MGA PRINSIPYO
NG PANGANGASIWA
NA SALIG SA BIBLIA
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang porgramang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagtanaw, tungo sa paghihirang, pagpaparami, at pagpapakilos upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Network
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
Paano Gamitin Ang Manwal Na Ito . . . . . . . I
Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral . . . . . II
Pambungad Ng Kurso . . . . . . . . . 1
Mga Layunin . . . . . . . . . . 2
1. Ang Ministeryo Ng Pangangasiwa . . . . . . . 3
2. Mga Katungkulan Ng Pangunguna . . . . . . . 14
3. Ang Pagpapahid Upang Makapaguna . . . . . . 26
4. Mga Katangian Ng Mga Tagapanguna . . . . . . 39
5. Manguna Tulad Ng Isang Alipin . . . . . . . 56
6. Manguna Tulad Ng Isang Pastol . . . . . . . 64
7. Mga Gawain Ng Mga Tagapanguna . . . . . . 76
8. Paggawa Ng Pagpapasiya . . . . . . . . 87
9. Mga Salungatan At Disiplina . . . . . . . 97
10. Pagsasanay Ng Mga Tagapanguna At Mga Tagasunod . . . . 107
11. Pagharap Sa Pagkabigo . . . . . . . . 121
12. Mga Prinsipyo Ng Tagumpay . . . . . . . 136
13. Pagturing Ng Halaga . . . . . . . . 147
Apendise . . . . . . . . . . 155
Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit . . . . . . . 163
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pag-aralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pag-aralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang mag-aral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas ng Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsusulit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG
PAG-AARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,
ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.
Pangsariling Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa Pangsariling Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
MODULE: Pagtatatag
KURSO: Mga Prinsipyo Ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia
PAMBUNGAD
Ilalahad ng pag-aaral na ito ang mga prinsipyo ng pangangasiwa na nahayag sa nasukat na Salita ng Diyos, ang Biblia. Ang “pangangasiwa” ay tulad din ng salitang “pagkakatiwala.” Ang mga “katiwala” o mga “tagapangasiwa,” ay may pananagutan sa isang bagay na sa kanila ay ipinagkatiwala ng iba. Bilang mananampalataya, bawat isa sa atin ay mga tagapangasiwa ng mga yaman na espirituwal na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
Ang isang maselan na problema sa maraming mga tagapangunang Cristiano ay ang pagtatatag at pangangasiwa ng mga yamang espirituwal. Kung kakaunti ang mga manggagawa sa pag-aaning espirituwal tulad ng sinasabi ng Biblia, kailangang ang mga ito ay wastong maitatag at mapakilos.
Ang paglaki ng isang tao ay sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga buhay na cells at ang paglago ng kalansay na siyang sumusuporta rito. Mahalaga rin ang straktura upang lumago ang katawan ni Cristo. Ang buhay espirituwal ay nagdadala ng paglago na dapat nating suportahan.
Ang kursong ito ang una sa tatlong mga serye ng pagsasanay sa “Module Ng Pagtatatag” na ibinibigay ng Harvestime International Network. Ang kursong ito, kasama ng mga kursong “Pagsusuri Ng Paligid” at “Pangangasiwa Batay Sa Layunin” na siyang susunod dito, ay tutulong sa iyo upang maging isang mabuting katiwala ng mga yamang espirituwal. Iminumungkahi namin na pag-aralan ang tatlong mga kursong ito para sa pagkakaroon ng pagkaunawa sa pangunguna, pagpa-plano, at pagtatatag o pagsasasaayos na kailangan upang maging mabisa ang ministeryo.
Ipinapakita ng kursong ito ang paksa ng pangangasiwa, tinutukoy ang mga katungkulan ng pangunguna, at binibigyang diin ang kahalagahan ng pagpapahid ng kapangyarihan upang manguna. Ang mga prinsipyo ng pangunguna tulad ng isang alipin at pastol at ang mga katangian ng mga tagapanguna ay tinatalakay din.
Nire-repaso ang pangunahing gawain ng mga tagapanguna, na may pagbibigay diin sa paggawa ng pagpapasiya at paghawak ng mga salungatan. Mga panuntunan para sa pagsasanay ng mga tagapanguna at tagasunod ay ibinibigay, at mga prinsipyo ng tagumpay at mga dahilan ng kabiguan ay sinusuri.
Ang Apendise ng kursong ito ay nagkakaloob ng pagkakataon upang matutuhan ang mga dagdag na mga prinsipyo sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga halimbawa ng dakilang mga tagapanguna sa Biblia.
MGA LAYUNIN
Pagkatapos mapag-aralan ang kursong ito magkakaroon ka ng kakayahang:
UNANG KABANATA
ANG MINISTERYO NG PANGANGASIWA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Ang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng
mabuting gawain. (I Timoteo 3: 1) Magandang Balita Biblia
PAMBUNGAD
Ang kabanatang ito ang nagpapakilala sa ministeryo ng pangangasiwa. Kapag ating pinaguusapan ang pangangasiwa hindi ang pangangasiwang sekular ang tinutukoy tulad ng nakikita sa mundo ng pagnenegosyo. Ang tinatalakay dito ay ang pangangasiwa ng espirituwal na kayamanan para sa gawain ng ministeryo.
Kung matutuhan mo ang ministeryo ng pangangasiwa, ikaw ay magiging mabuting katiwala ng Ebanghelyo at ng ministeryong ibinigay sa iyo ng Diyos. Makagagawa kang kaagapay ng Diyos upang matupad ang Kaniyang mga layunin.
ANG KAHULUGAN NG PANGANGASIWA
Ang “pangangasiwa” ay tulad din ng “pagkakatiwala.” Ang “nangangasiwa” ang siyang nananagot sa isang bagay na ipinagkatiwala sa kaniya ng isang tao. Ang pangangasiwa ay proseso ng pagsasakatuparan ng mga pakay at mga plano ng Diyos sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga kayamanang materyal, espirituwal, at ng tao. Ang pangangasiwa ay tinataya o tinitimbang ayon sa kung natupad o hindi ang mga plano at mga layuning ito. Ang wika ng Biblia:
Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw;
tayo ay tumungo bawat isa sa kaniyang sariling daan… (Isaias 53:6)
Kung paanong ang mga tupa ay dapat pangunahan sa isang daanan, gayon din ang mga tao ay nangangailangan ng gabay upang matupad ang layunin at mga plano ng Diyos sa kanilang mga pagpupunyagi at lakas.
MGA KAYAMANANG ESPIRITUWAL
Ang lahat ng mga mananampalataya ay mga katiwala ng ilang mga kayamanan na ibinigay ng Diyos. Ang mga ito ay nakalista sa bahaging “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng araling ito. Dagdag pa sa mga kayamanang ito, ang mga tagapanguna ay mga katiwala sa mga tanging yaman na kabilang ang:
Ebanghelyo: Ating ibabahagi ang mensahe nito sa iba.
Pananalapi: Bawat mananampalataya ay katiwala ng kanilang mga pansariling pananalapi, ngunit ang mga tagapanguna na humahawak ng pananalapi ng isang iglesia o samahang Cristiano ay mga katiwla rin ng mga pondong ito.
Mga Materyal Na Yaman Ng Ministeryo: Kabilang dito ang mga gusali ng iglesia, ari-arian, at mga kagamitan.
Mga Kaloob Na Espirituwal: Bawat mananampalataya ay may kaloob na hindi kukulangin sa isa at sila ay nananagot dito bilang mga katiwla. Ang isang tagapanguna ay may pananagutan din na tulungan ang iba na palaguin ang kanilang mga kaloob na espirituwal.
Ibang Mga Mananampalataya:
Kung ikaw ay isang tagapanguna, ikaw ay nananagot para sa ibang mga
tao. Dapat mo silang tulungan na lumago sa buhay espirituwal at sila ay
masangkot sa gawain ng ministeryo. Mga tao ang ginagamit ng Diyos, hindi mga
programa, upang itayo ang Kaniyang Kaharian. Ang ibig sabihin ng pangangasiwa
ay paggawa ng mga bagay para sa
Diyos sa pamamagitan ng mga tao.
ANG UNANG MENSAHE TUNGKOL SA PANGANGASIWA
Ang unang mensahe ng Diyos sa tao ay tungkol sa pangangasiwa. Sinabi ng Diyos kay Adam at Eba:
… Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami, at
kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng
kapangyarihan…sa bawat hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. (Genesis 1:28)
Tatlong mga gawain ng mga tagapangasiwa ang napapaloob sa talatang ito:
1. Sagarin ang mga yaman sa pamamagitan ng “pagpaparami” upang matupad ang layunin at plano ng Diyos.
2. Iwasan ang kaguluhan sa pamamagitan ng “pagsupil.”
3. Panatilihin ang kaayusan sa pamamagitan ng “pamamahala” (kapangyarihan)
ANG PINAKADAKILANG HALIMBAWA
Ang pinakadakilang halimbawa ng pangunguna ay ang Panginoong Jesu-Cristo. Siya ang modelo para sa lahat ng mga tagapangunang Cristiano. Matututuhan mo sa kursong ito ang tungkol sa Kaniyang halimbawang ipinakita sa pamamagitan ng pangunguna tulad ng isang alipin at isang pastol.
Ang lahat ng mga prinsipyo na itinuro sa kursong ito ay nakita sa mga ginawa at itinuro ni Jesus. Ang bawat kailangang katangian ng isang tagapanguna ay nahayag sa buhay ni Cristo. Ang bawat gawaing dapat gampananan ng isang tagapanguna ay inilarawan sa pamamagitan Niya. Nagpakita Siya ng halimbawa kung paano magsanay ng mga tagapanguna at tagasunod.
ANG PANGUNAHING KINAKAILANGAN
Hindi itunuturing ng Diyos na tagumpay ang isang katiwala dahil sa kaniyang edukasyon, likas na kakayahan, o personalidad. Sila ay matagumpay dahil sa kanilang katapatan. Ang pagunahing kailangan sa mga katiwala ay sila’y maging matapat:
Bukod dito’y kinakailangan sa mga katiwala,
na ang bawat isa ay maging tapat.
(I Corinto 4:2)
May sinabing talinhaga si Jesus sa Mateo 25:14-30 tungkol sa isang panginoon na nagbigay sa kaniyang mga alipin ng “talento” na sa pagkakataong yaon ay salapi. Sinabihan sila na maging mabubuting katiwala at gamitin nang matino ang mga salapi. Yaong mga sumunod ay tinawag na “tapat” at ginantimpalaan. Ang hindi sumunod ay hinatulan at pinanagot.
ANG MINISTERYO NG PANGANGASIWA
Kabilang sa ministeryo ng pangangasiwa ay ang pangunguna sa iba upang gumawa ng mga dakilang bagay para sa Diyos. Kabilang sa pangangasiwa ang mga sumusunod na mga larangan na iyong pag-aaralan sa kursong ito:
Kilalanin ang Kahalagahan Ng Pagpapahid Upang Manguna: Ang pagpapahid ng Diyos para sa pangunguna ay higit na mahalaga kay sa edukasyon, talento, at karanasan.
Matagpo Ang Mga Katangiang Ayon Sa Biblia Para Sa Pangunguna: Ang pangangasiwa ng ministeryo ay nagsisimula sa pangangasiwa ng sarili.
Matutuhang Manguna Tulad Ng Isang Alipin: Ang pangunguna ayon sa Kasulatan ay hindi magarbong pakikisama at kaayaayang peronalidad na pang-entablado. Ito ay isang mapagpakumbabaang paglilingkod sa mga pinagungunahan. Ang paglilingkod ang lumilikha ng pagkakaiba sa pangungunang Cristiano at pangungunang maka-sanglibutan.
Matutuhang Manguna Tulad Ng Isang Pastol: Ang mga katangian ng isang pastol o tagapagalag ng tupa ang ginamit ni Jesus upang ilarawan ang pangungunang espirituwal.
Pagkaunawa sa Paunang Mga Gawain Ng Mga Tagapanguna: Kabilang dito ang mahihirap na mga larangan ng pagpapasiya at paglutas ng mga problema ng salungatan at disiplina.
Pagsasanay Ng Mga Tagapanguna At Mga Tagasunod: Tayong lahat ay nagunguna sa ilang tiyak na mga kalagayan, ngunit bawat isa ay isang tagasunod sa ibang kalagayan. Dapat magkaroon ng mga tagasunod ang isang tagapanguna. Ang tagapanguna at tagasunod ay kailangang sanayin.
Paggamit Ng Mga Prinsipyo Ng Pananagumpay Na Itinuro Sa Salita Ng Diyos: Ang mga prinsipyong ito ang tiyak na matagumpay na pangangasiwa ng mga yamang espirituwal.
Pagiwas Sa Mga Pagsuway Na Dahilan Ng Pagkabigo Sa Pangunguna: Ang pagkabigo sa pangunguna at pagsunod ay bunga ng pagsuway sa mga prinsipyo ng Kasulatan.
Pagkaunawa Sa Mga Prinsipyo Ng Pagtatatag Ayon Sa Biblia: Kabilang dito ang katungkulan ng pangunguna na itinatag ng Diyos at ang mga lumago dahil sa mga pangangailangan ng Iglesia.
ANG BATAYAN NG ORGANISASYONG AYON SA BIBLIA
Ang pagtatatag ng ministeryo ay hindi nakapirmi, mahirap baguhin o batay sa mga makamundong modelo. May puwang sa mga samahan sa patnubay ng Espiritu Santo. Ang pangangasiwa ng ministeryo ay sa layuning matupad ang mga hangarin at plano na bigay ng Diyos, hindi upang lumikha ng isang hindi na maaaring baguhin at permanenteng straktura. Ang pagtatatag sa Iglesia ay tulad ng isang buhay na organismo. Inihalintulad ng Biblia ang Iglesia sa katawan ng tao, na ang bawat bahagi ay gumagawang magkakasama.
Hindi ka inihahalal sa pangunguna sa samahan ng Diyos. Maaari kang ihalal o itakda ng tao sa isang gawain, ngunit hindi ka nagiging tagapanguna dahil lamang sa ikaw ay nahalal o natakda. Dapat ay tinawag ka at sinangkapan ng kakayahan ng Diyos para sa gawain ng Kaharian.
May kinaalaman ang panunungkulan sa pangunguna, halimbawa, katungkulan tulad ng apostol, propeta, ebanghelista, pastor at guro. May kinaalaman din ang gawain sa pangunguna. Ang pangunahing gawain ay sangkapan ng kakayahan ang iba para sa gawain ng ministeryo. May kinaalaman din ang mga kaugnayan o relasyon ng mga tagapanguna sa kanilang mga tagasunod.
Ang pagpili at pagtataas ng katungkulan ay sa Diyos nagmumula:
Sapagkat hindi man mula sa silanganan, o
mula man sa kanuluran, o mula man sa timugan ang pagkataas,
Kundi ang Diyos ay Siyang hukom: Kaniyang
ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
(Awit 75:6-7)
ANG IBANG LARANGAN NG PANGANGASIWA
May kinaalaman din ang pagsusuri
ng iyong ministeryo sa pangangasiwa upang maitayo ang layunin at mga plano.
Maaari mong matutuhan ang gayong pag-aaral sa kurso ng Harvestime International
Institute na “Pagsusuri Ng Kapaligiran.”
May kinaalaman din ang mga sumusunod na mga larangan na iyong pag –aaralan sa kurso ng Harvestime International Institute na “Pangangasiwa Batay Sa Layunin.” :
Pagbalangkas Ng Layunin Para Sa Ministry Na Kaisa Ng Sa Diyos: Kung hindi mo alam ang layunin at wala kang pangitain, hindi mo mapangungunahan ang iba.
Paggawa Ng Mga Plano Upang Matupad Ang Layunin: Hindi mo matutupad ang layunin kung hindi mo ito pa-planuhin.
Pagtatatag Sa Mga Tao At Pamamaraan Upang Ipatupad Ang Plano: May kinaalaman ang pangangasiwa sa pagudyok at pamamahala sa mga tao sa kanilang pagtupad ng mga gawain na bahagi ng layunin at plano ng Diyos.
Pagsakdal Sa Plano Sa Pamamagitan Ng Pagtimbang: Ang gawain ng Panginoon ay kailangang gawin na may kahusayan.
ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING PANGANGASIWA
Narito ang ilang mga dahilan kung bakit mahalaga ang wastong pangangasiwa ng ministeryo:
NAGDUDULOT NG LAYUNIN AT DIREKSYON:
Upang ikaw ay maging matagumpay sa ministeryo, dapat ay mayroon kang layunin at mga plano na kaisa ng sa Diyos at ito ay malinaw mong naihahatid sa iba. Kung alam mo ang tiyak na layunin ng ministeryo at gumawa ka ng mga plano upang matupad ang layuning yaon, maaari mong pangunahan ang iba. Dapat ay alam ng mga tagapanguna kung saan sila patungo upang magabayan ang iba. Ang paggabay at pagkakaisa sa ministeryo ay may kinaalaman sa iisang layunin at direksyon.
INAALIS ANG KALITUHAN:
Kung may wastong direksyon, maiiwasan ang kalituhan:
Sapagkat ang Dios ay hindi Dios ng
kaguluhan, kundi ng kapayapaan.
(I Corinto 14:33)
Kayo nga’y magsitulad sa Dios, na gaya ng
mga anak na minamahal. (Efeso 5:1)
Kung walang kalituhan sa mga gawain ng Diyos, ganoon din dapat sa ministeryo ng Kaniyang mga alipin.
PINAHIHINTULUTAN ANG WASTONG PAGPAPASIYA:
Ang pagpapasiya ang tumitiyak ng iyong hantungan. Ito ay totoo rin kahit sa kaligtasan. Gumagawa ka ng pagpapasiya na tanggapin o tanggihan ang Ebanghelyo at ang iyong walang hanggang hantungan ay batay sa iyong pagpapasiya.
Ang iyong kasalukuyang buhay at ministeryo ay bunga ng iyong dating pagpapasiya na ginawa sa nakaraan. Alin sa dalawa, nagpasiya ka na may masusing pag-iisip o biglaang pagpapasiya ang iyong ginawa. Ang mabuting pangangasiwa ay tumutulong sa iyo na gumawa ng wastong pagpapasiya na may patnubay ng Panginoon.
PINATATATAG ANG MGA DAPAT UNAHIN SA MINISTERYO:
Ang dapat unahin ay ang mga bagay na higit na mahalaga kay sa ibang mga bagay. Ito ang mga bagay na unang paglalagakan ng pansin at panahon. Magkakaroon ka ng mga dapat unahin sa buhay tiyakin mo man o hindi. Magtatayo ka ng mga dapat unahin alin sa dalawa sa pamamagitan ng mga ugali na magiging paraan na ng pamumuhay, dahil sa panggigipit ng mga pangyayari o kaya batay sa isang tiyak na pagpapasiya na salig sa mga layunin ng Diyos.
HINAHAYAAN ANG AKSYON SA HALIP NA REAKSYON:
Maraming mga ministeryo ay nabubuyo sa mga reaksyon sa mga minamadaling mga bagay sa kasalukuyan sa halip na mag-plano para sa hinaharap. Dahil dito, sa halip na umaksyon ang mga tagapanguna na may karunungan at layunin ay reaksyon lamang ang nagagawa.
Kung walang estratehiya o plano, hindi mo alam kung ano ang iyong ginagawa sa ministeryo, bakit mo ginagawa ito, at paano ito ginagawa. Sapagkat wala kang kaayusan at direksyon, walang pinagtatalagahan na iyong sarili, walang batayan na matimbang ang iyong pagiging mabisa para sa Diyos, at ikaw ay madaling nahihimok na reaksyon ang gawin at umayaw sa panahon ng krisis.
Ang mabuting pangangasiwa ay binabago ang hangarin na maging kapahayagan at ang pangitain ay maging katunayan. Tumutulong ito sa iyo na tiyakin kung ano ang iyong gagawin at paano ito gagawin upang matupad ang layunin ng Diyos.
NAGTATAYO NG PANANAGOT:
Sa talinhaga ng mga talento sa Mateo 25:14-30, ang mga alipin ay nanagot para sa lahat ng ipinagkatiwala sa kanila. May plano ang kanilang Panginoon, sinabi ito sa kanila, at ito ay kanilang tutuparin sa pamamagitan ng pamumuhunan ng mga salapi na sa kanila ay ibinigay.
Hindi ka lamang nananagot na maalaman ang kalooban ng Diyos para sa iyong buhay at ministeryo, kundi sa paggawa nito:
At yaong alipin na nakaaalam ng kalooban ng
kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang
kalooban ay papaluin ng marami. (Lucas 12:47)
Kung hindi mo pangasiwaan nang maayos ang ministeryo na ipinagkatiwala sa iyo, pananagutin ka.
HINAHAYAAN ANG MGA PAGTIMBANG:
Kabilang sa pangangasiwa ang pagtimbang upang makita kung natutupad mo ang layunin at plano ng Diyos.
Ang pagkaunawa sa mga prinsipyo ng Biblia para sa pagtatagumpay at mga dahilan ng kabiguan ay pinahihintulutan ang gayong pagtimbang.
PINAHIHINTULUTAN ANG MATALINONG PAGGAMIT NG KAYAMANANG ESPIRITUWAL:
Ang mabuting pangangasiwa ay tumutulong sa iyo na pangasiwaan nang wasto ang mga yamang espirituwal at nagkakaroon ka ng wastong pagkakatiwala ng mga salapi, mga ari-ariang materyal, at mga kaloob na espirituwal para sa gawain ng Kaharian ng Diyos.
INIHAHANDA KA NA PUMASOK SA BUKAS NA PINTUAN:
Sapagkat sa akin ay nabuksan ang isang
pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway. (I Corinto 16:9)
Kung magbukas ang Diyos ng pintuan, dapat kang maging handa na pumasok at harapin ang mga bagong hamon. Hindi ito mangyayari kung walang tamang paghahanda. Basahin ang talinhaga ng matalino at mangmang na mga dalaga sa Mateo 25:1-13. Ang Diyos ang nagbubukas ng mga pintuan, ngunit hindi ito nananatiling laging nakabukas. Nabubuksan ito at naghihintay na ikaw ay pumasok. At pagkatapos ito ay sumasara, minsan ay hindi na muling bubuksan.
PINAGKAKAISA ANG MINISTERYO SA KALOOBAN NG DIYOS:
Ang unang tanong ni Apostol Pablo pagkatapos niyang mahikayat ay, “Ano ang nais Mong gawin ko?” Tinatanong niya ang Diyos, “Ano ang Iyong plano sa aking buhay at ministeryo?” Ang matalinong pagiging katiwala ang nagdadala sa iyong buhay at ministeryo na kaisa ng mga layunin at plano ng Diyos.
NAGHAHANAP ANG DIYOS NG MGA TAGAPANGUNA
Sinabi ng Diyos kay haring Saul:
Ngunit ngayon ay hindi matutuloy ang iyong
kaharian: ang Panginoo’y humanap para sa Kaniya ng isang lalaking ayon sa
kaniyang sariling puso, at inihalal ng Panginoon siya na maging prinsipe sa
kaniyang bayan, sapagkat hindi mo ginanap ang iniutos ng Panginoon sa iyo. (I Samuel 13:14)
Naghahanap pa rin ang Diyos ng mga taong Kaniyang magagamit bilang mga tagapanguna:
At ako’y humanap ng lalake sa gitna nila,
na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain,
upang huwag kong ipahamak; ngunit wala akong nasumpungan. (Ezekiel 22:30)
Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay
nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa, upang pakilala ng matibay sa ikagagaling
ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa Kaniya… (II Cronica 16:9)
Ang pagiging isang mabuting tagapangasiwa ay nangangailangan ng panahon at pagsisikap:
Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag:
sapagkat ang araw ay magsasaysay, sapagkat sa pamamagitan ng apoy inihahahyag;
at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon. (I Corinto 3:13)
Ang kahoy, dayami ay tumubo sa ibabaw ng lupa. Madali ito lumitaw at madaling makita ng mga tao, ngunit madali rin namang mawasak. Ang ginto at pilak ay mahahalagang hiyas na galing sa ilalim ng lupa. Hindi ito nakikita agad ng mga tao, ngunit ito ay tumatagal.
Ang magarbo, bantog at pangunguna ayon sa sanglibutan ay tulad ng kahoy at tuyong dayami. Nakikita ito ng mga tao at madaling palitawin sa pamamagitan ng likas na kakayahan at talento. Ang banal na pangunguna ay tulad ng ginto at pilak. Ito ay nalilikha sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa kalooban at hindi nakikitang bahagi ng tao. Ngunit ito ay may halagang walang kupas at nananatili.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Bigyang kahulugan ang “pangangasiwa.”
3. Ilista ang mga yamang espirituwal na pinapangasiwaan ng mga mananampalataya.
4. Ano ang pangunahin kakailanganin para sa mga katiwala?
5. Sino ang pinakadakilang halimbawa ng pagunguna?
6. Batay sa mga pagtalakay sa araling ito, isulat ang buod ng kung ano ang kabilang sa “pangangasiwa ng ministeryo.”
7. Bakit mahalaga ang mabuting pangangasiwa?
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Higit na maraming itinuro si Jesus tungkol sa pagkakatiwala ng mga tinatangkilik kay sa tungkol sa langit, impiyerno, o kaligtasan. Sa 40 mga talinhaga, 19 ang tungkol sa mga tinatangkilik.
2. Ang pangunguna ay isang malaking pananagutan sapagkat ini-impluwensyahan mo ang iba. Halimbawa, nang sabihin ni Pedro “Mangingisda na ako,” kaagad nagsabi ang mga kasama niya, “Sasama rin kami sa iyo.” Ang pangunguna ay mahalaga rin sapagkat ang isang tagapanguna ay isang mensahero ng Diyos. Tingnan ang Malakias 2:7.
3. Pag-aralan ang paghahalintulad ng makasanglibutan at espirituwal na pangangasiwa:
-Sa makasanglibutang pangangasiwa, ang kapangyarihan ay batay sa kakayahan at
karunungan.
-Sa espirituwal na pangangasiwa, ang kapangyarihan ay batay sa pahid at kapamahalaan
ng Diyos.
-Sa makasanglibutang pangangasiwa ang pagpili ng mga tagapanguna ay nakabatay sa
mga katangian tulad ng kakayahan at edukasyon.
-Sa espirituwal na pangangasiwa, ang pagpili ng mga tagapanguna ay batay sa
pagpapahid, tawag at kapahayagan ng kalooban ng Diyos.
-Sa makasanglibutang pangangasiwa, ang pagsasanay ay ibinibigay sa larangan ng
kakayahan at karunungan.
-Sa espirituwal na pangangasiwa, ang pagsasanay ay ibinibigay sa uri ng buhay batay sa
Salita ng Diyos na dito ay dapat matugma ang kakayahan.
3. Ang Diyos ay nakikipagtulungan doon sa mga nangangasiwa ng ministeryo. Sinabi ni Pablo:
Ano nga si Apollos? At ano si Pablo? Mga
ninistro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawat isa ayon
sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya.
Ako ang nagtanim, si Apollos
ang nagdilig; ngunit ang Diyos ang siyang nagpalago.
(I Corinto 3:5-6)
4.
Binibigyang diin ng Binibigyang
diin ng espirituwal na
makasanglibutang pangangasiwa: pangangasiwa:
Salapi Ministeryo
Nagawa Panalangin
Katotohanan Pananampalataya
Pagiging magaling Pagpahid
Mga alituntunin Pagibig
Kakayahan Salita ng Diyos
Personalidad Paguugali
Katalinuhan Kondisyong espirituwal
Maniobra Direksyon
Mga gawain Mga kaugnayan
Sariling kalooban Pagsunod
Paligsahan Pagtutulungan
5. Pag-aralan ang listahan ng pananagutan ng pangangasiwa para sa lahat ng mananampalataya. Nananagot tayo sa:
a. Nilalang ng Diyos Genesis 1:26-28
b. Mga hiwaga ng Diyos I Corinto 4:1
c. Mensahe ng Ebanghelyo I Tesalonica 2:4
d. Mga kaloob na espirituwal I Pedro 4:10
e. Kapatawaran Mateo 6:12; 18:21-22
f. Pagibig I Juan 4:7-8
g. Isip Filipos 4:8
h. Kapangyarihan Gawa 1:8
i. Panahon Efeso 5:15-16
j. Pananaw I Samuel 16:7
k. Saloobin Filipos 2:2
l. Pananampalataya Santiago 2:14-17
m. Salapi II Corinto 9:6-11
n. Papuri Hebreo 12:15-16
o. Ministeryo Galacia 6:2
p. Katawan Roma 12:1
q. Paguugali Tito 1:7-9
r. Pamilya I Timoteo 3:4-5, 12; 5:8
IKALAWANG KABANATA
MGA KATUNGKULAN NG PANGUNGUNA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging
mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga
iba’y pastor at mga guro.
(Efeso 4:11)
PAMBUNGAD
Ang Iglesia ang kasangkapan ng Diyos na Kaniyang ginagamit upang ihayag ang Kaniyang sarili sa sanglibutan. Sa araling ito ay iyong matututuhan ang tungkol sa mga tagapanguna na itinalaga ng Diyos sa Iglesia. Matututuhan mo rin ang ibang mga katungkulan ng pangunguna na sumibol dahil sa mga praktikal na pangangailangan sa iglesia lokal.
Nagbibigay ang Diyos ng mga tiyak na mga katangian na dapat matagpo noong mga lalagay sa mag katungkulan ng pangunguna na tinalakay sa araling ito. Pag-aaralan mo ang tungkol sa mga katangian sa Ika-apat na Kabanata.
MGA TANGING PANUNUNGKULAN SA PANGUNGUNA
MGA KATUNGKULAN:
Tinukoy ng Biblia ang limang mga tanging katungkulan ng pangunguna na itinalaga ng Diyos sa Iglesia:
At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging
mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga
iba’y pastor at mga guro.
(Efeso 4:11)
Ang Diyos ang nagtalaga ng mga katungkulan ng pangungunang ito sa Iglesia. Sangkot dito ang isang tanging pagkatawag ng Diyos at mga tanging kaloob na espirituwal. Hindi ka dapat maglingkod sa mga katungkulang ito dahil lamang na ikaw ay hinilingan o kaya ay nais mo lamang. Dapat ay tinawag ka ng Diyos at sinangkapan ng mga angkop na mga kaloob na espirituwal.
ANG KANILANG MGA GAWAIN:
Narito ang maikling buod ng mga gawain ng limang mga tanging katungkulan ng pangunguna:
Apostol: Ang isang apostol ay isa na may tanging kakayahan na magtatag ng mga bagong iglesia sa ibat-ibang mga dako at pangunahan ang mga iglesiang ito bilang tagapamahala. Ang ibig sabihin ng apostol ay “isang delegado, isa na sinugo na may lubos na kapangyarihan at kapamahalaan na gumawa para sa nagsugo sa kaniya.” Ang apostol ay may tanging kapamahalaan o kakayahan na palaganapin ang Ebanghelyo sa buong daigdig sa pamamagitan ng pagpapalago sa mga itinatag na kapulungan ng mga mananampalataya. Ang makabagong salita na ginagamit para sa apostol ay “misyonero” at “church planter.” Si Apostol Pablo ay isa sa mga pinakadakilang halimbawa ng isang apostol.
Propeta: Ang isang propeta ay yaong nagsasalita sa ilalim ng pagkasi ng Diyos at may katungkulan ng kapamahalaan sa Iglesia. Ang isang propeta ay may kakayahang tumanggap at maghatid ng mensahe ng Diyos para sa Kaniyang bayan sa pamamagitan ng may makalangit na pahid na pagsasalita. Si Agabus ay isang magandang halimbawa ng isang propeta sa Bagong Tipan. Tingnan ang Gawa 21:11
Ebanghelista: Ang isang ebanghelista ay may tanging kakayahan na ibahagi ang Ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya sa isang paraan na ang mga lalake at babae ay tumutugon at nagiging mga responsableng mg kaanib ng Katawan ni Cristo. Ang kahulugan ng salitang “ebanghelista” ay “isang nagdadala ng mabuting balita.” Si Felipe ay isang mabuting halimbawa ng isang ebanghelista. Tingnan ang Gawa 21:8 at kabanata 8.
Pastor: Ang ibig sabihin ng salitang “pastor” ay tagapagalaga ng tupa. Ang mga pastor ay mga tagapanguna na may matagalang personal na pananagutan para sa kapakanang espirituwal ng isang grupo ng mga mananampalataya.
Guro: Ang mga guro ay mga mananampaltaya na may tanging kakayahang ihatid ang Salita ng Diyos sa mabisang paraan na ang iba ay natututo at naisasagawa ang naituro sa kanila.
ANG KANILANG LAYUNIN:
Ang mga tanging katungkulang ito ay natatag upang matupad ang mga sumusunod na mga layunin:
Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing
paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:
Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at
ang pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang
sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:
Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito’t doon at
sinasala sa magkabi-kabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng daya
ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng
mga bagay sa Kaniya, na Siyang pangulo, sa makatuwid baga’y si Cristo.
(Efeso 4:12-15)
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng mga layuning ito:
Ang Diyos
׀
ay nagbibigay
׀
________________________________________
׀ ׀ ׀ ׀ ׀
Mga
Apostol Mga Propeta Mga Ebanghelista Mga Pastor Mga Guro
׀
para
׀
Sa Ikasasakdal Ng Mga Banal
׀
na siyang
׀
___________________________
׀
׀
Maglilingkod Magpapatibay
׀
magbubunga ng
׀
________________________________________
׀ ׀ ׀
Pagkakaisa Kaalaman Kasakdalan
׀
upang ang Katawan ni Cristo ay
׀
________________________________________
׀ ׀
Hindi Na Tulad Ng Bata Lumago
sa Kaniya
(maling doktrina) (Katotohanan)
WAKAS NA BUNGA: Mabisang
Pagkilos Ng Lahat Ng Mga Bahagi Ng Katawan Sa Pagibig
PAANO SILA MAGKASAMANG GUMAGAWA:
Ang limang mga tanging katungkulan ng pangunguna ay magkakasamang gumagawa sa ministeryo ng Iglesia.
Ang Apostol: ay nagpapalaganap ng Ebanghelyo sa mga bagong dako upang magtayo ng mga bagong iglesia.
Ang Ebanghelista: ay naghahatid ng Ebanghelyo sa isang paraan na ang mga hindi mananampalataya ay tumutugon at nadadagdag sa iglesia.
Ang Propeta: ay nagbibigay ng mga tanging mensahe mula sa Diyos para sa Iglesia sa pamamagitan ng pagkasi ng Espiritu Santo.
Mga Guro: ay nagkakaloob ng mga pagtuturo na higit pa sa paghahayag ng Ebanghelyo na ginagawa ng ebanghelista. Inaakay nila ang mga bagong hikayat tungo sa paglago at sinasanay ang mga tapat na mga tao na may kakayahang magturo.
Mga Pastor: ay may mga matagalang pangunguna at pagkakalinga sa Iglesia.
MGA KALOOB NA ESPIRITUWAL SA PANGUNGUNA
Hindi lamang ang limang mga tanging kaloob ng pangunguna ang tanging katungkulan ng pangunguna sa Iglesia. Bawat mananampalataya ay may gawain sa iglesia:
Datapuwat ngayo’y inilagay ng Diyos ang
bawat isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa Kaniyang minagaling. (I Corinto 12:18)
Bawat mananampalataya ay may hindi kukulangin sa isang kaloob na espirituwal. Ang kaniyang kaloob na espirituwal ang nagbibigay sa kaniya ng kakayahan na gampanan ang kaniyang gawain sa Katawan:
Datapuwat ang lahat ng ito (mga Espirituwal
na kaloob) ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawat
isa ayon sa Kaniyang ibig.
(I Corinto 12:11)
Nabanggit na natin ang tanging kaloob ng pangunguna na apostol, propeta, ebanghelista, pastor at guro. Narito pa ang listahan ng ibang mga kaloob ng Espiritu Santo na ibinibigay sa mga mananampalataya:
Mga Kaloob Ng Pagsasalita: Panghuhula, pagtuturo, pangangaral, salita ng karunungan, at salita ng kaalaman.
Mga Kaloob Ng Paglilingkod: Paglilingkod, tulong, pangunguna, pamamahala, pagkakaloob, pagpapakita ng kahabagan, pagkilala sa mga espiritu, pananampalataya, at pagpapatuloy.
Mga Kaloob ng Mga Tanda: Mga wika, pagpapaliwanag ng mga wika, mga himala, at pagpapagaling.
Ang mga reperensya sa Biblia na tumutukoy sa mga kaloob na ito ay:
-Roma 12:1-8
-I Corinto 12:1-31
-Efeso 4:1-16
-I Pedro 4:7-11
Tinatalakay na detalyado ng kursong “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo,” ng Harvestime International Institute ang mga kaloob na espirituwal na ito. Nagbibigay din ng panuntunan upang matuklasan mo ang iyong kaloob na espirituwal.
MAHALAGANG MGA KALOOB PARA SA MGA TAGAPANGASIWA
Dalawa sa mga kaloob na espirituwal na ito, yaong pangunguna at pamamahala, ay mahalaga lalo na sa mga tagapangasiwa. Ang kaloob ng pangunguna ay kinilala sa Roma 12:8 bilang isa na “nagpupuno” o nangunguna. Ang tao na may kaloob ng pangunguna ay may kakayahan na magtatag ng mga plano na kaisa ng layunin ng Diyos at inihahatid ang mga hangaring ito sa iba. Kaniyang inuudyukan ang iba na tuparin ang mga hangarin para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Sa I Corinto 12:28, ang kaloob ay tinawag na pamamahala. Ang taong may kaloob na ganito ay may kakayahang magbigay ng direksyon, magtatag, at gumawa ng pagpapasiya para sa iba. Ang kahulugan ng salitang “pamamahala” ay tulad sa isang piloto ng barko. Ang isang tao na may ganitong kaloob ay responsible para sa direksyon at pagpapasiya. Tulad ng piloto ng isang barko, maaaring hindi siya ang mayari ng barko, ngunit ipinagkatiwala sa kaniya ang pananagutan ng pagpapatakbo ng barko sa kaniyang paglalayag.
Si Tito ay isang halimbawa sa Biblia ng isang taong may kaloob ng pamamahala. Si Apostol Pablo ay nagsimula ng isang iglesia sa Creta. Si Tito ang siyang nagtatag at nagayos para sa kaniya:
Kay Tito na aking tunay na anak… Dahil
dito’y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at
maghalal ng mga matanda sa bawat bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo. (Tito 1:5)
Ang mga kaloob ng pangunguna at pamamahala ay magkasamang gumagawa. Ang isang taong may kaloob ng pamamahala ay may kakayahan na manguna, magtatag, at gumawa ng pagpapasiya. Ang taong may kaloob ng pangunguna ay may kakayahan na himukin at gumawang kasama ng mga tao upang makamit ang mga hangarin.
BAWAT ISA AY MAAARING MAGLINGKOD
Ang pangunguna ay hindi lamang para sa mga mananampalataya na mayroon nitong dalawang kaloob o ng limang mga tanging katungkulan ng pangunguna. Ang mga mananampalataya na may ibang mga kaloob na espirituwal ay maaaring hilingan ng mga tagapanguna sa Iglesia na maglingkod sa ibat-ibang mga katungkulan ng pangunguna.
Halimbawa, ang isang tao na may kaloob ng pagkakaloob ay maaaring hilingin na manguna sa isang komite sa pananalapi ng iglesia. Ang isang tao na may kaloob ng pagpapagaling ay maaaring hilingin na manguna sa isang grupo ng mananampalataya sa ministeryo sa mga maysakit sa isang ospital.
Maraming mga pagkakataon para sa pangunguna ang napapaloob sa gawain ng ministeryo kaya ibinigay ang mga kaloob na espirituwal. Kahit wala sa kaniya ang isa sa mga kaloob ng pangunguna, ang isang mananampalataya ay maaaring maging isang tagapanguna sa pamamagitan ng wastong pagpapalago ng kaloob na espirituwal na mayroon siya.
ANG IBANG MGA KATUNGKULAN SA BIBLIA
May mga ibang katungkulan ng pangunguna na nabanggit sa Biblia na hindi mga kaloob na espirituwal. Sila ay mga “panunungkulan” na natatag dahil sa mga pangangailangang praktikal ng Iglesia.
Ang mga panunungkulan ng diakono, elder, at obispo ay nabanggit sa Bagong Tipan. (Ang isang obispo ay itinuring ng ilang mga tao na tulad ng isang pastor. Ibang katungkulan naman ang pagtuturing dito ng ibang tao.)
Ang tala ng unang Iglesia ay naingatan ng Diyos bilang halimbawa para ating sundan sa straktura ng Iglesia. Ang mga katungkulang ito ay maaari ding umiral sa Iglesia ngayon.
Ang layunin ng mga katungkulang ito ay upang tulungan ang mga may kaloob na espirituwal ng pangunguna tulad ng mga apostol, mga propeta, mga ebanghelista, mga pastor, mga guro at yaong may mga kaloob ng pangunguna at pamamahala. Gamitin ang sumusunod na balangkas sa pag-aaral ng mga katungkulang ito:
Katungkulan Reperensya Mga Gawain
Obispo I Timoteo 3:1-7 Marami ang nagtuturing na ang obispo ay
Filipos 1:1 tulad ng pastor.
Tito 1:5-9 Mayroon siyang mahabang pagaalaga sa
isang grupo ng mananampalataya.
I Pedro 5:2-3
Diakono I Timoteo 3:8-13 Ang mga talatang ito ay nagpapakita na ang
Filipos 1:1 mga diakono ay may ministeryo ng
Gawa 16:1-2 paglilingkod at pagtulong.
Diakonisa I Timoteo 3:11 Hindi tiyak na nabanggit ang mga diakonisa
Roma 16:1-2 sa Biblia. Ang ibang mga iglesia ay ginamit
ang salitang ito para sa mga maybahay ng mga diakono o ibang mga babae na naglilingkod o tumutulong.
Matatanda/Elders Gawa 20:117, 28-32 Ang mga talatang ito ay nagpapakita na ang
Gawa 14:23; 15 mga elders ay may pangunguna sa mga pag-
Gawa 16:4; 11:30 papasiya, paglilingkod sa mga panganga-
I Timoteo 5:17 ilangan ng mga mananampalataya, at may
I Pedro 5:1-4 tulong na bigay sa pagpapalago at pagka-
Tito 1:5 kalinga ng mga iglesia lokal.
Santiago 5:14
MGA PRAKTIKAL NA KATUNGKULAN NG PANGUNGUNA
Sa paglipas ng mga taon, maraming mga ibang katungkulan ng pangunguna ang sumibol upang matagpo ang mga pangangailangan na praktikal at ng organisasyon ng Iglesia. Ang mga katungkulang ito ay hindi nabanggit sa Biblia, ngunit ito ay mahalaga sa ministeryo ng iglesia lokal. Isang bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ay inilista ang ilan sa mga katungkulang ito.
STRAKTURA NG IGLESIA
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita kung paanong ang mga kaloob ng pangunguna na iyong pinag-aralan ay tumutugma sa straktura ng Iglesia:
ANG IGLESIA
׀
Mga Tanging Kaloob Ng Pangunguna:
׀
Mga Apostol
Mga Propeta
Mga Ebanghelista
Mga Pastor
Mga Guro
׀
Tinutulungan ng mga kaloob ng pamamahala, pangunguna, mga obispo, mga diakono, mga elders, at ang bawat isang kaanib ng katawan na ginagamit ang kanilang kaloob na
Espirituwal sa mga lugar na pinaglagyan sa kanila ng Diyos.
׀
Ang Pundasyon na
inilagay ng mga Apostle at mga Propeta Efeso 2:20
׀
ITINAYO SA IBABAW NG BATO, SI JESU-CRISTO
Mateo 16:18 I Corinto 3:11 Efeso 2:20
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Tingnan ang listahan ng mga katungkulan sa Unang Listahan. Basahin ang mga kahulugan sa Ikalawang Listahan. Isulat ang numero ng kahulugan na pinakamalapit na naglalarawan sa katungkulan ng pangunguna sa puwang. Ginawa ang una bilang halimbawa para iyong sundan.
Unang Listahan Ikalawang
Listahan
__2__ Propeta 1. Isinugo na may kapamahalaan upang gumawa para sa iba sa pagtatatag
ng mga bagong iglesia at pamahalaan ito.
____ Apostol 2. Nagsasalita na may tanging pahid upang ihatid ang isang mensahe ng
Diyos sa Kaniyang bayan, ito ay isa ring katungkulan ng pangunguna.
____ Pastor 3. Ibinabahagi ang Ebanghelyo sa mga hindi mananampalataya sa isang
paraan na sila ay tumutugon at nagiging responsableng mga kaanib ng Katawan ni Cristo; “isa na nagdadala ng mabuting balita.”
____Ebanghelista 4. May matagalang pangunguna para sa kapakanang espirituwal ng mga
mananampalataya; ang ibig sabihin ng salita ay “tagapagalaga ng tupa.”
____ Guro 5. Inihahatid ang Salita ng Diyos sa isang paraan na ang iba ay natututo at
nagagamit ang natutuhan; isa ring katungkulan ng pangunguna.
____ Pangunguna 6. Hinihimok ang mga tao na abutin ang mga hangarin.
____ Pamamahala 7. Tulad ng isang piloto ng barko; nagbibigay ng direksyon.
3. Ilista ang tatlong mga katungkulan ng pangunguna sa Biblia na tinalakay sa araling ito.
____________________ ______________________________ ________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Narito ang listahan ng iba pang mga katungkulan ng pangunguna sa Iglesia lokal:
MINISTERYO NG PANALANGIN AT PAGPAPAGALING:
-panalangin ng pamamagitan
-pagpapahid ng langis
-panalangin at kapihan
-mga grupo ng panalangin
-pagdalaw sa mga ospital
-pananalangin sa telepono
-walang patid na panalangin tulad ng tanikala
-pananalangin na may pagpapayo
MINISTERYONG PRAKTIKAL:
-pagtulong sa opisina
-kalihim ng iglesia
-paghahanda ng ipadadala sa koreo
-pagtulong sa kusina ng iglesia
-pagaalaga sa mga bata
-paglilinis
-pagkukumpuni
-pagtitinda
-pagsusulat
-paghahanda ng santa cena
-pagkalinga sa mga bata
-pagtulong pananalapi
-ministeryo ng tape
-pagtawag sa telepono
-pagtulong sa palistahan
-pagpapatalastas
-paggawa ng mga regalo
-palakasan
-ushering
-kasal
-pagtahi ng choir robes
-pageestima
-ingat-yaman
-mga pagawain
-gawain ng paligsahan
-paghahanda ng mga ibabalita
MINISTERYO NG PAGTUTURO:
-tagapagturo ng Biblia
-tagapanguna
-ministeryo ng kabataan
-tagapagsalita sa retreat
-pagsasaliksik
-aklatan ng iglesia
-tagapanguna ng seminar
-klase ng matatanda
-ministeryo sa mga bata
-tumutulong sa mga nahikayat
-tagapagturo ng Sunday School
-tagapagturo sa Bible school
-pag-tutor
-pagtuturo sa mga bagong mananampalataya
MINISTERYO NG PAGPAPAYO:
-pagpapayo at panalangin
-pagpapayo sa pagaasawa
-pagpapayo sa kabataan
-pagpapayo sa mga buntis
-pagpapalakas sa iba
-pagdadalaw sa bahay
-pagdadalaw sa ospital
-paglutas ng problema
-pagsubaybay
-tulong sa mga dumaraan sa krisis
-pagpapayo sa telepono
MINISTERYO NG PAGHAYO:
-panghihikayat ng mga bata
-ministeryo na gamit ang bus
-drama
-ministeryo sa high school
-mga usaping politikal
-pagmi-misyon
-krusada
-mga programa sa tv/radio
-pagsaksi sa kalye
-ministeryo sa kolehiyo
-sentro ng panghihikayat
-coffeehouse
-ministeryo sa kalalakihan/kababaihan
-pagsaksi sa bahay-bahay
-pagaaral ng Biblia kung bakasyon
-pamimigay ng babasahin
MINISTERYO NG PANGUNGUNA:
-pagtatatag
-superintendente ng Sunday School o departamento
-pagpa-plano
-tagapanguna sa mga gawain sa bahay
-coordinator ng misyon
-tagapanguna
-tagapanguna ng komite
-direktor ng Christian education
-taga-pamahala sa iglesia
MINISTERYO NG PAGKAKALINGA:
-pagaasikaso
-pagpapakain
-pagdalaw sa ospital
-pagkalinga sa mga bisita
-damit para sa nangangailangan
-pagaalaga sa matatanda
-pagbibigay aliw
-pagdalawa sa bilangguan
-pagtulong sa matatanda
-mga sasakyan
-pagaalaga sa mga bata
-ministeryo sa telepono
-misyon
-ministeryo sa kalye
-sentro ng krisis
-tumutulong sa mga may diperensya
-tumutulong sa mga inabusong tao
-tulong sa mga may kapansanan
-tulong sa nangangailangan
-ministeryo sa disgrasyadang dalaga
IBA PANG MINISTERYO:
-musika
-choir
-pagtugtog ng piano
-pagbasa sa ma-dramang paraan
-grupo ng musika
-gawain ng pagsasalin
-drama
-pangunguna sa pagsamba
-pagtugtog ng organ
-puppets
-pagsasalin
-bulletin board
-pagsulat at pagsusuri ng mga sulating Cristiano
-pagsulat ng awit
-orkestra ng iglesia
-banda sa iglesia
-pagaayos sa iglesia para sa mga tanging okasyon
-sining
IKA-TATLONG KABANATA
MGA KATANGIAN NG MGA TAGAPANGUNA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Ngunit ang sungay ko’y iyong pinataas na
parang sungay ng mailap na toro: Ako’y napahiran ng bagong langis. (Awit 92:10)
PAMBUNGAD
Nais ng Panginoon na maging matagumpay ang mga tagapanguna at magkaroon ito ng bisa sa Kaharian ng Diyos. Paano ka magiging gayong uri ng tagapanguna? Ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga larangang praktikal at ang karaniwang gawain ng isang tagapanguna ay tutulong upang ikaw ay maging isang matagumpay na tagapanguna. Mayroon din mga katangiang ayon sa Biblia na kakailanganin ang mga tagapanguna. Mga kaloob na espirituwal, kakayahan, edukasyon, at karanasan ay mahalaga rin. Matututuhan mo ito sa araling ito.
Ngunit ang pinakamahalaga sa isang tagapanguna ay ang pagkakaroon ng pahid ng Espiritu Santo. Kung walang pagpapahid ng Diyos hindi ka mabisang makakapanguna, makapagtatatag, magpakilos, o mag-ebanghelyo. Nakatuon ang kabanatang ito sa pagpapahid ng Espiritu Santo na kailangan para doon sa mga tinawag at pinili ng Diyos upang manguna.
PAGPAPAHID
Ang ibig sabihin ng “pagpapahid” ay italaga ang isang tao o bagay sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis. Ang langis ay simbulo ng Espiritu Santo.
ANG PINAHIRAN
Sa Griego, ang ibig sabihin ng pangalang “Cristo” ay “ang pinahiran.” Sinimulan ni Jesus ang Kaniyang ministeryo sa lupa sa pamamagitan ng paghahayag na:
Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon,
sapagkat Ako’y pinahiran Niya…
(Lucas 4:18)
Nilinaw ni Jesus na sa pamamagitan ng pagpapahid ng Espiritu Santo nagawa Niya ang…
…upang ipangaral ang mabubuting balita sa
mga dukha… itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita,
upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi… upang itanyag ang kaayaayang taon ng
Panginoon. (Lucas 4:18-19)
Kung kailangan ni Jesus na mapahiran upang mag-ministeryo, kailangan din natin ito.
ANG TATLONG PAGPAPAHID
May tatlong uri ng pagpapahid na nabanggit sa Lumang Tipan. Ang mga ito ay halimbawa ng mga karanasang espirituwal na nais ng Diyos na maranasan ng mga tagapanguna:
ANG PAGPAPAHID SA KETONGIN: KAUGNAYAN
Ang ketong ay isang kinatatakutang sakit na unti-unting umuubos sa laman ng biktima. Ang daliri sa paa, daliri sa kamay at ilang pang mga bahagi ng katawan ay hindi nagtatagal at nauupod na rin.
Sa panahon ng Lumang Tipan, ang isang tao na may ketong ay tinatawag na ketongin. Pinagbabawalan ang mga ketongin na makisalamuha sa lipunan sapagkat mabilis makahawa ang sakit na ito. Upang maiwasan na ang iba ay mahawa, kailangang sumigaw ang ketongin na “marumi” saan man siya pumaroon. Unti-unting uubusin ng ketong ang kaniyang katawan at hindi magtatagal at magiging masakit ang kaniyang kamatayan.
Sa Biblia, ginagamit ng Diyos ang mga likas na halimbawa upang ilarawan ang mga katotohanang espirituwal. Ang ketong ay ginamit bilang halimbawa ng kasalanan. Kung paanong sinisira ng ketong ang katawan, sisirain ng kasalanan ang iyong espiritu at sisirain nito ang iyong ministeryo.
Sa kautusan ng Lumang Tipan, nagbigay ang Diyos ng maliwanag na mga alituntunin sa paglilinis ng isang tao na may ketong. Basahin ito sa Levitico 14 sa iyong Biblia bago ka magpatuloy sa araling ito. Bawat isa sa mga alituntunin na iyong nabasa ay simbulo ng paglilinis na espirituwal na dapat mong maranasan.
Isang Ibon Na Nagdadala Ng bigat Ng Kasalanan: Ito ay simbulo ng pagbubuhos ni Jesus ng Kaniyang dugo upang alisin ang iyong kasalanan.
Pagsisisi At Paghahayag: Ito ang dapat mong gawin upang ipanganak na muli at malinis mula sa kasalanan.
Umaagos Na Tubig: Ito ay simbulo ng bautismo sa tubig.
Ang Langis Na Ipapahid: Ito ay simbulo ng gawa ng Espiritu Santo sa iyong buhay. Pansinin na ang langis ay ipapahid sa tenga, hinlalaki sa kamay at hinalalaki sa paa ng ketongin. Kung itutugma sa pangunguna, kailangang maranasan natin ang katulad na espirituwal na pagpapahid ng…
Ang Tenga: Upang marinig ang tinig ng Diyos.
Ang Kamay: upang makapaglingkod sa Kaniya.
Ang Hinlalaki: Upang makalakad sa isang wastong kaugnayan sa Kaniya.
Ang pinakamahalagang pagpapahid sa isang tagapanguna ay ang pagpapahid sa ketongin sapagkat ito ay simbulo ng isang personal na kaugnayan. Dapat ang iyong sariling kaugnayan sa Diyos ay wasto kung ikaw ay mangunguna sa iba. Dapat kang ipinanganak na muli, marinig ang tinig ng Diyos, maglingkod sa Kaniya, at lumakad na may wastong kaugnayan sa Kaniya.
ANG PAGPAPAHID NG SASERDOTE: KABANALAN
Kailangang maranasan ng tagapanguna ang pagpapahid ng saserdote. Basahin ito sa Exodo 29 at 30 at sa Levitico 8 bago magpatuloy sa araling ito. Ang pagpapahid sa saserdote ay isang pagpapahid para sa kabanalan, pagbubukod para sa Diyos para sa paglilingkod sa Kaniya sa pamamagitan ng wastong pamumuhay at paguugali.
Sa panahon ng Lumang Tipan, maraming hindi maaaring gawin ang isang saserdote dahil sa kabanalan ng kaniyang katungkulan. Dahil sa tanging pagpapahid upang manguna, ang ilang mga bagay ay magdudulot na karumihan sa isang saserdote na hindi naman magdudulot ng karumihan sa ibang mga kaanib ng kapulungan ng Israel.
Bilang isang tagapanguna, dapat mong maranasan ang pagpapahid ng kabanalan ng saserdote at maibukod para sa paglilingkod sa Diyos. Dapat kang mamuhay na kaisa ng Salita ng Diyos. May mga bagay na hindi mo magagawa dahil sa kabanalan ng iyong katungkulan. Dahil sa iyong tanging pagpapahid upang pangunahan ang iba, may mga bagay na magdudulot ng karumihan sa iyo bagamat sa iba ay hindi.
ANG PAGPAPAHID NG TAGAPANGUNA: KATUNGKULAN AT KAPANGYARIHAN
Ang pangatlong uri ng pagpapahid sa Lumang Tipan ay ang pagpapahid sa tagapanguna. Ito ay pagpapahid para doon sa mga gagabay sa bayan ng Diyos bilang mga tagapanguna, tulad ng mga hari, mga propeta, mga kapitan, at iba pa. Ang pagpapahid sa isang tagapanguna ay itinatatag ang isang tagapanguna sa bigay ng Diyos na katungkulan at binibigyan siya ng kapangyarihan na tuparin ang katungkulang yaon.
Halimbawa, ang pagpapahid ni Saul ay para sa katungkulan bilang kapitan ng bayan ng Diyos:
Nang magkagayo’y kinuha ni Samuel ang
sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi,
Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka
sa kaniyang mana? (I Samuel 10:1)
Ang pagpapahid kay David ay natala sa I Samuel 16. Ang bahaging ito ay nililinaw na ang kapangyarihan ng Panginoon ay dumating kay David dahil sa pagpapahid:
At siya’y (ama ni David) nagsugo, at
sinundo siya (si David) roon. Siya nga’y may mapulang pisngi, may magandang
bikas, at mabuting anyo. At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya
ng langis, sapagkat ito nga.
Nang magkagayo’y kinuha ni Samuel ang
sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid; at ang
Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon
hanggang sa haharapin.
(I Samuel 16:12-13)
Ang pagpapahid ng isang tagapanguna ay upang bigyan ng kapangyarihan at kapamahalaan ang katungkulan. Sa pamamagitan ng pagpapahid na ito, dumarating ang pagpapahid ng Diyos sa isang tao upang wasto niyang mapangunahan ang bayan ng Diyos. Nangako ang Bagong Tipan na ang pagpapahid na ito ng kapangyarihan ay nasumpungan sa Gawa 1:8.
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, hanggang sa kahulihilihang
hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Ang katuparan ng pangakong ito ay natala sa Gawa 2. Ang Bautismo ng Espiritu Santo ay ang katuparan sa Bagong Tipan ng pagpapahid sa tagapanguna ng kapangyarihan.
Ang pagpapahid sa katungkulan sa Bagong Tipan ay inilarawan sa Efeso:
At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging
mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga
iba’y pastor at mga guro.
(Efeso 4:11)
Pinahiran ng Diyos ang ilang mga tao para sa katungkulan ng pangunguna sa Iglesia at nagkaloob ng pagpapahid ng kapangyarihan upang may kakayahan nilang matupad ang kanilang mga tawag.
ANG PAGPAPAHID AY MULA SA DIYOS
Ang tatlong pagapapahid na ito, na simbulo ng dapat maranasan ng mga tagapanguna, ay mula lahat sa Diyos. Ng pahiran ni Samuel si Saul, sinabi niya, “Pinahiran ka ng Panginoon…” (I Samuel 10:1; 15:17). Nang ihayag ni Jesus ang Kaniyang pagpapahid, sinabi Niya, “Pinahiran Ako ng Panginoon” (Lucas 4:18. tingnan din ang Gawa 10:38). Ang Diyos ang nagtitindig ng pinahiran. Sinabi ng Diyos kay Samuel:
At Ako’y magbabangon para sa Akin ng isang
tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa Aking puso at nasa Aking pagiisip… at
siya’y lalakad sa harap ng Aking pinahiran ng langis, magpakailan man. (I Samuel 2:35)
Hindi mo mararanasan ang pagpapahid sa pamamagitan ng ordinasyon ng isang samahan o denominasyon (bagamat wala namang mali sa paggawa nito). Ang pagpapahid para sa pangunguna ay mula sa Diyos:
Ang pagkapahid na sa
Kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo…
(I Juan 2:27)
Si Esteban ay inordinahan ng tao bilang diakono. Pinahiran siya ng Diyos bilang isang ebanghelista (Gawa 6) Ang pagapapahid ng Diyos, hindi ng tao ang pinakamahalaga.
ANG BATAYAN NG PAGPAPAHID
Ano ang batayan ng Diyos sa pagbibigay ng pagpapahid? Ang Diyos ay hindi nagpapahid batay sa katalinuhan, edukasyon, karanasan, o kakayahan. Ang pagpapahid ay hindi batay sa panglabas na kaanyuan. Ito ay nakabatay sa saloobin ng puso.
Nang si Samuel ay magtungo sa bahay ni Jesse upang pahiran ang isang bagong hari, ang hinahanap niya ay isang lalaking may magandang kaanyuang panlabas:
At nangyari, nang sila’y dumating na siya’y
(si Samuel) tumingin kay Eliab, at nagsabi, Tunay na ang pinahiran ng Panginoon
ay nasa harap Niya.
Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel,
Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan;
sapagkat Aking itinakwil siya: sapagkat hindi tumitingan ang Panginoon na gaya ng
pagtingin ng tao: sapagkat ang tao ay tumitingin sa mukha, ngunit ang Panginoon
ay tumitingin sa puso.
(I Samuel 16:6-7)
Pinahiran ng Diyos si David dahil sa saloobin at kalagayan ng kaniyang puso. Ang tinitingnan ng Diyos ay kung ano ang nasa iyong kalooban.
MGA LAYUNIN NG PAGPAPAHID
Narito ang ilang mga layunin ng pagpapahid:
TUPARIN ANG MGA LAYUNIN NG DIYOS:
Ang pagpapahid ay ibinigay sa mga tagapanguna upang bigyan sila ng kakayahan na tuparin ang layunin ng Diyos. Nilinaw ito ni Jesus:
Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat Ako’y pinahiran Niya
upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo Niya upang itanyag
sa mga bihag ang pagkaligtas, at sa mga bulag ang pagkakita, upang bigyan ng
kalayaan ang nangaaapi.
(Lucas 4:18)
MAGBIGAY NG KARUNUNGAN UPANG MANGUNA:
Ang pagpapahid ang nagbibigay sa iyo ng karunungan upang pangunahan ang iba sa halip na kailanganin na pangunahan:
Ang pagkapahid na sa Kaniya’y inyong
tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo’y turuan ng
sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng Kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang
totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo/y tinuruan nito, ay gayon
kayong nananahan sa Kaniya. (I Juan 2:27)
SIRAIN ANG PAMATOK:
Ang pagpapahid ang sumisira sa pamatok na espirituwal na bumihag sa mga lalake at babae na iyong pinaglilingkuran. Inilahad ng Biblia na may tatlong uri ng pamatok:
1. May pamatok ng kasalanan:
Ako ang Panginoon ninyong Diyos, na
naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang huwag kayong maging mga alipin
nila; at sinira Ko ang mga kahoy ng inyong pamatok, at pinalakad Ko kayo ng mga
ulong matuwid. (Levitico 26:13)
2. May pamatok na nagpapanatili sa mga tao sa pagkabihag sa “laman” o “sarili,” na siyang lumang likas ng kasalanan:
Sapagkat ang ginagawa ko’y hindi ko
nalalaman: sapagkat ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwat ang
kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko. (Roma 7:15)
3. May pamatok ng tao na pagbihag na inilagay ng ibang tao sa iyo. Kabilang sa pamatok na ito ang pagkadama ng pagkakasala, tradisyon, o imposibleng mga pamantayan ng paguugali na ipinilit ng iba:
Oo, sila’y nagbibigkis ng mabibigat na
pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao;
datapuwat ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. (Mateo 23:4)
Sinisira ng pagpapahid ang lahat ng mga pamatok na ito:
…at ang Kaniyang
ipinasan sa iyong leeg… ay malalagpak dahil sa pinahiran.
(Isaias 10:27)
Hindi masisira ng malalim na mga pagtuturo ang mga pamatok na ito. Hindi rin ito masisira ng edukasyon, pagpapayo, o organisasyon. Ang mga ito ay sisirain ng pagpapahid ng Diyos sa mga tagapanguna na alam kung paano dalhin ang mensahe ng pagliligtas sa kanila na nasa pagkabihag.
TIYAKIN ANG KATUNGKULAN:
Pinapahiran ng Diyos ang mga tao para sa mga tiyak na katungkulan at pagkatawag sa ministeryo. Halimbawa, ang katungkulan ng mga saserdote ay itinakda “sa pamamagitan ng pagpapahid” (Bilang 18:8).
Nilinaw ng Bagong Tipan na ang Diyos ay nagbibigay ng ibat-ibang mga kaloob na espirituwal at pagtawag sa mga mananampalataya. Dapat mong malaman ang personal mong tawag ng Diyos, ang iyong mga kaloob na espirituwal, at ang iyong tiyak na layunin sa plano ng Diyos upang makalakad ka sa pagpapahid ng Espiritu Santo. Kung sikapin mo na maglingkod sa isang katungkulan na hindi mo naman tawag o pinahiran, mahihirapan ka.
Dinadala tayo nito sa isa pang mahalagang isipan tungkol sa pagpapahid…
LUMAKAD SA IYONG SARILING PAGPAPAHID
Pinapahiran ng Diyos ang mga tao sa mga tiyak na espirituwal na mga katungkulan at pagkatawag. Maraming mga tagapanguna ay nabibigo sapagkat hindi nila kinikilala ang katotohanang ito. Ginagampanan nila ang mga ministeryo na hindi naman sila dito tinawag o pinahiran.
-Basahin ang Bilang 16. Nang si Korah at ang kaniyang mga tauhan ay nag-angkin
na mayroon din silang pagapahid na tulad ng kay Moises, pinatunayan ng Diyos na hindi ito totoo.
-Basahin ang Bilang 17. Pinatunayan ng Diyos na ang Kaniyang pagpapahid ay na kay Aaron sa isang tanging paraan.
-Basahin ang I Samuel 13:8-14. nang si Haring Saul ay nagpilit maglingkod sa isang katungkulan na hindi siya tumanggap ng pagpapahid, hinatulan siya at tinanggihan ng Diyos.
-Basahin ang Gawa 19:13-16. nang ang pitong anak ng saserdoteng si Sceva ay nagkunwang maglilingkod sa isang pagpapahid na wala naman sa kanila, naranasan nila ang kahirapan.
Maglingkod ka sa iyong sariling pahid o kaya ay hindi ka magiging mabisa at mararanasan mo ang malaking kahirapan sa ministeryo.
ASAHAN ANG PAGLABAN
Kung ikaw ay pinahiran ng Diyos maaasahan mo na may paglaban mula kay Satanas ang sa kaniyang mga pwersa, at mula rin sa mga masasamang tao:
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at
ang mga pinuno ay nagsasanggunian, laban sa Panginoon at sa Kaniyang pinahiran
ng langis… (Awit 2:2)
Na idinusta ng Iyong mga kaaway, O
Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng Iyong pinahiran ng langis. (Awit 89:51)
Nais ng mga likong mga pwersa na hadlangan ka sapagkat alam nila na ang isang pinahirang ministeryo ang nakatutupad sa mga layunin ng Diyos.
ANG SARIWANG PAGPAPAHID
Binanggit ni David ang tungkol sa “sariwang langis” na simbulo ng sariwa, at patuloy na pagpapahid ng Diyos:
Ngunit ang sungay ko’y iyong pinataas na
parang sungay ng mailap na toro: Ako’y napahiran ng bagong langis. (Awit 92:10)
Panatilihin mo ang isang sariwang pagpapahid ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pagkadanas ng tatlong uri ng pagpapahid na ating naunang pinag-aralan.
ANG PAGPAPAHID SA KETONGIN: KAUGNAYAN:
Hindi magiging sariwa ang iyong pagpapahid malibang ang sarili mong kaugnayan sa Diyos ay manatili. Dapat kang patuloy na kaugnay ng Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aaral ng Biblia upang marinig mo ang Kaniyang tinig, maglingkod sa Kaniya, at lumakad sa Kaniyang mga paraan. Ang paglilingkod sa katungkulan at kapangyarihan na walang kaugnayan ay magbubunga ng pagkawala ng iyong sariling karanasan at ang pagkatakwil.
Ngunit hinahampas ko ang aking katawan, at
aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay
ako rin ay itakwil. ( I Corinto 9:27)
Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin,
Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng Langit; kundi ang gumaganap ng
kalooban ng Aking Ama na nasa langit.
Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na
yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at
sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y
nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa
kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong
manggagawa ng katampalasanan.
(Mateo 7:21-23)
ANG PAGPAPAHID NG SASERDOTE: KABANALAN:
Dapat mong panatilihin ang isang buhay na may kabanalan upang maranasan mo ang sariwang pagpapahid ng Diyos sa iyong ministeryo. Dapat kang maging dalisay at maging isang tao na may katapatan sa lahat ng sangay ng iyong buhay at ministeryo.
ANG PAGPAPAHID NG TAGAPANGUNA: KATUNGKULAN AT KAPANGYARIHAN:
Dapat kang maglingkod sa katungkulan na itinawag sa iyo ng Diyos. Hindi mo dapat tularan ang mga ministeryo at tawag ng iba. Dapat mong maranasan ang patuloy na pagpuspos ng Espiritu Santo na tumitiyak ng kapangyarihang espirituwal para sa gawain na ibinigay sa iyo ng Diyos.
PAANO GAGAWANG MAGKAKASAMA
Ang tatlong pagpapahid ay magkakasamang gumagawa upang panatilihin ang sariwang pahid ng Diyos sa iyong buhay.
-Kung walang kaugnayan, hindi mo mararanasan ang kapangyarihan at hindi ka
makapamumuhay ng isang buhay na may kabanalan.
-Ang pagbibigay diin sa kabanalan na hiwalay sa kapangyarihan ay magbubunga ng
legalismo.
-Ang pagkakaroon ng kapangyarihan at katungkulan na walang buhay na may kabanalan
ang magdadala sa iyo sa isang kalagayan na pagkatapos mong maglingkod sa iba, ikaw naman ay itatakwil.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang ibig sabihin ng “pahiran”?
3. Ano ang sinisimbulo ng langis?
4. Ilista ang tatlong uri ng pagpapahid na tinalakay sa araling ito at ipaliwanag ang kahulugan ng bawat isa.
5. Sino ang pinagmumulan ng pagpapahid para sa ministeryo?
6. Talakayin ang mga layunin ng pagpapahid.
7. Ano ang batayan ng pagpapahid ng Diyos? Ito ba ay dahil sa edukasyon, karanasan, katalinuhan, at iba pa?
8. Ipaliwanag kung bakit ang mga hindi maka-Diyos na mga pwersa ay laban sa mga pinahiran ng Diyos?
9. Bakit mahalaga na doon ka lamang maglingkod sa katungkulan kung saan ka pinahiran ng Diyos?
10: Paano mo mapananatili ang sariwang pagpapahid ng Diyos sa iyong buhay at ministeryo?
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Pag-aralan ang tungkol sa kaugnayan ng Diyos sa mga pinahiran Niya:
-Nagbibigay ng pagliligtas at awa ang Diyos sa pinahiran: Awit 18:50
-Inililigtas at dinidinig Niya ang pinahiran: Awit 20:6
-Nakabaling ang tingin Niya sa mukha ng pinahiran: Awit 84:9
-Siya ang kalakasan ng mga pinahiran: Awit 28:8
-Nagbibigay siya ng kapahayagan sa mga pinahiran: Awit 132:17
-Nagpapahid ang Diyos upang putulin ang kaaway: II Cronica 22:7
2. Dagdag na pag-aralan ang mga pangkalahatang katotohanan tungkol sa pagpapahid:
-Unang pagkakataon na mabanggit ang pagpapahid: Genesis 31:13
-Ang pagpapahid ay kaugnay ng kagalakan at katuwiran: Awit 45:7; Hebreo 1:9
-Hindi napipigilan ng pansariling kahinaan ang pagpapahid: II Samuel 3:39
-Ang pagpapahid ay ginagamit sa pagpapagaling ng mga maysakit sa Marcos 6:13 at Santiago 5:14; sa bulag sa Juan 9:6; 11; at sa bulag na espirituwal sa Apocalipsis 3:8.
-Ang banal na langis ay ginamit sa panahon ng Lumang Tipan: Exodo 30:31
-Ang pagkakaisa ay itinulad sa pagpapahid: Awit 133:2
-Ang Salita ng Diyos ay pinahiran: Levitico 7:36
3. Natutuhan mo na kung paanong ang pagpapahid ay ginamit sa panahon ng Lumang Tipan sa mga ketongin, mga saserdote, at sa mga tagapanguna. Ginamit din ito upang pahiran ang:
-Mga handog: Exodo 29:36
-Ang mga nilalaman ng tabernakulo: Levitico 8, Bilang 7; Exodo 40
-Mga haligi o mga altar: Genesis 31:13
4. Sapagkat ang mga tagapanguna ay pinahiran ng Diyos, dapat tayong maging maingat sa pagsalungat sa kanila. Tingnan ang Bilang 16; I Samuel 24 at 26; II Samuel 1; I Cronica 16:22; Awit 105:15.
5. Ang pagpapahid ng tao ay iba kay sa pagpapahid ng Diyos. Tingnan ang II Samuel 19:10. Basahin ang malagim na kasaysayan ni Absalom na pinahiran ng tao (II samuel 18-20)
6. Basahin ang tungkol sa pagpapahid ni:
-Josue: Deuteronomio 34:9 at Bilang 27:18, 22
-Saul: I Samuel 10:15-27
-David: I Samuel 16:1-13
-Jesus: Lucas 4:18
7. Pag-aralan ang Gawa 7:25 at Exodo 2:11-15. May tamang tawag si Moises, subalit maling kapamahalaan sa simula. Sinikap niyang maglingkod sa sariling kapamahalaan sa halip na sa kapamahalaan ng Diyos.
8. Basahin ang Amos 7:14-15. Hindi isang ministro si Amos. Siya ay tagapag-alaga ng hayop at pananim. Ngunit nang pahiran siya ng Diyos, siya ay naging isang propeta.
IKA-APAT NA KABANATA
MGA KATANGIAN NG MGA TAGAPANGUNA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Sapagkat tayo’y Kaniyang gawa, na nilalang
kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Diyos nang una
upang siya nating lakaran. (Efeso 2:10)
PAMBUNGAD
Kapag tumawag ang Diyos ng isang mananampalataya sa pangunguna, nais Niya na mabigyan ng wastong kakayahan upang makapaglingkod. Sapagkat magkakaiba ang mga tiyak na gawain at tawag, may mga kakaibang mga katangian para sa ibat-ibang katungkulan ng pangunguna sa Katawan ni Cristo. Nagbibigay kakayahan ang Diyos sa bawat tagapanguna sa ibat-ibang paraan.
Bagamat ang Diyos ay nagbibigay sa mga tagapanguna ng mga tiyak na kakayahan na kailangan sa kanilang mga pagkatawag, may mga pangkalahatang mga katangian na hinihiling sa lahat ng mga tagapangunang espirituwal. Ang mga katangiang ito ang paksa ng araling ito na tumatalakay sa mga paunang mga katangian, bungang espirituwal, tiyak at pangkalahatang mga katangian para sa pangunguna.
MGA KATANGIAN AYON SA BIBLIA
Ang mga katangian ay hindi mga likas na kakayahan. Ito ay mga katangian ng paguugali at pamumuhay. Ang mga katangian ayon sa Biblia para sa pangunguna ay mga katangian ng ugali at pamumuhay na inilarawan para sa mga tagapanguna sa Salita ng Diyos. Ang mga ito ay katibayan ng isang buhay na may kabanalan.
Madalas itinuturing ng mga tao ang mga kakayahan ng isang tagapanguna na siyang pinakamahalaga at hindi pansin ang mga katangian para sa pangunguna. Halimbawa, maaaring husgahan ng mga tao ang isang pastor batay sa kaniyang mahusay na pangangaral. Ngunit bagamat makaya siya at nasisiyahan ang mga tao sa kaniyang kakayahan ng pagsasalita, maaaring kapos naman siya sa mga katangian ayon sa Biblia ng isang buhay na may kabanalan na kailangan sa mga tagapanguna.
Ang pangungunang espirituwal ay dapat palaguin at timbangin salig sa pamantayan ng Biblia. Ang tanda ng anomang ministeryo ay hindi mga kaloob na espirituwal, kapangyarihan, o likas na kakayahan. Ang mga ministeryo ay dapat timbangin ayon sa katibayan ng isang buhay na may kabanalan, na tinatawag di bilang “bungang espirituwal”:
Kaya’t sa kanilang mga
bunga y mangakikilala ninyo sila. (Mateo
7:20)
Ang bunga, o mga katangiang espirituwal ng isang tao ay naghahayag kung sino talaga siya sa kalooban:
Sapagkat walang mabuting punong kahoy na
nagbubunga ng masama; at wala rin namang masamang punog kahoy na nagbubunga ng
mabuti.
Sapagkat bawat punong kahoy ay nakikilala
sa kaniyang sariling bunga. Sapagkat ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga
igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.
Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan
sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao’y kumukuha ng
kasamaan sa masamang kayamanan: sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita
ng kaniyang bibig.
(Lucas 6:43-45)
Ang isang tao ay maaaring may charisma o siya ay nakakatawag-pansin at mapagkamalan ito na kapangyarihang espirituwal. Maaaring makagawa siya ng mga himala sa pangalan ng Panginoon. Ngunit sinabi ni Jesus:
Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin,
Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng Langit; kundi ang gumaganap ng
kalooban ng Aking ama na nasa langit.
Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na
yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at
sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demoniio, at sa pangalan Mo’y
nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa
kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong
manggagawa ng katampalasanan.
(Mateo 7:21-23)
Nagbabala si Judas laban doon sa mga palihim na papasok sa iglesia at magtuturo ng maling doktrina. Sinabi niya na ang isang paraan na pagkakilanlan ang mga ito ay ang kawalan ng bunga sa kanilang buhay.
Ang mga ito’y pawang mga…punong kahoy sa
taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat. (Judas 12)
Ang mahalagang bagay sa anomang ministeryo ay ang bunga sapagkat… “Makikilala ninyo sila sa kanilang BUNGA.”
MGA PAUNANG MGA KATANGIAN
May apat na paunang mga katangian na kailangan para sa lahat ng mga tagapanguna. Ang isang tagapangunang Cristiano ay dapat na:
1. Ipininanganak Na Muli: Dapat siya ay isang tunay na mananampalataya ni Jesu-Cristo ayon sa mga alituntunin na ibinigay sa Juan 3.
2. Na-bautismuhan Na Sa Espiritu Santo: Kailangang mayroon siyang katibayan ng isang makapangyarihang pagsaksi tulad ng inilarawan sa Gawa 1:8.
3. Tinawag At Pinahiran Upang Maging Isang Tagapanguna: Ang mga tao ay dapat tinawag at pinahiran ng Diyos upang punan ang mga katungkulan ng pangunguna sa Iglesia.
4. Lumalago sa Buhay Espirituwal: Ang isang tagapanguna ay hindi dapat isang mananampalatayang karnal (I Corinto 3:1) o isang baguhang Cristiano (I Timoteo 3:6). Kailangang naranasan niya ang mga saligan ng pananampalataya na inilarawan sa Hebreo 6:1-3 at kumilos tungo sa paglagong espirituwal tulad ng tinutukoy ng bahaging ito.
Kabilang sa paglagong espirituwal ay isang mabuti at personal na kaugnayan sa Panginoon, mga mabubuting ugali ng pananalangin at pag-aaral ng Biblia. Upang mapangunahan mo ang iba sa mga paraan ng Diyos, dapat kang makiugnay sa Kaniya mismo at magkaroon ng kaalaman sa Kaniyang mga Salita. Maaari kang dumalo sa mga seminar para sa mga tagapanguna, mag-aral sa kolehiyo, at magbasa ng maraming aklat tungkol sa pangunguna, ngunit malibang ikaw ay magpatuloy na humanap sa Panginoon, mabibigo ang iyong ministeryo.
ANG BUNGA NG ESPIRITU SANTO
Ang bunga ng Espiritu Santo ay tumutukoy sa likas ng Espiritu na nahayag sa buhay ng isang mananampalataya. Ito ay mga katangiang espirituwal na dapat makita sa buhay ng lahat ng mga Cristiano, ngunit higit sa mga tagapangunang espirituwal.
Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay para sa kapangyarihan. Ang bunga ng Espiritu Santo ay para sa paguugali. Ang bungang espirituwal ay katibayan ng paglagong espirituwal. Kung paanong ang bunga ay kailangang lumago sa likas na sanglibutan, ang bungang espirituwal ay kailangan ang panahon na lumago. Ito ay bunga ng isang likas na paglago sa buhay ng Espiritu.
Binabanggit ng Biblia ang dalawang uri ng bungang espirituwal: Ang panglabas na bunga ng panghihikayat at ang pangloob na bunga ng isang buhay na may kabanalan. Ang mga tagapangunang espirituwal ay kailangan magbunga sa pamamagitan ng isang makapangyarihang pagsaksi sa mensahe ng Ebanghelyo:
Ako’y hindi ninyo hinirang, ngunit kayo’y
hinirang Ko, at Aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at
magsipagbunga. (Juan 15:16)
Ang huling utos ni Jesus bago Siya bumalik sa langit ay:
Magsiyaon kayo sa boong sanglibutan, at
inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. (Marcos 16:15)
Hinamon Niya ang Kaniyang mga alagad sa isang dakilang pangitain ng pag-aaning espirituwal:
Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na
buwan pa, at saka darating ang pag-aani?
Narito, sa inyo’y Aking sinasabi, Itanaw
ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na
upang anihin.
Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at
nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang nangaghahasik at ang
umaani ay mangagalak kapwa.
(Juan 4:35-36)
Sinabi ni Solomon:
Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng
buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa. (Kawikaan 11:30)
Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagbibigay kakayahan sa mga mananampalataya upang mamungang espirituwal sa pamamagitan ng panghihikayat:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, hanggang sa kahulihilihang
hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Ang paraan ng pagpaparami sa larangang espirituwal ay ibinigay sa II Timoteo 2:2:
At ang mga bagay na iyong narinig sa akin
sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na
makapagtuturo naman sa mga iba.
(II Timoteo 2:2)
Dahil sa kahalagahan ng bunga ng
panghihikayat, may isang kurso ang Harvestime International Institute sa
paksang “Panghihikayat Ng Kaluluwa Na
Mistulang Pagkalat Ng Lebadura.”
Dagdag sa bungang espirituwal ng panghihikayat, kailangang palaguin din ng mga tagapanguna ang bunga ng buhay na tulad kay Cristo:
Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig,
katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan, pagpipigil;
laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
(Galacia 5:22-23)
May mga pangloob na mga katangian na nais palaguin ng Espiritu Santo sa buhay ng isang tagapanguna. Ito ay mga katangian na nakita sa buhay ni Jesu-Cristo. Ito ang dahilan kung bakit natin sinabi na ang mga ito ay mga katangian ng buhay na tulad ng buhay ni Jesu-Cristo.
Ang bunga ng Espiritu Santo ay nasusumpungan sa bawat gawain ng kabutihan, katuwiran at katotohanan na ginawa ng mananampalataya:
Sapagkat ang bunga ng kaliwanagan ay
nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan. (Efeso 5:9)
Kabilang sa bunga ng Espiritu Santo ang mga sumusunod na tiyak na mga katangian:
PAGIBIG:
Ang pagibig ay isang emosyon ng malalim na pagmamahal, pagkalinga, at pagmamalasakit. Sangkot dito ang pagkalinga sa mga tao, madaling kaibiganin, ma-simpatiya, mahabagin, maunawaain, umaaliw, nagpapalakas, at matamang nakikinig.
Dapat ibigin ng isang tagapanguna ang Diyos (Marcos 12:30). Ang pagibig ay kailangang ipakita ng tagapanguna sa kaniyang mga tagasunod, sa lahat ng mananampalataya, at sa mga hindi pa ligtas (I Pedro 1:22; Lucas 6:27,32,35; Mateo 5:43-44; 19:19; Juan 13:34-35; 15:9,12; 17:26; I Juan 2:9-10).
Ang gawain ng isang tagapanguna para sa Panginoon ay kailangang gawa ng pagibig (I Tesalonica 1:3), Ang pananampalataya ay gumagawa sa pamamagitan ng pagibig (Galacia 5:6) at mga kaloob na espirituwal ay gumagawa sa pamamagitan ng pagibig ( I Corinto 13). Ang pagibig ang siyang susi sa tagumpay ng lahat ng ministeryo ( I Corinto 13).
Sangkot sa pagibig ang kakayahan na makitungo sa iba at makiugnay sa kanila sa isang positibong paraan. Ito ay kakayahan na sabihin at gawin kung ano ang kinakailangan na hindi naman nagdadala ng pagdaramdam sa iba.
KAGALAKAN:
Ang kagalakan ay isang uri ng kasiyahan at pagdiriwang. Nais ng Diyos na ikaw ay magkaroon ng katuwaan (Juan 15:11; 17:13). Ang mga alagad ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo (Gawa 13:52). Hindi ang makamundong mga bagay ang pinagmumulan ng katuwaan. Ito ay mula sa Diyos (Awit 16:11). Sapagkat ang galak ay espirituwal at hindi nakabatay sa panglabas na mga pangyayari, ang tagapanguna ay maaaring magalak sa tukso at pagsubok (Santiago 1:2; II Corinto 7:4). Maaari siyang maging mapagpahinuhod na may galak (Colosas 1:11).
KAPAYAPAAN:
Ang kapayapaan ay isang kalagayan na matahimik, mapayapa, at may pagkakaisa. Walang away, pagaalala, at pagiintindi. Ang tagapanguna na may ganitong katangian ay maaasahan at kayang panatilihing malumanay sa panahon ng kagipitan sapagkat siya ay payapa.
Ang kalituhan ang kabaligtaran ng kapayapaan. Hindi ang Diyos ang nagdudulot ng kalituhan. Ang nais Niya ay magdala ng kapayapaan (I Corinto 14:33). Ang tunay na kapayapaan ay dumarating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo (Gawa 10:36; Efeso 2:14; Roma 5:1; Juan 14:27; 16:33)
Kailangan ang hanapin ng mga tagapanguna ay ang mga bagay na nagdudulot ng kapayapaan (Roma 14:19) at mamuhay sa kapayapaan na kasama ang iba (II Corinto 13:11; Hebreo 12:14). Ang pagkakaisa, na kailangan sa alin mang mabisang ministeryo, ay iniingtan sa pamamagitan ng kapayapaan (Efeso 4:3). Ang kapayapaan ng Diyos ang dapat maghari sa puso ng mga namumuno (Colosas 3:15).
PAGPAPAHINUHOD:
Ang pagpapahinuhod ang katangian ng katiyagaan. Ito ay kakayahan na dalhin ang isang mahirap na kalagayan at buong tiyaga na magpatuloy. Ang pagpapahinuhod ay isang katangian na nakita sa ministeryo ni Apostol Pablo (II Timoteo 3:10). Kailangan tayong maging mapagpapahinuhod na may galak (Colosas 1:11).
Kailangang ipangaral ng isang tagapanguna ang Salita ng Diyos na may katiyagaan (II Timoteo 4:2) at umugnay sa iba na may ganitong katangian (Efeso 4:2). Dapat niyang “isuot” ang katiyagaan bilang isang katangiang espirituwal (Colosas 3:12).
KAGANDAHANG-LOOB:
Ang kagandahang loob ay isang katangian na pagkakaroon ng kabaitan, hindi marahas, matigas o maingay. Ito ay isang matahimik at kagalang-galang na kabaitan. Nagbabala ang Biblia sa mga mananampalataya na huwag makipagtalo kundi maging mabait sa lahat ng tao (II Timoteo 2:24). Hindi tayo dapat maging pala-away. Ang mga taong pala-away ay laging nakikipagtalo at nakikipaglaban (Tito 3:2). Kailangan tayo ay madaling mapakiusapan. Ang ibig sabihin ay madali tayong lapitan ng iba sapagkat mayroon tayong mahinahong kalikasan (Santiago 3:17).
Ang isang tagapanguna na mahinahon ay isang dakilang tagapanguna. Isinulat ni David:
Iyo namang ibinigay sa akin ang iyong
kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng Iyong kanan, at pinadakila
ako ng Iyong kahinahunan. (Awit 18:35)
KABUTIHAN:
Ang kabutihan ay mga gawa ng kabanalan o katuwiran. Binubusog ng Diyos ang mga
nagugutom sa kabutihan (Awit 107:9). Bilang mga mananampalataya, susunod sa atin ang mga kabutihan at kahabagan ng Diyos (Awit 23:6).
PAGTATAPAT:
Ang pagsampalataya ay isang saloobin ng paniniwala, pagasa sa Diyos (Hebreo 12:1). Ito ay paniniwala na ang lahat ng sinabi ng Diyos ay totoo at walang imposible sa Kaniya. Ang pananampalataya, kasama ang gawain ng ministeryo ay nakatutupad ng mga dakilang bagay para sa Kaharian ng Diyos.
Ang pananampalataya ay isang saloobin ng pagtitiwala sa Diyos na siyang lumilikha ng katiyakan sa mga tagasunod at nagpapalakas ng kanilang pananampalataya. Ito ang paniniwala na “Magagawa ko ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa akin.”
KAAMUAN:
Ang kaamuan ay kalakasang pinipigil. Ang pagsupil sa iba ay kailangang gawin na may kaamuan (Galacia 6:1) at ito ay tumutulong sa tagapanguna na panatilihin ang pagkakaisa sa iglesia (Efeso 4:1-3). Kailangang ito ay gamitin sa pakikitungo sa lahat ng mga tao (Tito 3:2; II Timoteo 2:24-25). Ang isang pantas na tao ay maamong tao (Santiago 3:13). Ang lahat ng mga mananampalataya ay hinihimok na hanapin ang katangiang ito (Colosas 3:12; I Timoteo 6:11; Zefanias 2:3).
PAGPIPIGIL:
Ang pagpipigil ay pagiging mahinahon sa emosyon, pagiisip, at kilos. Ito ay pagpipigil sa sarili. Ito ay pananagumpay sa lahat ng bagay (I Corinto 9:27 at 9:19-27). Kailangan nating idagdag ang pagpipigil sa ating buhay (II Pedro 1:6).
MGA TIYAK NA KATANGIAN
Dagdag sa bungang espirituwal, tinukoy ng Biblia ang mga tiyak na mga katangian para sa mga tagapanguna. Ang mga ito ay masusumpungan sa I Timoteo 3 at Tito 1. Ang mga sumusunod na mga katangian ay yaong mga inilista para sa mga pastor, obispo, elders at mga diakono. Bagamat ang mga katangiang ito ay kaugnay ng mga tiyak na panunungkulan, ang mga ito ay kanais-nais para sa lahat ng mga katungkulan ng pangunguna.
MGA OBISPO AT MATATANDA:
Walang Kapintasan: Kailangang may mabuting reputasyon, moralidad, disiplinado at hindi sumusuway sa Salita ng Diyos: I Timoteo 3:2; Tito 1:6,7
Asawa Ng Isa Lamang Babae: Kung may asawa, ay isa lamang ang asawa: I Timoteo 3:2; Tito 1:6. (Ang pakikipagtulungan ng asawa ay mahalaga rin sa ministeryo)
Mapagpigil: May hayag na kontrol sa lahat ng sangay ng buhay at mga bagay. Kung ang isang tao ay mangunguna sa iba, dapat munang kaya niyang pigilin ang kaniyang sarili: Tito 1:8; I Timoteo 3:2
Mahinahom Ang Pagiisip: Ang ibig sabihin nito ay ang tagapanguna ay maalam, matino, marunong, at praktikal: I Timoteo 3:2; Tito 1:8
Mapagpatuloy: Ang tahanan ay bukas para sa iba: I Timoteo 3:2; Tito 1:8
Sapat Na Makapagturo: May kakayahan na makapaghatid ng Salita ng Diyos sa iba: I Timoteo 3:2; Tito 1:9
Matiyaga: Kabaligtaran ng madaling maginit ang ulo: I Timoteo 3:3
Hindi Mapagsariling Kalooban: Hindi makasarili at hindi iginigiit lagi ang sarili: Tito 1:7
Hindi Bagong Hikayat: Dapat ay may paglagong espirituwal at karanasan bilang isang mananampalataya: I Timoteo 3:6
Maibigin Sa Mabuti: Itinataguyod ang anomang mabuti para sa Diyos at sa Kaniyang mga layunin: Tito 1:8
Matuwid: Patas sa pakikitungo sa mga tao: Tito 1:8
Nananangan Sa Tapat Na Salita: Tito 1:8
Banal: Matuwid, may kabanalan: Tito 1:8
Hindi Masakim Sa Mahalay Na Kapakinabangan: Hindi mapagimbot sa salapi. Malaya mula sa pagibig sa salapi: tito 1:7; I Timoteo 3:3
Namamahalang Mabuti Ng Kaniyang Sariling Sangbahayan: Dapat magpakita ng kakayahan ng pangunguna sa sariling pamilya: I Timoteo 3:4,5
May Mga Anak Na Nagsisisampalataya: Dapat ang mga anak ay tumugon sa Panginoon at hindi mga mapanghimagsik: Tito 1:6
Mabuting Patotoo Ng Nangasa Labas: Dapat ay may magandang patotoo sa mga hindi mananampalataya: I Timoteo 3:7
MGA DIAKONO:
Mahuhusay: Dapat ay kagalang-galang at naghahayag ng isang matinong pagiisp at paguugali: I Timoteo 3:8
Hindi Dalawang Dila: Hindi nagbibigay ng magkabalintunang ulat: I Timoteo 3:8
Hindi Mahilig Sa Maraming Alak: I Timoteo 3:8
Hindi Sakim Sa Mahahalay Na Kapakinabangan: Hindi sakim sa salapi: I Timoteo 3:8
Iniingatan Ang Hiwaga Ng Pananampalataya: I Timoteo 3:9
Subok Na: Isang tao na nagdaan sa mga pagsubok na espirituwal at tukso at napatunayang tapat: I Timoteo 3:10
Walang Kapintasan: Walang mga bintang ng masamang pamumuhay: I Timoteo 3:10
Asawa Na Isa Lamang Babae: Kung may asawa, ay isa lamang: I Timoteo 3:12
Pinamamahalaang Mabuti Ang Sariling Sangbahayan: Dapat ipakita ang pangunguna sa pamilya: I Timoteo 3:12
Napatunayan Na: Hindi isang bagong hikayat, kundi nasubok na bilang isang mananampalataya: I Timoteo 3:10
PANGKALAHATANG KATANGIAN
Narito ang mga dagdag na mga katangian na mahalaga para sa mga tagapanguna:
PANGITAIN:
Dapat ang isang nangunguna ay may pangitain. Kabilang sa pangitain ang pagkaalam ng iyong layunin sa plano ng Diyos, nakakarinig sa tinig ng Diyos, at nalalaman ang kalooban at mga layunin ng Diyos.
Si Pablo ay isang halimbawa ng isang tagapanguna na may pangitain. Napangunahan ni Pablo ang iba sapagkat mayroon siyang malinaw na pangitain kung ano ang itinawag sa kaniya ng Diyos na gawin. Sa pagtatapos ng kaniyang ministeryo sinabi niya, “Hindi ako naging masuwayin sa makalangit na pangitain.”
Nagagawa ng isang tagapanguna na may pangitain na magbalak sa kinabukasan sa kabila pa ng kasalukuyan at sumampalataya sa Diyos para sa mga dakilang bagay.
KAHUSAYAN:
Kailangang pagsumikapan ng isang tagapanguna ang kahusayan, at huwag masiyahan na basta makaraos lamang sa gawain ng Panginoon. Kailangan siyang maging mabisa at makaya, hindi tamad sa ministeryo. Kailangan siya ay laging nasa oras, mabusisi, tapat, at mapagkakatiwalaan.
DESIDIDO:
Ito ang kakayahan na gumawa ng matatag na pagpapasiya, at hindi atras-abante ang pagpapasiya.
Ang tanda ng isang tagapanguna ay kung hawak na niya lahat ng mga kailangan, mabilis at malinaw ang pagpapasiya na ginagawa.
MASAYAHIN:
Ang isang masayahing tao ay nakikita kahit ang nakakatawang bahagi ng mga bagay at ito ay nakatutulong sa mahihirap na kalagayan.
KATAPANGAN:
Hindi dapat matatakutin ang isang tagapanguna. Dapat ay matapang siya at kayang maninidigan sa harap ng paglaban ni Satanas o ng tao (Nehemias 6:11).
POSTIBONG SALOOBIN:
Ang panghihina ng loob at isang negatibong saloobin ay nauuwi sa pagkatalo. Ang pangunguna ay sinusubok ng mga pangyayari. Ito ba ay nagpapahina ng iyong loob? Ang mga ito ba ay sumisira, tumatalo, o pumipigil sa iyo? Dapat palaguin ng isang tagapanguna ng isang positibong saloobin, isang diwa ng pagpapalakas ng loob sa halip na pagpapahina nito. Ang iyong saloobin ay hindi lamang may ipekto sa iyong pagiging tagapanguna, kundi ito ay maililipat din sa iyong mga tagasunod. Ang isang negatibo, at nanghihina ang loob na tagapanguna ay magkakaroon din ng gayong mga tagasunod.
NAGBIBIGAY KAYA:
Ang pangunahing gawain ng tagapanguna ay sangkapan ang ang mga tao ng kakayahan para sa gawain ng ministeryo (Efeso 4:12). Ang isang nagbibigay kaya ay may kakayahang magtatag, magudyok, at magpakilos sa mga tao. Nagpapakita siya ng alab at sigla para sa gawain ng Diyos. Kaniyang naipapahatid ang ganitong saloobin sa mga tagasunod at nauudyukan at napalalakas ang loob ng mga ito para sa gawain ng ministeryo.
Bilang bahagi ng pagbibigay kakayahan, alam niya kung paano magtakda ng mga gawain sa iba sa halip na siya lamang ang gumagawa. Pinatitibay ng isang mabuting tagapanguna ang ibang mga tagapanguna. Ang isang nagbibigay kaya ay sapat ang lakas upang pahintulutan ang iba na magkaroon ng ministeryo, pananagutan, kapamahalaan, at papuri na hindi siya nakakadama na ang mga ito ay banta sa kaniyang katungkulan.
KAPAMAHALAAN:
Ang isang tagapanguna ay isang taong may kapamahalaan sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Dapat siyang makapanguna na may kapangyarihan at kapamahalaang ipinagkaloob sa kaniya ng Diyos.
NAKATALAGA:
Ang isang tagapanguna ay kailangan nakatalaga at matapat sa Diyos, sa Kaniyang Kaharian, sa mga pinangungunahan niya, at sa gawain ng ministeryo.
NAGKUKUSA:
Ang ibang mga tagapanguna ay manggagaya. Kinopya nila ang ginagawa ng iba.
Ang ilang mga tagapanguna ay mga tagapanatili. Kanila lamang pinananatili ang nasimulan na. Sila ay bihag ng tradisyon.
Ang iba namang mga tagapanguna ay taga ayon lamang. Sila ay umaayon sa kagustuhan ng mga tao at sa sinasabi na “ganito namin ginagawa ang mga bagay noon pa man.”
Ang mga mabubuting tagapanguna ay nagkukusa. Sila ay bukas sa pagbabago. Hindi sila makitid ang isip at nakatali sa tradisyon. Ang uri ng tagapangunang ito ay malikhain at orihinal, bukas upang kasihan ng Espiritu Santo sa mga bagong paraan ng paggawa at mga bagong isipan. May kaya sila na iangkop ang mga dapat mauna, baguhin ang mga paraan, at gawin ang “anoman,” “kailanman” na kailangan upang sumulong ang Kaharian.
KARUNUNGAN AT KAALAMAN:
Sa mga pagpapasiya at pagkilos, ang isang tagapanguna ay dapat magpakita ng matinong pagiisip at karunungan. Dapat siyang mayroong sapat na kakayahang magisip upang malaman niya kung paano siya mangunguna. Ang mga kakayahang ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagsasanay, karanasan, at gabay ng Espiritu Santo.
EDUKASYON:
Ang edukasyon ay mahalaga, ngunit tandaan na ang pinili ni Jesus ay ang mga hindi nag-aral na mga tao. Sila ay naging mga dakilang tagapanguna dahil sa kapangyarihan ng Diyos.
KARANASAN:
Sapagkat si Josue ay may ay isang lalaking may karanasan sa pakikibaka, pinili siya na manguna sa Israel na papasok sa Lupang Pangako. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga sa bawat mananampalataya ang “Body Ministry.” Ito ay nagkakaloob ng karanasan na nagtitindig ng mga bagong tagapanguna.
LAAN NA BILANGIN ANG HALAGA:
Sinabi ni Jesus na may halaga sa pagiging tunay na pagiging alagad. Sinabihan Niya ang mga alagad na bilangan ang halaga. Dapat na maging laan ang mga tagapanguna na pasanin ang krus, tanggihan ang sarili, at gumawa ng boong sikap kahit mahirap at malungkot ang paligid.
ISANG MAPAGLINGKOD NA ESPIRITU:
Inihayag ni Jesus na ang mga katangian ng mga tagapanguna sa Kaharian ng Diyos ay iba kay sa mga makamundong tagapanguna. Dapat magpalago ang isang tagapanguna ng isang mapagpakumbaba, mahabagin, mapaglingkod na espiritu at manguna tulad ng isang pastor. Napakahalaga ng mga katangiang ito na ang dalawang susunod na mga aralin ay dito nakatuon.
PAGPAPALAGO NG MGA KATANGIAN
Sa iyong pag-aaral ng mga listahan ng bunga, tiyak, at pangkalahatang mga katangian na tinalakay sa araling ito, maaari kang malula sa mga katangiang kailangan para sa pangunguna. Maaaring isipin mo, “Hindi ko maaabot ang lahat ng mga katangiang ito!”
…At tama ka. Walang katotohanan yaong “bunga ng sariling sikap” ang pagiging tagapanguna. Sa madali’t sabi, hindi mo maaaring mapalago ang mga katangiang ito sa iyong sarili. Ang mga katangian ng isang tagapanguna ay maaari lamang lumago sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na gumawa sa iyong buhay.
Ang proseso ay nagpapatuloy, sapagkat sinabi ng Biblia na tayo ay Kaniyang gawa. Ang dalang katotohanan ng mga salitang ito ay, ang Diyos ay kasalukuyan, patuloy at palaging gumagawa sa ating sa pamamagitan ng mapanglikhang kapangyarihan ng Diyos:
Sapagkat tayo’y Kaniyang gawa, na nilalang
kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Diyos nang una
upang siya nating lakaran. (Efeso 2:10)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “katangian”?
3. Ano ang bunga ng panghihikayat?
4. Ano ang bunga ng mga katangian tulad ng kay Cristo?
5. Tingnan ang bunga ng Espiritu Santo sa Unang Listahan. Basahin ang mga kahulugan sa Ikalawang Listahan. Isulat ang numero ng kahulugan sa puwang na angkop sa bunga.
Unang Listahan Ikalawang Listahan
______ Pagpipigil 1. Malalim na pagmamahal, pagkalinga
______ Pananampalataya 2. Kagalakan, kasiyahan
______ Kaamuan 3. Tahimik, payapa, at pagkakaisa
______ Kabaitan 4. Matiyagang pagtitiis
______ Kagalakan 5. Mahinahon ang paguugali, hindi mapusok
______ Pagpapahinuhod 6. Matuwid na mga gawa
______ Kapayapaan 7. Matibay na pananalig sa Diyos
______ Pagibig 8. Kontroladong lakas
9. Pagpipigil
6. Tukuyin ang dalawang pangunahing mga reperensya ng Biblia na nagbibigay ng tiyak na mga katangian para sa mga tagapanguna sa Iglesia.
7. Ano ang apat na paunang mga katangiang kailangan para sa lahat ng mga tagapanguna?
________________________________________
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Si Jesu-Cristo ay mayroon ng lahat ng bunga ng Espiritu Santo na nakita sa Kaniyang buhay. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga halimbawa.
Panglabas Na Bunga:
-Panghihikayat: Juan 10:16; Marcos 1:38
Pangloob Na Bunga:
-Pagibig: Marcos 10:21; Juan 11: 5, 36
-Kagalakan: Juan 15:11
-Kapayapaan: Juan 14:27
-Pagpapahinuhod: I Pedro 3:15
-Kagandahang-loob: II Corinto 10:1
-Kabutihan: Roma 11:22
-Pananampalataya: Mateo 17:14-21
-Kaamuan: II Corinto 10:1
-Pagpipigil: Lucas 4:1-13
2. Pag-aralang muli ang mga tiyak at pangkalahatang mga katangian para sa mga tagapanguna na tinalakay sa araling ito. Hanapin ang mga reperensya sa Ebanghelyo na naglalarawan ng mga katangian sa buhay at ministeryo ni Jesus.
3. Repasuhin ang listahan ng mga katangian na para sa mga tagapanguna na ibinigay sa araling ito. Timbangin ang iyong sariling buhay. Paano ka nakakaabot sa bawat isa nito?
4. Basahin ang kasaysayan ni Jesus sa pagsumpa sa puno ng igos sa Mateo 21:18-20. Hindi isinumpa ni Jesus ang puno dahil sa Siya ay nagalit sapagkat ang puno ay walang bunga. May itinuturo siyang mahalagang katotohanan. May magandang hitsura ang puno. May mga berdeng mga dahon at tinging ito ay magiging mabunga, ngunit wala itong bunga.
Hindi sapat ang magkaroon ng ka ng hawig sa pagiging espirituwal. May ilang mga tagapanguna na nagpapakita sa panglabas na larawan na maayos lahat sa kanila, ngunit sa kalooban ay wala silang bungang espirituwal ng pagiging tulad ni Cristo. Ito ang kalagayan ng mga Pariseo, isang grupo ng mga tagapanguna ng relihiyon sa panahon ni Cristo. Sinabi ni Jesus sa kanila:
Sa aba ninyo, mga escriba at mga Fariseo,
mga mapagpaimbabaw! Sapagkat tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may
anyong maganda sa labas, datapuwat sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na
tao, at ng lahat na karumaldumal.
(Mateo 23:27)
Sa mga tagapanguna, gayon din sa mga mananampalataya, may malasakit ang Diyos sa pagiging mabunga sa halip na may hawig lamang ng pagiging mabunga.
5. Pansinin ang limang mga katangian ni Moises na inilatag para sa mga mangunguna sa Israel sa hinaharap (Bilang 27:17). Siya ay dapat maging isang lalake na:
1. Makalalabas sa kanila: Isa na mangunguna.
2. Makakapasok sa kanila: Isa na mamamagitan para sa mga tao.
3. Makapagpapalabas sa kanila: Isa na magiging makayang tagapanguna sa pakikibaka.
4. At makapagpapasok sa kanila: Isa na may kayang pangunahan sila papasok sa lupain.
5. Magbibigay ng wastong pangunguna, “upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag
maging parang mga tupa na walang pastor.
6. Narito ang ilang mga paghahambing sa pagitan ng mga makamundo at mga espirituwal na mga tagapanguna:
Makamundong
Tagapanguna Ang
Tagapangunang Espirituwal
May tiwala sa sarili May tiwala sa Diyos
Kilala ang tao Kilala rin ang Diyos
Gumagawa ng sariling pagpapasiya Hinahanap ang kalooban ng Diyos
Ma-ambisyon Mapagpakumbaba
Sinusunod ang sariling paraan Sinusunod ang paraan ng Diyos
Nagagalak sa pagsunod sa iba Sumusunod sa Diyos
Inuudyukan ng sariling nais Inuudyukan ng pagibig
Mapagsarili Nakasalig sa Diyos
7. Kabilang sa Kawikaan 28 ang mga katangian ng isang mabuting tagapanguna na kabaligtaran ng sa masasamang tagapanguna:
Isang Mabuting Tagapanguna:
-Matatag (Hindi tumakbo, matapang): Talatang 1,2
-Naninindigan sa tama sa kabila ng pagsalungat: Talatang 4
-Iniingatan ang kautusan: Talatang 4, 9
-Nauunawaan ang lahat sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kapahayagan ng Panginoon:
Talatang 5, 11
-Naipagmamalaki ng magulang: Talatang 7
-Matapat: Talatang 6, 8
-Mapanalanginin: Talatang 9
-Masagana (lahat ng mga mabubuting bagay): Talatang 10,20,25
-May pagkakilala sa mga espiritu (nagsusuri na may pagkaunawa): Talatang 11
-Nagdadala ng galak: Talatang 12
-Naghahayag ng kaniyang mga kasalanan: Talatang 13
-May takot sa Diyos: Talatang 14
-Hindi mapagimbot: Talatang 16
-Mamamahala ng matagal na panahon: Talatang 16
-Mapayapa: Talatang 17
-Lumalakad ng matuwid: Talatang 18
-Masikap: Talatang 19
-Matapat: Talatang 20
-Hindi nagtatangi ng tao: Talatang 21
-Hindi takot na humarap at mag-disiplina: Talatang 23
-Inuuna ang pamilya: Talatang 24
-Mapagpakumbaba at nagtitiwala sa Panginoon sa halip na sa sarili: Talatang 25
-Nagtitiwala sa patnubay ng Diyos: Talatang 26
-Mahabagin at mapagbigay sa iba: Talatang 27
-Nagpaparami ng mga taong matuwid: Talatang 28
Isang Masamang Tagapanguna:
-Natatakot at tumatakas kahit hindi kailangan: Talatang 1
-Hindi panatag: Talatang 1-2
-Inaapi ang mga dukha: Talatang 3
-Mapagpalalo at nadadala ng papuri ng tao, tanyag sa mga taong liko: Talatang 4
-Walang lalim (tulad ng dumaang ulan): Talatang 3
-Walang habag: Talatang 3, 27
-Tinatalikuran ang kautusan: Talatang 4
-Kulang sa pagkaunawa: Talatang 5, 16
-Kasama ng mga taong magugulo: Talatang 7
-Nagbibigay kahihiyan sa mga magulang: Talatang 7
-Hindi makatarungan makitungo: Talatang 8, 20, 22
-Hindi nananalangin: Talatang 9
-Nagiging dahilan ng pagkaligaw ng mga matuwid: Talatang 10
-Pantas sa sariling kataasan: Talatang 11
-Ang pagbangon niya at nagdadala ng takot: Talatang 12, 28
-Itinatago ang kaniyang kasalanan: Talatang 13
-Nagmamatigas ng kaniyang puso: Talatang 14
-Namamahalang parang umuungal na leon at galit na oso: Talatang 15
-Marahas: Talatang 15, 17
-Mapagimbot: Talatang 16
-Tiyak na babagsak: Talatang 10, 18
-Nahuhulog sa kahirapan: Talatang 14
-Hanap ay walang kabuluhan (tamad, naimpluwensyahan ng mga tao): Talatang 19
-Tumatanggap ng suhol, hindi masalangsang ang tao: Talatang 21
-May sala: Talatang 20
-Namumuhay sa karukhaang espirituwal: Talatang 22
-Mambibilog ng ulo: Talatang 23
-Hindi ang pamilya ang inuuna: Talatang 24
-Palalo: Talatang 25
-Nagsisimula ng sigalot: Talatang 25
-Nagtitiwala sa kaniyang sariling kakayahan na pangunahan siya: Talatang 26
-Sumisira sa halip na nagtatayo: Talatang 24
-Walang pakundangan sa mga nakapalibot sa kaniya: Talatang 27
Buod Ng Lahat Ng Mga Kabaligtaran: Tingnan ang Talatang 28
IKA-LIMANG KABANATA
MANGUNA TULAD NG ISANG ALIPIN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Mangagkaroon kayo sa
inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman:
Na Siya, bagamat nasa anyong Dios, ay hindi
Niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay Niya sa Diyos,
Kundi bagkus hinubad
Niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao.
(Filipos 2: 5-7)
PAMBUNGAD
Ang pangunguna sa sanglibutan ay karaniwang sinusukat sa pamamagitan ng kapangyarihan, salapi, edukasyon, at mga kakayahan. Maraming mga paraan o estilo ng pangunguna sa sanglibutan. Ang ibig sabihin ng “estilo” ay ang paraan ng pangunguna ng isang tao. Halimbawa, may mga diktador an humahawak sa mga tao. Mayroon ding mga demokratikong tagapanguna na nalalagay sa katungkulan sa pamamagitan ng mga pagboto ng tao.
Nang si Jesus ay naparito sa lupa, iniba Niya ang isipan ng sanglibutan tungkol sa matagumpay na pangunguna noong Siya ay maging alipin. Ang kabanatang ito ay tungkol sa prinsipyo ng Bagong Tipan ng pangunguna tulad ng isang alipin.
ISANG MAGKABALINTUNANG HALIMBAWA
Pinaghambing ni Jesus ang pangungunang espirituwal at ang maka-mundong pangunguna. Sinabi Niya:
…Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay
nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila’y mga dakila ay nagsisigamit ng
kapamahalaan sa kanila.
Datapuwat sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinoman na ibig dumakila sa
inyo, ay magiging lingkod ninyo;
At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng
lahat.
(Marcos 10:42-44)
Ang pangunguna tulad ng isang alipin ang nagpapaiba sa pangungunang Cristiano sa pangungunang maka-mundo. Ito ang isang estilo ng pangunguna na bukod tanging Cristiano.
ANG PINAKADAKILANG HALIMBAWA
Ang pinaka-dakilang halimbawa ng pangungunang tulad ng isang alipin ay ang Panginoong Jesu-Cristo. Ang isang alipin ay ang naglilingkod sa iba na may kapakumbabaan, pagtatalaga, at pagibig. Itinuro at ipinakita ni Jesus ang pagiging alipin. Tinanggihan ni Jesus ang lahat ng mga kaisipan ng kapangyarihan na sinusunod ng sanglibutan at nagpanukala Siya ng bago. Waring hindi tugma ang salitang “alipin” sa pangunguna, ngunit nilinaw ni Jesus na Siya ay naparito upang maglingkod:
… at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod. (Lucas 22:26)
Binanggit ni Marcos na si Jesus ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod:
Sapagkat ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang
paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kaniyang buhay na pangtubos
sa marami.
(Marcos 10:45)
Sinabi ni Pablo ang tungkol kay Jesus…
…bagkus hinubad Niya ito, at naganyong
alipin, na nakitulad sa mga tao.
(Filipos 2: 7)
PAGSUNOD SA PADRON
Sinunod ng mga tagapanguna sa unang Iglesia ang padron na inihayag ni Jesus: Tinawag nila ang kanilang sarili na mga alipin:
Si Pablo na alipin ni Jesucristo… (Roma 1:1)
Si Santiago na alipin ng Diyos at… ni Cristo. (Santiago 1:1)
Si Pedro, alipin… ni Jesucristo.
(II Pedro 1:1)
Si Judas, alipin ni…Jesuscristo. (Judas 1:1)
Ipagkaloob Mo sa Iyong mga alipin na salitain ang Iyong Salita ng buong
katapangan. (Gawa 4:29)
Dapat tayong magpatuloy sa padron na ito. Tayo ay kailangang maging mga alipin ng ating pinangungunahan.
ANG KAPANGYARIHAN NG ALIPIN
Maaari mong itanong, “Paano ako magiging tagapanguna kung ako ay alipin ng mga taong aking pinagungunahan? Bakit masyado naman ang pagbibigay diin sa pagiging alipin?” Ang sagot dito ay ito, na may kapangyarihan sa pagiging alipin. Hindi ang ibig sabihin ng pangunguna tulad ng isang alipin ay pagiging mahinang tagapanguna. Hindi ang ibig sabihin ay hindi na dapat maging masigla, agresibo at malakas laban sa mga kaaway na espirituwal ang isang tagapanguna.
Ang kapangyarihan ng pagiging alipin ay ginagawa nitong maging mapagpakumbaba ang isang tao hanggang sa siya ay magamit ng Diyos. Ito ay inilarawan sa buhay ni Jesu-Cristo. Basahin ang Filipos 2:5-11 sa iyong Biblia. (Pag-aaralan mong higit ito sa araling ito). Itinuturo ng mga talatang ito na sa pamamagitan ng pagpapakababa bilang isang alipin, at kamatayan sa krus (talatang 5-8), si Jesus ay itinaas na may dakilang kapangyarihan (talatang 9-11). Ang krus ang huling dako sa lupa na kasusumpungan natin ng isang tagapanguna, ngunit ito ang naging “kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas” (I Corinto 1:18). Sa Kaharian ng Diyos, ang hilera ng mga bagay ay baligtad. Malakas tayo kung tayo ay mahina, tumatanggap tayo kung tayo ay nagbibigay, at tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng kamatayan. Bilang isang tagapanguna, ikaw ay nagiging makapangyarihan sa pamamagitan ng paglilingkod.
APAT NA MAGKABALINTUNA
Basahin ang Mateo 20:25-28 at Marcos 10:42-44. Ang mga bahaging ito ay nagpapakita ng apat na mga katangian ng maka-mundong tagapanguna na kabaligtaran naman ng mga katangian ng mga tagapangunang Cristiano:
1. Ang mga tagapanguna ng sanglibutan ay may kapangyarihang nangingibabaw sa mga tagasunod: Ang ibig sabihin ng “kapangyarihan” sa tekstong ito ay ang “mapanglupig, at mapagpahirap na pwersa.” Ang mga tagapangunang tulad ng alipin ay hindi nagpapahirap o nanlulupig sa mga tagasunod nito.
2. Ang mga tagapanguna ng sanglibutan ay gumagamit ng kapamahalaan sa kanilang mga tagasunod: Ang ibig sabihin ng salitang “kapamahalaan” dito ay ang pagiging nakakaulos o nakakahigit. Itinuturing ng mga maka-mundong tagapaguna na sila ay nakakaulos sa kanilang mga tagasunod. Ang mga Cristianong tagapanguna ay tinawag sa paglilingkod hindi sa pangdudusta.
3. Ang mga tagapanguna ng sanglibutan ay mga hepe sa kanilang pinangungunahan: Ang ibig sabihin ng salitang “hepe” dito ay nasa unang pwesto. Sa Kaharian ng Diyos, ang una ay huli.
4. Ang mga tagapanguna ng sanglibutan ay mga panginoon sa kanilang mga pinagungunahan: Ang ibig sabihin ng salitang “panginoon” ay isang pinaglilingkuran. Ang Cristianong tagapanguna ang siyang naglilingkod sa kaniyang mga tagasunod.
SINO ANG ATING PINAGLILINGKURAN?
Bilang mga tagapanguna na tulad ng alipin, naglilingkod tayo sa Katawan ni Cristo. Sinabi ni Pablo sa mga taga Corinto:
Sapagkat hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo
Jesus na Panginoon, at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.
(II Corinto 4: 5)
Pinaglilingkuran din natin ang naligaw at napapahamak na sangkatauhan. Basahin ang talinhaga ng mabuting Samaritano sa Lucas 10:25-37. Ang pagiging alipin ay may dangal at kapangyarihan sapagkat kung naglilingkod tayo sa iba, ang Panginoon ang tunay nating pinaglilingkuran:
At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi Ko sa
inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa
pinakamaliit na ito, ay sa Akin ninyo ginawa.
(Mateo 25:40)
Basahin ang talinhaga ng mga alipin sa Mateo 25:14-30. Sapagkat tayo ay naglilingkod sa Panginoon, may pananagutan tayo sa Kaniya:
Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang alipin ay hindi
dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa
kaniya.
(Juan 13:16)
PAANO MAGING ISANG TAGAPANGUNANG TULAD
NG ISANG ALIPIN
Basahin ang Filipos 2:5-8. Ipinapaliwanag ng bahaging ito kung paano maging isang tagapanguna na tulad ng alipin sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ni Cristo. Ang ibig sabihin ng pangunguna tulad ng isang alipin ay dapat mong:
PALAGUIN ANG WASTONG SALOOBIN:
Nagsisimula sa iyong saloobin ang pangunguna tulad ng alipin. Dapat mong palaguin ang saloobin na tulad ng kay Jesus:
Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na
ito’y na kay Cristo Jesus din naman:
Na Siya, bagamat nasa anyong Dios, ay hindi
Niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay Niya sa Dios…
bagkus hinubad Niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao. (Filipos 2: 5-7)
Ginagamit ng Diyos ang mga lalake at babae na may wastong saloobin ng puso. Si David ay pinahiran bilang hari sapagkat nakita ng Diyos ang kaniyang puso (I Samuel 16:7). Ang mga motibo ay sa puso natutukoy. Ang ating likas na motibo ay makasarili. Upang ikaw ay maging isang tagapangunang tulad ng alipin, dapat mabago ang iyong saloobin at motibo.
MAGPAKABABA SA SARILI:
Kundi bagkus hinubad Niya ito, at naganyong
alipin… (Filipos 2: 7)
Huwag mong bigyang malasakit ang mga ambisyon, mga plano, katungkulan o reputasyon. Isuko mo ang lahat ng mga ito sa Diyos at magpakababa ka. Ang iyong pagpapakababa ay isang bagay na ikaw ang gagawa, hindi ang Diyos.
MAKIISA SA SANGKATAUHAN:
Nakapaglingkod si Jesus sapagkat nakiisa Siya sa sangkatauhan. Nakiisa Siya at tinagpo ang kanilang pangangailangan:
… na nakitulad sa mga tao… at palibhasa’y
nasumpungan sa anyong tao…
(Filipos 2:7-8)
Si Jesus ay tinukso tulad ng tao, nagdusa tulad ng tao, at may katawan na sumailalim sa mga kahinaan at pangangailangan ng taong mortal. Upang mapaglingkuran mo ang mga pinangungunahan mo, dapat kang makiisa sa kanila sa kanilang mga kahinaan, pagdurusa, at pangangailangan.
MAGING MASUNURIN:
Upang makapaglingkod, naging masunurin si Jesus:
…Siya’y… nagmasunurin…(Filipos 2: 8)
Ang bawat isa na may kapamahalaan bilang isang tagapanguna ay nasa ilalim din ng kapamahalaan ng isang tagapanguna. Maaaring ikaw din ay nasa ilalim ng isang tagapanguna ng denominasyon o samahang Cristiano. Upang makapaglingkod ng wasto bilang isang tagapanguna, dapat kang maging masunurin sa iyong mga tagapanguna.
MAMATAY SA SARILI AT KASALANAN:
Si Jesus ay naging masunurin hanggang sa kamatayan:
…na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo,
sa kamatayan sa krus.
(Filipos 2: 8)
Sinabi ni Pablo, “Ako ay namamatay araw-araw” (I Corinto 15:31). Ang kamatayang kaniyang binanggit ay tungkol sa patuloy na kamatayan sa kasalanan at sarili. Ito ay kinakailangan ng mga nangunguna sa pamamagitan ng paglilingkod. Dapat mong ipako ang kasalanan at sarili sa iyong buhay. Masakit na karanasan ang krus, ngunit tulad ni Jesus, matututuhan mo ang prinsipyo ng pangunguna tulad ng alipin sa pamamagitan ng pagdurusa.
MAGLINGKOD NA MAY PAGIBIG:
Dahil sa Kaniyang dakilang pagibig, nagpakababa si Jesus, naganyong alipin, nakitulad sa mga tao at naging masunurin hanggang sa kamatayan:
Narito ang pagibig, hindi sa tayo’y umibig
sa Diyos, kundi Siya ang umibig sa atin, at sinugo ang Kaniyang Anak na
pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.
Mga minamahal, kung tayo’y inibig ng Diyos
ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo. (I Juan 4: 10-11)
Ang pagibig ay mahalaga sa pangunguna tulad ng isang alipin. Nagsisimula ang pagibig bilang isang emosyon ng puso, ngunit ito ay nakikita sa mga praktikal, at namamasdang kaparaanan. Kung tunay mong mahal ang isang tao, magiging laan ka na paglingkuran ito.
Pinatatatag ng isang tagapanguna na tulad ng alipin ang kaniyang pinaglilingkuran. Hindi niya ginagamit ang mga tao kundi kasama nila at sa pamamagitan nila ay gumagawa upang sila ay lumagong espirituwal. Siya ay nagbibigay sa halip na kumukuha. Ang pagsira ay mabilis at madali ngunit ang pagtatayo matagal at mahirap.
Basahin ang I Corinto 13. Sa bawat may sinasabi na “pagibig” ipalit ang salitang “tagapangunang tulad ng alipin” (Halimbawa: “ang tagapangunang tulad ng alipin ay mapagpahinuhod.”) tutulong ito sa iyo na maunawaan ang kahulugan ng pagibig na kailangang ipakita ng mga tagapangunang tulad ng alipin.
BAYAANG ANG DIYOS ANG MANGASIWA:
Nang si Jesus ay dumating sa lupa bilang isang alipin, Isinuko Niya ang Kaniyang karapatan na “mangasiwa” sa Kaniyang sariling buhay. Sinabi Niya, “Hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban Mo ang mangyari.” Kung piliin mong maging alipin, isusuko mo rin ang karapatan mong mangasiwa. Hindi ka nagtatayo ng sarili mong kaharian. Ang itinatayo mo ay ang Kaharian ng Diyos. Hindi na ang mga sarili mong isipan at paniniwala ang iyong inihahatid. Ang mensahe ng iyong Panginoon ang iyong inihahatid. Hindi na ang sarili mong kalooban kundi ang kalooban ng Diyos. Pinili ni Jesus na maglingkod sa Kaniyang pagparito. Ngayon naman ikaw ang pipili…Pipiliin mo bang maglingkod? Tandaan: Maaari ka lamang manguna ayon sa sukat ng iyong pagiging laan na maglingkod.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang estilo o paraan ng pangunguna na bukod tanging Cristiano?
3. Sino ang pinakadakilang halimbawa ng pangungunang tulad ng alipin?
4. Ipaliwanag kung paanong ang pagungunang tulad ng alipin ay nagbubunga ng kapangyarihan.
5. Ilista ang apat na kabaligtaran sa pagitan ng tagapanguna ng sanglibutan at mga tagapangunang Cristiano.
_____________________________ _______________________________________
_____________________________ _______________________________________
6. Bilang mga tagapanguna, sino ang ating pinaglilingkuran?
7. Gamitin ang Filipos 2:5-8, ipaliwanag kung paano maging isang tagapangunang tulad ng alipin.
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Basahin ang talatang ito:
Sapagkat ang sa ganito ay naglilingkod kay
Cristo ay kalugudlugod sa Diyos, at pinatutunayan ng mga tao. (Roma 14:18)
Tinutukoy ng talatang ito ang bunga ng matagumpay na pangunguna:
1. Paglilingkod kay Cristo, na nauuwi sa…
2. Pagiging katanggap-tanggap sa Diyos at…
3. At pagsangayon nga tao.
Ngayon pag-aralan ang Roma 12-14. Gumawa ng listahan ng mga bagay na iyong gagawin upang maging alipin ni Cristo, katanggap-tanggap sa Diyos at sinangayunan ng tao. Narito ang halimbawa na susundin:
Reperensya Ano
ang Dapat Kong Gawin
Roma 12:1 Iharap ang aking katawan bilang isang haing buhay,
Banal at kaaya-aya sa Diyos.
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
________________ ________________________________________
IKA-ANIM NA KABANATA
MANGUNA TULAD NG ISANG PASTOR
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na
nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may
kasayahan, na ayon sa kalooban ng Diyos; ni hindi dahil sa mahalay na
kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;
Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa pinanganga-siwaang
ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan.
(I Pedro 5: 2-3)
PAMBUNGAD
Isa pang paghahambing o katumbas sa likas na larangan na naglalarawan ng pagunguna ay ang isang pastor ng tupa. Sa likas na larangan, ang isang pastor ay isang nagmamalasakit sa tupa. Ang “kanlungan” ay isang kawan o pulutong ng mga tupa. Sa larangang espirituwal, ang mga tao ay inihambing sa tupa. Alin sa dalawa, tayo ay tupang nangaligaw (Isaias 53:6) o mga naging bahagi ng “kawan” ng Panginoon.
Patungkol sa Kaniyang sarili, sinabi ni Jesus na Siya ang “Mabuting Pastor” at ipinaliwanag na detalyado kung ano ang napapaloob sa pagpa-pastor. Ito ang isa sa pinakadakilang halimbawa ng pangungunang espirituwal (tingnan ang Juan 10). Upang maging mabisang tagapanguna, hindi mo lamang dapat kilala ang Mabuting Pastor at may kaugnayan sa Kaniya, dapat mong matutuhan kung paano manguna tulad ng isang pastor.
Pinatunayan ni Pedro na kailangang tayo ay manguna tulad ng mga pastor:
Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo, na magsigamit kayo
ng pagpupuno… (I Pedro 5:2 )
MGA PRINSIPYO NG PAG-AALAGA NG TUPA
Yamang tinawag ni Jesus ang Kaniyang sarili na “Mabuting Pastor,” dapat nating pag-aralan ang halimbawa ng Kaniyang ministeryo upang maunawaan ang mga prinsipyo ng pagpa-pastor. Puntahan ang Juan 10 sa inyong Biblia at gamitin ito bilang gabay habang pinag-aaralan mo ang mga paunang mga prinsipyong ito ng pagpa-pastor:
ISANG KAWAN, ISANG PASTOR:
Ang unang prinsipyo na dapat maunawaan ay mayroon lamang isang kawan at isang pastor. Ang “kawan” ay ang Iglesia na binubuo ng lahat ng mga mananampalatayang born again. Ang “pastor” ay si Jesu-Cristo. May isang daan lamang sa kawan o kulungan, at ito ay sa pamamagitan ni Jesus:
Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa Akin, ay siya’y
maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan. ( Juan 10: 9)
… at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. (Juan 10: 16)
Sa likas na larangan, ibinubukod ng mga pastor ng tupa ang kanilang kawan sa ibang kawan sapagkat higit na magaang alagaan ang mga ito. Maaari lamang silang managot at mag-alaga ng ilan. Ito ay totoo rin sa pangungunang espirituwal. Ngunit ang totoo, iisa lamang ang kawan. Ito ay binubuo ng lahat ng mga tunay na mananampalataya na sila ay sa Mabuting Pastor, si Jesu-Cristo. Bilang isang tagapanguna o “pastor,” ikaw ay isang “pastor sa ilalim ng isang pastor.” Ikaw ay naglilingkod sa bahagi ng Kaniyang kawan sa “ilalim” ng direksyon ng Mabuting Pastor.
Laging tandaan na ang mga dibisyon ng mga denominasyon, organisasyon, at iglesia lokal ay pundar ng tao at umiiral lamang upang pahintulutan ang pag-aalaga at praktikal na kaayusan. Sa totoo, iisa lamang ang kawan.
Huwag mong sikaping ihiwalay ang “iyong kawan” sa ibang mga tao sa kawan ng Mabuting Pastor sa pamamagitan ng mga denominasyon. Huwag kang mabuyo sa pagtatayo ng “iyong kawan” ng denominasyon o samahang lokal. Pagmalasakitan mo ang pagtatayo ng kawan ng Mabuting Pastor. Huwag kang maglagay ng mga reglamento at alituntunin ng tao at sa gayon ay di makasama ang ibang mga tupa. Sinabi ni Jesus, Ang sinoman an nagnanais ay maaring lumapit,” basta papasok lamang sa tanging pintuan na si Jesu-Cristo.
Ang kawan ng Diyos ay hindi eksklusibo. Ang pintuan ay bukas sa lahat ng Kaniyang tupa:
At mayroon Akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y
kailangan
din namang dalhin Ko, at kanilang diringgin ang Aking tinig; at sila’y
magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. (Juan 10: 16)
ANG MGA TUPA AY
BIGAY NG DIYOS:
Sapagkat mayroon lamang isang kawan, lahat ng tupa (mga tagasunod) ay ibinigay ng Diyos:
Ang Aking Ama, na sa kanila ay nagbigay (ng tupa) sa Akin, ay lalong
dakila kay
sa lahat… (Juan 10: 29)
Ang mga tagasunod ay ipinagkatiwala lamang sa iyong pagkalinga. Ang totoo, sila ay sa Diyos.
MAY MGA TUPA NA HINDI SUSUNOD:
May isang malungkot na katotohanan na dapat malaman ng bawat pastor. May ilan na tinawag na tatangging sumunod. Sinabi ni Jesus:
Datapuwat hindi kayo nagsisampalataya, sapagkat hindi kayo sa Aking mga
tupa.
(Juan 10: 26)
May ilan na tinawag ngunit hindi susunod. Tatanggi sila na maging bahagi ng kawan. Ito ay isang malungkot na katotohanan, ngunit totoo. Subalit huwag masiraan ng loob. Pangunahan mo ang mga susunod.
KILALA NG PASTOR ANG KANIYANG TUPA:
Sinabi ni Jesus:
Ako ang mabuting pastor; at nakikilala Ko ang sariling Akin, at ang
sariling Akin ay nakikilala Ako. (Juan
10: 14)
Sa panahon ng ministeryo ni Jesus, ang mga pastor ay may malapit na kaugnayan sa kanilang tupa. Naroon ang pastor sa pagsilang ng tupa at gabay at kalinga ang dulot sa boong buhay nito. Upang maging isang mabisang tagapanguna, dapat mong makilala ang mga tao na ipinagkatiwala sa iyong pag-aalaga. Dapat mong palaguin ang isang personal na kaugnayan sa kanila. Sinabi ni Jesus na ang Mabuting Pastor ay “tinatawag ang kaniyang tupa sa pangalan” (Juan 10:3).
KILALA NG TUPA ANG PASTOR:
Hindi lamang kilala ng pastor ang kaniyang tupa, kilala ng tupa ang kaniyang pastor:
Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking
nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin.
(Juan 10: 27)
Sinabi ni Jesus na kilala ng tupa ang tinig ng pastor. Sila ay nakikinig at sumusunod sapagkat kilala nila siya at nagtitiwala sa kaniya.
Bilang isang tagapanguna, dapat mong palakasin ang kaugnayan ng pagibig at pagtitiwala sa iyong mga tagasunod. Upang magawa mo ito, dapat kang kasama ng iyong kawan at nakalaan sa kanila sa halip na nakabukod sa kanila. Dapat kang mamuhay sa isang paraan na susundan ka ng iyong kawan tulad ng pagsunod mo kay Cristo:
Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo. (I Corinto 11:1)
Hindi susunod ang mga tao sa iyo dahil lamang sa ikaw ay natoka na tagapanguna. Dapat mong makamit ang kanilang pagtitiwala upang sumunod sa kanila. Ito ay mangyayari kung hahayaan mong makilala ka nila.
INAALAGAAN NG PASTOR SA KANIYANG TUPA:
Inaalagaan ng mabuting mga pastor ang kanilang kawan. Dapat kang magmalasakit sa kaluluwa ng kawan. Dapat mong tiyakin na ang kanilang “kaluluwa ay napanauli” sa wastong kaugnayan sa Diyos.
Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa. ( Awit 23: 3)
Kabilang sa pagmamalasakit sa kawan ang pagaliw sa kanila sa panahon ng kalungkutan at pangangailangan. Ang tungkod ng pastor ay ginamit upang umabot at kabigin ang tupa na malapit sa pastor upang aliwin at suriin (Awit 23:4).
Kabilang din sa pagmamalasakit ang paggabay sa mga tao tungo sa Mabuting Pastor na may kayang magkaloob ng lahat ng kanilang pangangailangan:
Ang Panginoon ay aking Pastor; hindi ako mangangailangan. (Awit 23:1)
Tungkol sa pagaalaga ng Panginoon bilang kaniyang espirituwal na pastor, sinabi ni David:
Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan; Pinapatnubayan Niya ako
sa siping ng mga tubig na pahingahan.
(Awit 23: 2)
Kung ang mga tupa ay inaalagaan nang maayos, sila ay hihimlay at masisiyahan. Ang mga tupa sa likas na larangan at gayon din sa larangang espirituwal ay hihimlay lamang kung sila ay:
Malaya Mula Sa Takot: Ang takot sa tao at sa kaaway ang magpapakalat sa tupa. Dapat mong ituro sa mga tupa…
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng katakutan; kundi
ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan. (II Timoteo 1: 7)
Malaya Mula Sa Away Sa Ibang Tupa: Ang mga tupa na nagaaway-away ay hindi mapapahinga o manginginain. Hindi rin sila makapagparami sa larangang espirituwal. Sa panahon ng Biblia, kung magaway ang mga tupa, lalagyan ng langis ng pastor ang kanilang ulo. Magiging madulas sila dahil sa langis at hindi na sila magsusuwagan at magaaway. Turuan ang mga tupa na labanan ang kaaway, hindi ang isat-isa. Ipahid ang langis ng Espiritu Santo sa kanilang ulo!
Malaya Mula Sa Mga Peste: Sa likas na larangan, maraming ibat-ibang mga peste na kumakapit sa balahibo ng tupa at nagdudulot ng sakit at kawalang sigla. May uri ng langaw na sumasalakay sa tupa at nagiiwan ng mga itlog na mapipisa, at pagkatapos, kapag napisa na ang mga langaw na itong maliliit pa ay gagapang sa ulo ng tupa at maaaring magdulot ng pagkabulag at kamatayan.
Sinabi ni David na “pinapahiran ng langis” ng pastor ang kaniyang ulo (Awit 23:5). Sa likas na larangan, ginagamit ng pastor ang langis upang linisin ang tupa sa sakit, karamdaman, at impeksyon. Sa larangang espirituwal, ang mga peste ay maaaring itulad sa kasalanan. Magdudulot ang kasalanan ng pagkabulag at kamatayan. Ang langis ng Espiritu Santo ay dapat ipahid sa mga tupa upang linisin sila mula sa mga peste ng kasalanan.
Malaya Mula Sa Uhaw At Gutom: Kung nais mo na ang tupa ay manatili sa
kulungan, dapat mo silang pakainin. Dapat dalhin ng isang tagapanguna ang mga
tupa sa sariwang pastulan at pakanin sila ng katotohanan ng Salita ng Diyos:
Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo, na magsigamit kayo
ng pagpupuno… (I Pedro 5:2 )
Hindi sapat na basta mo lamang pangunahan ang mga tao sa sariwang pastulan. Dapat mo silang papahingahin. Dapat mong ihanda ang hapag na may mga mabubuting mga bagay ng Diyos at ihain sa harapan nila (Awit 23:5). Dapat mong pangunahan ang mga tupa sa walang hanggang tubig (Juan 4) na papatid sa kanilang pagkauhaw. Punuin ang kanilang mga espirituwal na saro na umaapaw sa Salita ng Diyos (Awit 23:5).
Sa likas na larangan, kung ang tupa ay nauuhaw sila ay lalabas at maghahanap ng tubig. Kung hindi sila pangunahan tungo sa mabuting tubig, iinom sila sa palsong tubig. Ang pastor ang nangunguna sa kanila at tinitiyak na walang nakakalason sa tabi ng ilog at hindi palso ang tubig. Bilang isang pastor, dapat mong pangunahan ang mga tupa sa mabuting tubig. Sinabi ni Jesus:
Kung ang sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito siya sa Akin, at uminom.
(Juan 7: 37)
Binanggit ni Jeremias ang “mga balon na hindi naglalaman ng tubig.” Ang kawalan ay hindi mapupunan maliban sa pamamagitan ng tubig ng buhay (Jeremias 2:13).
Magandang pansinin ang Awit 23:2 na ang pastor ang nangunguna sa “tubig na pahingahan.” Ang payapang tubig ay hindi umaagos. Dito ang tubig ay dalisay. Hindi ito nakapirming tubig na marumi. Ito ay sariwa. Ngunit hindi ito rumaragasang tubig o tulad ng talon na maaaring mapanganib. Ang ibig sabihin nito ay tiyak na matibay na doktrina na hindi nakikilos ng mga pabago-bagong ihip ng hangin ng karanasan o ng tanyag na teolohiya.
SINUSUPIL NG PASTOR ANG KANIYANG TUPA;
Kabilang sa pag-aalaga sa tupa ang pagsupil o disiplina. Ang tungkod na gamit ng mga pastor ay upang ituro ang tupa sa tamang daan. Hindi siguro mabuting pakiramdam ang sundutin ka sa tagiliran ng tungkod, ngunit ito ay kailangan.
Ang tungkod ng pastor ay isang likas na halimbawa ng tungkod ng kapamahalaan ng Salita ng Diyos na dala ng mga espirituwal na mga pastor. Ang tungkod ay nagbibigay ng disiplina. Hindi laging masarap na pakiramdam, ngunit kailangan.
Kabilang sa pangunguna ang disiplina, pagsaway, at pagtutuwid upang mapanatili ang tupa sa tamang landas. Kung maligaw ang tupa, kabilang sa disiplina at alaga ang paghanap sa kanila upang sila ay ibalik sa kulungan (Lucas 15). Dapat mong pangunahan ang tupa mula sa kasalanan tungo sa katuwiran:
…Pinapatnubayan Niya ako sa mga landas ng katuwiran… (Awit 23: 3)
Sa likas na larangan, kung bayaan ang tupa, siya ay maliligaw. Manginginain sila sa isang lugar hanggang sa ito ay maupod na o kaya sila ay magsisipangalat kung saan-saan. Totoo rin ito sa mga lalake at babae:
Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawat isa
sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa Kaniya ng Panginoon ang kasamaan
nating lahat. (Isaias 53: 6)
Sa pamamagitan ng pangunguna sa mga lalake at babae sa landas ng katuwiran, dinidisiplina mo sila sa mga paraan ng Diyos.
TINUTULUNGAN NG PASTOR ANG KANIYANG TUPA NA MAKABANGON:
Sa likas na larangan, ang isang tupa na umikot at natihaya ay hindi makababangon sa kaniyang sarili. Madaling salakayin ito ng hayop at walang magagawa ito. Dapat lumapit ang pastor at sa pamamagitan ng tungkod ay himuking tumayo sa sarili.
Parehong hindi makabangon ang tupa at mananampalataya kung:
Sila Ay Naging Palumagay: Sa likas na larangan, minsan ang tupa ay hindi makabangon kung sila ay pumaroon sa isang magandang sariwang pastulan at naging masaya at kontento. Sila ay tumitihaya at isinisipa ang mga paa sa tuwa…at hindi na makabangon.
Sa larangang espirituwal, ang mga mananampalataya ay madalas nagiging palumagay dahil sa ginhawang materyal. Nasasangkot sila sa mga kaaliwan at yaman ng sanglibutan. Wala silang malasakit sa Diyos, sa Kaniyang Kaharian, at mga kaluluwang napapahamak. Kung ito ay mangyari, hindi sila nagiging mabisa para sa Diyos at madaling salakayin ng kaaway. Upang matulungan ang ganoong mga tupa, dapat mong ituon ang iyong pansin sa mga pangwalang hanggan na mahahalagang bagay at udyukan sila para sa gawain ng Kaharian.
Labis Ang Kanilang Balahibo: Kung lumabis ang haba ng balahibo ng tupa, nasasabit ang mga tinik dito at ang tupa ay nabibigatan sa mga bagay na ito, at madaling nasasalakay ng kaaway. Upang tulungan ang hindi “makabangon” na tupang ito, pinuputol ng pastor ang mga nasabit sa balahibo. Habang ginagawa ito, sumisigaw at sumisipa ang tupa.
Sa larangang espirituwal, ang mga mananampalataya ay pinipigil ng mga “intindihin ng sanglibutang ito” at ng mga “kasalanan na pumipigil sa atin.” Dapat putulin ang mga ito upang sila ay maging mabisa para sa Diyos. Maaaring tayo ay sumipa at sumigaw at makipagpunyagi, ngunit kailangang gawin ito.
Labis Silang Mataba: Ang mga tupang labis na mataba ay hindi makabangon sa sandaling sila ay tumihaya. Ang ilang mga mananampalataya ay labis ding mataba sa espirituwal na larangan. Tinatanggap nila ang mga bagay ng Diyos ngunit kailanman ay hindi nagbibigay. Hindi sila naglilingkod sa iba, kundi nagpapatuloy lamang na tumabang espirituwal.
Sa likas na larangan, ang mga labis ang tabang mga tupang ito ay hindi malulusog o kaya ay madaling magparami. Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Dapat ang mga matatabang mga tupang ito ay pabangunin at bayaang kumilos para sa Diyos ng mga pastor na espirituwal.
PINANGUNGUNAHAN NG PASTOR ANG KANIYANG TUPA:
Sinabi ni Jesus:
Pagka nailabas na Niya ( ang pastor) ang lahat ng sariling Kaniya, ay
pinangungunahan Niya sila, at nagsisisunod sa Kaniya ang mga tupa… (Juan 10: 4)
Ang pangunguna ang ibig sabihin ng salita: dapat kang manguna sa mga tupa at pangunahan sila. Hindi mo lamang sila sasabihan kung saan dapat pumunta. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pamumuhay ng mga ipinangangaral mo at pagpapakita ng iyong estilo ng buhay sa halip na sasabihan lamang sila. Ang pastor ang nagbibigay ng halimbawa bilang isang tagapanguna, hindi isang “panginoon” na nagyayabang. Sinabi ni Pedro na maglingkod na…
Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa
pinanganga-siwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng
kawan.
(I Pedro 5: 3)
BOONG LAAN NA NAGLILINGKOD ANG PASTOR:
Sinabi ni Pedro na…
Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na
nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may
kasayahan… (I Pedro 5: 2)
Hindi ka mangunguna dahil lamang na sinabihan ka, pinilit, o hiniling na gawin ito. Dapat kang manguna sapagkat nais mong manguna. Buong laan mong tuparin ang pagkatawag sa iyo.
IBINIBIGAY NG PASTOR ANG KANIYANG BUHAY ALANG-ALANG SA KANIYANG
TUPA:
Sinabi ni Jesus:
Ako ang mabuting Pastor: ibinibigay ng
mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa. (Juan 10: 11)
Si Jesus lamang ang bukod tanging handog para sa kasalanan ng buong sangkatauhan. Hindi ka maaaring mamatay para sa iyong kawan sa ganitong paraan. Kakaunti sa atin ang mamamatay alang-alang sa iba o kaya ay maging mga martir.
Ngunit upang maging isang tagapanguna, kailangang “ibigay mo ang iyong buhay” sa ibang paraan. Dapat mong isakripisyo ang iyong mga sariling hangarin at makasariling ambisyon alang-alang sa iba. Maraming mga di kaaya-ayang bagay sa pagaalag sa iba. Maraming oras ang kailangan nito at manghihimasok sa iyong pansariling mga plano.
Nilinaw ni Jesus ito sa Kaniyang mga talinhaga ng nawalang tupa sa Lucas 15. Ang lahat ng mga tupa ay naging masunurin at lumagay sa nararapat, maliban sa isang nawala. Hindi maginhawa na lumabas upang hanapin ito sa gabi. Hindi ito maginhawa at kanais-nais. Mapanganib pa nga. Ngunit “ibinigay ng pastor ang kaniyang buhay” at lumabas at sinagip ang nawalang tupa.
IPINAGTATANGGOL NG PASTOR ANG KANIYANG TUPA:
Hindi puumaparito ang magnanakaw, kundi
upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa…
(Juan 10:10)
Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na
hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at pinababayaan
ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat:
Siya’y tumatakas sapagkat siya’y upahan, at
hindi pinagmamalasakit ang tupa.
(Juan 10: 12-13)
Anoman ang halaga, ang isang mabuting pastor ay kasama ng kaniyang tupa at ipinagtatanggol ang mga ito.
Ang mga upahan ay mga tagapanguna na ginagamit ang kanilang mga katungkulan dahil lamang sa pera, kapangyarihan, katungkulan, o karangalan. Sila ay naglilingkod dahil sa salapi o para sa sariling pakinabang. Walang pakialam ang mga upahan sa mga tupa, kaya sila ay tumatakas kung sumalakay ang kaaway (I Pedro 5:2)
BABALA SA MGA PASTOR
Basahin ang Ezekiel 34 sa iyong Biblia. Kabilang sa kabanatang ito ang babala sa mga masasamang pastor na namahala sa Israel. Ngunit tungkol sa lahat ng mga tagapanguna na masasamang mga pastor ang babala. May ipinangakong “sumpa” o hatol ang Diyos sa mga pastor na:
1. Hindi pinakakain ang kawan: Talatang 2
2. Ninanakawan at kumuha para sa sarili mula sa kawan: Talatang 3
3. Ang sarili ang kinakalinga, hindi ang kawan: Talatang 2-3, 8
4. Walang malasakit sa mga pangangailangan ng kawan: Talatang 4
( Hindi inaaliw ang mga nasasaktan, hindi pinalalakas ang tupa, hindi
nagmamalasakit sa mga maysakit na espirituwal.)
5. Hindi hinahanap ang nawawalang tupa: Talatang 4 at 6
6. Namamahala na may kalupitan at karahasan: Talatang 4
7. Pinapangalat ang mga tupa: Talatang 5-6
8. Hinahayaan sirain ng kaaway ang mga tupa: Talatang 8
9. Hinahayaan sirain ng sakit ng kasalanan at kawalan ng pagkakaisa ang kawan:
Talatang 21
ISANG PANGAKO SA MGA PASTOR
Kung sinusunod mo ang mga prinsipyo ng Biblia sa pangunguna tulad ng alipin, maaari mong angkinin ang pangakong ito:
…At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay
magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian. (I Pedro 5: 4)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Sino ang Mabuting Pastor?
3. Ano ang nagiisang kawan?
4. Isulat ang buod ng mga prinsipyo ng pagpa-pastor na iyong natutuhan sa araling ito. Ano ang mga pananagutan ng isang pastor?
5. Ibigay ang buod ng babala na ibinigay sa mga masasamang mga pastor sa Ezekiel 34.
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Suriin ang iyong sariling buhay tungkol sa mga prinsipyo ng pagpa-pastor na iyong napag-aralan sa araling ito. Ginagamit mo ba ang mga prinsipyong ito sa iyong buhay at ministeryo? Saan ka nagkukulang? Paano ka lalago?
2. Pag-aralan ang Awit 23 na gamit ang balangkas na ito. Bilang isang pastor, ang Panginoon ang iyong:
-Tagapagkaloob: Awit 23:1
-Kapayapaan: Awit 23:2
-Taga-gawa ng landas: Awit 23:3
-Taga-pangtanggol: Awit 23:4
-Taga-paghanda: Awit 23:5
-Taga-pagpaapaw: Awit 23:5
-Taga-pangako: Awit 23:6
Mga dagdag na mga isipan sa Awit 23: Patungkol sa kabutihan at kaawaan sa talatang 6, pansinin ang…
-Pagiging malapit nito: “Ito ay susunod sa akin.”
-Pagpapatuloy nito: Ito ay magpapatuloy habang buhay.
-Palagian nito: Ang ibig sabihin ng “Lahat ng araw” ay palagi.
-Pagtiyak nito: “Tunay.”
Ituring ang tanong na ito: Ang kabutihan ba at kaawaan ay sumusunod sa iyo? Sa iyong pamumuhay nagiiwan ka ba ng pangpalakas, insipirasyon, kaawaan, at kabutihan?
Tungkol sa libis, na naglalarawan ng mahihirap na panahon sa ating
karanasang Cristiano, pansinin na…
-Ito sa totoo ay isa lamang anino. Kung makakita ka ng anino sa likas na larangan, may isang bagay na nagdadala nito. Hindi ang anino ang katunayan. Sa larangang espirituwal, ang pakikibaka ng kaaway ang nasa kabila ng bawat anino sa ating mga libis.
-Ito ay isang paglakad at “paglampas.” Hindi ka mananatili sa libis magpakailanman. Hindi sinabi na “Namatay ako doon” o “nanatili ako roon.”
-Ito ay isang “paglakad,” hindi isang pagtakbo dahil sa takot.
-Ito ay mga libis sa likas na larangan ang mga mabubungang dako. Hindi, dadaan ba ako o hindi sa libis, ang tanong. Dadaan ka sa maraming libis. Ang tanong ay, paano ka tutugon sa mga ito? Manginginain ka ba sa mabubuting mga bagay ng Diyos na tumutubo sa libis?
-Ang pamalo (para sa disiplina) at tungkod (para sa pag-aalaga) ng pastor ay gumagawa sa mga karanasan natin sa libis.
3. Matututuhan mo pa ang tungkol sa kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa pagpa-pastor sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga sumusunod na mga reperensya:
-Bilang 27:17
-Awit 23; 80:1
-Isaias 40:11
-Ezekiel 34; 37:24
-Zacarias 10:2; 11:15-17
-Mateo 9:36; 25:32; 26:31
-Marcos 6:34; 14:27
-Juan 10
-Hebreo 13:20
-I Pedro 2:25; 5:4
IKA-PITONG KABANATA
MGA GAWAIN NG MGA TAGAPANGUNA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
At pinagkalooban Niya (ng Diyos) ang mga
iba na maging apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista;
at ang mga iba’y pastor at mga guro;
Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing
paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. (Efeso 4:11-12)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang mga aralin, natutuhan mo kung PAANO ka mangunguna bilang isang mabuting katiwala, alipin, at pastor. Ito at ang mga sumusunod na mga aralin ay nakatuon naman sa ANO ang ginagawa mismo ng isang tagapanguna.
Maraming mga gawain ang napapaloob sa pangunguna. Ang gawain ay isang pananagutan, katungkulan, o trabaho. Hindi natin matatalakay ang bawat gawain na maaaring ipagawa sa isang tagapanguna, kaya atin lamang tatalakayin ang mga pangunahing gawain ng mga tagapanguna.
ANG DAPAT UNAHIN
Ang dapat unahin ng isang tagapangunang Cristiano ay binigyang kahulugan sa sumusunod na bahagi ng Kasulatan:
At pinagkalooban Niya (ng Diyos) ang mga
iba na maging apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista;
at ang mga iba’y pastor at mga guro;
Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing
paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. (Efeso 4:11-12)
Naglagay ang Diyos ng mga tagapanguna sa Iglesia sa “ikasasakdal” ng mga mananampalataya para sa gawain ng ministeryo. Ang ibig sabihin ng salitang “ikasasakdal” ay ihanda o sangkapan ng kakayahan. Kabilang naman sa “gawain ng ministeryo o paglilingkod” ang bawat katungkulan, gagawin, at pananagutan sa ministeryo.
Ang pangunahing gawain ng mga tagapangunang Cristiano ay sa ikasasakdal ng mga mananampalataya para sa gawain ng ministeryo. Sapagakat ang bawat mananampalataya ay pinagkalooban ng hindi kukulangin sa isang kaloob na espirituwal, ang mga tagapanguna ay maraming pagkukunan o pagmumulan ng mga manggagawa. Bawat isang mananampalataya ay dapat masangkapang espirituwal upang magawa ang gawain na itinawag ng Diyos sa kanila.
Kabilang sa ikasasakdal ang pagtuturo, pangangaral, pagpapakita, at pagsasanay. Sangkot din sa ikasasakdal ang pagpapakilos sa mga tao para sa gawain ng ministeryo. Ang ibig sabihin ng “pagpapakilos” ay gawing aktibo o pakilusin. Ang mga mananampalataya ay hindi lamang dapat sanayin, kundi dapat silang mapakilos upang magamit ang kanilang mga natutuhan.
Kabilang din sa ikasasakdal ang pagsasanay sa ilan na maging tagapanguna at ang iba naman ay tagasunod. Ang lahat ay mahalaga sa gawain ng ministeryo. Ang buong Ika-sampung Kabanata ay tungkol sa pagsasanay sa mga tagapanguna at mga tagasunod.
Kung ikaw ay isang tagapanguna na tinawag at pinili ng Diyos kailangan kang masangkot sa pagsangkap sa iba ng kakayahan upang magawa ang gawain ng Diyos. Ito ang inyong dapat unahin at pangunahing gawain. Ito ang mga positibong bunga kung ang mga mananampalataya ay wastong “nasakdal” para sa gawain ng ministeryo:
-Ang gawin ng ministeryo ay nagagawa: Efeso 4:12
-Ang Katawan Ni Cristo (ang Iglesia) ay napatibay (napatatag): Efeso 4:12
-Naaabot ng mga tao ang paglagong espirituwal: Efeso 4:13-15
-Pagkakaisa ang ibinubunga: Efeso 4:13
-Ang mga tao ay natutulad sa wangis ni Cristo: Efeso 4:13
-Nagiging matatag ang mga tao sa doktrina, at lumalalim sa katotohanan: Efeso 4:15-16
-Ang Katawan ni Cristo ay mabisang nakakagawa: Efeso 4:16
MGA PANANAGUTAN NG PROSESO NG PAGSASAKDAL
Kabilang sa “pagsasakdal” sa mga mananampalataya ang maraming pananagutan. Narito ang ilan sa mga ito:
MAGPAKITA NG HALIMBAWA:
Natalakay na natin ang tungkol sa pananagutan ng mga tagapanguna na magpakita ng wastong halimbawa sa mga tagasunod. Bilang halimbawa, ang tagapanguna ay kailangang tinawag, pinahiran, isang mabuting katiwala at pastor at isang lingkod ng lahat. Dapat makita sa kaniyang buhay ang mga katangian ng isang tagapanguna na tinalakay sa Ika-apat na Kabanata. Dapat siyang maging mapanalanginin at nagsasaliksik ng Salita ng Diyos. Dapat ang iyong halimbawa ay may kabanalan, sapagkat…
Hindi higit ang alagad
sa kaniyang guro: datapuwat ang bawat isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro. (Lucas 6:40)
Ang kakayahan na mangasiwa at manguna sa iba ay nagsisimula sa wastong pangangasiwa sa sarili. Dapat kang magpakita ng halimbawa sa pansariling paguugali at disiplina, sa kaugnayan sa Diyos, at sa panghihikayat at sa bawat “gawain ng ministeryo.”
PAG-AALAGA:
Ang isa pang pangunahing pananagutan ng mga tagapanguna ay ang alagaan ang mga tagasunod. Ito ay laging binigyan ng diin sa aralin na ang pangunguna ay tulad ng isang pastor at lingkod o alipin. Ang mga tao, hindi mga plano o proyekto, ang pinakamahalaga.
Bilang isang tagapanguna, ikaw ay tinawag ng Diyos upang alagaan ang mga tagasunod na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Dapat mo silang mahalin, pagmalasakitan ang kanilang mga problema, at maglingkod sa kanilang espirituwal, pisikal, at materyal na pangangailangan sa tulong ng Diyos. Ang isang mahalagang bahagi ng pagaalaga ay ang pananalangin para sa mga tagasunod. Huwag magkasala laban sa Diyos sa pamamagitan ng di pananalangin para sa kanila na ipinagkatiwala sa iyo.
PANGUNGUNA:
Ang isang tagapanguna ay dapat manguna at gumabay. Siya ay nagkakaloob ng direksyon sa mga tao upang sangkapan sila ng kakayahan na magawa ang ministeryo na itinawag sa kanila. Dapat mong gabayan ang mga tao kung saan nais ng Diyos na kanilang marating, hindi kung saan ang kanilang mga makasariling nasain na maglagalag. Kabilang sa pangunguna ang pagpapayo sa mga tao na lumakad sa mga paraan ng Diyos sa pamamagitan ng paggabay sa kanila ng mga prinsipyo ng Kasulatan.
PAGPAPASIYA:
Sa pangunguna mo sa iba, kailangan kang gumawa ng mga pagpapasiya. May mga paunang mga prinsipyo ng pagpapasiya na makatutulong sa iyo sa gawaing ito. Pag-aaralan mo ito sa Ika-walong Kabanata.
PAGHARAP SA MGA PAGSALUNGAT AT DISIPLINA:
Sa tuwing gagawa ka na kasama ang mga tao, magkakaroon palagi ng pagsalungat. Dapat malunasan ng isang tagapanguna ang gayong mga pagsalungat sa patnubay ng Panginoon. May- roon ding mga tao na mangangailangan ng disiplina sapagkat sila ay nahulog sa maling doktrina o kasalanan at kailangan ang pagtutuwid. Ang Ika-siyam na Kabanata naman ng kursong ito ang nagbibigay ng mga panuntunan para sa pagharap sa mga pagsalungat at disiplina.
PAGSUSURI SA PALIBOT:
Upang maging mabisa, dapat mong maunawaan ang mga tao na iyong pinaglilingkuran. Dapat mong maunawaan ang kanilang mga problema, pangangailangan, at mga alalahanin. Upang makamit ang pagkaunawa, suriin mo ang kanilang “palibot” na kabilang ang espirituwal, pisikal, materyal, at kalagayang kultural. May kurso ang Harvestime International Institute, “Pagsusuri Sa Palibot,” na idinitalye ang mga prinsipyo ng pagsusuri sa palibot para magamit sa ministeryo.
PAGTUKOY SA LAYUNIN:
Ang layunin ay ang pangitaing espirituwal. Ang wika ng Biblia:
Kung saan walang pangitain,
ang bayan ay sumasama… (Kawikaan 29:18)
Ang layunin o ang pangitaing espirituwal ay kinapapalooban ng pagkaunawa sa dalawang bagay:
1. Ang mga layunin ng Diyos.
2. Ang iyong bahagi sa pagtupad ng Kaniyang layunin at mga plano.
Kung iyong matukoy ang iyong layunin sa ministeryo, matutuklasan mo ang iyong personal na bahagi sa plano ng Diyos. Ang layunin ang nagtatayo ng isang pangitain o hangarin sa ministeryo. Ito ang nagbibigay ng direksyon at pagkaunawa ng kung ano talaga ang iyong ministeryo na itinawag sa iyo ng Diyos upang iyong tuparin. Hinahayaan ka nito na mag-plano at ipairal ang mga plano sa pagtupad ng iyong layunin. Kung malinaw mong nauunawaan ang layunin ng Diyos at ang iyong bahagi rito, mabisa mong mapangungunahan ang iba.
Ang kursong “Pangangasiwa Batay Sa Mga Layunin” ay tutulong sa iyo na matukoy mo ang iyong layunin sa plano ng Diyos.
PAGPA-PLANO:
Hindi magkatulad ang pagkaalam sa iyong layunin para sa ministeryo at ang pagtupad ng iyong layunin. Dapat kang magsagawa at magpairal ng mga plano upang matupad ito. Dapat mong idagdag ang pagkilos sa pagkaalam at mga gawa sa pananampalataya upang maisakatuparan ang gawain ng ministeryo. Ang pagpa-plano sa ilalim ng direksyon ng Espiritu Santo ay nagpapahintulot sa iyo na gumawa na nakikiisa sa Diyos upang matupad ang Kaniyang mga plano at mga layunin.
Dapat kang gumawa ng mga tiyak na plano upang matupad ang layunin mo sa iyong ministeryo. Kung ikaw ay isang tagapanguna, tutulungan mo ang mga tagasunod na gumawa ng plano upang matupad ang gawaing nga samahan o ng ministeryo ng grupo. Kabilang sa pagpa-plano ang pagpapasiya…
-Kung ano ang iyong gagawin.
-Kung paano mo gagawin ito (mga pamamaraan o mga hakbang)
-Kailan mo gagawin ito.
-Sino ang gagawa nito.
-Ang halaga sa paggawa nito.
-Isang paraan ng pagtimbang upang makita kung nagawa nga ang naka-plano.
Ang pagpa-plano ay isang
pangunahing gawain ng mga tagapanguna. Ito ay isang prinsipyo ng Biblia at
tinalakay na detalyado sa kurso ng Harvestime International Institute na “Pangangasiwa Batay Sa Mga Layunin.”
PAGPAPATUPAD NG MGA PLANO:
Pagkatapos na ang isang
tagapanguna ay nakagawa na ng mga plano, ang mga planong ito ay dapat pairalin
o pakilusin. Upang mapairal ang plano, dapat ganapin ng isang tagapanguna ang mga
sumusunod na mga gawain. Bawat isa sa mga ito ay tinalakay na detalyado sa
kursong may pamagat na “Pangangasiwa
Batay Sa Mga Layunin.”
-Pagpili sa mga tao na tutupad sa plano.
-Ipapahatid sa kanila ang plano, ang gawain ng ministeryo na dapat gawin.
-Pagtatakda ng kapamahalaan at pananagutan upang matupad ang plano.
-Pagsasanay sa mga napili sa mga kakayahang kailangan upang matupad ang gawain.
-Pagtatatag sa mga taong sangkot at detalye ng plano.
-Paghihilera na sunod-sunod mula sa simulang petsa hanggang sa matapos at ang palagiang pagtingin sa pagsulong ng plano.
-Pagtatakda ng mga kailangang pananalapi upang matupad ang plano.
-Pagpapasiya.
-Pag-repaso ng pagsulong.
-Pagtimbang sa gawain ng ministeryo. Tintiyak ng pagtitimbang kung natutupad mo ang plano at kung ito ay umaambag sa pagtupad ng mga layunin ng Diyos sa iyong ministeryo.
PINALAKAS PARA SA GAWAIN
Tulad ng nabanggit na, hindi matatalakay ang bawat gawain na maaaring gawin ng isang tagapanguna, ngunit ang mga nabanggit ay ang mga pangunahing mga pananagutan ng bawat tagapanguna. Narito ang pangako upang angkinin para sa mga gawain at bawat pananagutan na itinawag na iyong gawin sa pangunguna:
Lahat ng mga bagay ay
aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.
(Filipos 4:13)
Sa tuwing ikaw ay magigipit at magsimulang magisip, “Hindi ko magagawa ang lahat ng dapat gawin,” dapat kang gumugol ng maraming panahon na kasama ang Diyos. Hindi ka mapapagod at mabibigo kung bibigyan mo ng panahon ang paghihintay sa Diyos:
Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan,
na ang pagiisip ay sumasa Iyo: sapagkat siya’y tumitiwala sa Iyo. (Isaias 26:3)
Ipanalangin mo ang “panalangin ng tagapanguna” na idinalangin ni Haring Solomon:
At ang Iyong lingkod ay nasa gitna ng Iyong
bayan na Iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan
dahil sa karamihan.
Bigyan Mo nga ang Iyong lingkod ng isang
matalinong puso upang humatol sa Iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti
at ang masama; sapagkat sino ang makahahatol dito sa Iyong malaking bayan? (I Hari 3:8-9)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang dapat unahin na gawain ng mga tagapanguna?
3. Ibigay ang kahulugan ng “ikasasakdal.”
4. Ano ang mga positibong bunga ng “pagsasakdal” sa mga tao para sa gawain ng ministeryo?
5. Ibigay ang buod ng mga pangunahing pananagutan ng mga tagapanguna na napapasakdal sa mga mananampalataya para sa gawain ng ministeryo.
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Mga ilang reperensya ang ginawa sa kabanatang ito sa mga kursong, “Pagsususri Sa Palibot” at “Pangangasiwa Batay Sa Layunin.” Tulad ng nabanggit sa simula ng kursong ito, iminungkahi namin sa iyo na pag-aralan mo rin ang dalawang kursong ito upang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral ng pangangasiwa ayon sa Biblia.
2. Narito ang ilang mga halimbawa sa Biblia na naglalarawan ng ilang mga gawain ng mga tagapanguna:
PAGTATAYONG MULI NG MGA PADER NG JERUSALEM
ANG PROBLEMA:
Tumanggap si Nehemias ng ulat na ang mga labi sa Juda na nagbalik ay may matinding kahirapan at kahihiyan dahil sa ang mga pader ng Jerusalem ay nawasak at nasunog ng apoy: Nehemias 1:2-3
ANG LUNAS:
Nag-ayuno at nanalangin si Nehemias: Nehemias 1:4-11
Inihayag niya ang kaniyang kalumbayan sa hari: Nehemias 2:1-2
Sinabi niya sa hari kung bakit siya nahahapis: Nehemias 2:3
Tinanong ng hari, “Ano ang iyong kahilingan?”: Nehemias 2:4
Humiling si Nehemias sa Diyos ng patnubay sa pagsagot sa tanong na ito: Nehemias 2:4
Hiniling niya sa hari na isugo siya sa Juda upang itayong muli ang mga pader: Nehemias 2:5
Sinangayunan ng hari ang kaniyang hiling: Nehemias 2:6
Humingi si Nehemias sa hari ng mga opisyal na sulat upang makapaglakbay siya ng malaya at makakuha ng kahoy mula sa kagubatan: Nehemias 2:7-8
Nang makarating na si Nehemias lihim siyang gumugol ng tatlong gabi na sinusuri ang problema at bumuo ng estratehiya para sa pagtatayong muli: Nehemias 2:12-16
Pagkalipas nito inihayag ni Nehemias ang kaniyang plano at hiniling sa mga tao na tulungan siya na itayong muli ang mga pader: Nehemias 2:17-3:32
Nang sikapin ng mga kaaway ni Nehemias na sirain ang gawain, nanalangin ang mga tao at naglagay ng bantay: Nehemias 4:1-13
Nang masindak ang mga tao, pinalakas ni Nehemias ang kanilang loob: Nehemias 4:14
Sa sandaling maipahatid ang balita na nakahanda sila na ipangtanggol ang kanilang sarili, bumalik sila sa pagtatayo: Nehemias 4:15
Lumikha si Nehemias ng isang bagong plano para sa paggawa at pagbabantay upang makapagpatuloy sila sa pagtatayo: 4:16-23
ANG RESULTA:
Natapos nila ang mga pader sa loob ng 52 araw: Nehemias 6:15
Nagpuri ang mga tao sa Diyos: Nehemias 12:27-29, 31-42
Dinalisay ng mga tao ang kanilang sarili at ang lungsod: Nehemias 12:30
Naghain sila ng mga handog sa Diyos: Nehemias 12:43
Nang makita ng mga kaaway ng Israel ang tagumpay na ito at narinig ang pagbubunyi, nawalan na sila ng kompiyansa: Nehemias 6:16
MGA KAMALIAN SA DOKTRINA
ANG PROBLEMA:
May ilang mga kalalakihan na nagtuturo ng maling doktrina sa Antioquia: Gawa 15:1
Hindi malunasan ni Pablo at Bernabe ang problema: Gawa 15:2
ANG LUNAS:
Humingi ng gabay ang iglesia sa Antioquia sa mga apostol at matatanda sa Jerusalem: Gawa 15:2-3
Ang delegasyon ng Antioquia ay nagulat kung paanong ang mga Hentil ay nahihikayat sa pamamagitan lamang ng pananampalataya: Gawa 15:4
Nagpulong ang mga apostol at matatanda upang talakayin ang usaping ito: Gawa 15:6
Ipinaalaala ni Pedro sa mga tao kung ano ang ginawa ng Diyos kay Cornelio at sa kaniyang sambahayan: Gawa 15:7-11
Nagbigay si Pablo at Bernabe ng tiyak na patotoo tungkol sa mga bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila sa mga Hentil: Gawa 15:12
Ipinaalaala ni Santiago kung paanong hinulaan ng mga propeta ng Lumang Tipan ang pagkahikayat ng mga Hentil: Gawa 15:13-18
Nagpanukala si Santiago ng lunas para sa problema: Gawa 15:19-21
Sumangaayon ang mga apostol, mga matatanda, at ang buong iglesia sa panukala: Gawa 15:22
Gumawa ng isang liham: Gawa 15:22-30
Si Judas at Silas ay napili upang ihatid ang sulat: Gawa 15:22
Inihatid ni Judas at Sila ang sulat at isang mensahe: Gawa 15:30, 32
ANG RESULTA:
Nagalak ang kapulungan: Gawa 15:31
Si Judas at Silas ay pinabalik sa Jerusalem na may kapayapaan: Gawa 15:33
Nagpatuloy na walang hadlang ang gawain ng Diyos: Gawa 15:35
Ang mga alituntunin sa mga sulat ay inihatid ni Pablo, Silas, at Timoteo sa ibang mga iglesia: Gawa 16:4-5
PAGHATOL SA MGA TAO
ANG PROBLEMA:
Ang mga tao ay kasama ni Moises mula umaga hanggang gabi upang kaniyang lunasan ang kanilang mga problema: Exodo 18:13
Sinikap ni Moises na mag-isa niyang gawin ang gawain: Exodo 18:14-16
Ang paraang ito ay nagdulot ng problema sa mga tao at kay Moises na rin: Exodo 18:18
ANG LUNAS:
Pinayuhan ni Jethro si Moises na pagpasiyahan ang dapat unahin: Exodo 18:19
Gumawa siya ng isang plano ng pagtatakda: Exodo 18:19-22
Inihatid ni Moises ang problema sa mga tao: Deuteronomio 1:9-12
Inatasan ni Moises ang bawat tribo o lipi na pumili ng mga pantas na lalake at kaniyang hinirang ang mga ito na maging tagapanguna: Deuteronomio 1:13
Buong ingat na itinuro ni Moises sa mga tagapanguna ang kanilang mga pananagutan: Deuteronomio 1:16-18
ANG RESULTA:
Tinulungan si Moises sa mga pananagutan ng pangunguna: Exodo 18:22
Nadala ni Moises ang lahat ng mga gawain ng kaniyang pangunguna: Exodo 18:23
NAPABAYAANG MGA BALO
ANG PROBLEMA:
Ang bilang ng mga alagad ay mabilis ang pagdami at dahil dito napwersa ang sistema. May ilang mga balo na nakaligtaan at nagsimulang dumaing: Gawa 6:1
Nasangkot ang mga apostol sa mga detalye ng problemang ito kaya napabayaan nila ang kanilang pangunahing gawain ng pagtuturo ng Salita ng Diyos: Gawa 6:2
ANG LUNAS:
Pinulong ang lahat ng mga mananampalataya: Gawa 6:2
Ipinaalam sa mga tao kung ano ang pangunahing gawain ng 12 mga apostol, at ito ay pananalangin at ministeryo ng Salita ng Diyos: Gawa 6:3-4
Inatasan ang mga tao na pumili ng pitong kuwalipikadong mga lalake upang siyang kumalinga sa pangangailangang sumibol: Gawa 6:3
Pumili ang mga tao ng pitong mga lalake: Gawa 6:5
Pinagtibay ng mga apostol ang napili ng mga tao sa pamamagitan ng panalangin at pagpapatong ng kamay: Gawa 6:6
ANG RESULTA:
Ang pangangailangan ng mga tao ay natagpo at ang pagkakaisa ay nabalik. Nagawa naman ng mga apostol ang kanilang pangunahing gawain: Gawa 6:7
IKA-WALONG KABANATA
PAGGAWA NG PAGPAPASIYA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Ang puso ng tao ay kumatha ng kaniyang
lakad: ngunit ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. (Kawikaan 16: 9)
PAMBUNGAD
Ang pagpapasiya ay isang mahirap na gawain na kinakaharap ng mga tagapanguna bawat araw. Ang bawat pasiya ay mahalaga, sapagakat ang pasiya sa maliliit na mga bagay na nauulit ay may bisa sa iyong buong buhay at ministeryo.
Ang pasiya ay isang pagpili. Dapat kang makahanap ng sagot para sa isang tunay na kalagayan sa buhay at magpasiya kung ano ang iyong gagawing hakbang. Ang pasiya ay siyang titiyak sa hantungan. Ang mga pasiya na gagawin ng isang tagapanguna ay may epekto hindi lamang sa sarili niyang hantungan kundi sa hantungan ng kaniyang mga tagasunod.
Ang buhay ay binubuo ng walang patid na pagpili at pagpapasiya. Ang pagpili ay isang pananagutan. Ang pagtanggi na gumawa ng pasiya ay pasiya na rin. Ang araling ito ay naghaharap ng mga panuntunan sa paggawa ng mabuting pagpapasiya at isang modelo ng Biblia sa pagpapasiya.
PAMAMARAAN NG BIBLIA
Ang paraan ng Biblia sa pagpapasiya ay hindi sa pamamagitan ng botohan ng mga tao. Hindi ito yaong demokratikong paraan o “ang pasiya ng nakararami.” Ang mga problema ng ganitong paraan ay inilarawan ng isang kasaysayan ng Israel sa hangganan ng Canaan (tingnan ang Bilang 13).
Ang demokratikong paraan sa iglesia ay nagdudulot na pakikipag-kompromiso, legalismo, at paligsahan. Mga patakaran ng kaayusan, mga mungkahi, at mga boto na nagbibigay limitasyon sa kapahayagan ng Espiritu Santo. Ang pagboto ay madalas nagbubunga ng mga nasaktang damdamin, galit, at pagkakahati ng iglesia. Hindi ito paraan ng Biblia ng pagpapasiya para sa Iglesia. Ang mga paraang ito ay kinuha ng Iglesia mula sa mga estilo ng mga demokratikong gobyerno ng sanglibutan.
Ang Gawa 15 ay isang napakahusay na halimbawa sa Biblia ng paraan ng pagpapasiya. Ang halimbawang ito ay tumukoy sa isang problema na kaugnay ng paguugali ng mga Judio. Upang lunasan ito, nagtipon ang mga tagapanguna, nanalangin, sinuri ang mga nalalaman nila, at nakasapit sa isang pagkakasundo sa ilalim ng pangunguna ng Espiritu Santo.
Ang Diyos ang naglalagay ng mga tagapanguna sa Iglesia upang gumawa ng pasiya. Binibigyan sila ng karunungan upang tuparin ang kanilang pananagutan. Kung mayroon dapat gawin na pasiya, ang mga tagapanguna ay kailangang magtipon, manalangin, surin ang mga katotohanan, at dumating sa pagkakasundo sa ilalim ng Espiritu Santo.
MGA GABAY SA PAGPAPASIYA
Narito ang ilang mga panuntunan upang tulungan ang mga tagapanguna sa paggawa ng mabuting pasiya:
1. TUKUYIN ANG PROBLEMA:
Ano ang usapin, problema o tanong na nangangailangan ng pasiya? Tipunin ang lahat ng impormasyon tungkol sa usapin. Ilahad ang problem sa isang maikling nakasulat ng pahayag. Hindi ka makagagawa ng wastong pasiya kung hindi mo pa natutukoy kung ano talaga ang problema.
2. SUNDIN ANG MODELO SA
PAGPAPASIYA:
Ang modelo ay halimbawa ng isang bagay. Nagbibigay ito ng halimbawa na maaari mong sundan. Ang isang modelo ng pagapapasiya ay nagbibigay ng halimbawa na maaari mong sundan sa paggawa ng pasiya. Sa susunod na bahagi ay may isang modelo ng Biblia na tutulong sa iyo na gumawa ng mga matatalinong pagpili sa kaloban ng Diyos. Tingnan ang modelo at basahin ang paliwanag na sumusunod:
ISANG MODELO MULA SA BIBLIA NG PAGPAPASIYA
Tukuyin ang problema, tanong, o kalagayan sa buhay na hinahanapan ng patnubay.
׀
Ito ba ay hinarap ng Kasulatan sa pamamagitan ng isang tiyak na utos, pangakalahatang prinsipyo o halimbawa?
׀
________________________________________
׀ ׀
Oo Hindi
׀
____________________________________
׀ ׀
Unang Kolum Ikalawang
Kolum Ikatatlong
Kolum
׀ ׀ ׀
Gumawa ng pasiya Ito
ba ay kwestyonableng ugali? Ito
ba ay tunay sa buhay?
batay sa utos ng Biblia,
prinsipyo, o halimbawa. ׀ ׀
Gumawa
ng pasiya batay sa Magtuloy
sa mga hakbang
Sagot
sa mga tanong na ito:
׀ ׀
Nagluluwalhati
ba ito sa Diyos? Manalangin
׀ ׀
Ano
ang iyong motibo? Pagaralan
ang Kasulatan
׀ ׀
Kailangan
ba ito? Makinig
sa tinig ng Espiritu
Santo
at mahimalang gabay
kung
ibigay
׀ ׀
Magtataguyod
ba ito ng pag- Humanap
ng payong
lagong
espirituwal? Cristiano
׀ ׀
Ito
ba ay bumibihag na ugali? Suriin
ang pangyayari
׀ ׀
Ito
ay pakikipag-kompromiso? Gamitin
ang susi ng Biblia para
׀ ׀
Ito
ba ay tungo sa tukso? Magpasiya
׀ ׀
Mukha
ba itong masama? May kapayapaan ka ba?
׀
Lumalabag
ba ito sa iyong budhi?
׀
Ano
ang epekto nito sa iba?
׀
Manalangin,
pagkatapos ay magpasiya.
׀
May kapayapaan ka ba?
Kung wala kang kapayapaan, magpatuloy na hanapin ang
Panginoon na gamit ang modelong ito.
PAGGAMIT NG MODELO:
Ang unang hakbang sa modelo ng pagpapasiya ay tukuyin ang problema, tanong, o kalagayan sa buhay na inihahanap ng patnubay. Susunod, saliksikin ang nasulat na Salita ng Diyos upang malaman kung ang problema ay hinarap ng isang utos, halimbawa, o pangkalahatang prinsipyo. Ang patnubay para sa maraming mga pagpapasiya, lalo na sa mga usapin ng tama o mali ay naibigay na sa Biblia.
Oo:
Kung ang sagot ay “Oo, hinarap ng nasulat na Salita ng Diyos ang problema” kung gayon magpasiya batay sa nasulat na kapahayagan. (Tingnan ang Unang Kolum sa modelo.) Tiyakin mo na ang iyong pasiya ay sangayon sa mga Kasulatan.
Hindi:
Kung ang sagot ay “hindi,” tumuloy ka sa paggawa ng pasiya sa ilalim ng salitang “Hindi.” May dalawang pagpipilian sa modelo para sa mga kalagayan na hindi hinarap ng Biblia. Dapat mong matiyak kung ang pasiya na gagawin ay sangkot ang isang kwestyonableng ugali o kalagayan sa tunay na buhay.
Kwestyonableng Ugali:
Ang isang kwestyonableng ugali ay isang bagay na hindi tinukoy ng Biblia na tama o mali. Maaaring kabilang dito ang isang uri ng kaaliwan o gawain ng malayang oras, isang ugali, pagkain o inumin, estilo ng pananamit.
Kung ang iyong pasiya ay tungkol sa isang kwestyonableng ugali, itanong sa iyong sarili ang mga tanong na naka-lista sa ilalim ng Ikalawang Kolum. Pagkatapos mong sagutin ang bawat isa sa mga tanong na ito at manalangin, magpasiya ka na batay sa mga sagot sa mga tanong na ito sa modelo.
Kalagayan Sa Buhay:
Ang kalagayan sa buhay ay isang pangunahing pagpili na maaaring umipekto sa iyong buhay sa hinaharap. Maaaring makabilang dito, bagamat hindi limitado dito, mga pagpapasiya tungkol sa pag-aasawa, ministeryo, trabaho, tirahan, pagpili kung saang iglesia sasamba, at iba pa. Para sa mga pagpapasiya tungkol sa mga kalagayan sa buhay, gamitin ang Ika-tatlong Kolum. Ipanalangin mo muna ang tungkol sa iyong pasiya. Hilingin mo sa Diyos ang Kaniyang kalooban na matupad sa iyong buhay. Hilingin mo sa Kaniya ng karunungan na gumawa ng tamang pasiya. Hilingin mo sa iba na manalanging kasama mo. Pag-aralan ang mga Kasulatan at angkinin ang mga pangako para sa direksyon na ibinigay sa nasulat na Salita ng Diyos.
Kilalanin ang kapahayagang makalangit, kung piliin ng Diyos na ibigay ito. Maraming mga paraan ng pagsasalita ang Diyos sa mga tao sa pamamaraan na makalangit upang ihayag ang Kaniyang kalooban at tulungan sila na gumawa ng pasiya. Kabilang dito ang mga paraan tulad ng pangitain, mga hula, panaginip, mga anghel, at tinig na naririnig ng ating natural na pandinig. Ngunit ang gayong makalangit na kapahayagan ay hindi karaniwan. Ang isa sa mga layunin ng Espiritu Santo sa buhay ng isang mananampalataya ay ang pagkakaloob ng patnubay:
Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay
papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita
mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga
ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na
magsisidating. (Juan 16: 13)
Ito ang karaniwang paraan ng Panginoon sa pag-patnubay. Kung magbigay ng kapahayagang makalangit, purihin ang Diyos! Ngunit laging tandaan…Walang panaginip, pangitain, hula, o ibang kapahayagan ay sa Diyos kung ito ay salungat sa nasulat na Salita ng Diyos.
Ang isa pang paraan ng Biblia na tumutulong sa pagpapasiya ay ang pagpapayong Cristiano. Ang matalinong payo mula sa mga tagapangunang espirituwal ay mahalaga:
Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nabababagsak:
Ngunit sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. (Kawikaan 11: 14)
Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: ngunit
siyang pantas ay nakikinig sa payo.
(Kawikaan 12: 15)
Kailangan mo ring suriin ang mga pangyayari na umipekto sa pasiya at gamitin ang mga susi ng Biblia para sa direksyon na ibinigay sa Kawikaan 3:5-6.
3. TUKUYIN ANG MGA
IBAT-IBANG MAAARING GAWIN:
Kung iyong sundan ang modelo para sa paggawa ng pasiya, maaaring matukalasan mo ang ibat-ibang mga lunas para sa problema na iyong kinakaharap. Tukuyin ang mga ibat-ibang pagpipilian at timbangin ang bawat posibleng lunas batay sa:
Mga Panganib: Balansehin ang pananampalataya sa sentido-komon at katunayan. Timbangin ang kahigtan o hindi ng bawat posibleng lunas. Ang mga bukas o nakasarang mga pintuan ng mga pangyayari ay maaaring may epekto sa iyong pasiya.
Mga Kinakailangan: Mayroon ka ba ng mga kinakailangan upang maipatupad ang isang tiyak na lunas? Hindi hihigit ang pasiya sa mga taong magpapatupad nito. Walang pagpapasiya na maipatutupad kung wala ka o hindi ka makapagtiwala sa Diyos upang magkaloob ng mga ka-kailanganing pananalapi.
Ang Ibubunga: Anong lunas ang magbibigay ng pinakamalaking bunga bagamat maliit lamang ang hirap? Walang dahilan na gawin ang mga bagay sa mahirap na paraan. Kung mayroong higit na madaling paraan upang maabot ang gayon ding bunga, piliin ito (malibang iba ang ihayag ng Diyos).
4. PILIIN ANG PINAKAMABUTING
LUNAS:
Pagkatapos mong masuri ang lahat ng mga posibleng mga lunas, piliin ang pinakamabuti. Hiniling mo sa Diyos na patnubayan ka, kaya sumampalataya ka na gagawin nga Niya ito. Karaniwan mong pipiliin ang lunas na pinakamabuti ayon sa panganib, kakailanganin, at ibubunga.
Sinabi naming “karaniwan,” sapagkat minsan ang Diyos ay mangunguna sa isang paraan na sa tingin ay hindi ito ang pinakamabuti. Tandaan na ang mga paraan ng Diyos ay iba kay sa iyong mga paraan. Minsan ang Kaniyang plano ay waring hindi ang pinakamaganda sa natural na pag-iisip, maging bukas dito.
Mayroon ding panganib sa bawat pasiya malibang nangusap ang Diyos na tuwiran sa iyo sa pamamagitan ng Kaniyang Salita o makalangit na kapahayagan. Huwag kang matakot na magkamali ng pasiya. Ang karaniwang maling pasiya ay maaaring ituwid.
Tandaan na pinapatnubayan ka ng Espiritu Santo sa iyong mga pagpapasiya:
Ang puso ng tao ay kumatha ng kaniyang
lakad: ngunit ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. (Kawikaan 16: 9)
Kung gumagawa ka ng pasiya at wala kang kapayapaan sa iyong espiritu, patuloy mong saliksikin ang Panginoon gamit ang mga hakbang sa modelo. Ang kapayapaan sa kalooban ay isa sa mga paraan ng pagpapatibay ng Espiritu Santo na ang pasiya na ginawa ay tama. Huwag mong isasara ang lahat hanggat wala ka ng kapayapaan ng Diyos na nagpapatibay sa iyong pasiya.
5. IPAHATID ANG PASIYA:
Ipabatid mo sa mga tao ang pasiya na iyong ginawa. Linawin mo ito bago mo ipairal.
6. IPATUPAD ANG PASIYA:
Sa sandaling magawa na ang pasiya, ipatupad ito at pagkatapos ay tumungo ka sa ibang bagay. Walang pakinabang sa pagiintindi sa mga pasiyang nagawa na. Sa halip, pagkaraan ng ilang panahon, timbangin ang pasiyang ginawa.
7. TIMBANGIN ANG PASIYA:
Timbangin ang pasiyang ginawa. Nalutas ba nito ang problema? Ito ba ang mabuting pasiya? Pinagpapala ba ng Diyos? Kailangan mo bang gumawa ng pagbabago? Ang maraming mga pasiya ay maaaring baguhin kung kailangan. Maraming mga pasiya ay maaari pang mapabuti. Maging bukas at handa sa pagbabago sa patnubay ng Espiritu Santo.
HULING SALITA UPANG MAG-INGAT
Huwag kang gagawa ng pasiya kung ikaw ay galit, inis, o naiipit. Huwag kang gagaw ng pasiya na nagmamadali. Pakinggan mo ang katotohanan. Maraming mga pasiya ay hindi naman dapat magawa ng apurahan. Si Satanas ang nagtutulak sa iyo at nagdudulot ng pagka-taranta ang pagmamadali. Mahinahon ang pangunguna ng Espiritu Santo. Huwag kang magmadali sa paggawa ng pasiya:
Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang
iyong puso; oo, umasa ka sa Panginoon.
(Awit 27: 14)
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Diyos lamang; sapagkat ang aking
pag-asa ay mula sa Kaniya. (Awit 62: 5)
Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at
maghintay kang may pagtitiis sa Kaniya…
(Awit 37: 7)
Ngunit silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila’y
paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila’y magsisitakbo, at
hindi mangapapagod; sila’y magsisilakad, at hindi manganghihina. (Isaias 40:31)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang paraan ng Biblia sa pagpapasiya? Ito ba ay ang pagboto at pagiral ng kagustuhan ng nakakarami?
3. Ibigay ang buod ng pitong mga panuntunan sa pagpapasiya na ibinigay sa araling ito.
4. Ano ang isang modelo sa pagpapasiya?
5. Ano ang layunin ng isang modelo?
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Narito ang isang halimbawang problema at pasiya:
Ang Problema:
Hindi sapat ang mga nagtuturo sa Sunday School. Kakaunting mga tao ang nakalaang maglingkod bilang mga kahalili. Madalas, pinagsasanib na lamang ang mga klase. Pababa ang dalo.
Mga Posibleng Lunas:
1. Manawagan sa mga volunteers.
2. Pagsanibin pa ang maraming mga klase.
3. Magsimula ng isang gawain ng pagsasanay upang sanayin ang mga bagong
tagapagturo.
Pagsusuri Ng Mga Lunas:
1. Maraming mga tao ang tutugon sa panawagan sa mga volunteers, ngunit ang mga ito
ba ay may kasanayan?
2. Ang pagsasanib ng marami pang mga klase ay maaaring lumunas sa problema ng
kakulangan sa mga tagapagturo. Ngunit ang malalaki bang mga klase ay magbibigay ng personal na pansin sa mga mag-aaral? Ang kalidad ba ng maliliit na grupo ay mawawala?
3. Ang isang gawain ng pagsasanay ay magdudulot sa mga bagong tagapagturo na maging handa upang humalili o magkaroon ng bagong klase.
Pagpili Ng Pinakamabuting Lunas:
Ang pasiya ika-3 ang pinakamabuti. Ang gawain ng pagsasanay ay magdudulot ng patuloy na pagmumulan ng mga bagong tagapagturo na naihanda nang wasto upang magturo. Maaari mong gamitin ang mga lunas 1 (volunteers) at 2 (pagsasanib ng mga klase) hanggang ang unang grupo ng mga bagong tagapagturo ay masanay na.
Pagtimbang:
1. Pagkatapos ng tatlong buwan, timbangin ang pasiya. Ang gawain ba ng pagsasanay ay lumulutas sa problema ng kakulangan ng mga tagapagturo?
2. Isipin ang pagpapasiya na iyong kinakaharap. Gamitin ang mga prinsipyo na iyong natutuhan sa araling ito upang tulungan kang gumawa ng pagpili.
3. Ang Biblia ay tala ng kasaysayan ng mga pasiya na ginawa ng mga
tao at bansa tungkol sa kalooban ng Diyos. Para sa dagdag na pag-aaral sa
paggawa ng pasiya at kalooban ng Diyos, pag-aralan ang kurso ng Harvestime
International Institute, “Pagkilala Sa
Tinig Ng Diyos.”
4. Basahin ang tungkol sa Haring Rehoboam na nakinig sa masamang payo noong humarap sa isang pagpapasiya. I Hari 12:1-19
IKA-SIYAM NA KABANATA
MGA SIGALOT AT DISIPLINA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng
Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway,
sa ikatututo na nasa katuwiran:
Upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal, tinuruang
lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
(II Timothy 3: 16-17)
PAMBUNGAD
Sa Ika-pitong Kabanata, pinag-aralan mo ang tungkol sa mga gawain ng mga tagapanguna. Dalawang mahalagang mga gawain ng bawat tagapanguna ay ang paglutas ng mga sigalot at pagbibigay ng disiplina. Kailangan ang mga gawaing ito hanggat naglilingkod ka na kasama ng mga tao. Ang disiplina ay ang pagtutuwid noong mga mali. Ang sigalot ay isang labanan o away. Dapat magkaloob ng pagtutuwid ang isang mabuting tagapanguna at may kayang lunasan ang mga problema sa pagitan ng kaniyang mga tagasunod.
HINDI PAGSANGAYON NG WALANG SIGALOT
Maaaring hindi sumangayon ang mga tao na walang sigalot o away, ngunit ang sigalot ay madalas na galing sa di pagkakasundo. Hindi ang pagkakaiba ng pananaw ang nagpapasakit at sumisira , kundi ang kawalan ng pagibig kung nasaktan tayo.
Si Pablo at si Bernabe ay nagkaroon ng di-pagkakasundo dahil kay Marcos sa Gawa 15:36-41. Ang di-pagkakasundong ito ay hindi nauwi sa away at poot. Ang problema ay nalutas sa pamamagitan ng pagpupundar ng pangalawang evangelistic team. Ang lunas na ito ay nag- pasulong pa sa paglaganap ng Ebanghelyo. Hindi nagalit si Pablo at Bernabe, hindi nagusap, at nawalan na ng pakialaman sa isat-isa. Wala rin sa dalawang ito na huminto ng paglilingkod sa Panginoon sapagkat sila ay nasaktan. Pareho sila nagpatuloy sa paglilingkod sa Panginoon.
Kung ang mga tao ang nag-aaway sa isat-isa, hindi si Satanas ang kanilang kinakalaban. Nais ng Diyos na harapin ng mga tagapanguna ang sigalot at mag-disiplina ng mabisa upang ang gawain ng Kaharian ay magpatuloy.
ANG BAHAGI NG SALITA NG DIYOS
Ang Salita ng Diyos ay may mahalagang bahagi sa paglutas ng mga problema at mga sigalot:
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng
Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway,
sa ikatututo na nasa katuwiran:
Upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal,
tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
(II Timothy 3: 16-17)
Kung salig sa Salita ng Diyos tayo ay mag-disiplina at lumutas ng mga sigalot, ang mga tao ay nagiging sakdal at nagkakaroon ng kakayahan para sa gawain ng ministeryo. Ang Salita ng Diyos ay mabisa para sa disiplina, pagsansala at pagtutuwid.
ISANG PADRON AYON SA BIBLIA
Sa tuwing ang isang iglesia, samahan, o gawain ng Diyos ay ilunsad, ito ay nagdaraan sa ibat-ibang baitang ng paglago. Narito ang halimbawa ng mga baitang na ito. Basahin ang mga sumusunod na mga kabanata sa iyong Biblia:
Gawa 1 Pumili ang Diyos ng ilang mga lalake.
Gawa 2 Binigyan Niya ang mga lalakeng ito ng ministeryo.
Gawa 3 Nagkaroon ng dakilang pagdami.
Gawa 4 Isang dakilang kilusan ang isinilang (ang Iglesia)
Gawa 5-6 Kinailangan ang disiplina at pagsalungat ay naganap.
Sa Gawa 1-4, isang dakilang gawain ng Diyos ang isinilang, pagkatapos sa Gawa 5:1-11, isang problema ng disiplina ang sumibol. Hinarap ito ni Pedro sa halip na bale walain. Sa Gawa 5:12-42, ang mga sigalot sa labas ng Iglesia ang sumibol. Nanindigan ang mga alagad at buong tapang na nagpahahayag:
Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao… at araw-araw,
sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng
pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang Siyang Cristo. (Gawa 5: 29, 42)
Sa Gawa 6:1, may sumibol na sigalot sa loob ng iglesia. Nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa pamamahagi ng mga kailangan ng mga balo. Muli, nilutas agad ng mga alagad ang sigalot na ito. Pwede sanang pinatahimik na lamang nila ang mga dumaing sa pamamagitan ng pagsasabing, “Kung mga espirituwal kayo, hindi kayo daraing.” Maaari din nilang sinabi, “Huwag ninyong hamunin ang mga tagapagunang ibinigay ng Diyos. Pasakop kayo at kung hindi ay umalis!” Sa halip nagkaroon sila ng saloobin ng isang mabuting tagapanguna. Sinabi nila, “Narinig namin na kayo ay may problema. Tingnan nating kung paano nating sama-sama, sa tulong ng Diyos, malulutas ito.” (Tingnan ang Gawa 6:2-7)
Sa tuwing ilulunsad ang isang ministeryo o gawain ng Diyos, ito ay makakaranas ng ganito ring padron. Magkakaroon ng mga problema ng disiplina at sigalot mula sa loob at labas. Nais ni Satanas na sirain ang gawain ng ministeryo.
Dapat mong tandaan na ang isang pinagungunahan ng Espiritu Santo ay madalas nagkakaroon ng sigalot sa iba na pinangungunahan naman (pansamantala) ng laman. (Tingnan ang mga sigalot ni Jesus sa bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng araling ito.)
Hindi binabale-wala ng isang mabuting tagapanguna ang gayong mahihirap na kalagayan. Hindi niya tinatawag ang mga tao na “hindi espirituwal” sa pagtawag ng kaniyang pansin sa mga problema. Kaagad niyang hinaharap ang mga usapin ng disiplina at sigalot.
ANG TUNAY NA DAHILAN NG MGA SIGALOT
Inihayag ng Biblia ang tunay na dahilan sa likod ng mga sigalot sa pagitan ng mga mananampalataya at sa Iglesia at mga ministeryong Cristiano.
Ngunit kung kayo’y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi
sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa
katotohanan.
Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa
lupa, sa laman, sa diablo.
Sapagkat kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon
mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.
(Santiago 3: 14-16)
Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo?
Hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga
sangkap? (Santiago 4: 1)
Sapagkat kayo’y mga sa laman pa: sapagkat samantalang sa inyo’y may mga
paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo’y mga sa laman, at kayo’y
nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?
(I Corinto 3: 3)
Ang sigalot ay sumisibol dahil sa mga hindi lumalagong espirituwal at mga karnal na Cristiano na inuudyukan ni Satanas, ng laman, at ng kapalaluan.
PAGIWAS SA SIGALOT
Ang pinakamabuting paraan ng pagharap sa sigalot ay iwasan ito bago pa ito mangyari. Narito ang ilang mga paraan upang maiwasan ang sigalot:
1. Magtindig ng mga lumalago sa espirituwal na mga mananampalataya (Santiago 3:14-16; 4:1; I Corinto 3:3).
2. Panatilihing lubos ang pagkaalam ng mga tao. Ang kalituhan at kawalan ng impormasyon ay lumlikha ng mga problema. Magtayo ng malalakas na mga tulay ng paghahatid ng kabatiran sa pagitan noong mga sangkot sa iyo sa gawain ng ministeryo. Ang mabubuting mga tagapanguna sa Biblia (tulad nina Moises, Nehemias, Ezra, at iba pa) ay mabubuting mga tagapaghatid kabatiran.
3. Sa tuwing may gagawin ka para sa Diyos, laging magkakaroon ng problema. Ipabatid mo sa mga tao na inaasahan mo na ang mga problema, na hindi ka naso-sorpresa kung ang mga ito ay sumibol, at alam mo kung paano lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
4. Magisip ng malayo pa. Sa pamamagitan ng masusing pagpa-plano maaari mong harapin ang mga problema bago ito maging mga sigalot.
5. Magtayo ng matitibay na kaugnayan. Magsalita ka ng mabuti lamang tungkol sa iba, at sanayin mo ang mga kasama mo sa ministeryo na magsalita rin ng mabuti tungkol sa iba.
6. Bigyan mo ng tapat na pagpapahalaga at papuri ang mga kasama mong naglilingkod sa ministeryo.
7. Kung ikaw ay magkamali, maging tunay kang lalake na aminin ito at ituwid.
8. Maging malinaw sa iyo ang layunin at plano sa ministeryo. Kung alam ng lahat ang iyong ginagawa at kung bakit, mababawasan ang posibilidad ng di-pagkakaunawaan at sigalot.
9. Kung kailangang magtakda ng mga alituntunin, maglagay ng mga maliliwanag na mga alituntunin at ipabatid ang mga ito kaagad.
10. Panatilihin mo ang iyong sarili na bukas sa iyong mga ka-manggagawa upang sila ay may kamalayan sa mga problema kung ito ay sumibol. Kung hindi mo bibigyan ng pansin, ang mga simpleng problema ay mauuwi sa malalaking sigalot.
11. Pagalawin mo ang ministeryo batay sa mga prinsipyo ng Biblia, na ang pinaka-dakila dito ay ang pagibig.
PAGHARAP SA SIGALOT
Kung ang isang problema o sigalot ay sumibol, sundin ang mga panuntunang ito:
1. Maging laan ka na harapin ito. Hindi mo mahaharap ang mga problema kung lagi kang wala.
2. Idalangin mong magkaroon ng karunungan sa pagharap sa problema.
3. Alamin ang tunay na problema. Ang tunay na problema ay hindi ang sigalot. Ang nagdulot ng sigalot ang problema. Upang maalaman mo ang problema, dapat kang magtanong, magmatyag, at magpatuloy na manalangin para sa kapahayagan. Pakinggan ang lahat ng panig ng problema at lahat ng mga taong sangkot. Huwag kang hahakbang ng hindi mo hawak ang lahat ng kailangang maalaman. Lagi mong alalahanin ang tunay na pinagmumulan ng mga problema (Santiago 3:14-16; 4:1; I Corinto 3:3).
4. Hayaan mo na magbigay ng mga mungkahing lunas ang mga taong direktong apektado ng problema. Maging laan na makinig sa lahat ng mga mungkahi. Manalanging magkakasama tungkol sa lunas. Sa mga maselang sigalot, iminumungkahi rin ang pag-aayuno.
5. Kung ang sigalot ang isang personal na problema sa pagitan ng dalawang tao, pagharapin mo sila at sundin ang prinsipyo ng Mateo 18:15-17.
6. Harapin ang mga sigalot na may wastong saloobin. Maging mapagpatawad, hinahanap ang pagkakasundo sa halip na paghihiwalay. Maging mapagmahal. Huwag magbabanta o magagalit. Huwag bayaang magsigawan ang mga tao o magsalita ng masamang bagay tungkol sa isat-isa.
Gumamit ng matinong pakikitungo. Ito ang paraan ng pakikitungo sa mga mahihirap na kalagayan na may karunungan at pagibig na hindi nakakasakit sa mga tao. Kabilang dito ang pagiging sensitibo sa iba, maging maunawain, at gamit ang mga salita na nagbabalik at nagpapagaling sa halip na naghihiwalay at sumasakit. Maging bukas. Huwag maging makasarili sa paggigiit ng sariling paraaan. Maging bukas sa ibat-ibang mga isipan at paraan ng paglutas ng mga problema.
7. Harapin ang isang sigalot o problema na isa-isa. Huwag lituhin ang usapin sa pamamagitan ng pagtalakay sa ibang mga kaugnay na problema.
8. Kung mayroon kang malinaw na pagkaunawa sa problema na nagdudulot ng sigalot, kumilos agad upang ituwid ito. Tandaan na ang isang lunas ang kailangang isulong ang Kaharian ng Diyos. Ibaling ang sigalot na maging pagkakataon ng pagtutulungan, tulad ng halimbawa ni Pablo at Bernabe.
9. Ipaliwanag kung bakit hinarap mo ang sigalot sa paraang iyong ginamit. Halimbawa, sa sigalot ng iglesia na inilarawan sa Gawa 15, ipinaliwang ng mga tagapanguna ang kanilang pasiya na detalyado at nakasulat sa kanila na sangkot dito.
10. Magpasalamt sa Diyos sa problema at sa mga natutuhan mo mula sa karanasan. Kung ikaw ay magpasalamt sa “lahat” ng bagay, ito ay nagpapadaloy ng makalangit na lakas at kapangyarihan ng Diyos na gumawa para sa iyo.
MGA DAHILAN NG DISIPLINA
Likas na sa kasalanan ang sumalungat sa kapamahalaan. Ito ang idinulot ng orihinal na kasalanan ni Lucifer (ang Diablo) at ng tao (Adan at Eba). Dahil sa likas na ito ng kasalanan, may pagkakataon na dapat mong pangunahan yaong ayaw mapangunahan. May mga tagasunod ka na mabubulid sa paghihimagsik, kasalanan, at nagpapakita ng karnalidad at kawalan ng pagalago.
Ang pastor o ang tagapangunang espirituwal ay may kapamahalaan na dumisiplina sa loob ng Iglesia o ministeryo dahil mayroon siyang pananagutan para sa kapakanang espirituwal ng mga tagasunod:
Magsitalima kayo sa mga namiminuno sa inyo, at kayo’y pasakop sa
kanila: sapagkat pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang
sila ang mangagsusulit; upang ito’y gawin nilang may kagalakan, at huwag may
hapis: sapagkat sa ganito’y di ninyo mapapakinabangan. (Hebrews 13: 7)
Dapat ay nakahanda ang isang tagapanguna na harapin ang problema ng disiplina kaagad sa sandaling ito ay lumitaw. Ang pabayaan ang pagkabulid na espirituwal o kasalanan na magpatuloy na hindi hinaharap ay makasasama sa ministeryo. Narito ang ilang mga dahilan ayon sa Kasulatan para sa disiplina:
1. Upang maibalik ang isang tao na itinatatuwa ang Salita ng Diyos o nabigyan ng dahilan para sa pagkakasala: Galacia 6:1; Mateo 6:14-15
2. Upang ituwid ang kasalanan: I Corinto 8:9
3. Upang ingatan ang patotoong Cristiano ng Iglesia: I Timoteo 3:7
4. Upang pasiglahin ang mga kaanib na manatiling tapat sa kanilang pagsaksi at hindi upang maging pabaya: I Corinto 5:6-7
MGA PRINSIPYO NG DISIPLINA
Narito ang ilang panuntunan para sa disiplina:
1. Unang puntahan ang nagkasalang kapatid at lutasin ang usapin ng harapan kung maaari: Lucas 17:3; Mateo 18:15-17.
2. Kung ang nagkasalang mananampalataya ay ayaw making sa iyo at magsisi, bumalik ka na may kasamang mga saksi: Mateo 18:15-17.
3. Kung tumanggi pa rin makinig sa iyo, dalhin ang usapin sa buong Iglesia: Mateo 18:15-17.
4. Kailangang gawin ng mga tagapanguna ang disiplina na may wastong espiritu. Tingnan ang Mateo 7:1-5; Roma 15:1-2; II Corinto 2:6-8, at Galacia 6:1-4. Ang mga lumalago sa buhay espirituwal na mga mananampalataya ang unang hahatol sa kanilang sarili at pagkatapos ay harapin ang mga nagkasala na may espiritu ng kababaan, pagibig, at pagtulong.
5. Ang pagtutuwid ay kailangang gawin na may layunin ng pagbabalik sa nagkasala na nabihag ni Satanas: II Timoteo 2:24-26.
6. Kung tanggihan ang pagtutuwid, maaaring kabilang sa disiplina ang pagaalis sa pagiging kaanib ng samahan. Ang isa sa pinakadakilang kaloob ng Diyos na ibinigay sa mga mananampalataya ay ang pagsasamahan sa ibang mananampalataya. At ang isa naman sa matinding parusa ay ang ipagkait ang gayon pagsasamahan. Tingnan ang Mateo 18:15-17; I Corinto 5; II Tesalonica 3:14; II Juan 7-11; at III Juan 9-11.
7. Ang pagkakataon na tumugon ay kailangang ibigay sa nagkasalang kapatid. Ang kaniyang saloobin ay dapat magkabisa sa kaniyang disiplina at ministeryo sa hinaharap. Kung ang kaniyang saloobin ay mabuti at siya ay nagsisisi, maaari siyang ibalik ng tagapanguna sa samahan at ministeryo. Kung pagkakasala ay maselan, ang nagkasala ay maaaring alisin muna mula sa aktibong ministeryo hanggang maayos niya ang sariling buhay at tahanan. Kung siya ay mapanghimagsik at ayaw magsisi, dapat siyang alisin sa katungkulan ng pangunguna, at maaari ding sa samahan ng iglesia.
8. Ang pribadong problema at hayagang problema ay kailangang magkaibang harapin. Tingnan ang Mateo 18:15-17; I Corinto 5; Galacia 2:1-14; I Timoteo 5:20. Sa bahagi ng Mateo waring ang problema ay sa pagitan ng dalawang tao. Ito ay hinarap sa pamamagitan ng pagsangkot ng ibang mananampalataya at kung ayaw makinig ang nagkamali, ay aalisin siya sa samahan. Sa ibang mga bahagi ng Kasulatan, ang mga problema ay hayag sa lahat kaya dapat harapin din ng hayagan.
9. Pairalin lamang ang disiplina na nakasalig sa alam na katotohanan. Ang mga “salit-sabi” ay hindi sapat. Dapat ay may dalawa o tatlong mga saksi. Tingnan ang Mateo 18:15-18; I Corinto 5:1 at I Timoteo 5:1,9.
ISANG ALITUNTUNIN NA DAPAT TANDAAN
Ang isang mabuting alituntunin na tandaan kung ikaw ay nagdi-disiplina sa iba ay…
Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao,
gawin naman ninyo ang gayon sa kanila.
(Mateo 7: 12)
Laging itanong sa sarili:
1. “Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol dito?”
2. “Paano ito haharapin ni Jesus?”
3. “Paano ko nais na ako ay harapin kung baligtan naman ang kalagayan na ako ang
nagkamali o nagkasala?”
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ilista ang ilang mga paraan upang maiwasan ang sigalot.
3. Ibigay ang buod ng mga panuntunan sa pagharap sa mga sigalot.
4. Ilista ang ilang mga dahilan ng Biblia sa pagpapairal ng disiplina.
5. Ibigay ang buod ng mga prinsipyo ng Kasulatan sa pag-disiplina na iyong natutuhan sa araling ito.
6. Ano ang tunay na dahilan ng sigalot?
7. Bakit mahalaga ang Salita ng Diyos sa disiplina?
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Narito ang ilang karaniwang mga dahilan ng disiplina sa loob ng Iglesia o samahang Cristiano. Isang kapatid na babae o lalake …
-Ay imoral (pagakaksalang seksuwal, pangangalunya, pakikiapid).
-Hindi tapat sa mga pondo ng ministeryo, pansariling pananalapi o sa negosyo.
-Sinungaling.
-Hindi makasundo ang ibang tao.
-May maling saloobin ng paghihimagsik, pamimintas, at poot.
-Maka-mundo, karanal, at hindi lumalago sa espirituwal na buhay.
-Nagbibigay ng masamang halimbawa ng kaniyang ugali at pamumuhay.
-Hindi tinututupad ang mga pananagutan ng kaniyang katungkulan ng pangunguna.
-Hindi naniniwala sa Salita ng Diyos.
-Nagsasalita laban sa iba at nagsisimula ng ligalig.
Mayroon ka pa bang naiisip na ibang mga dahilan?
2. Minsan ang mga tagapanguna ay nakakaranas ng sigalot sa kaniyang mga tagasunod sapagkat hindi siya marunong tumanggap ng puna. Ang isang namumuna ay hindi sumasang-ayon sa paraan mo ng paggawa at sinasabi sa iyo na harapan. Ang tapat na pagpuna na ginawang may pagibig ay makatutulong. Makatutulong ito na ikaw ay mapabuti. Ngunit makakaranas ka rin ng mga hindi wastong pagpuna.
Narito ang ilang mga mungkahi kung paano haharapin ang mga pagpuna o pamimintas:
-Maging mabuting tagapakinig. Makinig sa sinasabi ng pumupuna.
-Pasalamatan mo siya sa pagtawag niya ng iyong pansin at sabihin mo, “Aking itong sisiyasatin at ipapanalangin ko ang usaping ito.”
-Ipanalangin mo ang tungkol sa puna. Hilingin mo sa Diyos na ipakita Niya kung ito ay tunay na dapat pansinin at ituwid.
-Magsiyasat: Mali ba ang ginawa mong pasiya? Mali ba ang iyong ginagawa? Tipunin mo ang mga katotohanan na magiging batayan ng iyong pasiya.
-Kung sa palagay mo ay walang batayan ang pagpuna, huwag mo na lang pansinin. Kung ito ay pagpuna sa isang problema o kabiguan, ituwid ang mga bagay.
3. Maraming hinarap na sigalot si Jesus sa Kaniyang ministeryo sa lupa. Pag-aralan kung paano hinarap ni Jesus ang mga sigalot…
-Sa pagitan ng mga tagasunod Niya tungkol sa pwesto: Marcos 9:33-37
-Sa mga Pariseo tungkol sa pagpapagaling sa araw ng Sabbath: Mateo 12:9-14
-Sa mga Pariseo tungkol sa pagpapalabas ng mga demonyo: Mateo 12:22-25
-Sa mga Parieso at Saduceo na nais Siyang gumawa ng himala upang ipakita ang Kaniyang kapangyarihan: Mateo 16:1-4
-Sa mga nagpapalit ng pera sa templo: Marcos 11:15-18
-Sa Sanhedrin at mga tagapanguna ng Roma sapagkat ayaw Niyang itanggi na Siya ang Anak ng Diyos: Marcos 14:60-63; 15:15
4. Maraming mga halimbawa ng Biblia kung paanong ang mga tagapanguna ay humarap sa mga sigalot at mga usapin ng disiplina at nagtagumpay naman. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reperensya:
-Moises: Bilang 16; Exodo 18:13-26
-Haring Solomon: I Hari 3:16-28
-Si Nathan nang harapin si David: II Samuel 12
-Si Samuel nang harapin si Saul: I Samuel 15
-Nehemias: Nehemias 13:23-25
-Mga tagapanguna ng Iglesia sa Jerusalem: Gawa 15
-Ang pag-disiplina ng Diyos sa lahat ng mananampalataya: Hebreo 12:5-7
-Apostol Pablo: Galacia 2:11
IKA-SAMPUNG KABANATA
PAGSASANAY NG MGA TAGAPANGUNA AT MGA TAGASUNOD
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Hindi higit ang alagad
sa kaniyang guro: datapuwat ang bawat isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro. (Lucas 6:40)
PAMBUNGAD
Ang mga tagapanguna dapat ay may mga tagasunod. At ang mga tagasunod dapat ay may tagapanguna. Sa isang karaniwang iglesia, walang nagiisang natokahan na magpalago ng mga tagapanguna at mga tagasunod, bagamat ang kinabukasan ng Iglesia ay nakasalalay dito. Ang pagsasanay sa mga tagpanguna at tagasunod ay kailangang magsimula sa pagkabata na inihahanda ang mga kabataan na gawin ang kanilang bahagi sa katawan ni Cristo. Ang pagkahikayat ay kailangang sundan agad ng pagsasanay kahit ano ang gulang.
Natutuhan mo na ang Diyos ay nagbigay sa ilang mga mananampalataya ng mga tanging kaloob ng pangunguna. Ang iba ay isinilang na may mga natural na mga kakayahan upang manguna. Ang ilang mga tao naman ay waring likas na mga tagasunod. Ang bawat isa ay tinawag na maging isang tagapanguna at isang tagasunod.
Alin sa dalawa, binigyan ng Diyos ng kaloob o may likas na kakayahan, Kailangan ng mga tagapanguna at mga tagasunod ang pagsasanay. “Ang bawat isa ay nagtuturo sa isa na umabot sa isa” ang sagot ng Diyos na kakulangan ng mga tagapanguna:
At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi,
ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga
iba.
(II Timoteo 2: 2)
Sa kabanatang ito, matututuhan mo kung paano magsanay ng mga tagapanguna at mga tagasunod.
MGA TAGASUNOD
Ang bawat isa ay tagasunod. Binanggit ni Pablo tungkol sa kaniyang sarili bilang isang tagasunod ni Jesus at nanawagan sa mga taga Corinto na sumunod sa kaniya:
Maging taga tulad kayo sa akin, na
gaya ko naman kay Cristo. (I Corinto
11:1)
Ang gayon ding mga alituntunin ay ibinigay sa mga taga Efeso (Efeso 5:1; taga Filipos ( Filipos 3:17); at taga Tesalonica (I Tesalonica 1:6).
Bawat mananampalataya ay kailangang masanay na maging isang mabuting tagasunod. Marami sa atin ang ayaw maging tagasunod. Higit nating nais na maging tagapanguna. Ngunit ang isang mabuting tagapanguna ay isang mabuting tagasunod muna. Ang isang tagapanguna ay laging nananagot sa iba, kaya siya ay isang tagasunod. Tayo ay matagumpay na nakakapanguna sa pamamagitan ng matagumpay na pagsunod.
Upang maging isang mabuting tagasunod dapat mong sundin ang iyong mga tagapanguna at pasakop sa kapamahalaan upang maging kagalakan ang gumawa:
Magsitalima kayo sa mga namiminuno sa inyo, at kayo’y pasakop sa
kanila: sapagkat pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang
sila ang mangagsusulit; upang ito’y gawin nilang may kagalakan, at huwag may
hapis: sapagkat sa ganito’y di ninyo mapapakinabangan. (Hebrews 13: 7)
Ang mga tagasunod ay kailangang tumalima sa kanilang mga tagapanguna hanggat ang mga ito ay sumusunod kay Cristo. Kung humiwalay ang mga tagapanguna sa katotohanan ng Salita ng Diyos, huwag silang sundin.
MGA TAGAPANGUNA
Hindi lahat ay tinawag sa isang katungkulan ng pangunguna sa Iglesia, ngunit ang bawat tao ay nangunguna sa isang paraan paminsan-minsan. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring hindi tinawag sa pangunguna sa Iglesia, ngunit siya ay tagapanguna sa kaniyang tahanan.
Maaaring ang isang mananampalataya ay walang kaloob na espirituwal ng pangunguna ngunit dahil sa mga pangangailangan sa iglesia ay masumpungan niya ang kaniyang sarili na ginagampanan ang isang papel na pangunguna sa ibang pagkakataon. Dahil dito, lahat ng mga mananampalataya ay kailangang masanay sa pangunguna.
ISANG MAHALAGANG PANANAGUTAN
Ang pagsasanay sa iba ay isang mahalagang pananagutan dahil…
Hindi higit ang alagad
sa kaniyang guro: datapuwat ang bawat isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro. (Lucas 6:40)
Ang mga tao na iyong sasanayin ay magiging katulad mo! Mayroon kang mahalagang pananagutan na magpakita ng isang wastong halimbawa sa pamamagitan ng iyong ugali at estilo ng pamumuhay.
ANG LAYUNIN NG PAGSASANAY
Ang dahilan kung bakit tayo nagsasanay ng mga tagapanguna at mga tagasunod ay upang tuparin ang dakilang utos na ibinigay ni Jesus:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng
mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan
ng sanglibutan. (Mateo 28: 19-20)
Ating sinasanay ang mga tagapanguna at tagasunod dahil sa layunin ng paghayo sa lahat ng mga bansa, na itinuturo ang Ebanghelyo, nagba-bautismo, at ginagabayan ang mga nahikayat sa paglagong espirituwal sa pamamagitan ng patuloy na pagtuturo. Dapat marinig ng mga tao ang Ebanghelyo upang sila ay makatugon, makapagsisi mula sa kasalanan, at maipanganak na muli. Ang gayong katuruan ay tinawag din bilang “evangelism”:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng
mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo. (Mateo 28: 19)
Ang mga bagong mananampalataya kung tawagin minsan ay mga “nahikayat.” Ang isang nahikayat ay isang mananampalataya kay Jesus na naipanganak na muli sa pamamagitan ng pananampalataya at naging bahagi ng Kaharian ng Diyos. Ngunit ang isang bagong hikayat ay dapat sanayin upang maging isang tagasunod. Ang mga bagong hikayat ay kailangang maturuan ng lahat ng itinuro ni Jesus:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa
katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:
20)
Ang plano ni Jesus ay ating pangunahan ang mga nahikayat na maging tagasunod. Ang ibig sabihin ng salitang “alagad” ay “tagapagaral, isang mag-aaral, isang natututo sa pamamagitan ng pagsunod.” Ang isang alagad ay isang tagasunod na naturuan na sa mga paunang mga kailangan ng pananampalatayang Cristiano at may kakayahan na magdala rin ng mga bagong hikayat at gawin silang mga alagad. Sa kaniyang paggawa nito, siya ay nagiging isang tagapanguna. Sa pagulit ng paraang ito, ang mga bagong mga tagasunod at mga tagapanguna ay patuloy na naititindig upang palaganapin ang Ebanghelyo ng Kaharian.
MGA NAHIKAYAT, NAGING TAGASUNOD, NAGING
TAGAPANGUNA
Paano mo mapapangunahan ang mga tao mula sa pagiging hikayat upang maging alagad (tagasunod) at pagkatapos ay mga tagapanguna? Dapat mo silang sanayin. Ang panghihikayat ng bagong mananampalataya ay mahalaga, ngunit sa pamamagitan lamang ng pagsasanay sa kanila bilang mga tagasunod at tagapanguna na sila ay makapagpaparami.
Inihayag ito ni Jesus sa Kaniyang pagpili ng mga tagasunod at sinanay sila upang maging mga tagapanguna. Mayroon lamang siyang 3 at kalahating mga taon ng ministeryo upang gawin ang gawain na ibinigay sa Kaniya ng Diyos. Nakapunta lamang Siya sa ilang mga dako sa maikling panahon at naabot lamang ang ilang mga tao. Upang tiyakin na matatapos ang Kaniyang misyon, ginawa ni Jesus na unahin ang pagsasanay ng mga tagasunod at mga tagapanguna. Alam Niya na ang mga nasanay Niya ay makaaabot sa karamihan ng mga nayon at lungsod na hindi na Niya napuntahan.
MGA PRINSIPYO NG PAGPILI
Ikaw ay isa lamang tao na may ilang panahon lamang, kaya hindi mo masasanay ang bawat isa. Ang ibig sabihin nito ay dapat mong piliin ang mga sasanayin mo. Paano mo pipiliin ang iyong mga sasanayin? Maaari kang pumili batay sa edukasyon, karanasan, mga pagsusulit, o sa pamamagitan ng tsamba.
Ngunit ang pinakamabuting paraan ng pagpili ay ang sundin ang mga prinsipyo na ginamit ni Jesus sa pagpili ng Kaniyang mga alagad. Ang tala ng Kaniyang pagpili ay ibinigay sa Mateo 5:1; 10:2-4; Marcos 3:13-19; Lucas 6:12-16; at Lucas 10:1-16. Narito ang ilang mahahalagang mga prinsipyo na sinunod ni Jesus na maaari mong gamitin sa pagpili ng iyong sasanayin:
MAGTIWALA SA DIYOS;
Si Jesus ay umasa sa Diyos. Sinabi Niya:
Hindi Ako makagagawa ng anoman sa Aking sarili… sapagkat hindi Ko
pinaghahanap ang Aking sariling kalooban, kundi ang kalooban Niyaong nagsugo sa
Akin. (Juan 5: 30)
IPANALANGIN:
Itinala ng Lucas 6:12-13 na ginugol ni Jesus ang buong magdamag sa pananalangin bago pinili ang Kaniyang mga alagad. Dumalangin ka sa Diyos para sa karunungan sa pagpili ng mga tapat na mga lalake at babae para sa pagsasanay.
MAGKUSA:
Si Jesus ang nagkusa sa pagtawag sa Kaniyang mga alagad. Hindi lalapit sa iyo ang mga tao upang maging tagasunod o tagapanguna. Dapat kang magkusa sa pagtawag sa kanila.
TINGNAN ANG KAHIHINATNAN, HINDI ANG PROBLEMA:
Nang piliin ni Jesus ang mga alagad, tinawag Niya ang mga karaniwang mga tao. Ang ilan ay hindi mga nag-aral at silang lahat ay may pagkakamali at kakulangan. Nasabi na kung ang orihinal na 12 mga alagad ay ni-repaso ng isang komite ng misyon sa iglesia sa kasalukuyan, hindi papasa ang mga ito sa pagigng misyonero.
Ngunit si Jesus ay kumilos batay sa kahihinatnan at hindi sa mga problema. Hindi Niya pinili ang mga lalake at babae batay sa kung sino sila, kundi batay sa kung ano ang kanilang kahihinatnan. Tumingin Siya sa kabila pa ng problema at nakita ang mga potensyal.
LINAWIN ANG HALAGA:
Nang piliin ni Jesus ang mga alagad, nilinaw Niya kung ano ang magiging halaga. Ang isang tunay na tagasunod at tagapanguna ay dapat iwaksi ang lahat:
Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik,
ay di maaaring maging alagad Ko. (Lucas 14: 33)
Dapat niyang tanggihan ang kaniyang krus:
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad, Kung ang
sinomang tao’y ibig sumunod sa Akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin
ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin.
(Mateo 16: 24)
Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa
akin, ay hindi maaaring maging alagad Ko.
(Lucas 14: 27)
Dapat siyang sumunod kay Jesus:
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad, Kung ang
sinomang tao’y ibig sumunod sa Akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin
ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin.
(Mateo 16: 24)
Ang dapat niyang unahin ay ang Kaharian ng Diyos:
Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming
daramtin?...
Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kaniyang kaharian, at ang Kaniyang
katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
(Mateo 6: 31, 33)
Ipinangako ng Diyos na tatagpuin ang iyong mga pangangailangan kung ang Kaniyang Kaharian ang prayoridad ng iyong buhay.
Ang isang tagasunod ay dapat naglilingkod sa lahat:
Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang
maging katulad ng kaniyang panginoon.
(Mateo 10: 25)
Ngunit hindi dapat maging gayon sa inyo: ngunit ang sinoman na nagnanais maging dakila sa inyo, maging tagapaglingkod ninyo siya:
Kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod
ninyo;
Gayon din naman ang anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran,
kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kaniyang buhay na pangtubos sa marami.
(Mateo 20: 26, 28)
PILIIN ANG MAY PAUNANG MGA KATANGIAN:
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na pumili ng mga tapat na mga lalake na pagkakatiwalaan ng mga bagay na naituro sa kniya. At ang mga tapat na lalaking ito ay may kakayahan naman na magturo sa iba. Ang paunang mga katangiang hinihiling ay katapatan at kakayahang makapagturo sa iba. Kung hindi tapat ang isang lalake, hindi niya tutuparin ang pananagutan na magkaroon ng pagpapaparaming espirituwal. Kung siya naman ay tapat at wala namang kakayahang magturo sa iba, mabibigo rin siya.
Sangkot sa katapatan ang paglaging espirituwal. Binanggit ni Pablo ang tungkol sa mga mananampalataya na dapat sana ay nakapagturo na sa iba ngunit hindi sila lumago sa buhay espirituwal. Hind nakahanda ang ganitong mga tao sa tunay na pagiging alagad. Dapat silang turuan pa sa mga paunang bagay ng pananampalataya.
Hindi naman ang ibig sabihin ay ang mga tapat na mga lalake ay wala nang pagkakamali. Sila ay mga mananampalataya na patuloy na hinuhubog sa kanilang buhay ang mga katangian ni Cristo. Kahit ang mga “tapat na mga lalake” ay may mga suliranin at kahinaang dapat mapagtagumpayan tulad ng mga unang mga alagad.
Ang ginagawa ng sanglibutan ay pumipili ng makakayang mga tao at saka ito patitinuin. Ang kanilang pinagtutuunan ng pansin ay ang paglikha ng mga propesyonal na mga tao. Ang Diyos naman ay kumukuha ng mga lalakeng tapat at may katinuaan at saka bibigyan ito ng mga kakayahang espirituwal. Nakalaan ang tapat na mga lalake na tuparin ang mga layunin ng Diyos. Nang tawagin ni Jesus sina Pedro at Andres, “kaagad” nilang iniwan ang kanilang mga lambat. Ang salitang “kaagad” ay nagsasaad ng kanilang pagiging laan.
Kung pipili ka ng mga lalake at babae na gagawing mga alagad , dapat silang nakalaan. Dapat nilang gawing prayoridad ng kanilang buhay ang pagtulong sa iba na maging alagad. Ang mga tapat na lalake ay nauudyukan ng pangitaing espirituwal. Nang ibigay ni Jesus kay Pedro at Andres ang pangitain ng pamamalakaya ng mga tao, ito ang nagudyok sa kanila na iwan ang kanilang mga lambat.
May gutom sa Salita ng Diyos ang tapat na mga lalake, tulad ng mga alagad ni Cristo. Ang kanilang mga “puso ay nagalab sa kalooban nila” sa Kaniyang pagbabahagi ng mga Kasulatan (Lucas 24:32, 45). Nakalaan at sabik silang maturuan. Ang pagibig sa Diyos at mga tao ang marka ng mga tapat na mga lalake. Tinototohanan nila ang una at panglawang mga dakilang utos:
At iibigin mo ang Panginoong mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong
kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.
Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong
sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito. Marcos 12: 30-31)
MGA PRINSIPYO NG PAGSASANAY
Pagkatapos piliin ang Kaniyang mga alagad, ipinakit ni Jesus ang walong mahahalagang mg prinsipyo sa pagsasanay sa kanila:
1. PAGSAMA:
Nang tawagin ni Jesus ang Kaniyang mga alagad, tinawag Niya ang mga ito “sa Kaniyang sarili.” Ibinahagi Niya ang Kaniyang buhay sa Kaniyang mga alagad. Gumugol Siya ng panahon na kasama Niya sa mga pormal at mga impormal na mga kalagayan at pagkakataon. Hindi mo mabibigyan ng kasanayan ang mga tagasunod at mga tagapanguna sa pamamagitan ng mga pagpupulong ng mga komite o kaya ay pagtitipon lamang sa pagsamba kung araw ng Linggo. Kailangan may malapit na pagsama sa mga sinasanay mo. Dapat mong ibahagi ang iyong buhay sa kanila. Dapat mo silang makilala, ang kanilang mga problema, at antas ng paglagong espirituwal, at iba pa.
2. PAGTATALAGA:
Mula sa pagsama kay Jesus ay sumibol ang pagtatalaga. Tinawag ni Jesus ang Kaniyang mga alagad na italaga ang kanilang sarili sa isang Persona, hindi sa isang denominasyon o organisasyon. Ang gayong pagtatalaga sa Diyos ay nangailangan ng lubos na pagsunod sa Kaniyang Salita at mga layunin. (Tingnan ang Juan 4:34; 5:30; 15:10; 17:4; at Lucas 22:42)
3. PANGITAIN:
Naudyukan ni Jesus ang Kaniyang mga alagad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pangitain. Binigyan Niya sila ng gawain na higit sa mga karaniwang kaganapan ng pang-araw-araw na buhay. Tinawag Niya sila upang maging mamamalakaya ng mga tao (Mateo 4:19). Binigyan Niya sila ng pangitain ng isang pang-daigidig na pag-aaning espirituwal (Juan 4:35). Hinamon Niya sila ng mga kapahayagan ng Kaharian ng Diyos (Mateo 13).
Kung walang pangitain, mapapahamak ang mga tao (Kawikaan 29:18). Walang naguudyok sa kanila at wala silang direksyon. Sa iyong pagsasanay sa iba, dapat mong maipahatid sa kanila ang isang pangitaing espirituwal na maguudyok sa kanila sa pagmi-misyon. Ang pangitain ay ang pang-daigidg na pagsakop sa pamamagitan ng Ebanghelyo ng Kaharian. Huwag ilihis ng ibang usapin ang iyong pansin.
4. PAGTUTURO:
Malaking bahagi ng panahon ni Jesus ang Kaniyang ginugol sa pagsasanay sa Kaniyang mga alagad. Ang Kaniyang mga pagtuturo ay laging kaugnay ng pangitaing ibinigay Niya sa mga ito. Kung ikaw ay magsasanay ng mga alagad na sinusunod ang paraan ni Jesus, dapat kang magturo kung paano nagturo si Jesus. Ito ay bahagi ng Dakilang Utos (Mateo 28:20).
Ang diin ay nasa mga katuruan ni Jesus na nahayag sa Kaniyang pagtuturo at kung paanong ang mga katuruang ito ay ipinamuhay sa unang Iglesia. Ang ibig sabihin nito ay pagtutuunan ng pansin sa pagtuturo ang Ebanghelyo at mga Liham sa Bagong Tipan. (Nagkakaloob ang Harvestime International Institute ng mga pag-aaral na ganito. Mayroon ding kurso ang Harvestime na pinamagatang “Mga Paraan Ng Pagtuturo” na sasanayin ka sa pagtuturo na gamit ang mga paraan ni Jesus)
Sa iyong pagtuturo kung paano nagturo si Jesus, ituturo mo ang buong kapahayagan ng Salita ng Diyos dahil sa ito ay nakasalig sa Lumang Tipan. Sinabi ni Jesus:
… Ito ang Aking mga salitang sinabi Ko sa inyo, nang Ako’y sumasa inyo
pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa
Akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga Awit.
…Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong
muli sa mga patay sa ikatlong araw.
At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga
kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.
(Lucas 24: 44, 46-47)
5. PAGPAPAKITA:
Hindi lamang sa pamamagitan ng salita nagturo si Jesus. Ipinakita Niya ang Kaniyang itinuro. Itinuro ni Jesus ang tungkol sa pagpapagaling at ipinakita Niya ito sa pamamagitan ng pagpapagaling sa mga maysakit. Itinuro Niya na ang mananampalataya ay may kapamahalaan laban kay Satanas at ipinakita Niya ito sa pamamagitan ng pagpapalayas ng mga demonyo. Itinuro Niya ang pagmamalasakit sa mga dukha at ipinakita Niya ito sa pamamagitan ng pagpapakain sa maraming mga tao.
Ang mga alagad ay hindi lamang mga mag-aaral, kundi mga saksi sa mga kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos. Sa bandang huli ay sinabi nila na ang kanilang mga itinuturo ay “yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming narinig” bilang mga “saksi” (I Juan 1:1).
Sa pamamagitan ng halimbawa nagturo si Jesus. Ipinakita Niya ang Kaniyang mga sinabi sa pamamagitan ng Kaniyang pamumuhay at paglilingkod. Sinabi Niya:
Sapagkat kayo’y binigyan Ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon
sa ginawa Ko sa inyo. (Juan 13: 15)
Nakikinig ang mga tao sa iyong mensahe dahil sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos:
At ang mga karamiha’y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita
ni Felipe, pagkarinig nila, at pagkakita ng
mga tanda na ginawa niya. (Gawa 8:6)
Hindi lamang sinalita ni Pablo ang katotohanan ng Ebanghelyo (Galacia 2:5) kundi ang kapangyarihan ng Ebanghelyo (Roma 1:16). Kaniyang inihayag at ipinakita ang Ebanghelyo (I Corinto 2:1, 4). (May kurso ang Harvestime International Institute na may pamagat na Ang Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan” na patungkol sa paksang ito).
6. PAGLAHOK:
Ang dagdag na kaalaman ay hindi sapat. Upang maging mabisa, ang kaalaman ay dapat magamit. May panahon na dapat kumilos. Hindi lamang nakinig ang mga alagad sa mga pagtuturo ni Jesus at nagmasid sa mga ipinakita, sila rin ay lumahok. Ang pagtuturo ng isang paksa ay hindi sapat upang matiyak ang pagkatuto. Ang tulad ng pagtuturo lamang ay ang pag-aaral kung paano mag-opera sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng isang aklat.
Dapat ay may karanasan mismo ang mga alagad sa kanilang natututuhan. Dapat silang magkaroon ng karanasan sa pagbabahagi ng Ebanghelyo, paano manalangin sa maysakit, paano magpalayas ng demonyo, at iba pa. Nagbigay si Jesus ng gayong mga pagkakataon sa Kaniyang mga alagad. Basahin ang Marcos 6:7-13 at Lucas 9:1-6. sinugo ni Jesus ang Kaniyang mga alagad upang maranasan nila ang Kaniyang mga itinuro. Ang mga nasanay mo na ay magiging taga tupad ng Salita at hindi lamang tagapakinig.
7. PAMAMAHALA:
Nang ang mga alagad ni Jesus ay magbalik mula sa kanilang ministeryo, tinimbang ni Jesus ang kanilang mga ginawa (Lucas 9:10). Sa buong panahon ng pagsasanay, pinangasiwaan ni Jesus ang Kaniyang mga alagad. Hindi sila pinabayaan sa kanilang mga pagpupunyagi. Naroon Siya upang magtuwid, sumaway, at magpalakas ng loob nila.
Hindi mo matitiyak na nagawa ang gawain dahil lamang sa ipinakita mo sa isang nakalaang manggagawa kung paano ito gawin at sinugo mo siya na lubos na umaasa. Dapat kang mangasiwa. Sa pagharap ng manggagawa sa mga kabiguan at mga hadlang, dapat mo siyang turuan kung paano haharapin ang mga hamon na ito.
Ang pangangasiwa ay tinatawag minsan na “follow-up.” Pinangasiwaan ni Pablo ang kaniyang mga alagad:
At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at
tinahak ang lupain ng Galacia, at Frigia, na sunodsunod, na pinagtitibay ang
lahat ng mga alagad. (Gawa 18: 23)
Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na
magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian
ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos. (Gawa 14: 22)
8. PAGTATAKDA:
Ang huling antas ng pamamaraan ng pagiging alagad ay nang itakda ni Jesus ang Kaniyang mga tagasunod na maging taga-paglikha rin ng ibang mga alagad. Ibinigay Niya sa kanila ang gawain ng espirituwal na pagpaparami sa lahat ng mga bansa ng sanglibutan.
ANG HALIMBAWA NG EFESO
Basahin ang Gawa 19:1-20 sa inyong Biblia. Ang kabanatang ito ay naglarawan ng ministeryo ni Pablo sa lungsod ng Efeso. Nang dumating si Pablo sa Efeso, hinanap niya ang mga mananampalataya na nakatira doon. Ang mga lalake at babaeng ito ay nakatanggap na sa Ebanghelyo at naging mga tagasunod na (Gawa 19:1) ngunit kailangan ang dagdag na pagsasanay upang mabisang makapag-ministeryo sa kanilang lungsod.
Tinruan sila ni Pablo sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila. Ang una niyang ginawa ay pangunahan sila sa isang antas ng bagong karanasang espirituwal at ito ay ang bautismo sa Espiritu Santo (Gawa 19:2-8). Tinuruan din sila ni Pablo sa pamamagitan ng pagpapakita. Nasaksihan nila ang maraming mga himala na ginawa sa pangalan ng Panginoon (Gawa 19:11-12). Yaong mga hindi tunay na mga tagasunod ni Jesus ay nabunyag at nagsisi (Gawa 19:13-17). Mga bagong nahikayat ay nadala sa Panginoong Jesu-Cristo (Gawa 19:17-20).
Nang magkaroon ng paguusig sa Ebanghelyo mula sa mga tradisyonal na mga tagapanguna, nagtatag si Pablo ng isang sentro ng pagsasanay sa Efeso:
Datapuwat nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala, na
pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan, ay umalis siya (si
Pablo) sa kanila, at inihiwalay ang mga alagad, na nangangatuwiran araw-araw sa
paaralan ni Tiranno. (Gawa 19: 9)
Ang Efeso ay isang magandang halimbawa ng isang modelong programa ng pagsasanay ng mga tagapanguna. Hindi inalis ni Pablo ang mga mag-aaral sa kanilang nilakhang palibot. Sinanay niya sila sa kinabihasnang palibot. Nanatili sila sa kanilang sariling komunidad at natuto sa kanilang sariling wika.
Ang sentrong itinayo ni Pablo ay nagkaloob ng dalawang taong pagsasanay para sa mga alagad. Ang layunin ng paaralan ay upang magparami ng mga alagad na magpapakalat ng mensahe ng Ebanghelyo:
At ito’y tumagal sa loob ng dalawang taon;
ano pa’t ang lahat ng mga
nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng
Salita ng Panginoon, ang mga Judio
at gayon din ang mga Griego. (Gawa 19: 10)
Ang sentro ng pagsasanay ay hindi nagtanggi ng mga tao ayon sa kanilang mga kultura. Ang mga mag-aaral ay nag-ministeryo sa mga Judio at mga Hentil (ibang mga bansa na hindi Judio). Walang mga hangganan ang paaralan. Ang mga mag-aaral ay hindi lamang sa Efeso nag-ministeryo kundi sa buong kontinente ng Asia.
Ang halimbawa ng Efeso ay isang magandang modelo ng pagsasanay sapagkat ang mga nasanay na ay nagturo naman sa iba…
… Ano pa’t ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng Salita ng
Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego. (Gawa 19: 10)
Sa gayo’y lumagong totoo ang Salita
ng Panginoon at nanaig. (Gawa 19: 20)
Sinanay ng paaralan sa Efeso ang mga alagad at binigyang kakayahan para sa gawain ng ministeryo. Ang layunin ay palaganapin ang Ebanghelyo sa ibat-ibang lugar (buong kontinente ng Asia) at sa ibat-ibang mga kultura (Judio at Hentil). Ang mga bagong hikayat ay sinanay bilang mga alagad sa isang patuloy na paraan ng pagpaparami.
PAGSISIMULA NG ISANG SENTRO NG PAGSASANAY
Sa ngayon ang mga sentro ng pagsasanay na tulad ng modelo sa Efeso ay kailangan. Sa pagdami ng mga nahihikayat, mahalaga na sila ay masanay bilang mga tagasunod at tagapanguna na nahamon sa kanilang pananagutan ng pagdadala ng Ebanghelyo sa sanglibutan.
Hindi pinalitan ng sentro ng pagsasanay sa Efeso ang iglesia. Nagpatuloy ang mga mananampalataya na magtipon sa mga sinagoga, na isa sa mga pinagtitipunan ng mga mananampalataya noon. Nagpatuloy ding magtipon ang mga mananampalataya sa mga iglesia sa mga bahay. Ang paaralan sa Efeso ay bahagi ng iglesia at hindi kapalit nito. Ang layunin ng ganitong gawain ng pagsasanay ay hindi palitan ang anomang gawain ng paghahatid ng Ebanghelyo.
Kung interesado ka na magtayo ng isang sentro ng pagsasanay na tulad ng modelo sa Efeso, ang mga alituntunin ay ipinagkakaloob sa kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na Pamamaraan Ng Pagpaparami.” Ipinapaliwanag dito kung paano pumili ng lugar, magtayo ng budget, kumuha ng mga mag-aaral, pumili ng mga tagapagturo at ituturo, at pagpapabatid at paano ang mismong pagtuturo.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Bakit mahalaga ang bigyang pagsasanay ang iba?
3. Ano ang layunin sa pagsasanay sa mga tagapanguna at tagasunod?
4. Ilista ang anim na mga prinsipyo ng pagpili na tinalakay sa pag-aaral tungkol kay Jesus at sa Kaniyang mga alagad.
_____________________________________ ________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
_____________________________________ ________________________________________
5. Ilista ang walong mga prinsipyo ng pagsasanay na tinalakay sa pag-aaral tungkol kay Jesus at sa Kaniyang mga alagad.
_______________________________________ ______________________________________
_______________________________________ ______________________________________
_______________________________________ ______________________________________
_______________________________________ ______________________________________
6. Anong halimbawa sa Bagong Tipan ang ibinigay na isang modelo ng pagsasanay ng mga tagapanguna?
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Ang mga taga-sunod ay nagiging tagapanguna.
Josue, na tagasunod ni Moises, naging tagapanguna: Bilang 27:18; Deuteronomio 3:28
Eliseo, na tagasunod ni Elias, naging isang tagapanguna: II Hari 2
2. Sinanay ni Jesus ang mga tagasunod ay maging mga tagapanguna. Ang paulit-ulit na tawag ni Jesu-Cristo ay tawag upang maging tagasunod. Ang mga salitang “sumunod,” “sumunod sa akin,” ay ginamit ni Jesus ng higit sa 20 beses. Ang mga ito ay ipinahatid sa:
-Kay Simon at Andres: Mateo 4:19; Marcos 1:17
-Kay Santiago at Juan: Mateo 4:21; Marcos 1:20
-Kay Mateo: Mateo 9:9; Marcos 2:14; Lucas 5:27
-Kay Felipe: Juan 1:43
-Kay Pedro: Juan 21:19, 22
-Sa mayamang binata: Mateo 19:21; Marcos 10:21; Lucas 18:22
-Isa pa sa Kaniyang mga alagad: Mateo 8:22
-Sinomang tao: Mateo 16:24; Marcos 8:34; Lucas 9:23;
Juan 12:26
3. Basahin ang tungkol sa pagsasanay ng mga tagapanguna sa panahon ng Lumang Tipan sa I Samuel 19:18-20 at II Hari 2:1; 4:38; 6:1.
4. Narito ang limang mga pangunahing balakid na dapat mong malampasan sa pagsasanay ng mga tagasunod at mga tagapanguna:
1. Takot sa tao.
2. Katamaran.
3. Pagtanggi sa pagbabago.
4. Magkakatunggaling prayoridad.
5. Kawalan ng kaalaman (kailangang sanayin ang mga tao sa pagbabahagi ng Ebanghelyo
at paggawa ng mga tiyak na ministeryo).
5. Ang mga kurso ng Harvestime International Institute ay makatutulong sa iyo sa pagsasanay sa mga tagasunod at mga tagapanguna. Sumulat ngayon para sa kompletong listahan ng mga kursong ipinagkakaloob.
6. Narito ang mga alituntunin sa pagdaraos ng mga sesyon ng pagsasanay:
Maging Handa:
Bawat guro ay kailangang maging maalam sa paksa na kaniyang ituturo. Kailangan siyang maghanda sa pamamagitan ng panalangin. Kailangan niya ang mga wastong gamit at materyales na nakahanda para sa bawat pagtitipon ng klase.
Ang bawat guro ay kailangang may mga tiyak na layunin para sa bawat aralin. Kung ginagamit mo ang mga materyales ng Harvestime International Institute, nakalista ang mga layunin sa pasimula ng bawat kabanata.
Tiyakin na ang mga silid-aralan ay nakahanda para sa mga mag-aaral.
Magsimula Sa Tamang Oras:
Pasimulan at wakasan ang bawat sesyon sa tamang oras. (Malibang mayroong ibang nais na gawin ang Espiritu Santo.)
Manalangin:
Simulan at wakasan ang bawat sesyon sa panalangin.
Mag-repaso At Magbigay Ng Buod:
Simulan ang klase sa isang maikling pagre-repaso ng natapos na aralin. Wakasan naman ang bawat klase na may pagbibigay ng buod ng aralin na itinuro sa sesyon na yaon.
Gumamit Ng Ibat-ibang Pamamaraan Ng Pagtuturo:
Ang kursong “Ang Mga Pamamaraan Ng Pagtuturo” ng Harvestime International Institute ang magsasanay sa iyo na magturo tulad ng pagtuturo ni Jesus.
Maging Bukas Sa Espiritu Santo:
Ang pagiging bukas sa Espiritu Santo ay higit na mahalaga kaysa sa makatapos ng aralin o pagsunod sa isang inihandang hanay.
Ipakita:
Ipakita ang itinuturo. Halimbawa, kung nagtuturo ka tungkol sa pagpapagaling, ipanalangin mo yaong mga naroon na may sakit. Kung itinuturo ang tungkol sa bautismo sa Espiritu Santo, akayin ang mga tao na maranasan ito.
Planuhin Ang Mga Karanasan Ng Pagkatuto:
Magbigay ng gawain para sa mga mag-aaral na kanilang gagawin sa pagitan ng klase. Magkaloob ng mga pagkakataon sa kanila na gamitin ang kanilang natutuhan sa pamamagitan ng mga praktikal na ministeryo sa kanilang iglesia at komunidad.
7. Narito ang ilang mga tanong na dapat ituring:
-Ang iyo bang halimbawa sa harap ng mga tao ay nagdadala sa kanila na mabuhay para
sa Diyos? Maglista ng tatlong paraan kung paano mo nasabi.
-Ang ibang tao ba ay may pagkakataon na makasama mo upang masdan ang iyong
halimbawa o ikaw ay mailap sa tao? Maglista ng tatlong paraang iyong ginagamit upang regular na maging sa iba.
-Tunay ka bang naniniwala na ang halimbawa ng iyong buhay ay kailangan sundan ng iba? Bakit o bakit hindi? Paano mo mapapabuti ang iyong halimbawa?
-Mayroon ka bang sinusuway na hayag na prinsipyo ng Salita ng Diyos sa iyong pangunguna? Sa paanong paraan? Paano mo ito maitutuwid?
-Mayroon ka bang pangalan ng iyong tinulungan na masanay na mababanggit?
IKA-LABINGISANG KABANATA
PAGHARAP SA KABIGUAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Sapagkat ang matuwid
ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli.
(Kawikaan 24: 16)
PAMBUNGAD
Ang araling ito ay isa sa pinakamahalaga sa kurso na “Mga Prinsipyo Ng Pangangasiwa Salig Sa Biblia.” Patungkol ito sa kabiguan. Ang Diyos ay may mga sakdal na plano, ngunit gumagawa Siya sa pamamagitan ng mga tagapangunang hindi sakdal upang matupad and Kaniyang mga plano. Sapagkat hindi ka sakdal, dapat mong maunawaan ang mga dahilan ng kabiguan at malaman kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ay mabigo.
Sa Araling ito, matututuhan mo ang mga paunang dahilan ng pagkabigo. Pag-aaralan mo ang mga tagapanguna na nagwakas ang buhay sa kabiguan at noong mga tagapanguna na ginawang tagumpay ang kabiguan. Bibigyan ka rin ng mga alituntunin ayon sa Biblia kung paano harapin ang kabiguan at gawin itong sa ikapagta-tagumpay.
ANO ANG NAGDUDULOT NG KABIGUAN?
Narito and tatlong mga paunang dahilan ng kabiguan:
1. KABIGUAN SA PAKIKIPAG-UGNAY:
Maraming mga tagapanguna ay nabibigo sapagkat hindi wasto ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Maaaring hindi nila napalago ang mga wastong pundasyong espirituwal na nakalista sa Hebreo 6:1-3. Kung kanilang sikapin gumawa para sa Diyos salig sa palsong pundasyong espirituwal, ito ay nabubuwag.
Ang ilang mga tagapanguna ay abala sa “gawain ng Diyos” na kanilang nakaligtaan ang pananalangin, pag-aaral ng Biblia, pagaayuno at paghanap sa Panginoon at sa Kaniyang kalooban. Ang iba naman ay nawawalan ng kanilang unang mainit na pagibig sa Panginoong Jesu-Cristo. Sa halip na ang Diyos at ang Kaniyang Kaharian ang maging prayoridad, ang mga intindihin at kayamanan ng sanglibutan, pagkita ng salapi, o pagbibigay kasiyahan sa tao ang nauuna sa kanilang buhay.
Si Haring Uzzias ay isang halimbawa ng isang tagapanguna na nabigo dahil sa kaniyang kaugnayan sa Diyos. Maganda ang simula ni Haring Uzzias. Hinanap niya ang Panginoon (II Cronica 26:6-8). Matagumpay ang kaniyang pakikilaban para sa Israel sa mga kalaban nito (II Cronica 26:6-8). Ngunit nang si Haring Uzzias ay tumanyag at nagmataas, nagsimula siyang “gumawa ng kapahamakan,” hindi nagtapat sa Diyos, at hindi na hinanap ang Panginoon (II Cronica 26:16).
Upang maging tagapanguna, dapat kang may malapit na kaugnayan sa Diyos. Natuklasan ng maraming mga tagapanguna na nabigo na ang kanilang problema ay ang kanilang personal na kaugnayan sa Diyos.
2. SINADYANG KABIGUAN:
Ang ibig sabihin ng “sinadyang kabiguan” ay ang mga pagkabigo na bunga ng iyong sariling mga kasalanan. Kabilang sa mga kasalanang “sinadya” ay ang maling gawa, salita, saloobin o motibo. Ang gayong mga gawa o kasalanan ay nagdudulot ng kabiguan.
3. KABIGUANG HINDI SINASADYA:
Ang ibig sabihin naman nito ay nabigo ka dahil sa mga hindi mo nagawa. Kung ikaw ay magkasala sa larangang ito, ang ibig sabihin ay ang dapat mong gawin ay hindi mo ginawa. Ang wika ng Biblia:
Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito’y
kasalanan sa kaniya. (Santiago 4: 17)
Ang mga kasalanang sinasadya ay yaong mga bagay na sinasabi ng Salita ng Diyos na iyong gawin subalit nabigo kang gawin ito. Sinaway ni Jesus ang mga tagapanguna ng relihiyon ng Kaniyang panahon dahil sa mga pagkakasalang ganito. Sinabi Niya…
Sa aba ninyo, mga escriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat
nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at
inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na
dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwat
dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.
(Mateo 23:23)
MGA TAGAPANGUNANG NAPAGTAGUMPAYAN ANG KABIGUAN
Maraming mga halimbawa sa Biblia ng mga dakilang mga tao na minsan sa kanilang buihay ay nabigo bilang tagapanguna:
Abraham: Itinatuwa niya na asawa niya si Sara sa takot na siya ay patayain at kunin si Sara sa kaniya. Gayon man tinawag siyang lalake ng pananampalataya at “kaibigan ng Diyos.”
Moises: Dahil sa galit, sa halip na kausapin ang bato ay hinampas ito upang magkaroon ng tubig tulad ng sinabi ng Diyos. Gayon man ay sinabi ng Biblia na walang naging propeta na kasing dakila ni Moises.
Haring David: Nagkasala siya ng pangangalunya sa asawa ng iba, at pagkatapos ay ipinapatay niya ang asawa nito upang pagtakpan ang kaniyang kasalanan. Gayon man tinawag siya na “isang tao ayon sa puso ng Diyos.”
Jonas: Kabaligtaran na lugar ang kaniyang pinuntahan sa itinawag sa kaniya ng Diyos na pangaralan sa Ninive. Sa bandang huli, nangaral siya na nagdala ng pinakadakilang pagbabagong buhay sa kasaysayan. Ang buong lungsod ay nagsisi.
Josue: Ang lalaking ito na isang batikang tagapangunang militar ang pumalit kay Moises ng mamatay ito. Isa sa inihamon ng Diyos kay Josue ay ang pangunahan ang Israel sa pagangkin sa lupang ipinangako sa kanila. Ngunit may panahon masyadong nasiraan ng loob si Josue na nais na niyang bumalik sa ilang. Minsan siya ay dinaya ng mga Gibionites. Gayon man ang lalaking ito ay nagpatuloy hanggang sa masakop ang lupang ipinangako ng Diyos.
Ang Propetang Elias: Isang masamang reyna na nagngangalang Jezebel ay nagsugo sa propetang Elias na ipinaaalam sa kaniya na siya ay binabalak patayin. At si Elias…
…siya’y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon, at
umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro: at siya’y humiling sa ganang
kaniya na siya’y mamatay sana, at nagsabi, Sukat na: ngayon, Oh Panginoon kunin
Mo ang aking buhay; sapagkat hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang.
(I Mga Hari 19: 4)
Siya ang dakilang lalake ng Diyos na nagpagaling ng mga maysakit, nagbangon ng mga patay, at pinigil ang mga elemento ng kalikasan sa pangalan ng Panginoon. Ngayon siya ay nagtatago, takot, nalulumbay, at hiniling na siya ay mamatay na. Gayon man si Elias ay nagbalik at ipinakita niya ang kapangyarihan ng Diyos sa harap ng buong bansang Israel sa bundok ng Karmelo.
Pedro: Ipinagkanulo ng lalaking ito si Jesus, ngunit sa huli ay naging isang dakilang tagapanguna ng unang iglesia.
Si Apostol Pablo: Si Apostol Pablo ay humarap din sa kabiguan. Isinulat niya minsan na dahil sa mga karanasan sa Asia, siya ay “totoong nabigatan” at “nawalan ng pagasa sa buhay” (II Corinto 1:8). Naghayag siya na may panahon na siya ay ginipit, naghinagpis, pinagusig, at inilugmok (II Corinto 4:8-11). Sinabi niya na mayroon siyang takot at ligalig (II Corinto 7:5-6). Ngunit matagumpay na napalaganap ni Apostol Pablo ang Ebanghelyo sa mga Hentil, na nakapagtayo ng mga dakilang mga iglesia at tagapanguna sa mga bansa ng daigdig.
MGA TAGAPANGUNANG NAGWAKAS ANG KABIGUAN SA PAGKATALO
Nilalaman din ng Biblia ang maraming mga halimbawa ng mga tagapanguna na ang buhay ay nagwakas sa kabiguan at pagkatalo:
Samson: Isang dakilang hukom ng Israel at may dakilang lakas sa pangangatawan na ibinigay sa kaniya ng Diyos. Sinimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kaaway na mga Filisteo. Nang masangkot siya sa isang paganong babae, nabihag si Samson at namatay habang isang bilanggo ng kaaway.
Uzzias: Naghari siya noong siya ay 16 anyos at hanggang ginagawa niya ang tama sa paningin ng Panginoon, sumagana siya. Nagkasala si Uzzias sa pamamagitan ng pagpasok sa templo at paggawa ng mga gawaing para lamang sa mga saserdote. Pinarusahan siya ng Diyos ng ketong at siya ay namatay.
Saul: Si Saul ang unang hari ng Israel, hinangaan ng buong bayan, nanahan sa kaniya ang Espiritu ng Diyos. Dahil sa pagsuway, tinanggihan si Saul ng Diyos at ibang hari ang napili upang tapusin ang kaniyang gawain. Ang buhay ni Saul ay nagwakas sa kabiguan, kahihiyan, at pagpapakamatay.
Eli: Dati siyang dakilang saserdote sa bahay ng Panginoon. Dahil sa pagsuway, si Eli at ang kaniyang mga anak ay naging kahihiyan ang kamatayan.
Judas: Si Judas ay isang alagad ni Jesus sa panahon ng Kaniyang ministeryo dito sa lupa. Nasaksihan niya ang mga dakilang himala ni Jesus at narinig ang Kaniyang mga turo. Gayon man kaniyang ipinagkanulo si Jesus at tinapos ang kaniyang buhay sa pagpapatiwakal.
ANO ANG LUMIKHA NG PAGKAKAIBA?
Ang ilan sa mga tagapangunang ito ay nakabawi sa kanilang mga kabiguan at nagpatuloy na naging mga dakilang lalake ng Diyos. Ang iba ay hindi nagbago. Ang kanilang buhay ay nagwakas sa pagkatalo. Ano ang lumikha ng pagkakaiba?
Upang masagot ang katanungang ito, suriin natin na detalyado ang buhay ng dalawang dakilang mga tagapanguna sa bansang Israel, ang mga haring si David at Saul. Una, basahin ang kasaysayan ng kabiguan ni David sa II Samuel 11-12. at pagkatapos ay basahin ang kabiguan ni Saul sa I Samuel 15.
Sa ating pangtaong pangangatuwiran, ang kabiguan ni David ay waring mas grabe kay sa kay Saul. Ang ginawa lamang ni Saul ay inuwi niya ang ilang mga baka na labi ng labanan nang utusan siya ng Diyos na huwag gawin ito. Si David ay nagkasala ng pangangalunya sa asawa ng iba. Nang matuklasang siya ay buntis, ipinapatay niya ang asawa nito upang pagtakpan ang kaniyang kasalanan. Tinanggihan ng Diyos sa Saul bilang hari, gayon man si David ay nanatili sa trono at tinawag na “isang taong ayon sa puso o kalooban ng Diyos.”
Bakit ang buhay ng isang tao ay nagawakas sa kabiguan samantalang ang iba naman ay nagpatuloy at naging matagumpay? Ang sagot ay isang salita: Pagsisisi. Nang harapin ng propetang Samuel si Saul sa kaniyang kasalanan, sinabi ni Saul…
…Ako’y nagkasala; sapagkat ako’y sumalangsang sa utos ng Panginoon, at
sa iyong mga salita; sapagkat ako’y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang
tinig.
Nang magkagayo’y kaniyang sinabi, Ako’y nagkasala: gayon ma’y
parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking
bayan at sa harap ng Israel, at bumalik ka uli na kasama ko upang aking
sambahin ang Panginoon mong Diyos. (I Samuel 15: 24 at 30)
Nahuli si Saul sa kaniyang kasalanan at inamin niya ito. Nalungkot siya, ngunit dahil lamang sa siya ay nahuli. Ang pagkalungkot dahil sa kasalanan ay hindi sapat. Ang kalumbayang yaon ay dapat mauwi sa pagsisisi:
Sapagkat ang kalumbayang mula sa Diyos, ay gumagawa ng pagsisisi sa
ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwat ang kalumbayang ayon sa
sanglibutan ay ikamamatay. (II Corinto
7:10)
Inamin ni Saul na siya ay nagkasala, ngunit isinisi niya ang kaniyang kabiguan sa ibang mga tao. Nais niya na parangalan siya ni Samuel sa harap ng mga tao upang hindi siya malagay sa kahihiyan. Nais niyang si Samuel ay sumamba sa Diyos na kasama niya upang ipakita sa mga tao na siya ay taong espirituwal pa rin.
Hindi inihayag ni Saul ang kaniyang kasalanan sa Diyos, nagsisi, at humingi ng kapatawaran. Tumanggi siya na tumanggap ng pansariling pananagutan sa kaniyang mga ginawa. Nagalay siya ng pagsamba sa Diyos noong ang nais ng Diyos ay alay ng pagsisisi. Higit na pinahalagahan ni Saul ang kaniyang reputasyon sa mga tao kay sa kaugnayan niya sa Diyos. Nakita niya ang Kaharian hindi bilang Kaharian ng Diyos, kundi bilang isang paraan na pagtatayo ng kaniyang sariling kaharian.
Dahil dito, sinabi ni Samuel kay Saul:
… Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at
ibinigay sa iyong kapuwa, na maigi kay sa iyo.
(I Samuel 15: 28)
Ang kaharian ay inalis kay Saul at ibinigay kay David.
Nang harapin ng propetang Nathan si David tungkol sa kaniyang kasalanan, kaagad na kinilala ni David ang kaniyang pagkakasala:
Ako’y nagkasala laban sa Panginoon.
( II Samuel 12: 13)
Hindi niya sinisi ang iba. Hindi niya sinisi si Batseba. Inamin niya ang kaniyang pagkakamali at buong kapakumbabaan na nagsisi sa harap ng Diyos. Ang dakilang panalangin ng pagsisisi ni David ay natala sa Awit 51. Basahin ang buong Awit na ito sa iyong Biblia. Kinilala ni David ang kaniyang kasalanan at humingi siya ng kapatawaran:
Sapagkat kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: At ang aking
kasalanan ay laging nasa harap ko.
Laban sa Iyo, sa Iyo lamang ako nagkasala, At nakagawa ng kasamaan sa Iyong
paningin…
Likhaan Mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios, at magbago Ka ng isang
matuwid na espiritu sa loob ko. (Awit
51: 3,4,10)
Nang iharap kay David ang kaniyang kabiguan, nagsisi si David at nagbago ng direksyon. Hindi gayon si Saul. Lalo siyang lumayo mula sa kalooban ng Diyos at winakasan ang kaniyang buhay sa kabiguan, pagkatalo at pagpapakamatay.
KUNG IKAW AY MABIGO
Kung ikaw ay mabigo, may mga panuntunan ang Biblia na kung iyong susundin, ay gagawing tagumpay ang kabiguan. Upang pag-aralan ang mga panuntunang ito, gagamitin natin ang halimbawa ni Jonas. Basahin ang aklat ni Jonas (apat na kabanata) sa iyong Biblia bago magpatuloy sa araling ito.
Si Jonas ay inutusan ng Panginoon na humayo at ipangaral ang pagsisisi sa makasalanang bansa ng Ninive. Sa halip na makinig sa tinig ng Diyos, kabaligtaran ang kaniyang ginawa. Ginanap ni Jonas ang mga sumusunod na mga hakbang upang ituwid ang kaniyang kabiguan. Ito ang mga hakbang na dapat mong gawin kung makaranas ka ng kabiguan.
PAGPAPAHAYAG:
Kung ikaw ay mabigo, hilingin mo sa Diyos na ihayag sa iyo ang dahilan ng kabiguan. Tiyak ito: Ang Diyos ay may mga paraan ng pagpapabatid sa iyo kung ikaw ay nabigo. Ang isang malakas na bagyo sa dagat ang naghayag kay Jonas na siya ay wala sa kalooban ng Diyos. Inamin ni Jonas ang kaniyang kamalian pagkatapos ng kapahayagang ito (Jonas 1:12). Habang hindi mo kinikilala ang iyong kabiguan, mananatili kang bigo:
Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: Ngunit
ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
(Kawikaan 28: 13)
Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang
ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. (I Juan 1: 8)
Huwag mong bayaan na ang mga pagdadahilan ang pumigil sa iyo na aminin ay kabiguan. Narito ang karaniwang mga pagdadahilan:
-“Mawawalan ng tiwala ang mga tao sa akin.”
-“Kung aminin ko ang kabiguan ito ay pagamin na ako ang mali.”
-“Ako ay nabigo na, buti pang sumuko na lamang ako.”
-“Huli na ang lahat.”
-“Ako ay masamang halimbawa, kaya mabuti pang huminto na lang ako.”
-“Masyado na akong malayo sa kalooban ng Diyos para maituwid ang mga bagay.”
Hindi kailangang ihayag sa publiko ang iyong kabiguan malibang ito ay nagsangkot sa buhay ng iba at dapat kang humingi ng kapatawaran. Ngunit dapat mong laging aminin ang iyong kabiguan sa iyong sarili at sa Diyos. Ito ang unang hakbang upang baguhin ang kabiguan tungo sa tagumpay. Dapat mahayag ang kasalanan. Dapat mong harapin ito.
PAGSISISI:
Pagkatapos mahayag ang dahilan ng iyong kabiguan, dapat kang magsisi:
Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya
na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng
kalikuan.
(I Juan 1: 9)
Ang marubdob na panalangin ng pagsisisi ni Jonas ay natala sa Jonas 2. Kinilala ni Jonas ang kaniyang kasalanan sa harap ng Diyos, nagsisi, at humingi ng kapatawaran. Kung ikaw ay mabigo, lumapit ka sa Panginoon sa pagsisisi. Hilingin mo sa Diyos na patawarin ka sa iyong kabiguan. Tiyakin mong patawarin mo rin ang iyong sarili.
PAGBABALIK:
Sa pamamagitan ng panalangin, nasulat na Salita ng Diyos, at patnubay ng Espiritu Santo, ihahayag sa iyo ng Diyos ang dako kung saan nagsimula ang iyong kabiguan. Dapat kang magbalik sa dakong yaon at baligtarin ang iyong direksyon.
Sa kaso ni Jonas, napagtanto niya na ang kaniyang kabiguan ay nagsimula noong ibang direksyon ang kaniyang tinungo sa halip na Ninive. Kinailangan siyang magbalik sa dako ng kabiguan at baligtarin ang kaniyang direksyon. Napapaloob ang pagbabago ng direksyon sa tunay na pagsisisi. Kung ikaw ay magbalik sa isang dako ng kabiguan bumabalik ka kung saan ka unang nagkasala at itinutuwid mo ang iyong pagkakamali. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng…
PAGPAPANUMBALIK:
Sa kaso ni Jonas, nang kaniyang kilalanin na ang kaniyang kabiguan ay nagsimula noong sa ibang direksyon siya nagtungo sa halip na sa Ninive, binago niya ang kaniyang direksyon. Nagtungo siya sa Ninive. Itinuwid niya ang kaniyang pagkakamali (Jonas 3:3) Ginawa niya ang kaniyang magagawa upang ituwid ang mali. Ang tawag dito ay “panunumbalik.”
Minsan, wala kang magawa upang ituwid ang iyong kabiguan liban sa magsisi. Sa halimbawa ni David na ating tinalakay, wala na siyang magawa tungkol sa kaniyang kasalanan kay Batseba pagkatapos na ito ay gawin. Ang pagkakamali ay nagawa na. Naganap na ang pangangalunya at ang asawa ni Batseba ay namatay na. Wala na siyang magagawa upang ituwid ito maliban sa pagsisisi.
Ngunit sa mga kalagayan na maaari kang bumalik sa dako ng kabiguan at gumawa ng pagsasauli, dapat mong gawin ito. Maaari kang humingi ng paumanhin sa tao. Maaari mong isauli ang isang bagay na iyong ninakaw o aminin mo na ikaw ay nagsinungaling. Ito ang mga halimbawa ng pagpapanauli.
Kailangan mo rin ang panahon upang mapanumbalik ang iyong sarili at muling itayo ang iyong kalakasang espirituwal pagkatapos mabigo. Maaaring kailanganin mo na bumaba muna mula sa mga pananagutan ng ministeryo. Tiyak na kailangan mong magisa na kasama ang Panginoon.
Narito ang ilang mga paraan upang mapanumbalik ang iyong kalakasang espirituwal:
-Pag-aralan ang Salita ng Diyos.
-Gumugol ng panahon sa pananalangin at pagaayuno.
-Repasuhin ang mga paunang mga dahilan ng pagkabigo (na ibinigay sa araling ito) upang makaiwas ka sa mga kabiguan sa hinaharap. Hilingin mo sa Diyos na ihayag at tulungan kang ituwid ang anomang problemang larangan sa iyong buhay.
-Repasuhin ang mga estratehiya sa
pakikibakang espirituwal upang tulungan kang maging lalong mabisang makibaka sa
susunod. (Tingnan ang kurso ng Harvestime International Institute na may
pamagat na Mga Estratehiyang Espirituwal:
Isang Manwal Sa Pakikibakang Espirituwal.”)
MAGPATULOY SA TAGUMPAY
Pagkatapos mong magawa ang mga hakbang na ito, kalimutan mo na ang iyong kabiguan at magpatuloy ka tungo sa tagumpay. Nilimot na ni Jonas ang kaniyang kabiguan. Nangusap ang Panginoon sa kaniya sa ikalawang pagkakataon at sinabi, “Magtindig ka, at pumaroon ka sa Ninive” (Jonas 3:1-2). Siya ay agad sumunod sa pagkakataong yaon. Sa Ninive, si Jonas ang nanguna sa isa sa pinakadakilang pagbabagong buhay sa kasaysayan. Ang buong lungsod ay nagsisi. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ng paghahayag, pagsisisi, pagbabalik, at panunumbalik, ang kaniyang kabiguan ay nauwi sa tagumpay.
Maraming mga kasaysayan sa Biblia na tulad na sa kay Jonas. Ang mga lalaking ito ay nabigo ngunit inamin ang kanilang kabiguan at humingi ng kapatawaran sa Diyos. Nang kanilang gawin ito, hindi nagatubili ang Diyos na patawarin sila at pagkalooban ng bagong direksyon. Ito ang padron ng Biblia sa pagbaliktad ng kabiguan tungo sa tagumpay.
Gayon din ang gagawin ng Diyos sa iyo! Hindi Niya tinitingnan ang mga kabiguan mo sa nakaraan. Hindi siya tumitingin sa iyo kung paano ka ngayon. Ang nakikita Niya ay ang lalake at babae…ang tagapanguna na maaari mong kahinatnan kung ikaw lamang ay lalakad sa pagsunod sa Kaniya.
MATUTO MULA SA KABIGUAN
Isinulat ni Pablo:
Hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga
kapihatian namin na nangyari sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa
aming kaya, ano pa’t kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay:
Oo, kami’y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag
kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay na maguli
ng mga patay:
Na Siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan, at
nagligtas: na siya naming inaasahan na Siya namang magliligtas pa sa amin.
(II Corinto 1: 8-10)
Ipinaliwanag ni Pablo na ang mga problema sa Asia ay nagturo sa kaniya ng mahalagang aralin… “hindi tayo dapat magtiwal sa sarili, kundi sa Diyos.” Ito ay isang dakilang aralain na dapat matutuhan mula sa kabiguan. Hindi ka maaaring magtiwala sa sarili. Ang iyong kapangyarihan, ang iyong kapamahalaan, ang iyong tagumpay bilang isang tagapanguna ay matitiyak lamang kay Cristo Jesus. Tumingin si Pablo sa kabila pa ng likas na larangan upang makita ang mga pakinabang na espirituwal ng problema, mga tukso, pagsubok at mga kabiguan:
Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagamat ang aming pagkataong labas
ay pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.
Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay
siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita:
sapagkat ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwat ang mga bagay
na hindi nangakikita ay walang hanggan.
(II Corinto 4: 16-18)
Natutuhan ni Pablo na kahit ang kaniyang panglabas na katauhan ay nanghihina, ang pangloob na katauhan ay binubuhay. Sa halip na sumuko, natuto si Pablo mula sa kabiguan at nagpatuloy siya sa tagumpay. Sa II Corinto 1:10 kaniyang ipinakita na ang Diyos ang…
“Nagligtas” (Sa nakaraan)
“Nagliligtas” (Sa kasalukuyan)
“Magliligtas” (Sa hinaharap)
…sa atin mula sa ating mga problema, pagsubok, tukso, at kabiguan. Sinabi niya na tayo ay…
Nangagigipit…GAYON MA’Y HINDI NANGAGHIHINAGPIS.
Nangatitilihan…GAYON MA’Y HINDI NANGAWAWALAN NG PAGASA.
Pinaguusig… GAYON MA’Y HINDI PINABABAYAAN.
Inilulugmok…GAYON MA’Y HINDI NANGASISIRA.
(II Corinto 4:8-9)
Sa kabila ng mga kalituhan, paguusig, ligalig, at kalumbayan, nasabi ni Pablo sa mga huling araw ng kaniyang buhay:
Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking
takbo, iningatan ko ang pananampalataya. (II Timoteo 4: 7)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ilista ang tatlong mga halimbawa sa Biblia ng mga dakilang mga lalake na nagtagumpay sa kabila ng kanilang kabiguan.
3. Tukuyin ang tatlong mga halimbawa sa Biblia ng mga lalaking nagwakas ang buhay sa kabiguan.
4. Ilista ang mga panuntunan ng Biblia sa pagbaliktad ng kabiguan upang maging tagumpay:
P_____________________________ P__________________________________
P_____________________________ P__________________________________
5. Ano ang tatlong paunang mga dahilan ng kabiguan?
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Sa Lucas 15:11-32 sinabi ni Jesus ang kasaysayan ng isang kabataan lalake na iniwan ang kaniyang ama at tumira sa ibang bayan. Pag-aralang mabuti ang kasaysayang ito, lalo na sa bahaging nagsasabi ng pagbabalik ng anak sa kaniyang ama. Matutuklasan mo na sinunod niya ang gayon ding panuntunan sa pagtutuwid ng kabiguan na tinalakay sa kabanatang ito.
2. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga halimbawa sa Biblia ng mga tagapanguna na nabigo sa isang bahagi ng kanilang buhay. Alin sa mga ito ang nagtuwid ng kanilang kabiguan? Paano nila binaliktad ang kabiguan upang maging tagumpay? Alin sa mga ito ang hindi nagtuwid ng kanilang kabiguan? Ano ang naging resulta? Maaari kang magdagdag ng ibang mga halimbawa sa listahang ito mula sa iyong sariling pag-aaral ng Salita ng Diyos.
-Abraham: Genesis 20:21
-Moises: Exodo, Gawa 7:20-44
-Aaron: Exodo 32
-Balaam: Bilang 22
-Uzzias: II Cronica 26
-Samson: Mga Hukom 13-16
-David: II Samuel 11-12; Awit 51
-Saul: I Samuel 8-15
-Jonas: Aklat ni Jonas
-Pedro: Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Gawa
-Juan Marcos: Gawa 12:12, 25; 15:39; II Timoteo 4:11
-Demas: II Timoteo 4:9
3. Natutuhan mo sa araling ito na may mga tatlong paunang dahilan ng kabiguan at kabilang dito ang:
-Kabiguan sa personal na kaugnayan sa Diyos (maling pundasyong espirituwal, kulang sa
panalangin, pag-aaral ng Biblia).
-Mga kasalanang sinasadya (anomang pagsuway sa Salita ng Diyos).
-Mga kasalanang hindi sinasadya (hindi paggawa ng dapat gawin).
Narito ang listahan ng ilang mga resulta ng mga paunang kabiguang ito. May naiisip ka bang ibang resulta na maaaring idagdag sa listahang ito?
-Panghihina ng loob.
-Paggaya dahil sa inggit.
-Kawalan ng pangitain.
-Kawalan ng pagsasanay.
-Hindi laan na magpatuloy kahit ano ang mangyari.
-Kawalan ng pagtatalaga.
-Maling mga prayoridad
-Imoralidad.
-Pagkagahaman, kayamanan, maling paggamit ng pondo, pagibig sa salapi.
-Kataasan.
-Paninibugho.
-Maling trato sa mga tagasunod.
-Kawalan ng pakikipagusap sa mga tagasunod.
-Pagkatakot at pagtatangi sa mga tao.
-Katanyagan.
-Hindi pirmi.
-Kawalan ng pagtimbang sa sarili.
-Pagkukumpara ng sarili sa iba.
-Pakikipagkompromiso.
-Ambisyon.
-Kawalan ng kakayahang magtakda sa iba (siya lahat ang gumagawa)
-Nakikinig at sumusunod sa tao sa halip na sa Diyos, nadadala ng opinyon ng nakararami.
-Kawalan ng pananampalataya.
-Kawalan ng kakayahang manguna bilang isang alipin at pastol.
-Hindi natatagpo ang hinihiling na mga katangian para sa katungkulan ng pangunguna.
-Kawalan ng tunay na tawag para sa pangunguna.
-Kawalan ng kaalaman na gamitin ang mga prinsipyo ng pakikibakang espirituwal.
-Kawalan ng kaalaman na gamitin ang mga prinsipyo ng Biblia sa pagtatagumpay.
-Kawalan ng kakayahang marinig ang tinig ng Diyos at maalaman ang Kaniyang
kalooban na nagbubunga ng maling pasiya.
-Kawalan ng kapangyarihang espirituwal.
-Kawalan ng pagpa-plano.
-Hindi wastong pangangasiwa ng mga kayamanang espirituwal.
-Kawalan ng bungang espirituwal.
-Ugat ng kapaitan.
-Katamaran at kapabayaan.
-Pagibig sa sanglibutan.
-Kawalan ng pahid.
4. Ang pagiging palalo ang pinakamatinding dahilan ng kabiguan. Ito ang nagdulot ng unang kasalanan ng sangkatauhan. Nanawagan si Satanas sa kapalaluan nang sabihin niya, “Magiging tulad ka ng Diyos.” Narito ang ilang simtomas ng kapalaluan:
-Labis na nagpapahalaga sa sarili: Awit 101:5
-Laging “alam ang lahat ng sagot”: Kawikaan 3:7
-May palalong mata: Kawikaan 6:17
-Labis na nagiintindi sa kaniyang hitsura: Isaias 14:14-15
-Nasisiyahan kung maraming mga taong nakapalibot: Mateo 20:26-27
-Magiliwin sa mga titulo: Matepo 23:6-11
-Sarili ang pinupuri sa mga ginawa ng Diyos: Gawa 12:21-23
-Maling motibo sa paggawa: Roma 8:6
-Nagdudumaling maupo sa ulunan ng mesa: Marcos 12:38-39
-Labis ang pagpapahalaga sa sariling talino: I Corinto 3:20
-Labis ang tuwa na kasama ang mga importanteng mga tao: I Corinto 4:6-7
-Pinupuri ang sarili: II Corinto 10:12-13
-Kahit gawa ng iba, sarili ang pinupuri: II Corinto 10:15
-Wala halos malasakit sa iba: Filipos 2:2-4
-Nagaalala sa mga tanong at mga gamit na salita: I Timoteo 6:4
-Ipinagmamalaki ang binabalak gawin: Santiago 4:16
-Di pansin ang payo ng mga nakakatandang mga taong espirituwal: I Pedro 5:5-6
-Mapagsarili at mainitin ang ulo: Efeso 5:21
-Nagiintindi sa halip na ilagak ang lahat ng alalahanin sa Diyos: I Pedro 5:6-7
-Mahilig sa mga gantimpala, pagkilala, katungkulan at sweldo: I Juan 2:15-16
5. Idinalangin ni Jesus na maingatan tayo mula sa kabiguan. Basahin ang Kaniyang pananalangin sa Juan 18:15 at 20.
6. Mula sa Mateo 23, gumawa ng listahan ng sampung positibong mga utos para sa mga tagapangunang Cristiano. Bawat kabiguan ng mga Pariseo ay maaaring maiba upang maibigay ang mga positibong mga panuntunan.
7. Ang Aklat ng Kawikaan ay maraming mga babala sa mga bagay na nagdudulot ng kabiguan. Basahin ang isang kabanata, kada araw at mababasa mo ang buong aklat sa loob ng isang buwan. Marakahan sa inyong Biblia ang mga bagay na nagdulot ng kabiguan at iwasan ito. ( Baka nais mong gawin din ito sa ibang mga aklat ng Biblia.)
8. Ang Apendise ng kursong ito ay nagpapaliwanag kung paano pag-aralan ang mga buhay ng mga tagapanguna na isinaysay sa Biblia. Pag-aralan ang ilan sa mga tagapanguna na nabigo. Gumawa ng listahan ng mga bagay na naging dahilan ng kanilang pagkabigo.
9. Ang mga aklat ng I at II Timoteo at Tito ay isinulat sa mga kabataang lalake na may katungkulan ng pangunguna sa ministeryo. Pag-aralang mabuti ang mga aklat na ito at ilista ang mga bagay na sinabi ni Apostol Pablo sa mga kabataan ito na iwasan.
IKA-LABING DALAWANG KABANATA
MGA PRINSIPYO NG PAGTATAGUMPAY
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag
mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong
masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagkat kung magkagayo’y
iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo ka ng
mabuting kawakasan. (Josue 1: 8)
PAMBUNGAD
Ang mga matagumpay na mga tao ay madalas tinatanong, “Ano ang lihim ng iyong tagumpay?” Yaong mga nasa sanglibutan ay madalas inililista ang edukasyon, katungkulan, ambisyon, kakayahan, kapangyarihan, at salapi bilang mga lihim ng tagumpay. Maraming mga aklat ang nasulat tungkol sa paksang ito, ngunit ang tunay na mga prinsipyo ng tagumpay ay nahayag sa Biblia. Sa araling ito, matututuhan mo ang mga prinsipyo ng pananagumpay sa Biblia.
Ipinapalagay na nailapat mo na ang saligan ng pananampalataya na tinukoy sa Hebereo 6:1-3. Ang isang wastong saligang espirituwal ay kinakailangan upang magamit ang mga prinsipyo ng pananagumpay ayon sa Biblia sa iyong buhay at ministeryo.
ANO ANG TAGUMPAY?
Sa Kaharian ng Diyos, ang tagumpay ay ang “sagad na paggamit ng mga kaloob at kakayahan sa loob ng mga pananagutang ibinigay ng Diyos.” Ikaw ay matagumpay kung ginagamit mo ang iyong mga kayamanang espirituwal para sa gawain ng Diyos.
Ang tagumpay sa Kaharian ng Diyos ay iba sa mga pamantayan ng tagumpay sa sanglibutan. Ang pananaw ng sanglibutan sa tagumpay ay sa larangang materyal. Ang pananaw naman ng Diyos ay espirituwal. Sa Kaharian ng Diyos, may kakaibang pamantayan sa tagumpay. Ang sanglibutan ay mayroong kaniyang pamantayan. Ang pamantayan ibinigay ng Diyos ay tinatawag na “katapatan.”
May kakaibang batayan ang tagumpay. Ang batayan ng tagumpay sa sanglibutan ay nababago at pansamantala. Sa Kaharian ng Diyos, ang batayan ng tagumpay ay matatag at walang hanggan dahil sa ito ay nakasalig sa nahayag na katotohanan. May mga ibat-ibang mga motibo sa pagtatagumpay. Sa sanglibutan, ang mga tao ay inuudyukan ng kasakiman, kapalaluan, at ang pagnanais na maging tanyag. Ang mga mananampalataya ay inuudyukan na magtagumpay sa ikaluluwalhati ng Diyos.
May ibang modelo ng tagumpay sa Kaharian ng Diyos. Ang sanglibutan ay tumitingin sa mga mayayaman at makapangyarihang mga tao. Ang ating modelo ay ang Panginoong Jesu-Cristo. May ibang mithiin ang tagumpay. Ang salapi, kapangyarihan, at katungkulan ang pinahahalagahan sa sanglibutan. Ang mithiin sa Kaharian ng Diyos ay ang matulad kay Cristo.
Ang tagumpay sa Kaharian ng Diyos ay nagbibigay diin sa pagbibigay sa halip na pagtanggap, paglilingkod sa halip na katungkulan, kapakumbabaan sa halip na kapalaluan, kahinaan sa halip na kapangyarihan. Ang tingin ng sanglibutan sa tagumpay ay sa iyong ginagawa. Ang tingin naman ng Diyos ay kung sino ka. Ang kahusayan ng ugali ang binibigyang diin sa halip na kahusayan ng mga nagawa.
Sa Kaharian ng Diyos, ang tagumpay ay hindi sinusukat sa kung ano ka. Ito ay sinusukat sa kung sino ka inihambing sa ano ang maaari mong kahinatnan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat ayon sa nagawa mo para sa Diyos. Ito ay sinusukat sa pamamagitan ng iyong ginawa inihambing sa maaari mong magawa.
MGA LIHIM NG TAGUMPAY
Nais ng Diyos na magtagumpay ka sa ministeryo. Nais Niya na matupad mo ang layunin at plano Niya para sa iyo. Ang mga espirituwal na “lihim ng tagumpay” ay hindi naman talaga lihim. Ang mga ito ay hayagang natala sa Salita ng Diyos. Ang mga ito ay “lihim” lamang dahil sa ang mga tao ay tumatanggi na hanapin at masumpungan ang mga ito.
Hindi natin masasaklaw ang bawat prinsipyo ng tagumpay sa Salita ng Diyos sapagkat ang mga ito ay napakarami. Ang bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng araling ito ay nagkakaloob ng mga panuntunan para sa patuloy na pag-aaral ng ibang mga prinsipyo ng Biblia. Ngunit narito ang mga mahahalagang paunang mga prinsipyo.
MAY WASTONG SALOOBIN NG PUSO:
Ang tagumpay ay nagsisimula sa puso ng tao:
… Sapagkat hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao:
sapagkat ang tao ay tumitingin sa mukha, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa
puso.
( I Samuel 16: 7)
Kabilang sa isang wastong saloobin ng puso ang pagibig, kapakumbabaan, isang mapaglingkod na espiritu, at tunay na kabanalan.
ALAMIN ANG PINAGMUMULAN NG TAGUMPAY:
Ang lumilikha ng tagumpay ay hindi yaong kung ano ang alam mo, kundi kung sino ang kilala mo. Ang kaugnayan ay nakasalig sa kung sino ang kilala mo, hindi kung ano ang alam mo. Ang lahat sa buhay ay nakasalig sa kaugnayan. Kung sino ang kilala (si Jesus) mo hindi kung ano ang alam mo ang magdadala sa iyo sa langit.
Ang pagkakilala sa Panginoon ang nagdudulot ng tagumpay:
Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang
karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan,
huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan; Kundi magmapuri sa ganito
ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala Ako, na Ako ang
Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran… (
Jeremias 9: 23-24)
Ang bayan na nakakakilala ng kanilang Diyos ay magiging matibay, at gagawa ng
kabayanihan. At silang marunong sa bayan ay magtuturo sa marami.
(Daniel 11: 32-33)
HANAPIN ANG PANGINOON:
Ang ibig sabihin ng paghanap sa Panginoon ay ang paghihintay sa Kaniya, pananalangin, at pag-aaral ng Salita upang makilala Siya at magawa ang Kaniyang kalooban. Ang pakinabang ng paghanap sa Panginoon ay pinatunayan ng isang maka-Diyos na hari ng Juda na si Ezekias. Hinanap niya ang Diyos at ito ang dahilan ng kaniyang tagumpay:
At ganito ang ginawa ni Ezechias sa buong Juda; at siya’y gumawa ng
mabuti, at matuwid, at tapat sa harap ng Panginoon niyang Diyos.
At sa bawat gawain na kaniyang pinasimulan sa paglilingkod sa bahay ng
Diyos, at sa kautusan at sa mga utos, upang hanapin ang kaniyang Diyos,
kaniyang ginawa ng buong puso niya, at guminhawa. (II Cronica 31: 20-21)
Nasabi rin patungkol sa isang hari na nagngangalang Uzzias:
… At habang kaniyang hinahanap ang
Panginoon, pinagiginhawa siya ng Diyos.
(II Cronica 26: 5)
Mahalaga na hanapin ang Panginoon sapagkat ang nais ng Diyos ay ihayag ang Kaniyang mga plano at layunin sa mga tagapanguna (Tingnan ang Amos 26:5)
PAGBULAYAN ANG SALITA:
Ang tagumpay ay ipinangko sa kanila na nagbubulay sa Salita ng Diyos. Sinabi ng Panginoon kay Josue:
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag
mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong
masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagkat kung magkagayo’y
iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo ka ng
mabuting kawakasan. (Josue 1: 8)
Ang ibig sabihin ng “magbulay” ay “pagisipan, manatili, alalahanin, at pag-aralang mabuti.” Ang isang nagbubulay ay sumasampalataya na ang Diyos ay nangusap sa mga tao, na ang Biblia ang tala ng Kaniyang mga sinabi, at ang Salita ng Diyos ay totoo.
SUNDIN ANG SALITA:
Hindi lamang ang pagbubulay ang nagdudulot ng tagumpay, ito ay ang pagsunod din sa Salita…
upang iyong masunod na gawin ang ayon sa
lahat na nakasulat dito: sapagkat kung magkagayo’y iyong pagiginhawahin ang
iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. (Josue 1: 8)
Bago naging hari ng Israel si Solomon, binigyan siya ni David ng ganitong payo:
Ngayon, anak ko, ang Panginoon ay
sumasaiyo; at guminhawa ka, at iyong itayo ang bahay ng Panginoon mong Diyos,
gaya ng Kaniyang sinalita tungkol sa iyo.
Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng
pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na
anopa’t iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Diyos. (I Cronica 22: 11-12)
Bawat utos sa Salita ng Diyos ay mahalaga. Ikaw ay magiging matagumpay kung susundin mo ang mga utos na ito.
Hindi lamang ang iyong personal na pagbubulay sa Salita ng Diyos at pagsunod dito ang kailangan, dapat ding malagay sa wastong dako ng kapamahalaan ito sa iyong pinangungunahan. Basahin kung paano naibalik ni Nehemias ang kapamahalaan ng Salita ng Diyos sa Nehemias 8:1-8. Ang mga reporma na ginawa ni Nehemias ay hindi sana nagtagal hiwalay sa kapamahalaan ng Salita ng Diyos. Ang ministeryo na nakasalig sa kapamahalaan ng Salita ay laging magtatagumpay.
MAGING TINAWAG NG DIYOS:
Dati mong natutuhan sa kursong ito ang kahalagahan ng pagiging tinawag ng Diyos. Hindi ka magiging matagumpay malibang alam mo at naglilingkod ka sa tiyak na tawag ng Diyos, na ginagamit ang kaloob na espirituwal na ibinigay Niya sa iyo.
MARANASAN ANG PRESENSYA NG DIYOS:
Ang presensya ng Diyos ang nagpapasagana sa ministeryo:
At ang Panginoon ay suma kay Jose, at
naging lalaking mapalad; at siya’y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga
Egipto.
At nakita ng kaniyang panginoon , na ang
Panginoon ay sumasa kaniya, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng
Panginoon sa kaniyang kamay.
(Genesis 39:2-3)
Ikaw ay sasamahan lamang ng Diyos kung ikaw ay lumalakad na kasama Niya, at naglilingkod sa iyong tiyak na pagkatawag, at namumuhay ng isang buhay na may kabanalan.
MAGKAROON NG PAHID NG DIYOS:
Ipinaliwanag ng Ika-tatlong Kabanata ng kursong ito ang kahalagahan ng pagpapahid ng Diyos. Kailangan mo ang pagpapahid na ito upang maging matagumpay sa ministeryo.
HARAPIN ANG MGA PROBLEMA AT MGA PASIYA:
Ang pagtanggi na harapin ang mga problema at pagpapasiya ay tutungo sa kabiguan. Harapin kaagad ang mga problema at gumawa ng matalinong pasiya na gamit ang mga estratehiya na iyong natutuhan sa kursong ito.
ALAMIN ANG IYONG LAYUNIN:
Ang Diyos ay may tiyak na layunin para sa bawat mananampalataya. Kalakip ng pagkakaroon ng pangitaing espirituwal ang pagkaalam ng iyong layunin, ang pagkaalam ng dahilan kung bakit ka nabubuhay at kung ano ang itinawag ng Diyos na iyong gawin. (Matututuhan mo pa ang tungkol dito sa kurso ng Harvestime International Insititute na “Pangangasiwa Batay Sa Layunin.”)
Ang isang taong may pangitain ay hindi nabubuhay sa nakaraan, na sising-sisi sa mga pagkakamali at kabiguan o kaya ay lumabis ang tuwa dahil sa tagumpay. Ang pangitain at malinaw na pagkaalam ng layunin ay tutulong sa iyo na matuon sa hinaharap. Tulad ng sinabi ni Pablo:
Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot:
datapuwat isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa
likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap… (Filipos 3:13)
MAGKAROON NG PLANO:
Hindi mo makakamit ang iyong
layunin malibang mayroon kang plano na gawin ito. Matutuhan mo kung paano
mag-plano sa kurso ng Harvestime International Institute na “Pangangasiwa Batay Sa Layunin.”
IPATUPAD ANG PLANO:
Ang pagkakaroon ng plano ay hindi sapat upang matupad ang iyong layunin sa ministeryo. Dapat mong isakatuparan ang plano. Dapat kang magtatag, magtakda, at mangasiwa. Ang isang palatandaan ng mabuting pangangasiwang espirituwal ay kung ito ay magdudulot ng matagumpay na katuparan ng mga layunin at plano ng Diyos o hindi. Matututuhan mo ang patungkol dito sa kurso ng Harvestime International Institute na ‘Pangangasiwa Batay Sa Layunin.”
MABUHAY NA MAY KABANALAN
Ikaw ay magiging matagumpay lamang sa ministeryo kung ikaw ay mamuhay ng isang buhay na banal, natatagpo ang mga katangian para sa mga tagapanguna na tinalakay sa Ika-apat na Kabanata ng kursong ito. Ang kasalanan ang tumitiyak sa kabiguan. Ang kabanalan ang tumitiyak ng tagumpay.
Siyang nagtatakip ng kaniyang mga
pagsalangsang ay hindi giginhawa: ngunit ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga
yaon ay magtatamo ng kaawaan.
(Kawikaan 28:13)
HUMINGI NG KARUNUNGAN SA DIYOS:
Ang karunungan ng tao ay hindi sapat upang makagawa ng mga mabubuting pasiya at pangunahan ang iba. Dapat kang magkaroon ng karunungang galing sa Diyos upang maging isang matagumpay na tagapanguna:
Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang
sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi
nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya.
(Santiago 1:5)
MAGSIKAP NA MASAPIT ANG PINAKAMAGALING:
Huwag kang magkasiya sa mabuti lamang. Hangarin mo ang sagad na kahusayan:
...Upang kayo’y maging mga tapat at walang
kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo.
(Filipos 1:10)
GAWIN ANG LAHAT SA KALUWALHATIAN NG DIYOS:
Kung gawin mo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos sa halip na sa iyong sarili, ikaw ay magiging matagumpay:
At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa
gawa, gawin ninyong lahat sa Pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat
kayo sa Dios… (Colosas 3:17)
UNAHIN MUNA ANG KAHARIAN:
Ikaw ay magiging matagumpay kung ang Kaharian ng Diyos ang iyong prayoridad:
Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kaniyang
kaharian, at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang
idaragdag sa inyo.
(Mateo 6:33)
Ang mga prayoridad ng Kaharian ng Diyos ay maaaring maitayo sa pamamagitan ng wastong pagtatatag. (Tingnan ang Gawa 6:1-7)
SUNDIN ANG HALIMBAWA:
Tulad ng iyong natutuhan sa kursong ito, si Jesus ang halimbawa ng pinakadakilang tagapangunang espirituwal. Sinabi ni Jesus:
Sapagkat kayo’y binigyan ko ng halimbawa,
upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo. (Juan 13:15)
Kung ihambing mo ang iyong sarili sa iba sa halip na sa halimbawa ni Cristo, hindi ito mabuti. Inihambing ni Jacob si Jose sa kaniyang mga kapatid at nalagay sa mga ito ang pagkainggit at poot. Inihambing ng bansang Israel ang kaniyang sarili sa ibang mga bansa at niyakap ang mga likong mga paraan ng mga ito. Narinig ni Saul ang paghahambing sa kaniya kay David at nilason siya ng pagkainggit.
Ang paghahambing ay maaaring makabuti sa pagpapalawak ng iyong pangitain at hamunin ka na tuparin ang iyong potensyal. Ngunit hindi ang mga naabot ng ibang tao ang pamantayan ng iyong buhay. Ang iyong tagumpay ay hindi sinusukat ayon sa gawain ng iba. Dahil dito ang tanong ni Pedro sa Panginoon tungkol kay Juan ay tumanggap ng saway, “Panginoon, paano ang taong ito?” “Ano iyan sa iyo? Sumunod ka sa Akin.” (Juan 21:21-22)
PASIYA, DISIPLINA, DIREKSYON, MATIBAY NA HANGARIN
Ang totoo, madaling maibibigay ang buod ng tagumpay sa isang pangungusap:
Sumunod sa halimbawa ni Jesus sa pagpapsiya, pag-disiplina, direksyon at matibay na
hangarin.
Ito ang ginawa ni Apostol Pablo:
Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga
nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang
tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.
At ang bawat tao na nakikipaglaban sa mga
palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang
magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; ngunit tayo’y niyaong walang
pagkasira.
Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na
hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako’y sumusuntok, na hindi gaya ng
sumusuntok sa hangin:
Ngunit hinahampas ko ang aking katawan, at
aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay
ako rin ay itakuwil.
(I Corinto 9:24-27)
Gumawa si Pablo ng pagpapasiya. Nais niyang maging matagumpay. Nais niyang magwagi sa takbuhin ng buhay (talatang 24). Upang magawa ito, kinilala niya na dapat siya ay disiplinado, na ang ibig sabihin ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay (talatang 25-27). Mayroon siyang direksyon. Hindi siya tumakbo o lumaban na walang patutunguhan. Mayroon siyang katiyakan sa kaniyang layunin o plano (talatang 26). Siya rin ay may matibay na hangarin na makaabot, maging matagumpay (talatang 24-25).
ANG HALAGA NG TAGUMPAY
Nakalaan ka ba na bayaran ang halaga ng tagumpay? Narito:
Datapuwat ang hindi nakaaalam , at gumagawa
ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang
binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang
pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya. (Lucas 12:48)
Habang lalo kang nagtatagumpay, lalo namang higit ang hinihiling sa iyo ng Diyos. Ito ang halaga ng tagumpay.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ibigay ang kahulugan ng tagumpay.
3. Paanong ang tagumpay sa Kaharian ng Diyos ay kaiba sa sanglibutan?
4. Ibigay ang buod ng paunang mga prinsipyo ng tagumpay na iyong natutuhan sa araling ito.
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Sinaklaw ng araling ito ang ilang mga paunang mga prinsipyo ng tagumpay. Maraming mga ibang mga prinsipyo ng tagumpay na natala sa Salita ng Diyos. Ang bahaging ito ay tutulong sa iyo na magpatuloy ng iyong pag-aaral ng mga prinsipyong ito.
1. Sa susunod na taon, basahin nang buo ang Biblia. Markahan ang bawat utos na ibinigay. Ang pagtupad sa mga utos na ito ay magtitiyak ng matagumpay na buhay at ministeryo (Josue 1:8).
2. Ang Apendise ng kursong ito ay nagpapaliwanag kung paano pag-aaralan ang mga buhay ng mga tagapanguna na isinaysay sa Biblia. Pag-aralan ang buhay ng mga tagapanguna na naging matagumpay. Tukuyin ang mga bagay na naging dahilan ng kanilang tagumpay at ang mga ito ay isanib mo sa iyong sariling buhay.
3. Basahin ang aklat ng Ecclesiastes na naglalarawan ng mga makamundong “tagumpay.” Lalo na, pansinin ang Kabanata 2. Ang taong isinasalig ang tagumpay sa mga gayong pamantayan ay nagwawakas na hungkag at walang kasiyahan. Ang taong isinasalig ang kaniyang kasaganaan sa pamantayan ng Diyos ay may kasiyahan at masaya. Basahin ang katapusan sa Ecclesiastes 12:13-14.
4. Ang mga aklat ng I at II Timoteo at Tito ay isinulat para sa mga kabataang may katungkulan ng pangunguna sa ministeryo. Pag-aralang mabuti ang mga aklat na ito at ilista ang mga prinsipyo ng tagumpay na ibinahagi ni Apostol Pablo.
5. Tandaan ito: “Higit na mabuti ang nagsikap at nabigo, kaysa sa nabigo na hindi man lamang nagsikap.” Hindi ka bigo hanggat hindi ka nagsasabing, “Ayoko na!”
6. Ang pananalapi ay napakahalaga sa isang matagumpay na ministeryo. Kailangan mo ng salapi upang magawa ang gawain ng Diyos. Narito ang ilang mga prinsipyo ng Kasulatan tungkol sa pananagumpay sa pananalapi:
Ang Diyos ang siyang pinagmumulan: Genesis 22:14
Nais ng Diyos na ikaw ay magtagumpay sa pananalapi: Awit 35:27; 23:1; Marcos 12:43-44; Efeso 3:29; Galacia 3:13; I Timoteo 6:17; III Juan 2.
Kung uunahin mo ang Kaharian ng Diyos, Siya ang pupuno sa iyong mga pangangailangan: Mateo 6:33
Ang tagumpay sa pananalapi ay
gantipala para sa:
-Inuuna ang Diyos: Kawikaan 3:9-10; Mateo 6:33
-Inibig ang Diyos: Kawikaan 8:21
-Ibinigay sa Diyos ang kaluwalhatian: Kawikaan 10:22
-Pagnanais na maging banal: Kawikaan 13:21; 15:6
-Kapakumbabaan: Kawikaan 22:4
-Nakahandang magbigay: Kawikaan 22:9
-Pagtitiwala sa Diyos: Kawikaan 28:25
-Masaganang paghahasik: Kawikaan 11:24-25; Lucas 6:38; II Corinto 9:6, 10
Ang Diyos ang nagbibigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ng kayamanan: Deuteronomio 8:18-19
Ang kayamanan ay bunga ng
paggawa:
-Masipag na paggawa: Kawikaan 10:4; 13:4
-Matalinong paggawa: Kawikaan 10:5
-Matapat na paggawa: Kawikaan 13:11
-Matahimik na paggawa: Kawikaan 14:23
Ginagawa kang matagumpay ng
pagkakaloob. Ikaw ay magbibigay:
-Una sa Panginoon: Malakias 3:1-2; Kawikaan 3:9-10
-Ng masaya: II Corinto 9:7
-Na kusang loob: Exodo 25:2; I Cronica 29:9; II Corinto 8:12
-Na malaya: Ezra 2:68
-Ayon sa iyong kakayahan: Mateo 5:42; Gawa 11:29; II Corinto 8:12; Deuteronomio 16:17;
Ezra 2:69
-Para sa kaluwalhatian ng Diyos: Mateo 6:3
-May kahinahunan: Roma 12:8
-Sa mga dukha: Kawikaan 3:27-28; 19:17; 21:13; 28:27
-Ng lihim: Mateo 6:3
-Regular: I Corinto 16:2
-Ng porsyento ng kinita: Genesis 14:20; 28:22; Levitico 27:30; II Cronica 31:5; Malakias 3:10
Upang maging matagumpay sa
pananalapi dapat mong iwasan:
-Ang pagibig sa salapi: I Timoteo 6:10
-Magtiwala sa kayamanan: Awit 49:6; I Cronica 29:14
-Pagkakautang: Roma 13:8
-Ang katamaran: Kawikaan 6:6-11; 24:30-34
-Pagpapasasa sa sarili: Kawikaan 13:18; 21:17; 23:21
-Mangarap: Kawikaan 13:4
-Ang karahasan: 1:10-19
-Panlilinlang: Santiago 5:3-4; Kawikaan 20:23; 13:11; 22:16
-Pandaraya: Kawikaan 10:2
-Panunuhol: Kawikaan 14:27
-Kawalang katapatan: Gawa 5:3-4; Kawikaan 21:6
-Mga “panukala” ng biglang pagpapayaman: Kawikaan 28:20
-Manghiram na hindi binabayaran: Awit 37:21
-Garantiyahan ang utang ng ibang tao: Kawikaan 6:1; 11:15; 22:26
-Hindi mabuting mga ugali: Kawikaan 23:21
-Kawalan ng pagpapasakop na may bisa sa tagumpay sa pananalapi: Kawikaan 13:18
-Nagtatago ng salapi: Kawikaan 10:22; I Timoteo 6:10
-Sa pagpapasweldo ng hindi wasto: Jeremias 22:13
-Ang pagkagahaman: Kawikaan 28:22
-Tumanggi sa mga tagubilin ng Diyos: Kawikaan 13:18
-Tumatanggap ng malaking mga kaloob para sa sariling pakinabang: I Samuel 2:29
-Kinakamkam ang mga handog: Kawikaan 11:24
Ikaw ay lalago sa buhay espirituwal ayon sa sukat ng iyong tapat na pagbibigay: Lucas 16:11
7. Napapaloob sa Aklat ng Kawikaan ang ilan sa mga pinakadakilang prinsipyo ng pagtatagumpay sa buong Biblia. Basahin ang isang kabanata kada araw at matatapos mo ang buong aklat sa loob ng isang buwan. Markahan mo ang mga prinsipyo ng pagtatagumpay sa iyong Biblia at magbulay-bulay dito. Isanib ito sa iyong buhay at ministeryo.
8. Narito ang ilang mga direktong reperensya ng Kasulatan tungkol sa tagumpay at kasaganaan:
-Deuteroniomio 29:9 -Awit 1:3; 73:12; 122:6
-Josue 1:8-9 -Kawikaan 28:13
-II Cronica 31:21; 32:30 -Ecclesiastes 7:14; 11:6
-I Hari 2:3 -Isaias 54:17; 55:11
-Nehemiah 1:11; 2:20 -III Juan 2
9. Si Ezekias ay may plano ng tagumpay na binubuo ng apat na isipan:
-Nagtiwala sa Panginoon.
-Nanatiling matibay sa Kaniya (malapit na kaugnayan).
-Sumunod sa Kaniya.
-Tinupad ang Kaniyang mga utos.
Dahil dito, nagtagumpay siya sa lahat ng kaniyang ginawa.
IKA-LABINGTATLONG KABANATA
PAGTURING NG HALAGA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
SUSING TALATA:
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa
Kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa Akin ay tumanggi
sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin. (Mateo 16: 24)
PAMBUNGAD
Sa kursong ito, natutuhan mo ang tungkol sa pangangasiwang kayamanang espirituwal sa pamamagitan ng wastong pangunguna. Natutuhan mo kung paano maging isang mabuting katiwala at manguna tulad ng isang alipin at pastol. Natutuhan mo ang mga katangian at gawain ng mga tagapanguna, ang kahalagahan ng pagpapahid at kung paano magpasiya at lumutas ng mga problema. Natutuhan mo rin kung paano magsanay ng mga tagapanguna at tagasunod.
Isang tanong na lamang ang nalalabi: Nakahanda ka ba na harapin ang malaking halaga ng paglilingkod bilang isang tagapangunang espirituwal?
PAGTURING NG HALAGA
Binigyang diin ni Jesus ang kalahagahan na bilangin ang halaga bago gumawa ng pasiyang espirituwal. Ginamit Niya ang dalawang karaniwang halimbawa, yaong sa isang lalake na nagtayo ng isang tore at isang hari na tumungo sa digmaan:
Sapagkat alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi
muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos?
Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat
ng mga makakita ay mangagpasimulang siya’y libakin.
Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang
tapusin.
O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi
muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa
dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpunglibo?
O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang
sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo. ( Luke 14: 28-32)
Sa pamamagitan ng mga halimbawang ito, inilarawan ni Jesus ang kahalagahan ng pagbilang ng halaga bago ka gumawa ng pagtatalagang espirituwal. Ano ba talaga ang halaga ng paglilingkod bilang isang tagapangunang espirituwal?
TATLONG ASPETO NG PANGUNGUNA
Basahin ang Lucas 9:57-62 sa inyong Biblia. Sa bahaging ito tatlong mga lalake ang lumapit kay Jesus na nagnanais maging mga alagad. Sa bawat isa sa mga ito, Inihayag ni Jesus ang ibat-ibang mga aspeto ng halaga ng pangungunang espirituwal:
PAGTUTURING SA HALAGA:
(Lucas 9:57-58)
Ang unang lalake ay nagsikap na maging isang alagad sa pamamagitan ng sariling pagsusumikap. Hindi na niya hinintay na tawagin pa siya ni Jesus. Tulad ng pagiging alagad, ang pangunguna ay hindi isang alok ng tao sa Diyos. Ito ay tawag ng Diyos sa tao. Kung mangunguna ka sa pamamagitan ng sariling sikap, ikaw ay mabibigo. Dapat kang tinawag at pinahiran ng Diyos. Sinabi ni Jesus sa lalaking ito, “Kung ikaw ay susunod sa Akin, ito ang iyong haharapin.” Kabilang sa halaga ng pangunguna ang pagdurusa at paglilingkod:
Dito’y nakikilala natin ang pagibig,
sapagkat Kaniyang ibinigay ang Kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat
nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid. (I John 3: 16)
Kabilang din sa halaga ng pagiging alagad ang kalumbayan. Isinulat ni Apostol Pablo:
Ito’y nalalaman mo, na nagsihiwalay sa akin
ang lahat ng nangasa Asia…
(II Timoteo 1: 15)
Madalas na nararanasan ng isang tagapanguna ang pagtanggi at pamumuna:
Siya’y (si Jesus) naparito sa sariling
Kaniya, at Siya’y hindi tinanggap ng mga sariling Kaniya. (Juan 1: 11)
Maaari ding maranasan ng isang tagapanguna ang paguusig. Basahin ang mga kahindik-hindik na naranasan ni Pablo sa II Corinto 11:23-27.
Maraming mga tungkulin ang isang tagapanguna:
Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis
sa akin sa araw-araw, ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia. (II Corinto 11: 28)
Dapat sa isang tagapanguna na disiplinado:
Ngunit hinahampas ko ang aking katawan, at
aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay
ako rin ay itakuwil.
(I Corinto 9: 27)
May dakilang pananagutan na lumakad na karapatdapat sa kaniyang espirituwal na tawag ang isang tagapanguna:
Kaya nga sa
pagkakaroon namin ng ministeriong ito, ayon sa aming tinanggap na kaawaan, ay hindi kami nanghihina;
Bagkus tinanggihan namin ang mga
kahiyahiyang bagay na nangatatago, na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni
nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Diyos; kundi sa pagpapahayag ng
katotohanan ay ipinagtatagubilin ang aming sarili sa bawat budhi ng mga tao sa
harapan ng Diyos. (II Corinto 4: 1-2)
Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo ng
Panginoon, na kayo’y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo’y
itinawag. (Efeso 4: 1)
WASTO ANG INUUNA: (Lucas
9: 59-60)
Ang pangalawang lalake ay tinawag ni Jesus na “sumunod.” Tulad ng natutuhan mo, ang ibig sabihin ng “sumunod” ay sundan ang nasa unahan, gayahin ang halimbawa. Ito ay nangangahulugan ng paniniwala at pagsunod.
Nang tawagin ni Jesus ang Kaniyang 12 alagad, sinabi Niya sa kanila na pumarito at sumunod. Hindi Siya gumuhit ng daraanan. Hindi Siya nagbigay ng mga detalye ng programa. Kinailangang iwan ng alagad ang dati niyang buhay dahil sa tawag na yaon. Anumang decision, paghihiwalay, at mga sakripisyo na kinakailangan ay walang nakaaalam.
Ang lider ay isang tagasunod na nakalaang iwanan ang buhay na may kasiguruhan para sa isang buhay na walang kasiguruhan sa mata ng sanglibutan. Ang katapatan ay hindi sa isang programa, kundi sa isang tao. Ang taong yaon ay ang Panginoong Jesu Cristo. Sa aklat ni Lucas, and tugon ng taong ito sa tawag ng pagsunod ay “payagan mo muna ako na …” Nais niyang sumunod kay Jesus ngunit hindi ito ang una sa kaniyang pagpapahalaga.
Hindi imumungkahi ni Jesus na pabayaan mo ang mga pangangailangan ng iyong mga magulang (tingnan ang Juan 19: 25-27). Ang isyu ng pagpapahalaga ang tinutukoy sa kuwentong ito. Nais ng taong ito na “ilibing muna ang kanyang ama.” Sa Lumang Tipan kapag sinabing naghihintay siyang “ilibing ang kaniyang ama,” hindi ang ibig sabihin moon ay namatay na ang kaniyang ama. Ang ibig sabihin nito ay hinihintay niyang mamatay ang kaniyang ama upang mapasakaniya ang mana na karampatang kaniya. Kaya, nang gamitin ng taong ito ang dahilang yaon, inuuna niya ang kaniyang mana sa hinaharap bago sumunod sa Panginoong Jesu Cristo. Sa isang kritikal na sandali nang tawagin ni Jesus ang isang tao na sumunod sa Kaniya at maging isang lider, walang ibang bagay ang dapat mauna sa tawag na yaon.
Sa isang talata, ipinaliwanag ni Jesus nang detalyado ang kahalagahan ng tamang pagpapahalaga:
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa
Kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa Akin ay tumanggi
sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin. (Mateo 16: 24)
Mauuna ang pagtanggi sa sarili bago ang pagpasan sa krus. Dapat tanggihan ang makasarili at makasalanang likas. (Basahin ang Roma 7-8 tungkol sa paglalaban sa kalooban ni Pablo sa larangang ito.) Kung mamatay ang sarili, ang krus ang dapat mauna. Ang krus ang sagisag ng sakripisyo, sakit, pagtanggi, insulto, at paghihirap na napapaloob sa paggawa ng kalooban ng Panginoon. Ang krus ay maaaring mangahulugan din ng kamatayan sa pamamagitan ng pagiging martir dahil sa Ebanghelyo.
“Ang pagpasan ng krus” ay hindi tumutukoy sa mga kabigatan sa buhay. Karaniwan lamang ito sa lahat ng tao. Ito ang mga kapighatian, mga pagsubok, kabiguan, at kalungkutan na dumarating sa atin dahil sa pamumuhay sa makasalanang sanglibutan. Ang mananampalataya ay hindi libre mula sa mga problema ng buhay. Nakararanas siya ng sakit, mga aksidente, sunog, at mga natural na kalamidad sapagkat nabubuhay siya sa mundo na sinira ng kasalanan. Subalit ang mga kabigatang ito ay hindi ang “pagpasan ng krus.” Ang pagpasan ng krus ay isang pagpili, hindi dahilan sa mga problema ng buhay. Ito ay patuloy na pagpili (araw-araw) upang tanggihan ang mga nasa ng sarili upang sundin ang kalooban ng Diyos.
Sabi ni Jesus, “Ang sinomang hindi magpasan ng kaniyang krus at sumunod sa Akin, ay hindi maaaring maging alagad Ko.” Ang pagpasan ng krus ay hindi kaayaaya sa natural na tao sapagkat nangangahulugan ito ng pagtanggi sa sarili. Dapat itong piliing gawin alang-alang kay Cristo.
Upang mapasan mo ang iyong krus, dapat mong iwaksi ang mga bagay ng sanglibutan. Kung ang puso mo ay nakatuon sa salapi at mga materyal na bagay, ang iyong mga kamay ay puno na upang dalhin ang krus. Kung ang oras mo ay napuno na ng kalayawan at mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan sa laman, ang iyong kamay ay puno na upang magdala ng krus. Pagkatapos mong tanggihan ang iyong sarili at dalhin ang krus, ang susunod na hakbang ay sumunod. Dapat mong iwanan ang lumang pamumuhay at makasalanang mga kaugnayan.
Hindi ka magiging lider sa pamamagitan ng pag-upo at paghihintay na may mangyari. Dapat MONG kunin ang mga unang hakbang: Talikuran mo ang iyong sarili, pasanin ang iyong krus, at sumunod. Maaaring manatili si Mateo na kolektor ng buwis at si Pedro na mangingisda. Kapwa silang maaaring nagpatuloy sa kani-kanilang negosyo na malinis at magkaroon ng maliligayang karanasang espirituwal. Subalit kung nais nilang maging mga espirituwal na lider, dapat nilang iwanan ang dati nilang situwasyon at pumasok sa bago. Iniwan ni Mateo ang paniningil ng buwis at si Pedro, ang pangingisda.
Hindi ang ibig sabihin nito ay ang bawat isa ay dapat iwan ang kaniyang trabaho at tahanan upang maging lider. Ang kailangan ay ang pagbabago ng estilo ng pamumuhay. Kung minsan ay kinakailangang iwan ang tahanan, trabaho, at mga mahal sa buhay alang-alang sa Ebanghelyo. Dapat kang sumunod kung saan ka pinangungunahan ni Jesus.
Ang ibig sabihin ng wastong pagpapahalaga ay dapat iwaksi ang lahat at tanggapin ang Kaniyang tawag:
Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi
sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad Ko. (Lucas 14: 33)
Ang paglilingkod sa iba ay dapat maging una:
Sa inyo’y hindi magkakagayon; kundi ang
sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
At sinomang magibig na maging una sa inyo
ay magiging alipin ninyo:
Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi
naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kaniyang
buhay na pangtubos sa marami.
(Mateo 20: 26-28)
Ang kaharian ng Diyos ay dapat maging iyong unang prayoridad:
Kaya huwag kayong mangabalisa, na
mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming
daramtin?...
Datapuwat hanapin muna ninyo ang Kaniyang
kaharian, at ang Kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang
idaragdag sa inyo.
(Mateo 6: 31, 33)
GANAP ANG NILALAYON:
(Lucas 9:61-62)
Ang pangatlong tao sa Lucas 9: 57-62 ay nais sumunod, subalit nais niya itong gawin sa kaniyang sariling kasunduan. Magpaalam sa kaniyang pamilya ay isang normal na gawain, subalit tinawag siya ni Jesus. Ano ang tunay na pakay niya sa buhay? Nais ba niyang maging lider o sundin ang kaniyang sariling plano sa buhay? Ang mga plano ng taong ito sa buhay ay hindi pa tiyak. Bantulot siya, naninimbang sa dating buhay at sa bagong buhay kung saan siya tinawag ni Jesus. Ang pangunahing pakay niya sa buhay ay hindi ang tawag ng Diyos. Ang iyong pagkatalaga sa pangunguna ay dapat lubos. Ito ang dapat maging pangunahing pakay ng iyong buhay.
ANG TUNAY NA TANDA NG PANGUNGUNANG ESPIRITUWAL
Ang tunay na pagsubok ng pagiging lider ay kung hindi mo na kasama ang iyong mga tagasunod. Sila ba ay nagpapatuloy sa iyong mga itinuro sa kanila? Nagtuturo ba sila sa iba ng kanilang natutuhan? Nagpapatuloy ba sila sa paglago kahit wala ka roon? Kung gayon, ikaw ay nakapasa sa tunay na pagsubok ng pangungunang espirituwal.
PANGWAKAS NA HAMON
Lagi mong tandaan ang iyong malaking responsabilidad bilang isang lider:
Walang alagad na higit sa kaniyang guro;
ngunit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kaniyang guro.
(Lucas 6: 40) MBB
Huwag kang masiraan ng loob sa mga problema sa mga tagasunod. Dinanas din ni Jesus ang mga ito. Sa isang pagkakataon, si Pedro, si Santiago, at si Juan ay nagpakita ng pagkamuhi at ninais nilang magpaulan ng apoy mula sa langit upang tupukin ang isang nayon sa Samaria na hindi tumanggap sa kanila (Lucas 9: 51-55). Itinatwa ni Pedro ang Panginoon nang makaitlo (Lucas 22: 54-62). Silang tatlo ay nangatutulog sa Hardin ng Getsemane nang sila ay pagsabihang manalangin (Lucas 22: 45-46).
Subalit sulit ang puhunan ng panahon at paglilingkod ni Jesus sa kakaunting mga alagad na ito. Naging matapat silang mga tao, sa kabila ng kanilang mga pagkakamali at mga kabiguan. Sa pamamagitan nila, kumalat ang Ebanghelyo sa lahat ng bansa ng sanglibutan. Kung nakalaan kang magbayad ng halaga upang maglingkod bilang isang lider na espirituwal, posible rin bang gamitin ka ng Panginoon upang magtindig ng mga tagasunod na nakatalaga?
Narinig ko ang tawag “sumunod ka” … at iyon lamang.
Lumabo ang mga makamundong kasiyahan;
Sumunod ang aking kaluluwa sa Kaniya.
Nagtindig ako at sumunod … at iyon lamang.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Anu-ano ang tatlong aspeto ng
halaga ng pangunguna na tinalakay sa araling ito?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
3. Ano ang tunay na pagsubok ng espirituwal na pangunguna?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
( Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reperensya at isipin kung ano ang naging halaga sa mga taong ito ng paglilingkod bilang tagapanguna:
Jose: Genesis 37-50
Moises: Ang aklat ng Exodo
Oseas: Ang aklat ni Oseas
Ezekiel: Ezekiel 3
Si Apostol Pablo: Mga Gawa 9-28
2. Ngayong natapos mo na ang pag-aaral ng pangangasiwa,
iminumungkahi namin na kumuha ka ng mga kurso ng Harvestime International
Institute na pinamagatang “Mga Prinsipiyo
ng Pagsusuri ng Paligid” at “Pangangasiwa
Batay Sa Layunin.”
Ang mga kusrong ito ay magdadagdag sa iyong pagkaunawa ng pangunguna, pagpaplano, at pagbubuo na kinakailangan sa epektibong ministeryo.
APENDISE
Ang Apendiseng ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa iyo na lalong matuto ng mga prinsipiyo ng pangangasiwa sa pamamagitan ng pag-aaral ng buhay ng mga mahahalagang tauhan sa Biblia.
Ang “talambuhay” ay kuwento ng buhay ng isang tao. Kung pinag-aaralan
mo ang buhay ng isang mahalagang tao sa Biblia, ikaw ay gumagawa ng “pag-aaral
ng talambuhay.” Matututo ka mula sa karanasan ng mga tauhan sa Biblia sa
pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang buhay. Ang sabi sa Biblia ay:
Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at
pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin.
(I Corinto 10: 11)
Ang mga pangyayari na naganap sa buhay ng mga tao sa Biblia ay itinala upang pakinabangan mo. Ang kanilang mga karanasan ay nagtuturo ng mahahalagang aralin tungkol sa pangunguna. Sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanilang mga kabiguan bilang mga tagapanguna matututuhan mong umiwas sa mga pagkakamali. Sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanilang mga tagumpay bilang mga tagapanguna matututo kang magkaroon ng positibong mga katangian sa iyong buhay bilang tagapanguna.
Narito ang apat na mga hakbang sa pag-aaral ng talambuhay:
UNANG HAKBANG:
Piliin Ang Taong Pag-aaralan
Maaari kang pumili ng isang taong kinahiligan mo. Maaari kang pumili ng isang tao mula sa mga listahang ibinigay sa Hebreo 11, Galacia 3:7, o Lucas 4:27. Maaari kang mag-aral ng isang tao mula sa isang aklat sa Biblia na binabasa mo sa ngayon.
Tandaan mo na ang pinakadakilang lider sa lahat ay si Jesu Cristo. Baka nais mong pag-aralan muna ang Kaniyang buhay bilang isang sakdal na halimbawa ng isang tagapanguna.
Kapag namili ka ng isang taong pag-aaralan, ingatan mo na huwag magkaroon ng pagkalito sa mga pangalan. Halimbawa, may 30 Zacarias sa Biblia, 20 na mga Nathan, 15 na mga Jonathan, 8 mga Hudas, 7 mga Maria, 5 mga Santiago, at 5 mga Juan. Tiyakin mo na ang mga talatang iyong pinag-aaralan ay tumutukoy sa taong iyong napili, at hindi kapangalan lamang nito.
Ang ilang mga tao ay may higit sa isang pangalan. Halimbawa, sa Lumang Tipan ang pangalan ni Jacob ay pinalitan ng Israel at ang pangalan ni Abram ay pinalitan ng Abraham. Sa Bagong Tipan, Ang pangalan ni Saul ay pinalitan ng Pablo.
IKALAWANG HAKBANG:
Mangalap ng Impormasyon
Basahin mo ang lahat ng nakatala sa Biblia tungkol sa taong iyong pinag-aaralan. Kung mayroon kang mga reperensya ng mga aklat ng Biblia, gamitin mo ang mga ito para sa dagdag na impormasyon. Halimbawa, kung ikaw ay may konkordansiya maaari mong hanapin ang pangalan nitong taong ito at ang listahan ng lahat ng reperensya patungkol sa kaniya sa Biblia.
Kung wala kang konkordansiya, tipunin mo ang mga reperensya direkto mula sa Biblia. Karamihan sa pagtukoy sa isang tao ay masusumpungan sa isang aklat o serye ng magkakasunod na mga aklat ng Biblia. Ilista mo ang lahat ng mga reperensya tungkol sa taong ito, basahin at pag-aralan ang bawat isang reperensya.
IKATLONG HAKBANG:
Suriin Ang Impormasyon
Ang sumusunod na listahan ang nagbibigay ng impormasyon na iyong titipunin sa iyong pag-aaral. Maaaring hindi ibinibigay ng Biblia ang lahat ng impormasyon sa bawat kaso, subalit pilitin mong isali ang lahat ng impormasyon na lilitaw tungkol sa taong iyong pinag-aaralan. Narito ang hahanapin mong impormasyon tungkol sa talambuhay:
Pangalan at kahulugan ng pangalan:
Mga kamaganak: Mga magulang, mga kapatid, mga ninuno, mga anak.
Kapanganakan: Lugar, kahalagahan ng pagkapanganak, di pangkaraniwang mga pangyayari na nakapalibot sa pagkapanganak.
Pagkabata at maagang pagsasanay.
Uri ng lugar na pinanganakan: Saan nagumpisa ang kuwento ng pasimula ng buhay ng taong ito?
Mga kaibigan at kasalamuha, mga personal na kaugnayan.
Trabaho o tawag: Anong posisyon ang hinawakan nila? Ano ang pinagkakakitaan nila?
Pisikal na kaanyuan.
Mga positibong katangian ng karakter at pangunguna.
Mga negatibong katangian ng karakter at pangunguna.
Mga mahahalagang pangyayari:
Unang
enkuwentro sa Diyos.
Pagkahikayat.
Pagkatawag
sa paglilingkod.
Pinakamalaking
krisis o pagbalikwas sa buhay ng taong ito.
Mga dahilan kung paano nagtagumpay bilang isang lider: Ano ang dahilan ng kanilang tagumpay?
Mga dahilan ng pagkabigo bilang isang lider: Ano ang naging dahilan ng kanilang kabiguan? Ano ang naging resulta nito? Ano ang ginawa nila tungkol dito?
Pagkamatay: Kailan, saan, di pangkaraniwang pangyayari.
IKA-APAT NA
HAKBANG: Isagawa Ang Natutuhan
Isagawa sa iyong buhay ang iyong natutuhan tungkol sa taong ito:
1. Anu-ano ang mga positibong katangian nila bilang isang lider? Hilingin sa Diyos na umunlad ito sa iyong buhay.
2. Anu-ano ang kanilang mga negatibong katangian? Nakikita mo ba ang mga ito sa iyong buhay? Hilingin sa Diyos na tulungan kang panagumpayan ang mga ito?
3. Paano nagtagumpay ang taong ito bilang isang lider? Isinasagawa mo ba ang mga prinsipyong ito ng pagtatagumpay?
4. Sa anong paraan siya nabigo bilang isang lider? Ganito rin ba ang problema mo? Ano ang gagawin mo upang magbago?
5. Gumawa ka ng isang kapahayagan na nagbubuod ng isang dakilang prinsipyo ng pangunguna na natutuhan mo sa buhay ng taong ito. Halimbawa, ang isang kapahayagan sa buhay ni Samson ay “ Ang espirituwal na pakikipagkompromiso ay mauuwi sa pagkabigo.”
Narito ang isang halimbawa ng pag-aaral ng talambuhay:
HALIMBAWA: ISANG PAG-AARAL NG TALAMBUHAY
UNANG HAKBANG:
Piliin Ang Taong Pag-aaralan
Si Haring Saul
PANGALAWANG
HAKBANG: Mangalap Ng Impormasyon
Ang kuwento ni Saul ay matatagpuan sa I Samuel 9-31. Ang mga impormasyon tungkol kay Saul ay kinuha mula sa mga kabanatang ito.
IKATLONG HAKBANG:
Suriin ang Impormasyon
Pangalan at kahulugan ng pangalan: Saul. Kahulugan – “Itinanong mula sa Diyos.” I Samuel 9:2.
Mga kamag-anak: Mga magulang, mga kapatid na lalake at babae, mga ninuno, mga anak:
Si Saul ay anak ni Kish na anak ni Abiel, anak ni Zeror, anak ni Bechorath, na anak ni Aphiah. Si Kish ay isang Benjamita at isang makapangyarihang tao. I Samuel 9:1. May tatlong anak na mga lalake si Saul: Jonathan, Ishui, at Melchishula. May dalawang anak siya na babae, sila Merab at Michal. Ang pangalan ng asawa niya ay Ahinoam: I Samuel 14: 49-50.
Kapanganakan: Lugar, kahalagahan ng pagkapanganak, di pangkaraniwang mga pangyayari ng pagkapanganak: Walang binanggit ang Biblia tungkol dito.
Pagkabata at maagang pagsasanay: Nag-alaga ng mga asno ng kaniyang ama: I Samuel 9: 3
Uri ng lugar na pinanganakan: Judah
Mga kaibigan at kasalamuha, mga personal na kaugnayan:
Kinamumuhian siya ng mga anak ni Belial: I Samuel 10: 27. Malapit siya kay Abner, ang kapitan ng kaniyang army, na anak ng kaniyang amain: I Samuel 14: 50. Si David ay naging kanang kamay ni Saul. Sa pasimula ay maganda ang relasyon nila, subalit nasira ito nang si Saul ay nagkaroon ng inggit kay David. I Samuel 18: 6-9. Nang si Saul ay nagumpisang maghari, mayroon siyang isang pangkat ng mga lalake na “hinipo ng Diyos ang mga puso.” Nang kumuha si Saul ng “malalakas at magigiting na mga lalake” na walang direksiyon mula sa Diyos, nagpasimula na ang kaniyang mga problema: I Samuel 10: 26; 13:2; 14:52.
Trabaho o pagkatawag: Unang hari ng Israel.
Pisikal na anyo: Mula sa balikat pataas siya ang pinakamataas kaysa sinoman sa bayan: I Samuel 9:2, 10:23. Siya ay naturingan na makisig na lalake: I Samuel 9:2.
Mga positibong mga katangian bilang isang lider:
-Nagpapakita ng malasakit para sa pamilya: I Samuel 9:5
-“Piniling lalake”: I Samuel 9:2; 10:24
-Pinapayagang baguhin ng espiritu ang kaniyang puso: I Samuel 10:6; 11:6
-Mahiyain (Nagtago sa mga kasangkapan): I Samuel 10: 22
-Ayaw maghiganti: I Samuel 11
-May abilidad na manguna (Nagtipon ng mga tao): I Samuel 11
-Isang tao na may espiritu: I Samuel 11
-Masunurin sa pasimula: I Samuel 9:27
-Kasama ang mga taong makadiyos: I Samuel 10:26; 11:7
-Matapang para sa Diyos: I Samuel 10:6
-Mababang-loob sa pasimula: I Samuel 9:21
Mga negatibong katangian ng pangunguna:
-Ginawa ang iniisip niyang dapat na gawin sa halip na
sumunod sa Diyos: I Samuel 13: 8-13
-Sumuway at nagsinungaling, at ayaw tanggapin ang sisi: I Samuel 15
-Pinighati ang bayan ng Diyos: I Samuel 15:35
-Mas nagmalasakit sa iisipin ng tao kaysa ng Diyos: I Samuel 15:30
-Pumili ng malalakas at magigiting na mga lalake na
malapit sa kaniya sa halip na ang mga lalakeng hinipo
ng Diyos ang kalooban: I Samuel 10:26; 14:52
-Matatakutin: I Samuel 18: 6-9
-Tumitingin sa panlabas na kaanyuan: I Samuel 17:33
-Nagtiwala sa sandata ng tao: I Samuel 17: 38
-Mainggitin: I Samuel 18: 6-9
-May masamang espiritu: I Samuel 18: 10
-May espiritu ng paghihiganti: I Samuel 18: 11
-Nagbalak ng masama laban sa pinahiran ng Diyos: I Samuel 18: 20-30
Mahahalagang pangyayari:
Unang engkuwentro sa Diyos: I Samuel 9: 15-27
Pagkahikayat: I Samuel 10: 9
Tawag sa paglilingkod: I Samuel 10: 1
Pinakamalaking krisis sa kaniyang buhay:
Siya’y sumuway at kinuha ang kaharian
mula sa kaniya: I Samuel 13
Pagkamatay: Kailan, saan, di pangakaraniwang pangyayari. Namatay si Saul sa sarili niyang kamay. Ang kanyang tatlong mga anak na lalake, ang nagdadala ng sandata, at lahat ng kaniyang mga kawal ay namatay sa araw na yaon sa Bundok ng Gilboa sa pakikipaglaban sa mga Pilisteo. I Samuel 31
IKA-APAT NA
HAKBANG: Isagawa Ang Iyong Natutuhan
Mga positibong katangian ng pangunguna sa buhay ni Saul
na dapat kong paunlarin sa buhay ko:
Kung ang Espiritu ng Diyos ang dumating sa isang tao maaaring mabago ang kaniyang “pagkatao”: I Samuel 10: 6. Dapat kong hanapin ang ganoong pahid mula sa Diyos.
Mga negatibong katangian ng pangunguna ni Saul na dapat
kong iwasan sa aking buhay:
Nais ng Diyos ng mga lider na ayon sa Kaniyang sariling puso: I Samuel 13: 14. Bagamat nabigo si Saul sa larangang ito, nais kong maging ganitong lider. Pagsuway: Paggawa ng tila mas madali o nararapat sa halip na kung ano ang nais ng Diyos. Nilalagay ang sisi sa iba para sa aking kasalanan. Mas iniintindi ang iisipin ng tao sa halip na kung ano ang iisipin ng Diyos tungkol sa akin. Dapat kong pagbalikan ang listahan ng mga negatibong katangian ni Saul at palagiang suriin ang aking puso patungkol dito.
Tinawag ng Diyos si Saul na manguna sa mga tao: I Samuel 10:1. Sa halip ay ginawa siyang hari ng mga tao (I Samuel 12: 12-15; 10: 24). Ang Diyos ang dapat Hari ng Israel. Dapat akong maging maingat na ang mga papuri ng mga tao ay hindi makapaglihis sa plano ng Diyos sa aking buhay. Bagamat sa pasimula ay kasama ng Diyos si Saul (I Samuel 10: 7,9; 13: 14), sa bandang huli ay kinuha sa kaniya ang kaharian. Mahalaga ng malaman na kahit nagkasala si Saul at hinulaan na kukunin sa kaniya ang kaharian, ang pahid ng Diyos ay nasa kaniya pa rin (I Samuel 14:47). Ang mga kaloob at pagkatawag ng Diyos ay hindi pinagsisisihan. Narinig pa rin si Saulo ang tinig ng Diyos (I Samuel 15:1) at siya’y sumamba sa Kaniya (15:31), subalit siya’y may kasalanang hindi pinagsisihan at nawala sa kaniya ang kaharian. Kinilala ni David ang panganib ng paglaban sa taong may pahid ng Diyos bilang lider. Dapat kong pakinggan ang babalang ito.
Ang pinakamahalagang katotohanan na natutuhan ko sa buhay ni Saul ay ang mga resulta ng pagsuway niya sa Diyos. Ibinuod ito sa pangungusap ni Samuel: “Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake” (I Samuel 15:22). Ang mga resulta ng kaniyang pagsuway ay makkikita sa pangungusap ni David tungkol kay Saul: “Ano’t nangabuwal ang mga makapangyarihan!” (II Samuel 1: 19).
Pansinin: Nasa mga
sumusunod na pahina ang mga “forms” na maaari mong paramihin at gamitin sa
iyong pag-aaral ng mga lider sa Biblia.
PAG-AARAL NG TALAMBUHAY NG MGA LIDER SA BIBLIA
UNANG HAKBANG:
Piliin Ang Taong Pag-aaralan
“ Ang lider na pag-aaralan ko ay ___________________”
IKALAWANG HAKBANG:
Mangalap Ng Impormasyon
Ilista ang mga reperensya sa Biblia patungkol sa buhay ng taong ito:
IKATLONG HAKBANG:
Suriin Ang Impormasyon
Pangalan at kahulugan ng pangalan:
Mga kamaganak: Mga magulang, mga kapatid, mga ninuno, mga anak.
Kapanganakan: Lugar, kahalagahan ng pagkapanganak, di pangkaraniwang mga pangyayari na nakapalibot sa pagkapanganak.
Pagkabata at maagang pagsasanay.
Uri ng lugar na pinanganakan: Saan nagumpisa ang kuwento ng pasimula ng buhay ng taong ito?
Mga kaibigan at kasalamuha, mga personal na kaugnayan.
Trabaho o tawag: Anong posisyon ang hinawakan nila? Ano ang pinagkakakitaan nila?
Pisikal na kaanyuan.
Mga positibong katangian ng karakter at pangunguna.
Mga negatibong katangian ng karakter at pangunguna.
Mga mahahalagang pangyayari:
Unang
enkuwentro sa Diyos.
Pagkahikayat.
Pagkatawag
sa paglilingkod.
Pinakamalaking
krisis o pagbalikwas sa buhay ng taong ito.
Mga dahilan kung paano nagtagumpay bilang isang lider: Ano ang dahilan ng kanilang tagumpay?
Mga dahilan ng pagkabigo bilang isang lider: Ano ang naging dahilan ng kanilang kabiguan? Ano ang naging resulta nito? Ano ang ginawa nila tungkol dito?
Pagkamatay: Kailan, saan, di pangkaraniwang pangyayari.
IKA-APAT NA
HAKBANG: Isagawa Ang Iyong Natutuhan
“Maisasagawa ko ang aking natutuhan tungkol kay ________________ sa aking buhay sa mga sumusunod na paraan:”
MGA SAGOT SA MGA PANSARILING PAGSUSULIT
UNANG KABANATA:
1. Ang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. (I Timoteo 3: 1) Magandang Balita Biblia
2. Ang “pangangasiwa” ay isang salitang ginagamit para sa salitang “pagkakatiwala.” Mga katiwala, o mga tagapangansiwa, ay may pananagutan sa isang bagay na ipinagkitawala sa kanila ng iba. Ang pangangasiwa ay ang proseso ng pagtupad sa mga layunin at plano ng Diyos sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga mga materyales, tauhan at espirituwal na kayamanan. Ang mabuting pangangansiwa ay nasusukat sa pamamagitan ng katuparan o hindi ng mga plano at layunin.
3. Ang mga kayamanan ay ang Ebanghelyo, pananalapi, mga materyales ng ministeryo, mga kaloob na espirituwal, at ibang mga mananampalataya.
4. Katapatan.
5. Si Jesu-Cristo.
6. Ihalintulad ang inyong buod sa ibinigay sa Unang Kabanata.
7. Ihalintulad ang iyong sagot sa buod sa Unang Kabanata.
IKALAWANG KABANATA:
1. At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at mga guro. (Efeso 4:11)
2. 2, 1, 4, 3, 5, 6, 7
3.
-Mga Elders
-Mga Diakono
-Mga Obispo
IKATATLONG KABANATA:
1. Ngunit ang sungay ko’y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: Ako’y napahiran ng bagong langis. (Awit 92:10)
2. Ang ibig sabihin ng “pahiran” ay italaga ang isang bagay o isang tao sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis.
3. Ang langis ay simbulo ng Espiritu Santo. Ang pagpapahid ng langis sa isang tao ay simbulo ng pagdating ng Espiritu Santo sa kaniya para sa isang tiyak n layunin.
4. Ang pagpapahid sa isang ketongin para sa kaugnayan; ang pagpapahid sa saserdote ay para sa kabanalan; at ang pagpapahid sa tagapanguna ay para sa katungkulan at kapangyarihan.
5. Ang Diyos ang pinagmumulan ng pagpapahid para sa ministeryo.
6. Ang pagpapahid ang siyang nagpapatibay sa iyong kalagayan sa Diyos, sinasangkapan ka ng kakayahang matupad ang mhga layunin ng Diyos, nagbibigay sa iyo ng karunungan upang manguna, at sirain ang mga pamatok ng pagkabihag sa kanila na iyong pinaglilingkuran.
7. Hindi nagpapahid ng kapangyarihan ang Diyos batay sa edukasyon, katalinuhan, mga kakayahan, o karanasan. Siya ay nagpapahid ayon sa saloobin ng puso.
8. Ang mga hindi maka-diyos na mga pwersa ay nagnanais na hadlangan na ikaw ay lumakad sa pagpapahid sapagkata alam nila na ang pinahirang ministeryo ang siyang tutpad ng mga layunin ng puso.
9. Sapagkat ikaw ay hindi magiging mabisa at makakaranas ng malaking kahirapan kung hindi mo ito gawin.
10. Sa pamamagitan ng patuloy na paglakad sa tatlong uri ng pagpapahid na tinalakay sa araling ito.
IKA-APAT NA KABANATA:
1. Sapagkat tayo’y Kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Diyos nang una upang siya nating lakaran. (Efeso 2:10)
2. Ang mga katangian ay hindi mga likas na kakayahan. Ang mga ito ay mga katangian ng ugali at pamumuhay na inilarawan sa Salita ng Diyos bilang kailangan para sa mga tagapanguna. Ito ay mga katibayan ng isang maka-Diyos na estilo ng pamumuhay.
3. Ang bunga ng panghihikayat ay ang pagiging makapangyarihan saksi ng mensahe ng Ebanghelyo.
4. Tingnan ang listahan ng mga katangiang tulad ni Cristo na ibinigay sa Ika-apat na Kabanata.
5. 9, 7, 8, 5, 6, 2, 4, 3, 1
6. Ang bahagi ay ang I Timoteo 3 at Tito 1.
7. Na sila ay maipanganak na muli, nabautismuhan ng Espiritu Santo, at nagkaroon ng tiyak na tawag at pagpapahid mulasa Diyos bilang isang tagapanguna, at lumago sa buhay espirituwal.
IKA-LIMANG KABANATA:
1.Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman:
Na Siya, bagamat nasa anyong Dios, ay hindi Niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay Niya sa Diyos,
Kundi bagkus hinubad Niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao. (Filipos 2: 5-7)
2. Isang lingkod na tagapanguna.
3. Si Jesu-Cristo.
4. Ang kapangyarihan ng pagiging lingkod ay ginagawa ang isang tao na maging mapagpakumbaba sa isang dako na magagamit siya ng Diyos. Ito ay inilarawan sa buhay ni Jesus.
5. Ang mga tagapanguna ng sanglibutan ay nangingibabaw sa kanilang mga tagasunod, pinamamahalaan nila ang mga ito, at mistulang mga hepe at panginoon.
6. Pinaglilingkuran natin ang Katawan ni Cristo at ang mga napapahamak na sangkatauhan. Sa katotohanan, ang ating paglilingkod ay sa Panginoon.
7. Ihalintulad ang inyong paliwanag sa pagtalakay sa Ika-Limang Kabanata.
IKA-ANIM NA KABANATA:
1. Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Diyos; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;
Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa pinanganga-siwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan. (I Pedro 5: 2-3)
2. Si Jesu-Cristo.
3. Ang lahat ng mga tunay na mananampalataya ni Jesus ay bahagi ng isang kawan.
4. Ihalintulad ang inyong pagtalakay sa nasa Ika-Anim na Kabanata.
5. Ihalintulad ang inyong pagtalakay sa nasa Ika-Anim na Kabanata.
IKA-PITONG KABANATA:
1. At pinagkalooban Niya (ng Diyos) ang mga iba na maging apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at mga guro;
Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. (Efeso 4:11-12)
2. Bigyang kakayahan o ihanda ang mga mananampalataya para sa gawin ng ministeryo.
3. Ang sakdalin ay ihanda o sangkapan ng kakayahan ang mga mananampalataya para sa gawain ng ministeryo. Kabilang dito ang pagtuturo, pangangaral, pagpapakita, pagsasanay, at pagpapakilos.
4. Kabilang sa mga bunga kung ang mga mananampalataya ay wastong “nasangkapan o nasakadal” para sa gawain ng ministeryo:
-Ang gawin ng ministeryo ay nagagawa: Efeso 4:12
-Ang Katawan Ni Cristo (ang Iglesia) ay napatibay (napatatag): Efeso 4:12
-Naaabot ng mga tao ang paglagong espirituwal: Efeso 4:13-15
-Pagkakaisa ang ibinubunga: Efeso 4:13
-Ang mga tao ay natutulad sa wangis ni Cristo: Efeso 4:13
-Nagiging matatag ang mga tao sa doktrina, at lumalalim sa katotohanan: Efeso 4:15-16
-Ang Katawan ni Cristo ay mabisang nakakagawa: Efeso 4:16
5. Ihalintulad ang inyong pagtalakay sa nasa Ika-Pitong Kabanata.
IKA-WALONG KABANATA:
1. Ang puso ng tao ay kumatha ng kaniyang lakad: ngunit ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. (Kawikaan 16: 9)
2. Ang pamamaraan ng Biblia ay hindi ang pag-boto o “pananaig na nakakarami.” Ang Diyos ay nagtatakda ng mga tagapanguna sa iglesia upang gumawa ng pagpapasiya.
3. Ihalintulad ang inyong buod sa mga panuntunan na ibinigay sa Ika-Walong Kabanata.
4. Ang modelo ng pagpapasiya ay isang halimbawa na dapat sundan kung gumagawa ng pagpili.
5. Ang modelo ay nagkakaloob ng halimbawa para iyong sundan.
IKA-SIYAM NA KABANATA:
1. Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
Upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. (II Timothy 3: 16-17)
2. Ihalintulad ang inyong buod sa ibinigay sa Ika-Siyam na Kabanata.
3. Ihalintulad ang iyong buod sa ibinigay sa Ika-Siyam na Kabanata.
4.Ihalintulad ang iyong listahan ng mga dahilan sa mga inilista sa Ika-Siyam na Kabanata.
5. Ihalintulad ang iyong buod sa ibinigay sa Ika-Siyam na Kabanata.
6. Dahil sa mga hindi lumalago sa buhay espirituwal at mga karnal na Cristiano na inudyukan ni Satanas, ng laman at ng kapalaluan.
7. Kung tayo ay nagdi-disiplina at lumulutas ng mga sigalot batay sa Salita ng Diyos, ang mga tao ay nagiging sakdal at nasasangkapan ng kakayahan para sa gawain ng ministeryo. Ang Salita ng Diyos ay mabisa para sa disiplina, pagsaway, at pagtutuwid.
IKA-SAMPUNG KABANATA:
1. Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwat ang bawat isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro. (Lucas 6:40)
2. Ang pagsasanay sa iba ay isang mahalagang pananagutan sapagkat ang iyong mga sinanay ay magiging tulad mo.
3. Sinasanay natin ang mga tagapanguna at mga tagasunod para sa layunin ng paghayo sa lahat ng mga bansa, tinuturuan sila sa Ebanghelyo, bautismuhan sila, at gabayan sila upang lumago sa buhay espirituwal sa pamamagitan ng patuloy na pagtuturo.
4.
-Magtiwala sa Diyos
-Ipanalangin.
-Magkusa.
-Tingnan ang kahihinatnan, hindi ang problema.
-Linawin ang halaga.
-Piliin ang may paunang mga katangian.
5.
-Pagsama.
-Pagtatalaga.
-Pangitain.
-Pagtuturo.
-Pagpapakita.
-Paglahok.
-Pamamahala.
-Pagtatakda.
6. Ang modelo sa Efeso
IKA-LABINGISANG KABANATA:
1. Sapagkat ang matuwid ay
nabubuwal na makapito, at bumabangon uli.
(Kawikaan 24: 16)
2. Para sa isang listahan ng mga binaliktad ang kabiguan upang maging tagumpay tingnan ang pagtalakay sa Ika-Labingisang Kabanata.
3. Para sa isang listahan noong ang mga buhay ay nagwakas sa kabiguan tingnan ang pagtalakay sa Ika-Labingisang Kabanata.
4.
-Pagpapahayag.
-Pagsisisi.
-Pagbabalik.
-Pagpapanumbalik.
5. ang kabiguan sa kaugnayan at dahil sa mga nagawa o hindi nagawa.
IKA-LABING DALAWANG KABANATA:
1. Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagkat kung magkagayo’y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo’y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. (Josue 1: 8)
2. Sa kaharian ng Diyos, ang tagumpay ay ang sagad na paggamit ng mga kaloob at kakayahan sa loob ng mga pananagutan na ibinigay ng Diyos. Ikaw ay matagumpay kung iyong ginagamit na wasto ang iyong mga kayamanang espirituwal para sa gawain ng Diyos.
3. Ihalintulad ang iyong paliwanag sa pagtalakay sa Ika-Labingdalawang Kabanata.
4. Ihalintulad ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-Labingdalawang Kabanata.
IKA-LABINGTATLONG KABANATA:
1. Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa Akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin. (Mateo 16: 24)
2. Tatlong mahahalagang mga aspeto ng halaga ng tagapanguna na itinuturing na halaga, mga wastong prayoridad, at mga walang pasubaling mga layunin.
3. Ang tunay na tanda ng pangunguna ay kung ano ang nangyayari kung hindi ka na kasama ng iyong pinangunahan. Sila ba ay nagpapatuloy sa iyong mga itinuro sa kanila? Itinuturo ba nila sa iba ang kanilang natutuhan? Sila ba ay nagpapatuloy na lumago sa buhay espirituwal kahit hindi ka na nila kasama?