• johned@aibi.ph

ANG MINISTERYO

 

 NG ESPIRITU SANTO

 

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pag-aaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa paglalarawan sa isip, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag na mga kurso, sumulat sa:

 

 

 

Harvestime International Institute

14431Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

U.S.A.

 

 

 

 

 

 

 

© Harvestime International Institute

Copyright

 

 

 

 

 

 

 

NILALAMAN

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito  .                 .            .            .            .            .            .                I       

Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral     .            .            .            .            .                II         

Pambungad     .            .            .            .            .            .            .            .            .            .                1

Mga Layunin ng Kurso          .           .            .            .            .            .            .            .                2

 

1. Ipinakikilala Ang Espiritu Santo    .            .            .            .            .            .            .                3

 

2. Kumakatawan Sa Espiritu Santo    .            .            .            .            .            .            .                18

 

3. Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo .            .            .            .            .            .            .                27

 

4. Ang Binyag Ng Espiritu Santo       .            .            .            .            .            .            .                44

 

5. Pagpapakilala Sa Mga Kaloob Ng Espiritu Santo  .            .            .            .            .                60

 

6. Mga Tanging Kaloob Ng Espiritu Santo     .           .            .            .            .            .                77

 

7. Mga Kaloob Ng Espiritu Santo Ng Pagsasalita     .            .            .            .            .               106

 

8. Mga Kaloob Ng Pagsisilbi Ng Espiritu Santo       .            .            .            .            .                115

 

9. Mga Kaloob Ng Tanda Ng Espiritu Santo   .           .            .            .            .            .                132

 

10. Pagtuklas Ng Iyong Espirituwal Na Kaloob        .            .            .            .            .                148

 

11. Bunga Ng Espiritu     .          .           .            .            .            .            .            .            .                 176

 

12. Mga Gawa Ng Laman         .           .            .            .            .            .            .            .                 200     

13. Pagpapaunlad Ng Bungang Espirituwal   .            .            .            .            .            .                 223

 

Apendise: Mga Talata Ng Mga Kaloob Na Espirituwal

                 Mula Sa Magandang Balita Biblia  .            .            .            .            .            .                 238

 

Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit    .            .            .            .            .            .            .                 240

 

 

PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO

 

PORMAT NG MANWAL

 

Bawat Aralin ay binubuo ng:

 

Mga Layunin:  Ito ang mga layunin na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.

 

Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Memoryahin ito.

 

Nilalaman ng Kabanata: Pag-aralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pag-aralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang mag-aral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsusulit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.

 

 

DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT

 

Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG PAGAARAL

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga mag-aaral.

Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,

ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Mag-aaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 

PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD

NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalangin.  Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling buod ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NANG MALALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.)

 

Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat mag-aaral at pangasiwaan ang pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

Module: PAGHIHIRANG

Kurso:   Ang Ministeryo ng Espiritu Santo

 

 

PAMBUNGAD

 

Sa isang paglalakbay ni Pablo bilang isang misyonero, tinanong niya ang isang grupo ng mananampalataya tungkol sa Espiritu Santo. Itinanong niya kung tinanggap na nila ang Espiritu Santo mula nang sila’y manampalataya. Ang tugon nila ay,” Hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo” ( Gawa 19:2). Ibinahagi ni Pablo ang mensahe ng ministeryo ng Espiritu Santo sa mga mananampalatayang ito ( Gawa 19). Sa panahong ito, napakahalagang maunawaan ng mga mananampalataya ang ministeryo ng Espiritu Santo. Nangako ang Dios:

 

            At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, na ibubuhos Ko ang Aking             Espiritu sa lahat ng laman…( Gawa 2: 17)

 

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat nais ng Dios na ibuhos ang Kanyang Espiritu sa atin sa panahong ito. Mahalagang maunawaan natin ang ministeryo ng Espiritu Santo upang tayo ay maging bahagi ng espesyal na kapahayagan ng kapangyarihan ng Dios. Ang pag-aaral ng Espiritu Santo ay isa sa mga mahahalagang doktrina ng Biblia. Ang doktrina ay ang mga pagtuturo tungkol sa isang paksa. Sinabi ni Pablo:

 

            …magsikap ka sa pagbasa, sa pangangaral, sa pagtuturo. (I Timoteo  4:13)

 

Hindi sa pamamagitan ng mga natural na kapangyarihan ng tao kumikilos ang Dios sa ating mundo. Ito ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo:

 

            …Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa             pamamagitan ng Aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

             ( Zacarias 4:6)

 

Sa kursong ito ay sinusuri ang likas at personalidad ng Espiritu Santo. Dito ay tinatalakay ang mga titulo na itinawag sa Espiritu Santo at ang mga sagisag na kumakatawan sa Kanya. Kapwa ito nagpapahayag ng Kanyang ministeryo. Ang mga layunin, mga kaloob, at bunga ng Espiritu Santo ay sinuring mabuti. Praktikal na mga direksiyon ang ibinigay upang maranasan mo ang bautismo ng Espiritu Santo, pagkilala ng mga espirituwal na kaloob, at pagpapalago ng bunga ng Espiritu Santo.

 

 

 

 

 

 

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

 

Sa pagtatapos mo ng kursong ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:

 

.     Ilarawan mo ang personalidad ng Espiritu Santo.

 

.     Maglista ka ang mga pangalan at titulo ng Espiritu Santo.

 

.     Tukuyin mo ang mga sagisag na kumakatawan sa Espiritu Santo.

 

.     Ilarawan mo ang ministeryo ng Espiritu Santo.

 

.     Ipaliwanag mo kung paano ang pagtanggap ng bautismo ng Espiritu Santo.

 

.     Tanggapin mo ang bautismo ng Espiritu Santo.

 

.      Maglista ka at magbigay ng kahulugan ng mga kaloob ng Espiritu.

 

.      Tukuyin mo kung ano ang iyong espirituwal na kaloob o mga kaloob.

 

.      Tukuyin mo ang bunga ng Espiritu.

 

.       Anu-ano ang mga gawa ng laman.

 

.       Palaguin mo ang bunga ng Espiritu Santo sa iyong buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG  KABANATA

 

IPINAKIKILALA ANG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Tukuyin ang Espiritu Santo bilang bahagi ng Kadiosan.

.    Ilista ang mga katangian ng personalidad ng Espiritu Santo.

.    Ipaliwanag ang sariling likas ng Espiritu Santo.

 

 

MGA SUSING TALATA:

 

            At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito,             nangabuksan sa Kanya ang mga langit, at nakita Niya ang Espiritu ng Dios             na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kanya;

 

            At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang             sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan. (Mateo 3: 16, 17)

 

 

 

PAMBUNGAD

 

Ipinakikilala ng kabanatang ito ang Espiritu Santo. Ipinaliliwanag nito ang Tatlong persona ng Dios, tinatalakay ang Kanyang mga katangian, at nagbibigay ng babala tungkol sa Kanyang sensitibong kalikasan. Tulad nang nabanggit na, ang ngalang “Espiritung Banal” ay ginagamit na kapareho ng Espiritu Santo. Ang panghalip na “Siya” ay ginagamit din, sapagkat ang Espiritu Santo ay isa sa tatlong persona ng Kadiosan.

 

Tinuran ni Jesus ang Espiritu Santo na “Siya.” Sinabi ni Jesus:

 

            - Siya ang magpapatotoo sa Akin.                                   Juan 15: 26

            - Siya’y susuguin Ko sa inyo.                                          Juan 16: 7

            - Luluwalhatiin Niya Ako.                                               Juan  16:14

            - Hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili.       Juan  16:13

 

 

 

ANG KALIKASAN NG DIOS NA TATLONG PERSONA

 

Maraming dios na sinasamba sa buong mundo, suablit isa lamang ang tunay na Dios. Ang Banal na Biblia ang nagsasaad ng kasaysayang ito. Ang Biblia ang Salita ng Dios na nagpapahayag ng espesyal na plano para sa lahat ng nilalang.

 

Isa sa mga bagay na inihayag ng Biblia ay ang Dios ay may Tatlong Persona. Kaya ang Kanyang personalidad ay nahahayag sa tatlong iba’t ibang paraan. Siya ay Tatlong Persona, subalit iisang Dios. Ang Espiritu Santo ay bahagi ng Tatlong Persona na kinabibilangan ng Dios Ama, ang Anak na si Jesucristo, at ang Espiritu Santo. Itong tatlong personalidad ay nagkakaisa sa Kadiosan.

 

Bawat bahagi ng Kadiosan… ang Ama, ang Anak na si Jesucristo, at ang Espiritu Santo…ay may kani-kanyang tungkulin para sa sangkatauhan. Ang kursong ito ay patungkol sa ministeryo at pakay ng Espiritu Santo.

 

 

ANG DIOS, ESPIRITU SANTO

 

Ang Espiritu Santo ay tinawag na Dios:

 

            Datapuwat sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong   puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo?... hindi ka nagsinungaling sa     mga tao, kundi sa Dios. ( Gawa 5: 3-4)

 

Sapagkat tinawag Siyang Dios, ang Espiritu ay kapantay ng Dios Ama at ni Jesuscristo na Anak. Ang mga Susing Talata sa kabanatang ito ay malinaw na nagpapakita ng pagkatatlong persona ng Dios. Nang si Jesus ay bininyagan, bumaba sa Kanya ang Espiritu Santo, at nagsalita ang Dios:

 

            At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig; at narito,             nangabuksan sa Kanya ang mga langit, at nakita Niya ang Espiritu ng Dios             na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya:

 

            At narito, ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Ito and sinisinta             Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan. ( Mateo 3: 16-17)

 

Bago Siya bumalik sa langit pagkatapos ng Kanyang ministeryo sa lupa, nagturo si Jesus tungkol sa Espiritu Santo:

 

            Datapuwat pagparito ng Mangaaliw, na Aking susuguin sa inyo mula sa             Ama, sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa             Ama, ay Siyang magpapatotoo sa Akin. ( Juan 15: 26)

 

 

 

Nagturo rin si Apostol Pablo tungkol sa Kadiosan ng Espiritu Santo:

 

            Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay             pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.

 

            Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng        laman, sa pagsusugo ng Dios sa Kanyang sariling Anak na naganyong             lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman, kundi             ayon sa Espiritu.  ( Roma 8: 2-3)

 

            Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang             pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat. ( II Corinto 13: 14)

 

            Sapagkat sa pamamagitan Niya tayo’y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa             Ama. ( Efeso 2: 18 )

 

Nagturo rin si Apostol Pedro tungkol sa tatlong personang kalikasan ng Dios:

 

            Kung kayo’y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo;             sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay             nagpapahingalay sa inyo. ( I Pedro 4: 14)

 

Ang aklat ng Mga Gawa ay nagpapatunay din sa Tatlong Persona ng Dios:

 

            Palibhasa nga’y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at tinanggap na sa        Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos Niya ito, na inyong             nakikita at naririnig. ( Mga Gawa 2: 33)

 

Ang sumusunod na “diagram” ay nagpapakita ng Tatlong Persona ng Dios. Mayroon tatlong personalidad… Dios Ama, si Jesuscristo na Anak, at ang Espiritu Santo…sila ay iisang Dios:                       

 

                                            Espiritu SantoAnak

Ama

 

 

 

 

ANG KALIKASAN NG ESPIRITU SANTO

 

Bilang bahagi ng Kadiosan, ang Espiritu Santo ay may espesyal na katangian. Pag pinag-uusapan ang kalikasan ang ibig sabihin ay yaong mga mahahalagang katangian na naglalarawan sa Kanya. Itinuturo ng Biblia na ang Espiritu Santo ay:

 

“OMNIPRESENT”:

 

Ang ibig sabihin nito ay ang Dios ay nasa lahat ng dako na magkakasabay:

 

            Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas mula sa        iyong harapan? ( Awit 139: 7)

 

 

“OMNISCIENT”:

 

Ang ibig sabihin nito ay nalalaman ng Espiritu Santo ang lahat ng bagay:

 

            Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng             Espiritu; sapagkat nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang             malalalim na mga bagay ng Dios.

 

            Sapagkat sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang             espiritu ng tao, na nasa kaniya? Gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay             hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios.

             ( I Corinto 2: 10-11)

 

 

“OMNIPOTENT”:

 

Ang ibig sabihin nito ay ang Espiritu Santo ang pinakamakapangyarihan:

 

            Ang Dios ay nagsalitang minsan, Makalawang aking narinig ito; Na ang             kapangyarihan ay ukol sa Dios. ( Awit 62: 11)

 

            Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng             Espiritu Santo… ( Gawa 1: 8 )

 

 

“ETERNAL”:

 

Ang ibig sabihin nito ay Siya ay magpawalang hanggan. Wala Siyang pasimula at walang katapusan:

 

            Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na             walang hanggan ay inihandog ang Kaniyang sarili na walang dungis sa Dios,             ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod        sa Dios na buhay?  ( Hebreo 9: 14 )

Ang walang hanggang katangian ng Espiritu Santo ay maaaring makita sa pamamagitan ng isang bilog. Ang isang bilog ay walang pasimula at walang katapusan, subalit narito:                                                               

                       Ang Walang Hanggang Katangian Ng Espiritu Santo

 

 

 

ANG PERSONALIDAD NG ESPIRITU SANTO

 

Ang Espiritu Santo ay bahagi ng kalikasan ng Tatlong Personang Dios, subalit ang Espiritu Santo ay may sarili rin Niyang personalidad. Ipinahayag ng Biblia na ang Espiritu Santo ay…

 

 

MAY SARILING ISIP:

 

            At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng             Espiritu… ( Roma 8: 27)

 

 

NAGSASALIKSIK NG KAISIPAN NG TAO:

 

            Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng             Espiritu; sapagkat nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang             malalalim na bagay ng Dios. ( I Corinto 2: 10 )

 

 

MAY SARILING KALOOBAN:

 

            Datapuwat ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na             binabahagi sa bawat isa ayon sa Kanyang ibig. ( I Corinto 12: 11 )

 

Ang kalooban ng Espiritu Santo ang nagpapatnubay sa mga mananampalataya na hindi pinahihintulutan ang ibang mga plano:

 

            At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan             sila ng Espiritu Santo na saysayin ang Salita sa Asia;

 

            At nang sila’y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang             magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus.

             ( Gawa 16: 6-7)

 

Ang kalooban ng Espiritu Santo ay nagpapatnubay din sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay ng permiso:

 

            At pagkakita niya sa pangitain; pagdaka’y pinagsikapan naming             magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami’y tinawag ng Dios    upang sa kanila’y ipangaral ang Evangelio. ( Gawa 16: 10 )

 

 

NANGUNGUSAP:

 

Nagsalita Siya kay Felipe:

 

            At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.

            ( Gawa 8: 29 )

 

Nagsalita Siya kay Pedro:

 

            At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kanya ng Espiritu, Narito, hinahanap ka ng tatlong tao. ( Gawa 10: 19 )

 

Nagsalita Siya sa mga matatanda ng Iglesia sa Bayan ng Antioquia:

 

            At nang sila’y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi             ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa Akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing             itinawag Ko sa kanila. ( Gawa 13: 2)

 

Sa Apocalipsis kabanata 2 at 3 ay may mga mensahe ang Espiritu Santo sa pitong mga iglesia sa Asia.

 

 

UMIIBIG:

 

            Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon             nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, na kayo’y makipagsikap na             kasama ko sa inyong mga panalangin sa Dios patungkol sa akin.

             ( Roma 15:30 )

 

 

NAMAMAGITAN:

 

Isa sa mga katangian ng Espiritu Santo ay Siya ay tagapamagitan. Ibig sabihin nito ay dumadalangin Siya sa Dios para sa iba:

 

            At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagkat             hindi tayo marunong manalangin nang nararapat; ngunit ang Espiritu rin             ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisaysay sa             pananalita.  ( Roma 8: 26)

 

 

 

ANG PAGIGING SENSITIBO NG ESPIRITU SANTO

 

Ang Espiritu Santo ay sensitibo. Ang ibig sabihin nito ay may damdamin Siyang nasasaktan dahil sa mga gawa ng tao. Dahil sa katangiang ito, ang Biblia ay nagbabala na huwag tayong:

 

 

MAGSINUNGALING SA ESPIRITU SANTO:

 

            Datapuwat sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong   puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang   bahagi ng halaga ng lupa?

 

            … Hindi ka nagsinungaling sa mga tao kundi sa Dios.  ( Gawa 5: 3-4 )

 

 

LABANAN ANG ESPIRITU:

 

Ang Espiritu Santo ay may mga tiyak na ministeryo para sa mga mananampalataya na tatalakayin sa Ikatlong Kabanata ng kursong ito. Ang paglaban sa Espiritu Santo ay ang hindi pagsuko sa Kanya kung Siya ay nakikitungo sa iyong buhay:

 

            Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso’t mga tainga, kayo’y laging             nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga             magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo. ( Gawa 7: 51 )

 

 

PATAYIN ANG NINGAS NG ESPIRITU:

 

Pinapatay mo ang ningas ng Espiritu Santo pag hindi mo sinunod ang nais Niyang gawin mo. Ang salitang “patayin ang ningas” ay ginagamit sa ibang bahagi ng Biblia na tinutukoy ang pagpatay ng apoy. Kapag pinatay mo ang ningas ng Espiritu Santo, hihinto ang pagdaloy ng Kanyang kapangyarihan sa iyo. Tulad ito ng pagbubuhos ng tubig sa apoy. Ang Biblia ay nagbabala:

 

            Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu. ( I Tesalonica 5: 19 )

 

 

 

 

 

PIGHATIIN ANG ESPIRITU:

 

Ang pagpatay sa ningas ng Espiritu ay kung hindi natin ginagawa ng nais ng Espiritu Santo. Napipighati naman ang Espiritu Santo kung ginagawa natin ang AYAW Niyang ipagawa sa atin. Ang bayan ng Israel ay pinighati ang Espiritu Santo:

 

            Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa Kanya sa ilang, at pinapanglaw nila      Siya sa ilang! ( Awit 78: 40 )

 

Nagbabala ang Biblia:

 

            At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa Kanya kayo’y             tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos. ( Efeso 4: 30 )

 

 

INSULTUHIN ANG ESPIRITU:

 

Naiinsulto ang Espiritu Santo kapag ikaw ay nagbabalik sa kasalanan matapos mong maranasan ang kapatawaran sa pamamagitan ng dugo ni Jesuscristo:

 

            Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol             doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na             nagpabanal sa kanya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? ( Hebreo 10: 29 )          

 

            Sapagkat tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng             kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,

 

            At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng mga             panahong darating,

 

            At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi;             yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng             Dios, at inilalagay na muli Siya sa hayag na kahihiyan. ( Hebreo 6: 4-6 )

 

 

MAMUSONG SA ESPIRITU:

 

            Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawat kasalanan at kapusungan ay             ipatatawad sa mga tao; datapuwat ang kapusungang laban sa Espiritu ay             hindi ipatatawad.

 

            At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay             ipatatawad sa kanya; datapuwat ang sinomang magsalita laban sa Espiritu             Santo, ay hindi ipatatawad sa kanya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa             darating.  ( Mateo 12: 31-32 )

 

Ang kasalanan ng pamumusong laban sa Espiritu Santo ay tinatawag na “ kasalanang hindi mapapatawad” sapagkat ayon sa talatang ito, ito ang kasalanang walang kapatawaran. Ang pamumusong ay ang magsalita ka ng matitinding mga salita na tinatanggihan mo ang kapanyarihan ng Espiritu Santo na galing sa Dios, kundi galing kay Satanas. Kung tahasang tinanggihan ng isang tao ang kapangyarihan ng Espiritu Santo, tiyak na hindi siya maliligtas, sapagkat ang Espiritu Santo ang tumatawag sa mga makasalanan upang lumapit kay Jesucristo.

 

Ang Espiritu Santo ang nagpakita ng mga tanda na nagpatibay sa kapangyarihan ng Dios.

Ang sabi ni Jesus ay kung hindi matanggap ng mga tao ang mga himalang ito na katunayan ng katotohanan ng Evangelio, ano pa ang makahihikayat sa kanila na maniwala?

 

 

MAYAMOT SA ESPIRITU SANTO:

 

Ang magrebelde sa Espiritu Santo ay ang mainis, sadyain, at galitin Siya. Ang Espiritu Santo ay nagdaramdam sa hindi pagsunod  at hindi paniniwala ng sangkatauhan. Isinulat ni Propeta Isaias ang nangyari sa bayan ng Dios, ang Israel, nang maghimagsik sila sa Espiritu Santo:

 

            Ngunit sila’y nanganghimagsik, at namanglaw ang Kanyang Banal na             Espiritu: kaya’t Siya’y naging kaaway nila, at Siya rin ang nakipaglaban sa        kanila.  ( Isaias 63: 10 )

 

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ang Espiritu Santo ay bahagi ng Tatlong Persona ng Dios na kinabibilangan ng Dios

 

______________, Dios ______________, at Dios _______________  ______________

 

3. Ilista ang anim na katangian ng personalidad ng Espiritu Santo na tinalakay sa kabanatang ito:

_____________________  ______________________  _______________________

  ____________________  ________________________ _______________________

4. Ano ang ibig sabihin na ang Espiritu Santo ay may kalikasang  “sensitibo”?

 

________________________________________

5. Dahil sa ang Espiritu Santo ay sensitibo, nagbigay ang Biblia ng babala na hindi dapat:

 

_____________sa Espiritu Santo. _____________ang Espiritu. ___________ng Espiritu.

 

___________________ang Espiritu. __________________ang Espiritu.

 

 ____________________ sa Espiritu.  ____________________sa Espiritu.

 

6. Basahin ang mga salita sa Unang Listahan. Basahin ang kahulugan sa Pangalawang Listahan. Isulat ang numero ng kahulugan sa harap ng salita sa Unang Listahan. Ang unang bilang ay sinagutan na upang tularan mo.

 

Ang Tatlong Persona Ng Espiritu Santo

 

Unang Listahan                                       Pangalawang Listahan

 

_5_ __Pantay                          1. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.

_____"Omnipresent"              2. Alam Niya ang lahat ng bagay.

_____"Omniscient"                3. Siya ay nasa lahat ng dako sa anumang oras.

_____"Omnipotent"                4. Siya ay walang hanggan.

_____"Eternal"                       5. Siya ay kaisa ng Ama at ng Anak.

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

Ang paksa ng kursong ito ay ang Espiritu Santo na isa sa mga personalidad ng Kadiosan. Ang sumusunod na balangkas ay tutulong sa iyong pag-aaral ng natitirang dalawang Persona ng Kadiosan, Dios Ama at ang Anak na si Jesucristo.

 

ANG TATLONG PERSONA

 

Ang Dios ay Tatlong Persona na kinabibilangan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo:

 

            - Ang Ama ang nagpatotoo tungkol sa Anak:                               Mateo 3: 17

            - Ang Anak ang nagpatotoo tungkol sa Ama:                               Juan 5: 19-20

            - Ang Anak ang nagpatotoo tungkol sa Espiritu Santo                Juan 14: 26

 

ANG DIOS AMA

 

Ang Dios ang lumalang ng lahat ng bagay:            Nehemias 9: 6

 

MGA PANGALAN NG DIOS:

 

Ang salitang Dios ( ang sinasamba) ay isang titulo na ginagamit ng tao upang ilarawan ang isang Dakilang Persona. Nagbibigay ang Biblia ng iba pang pangalan ng Dios. Sa Biblia ang mga pangalan ay higit pa sa pagtukoy kung sino ka. Ito ay naglalarawan ng taong nagmamay-ari ng pangalan. Ang mga pangalan ng Dios ay:

 

Jehovah:                     Ang ibig sabihin ay Panginoon. May karugtong pa ito sa Biblia:

Jehovah-Rapha:          “Ang Dios na nagpapagaling”:  Exodo 15: 26

Jehovah-Nissi:            “ Ang Dios ang aking Dambana”: Exodo 17: 8-15

Jehovah-Shalom:        “ Ang Dios ang aking Kapayapaan”: Hukom 6: 24

Jehovah Ra’ah:           “ Ang Dios ang aking Pastor”: Awit 23: 1

Jehovah-Tsidkenu:      “ Ang Dios ang aking Katuwiran”: Jeremias 23: 6

Jehovah-Jireh:             “ Ang Dios ang Nagkakaloob”: Genesis 22: 14

Jehovah-Shammah:      “ Ang Dios ay Naroroon”: Ezekiel 48: 35

 Elohim:                          Ang Dios na lumalang.

Ama:                               Gawa 17: 28; Juan 1: 12-13

Adonai:                           Panginoon o Amo: Exodo 23: 17; Isaias 10: 16, 33

El:                                    Ginagamit na kasama ng ibang salita patungkol sa Dios.

El Shaddai:                      “ Ang Dios ng kasapatan para sa pangangailangan ng

                                            Kanyang bayan”: Exodo 6: 3

Elolam:                            “ Ang walang hanggang Dios”: Genesis 21: 33

El Elyon:                                “ Kataas-taasang Dios, mataas sa lahat ng dios”:

                                           Genesis 14:18-20

 

 

 

Sa salitang Hebreo kung saan ang Lumang Tipan ay nasulat, ang kahulugan ng salitang

“Yahweh” ay Dios. Isinama ito sa ibang salita upang lalong ipakita ang katangian ng Dios. Ang Dios ay tinawag na:

 

- Yahweh Jireh:                               “ Ang Dios ang Nagkakaloob”:              Genesis 22: 14

- Yahweh Nissi:                               “ Ang Dios ang aking Dambana”:           Exodo 17: 15

- Yahweh Shalom:                           “ Ang Dios ang Kapayapaan”:                 Hukom 6: 24

- Yahweh Sabbaoth:                         “ Ang Dios ng mga Hukbo”:                   I Samuel 1: 3

- Yahweh Maccaddeshcem         “ Ang Dios na Nagpapabanal”:               Exodo 31: 13

- Yahweh Roi:                                   “ Ang Dios…aking Pastor”:                    Awit 23: 1

- Yahweh Tsidkenu:                          “ Ang Dios aking Katuwiran”:                Jeremias 23:6

- Yahweh Shammah:                         “ Ang Dios ay Naroroon”:                       Ezekiel 48:35

- Yahweh Elohim Israel:        “ Ang Dios ng Israel”:                             Hukom 5: 3

- Quadosh Israel:                    “ Ang Banal ng Israel”:                           Isaias 1: 4

 

NASAAN ANG DIOS?

 

Ang luklukan ng Dios ay nasa Langit, subalit naninirahan Siya sa buong sansinukob. Ang Dios ay nasa lahat ng dako: II Cronica 16: 9; Isaias 66:1; Kawikaan 15:3;

 Awit 139: 7-8

 

GAANO KALAKI ANG DIOS?

 

Ang Dios ay higit na malaki kaysa sa buong sansinukob. Walang instrumento ng tao na makasusukat sa Kanya: Isaias 40: 12, 15, 22.

 

MGA KATANGIAN NG DIOS:

 

Ang ibig sabihin ng katangian ay may sariling kalikasan. Ang mga katangian ng Dios ay nakalista rito. Ang Dios ay:

 

Isang espiritu:  Juan 4: 24

 

Walang katapusan:  [walang limitasyon]: I Hari 8: 27; Exodo 15:18; Deuteronomio 33:27; Nehemias 9:5; Awit 90:2; Jeremias 10:10; Apocalipsis  4: 8-10

 

Iisa:  Siya ay pinag-isa sa Tatlong Persona: Exodo 20:3; Deuteronomio 4:35,39; 6:4;

 I Samuel 2:2; II Samuel 7:22; I Hari 8:60; II Hari 19:15; Nehemias 9:6; Isaias 44:6-8;

I Timothy 1:17

 

Pinakamakapangyarihan: Genesis 1:1; 17:1; 18:14; Exodo 15:7; Deuteronomio 3:24; 32:39; I Cronica 16:25; Job 40:2; Isaias 40:12-15; Jeremias 32:17; Ezekiel 10:5; Daniel 3:17; 4;35; Amos 4:13;5:8; Zacarias 12:1; Mateo 19:26; Apocalipsis 15:3; 19:6

 

Nasa lahat ng lugar na sabay-sabay: Genesis 28:15-16; Deuteronomio 4:39; Josue 2:11; Kawikaan 15:3; Isaias 66:1; Jeremias 23:23-24; Amos 9:2-4,6; Gawa 7:48-49;Efeso 1:23.

Nalalaman ang lahat ng bagay: Genesis 18:18-19; II Hari 8:10, 13; I Cronica 28:9; Awit 94:9; 139:1-16; 147:4-5; Kawikaan 15:3; Isaias 29:15-16; 40:28; Jeremias 1:4,5; Ezekiel 11:5; Daniel 2:22,28; Amos 4:13; Lucas 16:15; Gawa 15:8,18; Roma 8:27,29; I Corinto 3:20; II Timoteo 2:19; Hebreo 4:13; I Pedro 1:2; I John 3:20

 

Matalino:  Awit 104:24; Kawikaan 3:19; Jeremias 10:12; Daniel 2:20-21; Roma 11:33;

I Corinto 1:24,25,30; 2:6-7; Efeso 3:10; Colosas 2;2-3

 

Banal:  Exodo 15:11; Levitico 11:44-45;20:26; Josue 24:19; I Samuel 2:2; Awit 5:4; 111:9; 145:17; Isaias 6:3; 43:14-15; Jeremias 23:9; Lucas 1:49; Santiago 1:13; I Peter 1:15-16;  Apocalipsis 4:8; 15:3-4

 

Tapat:  Exodo 34:6; Bilang 23:19; Deuteronomio 4:31; Josue 21:43-45; 23:14; I Samuel 15:29; Jeremias 4:28; Isaias 25:1; Ezekiel 12:25; Daniel 9:4; Mikas 7:20; Lucas 18:7-8; Roma 3:4;15:8; I Corinto 1:9;10:13; II Corinto 1:20; I Tesalonica 5:24; II Tesalonica 3:3; II Timoteo 2:13; Hebreo 6:18; 10:23; I Pedro 4:19; Apocalipsis 15:3

 

Mahabagin: Tito 3:5; Panaghoy 3:22; Daniel 9:9; Jeremias 3:12; Awit 32:5; Isaias 49:13;

54:7

 

Mapagmahal:  Deuteronomio 7:8; Efeso 2:4; Zefanias 3:17; Isaias 49:15-16; Roma 8:39; Hosea 11:4; Jeremias 31:3

 

Mabait:  Awit 25:8; Nahum 1:7; Awit 145:9; Roma 2:4; Mateo 5:45; Awit 31:19; Gawa 14:17; Awit 68:10; 85:5

 

DIOS ANAK, SI JESUCRISTO

 

 

ANG BUHAY NI CRISTO:

 

Ang kuwento ng buhay ni Jesus ay nakatala sa mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Pag-aralan mo ang mga aklat na ito para malaman mo ang buong salaysay ng Kanyang pagkapanganak, buhay, kamatayan,  pagkabuhay na maguli at ang mga aral ni Jesuscristo.

 

MGA TITULONG IBINIGAY KAY JESUCRISTO:

 

Ang ngalang “Jesus” ay nangangahulugang “ Tagapagligtas”:  Mateo 1:21

 

Ang ngalang “Cristo” ay nangangahulugang “ ang pinahiran”:

 

Mga Karagdagang mga titulo na ibinigay kay Jesuscristo sa Biblia:

 

- Ang Mabuting Pastor:                                                   Juan 10:11

- Ilaw ng Sanglibutan:                                                     Juan 8:12

- Tinapay ng Buhay:                                                             Juan 6:48

- Ang Daan:                                                                          Juan 14:6

- Ang Katotohanan:                                                              Juan 14:6

- Ang Buhay:                                                                        Juan 14:6

- Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon            Apocalipsis 19:16

- Anak ng tao:                                                                        Mateo 17:22

- Anak ni David:                                                                    Mateo 1:1

- Ang Huling Adam:                                                              I Corinto 15:45

- Ang Pagbubukang Liwayway

  Buhat sa Kaitaasan                                                               Lucas 1:78

- Anak ng Dios:                                                                      Mateo 16:16

- Bugtong na Anak ng Dios:                                                   Juan 3:16

- Ang Pangulong Bato sa Panulok:                                         Efeso 2:20

- Ang Dakilang Saserdote:                                                      Hebreo 4:14

- Ang Tagapamagitan:                                                             Hebreo 12:24

- Ang Leon sa Angkan ni Juda:                                               Apocalipsis 5:5

- Ang Ngayon at nang Nakaraan:                                            Apocalipsis 1:8

- Matuwid na Hukom:                                                              II Timoteo 4:8

- Hari ng mga Judio:                                                                 Marcos 15:26

- Hari ng Israel:                                                                         Juan 1:49

- Gumawa at Sumakdal ng

   Ating Pananampalataya:                                                        Hebreo 12:2

 - Mapalad at Makapangyarihang Hari:                                    I Timoteo 6:15

 - Prinsipe ng Buhay:                                                                 Gawa 3: 15

 - May Gawa ng Kaligtasan:                                                      Hebreo 2:10

- Ang Panginoon :                                                                      Gawa 2:36

- Ang Tagapagligtas:                                                                  Juan 4:42

- Ang Cristo:                                                                               Marcos 1:1

- Ang Salita:                                                                                Juan 1:1, 14

- Ang Cordero ng Dios:                                                               Juan 1:29

 

 

MGA KATANGIAN NI JESUCRISTO:

 

Sapagkat Siya ay bahagi ng Tatlong Persona ng Dios, ang mga katangian ni Jesucristo ay tulad din ng sa Dios. Pinatutunayan ito ng Biblia lalo na sa mga sumusunod na mga talata. Si Jesus ay:

 

Pinakamakapangyarihan:                               Mateo  28:18

Nalalaman ang lahat ng Bagay:                      Mateo 16:30; Juan 21:17

Nasa lahat ng dako na sabay-sabay:               Mateo 18:20; 28:20

Walang Hanggan:                                           Juan 1: 1-2; 8:58

Di Nagbabago:                                                Hebreo 13:8

 

 

 

ANG KADIOSAN NI CRISTO:

 

Ang aklat ni Juan ay nagbibigay diin sa Pagkadios ni Jesus, dahil sa bahagi Siya ng Kadiosan. Ang bawat kabanata ay bumabanggit nito. Basahin mo ang piniling mga talata

 sa pahinang ito at ibigay mo ang buod sa mga puwang.

 

1:49______________________________     11:27______________________________

 

2:11______________________________     12:32_______________________________

 

3:16______________________________      13:13______________________________

 

4:26______________________________       14:11______________________________

 

5:25______________________________       15:1_______________________________

 

6:33______________________________       16:28______________________________

 

7:29______________________________       17:1_______________________________

 

8:58______________________________       18:11______________________________

 

9:37______________________________       19:7_______________________________

 

10:30_____________________________       20:28______________________________

                           

                                                                          21:14______________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG  KABANATA

 

KUMAKATAWAN SA ESPIRITU SANTO

 

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:

 

- Matukoy ang mga sagisag ng Espiritu Santo.

- Ipaliwanang kung ano ang kinakatawan ng bawat sagisag.

- Ilista ang mga titulong ibinigay sa Espiritu Santo.

 

 

SUSING TALATA:

 

            Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng        Dios ay nananahan sa inyo? ( I Corinto 3:16)

 

 

PAMBUNGAD

 

Ang mga titulo at sagisag ng Espiritu Santo ay nagsasabi sa atin ng Kanyang likas at mga tungkulin sa mananampalataya. Ang mga titulo at mga sagisag ang paksa ng kabanatang ito sa ating pagpapakilala sa ministeryo ng Espiritu Santo.

 

 

MGA TITULO NG ESPIRITU SANTO

 

Ang titulo ay isang katawagan na nagpapaliwanag ng posisyon o tungkulin ng isang tao. Halimbawa, kapag ang isang tao ay may titulong “Presidente” ng isang bansa, ipinaliliwanag ang kanyang posisyon sa gobyerno at ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng bansa.

 

Ang mga titulong ibinigay sa Espiritu Santo sa Biblia ay nagpapakita ng Kanyang posisyon at tungkulin. Ang Espiritu Santo ay tinatawag na:

 

ANG ESPIRITU NG DIOS:

 

            Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng        Dios ay nananahan sa inyo? ( I Corinto 3:16)

 

 

ANG ESPIRITU NI CRISTO:

 

            Datapuwat kayo’y wala sa laman kundi nasa Espiritu, kung gayo’y tumitira             sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwat kung ang sinoma’y walang Espiritu             ni Cristo, siya’y hindi sa Kanya. ( Roma 8:9)

 

ANG ESPIRITU NA WALANG HANGGAN:

 

            Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na             walang hanggan ay inihandog ang Kanyang sarili na walang dungis sa Dios,             ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod        sa Dios na buhay? ( Hebreo 9:14)

 

ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN:

 

Ang Espiritu Santo ang Siyang pinanggagalingan ng katotohanan na nagkasi sa Salita ng Dios, ang Biblia. Siya ang nagpahayag nito sa sangkatauhan:

 

            Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay             papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya             magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na             Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang             ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. ( Juan 16:13)

 

ANG ESPIRITU NG BIYAYA:

 

            Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol             doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na             nagpabanal sa Kanya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya. ( Hebreo 10:29)

 

ANG ESPIRITU NG BUHAY:

 

            Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay             pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. ( Roma 8:2)

 

ANG ESPIRITU NG KALUWALHATIAN:

 

            Kung kayo’y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo:             sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay             nagpapahingalay sa inyo. ( I Pedro 4:14)

 

ANG ESPIRITU NG KARUNUNGAN AT NG PAHAYAG:

 

            Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama    ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala             sa Kanya. ( Efeso 1:17)

ANG MANG-AALIW:

 

            Datapuwat ang Mangaaliw, samakatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na             susuguin ng Ama sa Aking pangalan… ( Juan 14:26)

 

ANG ESPIRITU NG PANGAKO:

 

            At, palibhasa’y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos Niya sa kanila na        huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama,             na sinabi Niyang narinig ninyo sa Akin:

 

            Sapagkat tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayo’y             babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa. ( Gawa 1: 4-5)

 

ANG ESPIRITU NG KABANALAN:

 

            Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa Espiritu ng             kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa             makatuwid baga’y si Jesuscrsito na Panginoon natin. ( Roma 1:4)

 

ANG ESPIRITU NG PANANAMPALATAYA:

 

            Ngunit yamang mayroong gayon ding Espiritu ng pananampalataya, na gaya             ng nasusulat, sumampalataya ako, at kaya’t nagsalita ako; kami naman ay             nagsisisampalataya, at kaya’t kami naman ay nangagsasalita.

             ( II Corinto 4:13)

 

ESPIRITU NG PAGKUKUPKOP:

 

            Sapagkat hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa             ikatatakot; datapuwat tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na        dahil dito’y sumisigaw tayo, Abba, Ama. ( Roma 8:15)

 

 

MGA SAGISAG NG ESPIRITU SANTO

 

Ang Biblia ay gumamit ng maraming mga sagisag upang katawanin ang Espiritu Santo. Ang isang sagisag ay kumakatawan sa isang bagay. Ito ay isang sagisag na may espesyal na kahulugan. Ang mga sumusunod ay mga sagisag na ginamit sa Biblia upang katawanin ang Espiritu Santo:

 

ANG KALAPATI:

 

Ang Espiritu Santo ay nagpakita sa hugis ng kalapati sa panahon ng pagbibinyag ni Jesus. Ang sagisag na ito ay nagpapakita ng pagsang-ayon, kasakdalan, at kapayapaan:

            At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritung bumabang             tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa Kanya. ( Juan 1: 32)

 

Pagsangayon:

 

            At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritung bumabang             tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa Kanya. ( Juan 1: 32)

 

Kapayapaan:

 

            At aking sinabi, Oh kung ako’y nagkaroon ng mga pakpak gaya ng kalapati!

            Lilipad nga ako at magpapahinga. ( Awit 55:6)

 

Sakdal:

 

            Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang…

            (Awit ng Mga Awit 6:9)

 

 

LANGIS:

 

Ang langis ay ginagamit sa Biblia na simbolo ng Espiritu Santo. Ang langis ay sumasagisag sa ilaw, kagalingan, at pahid sa paglilingkod. Ang lahat ng ito ay ibinibigay sa mananampalataya sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

 

            Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagkat Ako’y pinahiran Niya    upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha; Ako’y sinugo Niya             upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita,             Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi. ( Lucas 4:18)

 

            Samakatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong Siya’y             pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na             gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diablo;             sapagkat sumasa Kanya ang Dios. ( Gawa 10:38)

 

            Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya’t ang Dios,   ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong             mga kasamahan. ( Hebreo 1:9)

 

TUBIG:

 

Ang tubig ay sumasagisag sa bagong buhay at paglilinis mula sa kasalanan na dinadala ng Espiritu Santo sa isang mananampalataya. Inihalintulad ni Jesus ang Espiritu Santo sa tubig:

 

            Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo             at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito             siya sa akin, at uminom.

 

            Ang sumasampalataya sa Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa             loob Niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.

 

            Ngunit ito’y sinalita Niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga             magsisisampalataya sa Kaniya: sapagkat hindi pa ipinagkakaloob ang             Espiritu; sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati. ( Juan 7: 37-39)

 

            Sapagkat ipagbubuhos Ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang             tuyong lupa; Aking ibubuhos ang Espiritu sa iyong lahi, at ang Aking             pagpapala sa iyong suwi. ( Isaias 44: 3)

 

ISANG TATAK:

 

            Na sa Kanya’y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng             Evangelio ng inyong kaligtasan, na sa Kanya rin naman, mula nang kayo’y             magsisampalataya, at kayo’y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako.             (Efeso 1:13)

 

            At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa Kaniya kayo’y             tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos. ( Efeso 4:30 )

 

            Na Siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa             ating mga puso. ( II Corinto 1:22)

 

HANGIN:

 

Ang hangin ay isa ring sagisag ng Espiritu Santo. Kinakatawan nito ang kapangyarihan ng Espiritu Santo:

 

            Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kanilang             ugong, ngunit hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan             naparoron: gayon din ang bawat ipinanganak ng Espiritu. ( Juan 3:8)

 

            At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay             nangagkakatipon sa isang dako.

 

            At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang             humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang             kinauupuan. ( Gawa 2: 1-2)

 

Hindi mo nakikita ang hangin dito sa mundo, subalit nakikita mo ang mga epekto nito. Sa natural na mundo ang hangin ay may iba’t-ibang silbi. Ang mga silbi nito ay katulad ng mga gawain ng “hangin” ng Espiritu Santo:

 

Ang Hangin ay Nagbibigay Buhay:

 

Ito ay nagkakalat ng mga binhi sa pag-ihip nito at ito ay nagdadala ng bagong supling ng mga halaman. Ang Espiritu Santo ay nagdadala ng buhay kapag ang mga binhi ng Salita ng Dios ay nahasik sa puso at isip ng mga tao.Ang buhay na ito ay hindi lamang walang hanggang buhay ng kaligtasan, subalit espirituwal na buhay na lumalago sa pamamagitan ng binhi ng Salita.

 

Ang Hangin ay Naghihiwalay ng Trigo sa Ipa:

 

Ito ay lumilinis habang hinihipan ang mga sukal. Ang Espiritu Santo ay may kapangyarihang maglinis sa buhay ng mga mananampalataya.

 

Pinapaypayan ng Hangin ang mga Bagang Namamatay at Muli Itong Binubuhay:

 

Ang hangin ng Espiritu Santo ay “nagpapaypay ”sa bayan ng Dios at nagbibigay ng pagbabagong buhay at alab upang maglingkod sa sanglibutan.

 

APOY:

 

Ang apoy ay isa pang sagisag ng Espiritu Santo. Ito’y kumakatawan sa:

 

Presensiya ng Panginoon:

 

            At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kanya, sa isang ningas ng apoy             na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya’y nagmasid, at,             narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok.

             ( Exodo 3: 2)

 

Pagsang-ayon ng Panginoon:

 

            At may lumabas na apoy sa harap ng Panginoon, at sinunog sa ibabaw ng             dambana ang handog na susunugin at ang taba: at nang makita yaon ng             buong bayan, ay nagsigawan at nangagpatirapa. ( Levitico 9: 24)

 

Pagiingat at Patnubay:

 

            At ang Panginoon ay nagunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap,             upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi ay sa isang haliging apoy, upang             tanglawan sila; upang sila’y makapaglakad sa araw at sa gabi.

            ( Exodo 13:21)

 

Dumadalisay:

 

Binanggit sa Isaias 6:1-8 kung paanong si Propeta Isaias ay dinalisay ng Espiritu Santo. Basahin mo ang bahaging ito ng Biblia.

 

Ang Kaloob ng Espiritu Santo:

 

Nang unang ibigay ang Espiritu Santo, ang apoy ay naging simbolo ng Kanyang presensiya:

 

            At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na             nagkabahabahagi; at dumapo sa bawat isa sa kanila. ( Gawa 2:3)

 

Paghuhukom:

 

            Sapagkat ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw. ( Hebreo 12:29)

 

 

KUMAKATAWAN SA ESPIRITU SANTO

 

Ang mga pangalan at mga sagisag na kumakatawan sa Espiritu Santo ay nagpapakita ng ilan lamang sa Kanyang mga layunin at ministeryo. Mga dagdag na ministeryo ng Espiritu Santo ay tinatalakay nang detalyado sa susunod na kabanata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

2. Ano ang sagisag?

 

________________________________________

3. Basahin ang listahan ng mga sagisag ng Espiritu Santo sa Unang Listahan. Basahin ang mga kahulugan sa Ikalawang Listahan. Isulat ang numero ng kahulugan ng sagisag sa puwang sa harap ng sagisag na tinukoy.

 

Mga Sagisag ng Espiritu Santo

 

Unang Listahan                                                                Ikalawang Listahan

 

______Hangin                             1. Kumakatawan sa kalinisan at kapayapaan.

______Tatak                                2. Tumutukoy sa ilaw, kagalingan, pahid sa paglilingkod

______Tubig                               3. Tumutukoy sa buhay at paglilinis.

______Isang Kalapati                  4. Nagpapakita ng pag-aari.

______Langis                              5. Nagpapakita ng kapangyarihan

 

4. Ang apoy ay sagisag ng Espiritu Santo. Ilista ang anim na bagay na kinakatawan ng apoy:

_____________________________     _______________________________________

 

_____________________________     ________________________________________

_____________________________      _______________________________________

5. Labing tatlong (13) mga titulo ng Espirtu Santo ang tinalakay sa kabanatang ito. Ilan ang maililista mo sa mga ito?

 

___________  ____________  _____________  _____________    __________________

____________  ____________   ______________   _____________   _______________

 

                        ________________   _______________   _________________ 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

 

Mayroong 261 na sitas sa Bagong Tipan patungkol sa Espiritu Santo. Siya ay binanggit:

 

-         56 beses sa Evangelio ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan.

-         57 beses sa aklat ng Mga Gawa.

-         148 beses sa nalalabing bahagi ng Bagong Tipan.

 

 

Basahin mo ang buong Bagong Tipan. Sa iyong pagbasa, bilugan mo ang bawat banggit ng Espiritu Santo. Pag-aralan ang mga bahaging ito upang madagdagan ang iyong kaalaman ng ministeryo ng Espiritu Santo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  KABANATA

 

ANG MINISTERYO NG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos mo ng kabanatang ito, dapat mong magawa ang mga sumusunod:

 

. Ipaliwanag ang ministeryo ng Espiritu Santo patungkol sa:

.        Paglalang

.        Mga Kasulatan

.        Israel

.        Satanas

.        Jesus

.        Ang Makasalanan

.        Ang Iglesia

.        Mga Mananampalataya

 

SUSING TALATA:

 

            Datapuwat ang Mangaaliw, samakatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na             susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng        mga bagay, at magpapaalaala sa inyo ng lahat na sa inyo’y Aking sinabi.             (Juan 14:26)

 

 

PAMBUNGAD

 

Ang pakay ng kabanatang ito ay ilarawan ang ministeryo ng Espiritu Santo mula nang lalangin ang sanglibutan hanggang sa ministeryo Niya ngayon sa mga mananampalataya.

 

 

ANG PAGLALANG

 

Actibo ang Espiritu Santo sa paglalang ng sanglibutan:

 

            At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa             ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.             (Genesis 1:2)

 

            Iyong sinusugo ang Iyong Espiritu, sila’y nangalalalang; At Iyong binabago             ang balat ng lupa. (Awit 104:30)

 

ANG BANAL NA KASULATAN

 

Kasali ang Salita ng Dios sa ministeryo ng Espiritu Santo. Ito ay tinatawag na Banal na Kasulatan o ang Banal na Biblia. Ang Espiritu Santo ay gumawa sa pamamagitan ng:

 

KAPAHAYAGAN:

 

Nangusap Siya sa mga taong sumulat ng mensahe ng Dios:

 

            Sapagkat hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang             mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyukan ng Espiritu Santo.

             (II Pedro 1:21)

 

KINASIHAN NG DIOS:

 

Binigyan Niya ng patnubay ang mga sumulat nito upang ang mensahe ay maging tama.

 

            Ang lahat ng mga kasulatan ng kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din             naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa             katuwiran.

 

            Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng             gawaing mabuti.  (II Timoteo 3:16-17)

 

PAGBIBIGAY-LIWANAG:

 

Siya ang nagbibigay liwanag sa mga puso ng tao upang maunawaan ang mensahe ng Evangelio:

 

            Datapuwat ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na             susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng        mga bagay, at magpapaalala ng lahat na sa inyo’y Aking sinabi. (Juan 14:26)

 

ISRAEL

 

Ang bansang Israel ay pinili ng Dios na sa pamamagitan niya ay maipapahayag at matutupad ng Dios ang Kanyang plano para sa buong mundo. Sa pamamagitan ng Israel ay dumating ang Mesias upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Ang mga karanasan ng Israel ay nagbigay ng halimbawa ng tagumpay at kabiguan.para sa mga mananampalataya. Mula sa Jerusalem, ang kapitolyo ng Israel, ang mensahe ng Evangelio ay lumaganap sa buong mundo.

 

Ang ministeryo ng Espiritu Santo ay hayag mula pa nang itatag ang bansa. Ang Espiritu Santo ay:

 

 

DUMATING SA MGA PINUNO NG ISRAEL:

 

Napakaraming halimbawa nito upang ilimbag na lahat ang mga talata dito sa manwal. Ang mga reperensiya ay nakalista sa “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” na bahagi ng kabanatang ito. Ang pag-aaral ng paksang ito ay magdaragdag ng pagkaunawa kung paanong ang Espiritu Santo ay kumilos sa buhay ng mga tao sa Lumang Tipan.

 

BUMABA SA MGA DAKO NG PAGSAMBA NG ISRAEL:

 

            Nang magkagayo’y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at         pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo. (Exodo 40:34)

 

            At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na        napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon. ( I Kings 8:10)

 

PUMATNUBAY SA KANILA SA LUPANG PANGAKO:

 

            Iyo rin namang ibinigay ang Iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at             hindi Mo inaalis ang Iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan Mo sila ng             tubig sa kanilang pagkauhaw. ( Nehemias 9:20)

 

DARATING SA ISRAEL SA PANAHON NG KAPIGHATIAN:

 

Ang kapighatian ay isang malaking ligalig na darating sa mundo sa hinaharap. Maglalagay ng tanging tatak ng protection ang Dios sa Israel:

 

            At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na             taglay ang tatak ng Dios na buhay: at Siya’y sumigaw ng tinig na malakas sa             apat na anghel na pinagkaloobang ipahamak ang lupa at ang dagat.

 

            Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit    ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo      ang mga alipin ng ating Dios.

 

            At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu’t             apat na libo, na natatakan, sa bawat angkan ng mga anak ni Israel.             (Apocalipsis 7:2-4)

 

DARATING SA ISRAEL SA PANAHON NG MILENYO:

 

Ang Milenyo ay isang libong taon ng kapayapaan kung saan maghahari si Jesus sa lupa:

 

            At Aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa             Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila’y magsisitingin sa Akin             na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis             sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kanya, na parang             kapanglawan sa kanyang panganay. (Zacarias 12:10)

 

 

SATANAS

 

Ang Espiritu Santo ay may ministeryo din patungkol kay Satanas. Ang Espiritu Santo ang pumipigil sa kapangyarihan ni Satanas:

 

            …Sapagkat Siya’y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga   ng Panginoon. ( Isaias 59:19)

 

Kapag inalis na ang Espiritu Santo sa mundo, ang anticristo ang maghahari sa ilang panahon. Ang anticristo ay magiging masamang pinuno ng sanglibutan:

 

            Sapagkat ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may             pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito.

 

            At kung magkagayo’y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng             Panginoong Jesus ng hininga ng Kanyang bibig, at sa pamamagitan ng             pagkahayag ng Kanyang pagparito ay lilipulin;

 

            Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may     buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang             kasinungalingan,

 

            At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagkat hindi nila             tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas.

 

            At dahil dito’y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian,             upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan;

 

            Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisisampalataya sa             katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan. (II Tesalonica 2: 7-12)

 

JESUS

 

Ang ministeryo ng Espiritu Santo ay nakita sa buhay ni Jesus. Si Jesus ay:

 

IPINAGLIHI NG ESPIRITU:

 

At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo,             at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios. (Lucas 1:35)

 

            Ang pagkapanganak nga kay Jesuscristo ay ganito: Nang si Maria na             Kanyang Ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang          siya’y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

 

            Datapuwat samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng             Panginoon ay napakita sa kanya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni             David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa:             sapagkat ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.

             ( Mateo 1:18, 20)

 

PINAHIRAN NG ESPIRITU SANTO:

 

            At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito,             nangabuksan sa Kanya ang mga langit, at nakita Niya ang Espiritu ng Dios             na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kanya.

            (Mateo 3:16)

 

            Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagkat Ako’y pinahiran Niya    upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo Niya             upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita,             Upang bigyan ng kalayaan ang mga nangaaapi. ( Lucas 4:18)

 

            Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong Siya’y             pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na             gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng        diablo; sapagkat sumasa Kaniya ang Dios. ( Gawa 10:38)

 

            Inibig Mo ang katuwiran, at kinapootan Mo ang kasamaan; Kaya’t ang Dios,   ang Dios Mo, ay nagbuhos sa inyo, ng langis ng kasayahang higit sa Iyong             mga kasamahan. ( Hebreo 1:9)

 

TINATAKAN NG ESPIRITU:

 

            Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing             tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao:             sapagkat Siyang tinatakan ng Ama, samakatuwid baga’y ang Dios.

            (Juan 6:27)

 

PINATNUBAYAN NG ESPIRITU:

 

            Nang magkagayo’y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang Siya’y             tuksuhin ng Diablo. ( Mateo 4:1)

 

 

 

 

SINANGKAPAN NG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU:

 

            Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, nagpapalabas Ako ng mga             demonio, ay dumating nga sa inyo ang Kaharian ng Dios. (Mateo 12:28)

 

PUSPOS NG ESPIRITU:

 

            At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo ay bumalik muna sa Jordan at             inihatid ng Espiritu sa ilang. ( Lucas 4:1)

 

            Sapagkat ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagkat             hindi Niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat. (Juan 3:34)

 

NAGULUMIHANAN SA ESPIRITU:

 

            Nang makita nga ni Jesus na siya’y tumatangis, at gayon din ang mga             Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim Siya sa             espiritu, at nagulumihanan. ( Juan 11:33)

 

NAGALAK SA ESPIRITU:

 

            Nang oras ding yaon Siya’y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako’y             nagpapasalamat sa Iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na Iyong             inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag             Mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagkat gayon ang nakalulugod sa        Iyong paningin.  (Lucas 10:21)

 

NAG-ALAY SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU:

 

            Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na             walang hanggan ay inihandog ang Kanyang sarili na walang dungis sa Dios,             ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang             magsipanglingkod sa Dios na buhay? ( Hebreo 9:14)

 

BINUHAY NG ESPIRITU:

 

            Sapagkat si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang             matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo’y madala Niya sa Dios;             Siyang pinatay sa laman, ngunit binuhay sa Espiritu. ( I Pedro 3:18)

 

            Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa Espiritu ng             kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga             patay…(Roma 1:4)

 

 

 

NAGUTOS SA MGA ALAGAD SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU SANTO:

 

            Hanggang sa araw na tanggapin Siya sa kaitaasan, pagkatapos na             makapagbigay Siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga             apostol na Kaniyang hinirang. ( Gawa 1:2)

 

 

MGA MAKASALANAN

 

Ang ministeryo ng Espiritu Santo sa makasalanan ay inilarawan ni Jesus:

 

            Gayon ma’y sinasalita Ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na             Ako’y yumaon; sapagkat kung hindi Ako yayaon, and Mangaaliw ay hindi             paririto sa inyo; ngunit kung Ako’y yumaon, Siya’y susuguin Ko sa inyo.

 

At Siya, pagparito Niya, ay Kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:

 

            Tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nagsisampalataya sa Akin;

 

            Tungkol sa katuwiran, sapagkat Ako’y naparoon sa Ama, at hindi na ninyo             Ako makikita;

 

            Tungkol sa paghatol, sapagkat ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan             na. ( Juan 16:7-11)

 

ANG IGLESIA

 

Maraming mga paglilingkod ang Espiritu Santo sa Iglesia. Siya ang…

 

NAGTATAG NITO:

 

            Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi             kayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios.

 

            Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga             propeta na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;

 

            Na sa Kaniya’y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago             upang maging isang templong banal sa Panginoon;

 

            Na sa Kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa             Espiritu.  ( Efeso 2: 19-22)

 

 

 

NAGBIBIGAY NG INSPIRASYON SA PAGSAMBA:

 

Sapagkat tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anumang pagkakatiwala sa laman. (Filipos 3:3)

 

NANGUNGUNA SA PAGMIMISYON:

 

            At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.

            ( Gawa 8:29)

 

            At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan             sila ng Espiritu Santo na saysayin ang Salita sa Asia;

 

            At nang sila’y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang             magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;

 

At pagkakita Niya sa pangitain, pagdaka’y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, napinatutunayang kami’y tinawag ng Dios upang             sa kanila’y ipangaral ang Evangelio. ( Gawa 16: 6,7,10)

 

PUMIPILI NG MGA MINISTRO:

 

            Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa             kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang Iglesia ng             Panginoon na binili Niya ng Kanyang sariling dugo. ( Gawa 20:28)

 

PINAPAHIRAN ANG MGA MANGANGARAL:

 

            At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang             panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng             kapangyarihan.  ( I Corinto 2: 4)

 

PINANGUNGUNAHAN ANG MGA DESISYON:

 

            Sapagkat minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag na kayong             atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na             kinakailangan. ( Gawa 15: 28)

 

NAGBIBINYAG NG KAPANGYARIHAN:

 

            At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay             nangagkakatipon sa isang dako.

 

            At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang             humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang             kinauupuan.

            At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na             nagkabahabahagi; at dumapo sa bawat isa sa kanila.

 

            At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang             magsalita ng iba’t-ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang             salitain. ( Gawa 2:1-4)

 

 

MGA MANANAMPALATAYA

 

Malaking tulong ang ministeryo ng Espiritu Santo sa mga mananampalataya. Siya ay…

 

NANUNUMBAT:

 

Ang Espiritu Santo ang nanunumbat tungkol sa kasalanan at naglalapit sa mga lalaki’t babae kay Jesus.. Hindi ka maaaring maging mananampalataya kung wala itong ministeryo ng Espiritu:

 

            At Siya, pagparito Niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa             kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:

 

            Tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nagsisampalataya sa Akin;

 

            Tungkol sa katuwiran, sapagkat Ako’y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo             Ako makikita;

 

            Tungkol sa paghatol, sapagkat ang prinsipe ng sanglibutang ito ay             hinatulan na. ( Juan 16: 8-11)

 

NAGBABAGO NG BUHAY:

 

Ang Espiritu Santo ang nagbabago ng iyong buhay mula nang ikaw ay naging mananampalataya:

 

            Na hindi dahil sa gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa             Kaniyang kaawaan ay Kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng             paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo.

             ( Tito 3:5)

 

            Sumagot si Jesus at sa kanya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi             Ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya             makakakita ng Kaharian ng Dios.

 

            Sinabi sa Kanya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya’y                 matanda na? Makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang             ina, at ipanganak?

            Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa iyo, Maliban             na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok             sa Kaharian ng Dios.

           

            Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng espiritu ay             espiritu nga.

 

            Huwag kang magataka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo’y             ipanganak na muli. ( Juan 3: 3-7)

 

NAGPAPABANAL:

 

Matapos mabago ang isang buhay sa pamamagitan ng kaligtasan, tinutulungan ito ng Espiritu Santo na mabuhay nang banal:

 

            Ngunit kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid             na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios buhat nang             pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa             katotohanan… (II Tesalonica 2:13)

 

NAGBIBINYAG:

 

Sa Ika-apat na Kabanata ng manwal na ito ay tinalakay ang bautismo ng Espiritu Santo:

 

            At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang             magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang             salitain. ( Gawa 2:4)

 

NANANAHAN SA LOOB MO:

 

Ang pakay ng pagtira sa kalooban mo ay upang palakasin ang bagong pagkatao na tinanggap mo sa pamamagitan ng kaligtasan:

 

            O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu             Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong             sarili.  (I Corinto 6:19)

 

            Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng        Dios ay nananahan sa inyo? ( I Corinto 3:16)

 

            Kaya’t kung ang sinuman ang na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang             mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.  

            ( II Corinto 5:17)

 

            Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin             ang mga pita ng laman.

            Sapagkat ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay        laban sa laman; sapagkat ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag             ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.

 

            Datapuwat kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim             ng kautusan.  (Galacia 5: 16-18)

 

Sa natural na mundo, matapos tirahan ng isang tao ang isang bahay, nakikita ang personalidad ng taong yaon doon sa bahay na kanyang tinirhan. Gayon din, ang ating mga espirituwal na tahanan ay dapat kakitaan ng ugali ng Espiritu Santo na nananahan sa atin.

 

NAGPAPALAKAS:

 

            Upang sa inyo’y ipagkaloob Niya, ayon sa mga kayamanan ng Kaniyang             kaluwalhatian, na kayo’y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng             Kaniyang Espiritu sa pagkataong loob. (Efeso 3:16)

 

NAGBUBUKLOD:

 

Ginagawa ng Espiritu Santo na ang mananampalataya ay maging kaisa ng Dios at ng ibang mananampalataya. Ang tawag dito ay “pagkakaisa sa Espiritu.”

 

            Ngunit ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu Niya.

             (I Corinto 6:17)

 

            Sapagkat kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga             sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagamat marami, ay             iisang katawan; gayon din naman si Cristo.

 

            Sapagkat sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang             katawan, maging tayo’y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at             tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. (I Corinto 12: 12, 13)

 

NAMAMAGITAN:

 

            At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagkat             hindi tayo marunong manalangin nang nararapat; ngunit ang Espiritu rin             ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa             pananalita. ( Roma 8: 26)

 

            Ngunit kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa        inyong lubhang banal na pananampalataya, manalangin sa Espiritu Santo. (Judas 20)

 

            Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa             buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol             sa lahat ng mga banal. (Efeso 6: 18)

 

PUMAPATNUBAY:

 

            Gayunma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay             papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan; sapagkat hindi Siya             magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anumang bagay na             Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain; at Kaniyang             ipahahayag sa inyo ang mga bagay ng magsisidating. ( Juan 16:13)

 

            Sapagkat ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang             mga anak ng Dios. ( Roma 8:14)

 

NAGPAPAKITA NG PAGIBIG:

 

Ang Espiritu Santo ang nagpapakita ng pagibig ni Cristo sa mananampalataya at sa pamamagitan niya:

 

            At ang pag-asa ay hindi humihiya; sapagkat ang pagibig ng Dios ay             nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay             sa atin. ( Roma 5:5)

 

NAGIGING TULAD NG LARAWAN NI CRISTO:

 

Ang Espiritu Santo ang tumutulong sa isang mananampalataya na maging tulad ng larawan ni Cristo:

 

            Datapuwat tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitingin             gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo     sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na        gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. (II Corinto 3:18)

 

NAGHAHAYAG NG KATOTOHANAN:

 

            Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng             Espiritu; sapagkat nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang             malalalim ng mga bagay ng Dios. ( I Corinto 2:10)

 

NAGTUTURO:

 

At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo’y turuan ng sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng Kaniyang pahid, tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa Kanya. ( I Juan 2:27)

 

NAGBIBIGAY NG KASIGURUHAN NG KALIGTASAN:

 

            Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga             anak ng Dios. (Roma 8:16)

 

At ang tumutupad ng Kanyang mga utos ay mananahan sa Kaniya, at siya ay sa Kanya. At dito’y nakikilala natin na Siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu na Kaniyang ibinigay sa atin.

            (I John 3: 24)

 

NAGPAPALAYA:

 

            Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay             pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. ( Roma 8:2)

 

            Ngayon ang Panginoon ay Siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang             Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. (II Corinto 3: 17)

 

UMAALIW:

 

            … sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu             Santo…( Gawa 9:31)

 

Samakatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagkat hindi nito Siya nakikita, ni nakikilala man Siya: Siya’y             nakikilala ninyo; sapagkat Siya’y tumatahan sa inyo at sasa inyo.

 

            Datapuwat ang Mangaaliw, samakatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na             susuguin ng Ama sa Aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng             mga bagay, at magpapaalaala ng lahat ng sa inyo’y Aking sinabi.

             (Juan 14:17,26)

 

NAGBIBIGAY BUHAY:

 

            Ngunit kung ang espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira             sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay             magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa             pamamagitan ng Kanyang Espiritu na tumitira sa inyo. ( Roma 8:11)

 

NANGUNGUSAP:

 

At pagka kayo’y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo’y ibigay, ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwat ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sasabihin; sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo. (Marcos 13:11)

 

NAGPAPAKITA NG KAPANGYARIHAN NG DIOS:

 

            At ang Aking pananalita at ang Aking pangangaral ay hindi sa mga salitang             panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng             kapangyarihan:

 

            Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng        mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. ( I Corinto 2:4-5)

 

NAGGAGANYAK UPANG SUMAMBA:

 

            Ang Dios ay Espiritu, at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay             kinakailangang magsisamba sa espiritu at katotohanan. ( Juan 4:24)

 

NAGBIBIGAY KAPANGYARIHAN SA PAGSAKSI:

 

Ang kapangyarihan sa pagsaksi ang tunay na tanda na ang tao ay nabautismuhan na sa Espiritu Santo:

 

            Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng             Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong             Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

             ( Gawa 1:8)

 

NAGBIBIGAY NG KALOOB AT NAGPAPALAGO NG BUNGA:

 

Ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng mga kaloob na espirituwal sa mga mananampalataya. Ang mga ito ay tiyak na mga kakayahan upang maging epektibo sa paglilingkod sa Iglesia. Ang Espiritu Santo rin ang nagpapalago ng bungang espirituwal sa buhay ng isang mananampalataya. Ang bungang espirituwal ay yaong likas ng Espiritu Santo na nakikita sa buhay ng isang mananampalataya. Dahil sa kahalagahan nito, ang bunga at kaloob ng Espiritu Santo ay tinatalakay pa nang higit sa hiwalay na mga kabanata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAG-AARAL

 

1. Isulat ang Susing Talata na iyong kinabisa.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ilista ang limang pakay ng Espiritu Santo kaugnay ng bayang Israel.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Tama ba o mali ang pangungusap na ito? Ang Espiritu Santo ay kasali sa paglalang ng sanglibutan.

 

Ang pangungusap ay ________________________.

 

4. Isulat ang tamang bilang sa puwang sa harap ng salita na inilalarawan nito.

 

 

                                                      Mga Pakay ng Espiritu Santo Kaugnay Ng

                                                                 Banal Na Kasulatan

 

_____Pagbibigay-Liwanag          1.Nangusap Siya sa mga taong sumulat ng mensahe

                                                          ng Dios.

 

_____Kapahayagan                      2. Ang ministeryo ng Espiritu Santo upang ipaunawa

                                                          sa mga tao ang Evangelio.

 

_____Kinasihan ng Dios      3. Pinatnubayan ng Espiritu ang mga sumulat upang                                                                               ang mensahe ay maging tama.

 

5. Magbigay ng isang reperensiya sa Biblia na nagpapakita ng pakay ng Espiritu Santo sa buhay ng makasalanan.

 

________________________________________

 

 

6. Ano ang ministeryo ng Espiritu Santo patungkol kay Satanas?

 

________________________________________

7. Mayroong labing-isang pakay ang Espiritu Santo sa buhay ni Jesucristo dito sa kabanatang ito. Ilan dito ang maililista mo?

 

______________________  _______________________  _______________________

______________________   _______________________   ________________________

_____________________   ________________________   ________________________

               _____________________________            _________________________

8. Tinalakay sa kabanatang ito ang pitong pakay ng Espiritu Santo sa Iglesia. Ilan dito ang maililista mo?

 

__________________  _____________________  _____________________

_____________________  _______________________  _______________________

                                ____________________________________

 

9. Dalawampung pakay ng Espiritu Santo ang tinalakay sa kabanatang ito patungkol sa buhay ng mananampalataya. Ilan dito ang maililista mo?

 

__________________  ___________________  _________________  _______________

 

__________________  __________________  _________________  ________________

 

_________________  ___________________  _________________  ________________

 

________________  __________________  __________________  _________________

 

________________  _________________  __________________  __________________

 

10. Ano ang tunay na katunayan na ang isang tao ay nabautismuhan na sa Espiritu Santo?

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

PARA  SA  DAGDAG  NA PAG-AARAL

 

1. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga talata sa Biblia upang lalo mong matutuhan ang ministeryo ng Espiritu Santo sa bayan ng Israel:

 

Genesis 41:38

Bilang 11:17; 11:25; 27:18

Hukom 3:10; 6:34; 11:29; 14:6,19; 15:14-15

I Samuel 10:10; 11:6; 16:13

I Hari 18:12

II Hari 2:15-16

Ezekiel 2:2

Daniel 4:9; 5:11; 6:3

Mikas 3:8

II Cronica 15:1; 24:20

 

2. Repasuhin ang mga pakay ng Espiritu Santo sa buhay ng mananampalataya. Pinahihintulutan mo ba ang Espiritu Santo na maglingkod sa iyo sa mga larangang ito ng iyong buhay?

 

 

 

________________________________________

________________________________________

3. Repasuhin mo ang ministeryo ng Espiritu Santo sa Iglesia. Isipin mo ang iyong dinadaluhang Iglesia… Saan-saang mga larangan ninyo pinahihintulutan ang Espiritu Santo na ipahayag ang Kaniyang pakay sa inyong Iglesia? Saang mga larangan nangangailangan ng pagbabago?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT NA KABANATA

 

ANG BAUTISMO NG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:

 

.   Ibigay ang kahulugan ng salitang bautismo.

.   Magbigay ng tatlong bahagi ng Biblia kung saan ipinakita kung ano ang nangyayari

    pag ang mga tao ay tumanggap ng Bautismo ng Espiritu Santo.

.   Ipaliwanag kung paano tumanggap ng Bautismo ng Espiritu Santo.

.   Sabihin kung ano ang panglabas na tanda ng Bautismo ng Espiritu Santo.

.   Ipaliwanag ang tunay na ebidensiya ng Bautismo ng Espiritu Santo.

.   Maglista ka ng mga panuntunan sa pagtanggap ng Bautismo ng Espiritu Santo.

.   Tumanggap ka ng Bautismo ng Espiritu Santo.

.   Maglista ng apat na mga dahilan kung bakit laban ang ibang mga tao sa Bautismo

    ng Espiritu Santo.

 

SUSING TALATA:

 

            Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng             Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong             Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

            ( Gawa 1:8)

 

PAMBUNGAD

 

Mayroong apat na iba’t ibang bautismo ayon sa Biblia:

 

            1. Ang bautismo ng pagdurusa na dinanas ni Jesus.

            2. Ang bautismo sa tubig na ginawa ni Juan Bautista.

            3. Ang pagbabautismo sa tubig ng Kristiyano.

            4. Ang Bautismo ng Espiritu Santo.

 

Aang kabanatang ito ay tungkol sa bautismo ng Espiritu Santo. ( Ang unang tatlong bautismo ay tinalakay sa Harvestime International Institute na kursong pinamagatang

“ Mga Saligan ng Pananampalataya.”)

 

KATUTURAN

 

Ang salitang “ bautismo” ay nangangahulugang ilubog sa isang bagay.

ANG PANGAKO NG BINYAG

 

 

Pagkatapos ng pagkabuhay na maguli at bago Siya umakyat sa Langit, nagbigay si Jesus ng mahalagang tagubilin sa Kanyang mga tagasunod:

 

            At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako ng Aking Ama, datapuwat             magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng             kapangyarihang galing sa itaas. ( Lucas 24:49)

 

Ang pangakong binanggit ni Jesus ay ang Espiritu Santo:

 

            At Ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y bibigyan Niya ng ibang Mangaaliw,             upang Siyang suma inyo magpakailan man;

 

            Sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap             ng sanglibutan; sapagkat hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man Siya:             Siya’y nakikilala ninyo; sapagkat Siya’y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.

 

            Hindi Ko kayo iiwang magisa: Ako’y paririto sa inyo. ( Juan 14:16-18)

 

Hindi ito bagong pangako. Ang kaloob ng Espiritu ay naipangako na noong panahon ng Lumang Tipan:

 

            …sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba’t ibang   wika ay sasalitain Niya sa bayang ito.

 

            Na Kaniyang pinagsabihan, ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo             siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon may hindi nila pinakinggan.

            ( Isaias 28: 11-12)

 

            …ibubuhos Ko ang Aking Espiritu sa lahat ng laman…(Joel 2: 28)

 

ANG TANDA NG ESPIRITU SANTO

 

Tulad ng natutuhan mo sa nakaraang kabanata, ang Espiritu Santo ay maraming pakay sa buhay ng mga mananampalataya. Isa sa mga layunin ng Espiritu Santo ay upang gawin ang isang Kristiyano na isang makapangyarihang saksi para sa Evangelio:

 

            Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng             Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko…hanggang sa             kahulihulihang hangganan ng lupa. ( Gawa 1:8)

 

Ang tunay na ebidensiya ng bautismo ng Espiritu Santo ay nakita kaagad sa buhay ni Apostol Pedro. Bago ang araw ng Pentecostes itinatwa niya na kilala niya si Jesus. Pagkatapos niyang mabautismuhan sa Espiritu Santo, tumayo si Pedro at nagbigay ng isang makapangyarihang patotoo sa Evangelio kung saan 3,000 kaluluwa ang naligtas.

 

Itong kapangyarihan ng Espiritu Santo sa unang iglesia ang pinagmulan ng pagkalat ng Evangelio sa buong mundo. Nakatala sa aklat ng Mga Gawa ang makapangyarihang patotoo ng bautismo sa Espiritu Santo.

 

ANG BAUTISMO SA ESPIRITU SANTO

 

Mayroong pitong mga talata sa Bagong Tipan kung saan ang salitang “bautismo” ay ginamit na may kaugnayan sa Espiritu Santo. Apat dito ay mga salita ni Juan Bautista na natala sa unang apat na Evangelio:

 

            Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi:             datapuwat ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan sa             akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng Kanyang panyapak: Siya ang             inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy. ( Mateo 3:11)

 

            Binabautismuhan ko kayo sa tubig; datapuwat kayo’y babautismuhan Niya             sa Espiritu Santo. ( Marcos 1:8)

 

            Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang             binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwat dumarating ang lalong             makapangyarihan kaysa akin; ako’y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng Kaniyang mga pangyapak: kayo’y babautismuhan Niya sa Espiritu Santo             at sa apoy. ( Lucas 3:16)

 

            At Siya’y hindi ko nakilala; datapuwat ang nagsugo sa akin upang             bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, ang makita mong babaan ng             Espiritu, at manahan sa Kanya, ay Siya nga ang bumabautismo sa Espiritu             Santo. ( Juan 1:33)

 

Nagturo rin si Jesus tungkol sa bautismo ng Espiritu Santo:

 

            Sapagkat tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayo’y             babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa. (Gawa 1:5)

 

Nang si Pedro ay magsalaysay ng mga nangyari sa tahanan ni Cornelio, binanggit niya ang sinabi ni Jesus:

 

            At naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi Niya, Tunay na             si Juan ay nagbabautismo ng tubig; datapuwat kayo’y babautismuhan sa             Espiritu Santo. ( Gawa 11:16)

 

 

 

Ginamit din ni Pablo ang salitang “bautismo” na may kaugnayan sa Espiritu Santo:

 

            Sapagkat sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang             katawan, maging tayo’y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at             tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. ( I Corinto 12: 13)

 

Ang paggamit ng mga salitang “ bautismuhan sa” Espiritu Santo ay tulad din ng paggamit sa Kristiyanong pagbabautismo sa tubig. Sa parehong karanasan ang bautismo ay panglabas na katunayan ng pangloob na karanasang espirituwal.

 

Ang Espiritu Santo ay ibinigay sa panahon ng pagdiriwang ng mga Judio ng Fiesta ng Pentecostes. Dahil dito ang bautismo ng Espiritu Santo ay tinawag na “Karanasang Pentecostal” at ang panahon ng pagbibigay ng Espiritu ay sa “ araw ng Pentecostes.”

 

Ang Espiritu Santo ay bumaba mula sa Langit at inilubog ang mga mananampalataya na nagkakatipon sa silid sa itaas sa isang bahay sa Jerusalem. Sila’y naghihintay sa Kaniyang pagdating tulad ng iniutos sa kanila ni Jesus. Ang sabi ni Pedro ay ang karanasang ito ang katuparan ng pangako ng Dios, “ Sa mga huling araw…ibubuhos Ko ang Aking Espiritu sa lahat ng laman.” Ang pangakong ito’y ibinigay ni Propeta Joel:

 

            At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos Ko ang Aking Espiritu sa lahat ng             laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda y magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga             binata ay mangakakakita ng mga pangitain:

 

            At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos Ko sa mga araw na             yaon ang Aking Espiritu. ( Joel 2: 28 -29)

 

Lalake at babae, bata at matanda ay kasali dito sa pagbubuhos ng Espiritu Santo. Sila ay manghuhula, mananaginip ng mga panaginip, at makakikita ng mga pangitain. Ang Espiritu ng Dios ay bibigyan ng kapangyarihan ang mga alipin, mga lalake at mga babae. Sa araw na ibinigay ang Espiritu Santo, ang sabi ni Pedro ay:

 

            Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni             Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin             ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

 

            Sapagkat sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa             malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa Kanya.

             ( Gawa 2: 38-39)

 

Ang mga salita ni Pedro ang nagpakita na ang pangako ng Espiritu Santo ay:

 

            - Pangako sa bayan:                            “ Sa inyo” [sa mga Judio]

            - Pangako sa pamilya:                         “ Sa inyong mga anak.”

            - Pangako sa buong sanglibutan:        “ Sa lahat ng malalayo.”

ANG PISIKAL NA TANDA

 

Ang Espiritu Santo ay hindi nakikita ng natural na mata. Inihalintulad ito ni Jesus sa hangin:

 

            Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang             ugong, ngunit hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan             naparoroon: gayon ang bawat ipinanganak ng Espiritu. ( Juan 3:8)

 

Bagama’t ang hangin ay di nakikita, ang mga epekto nito ay nakikita at naririnig. Kapag ang hangin ay umihip tumataas ang alikabok mula sa lupa, ang mga punong kahoy ay humihiga sa isang direksiyon, tumutunog ang mga dahon, umuugong ang mga alon sa dagat, at ang mga ulap ay kumikilos sa alapaap. Ang mga ito ang pisikal na tanda na may hangin. Gayon din sa Espiritu Santo. Kahit Siya’y hindi nakikita, ang mga epekto Niya ay nakikita at naririnig.

 

May tatlong lugar sa Bagong Tipan kung saan sinasabi kung ano ang nangyayari kapag ang mga tao ay nababautismuhan ng Espiritu Santo:

 

1. ARAW NG PENTECOSTES:

 

Sa Mga Gawa 2: 2-4 ay nasusulat kung ano ang nangyari sa araw ng Pentecostes:

 

            At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang             humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang             kinauupuan.

 

            At sa kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na             nagkabahabahagi; at dumapo sa bawat isa sa kanila.

 

            At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang             magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na             kanilang salitain. (Gawa 2: 2-4)

 

2. BAHAY NI CORNELIO:

 

Sa Mga Gawa 10: 44-46 ay mababasa natin kung ano ang nangyari nang si Pedro ay nangaral ng Evangelio sa lalaking si Cornelio at ang kanyang sambahayan:

 

            Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang             Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng Salita.

 

            At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na             nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagkat ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.

 

            Sapagkat nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at             nangagpupuri sa Dios…( Gawa 10: 44-46)

 

3. MGA NAHIKAYAT SA EFESO:

 

Ang Gawa 19:6 ay naglalarawan kung ano ang nangyari sa mga unang nahikayat sa Efeso:

 

            At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay             bumaba sa kanila ang Espiritu Santo: at sila’y nagsipagsalita ng mga wika,             at nagsipanghula. ( Gawa 19: 6)

 

MAGKAKATULAD NA TANDA: IBA’T IBANG WIKA

 

Kapag ating kinumpara ang mga talatang ito, may isang tandang pisikal na magkakatulad sa tatlong pangyayaring ito: Ang mga tumanggap ng bautismo ng Espiritu Santo ay nagsalita ng iba’t ibang wika. Iba pang mga di pangkaraniwang mga tanda ang nabanggit, subalit hindi ito makikita sa tatlong pangyayaring naganap.

 

Sa araw ng Pentecostes ay may malakas na hanging humahagibis at mga dilang apoy ay nakita. Ang mga ito ay hindi natala sa dalawang pangyayaring sumunod. Sa Efeso ay nanghula ang mga bagong hikayat. Hindi nabanggit ito na nangyari sa araw ng Pentecostes o sa bahay ni Cornelio.

 

Ang isang tanging panglabas na tanda na nakita ng mga apostol sa tahanan ni Cornelio at sa kanyang mga kasambahay ay ang pagsasalita ng mga wika. Itong pisikal na tandang ito ang katunayan sa mga alagad na ang sambahayan ni Cornelio ay nabautismuhan ng Espiritu Santo. Mula rito sa mga natalang karanasan sa Biblia masasabi natin na ang pisikal na tanda ng pagsasalita ng wika sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay nagpapatunay na ang isang tao ay nabautismuhan ng Espiritu Santo.

 

Ang tanda ng “wika” ay maaaring mga wikang alam ng tao. Ganito ang nangyari sa araw ng Pentecostes:

 

            At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, Narito, hindi baga mga             Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?

 

            At bakit nga naririnig ng bawat isa sa atin, ang ating sariling wikang             kinamulatan?  ( Gawa 2: 7-8 )

 

Ang mga wika ay maaaring hindi rin alam ng tao. Ang tawag dito ay hindi alam na wika:

 

            Sapagkat ang nagsasalita ng wika ay hindi sa tao nagsasalita, kundi sa Dios;             sapagkat walang nakauunawa sa kanya; kundi sa Espiritu ay nagsasalita ng             mga hiwaga. ( I Corinto 14: 2)

 

MGA LAYUNIN PARA SA MGA WIKA

 

Ang tanda ng pagsasalita ng mga wika sa pamamagitan ng bautismo sa Espiritu Santo ay maraming mga layunin para sa buhay ng mga mananampalataya. Buksan mo ang

I Corinto 14 sa iyong Biblia. Narito ang ilang mga layunin ng mga wika:

 

            - Panalangin sa Dios:            Talatang 2

            - Pagpapalakas sa sarili: Nagdaragdag ka ng kaalamang espirituwal. Talatang 4

            - Kung isinasalin sa wikang naiintindihan, ito’y nagpapalakas sa Iglesia.

               Talatang 12-13

            - Pananalangin para sa iba: Talatang 14 ( Tingnan rin ang Roma 8: 26-27)

            - Isang tanda sa mga hindi nananampalataya: Talatang 22

            - Katuparan ng hula: Talatang 21 (Tingnan din ang Isaias 28: 11-12)

            - Pagpupuri: Talatang 15, 17

 

MGA LABAN SA PAGSASALITA NG MGA WIKA

 

Maraming tao ang laban sa pagsasalita ng mga wika. Ito ang ilan sa kanilang mga pagtutol:

 

ANG BAWAT KRISTIYANO AY MAY ESPIRITU SANTO:

 

Isa sa mga karaniwang katuwiran ay ang bawat Kristiyano ay tumanggap na ng Espiritu Santo nang siya ay mahikayat…Hindi na niya kailangan ang dagdag na karanasan upang tanggapin ang bautismo ng Espiritu Santo. Subalit tingnan mo ang halimbawa ng mga tao sa Bagong Tipan na tunay na mananampalataya. Ang mga apostol ay nagsisi ng kanilang mga kasalanan at naniwala na si Jesus ang Mesias. Sila mismo ang nakakita na tunay ang Kanyang kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na maguli. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod:

 

            At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako ng Aking Ama, datapuwat             magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng             kapangyarihang galing sa itaas. ( Lucas 24: 49)

 

At sinabi pa Niya:

 

            Sapagkat tunay sa si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayo’y             babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa. ( Gawa 2: 4)

 

Bagama’t ang mga apostol ay mga Kristiyano na, noong araw lamang ng Pentecostes sila nabautismuhan sa Espiritu Santo.

 

Ang mga taga Samaria ay nakarinig ng pangangaral ng evangelio. Sila ay nanampalataya at nabautismuhan sa tubig, subalit hindi pa sila tumatanggap ng Espiritu Santo:

 

            Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng             Samaria ang Salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan:

 

            Na nang sila’y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang             tanggapin ang Espiritu Santo.

 

            (Sapagkat ito’y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila’y             nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.)

 

            Nang magkagayo’y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang             tinanggap ang Espiritu Santo. ( Gawa 8: 14-17)

 

Ang mga tao sa Samaria ay tumanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng ministeryo ni Felipe. Tumanggap sila ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng ministeryo ni Pedro at ni Juan. Ang pagtanggap ng Espiritu Santo ay hiwalay na karanasan sa pagtanggap ng kaligtasan.

 

Inilarawan ng Gawa 19: 1-6 kung paanong si Pablo ay naparoon sa Efeso at nakakilala ng mga taong tinatawag na mga “alagad.” Ang unang itinanong ni Pablo ay, “Natanggap niyo na ba ang Espiritu Santo mula nang kayo’y manampalataya?”

 

Kung tinanggap na ng mga tao ang Espiritu Santo kasabay ng kanilang pagkaligtas, kamangmangan na itanong ito ni Pablo sa kanila. Samakatuwid ay maaari kang maging mananampalataya kahit wala ka pang bautismo ng Espiritu Santo. Kahit na tumanggap ang isang tao ng bautismo ng Espiritu Santo na kasabay ng kanyang kaligtasan, ito ay magkaiba pa ring karanasan.

 

Tulad ng natutuhan mo, ang ministeryo ng Espiritu Santo ay makikita na mula pa nang lalangin ang sanglibutan. Sinabi sa Lumang Tipan na ang Espiritu Santo ay dumating sa mga espirituwal na lider ng Israel. Ang Espiritu Santo rin ang kumikilos sa buhay ng makasalanan upang siya ay lumapit kay Cristo.

 

Subalit ang mga ministeryong ito ay kaiba sa bautismo ng Espiritu Santo. Nilinaw ito ni Jesus nang Kanyang sabihing:

 

            Samakatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagkat hindi nito Siya nakikita, ni nakikilala man Siya: Siya’y nakikilala ninyo; sapagkat Siya’y tumatahan sa inyo  [sa ngayon],  at sasa inyo  

[sa hinaharap].  (Juan 14: 17)

 

Ang Espiritu Santo ay kasama ng mga alagad noon, subalit hindi pa naninirahan sa kanila. Sila ay napuno [ binautismuhan] ng

Espiritu Santo noong araw ng Pentecostes.

 

Ang Espiritu Santo ay KASAMA ng makasalanan upang ilapit siya kay Cristo. Subalit hindi ito katulad ng NANINIRAHAN SA LOOB  niya.

Sa Lumang Tipan ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay dumarating sa mga espirituwal na lider sa mga tanging pagkakataon. Sa Bagong Tipan ang kapangyarihang ito ay ibinigay na permanente sa mga mananampalataya.

 

Ang Espiritu Santo ay KASAMA  ng mga espirituwal na lider sa panahon ng Lumang Tipan. Subalit hindi Siya NANINIRAHAN SA LOOB nila. Ito ang pagkakaiba ng ministeryo ng Espiritu Santo sa Luma at Bagong Tipan.

 

ANG LAHAT BA AY NAGSASALITA NG WIKA?

 

Isa pang pagtutol ng iba sa pagsasalita ng wika ay dahil sa hindi pagkaunawa sa tanong ni Pablo. Sa I Corinto 12:30 ay itinanong niya, “ang lahat ba ay nagsasalita ng mga wika?” Ang sagot sa tanong na ito ay “ Hindi nagsasalita ng wika ang lahat.” Hindi ang bautismo ng Espiritu Santo ang tinutukoy ni Pablo rito. Ang talakayan ay tungkol sa mga kaloob ng Espiritu na maaaring gamitin ng isang mananampalataya sa iglesia.

 

            Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa’y samasamang mga sangkap             Niya. 

 

            At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y             mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na             pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika.             (I Corinto 12: 27-28)

 

Ang tinutukoy ni Pablo rito ay ang mga kaloob na maaaring gamitin ng mga miembro sa iglesia. Isa sa mga kaloob ay ang “pagsasalita ng iba’t ibang wika.” Ito ay kakayahang magbigay ng mga tanging mensahe sa iglesia sa pamamagitan ng ibang wika dahil sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

 

Bagama’t ang lahat ay nakakaranas ng pagsasalita ng wika pag nababautismuhan ng Espiritu Santo, hindi lahat ay tumatanggap ng kaloob ng iba’t ibang wika. ( Ito ay tinatalakay ng lalo pang malalim sa Ika-Siyam na kabanata).

 

TAKOT:

 

Ang ilang mananampalataya ay hindi naghahangad na mabautismuhan ng Espiritu Santo sapagkat natatakot silang makatanggap ng isang karanasan na hindi mula sa Dios. Subalit narito ang sabi sa Biblia:

 

            Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y             mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan:

 

            Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay             nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

 

O anong tao sa inyo, ang kung siya’y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;

 

            O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?

 

            Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng             mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na        nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa Kanya?

            ( Mateo 7: 7-11 )

 

Kung ang mananampalataya ay humingi sa Dios ng isang bagay, tulad ng isang mabait na ama sa lupa, hindi Niya tutulutan na tumanggap ang anak na ito ng anumang makasasama sa kanya.

 

KARANASANG EMOSIYONAL:

 

Isa pang nilalabanan ng ilang tao tungkol sa pagsasalita ng wika ay, ito ay isang emosiyonal na karanasan. Maraming mananampalataya ay binibigyang diin ang kanilang karanasang emosiyonal sa pagtanggap ng bautismo sa Espiritu Santo.

 

Ang tao ay isang emosiyonal na nilalang. Ang pagkahikayat kay Cristo ay hindi nagaalis ng emosiyon sa tao. Makararanas pa rin siya ng kagalakan at kalungkutan. Ang pagkahikayat ay nagpapalaya sa tao mula sa pagkabihag ng kasalanan. Ang damdaming ito ay itinutuon sa pagsamba sa Dios.

 

Ang salitang “kagalakan” sa Biblia ay iniuugnay sa Espiritu Santo. Mababasa natin sa Gawa 13:52 na “ang mga alagad ay napuno ng kagalakan, at ng Espiritu Santo.” Ang ibang tao ay matindi ang pagpapakita ng emosiyon pag tumanggap sila ng bautismo ng Espiritu Santo, sapagkat sila ay natural na emosiyonal kaysa iba. Sila ay maaaring sumigaw, tumawa, o makaranas ng mga nakakikilabot na karanasan sa kanilang katawan.

 

Subalit hindi itong mga ito ang tanda ng bautismo ng Espiritu Santo. Ang tiyak na tanda ay pagsasalita ng wika. Ang ebidensiya ay ang kapangyarihan. Hindi kailangang magpakita ng matinding emosiyon tulad ng pagtawa, pagsigaw, pagsasayaw, atbp., upang mabautismuhan sa Espiritu Santo. Ang reaksiyon ng isang tao sa kagalakang nadarama sa karanasang ito ay batay din sa kanyang sariling emosiyon.

 

Subalit hindi mo dapat pintasan yaong mga sobra ang kagalakan sa Espiritu Santo. Kahit ang Biblia ay nagtala rin ng mga reaksiyon ng mga taong nagkaroon ng makapangyarihang karanasan sa Dios. Sila ay nanginig, nagpatirapa sa lupa, nagalak, at nagsayaw sa harap ng Dios.

 

Nakatutuwang pagmasdan ang reaksiyon ng mga tao sa isang palaro. Sila ay tumitili, tumatawa, tumatalon, at masyadong “excited” sa laro na sports. Lalo na tayong dapat maging “excited” sa kaloob ng Espiritu Santo na maraming ginagawa sa ating buhay- nagdadala ng kagalakan, at nagbibigay ng kapangyarihan upang ang evangelio ay mapalaganap natin sa sanglibutan.

 

Ang Salmistang si David ay sang-ayon dito. Inilalarawan niya ang isang masaya, malakas, at emosiyonal na pagsamba sa Dios:

 

            O magsiparito kayo, tayo’y magsiawit sa Panginoon: Tayo’y magkaingay na        may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan.

 

            Tayo’y magsiharap sa Kanyang harapan na may pagpapasalamat, Tayo’y             magkaingay na may kagalakan sa Kaniya na may mga pag-aawitan.

 

            Sapagkat ang Panginoon ay dakilang Dios, At dakilang Hari sa lahat ng mga             Dios. ( Awit  95: 1-3)

 

            Purihin ninyo Siya ng tunog ng pakakak; Purihin ninyo Siya ng salterio at             alpa.

 

            Purihin ninyo Siya ng pandereta at sayaw: Purihin ninyo Siya ng mga             panugtog  na kawad at ng flauta.

 

            Purihin ninyo Siya ng mga matunog na simbalo, Purihin ninyo Siya sa             pinakamatunog na simbalo.

 

            Purihin ng bawat bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang             Panginoon. ( Awit 150: 3-6)

 

Hindi ka dapat matakot na baka ikaw ay makagawa ng isang bagay na hindi tama o mawalan ka ng kontrol sa iyong sarili pag tinanggap mo ang bautismo ng Espiritu Santo.

 

Ang sabi ni Pablo patungkol sa pagsasalita ng mga wika ay, may mga panahon na dapat kang “tumahimik” at “huwag magsalita” (I Corinto 14). Hindi siya magsasabi ng ganito kung ang Espiritu Santo ay nagiging dahilan na ang mga tao ay mawalan ng kontrol. Ang sabi ng Biblia ay:

 

            At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta.

            (I Corinto 14:32)

 

Ang ibig sabihin nito ay anumang kaloob na ibinigay ng Dios sa atin ay maaaring supilin ng gumagamit. Hindi gumagawa ng hindi tama ang Dios sapagkat…

 

            ...Ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan…

            (I Corinto 14: 33)

 

 

 

ANG PAGTANGGAP SA ESPIRITU SANTO

 

Ang mga sumusunod ay mga giya sa pagtanggap ng bautismo ng Espiritu Santo:

 

MAGSISI KA AT MAGPABAUTISMO:

 

            Magsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni             Jesuscristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin             ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. (Gawa 2: 38)

 

MANIWALA KANG ITO AY PARA SA IYO:

 

            Sapagkat sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa             malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa Kanya.

             ( Gawa 2: 39)

 

NASAIN MO ITO:

 

            Si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao’y             nauuhaw, ay pumarito siya sa Akin, at uminom.

 

            Ang sumasampalataya sa Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa             loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.

 

            ( Ngunit ito’y sinalita Niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga             magsisisampalataya sa Kaniya: sapagkat hindi pa ipinagkakaloob ang             Espiritu; sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.)  (Juan 7: 37-39)

 

TANGGAPIN MO ITO BILANG KALOOB:

 

Ibinigay na ang Espiritu Santo. Ibinigay ito sa Iglesia sa araw ng Pentecostes. Sapagkat ito ay isang kaloob, wala kang magagawa upang ito ay bayaran mo:

 

            …ang kaloob ng Espiritu Santo. ( Gawa 2: 38)

 

            Ito lamang ang ibig Kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang             Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa             pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

 

            Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa             gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa             kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

 

            Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo             Jesus;upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang             pangako ng Espiritu. ( Galacia 3: 2, 5, 14 )

Magpasimula kang magpasalamat sa Dios para sa kaloob ng Espiritu Santo.

 

 

SUMUKO SA DIOS:

 

Isuko mo ang iyong dila sa Dios sa pagpuri at pagsamba. Sa iyong pagpupuri ng pasalita mararanasan mo na ikaw ay nauutal. Sa patuloy mong pagsuko ng iyong dila sa Espiritu Santo, magsasalita Siya sa pamamagitan mo ng mga salitang hindi mo nauunawaan. Ito ang pisikal na ebidensiya ng bautismo ng Espiritu Santo:

 

            Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may             iba’t ibang wika ay sasalitain Niya sa bayang ito. ( Isaias 28:11)

 

            At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang             magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na             kanilang salitain. ( Gawa 2:4)

 

HILINGIN ANG PANALANGIN NG IBANG MANANAMPALATAYA:

 

Ang Espiritu Santo ay maaaring tanggapin sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay

( Gawa 8, 9, 19) o kahit na hindi pinapatungan ng kamay ( Gawa 2, 4 10). Pag-aralan ang mga kabanatang ito upang makita kung paanong ang mga pinuspos na mga mananampalataya ay makakatulong sa iyo upang tumanggap ka ng bautismo sa Espiritu Santo.

 

KAHALAGAHAN NG KARANASANG ITO

 

Ang bautismo sa Espiritu Santo ay mahalaga sapagkat tinutulungan ka nito na magkaroon ng kapangyarihan sa pagsaksi sa mensahe ng Evangelio:

 

            Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng             Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong             Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

             ( Gawa 1: 8)

 

            At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas      sila ng mga demonio sa Aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong             wika;

 

Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong             nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila’y magsisigaling.  ( Marcos 16: 17-18 )

 

Ang Espiritu Santo rin ay nagbibigay ng mga tanging kaloob na espirituwal at nagpapalago ng espirituwal na bunga sa iyong buhay. Ang mga kaloob at bungang ito ang paksa ng mga natitirang kabanata sa pag-aaral na ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

________________________________________

2. Magbigay ng anim na alituntunin upang matanggap ang bautismo ng Espiritu Santo.

 

________________________  _______________________  ______________________

 

_______________________  _______________________  ________________________

3. Ano ang panglabas na pisikal na tanda ng bautismo ng Espiritu Santo?

 

________________________________________

 

4. Ano ang tunay na ebidensiya ng bautismo ng Espiritu Santo?  Magbigay ng reperensiya sa Biblia na magpapatunay sa iyong sagot.

 

________________________________________

5. Ano ang apat na tutol ng ibang tao sa “pagsasalita ng wika” bilang tanda ng bautismo?

 

______________________________    __________________________________

 

_______________________________   __________________________________

 

6. Makatuwiran ba ang mga pagtutol na ito ayon sa Biblia? ___________________

 

7. Ano ang kahulugan ng salitang “bautismo”?

 

________________________________________

8. Maglista ng tatlong reperensiya sa Biblia na nagsasabi kung anu-ano ang nangyayari kapag ang mga tao ay tumatanggap ng bautismo ng Espiritu Santo?

 

_________________________  _____________________  ______________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

1. Ang Espiritu Santo ay binabanggit ng 85 na beses sa Lumang Tipan. Sa pagbasa mo ng Lumang Tipan bilugan mo ang bawat banggit ng Espiritu Santo. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa iyo na maunawaan mo ang ministeryo ng Espiritu Santo bago ang kapanahunan ng Bagong Tipan. Kung natapos mo ang takdang aralin sa Bagong Tipan sa Ikalawang Kabanata ay mayroon ka nang kumpletong pag-aaral tungkol sa Espiritu Santo na naka marka sa iyong Biblia.

 

2. Ang Kaloob ng Espiritu Santo ay ibinigay bilang katuparan ng mga pangako na mula pa noong panahon ng Lumang Tipan. Pag-aralan ang mga pangako ng Espiritu Santo:

 

Lumang Tipan:

 

Isaias 28: 11-12

Joel 2: 28-29

Isaias 44: 3

 

Bagong Tipan:

 

Juan 7: 38-39; 14: 16-18; 15: 26; 16: 7-11

Gawa 1:4,5,8; 2: 38-39

Galacia 3: 14

Lucas 24: 49

 

3. Nakatanggap ka na ba ng bautismo ng Espiritu Santo? Kung hindi pa, sundin mo ang mga alituntunin sa kabanatang ito upang matanggap mo ito.

 

4. Repasuhin mo ang mga layunin ng “mga wika” na tinalakay sa araling ito. Alin sa mga layuning ito ang nakita mo na sa gamit ng ibang wika?

 

5. Repasuhin mo ang mga pagtutol sa pagsasalita ng ibang wika na tinalakay sa araling ito. Pag-isipan mo kung paano mo sasagutin ang mga tutol na ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALIMANG KABANATA

 

PAGPAPAKILALA SA MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Ibigay ang kahulugan ng mga kaloob na espirituwal.

.    Tukuyin ang pinanggalingan ng mga kaloob na ito.

.    Ibigay ang pagkakaiba ng kaloob na espirituwal at natural na talento.

.    Ipaliwanag ang mga pakay ng mga kaloob na espirituwal.

.    Ipaliwanag ang mga layunin ng mga kaloob na espirituwal.

.    Ipaliwanag kung paano ipinamamahagi ang mga kaloob na ito.

.    Tukuyin ang mga pang-aabuso ng mga kaloob na espirituwal.

.    Tukuyin ang susi sa paggamit ng mga espirituwal na kaloob.

.    Ibigay ang pagkakaiba ng tama at maling mga kaloob na espirituwal.

 

SUSING TALATA:

 

            Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa Espiritu, mga kapatid, ay hindi    ko ibig na hindi kayo makaalam. ( I Corinto 12: 1)

 

PAMBUNGAD

 

Iniwan ni Jesus ang responsabilidad na palaganapin ang mensahe ng Evangelio sa buong mundo, sa Kanyang mga alagad. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang tutulong sa kanila sa pagganap nito:

 

            Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng             Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong             Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

             ( Gawa 1: 8)

 

Hindi iniwan ni Jesus ang dakilang responsabilidad na ito na hindi sila binibigyan ng kakayahang isagawa ito. Ang mga kaloob na espirituwal  ay mga abilidad na galing sa Espiritu Santo upang bigyan ng kapangyarihan ang mga mananampalataya na maging epektibong mga saksi ng Evangelio.

 

Ang paksa ng mga kaloob na espirituwal ay itinuro ni Pablo sa unang iglesia. Ang sabi niya ay:

            Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa Espiritu, mga kapatid, ay hindi    ko ibig na hindi kayo makaalam. ( I Corinto 12: 1)

 

Ipinakikilala ng kabanatang ito ang paksa ng mga kaloob na espirituwal. Ang mga susunod na kabanata ay tungkol sa iba’t ibang mga kaloob na espirituwal na ibinigay sa mga mananampalataya. Magbibigay din ng mga giya kung paano mo madidiskubre ang iyong kaloob na espirituwal.

 

ANU-ANO ANG MGA KALOOB NA ESPIRITUWAL?

 

Ang ibig sabihin ng salitang “espirituwal” ay “kontrolado ng Espiritu Santo.” Ang “kaloob” ay isang bagay ng ibinigay nang walang bayad, mula sa isang tao patungo sa isa. Ang kaloob na espirituwal ay isang makalangit na kakayahan na ibinigay ng Espiritu Santo sa isang mananampalataya upang maglingkod bilang isang bahagi ng Katawan ni Cristo.

 

May pagkakaiba ang “kaloob” ng Espiritu Santo sa “mga kaloob” ng Espiritu Santo. Ang “kaloob” ng Espiritu Santo ay nangyari sa Pentecostes ( Gawa 2) nang dumating ang Espiritu Santo bilang tugon sa pangako ni Jesus:

 

            At Ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y bibigyan Niya ng ibang             Mangaaliw…Sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan…

            ( Juan 14: 16-17a)

 

Ang “kaloob” ng Espiritu Santo ay ibinigay na bilang tugon sa pangakong ito. Ang “ mga kaloob” ng Espiritu Santo ay makalangit na kakayahan na ibinibigay ng Espiritu Santo sa mga mananampalataya upang maging epektibo sila sa ministeryo:

 

            At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumgawang kasama             nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang Salita sa pamamagitan ng mga             tandang kalakip. (Marcos 16: 20)

 

MGA KALOOB AT MGA TALENTO

 

May pagkakaiba ang mga kaloob na espirituwal at natural na talento. Ang talento ay natural na abilidad na minana pagkapanganak o pinagyaman sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang kaloob na espirituwal ay makalangit na abilidad na hindi nanggaling sa minana o pagsasanay. Ito ay espesyal na kakayahan na ibinigay ng Espiritu Santo upang magamit sa mga layuning espirituwal.

 

Posible rin na ang natural na talento ay pinagpala ng Espiritu Santo matapos kang maging mananampalataya. Pag ito’y nangyari, ang talento ay nagiging kaloob na rin. Halimbawa, ang isang tao ay may natural na talento bilang administrador dahil sa pagsasanay na tinanggap niya. Pagkatapos ng bautismo niya sa Espiritu Santo itong natural na talento ay maaaring maging aprobado ng Espiritu Santo at maaari siyang gamitin bilang kaloob na espirituwal sa pangagasiwa.

Ang mga kaloob na espirituwal ay nagbibigay ng espirituwal na kakayahang higit sa mga natural na talento. Bagama’t dapat nating gamitin ang ating mga natural na talento para sa Panginoon, kailangan pa rin natin ang mga kaloob na espirituwal.

 

MGA PAKAY NG KALOOB

 

Ang mga pakay ng kaloob ng Espiritu Santo ay nakalista sa Efeso 4: 12-15:

 

            Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng             katawan ni Cristo:

 

            Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at             ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao,             hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:

 

            Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito’t doon             at dinadala sa magkabikabila ng lahat ng hangin ng aral, sa pamamagitan ng        mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

 

            Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa        lahat ng mga bagay sa Kanya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga’y si             Cristo.  ( Efeso 4: 12-15)

 

Ayon sa mga talatang ito, ang mga pakay ng Espiritu Santo ay :

 

            - Pasakdalin ang mga banal

            - Palaganapin ang gawain ng ministeryo

            - Pagtibayin si Cristo at ang Iglesia

 

Ang mga layunin ng mga kaloob na espirituwal ay upang tayo ay:

 

            - Maging isa sa pananampalataya.

            - Paunlarin ang ating kaalaman tungkol kay Cristo.

            - Lumago sa kasakdalan,  si Cristo bilang modelo.

            - Maging matatag, hindi naililigaw ng maling doktrina.

            - Patuloy na lumalagong espirituwal kay Cristo.

 

ANG TATLONG PERSONA AT ANG MGA KALOOB

 

Napagaralan mo na na ang Espiritu Santo ay bahagi ng Tatlong Persona ng Dios. Lahat ng Tatlong Persona ng Kadiosan ay kasali sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga

mananampalataya:

 

            Ngayo’y may iba’t ibang mga kaloob, datapuwat iisang Espiritu. At may     iba’t ibang pangangasiwa, datapuwat iisang Panginoon.  At may iba’t ibang             paggawa, datapuwat iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa             lahat. ( I Corinto 12: 4-6)

 

Ang Espiritu Santo, ang Dios, at ang Panginoon [Jesucristo] ay binabanggit na lahat sa mga talatang ito. Ang kanilang mga gawain ay makikita dito sa tsart sa ibaba:

 

 

ikaapat na talata                                 ika-limang talata                     ika-anim na talata

               I                                                         I                                                  I

Espiritu                                                  Panginoon                                     Dios

               I                                                          I                                                  I

Mga Kaloob                                           Mga Pangangasiwa                        Mga Paggawa

               I                                                          I                                                   I

(Iba’t ibang kaloob)                              (Iba’t ibang paglilingkod)           (Paggamit ng mga

                                                                                                                   kaloob sa iba’t                                                                                                                                                        ibang paraan)

 

 

MGA ESPIRITUWAL NA SANDATA

 

Ang mga kaloob ng Espiritu ay ibinibigay rin sa Iglesia  bilang sandata sa pakikipagdigmang espirituwal upang magapi ang mga espirituwal na lakas ni Satanas:

 

            Sapagkat ang ating pakikipagbaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi             laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga             namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu             ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. ( Efeso 6: 12)

 

Yamang ang labanan na kinapapalooban ng mga mananampalataya ay espirituwal, dapat ay mga espirituwal, hindi natural, na sandata ang gamitin. Ang ibang mga mananampalataya ay nakikipaglaban sa espirituwal na digmaang ito na hindi nalalaman ang mga armas na dapat gamitin. Kapag nagpunta ka sa labanan na walang armas, hindi mo maaasahan na ikaw ay manalo. Kaya mahalaga na maunawaan ang mga espirituwal na kaloob. Bahagi ito ng mga sandatang espirituwal na ibinigay ng Dios.

 

ANG PAMAMAHAGI NG MGA KALOOB

 

Ang bawat mananampalataya ay may isa o higit pang kaloob:

 

            Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo             rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios.

             (I Pedro 4:10)

 

            Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang             pakinabangan naman.

 

            Datapuwat ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na             binabahagi sa bawat isa ayon sa Kaniyang ibig. (I Corinto 12: 7,11)

 

Sapagkat ang bawat isang mananampalataya ay may isang kaloob, o higit pa, katungkulan nating diskubrihin at gamitin ang ating kaloob.

 

Hindi ka hahatulan ayon sa dami ng kaloob na espirituwal na mayroon ka. Ikaw ay hahatulan ayon sa iyong katapatan sa paggamit ng mga kaloob na ito. Ang talinhaga ng mga talento sa Mateo 25: 14-30 ang nagpapatunay sa katotohanang ito.

 

Marami ang mga kaloob na espirituwal, subalit walang isang mananampalataya ang mayroon ng lahat ng kaloob ng Espiritu Santo:

 

            Lahat baga’y mga apostol? Lahat baga’y mga propeta? Lahat baga’y mga     guro? Lahat baga’y mga manggagawa ng mga himala?

 

            May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? Nangagsasalita baga ang             lahat ng mga wika? Lahat baga ay nangagpapaliwanag?

             (I Corinto 12: 29-30)

 

Ang isang tao ay maaaring may isang kaloob, subalit walang sinuman na mayroon ng lahat ng kaloob ng Espiritu. Kung ang isang tao ay mayroon ng lahat ng kaloob, hindi na niya kakailanganin ang ibang tao sa Katawan ni Cristo.

 

ANG PAG-ABUSO SA MGA KALOOB

 

Ang kaloob na espirituwal ay maaaring abusohin. Ang ibig sabihin ng “abuso” ay kapag hindi ginamit ng wasto ang kaloob. Maaari mong abusohin ang mga kaloob na espirituwal sa pamamagitan ng:

 

HINDI PAGGAMIT NG MGA KALOOB NA IBINIGAY SA IYO:

 

Ang sabi ni Apostol Pablo kay Timoteo:

 

            Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na sa iyo’y ibinigay sa             pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan             ng mga presbitero. ( I Timoteo 4:14)

 

            Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na             nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.

            (II Timoteo 1:6)

 

 

 

 

NAGPUPUMILIT NA GAMITIN ANG MGA KALOOB NA HINDI IBINIGAY SA IYO:

 

Habang nasa Samaria, nakakilala si Pedro at si Juan ng lalaking nagngangalang Simon na gustong magkaroon ng makapangyarihang mga kaloob na nakita niya. Nag-alok ng pera si Simon upang mapasa kanya ang mga abilidad na ito. Ang sabi ni Pedro:

 

            Ang iyong salapi’y mapahamak na kasama mo, sapagkat inisip mong             tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi. Wala kang bahagi ni             kapalaran man sa bagay na ito… ( Gawa 8: 20-21)

 

Ang mga espirituwal na kaloob ay mula sa Espiritu Santo. Hindi ito makukuha sa ibang paraan. Hindi mo maaaring pagpasiyahan kung alin ang gusto mong kaloob o gamitin ang isang espirituwal na kaloob. Ang Espiritu Santo ang nagbibigay nito sa iyo.

 

Sa isang pagkakataon, ang pitong anak na lalaki ng pangulong saserdote ay nakita ang mga himala na ginawa ni Apostol Pablo, at sinikap nilang gamitin itong kaloob na ito upang magpalayas ng mga demonyo:

 

            At sumagot ang masamang espiritu at sa kanila’y sinabi, Nakikilala ko si         Jesus, at nakikilala ko si Pablo; datapuwat sino-sino kayo?

 

            At ang taong kinaroroonan ng masamang espiritu ay lumukso sa kanila, at             sila’y kaniyang natalo, at nadaig sila, anupa’t nagsitakas sila sa bahay na        yaon na mga hubo’t hubad at mga sugatan. ( Gawa 19: 15-16)

 

Mapanganib na subuking gamitin ang isang kaloob na walang pahid ng Espiritu Santo.

 

MALING PAGGAMIT NG MGA KALOOB:

 

Tinalakay ni Pablo sa I Corinto 12-14 ang tamang paggamit ng mga kaloob na espirituwal. Narito ang buod ng mga turong ito:

 

            Sapagkat ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng             kapayapaan…Datapuwat gawin ninyong may karapatan at may kaayusan             ang lahat ng mga bagay. (I Corinto 14: 33, 40)

 

Ang Dios ay hindi lumikha ng kaguluhan. Kung saan may kaguluhan, ang mga kaloob ay hindi ginagamit nang wasto. Ang mga kaloob na espirituwal ay maaaring gamitin ng mali kung ito ay ginagamit upang pasunurin ang mga tao, magkamal ng kayamanan, o gamitin sa iyong makasariling kasiyahan, sa halip na maglingkod sa iba.

 

Ang mga alituntunin sa paggamit ng mga kaloob na ibinigay ni Pablo sa I Corinto 12-14 ang pipigil sa kaguluhan. Magkakaroon ka ng pagkakataong pag-aralan pa ito sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” sa kabanatang ito.

 

NILULUWALHATI ANG KALOOB:

 

Kung iyong “luluwalhatiin” ang iyong kaloob, pinahahalagahan mo ito nang higit sa ibang mga kaloob. Sa pananaw mo ay mas dakila ang kaloob kaysa sa Nagkaloob nito.

 

MARAMING KALOOB, ISANG PINAGMULAN

 

Sinasabi sa Biblia na marami ang kaloob subalit isa lang ang pinagmulan. Ang pinagmulan ng mga ito ay ang Espiritu Santo. Ipinagkakaloob Niya at ipinagagamit ang mga ito sa buhay ng mga mananampalataya:

 

            Ngayo’y may iba’t ibang mga kaloob, datapuwat iisang Espiritu.

 

            At may iba’t ibang pangangasiwa, datapuwat iisang Panginoon.

 

            At may iba’t ibang paggawa, datapuwat iisang Dios na gumagawa ng lahat    ng mga bagay sa lahat.

 

            Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang             pakinabangan naman. ( I Corinto 12: 4-7)

 

            At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa             atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng             pananampalataya;

 

            O kung ministeryo, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministeryo; o             ang nagtuturo, ay sa kanyang pagtuturo;

 

            O ang umaaral, ay sa kanyang pag-aral: ang namimigay ay magbigay na             may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag, ay             magsaya. ( Roma 12: 6-8)

 

May iisang pinagmulan ang mga kaloob bagaman maraming iba’t ibang mga kaloob. Walang kaloob na mas mahalaga kay sa iba. Ang posisyon mo sa Katawan ni Cristo ay inihalintulad sa mga bahagi ng katawang pisikal. Tulad sa katawan ng tao, ang maliliit na bahagi, tulad ng mata, ay may mahahalagang tungkulin. Ang tila “maliit” na kaloob ay mahalaga sa pagpapatakbo ng iglesia. Ang ibang kaloob ay nangangailangan ng malaking responsabilidad, subalit walang kaloob na mas higit kay sa iba.

 

Ang ibang bahagi ng katawan ay may mas malaking katungkulan kaysa iba. Halimbawa, ang mata ang nagpapakita kung ano ang nakapalibot sa iyo. Ito ang gumigiya sa iyong paglakad. Ito ang nagpapakita sa iyo ng iyong binabasa, at ng kagandahan ng nilalang ng Dios. Malaki ang responsabilidad ng mata, subalit hindi menos ang hinlalaki ng paa na nagbibigay ng balanse sa ating paglakad. Ang pagpatnubay ng mata sa paglakad ay mawawalan ng halaga kung wala kang paa na panglakad. Walang silbi ang mata sa pagbasa kung wala kang utak upang unawain ang iyong binabasa.

Kung minsan ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa Iglesia kung ang mga mananampalataya ay hindi kinikilala ang kaloob ng iba. Halimbawa, ang isang tao ay may kaloob ng pagbibigay at hindi niya maunawaan ang isang kapatid na hindi sagana kung magbigay. O ang isa ay may kaloob ng pangangasiwa at madali siyang mainis sa mga taong walang kaayusan.

 

Ang bawat mananampalataya ay dapat gamitin ang kaniyang espirituwal na kaloob kasama ng ibang mananampalataya na may iba namang kaloob. Pag nangyari ito, ang Iglesia ay lalakad nang maayos bilang isang katawan ni Cristo.

 

MGA KATIWALA NG MGA KALOOB

 

Ikaw ay isa lamang katiwala ng mga kaloob na espirituwal. Ang katiwala ay hindi siyang may-ari ng negosyo. Gumagamit siya ng isang bagay na ibinigay ng isang tao. Ginagamit niya ito sa lugar ng taong nagbigay sa kanya nito. Ikaw ay isang katiwala ni Cristo:

 

Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios. ( I Corinto 4: 1)

 

Bahagi ng “hiwaga” na kung saan ikaw ay katiwala ay ang mga espirituwal na kaloob. Ibinigay ang mga iyan sa iyo ng Espiritu Santo upang maglingkod nang maayos kay Jesus:

 

            Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo             rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios.

             ( I Pedro 4: 10)

 

Bilang katiwala, ikaw ay hahatulan ayon sa iyong katapatan sa paggamit ng mga kaloob na ibinigay sa iyo:

 

            Bukod dito’y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawat isa ay maging             tapat. ( I Corinto 4: 2)

 

ANG MGA KALOOB NG ESPIRITU

 

Ang mahahalagang mga talata tungkol sa mga kaloob na espirituwal ay nakalista dito. Basahin mo ito bago mo pag-aralan ang mga susunod na kabanata. Ang mga talatang ito ang nagpapakilala ng iba’t ibang mga kaloob:

 

            - Roma 12: 1-8                                     - I Corinto 12: 1-31

            - Efeso 4: 1-16                                      - I Pedro 4: 7-11

 

Tandaan na ang mga kaloob na ito ay mga espesyal na kakayahan mula sa Dios upang tayo ay makapaglingkod sa iba’t ibang paraan. Bagama’t may mga ebidensiya ng mga ito sa ating buhay, hindi ibig sabihin noon na mayroon tayo ng kaloob na iyon. Halimbawa, lahat ng mananampalataya ay dapat magbigay sa gawain ng Panginoon ng ikapu at mga handog. Subalit ang kaloob ng pagbibigay ay isang hindi pangkaraniwang pagbibigay na udyok ng Espiritu ng Dios. Ang lahat ng mananampalataya ay may sukat ng pananampalataya ayon sa salita ng Dios. Subalit ang kaloob ng pananampalataya ay isang kakayahan na maniwala nang higit pa sa karaniwang Kristiyano.

 

ANG MGA KALOOB BA AY PARA SA NGAYON?

 

Ang ilang tao ay nagsasabi na ang mga espirituwal na kaloob na nakalista sa Biblia ay hindi para sa Iglesia ngayon. Naniniwala sila na ang mga kaloob tulad ng hula, mga wika, mga himala, atbp., ay para lamang sa unang Iglesia. Sabi nila na matapos itatag ang Iglesia at maisulat ang Bagong Tipan, hindi kailangan ang ibang mga kaloob na espirituwal. Madalas nilang gamitain ang I Corinto 13:10 upang ipaliwanag ang kanilang paniniwala:

 

            Datapuwat kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.

            (I Corinto 13: 10)

 

Sabi nila na nang maisulat na ang sakdal na kapahayagan ng Salita ng Dios, hindi na kailangan ang mga wika, pagsasalin, at ang hula. Na sa oras na maitatag na ang Iglesia hindi na kailangan ng mga tanda at himala para patunayan ang ministeryo.

 

Ang hindi nila napansin ay ang kaalaman ay nabanggit din sa talatang yaon na “naglaho na” at hindi na kailangan:

 

            … kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil; maging kaalaman, ay mawawala. ( I Corinto 13: 8)

 

Kung gagamitin natin ang talatang ito para sabihing hindi na kailangan ang mga wika, pagsasalin, at hula, dapat din nating isali na ang kaalaman ay hindi na kailangan.  

           

Ang mga talatang ito ay tumutukoy sa hinaharap pag natatag na ang “sakdal” na Kaharian ng Dios sa lupa. Dahil ang kasakdalan ay dumating na, hindi na kakailanganin ang mga kaloob na espirituwal sapagkat…

 

            …Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa             kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at             magiging Dios nila. (Apocalipsis 21:3)

 

Hindi na natin kakailanganin ang mga mensahe sa hula, mga wika, o pagsasalin sapagkat kasama na natin ang Dios na nagbibigay ng ganoong mga mensahe. Hindi na natin kailangan ang salita ng karunungan at kaalaman, sapagkat kasama na natin ang pinagmumulan ng mga ito. Hindi na natin kailangan ang mga pagkilala sa mga espiritu, sapagkat…

 

            …hindi papasok doon sa anumang paraan ang anomang bagay na             karumaldumal…kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng             Cordero. ( Apocalipsis 21:27)

 

Hindi na kakailanganin ang kaloob ng pagpapagaling sapagkat…

 

            …Sa gitna ng lansangang yaon, at sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito,             naroon ang punongkahoy ng buhay…pangpagaling sa mga bansa.             (Apocalipsis 22:2)

 

Pakatandaan mo ang mga layunin at pakay ng mga kaloob na espirituwal na binanggit sa Efeso 4:12-15. Ang mga pakay ay upang:

 

            - Pasakdalin ang mga banal.

            - Palaganapin ang gawain ng ministeryo.

            - Pagtibayin si Cristo at ang Iglesia.

 

Ang mga layunin sa pagbibigay ng mga kaloob ay ganoon pa rin. Ang mga banal ay kailangan pa ring pasakdalin, ang ministeryo ay dapat pa ring palaganapin sa buong mundo, at si Cristo at ang Iglesia ay kailangang pagtibayin.

  

Ang mga layunin ay upang tayo ay:

 

            - Maging isa sa pananampalataya.

            - Paunlarin ang ating kaalaman tungkol kay Cristo.

            - Lumago sa kasakdalan,  si Cristo bilang modelo.

            - Maging matatag, hindi naililigaw ng maling doktrina.

            - Patuloy na lumalagong espirituwal kay Cristo.

 

Hindi magbibigay ang Dios ng mga kaloob na espirituwal sa mga ganitong layunin at aalising ang mga ito na hindi pa nagaganap ang pinapakay.

 

            - Nagkakaisa ba ang mga mananampalataya sa paniniwala?

            - Ang lahat ba ay lumago na sa kaalaman ni Cristo?

            - Lahat ba tayo ay sakdal na?

            - Lahat ba ng miembro sa iglesia ay matatag at hindi na naililigaw ng maling                  doktrina?

            - Ang lahat ba ng miembro ng iglesia ay nakaabot na sa kasakdalan?

 

Ang sagot sa lahat ng tanong na ito ay “hindi.” Ang mga layuning ito ay hindi pa naaabot. Dahil dito, alam natin na ang mga kaloob na espirituwal ay para sa atin pa hanggang ngayon. Ibinigay ng Dios ang mga kaloob na espirituwal upang matupad ang Kanyang mga layunin sa Iglesia. Hindi Niya aalisin ang mga ito hangga’t hindi natutupad ang mga layuning ito. Sabi sa Biblia, ang mga “kaloob at pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago” (Roma 11:29). Ibig sabihin nito ay hindi magbabago ang isip ng Dios upang bawiin ang espirituwal na kaloob at pagtawag na ibinigay Niya.

ANG SUSI SA PAGGAMIT NG MGA KALOOB

 

Ibinigay ni Apostol Pablo sa I Corinto 13 ang susi sa paggamit ng mga kaloob ng Espiritu Santo. Ipinakilala niya ang paksa sa I Corinto 12:31. Inilista niya ang mga kaloob ng Espiritu Santo at sinabi niya…

 

            …At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan.

             (I Corinto 12:31)

 

Ang I Corinto 13 ang nagpapaliwanang nitong “daang kagalinggalingan.” Basahin mo ang buong kabanata sa iyong Biblia. Ang kabanatang ito ang susi sa paggamit ng mga kaloob na espirituwal. Ang susing yaon ay pagibig. Maaari kang manghula, magkaroon ng kaloob ng pagpapagaling, pananampalataya, pagbibigay, atbp., subalit kung walang pagibig sa paggamit ng mga kaloob na ito, hindi ito magiging epektibo.

 

Ang mga kaloob ay bale wala kung ginagamit nang walang pagibig. Ang pagsasalita ng wika ay tulad lamang sa isang umaalingawngaw na ingay. Ang bawat kaloob ay walang halaga, bale wala, malibang gamitin nang may pagibig. Ang pagibig ang “daang kagalinggalingan” sa paggamit ng mga kaloob. Ang mga kaloob ay siyang alulod kung saan umaagos ang pagibig ng Dios patungo sa mga taong nakapalibot sa atin. Ang pagibig ang susi sa mabisang paggamit ng mga kaloob na espirituwal.

 

ISANG BABALA: ANG PANLILINLANG NI SATANAS

 

Pinapalsipika ni Satanas ang mga kaloob ng Espiritu Santo. Ang huwad ay imitasyon ng tunay. Si Satanas ay manlilinlang. Ang sabi sa Biblia, kung minsan siya ay nagpapakita na tulad ng anghel (II Corinto 11:14). Sa mga huling araw, magkakaroon ng huwad na Cristo na tinatawag na anticristo (I Juan 2: 18, 22).

 

Maraming ginagawang pandaraya ang mga kulto patungkol sa mga kaloob. Halimbawa, ang salita ng karunungan ay pinapalsipika ng mga mangkukulam na nanghuhula ng darating na mga pangyayari. Ang mangkukulam ay isang tao na gusto ng makaalam ng mga bagay at gumagawa ng mga palabas sa pamamagitan ng mga kapangyarihang labas sa Dios. Ang pinagmumulan ng kanilang kapangyarihan ay si Satanas. Dinadaya ang pagkilala ng mga espiritu sa pamamagitan ng pagbasa ng pagiisip ng tao.

 

Kahit mga himala ay dinadaya rin ni Satanas ( Exodo 7) at ganoon din ang gagawin ng anticristo ( Apocalipsis 13: 14). Binabanggit din ng Biblia ang mga bulaang propeta

( Gawa 13: 6-12). Ang tanong ay, paano mo makikilala ang huwad at ang tunay?

 

Ang huwad ay hindi tinutupad ang mga layunin ng mga kaloob ng Espiritu Santo na binanggit sa Biblia. Basahin ang Efeso 4: 12-15. Kung tunay ang kaloob ng Espiritu Santo, matutupad ang mga layuning esprituwal na ito.

 

Ang mga huwad na kaloob ay hindi sumasangayon sa katuruan ng Biblia tungkol kay Jesus. Kung sino man ang gumagamit ng kaloob, ano ang sinasabi nila patungkol kay Jesus? Sumasang-ayon ba ito sa nasulat na Salita ng Dios?

 

            Ngunit ako’y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay             nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis             na mga pagiisip  na kay Cristo ay pasamain.

 

            Sapagkat kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin             ipinangaral, o kung kayo’y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo             tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting             pagtiisan ninyo. ( II Corinto 11: 3-4)

 

Makikilala mo rin ang mga huwad sa pamamagitan ng kanilang personal na katangian. Nakalista ito sa II Pedro 2 at sa aklat ni Judas. Pag-aralan mo ang mga kabanatang ito sa iyong Biblia upang makilala mo ang tunay sa huwad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba ng mga kaloob na espirituwal sa mga natural na talento?

 

________________________________________

3. Ilista ang tatlong pakay sa pagbibigay ng mga kaloob na espirituwal.

 

_______________________  ________________________  _____________________

4. Ilista ang limang layunin sa pagbibigay ng mga kaloob na espirituwal.

 

____________________________   _______________________    _________________

 

____________________________________    _______________________________

 

5. Ang bawat isa ba ay binigyan ng kahit isang kaloob na espirituwal? Magbigay ng isang reperensiya na magpapatunay dito.

 

________________________________________

 

6. Maglista ng apat na paraan kung paanong ang mga kaloob na espirituwal ay maaaring abusohin:

_______________________________                _________________________________

 

 ________________________________            _________________________________

 

7. Sino ang pinagmumulan ng mga kaloob na espirituwal? ________________________

 

8. Ano ang susi sa paggamit ng kaloob mong espirituwal? _________________________

 

9. Paano mo makikilala ang tunay na kaloob mula sa Dios at ang huwad na mula kay Satanas?

________________________________________

 

10. Ano ang mga kaloob na espirituwal?

 

________________________________________

11. Ang lahat ba ng kaloob na espirituwal ay para sa ngayon, o para lamang sa unang Iglesia?  Ipaliwanag ang iyong sagot.

 

________________________________________

________________________________________

12. Ano ang pagkakaiba ng mga espirituwal na “mga kaloob” at ng “kaloob” ng Espiritu Santo?

 

________________________________________

          

13. Basahin ang bawat pangungusap. Kung ang pangungusap ay TAMA, isulat ang T sa puwang sa unahan nito. Kung MALI, isulat ang M sa puwang sa unahan nito.

           

a. ______Ang mga talento ng tao ay hindi mga kaloob na espirituwal.

 

b. _____ Ipinanganak ka nang may kaloob na espirituwal.

 

c. _____ Nagbibigay ang Dios ng mga kaloob na espirituwal para ikaw ay masiyahan.

 

d._____ Dahil sa ang iglesia ay natatag na, hindi na kailangan ang mga makalangit na

               tanda ng kapangyarihan ng Dios sa ngayon.

e._____” Ang kasakdalan” ay narito na kaya hindi na natin kailangan ang mga wika,

              pagsasalin nito, at mga hula.

 

f._____ Walang isang Kristiyano ang nagtataglay ng lahat ng kaloob.

 

g._____Hindi natin mapipili ang ating mga kaloob.

 

h._____Magbibigay sulit tayo sa Dios kung paano natin ginamit ang ating mga kaloob.

 

i._____Ang mga kaloob na ginamit nang walang pagibig ay walang bisa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

1. Pag-aralan ang II Pedro 2 at ang aklat ni Judas. Ilista ang mga katangian ng “mga bulaang propeta” at “ mga taong nakakapasok na hindi namamalayan.” Ito ang mga taong mga huwad. Hindi sila tunay na mananampalataya at gumagamit ng mga huwad na kaloob upang linlangin ang mga anak ng Dios.

 

2. Ginagamit ng Dios ang mga natural na talento, ganoon din ang mga kaloob na espirituwal. Tingnan mo ang mga sumusunod na mga talata. Ilista mo ang mga pangalan ng mga tao at ang kanilang natural na talento:

 

NATURAL NA MGA TALENTO

 

Reperensiya                                           Pangalan                                 Talento

 

Genesis 4: 20                     ___________________        ______________________

 

Genesis 4: 2                      ____________________      _______________________

 

Genesis 4: 21                    ____________________      _______________________

 

Genesis 4: 22                    ____________________      _______________________

 

Genesis 25: 27                  ____________________      _______________________

 

 

3. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reperensiya at punan ang puwang upang mabuo ang mga pangungusap.

 

Mahalagang malaman ang mga kaloob na espirituwal sapagkat:

 

            a. Tayo ay _______________ sa Dios kung paano natin ginamit ito.

           

            Tayo ay _____________________________.

 

            ( I Pedro 4:10; I Corinto 4: 1-2; Mateo 25: 14-30 )

 

            b. Dapat nating huwag _______________ ang mga ito at ______________ ang mga ito.  ( I Timoteo 4: 14; I Corinto 12: 1 )

 

4. Ang I Corinto 13 ay naglista ng maraming katangian ng pagibig.  Isulat ang numero ng talata sa tapat ng katangiang binanggit. Ang una ay sinagutan na upang iyong tularan:

 

___5__ Mapagpahinuhod

______Magandang-loob

_____Hindi nananaghili

_____Hindi nagmamapuri

_____Hindi mapagpalalo

_____Hindi naguugaling mahalay

_____Hindi hinahanap ang kanyang sarili

_____Hindi nayayamot

_____Hindi inaalumana ang masama

_____Hindi nagagalak sa kalikuan   

_____Nakikigalak sa katotohanan

_____Lahat ay binabata

_____Lahat ay pinaniniwalaan

_____Lahat ay inaasahan

_____Lahat ay tinitiis

 

Isulat ang pangalan ng taong para sa iyo ay mahirap ibigin. Masdan mo ang mga katangian na nakalista sa itaas. Ilista mo ang mga katangiang kinakailangan mo upang ibigin ang taong ito.                             

 

Nahihirapan akong ibigin si ________________________.

 

Kailangan ko ang mga sumusunod na katangian upang ibigin siya:

 

________________________________________

 

________________________________________

________________________________________

5. Gamitin ang mga sumusunod na balangkas upang pag-aralan ang wastong gamit ng mga kaloob na tinalakay ni Pablo sa I Corinto 12-14.

 

I.   Dapat mong maalaman ang mga kaloob na espirituwal:  I Corinto 12: 1

 

II.  Maraming kaloob ngunit isa lang ang pinagmulang Espiritu: Ang Tatlong Persona ay             gumagawa sa lahat ng mga kaloob. I Corinto 12: 4-11

 

III. Dapat tayong kumilos bilang isang katawan sa paggamit ng mga kaloob na             espirituwal: Ang bawat bahagi ay dapat kaisa ng ibang mga bahagi.

             I Corinto 12:             12-31

 

            A.   Hindi dapat magkaroon ng pagkakahati sa katawan. Dapat tayong                                      magmalasakitan sa isa’t isa:  I Corinto 12: 25-26

 

            B.   Inaayos ng Dios ang mga kaloob na espirituwal sa iglesia:  I Corinto 12: 28

 

            C.   Hindi lahat ay parepareho ng kaloob:  I Corinto 12: 28-30

 

            D.   Dapat nating nasain ang mga kaloob na espirituwal:  I Corinto 12:31; 14:1

 

            E.   Ang pagibig ang susi sa paggamit ng lahat ng mga kaloob:  I Corinto 13

 

            F.   Ang mga kaloob ay dapat magpatibay sa iglesia:  I Corinto 14: 12

 

IV.     Kung ikaw ay may kaloob ng pagsasalita ng mga wika, dapat ka ring dumalangin             na bigyan ka ng kaloob ng pagsasalin:  I Corinto 14: 1-13

 

            A.   Pagpupuri sa Espiritu nang walang pagkaunawa, at pagpupuri na may                                          pagkaunawa ay kapwa bahagi ng pagsamba: I Corinto 14: 14-15

 

            B.   Ang pagsasalita ng mga salitang nauunawaan ay mahalaga kung may mga                                   naroroon na mga hindi mananampalataya: I Corinto 14: 16-19

 

            C.   Ang mga wika ay isang tanda para sa kanila na hindi sumasampalataya:

                        I Corinto 14: 22-25

 

            D.   Nakikinabang ang mga mananampalataya sa mga hula: I Corinto 14: 22-25

 

V.       Ang lahat ng bagay ay dapat gawin sa isang maayos na paraan sa mga oras ng             pagsamba. Hindi dapat gamitin ang pagsasalita ng wika kung walang tao roon na             may kaloob ng pagpapaliwanag. I Corinto 14: 26-31

 

            A.    Hindi ka nawawalan ng kontrol sa sarili pag ang Espiritu Santo ay kumikilos                                  sa pamamagitan mo. May kontrol ka na gamitin mo ang mga kaloob nang                             wasto: I Corinto 14: 32

 

            B.    Ang kaguluhan ay hindi galing sa Dios: I Corinto 14: 33

 

VI.      Hindi mo dapat sawayin ang mga nagsasalita ng wika at magnasa kang manghula:

            I Corinto 14: 39

 

VII.    Walang katuturang pagtatanungan ay hindi dapat maging bahagi ng pagsamba:

            I Corinto 14: 34-35, 37-38

 

VIII.   Ang mahalagang alituntunin sa wastong paggamit ng mga kaloob ay:

             Datapuwat gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga             bagay.   I Corinto 14: 40

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM  NA  KABANATA

 

MGA TANGING KALOOB NG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos mo ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:

 

.     Sabihin ang apat na pagkakahati ng mga kaloob na espirituwal sa pag-aaral na ito.

.     Tukuyin ang mga tanging kaloob ng Espiritu Santo.

.     Ipaliwanag ang pagkakaiba ng tanging kaloob ng pagiging propeta at ang kaloob ng

      panghuhula.

.    Ipaliwanag ang pagkakaiba ng tanging kaloob ng pagiging guro at ang kaloob ng

      pagtuturo.

 

SUSING TALATA:

 

            At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga             iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at mga     guro.  ( Efeso 4: 11)

 

PAMBUNGAD

 

Bago mo pag-aralan ang kabanatang ito, basahin mo muna ang mga talata sa Biblia na narito. Ang mga reperensiyang ito ay naglilista ng mga kaloob ng Espiritu Santo:

 

            - Roma 12: 1-8

            - I Corinto 12: 1-31

            - Efeso 4: 1-16

            - I Pedro 4: 7-11

 

Tingnan mo ang Apendise sa manwal na ito. Basahin mo ang mga talatang ito sa ibang salin ng Biblia. Hinati ang mga kaloob sa apat na kategorya upang lalong madaling pag-aralan:

 

            - Mga espesyal na kaloob

            - Mga kaloob ng pagsasalita

            - Mga kaloob ng paglilingkod

            - Mga kaloob ng tanda

 

Hindi hinati sa Biblia ng ganito ang mga kaloob. Ginawa lang natin ito upang lalong madaling matandaan. Sa kabanatang ito, ang mga espesyal na kaloob ang tinatalakay. Ang mga sumusunod na kabanata ay nagpapaliwanag ng mga kaloob ng pagsasalita, paglilingkod,  at mga tanda.

 

 

INILAGAY NG DIOS SA KATAWAN

 

Sa nakaraang kabanata ay ipinaliwanag ang pagkakaisa at pagkakaiba ng mga kaloob na espirituwal. Bagaman maraming iba’t ibang kaloob, iisa lamang ang pinanggalingan nito.                                           Ito ay ang Espiritu Santo. Ang Dios ay may tiyak na lugar para sa bawat mananampalataya:

 

            Datapuwat ngayo’y inilagay ng Dios ang bawat isa sa mga sangkap ng             katawan, ayon sa Kaniyang minagaling. ( I Corinto 12: 18)

 

Inilagay ng Dios ang bawat kaanib sa kanyang sariling lugar. Siya ay sinangkapan ng Espiritu Santo ng mga kaloob upang matupad ang Kanyang pinapakay para sa iglesia.

 

Kung ang bawat mananampalataya ay ginagawa ang ipinagagawa sa kanya ng Dios na ayon sa kanyang kaloob na espirituwal, ang iglesia ay tatakbo ng maayos. Inihalintulad ito ng Dios sa katawan ng tao kung saan ang bawat isang sangkap… mula sa mata hanggang sa hinlalaki ng paa… ay alam at ginagampanan ang kanilang katungkulan

(I Corinto 12: 1-31). Tandaan mo na sa pag-aaral mo ng mga kaloob na espirituwal, ang bawat isa ay mahalaga sa Katawan ni Cristo, kung paanong ang bawat isang sangkap sa katawan ng tao ay mahalaga:

 

            At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at       hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan.

 

            Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari’y lalong mahihina. ( I Corinto 12: 21-22)

 

Sa pag-aaral mo ng mga kaloob na espirituwal, tandaan mo na hindi ito mga natural na abilidad. Ang mga ito ay mga kakayahan na mula sa Espiritu Santo upang sangkapan ang mga mananampalataya sa Kristiyanong paglilingkod.

 

(Pansinin: Dito at sa mga sumusunod na tatlong kabanata, ang mga mungkahi ay ibinigay

“Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” habang ang bawat isang kaloob na espirituwal ay tinatalakay. Ito ay ginawa upang ma-kumpleto mo ang iyong pag-aaral ng bawat kaloob bago ka tumungo sa susunod.)

 

MGA TANGING KALOOB

 

Ang unang pangkat ng kaloob na espirituwal ay tatawagin nating “mga tanging kaloob.” Ginamit natin ang katawagang ito sapagkat ang bawat isa ay tumutukoy sa posisyon ng pangunguna sa iglesia:

            At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga             iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at mga     guro.  ( Efeso 4: 11)

 

 

Ang mga posisyon ng mga lider na ito kung minsan ay tinatawag na “katungkulan” sa iglesia. Ang ibig sabihin ng “katungkulan” ay isang posisyon na may responsabilidad. Ang mga tanging kaloob ng pangunguna ay:

 

-         Mga Apostol

-         Mga Propeta

-         Mga Evanghelista

-         Mga Pastor

-         Mga Guro

 

MGA APOSTOL

 

      At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y       mga propeta…( I Corinto 12: 28)

 

      At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga       iba’y propeta…( Efeso 4: 11)

 

Ang apostol ay isang tao na may tanging kaloob na magtayo ng mga bagong iglesia sa iba’t ibang lugar at kultura at pangasiwaan ang maraming iglesia. Ang ibig sabihin ng apostol ay “isang delegado, ipinadala na may kapangyarihan at kapamahalaan na gawin ito sa lugar ng iba.” Ang apostol ay may tanging kapangyarihan at kakayahan na palaganapin ang Evanghelio sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga pangkat ng mananampalataya. Ang makabagong tawag dito ay misyonero o “church-planter.”

 

Tatlong kategorya ng mga apostol ang binanggit ng Biblia. Si Jesucristo ay tinawag na apostol.

 

      Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan,     inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus;

 

      Na Siya’y tapat na naglagay sa Kaniya…( Hebreo 3: 1-2a)

 

Ang labingdalawang alagad ni Jesus ay tinawag na mga apostol:

 

      Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito…( Mateo 10:2)

 

Ang labingdalawang apostol ay may tanging tungkulin. Bahagi sila ng pagtatatag ng Iglesia. Bagama’t mayroon silang katungkulang hindi magagampanan ng ibang mananampalataya, mayroon din namang pangkalahatang kaloob ng pagiging apostol na ibinigay ang Espiritu Santo:

 

       At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol… (Efeso 4:11)

 

Ayon sa talatang ito, ang Dios ang namimili ng mga apostol. Sinangayunan ito ni Pablo:

 

      At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol…

      ( I Corinto 12: 28 )

 

Ayon sa Biblia, may mga tanging tanda upang masiguro na ang isang tao ay may kaloob ng pagiging apostol:

 

      Tunay na ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong       pagtitiis, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga       gawang makapangyarihan. (II Corinto 12: 12)

 

      At sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming       tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao… ( Gawa 5: 12)

 

Ang tanging pangunguna ng mga apostol sa mga iglesia ay ipinakita sa aklat ng Mga Gawa:

 

      At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga       kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo’y mangagtuli ayon sa kaugalian ni       Moises, ay hindi kayo mangaliligtas.

 

      At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at       pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasya ng mga kapatid na si Pablo at si       Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at       sa mga matanda tungkol sa suliraning ito. ( Gawa 15: 1-2)

 

      At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila ang mga utos na       inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang       tuparin.

 

      Kaya nga, ang mga iglesia’y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan    ang bilang araw-araw. ( Gawa 16: 4-5)

 

Pinalalaganap ng mga apostol ang Evangelio sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga iglesia. Sila ang nangangasiwa sa mga iglesiang ito at may mga tanging espirituwal na mga tanda sa kanilang ministeryo. Ang tawag at ang pagnanais na maging apostol ay galing sa Dios:

 

      Si Pablo, na Apostol (Hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao,       kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na Siyang sa Kaniya’y       bumuhay). ( Galacia 1: 1)

 

Ang tanging kaloob na ito ay madalas kinikilala ng iglesia lokal na siyang nagpapadala sa apostol sa ibang dako:

 

      Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro…

 

      At nang sila’y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi       ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa Akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing       itinawag Ko sa kanila.

 

      Nang magkagayon, nang sila’y makapagayuno na at makapanalangin at       maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.

       ( Gawa 13: 1-3)

 

Nais ng apostol na maglingkod sa mga dako na hindi pa napupuntahan ng iba:

 

      Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na       kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;

 

      Kundi, gaya nang nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga       balita tungkol sa Kanya, At silang hindi nangakapakinig, ay       mangakakatalastas.  ( Roma 15: 20-21)

 

      Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at       huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na       nangahahanda na sa amin. ( II Corinto 10: 16)

 

Ang apostol ay nakalaan na makibagay sa ibang kultura at paraan ng pamumuhay upang makahikayat ng mga tao para kay Cristo:

 

      Sapagkat bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao, ay napaalipin ako sa       lahat, upang ako’y makahikayat ng lalong marami.

 

      At sa mga Judio, ako’y nag-aring tulad sa mga Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng       kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang       mga nasa ilalim ng kautusan;

 

      Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama’t hindi ako       walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang       mahikayat ko ang mga walang kautusan.

 

      Sa mga mahihina, ako’y nag-aring mahina, upang mahikayat ko ang       mahihina: sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao,       upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan.

 

      At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa evangelio…

      ( I Corinto 9: 19-23)

 

Ang apostol ay nagsasanay ng mga manggagawa sa iglesia na maaaring gumawa kahit wala siya roon:

 

      At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat       ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa       Antioquia,

 

      Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na       magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga       kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa Kaharian ng Dios.

 

      At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawat iglesia, at       nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa       Panginoong kanilang sinampalatayanan. ( Gawa 14: 21-23)

 

Ang talatang ito ang nagpapakita na ang pagsubaybay at pagsasanay ng mga makayang lider sa mga iglesia ay katungkulan ng isang apostol.

 

Ang tatak, o ebidensiya ng kaloob ng pagiging apostol ay nasa bunga na nakikita sa mga buhay ng iba. Sumulat si Pablo sa iglesia sa Corinto na kanyang itinatag:

 

      …Sapagkat ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon.

      ( I Corinto 9: 2b)

 

Ang kakayahang magtatag ng grupo ng mga mananampalataya at ayusin sila bilang isang iglesia ay tatak ng kaloob ng pagiging apostol.

 

Nagbabala ang Biblia ng hidwang mga apostol na mandaraya at nakikita ito sa kanilang mga gawa:

 

      Sapagkat ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang       manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.

 

      At hindi katakataka: sapagkat si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel       ng kaliwanagan.

 

      Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay       magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay        masasangayon sa kanilang gawa. ( II Corinto 11: 13-15)

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Ang Bagong Tipan ay nagbigay ng mga halimbawa ng mga taong may kaloob ng pagiging apostol. Gamitin mo ang mga reperensiyang ito para sa dagdag na pag-aaral:

 

      - Pablo:                                  Galacia 1:1 

      - Andronico at Junias             Roma 16:7

      - Apolos:                                I Corinto 4: 6,7

      - Santiago:                             Galacia 1:9

      - Mga apostol ni Jesus           Apat na Evangelio; Mga Gawa

 

 

MGA PROPETA

 

      At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y       mga propeta...( I Corinto 12: 28)

 

      At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga       iba’y propeta… ( Efeso 4: 11)

 

Dalawa ang kaloob na patungkol sa propeta. Ang isa ay ang tanging kaloob ng pagiging propeta. Ang isa ay ang kaloob ng pagsasalita ng hula. Sa pangkalahatan, ang panghuhula ay pagsasalita sa ilalim ng kapangyarihan ng Dios. Ito ay tanging kakayahan na makatanggap at maibahagi ang mensaheng ibinigay ng Dios sa oras na yaon para sa Kanyang bayan sa pamamagitan ng pinahirang pananalita na mula sa Dios.  Ang katuturang ito ay maaaring gamitin patungkol sa kaloob ng pagiging propeta gayon din sa kaloob ng  pagsasalita ng mga hula.

 

Subalit ang tao ay hindi propeta dahil lamang siya ay nagbigay ng hula. Sinabihan ni Pablo ang iglesia na magnasa ng kaloob ng panghuhula:

 

      Sundin ninyo ang pagibig; gayon ma’y maningas ninyong pakanasain ang       mga kaloob na ayon sa Espiritu, ngunit lalo na ang kayo’y       mangakapanghula.  ( I Corinto 14:1)

 

      Sapagkat kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa, upang ang lahat ay       mangatuto, at ang lahat ay maaralan. ( I Corinto 14: 31)

 

Subalit sinabi ni Pablo na hindi lahat ay propeta. Itinanong niya:

 

      …Lahat baga’y mga propeta? ( I Corinto 12: 29)

 

Ang pagkakaiba ng propeta at ng nanghuhula ay makikita sa mga sumusunod na mga talata:

 

      At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa Cesarea: at sa       pagpasok namin sa bahay ni Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay       nagsitahan kaming kasama niya.

 

      Ang tao ngang ito’y may apat na anak na binibini, na nagsisipanghula.

 

      At sa pagtira namin doon ilang araw, ay dumating galing sa Judea ang isang       propeta, na nagngangalang Agabo. ( Gawa 21: 8-10)

 

Ang mga anak ni Felipe ay mayronng kaloob ng panghuhula. Subalit si Agabo ay isang propeta na hindi lamang nagbibigay ng mga mensahe ng panghuhula subalit may posisyon at kinikilalang lider sa iglesia. Ginamit siya ng Dios na isang lider na kaugnay ng ministeryo ni Pablo. Inilahad ni Agabo ang direksiyon na patutunguhan ni Pablo kung ano ang mangyayari sa Jerusalem. ( Gawa 21: 11)

 

Sila na may tanging kaloob ng pagiging propeta ay hindi lamang nagsasalita pag dumating ang kapangyarihan ng Dios. Sila rin ay may katungkulan at kapamahalaan sa pangunguna sa iglesia. Ito ay pinatunayan sa Gawa 13: 1-4 kung saan ang mga propeta at mga guro ay ginamit upang patnubayan si Bernabe at si Saulo sa isang tanging ministeryo kung saan tinawag sila ng Dios.

 

Sa Lumang Tipan ang mga tao ay nagpupunta sa propeta upang humingi ng patnubay. Ang kaloob ng Espiritu Santo ay hindi pa ibinibigay noon. Ang presensiya ng Dios ay nakakulong sa Kabanal-banalang dako. Dahil sa kamatayan at pagkabuhay na muli ni Jesus tayo ay nagkaroon ng karapatang makapasok sa presensya ng Dios. Ang kaloob ng Espiritu Santo ay ibinigay na, at katulad ng natutuhan mo na, isa sa mga pakay nito ay ang pagpatnubay:

 

      Sapagkat ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang       mga anak ng Dios. ( Roma 8:14)

 

Hindi na kailangang pumunta sa propeta upang humingi ng espirituwal na patnubay. Isa ito sa mga tungkulin ng Espiritu Santo sa buhay ng mananampalataya. Ang bawat mananampalataya ay dapat matuto kung paano siya pangungunahan ng Espiritu Santo. Wala nang nasulat sa Bagong Tipan na mga mananampalataya na naghahanap ng patnubay mula sa mga propeta matapos ibigay ang kaloob ng Espiritu Santo.

 

Subalit ginagamit pa rin ng Dios ang kaloob na ito upang patunayan sa mananampalataya ang patnubay na ibinigay na sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ito ang nangyari kay Agabo at kay Pablo. Alam na ni Pablo na pupunta siya sa Jerusalem. Ang hula ni Agabo ang nagpakita kung ano ang mangyayari sa kanya roon. Hindi ito hula ng patnubay upang sabihin kay Pablo kung pupunta siya o hindi sa Jerusalem.

 

Ang mga salitang sinabi ng propeta sa inspirasyon ng Dios ay tinatawag na mga hula. Ang panghuhula ay ang pagsasabi sa madla ng mga salitang galing sa Dios upang magturo, magpalakas, at magaliw:

 

      Datapuwat ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa       ikapangangaral, at sa ikaaaliw. ( I Corinto 14: 3)

 

Ang hula ay hindi lamang sa mga mananampalataya nangungusap kundi pati sa mga hindi pa hikayat. Ang hula ay maaaring magbigay ng kombiksiyon sa hindi mananampalataya at ito ang magtutulak sa kanila na lumapit sa Panginoon:

 

      Datapuwat kung ang lahat ay nagsisipanghula, at may pumasok na isang       hindi sumasampalataya, o hindi marunong, mahihikayat siya ng lahat,       masisiyasat siya ng lahat;

 

      Ang mga lihim ng kanyang puso ay nahahayag; at sa gayo’y magpapatirapa       siya at sasamba sa Dios, na sasabihing, tunay ngang ang Dios ay nasa gitna       ninyo. ( I Corinto 14: 24-25)

 

Isa sa mga layunin ng propeta ay upang madala ang mga tao sa pagsisisi:

 

      Gayon ma’y nagsugo Siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa       Panginoon; at sila’y sumaksi laban sa kanila; ngunit hindi sila pinakinggan.

      ( II Cronica 24: 19)

 

Itinuturing ng Biblia ang panghuhula na isang dakilang kaloob at dapat ay pakanasain kaysa kaloob ng mga wika:

 

      Sundin ninyo ang pagibig; gayon ma’y maningas ninyong pakanasain ang       mga kaloob na ayon sa Espiritu, ngunit lalo na ang kayo’y       mangakapanghula. 

 

      Sapagkat ang nagsasalita ng wika ya hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa       Dios; sapagkat walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa Espiritu ay       nagsasalita ng mga hiwaga.

 

        Datapuwat ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa       ikapangangaral, at sa ikaaaliw. ( I Corinto 14: 1-3)

 

      Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwat lalo       na ang kayo’y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa       nagsasalita ng wika, maliban na kung siya’y magpapaliwanag upang ang       iglesia ay mapagtibay. ( I Corinto 14:5)

 

      Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula,       at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika. ( I Corinto 14: 39)

Ang Espiritu Santo ay laging may kontrol sa tunay na hula at si Jesus ang pinararangalan nito:

 

      Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa Espiritu, mga kapatid, ay hindi       ko ibig na hindi kayo makaalam.

 

      Nalalaman ninyo na nang kayo’y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga       piping diosdiosan, sa alinmang paraang pagkahatid sa inyo.

 

      Kaya’t ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa       pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi       sa pamamagitan ng Espiritu Santo. ( I Corinto 12: 1-3)

 

Ang hula ay hindi kailanman dapat kumuha ng lugar ng nasulat na Salita ng Dios. Ang sabi ng Biblia ay ang hula ay may katapusan, subalit ang Salita ng Dios ay mananatili magpakailanman:

 

      …kahit maging mga hula, ay mangatatapos…( I Corinto 13:8 )

 

      Datapuwat ang Salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man.

      ( I Pedro 1: 25)

 

Nagbabala ang Biblia tungkol sa mga bulaang propeta ( Mateo 24:11, 24; Marcos 13: 22). Ang isang taong tinatawag na “bulaang propeta” ay makikilala sa mga pangyayari sa katapusan ng sanglibutan (Apocalipsis 13: 11-17;  16:13; 19:20; 20:10)

 

Dahil sa mayroong mga bulaang propeta, ang Salita ng Dios ay nagbigay ng mga palatandaan kung paanong malalaman kung tunay ang hula. Makikilala mo ito sa pamamagitan ng:

 

 1. MALING ARAL:

 

      At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating       pananampalataya. ( Roma 12:6)

 

Ang ibig sabihin ng “ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya” ay may tamang relasyon sa ating pananampalataya. Upang makilala mo ang tunay na hula, kilatisin mo kung ito ay sangayon sa doktrina ng Kristiyanong pananampalataya na nasasaad sa Biblia. Halimbawa, ang bulaang propeta ay hindi kinikilala ang kadiosan ni Cristo:

 

      Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawat espiritu, kundi       inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Dios: sapagkat maraming       nagsilitaw na bulaang propeta sa sanglibutan.

 

      Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawat espiritong       nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios:

 

      At ang bawat isang hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang       sa anticristo…( I Juan 4: 1-3)

 

Ang mga bulaang propeta ay nagtuturo ng imoralidad; na sundin ng tao ang nais nilang gawin.

 

      Ngunit may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya       naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa       lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na       itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa          kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

 

At maraming magsisisunod sa kanilang gawang mahahalay; na dahil sa kanila             ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan.

 

      At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo…

      (II Pedro 2: 1-3)

 

Ang mga bulaang propeta ay inilalayo ang mga tao sa pagsunod sa Salita ng Dios

 (Deuteronomio 13:1-5). Ang uri ng hulang ito ay hindi naaayon sa pananampalatayang Kristiyano.

 

2. MGA TANDA NG PANLILINLANG:

 

Ang mga bulaang propeta ay nililinlang ang mga tao sa pamamagitan ng mga himala:

 

      At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang       marami.

 

      Sapagkat may magsisilitaw na bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at       mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; anu pa’t       ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. ( Mateo 24: 11, 24)

 

3. MASAMANG BUNGA:

 

Ang ebidensiya ng espirituwal na bunga ang tunay na katunayan ng anumang ministeryo:

 

      Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may       damit tupa, datapuwat sa loob ay mga lobong maninila.

 

      Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila…( Mateo 7: 15-16)

 

Sa Ikalabing-isang Kabanata ay pag-aaralan mo ang bunga ng Espiritu Santo. Ito ang mga katangiang espirituwal na dapat makita sa isang propeta.

 

4. KABULAANANG MGA ANGKIN:

 

Ang sinumang propeta na nagaangkin na siya’y tulad ni Cristo ay bulaan:

 

      Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang       Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.

 

      Sapagkat may magsisilitaw na bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at       mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; anu pa’t       ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. ( Mateo 24: 23- 24)

 

     5. MGA HULANG HINDI NATUPAD:

 

      Ang katunayan ng tunay na propeta ay kung ang kanyang mga hula ay natupad:

 

            Ngunit ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa Aking             pangalan, na hindi Ko iniutos na kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan             ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon.

 

            At kung iyong sasabihin sa iyong puso; paanong malalaman namin ang salita   na hindi sinalita ng Panginoon?

 

            Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang             bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng             Panginoon ang bagay na yaon; ang propetang yaon ay nagsalita ng             kahambugan, huwag mong katatakutan siya. ( Deuteronomio 18: 20-22 )

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Tatlo ang pinanggagalingan ng mga hula:

 

            - Mula sa sariling puso ng tao:                                Jeremias 23: 16; Ezekiel 13 2,3

            - Masasama at sinungaling na mga espiritu:           Isaias 8: 19-20; I Hari 22:22;

                                                                                             Mateo 8: 29; Gawa 16:17

            - Mula sa Espiritu Santo:                                        II Samuel 23:2; Jeremias 1:9;

                                                                                             Gawa 19:6; 21:11

 

 

Ito ang dahilan kung bakit dapat nating suriin ang mga hula kung ito ay galing sa Espiritu Santo o hindi.

 

Nagbigay ang Biblia ng maraming mga halimbawa ng mga propeta sa Luma at Bagong Tipan upang lalo mong maintindihan ang mga propeta at ang kaloob ng panghuhula. Sa pag-aaral mo ng mga reperensiyang ito, suriin mo kung sino sa kanila ang may tanging kaloob ng pagiging propeta [lider] o kung sino ang may kaloob ng panghuhula.

 

Mga Propeta Sa Lumang Tipan:

 

Abraham:                Genesis 20:7

Moises:                    Deuteronomio 34:9

Habakuk:                 Habakuk 1:1

Isaias:                      II Hari 19:2

Micas:                      Mateo 2: 5-6

Hosea:                      Mateo 21: 15

Ephraim:                  Hosea 9:2

Joel:                         Gawa 2:16

Jeremias:                  Jeremias 1:5

Gad:                         I Samuel 22:15

Zacarias:                  Zacarias 1:1

Ahijah:                     I Hari 11:29

Samuel:                    I Samuel 3:20

Jehu:                         I Hari 16:7

Nathan:                     II Samuel 7:2

Hilcias:                     II Hari 22: 7-8

Jonas:                        II Hari 14: 25

Iddo:                          II Cronica 13:22

Azur:                         Jeremias 28:1

Ezekiel:                     Ezekiel 2: 1-5

Hananias:                   Jeremias 28:17

Daniel:                       Mateo 24:15

Balaam:                     II Pedro 2: 15-16

Amos:                        Gawa 7: 42-43

Shem:                         II Cronica 12:5

Eliseo:                        I Hari 19:16

Elias:                          I Hari 18:22

Hagai:                         Hagai 1:1

David:                        Gawa 2:29-30

Aaron:                        Exodo 7:1

Asa:                            II Cronica 15:8

Obed:                          II Cronica 15:8

Asap:                           Awit 18: 2

 

Mga Propetisa Sa Lumang Tipan:

 

Miriam:                         Exodo 15:20

Debora:                          Hukom 4:4

Hulda:                            II Hari 22:14

Noadias:                         Nehemias 6:14

Asawa ni Isaias:             Isaias 8: 3

Mga Propeta sa Bagong Tipan:

 

Jesus:                                    Mateo 21:11

Juan Bautista:                       Mateo 11:7-11

Agabo:                                 Gawa 11:27-28; 21:10

Judas:                                   Gawa 15:32

Silas:                                    Gawa 15:32

Mga Liders sa Antioquia:    Gawa 13:1

 

 

Mga Propetisa Sa Bagong Tipan:

 

Ana:                                          Lucas 2: 36

Mga Babaeng Anak ni Felipe:  Gawa 21: 8-9

 

Pag-aralan ang mga gabay sa paggamit ng mga hula kung nagtitipon ang iglesia:

 I Corinto 14:29-31

 

MGA EVANGELISTA

 

            At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga             iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at guro.

            ( Efeso 4: 11)

 

Ang isang evangelista ay may tanging kakayahan na magbahagi ng Evangelio sa mga makasalanan na ang mga tao ay tumutugon at nagiging mga responsableng mga kaanib ng Katawan ni Cristo. Ang kahulugan ng salitang “evangelista” ay “ ang nagdadala ng mabuting balita.”

 

Ang salitang evangelista ay tatlong beses nabanggit sa Bagong Tipan. Sa Efeso ito ay nakalista bilang isang tanging kaloob:

 

            … at ang mga iba’y … evangelista…( Efeso 4: 11)

 

Si Timoteo ay inutusang gawin ang gawain ng isang evangelista:

 

            Ngunit ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga             kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong             ministeryo. ( II Timoteo 4: 5)

 

Bagaman ang lahat ng mananampalataya ay “dapat gumawa ng gawa ng evangelista” at ibahagi ang evangelio sa iba, nagbibigay ang Dios ng tanging kaloob ng pagiging evangelista. Si Felipe ay pinagkalooban nito:

 

            At kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa Cesarea: at sa             pagpasok namin sa bahay ni Felipe na evangelista…( Gawa 21:8)

Si Felipe lamang ang tanging tao sa Bagong Tipan na tinawag na evangelista. Maaga pa sa kanyang karanasan kay Cristo ay nakitaan na siya ng kaloob na ito. Nang makilala niya si Jesus, ang una niyang ginawa ay ibahagi ang balitang ito kay Natanael:

 

            Nasumpungan ni Felipe si Natanael, at sinabi sa kanya, Nasumpungan             namin yaong isinulat ni Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si         Jesus na taga Nazaret, ang anak ni Jose.

 

            At sinabi sa kanya ni Natanael, Mangyayari bagang lumitaw ang anomang             magaling na bagay sa Nazaret? Sinabi sa kanya ni Felipe, Pumarito ka at             tingnan mo. ( Juan 1:45-46)

 

Di naglaon, sinamahan ni Felipe ang mga nauuhaw sa espiritu na mga Griego kay Jesus:

 

            Ang mga ito nga’y nagsilapit kay Felipe…at nagsipamanhik sa kanya, na             sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.

 

            Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at             kanilang sinabi kay Jesus. ( Juan 12: 21-22)

 

Napili si Felipe bilang alagad ( Mateo 10:3) at naroon siya sa Silid Sa Itaas nang dumating ang Espiritu Santo ( Gawa 1:13). Si Felipe ay inordinahan ng tao bilang diakono sa iglesia ( Gawa 6: 1-6) subalit itinakda ng Dios bilang evangelista (Efeso 4: 11-12).

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Ang lalo pang malalim na pag-aaral ng ministeryo ni Felipe ay magpapalago ng iyong kaalaman ng tanging kaloob ng pagiging evangelista:

 

- Ang kanyang mensahe:                                                                   Gawa 8:35

- Pagpapalaya, mga himala, pagpapagaling:                                     Gawa 8: 5-8

- Bininyagan:                                                                                     Gawa 8:12, 36-38

- Nangaral [ng Kaharian ng Dios]:                                                    Gawa 8:12

- Isinaayos ang bahay:                                                                       Gawa 21: 8-9

- Naglakbay upang palaganapin ang evangelio                                 Gawa 8:4-5,26,40

- May kakayahang maghimok ng mga grupo:                                   Gawa 8: 6

- Nakilos ang mga lunsod:                                                                 Gawa 8:8

- Naglingkod sa mga tao ng isahan:                                                  Gawa 8:27-38

- Pinangunahan ng Dios:                                                                   Gawa 8:26,39

- May kaalaman sa Salita ng Dios:                                                    Gawa 8:30-35

- Kilala na epektibo sa ministeryo at sa tugon ng mga tao:               Gawa 8:5-6, 12, 35-39

 

 

 

 

MGA PASTOR

 

            At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga             iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at guro.

            ( Efeso 4: 11)

 

Dito lamang ginamit sa “King James Version” ang salitang “pastor.” Ang salitang Griego na “pastor” ay nangangahulugan ng pastol, nag-aalaga ng mga kawan. ( Ang orihinal na Bagong Tipan ay nasulat sa Griego.) Ang mga pastor ay nag-aalaga nang matagalan sa espirituwal na buhay ng mga grupo ng mga mananampalataya. Dapat ay sundin ng mga pastor ang halimbawang ibinigay ni Jesus bilang “pastor” ng mga tao.

 

             Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nadala mula sa mga patay sa             dakilang pastor ng mga tupa…( Hebreo 13: 20)

 

            At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di             nasisirang putong ng kaluwalhatian. ( I Pedro 5: 4)

 

Tinukoy din ni Jesus ang Kanyang sarili na mabuting pastor at naglista siya ng mga katungkulan ng isang pastor sa Juan 10: 1-18.

 

Binanggit ng Biblia ang katungkulan ng obispo ( I Timoteo 3). Marami ang naniniwalang ito ay kapareho ng pastor dahil sa talatang sinabi ni Jesus:

 

            Sapagkat kayo’y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwat ngayon ay             nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.

            ( I Pedro 2: 25)

 

Ang mga espirituwal na hinihiling na katangian ng mga obispo, matatanda, at mga diakono, na mga taga panguna sa unang iglesia, ay dapat ding maabot ng mangunguna sa isang grupo ng mga tao bilang isang pastor. Pag-aralan mo ito sa I Timoteo 3: 1-13.

 

Ang mga katungkulan ng isang pastor ay espirituwal na pakanin at ingatan ang mga nasa ilalim ng Kanyang ministeryo. Ito ay dapat gawin na may tamang motibo at hindi lamang para sa kanyang kikitain:

 

            Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa             kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng             Panginoon na binili Niya ng Kaniyang sariling dugo. ( Gawa 20: 28)

 

            Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng             pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban             ng Dios, ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang             pagiisip.

 

            Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa             pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran   ng kawan.

 

            At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di             nasisirang putong ng kaluwalhatian. ( I Pedro 5: 2-4)

 

Ang salitang “pastor” ay ginamit lamang sa Lumang Tipan sa aklat ni Jeremias. Dito ay nagbigay ng mga babala ang Dios para sa mga pastor:

 

            …ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa Akin. ( Jeremias 2:8)

 

            Sapagkat ang mga pastor ay naging tampalasan, at hindi nagsisangguni sa             Panginoon: kaya’t hindi sila magsisiginhawa, at lahat nilang kawan ay             nangalat.  ( Jeremias 10: 21)

 

            Sinira ng maraming pastor ang Aking ubasan, kanilang niyapakan ng paa      ang Aking bahagi, kanilang ginawa ang Aking mahalagang bahagi na ilang                na sira.

 

            Kanilang ginawa, itong isang malaking kagibaan; tumatangis sa Akin,             palibhasa’y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagkat walang taong             gumugunita.   ( Jeremias 12: 10-11)

 

            Sa aba ng mga pastor na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga             tupa sa Aking pastulan! sabi ng Panginoon.

 

            Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor             na nangagpastol ng Aking bayan, Inyong pinangalat ang Aking kawan, at             inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo             ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon. ( Jeremias 23: 1-2)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Pag-aralan ang mga hinihiling na katangian ng pagiging obispo o diakono sa iglesia sa I Timoteo 3: 1-13. Ganito rin ang mga dapat katangian ng mga pastor. Pag-aralan ang mga katangian ni Jesus bilang Mabuting Pastol na nakatala sa Juan 10: 1-18.

 

 

MGA GURO

 

            At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga             iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at guro.

            ( Efeso 4: 11)

 

Ang mga guro ay mga mananampalataya na may tanging kakayahan na ibahagi ang Salita ng Dios sa isang maayos na paraan, upang ang mga tao ay matuto at maisagawa ang itinuro sa kanila. Ang pagtuturo ay nangangailangan ng pagsasanay, hindi lamang pagbabahagi ng kaalaman. Nasusulat sa Biblia:

 

            At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging…guro. ( Efeso 4:11)

 

            At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia…ikatlo’y mga guro…

            ( I Corinto 12: 28)

 

            …O ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo… ( Roma 12: 7)

 

Hindi lahat ng mananampalataya ay may tanging kaloob ng pagtuturo. Nagtanong si Pablo:

 

            … lahat baga’y mga guro? ( I Corinto 12: 29)

 

Ang sagot niya rito ay “hindi.” Ibinibigay ng Dios ang tanging kaloob ng pagtuturo.

 

Ang tanging kaloob ng pagtuturo ay iba kay sa nagsasalitang kaloob ng pagtuturo, kung paanong ang pagiging propeta ay iba sa kaloob ng panghuhula. Matatandaan mo na sa Gawa 13:1-4 ipinakita ang mga guro sa isang tanging posisyon ng pagiging lider [kasama ng mga propeta] sa pangunguna sa ministeryo ni Pablo at Bernabe. Hindi lahat ng mananampalataya ay may tanging kaloob ng pagtuturo, o ang nagsasalitang kaloob ng pagtuturo. Subalit ang lahat ng mananampalataya ay dapat magturo ng mensahe ng Evangelio:

 

            Sapagkat nang kayo’y nangararapat nang maging mga guro dahil sa             kaluwatan, ay muling kayo’y nangangailangan na kayo’y turuan ninoman ng             mga unang simulain ng aral ng Dios…( Hebreo 5: 12)

 

Lahat ng mga malago nang mananampalataya ay dapat magturo ng Evangelio sa mayroon silang kaloob ng pagtuturo o wala. ( Dahil dito, ang Harvestime International Institute ay may hiwalay na kurso na pinamagatang “ Mga Paraan ng Pagtuturo” upang magbigay ng pagtuturo sa larangang ito).

 

Nagbabala ang Biblia tungkol sa mga bulaang guro. Ito ang mga taong nagaangkin na may kaloob sila ng pagtuturo subalit hindi nagtuturo ng tamang Salita ng Dios:

 

            Ngunit may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya    naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa   lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na             itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa             kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. ( II Pedro 2: 1)

 

            Sapagkat darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral;    kundi pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa             kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang             pita;

 

            At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa        katha. ( II Timoteo 4: 3-4)

 

            …at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa Akin.

            ( Isaias 43: 27)

 

Nakalista sa II Pedro kabanata 2 at sa aklat ni Judas ang ilan sa mga katangian kung paano mo makikilala ang mga bulaang guro.

 

Posibleng magkaroon ng maling motibo sa pagtuturo ganoon din ang maling doktrina:

 

            Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong             nagsisipangulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay             na di nararapat, dahil sa mahalay na kapakinabangan. ( Tito 1: 11)

 

Sila na naturuan ng Salita ng Dios ay dapat namang magturo sa mga tapat na mananampalataya na magtuturo din sa iba:

 

            Datapuwat ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo             sa lahat ng mga bagay na mabuti. ( Galacia 6:6)

 

            At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay             siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa             mga iba. ( II Timoteo 2:2)

 

Ito ang huwaran ng patuloy na pagtuturo, na kung susundin ay kakalat nang mabilis ang Evangelio sa buong mundo.

 

Ang taong may espirituwal na kaloob ng pagtuturo ay hindi nagtuturo ng karunungan ng tao:

 

            Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang             itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na             iwinawangis natin ang mga bagay na ayon sa Espiritu sa mga pananalitang             ayon sa Espiritu. ( I Corinto 2: 13)

 

Ang isang guro ay dapat mayroong makadios na pagkaunawa at karunungan. Nagbabala si Pablo laban sa mga…

 

            …nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila             natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang             pinatutunayan. ( I Timoteo 1:7)

 

Binigyan diin niya ang kahalagahan ng pagtuturo na may kaalaman:

 

            …si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:

 

            Na Siya naming inihahayg, na pinaaalalahanan ang bawat tao at tinuturuan             ang bawat tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay      Cristo ang bawat tao. ( Colosas 1: 27-28)

 

Dapat ipamuhay ng mga guro ang kanilang itinuturo:

 

            Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na             nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?

 

            Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka?   Ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay nanakawan mo ang mga templo?

            ( Roma 2: 21-22)

 

Ang mga guro ay hahatulan ayon sa kanilang itinuturo:

 

            Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang             nalalamang tayo’y tatanggap ng lalong mabigat na hatol. ( Santiago 3: 1)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Pag-aralan ang mga halimbawa ng mga guro sa Bagong Tipan. Sino sa kanila ang iniisip mong may tanging kaloob ng pagtuturo [isang lider sa iglesia]?  Sino naman ang may kaloob ng pagsasalita ng pagtuturo?

 

            - Apolos:                                            Gawa 18: 24-25

            - Aquila at Priscila:                            Gawa 18: 26

            - Pablo:                                               Gawa 20: 20-21, 27; 21:28

            - Walang pangalan:                            Gawa 13:1

            - Pedro:                                               Gawa 5: 28-29

 

Kumuha ng Harvestime International Institute na kursong pinamagatang “ Mga Paraan ng Pagtuturo.” Ipinakikita rito ang mga paraan ng pagtuturo ng pinakadakilang Guro, ang Panginoong Jesucristo.

 

 

 

 

 

ANG MGA LIDER NA NAGKAKAISANG GUMAGAWA

 

Ang limang tanging kaloob ng pangunguna ay sama-samang naglilingkod na nagkakaisa sa ministeryo ng iglesia.

Mga Apostol nagpapalaganap ng Evangelio sa iba’t-ibang dako at nagtatatag ng mga grupo ng mananampalataya. Nagbibigay ang Dios ng mga tanda at himala upang makatulong sa pagpapalaganap ng Evangelio. Ang apostol ang nangunguna sa mga iglesiang itinatatag niya.

 

Mga Propeta ay nangunguna rin sa iglesia. Isa sa mga tungkulin nila ay ang magbigay ng tanging mensahe mula sa Dios sa pamamagitan ng inspirasyon ng Espiritu Santo.

 

Mga Evangelista ay nagbabahagi ng Evangelio sa isang paraan na ang mga tao ay tumutugon at nagiging mga mananampalataya. Maaari silang mangaral sa isahan o sa maramihan, subalit ang kanilang ministeryo ay laging nagpapasok ng mga bagong hikayat. Ang mga nahikayat na ito ay inaalagaan ng mga apostol, mga propeta, mga pastor, at mga guro sa iglesia na nagpapatnubay sa kanilang paglagong espirituwal. Ang halimbawa ni Felipe sa Mga Gawa kapitulo 8 ang nagpapakita nito. Dinala niya ang mga Samaritano kay Cristo, pagkatapos ay ipinasa sila sa mga apostol upang lalong maturuan.

 

Mga Pastor ang matagalang nag-aalaga at nagunguna sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng evangelista. Sila ang nag-aalaga bilang pastor sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng ministeryo ng mga apostol. Ang ministeryo nila ay tulad ng larawan ng isang pastol na nagmamahal at nagaalaga sa kanyang mga tupa.

 

Mga Guro ang nagtuturo nang higit sa ginagawa ng evangelista na nagbabahagi ng Evangelio. Tinuturuan nila ang mga mananampalataya na maging malalim sa kanilang buhay espirituwal. Nagsasanay sila ng mga tao na magtuturo din sa iba.

 

Ang pangunahing responsabilidad ng mga taong may tanging kaloob sa pangunguna ay sanayin ang iba na diskubrihin at gamitin ang kanilang mga kaloob na espirituwal ( Efeso 4: 11-16). Ang sumusunod na tsart ay nagpapakita kung paanong ang mga tanging kaloob ay gumagawang sama-sama:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

DIOS

I

NAGBIGAY

MGA APOSTOL  MGA PROPETA  MGA EVANGELISTA  MGA PASTOR  MGA GURO

I

UPANG

SAKDALIN/TURUAN ANG MGA BANAL

NA SIYANG

____________
I           I

MAGLILINGKOD  MAGPAPALAKAS

I

NA NAGBUBUNGA NG

PAGKAKAISA  KARUNUNGAN  KASAKDALAN

I

UPANG ANG KATAWAN NI CRISTO AY

_________
I        I

HUWAG NA MANGANAK        LUMAGO SA KANYA

(maling doktrina)                     ( katotohanan )

I

HULING HANTUNGAN:

MABISANG PAGTUTULUNGAN NG LAHAT NG BAHAGI NG KATAWAN NA MAY PAGIBIG 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________
 

________________________________________

2. Isulat ang limang tanging kaloob ng pangunguna na tinalakay sa kabanatang ito:

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Bakit sila tinawag na “ tanging kaloob”?

 

________________________________________

________________________________________

4. Basahin ang bawat pangungusap. Kung TAMA ang sinasaad, isulat ang T sa puwang sa harap. Kung MALI, isulat ang M sa harap ng pangungusap.

 

a. ______Ang mga nanghuhula ay hindi lahat may kaloob ng pagiging propeta.

 

b. ______Hindi lahat ng nagtuturo ay may tanging kaloob ng pagiging guro.

 

c. ______Ang bawat isang mananampalataya ay dapat magturo ng Evangelio sa iba,                        subalit hindi ang ibig sabihin nito ay lahat ay may kaloob ng pagtuturo.

 

5. Tingnan ang mga tanging kaloob sa listahan sa ibaba. Basahin ang mga katuturan sa Pangalawang Hanay. Isulat ang numero ng tinutukoy na kaloob na espirituwal sa puwang. Ang unang bilang ay sinagutan na upang pamarisan mo.

 

Unang Hanay                                                     Pangalawang Hanay

 

__2__ Propeta                   1. Sinugo na may kapamahalaan upang magtatag ng mga                                                            bagong iglesia at pangasiwaan ang mga ito.

 

_____ Apostol                   2. Nagsasalita sa ilalim ng inspirasyon upang ibigay ang                                                     mensahe ng Dios sa Kanyang bayan; isa rin siyang lider.

 

_____ Pastor                      3. Nagbabahagi ng Evangelio sa mga hindi mananampalataya                                                         sa paraang sila ay tutugon at magiging miembro ng                                                                  Katawan ni Cristo; “ ang tagapagdala ng mabuting balita.”

 

_____Evangelista              4. Nag-aalaga nang mahabang panahon para sa espirituwal na                                                         paglago ng mga mananampalataya. Ang kahulugan ng                                                     salitang ito ay tagapag-alaga ng tupa.

 

_____ Guro                        5. Nagbabahagi ng Salita ng Dios sa paraang ang iba ay                                                         natututo at naisasagawa ang natutuhan; isa rin itong lider.

 

6. Anu-ano ang apat na pagkakahati ng mga kaloob na espirituwal na ginamit sa pag-aaral na ito at sa mga sumusunod na kabanata:

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

( Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito).

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA PAG-AARAL

 

Ang mga mungkahi para sa dagdag na pag-aaral ay ibinigay sa bawat isang tanging kaloob kasama sa talakayan sa kabanatang ito. Ito ay ginawa upang makumpleto mo ang iyong pag-aaral ng bawat isang kaloob bago mo pag-aralan ang susunod na kaloob. Ang mga mananampalataya na binigyan ng Dios ng tanging kaloob ay mga lider na inilagay ng Dios sa iglesia. Subalit hindi lang ito ang mga lider na binanggit sa Biblia.

 

Ang mga posisyon ng diakono at mga matatanda ay binanggit sa Bagong Tipan. Pati ang posisyon ng obispo ay binanggit din. Sa ibang iglesia ang obispo ay tulad din ng pastor. Ang iba naman ay itinuturing ito bilang hiwalay na posisyon. Ang mga posisyong ito ay iba kay sa tanging kaloob ng pangunguna na ating katatapos lang pag-aralan. Ang mga ito ay tanging posisyon na itinatag sa unang iglesia sa pangunguna ng Panginoon.

 

Ang mga natalang rekord ng unang iglesia ay iningatan ng Dios bilang halimbawa na ating sundin sa estraktura ng iglesia. Ang mga posisyong ito ay umiiral pa rin sa iglesia ngayon. Ang layunin ng mga posisyong ito ay upang tulungan sila ng may mga tanging kaloob ng pangunguna na tinalakay dito – mga apostol, mga propeta, mga evangelista, mga pastor, at mga guro.  Gamitin mo ang balangkas na ito sa pag-aaral mo ng mga posisyon ng pagiging lider.

 

 

MGA POSISIYON NG MGA LIDER SA IGLESIA

 

Posisyon                 Reperensiya                                   Mga Tungkulin

 

Obispo                    I Timoteo 3: 1-7                  Marami ang nagtuturing na ang obispo ay                                   Filipos 1: 1                          tulad din ng pastor. Ang mga talatang ito

                                Tito 1: 5-9                           ay nagpapakita na pangmatagalan ang

                                 I Pedro 5: 2-3                  pagaalaga nito sa mga mananampalataya.                                                                                                              

Diakono                   I Timoteo 3: 8-13               Ang mga talatang ito ay nagpapakita na

                                 Filipos 1:1                          ang mga diakono ay may ministeryo ng

                                 Gawa 6: 1-7                        paglilingkod at pagtulong.

 

Diakonesa                I Timoteo 3: 11                    Ang mga diakonesa ay hindi tiyak na

                                 Roma 16: 1-2                      binabanggit sa Biblia. Ang ibang iglesia

                                                                             ay ginagamit ito upang tukuyin ang mga

                                                                             asawa ng diakono o ang ilang kababai-

                                                                             han na naglilingkod sa iglesia.

 

Matatanda                Gawa 20:17, 28-32              Ang mga talatang ito ay nagpapakita na

                                 Gawa 14:23; 15                   ang matatanda ay gumagabay sa mga

                                 Gawa 16:4; 11:30                desisiyon na ginagawa sa iglesia,

                                  I Timoteo 5:17                          naglilingkod sa mga pangangaila-

                                  I Pedro 5:1-4                             ngan ng mananampalataya, at tumu-

                                  Tito 1:5; Santiago 5:14             tulong sa pagaalaga ng mga grupo

                                                                                    ng mananampalatayang lokal.

 

 

Pansinin:  Ang salitang “matatanda” ay unang ginamit sa Biblia sa Exodo 3:16 na tumutukoy sa mga lider ng Israel. Maraming mga pagbanggit tungkol sa mga matatanda sa Israel sa buong Biblia. Iba ito kay sa mga posisyon ng lider sa unang iglesia. Lahat ng mga talata na binanggit dito ay patungkol sa matatanda sa iglesia at hindi mga matatanda ng Israel.

 

Pansinin mo na ang matatanda ay naglilingkod na kasama ng mga mayroong tanging kaloob ng pangunguna na itinakda ng Dios sa iglesia. Ang mga matatanda ay hindi dapat patakbuhin ang iglesia nang hiwalay sa mga tanging lider ng Dios – mga propeta, mga apostol, mga evangelista, mga pastor, at mga guro. Ang Dios ang nagtakda ng mga tanging lider sa iglesia. Ang mga tao ang namimili ng mga matatanda.

 

 

MGA KATANGIAN

 

Ang Biblia ay nagbigay ng tiyak na mga katangian ng mga tao na dapat umupo sa mga posisyong ito:

 

MGA OBISPO AT MATATANDA:

 

- Walang kapintasan [May mabuting reputasyon at hindi sumusuway sa Salita ng Dios]:

    I Timoteo 3:2; Tito 1:6,7

 

- Asawa ng isa lamang babae [ Kung may asawa, dapat ay isa lamang]: I Timoteo 3:2;                     Tito 1:6

 

- Mahinahon  [ Mahinahon sa lahat ng bagay]: Tito 1:8; I Timoteo 3: 2

 

- Mapagpigil [ May pagpipigil sa lahat ng larangan ng buhay at paguugali]: Tito 1:8

 

- Hindi magulo, mapagbantay [ Masinop, mahusay, matalino at praktikal]:

    I Timoteo 3:2; Tito 1:8

 

- Mapagpatuloy [ Ang tahanan ay bukas sa iba]: I Timoteo 3:2; Tito 1:8

 

- Sapat na makapagturo [ May kakayahang magturo ng Salita ng Dios sa iba]:

   I Timoteo 3: 2; Tito 1:9

 

- Hindi mahilig sa alak: I Timoteo 3:3; Tito 1: 7

 

  -  Malumanay [ Kabaligtaran ng mainit ang ulo]: I Timoteo 3:3

 

   - Hindi mapagsariling kalooban [ Hindi makasarili at nais na ang sariling gusto ang               masunod]: Tito 1: 7

 

-Hindi baguhan [ Dapat ay matagal nang mananampalataya]: I Timoteo 3:6

 

-Maibigin sa mabuti [ Sumusuporta na may kabuluhan sa Dios at sa Kanyang mga          layunin]: Tito 1:8

 

- Matuwid [ Makatarungan sa pakikitungo sa mga tao]: Tito 1:8

 

- Matatag sa Salita: Tito 1:9

 

- Banal [ matuwid, nilinis]: Tito 1:8

 

- Hindi sakim sa mahalay na kapakinabangan [ Hindi sakim. Hindi mapagmahal sa       salapi]: Tito 1:7; I Timoteo 3: 3

 

- Namamahalang mabuti ng kanyang sariling sangbahayan [ Marunong manguna sa       sariling sambahayan]: I Timoteo 3: 4-5

 

- May mga anak na nagsisisampalataya [ May mga anak na tumugon sa Dios at hindi       rebelde]: Tito 1:6

 

-         May mabuting patotoo sa mga tagalabas [ Maganda ang patotoo sa mga hindi             mananampalataya]: I Timoteo 3: 7

 

MGA DIAKONO:

 

-         May dignidad [ Respetado at matino ang pagiisip at karakter]: I Timoteo 3:8

 

-         Hindi dalawa ang dila [ Hindi nagbibigay ng magkakalabang ulat]: I Timoteo 3:8

 

-         Hindi mahilig sa maraming alak: I Timoteo 3: 8

 

-         Hindi sakim sa mahahalay na kapakinabangan [ Hindi sakim]: I Timoteo 3:8

 

-         Iniingatan ang kanyang pananampalataya: I Timoteo 3:9

 

-         Walang kapintasan [ Walang kaso ng pagsuway]: I Timoteo 3:10

 

-         Iisa lamang ang asawa [ May isang asawa]: I Timoteo 3: 12

 

-         Nagmamahalang mabuti ng sariling sambahayan [ Marunong manguna sa sariling sambahayan]: I Timoteo 3: 12

 

-         Subok na [ Hindi bagong mananampalataya, kundi subok na]: I Timoteo 3:10

 

MGA DIAKONESA:

 

-         Mga kababaihan: I Timoteo 3:11

 

-         Respetado [ May matinong pagiisip at paguugali]: I Timoteo 3:10

 

-         Hindi mga tsismosa [ Hindi namimintas ng iba]: I Timoteo 3:11

 

-         Mapagpigil [ Mapagpigil sa lahat ng bagay]: I Timoteo 3:11

 

-         Tapat sa lahat ng mga bagay [Maaasahan at mapagkakatiwalaan]: I Timoteo 3:11

 

-         Matulungin sa marami [ Tumutulong sa iba ayon sa kanilang pangangailangan]:

       Roma 16:2

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ANG ESTRAKTURA NG IGLESIA

 

 

Ang estraktura ng iglesia ayon sa Biblia ay makikita sa sumusunod na “diagram.”

 

 

 

 

ANG IGLESIA

I

Mga Tanging Kaloob ng Pangunguna

I

Mga Apostol

I

Mga Propeta

I

Mga Evangelista

I

Mga Pastor

I

Mga Guro

(Efeso 2: 20-22)

I

(Tinutulungan ng mga tanging posisyon ng mga obispo, mga diakono, mga matatanda, at bawat isang kaanib ng katawan na ginagamit ang kanilang mga kaloob na espirituwal sa iglesia sa dakong pinaglagyan sa kanila ng Dios)

I

Ang Pundasyon Ay Inilatag Ng Mga Apostol at Ng Mga Propeta

Efeso 2:20

I

NATATAG SA BATO- SI JESUCRISTO

I

Mateo 16: 18

I Corinto 3:11

Efeso 2:20

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-PITONG  KABANATA

 

MGA KALOOB NG ESPIRITU NG PAGSASALITA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat mong magawa ang mga sumusunod:

 

.     Tukuyin mo ang mga kaloob ng pagsasalita.

.     Bigyang kahulugan ang mga kaloob ng pagsasalita.

.     Ibigay ang pagkakaiba ng salita ng karunungan at salita ng kaalaman.

 

SUSING TALATA:

 

      Datapuwat ngayo’y inilagay ng Dios ang bawat isa sa mga sangkap ng       katawan, ayon sa Kaniyang minagaling. ( I Corinto 12: 18)

 

PAMBUNGAD

 

Limang kaloob ang binigyan ng pangalang “kaloob ng pagsasalita” sapagkat lahat ng ito ay nagsasalita nang malakas. Ang limang kaloob ng pagsasalita ay:

 

      -Panghuhula                              - Umaaral                     - Salita ng Karunungan

      - Pagtuturo                                 - Salita ng Kaalaman

 

Ang unang dalawang kaloob ng pagsasalita, panghuhula at pagtuturo, ay katulad ng dalawang tanging kaloob. Subalit ang kaloob ng pagsasalita na panghuhula at pagtuturo ay hindi katulad ng tanging kaloob ng pangunguna, ng pagiging isang propeta at guro.

 

PANGHUHULA

 

      …at sa iba’y …hula… ( I Corinto 12:10 )

 

Ang taong may kaloob ng panghuhula ay nagsasalita sa pamamagitan ng inspirasyon ng Dios upang ibigay ang bagong mensahe Niya sa Kanyang bayan.

 

Ang panghuhula ay tinalakay na mabuti sa paksang tanging kaloob ng pagiging propeta. Lahat ng sinabi roon tungkol sa hula na ibinigay ng propeta ay maaari ring gamitin sa kaloob ng panghuhula.

 

Subalit ang kaloob ng pagsasalita ng hula ay hindi nangangahulugang may tanging kaloob ka ng pagiging propeta. Tulad ng natutuhan mo na, nagtakda ang Dios ng mga propeta [na may kaloob din ng panghuhula] sa tanging posisyon ng pangunguna sa iglesia.

 

Bagaman naghuhula sila tulad ng mga propeta, ang mga taong may kaloob ng panghuhula ay walang posisyon ng pangunguna tulad ng propeta. Nagbibigay lamang sila ng mga tanging mensahe sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

 

PAGTUTURO

 

      At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay       sa atin…ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministeryo; o ang       nagtuturo, ay sa kanyang pagtuturo… ( Roma 12: 6-7 )

 

Ang paksa ng pagtuturo ay tinalakay sa bahagi ng tanging kaloob ng pagtuturo. Lahat ng tinalakay ay sakop din ang kaloob ng pagtuturo maliban sa posisyon ng pangunguna.

 

Tulad sa halimbawa ng propeta at panghuhula, ang kaloob ng pagsasalita ng pagtuturo ay hindi nangangahulugan na ang taong yaon ay may tanging kaloob ng pagtuturo. Nagtatakda ang Dios ng mga guro [na may kaloob din ng pagtuturo] sa mga tanging posisyon ng pangunguna sa iglesia.

 

UMAARAL

 

      At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay       sa atin…o ang umaaral, ay sa kanyang pagaral... ( Roma 12: 6, 8)

 

Ang kaloob ng pagaral ay ang kakayahan na lumapit sa mga tayo sa oras ng kanilang pangangailangan, nagbibigay ng tamang payo na ginagamit ang Salita ng Dios. Ang literal na kahulugan ng “pagaral” ay tawagin nang sarilinan, magpayo, mag-rekomenda, turuan, palakasin ang loob, o aliwin.

 

Ang pagaral ay ang kakayahan na magbigay ng matalino at espirituwal na payo. Ang mga taong may ganitong kaloob ay nagbibigay ng mga salita ng kaaliwan, consuelo, at pampalakas ng loob na nakakatulong sa iba. Ang makabagong tawag dito ay “kaloob ng pagpapayo.”

 

Ang pagaral ay bahagi ng programa ng pagsusubaybay ng mga apostol sa mga iglesia:

 

      At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat       ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa       Antioquia,

 

      Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na       magsipanatili sa pananampalataya… ( Gawa 14: 21-22)

Itinuturo ng Biblia kung paano gagawin ang pagaral:

 

KUNG PAANO ITO GAGAWIN NG AMA SA KANYANG MGA ANAK:

 

Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawat isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo’y inaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo. ( I Tesalonica 2:11)

 

PAGBIBIGAY NG ARAL NA MAY PAGTITIYAGA:

 

      Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di       kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong       pagpapahinuhod at pagtuturo. ( II Timoteo 4:2)

 

NAKABATAY SA TAMANG  DOKTRINA NG BIBLIA:

 

      Na nananangan sa tapat na salita ayon sa turo, upang umaral ng magaling       na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang. ( Tito 1:9)

 

NA MAY KAPAMAHALAAN:

 

      Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong       kapangyarihan…( Tito 2: 15)

 

MADALAS SAPAGKAT ANG WAKAS AY NALALAPIT NA:

 

      … kundi mangagaralan sa isa’t isa; at lalo na kung inyong namamalas na       nalalapit na ang araw. ( Hebreo 10: 25)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Nagbigay ang Biblia ng maraming halimbawa ng mga taong may kaloob ng pagaral at nagpayo sa iba. Pag-aralan mo ito upang lalo mong maunawaan ang kaloob na ito:

 

      - Bernabe                                           Gawa 11: 22-24

      - Judas at Silas:                                  Gawa 15: 32

      - Pablo:                                               Gawa 14: 22, II Corinto 9:5, I Tesalonica 4:1

      -Judas:                                                Judas 3

 

Ano ang tamang damdamin sa pagaaral sa iba? I Tesalonica 2:11 at 5: 14.

 

________________________________________

Kung inaaralan, ano ang mga bagay na dapat gawin ng mga tao?

 

I Pedro 5: 1-2  ________________________________________

II Timoteo 4: 1-4   ________________________________________

II Tesalonica 2: 11-12   ________________________________________

II Tesalonica 3:12    ________________________________________

Pag-aralan ang mga sumusunod at kumpletuhin ang tsart:

 

                                                Sino                                   Ang Natulungan

 

Gawa 14: 21-22             _________________                 ______________________

 

Gawa 16: 40                  __________________                ______________________

 

Gawa 20: 1                    __________________                _______________________

 

II Corinto 1: 3-7            __________________                _______________________

 

 

SALITA NG KARUNUNGAN

 

      Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan … ( I Corinto 12: 8)

 

Ang salita ng karunungan ay ang kakayahan na makatanggap ng karunungan kung paanong ang kaalaman ay magagamit sa tiyak na pangangailangan. Sa pagkaalam ng mga pangyayari, ang taong may ganitong kaloob ay makagagawa ng tama at matalinong  desisyon.

 

Ang salita ng karunungan ay isang kakayahan na galing sa Dios upang magkaroon ka ng maliwanag na pagkaunawa sa mga tao at mga situwasyon na hindi nababatid ng karaniwang tao. Ang kaalamang ito na bigay ng Dios ay itinuturo sa tao kung ano ang dapat gawin at kung paano ito gagawin. Hindi ito tinawag na “kaloob ng kaalaman” sapagkat hindi ibinigay sa tao ang buong kaalaman ng Dios. Ito ay salita ng kaalaman, isang bahagi lamang ng walang hanggang kaalaman ng Dios.

 

Hindi nakukuha sa edukasyon ang kaloob ng kaalaman. Ang pinagmumulan ng ganitong kaalaman ay ang Dios:

 

      …upang makilala nila ang hiwaga ng Dios, sa makatuwid baga’y si Cristo;

 

      Na Siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng       kaalaman. ( Colosas 2: 2-3 )

 

Si Jesus ay tinawag na “karunungan ng Dios”:

 

      Ngunit sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo       ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.

 

      Datapuwat sa Kanya, kayo’y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay       ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at       katubusan. ( I Corinto 1: 24, 30 )

 

Ang makadios na karunungan ay di tulad ng karunungan ng mundo:

 

      Ngunit kung kayo’y mayroong mapapait na paninibugho at       pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag       magsinungaling laban sa katotohanan.

 

      Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa       lupa, sa laman, sa diablo.

 

      Sapagkat kung saan may paninibugho at pagkakampikampi, ay doon       mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.

 

      Ngunit ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una’y malinis saka       mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at       mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.

      ( Santiago 3: 14-17)

 

Kung wala kang kaloob ng karunungan ay maaari mo pa ring linangin ang espirituwal na karunungan. Matatanggap mo ito sa pag-aaral ng Salita ng Dios:

 

      At mula sa pagkasanggol ay inyong nalalaman ang mga banal na kasulatan       na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng       pananampalataya kay Cristo Jesus. ( II Timoteo 3: 15)

 

Maaari kang humingi ng karunungan mula sa Dios:

 

      Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi       sa Dios, na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi manunumbat; at ito’y       ibibigay sa kanya. ( Santiago 1:5)

 

Ang karunungan ay ibinibigay sa kanila na namumuhay ng banal:

 

      Sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, Sa Kaniyang bibig       nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:

 

      Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan; Siya’y       kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat. (Kawikaan 2:6-7)

 

Subalit tandaan mo na ang espirituwal na karunungan na ibinibigay sa lahat ng mananampalataya ay iba kay sa kaloob ng pagsasalita ng karunungan. Ang pagsasalita ng karunungan ay isang tanging kakayahan na ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Pag-aralan ang mga reperensiya na isinulat ni Pablo tungkol sa karunungan: I Corinto 2:1-13. Anu ano ang pagkakaiba ng dalawang karunungan na isinulat niya? Ang pagsasalita ng karunungan ay gumagawa sa kanyang buhay. Basahin ang II Pedro 3:15-16; I Corinto 2: 4-8.

 

Ang karunungan ay makikita rin sa buhay ni Esteban: Gawa 6: 3, 10.

 

Si Haring Salomon ang pinakamabuting halimbawa ng karunungan sa Lumang Tipan:

I Hari 3: 5-28.

 

Pag-aralan ang aklat ng Kawikaan. Isinulat ito ni Haring Salomon at  isa itong praktikal na pagsasagawa ng espirituwal na karunungan.

 

Pag-aralan ang Santiago 3: 17. Ilista ang mga katangian ng makadios na karunungan.

 

Pag-aralan ang mga halimbawang ito ng pagsasalita ng karunungan:

 

-         Lucas 2: 40-52; 21:15

-         Gawa 5:26-33 (Pansinin ang karunungan sa mga salitang “dapat naming sundin ang Dios kay sa tao”).

-         Deuteronomio 34:9

-         Exodo 36: 1-2

 

SALITA NG KAALAMAN

 

            Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng             karunungan; at sa iba’y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu.

             ( I Corinto 12:8)

 

Ang salita ng kaalaman ay ang kakayahan na maunawaan ang mga bagay na hindi alam ng iba at hindi maunawaan, at ibahagi ang kaalamang ito sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu. Tulad ng salita ng karunungan, ito ay hindi tinawag na “ kaloob ng kaalaman.” Ito ay kaloob ng “salita ng kaalaman.” Hindi ito ang kabuuang kaalaman ng Dios, bahagi lamang ito ng Kanyang kaalaman.

 

Ang pinagmumulan ng espirituwal na kaalamang ito ay ang Dios:

 

            Na Siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng             kaalaman. ( Colosas 2: 3)

            Sapagkat sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang             espiritu ng tao, na nasa kanya? Gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay             hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios.

 

            Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang             itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na             iwinawangis natin ang mga bagay na ayon sa Espiritu sa mga salitang ayon    sa Espiritu.

 

            Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng             Espiritu ng Dios: sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at         hindi niya nauunawa, sapagkat ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa Espiritu.

            ( I Corinto 2: 11-14)

 

Ang kaloob ng salita ng kaalaman ay kaalamang ipinapahayag. Ibig sabihin ay ito ay kaalamang ipinahayag ng Dios. Hindi ito nakukuha sa pag-aaral o edukasyon.

 

Nang tanungin ni Jesus si Pedro ng isang espirituwal na tanong, sumagot siya ng salita ng kaalaman: Ang sabi ni Jesus:

 

            At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas:             sapagkat hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng Aking             Ama na nasa langit. ( Mateo 16:17)

 

Ang kaloob ng salita ng kaalaman ay dapat gamitin nang may kababaang-loob sapagkat hindi ikaw ang pinagmulan ng kaalaman. Ang Dios ang pinagmulan nito:

 

            ... Ang kaalaman ay nagpapalalo, ngunit ang pagibig ay nagpapatibay.

 

            Kung sinoman ay nagaakala na siya’y may nalalaman anoman, ay wala pang             nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman. ( I Corinto 8: 1-2)

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Narito ang mga halimbawa sa Bagong Tipan ng salita ng kaalaman upang pag-aralan mo:

 

            - Jesus:                                                   Juan 1:48; 4:17-18; 11:14

            - Simon:                                                 Lucas 2: 25-35

            - Ananias at Saphira:                             Gawa 5: 1-11

             -Paul:                                                    Gawa 27: 13-44

            - Pedro:                                                  Gawa 5: 1-10; 8:23; 10:19

            - Ananias:                                              Gawa 9: 1-18

 

 

 

 

Pansinin sa talatang ito na alam ni Ananias:

 

            - Kung nasaan si Pablo:                                      Talatang  11

            - Na siya ay nananalangin:                                 Talatang  11

            - Na siya ay nakakita ng pangitain:                    Talatang  12

            - Na siya ay piniling sisidlan:                             Talatang  15

            - Na siya ay magdurusa:                                     Talatang  16

            - Na siya ay magiging saksi:                               Talatang  15

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa:

 

________________________________________

________________________________________

2. Anu ano ang limang kaloob ng pagsasalita?

 

____________________       ____________________      _______________________

_______________________________     _________________________________

3. Basahin ang listahan ng kaloob ng pagsasalita sa Unang Hanay. Basahin ang mga kahulugan sa Pangalawang Hanay. Isulat ang numero ng tamang kahulugan sa puwang sa Unang Hanay.

 

            Unang Hanay                                               Pangalawang Hanay

 

____Umaaral                               1. Nagsasalita ng bagong mensahe ng Dios para sa                                                                                       bayan Niya sa ilalim ng inspirasyon ng Dios.

 

____Panghuhula                                   2. Mga salita ng pagpapayo at pang-aliw.

 

____Salita ng karunungan                    3. Kaalaman na sanayin ang iba sa Salita ng Dios.

 

____Pagtuturo                                       4. Karunungan kung paano isasagawa ang                                                                                   kaalaman sa tiyak na pangangailangan.

 

____Salita ng Kaalaman                       5. Kakayahang maunawaan ang mga bagay na

                                                                   hindi alam ng iba at sabihin ito sa ilalim ng

                                                                   inspirasyon ng Espiritu.

 

4. Bilugan ang tamang sagot upang makumpleto ang pangungusap: Ang mga mananampalataya ay nagbibigay ng salita ng karunungan at kaalaman sa pamamagitan ng…

            a. Paguulit ng kanilang nabasa.

            b. Pagiisip ng anumang bagay na maaaring nais sabihin ng Dios.

            c. Ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng kanilang sasabihin.

 

5. Tama ba o Mali ang pangungusap na ito? Ang mga kaloob ng karunungan at ng kaalaman ay pareho. _____________

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

IKA-WALONG  KABANATA

 

MGA KALOOB NG PAGSISILBI NG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat mong magawa ang mga sumusunod:

 

.     Tukuyin ang siyam na kaloob ng pagsisilbi ng Espiritu Santo.

.     Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kaloob ng paglilingkod at kaloob ng pagtulong,

.     Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kaloob ng pangangasiwa at kaloob ng pangunguna.

.     Ipakita ang pagkakaiba ng kaloob ng pananampalataya at bunga ng pananampalataya.

 

SUSING TALATA:

 

      At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.

      ( Marcos 10: 44)

 

PAMBUNGAD

 

May siyam na kaloob na espirituwal na tinatawag nating “mga kaloob ng pagsisilbi.” Hindi mga espesyal na posisyon ito tulad ng apostol, propeta, evangelista, pastor at guro. Hindi ito mga kaloob ng pagsasalita kung saan tumatayo ang isa upang mangaral ng Salita ng Dios. Hindi ito mga kaloob ng tanda ( na pag-aaralan mo sa susunod na kabanata) na ibinibigay upang patunayan ang katotohanan ng evangelio.

 

Ang siyam na kaloob na ito ay “ naglilingkod” sa iglesia sa pagbibigay ng estraktura, organisasyon, at suporta sa espirituwal at praktikal na larangan. Ang siyam na kaloob ng paglilingkod ay:

 

-         Pagkilala sa mga espiritu                          - Pagtulong

-         Pangunguna                                              - Paglilingkod

-         Pamamahala                                              - Kahabagan

-         Pananampalataya                                      - Pagpapatuloy

-         Pagbibigay

 

PAGHAHAYAG NG ESPIRITU

 

Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang              pakinabangan naman.

Sapagkat sa isa , sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang… pagkilala sa    mga espiritu…( I Corinto 12: 7-10)              

 

Ang pagkilala sa mga espiritu ay ang kakayahang siyasatin ang mga tao, mga doktrina, at mga sitwasyon kung ito ay sa Dios o kay Satanas. Hindi dapat ikalito ng sinuman ang pagkilala sa mga espiritu at ang pamimintas. Ito ay espirituwal na kaloob. Ang mga espirituwal na bagay ay hindi nakikilala sa pamamagitan ng natural na isip:

 

 Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagkat ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa Espiritu. ( I Corinto 2:14)

 

Ang kaloob na ito ay limitado sa pagkilala ng mga espiritu. Hindi basta pagkilala na pangkalahatan. Naglilingkod ito sa iglesia sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga taong maaaring maghati sa iglesia na may mga maling motibo, mga doktrina, at mga damdamin.

 

Ang pagkilala sa mga espiritu ay mahalagang kaloob sapagkat ang ating mga kaaway ay hindi nakikita ng natural na mata. Nakikilala lamang sila sa pamamagitan ng espirituwal na pagkilala:

 

Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. ( Efeso 6: 12)

 

Isa sa mga pakana ni Satanas ay panlilinlang. Kaya nga napakahalaga ng pagkilala:

 

At hindi katakataka: sapagkat si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.

 

Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa. ( II Corinto 11: 14-15)

 

Habang nalalapit ang pagbabalik ng Panginoon Jesus, itong mga espiritu ng panlilinlang ay darami:

 

Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonyo. ( I Timoteo 4: 1)

 

Nagbabala si Apostol Pedro:

 

Ngunit may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

 

At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan.

 ( II Pedro 2: 1-2)

 

Kung wala kang kaloob ng pagkilala sa mga espiritu, hindi ka walang laban. Nagbigay ang Dios ng paraan upang subukin ang mga espiritu. Ang pagsubok na ito ay tama sa mayroon ka o walang kaloob ng pagkilala sa mga espiritu:

 

Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawat espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Dios; sapagkat maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

 

Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawat espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios:

 

At ang bawat espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanglibutan na.  ( I Juan 4: 1-3)

 

Matuturuan mo ang iyong mga espirituwal na pakiramdam na kilalanin ang mabuti at ang masama. Ang mga pakiramdam na ito ay nalilinang sa pag-aaral ng Salita ng Dios:

 

            Sapagkat bawat tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng             katuwiran; sapagkat siya’y isang sanggol.

 

Ngunit ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama. ( Hebreo 5: 13-14)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Ang mga sumusunod na reperensiya ay mga halimbawa ng paggamit ng kaloob ng pagkilala ng mga espiritu:

 

     - Jesus:                                 Mateo 16: 21-23; Juan 1:47; Lucas 9:55

     - Pablo:                                Gawa 13: 6-12; 16:16-18

     - Pedro:                                Gawa 5:1-11; 8: 18-24

 

(Sa Gawa 18: 18-24, para saan ang paggamit ng pagkilala ng mga espiritu rito?)

 

PANGUNGUNA

 

      At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa       atin…ang nagpupuno, ay magsikap… ( Roma 12: 6, 8)

 

Ang kaloob na espirituwal ng pangunguna ay ang kakayahang magtakda ng mga aabutin na “goals”  na ayon sa mga layunin ng Dios at maibahagi ang mga “goals” na ito sa iba.

Ang taong may ganitong kaloob ay marunong magganyak at pangunahan ang iba na maabot ang mga “goals” na ito para sa kaluwalhatian ng Dios.

 

Ang pangunguna ay binangit sa Roma 12 at ang mga katangian para sa kaloob na ito ay isa na nangunguna [namumuno] na may pagsisikap. Ang kahulugan ng pagsisikap ay magpakita ng palagiang pagmamalasakit at pagnanais na maabot ang hantungan. Masipag, maasikaso, at matiyaga.

 

Ang taong may kaloob ng pangunguna ay dapat pangunahang mabuti ang kanyang pamilya:

 

Ngunit kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios? ( I Timoteo 3:5)

 

Totoo rin ito sa taong may kaloob ng pangangasiwa.

 

Ang mga mananampalataya ay dapat magpakita ng paggalang sa mga lider sa iglesia:

 

Datapuwat ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalala sa inyo;

 

At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa…

( I Tesalonica 5: 12-13)

 

Inutusan tayo na:

 

Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo’y pasakop sa kanila: sapagkat pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito’y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagkat sa ganito’y di ninyo mapapakinabangan. ( Hebreo 13: 17)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Tatlo sa pinakadakilang mga lider ay sila Moises, Josue, at David. Ang kasaysayan ng buhay ni Moises ay masusumpungan sa mga aklat ng Exodo hanggang sa Deuteronomio. Ang kuwento ni Josue ay nasa aklat ni Josue. Mababasa mo ang tungkol kay David sa I at II Samuel.

 

Ang ilan pa sa mga dakilang mga lider ay sila:

 

     - Nehemias:                    Aklat ni Nehemias

     - Ezra:                             Ezra at Nehemias

     - Pedro:                           Aklat ng Mga Gawa

 

 

PAMAMAHALA

 

At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika. ( I Corinto 12: 28)

 

Ang kaloob ng pamamahala ay tinatawag na “pangangasiwa ng gobierno” sa Biblia. Ang taong may kaloob ng pamamahala ay may kakayahang magbigay ng direksiyon, mangasiwa, at gumawa ng mga desisyon para sa iba. Ang kahulugan ng salitang pamamahala ay tulad ng salitang ginagamit sa isang piloto na gumigiya sa barko. Ang salitang ito ay kapwa ginamit sa Biblia:

 

Ang mga nananahan sa Sidon at Arvad ay iyong mga mananaguwan: ang iyong mga pantas , Oh Tiro, ay nangasa iyo, sila ang iyong mga tagaugit.

( Ezekiel 27: 8)

 

Ang taong may ganitong kaloob ang nangangasiwa sa direksiyon at paggawa ng mga desisyon. Tulad ng piloto ng barko, maaaring hindi siya ang may-ari ng barko, subalit siya ay pinagkatiwalaan na mamahala at magbigay ng direksiyon sa biyahe nito.

 

Ang mga kaloob ng pangunguna at pamamahala ay kapwa nangangailangan ng kakayahan ng pangangasiwa upang maabot ang mga espirituwal na nilalayon.

 

Ang mga pastor at mga guro ay madalas may espirituwal na kaloob din ng pangunguna. May kakayahan silang himukin ang mga tao na abutin ang mga espirituwal na hantungan.   Subalit marami sa kanila ay walang kaloob ng pamamahala. Bagaman sila ay humihimok, hindi nila kayang mag “organize” upang maabot ang nilalayon.  

 

Ang relasyon ni Tito at ni Pablo ay nagpapakita kung paano gumawa ang kaloob ng pamamahala. Bukod sa ibang mga kaloob, may kaloob si Pablo ng pangunguna bilang isang apostol. Nagtanim siya ng iglesia sa Creta, at ito’y inayos at pinangunahan ni Tito:

 

Kay Tito na aking tunay na anak…Dahil dito’y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawat bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo. ( Tito 1: 4-5)

 

Inatasan ni Pablo si Tito na maging tagapamahala sa mga iglesia sa Creta. Si Pablo pa rin ang may kapamahalaan sa mga iglesia. Si Tito ang namamahala na sumusunod sa mga tagubilin ni Pablo. Ayon sa talatang ito, isa sa mga pangunahing gawain ng tagapamahala ay ang magsanay ng mga mananampalataya upang maging mga lider sa iglesia.

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Pag-aralan ang suliranin na nasa Gawa 6: 1-7. Ano ang suliranin? Sino ang gumamit ng kaloob ng pangunguna? Sino sa palagay mo ang may kaloob ng pamamahala?

 

Basahin ang Lucas 14:28-30. Pansinin ang kahalagahan ng pagpaplano at pagsasaayos. Bahagi ito ng mabuting pamamahala.

 

Pag-aralan ang buhay ni Jose sa Genesis 37 hanggang 50. Si Jose ay may kaloob ng pamamahala. Siya ang nagsaayos  at nangasiwa sa Egipto para kay Faraon. Basahin din ang Gawa 7:9-10.

 

 

PANANAMPALATAYA

 

    Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang              pakinabangan naman.

 

Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang… pananampalataya… ( I Corinto 12: 7- 9 )

 

Ang tao na may kaloob ng pananampalataya ay may tanging kakayahan na maniwala ng may makadios na kumpiyansa at magtiwala sa Dios sa mahihirap na mga pangyayari. Kinakailangan ang espesyal na pananampalataya upang tugunin ang espesyal na pangangailangan. Alam niyang gagawin ng Dios ang imposible. Patuloy siyang nananampalataya kahit ang mga nakapalibot sa kanya na mananampalataya ay hindi naniniwala. Binigyan kahulugan ng Biblia ang pananampalataya na:

 

…kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. ( Hebreo 11: 1)

 

Narito naman ang dagdag na kahulugan sa Magandang Balita Biblia:

 

Tayo’y may pananalig kung nagtitiwala tayong mangyayari ang mga inaasahan natin, at naniniwala sa mga bagay na di natin nakikita. (Hebreo 11:1, MBB)

 

Ang pananampalataya ay nagbibigay ng kasiguruhan na ang mga bagay na ipinangako sa hinaharap ay totoo at ang mga bagay na hindi nakikita ay totoo.

 

Maraming uri ng pananampalataya. Mayroong natural na pananampalataya kung saan tayo ay nagtitiwala sa mga bagay na napatunayan nang matatag. May sinasaad ang Biblia na pananampalatayang bumabanal ( Galacia 2: 20), pananampalatayang sumasalag (Efeso 6: 16), at pananampalatayang nagliligtas ( Roma 5:1).

 

Ipinakita sa Biblia ang iba’t ibang antas ng pananampalataya. Inilarawan ni Jesus ang mga taong hindi ginamit ang kanilang pananampalataya na walang pananampalataya

 ( Mateo 17:17). Binanggit din niya sila na may maliit na pananampalataya ( Mateo 6:30; 8:26; 14:31; Lucas 12:28) at sila na may dakilang pananampalataya ( Mateo 8:10; 15:28; Lucas 7:9).

 

Itinuturo ng Biblia na ang bawat isa ay binigyan ng isang sukat ng pananampalataya bilang kaloob ng Dios ( Roma 12: 3b). Itinuturo rin na tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ( Efeso 2:8). Subalit ang kaloob ng pananampalataya ay isang di pangkaraniwang kakayahan na manampalataya sa Dios sa lahat ng larangan ng buhay. Walang imposible sa ganitong klaseng pananampalataya. Hindi nililimitahan ang magagawa ng Dios.

 

Para sa mga taong walang kaloob ng pananampalataya, tinuturo ng Biblia kung paanong lalago ang iyong pananampalataya:

 

Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng Salita ni Cristo. ( Roma 10: 17)

 

Ang pananampalataya ay nakalista sa Galacia 5:22 bilang bunga ng Espiritu, at kaloob rin. Ang pananampalataya bilang isang kaloob na espirituwal  ay tumutukoy sa kapangyarihan. Bilang isang bunga ito ay tumutukoy sa paguugali. Ang pananampalataya bilang isang kaloob ay isang kilos. Ito ay isang kakayahang kumilos ayon sa pananampalataya sa harap ng mga kaimposiblehan. Ang pananampalataya bilang bunga ay isang damdamin. Ito ay lumalago sa pamamagitan ng paglagong espirituwal kung paanong ang bunga sa natural na mundo ay lumalaki sa pamamagitan ng mga proseso ng paglago.

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Pag-aralan mo ang Hebreo 11. Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng maraming halimbawa ng mga tao na may dakilang pananampalataya. Gumawa ka ng listahan ng mga bagay na nagawa ng mga taong ito dahil sa kanilang pananampalataya.

 

- Si Abraham ay tinawag na lalaki ng pananampalataya: Roma 4: 16-21; Hebreo 11:18-19

- Si Esteban ay may kaloob ng pananampalataya:            Gawa 6: 5-8

- Maaaring si Bernabe ay mayroon din nito:                     Gawa 11: 22-24

- Nagpakita si Pablo ng dakilang pananampalataya:         Gawa 27

- Binibigyan diin ng pananampalataya ang mga bagay na imposible:  I Corinto 13:2

 

 

PAGBIBIGAY

 

At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin…ang namimigay ay magbigay na may magandang-loob…(Roma 12:6, 8)

 

Ang tao na may kaloob ng pagbibigay ay may kakayahang magbigay ng mga material na bagay at salapi sa gawain ng Panginoon. Ginagawa niya ito na may kagalakan at pananabik. Kabilang din sa kaloob na ito ang pagbibigay ng panahon, lakas, at mga talento sa gawain ng Panginoon. Ang hinihiling lang sa isang tao na may kaloob ng pagbibigay ay gawin niya ito nang may magandang kalooban. Ibig sabihin nito ay masaganang pagbibigay.

 

Ang lahat ng Kristiyano ay dapat magbigay sa gawain ng Panginoon:

 

Magbigay ang bawat isa ng ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

( II Corinto 9:7 )

 

Lahat ng mananampalataya ay dapat magbigay ng ikapu mula sa kanilang kinikita. Ang ikapu ay ikasampung bahagi ng lahat ng kinita. Kung ang mga mananampalataya ay hindi  nagbibigay ng ikapu at mga handog, katulad din ito ng pagnanakaw sa Dios:

 

Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon may ninanakawan ninyo Ako. Ngunit inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasampung bahagi at sa mga handog. (Malakias 3: 8 )

 

Nangako ang Dios ng espesyal na pagpapala sa kanila na nagdadala ng ikapu:

 

Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa Aking bahay, at subukin ninyo Ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi Ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog Ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.

 

At Aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

 

At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagkat kayo’y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. ( Malakias 3: 10-12)

 

Ayon sa mga talatang ito, sila na nagbibigay ay pinangakuan ng:

 

1. Di mabilang na pagpapala mula sa Dios, na walang lugar na mapaglagyan. Talatang 10

2. Pagpapala sa kanilang trabahong pinagkakakitaan.  Talatang 11

3. Magiging pagpapala sila sa mga bansa ng sanglibutan.  Talatang 12

4. Ang sarili nilang bansa ay pagpapalain.     Talatang 12

 

Pinagpapala ka ng Dios sa pananalapi depende sa iyong pagbibigay. Siya ang nagbibigay upang ikaw naman ay makapagbigay sa gawain ng Panginoon:

 

Datapuwat sinasabi Ko, ang naghahasik ng bahagya na ay mag-aani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.

 

At maaaring gawin ng Panginoon na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawat mabuting gawa. ( II Corinto 9: 6, 8)

 

Ipinangako rin ni Jesus:

 

Mangagbigay kayo, at kayo’y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagkat sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin. ( Lucas 6: 38)

 

Ang paraan ng pagkita mo ng salapi at mga gamit ay sinasabi sa Efeso:

 

Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kanyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya’y may maibigay sa nangangailangan. ( Efeso 4: 28)

 

Narito ang sinabi ni Pablo patungkol sa pagbibigay ng mga mananampalataya sa Filipos:

 

… ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios. ( Filipos 4: 18)

 

Binanggit niya na nalugod ang Dios dahil sila ay nagbigay ng may pagsasakripisyo. At sinabi niya sa mga mapagbigay na mananampalataya:

 

At pupunan ng Dios ang bawat kailangan ninyo ayon sa Kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. ( Filipos 4: 19)

 

Ang pangakong ito ay ibinigay sa kanila na nagbigay sa gawain ng Panginoon. Subalit tandaan mo: Bagaman ang lahat ng mananampalataya ay dapat magbigay at pinagpapala sila ng Dios dahil dito, ang taong may kaloob ng pagbibigay ay may di pangkaraniwang kakayahan na magbigay nang may kagalakan sa Panginoon; isang espesyal na espirituwal na pagnanasang magbigay.

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Narito ang halimbawa sa Biblia ng mga taong may di pangkaraniwang kakayahan na magbigay sa Panginoon. Maaaring mayroon sila ng espirituwal na kaloob ng pagbibigay:

 

     - Balo:                                         Marcos 12: 41-44; Lucas 21:1-4

     - Maria:                                       Juan 12: 3-8

     - Iglesia sa Galacia:                    Galacia 4: 15

     - Iglesia sa Filipos:                      Filipos 4: 10-18

     - Mga iglesia sa Macedonia:         II Corinto 8: 1-7

 

Ano ang dapat magbunsod sa atin na magbigay? Basahin ang Mateo 6:3; Efeso 4: 28;

I Corinto 13: 3.

 

MGA PAGTULONG

 

At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika. ( I Corinto 12: 28)

 

Ang taong may kaloob ng pagtulong ay may kakayahang tumulong sa iba sa gawain ng Panginoon na lalong nagdadagdag sa kanilang pagiging mabisa sa tinanggap nilang kaloob. Mula sa janitor hanggang sa mga musikero, kahit na anong uri ng pagtulong sa pagpapatakbo ng iglesia ay napapaloob sa kaloob ng mga pagtulong. Nang suguin ni Pablo si Febe sa Roma, inutusan niya ang mga mananampalataya doon na tumulong sa pamamagitan ng mga kaloob ng pagtulong:

 

Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa Cencrea:

 

Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, ayon sa nararapat sa mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagkat siya nama’y naging katulong ng marami, at ng aking sarili naman.

( Roma 16: 1-2)

 

Naglingkod din si Priscila at Aquila kay Pablo, kaya’t sinabi niya:

 

Batiin ninyo si Priscila at Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus…

 ( Roma 16: 3)

 

Ang kaloob ng pagtulong ay anumang uri ng trabaho na sumusuporta o umaalalay sa iba.

Ito ay tulad ng paglilingkod bilang “assistant.”

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

-         Si Tabitha ( Dorcas) ay may kaloob ng pagtulong:  Gawa 9: 36

-         Tinulungan ng mga kababaihan si Jesus sa ministeryo:  Marcos 15: 40-41

-         Ang tulong ay maaaring sa larangan ng pagsasaayos: Exodo 18:22; Bilang 11:17

-         Ang ministeryo ng pagtulong ay umaalalay sa mga mahihina:  Gawa 20: 35

 

PAGLILINGKOD

 

At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin…

O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio

(Roma 12: 6-7)

 

Ang salitang “ministerio” dito ay nangangahulugan ng paglilingkod. Ang kaloob ng paglilingkod ay ang paggawa ng mga praktikal na mga bagay na kaugnay sa gawain ng Panginoon. Ang taong naglilingkod ay tumutulong sa iba na matupad ang mga espirituwal na layunin sa pamamagitan ng pagbibigay kalayaan sa kanila sa paggawa ng mga pang araw-araw na gawain na kailangang tapusin.

 

Ang salin sa Magandang Balita Biblia ay…

 

... kung paglilingkod, maglingkod tayo… ( Roma 12: 7 )

 

Ang paglilingkod ay iba kaysa sa kaloob ng pagtulong, sapagkat ito ay nagpapalaya sa iba mula sa kanilang mga dapat gawin. Ang isang naglilingkod ay kinukuha ang responsbilidad ng isa upang siya ay makaganap ng kanyang espirituwal na kaloob.

 

Ang taong may kaloob ng pagtulong ay umaalalay sa iba sa paggawa ng kanilang ministerio. Halimbawa, ang mga musikero sa iglesia ay tumutulong sa pastor upang maabot ang nilalayon sa oras ng pananambahan sa iglesia. Hindi nila pinapalitan ang pastor sa kanyang responsabilidad, kundi sa pamamagitan ng kanilang mga kaloob ay tumutulong sila na maabot ang mga espirituwal na pinapakay.

 

Sa kabilang dako, ang taong may kaloob ng paglilingkod ay pumapalit sa pastor sa pamamahagi ng mga pagkain sa mga nangangailangang kapatiran. Makikita ang halimbawang ito sa unang iglesia nang ang mga piling mananampaltaya ay “naglingkod” sa mga la mesa upang lumaya ang mga apostol sa paggawa ng mas mahahalagang gawain:

 

Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulungbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagkat ang kanilang babaeng bao ay pinababayaan sa pamamahagi araw- araw.

 

At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang Salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang.

 

Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito.

 

Datapuwat magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng Salita.  ( Gawa 6: 1-4)

 

Pansinin mo ang mga katangian ng mga maglilingkod. Sila ay dapat maging matapat, puno ng Espiritu Santo at ng karunungan. Ganito ang sabi ni Pablo sa mga naglingkod sa kanya:

 

Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagkat madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala;

 

Kundi, nang siya’y nasa Roma, ay hinanap niya ako nang buong sikap, at ako’y nasumpungan niya.

 

( Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw na yaon): at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso. ( II Timoteo 1: 16-18)

 

Ang kaloob ng paglilingkod ay kasama ang pagdadalahan ng pasanin ng iba:

 

Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa’t isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.  ( Galacia 6:2)

 

Ang damdamin ng naglilingkod ay inilarawan ni Jesus:

 

At Kaniyang sinabi sa kanila, Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila; at ang may kapamahalaan sa kanila’y tinatawag na mga Tagapagpala.

 

Datapuwat sa inyo’y hindi gayon: kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod.

 

Sapagkat alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? Hindi baga ang nakaupo sa dulang? Datapuwat ako’y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod. ( Lucas 22: 25-27)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Mga halimbawa ng paglilingkod:

 

     - Mga anghel:                                                  Hebreo 1: 14; 4:11; Marcos 1:13

     - Mga naglilingkod sa pagkain:                       Juan 2: 5,9; Lucas 10: 40

 

 

KAHABAGAN

 

At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin…ang nahahabag ay magsaya.  ( Roma 12: 6, 8 )

 

Ang ibig sabihin ng “kahabagan” ay pagkamaawain. Ibig sabihin nito ay nadarama mo ang nararamdaman ng iba. Ang taong may kaloob ng kahabagan ay madaling mahabag sa mga nagdurusa at may kakayahang tumulong sa kanila.

 

Ang kaloob ng kahabagan ay hindi lang sa damdamin kundi ito ay kumikilos. Makikita ito sa kuwento ng Mabuting Samaritano sa Lucas 10: 30-37. Ang Samaritano ay hindi lang nahabag sa biktima ng mga magnanakaw, kundi ginawa niya ang lahat upang tulungan siya.

 

Ang kahilingan ng kaloob na ito ay dapat ito’y gawin na may kagalakan. Ang ibig sabihin ng “ kagalakan” ay laging may masayang kahandaan na gawin ang anuman upang maibsan ang pagdurusa.

 

Paghambingin ang kahabagan ng mga alagad at ni Jesus sa mga pangyayaring ito:

 

Reperensiya                                   Jesus                                     Mga Alagad

 

Mateo 15: 23-28                        Pinagaling ang anak                     Pinaalis

Babaing Cananea

 

Marcos 8: 1-9                             Pinakain sila                                 Pauwiin

Maraming tao

 

Mateo 20: 31-34                          Pinagaling sila                              Pinatatahimik sila

Mga taong bulag

 

Marcos 10: 48-49                        Pinagaling siya                              Pinatatahimik siya

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Pag-aralan itong mga ilustrasyon ng kaloob ng kahabagan:

 

-         Si Jesus, kaugnay ng kagalingan: Mateo 9: 27-30; 15:21-28; 17:14-18; 20: 30-34;

       Marcos 10: 46-52; Lucas 17: 1-14

-         Ang Mabuting Samaritano: Lucas 10: 30-37

-         Dorcas:  Gawa 9: 36-42

 

 

PAGPAPATULOY

 

Na mangagpatuluyan kayo na walang bulongbulungan:

 

Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios. ( I Pedro 4: 9-10 )

 

Ang kaloob ng pagpapatuloy ay isang tanging kaloob na ibinibigay ng Dios sa mga kaanib ng Katawan ni Cristo upang magbigay ng pagkain at tirahan sa mga nangangailangan. Ang hinihiling sa paggamit ng kaloob na espirituwal na ito ay na gawin ito ng walang pagbubulongbulungan. Ang ibig sabihin ay huwag magreklamo sa paggawa nito.

 

Ang pagpapatuloy ay tanda ng pagibig na walang pagpapaimbabaw:

 

Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw…maging mapagpatuloy…

( Roma 12: 9, 13 )

 

Ang pagpapatuloy ay isa sa mga katangian ng pagiging obispo:

 

Dapat nga na ang obispo ay … mapagpatuloy…( I Timoteo 3: 2)

 

Sapagkat dapat na ang obispo ay walang kapintasan… kundi mapagpatuloy…

( Tito 1: 7- 8 )

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

Si Lydia ay isang halimbawa ng isa na may kaloob ng pagpapatuloy: Gawa 16: 14-15

 

Pinatuloy ni Gaius si Pablo sa Roma:  Roma 16: 23

 

May mga sorpresang posibilidad na mangyayari sa mga taong nagpapatuloy. Hanapin ito sa Hebreo 13: 1-2. Naganap ito kay Abraham at kay Sara: Genesis 18.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Ilista ang siyam na mga kaloob ng paglilingkod.

 

______________________________          ___________________________________

 

________________________________          ___________________________________

 

________________________________          ___________________________________

 

________________________________           __________________________________

 

                                     ____________________________________

 

 

3. Bakit tinawag na mga kaloob ng paglilingkod ang mga ito?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

4. Ano ang pagkakaiba ng kaloob ng pangunguna sa kaloob ng pamamahala?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

5. Ano ang pagkakaiba ng mga kaloob ng pagtulong at paglilingkod?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

6. Basahin ang listahan ng mga kaloob ng paglilingkod sa Unang Hanay. Basahin naman ang mga katuturan nito sa Pangalawang Hanay. Isulat ang numero ng katuturan sa puwang sa harap ng kaloob.

 

 

Unang Hanay                                                 Pangalawang Hanay

 

____ Paglilingkod                    1. May kakayahang kilalanin ang mga tao, mga doktrina,                                                                  at mga sitwasyon kung ang mga ito ay sa Dios.

 

____Mga Pagtulong                 2. May kakayahang magganyak ng iba na abutin ang                                                             mga tiyak na hangarin.

 

____Pangunguna                     3. Nangangasiwa para sa iba.

 

____Pamamahala                     4. May tanging kakayahan na manampalataya.

 

____Pagbibigay                        5. May tanging kakayahan upang magbigay.

 

____Kahabagan                        6. Tumutulong sa iba sa kanilang ministerio.

 

____Pagkilala ng mga espiritu  7. Tanging kakayahan na maging mahabagin.

 

____Pananampalataya               8. Nagbibigay ng pagkain at matutuluyan.

 

____Mapagpatuloy                    9. Pinapalitan ang iba upang lumaya sa paggawa ng mga

                                                       pangaraw-araw na gawaing praktikal.

 

 

7. Tama ba o mali ang pangungu sap na ito? Sila lamang na may kaloob ng pagbibigay ang dapat magbigay sa gawain ng Panginoon. Ang sagot ay __________.

 

8. Ibigay ang kahulugan ng pananampalataya.

 

________________________________________

 

9. Ano ang pagkakaiba ng kaloob ng pananampalataya at ng bunga ng pananampalataya?

 

________________________________________

 

10. Paano natin mapalalago ang ating pananampalataya?

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA PAG-AARAL

 

 

Ang mga mungkahi para sa bawat isang kaloob ng paglilingkod ay tinalakay na sa dulo ng bawat kaloob. Ito ay ginawa upang makumpleto ang iyong pag-aaral ng bawat kaloob ng paglilingkod bago ka pumunta sa susunod na kaloob.

 

Naglista ang Biblia ng karagdagang mga kaloob na hindi nasakop ng araling ito. Hindi ito kasali sa mga kaloob ng Espiritu Santo. Dahil dito hindi ito isinali sa pag-aaral ng mga kaloob na espirituwal.

 

ANG KALOOB NG HINDI PAG-AASAWA:

 

Ang kaloob ng pananatili sa pagka binata o dalaga ay ibinibigay ng Dios para sa Kristiyanong paglilingkod. Sa I Corinto 7: 7-8 binanggit ni Pablo ang kanyang kaloob ng hindi pag-aasawa. Subalit, hindi ito sapilitan ( basahin ang I Timoteo 4: 1-5). Ito ay kaloob ng Dios, hindi isang batas na dapat igiit ng iglesia o denominasyon. Ang iglesia ay pinalalakas ng mga tao na may kaloob ng hindi pag-aasawa. ( I Corinto 7: 32-35).

 

 

NAMAMAGITAN:

 

Ang kaloob ng pamamagitan ay isang tanging kaloob na ibinigay ng Dios upang ang isa ay manalangin ng marubdob sa mahabang panahon at palagian. Ang mamagitan ay mamanhikan sa panalangin para sa iba. Ang mga taong namamagitan ay nananalangin para sa pangangailangan ng mga tao, mga lider, mga ministerio, at mga bansa.

 

Bagaman hindi ito tiniyak na isang kaloob na espirituwal, may katibayan na ibinigay ito ng Espiritu Santo upang gumawa bilang isang kaloob (basahin ang Roma 8: 26-27). Pag-aralan ang mga sumusunod na talata upang makita ang mga layunin ng pananalangin upang mamagitan sa iba:

                                                 

     - Santiago 5: 14-16                               - Bilang 14: 17-19

     - I Timoteo 2: 1-2                                 - Gawa 7: 60

     - Efeso 6: 19

 

 

KALOOB NG PAGKATHA:

 

May isa pang kaloob na tinatawag na "pagkatha." Ito ay kakayahan at karunungan na lumikha ng sarisaring bagay na maganda para sa gawain ng Panginoon. Ang mga halimbawa ay yaong mga espesyal na mga kakayahang ibinigay ng Dios upang ihanda ang mga gamit sa bahay ng Panginoon at mga kasuotan ng mga saserdote ( Exodo 28:3; 31: 3-6).

 

 

IKA-SIYAM  NA  KABANATA

 

MGA KALOOB NG TANDA NG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga suusunod:

 

.    Tukuyin mo kung anu ano ang apat na kaloob na tanda ng Espiritu Santo.

.    Ipaliwanag ang layunin ng mga himala.

.    Maglista ng limang dahilan ng mga karamdaman.

.    Sabihin ang pagkakaiba ng kaloob ng mga wika at pagsasalita ng mga wika bilang

     tanda ng bautismo sa Espiritu Santo.

.    Talakayin ang mga tagubilin sa Biblia sa paggamit ng kaloob ng mga wika.

 

SUSING TALATA:

 

Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? Na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;

 

Na pawang sinaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang kapangyarihan, at ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa Kaniyang sariling kalooban.

( Hebreo 2: 3-4 )

 

 

PAMBUNGAD

 

Mayroong apat na kaloob  na tinatawag nating "kaloob ng tanda" sapagkat ang mga ito ay makalangit na mga tanda ng kapangyarihan ng Dios na gumagawa sa mga mananampalataya upang patunayan ang Kanyang salita:

 

At nagsialis sila at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.  ( Marcos 16: 20)

 

Ang mga kaloob ng tanda ay gumagawa sa pamamagitan ng mga mananampalataya sa pagpapagaling, mga himala, at mga tanging mensahe mula sa Dios sa pamamagitan ng mga wika at pagpapaliwanag nito. Ang mga makadios na kaloob ay isa ring "tanda" sa mga di mananampalataya na mayroong Dios.

 

Ang apat na kaloob ng tanda ay:

 

     - Mga himala

     - Pagpapagaling  

     - Mga wika

     - Pagpapaliwanag ng mga wika

 

MGA HIMALA

 

Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu upang pakinabangan naman.

 

Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay... ang mga paggawa ng mga himala.  ( I Corinto 12: 7-10 )

 

Sa pamamagitan ng isang tao na may kaloob ng mga himala, ang Dios ay nakagagawa ng makapangyarihang mga gawa na hindi posible sa natural na kalagayan. Ang mga makadios na gawang ito ay tanda na ang kapangyarihan ng Dios ay mas dakila kay sa gawa ni Satanas.

 

May mga tiyak na layunin ang mga himala. Ginagamit ito ng Dios upang patunayan na ang Evangelio ay tunay:

 

Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? Na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;

 

Na pawang sinaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang kapangyarihan, at ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa Kaniyang sariling kalooban.

( Hebreo 2: 3-4 )

 

Dahil sa mga himala ang mga tao ay naniniwala kay Jesus at tumatanggap sila ng buhay na walang hanggan:

 

Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng Kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:

 

Ngunit ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa Kaniyang pangalan. ( Juan 20: 30-31 )

 

Ang mga himala rin ay ginagamit ng Dios upang ipakita na kalugudlugod sa Kaniya ang taong ginagamit Niya. Ang ministerio ni Jesus ay pinatunayan ng mga himala:

 

Ito rin ay naparoon sa Kaniya ng gabi, at sa Kaniya'y nagsabi, Rabbi, nalalaman namin na ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagkat walang makagagawa ng mga tanda na Iyong ginagawa, maliban na kung sumasa Kanya ang Dios.

( Juan 3: 2)

 

Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan Niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo. ( Gawa 2: 22)

 

Pinatunayan ng Dios ang ministeryo ng mga alagad sa pamamagitan ng mga himala:

 

Tunay na ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis, sa pamamagitan ng mga tanda at kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan. ( II Corinto 12: 12)

 

May iba't ibang uri ng mga himala. Nagpakita si Jesus ng mahimalang kapamahalaan kahit sa mga pisikal na elemento:

 

At gumising Siya , at sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na totoo ang panahon.

 ( Marcos 4: 39)

 

Ang pisikal na kagalingan at pagpapalayas sa mga demonyo ay mga himala:

 

At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo:

 

Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit,  at nangagsisilabas ang masasamang espiritu. ( Gawa 19: 11-12)

 

Ang mga himala sa mga kamay ni Pablo ay tinatawag na mga "tanging himala." Binigyan ito ng pagkakaiba sa mga "ordinaryong" himala, sapagkat maraming nangyayaring himala noon sa unang iglesia. Ang unang iglesia ay ipinanganak sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan. Karaniwan na ang mga himala noon kaya tinawag na tanging himala ang mga ginawa ni Pablo.

 

Ang mga tanda at himala ay hindi laging nagpapatunay na ang tao o ministeryo ay sa Dios. Gumagamit si Satanas ng mga himala upang mangdaya:

 

Sapagkat sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda.

( Apocalipsis 16: 14)

 

Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan;

 

At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagkat hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan; upang sila'y mangaligtas.

 

At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:

 

Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan. ( II Tesalonica 2: 9-12)

 

 

Ang mga talatang ito ay nagsasabi na ang mga tao ay nalilinlang sa mga himala ni Satanas sapagkat hindi sila nakatanim sa katotohanan ng Salita ng Dios.

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

1. Mga Himala sa Lumang Tipan:

 

-           Basahin ang mga aklat ng Exodo hanggang Deuteronomio. Tingnan mo kung makikita mo ang 26 na mga himala na naganap sa panahon ni Moises.

 

-           Basahin ang I at II Hari. Ilista mo ang 21 na mga himala na nangyari sa panahon

             ni Elias at ni Eliseo.

 

2. Mga Himala sa Bagong Tipan:

 

      -     Pag-aralan ang Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Ilista mo ang mga himalang

            ginawa  ni Jesucristo.

 

      -     Pag-aralan mo ang aklat ng Mga Gawa. Ilista mo ang mga himala na ginawa ng mga apostol at ng iba pang naglingkod sa unang iglesia.

 

      -    Basahin mo ang Gawa 9: 36-41. Anong himala ang natala dito? Anu ano ang mga

            naging resulta ng mga himalang ito ( Gawa 9: 42) ?

 

     -     Ayon sa Roma 15: 18-19, ano ang nakikita sa ministeryo ni Pablo na naging sanhi

            ng pagsunod ng mga Gentil sa Dios?

 

      -     Basahin ang II Corinto 12:12. Saang espirituwal na kaloob naugnay ang kaloob                ng mga himala?

 

       -     Anu anong kapahayagan ng mga himala ang nakita sa Gawa 19: 11-12?

 

PAGPAPAGALING

 

Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu upang pakinabangan naman.

 

Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang...mga kaloob ng pagpapagaling, sa iisang Espiritu. ( I Corinto 12: 7-9)

 

Ang mananampalataya na may mga kaloob ng pagpapagaling ay may kakayahan na padaluyin ang kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan niya upang magbigay ng kagalingan hiwalay sa paggamit ng mga natural na remedyo. Ang ibig sabihin ng "kagalingan" ay ang bigyan ng kalusugan.

 

Ang tawag dito ay "makadios na kagalingan" sapagkat ginagawa ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios at hindi sa mga natural na kaparaanan.

 

Ang mga himala ng kagalingan sa Biblia ay lahat kaagad naganap at nagkaroon ng normal na takbo ang mga katawang pinagaling. Ang pisikal na kagalingan ay isa sa mga espirituwal na tanda na susunod sa mga mananampalataya:

 

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya... ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila'y magsisigaling...

( Marcos 16: 17-18)

                

Ang mga matatanda sa iglesia ay ginagamit din ng Dios upang magpagaling:

 

May sakit baga ang sinoman sa inyo? Ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon;

 

At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.  ( Santiago 5: 14-15)

 

Ang lahat ng mananampalataya ay maaaring manalangin para sa may sakit. Ang mga matatanda sa iglesia ay maaari ding manalangin para sa may sakit. Subalit ang mananampalataya na may kaloob ng pagpapagaling ay tiyak at palagiang ginagamit ng Dios sa larangang ito ng ministeryo.

 

Pangmaramihan ang ngalan ng kaloob na ito. "Mga kaloob" ng pagpapagaling. Ito ay sapagkat maraming kaloob ng pagpapagaling, iba't ibang paraan ng pagpapagaling, at iba't ibang paggamit ng kaloob ng pagpapagaling. Ginagamit ng Dios ang iba sa pagpapagaling ng mga tiyak na sakit. Halimbawa, nakatala sa Biblia na ginamit si Pablo sa tanging mga himala ng pagpapagaling ( Gawa 19: 11-12). Ang ilang mananampalataya ay may espesyal na pahid para ipanalangin ang mga bulag at bingi. Ang iba naman ay ginagamit sa pagpapagaling ng iba't ibang sakit.

 

 

Dagdag pa sa pagpapagaling ng pisikal na sakit, maaari ding isali ang pagpapalayas ng mga karumaldumal na espiritu (mga demonyo):

 

At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling.  ( Gawa 5: 16)

 

Ang pananampalataya sa Dios ang susi sa pagtanggap ng kagalingan. Ang makadios na kagalingan ay maaaring dumating sa pamamagitan ng pananampalataya ng naglilingkod na may kaloob nito. Binuhay ni Jesus ang isang dalagita mula sa patay at pinagaling siya:

 

Datapuwat nang mapalabas na ang mga tao, ay pumasok Siya, at tinangnan Niya siya sa kamay; at nagbangon ang dalaga. ( Mateo 9: 25)

 

Dahil sa patay na ang babae, hindi na siya maaaring manampalataya para siya gumaling. Ang kagalingan ay dumating dahil sa ministeryo at pananampalataya ni Jesus.

 

Maaari ring dumating ang kagalingan dahil sa pananampalataya ng taong may sakit:

 

Datapuwat paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon. ( Mateo 9: 22)

 

Ang kagalingan ay maaari ding dumating sa pamamagitan ng magkatulong na pananampalataya ng maysakit at ng naglilingkod:

 

At nang pumasok Siya sa bahay, ay nagsilapit sa Kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa Kaniya, Oo, Panginoon.

 

Nang magkagayo'y Kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.

 (Mateo 9: 28-29)

 

May kakayahan si Jesus na pagalingin ang mga ito. Alam Niyang kaya Niya silang pagalingin. Ang pananampalataya ng mga bulag na lalaki at ni Jesus ay nagsanib upang magkaroon sila ng kagalingan.

 

Ang "pangmaramihang kaloob" ng pagpapagaling ang ginamit dito sapagkat ang kagalingan ay dumarating sa pamamagitan ng iba't ibang paraan. Halimbawa, ang kagalingan ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng salita lamang:

 

At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapatdapat na Ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwat sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila. ( Mateo 8: 8)

 

Sinugo Niya ang Kaniyang salita, at pinagaling sila.( Awit 107:20)

 

Ang kagalingan ay dumarating sa pagpapatong ng mga kamay:

 

At nang lumulubog na ang araw, ang lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa Kaniya; at ipinatong Niya ang Kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila, at sila'y pinagaling. ( Lucas 4: 40)

 

...ipapatong nila ang kanilang mg kamay sa mga may sakit, at sila'y magsisigaling.( Marcos 16:18)

 

At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo.  ( Gawa 19: 11)

 

Ang kagalingan ay dumarating sa pagpapahid ng langis sa pangalan ng Panginoon:

 

May sakit baga ang sinoman sa inyo? Ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon;

 

At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.  ( Santiago 5: 14-15)

 

Dumarating din ang kagalingan sa pamamagitan ng anino ng tao na may ganitong kaloob:

 

Na ano pa't dinala nila sa mga lansangan ang mga may sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila.

 

At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling.  ( Gawa 5:15-16)

 

Maaari tayong magkaroon ng makadios na kagalingan sapagkat dinala na ni Jesus ang ating mga sakit nang Siya'y magdusa sa krus:

 

Ngunit Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

(Isaias 53:5)  

 

Nagdusa si Jesus sa Kalbaryo hindi lamang para palayain tayo sa ating mga kasalanan, kundi upang palayain tayo sa ating mga karamdaman. Siya ay hinampas at tumanggap ng mga latay sa Kaniyang likod para sa kagalingan ng mga karamdaman. Nagdusa Siya upang tayo ay gumaling at maligtas.

 

Kung tayo'y naglilingkod na may kaloob ng pagpapagaling, mahalagang malaman na hindi lahat ng ipinapanalangin mo ay gumagaling. May binanggit si Pablo na mga kamanggagawa na may sakit at hindi tumanggap ng kagalingan sa pamamagitan ng kanyang ministeryo:

 

...datapuwat si Trofimo ay iniwan kong may sakit sa Mileto.

 ( II Timoteo 4:20)

 

Si Pablo ay may mga kaloob ng pagpapagaling at mga tanging himala, subalit sa ano mang kadahilanan ay hindi gumaling si Trofimo sa kanyang ministeryo. May binanggit din si Pablo kay Timoteo na matagal nang karamdaman:

 

Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.

( I Timoteo 5:23)

 

Hindi tumigil si Pablo ng paggamit ng kaloob ng pagpapagaling dahil sa hindi paggaling ng ilan sa mga idinalangin niya. Magiging tulad ito ng evangelista na hihinto na ng pangangaral dahil hindi lahat ay tumutugon sa Evangelio. Hindi lahat ng pinangaralan ni Pablo ay tumanggap sa mensahe ng Evangelio. Hindi lahat ng ipinanalangin niya ay gumaling. Subalit patuloy niyang giangawa ang ipinagagawa sa kanya ng Dios. Nangaral siya at nanalangin para sa may sakit at iniwan niya ang resulta sa kamay ng Dios.

 

May mga dahilan kung bakit ang kagalingan ay hindi dumarating sa lahat ng ipinapanalangin natin. Ito ay tinalakay sa Harvestime International Institute na kursong

"Panghihikayat ng Kaluluwa", na tinatalakay ang pagpapagaling nang detalyado at ang layunin nito sa pagpapalaganap ng Evangelio.

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

- Para sa detalyadong pag-aaral ng kagalingan, kumuha ng Harvestime International Institute na kursong pinamagatang " Mga Usaping Pangkalusugan."

 

- Basahin ang Mateo, Marcos, Lucas, at Juan upang pag-aralan ang ministeryo ni Jesus ng pagpapagaling. Gumawa ng listahan ng lahat ng mga pinagaling Niya. Sa bawat pagpapagaling, isulat ang iba't ibang mga pamamaraang ginamit Niya.

 

- Basahin ang aklat ng Mga Gawa at pag-aralan ang mga kaloob ng pagpapagaling na naganap sa unang iglesia. Pansinin ang mga uri ng sakit at mga pamamaraang ginamit.

 

Pansinin sa aklat ng Mga Gawa ang iba't ibang uri ng tao na ginamit  ni Jesus sa mga kaloob ng pagpapagaling:

 

     - Gawa 3: 1-11:                                              Si Pedro at si Juan [ mga apostol]

     - Gawa 5:15; 9:32-34:                                    Si Pedro [ apostol ]

     - Gawa 8: 5-7:                                                Felipe [ evangelista at diakono]

     - Gawa 9: 17-18:                                            Ananias [ di kilalang mananampalataya]

     - Gawa 14: 8-10; 28:7-9:                                Pablo [ apostol]

 

Pag-aralan ang mga sumusunod na mga talata. Gumawa ng listahan ng mga dahilan kung bakit nagpapagaling ang Dios: Juan 9: 1-3; Gawa 3: 1-10; 4:4; Filipos 2: 25-27.

 

 

IBA'T IBANG WIKA

 

Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

 

Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang... iba't ibang wika . ( I Corinto 12: 7-10)

 

Ang kaloob ng iba't ibang wika ay ang kakayahang tumanggap at magsabi ng mensahe ng Dios sa Kanyang bayan sa pamamagitan ng wikang hindi pinag-aralan. " Ang mga wika" ay mga lingguahe. Ang dahilan kung bakit ito tinawag na kaloob ng "tanda" sa halip na kaloob ng "pagsasalita" ay sapagkat nilinaw ng Biblia na ito ay ibinigay upang magsilbing tanda.

 

Kung ang isa ay nagsasalita ng mga wika ito ay maaaring sa isang lingguahe na nalalaman ng mga nakikinig:

 

At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagkat sa kanila'y narinig ng bawat isa na sinasalita ang kanilang sariling wika.

 

At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?

 

At bakit nga naririnig ng bawat isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?  ( Gawa 2: 6-8)

 

Maaari din itong maging wika na hindi alam ng tao. Ito ay tinatawag na pagsasalita sa hindi kilalang wika:

 

Sapagkat ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagkat walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa Espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga. ( I Corinto 14:2)

 

Tulad ng natutuhan mo na, ang pagsasalita ng mga wika ang pisikal na tanda ng pagtanggap ng bautismo sa Espiritu Santo. Subalit itong karanasan ng pagsasalita ng mga wika ay iba kay sa kaloob ng mga wika. Ang kaloob ng pagsasalita ng mga wika ay kakayahan na magbigay ng mensahe mula sa Dios tungo sa iglesia sa wikang hindi alam ng nagsasalita.

 

Ang mga layunin ng pagsasalita ng mga wika, bilang tanda ng bautismo ng Espiritu Santo at ang kaloob ng mga wika ay:

 

Panalangin sa Dios:  I Corinto 14:2

 

Pagpapatibay sa sarili:  I Corinto 14: 4. Ang pagpapatibay sa sarili ay hindi itinataas ang sarili, kundi pampalakas ng loob, pagunlad, at paglinang. Tinatawag ito ng Isaias 28: 11-12 bilang isang pananariwang espirituwal.

 

Namamagitan: Ang Espirtu Santo ay nagsasalita sa mananampalataya sa isang wikang hindi nauunawaan upang mamagitan sa panalangin. Ang salitang " namamagitan" ay nangangahulugan na pananalangin para sa iba. Alam ng Espiritu Santo kung paano at kung ano ang idadalangin. I Coritno 14:14. Basahin din ang Roma 8: 26,27.

 

Pagpupuri: Gawa 10: 46; I Corinto 14: 15

 

Katuparan ng Hula:  I Corinto 14: 21; Isaias 28: 11-12

 

Ang kaloob ng iba't ibang wika ay may dalawang dagdag na mga layunin. Kung ang tao na may kaloob ng iba't ibang wika ay magbigay ng mensahe sa isang kapulungan at ito ay ipinaliwanag, ito ay para sa .

 

Pagpapatibay ng iglesia: I Corinto 14: 12-13

 

Isang tanda para sa hindi mananampalataya: I Corinto 14: 22. Kaya ang tawag dito sa kaloob ng mga wika at pagpapaliwanag na dapat ay kasunod ng pagsasalita ay " kaloob ng mga tanda."

 

May mga tiyak na tagubilin sa iglesia sa paggamit ng kaloob ng iba't ibang wika:

 

1. Huwag sabaysabay magsalita. I Corinto 12: 30

 

2. Upang mapagtibay ang iglesia, ang kaloob ng pagsasalita ng iba't ibang wika ay dapat sundan ng pagpapaliwanag upang maunawaan ng mga nakikinig kung ano ang sinabi:

 I Corinto 14: 1-5.

 

3. Dahil dito, ang isang mananampalataya na may kaloob ng iba't ibang wika ay dapat tumahimik kung walang magpapaliwanag:. I Corinto 14: 28

 

4. Dapat din siyang manalangin para sa kaloob ng pagpapaliwanag: I Corinto 12:13

 

5. Sa iglesia mas mahalaga na magsalita sa wikang nauunawaan, kay sa iba't ibang wika kung walang magpapaliwanag: I Corinto 14: 18-19

 

6. Isa lamang ang dapat magpaliwanag sa isang pagkakataon: I Corinto 14:27

 

7. Ang taong may kaloob ng iba't ibang wika ay kayang supilin ito: I Corinto 14: 32-33

 

8. Hindi ipinagbabawal ang pagsasalita ng iba't ibang wika: I Corinto 14: 39-40

 

9. Ang pinakamahalagang bagay ay kaayusan sa mga gawain sa iglesia. Hindi dapat magkaroon ng kaguluhan dahil sa paggamit ng mga kaloob: I Corinto 14: 40

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL:

 

-Pag-aralan ang I Corinto 12-14. Tinatalakay ng mga ito ang mga kaloob na espirituwal na may diin sa pagsasalita ng mga wika at ang pagpapaliwanag nito sa kabanatang ika-14.

 

- Basahin ang I Corinto 14:5. Saan nakapailalim ang kaloob ng iba't ibang wika, ang pagpapaliwanag, kung inihahalintulad?

 

- Anu ano ang mga layunin ng kaloob na ito? Tingnan ang I Corinto 14: 4,5,22.

 

- Anu-ano ang mga tagubilin sa paggamit nito sa nagkakatipong iglesia? Tingnan ang I Corinto 14: 26-28.

 

- Ang kaloob ng pagsasalita ng iba't ibang wika ay isang tanda para sa mga hindi nananampalataya. Sa bawat talata na nakalista rito, hanapin kung sinu-sino ang mga hindi nananampalataya at kung taga saan sila:

 

                                               Sino                                           Taga saan

 

Gawa 2: 2-13           ___________________                        ____________________

Gawa 10: 24-28       ___________________                        ____________________

Gawa 19: 1-7           ___________________                        ____________________

 

 

PAGPAPALIWANANG NG MGA WIKA

 

 

Datapuwat sa bawat isa ay ibinibigay ang pagpapahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

 

Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang... pagpapaliwanag ng mga wika. ( I Corinto 12: 7-10)

 

Ang pagpapaliwanag ng wika ay isang tanging kakayahan na ipaliwanag ang kahulugan ng mensahe sa iba't ibang wika upang maunawaan ng mga tao. Ang pagpapaliwanag ng wika ay ibinigay ng Espiritu Santo sa isang tao na may kaloob nito. Hindi ito ipinaliliwanag sa pamamagitan ng pag-aaral ng lingguaheng sinalita. Ito ay ipinahayag ng Espiritu Santo. Ang pagpapaliwanag ay buod ng mensahe, hindi bawat salita na sinabi. Dahil dito, ang pagpapaliwanag ay maaaring maiba ang haba o estraktura kaysa sa ibinigay na mensahe.

 

Ang layunin ng kaloob na ito ay upang ipaliwanag ang kahulugan ng mensahe sa wika:

 

Kung nagsasalita ang sinoman ng wika, maging dalawa, o huwag hihigit sa tatlo, at sunudsunod; at ang isa'y magpaliwanag. ( I Corinto 14:27)

 

Ang kaloob ng pagpapaliwanag ay dapat kasunod ng kaloob ng pagsasalita ng wika. Kaya lamang mapagpapala ang mga tao kung may pagpapaliwanag ng mensahe:

 

Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwat lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay.  ( I Corinto 14: 5)

 

Ang taong may kaloob ng pagsasalita ng mga wika ay dapat tumahimik sa iglesia kung walang magpapaliwanag:

 

Datapuwat kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia; at siya'y magsalita sa kaniyang sarili, at sa Dios. ( I Corinto 14: 28)

 

Ang taong may kaloob ng mga wika ay dapat manalangin na kaniyang maipaliwanag ito:

 

Kaya't ang nagsasalita ng wika ay manalangin na siya'y makapagpaliwanag.

( I Corinto 14: 13 )

 

PARA SA DAGDAG NA PAGAARAL:

 

-Pag-aralan ang I Corinto 14 para sa mga tagubilin ng paggamit ng pagpapaliwanag ng    mga wika.

- Anu ano ang mga resulta kung naipaliliwanag ang mga wika? Tingnan ang I Corinto 14:5.

-Ano ang mangyayari kung walang magpapaliwanag? Tingnan ang I Corinto 14: 28.

-Sino ang nagpapaliwanag ng mga wika? Tingnan ang I Corinto 14:13 at 27.

-Sa anong sitwasyon hindi nangangailangan ng pagpapaliwanag ang wika? Tingnan ang Gawa 2: 4-8; 10:44-48; 19:6

 

ANG HUWARAN NG EPEKTIBONG MINISTERYO

 

Dito nagtatapos ang pagaaral ng mga kaloob na espirituwal. Ang mga pagkakahati na ginawa para sa lalong malinaw na pag-aaral ay:

 

     - Mga tanging kaloob                               - Mga kaloob ng pagsasalita

     - Mga kaloob ng paglilingkod                  - Mga kaloob ng tanda

 

Ang sumusunod na tsart ay nagpapakita kung paanong ang mga pagkakahating ito ay makikitang gumagawa sa mas epektibong ministeryo sa iglesia:

 

MGA TANGING KALOOB

 

Mga apostol

Mga propeta

Mga evangelista      _        UPANG SANGKAPAN ANG BAYAN NG DIOS

Mga pastor

Mga guro

 

                                                                       MGA KALOOB NG PAGSASALITA

 

                                                                       Panghuhula

                                                                       Pagtuturo

UPANG IPALIWANAG ANG        _         Umaaral

MGA KATOTOHANAN                              Salita ng karunungan

NG DIOS                                                       Salita ng kaalaman

 

 

MGA KALOOB NG PAGLILINGKOD

 

Paglilingkod

Mga pagtulong

Pangunguna        _         UPANG TULUNGAN ANG       

Pamamahala                  GAWAIN NG PANGINOON

Pagbibigay

Kahabagan

Pagkilala sa mga espiritu

Pananampalataya

Pagpapatuloy

                                                                           KALOOB NG MGA TANDA

 

                                                                           Iba't ibang wika

UPANG ITATAG ANG                                    Pagpapaliwanag ng wika

KAPAMAHALAAN                       _                Mga himala

NG DIOS                                                           Mga pagpapagaling

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Anu ano ang apat na kaloob ng mga tanda?

 

_____________________________    ____________________________________

 

_____________________________    _____________________________________

 

3. Ayon sa Juan 20: 30-31, anu ano ang dalawang layunin ng kaloob ng mga himala?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

4. Tingnan mo ang kaloob ng mga tanda sa Unang Hanay. Basahin mo ang mga katuturan sa Pangalawang Hanay. Isulat ang numero ng tamang katuturan sa puwang.

 

            Unang Hanay                                     Pangalawang Hanay

 

____Pagpapagaling                       1. Mga makapangyarihang gawa na hindi maaaring

                                                            mangyari sa natural.

 

____Iba't ibang wika                     2. Ang pagpapagaling ng Dios na hindi gumagamit

                                                            natural ng mga pamamaraan.

 

____Pagpapaliwanag                     3. Nagsasalita sa wikang hindi pinagaralan ng                                                                                                              nagsasalita.

 

____Mga himala                             4. Ipinauunawa ang mensahe ng wikang hindi

                                                             naiintindihan.

 

5. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung ang pangungusap ay TOTOO, isulat ang T sa puwang sa harapan nito.  Kung ito ay MALI, isulat ang M  sa puwang sa harapan nito.

 

a. ____Ang pagsasalita ng mga wika sa pagtanggap ng bautismo ng Espiritu Santo ay

             katulad din ng kaloob ng mga wika.

b. ____ Ang tao na may kaloob ng pagsasalita ng mga wika ay dapat tumahimik sa

              iglesia kung walang magpapaliwanag na naroroon.

 

c. ____Ang taong may kaloob ng iba't ibang wika ay hindi dapat magpaliwanag

               ng sarili niyang mensahe.

 

d. ____Ang taong may kaloob ng iba't ibang wika ay hindi kayang supilin ang

               kaloob na ito.

 

e. ____Mas mahalaga na magsalita ka sa wikang nauunawaan ng lahat sa iglesia kay

             sa magsalita ka ng ibang wika na walang magpapaliwanag.

 

f. ____Maaaring magpaliwanag ang maraming tao na sabaysabay.

 

g. ____Kung ang tao ay may kaloob ng pagpapagaling, lahat ng kanyang ipanalangin

             ay gagaling.

 

h.____Yaon lamang tao na binigyan ng kaloob ng pagpapagaling ang dapat

             manalangin para sa mga may sakit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

( Ang mga sagot sa test ay nakatala sa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito.)

 

 

 

 

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Ang mga mungkahi sa dagdag na pag-aaral para sa apat na kaloob ng tanda ay ibinigay sa pagtalakay ng bawat kaloob. Ito ay ginawa upang makumpleto mo ang iyong pag-aaral ng bawat kaloob bago ka tumungo sa susunod. Ang huling mungkahi ay pag-aralan mo kung paanong ang lahat ng kaloob ng Espiritu Santo ay nakita sa ministeryo ni Jesus. Ang sumusunod na balangkas ay tutulong sa iyo sa paglilista ng mga reperensya na nagpapatunay ng mga kaloob na espirituwal sa Kanyang ministeryo.

 

Pagkatapos mo ng pag-aaral na ito ay basahin mo ang mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Dagdagan mo ang balangkas na ito sa pamamagitan ng paglilista ng dagdag na reperensya na nagpapatunay sa pagkilos ng mga kaloob na ito sa ministeryo ni Jesucristo.

 

 

MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO SA BUHAY NI JESUS

 

- Mga himala:                                      Gawa 2: 22

- Mga pagpapagaling:                          Gawa 10:38

- Salita ng karunungan:                        I Corinto 1: 24, 30

- Salita ng kaalaman:                           Juan 1: 45-50; 4:18; 11:14

- Pagkilala sa mga espiritu:                  Juan 1: 45-50; 6:61

- Panghuhula/ Propeta:                          Mateo 24

- Pagtuturo/ Guro:                                 Mateo 4:23; 9:35; 26:55; Marcos 6:6; 14:49

                                                               Lucas 5:15; 13: 10,22; 21:37

- Umaaral:                                              Lucas 3: 18

- Kahabagan [pagkamaawain]:              Mateo 20: 30-34

- Apostol:                                               Hebreo 3:1

- Evangelista:                                         Juan 10:16

- Pastor:                                                 Juan 10:11

- Pangunguna:                                        Juan 13:15-16; Marcos 10:42-45

- Pamamahala:                                        Lucas 10: 1-17

- Pananampalataya:                                 Lucas 8: 49-56

- Pagbibigay:                                           Juan 10:11

- Mga pagtulong:                                     Juan 17: 6-10

- Paglilingkod:                                         Juan 13:4-16; Marcos 10:42-45

- Pagpapatuloy:                                        Juan 21: 9-13 [Walang tahanan subalit

                                                                                           nagpatuloy].

 

-Iba't ibang wika at pagpapaliwanag: Ito lamang dalawang kaloob na espirituwal ang hindi nakita sa buhay ni Jesus. Hindi na ito kailangan sapagkat Siya mismo ang Salita ng Dios. Hindi na kailangan ang mga kaloob ng wika at pagpapaliwanag  upang dalhin ang mensahe mula sa Dios sa pamamagitan ni Jesus patungo sa mga tao.

IKA-SAMPUNG  KABANATA

 

PAGTUKLAS NG IYONG ESPIRITUWAL NA KALOOB

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat mong magawa ang mga sumusunod:

 

.     Ipaliwanag kung bakit mahalaga para sa isang mananampalataya ang tuklasin ang

      kaniyang  espirituwal na kaloob.

 .    Ipaliwanag kung paano matutuklasan ng isang mananampalataya ang kanyang

       espirituwal na kaloob.

 .    Tuklasin mo ang iyong espirituwal na kaloob.

 

SUSING TALATA:

 

Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay. 

( II Timoteo 1:6)

 

PAMBUNGAD

 

Sa mga naunang kabanata natutuhan mo na ang bawat mananampalataya ay pinagkalooban ng kahit isang kaloob na espirituwal. Ang kabanatang ito ang magpapaliwanag kung paano mo matutuklasan at gagamitin ang iyong kaloob na espirituwal.

 

ANG KAHALAGAHAN NG PAGTUKLAS

 

Mahalagang maalaman kung paano mo tutuklasin ang iyong kaloob na espirituwal upang:

 

MAGAMPANAN ANG MGA PAKAY NA ESPIRITUWAL AT MGA LAYUNIN:

 

Matatandaan mo ang mga pakay at layunin ng mga kaloob ng Espiritu Santo sa Efeso 4: 12-15:

 

Mga Pakay:

 

- Upang sakdalin ang mga banal.

- Palaganapin ang gawain ng ministeryo.

- Pagtibayin si Cristo at ang iglesia.

 

Mga Layunin:

 

-           Upang magkaisa sa pananampalataya.

-           Upang lumago sa pagkaalam kay Cristo.

-           Upang tayo'y pasakdalin, na si Cristo ang ating modelo.

-           Upang tayo'y maging matatag, hindi nalilinlang ng mga maling doktrina.

-           Upang tayo'y lumagong espirituwal kay Cristo.

 

Kung ang mga pakay at layuning ito ay matutupad sa iglesia, dapat ay ang bawat isang mananampalataya ay tuklasin at gamitin ang kanyang kaloob na espirituwal.

 

MAGDAOS NG PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL:

 

Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay ibinigay sa iglesia bilang sandata ng pakikidigmang espirituwal upang labanan ang mga espirituwal na puwersa ni Satanas:

 

Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. ( Efeso 6:12)

 

Mahalaga na matuklasan mo ang iyong kaloob na espirituwal upang magapi mo ang iyong espirituwal na kaaway, si Satanas.

 

IWASAN ANG PAGAABUSO:

 

Sa mga nakaraang mga kabanata, napag-aralan mo na may tatlong paraan kung paano naaabuso ang paggamit ng kaloob na espirituwal:

 

       1. Hindi ginagamit ang mga kaloob na ibinigay sa iyo.

       2. Pagpupumilit na gamitin ang mga kaloob na hindi ibinigay sa iyo.

       3. Hindi wastong paggamit ng mga kaloob.

 

Mahalaga na matuklasan mo ang iyong espirituwal na kaloob upang maiwasan ang mga pagaabusong ito.

 

IWASAN ANG PAGKABIGO:

 

Maraming bagong hikayat ang pumapasok sa ministeryo na hindi nalalaman ang kanilang espirituwal na mga kaloob, at dumaranas ng kabiguan sa kanilang paglilingkod sa Panginoon. Ikaw man ay magiging bigo kung hindi mo tutuklasin kung ano ang iyong espirituwal na kaloob. Hindi ka magiging epektibo kung ikaw ay nasa maling puwesto ng paglilingkod sa Dios.

 

Maaaring abala ka sa ministeryo, subalit wala kang naaabot para sa Kaharian ng Dios. Halimbawa, sumubok ang isang tao na gayahin ang kaloob ni Billy Graham bilang isang evangelista. Nangaral siyang katulad ni Rev. Graham subalit walang tumugon sa kanyang mga mensahe. Masyado siyang bigo sa kanyang ministeryo, hanggang sa

madiskubre niya na ang kanyang epirituwal na kaloob ay hindi sa evangelismo, kundi sa pagtuturo. Nang gamitin niya ang kanyang kaloob sa pagtuturo nakakita siya ng malaking bunga sa kanyang ministeryo.

 

Ang pagtuklas sa iyong espirituwal na kaloob ay hindi lamang magpapalaya sa iyo mula sa pagiging bigo, maiiwasan mo rin ang kabiguan sa ibang mga Kristiyano. Halimbawa, mauunawaan mo ang iyong pastor na mahusay magturo subalit mahina sa pamamahala. May kaloob siya ng pagtuturo subalit walang kaloob ng pamamahala. Sa halip na siya ay pintasan, kailangan niya ng tulong ng isa na may ganitong kaloob upang mapatakbo ang iglesia nang maayos.

 

AKUIN MO ANG IYONG RESPONSABILIDAD:

 

Mahalaga na tuklasin mo ang iyong kaloob sapagkat may responsabilidad ka na "paypayan" at gamitin ito. Sumulat si Apostol Pablo kay Timoteo:

 

Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo. ( I Timoteo 4:14)

 

Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay. 

( II Timoteo 1:6)

 

Kailangang tuklasin mo ang iyong espirituwal na kaloob upang magampanan mo ang iyong responsabilidad at palaguin ito. Dapat mong malaman ang iyong kaloob upang maiuna mo ang mga mahalaga at magamit mo ito nang mapakinabang.

 

TUKLASIN MO ANG IYONG ESPIRITUWAL NA KALOOB

 

Ang mga sumusunod ay gabay upang madiskubre mo ang iyong espirituwal na kaloob, o mga kaloob:

 

UNANG HAKBANG - Maipanganak Kang Muli:

 

Ikaw ay dapat ipanganak na muli. Ang mga espirituwal na kaloob ay dumarating sa pamamagitan ng pagkapanganak na muli, kung paanong ang mga talento ay dumarating sa natural na pisikal na panganganak. Kung hindi ka ipinanganak dito sa mundo, hindi ka magkakaroon ng natural na mga talento. Kung hindi ka naipanganak na muli, hindi ka mabibigyan ng espirituwal na kaloob:

 

Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. ( Gawa 2: 38)

 

 

PANGALAWANG HAKBANG - Tanggapin Mo ang Bautismo n Espiritu Santo:

 

Ang mga tagubilin sa pagtanggap ng Espiritu Santo ay ibinigay sa Ika-apat na kabanata ng manwal na ito.

 

PANGATLONG HAKBANG -Alamin mo ang mga Espirituwal na Kaloob:

 

Kung hindi mo alam na may mga espirituwal na mga kaloob, hindi mo makikilala ang  ibinigay ng Dios sa iyo. Ang mga aralin na napag-aralan mo sa kursong ito ay sinangkapan ka na upang matukoy mo ang iba't ibang uri ng mga kaloob na ibinigay sa mga mananampalataya.

 

PANG-APAT NA HAKBANG -Magmasid ng mga Modelo na May Mga Kaloob:

 

Habang iniisip mo kung ano ang iyong kaloob, mabuting magmasid sa mga modelo na malalim na sa pagkakilala sa Panginoon. Ang isang "mature model" ay yaong matagal nang ginagamit ang kanyang mga kaloob sa epektibong paraan.

 

Halimbawa, makipag-usap ka sa isa na matagal nang nagtuturo. Tanungin mo sila kung paano nila natuklasan ang kanilang kaloob, paano sila nagpasimulang gamitin ito, at mga paraan upang lalong mapaunlad ang kaloob na ito. Ganoon din ang gawin mo sa ibang mga kaloob. Makakatulong sa iyo na madiskubre mo ang iyong kaloob kung malaman mo sa iba kung paano nila natuklasan ang kanilang mga kaloob.

 

PANGLIMANG HAKBANG - Nasain ang Espirtuwal na Kaloob:

 

Magkaroon ka ng pagnanasa na mabigyan ng kaloob, mag-ayuno ka at manalangin para dito. Inutusan tayo ng Biblia na magnasa ng espirituwal na kaloob:

 

Datapuwat maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob.

( I Corinto 12: 31)

 

Ang bawat isa sa atin ay may kaloob, subalit sinasabi ng talatang ito na magnasa tayo ng kaloob na wala pa sa atin.

 

PANG-ANIM NG HAKBANG -Pagpapatong ng mga Kamay:

 

Bayaan mong patungan ka ng kamay ng iyong pastor at hingin mo na ipakita sa iyo ng Dios kung ano ang iyong espirituwal na kaloob.

 

Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero. ( I Timoteo 4: 14)

 

PANSININ: Dahil sa nagdaan ka na sa Una hanggang Anim na mga hakbang maaaring ipinakita na sa iyo ng Dios kung ano ang iyong espirituwal na kaloob. Kung hindi mo pa rin alam, magpatuloy sa susunod na hakbang.

 

PAMPITONG HAKBANG - Suriin mo ang Iyong mga Interes na Espirituwal:

 

Ang mga bagay na kinagigiliwan mong gawin para sa Dios ay madalas ang iyong kaloob. Kung paanong natutuwa ka pag tumangap ka ng kaloob sa natural na daigdig, gayon din ikaw nagagalak pag tumanggap ka ng espirituwal na kaloob. Maaaring may "pasanin"

[ matinding interes ] ka para sa isang ministeryo upang maglingkod ka sa Dios na epektibo.

 

Halimbawa, ang tao na may kaloob ng pamamahala ay maaaring mag-organize ng isang bagay. Maaari siyang mamahala ng isang iglesia, isang Christian School, isang rehab center para sa mga durugista, atbp. Ngunit dapat siyang magkaroon ng pasanin para sa mnisteryo kung saan niya gagamitin ang kanyang kaloob. Kung wala siyang interest sa Christian School, hindi siya magtatagal kahit na may kaloob siya ng pamamahala.

 

Sagutin ang mga sumusunod upang malaman mo kung ano ang iyong espirituwal na interes o pasanin:

 

1. Anong uri ng mga tao ang kinagigiliwan mo?

 

________________________________________

( Kung ikaw ay tinawag sa isang grupo ng mga tao, ang espirituwal mong kaloob ay may kaugnayan sa kanilang pangangailangan. Halimbawa, mahilig ka sa mga bata at gusto mo silang makita na matuto tungkol sa Dios, maaaring ang iyong kaloob ay sa pagtuturo.)

 

2. Anong uri ng pangangailangan ang pumupukaw sa puso mo?

 

________________________________________

( Pag tinawag ka ng Dios na tumugon sa isang pangangailangan, mapupukaw ang puso mo sa bagay na yaon.)

 

3. Kung hindi ka mabibigo, ano ang gusto mong gawin para sa Panginoon?

 

________________________________________

( Pinahahalagahan ng Panginoon ang nasa ng ating puso.)

 

4. Kumpletuhin mo ang pangungusap na ito: " May malakas akong conviction na ako ay dapat maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng."

 

________________________________________

( Madalas ang conviction na ito ang tinig ng Dios na tinatawag ka para maglingkod sa larangang yaon.)

 

5. Natitiyak kong tinawag ako ng Dios para maglingkod sa isang tiyak na larangan ng ministeryo. Ito ay.

 

________________________________________

(Kung alam mo kung anong larangan ng ministeryo ka tinawag ng Dios, madali mong malalaman ang iyong espirituwal ng kaloob. Laging nagbibigay ang Dios ng kailangang kakayahan upang magampanan mo ang tawag na yaon. Ang bahaging "Para sa Dagdag na Pag-aaral" ay tutulong sa iyo na makilala mo ang iyong espirituwal na tawag).

 

6. Anong kaloob ang ikinatutuwa mong gamitin? ( Halimbawa, nasisiyahan ka bang magturo? Masaya ka bang magpatuloy ng mga tao sa iyong tahanan? Madalas ka bang inuudyukan na magbigay ng sagana para sa gawain ng Dios?)

 

________________________________________

 

IKAWALONG HAKBANG -Pagsusuri ng isang Lider na Kristiyano:

 

Hilingin sa isang Kristiyanong lider na suriin ang iyong mga kakayahang espirituwal. Tanungin mo ang mga tanong na ito at isulat mo ang mga sagot:

 

1. Sa iyong pananaw, sa anong larangan ng paglilingkod ako epektibo?

 

________________________________________

 

2. Base sa iyong obserbasyon ng aking paglilingkod, ano sa palagay mo ang aking espirituwal na kaloob, o mga kaloob?

 

________________________________________

 

IKA- SIYAM NA HAKBANG - Suriin mo ang Iyong Nakaraang Paglilingkod:

 

Suriin mo ang iyong nakaraang ministeryo. Sagutin itong mga tanong:

 

1. Anong uri ng Kristiyanong paglilingkod ang nagawa mo na sa nakaraan?

 

________________________________________

 

2. Saan saan ka naging epektibo?

________________________________________

3. Alin sa mga ginawa mo ang nakapagdala sa iyo ng ibayong kagalakan?

________________________________________

 

4. Saan ka nakitaan ng mga kamanggagawa mo ng pagiging epektibo?

 

________________________________________

IKASAMPUNG HAKBANG - Punan mo ang Spiritual Gift Questionnaires:

 

Sa huling bahagi ng araling ito ay may dalawang mga sasagutan tungkol sa mga espirituwal na kaloob. Ang mga kasagutan mo sa mga tanong dito ang tutulong sa iyo na magtukoy mo ng iyong kaloob.

 

IKA LABINGISANG HAKBANG - Tukuyin mo ang mga Kaloob na Iniisip Mong Nasa Iyo:

 

Tukuyin mo ang mga kaloob na iniisip mong nasa iyo base sa:

 

1. Kaalaman mo ng mga kaloob dahil sa iyong pag-aaral.

2. Kung ano ang ipinakita sa iyo ng Dios sa iyong pananalangin.

3. Kung ano ang pagtaya mo sa iyong sarili.

4. Kung ano ang obserbasyon ng isang Kristiyanong lider sa buhay mo.

5. Pagsusuri ng iyong pagiging epektibo sa mga sinangkutan mo nang ministeryo.

6. Pagsagot mo sa mga katanungan sa "Spiritual Gifts Questionnaires."

 

Ang listahan ng mga kaloob ay masusumpungan sa Ikalabindalawang Hakbang na sumusunod. Lagyan ng X sa tabi ng mga kaloob na iniisip mong mayroon ka.

 

IKALABINDALAWANG HAKBANG - Tukuyin Mo ang mga Espirituwal na mga Pangangailangan:

 

 Suriin mo ang mga espirituwal na pangangailangan sa iyong palibot, komunidad, at iglesia. Repasuhin mo ang listahan ng mga pangangailangang ito:

 

Pagbibisita: Maysakit, baguhan sa iglesia, mga miembro, sa ospital, mga balo, mga bilangguan, mga naulila, mga tirahan ng matatanda.

 

Panghihikayat: Sa bahay-bahay, mga gawaing evangelistic, krusada, gawain sa plaza.

 

Pagsusubaybay:  Sa mga bagong hikayat.

 

Pagpapayo:  Pangkalahatan na pagpapayo, o sa mga tiyak na grupo; pagpapayo sa telepono.

 

Suporta sa upisina/ administrasyon: Pagmamakinilya, drawing, "filing", xerox, paghuhulog ng mga sulat, pagsagot sa telepono, pagaayos ng mga rekord.

 

Pagpapatuloy: Pagluluto at pagpapatuloy sa mga bumibisitang pastor, evangelista, at mga Kristiyano.

 

Paglilingkod sa mga Mahihirap: Pagbibigay ng pagkain, damit, at tirahan.

Pagsasa-ayos ng Iglesia:  Landscape, pagpipintura, pagpapanday, electrical, pagtutubero, paglilinis.

 

Musika: Koro, mga instrumento, lider sa pagsamba, special number, singing groups, soloista, pagsulat ng musika.

 

Mga Drama:  Pagsulat at pagpapalabas ng mga dramang Kristiyano.

 

Pananalapi:  Paglikom ng mga pondo, accounting, pagpaplano ng pananalapi para sa  ministeryo.

 

Pagsulat:  Mga Kristiyanong aklat,  newletters, tracts, mga artikulo sa magasin, tula.

 

 Multi-media: Mga tapes na nakikita at naririnig, radio, telebisyon, satellite.

 

Ministeryo sa mga Espesyal ng mga grupo: Bingi, bulag, may diprensiya sa isip, mga addict, lansenggo, mga trabahador na taga ibang bansa, mga dalagang ina, mga bakla at Tomboy, mga grupong minorya, kababaihan, kalalakihan, mga pamilya, mag-asawahan, mga batang inabuso, mga naglayas ng tahanan, mga dropout sa eskuwelahan, mga hindi nakakabasa, mga bilanggo, mga sundalo, mga bata, mga kabataan, mga matatanda.

 

Mga Opisyales sa Iglesia:  Elder, diakono, diakonesa, guro ng Sunday School, usher, mga komiti ng gusali, pananalapi, atbp.

 

Pagsasalin: Biblia at mga babasahing Kristiyano.

 

Christian Education:  Sunday School, VBS, Kristiyanong Preschool, elementarya, high school, college; pagsasanay sa mga miembro na ginagamit ang mga kurso ng Harvestime International Institute, mga pag-aaral ng Biblia sa bahay-bahay.

 

Pagmimisyon/ Pagtatanim ng mga Iglesia:  Sa mga di pa naaabot ng mga grupo o tribo sa iyong bansa.

 

Mga Babasahin:  Isang libraring Kristiyano, tindahan ng mga aklat, pamamahagi ng mga Biblia at babasahin.

 

Mga Camp at Retreat:

 

Ngayon ay sagutin mo ang mga tanong na ito:

 

1. Anu anong mga pangangailangan ang hindi natutugunan sa iyong palibot?

 

________________________________________

 

2. Anu anong mga pangangailangan ang hindi natutugunan sa iyong komunidad?

 

________________________________________

 

 

3. Anu anong mga pangangailangan ang hindi natutugunan sa iyong iglesia?________________________________________

 

 

IKALABING TATLONG HAKBANG - Punan mo ang Isang Espirituwal na Pangangailangan:

 

Bale wala ang mga sinagutan mong tanong ng pagsusuri malibang gamitin mo ito sa iyong buhay at ministeryo. Ang ibig sabihin ng "apply" ay gamitin mo ito sa isang epektibong paraan, at gumawa ka ng hakbang para gamitin ito.

 

Kumpletuhin ang listahan ng mga pangangailangan na ginawa mo sa Ikalabindalawang Hakbang sa listahan ng mga kaloob na iniisip mong mayroon ka. Tukuyin mo ang isang espirituwal na pangangailangan na katumbas ng iyong kaloob, at mangako kang pupunan mo ang pangangailangang yaon. Halimbawa, kung may pangangailangan ng mga guro sa iyong iglesia, at naniniwala kang may kaloob ka na magturo, magkusa kang magsabi sa lider na nakalaan kang magturo. Gamitin mo ang Form na narito sa pagsagot:

 

Pagtatapat ng Espirituwal na Kaloob sa Pangangailangan

 

Naniniwala akong mayroon            Mga Pangangailangang Matatagpo sa Aking

akong espirituwal na kaloob

na binabanggit sa ibaba:                  Palibot              Komunidad              Iglesia

 

___Apostol                                     _______________________________________

 

___Propeta                                     ________________________________________

 

___Evangelista                              ________________________________________

 

___Pastor                                       ________________________________________

 

___Guro                                         ________________________________________

 

___Panghuhula                                ________________________________________

 

___Pagtuturo                                   ________________________________________

 

___Umaaral                                     ________________________________________

 

___Salita ng Karunungan                ________________________________________

 

___Salita ng Kaalaman                   ________________________________________

 

___Paglilingkod                              ________________________________________

 

___Mga Pagtulong                          ________________________________________

 

___Pangunguna                               ________________________________________

 

___Pamamahala                               ________________________________________

 

___Pagbibigay                                 ________________________________________

 

___Kaawaan                                     ________________________________________

 

___Pagkilala ng mga Espiritu          ________________________________________

 

 

Naniniwala akong mayroon            Mga Pangangailangan na matatagpo ng kaloob na

ako nitong mga kaloob na                                     Ito sa Aking 

Espirituwal na binanggit dito:        Palibot             Komunidad               Iglesia

 

___Pananampalataya                     ________________________________________

 

___Pagpapatuloy                           ________________________________________

 

___Mga Wika                                ________________________________________

 

___Pagpapaliwanag                        ________________________________________

 

___Mga Himala                             ________________________________________

 

___Mga pagpapagaling                  ________________________________________

 

 

IKALABING APAT NA HAKBANG - Timbangin mo ang Iyong Ministeryo: 

 

Matapos kang maglingkod sa larangang ito sa pamamagitan ng iyong kaloob, suriin mo ang iyong ministeryo. Nadiskubre mo na ikaw ay nagpapakita ng pagiging mabuting katiwala sa pamamagitan ng paggamit ng iyong kaloob na espirituwal.

 

-           Kung ikaw ay nagbubunga sa dakong iyong pinaglilingkuran. Ibig sabihin nito ay

            Nakakikita ka ng positibong mga resulta sa iyong ministeryo.

 

-           Kung may damdamin ka ng kasiyahan .na nagagampanan mo ang iyong

            gawain sa ministeryo. Kung ikaw ay bigo, baka naglilingkod ka sa larangang

            wala kang kaloob para doon.

 

-           Kung positibo ang mga puna mula sa iyong mga lider na esprituwal at ikaw ay

            epektibo sa paglilingkod na ito.

 

Kung hindi ka epektibo sa ministeryong iyong ginagawa at hindi ito ang iyong mga kaloob, repasuhin mo ang listahan ng mga kaloob at piliin mo ang ibang larangan na maaari mong paglingkuran.

 

Huwag ka masisiraan ng loob. Natatandaan mo ba yaong tao na nag-akalang isa siyang evangelista subalit di naglaon ay nadiskubre niyang siya ay isang guro. Mahalagang malaman mo kung ano ang kaloob na wala sa iyo tulad din ng pagkaalam ng mga kaloob na nasa iyo. Makaiiwas ka sa pagaaksaya ng buhay mo sa paglilingkod sa ministeryong hindi ka epektibo. Pag pinagsama mo ang panalangin at ang mga praktikal na mga hakbang na ito, matutuklasan mo rin ang tanging ministeryo kung saan ka inilagay ng Panginoon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

 

1.  Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Isulat ang limang dahilan kung bakit mahalaga na matuklasan mo ang iyong kaloob na espirituwal.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3. Maglista ng labing-apat na hakbang kung paano mo matutuklasan ang iyong kaloob na  espirituwal.

 

_____________________________    ___________________________________

 

______________________________        ___________________________________

 

______________________________       ___________________________________

 

______________________________       ___________________________________

 

______________________________       ___________________________________

 

_______________________________      ___________________________________

 

_______________________________      ___________________________________

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito).

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

1. Laging nagbibigay ang Dios ng kinakailangang mga kaloob upang matupad mo ang iyong tawag na espirituwal. Paano mo malalaman na ikaw ay tinawag? Pag-aralan ang modelo sa pagtawag kay Moises:

 

Ang Dios ang Nagbibigay ng Direksiyon:

 

Basahin ang Exodo 3: 1-4. Ang unang prinsipyo ng pagkakilala ng tawag ng Dios ay ang maunawaan mo na ang tawag ay sa Kanya nagmumula. Siya ang may responsabilidad na sabihin sa iyo kung ano ang nais Niyang gawin mo.

 

Hindi kailangang takbo ka ng takbo na naghahanap kung ano ang ipinagagawa ng Dios sa iyo. Hindi ka dapat humingi ng mga opinion ng iyong mga kaibigan upang malaman mo kung ano ang dapat mong gawin. Ang katungkulan mo ay sundin ang tawag Niya oras na ibigay ito sa iyo. Ang tunay na tawag mula sa Dios ay hindi isang bagay na pinagisipan mong gawin o ang iniisip ng iba na gawin mo.

 

Magakakaroon ka ng Pasanin:

 

Sa maraming mga taon , si Moises ay may pasanin para sa mga kababayan niyang mga taga Israel. Matindi ang pasanin niya sa mga Israelita na humantong sa pagpatay niya sa isang Egipcio, kaya siya tumakas sa ilang ( Exodo 2: 11-15). Pagka tinawag ka ng Dios sa isang tiyak na ministeryo, magkakaroon ka ng pasanin, interes, malasakit, at habag sa dakong yaon.

 

Tatanggap ka ng Plano Mula sa Dios:

 

Pasanin, interes, malasakit, at habag ay hindi sapat upang matupad ang tawag ng Dios. Dagdag sa direksiyon at pasanin, ang Dios ay magbibigay ng plano upang matupad mo ang tawag na ito.

 

Dito madalas nagkakamali ang mga tao. Pagkatangap nila ng tawag at pasanin mula sa Dios, sumisige agad sila na tuparin an tawag na hindi naghihintay na sabihin ng Dios ang Kaniyang plano.

 

Nagbigay ng plano ang Dios kay Moises. Sila ni Aaron ay haharap kay Faraon upang hingin ang paglaya ng mga Israelita. Pangungunahan nila ang mga ito sa ilang hanggang makasapit sila sa lupang ipinangako sa kanila ng Dios. Pagka binigyan ka ng Dios ng tawag at pasanin, maghintay ka hanggang sa tanggapin mo ang plano Niya sa katuparan ng ministeryong ito.

 

Magkakaroon ka ng damdamin ng Kakulangan:

 

Sa Exodo 3:8, makikita mo ang nadama ni Moises na hindi niya kaya ang ipinagagawa sa kanya ng Dios.

 Sabi niya ay, " Sino ako na haharap kay Faraon, na makapaglalabas sa mga Israelita mula sa Egipto?"

 

Pagka nakatanggap ka ng totohanang tawag mula sa Dios, lagi mong madarama na hindi mo kaya ito. (Kung ang damdamin mo ay kayang-kaya mo ito, magingat ka. Maaaring hindi ito tunay na tawag mula sa Dios.) Pag tinawag ka ng Dios, madarama mo ang kahinaan, kakulangan, at pangangailangan. Madarama mong hindi mo kaya ang gawain, at tila ito ay napakalaking hamon.

 

Nasa mabuting kapulungan ka! Ang mga dakilang lalaki at babae sa mga nakaraang dekada ay ganoon din ang nadama. Subalit sila na sumunod sa tawag bagama't kulang sila sa kaalaman ay naniwala na ang Dios ay sapat. Ang tugon ng Dios kay Moises sa Exodo 3:12 ay, ."tiyak na sasamahan kita." Hindi naghahanap ang Dios ng mga taong may kumpiyansa sa sarili. Hindi kung sino ka ang mahalaga, kundi kung sino ang Dios!

 

2. Pagaralan ang buhay ng ibang personalidad sa Biblia at matutuklasan mo ang ganito ring huwaran sa kanilang tawag mula sa Dios. Halimbawa, basahin mo ang tawag ni Gideon sa Hukom 6 at ang tawag ni Jeremias sa Jeremias 1.

 

3. Ang sumusunod na listahan ay tutulong sa iyo sa pagbubuo ng mga praktikal na hakbang sa pagtuklas ng kaloob mong espirituwal na ibinigay sa kabanatang ito:

 

Unang Hakbang:          ____ Ako ay ipinanganak nang muli.

 

Pangalawang Hakbang:  ____Tinanggap ko na ang bautismo ng Espiritu Santo.

 

Pangatlong Hakbang:     ____Natutukoy ko na ang mga kaloob na espirituwal.

 

Ika-apat na Hakbang      ____ Nakapagmasid na ako ng mga "mature" na modelo  

                                                 ng mga may kaloob.

 

Ika-limang Hakbang      _____Nagsaliksik ako ng kaloob na espirituwal sa

                                                  pamamagitan ng pananalangin at pagaayuno.

 

Ika- anim na Hakbang    _____Pinatungan ako ng mga kamay ng mga espirituwal

                                                   na mga lider upang malaman ko ang aking kaloob.

 

Ikapitong Hakbang         _____Nasuri ko na ang aking mga inters na espirituwal.

 

Ikawalong Hakbang        _____Ako ay nasuri na ng aking espirituwal na lider.

 

Ikasiyam na Hakbang     _____Nasuri ko na ang aking nakaraang ministeryo.

 

Ikasampung Hakbang     _____Nasagot ko na ang mga tanong sa espirituwal na

                                                        mga kaloob.

 

Ikalabing-isang Hakbang     _____Natukoy ko na ang aking mga espirituwal na                                                                                     mga kaloob.

 

Ikalabing-dalawang Hakbang ____Natukoy ko na ang mga espirituwal na                                                                                       pangangailangan sa aking palibot komunidad, 

                                                          at iglesia.

 

Ikalabing Tatlong Hakbang   _____Naitambal ko na ang aking kaloob sa isang

                                                          pangangailangan at sinimulan ko nang lunasan

                                                           ito.

 

Ikalabing Apat na Hakbang    _____Natimbang ko na ang aking ministeryo sa                                                                            larangang ito, at nasumpungan kong epektibo.

 

 

MGA TANONG TUNGKOL SA ESPIRITUWAL NA KALOOB

 

Mayroong dalawang magkaibang listahan ng mga tanong. Ang isa ay para sa Mga Tanging Kaloob ng apostol, propeta, evangelista, pastor, at guro. Ang pangalawa ay patungkol sa natitirang Espirituwal na mga Kaloob. Ang bawat listahan ng mga tanong ay parehong sasagutin ng Oo o Hindi ang  bawat tanong.

 

  Narito ang Halimbawa:

 

Oo     HINDI

 

(x)       (   )         1. Naniniwala ka bang tinatawag ka ng Dios na manguna?

 

 

MGA TANGING KALOOB

 

 

MGA TANONG SA TANGING KALOOB:

 

Ang pagsusulit na ito tungkol sa "Mga Tanging Kaloob" (apostol, propeta, evangelista, pastor, at guro) ay upang tulungan kang suriin kung ang uri ng iyong pamumuhay ay kinakakitaan ng mga katangian nitong mga taong may ganitong kaloob. Bagaman ang test na ito ay makatutulong, hindi maaaring sabihin na ito na ang pangwakas na kasagutan. Dapat mong timbangin ang panloob na tawag ng Dios, ang patuloy na epektibong paggamit ng kaloob, at ang pagpapatunay ng iba sa katawan ni Cristo patungkol sa iyong kaloob.

 

 

 

 

 

OO  HINDI

 

(  )     (  )     1. Naniniwala ka bang tinatawag ka na maging lider?

(  )     (  )     2. Nais mo bang maging isang misyonero?

(  )     (  )     3. Sa palagay mo ba'y binigyan ka ng Dios ng kakayahang magsalita

                         sa publiko?

(  )     (  )     4. May masidhi ka bang pagnanasa na manghikayat ng kaluluwa?

(  )     (  )     5. Nasisiyahan ka bang magaral ng Biblia?

(  )     (  )     6. Nagkaroon ka na ba ng patuloy na pagnanais na mag full-time sa

                       ministeryo ng Salita ng Dios?

(  )     (  )     7. Nasisiyahan ka bang magpalipat-lipat ng lugar o magbiyahe?

(  )     (  )     8. Kaya mo bang magsalita sa harap ng maraming tao?

(  )     (  )     9. Mas nasisiyahan ka bang magbahagi sa mga hindi mananampalataya

                        kaysa magturo at magsanay ng mga Kristiyano? 

(  )     (  )   10. Mas gusto mo bang gumawa sa isang lokal na iglesia kay sa lumipat sa

                            ibang lugar na may mga bagong pagkakataon?

(  )     (  )    11. Sa palagay mo ba'y makakatulong ang iyong background sa pamilya

                          at buhay may asawa upang sundin ng iba?

(  )     (  )    12. May kaloob ka ba na sanayin ang mga lider sa iglesia?

(  )     (  )    13. Pag may nakita kang mga bagay na hindi tama, nais mo bang

                         makialam at iwasto ito?

(  )     (  )    14. Madali ba para sa iyo na manghikayat ng mga kaluluwa?

(  )     (  )    15. Nasisiyahan ka ba makitungo sa mga taong hindi mo kakilala?

(  )     (  )    16. Kilala ka ba bilang isang pasensyoso at mabait na tao ng mga taong

                        malapit sa iyo?

(  )     (  )    17.  Nasubukan mo na bang magpasimula ng gawain at napaunlad ito

                          hanggang sa nasanay mo ang iba na gawin ang iyong ginagawa?

(  )     (  )    18. Madalas mo bang madama ang katapangan sa pagbabahagi ng Salita

                        ng Dios sa mga tao at lugar na ito'y kailangan?

(  )     (  )    19. Ikaw ba'y nanghihikayat dahil sa nais mo itong gawin o dahil sa ito'y

                         iyong katungkulan?

(  )     (  )    20. Nais mo bang gumawa kasama ng iba, nilulutas ang kanilang mga

                         problema, mga pasanin, mga tanong, o gusto mong iba na ang

                          gumawa nito?

(  )     (  )    21. Ikaw ba ay isang taong disiplinado?

(  )     (  )    22. Madali ba para sa iyo na tumira sa ibang bansa o sa ibang kultura?

(  )     (  )    23. May nagsabi na ba sa iyo na kung ikaw ay nangangaral, sila ay

                         hinihipo ng Espiritu ng Dios?

(  )     (  )    24. May nagsabi na ba sa iyo na may kaloob ka sa evangelismo?

(  )     (  )    25. Masisiyahan ka ba na magturo sa isang pulutong ng mga mananam-

                         palataya na may iba't ibang antas ng paglagong Kristiyano?

(  )     (  )    26. Mahilig ka ba magpatuloy ng mga bisita sa iyong tahanan?

(  )     (  )    27. Madali ka bang magtiis ng hirap sa mga iba't ibang sitwasyon?

(  )     (  )    28. Agresibo ka ba sa pagbabahagi ng Salita ng Dios sa mga taong

                         nangangailangan o hihintayin mo pang ikaw ay hilingan?

(  )     (  )    29. Mas interesado ka ba na manghikayat ng kaluluwa kaysa magturo at

                         magsanay ng mga mananampalataya?

(  )     (  )    30. May pasanin ka ba na magsanay ng mga mananampalataya kung

                         paano nila epektibong  magagamit ang kanilang mga kaloob? 

(  )     (  )    31. Kaya mo bang mabuhay na limitado ang pera na hindi ka nagiintindi

                         o nagiisip kung paano kikita ng dagdag na pera?

(  )     (  )    32. Malaya ka ba mula sa pamilya o pinansiyal na obligasyon na

                         makakahadlang sa iyong paglipat sa ibang bansa?

(  )     (  )    33. Mas gusto mo ba ang magsalita sa maraming tao o pang isahang

                         usapan lang?

(  )     (  )    34. Lagi ka bang naghahanap ng pagkakataon upang magpatotoo para kay                                   Cristo?

(  )     (  )    35. Komportable ka ba sa mahabang oras ng pagsasaliksik ng Biblia at

                         pag-aaral nito?

(  )     (  )    36. May tatlong taon ka na bang Kristiyano?

(  )     (  )    37. Kaya mo bang manghikayat ng mga kaluluwa at sanayin silang mag

                          pastor?

(  )     (  )    38. Nakaranas ka na bang mangaral ng Salita ng Dios sa isang grupo na

                         tinipon upang pakinggan kang magsalita?

(  )     (  )    39. Nagpapasimula ka ba ng araw na nananabik na magbahagi ng

                         Evangelio sa isang hindi mananampalataya?

(  )     (  )    40. May nagsabi na ba sa iyo na ikaw ay magiging mahusay na pastor o                                    guro?

(  )     (  )     41. Naranasan mo na bang mangasiwa sa isang pamilya o negosyo na             naging

                          matagumpay ayon sa ibang tao?

(  )     (  )     42. Madali ba para sa iyo na makipagusap sa mga taong hindi mo kilala?

(  )     (  )     43. Madalas ka bang maharap sa mga usaping moral na nais mong

                         labanan?

(  )     (  )     44. Madalas mo bang makausap ang mga hindi mananampalataya tungkol

                          sa pagkatao at gawain ni Jesuscristo?

(  )     (  )     45. Binigyan ka ba ng abilidad ng Dios na lumutas ng mga problema ng

                          mga tao sa isang positibo at mapagmahal na paraan?

(  )     (  )     46. Kombinsido ka ba na ayon sa mga tao ikaw ay isang makayang lider

                            ng iglesia?

(  )     (  )     47. Madali ba para sa iyo na ibigay ang responsabilidad sa iba na may

                           kakayahang manguna?

(  )     (  )     48. Kinikilala ka ba ng iba na isang epektibong tagapagsalita?

(  )     (  )     49. Masasabi mo bang ganoon na lamang ang pasanin mo para sa mga

                          hindi mananampalataya na ito ang humahawak sa iyong gagawin at

                           sasabihin?

(  )     (  )     50. Magagalak ka ba kung ikaw ang mag-aalaga ng mga espirituwal na             pangangailangan ng isang grupo ng mga tao?

 

PAG GRADO SA MGA TANGING KALOOB:

 

Pagkatapos mong sagutin ito, kumpletuhin mo ang susunod na pahina. Sa bawat sagot mong Oo, markahan mo ang kahon sa numero ng tanong na yaon.

 HUWAG MONG MARKAHAN ANG HINDI SINAGUTAN. Markahan lamang ang mga may sagot na Oo.

 

Narito ang Halimbawa: Ang taong ito ay sumagot ng Oo sa mga tanong na 1,6, at 13, kaya minarkahan niya ang mga kahon sa mga bilang na ito:

 

 PANGKALAHATANG KATANGIAN

( Gamitin sa lahat                                  PROPETA

ng apat na kaloob)                             (Mangangaral)

 

     ( x)   #1                                               (  )   #3

     (x)    #6                                               (  )   #8

     (  )    #11                                             (x)  #13

 

Sinagot niya ng HINDI ang mga bilang na 11, 3, at 8, kaya walang marka ang mga ito sa answer sheet. Ngayon, isulat mo ang iyong mga score:

 

PANGKALAHATANG KATANGIAN

( Gamitin sa lahat                                      PROPETA

ng apat na kaloob)                                   ( Mangangaral)

 

(  )   #1                                                        (  )   #3

(  )   #6                                                        (  )   #8

(  )   #11                                                      (  )   #13

(  )   #16                                                      (  )   #18

(  )   #21                                                      (  )   #23

(  )   #26                                                      (  )   #28

(  )   #31                                                      (  )   #33

(  )   #36                                                      (  )   #38

(  )   #41                                                      (  )   #48

 

APOSTOL                                EVANGELISTA                         PASTOR  GURO

(Misyonero)

(  )   #2                                          (  )   #4                                       (  )   #5

(  )   #7                                          (  )   #9                                       (  )   #10

(  )   #12                                        (  )   #14                                     (  )   #15

(  )   #17                                        (  )   #19                                     (  )   #20

(  )   #22                                        (  )   #24                                     (  )   #25

(  )   #27                                        (  )   #29                                     (  )   #30

(  )   #32                                        (  )   #34                                     (  )   #35

(  )   #37                                        (  )   #39                                     (  )   #40

(  )   #42                                        (  )   #44                                     (  )   #45

(  )   #47                                        (  )   #49                                     (  )   #50

 

 

 

PROFILE NG MGA TANGING KALOOB:

 

Gamitin ang scoring sheet sa nagdaang pahina at kumpletuhin ang profile ng mga tanging kaloob sa pahinang ito. Para sa bawat kaloob, bilangin ang bilang ng mga kahon na minarkahan mo. ( Ang mga may marka ay yon lamang mga Oo ang sagot).

Guhitan ang profile sa tamang bilang.

 

Narito ang Halimbawa:  Ganito ang tinanggap na marka ng isang tao:

 

PANGKALAHATANG  KATANGIAN                          PROPETA (Mangangaral)

 

(  )   #1                                                                                (  )   #3

(x)   #6                                                                                (  )   #8

(  )   #11                                                                              (  )   #13

(  )   #16                                                                              (x)   #18

(x)   #21                                                                              (  )   #23

(x)   #26                                                                              (  )   #28

(x)   #31                                                                              (x)   #33

(  )   #41                                                                              (x)   #43

(  )   #46                                                                              (x)   #48

 

APOSTOL                              EVANGELISTA                            PASTOR  GURO

(  )   #2                                      ( x)   #4                                          (x)   #5

(x)   #7                                       (x)   #9                                          (  )   #10

(x)   #12                                     (x)   #14                                        (  )   #15

(  )   #17                                     (x)   #19                                        (x)   #20

(x)   #22                                     (x)   #24                                        (  )   #25

(  )   #27                                     (  )   #29                                        (  )   #30

(x)   #32                                     (x)   #34                                        (  )   #35

(x)   #37                                     (x)   #39                                        (  )   #40

(  )   #42                                     (x)   #44                                        (  )   #45

(  )   #47                                     (x)   #49                                        (  )   #50

 

Ganito nila ginamit ang kanilang mga sagot upang kumpletuhin ang graph:

________________________________________

Pangkalahatan   Þ  Þ  Þ  Þ  Þ½

________________________________________

Apostol              Þ  Þ  Þ  Þ  Þ  Þ  Þ½ 

________________________________________

Propeta              Þ  Þ  Þ  Þ  Þ½      

________________________________________

Evangelista       Þ   Þ   Þ   Þ   Þ   Þ   Þ   Þ   Þ   Þ   Þ ½

________________________________________

Pastor/ Guro     Þ  Þ½

________________________________________

                         1         2        3        4       5       6       7        8         9        10

 

Ngayon, gamitin mo ang scoring sheet upang makumpleto ang iyong profile ng mga tanging kaloob:

 

 

PROFILE NG MGA TANGING KALOOB

 

________________________________________

Pangkalahatan

________________________________________

Apostol

________________________________________

Propeta

________________________________________

Evangelista

________________________________________

Pastor/ Guro

________________________________________

 

                    1          2          3          4          5          6          7          8          9          10

 

 

Ang mahahabang bars ang iyong pinakamataas na mga score.

 

Ang maiikling bars ang iyong pinakamababang mga score.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB

 

 

MGA TANONG SA MGA ESPIRTUWAL NA MGA KALOOB:

 

OO  HINDI

 

(  )    (  )     1.  Ikaw ba ay isang epektibong tagapagsalita sa publiko?

(  )    (  )     2.  Nasisiyahan ka bang magsaliksik ng Biblia at magaral nito?

(  )    (  )     3.  Nasisiyahan ka bang ibahagi ang mga problema ng mga tao?

(  )    (  )     4.  May malasakit ka bang ipamuhay ang Salita ng Dios kaysa basta

                        maunawaan ito?

(  )    (  )     5.  Nadama mo ba na binigyan ka ng espesyal na abilidad ng Dios na

                       mag-aral at matuto ng Kanyang Salita?

(  )    (  )     6.  Nasisiyahan ka ba na himukin ang iba na maglingkod sa iba't ibang

                        ministeryo?

(  )    (  )      7. Sa tingin ng iba, madali ka bang gumawa ng mga desisiyon?

(  )    (  )      8. Nakatuon ka ba sa mga praktikal na bagay na dapat gawin kay sa

                         magtanong kung bakit kailangang gawin ito?

(  )    (  )      9.  Kung may nangangailangan, nagkukusa ka bang mag-alok ng tulong?

(  )    (  )     10. Mas gusto mo bang magbigay ng salapi kaysa tumulong sa mga

                          trabahong gawaing kamay?

(  )    (  )     11. Nasisiyahan ka bang dumalaw sa mga may sakit o may kapansanan?

(  )    (  )     12. Ang mga tao ba ay nakapupunta sa inyong bahay kahit walang pasabi?

(  )    (  )     13. Madali ka bang maniwala sa mga bagay na hindi agad mapaniwalaan

                         ng ibang mananampalataya?

(  )    (  )     14. May nagsabi na ba sa iyo na madali kang makaalam kung may

                         diprensiya ang isang bagay o pangyayari?

(  )    (  )     15. Kung ang pangyayari ay hindi tama, iwinawasto mo ba ito?

(  )    (  )     16. Mahilig ka bang patunayan at sagutin ang mga isyu?

(  )    (  )     17. Madalas ka bang lapitan ng mga tao para humingi ng payo sa iyo?

(  )    (  )     18. Madali ka bang makaalam kung ano ang gagawin sa mga masalimuot

                         na sitwasyon?

(  )    (  )     19. Ang mga tao ba'y humihingi ng kasagutan mula sa iyo sa mahihirap

                        na problema at mga tanong mula sa Biblia?

(  )    (  )     20. Ikaw ba'y naglalagay ng mga goals na aabutin para sa iyong sarili at

                         sa iyong ministeryo?

(  )    (  )     21. Nadarama mo ba na may pananagutan kang gumawa ng mga

                          desisyon para sa iba?

(  )    (  )     22. Naliligayahan ka bang gumawa ng mga bagay ng kailangang gawin

                         kahit na ito ay maliit na bagay lamang?

(  )    (  )     23. Nadarama mo ba na nais mong tulungan ang iba na maging epektibo

                         sa kanilang ginagawa?

(  )    (  )     24. Pagka nakarining ka ng isang nangangailangan, agad mo bang naiisip

                         na magpadala ng salapi?

(  )    (  )     25. Pagka may nasa ospital, nais mo bang dalawin upang siya'y aliwin?

(  )    (  )     26. Parang kulang ba ang buhay mo kung wala kang panauhin sa bahay?

(  )    (  )     27. Pag may nagsabing "imposible yan," nais mo bang manampalataya

                         sa Dios para sa bagay na yaon?

(  )    (  )     28. Madali ka bang makaunawa sa mga tao kahit hindi mo sila kakilala?

(  )    (  )     29. Nais mo bang magsalita sa isang grupo tungkol sa mga isyu, kay sa

                         manahimik?

(  )    (  )     30. Pag nakarinig ka ng tanong, nais mo bang bigyan ng kalutasan yaon?

(  )    (  )     31. Mas gusto mo bang kausapin ang isa na may problema, kay sa

                         papuntahin siya sa iba?

(  )    (  )     32. Ang mga tao ba ay nagtatanong sa iyo kung ano ang iyong gagawin

                          sa mga mahirap na sitwasyon?

(  )    (  )     33. Sa pagaaral mo ng Biblia, nadadalian ka bang unawain ang mga

                         mahihirap at mga bagong paksa?

(  )    (  )     34. Pag hindi maayos ang ginagawa ng isa, nais mo ba siyang tulungan?

(  )    (  )     35. Nadarama mo ba ang kabigatan ng pagbibigay ng direksiyon at payo

                         na iniisip mo ang magiging epekto nito sa iba?

(  )    (  )     36. Nasisiyahan ka bang gumawa ng isang bagay kaysa sa papuri ng iba?

(  )    (  )     37. Mas gusto mo bang maglingkod sa ilalim ng iba kay sa maging lider?

(  )    (  )     38. Naghahanap ka ba ng pagkakataon ng magbigay ng pera at hindi

                          naghihintay ng hingan ka pa?

(  )    (  )     39. Madali ba para sa iyo na magpakita ng kagalakan sa presensiya ng

                          mga nagdurusang pisikal?

(  )    (  )     40. May kagalakan ka bang magpatuloy sa inyong bahay kahit kilala

                         mo sila o hindi?

(  )    (  )     41. Kinokontra mo ba yaong mga taong nagsasabing hindi maaaring

                         mangyari ang isang bagay?

(  )    (  )     42. Nadarama mo ba kung galing sa Diablo o sa Dios ang sinasabi ng isa,   

                         at nagiging tama ba ang iyong paghatol?

(  )    (  )     43. Ang mga tao ba ay nakakadama ng sumbat tungkol sa mga maling

                         doktrina kung ibinabahagi mo sa kanila ang sinasabi ng Biblia?

(  )    (  )     44. Nagsabi na ba ang mga tao sa iyo na may abilidad kang magpaliwa-

                         nag ng mahihirap na mga problema sa kanila?

(  )    (   )    45. Kagalakan mo bang magpalakas ng loob ng mga taong may problema?

(  )    (  )     46. Madalas ka bang tanungin ng mga tao kung ano ang dapat gawin sa

                         isang sitwasyon dahil sa alam mo lagi ang dapat na gawin?

(  )    (  )     47. Napansin mo ba na madali kang makaunawa ng mga mahihirap na

                         turo ng Biblia kahit hindi ka gaanong magsaliksik?

(  )    (  )     48. Mas gusto mo bang ituro sa iba kung paanong gawin ang isang bagay

                         kay sa ikaw mismo ang gumawa nito?

(  )    (  )     49. Kagalakan mo bang magbigay ng direksiyon sa iba at magdesisiyon

                          para sa iba?

(  )    (  )     50. Totoo bang pag ikaw ay hinilingang gumawa ng isang bagay ay wala

                          kang nadaramang kabigatan o obligasyon?

(  )    (  )     51. May pasanin ka ba na tulungan ang iba na makalaya sa kanilang mga

                         gawain upang makagawa ng lalong mahahalagang mga bagay?

(  )    (  )     52. Madali ka bang tumugon sa mga pinansiyal na pangangailangan na

                         hindi na kailangan ang mahabang pagpaplano upang isagawa ito?

(  )    (  )     53. Madali ba para sa iyo na kausapin ang mga nagdurusa sa sakit?

(  )    (  )     54. Itinuturing mo ba ang iyong tahanan na ministeryo para sa iba?

(  )    (  )     55. Nadiskubre mo bang hindi mo kailangan ang malinaw na ebidensiya

                         at direksiyon bago ka gumawa ng desisiyon?

(  )    (  )     56. Ugali mo bang suriin ang sinasabi ng mga tao kung tama o mali?

(  )    (  )     57. Kung nagbabahagi ka ng Salita ng Dios, iniisip mo ba kung paano

                         mo mahahamon ang mga taong kausap mo?

(  )    (  )     58. Pinahahalagahan ka ba ng mga tao dahil sa malinaw kang magpali-

                         wanag ng Salita ng Dios?

(  )    (  )     59. Madali ba para sa iyo na aliwin ang mga taong nasisiraan ng loob?

(  )    (  )     60. Natuloy ba ng iba na ikaw ay tamang magbigay ng payo at desisiyon?

(  )    (  )     61. Madali ka bang makaunawa ng Salita ng Dios na hindi kayang gawin

                         ng ibang mananampalataya na may karanasang katulad mo?

(  )    (  )     62. May malasakit ka ba na magsanay ng mga mananampalataya upang

                         sila'y maging mga lider?

(  )    (  )     63. Madalas ka bang nagiisip ng mga desisiyon na kailangang gawin

                         upang mabigyan ng direksyon ang isang grupo?

(  )    (  )     64. Mas gusto mo bang ikaw na ang gumawa, kaysa gumawang kasama

                         ng isang grupo upang matapos ang isang bagay?

(  )    (  )     65. Nais mo bang tumulong sa lahat ng nangangailangan kung kaya mo?

(  )    (  )     66. Nasisiyahan ka bang magbigay kahit ano ang tugon ng binigyan?

(  )    (  )     67. Madalas ka bang magisip ng paraan kung paano ka makakatulong

                         sa nagdurusang pisikal?

(  )    (  )     68. Nais mo bang mag-imbita ng mga tao sa bahay kahit na sino sila?

(  )    (  )     70. Ang dama mo ba ay malaki ang responsabilidad mo sa Dios kung may

                         isang bagay na hindi tama kahit hindi ka nauunawaan ng iba?

(  )    (  )     71. Naibahagi na ba ng iba sa iyo na mahusay kang magturo ng Salita ng

                          Dios?

(  )    (  )     72. Lumalapit ba ang mga tao sa iyo upang humingi ng payo?

(  )    (  )     73. Mahal mo ba ang mga taong may personal at emosyonal na problema?

(  )    (  )     74. Pag ikaw ay nagpapayo sa iba, binibigyan diin mo ba kung "paano"

                         ito gagawin, imbes na "bakit" ito dapat gawin?

(  )    (  )     75. Nasabi na ba sa iyo ng ibang mananampalataya na maalam ka sa Biblia?

(  )    (  )     76. May kakaiba ka bang malasakit na tumulong sa mga tao na maabot

                         ang kanilang hantungan?

(  )    (  )     77. Umaasa ba ang mga tao sa iyo upang gumawa ng desisiyon ?

(  )    (  )     78. Kung may alam kang isang gawain na dapat gawin, gusto mo bang

                         gawin ito?

(  )    (  )     79. Nasisiyahan ka ba na nakatulong ka sa iba kaysa sa ginawa mo?

(  )    (  )     80. Pag nagbibigay ka ng pera, iniiwasan mo bang malaman ng iba ito?

(  )    (  )     81. Gusto mo bang magkaroon ng regular na ministeryo sa mga nagdurusa

                         sa pisikal na karamdaman?

(  )    (  )     82. Excited ka ba pag may mga tao sa bahay mo, o para itong obligasyon?

(  )    (  )     83. Napansin ba ng iba na malaki ang tiwala mo sa Dios sa mga sitwasyon

                          na mahirap?

(  )    (  )     84. Ang mga tao ay madalas ba magtanong ng iyong opinion kung tama

                         o mali ang sinabi ng iba?

(  )    (  )     85. Naniniwala ka bang mahusay kang magkipagusap sa iba?

(  )    (  )     86. Matiyaga ka bang magpaliwanag sa iba o mas gusto mong

                         sumitas ng talata?

(  )    (  )     87. Mas gusto mo bang makinig sa problema ng iba kaysa ibahagi mo

                         ang mga problema mo sa kanila?

(  )    (  )     88. Madalas ba sundin ng iba ang iyong payo sa mahihirap na sitwasyon?

(  )    (  )     89. Kung sabay kayong nag-aaral ng Biblia ng iba, mas madali mo bang

                         makuha ang kahulugan kaysa ibang nag-aaral?

(  )    (  )     90. Inaako mo ba ang pangunguna kung walang lider sa grupo?

(  )    (  )     91. Inaako mo ba ang responsbilidad ng mga epekto ng iyong desisyon?

(  )    (  )     92. Mas gusto mo bang iba ang gawin kaysa magukol ng panahon sa

                          pakikinig sa problema at pangangailangan ng iba?

(  )    (  )     93. Kung may humihingi ng tulong sa iyo, nahihirapan ka bang pahindian

                         yaon?

(  )    (  )     94. Pag may binigyan ka ng pera, umaasa ka bang ikaw ay pasalamatan?

(  )    (  )     95. Nahahabag ka ba sa mga may sakit na gusto mo silang tulungan?

(  )    (  )     96. Nag-aalala ka ba sa lagay ng bahay mo kung may dumating na bisita?

(  )    (  )     97. Gusto mo bang aliwin ang mga taong nasisiraan ng loob?

(  )    (  )     98. Nais mo bang ingatan ang katotohanan ng Salita ng Dios sa pamama-

                         gitan ng pagbubunyag ng mga kasalanan at mga kamalian?

(  )    (  )     99. Mas gusto mo bang magbahagi ng Salita ng Dios sa iba nang wala ng

                         maraming paliwanag?

(  )    (  )   100. Mahusay ka ba maghanay ng iyong isip na may sistema?

(  )    (  )   101. Kung may isang kapatid na :nagkasala" nais mo ba siyang tulungan?

(  )    (  )   102. Madalas bang ang mga payong ibinigay mo ay tama?

(  )    (  )   103. May pagnanasa ka bang ipaliwanag sa iba ang isang mahirap na

                         talata sa  Biblia?

(  )    (  )    104. Masaya ka ba sa pagiging lider, kay sa nahihirapan at tila talunan?

(  )    (  )    105. Nakaranas ka na bang magdesisyon sa grupo na makaka-apekto

                          sa lahat?

(  )    (  )    106. Nasisiyahan ka bang tapusin ang anumang kailangang gawin at

                         hindi na naghihintay na pagsabihan nito?

(  )    (  )    107. Naghahanap ka ba ng pagkakataon para tumulong sa iba?

(  )    (  )    108. Ang pagbibigay ng salapi ba ay isang ministeryo para sa iyo?

(  )    (  )    109. Nakapagpapaligaya ba sa iyo ang dumalaw sa maysakit o ito

                          ay nakaka-depress sa iyo?

(  )    (  )    110. Ang pananaw ba ng mga tao sa iyo ay ginagamit ka ng Panginoon

                          na pagpalain ang iba sa iyong ministeryo ng pagpapatuloy?

(  )    (  )    111. Nakita mo ba na gumawa ng mga dakilang bagay ang Dios sa

                          iyong buhay na hindi pinaniwalaan ng iba na mangyayari?

(  )    (  )    112. Nakatulong ka ba sa iba nang iyong makita ang mali, at iginalang

                           ba nila ang iyong pagtitimbang?

(  )    (  )    113. Kung may pagkakataon, mas gusto mo bang magbahagi ng mga

                          talata sa Biblia kay sa sarili mong mga karanasan?

(  )    (  )    114. May nagsabi na ba sa iyo na dapat kang magkaroon ng ministeryo

                            ng pagtuturo, at ganoon din ba ang dama mo?

(  )    (  )     115. Mas enjoy ka ba sa isahang pagmiministeryo kay sa grupo?

(  )    (  )     116. Nadama mo bang may espesyal kang abilidad na gawin ang tama

                            sa mga sitwasyong mahirap?

(  )    (  )     117. Pag nakikita mong ang mga tao ay lito patungkol sa isang turo sa

                           Biblia, nais mo bang ipaliwanag ito sa kanila?

(  )    (  )     118. Madali mo bang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao

                           kahit walang masyadong pag-aaral at pagpaplano?

(  )    (  )     119. Nais mo bang ikaw ang responsable sa direksyon at tagumpay ng

                           isang grupo?

(  )    (  )     120. Naghahanap ka ba ng "job description" pag ikaw ay naatasang

                           gumawa ng isang bagay?

(  )    (  )     121.  Nagpasalamat ba ang ilan sa iyo na kinuha mo ang kanilang

                           ginagawa upang magawa nila ang dapat nilang gawin?

(  )    (  )     122. Itinuturing mo bang malaking pribilehiyo na makatulong ng

                            pinansiyal sa isang mabuting proyekto?

(  )    (  )     123. Laan ka bang magukol ng panahon at salapi upang tumulong

                            sa mga may pisikal na pagdurusa?

(  )    (  )    124. Masaya ka bang magpatuloy sa inyong tahanan at hindi ito kabigatan

                           at dagdag na trabaho para sa iyo?

(  )    (  )     125. Epektibo ba ang iyong ministeryo sa pananalangin na maraming

                           kahangahangang tugon sa panalangin na tila imposibleng mangyari?

(  )    (  )     126. Nasuri mo na ba ang sinabi ng iba na hindi nakita ng iba, subalit

                           napatunayan mong tama ang pagtitimbang mo?

                  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

SCORING SHEET PARA SA MGA ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB:

 

Kung tapos mo na ang questionnaire, kumpletuhin mo ang susunod na pahina. Tulad ng ginawa mo sa Scoring Sheet ng Mga Tanging Kaloob, para sa bawat tanong na OO ang sagot, markahan ang kahon na ganoon ang bilang. HUWAG MARKAHAN ANG HINDI NA SAGOT.

 

HULA       SALITA NG      PAMAMAHALA       PAGBIBIGAY        PANANAM-

               KARUNUNGAN                                                                                                             PALATAYA

 

(  )  #1               (  )  #4                (  )  #7                      (  )  #10                     (  )  #13

(  )  #15             (  )  #18              (  )  #21                    (  )  #24                     (  )  #27

(  )  #29             (  )  # 32             (  )  #35                    (  )  #38                     (  )  #41

(  )  #43             (  )  #46              (  )  #49                    (  )  #52                     (  )  #55

(  )  #57             (  )  #60              (  )  #63                    (  )  #66                     (  )  #69

(  )  #71             (  )  #74              (  )  #77                    (  )  #80                     (  )  #83

(  )  #85             (  )  #88              (  )  #91                    (  )  #94                     (  )  #97

(  )  #99             (  )  #102            (  )  #105                  (  )  #108                   (  )  #111

(  )  #113           (  )  #116            (  )  #119                  (  )  #122                   (  )  #125

 

 

PAGTUTURO   SALITA NG    PAGLILINGKOD   KAHABAGAN   PAGKILALA

                         KAALAMAN

 

(  )  #2                     (  )  #5                 (  )  #8                   (  )  #11                  (  )  #14             

(  )  #16                   (  )  #19               (  )  #22                 (  )  #25                  (  )  #28

(  )  #30                   (  )  #33               (  )  #36                 (  )  #39                  (  )  #42

(  )  #44                   (  )  #47               (  )  #50                 (  )  #53                  (  )  #56

(  )  #58                   (  )  #61               (  )  #64                 (  )  #67                  (  )  #70

(  )  #72                   (  )  #75               (  )  #78                 (  )  #8!                   (  )  #84

(  )  #86                   (  )  #89               (  )  #92                 (  )  #95                   (  )  #98

(  )  #100                 (  )  #103             (  )  #106               (  )  #109                 (  )  #112

(  )  #114                 (  )  #117             (  )  #120               (  )  #123                 (  )  #126

 

 

UMAARAL       PANGUNGUNA       MGA PAGTULONG       PAGPAPATULOY

(  )  #3                          (  )  #6                        (  )  #9                         (  )  #12

(  )  #17                        (  )  #20                      (  )  #23                       (  )  #26

(  )  #31                        (  )  #34                      (  )  #37                       (  )  #40

(  )  #45                        (  )  #48                      (  )  #51                       (  )  #54

(  )  #59                        (  )  #62                      (  )  #65                       (  )  #68

(  )  #73                        (  )  #76                      (  )  #79                       (  )  #82

(  )  #87                        (  )  #90                      (  )  #93                       (  )  #96

(  )  #101                      (  )  #104                    (  )  #107                     (  )  #110

(  )  #115                      (  )  #118                    (  )  #121                     (  )  #124

 

PROFILE NG MGA ESPIRITUWAL NA MGA KALOOB:

 

Gamitin ang scoring sheet sa nagdaang pahina at kumpletuhin ang profile ng tanging kaloob sa susunod na pahina.

 

Para sa bawat kaloob, bilangin mo ang mga kahon na minarkahan mo. ( Ang mga may marka ay yaong may sagot na Oo sa mga tanong). Gumuhit ng linya sa profile sa tamang bilang.

 

Matapos mong bilangin ang mga kahon sa bawat kaloob at minarkahan mo na sa PROFILE, kumpletuhin mo ang PROFILE sa pamamagitan ng pagpuno ng mga guhit upang makagawa ng graph, tulad ng ginawa mo sa profile ng Mga Tanging Kaloob.                        

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                                                                                                                       

 

                                                                                   

Hula

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagtuturo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Umaaral

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Salita ng Karunungan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Salita ng Kaalaman

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pangunguna

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pamamahala

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Paglilingkod

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Pagtulong

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagbibigay

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kahabagan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagpapatuloy

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pananampalataya

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkilala

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                       1

                       

2

3

4

5

6

7

8

9

10

 

 

 

 

Ang mahahabang bars ang

pinakamataas mong mga scores.

 

Ang maiikling bars ang iyong

pinakamababang mga score.

Ang mga kaloob ng tanda ay

hindi kasali sa questionnaire na ito

sapagkat kung mayroon ka ng mga

kaloob na ito ay malalaman mo na

sa mga "tanda" mismo.

          

IKA-LABINGISANG  KABANATA

 

BUNGA NG ESPIRITU SANTO

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, dapat ay magawa mo ang mga sumusunod:

 

 .   Tukuyin ang panglabas na bunga ng Espiritu Santo.

 .   Tukuyin ang pangloob na bunga ng Espiritu Santo.

 .   Ipaliwanag ang kahalagahan ng bunga ng Espiritu Santo.

 .   Tukuyin ang isang reperensya sa Biblia na nagsasabing tayo ay pinili upang

       magbunga.

 .   Bigyang kahulugan ang iba't ibang bunga ng Espiritu.

 .   Ibigay ang pagkakaiba ng kapayapaan ng Dios at kapayapaang idinudulot ng Dios.

 

MGA SUSING TALATA:

 

Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandanhang-loob, kabutihan, pagtatapat,

 

Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

( Galacia 5: 22-23 )

 

PAMBUNGAD

 

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa bunga ng Espiritu Santo. Sa susunod na kabanata ay matututuhan mo ang mga kabaligtarang mga katangiang tinatawag na

mga gawa ng laman. Sa huling kabanata ay matututuhan mo kung paano magkakaroon ng bungang espirituwal.

 

ANO ITONG BUNGA?

 

Ang bunga ng Espiritu Santo ay ang katangian ng Espiritu na nakikita sa buhay ng mananampalataya. Ito ay mga katangiang espirituwal na dapat ay nakikita sa buhay ng lahat ng mga Kristiyano.

 

Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay nagbibigay ng kapangyarihan. Ang bunga ng

Espiritu Santo ay ang paguugali sa buhay ng mananampalataya. Ang chart na narito ay nagpapakita ng pagkakaiba ng espirituwal na mga kaloob at bunga:

 

 

 

 

________________________________________

 

             Mga Kaloob                                                         Bunga

 

- Upang maglingkod sa katawan                              - Sa paglago ng tao

- Hindi lahat ng mananampalataya                           - Bawat mananampalataya

   ay mayroon nito                                                        ay dapat mayroon nitong lahat

- Upang magkaroon ng kapangyarihan                     - Para sa paguugali

________________________________________

 

 

Ang bunga ng Espiritu ay katunayan ng pagiging malalim na sa pananampalataya. Tulad ng bunga sa natural ng mundo, produkto ito na dulot ng proceso ng buhay. Ang espirituwal na bunga ay paguugaling Kristiyano sa personal at social na larangan. Ito ay produkto ng Espiritu Santo na kumikilos sa iyong buhay at ang tugon mo sa pagkilos na ito. Kung paanong matagal tumubo ang bunga sa natural na mundo, ang bungang espirituwal ay ganoon din. Ito ay produkto ng natural na pagtubo sa buhay ng Espiritu.

 

DALAWANG URI NG BUNGA

 

May dalawang uri ng bungang espirituwal na sinasabi sa Biblia:

 

         1. Ang bunga ng evangelismo.

         2. Ang bunga ng maka-Dios na mga katangiang espirituwal.

 

Tumutulong ang Espiritu Santo sa mga mananampalataya na magbunga ng panglabas na bunga sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maging epektibong saksi ng Evangelio. Pinalalago rin Niya ang pangloob na bunga ng mga katangian ni Cristo sa kanilang buhay.

 

PANGLABAS NA BUNGA: EVANGELISMO

 

NATURAL NA PAGPAPARAMI:

 

Nang lalangin ng Dios si Adam at si Eva, ang unang utos sa kanila ay "magbunga" at magparami sa natural na mundo:

 

At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa,

            at inyong supilin. ( Genesis 1: 28)

 

Sa natural na mundo, nagtakda ang Dios ng "cycle" ng patuloy na pagpaparami:

 

Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi. (Genesis 8:22)

                       

ANG PAGPAPARAMING ESPIRITUWAL:

 

Mula nang pasimulan ang mundo, tinawag ng Dios ang Kaniyang bayan upang magpakarami sa larangang natural at espirituwal. Katungkulan ni Adam at ni Eva na magpakarami, sa natural at sa espirituwal. Ang orihinal na plano ng Dios ay punuin ang sanglibutan ng mga taong nilalang ayon sa Kaniyang wangis at lumalakad na kasama Niya.

 

Nang tawagin ng Dios ang Israel upang magpahayag sa kanila ng Kaniyang kapangyarihan at plano para sa mundo, tinawag sila upang magparami sa espirituwal na larangan:

 

Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim Mo yaon.

 

Ikaw ay naghanda ng dako sa harap nila, At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.

 

Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, Ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios. ( Awit 80: 8-10 )

 

Ang "baging" na inilabas mula sa Egipto ay ang bayan ng Israel. Nais Niya sila na magbunga ng bungang espirituwal sa pamamagitan ng pagpapakilala ng tunay na Dios sa mga bansang pagano sa palibot nila. Sa halip, ang Israel ay naging tulad ng mga pagano. Nagpasimula silang sumamba sa mga idolo at humingi ng taong hari na mangangasiwa sa halip na ang di nakikitang Hari ng mga hari. Sa kahulihulihan, ganito ang sabi ng Dios sa Israel:

 

Ang Israel ay isang mayabong na baging.( Oseas 10: 1)

 

Dahil sa hindi sila nagbubunga, ang sabi ni Jesus ay:

 

Kaya nga sinasabi Ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga.  ( Mateo 21: 43)

 

Dahil sa ayaw magbunga ng Israel,  ang Evangelio ng Kaharian ay pinalawak upang sakupin ang mga Gentil. Mula sa mga Gentil, nagtayo ang Dios ng iglesia upang matupad ang Kaniyang plano ng pagpaparami sa buong mundo.

 

PINILI UPANG MAGBUNGA:

 

Bilang mga mananampalataya, pinili tayo ni Jesus upang magbunga sa pamamagitan ng evangelismo ng sanglibutan:

 

Ako'y hindi ninyo hinirang, ngunit kayo'y hinirang Ko, at Akin kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga at upang manatili ang inyong bunga.  ( Juan 15: 16)

 

Ang huli Niyang utos sa Kaniyang mga tagasunod ay patungkol sa pagbubungang espirituwal:

 

At sinabi Niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.  ( Marcos 16:15)

 

Hinamon Niya ang Kaniyang mga alagad sa pagpapakita ng malaking pangitain ng espirituwal na pagaani:

 

Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? Narito, sa inyo'y Aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.

 

Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at umaani ay mangagalak kapuwa.

( Juan 4: 35-36)

 

Sinabi ni Salomon:

 

Ang bunga ng matuwid ay bungang kahoy ng buhay; At siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.  ( Kawikaan 11: 30)

 

Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagpapalakas sa mga mananampalataya.

upang magbunga ng espirituwal na bunga sa pamamagitan ng evangelismo:

 

Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

( Gawa 1:8)

 

Ang paraan ng espirituwal na pagpaparami ay matatagpuan sa II Timoteo 2:2.

 

At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  ( II Timoteo 2: 2)

 

Kung paanong nagtatag ang Dios ng "cycle" sa natural na mundo, Siya rin ay nagtatag nito sa mundong espirituwal. Ang bawat mananampalataya ay magtuturo ng Evangelio sa iba na magpaparami rin sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba. Kung paanong ang natural na takbo ng panahon ng pagtatanim at pagaani ay walang katapusan, ganoon din ang takbo ng pagaaning espirituwal.

 

( Dahil sa kahalagahan ng panglabas na bunga ng evangelismo, nag-alok ang Harvestime International Institute ng hiwalay na mga kurso patungkol dito. Sumulat

kung nais ng impormasyon tungkol sa " Mga Estratehiya Para sa Pagaaning Espirituwal,"  "Mga Paraan ng Pagpapalago," at "Panghihikayat ng Kaluluwa").

 

 

PANGLOOB NA BUNGA: ANG PAGIGING TULAD NI CRISTO

 

Dagdag sa panglabas na bunga ng evangelismo ang Biblia ay may binabanggit sa positibong mga katangiang espirituwal na nakikita sa buhay ng mananampalataya bunga ng Espiritu Santo. Tinatawag natin itong pangloob na bunga ng pagiging tulad ni Cristo. Ang bungang ito ay nakalista sa Galacia 5: 22-23:

 

Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandanhang-loob, kabutihan, pagtatapat,

 

Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

( Galacia 5: 22-23 )

 

Ang mga ito ang pangloob na katangian na nais ng Espiritu Santo na lumago sa buhay ng mananampalataya. Ito ang mga katangiang nakikita sa buhay ni Jesucristo. Kaya tinatawag ito na mga katangiang maka-Cristo.

 

Ang salitang "bunga" ay isa lang. Hindi ito maramihan. Tandaan mo na ang mga espirituwal na mga bunga ay marami at nakakalat sa mga mananampalataya ayon sa kalooban ng Espiritu Santo. Isahan ang bunga, tulad ng ubas. Ang isang kumpol ng ubas ay maraming bunga ng ubas subalit iisang kumpol. Sa natural na mundo, pag pinitas ang ubas, ito ay pinipitas bilang isang kumpol. Ang kumpol na ito ay tinatawag na "bunga"

(isahan) ng baging.

 

Sa buhay na espirituwal ang bunga ng Espiritu Santo ay tulad sa kumpol ng ubas. Ito ay hiwahiwalay na mga katangian na pinagsama-sama sa isang kumpol na bunga. Itong isang bungang ito ay isang malalim na buhay espirituwal na nakikita sa isang buhay na tulad ni Cristo.

 

 

      Isang Bunga  -------------------->            Malalim na Buhay Espirituwal

 

      Maraming Katangian ----------->           Kaamuan-Pagpipigil

                                                                     Pagibig-Katuwaan-Kapayapaan

                                                                     Kagandahang-loob-Kabutihan

                                                                     Pagpapahinuhod

                                                                     Pagtatapat

 

 

 

Nais ng Dios na lahat ng mananampalataya ay mayroong bunga ng Espiritu. Di tulad ng mga kaloob na pangmaramihan at nahahati sa mga mananampalataya, ang bunga 

(isahan) ay dapat nasa bawat isang mananampalataya.

 

Ang bunga ng Espiritu Santo ay nakikita sa bawat gawa ng kabutihan, katuwiran,  at katotohanan na ginagawa ng mga mananampalataya:

 

Sapagkat ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan.  ( Efeso 5: 9)

 

Ang mga sumusunod ang bunga ng Espiritu:

 

 

PAGIBIG

 

Ang pagibig ay isang emosyon ng malalim na pagmamahal, pagaalaga, at pagmamalasakit. Ito ay ang pagbibigay ng sarili sa iba na walang kondisyon kahit ano ang mga pangyayari.

 

Sa pagaaral mo ng mga kaloob na espirituwal, ang pagibig ang susi ng pagkilos ng mga espirituwal na kaloob. Ito rin ang katangian na pinagmumulan ng bungang espirituwal. Makikita mo ito pag inihambing mo ang talata sa Galacia sa "Kabanata ng Pagibig" sa

 I Corinto 13:

 

I Corinto 13: 1-7                                                               Galacia 5: 22-23

 

Hindi hinahanap ang sariling

pakinabang , hindi makasarili.                                             Pagibig

 

Hindi nagagalak sa kalikuan

subalit nagagalak sa katotohanan.                                         Kagalakan

 

Ang pagibig ay hindi madaling magalit.

Ito ay kalmado at matatag.                                                     Kapayapaan

 

Mapagpahinuhod, matiyaga, at

mapagpasensiya.                                                                      Mapagpahinuhod

 

Ang pagibig ay mahabagin, maalalahanin,

at nagmamalasakit; hindi ito naiinggit.                                    Kagandahang-loob

 

Ang pagibig ay dakila, mapagbigay,

maamo at mabait.                                                                      Kabutihan

 

Ang pagibig ay hindi nagiisip ng masama,

lahat ay pinaniniwalaan.                                                            Katapatan

 

Ang pagibig ay may mababang-loob,

at hindi nagmamalaki.                                                                Kaamuan

 

Ang pagibig ay may disiplina at may kontrol,

hindi nag-aasal ng mahalay.                                                        Pagpipigil

 

 

Ang pananampalataya, na kapwa kaloob at bunga ng Espiritu, ay kumikilos ayon sa pagibig:

 

...kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.

( Galacia 5: 6)

 

Ang espirituwal na bunga ng pagibig ay hindi tulad ng pagibig na ipinakikita ng mundo. Ito ay pagibig na "tunay". Ito ay banal na pagibig. Ang tunay na pagibig ay ang pagibig na dapat nating ipakita sa iba:

 

Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa.

  ( I Pedro 1:22)

 

Dapat mong mahalin ang Dios:

 

At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo. ( Marcos 12:30)

 

( Tingnan mo rin ang I Juan 2:5, 15; 3:11-17; 4:7-20; 5:2; I Juan 1:5-6; Deuteronomio  6:5; Lucas 10:27).

 

Dapat mong ibigin ang iyong mga kaaway:

 

Datapuwat sinasabi Ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo.

 

At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? Sapagkat ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila...

 

Datapuwat ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti...  ( Lucas 6:27, 32, 35 )

 

Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway:

 

Datapuwat sinasabi Ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig.  ( Mateo 5: 43-44 )

 

Dapat mong ibigin ang iyong kapwa tulad ng pagibig mo sa iyong sarili:

 

...Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.  ( Mateo 19:19)

 

Nais ni Jesus na ibigin mo ang iba tulad ng pagibig Niya sa iyo:

 

Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay Ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig Ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. ( Juan 13: 34)

 

Kung paanong inibig Ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig Ko kayo: magsipanatili kayo sa Aking pagibig.

 

Ito ang Aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig Ko sa inyo.  ( Juan 15: 9, 12)

 

At ipinakilala Ko sa kanila ang Iyong pangalan, at ipakikilala Ko; upang ang pagibig na sa Akin ay iniibig Mo ay mapa sa kanila, at Ako'y sa kanila.

( Juan 17: 26)

 

Tayo ay makikilalang mga Kristiyano dahil sa pagiibigan natin sa isa't isa:

 

Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.  ( Juan 13: 35)

 

Kung hindi mo iniibig ang ibang mananampalataya, ang pagibig ng Dios ay wala sa iyo:

 

Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hangga ngayon.

 

Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y walang anomang kadahilanang ikatitisod.  ( I Juan 2: 9-10 )

 

( Ito ay napakahalagang katotohanan. Pagaralan mo pang higit sa Juan 13:34; 14:15,21,23,31; 15:9-19; 17:26; 21: 15-17).

 

Ang iyong pagibig ay dapat lumago [madagdagan]:

 

At ito'y idinadalangin Ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala. ( Filipos 1: 9 )

 

At kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao. ( I Tesalonica 3: 12)

 

Kayo ay dapat magugat at magtumibay sa pagibig:

 

Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig,

 

Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,

 

At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios. ( Efeso 3: 17-19 )

 

Kayo ay dapat magbata sa isa't isa sa pagibig:

 

Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig.  ( Efeso 4: 2)

 

Magsipanatili kayo sa pagibig:

 

Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios. ( Judas 21 )

 

...at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan. ( I Timoteo  6:11)

 

Ang ginagawa mo sa Panginoon ay gawin mo na may pagibig:

 

Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng aming Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig.

 ( I Tesalonica 1: 3)

 

Sapagkat ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa Kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayon'y nagsisipaglingkod kayo.  ( Hebreo 6: 10 )

 

Habang nalalapit ang wakas ng panahon dito sa lupa, ang pagibig ng marami ay hindi

magtatagal. Ito ay "manlalamig." Ibig sabihin nito ang mga tao ay magiging walang pakialam:

 

At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.  ( Mateo 24: 12 )

 

Subalit binigyan tayo ng kasiguruhan na walang makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios:

 

Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? Ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?

 

Sapagkat ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,

 

Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.  ( Roma 8: 35, 38 -39)

 

Maraming sinulat si David tungkol sa pagibig. Tingnan ang Mga Awit 31:23; 18:1; 40:16; 97:10; 116:1; 119:97, 113, 119,127, 132,159, 163, 105, 167; 122:6; 145:20. Pagaralan ang aklat ng I Juan. Isa sa mga pangunahing paksa nito ay pagibig.

 

 

KAGALAKAN

 

Ang kagalakan ay kasayahan, katuwaan, at pagdiriwang.

 

Ang bungang espirituwal ng kagalakan at ang emosyon ng katuwaan ay magkaiba. Magkaiba ang pinanggalingan nito. Ang katuwaan ay nanggagaling sa palibot mo at ito ay nakasalalay sa mga pangyayari. Ang kagalakan ay nanggagaling sa Espiritu ng Dios at ito ay hindi nakasalalay sa mga panlabas na pangyayari.

 

Nagdala si Jesucristo ng kagalakan sa Kaniyang kapanganakan:

 

At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagkat narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:

 

Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na Siya ang Cristo ang Panginoon. ( Lucas 2: 10-11)

 

Nais ng Dios na ikaw ay magalak:

 

Ang mga bagay na ito ay sinalita Ko sa inyo, upang ang Aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos. ( Juan 15:11)

 

Ngunit ngayon ay napaririyan Ako sa iyo; at sinasalita Ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y magtamo ng Aking kagalakang ganap sa kanila rin.  ( Juan 17: 13)

 

Ang mga alagad ay puno ng kagalakan at ng Espiritu Santo:

 

At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.

( Gawa 13: 52)

 

Ang pinagmumulan ng kagalakan ng mananampalataya ay hindi mga bagay ng sanglibutan, kundi ang Dios:

 

... Nasa Iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; Sa Iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man. ( Awit 16: 11)

 

Sapagkat ang iyong kagalakan ay espirituwal at hindi nakasalalay sa mga panlabas na pangyayari, ikaw ay maaaring magalak kahit sa oras ng tukso:

 

 Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso. ( Santiago 1: 2)

 

Maaari ka ring magalak sa oras ng kapighatian:

 

...ako'y puspos ng kaaliwan, nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian. ( II Corinto 7: 4)

 

Maaari kang maging mapagpahinuhod na may kagalakan:

 

...sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak. ( Colosas 1: 11)

 

Ang kagalakan ay bahagi ng kaharian ng Dios:

 

Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom,  kundi ang kautwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.

( Roma 14: 7)

 

Hinihimok ng Biblia ang mga mananampalataya na magalak at ipahayag ito sa Panginoon:

 

Ngunit Iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa Iyo: Pahiyawin Mo nawa sila sa kagalakan.Mangagalak nawa rin sa Iyo ang nagsisiibig ng Iyong pangalan. ( Awit 5: 11)

 

( Tingnan din ang Mga Awit 35:9; 63:5; 66:1; 81:1; 95:1-2; 149:5; 98:4,6,8: 100:1).

 

 

KAPAYAPAAN

 

Ang kapayapaan ay isang kalagayang matahimik, kalmado, at may pagkakasundo. Ito ay walang pagaaway, pagaalala, at pagiintindi. Hindi ito basta walang ginagawa. Pinaiiral ang kapayapaan para sa makapangyarihan gawa. Ito ang bahagi ng lumilikha ng kapayapaan.

 

Ang pagkalito ang kabalintunaan ng kapayapaan. Hindi sa Dios galing ang kalituhan. Ang nais Niya ay magdala ng kapayapaan:

 

Sapagkat ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal.  ( I Corinto 14: 33)

 

Nagdala si Jesus ng kapayapaan sa mundo:

 

Luwalhati sa Dios sa kataas-taasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.  ( Lucas 2: 14 )

 

Ang lahat ng tunay na kapayapaan ay kay Jesus nagbuhat: 

 

...na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo.  ( Gawa 10:36)

 

Sapagkat Siya ang ating kapayapaan, na Kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay.( Efeso 2: 14)

 

Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesuscristo.

( Roma 5: 1)

 

Iniwan ni Jesus ang kapayapaan sa mga alagad:

 

Ang kapayapaan ay iniiwan Ko sa inyo; ang Aking kapayapaan ay ibinibigay Ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay Ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

(Juan 14: 27 )

 

Ang mga aral ni Jesus ay nagdala ng kapayapaan:

 

Ang mga bagay na ito ay sinasalita Ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa Akin ng kapayapaan.  ( Juan 16: 33 )

 

Ang Evangelio ay mensahe ng kapayapaan:

 

At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahangda ng evangelio ng kapayapaan. ( Efeso 6: 15)

 

May dalawang uri ng Kapayapaan. Ang una ay kapayapaan sa Dios:

 

Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesuscristo.

( Roma 5: 1)

 

Matapos kang makipagkasundo sa Dios, ikaw ay maaaring magkaroon ng kapayapaan ng  Dios.

 

 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus. ( Filipos 4: 7)

 

Pinagsabihan tayong sumunod sa mga bagay na humahantong sa kapayapaan:

 

Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa. ( Roma 14: 19)

 

Tayo ay dapat mamuhay sa kapayapaan:

 

...Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; mangagkaisa kayo sa pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo. ( II Corinto 13: 11)

 

Tayo ay dapat mamuhay na kasundo ang mga tao:

 

Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao.( Hebreo 12: 14)

 

Dapat nating panatilihin ang pagkakaisa ng Espiritu sa pamamagitan ng kapayapaan:

 

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pagkakaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.  ( Efeso 4: 3)

 

Ang kapayapaan ng Dios ay dapat maghari sa ating mga puso:

 

At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan.( Colosas 3: 15)

 

Masumpungan tayo sa kapayapaan sa lahat ng oras:

 

...pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan.( II Pedro 3: 14)

 

 

MAPAGPAHINUHOD

 

Ang pagpapahinuhod ay pagpapasensiya. Ito ay isang katangian na matagalan nang masaya ang isang hindi matiis na sitwasyon at maging mapagpasensiya. Ang pagpapahinuhod ay katangian ng Dios:

...Ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan. ( Exodo 34: 6)

 

Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang.( Bilang 14: 18)

 

Ngunit Ikaw, O Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.  ( Awit 86: 15)

 

Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa Kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. ( II Pedro 3: 9)

 

At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas.

( II Pedro 3: 15)

 

O hinahamak mo ang mga kayamanan ng Kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod. ( Roma 2: 4)

 

Ang pagpapahinuhod ay nakita sa ministeryo ni Apostol Pablo:

 

Ngunit sinunod mo ang Aking aral, ugali, akala, pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis. ( II Timoteo 3: 10)

 

Tinuruan tayong magtiis na may kagalakan:

 

Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng Kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak.  ( Colosas 1: 11 )

 

Tinawag tayo na maging mapagpahinuhod:

 

Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig. ( Efeso 4: 2)

 

Dapat nating ipangaral ang Salita ng Dios na may pagpapahinuhod:

 

Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.  ( II Timoteo 4: 2)

 

Ang mga mananampalataya ay dapat " magsuot" ng pagpapahinuhod bilang isang espirituwal na katangian:

 

Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahang-loob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod.  ( Colosas 3: 12 )

 

 

KAGANDAHANG-LOOB

 

Ang may magandang kalooban ay mahinhin, hindi marahas o maingay. Ito ay isang tahimik at magalang na kabaitan.

 

Nagbabala ang Biblia na ang mga mananampalataya ay hindi dapat makipagtalo bagkos maging maamo sa lahat ng tao:

 

At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin. ( II Timoteo 2: 4)

 

Hindi tayo dapat maging mapagtungayaw. Ang mga ganitong tao ay laging nakikipag-away o nakikipagtalo:

 

Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, na huwag makipagtalo, kundi magpakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao. ( Tito 3: 2)

 

Madali tayong pakiusapan. Ibig sabihin ay madali tayong lapitan ng iba dahil sa ating maamong ugali:

 

Ngunit ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.

( Santiago 3: 17)

 

Sinabi ni David:

 

Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag ng Iyong pangligtas; at inalalayan ako ng Iyong kanan, At pinadakila ako ng Iyong kahinahunan. ( Awit 18: 35)

 

 

KABUTIHAN

 

Ang kabutihan ay mga gawa ng kabanalan at katuwiran. Ang kabutihan ay katangian ng Dios:

.           ...Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.  ( Awit 52: 1)

 

Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa Kaniyang kagandahang-loob, At dahil sa Kaniyang mga kagilagilalas ng mga gawa sa mga anak ng mga tao!  ( Awit 107: 8,15,21,31)

 

Aking kagandahang-loob at Aking katibayan, Aking matayog na moog, at Aking tagapagligtas; Aking kalasag, at Siya na doon ako nanganganlong; Na Siyang nagpapasuko ng Aking bayan sa Akin.  ( Awit 144:2)

 

Ang lupa ay naghahayag ng kabutihan ng Dios:

 

...Ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon.  ( Awit 33: 5)

 

Dinudulutan ng Dios ang taon ng Kaniyang kabutihan. Ibig sabihin nito, ang lahat ng pagpapala sa bawat taon ay mula sa Dios:

 

Iyong dinudulutan ang taon ng Iyong kabutihan... ( Awit 65: 11)

 

Ang kabutihan ng Dios ay ipinakikita sa mga makasalanan upang sila ay magsisi:

 

O hinahamak mo ang kayamanan ng Kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?  ( Roma 2: 4)

 

Ang sabi ni Haring David ay, kung hindi dahil sa kabutihan ng Dios siya ay nanglupaypay:

 

Ako sana'y nanglupaypay kung di ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon sa lupain ng mga buhay. ( Awit 27: 3)

 

Ayon kay David, ang kabutihan ng Dios ay inilaan para sa atin:

 

Oh pagkadakila ng Iyong kabutihan, Na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa Iyo, Na Iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa Iyo, Sa harap ng mga anak ng mga tao. ( Awit 31: 19)

 

Binubusog ng Dios ang mga nagugugtom ng Kaniyang kabutihan:

 

Sapagkat Kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, At ang gutom na kaluluwa ay binusog Niya ng kabutihan.  ( Awit 107: 9)

 

Bilang isang mananampalataya, ang kabutihan at kaawaan ay sumusunod sa iyo:

 

Tunay na ang kabutihan at ang kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay. ( Awit 23: 6)

 

 

 

 

 

PANANAMPALATAYA

 

Natutuhan mo ang pananampalataya nang ito ay pag-aralan mo bilang isang espirituwal na kaloob. Ang mga konseptong itinuro tungkol sa pananampalataya bilang isang kaloob ay ganoon din sa pagiging bunga nito.

 

Subalit tandaan mo ang pagkakaiba ng dalawa na ipinaliwanag na. Ang pananampalataya bilang isang kaloob ay kapangyarihan. Ito ay may aksiyon. Ito ay malakas na pagtitiwala sa Dios na nagbubunsod sa mananampalataya na kumilos kung ang iba ay ayaw dahil sa kawalan ng pananampalataya. Ang pananampalataya bilang isang bunga ay karakter. Ito ay pananampalataya sa Dios. Ito ay tumutubo sa atin kung pinahihintulutan natin ang buhay Niya ay lumago sa atin. Samantalang ang iba ay walang kaloob ng pananampalataya, ang bunga ng pananampalataya ay dapat makita sa buhay ng lahat ng mga mananampalataya.

 

 

KAAMUAN

 

Ang kaamuan ay lakas na pinigil. Ito ang pamamaraan na dapat gamitin sa pagpapabalik ng isang nanlamig sa pananampalataya. Ang "backslider" ay isang tao na nagbalik sa kasalanan matapos makilala si Jesus na Tagapagligtas:

 

Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahang-loob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:

 

Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kangino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin. (Colosas 3: 12-13)

 

Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinahunan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso. (Galacia 6:1)

 

Ang kaamuan ang nagbubuklod sa iglesia:

 

...kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag.

 

Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig.

 

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pagkakaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.  ( Efeso 4: 1-3)

 

Ang kaamuan ay dapat gamitin sa pakikitungo sa lahat ng tao:

 

At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin,

 

Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan.

( II Timoteo 2: 24-25)

 

Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, na huwag makipagtalo, kundi magpakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.  (Tito 3: 2)

 

Dapat mong tanggapin ang Salita ng Dios na may kaamuan:

 

Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat ng karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.  ( Santiago 1: 21)

 

Ang taong marunong ay maamo:

 

Sino ang marunong at matalino sa inyo? Ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.

( Santiago 3: 13)

 

Ang mga mananampalataya ay hinihimok na hanapin ang ganitong uri ng kaamuan:

 

Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahang-loob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod.  ( Colosas 3: 12 )

 

Datapuwat ikaw, Oh tao ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan. ( I Timoteo 6: 11)

 

Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa Kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan.( Zefanias 2: 3)

 

 

PAGPIPIGIL

 

Ang pagpipigil ay pagiging mahinahon sa emosyon, sa pagiisip, at sa kilos. Ito ay pagpipigil sa sarili. Ang pagpipigil ay pagsupil sa lahat ng mga bagay:

 

Ngunit hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakwil.

( I Corinto 9:27) ( Tingnan ang I Corinto 9: 19-27).

 

Tayo ay hinihimok na dagdagan ang pagpipigil sa ating mga buhay:

 

At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis...

( II Pedro 1: 6)

 

Ang pagpipigil ay bahagi ng mensahe ni Pablo ng Evangelio:

 

At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating.  (Gawa 24: 25)

 

 

KAHALAGAHAN NG BUNGA

 

Pinahalagahan ni Jesus ang pamumunga. Sa isang talinhaga, sinabi Niya:

 

Isang tao ay may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan; at siya'y naparoong humahanap ng bunga niyaon, at walang nasumpungan.

 

At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan, Narito, tatlong taon nang pumaparito

akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, at wala akong masumpungan; putulin mo; bakit pa makasisikip sa lupa?

 

At pagsagot niya'y sinabi sa kaniya, Panginoon, pabayaan mo muna sa taong ito, hanggang sa aking mahukayan sa palibot, at malagyan ng pataba.

 

At kung pagkatapos ay magbunga, ay mabuti; datapuwat kung hindi ay puputulin mo. ( Lucas 13: 6-9)

 

Sa isa pang pagkakataon, nakakita si Jesus ng puno ng igos na walang bunga:

 

Pagka umaga nga nang Siya'y bumalik sa bayan, nagutom Siya.

 

At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay Kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi Niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos. ( Mateo 21: 18-19)

 

Ang pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos ay hindi dahil sa galit sapagkat Siya ay nagugutom at ang puno ay walang bunga. Nagtuturo Siya ng mahalagang katotohanan. Maganda ang hitsura ng puno ng igos. May mga dahon itong luntian at tila dapat mamunga. Subalit ito'y walang bunga.

 

Ang ibang mga tao ay tinging espirituwal sa panglabas na anyo, subalit sa loob ay wala silang bungang espirituwal na tulad ni Cristo. Ito ang kalagayan ng mga Fariseo, isang relihiosong pangkat sa panahon ni Jesus. Ang sabi ni Jesus sa kanila:

 

Sa aba ninyo, mga escriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwat sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. ( Mateo 23: 27)

 

Nagmamalasakit ang Dios sa pagiging mabunga sa halip na anyo lamang ng pagbubunga.

 

Sa pangkalahatan, mas naglagay ng diin sa mga kaloob sa halip na sa bunga sa ministeryo sa ngayon. Subalit binigyan ng Biblia ng halaga ang bungang espirituwal:

 

Kaya't sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.  ( Mateo 7: 20)

 

Ang bunga, o mga espirtuwal na katangian na ipinakikita ng isang tao, ay nagpapakita kung ano siya sa loob:

 

Sapagkat walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin namang masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.

 

Sapagkat bawat punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagkat ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng igos sa mga tinikan.

 

Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan; sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.  ( Lucas 6: 43-45)

 

Ang isang tao ay maaaring may "appeal" o "charisma" na maaaring pagkamalang kapangyarihang espirituwal. Maaari pa siyang gumawa ng mga himala sa pangalan ng Panginoon. Subalit sabi ni Jesus:

 

Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit.

 

Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?

 

At kung magkagayo'y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma'y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.  ( Mateo 7: 21-23)

 

Nagbabala si Judas tungkol sa mga taong " papasok" sa iglesia at magtuturo ng mga maling doktrina. Ang sabi niya, isa sa mga paraan kung paano makikiklala ang mga ito ay kulang sila ng bunga ng Espiritu sa kanilang mga buhay:

 

...Ang mga ito'y...mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat. ( Judas 12)

 

Ang mahalaga sa anumang ministeryo ay ang bunga sapagkat." Sa pamamagitan ng kanilang mga BUNGA ay makikilala mo sila" ( Mateo 7: 20).

 

Sa natural na mundo, ang bunga ang nagdadala sa loob ng mga buto na nagpaparami nito. Sa espirituwal na daigdig ang bunga ng Espiritu Santo ang may kapasidad na magparami.

 

-           Ang bunga ng maka-Cristong katangian sa buhay ng mga mananampalataya ang naglalapit sa mga makasalanan sa Dios.  

 

-          Ang bunga ng evangelismo ang nagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian at

            nagbubunga ng espirtuwal na pagaani sa buong mundo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Ano ang panglabas na bunga ng Espiritu?

 

________________________________________

 

2. Ano ang pangloob na bunga ng Espiritu?

 

________________________________________

 

3. Ilista mo ang mga katangian ng pangloob na bunga ng Espiritu Santo:

 

__________________________     ___________________________________

 

__________________________     ___________________________________

 

__________________________     ___________________________________

 

__________________________     ___________________________________

 

                            ________________________________

 

4. Anong reperensya sa Biblia ang nagpapakita na pinili tayo ni Jesus na magbunga?

 

________________________________________

 

5. Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

6. Basahin mo ang listahan ng bungang espirituwal sa Unang Hanay. Basahin mo ang mga kahulugan sa Pangalawang Hanay. Isulat ang numero ng tamang kahulugan na naglalarawan ng bunga sa puwang sa harapan.

 

 

 

 

 

 

Unang Hanay                                                           Pangalawang Hanay

 

____Pagpipigil                            1. Masidhing pagmamahal, pagkalinga

 

____Pananampalataya                 2. Kagalakan, kasiyahan

 

____Kaamuan                              3. Tahimik, kalmado, pagkakasundo

 

____Kagandahang-loob               4. Matiyagang pagtitiis

 

____Kabutihan                             5. Mahinhin, hindi marahas

 

____Katuwaan                              6. Makatuwirang mga gawa

 

____Mapagpahinuhod                   7. Matibay na tiwala sa Dios

 

____Kapayapaan                           8. Lakas na sinupil

 

____Pagibig                                   9. Pagtitimpi sa sarili

 

 

7. Bakit mahalaga ang bunga ng Espiritu?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

8. Ano ang pagkakaiba ng kapayapaan na galing sa Dios at kapayapaan o pagkakasundo sa Dios?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito)

 

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

1. Basahin ang Mateo 5: 1-12. Ilang pangloob na bunga ng maka-Cristong paguugali ang nakita mo sa mga talatang ito? Halimbawa, ang bunga ng kagalakan ay nabanggit sa talatang 12.

 

2. Basahin ang I Corinto 13 na tungkol sa espirituwal na bunga ng pagibig. Ilan pang ibang bungang espirituwal ang nakita mong ipinahayag ng pagibig? Halimbawa,

"pinaniniwalaan ang lahat" sa talatang 7 ay bunga ng pananampalataya.

 

3. Ang bunga ng Espiritu Santo ay kapahayagan ng paguugali ng Dios. Ang Dios ay Dios ng:

 

     Pagibig:                              I Juan 4: 16; Titus 3:4

     Kagalakan:                         Mateo 25:21

     Kapayapaan:                      Filipos 4: 7

     Pagpapahinuhod:               II Pedro 3: 9,15

     Kagandahang-loob:            Mateo 11: 28-30

     Kabutihan:                          II Pedro 1:3

     Katapatan:                           II Timoteo 2:13

     Kaamuan:                            Zefanias 2: 3

     Pagpipigil:                           Hebreo 12:11 (Ang disiplina ng Dios ay nagpapakita

                                                                              ng kahinahunan.)

 

4. Lahat ng bunga ng Espiritu Santo ay nakita sa buhay ni Jesucristo:

 

          Panglabas na Bunga:  Evangelismo:  Juan 10: 16; Marcos 1: 38

 

         Pangloob na Bunga:

 

         Pagibig:                            Marcos 10:21; Juan 11:5, 36

         Kagalakan:                       Juan 15: 11

         Kapayapaan:                     Juan 14: 27

         Pagpapahinuhod:              I Pedro 3:15

         Kagandahang-loob:          II Corinto 10:1

         Kabutihan:                        Roma 11:22

         Pananampalataya:             Mateo 17:14-21

         Kaamuan:                          II Corinto 10:1

         Pagpipigil:                         Lucas 4: 1-13

 

Basahin ang mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Dagdagan mo ang listahang ito kung saan si Jesus nagpakita ng bunga ng Espiritu Santo.

 

 

 

 

IKA-LABINDALAWANG  KABANATA

 

MGA GAWA NG LAMAN

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito ikaw ay inaasahang makasasagot nito:

 

.     Tukuyin ang mga gawa ng laman.

.     Ipaliwanag kung paanong makalalakad sa Espiritu sa halip na sa laman.

 

MGA SUSING TALATA:

 

At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

 

Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

 

Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. ( Galacia 5:19-21)

 

 

PAMBUNGAD

 

Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga gawa ng laman, mga makasalanang mga katangian na kabalintunaan ng bunga ng Espiritu Santo.

 

ANO ANG MGA GAWA NG LAMAN?

 

Ang mga gawa ng laman ay mga katangian ng makasalanang likas ng tao na sanhi ng makasalanang pagnanasa. Ang mga ito ang kabaligtaran na mga katangiang nais ng Espiritu Santo na lumago sa iyong buhay.

 

PAKIKIPAGLABANG  ESPIRITUWAL

 

Ito ay patuloy na pakikipaglaban sa buhay ng isang mananampalataya.

 Ang mga gawa ng laman ay patuloy na sinisira ang bunga ng Espiritu Santo:

 

Sapagkat ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagkat ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.  ( Galacia 5: 17)

 

Ang mga makalamang pagnanasa ng  natural na tao ay laban sa katangian ng Espiritu Santo. Ang mga gawa ng laman ay:

 

...pangangalunya,  pakikiapid, karumihan, kalibugan,

 

Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

 

Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito.   ( Galacia 5:19-21)

 

Bagaman ang mga resulta ng mga kasalanang ito ay nakikita, ang sanhi ay hindi. Ang dahilan ay makasalanang mga nasa ng puso:

 

At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya.

 

At sinabi Niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao.

 

Sapagkat mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,

 

Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:

 

Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao. ( Marcos 7: 18, 20-23 )

 

Ang listahan sa Galacia 5: 19-21 ay hindi sakop ang lahat ng kasalanan na nasa Biblia. Ang mga ito ang pangkat ng mga kasalanang tinatawag na "mga gawa ng laman" na kabaligtaran ng mga gawa ng Espiritu. Kaya natin pinag-aaralan ang mga tukoy na kasalanang ito.

 

PANGANGALUNYA

 

Ito ay pakikipagtalik ng taong may asawa sa hindi niya asawa. Isa sa mga sampung utos ng Dios ay:

 

Huwag kang mangangalunya.  ( Exodo 20: 14)

 

Sa Lumang Tipan ang taong mahuli sa pangangalunya ay pinapatay:

 

Ang lalake na mangalunya sa asawa ng iba, sa makatuwid baga'y yaong mangalunya sa asawa ng kaniyang kapuwa, ay papatayin na walang pagsala ang nangangalunya at ang napakalunya. ( Levitico 20: 10)

 

Si Jesus at si Pablo ay kapuwa nagbigay ng babala laban sa pangangalunya sa Bagong Tipan:

 

Nalalaman mo ang mga utos, Huwag kang mangalunya. ( Marcos 10: 19)

 

Sapagkat ito, Huwag kang mangangalunya... ( Roma 13: 9)

 

Pinalawig ni Jesus ang kahulugan ng pangangalunya upang masaklaw ang mga makasalanang nasa ng puso:

 

Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya:

 

Datapuwat sinasabi Ko sa inyo, na ang bawat tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso.  ( Mateo 5: 27-28)

 

Ang paghiwalay sa asawa at pag-aasawang kauli na ang dahilan ay di ayon sa Biblia

ay sakop din ng pangangalunya:

 

Datapuwat sinasabi Ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.  ( Mateo 5: 32)

 

At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.  ( Marcos 10: 12)

 

Ang taong nangangalunya ay nagkakasala sa kaniyang sariling kaluluwa:

 

Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: Ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.

( Kawikaan 6: 32)

 

Hinahatulan ng Dios ang mga nangangalunya:

 

Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagkat ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios. ( Hebreo 13: 4)

 

Ang mga nangangalunya ay hindi magmamana ng Kaharian ng Dios: 

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng Kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya, kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake,

 

Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.  ( I Corinto 6: 9-10)

 

Isa sa mga katangian ng pagkilala ng mga hidwang mga guro ay sa pamamagitan ng pangangalunya:

 

...na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro...na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala.   (II Pedro 2:1,14)

 

Nagbabala ang Biblia:

 

... At hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay. ( Kawikaan 6: 26)

 

 

PAKIKIAPID

 

Ang pakikiapid ay ang pagtatalik ng dalawang taong hindi mag-asawa. Saklaw nito ang pangangalunya na pagtatalik ng taong may asawa sa hindi niya asawa. Saklaw rin dito ang pagroromansa ng mga taong magkaparehong sex at "incest", na pagtatalik ng magkamag-anak.

 

Ang pakikiapid ay maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa:

 

Datapuwat sinasabi Ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya. ( Mateo 5: 32)

 

Ang mga nakikiapid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Dios:

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng Kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya, kahit ang mga mapakiapid...ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. ( I Corinto 6: 9-10)

 

 

Sinasabi ng Biblia na huwag kayong makiapid:

 

Sapagkat ito ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid. (I Tesalonica 4:3)

 

Datapuwat, dahil sa pakikiapid, ang bawat lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawat babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa.  ( I Corinto 7: 2)

 

Ni huwag din tayong makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid.

( I Corinto 10:8)

 

Ang katawan ay hindi nilalang para makiapid sapagkat ito ay sa Panginoon. Dahil dito, layuan ninyo ang pakikiapid:

 

...Datapuwat ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan.

 

Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng tao ay nangasa labas ng katawan; ngunit ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo,  na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili.

 

Sapagkat kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.  ( I Corinto  6:13, 18-20)

 

Katungkulan mo na patayin ang pakikiapid:

 

Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa...pakikiapid... ( Colosas 3: 5)

 

Ang pakikiapid ay hindi man lamang dapat mabanggit patungkol sa mga mananampalataya:

 

Ngunit ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal. (Efeso 5:3)

 

Kung ang tao ay magpatuloy sa pakikiapid, mabubuyo na siya rito. Ayon sa Roma 1, maaari itong mauwi sa pagtatalik ng magkaparehong sex. Sa wakas, hindi na siya gigiyagisin ng kaniyang budhi:.

 

Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita...Nangapuspus sila ng buong kalikuan... ng kahalayan. ( Roma 1: 26, 29)

KARUMIHAN

 

Ang karumihan ay kabaligtaran ng pagiging malinis. Sa talatang ito sa mga gawa ng laman, ang salitang "karumihan" ay nangangahulugan ng karumihang espirituwal or moral.

 

Hindi nais ng Dios na ang Kaniyang bayan ay marumi:

 

Ngunit ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal. (Efeso 5:3)

 

Sapagkat tayo'y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.   ( I Tesalonica 4:7)

 

Katungkulan mo na patayin ang karumihan at displinahin ang iyong sarili na mamuhay nang banal:

 

Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan.  ( Colosas 3: 5)

 

Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinins tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot ng Dios. ( II Corinto 7: 1)

 

Na ang bawat isa sa inyo'y  makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan, ( I Tesalonica 4: 4)

 

Kung hindi mo papatayin ang karumihan, susuko ka rito:

 

Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagkat kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo't lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.  ( Roma 6: 19)

 

Kung patuloy mong pagbibigyan ang karumihan, ibibigay mo na rin ang iyong sarili ng lubos dito:

 

Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.

 

Ngunit kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo.  ( Efeso 4: 19-20 )

 

Kung patuloy kang mamumuhay sa espirituwal na karumihan, hahayaan ka na ng Dios sa kahalayan:

 

Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan. ( Roma 1: 24)

 

Pagka ang tao ay ibinigay ng Dios sa isang bagay, ang konsiyensiya niya ay hindi na gumagana at hinahawakan na siya ng kasalanan. Mamamatay siya sa kaniyang kasalanan malibang siya'y magsisi:

 

Datapuwat lalong -lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan... gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.  ( II Pedro 2: 10, 12 )

 

Tignan mo ang tsart sa susunod na pahina. Mapapansin mo na kung ang mga talata tungkol sa karumihan ay inihanay, lilitaw ang isang padron. May kapangyarihan kang patayin ang kasalanan o magpatuloy dito. Kung papatayin mo ang karumihan, ito ay maghahatid sa iyo sa kabanalan ng buhay. Kung pumayag ka, ang buong buhay mo ay malululong dito. Sa bandang huli, pababayaan ka na ng Dios sa iyong pagkakasala at ikaw ay mapapahamak sa iyong sariling kabulukan:

 

KARUMIHAN: ISANG HUWARAN NG PAGPILI

 

Kung ikaw ay.                                                                     Kung ikaw ay.

         I                                                                                                I

Papatay ng karumihan:                                                           Sumuko sa karumihan:

Colosas 3: 5                                                                             Roma 6: 19

         I                                                                                                 I

Ito ay tutungo sa.                                                                   Ito ay tutungo sa.

         I                                                                                                 I

Kabanalan                                                                                 Pagkabuyo mo rito:

I Tesalonica 4: 7                                                                        Efeso 4: 19

                                                                                                            I

                                                                                                   Na ang resulta ay:

                                                                                                            I

                                                                                                   Pababayaan ka ng Dios:

                                                                                                    Roma 1: 24

                                                                                                            I

                                                                                                    Na hahantong sa:

                                                                                                            I

                                                                                                    Mamamatay ka sa

                                                                                                    iyong kabulukan:

                                                                                                    II Pedro 2: 10, 12

 

 

 

KALIBUGAN

 

Ang kalibugan ay kasalanan ng pagnanasa, makasalanang emosyon, at kalaswaan. Ito ay marumi at nakakahiyang paguugali. Ang kalibugan ay isa rin sa mga paraan kung paano mo makikilala ang mga bulaang mga guro:

 

Sapagkat may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinatalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.  ( Judas 4)

 

Sa nakaraan maaaring ikaw ay naging malibog. Bilang isang mananampalataya, hindi ka na dapat magpatuloy sa ganitong paguugali:

 

 Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios.

 

Sapagkat sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan.  ( I Pedro 4: 2-3 )

 

Ang turo ng Biblia ay kapag nagpatuloy ka sa kalibugan, magpapatuloy ka na rito na walang konsiyensiya:

 

Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman. ( Efeso 4: 19 )

 

PAGSAMBA SA DIOSDIOSAN

 

Ang pagsamba sa diosdiosan ay pagsamba sa mga idolo. Hindi ito basta pagsamba sa mga imahen na yari sa bato, kahoy, o mamahaling hiyas. Ang idolo ay isang bagay na mas mahalaga sa iyo kaysa Dios. Ang mga sumasamba sa mga diosdiosan ay yaong mga tao na sumasamba sa ibang mga bagay liban sa tunay na Dios. Ang idolotriya ay ang hindi pagkilala ng wastong posisiyon ng Dios sa iyong buhay.

 

Isa sa mga utos na ibinigay ng Dios ay patungkol sa idolotriya:

 

Huwag ninyong babalikan ang mga diosdiosan, ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga dios na binubo: Ako ang Panginoon ninyong Dios.

 ( Levitico 19: 4 )

 

Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan

sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagkat Ako ang Panginoon ninyong Dios.  ( Levitico 26: 1 )

 

Ang mga dios ng mga bansang pagano ay tinatawag na mga idolo:

 

Sapagkat lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Ngunit nilikha ng Panginoon ang langit.  ( Awit 96: 5)

 

Ikaw ay malilito kapag naglingkod ka sa mga idolo:

 

Mangahiya silang lahat sa mga naglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan. ( Awit 97: 7)

 

Ang mga idolo ng mga pagano ay gawa ng tao. Wala silang kapangyarihan o tunay na kabuluhan:

 

Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto, Na gawa ng mga kamay ng mga tao.

 

Sila'y may mga bibig, ngunit hindi sila nangagsasalita; Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;

 

Sila'y may mga tainga, ngunit hindi sila nangakakarinig; At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.

 

Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawat tumitiwala sa kanila.  ( Awit 135: 15-18 ) (Tingnan din ang Awit 115: 4-8)

 

Ang isang Kristiyano ay hindi maaaring sumamba sa mga idolo:

 

At anong pagkakaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan?

( II Corinto 6: 16)

 

Ni hindi ka dapat makisalamuha sa mga sumasamba sa mga diosdiosan:

 

Datapuwat sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.

( I Corinto 5: 11)

 

Binalaan ka na lumayo sa mga idolo:

 

Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.  ( I Juan 5: 21)

 

Ang mga sumasamba sa mga diosdiosan ay walang bahagi sa kaharian ng Dios:

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya...ni ang mga mananamba sa diosdiosan...ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

 (I Corinto 6: 9-10)

 

Ipinakikita ng Biblia ang hantungan ng mga nagsisisamba sa mga diosdiosan:

 

Ngunit sa mga duwag, at mga hindi mananampalataya, at mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay -tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa mga diosdiosan, at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.  ( Apocalipsis 21: 8)

 

Nangahas labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawat nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.

( Apocalipsis 22: 15)

 

Ang kasakiman ay tinatawag din ng Biblia na isang uri ng idolotriya. Ang kasakiman ay masidhing pagnanais na mapasaiyo ang isang bagay na may maling motibo. Dapat mong patayin at sirain ang kasakiman:

 

Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan.  ( Colosas 3: 5)

 

Kung sa nakaraan ikaw ay sumamba sa mga diosdiosan, hindi mo na dapat ipagpatuloy ito bilang isang mananampalataya:

 

Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios.

 

Sapagkat sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan.  ( I Pedro 4: 2-3 )

 

Sapagkat sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo, at kung paano nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay.

  (I Tesalonica 1: 9 )

 

 

 

 

PANGKUKULAM

 

Ang pangkukulam ay ginagawa ng mga mangkukulam na gumagamit ng puti at itim na magica, panggagaway, astrologiya, voodoo, paggamit ng mga gamot na panggayuma, mga salitang hokus-pokus, at mga drugs. Kabilang dito ang mga pagsamba kay Satanas.

 

Sakop dito sa pangkukulam ay ang pagkokontrol sa iba. Kahit hindi ka gumagawa ng pangkukulam ni Satanas, maaari ka ring magkasala nito bilang kasalanan ng laman  kung kinokontrol mo at iba at dumadalangin laban sa kanila.

 

Ang pangkukulam ay espirituwal na paglaban sa Dios. Ang sabi ng Dios, ang kasalanan ng paglaban ay kasing sama ng pangkukulam. 

 

Sapagkat ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula.

( I Samuel 15: 23 )

 

PAGTATANIM

 

Ang pagkapoot ay kabaligtaran ng pagibig. Ito ay emosyon ng grabeng pagkamuhi. Ito ay masamang damdamin patungkol sa iba. Ang sabi ng Biblia, ang pagtatanim ng galit ang simula ng pagaaway:

 

Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: Ngunit tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang. ( Kawikaan 10: 12)

 

Mas mabuting kasama ang mga may pagibig kaysa doon sa mga puno ng galit:

 

Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, Kay sa matabang baka at may pagtataniman. ( Kawikaan 15: 17)

 

Ang pagkapoot na tinatakpan ng panlilinlang ay ihahayag ng Dios:

 

Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, At ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.

 ( Kawikaan 26: 26)

 

Ang ibig sabihin ng pandaraya dito ay nagkukunwari kang gusto mo ang isang tao, subalit ang totoo ay kinapopootan mo siya.

 

 

PAGTATALO

 

Ang pagtatalo ay hindi pagkakasundo, pagkakahati, at walang pagkakaisa. Ito ay katulad ng pagkakampikampi. Ang salitang ito ay ginamit sa isa pang lugar sa Biblia; nang sinabi ni Jesus na ang "pagtatalo" sa pamilya ay isang tanda ng mga huling araw.

  (Mateo 10:35).

PANINIBUGHO

 

Ang paninibugho ay ang pagnanais na gayahin ang iba upang makapantay o mahigtan sila. Ito ay espiritu ng pakikipagkumpitensiya at isang uri ng pagkainggit. Itong talata sa Galacia ang tanging reperensiya sa Biblia na ginamit ang salitang ito:

 

At hayag ang mga gawa ng laman...mga paninibugho... na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.  ( Galacia 5: 19-21)

 

PAGKAKAALITAN

 

Ang pagkakaalitan ay matinding galit o poot.  Ang poot ay mabagsik, ayon sa Biblia:

 

Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, Ngunit sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?  ( Kawikaan 27: 4)

 

Ang taong may malaking galit ay magdurusa nang dahil dito:

 

Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: Sapagkat kung iyong iligtas, iyong marapat na gawin uli. ( Kawikaan 19: 19)

 

Ang mga taong matalino ay lalayo sa galit:

 

... Ngunit ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot. ( Kawikaan 29: 8)

 

Nang ikaw ay hindi pa mananampalataya, ikaw ay anak ng galit:

 

Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman , ng ibang panahon ay nangabubuhay, sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba. ( Efeso 2: 3 )

 

Ngayon ang galit ay hindi na dapat makita sa iyong buhay:

 

At ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala.

( Efeso 4: 31)

 

Dapat mong iwaksi ang galit:

 

Datapuwat ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig. ( Colosas 3: 8 )

 

 

Dapat mong iwanan ang galit:

 

Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. ( Awit 37: 8)

 

Dapat kang maging makupad sa pagkagalit:

 

Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid, ngunit magmaliksi ang bawat tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;

 

Sapagkat ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.

( Santiago 1: 19-20)

 

May kaugnayan ang pagkakaalitan sa susunod na gawain ng laman na pagaaralan mo. Ito ay ang pagkakampikampi. Narito ang kaugnayan nitong dalawa ayon sa Biblia:

 

Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: Ngunit siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. ( Kawikaan 15: 18)

 

Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.

( Kawikaan 30:33)

 

PAGKAKAMPIKAMPI

 

Ang pagkakampikampi ay pagaaway, pagaalitan, o hidwaan. Ibig sabihin nito ay salpukan o pagtatalo. Dagdag pa sa galit na nagiging sanhi ng pagkakampikampi, ang pagkamuhi ay isa ring dahilan:

 

Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: Ngunit tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang. ( Kawikaan 10: 12)

 

Ang mga taong masyadong agresibo ay pinanggagalingan din ng pagkakampikampi:

 

Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo. ( Kawikaan 16: 28)

 

Ang kayabangan ay sanhi ng pagkakampikampi:

 

Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan. ( Kawikaan 28:25)

 

Ang mga taong galit ay sanhi ng pagkakampikampi:

 

Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, At ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.  ( Kawikaan 29: 22)

 

 

Ang mga mapanglibak ay sanhi ng pagkakampikampi:

 

Itaboy mo ang manglilibak at ang pagtatalo ay maaalis; Oo, ang pagkakaalit at ang pagduwahagi ay matitigil. ( Kawikaan 22: 10)

 

Ang nanglilibak ay nagtatawa o nagpapakita ng pagkamuhi sa isang bagay o tao:

 

Ang mga taong pakialamero, nakikipagtalo, at sinisiraan ang iba ay sanhi ng pagkakampikampi:

 

Ang nagdaraan, at nakikiaalam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya,

Ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.

 

Sapagkat sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: At kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.

 

Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy, Gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.  (Kawikaan 26: 17, 20-21)

 

Mga walang kabuluhang tanong ay pinagmumulan ng pagkakampikampi:

 

Ngunit tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na mamumunga ng pagtatalo. ( II Timoteo 2: 23)

 

Ang pagkakampikampi ay isang gawaing karnal at makalaman:

 

Sapagkat kayo'y mga sa laman pa: sapagkat samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?  ( I Corinto 3: 3)

 

Kung saan naroon ang pagkainggit at alitan, doon may pagkalito: 

 

Ngunit kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri.

 

Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroon kaguluhan at lahat ng gawang masama. ( Santiago 3: 14, 16)

 

Ang sabi ng Biblia, walang mangyayari sa pagkakampikampi:

 

Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawat isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili.  (Filipos 2:3)

 

 

Ang pagkakampikampi ay isang katangian ng mga bulaang guro: 

 

Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.

 

Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan...

( I Timoteo 6: 4 -5 )

 

 

PAGKAKABAHA-BAHAGI

 

Ang pagkakabaha-bahagi ay ang paguudyok ng pagkakagulo at pagkakahatihati. Dito lamang nabanggit ang salitang ito tungkol sa mga gawa ng laman.

 

 

HIDWANG PANANAMPALATAYA

 

Ang mga hidwang pananampalataya ay mga paniniwala na laban sa Salita ng Dios. Ang mga ito ay mga opinion ng mga tao na mali at nagiging sanhi ng pagkakahati sa iglesia. Ito ay katangian ng mga bulaang propeta:

 

Ngunit may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mamgagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak sa mga hidwang pananampalataya.

 ( II Pedro 2: 1)

 

MGA KAPANAGHILIAN

 

Ang pananaghili ay pagseselos dahil sa tagumpay ng iba. Ito ay sama ng loob dahil sa mga pagpapalang espirituwal, pinansiyal, at materyal na tinanggap ng iba. Ito ay maling damdamin.

 

Ang pananaghili ay isa sa mga katangian ng mga bulaang mga guro:

 

Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala. ( I Timoteo 6: 4)

 

Ang pananaghili ay nagmumula sa espiritu ng tao:

 

O iniisip baga ninyo na ang Kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian? ( Santiago 4: 5)

 

 

Ang pagkainggit ay tanda ng isang Kristiyanong karnal:

 

Sapagkat kayo'y mga sa laman pa: sapagkat samantalang sa inyo'y may mga

paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?  ( I Corinto 3: 3)

 

Sila na namumuhay sa kasalanan ay puno ng pagkainggit:

 

Nangapuspos sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagdaraya, ng mga kasamaan, mga mapagupasala. ( Roma 1: 29)

 

Sapagkat tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapopootan. ( Tito 3: 3)

 

Kung saan naroon ang pananaghili, lumilitaw ang ibang problema:

 

Ngunit kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri.Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroon kaguluhan at lahat ng gawang masama. ( Santiago 3: 14, 16)

 

Tayo ay binigyan ng babala na huwag maiinggit sa mga makasalanan:

 

Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan; Kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw.  ( Kawikaan 23: 17)

 

 

MGA MAMAMATAY-TAO

 

Ang pagpatay ay pinagplanuhang gawain na kunin ang buhay ng isa. Hindi ito tulad ng pagtatanggol sa sarili o pagkamatay sa aksidente. Ang pagpatay ay hindi rin tulad ng pagpapataw ng hatol na kamatayan sa isang kriminal na nakapatay. Ito ay itinatag ng Dios sa Bilang 35. Isa sa mga utos ng Dios ay " Huwag kang papatay."

 

Ang sabi ni Jesus:

 

...Huwag kang papatay.( Mateo 19: 18)

 

Hindi ka dapat magkasala ng pagpatay:

 

Ngunit huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba.  ( I Pedro 4: 15 )

 

Pinalawig ng Bagong Tipan ang kahulugan ng pagpatay, at isinali rito ang pagkapoot.. Kung napopoot ka sa ibang mananampalataya, ito ay katumbas ng pagpatay:

 

Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao; at nalalaman ninyo na sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.  ( I Juan 3: 15 )

 

 

PAGLALASING

 

Ang paglalasing ay nakaka-apekto ng pagiisip at pangangatawan. Ito ay pagkalango na dulot ng matapang na kemical sa inumin. Ang babala ng Biblia ay ang mga naglalasing ay magiging mahirap:

 

Sapagkat ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan.

 ( Kawikaan 23: 21)

 

Hindi ka dapat mamuhay ng buhay ng lasenggo:

 

Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan. ( Roma 13: 13)

 

Huwag kang makikisalamuha sa mga manlalasing:

 

Datapuwat sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.

 ( I Corinto 5: 11)

 

Nagbabala ang Biblia na ang mga manlalasing ay hindi magmamana ng Kaharian ng Dios:

 

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya...ni ang mga manglalasing...ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. (I Corinto 6: 9-10)

 

Maaaring sa nakaraan ay naging manlalasing ka, subalit bilang isang mananampalataya, hindi mo na dapat gawin ito:

 

Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios.

 

Sapagkat sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan.  ( I Pedro 4: 2-3 )

 

Ipinakikita ng Biblia ang pagkakaiba ng pagiging lasing at pagiging puno ng Espiritu:

 

At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu.  ( Efeso 5: 18)

 

Sa natural na mundo, ang manglalasing ay.

 

     1. Buyo sa pagnanasa ng paginom.

     2. Walang kontrol sa kanyang emosyon, at pisikal na kalagayan.

     3. Apektado ng alak ang kanyang pananalita.

     4. Nawawalan ng hiya. Walang takot at nagkakaroon ng lakas.

     5. Masaya habang nasa ilalim ng kapangyarihan ng alkohol.

 

MGA KALAYAWAN

 

Ang kalayawan ay pagsasaya sa mga makamundong kaaliwan, sumasali sa mga maiingay at magugulong mga pagdiriwang. Ito ay maligalig at walang taros na pamumuhay.

 

Maaaring dati ay mahilig ka sa kalayawan, subalit bilang isang mananampalataya, hindi ka na dapat umasta ng ganito:

 

Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios.

 

Sapagkat sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan.  ( I Pedro 4: 2-3 )

 

MGA GAWA NG LAMAN: ANG RESULTA

 

Ipinaliliwanag ni Pablo ang mga resulta ng mga gawa ng laman:

 

...tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

( Galacia 5: 21)

 

Gumawa ang Dios ng paraan upang tayo'y makaiwas sa kaparusahang ito:

 

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.  ( I Juan 1: 9) 

LUMAKAD SA ESPIRITU

 

Paano ang paghinto sa paggawa ng mga makasalanang gawain ng laman?

 

Una: Magsisi ka ng iyong kasalanan at manampalataya ka sa Dios sa pamamagitan ng pagtanggap mo kay Jesucristo bilang iyong sariling Tagapagligtas:

 

Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.

( II Corinto 5: 17)

 

Hindi kinukuha ng Dios ang tao upang siya'y bigyan ng kurso sa pagpapabuti ng sarili. Lumilikha Siya ng bagong nilalang. Lumipas na ang mga lumang bagay. Ang mga gawa ng laman ay mapapalitan na ng bunga ng Espiritu Santo

 

Ikalawa:  Mapuspos ka ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang magbibigay sa iyo ng kakayahan na lumakad sa Espiritu sa halip na sundin ang makasalanang mga gawi ng laman.

 

Sinasabi Ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.  ( Galacia 5: 16 )

 

Ikatlo:  Tanggapin mo na hindi mo mapananagumpayan ang mga gawa ng laman at lumakad sa Espiritu sa pamamagitan ng sarili mong pagsisikap:

 

Inilarawan ni Apostol Pablo ang kanyang pagpupunyagi na mamuhay ng banal na buhay sa pamamagitan ng sarili niyang pagsusumikap:

 

Sapagkat ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: sapagkat ang hindi ko ibig ang ginagawa ko; datapuwat ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.

 

Ngunit kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.

 

Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.

 

Sapagkat nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagkat ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwat ang paggawa ng mabuti ay wala.

 

Sapagkat ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: ngunit ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.  ( Roma 7: 15-19 )

 

Nahirapan si Pablo na mamuhay ng buhay na banal, subalit nagpatuloy siya na abutin ito sa kabila ng mga kabiguan.

 

Hingin mo sa Dios na bigyan ka ng pagnanais na maging banal sa puso mo. Kapag ikaw ay nabigo at nagkasala, ikumpisal mo agad at hilingin mo sa Espiritu Santo na mapanagumpayan mo ito. Ganito ang paglakad sa Espiritu at...

 

Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus,

 

Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.

 

Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.

 

Sapagkat ang mga ayon sa laman ay nagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwat ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu.

 

Sapagkat ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwat ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.

 

Sapagkat ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagkat hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari.

 

At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.

 

Datapuwat kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwat kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa Kaniya. ( Roma 8: 1-2, 4-9 )

 

Ang bunga ng pagiging katulad ni Cristo ay lalago sa paglakad mo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kaya napakahalaga para sa mga mananampalataya na maunawaan ang ministeryo ng Espiritu Santo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

 

1. Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Ang mga katangian na kabaligtaran ng bunga ng Espiritu Santo ay tinatawag na:

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3. Anong reperensya sa Biblia ang susi sa pananangumpay sa mga gawa ng laman?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

4. Sa susunod na pahina, tingnan mo ang mga gawa ng laman sa Unang Hanay. Basahin mo ang mga kahulugan sa Pangalawang Hanay. Isulat mo ang numero ng kahulugan ng tumutukoy sa gawa ng laman sa puwang sa harapan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Unang Hanay                                                Pangalawang Hanay

 

___ Mga kalayawan                1. Pakikipagtalik ng may asawa sa di niya asawa.

 

___Mga kapanaghilian            2. Pakikipagtalik ng dalawa na hindi mag-asawa.

 

___Mamamatay-tao                 3. Espirituwal at moral na kasalanan.

 

___Paglalasing                         4. Pagnanasa, makasalanang emosyon, kalaswaan.

 

___Kalibugan                           5. Pagsamba sa mga diosdiosan.

 

___Pangangalunya                   6. Mga nangkukulam.

 

___Pakikiapid                           7. Kabaligtaran ng pagibig.

 

___Karumihan                          8. Hindi pagkakasundo, pagtatalo.

 

___Pangkukulam                      9. Kumpetensiya, paggaya sa iba para higtan sila.

 

___Pagsamba sa diosdiosan     10. Masidhing galit, pagkamuhi.

 

___Pagtataniman                      11. Pagaaway,

 

___Pagtatalo                             12. Nagpapasimula ng away

 

___Hidwang pananampalataya 13. Mga paniniwala laban sa Salita ng Dios

 

___Paninibugho                         14. Pagseselos dahil sa tagumpay ng iba.

 

___Pagkakampikampi               15. Kinukuha ang buhay ng isa.

 

___Pagkakaalitan                       16. Sobrang paginom.

 

___Pagkakabaha-bahagi              17.Makamundo at maingay na pagdiriwang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nakatala sa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito).

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAGAARAL

 

 

Paghambingin ang bunga ng Espiritu sa Galacia 5: 22-24 sa mga gawa ng laman sa Galacia 5:19-21. Ang una ay sinagutan na upang tularan mo:

 

 

PAGHAHAMBING

 

Bunga ng  Espiritu                                                           Mga Gawa Ng Laman

( Galacia 5: 22-24)                                                           ( Galacia 5:19 - 21)

________________________________________

Pagibig                                                                     Pagkamuhi, pagpatay, pagkainggit

 

________________________________________

Kagalakan

 

________________________________________

Kapayapaan

 

________________________________________

Pagpapahinuhod

 

________________________________________

Kagandahang-loob

 

________________________________________

Kabutihan

 

________________________________________

Pananampalataya

 

________________________________________

Kaamuan

 

________________________________________

Pagpipigil

 

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

IKA- LABINGTATLONG  KABANATA

 

PAGPAPAUNLAD  NG  BUNGANG  ESPIRITUWAL

 

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

 .    Ipaliwanag ang iba't ibang antas ng pagunlad ng espirituwal na bunga.

 

.     Ihalintulad ang pagbubungang natural upang ipaliwanag kung paanong ang bunga

       ng Espiritu ay umuunlad sa buhay ng isang mananampalataya.

 

SUSING TALATA:

 

Ang bawat sanga na sa Akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis Niya: at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis Niya, upang lalong magbunga.

( Juan 15: 2)

 

 

PAMBUNGAD

 

Ang susing talata sa kabanatang ito ang nagpapatunay na nais ng Dios na ang bungang espirituwal ay makita sa iyong buhay. Ang kabanatang ito ay magbibigay ng mga paraan kung paano uunlad ang bungang espirituwal sa iyo.

 

 

MGA ANTAS NG PAGUNLAD NG BUNGA

 

 

Mayroong iba't ibang antas ng pamumunga na nakikita sa buhay ng mga mananampalataya. Makikita sa Juan 15 ang iba't ibang antas ng pagunlad ng bunga:

 

     - Bunga:                                           Juan 15: 2a

     - Dagdag na bunga:                         Juan 15: 2b

     - Mas maraming bunga:                  Juan 15: 5,8

     - Bungang nananatili:                      Juan 15: 16

 

 

Nais ng Dios na ikaw ay magbunga ng maraming bungang espirituwal at ito ay manatili. Nais ka Niyang maging mabunga sa panlabas na bunga ng evangelismo at sa panloob na bunga ng pagiging katulad ni Cristo.   

 

 

MGA KATOTOHANANG NATURAL AT ESPIRITUWAL

 

Ang Biblia ay may mga mahahalagang prinsipyo na dapat mong matukoy upang maunawaan mo kung ano ang sinasabi Niya sa iyo sa pamamagitan ng Kaniyang Salita. Ang isa sa mga prinsipyong ito ay ang paghahalintulad ng mga natural at espirituwal na mga katotohanan. Ang ibig sabihin ng "parallel" ay katulad o "pagtabihin." Sa isang "natural na paghahalintulad ng espirituwal na katotohanan" gumagamit ang Dios ng natural na halimbawa upang ipakita ang esprituwal na katotohanan.

 

Ang mga talinhaga ni Jesus ay natural na halimbawa ng espirituwal na katotohanan. Halimbawa, sa isang talinhaga, ginamit Niya ang natural na halimbawa ng isang babaeng naghahanap ng nawalang pera. Ginamit Niya ito upang ipakita ang matinding pagmamalasakit na dapat nasa atin para sa mga lalake at babae na nawawala sa kasalanan. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng mga talinhaga na ginamit ni Jesus ang natural na halimbawa upang ipakita ang katotohanang espirituwal.

 

Ang prinsipyo ng natural at espirituwal na paghahalintulad ay ipinaliliwanag sa I Corinto:

 

...Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa Espiritu naman.

 

Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging Espiritung nagbibigay buhay.

 

Bagaman ang ukol sa Espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa Espiritu. ( I Corinto 15: 44-46 )

 

Ibinahagi ni apostol Pablo rito ang isa sa mga dakilang halimbawa ng natural na paghahalintulad sa espirituwal na katotohanan. Ang unang tao na nilalang ng Dios ay ang natural na tao, si Adam. Si Jesus, na tinaguriang huling Adam, ay isang Espiritu. Si Adam ang natural na katambal ng espirituwal na katotohanan na ipinakita ng Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. Sa pamamagitan ng natural na tao dumating ang kasalanan at kamatayan. Sa pamamagitan ng espirituwal na tao dumating ang kaligtasan at buhay.

 

Ang natural ay nakikita sa pamamagitan ng ating mga sentido; ito ay nakikita, naririnig, o nahihipo mo. Ang mga bagay na espirituwal ay nadarama sa pamamagitan ng mga sentidong espirituwal. Ang mga natural na halimbawa ay nakikilala sa pamamagitan ng mga sentidong pisikal. Ang katambal nilang espirituwal ay nakikilala sa pamamagitan ng pagpapakita ng Espiritu Santo. Ang pagkaunawa ng prinsipyo ng paghahalintulad ng natural at espirituwal na katotohanan ay magbibigay ng lalong pagkaunawa sa pagaaral ng Salita ng Dios. 

 

 

 

 

PAGPAPAUNLAD NG BUNGA NG ESPIRITU

 

 

Ginamit ni Jesus ang salitang "bunga" ng Espiritu bilang natural na katambal ng katotohanang espirituwal. May mga ilang kondisyon ang kinakailangan sa pagbubunga sa natural na mundo. Ang mga ito ay mga espirituwal na katambal ng mga bagay na kinakailangan upang magkaroon ng bungang espirituwal. Sa natural na mundo, gayon din sa larangang espirituwal, may mga tiyak na kondisyon na kinakailangan sa paglago. Ang mga ito ay:

 

BUHAY:

 

Ang unang kahilingan para ang bunga ng Espiritu ay lumago ay buhay. Kung paanong ang buhay sa natural na mundo ay dumarating sa pamamagitan ng buto, ang buhay sa espirituwal na mundo ay dumating sa pamamagitan ng Binhi ng Panginoong Jesus.

 

Sa unang pangako ng Tagapagligtas ng sanglibutan, si Jesus ay tinawag na Binhi:

 

At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang inyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.  ( Genesis 3: 15)

 

Na kay Jesus [ang binhi] ang buhay na kailangan upang magkaroon ng espirituwal na bunga:

 

Nasa Kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. ( Juan 1:4)

 

Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa Kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban Niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa Kaniyang sarili. ( Juan 5: 26)

 

...Ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito. ( Juan 10: 10)

 

Ang Binhi ng buhay, si Jesucristo, ay dapat nabubuhay sa inyo. Hindi ka maaaring magkaroon ng bunga ng Espiritu kung wala kang personal na kaugnayan sa Kaniya sapagkat.

 

...mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga. ( Oseas 14: 8)

 

 

TUBIG:

 

Ang tubig ay kailangan sa paglago ng bunga sa natural na mundo. Ang tubig ay isa sa mga simbolo ng Espiritu Santo. Ang tubig ng Espiritu Santo ay kailangan sa paglago ng bunga sa espirituwal na larangan. Ito ang nagiging pamatid-uhaw at nagdadala ng paglagong espirituwal:

 

Ang sumasampalataya sa Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.

 

Ngunit ito'y sinalita Niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa Kaniya: sapagkat hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati. ( Juan 7: 38-39)

 

Sapagkat ipagbubuhos  Ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; Aking ibubuhos ang Aking Espiritu sa iyong lahi, at ang Aking pagpapala sa iyong suwi.  ( Isaias 44: 3)

 

LIWANAG:

 

Ang pagtugon ng puno sa liwanag ang nagpapalago sa bunga sa natural na proseso ng pagtubo. Ang pagtugon mo sa liwanag ng Salita ng Dios ang nagpapalago ng bunga ng Espiritu sa iyong buhay.

 

At ito ang pasabing aming narinig sa Kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, na ang Dios ay ilaw, at sa Kaniya'y walang anomang kadiliman.

 

Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa Kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:

 

Ngunit kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag , na gaya Niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na Kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.  ( I Juan 1: 5-7 )

 

HANGIN:

 

Ang Carbon dioxide ay hinihigop ng natural na halaman mula sa hangin na nakapalibot dito. Kailangan ito sa paglago at sa pamumunga. Sa Salita ng Dios ang Espiritu Santo ay inihalintulad sa hangin:

 

Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, ngunit hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawat ipinanganak ng Espiritu. ( Juan 3: 8)

 

Ang "hangin" ng Espiritu Santo na umiihip sa buhay mo ay katulad ng hangin sa natural na mundo. Ikinakalat nito ang binhi ng Salita ng Dios, inihihiwalay ang ipa sa trigo sa iyong espirituwal na buhay, at pinapaypayan ang mga baga ng iyong espirituwal na alab upang muli kang magapoy para sa Dios. 

 

LUGAR:

 

Sa Mateo 13 sa talinhaga ng manghahasik, nasakal ang ibang mga pananim dahil sa kumpetensiya para sa lugar, kaya hindi lumago ang mga ito. Ang mananampalataya ay dapat mahiwalay sa mga kumpetensiya ng sanglibutan upang umunlad ang kanyang bungang espirituwal.

 

At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; ngunit ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang uminis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga. ( Mateo 13: 22)

 

Hindi ka dapat tumulad sa mga gawi ng sanglibutan. Ikaw ay dapat mabago ayon sa mga paguugali na tulad ng Dios:

 

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip. ( Roma 12: 2a )

 

Ang Dios ay naglilinis ng lugar sa palibot mo [ inihihiwalay ka sa mga maka-mundong gawain] upang ikaw ay lumagong espirituwal:

 

...Siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.

 

Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.

 

Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak gaya ng puno ng ubas...mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga. ( Oseas 14: 5-8 )

 

MGA UGAT:

 

Ang mga ugat ay kailangan upang matanim ang puno at maghatid ng mga sustansiya mula sa lupa na bubuhay sa halaman. Ang Awit 1 ay nagsasabi kung paano mo mapauunlad ang mga ugat sa iyong espirituwal na buhay:

 

Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, Ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.

 

Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; At sa kautusan Niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

 

At siya'y magiging parangpunong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; At anomang kaniyang gawin ay giginhawa.  (Awit 1: 1-3)

 

PAGPAPAHINGA:

 

Ang pagpapahinga ay kailangan sa natural na cycle ng mga halaman. Sa tingin mo ay tila patay ang halaman dahil sa panahon ng pagpapahinga nito, sapagkat wala itong paglago. Ito ay panahon ng pagpapahinga ng halaman. Nagaganap ito pagkalipas ng panahon ng mabilis na paglago. Sa natural na mundo, nagutos ang Dios na ipahinga ang lupain

 ( Levitico 25: 5).

 

Isa sa mga layunin ng bautismo ng Espiritu Santo ay upang magkaroon ng espirituwal na kapahingahan at pananariwa. Ang espirituwal na kasariwaan ang magdudulot ng mabilis na paglago ng bunga ng Espiritu Santo:

 

Mangatakot nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa Kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon.

 

May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.  (Hebreo 4: 1, 9 )

 

Sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain Niya sa bayang ito.

 

Na Kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin niyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan. ( Isaias 28: 11-12 )

 

LUPA:

 

Sa natural at espirituwal na daigdig, ang lupa ay dapat munang ihanda bago tamnan, upang ang pananim ay magbunga. Sa talinhaga ng manghahasik sa Mateo 13 ang kalagayan ng lupa ang naka-apekto sa binhi. Ang puso mo ay tulad ng lupa sa natural na mundo. Kung ang puso mo ay matigas at puno ng mga bagay ng sanglibutan na sumasakal sa Salita ng Dios, hindi ka magbubunga ng espirituwal na bunga.

 

Katungkulan mo na ihanda ang espirituwal na lupa ng iyong puso upang ito'y makatugon nang wasto sa Salita ng Dios:

 

Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagkat panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa Siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo. ( Oseas 10: 12)

 

KAMATAYAN:

 

Sa tuwing magtatanim ka ng buto para magbunga, kailangang mamatay muna ito bago mabuhay:

 

Katotohan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; ngunit kung mamatay, ay nagbubunga ng marami. ( Juan 12: 24)

 

Ikaw na mangmang, ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay

[umuusbong, tumutubo, at lumalago] maliban na kung mamatay.

( I Corinto 15: 36 )

 

Ang espirituwal na buhay ay nakasalalay sa pagkamatay ng mga bagay na makamundo. Kailangan nito ang pagkamatay sa kasalanan, mga makamundong pagnanasa, at pansamanatalang kaligayahan. Ang pagkamatay ng mga bagay ng sanglibutan ay nagbubunga ng paglago ng bunga ng pagiging tulad ni Cristo sa iyong buhay.

 

NAKAKABIT SA PUNO:

 

Sa natural na mundo, upang ang isang sanga ay magbunga dapat itong nakakabit sa puno. Kung ang sanga ay naputol mula sa punong nagbibigay buhay, hindi ito magbubunga. Si Jesus ang puno at tayo ang mga sanga. Upang tayo ay magkaroon ng espirituwal na bunga, dapat ay panatilihin natin ang kaugnayan sa Kaniya:

 

Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang Aking Ama ang magsasaka.

 

Ang bawat sanga na sa Akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis Niya: at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis Niya, upang lalong magbunga.

 

Kayo'y manatili sa Akin, at Ako sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa Akin.

 

Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: ang nananatili sa Akin, at Ako sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.  ( Juan 15: 1-2, 4-5)

 

PAGPUPUNGOS:

 

Ang pagpupungos sa natural na mundo ay kailangan kung ang halaman ay nais mong maging mabunga. Kung nagpupungos ang isang magsasaka, pinuputol niya ang mga sangang hindi na kailangan upang ang puno ay lalong magbunga. Inaalis niya ang mga bagay na pipigil sa paglago na halaman.

 

Ang pagpupungos ay kailangan din sa espirituwal na larangan. Ang espirituwal na pagputol ay pagwawasto ng Dios. Ang tawag ng Biblia rito ay pagdidisiplina. Kung ang Dios ay "nagpupungos" inaalis Niya sa iyong buhay ang mga bagay na pumipigil sa iyong paglagong espirituwal. Kailangan ito kung nais mong magkaroon ng bungang espirituwal:

 

Ang bawat sanga na sa Akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis Niya: at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis Niya, upang lalong magbunga.

 ( Juan 15:2)

 

Kung minsan ay hindi ka nakikinabang sa pagbabawas ng Dios sa iyong buhay sapagkat sinisisi mo si Satanas sa mga pangyayaring ito, samantalang ang Dios ang nagdala ng mga pangyayri sa iyong buhay upang ikaw ay iwasto. Ang layunin ng pagwawasto ng Dios ay ibinigay ni Oseas:

 

Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagkat Siya'y lumapa, at pagagalingin Niya tayo; Siya'y nanakit, at Kaniyang tatapalan tayo. ( Oseas 6:1)

 

Ang disiplina ng pagpupungos ng Dios ay nagbubunga ng pagbabalik-loob sa Kaniya. Magiging mabunga ka lamang kapag ikaw ay nagbalik sa Dios, at ikaw ay magkakaroon ng bunga ng Espiritu Santo.

 

KLIMA:

 

Ang klima ay mahalaga sa pagpapalago ng bunga. Sa natural na mundo, maraming mga bunga ang pinatutubo sa mga kontroladong kapaligiran. Pinatutubo sila sa mga gusaling tinatawag na "hot houses" na may tiyak na temperatura. Pinuprotektahan sila mula sa tunay na kalagayan ng mundo sa labas. Pag inilabas mo ang isang halaman mula sa "hot house", ito ay dagling mamamatay, sapagkat nabuhay ito sa kontroladong temperatura. Hindi nito kayang matagalan ang kalagayan sa tunay na mundo.

 

Sa larangang espirituwal, hindi natin nais ang mga Krsitiyanong lumaki sa "hot house" na maganda ang hitsura sa kontroladong kalagayan, subalit malalanta pag nakasalamuha ng iba sa tunay na mundo. Ang bungang espirituwal ay dapat makita sa atin sa pakikisalamuha sa mundo gayon din sa kontroladong kalapaligiran sa iglesia na kasama ang mga Kristiyanong kaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSALIRING  PAGSUSULIT

 

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

2. Anu ano ang apat na antas ng pagunlad ng bunga na binanggit sa Juan 15?

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

 

3. Maglista ng labingdalawang mga bagay na kailangan sa natural na mundo upang lumago ang bunga. Tandaan na ang mga ito ay katambal ng espirituwal na katotohanan sapagkat kailangan din ang mga ito sa pagbubungang espirituwal.

 

_____________________________        ___________________________________

 

_____________________________       ___________________________________

 

_____________________________       ___________________________________

 

_____________________________       ____________________________________

 

_____________________________       ___________________________________

 

_____________________________       ___________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

( Ang mga sagot sa test ay nakatala sa dulo ng huling kabanata ng manwal na ito).

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAGAARAL

 

1. Basahin Ang Awit ng mga Awit 4: 12-16. Sa mga talatang ito ay ipinakita sa atin ang hardin ng Dios. Tinawag Niya ang Kaniyang bayan, ang Iglesia [mga mananampalataya] na Kaniyang hardin. Ang buhay mo ay isang espirituwal na "lupa" na, alin sa dalawa, tutubuan ng bungang espirituwal, espirituwal na mga "damo", o kaya'y di tutubuan ng kahit ano. Ano ang tumutubo sa espirtuwal na lupa ng iyong buhay? Mayroon bang mga damo o tinik ng:

 

-           Mga alalahanin, intindihin, o mga pinagkakaabalahanan sa mundo?

-           Ang pandaraya ng kayamanan?

-           Ang pagkakamal ng mga bagay na makamundo?

 

Ano ang kumukuha ng malaking lugar sa iyong buhay? Saan nagugugol ang malaking bahagi ng oras mo? Ano ang itinuturing mong pinakaimportante sa iyo? Ang "hardin ba

ng iyong puso" ay mabato? Matigas ba ang iyong puso? Yaong mga bagay na hindi mo masunod sa mga utos ni Cristo ay siyang mga tigang at mabatong lupang espirituwal.

 

2. Ang araling ito ang nagtatapos sa iyong pagaaral ng "Ministeryo ng Espiritu Santo." Para sa dagdag na pagaaral, iminumungkahi namin na kumuha ka ng kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang "Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal sa Pakikibakang Espirituwal." Tinatalakay dito ang bahagi ng Espiritu Santo sa pakikibakang espirituwal at ipinaliliwanag ang ministeryo ng ibang kaanib ng Kadiosan, Dios Ama, at si Jesucristo na Anak.

 

3. Kumpletuhin mo ang "Pagsusuri sa Bungang Espirituwal" na sumusunod. Ang matapat mong pagsagot ang tutulong sa iyong pagtitimbang ng iyong katayuan sa pagunlad ng bungang espirituwal sa iyong buhay.

 

 

PAGSUSURI SA BUNGANG ESPIRITUWAL

 

Basahin ang bawat pangungusap at sumagot sa pamamagitan ng pagpili ng numero ng sagot na naglalarawan sa iyo sa ngayon. Sagutin mo ang mga tanong ng 3,2,1, o 0.

 

     Ang ibig sabihin ng 3 ay " ito ay talagang  totoo sa buhay ko."

     Ang ibig sabihin ng 2 ay " ito ay madalas  totoo sa buhay ko."

     Ang ibig sabihin ng 1 ay " ito ay totoo kung minsan sa buhay ko."

     Ang ibig sabihin ng 0 ay  " ito kailanman ay hindi totoo sa buhay ko."

 

Halimbawa:   _2_  1. Natitiyak ko na hawak ng Dios ang kinabukasan.

 

 

 

( Ang taong sumagot nitong pagsusuri ay bilang 2 ang isinagot  sapagkat madalas ay totoo ito sa kaniyang buhay).

 

 

___1. Natitiyak ko na hawak ng Dios ang kinabukasan.

 

___2. Alam ko na kusang sinunod ni Jesus ang kalooban ng Dios.

 

___3. Naniniwala ako na ang aking pananampalataya ay may kapangyarihan lamang

          kung ang Dios ay mapagkakatiwalaan.

 

___4. Naghihintay ako na ang mga pangako ng Dios ay matupad.

 

___5. Iniisip ko na kung minsan ay galit ang Dios.

 

___6. Alam ko na ang kaawaan ng Dios, na ipinakita ni Jesus, ang nagligtas sa akin 

          mula sa parusang  dapat kong danasin.

 

___7. Nagpapasalamat ako na inibig ng Dios ang sanglibutan na ibinigay Niya ang

          bugtong Niyang Anak, na si Jesuscristo.

 

___8. Alam ko na ang presensya ng Dios ang aking kagalakan.

 

___9. Ang sagot ko ay "hindi" sa ipinagbabawal ng Dios, at "Oo" sa mga

           ipinaguutos Niya.

 

___10. Tinatanggap ko ang pangakong kapayapaan ni Jesus.

 

___11. Kusa kong sinusunod ang mga nakatataas sa akin.

 

___12. Naniniwala ako na si Jesus ay di nagbabago noon, ngayon, at

            magpakailan man.

 

___13. Tinatanggap ko ang mga pagkakamali ng iba, kinikilala kong

            ang Dios ay gumagawa pa rin sa kanilang mga buhay.

 

___14. Ako ay sinasaway ng isang mahigpit ngunit mabait na Dios.

 

___15. Pinatatawad ko ang iba kung paanong ako ay pinatawad ni Cristo.

 

___16. Alam kong mahal ako ng Dios kahit hindi ako mapagmahal sa iba.

 

___17. May kasiguruhan ako ng kaligtasan dahil sa tinanggap ko si Jesus

            bilang Panginoon.

 

___18. Natututo akong magsabi ng "hindi" sa maliliit na bagay upang makaranas

            ako ng lalong mga dakilang bagay sa Dios.

 

___19. May katiyakan ako ng kapatawaran sa kasalanan.

 

___20. Laan akong magpailalim sa Salita ng Dios at sa Espiritu Santo.

 

___21. Mapagkakatiwalaan ako na tumutupad sa mga pangako.

 

___22. Mayroon akong pagtitiyaga sa harap ng pagkabigo, paguusig, at kahirapan.

 

___23. Ang pang araw-araw kong gawain ay ginagawa ko nang ayon sa Biblia.

 

___24. Inaaliw ko, pinalalakas ang loob, at pinagpapayuhan ko ang iba.

 

___25. Tinutugon ko ang pangangailangan ng mga kamag-anak ko nang walang

             hinihintay na kapalit.

 

___26. Ako ay lumalago at lumalalim tulad ng plano ng Dios.

 

___27. Wala akong palya sa aking pansariling pakikipagugnay sa Dios.

 

___28. Natitiyak kong ang puso ko'y wasto sa harap ng Dios.

 

___29. Ako ay nakikipagtulungan, maaaring turuan, at mababang-loob.

 

___30. Ako ay maaasahan sa tinanggap kong responsabilidad.

 

___31. Hinihintay kong tulungan ako ng Dios na maging tulad ng nais Niya sa akin.

 

___32. Tapat ako sa pagsasabi ng katotohanan, katapatan, at pagtupad ng pangako.

 

___33. Positibo ang mga sinasabi kong salita upang palakasin ang iba.

 

___34. Pinupuri ko ang magagandang katangian ng mga taong kinaiinisan ko.

 

___35. May kasiyahan akong lagi sa pagtupad ng kalooban ng Dios.

 

___36. May tao o grupo akong pinananagutan upang maiwasto ako.

 

___37. May kapayapaan ako dahil sa pinayagan ko ang Espiritu Santo na hawakan

            ang aking buhay.

 

___38. Bukas ako sa mga mungkahi ng iba kung saan ako dapat magbago.

 

___39. Alam ko na maayos ang aking mga ginagawa sa paggamit ko ng mga

            kakayahang ibinigay sa akin.

___40. Ipinagpaliban ko ang mga gawain na magbibigay ng agarang kasiyahan sa

            akin, upang magkapanahon para sa aking paglagong espirituwal.

           

___41. Sinaway ko, na may pagibig, ang ibang Cristiano nang mali ang kanilang

            ginagawa ayon sa pamantayan ng Dios.

 

___42. Nakikinig ako upang maunawaan kong mabuti ang isang tao.

 

___43. Naglilingkod ako sa iba na alam kong hindi makagaganti sa akin.

 

___44. Natutuwa ako sa isang espirituwal na bagay na aking narating.

 

___45. May ginagawa akong paraan upang ma-kontrol ang aking mga problema sa

            pera, sa sex, sa sobrang pagkain, o sa tsismis.

 

___46. Payapa ako pag ako'y nakakaranas ng mga hidwaan sa relasyon sa iba.

 

___47. Ako ay maamo sa aking mga pakikipag-usap.

 

___48. Inaayos ko ang aking oras, salapi, at sarili na pag-aari ng Dios.

 

___49. Patuloy akong umaasa sa Dios, kahit ako ay nagdurusa.

 

___50. "Pinaliliwanag ko ang aking ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang

            aking mabubuting gawa,,,"

 

___51. Madali akong mahabag pag may pangangailangan, at tumutugon ako kaagad.

 

___52. Pinatawad ko na ang nagdulot ng matinding sama ng loob sa akin.

 

___53. Nagagalak ako sa ginagawa ng Dios sa buhay ng iba.

 

___54. Hindi ako ligalig sa mga problema dito sa mundo.

 

___55. Iniiwasan kong maghiganti sa mga gumagawa ng masama sa akin.

 

___56. Maaasahan ako sa mga oras ng pangangailangan.

 

___57. Tinatanggap ko na ang iba ay mabilis ang paglago at ang iba ay hindi.

 

___58. Pumipirma ako sa mga petisyon laban sa mga di makatarungang bagay.

 

___59. Tinatanggap ko ang isang tao na sa tingin ng iba ay namumuhay sa kasalanan.

                       

 

 

___60. Idinadalangin ko ang aking mga kaaway at sila na hindi mapagmahal.

 

___61. Nagagalak ako sa pagtatapos ng mga sinagutan ko sa ministeryo.

 

___62. Iniiwasan ko ang mga situwasyon kung saan ako madaling matukso.

 

___63. ( Wala sa orihinal na kopya.)

 

 

MGA SCORE SA PAGSUSURI

 

 

1. Ilipat mo ang iyong mga sagot mula sa "Pagsusuri" tungo sa mga "squares" sa

    ibaba. Halimbawa, kung ang sagot mo sa Tanong 1 ay "3", isulat mo ang "3" sa

    bilang 1.

     

2. Pag napuno mo na ang lahat ng "squares", sumahin mo ang total sa

    pamamagitan ng pagdaragdag ng lahat ng bilang mula kaliwa, pakanan.

    Isulat ang suma sa Row Total.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Row Total

BUNGA

1

10          

19

28

37

46

55

 

Kapayapaan

 

2

11

20

29

38

47

56

 

Kagandahang-

Loob

3

12

21

30

39

48

57

 

Pananampalataya

 

4

13

22

31

40

49

58

 

Mapagpahinuhod

 

5

14

23

32

41

50

59

 

Kabutihan

 

6

15

24

33

42

51

60

 

Kaamuan

 

7

16

25

34

43

52

61

 

Pagibig

 

8

17

26

35

44

53

62

 

Katuwaan

 

9

18

27

36

45

54

63

 

 

Pagpipigil

 

 

 

 

                                                  PAGSASAGAWA

                                              

                                                    ( APPLICATION )

             

 

 

Batay sa resulta ng iyong Pagsusuri ng Iyong Bungang Espirituwal, kumpletuhin ang mga sumusunod na mga pangungusap:

 

1. Masdan mo ang iyong mga pinakamababang score, at buoin ang sinasabi rito:

 

Ayon sa pagsusuri, kailangan kong lumago sa bungang espirituwal na:

 

________________________________________

 

2. Pinipili ko ang bunga na pagtutuunan ko ng panalangin at atensiyon sa isang

           

buwan.  Ang bungang ito ay ________________________________________.

 

3. Bukod sa pananalangin, gagawin ko ang mga bagay na ito upang makatulong sa

aking pagunlad:

 

Lagyan ng check ang isa at kumpletuhin ang pangungusap:

 

____Magpapasimula akong gawin ang isang bagong bagay.

 

        Ano ang pasisimulan mong gawin? _________________________________

 

____Ititigil ko ang isang bagay na ginagawa ko ngayon.

 

        Ano ang ititigil mong gawin? _____________________________________

 

_____Babaguhin ko ang isang bagay sa aking buhay.

 

          Ano ang babaguhin mo? ________________________________________

 

 

 

 

           

 

 

 

 

 

 

 

APENDISE

 

 

Ang salin sa Mabuting Balita Biblia tungkol sa mga kaloob na espirituwal ay nagbibigay ng dagdag na kaaalaman tungkol sa kahulugan ng iba't ibang kaloob:

           

-At ang iba'y ginawang apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y ebanghelista, ang iba'y pastor at guro.

 

Ginawa Niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad ng Kanyang iglesia.

 

Sa gayon, tayong lahat ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa anak ng Diyos at magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo.

 

Hindi na tayo matutulad sa mga batang nagdadala ng bawat aral, parang sakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin. Hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian.

 

Manapa'y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pagibig, magiging ganap tayo kay Cristo na Siyang ulo.

 

Sa pamamagitan Niya'y nabubuo ang katawan mula sa mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa pamamagitan ng pagibig.

 

Sa ngalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko'y iginigiit: huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga Hentil. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip...( Efeso 4: 11-17)

 

-Huwag maging mabigat sa inyong loob ang pagtanggap sa mga kapatid.

 

Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap ng bawat isa.

 

Ikaw ba'y tagapangaral? Ipangaral mo ang salita ng Diyos. Ikaw ba'y tagapaglingkod? Gamitin mo sa paglilingkod ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang Siya'y papurihan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ni Jesucristo. Sa Kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen. ( I Pedro 4: 9-11 )

 

-Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at hindi pare-pareho ang gawain ng bawat isa.

 

Gayon din naman, tayo'y marami ngunit nabubuo sa iisang katawan ni Cristo, at isa't isa'y bahagi ng iba.

 

Yamang mayroon tayong mga kaloob na magkakaiba ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa atin, gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung paghahayag ng kalooban ng Diyos ang ipinagkaloob sa atin, ipahayag natin ito ayon sa sukat ng ating pananampalataya.

 

Kung paglilingkod, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob ng pagtuturo.

 

At mangaral ang may kaloob na pangangaral. Kung pag-aabuloy, mag-abuloy nang buong kaya; kung pamumuno, mamuno nang buong sikap. Kung nagkakawang-gawa, gawin ito nang buong galak.  ( Roma 12: 4- 8 )

 

-Ang ipaliliwanag ko naman sa inyo ngayon ay tungkol sa mga kaloob ng Espiritu Santo.

 

Iba't iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.

 

Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran.

 

Iba't iba ang mga gawain, ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon.

 

Ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na naghahayag ng sumasakanya ang Espiritu,

para sa ikabubuti ng lahat.

 

Sa isa'y ipinagkaloob sa pamamagitan ng Espiritu ang kakayahang magpahayag ng mga aral ng Diyos, at sa isa'y ang kakayahang makaunawa ng aral ng Diyos.

 

Ang iisang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng malaking pananalig sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit.

 

May pinagkalooban ng kapangyarhan na gumawa ng mga kababalaghan; may pinagkalooban naman ng kahusayan sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. At may pinagkalooban din ng kakayahang makakilala kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang mula sa masamang espiritu. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita  sa iba't ibang wika, at sa iba naman, ang magpaliwanag niyon.

 

Ngunit isa lamang Espiritu ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob, ayon sa Kaniyang maibigan.  ( I Corinto 12, piling mga talata. )

 

 

 

 

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT

 

UNANG KABANATA:

 

1. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita Niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya; At narito ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan.

( Mateo 3: 16-17)

 

2. Ama, Anak, Espiritu Santo.

 

3. Ang Espiritu Santo:

            - May sariling isip.

            - Nagsasaliksik ng kaisipan ng tao.

            - May sariling kalooban.

            - Nangungusap.

            - Umiibig.

            - Namamagitan.

 

4. Ang ibig sabihin nito ay mayroon Siyang damdamin na naaapektuhan ng mga

    ginagawa ng mga tao.

 

5.

 

-Magsinungaling sa Espiritu.

-Labanan ang Espiritu.

-Patayin ang ningas ng Espiritu.

            -Pighatiin ang Espiritu.

            -Insultuhin ang Espiritu.

            -Mamusong sa Espiritu.

            -Mayamot sa Espiritu.

 

6.   5,3,2,1,4

 

IKALAWANG KABANATA:

 

1. Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?  ( I Corinto 3: 16 )

 

2. Ang sagisag ay kumakatawan sa isang bagay. Ito ay isang simbolo na may mahalagang kahulugan.

 

3.    5,4,3,1,2

4.

-Ang presensiya ng Panginoon

            -Pagsangayon

            -Pagiingat/ Direksiyon

            -Naglilinis

            -Ang kaloob ng Espiritu Santo

            -Kahatulan

 

5.

            -Ang Espiritu ng Dios

            -Ang Espiritu ni Cristo

            -Walang hanggang Espiritu

            -Espiritu ng Katotohanan

            -Espiritu ng Biyaya

            -Espiritu ng Buhay

            -Espiritu ng Kaluwalhatian

            -Espiritu ng Karunungan at Kapahayagan

            -Ang Mangaaliw

            -Espiritu ng Pangako

            -Espiritu ng Kabanalan

            -Espiritu ng Pananampalataya

            -Espiritu ng Pagkupkop

 

IKATLONG KABANATA:

 

1. Datapuwat ang Mangaaliw, samakatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y Aking sinabi.  ( Juan 14: 26 )

 

2.

            -Dumating Siya sa mga pinuno ng Israel.

            -Bumaba Siya sa mga dako ng kanilang pagsamba.

            -Pinatnubayan sila sa Lupang Pangako.

            -Darating Siya sa Israel sa panahon ng Kapighatian.

            -Darating Siya sa Israel sa panahon ng Milenyo.

 

3. Tama.

 

4.   2,1,3

 

5. Juan 16: 7-11

 

6. Ang Espiritu Santo ang espirituwal ng puwersa na pumipigil sa kapangyarihan ni Satanas.

 

 

 

7. Si Jesus ay:

 

            -Pinaglihi ng Espiritu.

            -Pinahiran ng Espiritu.

            -Tinatakan ng Espiritu.

            -Pinatnubayan ng Espiritu.

            -Sinangkapan ng Espiritu.

            -Pinuspos ng Espiritu.

            -Nagulumihanan sa Espiritu.

            -Nagalak sa Espiritu.

            -Inalay sa pamamagitan ng Espiritu.

            -Binuhay ng Espiritu.

            -Nag-utos sa mga alagad sa pamamagitan ng Espiritu.

 

8. Ang Espiritu Santo ang:

 

            -Nagtatag nito.

            -Nagbigay ng inspirasyon.

            -Nanguna sa pagmimisyon.

            -Pumili ng mga ministro.

            -Nagpahid ng mga mangangaral.

            -Pinangungunahan ang mga desisyon.

            -Nagbautismo ng kapangyarihan.

 

9. Ang Espiritu Santo ang:

 

            -Sumusumbat                                             -Nagbabago ng buhay

            -Nagpapabanal                                           -Nagbabautismo

            -Nananahan sa loob                                   -Nagpapalakas

           -Nagbubuklod                                            -Namamagitan

            -Nagpapatnubay                                         -Nagpapakita ng pagibig

            -Kalarawan ni Cristo                                  -Nagpapahayag ng katotohanan

            -Kasiguruhan ng kaligtasan                        -Nagtuturo

            -Nagpapalaya                                              -Nangungusap

            -Kapangyarihan sa pagsaksi                        -Mangaaliw

            -Nagpapakita ng kapangyarihan                  -Nagbibigay buhay

 

10. Sila ay nagiging makapangyarihang saksi ng evanghelio. Gawa 1:8.

 

IKA-APAT NA KABANATA:

             

1. Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. ( Gawa 1: 8)

 

2.

            -Magsisi at pabautismo

            -Maniwala ka na ito'y para sa iyo

            -Nasain mo

            -Tanggapin mo bilang kaloob

            -Sumuko ka sa Dios

            -Hingin mo ang panalangin ng ibang mananampalataya

 

3. Nagsasalita sa wika na hindi alam ng nagsasalita.

 

4. Upang gawin ang Kristiyano na isang makapangyarihang saksi ng Evangelio.

     Gawa 1: 8.

 

5.

            -Ang bawat Kristiyano ay tumatanggap ng Espiritu Santo pag siya;y nahikayat.

            -Ang sabi ng Biblia, hindi lahat nagsasalita ng wika.

            -Takot.

            -Ito ay isang emosyonal na karanasan.

 

6.  Hindi.

 

7. Ilubog nang husto sa isang bagay.

 

8.

            -Gawa 2: 2-4

            -Gawa 10:44-46

            -Gawa 19: 6

 

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa Espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam.  ( I Corinto 12:1)

 

2. Ang talento ay isang natural na abilidad na namana pagkapanganak o nahasa sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang espirituwal na kaloob ay isang kakayahang galing sa langit na hindi dumating sa pamamagitan ng mana o pagsasanay. Ito ay makalangit na abilidad na ibinigay ng Espiritu Santo para sa mga tiyak na layuning espirituwal.

 

3.

            -Sakdalin ang mga banal.

            -Palaganapin ang gawain ng ministeryo.

            -Pagtibayin si Cristo at ang Iglesia.

 

 

 

4. Tayo ay:

            -Magiging isa sa pananampalataya.

            -Palaguin ang ating pagkakilala kay Cristo.

            -Lumago sa kasakdalan, na si Cristo ang ating modelo.

            -Maging matatag, hindi naililigaw ng mga maling doktrina.

            -Lumagong espirituwal kay Cristo.

 

5. Oo. I Pedro 4: 10 at I Corinto 12:7 at 11.

 

6.

            -Ang hindi paggamit ng mga kaloob na ibinigay sa iyo.

            -Nagpupumilit na gamitin ang mga kaloob na wala sa iyo.

            -Ang hndi paggamit ng kaloob sa wastong paraan.

            -Niluluwalhati ang iyong kaloob.

 

7. Ang Espiritu Santo.

 

8. Pagibig.  I Corinto 13.

 

9. Ang mga kaloob na hindi tunay ay hindi nakatutupad sa mga layunin ng mga kaloob na espirituwal ayon sa Efeso 4: 12-15. Hindi ito sangayon sa mga turo ng Biblia tungkol kay Jesus. Ang mga palsipikado ay makikita ayon sa mga personal na katangian na nakalista sa II Pedro 2 at sa aklat ni Judas. 

 

10. Ang mga kaloob na espirituwal ay makalangit na abilidad na ibinigay ng Espiritu Santo sa mga mananampalataya upang maging epektibo sa ministeryo.

 

11. Lahat ng kaloob na espirituwal ay para sa atin ngayon sapagkat ang mga layunin kung bakit sila ibinigay ay hindi pa natutupad. Ang mga kaloob na espirituwal ay magpapatuloy hanggang sa " umabot tayo sa kasakdalan." Kapag si Cristo ay nagtatag na ng Kaniyang kaharian dito sa lupa.

 

12. Ang kaloob ng Espiritu Santo ay ibinigay noong araw ng Pentecostes. Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay mga makalangit na kakayahan na nakalaan para sa lahat ng mananampalataya.

 

13.

            a.    T

            b.     M

            c.     M

            d.     M

            e.     M

            f.     T

            g.     T

            h.     T

            i.      T

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1. At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro. ( Efeso 4: 11)

 

2.

            -Mga Apostol

            -Mga Propeta

            -Mga Evangelista

            -Mga Pastor

            -Mga Guro

 

3. Sapagkat ang bawat isa ay tanging posisyon ng lider sa iglesia.

 

4. a.  Tama.   b.  Tama.   c.  Tama.

 

5.  2,1,4,3,5

 

6.

              -Mga tanging kaloob

              -Kaloob ng Pagsasalita

               -Kaloob ng Paglilingkod

               -Kaloob ng mga Tanda

 

 

IKA-PITONG KABANATA:

 

1. Datapuwat inilagay ng Dios ang bawat isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa Kaniyang minagaling.  ( I Corinto 12: 18 )

 

2.

                 -Panghuhula

                 -Pagtuturo

                 -Umaaral

                 -Salita ng Karunungan

                 -Salita ng Kaalaman

 

3.   2,1,4,3,5

 

4.  C

 

5.  Mali

 

 

 

 

 

IKAWALONG KABANATA:

 

1. At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.

 ( Marcos 10:44)

 

2.

-         Pagkilala sa mga espiritu

-         Pangunguna

-         Pamamahala

-         Pananampalataya

-         Pagbibigay

-         Mga Pagtulong

-         Paglilingkod

-         Kahabagan

-         Pagpapatuloy

 

3. Sapagkat sila ay naglilingkod upang magbigay ng porma, organisasyon, at suporta sa espirituwal at praktikal na larangan.

 

4. Ang taong may kaloob ng pamamahala ay may abilidad na magplano, magsaayos, at gumawa ng mga desisiyon para sa iba. Ang kaloob ng pangunguna ay hinihimok ang iba na gumawa upang maabot ang mga hangarin para sa kaluwalhatian ng Dios.

 

5. Ang paglilingkod ay iba sa kaloob ng mga pagtulong sapagkat ito ay nagrerellevo sa isang tao upang magampanan niya ang mga kailangang gawin. Ang naglilingkod ay nananagot sa ibang mga gawain upang palayain ang iba na makagawa ng kaloob na espirituwal. Ang taong may kaloob ng pagtulong ay umaalalay sa isang ministeryo, subalit hindi niya ito pinapalitan.

 

6.   9,6,2,3,5,7,11,4,8

 

7.  Mali

 

8. Ang katuturan ng pananampalataya ay ibinigay sa Hebreo 11: 1.

 

9. Ang kaloob ay para sa kapangyarihan. Ang bunga ay para sa paguugali.

 

10. Sa pakikinig ng Salita ng Dios.  Roma 10: 17.

 

 

IKA-SIYAM NA KABANATA:

 

1.  Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig;

Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at kababalaghan, at ng saganang kapangyarihan, at ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa Kaniyang sariling kalooban.  ( Hebreo 2: 3-4)

 

2.

                  -Mga Himala

                  -Pagpapagaling

                  -Iba't ibang Wika

                  -Pagpapaliwanag ng wika

 

3. Upang kayo ay manampalataya  na si Jesus ang Cristo. At sa inyong pagsampalataya  ay magkaroon kayo ng buhay sa Kaniyang pangalan. Juan 20: 30-31.

 

4.   2.3.4.1

 

5. a. M;  b.T;  c. M;  d.M;  e. T;  f. M;  g. M;  h. M

 

 

IKA-SAMPUNG KABANATA:

 

1.  Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.  ( II Timoteo 1: 6 )

 

2.

                    -Ganapin ang mga pakay at mga layunin

                    -Makipagbakang espirituwal

                    -Iwasan ang pagaabuso

                    -Iwasan ang pagkabigo

                    -Tanggapin ang responsabilidad

 

3.

          -Unang Hakbang:                  Ipanganak na muli.

          -Ikalawang Hakbang             Tanggapin mo ang bautismo ng Espiritu Santo.

          -Ikatlong Hakbang                 Alamin mo ang mga kaloob na espirituwal.   

          -Ika-apat na Hakbang             Magmasid ng mga huwaran ng mga kaloob.

          -Ika-limang Hakbang             Magsalisik ka ng kaloob na espirituwal.

          -Ika -anim na Hakbang           Pagpapatong ng mga kamay.

          -Ika-pitong Hakbang               Suriin mo ang mga hilig mong espirituwal.

          -Ika-walong Hakbang              Magpasuri ka sa isang lider na Kristiyano.

          -Ika-siyam na Hakbang           Suriin mo ang nakaraan mong ministry.

          -Ika-sampung Hakbang           Sagutan mo ang Spiritual Gifts Questionnaire.

          -Ika-labingisang Hakbang       Tukuyin mo ang mga kaloob na nasa iyo.

          -Ikalabingdalawang Hakbang  Tukuyin mo ang mga espirituwal na kailangan.

          -Ikalabing tatlong Hakbang     Tugunin mo ang espirituwal na pangangailangan.

          -Ikalabing apat na Hakbang     Timbangin mo ang iyong ministeryo.

 

IKA-LABINGISANG KABANATA:

 

1. Evangelismo; ang pagiging makapangyarihang saksi ng mensahe ng Evangelio.

 

2. Ang pangloob na bunga ng maka-Cristong katangiang espirituwal.

 

3. Galacia 5: 22-23.

 

                -Pagibig                                            -Katuwaan

                -Kapayapaan                                     -Pagpapahinuhod

                -Kagandahang-loob                          -Kabutihan

                -Pananampalataya                             -Kaamuan

                                                 -Pagpipigil

 

4. Juan 15: 16

 

5. Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan , pagtatapat, kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.  ( Galacia 5: 22-23)

 

6.   9,7,8,5,6,2,4,1

 

7. Ang bunga ng Espiritu ay mahalaga sapagkat hindi sapat na magkaroon lamang ng anyo ng pagiging espirituwal. Dapat tayong magkaroroon ng bungang espirituwal sapagkat dito nakikita na tayo ay sa Dios. Sa larangang espirituwal, ang bunga ang nagdadala ng mga binhi sa pagpaparami.    

 

8. Ang kapayapaan sa Dios ay makakamit sa pamamagitan ng kapatawaran sa kasalanan.

Ang kapayapaan ng Dios ay nakakamit pagkatapos ng karanasang ito. Ito ang kapayapaang ibinibigay ng Dios sa pang araw-araw na buhay. ( Tingnan ang Roma 5:1 at

Filipos 4: 7).

 

IKA-LABINGDALAWANG KABANATA:

 

1. At hayag ang mga gawa ng laman, samakatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

 

Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

 

Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. ( Galacia 5: 19-21)

 

2. Mga gawa ng laman.

 

3. Roma 8: 1-9.

 

4.  17,14,15,16,4,1,2,3,6,5,7,8,13,9,11,10,12

 

 

IKA- LABINGTATLONG KABANATA:

 

1. Ang bawat sanga na sa Akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis Niya: at ang bawat sanga na nagbubunga ay nililinis Niya, upang lalong magbunga.  ( Juan 15: 2)

 

2. Bunga, mas maraming bunga, napakaraming bunga, bungang nananatili.

 

3. Buhay, tubig, liwanag, hangin, lugar, mga ugat, pahinga, lupa, kamatayan, nananatili sa sanga, pagpupungos, klima.