• johned@aibi.ph

PANGANGASIWA BATAY SA MGA LAYUNIN

 

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pag-aaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa paglalarawan sa isip, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag na mga kurso, sumulat sa:

 

 

 

Harvestime International Institute

14431Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

U.S.A.

 

 

 

 

 

 

 

© Harvestime International Institute

Copyright

 

 

 

 

 

 

 

NILALAMAN

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito  .                 .            .            .            .            .            .        .       I

       

Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral     .            .            .            .            .        .      II

           

Pambungad     .            .            .            .            .            .            .            .            .            .        .       1

 

Mga Layunin ng Kurso          .           .            .            .            .            .            .            .        .       2

 

 

1.   Pambungad Sa Pangangasiwa Batay Sa Mga Layunin        .        .        .       .        .             3

 

2.   Isang Dios Na May Pakay    .           .            .            .            .            .         .        .         .         15

 

3.   Pinapakay             .            .            .            .        .       .        .         .          .          .         .        .         27

 

4.   Pagpaplano    .           .           .           .        .        .         .         .          .         .          .            41      

 

5.   Mga Tao At Mga Proseso: Pagsasagawa Ng Plano   .        .          .           .        .       .        56

 

6.   Pagsasakdal: Pagtataya Ng Plano      .          .           .            .         .          .         .         .          71
      

 

Mga Apendise:

            Pambungad       .       .        .         .         .           .         .           .           .           .          .      82

            Unang Apendise: Kapahayagan Ng Doktrina    .        .           .            .          .          .      84

            Ikalawang Apendise: Kapahayagan Ng Pinapakay     .           .            .          .          .      88

            Ikatlong Apendise:  Pangkalahatang Organisasyon     .           .           .           .          .      91

            Ika-Apat Na Apendise: Pagbubuo (Organize) Ng Mga Tao Para Sa Ministeryo       .      98

            Ika-Limang Apendise:  Pagpaplano    .        .          .        .         .        .        .       .           110

 

 

Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit       .           .        .         .          .         .           .       .           116      

 


PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO

 

PORMAT NG MANWAL

 

Bawat Aralin ay binubuo ng:

 

Mga Layunin:  Ito ang mga layunin na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.

 

Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Memoryahin ito.

 

Nilalaman ng Kabanata: Pag-aralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.

 

Pansariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pag-aralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pansariling-Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang iyong kakayahang mag-aral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsusulit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.

 

 

DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT

 

 

 

Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia

 

 

 

 

 

 

 

 

I

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG PAGAARAL

 

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga mag-aaral.

 

Ilatag ang mga Pamamaraan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Mag-aaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 

PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalangin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling buod ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NANG MALALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.

 

Pansariling-Pagsusulit: Balikan ang Pansariling-Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral. (Pansinin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa Pansariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.)

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat mag-aaral at pangasiwaan ang pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

IIModule: PAGTATATAG

Kurso: Pangangasiwa Batay Sa Mga Layunin

 

 

PAMBUNGAD

 

Ang “Pangangasiwa Batay Sa Mga Layunin” ay isang paraan ng pagdaraos ng Kristiyanong Ministeryo sa isang maayos at epektibong paraan. Hindi sapat na malaman mo ang kalooban ng Dios para sa iyong buhay at ministeryo. Dapat ay magplano ka ng tiyak upang matupad ang iyong tawag na espirituwal. Kailangan mong makipagtulungan sa Dios upang matupad ang Kaniyang layunin at mga plano.

 

Isang maselang problema ng mga lider na Kristiyano ay ang pagtatatag at pagsasaayos ng mga yaman na ibinigay sa kanila ng Dios. Kung ang mga manggagawa sa espirituwal na aanihin ay kakaunti, tulad ng nasaad sa Biblia, sa makatuwid ay dapat silang maitatag at

mapangasiwaan nang maayos.

 

Ang disiplina ng organisadong pagpaplano para sa ministeryo ay hindi pumipigil sa Espiritu Santo. Bagkos lalo ka nitong ginagawang sensitibo sapagkat sadya mong hinahanap na matupad ang nilalayon ng Dios at ang Kaniyang plano. Ang iyong pananampalataya ang tumutulong na maisakatuparan ang plano ng Dios, sapagkat ang Dios ay tumutugon sa pananampalatayang kumikilos.

 

Ang kursong ito ay tutulungan kang matupad ang tawag ng Dios sa iyong ministeryo. Ikaw ay magbubuo ng layunin sa ministeryo na ayon sa pakay at plano ng Dios. Matututuhan mong magtakda ng mga layunin, magsagawa ng mga plano, at magsuri ng mga resulta.

 

Ang Apendise ng pag-aaral na ito ay may mga halimbawa na makatutulong sa iyo sa isang praktikal na paraan sa iyong pagpupundar ng iyong ministeryo sa iglesia lokal.

 

Ito ay pangatlo sa serye ng tatlo sa “Module ng Pagtatatag” sa pagsasanay na ibinibigay ng Harvestime International Network. Ang “Mga Prinsipyo Ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia”at  Mga Prinsipyo Ng Pagsusuri Ng Paligid” ang mga naunang kurso rito.

 

Iminumungkahi na pag-aralan sa tamang pagkakasunud-sunod ang tatlong ito sa lalong pagkaunawa sa pangunguna, pagpaplano, at pagtatatag para sa lalong epektibong ministeryo. 

 

Bago ka gumawa ng plano, kailangan mong malaman ang mga prinsipyo ng pangangasiwa salig sa Biblia. Dapat mo ring nasuri na ang kapaligiran kung saan ka naglilingkod. Ipinapalagay ng kursong ito na may kaalaman ka na tungkol sa “Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig sa Biblia” at “Mga Prinsipyo ng Pagsusuri ng Paligid.”

 

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

.     Sa pagtatapos ng kursong ito, magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.     Ibigay ang kahulugan ng “pangangasiwa batay sa mga layunin.”

 

.     Ibuod ang pundasyong Biblikal ng pagpapaplano.

 

.     Tukuyin ang layunin ng Dios.

 

.     Magbuo ng Kapahayagan ng Pinapakay para sa ministeryo.

 

.     Magtakda ng mga layunin para sa ministeryo.

 

.     Magtayo ng mga espirituwal na mapagkukunan ng kailangan upang matupad ang mga

      layunin.

 

.     Suriin ang iyong mga aktibidades upang mapabuti ang iyong ministeryo.

 

.     Isagawa ang “pangangasiwa batay sa mga layunin” sa lokal na iglesia.

 

.     Isagawa ang “pangangasiwa batay sa mga layunin” sa iyong personal na buhay at

      ministeryo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG  KABANATA

 

ANG PAMBUNGAD SA PANGANGASIWA BATAY SA MGA LAYUNIN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Ibigay ang kahulugan ng pangangasiwa batay sa mga layunin.

.    Ipaliwanag ang kahalagahan ng pangangasiwa batay sa mga layunin.

.    Pakitunguhan ang mga lumalaban sa pangangasiwa batay sa mga layunin.

 

SUSING TALATA:

 

Datapuwat gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.  (I Corinto 14: 40)

 

PAMBUNGAD

 

Ang “pangangasiwa” ay ang proseso ng pagtupad ng mga plano sa pamamagitan ng makatao, materyal, at mga espirituwal na kaparaanan.

 

Ang “pangangasiwa batay sa mga layunin” ay isang proseso ng papaplano at pagsasagawa ng ministeryo sa isang maayos, epektibong pamamaraan. Ayon sa Biblia:

 

Datapuwat gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.  (I Corinto 14: 40)

 

Mula pa sa pasimula ng natala sa Biblia, gumawa ng plano ang Dios at ibinahagi ito sa mga lalake at mga babae na nagtala at sinunod ito.

 

Inutos ng Dios kay Moises na maghanda ng nakasulat na plano para sa pagpapagawa ng tabernakulo. Binigyan Niya si David ng mga plano para sa templo. Ipinasulat Niya kay Hezekias ang kaniyang pangitain sa isang maliwanag at maayos na paraan.

 

Ang leksyon na ito ay ipinakikilala ang “Pangangasiwa Batay sa Mga Layunin.” Malalaman mo kung anu-ano ang napapaloob dito, ang kahalagahan nito, at kung paano pakikitunguhan ang mga kumakalaban dito na makaka-enkuwentro mo.

 

PANGANGASIWA BATAY SA MGA LAYUNIN

 

Ang “Pangangasiwa batay sa mga layunin” ay ganoon nga ang kahulugan. Ito ay pangangasiwa ng ministeryo sa pamamagitan ng mga layunin.

Ang “pangangasiwa” ay salitang kasingkahulugan ng “pagkakatiwala.”

Ang mga “katiwala” o “tagapangasiwa” ay tagapangasiwa ng isang bagay na ipinagkatiwala sa kanila ng isang tao. Bilang isang mananampalataya, ikaw ay katiwala ng mga espirituwal na kayamanan na ibinigay ng Dios tulad ng:

 

Ang Evangelio:  Ang bawat mananampalataya ay katiwala ng Evangelio. Dapat nating ibahagi ang mensahe nito sa iba.

 

Pananalapi: Ang bawat mananampalataya ay katiwala ng salapi na ibinibigay ng Dios sa kaniya na personal. Sila na mga humahawak ng pondo ng ministeryo ng iglesia o isang Kristiyanong organisasyon ay mga katiwala rin ng mga pondong ito.

 

Mga Materyal na Mapagkukunan ng Ministeryo: Tulad ng mga gusali ng iglesia, lote, at mga kagamitan.

 

Mga Kaloob na Espirituwal: Ang bawat mananampalataya ay mayroon kahit isang kaloob na espirituwal. Ikaw ay katiwala ng iyong espirituwal na kaloob at ng iyong dako ng ministeryo sa Katawan ni Cristo.

 

Ibang mga Mananampalataya: Gumagamit ang Dios ng mga tao, hindi ng mga programa, upang itayo ang Kaniyang Kaharian. Ang pangangasiwa o pagkakatiwala ay nangangahulugan ng mga tao. Kung ikaw ay isang lider, ikaw ay nangangasiwa sa mga taong kasama mo sa ministeryo. Kailangan mong tulungan sila na lumagong espirituwal at paunlarin ang kanilang espirituwal na kaloob para sa gawain ng ministeryo.

 

Dapat kang maging mabuting katiwala ng mga kayamanang ito. Ang pangunahing hinihiling sa isang katiwala ay ang maging tapat:

 

Bukod dito’y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawat isa ay maging tapat.  ( I Corinto 4:2 )

 

Upang maging isang mabuting nangangasiwa o katiwala, dapat kang gumawa ng mga plano. Ang salitang “layunin” ay tulad din ng salitang “plano” o “tinutudla.” Kaya, ang

“pangangasiwa batay sa mga layunin” ay nangangahulugan na ikaw ay “nagpaplano upang maging mabuting tagapangasiwa ng mga kayamanang ibinigay sa iyo ng Dios.” 

 

Nagkuwento si Jesus sa Mateo 25: 14-30 tungkol sa isang panginoon na nagbigay sa kaniyang mga alipin ng mga kayamanang tinatawag na “talento.” Pinagsabihan silang maging mabubuting mga katiwala ta gamitin ang mga pondong ito nang may katalinuhan.

Ang bawat isa, bukod sa isa, ay may plano at matagumpay itong naisakatuparan. Ang isang hindi nagplano tungkol sa kaniyang yaman at hindi ginamit ang kaniyang talento ay hinatulan na isang hindi tapat na alipin.

 

Hinimok ni Jesus ang magplano:

 

Sapagkat alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muina uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos?

(Lucas 14: 28)

 

Kung ating pinag-uusapan ang pagpaplano at pangangasiwa sa kursong ito, hindi natin ito pinag-uusapan tulad ng sa secular na daigdig ng pagnenegosyo. Pinaguusapan natin ang pagpaplano sa ilalim ng patnubay ng Espiritu Santo para sa mas epektibong ministeryo. Sapagkat alam ng Dios ang hinaharap, Siya ang magbibigay ng karunungan sa paggawa ng mga plano.

 

Ang pangangasiwa batay sa mga layunin ay gagawin kang mabuting katiwala ng Evangelio at ng ministeryong ibinigay sa iyo ng Dios. Tuturuan kang makipagtulungan sa Dios upang maabot mo ang Kaniyang mga pinapakay. Pinatutunayan ng Biblia na kung ang mga tao ay magpasimulang humakbang ng may pananampalataya sa isang plano, gumagawa ang Dios na kasama nila.

 

Ang mga ito ang napapaloob sa pangangasiwa batay sa mga layunin:

 

            -Pagbubuo ng pakay sa ministeryo na kalinya ng sa Dios.

 

            -Gumagawa ng mga plano upang maabot ang pinapakay.

 

            -Nagbubuo ng mga tao at mga proseso upang tuparin ang plano (isagawa).

 

            -Pinagbubuti ang plano sa pamamagitan ng pagtataya.

 

Ang mabuting pagkakatiwala ay mahirap na trabaho. Kailangan nito ng oras at pagpapagal. Ang mga gawang yari sa kahoy at tuyong dayami, ay madaling gawin, subalit nasisira. Ang ginto at pilak ay mas mahirap gawin, subalit ito ay tumatagal:

 

Ngunit kung ang sinoman ay magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;

 

Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag: sapagkat ang araw ang magsasaysay, sapagkat sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon.  (I Corinto 3: 12-13)

 

ISANG HALIMBAWA SA BIBLIA

 

Ang ministero ni Jesus ay pinangasiwaan ng mga layunin:

 

PAKAY:

 

Alam ni Jesus ang Kniyang pakay sa plano ng Dios. Gumawa Siya ng maraming mga kapahayagan ng pinapakay sa Kaniyang unang ministeryo. Halimbawa, tingnan mo ang Lucas 4: 18-19.

PLANO:

 

Mayroong plano ng ministero si Jesus. Binalak Niyang mangaral at magturo ng Evangelio, magpagaling ng mga may sakit, magpalayas ng mga demonio, at gumawa ng mga himala bilang pagpapatunay sa Salita ng Dios. Tutuparin Niya ang pakay ng Dios sa pamamagitan ng pagkamatay Niya para sa mga kasalanan ng sangkatuhan, sinisira ang mga gawa ng kaaway, at nabuhay mula sa mga patay sa kapangyarihan at kaluwalhatian.

 

MGA TAO:

 

Gumamit si Jesus ng mga tao sa Kaniyang ministeryo. Tumawag Siya ng labingdalawang mga lalake upang maglingkod na kasama Niya. Nagsugo Siya ng pitumpo upang magbahagi ng Evangelio. At inutusan Niya ang lahat ng mananampalataya na dalhin ang Evangelio sa lahat ng mga bansa.

 

PROSESO:

 

May proseso si Jesus ng pagtupad ng plano ng Dios. Ang proseso ay isang paraan ng paggawa ng mga bagay. Ibinanghay Siya ang isang proseso sa pagkakalat ng Evangelio sa Mateo 10 at Lucas 10.

 

KASAKDALAN:

 

Tinaya ni Jesus ang ministeyro ng Kaniyang mga alagad upang pasakdalin ang plano (Lucas 10: 17-24). Matapos magawang sakdal ang plano, inutusan Niya ang lahat ng mananampalataya upang makisangkot dito (Mateo 28: 19-20 at Gawa 1: 8).

 

ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING PANGANGASIWA

 

Ang mabuting pangangasiwa ng ministeryo na ibinigay ng Dios sa iyo ay napakahalaga sapagkat ito ay:

 

 NAGBIBIGAY NG PAKAY AT DIREKSIYON:

 

Kung nais mong maging matagumpay sa ministeryo, ang iyong mga pakay at plano ay dapat kalinya ng sa Dios.

 

Kung nalalaman mo ang tiyak na pakay sa iyong ministeryo at gumagawa ka ng mga plano para matupad yaon, mapapangunahan mo na ang iba. Ang mahuhusay na mga lider ay dapat nalalaman kung saan sila pupunta upang mapatnubayan ang mga sumusunod. Ang patnubay at pagkakaisa sa ministeryo ay nangangailangan ng iisang pakay at direksiyon.

 

Kung may tamang direksiyon, naiiwasan ang pagkalito:

 

 

            Sapagkat ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan.

            ( I Corinto 14: 33)

 

            Kayo nga’y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal.

            (Efeso 5: 1)

 

Matututuhan mo sa kursong ito na ang Dios ay may pakay at plano mula pa nang pasimula ng panahon. Ang mga ginagawa ng Dios ay walang kalituhan, kaya’t ang mga ministeryo ng Kaniyang mga alipin ay dapat ganoon din.

 

NAKAGAGAWA KA NG MGA WASTONG PAGPAPASIYA;

Nakasalalay sa iyong mga desisyon ang iyong hantungan. Totoo rin ito sa kaligtasan. Dapat kang gumawa ng deisisyon na tanggapin o tanggihan ang Evangelio. Ang iyong walang hanggang hantungan ay nakasalalay sa iyong desisyon.

 

Ang iyong buhay at ministeryo sa ngayon ay nakasalalay sa mga ginawa mong desisyon sa nakaraan. Maaari kang gumawa ng desisyon sa pamamagitan ng matamang pag-iisip o kaya’y pabigla-bigla. Ang pagpaplano at pangangasiwa na may patnubay ng Panginoon ay magbibigay sa iyo ng mabuting desisyon.  

 

NAKAKAPAGTAKDA KA NG MGA DAPAT UNAHIN SA MINISTERYO:

 

Ang pagkaalam ng pakay at plano ng Dios ay nakakatulong sa maitakda mo ang mga dapat unahin sa iyong buhay at ministeryo. Ang mga prayoridad ay mga gawain na mas mahalaga kay sa ibang bagay na nais mong gawin.

 

May mga bagay sa buhay mo na mas mahalaga kaysa iba, maaaring iniisip mo ito o hindi. Nakakapagtakda ka ng mga prayoridad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga ugali na naging bahagi na ng buhay, dahil sa napipilitan ka dahil sa mga pangyayari o sa mga tao sa palibot mo, o sa pamamagitan ng tiyak na desisyon na nakasalalay sa mga pinapakay ng Dios.

 

May kuwento sa Lucas 12: 16-20 tungkol sa isang tao na hindi maayos ang prayoridad. Pag-aaralan mo pa ang detalye ng talinhagang ito sa darating na araw. Ang kuwentong ito ay nagpapakita na ang mga hindi maayos ang prayoridad ay napaparusahan.

 

BINIBIGYAN KA NG PAGKAKATAON NA MAGPLANO, SA HALIP NA LUMUTAS NG MGA MADALIANG PROBLEMA:

 

Ang maraming tao ay abala sa paglutas ng mga apurahang mga bagay sa ngayon sa halip na magplano sa hinaharap. Ito ay nagdudulot ng mga pagkilos na kulang sa karunungan at layunin.

 

Kung walang plano, hindi mo alam ang iyong ginagawa, kung bakit mo ito ginagawa, o kung paano mo ito gagawin. Dahil sa ikaw ay walang pakay at plano, wala ka ring maipangangako, wala ring paraan na masukat kung epektibo ang ginagawa mo para sa Dios, at ikaw ay madaling mahimok na sumuko pag dumarating ang mga krisis. Ang pagpaplano ang nagdadala ng pagnananis sa kapahayagan at ng pangitain sa katotohanan.

Tinutulungan ka nito na maalaman kung ano ang kailangang gawin at kung paano ito gagawin upang matupad ang mga pinapakay ng Dios.

 

IKAW AY NAKAKAPANAGOT:

 

Kung ikaw ay may plano, alam ng mga tao ang kanilang mga responsabilidad. Natututo silang managot sa Dios, sa iba, at sa kanilang sarili. Ang pananagot ay ikaw ay may responsabilidad na ibinigay sa iyo ng iba na dapat mong sagutin.

 

Sa talinhaga ng mga talento sa Mateo 25: 14-30, ang mga alipin ay nananagot sa mga talentong ibinigay sa kanila ng kanilang amo. Ang kanilang panginoon ay may plano, sinabi ito sa kaniyang mga alipin, at dapat nila itong tuparin sa pamamagitan ng pagnenegosyo ng mga pondo na iniutos sa kanila.

 

Ikaw ay hindi lamang nananagot sa pagkaalam ng kalooban ng Dios sa iyong buhay at ministeryo, kundi sa pagsasagawa nito:

 

At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami.  (Lucas 12: 47)

 

NAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON NA MAGTAYA:

 

Ang pagpaplano ay nagbibigay ng pagkakataon na ikaw ay magtaya upang makita mo kung tinutupad mo ang pakay at plano ng Dios. Kung wala kang plano, paano mo malalaman kung ikaw ay nagtatagumpay o hindi? Kung wala kang pakay, paano mo malalaman kung naaabot mo ito?

 

GUMAGAMIT KA NG MGA KAYAMANANG ESPIRITUWAL NA MAY KARUNUNGAN:

 

Tinutulungan ka na pagpaplano na pangasiwaan mo ang iyong mga kayamanang espirituwal nang maayos at gamitin ang iyong pananalapi, mga materyal na pag-aari, mga tao, mga kaloob na espirituwal at tawag na may katalinuhan para sa gawain ng Kaharian ng Dios.

 

INIHAHANDA KANG PUMASOK SA MGA BUKAS NA PINTO:

 

Binubuksan ng Dios ang mga pintuan para sa Kaniyang bayan:

 

…Inilagay Ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman… (Apocalipsis 3: 8)

 

Kapag nagbukas ng pintuan ang Dios, dapat ikaw ay handang pumasok doon. Hindi ito posible kung walang paunang preparasyon. Basahin mo ang talinhaga ng matalino at mangmang na mga dalaga sa Mateo 25: 1-13. Nagbubukas ang Dios ng mga pintuan, subalit hindi ito nananatiling bukas magpakailan man. Nakabukas sila at naghihintay na pasukin mo. Pagkatapos sila ay magsasara, kung minsan ay hindi na muling magbubukas.

 

DINADALA ANG IYONG KALOOBAN NA MAGING KATUGMA NG KALOOBAN NG DIOS:

 

Ang unang tanong ni Apostol Pablo pagkatapos niyang mahikayat ay, “Ano ang nais Mong gawin ko?” Itinatanong niya sa Dios, “Ano ang plano mo para sa buhay ko at ministeryo?” Kung ang iyong kalooban ay katugma ng mga plano ng Dios, ikaw ay matagumpay. (Tingnan ang Marcos 14:36 at Lucas 5: 11)

 

MGA LABAN SA PAGPAPLANO

 

Sa pagsasagawa mo ng mga prinsipyo ng “pangangasiwa batay sa mga layunin” na matututuhan mo sa kursong ito, maaari kang kontrahin ng iba. Narito ang karaniwang mga dahilan kung bakit tinatanggihan ng mga tao ang pagpaplano at pangangasiwa:

 

KULANG SA KAALAMAN:

 

Ang ibang tao ay hindi nagpaplano ng maayos sapagkat hindi nila alam kung paano ito gagawin. Matututuhan mo ang pangangasiwa sa kursong ito. Hindi lamang ito makakabuti sa iyo kundi ito rin ay magbibigay kaalaman sa iyo upang tulungan ang iba.

 

KULANG SA PAKAY:

 

Kung hindi nauunawaan ng tao ang pakay ng Dios at ang kanilang tiyak na pakay sa loob ng plano ng Dios, mahirap magplano. Dapat mo munang malaman ang iyong pakay kung nais mong magplano para ito ay matupad. Sa kursong ito ay matututuhan mo ang dakilang pakay ng Dios at ang iyong tiyak na pakay sa Kaniyang plano. Pag naunawaan mo ito, maaari mo itong ibahagi sa iba at tulungan silang kilalanin ang kanilang bahagi sa plano ng Dios.

 

ANG PANINIWALANG HINDI ITO BATAY SA BIBLIA:

 

Ang ibang tao ay naniniwalang ang pagpaplano ay hindi batay sa Biblia. Subalit ang Biblia ay puno ng mga lalake at babae na gumawa ng plano sa ilalim ng direksiyon ng Dios. Mapag-aaralan mo pa ito nang higit sa “ Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng leksyon na ito.

 

Matututuhan mo rin sa Ikalawang Kabanata na ang Dios ay Dios ng pakay at pagpaplano. Gumamit Siya ng mga indibiduwal, mga bansa, Israel, si Jesus, ang Espiritu Santo, at ang Iglesia sa Kaniyang plano. Ang Kaniyang pakay ay natatag na sa mula’t mula pa, at isinasagawa pa rin Niya ang Kaniyang plano sa mundo ngayon.

ANG PANINIWALANG ITO AY MAKAKASAGABAL SA ESPIRITU SANTO:

 

Ang iba ay naniniwalang ang pagpaplano ay nakakasagabal sa kalayaan ng Espiritu Santo. Hindi ito totoo. Pagkatapos ng dakilang pagbubuhos ng Espiritu Santo sa Gawa 2, ang kasunod noon ay pagpaplano at organisasyon sa ilalim ng direksiyon ng Espiritu Santo (Gawa 6).

 

Ang disiplina ng organisasyon at pagpaplano ay hindi nakakahadlang sa kalayaan ng Espiritu Santo. Lalo nitong ginagawa kang sensitibo sa direksiyon ng Panginoon sapagkat gumagawa ka ng sadyang desisyon upang saliksikin ang Kaniyang pakay at mga plano.

 

Ang pagpaplano ay maaaring isang uri ng pagsamba, isang panahon na ikaw ay nagbubulay sa pakay at plano ng Dios at binubuksan mo ang iyong espiritu sa patnubayng Espiritu Santo. Sinasaliksik ng Espiritu Santo ang iyong puso at espiritu, at sapagkat nasa Kaniya ang isipan ng Dios, ipinahahayag Niya ang mga plano at pakay ng Dios sa iyo. Kapag ikaw ay nanalangin, nag-aaral ng Salita ng Dios, at nagplano sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu Santo, ang pagpaplano ay isang gawaing espirituwal. Hindi ito nakakasagabal sa paggawa ng Espiritu Santo.

 

Isang magandang halimbawa nito ay ang plano ni Josue sa Ai sa Josue 8. May palno si Josue (talatang 4) subalit hindi ito nakasagabal sa mahimalang pagkilos ng Dios (talatang 18). Ang natural na plano at ang mga makalangit na pangyayari ay nagkasamang gumawa na magkatulong.

 

TRADISYON:

 

Anumang oras kang gumawa ng isang bagay na naiiba, makakatagpo ka ng oposisyon mula sa mga taong nakatali na sa tradisyon. Ayaw nilang magbago. Matagal na nilang ginagawa ang isang bagay sa maraming mga taon at ito ay naging tradisyon na. Ganito rin ang naging problema ni Jesus sa mga Escriba at Fariseo.

 

Kung minsan ay mapangungunahan mo ang mga “tradisyonal” na mga tao na magbago sa positibong paraan. Kung minsan naman ay hindi maaaring “ ilagay ang bagong alak sa lumang balat na sisidlan,” tulad ng sinabi ni Jesus. Kung gayon ay kailangang magpasimula ka sa mga bagong mananampalataya na nakalaang pumasok sa plano ng Dios.

 

Hindi ibig sabihin na ang mga taong tradisyonal ay hindi ligtas o kabahagi ng Katawan ni Cristo. Sila ay mga kapatid natin sa Panginoon, at dapat natin silang mahalin at tulungan kung papayagan nila tayo. Subalit pinili nila na kumapit sa mga tradisyon ng mga tao sa halip na sumulong upang matupad ang mga bagong bagay sa ilalim ng pangunguna ng Espiritu Santo.

 

Si Jesus at si Pablo ay kapwa naglingkod sa templo at sa sinagoga hanggang sa sila ay pinapayagan. Ito ang mga “tradisyonal” na dako ng pagsamba noon. Subalit dahil sa pagtanggi bunga ng tradisyon, sila ay napilitang dalhin ang kanilang mensahe sa mga bagong hikayat na mas bukas ang puso upang tanggapin ang mensahe.

 

TAKOT SA HINAHARAP:

 

Ang pagpaplano ay tungkol sa hinaharap. Ang ibang tao ay takot sa hinaharap at ayaw pag-isipan ito o paghandaan ito. Subalit hindi ka dapat matakot sapagkat hawak ng Dios ang hinaharap. Alam na Niya ang mga plano Niya para sa iyo. Ang ginagawa mo lang ay hingin sa Dios na ipakita sa iyo ang mga planong ito.

 

Sapagkat nalalaman Ko ang mga pagiisip na Aking iniisip sa iyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan ka ng pagasa sa iyong huling wakas.

(Jeremias 29: 11)

 

KATAMARAN:

 

Ang ibang tao ay hindi nagpaplano sapagkat nangangailangan ito ng oras at ito’y isang mahirap na trabaho. Sila ay tamad. Ang pagiging tamad ay walang pakialam at makupad. Ang gawa ng tamad ay inilarawan sa Kawikaan 24: 30-34. Hindi ito nagbubunga ng espirituwal na pag-aani.

 

TAKOT NA MABIGO:

 

Ang hindi tapat na alipin sa Mateo 25: 14-30 ay takot na mabigo, kaya hindi man lang niya sinubukang gamitin ang ibinigay ng kaniyang panginoon. (Tingnan ang talatang 25).

 

Ang tanging panahon na ikaw ay nabigo ay nang ikaw ay tumigil ng pagsususmikap. Si Thomas Edison, isang dakilang imbentor sa Estados Unidos, ay sumubok ng daan-daang mga paraan na nabigo bago niya madiskubre ang elektrisidad. Subalit si Mr. Edison ay nagtamo ng malaking tagumpay sapagkat hindi siya sumuko. Sa wakas, nadiskubre niya ang elektrisidad.

 

Maraming mga lalake at babae sa Biblia na nabigo, subalit naging matagumpay para sa Dios sapagkat hindi sila sumuko.

 

Ang totoo, kapag hindi ka nagplano, ikaw ay nagpaplanong mabigo!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2.      Ipaliwanag ang “pangangasiwa batay sa mga layunin.”

 

________________________________________

________________________________________

3.      Maglista ng ilang mga dahilan kung bakit mahalaga ang pangangasiwa batay sa mga layunin.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4.      Ibuod ang mga uri ng oposisyon sa pagpaplano na maaari mong harapin at ipaliwanag kung paano mo ito haharapin.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Narito ang ialng mga halimbawa ng pagpaplano sa Biblia:

 

-Sa Genesis 1-3, nagplano ang Dios sa paglalang, gumawa ng plano para sa tao, at ipinahayag ang Kaniyang plano ng kaligtasan.

 

-Gumawa ng plano si Noah sa paggawa ng arko: Genesis 6.

 

-Nagtakda si Abraham ng mga layunin para sa kaniyang aliping si Eleazar: Genesis 24.

 

-Nagplano si Jose para sa darating na mga taon ng kagutom: Genesis 41.

 

-Binigyan si Moises ng plano sa pagpapalaya ng Israel mula sa pagka-alipin: Exodo 3-6.

 

-Ang plano ng tabernakulo ay detalyado: Exodo 24: 12-40: 38.

 

-Sa aklat ng Mga Bilang, nakita natin ang mga plano sa pagbilang ng mga tao (1:1-54)

at ang pagsasa-ayos ng kampo (2: 1-34).

 

-Gumawa si Josue ng detalyadong plano upang sakupin at hatiin ang lupang pangako:

Aklat ni Josue.

 

-Sa Mga Hukom, makikita natin ang maraming plano ng pagpapalaya na isinagawa ng Dios.

 

-Sinunod ni Ruth ang plano ni Naomi patungkol kay Boaz: Aklat ni Ruth.

 

-Naghanda si David upang patayin ang higante: I Samuel 17.

 

-Naghanda si Haring Hezekias ng plano upang pag-isahin ang Israel. Gumawa rin siya ng palno sa pagpapaayos ng templo at magtayo ng patubigan sa Jerusalem: II Cronica 28-31;

II Mga Hari 16-20.

 

-Nagplano si Nehemias na itayong muli ang pader: Aklat ni Nehemias.

 

-Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay ipinahayag ang plano ng Dios para sa mga bansa.

 

-Si Jesus: Ang Mga Evangelio ay puno ng mga pahayag ni Jesus tungkol sa Kaniyang pakay at mga plano upang matupad ang Kaniyang kalooban para sa Kaniyang buhay at ministeryo. Ibinahagi rin ni Jesus ang Kaniyang pakay at mga plano sa Kaniyang mga tagasunod at sa lahat ng mga mananampalataya sa pangkalahatan.

 

-Si Apostol Pablo ay gumawa ng mga plano: Kung wala siyang plano ay walang babaguhin ang Espiritu Santo tulad ng sinabi sa Gawa 16: 6-10.

-Ang aklat ng Apocalipsis ay nagpapahayag ng mga plano ng Dios para sa hinaharap.

 

2. Basahin ang tungkol sa pagpaplano sa aklat ng Kawikaan. Tingnan ang 13:16; 14:8; 15:22; 16:3,9; 24:3-4; 29:18.

 

3. Tulad ng binigyan diin sa kabanatang ito, ang pagpaplano na pinag-aaralan natin ay ginagawa sa ilalim ng isnpirasyon ng Espiritu Santo. Hindi ito tulad ng pagpaplano na ginagawa sa sanglibutan. Hindi ka humihingi sa mga makamundong organisasyon ng patnubay.

 

Pansinin ang babala tungkol sa ganoong makamundong pagpaplano mula sa Magandang Balita Biblia na salin ng Biblia:

 

Kawawa ang mga suwail na anak, Na ang ginagawa’y hindi Aking kalooban; Nakikipagkaisa sa iba nang wala Akong pahintulot, Anupat lalo lamang lumalaki ang kanilang pagkakasala.

 

Nagdudumali silang pumunta sa Egipto upang humingi ng tulong sa Faraon; Hindi man lang sumangguni sa Akin.  (Isaias 30: 1-2 )

 

4.Basahin ang kuwento ni Eliseo at ang himala ng dumaraming langis na nakatala sa II Mga Hari 4: 1-7. Pinarami ng Dios ang langis upang mapuno ng babae ang lahat ng mga sisidlang inihanda niya. Paano kung hindi niya inihanda ang mga sisidlan? Ang mahalagang pinagmulan ng langis ay nasayang sana o kaipala ay hindi na ito pinarami ng Dios sapagkat hindi naman siya nakahandang tanggapin ito.

 

Posible kayang mas maraming mga pagpapala ang ibubuhos ng Dios sa ating buhay at ministeryo kung tayo lamang ay nakahandang tanggapin ang mga ito?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG  KABANATA

 

ISANG DIOS NA MAY PAKAY

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang masasagot mo ang mga sumusunod:

 

.    Ipaliwanag ang makalangit na pakay ng Dios.

.    Ipaliwanag kung bakit mahalagang maunawaan ang pakay at mga plano ng Dios.

.    Tukuyin ang mga instrumentong ginagamit ng Dios upang matupad ang Kaniyang    

      pakay at mga plano.

.    Ipaliwanag kung paano ang ministeryo ni Jesus ay kaugnay ng pakay at mga plano ng

     Dios.

.    Ipaliwanag kung paano ang ministeryo ng Espiritu Santo ay kaugnay sa pakay at mga

      plano ng Dios.

.    Ipaliwanag kung paanong ang ministeryo ng iglesia ay kaugnay ng pakay at mga

      plano ng Dios.

 

SUSING MGA TALATA:

 

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tinpunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko.

(Efeso 1: 9-10)

 

PAMBUNGAD

 

Ang Dios ay isang Dios ng pakay at pagpaplano. Siya ay Dios ng paghahanda. Mula pa sa pasimula ng panahon, inihanda na ito ng Dios at gumawa Siya upang matupad ang Kaniyang pakay sa mundo.

 

Ang instrumentong ginagamit ng Dios para matupad ang Kaniyang pakay ay mga tao. Gumagawa Siya sa mga indibiduwal, sa mga bansa, at sa Kaniyang espirituwal na katawan, ang Iglesia ng Panginoon Jesucristo. Binibigyan ng Dios ng espesyal na pahid at ginagamit Niya sila na ang pakay at mga plano sa ministeryo ay kalinya ng pakay at mga plano ng Dios.

 

Kung hindi mo nauunawaan ang pakay ng Dios, hindi ka kaisa sa Kaniyang plano. Ito ang dahilan kung bakit maraming ministeryo ang hindi nagtatagumpay. Sa araling ito matututuhan mo ang dakilang pakay ng Dios sa pagsasaliksik mo ng mga pundasyon ng pagpaplano ayong sa Biblia. Pagkatapos nito ay matutukoy mo ang iyong pakay at makagagawa ka ng mga plano na kalinya ng sa Dios.

 

ISANG DIOS NA PAGHAHANDA

 

Ang Dios ay isang Dios na naghahanda. Pag-aralan mo ito sa mga sumusunod na mga reperensya:

 

-Inihanda ng Dios ang mga langit, ang Kaniyang tirahan; ang Kaniyang trono at Kaniyang Kaharian: Mga Awit 103: 19; Kawikaan 8:27

 

-Inihanda Niya ang mundong ito para sa sangkatauhan: Genesis 1-3

 

-Maaaring ihanda ng Dios ang anumang bagay para sa Kaniyang mga pakay. Sa aklat ni Jona lamang, inihanda ng Dios ang isang isda, isang halaman, at isang uod: Jona 1-4

 

-Inihanda ng Dios si Jesus upang isakripisyo para sa mga kasalanan ng sangkatauhan: Hebreo 5:10; Zefanias 1:7

 

-Bago dumating si Jesus para maglingkod, isang taong nagngangalang Juan ay ipinadala upang ihanda ang daan para sa Kaniya: Lucas 1:76; 3:4

 

-Naghanda ang Dios ng magandang siyudad na walang hanggan upang ating matirahan sa buong walang hanggan: Hebreo 11:16

 

-Naghanda Siya ng Kaharian kung saan tayong lahat ay magiging bahagi nito:

Mateo 25:37

 

-Sinabi ni Jesus na umalis Siya upang ipaghanda tayo ng lugar: Juan 14: 2-3

 

-Sinabi sa atin na ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga ang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa Kaniya: I Corinto 2: 9

 

-Naghanda ang Dios ng kahatulan para sa mga hindi mananampalataya: Kawikaan 19: 29

 

-Ang impierno ay inihanda para sa demonio at ang kaniyang mga anghel: Mateo 25:14

 

-Naghahanap ang Dios ng bayan na nakahanda tulad ng babaeng ikakasal sa kaniyang kasintahan: Apocalipsis 21:2

 

Mula sa mga sumusunod na mga reperensya makikita mo na, sa buong talaan ng Biblia, ginamit ng Dios ang mga taong nakahanda upang gawin ang Kaniyang gawain:

 

-Sa pamamagitan ng pananampalataya, inihanda ni Noah ang arko: Hebreo 11:7

 

-Si Jose, inihanda sa pamamagitan ng mga pagsubok at kahirapan, ay iniligtas ang mga bansa mula sa kagutom: Genesis 41

 

-Si Moises, inihanda ng Dios sa likuran ng disiyerto, ay pinangunahan ang buong bansa sa ilang: Aklat ng Exodo

 

-Si Esther ay naghanda ng bangkete at iniligtas ang isang buong lahi ng mga tao: Esther 7

 

-Naghanda si Gideon ng isang batalyon ng mga sundalo. Naghanda si David sa pagtatayo ng templo, kahit sa panahon ng kaniyang ligalig at pagtitiis. Naghanda si Salomon ng templo, at si Nehemias ay naghanda ng pader.

 

-Inihanda ni Juan Bautista ang isang bayan na nakahanda para sa Panginoon: Lucas 1:17

 

-Sa Mga Hukom at sa Mga Cronica nakatala ang maraming mga lider na nabigoat gumawa ng masama sapagkat hindi nila inihanda ng wasto ang kanilang puso sa harap ng Dios. (Ang II Mga Cronica 12:14 ay isang halimbawa).

 

Gumagamit ang Dios ng mga taong nakahanda. Dahil dito tayo ay inutusang maging handa:

 

-Maghanda kang tagpuin ang Dios: Amos 4:12

-Ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon: I Samuel 7:3

-Magkaroon ka ng pusong nakahanda: II Mga Cronica 27:6

-Ikaw mismo ay maghanda, at ihanda mo rin ang iba: Ezekiel 38: 7

-Maghanda sa lahat ng gawang mabuti, nakahanda na pagamit sa Panginoon:

II Timoteo 2:21

-Maging isang sisidlang nakahanda para sa Kaniyang kaluwalhatian: Roma 9:23

 

Ang Dios ay isang Dios ng paghahanda. Gumagawa Siya sa pamamagitan ng mga taong nakahanda. Hindi Siya naghahanap ng mga mananampalatayang hindi organisado, walang gana, hindi kumikilos, at talunan. Naghahanap Siya ng mga lalake at babaeng nakahanda. Nagkuwento si Jesus ng isang alipin na alam ang kalooban ng panginoon subalit hindi naghanda upang isakatuparan ito:

 

At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami.  (Lucas 12: 47)

 

Bakit masyadong mahalaga para sa Dios ang preparasyon? Baki Siya gumagamit at nagpapahid ng mga taong nakahanda? Para saan tayo nakahanda?  

 

ISANG DIOS NA MAY PAKAY

 

Ang lahat ng preparasyon ng Dios ay nakatuon sa Kaniyang pakay. Hindi ito malabong pakay o isang “inaasahang” pakay. Siya ay gumagawa para sa isang tiyak at nakapirmeng pakay. Ang pakay ng Dios ay malinaw na inihahayag sa Kaniyang Salita. Ang pinakamagandang buod ng Kaniyang pakay ay ibinigay sa aklat ng Efeso. Narito ang “kapahayagan ng pakay ng Dios”:

 

Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin: (Efeso 3: 11)

 

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.

 

Sa pagiging katiwala sa ganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko.

(Efeso 1: 9-10)

 

Nais ng Dios na dalhin natin ang lahat ng tao sa wastong kaugnayan sa Kaniya:

 

Hindi mapagpaliban ang Panignoon tungkol sa Kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.

(II Pedro 3: 9)

 

Ang pakay ng Dios ay na ang lahat ng tao ay makaranas ng kapatawaran mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesucristo, maibalik sa wastong kaugnayan sa Kaniya, at maging bahagi ng Kaharian ng Dios ( Juan 3).

 

Inihahanda ng Dios ang mga lalake at babae at ginagamit sila upang matupad ang pakay na ito. Pinapahiran ng Dios at ginagamit ang mga taong ang buogn buhay at pakay ng ministeryo ay kalinya ng Kaniyang pakay at mga plano. Kung hindi mo nauunawaan ang pakay ng Dios, ang iyong buhay at ministeryo ay hindi magiging kalinya ng Kaniyang plano.

 

Halimbawa, nang ihayag ni Jesus sa Kaniyang mga alagad na Siya ay magdurusa at mamamatay, sinaway Siya ni Pedro. Hindi pa nauunawaan ni Pedro ang Kaniyang pakay. Dahil dito, hindi siya kalinya ng plano ng Dios. Sinaway siya ni Jesus at sinabi:

 

…Lumagay ka sa likuran Ko, Satanas; sapagkat hindi mo pinagiisip ang mga bagay na ukol sa Dios, kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao.

(Marcos 8: 33)

 

Si Haring David ay isang taong nakalinya sa pakay ng Dios:

 

Sapagkat si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan. (Gawa 13: 36)

 

Sinisiguro ng Biblia na ang mga pakay ng Dios ay matutupad:

 

Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip Ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang Aking pinanukala, gayon mananayo.  (Isaias 14: 24)

 

Ito ang panukala na Aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.

 

Sapagkat pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? At ang Kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?

(Isaias 14: 26-27)

 

ANG DIOS NA NAGPAPLANO

 

Hindi lang nagtakda ang Dios ng Kaniyang pakay, gumagawa Siya ng mga plano at pinaiiral  Niya ang mga ito upang matupad ang Kanyang pakay. Gumagamit ang Dios ng mga indibiduwal, mga bansa, si Jesus, ang Espiritu Santo, at ang Iglesia na bahagi ng Kaniyang plano.

 

MGA INDIBIDUWAL:

 

Mula pa sa pasimula ng panahon, gumawa na ang Dios sa mga indibiduwal upang tuparin ang Kaniyang pakay. Puno ng mga kuwento ang Biblia kung paano ginamit ng Dios ang mga lalake at mga babae.

 

Sa panahon ng Lumang Tipan nagtindig ang Dios ng mga dakilang lider tulad nila Noe, Abraham, Jose at Moises. Pinahiran din Niya ang mga propeta, mga hari, at mga hukom upang matupad ang Kaniyang mga pakay. Sa panahon ng Bagong Tipan, ginamit ng Dios ang mga indibiduwal tulad nila Juan Bautista, ang mga alagad ni Jesus, si Pablo, si Timoteo, si Barnabas, at marami pang iba.

 

Ginamit din ng Dios ang mga taong makasalanan na ayaw sumunod sa Kaniyang plano at binaliktad ang kanilang mga plano upang matupad ang Kaniyang mga pakay. Hindi ang Dios ang sanhi ng kanilang makasalanang mga gawa, subalit gumawa Siya ng paraan  sa pamamagitan nito upang matupad ang Kaniyang plano.

 

Halimbawa, sinabi ng Dios sa masamang Paraon ng Egipto:

 

Datapuwat totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang Aking kapangyarihan, at upang ang Aking pangalan ay mahayag sa buong lupa. ( Exodo 9:16)

 

Ang buhay at ang ministeryo ay magkatali sa layunin ng Dios. Kung tapos na ang pakay, ang buhay sa mundong ito ay magwawakas din:

 

Sapagkat si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang… 

            (Gawa 13: 36)

 

MGA BANSA:

 

Sa Lumang Tipan itinindig ng Dios ang bansang Israel upang tuparin ang Kaniyang layunin at plano sa mundo. Bilang isang bansa, ang pakay ng Israel ay ipahayag ang plano ng Dios sa mga bansang pagano ng sanglibutan. Paulit-ulit na nabigo sila sa responsabilidad na ito.

 

Dahil dito, ang paghatol ay dumating sa Israel sa pamamagitan ng mga paganong bansa na naninirahan sa palibot nila. Determinadong tuparin ng Dios ang Kaniyang plano na ginamit Niya ang mga masasamang gawain ng mga ito upang matupad ang pakay Niya.  Hindi sang-ayon ang Dios sa kanilang masasamang gawa, subalit gumawa Siya sa pamamagitan ng mga ito.

 

SI JESU-CRISTO:

 

Sa maraming mga taon, bahagi ng plano ng Dios ay nanatiling isang hiwaga. Maaga pa sa kasaysayan, nangako ang Dios ng isang Tagapagligtas na sa pamamagitan Niya ay magkakaroon ng kapatawaran sa kasalanan ang sangkatauhan.

 

Ang pangako ay unang ibinigay kay Adam at Eva matapos silang magkasala sa halamanan ng Eden. Sinabi ng Dios:

 

At papagaalitin Ko ikaw at ang babae, at ang inyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.  ( Genesis 3: 15)

 

Ito ang pasimula ng maraming pangako ng Tagapagligtas. Sa mahabang panahon hindi ipinahayag ng Dios ang detalye ng Kaniyang plano. Ito ay isang dakilang hiwaga.

 

Di nagtagal, sa panahon ng mga propeta sa Lumang Tipan, ibinahagi ng Dios ang ilan pang detalye ng Kaniyang plano. Sa Bagong Tipan, ang mga detalye nito ay natupad nang ipadala ng Dios ang bugtong Niyang Anak, si Jesucristo, upang mamatay para sa kasalanan ng buong sangkatauhan.

 

Hindi na hiwaga ngayon ang plano ng Dios. Ang Kaniyang mga plano at pakay ay ipinakitang maliwanag kay Jesucristo:

 

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tinpunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko.

(Efeso 1: 9-10)

    

Mula sa pagkabata, alam na ni Jesus ang pakay ng Dios na magbigay ng kaligtasan sa sangkatauhan at ibalik lahat ng mga tao at mga bansa sa wastong kaugnayan sa Kaniya.

 

Nabuhay si Jesus sa lupa upang tuparin ang mga layunin ng Dios. Kahit nang bata pa Siya, and Kaniyang nais ay tuparin hindi ang Kaniyang mga plano, kundi ang pakay ng Dios Ama:

 

At sinabi Niya sa kanila, Bakit ninyo Ako hinahanap? Di baga talastas ninyo na dapat Akong maglumagak sa bahay ng Aking Ama. (Lucas 2: 49)

 

Ang buhay at ministero ni Jesus ay nakatuon sa pakay ng Dios. Ang bawat plano, bawat desisyon, bawat gawain sa ministeryo ay nakatuon sa pakay na yaon:

 

            Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat

Ako’y pinahiran Niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo Niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,

 

Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. ( Lucas 4: 18-19)

 

Isa ito sa mga deklarasyon ng pakay ni Jesus. Sa “Para sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng kabanatang ito ay may mga iba pang mga pangungusap si Jesus tungkol sa Kaniyang ministeryo. Inutusan Niya ang Kaniyang mga alagad, na kasali ang lahat ng mga tunay na mananampalataya, na sundin ang mga pakay ng Dios:

 

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

 

Naituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28: 19-20)

 

Sa bahaging “Para sa Dagdag na Pag-aaral”, pag-aralan ang iba pang mga kapahayagan ng pakay na sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad. Mahalaga ang mga ito, sapagkat kung ikaw ay isang mananampalataya isa ka ring tagasunod ni Jesus.

 

ANG ESPIRITU SANTO:

 

Ang Espiritu Santo ay bahagi rin ng plano ng Dios. Matapos bumalik si Jesus sa Langit, ang isang tanging kapangyarihan ay ibinigay sa isang pagbubuhos ng Espiritu Santo sa Gawa 4. Ang karanasang ito ay tinatawag na bautismo ng Espritu Santo.

 

Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay ibinigay upang matupad ang pakay ng Dios sa mundo:

 

            Datapuwat tatangapin niyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng

Espiritu Santo: at kayo’y magiging mg saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

( Gawa 1: 8)

 

Napakahalaga ng ministeryo ng Espiritu Santo sa pagtupad ng mga pakay ng Dios na ang isang buong kurso ay iniukol ng Harvestime International Institute para dito. Ito ay pinamagatang “Ang Ministeryo ng Espiritu Santo.”

 

Isa pang kurso na ibinigay ng Institute, “Mga Prinsipyo ng Kapangyarihan,” ay nagpapaliwanag ng kahalagahan ng kapangyarihang espirituwal sa pagtupad ng pakay ng Dios sa espirituwal na pagpapalago at pagkalat ng Ebangelio.

 

Dagdag pa sa kapangyarihan, ang Espiritu Santo ang nagbibigya ng direksyon sa mga mananampalataya upang magawa nila ang pakay at plano ng Dios. Sapagkat alam ng Espiritu Santo ang kalooban ng Dios, at sapagkat sinasaliksik Niya at nauunawaan ang espiritu ng tao, Siya ang nagsisilbing kaugnayan sa pagitan nating at ng Dios upang matulungan tayong matupad ang pakay at plano ng Dios:

 

At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagkat Siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.  (Roma 8: 27)

 

Ang Espiritu Santo ay gumagawang kasama mo sa pagtupad ng mga plano at pakay ng Dios. Sa pagsasalita mo ng mga Salita ng Dios, pinapahiran Ka Niya at sinusumbatan ang mga di mananampalataya sa kanilang kasalanan, na nagdadala sa kanila sa pagtanggap ng Ebangelio. ( Tingnan ang Juan 16: 7-11).

 

ANG IGLESIA:

 

Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay ibinigay sa lahat ng “born-again” na mananampalataya. Lahat ng tunay na mananampalataya ay bahagi ng Iglesia, na isang instrumentong ginagamit ng Dios upang matupad ang Kaniyang mga plano at pakay:

 

At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay;

 

Upang ngayo’y sa pamamagitan ng Iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios [ang plano at pakay ng Dios]. (Efeso 3: 9-10)

 

Gumagawa ang Dios sa buhay ng mga mananampalataya upang matupad ang Kaniyang mga layunin:

 

Sapagkat Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa Kaniyang mabuting kalooban.  (Filipos 2: 13)

 

Ang ibig sabihin ng “upang gawin sa Kaniyang mabuting kalooban” ay gumagawa ang Dios sa iyo upang matupad ang Kaniyang layunin at pakay sa iyong buhay. Kasama rito ang kaligtasan, kapuspusan ng Espiritu Santo, paggamit sa iyo sa ministeryo sa iba, at patuloy kang hinuhubog upang maging kawangis ng Kaniyang Anak na si Jesucristo.

 

Gumagawa rin Siya sa iyong buhay upang maganap ang Kaniyang mga pakay:

 

At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios. (Roma 6: 13)

 

Kung isinusuko mo ang iyong sarili upang maging “instrumento ng katuwiran sa Dios” ang ibig sabihin nito ay ang iyong buhay at ministeryo ay kalinya ng mga pakay at plano ng Dios. Sa paggawa nito, sa pamamagitan mo ikaw ay nagiging instrumento na magagamit Niya:

 

            Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo… ( II Corinto 5: 20)

 

            At yamang kalakip Niyang gumagawa… ( II Corinto 6: 1)

 

Kung ang Dios ay hindi gumagawa sa iyo at sa pamamagitan mo, lahat ng gawain mo ay walang kabuluhan:

 

Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay. ( Awit 127: 1)

 

Ang ministeryo mo ay hindi magtatagumpay malibang ito ay nakatayo sa walang hanggang mga pakay ng Dios, sa halip na sa tao:

 

…Kung ang kanilang panukala o pagpupunyaging ito’y mula sa tao, ito’y mabibigo.

 

Ngunit kung mula sa Diyos, hindi ninyo ito masasansala at lilitaw pang lumalaban kayo sa Diyos!  ( Gawa 5: 38-39)

ANG PAKAY AT LAYUNIN

 

Mula sa pasimula, ang pakay ng Dios ay hindi nagbabago. Marami Siyang mga plano kaugnay ng pakay na ito, subalit ang pakay ay nananatiling ganoon din.

 

Tulad ng natutuhan mo sa araling ito, inihayag ng Dios ang Kaniyang tiyak na pakay sa Kaniyang nasulat ng Salita. Inihayag din Niya na Kaniyang pangkalahatang plano na ang Iglesia ay maging instrumento na sa pamamagitan nito ay matutupad ang Kaniyang layunin. 

 

Subalit bilang isang mananampalataya, dapat kang gumawa ng detalyadong mga plano kung nais mong matupad ang Kaniyang kalooban. Diyan pumapasok ang pangangasiwa batay sa mga layunin. Dapat mong hanapin ang iyong tiyak na layunin batay sa dakilang layunin ng Dios. At gumawa ka ng plano ng pagmiministeryo na kalinya ng layuning ito.

 

Sa susunod na aralin ay matututuhan mong gumawa ng Kapahayagan ng Layunin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing mga Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2.      Ano ang makalangit ng pakay ng Dios?

 

________________________________________

3.      Bakit mahalaga na maunawaan ang pakay at plano ng Dios?

________________________________________

4.      Anu-anong mga instrumento ang ginagamit ng Dios upang matupad ang Kaniyang pakay at plano?

 

________________________________________

5.      Ibuod mo ang ministeryo ni Jesus kaugnay ng pakay at plano ng Dios.

________________________________________

________________________________________

6.      Ibuod mo ang ministeryo ng Espiritu Santo kaugnay ng pakay at plano ng Dios.

________________________________________

________________________________________

7.      Ipaliwanag ang ministeryo ng Iglesia kaugnay ng pakay at plano ng Dios.

 

________________________________________

 

 

 

 

 

( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.      Si Jesus ay may malinaw na pagkaunawa ng Kaniyang bahagi sa pakay at plano ng Dios. Pag-aralan ito ng higit pa sa mga sumusunod na mga reperensya:

 

Mateo:  5:17; 8: 3,7; 9:13; 10:34-35; 13:41-42; 15:24; 18:11,20; 19:28-29; 20:18-19,28; 21:13; 24:35; 25:31; 26:24,29,32,39,64

 

Marcos:  1:38; 2:17; 10:33-34,45; 14:21

 

Lucas:  2:49; 4:18-19,43; 5:32; 9:22,56; 11:49; 12:51; 13:32-33; 19:5,10; 22:37,69; 24:44,46-47

 

Juan:  3:16-17; 4:34; 5:30,43; 6:37-40,51; 7:16,33; 8:26,29,49-50; 9:4,38-39; 10:10,16-18; 12:24-27,32,46,49-50; 13:5; 14:2,16-18; 18:36; 16:12,22,25; 18:37; 12:24-27; Pag-aralan ang buong 17 kabanata na tungkol sa Kaniyang pakay.

 

2. Pag-aralan mo nang higit ang pakay para sa mga tagasunod ni Jesus.

 

Mateo:  7:33; 9:37-38; 10:7-8,38-39; 16:24-25; 28:18-20

 

Marcos: 1:17; 16:15-18; 8:34-35

 

Lucas:  5:10; 9:2; 10:2-9; 12:29; 14:26-27,33; 22:29; 24:46-49

 

Juan:  4:35; 6:27; 15:16; 20:21

 

Mga Gawa:  1:4-5, 8

 

3. Pag-aralan pa ng higit ang “pakay” sa pangkalahatan sa mga sumusunod na mga reperensya:

 

Ezra 4:5; Awit 17:3; Kawikaan 15:22; Eclesiastes 3:1,17; 8:6; Isaias 14:24-27; 23:9; 46:11; Jeremias 4:28; Daniel 1:8; Gawa 11:23; 19:21; 20:3; 26:13; Roma 8:28; 9:11,17; II Corinto 9:7; Efeso 1:4-11; 3:11; Colosas 4:8; II Timoteo 1:9; 3:10; I Juan 3:8

 

4. Sinunod ni David ang mga pakay ng Dios sa kaniyang generasyon (Gawa 13:36). Ano ang pakay ng Dios para sa iyo sa iyong generasyon?

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  KABANATA

 

PAKAY

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang masasagot mo ang mga sumusunod:

 

·        Ibigay ang kahulugan ng “kapahayagan ng pinapakay.”

·        Ipaliwanag ang kahalagahan ng pakay.

·        Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pakay at layunin.

·        Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Kapahayagan ng Pinapakay at Kapahayagan ng Doktrina.

·        Maglista ng mga paraan kung paano maibabahagi sa iba ang iyong pakay.

 

SUSING MGA TALATA:

 

            …Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang.

 

Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. (Efeso 5: 15-16) Magandang Balita Biblia

 

PAMBUNGAD

 

Sa huling aralin, natutuhan mo na ang Dios ay Dios ng pakay na laging gumagawa at isinasagawa ang mga plano upang matupad ang Kaniyang pakay.

 

Pinapahiran ng Dios at ginagamit sila na mga nakakunawa ng Kaniyang pakay at nakalaang maging bahagi ng Kaniyang plano. Para maging bahagi ng plano ng Dios, ang iyong buhay at ministeryo ay dapat kalinya ng Kaniyang pakay. Dapat kang mamuhay at maglingkod na katulad ng pakay na umiral sa buhay at ministeryo ni Jesus.

 

Ang araling ito ay magtuturo sa iyo kung paano ka gagawa ng Kapahayagan ng Pinapakay na kalinya ng pakay at mga plano ng Dios.

 

KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY

 

Ang Kapahayagan ng Pinapakay ay isang kapahayagan ng dahilan ng pagiging narito. Ipinahahayag dito ang pagkaunawa mo ng tiyak na ipinagagawa ng Dios sa iyo. Ito ay kapahayagan ng pangitain at pananampalataya.

 

Para sa isang ministeryo, organisasyon, o iglesia, ang Kapahayagan ng Pinapakay ay nagpapakita kung bakit mayroong isang kapisanang ganito. Ipinaliliwanag dito ang tiyak na dahilan ng inyong ministeryo bilang isang grupo. Para sa isang indibiduwal, ang “kapahayagan ng pinapakay” ang nagtutukoy ng iyong personal na bahagi sa plano ng Dios.

 

Ang Kapahayagan ng Pinapakay ay hindi isang Kapahayagan ng Doktrina. Ang Kapahayagan ng Doktrina ang nagsasabi kung ano ang pinaniniwalaan ng inyong ministeryo. Mahalaga ang magkaroon ng Kapahayagan ng Doktrina, subalit hindi ito kapareho ng Kapahayagan ng Pinapakay. ( Para sa halimbawa ng Kapahayagan ng Doktrina tingnan ang Apendise ng manwal na ito).

 

Ang pakay ay iba rin sa mga layunin. Ang pakay ang nagpapaliwanag kung bakit naitatag ang ministeryong ito. Ang mga layunin ay mga kapahayagan ng mga plano ng ministeryo kung paano matutupad ang pakay.

 

Ang mga layunin ay kung ano ang iyong ginagawa. Ang pakay ay bakit ka nandito. Matututuhan mo pa ang tungkol sa mga layunin sa susunod na aralin sa paghahanda ng aralin.

 

Ang pakay ay hindi rin katulad ng mga programa sa iglesia. Ang mga programa ay mga organisadong plano na ipatutupad na may kaugnayan sa pakay. Ang Kapahayagan ng Pinapakay ay tinutukoy ang tiyak na dahilan kung bakit natatag ang iyong ministeryo. Ibinubuod nito nang tiyak kung anong posisyon ng ministeryo ang iyong ginagampanan sa Katawan ni Cristo.

 

Ang Biblia ay puno ng mga halimbawa ng mga lalake at mga babae ng Dios na nalalaman ang kanilang tiyak na pakay sa plano ng Dios. Babanggitin natin ang isa sa mga indibiduwal na ito, si Apostol Pablo.

 

Natitiyak ni Pablo ang kaniyang pakay at sinabi niya ito sa iba. Sumulat siya kay Timoteo:

 

            Ngunit sinunod mo ang aking aral, ugali, akala, pananampalataya…

            (II Timoteo 3: 10)

 

Ang kaniyang hangarin sa buhay ay tuparin ang pakay na yaon:

 

Hindi sa ako’y nagtamo na, o ako’y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.

( Filipos 3: 12)

 

Ang pakay ni Pablo ay sinabi sa kaniya ng Dios:

 

…Siya’y sisidlang hirang sa Akin, upang dalhin ang Aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel. (Gawa 9:15)

 

Natutuhan mo sa nagdaang kabanata na ang pangkalahatang pakay ng Dios ay dalhin ang lahat ng mga tao sa pagkakilala at kalubusan ng Panginoong Jesucristo.

 

Ang pakay ng ministeryo ni Pablo ay kalinya ng pakay at mga plano ng Dios. Kung isinulat ni Pablo ang kaniyang “kapahayagan ng pinapakay”, ganito ang kalalabasan nito:

 

            “Ang aking pakay ng ministeryo ay dalhin ang pangalan ni Jesucristo sa:

 

            …Mga Gentil (lahat ng bansa sa labas ng Israel)

            …Mga hari (mga lider)

            …Ang bayan ng Israel (Mga Judio)

 

ANG KAHALAGAHAN NG PAKAY

 

Ang Kapahayagan ng Pinapakay ay napakahalaga sapagkat ang pakay ay…

 

NAGBIBIGAY NG DIREKSIYON:

 

Ang pangitain ay isang malinaw na larawan sa isipan kung ano ang iyong nais na abutin. Ang sabi ng Biblia:

 

            Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama… (Kawikaan 29: 18)

 

Ibinigay na ng Dios ang pangkalahatang pangitain sa Kaniyang Salita, subalit dapat ka ring magkaroon ng tiyak na pangitain. Dapat ay malinaw sa iyo kung ano ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon. Dapat kang maglingkod nang may malinaw na pangitain.

 

Kapag nagtatag ng pangitain ang Dios, hindi Siya nagbabago tulad ng mga tao. Pag nalayo ang mga tao at organisasyon sa pangitaing ibinigay ng Dios sa kanila, nakararanas sila ng pagkalito, mga problema, at kabiguan.

 

NAGBIBIGAY NG PANANAW SA MUNDO BATAY SA BIBLIA

 

Ang pakay ay nagbibigay ng pananaw sa mundo batay sa Biblia sapagkat sinusuri mo ang iyong kapaligirang pinaglilingkuran upang matiyak mo ang iyong pakay. Sa paggawa mo nito, nakikita mo ang pangangailangan ng iyong komunidad, ng bansa, at ng mundong iyong pinaglilingkuran.

 

Halimbawa, sinuri ni Pablo ang espirituwal na kalagayan ng Atenas. Ang kaniyang puso ay nakilos, at sapagkat alam niya at nauunawaan niya ang pakay ng kaniyang ministeryo, ibinahagi niya ang Ebanghelyo sa mga Gentil na naninirahan doon. (Tingnan ang Gawa 17: 16-34).

 

Ang pakay ay laging kaugnay ng pangangailangan. Ang pagkilala sa pangangailangan ay nagbibigay ng pananaw sa mundo batay sa Biblia. Nakikita mo ang mundo kung paano ito nakikita ng Dios.

 

NAKAKAPAGPLANO:

 

Natututo kang magplano kung may pakay. Kung alam mo ang iyong pakay, ikaw ay nakakapagplano sa ikatutupad ng pangitain. Kung hindi tiyak ang pakay, hindi rin tiyak ang mga plano.

 

Natatapos mo ang gawain para sa Dios hindi lamang sa pagkakaroon ng pagnanasa na gumawa, o kaya ay dahil sa abala ka sa paggawa. Maaari kang gumawa  at hindi mo matumbok ang tinutudla kung wala kang tiyak na pangitain.

 

Marami kang mabubuting gawa na magagawa. Maaari kang maging abala para sa Dios, subalit ano ang tiyak na ministeryo na ipinagagawa sa iyo ng Dios? Dito ka Niya hahatulan. Mas mahalaga na magawa mo ang isang bagay na ipinagagawa sa iyo ng Dios, at gawin mo ito nang mabuti, kaysa marami kang magawa.

 

Binigyang diin ni Jesus ang kahalagahan ng pakay nang sabihin Niya kay Marta na…

 

            …Marta, Marta, naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay.

            (Lucas 10: 41)

 

Ang pakay ang basehan ng pagtatatag ng mga pagpapahalaga. Kung ang iyong pagpapahalaga ay kalinya ng pagpapahalaga ng Kaharian ng Dios, ang lahat ng kinakailangan para maisagawa ang ministeryo ay ipagkakaloob:

 

Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian, at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.

(Mateo 6: 33)

 

Salapi, mga tao, mga bagay na materyal… anuman ang kailangan ninyo para sa mabisang ministeryo… ay ipagkakaloob kung ang Kaharian ng Dios ang una sa iyong pakay.

 

Ang bawat ministeryo ay may prayoridad. Kung ang iyong pagpapahalaga ay hindi kalinya ng Salita ng Dios, ito ay mabubuo sa pamamagitan ng pag-anod lamang dahil sa ugali o sa mga hinihiling ng mga tao sa iyo, pangangailangan, o krisis. Pahihintulutan mo ang mundo na magtakda ng iyong mga prayoridad sa halip na ang Dios ang gumawa nito.

Ang pakay ang nagbibigay ng plano para sa mabisang ministeryo. Ito ang basehan ng pagpili at pagsasagawa ng mga plano at mga badget. Ito ay nagbibigay ng pokus at pinipigilan kang malihis sa ministeryo na hindi ipinagagawa sa iyo ng Dios at wala kang kaloob para doon.

Dahil sa maikli na ang oras bago dumating ang Panginoon, dahil sa malaki ang pangangailangan at masama ang panahon, dapat kang mabuhay ng may pakay:

 

…Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang.

 

Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. (Efeso 5: 15-16) Magandang Balita Biblia

 

Ang mga plano ni Pablo, lahat ng kaniyang mga paglalakbay at ministeryo, ay kaugnay ng pakay sa kaniyang pagkatawag. Hindi siya nagukol ng panahon na gumagawa ng mabubuting gawa. Ibinigay niya ang kaniyang buhay upang gawin ang ipinagagawa na itinakda sa kaniya ng Dios.

 

NAIIWASAN ANG PAGKALITO:

 

Kung walang malinaw na pakay, nariyan ang pagkalito. Walang pagkakaisa sa pag-iisip at kilos. Ito ay nauuwi sa di pagkakaunawaan at pagaaway.

 

Sa Lumang Tipan, ang mga lider ng Israel ay gumamit ng trumpeta upang tipunin ang mga tao. Ito ang tumatawag sa mga tao na kumilos. Subalit ang lider na tumatawag sa iba na makipagbaka sa unahan ng linya ng espirituwal na digmaan ay dapat may malinaw na pakay.

 

NAKAGAGAWA NG PAGTATAYA:

 

Kung alam mo ang pakay ng iyong ministeryo, ito ay matataya mo kung natutupad mo ang plano ng Dios. Sapagkat alam ni Pablo at nauunawaan niya ang kaniyang pakay, natataya niya ang kaniyang ministeryo at nasasabi niya:

 

            …Hindi ako nagsuwail sa pangitain ng Kalangitan. ( Gawa 26: 19)

 

Lalo mo pang matututuhan ang pagtataya sa pagpapatuloy ng kursong ito.

 

PINALALAKAS ANG MINISTERYO SA PAGBIBIGAY NG KAPAMAHALAAN AT PAHID:

 

Sapagkat alam mo ang iyong tiyak na pakay at ito ay kalinya ng pakay ng Dios, papahiran Niya ang iyong ministeryo. Maaari kang maglingkod ng may kapangyariahn at kapamahalaan sapagkat alam mo nang may katiyakan kung ano ang ipinagagawa sa iyo ng Dios.

 

PAGSASAAD NG KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY

 

Ikaw ngayon ay gagawa ng Kapahayagan ng Pinapakay sa ministeryo na kalinya ng pakay at mga plano ng Dios. Kailangan mo ng personal na Kapahayagan ng Pinapakay na sumasagot sa tanong na ito: “ Paano ang personal kong ministeryo ay maitutugma sa pakay at mga plano ng Dios?”

 

Kakailanganin mo rin ang Kapahayagan ng Pinapakay ng grupo na sumasagot sa tanong na: “Paano ang organisasyon, fellowship o iglesia na ako’y kabahagi, maitutugma sa mga plano ng Dios?”

 

(Kung ang inyong organisasyon o iglesia ay may naisulat nang Kapahayagan ng Pinapakay, repasuhin mo ito sa pamamagitan ng patnubay na nasa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng araling ito).

 

Kailangang isulat mo ang “Kapahayagan ng Pinapakay”:

 

At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon.  (Habacuc 2: 2)

 

Ang dahilan kung bakit ito ay dapat isulat ay…

 

1.      Upang ito’y maging malinaw:  Kung malabo ang pakay mo sa iyong utak, hindi ito malinaw. Ang pagsulat ng “kapahayagan ng pinapakay” ay binibigyang linaw ang ipinagagawa sa iyo ng Dios.

 

2.      Upang ito ay maipahatid sa iba:  Ang mga tao ay mahihimok na “tumakbo” kasama ng pangitain at matupad ito kung ito ay nababasa at nauunawaan nila.

 

MANALANGIN:

 

Kailangan mong makipag-usap sa Dios upang makita mo ang iyong tiyak na dako sa ministeryo. Hingin mo na tulungan ka Niya sa iyong pagsusuri ng iyong paligid at sa iyong pag-aaral ng Kanyang Salita.

 

SURIIN ANG IYONG PALIBOT:

 

Upang maging mabisa, ang iyong pakay ay hindi lamang dapat kaugnay ng pakay ng Dios subalit dapat ay kaugnay din sa palibot mong pinaglilingkuran. Ang iyong pakay ay dapat bagay sa mga pangangailangan ng mga taong iyong pinaglilingkuran.

 

Ang pagsusuri ng palibot ay ang pag-aaral ng mga tao, heographiya kung saan ka naglilingkod. Napakahalaga ng bagay na ito kaya nga’t nag-ukol ng isang kurso sa paksang ito ang Harvestime International Institute.

 

Kung pinag-aaralan mo ang mga kurso ng Institute sa iminungkahaing kaayusan, nakuha mo na ang kurso ng “Mga Prinsipyo ng Pagsusuri ng Paligid.” Repasuhin mo ang mga impormasyong nakuha mo sa iyong pagsusuri at gamitin mo ito sa iyong pagsulat ng Kapahayagan ng Pinapakay.

Kung hindi mo pa nakukuha ang kursong, “Mga Prinsipyo ng Pagsusuri ng Paligid,” makabubuting pag-aralan mo muna itobago ka sumulat ng Kapahayagan ng Pinapakay para sa ministeryo.

 

Bilang buod, ang “pagsusuri ng paligid” ay nakakatulong na maunawaan mo ang mga taong iyong pinaglilingkuran, ang kanilang kalagayang espirituwal, ang kanilang mga pangangailangan, at ang sosyal, kultural, at heograpiyang palibot na kanilang tinitirahan.

Dahil sa mga kaalamang ito, lalong magiging mabisa ang pagdadala mo ng Ebangelyo.

 

Ang pakay at mga plano ay hindi nakasalalay sa magandang idea o programa. Dapat ito ay may kaugnayan sa mga espirituwal na pangangailangan, kung paanong ang sinabing pakay ng Dios ay kaugnay ng mga pangangailangan ng makasalanang sanglibutan. Maraming mga ministeryo ang nabibigo sapagkat bagamat nag-aalok sila ng di pangkaraniwang paglilingkod, hindi ito kaugnay ng palibot na kanilang pinaglilingkuran.

 

Mahalaga rin na suriin ang palibot sapagkat nabubuhay tayo sa laging nagbabagong mundo. Kung tatagpuin mo ang hamon ng pagbabago, dapat mong maunawaan ang palibot.

 

Ang pinakamahalaga ay, sa pagsusuri ng palibot nakikita ang mga negatibong mga puwersang espirituwal na kumikilos laban sa mga taong naninirahan sa isang lugar. Maaari mong idalangin at talian ang mga puwersang ito.

 

Kasali rin sa pagsusuri ng palibot ay ang pagsusuri ng iyong sariling lakas at kahinaang espirituwal. Ang bawat isa ng indibiduwal at ministeryo ay may sariling lakas at kaloob kung saan sila ay lalong nagagamit sa isang uri ng ministeryo. Mayroon din silang mga kahinaan, na maka-aapekto sa pagtupad nila ng ministeryo.

 

Hindi negatibong pagiisip ang isaalang-alang ang iyong kahinaan. Ang pagsusuri sa sarili ay nakakatulong sa pag-iwas sa kabiguan. Kung nanalangin ang Israel at sinuri ang sitwasyon sa Ai, hindi sana sila natalo. Naipakita sana ng Dios ang suliranin at nalunasan ito bago sila nakipagdigma sa kaaway. (Tingnan ang Josue 7).

 

Subalit hindi ka magtatagumpay sa pagiisip ng iyong kahinaan. Magatatagumpay ka sa pagbibigay ng diin sa iyong mga lakas at sa paggamit nito sa kaluwalhatian ng Dios. Gayon din, kilalanin mo na maipakikita ng Dios ang Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng iyong kahinaan.

 

Sa pagsusuri mo ng iyong mga kahinaan, isaalang-alang mo ito:

 

At Siya’y nagsabi sa akin, ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong magmamapuri ng may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. ( II Corinto 12: 9)

 

Sa pagsusuri ng iyong mga kalakasan, isaalang-alang mo ito:

Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawat tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawat isa.

(Roma 12: 3)

 

PAG-ARALAN ANG MGA BIBLIKAL NA KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY:

 

Ang iyong Kapahayagan ng Pinapakay ay dapat maging ayon sa Biblia. Ang ibig sabihin ay ito ay dapat kalinya ng pangakalahatang pakay ng Dios na tinalakay sa Ikalawang Kabanata.

 

            -Isaias 1:1-20

            -Mateo 7:33; 9:37-38; 10:7-8,38-39; 16:24-25; 28:18-20

            -Marcos 1:17; 8:34-35; 11:25-26; 16:15-18

            -Lucas 4:16-19; 5:10; 9:2; 10:2-9; 12:29; 14:26-27; 22:29; 24:46-49

            -Juan 2:21; 4:35; 6:27; 15:16; 20:21-22

            -Gawa 1:1-14; 2:42-47; 12:5,12; 14:27

            -Roma 10: 13-15

            -I Corinto 13

            -II Corinto 4: 3-4

            -Efeso 1:21; 2:1-9,19-22; 4:14-16; 5:25

            -Colosas 1:2,18; 4:5-6; 3:12-16

            -I Tesalonica 2:12

            -I Timoteo 6:17-19

            -Tito 2:14; 3:1,8,14

            -Hebreo 9:12; 10:25

            -Santiago 1”17-27

            -I Pedro 2:1-12

 

ISULAT ANG KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY:

 

Kung sinunod mo ang mga hakbang ng pananalangin, pagsuri ng palibot, at pag-aaral ng mga pakaya ng Dios na inihayag sa Kaniyang Salita, nakahanda ka nang magsulat ng iyong Kapahayagan ng Pinapakay.

 

Buuin ang pangungusap na ito:

 

“Ang pakay ng aking personal na ministeryo ay…

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

           

Anu-anong mga talata sa Kasulatan na napag-aralan mo ang sumusuporta sa iyong Kapahayagan ng Pinapakay? Isulat mo ang mga reperensya sa ibaba:

________________________________________

________________________________________

Ngayon ay isulat mo ang Kapahayagan ng Pinapakay ng iyong ministeryong kinabibilangan (ang iyong iglesia, organisasyon, denominasyon, misyon, atbp.).

 

“Ang pakay ng ministeryong ito ay…

 

________________________________________

Anu-anong mga talata sa Kasulatan na napag-aralan mo ang sumusuporta sa Kapahayagan ng Pinapakay ng iyong organisasyon? Isulat ang mga reperensya sa ibaba:

________________________________________

________________________________________

________________________________________

SURIIN ANG KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY:

 

Suriin mo ang kapahayagang isinulat mo:

 

1.      Ito ba ay kalinya ng pangkalahatang pakay ng Dios na inihayag sa Biblia? Ito ba ay ayon sa Biblia? Tinukoy mo ba ang mga tiyak na talata sa Kasulatan upang suportahan ang iyong pakay?

 

2.      Malinaw ba ang pagkakasaad ng Kapahayagan ng Pinapakay na ito ay madaling maunawaan?

 

3.      Kaugnay ba ito ng iyong palibot na iyong pinaglilingkuran? Tumutugon ba ito sa mga espirituwal na pangangailangan?

 

4.      Sinasaad ba rito kung bakit natatag ang ministeryo sa halip na mga tiyak na programa, mga serbisyo, o paglilingkod sa labas?

 

5.      Naglalaan ba ito ng mga posibilidad para sa iba pang ministeryo sa hinaharap? Kung hindi, ito ay masyadong limitado. Narito ang kapahayagan na masyadong limitado:

 

“Ang pakay ng Harvestime International Network ay magsanay ng 100 na mga layco bilang mga lider na Cristiano.”

Kung nakapagsanay na tayo ng 100 na mga lider, tapos na ang ating pakay. Wala tayong pangitain sa ministeryo sa hinaharap. Masyado nating nilimitahan ang ating pakay at ito ay napakakipot.

 

6.      Ito ba ay tiyak? Kung masyado itong malawak, hindi mo masasabi kung ito ay natutupad nang maayos.

 

Narito ang isang Kapahayagan ng Pinapakay na masyadong malawak:

 

“Ang pakay ng Harvestime International Network ay magsanay ng mga Cristianong layco.”

 

Ang pangungusap na ito ay hindi tiyak upang masuri kung ang ministeryo ay natutupad ang pinapakay. Sanayin sila sa ano? Para saang layunin? Bakit magsasanay? Ano ang diin ng pagsasanay?

 

Ngayon pumunta ka sa bahaging “Para sa Dagdag na Pag-aaral” ng araling ito at basahin mo ang Kapahayagan ng Pinapakay ng Harvestime International Network. Mas tiyak ang sinasaad nito at hindi limitado. Dahil sa ito ay detalyado, maaaring suriin kung natutupad ang pinapakay. Kung ang iyong “ mga kapahayagan ng pinapakay” ay hindi ayon sa Biblia, malabo, hindi nakatuon sa pangangailangan, masyadong limitado o malawak, isulat mo itong muli.

 

NAGKAKAISA SA PINAPAKAY

 

Sa tulong ng Dios, ang mga lider ay dapat magtakda ng pakay para sa buong ministeryo, iglesia, o organisasyon. Ang pakay na ito ay dapat ipahatid sa bawat departamaento o sangay ng iglesia o organisasyon. Ang bawat isa sa departamento ay dapat maunawaan ang pakay.

 

Ang pakay ay dapat ipahatid sa lahat ng mga mananampalataya. Ang bawat isa ay dapat makaalam ng pakay upang sama-sama silang magkaisa para maabot ito. Kung alam ng bawat isa ang pakay, bawat isa ay gagawa ng paraan upang isakatuparan ito. Bawat isa ay gagawang magkakasama upang maabot ang pakay at mga plano ng Dios.

 

Ang pangitain na malinaw na naihahatid ay mahalaga sa pagpapalabas ng mga tao at salapi para maabot ang pinapakay sa gawain ng Panginoon. Narito ang mga paraan ng paghahatid ng pakay sa buong kongregasyon ng mga mananampalataya:

 

1.      Isulat ang Kapahayagan ng Pinapakay at bigyan ang bawat isa ng kopya nito.

2.      Ituro at ipangaral ang pakay nang hindi kukulangin sa minsan isang taon.

3.      Pagusapan ang pakay sa pormal at impormal na mga pagtitipon para magplano.

4.      Siguruhin na sama-samang nirerepaso ang pakay ng mga lider sa ministeryo. Sa ganitong paraan ang pangitain ay mananatiling sariwa sa kanilang isipan.

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1.      Isulat ang Susing Mga Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2.      Ano ang Kapahayagan ng Pinapakay?

 

________________________________________

________________________________________

3.      Bakit mahalaga ang Kapahayagan ng Pinapakay?

 

________________________________________

4.      Ano ang pagkakaiba ng pakay at mga layunin?

 

________________________________________

________________________________________

5.      Ano ang pagkakaiba ng Kapahayagan ng Pinapakay at Kapahayagan ng Doktrina?

 

________________________________________

6.      Maglista ng apat na paraan kung paanong ang pakay ay maihahatid sa buong kalipunan.

________________________________________

________________________________________

7.      Bilang bahagi ng pag-aaral na ito sumulat ka ba ng Kapahayagan ng Pinapakay para sa iyong personal na ministeryo? Sumulat ka ba ng Kapahayagan ng Pinapakay para sa iglesia o Cristianong organisasyon na kinabibilangan mo?

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito).

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Kung ang iyong ministeryo ay mayroon nang Kapahayagan ng Pinapakay, repasuhin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito:

 

 -Ang Kapahayagan ng Pinapakay ba ay malinaw na naisaad na ito ay madaling maunawaan?

-Kailan ito nasulat?

-Nakikita ba sa Kapahayagan ng Pinapakay ang tunay na ginagawa ng ministeryo sa ngayon?

      -Ito ba ay batay sa Biblia?

      -Paano natutupad ng ministeryo ang kaniyang pinapakay?

      -Paano nabigo ang ministeryo sa pagtupad ng kaniyang pinapakay?

      -Bakit ito nabigo? Ano ang magagawa upang magamot ang mga pagkukulang?

      -Naipabatid na ba ang pakay sa buong kapulungan? Upang maalaman ito, sagutin ang 

        mga sumusunod na katanungan:

            -Napag-aralan ba ito ng mga lider sa nakaraang dalawang taon?

            -Naisermon ba ito sa nakaraang isang taon?

            -Ito bang Kapahayagan ng Pinapakay ay nailimbag at naipamahagi sa mga kaanib

ng kapisanan?

            -Tanungin ang ilang mga kaanib kung ano ang pakay ng inyong ministeryo.

Nasasabi ba nila ito?

       -Kung ang inyong ministeryo ay may mga plano, programa, badget, at mga layunin,

        ang mga ito ba ay kaugnay ng inyong Kapahayagan ng Pinapakay? Ito ba ay may   

        kaugnayan sa palibot na pinaglilingkuran mo? Tumutugon ba ito sa mga

        pangangailangnang espirituwal?

      

       -Sinasabi ba rito kung bakit naitatag ang ministeryo sa halip na pinaguusapan ang

        mga programa, mga serbisyo, o mga sangay ng paglilingkod sa labas.

        -Nagbubukas ba ito ng mga posibilidad para sa ministeryo sa hinaharap, o ito ay

         masyadong limitado?

        -Ito ba ay tiyak? Kung ang kapahayagan ng pakay ay masyadong malawak, mahirap         

         suriin ito kung naaabot o hindi ang pinapakay.

        -Kailangan ba itong isulat na muli? Kung ganoon, sundin ang mga patnubay sa

          araling ito na pinamagatang “Pagsasaad ng Kapahayagan ng Pinapakay.”

 

3.      Sinasabi sa Gawa 13: 35 na nagampanan ni Haring David ang mga pakay ng Dios sa kaniyang buhay at ministeryo. Pag-aralan ang buhay ni David sa I at II Samuel at sagutin ang mga tanong na ito:

 

-Paano nadiskubre ni David ang kaniyang pakay?

-Ano ang ginawa niya upang matupad ang pakay ng Dios?

-Kung isinulat ni David ang kapahayagan ng pinapakay, ano kaya ito?

-Kung isinulat ni David ang listahan ng mga lyunin upang matupad ang pakay, anu-ano kaya ang mga ito?

4.      Narito ang sinasaad ng Kapahayagan ng Pinapakay ng Harvestime International Network:

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL NETWORK

Kapahayagan ng Pinapakay

 

Laging ipinakikita ni Jesuscristo sa Kaniyang mga alagad ang espirituwal na bukirin ng pag-aani ng sanglibutan:

 

Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pag-aani? Narito, sa inyo’y Aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.  (Juan 4: 35)

 

Ang hamon na ibinigay ng ating Panginoon ay para sa mga manggagawa, mga lalake at babae na marunong mag-ani sa espirituwal na anihan ng sanglibutan para sa Kaharian ng Dios. Dito itinalaga ang Harvestime International Network, na maglista, magsanay, humimok, at magpakilos ng isang network ng mga manggagawang mag-aani at may kakayahang:

 

1.      Mamagitan sa pananalangin para sa isang espirituwal na pag-aani sa buong mundo:

 

…Katotonana’y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa; Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kaniyang aanihin.

(Mateo 9:37-38)

 

     2. Magpaliwanag ng mga prinsipyo ng espirituwal na pag-aani:

 

At ang mga bagay na inyong narinig sa Akin sa gitna ng mgaraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  (II Timoteo 2:2)

 

    3.  Magpakita ng mga prinsipyo ng pag-aani:

 

At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan: Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.

(I Corinto 2: 4-5)

 

4. Ipabatid ang kahalagahan ng pagtupad ng utos para sa pangmundong pag-aaning

esprituwal:

 

Ang pagaani ay nakaraan, ang tag-init ay lipas na, at tayo’y hindi ligtas.

(Jeremias 8: 20)

 

5.      Magpakilos ng mga kaanib ng Katawan ni Cristo upang mag-ani sa kanilang sariling bukirin sa pangmalawakang pag-aani sa mga huling araw:

 

… na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pag-aani.

(Jeremias 5: 24)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT  NA  KABANATA

 

PAGPAPLANO

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang masasagot mo ang mga sumusunod:

 

·        Ibigay ang kahulugan ng “layunin.”

·        Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pakay at mga layunin.

·        Tukuyin ang dalawang uri ng mga layunin.

·        Talakayin ang kahalagahan ng mga layunin.

·        Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga layuning pang mahabang panahon at yaong pang maikling panahon.

·        Ipaliwanag kung paano mamili ng mga layunin.

·        Sumulat ka ng personal na mga layunin para sa iyong ministeryo.

·        Sumulat ka ng mga layunin para sa ministeryo ng inyong grupo.

·        Tayahin ang mga layunin na iyon isinulat.

 

SUSING TALATA:

 

At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami. (Lucas 12:47)

 

PAMBUNGAD

 

Ang dalawang huling mga aralin ay tungkol sa kahalagahan ng pakay sa ministeryo. Subalit maaari kang magsalita tungkol sa pangitain magpakailan man at hindi mo matupad ang pangitaing ito. Hindi sapat na maalaman mo ang pakay ng Dios sa iyong ministeryo, dapat ay ihanda mo ang iyong sarili sa pagtupad nito:

 

At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami. (Lucas 12:47)

 

Maghanda ka na tuparin ang pakay ng Dios sa iyong ministeryo sa pamamagitan ng matalinong pagpaplano. Pagpaplano ang paksa nito at ng dalawang susunod na mg aralin.

 

Sa kabanatang ito ay matututo kang magplano. Ang Ikalimang Kabanata ay nagpapaliwanag kung paano isakatuparan ang mga plano at ang Ika-Anim na Kabanata ay nagpapaliwanag kung paano magtaya ng mga planong ito.

 

 

MGA LAYUNIN

 

 Ang “layunin” ay isang inaabot o hantungan ng isang gawain. Ito ay isang bagay na tinutudla. Ito ay isang plano. Kung ikaw ay gagawa ng mga “layunin” para sa ministeryo, gumagawa ka ng mga organisadong plano upang matupad ang mga pakay ng Dios. Ikaw ay nagbabalak sa nalalaman mo o hindi. Sa bawat araw ay gumagawa ka ng mga gawain. Ito ang plano mo sa araw na ito, kahit hindi mo pinagisipan ito nang mabuti.

 

Ang pagpaplano sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layunin ay isang organisadong paraan ng paggawa ng nalalaman mo nang gawin. Nakaktulong ito na magkaroon ka ng pokus sa bawat araw. Ang iyong mga aktibidades ay naililinya mo sa mga pakay ng iyong ministeryo. Ang pagpaplano ay isang paraan ng pagsunod sa Panginoon at pagtupad ng Kaniyang mga pakay para sa iyong buhay at ministeryo.

 

Ang mga layunin ay hindi mga banal na utos. Ang mga ito ay mga ipinangako mong gagawin sa hinaharap. Hindi ito ang guguhit ng iyong hinaharap, subalit isang paraan upang maisaayos ang bayan ng Dios at ang Kaniyang gawain.

 

PAKAY AT MGA LAYUNIN

 

May pagkakaiba ang pakay at ang mga layunin. Natutuhan mo na ang pakay ay isang espirituwal na pangitain. Ito ang pagka-alam mo ng tiyak na dahilan para sa iyong ministeryo… ang bahagi mo sa plano ng Dios.

 

Ang mga layunin ay mga hakbang na ginagawa mo upang matupad ang pakay na ibinigay sa iyo ng Dios. Ito ay mga plano sa ikatutupad ng pakay. Ang mga pakay at mga pangitain ay hindi awtomatik na natutupad. Dapat kang gumawa ng hakbang upang ito’y matupad. Ang pakay ang nagpapasigla sa iyo, subalit ang mga layunin ang nagtutulak sa iyo upang matupad ang pangitain. Ang pakaya ay tulad ng pananampalataya. Ang mga layunin ay tulad sa mga gawa. Ang pakay na walang mga plano ay walang bunga, kung paanong ang pananampalataya na walang gawa ay patay. Ang pakay mo sa plano ng Dios ay napakalaki na gagawin mo ito habang buhay. Ang mga plano ay maliliit na mga hakbang sa daan upang matupad ang pangitain na ibinigay sa iyo ng Dios. Narito ang isang diagram na tutulong sa iyong pagkaunawa nito:

 

Mga Layunin   Þ  Tiyak na pakay    Dakilang pakay ng Dios     Abutin ang Mundo

 

Tingnan mong mabuti ang diagram. Ipinakikita kung paanong ang mga layunin ay tumutulong na maabot mo ang iyong pinapakay na bahagi ng pakay ng Dios. Kung ang bawat bahagi ng Katawan ni Cristo ay gaganapin ang kanilang sariling pakay, ang dakilang pakay ng Dios na abutin ang buong mundo ng Ebanghelyo ay matutupad.

 

ANG MGA LAYUNIN NI PABLO

 

Pagbalikan natin ang “kapahayagan ng pinapakay ni Pablo sa Ikatlong Kabanata. Ang sabi niya ay:

“ Ang pakay ng aking ministeryo ay ang dalhin ang pangalan ng Panginoong JesuCristo sa:

 

            …Mga Gentil (mga bansa sa ilalim ng Israel)

            … Mga hari (mga lider)

            … Ang bayan ng Israel (Gawa 9: 15)

 

Narito ang mga layunin ni Pablo, ang plano na ibinigay sa kaniya ng Dios upang matupad ang Kaniyang pakay:

 

“Maglilingkod ako at magpapatotoo na:

 

            …buksan ang kanilang mga mata.

            …maalis sila sa kadilman tungo sa liwanag.

            …maalis sila mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Dios.

            …dalhin sila sa kapatawaran ng mga kasalanan.

            …dalhin sila sa kanilang espiriutwal na mana.” (Tingnan ang Gawa 26:15-18)

 

MGA URI NG LAYUNIN

 

May dalawang uri ng layunin:

 

Personal na mga layunin: Ito ang mga planong ginagawa mo upang matupad ang iyong pakay sa ministeryo.

 

Mga layuning pang grupo: Ito ang mga planong ginawa mo kasama ng iba upang matupad ang inyong pakay bilang isang grupo, iglesia, denominasyon, organisasyon, atbp.

 

MGA KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA

 

Sapagkat ang mga layunin ay mga kapahayagan ng nais mong magawa sa hinaharap, ang mga ito ay mga kapahayagan ng pananampalataya na kalinya ng kalooban ng Dios:

 

Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. (Hebreo 11:1)

 

Hindi ka gumagawa ng makasariling mga plano. Gumagawa ka ng mga plano upang tupdin ang mga pakay ng Dios. Lagi kang bukas sa Kaniyang direksiyon:

 

Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga’y isang singaw na sa sandaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka’y napapawi.

 

Sapagkat ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.  (Santiago 4:14-15)

Sapagkat ang mga layunin ay mga kapahayagan ng pananampalataya, may panganib dito. Dapat kang humakbang ng pananampalataya at kumilos. Sapagkat alam ng Dios ang hinaharap, bibigyan ka Niya ng kaalaman sa paggawa ng mga plano.

 

KAHALAGAHAN NG MGA LAYUNIN

 

Pinahihintulutan ka ng mga layunin na matupad ang mga tiyak na pakay ng Dios sa iyong ministeryo. Ang isang malaking dahilan kung bakit mahalaga ang mga layunin ay upang magawa ang dapat mangyari upang matuapd ang iyong pakay. Ang pagkakaroon ng plano ay tumutulong upang magawa ang dapat na gawin sa halip na bayaan silang mangyari. Ang mga plano ay nagpapakilos sa iyo ng may pakay sa halip na kumilos sa may kalituhan.

 

Ang layunin ay nagbibigay ng direksiyon. Sapagkat tinutukoy ng layunin ang dapat na gawin, ang lahat ay nakaaalam ng plano. May direksiyon at pagtatalaga tungo sa tinutudla. Nababawasan ang pagkalito. Mahirap makita ang direksiyon kung hindi mo alam kung saan ka patutungo. Ang mga layunin ang nagbibigay ng kaalaman kung san ka pupunta. Sapagkat nagpaplano ka sa hinaharap, nakikita mo na ang mga problema at makagagawa ka ng mga solusyon bago pa ito dumating. Maaari kang makipagbakang espirituwal sa halip na dumipensa na lamang sa kaaway.

 

Sa pagpaplano, nakikita ng mga tao ang kanilang lugar sa ministeryo sa Katawan ni Cristo. Sapagkat tinutukoy ng mga layunin kung sino ang gagawa ng ano, nalalaman ng bawat isa ang kaniyang tungkulin. Mapakikilos mo ang buong samahan ng mga mananampalataya sa pagkakaisa ng pakay at mga plano.

 

Natataya ang ministeryo kung may mga layunin. Maaari mong suriin ang iyong mga plano kung ang mga ito ay tumutupad sa mga pakay ng Dios sa iyong ministeryo. Lalo mo pang matututuhan ito sa Ika-anim ng Kabanata. Pinipigilan ka ng mga layunin na magpatianod sa ministeryo. Kung wala kang mga layunin, maaari kang gumugol ng buong buhay at bigla mong masabing, “Hindi ko natupad ang nilalayon ng Dios.” Umanod ka lamang na walang plano o organisasyon, walang pagsusuri ng ministeryo, at ikaw ay bigo.

 

Ang pagpaplano ay nagpapakita ng iyong mga motibo. Ang motibo ang iyong dahilan ng paggawa ng isang bagay. Masusumpungan mo ang iyong sarili na sinusuri ang iyong mga layunin at motibo sa bawat larangan ng ministeryo. Tatanungin mo ang iyong sarili, “Ano ang layunin ko sa pangangaral nitong sermong ito?” “Ano ang mga layunin ko sa pagdaraos ng “business meeting” na ito?” “Ano ang mga layunin ko sa pagtuturo ng araling ito?”  “Ano ang mga layunin ko sa pagpapayo sa taong ito, sa paggawa ko nitong sulat na ito, atbp.?” Natututo kang suriin ang bawat ginagawa mo at kung paano ito kaugnay ng iyong pakay sa ministeryo.

 

PAGPILI NG MGA LAYUNIN

 

Ang mga layunin ay dumarating sa pamamagitan ng panalangin, patnubay ng Espiritu Santo, pag-aaral ng Salita ng Dios, at mula sa pagkaunawa ng iyong tiyak na pakay sa loob ng plano ng Dios. Ang pagpaplano ay hindi dapat kumuha ng lugar ng pananalangin at pag-aaral ng Salita ng Dios. Ang pagpaplano ay dapat manggaling sa  pananalangin at pag-aaral ng Biblia. Ang pagpaplano ay dapat kaugnay ng pakay.

 

Natutuhan mo sa nakaraang aralin kung paanong ang pagsusuri sa alibot ay nagpapakita ng mga espirituwal na pangangailangan ng mga tao sa lugar na pinaglilingkuran mo. Natutuhan mo kung paano dapat kaugnay ang pakay ng ministeryo sa mga pangangailangang ito at sa pakay ng Dios.

 

Pananalangin, pag-aaral ng Biblia, at kaalaman ng pakay ay napakahalaga sa paggawa ng plano. Kung wala ang mga ito, ikaw ay magpaplano ayon sa pangangatuwiran ng tao. Ang iyong mga pamamaraan ay hindi pamamaraan ng Dios:

 

Sapagkat ang Aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip, o ang inyo mang mga lakad ay Aking mga lakad, sabi ng Panginoon.    

 

Sapagkat kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang Aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang Aking mga pagiisip kay sa inyong mga pag-iisip.  ( Isaias 55: 8-9)

 

Ang pagkakamali ng mga plano ng mayamang lalake sa Lucas 12: 16-20 ay “nag-isip siya sa kaniyang sarili.” Gumawa siya ng mga plano na hindi kinunsulta ang Dios.

 

Alam na ng Dios ang mga plano Niya para sa iyo. Ang katungkulan mo ay unawain at kumilos ayon sa  Kaniyang mga plano:

 

Sapagkat nalalaman ko ang mga pagiisip na Aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.

(Jeremias 29: 11)

 

Sapagkat namimili ka ng mga layunin, ang pagpaplano ay nangangailangan ng paggawa ng desisyon. Pipiliin mong gawin ang ilang mga bagay at pipiliin mo ring hindi gawin ang ibang mga bagay. Magtatakda ka ng mga pagpapahalaga. Ito ang mga bagay na mas importante kay sa iba. Sa bahaging “Para sa Dagdag na Pag-aaral,” ang pag-aaral ng Lucas 12: 16-20 ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtatakda ng tamang prayoridad.

 

Baka dapat mong repasuhin ang mga prinsipyo ng paggawa ng desisyon na naaayon sa Biblia na nasa kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang, “Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig sa Biblia” at “Pagkilala sa Tinig ng Dios.” Makatutulong ang mga ito sa iyong pagpapasiya sa proseso ng pagpaplano.

 

 

 

PAGTATAKDA NG MGA LAYUNIN

 

Narito ang ilang mga patnubay na makakatulong sa iyong pagtatakda ng mga layunin para sa ministeryo:

 

ANG MGA LAYUNIN AY DAPAT NAKASULAT:

 

Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon.  (Habacuc 2: 2)

 

Kung isusulat mo ang mga layunin, mas madali itong matandaan, isagawa at suriin ang iyong mga plano.Ganito ang ginawa ni David sa pagpaplano niya ng templo sa inspirasyon ng Dios. Ang sabi ni David:

 

Aking naalaman sa sulat mula sa kamay ng Panginoon, samakatuwid baga’y lahat ng gawain sa anyong ito. ( I Cronica 28: 19)

 

ANG MGA LAYUNIN AY DAPAT KAUGNAY NG PAKAY:

 

Mahalagang bahagi ito ng pagpaplano. Kung ang mga plano mo ay hindi kaugnay ng iyong pakay sa ministeryo, mabubuting mga gawa lamang ito subalit hindi ang gawa na nais ng Dios para sa iyo. Kung lahat ng iyong mga layunin ay kaugnay ng iyong pakay, sila ay magkakaugnay-ugnay at gagawang magkakasama sa isang pangkalahatang plano ng ministeryo. Ang bawat planong gagawin mo ay magiging kalinyang iyong pakay.

 

Kung ang pakay mo ay kalinya ng pakay ng Dios at ng Kaniyang mga plano, samakatuwid ang iyong mga layunin ay mula sa Biblia.

 

DAPAT MALINAW ANG PAGKAKASAAD NG MGA LAYUNIN:

 

Kung hindi malinaw ang mga layunin, walang makakaunawa nito. Isulat ang bawat layunin nang malinaw. Magkaroon ng isang tinutudla sa bawat layunin. Gawin mong madali na maunawaan ang plano. Tandaan na sa Habacuc 2:2 ang mga pangitain lamang na nauunawaan ang nakakahimok sa mga tao.

 

GAWING BALANSE ANG MGA LAYUNIN:

 

Ang mga plano ay dapat balanse sa pananampalataya at katunayan. Kung ito ay hindi makatotohanan, hindi maaabot. Subalit huwag kang malimitahan ng iyong mga pinagkukunan, natural na pagiisip, mga tauhan, o pananalapi. Magtakda ka ng hindi limitadong mga plano ng pananampalataya. Tandaan…

 

Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwat hindi gayon sa Dios: sapagkat ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios.  ( Marcos 10: 27)

 

 

ANG MGA LAYUNIN AY DAPAT TIYAK:

 

Ang mga plano ay dapat tiyak. Ang ibig sabihin nito ay dapat mong masagot ang mga sumusunod na mga katanungan:

 

-Ano ang gagawin natin? Sabihin nang tiyak kung ano ang iyong gagawin.

 

-Paano natin ito gagawin? Sabihin kung anu-anong mga hakbang at mga paraan ang gagamitin upang matupad ang plano.

 

-Kailan natin ito gagawin? Maglagay ng skedyul kung kailan ito pasisimulan, kailan tatapusin, at mga oras ng pagrerepaso ng takbo ng plano.

 

-Sino ang gagawa nito: Sino ang gagawa ng anong gawain upang matupad ang planong ito? Ilang mga tao ang kailangan? Sinu-sino ang may mga kaloob na espirituwal upang gawin ito nang maayos? Paano makagagawang sama-sama ang mga taong kasangkot dito?

 

-Magkano ang magagasta rito? Itaya kung magkano ang magagasta upang maabot ang layuning ito. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay gumagawa na ng badyet, ang pagtataya ng halaga upang matupad ang plano.

 

Kung sa mga layunin mo ibabase ang badyet ng pondo, at ang mga layunin mo ay katugma ng iyong pakay, sa gayon, magagamit mo ang pondo ng ministeryo upang matupad ang iyong nilalayon. Maliban dito, hindi mo magagamit ang pondo nang wasto.

 

Ang Harvestime International Institute na kurso na pinamagatang “Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig sa Biblia”ay tumutukoy sa mga prinsipyo ng pananalapi na Biblikal

na makakatulong sa iyo sa wastong paggamit ng pondo ng ministeryo. ( Isang halimbawa ng badyet ang nakatala sa Apendise ng manwal na ito).

 

ANG MGA LAYUNIN AY DAPAT NASUSUKAT:

 

Kailangang nakasulat ang plano upang ito ay masuri kung ito ay natutupad o hindi. Matututuhan mo pang lalo ang pagsusuri sa Ika-anim na Kabanata.

 

Ang isang layunin ay dapat binabanggit kung ano ang exaktong nais mong maganap bilang bunga ng iyong ginagawa. Sa gayon ay madali mong masusuri kung naaabot mo ang iyong mga layunin. Hindi mo masusukat ang ministeryo kung walang basehan ng pagsukat.

 

ANG MGA LAYUNIN AY DAPAT NAKAHANAY AYON SA KAHALAGAHAN:

 

Marami kang mga itatakdang mga layunin para sa ministeryo, kaya dapat mo itong ayusin ayon sa kahalagahan. Alin-aling mga plano ang uunahin mong matapos? Aling mga layunin ang kailangang matapos bago mo magawa ang kaugnay nitong plano? Halimbawa, kailangang mag-ebangelyo muna sa isang nayon bago ka magtatag ng iglesia doon para sa mga nahikayat na.

 

GUMAWA NG MGA LAYUNING PANG-MAHABAAN AT PANG-MAIKLING PANAHON: (Long-term and short-term objectives)

 

Ang pagpaplano ay nangangailangan ng oras. Dahil dito, dapat ay magplano nang matagalan. Ang pagpaplano ay patungkol sa hinaharap. May dalawang uri ng hinaharap:

 

Malapit na hinaharap:

 

Ang susunod na mga araw, linggo, at buwan ang malapit na hinaharap. Dapat kang gumawa ng “maikling plano” para dito. Ito ang mga planong tatrabahuhin mo na ngayon.

 

Malayo pang hinaharap:

 

Ang pang malayong hinaharap ay sa isang taon o sa mga sumusunod na mga taon. Dapat kang magtakda ng “pangmahabang plano” para sa malayong hinaharap. May mga plano sa hinaharap na maaari mo nang paghandaan at ipanalangin ngayon. Subalit tatrabahuhin mo ito sa darating na panahon.

 

Para sa epektibong ministeryo, gumawa ka ng pang malapitan at pang malayong plano. Kapag ito’y ginawa mo, malalaman mo ang iyong gagawin ngayon at sa hinaharap. Itinuturo ng Biblia na magpatuloy tayong “gumawa hanggang sa Siya’y dumating.” Ang ibig sabihin nito tayo ay dapat magplano at isakatuparan ang mga plano para sa Kaharian ng Dios., ngayon at sa darating, hanggang sa dumating si Jesus at dalhin tayo sa Langit.

 

ANG PAGPAPLANO AY ISANG PROSESO

 

Ang mga plano ay dapat naibabagay sa mga pangyayari at maaaring baguhin. Ang pagpaplano ay dapat ayon sa pangunguna ng Espiritu Santo. Maging laging bukas sa bagong pangunguna sa paggawa ng plano. Si Apostol Pablo ay nakaplanong pumunta sa Asia minsan, subalit ipinakita ng Espiritu Santo na hindi ito ang tamang oras. Inayos ni Pablo ang kanyang plano at naparoon sa ibang panahon (Gawa 16: 6)

 

Pagkatapos mong gumawa ng plano, maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong palibot o sa iyong ministeryo. Ang mas maayos na plano ay ipakikita sa iyo. Ang mga problema ay nagiging dahilan ng pagbabago ng orihinal na plano. Kaya nga dapat na ang plano ay maging “flexible.”Maging bukas ka sa pagbabago ng mga plano ayon sa direksiyon ng Dios. Kailangan mong baguhin ang mga layunin at gumawa ng mga bagong layunin sapagkat:

 

-Ang palibot na iyong kinabibilangan ay maaaring magbago at kailangan mong magbago ng plano. Halimbawa, kung may malaking grupo ng mga refugees na lumipat sa inyong lugar, kailangang gumawa ka ng pagbabago at isali sila sa plano upang sila naman ay mapaglingkuran.

-Bubuuin mo ang iyong mga plano at gagawa ng mga bago. Kung, halimbawa, naabot mo na ang iyong hantungan na magtatag ng bagong iglesia sa isang nayon, ano na ang gagawin mo ngayon?

 

-Ang Espiritu Santo ay maaaring patnubayan ka na magbago ng mga plano.

 

-Napansin mong ang mga plano mo ay hindi nakatutupad sa mga pakay para sa iyong buhay at ministeryo. Kailangang baguhin mo ito.

 

MGA SAMPOL NA MGA LAYUNIN

 

Sa bahaging “Para Sa Dagdag na Pag-aaral” ng kabanatang ito, may mga sampol na mga layunin para pag-aralan mo. Mga tama at hindi tamang mga layunin ang naroroon. Buksan mo ngayon at pag-aralan ang mga sampol na ito bago ka magpatuloy sa nalalabing bahagi ng araling ito. Makakatulong ang mga halimbawang ito sa mga napag-aralan mo na.

 

PAGSULAT NG IYONG PERSONAL NA MGA LAYUNIN

 

1.      Bumalik ka sa Ikatlong Kabanata at repasuhin mo ang Kapahayagan ng Pinapakay na iyong isinulat sa iyong personal na ministeryo.

 

2.      Sumulat ka ng di kukulangin sa tatlong “short-range” na mga layunin para sa iyong personal na ministeryo.

 

3.      Sumulat  ka ng di kukulangin sa tatlong “long-range” na mga layunin para sa iyong personal na ministeryo.

 

PAGSULAT NG MGA LAYUNIN PARA SA MINISTERYO

 

1.      Bumalik ka sa Ikatlong Kabanata at repasuhin mo ang Kapahayagan ng Pinapakay para sa iyong iglesia, samahan, o organisasyon.

 

2.      Sumulat ka ng di kukulangin sa tatlong “short-range” na mga layunin para sa iyong ministeryo. Maaari kang makipagpulong sa mga lider sa inyong samahan upang gumawa nito.

 

3.      Sumulat ka ng di kukulangin sa tatlong “long-range” na mga layunin para sa inyong samahan. Maaari kang makipagpulong sa mga lider sa inyong samahan upang gumawa nito. Gamitin mo ang “worksheet” para sa pagtatakda ng mga layunin na nasa “Para sa Dagdag na Pag-aaral” na bahagi ng leksyon na ito, sa iyong pagsulat ng mga plano.

 

PAGTATAYA NG MGA LAYUNIN

 

Itaya mo ang mga layuning sinulat mo na ginagamit ang sumusunod na mga tanong:

1.      Ang iyo bang mga layunin ay malinaw, maikli, at madaling maunawaan?

2.      Ang bawat layunin ba ay isa lamang ang tinutudlang abutin?

3.      Ang bawat layunin ba ay may tiyak na mga plano:

-Ano ang dapat na gawin?

-Paano? (gawain, mga hakbang, at mga paraan)

-Kailan? (pagpapasimula, pagtatapos, at ang petsa ng takbo ng proyekto)

-Sino?

-Halaga?

4.      Nasusukat ba ang bawat layunin? Matataya mo ba kung tunay na natutupad ang

plano?

5.      Nagtakda ka ba ng “short-range” at “long-range” na mga plano?

6.      Ang mga layunin mo ba ay kaugnay ng iyong pakay sa ministeryo?

7.      Ang mga personal mo bang mga layunin ay katugma ng mga layunin ng iyong samahang kinabibilangan (iglesia, denominasyon, organisasyon, atbp.)?

8.      Nakalaan ka bang magsakripisyo sa pananalapi, sa oras, at pagtitiyaga upang maisakatuparan ang planong ito?

9.      Hihingin mo ba ang tulong ng Dios sa pag-abot ng layunin na ito? Maaari mo itong gawin basta’t ito ay kalinya ng Kaniyang pangkalahatang pakay at ng iyong tiyak na pakay sa Kaniyang plano.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2.Ibigay ang kahulugan ng “layunin.”

 

________________________________________

3.Ano ang pagkakaiba ng pakay at mga layunin?

________________________________________

4. Tukuyin ang dalawang pangunahing uri ng mga layunin.

________________________________________

________________________________________

5.Bakit mahalaga ang mga layunin?

________________________________________

6. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng “long-range” at short-range” na mga layunin.

________________________________________

________________________________________

________________________________________

7. Paano ka pipili ng mga layunin?

________________________________________





(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito).

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1.Mga sampol na mga layunin na pag-aaralan:

 

Tingnan natin ang plano ng isang iglesia sa Los Angeles, California , sa America.

Ang iglesiang ito ay naniniwala na ang pakay nila ay abutin ang Los Angeles ng Ebangelyo.

 

Narito ang halimbawa ng kanilang isinulat na layunin na HINDI TAMA.

 

“Babahaginan natin ng Ebangelyo ang siyudad ng Los Angeles.”

 

Hindi ito nasusukat na layunin. Paano nila malalaman kung natupad nila ang plano? Sino ang gagawa nito? Paano? Kailan? Ano ang halaga? Paano sila magsisimula? Ang layunin any masyadong malawak. Hindi ito malinaw na naisulat at hindi sinasaad kung ano ang gagawin.

 

Narito ang halimbawa ng TAMANG layunin:

 

“Ibabahagi namin ang Ebanghelyo sa mga Mexicano sa ating komunidad sa palibot ng limang milya ng ating iglesia.

 

Magpapasimula kami na gawin ito sa Enero 1, 2000. Tatapusin namin ang proyektong ito sa Disyembre 31, 2000. Magdaraos kami ng miting tuwing unang Miyerkoles ng bawat buwan upang tayahin ang takbo ng gawaing ito.

 

Malalaman namin kung natupad ang aming layunin kung:

 

-Naabot namin ang mga Mexicano sa palibot ng limang milya ng Ebanghelyo.

 

-Nakapagtatag ng isang iglesia para sa mga nagsasalita ng Espanyol na may hindi kukulangin sa 100 bagong hikayat mula sa gawaing ito.

 

-Nakapagsanay ng mga bagong hikayat upang ipagpatuloy ang ebangelismo sa dakong ito.

 

  Narito ang mga taong kasangkot sa layuning ito:

 

Si Joe Smith ang makikipag-ugnay sa proyektong ito sa ilalim ng pangangasiwa ng ating pastor. Hahatiin natin ang limang milya sa mga bloke at magtatalaga ng chairman na magiging responsable sa bawat bloke. Ang pagkakahati ng bloke ay nakabase sa heograpiya ng lugar.

 

Ang bawat chairman ng bloke ay dadalaw sa mga bahay sa bloke niya at ibabahagi ang Ebangelyo. Ililista nila ang mga pangalan at address ng mga bagong hikayat. Magiiwan sila ng babasahing Ebangelyo sa bawat bahay na kanilang binisita. Bibigyan nila ng aklat ni Juan ang bawat bagong hikayat. Susubaybayan ang mga bagong hikayat at gagawing maging bahagi ng iglesia. Sasanayin ni Joe Smith ang mga bagong hikayat at pipili sila ng mga lider sa bagong iglesia. Kapag nasanay na ang mga lider at matatag na sila, gagawa kami ng panibagong mga layunin para sa ibang bahagi ng Los Angeles. Sa wakas ay madadalhan ng Ebangelio ang ibang bahagi ng Los Angeleles.

 

Narito ang listahan ng mga magagastos upang ipatupad ang planong ito:

 

Badyet:

 

$ _______ Mga tracts ng Ebangelyo

 

$_______ Ebanghelyo ni Juan

 

$_______ Mapa ng mga bloke sa lugar na napili

 

$_______Mga cards para sa pangalan at address ng mga bagong hikayat

 

$_______Mag-advertise sa dyaryo ng pagbubukas ng bagong iglesia.

 

$_______Magpadala ng personal na imbitasyon sa koreo sa mga bagong hikayat upang sila ay dumalo sa unang gawain.

( Ang mga gawain ay sa isang bahay gagawin upang makatipid sa upa ng lugar.)

 

$_______Mga materiyales sa pagsasanay ng mga bagong hikayat.

 

Ito ay makakatulong sa pagtupad ng kakaibang pakay na maabot ang Los Angeles ng Ebangelyo. Sa pag-abot sa mga taong nagsasalita ng Kastila sa loob ng limang milya sa palibot ng iglesia, natutupad namin ang bahagi ng pakay ng Dios para sa aming iglesia.

 

Ito ang plano na maaari naming ulit-ulitin sa iba’t ibang dako sa Los Angeles hanggang mapaglingkuran namin ang buong siyudad.”

 

2.Basahin ang Kawikaan 1: 2-6. Sinasabi rito ang pakay ng Kawikaan. Ipinaliliwanag dito kung bakit ito isinulat. Ang nalalabing bahagi ng aklat ay puno ng mga layunin upang matupad ang inyong hangarin.

 

3. Narito ang ilang mga layuning sinaad ng Dios para sa Israel nang sila ay bihag pa sa Egipto. Sinabi ng Dios sa Exodo 6: 2-8:

    

-Ilalabas Ko kayo mula sa pamatok ng mga Egipcio.

-Palalayain Ko kayo mula sa pagka alipin sa kanila.

-Tutubusin Ko kayo ng may nakaunat na mga kamay at ng makapangyarihang mga gawa ng paghahatol.

-Kukupkupin Ko kayo bilang Aking sariling bayan.

-Ako ang magiging Dios ninyo.

-Dadalhin Ko kayo sa lupang Aking ipinangako ng may nakataas na kamay [tanda ng pagsumpa].

-Ibibigay Ko ito sa inyo bilang inyong pag-aari.

 

Anong kahangahangang plano! Sinabi ni Moises ito nang malinaw sa mga tao, subalit hindi ito tinanggap ng mga tao (Exodo 6:9). Kung minsan ay mayroon kang magandang plano na galing sa Dios at tatanggap ka pa rin ng mga oposisiyon mula sa mga tao. Tandaan mo: Ang mga pakay at plano ng Dios ay hindi magkakabula. Natupad ng Dios ang mga layunin Niya sa Israel, kahit na ito’y nangahulugan ng pagtitindig Niya ng bagong henerasyon upang gawin ito!

 

4. Pumili ka ng isang Cristianong organisasyon na alam mo. Mula sa kanilang ginagawa, ano sa palagay mo ang kanilang pakay? Ano kaya ang kanilang mga layunin?


5. Kung alam mong hindi ka mabibigo, anu-anong tatlong mga layunin sa ministeryo ang ibabalangkas mo? Matapos kang maglista nito, ipanalangin mo ito. Huwag kang matakot sa kabiguan. Nanaisin ba ng Dios na matupad mo ang mga planong ito?

 

6. Ang kahalagahan ng mga pagpapahalaga ay makikita sa talinhaga ng mayamang lalake sa Lucas 12: 16-20. Ang mayamang lalake  ay …


-Nagipon para sa sarili at hindi para sa iba. Ang mahalaga para sa kaniya ay ang sariling buhay sa halip na isang buhay na nakasentro sa Kaharian.

 

-Katawan lang ang inintindi niya, hindi ang kaniyang kaluluwa. Ang kaniyang prayoridad ay ang laman imbes na ang espiritu.

 

-Nagipon siya para sa buhay dito, hindi para sa walang hanggan. Paano ang iyong mga pagpapahalaga ay kaugnay ng walang hanggan? Ano ang naging dahilan ng kaniyang mga pagkakamali sa pagpapahalaga? Siya ay nagisip “sa kaniyang sarili” (Lucas 12:17).

Hindi siya nagplano na ang nasa isip ay ang pakay ng Dios. Ang mga maling prayoridad ay laging sinusundan ng kaparusahan. (talatang 20).

7. Gamitin mo ang Worksheet na ito upang matulungan ka sa paggawa mo ng mga layunin para sa iyong ministeryo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

WORKSHEET SA PAGGAWA NG MGA LAYUNIN

 

Sabihin mo kung ano ang iyong gagawin: Ako (kami) ay…

________________________________________

________________________________________

Ako (kami) ay magpapasimulang gawin ang layuning ito…   Petsa __________

Ako (kami) ay magtatapos ng layuning ito sa …       Petsa  _____________

Ako (kami) ay magtatala ng takbo ng gawain sa mga sumusunod na mga petsa:

 

Petsa: ______________________________
Petsa: ______________________________
Petsa: ______________________________

 

Malalaman ko (namin) kung natupad ang layuning ito sapagkat:

________________________________________

Narito ang mga tao na nananagot sa layuning ito:

________________________________________

________________________________________

Narito ang gagawin ng bawat isa sa kanila:

________________________________________

________________________________________

Ang layuning ito ay tutulong sa amin na matupad ang aming pakay sa plano ng Dios sapagkat:

________________________________________

Ito ang magiging halaga sa pagtupad ng planong ito: Ihanda mo ang badyet sa hiwalay na piraso ng papel. Isang sampol badyet ang nasa Apendise ng manwal na ito.

 

 

 

 

 

 

IKA-LIMANG  KABANATA

 

MGA TAO AT MGA PROSESO: PAGSASAGAWA NG PLANO

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang masasagot mo ang mga sumusunod:

 

·        Ibigay ang kahulugan ng “mga proseso.”

 

·        Ipaliwanag ang sumusunod na mga hakbang sa pagsasagawa ng isang plano:

.    Pagpili

.    Pagpapabatid

.    Ipakatawan (Delegate)

.    Pagsasanay

.    Pagbubuo

.    Paggawa ng Talaan (Schedule)

.    Paggawa ng Badyet

.    Pagpapasiya

.    Pagrepaso

.    Pagtaya

 

·        Ipaliwanag ang talinhaga ng mga sisidlan ng alak at mga damit.

 

SUSING TALATA:

 

 Datapuwat ngayo’y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din naman magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya.  ( II Corinto 8: 11)

           

PAMBUNGAD

 

Sa mga nakaraang aralin tinukoy mo ang pakay ng iyong ministeryo at natuto kang gumawa ng mga plano. Subalit ang pagpaplano ay hindi sapat. Kung paanong ang pananampalatayang walang gawa ay patay, ang pagpaplanong walang aksiyon ay walang naaabot.

 

Sa araling ito ay matututuhan mong isagawa ang iyong mga plano. Ang kahulugan ng pagsasagawa ng plano ay gawin na ito. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng wastong proseso at ng mga taong tapat.

 

 

MGA TAO AT MGA PROSESO

 

Ang proseso ay ang mga hakbang na iyong gagawin upang isagawa ang plano. Ang proseso ay ang paraan, mga proyekto, o trabahong ginagawa ng lider upang isagawa ang mga plano. Ang mga tao ang ginagamit ng Dios sa gawain ng ministeryo sa buong mundo. Mga tamang proseso at tapat na mga tao ng kinakailangan upang magtagumpay ang plano.

 

PAGSASAGAWA NG PLANO

 

Upang magtagumpay ka sa iyong plano, kailangan ay may malinaw kang pagkaunawa dito. Kaya nga dapat ay nakasulat ang iyong mga plano tulad ng tinalakay sa Ika-apat na Kabanata. Tandaan mo na ang plano ay dapat mayroong:

 

            -Kapahayagan ng kung ano talaga ang gagawin.

            -Paglalarawan ng kung paano ito gagawin (proseso, mga hakbang).

            -Sino ang gagawa nito [mga taong kasangkot].

            -Kailan ito gagawin [pasimula, pagtatapos, pagrepaso ng progreso].

            -Isang badyet [magkano ang magagasta].

 

Upang maisakatuparan ang plano, mayroong pangunahing mga responsabilidad ang lider. Tulad ng:

 

PAGPILI:

 

Sa ministeryo ni Jesus dito sa lupa, pumili siya ng mga alagad na tutulong sa Kaniya. Narito ang mga patnubay sa pagpili ng mga tao sa gawain ng ministeryo:

 

1.Mga Tapat na Lalake at Babae:


Pumili ka ng mga tapat na lalake at babae. Ang mga tapat ay yaong tumanggap na sa Ebanghelyo at ang kanilang buhay ay nagpapakita ng tunay na pagsisisi at pagbabago.

Piliin mo sila na tinawag sa pakay ng iyong tiyak na ministeryo. Kung ang tao ay walang pasanin sa ministeryong ginagawa mo, madaling mawala ang sigla at pagtatalaga sa pagtulong.

 

May tiyak na plano ang Dios para sa bawat isa. Kung hindi sila naglilingkod sa dakong nais ng Dios sa kanila, hindi sila magiging epektibo. Ang pakay ng ministeryo ay dapat maging kanilang indibiduwal na pakay.

 

Piliin mo yaong puno ng Espiritu Santo at may magandang reputasyon (Gawa 6: 8). Sila na mga naglilingkod sa posisyon ng pangunguna ay dapat matupad ang hinihiling na mga katangian ng mga espirituwal na mga lider ayon sa Tito 1:5-9 at Timoteo 3: 1-3.

 

 

 

2. Espirituwal na Mga Kaloob:

 

Piliin mo ang mga taong may espirituwal na mga kaloob na kinakailangan upang magawa nila ang tiyak na gawain na hinihiling sa kanila. Sa ganitong paraan pinili ang mga tao sa panahon ng Bagong Tipan. Halimbawa, sila na mahusay magturo ay maaaring hindi maging epektibo bilang ebangelista. Sila na may kaloob ng pagiging ebangelista ay maaaring hindi magtagumpay sa pagpapastor.

 

3.Mga Kakayahan at Abilidad:

Dagdag sa mga espirituwal na mga kaloob, ang mga tao ay may tanging kakayahan na galing sa Dios o napaunlad nila sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay. Isipin mo ang gawaing dapat magawa at piliin mo ang tamang mga tao para sa gawaing yaon.

 

Halimbawa, nang tumanggap si Moises ng mga plano ng tabernakulo mula sa Dios, pumili siya ng mga lalake na may kakayahang gawin ito. (Tingnan ang Exodo 35: 30-34)

Laging tandaan na mas madaling kumuha ng taong espirituwal at sanayin siya sa kakayahang kailangan niya, kaysa kumuha ng taong makamundo at palaguin siya sa katapatan.

4. Karanasan sa Ministeryo:

Tayahin mo ang nakaraang karanasan sa ministeryo. Kung ang taong yaon ay naging matagumpay sa ganito ring posisiyon, ang kaniyang ministeryo at pahid ay napatunayan na.

5. Mga Kalakasan at Mga Kahinaan:

Suriin mo ang espirituwal na kalakasan at kahinaan ng isang tao. Anong kalakasan niya ang maaaring magamit sa posisyon na ito? Anu-anong mga kahinaan niya ang maaaring lumikha ng suliranin at paano mo lulutasin ito pag dumating?

PAGPAPABATID:

Ang mga plano ay dapat malinaw maipabatid. Mas maraming impormasyon tungkol sa plano, mas madali para sa kanila na isagawa ang kanilang responsabilidad. Ang kahalagahan ng komunikasyon ay ipinakitang malinaw sa kuwento sa Biblia ng tore ni Babel. Basahin mo ang kuwentong ito sa Genesis 11: 1-9.

Dapat malaman ng mga tao:

-Ang Pangkalahatang Plano:

Dapat nilang maunawaan ang pangkalahatang plano at kung paano ito kaugnay ng pakay ng Dios at ng pakay ng organisasyon.

-Ang Detalye ng Plano:

Kasama na rito kung sinong mga tao ang kasangkot, badyet, talaan ng oras, mga hakbang, at kung paano tatayahin ang plano kung natupad ito o hindi.

-Ang Kanilang Tiyak Na Responsabilidad sa Plano:


Dapat malaman ng mga tao kung ano ang kanilang tiyak na responsabilidad, kung kailan, at anong mga pondo, kagamitan, at mga tauhan na tutulong sa kanila.

 

Ang pagpapabatid ay dapat ding maghimok sa kanila na gawin ang gawain ng ministeryo. Kung hinihimok mo ang mga tao, nagbibigay ka ng hamon at inspirasyon na tapusin ang gawain. Nagkakaroon ka ng tamang motibo o mga dahilan sa paggawa ng ministeryo. Tandaan:

 

            … ang tapat na sugo ay kagalingan. (Kawikaan 13:17)

 

IPAKATAWAN: (Delegate)

Pagkatapos ipabatid ang plano, dapat ipakatawan ang responsabilidad para sa gawain na kailangang magawa. Ang “pagpapakatawan” ay pagbibigay ng responsabilidad at kapamahalaan sa iba para sa gawain ng ministeryo. Kung ikaw ay nagpapakatawan ibinibigay mo ang responsabilidad sa isang tao para sa isang gawain, kapamahalaan para gampanan ito, at pananagutan [obligasyon] upang magawa ito nang maayos.

 

Isa sa pinakamagandang halimbawa ng pagkakatawan sa Biblia ay ang plano ni Jethro na isinagawa ni Moises. Basahin ito sa Exodo 18: 13-27. Masyado nang pagod si Moises sa pag-ako ng lahat ng gawain. Tinuruan siya ni Jethro kung paano ibigay ang responsabilidad at kapamahalaan sa iba upang matupad ang gawain ng ministeryo. Ang mga taong binigyan niya ng katungkulan ay nananagot sa kaniya sa trabaho nila.

 

Ang isang lider ay dapat managot sa malalaking mga desisyon, ang mahahalagang bahagi ng plano, at ang pangangasiwa sa mga naglilingkod. Ibigay mo sa iba ang mga detalye at routine na gawain upang matupad  mo ang plano.

 

Kapag ikaw ay nagbigay ng responsabilidad sa isa, bigyan mo rin siya ng katampatang kapamahalaan na gawin ang kaniyang trabaho. Ibigay mo ang kontrol at kapangyarihang kailangan niya at bigyan mo siya ng kinakailangang mga bagay at pananalapi.

 

Upang maitatag ang kapamahalaan at responsabilidad, mabuting isulat mo ang mga tiyak na gagawin niya. Ang tawag dito ay “job description” o “ministry description.” ( Tingnan ang Apendise ng manwal na ito para sa sampol ng mga ministry description).

 

Kung binigyan mo ng malinaw na katungkulan ang isang tao, siya ay nananagot dito. Alam niya kung ano ang hinihiling sa kanya. Alam niya na titingnan mo kung nagagawa mo ang iyong katungkulan nang maayos.

 

Sa pagbubuod, ang delegation ay nagbibigay sa iba ng…

 

            -Responsabilidad:      Upang gawin ang gawain ng ministeryo.

            -Kapamahalaan:         Upang matapos ang gawain.

            -Pananagutan:             Obligasyon na matapos ang gawain nang maayos.

 

Ang delegation ay mahalaga sapagkat:

 

            -Pinalalaya ang lider upang magawa niya ang lalong mahahalagang bagay.

            (Tingnan ang Exodo 18:13-27 at Gawa 6: 3-4).

           

            -Ito ay nagbibigay sa mga tao ng karanasan at pagsasanay sa ministeryo.

 

            -Sumusunod ito sa modelo ng Dios para sa “paglilingkod sa katawan” sa Iglesia

na ang bawat isa ay nagagamit ang kaniyang espirituwal na kaloob para sa ministeryo.

 

-Nagtatayo ito ng mga bagong lider.

 

PAGSASANAY:

 

Ang ibang mga taong pinaglagakan mo ng mga gawain ay mayroon nang mga kakayahan upang gawin ang kanilang katungkulan. Ang iba naman ay kailangang sanayin. Ang uri ng pagsasanay ay nakadepende sa kung ano ang kanilang gagawin at ang kakayahan ng taong gagawa nito. Ang ibang tao ay mangangailangan ng mas mahabang pagsasanay kay sa iba, dahil sa kanilang edukasyon at karanasan. Ang ibang gawain ay mas mahirap kaysa iba at mangangailangan ng higit na pagtuturo.

 

Ang pagsasanay para sa ministeryo ay dapat isang patuloy na gawain. Dapat lagi silang pinalalago sa kaalaman, abilidad ng paggawa, at espirituwal na kalagayan.

 

PAGBUBUO:

 

Ang mga taong sinanay mo ay dapat maging organisado upang sama-sama kayong gumagawa sa ministeryo.

 

Ang pagbubuo ay isang tanda ng pagbabahagi ng pinapakay. Sa tuwing magkakasundo ang dalawa na gumawa na may isang pakay, nagkakaroon ng pagbubuo. Ang pagbubuo ay isang proseso ng pagtatatag ng isang team ng mga tao upang matupad ang gawain ng ministeryo. Ang pagbubuo ay nagtatatag ng estraktura para maisagawa ang isang plano.

Ang pagbubuo ay sumasagot sa mga tanong na, “sino ang responsableng gumawa ng ano?”

Kung walang organisasyon, magkakaroon ng kalituhan. Magbubunga ito ng pagkainis, pagrereklamo, at pagwawalang bahala sa mga mahahalagang bagay na dapat gawin. Bilang halimbawa nito, basahin mo ang problema sa Iglesia sa Jerusalem sa Gawa 6: 1-7 at kung paano inayos ito ng mga alagad.

 

Huwag mong itulad ang iyong organisasyon sa iba. Bayaan mong mabuo ito ayon sa pangangailangan at sa iyong plano at pakay. Sa ganitong paraan nabuo ang organisasyon ng unang Iglesia. Hindi ang organisasyon ang nagpasimula ng iglesia. Ang ministeryo ang naging sanhi ng pagkatatag ng organisasyon dahil sa pangangailangan. Ang kuwento sa Gawa 6: 1-7 ang nagpakita nito.

 

Ang Dios Ama, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo ay may organisasyon. Ang bawat isa ay may tiyak na mga responsabilidad at ministeryo na inilarawan sa Biblia.

 

Isa sa magagandang halimbawa ng organisasyon ay ang katawan ng tao. Ginamit ng Dios ang halimbawang ito upang ipakita ang espirituwal na organisasyong mga Iglesia.

 

Ang Iglesia ay tinawag na “Katawan ni Cristo” na si Jesus ang Ulo. Ang pagiging “Ulo ng Iglesia” ay isa sa mga ministeryo ni Jesus.

 

Kung nagbubuo kayo na kasama ni Jesus bilang Ulo, gumagawa kayong magkakasama bilang Katawan ng mga mananampalataya, upang matupad ang mga espirituwal na mga layunin at mga plano.

 

Kung minsan ay nakakatulong na gumuhit ng diagram upang makita ang estraktura ng organisasyon. Ang tawag dito ay “organizational chart.” Ang “Para sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng araling ito ay may mga sampol na chart tungkol dito.

 

Ang pagbubuo ay nangangailangan ng espiritu ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga kasangkot sa plano. Kasama na rito ang pagpapakilos upang magawa ang ministeryo at pagtatatag ng mabuting relasyon sa pagitan nila.

 

Tandaan na sa anumang organisasyong Biblikal, walang taong higit kay sa iba. Tayong lahat ay miembro ng Katawan ni Cristo na gumagawang magkakasama upang tuparin ang mga layunin ng Dios. (Tingnan ang Efeso 1:22-23; 4:15-16; Colosas 1: 18; I Corinto 12).

 

PAGGAWA NG TALAAN: (Schedule)

 

Nang ikaw ay unang gumawa ng plano, itinakda mo ang petsa ng pagsisimula, pagrerepaso, at nakumpleto na. Ngayon, dapat mong ilista ang talaan ng mga detalye na bahagi ng plano.

 

Halimbawa, sa nagkaraang kabanata, isang halimbawa ang ibinigay tungkol sa pang- hihikayat ng mga Mexicano sa komunidad sa limang milyang layo sa palibot ng iglesia pagsapit sa ganitong petsa. Ang mga araw ay itinakda upang pasimulan, magrepaso, at kumpletuhin ang proyekto.

 

Kung totoong gumagawa ka ng plano ngayon, kailangan mo na magtakda ng mga tiyak na araw at panahon sa pagpunta sa bahay-bahay upang ibahagi ang ebangelyo. Dapat ding magtakda ng araw ng pagpapahayag at pagpapasimula ng isang service sa iglesia.

 

Ang paggawa ng skedyul ay nakakatulong na magamit mo ang iyong oras nang wasto.

Dapat mong gamitin ang iyong oras nang wasto sapagkat limitado ang iyong panahon sa paggawa sa Kaharian:

 

Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin, samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa. 

            (Juan 9: 4)

 

Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;

 

Na inyong samantalahin ang panahon, sapagkat ang mga araw ay masasama.  (Efeso 5: 15-16)

 

Kapag ginagamit mo ang oras nang wasto, inaayos mo ang iyong mga pagpapahalaga. Pinipili mo ang mga dapat at hindi dapat na gawin. Ang mga matagumpay na mga lider ay marunong magsabi ng “hindi” sa mga bagay na hindi kalinya ng kanilang pakay at mga layunin.

 

Tayahin mo ang lahat ng iyong ginagawa ayon sa pakay na itinawag sa iyo ng Dios. Gawin mo ang tawag na yaon na pinakamahalaga. Huwag kang malilihis sa ibang mga bagay, kahit gaano kabuti ito.

 

Tulad ng talinhaga ng mga alipin at ng kanilang mga talento, mananagot ka sa Dios sa tiyak na ministeryong  ipinagagawa Niya sa iyo. Maaari kang maging abala sa maraming mabubuti at mga kailangang mga bagay at malihis ka sa tunay na pakay na itinawag sa iyo ng Dios na gawin.

 

Kailangan mo ng kalendaryo upang makagawa ng maayos na talaan ng paggawa. Isali mo ang lingguhan at arawang iskedyul ng pagpaplano:

 

1. Lingguhang Plano:

Gumawa ng lingguhang plano sa pasimula ng linggo. Ipanalangin mo ang dumarating na linggo at hingin ang tulong ng Dios na pangunahan ka sa pagtala mo ng mga proyekto sa bawat araw. Sagutin mo ang mga tanong na ito:

 

-Ano ang DAPAT matapos sa linggong ito? Listahan ito ng mga kailangang matapos agad. Maaaring magkaroon ng malaking problema kung hindi ito magawa agad.

 

-Ano PA ANG DAPAT gawin? Listahan ito ng mga susunod na dapat matapos pagkaraang magawa na ang pinaka importanteng mga bagay.

 

-Ano pa ang MAAARING gawin kung may panahon ka? Ito ang mga bagay na maaaring ipagpatuloy sa isang linggo na hindi lilikha ng mga problema kung maantala.

 

-Ngayon, repasuhin mo ang mga listahan at tingnan kung alin dito ang maaari mong i-delegate. Ibigay mo ito sa iba upang ikaw ay maging malaya na gumawa ng mga trabaho na ikaw lamang ang makagagawa.

 

2.Pang araw-araw na Plano:

Sa pagpapasimula ng bawat araw, hingin mo sa Dios na ipakita sa iyo kung ano ang nais Niyang ipagawa sa iyo sa araw na iyon. Repasuhin mo ang mga gawaing nilista mo para sa buong linggo. Hilingin mo sa Dios na ipakita sa iyo kung alin ang dapat mong gawin sa araw na ito. Isulat mo ito ayon sa kahalagahan.

 

Sagutin ang mga tanong tulad sa pagpaplano ng lingguhan: Ano ang DAPAT matapos sa araw na ito? Ano PA ANG DAPAT gawin  pag tapos na ang pinakamahalagang dapat gawin? Ano pa ang MAAARING  gawin kung may panahon ka? Alin ang puwedeng i–DELEGATE  sa iba?

 

Siguruhin mo na mag-skedyul ng personal na oras para sa Panginoon sa pananalangin at pag-aaral ng Biblia bawat araw. Mahalaga ito sapagkat…

 

            Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan…

            (Kawikaan 10:27)

 

Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas.  (Kawikaan 3: 6)

 

Tulad ni Apostol Pablo, sa pagpaplano, lagi kang maging bukas sa pagbabago ng Espiritu Santo. Tandaan mo rin na ang mga tao  ang dahilan ng ministeryo. Huwag mong pababayaan ang mga tao nang dahil sa katuparan ng iyong mga plano.

 

Gayon din, huwag mong hahayaan na ilihis ka ng iba sa maraming bagay na uubos ng iyong oras at pagod. Ang pagkadiskaril, kahit sa mga bagay na mabuti, ay gawa ng kaaway upang hadlangan kang matupad ang plano ng Dios.

 

Basahin mo ang Nehemias 6: 10-12. Isang “propeta ng Dios” ay tumawag ng pulong sa bahay ng Dios. Parang espirituwal ang dating, hindi ba? Pinilit ng propeta kumbinsihin si Nehemias na pumaroon sapagkat mas ligtas doon sa bahay ng Dios at baka siya mapatay kung hindi siya pupunta doon.

 

Subalit nakilala ni Nehemias na hindi padala ng Dios ang propetang ito. Hindi siya dumalo ng pulong. Ang sinabi sa kaniya ng Dios ay gawin ang pader, at yaon nga ang ginawa niya!

 

3. Ibang Bloke ng Oras:  

Maaaring makatulong sa iyo na gumawa ng ibang bloke ng oras. Halimbawa, ang isang guro sa Christian School ay maaaring magturo sa pamamagitan ng quarters, ayon sa semester ng paaralan. 


Mabuti ring gumawa ng taunang plano sa ministeryo. Hingin sa Dios na tulungan kang gumawa ng mga tinutudla sa taon na kalinya ng Kaniyang pakay. Ang pagtukoy sa iyong taunang mga tinutudla ang tutulong sa iyong paggawa ng mga tiyak na plano para sa bawat linggo ng bawat taon.

 

Kung maraming tao ang gumagawang magkakasama sa isang plano, dapat ay may kalendaryo ang bawat isa na nagpapakita ng skedyul ng mga detalye ng plano. Ito ay makatutulong sa bawat isa na matandaan kung ano ang dapat gawin at kailan.

 

PAGGAWA NG BADYET:

Sa iyong pagpaplano, gumawa ka ng bagyet ng mga gastusin.

 

Sa iyong pagsasagawa ng plano, gamitin mo ang badyet na ito bilang patnubay sa paggasta. Ang isang madaling paraan ng pagkaalam kung saan napupunta ang iyong pera ay ang paggawa ng isang simpleng rekord na pinansiyal na naglilista ng bagay na binili, orihinal na halaga na dapat gastahin para dito, ang aktuwal na nagasta, at ang natitirang pera. Narito ang halimbawa na maaari mong sundin:

 

Plano:  Bumili ng mga Biblia para sa bawat bagong mananampalataya sa aming iglesia.

Rekord Na Pinansiyal

Bagay              Halagang Nakalaan            Halagang Nagasta         Halagang Natira
                         Para sa bagay                     Sa ngayon                     Sa bagay na ito

Mga Biblia        $ 300.00                             $ 200.00                         $ 100.00

Madidiskubre mo na kailangang baguhin ang orihinal na badyet. Ang ilang bagay ay mas mahal kaysa sa plano, ang iba naman ay mas mura.

PAGPAPASIYA:

Sa pagssagawa ng anumang plano, ang lider ay gumagawa ng maraming desisyon kaugnay nito. Ang proseso ng paggawa ng pagpapasiya na ayon sa Biblia ay inilarawan sa mga kurso ng Harvestime International Institute na, “Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig sa Biblia” at “Pagkilala sa Tinig ng Diyos.” Basahin ito upang makatulong sa paggawa mo ng mabubuting pagpapasiya.

 

 PAGREPASO:

Pagkatapos mong magsagawa ng plano, repasuhin mo ito upang makita mo kung paano ito tumatakbo. Makipagpulong ka sa mga gumagawa ng plano…

-Upang matiyak na ang mga tao ay ginagawa ang kanilang mga tungkulin.

-Upang matiyak na ang mga tao ay may kinakailangang pondo, mga kagamitan, at mga gamit upang magawa ang kanilang mga trabaho.

-Upang makita kung ang plano ay tumatakbo ayon sa skedyul.

-Upang masiguro na gumagasta ayon sa badyet.

-Upang mabago ang plano kung kinakailangan.

-Upang pagtugmain ang mga bahagi ng plano at ang mga trabaho ng mga kasangkot dito.

-Upang lutasin ang mga problema sa plano o sa pagitan ng mga taong kasangkot sa plano.

 

PAGTATAYA:

 

Ang pagtataya ay proseso ng pagsusuri ng plano kung ito ay nasusunod sa pag-abot ng pinapakay sa ministeryo. Sa susunod na aralin, matututuhan mo kung paano magtaya ng mga plano.

 

BAGONG ALAK AT MGA BALAT NA LUMA

 

Nang magsimula sa Jesus sa Kaniyang ministeryo, marami ang kumalaban sa Kaniya. Ang ibang mga tao ay hindi tinanggap ang mga bagong turo bagaman ang mga ito ay hinango sa mga katotohanan sa Lumang Tipan. Ang iba naman ay hindi tinanggap ang mga himalang Kaniyang ginawa. Nang tinawag ang ilan sa pagiging alagad, hindi sila sumunod. Marami sa mga pinuno ng relihiyon ay natatalian ng tradisyon at ayaw magbago.

 

Laging kinakalaban ni Satanas ang mga pakay at plano ng Dios. Sa tuwing isasagawa mo ang bagong plano sa ministeryo na kalinya ng pakay ng Dios, tatanggap ka ng oposisyon. Nagbigay si Jesus ng dalawang halimbawa nito. Sinabi Niya:

 

At sinoma’y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagkat ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit.

 

Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma; sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.  (Mateo 9: 16,17)

 

Sa mga halimbawang ito, ipinakita ni Jesus na kung minsan ay imposible para sa mga tradisyonal na estrakturang pang relihiyon ng mga tao na tanggapin ang mga bagong plano at kapahayagan. Ganito ang nasumpungan ni Jesus sa Kaniyang ministeryo, tulad din ni Apostol Pablo. Masusumpungan mo rin itong totoo sa iyo. Makakaranas ka ng oposisyon mula sa labas at loob ng mga nakatatag nang mga organisasyong pang relihiyon.

 

Kapag naka tagpo ka ng ganitong oposisyon, sundin mo ang modelong ibinigay ni Jesus at ni Pablo. Kapwa sila gumawa sa loob ng nakatatag nang estraktura ng relihiyon hangga’t maaari. Dumalo sila nang regular sa mga gawain sa sinagoga at naglingkod kapag pinapayagan. Hindi nila sinira ang mga lumang estraktura. Pinabayaan nila itong nakatindig. Subalit hindi nila pinayagan na ang mga tradisyon at oposisyon, kahit mula sa mga pinuno ng relihiyon, ay makasagabal sa mga bagong bagay na ginagawa ng Dios.

 

Nang sila ay tanggihan ng tradisyonal na estraktura, dinala ni Jesus at ni Pablo ang ministeryo sa labas ng sinagoga. Nagtatag sila ng mga “bagong balat na sisidlan ng alak.”

Ang mga bagong mananampalatayang ito ay sabik na matanggap ang bagong kapahayagan at ang mga bagong estrakturang pang organisasyon [ang unang Iglesia]. Pinayagan nilang sila ay maging sisidlan ng “bagong alak.” Sa larangang espirituwal, posibleng “mabuhay ang patay”… at ginagawa ito ng Dios kung minsan. Subalit mas madaling magluwal ng bagong sanggol sa sanglibutan!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

________________________________________

________________________________________

2. Ano ang proseso?

________________________________________

3. Ano ang itinuturo ng mga talinhaga ng mga bagong balat at mga bagong damit tungkol sa pakikitungo sa mga lumalaban sa mga plano at pakay ng Dios?

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Sa isang hiwalay na papel, isulat ang maikling paglalarawan ng bawat isa sa mga sumusunod na mga responsabilidad ng pagsasakatuparan ng plano:

-Pagpili
-Pagpapabatid

-Ipakatawan (Delegate)

-Pagsasanay

-Pagbubuo

-Paggawa ng Talaan

-Paggawa ng Badyet

-Pagpapasiya

-Pagrepaso

-Patataya

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito).

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Narito ang sampol ng “organization chart.” Ito ay inihanda para sa plano sa Ika-apat na Kabanata at sa araling ito sa pag-abot sa mga Mexicanong malapit sa isang tinukoy na iglesia. Ang ibang halimbawa ng “organizational chart” ay nasa Apendise ng manwal na ito.


Ang Panginoong Jesucristo

I

Pastor

I

Joe Smith

Direktor

I

________________________________________
I                    I                   I                  I                  I

                          Block             Block            Block          Block          Block

                      Chairman       Chairman      Chairman    Chairman     Chairman

 

Si Joe Smith, ang direktor ng plano, ay naglilingkod sa posisyong ito sa ilalim ng pangunguna ng Pastor ng iglesia.

 

Limang chairmen ang itinakda, ang bawat isa ay nananagot sa isang milyang bloke ng mga kalye sa palibot ng iglesia.

 

Si Joe Smith ang nangangasiwa sa mga chairman na ito sa pagtupad ng plano. Napapaloob dito ay pagbabahay-bahay na nagbabahagi ng Ebanghelyo, nag-iiwan ng babasahin sa bawat bahay, at nagbibigay ng Ebanghelyo ni Juan sa bawat bagong hikayat.

2. Tandaan na sa anumang organisasyon, walang mas “dakila” kay sa iba. Tayong lahat ay kaanib ng Katawan ni Cristo na gumagawang magkakasama upang matupad ang mga pakay ng Dios. (Tnignan ang Efeso 1:22-23; 4:15-16; Colosas 1:18; at I Corinto 12).

 

3. Alam mo ba na nagtatag ang Biblia ng isang estrakturang organisasyon para sa pangangasiwa sa tahanang Cristiano? Narito ang larawan ng organisasyon sa tsart:



Dios

I
Asawang Lalake

I

Asawang Babae

I

Mga Anak

Ang asawang lalake ang ulo ng tahanan. Ang asawang babae ang kaniyang katulong. Ang mga anak ay dapat magpailalim sa ama at ina.

4. Narito ang “organizational chart” para sa plano ni Moises sa Exodo 18: 13-27:

Dios

I

Moises

I

Pinuno ng Libu-libo

I

Pinuno ng Daan-daan

I

Pinuno ng mga Limanpu

I

Pinuno ng Mga Sampu

 

Ang mga “pinuno ng libu-libo ay mahigit 100 mga lalake. Itong mga 100 lalake ay nangangasiwa sa 50 na mga lalake na nangangasiwa ng maliliit na grupo ng mga sampu.

Ang 50 na mga lider ng “mga sampu” ay nananagot sa mga “lider ng 50” sa kalutasan ng kanilang problema. Ang “mga lider ng 50” ay nananagot sa “mga lider ng 100,” at ang “mga lider ng 100” ay nagdadala ng mga mahahalagang desisyon sa “mga lider ng libu-libo.” Ang pinakamahalagang mga isyu lamang na galing sa “mga lider ng Libu-libo” ang nakakarating kay Moises para desisyunan.

5. Nang tanggapin ni Moises ang pangangasiwa sa Israel, binigyan siya ng Dios ng apat na mahahalagang responsbilidad (Exodo 18: 19-21):


Una, upang dalhin ang mga problema ng mga tao sa Dios.

Pangalawa, upang turuan sila ng tamang landas na lalakaran (magbigay ng espirituwal na direksiyon).

Pangatlo, upang sanayin sila sa gawaing kanilang dapat gawin.

 

Pang-apat, mamili ng makayang mga lider upang tumulong sa kaniya sa pagdadala ng bigat ng pangangasiwa [ibigay ang responsabilidad sa iba].

6. Ngayon na nakakita ka na ng mga sampol ng “organizational chart,” gumawa ka ng  tsart ng iyong plano na isasagawa sa iyong ministeryo.

7. Narito ang mga karaniwang mga hadlang sa komunikasyon. Baka dapat mong panagumpayan ang ilan dito upang maipabatid mo nang malinaw sa iba ang iyong plano:

            -Ibang wika

            -Mahirap na bokabularyo

            -Nilalaktawan ang mga kailangang impormasyon

            -Takot

            -Masamang opinyon sa iba

            -Hindi pakikinig

            -Hindi malinaw na mensahe

            -Kawalan ng kaalaman

            -Tradisyon

            -Kulang sa edukasyon

            -Katigasan ng ulo

 

8. Narito ang salin sa Magandang Balita Biblia sa isang bahagi ng kasulatan na nagbibigay ng halaga sa pagtatapos ng mga plano. Ipinadala ni Pablo ang mensaheng ito sa mga mananampalataya sa Corinto:

At ito ang payo ko tungkol diyan: ipagpatuloy ninyo ang pangingilak na sinimulan ninyo noon pang isang taon. Kayo ang nanguna hindi lamang sa pagsasagawa nito kundi maging sa pagbabalak.

 

Kaya ituloy na ninyo ito! Ang sigasig na ipinakita ninyo sa pasimula ay panatilihin ninyo hanggang sa matapos; magbigay kayo ayon sa inyong makakaya. (II Corinto 8: 10-11)  MBB

 

10.  Isa sa mga detalyadong plano na ibinigay sa Biblia ay ang plano sa pagtatayo ng tabernakulo. Sa pag-aaral mo ng mga sumusunod na reperensya, isipin mo ang mga natutuhan mo patungkol sa Biblikal na pangangasiwa batay sa mga layunin:

-Pagtatakda ng pakay: Exodo 25: 8

 

-Paggawa ng plano: Exodo 25: 31

 

-Pagsasagawa ng plano:

 

      -Pagpili:                        Exodo 35: 30-35; 36:2

      -Pagpapabatid:              Exodo 35

      -Ipakatawan:                 Exodo 36:1-3

      -Pagsasanay:                 Exodo 35:34

      -Pabubuo:                     Exodo 36-40

      -Paggawa ng Talaan:    Exodo 36-40

      -Paggawa ng Badyet:    Exodo 35; 36:5-7

      -Pagpapasiya:                Exodo 36:6-7

      -Pagrepaso:                   Exodo 39:43

 

-Pagtataya ng plano:  Exodo 39:43; 40:33-35

 

 

 

IKA-ANIM NA KABANATA

 

PAGSASAKDAL: PAGTATAYA NG PLANO

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang masasagot mo ang mga sumusunod:

 

·        Ibigay ang kahulugan ng “pagtataya.”

·        Talakayin ang kahalagahan ng pagtataya.

·        Magtakda ng proseso ng pagtataya.

·        Tayahin ang mga planong isinagawa mo na.

·        Tukuyin ang mga dahilan kung bakit ang mga plano ay hindi nagtatagumpay.

·        Gamitin ang mga resulta ng iyong pagtataya upang mapabuti ang mga planong nagawa na at makagawa ng mga bagong plano.

 

SUSING TALATA:

 

Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawat tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip ng may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawat isa.

(Roma 12: 3) 

           

PAMBUNGAD

 

Sa Ika-apat na Kabanata natuto kang magtakda ng mga layunin at magplano na kalinya ng pakay at plano ng Dios. Sa Ika-limang Kabanata natuto kang magsagawa ng mga plano. Ang araling ito ay nagpapaliwanag kung paano magtataya ng mga plano upang malaman mo kung naabot mo ang iyong mga layunin.

 

PAGTATAYA

 

Kung ikaw ay nagtataya ng isang bagay, sinusuri mong mabuti ito at tinataya ang halaga nito. Ang pagtataya ay isang proseso ng pagsusuri ng mga plano upang malaman kung naabot mo ang iyong pakay sa ministeryo.

 

Ang mga layunin ang nagsasaad kung ano ang balak mong gawin. Ang pagtataya ang nagsasabi kung naabot mo ang mga layuning yaon. Kahit ang Dios ay nagtaya ng Kaniyang ginawa. Sa Genesis 1, tiningnan Niyang lahat ng Kaniyang nilalang at sinabing, “Ito ay mabuti.”

 

 

 

ANG KAHALAGAHAN NG PAGTATAYA

 

Ang pagtataya ay pinananagot ka sa Dios, sa mga kasamahan mo sa ministeryo, at sa iyong sarili.

 

Mula pa sa pasimula ng panahon, inasahan na ng Dios ang tao na managot sa pagtupad ng Kaniyang mga plano. Si Adam at si Eva ay may mga responsabilidad sa Hardin na kanilang pinananagutan sa Dios.

Sinasabi ng Biblia na dapat kang “magisip ng may kahinahunan,” at tayahin ang iyong buhay at ministeryo.

 

Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawat tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip ng may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawat isa.

(Roma 12: 3)

 

Sinabi ni Apostol Pablo:

 

Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo’y maging mga tapat at walang kapintasan, hanggang sa kaarawan ni Cristo.

(Filipos 1:10)

 

Ang katotohanang ikaw ay nananagot sa Dios sa iyong ministeryo ay pinatutunayan ng talinhaga ng mga talento sa Mateo 25: 14-30. Itinuturo rin ng Biblia na ikaw ay may responsabilidad sa iyong mga pinaglilingkuran:                       

 

Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;

 

Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan.  ( I Pedro 5: 2-3 )

 

Itinuturo rin ng Biblia na kayo ay nananagot sa kanila na kasama mo sa ministeryo. Gumagawa kayong magkakasama tulad ng katawan ng tao:

 

At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan. (I Corinto 12: 21)

 

Kapag tumayo ka sa harap ng Dios sa araw ng paghuhukom, ang iyong ginawa ay tatayahin upang malaman ang halaga nito:

 

Datapuwat kung ang sinoma’y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;

 

Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag: sapagkat ang araw ang magsasaysay, sapagkat sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon. (I Corinto 3:12-13)

 

Ang mga plano ng Dios ay sakdal, subalit gumagawa Siya sa mga taong hindi sakdal upang matupad ang Kaniyang mga plano. Sapagkat ikaw ay hindi sakdal dapat mong patuloy na tinataya ang iyong ministeryo. Ang pagtataya ay mahalaga sapagkat ito ang nagpapakita kung nagaganap mo nang tama ang mga plano at pakay ng Dios. Sa pagtataya ay natututo ka sa iyong mga tagumpay at kabiguan, baguhin ang mga nagawa nang mga plano, at gumawa ng mga bagong plano. Kung talagang ginagawa mo ang gawain ng Dios, sulit na gawin mo ito nang may kahusayan.

 

ANG PROSESO NG PAGTATAYA

 

Nang mag-aral ka kung paano magtakda ng mga layunin isinulat mo ito sa paraang ito ay masusukat upang makita kung naaabot mo ang mga ito. Isinali mo rin ang mga petsa ng pagsuri sa takbo ng plano. Ang proseso ng pagtataya ay isang paraan ng pagtataya ng mga plano.

 

Narito ang mga hakbang sa pagtatakda ng proseso sa pagtataya:

 

1. Isulat mo ang mga layunin sa paraang masusukat upang malaman mo na natutupad mo ito.

2. Magtakda ka ng mga petsa kung kailan susuriin ang takbo ng plano.

3. Manalangin ka bago mo pasimulan ang pagtataya. Hingin mo sa Dios na ipakita sa iyo ang mga kahinaang kailangang iwasto at bigyan ka ng patnubay sa mga dagdag na mga plano na kailangang gawin.


4. Itaya mo ang plano kung nakakaabot ito sa takdang panahon at natutupad ang tinutudla.

KUNG ITO’Y NATUTUPAD,  magpatuloy sa orihinal na plano.

 

KUNG HINDI,  baka kailangang…

 

-Baguhin ang layunin: Isulat na muli ang mga bahagi nito o alisin na at sumulat ng bagong plano. Sapagkat hindi mo alam ang buong plano ng Dios, dapat kang maging bukas sa pagbabago. Ang pagbabago ay bahagi ng proseso ng pagbanat ng pananampalataya ng pagpaplano.

 

-Baguhin ang mga tao na gumagawa sa layuning ito: Baka kailangan mo ng dagdag o mas kaunting mga tauhan, o baka dapat palitan yaong mga nawalan na ng interes dito.

 

-Baguhin ang petsa ng pagtatapos:  Baka mas mahabang panahon ang kinakailangan upang matupad ang plano, kaysa nang unang pagisipan ito. Dapat magtakda ng mas maraming araw ng pagsusuri upang matingnan ang takbo ng proyekto.

 

-Baguhin ang mga paraan:  Maaaring maganda ang mga layunin, subalit ang mga paraan ay hindi umuubra.

 

-Baguhin ang badyet:  Kung tumaas na ang halaga ng mga bagay kaysa nang una kang magplano, kailangang baguhin ang badyet.

 

5. Kung nabuo na ang plano, suriin mo ito at sagutin itong mga tanong:

-Naabot mo ba ang tinutudla? Natapos mo ba ang iyong pinasimulan? Inilihis ka ba ng kaaway? Huwag mong tayahin ayon sa mga naganap na mga aktibidades. Tayahin mo ayon sa resulta: Ang mga aktibidades ba na bahagi ng plano ay nakaabot sa minimithing hantungan?

-Saan ka nabigo, bakit, at paano? Anu-ano ang dahilan ng pagkabigo? Tandaan, huwag ka masisiraan ng loob dahil sa iyong mga kahinaan, kundi gamitin mo ang mga ito bilang oportunidad upang makita ang kapangyarihan ng Dios.

-Saan ka nagtagumpay, bakit, at paano? Anu-ano ang dahilan ng iyong tagumpay?

 

-Ano ang dapat mong iniba? Ibang paraan? Ibang mga tao? Ibang plano?

-Ang mga taong kasangkot ba ay ginamit na mabisa sa ministeryo? Ang kanila bang gawain ay angkop sa kanilang espirituwal na mga kaloob? Naunawaan ba nila ang pakay at sila ba ay nahimok na tapusin ang plano?

 

-Maaari mo bang gamiting muli ang planong ito? Hingin ang tulong ng Dios sa pagpapasiyang ito. Ang ibang mga plano ay magagamit na muli, subalit kung minsan, ang Dios ay may bagong plano.

 

-Ano ang matututuhan mo rito na makatutulong sa iyong paggawa ng mga bagong plano?

 

BAKIT HINDI NAGTATAGUMPAY ANG MGA PLANO

 

Ang mga plano ng Dios ay laging sakdal, subalit dahil Siya ay gumagamit ng mga hindi sakdal na mga instrumento [mga tao], ang mga plano ay nabibigo kung minsan.

 

 

Halimbawa:

 

-Ang halamanan ng Eden ay plano ng Dios para sa tao. Subalit nabigo ang tao.

 

-Ang plano ng Dios para sa Israel ay na sila ay maging patotoo para sa Dios sa mga paganong bansa. Subalit sila ay nabigo.

 

-Ang plano ng Dios para kay Haring Saul, kay Samson, at sa iba ay hindi nagtagumpay sapagkat sila ay hindi sakdal na mga instrumento.

 

Ang kabiguan ay dahil sa hindi pagiging laan ng tao na makipagtulungan sa Dios.

 

Narito ang mga karaniwang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga plano:

 

1. Kulang Sa Pangitain:  Hindi naunawaan ng mga tao ang pakay o pangitain na bahagi ng plano.

2. Kulang Sa Pagsasanay:  Hindi sinanay ang mga taong inilagay sa puwesto na gumawa bilang bahagi ng plano. Laging inihahanda ng Dios ang mga tao na pinagagawa Niya. Dapat sundin ng mga lider ang halimbawang ito.


3. Hindi Tamang Paggamit Ng Mga Espirituwal Na Kaloob:  Hindi nailagay ang mga tao sa tamang lugar. Halimbawa, mayroong isa na ang kaloob ay pagiging ebangelista na pinipilit maging pastor.

4. Hindi Nakalaang Magsakripisyo:  Ang mga tao o mga lider ay hindi nakalaang magukol ng panalangin, oras, lakas, at salapi na kinakailangan upang matupad ang plano.

5. Kulang Sa Pananalangin:  Ang plano ay ginawa na walang patnubay ng Panginoon.

6. Hindi malinaw Na Mga Plano:  Ang mga layunin ay hindi naisaad nang malinaw.

7. Kulang sa Komunikasyon:  Ang plano ay hindi naipabatid nang malinaw sa mga kinauukulan.

8. Kulang Sa Pagtataya:  Walang nagsusuri kung ano ang takbo ng mga bagay, kaya nang dumating ang mga problema, ang plano ay nawasak. Ang araw ng pagtatapos ay dumating at walang nakahanda. Sapagkat walang pagtataya, nabigo na lutasin ang mga problema.

9. Takot:  Takot na mapintasan, na mabigo, o takot sa tao.

10. Pagaalinlangan:  Sa kakayahan ng Dios na gumawa sa iyo.

11. Pagpapaliban:   Hindi agad ginagawa ang dapat gawin, naghihintay ng mas mabuting

panahon, mas mabuting pagkakataon, ipinagpapaliban ang gagawin sa ibang araw, atbp.

12. Gumagawa ng Mga Dahilan:  Binibigyan ng dahilan ang kabiguan sa halip na iwasto ito.

13. Katamaran:  Batugan, kawalan ng malasakit, walang kuwentang gawain.

 

14. Pagkamakasarili:  Dapat mong ibigay ang iyong sarili upang matupad ang mga tinutudla. Hindi ka maaaring maging sakim o makasarili. Kailangang ikaw ay maging mapagbigay.

15. Kulang sa Pagkakaisa:  Ginawa ng mga tao “ang kanilang sariling gawain” sa halip na magtulungan para matupad ang plano at pakay ng Dios.

16. Pagsuway:  Hindi sumunod ang mga tao sa nakatataas sa kanila.

17. Hindi Binago ang Mga Plano:  Hindi iniangkop ang plano at ang mga tao ay ayaw magbago tulad ng kailangang gawin. Hindi lahat ng ginawa sa nakaraan ay angkop sa plano ng Dios sa ngayon.

18. Hindi Natuto Mula sa Karanasan:  Ang mga pagkakamali ay nauulit kung hindi ka nagtataya at natututo mula sa karanasan.

19. Hindi Pinansin Ang Mga Detalye:  Ang isang plano ay may mga detalye. Kung ito ay hindi aayusin, ang plano ay mabibigo.

20. Ayaw Magbigay Ng Serbisyong Aba:  Tinawag ka na maglingkod sa iba. Kapag kinalimutan mo ito at ikaw ay yumabang, ang plano ay mabibigo.

21. May Mga Problema Sa Pananaw Patungkol Sa Pagpaplano:  Nakikita ito sa mga sumusunod na mga pangungusap:

            -“Lagi nating ginagawa ito ng ganoon.”

            -“Ayaw nating magplano.”

            -“Ang pagpaplano ay hindi ayon sa Biblia.”

            -“Umuubra naman ito sa nakaraang 40 taon.”

            -Ang pagpaplano ay hindi espirituwal.”

            -“Kumikilos tayo ayon sa pananampalataya; hindi na kailangang magplano.”

            -“Wala tayong panahong magplano.”

            -“Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magbago pagkatapos ng

               maraming taon.”

22. Kulang Sa Tamang Pangunguna:  Upang isagawa ang plano.

 

23. Kulang Sa Pananalapi.

24. Kulang Sa Mga Manggagawa:  Upang matupad ang plano.

 

25. Kulang Sa Pagiging Tapat Sa Pagtataya.

 

26. Pag-atakeng Espirituwal Ng Kaaway!  Pagsusumikapan ni Satanas na mabigo ang iyong pakay. (Tingnan ang Ezra 4: 1-5)

27. Pagbubulung-bulungan:  Kapag ikaw ay nagpasimulang magplano o gumawa para sa Dios, dumadaan ito sa ganitong mga pangyayari.

Halimbawa, sa unang Iglesia:

 

            -Gawa 1:                        Pumili ang Dios ng mga lalake.

            -Gawa 2:                        Binigyan Niya ng ministeryo ang mga lalaking ito.

            -Gawa 3:                        Nagkaroon ng pagdami.

            -Gawa 4:                        Ang Iglesia ay nagpasimula.

            -Gawa 5:                        Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga tao.

 

Ganito rin ang nangyari sa aklat ni Nehemias:

            -Nehemias 1:                  Pumili ang Dios ng tao.

            -Nehemias 1-2:              Binigyan Niya ng ministeryo ang tao.

            -Nehemias 2-3:              Dumami ang mga manggagawa.

            -Nehemias 2-4:              Pinasimulan ang plano.

            -Nehemias 5:                 Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga tao.

Kung ang mga ministeryo at ang mga plano ay humantong na sa pagbubulung-bulungan, ang problema ay dapat lutasin, o kaya ang plano ay maaapektuhan nang malaki. Ang ginawa ni Nehemias patungkol sa mga reklamo ay nanalangin siya at pinagbuti ang organisasyon ( Nehemias 5).

 

Upang malutas ang mga reklamo, ang mga apostol ay nanalangin at pinagbuti ang organisasyon (Gawa 6).

 

Ang pagbubulung-bulungan ng mga Israelita ay hindi nalutas nang lubusan. Dahil dito ang plano ng Dios ay naantala hanggang sa nagkaroon ng bagong henerasyon.

 

PAGGAMIT SA MGA RESULTA NG PAGTATAYA

 

Nagagamit mo ang iyong natututuhan sa pagtataya sa maraming paraan:

 

1. Natutukoy ng pagtataya ang mga kahinaan ng mga layunin. Binabago at pinahuhusay ang mga planong yari na upang maiwasto ang mga kahinaan nito.


2. Gumagawa ka ng mga bagong plano habang ang mga lumang plano ay nabubuo.

3. Natututo ka sa mga tagumpay mo. Maaari kang patnubayan ng Dios na ulitin ang isang matagumpay na plano.

4. Natututo ka mula sa iyong mga pagkakamali. Nadidiskubre mo kung bakit ka nabigo at nagpaplano kang umunlad upang hindi na maulit ang ganoon ding mga pagkakamali.

ANG PAGPAPATULOY NG PAGINOG

 

Ang pagpaplano ay gawaing umiinog. Gumagawa ka ng plano, tinutupad ito, sinusuri ito, at gumagawa na naman ng mga plano.

 

Kung nais mong maging epektibo sa ministeryo, ipagpapatuloy mo ang paginog na ito hanggang maabot mo ang iyong pakay at makumpleto mo ang iyong gawain sa buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

________________________________________

________________________________________

2. Ibigay ang kahulugan ng “pagtataya.”

________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pagtataya?

________________________________________

4.Talakayin ang mga hakbang sa pagtatatag ng proseso ng pagtataya.

________________________________________

________________________________________

5. Maglista ng limang mga karaniwang dahilan kung bakit ang mga plano ay nabibigo.

________________________________________

________________________________________

6. Tukuyin ang apat na mga paraan kung paano magagamit ang mga resulta ng pagtataya.

________________________________________

________________________________________

7. Tayahin ang mga plano mong naisagawa na. Gamitin mo ang mga resulta ng iyong pagtataya upang mapaunlad ang mga plano mo ngayon at makagawa ka ng mga bagong plano.


 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata sa manwal na ito).


 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

1. Pag-aralan ang Juan 17. Sa panalanging ito, tinaya ni Jesus ang Kaniyang ministeryo dito sa lupa.

2. Sa Lumang Tipan, isang taong nagngangalang Nehemias ay nagkaroon ng pakay na galing sa Dios na itayo ang mga pader ng Jerusalem. Gumawa siya ng pagsusuri sa paligid, nagtakda ng mga layunin, at isinagawa ang plano. Habang ito’y nagpapatuloy, tinataya niya ang takbo ng proyekto at nilulutas niya ang mga problema tulad ng kakulangan sa pagkakaisa, pagkawala ng lakas at pangitain, at ang mga atake ng kaaway. Ang tunay na pagsubok sa espirituwal na pangunguna ay kung natupad o hindi ang mga layunin nito. Sa kaso ni Nehemias, natala na: “At natapos ang pader” (Nehemias 6: 15).

3. Ang pag-aaral tungkol kay Haring Hezekias ay nagpapakita ng pangangasiwa batay sa mga layunin. Ginawa niya ang pagsusuri ng palibot, pagpaplano, pagsasakatuparan ng plano, at pagtataya. Basahin mo muna ang kuwento ni Hezekias sa II Hari 16-20 at II Cronica 28-32.

Ang Palibot:

Si Hezekias ay nanggaling sa isang masamang hari na si Ahag. Ang mga kaharian ng Juda at Israel ay hati at magkalaban. Ang Juda ang pinakamaliit sa labingdalawang lipi subalit ito ang nangangasiwa sa buhay espirituwal ng labingdalawa. Ang labingisang tribo ay niyakap ang relihiyon ng mga paganong bansa sa palibot nila. Si Hezekias ang Hari ng Juda. Ang pinakamabigat na kaaway ng Juda, ang Assyria, ang pinaka- makapangyarihang bansa noon at sila ay mga paganong sumasamba sa mga demonyo.

 

 Mga Kalakasan Ni Hezekias:

1. Matapang at tapat sa harap ng Dios at mga tao.

2.      Isang taong nasa ilalim ng kapamahalaan at may kapamahalaan.
3. Mahabagin.
4. Naniniwala at marunong manalangin.
5. Tinutupad ang kaniyang pangako.
6. Pinahahalagahan ang personal na kabanalan.

Mga Kahinaan Ni Hezekias:

1. Napapalibutan at nahihigtan ng bilang ng mga kaaway.
2. May kayabangan.
3. May ambisyon sa politika.

Ang Pakay Ni Hezekias:  Pag-isahin ang Israel sa ilalim ng isang tunay na Dios.


Ang Kaniyang Mga Layunin:

1. Kumpunihin ang templo.
2. Ibalik ang makadios na pangangasiwa.
3. Ibalik ang paglilingkod sa bahay ng Panginoon.
4. Ibalik ang Paskua.
5. Magtayo ng sistema ng patubig sa Jerusalem.
6. Sakupin ang malalakas na teritoryo ni Satanas upang makuhang muli ang lupain na ibinigay ng Dios sa Israel.

Ang Kaniyang Plano:

Narito ang plano na kaniyang isinagawa upang matupad ang mga layunin:

1. Binuo niya ang mga saserdote at Levita upang kumpunihin ang Templo at linisin ito.
2. Nagpakita siya ng makadios na halimbawa sa mga lider sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng mga ginawa ni Haring David noon.
3. Pinalakas niya ang loob ng mga Levita at ng ibang mga trabahador habang ginagawa ang templo.
4. Inalaala niya ang unang Paskua sa loob ng 260 na taon.
5. Tinawag niya ang mga tapat sa buong Israel na dumalo sa Paskua.
6. Siya ang nagbigay ng mga pagkain mula sa kaniyang sariling mesa.
7. Humingi siya ng kapatawaran para sa bayan ng Dios.
8. Nangaral siya sa mga sundalo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
9. Ginamit niya ang kayamanan ng palasyo sa pagpapagawa ng sistema ng patubig sa Jerusalem.

Pagtataya:

Natupad ni Hezekias ang kaniyang mga layunin. Mayroon siyang katalinuhan na magpakababa sa harap ng Panginoon at magsisi mula sa kaniyang kapalaluan at ambisyong politikal. Nagsisi siya mula sa mga pailalim na pakikitungo sa mga kalaban ng Dios, bagaman ang kaniyang makasalanang gawa ay nagdala ng sumpa sa hinaharap na henerasyon (II Hari 20: 16-18). Sa ibabaw ng lahat, si Hezekias ay nakilala bilang isa sa tatlong pinadakilang hari ng Israel.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

APENDISE

 

PAMBUNGAD

 

 

Ang apendise na ito ay nagbibigay ng karagdagang materyal na makatutulong sa iyo sa paggamit ng “Pangangasiwa Batay Sa Mga Layunin” sa ministeryo.

 

Tulad ng natutuhan mo sa kursong ito, ang pinakamabuting halimbawa ng organisasyon ay ang katawan ng tao. Ginamit ito ng Dios upang ipakita ang ministeryo ng Kaniyang lupang Katawan – ang Iglesia – kung saan si Jesus ang Ulo. Sa natural na katawan, ang isang kalansay ay dapat ma-develop upang masuportahan niya ang pagdami ng mga cells. Ganoon din sa espirituwal na mundo. Habang ang Katawan ni Cristo ay lumalago, ang estraktura na sumusuporta sa paglago nito ay mahalaga.

 

Sapagkat ang Iglesia ang instrumento na ginagamit ng Dios ngayon sa mundo upang palaganapin ang Ebangelyo ng Kaharian, ang mga materiales dito sa Apendise ay nakatuon sa pagbubuo ng Iglesia. Nagpapakita ito ng pangunahing estraktura upang tulungan kang magbuo ng mga espirituwal na kayamanan na bunga ng paglago.

 

Hindi mo kailangang gamitin ang lahat ng bagay dito sa Apendise. Ibagay mo ang mga materiales ayon sa laki at lokasyon ng iyong iglesia. Ang maliliit na iglesia ay hindi nangangailangan ng masyadong organisasyon tulad ng malalaking iglesia. Ang iglesia sa isang maliit na nayon ay hindi nangangailangan ng masyadong organisasyon tulad ng iglesia sa malaking lunsod.

 

Tandaan mo ang natutuhan mo sa kursong ito: Bayaan ang organisasyon ay lumitaw bunga ng pangangailangan. Huwag mo ito hayaang malimitahan o kontrolin ang ministeryo at huwag mong itulad ang iyong estraktura sa iba. Ang mabuting organisasyon ay hindi tiket sa tagumpay. Ang pahid at pagpapala ng Dios sa gawain ang gumagawa nito. Subalit ang organisasyon ay tutulong sa iyo na gamitin mo ang mga kayamanan na ibinigay sa iyo ng Dios upang makinabang ang Kaharian ng Dios.

 

Mabuti rin na pag-aralan mo ang mga sumusunod na mga kurso na ibinibigay ng Harvestime International Institute na tutulong sa iyo sa iglesia lokal:

-Ang Module sa Pagtanaw:  Ang module na ito ay may isang kurso, “Mga Estratehiya Para Sa Pag-aaning Espirituwal,” na makakatulong sa iyo sa paglago ng espirituwal na pangitain sa kongregasyon.

-Ang Module sa Paghihirang:  Ito ay may pitong mga kurso na tutulong sa iyo sa pa-aalaga ng mga bagong hikayat. Ang mga kurso ay, “Mga Saligan ng Pananampalataya,”

“Pamumuhay Na Pinaghaharian ng Dios,” “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal sa Pakikibakang Espirituwal,” “Ang Ministeryo ng Espiritu Santo,” “Pagkilala sa Tinig Ng Dios,” “Mga Mapanglikhang Pamamaraan ng Pag-aaral Ng Biblia,” at “Pagsisiyasat Ng Buong Biblia.”
-Ang Module sa Pagpaparami:  Ang tatlong mga kurso rito ay tutulong sa iyo sa pagpapalago ng pananaw sa mundo batay sa Biblia, pagtuturo, pangangaral, at ang paggamit ng mga Biblikal na mga prinsipyo ng kapangyarihan. Matututuhan mo rin ang mga prinsipyo ng paglago ng iglesia at kung paano magpalago sa pagtatanim ng mga bagong iglesia. Ang apat na mga kurso sa module na ito ay “Pagbubuo ng Pananaw Sa Mundo Batay sa Biblia,” “Mga Paraan ng Pagtuturo,” “Mga Paraan ng Pagpapalago,”

at “Mga Prinsipyo ng Kapangyarihan.”

 

-Ang Module ng Pagtatatag:  Ang module na ito, kung saan kasali ang kursong ito, “Pangangasiwa Batay sa Layunin,” ang tutulong sa iyo na mabuo ang puwersang espirituwal na pinalago mo. Tinuturuan ka ng module kung paano manguna, pumili at magsanay ng mga lider, suriin ang paligid, magplano, isakatuparan ang plano, at tayahin ang gawain ng ministeryo. Ang dalawa pang kurso sa module na ito ay, “Mga Prinsipyo ng Pangangasiwa Salig sa Biblia,” at “Mga Prinsipyo ng Pagsusuri ng Paligid.”

-Ang Module ng Pagpapakilos:  Mayroon itong isang kurso, “Mga Paraan ng Pagpapakilos sa Mga Tao,” na magtuturo sa iyo kung paano mo mapakikilos ang buong kongregasyon para sa gawain ng ministeryo.

-Ang Module ng Panghihikayat:  Ang module na ito na may isang kurso na pinamagatang

“Panghihikayat Ng Kaluluwa,” ay nagbibigay ng mga Biblikal na susi sa epektibong ebangelismo. Binibigyan din ng diin ang bahagi ng pagpapagaling at pagpapalaya sa ebangelismo at pagtatanim ng iglesia bilang bunga ng ebangelismo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG APENDISE

 

KAPAHAYAGAN NG DOKTRINA

 

Napag-aralan mo sa kursong ito na ang Kapahayagan ng Doktrina ay iba sa Kapahayagan ng Pinapakay. Ang Kapahayagan ng Pinapakay ay nagsasaad kung bakit mayroong ministeryo. Ang Kapahayagan ng Doktrina ay kapahayagan ng pananampalataya na ipinaliliwanag kung ano ang pinaniniwalaan ng iglesia. Ipinaliliwanag sa iba ang  posisyon ng iyong doktrina at nagbibigay ng pamantayan ng pananampalataya kung saan tatayahin ang laman ng iyong pagtuturo, pangangaral, at ministeryo. Narito ang halimbawa na iyong susundan:

 

HARVESTIME INTERNATIONAL NETWORK

  

KAPAHAYAGAN NG DOKTRINA

 

Ang pakay at mga layunin ng Harvestime International Network ay nakatuon sa mga prinsipyong espirituwal ng pag-aani na ipinahayag sa Salita ng Dios. Ang posisyon ng Doktrina ng organisasyon ay nakatuon din dito sa dakilang pangitain:

 

ANG SALITA NG DIOS

 

Ang Binhi

Ang binhi ay ang Salita ng Dios…(Lucas 8:11)

 

Ang mga Kasulatan ng Luma at Bagong Tipan ang tunay na Salita ng Dios, ang pundasyon ng pananampalatayang Cristiano, pagkaunawa, buhay at ministeryo. Ang mga Kasulatan ay walang pagkakamali at hindi dapat dagdagan, bawasan, o baguhin ng tradisyon o sinasabing kapahayagan:

 

Magpakailan man, Oh Panginoon, ang Iyong Salita ay natatag sa Langit. (Mga Awit 119:89)

 

ANG DIOS SA TATLONG PERSONA

 

Ang Panginoon ng Pag-aani

 

Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin… (Mateo 9:38)

 

Ang Tatlong Persona ay binubuo ng Dios Ama, Dios Anak na si Jesucristo, at Dios na Espiritu Santo:

Sapagkat may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa. (I Juan 5:8)

 

DIOS AMA:

 

May iisang Dios, walang limitasyon, walang hanggan at sakdal, Lumalang ng Langit at lupa:

 

Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng Langit, na Siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na Kaniyang itinatag, at hindi Niya nilikha na sira, na Kaniyang inanyuan upang tahanan: Ako ang Panginoon; at wala nang iba. (Isaias 45:18)

 

 

DIOS ANAK, SI JESUCRISTO:

 

Si Jesucristo ay makalangit na ipinaglihi ng Espiritu Santo at ipinanganak ng birheng Maria. Siya ang sakdal na sakripisyo para sa kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan at pagbubo ng dugo.

 

Nabuhay Siya mula sa kamatayan sa kaniyang maluwalhating katawan , nagpakita sa marami, umakyat sa Langit, at babalik sa lupa na may kapangyarihan at kaluwalhatian. Siya ngayon ang Ulo ng Kaniyang Katawan, ang Iglesia, mananagumpay laban sa lahat ng kapangyarihan ng kadiliman, at ngayo’y nasa kanang kamay ng Dios namamagitan sa mga mananampalataya:

 

Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, at Siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nagasa Langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2: 9-11)

 

DIOS ESPIRITU SANTO:

 

Ang Espiritu Santo ang nagbigay ng inspirasyon sa Salita ng Dios, pinahiran si Jesucristo para sa Kaniyang ministeryo, pinuspos ang Iglesia ng kapangyarihang Pentecostal, at Siyang magbabago ng nasisirang katawan ng mga mananampalataya sa kaluwalhatian ng pagkabuhay na maguli.

 

Ang Espiritu Santo ang sumusumbat sa mundo laban sa kasalanan, katuwiran at paghuhukom, pinag-iisa ang tao kay Jesucristo sa pamamagitan ng pananampalataya, nagdadala ng kapanganakang muli, at naninirahan sa mananampalataya.

 

Ang bautismo ng Espiritu Santo ay para sa lahat na naniniwala kay Jesucristo at ito ay makikita sa kakayahan na maging makapangyarihang saksi ng ating nabuhay na maguling Panginoon at ang matibay na tanda ng Gawa 2:4:

 

Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.  (Gawa 1:8)

 

Ang mga kaloob ng Espiritu ay para sa lahat ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na Iyang nagbibigay sa bawat tao ayon sa Kaniyang ibig:

 

Datapuwat ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawat isa ayon sa Kaniyang ibig.  (I Corinto 12:11)

 

Ang Espiritu Santo rin ang nagpapalago ng bunga ng Espiritu, tinutulungan ang mananampalataya na lumago sa pagiging banal:

 

Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil… (Galacia 5: 22-23)

 

ANG TAO

 

Ang Manghahasik

Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik. ( Marcos 4:3)

 

Nilalang ang tao  ayon sa wangis ng Dios. Dahil sa orihinal na kasalanan ni Adam at ni Eva, ang lahat ng tao ay nagkaroon ng makasalanang likas. Hindi maaaring bumalik ang tao sa Dios sa kaniyang sarili, at siya ay nawawala at walang pagasa hiwalay sa kaligtasang ibinigay ni Jesucristo:

 

Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay. Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu. Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit. ( I Corinto 15: 45-47)

 

KALIGTASAN

 

Ang Pagaani

At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga…   (Mateo 13: 23)

 

Ang kaligatsan ay kaloob ng Dios sa pamamagitan ng biyaya at pananampalataya kay Jesucristo. Walang ibang pangalan maliban kay Jesucristo na sukat ikaligtas ng tao.

 

Sa pamamagitan ng pagtalikod sa kasalanan, na nagdadala ng bunga ng pagsisisi, at nagtitiwala kay Cristo at sa Kaniyang kamatayan para sa kasalanan ng buong mundo, ang tao ay ipinanganak na muli sa walang hanggang buhay sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

 

Sa pamamagitan nitong katubusang ito ay dumating ang kapatawaran sa kasalanan, paglaya mula sa gapos ng sanglibutan, at kalayaan sa Espiritu ng Dios.

 

Sapagkat sa biyaya kayo’y nangaligatas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.  (Efeso 2: 8-9)

 

ANG IGLESIA

 

Ang Mga Manggagawa

 

Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kaniyang aanihin.  ( Mateo 9:38 )

 

Ang Iglesia ang katawan at kasintahang babae ni Cristo. Ang pangunahing misyon ng Iglesia ay turuan ang lahat ng bansa at gawin silang mga alagad, dinadala ang Ebanghelyo ng Kaharian sa lahat ng tao at mga bansa na may kasamang mga tanda:

 

At sinabi Niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang Evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwat ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa Aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga may sakit , at sila’y magsisigaling.  ( Marcos 16: 15-18)

 

ANG KAGANAPAN

 

Ang Huling Pag-aani

 

Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagkat dumating ang oras ng paggapas, sapagkat ang aanihin sa lupa ay hinog na. (Apocalipsis 14: 15)

 

Sa kaganapan (katapusan) ng lahat ng bagay ay kabilang ang nakikita at maluwalhating pagbabalik ni Jesucristo, ang pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ang paglipat ng mga buhay kay Cristo sa paghuhukom ng mga matuwid at hindi matuwid. Si Satanas at ang kaniyang mga kampon at lahat ng mga tao na nasa labas ni Cristo ay mahihiwalay sa presensiya ng Dios upang magdusa ng walang hanggang kaparusahan samantalang ang mga tinubos ay nasa presensiya ng Dios magpakailan man:

 

Ngunit hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa. Sapagkat kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya. Sapagkat ito’y sinasabi namin sa inyo sa Salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panignoon sa hangin… (I Tesalonica 4: 13-17)

 

At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. (Apocalipsis 20:12)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG  APENDISE

 

KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY

 

Sa kursong ito natuto kang sumulat ng Kapahayagan ng Pinapakay. Ang Kapahayagan ng Pinapakay ng Harvestime International Network ay ibinigay sa Ikatlong Kabanata bilang halimbawa. Narito pa ang ibang halimbawa na rerepasuhin. Ang mga kapahayagang ito ng iba’t ibang mga iglesia ay nagpapaliwanag ng kanilang pakay sa plano ng Dios.

 

SAN FRANCISCO CHRISTIAN CHURCH:  KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY

 

Ang pakay ng San Francisco Christian Church ay upang luwalhatiin ang Dios…

 

1. Upang ikalat ang makalangit na katotohanan sa pamamagitan ng pagbabalita ng hayagan sa publiko.


2. Upang alagaan ang grupo ng mga mananampalataya na nakauunawa ng Mga Kasulatan; na ang kanilang espirituwal na katayuan ay nasasalamin sa buhay at karacter ni Cristo; at masigasig sa pagdadala ng ebanghelyo.

 

3. Upang himukin ang mga lalake at mga babae na madiskubre, linangin, at gamitin ang kanilang mga kaloob para sa ministeryo ng Kaharian ng Dios.


4. Upang dalhin ang Ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya na makilala si Jesucristo (dito at sa ibang bansa).

5. Upang maglingkod sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga pisikal, sosyal, at mga pangangailangan sa pag-iisip.

LOCAL CHRSITIAN FELLOWSHIP:  KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY

Ang Local Christian Fellowship ay kapahayagan ng Katawan ni Cristo (ang Iglesia). Nais naming mapailalim sa Panginoong Jesucristo sa lahat ng bagay, tulad ng iglesia sa Bagong Tipan, at nakatalaga, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo:

1. Upang dalhin ang Ebanghelyo sa hindi pa hikayat na makilala si Jesucristo na Tagapagligtas.

2. Upang dalhin ang Ebanghelyo ni Jesucristo ng kagalingan sa mga sosyal at personal na mga kasalanan, mga sakit, at mga dinaramdam.

3. Upang ipakita ang buhay at karacter ng buhay na Cristo.

4. Upang alagaan ang mga miembro hanggang sa sila ay maging matatag.

5. Upang lumago ang mga espirituwal na mga lider na mapaparami ang kanilang sarili at matutugunan ang mga pangangailangan ng iba.

6. Upang sambahin at luwalhatiin ang Dios na may kalayaan sa Espiritu Santo sa publiko at pribadong pagsamba.

7. Upang maranasan at maipahayag ang pagibig sa pagitan ng Dios at tao, at tao sa tao.

8. Upang mapalago ang pagkakaisa sa Katawan.

9. Upang madiskubre, alagaan, at suguin ang mga tao na tinawag ng Espiritu Santo na maglingkod.

FIRST FOURSQUARE CHURCH:   KAPAHAYAGAN NG PINAPAKAY

 

Ang pakay ng First Foursquare Church ay magtindig ng mga tao ng pananampalataya at palayain sa lupa ang kaluwalhatian ng Dios sa pamamagitan ng pagiging halimbawa ng ministeryo ni Jesucristo.

Aasa kami sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at gagamitin ang bawat kayamanan sa pamamagitan ng ministeryong naka-sentro kay Cristo at nakatuon sa:

Pagsamba

1. Upang magtindig ng mga tao na sasamba sa buhay na Dios, luluwalhatiin ang Kaniyang Anak, si Jesucristo, at pararangalan ang Espiritu Santo.

Ang Salita

2. Upang epektibong ipangaral at ituro ang Salita ng Dios at lumikha ng kalagayan kung saan ang biyaya ng Dios ay nararanasan.

Pagsasanay Para sa Ministeryo

3. Upang sanayin ang mga tao na kinikilala ang kanilang indibiduwal at sama-samang tawag kay Cristo. Upang tulungan silang diskubrihin, linangin, at italaga ang kanilang kakayahan para sa ministeryo.

Pananalangin at Pag-aayuno

4. Upang maging disiplinado sa pananalangin at pag-aayuno sa indibiduwal at sama-samang pamumuhay na ayon sa Salita ng Dios. Namamagitan upang wasakin ang kapangyarihan ng Impiyerno na naghahari sa sangkatauhan sa larangang personal, sa lokal, sa bansa o sa buong mundo.

Pageebanghelyo at Paglabas

5. Upang himukin ang mga mananampalataya na ibigin ang mga tao at maging tapat sa Dakilang Utos: upang sanayin ang bawat edad na epektibong magbahagi ng Salita ng Dios at ng kanilang personal na patotoo; upang magukol ng oras, talento, at mga gamit upang matugunan ang mga pangangailangan sa komunidad.

Pagkakaisa ng Mga Mananampalataya

6. Upang kumilos sa loob ng samahan ng mga mananampalataya kay Jesucristo sa buong mundo.

Pananalapi

7. Upang himukin ang mga mananampalataya na maging mga tapat na katiwala at gamitin ang ibinigay na yaman ng Dios sa katuparan ng aming mga pinapakay.


                 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  APENDISE

PANGKALAHATANG ORGANISASYON

 

Ang bahaging ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pangkalahatang organisasyon ng iglesia:

MGA LEGAL NA DOKUMENTO:

Ang iglesia ay hindi isang negosyo. Ito ay isang ministeryo. Subalit dahil sa mga batas ng gobiyerno, ang iglesia ay dapat patakbuhin na parang negosyo.

Kung magbubukas ka ng bagong iglesia, alamin mo kung ano ang hinihiling ng gobiyerno sa inyong lugar. Iba-iba ito sa bawat bayan, estado, probinsiya, o siyudad sa loob ng isang bansa. Ang ibang bansa ay walang mga hinihiling. Ang iba naman ay may mga estriktong regulasyon.

1. Kailangan bang iparehistro ang iglesia sa gobiyerno?

2. Kakailanganin ba ng permiso ng gobiyerno upang patakbuhin ang iglesia?

3. Mayroon bang regulasyon na nililimitahan ang pagdaraos ng mga gawain sa iglesia?

4. Kailangan ka bang mag-apply para ang iglesia ay hindi na magbayad ng buwis sa lote?

5. Kailangan ka bang magpakita ng taunang report sa gobiyerno?

6. Kailangan ba ng nakasulat ng Constitution and By-Laws ng iglesia? (Kung ganoon, ang gobiyerno o ang denominasyon ang magsasabi kung an-ano ang kalakip nito).

Hangga’t maaari tuparin mo ang lahat ng kahilingan ng gobiyerno. Subalit kung ipinagbabawal ng gobiyerno ang ebanghelismo o mga iglesia, hindi mo pababayaang ito ay pumigil sa iyo. Baka kailangan mong magtatag nang “pailalim” na walang pahintulot. (Tingnan ang Gawa 4: 16-20; 5:29)

MGA KAHILINGAN SA PAGIGING MIEMBRO:

Kung ang tao ay tunay na born again, siya ay bahagi na ng Iglesia na Katawan ni Cristo sa buong mundo.

Subalit may mga grupo ng mananampalataya na may mga opisyal na hinihiling bago maging kaanib ng kanilang iglesia. Ito ay desisyon na kailangan mong gawin. Ang Iglesia ba ay:

1. Isang samahan, kung saan ang lahat ng tunay na born again ay kabahagi:

Walang opisyal na application para maging kaanib.

                                                 O DI KAYA…

2. Mayroong opisyal na mga kaanib: Kung saan ang mga mananampalataya ay kailangang mag-apply para maging kaanib ng lokal na grupo.

Ang mga iglesiang nagtakda ng mga kahilingan sa pagiging miembro ay hinihiling ang mga sumusunod:

-Karanasan ng pagiging born-again.
-Binyag sa tubig.
-Bautismo sa Espiritu Santo.
-Pagsang-ayon sa Kapahayagan ng Doktrina at Kapahayagan ng Pinapakay ng iglesia lokal.
-Pangako na tutulong magsuporta sa lokal na iglesia sa pagdalo, sa mga talento, sa ikapo,  at sa mga handog.

BADYET:

Sa kursong ito ay natutuhan mong gumawa ng badyet para sa bawat planong ginawa mo.
Karagdagan sa badyet para sa mga planong indibiduwal, kakailanganin mo ang pangkalahatang badyet upang patakbuhin ang iglesia.

Kung ikaw ay nagpapasimula ng iglesia, ang mga bagay na nangangailangan ng gastusin ay:

        -Suporta para sa pastor.
        -Bayad sa gusali.

        -Bayad sa gas, kuryente, tubig, atbp.

        -Mga materiyales pang edukasyon (Mga Biblia, tracks, mga aklat ng pagsasanay).
        -Mga gamit (instrumentong pang musika, pulpito, mga upuan, atbp.)

Sa paglago ng iglesia, magkakaroon ka ng ibang mga pangangailangan. ( Tingnan ang listahan sa report na pinansiyal na narito).

Mabuting ipaalam sa mga kaanib ng iglesia kung paano ginagasta ang pondo. Narito ang isang simpleng report na pinansiyal na magagamit mo kada buwan:

 

 

 

 

 

 

 

 

Pangalan ng Iglesia o Organisasyon


Report na Pinansiyal


Buwan _____________    Taon ______________

 



Inihanda ni: ________________________________________

                                            (Pirma ng taong gumagawa ng report )

 


Panimulang Balanse:
 P _________ ( Ilista ang halaga na mayroon kayo sa pasimula ng buwan).





Mga Resibo:

( Ilista ang halaga na tinanggap sa mga sumusunod).

1. P_________  Mga Handog

2. P ________  Benta sa mga aklat at tapes

3. P ________  Paglikom ng Pondo

4. P ________  Iba pa





P ___________  Kabuuang halaga na tinanggap (Sumahin ang total ng 1-4)

 

 

 

 

 

 

 

Pahina 2 ng Report na Pinansiyal:

Mga Gastusin:

( Ilista ang total na mga gastos. Narito ang mga kategorya ng mga gastusin).

1. P ________ Mga gamit sa opisina
2. P ________ Mga panglinis, at mga gamit ng janitor
3. P ________ Mga gamit sa kurikulum (tracts, Biblia, mga kurso sa pagsasanay)
4. P ________ Audio-Visual na mga gamit (tapes, pelikula, musika, atbp.)
5. P ________ Misyon
6. P ________ Mga suweldo
7. P ________ Upa sa gusali
8. P ________ Bayad sa tubig, kuryente, gas
9. P_________ Selyo
10.P________ Bayad sa mga Pagpapautang

11.P ________Love offering sa bisitang speaker
12.P________ Pagpapahayag
13.P________ Insurance sa lote ng iglesia
14.P________ Imprenta
15.P________ Iba pa



P ____________  Total na Halaga ng Nagasta  (Sumahin lahat ng 1-15).



Balanse Na Natira:   P ____________


Ganito ang pagkuwenta ng balanseng natira:

1. Isulat ang pasimulang balanse.
2. Sumahin ang lahat ng mga resibo na nagastos.
3. Mula sa suma, ibawas ang lahat ng nagastos.
4. Dito makikita ang balanse ng natitirang pondo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PAGDARAOS NG MGA PULONG:

Ang epektibong ministeryo ay nagdaraos ng maraming pulong upang magplano, magbuo, maglutas ng mga problema, at magtaya. Hindi natin maaaring talakayin ang lahat ng uri ng pulong na dapat mong gawin, subalit narito ang ilang pangkalahatang patnubay sa anumang uri ng “business meeting:”

1. Magkaroon ng tiyak na pakay para sa pulong: Bakit kailangang magpulong? Ano ang iyong pakay? Ano ang kailangan mong matapos? Narito ang ilang karaniwang dahilan sa pagpupulong:

         -Gumawa ng mga plano.
         -Maglutas ng mga problema.
         -Gumawa ng mga kinakailangang desisiyon.
         -Magtaya ng mga plano.
         -Magbigay ng impormasyon na kailangang malaman.
         -Mag-organize ng isang espesyal na okasyon.
         -Pagusapan ang badyet.
         -Pagusapan ang bisnes.
         -Kalingan ang disiplina sa iglesia.

2. Gumawa ng agenda para sa miting:

          - Ilista ang mga bagay na iyong tatalakayin sa ayos ng kahalagahan.
          -Laging isali ang oras ng pananalangin upang humingi ng direksiyon sa Dios.

3. Maglista ka ng mga bagay na kakailanganin mo sa pulong. Halimbawa, mga lapis, papel, report, display, mga sampol, atbp. 

4. Magtakda ka ng petsa, oras, at lugar para sa pulong.

5. Ipaalam sa mga taong kinauukulan. Ibigay mo ang petsa, oras, lugar, at pakay ng pulong. Ipaalam sa bawat isa kung may kailangan silang dalhin, halimbawa, isang report, buod ng takbo ng proyekto, atbp.

6. Pasimulan at tapusin ang pulong sa takdang oras.

7. Magtakda ng chairman na mangangasiwa sa pulong.

8. Linawin ang paraan ng pagsasalita: Magtataas ba ng kamay bago kilalanin ng lider? Magkakaroon ba ng bukas na talakayan?

9. Magkaroon ng paraan sa paggawa ng mga desisyon. Mananalangin ba hanggang magkaisa ang lahat? Ang pastor ba at ang ilang espirituwal na lider ay gagawa ng desisyon pagkatapos marinig ang lahat ng partido?

10. Manatili ka sa agenda. Huwag kang malihis sa ibang isyu ng talakayan.

11.Isulat ang lahat ng mga desisyon na naganap sa pulong, lalo na kung sino at ano ang gagawin at kailan. Pagkatapos ng pulong, isulat na muli ito sa isang maayos na porma at bigyan ng kopya ang bawat isang kasangkot sa pulong. Ito ang magpapaalaala sa kanila ng mga bagay na dapat nilang gawin.

“INTRODUCTORY PACKETS”:

 

Kung may pondo ang iglesia, maganda na maghanda ng mga naka imprentang materiales na nagpapakilala sa inyong iglesia para sa mga bisita at mga tao sa komunidad. Ganito ang isaad mo:

 

“ Ang paketeng ito ay nagpapakilala sa iglesiang ito. Inaasahan naming makatutulong ito sa paghahanap ninyo ng dakong mapaglilingkuran at maging kabahagi kayo ng kongregasyong ito. Sa inyo na hindi pa kabilang ng anumang iglesia, inaanyayahan namin kayo na makisama sa amin sa fellowship at ministeryo sa Kaharian ng Dios.”

 

Isama mo sa pakete ang Kapahayagan ng Pakay at Doktrina ng inyong iglesia upang malaman ng mga tao kung bakit kayo ay narito at kung ano ang inyong pinaniniwalaan.

Maaari ring kayong magsali ng mga impormasyon tungkol sa mga pastor at mga programa ng iglesia.

Narito ang magandang kapahayagan na maaaring isali:

        “Sa lahat ng nangungulila at nangangailangan ng kaaliwan; sa lahat ng nangapapagal at nangangailangan ng kapahingahan; sa lahat ng walang kaibigan at nangangailangan ng kaibigan; sa lahat ng nalulumbay at nangangailangan ng kasama; sa lahat ng may kasalanan at nangangailangan ng Tagapagligtas; at sa “sinoman ang may nais” ang iglesiang ito ay bukas ang pinto at sa pangalan ng Panginoong Jesucristo kami’y nagsasabing, “Welcome.”

 

MGA BISITA:

Subaybayan mo lahat ng mga bisita na dumalo sa inyong mga gawain. Ang pakay mo ay ang mahikayat sila sa Panginoon at magamit sa gawain sa iglesia. Pasulatin mo sila sa isang card na may impormasyon kung saan sila makokontak. Sa susunod na pahina ay may sampol na registration card:

 

 

 

 

 

 

SAMPLE REGISTRATION CARD

 

 

Pangalan ________________________________________

Address ________________________________________

Telepono  ________________________________________

Pangalan at edad ng mga anak:

Pangalan:                                                                                  Edad:

_______________________________                               ____________
_______________________________                               ____________
_______________________________                               ____________
_______________________________                               ____________


Ako ay dumadalo sa __________________________ sa ____________________
                                 (Pangalan ng Iglesia)                           (Lugar)


___ Wala akong tahanang iglesia.

___Ipanalangin ninyo ang request na ito:

________________________________________

 

_____ Nais kong mabisita ni Pastor.

 Ang mabuting oras ng pagbisita o pagtawag ay:  Araw __________  Oras _________


_____ Interesado ako na maging bahagi nitong iglesiang ito.



 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT NA APENDISE

PAGBUBUO (ORGANIZE) NG MGA TAO PARA SA MINISTERYO


Natutuhan mo sa kursong ito na kailangang magbuo ng mga tao at magpakatawan (delegate) ng mga responsabilidad kung nais mong magtagumpay sa iyong mga plano sa ministeryo. Isang paraan para maisaayos ang pagbubuo ng mga tao ay ang pagsulat mo ng kanilang mga dapat na gawin. Ang “ministry description” ay ganito ang larawan:

1.      Ang titulo ng ministeryo.

 

2. Ang pakay para sa posisyon. Sumulat ng Kapahayagan ng Pakay kung bakit itinatag ang posisyong ito.

3. Ang mga katungkulan ng ministeryo. Sagutin ang mga tanong na ito:

-Anu-ano ang aking mga responsabilidad?
-Anong awtoridad mayroon ako?
-Sino ang mangangasiwa sa akin?
-Sino ang pangangasiwaan ko?

4. Ang mga kaugnayan ng posisyon na ito. Sino ang taong nananagot: Sino ang nagbibigay ng mga tagubilin? Sino ang nagtataya ng kaniyang ginagawa?

5. Mga katangian ng tao na kinakailangan sa posisyong ito ng ministeryo.

Naglagay kami ng mga sampol ng “ministry description” para sa iba’t ibang uri ng gawain na kailangan sa iglesia. Ang mga katungkulang nakalista rito ay pangkalahatan. Punan mo ang mga detalye ayon sa pangangailangan ng iyong iglesia. Maaari ka ring magdagdag ng mga kahilingang espirituwal, pang edukasyon, o anomang iniisip mong kuwalipikasyong kailangan mo. Samahan mo rin ito ng Kapahayagan ng Pakay para sa bawat posisyon.

Sa isang maliit na iglesia na may kakaunting lider, ang iba sa mga posisyong ito ay maaaring pagsanibin. Halimbawa, ang mga elder ay maaari ring gumawa ng mga katungkulan ng diakono at usher. Ang assistant pastor ay puwede ring maging direktor ng edukasyon. Sa malalaking mga iglesia, ang mga bagong posisyon ay lilitaw. Halimbawa, maaaring may malaking pangangailangan sa personal na pagpapayo, kakailanganin mo ang isang posisyon na “Director of Counseling.” Narito ang mga sampol ng “ministry description.”

 

MGA POSISYON NG PANGUNGUNA:

 

 

 

Pastor:

 

Ang pastor ay dapat may tawag at pinili ng Dios na manguna sa Iglesia. Lahat ng mga posisyon ng ministeryo sa lokal na iglesia ay nasa ilalim niya. Ang kaniyang mga katungkulan ay:

 

1. Mahabaang pag-aalaga sa espirituwal na kapakanan ng mga mananampalataya.

2. Pagbubuo at pangangasiwa sa buong ministeryo sa iglesia.

3. Pangunguna sa pagpaplano, pagsasagawa ng plano, at pagtataya ng mga plano.

 

4. Espirituwal na lider sa pagsamba, pananalangin, pagtuturo, pangangaral,

     pagbibigay, pagpapalaganap ng ebanghelyo, pagsasamahan, at iba pang mga

     espirituwal na gawain ng kalipunan.

 5. Nagpapakilos at nagsasanay ng mga kaanib para sa gawain ng ministeryo.

 6. Gumaganap at nagpapakatawan ng mga responsabilidad sa pagpapayo,

           pagbibisita, mga kasalan, paglilibing, komunion, atbp.

  7. Nagpapairal ng disiplina sa iglesia.

Assistant Pastor:

Ang malalaking mga iglesia ay mangangailangan ng katulong na pastor. Dapat siya ay may ganoon ding tawag ng Dios tulad ng sa pastor.

Ang assistant pastor ay tumutulong sa pastor sa lahat ng larangan ayon sa pangangailangan. Maaari siyang bigyan ng pastor ng mga tiyak na responsabilidad. Halimbawa, maaaring sa kanya matoka ang lahat ng katungkulan ng pagpapayo o pagbibisita. Sa pangkalahatan, ang kaniyang katungkulan ay tumulong sa pastor sa:

1. Pangangalaga sa mga miembro sa kapulungan.

2. Pagbubuo at pangangasiwa ng buong ministeryo ng iglesia.

3. Pagpaplano, pagsasagawa, at pagtataya ng mga plano.

 

4. Espirituwal na lider sa pagsamba, pananalangin, pagtuturo, pangangaral,

     pagbibigay, pagpapalaganap ng ebanghelyo, pagsasamahan, at iba pang mga

     espirituwal na gawain ng kalipunan.

5. Nagpapakilos at nagsasanay ng mga kaanib para sa gawain ng ministeryo.

 

 6. Gumaganap at nagpapakatawan ng mga responsabilidad sa pagpapayo,

      pagbibisita, mga kasalan, paglilibing, komunion, atbp.

   7. Nagpapairal ng disiplina sa iglesia.

 

Mga Apostol:

Kahulugan: Ang apostol ay isa na may kakayahan na magtayo ng mga bagong iglesia sa iba’t ibang lugar at kultura, at pangasiwaan ang ilang mga iglesia.

Ang ibig sabihin ng apostol ay “delegado, isa na sinugo ng may buong kapangyarihan at awtoridad na gumawa sa lugar ng isa.” Ang apostol ay may tanging kakayahan na magplaganap ng Ebanghelyo sa buong mundo sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kapulungan ng mga mananampalataya.

Ang mga bagong katawagan na ginagamit ng iglesia para sa isang apostol ay misyonero at “church planter.”

Mga Propeta:

 

Kahulugan: May dalawang mga kaloob ng propeta. Ang isa ay ang espesyal na kaloob ng pagiging propeta. At ang isa ay ang kaloob ng pagsasalita ng hula.

Sa pangkalahatan, ang propesiya ay “ang pagsasalita sa ilalim ng kapangyarihan ng inspirasyon ng Dios. Ito ay ang tanging kakayahan na tumanggap at magsabi agad ng mensahe ng Dios sa Kaniyang bayan sa pamamagitan ng pinahirang pagsasalita.”

Mga Guro:

Kahulugan: Ang mga guro ay mga mananampalataya na may tanging kakayahan na maghatid ng Salita ng Dios na ang iba ay natututo at naisasagawa ang kanilang natutuhan.

Mga Ebanghelista:

Kahulugan: Ang ebanghelista ay may tanging kakayahan na magbahagi ng Ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya sa paraang ang mga tao ay tutugon at magiging responsableng mga kaanib ng Katawan ni Cristo. Ang kahulugan ng salitang “ebangelista” ay “isa na nagdadala ng mabuting balita.”

MGA TANGING KALOOB NG PAGLILINGKOD:

Ang mga sumusunod na posisyon ang naglilingkod sa mga apostol, mga propeta, mga ebangelista, mga pastor, at mga guro sa kanilang ministeryo sa iglesia:


Elders:

Ang mga elders ay mga lider na tumutulong sa pastor sa pangunguna sa Iglesia. Sila ay pinipili ng pastor. Ang ibang iglesia ay tinatawag silang mga “cell group lider.”

Mababasa mo ang tungkol sa mga elder sa Biblia sa mga sumusunod na mga talata: Tito 11:6; Colosas 1:25; I Timoteo 3: 1-7; 4:5-6; Gawa 14:23; 20:17,28-32; I Pedro 5: 1-4; Santiago 5: 1-4.

Ang mga elder ay lalong mahalaga kung lumalago na ang iglesia na nahihirapan na ang pastor na magbigay ng personal na atensiyon sa bawat miembro. Ang bawat elder ay nananagot sa isang grupo sa iglesia. Narito ang diagram ng isang iglesia na may anim na mga elder. Ang bawat elder ay may sampung tao na inaalagaan:

                                                      Pastor
                                                          I
________________________________________
I                       I                     I                      I                     I                       I
Elder              Elder              Elder              Elder              Elder                Elder
I                       I                      I                      I                     I                       I
00000             00000             00000             00000            00000               00000
00000             00000             00000             00000            00000               00000


Ang mga katungkulang ng mga elders ay:

1. Lahat ng mga bagay na may kaunayan sa espirituwal na kapakanan ng kongregasyon.

2. Nagpapalakas ng loob ng pastor sa ministeryo.

 

3. Regular na ipinananalangin ang pastor at ang iglesia.

4. Tumutulong sa mga mahihirap na problema sa ministeryo.

5. Pinangangasiwaan ang mga maliliit na grupo na itinoka sa kaniya ng pastor:
    Regular na tinitipon ang kaniyang grupo, pinangungunahan sa paglago ng kanilang    

    espirituwal na mga kaloob, nagbibigay ng personal na mga payo, at bumibisita sa mga   

    tahanan.

6. Ipinaaalam kay pastor ang mga namatay, mga maselang problema, o pagkakasakit sa

    kongregasyon na kinakailangan ang kaniyang atensiyon.

7. Tinutulungan ang pastor sa mga desisyon ng mga bagay na mahalaga at praktikal.

8. Tumutulong sa disiplina sa iglesia.
Mga diakono:

Ang mga diakono ay yaong mga gumagawa ng mga praktikal na mga trabaho sa iglesia. (Tingnan ang Gawa 6: 1-7). Sila ay maaaring piliin ng mga tao subalit kailangang aprobado ng pastor.

Mababasa mo ang tungkol sa mga diakono sa mga sumusunod na mga talata: I Timoteo 3: 8-13; Filipos 1:1; Gawa 6:1-7

Ang kanilang mga katungkulan ay:

1. Nagaasikaso ng mga pisikal at materyal na pangangailangan ng mga miembro.

2. Naghahanda at nagsisilbi ng komunion.

3. Nagtatatag ng mga “teams” na gumagawa ng mga praktikal na mga gawain sa iglesia.

4. Nagaayos ng masasakyan ng mga matatanda at may kapansanan sa iglesia.

5. Nagbibigay ng pagkain at matutuluyan sa oras ng biglang pangangailangan.

Lider ng Pananalangin:

Ang mga katungkulan ay:

1. Bumubuo ng mga tanging oras na may diin sa pananalangin.

2. Nagtatakda ng mga regular na panalanginan.

3. Tumatanggap ng mga kahilingan sa panalangin mula sa mga miembro at idinadalangin ang mga ito.

4. Naghahanap ng mga tagapamagitan sa panalangin para sa gawain ng ministeryo. (Ang bawat mananampalataya ay dapat manalangin, subalit ang mga tagapamagitan ay yaong tinawag upang mamagitan sa panalangin bilang isang ministeryo.)

Director ng Christian Education:

Ang mga katungkulan ay:

1. Nagtatatag ng programa ng Christian education, pagka-alagad, at pagsasanay para sa buong iglesia.

Mabuting magtatag na nakabase sa edad, sapagkat ang mga abilidad sa pagkatuto ay iba’t  iba. Narito ang mga posibleng pagkakahati-hati:

            -Nursery (Pag-aalaga ng mga sanggol sa oras ng gawain)
            -Mga Bata (hinati ayon sa edad o sa grado sa paaralan)
            -Mga Kabataan/ Teenagers
            -Mga may edad na walang asawa
            -Mga may asawang bata pa
            -Mga nasa kolehio
            -Mga mag-asawang may edad na
            -Mga matatanda
            -Mga lider ng mga home group

2. Mangilak at magsanay ng mga lider sa bawat grupo ng edad. (Ang Harvestime International Institute na kurso, “Mga Paraan Ng Pagtuturo,” ay makakatulong sa pagsasanay ng mga guro.

3. Nangangasiwa sa mga katungkulan ng mga guro. Kasama rito ang:

            -Pagsasanay ng mga miembro ng klase para sa gawain ng ministeryo.
            -Pananalangin sa bawat mienbro ng klase.
            -Pag-aalaga sa mga miembro ng klase (binibista kung liban, kung may sakit,

             pinagpapayuhan, tumutulong sa mga materyal at pisikal na pangangailangan.)
            -Lumilikha ng mga oportunidad sa pagsasama-sama.

4. Naghahanda ng programa ng pag-aaral para sa bawat edad.

5. Nagtatatag ng programa ng pagsasanay at pagka-alagad para sa mga bagong hikayat.

6. Kung kaya ng pondo, bumili ng mga gamit na makakatulong sa pagtuturo tulad ng mga aklat, mga visual aids, mga gamit sa sining, atbp.

Direktor ng Ebangelismo at Pagmimisyon:

Ang mga katungkulan ay:

1. Nagtatatag at nangangasiwa ng mga gawain sa labas ng pagpapalaganap ng ebangelyo, kasama rito ang pagsusubaybay ng mga bisita at mga bagong hikayat.

2. Nagtatatag at nangangasiwa ng malawakang pang siyudad, buong bansa, at buong mundong gawain ng ebangelisasyon.

3. Nagsasanay at humihimok ng mga miembro sa pagmimisyon at ebangelisasyon.

4. Nagdaraos ng mga seminar at komperensiya ng pagmimisyon.

5. Nakikipag-ugnayan sa mga misyonerong sinusuportahan ng iglesia.

6. Nag-aanyaya ng mga misyonero at ebangelista na magsalita sa iglesia.

7. Nangingilak ng pondo para sa misyon at ebangelismo.

Direktor ng Ministeryo sa Kalalakihan:

Ang mga katungkulan ay pagpaplano, pagbubuo, at pangunguna sa tanging ministeryo sa mga kalalakihan.

Kasama rito ang:

1. Nagdaraos ng regular na miting ng pananalangin, pag-aaral ng Biblia, pagsasanay, at pagsasama-sama para sa mga lalake.

2. Isinanangkot sa ministeryo ang mga lalake sa iglesia, sa pananalangin, pag-aaral, pagbibigay, paglilingkod, at pagpapalaganap ng Ebangelyo.

3. Nagdaraos ng mga tanging gawain para sa mga lalake tulad ng mga retreat, komperensiya, seminar, atbp.

4. Pinagpapayuhan ang mga lalaking may mga pangangailangan.

Direktor ng Ministeryo ng Kababaihan:

 Ang mga katungkulan ay pagpaplano, pagbubuo, at pangunguna sa tanging ministeryo sa mga kababaihan.

Kasama rito ang:

1. Nagdaraos ng regular na miting ng pananalangin, pag-aaral ng Biblia, pagsasanay, at pagsasama-sama para sa mga babae.

2. Isinasangkot sa ministeryo ang mga babae sa iglesia, sa pananalangin, pag-aaral, pagbibigay, paglilingkod, at pagpapalaganap ng Ebangelyo.

3. Nagdaraos ng mga tanging gawain para sa mga babae tulad ng mga retreat, komperensiya, seminar, atbp.

4. Pinagpapayuhan ang mga babaing may mga pangangailangan.

Direktor ng Musika:

Mga Katungkulan:

1. Paghahanda ng musika para sa kongregasyon sa lahat ng mga gawain.

2. Pagtatatag ng mga koro. Kasama ang mga koro ng mga bata, mga may edad na, at mga kabataan. Ang direktor ng musika ang mamimili at magsasanay ng lider para sa bawat koro, o siya mismo ang mangunguna nito.

3. Paghahanda ng mga tanging bilang sa musika.

4. Pagbubuo at pangunguna ng mga musikero (piano, organ, banda o orkestra).

5. Pagbubuo at pangunguna ng mga tanging konsierto at mga programang musikal.

6. Pangangasiwa sa mga nangunguna sa awitan.

7. Pagpaplano at pangunguna sa musika para sa mga kasal at libing na idinaraos sa iglesia.

8. Pag-iingat ng mga gamit na kaugnay ng musika tulad ng mga choir robes, mga instrumento, mga score ng musika, atbp.

Sekretarya ng Iglesia:

Mga Katungkulan:

1. Mga nakasulat na ipinababatid.

2. Pagpapadala ng mga sulat ng follow-up sa mga bisita.

3. Pinangangasiwaan ang opisina ng iglesia, telepono, mga bisita, atbp.

4. Nagiingat ng mga rekord ng iglesia (pagdalo, mg bisita, mga kaanib, atbp.).

5. Bumubili ng mga gamit sa opisina.

6. Pinangangasiwaan ang mga volunteer na tumutulong sa opisina ng iglesia (sila na nagfa-file, nagmamakinilya o computer, naghahanda ng mga sulat na ihuhulog, atbp.).

7. Naghahanda ng mga tanging report.

8. Inaayos ang kalendaryo ng iglesia kung saan nakatala ang mga pulong at mga gawain.

9. Pinananatiling maayos ang mga kagamitan at mga supplies sa opisina.

10. Kumukuha ng mga “minutes” sa mga business meetings.

Direktor ng Pananalapi:

Mga katungkulan:

1. Nagbibilang, naglilista, at naghahanda ng mga resibo ng mga handog. (Dapat laging may dalawa o higit pa na nagbibilang ng mga handog. Dito ay makasisiguro ng katapatan).

2. Paggawa at pag-iingat ng mga rekord na pinansiyal (savings account, checking account, special accounts tulad ng sa pondo sa pagtatayo ng gusali, pagmimisyon, atbp.).

3. Pagtatago ng mga rekord sa bangko.

4. Pagbili at pagbabayad ng mga utang sa ilalim ng direksiyon ng pastor.

(Kailangang desisyunan kung sino pa sa iglesia bukod sa pastor ang may awtoridad na

bumili ng mga bagay sa ngalan ng iglesia).

5. Pagpaplano at pangunguna ng mga tanging proyekto ng pangingilak ng pondo.

6. Paghahanda ng buwanan at taunang report na pinansiyal.

7. Pagmumungkahi at pagsusubaybay sa badyet.

8. Pagtataguyod ng pagiikapo at paghahandog.

Direktor ng Pagiingat ng mga Ari-arian:

Mga katungkulan:

1. Pangangasiwa ng regular na paglilinis at pag-aalaga ng gusali at mga ari-arian.

2. Pangangasiwa sa pagkukumpuni sa gusali at mga ari-arian.

3. Pagbubukas at pagsasara ng mga lugar bago at pagkatapos ng mga gawain.

4. Pangangasiwa ng mga bentilador, air conditioner, tubig, ilaw, atbp.

5. Pagbili at pag-aalaga ng mga materiales na panglinis at pangkumpuni.

6. Pangangasiwa sa mga janitor.

7. Pangangasiwa ng mga volunteer na gumagawa sa iglesia sa karaniwang araw.

Direktor ng Audio-Visual:

Kung kaya ng iglesia magkaroon ng audio-visual equipment, dapat may isa na mangangasiwa dito. Ang mga katungkulan ng pangangasiwa ng mga gamit na ito ay:

1. Isang library sa iglesia.
2. Mga audio-visual na gamit tulad ng mikropono at loud speaker, projector, tape recorder, mga pelikula, atbp.

3. Isang tape or video cassette ministry.

4. Pag-order at pagiingat ng imbentaryo ng mga materiales na audio-visual.

Mga Usher:

Mga Katungkulan:

1. Pagtanggap sa mga tao sa kanilang pagdating sa mga gawain.

2. Pagkokolekta at pamamahagi ng mga materiales na kailangan sa oras ng gawain.

3. Pagkuha ng mga handog at pagtulong sa direktor ng pananalapi sa pagbilang nito.

4. Pamamahagi at pagkolekta ng mga “visitors’ card.”

5. Pagpapaupo sa mga tao sa kanilang pagdating.

6. Gumagawa ng paraan tungkol sa ingay at kaguluhan sa oras ng gawain.

7. Pag-asikaso sa palibot (Init, liwanag, mga daraanan, atbp.). Ireport ito sa direktor ng Nangangasiwa sa Ari-arian.

8. Tingnan ang mga imnaryo, mga envelopes, at buletin sa mga upuan.

9. Ayusin ang platform (Upuan ng mga pastor, tagapagsalita, tubig, langis na pampahid, imnaryo, atbp.).

10. Pagkuha ng bilang ng dalo (kung ito ay isinusulat sa rekord).

11. Pagtulong sa kaayusan sa linya ng panalangin.

12. Pagbibigay ng komunyon (o tumutulong sa elders sa kanilang paglilingkod).

 Publicity Chairman”:

Ang kaniyang mga katungkulan ay mag-anunsiyo ng mga programa ng iglesia sa kapulungan at sa komunidad sa pamamagitan ng:

1. Newsletters.

2. Pahayag sa diaryo at mga anunsiyo.

3. Mga poster at pulyeto.

4. Radio at telebisyon.

5. Pagpapahayag na pasalita sa oras ng mga gawain.

6. Buletin sa iglesia.

7. Mga display sa buletin board.

Mga Espesyal na Komiti:

Ang isang komiti ay isang maliit na grupo ng mga tao (hindi hihigit sa 20) na itinatag para sa isang tiyak na pakay. Halimbawa, maaari kang magbuo ng komiti upang magplano ng komperensya sa pagmimisyon para sa Iglesia. O puwede kang bumuo ng komiti upang magplano ng isang krusada sa lunsod o maghanap ng bagong gusali.

Hindi maaaring talakayin dito ang lahat ng uri ng komiti na kakailanganin mo para sa iglesia, subalit narito ang pangkalahatang patnubay para sa mga komiti:

1. Lahat ng komiti sa loob ng lokal na iglesia ay dapat magpasakop sa pastor. Itinakda ng Dios ang pastor bilang lider sa isang iglesia lokal. Ang mga komiti ay tinatatag upang tumulong sa kaniya sa gawain, hindi upang siya ay kontrolin o diktahan.

2. Ang bawat miembro ay dapat alam ang pakay ng komiti: Bakit sila ay itinatag bilang isang komiti? Ano ang pakay? Ano ang kanilang dapat gawin?

3. Piliin lamang ang mga taong kailangan bilang kaanib ng komiti.

4. Ang mga miembro ng komiti ay dapat malaman ang sakop ng kanilang gagawin. Dapat sila bigyan ng awtoridad na gawin ang kanilang tungkulin sa loob ng mga limitasyong ito.  

5. Magkita lamang kayo kung kinakailangan. Siguruhin na ang mga miting ay may kaayusan (tingnan ang mga patnubay sa pagdaraos ng mga pulong sa araling ito). Ang bawat kaanib ay dapat nandoon sa oras , at nakahanda. Isulat niya ang mga bagay na tinalakay na dapat niyang gawin at magtanong siya kung ano ang inaasahan sa kanya upang magampanan niya ito.

6. Ang bawat komiti ay dapat mayroong chairman. Ang chairman ang may katungkulan sa pagbubuo ng komiti, pagtatakda at pangunguna sa mga miting, at pagrereport sa pastor kung ano ang takbo o problema ng proyekto.

7. Ang bawat kaanib ng komiti ay dapat may trabahong gagawin at malaman niya nang malinaw kung ano ang dapat niyang gawin.

8. Pagkatapos ng miting ang bawat kaanib ay dapat:

         -Isagawa ang kanilang assignment.
         -Ipabatid sa mga kasamahan sa grupo ang anumang desisyon o impormasyon na

           dapat nilang malaman.
          -Huwag ipagsabi ang mga bagay na napagkasuduan na dapat ay ilihim.

9. Ang komiti ay dapat buwagin kung tapos na ang pakay ng kanilang pagkakatatag.

PAGPILI NG MGA TAO PARA SA GAWAIN NG MINISTERYO:

Narito ang mga mungkahi sa pagpili ng mga tao para sa iba’t ibang gawain:

1. Ilista ang mga gawaing dapat magawa.

2. Gumawa ng listahan ng mga tao na maaaring gumanap ng mga gawaing ito. Ibase ang iyong listahan ayon sa kanilang espirituwal na kaloob na nakikita sa kanilang buhay.

3. Ipanalangin mo ang listahang ito na patnubayan ka ng Panginoon sa iyong pagpili.

4. Tayahin ang bawat tao ayon sa:

           -Karanasang espirituwal
           -Mga katangiang malakas
           -Mga kahinaan
           -Edukasyon
            -Karanasan
            -Mga espirituwal na kaloob
            -Mga Biblikal na pamantayan ng mga lider

5. Pumili ka ng tao para sa bawat larangan ng gawain.

6. Sumulat ng “ministry description” para sa bawat posisyon.

7. Kunin ang tao at italaga ang mga gagawin. Siguruhin na ang bawat tao ay may nakasulat na responsabilidad na gagawin. Gamitin mo ang “ministry position description” na nasa araling ito upang matulungan ka sa pagsulat nito.

8. Bigyan ng kinakailangang pagsasanay ang bawat isa na binigyan ng posisyon.

 

 

 

 

 

 

IKALIMANG APENDISE

 

PAGPAPLANO

 

 

SAMPOL NA MGA PLANO:

Ang kursong ito ay nagpapaliwanag ng mga paraan ng pagpaplano na detalyado. Gamitin mo ang Ika-apat na Kabanata sa iyong paggawa ng mga plano, Ika-limang Kabanata sa pagsasakatuparan, at ang Ika-anim na Kabanata sa pagtataya.

Narito ang ilang mga larangan kung saan dapat magplano ang iglesia:

              -Ebanghelismo                                -Pagsamba
              -Pagbibigay                                     -Pananalangin
              -Pagsasanay/Pagka-alagad              -Mga Tanging ministeryo sa labas
              -Pagsasama-sama

Narito ang mga halimbawa ng mga layunin na itinakda ng ilang iglesia. Ang mga detalye ng bawat plano (sino ang gagawa ng ano, kailan, pondo, atbp.) ay hindi kasali. Ang mga pangunahing mga layunin lamang ang inilista upang mabigyan ka ng idea ng mga uri ng plano sa ibang mga iglesia:

1. Upang madagdagan ang dalo ng 20% sa mga oras ng pagsamba sa loob ng limang taon.

2. Upang madagdagan ang mga miembro ng 50% sa darating na limang taon.

3. Upang lumago ang karaniwang dalo sa pagsamba sa 300 sa loob ng limang taon, hatiin ito at magpasimula ng pangalawang iglesia.

4. Upang magpasimula ng tatlong maliliit na grupo sa loob ng isang taon.

5. Upang madagdagan ang dalo sa Sunday School ng 15% sa loob ng isang taon.

6. Upang madagdagan ang pagbibigay sa programa ng iglesia ng 1% bawat taon hanggang sa maabot ang 10% ng kita ng bawat tahanan.

7. Upang magsanay ng limang lider ng grupo sa loob ng isang taon.

8. Upang dagdagan ang badyet na ibinibigay sa misyon sa 40% sa loob ng limang taon.

9. Upang magsanay ng sampung mga bagong guro sa Sunday School sa loob ng isang taon.

10. Upang makabili ng aming sariling gusali sa loob ng sampung taon.

11. Upang magplano ng di kukulangnin sa anim na pagtitipon sa loob ng isang taon.

12. Upang magtatag ng grupo ng kalalakihan sa loob ng isang taon.

13. Upang madagdagan ang kongregasyon ng sampung bagong mga pamilya sa loob ng isang taon.

14. Upang magtatag ng “evangelism support group” sa loob ng isang taon.

PAGHAHANDA NG ISANG PAGDIRIWANG SA MINISTERYO:

Hindi maaaring talakayin ang bawat uri ng pagdiriwang na dapat iplano sa ministeryo. Maaaring magdaos ka ng kumperensya, seminar, revival, at krusada. Subalit narito ang pangkalahatang patnubay sa pagpaplano ng anumang uri ng pagdiriwang sa ministeryo:

1.Tukuyin ang pakay ng pangyayari o pagdiriwang.

Ano ang pakay ng seminar, kumperensya, revival ,krusada, atbp? Tulad ng natutuhan mo, ang pakay ang nagbibigay ng patnubay sa pagpaplano.

2. Itakda ang mga petsa, at mga oras ng pangyayari.

3. Pumili ng lugar na pagdarausan. Ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng lugar ay:

-Sukat:  Dapat ay sapat ang laki ng lugar sa dami ng taong dadalo.

-Mga katangian:  Halimbawa, kung malaki ang grupo at hahatiin mo ito sa maliliit na grupo, kakailanganin mo ang isang malaking lugar na may naliliit na mga silid. Kung kayo ay magluluto at magpapakain, kakailanganin mo ang lugar na may kusina at kainan.

-Lokasyon:  Dapat ay maaaring puntahan sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan at malapit sa mga taong dadalo dito.

-Halaga:  Dapat ay kaya ng karaniwang tao.

4. Magtatag ka ng komiti at magtalaga ng mga responsabilidad para sa:

 -Pangkalahatang Paguugnayan:  Ang “coordinator” ang mangangasiwa sa lahat ng kanilang mga katungkulan at lahat ng bahagi ng pagdiriwang.

-Paggawa ng iskedyul:  Dapat kasama sa iskedyul ang:

1. Lahat ng dapat gawin bago dumating ang pangyayari: Sino ang gagawa nito, at kailan?

2. Ang iskedyul ng aktuwal na pangyayari: Ano ang mangyayari sa anong oras sa aktuwal na araw ng pangdiriwang?

3. Kung may iba pang kasunod na bagay pagkatapos ng pangyayari.

-Badyet:  Upang magtakda ng badyet para sa pagdiriwang, mangilak ng pondo, magbayad ng mga utang, kumuha ng handog sa panahon ng pagdiriwang, at kumuha ng love offering para sa mga tagapagsalita.

-Pag-aayos ng lugar:  Mga upuan, plataporma, mga mesa, lalagyan ng offering, mikropono, mga insrumento, pulpito, audio-visual equipment, mga gamit para sa counseling at registration.

-Registration:  Magpapalista ba kayo ng mga tao? Kung gayon, anu-anong mga materiales ang kailangang ipamigay sa oras ng registration? Paano mo aayusin ang mga pila ng registration? Magbabayad ba ang mga tao? Kailangan ba ng mga name tags? Anu-anong forms ang kailangan? Anong mga tao ang kailangan sa registration table?

-Publicity:  Paano mo ipapahayag ang pagdiriwang na ito? Pumili ka ng taong mangangasiwa dito –paghuhulog ng mga sulat, sa telepono, radio, telebisyon, diaryo, poster, pulyeto, pagpapahayag sa mga lokal na iglesia, atbp.

-Counseling:  Magtakda ka ng magsasanay sa mga counselors na tutulong sa mga tao sa kanilang espirituwal na pangangailangan. Dapat silang matuto kung paano magdala ng kaluluwa kay Cristo, ipanalangin ang mga may sakit, at kung paano ang ministeryo ng pagpapalaya. Dapat ay may dala silang Biblia, tracts, at mga cards na sulatan ng pangalan at address ng mga tinulungan nila. Dito mo ibabase ang follow-up pagkatapos ng revival.

-Musika:  Pumili ka ng chairman sa musika na kukuha ng mga instrumento at mga musikero, mangunguna sa koro, maghahanda ng mga tanging bilang, at mangunguna sa pag-aawitan ng kongregasyon.

-Nursery:  Maglalaan ka ba ng mga mag-aalaga ng mga sanggol sa okasyong ito? Kung gayon, dapat kang mamili ng maghahanap ng lugar para sa mga ito at pipili ka ng mga tao na mag-aalaga ng mga bata.

-Sales:  Kung balak mong magtinda ng mga Biblia, mga Cristianong aklat o tapes, pagkain, atbp., magtakda ka ng isa na mangangasiwa dito.

-Ushers:  Magtakda ng mangangasiwa sa mga ushers na magpapaupo ng mga taong dumarating, magpapamigay at kokolekta ng mga materiales, kukuha ng mga handog, at maglulutas ng mga problema at kaguluhan sa oras ng mga pagtitipon.

 
-Sound:  Kung nagpaplano ka ng malaking okasyon, kakailanganin mo ang isang maayos na sound system. Kailangan mo ang isa na maalam sa larangang ito at may maayos na kagamitan.


-Audio or Visual Taping:  Balak mo bang gumawa ng audio o video tape ng okasyong ito? Kailan mong mag-iskedyul ng tao na gagawa ng tape, pararamihin ito, at kumuha ng mga kinakailangang gamit para dito.

-Mga Kasangkot:  Kailangan mo ng mangangasiwa sa mga kasangkot sa okasyon. Halimbawa, pagpaplano sa sasakyan, pagkain, tirahan, pagtulong sa mga taong may mga praktikal na problema, mga tanong, atbp. sa panahon ng pagdiriwang.

-Follow-up:  Lagi kang magtakda ng tao na hahawak ng pagsubaybay pagkatapos ng okasyon. Kasali na rito ang pagkolekta ng mga sarili mong materiales, paglilinis ng lugar, pagbababa ng mga kagamitan, pasalamatan ang mga tumulong sa iyo, atbp.

Planning Worksheets

Sa mga susunod na dalawang pahina ay may mga worksheets, “Pang araw-araw na Paghahanda” at “Buwanang Paghahanda.” Paramihin mo itong mga forms na ito upang makatulong sa iyong pangaraw-araw at buwanang paghahanda.  

-Pang araw-araw na Paghahanda: Isulat mo ang petsa sa itaas ng pahina at magplano ka na ginagamit ang mga column na ibinigay.

-Buwanang Paghahanda: Isulat ang pangalan ng buwan sa lugar na para dito. Isulat mo ang mga petsa sa mga square. At gumawa ka ng plano para sa bawat linggo ng bawat buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANG ARAW-ARAW NA PLANO

Petsa ______________

Mga Sulat na Gagawin:                                                      Mga Tatawagan:

____   _________________________                         ____    _______________________

____   _________________________                         ____    _______________________


Appointments:                                                                     Mga Bagay Na Gagawin:

6:30 am _____________________                             ____    _______________________
7:00      _____________________
7:30      _____________________                              ____    _______________________
8:00     ______________________
8:30     ______________________                              ____    ______________________
9:00    _______________________    
9:30    _______________________                                    Mga Bagay Na Paplanuhin:
10:00  _______________________
10:30  _______________________                             ____    ______________________
11:00  _______________________
11:30  _______________________                             ____    ______________________
12:00  _______________________
12:30 pm ____________________                             ____    ______________________
1:00   _______________________
1:30   _______________________                                      Mga Bagay Na Dapat Kunin:
2:00   _______________________
2:30   _______________________                               ____    ______________________
3:00   _______________________         
3:30   _______________________                               ____    ______________________
4:00   _______________________                 
4:30   _______________________                                ____   ______________________
5:00   _______________________
5:30   _______________________                                        Mga Taong Dapat Kausapin:
6:00   _______________________            
6:30   _______________________                                 ____    _____________________
7:00   _______________________      
7:30   _______________________                                 ____    _____________________
8:00   _______________________

 

 

 

 

 

 

 

 

Sunday

Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday 

Saturday

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

BUWANANG  PLANO                              BUWAN _________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT

 

UNANG KABANATA:

1.Datapuwat gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay. (I Corinto 14:40 )

2. Ang pangangasiwa batay sa mga layunin ay pagkakatiwala ng ministeryo sa pamamagitan ng pagpaplano at pagbubuo.

3. Ihambing mo ang iyong listahan sa Unang Kabanata.

4. Ihambing mo ang iyong tinalakay sa ibinigay sa Unang Kabanata.

IKALAWANG KABANATA:

1. Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko.  (Efeso 1: 9-10)

2. Ang pakay ng Dios ay ang lahat ay makaranas ng kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesucristo, madala sa wastong kaugnayan sa Kaniya, at maging bahagi ng Kaharian ng Dios. Tingnan ang Efeso 3:11 at 1: 9-10; at Juan 3.

3. Kung hindi mo nauunawaan ang pakay ng Dios, ang iyong buhay at ministeryo ay hindi magiging kalinya nito.

4. Gumagamit ang Dios ng mga indibiduwal, mga bansa, si Jesus, ang Espiritu Santo, at ang Iglesia bilang mga instrumento upang matupad ang Kaniyang pakay at mga plano.

5. Ihambing mo ang iyong buod sa tinalakay sa Ikalawang Kabanata.

 

6. Ihambing mo ang iyong buod sa tinalakay sa Ikalawang Kabanata.

 

7. Ihambing mo ang iyong buod sa tinalakay sa Ikalawang Kabanata.

IKATLONG KABANATA:

1…Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang.

 

Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. (Efeso 5: 15-16) MBB

2. Ang Kapahayagan ng Pinapakay ay sinasabi kung ano ang tiyak na pakay ng iyong ministeryo. Ibinubuod nito kung anong posisyon ng ministeryo ang ginagampanan mo sa Katawan ni Cristo.

3. Repasuhin mo ang listahan ng mga dahilan na ibinigay sa Ikatlong Kabanata.

4. Ang pakay ay ang sinasaad kung bakit ang ministeryo ay natayo. Ang mga layunin ay kapahayagan ng mga plano ng ministeryo upang matupad ang pakay.

5. Ang Kapahayagan ng Doktrina ay sinasaad kung ano ang pinaniniwalaan mo. Ang Kapahayagan ng Pakay ay ipinaliliwanag ang iyong tiyak na bahagi sa plano ng Dios.

6. Ihambing ang iyong listahan sa nasa Ikatlong Kabanata.

7. Kung hindi ka nagsulat ng Kapahayagan ng Pakay para sa iyong personal na ministeryo at ng iyong kinabibilangang organisasyon  o iglesia, gawin mo na ito ngayon bago ka tumungo sa susunod na leksiyon.

 IKA-APAT NA KABANATA:

1. At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami. (Lucas 12:47)

 

2.      Ang “layunin” ay isang hinahangad, ito ay isang tinutudla na maabot. Isa itong plano. Kapag ikaw ay nagtatakda ng mga “layunin” para sa ministeryo, gumagawa ka ng mga plano upang matupad ang mga pakay ng Dios.

3. Ang pakay ay isang espirituwal na pangitain. Ito ay pagkaalam ng iyong tiyak na dahilan sa ministeryo; ang iyong bahagi sa plano ng Dios. Ang mga layunin ay mga hakbang na iyong gagawin upang matupad ang pakay ng ibinigay sa iyo ng Dios. Ito ay mga plano ng pagtupad ng pakay.

4. Ang dalawang uri ng mga layunin ay ang personal at pang grupo.

5. Ihambing ang iyong tinalakay sa Ika-apat ng Kabanata.

6. Ang pang mahabang layunin ay mga plano para sa malayo pang hinaharap. Ang pang maikling layunin ay mga plano para sa malapit na hinaharap.

7. Pumipili ka ng mga layunin sa pamamagitan ng panalangin, patnubay ng Espiritu Santo, pag-aaral ng Salita ng Dios, at mula sa pagkaunawa mo ng tiyak na pakay sa loob ng plano ng Dios.

 

IKA-LIMANG KABANATA:

1. Datapuwat ngayo’y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din naman magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya.  ( II Corinto 8: 11)

 

2. Ang mga proseso ay mga hakbang na ginagawa mo upang isagawa ang plano. Ito ang mga paraan na ginagawa ng isang lider upang maisakatuparan ang mga plano.

3. Sa pamamagitan ng mga talinhaga, sinabi ni Jesus na kung minsan ay parang imposible para sa mga tradisyonal na mga estraktura na tumanggap ng mga bagong plano at kapahayagan.

4. Ihambing mo ang iyong mga buod sa tinalakay na mga responsabilidad ng pangangasiwa na ibinigay sa araling ito.
                       

IKA-ANIM NA KABANATA:

1. Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawat tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip ng may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawat isa.  (Roma 12: 3)

2. Kung ikaw ay nagtataya ng isang bagay, sinusuri mo itong mabuti upang makita mo ang tunay na halaga. Ang pagtataya ay isang proseso ng pagsusuri ng mga plano upang malaman ang kanilang kahalagahan sa pagtupad ng iyong pakay. Ang mga layunin ang nagsasaad kung ano ang nais mong gawin. Ang pagtataya ang magsasabi kung natupad mo ang iyong inaasahan.        

3. Ang pagtataya ang nagbibigay sa iyo ng pananagutan sa Dios, sa iyong mga kasama sa ministeryo, at sa iyong sarili. Ang pagtataya ang nagtuturo sa iyo na matuto mula sa iyong mga tagumpay at mga kabiguan, repasuhin ang mga plano, at gumawa ng mga bagong plano.

4. Ihambing ang iyong tinalakay sa ibinigay sa Ika-anim ng Kabanata.

5. Ihambing ang iyong listahan sa ibinigay sa Ika-anim ng Kabanata.

6. Nagagamit mo ang iyong natutuhan sa pagtataya upang: Baguhin at pagbutihin ang nayari nang mga plano; Gumawa ng mga bagong plano kapag na kumpleto na ang dating mga plano; Natututo ka mula sa iyong mga tagumpay; Natututo ka mula sa iyong mga pagkakamali.

7. Kung hindi mo tinaya ang isang plano at ginamit ang resulta ng iyong pagtataya, gawin mo ito ngayon.