           .           193

 

 

 

 

 

PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO

 

PORMAT NG MANWAL

 

Mga Layunin:  Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.

 

Susing Talata:  Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.

 

Nilalaman ng Kabanata:  Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.

 

Pansariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaral ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, Ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado

 

 

DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT

 

Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG

PAG-AARAL

 

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.

Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagsasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 

PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD

NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalagin.  Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.

 

Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

II


 

 

Module: Pagpaparami

Kurso: Mga Paraan Ng Pagpaparami

 

 

PAMBUNGAD

 

Nakatala sa Biblia ang paglikha ng mundo at ang unang lalaki at babae ( Genesis 1).  Ang unang utos na ibinigay Ng Dios sa bagong nilalang na mga tao ay ang sila’y magparami:

 

At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.

 

At sila’y binasbasan ng Dios, at sa kanila’y sinabi ng Dios, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin...(Genesis 1:27-28)

 

Ang prosesong ito ay hindi lamang pisikal na pagpaparami, ito rin ay espirituwal na pagpaparami.  Habang sina Adan at Eva ay pisikal na nagparami kanilang pupunuin ang mundo ng katulad nila; mga taong kilala Ang Dios at lumakad na may pakikitungo sa Kanya.  Sila ay magbubunga sa espirituwal at gayun din naman sa pisikal na larangan.

 

Ang pagbagsak ng tao sa kalasanan ay nakasagabal sa prosesong ito (Genesis 3).  Ang kasalanan ay nagdulot ng pisikal na kamatayan na humadlang sa pisikal na pagpaparami (Genesis 2:17).  Ito rin ang sanhi ng espirituwal na kamatayan at ito ang espirituwal na paghihiwalay ng makasalanang tao mula sa makatuwirang Dios.  Ito ay humadlang sa espirituwal na pagpaparami.

 

Dahil mahal na mahal  Ng Dios ang tao , gumawa Siya ng natatanging plano para iligtas ang tao mula sa nakakikilabot na espirituwal na kamatayan.  Ipinadala Ng Dios Si Jesus Cristo para mamatay sa mga kasalanan ng lahat ng sangkatauhan.  Binayaran Ni Jesus ang kabayaran ng kamatayan para sa atin, sumunod Kanyang nagapi ang kamatayan sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa mga patay (Juan 20).

 

Ang bawat isa ay dapat piliin na tanggapin ang  plano Ng Dios para sa kaligtasan sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran para sa kasalanan at tanggapin Si Jesus  bilang Tagapagligtas.*  Bilang isang mananampalataya Ni Jesus at napatawad ang mga kasalanan, ikaw ay ligtas mula sa espirituwal na kamatayan.

 

Kahit nga ang pisikal na katawan ay mamatay sa ibang araw, ikaw ay magpapatuloy na mabubuhay sa espirituwal at tatanggap ng bagong katawan na mabubuhay ng walang hanggan:

 

______________________

* Ang Harvestime International Institute na kursong “ Mga Saligan Ng Pananampalataya,”  ang nagpapaliwanag sa detalyadong plano Ng Dios ng kaligtasan.

Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, ngunit tayong lahat ay babaguhin.

 

Sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.

 

Datapuwa’t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat. Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. ( I Corinto 15:51,52,54)

 

Nang iyong tinanggap Si Jesus bilang Tagapagligtas, ito ay parang nilikha ka ulit Ng Dios. Tinatawag ito ng Biblia na “born again”:

 

Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. (Juan 3:3)

 

Ang pagiging “born again” ay hindi tumutukoy sa pisikal na kapanganakan. Ito ay tumutukoy sa espirituwal na kapanganakan. Ikaw ay muling nilikha sa espiritu bilang bagong nilalang Kay Cristo.  Ikaw ay “bago”  dahil hindi ka na namumuhay sa kasalanan at gumagawa ng lumang makasalanan na uri ng pamumuhay.

 

Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago. (II Corinto 5:17)

 

Sa pasimula ng mundo, iniutos una Ng Dios sa Kanyang bagong nilalang na mga tao na magparami. Ang Kanyang unang utos na muling lumikha, gayun din naman ang  “born again” na mga mananampalataya. Dapat tayong espirituwal na magparami at punuin ang mundo ng iba na katulad natin;  mga taong nagmamahal Sa Dios at lumalakad na may pakikitungo Sa Kanya.

 

Nang Si Jesus ay unang tumawag ng mga lalaki para sumunod Sa Kanya, ito ay tawag sa espirituwal na pagpaparami (Lucas 5:10).  Ang Kanyang huling utos sa mga mananampalataya ay espirituwal na magparami (Mga Gawa 1:8). Para matugunan ang hamon ng mga libo-libong mga tao na namamatay sa kasalanan na hindi nakarinig ng Ebanghelyo, ang bawa’t mananampalataya ay dapat magparami at matutuhan ang espirituwal na pagpaparami.

 

Ang kursong ito ay nagbabahagi ng mga pamamaraan na mula sa Biblia ng espirituwal na pagpaparami na makatutulong sa iyo para makapagparami ka ayon sa pagsunod sa utos Ng Dios.  Matututo ka na espirituwal na magparami ng isahan at sa konteksto ng maramihan sa local na iglesya.  Kung iyong gagamitin ang mga  prinsipyo sa Biblia  na itinuro sa kursong ito, ikaw ay maaaring managot para sa pagpaparami ng libo-libong mga naturuan at nahikayat na mga mananampalataya.

 

Kung iyong pinagaaralan ng mga kurso ng Harvestime International Institute ayon sa pagkakasunod-sunod nito, ito ang ikatlong kurso sa ikatlong “module”, na nakatuon sa pagpaparami ng espirituwal na mga manggagawa para masanay sa pamamagitan ng pagbuo ng Ikalawang “Module”.

 

Ang mga  kurso sa Ikatlong ‘Module” ay ang “ Pagbuo Ng Pananaw Sa Mundo Batay Sa Biblia,”  “Mga Paraan Ng Pagtuturo,”  “Mga Paraan ng Pagpaparami,” at “Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan.”  Ang mga kursong ito ay nagpapaunlad ng pagkaunawa ng espirituwal na pangangailangan ng mundo at ipinapaliwanag kung paano matutugunan ang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagtuturong batay sa Biblia at pangangaral, pagpaparami, at ang pagkakaroon ng espirituwal na kapangyarihan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

 

Pagkatapos pagaralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Espirituwal na magparami sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraan ng pagpaparami batay sa Biblia.

 

·                    Ibuod ang mga prinsipyo ng pagpaparami na itinuro sa mga talinghaga ng Bagong Tipan.

 

·                    Ipaliwanag kung paano ang mananampalataya ay espirituwal na makapagparami para makapagsanay ng maraming mga bagong mananampalataya.

 

·                    Gawin ang iyong tahanan bilang isang lugar para sa espirituwal na pagpaparami.

 

·                    Ibuod ang mga prinsipyo para sa panloob na pagpaparami sa loob ng Iglesya.

 

·                    Ibuod ang mga prinsipyo para sa pagpapalawak na pagpaparami sa Iglesya.

 

·                    Ibuod ang mga prinsipyo para sa pagdagdag na pagpaparami sa Iglesya.

 

·                    Ibuod ang mga prinsipyo para sa pagpaparami sa pagmimisyon ng Iglesya.

 

·                    Akayin ang mga nahikayat sa pagpapasiya na maging alagad.

 

·                    Kilalanin ang mga bagay na nakahahadlang sa espirituwal na pagpaparami.

 

·                    Patatagin ang Harvestime International Institute bilang sentro para sa espirituwal na pagpaparami.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG KABANATA

 

MAMAMALAKAYA NG TAO

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito  ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang una at huling utos Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod.

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “ pagpaparami.”

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng espirituwal na pagpaparami.

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “paraan.”

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang  “masistemang paraan.”

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng espirituwal na “paraan ng pagpaparami.”

·                    Ibuod ang mga prinsipyo ng natural na pangingisda na mailalapat sa espirituwal na pangingisda.

 

SUSING TALATA:

            

At sinabi sa kanila ni Jesus, magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. (Marcos 1:17)

 

PAMBUNGAD

 

Nang Si Jesu Cristo ay nagsimula sa Kanyang ministeryo sa lupa, tumawag Siya sa ilang mga lalaki para maging Kanyang unang mga disipolo:

 

At sinabi sa kanila ni Jesus, magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. (Marcos 1:17)

 

Ang Kanyang unang utos sa mga lalaking ito ay para espirituwal na magparami.  Kung sila ay sumunod sa Kanya, gagawin Niya silang “mamamalakaya ng tao.”.  Sila ay magapaparami kung sila ay espirituwal na “mamamalakaya” para sa ibang lalaki at babae.

 

Ang huling mensahe Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod ay tawag para sa espirituwal na paglago:

 

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

 

At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya’y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya’y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. (Mga Gawa 1:8-9)

 

Paano matutupad ng mga disipolo ang dakilang utos  na ibinigay Ni Jesus?  Paano ang maliit na grupong ito ng mga tao ay makapagpaparami para maabot ang buong mundo?

 

MGA PARAAN NG PAGPAPARAMI

 

Ipinahayag ni Jesus ang tiyak na mga paraan para matulungan ang mga disipolo na matupad ang utos na espirituwal na pagpaparami.  Ang una at pinaka mahalaga ay ibinigay bilang bahagi ng utos sa Mga Gawa 1:8.  Ang mga disipolo ay magpaparami sa pamamagitan ng ibinigay na kapangyarihan Ng Espiritu Santo.  Ang ibang paraan ay ipinahayag habang ang mga mananampalataya Ni Jesus ay nagsimulang magparami at maabot ang mundo ng Ebanghelyo.  Ang mga paraan ay nakasulat sa aklat ng Mga Gawa at mga Sulat sa Bagong Tipan.

 

Ipapaliwanag ng kursong ito ang paraan ng pagpaparami. Ito ay nagtuturo kung paano ang paggamit ng mga ito para espirituwal na makapagparami at matupad ang utos Ng Dios. Subalit una, dapat mong maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pagpaparami. Ang ibig sabihin ng “pagpaparami” ay tumaas ang bilang sa pamamagitan ng pagpaparami.  Ang pagpaparami ang proseso ng pagdami. Kung ang isang bagay ay maparami ito ay patuloy na darami  ng katulad nito.

 

Sa natural na mundo, ang lalaki at babae ay nagpaparami ng katulad nila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga anak.  Sila ay piskal na dumarami. Ang espirituwal na pagdami ay ginagawa sa pamamagitan ng espiirtuwal na panganganak.  Ang mananamapalataya ay nanganganak sa pamamagitan  ng pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iba, inaakay sila na maging mananampalataya, at pagpapatatag sa kanila bilang mga disipolo Ng Panginoong Jesu Cristo.

 

Ipinahayag sa Biblia ang mga paraan ng espirituwal na pagpaparami.  Ang isang “ paraan”  ay plano para matupad ang tiyak na layunin.  “Mga Sistema”  ay sistema ng mga paraan na maaaring pagsamahin para maabot ang layunin.

 

“Mga Paraan ng Pagpaparami” ay mga paraan para maabot  ng mga mananampalataya ang layunin ng espirituwal na panganganak.  Ang layunin ay hindi kailanman nagbabago.  Dapat tayong espirituwal na manganak at maabot ang buong mundo ng Ebanghelyo. Maraming iba’t ibang paraan para ang layunin na ito ay matupad.  Ang mga ito ang “ mga paraan na may sistema,” o iba’t ibang plano, kung saan ikaw ay makapagpaparami.

 

Kung ang tao ay makikipagkaisa Sa Dios sa paraan ng pagpaparami, ang resulta ay espirituwal na panganganak.  Ang mga mananampalataya ay espirituwal na makapagpaparami sa sinapupunan ng Iglesya.

 

ANG TAWAG SA PAGKILOS

 

Ang mga tao na unang tinawag Ni Jesus bilang mga disipolo ay mga mangingisda. Sila ay mga lalaki na kumikilos.  Hindi sila paisaisa kung manghuli ng isda. Gumagamit sila ng malaking mga lambat para mangisda at maraming nahuhuli, lahat ng klase ng isda.

 

Nang sila ay tinawag Ni Jesus para maging “mamamalakaya ng tao”  ipinahayag Niya ang kaparehong plano para sa espirituwal na pagpaparami.  Ang Kanyang mga  tagasunod ay “manghuhuli” ng lalake at babae mula sa bawa’t bansa, kultura, lengguwahe, at “ethnic background”. Ang kanilang espirituwal na “lambat” ay dapat mapuno.

 

 

Tumawag Si Jesus ng mga lalake na kumikilos. Sinabi Niya gagawin Ko kayong mamamalakaya ng tao.  Hindi lang sila magiging tagapanood ng plano Ng Dios.  Kasama sila habang sila ay nangingisda para sa walang hanggang kaluluwa ng mga lalake at babae.

 

Ang tawag Ni Jesus ay nanatiling pareho.  Dapat tayong maging mamamalakaya ng tao. Kung hindi tayo namamamalakaya, tayo ay hindi sumusunod.

 

MAMAMALAKAYA NG TAO

 

Bakit ginamit Ni Jesus ang halimbawa ng mamamalakaya para tawagin ang Kanyang mga tagasunod?

 

Una,  ito ang halimbawa na madali nilang mauunawaan.  Ang mga lalaking ito ay nabubuhay sa pamamalakaya.  Dito nila ibinubuhos ang kanilang panahon at lakas.  Nang tinawag sila na maging mamamalakaya ng tao, kanilang naunawaan na sila ay “manghuhuli”  ng espirituwal na tao, kung paano sila nanghuhuli ng isda sa natural na mundo.  Nauunawaan din nila ang hinihiling sa tawag na ito. Kailangan sa espirituwal na pangingisda ang pagtatalaga ng kanilang panahon at lakas.

 

Ikalawa, ginamit Ni Jesus ang halimbawa ng pangingisda para tawagin ang mga tagasunod dahil may mga prinsipyo sa natural na pangingisda na maaaring ilapat sa espirituwal na pangingisda. Narito ang ilan sa mga prinsipyong ito:

 

DAPAT KANG PUMUNTA KUNG NASAAN ANG ISDA:

 

Kung nais mong makahuli ng isda, dapat kang pumunta kung nasaan ang isda.  Ang isda ay nakatira sa tubig.  Hindi ka kailanman makakahuli ng isda sa paghihintay sa itaas ng bundok o sa gitna ng ilang.

 

Bilang mananampalataya, dapat kang pumunta kung nasaan ang isda sa espirituwal na larangan. Ang mga lalake at babae ay nakatira sa mundo. Hindi ka maghihintay sa gusali ng iglesya para ang hindi mananampalataya ay pumunta sa iyo.  Dapat kang pumunta sa palengke, mga paaralan, at sa mga opisina at ang “isda” saan man mayroong matatagpuan na hindi pa ligtas na tao.

 

DAPAT MONG SURIIN ANG KAPALIGIRAN: 

 

Kung ikaw ay nangingisda sa natural na mundo, mahalaga na iyong bigyan ng pansin ang kapaligiran.  Dapat mong obserbahan ang agos at lalim ng tubig.  Dapat mong malaman kung tubig alat o tabang.  Dapat mong obserbahan ang ihip ng hangin. Lahat ng mga natural na bagay na ito ay makapagsasabi  kung anong uri ng pain at paraan ang iyong gagamitin para mangisda.

Pareho din ang katotohanan sa natural na mundo.  Dapat mong suriin ang kapaligiran kung saan ka makakakita ng lalake at babae. Ano ang kanilang mga pangangailangan?  Ano ang nangyayari sa kanilang mga buhay?  Ang mga ito ay makatutulong sa iyo para malaman ang paraan na iyong gagamitin sa pamamalakaya para sa kanilang mga kaluluwa.

 

Nang matagpuan Ni Jesus ang babae sa balon sa Juan 4,  Kanyang sinuring mabuti ang kapaligiran kung saan Niya natagpuan ang babae.  Siya ay naghahanap ng natural na tubig.  Kanyang ginamit ang natural na tubig. Ginamit niya nag natural na pangangailangan para matulungan siya na malaman ang kanyang espirituwal na panganganilangan.  Ang paraan na Kanyang ginamit ay “papasukin siya”  sa Kaharian Ng Dios.

 

Sa natural na mundo, kung ang ginagamit mo ang paraan ng “trout” na pangingisda sa tubig alat hindi ka kailanman makahuhuli ng “trout”. Ang “trout” ay hindi nabubuhay sa tubig  alat. Ang mga ito ay nabubuhay sa tubig tabang.

 

Kung hindi mo susuriin ang kapaligiran sa espirituwal na mundo, matatagpuan mo ang iyong sarili “nangingisda ka ng trout sa tubig alat” dahil hindi mo nauunawaan kung nasaan ang mga tao at kung paano sila maabot.

 

DAPAT KANG GUMAMIT NG IBANG MGA PAMAMARAAN:

 

Ang mahusay na mangingisda ay gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan ng paghuli ng isda.  Gumagamit siya ng sarisaring pain para maakit ang isda. Gumagamit siya ng iba’t ibang uri ng gamit sa pangingisda kasama rito ang bingwit, lambat, sibat, o basket. Ang iba’t ibang uri ng isda ay naaakit sa iba’t ibang pamamaraan.  Ito ang dahilan ng mahusay na mangingisda kung bakit sila gumagamit ng sarisaring paraan.

 

Natututuhan ng mangingisda ang ilan sa mga paraan na ito sa aklat na naisulat tungkol sa pangingisda.  Natutuhan niya ang ibang paraan sa pamamagitan ng karanasan at obserbasyon. Ang paraan na kanyang ginagamit ay nagbabago, subalit ang layunin ay palaging pareho… Para makahuli ng isda.

 

Para ikaw ay maging epektibong espirituwal na mamamalakaya, dapat kang gumamit ng iba’t ibang uri ng paraan.  Ang ibang tao ay naaakit sa Ebanghelyo sa pamamagitan ng sarisaring paraan. Ang iba ay “papapasukin siya” sa pamamagitan ng pagtuturo  at pangangaral o aliwin sa panahon ng pangangailangan.  Ang iba ay “nahuli” sa ibang mga paraan.

 

Ang paraan ng espirituwal na pamamalakaya ay sarisari, subalit ang layunin ay palaging pareho… Para mahuli ang kaluluwa ng mga lalake at babae.

 

DAPAT MONG IHAGIS AT HIGITIN: 

 

Sa tuwing gumagamit ka ng bingwit, lambat, o sibat sa natural na mundo, dapat mong ihagis sa tubig at kunin ulit ito.

 

Sa natural na mundo, mahalagang-mahalaga kung paano mo ito inihagis sa tubig. Ang iyong paghagis ay dapat nasa target.  Dapat mong ingatan para ang iyong isda ay makuha ng maayos.

 

Sa espirituwal na mundo, tayo ay pinangakuan ng kung tayo ay “maghahagis” ng Salita Ng Dios, hindi ito babalik na walang nangyari.  Magagawa ang layunin  nito sa mga puso at buhay ng mga lalake at babae ( Isaias 55:11). Kung ginamit mo ang Salita Ng Dios, ikaw ay nasa target sa lahat ng oras.  Sa katapusan , ito ay “makakahuli” ng lalake at babae.

 

MAHALAGA ANG PANAHON:

 

Ang oras at araw at panahon ng taon ay may epekto sa pangingisda sa natural na mundo.  Ang ibang isda ay dumadayo at hindi mahuhuli sa ibang lugar sa ibang kapanahunan.  Ang pinakamalaking isda ay nahuhuli tuwing umaga kung kailan malapit sa ibabaw para sa pagpapakain.  Kung ikaw ay nangisda sa maling kapanahunan o maling oras, hindi ka makahuhuli ng maraming isda.

 

Ang tamang oras sa pamamalakaya sa espirituwal ay mahalaga rin.  Iyong matututuhan sa ibang bahagi ng kursong ito kung gaano kahalaga ang “mamalakaya” sa mga bahagi ng mundo na handang tumanggap ang mga tao, kung saan ang isda ay espirituwal na “kumakagat.”

 

DAPAT KANG MAGING MATIYAGA:

 

Ang mangingisda sa natural na mundo ay dapat maging matiyaga.  Dapat niyang hintayin ang isda na kagatin ang pain o lumangoy sa lambat. Pareho rin ang katotohanan sa espirituwal na mundo:

 

Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli. (Santiago 5:7)

 

ESPITIUWAL NA PANGANGANAK

 

Ang resulta ng pangingisda sa natural na mundo ay pagpaparami ng isda.  Ang resulta sa pangingisda sa espirituwal na mundo ay pagpaparami ng lalake at babae sa Kaharian Ng Dios. Ang resulta ng  natural na panganganak ay pagpaparami ng nabubuhay na tao. Ang resulta  ng espirituwal na panganganak ay pagpaparami ng espirituwal na mga tao.

 

Ang natural na panganganak ay resulta ng buhay. Ang espirituwal na panganganak ay resulta rin ng buhay.  Hindi ito nanggagaling sa pamamagitan ng mga programa at pagtaas ng tao.  Ang espirituwal na panganganak ay galing sa espirituwal na buhay na nagmumula Sa Dios.

 

Sa natural na katawan, ang panganganak ay nanggagaling sa sinapupunan ng babae na may isang cell ng buhay. Ang cell na ito ay dumarami hanggang ito ay mabuo na isang katawan at isang bagong bata ay ipanganganak.

 

Katulad ng espirituwal na paglago. Ito ay nagsisimula sa buhay na galing Sa Dios sa isang lalake o babae. Ito ay espirituwal na dumarami sa “sinapupunan” ng Iglesya.  Iyong matututuhan kung paano nagsisimula ang espirituwal na panganganak habang iyong pinagaaralan  “ Ang Araw Ng Maliliit Na Bagay”  sa susunod na kabanata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAG-SUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya:

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.        Ano ang una at huling utos Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod?

 

________________________________________

 

3.        Ano ang pagpaparami?

 

________________________________________

 

4.  Paano ang mananampalataya ay espirituwal na manganganak?

           

________________________________________

 

 

5.  Ibigay ang kahulugan ng “paraan”.   

 

________________________________________

 

6.  Ibigay nag kahulugan ng “masistemang pamamaraan.” 

 

________________________________________

 

7.  Ipaliwanag ang ibig sabihin ng espirituwal na “ mga paraan ng pagapaparami.”

 

________________________________________

 

 

8.  Ibuod ang mga prinsipyo ng natural na pangingisda na mailalapat sa espirituwal na pangingisda.

 

________________________________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang tawag Ni Jesus na magparami ay hindi karapatan o mungkahi. Ito ay utos. Pag-aralan ang sumusunod na tsart na ipinaghambing ang iba’t ibang talaan ng dakilang utos sa Biblia. Tingnan ang bawat reperensiya sa iyong Biblia. Pansinin ang iyong kapangyarihan para matupad ang utos. Obserbahan ang lawak ng iyong ministeryo, ang mensahe, at ang mga gawain kung saan ka kasama sa proseso ng pagpaparami.

 

Reperensiya      Ang Kapangyarihan            Ang Lawak           Ang Mensahe       Ang Gawain

 

Mateo              “Lahat ng Kapangyarihan”     Lahat ng bansa      Lahat ng bagay            Pagdisipolo

28:1-120                                                                                        na iniutos Ni           sa paghayo

                                                                                                     Jesus                       pagbautismo,

                                                                                                                            Pagtuturo

 

Marcos                        Sa pangalan Ni Jesus               Sa lahat ng               Ang                        Magsiyaon

16:15                                                                mundo sa               Ebanghelyo mangaral,

                                                                         bawat nilalang                          pagalingin

                                                                                                                                  ang maysakit.

 

Lucas               Sa pangalan Ni Jesus                Sa lahat ng              Pagsisisisi               Mangaral,

24:46-49                                                          bansa simula           at ang                     ipahayag, at

                                                                        sa Jerusalem           pagpapatawad        saksi

                                                                             sa mga kasalanan

 

Juan                 Isinugo ni Jesus             ( Ang lawak ng ministeryo, ang mensahe, at ang

20:21               kung paano siya                          mga Gawain ay dapat kapareho Ng “Kay Jesus”.)

                        isinugo Ng Ama

 

Mga Gawa       Kapangyarihan             Jerusalem,                Cristo                   Saksi

1:8                   ng Espiritu Santo                       Judea, Samaria, at

                                                                        sa kahulihulihan

                                                                        hangganan ng lupa

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG KABANATA

 

Ang Araw Ng Maliliit Na Bagay

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito  ikaw ay  may kakayahang:

 

·                    Isulat mula sa memorya ang Susing Tatata.

·                    Ibuod ang pangunahing prinsipyo ng pagpaparami.

·                    Kilalanin ang iba’t ibang uri ng espirituwal na paglago.

·                    Isulat ang mga reperensiya na nagpapakita na ang tungkol sa pagpaparami ay ayon sa Biblia.

·                    Kilalanin ang mga bagay na nagpapahayag na ang paglago sa bilang ay mali.

 

SUSING MGA TALATA

           

Sapagka’t sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagkat ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito’y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo’t parito sa boong lupa. (Zakarias 4:10)

           

PAMBUNGAD

 

Ang paglago sa katawan ng tao ay nagsisimula sa isang semilya ng buhay na resulta ng malalim na kaugnayan sa pagitan ng lalake at babae. Ang semilya na ito ay dumarami sa loob ng sinapupunan ng ina hanggang isa pang tao ang mabuo. Kung ito ay tumanda, ang bagong tao ay maykakayahan na magparami.

                                                                                               

Ang espirituwal na paglago ay nagsisimula sa kaugnayan ng isang tao Sa Panginoong Jesu Cristo. Ang espirituwal na buhay ay dumadaloy sa kaluluwa at espiritu ng isang taong tumanggap Kay Jesus bilang Tagapagligtas. Ang maliit na buhay, naalagaan sa espirituwal na sinpupunan ng Iglesya, ay lumalago hanggang ang bagong disipolo ay nalikha. Ang disipolong ito ay may kakayahan na espirituwal na manganak sa pamamagitan ng pag-akay sa iba tungo Sa Panginoong Jesu Cristo.

 

Kung ito man ay sa natural o espirituwal na mundo, ang pagpaparami ay nagsisimula sa isang buhay na semilya. Kaya sinabi ito Ng Dios:

 

Sapagka’t sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagkat ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito’y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo’t parito sa boong lupa. (Zekarias 4:10)

 

Sa kabanatang ito ikaw ay magsisimula sa maliliit na mga bagay.  Iyong matututuhan ang pangunahing mga prinsipyo tungkol sa pagpaparami at tungkol sa iba’t ibang uri ng espirituwal na paglago.  Iyong matututuhan ang naisin Ng Dios para sa espirituwal na pagpaparami at mga bagay na nagsasabi ng maling tuon sa paglago sa bilang. Ikaw ay magsisimula sa pangunahing mga prinsipyo, ang maliliit na mga bagay kung saan ang dakilang pahayag ay nakabatay.

 

MGA PANGUNAHING PRINSIPYO NG PAGPAPARAMI

 

Dapat mong maunawaan ang pangunahing mga prinsipyo ng espirituwal na pagpaparami para iyong matutuhan at mailapat ang mga sistemang paraan.  Ang mga prinsipyo batay sa Biblia ay hindi nagbabago, subalit ang paraan kung saan ka magpaparami ay maaaring iba’t iba. Ang paraan ay nagbabago, subalit ang pakay ay palaging nananatiling pareho.

 

Ang pakay at mga prinsipyo Ng Dios ay palagi at nananatiling pareho, subalit ang estratehiya para maabot ang mga pakay ay nagbabago.  Sa pasimula pa  ang pakay Ng Dios ay…

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko. (Efeso 1:10)

 

Habang ang espirituwal na buhay ng Kanyang mga anak at ang kasaysayan na kalagayan ay nagbabago sa iba’t ibang mga bansa, binabago Ng Dios ang Kanyang estratehiya kung kinakailangan para mangyari ang pakay Niya.  Halimbawa,  nang ang mga ama sa pamilya ng Israel ay hindi nagawa ang kanilang mga tungkulin espirituwal, Ang Dios ay nagtindig ng mga saserdote. Nang ang mga saserdote ay naging makasalanan, tinawag Niya ang mga propeta bilang espirituwal na mga pinuno.

 

Si Jesus ay gumamit ng marami at iba’t ibang mga paraan sa ministeryo.  Hindi Niya pinakitunguhan ang lahat ng mga tao sa parehong paraan. Ang Kanyang paraan ay iba’t-iba, subalit ang Kanyang pakay ay nananatiling pareho… Para hipuin at baguhin ang buhay ng mga lalake at babae.

 

Narito ang ilang mga pangunahing mga prinsipyo na dapat mong maunawaan sa “araw ng maliliit na mga bagay” bago magsimula ang pagpaparami:

 

ANG DIOS AY MAY MALASAKIT SA MARAMING TAO:

 

Palaging may malasakit ang Dios sa buong mundo:

 

Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglubutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)

 

Ang Dios …

 

Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. (II Pedro 3:9)

 

Ipinahayag din Ni Jesus ang malasakit na ito nang sinabi Ni Jesus:

 

Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. (Lucas 19:10)

 

...sapagka’t hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan. (Mateo 9:13)

 

Ang Dios ay may malasakit sa maraming tao. May malasakit Siya sa bilang. May malasakit Siya sa pagpaparami ng mga mananampalataya na manganganak at magbabahagi ng Ebanghelyo.  Sa pagsisimula ng iyong pag-aaral ng mga paraan ng pagpaparami dapat kang magsimula katulad ng malasakit Ng Dios—ang pagabot sa buong mundo ng mensahe Ng Ebanghelyo.

 

ANG DIOS ANG NAGBIBIGAY NG PAGLAGO:

 

Ang espirituwal na pagpaparami ay hindi maabot kung wala Ang Dios. Ang Dios ang nagbibigay ng paglago:

 

...ngunit ang Dios ang siyang napalago. (I Corinto 3:6)

 

ANG TAO AY DAPAT MAKIPAGTULUNGAN SA MGA PRINSIPYO NG DIOS:

 

May mga prinsipyo sa Salita Ng Dios na mailalapat sa bawat bahagi ng buhay at ministeryo. Ang Dios ay gumagawa sa mga tao na nakaaalam na makipagtulungan sa mga prinsipyong ito.  Simula sa pasimula ng mundo, Ang Dios ay gumawa sa mundo sa pamamagitan ng tao.  Ibinigay Niya kay Adan at Eva ang tungkulin na pangalagaan ang hardin. Ginamit Niya ang lalaking si Noe para pangalagaan ang buhay sa lupa sa panahon ng baha.

 

Itinindig Ng Dios si Abaraham para magkaroon  ng bansang Israel kung saan Niya ipahahayag ang Kanyang sarili sa mga bansa sa mundo, ginamit din Ng Dios ang mga propeta, hari, at mga hukom para matupad  ang plano Niya sa panahon ng Lumang Tipan.

 

Sa Bagong Tipan, ang lalaking si Juan Bautista ang “naghanda ng daan para Sa Panginoon.”  Si Jesus ay nagsimula sa Kanyang ministeryo kasama ang mga ordinaryong mga lalake at nang Siya ay bumalik sa Langit iniwan niya ang kahihinatnan ng Ebanghelyo sa mga kamay ng mga lalakeng ito. Ang buong talaan ng Biblia ay isang tao na nakipagtulungan sa mga prinsipyo Ng Dios para matupad ang pakay Ng Dios.

 

Ito ay totoo sa espirituwal na pagpaparami. Hindi binabalewala Ng Dios ang tao para ipamahagi ang Ebanghelyo. Ginagamit Niya ang mga lalake at babae na nakakaunawa at nakikipagtulungan sa mga prinsipyo Niya sa pagpaparami. Ibinuod ni Pablo ang pakikipagtulungan na ito:

 

…Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; ngunit ang Dios ang siyang napalago. (I Corinto 3:6)

 

Binigyan diin ni Pablo ang pangangailangan ng mga mananampalataya na tuparin nila ang tungkulin sa plano Ng Dios:

 

Sapagka’t ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

 

Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinasampalatayanan? at paano silang magsisimpalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang makikinig na walang tagapangaral? (Roma 10:13-14)

 

SI JESUS ANG TAMPULAN NG PAGPAPARAMI:

 

Sinabi Ni Jesus:

 

At ako, kung ako’y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din. (Juan 12:32)

 

Sinasabi ni Jesus dito “kung ako’y mataas” sa krus para mamatay para sa mga kasalanan ng lahat ng sangkatauhan.  Sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay, Kanyang ilalapit ang mga tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ebanghelyo.  Sa iyong pagbabahagi ng mensahe ng Ebanghelyo, Si Jesus ay matataas.  Kung Siya ay matataas sa iyong buhay at sa iyong  iglesya, ang mga tao ay lalapit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mensahe ng Ebanghelyo.  Ang pagpaparami ay tiyak na mangyayari kung Si Jesus ay matataas.

 

ANG SALITA NG DIOS AY SANHI NG PAGLAGO:

 

Si Jesus ay nag kuwento tungkol sa talinghaga ng paglago sa Mateo 13:1-9.  Kanyang ipinaliwanag ang talinghaga sa Mateo 13:18-23.  Basahin ang mga talatang ito sa iyong Biblia.  Sa talinghagang ito, ang buto ay kumakatawan sa Salita Ng Dios.  Ipinangako Ng Dios kung Siya ay nagtanim ng Salita, ito ay hindi mawawalan ng kabuluhan:

 

Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan. (Isaias 55:11)

 

...sapagka’t aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.(Jeremias 1:12)

 

Ang Salita Ng Dios ang nagbibigay ng pagbabago sa mga buhay ng lalake at babae. Ang resulta ng pagbabagong ito ay paglago at pagpaparami batay sa Salita Ng Dios.

 

 

 

ANG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO AY NAGDUDULOT NG PAGPAPARAMI:

 

Sa huling mensahe Ni Jesus sa Kanyang mga disipolo sinabi niya:

 

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)

 

Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay may kakayahang magparami.  Ang mga kaloob ng Espirtu Santo ay nagdudulot ng pagpaparami. Ang bunga ng Espiritu Santo ay nagiging sanhi ng panganganak.  Sa bandang huli ng ating pag-aaral ng kursong ito ating susuriin ang tungkulin ng Espiritu Santo sa espirituwal na pagpaparami.

 

ANG PAGPAPARAMI AY RESPONSABILIDAD NA PAGTUTULUNGAN:

 

Sa unang iglesya, ang pagkalat ng Ebanghelyo ay hindi naiwan sa mga “full time” na mga pastor, propeta, ebanghelista, at mga guro. Ang bawat mananampalataya sa Bagong Tipan ay espirituwal na nanganganak. Para maabot natin ang mundo ng Ebanghelyo, dapat tayong bumalik sa estratehiya ng unang Iglesya.  Ang parehong pinuno at layko ay dapat magtulungan sa responsabilidad para sa espirituwal na pagapaparami.  Ang paglago sa populasyon ng mundo ay nangangailangan ng pagbalik sa plano ng Bagong Tipan sa minisyeryo ng bawat kaanib ng Katawan Ni Cristo. Hindi natin maaabot ang mundo kung tayo ay palumagay lamang at walang sigla.

 

Mayroong sapat na mananampalataya sa mundo para ang buong mundo ay madaling maabot ng Ebanghelyo. Kulang lamang ang mga bilang ng mga taong nakakikilala at tumutugon sa pagkakataon para sa pagpaparami.

 

Ang utos na ibinigay Ni Jesus sa mga mananampalatataya ay “ humayo”  sa buong mundo na dala ang mensahe ng Ebanghelyo.  Hindi ka dapat maghintay sa utos na “humayo” dahil ito ay naibigay na. Kaugnay sa pangangalat ng Ebanghelyo, ang utos ay “humayo” at maghintay sa pagpigil, hindi tumigil at maghintay para sa “paghayo”.

 

URI NG PAGPAPALAGO

 

Ang Biblia ay tumutukoy sa apat na uri ng paglago o pagpaparami:

 

ANG PAGLAGONG HEOGRAPIYA:

 

Ang geograpiyang paglago ay sinabi Ni Jesu Cristo:

 

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)

 

Ang paglago ay dapat lumaganap sa lahat ng bansa ng mundo.

 

ANG PAGLAGO SA BILANG:

 

Ang iglesya ay makakaranas ng paglago sa bilang habang ito ay lumalago sa heograpiya.  Ang paglago sa bilang sa unang iglesya ay nakatala sa aklat ng Mga Gawa.  Halimbawa, Sa Mga Gawa 1:15 ang iglesya ay tumaas ang bilang mula sa 12 hanggang 120; hanggang 3,000 sa Mga Gawa 2:41; at 5,000 sa Mga Gawa 4:4.

 

ANG PAGLAGO SA ETHNOLOHIYA:

 

Ang unang iglesya ay nakaranas ng paglago sa ibang lahi. Ang Ebanghelyo ay lumaganap lagpas sa mga Hudyo kasama ang mga Gentil ( mga tao sa lahat ng bansa).

 

ESPIRITUWAL NA PAGLAGO:

 

Hindi lamang ang paglago sa bilang  ang tuon ng espirituwal na pagpaparami. Habang iyong natutuhan sa bandang huli ng pag-aaral ng kursong ito. Ang panloob na esprituwal na paglago ay mahalaga rin.  Ang mga tagasunod Ni Jesus ay dapat lumago sa esprituwal na kalidad gayun din naman sa dami:

 

Datapuwa’t magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at tagapagligtas na si Jesucristo... (II Pedro 3:18)

 

Ang naisin Ng Dios ay…

 

Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga’y si Cristo. (Efeso 4:15)

 

ANG DIIN SA MGA BILANG

 

Hindi binibigyang  pansin ng ibang tao ang paksang espirituwal na pagpaparami at paglago ng iglesya dahil naniniwala sila na ang pagtuunan ang bilang ay mali. Subalit sa Biblia maraming nakatala na binibigyang pansin ng Dios ang mga bilang. Halimbawa , tingnan ang Mga Bilang 1:1-3;  2:23-24; 26:1-4; Apocalipsis 7:9; 20:8; Genesis 22:17; at Hebreo 6:14.

 

Si Jesus ay nagkuwento ng maraming talinghaga tungkol sa paglago sa bilang.  Iyong pag-aaralan ito sa ibang kabanata.  Sinabi din Niya ang maingat na pagtatala ng bilang ay nakatago sa Langit:

 

Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu’t siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.(Lucas 15:7)

 

Ang pagpaparami ay binigyang tuon ng mga talaan sa unang iglesya sa aklat ng Mga Gawa.  Ang buod ng paglago sa iglesya ay nakatala sa Mga Gawa 1:15; 2:41; 4:4; 6:7; 9:31; 12;24; 16:5; 19;20; at 28:30-31.

 

Hindi mo dapat balewalain ang paksa tungkol sa pagpaparami dahil lamang sa ilang mga problema sa maling pagpapahalaga.  Sa halip, dapat mong kilalanin at harapin ang mga problema.  Mayroong maling pagpapahaga sa pagpaparami kung ang mga sumusunod na mga bagay ay nakikita:

 

ANG PAGLAGO SA BILANG AY MAS MAHALAGA HIGIT SA ESPIRITUWAL:

 

Kung ang espirituwal na paglago ay nalalagay sa kompromiso para maakit ang mga tao, mayroong maling pagpapahalaga sa mga bilang. Ang ibang mga pastor ay sinasabi lamang ang nais ng mga tao na marinig para maakit nila ang maraming mga tao.

Ang Biblia ay nagbabala…

 

Sapagka’t darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masamang pita;

 

At hihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha. (II Timoteo 4:3-4)

 

ANG PAGMAMATAAS ANG MOTIBASYON:

 

Basahin ang I Cronica 21:18.  Ang pansin ni David dito tungkol sa mga bilang ay pag-uudyok ni Satanas at kilos na may pagmamalaki.  Kung ikaw ay nagsisimulang magmalaki  sa maraming bilang, ang iyong tuon ay mali.

 

ANG PAGTULAD AY GINAGAWA:

 

Mayroong kasalanan ng laman na binabanggit sa Galacia 5:20 na tinatawag na “ pagtulad.” Ang pagtulad ay isang porma ng panibugho na ang resulta ay pagtulad sa iba para makapantay o mahigitan ang kanilang mga naabot.  Kung ikaw ay naiinggit sa malaking ministeryo at magsimulang tumulad  sa kanila para lumago, mayroong kang maling pagpapahalaga sa mga bilang.

 

ANG PAGPAPAHALAGA AY SA PAGLAGO NG IGLESYA SA HALIP NA PAGLAGO NG KAHARIAN:

 

Ang layunin ng espirituwal na pagpaparami ay pag-abot sa mga bagong nahikayat Kay Jesus Cristo at pagtuturo sa kanila hanggang sila ay mapagkakatiwalaan, nanganganak na kaanib ng Kaharian Ng Dios. Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng paglago ng iglesya at paglago ng Kaharian.  Kung ang unang iglesya ay nahati at ang 100 ng kanilang kaanib ay nagpunta sa Ikalawang Iglesya, ang paglago ng iglesya ay nangyari sa Ikalawang Iglesya, subalit walang paglago sa Kaharian.  Walang pagpaparami na nangyari.  Mayroong laman sa paglipat ng mga dating kaanib.

 

Ang layunin ng pagpaparami ay hindi para maakit ang bagong kaanib mula sa ibang iglesya subalit maabot ang hindi pa naaabot ng Ebanghelyo.  Ang pagpapahalaga sa mga bilang ay mali kung ang layunin ng paglago ng iglesya ay para mapalitan ang paglago ng Kaharian.

 

MAPABAYAAN ANG PANG-ISAHAN:

 

Si Jesus ay nagministeryo sa maraming mga tao sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa

 ( Lucas 6:17; 7:11; 8:37; 9:14-16; 14:26; 23:27; Juan 6:2).  Subalit hindi kailanman pinabayaan Ni Jesus ang pang-isahan dahil sa maraming mga tao.  Tumawag Siya ng isahan mula sa marami para mapaglingkuran sila (Juan 5:3-13; Marcos 5:24-34).  Sa Juan 4, pinaglingkuran Ni Jesus ang babae na nagdala ng buong nayon sa Panginoon.

 

Sa Mga Gawa 8 mayroong natala na malaking “revival’ na ipinahayag ni Felipe sa lungsod ng Samaria.  Sa kalagitnaan ng mga pagtitipon Ang Dios ay nangusap kay Felipe na umalis sa Samaria at magtungo sa ilang sa pagitan ng Jerusalem at Gaza.

 

Si Felipe ay daling umalis sa malaking “revival” na kung saan siya nagmiministeryo. Siya ay pumunta mula sa maraming tao tungo sa nakalulungkot na ilang.  Iniwan niya ang  maraming tao para makapagministeryo sa isang lalake na Eunoko na pabalik sa tahanan mula sa Jerusalem. Ang isang lalaking ito marahil ang siyang naging responsable sa paglaganap ng Ebanghelyo sa buong kontinente ng Africa.

 

Maraming taon ang nakalipas sa isang gawain sa London, England, dalawang tao lamang ang dumalo dahil sa masamang panahon. Ang bumibisitang pastor ay gumawa ng makapangyarihang pagsamo para sa mga manggagawa sa mga Indians sa Hilagang America subalit akala niya ang panahon niya ay nasayang dahil sa mababang bilang ng mga dumalo. Subalit ang isa sa dalawang lalake ay narinig ang tawag Ng Dios at nagsuko ng kanyang buhay sa Dios. Sa loob ng isang buwan kanyang ipinagbili ang kanyang kalakal at inihanda ang kanyang sarili na maglingkod sa mga Indians sa Hilagang America.  Ginugol niya ang 35 mga taon sa epektibong pagmiministeryo sa mga taong ito.  Ang kanyang pangalan ay David Brainard.

 

ANG PAGPAPAHALAGA AY NABALING MULA SA MGA TAO TUNGO SA MGA BAGAY:

 

Kung ang pagpaparami ay nagdulot ng paglago ng iglesya, kung minsan ang pagpapahalaga ay nababago mula sa tao tungo sa mga bagay.  Dahil sa paglago, maaaring kailanganin ang isang malaking gusali ng iglesya at ang  mga kakayahan ay malilipat mula sa pagpaparami ng mga disipolo tungo sa programa ng pagtatayo ng gusali.  Kung ang iyong pangunahing tuon ay sa gusali para magkasya ang paglago, ang mga bilang ay nagdulot sa iyo na mabaling ang paningin na mawala sa pangunahing layunin.

 

Ang Dios ay mas nagaalaala sa mga tao higit sa mga gusali.  Ang natala sa Biblia tungkol sa gawa Ng Dios sa mundo ay nakatuon sa mga tao.  Kung ang pagpaparami ay nagdulot ng paglipat ng pagpapahalaga mula sa tao tungo sa mga materyal na mga bagay, ang mga prayoridad ay mali.

 

ANG IBA AY NAGHUHUSGA AYON SA MGA BILANG:

 

Huwag kailanman na maghusga tungkol sa espirituwal na kalagayan ng ibang tao o ministeryo ayon sa mga bilang.  Ang maraming bilang ay hindi palaging tanda ng pagka espirituwal. Sa ibang pagkakataon  ang katagumpayan sa mga bilang ay piping patotoo na ang iglesya ay nagkulang na maging Iglesya. Kung minsan, ang pagtatapat sa Salita Ng Dios at Sa Panginoong Jesu Cristo ay maaaring pagpapalayo sa halip na makaakit. Halimbawa, nang Si Jesus ay nagsimulang magturo ng hindi popular na mensahe ng kanyang pagkamatay, marami sa Kanyang mga tagasunod ay iniwan Siya ( Juan 6:52-64).

 

May iba pang dahilan kung bakit ang paglago ay hindi nakikita.  Ang Biblia ay nagsasabi na mayroong tiyak na panahon para sa espirituwal na paglago kung paanong mayroong pagikot ng paglago sa natural na mundo.  Sa natural na mundo, tuwing darating ang natatanging panahon ng taon ang ibang halaman ay hindi nagbubunga.  Walang mga dahon o bunga at mukhang patay na sanga na nakatusok sa lupa.  Subalit sa tamang panahon, ang mga halaman na ito ay uusbong at mamumunga at lalabasan ng mga dahon.

 

Ganito rin sa Espirituwal na mundo. Mayroong takdang panahon na ang tiyak na lugar ng mundo ay mas handang tumanggap sa Ebanghelyo kaysa sa iba. Sa pag-aaral ng mga batayan ng paglago iyong maitutuon ang mga espiiruwal na puwersa sa mga lupain na “hinog para sa pag-aani.” 

 

Ang sistema Ng Dios tungkol sa mga bilang ay hindi kapareho ng sa tao.  Tayo ay nagdadagdag para tumaas ang bilang.  Subalit kung minsan  Ang Dios ay nagbabawas para madagdagan.  Sina Ananias at Safira ay ibinawas mula sa iglesya dahil sa kasalanan ( Mga Gawa 5), mga mananampalataya ay nadagdagan ( Mga Gawa 5:14).  Kung minsan ginagamit Ng Dios ang  paghahati para dumami.  Nang sina Pablo at Barnabas at nahati, pinarami Ng Dios ang puwersa ng misyon ( Mga Gawa 15:36-41).  Sa ibang pagkakataon pinaliliit Ng Dios ang bilang para magawa ang dakilang layunin.Basahin ang kuwento ni Gedeon sa Mga Hukom 7.

 

Huwag kailanman husgahan ang ministeryo o ang isang tao batay sa mga bilang.  Huwag

 “ hamakin” ang maliit na mga bagay.  Nang ipinagkaloob ng isang bata ang kanyang tinapay at dalawang isda Kay Jesus, ito ay tumugon sa mga pangangailangan ng maraming nagugutom na mga tao. Patuloy na kinukuha Ng Dios ang mga hindi mahahalagang bagay , pinagpapala Niya, at ginagamit na makapangyarihan ang mga ito para sa Kanyang kaluwalhatian.

 

 

 

PUMARITO AT MAMUNGA

 

Ang pagkatakot sa maling pagpapahalaga sa mga bilang ay hindi dapat maging dahilan para umiwas sa pag-aaral at paglalapat ng mga paraan ng pagpaparami. Naging maliwanag ayon sa talinghaga ng talento (Mateo 25:14-30) na Ang Dios ay umaasa na ikaw ay makapagparami ng mga ibinigay  sa iyo at ang dahilan na natatakot ka ay hindi katanggaptanggap sa Kanya. Sinabi Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na:

 

Hindi baga sinasabi ninyo, may apat na buwan pa, at saka darating ang pag-aani? narito, sa inyo’y aking sinasabi, itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tignan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. (Juan 4:35)

 

Nang Ang Dios ay nagpadala ng mga taga ani sa espirituwal na bukirin ng mundo, nais Niya na lumabas sila at mamunga, at hindi magdahilan:

 

Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.

 

Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; Siya’y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas. (Mga Awit 126:5-6)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.                 Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

2.         Ibuod ang pangunahing mga  prinsipyo ng pagpaparami na itinuro sa aralin na ito.

 

________________________________________

 

3.         Kilalanin ang apat na uri ng espirituwal na paglago.

 

________________________________________

________________________________________

 

4.         Isulat ang ilang mga reperensiya na nagpapakita na ang pagpaparami ay batay sa Biblia.

 

________________________________________

 

 

5.         Ibuod ang mga  sanhi na tinalakay sa aralin na ito na nagpapakita na ang pagpapahalaga sa paglago ng bilang ay mali.

 

________________________________________

 

 

6.         TAMA O MALI:  Kung ang salaysay ay “Tama”, isulat ang “Tama” sa puwang sa unahan nito. Kung ang salaysay ay mali, isulat ang “Mali” sa puwang sa harapan nito:

 

            a. ___________ Ang pagpapahalaga sa bilang ay hindi nababatay sa Biblia?

            b. ___________ Kung ang iglesya ay hindi lumalago, sila ay hindi espirituwal.

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang aklat ng Mga Gawa sa Biblia ay nagsasabi ng kuwento ng  pagpaparami sa unang iglesya. Gamitin ang sumusunod na balangkas para pag-aralan ang aklat ng Bagong Tipan.  Ang balangkas na ito ay sumusunod sa plano ng pagpaparami Ng Panginooon na ibinigay sa Mga Gawa 1:8 para sa ikalalaganap ng Ebanghelyo mula sa Jerusalem hanggang sa Judea, Samaria, at sa dulo ng daigdig.

 

MAY-AKDA:  Lucas

 

PARA KANINO:  Sa lahat ng mananampalataya, kahit nga ang aklat  ay tiyak na nakapangalan kay Teofilo.

 

LAYUNIN:  Nais ipakita ng aklat ang patuloy na ginagawa ni Jesus at itinuturo pagkatapos ng Kanyang pag-akyat sa pamamagitan ng Kanyang espirituwal na Katawan, ang Iglesya (Mga Gawa 1:1-2)

 

SUSING TALATA:  Mga Gawa 1:8

 

 

BALANGKAS

 

Pambungad

Mga Gawa 1:1-11

 

I.        Pambungad:  1:1-2

 

A.                 Para: Kay Teofilo:  1:1

B.                 May kinalaman sa:  Kung ano ang patuloy na ginagawa Ni Jesus at itinuturo pagkatapos ng Kanyang pag-akyat sa pamamagitan ng Kanyang espirituwal na katawan, ang Iglesya:  1:1-2

 

II.                 Ang ministeryo Ni Jesus pagkatapos ng muling pagkabuhay:  1:3

 

A.        Ang tagal:       Apatnapung araw:  1:3

B.         Ang layunin:   Walangkamaliang katibayan:  1:3

C.        Ang mensahe:  Ang Kaharian Ng Dios:  1:3

 

III.               Ang huling pakikipagtagpo Ni Jesus sa Kanyang mga disipolo:  1:4-8

 

A.                 Ang utos sa mga disipolo:  1:4-5

B.                 Ang tanong ng mga disipolo:  1:6

C.                 Ang babala sa mga disipolo:  1:7

 

IV.              Ang pag-akyat Ni Jesus sa Langit:  1:9-11

 

A.                 Paglalarawan ng pag-akyat:  1:9

B.                 Pagpapahayag ng Kanyang ikalawang pagparito:  1:10-11

 

Unang Bahagi:

Pagbuo Ng Saksi Sa Jerusalem

Mga Gawa 1:12-7

 

I.        Ang pagbuo ng saksi:  1:12-2:4

 

A.                 Ang  mga disipolo ni Cristo ay naghihintay sa Jerusalem:  1:12-26

1.                  Ang pagtitipon ng mga disipolo:  1:12-15

a.                Ang lugar ng tagpuaan:  1:12-13

b.               Ang kanilang bilang at mga pangalan:  1:13-15

c.                Ang kanilang layunin:  1:14

2.                  Ang maikling pananalita na ibinigay sa mga disipolo:  1:15-22

a.                Ang tagapagsalita:  Pedro:  1:15

b.               Ang mensahe:  1:16-22

(1)    Ang “background”:  1:16-20

(2)    Mga tagubilin:  1:21-22

3.                  Ang tugon ng mga disipolo:  1:23-26

a.                  Ang paghirang:  1:23

b.                 Ang panalangin:  1:24-25

c.                  Ang pagpili:  1:26

B.                 Ang bautismo Ng Espirtu Santo:  2:1-4

1.                  Ang aksiyon:  2:1

2.                  Ang mga tao:  2:1

3.                  Ang lugar:  2:1

4.                  Ang pangyayari:  2:2-4

a.                   Ang hangin:  2:2

b.                  Ang dilang apoy:  2:3

c.                   Pagsasalita ng ibang wika:  2:4

 

Ikalawang Bahagi:  Tungkulin Ng Mga Saksi Sa Jerusalem

Mga Gawa 2:5-7

 

I.         Ang unang saksi:  2: 4-40

 

A.                 Ang paraan kung paano ibinigay ang pagsaksi:  2:4-8

B.                 Ang reaksiyon sa mga  saksi:  2:7-13

C.                 Ang sermon ni Pedro:  2:14-36

1.                  Propesiya tungkol sa panahon:  2:17

2.                  Propesiya tungkol sa espiritu:  2:17-18

3.                  Propesiya tungkol sa pangyayari:  2:19-20

4.                  Propesiya tungkol sa kaligtasan:  2:21

5.                  Ang gawa Ni Jesus:  2:22-36

a.                   Si Jesus ay sinangayunan Ng Dios:  2:22

b.                  Si Jesus ay ipinako sa krus:  2:23

c.                   Si Jesus ay bumangon mula sa mga patay:  2:24-32

d.                  Si Jesus ay pinarangalan sa kanang kamay Ng Dios:  2:33-35

e.                   Si Jesus ay Panginoon at Cristo ngayon:  2:36

D.                 Tugon sa mensahe:  2:37-40

1.                  Kombiksiyon:  2:37

2.                  Pagtatanong:  2:37

3.                  Tagubilin:  2:38

4.                  Mga pangako:  2:38-39

5.                  Masidhing pananalita:  2:40

 

II.                 Ang unang lokal na iglesya:  2:41-47

 

A.                 Mga talaan ng kaanib ng unang iglesya:  2:41

1.                 Ang kanilang pagkakakilanlan:  Silang mga tumanggap ng Salita.

2.                 Ang kanilang bilang:   3,000

B.                 Mga espirituwal na praktis ng unang iglesya:  2:42

1.               Ang doktrina ng apostol.

2.               Ang “fellowship” ng mga banal.

3.               Komunyon.

4.               Panalangin.

C.                 Ang batayan ng pamumuhay ng unang iglesya:  2:44-46

1.               Kusang loob na sistemang komunal (communal system):  2:44-45

2.               Araw-araw na pagsamba at patotoo:  2:46

3.               “Fellowship” sa mga tahanan:  2:46 

4.               Pagkakaisa:  2:46

D.                 Ang patotoo ng local na iglesya:  2:46-47

1.                  Likas ng patotoo:  2:46-47

2.                  Resulta ng patotoo:  2:47

 

III.               Ang unang himala:  3:1-26

 

A.                    Ang paglalarawan sa himala:  3:1-11

1.                  Ang tagpo:  3:1

2.                  Ang lalaki at ang kanyang pangangailangan:  3:2-3

3.                  Ang mensahe:  3:4-6

4.                  Ang himala:  3:7-8

5.                  Ang reaksiyon ng maraming tao:  3:9-11

B.                    Ipinaliwanag ang himala:  3:12-18

1.                  Ang lalaki ay hindi gumaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga apostol:  3:12

2.                  Ang lalaki ay pinagaling  Ng Dios sa layunin na maluwalhati Si Jesus:  3:13-15

3.                  Ang lalaki ay gumaling dahil sa pananampalataya sa pangalan Ni Jesus:  3:16

4.                  Ang lalaki ay gumaling upang ipakita ang katuparan ng propesiya:  3:17-18.

C.                   Ang mensahe ni Pedro:  3:19-21

1.                  Ang pangako ni Pedro:  3:19-21

a.                 Ano ang hamon Ng Dios na gawin ng Israel:  3:19

b.                Ano ang pangako na gagawin Ng Dios:  3:19-21

2.                  Ang mga propesiya ng mga propeta:  3:22-26

1.          Ang propesiya ni Moises at ng mga propeta:  3:22-24

2.          Ang pangako ng kasunduan:  3:25

3.          Ang plano Ng Mesias:  3:26

 

IV.              Ang unang oposisyon:  4:1-31

A.                    Ang pagdakip:  4:1-4

1.                  Pinagmulan ng oposisyon:  4:1

2.                  Dahilan para sa oposisyon:  4:2

3.                  Paraan ng oposisyon:  4:3

B.                    Ang paglilitis:  4:5-14

1.                  Ang korte:  4:5-6

2.                  Mga tanong ng korte:  4:7

3.                  Salaysay ni Pedro:  4:8-12

1.          Pinagmulan ng kanyang tugon:  4:8

2.          Ang kanyang tugon:  4:9-10

3.          Ang kanyang patotoo tungkol Kay Jesus:  4:10-12

4.          Ang kanyang deklarasyon tungkol sa kaligtasan:  4:12

4.                  Isina-alang-alang ng  korte ang ebidensiya:  4:13-14

1.          Ang katauhan ng mga saksi:  4:13

2.          Ang patotoo ng lalaking pinagaling:  4:14

5.                  Ang pasiya:  4:15-22

1.         Ang konsultasyon:  4:15-17

2.         Ang pasiya:  4:17-18

3.         Ang tugon ni Pedro at Juan:  4:19-20

4.         Ang pagpapalaya:  4:21-22

6.                   Ang reaksiyon:  4:21-31

1.         Ang panalangin ng iglesya:  4:23-30

2.         Ang mga gawain ng iglesya:  4:31

 

V.                 Ang unang disiplina ng kasalanan:  4:32-5:16

 

A.                 Organisasyon ng iglesya:  4:32-37

1.                 Ang “fellowship”:  4:32

2.                 Ang patotoo:  4:33

3.                 Ang ekonomiya:  4:32-37

B.                 Ang unang kasalanan na sumira ng “fellowship”:  5:1-10

1.                 Ang kasalanan:  5:1-2

2.                 Pagbubunyag ng kasalanan:  5:3-4

3.                 Pagdidisiplina sa kasalanan:  5:5-10

C.                 Ang resulta ng disiplina:  Mabungang patotoo ng “fellowship”:  5:11-16

1.                 Magalang na ugali ng mga kaanib:  5:11

2.                 Pagkakaisa:  5:12

3.                 Mahimalang mga tanda:  5:12, 15-16

4.                 Tugon ng  komunidad:  5:12-14

 

VI.              Ang unang pag-uusig:  5:17-43

 

A.                 Pinagmulan ng oposisyon:  5:17

B.                 Kilos ng oposisyon:  5:18

C.                 Pagpapalaya Ng Dios:  5:19-26

1.                 Ang Kanyang ginawa:  5:19

2.                 Ang Kanyang utos:  5:20

3.                 Tugon sa Kanyang utos:  5:21

4.                 Ang pagtuklas sa Kanyang ginawa:  5:21-23

5.                 Ang resulta ng Kanyang ginawa:  5:24-26

D.                 Paglilitis:  5:27-40

1.                 Pagsasakdal ng Sanedrin:  5:27-28

2.                Depensa ni Pedro:  5:29-32

3.                Imbistigasyon ng Sanedrin:  5:33-39

4.               Kawalan ng katarungan ng pagpapasiya ng Sanedrin:  5:33-40

E.                  Tugon sa pag-uusig:  5:41-42

1.               Kagalakan:  5:41

2.               Pagkakaisa:  Magkakasamang nagtitipon araw-araw:  5:42

3.               Pagpapatotoo:  Pagtuturo at pagpapahayag:  5:42

 

VII.            Ang unang organisasyon:  6:1-7

 

A.                 Ang pangangailangan ng organisasyon:  6:1

B.                 Pagmumungkahi ng organisasyon:  6:2-4

1.               Pinagmulan ng pagmumungkahi:  6:2

2.               Dahilan ng pagmumungkahi:  6:2

3.               Ang pagmumungkahi:  6:3

4.               Ang bentahe ng pagmumungkahi:  6:4

C.                 Ang pagtatatag ng organisasyon: 6:5-6

1.               Ang paraan na ginamit:  6:5-6

2.               Ang pagpili sa mga lalaki:  6:6 

3.               Ang kanilang ordinasyon:  6:6

D.                 Ang mga resulta ng organisasyon:  6:7

1.               Ang salita ay lumaganap:  6:7

2.               Dumami ang mga disipolo:  6:7

3.               Pagsunod sa pananampalataya:  6:7

 

VIII.         Ang unang martir:  6:8-8:1

 

A.                 Ang larawan ni Esteban:  6:3-15

1.                 Isa sa pito:  6:3,5

2.                 Puspos ng Espiritu Santo:  6:5

3.                 Isang tao na mayroong mabuting reputasyon:  6:3

4.                 Isang taong matibay ang pananampalataya:  6:5

5.                 Isang taong may karunungan:  6:3,10

6.                 Isang taong may natatanging kapangyarihan:  6:8

7.                 Mabisang saksi:  6:9-10

B.                 Ang pag-uusig ni Esteban:  6:11-15

C.                 Ang mensahe ni Esteban:  7:1-53

1.               Abraham:  7:1-8

2.               Ang mga patriarka:  7:9-16

3.               Moises:  7:17-43

a.                    Sa Egipto:  7:17-28

b.                   Sa Ilang:  7:29-43 

4.               Ang Tabernakulo:  7:44-50

a.                      Ni Moises:  7:44

b.                     Ni Josue:  7:45

c.                      Ni David:  7:45-46

d.                     Ni Solomon:  7:47-50

e.                      Ng Dios:  7:48-50

5.               Mga Propeta:  7:51-53

D.                 Ang patotoo ni Esteban:  7:54-8:1

1.               Ang ugali ng konseho:  7:54

2.               Ang pahayag ni Esteban:  7:55-56

3.               Ang ginawa ng konseho:  7:57-59

4.               Ang kamatayan ni Esteban:  7:59-8:1

 

Ikatlong Bahagi:  Ang Patotoo sa Judea at Samaria

Mga Gawa 8-12

 

I.         Pagbabago:  Resulta ng Kamatayan ni Esteban:  8:1-4

 

A.                 Ang pag-uusig:  8:1,3

B.                 Ang libing ni Esteban:  8:2

C.                 Ang pagpapatuloy ng patotoo ng iglesya:  8:4

 

II.                 Ang patotoo ni Felipe:  8:5-40

 

A.                 Ministeryo sa Samaria:  8:5-25

1.                 Ang patotoo ni Felipe:  8:5-13

a.                   Ang ginawa ni Felipe:  8:5-7,12

b.                  Ang tugon ng  mga taga Samaria:  8:6-12

c.                   Simon na mangkukulam:  8:9-13

2.               Ang ginawa nina Pedro at Juan:  8:14-17

a.                   Ang pagdating nina Pedro at Juan:  8:14

b.                  Ang pagdating ng Espiritu Santo:  8:15-17

c.                   Ang tugon ni Simon:  8:18-19

d.                  Ang babala ni Simon:  8:20-24

B.                 Ministeryo sa taga-Etiope:  8:26-40

1.                 Paghahanda:  8:26-28

2.                 Ang saksi:  8:29-35

3.                 Ang tugon:  8:36-38

C.                 Pagbabago sa Azoto:  8:38-40

 

III.               Ang patotoo ni Saul:  9:1-31

A.                 Ang pagkahikayat ni Saul:  9:1-9

1.                 Ang kanyang layunin:  9:1-2

2.                 Ang kanyang pangitain:  9:3-9

3.                 Ang tinig:  9:4-7

4.                 Ang pagkabulag:  9:8-9

B.                 Ang pagsugo kay Pablo sa pamamagitan ni Ananias:  9:10-19

1.                 Ang tawag:  9:10-16

2.                 Ang pagsugo:  9:17-19

C.                 Ang misyon ni Saul:  9:20-31

1.                 Si Saul sa Damasco:  9:20-25

a.                   Ang kanyang patotoo:  9:20-22

b.                  Ang tugon:  9:21-23

c.                   Ang kanyang pagtakas:  9:23-25

 2.        Si Saul  sa Jerusalem:  9:26-30

            a.         Ang pagtanggap sa Kanya:  9:26-28

            b.         Ang kanyang ginawa:  9:28-29

            c.         Ang kanyang pagalis:   9:29-30

D.       Pagbabago:  Nanatili sa iglesya:  9:31

 

IV.              Ang patotoo ni Pedro:  9:32-12:35

A.                 Kina Lida:  9:32-35

1.               Ang mga mananampalataya:  9:32

2.               Ang maysakit na lalaki:  9:33

3.               Pagpapagaling sa lalaking maysakit:  9:34

4.               Ang tugon:  9:35

 

B.                 Sa Jope:  9:36-43

1.               Ang kamatayan ni Dorcas:  9:36-37

2.                Ang tawag kay Pedro:  9:39-39

3.               Ang ministeryo ni Pedro:  9:40-41

4.               Tugon sa ministeryo:  9:42-43

C.                 Sa Cesarea:  10:1-48

1.                 Pangitain ni Cornelius:  10:1-8

a.                   Ang lalaking si Cornelius:  10:1-2

b.                  Ang pangitain ni Cornelius:  10:3-6

c.                   Ang tugon ni Cornelius:  10:7-8

2.               Pangitain ni Pedro:  10:9-22

a.                   Ang pangitain:  10:9-12

b.                  Ang tinig:  10:13-16

  3.       Ang pagdating ng mga mensahero:         10:17-22

  4.       Ang pagbisita sa tahanan ni Cornelius:  10:23-48

            a.         Ang paglalakbay:  10:23

            b.         Ang pagtanggap:  10: 24-27

            c.         Ang paliwanag: 10:27-28

            d.         Ang tanong:  10:29

            e.         Ang tugon:  10:30-33

            f.          Ang hindi natapos na pangangaral:  10:34-43

                        (1)        Ang Dios ay hindi nagtatangi ng tao:  10:34-35

                        (2)        Pagkalat ng Ebanghelyo:  10:36-37

                        (3)        Ang mensahe ng Ebanghelyo:  10:38-43

            g.         Ang tugon ni Cornelius:  8:44-48

           D.        Sa Jerusalem:  11:1-12:25

                       1.         Ang problema sa Paganong pagbabalik-loob:  11:1- 18

                                   a.         Ang problema:  11:1-3

                                   b.         Ang paliwanag sa pagkilos Ng Dios  sa  mga Pagano:  11:4-17

                                               (1)        Ang pangitain:  11:4-10

                                               (2)        Ang mga bisita:  11:11

                                               (3)        Ang pagbisita:  11:12-16

                                   c.         Ang pagpapasiya:  4:18

 

V.                 Ang iglesya sa Antioquia ng Siria:  11:19-30

 

A.                 Pag ebanghelyo sa Antioquia:  11:19-21

B.                 Pagbisita ni Barnabas:  11:22-24

C.                 Si Saul ay napiling bilang pastor at guro:  11:25-26

D.                 Impormasyon na ipinahayag ni Agabo:  11:27-30

VI.              Pag-uusig sa pangunguna ni Herodes:  12:1-25

 

A.                 Pagpatay kay Santiago:  12:1-2

B.                 Pagdakip kay Pedro:  12;3-4

C.                 Ang pagpapalaya kay Pedro:  12:5-19

D.                 Ang pagkamatay ni Herodes:  12:20-23

 

VII.            Ang deklarasyon Ng Salita:  12:24-25

 

Ika-apat na Bahagi:  Patotoo sa Dulo ng Mundo

Mga Gawa 13-28

 

I.          Unang paglalakbay pangmisyon:  13:1-14:28

 

A.                 Ang tawag sa ministeryo:  Mga Gawa 13:1-3

B.                 Ministeryo sa Papos sa Chipre:  13:4-12

C.                 Ministeryo sa Antioquia ng Pisidia:  13:13-50

1.                  Pagbabago sa Pisidia:  13:13-16

2.                  Ang mensahe:  13:17-37

a.                  Ang paglabas at pagpapalaya:  13:17

b.                 Ang paglalagalag sa ilang:  13:18

c.                  Ang pagsakop sa Canaan:  13:19

d.                 Ang pangunguna ni Saul at David:  13:20-23

e.                  Ang ministeryo ni Juan Bautista:  13:24-25

f.                   Pagpapako sa Krus at muling pagkabuhay Ni Jesus:  13:26-37

g.                  Ang paanyaya:  13:38-41

3.                  Ang tugon:  13:42-50

D.                 Ministeryo sa Iconio:  13:51-14:5

E.                  Ministeryo sa Listra:  14:6-25

F.                  Ministeryo sa Siria:  14:26-28

 

II.                 Ang konseho sa Jerusalem:  15:1-35

 

A.                 Ang problema:  15:1-3

B.                 Ang sesyon:  15:4-21

1.                  Ang unang pampublikong sesyon:  15:4-5

2.                  Pribadong sesyon ng mga apostol at ng mga matatanda:  15:6

3.                  Ikalawang pampublikong sesyon:  15:7-21

a.                  Ang ulat ni Pedro:  15:7-11

b.                 Ang ulat nina Pablo at Barnabas:  15:12

c.                  Ang ulat ni Santiago:  15:13-21

C.                 Ang pasiya:  15: 19-21

D.                 Ang mga sulat:  15:22-35

 

III.               Ikalawang paglalakbay pangmisyon:  15:36-18:22

 

A.                 Ang pagtatalo:  15:36-18:22

B.                 Ministeryo sa Listra:  16:1-5

C.                 Ministeryo sa Troas:  16:6-10

D.                 Ministeryo sa Filipos:  16:11-40

E.                  Ministeryo sa Tesalonica:  17:1-9

F.                  Ministeryo sa Berea:  17:10-14

G.                 Ministeryo sa Atenas:  17:15-34

H.                 Ministeryo sa Corinto:  18:1-18

I.                    Ministeryo sa Efeso:  18:19-21

J.                   Jerusalem at Antioquia:  18:22

 

IV.              Ikatlong paglalakbay pangmisyon:  18:23-21:14

 

A.                 Asia Minor:  18:23 

B.                 Ministeryo sa Efeso:  18:24-19:41

1.                  Apolos:  18:24-28

2.                  Mga disipolo ni Juan:  19:1-7

3.                  Paaralan ni Tirano:  19:8-12

4.                  Ang mga anak na lalaki ni Esceva:  19:13-17

5.                  Pagtatalaga sa mga nahikayat:  19:18-20

6.                  Ang pasiya:  19:21

7.                  Manananggol ni Diana:  19:23-41

C.                 Ministeryo sa Macedonia at Grecia:  20:1-5

D.                 Ministeryo sa Troas:  20:6-12

E.                  Ministeryo sa Mileto:  20:13-38

1.                  Ang paglalakbay:  20:13-16

2.                  Pakikipagtagpo sa mga matatanda mula sa Efeso:  20:17-35

a.            Pagalaala sa kanyang ministeryo: 20:17-21

b.        Pagharap sa hinaharap:  20:22-24

c.        Ang konsiyensiya ni Pablo:  20:25-27

d.       Ang babala:  20:28-31

e.        Pagtatagubilin Sa Dios:  20:32

f.         Halimbawa ni Pablo sa pagta trabaho:  20:33-35

3.                  Ang pagpapaalam:  20:36-38

F.                  Ministeryo sa Tiro:  21:1-6

G.                 Ministeryo sa Tolemaida:  21:7

H.                 Ministeryo sa Cesarea:  21:8-14                    

 

V.                 Ang huling pagbisita sa Jerusalem at paglalakbay sa Roma:  21:15-28:31

 

A.                 Sa Jerusalem:  21:15-23:32

1.                  Pagbabago sa Jerusalem:  21:15-17

2.                  Mga balita laban kay Pablo:  21:18-30

a.                   Na kanyang pinababa ang kautusan ni Moises:  21:18-26

b.                   Na kanyang  nilapastangan ang  Templo:  21: 27-30

3.                  Ang reaksiyon ni Pablo:  21:30-32

4.                  Ang pagliligtas kay Pablo:  21:30-32

5.                  Mga tugon ni Pablo:  21:33-23:10

a.                   Ang pangkat ng mga Hudyo:  22:1-23

b.           Romanong kapitan:  22:24-26

c.            Pinunong kapitan:  22:26-30

d.           Ang Sanedrin:  23:1-10

(1)                Ang pagamin ni Pablo:  23:1

(2)                Pagtatagpo sa pinunong Seserdote:  23:2-5

(3)                Ang pagkakabahagi ng korte: 23:6-10

6.                  Ang pahayag ni Pablo:  23:11

7.                  Paghihiganti laban kay Pablo:  23:12-15

8.                  Pagliligtas kay Pablo:  23:16-32

a.                   Ang balak ay ipinahayag:  23:16-22

b.           Ang sulat:  23:25-30

c.         Ang pagtakas:  23:32

B.        Sa Cesarea:  23: 33-26:32

               1.          Sa harapan ni Felix:  23:33-24:27

                           a.          Ang paratang ni Tertulo:  24:1-9

                           b.          Ang sagot ni Pablo:  24:10-21

                           c.          Ang tugon ni Felix:  24:22-27

               2.          Sa harapan ni Festo:  25:1-12

               3.          Festo at Agripa:  25:13-27

               4.          Sa harapan ni Agripa:  26: 1-32

                           a.      Si Pablo ay nagsalita para sa kanyang sarili:  26:1-23

                           b.      Paanyaya sa Tagapagligtas: 26;24-29

                           c.      Ang hatol:  26:30-32

C.        Pagtungo sa Roma:  27:17-28:31

              1.          Ang unos:  27:1-44

              2.         Ang ahas:  28:1-6

              3.         Ang pagpapagaling:  28:7-10

              4.         Ang pagpapatuloy ng paglalakbay:  28:11-15

D.        Sa Roma:  28:16-31

              1.         Pakikipanayam kasama ang mga Hudyo:  28:16-29

              2.         Ang Ministeryo:  28:30-31

                                   

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG KABANATA

 

MGA TALINGHAGA NG PAGPAPARAMI

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito  ikaw ay  may kakayahang:

 

·                  Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                  Ibigay ang kahulugan ng salitang “ talinghaga.”

·                  Ipaliwanag kung bakit Si Jesus ay gumamit ng mga talinghaga.

·                  Kilalanin ang mga prinsipyo ng pagpaparami sa mga talinghaga na itinuro Ni Jesus.

 

SUSING TALATA:

 

At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinaysay niya sa kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig. (Marcos 4:33)

 

PAMBUNGAD

 

Ang aralin na ito ay nakatuon sa mga prinsipyo ng pagpaparami na itinuro Ni Jesus nang Siya ay nagmiministeryo sa lupa. Ang talinghaga ay istorya na gumagamit ng halimbawa mula sa natural na  mundo para ilarawan ang espirituwal na katotohanan.

 

Ang aktuwal na kahulugan ng salitang “talinghaga” ay “ilagay sa tabi, para ihambing.”  Sa talinghaga , inihambing Ni Jesus ang natural na mga halimbawa sa mga espirituwal na mga katotohanan.  Ang talinghaga ay kuwento sa lupa na may makalangit na kahulugan.

 

BAKIT MGA TALINGHAGA?

 

Ang mga disipolo ay nagtanong Kay Jesus kung bakit Siya gumagamit ng talinghaga para magturo ng espirituwal na katotohanan:

 

At nagsilapit ang mga alagad at sinabi nila sa kaniya, bakit sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga? (Mateo 13:10)

 

Si Jesus ay tumugon:

 

...sa inyo’y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa’t hindi ipinagkaloob sa kanila. (Mateo 13:11)

 

Ang pagkaunawa sa espirituwal na katotohanan na itinuro sa talinghaga ay ibinigay sa mga disipolo dahil sila ay may espirituwal na pag-iisip.  Ang walang mga espirituwal na pag-iisip na nakarinig ng talinghaga at sila ay hindi nakaunawa. Ang espirituwal na katotohanan ay maaari lamang maunawaan ng espirituwal na pag-iisip:

 

Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa sapagka’t ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu. (I Corinto 2:14)

 

Ang taong may espirituwal na pag-iisip ay ang na “born again” sa espiritu. Ang mga may espirituwal na pag-iisip ay nakakaunawa ng mga prinsipyo na ipinahayag sa mga talinghaga.  Ang mayroong karnal, makasalanang pag-iisip ay hindi makakaunawa.

 

ANG EBANGHELYO NG KAHARIAN

 

Nang isinugo Ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod para abutin ang mundo ng mensahe ng Ebanghelyo, sinabi Niya…

 

At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa boong sanglibutan sa pagpatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas. (Mateo 24:14)

 

Ang Ebanghelyo na iyong ipangangaral ay ang Ebanghelyo ng Kaharian Ng Dios. Ang mensahe ay naglalaman ng kapanganakan, buhay, at ministeryo Ni Jesus.  Kasama ang Kanyang pagkamatay para sa mga kasalanan ng lahat ng sangkatauhan at ang muling pagkabuhay Niya mula sa mga patay. Dapat mong sabihin sa mga tao kung paano makakapasok sa Kaharian Ng Dios sa pamamagitan ng espirituwal na muling kapanganakan at turuan silang mamuhay sa bagong buhay ng Kaharian.*

 

ANG TALINGHAGA NG PAGPAPARAMI

 

Si Jesus ay nag kuwento ng maraming talinghaga tungkol sa Kaharian Ng Dios.  Ang ilan sa mga ito ay talinghaga kung paano ang Kaharian ay maipangangalat sa buong mundo.  Ang mga sumusunod na talinghaga ay tungkol sa paglago ng Kaharian na ipinahayag ang pangunahing prinsipyo ng pagpaparami. Tingnan ang bawat reperensiya sa iyong Biblia at basahin ang talinghaga:

 

Ang Nawalang Tupa:  Mateo 18:12-14; Lucas 15:4-7

Ang Nawalang Pilak:  Lucas 15:8-10

Ang Nawalang Anak na Lalake:  Lucas 15:11-32

 

Ang mga talinghagang ito ay nagpahayag tungkol sa alalahanin Ng Dios para sa mga nawawala at ang madaling pagkilos na dapat mong hanapin para dalhin sila sa Kaharian Ng Dios. Hindi mahalaga kung bakit sila ay nawala.  Ang tupa ay nagpagalagala.  Ang pilak ay nawala dahil sa kapabayaan.  Ang anak na lalake ay nawala sa pamamagitan ng kanyang sariling pagrerebelde.  Kailangan kang gumawa ng paraan para matagpuan ang mga nawawala sa kasalanan.  Dapat kang pumunta kung nasaan sila, hindi dapat silang intayin na lumapit sa iyo. Hindi alalahanin Ng Dios kung paano ang mga tao ay nawala, dapat lang silang matagpuan.

 

Ang Walang Laman na Hapag kainan:  Lucas 14:15-23

 

Ang pagpaparami ay hindi dapat matigil dahil lamang ang iba ay tumatanggi na tumugon sa paanyaya ng Ebanghelyo.  Dapat mong hanapin ang may espirituwal na pangangailangan at dalhin sila sa piging na inihanda Ng Panginoon.

 

Ang Hindi Namumungang Puno ng Igos:  Lucas 13:6-9

 

Isinalaysay Ni Jesus ang talinghaga tungkol sa hindi namumungang puno ng igos. Ang puno ng igos ay natural na sagisag ng bansang Israel.  Itinayo Ng  Dios ang Israel bilang isang bansa kung saan ipahahayag Niya ang Kaharian sa mundo. Sinubukan Ng Dios na kunin ang “puno” ng Israel para mag “bunga” sa paganong mga bansa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa katotohanan Ng Dios. Subalit ang Israel ay nanatiling baog at walang bunga.

 

Ngayon itinayo Ng Dios ang Iglesya para sa ganitong layunin. Inaalagaan Ng Dios ang mga mananamaplataya para subukin silang maging prodoktibo, kung paano ang ginawa Niya sa Israel.  Ang Kanyang layunin ay pareho: Dapat tayong mamunga sa mga pagano sa pamamagitan ng ating kaalaman ng katotohanan Ng Dios.  Ang Dios ay hindi natutuwa sa mga puno na hindi namumunga.

 

Ang Mga Talento: Mateo 25:14-30; Lucas 19:11-27

Ang Taong Naglakbay Sa Malayong Lupain: Marcos 13:34-37

Ang Mga Alipin:  Mateo 24:43-51;  Lucas 12:39-46

Ang Nagmamasid Na Mga Alipin:  Lucas 12:36-38

Ang Tapat Na Katiwala:  Mateo 25: 14-30

 

Ang mga talinghaga tungkol sa“alipin” ay nagbibigay diin sa matalinong katiwala ng mensahe ng Kaharian na siyang ipinagkatiwala sa mga mananampalataya.  Ang bawat mananampalataya ay binigyan ng mga “talento” o natatanging kakayahan para magamit sa pagpapalagananp ng Ebanghelyo.  Kung ang iyong kakayahan ay malaki o maliit, dapat mong paramihin ang ipinagkaloob Ng Dios sa iyo.

 

Ang bawat alipin ay hinihiling na magparami.  Sa muling pagparito Ni Jesus sa lupa, ang mga gumamit ng maayos sa kanilang mga kakayahan ay bibigyan ng gantimpala ( Lucas 16:10-12).  Ang mga hindi dumami ay itinuring na hindi tapat:

 

Sapagka’t ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo’y bibigyan ang bawat tao ayon sa kaniyang mga gawa. (Mateo 16:27)

 

Kinilala Ni Jesus ang prinsipyo ng porsiyento ng proseso ng pagpaparami:

 

Datapuwa’t ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkakatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya. (Lucas 12:48)

 

Ang Kaharian Ng Dios ay kakalat sa matalinong paggamit ng espirituwal na mga talento na ibinigay Ng Dios.  Kung iyong ginamit ang ipinagkaloob Ng Dios sa iyo, ang iyong talento ay madaragdagan. Kung hindi mo gagamitin, mawawala ito sa iyo.

 

Ang Maghahasik: Mateo 13:3-8;  Marcos 4:3-8;  Lucas 8:5-8

 

Ang Ebanghelyo ng Kaharian ay lalaganap sa pagtatanim ng buto ng Salita Ng Dios.  Walang mangyayaring pagpaparami kung wala ang Salita.  Ang bunga ay nakasalalay sa buhay na nasa  buto mismo (ang Salita Ng Dios)  at ang tugon ng lupa ( ang tugon ng tao sa Salita Ng Dios).  Mayroong iba’t ibang tugon sa pagtatanim ng Salita.

 

Ang iyong responsabilidad ay magtanim.  Sa iyong pagtatanim ng buto ng Salita Ng Dios, ang ibang lupa ay handa at magbubunga ng pag-aani.  Ang ibang lupa ay hindi handa at mamumunga ng napakaliit.  Kahit Si Jesus ay nakatagpo ng hindi handang lupa sa Kanyang ministeryo sa lupa:

 

At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga may sakit, at pinagaling siya.

 

At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. (Marcos 6:5-6)

 

Ang Damo At Ang Trigo:  Mateo 13:24-30

 

Habang ikaw ay nagpaparami sa Kaharian sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga bagong mananampalataya, susubukan ni Satanas na mapabagsak ang proseso. Siya ay magtatanin ng damo sa gitna ng mga mabuting binhi sa kaharian Ng Dios.

 

Ang ibang mga tao na nagmamaanyong mga mananampalataya at dumadalo sa iglesya sa pamamagitan ng pagpaparami ay hindi  tapat. Sila ay mga damo na itinanim ni Satanas.

 

Hindi nais Ni Jesus na gamitin mo ang  iyong  oras at lakas sa pagsubok na ihiwalay ang damo mula sa trigo. Magpatuloy ka na magtanim ng binhi at magparami.  Sa araw ng pag-aani sa muling pagparito Ni Jesus, ang damo ay ihihiwalay mula sa mga ani.

 

Ang Lambat Ng Pangingisda:  Mateo 13:47-50

 

Inihambing Ni Jesus ang paglago ng Kaharian Ng Dios sa malaking lambat na inihagis sa dagat.  Ang lahat ng uri ng isda ay pumapasok sa lambat, subalit nang ang lambat ay dinala sa pampang ang mabuting isda ay inihiwalay sa masamang isda.

 

Sa Kaharian ay ilalapit ang mga lalake at babae mula sa iba’t ibang bansa. Marami ang papasok. Ang iba ay tapat, ang iba naman ay hindi.  Sa huling araw ng paghuhukom sa paghahagis ng lambat Ng Dios ang mabuti at masamang “isda” ay paghihiwalayin.  Hindi ka tinawag para maghiwalay, tinawag ka para mangisda.

 

Ang Buto Ng Mustasa:  Mateo 13:31-32;  Marcos 4:31-32;  Lucas 13:19

 

Ang Kaharian Ng Dios ay dumami katulad ng buto ng mustasa.  Ang buto ng mustasa ay napaka liit sa simula, subalit sa paglago nito ito ay napakalaki.  Ang Kaharian Ng Dios ay maliit sa simula. Nang Si Jesus ay bumalik sa Langit pagkatapos ng Kanyang ministeryo sa lupa, iniwan Niya ang maliit na grupo ng mga tagasunod  para ipangalat ang Ebanghelyo.  Ang maliit na grupong ito ng mga mananampalataya ay nakapagparami sa libo ng mga tagasunod mula sa maraming bansa.

 

Ang Lebadura:  Mateo 13:33; Lucas 13:21

 

Katulad ng lebadura sa isang buong masa, Ang Kaharian Ng Dios ay dumami para ipangalat sa buong “masa” ng mundo.  Katulad ng lebadura, ang kapangyarihan Ng Kaharian ay hindi panglabas subalit ito ay pangloob.

 

Ang Puno at Ang Sanga:  Juan 15:1-16

 

Ang talinhagang ito ay naglalarawan ng kaugnayan sa pagitan Ni Jesus at ang proseso ng pamumunga.  Siya ang espirituwal na puno at tayo ang mga sanga.  Hindi ka makapamumunga ng nag-iisa.  Makapamumunga ka lang kung ikaw ay nakaugnay sa buhay na dumadaloy sa mga sanga, Si Jesus.  Nais na pungusan Ni Jesus ang iyong buhay sa lahat ng bagay na hindi namumunga para ikaw ay espirituwal na magbunga na nananatili.

 

Ang Pag-aani:  Mateo 9:37-38;  Lucas 10:2

 

Sa talinghagang ito , ang bukid ay ang mundo.  Ang anihin ay ang maraming lalake at babae na handang tumugon sa mensahe ng Ebanghelyo.  Ang malaking pag-aani ay naghihintay para anihin sa espirituwal na  mga manggagawa Ng Dios.

 

IBANG MGA PRINSIPYO NG PAGPAPARAMI

 

Nagturo Si Jesus ng ibang prinsipyo ng pagpaparami sa maikling mga salaysay:

 

Ilaw Ng Sanlibutan:  Mateo 5;14-16;  Lucas 8:16

 

Ang Kaharian ay darami habang ang mga mananampalataya ay makikita bilang ilaw mula sa lunsod na nakatayo sa mataas na lupa na makikita mula sa nakapalibot na milya.  Dapat tayong magdala ng liwanag sa mundo (Jesus) na puno ng espirituwal na kadiliman.  Ang Kaharian ay darami habang ang mga tao ay nailalapit sa liwanag.

 

 

Asin Ng Sanlibutan:  Lucas 14:34

 

Sa panahon ng Biblia, ang asin ay ipinapahid sa karne para mapigil ang pagkabulok nito.  Ang mga mananampalataya ay “asin” para ipahid sa sanlibutan na may mensahe ng magpreserba (kaligtasan).  Ang Kaharian ay darami habang ang tao ay naligtas sa “pagkabulok” (espirituwal na kamatayan)  ng kasalanan.

 

Mga Kayamanan Sa Langit:  Mateo 6:19-21;  Lucas 12:15

 

Hindi dapat alalahanin ng mga mananampalataya ang pagpaparami ng mga kayamanan sa sanlibutan. Ikaw ay tinawag sa espirituwal na pagpaparami. Habang iyong ibinabahagi ang Ebanghelyo, dumarami ang iyong espirituwal na mga kayamanan sa Langit.

 

Ang Maluwang Na Pintuan:  Mateo 7:14

 

Hindi ka makapaghuhusga saa tamang paraan bilang laman.  Ang daan sa Impiyerno ay maraming pumapasok habang ang daan sa walang hanggang buhay ay natagpuan na kakaunti.

 

Maraming Mga Gawa:  Mateo 7:22

 

Maraming mabuting gawa ang ginawa ng maraming tao.  Sa ibabaw mayroong paglago ang pagpaparami. Subalit ang paggawa ng maraming mga gawa ay hindi kinakailangan at hindi katulad ng paggawa ng kalooban Ng Dios at pagabot sa Kanyang mga layunin. Ang gawa Ng Dios ay dapat gawin ng Kanyang mga anak sa Kanyang paraan.

 

Ang Maliit ay Sapat:   Mateo 10:42; Mateo 14:15-21

 

Ang lahat ng ginawa sa pangalan Ni Jesus, kahit nga sa tingin ay maliit, ay produktibo. Ang himala ng tinapay at mga isda ay naglalarawan kung paano pinarami Ng Dios  at ginamit gaano mang kaliit ang nasa atin para ihandog.

 

Ang Paglago Ay Nangangailangan Ng Pagbabago:  Marcos 2:21-22;  7:13

 

Ang bagong paglago ay nangangailangan ng pagbabago.  Hindi maaaring mailagay ang bago sa lumang sisidlan ng mga tradisyon at makasalanang istilo ng pamumuhay.  Ang makapangyarihang kakayahan ng Salita Ng Dios ay naaantala ng mga taong umaasa sa mga tradisyon at tumatanggi sa pagbabago.

 

Pakinabang Sa Pagkatalo:  Marcos 8:34-37; 10:29-30

Tumanggap Sa Pagbibigay:  Lucas 6:38

 

Ang itinuturo ng prinsipyo ng mundo ay pakinabang sa pagkakamit ng marami. Ang turo Ni Jesus  ay makakamit mo ang lahat kung mawawala ang lahat sa iyo.  Anuman ang sa tingin ay kalugihan sa natural na mundo ay pakinabang sa espirituwal na mundo

 

 

Ang Kamatayan Ay Nagdudulot Ng Buhay:

 

Sa pamamagitan ng kamatayan Ni Jesus, marami ang tumanggap ng buhay na walang hanggan.  Para magparami, ang buto ay dapat mamatay.  Sa pamamagitan ng kamatayan darating ang buhay.  Para ang disipolo ay mamunga dapat kang mamatay sa mga naisin ng iyong laman.  Dapat  kang “mamatay” sa kasalanan.  Dapat mong iwan ang iyong sariling paraan para sumunod Kay Jesus.

 

Ang Iglesya Na Nasa Bato:  Mateo 16:18

 

Ang Kaharian ng Dios ay naitatag sa bato Si Jesu Cristo.  Walang paglago kung wala Ang Dios.  Sinabi Ni Jesus, “Itatayo Ko ang Aking Iglesya.”  Sinabi Niya walang sinoman ang makalalapit maliban dalhin siya Ng Ama (Juan 6:44)

 

Ang oposisyon ay dapat asahan, subalit nag “pintuan ng Impiyerno” ay hindi matatalo ang plano Ng Dios para sa paglago ng Kanyang Kaharian:

 

At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa’t sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari. (Mateo 19:26)

           

...Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya.(Marcos 9:23)

 

ANG DAKILANG PRINSIPYO NG PAGPAPARAMI

 

Ang dakilang prinsipyo ng pagpaparami na itinuro Ni Jesus ay ibinigay sa huling mga salita Niya sa mga disipolo. Ang Kanyang utos ay pahayag ng pangunahing plano para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at ang pagpaparami ng mga nahikayat at mga disipolo:

 

Dahil dito magsiyaon nga kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

 

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:19-20)

 

At sinabi niya sa kanila, magsiyaon kayo sa boong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. (Marcos 16:15)

 

At sinabi niya sa kanila, ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw.

 

At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.

 

Kayo’y mga saksi ng mga bagay na ito. (Lucas 24:46-48)

 

Datapuwa’t tanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)

 

BUOD

 

Ipinahayag ng mga turo Ni Jesus na Siya ay hindi nalulugod sa :

 

            -Pangingisda na walang huli.

            -Walang laman na hapag sa piging.

            -Pagtatanim na walang ani.

            -Puno na hindi namumunga.

            -Nawalang tupa na hindi nadala sa kural.

            -Nawalang pilak na hinanap subalit hindi nakita.

            -Nawalang mga anak na hindi bumalik.

            -Hindi namumungang alipin.

            -Hindi tumutugon na espirituwal na lupa.

            -Hinog na anihin subalit hindi naani.

 

Hindi nais ng ating Ama na sinomang tao ay mapahamak, Siya ay interesado sa mga resulta  sa pamamagitan ng espirituwal na pagpaparami:

 

Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak. (Mateo 18:14)

 

Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa Kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba;  kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. (II Pedro 3:9)

 

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

________________________________________

 

2. Ibigay ang kahulugan ng salitang “talinghaga.”

 

________________________________________

 

3. Bakit gumamit Si Jesus ng talinghaga para turuan ang Kanyang mga tagasunod?

 

________________________________________

 

4.Sa ibang papel , ilarawan sa maikling salaysay ang prinsipyo ng pagpaparami na itinuro sa bawa’t sumusunod na mga talinghaga:

 

            Ang walang laman na hapag sa pingin:

            Ang hindi namumungang puno ng igos:

            Ang nawalang tupa, pilak, at anak:

            Ang talinghaga tungkol sa alipin:

            Ang maghahasik:

            Ang damo at ang trigo:

            Ang lambat ng pangingisda:

            Ang buto ng mustasa:

            Ang lebadura:

            Ang puno at ang sanga:

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

 

1.              Mula sa edad na 12 hanggang sa pagpapasimula ng pampublikong ministeryo Ni Cristo, ang Biblia ay hindi nagbigay ng detalyadong ulat kung ano ang nangyari sa buhay Niya sa mga panahon na ito. Nag-iisang talata ang nagpahayag ng proseso ng espirituwal na paglago na nangyari sa panahon na ito:

 

 

At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunugnan: at

sumasa kaniya ang biyaya ng Diyos. (Lucas 2:40)

         

         

Para maging epektibo, ang espirituwal na paglago ito ay dapat  sundan ng pampublikong ministeryo.

 

 

 

2.       Habang ang pagtatapos ay nalalapit , si Satanas ay gagamit ng kaniyang prinsipyo ng pagpaparami. Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensiya:

         

         

          -Maraming bulaang mga propeta ang lalabas:  Mateo 24:11

          -Maraming tao ang malilinlang:  Mateo 24:11

          -Kawalan ng katarungan ay darami:  Mateo 24:12

          -Marami ang mahuhulog mula sa katotohanan ng Ebanghelyo:II Tesalonica 2:3

          -Pag-uusig sa mga mananampalataya ay darami:  Mateo 24:9-10

          -Kalapastanganan at walang kabuluhan na usapan:  II Timoteo 2:16

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT NA KABANATA

 

Isa Dagdagan Ng Isa Ay Higit Sa Dalawa

 

MGA LAYUNIN:

 

Pagkatapos ng pag-aaral ng kabanatang  ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “saksi.”

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “layko.”

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “pastor.”

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “tawag” ng layko.

·                    Ipaliwanag ang plano Ng Dios sa pagpaparami para sa pagkalat ng Ebanghelyo.

·                    Masabi ang dalawang lalake sa Bagong Tipan na ginamit bilang halimbawa ng ganitong proseso ng pagpaparami.

·                    Ipaliwanag kung paano magsisimula sa espirituwal na pagpaparami.

·                    Magsimulang kang espirituwal na magparami.

 

SUSING TALATA:

 

At ang bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  (II Timoteo 2:2)

 

PAMBUNGAD

 

Ang paglago ng katawan ng tao ay nagsisimula sa isang semilya ng buhay.  Ang semilyang ito ay darami ng darami hanggang ang taong sanggol ay mabuo.  Pagkatapos ng pagkapanganak, ang proseso ay nagpapatuloy sa bata. Ang semilya ng tao ay patuloy na dumarami at ang paglago ay nangyayari.  Sa totoo, ganito rin ang nangyayari sa espirituwal na mundo. Ang bawa’t tao na nakaranas ng bagong buhay Kay Jesus ay pareho sa buhay na semilya sa katawan ng tao.  Ang bawa’t mananampalataya ay dapat na espirituwal na manganak.  Ang Ebanghelyo ay kakalat habang ang mananampalataya ay patuloy na magpaparami sa ganitong paraan.

 

Ang kabanatang ito ay nagpahayag ng iyong personal na tungkulin sa espirituwal na prosesong ito.  Iyong matututuhan ang plano ng Dios para sa espirituwal na pagpaparami na gumagawa na “1 dagdagan ng 1” ay mahigit sa dalawa.

 

ANG HAMON

 

Ang hamon Ni Jesus sa mga mananampalataya ay abutin ang buong mundo ng Ebanghelyo

(Mateo 28:19; Mga Gawa 1:8).  Ngayon tayo ay nabubuhay sa lumalagong mundo.  Libong mga bagong silang ang ipinanganganak kada araw.  Ang populasyon sa mundo ay mabilis na tumataas.

 

Ang mga ito ang hindi naabot na mga grupo ng tao sa mundo na hindi pa nakarinig ng tungkol Kay Jesus. Ang mga grupong ito ay nagtataglay ng milyon ng bawa’t isa na hindi pa naaabot ng Ebanghelyo. Maraming nayon at komunidad ang walang iglesya.  Sa maraming mga bansa, walang sapat na nasanay na mga pastor para sa mga iglesya na natatag.

 

Paano natin maaabot ang dakilang hamon Ni Jesus para maabot ang buong mundo ng Ebanghelyo?

 

ANG PLANO NG DIOS

 

Ang Dios ay may natatanging plano para maabot ang mundo ng Ebanghelyo.  Ibinuod Ni Jesus nang sinabi Niya sa Kanyang mga disipolo …

 

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)

 

Narito ang plano Ng Dios: Ang Espiritu Santo ang banal na kapangyarihan sa likod ng proseso ng pagpaparami. Si Jesus Cristo ang  nilalaman ng mensahe, at ang buong mundo ang tagatanggap ng mensahe.

 

Ang mga disipolo ang kinatawan ng pagpaparami. Ang bawa’t mananampalataya ay dapat maging “saksi” ng mensahe ng Ebanghelyo. Ito ang paraan ng Dios.  Para maging “saksi” ay sabihin mo kung ano ang iyong nakita, narinig, at naranasan. Sa korte ng batas, ang saksi ay isang nagsasabi tungkol sa isang tao o isang bagay. Bilang saksi, dapat kang tumestigo tungkol Kay Jesus at sa Kanyang plano para sa kaligtasan ng lahat ng tao.  Mayroong dalawang uri ng ebidensiya na inihaharap ng saksi sa korte ng batas. Ang isa ay patotoo na pasabi tungkol sa paksa.  Ang pangalawa ay ebidensiya na nakikita na katibayan.

 

Ang Espiritu Santo tumutulong na maging saksi ka sa Ebanghelyo sa parehong uri ng ebidensiya pasabi at sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios.

 

ANG PAGHAHATI SA PAGITAN NG PASTOR AT LAYKO

 

Ang plano Ng Dios ay para ang bawa’t disipolo (mananampalataya) ay maging saksi ng Ebanghelyo.  Ang unang iglesya ay lumago habang kanilang sinunod ang planong ito. Ang bawa’t mananampalataya ay nagbahagi ng Ebanghelyo at espirituwal na nanganganak. Ang kanilang mga tahanan ay naging sentro ng pagpaparami (matututuhan mo ang iba pang mga bagay tungkol dito sa ibang kabanata). Ang iglesya ay lumago habang ang bawa’t isang mananampalataya ay magiging saksi ng Ebanghelyo.

 

Habang ang iglesya ay lumalago, Ang Dios ay tumatawag ng “fulltime “ na manggagawa bilang mga pastor, ebanghelista, propeta, guro at apostol para maglingkod. Dumaan ang mga panahon ang mga mananampalataya ay naging bahagi ng isa sa dalawang paghahati sa iglesya. Sila ay maaaring “pastor” o “layko.”

 

Ang salitang “layko” ay mula sa salitang Griego na ang ibig sabihin ay “kasama sa hinirang na mga anak Ng Dios.” Ang pangunahing kahulugan ng salita ay “ang lahat ng anak Ng Dios.”  Ang terminong “layman” o “laity” ay ginamit para sa mga tao na naglilingkod hindi sa natatanging “full-time” na paglilingkod sa iglesya.

 

Nagkaroon ng terminong “clergy” para may pagkakilanlan ang propesiyonal na mga pastor sa iglesya.  Ang tinutukoy na “clergy” ay ang mga nagiisip na ang ministeryo ang kanilang propesyon na karaniwang empleyado sila bilang “full-time” sa iglesya. Maaari silang na ordinahan o hindi ng isang denominasyon.

 

Sa paglipas ng panahon sa kasaysayan ng iglesya, ang pa unti-unting paghihiwalay sa pagitan ng pastor at layko ay nangyari. Maraming layko ang tumigil sa espirituwal na panganganak. Nagsimula silang iwan ang hamon sa pagabot sa mundo sa mga “full-time” na mga pastor.

 

Walang propesiyonal na pastor ang makagagawa ng inaatang na gawain para sa buong Iglesya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa natin naaabot ang mundo ng Ebanghelyo. Ang mga mananampalataya ay nagbago ng kanilang personal na tungkulin sa mga pastor.  Ang Biblia ay natuturo ng paghahati ng paggawa sa Iglesya, subalit ang bawa’t tao ay dapat makisama sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.  (Basahin ang Mga Gawa 6:1-6).

 

Habang ang iglesya sa Jerusalem ay dumarami, kinakailangan ang paghahati ng paglilingkod para matugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng iglesya.  Ang mga pinuno ay ibinigay ang kanilang mga sarili sa “full-time” na pag-aaral ng Salita at pananalangin.  Ang layko ay ginawa ang kanilang mga tungkulin katulad ng pag miministeryo sa mga balo at iba pang mga gawain ng paglilingkod. Kahit ang mga mananampalataya ay naglilingkod sa ibang mga opisina sa iglesya silang lahat ay kasama sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

 

Si Esteban ang isa sa mga layko na napili para maglingkod, gayun pa man siya ay naging makapangyarihang saksi ng Ebanghelyo (Mga Gawa 6:8-11). Si Felipe ang isa pang layko na napili para sa mga gawain ng paglilingkod. Ibinahagi niya ang Ebanghelyo sa mga Samaritano

( Mga Gawa 8:5-12).

 

Nang ang pag-uusig ay nangyari sa Jerusalem ang mga mananampalataya ay nagsipangalat sa ibang nayon at sila ay nagpatuloy na maging saksi ng Ebanghelyo:

 

Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. (Mga Gawa 8:4)

 

Para sa tunay na mananampalataya, walang paghahati sa pagitan ng banal at sekular dahil ang Panginoong Jesus ay para sa lahat.

 

 

 

ANG TAWAG NG LAYKO

 

Para tunay mong maunawaan ang espirituwal na tawag sa layko, dapat kang bumalik sa Lumang Tipan.  Ang plano Ng Dios para sa buong bansa ng Israel ay para maging “saserdote” o ministro:

 

At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitain sa mga anak ni Israel. (Exodo 19:6)

 

Bilang saserdote, ang bawa’t tao sa Israel ay dapat maging saksi ng nag-iisa at tunay Na Dios sa mga hindi mananampalataya na nakapalibot sa kanya.

 

Hindi nabago ang plano Ng Dios sa Israel sa pagtatatag ng opisyal na mga saserdote. Ang pagkasaserdote ay hindi katulad ng “pastor” ngayon na may natatanging tungkulin sa pamunuan. Subalit ang buong bansa ay dapat maglingkod bilang mga ministro ng mensahe Ng Dios sa paganong mga bansa.

 

Sa Bagong Tipan, ang mga mananampalataya ay binigyan ng parehong pagkatawag.  Sila ay dapat maging mga saserdote o ministro ng Ebanghelyo:

 

Datapuwa’t kayo’y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kalinawagan. (I Pedro 2:9)

 

Ang tawag ng mga mananampalataya ay para maging saksi Ng Dios na nagdala sa kanila mula sa espirirtuwal na kadiliman tungo sa “liwanag” Ni Jesu Cristo (Juan 9:5).

 

Ang mga mananampalataya ay sinabihan na “lumakad na karapatdapat sa gawain kung saan sila tinawag” (Efeso 4:1). Mayroong isang pagkatawag at iyon ay maging saksi sa mensahe ng Ebanghelyo.  Ito ay gawain ng lahat ng mga mananampalataya.  Ang bawa’t tao ay mananagot para sa kanilang tugon sa tawag na ito.

 

Ang tawag ay hindi nakabatay sa pinagaralan o natural na kakayahan. Ginagamit Ng Dios ang ordinaryong layko para Siya lamang ang makatanggap ng kaluwalhatian:

 

Sapagka’t masdan ninyo ang sa inyo’y pagkakatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang  maraming may kapangyariahn, hindi and maraming mahal na tao ang mga tinawag:

 

Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain ang mga bagay na malalakas;

 

At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:

 

Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios. (I Corinto 1:26-29)

 

ANG PROSESO NG PAGPAPARAMI

 

Sa Biblia , ipinahayag Ng Dios ay natatanging plano para ang mga mananampalataya ay matupad ang kanilang tawag. Ang pagpaparami ay pangunahing prinsipyo ng lahat ng paglago sa natural na mundo.  Ang paglago ay hindi mangyayari sa pagdagdag lamang ng isang pangkat sa isa pang pangkat.  Ang buhay na semilya ay dumarami. Ang bawa’t bagong semilya na ibinunga ay may kakayahang magbunga.

 

Ang plano Ng Dios sa pagpaparami ay katulad ng espirituwal na mundo.  Ibinuod ni Pablo ang planong ito nang isinulat niya ang mga salitang ito kay Timoteo:

 

At ang bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba. (II Timoteo 2:2)

 

Sinabi ni Pablo kay Timoteo na pumili ng mga tapat at italaga sa kanila ang mga bagay na naituro  ni Pablo.  Ang mga tapat na mga lalaking ito ay dapat may kakayahang makapagturo sa iba.  Sa pamamagitan ng organisadong planong ito ng panganganak, ang Ebanghelyo ay maipangangalat sa buong mundo.

 

Para makita kung paano ang plano ng Dios ay gumagawa, pag-aralan ang tsart sa susunod na pahina. Ang pahinang ito ay ginamit ang mga panahon ng taon bilang kaigihang oras na kinanakilangan para mahikayat ang isang tao sa Ebanghelyo at masanay siya na namumunga na Kristiyano. Sa katotohanan, ang proseso ay makagugugol ng higit o kukulangin na panahon, depende sa tao na kasama, kaya nga hindi posible na maglaan ng tiyak na limitadong oras.  Subalit kung ang  isang mananampalataya ay aabot ng kahit isang tao at  i-disipolo sila sa bawa’t taon at hingin ang kanilang pangako na magdidisipolo ng isang tao kada taon,  ang mundo ay madaling maaabot ng mensahe Ng Dios.

 

Obserbahan sa tsart na sa unang taon ang mananampalataya ay nag didisipolo ng isang tao. Sa pagtatapos ng taon, mayroon na ngayong dalawang tapat na lalake, ang mananampalataya at ang bagong nahikayat na kanilang naalagaan. (Matututuhan mo pa ang maraming bagay tungkol sa proseso ng pagdidisipolo sa bandang huli ng kursong ito.) Sa susunod na taon , ang bawa’t isa ay aabot ng isang tao ng Ebanghelyo at magdidisipolo sila.  Pagkatapos ng ikalawang taon, mayroong kabuuang apat na tao, na ang bawa’t isa sa kanila ay magdidisipolo ng isang tao sa susunod na taon.

 

 

 

 

            NAGDIDISIPOLO (MGA)               DISIPOLO(MGA)                         KABUUAN

 

Ika-labingpitong taon             65,536                            65,536                                =   131,07

 

Ika-labinganim na taon          32,768                             32,768                                =   65,536

 

Ika-labinglimang taon            16,384                             16,384                                =   32,768

 

Ika-labingapat na taon          8,192                               8,192                                  =   16,384

 

Ika-labingtatlong taon            4,096                              4,096                                  =   8,192

 

Ika-labingdalawang taon      2,048                                2,048                                  =   4,096

 

Ika-labingisang taon               1,024                              1,024                                  =   2,048

 

Ika-sampung taon                  512                                 512                                     =   1,024

 

Ika-siyam na taon                  256                                 256                                     =   512

 

Ika-walong taon                   128                                  128                                     =   256

 

Ika-pitong taon         64                                    64                                       =   128

 

Ika-anim na taon                 32                          32                                       =   64

 

Ika-limang taon                  16                                       16                                       =   32

 

Ika-apat na taon                   8                                      8                                         =   16

 

Ikatlong taon                        4                                      4                                         =   8

 

Ikalawang taon         2                                     2                                          =   4

 

Unang taon                           1                                     1                                          =   2

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

ANG BANAL NA ESTRATEHIYA NG DIOS SA PAGPAPARAMI AT PAGPAPAKILOS

 

Ngayon kumuha ng karaniwang bilang ng kaanib ng iglesya na halos 100 tao. Itaas ag tsart ng ito sa 100 tao ang bawa’t isa ay aabot ng Ebanghelyo at sanayin sila na mamunga at makikita mo kung paano kadali maabot ang buong mundo ng Ebanghelyo. Ang pagpaparami ay mas mabilis kaysa sa pagsasama (addition). Narito ang krokis na nagpapakita ng pagsasama: (addition)

 



Text Box: Pagsasama: (Addition) 1+1+1+1+1… patuloy na lumalago isa isa
 


                       

 

Narito ang krokis na nagpapakita ng pagpaparami (multiplication). Sa prosesong ito, ang bawa’t tao ay patuloy na nagpaparami ng kanilang sarili at ang resulta ng “isa at isa” ay higit kaysa dalawa:

 

Text Box: Pagpaparami: (Multiplication) 	1x1x1x1x1.. patuloy kang dumarami
		x x x x x
		1 1 1 1 1…ang bawa’t isang iyong naabot ay pa			 x x x x x 	         patuloy na dumarami
		1 1 1 1 1
		x x x x x
		. . . . .  
		. . . . .
		. . . . .
	c c c c c… ang bawa’t isa na kanilang naabot ay
	 o o o o o o                   patuloy na dumarami
		n n n n n
		t t t t t 
		i i i i i
		n n n n n
		u u u u u
  		e e e e e 
		s s s s s           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ANG PROSESO SA UNANG IGLESYA

 

Ang sumusunod na krokis ay nagpapakita ng unang antas ng pagpaparami resulta mula kay Andres, isa sa unang disipolo Ni Jesus:

 

                        AndresPedro→Iba→Iba

                                                \                                              

                                                Pentecostes→ Iba→ Iba

 

1.   Si Andres ay nagbahagi ng Ebanghelyo sa kanyang kapatid na si Pedro.

2.   Si Pedro ay nagbahagi ng Ebanghelyo sa araw ng Pentecostes sa Jerusalem.

3.   Si Pedro ay nagpatuloy na nagbahagi ng Ebanghelyo sa iba na namunga.

4. Libo-lbong mga mananampalataya ang kumalat mula sa Jerusalem na nagpatuloy na nangalat ng Ebanghelyo.

5.   Ang bawa’t tao na kanilang naabot ay namunga at ang proseso ay nagpatuloy…..

 

Narito ang krokis na nagpapakita ng unang antas ng espirituwal na pagpaparami na resulta mula kay Apostol Pablo:

 

                        Ananias→Pablo→Iba→Iba

                                                \

                                                Timoteo→Iba→Iba

                                                       \

                                                  Tapat na mga lalake→Iba→Iba

 

 

1.        Si Ananias ay ginamit Ng Dios para maitayo si Pablo.

2.        Dinisipolo ni Pablo si Timoteo.

3.        Patuloy na nagdisipolo si Pablo.

4.        Dinisipolo ni Timoteo ang “tapat na mga lalake” na makapagtuturo sa iba.

5.        Ang tapat na mga lalake ay umabot ng iba.

6.        Ang mga “iba” ito ay nagpatuloy sa proseso ng pagpaparami.

7.        Ang bawa’t tao sa samahan ay patuloy na nagparami.

 

KARANIWANG TAO

 

Konti lamang ang binanggit ng Biblia tungkol kay Ananias ayon sa krokis sa itaas. Hindi siya kilalang tao, subalit ginamit Ng Dios para maitayo si Apostol Pablo.  Si Andres ay karaniwan, hindi nakapag-aral na mangingisda.  Subalit tingnan ang kawing ng espirituwal na pagpaparami kung saan siya ang may gawa!

 

Maaring hindi ka kilalang tao. Maaring hindi ka kilala sa inyong komunidad o sa  denominasyon ng inyong iglesya.  Maaring ikaw ay karaniwang tao na gumagawa ng karaniwang gawain.  Subalit maaari kang gamitin Ng Dios para magparami ng mga disipolo.

 

 

Basahin ang kuwento sa pagpapagaling sa taong pilay sa Mga Gawa 4.  Nang sina Pedro at Juan ay nakita sa sanggunian, kitang kita na sila ay hindi nakapag-aral, at karaniwang tao:

 

Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila’y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangagpakilala nila, na sila’y nangakasama ni Jesus.

 

At nang mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila, ay wala silang maitutol. (Mga Gawa 4:13-14)

 

Ang mga “karaniwang” mga lalake ay tumanggap ng bagong buhay sa pamamagitan Ni Jesu Cristo.  Ang buhay na nasa kanila ay resulta ng espirituwal na pagpaparami.  Pinagkatiwalaan Ni Jesus ang mga layko para ipangalat ang Ebanghelyo. Kinuha Niya ang mga mangingisda mula sa kanilang mga bangka at ginawa silang mamalakaya ng tao. Naniniwala Siya na ang karaniwang mga tao ay maaaring maging kakaiba kung bibigyang kapangyarihan ng Espiritu Santo.

 

Si Gedeon ay isang magsasaka. Si Pablo ay gumagawa ng tolda.  Si Moises ay pastol. Si  Lucas ay doctor at si Jose ay dakilang pulitiko at estadista (statesman). Anuman ang iyong pinagaralan o okupasyon, nagagamit ka Ng Dios sa Kanyang plano.

 

Kung nasaan ka at kung sino ka ay hindi mahalaga. Kung ano ang iyong ginagawa kung saan ka inilagay Ng Dios. Ang susi sa epektibong espirituwal na pagpaparami ay maging lalake o babae Ng Dios, sa lugar Ng Dios, gumagawa ng gawain Ng Dios, sa paraan Ng Dios.

 

PAANO MAGSISIMULA

 

Ipinahayag ng Bagong Tipan na ang Ebanghelyo ay mabilis na lumaganap sa mga naitatag ng mga samahan sa lipunan. Ang ibig sabihin nito maaari mong ikalat nang madali ang Ebanghelyo sa iyong sariling grupo ng mga kaibigan, kamag-anak, at mga kamanggagawa.

 

Halimbawa, tinawag Ni Jesus ang isang  mangingisda na si Andres. Ibinahagi ni Andres ang Ebanghelyo sa kanyang kamag-anak na si Pedro. Nagbahagi sila sa ibang mga mangingisda na kasama nila sa trabaho. Sa madaling panahon isang grupo ng mangingisda ay sumunod Kay Jesus.

 

Sa pang-araw-araw na pamumuhay at pagtatrabaho ang layko ay hindi basta lamang bahagi ng iglesya na nakakalat sa komunidad na nagtitipon na sama-sama para sumamba at mag “fellowship”. Ang layko ay sugo ng Kaharian sa kanilang mga kamag-anak, mga kaibigan, at sa mga tinatawag na kamanggagawa. Ang mundo ng trabaho, eskuwelahan, pamilya, at komunidad ay iyong lugar ng pagmiministeryuhan

 

Sa Lucas 16:19-31 basahin ang kuwento ng mayamang lalake na napunta sa impiyerno.  Ang lalaking ito ay nais na bumalik  para ibahagi ang Ebanghelyo sa kanyang pamilya subalit huli na ang lahat.  Huwag maghintay na maging huli na ang lahat bago ibahagi ang ebanghelyo sa iyong mga kasama sa lipunan.

 

 ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB AT PAGPAPARAMI

 

Ang tunay na ebidensiya ng bautismo sa Espiritu Santo ay maging makapangyarihang saksi ng Ebanghelyo. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagbibigay ng kakayahan sa mga mananampalataya para espirituwal na makapagparami ( Mga Gawa 1:8).

 

Ang isang paraan ng Espiritu Santo para mabigyan ng kapangyarihan ang mga mananampalataya ay sa pamamagitan ng espirituwal na mga kaloob. Ang bawa’t mananampalataya ay binigyan ng espirituwal na mga kaloob para maihanda siya na makapag ministeryo sa iba. Ang mga kaloob na ito ay hindi pangkaraniwan na kakayahan na ibinigay Ng Espiritu Santo.

 

Kung hindi mo alam kung ano ang espirituwal na mga kaloob na ibinigay Ng Dios sa iyo, umorder ka sa Harvestime International Institute  ng kursong may pamagat na “Ang Ministeryo ng Espiritu Santo.”  Ang kursong ito ay tungkol sa paksa ng espirituwal na mga kaloob.

 

ANG MAKABAGONG HALIMBAWA

 

Walang makatatalo sa plano Ng Dios para sa pagpaparami ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng saksi ng bawa’t mananampalataya. Narito ang makabagong halimbawa:

 

Pagkatapos ng maraming taon ng pagmimisyon sa bansang Tsina, ang bilang ng iglesya ay nabawasan sa isang milyon nang ang mga misyonero ay napaalis ng gobyerno. Ang mga Pastor ay nabilanggo, sinunog ang mga Biblia, ang mga iglesya ay isinara. Subalit pagkatapos ng tatlumpung taon, nang muling mabuksan ang Tsina at ang mga ulat ay nakuha na ang mga bilang ng mga mananampalataya ay humigit kumulang mula sa sampu hanggang limampung milyon.

 

Kahit nga ang mga iglesya ay naisara at ang mga pastor ay nabilanggo, ang mga karaniwang mga mananampalataya ay nagpatuloy na espirituwal na nagparami. Walang makapipigil sa plano Ng Dios para sa pagpapangalat ng Ebanghelyo.

 

ANG PAGLAGO NG KAHARIAN

 

Ang bawa’t mananampalataya ay dapat magparami. Subalit ang pagpaparami ng mananampalataya ay hindi sapat . Ang mga mananampalataya ay dapat maging kagamit-gamit na bahagi ng Iglesya, ito ay sama-samang katawan na nagkakaisa ang lahat ng tunay na mga mananampalataya. Ang Iglesya ay dapat din na magparami . Ang Iglesya ay dapat makaranas ng pangloob na espirituwal na paglago at umunlad sa pagpapalawak, pagdadagdag at paguugnay sa mga paglago. Iyong natutuhan ang iyong responsabilidad ng pagpaparami ng isahan.  Sa susunod na mga kabanata matututuhan mong magparami ng sama-sama sa konteksto ng local na iglesya.

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

________________________________________

 

2. Ibigay ang kahulugan ng salitang “saksi.”

 

________________________________________

 

       3. Ibigay ang kahulugan ng terminong “layko.”

 

________________________________________

 

4. Ibigay ang kahulugan ng terminong “pastor”

 

________________________________________

 

5. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “tawag” ng layko.

________________________________________

 

6. Ano ang plano ng Dios sa pagpaparami para sa pangangalat ng Ebanghelyo?

________________________________________

 

7. Ano ang pangalan ng dalawang lalake sa Bagong Tipan na halimbawa ng espirituwal na pagpaparami?

________________________________________

________________________________________

 

8. Ano ang pinakamabuting paraan ng pagsisimula ng espirituwal na pagpaparami?

 

________________________________________

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Sa huling kabanata iyong pinag-aralan ang mga talinghaga ng pagpaparami.  Pagbalik-aralan ang mga sumusunod na mga talinghaga. Sa mga talinghaga tungkulin ng bawa’t isa  ang tapat na magparami:

 

-Ang Mga Talento: Mateo 25:14-30; Lucas 19:11-27

-Ang Taong Naglakbay Sa Malayong Lupain: Marcos 13:34-37

-Ang Mga Alipin:  Mateo 24:43-51;  Lucas 12:39-46

-Ang Nagmamasid Na Mga Alipin:  Lucas 12:36-38

-Ang Tapat Na Katiwala: Mateo 25:14-20

 

2.         Basahin ang pag-uusap Ni Jesus at ni Pedro sa Juan 21:15-22. Sa Mga Gawa 10:22 basahin ang mga salita na sinabi Ni Jesus kay Pablo sa panahon ng kanyang pagkahikayat.

 

Hindi mo dapat alalahanin kung ang iba ay gumagawa o tumutupad sa kanilang responsabilidad na maipangalat ang Ebanghelyo.  Hindi ka dapat magtanong katulad ni Pedro, “Ano ang ginagawa ng mga taong ito?” Ang iyong alalahanin ay dapat katulad ni Pablo, “Ano ang dapat kong gawin, Panginoon?”

 

 

 

 

 

                       

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LIMANG KABANATA

 

 

PAMBUNGAD SA PAGPAPALAGO NG IGLESYA

 

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang tunay na iglesya.

·                    Ipaliwanag kung paano nagsimula ang iglesya.

·                    Ilista ang mga ginamit na ilustrasyon sa Biblia para ilarawan ang iglesya.

·                    Kilalanin ang mga layunin ng Iglesya ayon sa Biblia.

·                    Kilalanin ang apat na uri ng paglago ng Iglesya.

·                    Ibuod ang mga ministeryo ng Espiritu Santo kaugnay sa paglago ng iglesya.

 

SUSING TALATA:

 

At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.  (Mateo 16:18)

 

PAMBUNGAD

 

Sa huling kabanata natutuhan mo ang responsabilidad ng bawa’t mananampalataya na espirituwal na pagpaparami sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mensahe ng Ebanghelyo. Ang Dios ay may natatanging plano para sa bagong mananampalataya na natindig sa prosesong ito. Dapat silang maging bahagi ng “fellowship” ng mga mananampalataya na kilalang Iglesya. Ang mga mananampalataya ay dapat magparami ng isa-isa sa konteksto ng Iglesya.  Habang ang bagong mananampalataya ay ipinapanganak na muli sa Kaharian Ng Dios, ang Iglesya ay dumarami.

 

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng plano Ng Dios para sa Iglesya bilang sentro ng espirituwal na pagpaparami. Ang mga sumusunod na apat na kabanata ay tungkol sa tiyak na uri ng paglago ng Iglesya.

 

ANG IGLESYA

 

Sa ating pag-uusap tungkol sa “Iglesya,” hindi natin pinaguusapan ang gawa ng tao na organisasyon o denominasyon. Ito ay hindi produkto ng kasaysayan o resulta ng plano na pinagisipan ng tao.

 

Ang talagang ibig sabihin ng salitang “Iglesya” ay “ang mga tinawag.”  Kung pinaguusapn natin ang Iglesya, ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa pangdaigdigan na samahan ng lahat ng tunay na mga mananampalataya na tinawag mula sa sanlibutan tungo sa Kaharian Ng Dios.

 

Para sa layunin ng ministeryo, ang pangdaigdigan na samahan ng mga mananampalataya ay hinati sa local na mga grupo ng mga mananampalataya. Ang mga lokal na grupo ay tinawag din na Iglesya. Ang iba sa mga local na mga grupo ay nanatiling nagsarili.  Ang iba ay nag sama-sama sa organisasyon katulad ng Assemblies Of God, Baptist, Methodist, at iba pa.

 

Hindi ka magiging bahagi ng tunay na Iglesya sa pagsama sa organisasyon. Ikaw ay naging bahagi ng tunay na Iglesya sa pamamagitan ng pagiging “born again” sa Kaharian Ng Dios.  Ito ay nagawa sa pagamin at pagsisisi mula sa kasalanan at pagtanggap Kay Jesus bilang iyong personal na Tagapagligtas.  Pagkatapos na ikaw ay naging mananampalataya, ang plano Ng Dios para sa iyo ay maging bahagi ng local na samahan ng mga mananampalataya na bahagi ng tunay na Iglesya.

 

PAANO NAGSIMULA ANG IGLESYA

 

Sa Lumang Tipan ang bansa ng Israel ay pinili bilang grupo ng mga tao kung saan Ang Dios ay ipapahayag ang Kanyang sarili sa mga bansa ng mundo. Paulit-ulit , na ang Israel ay nabigo sa responsabilidad na ito.

 

Sa panahon ng Bagong Tipan Si Jesus ay naparito sa lupa, tinanggihan Siya ng Israel bilang kanilang Mesias. Dahil dito Ang Dios ay nagtayo ng ibang grupo ng mga tao kung saan ipahahayag niya nag Kanyang sarili sa mundo. Ang Grupong ito ay tinawag na Iglesya.

 

Unang nabanggit ang salitang “Iglesya” nang Si Jesus ay nagpapaliwanag kung paano ang Iglesya ay maitatayo:

 

At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.  (Mateo 16:18)

 

Sa mga talatang ito ipinahayag Ni Jesus na si Pedro ay isa sa mga espirituwal na pundasyon na mga bato ng unang iglesya.  Ang ibig sabihin nito siya ay mahalaga sa paglago at pagunlad nito. Ang tunay na ibig sabihin ng pangalan ni Pedro ay  “ isang bato.”

 

Sinabi Ni Jesus sa Kanyang sarili, “… sa batong ITO itatayo Ko ang Aking Iglesya.”  Itinuturo Niya na ang Iglesya ay maitatayo sa Kanya.  Siya ANG bato kung saan ang Iglesya ay maitatayo.  Mayroon na iba, subalit hindi nakahihigit na mga bato (ang taong katulad ni Pedro).  Sa katunayan, ang mga mananampalataya ay tinawag na “buhay na mga bato” na bahagi ng istraktura ng Iglesya:

 

Kayo rin naman na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang mahandog ng mga hain ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. (I Pedro 2:5)

 

Ang pundasyon ng “buhay na mga bato” ay isang “Bato.” Ang Batong Ito ay Si Jesus at sinasabi ang limitasyon ng Iglesya.  Ang Iglesya ay hindi tunay na Iglesya kung ito ay hindi naitayo sa Panginoong Jesu Cristo.

 

Sa mga nakalipas na taon maraming iba’t ibang denominasyon ng Iglesya ang umunlad para sa layunin ng organisasyon ng ministeryo.  Kung sila ay tunay na Iglesya na naitatag Kay Cristo, silang lahat ay bahagi ng pangdaigdigang samahan ng mga mananampalataya:

 

May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;

 

Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,

 

Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. (Efeso 4:4-6)

 

Sinabi Ni Jesus ang  “pintuan ng Impiyerno” ay hindi makapananaig laban sa tunay na Iglesya. Ito ay nagpapahiwatig na ang Iglesya ay makararanas ng masidhing oposisyon laban kay Satanas subalit hindi matatalo.

 

Nakasulat sa aklat ng Mga Gawa sa Biblia ang unang oposisyon sa Iglesya (Mga Gawa 8).  Sa buong kasaysayan hanggang ngayon, ang Iglesya ay nakatatanggap ng maraming oposisyon, subalit nagpapatuloy at magpapatuloy. Matutupad nito ang layunin Ng Dios.

 

PAANO INILARAWAN ANG IGLESYA

 

Ang Biblia ay gumamit ng iba’t ibang  mga ilustrasyon para ilarawan ang Iglesya.  Ang mga halimbawang ito ay ipinahayag ang maraming bagay tungkol sa istraktura at layunin ng Iglesya.  Tingnan ang mga reperensiya sa iyong Biblia. Ang Iglesya ay inilarawan bilang:

 

Isang bagong tao:  Efeso 2:14-15

 

Ang Katawan Ni Cristo:  Efeso 1:22-23;  5:30;  I Corinto 12:27

 

Ang templo o gusali Ng Dios:  Efeso 2:21-22;  I Corinto 3:9,16;  I Timoteo 3:15;  I Pedro 2:5

 

Ang saserdoteng banal:  I Pedro 2:5,9; Apocalipsis 1:6;  5:10

 

Ang Asawang Babae Ni Cristo:  II Corinto 11:2;  Mateo 25:6;  Efeso 5:22-23

 

Ang Sambahayan Ng Dios:  Efeso 2:19

 

Ang Kawan Ng Dios:  Juan 10:1-29;  I Pedro 5:3-4;  Hebreo 13:20;  Mga Gawa 20:28

 

Mayroong isang Iglesya subalit ito ay tinutukoy sa Biblia sa ibang mga paraan. Ito ay tinawag :

 

Ang Iglesya Ng Dios:  Mga Gawa 20:28;  I Corinto 1:2; 10:32;  11:22;  15:9;  I Timoteo 3:5;

I Tesalonica 2:14

 

Ang Iglesya ng buhay Na Dios:  I Timoteo 3:15

 

Ang Iglesya Ni Cristo:  Roma 16:16

 

Ang Iglesya ng panganay:  Hebreo 12:23

 

Ang Iglesya ng mga Banal:  I Corinto 14:33

 

Ang Bayan ng Dios:  Hebreo 4:9; I Pedro 2:9-10

 

ANG LAYUNIN NG IGLESYA AYON SA BIBLIA

 

Mayroong maraming layunin ang Iglesya na ipinahayag sa Biblia.  Ang mga kaanib nito ay kailangan na makisama sa :

 

PAGSAMBA SA DIOS:  Ang pinakadakilang layunin kung bakit ang tao ay nilalang ay para sambahin Ang Dios.  Ang pagsamba ang sentro ng layunin ng Iglesya. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga talata:  I Pedro 2:5,9;  I Corinto 14:26-27;  Juan 4:23-24;  Efeso 2:19-22.

 

PAGLILINGKOD SA KATAWAN: 

           

Ang mga kaanib ng Iglesya ay dapat maglingkod sa pagmiministeryo sa mga pangangailangan ng bawa’t isa:

 

-Ang mga pangangailangan ay maaaring materyal na mga pangangailangan: 

Mga Gawa 11:27-30;  Mga Gawa 6:1-6

 

-Ang mga kaanib ay malayang magbahagi ng kanilang kayamanan sa iba: 

Mga 2:44; 4:32, 34,37

 

-Ang mga kaanib ay dapat magpakita ng pagmamalasakit para sa espirituwal na mga pangangailangan ng Katawan Ni Cristo:  Juan 15:1-7;  Roma 15:1-15;  I Corinto 3:9;  Galacia 6:1;  Colosas 2:16-23;  I Tesalonica 2:7-16.

 

PAGSASAMA-SAMA:

 

-Ang pagsasama-sama ng Iglesya ay batay sa pagkakaisa Kay Cristo:  Efeso 4:4-6

 

-Ang Iglesya ay naging isa Kay Cristo:  Efeso 2:11-18.  Parepareho ang bawa’t kaanib  sa harapan Ng Panginoon:  Efeso 2:19-20.

 

-Ang Iglesya ay dapat komunidad na nagsasama-sama sa salita, panalangin, at paggawa: 

Mga Gawa 2:41-47; 4:24,32-33; Efeso 2:20-22;  I Juan.

 

Ang kanilang pagsasama-sama ay dapat may pagkakaisa ng layunin, isip, kaluluwa, at puso:  Mga Gawa 1:14;  2:46;  4:24,32;  5:12;  15:25

 

Ang pagsasama-sama ay hindi lang dapat sa loob ng iglesya subalit sa pagitan ng mga iglesya.  Pag-aralan ang sumusunod na mga talata na naglalarawan ng malapit na samahan sa pagitan ng unang mga iglesya:

 

-Kinikilala nila na sila ay isa Kay Cristo na may parehong sumpaan:  Mga Gawa 15:1; 

Roma 15:26-27

 

-Sila ay pirmihan na nakikipag-usap sa isa’t isa:  Roma 16:16;  I Corinto 16:19-20; Filipos 4:23

 

- Nagtutulungan sila sa isa’t isa:  Roma 15:26;  I Corinto 16:1-3

 

-Sila ay nakikituwang sa pagpapagal ng mga apostol sa bukirin:  Filipos 4:15-16

 

-Sila ay nagbabahagi ng mga sulat mula sa mga apostol:  Colosas 4:16

 

-Sila ay nagpapadala ng kinatawan sa isa’t isa:  Mga Gawa 11:22,23,27;  15:1,2;

I Corinto 16:3,4

 

-Nagpapalakasan sila sa isa’t isa bilang halimbawa ng pananampalataya:  II Corinto 1:24; 9:2

I Tesalonica 1:7-10; 2:14

 

-Sila ay nagtutulungan sa pangkalahatang layunin ng pagbabahagi ng Ebanghelyo: 

I Tesalonica 1:8.

 

MISYON:

 

Nagkaroon ng Iglesya para sa misyon, hindi para sa mga pagtitipon ng pagsamba at pagsasama-sama lamang. Ang layunin ng parehong Israel at Lumang Tipan at ang Iglesya sa Bagong Tipan ay ipahayag Ang Dios sa mundo.

 

Sa Lumang Tipan, ang Israel  ay dapat maging saksi sa mga paganong bansa na nakapalibot sa kanila.  Ang estratehiya Ng Dios ay para sa mga bansa na lumapit at makita ang Kanyang kapangyarihan na ipinahayag sa Israel. Sa Bagong Tipan, ang estratehiya Ng Dios ay iba.  Ang plano Niya para sa Iglesya ay pumunta sa mga bansa bilang mga saksi Niya. Ang tunay na misyon ng Iglesya ay ibinuod sa Efeso:

           

Upang ngayo’y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios.

Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin. (Efeso 3:10-11)

 

Ang misyon ng Iglesya ay ibinuod sa mga sumusunod:

 

1. Dapat ipakilala ng Iglesya Si Jesus  sa mundo bilang Panginoon at Tagapagligtas.  Ang Iglesya ang dapat umakay sa mga tao sa tamang kaugnayan Kay Jesus para kanilang maranasan ang kapatawaran sa mga kasalanan at bagong buhay.

 

2. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng bautismo sa tubig, at pangangaral, ang Iglesya ay dapat mapatatag ang mga mananampalataya sa doktrina, mga prinsipyo, at mga kaugalian sa Kristiyanong pamumuhay.  Dapat nilang turuan ang mga nahikayat na “obserbahan ang lahat ng mga bagay” na iniutos ng Salita Ng Dios.

 

3.  Ang Iglesya ay dapat mag organisa sa mga bagong mananampalataya na gumawa sa local na pagtitipon .

 

4.  Ang mga establisadong Iglesya ay dapat ulitin ang ganitong proseso para mahikayat ang mga bagong mananampalataya at pag establisa ng bagong pagtitipon.

 

Pag-aralan ang iba pang bagay tungkol sa misyon ng Iglesya sa sumusunod na mga talata:

 

Para ipangalat ang Ebanghelyo sa mundo:  Mateo 5:13-14;  28:18-20;  Marcos 16:15-16; Lucas 24:45-49;  Juan 20:19-23;  Mga Gawa 1:8

 

Para maglingkod bilang asin at liwanag ng mundo:  Mateo 5:13-16;  Filipos 2:14-16

I Juan 4:1.

 

Para turuan na maging disipolo ang mga bagong nahikayat:  Mateo 28:19-20;

Mga Gawa 20:27-28;  Efeso 4:11-16;  I Pedro 5:1-3.

 

URI NG PAGLAGO NG IGLESYA

 

Kung ang Iglesya ay matutupad ang layunin batay sa Biblia. Apat na uri ng paglago ang magiging resulta.

 

PAGLAGO SA PANLOOB:

 

Ang tinutukoy na paglago sa loob ay espirituwal na paglago ng mga tao sa loob ng Iglesya.

 

PAGLAWAK NA PAGLAGO:

 

Ang paglawak na paglago ay paglago sa bilang na mangyayari kung ang misyon ng pagbabahagi ng Ebanghelyo ay matutupad ng Iglesya.  Mga bagong mananampalataya ay nahikayat at isinama sa Katawan Ni Cristo.

 

PAGDAGDAG NA PAGLAGO:

 

Ang iglesya ay nadagdagan kung ito ay nagsimula ng bagong mga iglesya sa parehong kultura.

 

PAGTAWID NA PAGLAGO:

 

Ang pagtawid na paglago ay mangyayari kung ang Ebanghelyo ay naibahagi sa ibang kultura sa ibang lahi, grupo ng etnolohiya, o bansa.

 

Narito ang krokis na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng paglago ng Iglesya:

 

SA PANLOOB:



 


           

 

PAGLAWAK:

 

 

 


PAGDAGDAG:



 

 

 


PAGTAWID:

 

 



 

 

 

 


Pag-aaralan mo ang bawa’t uri ng paglago sa susunod na apat na kabanata na tungkol sa pagapaprami sa loob ng local na Iglesya.

 

ANG ESPIRITU SANTO AT ANG PAGLAGO SA IGLESYA

 

Ang Espiritu Santo ang espirituwal na kapangyarihan sa likod ng lahat ng uri ng paglago sa iglesya:

 

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)

 

Ang talatang ito ay nagpapakita kung paano ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng kakayahan:

 

PAGLAGO SA PANLOOB:  Ang mga disipolo ay tumanggap ng bagong espirituwal na karanasan sa natatanging pagbubuhos ng Espiritu Santo. Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa kanila para maging makapangyarihan na mga saksi ng Ebanghelyo

 

PAGLAWAK NA PAGLAGO:  Ang iglesya ay dumami sa Jerusalem.

 

PAGDAGDAG NA PAGLAGO:  Ang Iglesya ay madaragdagan sa pagtatayo ng bagong mga iglesya sa ibang lugar pero magkaparehong kultura ( Judea).

 

PAGTAWID NA PAGLAGO:  Ang Iglesya ay mamagitan sa magkaibang kultura para maabot ang ibang rehiyon katulad ng Samaria at sa “dulo ng daigdig.”

 

Ang Bibilia ay nagtuturo na ang Espiritu Santo ay maraming ministeryo.  Siya ay aktibo sa paglikha ng mundo, kinasihan Niya ang mga nagsulat ng Salita Ng Dios, aktibo sa ministeryo Ni Jesus sa lupa, at naglingkod sa maraming kaparaanan para sa mga mananampalataya.

 

Ipinahahayag Ng Espiritu Santo ang katotohanan ng Ebanghelyo at inilalapit ang mga lalake at babae sa kaligtasan. Ang Espiritu Santo ay may ministeryo kahit nga kay Satanas.  Siya ang  espirituwal na puwersa na pumipigil at naglilimita sa kapangyarihan ni Satanas. ( Isaias 49:19).  Ang bawa’t Kanyang mga ministeryo ay tinalakay  ng detalyado sa Harvestime International Institute na kursong “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”

 

Ang Espiritu Santo ay may tiyak na ministeryo sa may epekto sa paglago at pagunlad ng Iglesya:

 

ANG ESPIRITU SANTO ANG BUMUO NG IGLESYA:

 

Sa araw ng Pentecostes nasulat sa Mga Gawa 2:1-41 na Ang Espiritu Santo ang bumuo ng Iglesya. Ang Biblia ay nagtuturo na ang Iglesya ay pinananahanan Ng Dios na itinayo Ng Espiritu Santo:

 

Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios.

 

Na mga itinayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;

 

Na sa kaniya’y ang boong gusali na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon.

 

Nasa kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.  (Efeso 2:19-22)

 

 

ANG ESPIRITU SANTO ANG NAGBIBIGAY NG INSPIRASYON SA PAGSAMBA:

 

Ang pagsamba ng Iglesya ay dapat kinasihan Ng Espiritu Santo:

 

Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.

 

Ang Diyos ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at katotohanan. (Juan 4:23-24)

 

Sapagka’t tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang pagkatiwala sa laman. (Filipos 3:3)

 

 

ANG ESPIRITU SANTO ANG NAGUNGUNA SA MGA GAWAIN NG MISYON:

 

Ito ay nakikita sa talaan ng mga gawain ng mga misyonero sa unang Iglesya:

 

At sinabi kay Felipe ng Espiritu, lumapit ka at makisama sa karong ito. (Mga Gawa 8:29)

 

At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;

 

At nang sila’y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;

 

At pagkakita niya sa pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.  (Mga Gawa 16:6,7,10)

 

At nang sila’y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.

 

Sila mga, palibhasa’y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo’y nangaglayag hanggang sa Chipre.  (Mga Gawa 13:2,4)

 

ANG ESPIRITU SANTO ANG PUMIPILI NG MGA PASTOR:

 

Ang ibang mga denominsyon ay nagtatalaga o humihirang ng mga pastor para maglingkod sa Iglesya.  Maraming tao ang nagpupunta sa kolehiyo o seminaryo para magsanay bilang mga pastor. Subalit ang kinakailangan na inilagay ng Biblia bilang isang pastor at dapat tinawag at pinili ng Espiritu Santo:

 

At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin. (Mga Gawa 20:28)

 

ANG ESPIRITU SANTO ANG NAGPAPAHID SA MGA MANGANGARAL:

 

Isinulat ni Pablo:

 

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan. (I Corinto 2:4)

 

ANG ESPIRITU ANG PUMAPATNUBAY SA PAGPAPASIYA:

 

Sa Mga Gawa kabanata 15 ay nakasulat ang natatanging pagpupulong ng mga pinuno para  talakayin ang iba’t ibang problema sa Iglesya. Ang kanilang huling pagpapasiya ay pinatnubayan Ng Espiritu Santo:

 

Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan. (Mga Gawa 15:28)

 

 

ANG ESPIRITU ANG NAGBABAUTISMO SA IGLESYA NG KAPANGYARIHAN:

 

Ang aklat ng Mga Gawa ay nagsimula sa talaan ng dakilang pangyayaring ito:

 

At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako.

 

At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang boong bahay na kanilang kinauupuan.

 

At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawat isa sa kanila.

 

At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nanagapasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. (Mga Gawa 2:1-4)

 

Ang bautismong ito ay makapangyarihang lakas sa likod ng paglago sa loob, paglawak, pagdagdag, at pagtawid ng Iglesya na nakatala sa iba pang bahagi ng aklat ng Mga Gawa.

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.  Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

2.  Sino ang bumubuo ng tunay na Iglesya?

 

________________________________________

 

3.  Paano nagsimula ang Iglesya?

 

________________________________________

 

4.  Mayroong ilan na mga ilustrasyon na ginamit ang Biblia para ilarawan ang Iglesya. Natatandaan mo ba kahit tatlo sa mga ito?

 

________________________   _________________________  _________________________

 

5.  Ano ang apat na mga layunin ng Iglesya na tinalakay sa aralin na ito?

 

            _________________________                                  ___________________________

 

            _________________________                                  ___________________________

 

6.  Panganlan at maikling ibigay ang kahulugan ng apat na uri ng paglago ng Iglesya.

 

            ________________________                                    ___________________________

 

            _______________________                                      ___________________________

 

7.  Tinalakay ang pitong mga layunin ng Espiritu Santo kaugnay sa paglago ng iglesya at pagunlad. Ilan ang iyong maisusulat?

 

            _______________________                                      ___________________________

 

            _______________________                                      ___________________________

 

            _______________________                                      ___________________________

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.      Narito ang ilang mga patnubay para makilala ang tunay na Iglesya.  Ito ang Iglesya na:

 

Tama ang doktrina:  Ang lahat ng itinuturo ay batay sa nakasulat na Salita Ng Dios.

 

Binubuo ng nabagong buhay na mga kaanib:  Ang buhay ng mga kaanib ay nabago ng kapangyarihan Ng Dios.

 

Sumasamba:  Sumasamba sa nag-iisang tunay Na Dios Ama, Dios Anak, at Dios Espiritu Santo.

 

Nagbabahagi ng Ebanghelyo:  Ito ay aktibong nakikilahok sa misyon para abutin ang mundo ng Ebanghelyo Ni Jesu Cristo.

 

2.    Narito ang ilang mga patnubay para malaman ang huwad na Iglesya. Ito ang Iglesya na:

 

Maling doktrina:  Binibigyan diin ang mga piling bahagi ng Salita Ng Dios at inaalis ang ibang bahagi nito.  Hindi nila literal na pinaniniwalaan ang Salita Ng Dios. Tinatanggap nila ang turo ng tao na laban sa Salita Ng Dios.

 

Nagkabaha-bahagi:  Maaaring may pagkabaha-bahagi sa loob ng Iglesya at humahanap ng dahilan para mahati ang Katawan Ni Cristo sa pangakalahatan.  Tingnan ang

Roma 16:17-18;  Mga Gawa 20:29,30; Efeso 4.

 

Pumipigil:  Susubukan ng huwad na Iglesya na pigilin ang buhay at kilos ng mga kaanib nito sa mapagmataas na paraan.

 

Binubuo ng hindi nabagong buhay ng mga kaanib.  Ang mga tao ay patuloy na namumuhay sa makasalanang uri ng pamumuhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM NA KABANATA

 

PANLOOB NA PAGLAGONG ESPIRITUWAL

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag ang ibig sabihin ng paglago ng Iglesya sa “loob”

·                    Ibigay ang kahulugan ng “espirituwal na paglago.”

·                    Kilalanin ang mga ebidensiya ng espirituwal na paglago.

·                    Ipaliwanag ang ministeryo Ng Espiritu Santo kaugnay sa panloob na paglago ng Iglesya.

·                    Kilalanin ang kalagayan ng paglago sa natural na mundo na katulad sa espirituwal  na mundo.

 

SUSING TALATA:

 

Sapagka’t minagaling ng Ama na ang boong kapuspusan ay manahanan sa kaniya. (Colosas 1:19)

 

PAMBUNGAD

 

Sa huling kabanata iyong natutuhan ang apat na uri ng paglago sa plano Ng Dios para sa pagpaparami ng iglesya. Ang Iglesya ay dapat magparami sa pamamagitan ng panloob, paglawak, pagdadagdag, at paglago sa pagmimisyon. Ang aralin na ito ay nakatuon sa panloob na paglago ng Iglesya.

 

PANLOOB NA PAGLAGO

 

Kung pinaguusapan ang “panloob na paglago” ng Iglesya, ang tinutukoy natin ay espirituwal na paglago at pag-unlad ng mga kaanib nito.  Ang Iglesya ay espirituwal na lumalago ayon sa sukat na paglago ng bawa’t isang kaanib.

 

Ang Iglesya ay hindi lang dapat lumago sa bilang sa pamamagitan ng paglawak, pagdadagdag at paguugnay na mga paglago, ito ay dapat lumago sa kalidad. Ang paglago sa kalidad ay panloob o espirituwal na paglago.

 

Tinutukoy ni Pablo ang prosesong ito, paghambingin ito sa panloob na paglago sa natural na katawan:

 

Sapagka’t minagaling ng Ama na ang boong kapuspusan ay manahanan sa kaniya. (Colosas 1:19)

 

Ang tinutukoy ng espirituwal na paglago ay ang “paglago Sa Dios”. Habang ang mga kaanib ay espirituwal na lumalago, ang Iglesya ay nakararanas ng panloob na paglago. Ang buong Katawan ay naalagaan at lumalakas sa paglago Sa Dios.

 

Ang espirituwal na paglago ay paglakas sa espirituwal na kaganapan na resulta ng pag-unlad ng buhay Ni Cristo sa mananampalataya. Ito ay paglago sa kaalaman Kay Jesus.

 

Datapuwa’t magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo...(II Pedro 3:18)

 

Ito ay paglago Kay Jesus:

 

Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga’y si Cristo.   (Efeso 4:15)

 

Ang ibig sabihin ng espirituwal na paglago ay pagkamatay sa sarili at paglago ng buhay Ni Cristo sa iyo.

 

Siya’y kinakailangang dumakila, ngunit ako’y kinakailangang bumaba. (Juan 3:30)

                

Ang espirituwal na paglago ay hindi kaagad nangyayari dahil resulta ng tagal ng panahon na pagiging mananampalataya. Ito ay resulta ng pag-unlad ng buhay Ni Cristo sa mananampalataya.

 

Kasama sa mga ebidensiya ng espirituwal na paglago ay:

 

1.      Pagdami ng espirituwal na kaalaman.

2.      Tamang paggamit ng kaalaman na ito sa buhay at ministeryo.

3.      Ang malalim na kasiyahan sa espirituwal na mga bagay.

4.      Dakilang pag-ibig Sa Dios at sa iba.

5.      Pag-unlad ng pagkatulad Kay Cristo ng mga katangiang espirituwal

(espirituwal na bunga).

6.      Ang pagtaas ng naisin at kakayahan na magbahagi ng Ebanghelyo sa iba.

7.      Pag-unlad at epektibong paggamit ng espirituwal na mga kaloob.

 

Ang paglago ay natural na resulta ng buhay. Kung mayroong espirituwal na buhay sa iglesya, ang resulta nito ay panloob na paglago gayundin naman ang paglawak, pagdagdag, at paguugnay na mga paglago.

 

ANG ESPIRITU SANTO AT ANG PANLOOB NA PAGLAGO

 

Sa huling kabanata natutuhan mo ang ministeryo ng Espiritu Santo sa iglesya. Ang Espiritu Santo:

-         Bumuo ng Iglesya.

-         Kinasihan ang kanyang pagsamba.

-         Pinangungunahan ang mga Gawaing pangmisyon.

-         Pumipili ng mga pastor.

-         Pinapahiran ang mga mangangaral.

-         Pinapatnubayan ang mga pagpapasiya.

-         Nagbabautismo na may kapangyarihan.

 

Para sa karagdagang mga ministeryo nito sa Iglesya, Ang Espiritu Santo ay may tungkuling kaugnay sa panloob na paglago ng Iglesya. Kasama rito ang mga:

 

KOMBIKSIYON SA KASALANAN:

 

Ang espirituwal na paglago ay naaantala ng kasalanan.  Ang Espiritu Santo ay sinusumbatan ang mananampalataya sa kalasanan:

 

Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga’y ang ilaw na lumiliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan. (Juan 1:9)

 

Kung ang Espiritu Santo ay sinusumbatan ang kasalanan, susundin natin ang utos …

 

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. (I Juan 1:9)

 

PAGBABAGO NG PAGKATAO:   

 

Ang ibig sabihin ng “Pagbabago ng pagkatao” ay pagbabago.  Binabago Ng Espiritu Santo ang buhay ng mga mananampalataya. Ang pagbabagong ito ay nagdudulot ng panloob na paglago:

 

Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo. (Tito 3:5)

 

PAGBABANAL:

 

Ang ibig sabihin ng pagbabanal ay “ihiwalay para Sa Dios”. Ang paghihiwalay na ito ay magdudulot ng espirituwal na paglago:

 

Ngunit kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios buhat nang pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng espiritu at pananampalataya sa katotohanan. (II Tesalonica 2:13)

 

 

 

 

TAHANAN:

 

Ang Espiritu Santo ay nananahan o tumitira sa buhay ng mga mananampalataya.  Ang layunin ng pagtira ay palakasin ang bagong likas  na natanggap sa pamamagitan ng kaligtasan:

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong Katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo na tinanggap ninyo sa Dios at hindi kayo sa inyong sarili.(I Corinto 6:19)

 

Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo. (I Corinto 3:16)

 

Kaya’t kung ang sinoman ay na kay cristo siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang ngaing mga bago. (II Corinto 5:17)

 

Sinasabi ko nga, magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi niniyo gagawin ang mga pita ng laman.

 

Sapagka’t ang laman ay nagnanasa laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang mga bagay na inyong ibigin.

 

Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan. (Galacia 5:16-18)

 

 

PAGPAPALAKAS:

 

Ang lakas at paglago ay magkaugnay. Ikaw ay nagiging malakas habang ikaw ay lumalaki. Kailangan ng lakas para lumaki. Ang panloob na paglago ay nanggagaling sa pagpapalakas ng Espiritu Santo:

 

Upang sa inyo’y ipagkaloob niya ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo’y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob. (Efeso 3:16)

 

PAGKAKAISA:

 

Ang pagkakaisa ay nagdudulot ng paglago sa Iglesya: 

 

Ngunit ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya. (I Corinto 6:17)

 

Sapagka’t kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama’t marami, ay iisang katawan gayon din naman si Cristo.

 

Sapagka’t sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo’y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. (I Corinto 12:12-13)

 

PAMAMAGITAN:

 

Ang pamamagitan Ng Espiritu Santo ay magpapatatag sa kabanalan ng mananampalataya:

 

At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; ngunit ang espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisaysay sa pananalita. (Roma 8:26)

 

Ngunit kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na manalangin sa Espiritu Santo. (Judas 20)

 

Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa boong panahon, at mangagpuyat sa boong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal. (Efeso 6:18)

 

PATNUBAY:

 

Pinapatnubayan Ng Espiritu Santo ang mga mananampalataya sa katotohanan ng Salita Ng Dios na nagdudulot ng espirituwal na paglago:

 

Gayon may kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa boong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. (Juan 16:13)

 

Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ay sila ang mga anak ng Dios. (Roma 8:14)

 

PAHAYAG:

 

Ipinapahayag Ng Espiritu Santo ang katotohanan ng Salita Ng Dios sa mananampalataya na nagdudulot ng espirituwal na paglago:

 

Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo,ang malalalim na mga bagay ng Dios. (I Corinto 2:10)

 

PAG-IBIG:

 

Ang  mga tao ay espirituwal na lumalago sa kapaligiran ng pag-ibig:

 

At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagkat ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin. (Roma 5:5)

 

TUMULAD:

 

Ang Espiritu Santo ay kumikilos sa kalooban para ang mga mananampalataya ay matulad sa wangis Ni Cristo:

 

Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. (II Corinto 3:18)

 

PAGTUTURO:

 

Espirituwal tayong lumalago habang tayo ay lumalago sa kaalaman Ng Dios.  Ang Espiritu Santo ang naninirahan na guro sa atin:

 

At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo’y turuan ng sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya. (I Juan2:27)

 

KASIGURUHAN:

 

Ang pag-aalinlangan ay nakapipigil sa espirituwal na paglago. Inaalis Ng Espiritu Santo ang pag-aalinlangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasiguruhan ng kaligtasan:

 

Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios. (Roma 8:16)

 

At ang tumutupad ng kaniyang mga utos ay mananahan sa kaniya st siya ay sa kaniya. At dito’y nakilala natin na siya’y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin. (I Juan 3:24)

 

 

KALAYAAN:

 

Nalilimitahan ng pagbabawal ang paglago. Nagbibigay Ang Espiritu Santo ng kalayaan mula sa kasalanan at mga kaugalian ng tao:

 

Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. (Roma 8:2)

 

Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. (II Corinto 3:17)

 

MANGAALIW:

 

Ang kapighatian at kawalang-pag-asa ay nakaaantala sa espirituwal na paglago. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng kaaliwan:

 

…at sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo... (Mga Gawa 9:31)

 

Sa makatuwid bagay ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka’t hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya’y nakikilala ninyo; sapagka’t siya’y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.

 

Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid bagay ang Espiritu Santo, na suguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi. (Juan 14:17,26)

 

NAGPAPASIGLA:

 

Isa sa mga ministeryo Ng Espiritu Santo sa buhay Ni Jesus ay para buhayin muli Siya mula sa mga patay.

 

Ngunit kung ang espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumutira sa inyo. (Roma 8:11)

 

Kung ikaw ay hindi espirituwal na lalago, ikaw ay magiging espirituwal na “patay.”  Ang proseso ng paglago ay titigil. Ang kapangyarihan Ng Espiritu Santo ang bubuhay muli sa iyong espirituwal na buhay.

 

NAGPAPAKITA NG KAPANGYARIHAN:

 

Sinabi  ni Pablo:

 

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng espiritu at ng kapangyarihan:

 

Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. (I Corinto 2:4-5)

 

Ang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Espiritu Santo ay magpapalakas sa iyong pananampalataya Sa Dios.

 

NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA PAGSAKSI:

 

Ang natatanging kapangyarihan para maging saksi ay tunay na ebidensiya na ang isang tao ay nabautismuhan   Ng Espiritu Santo:

 

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)

 

Ang espirituwal na mananampalataya ay mag-aanak na mga saksi ng Ebanghelyo.

 

NAG-BABAUTISMO:

 

Ang iglesya ay nakakaranas ng panloob ng  paglago sa pamamagitan ng bautismo Ng Espiritu Santo:

 

At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t  ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng espiritu na kanilang salitain. (Mga Gawa 2:4)

 

Ang bautismo Ng Espiritu Santo ay resulta ng pag-unlad ng espirituwal na mga kaloob at bunga sa buhay ng mga mananampalataya.

 

NAGBIBIGAY NG ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB:

 

Ang espirituwal na mga kaloob ay mahalaga sa panloob na paglago ng Iglesya dahil ang mga ito ay “nagpapalakas” sa mga mananampalataya. Ang ibig sabihin ng “ pagpapalakas” ay  “patatagin at magdulot ng espirituwal na paglago.”  ( Matututuhan mo pa ang ibang mga bagay tungkol sa espirituwal na mga kaloob sa susunod na aralin.)

 

NAG-PAPAUNLAD NG ESPIRITUWAL NA BUNGA:

 

Ang espirituwal na bunga ang likas na Espiritu na ipinahayag sa buhay ng mananampalataya. Tumutukoy ito sa espirituwal na katangian na nakikita sa buhay ng lahat ng mga mananampalataya.

 

Ang espirituwal na bunga ang ebidensiya ng espirituwal na paglago. Katulad ng bunga sa natural na mundo, ito ay produkto na resulta mula sa proseso ng buhay. Kung paano ang bunga ay nangangailangan ng panahon para umunlad sa natural na mundo kailangan din ng espirituwal na bunga ng panahon para umunlad. Ito ay produkto ng panloob na paglago sa buhay ng mga mananampalataya.

 

Narito ang listahan ng espirituwal na bunga Ng Espiritu Santo:

 

Datapuwa’t ang bunga ng espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat

 

Kaamuan, pagpigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. (Galacia 5:22-23)

 

Nais Ng Dios na lumago ka sa:

 

Pag-ibig:  Malalim na pagmamahal, pagkalinga, at pagmamalasakit.

 

Katuwaan:  Kagalakan, kasiyahan, at kasiglahan na hindi nakabatay sa katayuan ng buhay.

 

Kapayapaan:  Tahimik, kalmado, pagkakaisa; walang alitan at takot, at pagmamalasakit.

 

Pagpapahinuhod:  Pagtitiyaga—kakayahan na maging masayahin sa pagdadala ng hindi kaayaayang sitwasyon; pagtitiis.

 

Kagangahang-loob:  Mahinahon na asal; hindi mabagsik, marahas o maingay; tahimik, magalang na kabutihan sa iba.

 

Kabutihan:  Kabanalan at katuwiran.

 

Pagtatapat:  Pagtititwala Sa Dios.

 

Kaamuan:  Pagpipigil na lakas.

 

Pagpipigil:  Kahinahunan ng damdamin, pag-iisip at mga gawa; papipigil sa sarili.*

 

MGA KAHILINGAN PARA SA PAGLAGO

 

Sa natural na mundo mayroong tiyak na kahilingan na kinakailangan para lumago at umunlad ang bunga. Ang mga natural na kahilingang ito ay pareho ng espirituwal na mga bagay na kailangan para sa paglago ng bunga ng espirituwal na kaganapan. Narito ang ilan sa mga pagkakapareho:

 

 

 

 

BUHAY:

 

Ang paglago ay imposible kung walang buhay.  Ang pag-unlad ng bunga ay nagsisimula sa  buto. May buhay dapat sa buto, kung hindi, hindi ito lalaki.  Sa talinghaga ng maghahasik, ang “buto” ay ang Salita Ng Dios. Ang paglago ay nagmumula sa buto ng Salita:

 

Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito’y magsilago kayo sa ikaliligtas. (I Pedro 2:2)

 

Si Jesus ang nakikitang kapahayagan ng Salita Ng Dios, Ang Buto, at Siya ang buhay:

 

Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. (Juan 1:4)

 

Sapagka’t kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili. (Juan 5:26)

 

Si Jesus ay pumarito para itanim ang buto ng buhay para tayo ay espitiruwal na lumago:

 

Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.  (Juan 10:10)

 

TAMANG LUPA:

 

Dapat magkaroon ng mabuting lupa para ang buto ng Salita Ng Dios ay umunlad nang maayos. Basahin ang talinghaga ng maghahasik sa Marcos 4.  Ang buto lamang na nahulog sa mabuting lupa ang magbibigay ng espirituwal na paglago:

 

At yaon ang naghahasik sa mabuting lupa; na nakikinig ng salita, at tinanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan. (Marcos 4:20)

 

Dapat mong ihanda ang mabuting “lupa” ng iyong puso at isip para matanggap ang buto ng Salita Ng Dios.

 

TUBIG:

 

Ang tubig ay kailangan para sa paglago sa natural na mundo. Ipinangako Ng Dios:

 

 

___________

*  Tinalakay ng detalye ang bawat espirituwal na mga katangian na ito sa kurso ng Harvestime International Institute na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”

Sapagka’t ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi. (Isaias 44:3)

                                        

Ang  pagbubuhos na ito ng Espiritu Santo ay kinakatawan ng tubig: 

 

Aking ibubuhos ang saganang tubig sa tuyong lupain, sa uhaw na lupa ay maraming batis ang padadaluyin, aking Espiritu’y ibubuhos ko sa ‘yong mga supling. At ang mga liping susunod sa iyo ay pagpapalain. (Isaias 44:3 MBB)

 

Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. (Juan 7:38)

 

Ang tubig Ng Espiritu Santo na nagdudulot sa binhi ng Salita Ng Dios ay nag-uugat sa mga puso ng lalake at babae na patay sa espiritu:

 

Sapagkat may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito’y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.

 

Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao’y mamatay sa lupa;

 

Gayon ma’y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim. (Job 14:7-9)

 

LIWANAG:

 

Ang tugon sa liwanag ang nagdudulot ng paglago sa natural na mundo. Ang espirituwal na paglago ay nangyayari sa pagtugon sa espirituwal na liwanag.  Ang liwanag na iyon ay Si Jesus:

 

Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan. (Juan 8:12)

 

Hangin:

 

Ang hangin ay ipinapasok sa loob ng natural na halaman mula sa kalawakan na nakapalibot dito. Ang hangin ang kailangan para lumago.  Sa Biblia Ang Espiritu Santo ay inihambing sa hangin.

 

Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggaling at kung saan naparoroon. Gayon din ang bawat ipinanganak sa espiritu. (Juan 3:8 MBB)

 

Hinihingahan ng buhay Ng Espiritu Santo ang binhi ng Salita Ng Dios.  Ang resulta ay espirituwal na paglago at pag-unlad ng bunga.

 

LUGAR:

 

Sa talinghaga ng maghahasik, ang kompetensiya para sa lugar ay sanhi ng pagkamatay ng ibang halaman:

 

At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; ngunit ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao’y nagiging walang bunga. (Mateo 13:22)

 

Ang kompetensiya ng mga bagay  sa mundo ay nakakapigil sa binhi ng Salita Ng Dios at humahadlang sa espirituwal na paglago.

 

PAHINGA:

 

Ang panahon ng pagpapahinga ay ( tinatawag na tulog) sumasakop sa tiyak na panahon ng pag-unlad ng pag-ikot ng halaman sa natural na mundo.  Ito ay panahon ng pagpapahinga para sa halaman at panahon na nauna sa pagsibol ng mabilis na paglago. Sa panahon ng pagkatulog, ang halaman ay mukhang patay.  Subalit hindi ito patay. Ang binhi ng buhay ay buhay pa rin sa loob.

 

Kung minsan ang isang tao o iglesya ay maaaring mag mukhang parang hindi espirituwal na lumalago.  Subalit kung ang binhi ng Salita Ng Dios ay naitanim ng maayos, mangyayari ang panloob na paglago sa tamang panahon. ( Mga Awit 1 ).

 

Kung paano sa natural na mundo, ang espirituwal na pagkatulog ay nauna sa panahon ng mabilis na paglago at pag-unlad. Matiyagang maghintay para sa proseso ng panloob na paglago para dumami ang espirituwal na bunga:

 

Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli. (Santiago 5:7)

 

ANG SISTEMA NG UGAT:

 

Kailangan ang ugat para kumapit at magbigay ng mga sustansiya sa halaman.  Sinasabi sa Mga Awit 1 kung paano umunlad ang sistema ng ugat sa iyong espirituwal na buhay:

 

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.

 

Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

 

At siya’y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama’y hindi malalanta; at anomang kaniyang gawin ay giginhawa. (Mga Awit 1:1-3)

 

 

 

 

KAMATAYAN:

 

Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang mag-iisa ngunit kung mamatay, ay nagbubunga ng marami. (Juan 12:24)

 

Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing inihahasik hangga’t hindi ito namamatay. (I Corinto 15:36 MBB)

 

Ang espirituwal na buhay ay nakadepende sa pagkamatay ng mga bagay sa mundo.  Kailangan na mamatay sa kasalanan, makamundong pagnanasa, at kalayawan. Ang resulta ng pagkamatay sa mundo ay pag-unlad ng mga bunga ng pagkatulad ng iyong buhay  Kay Cristo.

 

NAKAKABIT SA PUNO:

 

Para mamunga sa natural na mundo ang samga ay dapat nakakabit sa pangunahing halaman.  Kung ang sanga ay hindi nakakabit mula sa pangunahing puno o katawan na nagbibigay ng buhay ito ay hindi mamumunga.

 

Si Jesus ang puno at tayo ang mga sanga.  Para tayo ay espirituwal na mamunga dapat nating panatilihin ang ating kaugnayan sa Kanya:

 

Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang magsasaka.

 

Ang bawat sanga na sa akin ay hindi nagbubunga ay inaalis niya; at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.

 

Kayo’y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo’y aking sinalita.

 

Kayo’y manatili sa akin, at ako’y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo’y manatili sa akin.

 

Ako ang puno ng ubas kayo ang mga sanga: ang nananatili sa akin at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. (Juan 15:1-5)

 

 

 

 

PAGPUTOL:

 

Ang pagputol ay kinakailangan sa natural na mundo kung ang halaman ay hindi produktibo at hindi namumunga. Kung ang magsasaka ay nagpuputol ng mga halaman pinuputol niya ang mga sanga na hindi produktibo para ang halaman ay mamunga ng mas marami.  Inaalis niya ang lahat ng nakapipiit sa paglago ng halaman.

 

Ang pagputol ang kinakailangan din sa espirituwal na mundo. Ang Espirituwal na pagputol ay pagtutuwid Ng Dios.  Tinatawag ito ng Biblia na pagpaparusa.  Kung Ang Dios ay “nagputol” inaalis Niya sa iyong buhay ang lahat na nakapipigil sa espirituwal na paglago. Ang prosesong ito ay kinakailangan para ikaw ay espirituwal na mamunga:

 

Ang bawat sanga na sa akin ay hindi nagbubunga ay inaalis niya; at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga. (Juan 15:2)

 

Kung minsan hindi mo naaani ang pakinabang ng pagputol dahil sinisisi mo si Satanas subalit Ang Dios pala ang nagpaparanas ng mga pangyayari sa iyong buhay para ikaw ay maitama (pagputol).  Ang layunin ng pagtatama Ng Dios ay ibinigay sa Oseas 6:1

 

Magsiparito kayo at tayo’y manumbalik sa Panginoon; sapagka’t siya’y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya’y nanakit at kaniyang tatapalan tayo. (Oseas 6:1)

 

Ang kaparusahan ng pagputol ay magdudulot ng pagbabalik Sa Dios. Ang pagbalik lamang sa Kanya ang magdudulot sa iyo ng pamumungang espirituwal at magpapakita ng bunga ng Espiritu Santo sa iyong buhay.

 

PANAHON:

 

Ang panahon ay mahalaga para umunlad ang bunga.  Sa natural na mundo maraming uri ng bunga ang yumayabong sa mga kapaligiran na pinipigil sa  natatanging klima. Ang mga ito ay pinalaki sa mga gusali na tinatawag na “mainit na kamalig” at may angkop na temperatura.  Ang mga ito ay iniingatan mula sa tunay na kapaligiran ng nasa labas na mundo.

 

Kung kukuha ng halaman sa “mainit na kamalig”   at ilalagay mo sa labas, sa madaling panahon ito ay mamamatay dahil ito ay nabuhay lamang sa iningatan na kapaligiran. Hindi nito matatagalan ang kapaligiran ng tunay na mundo. Sa espirituwal na pag-uusap, ayaw mo ng “mainit na kamalig.”  Ang mga Kristiyano na mukhang mabuti sa iningatang lugar subalit malalanta kung ito ay makikitungo sa tunay na mundo.

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.   Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

________________________________________

 

________________________________________

 

2.  Ano ang ibig sabihin natin kung ating pinag-uusapan ang panloob na paglago ng Iglesya?

 

________________________________________

 

3.  Ano ang espirituwal na paglago?

 

________________________________________

 

4. Isulat ang pitong esbidensiya ng Espirituwal na paglago.

 

            ________________________            __________________________

 

            ________________________            __________________________

 

            ________________________            __________________________

 

                                    _____________________________

 

5. Tinalakay sa aralin na ito ang maraming paraan na ang Espiritu Santo ang sanhi ng panloob na paglago sa iglesya. Isulat ang iyong mga natatandaan:

 

________________________________________

 

________________________________________

 

6. Tinalakay sa aralin na ito ang mga kalagayan para sa espirituwal na paglago na katulad ng mga kinakailangan para sa natural na mundo.  Isulat ang iyong matatandaan.

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.                Kung ang halaman ay malapit nang mamatay sa natural na mundo ito ay dapat buhaying muli.  Kung ang Iglesya ay malapit nang espirituwal na mamatay, kinakailangan na buhaying muli. Para buhaying muli ito ay “dapat manumbalik ang buhay at lumago ng bago.”  Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensiya:

 

   Ang pagtangis para sa “revival”:  Mga Awit 85:6

   Ang plano Ng Dios para sa “revival”:  II Cronica 7:14

 

Pag-aralan ang sumusunod na mga pangyayari para sa mga “revivals” sa Lumang Tipan.  Ano ang mga bagay na naging sanhi ng “revival” Ano ang mga resulta ng bawat “revival”?

 

        Ang “revival” sa Sinai:                                          Exodo 32:1-35;  33:1-23

        Ang “revival” sa pangunguna ni Samuel:    I Samuel 7:1-7

        Ang “revival” sa Bundok Carmel:              I Mga Hari 18:1-46

        Ang “revival” sa Nineveh:                         Ang aklat ng Jonas

        Ang “revival” sa pangunguna ni Asa:                     II Cronica 15

        Ang “revival” sa pangunguna ni Ezechias: II Cronica 29:1-36;  30:1-27;  31:1-21

        Ang “revival” sa pangunguna ni Josiah:      II Cronica 34:1-33;  35:1-19

        “Revival” pagkatapos ng pagkabihag:                    Nehemias 8:1-18

 

2.     Sa huling kabanata iyong natutuhan na ang Iglesya ay inihambing sa espirituwal na gusali na itinayo sa pundasyon, Si Jesu Cristo. Ang panloob na espirituwal na paglago ay proseso ng pagtatayo sa pundasyon.  Pag-aralan ang sumusunod na balangkas:

 

PAGLAGO SA PAGTATAYO

 

MGA PANGUNAHING PRINSIPYO:

 

A.        Ano ang iyong espirituwal na itinatayo?

 

           1.         Ikaw ay isang gusali:

       

Kayo rin naman na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang magingpagkasaserdoteng banal, upang mahandog ng mga hain ukol sa espiritu, na nangaliligod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. (I Pedro 2:5)

       

           2. Ang Iglesya ay isang gusali:

 

…Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok; Na sa kaniya’y ang boong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon; Na sa kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu. (Efeso 2:20-22)

B.          Mayroong dalawang kasama sa proseso:       

 

            1.  Dios:

 

…Sapagkat ang bawat bahay ay may nagtayo; datapuwa’t ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. (Hebreo 3:4)

 

Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay. (Mga Awit 127:1)

           

At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.  (Mateo 16:18)

           

            2.  Tao:

           

Sapagkat tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, ang gusali ng Dios. (I Corinto3:9)

 

... papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya... (Judas 20)

 

At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali’t saling lahi; at ikaw ay tatawagin ang tagapaghusay ng sira, ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. (Isaias 58:12)

 

BAGO KA MAGSIMULANG MAGTAYO:

 

Bago ka magsimulang magtayo ikaw ay dapat:

 

1.         Bilangin Ang Halaga:

 

Sapagkat alin sa inyo , ang kung ibig magtayo ng isang moog ay hindi, muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos? Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya’y libakin, Na sabihin, nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin. (Lucas 14:28-30)

 

2.         Maging Determinado:

 

Si Salomon nga ay nagpasiya na ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon, at ng isang bahay ang kaniyang kaharian. (II Cronica 2:1)

 

 

3.         Magkaroon Ng Tamang Motibo:

 

...Narito, aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, upang italaga sa kaniya, at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mainam sa espesia...palaging tinapay na handog...handog na susunugin...takdang kapistahan...(II Cronica 2:4)

 

4.         Maghanda:

 

…Sapagkat inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang magturo... (Ezra 7:10)

 

At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang Panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban...(Lucas 12:47)

 

PAANO MAGTAYO:

 

1.   Magtayo Sa Tamang Pundasyon:

 

Kaya’t ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:

 

At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagkat natatayo sa ibabaw ng bato.

 

At ang bawat dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:

 

At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.(Mateo 7:24-27)

 

Ang tamang pundasyon ay Si Jesus at ang Kanyang Salita:

 

Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok; (Efeso 2:20)

 

Na nangauugat at nagtatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat. (Colosas 2:7)

 

Mag-ingat kung paano ka magtayo ng pundasyon na ito:

 

Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Ngunit ingatan ng bawat tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito. (ICorinto 3:10-13)

 

1.   Magtayo Ayon Sa Plano:

 

Sa bawa’t proyekto ng pagtatayo ayon sa Biblia, mayroong plano na ibinigay Ng Dios.  Tingnan ang Genesis 6:   Exodo 25:   I Cronica 22. Sinusunod ng mga tao ang plano ng Dios:

 

Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya. (Genesis 6:22)

 

Iba ang plano, subalit pareho ang katotohan kay Moises, David, Solomon, Ezra, at Nehemias… ang bawa’t isa ay ginawa ang utos Ng Panginoon.

 

Lahat ng ito’y, sabi ni David, aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, sa makatuwid baga’y lahat ng gawain sa anyong ito.  (I Cronica 28: 19)

 

Kung hindi mo susundin ang plano Ng Dios para sa pagtatayo ng iyong buhay sa Salita Ng Dios, hindi ka magtatagumpay:

 

Sapagkat ayaw nilang pakundangan ang mga gawa ng Panginoon, ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo. (Mga Awit 28:5)

 

3.   Magtayo Ayon Sa Iyong Kakayahan:

 

Sa pagtatayo ng mga proyekto sa panahon ng Lumang Tipan, ang mga tao ay nagbigay ayon sa kanilang kakayahan:

 

…Sila ay nangagbigay ayon sa kanilang kaya...(Ezra 2:69)

 

4.  Magtayo Ng Maluwag Sa Kalooban:

 

Maging maluwag sa kalooban na espirituwal na lumago:

 

...Nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan. (Ezra 2:68)

 

5.   Magtayo Sa Lakas Ng Panginoon:

 

At ako’y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin... (Ezra 7:28)

 

6.  Magtayo Na may Pagkakaisa:

 

...sapagkat ang bayan ay nagkaroon ng kaloobang gumawa. (Nehemias 4:6)

 

7. Magtayo Ng Maytalino:

 

Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag. (Mga Kawikaan 24:3)

 

Bawat pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: Ngunit binubunot ng mangmang ng kaniyang sariling mga kamay. (Mga Kawikaan 14:1)

 

Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi. (Mga Kawikaan 9:1)

 

Pagkakalooban ka Ng Dios ng karunungan:

 

At aking pinupuspos siya ng Espiritu ng Dios...sa karununagn at pagkilala, at kaalaman...upang magawa nila ang lahat ng aking iniuutos... (Exodo 31:3,6)

 

…Sinabi ni...na may bait at kaalaman...naipagtatayo ng isang bahay ang Panginoon...(II Cronica 2:12)

 

Ang Dios ang pinagmulan ng karunungan:

 

Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios...at ito’y ibibigay sa kaniya. (Santiago 1:5)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-PITONG KABANATA

 

PAGPAPALAWAK NA PAGLAGO

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng paglawak na paglago.

·                    Ibuod ang paglawak na paglago ng unang iglesya sa Jerusalem.

·                    Ibuod ang mga paraan ng paglawak ng iglesya sa Bagong Tipan.

 

SUSING TALATA:

 

At lumago ang salita ng Dios; at  dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad... (Mga Gawa 6:7)

 

PAMBUNGAD

 

Sa natural na katawan, ang iba’t ibang bahagi  ay nagkakatugma sa pamamagitan ng ulo.  Ang lahat ng kilos ng katawan ay resulta  mula sa direksiyon na ibinigay ng ulo. Si Jesus ang Ulo na nagbibigay ng direksiyon para sa Kanyang espirituwal na Katawan, ang Iglesya. Sinabi  Ni Jesus,” Itatayo Ko ang Aking Iglesya”  (Mateo 16:18). Ipinahayag sa Biblia, ang Kanyang paraan para magawa ang layunin na ito.

 

Ang mga paraan sa pagpapadami ng Iglesya ay dapat nakabatay kung ano ang itinuro at ipinakita sa Salita Ng Dios.  Bilang kaanib ng Katawan Ni Cristo, ang mga mananampalataya ay tinawag para kumilos sa mga direksiyon mula sa Ulo, ang ating Panginoong Jesu Cristo.  Ang kabanatang ito ang una sa tatlo na tungkol sa paglago sa bilang sa loob ng Iglesya.  Ang aralin na ito ay nakatuon sa paglawak na paglago.

 

PAGLAWAK NA PAGLAGO

 

Ang paglawak na paglago ay nangyayari kung ang mga mananampalataya ay nakahikayat ng bagong mananampalataya Kay Cristo at dinala sila sa pagtitipon sa kanilang sariling lokal na iglesya.  Ang resulta nito ay paglago sa kanilang lokal na iglesya. Ang paglawak na paglago ay dapat nakatuon sa pagpapaunlad ng Kaharian Ng Dios.

 

Kung ang ikalawang Iglesya ay magdadagdag ng 100 mga kaanib mula sa Unang Iglesya sa pamamagitan ng paglipat ng mga kaanib, walang nangyaring paglago sa Kaharian. Mayroong pagtaas sa bilang ng mga kaanib sa Ikalawang Iglesya subalit walang paglawak na paglago sa Kaharian Ng Dios. Ang paglago sa Kaharian ay mangyayari lamang kung ang mga bagong nahikayat ay nailapit Kay Jesus at naturuan para maging mabuting kaanib ng Katawan Ni Cristo.

 

ANG TALAAN NG BAGONG TIPAN

 

Nakasulat sa aklat ng Mga Gawa ang paglawak na paglago sa unang iglesya sa Jerusalem. Narito ang buod ng talaan:

 

ANG UNANG BATAYN NG UNANG PAGLAGO:

 

At nang mga araw na ito’y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa’t dalawangpu) (Mga Gawa 1:15)

 

Ang Iglesya ay nagsimula sa “upper room” sa isang grupo ng 120 mga disipolo.  Sa araw ng Pentecostes 3,000 ang nadagdag sa iglesya sa Jerusalem:

 

Yaong ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila ng araw na yaon ang mga tatlong libong kaluluwa. (Mga Gawa 2:41)

 

Pagkatapos ng Pentecostes, ang paglawak na paglago ay araw-araw na nangyayari.

 

Nang nangagpupuri sa Dios, at nagtatamo ng paglingap ng boong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas. (Mga Gawa 2:47)

 

Ang bilang mga mga lalake sa Jerusalem ay tumaas hanggang 5,000.  Ang bilang na ito ay hindi kasama ang babae at  mga bata na bahagi ng iglesya:

 

Datapuwa’t marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalaki ay umabot sa mga limang libo. (Mga Gawa 4:4)

 

Di nagtagal, maraming tao ang nadagdag sa iglesya:

 

At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon, ang mga karamihang lalake at babae: (Mga Gawa 5:14)

 

Kahit ang mga tao na laban sa iglesya ay namamangha sa paglawak nito:

 

Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo, at ng mga pangulong saserdote, ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon. (Mga Gawa 5:24)

 

Ang salitang nadagdag  ay unang ginamit para ilarawan ang paglawak ng iglesya.  Sa madaling panahon ang paglago ay naging mabilis na ang salitang dumami ay ginamit:

 

At lumago ang salita ng Dios; at  dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote. (Mga Gawa 6:7)

 

Mula sa puntong ito, binigyang diin ng aklat ng Mga Gawa ang pagpapararami sa mga iglesya gayundin naman sa mga kaanib ng local na iglesya sa Jerusalem.  Bagong mga iglesya ay naitayo sa bawa’t sentro ng pagano sa kilalang mundo sa loob ng kukulangin na 40 mga taon.  Halimbawa, sa Samaria…

 

Datapuwat nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangagaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo ay nangabautismuhan ang mga lalake’t mga babae. ( Mga Gawa 8:12)

 

Ang mga iglesya sa Judea, Galilea, Samaria, Lydda, Sharon, at Joppa lahat ay nakaranas ng paglawak na paglago:

 

Sa gayo’y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa boong Judea at Galilea at Samaria palibhasa’y pinagtibay; at sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami. (Mga Gawa 9:31)

 

At siya’y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona, at sila’y nangagbalik-loob sa Panginoon.

 

At ito’y nabansag sa boong Joppe: at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon. (Mga Gawa 9:35,42)

 

“Maraming tao” ang nadagdag sa iglesya sa pamamagitan ng ministeryo ng isang nahikayat na Hudyo:

 

Sapagkat siya’y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon. (Mga Gawa 11:24)

 

Nakatala sa mga talatang ito ang maraming mga bilang na nadagdag  sa iglesya sa Antioquia:

 

At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya ay nangagbalik-loob sa Panginoon.

 

Sapagkat siya’y lalaking mabuti at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon.

 

At nang siya’y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa boong isang taon sila’y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano sa Antioquia. (Mga Gawa 11:21, 24, 26)

 

Habang ang Salita Ng Dios ay nagpapatuloy na lumalago at dumadami, bagong mga mananampalataya ang nadagdag sa iglesya:

 

Datapuwa’t lumago ang salita ng Dios at dumami. (Mga Gawa 12:24)

 

ANG PAGPAPARAMI AY NAGPATULOY:

 

Ang mga sumusunod na mga talata ay ibinuod ang paglago sa iglesya sa labas ng Palestina:

 

At lumaganap ang salita ng Panginoon sa boong lupain.

 

Datapuwa’t inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng pag-uusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan. (Mga Gawa 13:49-50)

 

Sa gayo’y lumagong totoo ang salita ng Panginoon at nanaig. (Mga Gawa 19:20)

 

PAGLAGO SA ICONIO:

 

At nangyari sa Iconio na sila’y magkasamang nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa’t nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego. (Mga Gawa 14:1)

 

PAGLAGO SA DERBE:

 

Sa Derbe ang  mga disipolo ay pinagtibay, pinagtagubilinan at inorganisa ni Pablo ( tingnan ang Mga Gawa 14:20-21).

 

PAGLAGO SA GALACIA:

 

Kaya nga ang mga iglesia’y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw. (Mga Gawa 16:5)

 

PAGLAGO SA FILIPOS:

 

At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo. (Mga Gawa 16:14 Ito ang simula sa Iglesya sa Filipos).

 

 

 

 

PAGLAGO SA TESALONICA:

 

At nangahikayat ang ilan sa kanila, at nakikampi kay Pablo at kay Silas; at gayon din ang lubhang maraming mga Griegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga babaing mararangal. (Mga Gawa 17:4)

 

PAGLAGO SA BEREA:

 

Kaya marami sa kanila ang mga nagsisisampalataya; gayon din sa mga babaing Griega na may mga kalagayang mahal, at sa mga lalake ay hindi kakaunti. (Mga Gawa 17:12)

 

PAGLAGO SA CORINTO:

 

Sinabi Ng Panginoon “marami akong tao sa nayon na ito”  (tingnan ang Mga Gawa 18:8-11).  Ang aklat ng Mga Gawa ay nagtapos na si Apostol Pablo ay patuloy na nagpapalawak ng iglesya, kahit siya ay nakabilanggo sa Roma:

 

At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya’y nagsisipagsadya.

 

Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng boong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya.  (Mga Gawa 28:20-31)

 

Iniulat ni Pablo na maraming libo na mga Hudyo lamang ay bumaling Kay Cristo at naging bahagi ng lokal na mga iglesya:

 

At sila, nang kanilang marinig yaon, ay niluwalhati ang Dios; at sa kaniya’y sinabi nila, nakikita mo na, kapatid, kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya; at silang lahat ay pawang masisikap sa kautusan. (Mga Gawa 21:20)

 

PAANO ANG IGLESYA AY LUMAWAK

 

Narito ang mga paraan kung saan ang unang iglesya ay lumawak.

 

ESPIRITUWAL NA PANGITAIN:

 

Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: Ngunit siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya. (Kawikaan 29:18)

 

 

Kung walang espirituwal na pangitain, ang mga tao ay espirituwal na mamatay.  Ang unang Iglesya ay mayroong espirituwal na pangitain.  Ito ang pangitain na ibinigay Ni Jesus sa Kanyang mga disipolo nang sinabi Niya sa kanila…

 

…itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. (Juan 4:35)

 

Pinag-iisa ang mga tao ng espirituwal na pangitain sa layunin.  Ang pangitain ay nagaakay sa pag-unlad ng estratehiya. Kasama sa mga estratehiya ang pakay na layunin para magawa ang pakay na iyon, ang paraan ng pagtatala para masiguro na ang pakay ay matutupad.

 

Ang pangitain ay nagaakay sa pagkahabag.  Nang nakita  Ni Jesus ang maraming tao. Siya ay naantig sa pagkahabag.  Ito ay pasanin batay sa kaalaman ng kanilang kailangan.  Ang pangitain ay simpleng pagunlad ng pananaw ng Biblia , nakikita ang mundo kung paano ito nakikita Ng Dios at tumugon ayon sa pananaw na iyon.

 

Nakita ng unang iglesya ang pangitain ng pagpapalawak mula sa Jerusalem, sa Judea, at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.  Ito ay pangitain na itinuro ng kanilang mga pinuno (Mga Gawa 1:8).  Kung ang mga tao ay mayroong espirituwal na pangitain , ang pagkainis ay mapapalitan ng paghihintay at ang pakikipaglaban ay mapapalitan ng pagkakaisa.

 

ANG MGA LUGAR NA HANDA  AT NAPAPANAHON:

 

Itinuro Ni Jesus na ang ibang lugar ay mas handa kaysa sa iba:

 

Ang labindalawang ito’y sinugo ni Jesus, at sila’y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:

 

Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.

 

At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa. (Mateo 10:5-6,14)

 

Ang ibang mga lugar ay mas handa sa mga Ebanghelyo sa tiyak na panahon kaysa iba.  Ang unang iglesya ay gumagawa sa espirituwal na pagaani sa bukirin na handa. Nang si Pablo ay tinanggihan sa sinagoga, siya ay nagturo sa iba (Mga Gawa 9:20-31).  Nang una niyang gustong pumunta sa Asia, pinigilan siya Ng Espiritu Santo (Mga Gawa 16:6).  Punta siya sa mas handang panahon.

 

Ang paglawak ay mangyayari ng mas mabilis kung itutuon ang pinagsamasamang lakas sa hinog na bukirin.  Hindi ibig sabihin nito ay hindi mo pinansin ang hindi handing tumanggap na bukirin.  Magpatuloy kang maghasik ng Salita, maghintay at manalangin na ihanda sila Ng Dios na tumanggap sa Ebanghelyo.

ANG MAY SISTEMA NA PARAAN NA “HUMAYO” SA HALIP NA “PUMARITO”

 

Ginamit ng unang iglesya ang paraan na “humayo” sa halip na “pumarito” na paraan ng Lumang Tipan sa Israel.  Sa panahon ng Lumang Tipan ang mga bansa ay dapat pumunta sa Israel para tumanggap ng kapahayagan Ng Dios.  Subalit ang utos sa Lumang Tipan ay “Humayo kayo sa lahat ng mga bansa.”  Ito ang estratehiya na sinunod ng mga mananampalataya. Hindi sila basta naupo at naghintay na ang mundo ay pumunta sa kanila.

 

ANG BAWA’T MANANAMPALATAYA AY NAMUMUNGA:

 

Ang bawa’t kaanib ng unang iglesya ay nagpaparami para mamunga ng bagong mga disipolo:

 

Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. (Mga Gawa 8:4)

 

Ang tsart  sa huling kabanata ay nagpapakita kung paano mabilis na dumami ang mga mananampalataya nang ang bawa’t isa ay nagtuturo ng iisa na maaring magturo rin sa iba.

 

Ang mga iglesya ay kailangan na magpadala ng mga lalake at babae sa lugar ng pangaraw-araw na buhay… Ang mga tao na ipinamumuhay ang kanilang pananampalataya kaya sa halip na nag-uusap tungkol sa pananampalataya, ang mga tao na ang buhay ay nabago ng kapangyarihan ng Ebanghelyo.  Ang isang kawal ay hindi nananalo sa labanan kung mananatili siya sa kuwartel.  Ang nag-aani ay hindi nananatili sa kamalig,  at ang mangingisda ay hindi nakaupo ng walang ginagawa sa pampang.

 

PAKIKIPAG-UGNAYANG SOSYAL:

 

Ang Ebanghelyo ay mabilis na kumalat sa Bagong Tipan kasama sa mga pakikipag-ugnayang sosyal ng mga pamilya at mga kaibigan. Halimbawa si Andres ay tinawag Ni Jesus para sumunod sa Kanya. Agad-agad siyang nagsimulang magbahagi ng Ebanghelyo.  Sinimulan niyang maabot ang kanyang pamilya.  Kanyang dinala Si Pedro Kay Cristo.

 

Pag-aralan ang sumusunod na mga talata na nagpapakita kung paano ang Ebanghelyo ay lumaganap sa loob ng mga pakikipag-ugnayang sosyal:

 

            -Si Zaqueo at ang kanyang pamilya:  Lucas 19

            -Pamilya ng Pinuno sa Capernaum:  Juan 4:53

            -Mga kamag-anak at kaibigan ni Cornelio:  Mga Gawa 10:24,44

            -Dalawang Samabahayan sa Filipos:  Mga Gawa 16:15 at 27-34

            -Ang pamilya ng pinuno ng sinagoga:  Mga Gawa 18:8

            -Si Estefanas at ang kanyang sambahayan:  I Corinto 1:16

            -Sambahayan ni Aristobulo at Narciso:  Roma 16:10-11

            -Si Onesiforo at ang kanyang pamilya:  II Timoteo 1:16

            -Si Filemon at ang kanyang pamilya:  Filemon 1

 

 

MGA PAMAMARAAN NI JESUS:

 

Sa buong aklat ng Mga Gawa, ang unang Iglesya ay ginamit ang itinuro at ipinakitang pamamaraan Ni Jesus.  Ipinangaral nila ang Ebanghelyo, itinuro ang Salita, binautismuhan ang bagong mga mananampalataya, at sinanay ang mga disipolo (Mateo 28:19-20).

 

Ang panalangin at pag-aaral ng Salita ay mahalaga sa pagpapalawak ng iglesya (Mga Gawa 6:4). Ang pagsasama ng Salita Ng Dios at ang pagpapakita ng kapangyarihan ay nagpalawak rin sa iglesya.  Habang ang mga tao ay gumaling, nagkaroon ng mga himala, at pinalayas ang mga demonyo, maraming tao ang lumapit Sa Panginoon.

 

(Ang pagpapakita ng kapangyarihan ay napakahalaga kaya ang Harvestime International Institute ay mayroong buong kurso na inalaan para sa pakasang ito na pinamagatang, “Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan” ).

 

MGA GRUPO SA BAGONG TIPAN:

 

Ang mga grupo ay mahalaga sa pagpapalawak sa Bagong Tipan. Kung may problema na ayon sa Mga Gawa 6:1-7 may natatanging grupo na binuo para alamin ang solusyon.  Tinuruan ni Pablo ang natatanging grupo ng mga disipolo sa dagdag na paaralan (Mga Gawa 19:9). Sa ibang pagkakataon, nagturo si Pablo sa nakabukod na mga grupo ng Mga Hudyo at Pagano ( Mga Gawa 13:42).  Ang maliit na mga grupo ay nagtitipon sa mga  tahanan ( Mga Gawa 12).

 

Maraming mga iglesya na inorganisa ang kanilang buong kaanib sa maliliit na mga grupo para magawa ang layunin na hindi maabot sa malaking mga pagtitipon ng buong iglesya.  Ang maliit na mga grupo ay mas malapit, napakikilos, at sumusunod sa pastor sa mga personal na mga pangangailangan.  Ang krokis na ito ay nagpapakita kung paano ang iglesya ay makakapag organisa ng ganitong mga grupo:

 

3       2             1              2      3

 

1.  Ang Pastor ( bilang 1) sinasanay ang susing mga pinuno na mamahala sa maliit na mga grupo ( ipinakikita ng bilang 2).  Sila ay kanyang tinuturuan ng mga espirituwal na layunin at mga gawain ng mga grupo na dapat makasama sa pagsasama-sama, pag-aaral ng Salita Ng Dios, pagbabahagi ng personal na mga karanasan, panalangin, pag-aalaga sa mga materyal na mga pangangailangan, at pagbabahagi ng Ebanghelyo.  Ang bilang ng mga pinuno ng grupo ay iba’t iba sa bawa’t Iglesya depende kung ilan ang mga grupo na nabuo.

                       

Ang bawa’t pinuno ng grupo (ipinakikita ng bilang 2) ay nagbubuo at nangunguna ng mga maliit na grupo ( ipinakikita ng bilang 3).

 

ANG BAWA’T TAHANAN AY SENTRO NG EBANGHELISMO:

 

Ang plano Ng Dios mula sa simula na ang mga tahanan ay maging sentro ng pagsasanay ng Kristiyano.

 At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay  sasa iyong puso;

 

At iyong ituturo ng boong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

 

At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.

 

At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan. (Deuteronomio 6:6-9)

 

Ang bawa’t tahanan bilang sentro ng ebanghelismo ay bahagi ng paraan ng paglawak ng unang iglesya na inilarawan sa mga sumusunod na repernsiya:

 

-Mga Gawa 2:  Ang Espiritu Santo ay ibinigay sa panahon na ang panalangin ng pagtitipon sa “upper room” sa isang tahanan.

 

-Mga Gawa 5:42:  Ang mga mananampalataya ay sumamba sa templo at mga tahanan, at pumunta at nagbisita sa bahay-bahay, pagsasama-sama, at pagsamba.

 

- Mga Gawa 8:3:  Nang si Saul ay nagsubok na talunin ang Iglesya, ang puwersa niya ay hindi nakatuon lamang sa pagsamba sa templo.  Pumasok siya sa bawa’t tahanan at sumubok na pigilan ang paglaganap ng Ebanghelyo.  Ang bawa’t tahanan ay sentro ng ebanghelismo.

 

-Mga Gawa 9:11,17:  Si Pablo ay naturuan ni Ananias sa tahanan para maging disipolo.

 

-Mga Gawa 10:  Ang unang pangitain sa pagtawid ng kultura ng paglawak ng Ebanghelyo ay ibinigay sa tahanan habang si Pedro ay nanalangin.

 

-Mga Gawa 10:  Ang unang mensahe sa mga Pagano ay ipinangaral sa tahanan.

 

-Mga Gawa 12:  Ang panalangin na pagtitipon sa tahanan ay nagdulot ng pagpapalaya ni Pedro mula sa bilangguan.

 

-Mga Gawa 20:20;  28:30-31:  Si Pablo ay parehong nagturo sa pampubliko at gayun din sa bahay-bahay sa panahon ng kanyang ministeryo.

 

-Mga Gawa 20:7-12:  Si Pablo ay nagsasalita sa tahanan nang si Eutico ay nahulog sa labas ng bintana.

 

-Mga Gawa 21:8-14:  Ang propesiyang pahayag ay nangyari sa mga tahanan.

 

-Mga Iglesya sa tahanan ay nakatala sa I Corinto 16:19;  Roma 16:3-5;  Colosas 4:15;

at Philemon 1:2.

ANG MINISTERYO NG ESPIRITU SANTO:

 

Ang Espiritu Santo ay kapangyarihan na sumusumbat sa makasalanang lalake at babae ang humuhikayat sa kanila na tanggapin ang mensahe ng Ebanghelyo.  Ang resulta nito ay bagong nahikayat patungo sa paglawak ng iglesya.

 

At  siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:

 

Tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nagsisampalataya sa akin;

 

Tungkol sa katuwiran, sapagkat ako’y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;

 

Tungkol sa paghatol, sapagkat ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na. (Juan 16:8-11)

 

ESPITUWAL NA MGA KALOOB:

 

Ang paglago ng tao ay nangangailangan ng pagunlad ng estraktura ng binhi para suportahan ang pagpaparami ng mga semilya.  Para ang Katawan Ni Cristo ay lumago, ang estraktura ay malahaga rin.  Sinabi ni Jesus ang anihin ay hinog na, subalit  kakaunti ang tagaani,  at sila ay dapat epektibong ma organisa para maani ang anihin.

 

Para sa layunin na ito, Ang Espiritu Santo ay nagbigay ng espirituwal na mga kaloob at iba’t ibang tungkulin sa Iglesya. Ang mga kaloob at tungkulin na ito ay para sa layunin na magawa ang ministeryo.  Ang espirituwal na mga kaloob ay sobrenatural na kakayahan na ibinigay Ng Espiritu Santo para makagawa ang gawain ng ministeryo.  Mababasa ang tungkol sa iba’t ibang mga kaloob sa mga sumusunod na talata:

 

            -Roma 12:1-8

            -I Corinto 12:1-31

            -Efeso 4:1-16

            -I Pedro 4:7-11

 

Ang Dios ay may natatanging lugar sa Iglesya para sa bawa’t mananampalataya:

 

Datapuwat ngayo’y inilagay ng Dios ang bawat isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. (I Coritno 12:18)

 

Ang bawa’t kaanib ay may lugar na inilaan para sa kanya na pinili Ng Dios. Siya’y binigyan ng kapangyarihan para magawa ang kanyang natatanging layunin sa Iglesya sa pamamagitan Ng Espiritu Santo.  Kung ang bawa’t mananampalataya ay lalagay sa lugar na pinili sa kanya Ng Dios at ginagamit ang kanyang espirituwal na mga kaloob ang Iglesya ay kumikilos nang maayos . Inihambing ito Ng Dios sa pagkilos ng katawan ng tao kung saan ang bawa’t kaanib ay alam at ginagawa ng kanyang tungkulin ( I Corinto 12:1-31).

Ang bawa’t tao ay mahalaga sa paggawa ng ministeryo, kung paano ang bawa’t bahagi ng natural na katawan ay mahalaga:

 

At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, hindi kita kailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, hindi ko kayo kailangan.

 

Hindi kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari’y lalong mahihina: (I Corinto 12:21-22)

 

Ang kurso ng Harvestime International Institute na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo” ay nagbibigay ng madetalye na pag-aaral sa bawa’t espirituwal na  kaloob.  Dahil sa dahilan na ito, maikling buod ang ipinakita rito.

 

TANGING MGA KALOOB SA LIDERATO:

 

Ito ang mga tanging posisyon sa liderato kung saan Ang Dios ay tumatawag at itinatalaga ang ilan sa Iglesya.

 

Datapuwat ang bawat isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo. (Efeso 4:11)

 

Ang mga sumusunod ang tanging mga lider na ibinigay Ng Dios:

 

Apostol:

 

Ang isang apostol ay may kakayahan na magpaunlad ng bagong mga iglesya sa iba’t ibang mga lugar at kultura at mamahala sa mga iglesya bilang tagapangasiwa.  Ang ibig sabihin ng apostol ay “ kinatawan, isinugo na maykapangyarihan at autoridad para kumatawan sa isa.”  Ang apostol ay may tanging autoridad o kakayahan na magpalawak ng Ebanghelyo sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng organisadong katawan ng mga mananampalataya. Ang makabagong termino na ginagamit ng iglesya para sa apostol ay misyonero at tagapag-simula ng iglesya.

 

Propeta:

 

Mayroong dalawang mga kaloob ng propeta.  Ang isa ay tanging kaloob ng pagiging propeta.  Ang isa ay kaloob ng pagsasalita ng propesiya.  Sa pangkalahatan, ang propesiya ay tungkol sa pagsasalita sa ilalim ng natatanging inspirasyon Ng Dios.  Ito ay tanging kakayahan na tumanggap at iparating ang kagyat na mensahe Ng Dios sa Kanyang mga anak.  Ang isang tao na propeta ay may natatanging kaloob sa liderato bilang propeta gayun din naman ang pagsasalita ng propesiya.

 

Ebanghelista:

 

Ang ebanghelista ay maykakayahan na ibahagi ang Ebanghelyo sa hindi mananampalataya sa paraan na ang lalake at babae ay tutugon at magiging responsableng kaanib ng Katawan Ni Cristo. Ang ibig sabihin ng salitang “ebanghelista” ay “isang tao na nagdadala ng mabuting balita.”

 

Pastor:

 

Ang pastor ay mga lider na nanunungkulan ng mahabang termino na personal na responsabilidad para sa espirituwal na kapakanan ng grupo ng mga mananampalataya.

 

Guro:

 

Ang mga guro ay may kakayahan na iparating ng epektibo ang Salita Ng Dios sa paraan na ang iba ay matututo at gawin ang itinuro.  Ang guro ay isang tao  na may kaloob ng pagtuturo at naglilingkod sa posisyon ng liderato ng Iglesya.       

 

Ang limang tanging mga kaloob ng liderato ay kumikilos para sa paglawak ng Iglesya. Ang apostol ay nagpapalawak ng mensahe ng Ebanghelyo sa iba’t ibang mga rehiyon at nagtatayo ng organisadong katawan ng mga mananampalataya.  Ang Dios ay nagbibigay ng mahimalang mga tanda at kamangha-manghang mga gawa para tumulong sa pagpapalawak ng Ebanghelyo.  Ang apostol ang nagbibigay ng tanging liderato sa mga iglesya na kanyang itinatayo.

 

Ang propeta ay nagbibigay din ng liderato sa Iglesya. Ang isa sa kanyang tungkulin ay magbigay ng mga mensahe mula Sa Dios sa pamamagitan ng inspirasyon Ng Espiritu Santo.  Ang mga ebanghelista ay nagpaparating ng Ebanghelyo sa paraan na ang mga tao ay tumutugon sa Ebanghelyo at nagiging mananampalataya.  Maaari silang magministeryo sa nag-iisa o malakihang mga grupo, subalit ang kanilang ministeryo ay palagian na nagbubunga ng bagong mananampalataya.

 

Ang mga mananampalatayang ito ay mapapasailalim sa mga apostol,  propeta, pastor, at guro ng iglesya na pumapatnubay sa kanilang espirituwal na pag-unlad. ( Ang halimabwa ni Felipe sa Mga Gawa 8 ay naglalarawan nito.  Dinala niya ang mga Samaritano Kay Cristo, at ibinilin sila sa mga apostol para sa dagdag na pagtuturo.)

 

Ang mga pastor ay mahabang  nag-aalaga sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mensahe ng apostol at ebanghelista.  Ang kanilang ministeryo ay larawan ng mapagmahal na pastol para sa kanyang mga tupa. Ang mga guro ang nagtuturo na higit sa itinuro ng ebanghelista.  Tinuturuan nila ang mga mananampalataya na espirituwal na lumago. Kanilang sinasanay ang matatapat na mga tao na may kakayahang magturo rin sa iba.

 

Ang pangunahing responsabilidad ng mga mayroong tanging kaloob sa pangunguna ay para matulungan ang ibang mananampalataya na madiskubre at gamitin ang kanilang espirituwal na mga kaloob.( Efeso 4:11-16). Ang gawa ng ministeryo ay nangangailangan ng aktibong partisipasyon ng lahat ng mga kaanib. Kung ang estraktura ng Katawan ng ministeryo ay hindi  kumikilos nang maayos, ang hindi aktibong kaanib ay madaling madadala ng maling doktrina (Efeso 4:14)

 

Narito ang  buod ng ibang espirituwal na mga kaloob na ibinigay sa mga mananampalataya:

 

Nagsasalitang mga Kaloob:

 

Ang mga kaloob na ito ay tinatawag na “nagsasalitang mga kaloob” dahil ang mga ito ay napapaloob sa pagsasalita ng naririnig (malakas).

 

Propesiya:  Ang tao na may kaloob ng propesiya ay nagsasalita sa inspirasyon Ng Dios para paratingin ang kagyat na mensahe sa Kanyang mga anak.

 

Pagtuturo:  Ang mga guro ay may kakayahan na epektibong paratingin ang Salita Ng Dios sa paraan na ang iba ay natututo at nagagawa kung ano ang naituro.

 

Pangangaral:  Ang kakayahan na ilapit bawa’t isa sa panahon ng pangangailangan, pinapayuhan sila ng tama ng Salita Ng Dios.

 

Salita Ng Karunungan:  Ang kakayahan na tumanggap ng maliwanag na pagkaunawa sa kaalamaan na maaaring gawin sa tiyak na pangangailangan.

 

Salita ng Kaalaman:  Ang kakayahan na maunawaan ang mga bagay na hindi alam ng iba at hindi maunawaan at ibahagi ang kaalaman na ito sa kanila.

 

Mga kaloob ng Paglilingkod:

 

Ang mga kaloob na ito ay paglilingkod sa Iglesya sa pagbibigay ng estraktura, organisasyon, at suporta sa parehong espirituwal at praktikal na bahagi ng iglesya.

 

Paglilingkod:  Ang kakayahan na manungkulan sa praktikal na gawain na may kaugnayan sa gawain Ng Panginoon, pagpapalaya sa iba mula sa palagian ngunit hindi kinakailangan na mga tungkulin.

 

Pagtulong:  Ang kakayahan na umalalay sa iba sa gawa para Sa Panginoon at matulungan silang lalong maging mabisa sa kanilang espirituwal na mga kaloob.

 

Pangunguna: Ang kakayahan na maglagay ng mga layunin ayon sa layunin ng Dios at sabihin ang mga layunin na ito sa iba. Ang tao na may kaloob na ganito ay nangunguna sa iba para magawa ang mga layunin para sa kaluwalhatian Ng Dios.

 

Pangangasiwa:  Ang kaloob ay tinatawag na “gobyerno”  sa Biblia.  Ang tao na may ganitong kaloob ay may kakayahan na magbigay ng direksiyon, mag-organisa, at gumawa ng pagpapasiya sa pangalan ng iba.

 

Pagbibigay:  Ang natatanging kakayahan na magbigay ng materyal na mga bagay at pinansiyal , panahon, lakas at mga talento sa gawain ng Panginoon.

 

Pagpapakita Ng Kahabagan:  Natatanging pagkahabag at kakayahan na tumulong sa mga nagdurusa.

 

Pagkakilala Sa Mga Espiritu:  Ang kakayahan na tantiyahin ang mga tao, doktrina at mga situwasyon at malaman kung sila ay galing Sa Dios o kay Satanas.

 

Pananampalataya:  Ang tao na may kaloob ng pananampalataya ay may natatanging kakayahan na sumampalataya at magtitiwala Sa Dios sa mahirap na situwasyon.

 

Kagandahang Loob:  Kakayahan na maglaan ng pagkain at tirahan at magministeryo sa iba sa material na kinakailangan ng mga nangangailangan.

 

Mga Kaloob na May Tanda:

 

Ang mga ito ay sobrenatural na mga tanda ng kapangyarihan Ng Dios  na kumikilos sa pamamagitan ng mga mananampalataya para patunayan ang Salita Ng Dios.

 

Pagsasalita Ng Ibang Wika:  Ang kakayahan na tumanggap at sabihin ang mensahe Ng Dios sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng salitang hindi kailanman pinag-aralan.

 

Interpretasyon: Ang kakayahan na sabihin ang salita para maunawaan ang mensahe ng nagsasalita sa ibang wika.

 

Mga Himala:  Sa pamamagitan ng taong may kaloob na mga himala Ang Dios ay gumagawa ng makapangyarihang mga gawa na higit sa posibilidad na mangyari sa natural.

 

Pagpapagaling:  Ang tao na may kaloob na ganito ay may kakayahan na hayaan ang kapangyarihan Ng Dios na dumaloy sa kanya para manumbalik ang kalusugan na hindi gumagamit ng natural na paraan.

 

ANG ORGANISASYON SA BIBLIA:

 

Hindi lamang ang mga mananampalataya na may natatanging mga kaloob ang mga lider sa iglesya na nabanggit sa Biblia.  Ang tungkulin ng mga diakono, matanda at obispo ay nabanggit din sa Bagong Tipan.*  Ang mga ito ay instrumento din sa pagpapalago sa iglesya.

 

Ang mga posisyon sa liderato ay hindi kapareho ng iyong natutuhan.  Ang mga ito ay natatanging tungkulin na itinatag ng unang iglesya para tumulong sa pagpapalawak na paglago.  Mababasa sa Mga Gawa 6:1-7 kung paano ang unang organisasyon sa unang iglesya ay nagdulot ng paglago.

 

Ang talaan ng unang iglesya ay naingatan Ng Dios bilang halimbawa para ating panundan sa estraktura.  Ang katungkulan na ito ay dapat gumagawa sa iglesya ngayon.

 

Ang layunin ng mga katungkulan na ito ay para alalayan ang may mga natatanging kaloob sa liderato. Halimbawa ang mga apostol, propeta, ebanghelista, pastor, at guro.

 

Gamitin ang sumusunod na bahagi para pag-aralan ang mga posisyon ng liderato.

MGA TUNGKULIN SA IGLESYA

 

Titolo              Reperensiya                           Tungkulin

 

Obispo             I Timoteo 3:1-7                        Marami ang nagtuturing na ang obispo ay katulad

                        Filipos 1:1                                ng pastor. Ang talatang ito ay nagpapakita ng pang

                        Tito 1:5-9                                 mahabaang panahon ng pag-aalaga sa grupo ng

                        I Pedro 5:2-3                           mga mananampalataya.

 

Diakono           I Timoteo 3:8-13                      Ang mga talatang ito ay nagpapakita na ang mga 

                        Filipos 1:1                                diakono ay may ministeryo ng paglilingkod at

                        Mga Gawa 6:1-7                      pagtulong.

 

Diakonesa        I Timoteo 3:11                          Ang diakonesa ay hindi tiyak na tinukoy sa Biblia.

                        Roma 16:1-2                            Ang ibang iglesya ay ginamit ang terminong ito sa

                                                                        asawa ng  mga diakono o ibang babae na nag-

                                                                        miministeryo sa paglilingkod at pagtulong.

 

Matanda           Mga Gawa 20:17,28-32           Ang mga talatang ito ay nagpapakita na ang mga

                        Mga Gawa 14:23;15                matanda ay nagbibigay ng liderato sa pagpapasiya

                        Mga Gawa 16:4; 11:30 sa iglesya,  nag miministeryo sa pangangailangan

                        I Timoteo 5:17                          ng  mga mananampalataya, at umalalay sa pag-

                        I Pedro 5:1-4                           unlad at pag-aalaga sa lokal na katawan  ng mga

                        Tito 1:5                                    mananampalataya.

                        Santiango 5:14

 

Pansinin:  Ang salitang “matanda” ay unang ginamit sa Biblia sa Exodo 3:16 na ang tinutukoy ay mga lider ng Israel.  Maraming reperensiya sa mga matanda ng Israel sa buong Biblia.  Ang mga matandang ito ay iba mula sa posisyon ng liderato na kilala bilang matanda sa unang iglesya. Ang lahat ng mga talata na nakatala dito ay tumutukoy sa matanda sa iglesya sa halip na sa mga matanda sa Israel.

 

Ang tungkulin ng mga “matanda” sa liderato kasama ang natatanging mga kaloob sa liderato na itinayo Ng Dios sa iglesya.  Ang mga matandang ito ay hindi  magpapatakbo ng iglesya na hindi kasama ang mga natatanging pinuno Ng Dios, halimbawa, mga propeta, apostol, ebanghelista, pastor, guro. Ang Dios ang nagtayo ng natatanging mga pinuno sa iglesya. Ang tao ang pumipili ng mga matanda.

 

Ang lahat ng lider sa Iglesya ay dapat “born again” na mga mananampalataya, siyempre.  Subalit ang Biblia ay nagbibigay ng natatanging katangian na dapat maabot sa paglalagay ng mga tungkulin na ito sa Iglesya:

 

Mga Katangian Para sa Obispo At Mga Matanda:

 

Walang kapintasan:  Dapat mayroong mabuting reputasyon at hindi sumusuway sa Salita Ng Dios. I Timoteo 3:2; Tito 1:6,7

 

Asawa ng isa lamang babae:  Kung may asawa, dapat ay iisa lamang kapareha:  I Timoteo 3:2; Tito 1:6

 

Mapagpigil:  May pagpipigil sa lahat ng bagay:  Tito 1;8; I Timoteo 3:2

 

Mahinahon ang pag-iisip:  Nagpapakita ng pagpipigil sa lahat ng bahagi ng buhay at ugali: 

Tito 1:8

 

Mahusay, maingat:  Masinop, matalino, marunong at praktikal:  I Timoteo 3:2; Tito 1:8

 

Mapagpatuloy:  Ang tahanan ay bukas sa iba:  I Timoteo 3:2; Tito 1:8

 

Sapat na makapagturo:  May kakayahan na maiparating ang Salita Ng Dios sa iba: 

I Timoteo 3:2; Tito 1:9

 

Hindi mahilig sa maraming alak:  I Timoteo 3:3;  Tito 1:7

 

Hindi palaaway /Matiyaga:  Ang kabaliktaran ng madaling magalit:  I Timoteo 3:3

 

Hindi makasarili ang kalooban:  Hindi palaging nakatingin sa kanyang sarili at palaging gusto ang kanyang paraan:  Tito 1:7

 

Hindi baguhan:  Dapat malago at maraming karanasan bilang mananampalataya:  I Timoteo 3:6

 

Maibigin sa mabuti:  Sumusuporta sa lahat ng maypakinabang Sa Dios at sa Kanyang mga layunin: Tito 1:8

 

Matuwid:  Patas sa pakikitungo sa mga tao:  Tito 1:8

 

Nananangan sa Salita:  Tito 1:9

 

Banal: Tito 1:8

 

Hindi maibigin sa salapi:  Hindi kilala sa kasakiman para sa pinansiyal na pakinabang;  Malaya sa pag-ibig sa salapi;  Tito1:7;  I Timoteo 3:3

 

Namamahalang mabuti sa kanyang sambahayan:  Dapat nagpapakita ng kakayahan sa liderato ng kanyang pamilya:  I Timoteo 3:4-5

 

May mga anak na nagsisisampalataya:  Ang mga anak ay dapat tumugon sa Panginoon at hindi rebelde:  Tito 1:6

 

Mayroong mabuting patotoo sa nasa labas:  Mayroong mabuting reputasyon sa hindi mananampalataya:  I Timoteo 3:7

 

MGA KATANGIAN PARA SA DIAKONO:

 

Mahusay:  Dapat iginagalang at nagpapakita ng tapat na pag-iisip at ugali:  I Timoteo 3:8

 

Hindi dalawang dila:  Hindi nagbibigay ng nakalilitong ulat:  I Timoteo 3:8

 

Hindi mahilig sa maraming alak:  I Timoteo 3:8

 

Hindi maibigin sa salapi:  Hindi sakim sa pinansiyal na pakinabang:  I Timoteo 3:8

 

Iniingatan ang pananampalataya:  I Timoteo 3:9

 

Subok:  Isang tao na nakaranas ng espirituwal na pagsubok at tukso at napatunayan na tapat: 

I Timoteo 3:10

 

Walang kapintasan:  Ang kawalan ng anumang bintang na pagsuway sa paguugali:  I Timoteo 3:10

 

Asawa ng isa lamang babae:  Kung may asawa dapat isa lamang ang kapareha:  I Timoteo 3:12

 

Napapamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at sambahayan:  Dapat nagpapakita ng liderato sa kanyang pamilya:  I Timoteo 3:12

 

Subukin muna:  Hindi bagong nahikayat,  kundi subok na mananampalataya:  I Timoteo 3:10

 

MGA KATANGIAN PARA SA DIAKONESA:

 

Babae: I Timoteo 3:11

 

Mahusay:  Iginagalang, matino ang pagiisip at ugali:  I Timoteo 3:11

 

 Hindi palabintang:  Hindi nagsasalita ng kasamaan ng iba:  I Timoteo 3:11

 

Mapagpigil: Katamtaman sa lahat ng bagay:  I Timoteo 3:11

 

Tapat sa lahat ng mga bagay:  Mapagkakatiwalaan at maaasahan sa bawa’t bahagi ng buhay: 

I Timoteo 3:11

 

Katulong ng marami:  Dapat nag miministeryo sa iba at makatuwang sa pangangailangan ng iba:  Roma 16:2

 

Ang sumusunod na krokis ay buod ng organisasyon ng Iglesya:

 

 

 

 

ANG IGLESYA

 

 

Natatanging Mga Kaloob Sa Liderato:

Mga Apostol

Mga Propeta

Mga Ebanghelista

Mga Pastor

Mga Guro

(Efeso 2:20-22)

 

 

 


(tinutulungan ng mga natatanging tungkulin ng mga obispo, diakono, matanda at bawa’t kaanib ng katawan na ginagamit ang espirituwal na mga kaloob sa iglesya kung saan lugar sila ipinadala Ng Dios.)

 

 

 


Ang Pundasyon na inilatag ng mga Apostol at Propeta

Efeso 2:20



 

 

 


ITINATAG SA BATO- SI JESU CRISTO

 

Mateo 16:18

I Corinto 3:11

Efeso 2:20

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya: 

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.  Ano ang nangyayari kung ang iglesya ay nakakaranas ng pagpalawak na paglago?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3. Ibuod ang paglawak ng paglaki ng unang Iglesya sa Jerusalem.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

4.  Sa ibaba ay talaan ng mga paraan ng paglawak ng Iglesya sa Bagong Tipan.  Sa hiwalay na pahina ng papel ibuod kung paano ang bawa’t isa ay ginamit sa unang Iglesya sa Jerusalem.

 

            -Espirituwal na pangitain

            -Nakahandang lugar at panahon

            -“Humayo” sa halip na “pumarito” na paraan

            -Pakikipag-ugnayang sosyal

            -Mga paraan Ni Jesus

            -Mga grupo

            -Bawa’t tahanan

            -Ministeryo Ng Espiritu Santo

            -Espirituwal na mga kaloob at mga tungkulin

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito).

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.  Ang sumusunod na pag-aaral ay nagpapakita ng mga resulta ng bawa’t isang mananampalataya na sumasaksi sa kanilang sariling pakikipag-ugnayang sosyal sa mga kaibigan at kamag-anak.  Ang pag-aaral sa 4,000 bagong nahikayat sa iba’t ibang mga iglesya ay ginawa para makita kung paano sila bumisita sa iglesya sa unang pagkakataon.  Narito ang mga resulta:

 

            6 hanggang 8% Dumalo lamang

            2 hanggang 3% Dumalo dahil sa programa ng iglesya

            8 hanggang 12%           Dumalo dahil sa paanyaya ng pastor

            3 hanggang 4% Dumalo dahil sa natatanging pangangailangan sa kanilang buhay

            1 hanggang 2% Dumalo dahil sa pagbisita ng kaanib ng iglesya

            3 hanggang 4% Dumalo dahil sa klase ng pag-aaral ng linggo

            70 hanggang 80%       Inimbitahan ng mga kaibigan at kamag-anak

 

Maaaring gusto mong pag-aralaan ang bagong nahikayat sa inyong iglesya para makita kung bakit ang mga tao ay unang bumisita sa iglesya.  Ang impormasyon na iyong makukuha mula sa pag-aaral ay mahalaga para sa pananalangin at pagpapabuti .Hilingin na ang bawa’t tao ay sagutan ng kumpleto ang sumusunod na talaan:

 

________________________________________

 

Pangalan:  _____________________________  Tirahan:  ______________________________

 

Lagyan ng tsek ang lahat ng mga dahilan sa mga sumusunod na listahan kung bakit ka sa unang pagkakataon ay bumisita sa iglesyang ito:

 

            ____ Inirekomenda ng kaibigan.

            ____ Sarili akong pumarito.

            ____ Nakakita ako ng pahayag ( karatula, pahayagan, radio, telebisyon).

            ____ Dahil sa radyo at telebisyon na ministeryo ng iglesya.

            ____ Inerekomenda ng dating pastor.

____ Nakatanggap ako ng liham, babasahin, o ibang nakaimprentang babasahin mula sa iglesya.

____ Dahil sa personal na pagbisita ng pastor.

____ Dahil sa personal na pagbisita ng kaanib ng iglesya.

____ Dahil sa “revival” o krusada.

____ Dahil gusto ang denominasyon.

____ Dahil ako  (at / o ang aking pamilya) ay nakatanggap ng espirituwal na tulong sa pamamagitan ng iglesya.

____ Ito ay malapit sa aming tahanan.

____ Ito ay marunong makipagkaibigan, nag-aalagang iglesya.

____ Dahil mayroon akong kamag-anak dito.

 

2.       Ang pagpunta sa bahay-bahay ay paraan na ginamit sa unang Iglesya. Narito ang ilan sa mga suhestiyon para sa pagbisita sa mga tahanan ng  nasa komunidad kung nasaan ang inyong iglesya:

 

-          Magdamit ng angkop sa pagbisita, ang paraan na katanggap-tanggap para sa gawain ng iyong kultura.  Ikaw ay nandiyan para sa Gawain ng Dios.

 

-    Manalangin bago bumisita.

 

-   Ituon ang iyong pagbisita sa pangangailangan ng mga tao.  Kailangan ba nila ng kaligtasan?  Kailangan ba nila ng payo para sa ibang espirituwal na mga pangangailangan?  Kailangan ba nila ng pisikal na kagalingan o materyal na tulong?

 

- Huwag patagalin ang pagbisita.  Ang pagkikipagtagpo Ni Cristo ay maikli subalit mayhangarin.

 

-I-plano na bumalik sa ibang pagkakataon:  Ano ang dahilan kung bakit ka pupunta sa tahanan?  Sa madaling salita, ano ang nasabi na nagbigay ng pagkakataon na ikaw ay bumalik? 

( Halimbawa, para tiyakin ang kalagayan ng taong may sakit).

 

-Mayroong bang nangyari na dapat mong ipaalam sa pastor para sa kanyang personal na pag-aalaga at atensiyon?

 

3. Sa lahat ng pagpapalawak ng iglesya mayroong tatlong mahalagang bagay:  Ang Espiritu Ng Dios, Ang Salita Ng Dios, at ang tao Ng Dios.

 

Muling pagbalik-aralan ang aklat ng Mga Gawa gamit ang balangkas na ito:

 

Ang Espiritu Ng Dios ay binigyan ng tuon.  Mga Gawa 1-11

 

Limang pagkakataon ang bautismo ng Espiritu ay nakatala sa mga kabanata 2,8,9,10,19.

 

Ang Salita  Ng Dios ay binigyan ng tuon.  Mga Gawa 12:20

 

Ang titolo ay iba’t iba.  Ito ay tinawag na Salita (16:6);  Salita Ng Dios (17:13);  Salita Ng Panginoon (15:35);  Ebanghelyo ( 15:7); Salita ng kaligtasan na ito ( 13:26);  Salita ng Kanyang biyaya (14:3; 20:32) mga salita ng buhay (5:20) Ang resulta, ang Salita ay lumago ( 6:7);  lumago at dumami (12:24), at lumago at nanaig (19:20)

 

Ang tao Ng Dios ay bibigyan ng tuon.  Mga Gawa 21-28

 

Sa mga kabanatang ito si Apostol Pablo ang halimbawa ng tao Ng Dios.

 

4. Maraming pag-aaral sa mga lumalagong iglesya sa Estados Unidos ang ginawa.  Ang sumusunod ang buod ng pareparehong bagay na kasama sa lumalawak na mga iglesya. Ang talaan ay hindi ayon sa pagkakaayos kung ano ang mas mahalaga. Paano ang iyong iglesya ay masusukat?

 

            -Malakas na pamunuang espirituwal.

            -Napakikilos ang mga layko at koponan na ministeryo.

            -Mabisang pag-ebanghelyo.

            -Prayoridad ayon sa Biblia.

            -Pagpapakita ng kapangyarihan ( Pagpapagaling, himala, at iba pa).

            -Mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo ay nakikita.

            -Ang kongregasyon ay dumadami sa pagbubukas ng bagong mga iglesya.

            -Maliit na mga grupo sa loob ng iglesya.

            -Maypahid sa sama-samang pagsamba.

            -Nakikita (nakatayo sa nakikitang lugar sa komunidad).

            -Buo ang pinanggagalingan ng pinansiyal.

            -Organisadong mga programa sa pagsasanay sa pagdidisipolo.

            -Tiyak na mga pakay at layunin.

            -Mabisang kaugnayan sa komunidad kung saan nakatayo.

            -Nakatuon Kay Cristo.

            - Batay sa Biblia ang ( pangangaral, pagsamba, at doktrina).

            -Sunud-sunuran- ( bukas sa pagbabago Ng Espiritu Santo).

            -Palakaibigan, mapag-mahal na mga kaanib.

            -Espirituwal na lumalago, ganap, nakalaan.

            -Nakatuon sa panalangin.

            -Maraming ministeryo.

 

5. Ang natatanging mga ministeryo ng grupo ay isang paraan ng paglawak ng unang iglesya.  Narito ang ilan sa mga natatanging ministeryo ng grupo na maari mong ipanalangin na simulan sa inyong iglesya.

 

            -Pagdidisipolo sa bagong nahikayat

            -Bago at ang mga magigiging ina

            -Mga bata

            -Kabataan

            -Matanda

            -Mga batang may asawa

            -Nag-iisa

-Ministeryo sa lulong sa mga ipinagbabawal na mga bagay, halimbawa, alcohol, sigarilyo, droga, at iba pa

-Panalangin

-Pag-aaral ng Biblia

-Grupo sa kalapit bahay sa iba’t ibang rehiyon.

-Walang asawa na mga ina

-Natatanging kultura o grupo ng mga lengguwahe

-Ministeryo ng kalalakihan

-Ministeryo ng kababaihan

-Ang may kapansanan sa pisikal at mental

-Natatanging mga grupo para sa mga nakakaranas ng paghihirap, halimbawa, pagkamatay ng asawa, anak, diborsiyo, at iba pa.

 

6. Kailangan ng lider ang bawa’t grupo.  Siguruhin na ang lider ay  tama sa mga katangian na nasa Biblia para sa liderato ng iglesya.  Narito ang ilan sa mga tungkulin ng lider ng grupo:

 

-Dapat maging responsabilidad niya ang grupo sa mga pastor at liderato ng iglesya.

 

-Magtuturo ayon sa pamantayan na ibinigay ng pastor.

 

-Hikayatin ang partisipasyon ng kaanib ng grupo sa pag-aaral, talakayan, panalangin, pag ebanghelyo at iba pang mga gawain.

 

-Magtatag ng “atmosphere” na may pag-ibig pagtitiwala kung saan ang mga tao ay malaya na magbahagi ng kanilang suliranin.

 

-Magbibisita at makikisama sa kaanib ng grupo sa kanilang mga tahanan.

 

-Tumutulong sa kaanib ng grupo para malaman ang kanilang mga espirituwal na mga kaloob at hikayatin na gamitin sa grupo, iglesya at komunidad.

 

-Para bantayan at hikayatin na espirituwal na lumago ang kaanib ng grupo.

 

-Sa grupo ng mga magkakapit bahay, bantayan ang pangangailangan ng lugar, makipagkaibigan sa bagong kapit-bahay, magbisita at magministeryo sa mga may natatanging pangangailangan.

 

-Magsanay sa pangalawang lider na maaaring pumalit sa lider na pansamanatala at hindi magtatagal kung kinakailangan , maging lider ng grupo.

 

-Ang sumusunod na mga halimbawa ng liham ay magagamit sa paglawak ng Iglesya:

 

Liham para sa mga bisita galing sa labas ng bayan:

 

Mahal na ( pangalan ):

 

Natutuwa ako na makasama ka sa iyong pagbisita at pagsamba noong nakaraang Linggo. Ang isa sa kasiyahan na magministeryo sa ( pangalan ng bayan) ay ang makatagpo ang maraming mabubuting tao mula sa maraming mga lugar.

 

Taos puso akong nagtitiwala na ang aming paglilingkod ay makahulugan at may benepisyong espirituwal  sa iyo gayun din naman ay nakalulugod Sa Panginoong Jesu Cristo.

 

Kung maaari makabisita ka muli sa amin kung ikaw ay nasa lugar na ito.  Kung mayroon akong maitutulong sa iyo sa anumang panahon tungkol sa espirituwal na mga bagay, malaya kang tumawag sa akin.

 

Nagtatapat sa iyo,

Ang iyong pangalan at

Ang iyong posisyon

 

Sulat sa isang bisita mula sa komunidad na dumadalo sa ibang local na iglesya:

 

Minamahal na ( pangalan):

 

Isang kagalakan na makasama ka sa pagbisita mo sa amin kamakailan. Nagtitiwala kami na natuklasan mo ang service na makahulugan at iyong naranasan ang presensiya Ng Panginoong Jesu Cristo.

 

Nalulugod ako na ikaw ay aktibong dumadalo sa ibang pagtitipon ng mga mananampalataya, subalit kung ako ay makatutulong sa iyo , maaari na malaya kang tumawag sa akin.

 

Sana ay makasama ka namin at makabisita kang muli!

 

Nagtatapat sa iyo,

 

Ang iyong  pangalan at

Posisyon

 

Liham mula sa pastor para sa bagong mga tao sa komunidad:

 

Mahal na ( pangalan):

 

Maligayang pagdating sa (pangalan ng bayan)!  Tulad ng iyong nalalaman, ang paglipat sa bagong lokasyon, ang bagong kaibigan ay mahalaga.  Aking ipinapalagay na isang kagalakan kung iisipin mo na ako at ang aming iglesya ay ituring mo na bagong mga kaibigan!

 

Kung wala ka pang iglesya na dinadaluhan, inaanyayahan ka namin na dumalo sa aming mga services at pagsamba na nakatala sa kasamang “brochure”( o magbigay ng impormasyon tungkol sa mga services sa mismong liham).

 

Kung ako ay makatutulong sa iyo at sa iyong pamilya sa espirituwal na larangan, malaya kang tumawag sa akin.

 

Nagtatapat sa iyo,

Ang iyong pangalan at

Iyong posisyon

 

 

Liham mula sa kaanib ng iglesya para sa bagong mga tao sa komunidad:

 

 

 

Mahal na (pangalan)

 

Hello… ako si ( isulat ang iyong pangalan).  Maligayang pagdating sa bayan ng ( pangalan ng bayan). Umaasa ako na makikita mo na masaya kung paano ko nakita ang maging bahagi ng komunidad na ito.

 

Malamang hindi ka pa nakakakita ng dadaluhan na iglesya.  Nais kitang anyayahan na sumamba na kasama kami sa Linggo sa (pangalan ng iglesya, oras ng pagsamba, direksiyon).

 

Ang (pangalan ng iglesya) ay naging mahalagang bahagi ng aking buhay sa komunidad ba ito. Sa buhay espirituwal nakita kong mainit, maganda ang samahan at ang pastor na palaging handa bilang kaibigan at tagapayo. “Socially”, marami akong nakilalang mga kaibigan sa pamamagitan ng  iglesyang ito.

 

Ang kasamang “brochure” ay magbibigay ng karagdagang imposmasyon tungkol sa aming iglesya. Kung maaari ay bumisita ka sa amin… Nais namin na maging kaibigan mo.

 

Kung nais mo ng karagdagang impormasyon, malaya kang tumawag sa akin ( ang iyong pangalan o tirahan). Umaasa ako na makakatagpo kita sa madaling panahon!

 

Nagtatapat sa iyo,

Pangalan mo

 

Liham sa maaaring maging kaanib na nakatagpo sa pagbibisita:

 

Mahal na (pangalan):

 

Kamakailan, ang kaanib ng koponan ng mga nagbibisita sa aming iglesya ay nagkaroon ng pagkakataon na makatagpo ka at ipinakilalaka sa ministeryo ng (pangalan ng iglesya).  Tapat kaming umaasa na bibisita ka at sasamba na kasama namin sa madaling panahon.

 

Bilang pastor ng (pangalan ng iglesya) hayaan mong mabigyan kita ng kasiguruhan na mayroong akong personal na malasakit sa iyong espirituwal na buhay at itinalaga ko na ang Biblia ay maging kagamit gamit para sa pag-unlad ng mas makahulugang kaugnayan Sa Dios.

 

Pinaaabot naming sa iyo ang “fellowship” at ministeryo ng iglesyang ito sa iyo at iyong pamilya, at umaasa akong makakatagpo kita sa madaling panahon.

 

Nagtatapat sa iyo,

 

 

Ang iyong pangalan at

Iyong posisyon

 

 

 

IKA-WALONG KABANATA

 

PAGDAGDAG NA PAGLAGO

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng “pagdagdag na paglago”.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “pagtatanim/pagsisimula ng iglesya.”

·                    Ibuod ang pagdagdag na paglago ng iglesya sa Bagong Tipan.

·                    Ipaliwanag kung paano ang mga iglesya ay nagpaparami sa pamamagitan ng pagdagdag na paglago

·                    Kilalanin ang apat na paraan kung paano makapagsisimula ng bagong iglesya.

·                    Kilalanin ang tatlong uri ng pagdagdag na paglago ng mga iglesya.

·                    Isulat ang mga prayoridad ayon sa Biblia para sa pagpili ng mga lugar na maaaring magsimula ng bagong mga iglesya.

·                    Ipaliwanag ang mensahe na ang naging  resulta ay bagong mga iglesya.

 

SUSING TALATA:

 

Kaya nga ang mga iglesia’y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw. ((Mga Gawa 16:5)

           

PAMBUNGAD

 

Ang mga disipolo ay inutusan Ni Jesus na maging saksi sa Jerusalemm Judea , Samaria, at sa dulo ng daigdig. ( Mga Gawa 1:8)

 

Tulad ng iyong natutuhan sa huling kabanata, ang iglesya sa Jerusalem ay nakaranas ng mabilis na pagdami.  Ang susunod na hakbang sa plano Ng Dios ay pagdagdag na paglago.  Ang iglesya sa Jerusalem ay dapat magsimula ng bagong mga iglesya sa ibang bayan ng mga Hudyo.

 

PAGDAGDAG NA PAGLAGO

 

Ang pagdagdag na paglago ay nangyayari kung ang iglesya ay nagsimula ng isa pang iglesya sa magkatulad na kultura. Ang bagong iglesya ay dagdag ng  “ina/unang” iglesya, kung paano ang isang bata sa natural na mundo ay pisikal na dagdag ng mga magulang.

 

Kung ang “ina/unang”  iglesya ay espirituwal na ganap, ang bagong iglesya ay lalago sa magkatulad na kaganapan. Kung mayroong mga suliranin sa “ina/ unang” iglesya, ang bagong iglesya ay maaring magkaroon ng magkatulad na mga suliranin.  Kaya mahalaga para sa iglesya na makaranas ng panloob na paglago sa espirituwal na kaganapan bago ito magsimulang magdagdag ng bagong mga iglesya.

Ang “pagtatanim/pagsisimula ng iglesya” ay termino na ginagamit din para ilarawan ang pagdagdag at pagtawid na paglago ng iglesya. Ang terminong ito ay ginamit dahil ang isang tao na “nagtatanim” ng bagong iglesya kung paano ang magsasaka ay nagtatanim ng buto sa natural na mundo.  Sa matabang lupa, ang buto ay mamumunga ng bagong halaman katulad ng “ina”  na halaman kung saan nanggaling ang buto.

 

Ang terminong “pagtatanin” ay mas angkop dahil hindi sapat na mag “organisa” lamang ng iglesya na hindi angkop sa kulturang local.  Hindi sapat na “magsimula” ng iglesya at hayaan na magsikap. Ito ay dapat na “itanim,” ang ibig sabihin ay mag ugat lumago at magpatuloy sa pagikot ng buhay.

 

PAGDAGDAG NG IGLESYA SA BAGONG TIPAN

 

Sa katawan ng tao ang selula ay hinahati para lumago. Ang isang selula ay hinahati para magkaroon ng dalawang selula.  Ang dalawang selulang ito ay maghahati para magkaroon ng isa pa, at nagpapatuloy ang proseso.  Ang paglago sa Kaharian Ng Dios ay magkapareho.  Ang pagpaparami ay nangyayari sa paghahati.  Ang paghahati ay pangunahing paraan Ng Dios para sa paglago.

 

Kung hindi natin kusang pipiliin na maghati, maaring hayaan ng Dios ang mga pangyayari para magkaroon nito.  Sa Mga Gawa 8 ay nasusuliat ang malaking pag-uusig na nangyari laban sa mga mananampalataya sa Jerusalem.  Ang pag-uusig na ito ay nagdulot ng paghahati sa Iglesya sa Jerusalem  ang mga tao ay na puwersa na umalis sa Jerusalem para mamuhay sa ibang bayan.

 

Habang ang mga taong ito ay umalis sa Jerusalem para pumunta sa bagong mga lugar sila ay “ pumunta sa lahat ng dako nangaral ng Salita” (Mga Gawa 8:4).  Habang may mga bagong nahikayat, bagong mga iglesya ang naitayo.  Ang mga iglesyang ito ay dagdag ng “ina/unang” iglesya sa Jerusalem.

 

Ang Bagong Tipan na iglesya ay hindi lamang nagdagdag para magtanim ng iglesya sa magkatulad na kultura, ito ay tumawid din sa ibang kultura para magsimula ng mga iglesya sa magkaibang grupo ng komunidad.  Iyong matututuhan ang tungkol sa “pagtawid na paglago” sa susunod na kabanata. ( Ito at ang susunod na mga kabanata ay dapat pagaralan ng magkasama, dahil pareho itong tungkol sa pagsisimula ng bagong mga iglesya).

 

Ang talaan ng pagdagdag sa aklat ng Mga Gawa ay nagpapahayag na ang mga iglesya na nasimulan ng iglesya sa Jerusalem sa Judea, Galilea, Lydda, Sharon, at Joppa.  Ang mga ito ay magkatulad na kultura ng Hudyo.

 

Katulad ng iyong natutuhan sa huling kabanata ang bawa’t iglesyang ito ay nakaranas din ng paglawak na paglago. Ang iglesya sa Jerusalem at mga pagtitipon ay nagawa sa pamamagitan ng paglawak na paglago ay …

 

Kaya nga ang mga iglesia’y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.(Mga Gawa 16:5)

 

Hindi lamang ang bawa’t isang mananampalataya ay espirituwal na nagbunga, kundi ang mga Iglesya ay tumaas ang bilang habang ang iglesya sa Jerusalem ay nagpalawak na sumasaksi  sa buong rehiyon.

 

PAANO NAGSIMULA ANG PAGDAGDAG NG IGLESYA

 

Mayroong apat na mga paraan kung paano ang bagong iglesya ay nagsimula:

 

1.                  Ang isang iglesya ay nagsimula ng isa pang iglesya.

 

2.                  Ilang mga iglesya ay nagtulong-tulong para makapagsimula ng isa pang iglesya.

 

3.                  Ang isang malaking iglesya ay naghati para makabuo ng dalawa o higit pa na magkahiwalay na mga iglesya.

 

4.                  Ang bawa’t isang mananampalataya ay inatasan sa tiyak na lugar para magsimula ng iglesya. Ang may espirituwal na kaloob ng pagiging apostol ang kadalasan ng ginagamit sa paraan na ito.  Kung minsan ang taong ito ay tinatawag na “magtatanim/ magsisimula ng iglesya.”

 

Sa bawa’t iglesya, ang pagpaparami ay nangyayari sa pamamagitan ng pagdagdag ng mensahe ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong Katawan ng mga mananampalataya.

 

MGA URI NG KARAGDAGANG MGA IGLESYA

 

Ang mga bagong iglesya ay maaaring magkakaiba ng uri ng pagdadagdag:

 

1.  MGA IGLESYA NA NAGMIMINISTERYO SA PARTIKULAR NA KOMUNIDAD:

 

Ang mga iglesyang ito ay natatag para magministeryo sa pagtikular na komunidad, nayon, o lugar sa bayan. Ito ay maaaring resulta ng pagbabahagi ng ebangheliko na nagtayo ng grupo ng bagong mananampalataya sa tiyak na lugar.  Maaari na ito ay naitatag para magministeryo sa mga hindi pa naaabot o mga lugar na handang tumugon.

 

2.  MGA IGLESYA NA NAGMIMINISTERYO SA MGA PAGTIKULAR NA GRUPO NA KATUTUBO:

 

Ang “fellowship” na ito ay nag miministeryo sa particular na grupo ng katutubo na magkatulad na kultura, angkan at lengguwahe. Halimbawa, ang iglesya ay maaaring nagsimula para sa mga tao na marunong magsalita ng Espanol at hindi nakakaintindi ng Ingles na “service”. Ang isa pang halimbawa ay para sa mga Asiano na nasa kampo ng refugee o para sa mga Indians sa “American reservation.”

 

3.  MGA IGLESYA NA MAY NATATANGING LAYUNIN:

 

Ang iglesya ay maaaring maitatag para sa natatanging layunin:  Halimbawa, ang iglesya ay maaaring naitanim malapit sa kolehiyo para maka pagministeryo sa mga mag-aaral.

 

MGA PRAYORIDAD PARA SA KARAGDAGANG PAGSISIMULA

 

Ang Biblia ay nagtuturo ng tiyak na mga prayoridad sa pagpapalawak ng Ebanghelyo at pagsisimula ng bagong mga iglesya.  Ang mga ito ay sumusunod:

 

ANG MGA HINDI PA NAABOT:

 

Ang hindi pa nanabot na mga tao ang prayoridad. Isinulat ni Pablo:

 

Sapagkat, ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.

 

Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? At paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral. (Roma 10:13-14)

 

Ang mga lugar na wala pang mga saksi ng Ebanghelyo ang dapat na palaging prayoridad.  Basahin ang talinghaga ng tupa sa Lucas 15:3-7.  Ang prayoridad ay nasa tupang nawawala, hindi ang nasa kural na.

 

ANG MGA HANDANG TUMUGON:

 

Iyong natutuhan sa huling aralin ang kahalagahan ng pagkilos sa mga handang espirituwal na mga bukirin.  Itinuro Ni Jesus sa  (Mateo 10:13-15;  Lucas 8:5-15) at ito ay ginawa ni Pablo sa

 ( Mga Gawa 13:42-51).  Hindi iniwan ni Jesus at ni Pablo ang mga hindi handang tumugon na mga bukirin.  Nagpatuloy silang mangaral ng Ebanghelyo sa kanila at pinaalalahanan ng paghuhukom Ng Dios. Subalit ang kanilang prayoridad ay ang mga tao na handa nang tumugon.

 

UNAHIN ANG MGA SIYUDAD, PAGKATAPOS ANG RURAL NA MGA LUGAR:

 

Ito ang estratehiya na ginamit ni Pablo na iyong matututuhan ang mas maraming mga bagay sa susunod na kabanata.  Ang mga siyudad ang pinakamaraming populasyon.  Maraming tao ang bumibisita sa siyudad para sa kalakal at pagsasaya. Kung iyong maaabot ang maraming tao sa siyudad, sila ay babalik sa rural na mga lugar para ibahagi ang Ebanghelyo at magtayo ng bagong mga iglesya.

 

Kung ito man ay pagbabago ng kinaugalian, istilo, o batas, ang pagbabago ay kadalasan na nagsisimula una sa siyudad at kakalat sa rural na mga lugar.  Kung iyong naabot ang siyudad ng Ebanghelyo, ito ay kakalat sa mga natural na linya ng lipunan tungo sa lugar ng rural.

 

ANG MENSAHE

 

Ang mensahe ng “church planter” ay dapat na :

 

ANG MENSAHE AY BATAY SA BIBLIA:

 

Nagkakaroon ng mga bagong iglesya bilang resulta ng pagkarinig ng Ebanghelyo ng hindi pa mga ligtas at tinanggap Ni Jesus bilang Tagapagligtas.  Kung ang pangangaral ay nakabatay sa Biblia , ito ay tinataglay ang awtoridad Ng Dios. Nakikita ng mga nakikinig at tumutugon sa kapangyarihan ng Salita Ng Dios.

 

ANG MENSAHE NA NAKA-SENTRO KAY CRISTO:

 

Si Jesus ang sentro ng mensahe  ng dumadaming Iglesya. Dapat malaman ng mga tao kung Sino Siya., ang kahalagahan ng Kanyang ministeryo sa lupa, ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.  Dapat silang maturuan kung paano tumugon sa Ebanghelyo at tumanggap ng kaligtasan at walang hanggang buhay.

 

ANG MENSAHE NA NAKA-SENTRO SA PANGANGAILANGAN:

 

Ang mga tao ay tumutugon kung ang mensahe ay nakaaabot sa kanilang mga personal na pangangailangan.  Ang magandang halimbawa ng ganitong paraan ay Si Jesus at ang babae sa balon (Juan 4).  Ang Kanyang mensahe ay naka sentro sa pangangailangan niya para sa natural na tubig.

 

PAANO MAGTANIM NG BAGONG IGLESYA:

 

Ilan sa mga kursong iniaalok ng Harvestime International Institute ang sumasakop ng detalye kung paano ang aktuwal na pagtatanim ng bagong Iglesya.  Kung iyong pinag-aaralan ang mga kurso ng Harvestime Institute sa paraan ng kanilang pagkakasunod-sunod, ang kurso na iyong kasalukuyan na pinag-aaralan ay bahagi ng grupo ng mga kurso sa mga prinsipyo ng Biblia sa pagpaparami.

 

Kasama sa mga kursong ito ang “Pagbuo Ng Pananaw Sa Mundo Batay sa Biblia,” “Mga Paraan Ng Pagtuturo,” “ Mga Prinsipyo Ng Pagtuturo” at ang kursong ito ng “ Mga Paraan Ng Pagpaparami,”  Ang bawa’t kurso ay nagpapaliwanag ng iba’t ibang bahagi ng plano Ng Dios para sa espirituwal na pagpaparami.  Sa karagdagan, ang sumusunod na mga kurso ay nakatuon sa iba’t ibang aspeto ng Pagtatanim ng iglesya:

 

Mga Prinsipyo Ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia ay papatnubay sa iyo sa pagpili at pagpapaunlad ng mga lider para sa iglesya.

 

Mga Prinsipyo Ng Pagsusuri Ng Paligid ay tutulong sa iyo para malaman ang mga lugar na handa na tumugon sa Ebanghelyo at handa sa panghihikayat at pagtatanim ng iglesya.

 

Pangangasiwa Batay Sa Layunin ay magtuturo sa iyo kung paano alamin ang layunin ng local na “fellowship”, gumawa ng mga pagpaplano, at mag organisa ng iglesya.

 

Mga Paraan Ng Pagpapakilos Sa Mga Tao ay makatutulong sa iyo na mapakilos ang mga kaaanib.

 

Panghihikayat Ng Kaluluwa Na Mistulang Pagkalat Ng Lebadura ipinakikita na ang pagtatanim ng iglesya ay huling layunin ng panghihikayat.

 

Para maayos na makapagtanim at organisa ng mga iglesya, dapat mong pag-aralan ang mga kursong ito. Samantala, magsimulang manalangin para sa direksiyon Ng Dios kung saan ka Niya nais na lumago.  Kung ikaw ang pastor ng iglesya , hindi ka dapat mag-isip KUNG dapat kang magparami. Iyo nang natutuhan na kalooban Ng Dios na kayo ay dumami.

 

Ang iyong panalangin ay dapat nakatuon sa SAAN ka dapat magtanim ng bagong iglesya at KAILAN, dahil ang tamang panahon at lugar ay mahalagang mga susi para sa espirituwal na pag-aani.  Gusto mong dumami sa tamang lugar at tamang panahon.

 

ANG BAGONG MGA IGLESYA AY DAPAT MAGING GANAP

 

Katulad ng bagong sanggol sa natural na mundo, ang bagong iglesya ay maaaring naka depende sa “mother”  na iglesya sa kanyang maagang pag-unlad.  Subalit habang ang bagong iglesya ay tumatanda, ito ay dapat na maging hiwalay, na gumagawa bilang katawan ng mga mananampalataya,  at may kakayahan na magparami sa pamamagitan ng espirituwal na pamumunga. Ito ang halimbawa ng mga iglesya na itinayo ni Apostol Pablo.

 

Ang dagdag na iglesya ay dapat lumawak batay sa mga prinsipyo ng Biblia na ibinahagi sa kabanata ng “Paglawak na Paglago.”  Para maayos na maging ganap, ang bawa’t bagong dagdag na iglesya ay dapat na:

 

1.  MAUNAWAAN ANG MGA PAKAY AT LAYUNIN NITO:

 

Ang bawa’t programa o grupo na nasimulan sa iglesya ay dapat may pagkakaisa sa pakay at mga layunin .  Ang Harvestime International Institute na mga kurso sa “Pangangasiwa Batay sa Mga Layunin” ay ipinaliwanag ito ng detalye.

 

2.  MAUNAWAAN ANG MGA PRINSIPYO NG ORGANISASYON BATAY SA BIBLIA:

 

Kasama dito ang mga espirituwal na mga kaloob at posisyon at pagsasany sa mga bagong nahikayat para maging espirituwal na mga lider na may kakayahang gamitin ang kanilang mga kaloob. Ang Harvestime International Institute na mga kurso sa “Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia” at “Pangangasiwa Batay Sa Layunin”ay makatutulong sa iyo sa paggawa nito.

 

3. MAUNAWAAN ANG KATANGIAN PARA SA MGA PINUNO BATAY SA BIBLIA:

 

Ang Harvestime International Intitute na kursong “Mga Prinsipyo Ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia” ay ipinaliwanag ang mga ito.

 

4.  MATURUAN NG MGA SALIGAN NG PANANAMPALATAYA:

 

Ang mga kurso ng Harvestime sa “Deputizing” “module” ng Harvestime Institute ay tutulong sa iyo para magawa ang layunin na ito.

 

5.  AYUSIN ANG PRAKTIKAL NA MGA TANONG:

 

Kasama dito ang mga bagay na:

 

-Paggawa ng doktrina, para malaman ng mga bisita ang pinananampalatayanan ng iglesya ayon sa Biblia.

-Mga bagay na may kinalaman sa legal na kailangan ng gobyerno para sa bagong iglesya.

-Organisasyon Ng iglesya kasama ang mga lider, opisyal, at pamamalakad ng iglesya tungkol sa pananalapi.

-Lugar at mga pag-aari ng iglesya.

Ang kaugnayan ng “mother” na iglesya sa bagong dagdag na iglesya.

 

ANG PAGPAPATULOY NG PAGPAPARAMI

 

Plano Ng Dios para sa bawa’t bagong iglesya na naitayo sa pamamagitan ng pagdagdag na paglago na ipagpatuloy ang pagikot ng pagpaparami.  Ang bagong iglesya ay dapat makaranas ng panloob na paglago sa espirituwal na kaganapan.  Dapat itong lumawak sa bilang at magdagdag para magtanim ng ibang bagong mga iglesya.

 

Sa pamamagitan ng paraan batay sa Biblia, ang iglesya ay patuloy na lalago at maaabot ang “dulo ng daigdig” (Mga Gawa 1:8).  Narito ang krokis na naglalarawan ng prosesong ito:

 

D        C        B       A      B      C         D

 

a.          Ang “mother” na iglesya (kinilala sa “A”) magtatanim ng bagong mga iglesya

b.         Ang bagong mga iglesya (kinilala sa “B” sa krokis) magsisimula ng ibang dagdag na mga iglesya.

c.          Ang mga dagdag na ito (kinilala sa “C” sa krokis) magsisimula ng ibang bagong dagdag na mga iglesya.

D.  Ang proseso ay nagpapatuloy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

 

1.         Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

 

2.         Ibigay ang kahulugan ng “pagdagdag na paglago”.

 

________________________________________

 

3.         Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “pagtatanim/pagsisimula ng iglesya.”

 

________________________________________

 

 

4.         Ibuod ang pagdagdag na paglago ng iglesya sa Bagong Tipan.

 

________________________________________

 

5. Kilalanin ang apat na paraan kung paano makapagsisimula ng bagong iglesya.

 

_________________________________           ___________________________________

 

_________________________________           ___________________________________

 

 

6.Kilalanin ang tatlong uri ng pagdagdag na paglago ng mga iglesya.

 

_______________________       ________________________       _______________________

 

7.Isulat ang mga prayoridad ayon sa Biblia para sa pagpili ng mga lugar na maaaring pagsimulan ng bagong mga iglesya.

 

________________________________________

 

 

8. Anong uri ng mensahe ang naging resulta ng bagong mga iglesya?

 

________________________________________

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa huling kabanata ng pagtatapos ng manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Para sa dagdag na pag-aaral kung paano magtanim/magsimula ng iglesya pag-aralan ang sumusunod na mga kurso na inihain ng Harvestime International Institute:

 

 

 

Mga Prinsipyo Ng Pagsusuri Ng Paligid ay tutulong sa iyo para malaman ang mga lugar na handa na tumugon sa Ebanghelyo at handa sa panghihikayat at pagtatanim ng iglesya.

 

Pangangasiwa Batay Sa Layunin ay magtuturo sa iyo kung paano alamin ang layunin ng local na “fellowship”, gumawa ng mga pagpaplano, at mag organisa ng iglesya.

 

Mga Paraan Ng Pagpapakilos Sa Mga Tao ay makatutulong sa iyo na mapakilos ang mga samahan sa iglesya para manghikayat.

 

Panghihikayat Ng Kaluluwa Na Mistulang Pagkalat Ng Lebadura  ay magtatayo ng mga bagong hikayat para sa iglesya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-SIYAM NA KABANATA

 

PAGLAGO SA PAGMIMISYON

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “paglago sa pagmimisyon” ng iglesya.

·                    Magbigay ng mga reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag ng plano Ng Dios para sa “paglago sa pagmimisyon” ng iglesya.

·                    Kilalanin ang susing lider sa Bagong Tipan sa “ paglago sa pagmimisyon.”

·                    Ibuod ang mga paraan na ginamit ni Pablo sa pagpapalawig ng Ebanghelyo sa ibang mga kultura.

 

SUSING TALATA:

 

Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila’y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila’y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. (Mga Gawa 26:18)

 

PAMBUNGAD

 

Ang huling kabanata ay tungkol sa pagdagdag na paglago na nangyari nang ang iglesya ay nagtanim/ nagsimula ng bagong iglesya sa parehong kultura.  Ito ay dapat pag-aralan ng magkasama sa aralin na ito na tungkol sa paglago sa pagmimisyon.

 

Parehong prinsipyo ang kinakailangan para sa pagdagdag na paglago ng iglesya ang ginamit sa  paglago sa pagmimisyon at gayundin naman sa pagdagdag na paglago. Ang ibig sabihin nito ang lahat ng tinalakay sa huling kabanata ay maaaring gamitin para sa paglago sa pagmimisyon. Subalit kinakailangan din ng paglago sa pagmimisyon ang ibang natatanging mga paraan at ang mga ito ang paksa ng kabanatang ito.

 

 PAGLAGO SA PAGMIMISYON

 

Ang paglago sa pagmimisyon ay nangyayari kung ang iglesya ay tumawid ng bansa, ibang salita, o ibang lahi para magtanin/ magsimula ng bagong iglesya sa ibang kultura.  Ang terminong “pagtawid” ay ginamit dahil nang ang prosesong ito ay nangyari isang “tulay “ ang ginawa mula sa isang kultura tungo sa isang kultura para maparating ang Ebanghelyo. Dahil sa sa modernong pamamaraan ng paglalakbay at pag-uusap,  naging malaking bentahe ito  para ang kakayahan na paglago sa pagmimisyon ng iglesya ay mangyari kahit nga sa malayong mga lugar.

 

 PAGLAGO SA PAGMIMISYON SA BAGONG TIPAN

 

Ang pagtawid na paglago ay bahagi ng plano Ng Panginoon para sa pagpapalawig ng Ebanghelyo sa buong mundo.  Ang mga disipolo ay dapat magsimula sa kanilang pagsaksi sa kanilang sariling kultura sa Jerusalem at palawakin ang pagtatanim/pagsisimula ng mga iglesya sa ibang lugar na parehong kultura.

 

Sumunod, ang mga disipolo ay dapat maging tulay sa ibang bansa, sa ibang salita, at sa ibang lahi para maipangalat ang Ebanghelyo sa mga kultura na kakaiba sa kanila tungo sa mga lugar katulad ng Samaria at sa “dulong bahagi ng mundo” ( Mga Gawa 1:8).  Madaling natupad ng mga disipolo ang utos na magparami sa loob ng kanilang sariling kultura (Mga Gawa 2).

 

Ang pagdagdag ng iglesya sa ibang rehiyon ng magkatulad na kultura ay resulta ng pag-uusig.

 

Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan. (Mga Gawa 8:14)

 

Nakasulat sa Mga Gawa 8 na si Felipe ang unang tumawid sa puwang ng kultura sa “revival” sa Samaria. Sina Pedro at Juan ang nagpatuloy ng ministeryo sa lugar na iyon.

 

Nahirapan si Apostol Pedro na tanggapin ang pagtatalaga na maglingkod “cross culturally.”

Siya ay debotong Hudyo at dating limitado ang pakikitungo sa mga Pagano (ibang bansa na hindi Hudyo).  Ang Dios ay nagsalita kay Pedro sa pangitain na nakatala sa Mga Gawa 10 at dinala ni Pedro ang Ebanghelyo sa mga Pagano sa Cesaria.

 

Ang pinakamagandang paglalarawan sa paglago sa pagmimisyon ay ang ministeryo ni Apostol Pablo.  Tinawag Ng Dios si Pablo para sa tiyak na ministeryong ito. Si Pablo ay Hudyo, ngunit sinabi Ng Dios sa kanya na siya ay:

 

...sapagkat siya’y sisidlang hirang sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel. (Mga Gawa 9:15)

 

Dahil si Pablo ay tinawag Ng Dios sa “cross-cultural” na ministeryo, mahalaga ang kanyang paraan para maunawaan ang paglago sa pagmimisyon ng iglesya. Basahin ang kuwento ng pagkahikayat ni Pablo sa Mga Gawa 9.  Ang aklat ng Mga Gawa ay puno ng talaan ng kanyang ministeryong ginawa sa mga bansa sa mundo. Marami sa Bagong Tipan na mga aklat ay “follow-up” na mga liham na kanyang isinulat para sa mga iglesya na kanyang itinanim/sinimulan sa mga iba’t ibang rehiyon na ito (Romano-Hebreo).

 

 

 

MGA PARAAN NI APOSTOL PABLO

 

Si Pablo ay pinili Ng Dios bilang batayan o halimbawa:

 

Gayon may dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang boong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan. (I Timoteo 1:16)

 

Ito ang dahilan kung bakit ang paraan ni Pablo ay maaaring maging halimbawa ng paglago sa pagmimisyon ng Iglesya. Narito ang ilan sa mga prinsipyo sa paglago sa pagmimisyon na ipinahayag sa ministeryo ni Pablo:

 

TAMANG MOTIBO:

 

Ang kalagayan ng mga Pagano na walang Cristo ( “Pagano”  ang ibig sabihin ang lahat ng bansa na hindi Israel) ang nag-udyok kay Pablo:

 

Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil...Na kayo nang panahong yaon ay hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan. (Efeso 2:11-12)

 

Obligasyon ang nag-udyok kay Pablo:

 

Ako’y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.

 

Kaya nga sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma. (Roma 1:14-15)

 

Ang naisin sa pagsunod sa makalangit na pangitain na ibinigay Ng Dios ang nag-udyok  kay Pablo:

 

...hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan. (Mga Gawa 26:19)

 

Ang kasigasigan at pasanin para Sa Dios ang nag-udyok sa kanya:

 

Samantala ngang sila’y hinihintay ni Pablo sa Atenas, ay namuhi ang kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan. (Mga Gawa 17:16)

 

Ang dalisay na pag-ibig ang nag-udyok sa kanya:

 

Datapuwat sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili gaya ng mga ministro ng Dios...sa pagibig na hindi pakunwari. (II Corinto 6:4, 6)

 

TAMANG PRAYORIDAD:

 

Si Pablo ay may tamang mga prayoridad.  Ang mga bagay na pakinabang sa kanya… pinagaralan, materyal na kayamanan, posisyon, at iba pa…. Ibinilang niya itong kawalan ng halaga sa espirituwal na kalagayan. Kung ano lamang ang makabuluhan Kay Cristo ang pinahalagahan:

 

Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan alangalang kay Cristo.

 

Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya’y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo. (Filipos 3:7-8)

 

Ang iyong prayoridad ay dapat na palaging:

 

1.                  Ang iyong kaugnayan Sa Dios.

 

2.                  Ang iyong kaugnayan sa Katawan Ni Cristo ( kalakip ang iyong pamilya na bahagi rin ng Katawan).

 

3.                  Ang iyong ministeryo Sa Dios.

 

Ang kaugnayan muna bago ang ministeryo dahil sa dalawang kadahilanan:

 

1.                  Hindi ka makapagmiministeryo kung ang iyong kaugnayan ay hindi tama Sa Dios.

2.                  Hindi ka makapagmiministeryo kung ang iyong kaugnayan sa iba ay hindi tama.

Ang mga Kaanib ng Katawan Ni Cristo ( kalakip ang iyong pamilya)  hindi tatanggapin ang iyong ministeryo kung ang iyong kaugnayan sa kanila ay hindi tama. 

 

ANG SALITA NG DIOS:

 

Ang ministeryuo ni Pablo ay nakabatay sa Salita Ng Dios. Habang ang Salita Ng Dios ay lumaganap sa ibang kultura , ang mga iglesya ay naitanim/ nasimulan:

 

Datapuwa’t lumago ang salita ng Dios at dumami. (Mga Gawa 12:24)

 

Sa gayo’y lumagong totoo ang salita ng Panginoon at nanaig. (Mga Gawa 19:20)

 

Kaya nga ang mga iglesia’y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.( (Mga Gawa 16:5)

 

ANG MENSAHE NG EBANGHELYO:

 

Ang Ebanghelyo ng Kaharian Ng Dios ang mensahe ni Pablo.  Hindi niya pinalitan ng mapagkawang-gawa na mga misyon sa mga nangangailangan na mga bansa para sa kapangyarihan ng pangangaral ng Ebanghelyo.  Hindi siya gumamit ng pagkuha ng atensiyon na paraan para makaakit ng mga tao. Ang mga tao ay naakit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ebanghelyo:

 

Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagkat siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una’y sa Judio at gayon din sa Griego. (Roma 1:16)

 

PANALANGIN:

 

Si Pablo ay nanalangin Sa Dios para sa direksiyon ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa ibang mga kultura:

 

At nang sila’y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.  (Mga Gawa 13:2-3)

 

ANG ESPIRITU SANTO:

 

Ang Espiritu Santo ang direktor ng mga gawain ni Pablo ng pagmimisyon.  Halimbawa, sa isang pagkakataon…

 

...ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia. (Mga Gawa 16:6)

 

PANGANGARAL, PAGTUTURO, PAGSAKSI:

 

At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami’y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila. (Mga Gawa 20:7)

 

Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahaybahay,

 

Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Diyos, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo.

(Mga Gawa 20:20-21)

 

Hindi sapat na masabi lamang ang Ebanghelyo.  Ang mensahe ay dapat madala sa paraan na maunawaan ng mga nakikinig. Ang bokabularyo, lengguwahe, at istilo ng pagpapahayag ay dapat maiangkop sa paraan na ang Ebanghelyo ay nauunawaan. Sinasangayunan ni Pablo at ginagawa niya ito ( tingnan ang Mga Gawa 21:37-40 at 22:2).  Sa Mga Gawa 26:18 ay nagbigay ng pormula para sa mabisang pagpaparating ng Ebanghelyo sa mga tao sa ibang mga kultura. Ipinadala Ng Dios si Pablo sa mga Pagano…

 

Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila’y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila’y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. (Mga Gawa 26:18)

 

Ang Ebanghelyo ay dapat maiharap sa paraan na:

 

            1.  Magbukas ng mga mata ng mga tao.

            2.  Dapat silang bumaling mula sa espirituwal na kadiliman tungo sa liwanag.

            3.  Dapat silang bumaling mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo Sa Dios.

4. Dapat silang tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng   kaligtasan.

5. Dapat silang tumanggap ng espirituwal na mana sa pamamagitan ng pagbabanal sa  pananampalataya.

 

Ang kultura kung saan siya lumaki ay nagdedetermina ng limang mga bagay:

 

Ang kanyang lengguwahe:  Kung paano siya magpahayag at tumanggap ng komunikasyon at pananaw.

Ang kanyang pananaw sa mundo:  Kung ano ang pananaw at pagkaunawa niya sa mundo.

Ang kanyang mga paniniwala:  Relihiyon, paniniwala sa sobrenatural; paraan ng pag-iisip; pag proseso ng ideya.

Ang kanyang pinahahalagahan:  Moral, materyal, pinahahalagahang sosyal; motibasyon, paraan ng paggawa ng pagpapasiya.

Ang kanyang pag-uugali:  Kung paano siya kumilos, asal; asal na  katanggap-tanggap sa lipunan at kultura.

 

Tinukoy ng Mga Gawa 26:18 ang bawa’t isa nito:

Ang Lengguwahe: Ang mensahe ay mabisang naiparating at naunawaan at tinanggap.

 

Nabuksan ang kanilang mga mata:                    -                                                                      

(talata 1-2)                                                                                                                                                                   Pananaw sa mundo:  Pananaw batay sa Biblia ay

naiparating.

 

Mga paniniwala:  Mensahe ng pananampalataya;

Ebanghelyo ng Kaharian, nagpabago ng kanilang

                                                                                                                                                                        Pinaniniwalaan.

 

                                                                        Nagbago ang pinahahalagahan

 

Dapat silang bumaling at tumanggap:

(talata 4-5)                                                       Ang asal ay nagbago

 

ANG KAPANGYARIHAN AY NAIPAKITA:

 

Hindi lamang ipinarating ni Pablo ang Ebanghelyo, kanyang ipinakita sa pamamagitan ng kapangyarihan Ng Dios:

 

Sa bisa ng mga tanda  at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng espiritu ng Dios; ano pa’t buhat sa Jerusalem at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo. (Roma 15:19)

 

PAGTATANIM/PAGSISIMULA NG MGA IGLESYA:

 

Si Pablo ay hindi lamang ibinahagi ang Ebanghelyo at pagkatapos iniwan ang bagong mga nahikayat  na walang nag-aalaga. Gumawa siya ang isang katawan ng mga mananampalataya na kung saan ang mga bagong nahikayat ay mai-uugnay.  Siya ay nagtanim/nagsimula ng lokal na mga iglesya.

 

Ang paghihikayat na walang pagtatatag ng local na katawan ng mga mananampalataya ay katulad ng pagsilang sa mga bata sa mundo at hindi inaangkin ang responsabilidad para sila ay alagaan. Narito ang pagikot na sinunod ni Pablo sa bawa’t nayon kung saan siya nagtanim ng Ebanghelyo:

           

1.        Ang mga manggagawa ay isinugo:  Mga Gawa 13:1-4;  15:39-40

      

       Ang mga manggagawa ay sinanay at isinugo para abutin ang isang lugar. Ang mga mananampalataya sa iglesya sa tahanan ay tumutulong sa paghahanda, pagsugo, pagsuporta, at nakikiisa sa mga inihiwalay Ng Dios para sa Gawain.

 

2.  Nakipagkita sa mga tao:  Mga Gawa 13:14-16;  14:1;  16:13-15

 

Sa karamihan na lugar, si Pablo ay nagbigay galang na pakikipag-ugnayan sa mga lider ng relihiyon sa sinagoga. Sinusubukan niyang magkaroon ng pagkaunawa at suporta ng mga lokal na mga lider hangga’t maaari. Susunod dito ang pakikipagkita sa grupo o isahan, ang layunin ay marami ang makuhang makakarinig hanggat maaari para sa mensahe ng Ebanghelyo.

 

3.    Ipinarating ang Ebanghelyo:  (Mga Gawa 13:17;  16:31)

 

Ang Ebanghelyo ay naparating sa pamamagitan ng pangangaral, pagtuturo, pagsaksi, at pagpapakita ng kapangyarihan Iba’t ibang mga paraan ang ginamit at kinakailangan para mabisang maiparating ang Ebanghelyo. Ang paraan sa ibang bayan ay pagtuturo sa sinagoga (Mga Gawa 14:1). Sa mga iba, ang mga handang tumugon na mga tao ay inihihiwalay  para sa natatanging mga grupo (Mga Gawa 19:9).  Natatanging ministeryo sa pangisahan na mga grupo ng tao ay nangyayari sa ibang mga lugar. (Mga Gawa 13;42) at ang lengguwahe katulad din ng mga paraan ay ibinabagay para masiguro ang tamang komunikasyon ng mensahe ng Ebanghelyo (Mga Gawa 22:2).

 

4.  Ang mga nakikinig ay nahikayat:   Mga Gawa 13:48;  16:14-15

 

Ang resulta ng mabisang pagpaparating ng Ebanghelyo ay pagkahikayat, ng mga taong tumanggap ng mensahe ng kaligtasan at pagsisisi sa kasalanan.

 

5.  Ang mga mananampalataya ay nagtipon-tipon:  Mga Gawa 13:43

 

Si Pablo ay hindi tumigil sa paghihikayat at pagbabagong loob. Pinagtipontipon niya ang mga mananampalataya sa lokal na iglesya. Ang bagong mga mananampalataya ay madaling ipinakilala sa pagtitipon at pagdisiplina ng lokal na iglesya. Ang oras at lugar ay itinakda para sa pagtitipon ng sama-sama ng bagong katawan ng iglesya.

 

6.  Ang pananampalataya ay pinatunayan: Mga Gawa 14:21, 22; 15:41

 

Katulad ng ipinakita sa Dakilang Utos (Mateo 28:19-20), dagdag na pagtuturo ang sumunod sa pagbabagong loob. Ang katuruan na ito, ay napapaloob sa konteksto ng lokal na iglesya, patatagin ang bagong nagbalik-loob habang natututuhan nila sa pangunahing aral ng Kristiyanong pananampalataya, at kung paano mamuhay sa Kaharian Ng Dios. Ang “pagpapatunay ng pananampalataya” ay nagpapaunlad ng espirituwal na kaganapan, tinululungan ang mga mananampalataya na madiskubre ang kanilang espirituwal na mga kaloob at maging kagamit-gamit na mga kaanib ng Katawan Ni Cristo.

 

7.  Ang mga lider ay itinalaga:   Mga Gawa 14:23

 

Habang ang mga mananampalataya ay tumatanda, ang mga may kakayahang lokal na mga lider ay itinayo Ng Dios para sa liderato sa Iglesya. Ang mga matatanda (mga lider) ay pinili mula sa lokal na kongregasyon, hindi galing sa ibang mga iglesya o ibang bansa.  Ang bawa’t iglesya ay  gumawa ng organisasyon batay sa Biblia na gumagawa, at mabisa.

 

8.  Ang iglesya ay ipinagkatiwala:  Mga Gawa 14:23; 16:40

 

Kung ang mga lider ay nasa lugar na at mabisang gumagawa, ang pagdepende sa “nagtanim/nagsimula” ng iglesya ay titigil. Ang maayos na pagbabago ay ginawa mula sa nagtayo tungo sa bagong local na mga lider.  Ang Iglesya ay “itinalaga” o ibinigay Sa  Panginoon bilang gumagawang , local na Katawan ng mga  mananampalataya.

 

9.  Ang kaugnayan ay nagpapatuloy:  Mga Gawa 15:36;  18:23

 

Ang kaugnayan ay nagpapatuloy sa pagitan ng bagong pagtitipon at ng nagtanim/nagsimula ng iglesya (si Pablo) at ang “mother” na iglesya ( sa Jerusalem).  Ang kaugnayan din ay natatag sa pagitan ng bagong pagtitipon sa ibang mga iglesya sa buong rehiyon para maipangalat ang Ebanghelyo.

 

 

ISANG MALAWAK NA PANGITAIN SA MUNDO:

 

Si Pablo ay mayroong tiyak na estratehiya sa mundo. Ang mga talaan sa Biblia ay ipinahayag ang kanyang alalahanin para sa Asia, Galacia, Macedonia, Achaia, at Espana, na ito ay buong lalawigan ng panahon na iyon.

 

Ang  mga lugar kung saan si Pablo ay nagtatag ng mga iglesya ay sentro ng pamamahala ng Roma , sibilisasyon ng Griego, impluwensiya ng Hudyo, o mahalaga sa komersiyo.

 

Pag-aralan ang mga lugar kung saan si Pablo ay nagtanim/nagsimula ng mga iglesya:

 

            Filipos:  (Mga Gawa 16) Ito ang nangungunang bayan ng Macedonia.

 

Tesalonica: (Mga Gawa 17:1-10) Ito ay malaki, bayan na ma-impluwensiya sa komersiyo

 

            Corinto:  (Mga Gawa 18:1-11)  Isang pinakamahalagang komersiyo sa Grecia.

 

Efeso:  (Mga Gawa 19:1-10)  Kung saan ang pangunahing daang-bayan ng emperor ng Roma mula sa Roma hanggang silangan. Mahusay na daungan at sentro ng kalakal.

 

Alam ni Pablo na makaaabot siya ng mas maraming bilang ng mga tao sa bayan na maraming tao. Kanya ring napagtanto na ang pagbabago ay kadalasan nagsisimula sa mga bayan at lumalaganap sa rural na mga lugar.

 

Ang mga malaking sentro ng kalakal at turismo ay maraming mga tao mula sa iba’t ibang bansa na dumadaan para sadyain ang hanap buhay o kasiyahan. Ang mga bayan ay nasa daan ng pagbibiyahe kung saan ang natural na kilos ng mga tao ay nangyayari.  Habang ang mga bisita ay naabot ng Ebanghelyo, dadalhin nila ang mensahe sa kanilang pagbalik sa tahanan.

 

Si Pablo ay lumipat sa mas malawak na pagikot mula sa mga natatatag na base ng misyon. Pagkatapos na si Pablo ay umalis ng Jerusalem ibinaling niya ang kaniyang pansin sa Asia Minor unang magtrabaho sa Tarsus at Antioquia (Mga Gawa 11;25-30; 13:1-3), sumunod sa Kanluran Asia-Minor ang kaniyang sentro ay Efeso (Mga Gawa 19:1-20; 16:8).  Mula doon, si Pablo ay lumipat sa kanluran ang sentro ay Roma at ang Espana ang pinakamalayong bahagi na naabot (Mga Gawa 19;21; 23:11;  28:14-31;  Roma 1:9-15;  15:24, 28).

 

 

 

MGA BUKID NA HANDANG TUMUGON:

 

Ang estratehiya sa pagtawid na paglago ay  apektado sa pagtanggap ng mga tao sa Ebanghelyo.  Sa Mateo 10, sinabi Ni Jesus sa Kanyang mga disipolo na huwag pumunta sa mga Samaritano at Pagano kundi sa Israel. Ang panahon ay tama para sa Israel.  Ang ibang grupo ay maaaring tumanggap sa Ebanghelyo sa mga huling panahon.

 

Kahit nga sa mga Hudyo, ang mga disipolo ay dapat magministeryo sa mga handang tumanggap. Sila ay dapat na manatili at magbahagi kung saan nila natanggap ang mabuting pagtugon at lumipat sa iba kung sila ay nakatagpo ng hindi handang mga tao. Dapat nilang ituon ang kanilang mga lakas sa mga lugar ng pinaka handang tumugon.

 

Sinundan ni Pablo ang ganitong estratehiya.  Nang ang mga Hudyo ay tumanggi sa Ebanghelyo, si Pablo ay bumaling sa mga Pagano (Mga Gawa 13:42-51).  Nang ang Atenas ay hindi handa, si Pablo ay pumunta sa Corinto. Sa Corinto, si Pablo ay bumaling mula sa mga Hudyo tungo sa mga Pagano.  Ang mga handang Griego ay nagalak at marami ang sumampalataya at na bautismuhan (Mga Gawa 18:5-11).  Ang Panginoon ay sumangayon sa kilos ni Pablo sa pamamagitan ng pangitain na nagsasabi sa kanya na manatili sa Corinto at walang takot niyang ipinahayag  Si Cristo ( Mga Gawa 18:5-11).  Nang ang mga nasa komunidad ng sinagoga ay tinanggihan siya, si Pablo ay nagsimula ng kongregasyon sa mga handa na tumugon. Nang ang pag-uusig ang nagpaalis sa kanya, siya ay nagpunta sa ibang bayan.

 

SA KANYANG SARILING MGA TAO:

 

Si Pablo ay may malasakit sa pagabot sa kanyang sariling mga tao ng Ebanghelyo:

 

Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila’y maligtas. (Roma 10:1)

 

MGA TAONG HINDI PA NAAABOT:

 

Binigyang prayoridad ni Pablo ang mga lugar kung saan hindi pa naipangangaral Si Cristo.

 

Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba.

 

Kundi gaya ng nasusulat, makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya, at silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas. (Roma 15:20-21)

 

MGA GRUPO NG TAO:

 

Si Pablo ay gumawa sa mga iba’t ibang “grupo ng tao” sa loob ng bayan o rehiyon.  Halimbawa, siya ay nagministeryo sa Griego at Hudyo sa mga grupo ng tao sa Antioquia (Mga Gawa 13:42).  Ang grupo ng mga tao ay isang tribo, “caste”, o anumang grupo ng magkakatulad na kultura, lengguwahe, at may “ethnic” na pinagmulan.  Mahalaga na tingnan ang isang bayan  o rehiyon sa mga kondisyon ng mga grupong ito at magplano ng pagmimisyon sa paglago ng angkop.

 

Halimbawa, sa isang bayan sa Estados Unidos mayroong malaking populasyon ng mga nagsasalita ng Espanol, nagsasalita ng Inggles, at nagsasalita ng Mandarin na mga Intsik. Ang dapat na pagtuunan ng pansin ng paglago sa pagmimisyon ay magtanim/ magsimula ng iglesya sa  mga tiyak na grupo ng mga taong ito. Ang pagtatanim/pagsisimula ng nagsasalita ng Tagalog na iglesya sa bayan na ito ay hindi makabubuti. Walang nagsasalita ng Tagalog sa bayan na ito. Ito ang dahilan kung bakit ang paglago sa pagmimisyon sa ibang kultura ay palaging dapat na nakatuon sa mga grupo ng tao sa loob ng particular na lugar, hindi basta sa pangkalahatan ng bayan.

 

Ang pagtatanim/pagsisimula sa partikular na mga grupo ng tao ay karaniwan na mas madaling nagpapausod sa Ebanghelyo.  Ang lahat ng mga kaanib ng grupo ng mga tao ay nagsasalita ng magkakaparehong lengguwahe at mayroong magkakaparehong kinaugalian.Walang nakakasagabal sa lengguwahe o kultura para maantala ang paglaganap ng Ebanghelyo. Katulad ng iyong natutuhan sa nakaraang kabanata, ang Ebanghelyo ay mabilis na kumalat sa pamamagitan ng mga naipundar ng mga linya ng lipunan… ang mga tao na magkakaugnay, nagsasalita ng parehong lengguwahe, at mayroong magkaparehong mga kinaugalian.

 

Ang mga tao na “katulad natin” ay maaari rin na paghatiin sa maliliit na bahagi para sa layunin ng Ebanghelyo. Halimbawa, iyong ginagawa ito sa pagbuo ng klase ng panlingguhan na pag-aaral ayon sa grupo ng edad.  Ginagawa mo ang parehong konsepto kung ikaw ay nagpa plano para maabot ang iba’t ibang grupo ng mga tao.

 

Ang Harvestime International Institute ay nagaalok ng kursong may pamagat na “Mga Prinsipyo Ng Pagsusuri Ng Paligid”  na tumutulong sa pagsusuri ng lugar na prayoridad para sa ministeryo. Aming iminumungkahi na pag-aralan ang kursong ito para matulungan ang pagtatanim/pagsisismula ng iglesya.

 

Ang kurso ay tutulong sa iyo sa mga bagay na katulad ng:

 

1.  Pagkilala sa mga tao na dapat abutin. Anong mga iba’t ibang grupo ng mga tao ang bumubuo ng bayan o rehiyon?  Sino ang plano mong abutin? Ano ang kanilang pinagmulan ng relihiyon, kultura, “ethnic”, at lengguwahe.

 

2.  Kilalanin ang kanilang espirituwal na mga pangangailangan. Halimbawa, kailangan ba ng iglesya sa mga nagsasalita ng Espanol sa particular na bayan?  Maaari ang kanilang mga pangangailangan ay namiministeryuhan ngunit ang mga nagsasalita ng Franses sa lugar na iyon ay espirituwal na napapabayaan.

 

3. Alamin kung handa na tumanggap ng Ebanghelyo.

           

4. Alamin ang mga paraan na iyong gagamitin para maabot ang mga taong ito. Paano ang pinaka mabuti para sila ay maabot? Sino ang dapat na aabot sa kanila?   Dapat mong maabot ang mga tao sa paraan na ito ay nauunawaan at katanggap tanggap sa kultura. Halimbawa, kung ang partikular na grupo ay hindi marunong magbasa , paghihikayat na literature ay hindi makabubuti na paraan para maabot sila.

 

NAKAHANDANG MAKIBAGAY SA IBANG MGA KULTURA:

 

Si Pablo ay nakahandang makibagay sa pagkakaiba-iba ng mga kultura at sa lahat ng antas ng lipunan (tingnan ang I Corinto 9:16-23).

 

Ang tao ay apektado ng kanyang kinalakihang kultura.  Ang mga tao sa kultura A ay kakaiba mula sa mga nasa Kultura B:

 

            Kultura A                                                                                                      Kultura B

            Kultura sa Tahanan                                                                               Bagong Kultura









 

 

 


Kung iyong iiwan ang iyong sariling kultura para pumasok sa ibang kultura ng Ebanghelyo, ikaw ay iba. Maaaring hindi ka maitugma:

 










 

 


(Ikaw)

 










 

 

 


Ngunit maaari kang makibagay. Katulad ni Pablo, sa tulong Ng Panginoon, matututuhan mong makibagay.  Ang pagpili ay nasa sa iyo:  Ikaw ba ay magbabago ng iyong batayan ng kultura  para sa ikabubuti ng Ebanghelyo?

 










 


                                                                       

                                        ?                          

 

 

PAGKAKAIBA NG KULTURA:

 

Si Pablo ay hindi lamang handang makibagay sa ibang kultura, hindi niya hinayaang ang pagkakaiba ng kultura ang makahadlang sa Ebanghelyo.

 

Sa kanluran na mga bansa kung ang bagong nahikayat ay dapat iwanan ang kanyang sariling pamilya dahil sa pagbabagong loob, siya ay sumasama sa ibang katulad niya sa Iglesya.  Silang lahat ay nagsasalita ng parehong lengguwahe at mayroong parehong kultura.  Ngunit sa ibang mga bansa kung saan ang ibig sabihin ng Kristiyanismo ay pag-alis sa iyong angkan para sumama sa ibang grupo, ang Ebanghelyo ay mabagal na kakalat.  Ang ibang mga kultura ay “communal” sa natural kaysa mga bayan sa kanluran.  Sa tribo, “caste”, angkan, at ang grupo ay mahalagang mahalaga.

 

Sa Bagong Tipan kung ang isang tao ay naging Kristiyano hindi ibig sabihin nito na siya ay aalis mula sa kinaugalian ng Hudyo. Gayun din sa Pagano hindi niya dapat gawin ang kinaugalian ng Hudyo (katulad ng pagtutuli). Nuong una nagkaroon ng suliranin sa mga Hudyo na gustong ipatupad ang kultura na kinakailangan sa mga Pagano na nagbagong-loob.  Subalit sabi ni Pablo hindi kinakailangan ang mga pamatok na ito. Mababasa mo ang talakayan at pagpapasiya ng konseho ng Iglesya sa bagay na ito sa Mga Gawa 15.

 

(Pansinin:  Kung ating pinag-uusapan ang “kultura” ang ating tinutukoy ay mga paraan ng kaugalian na nagiiba-iba  mula sa iba’t ibang grupo na hindi sumusuway sa moral na batas ng Salita Ng Dios.  Ang makasalanan na mga ginagawa ay hindi kailanman katanggap-tanggap).

 

ORAS:

 

Si Pablo ay nakiayon sa ginugol na panahon sa iba’t ibang kultura ayon sa pangangailangan.  Sa ibang mga lugar siya ay nanatili sa kakaunting mga araw. (Mga Gawa 21:4).  Sa ibang mga lugar siya ay nagministeryo ng “mahabang panahon” (Mga Gawa 14:28). Siya ay kilos ng kilos at ang kanyang “schedule” ay pinangungunahan Ng Espiritu Santo.

 

PANGMARAMIHAN NA PAKIKIPAG-USAP:

 

Ipinangaral ni Pablo ang Ebanghelyo sa pamamagitan ng pangmaramihan na pagsasalita.  Kinuha niya ang pagkakataon na kausapin ang malalaking pangkat ng mga tao:

 

At nangyari sa Iconio na sila’y magkasamang nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa’t nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego. (Mga Gawa 14:1)

 

PAGDIDISIPOLO:

 

Si Pablo ay nangaral sa maraming tao ngunit alam niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng kanyang buhay sa kakaunting susing mga tao na maaring magturo sa iba. Si Timoteo ang isa sa mga taong ito at si Tito at kahit si Juan Marcos, na minsan na tumanggi para sa pagsasanay ng pagdi-disipolo (Mga gawa 15:36-40).  Kay Pablo ipinahayag Ng Espiritu Santo ang plano Ng Dios para sa bawa’t mananampalataya na espirituwal na dumami (II Timoteo 2:2).

 

Ang paggawa kasama ang ibang mga mananampalataya katulad ni Barnabas at Silas, kasama ang mga disipolo na kanyang sinanay, ay malaking naitulong sa pagpaparami ng ministeryo ni Apostol Pablo.  Sa kanyang ikalawa at ikatlong paglalakbay sa misyon, inilista ni Pablo ang tulong ng mga kamanggagawa na katutubo sa kanilang rehiyon kung saan nila pinag planuhan na maglingkod.

 

Ito ang isang susing prinsipyo . Ang mga Africano ang pinakamabuting makaaabot sa mga Africano. Ang mga Indians ang pinakamabuting makaaabot sa kanilang sariling mga tao.  Ang mga Asyano ang pinakamabuting makapapasok sa kanilang sariling kontinente ng Ebanghelyo.  Nagsasalita sila ng kanilang salita, nauunawaan ang mga kinaugalian, at naka akma na sa istilo ng buhay.

 

NAG-SASARILING IGLESYA:

 

Si Pablo ay nagtanim/nagsimula ng nagsasariling mga iglesya.  Kahit sila ay may kaugnayan sa “mother” na iglesya na tungkol sa pagtitipon at liderato, hindi sila nakaasa sa pangunahing iglesya.  Hindi kumuha ng suporta si Pablo mula sa mga iglesya ng misyon, wala ring naisulat kahit anumang talaan na siya ay nagbigay ng suporta sa bagong gawain sa ibang mga kultura.  Siya ay nagtayo ng mga sariling-sumusuporta na mga iglesya na may kakayahan na balikatin ang gawain ng Ebanghelyo na hindi umaasa sa pinansiyal na suporta galing sa labas.

 

Ang lahat ng pinanasiyal na pangangailangan para sa pagpapatuloy ng pagkakaroon ng bagong iglesya, dapat ang lahat ng tao ay kayang pamahalaan ang kanilang mga kalakal. Kung ang iglesya ay tumatanggap ng suporta mula sa ibang iglesya, denominsyon, o mga mananampalataya sa ibang bansa ito ay umaasa sa kanila. Kung ang sumusuportang iglesya o denominasyon ay bumagsak, ang bagong iglesya ay babagsak din.  Kung ang kaugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay mahigpit , ang iglesya ay makakaranas ng mga kahirapan kung ang suporta ay matitigil mula sa ibang bansa .

 

Parehong Panginoon ang gumawa sa tubig na maging alak at ang nagparami ng kaunting tinapay at mga isda para pakainin ang maraming tao, ay tiyak na mayroong kakayahan na mag pundar ng kinakailangan na pondo para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo

 

Ang kapangyarihan na gamitin ang espirituwal na mga kaloob ay dapat ibigay sa bagong iglesya kaagad, na may liderato na itinayo mula sa bagong kongregasyon. Nang si Pablo ay pumili ng mga matanda, sila ay napili mula sa mga tao , hindi galing sa ibang mga rehiyon:

 

Dahil dito’y iniwan kita sa Creta upang husayin mo ang mga bagay na nagkulang, at maghalal ng mga matanda sa bawat bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo. (Tito 1:5)

 

Isinama ni Pablo ang bagong mga iglesya sa lahat ng bahagi ng pagabot sa labas kasama ang panalangin, pagbibigay, at bilang kamanggagawa sa pagpapalawak, pagdagdag at paglago sa pagmimisyon ng iglesya (tingnan ang Mga Gawa 20:4; Efeso 6:19;  Filipos 1:5,7;  4:14-16).

 

Ang bawat iglesya na itinayo ni Pablo ay bagong sentro ng espirituwal na pagpaparami.

 

Sapagkat mula sa inyo’y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios. (I Tesalonica 1:8)

 

Itinatatag ni Pablo ang mga bagong iglesya sa Salita Ng Dios at sa Bato, Si Jesu Cristo.  Hindi niya ito itinatag sa isang organisasyon o denominasyon o sa kanyang sariling personalidad.  Ang pagtatayo ng nagiisa ay hindi nagsasanay para sa kalayaan.

 

 

 

ANG BUOD NG MGA URI NG PAGLAGO NG IGLESYA

 

Sa mga ilan na mga huling kabanata iyong natutuhan kung paano ang iglesya ay nagparami sa pamamagitan ng panloob, paglawak, pagdagdag, at paglago sa pagmimisyon.

 

Pag-aralan ang sumusunod na krokis. Ibinuod ng mga krokis na ito ang mga uri ng paglago ng iglesya.  Ang mga bilog ay kumakatawan sa iglesya sa iyong sariling kultura. Ang parisukat ay iglesya sa ibang kultura.

 

Panloob na Paglago:

Espirituwal na paglago sa loob ng iglesya.

 

           

                                                                                                                                               

                                                                                                                                               

 

           

Paglawak na Paglago:

Paglago sa mga bilang.                                 

 












 

 

 

 


Pagdagdag:

Pagtatanim/pagsisimula ng bagong iglesya sa magkatulad nakultura.

 

 

 

 


 Paglago sa Pagmimisyon:

Pagtatanim/pagsisimula ng bagong iglesya sa ibang kultura.

 

                                                                                                                                               

                                                                                                                                                           

                                                                                                                                                           

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.       Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

2.       Ano ang ibig sabihin ng “ paglago sa pagmimisyon” ng iglesya?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

3.       Magbigay ng mga reperensiya sa Biblia na nagpapatunay ng plano Ng Dios para sa “paglago sa pagmimisyon” ng iglesya.

 

________________________________________

 

 

4.         Sino ang susing lider sa Bagong Tipan sa “ paglago sa pagmimisyon” ng iglesya sa mga Paganong bansa?

 

________________________________________

 

 

5.   Ibuod ang mga paraan na ginamit ni Pablo sa pagpapalawig ng Ebanghelyo sa ibang mga kultura.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Ang iglesya sa Antioquia ay itinanim ng iglesya sa Jerusalem.  Pagkatapos ng pag-uusig ni Esteban, maraming mananampalataya ang naiwan sa Jerusalem. Ang iba ay nagpunta sa bayan ng Antioquia sa Syria, ang ikatlong pinakamalaking bayan sa Emperyo ng Roma. Doon sila nagtatag ng iglesya (Mga Gawa 11:19-21).

 

Ang mga disipolo ay unang tinawag sa mga Kristiyano sa Antioquia. Ito ang unang iglesya kung saan ang “hindi Hudyo” ay marami sa pagtitipon.  Mukhang ang mga Griego ang pangunahing mga tao sa iglesya. Ang Antioquia ay kagyat na naging bagong sentro ng Bagong Tipan na mga iglesya.  Ang ministeryo na mayroon tayo ngayon ay nakatanggap ng tatak ng Antioquia, hindi ang Jerusalem dahil sa kakitiran ng konsepto ng pagabot sa mga kultura lamang ng Hudyo.

 

2.    Ang paglaganap ng Ebangjhelyo ni Pablo sa ibang mga iglesya ay karaniwang ibinuod sa tatlong misyonerong paglalakbay:

 

Ang unang paglalakbay:                                                Mga Gawa 13: 1-14:28

Ang ikalawang paglalakbay                                           Mga Gawa 15:36-18:22

Ang ikatlong paglalakbay:                                             Mga Gawa 18:23-21:14

 

3.    Basahin ang personal na patotoo ni Pablo sa Mga Gawa 22:

 

Bago ang pagkahikayat Kay Cristo:                              Mga Gawa 22:3-5

            Pagkahikayat:                                                               Mga Gawa 22:6-11

            Ang kanyang pangkalahatang ministeryo:                       Mga Gawa 22:12-16

            Ang kanyang natatanging misyon:                                  Mga Gawa 22:17-21

 

4.  Pag-aralan ang tungkol sa takbo na sinunod ni Pablo sa bawat bayan sa pagbabalik-aral ng mga pangyayari sa Efeso:

 

            Ang mga taong kinausap:                                              Mga Gawa 18:19; 19:1,8,9

            Ang pangangaral ng Ebanghelyo:                                   Mga Gawa 19:4,9,10

            Ang mga taga-pakinig ay nagbagong-loob:                    Mga Gawa 19:5,18

            Ang pagtitipon sa mga mananampalataya:                      Mga Gawa 19:9-10

            Ang pananampalataya ay pinatotohanan:                        Mga Gawa  20:20,27

            Ang lider ay itinalaga:                                                    Mga Gawa20:17,28:I;Timoteo 1:3,4

            Ang iglesya ay ipinagkatiwala:                                       Mga Gawa 20:17; Efeso1:1-3, 15,16

 

5.  Ang paglago ba sa pagmimisyon ng Bagong Tipan ng iglesya ay mabisa?  Siyasatin ang talaan:

 

…Nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon (Samaria): Mga Gawa 8:8

 

…Nakita siya ng lahat ng nakatira kay Lida at Saron, at nanampalataya sila Sa Panginoon:

    Mga Gawa 9:35

 

… Ang Salita Ng Panginoon ay nagpatuloy na lumago at lumaganap:  Mga Gawa 12:24

 

… Kaya’t lumaganap ang Salita Ng Dios sa buong lupain:  Mga Gawa 13:49

 

…Ang mga iglesya ay lumakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw: 

   Mga Gawa 16:5

 

…Ang lahat ng nakatira sa Asia ay nakarinig ng Salita Ng Panginoon, ang mga Hudyo at mga Griego:  Mga Gawa 19:10

 

…Ang Salita Ng Panginoon ay lumalagong toto at nanaig:  Mga Gawa 19:20

 

…Buhat sa Jerusalem at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay ipinangaral  ni Pablo ang Ebanghelyo Ni Cristo:  Romna 15:19

 

6.  Ang sosyal at heograpiyang larangan ng mga nahikayat sa Mga Gawa ay nagpapahayag kung paano ang Bagong Tipan na iglesya ay tumawid sa sosyal, kultura, at tinawid  ang mga bansa para madala ang Ebanghelyo.  Kasama sa bahagi ng talaan ay mga taong katulad nina:

 

            -Barnabas, ang mayaman na Levita mula sa Chipre (4:36-37)

            -Esteban, isang “Hellenist”, isang lalaking marunong (6:5,8-10; 7:1-53)

            -Ang Etiopeng eunuko na may dakilang kapangyarihan (8:27)

            -Saul, isang Pariseo at iskolar (9:1)

            -Cornelius isang centurion sa Roma ng Cesarea (10:1-48)

            -Simeon,Lucius, Manaaen ng Antioquia.(13:1)

            -Sergio Paulo, Gobernador ng Roma sa Pafos (10:1-48)

            -Lydia, mangangalakal, ng Tiatira ( 16:14-15)

            -Bantay bilangguan sa Filipos (16:27-34)

            -Pangunahing babae sa Tesalonica (17:4)

            -Dionisio ng Atenas (17:34)

            -Aquila at Prisila ng Ponto ( 18:3)

            -Hudyong galing sa Alejandria na may kapangyarihan (18:24-28)

            -Publio, pinuno ng pulo ng Malta (28:7-10)

            -(Tingnan din si Estefanas ng Corinto  I Corinto 1:16 at Filemon ng Colosa Filemon 1-2)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-SAMPUNG KABANATA

           

MGA PAGPAPASIYA O MGA DISIPULO

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibagay ang kahulugan ng salitang “pagkahikayat.”

·                    Ibigay ang kahulugan ng salitang “disipulo.”

·                    Ibuod ang tatlong mahalagang aspeto ng tawag sa “discipleship”.

·                    Kilalanin ang siyam na mga prinsipyo ng “discipleship” na ipinahayag sa pag-aaral tungkol Kay Jesus at sa Kanyang mga disipulo.

·                    Isulat ang siyam na mga katangian ng tunay na disipulo Ni Jesu Cristo.

·                    Ipaliwanag ang tunay na pagsubok ng  “discipleship”.

 

SUSING TALATA:

 

Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. (Mateo 16:24)

           

PAMBUNGAD

 

Madalas mong marinig ang “Dakilang Utos” Ni Jesus, ngunit nauunawaan mo ba ang tunay  na misyon na aktuwal na ibinigay Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod?  Ang utos ba ay basta mahikayat ang bagong mga nahikayat?  Kanya bang hinamon sila na gumawa ng pagtitipon sa lunsod at magtayo ng malaking mga gusali ng iglesya?  Sinabi ba Niya ang prayoridad ay ang pagpapakain at pagbibigay ng maisusuot sa mahihirap?

 

Ating muling basahin ang Kanyang tagubilin:

 

Dahil dito magsiayon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

 

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo28:19-20)

 

Ang prayoridad ay humayo sa lahat ng mga bansa, turuan sila ng Ebanghelyo, bautismuhan sila, at maglaan ng dagdag na “follow-up” na pagtuturo sa lahat ng iniutos Ni Jesus.

 

Ito ang prayoridad.  Ito pa rin ang dapat na prayoridad.  Maaari mong gugulin ang iyong buhay sa maraming iba’t ibang mga paraan.  Maaari kang gumawa ng mabuting mga gawa katulad ng pagtulong sa mahirap.  Maaari kang magtayo ng malaking gusali ng iglesya.  Maaari kang mangasiwa ng malaking mga pagtitipon ng relihiyon.

 

Ngunit dapat mong gawin ang isang bagay kung nais mong matupad ang misyon Ni Jesus:  Dapat kang makilahok sa pagabot sa lahat ng mga bansa ng mensahe ng Ebanghelyo.  Ang lahat ng ibang gawain- katulad ng pagmiministeryo sa mahirap, pagtatayo ng mga iglesya, at iba pa – ay angkop lamang kung ito ay makatutulong sa prayoridad na ito.

 

Subalit ang pagabot na ito sa lahat ng mga bansa ay mahigit pa sa pagdadala sa lugar ng pagpapasiya para Kay Jesu Cristo.  Para magawa ang Dakilang Utos dapat kang umunlad higit sa pagpapasiya na maging disipolo.

 

PAGPAPASIYA O DISIPULO?

 

Dalawang uri ng pagtuturo ang napapaloob sa utos Ni Jesus:

 

UNA:  TURUAN PARA MAAKAY ANG MGA LALAKE AT BABAE PARA SA KALIGTASAN:

 

Dapat marinig ng mga tao ang Ebanghelyo para tumugon sila , magsisi mula sa kasalanan, at maging “born again”. Ang pagtuturong ito ay tinatawag na “paghihikayat”:

 

Dahil dito magsiayon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. (Mateo 28:19)

 

Kung minsan ang bagong mga mananampalataya ay tinatawag na “nahikayat.” Ang nahikayat ay mananampalataya Ni Jesus na naging “born again” sa pananampalataya at naging bahagi ng Kaharian Ng Dios.  (Ang Harvestime International Institute na kurso “Paghihikayat Ng Kaluluwa na Mistulang Pagkalat Ng Lebadura” ay nagbibigay ng pagsasanay kung paano manghikayat at magtayo ng bagong mga nahikayat.)

 

IKALAWA:  PAGTUTURO PAGKATAPOS NG PAGKAHIKAYAT:

 

Pagkatapos na ikaw ay maturuan ng Ebanghelyo at lumapit KAY Jesus, dapat mong matutuhan kung paano sumunod sa Kanya:

 

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:20)

 

Pagkatapos ng pagkahikayat at bautismo ang misyon Ni Jesus ay nagpapahayag ng dagdag na pagtuturo. Ang bagong nahikayat ay dapat maturuan ng lahat ng itinuro Ni Jesus.  Ang prosesong ito ay tinatawag kung minsan na “following-up” o “shepherding” sa isang mananampalataya.  Ito ay tinatawag din na “discipleship.”

 

ANG KAHULUGAN NG “DISCIPLESHIP”

 

Ang plano Ni Jesus ay iyong maakay ang mga nahikayat sa “discipleship.”  Ang isang disipulo ay isang nahikayat naitatag sa mga pangunahing pananampalataya ng Kristiyano at may kakayahan na magtayo ng bagong mga nahikayat at turuan silang maging disipolo.  Ang ibig sabihin ng salitang “disipulo” ay mag-aaral, isang estudyante, isang tao na natuto sa pamamagitan ng pagsunod.  Ito ay higit sa kaalaman sa isip. Ang pagkatuto ang nagbabago sa uri ng pamumuhay ng isang tao.

 

ANG PAGPAPASIYA/ PAG-INOG NG DISIPULO

 

Ang pagpapasiya ay unang hakbang ng tunay na “discipleship.” Ang mga nahikayat ay dapat umunlad sa kabila ng pagpapasiya na maging responsableng kaanib ng katawan Ni Cristo na may kakayahang magtindig ng ibang bagong mga mananampalataya. Ang mga bagong nahikayat ay mahalaga, ngunit ang pagsasanay ng mga lalake at babae para sumunod Kay Jesus at espirituwal na magbunga ay parehong mahalaga.  Ang bawa’t isang iyong masanay ay manghihikayat ng iba, turuan silang maging disipulo, at sanayin silang umabot sa iba.

 

Ito ang “discipleship” na plano batay sa Biblia na ipinakita Ni Jesus.  Pumili Siya ng labing dalawang lalake, na tinuruan na maging disipulo, at sinanay sila na umabot sa iba.  Tulad ng iyong natutuhan sa Ika-apat na Kabanata ng kursong ito, ang resulta ng “bawa’t isa ay -magturo ng isa” ay pagpaparami ng mga mananampalataya, iglesya, at denominasyon.

 

Subalit panatilihin na palaging maliwanag ang layunin:  Hindi nagtuturo ng disipulo para magtayo ng iyong sariling ministeryo o denominasyon.  Ang pakay ng pagtuturo ng disipulo ay para maabot ang lahat ng mga bansa para Kay Jesu Cristo.

 

Ang pagtupad ng Dakilang Utos ay nakasalalay hindi masyado sa mas mabuting paraan at dakilang teknolohiya, ngunit sa pagpapaunlad ng mga “committed” na mga disipulo.  Ang mga sumusunod na krokis ay naglalarawan ng nagpapatuloy na pag-inog ng panghihikayat at “discipleship.”:

 

Panghihikayat – Nahikayat- “Discipling”- Mga Disipulo

    Panghihikayat – Nahikayat- “Discipling”- Mga Disipulo

    Panghihikayat – Nahikayat- “Discipling”- Mga Disipulo

- - - - - - - -

ANG PAGPAPATULOY NA PAG-INOG

 

Ang resulta ng panghihikayat ay bagong mga nahikayat. Ang resulta ng “discipling” ay mga disipulo na may kakayahang mag-ebanghelyo, magbunga ng mga bagong nahikayat, at turuan na sila ay maging disipulo.  Ang pag-inog ay magpapatuloy para maulit ang magkatulad na halimbawa.

 

ANG TAWAG SA “DISCIPLESHIP”

 

Basahin ang Lucas 9: 57-62 sa iyong Biblia.  Sa talatang ito tatlong lalake ang lumapit Kay Jesus na nagnanais na maging disipulo. Sa bawat isa, ipinahayag Ni Jesus ang iba’t ibang aspeto ng kung ano ang napapaloob sa tawag ng “discipleship”:

 

1.  ALALAHANIN ANG HALAGA:  (Lucas 9:57-58)

 

Ang unang lalake ay susunod Kay Jesus na hindi naghihintay na tawagin siya.  Sinubukan niya na maging isang disipulo sa pamamagitan ng kanyang sariling –kakayahan.  Pinaalalahanan siya Ni Jesus na hindi niya nauunawaan ang kahulugan ng “discipleship.” Ang “discipleship” ay hindi iniaalok ng tao Sa Dios. Ito ay tawag Ng Dios sa tao.

 

Sinabi Ni Jesus, “Kung susunod ka sa Akin, ito ang iyong haharapin.” Ipinaliwanag Niya na ang tunay na“discipleship” ay mahalaga. Hindi ito makakamit sa pamamagitan ng sariling kakayahan.

 

2.  TAMANG PRAYORIDAD:  (Lucas 9:59-60)

 

Ang ikalawang lalake ay tinawag Ni Jesus na “sumunod.” Ang ibig sabihin ng “sumunod” ay sundan ang nasa harapan, para gayahin ang halimbawa. Dito napapaloob ang parehong paniniwala at pagsunod.  Nang tinawag Ni Jesus ang Kanyang labingdalawang mga  disipulo, inutusan Niya silang pumarito at sumunod.  Hindi Niya ibinigay ang balangkas ng paraan ng paglilingkod. Hindi Siya nagbigay ng detalyadong programa para sa buhay.

 

Dapat na iwanan ng disipulo ang dating buhay dahil sa tawag lamang.  Anong pagpapasiya at paghihiwalay at pagsasakripisyo ang hinihiling  na nananatiling hindi alam. Ang mga tagasunod ay umaalis sa buhay ng kasiguruhan para sa isa na walang kasiguruhan sa tingin ng mundo. Ang pagtatalaga ay hindi isang programa, kundi sa isang tao. Ang taong Ito ay Ang Panginoong Jesu Cristo.

 

Sa mga talata sa Lucas, ang tugon ng lalakeng ito sa tawag ng sumunod ay “hayaan Mo muna ako…”  Nais niyang sumunod Kay Jesus, ngunit hindi ito ang kanyang prayoridad.  Hindi iminumungkahi Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na huwag pansinin ang mga pangangailangan ng kanyang mga magulang (tingnan ang Juan 19:25-27). Ito ay bagay na may kinalaman sa mga prayoridad na binigyang diin sa kuwentong ito.  Ang lalaking ito ay nais na ilibing muna ang kanyang ama. Sa kritikal na pagkakataon nang tinawag Ni Jesus ang lalake para sumunod sa Kanya, walang anomang dapat mauna bago sa tugon sa tawag na iyon.

 

Sa ibang talata, ipinaliwanag Ni Jesus ng mas detalye  kung ano ang napapaloob sa”pagsunod”:

 

Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. (Mateo 16:24)

Ang pagtanggi sa sarili ay dapat na mauna bago mo mapasan ang iyong krus.  Ang lumang makasarili at makasalanang likas ay dapat tanggihan ( Basahin ang Roma 7-8 tungkol sa  pagpupunyagi ni Pablo sa bagay na ito).  Pagkatapos iyong pasanin ang krus. Ang krus ay simbolo ng pagsasakripisyo, sakit, pagtanggi, insulto, at paghihirap na napapaloob sa paggawa ng kalooban Ng Dios.  Ang krus ay maaaring tawag sa kamatayan ng “ isang martir” para sa kapakanan ng Ebanghelyo.

 

Ang “pagpasan ng krus”  ay hindi tumutukoy sa mga suliranin ng buhay.  Ang mga ito ay natural sa mga tao. Ang mga ito ay pagdadalamhati, mga pagsubok, kabiguan, at kapighatian dahil sa buhay sa makasalanang mundo. Ang mga mananampalataya ay hindi ligtas mula sa mga suliranin ng buhay.  Siya ay nakakaranas ng karamdaman, aksidente, sunog, at natural na mga panganib dahil siya ay namumuhay sa mundo na nadungisan ng kasalanan. Ngunit ang mga suliranin na ito ay hindi”pagdadala ng krus.” Ang pagdadala ng krus ay kusang loob, hindi iginiit ng suliranin ng buhay. Ito ay patuloy na (araw-araw) na pagpili na tanggihan ang mga naisin ng sarili para magawa ang kalooban Ng Dios.

 

Ang pag-dadala ng krus ay kinakailangan sa “discipleship”. Sinabi Ni Jesus, “Ang sinoman na hindi magdala ng kanyang krus at sumunod sa Akin, ay hindi maaring maging disipulo Ko.”  Ang pagdadala ng krus ay hindi kaaya-aya dahil ito ay napapaloob ng sariling pagsasakripisyo. Ngunit ito ay dapat gawin ng kusa para sa kapakanan Ni Cristo para maging disipulo Niya.

 

Para madala ang krus, dapat walang laman ang iyong kamay ng mga bagay ng mundo.  Kung ang iyong puso ay nakatuon sa salapi at mga materyal na mga bagay, ang iyong kamay ay punong-puno para pasanin ang krus. Kung ang iyong oras ay nauubos sa kaaliwan at ang mga bagay na kasiya-siya sa laman, ang iyong kamay ay punong-puno para pasanin ang krus. Pagkatapos na tanggihan ang sarili at pasanin ang krus, ang susunod na hakbang ay para sumunod.  Dapat mong iwan ang lumang uri ng pamumuhay at lumang makasalanan na mga kaugnayan.

 

Hindi ka makapapasok sa “discipleship” sa pag-upo at paghihintay na ito ay mangyari.  Dapat MONG gawin ang unang hakbang:  Tanggihan ang iyong sarili, pasanin ang krus, at sumunod.  Si Mateo ay maaaring manatili sa pagiging maniningail ng buwis at si Pedro sa kanyang mga lambat. Maaari nilang ipagpatuloy ang kanilang mga kalakal ng matapat at marahil makakaranas ng “espirituwal“ na mga karanasan. Ngunit kung gusto nilang sumunod sa tunay na “discipleship” dapat nilang iwan ang kanilang lumang kalagayan at pumasok sa bago. Kailangan na iwan ni Mateo ang paniningil ng buwis at si Pedro ang kanyang pangingisda.

 

Hindi ibig sabihin nito ang bawa’t disipulo ay dapat na umalis sa kanilang mga trabaho at tahanan.  Ang ibig sabihin nito sa lahat ay hinihiling nito ang pagababgo ng uri ng pamumuhay.  Sa ibang mga kaso maaari na ang ibig sabihin ay iwanan ang kanilang tahanan, mga trabaho at mga mahal sa buhay para sa kapakanan ng Ebanghelyo. Dapat mong sundin saan ka man ipinadadala Ni Jesus.  Dapat maging prayoridad ang “discipleship”.

 

3.  TIYAK NA MGA LAYUNIN:  (Lucas 9:61-62)

 

Ang ikatlong lalake sa Lucas 9:52-62 ay nagnanais na sumunod , ngunit nais niya na gawin ito sa kanyang sariling paraan. Pagtawad na magpaalam muna sa kaniyang pamilya ay normal na gawin, ngunit tinawag siya Ni Jesus na sumunod. Ano ang tunay na layunin niya sa kanyang buhay?  Ang “discipleship” o gawin ang kanyang sariling Gawain?  Ang layunin ng lalaking ito sa kanyang buhay ay hindi tiyak. Pinipiit niya sa pagitan ng dating buhay at sa bagong tawag Ni Jesus.

 

ANG PARAAN AT MENSAHE NG MGA DISIPULO

 

Ang tawag sa “discipleship” ay napapaloob ng pagtatalaga sa pagtuturo sa lahat ng mga bansa.  Ang paraan ng disipulo at para maging saksi.  Sinabi Ni Jesus, “Kayo ay dapat na maging Aking mga saksi”  (Mga Gawa 1L8).  Ang tuon ay hindi masyado sa kung ano ang kanilang gagawin sa halip na ano sila dapat na maging. Kung ano ang kanilang ginawa ay lumago at sila ay naging.

 

Hanggang sa huli , ipinalagay ng mga tagasunod Ni Jesus na sila ay mga saksi. Tungo sa pagtatapos ng buhay niya, Sinabi Ni Pablo:

 

Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na...

 

Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil. (Mga Gawa 26:22-23)

 

Ang pagsaksi para sa mga disipulo ay pangangaral, pagtuturo, pagbautismo, at pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios sa pamamagitan ng mga himala  at mga pagpapagaling.  Ang mensahe ng kanilang pagsaksi ay ang Kaharian Ng Dios:

 

At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa boong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas. (Mateo 24:14)

 

Ibinuod ni Pablo ang pangunahing mga elemento ng Ebanghelyo:

 

Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang sa akin namang tinanggap; na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan;

 

At siya’y inilibing ; at siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. (I Corinto 15:3-4)

 

Ito ang tinatawag ni Pablo na ang “katotohan ng Ebanghelyo” (Galacia 2:5).  Ang alin mang iba na mensahe ay hindi katanggaptanggap ( Galacia 1:8).

 

SI JESUS AT ANG “DISCIPLESHIP”

 

Si Jesus ay mayroon lamang 3 ½ taon ng ministeryo para gawin ang gawain Ng Dios kung kaya Siya ay isinugo. Ito ay napakalaking gawain.  Kanya lamang na bisita ang kakaunting mga lugar sa maikling panahon at naabot ang limitadong bilang nga mga tao.

 

Para makasiguro na matapos ang Kanyang misyon, ginawa Ni Jesus ang prayoridad ng “discipleship”.  Kilala Niya ang Kanyang mga disipulo at ang kanilang mga disipulo ay makaaabot ng maraming mga isla at mga lunsod na hindi Siya kailanman nagkaroon ng pagkakataon na mabisita.

 

Maaaring gugulin Ni Jesus ang lahat ng Kanyang panahon sa pagpapakain at pagbibigay ng kasuotan sa mahihirap. Maaari Siyang nagtayo ng malaking gusali ng iglesya sa Jerusalem. Maraming mga paraan na maaari Niyang gamitin. Ngunit pinili Niya ang pinakadakilang susi ng espirituwal na pagpaparami.  Alam Niya ang pag lalaan ng Kanyang buhay sa kakaunting tapat na mga lalake ang proseso ng pagpaparami ay magsisimula at hindi ito kailanman magtatapos.  Ang Kanyang alalahanin ay hindi ang mga programa para maabot ang maraming tao, ngunit sa mga lalaking may kakayahan na maabot ang masa.

 

Hindi mahalaga kung anong bansa ka nakatira, kung ikaw ay nakatira sa malaking lunsod o malayong isla, ikaw ay nakarinig ng Ebanghelyo dahil sa katapatan ng disipulo Ni Jesus. Kung atin babakasin sa kasaysayan ang daan kung paano ang Ebanghelyo ay lumaganap hanggang maabot ka, ang daan ay babalik sa isa sa tunay na tagasunod Ni Jesus.

 

Si Jesus ang iyong modelo para sa “discipleship.” Kung iyong susundin ang Kanyang modelo, iyong mapagtatanto ang pamumunga ng mga disipulo ay hindi resulta ng maikling “seminar”. Si Jesus ay nagbigay ng prayoridad na panahon para sa “discipling.”

 

Sa pagaaral ng kaugnayan Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod,  mga ilang prinsipyo ng “discipleship” ang ipinahayag.  Ang mga ito ay mahalaga sa proseso ng “discipleship”:

 

1.  PAGPILI:

 

Ang paghirang sa 12  mga Disipulo ay naka sulat sa Mateo 5:1;  10:2-4; Marcos 3:13-19;  at Lucas 6:12-16.Ang paghirang sa 70 ay nakasulat sa Lucas 10:1-16.  Ang pagpili ang unang hakbang  sa proseso ng “discipleship”.  Nang pumili Si Jesus ng mga disipulo, tinawag Niya ang mga karaniwang tao. Ang iba ay hindi nakapag-aral at ang lahat ay nagkamali at mga nabigo.

 

Nasabi na kung ang orihinal na 12 na mga disipulo ay sinuri ng lupon ng misyon ng iglesya sa panahon ngayon, sila ay hindi mapipili para sa paglilingkod bilang misyonero. Ngunit Si Jesus ay gumagawa batay sa potensiyal, hindi sa mga problema.  Hindi Siya pumili ng mga lalake at babae dahil kung ano sila, kundi kung ano ang mangyayari sa kanila.  Tumingin siya higit sa mga suliranin sa kanilang potensiyal.

 

Ang bawa’t nahikayat ay dapat madisipulo ng isang tao., ngunit hindi ka maaaring mag “disciple” ng bawa’t isa.  Ikaw ay nagiisa at limitado sa bilang na kaya mong ma”disciple” sa anumang pagkakataon.  Kaya nga ang “discipleship” ay dapat gawin sa konteksto ng lokal na iglesya.  Ang pastor ay makakasiguro na ang bawa’t bagong nahikayat ay maayos na ma-“disciple” ng isang ganap na mananampalataya.

 

Paano Si Jesus ay nagpasiya kung sino ang pipilin bilang mga disipulo?

 

Una,  sa pag depende Sa Dios:

 

Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili...sapagkat hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi and kalooban niyaong nagsugo sa akin. (Juan 5:30)

 

Ikalawa,  Ginawa Niya sa pamamagitan ng panalangin.  Nakasulat sa Lucas 6:12-13 na Si Jesus ay naggugol ng buong gabi sa panalangin bago Siya pumili ng mga lalake na Kanyang sasanayin bilang mga disipulo.

 

Ikatlo,  Si Jesus ang nagkusa na tawagin ang Kanyang mga disipulo. Ang mga tao ay hindi sasama sa iyo para maging mga disipulo Ni Jesus. Dapat kang magkusa na tawagin sila. Sa pamamagitan ng kapangyarihan Ng Dios dapat kang “gumawa” ng mga disipulo.

 

Ika-apat,  Niliwanag Ni Jesus kung ano ang napapaloob sa “discipleship.”  Tulad ng iyong natutuhan, ang mga disipulo ay dapat isaalang-alang ang halaga, magkaroon ng tamang prayoridad, at gawin ang “discipleship” ang tiyak na layunin ng kanilang buhay.

 

Napapaloob din sa “discipleship” ang katapatan at kakayahan na makapagturo sa iba.  Sinabi ni Pablo kay Timoteo na pumili ng tapat na mga lalake at italaga sa kanila ang mga bagay na naituro sa kanya. Ang tapat na mga lalake ay dapat na may kakayahan na makapagturo ng iba.  Ang dalawang katangian na ito ang mahalaga sa proseso ng pagpaparami. Kung ang tao ay hindi tapat, hindi niya matutupad ang kanyang responsabilidad sa espirituwal na pamumunga.  Kung siya ay tapat ngunit hindi alam kung paano ang magturo ng iba, siya ay mabibigo rin.

 

May sinasabi rin si Pablo tungkol sa mga mananampalataya na maaaring makapagturo sa iba ngunit hindi pa espirituwal na ganap para magawa nila ito. Ang mga taong ito ay hindi pa handa para sa tunay na “discipleship.” Sila ay dapat na madagdagan na maturuan sa mga pangunahin ng pananampalataya.  Ang “discipleship” ay tumatawag para sa mga “tapat na lalake, na maaaring makapagturo rin ng iba.”

 

Ang mga tapat na lalake ay hindi kinakailangang walang pagkakamali na mga lalake.  Huwag ipagkamali ang “discipleship” sa kaganapan. Huwag ituon ang pansin sa mga suliranin sa buhay ng maraming mga disipulo. Tingnan ang kanilang potensiyal. Ang “discipleship” ay proseso na nagaakay sa “kaganapan ng mga banal” na inilarawan sa Efeso 4.  Kahit nga “tapat na lalake” ay mayroong mga suliranin at kahinaan para mapagtagumpayan katulad ng mga orihinal na mga disipulo.

 

Ang mundo ay kinukuha ang mga matatalinong lalake at susubukan na bigyan sila ng karangalan. Sila ay nakatuon na gawin silang propesyonal. Ang sabi Ng Dios pumili ng “tapat na mga lalake” na may karangalan at Kanyang bibigyan sila ng kapangyarihan na espirituwal na mga katalinuhan at kakayahan.  Ang tapat na mga lalake ay maaasahan para magawa ang mga layunin Ng Dios. Nang tinawag Ni Jesus si Simon at Andres, ”madali” nilang iniwan ang kanilang mga lambat.  Ang salitang “madali” ay nagpapahayag na sila ay laan.

 

Kung ikaw ay pipili ng mga lalake at babae para i -“disciple”, dapat silang maging laan. Dapat silang maging laan para gawin ang “discipleship” na prayoridad ng kanilang mga buhay.  Ang tapat na mga lalake ay na udyukan ng espirituwal na pangitain.  Nang sina Pedro at Andres ay binigyan Ni Jesus ng pangitain na mamamalakaya ng mga lalake at babae, ito ay nagudyok sa kanila na iwan ang kanilang mga lambat.  Ang tapat na mga lalake at babae ay may uhaw para sa Salita Ng Dios, katulad ng mga disipulo Ni Cristo. Ang kanilang mga “puso ay nagiinit sa kanila” habang Siya ay nagbabahagi ng Biblia (Lucas 24:32,45).Sila ay may kusang magigasig na maturuan.

 

2.  PAGSASAMA:

 

Nang tinawag Ni Jesus ang Kanyang mga disipulo, tinawag sila na “sumama sa Kanya.”

Kanyang ibinahagi  ang Kanyang buhay ng malapit sa Kanyang mga disipulo.  Siya ay naggugol ng panahon tulad sa pormal na kalagayan  ng ministeryo  at di pormal na mga pangyayari.  Ang “discipleship” ay hindi mangyayari sa pamamagitan ng pagpupulong ng komite o pagsamba kung Linggo.  Dapat ay mayroong malapit na pagsasama sa iyong mga disipulo. Dapat mong ibahagi ang iyong buhay sa kanila.

 

3.  PAGTATALAGA:

 

Dahil sa pagsama Kay Jesus , ang pagtatalaga ay umunlad.  Tinawag Ni Jesus ang mga disipulo na italaga sa isang Persona, hindi sa denominasyon o organisasyon.  Ang ganitong pagtatalaga Sa Dios ay tinatawag para sa tiyak na pagsunod sa Kanyang Salita at mga layunin ( tingnan ang Juan 4:34;  5:30;  15”10;  17:4; at Lucas 22:42).

 

4.  PANGITAIN:

 

Inudyukan Ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod sa pagbibigay sa kanila ng espirituwal na mga pangitain. Sila ay tinawag sa gawain na dakila higit sa mga gawain sa pangaraw-araw na pamumuhay. Tinawag Niya ang kanyang mga tagasunod para maging mamamalakaya ng mga tao (Mateo 4:19). Binigyan Niya  sila ng pangitain ng espirituwal na pag-aani sa buong mundo (Juan 4:35).  Kanyang hinamon sila sa pahahayag ng Kaharian Ng Dios (Mateo 13).

 

Kung walang pangitain, ang bayan ay sumasama (Kawikaan 29:18). Wala silang direksiyon at walang motibasyon. Dapat kasama sa “discipleship” ang pagpaparating ng espirituwal na pangitain para maudyukan ang mga tao sa misyon.  Ang pangitain ay nasasakupan ang buong mundo ng Kaharian Ng Dios. Huwag kailanman magambala ng hindi mahalagang layunin..

 

5.  PAGTUTURO:

 

Ginugol Ni Jesus ang maraming panahon Niya sa pagtuturo sa Kanyang mga disipulo.  Ang Kanyang pagtuturo ay palaging kaugnay sa pangitain na Kanyang ibinigay sa kanila.  Kung ikaw ay magsasanay ng mga disipulong sumusunod sa halimbawa Ni Jesus, dapat kang magturo kung ano ang itinuro Ni Jesus.  Ito ay bahagi ng Dakilang Utos (Mateo 28:20).  Dapat ang diin ay sa mga turo Ni Jesus at kung ano ang ipinahayag na mga katuruan na ginawa ng unang Iglesya.

 

Ang Harvestime International Institute na “curriculum” ay nagbibigay ng ganitong “discipleship” na pagsasanay.  Sa huling kabanata ng kursong ito, matututuhan mo kung paano magparami sa pamamagitan ng pagtatatag ng dagdag na mga sentro kung saan ang itinuturo ang mga kursong ito.  Ang Harvestime ay nagaalok din ng kursong “ Mga Paraan Ng Pagtuturo” na magsasanay sa iyo para magturo na gamit ang mga paraan Ni Jesus.

 

Habang ikaw ay nagtuturo ng itinuro Ni Jesus, iyong itinuturo ang buong kapahayagan ng Salita Ng Dios dahil ito ay naka batay sa Lumang Tipan, sinabi Ni Jesus:

 

...Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa Mga Awit.

 

...Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at ma- bangong muli sa mga patay sa ikatlong araw.

 

At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.

             (Lucas 24:44, 46-47)

 

6.  PAGPAPAKITA:

 

Si Jesus ay hindi lamang nagturo sa pamamagitan ng pagsasalita.  Kanyang ipinakita kung ano ang Kanyang itinuro. Itinuro Niya ang pagpapagaling at ipinakita ito sa pagpapagaling ng mga may karamdaman. Kanyang itinuro ang kapangyarihan ng mga mananampalataya kay Satanas at ipinakita ito sa pagpapalayas ng mga demonyo. Kanyang itinuro na alalahanin ang mga mahihirap at inilarawan ito sa pagpapakain sa maraming mga tao.

 

Ang mga disipulo ay hindi lamang mag-aaral, sila ay mga saksi at nakita nila ng kanilang mga mata ang kapangyarihan Ng Dios. Makaran ang ilang panahon sinasabi nila itinuturo nila “Ang mga nakita at narinig” bilang “saksi ng mga mata.” (I Juan 1:1).

 

Si Jesus ay nagturo sa pamamagitan ng halimbawa.  Kanyang ipinakikita kung ano ang Kanyang sinabi sa pamamagitan ng kung paano Siya mamuhay at mag ministeryo. Sinabi Niya:

 

Sapagkat kayo’y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo. (Juan 13:15)

 

Ang pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios ay kumikilos para ang mga tao ay makinig sa iyong mensahe:

 

At ang mga karamiha’y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe, pagkarinig nila at pagkakita ng mga tanda na ginawa niya. (Mga Gawa 8:6)

 

Hindi lamang nagsalita si Pablo ng katotohanan ng Ebanghelyo (Galacia 2:5) ngunit ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ( Roma 1:16).  Kanyang diniklara at ipinakita ang Ebanghelyo

( I Corinto 2:1,4)

 

Dahil sa kahalagahan ng pagpapakita ng kapangyarihan sa proseso ng pagpaparami, ang Harvestime International Institute ay may kurso na ang pamagat ay “Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan”  ay nakatuon sa paksang ito.

 

7.  PAKIKILAHOK:

 

Ang kaalaman lamang ay hindi sapat.  Para maging mabisa, ang kaalaman ay dapat na gamitin.  Mayroong panahon para gamitin ito. Ang mga disipulo ay hindi lamang nakinig sa mga katuruan Ni Jesus at inoobserbahan ng kapangyarihan,  sila ay nakilahok.  Ang pagtuturo ng isang paksa ay hindi sapat para makasiguro ng pagkatuto.  Ang pagtuturo lamang ay katulad ng pagsubok na matutong magopera ng utak sa pamamagitan ng pagbasa ng aklat.

 

Ang mga disipulo ay dapat mayroong aktuwal na karanasan sa kanilang natutuhan.  Dapat silang magtamo ng karanasan kung paano magbahagi ng Ebanghelyo,  paano manalangin sa may sakit, paano magpalayas ng mga demonyo, at iba pa. Si Jesus ay naglaan ng ganitong pagkakataon para sa Kanyang mga disipulo.  Basahin ang Marcos 6:7-13 at Lucas 9:1-6.  Isinugo Ni Jesus ang Kanyang mga disipulo para maranasan nila kung ano ang itinuro sa kanila. Siguruhin ang iyong mga disipulo ay sinusunod ang Salita at hindi lamang pinakikinggan ito.

 

8.  PANGANGASIWA:

 

Nang ang mga disipulo Ni Jesus ay bumalik mula sa kanilang paglalakbay sa ministeryo, nagtaya si Jesus sa kanilang mga ginawa (Lucas 9:10). Sa buong proseso ng pagsasanay, pinangasiwaan Ni Jesus ang Kanyang mga disipulo. Hindi sila naiwan na mag-isa sa kanilang pagpupunyagi. Nandoon Siya para iwasto, sumbatan, at hikayatin sila.

 

Hindi mo dapat ipalagay na ang gawain ay magagawa dahil mayroon kang nakikitang mga manggagawa na laan na gagawa at isugo sila na mayroong masayang inaasahan. Dapat kang mangasiwa.  Habang ang mga disipulo ay nakakaranas ng mga kabiguan at balakid, dapat mo silang turuan kung paano harapin ang mga pagsubok na ito.

 

Kung minsan ang pangangasiwa ay tinatawag na “follow-up.” Si Pablo ay nangasiwa o nag “follow up” sa Kanyang mga disipulo:

 

At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya at tinahak ang lupain ng Galacia, at Frigia na sunodsunod na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad. (Mga Gawa 18:23)

 

Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios. (Mga Gawa 14:22)

 

9.  DELEGASYON:

 

Ang huling baitang ng proseso ng “discipleship” ay nang Si Jesus ay nag bilin sa Kanyang mga disipulo na maging “disciple- makers” sa kanilang sarili. Ibinigay Niya sa kanila ang gawain ng espirituwal na pagpaparami sa buong bansa ng mundo.

 

MGA KATANGIAN NG TUNAY NA DISIPULO

 

Ang mga disipulo ni Jesus ay dapat maging ganap na mga mananampalataya na mayroong bunga ng Espiritu Santo na nakikita sa kanilang mga buhay at espirituwal na mga kaloob na kumikilos sa kanilang mga ministeryo.

 

Maraming mga katangian ang tunay na disipulo Ni Jesus kung iyong titingnan ang kabuuan ng kapahayagan ng Salita Ng Dios, ngunit binigyan diin Ni Jesus ang siyam na mga katangian. Ang disipulo ay isang taong :

 

1.  TINATALIKURAN ANG LAHAT:

 

Kanyang iniiwan ang lahat para sumunod Kay Jesus:

 

Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik ay di maaaring maging alagad ko. (Lucas 14:33)

 

2.  TINATANGGIHAN ANG SARILI:

 

Ang tunay na disipulo ay dapat tanggihan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng  kusa niyang pagpasan ng krus ng “discipleship”:

 

Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. (Mateo 16:24)

 

Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko. (Lucas 14:27)

 

 

 

3.  SUMUSUNOD KAY JESUS

 

Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. (Mateo 16:24)

 

4.  GINAGAWA NA ANG KAHARIAN NG DIOS NA KANYANG PRAYORIDAD:

           

Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, ano ang aming kakainin? o, ano ang aming iinumin? o, ano ang aming daramtin?

 

Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat nga mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. (Mateo 6:31,33)

 

5.  IPINAKIKITA ANG PAG-IBIG NG DIOS

 

Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo’y  may pag-ibig sa isa’t isa. (Juan 13:34-35)

 

6. NANANATILI SA SALITA:

           

...Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko. (Juan 8:31)

 

Ang ibig sabihin ng salitang “manatili” ay mamalagi o magpatuloy.  Ang isang disipulo ay proseso ng pagkatuto at paglalapat ng mga katotohanan ng Salita Ng Dios.

 

7.  SIYA AY MASUNURIN:

           

Ang pananatili sa Salita ay higit sa pagkatuto.  Ito ay paggawa kung ano ang natutuhan.  Ito ay pagsunod. Hindi sapat ang magbasa, mag-aral o kabisahin ang Salita.  Ito ay dapat na maisalin sa uri ng pamumuhay. Kasama ng pananatili ang pagsunod.

 

8.  ISANG LINGKOD:

 

Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon. (Mateo 10:24)

 

Sa inyo’y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.;

 

At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo.

 

Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami. (Mateo 20:26-28)

 

 

9.  NULULUWALHATI  ANG DIOS SA PAMAMAGITAN NG KATAPATAN:

 

Niluluwalhati ng isang disipulo Ang Dios sa pamamagitan ng  katapatan:

 

Sa ganito’y  lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo’y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo’y magiging aking mga alagad. (Juan 15:8)

 

Kung ikaw ay nagtataglay ng espirituwal na mga bunga umuunlad ang bunga ng Espiritu Santo sa iyong buhay ( Galacia 5:20-23).  Ikaw rin ay nagbubunga sa pamamagitan ng espirituwal na pamumunga (Juan  15: 1-16)

 

 

ANG TUNAY NA PAGSUBOK NG “DISCIPLESHIP”

 

Ang tunay na pagsubok ng “discipleship” ay kung ano ang nangyari kung ikaw ay hindi na kasama ng iyong mga na disipulo. Sila ba ay nagpapatuloy na maging tapat sa mga naituro sa kanila? Sila ba ay nagtuturo sa iba na may kakayahan na magpatuloy sa proseso ng pagpaparami?  Kung oo, ang iyong proseso ng “discipleship” ay tagumpay:

           

Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kanyang guro. (Lucas 6:40 MBB)

 

Sa iyong pagsasanay sa iba, umasa na may mga suliranin katulad ng naranasan Ni Jesus…

 

-         Sa isang pagkakataon , sina Pedro, Santiago at Juan ay nagpakita ng galit at nais nila na magparating ng apoy mula sa langit para wasakin ang hindi handang tumugon sa nayon ng Samaria. (Lucas 9:51-55).

 

-         Itinatwa ni Pedro Ang Panginoon ng tatlong beses (Lucas 22:54-62).

 

-         Ang tatlo ay natulog sa Hardin ng Getsemane nang sila ay sinabihang manalangin. (Lucas 22:45-46).

 

Subalit ang kakaunting mga lalaking ito ay karapat-dapat na pagukulan ng panahon at ministeryo Ni Jesus. Sila ay napatunayan na tapat na mga lalake, sa kabila ng kanilang mga pagkakamali at kabiguan.  Nang Si Jesus ay hindi na nila kasama sila ay nagpatuloy sa proseso ng pagpaparami sa mga bansa sa mundo. Sinabi Ni Jesus:

           

Katotohana’y ang aanihin ay marami, datapuwa’t kakaunti ang mga manggagawa. (Mateo 9:37)

 

Ang magaani … mga lalake at babae na maykakayahan na espirituwal na umani… ay nananatiling kakaunti.  Ikaw ba ay laan na magbigay ng iyong buhay para maging bahagi ng kakaunti?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.    Ano ang kahulugan ng salitang “pagkahikayat”?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3.      Ibigay ang kahulugan ng salitang “disipulo.”

 

________________________________________

 

________________________________________

 

4.      Ibuod ang tatlong mahahalagang aspeto ng tawag sa “discipleship”.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

5.  Isulat  ang siyam na mga prinsipyo ng “discipleship” na tinalakay  sa pag-aaral tungkol Kay Jesus at sa Kanyang mga disipulo.

 

            _____________________________               ______________________________

 

            _____________________________              _______________________________

 

            _____________________________              _______________________________

           

            _____________________________              _______________________________

 

                                                _______________________________

 

 

6.  Isulat ang siyam na mga katangian ng tunay na disipulo Ni Jesu Cristo.

 

            ______________________________            ________________________________

            _____________________________              ________________________________

 

            _____________________________              ________________________________

 

            _____________________________              _________________________________

 

                                                _________________________________

 

 

7.Ipaliwanag ang tunay na pagsubok ng  “discipleship”.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

 

1. Ang  “discipling” ay tinawag din na “shepherding,” isang termino na mula sa Biblia na inilalarawan kung paanong ang pastol ay nag-aalaga ng kanyang tupa.

 

            -Ang Dios ay inihalintulad sa pastol:  Hebreo 13:20; Mga Awit 80:1-2; Ezekiel 34:11

 

            -Si Jesus ay inihalintulad sa pastol:  Juan 10:11-18

 

Ang isang pastol ay patnubay, bantay, at guwardiya ng tupa.  Kanyang inililigtas ang mga tupa mula sa panganib, tinatalian ang kanilang mga sugat, minamahal, at pinakakain sila.  Isipin ang tungkol sa mga tungkulin na ito. At kung paanong ito ay katulad ng pag-aalaga sa iyong mga tinuturaun na maging disipulo.  Basahin ang sumusunod na mga talata:

Mateo 9:36-38;  Marcos 3:14-15;  Juan 21:15-17;  Mga Gawa 20:28.

 

2.  Ang nauulit na tawag Ni Jesu Cristo ay ang tawag na sumunod. Ang mga salitang “sumunod,” “sumunod ka sa akin,” at pumarito at sumunod sa akin” ay ginamit Ni Jesus nang mahigit sa 20 beses.  Ang mga ito ay para kina:

 

            Simon at Andres:                                              Mateo 4:19;  Marcos 1:17

            Santiago at Juan:                                               Mateo 4:21;  Marcos 1:20 ( pinahihiwatig)

            Mateo :                                                            Mateo 9:9; Marcos 2:14; Lucas 5:27

            Felipe:                                                              Juan 1:43

            Pedro:                                                              Juan 21:19,22

            Ang mayaman na binata:                                    Mateo 19:21

            Isa pa sa Kanyang disipulo:                               Mateo 8:22

            Sinuman:                                                           Mateo 16:24;  Marcos 8:34;

                                                                                    Lucas 9:23; Juan 12:26

 

Sinasabi ni Pablo na siya ay tagasunod Ni Jesus at tumatawag sa mga taga Corinto na sumunod sa kanya (I Corinto 11:1).  Magkatulad na tagubilin na pumunta sa Efeso ( Efeso 5:1);  ang mga taga Filipos (Filipos 3:17);  at ang mga taga Tesalonica ( I Tesalonica 1:6).

 

3.  Ang salitang ”disipulo” ay hindi ginamit sa Lumang Tipan, ngunit ang prinsipyo ng “discipling”ay maliwanag:

 

            Si Josue ay disipulo ni Moises:                                                  Deuteronomio 3:28

            Si Elias ay dispulo ni Eliseo:                                                                   II Mga Hari 2

            Ang paaralan ng mga propeta ay nagsasanay ng mga disipulo     II Mga Hari 2:4

 

4.  Pansinin kung paano i “follow up” ni Apostol Pablo ang kanyang mga disipulo:

 

            Sa mga liham:                                                                           I Tesalonica 1:1

            Sa panalangin:                                                                           I Tesalonica 1:2; 3:10

            Sa pagpapadala ng kinatawan:                                      I Tesalonica 3:1-5

            Sa personal na paguusap:                                                          I Tesalonica 2:18

 

5. Nagukol ng kanyang buhay si Apostol Pablo sa pagsasanay ng mga lalake at babae na matapat.  Mayroong 125 mga pangalan ang natala sa Biblia na may kaugnayan sa ministeryo ni Pablo.  Matututuhan mo pa ang maraming bagay sa “discipleship” sa pag-aaral ng sumusunod na mga reperensiya na, nakatuon sa kanyang mga tagasunod:

 

Apollos:  Mga Gawa 18:24-28;  19:1;  I Corinto 1:12; 3:4-6,22:  4:6;  16:12; Tito 3:13.

 

Aquila at Priscilla:  Mga Gawa 18:1-3, 18-19,26;  Roma 16:3-5;  I Corinto 16:19; 

II Timoteo 4:19

 

Barnabas:  Mga Gawa 4:36-37;  11:22-30;  13:1-14:28;  15:1-40;  I Corinto 9:6;  Galacia 2:1,9,13;  Colosas 4:10

 

Lucas:  Lucas 1:1-4;  Mga Gawa 1:1;  16:10-18;  20:5-21:18;  27:1-28:16;  Colosas 4:14;  Philemon 24;  II timoteo 4:11

 

Marcos:  Mga Gawa12:12,25;  13:5,13;  15:36-39;  Colosas 4:10;  II Timoteo 4:11; 

Philemon 24;  I Pedro 5:13

 

Silas: Mga Gawa 15:22,27,32-34,40-41;  18:5;  17:15;  II Corinto 1:19;  I Tesalonica 1:1; 

II Tesalonica 1:1;  I Pedro 5:12

 

Philemon:  Philemon 1-25

 

Phoebe: Roma 16:1-2

 

Stefanas: I Corinto 1:16; 16:15-18

 

Trophimus:  Mga Gawa 20:4;  21:29;  II Timoteo 4:20

 

Tychicus:  Mga Gawa 20:4;  Colosas 4:7-18;  II Timoteo 4:12;  Efeso 6:21-22; Tito 3:12

 

Onesimo:  Colosas 4:9; Philemon 10-21

 

Lydia:  Mga Gawa 16:13-15,40

 

Gauis:  Mga Gawa 19:29;  20:4;  Roma 16:23;  I Corinto 1:14

 

Euodia at Syntyche: Filipos 4:2-3

 

Erastus:  Mga Gawa 19;22;  Roma 16:23;  II Timoteo 4:20

 

Epaphroditos:  Filipos 2:25-30; 4:18

 

Epaphras:  Colosas 1:7-8;  4:12-13;  Philemon 23

 

Demas:  Colosas 4:14; Philemon 23-24;  II Timoteo 4:10

 

Aristarcus:  Mga Gawa 19:29;  20:4;  27:2;  Colosas 4:10; Philemon 24

 

Andronicus at Junias:  Roma 16:7

 

Ananias:  Mga Gawa 9:10-19;  22:12-16

 

Tito:  II Corinto 2:12-13;  7:6-7,13-14;  8:6,16-17,23;  12:17-18;  Galacia 2;1-3;  Tito 1:5;

II Timoteo 4:10

 

Timoteo:  Mga Gawa 16:1-3;  17:14-15;  18:5;  19:22;  20:4;  Roma 16:21;  I Corinto 4:17; 16:10-11;  II Corinto 1:1,19;  Filipos 1:1; 2:19-23;  Colosas 1:1;  I Tesalonica 1;1; 3:2,6;

II Tesalonica 1:1;  I Timoteo 1:2,18;  6:20;  II Timoteo 1:2;  4:9, 21;  Philemon 1;  Hebreo 13:23

 

6.  Ang mga titulo na itinawag sa kanyang mga tagasunod ay nagpapahayag ng ilang mga responsabilidad ng “discipleship”:

 

            Kamanggagawa:                       Filipos 4:3;  Philemon 1:24;  I Tesalonica 3:2

            Katulong:                                  II Corinto 8:23

            Manggagawa:                           Roma 16:3,9,21; Filipos 2:25;  Colosas 4:11

            Kawal:                                     Filipos 2:25

            Alipin:                                       Colosas 1:7; 4:7

            Bilanggo:                                  Roma 16:7;  Philemon23;  Colosas 4:10

            Anak:                                       I Corinto 4:17;  I Pedro 5:13

            Lingkod:                                   Filipos 1:1

            Kapatid:                                   II Corinto 1:1

 

7. Ang “discipleship” ay mahal.  Isaalang-alang ang kinahinatnan ng ilan sa mga unang mga disipulo na namatay para sa Ebanghelyo: 

 

Mateo:  nagdusa bilang martir sa pamamagitan ng espada sa Ethiopia.

 

Marcos:  namatay sa Alexandria pagkatapos na kaladkarin sa daan ng lunsod.

 

Lucas:  ibinitin sa puno sa Grecia.

 

Juan:  inilagay sa palayok ng kumukulong langis, ngunit nakatakas sa kamatayan at nawala sa isla ng Patmos.

 

Pedro:   ibinitin ng patiwarik sa krus.

 

Santiago na kulang:  pinugutan ng ulo.

 

Santiago:  itinapon mula sa itaas ng templo at binugbog ng mga tao hanggang mamatay,

 

Felipe:  ibinitin sa Phyrgia.

 

Bartolome:  binugbog hanggang mamatay.

 

Andres:  ibinitin sa krus kung saan siya nangaral sa mga pumatay sa kanya hanggang siya ay mamatay.

 

Tomas:  hinabol ng espada sa India.

 

Judas:  tinira ng pana hanggang mamatay

 

Matias:  una binato, at pinugutan ng ulo

 

Barnabas:  binato ng mga Hudyo hanggang mamatay sa Salonica.

 

Pablo:  pinugutan ng ulo sa Roma ni Nero.

 

8.  Gamitin ang sumusunod na balangkas sa dagdag na pag-aaral tungkol sa “discipleship:”

 

 

ANG “DISCIPLESHIP” SA MGA EBANGHELYO

 

Ang “discipleship” ay dapat unahin:  Lucas 9:57-62.

 

Ang disipulo ay sumunod Kay Jesus saan man Siya pumunta:  Mateo 8:23;  9:19; 

Marcos 6:1; 8:10;  10:46;  Lucas 22;39;  Juan 1:37;  3:22;  6:3;  11:7, 54; Juan 18:1-2.

 

Binigyan Ni Jesus ang Kanyang mga disipulo ng kapangyarihan laban kay Satanas:  Mateo 10:1

Lucas 9:1.

 

Ang mga disipulo ay dapat na mga alipin:  Mateo 10;24; Lucas 6:40; Juan 13:5-17.

 

Tinawag Ni Jesus ang mga disipulo sa buong pagtatalaga:  Mateo 16:24; Marcos 8:34; Lucas 14:26-33; Juan 1:20-23.

 

Ang mga disipulo ay katulad ng pamilya Kay Jesus:  Mateo 12:49; Juan 2:12;  19:26-27.

 

Nasisiyahan Si Jesus sa sosyal na pagtitipon na kasama ang mga disipulo:  Juan 2:2.

 

Nakibahagi Si Jesus sa pagkain na kasama ang mga disipulo:  Marcos 2:15; Juan 4:31-33.

 

Ginawa ng mga disipulo kung ano ang iniutos sa kanila Ni Jesus :  Mateo 14:19, 22;  15:36;  21:1,6;  24:3;  26:19;  Marcos 6:41,45;  11:1;  Juan 6:12

 

Ang mga disipulo ay lumapit Kay Jesus kasama ang kanilang mga suliranin at mga tanong:  Mateo 14:15;  15:12,23; 17:19;  Marcos 5:31;  8:4;  9:28;  Juan 9:2

 

Iwinawasto Ni Jesus ang mga disipulo kung sila ay nagkakamali:  Mateo 19:13-15;  26:8-13;  Marcos 8:33;  10:13-16;  Lucas 9:40-42;  9:54;  Juan 6:61.

 

Ipinakita Ni Jesus ang kapangyarihan Ng Dios sa  mga disipulo:  Lucas 19:37; Juan 2:11:  20:30.

 

 Inuutos ng “discipleship” ang pagsunod sa Salita Ng Dios:  Juan 8:31

 

Inuutos ng “discipleship” ang pag-ibig:  Juan 13:35.

 

Inuutos ng “discipleship” ang pamumunga:  Juan 15:8

 

Si Jesus ay nagpadala ng natatanging salita ng Kanyang muling pagkabuhay sa Kanyang mga disipulo at nagpakita sa kanila:  Mateo 28:7-8;  Marcos 16:7;  Juan 20-21.

 

Pinabayaan ng mga disipulo Si Jesus sa panahon na pinakakailangan sila:  Mateo 26:36-45, 58;  Marcos 14:32-43;  Lucas 22:45;  Juan 18:17,25.

 

Pagkatapos, napatunayan na sila ay matapat na mga lalake:  Mateo 28:16

 

Inilayo Ni Jesus ang Kanyang mga disipulo para sa natatanging pagtuturo , kapahayagan, pananalangin, at pagpapahinga:  Marcos 3:7;  4:34;  7:17;  10:10;  12:43;  Mateo 11:1;  13;30,36;  16:13,21;  Marcos 4:34;  7:17; 9:31;  10:23-24;  Lucas 6:20-49;  9:18;  10:23;  11:1;  16:1;  17:1,22;  20:45;  Juan 2:22;  16:29.

 

“DISCIPLESHIP SA AKLAT NG MGA GAWA

 

Ang mga disipulo ay dumarami kung paano sila naturuan na gumawa:  Mga Gawa 6:1,7

 

Ang mga disipulo ay may iba’t ibang responsabilidad.  Ang iba ay kasama sa ministeryo ng paglilingkod. Ang iba ay (mga lider) itinalaga ang kanilang sarili sa pag-aaral ng Salita at panalangin.  Ang lahat ay espirituwal na namunga:  Mga Gawa 6

 

Ang mga disipulo ay nakaranas ng pag-uusig:  Mga Gawa 9:1

 

Ang mga babae ay mga disipulo katulad ng mga lalake:  Mga Gawa 9:36

 

Ang mga disipulo ay nagbabahagi ng mga bagay sa isa’t isa:  Mga Gawa 4:11-29

 

Ang mga disipulo ay masayahin na mga tao, puspos Ng Espiritu Santo:  Mga Gawa 13:52

 

Ang pagpapalakas at pagtatalaga sa mga disipulo ang prayoridad ni Pablo:  Mga Gawa 14:22;  18:23

 

Inihiwalay ni Pablo para makatanggap ng natatanging pagsasanay ang mga disipulo sa karamihan ng mga tao: Mga Gawa 19:9

 

Ipinahayag ng mga disipulo ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa:  Mga Gawa 20:1

 

Ang mga disipulo ay binalaan na ang iba ay susubukan sila na ibaling mula sa tunay na “discipleship” Kay Jesus:  Mga Gawa 20:30

 

Iba pang mga reperensiya tungkol sa  mga disipulo ang makikita sa aklat ng Mga Gawa:  9:10,19,25-26,38;  14:20, 28;  15:10;  16:1;  18:27;  19:1, 30;  21:4,16.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABING ISANG KABANATA

 

 

NAPIGIL NA PAGLAGO

 

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Ibigay ang kahulugan ng “napigil” na paglago.

·                    Kilalanin ang mga bagay na nakapipigil ng espirituwal na paglago at pagpaparami.

·                    Maglaan ng solusyon batay sa Biblia para maiwasto ang mga ganitong suliranin.

 

SUSING TALATA:

 

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.

 

Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

 

At siya’y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama’y hindi malalanta; at anomang kaniyang gawin ay giginhawa.

 (Mga Awit 1:1-3)

 

PAMBUNGAD

 

Maraming mga bagay na nakaaapekto sa normal na paglago at pagunlad ng katawan ng tao.Ang kakulangan sa tamang pagkain ay nagpapabagal sa pisikal na paglago. Iba’t ibang mga karamdaman ay nakaka apekto rin sa pagunlad.Kung mayroong kakulangan sa paglago sa katawan ng tao, dapat hanapin ang solusyon para maiayos ang problema kung hindi ang paglago ay “napipigil.” Kung ang paglago ay “napipigil,” ang katawan ay hindi umuunlad nang tama.

 

Katulad ng iyong natutuhan, inihahambing ng Biblia ang iglesya sa pisikal na katawan.  Katulad ng pisikal na katawan, ang paglago at pag-unlad ay apektado ng maraming mga bagay.  Kung minsan ang mga problema ay nangyayari sa iglesya. Ang mga problemang ito ay maaaring “makapigil” sa espirituwal na paglago.  Kung ang espirituwal na paglago ay “napigil” ang iglesya ay hindi darami nang maayos.  Mayroong kakulangan ng bagong nahikayat at mga disipulo at ang pagkawala ng espirituwal na kaganapan.

 

Sinabi Ni Jesus “Itatayo Ko ang Aking iglesya.” Hindi natin kayang magparami sa ating mga sarili, ngunit maaari nating maalis ang mga kalagayan na pumipigil sa paglago. Kung gagawin natin ito, lumilikha tayo ng tamang espirituwal na klima kung saan ang paglago ay maaaring mangyari.  Nakasulat sa  kabanatang ito ang mga karaniwang mga problema na pumipigil sa pagpaparami.  Para sa bawa’t problema mayroong solusyon na ibinigay batay sa Bibila.

 

NAPIGIL NA PAGLAGO

 

PROBLEMA:  KAKULANGAN NG ESPIRITUWAL NA PAGKAIN.

 

Dapat ang katawan ng tao ay  mayroong natural na pagkain at tubig kung wala ito ay mamamatay.  Ang espirituwal na katawan ay dapat mayroong espirituwal na pagkain at tubig kung hindi ito ay mamamatay.  Ang ibang mga iglesya ay hindi nagtuturo ng Salita Ng Dios kailan man. Itinuturo nila ang mga doktrina ng tao.Sinasabi nila kung ano ang gustong marinig ng mga tao ( II Timoteo 4:3). Ang espirituwal na malnutrisyon ay resulta ng kakulangan ng Salita Ng Dios ( Amos 8:11-12).  Ang iba “gatas” lamang ng Salita  ang itinuturo at ang mga tao ay hindi kailanman espirituwal na magiging ganap. Pinababayaan ng mga mananampalataya ang pag-aaral ng Biblia o hindi kailanman humigit sa pangunahing katotohanan at hindi nag-aaral ng “karne” ng Salita Ng Dios. Kung paano ang natural na katawan ay mamamatay dahil sa kakulangan ng pagkain, gayun din naman sa espirituwal na katawan.

 

SOLUSYON:

 

Baguhin ang pagpapahalaga sa Salita Ng Dios ( Roma 10:17). Ituro ang parehong gatas at karne ng Salita ( I Corinto 3L1;  I Pedro 2:22;  Hebreo 5:12-14).  Ang katawan ng tao ay hindi mabubuhay sa gatas lamang ng panghabangbuhay.  Ang lumalaking bata ay dapat matutong kumain ng balanseng pagkain.  Ang espirituwal na katawan Ni Cristo ay hindi makapananatili sa “gatas” na salita lamang. Ang lumalagong espirituwal na katawan ay dapat matutong kumain ng “karne” ng Salita Ng Dios.  Ang Salita Ng Dios ay “ang tinapay” ng espirituwal na buhay. Ang Salita ang ating espirituwal na pagkain.  Ang pangunahing mga katotohanan na madaling maunawaan ay tinatawag na “gatas” ng Salita.  Ang mas mataas na mga katuruan sa Biblia ay tinatawag na “karne” ng Salita .

 

PROBLEMA:  KAKULANGAN NG PANGITAIN

 

Sinasabi sa Biblia “kung walang pangitain, ang mga tao ay mawawala”  (Mga Kawikaan 29:18). Ang espirituwal na pangitain ng ibang mga tao ay limitado sa kanilang sariling pamilya at komunidad. Ang iba ay nauukupa ng malayong mga lugar na mayroong kakaibang pangalan, habang ang mga tao na nasa labas lamang ng pintuan ng kanilang iglesya ay namamatay ng walang Cristo.

 

SOLUSYON:

 

Dapat maging balanse sa pagitan ng lokal at sa pangkabuuang pangitain sa mundo.  Ang iglesya ay dapat bumuo ng pangitain pang global ngunit hindi napapabayaan ang  mga nasa sariling komunidad. Ito ang pangitain na ibinigay  Ni Jesus sa Kanyang mga disipulo ng espiirtuwal na pagaani na handa nang anihin. Ang mundo ang bukid. “Itaas ang iyong mga mata at tingnan”: Ito ang pangitain na ibinahagi Ni Jesus sa  mga tagasunod Niya na nagbago ng pakay at kahihinatnan ng kanilang buhay ( Juan 4).

 

PROBLEMA:  MABABAW NA PAGLAGO

 

Basahin ang talinghaga ng maghahasik sa Marcos 4:1-20.  Kung ang binhi ng Salita Ng Dios ay hindi nag-ugat sa iyong buhay, ang mababaw na espirituwal na paglago ang resulta.  Kung ang pag-uusig at panahon ng paghihirap ay dumating , ikaw ay espirituwal na mamamatay (Marcos 4:17).

 

SOLUSYON:

 

Turuan ang mga tao na ang pagbabasa, pakikinig, at pagtuturo ng Salita Ng Dios ay hindi sapat. Dapat silang gumagawa ng Salita. Dapat mabago ang kanilang buhay ( Santiago 1:22-25).  Ito ang pagpasok ng Salita sa puso na nagdudulot ng pagbabago (Mga Awit 119:130).

 

PROBLEMA:  KULANG SA PAGPUNGOS.

 

Madalas ang mga iglesya ay maraming hindi mabungang mga paraan at programa.  Kung ang mga ganitong klaseng gawain ay hindi puputulin, ang pamumunga ay titigil.  Kung walang pagpungos, ang mabagal ngunit sigurado na proseso ng  kamatayan ay sisira sa buhay. Sa natural na mundo kung ang puno ay hindi mapungusan ito ay maaaring magpatuloy na nakatindig, ngunit ito ay patay. Walang bunga ito, walang paglago at pagpaparami.  Ang estraktura ay nandoon, ngunit ang buhay ay wala na. Ganito rin ang katotohanan sa espirituwal na mundo.

 

SOLUSYON:

 

Sa natural na mundo, ang hindi namumunga na sanga ay dapat putulin para ang puno ay magbunga ng mas marami. Sa Espirituwal na mundo , dapat nating putulin ang mga gawain na hindi namumunga mula sa mga buhay natin at iglesya. Ang mga paraan at programa na hindi panghihikayat ang resulta at “discipleship” ay dapat “mapungos.”

 

Ang bawat pulong , programa, at gawain ng iglesya ay dapat  tayain. Pagisipang mabuti ang hindi mabungang mga gawa para madiskubre kung bakit hindi namumunga.  Tandaan:  Ang pagpungos ay hindi lamang pagalis ng hindi namumungang mga sanga.  Ang pakay ay hanapin ang mga paraan para mamunga ng mabisang paglago at espirituwal na bunga ( tingnang ang Juan 15).

 

PROBLEMA:  PAGKABIGO NA KILALANIN ANG HANDANG TUMUGON NA MGA LUGAR.

 

Sa talinghaga ng maghaahsik sa Marcos 4:1-20, mayroong handang tumugon  at hindi handang tumugon na mga lupa. Ang maliit na paglago ay nangyayari sa hindi handang mga lugar.

 

SOLUSYON:

           

Mayroong hindi handang mga lugar sa mundo na may maliit na pagkakataon para sa pagpaparami. Mayroong ibang lugar na handa para sa espirituwal na anihin na nag-aalok ng malaking pagkakataon para sa paglaganap ng Ebanghelyo.

 

Dapat kilalanin ang mga handang tumugon na mga tao at ang lakas ay ituon sa mga lugar na ito. Nang narinig ni Pablo na Ang Espiritu Santo ay tumawid sa mga Pagano para sa “discipleship” sa Antioquia, madali siyang umalis sa Tarsus at pumunta  sa Antioquia.  Nang ang panahon ay hindi tama para sa Asia, itinuon ni Pablo ang pansin sa mga handang tumugon  na mga lugar  hanggang binuksan Ng Dios ang pinto sa Asia.  Ituon ang lakas sa handang tumugon na mga lugar.  Magpatuloy ng paghahasik  at maghintay para sa tamang panahon sa bukirin na hindi pa hinog para anihin.

 

PROBLEMA:  MALING PRAYORIDAD.

 

Ang mga espirituwal na lider ay mayroong maling mga prayoridad kung sila ay mas nakatuon ang pansin sa kalakal ng iglesya higit sa panalangin at ministeryo ng Salita Ng Dios. Ang mga proyoridad ay ibinigay sa pangalawang proyekto katulad ng mabuting mga gawa, proyekto ng pagtatayo at iba pa.  Ang pagpapanatili ay mas mahalaga sa misyon.

 

SOLUSYON:

 

Walang sinasabi Si Jesus sa pagpapatayo ng malaking gusali, sentro ng mga Kristiyano para pagdausan ng mga “retreat”, at ibang proyekto na katulad nito. Habang ang mga ito ay hindi mali sa kanilang mga sarili, ang pagpaparami ay napipigilan kung ang ganitong proyekto ay nabibigyan ng pansin sa halip na ang panghihikayat at “discipleship.” Ang problema sa prayoridad at ang solusyon dito ay nakasulat sa Mga Gawa 6:1-6.  Nang ang mga espirituwal na mga lider ay nagsimulang ibigay ang kanilang mga panahon sa panalangin at ministeryo ng Salita Ng Dios, ito ay nagdulot ng pagdami (Mga Gawa 7).

 

PROBLEMA:  ANG MINISTERYO NA HINDI KAUGNAY SA MGA TAO.

 

Ang ibang mga iglesya ay tumigil sa paglago dahil ang kanilang ministeryo ay hindi kaugnay sa mga tao. Maaari na ang pastor ay hindi isa sa mga tao. Galing siya sa ibang kultura at hindi makaugnay sa kanila nang maayos sa salita, kinaugalian, at iba pa.

 

SOLUSYON:

 

Ang lideratura ay dapat maitayo mula sa lokal na iglesya sa madaling panahon pagkatapos na ang iglesya ay naitanim/nasimulan (Tito 1:5). Ang local na mga lider ng magkatulad na kultura at salita ay karaniwang mabisang makapagpaparating ng Ebanghelyo.

 

 

 

 

PROBLEMA:  “PUMARITO AT TINGNAN SA HALIP NA HUMAYO AT SABIHIN.”

 

Maraming mga iglesya ang  gumagawa ng estratehiya ng  “pumarito” sa halip na“humayo” ang paraan na iniutos Ni Jesus. Ang mga iglesyang ito ay nagpaplano ng mga pagtitipon at programa at sinusubukan na ang mga hindi mananampalataya na “pumarito” sa iglesya. Hindi kailan man sila “humahayo” sa labas sa mundo para maabot ang mga tao ng Ebanghelyo at madala sila sa loob ng iglesya. Kanilang binubuksan ang pinto at naghihintay na pumasok ang mga tao, ngunit walang pumapasok.  Sa ganitong mga iglesya ang mga kaanib ay abala kada gabi ng pagtitipon ng pulong. “Conventions”, mga seminar, at “workshop” ay pumalit sa panghihikayat.

 

SOLUSYON:

 

Ang iglesya ang dapat na base ng Dios sa pamamalakad sa mundo.  Ngunit ang iglesya ay naging bukirin ng pamamalakad sa halip na base na nagpapadala ng mga disipulo sa bukirin ng mundo para magministeryo at magparami.  Ang iglesya ay dapat tumigil sa panghihikyat sa sarili at magsimulang manghikayat sa mundo. Ang iglesya ay dapat na maging lugar kung saan ang mga mananampalataya ay sinasanay at maihanda na humayo sa mundo kung nasaan ang mga makasalanan at mahikayat sila Kay Cristo.  Para “humayo” na estratehiya Ni Jesus ay dapat na mapahalagahan ( Mateo 28:19;  Mga Gawa 1:8)

 

PROBLEMA:  HINDI INAAMIN NA KASALAN.

 

Ang hindi inaamin na kasalanan sa buhay ng mga kaanib ng iglesya ay nakapipigil sa espirituwal na paglago.

 

SOLUSYON:

 

Pag-aralan ang mga panuto na ibinigay  ni Pablo sa iglesya sa Corinto para harapin ang hindi inaamin na kasalanan ng mga kaanib ( tingnan ang I Corinto 5:11-13).  Kung ang nag kamaling kaanib ay nagsisi, siya ay dapat na tanggapin muli sa samahan.  ( tingnan ang II Corinto 2:4-8).

 

PROBLEMA:  HINDI MALUTAS NA MGA PROBLEMA.

 

Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kung ang kaanib ng Katawan Ni Cristo ay mayroong hindi malutas na personal na mga  problema sa pagitan nila. Kung ang mga hidwaan ay hindi maiayos, ang resulta ay pagkakabaha-bahagi. Ang hindi malutas na mga problema ay nakakapigil sa proseso ng pagpaparami.

 

SOLUSYON:

 

Ang Mateo 18:15-17 ay nagbigay ng tiyak na mga panuto para sa pag-aayos ng mga problema sa pagitan ng mga kaanib ng katawan Ni Cristo.  Pag-aralan din ang halimbawa ni Pablo at Barnabas sa Mga Gawa 15:36-41.  Kung ang mga problema ay maiayos, kahit ang pagkakahati ay magdudulot ng pagpaparami na makabubuti sa Kaharian Ng Dios.

 

 

PROBLEMA:  HINDI KARAPAT-DAPAT NA ESPIRITUWAL NA LIDERATO.

 

Ang paglago ng iglesya ay naapektuhan kung ang mga lider ay hindi nakaabot sa espirituwal na mga katangian na nakasulat sa Biblia.  Ang sukatan para sa mga lider ng iglesya na itinatag Ng Dios ay espirituwal na mga katangian. Hindi Niya inaalaala ang tungkol sa pinagaralan katulad ng Kanyang pagaala-ala sa tunay na espirituwal na kalagayan ng tao ( I Samuel 16:7).

 

SOLUSYON:

 

Ang lider ay dapat magbitiw mula sa kanyang tungkulin hanggang hindi niya naiaayos ang kanyang “sariling sambahayan” ( ang kanyang personal , espirituwal na buhay at pamilya). Ang mga lider ay dapat na maabot ang mga katangian na nakatala sa I Timoteo 3 at Tito 1:5-9.

 

PROBLEMA:  PAGTANGGI SA PAGBABAGO.

 

Ang mga tao ay mahilig tumanggi sa pagbabago.  Marami ang kontento sa mga bagay na kanila nang ginagawa sa loob ng 40 mga taon. Hindi sila handa na tumanggap ng bagong mga paraan.

 

SOLUSYON:

 

Tandaan ang pakay ng iglesya na manghikayat at espirituwal na magparami ay hindi nagbabago. Ang mga paraan para magawa ito ang nagbabago.  Tutoo na dapat tayong gumamit ng mga paraan batay sa Biblia ng unang iglesya, subalit ang mundo ay nagbabago simula ng panahon na iyon. Hindi natin tatanggihan ang mga bagong paraan dahil lamang hindi ito ginamit sa panahon ng Biblia.

 

Halimbawa, hindi mo dapat tanggihan ang paggamit ng imprenta, “computer”, at “tape recorder” para ipangalat ang Ebanghelyo dahil hindi ito ginamit ni Pablo. Ang mga paraan na ito ay wala noong panahon na iyon.  Tanggapin na ang kinaugalian ay maaaring makapigil ng plano Ng Dios (Marcos 7:13).  Turuan ang mga tao na asahan ang  bagong mga bagay mula Sa Dios

 ( Isaias 43:19).

 

PROBLEMA:  MGA PROBLEM SA KOMUNIKASYON.

 

Ang pagpaparami ay napipigilan kung paano ang Ebanghelyo ay naipangaral. Ang mga pastor ay sinusubukan na ang mga tao ay humanga sa kanilang mga mabigat na salita at ipakita ang kanilang kaalaman sa “theology”. Hindi sila nakikipag-usap sa antas ng pangangailangan ng tao. Hindi magkatulad ang kanilang ikinikilos at sinasabi.

 

SOLUSYON:

 

Ang Ebanghelyo ay dapat na maipangaral para ito ay maunawaan ng mga nakikinig. Dapat makipag-usap ang mga mangangaral, guro, at ebanghelista  sa antas ng kanilang pakikinig sa halip na pahangain ng mga mabigat na mga salita at ipakita ang kaalaman sa “theology”. Nang Si Jesus ay nagturo, ang ordinaryong tao ay nakarinig at naunawaan Siya (Marcos 12:37).

 

Ang pakikipag-usap ay dapat na maibagay sa lahat ng antas ng lipunan at edukasyon ( Roma 1:14).  Ang berbal na pakikipag-usap ay dapat may pagkakaisa sa uri ng buhay.  Dapat tayong gumagawa ng Salita  gayun din naman magpahayag ng Salita.  Ang pagpapahayag ng ating pananampalataya ay mabisa kung ang mga bagay tungkol Sa Dios ay nakikita sa ating mga buhay. (Philemon 6).

 

PROBLEMA:  ANG PAGHIHIWALAY NG KULTURA, HEOGRAPIYA, AT DENOMINASYON.

 

Ang ibang mga iglesya ay hindi umaabot sa mga tao sa kanilang komunidad dahil “hindi sila katulad natin.” Hindi sila nagmiministeryo sa mga iba ang kultura, ibang lahi, o nagsasalita ng ibang lengguwahe. Ang ibang iglesya ay tumatanggi sa pagtawid sa hangganan ng heograpiya .  Hindi nila nais ang mga tao mula sa ibang bayan o ibang rehiyon na pumunta sa kanilang iglesya. Ang ibang tao ay tumatanggi na makipagsama-sama sa kaanib ng ibang denominasyon.  Ang iba ay inihiwalay ang kanilang sarili mula sa mundo na hindi na sila dumadami dahil wala silang pakikipagusap sa hindi mananampalataya.

 

SOLUSYON:

 

Tingnan ang Efeso 2:14.  Walang pader ng paghihiwalay Kay Cristo. Ang iglesya ay nagtayo ng mga pader ng paghihiwalay na dapat mabuwag. Dapat tayong tumawid sa ibang kultura, lengguwahe, heograpiya, at denominasyon na mga guhit para umabot ng mga tao kung saan sila naroroon.

 

Dapat nating isa-isang tabi ang mga bigat at kasalanan at ituon sa gawain na maabot ang  mundo ng Ebanghelyo (Hebreo 12:1-2).  Hindi natin dapat ihiwalay ang ating mga sarili mula sa mundo. Dapat tayo’y nasa mundo, ngunit hindi gumagawa ng makasalanang mga gawi

(Juan 17:15). Hindi ibig sabihin ng paghiwalay sa mundo ay pagalis o ibukod.

 

PROBLEMA:  NAGMAMASID SA HALIP NA NAKIKISALI.

 

Ang mga nagmamasid ay mga tao na nanunuod ngunit hindi nakikisali sa plano Ng Dios.  Hindi sila espirituwal na namumunga. Kanilang iniiwan ang panghihikayat at “discipling” sa mga “propesyonal” na mga pastor.  Ang iglesya na puno ng tagamasid ay hindi lumalago.

 

SOLUSYON:

 

Dapat malaman ng bawa’t kaanib ang kanilang personal na responsabilidad sa Dakilang Utos

(Mateo 28:19-20).  Ang mga kaanib ay dapat matulungang madiskubre at gamitin ang kanilang espirituwal na  mga kaloob para ang katawan ng iglesya ay gumawa ng maayos

( IITimoteo 1:6).

 

Dapat maihanda ng mga pastor ang mga kaanib para sa gawain ng ministeryo ( Efeso 4:12).  Ang bawa’t tao ay dapat mamumga, at ang bawa’t tahanan ay dapat maging sentro ng ebanghelismo ( II Timoteo 2:2).

 

PROBLEMA:  ANG MGA NAHIKAYAT AY HINDI NAGING DISIPULO.

 

Ang bagong mga mananampalataya ay hindi umunlad para maging disipulo. Alin man sa dalawa, sila ay bumalik sa dating buhay ng kasalanan o nanatiling espirituwal na sanggol na hindi kayang mamumga.

 

SOLUSYON:

 

Ang mga nahikayat ay dapat na umunlad sa pagiging disipulo at maihanda para sa ministeryo para sa gayon ang proseso ng pagpaparami ay magpatuloy. Ang panghihikayat ay hindi buo hanggat ang nahikayat ay aktibong disipulo Ni Cristo. Ang pagtuturo ay susunod sa panghihikayat kung paanong ito ay nauna rito (Mateo 28:19-20).

 

PROBLEMA:  TAKOT

 

Ang takot na mabigo ang malaking kalaban ng pagpaparami.  Basahin ang talinghaga ng mga “talento” sa Mateo 25:14-30.  Ang katiwala na natakot ay walang pakinabang. Hindi siya espirituwal na dumami.

 

SOLUSYON:

 

Paunlarin ang kaugnayan Sa Dios batay sa pag-ibig sa halip na takot (I Juan 4:18).

 

PROBLEMA:  PINAHALAGAHAN ANG GAWAIN SA HALIP NA PAGSAMBA.

 

Ang mga plano, programa, at kalakal ng iglesya ay maaaring palitan ang tunay na pagsamba.  Ang pagtitipon ay maaaring puno ng pahayag, paglikom ng salapi, natatanging pagpapalabas, at planadong mga programa.

 

SOLUSYON:

 

Magtatag ng tamang prayoridad sa iglesya. Ang pag-ibig at pagsamba Sa Dios ang una. Ang susunod ay ministeryo sa iba. Ang lahat ng ibang programa ay kasunod ng dalawang dakilang responsabilidad (Mateo 12:29-31).

 

PROBLEMA: PAGSAGIP SA LIPUNAN SA HALIP NA PAGSAGIP SA MGA KALULUWA.

 

Maraming pangangailangan sa lipunan sa mundo ngayon. Maraming mahirap na mga tao na nangangailangan na pakainin, damtan, at matitirahan. May mga tao na kailangan ng pagaalagang medikal at mga trabaho.  Mayroong problema sa edukasyon at political  na kailangan na maiayos.  Ang mga ito ay tunay na kailangan kung saan ang iglesya ay makapagmiministeryo sa pangalan Ni Jesus.  Ngunit kadalasan ang pinahahalagahan ng ministeryo ay nalilipat sa pagsagip sa lipunan sa halip na sagipin ang mga kaluluwa.

 

 

SOLUSYON:

 

Ang babae sa balon ay mayroong pisikal na pangangailangan ng tubig ngunit binigyan ng prayoridad Ni Jesus ang kanyang espirituwal na pangangailangan (tingnan ang Juan 4). Ang pangunahing tawag ng iglesya ay hindi para sagipin ang lipunan, ngunit para sagipin ang mga kaluluwa ng espirituwal na nangangailangan na mga lalake at babae.  Ang pakikilahok sa lipunan at intelektuwal na hangarin ay hindi maiibsan ang mga nagugutom na mga tao na naghahanap ng Tinapay ng Buhay.

 

PROBLEMA:  KAWALAN NG PANANAMPALATAYA.

 

Basahin ang kuwento ng Israel sa dulo ng lupa na ipinangako Ng Dios sa kanila

(Mga Bilang 13).  Ang Israel ay hindi nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya. Sila ay bumalik para maglagalag sa ilang kung saan ang buong heherasyon ay namatay sa susunod na 40 mga taon.

 

Ang bawa’t mananampalataya at bawa’t iglesya ay umabot sa espirituwal na “Kadesh” sa isang punto ng kanilang espirituwal na karanasan. Alin sa dalawa sumulong sa pananampalataya at angkinin ang pangako Ng Dios, o sila ay babalik sa kawalan ng pananampalataya at espirituwal na mamatay.

 

SOLUSYON:

 

Ang kawalan ng pananampalataya ay nakapipigil ng espirituwal na paglago at pagpaparami.  Ang iglesya ay dapat na sumampalataya na ang pagtupad sa layunin ng panghihikayat at “discipleship” ay possible sa pamamagitan ng pananampalataya ( Marcos 6:15).  Ang kawalan ng pananampalataya ay dapat mapalitan ng pananampalataya.  Ang pananampalataya ay tumaas sa nabagong pagpapahalaga Sa salita Ng Dios. Ang mga tao ay dapat magsimulang gumawa sa pananampalataya. Ang pananampalataya ay dapat samahan ng mga gawa para maging mabisa

( Santiago 2:26).

 

PROBLEMA:  DAMI SA HALIP NA KALIDAD.

 

Ang pagpapahalaga sa dami sa halip na kalidad ay nagbubunga ng espirituwal na bansot na mga mananampalataya. Mayroong malaking bilang, ngunit bigo sa pagdisipulo at ganap na mga kaanib.

 

SOLUSYON:

 

Pagbalik-aralan ang kabanatang anim ng kursong ito.  Gawin ang mga prinsipyo para sa espirituwal na paglago na itinuro sa aralin na ito.

 

PROBLEMA:  ANG PANG-ISAHAN AY NAWALA SA KARAMIHAN.

 

Habang ang mga iglesya ay lumalago, ang bawat’ isa ay maaaring “mawala sa karamihan.” Kanilang nararamdaman na sila ay bilang lamang.  Walang personal na pakikipag-usap, pag-aalaga, at pagpapahalaga. Ang pagpapahalaga sa maramihang panghihikayat ay pinalitan ang personal na panghihikayat.

 

SOLUSYON:

 

Ang isang kaluluwa ay katumbas ng higit sa buong mundo ( Mateo 16:26). Habang ang pagpapahalaga para sa buong mundo ay tama, hindi natin dapat mapabayaan ang bawa’t isa sa karamihan.  Ang tao ay ipinanganak ng espirituwal na nag-iisa at nawala nang isahan.

 

Mayroong pangmaramihan na nahikayat. Kahit ang malaking grupo ay tumugon sa tawag ng ebanghelyo , ang bawat tao ay na “born again” ng isahan. Hindi tayo dapat masyadong matuon sa maraming tao at mapabayaan ang pangisahan na pangangailangan.  Si Jesus ay tumawag ng isahan mula sa maraming tao para mag ministeryo sa kanila. Ang pag-unlad ng ministeryo sa maliit na grupo ay isang paraan para mapanatili ang ministeryo sa pang-isahan sa malaki at mabilis na dumarami na kongregasyon.

 

PROBLEMA:  GRUPO “CLIQUES” SA IGLESYA

 

Kung minsan may mga “grupo/cliques” na nabubuo sa mga iglesya. Ang grupo/ “cliques” ay pangkat ng tao na nagsasama-sama bilang hiwalay na grupo at tumatanggi na tumanggap ng iba sa kanilang pagtitipon. Ang grupo ay pumapanig sa ibang tao at tinatanggap sila sa grupo/ “cliques” ngunit tinatanggihan ang iba.

 

SOLUSYON:

 

Itinuturo ng Biblia na ang pagtangi sa tao ay mali. Basahin ang Santiago 2:1-10. Ang ganitong ugali ay kailangan ng pagsisisi dahil ito ay kasalanan.

 

PROBLEMA:  ANG ORGANISASYON AY BUHAY, ANG ORGANISMO AY NAMAMATAY.

 

Ang organisasyon ay mahalaga, ngunit ang espirituwal na paglago ay napipigil kung ang organisasyon ay hirap sa halip na ang buhay ay daloy ng Dios. Kaugalian, legalismo, at rituwal ay nagsisimulang palitan ang tutoong espirituwal ( Marcos 7:13). Ang organisasyon ng iglesya ay maaaring buhay at mabuti, ngunit ang organismo—ang tutoong espirituwal na katawan—ay mamamatay kung walang espirituwal na buhay.

 

Ang mga ganitong iglesya ay maayos at organisado at mayroong “pangalan na kanilang ipinamumuhay”  ngunit sila espirituwal na patay (Apocalipsis 3:1).  Ang espiritruwal na patay ay titigil ng paglago. Mayroong silang porma ng kabutihan, ngunit itinatatwa ang kapangyarihan Ng Dios ( II Timoteo 3:5).

 

SOLUSYON:

 

Ang iglesya ay inihambing sa katawan. Ang katawan ay buhay na organismo, hindi basta ogranisasyon ng iba’t ibang mga bahagi.  Ang organisasyon ay hindi mamumunga ng buhay. Ang buhay na organismo ay makapamumunga. Ang buhay na katawan ng iglesya  ay dapat maturuan at ministeryo sakatawan ay pahalagahan. ( I Corinto 12).

 

PROBLEMA:  KAWALAN NG PAG-IBIG

 

Ang iglesya ay maaaring maraming mabuting espirituwal na mga gawain, ngunit walang pag-ibig. Ang mga tao ay hindi palakaibaigan.  Hindi sila nagmamahalan sa isa’t isa. Mayroong poot, galit, at ugali na walang pagpapahalaga.

 

SOLUSYON:

 

Ang bawa’t ministeryo, bawa’t kaloob, bawa’t gawain ng pangisahan o ang katawan ng iglesya ay walang kabuluhan kung walang  pag-ibig. Pag-aralan at isagawa ang I Corinto 13.

 

PROBLEMA:  KAKULANGAN NG PINAGKUKUNAN.

 

Ang tao at salapi ay dalawang mahalagang pinagkukunan na kinakailangan para sa pagpaparami. Ang paglago ay maaaring mapigil kung kulang ng mga lalake at babae na itinalaga ang sarili para sa pangitain. Ang kakulangan ng pananalapi ay maaaring maka apekto sa paglago at pag-unlad ng iglesya.

 

SOLUSYON:

 

Pahalagahan ang Kaharian Ng Dios sa halip na ang pagtatayo ng personal na ministeryo. Ipinangako Ni Jesus na ang lahat ng mga bagay na ating kailangan ay ipagkakaloob kung gagawin natin ito (Mateo 6;33).  Ipanalangin ang pinagkukunan ng mga tao, ang mga lalake at babae na may kakayahan na magani ng espirituwal na anihin (Mateo 9:37-38).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2.    Ibigay ang kahulugan ng “napigil” na paglago.

 

________________________________________

 

3.  Basahin ang sumusunod na mga halimbawa ng karaniwang kalagayan ng iglesya. Alamin ang problema at gamitin ang iyong Biblia para magbigay ng solusyon.

 

 

Halimbawa A:  Dalawang babae sa iglesya ang hindi nag-uusap sa isa’t isa. Ang kapatid na A ay may sinabi na naka “offend” kay kapatid na B.  Ano ang solusyon?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Halimbawa B:  Ang bawat gabi ng linggo ay puno ng gawain sa iglesya, ngunit kakaunti ang bagong nahikayat at nailapit Sa Pannginoon.  Ano ang maaaring problema?  Ano ang solusyon?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

Halimbawa C:  Ang ilan sa bagong mga nahikayat ay dumalo ng iglesya sa maikling panahon, pagkatapos ay bumalik sa kanilang dating makasalanang pamumuhay. Ang iba ay nanatili sa iglesya, ngunit nanatili na espirituwal na sanggol.  Ano ang maaaring problema? Ano ang solusyon?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata  ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.    Pagbalik aralan ang mga problema sa espirituwal na paglago na nakilala sa kabanatang ito. Gumawa ng talaan ng mga bagay sa inyong sariling iglesya na nakapipigil sa paglago at pagpaparami.  Paano maitatama ang mga problemang ito?

 

2.  Pag balik aralan muli ang aralin at kilalanin ang mga bagay na nakapipigil sa iyong sariling paglago at pag-unlad. Paano mo maitatama ang mga problemang ito?

 

3.  Suriing mabuti  ang iyong iglesya at ang iyong sariling espirituwal na buhay. Mayroon bang mga bagay na nakapipigil sa espirituwal na paglago na kakaiba sa mga natalakay sa kabanatang ito? Kung mayroon, gumawa ng talaan ng mga problemang ito at hanapin sa Biblia ang solusyon para sa bawa’t isa.

 

4. Basahin ang liham sa pitong iglesya sa Apocalipsis mga kabanata 2-3. Gumawa ng talaan ng mga problema na nakikita sa mga iglesyang ito at  ang solusyon na ibinigay ng Espiritu Santo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABING DALAWANG KABANATA

 

ISANG DAGDAG NA SENTRO NG PAGSASANAY

 

Mga Layunin:

 

Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:

 

·                    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

·                    Kilalanin ang mga paraan na ginamit ni Pablo sa pagtuturo ng mga mananampalataya sa Efeso.

·                    Ilarawan ang sentro ng pagsasanay sa Efeso.

·                    Ipaliwanag ang pakay ng pagdagdag na sentro ng pagsasanay,

·                    Ibuod ang panuto para sa pagsisimula ng dagdag na sentro ng pagsasanay.

·                    Magsimula ng dagdag na sentro ng pagsasanay.

 

SUSING TALATA:

 

Datapuwa’t nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala, na pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan, ay umalis siya sa kanila at inihiwalay ang mga alagad, na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tirano.

 

At ito’y tumagal sa loob ng dalawang taon; ano pa’t ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego. (Mga Gawa 19:9-10)

 

PAMBUNGAD

 

Bago pag-aralan ang kabanatang ito, basahin ang Mga Gawa 19:1-20.  Nakasulat sa talatang ito ang ministeryo ni Apostol Pablo sa lunsod ng Efeso. Sa Efeso si Pablo ay gumamit ng natatanging paraan ng espirituwal na pagpaparami. Siya ay nagtatag ng dagdag na paaralan ng pagsasanay.  Sa kabanatang ito iyong matututuhan mo kung paano magparami sa pamamagitan ng ministeryo ng pagdagdag na sentro ng pagsasanay.

 

ANG PARAAN SA EFESO

 

Nang unang dumating si Pablo sa Efeso , hinanap niya ang mga disipulo na nakatira doon. Ang mga lalake at babae ay tumanggap na ng Ebanghelyo at naging tagasunod Ni Jesus. (Mga Gawa 19:1).

 

Ang mga bagong manananampalatayang ito ay kailangan ng dagdag na pagsasanay para mabisang makapag ministeryo sa kanilang lunsod. Ang unang pinahahalagahan ni Pablo ay turuan pa ng maraming bagay ang mga disipulong ito tungkol sa Kaharian ng Dios. Tinuruan sila ni Pablo sa pamamagitan ng karanasan.  Ang una niyang ginawa ay inakay sila sa bagong espirituwal na karanasan, ang bautismo ng Espiritu Santo ( tingnan ang Mga Gawa 19: 2-8). Sa pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios sa kanyang buhay, tinuruan sila ni Pablo sa pamamagitan ng halimbawa. Nasaksihan nila ang maraming himala na ginawa sa pangalan Ng Panginoon ( Mga Gawa 19:11-12).  Ang mga hindi tunay na tagasunod  Ni Jesus ay nakita at nagsisi ( Mga Gawa 19:13-17).  Mga bagong nahikayat ang nailapit Sa Panginoon Jesu Cristo (Mga Gawa 19:17-20).

 

Nang magkaroon ng mga oposisyon ang Ebanghelyo na galing sa mga lider ng tradisyon, itinatatag ni Pablo ang sentro ng pagsasanay para sa mga disipulo sa Efeso.

 

Datapuwa’t nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala, na pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan, ay umalis siya sa kanila at inihiwalay ang mga alagad, na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tirano.  (Mga Gawa 19:9)

 

Ang sentro na itinatag ni Pablo ay nag-aalok ng dalawang taon na pagsasanay para sa mga disipulo. Ang pakay ng paaralan ay para magparami ng mga disipulo na magpapakalat ng mensahe ng Ebanghelyo:

 

At ito’y tumagal sa loob ng dalawang taon; ano pa’t ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego. (Mga Gawa 19:9-10)

 

Ang sentro ng pagsasanay na ito ay walang pagtanggi sa ibang kultura. Ang mga mag-aaral ay parehong nag miministeryo sa mga Hudyo at Pagano ( at iba pang hindi-Hudyo na nasa mga bansa sa mundo).  Ang paaralan ay walang hangganan sa heograpiya. Ang mga estudyante ay hindi lamang nag miministeryo sa kanilang sariling lunsod sa Efeso, naabot nila ang buong kontinente ng Asia.  Ang sentro ng pagsasanay na naitatag ni Pablo ay natupad ang pakay na ito.

 

…ano pa’t ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego.  (Mga Gawa 19:10)

 

…Sa gayo’y lumagong totoo ang salita ng Panginoon at nanaig. (Mga Gawa 19:20)

 

Ang paaralan sa Efeso ay sinasanay ang mga mananampalataya na maging mabisang manggagawa ng Ebanghelyo. Ang mga disipulong ito ay espirituwal na nagpaparami para maabot ang Asia ng Salita Ng Dios. Sa pagtatatag ng ganitong sentro, si Pablo ay nagparami ng kanyang sariling ministeryo.

 

ANG NAGPAPATULOY NA PROSESO

 

Basahin ang Mga Gawa 19:23-41 at 20:1.  Ang paggawa at pagtitinda ng mga bagay na tungkol sa kulto , aklat, at iba pa, ay malaking kalakal sa Efeso. Nang ang mga tao ay nagsisi at sumunod sa daan ng Ebanghelyo, hindi na sila bumibili ng mga bagay na ito na ginagamit sa pagsamba sa huwad na mga Dios.  Kanilang sinunog ang mga bagay na ito na dati nilang binibili.

 

Ang mga nagtitinda na nabubuhay mula sa pinagbentahan ng mga bagay na ito ay sobrang nagalit. Nagkagulo ang resulta nito at nagtapos na si Pablo ay umalis sa lunsod.  Ngunit nang si Pablo ay umalis, nag iwan siya ng isang bagy na napakahalaga sa Efeso. Nagiwan siya ng nasanay na grupo ng mga disipulo na magpapatuloy ng gawain ng Ebanghelyo.  Nagiwan siya ng naitatag na sentro ng pagsasanay na nagpatuloy na manguna sa bagong mga disipulo sa “discipleship”. Ang sentro na itinatag ni Pablo ay nagpatuloy sa proseso ng pagpaparami nang hindi na siya maaaring manatili sa lunsod.

 

ANG PANGANGAILANGAN NGAYON

 

Patuloy ang pangangailangan ng magkatulad na sentro ng pagsasanay hanggang ngayon.  Habang ang mga nahikayat ay nagpaparami, mahalaga na sila ay masanay bilang disipulo.  Ang mga disipulo ay dapat mahamon  sa kanilang responsabilidad sa pag-abot sa mundo ng Ebanghelyo.

 

Habang ang mga bansa ay nakararanas ng pagbabago sa politika, maraming mga minsyonero ang napilitan na umalis sa mga bansa na kanilang pinagministeryuhan. Kung ang proseso ng espirituwal na pagpaaprami ay magpatuloy sa kanilang pag-alis, dapat silang magiwan ng mga sentro ng pagsasanay na katulad ng sa Efeso.

 

Ang natitira sa kabanatang ito ay nagbibigay ng panuto para sa pagtatatag ng ganitong sentro. Ito ay maaaring sinimulan ng grupo ng mga iglesya o ng isang tao na, katulad ni Pablo, ay may pangitain para sa ganitong paraan ng pagpaparami.

 

PAANO MAGTATATAG NG DAGDAG NA SENTRO

 

Para makapagsimula ng dagdag na sentro:

 

1.         HANAPIN ANG PLANO NG DIOS:

 

Kahit si Pablo ay nagsanay ng mga disipulo sa lahat ng lugar na kanyang pinag ministeryohan, hindi siya nagtatag ng sentro ng pagsasanay sa bawa’t lugar. Marami kang natutuhan na mga paraan ng espirituwal na pagpaparami sa kursong ito. Ang pakay ng Dios sa pagpaparami ng mga disipulo para ipangalat ang Ebanghelyo ay patuloy na nananatili. Ang mga paraan para ito ay maabot ay magkakaiba.

 

Ang unang hakbang sa pagdagdag ng sentro ng pagsasanay ay hanapin ang kalooban Ng Dios. Ang Harvestime International Institute ay nag-aalok ng kurso na ang pamagat ay “Pagkilala Sa Tinig Ng Dios” na makatutulong sa iyo para maunawaan kung paano ipinahahayag Ng Dios ang Kanyang kalooban sa tao.  Dahil ang plano Ng Dios ay magkakaiba para sa iba’t ibang lugar, at dahil ang kultura ay magkakaiba, ang pangangailangan at mga paraan para sa organisasyon ng dagdag na mga sentro ay iba’t iba.

 

2.         UNAWAIN ANG PAKAY:

 

Dapat mayroon kang maliwanag na pagkaunawa sa pakay ng sentro ng pagsasanay na batay sa halimbawa ng sa Efeso. Ang pakay para sa paaralan ay hindi magsanay ng lalake at babae para sa trabaho, kalakal, industriya, pagsasaka, at iba pa.  Ganito ang pakay ng mga kolehiyo at “vocational “na paaralan.

 

Ang paaralan sa Efeso ay nagsasanay ng mga disipulo  at maihanda sila para sa Gawain ng ministeryo.  Ang pakay ay maipalaganap ang Ebanghelyo sa heograpiya (sa buong Asia) at kultura ( sa perhong Hudyo at Pagano).  Ang bagong mga nahikayat ay sinanay bilang disipulo sa nagpapatuloy na proseso ng pagpaparami.

 

Ang iba sa mga disipulo ay maaring mangangalakal o magsasaka.  Ngunit sa paaralan sa Efeso ay hindi sila nagsanay sa ganitong propesyon.  Ito ay nagsasanay sa mga mananampalataya para manganak ng mga disipulo, kung saan sila ay makakagawa sa pamilihang pampubliko o “full-time” na mga pastor ng Ebanghelyo.

 

Ang sentro ng pagsasanay ay hindi ipinalit sa iglesya.  Ang mga mananampalataya ay patuloy na nagtitipon-tipon sa sinagoga, na ito ang lugar ng pagsasama-sama ng unang iglesya. Nagpapatuloy din ang mga mananampalataya na magtipon sa mga iglesya sa kanilang mga tahanan.

 

Ang paaralan sa Efeso ay karagdagan ng iglesya.  Ang paaralan ay hindi pinalitan ang ministeryo ng iglesya, ngunit idinagdag ito.  Ang pakay ng programa ng pagsasanay  ay hindi para palitan ang anumang institusyon na aktibong nagpapangalat ng Ebanghelyo.

 

Mabuti na isulat ang pakay ng paaralan.  Ito ang tinatawag na “Salaysay ng Layunin.” Ito ay makatutulong sa iyo na manatili sa tunay na pakay para sa dagdag na sentro ng pagsasanay.

( Ang Harvestime International Institute na kursong “Pangagnasiwa Batay Sa Layunin”  ay nagpapaliwanag kung paano magsulat ng ganitong salaysay.)

 

3.   MAGLAAN NG BADYET:

 

Ang badyet ay tinataya kung magkano ang gastusin . Ang kagamitan na iyong gagamitin para sa paaralan, paano mo ito ipaaalam sa publiko ito, at ang “curriculum” na iyong pipiliin ay maaring maapektuhan ng halaga ng salapi na iyong gagastusin.

 

Kung ikaw ay may nakalaan na pondo para magsimula ng paaralan, kailangan mong ibadyet ang pondong ito. Ang ibig sabihin nito kailangan mong isulat ang mga tiyak na halaga na iyong inilalaan na gastusin para sa iba’t ibang kagamitan katulad ng lugar, pagpapahayag sa publiko,  “curriculum”, at iba.

 

Kung wala kang pondo para magsimula ng sentro, manalangin ka na ibigay Ng Dios ang mga pinansiyal na pangangailangan. Kung may grupo ng iglesya na nakikiisa sa pagsisimula ng sentro, malamang ang bawa’t iglesya ay mag-ambag para sa proyekto. Maaari na ang estudyante ay magbigay ng handog.

 

Ang kakulangan ng pondo ay hindi dapat mapigilan ang pagsisimula ng dagdag na sentro. Gamitin ang Harvestime International “curriculum” at magsimula ng paaralan sa tahanan o katulad na kagamitan kung saan hindi ka masisingil sa renta.  Ang mga guro at tauhan ay maaaring mag boluntaryo para sanayin ang mga estudyante.

 

4.  PUMILI NG LUGAR:

 

Ang lunsod sa Efeso na napili ni Pablo bilang lugar para sa kanyang paaralan ng mga disipulo ay “busy” na daungan ng kalakalan. Ito ay sentro rin ng turismo at punong –tanggapan ng kulto at huwad na diyosa ni Diana.

 

Ang resulta ng mga bagay na ito ay  maraming tao ang nakatira at bumibisita sa lunsod ng Efeso. Ang pag-abot sa malaking populasyon sa Efeso ng Ebanghelyo ay nagbigay ng malaking pagkakataon para sa pagsasanay ng mga estudyante.  Hindi lamang ang Ebanghelyo ay maipangaral sa maraming tao na nakatira sa lunsod, ngunit mayroong pagkakataon na maabot ang libulibo na bumibisita sa lunsod at turista para sa kalakal. Kung ang mga bisitang ito na tumanggap sa Ebanghelyo at uuwi sa kanilang tahanan, kasama nila ang mensahe. Sila ay bumalik sa daan-daang ibang mga lunsod at isla para ipangalat ang Ebanghelyo.

 

Dahil ang Efeso ay sentro ng kulto at huwad na diyosa na si Diana, ito ay nagbigay ng pagkakataon para sa pagsasanay kung paano haharapin ang inaalihan ng demonyo at mga gawain ng okultismo. Kung ang mga estudyante ay matututo na harapin ang inaalihan ng demonyo at gumawa sa masamang lunsod, siguradong makapaglilingkod  sila sa ibang lugar sa mas kakaunti ang impluwensiya ni Satanas.

 

Hindi inalis ni Pablo ang mga disipulo sa kanilang kinagisnang kapaligiran para sa pagsasanay. Kanyang sinanay sila sa kapaligiran na natural na kanila. Sila ay nanatili sa sarili nilang komunidad at natuto sa kanilang sariling salita. Pumili si Pablo ng magandang lugar para sa paaralan ng pagsasanay para sa mga disipulo. Hilingin Sa Dios na patnubayan ka sa lugar ng iyong sentro ng pagsasanay.

 

Sa iyong pag iisip ng lugar para sa sentro, itanong ang mga tanong na ito:

 

Una:  Ang lugar ba na ito ay madaling puntahan ng mga tao na iyong sasanayin?

 

Ang mga tao ay dapat maka punta sa paaralan para makatanggap ng pagsasanay.  Kung ikaw ay nakatira sa isla, ang institusyon ay dapat sa lugar na maaaring maglakad ang mga tao na sasanayin. Kung sa lunsod, ito ay dapat madaling marating ng pampublikong sasakyan. Maghanap ng sentrong lugar na madaling marating ng karamihan ng mga tao na iyong pinaplanong masanay.

 

Ikalawa:  Ito ba ay magandang  lugar?

 

Ang Efeso ay magandang lugar dahil ito ay daungan ng mga barko na nasa natural na daanan ng kalakalan. Kung possible, ilagay ang paaralan sa ganitong lugar. Piliin ang lugar kung saan ang mga tao ay natural na nagsasama-sama, bumibisita, o kung saan pinakamaraming populasyon.

 

Huwag matatakot na ilagay ang sentro ng pagsasanay sa lugar ng pinamumuhayan ni Satanas. Magbibigay ito ng malaking pagkakataon para sa mga estudyante na maranasan ang naituro sa kanila. Ang Efeso ay ganitong lugar dahil ang malakas na impluwensiya ng kulto at Diana

 

Ikatlo:  Anong mga kagamitan ang dapat gamitin?

 

Hindi kinakailangan na magtayo ng natatanging gusali  para sa sentro ng pagsasanay.  Ginamit ni Pablo kung ano ang kagamitan na pagmamayari ng lalaking si Tyrannus. Maaari kang magsimula sa dagdag na sentro sa iglesya, gusali ng paaralan, tahanan, o pampublikong bulwagan.

 

Kung possible , pinakamabuting ilagay ang paaralan sa “neutral facility”—isang gusali na hindi pagmamay-ari ng isang denominasyon.  Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa maraming mga tao mula sa maraming iglesya na makisali na hindi tinatanggihan ang ibang mga grupo dahil ang lugar ng ibang denominasyon ay ginagamit.

 

Ang ilang mga pastor ay natatakot na mawala ang kanilang mga tao kung sila ay dadalo sa ibang iglesya. Ang ilang mga denominasyon ay hindi pinapayagan ang kanilang mga kaanib na pumasok sa ibang mga iglesya. Ang ganitong pag-uugali ay hindi tama, ngunit sila ay nandiyan. Ang pagpili ng “neutral facility” ay inaalis ang maraming mga problemang ito.  Maaari mong magamit ang lugar ng gobyerno o pag-aari ng lunsod. Malamang maaari mong gamitin ang tahanan, pampublikong bulwagan, lupa ng kampo, o gusali ng secular na paaralan.

 

Subukan na magkaroon ng lugar na angkop sa bilang ng mga estudyante na inaasahang mong sanayin. Pumili ng lugar na maka-aakit sa sosyal na klase ng tao na plano mong sanayin. Halimbawa , kung nais mong sanayin ang mga tao mula sa mahirap na baryo ng lunsod, maaari na hindi sila kampante na pumunta sa mataas na uri ng hotel na bulwagan ng pagtitipon para makatanggap ng pagsasanay.

 

5.  PUMILI NG NARARAPAT NA “CURRICULUM”:

 

Ang “curriculum” ay organisadong kurso ng pag-aaral.  Siguruhin na pumili ng “curriculum” na makaaabot sa pakay ng dagdag  na sentro  at ito ay magsasanay at ihanda ang mga disipulo. Halimbawa, ang kurso na kung paano makikilala ang tinig Ng Dios ay higit na mahalaga para maabot ang pakay ng paaralan sa halip na kurso ng kasaysayan ng iyong denominasyon.

 

Ang “curriculum” sa dagdag na sentro  ay dapat nakatuon sa kung ano ang itinuro Ni Jesus na nag-akay sa mga layko at mabago sila na maging disipulo na maipangangalat ang Ebanghelyo sa mundo. Ito ay dapat na nakabatay sa Biblia na “curriculum”. Ang “curriculum na ito ay makukuha sa Harvestime International Institute. Sumulat sa Harvestime para sa “Patnubay Para Sa Orientasyon At Administratibo” na nagbibigay ng dagdag na detalye sa “curriculum” na aming iniaalok.

 

Sa pagpili ng “curriculum” dapat mong alalahanin ang antas ng edukasyon ng mga tao na nais mong sanayin.  Nakakabasa at nakakasulat ba sila? Anong lengguwahe ang kanilang ginagamit sa pagsasalita, sa pagbasa o pagsulat? Kung higit sa isa ang local na salita , mayroon bang karaniwan na salita na maaaring gamitin sa paaralan? Kailangan mo ba na gumamit sa pagtuturo  ng dalawang lengguwahe, at gumamit ng “translator”?

 

6.  PUMILI NG MGA GURO AT “STAFF”

 

Humingi ng patnubay Sa Dios sa iyong pagpili ng mga guro para sa dagdag na sentro.  Siguruhin na sila ay sumasangayon sa pakay ng paaralan at ang “curriculum” na dapat ituro.  Ang antas ng pinag-aralan ng mga guro ay dapat isaalang-alang.  Dapat silang makipag-usap sa antas ng nararapat sa mga estudyante na sasanayin. Ngunit ang higit na mahalaga sa kanilang pinag-aralan ay ang kanilang espirituwal na karanasan at espirituwal na mga kaloob.

 

Piliin ang mga guro na papatnubay sa mga estudyante na maranasan ang kanilang natutuhan.  Piliiin ang mga guro na magbibigay ng magandang halimbawa sa pagpapakita ng kapangyarihan Ng Dios sa kanilang sariling buhay at ministeryo.  Tandaan na ang mga estudyante sa Efeso ay natuto hindi lamang sa oras ng klase. Sila ay natuto sa pamamagitan ng halimbawa na ipinakita ng kanilang guro, si Pablo.

 

Piliin ang mga mananampalataya na mayroong espirituwal na kaloob ng pagtuturo.  Magbigay ng dagdag na pagsasanay para matulungan sila na umunlad ang kanilang kaloob.  Ang Harvestime Institute na kurso na “Mga Paraan Ng Pagtuturo” ay tutulong sa iyo sa pagsasanay ng mga guro para sa dagdag na sentro.

 

Maaari kang mangailangan ng ibang kaanib na manggagawa na karagdagan sa mga guro.  Maaari na kailangan mo ng  maglilinis at maghahanda ng silid aralan o kumuha ng “curriculum”. Maaari na mayroong magpakilala ng paaralan sa publiko. Madetalye na isipin ang tungkol sa paaralan. Ano ang dapat gawin upang ang paaralan ay manatiling gumagawa?  Piliin ang mga kaanib na manggagawa na may kakayahan na gawin ang dapat gawin.

 

7.  IPAKILALA SA PUBLIKO ANG DAGDAG NA SENTRO

 

Ang mga tao ay hindi makadadalo sa paaralan para makatanggap ng pagsasanay kung hindi nila alam na magkakaroon nito. Dapat mong ipangalat ang balita tungkol sa sentro sa buong isla o lunsod kung saan mo planong magministeryo.

 

Iba’t ibang paraan kung paano mo ipangangalat ang paaralan, depende ito sa lugar ng iyong paaralan at kung magkano ang pondo na maaari mong gamitin para sa publisidad ng paaralan. Kung ang sentro ng iyong pagsasanay ay nasa maliit na isla, maaari na ang publisidad ay pumunta sa bahay-bahay at bisitahin ang bawa’t iglesya  sa isla. Ang balita ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng “word of mouth”.  Maaari mong isahan na kausapin ang pastor tungkol sa programa. Maaari mong personal na kausapin ang mananampalataya na mayroong pagnanais na masanay.  Ang buong isla ay madaling maaabot na walang ginagamit na salapi. Sa isang lunsod, ang balita ay hindi madaling kumakalat dahil sa malaking populasyon.  Maaari na nais mong gamitin ang sumusunod na mga paraan para ipakilala sa publiko ang paaralan.

 

Pagbisita sa iglesya:  Humanap ng talaan ng lahat ng iglesya sa lunsod.  Makakakuha ka ng talaan sa pamamagitan ng direktoryo ng telepono o ahensiya ng gobyerno na nakerehistro ang mga iglesya. Kausapin ang pastor ng bawa’t iglesya at ibahagi ang pangitain ng dagdag na sentro. Hilingin na payagan ka na ibahagi sa mga kaanib ng kanyang iglesa sa regular na pagtitipon.

 

Bulitin ng iglesya:  Kung ang mga iglesya ng iyong lunsod ay namimigay ng lingguhang bulitin sa mga kaanib, maghanda ng maliit na pulyeto na maaaring iipit sa bulitin ng iglesya.  (tingnan ang halimbawa sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng kabanatang ito.)

 

Magpalabas ng Balita:  Maghanda ng pahayag  tungkol sa paaralan para sa local na pahayagan. Magtanong kung ano ang halaga para mailagay ang pahayag. (tingnan ang “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng kabanatang ito para halimbawa ng “news release.”)

 

Paskil:  Mag desenyo ng paskil para ianunsiyo ang paaralan.  Ilagay ang paskil sa bulwagan ng iglesya kung saan ito makikita habang ang mga tao ay pumapasok at lumalabas.  Kung ang iglesya ay may salamin na pinto o bintana na naka harap sa “busy” na daan, ilagay ang paskil para ito ay makita mula sa lakaran ng mga tao na dadaan sa iglesya.

 

Kumuha ng permiso mula sa lokal na Kristiyanong tindahan ng aklat, Kristiyanong kalakal, kolehiyo/paaralan, at iba pa, para ilagay ang paskil sa kanilang bulitin “board” o bintana. Ilagay ang paskil sa “shopping center’, bangko—kahit saan na ang mga tao ay nagtitipon.  Siguruhin na kumuha ng permiso ng mayari bago maglagay ng paskil. Siguruhin na walang batas sa gobyerno na nagbabawal ng ganitong paskil.

 

Mga pagtitipon ng Kristiyano:   Kung mayroong mga pagtitipon, konsiyerto, o komperensiya sa iyong lugar na humahatak sa mga mananampalataya, hilingin sa liderato na ipahayag ang sentro ng pagsasanay sa panahon ng pagtitipon.

 

Mga Kaanib ng Iglesya:  Hilingin sa mga kaanib ng iglesya na mamigay ng paskil at pulyeto. Ang pulyeto ay maaaring katulad ng desenyo na ginamit sa inipit na pulyeto sa bulitin ng iglesya.

 

Pagtitipon ng Mga Pastor:  Kung mayroong pagtitipon ng mga konseho ng pastor  o pagtitipon sa lunsod, kausapin ang lider at hilingin na bigyan ka ng oras para ibahagi ang tungkol sa sentro ng pagsasanay sa isa nilang pag-uusap. Magdala ka ng kopya ng paskil, pulyeto, at bulitin para ibigay sa bawa’t pastor.

 

Talaan ng Denominasyon  Mapadala ng sulat sa bawa’t pastor at iglesya sa iyong sariling denominasyon. Hilingin sa ibang pastor para sa ibang iglesya na maaring padalhan ng sulat sa kanilang denominsyon.

 

Lokal na Kristiyanong Organisanyon:  Kausapin ang liderato ng lokal na organisasyon ng mga Kristiyano sa inyong lugar. Halimbawa, “Youth For Christ, Campus Crusade, Young Life, Full Gospel Businessmen’s Fellowship, Women’s Aglow, Teen Challenge,” at katulad na mga organisasyon. Kausapin ang mga lider at hilingin ang permiso para ibahagi ang balita ng dagdag na sentro sa isang regular na pagtitipon ng kanilang organisasyon.

 

8. PANGASIWAAN ANG UNANG SESYON 

 

Ang unang sesyon ng klase sa sentro ng pagsasanay ay napakahalaga. Ito ay dapat bukas para sa lahat ng mga pastor at mananampalataya ng komunidad.  Kasama sa sesyon ang :

 

1.      Pagpapakilala sa mga guro at manggagawa.

 

2.      Pagpapaliwanag ng pakay ng sentro ng pagsasanay.

 

3.      Pambungad sa “curriculum” na gagamitin sa paaralan.

 

4.      Panahon ng pananalangin, pagpupuri, at pagaawitan.

 

5.      Isang pagtuturo na makahikayat , halimbawa ng kung ano ang inaalok ng paaralan.

 

6.      Isang pagtatapos na panalangin ng pagtatalaga ng kagamitan at mga guro.

 

7.      Pagpapapatala ng mga nais na makilahok sa programa ng pagsasanay. Ang pagpapatala ay dapat gawin sa pagtatapos ng unang sesyon bago mag-alisan.Ang mga estudyante ay dapat na nakausap ang mga guro , tumanggap ng pambungad sa “curriculum”, at nakaranas ng halimbawa ng pagtuturo.

 

Ito ay dapat makahikayat sa kanila na magpatala para sa buong kurso ng pagsasanay. (Tingnan ang halimbawa ng “enrollment form” sa “Para sa Dagdag na Pag-aaral” ng bahagi ng aralin na ito.)

 

9.  ANG REGULAR NA SESYON NG KLASE:

 

Narito ang ilan sa mga patnubay para sa pagsasagawa ng regular na sesyon ng klase:

 

1.      Maging handa:  Ang bawa’t guro ay dapat lubos na alam ang paksa na pag-aaralan na kanyang ituturo. Mayroon siyang tamang mga gamit at materyales na handa para sa bawa’t sesyon ng klase. Dapat mayroon siyang tiyak na layunin para sa bawa’t aralin. Kung ikaw ay gumagamit ng Harvestime International Institute na materyales, ang mga layunin ay nakatala sa pagsisimula ng bawa’t kabanata.  Siguruhin ang mga silid aralin ay handa para sa mga estudyante. Ihanda ang “textbook” para sa bawa’t estudyante. Maaari kang maghanda ng sentro para sa “audio at video” kung saan makikinig at manunuod. Kung mayroon na tamang kagamitan para dito. Ang mga estudyante ay maaaring makinig sa “audio” at “video tape” na panuto.

 

2.      Maging nasa oras:  Magsimula at magtapos ng sesyon ng klase sa tamang oras, maliban na ang Espiritu Santo ang manguna.

 

3.      Manalangin:  Simulan at tapusin ang klase sa panalangin

 

4.      Magbalik-aral at ibuod:  Simulan ang bawa’t klase sa maikling pagbabalik aral at kung ano ang naituro sa huling klase.  Tapusin ang bawa’t klase sa pagbubuod ng aralin na itinuro sa sesyon na iyon.

 

5.      Gumamit ng iba’t ibang mga paraan:  Para sa pagsasanay ng mga paraan , pag-aralan ang Harvestime International Institute na kurso sa “Mga Paraan Ng Pagtuturo.”

 

6.      Maging bukas sa pagkilos Ng Espiritu Santo:  Ito ay higit na mahalaga kaysa matapos ang aralin o sundin ang plano ng pagtuturo.

 

7.      Patnubayan ang mga estudyante na maranasan ang itinuro:  Halimbawa,  kung ikaw ay nagtuturo sa pagpapagaling, ipanalangin ang mga kasalukuyang may sakit.  Kung nagtuturo ng tungkol sa bautismo ng Espiritu Santo akayin ang mga hindi pa nakakaranas nito.

 

8.      Magplano na lumabas para sa mga karanasan ng pagkatuto:  Magbigay ng asignatura para sa mga estudyante para mabuo ang pagitan ng sesyon ng klase.  Magbigay ng pagkakataon para magawa nila ang kanilang natutuhan sa praktikal na ministeryo sa kanilang iglesya at komunidad.

 

Tandaan :  ang pakay ng paaralan ay para maihanda ang mga disipulo sa “cross cultural at geographic lines” para maipangalat ang mensahe ng Ebanghelyo.

 

 

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1.    Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

2.      Kilalanin ang mga paraan na ginamit ni Pablo sa pagtuturo ng mga mananampalataya sa Efeso.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

3. Ilarawan ang sentro ng pagsasanay sa Efeso.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

4.  Ano ang pakay ng pagdadagdag ng sentro ng pagsasanay?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

5.  Ibuod ang panuto para sa pagsisimula ng dagdag na sentro ng pagsasanay.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

(Mga sagot sa pagsusulit ay makikita sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Si Eliseo ay nagorganisa ng paaralan para sa mga propeta sa Lumang Tipan na kung saan siya ang ulo ( tingnan nag II Mga Hari 2:4).  Alalahanin ang ministeryo ng mga propeta, anong mga kurso ang iniisip mong dapat na makasama sa “curriculum” ng paaralan na ito?

 

2. Ang Harvestime International Institute ay nagbibigay ng pagsasanay na mga kurso na maaaring magamit sa dagdag na sentro ng pagsasanay, kung saan ang kursong iyong pinagaaralan ay bahagi nito. Ang Institusyon na ito ay lumilipat na programa ng pagsasanay na desenyo para sa Kristiyanong layko na nagnanais na magpagamit Sa Dios sa mabisang ministeryo. Ang tuon nito ay kung ano ang itinuro Ni Jesus para mabago ng layko sa produktibong mananampalataya na naabot ang kanilang mundo ng mensahe ng Ebanghelyo sa pagpapakita ng kapangyarihan.

 

Ang Harvestime International Institute na “curriculum” ay nahahati sa pambungad na manwal at anim na “module” ng pangunahing pagsasanay. Para sa dagdag na impormasyon sumulat sa

 

Harvestime International Network

14431 Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921 U.S.A.

 

3.  Narito ang halimbawa na maaring gamitin para ipahayag sa publiko ang  dagdag na sentro ng pagsasanay:

 

Narito ang halimbawa ng artikulo para sa pahayagan:

 

Ang mga iglesya ng kalakhang ( pangalan ng lunsod) lugar ay nag-aanyaya sa iyo na sumama sa Harvestime International Intitute na darating  sa lunsod na ito ( petsa).

 

Ayon kay (pangalan ng lokal na pastor sa iglesya), tagapanguna ng lokal na pagpaplano ng komite, ang Harvestime International Institute ay bukas sa mga Kristiyanong manggagawa ng lahat ng denominasyon.

 

Ang Institusyon ay mangyayari sa (araw ng linggo, oras) at (lugar).

 

Ang kasama sa mga sesyon at guro ng pagsasanay ay ( talaan ng mga pangalan ng lahat ng kurso at mga guro, halimbawa, “Saligan Ng Pananampalataya” itinuro ni Rev. Jim Smith, pastor ng First Chuirch, at iba pa).

 

Para sa dagdag na impormasyon, kausapin si ( pangalan, tirahan, numero ng telepono ng tao na dapat kausapin para sa dagdag na impormasyon).

 

Halimbawa ng pahayag sa radyo at telebisyon:

 

Ang mga iglesya ng kalakhang ( pangalan ng lunsod) lugar ay nag-aanyaya sa iyo na sumama sa Harvestime International Intitute na darating  sa lunsod na ito ( petsa).

 

Ayon kay (pangalan ng lokal na pastor sa iglesya), tagapanguna ng lokal na pagpaplano ng komite, ang Harvestime International Institute ay bukas sa mga Kristiyanong manggagawa ng lahat ng denominasyon.

 

Ang kasama sa mga sesyon at guro ng pagsasanay ay ( talaan ng mga pangalan ng lahat ng kurso at mga guro)

 

Ang sesyon ng mga klase  ay mangyayari sa (araw ng lingo, oras) at (lugar). Para sa dagdag na impormasyon, kausapin si ( pangalan, tirahan, numero ng telepono ng tao na dapat kausapin para sa dagdag na impormasyon).

 

Halimbawa ng “registration form”:

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

Registration

 

Pangalan:  ________________________________________

 

Tirahan:________________________________________

 

________________________________________

 

Numero ng telepono:_________________  Edad: ________________________________

 

Denominasyon ng Iglesya:  ________________________________________

 

Ano ang kasulukuyan mong posisyon sa iyong iglesya?

 

________________________________________

 

Ano ang iyong “educational background?” _____________________________________

(/Ano ang pinakamataas na natapos sa pag-aaral?)

 

Anong lengguwahe ang iyong ginagamit sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat? _______

 

(Maaari kang magsama ng iba pang mga bagay na nais mong isama sa “registration form”.)

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

Mga Tagubilin sa Mga Pastor:

 

Ang mga sumusunod na liham ay maaaring ipadala sa mga pastor ng lahat ng lokal na mga iglesya kasama ang impormasyon tungkol sa Harvestime Institute:

 

Mahal na Pastor:

 

Inilalagay namin sa inyong mga kamay ang nakapupukaw na pagkakataon na iyong makakaharap para sanayin ang mga Kristiyanong lider at layko sa inyong iglesya.

 

Narito kung paano makikinabang ng natatanging pagsasanay na dinala ng ( pangalan ng lunsod) Harvestime International Institute.

 

1.      Basahin nang maingat ang kasamang mga materyal. Aming isinama ang natatanging paanyaya at ilang mga pulyeto tungkol sa Institusyon.

 

2.   Siguruhin na ang bawa’t matandang kaanib ng inyong kongregasyon ay makakatanggap ng sipi ng pulyeto na nagpapahayag ng Institusyon.

 

3.  Gamitin ang pulyeto bilang paskil sa inyong iglesya. Maglagay ng isa sa pagpasok at paglabas .

 

4. Kung mayroon kang sangay na iglesya na nasa ilalim ng iyong pangangasiwa o sinoman ang puwedeng mapapadalahan, padalhan sila ng pulyeto para sa kanilang mga kaanib.

 

5. Saan iglesya ka bumisita ay magsalita, magdala ng sipi ng pahayag  at ibahagi ang pagkakataon sa ibang kongregasyon.

 

6. Kung ikaw ay may  krusada, “convention, camp, musical,” komperensiya, o pagtitipon magdala ng pahayag para ipamigay  sa mga dadalo.

 

7. Kung ikaw ay kaanib ng pagtitipon ng mga pastor sa lunsod o denominasyon, ipahayag ang Institusyon sa mga kaanib at ipamigay ang pulyeto.

 

Para sa karagdagang gamit o pulyeto kausapin:

 

            (Pangalan, tirahan, numero ng telepono ng taong kakausapin)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halimbawang pulyeto na ipinapahayag ang Institusyon:

 

Ang susunod ay halimbawa ng pulyeto na nagpapahayag ng Harvestime International Institute. Palitan ang impormasyon sa iyong sariling institusyon:

 

DARATING SA COLORADO SPRINGSHARVESTIME INTERNATIONAL INTITUTE

PANSANDALIAN NA PAGSASANAY PARA SA”EVANGELICAL CHRISTIANS”

 

            Petsa:               Setyembre 13- Enero 5

            Oras:                Lunes;Miyerkoles- Biyernes: 6:30 p.m. – 9:30 p.m.

            Lugar:               Public Hall, 114 N.G.St., Colorado Springs

 

ANG MGA KURSO AY

 

Mga Stratehiya Para Sa Pag-aaning Espirituwal             Pananaw sa Mundo Batay sa Biblia

Saligan Ng Pananampalataya                                                    Mga Pamamaraan ng Pagtuturo

Pamumuhay na Pinaghaharian Ng Dios                          Mga Paraan Ng Pagpaparami

Pakikibakang Espirituwal                                                          Mga Prinsipyo ng Pakikipaglaban

Ministeryo ng Espiritu Santo                                                      Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig sa Biblia

Pagkilala Sa Tinig Ng Dios                                                        Mga Prinsipyo ng Pagsusuri ng Paligid

Paraan Ng Pag-aaral Ng Biblia                                                 Pangangasiwa Batay sa Layunin

Pagsisiyasat ng Biblia                                                                Mga Paraan Ng Pagpapakilos ng Tao

Panghihikayat ng Kaluluwa na Mistulang                                    Mga Usaping Pangkalusugan

Pagkalat ng Lebadura

 

MGA TAGAPAGTURO:

 

Rev. Bill Smith, pastor ng First Church sa Modesto. Si Pastor Smith ay nagtapos sa Moody Bible Institute at naglakbay sa buong mundo sa panghihikayat.

 

Rev. Tim Jones, dating misyonero sa China, na nag ministeryo sa pagtatanim /pagsisimula ng iglesya sa buong bansa ng Asia.

 

Joan Tully, director ng kabataan sa Second Church sa Madera, na nagministeryo sa mga taga Yoruba Indians.

 

-Bukas sa lahat ng mga Kristiyanong denominasyon – magbibigay ng sertipiko sa mga nagtapos.

- Walang bayad ang pagpasok ( o ang halaga_______)

 

Para sa dagdag na Impormasyon  kausapin:  Pangalan, tirahan, numero ng telepono…

 

 

Liham na Paanyaya:

 

Narito ang liham na ipadadala sa lahat ng lokal na mga mananampalataya.  Tandaan na palitan ang mga impormasyon ng iyong sariling Institusyon para sa halimbawa ng impormasyon na ibinigay:

 

Mahal na mga Kaibigan:

 

Nais mo ban na malaman kung paano magagawa na ang bawa’t minuto ng iyong buhay ay makabuluhan para Sa Dios? Iyong matututuhan kung paano sa …Harvestime International Institute.  Sa Harvestime International Institute iyong pag-aaralan ang mga kurso na…

 

Mga Stratehiya Para Sa Pag-aaning Espirituwal             Pananaw sa Mundo Batay sa Biblia

Saligan Ng Pananampalataya                                                    Mga Pamamaraan ng Pagtuturo

Pamumuhay na Pinaghaharian Ng Dios                          Mga Paraan Ng Pagpaparami

Pakikibakang Espirituwal                                                          Mga Prinsipyo ng Pakikipaglaban

Ministeryo ng Espiritu Santo                                                      Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig sa Biblia

Pagkilala Sa Tinig Ng Dios                                                        Mga Prinsipyo ng Pagsusuri ng Paligid

Paraan Ng Pag-aaral Ng Biblia                                                 Pangangasiwa Batay sa Layunin

Pagsisiyasat ng Biblia                                                                Mga Paraan Ng Pagpapakilos ng Tao

Panghihikayat ng Kaluluwa na Mistulang                                    Mga Usaping Pangkalusugan

Pagkalat ng Lebadura

 

Kasama sa  manggagawa ng Institusyon ay ang sumusunod na mga tagapagturo:

 

Rev. Bill Smith, pastor ng First Church sa Modesto. Si Pastor Smith ay nagtapos sa Moody Bible Institute at naglakbay sa buong mundo sa panghihikayat.

 

Rev. Tim Jones, dating misyonero sa China, na nag ministeryo sa pagtatanim /pagsisimula ng iglesya sa buong bansa ng Asia.

 

Joan Tully, director ng kabataan sa Second Church sa Madera, na nagministeryo sa mga taga Yoruba Indians.

 

 

Ang Harvestime International Institute ay hindi “theological seminary… ito ay mahalagang panandaliang ministeryo ng pagsasanay na magtuturo sa iyo kung paano ang mamuhay ng produktibong Kristiyanong buhay at magawa ang  ministeryo na pagkatawag sa iyo Ng Dios.  Ang petsa ng Institusyon ay sa Setyembre 13 hanggang Enero 5. Ang sesyon ay idaraos tuwing

Lunes,Miyerkoles, Biyernes: 6:30 p.m. – 9:30 p.m.sa Public Hall, 114 N. G. St.,Colorado Springs. Malayang kausapin ako sa (559) 661-1126 kung gusto mo ng karagdagang impormasyon. Ang “registration” ay gagawin sa unang gabi ng  Institusyon sa Lunes, Setyembre 13.

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAG-SUSULIT

 

UNANG KABANATA:

 

  1. At sinabi sa kanila ni Jesus, magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. (Marcos 1:17)

 

2. Ang una at huling utos Ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod ay espirituwal na magparami. Tingnan ang Marcos 1:17 at Mga Gawa 1:8

 

  1. Ang ibig sabihin ng magparami ay tumaas ang bilang sa pamamagitan ng panganganak.  Ang pagpaparami ay proseso ng pagpaparami.  Kung ang isang bagay ay pinarami ito ay nagpapatuloy ang pagpaparami sa ganoon ding uri.

 

  1. Ang espirituwal na pagpaparami ay nangyayari sa pamamagitan ng espirituwal na panganganak.Ang mananampalataya ay nanganganak sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iba, akayin sila na maging mananampalataya, at patatatagin sila bilang disipulo Ng Panginoong Jesu Cristo.

 

  1. Ang “paraan” ay plano para magawa ang tiyak na layunin.

 

  1. Ang “may sistemang paraan” ay mga paraan na may sistema na maaring pagsamahin para maabot ang layunin.

 

  1. Ang espirituwal na “mga paraan ng pagpaparami” ay sistema ng mga paraan na makatutulong sa mga mananampalataya na maabot ang layunin ng espirituwal na panganganak.

 

  1. Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Unang Kabanata.

 

 

IKALAWANG KABANATA:

 

  1. Sapagka’t sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagkat ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito’y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo’t parito sa boong lupa. (Zekarias 4:10)

 

  1. Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Ikalawang Kabanata.

 

  1. Paglagong heograpiya, paglago sa katutubo, paglago sa bilang, Espirituwal na paglago

 

  1. Kahit alin sa mga reperensiya ay maaring magamit: Mga Bilang 1:1-3; 2:23-23;  26:1-4; Mateo 9:13;  Lucas 15:7;  19:10 Mga Gawa 1:15; 2:42;  4:4;  6:7;  9:32;  12:24;  16:5;  19:20;  28:30-31; Juan 3:16;  II Pedro 3:9

 

  1. Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Ikalawang Kabanata.

 

  1.  a. Mali             b. Mali

 

IKATLONG KABANATA:

 

1.    At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinaysay niya sa kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig. (Marcos 4:33)

 

2. Ang talinghaga ay kuwento na gumagamit ng halimbawa mula sa natural na mundo para ilarawan ang espirituwal na katotohanan. Ang aktuwal na kahulugan ng salitang “talinghaga” ay “ilagay sa tabi, ihambing.” Sa talinghaga ginamit ni Jesus ang natural na halimbawa at inihambing ang mga ito sa espirituwal na katotohanan.  Ang talinghaga ay makalupang kuwento na may makalangit na kahulugan.

 

3.  Ang pagkaunawa ng espirituwal na katotohanan na itinuro sa talinghaga ay ibinigay sa mga disipulo dahil mayroong silang espirituwal na pag-iisip. Ang walang espirituwal na pag-iisip ay narinig ang talinghaga at hindi naunawaan ang mga ito.

 

4. Tingnan ang talakayan sa talinghaga sa Ikatlong Kabanata.

 

IKA-APAT NA KABANATA:

 

  1. At ang bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.

      (II Timoteo 2:2)

 

  1. Ang maging “saksi” ay para sabihin ang iyong nakita, narinig, o naranasan. Sa husgado, ang isang saksi ay ang nagsasabi tungkol sa isang tao o isang bagay.  Bilang saksi, dapat tayong magpatotoo  tungkol Kay Jesus at sa Kaniyang plano para sa kaligtasan ng lahat ng tao.

 

  1. Ang ibig sabihin ng terminong “layko” ay “kasama sa hinirang na mga anak Ng Dios.” Ang pangunahing kahulugan ng salita ay “ang lahat ng anak Ng Dios.”  Ang terminong “layman” o “laity” ay ginamit para sa mga tao na naglilingkod hindi sa natatanging “full-time” na paglilingkod sa iglesya.

 

  1. Ang terminong “clergy” ay ginagamit para may pagkakilanlan ang propesiyonal na mga pastor sa iglesya.  Ang  “clergy” ay ang mga nagiisip na ang ministeryo ang kanilang propesyon na karaniwang empleyado sila bilang “full-time” sa iglesya.

 

  1. Ang tawag ng layko ay tinutukoy sa responsabilidad ng bawa’t mananampalataya na maging “saserdote” o pastor ng Ebanghelyo sa mga mananampalataya.

 

  1. Ang plano Ng Dios na ibinuod sa Mga Gawa 1:8 . Ang Espiritu Santo ay banal na kapangyarihan sa likod ng proseso ng pagpaparami , Si Jesu Cristo ang dapat nilalaman ng mensahe at ang buong mundo ang tagatanggap ng mensahe.  Ang mga mananampalataya ang ahente ng pagpaparami. Ang paraan Ng Dios ay ang bawa’t mananampalataya ay maging “saksi” ng mensahe ng Ebanghelyo , turuan ang mga tao  na magtuturo rin ng may kakayahan na makapagturo.  II Timoteo 2:2.

 

  1. Andres at Ananias.

 

  1. Magsimulang magbahagi ng Ebanghelyo sa mga kamaganak, kaibigan, at kamanggagawa. Ang Ebanghelyo ay mabilis na kumalat sa mga “existing social network”.

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. At sinasabi ko nman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. (Mateo 16:18)

 

2.  Ang lahat ng tunay na mananampalataya Ni Jesu Cristo na naging “born again” sa Kaharian Ng Dios.

 

3.  Ang iglesya ay isinilang Ng Espiritu Santo sa araw ng Pentecostes. Tingnan ang Gawa 4.

 

4.  Ihambing ang iyong sagot sa talaan ng ilustrasyon sa Ika-limang Kabanata.

 

5.  Pagsamba, paglilingkod, pagtitipon, misyon.

 

6.  Tingnan ang talakayan sa Ika-limang Kabanata.

 

7.  Tingnan ang talakayan sa Ika-limang Kabanata.

 

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1.  Sapagka’t minagaling ng Ama na ang boong kapuspusan ay manahan sa kaniya. (Colosas 1:19)

 

2.  Ang tinutukoy ng panloob na paglago ay espirituwal na paglago at pag-unlad ng kaanib ng iglesya. Ito ay tumutukoy sa paglago ng kalidad sa halip na bilang.

 

3. Ang espirituwal na paglago ay ang pagtaas ng espirituwal na kaganapan na resulta ng pag-unlad ng buhay nakatulad Ni Cristo sa mananampalataya.

 

4. Tingnan ang talakayan sa Ika-anim na Kabanata.

 

5. Tingnan ang talakayan sa Ika-anim na Kabanata.

 

6. Tingnan ang talakayan sa Ika-anim na Kabanata.

 

IKA-PITONG KABANATA:

 

1.  At lumago ang salita ng Dios; at  dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad... (Mga Gawa 6:7)

 

2.  Ang paglawak na paglago ay nangyayari kung ang mananampalataya ay nakahikayat ng bagong mga mananampalataya Kay Cristo at madala sila sa pagtitipon sa kanilang sariling lokal na iglesya.  Ang resulta nito ay  paglago sa bilang ng lokal na iglesya.

 

3. Ihambing ang iyong buod sa talakayan na Ika-pitong Kabanata.

 

4.  Ihambing ang iyong sagot sa talakayan na Ika-pitong Kabanata.

 

IKA-WALONG  KABANATA:

 

1.  Kaya nga ang mga iglesia’y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw. (Mga Gawa 16:5)

 

2. Ang pagdagdag na paglago ay nangyayari kung ang iglesya ay nagsimula ng isa pang iglesya sa magkatulad na kultura. Ang bagong iglesya ay dagdag ng  “inang/unang” iglesya, kung paano ang isang bata sa natural na mundo ay pisikal na dagdag ng mga magulang.

 

3. Ang “pagtatanim/pagsisimula ng iglesya” ay termino na ginagamit din para ilarawan ang pagdagdag at pagtawid na paglago ng iglesya.  Ang isang tao na “nagtatanim” ng bagong iglesya kung paano ang magsasaka ay nagtatanim ng binhi sa natural na mundo. Ang buto ay magbubunga  ng bagong halaman katulad ng “mother” na halaman kung saan ito nanggaling.

 

4. Ang mga kaanib ng iglesya sa Jerusalem ay nangalat dahil sa pag-uusug. Sila ay nagtungo sa lahat ng dako, nangaral ng Salita at ang bagong mga nahikayat ay naitindig, at bagong mga iglesya ay nabuo.

 

5. Narito ang paraan kung paano ang pagpapalawak na paglago ay maaaring magsimula:

 

- Ang isang iglesya ay nagsimula ng isa pang iglesya.

-Ilang mga iglesya ay nagtulong-tulong para makapagsimula ng isa pang iglesya.

-Ang isang malaking iglesya ay naghati para makabuo ng dalawa o higit pa na magkahiwalay na katawan ng iglesya.

-Ang bawa’t isang mananampalataya ay inatasan sa tiyak na lugar para magsimula ng iglesya.

 

6. Narito ang karaniwang uri ng dagdag na Iglesya.

 

            -Ang mga iglesya ay nagmiministeryo sa tiyak na komumnidad.

            - Ang mga iglesya ay nagmiministeryo sa tiyak na katutubong grupo.

            -Ang mga iglesya na may natatanging mga layunin.

 

7.  Ang prayoridad  batay sa Biblia ay magtanim/magsimula ng bagong mga Iglesya sa hindi pa naaabot na mga lugar, ang mga handang lugar , lunsod at ang susunod ay rural na mga lugar.

 

8. Ang mensahe na  nagdulot ng bagong mga Iglesya ay ang mensahe na nakabatay sa Biblia, naka sentro Kay Cristo, naka sentro sa pangangailangan.

 

IKA-SIYAM NA KABANATA:

 

1.  Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila’y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila’y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. (Mga Gawa 26:18)

 

2. Ang paglago sa pagmimisyon ay nangyayari kung ang iglesya ay nagdadagdag ng iglesya sa pagtawid ng bansa, lenggewahe, o ibang mga tao para magtanim/magsimula ng bagong iglesya sa magkaibang kultura.

 

3. Mga Gawa 1:8 Ang Ebanghelyo ay napalawig mula sa Jerusalem, hanggang sa dulo ng daigdig.

 

4. Apostol Pablo

 

5.  Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Ika-siyam na Kabanata.

 

  IKA-SAMPUNG KABANATA:

 

1.  Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. (Mateo 16:24)

 

2. Ang salitang “nahikayat” ay tumutukoy sa bagong mananampalataya kay Jesus na naging “born again” sa pananampalataya at naging bahagi ng Kaharian Ng Dios.

 

3.  Ang isang “disipulo” ay isang nahikayat at naitatag sa mga pangunahing pananampalataya ng Kristiyano at may kakayahan na magtayo ng bagong mga nahikayat at turuan silang maging disipolo.  Ang ibig sabihin ng salitang “disipulo” ay mag-aaral, isang estudyante, isang tao na natuto sa pamamagitan ng pagsunod.  Ito ay higit sa kaalaman sa isip. Ang pagkatuto ang nagbabago sa uri ng pamumuhay ng isang tao.

 

4.  Ang tatlong mahalagang aspeto ng tawag sa “discipleship” ay ipinapalagay na  mahalaga, tamang prayoridad, at tiyak na layunin.

 

5. Ang siyam na mahalagang prinsipyo ng pagsasanay ng “discipleship” ay:

 

            Pagpili                                      Pagtuturo

            Pagsasama-sama                      Pagpapakita

            Pagtatalaga                               Pakikilahok

            Pangitain                                   Pangangasiwa

                                    Delegasyon

 

6. Ang isang disipulo ay :

 

 Tinalikuran ang lahat                         Nananatili sa Salita

Tinatanggihan ang sarili                       Siya ay masunurin                                                            Sumusunod kay Jesus                                                     Isa siyang alipin                                                                                                                                        

 Ang Kaharian ng Dios ang inuuna                                                                                

 Nagpapakita ng pagibig                     Niluluwalhati Ang Dios sa

                                                                        pamamagitan ng pamumunga

                                                                                                                                               

                                                                                                                                               

7. Ang tunay na pagsubok ng “discipleship” ay nangyayari kung ikaw ay hindi na kasama ng iyong mga disipulo. Sila ba ay nagpapatuloy na maging tapat at nagtuturo sa iba na may kakayahan na ipagpatuloy ang proseso ng pagpaparami?

 

IKA-LABINGISANG KABANATA:

 

1. Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.

Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

At siya’y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama’y hindi malalanta; at anomang kaniyang gawin ay giginhawa. (Mga Awit 1:1-3)

 

2.      Kung ang paglago ay napigil sa natural na mundo, ang katawan ay hindi umuunlad sa tamang laki. Kung ang  espirituwal na paglago ay napigil , ang tao ay hindi nagiging ganap at ang iglesya ay hindi lalago.

 

3. Halimbawa A:  Dapat sundin ng babaeng nasaktan ang direksiyon na ibinigay sa Mateo 18:15-17.

 

Halimbawa B: Ang iglesya ay may “Pumarito” sa halip na “Humayo” na pamamalakad. May   hindi produktibong mga gawain na maaaring dapat na maputol.

 

Halimbawa C:  Ang iglesya ay maaaring hindi nagsasanay ng mga nahikayat para maging mga disipulo.

 

 

 

IKA-LABINGDALAWANG KABANATA:

 

1.  Pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan, ay umalis siya sa kanila at inihiwalay ang mga alagad, na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tirano.

 

At ito’y tumagal sa loob ng dalawang taon; ano pa’t ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego. (Mga Gawa 19:9-10)

 

2. Si Pablo ay nagturo sa pamamagitan ng personal na karanasan (Mga Gawa 19:2-8), sa halimbawa (Mga Gawa 19:11-12), at sa pagsasanay na paaralan ( Mga Gawa 19:9)

 

3.                  Ang pagsasanay na sentro sa Efeso ay may dalawang taon na kurso na nagsasanay sa mga disipulo para magministeryo sa kultura at heograpiya para ipangalat ang Ebanghelyo

(Mga Gawa 19:10-20).

 

4.                  Ang pakay ng dagdag na sentro ng pagsasanay ay para masanay ang mga disipulo at maihanda sila para sa gawain ng ministeryo.

 

5. Ihambing ang buod ng talakayan sa Ika-labingdalawang Kabanata.