MGA PRINSIPYO
NG KAPANGYARIHAN
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang porgramang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagtanaw, tungo sa paghihirang, pagpaparami, at pagpapakilos upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Institute
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
Paano Gamitin Ang Manwal Na Ito . . . . . . . I
Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral . . . . . II
Pambungad Ng Kurso . . . . . . . . . 1
Mga Layunin . . . . . . . . . . 3
1. Ang Buhay Makatapos Ang Relihiyon . . . . . . 4
2. Ang Pinagmumulan Ng Kapangyarihan . . . . . . 17
3. Ang Huwad Na Humahamon. . . . . . . . 29
4. “Walang Taong Nangusap Na Tulad Niya” . . . . . 43
5. Ang Itinakdang Kapamahalaan . . . . . . . 51
6. Ang Mga Layunin Ng Kapangyarihan . . . . . . 60
7. Unang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Ebanghelyo . 75
8. Ika-lawang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Espiritu Santo 83
9. Ika-tatlong Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Pagibig . 94
10. Ika-apat Na Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Pagpapahid Ng Kapangyarihan. 105
11. Ika-limang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Kapangyarihan, Pananampalataya,
At Mga Gawa . . . . . . . . . 118
12. Ika-anim Na Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Pangalan Ni Jesus . . 126
13. Ika-pitong Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Pananalangin 144
14. Ika-walong Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Salita . 167
15. Ika-siyam Ng Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Kapamahalaan 177
16. Ika-sampung Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan
Ng Kaniyang Pagkabuhay Na Maguli . . . . . 189
17. Ika-labingisang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Pagdurusa 197
18. Paano Maranasan Ang Kapangyarihan Ng Diyos . . . . 215
19. Kawalan Ng Kapangyarihan . . . . . . . 222
20. Pagharap Sa Kalaban . . . . . . . . 231
Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit . . . . . . . 239
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pag-aralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pag-aralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang mag-aral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas ng Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsusulit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG
PAG-AARAL
UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,
ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.
Pangsariling Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa Pangsariling Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
MODULE: Pagpaparami
KURSO: MGA
PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN
PAMBUNGAD
Sinabi ni Jesus sa mga lider ng relihiyon sa panahon ng Bagong Tipan…
Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng
mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios. (Mateo 22:29)
Ang katotohanan ng ebanghelyo ay may dalawang bahagi. Una, ito ang Salita ng Diyos na nahayag sa Banal na Biblia. Upang maalaman mo ang mga Kasulatan dapat mong pag-aralan, maunawaan at gamitin ang mga ito.
Subalit ang katotohanan ng Ebanghelyo ay higit pa sa mga Kasulatan. Ito rin ang kapangyarihan ng Diyos. Upang maalaman mo ang kapangyarihan ng Diyos dapat mong maunawaan at gamitin ang mga prinsipyo ng kapangyarihan. Dapat maging isang katunayan ang kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay sa pamamagitan ng karanasan.
Ang unang iglesia ay isinilang sa pamamagitan ng kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng magagaling na mga tagapagsalita o pagtatalong teolohikal. Isinulat ni Pablo:
At ang aking pananalita at ang aking
pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa
patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan;
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag
masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. (I Corinto 2:4-5)
Kinilala ni Pablo na…
…ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita,
kundi sa kapangyarihan. (I Corinto
4:20)
Iniwanan ni Jesus sa mga mananampalataya ang dakilang misyon ng pagabot sa buong sanglibutan sa pamamagitan ng Ebanghelyo ng Kaharian. Ang gawaing ito ay di maisasakatuparan sa pamamagitan ng salita lamang. Tulad ng sa unang iglesia, dapat mayroong kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
Maraming mga tao ang nakakaalam ng Salita ng Diyos ngunit hindi pa nararanasan ang kapangyarihan ng Diyos. Hindi nila tunay na nauunawaan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo. Maraming mga pastor ngayon ay mataas ang pinag-aralan. Nakapapangaral sila na may mapanghikayat na pananalita ng karunungan ng tao, ngunit walang kapahayagan ng Espiritu Santo at kapangyarihan.
Sa ibang mga iglesia ang mga himala ay pinalitan ng pangangatuwiran ng tao na humihiling ng isang lohikal na paliwanag para sa bawat pangyayari. Ang kapangyarihan ay napalitan ng pagtatalo sa teolohiya, alin sa dalawa ang mga himala ay para sa atin ngayon o ito ay para lamang sa unang iglesia. Kung ang pangangatuwiran at pagtatalo ang papalit sa mga himala, ang daloy ng buhay ng Diyos ay papalitan din ng relihiyong likha ng tao. Ang mga tao ay sinawaan na sa relihiyon at ang mga kaugnay na rituwal nito. Nais nilang maranasan ang katunayan. Kailangan nilang masaksihan ang mga nakikitang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
Upang ang iyong pananampalataya ay masalig sa kapangyarihan ng Diyos sa halip na sa karunungan ng tao, dapat mong maranasan ang pagdaloy ng kapangyarihan tulad ng naranasan ng unang iglesia. Ang mga mananampalataya sa unang iglesia ay…
…nagsipangaral sa lahat ng dako, na
gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa
pamamagitan ng mga tandang kalakip.
(Marcos 16:20)
Madalas nating pagusapan ang paggawa para sa Diyos. Ipa-plano muna natin ang ating ministeryo at saka natin hihilingin sa Diyos na pagpalain ito. Ngunit ang paraan ng Biblia ng mabisang ministeryo ay ang Panginoon ang gumagawang kasama natin, at pinatotohanan ang Kaniyang Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
Hindi interesado ang sanglibutan kung ano ang nagawa mo para sa Diyos. Ang sanglibutan ay nahahalina kay Jesus kung makita nila ang mga palatandaan ng bunga ng kapangyarihan ng Diyos na bumago sa iyong buhay. Ang sanglibutan ay nahahalina sa pamamagitan ng kapahayagan ng kapangyarihang espirituwal habang ang Panginoon ay gumagawang kasama mo at pinatototohanan ang Kaniyang Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
Ang mga prinsipyo ng kapangyarihan na naituro sa kursong ito ang tutulong sa iyo na maranasan ang kapangyarihang espirituwal na itinuro sa Biblia. Ang kursong ito ang sumasagot sa sigaw ng mga nagugutom sa katunayan sa halip na sa relihiyon. Ikaw ay pangungunahan nito mula sa pagiging manonood sa pagiging taga-pahayag ng kapangyarihan ng Diyos.
MGA LAYUNIN NG KURSO
Pagkatapos mapag-aralan ang kursong ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Tukuyin ang pinagmumulan ng tunay na kapangyarihang espirituwal.
-Makilala ang huwad na kapangyarihan ng kaaway.
-Maibigay ang buod ng mga kapangyarihang itinakda ng Diyos kay Jesu-Cristo.
-Tanggapin ang kapamahalaang itinakda ni Jesus sa mga mananampalataya.
-Tukuyin ang mga hangarin ng Biblia para sa kapangyarihang espirtuwal.
-Maipaliwanag at magamit ang mga sumusunod na mga prinsipyo ng kapangyarihan:
-Ang kapangyarihan ng Ebanghelyo
-Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo
-Ang kapangyarihan ng pagibig
-Ang pagpapahid ng kapangyarihan
-Kapangyarihan, pananampalataya, mga gawa
-Ang pangalan ni Jesus
-Kapangyarihan ng panalangin
-Kapangyarihan ng Salita
-Pagkakaroon ng kapamahalaan at pagpapasakop sa kapamahalaan
-Kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli
-Pakikisama sa Kaniyang pagdurusa
-Ipaliwanag kung paano magkaroon ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay at ministeryo.
-Tukuyin ang mga dahilan ng kawalan ng kapangyarihan.
-Harapin ang mga kumakalaban at si Satanas na humahamon sa iyong kapamahalaang espirituwal.
UNANG KABANATA
ANG BUHAY MAKATAPOS ANG RELIHIYON
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ipaliwanag ang pagkakaiba ng relihiyon at ang tunay na kapahayagan ng kapangyarihan ng
Diyos.
-Tukuyin ang makamundong straktura ng kapangyarihan.
-Magbigay ng reperensya sa Biblia na nagpapaliwanag ng pagkakaiba ng makamundo at ayon sa
Biblia.
-Ibigay ang kahulugan ng kapangyarihan ayon sa Biblia.
-Ibigay ang kahulugan ng kapamahalaan ayon sa Biblia.
-Tukuyin ang makalangit na mga pwersa na pinagmumulan ng kapangyarihang espirituwal.
-Tukuyin ang dalawang bahagi ng bawat pangako ng Biblia.
-Ilista ang mga hakbang sa pagkakamit ng mga pangako ng Diyos.
SUSING MGA TALATA:
Oh Dios, Ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang
maaga: kinauuhawan Ka ng aking kaluluwa, pinananabikan Ka ng Aking laman, Sa
isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
Sa gayo’y tumingin ako sa Iyo sa santuario,
Upang tanawin ang Iyong kapangyarihan at ang Iyong kaluwalhatian. (Awit 63:1-2)
PAMBUNGAD
Kung paanong may mapangdayang pagtulog na dulot sa isang tao ng manigas siya sa lamig hanggang sa mamatay, gayon din sa larangang espirituwal. May kawalang-malay at walang pakialam na saloobin kung ang mga tao ay napapahamak sa larangang espirituwal.
Ang relihiyon ay pagsisikap ng tao na makilala ang Diyos. Ito ay isang rituwal at mga reglamento, mga gawa at salita na walang kapangyarihan. Kamatayang espirituwal ang dala ng relihiyon.
Ang kapangyarihan ng Diyos ang nakikitang kapahayagan ng Kaniyang nais na ihayag ang Kaniyang sarili sa tao. Ang kapangyarihan ng Diyos ang Kaharian ng Diyos na gumagalaw. Ito ay nagdadala ng buhay espirituwal.
Marami ang nakatikim ng relihiyon. Sumapi sila sa mga iabt-ibang kulto at denominasyon. Mistulang napatulog ng mga samahang ito ang kanilang dapat sana ay espirituwal na pagmamalasakit. Hindi nila naranasan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo na magbabago ng kanilang mga buhay. Sila ay talunan at nasiraan ng loob, may sakit at sugatan. Sila ay naghihingalo sa espiritu. Ang sigaw ng kanilang puso ay tulad ng sa Salmistang si David na sumulat…
Oh Dios, Ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang
maaga: kinauuhawan Ka ng aking kaluluwa, pinananabikan Ka ng Aking laman, Sa
isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
Sa gayo’y tumingin ako sa Iyo sa santuario,
Upang tanawin ang Iyong kapangyarihan at ang Iyong kaluwalhatian. (Awit 63:1-2)
Kailangan ng mga taong ito na makaranas ng buhay pagkatapos ng relihiyon.
MGA URI NG KAPANGYARIHAN
Maraming uri ng kapangyarihan sa sanglibutan ngayon:
Ang kapangyarihang politikal ay hawak noong mga namamahala ng mga organisasyon, mga tribo, mga nayon, mga lungsod, mga estado, mga probinsya at mga bansa.
An kapangyarihan ng karunungan ay nagbubunga ng mga bagong imbensyon, mga likhang sulatin at musika, at ang pagtatayo ng mga paaralan.
Ang kapangyarihang pisikal naman ay inaangkin ng mga malalakas na mga lalake, na ang marami dito ay nagiging mga manlalarong propesyonal.
Ang kapangyarihang pinansyal ay hawak ng mga mayari ng bangko at mga negosyante na namumuno sa mga korporasyon at mga malalawak na mga emperyong pinansyal.
Ang kapangyarihang militar ay hawak naman ng mga malalaking mga hukbo na ginagamit sa pagtatanggol at pagsakop ng mga bagong teritoryo.
Ang kapangyarihan ng enerhiya ay nagsisilbi sa mga tao sa maraming paraan mula sa simpleng apoy na pangpainit hanggang sa elektrisidad na nagsisilbi sa isang buong lungsod.
Ang kapangyarihan ng relihiyon ay nagbunga naman ng mga malalaking mga denominasyon at mga kaugalian ng mga relihiyon.
Ang lahat ng mga dakilang kapangyarihang ito ay umiiral sa sanglibutan ngayon. Subalit ang tawag mula kay Jesus ay hindi sa makamundong kapangyarihan. Ito ay sa kapangyarihang espirituwal. Ito ay kapangyarihan na iba ang itinatanong kay sa “Paano ako mangingibabaw?,” kundi “Paano ako makapaglilingkod?”
ANG PAGKAKAIBA SA STRAKTURA
Ipinaliwanag ni Jesus ang pagkakaiba sa pagitan ng kapangyarihan sa straktura ng sanglibutan at sa Kaharian ng Diyos. Sinabi Niya:
Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga
Gentil ay nangagpapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay
nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
Sa inyo’y hindi magkakagayon: kundi ang
sinomang mangibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
At sinomang mangibig na maging una sa inyo
ay magiging alipin ninyo:
Gayong din naman ang Anak ng tao ay hindi
naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang Kaniyang
buhay na pangtubos sa marami.
(Mateo 20:25-28)
Ang tawag mula kay Jesus ay ang iwaksi ang makamundong kapangyarihan at ang ipalit ay ibinigay sa layuning paglingkuran ang isang nagdurusa, napapahamak, at patungo sa kamatayang-sanglibutan.
ANG KAPANGYARIHANG ESPIRITUWAL
Ang kapangyarihan ating binabanggit sa kursong ito ay hindi ang likha-ng-taong mga denominasyon o samahan ng relihiyon. Hindi rin natin tinutukoy ang kapamahalaan na itinakda sa pamamagitan ng paramihan ng boto. Hindi ito ang kapamahalaang dala ng isang posisyon o titulo. Hindi rin ito kapangyarihang batay sa pinag-aralan o kakayahan.
Ang kapangyarihang ating tinutukoy sa kursong ito ay ang konsepto ng Biblia ng kapangyarihang espirituwal. Ang kahulugan ng salita sa Biblia na “kapangyarihan” ay kalakasang espirituwal, kakayahan, pwersa, at lakas. Ito ay makalangit na pamamahala na nagbubunga ng kamangha-manghang mga gawa at mga himala.
Ang isang katulad na salita ay ang “kapamahalaan” o awtoridad at ito ay ginagamit din sa kursong ito. Katulad ng nasa Biblia, ito ay malapit na kaugnay at may kahawig na kahulugan sa salitang “kapangyarihan.” Ang kapamahalaan ay tumutukoy sa karapatang legal at kapangyarihang gumawa na kinakatawan ang iba. Ang pamamahala ay pagkilos ayon sa kapngyarihang ipinagkaloob. Ito ay ang pagaangkin ng karapatang gamitin ang kapangyarihang itinakda sa loob ng mga hangganang ibinigay.
MGA PWERSA NG KAPANGYARIHANG ESPIRITUWAL
May ilang mga pwersang hindi natural na gumagana sa larangang espirituwal. Ang pinagmumulan ng kapangyarihang espirituwal ayon sa Biblia ay ang tunay at buhay na Diyos na
nahayag sa Biblia. Ang Diyos ay may tatlong persona na Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ang Diyos Ama ang pinagmumulan ng kapangyarihan:
Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa matataas
na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang
mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios.
(Roma 13:1)
Nagtakda ang Diyos ng kapangyarihan sa Kaniyang Anak, si Jesu-Cristo:
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
(Mateo 28:18)
At nagtakda naman si Jesus ng kapangyarihang espirituwal sa mga mananampalataya. Ang kapangyarihang ito ay nararanasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi Ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Mayroon pang pwersa ng kapangyarihang espirituwal, kaya nga lamang ito ay negatibong pwersa. Ito ay pinagmumulan ng kapangyarihan ng kasamaan at siyang dahilan ng mga pangkukulam, at iba pang mga gawang masama. Ang pwersang iyan ay si Satanas. Si Satanas ay kapangyarihang espirituwal, ngunit ang kaniyang kapangyarihan ay sa kasamaan, at hindi sa kabutihan:
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi sa
laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban
sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa
espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
(Efeso 6:12)
Lalo mong matututuhan ang tungkol sa “nanghahamong huwad” sa kapangyarihan ng Diyos sa Ikatatlong Kabanata ng kursong ito.
ANG KAPAHAYAGAN NG KAPANGYARIHAN
Nang simulan ni Jesus ang Kaniyang hayagang ministeryo, ito ay ministeryo ng mga himala. Hindi nagtagumpay ang Kaniyang ministeryo dahil sa magandang organisasyon. Nagsimula Siya sa labingdalawang mga alagad at nagtapos sa labingisa. Hindi ito nagtagumpay dahil sa kabantugan nito. Sa katapusan, lahat ay tumalikod sa Kaniya kasama ang Kaniyang mga taga- sunod. Nahipo ng Kaniyang ministeryo ang lubhang napakaraming mga tao dahil sa kapahayagan ng kapangyarihan:
At nangagtaka sila sa Kaniyang aral,
sapagkat may kapamahalaan ang Kaniyang salita.
(Lucas 4:32)
At silang lahat ay nangagtaka at
nangagsalitaan sa isa’t isa, na nagagsasabi, Anong salita kaya ito? Sapagkat
Siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na
espiritu, at nagsisilabas sila. (Lucas
4:36)
…kung paanong Siya’y pinahiran ng Dios ng
Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at
nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa Kaniya
ang Dios. (Gawa 10:38)
Ang unang iglesia ay isinilang sa kapahayagan ng kapangyarihan. Sinabi tungkol sa kanila…
…Itong mga nagsisipagtiwarik ng
sanglibutan, ay nagsiparito rin naman.
(Gawa 17:6)
Mga buong lungsod at bansa ang mabisang naabot ng unang iglesia, ngunit hindi nila ito nagawa sa pamamagitan lamang ng pangangaral. Ang mga tao ay nakinig at ang kanilang mga buhay ay nabago sapagkat kanilang nasaksihan ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos:
At ang karamiha’y nangagkakaisang
nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe, pagkarinig nila, at
pagkakita ng mga tanda na ginawa niya.
Sapagkat sa maraming may mga karumaldumal na
espiritu, ay nangagsilabas sila, na nangagsisisigaw ng malakas na tinig: at
maraming lumpo, at pilay, ang pinagaling.
At nagkaroon ng malaking kagalakan sa
bayang yaon. (Gawa 8:6-8)
Nang si Pedro ay naparoon sa Lidda, nasumpungan niya ang isang lalakeng nagnangalang Eneas na lumpo at naratay sa banig sa loob ng walong taon:
At sinabi sa kaniya ni Pedro, Eneas,
pinagaling ka ni Jesucristo: magtindig ka, at husayin mo ang iyong higaan. At
pagdaka’y nagtindig siya.
At siya’y nakita ng lahat ng mga nangananahan
sa Lidda at sa Sarona, at sila’y nangagbalik-loob sa Panginoon. (Gawa 9:34-35)
Sa Joppe, ibinangon ni Pedro ang isang babaeng nagnangalang Dorcas mula sa kamatayan. Nang mangyari ang himalang ito…
At ito’y nabansag sa buong Joppe: at marami
ang nagsisampalataya sa Panginoon.
(Gawa 9:42)
Bawat mahimalang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos ay natuon sa Panginoong Jesu-Cristo. Bawat paghaharapan ng magkakatunggaling kapangyarihan ang bunga ay ang pagdami ng iglesia.
Hindi impluwensyang politikal ang kailangan natin upang maabot ang sanglibutan ng Ebanghelyo. Ang unang iglesia ay walang sapat na impluwensya upang mailabas si Pedro sa bilangguan, ngunit may sapat silang kapangyarihang manalangin na nagpalaya sa kaniya.
Hindi ang dagdag na pangangaral ang makaaabot sa sanglibutan. Maraming araw nananalangin ang unang iglesia, nangaral lamang ng maikli at 3,000 kaluluwa ang naligtas (Gawa 1-2). Ngayon, mananalangin tayo ng sampung minuto, mangangaral ng sampung araw na gabi-gabing gawain at baka tatlumpo lamang ang maligtas.
Hindi garantiya na ang maraming pera para sa ministeryo ay makaaabot sa sanglibutan ng mensahe ng Ebanghelyo. Bagamat totoo na ang salapi ay mahalaga sa gawain ng ministeryo, hindi ito ang pinaka-kailangan.
Nang si Pedro at Juan ay nagdaan sa pintuan ng templo sa Jerusalem, isang lumpo na nagpapalimos ang humingi ng limos . Si Pedro at Juan ay ni walang pangbigay sa lumpong ito. Ngunit ibinigay nila ang nasa kanila:
Datapuwat sinabi ni Pedro, Pilak at ginto
ay wala ako; datapuwat ang nasa akin, ay
siya kong ibinibigay sa iyo. Sa pangalan ni
Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.
At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay,
at siya’y itinindig: at pagdaka’y nagsilakas ang kaniyang mga paa at
bukong-bukong.
At paglukso, siya’y tumayo, at
nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila
sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at
nagpupuri sa Dios. (Gawa 3:6-8)
Ang mayroon sila ay kapangyarihan at kapamahalaan sa pangalan ni Jesus. Wala silang salapi upang ibayad sa mga anunsyo sa pagabot sa Jerusalem. Wala silang mga naimprentang mga babasahin o Biblia, walang telebisyon. Ngunit mayroon silang kapangyarihan. Sa pamamagitan ng kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos, ang buong lungsod ay naapektuhan ng mensahe ng Ebanghelyo (Gawa 3-4).
Kinilala ng unang iglesia na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay hindi lamang salita kundi kapangyarihan:
Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi sa
salita, kundi sa kapangyarihan.
(I Corinto 4:20)
ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPILI
Nang lalangin ng Diyos ang sanglibutan, lumikha Siya ng ibat-ibang uri ng mga nilikha. Lumikha Siya ng mga hayop, isda, insekto, at mga ibon (Genesis 1).
Subalit ang pinakadakilang likha ng Diyos ay ang tao na nilalang Niya ayon sa Kaniyang wangis. Kaiba ang tao sa lahat ng mga nilikha ng Diyos sapagkat ang tao ay may katawan, kaluluwa at espiritu. Siya ay nilalang upang sumamba at magkaroon ng kaugnayan sa tunay at buhay na Diyos (Genesis 2-3)
Ang tao, ayon sa pagkalalang sa kaniya, ay kakasamahin ng isang gumagawa ng mahimalang-Ama, ang tunay at buhay na Diyos. Ang tao na hiningahan ng hininga ng Diyos at nilalang ayon sa Kaniyang wangis, ay may kakayahan para sa kapangyarihan hindi tulad ng ibang mga nilikha. Ang larangan ng mga himala ang larangan na likas dapat sa tao.
Ang tao ay may pinakamakapangyarihan, at matalinong isip sa lahat ng mga nilalang ng Diyos. Ang tao ay may kapangyarihang pumili. Ang tao ay maaaring pumili na gumawa ng mabuti o masama. Maaari siyang pumili na sumunod sa Diyos o kay Satanas.
Ang unang tukso ni Satanas sa tao sa Halamanan ng Eden ay natuon sa kapangyarihang ito ng pagpili (Genesis 3). Dahil sa maling pagpili sa kasalanan, isang makasalanang kalikasan ang nailipat ni Adan at Eba sa buong sangkatauhan.
ANG BATAYAN NG KAPANGYARIHANG ESPIRITUWAL
Upang maranasan ng tao ang tunay na kapangyarihang espirituwal, dapat niyang piliing maglingkod sa Diyos. Yamang ang lahat ay makasalanan, ang lahat ay nangangailangan ng kapatawaran:
Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at
hindi nangakaabot sa kaluawalhatian ng Dios.
(Roma 3:23)
Ang kapatawaran ay dumarating sa pamamagitan ng pagsisisi at pagsampalataya kay Jesu-Cristo:
Kung sinasabi nating tayo’y walang
kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa
atin.
Kung ipinahahayag natin ang ating mga
kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan,
at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
(I Juan 1:8-9)
Ang pagsisisi sa kasalanan ay ang batayan ng kapangyarihang espirituwal. Hindi mo mararanasan ang kapangyarihan ng Diyos kung mananatili kayo sa kamatayang espirituwal ng kasalanan.
Nang ang mga alagad ay nangangaral sa isang lungsod, isang lalakeng nagngangalang Simon ay nakasaksi ng kapangyarihan ng Diyos sa pagkilos. Nagalok siya ng salapi kay Pedro at nagsabi:
…Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang
ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu
Santo. (Gawa 8:19)
Sumagot si Pedro:
…Ang iyong salapi’y mapahamak na kasama mo,
sapagkat inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.
Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay
na ito: sapagkat ang puso mo’y hindi matuwid sa harap ng Dios.
Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at
manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong
puso.
Sapagkat nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng
kapaitan at sa tali ng katampalasanan.
(Gawa 8:20-23)
Ang pagsisisi ang batayan ng lahat ng tunay na kapangyarihang espirituwal. Hindi mo mararansan ang kapangyarihan ng Diyos malibang naranasan mo muna ang pagsisisi. Ang kaligtasan mula sa kasalanan ay pinakadakilang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
Hindi ibinubuhos ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan sa makasalanang sisidlan. Hindi Siya gumagawa sa pamamagitan ng mga tao na nagsisikap na iangat ang kanilang mga buhay sa pamamagitan ng sariling sikap (Mateo 9:16-17). Inihahayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng banal na sisidlan na nagsisi at naglilingkod sa Kaniya.
PAGKAKAMIT NG MGA PANGAKO
Ang mga mananampalataya ay pinangakuan ng kapangyarihang espirituwal. Ngunit may dalawang bahagi sa bawat pangako ng Diyos:
Ang pangako: Ang nilalaman, ang mga salita at kahulugan ng pangako.
Ang pagaangkin ng pangako: Hindi mo magagamit ang hindi sa iyo. Dapat mong angkinin ang mga pangako ng Diyos upang maging katunayan ito sa iyong buhay.
Paano mo aangkinin ang mga pangako ng Diyos? Narito ang mga hakbang:
1. DAPAT PILIIN ANG MGA ITO:
May kapangyarihan ka na tanggapin ang mga pangako ng Diyos, tanggihan ito, o huwag pansinin ito. Maraming mga tao ang tumanggi sa pangako ng kapangyarihang espirituwal. Ang paniwala nila ay ito ay para lamang sa unang iglesia. Ang iba naman ay hindi ito pinansin. Nabasa nila ang mga pangako sa Biblia, ngunit hindi naman ito ginagamit. Ang mga taong ito ay walang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos sa kanilang buhay sapagkat kanilang ginamit ang kanilang sariling kapangyarihang pumili at nabigo silang angkinin ang pangako.
Hindi nangangahulugan na kailanman may pangako sa Salita ng Diyos na hindi pa natutupad sa iyong buhay na ito ay hindi totoo o hindi para sa iyo. Huwag bigyang pakahulugan ang Biblia ayon sa iyong sariling karanasan. Hindi sapagkat hindi mo naranasan ang isang pangako ng Diyos ay nangangahulugang ito ay hindi totoo at tunay na pangako. Ang pangako ng kapangyarihan ay isang kaloob mula sa Diyos. Ngunit dapat mong piliin na tanggapin ang kaloob.
2. DAPAT MONG MAUNAWAAN ANG MGA PRINSIPYO:
Upang makamit ang alinmang pangako sa Biblia, dapat mong maunawaan ang mga prinsipyo na pinagsasaligan nito. Ang mga pangako ng Diyos ay laging nakasalig sa mga tiyak na prinsipyo na laging may sangkot na tugon mula sa tao.
Halimbawa, maraming mga pangako ng Diyos ay nakasalig sa “kung/saka lamang” na prinsipyo. Sinabi ng Diyos “Kung gagawin mo ang mga tiyak na mga bagay, saka lamang matatanggap ang pangako.” (Tingnan ang Deuteronomio 28 para sa halimbawa ng prinsipyong ito).
Upang maranasan ang pangako ng kapangyarihang espirituwal, kailangan mong maunawaan ang prinsipyo ng Biblia tungkol sa kapangyarihan. Sa likas na laranagan, katulad ito ng pagbasa sa mga tagubilin na kasama ng isang produkto upang matutuhan mo kung paano ito gamitin ng wasto o tulad ng paggamit ng isang resipi upang matutuhan kung paano ihahanda ang isang uri ng pagkain.
3. DAPAT MONG GAMITIN ANG
MGA PRINSIPYO:
Sa likas na larangan, maaaring may magbigay sa iyo ng isang magandang kaloob. Nasa sa iyo kung tatanggapin mo. May kasama itong tagubilin. Maaaring basahin mo ang mga tagubilin at maunawaan mo ito ng lubos. Ngunit malibang sundin mo ang tagubilin sa paggamit ng kaloob o regalo, walang silbi ito sa iyo.
Hindi sapat ang maunawaan mo ang tungkol sa kapangyarihang ayon sa Biblia na itinuturo sa kursong ito. Dapat mong gamitin ang mga prinsipyong ito sa iyong sariling buhay at ministeryo.
HIGIT PA SA PAGPAPALA TUNGO SA KAPANGYARIHAN
Maraming mga mananampalataya ay hindi nakakaranas ng kapangyarihan sapagkat hanggang sa pagpapalang espirituwal na lamang sila. Ang Espiritu Santo ay magsisimulang kumilos sa kanila at sila ay nakakadama ng malaking kagalakan. Maaaring ihayag nila ito sa pamamagitan ng pag-awit, pagsigaw, pagsayaw at pagiyak. Sila ay pinagpala ng Diyos at ang tugon nila ay sa emosyon.
Hindi naman ito mali. Ang Biblia ay puno ng ganitong mga karanasang espirituwal. Ngunit nais ng Diyos na dalhin ang Kaniyang bayan mula sa dako ng pagpapala tungo sa larangan ng kapangyarihang espirituwal, higit pa sa emosyon tungo sa demonstrasyon.
May kasaysayan sa Lumang Tipan na naglalarawan ng katotohanang ito. Inilalarawan din nito ang kaugnayan sa pagitan ng isang pangako at ang pagaangkin nito. Ang bansang Israel ay naglakbay ng maraming mga buwan mula sa Egipto hanggang sa ilang at tungo sa lupaing ipinangako sa kanila ng Diyos. Nang sumapit sila sa hangganan ng lupang pangako, nagpadala si Moises ng mga tiktik upang tingnan ang lupain. Sampu sa mga tiktik ang nagbalik na dala ang mga negatibong ulat. Sinabi nila na may mga higante sa lupain at walang paraan para makapasok ang Israel at angkinin ang lupain. Dalawang tiktik lamang ang nagudyok sa mga tao na pumasok sa lupain at angkinin ito tulad ng ipinangako ng Diyos.
Pinili ng Israel na pakinggan ang negatibong ulat. Dahil dito, bagamat labingisang araw lamang na paglalakbay ang kailangan mula sa kanilang pinagkampohan tungo sa Lupang Pangako, inabot ng apatnapung taon ang kanilang paglalakbay (Deuteronomio 1:2).
Dinala ng Diyos ang Israel sa ganitong dako ng pagpapala. Nasa hangganan na sila ng Lupang Pangako. Nakalaan ang kapangyarihan ng Diyos upang sakupin ang kaaway. Ngunit tumanggi ang Isarel na sumulong sa kapangyarihan ng Diyos. Walang mali sa pangako. Ang problema ay ang pagtanggi ng Isarel na angkinin ito.
Hindi ka dapat huminto sa dako ng pagpapala sa iyong buhay. Dapat kang makaalpas tungo sa larangang espirituwal ng kapangyarihan. Kung hindi mo ito gawin, mauuwi ka lamang sa espirituwal na paglalagalag sa tuyo at walang kapangyarihang ilang.
Dapat kang makalampas sa dako ng pagpapala tungo sa larangan ng kapangyarihan. Dapat kang maging isang demonstrador sa halip na isang manonood; isang tagagawa at hindi tagapakinig lamang. Kung gawin mo ito, mararanasan mo ang tunay na daloy ng kapangyarihan ng Diyos. Mararanasan mo ang isang buhay na may lakas at pagpapahid sa loob na hindi mo pa naranasan dati. Mararanasan mo ang buhay pagkatapos ng relihiyon.
MGA KARANIWANG TAO
Iisipin mo na hindi mo mararanasan ang kapangyarihang ito sapagkat kapos ka sa pinag-aralan. Maaaring wala kang lisensya sa anomang denominasyon. Ikaw ay nakatira sa isang nayon na malayo sa isang pamantasang Cristiano at hindi ka makapasok sa isang Bible school.
Wala sa mga bagay na ito ang hadlang sa pagkakaroon ng kapangyarihang espirituwal. Ang Salita ng Diyos ay puno ng mga halimbawa ng mga karaniwang tao na ginamit ng Diyos sa makapangyarihang paraan.
Si Abraham…nagsinungaling tungkol sa asawang si Sara dahil sa takot, gayon man ay ginamit siya ng Diyos sa pagsisilang ng bansang Israel.
Si Moises…ay hindi mahusay magsalita at nakapatay pa ng isang Egipcio sa galit, gayon man ginamit siya ng Diyos na pangunahan ang buong bansa na may dalawang milyong katao tungo sa lupang pangako.
Si Pedro…lumubog habang lumalakad sa tubig, laging mali ang sinasabi sa maling pagkakataon, at sa wakas pa ay ipinagkanulo si Jesus…gayon man ang pangkaraniwang mangingisdang ito ay tumindig at nagbigay ng isang makapangyarihang pagsaksi noong araw ng Pentecostes na nagbunga ng kaligtasan ng 3,000 mga kaluluwa.
Si Gedeon…isang kabataang nagtatago dahil sa takot sa paggapas ng aanihin ay tinawag upang iligtas ang isang bansa mula sa mapanglupig na mananakop.
Si Haring David…nagkasala ng pangangalunya, inagaw ang asawa ng iba at ipinapatay ang asawang lalake nito, gayon man siya ang pinakadakilang hari ng Israel at tinawag na isang lalake ayon sa puso ng Diyos.
Si Pedro at si Juan…dalawang mga dukhang mangingisda na walang salapi o edukasyon, ngunit ang kapangyarihan ng Diyos ay dumaloy sa pamamagitan nila na nagpakilos sa buong mga lungsod.
Ang Apostol Pablo…nasabi tungkol sa kaniya na makapangyarihan ang kaniyang mga sulat, ngunit ang kaniyang katawan ay mahina at ang kaniyang pananalita ay salat (II Corinto 10:10)
Si Jacob…ay mandaraya, sinungaling, at laging may masamang balak. Ngunit nang hipuin siya ng Diyos, siya ay naging isang “prinsipe na may kapangyarihan sa Diyos at sa tao.”
Kung ang mga taong ganito ay maaaring pagkatiwalaan ng kapangyarihan espirituwal sa Diyos at sa tao, ikaw din, sa kabila ng iyong kabiguan bilang tao! Tinatawag ng Diyos ang mga karaniwang mga lalake at babae at ginagawa silang mga hindi pangkaraniwan. Iba ang pagtingin ng Diyos sa iyo kay sa pagtingin mo sa iyong sarili. Hindi rin tulad ng tingin ng iba ang tingin ng Diyos sa iyo. Nakikita ng Diyos ang iyong mararating kung ikaw ay masasangkapan ng kapangyarihang espirituwal. Ginagamit ng Diyos ang mga karaniwang tao, na tinatawag ng Biblia na mga “sisidlang lupa.” Ang dahilan kung bakit Niya ginagawa ito ay…
…upang ang dakilang kalakhan ng
kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili. (II Corinto 4:7)
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Mga Talata na memoryado.
2. Ano ang pagkakaiba ng relihiyon sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos?
3. Panganlan ang ilang mga makamundong straktura ng kapangyarihan na nalista sa araling ito.
4. Ano ang reperensya na nagpapaliwanag ng pagkakaiba ng makamundo at ayon sa Bibliang straktura ng kapangyarihan?
5. Ibigay ang mga kahulugan ayon sa Biblia ng kapangyarihan at kapamahalaan.
6. Tukuyin ang mga pwersang makalangit na pinagmumulan ng kapangyarihang espirituwal.
7. Ano ang dalawang bahagi ng bawat pangako sa Biblia?
_____________________________________ at ______________________________________
8. Ilista ang tatlong hakbang na ibinigay sa araling ito sa pagangkin ng mga pangako ng Diyos.
9. Ang saligan ng kapangyarihang espirituwal ay ______________________________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Ang unang tala sa Biblia ng isang tao na sinangkapan ng kapangyarihang espirituwal ay si Jacob. Nasabi tungkol sa kaniya na siya ay may kapangyarihan sa Diyos at sa tao. Pag-aralan ang tala ng kaniyang karanasan sa Genesis 32 at Oseas 12:3-4. Sumulat ng isang buod ng iyong natutuhan sa mga bahagi ng Kasulatang ito:
2. Tinanggihan ni Jesus ang makamundong kapangyarihan. Tingnan ang Lucas 4:1-13, Juan 6:15, at Juan 7:2-6. Sumulat ng buod ng iyong natutuhan sa mga bahaging ito ng Kasulatan:
IKALAWANG KABANATA
ANG PINAGMUMULAN NG KAPANGYARIHAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng kapangyarihan.
-Ilista ang walong paraan ng paghahayag ng Diyos ng Kaniyang kapangyarihan sa lupa.
-Ibigay ang reperensya sa Kasulatan na nagpapaliwanag kung bakit naghahayag ang Diyos ng Kaniyang kapangyarihan sa lupa.
SUSING TALATA:
Ang Dios ay nagsalitang minsan, Makalawang
aking narinig ito; Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios. (Awit 62:11)
PAMBUNGAD
Upang maunawaan ang mga prinsipyo ng kapangyarihan dapat tayong magumpisa sa simula. Dapat nating matuklasan ang pinagmumulan ng kapangyarihan. Ang pinagmumulan ng isang bagay ay ang kaniyang pasimula o lugar na pinanggalingan. Inihaharap ng kabanatang ito ang tunay at buhay na Diyos na nahayag sa Banal na Kasulatan bilang pinagmumulan ng kapangyarihan. Isinulat ni David:
Ang Dios ay nagsalitang minsan, Makalawang
aking narinig ito; Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios. (Awit 62:11)
Pagka ang Diyos ay may inuulit ang ibig sabihin ay ito ay napakahalaga.
ANG PINAGMUMULAN NG KAPANGYARIHAN
Bago ang anomang bagay, ay ang Diyos. Itinala ng Genesis 1-2 ang pasimula ng sanglibutan at lahat ng mga nabubuhay na nilalang. Nilikha ng Diyos ang lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan:
Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng
Kaniyang kapangyarihan, Kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng
Kaniyang karunungan, at Kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng
Kaniyang pagkaunawa. (Jeremias 10: 12)
Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop
na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng Aking dakilang kapangyarihan, at sa
pamamagitan ng aking unat na bisig; at Aking ibinigay doon sa minamarapat Ko. (
Jeremias 27:5)
Sapagkat sa Kaniya nilalang ang lahat na
mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita,
maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng
mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya at ukol sa Kaniya. (Colosas 1:16)
Yamang nilalang ng Diyos ang lahat ng bagay, walang anoman na hindi saklaw ng Kaniyang kapangyarihan:
Ah Panginoong Dios! Narito, Iyong ginawa
ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng Iyong malaking kapangyarihan, at sa
pamamagitan ng Iyong unat na kamay; walang bagay na totoong napakahirap sa
Iyo. (Jeremias 32:17)
Ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan sa likod ng lahat ng mga bagay sa kanilang kasalukuyang kalagayan:
Marapat Ka, Oh Panginoon namin at Dios
namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan:
sapagkat nilikha Mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa Iyong kalooban ay
nangagsilitaw, at nangalikha.
(Apocalipsis 4:11)
Sapagkat Kaniya, at sa pamamagitan Niya, at
sa Kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian
magpakailanman. (Roma 11:36)
Palibhasa’y Siyang sinag ng Kaniyang
kaluwalhatian, at tunay na larawan ng Kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng
lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng Kaniyang kapangyarihan… (Hebreo 1:3)
Nasa kapangyarihan ng Diyos ang mga panahon at mga bahagi ng panahon:
At sinabi Niya sa kanila, Hindi ukol sa
inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng
Ama sa Kaniyang sariling kapamahalaan.
(Gawa 1:7)
Ang lupa at lahat ng narito ay sa Panginoon:
Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong
narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito. (Awit 24:1)
Sa Genesis 14:22 ang Diyos ay tinawag na may ari ng langit at ng lupa. Ang pagmamayari ng isang bagay ay nangangahulugan na may kapangyarihan ka dito.
Maraming mga kaharian at mga pamahalaan sa sanglibutang ito. Subalit ang Kaharian ng Diyos ay nangingibabaw. Ang ibig sabihin nito ay Siya ang namamahala sa lahat:
Itinatag ng Panginoon ang Kaniyang luklukan
sa mga langit; At ang Kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat. (Awit 103:19)
Iyo, Oh Panginoon, ang kadakilaan, at ang
kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan:
sapagkat lahat ng nangasa langit at nangasa lupa ay Iyo: Iyo ang kaharian, Oh
Panginoon, at Ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.
Ang mga kayamanan at gayon din ang
karangalan ay nangagmumula sa Iyo, at Ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa
Iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa Iyong kamay ang
pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.
(I Cronica 29:11-12)
Yamang ang Diyos ang lumalang sa tao, Siya lamang ang may kapangyarihan sa espiritu ng tao:
Walang tao na may kapangyarihan sa diwa
upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan… (
Eclesiastes 8: 8)
Ang Diyos ay may kapangyarihang magligtas sa kanila na itinakda nang mamatay:
Dumating nawa sa harap mo ang buntong
hininga ng bihag; Ayon sa kadakilaan ng Iyong kapangyarihan ay palagiin mo
yaong nangatakda sa kamatayan. (Awit 79:11)
Ang Diyos ay may kapangyarihang magbigay ng kapangyarihan sa nanglulupaypay:
Siya’y nagbibigay ng lakas sa mahina; at
ang walang kapangyarihan ay pinananagana Niya sa kalakasan. (Isaias 40:29)
…Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng
kalakasan at kapangyarihan sa Kaniyang bayan.
(Awit 68:35)
Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi naaapektuhan ng kawalan o pagma-mayroon ng kapangyarihan ng tao:
…Panginoon, walang iba liban sa Iyo na
makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas… (II
Cronica 14:11)
May kapangyarihan ang Diyos na magligtas. Ang Biblia ay puno ng mga tala kung paanong ang mga taong nangangailangan ay iniligtas ng Diyos sa mahimalang paraan. Dalawang magagandang halimbawa ang masusumpungan sa aklat ni Daniel. Basahin kung paano iniligtas ng Diyos ang Kaniyang mga lingkod sa nagniningas na hurno sa Daniel 3 at mula sa mga leon sa Daniel 6.
Ang Kaniyang kapangyarihan ay walang hanggan:
Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan…
(Nahum 1:3)
Ang Kaniyang kapangyarihan ay walang kapantay:
Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, hindi
natin mauunawa; Siya’y marilag sa kapangyarihan; at sa kahatulan at saganang
kaganapan… (Job 37:23)
Ang kapangyarihan ng Diyos ay magpakailanman. Isinulat ni Pablo na ang Diyos ay …
…Siya lamang ang walang kamatayan, na
nananahan sa liwanag na di malapitan;
na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at
paghaharing walang hanggan. (I Timoteo
6:16)
Sa huling aklat ng Biblia nababasa natin ang isang hinaharap na pangyayari sa langit na noon ay…
…napuno ng usok ang santuario mula sa
kaluwalhatian ng Dios, at sa Kaniyang kapangyarihan… (Apocalipsis 15:8)
Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian,
at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at KAPANGYARIHAN, at
kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa. (Apocalipsis 7:12)
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig
ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na
nagsasabi, Aleluya; Kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan ay nauukol
sa ating Dios. (Apocalipsis 19:1)
Paulit-ulit, sa pasimula hanggang sa wakas, binibigyang diin ng Biblia na ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan.
PAANO INIHAHAYAG NG DIYOS ANG KANIYANG KAPANGYARIHAN
Ang Biblia ay talaan kung paano inihayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan sa lupa. Narito ang ibat-ibang paraan ng paghahayag ng Diyos ng Kaniyang kapangyarihan:
KALIKASAN:
Inihayag ng Diyos ang Kaniyang sarili sa kalikasan. Ang mga halaman at mga hayop, kapatagan at bundok, tubig at ilang, at kahit ang himpapawid sa itaas ay mga nakikitang palatandaan ng kaniyang kapangyarihang lumikha:
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo
ang Dios sa Kaniyang santuario; Purihin ninyo Siya sa langit ng Kaniyang
kapangyarihan. (Awit 150:1)
Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa
pamamagitan ng Kaniyang kalakasan; Palibhasa’t nabibigkisan sa palibot ng
kapangyarihan;
Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, Ng
hugong ng kanilang mga alon…
(Awit 65:6-7)
Ang Diyos ay sumasa hangin, dagat, at mga bundok:
Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan
sa mga langit; At sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan Niya
ang hanging timugan.
(Awit 78:26)
…ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa
bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng Kaniyang mga paa.
Kaniyang sinasaway ang dagat, at tinutuyo
ang lahat ng ilog…
Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa
Kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa’y lumilindol sa Kaniyang
harapan… (Nahum 1:3-5)
Hawak Niya ang mga elemento ng kalikasan:
Pagka Siya’y naguutos, may hugong ng tubig
sa langit, at Kaniyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa;
Siya’y nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga
kinalalagyan. (Jeremias 10:13)
Nagbibigay ang Job 38-40 ng mga
detalyadong tala kung paano nahayag ang Diyos sa daigdig ng kalikasan. Inihayag
ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan na napakaliwanag sa kalikasan na wala nang
maaaring idahilan ang tao ng hindi pagsamplataya sa Kaniya:
Sapagkat ang mga bagay Niyang hindi
nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa
pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa Niya, maging ang walang
hanggan Niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila’y walang madahilan. (Roma 1:20)
ANG KANIYANG NASULAT NA MGA SALITA:
Mula sa pasimula hanggang sa wakas, ang nasulat na Salita ng Diyos ay naghahayag ng Kaniyang kapangyarihan. Nagsimula ito sa Kaniyang kapangyarihang lumikha. Ito ay nagwawakas sa Kaniyang kapangyarihang pumuksa, humatol, at lumikha muli. Sa pagitan ng Genesis at Apocalipsis, itinala ng Salita ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihang palaging gumagawa sa sanglibutan at sa buhay ng mga lalake at babae.
Hindi lamag nahahayag ang Kaniyang kapangyarihan sa mga kasaysayang nasulat sa Salita ng Diyos, kundi ang mga salitang ginamit sa pagtatala ay makapangyarihan:
Sapagkat ang salita ng Dios ay buhay, at
mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon
hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak,
at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. (Hebreo 4:12)
KAHATULAN:
Ang mga paghatol ng Diyos ay naghahayag ng Kaniyang kapangyarihan. Ang Kaniyang kapangyarihan ay unang nahayag sa paghatol ng Kaniyang hatulan si Adan at Eba pagkatapos nilang magkasala (Genesis 3).
Nahayag ito sa isang higit na dakilang antas nang gunawin ng Diyos ang buong sanglibutan sa pamamgitan ng baha sa panahon ni Noe (Genesis 6-9).
Ang Biblia ay nagtalang patuloy ng kapangyarihan ng Diyos na nahayag sa pamamagitan ng paghatol sa kasalanan. Nagpadala Siya ng kahatulan sa Kaniyang bayan kung sila ay magkasala. Nagpadala rin Siya ng kahatulan sa mga masasamang mga bansa. Mababasa mo ito sa aklat ng Mga Hukom at sa mga aklat na isinulat ng mga propeta.
Sa tuwing magpapadala ang Diyos ng kahatulan, Kaniyang malinaw na inihahayag na ang dahilan ay upang makilala ng Kaniyang bayan ang Kaniyang kapangyarihan (para sa halimbawa, tingnan ang Exodo 7:17).
KATUBUSAN:
Sa buong kasaysayan, inihayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan sa mahimalang mga gawa ng katubusan.
Bagamat hinatulan ng Diyos si Adan at Eba, nagkaloob naman Siya ng daan ng kaligtasan para sa kanila (Genesis 3:15). Bagamat Kaniyang pinarusahan ang mga masasama sa lupa sa pamamagitan ng baha, nagkaloob Siya ng isang daong ng kaligtasan (Genesis 6-9).
Tinubos ng Diyos ang Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan:
At sapagkat Kaniyang inibig ang iyong mga
magulang, kaya Kaniyang pinili ang Kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas
Ka niya sa Egipto ng Kaniyang pagharap, ng Kaniyang dakilang
kapangyarihan. (Deuteronomio 4:37)
Nagtindig ang Diyos ng mga hukom,
hari, at propeta na ginamit Niya upang tubusin ang Kaniyang bayan mula sa kamay
ng kaaway. Sinabi ni Nehemias tungkol sa Israel:
Ang mga ito nga’y ang Iyong mga lingkod at
ang Iyong bayan, na Iyong tinubos sa pamamagitan ng Iyong dakilang
kapangyarihan, at sa pamamagitan ng Iyong malakas na kamay. (Nehemias 1:10)
Sa tuwing tutubusin ng Diyos ang Kaniyang bayan, mayroon Siyang layunin. Ang layuning yaon ay ihayag ang Kaniyang kapangyarihan:
Gayon ma’y iniligtas Niya sila dahil sa
Kaniyang pangalan, Upang Kaniyang maipabatid ang Kaniyang matibay na
kapangyarihan. (Awit 106:8)
SI JESU-CRISTO:
Ang painakadakilang plano ng katubusan ng Diyos ay nahayag kay Jesu-Cristo na sa pamamagitan Niya ang lahat ng tao ay maaaring matubos mula sa kasalanan minsan at magpakailanman.
Ang kapangyarihan ng Diyos ay nahayag sa pamamagitan ng mga hula tungkol sa pagsilang ni Jesus at sa Kaniyang mahimalang pagsilang. Maliwanag din sa buhay, katuruan, at ministeryo ng Panginoon at gayon din sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli.
Ang pinakadakilang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos ay nasa kay Jesu-Cristo:
At narinig ko ang isang malakas na tinig sa
langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating
ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at
ang kaharian ng ating Dios, at ang KAPAMAHALAAN NG KANIYANG CRISTO: sapagkat
inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y
nagsusumbong sa harapan ng ating Diyos araw at gabi. (Apocalipsis 12:10)
Sa Ika-apat na Kabanata ng kursong ito, pag-aaralan mong detalyado kung paanong ang kapangyarihan ng Diyos ay nahayag sa kay Jesu-Cristo.
ANG ESPIRITU SANTO:
Ipinangako ni Jesus sa Kaniyang mga alagad:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi Ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Ang Gawa 2 ay tala ng pagdating ng Espiritu Santo, na sinugo ng Diyos tulad ng ipinangako ni Jesus. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo patuloy na inihahayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan. Matutuhan mo kung paano sa pag-aaral mo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo sa bandang hulihan ng kursong ito.
MGA TANDA AT KABABALAGHAN:
Natutuhan mo na na ang Diyos ay naghayag ng Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng kahatulan at katubusan ng Kaniyang bayan. Ngunit naghayag din ng kapangyarihan ang Diyos sa ibang makalangit na paraan. Ang ibig sabihin ng “makalangit” o supernatural ay higit pa sa kapangyarihan ng likas na larangan. Ito ay isang bagay na hindi magagawa ng kapangyarihan ng tao.
Ang kapangyarihan ng Diyos ay nahayag sa pamamagitan ng mga mahimalang pagpapagaling, pagliligtas mula sa kapangyarihan ng demonyo, mga patay na muling nabubuhay…o kahit apoy na bumagsak mula sa langit. Ang buong Biblia ay tala ng mga tanda at kababalaghan na naghahayag ng kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nahahayag pa rin hanggang ngayon sa pamamagitan ng ganitong mga tanda.
MGA MANANAMPALATAYA:
Sinabi ni Jesus na ang gayong mga tanda ay gagawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga mananampalataya:
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa Aking pangalan;
mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung
magsiinom sila ng mga bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi
makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit,
at sila’y magsisigaling.
(Marcos 16:17-18)
Mula sa pasimula ng Kaniyang nasulat na Salita, gumawa ang Diyos sa lupa sa pamamagitan ng mga lalake at babae. May kakayahan ang tao para sa kapangyarihan hindi tulad ng ibang mga nilikha. Ang kahatulan ng Diyos ay dumating sa pamamagitan ng mga masasamang mga lalake at babae. Ang katubusan naman ay dumating sa pamamagitan ng mga banal na mga hukom, propeta, hari, at sa wakas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Nang dumating si Jesus sa lupa upang ihayag ang kapangyarihan ng Diyos, isinilang Siya sa anyong tao. Ang pinakadakilang katubusan sa lahat ng panahon, katubusan mula sa kasalanan, ay dumating sa anyo ng isang tao.
Pagkatapos na bumalik si Jesus sa langit, nagpatuloy ang Diyos sa paghahayag ng Kaniyang kapangyarihan sa lupa sa pamamagitan ng mga lalake at babae. Ang aklat ng Gawa ay tala ng kapangyarihan ng Diyos na gumagawa sa pamamagitan ng mga mananampalataya.
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa
lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang
Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip… (Marcos 16:20)
Ang kapangyarihan ng Diyos ay nahayag sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ebanghelyo na bumabago sa buhay ng mga lalake at babae. Ito ay nahayag sa mga himala ng kagalingan at pagliligtas. Ang Kaniyang kapangyarihan ay nahayag sa kabila ng pagdurusa at paguusig.
Kailanman ang Diyos ay nagtitindig ng isang tao o ministeryo. Ito ay para sa layuning ipakita ang Kaniyang kapangyarihan . Sinabi ng Diyos kay Moises:
Datapuwat totoong totoo, na dahil dito ay
pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang Aking kapangyarihan, at upang ang
Aking pangalan ay mahayag sa buong lupa.
( Exodo 9:16)
Nagpapatuloy ang Diyos na ihayag ang Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga mananampalataya na bahagi ng tunay na Iglesia. Inihahayag Niya ang Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga tanging tagapanguna na Kaniyang itinakda sa Iglesia at sa pamamagitan ng mga kaloob na espirituwal na ibinigay sa mga mananampalataya. Mapag-aaralan mo pa ang tungkol dito sa Ika-limang Kabanata sa “Itinakdang Kapamahalaan.”
BAKIT INIHAHAYAG NG DIYOS ANG KANIYANG KAPANGYARIHAN
Bakit inihayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan sa lupa? Bakit Siya nagpakita ng mga mahimalang mga tanda sa sangkatauhan? Maraming mga layunin ang Diyos sa kapangyarihan Niya na gumagawa sa sanglibutan. Pag-aaralan mo ito sa Ika-anim Na Kabanata sa “Ang Mga Layunin Ng Kapangyarihan.”
Subalit ang maraming mga layunin ng kapangyarihan ng Diyos ay maaaring sumahin sa isang pangunahing layunin. Ang layuning ito mula pa sa pasimula ng panahon ay ang tubusin ang makasalanang sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang layunin ng kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan ay ang ilapit ang lahat ng mga tao sa Kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesu-Cristo:
Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng
Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.
Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga
panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na
nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya,
sinasabi Ko. (Efeso 1:9-10)
Ayon sa panukalang walang hanggan na
ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin. (Efeso 3:11)
ANG IBANG MGA ANTAS NG KAPAMAHALAAN
Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan. Siya ang pinakamataas at sukdulang kapamahalaan sa buong sansinukob.
Nagtatag ang Diyos ng ibang antas ng kapamahalaan sa sanglibutan. Nagbigay Siya ng kapamahalaan sa Kaniyang Anak, si Jesu-Cristo. Binibigyan Niya ng kapamahalaan ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nagtatag din ang Diyos ng kapamahalaan sa lipunan, sa gobyerno, negosyo, sa tahanan at sa iglesia. Ang mga antas na ito ng kapamahalaan ay mahahalagang lahat. Upang maunawaan mo nang wasto ang mga prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal dapat mong kilalanin ang straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos. Pag-aaralan mo ang bawat isa sa mga ito sa kursong ito.
Una muna, ang pansin ay dapat matuon sa isang mahalagang katotohanan na nahayag sa Biblia. Bagamat ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan, ang Kaniyang kapamahalaan ay laging hinahamon. Ang mga antas ng kapamahalaan na Kaniyang itinatag sa sanglibutan ay hinahamon din palagi. May mga pwersang masama na hinahamon ang kapamahalaan ng Diyos. Hindi naman mga banta ang mga ito sa Kaniyang kapamahalaan sa anomang paraan, ngunit ang mga ito ay palaging nakikipaglaban. Kung isama mo sa iyong buhay ang mga “Prinsipyo ng Kapangyarihan” ikaw din ay hahamunin ng mga pwersa ng kasamaan. Ang mga sumusunod na kabanata “Ang Huwad Na Humahamon,” ay tinatalakay ang paksang ito.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang “pinagmumulan” ng isang bagay?
3. Sino ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan?
4. Ilista ang walong paraan ng paghahayag ng Diyos ng Kaniyang kapangyarihan sa lupa.
________________________________ ______________________________________
________________________________ ______________________________________
________________________________ ______________________________________
________________________________ ______________________________________
5. Ang pangungusap bang ito ay Tama o Mali? “Ang Diyos lamang ang bukod tanging
kapangyarihan sa sansinukob. Wala nang ibang antas ng kapangyarihan.” Ang pangungusap na
ito ay ______________.
6. Ibigay ang reperensya sa Kasulatan na nagpapaliwanag ng pangunahing layunin ng Diyos sa paghahayag ng Kaniyang kapangyarihan sa lupa.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Si David ang pinakadakilang Hari na namahala sa bansang Israel. Kinilala niya na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan:
II Samuel 23:33; Awit 59:11, 16; 62:11; 63:2; 65:6; 68:35; 78:26; 79:11; 90:11;
106:8; 110:3; 111:6; 145:11; 150:1
Sumahin ang natutuhan mo mula sa mga Kasulatang ito:
2. May inihayag si David na pansariling nais kaugnay ng kapangyarihan ng Diyos. Ano ang nais na ito na kaniyang inihayag sa Awit 71:18?
3. Sa iyong pag-aaral ng Biblia, itala kung paano naghahayag ang Diyos ng Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng:
Kalikasan Jesu-Cristo
Kahatulan Ang Espiritu Santo
Katubusan Makalangit na mga tanda
Ang Kaniyang Nasulat na Salita Mananampalataya
IKATATLONG KABANATA
ANG HUWAD NA HUMAHAMON
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin si Satanas ang huwad na humahamon sa tunay na kapangyarihan ng Diyos.
-Ipaliwang ang ibig sabihin ng “espirituwal na kasamaan sa dakong kataas-taasan.”
-Ibigay ang buod kung paano ginagaya ni Satanas ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng espirituwal na kasamaan sa dakong kataas-taasan.
SUSING MGA TALATA:
At hindi katakataka: sapagkat si Satanas
man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang
mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang
kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa. (II Corinto 11:14-15)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata, natutuhan mo na ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan at ng mga paraan ng pagpapahayag ng Kaniyang kapangyarihan sa lupa. Ngunit ang kapangyarihan ng Diyos ay hinahamon. May agawan ng kapangyarihan na nagaganap sa sanglibutan ngayon. Hindi ito labanan sa laman at dugo. Ito ay labanan ng isang huwad na naghihimagsik laban sa Diyos.
ANG HUWAD NA HUMAHAMON
Patuloy na hinahamon ni Satanas ang kapangyarihan ng Diyos sa sansinukob. Hindi naman gayon sa pasimula. Si Satanas ay nilalang ng Diyos na isang magandang anghel na nagngangalang Lucifer. Basahin ang orihinal niyang kalagayan sa Ezekiel 28:12-17.
Ngunit si Satanas ay naghimagsik laban sa kapangyarihan at kapamahalaan ng Diyos. Ninais niyang maging tulad ng Diyos mismo. Maaari mong basahin ang kasaysayan ng kaniyang paghihimagsik sa Ezekiel 28:17 at Isaias 14:12-15. Magagawa ng Diyos na siya ay ibagsak hanggang sa mamatay dahil sa kaniyang paghihimagsik. Ngunit kung ganito ang ginawa ng Diyos sa una Niyang kaaway, magkakaroon muli ng susunod na paghihimagsik at ang kasaysayan ng langit ay mapupuno ng mga katulad na sakuna.
Sa halip, inihagis ng Diyos si Satanas mula sa langit at pinahintulutan ang kaniyang inaangking kapangyarihan na masubukan sa lupa. Inihagis din ng Diyos ang ibang mga anghel na nakilahok sa paghihimagsik ni Satanas. Ang mga masasamang anghel ay kilala ngayon bilang mga “demonyo” o “diablo” na gumagawa sa sanglibutan ngayon.
Di nagtagal pagkatapos lalangin ng Diyos ang unang lalake at babae, na ang labanan sa lupa ay nagsimula. Mababasa mo ang unang hamon na ito sa Genesis kabanatang 3. Ang pagkabulid ni Adan at Eba sa kasalanan ay nagugat din sa paghihimagsik laban sa kapamahalaan at kapangyarihan ng Diyos. Hinangad ni Adan at Eba ang karunungan na kapantay ng sa Diyos. At kasama ng karunungang ito ay darating naman ang kapangyarihan.
Mula sa panahong yaon, hinamon ni Satanas ang kapamahalaan ng Diyos sa lupa. Sa pamamagitan ng kasalanan, sinisikap ni Satanas na akitin ang tao na sa kaniya pailalim sa halip na sa Diyos. May kurso ang Harvestime International Institute na may pamagat na “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Ng Pakikibakang Espirituwal,” na detalyadong tumatalakay sa paksa tungkol kay Satanas. Kung pinag-aaralan mo ang kurso ng Institute ayon sa hanay ng pagkakasunod-sunod ng mga kurso, nakuha mo na ang kursong ito. Kung hindi pa, iminumungkahi namin na kunin mo ito upang tulungan ka sa pagkaunawa sa kaaway na ito at sa mga tiyak na mga estratehiyang espirituwal na makadadaig sa kaniyang kapangyarihan.
Isa sa pinaka-pangunahing paraan ni Satanas sa paghamon sa kapangyarihan ng Diyos ay ang gumawa ng huwad nito. Ang huwad ay isang imitasyon ng isang bagay at ang pakay ay manglinlang o mangdaya. Halimbawa, ang huwad na pera ay ginawa na kamukhang-kamukha ng tunay na pera. Naikakalat ang mga ito sa iba ng mga kriminal na mistulang tunay na pera upang dayain sila.
Hinuhuwad ni Satanas ang kapangyarihan ng Diyos. Ginagaya niya ang kapangyarihan ng Diyos upang dayain ang mga tao. Ginagamit niya ang mga anghel (demonyo) upang tumulong na maabot ang pakay na ito. Si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay lumilitaw bilang mabuti sa halip na masama. Tayo ay binalaan:
At hindi katakataka: sapagkat si Satanas
man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang
mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang
kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa. (II Corinto 11:14-15)
Sa mga huling araw sa lupa, ang paghuhuwad ni Satans sa kapangyarihan ng Diyos ay lalaganap. Sa pamamagitan ng mga tanda at kababalaghan, madadaya ang marami:
Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa
gawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang
kasinungalingan,
At may buong daya ng kalikuan sa
nangapapahamak; sapagkat hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang
sila’y mangaligtas.
At dahil dito’y ipinadadala sa kanila ng
Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan. (II
Tesalonica 2:9-11)
Inihahayag ng Kasulatan kung paano gumawa si Satanas. Hinuhuwad niya ang kapangyarihan ng Diyos ng “lahat ng kapangyarihan at mga tanda at mapandayang mga kababalaghan.” Ang tanging paraan upang matuklasan mo ang kaniyang pangdaraya ay sa pamamagitan ng katotohanan ng Salita ng Diyos.
MGA PAMUNUAN AT KAPANGYARIHAN
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa
mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadiliman
ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong
kaitaasan. (Efeso 6:12)
Ang tao ay nabitag sa pakikpagtunggaling ito ni Satanas sa paghihimagsik laban sa kapangyarihan ng Diyos. Tayo ay sangkot sa isang pakikibaka sa kapangyarihan ni Satanas. Ngunit ang kapangyarihan ng Diyos ay higit kay sa mga “luklukan, pagsakop, mga pamunuan at mga kapangyarihan” (Colosas 1:16) at higit na malakas kay sa lahat ng mga “pamunuan kapangyarihan sa dakong kataas-taasan” (Efeso 6:12). Ngunit kailangang ikaw ay maging handa sa mga kapangyarihang mapangdaya ni Satanas na hinuhuwad ang kapangyarihan ng Diyos. Dapat kang may kamalayan sa…
ESPIRITUWAL NA KASAMAAN SA DAKONG KATAAS-TAASAN
Nang banggitin ni Pablo ang “kasamaang espirituwal sa dakong kataas-taasan”, ang tinutukoy niya ay ang mga masasamang espiritu na napasok na ang mga sistema ng rehiyon sa sanglibutan. Naitatag ni Satanas ang kaniyang masasamang pwersa upang gayahin ang organisasyon ng tunay na Iglesia ng Diyos. Sa ilang mga kaso, mayroon siyang aktuwal na mga kapulungan na kilala bilang “Ang Iglesia ni satanas” o “Espiritista.” Nagtatag din siya ng isang kaayusan ng pagsamba sa “dakong kataas-taasan” ng orgnisadong relihiyon.
Naitatag din ni Satanas ang kaniyang mga paraan sa loob mismo ng tunay na Iglesia sa pamamagitan ng mga taong masasama na “nakapasok ng lihim” (Juds 4). Si Satanas ay maraming taga-gaya sa loob mismo ng Iglesia na nagpapakita ng kapangyarihan, ngunit hindi kapangyarihan ng Diyos. Ang straktura na itinatag ni Satanas sa mga dakong kataas-taasan ng relihiyon ay nakasalig sa imitasyon at pandaraya.
SI SATANAS AY MAY KANIYANG TRINITY:
Ang Diyos ay may Trinity ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang trinity naman ni Satanas ay kabilang si Satanas mismo, ang hayop, at ang bulaang propeta.
SI SATANAS AY MAY SARILING IGLESIA:
Itinatag ng Diyos ang tunay na Iglesia na kilala bilang “Katawan ni Cristo” na si Jesus ay siyang ulo:
Kayo nga ang katawan
ni Cristo, at bawat isa’y samasamang mga sangkap Niya.
(I Corinto 12:27)
Si Satanas ay may sarli niyang iglesia na tinawag namang “ang sinagoga ni Satanas”:
Nalalaman Ko ang…pamumusong na nagsasabing
sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas. (Apocalipsis 2:9)
Ang sinasabing “sinagoga ni Satanas” ay hindi karaniwang ginagamit ng hayagan, ngunit ang kaniyang sinagoga ay natatayo saan man ang Ebanghelyo ng Panginoong Jesu-Cristo ay hindi naipapangaral.
SI SATANAS AY MAY DOKTRINA:
Ang Diyos ay may doktrina na nahayag sa Kaniyang banal na Kasulatan, ang Biblia:
Ang lahat ng kasulatan na kinasihan ng Dios
ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa
ikatututo na nasa katuwiran.
(II Timoteo 3:16)
Ang doktrina ni Satanas ay tinawag na “aral ng mga demonyo”:
Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa
mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig
sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio. (I Timoteo 4:1)
Ang aral ng mga demonyo ay ang anomang katuruan na inihaharap bilang katotohanan na hindi sumasangayon sa nasulat na Salita ng Diyos.
SI SATANAS AY MAY SISTEMA NG PAGHAHAIN NG HANDOG:
Sa Roma 12, sinabihan tayo na iharap ang ating sarili bilang isang haing buhay. Ang ibig sabihin nito ay sumuko tayo ng lubusan sa Diyos. Hinihiling din ni Satanas ang paghahain:
Subalit sinasabi ko na ang mga bagay na
inihahain ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga dmonio, at hindi sa Dios:
at di ko ibig na kayo’y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio. (I Corinto 10:20)
Hinihiling ni Satanas ang lubos na pagsusuko ng katawan, kaluluwa at espiritu. May mga paglilingkod ng paghahain na ginagawa ang mga lalake at babae na nagtatalaga ng kanilang sarili sa paglilingkod kay Satanas. Ang paghahandog ng dugo ng tao at hayop ay ginagawa rin.
SI SATANAS AY MAY KANIYANG SARILING KOMUNYON:
Ang pagbabahagi ng tinapay at saro sa komunyon ay sinimulan ni Jesus bilang pagaalaala sa Kaniyang handog para sa kasalanan ng buong sangkatauhan doon sa krus (I Corinto 11:23-34). Ito naman ay hinuhuwad ni Satanas ng kaniyang sariling komunyon:
Hindi ninyo maiinuman ang saro ng
Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo’y hindi maaaring makisalo sa dulang
ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.
(I Corinto 10:21)
SI SATANAS AY MAYROON DING MGA MINISTRO:
May ilang tinatawag ang Diyos
upang maglingkod bilang mga pastor at ministro sa Kaniyang Iglesia sa
pamamagitan ng paghahatid ng Ebanghelyo (I Corinto 12:28). Si Satanas ay
mayroon ding kaniyang ministro:
At hindi katakataka: sapagkat si Satanas
man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang
mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang
kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa. (II Corinto 11:14-15)
Ang ministro ni Satanas ay naghahatid ng kaniyang “ebanghelyo” na salungat sa Ebanghelyo ng Panginoong Jesu-Cristo:
Na ito’y hindi ibang evangelio; kundi
mayroong ilan na sa inyo’y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang
evangelio ni Cristo.
Datapuwat kahima’t kami, o isang anghel na
mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming
ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.
(Galacia 1:7-8)
Hindi dahil sa ang isang mensahe ay inihatid sa isang makapangyarihang paraan ay mensahe na nga ito ng tunay na Ebanghelyo.
SI SATANAS AY MAYROONG LUKLUKAN:
Ang Diyos ay may luklukan sa langit. Si Satanas ay may luklukan din, bagamat hindi sinabi sa atin kung saan ito:
At ang hayop na aking nakita ay katulad ng
isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang
bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang
kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan. (Apocalipsis 13:2)
SI SATANAS AY MAY MGA MANANAMBA:
Marami ang sumamsamba sa tunay na Diyos. Si Satanas ay mayroon ding mananamba:
…at nangagsisamba sa hayop, na
nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop?
(Apocalipsis 13:4)
Ang ilang mga mananamba ni Satanas ay nagpapanggap na mga tagasunod ni Jesus:
At ang bukid ay ang sanglibutan; at ang
mabuting binhi, ay ito ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay
ang mga anak ng masama;
At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang
diablo: at ang pag-aani ay ang katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay
ang mga anghel.
(Mateo 13:38-39)
Inihahalo ni Satanas ang mga masamang “binhi” sa mga “mabubuting binhi” (tunay na mananampalataya).
SI SATANAS AY MAY MGA PROPETA:
Ang Diyos ay naglagay ng mga propeta sa iglesia, mga lalake na tanging pinahiran upang magdala ng mensahe mula sa Kaniya para sa iglesia (I Corinto 12:28). Si Satanas ay may mga bulaang propeta:
At magsisibangon ang
maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
(Mateo 24:11)
SI SATANAS AY MAY MGA TAGPAGTURO:
Pinahiran ng Diyos ang ilang tao upang maging mga tagapagturo ng Kaniyang Salita sa iba (I Corinto 12:28). Ngunit hindi lahat ng mga tagapagturo ay galing sa Diyos. Si Satanas ay may mga bulaang tagapagturo na nagkakalat ng kaniyang masamang doktrina:
Ngunit may nagsilitaw din naman sa bayan na
mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro,
na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya,
na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa
kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
At maraming magsisisunod sa kanilang mga
gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng
katotohanan.
At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita
ay ipangangalakal kayo… (II Pedro 2:1-3)
Ang mga tagapagturo ni Satanas ay naghahatid ng mga katuruang “makakapahamak na hidwang pananampalataya” na mga kasinungalingan at nagdadala ng pagkakabaha-bahagi. Ang sinasalita nila ay kabulaanan at mga sanay sa paghahalo ng kamalian at katotohanan sa isang paraan na nagiging katanggap-tanggap ang mali.
SI SATANAS AY MAY MGA APOSTOL:
Ang apostol ay isang tao na nagpapalaganap ng Ebanghelyo at nagtatayo ng mga iglesia (I Corinto 12:28). Si Satanas ay mayroon ding mga apostol na gumagawa ng kaniyang gawain sa buong sanglibutan. Dinadaya nila ang mga tao sa pamamagitan ng paggaya sa mga tunay na apostol:
Sapagkat ang mga gayong tao ay mga bulaang
apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring apostol ni
Cristo. (II Corinto 11:13)
Ang mga apostol ni Satanas ay nagiging mga lider ng mga kulto at pinapasok ang mga iglesia at nagiging mga lider pa sa iglesia.
SI SATANAS AY NAGTITINDIG NG MGA BULAANG CRISTO:
Ginaya ni Satanas ang Panginoong Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pagtitindig ng mga bulaang Cristo. Nagbabala si Jesus:
…Mangagingat kayo na
huwag kayong mailigaw ninoman.
Sapagkat marami ang magsisiparito sa Aking
pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. (Mateo 24:4-5)
Ang mga bulaang Cristo ay maaaring gumamit ng panglan ni Jesus. Maaari din silang gumawa ng mga tanda at kababalaghan. Ngunit sila ay manggagaya ng kapangyarihan ng Diyos.
SI SATANAS AY MAY SISTEMA NG PAGHAHATID BALITA:
Itinala ng Biblia kung paano nagsalita ang Diyos sa mga tao sa nakaraang mga panahon. Patuloy na nagsasalita ang Diyos sa mga tao ngayon. Si Satanas ay nagsasalita rin sa mga tao. Ang mga una niyang salita sa tao ay nagbunga ng kanilang pagkahulog sa kasalanan (Genesis kabanata 3).
Ang mga mananampalataya ay nananalangin sa Diyos tungkol sa kanilang pangangailangan. Ang Diyos ay tumutugon sa mga panalangin ng taong matuwid (Santiago 5:16). Ang mga tagasunod ni Satanas ay nananalangin sa kaniya at nakikipagugnay sa mga masasamang espiritu. Minsan si Satanas ay tumutugon sa pamamagitan ng mga kamanghamanghang pangyayari tulad ng tinig, pagkilos ng mga bagay, ingay, at iba pa. May kapangyarihan si Satanas at maaari siyang magpakita ng kaniyang kapangyarihan sa sanglibutan.
Ang Diyos ay nakipagugnay sa mga tao sa pamamagitan ng Kaniyang nasulat na Salita, ang Biblia. Ang mensahe ni Satanas ay naihahatid din sa pamamagitan ng mga nasusulat sa mga magasin, aklat, pelikula, at musika. Ang pagpapahatid ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng Kaniyang mga Salita na nasulat at sinasalita ay nagbibigay ng panuntuan para sa tao sa mga usapin ng buhay.
Si Satanas ay may bulaang sistema ng pagpatnubay na nagagawa sa pamamagitan ng mga paraang sumusunod:
Astrology at horoscope: Ang paggamit ng mga bituwin upang hulaan ang mga mangyayari at magbigay ng patnubay.
Pagbasa ng mga dahon ng tsa, larawan, bukol sa ulo, guhit ng palad, at bolang kristal. Ang pagaayos ng mga dahon ng tsa, guhit sa palad ng tao, bolang kristal, at mga larawan ay nagaangkin na ito ay nagbibigay ng patnubay.
Pangkukulam: Paggamit ng panggayuma, agimat, rituwal, mga mediums, mga sapalaran, pangitain, mga drowing, at iba pang mga katulad na pamamaraan na hindi ayon sa Biblia upang makatanggap ng patnubay.
SI SATANAS AY MAY KAPANGYARIHAN:
Ipinangako ni Jesus ang kapangyarihan sa Kaniyang mga alagad pagkatapos nilang matanggap ang kapuspusan ng Espiritu Santo (Gawa 1:8). Si Satanas ay nagbibigay din ng kapangyarihan at kapamahalaan (Apocalipsis 13:2). Ang Kaniyang mga demonyo ay nakalilikha ng di pangkaraniwang lakas at enerhiya. Nagbibigay si Satanas ng kapangyarihan at kapamahalaan (Apocalipsis 13:2), tulad ni Jesus. Maaaring gumawa si Satanas ng mga tanda at mga himala:
Sapagkat sila’y mga espiritu ng mga
demonio, na nagsisigawa ng mga tanda…
(Apocalipsis 16:14)
Sinabi ni Jesus:
Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na
yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at
sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y
nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa
kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong
manggagawa ng katampalasanan.
(Mateo 7:22-23)
Pansinin na sinabi ni Jesus “HINDI KITA NAKIKILALA”. Ang mga taong ito na may mga kamangha-manghang pagpapakita ng kapangyarihan ay HINDI KAILANMAN sa Diyos. Sila ay mga huwad na mapandaya.
ANG HIGIT NA DAKILANG KAPANGYARIHAN
Si Satanas ay isang manggagayang nanghahamon. Mayroon siyang malakas na organisasyon. Nakagagawa ang kaniyang mga alipores ng mga makapangyarihang mga gawa. Nagbabala si Jesus tungkol sa kapangyarihan ni Satanas:
Datapuwat ipinagpapauna Ko sa inyo kung
sino ang inyong katatakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay
may kapangyarihang bumulid sa impierno; tunay, sanasabi Ko sa inyo, Siya
ninyong katakutan. (Lucas 12:5)
Ngunit higit ang kapangyarihan ng
Diyos. Sinabi ni Jesus:
…sapagkat lalong dakila Siyang nasa inyo
kaysa nasa sanglibutan. (I Juan 4:4)
Matututuhan mo sa susunod na kabanata kung paanong si Jesus ay dumating na may dakilang kapangyarihan at kapamahalaan upang wasakin ang masasamang gawa ni Satanas. Matututuhan mo sa mga bandang huling mga kabanata kung paanong itinakda ni Jesus ang kapangyarihan sa mga mananampalataya laban sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway.
PAGHARAP SA HUWAD NA HUMAHAMON
Narito ang ilang panuntunan mula sa Biblia sa pagharap sa kapangyarihan ng huwad na humahamon:
KILALANIN NA SI SATANAS AY MANGGAGAYA:
Ang unang hakbang sa pagdaig sa kapangyarihan ni Satanas ay ang pagkilala na ginagaya ni Satanas ang kapangyarihan ng Diyos.
GAMITAN NG PAGKILALA SA MGA ESPIRITU:
Mayroong tanging kaloob ng Espiritu Santo na tinatawag na pagkilala sa mga espiritu. Ito ay isang di pangkarinwang kakayahan na ibinigay ng Diyos upang kaagad mapagkilala kung anong espiritu mayroon ang isang tao at kung ito ay mabuti o masama. Kung mayroon ka ng kaloob ng Espiritu na ito, gamitin mo upang kilalanin kung ang espiritu na nasa tao ay sa Diyos o kay Satanas.
Kung wala ka ng kaloob na ito, ang Diyos ay nagbigay ng ibang mga paraan ng pagkilala. Ang II Pedro 2 at aklat ni Judas ay naglista ng mga katangian ng mga tao na may mapanghikayat na espiritu na tutulong sa iyo upang matukoy sila. Kahit gaano ka-espirituwal o makapangyarihan ang isang tao, dapat pa ring suriin siya ayon sa Salita ng Diyos.
KILATISIN KUNG TUNAY SA PAMAMAGITAN NG BUNGA:
Sapagkat ginagaya ni Satanas ang kapangyarihan ng Diyos sa
pamamagitan ng mga pagpapakita ng mga himala, tanda at kababalaghan, nagbigay
ang Diyos ng paraan upang masuri natin ang mga ministeryo. Itinulad ni Jesus
ang mga tao sa punong nagbubunga:
Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy
ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.
Kaya’t sa kanilang mga bunga ay
mangakikilala ninyo sila. (Mateo 7:18,
20)
Maaaring magaya ni Satanas ang mga kaloob na espirituwal at ang kapangyarihan ng Diyos, ngunit hindi niya magagaya ang isang buhay na banal na naghahayag ng bunga ng Espiritu Santo kabilang ang…
…pagibig, katuwaan, kapayapaan,
pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan,
pagpipigil… (Galacia 5:22-23)
Tasahin ang mga ministeryo sa pamamagitan ng bungang espirituwal sa halip na kapahayagan ng kapangyarihan.
PAG-ARALAN ANG SALITA NG DIYOS:
Upang makilala mo ang bulaang doktrina ng mga tagapagturo, apostol, propeta at ministro ni Satanas, dapat mong maalaman kung ano ang itinuturo sa Salita ng Diyos. Sinabi ni Pablo kay Timoteo:
Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios,
mangagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng
katotohanan. (II Timoteo 2:15)
Bagamat si Pablo ay isang dakilang espirituwal na lider sa unang iglesia, ang mga mananampalataya sa lungsod ng Berea ay sinuri ang bawat sinabi niya sa pamamagitan ng Salita ng Diyos:
Ngayon lalong naging marangal ang mga ito
kaysa mga taga Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita ng buong
pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang
mga bagay na ito. (Gawa 17:11)
Upang maiwasan na madaya ng kapangyarihan ni Satanas, suriin ang bawat bagay na itinuturo sa liwanag ng Salita ng Diyos. Tasahin ang buhay ng mga tao na nagtuturo ng matitinding mga doktrina o kaya ay gumagawa ng mga tanda at kababalaghan.
Huwag tatanggap ng anomang katuruan, doktrina, kapahayagan, o himala na hindi ka-sangayon ng Salita ng Diyos. Ang kapangyarihan ni Satanas ay madalas nakakahalina sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng tinatawag na “tanging kapahayagan ng bagong katotohanan.” Mga tao na nagaangkin na sila ay may mga tanging panaginip, nagpakitang anghel, pangitain, mga tinig , o iba pang mga di-karaniwang mga pangyayari. Ngunit nagbabala si Pablo:
… kundi mayroong ilan na sa inyo’y
nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo.
Datapuwat kahima’t kami, o isang anghel na
mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming
ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.
(Galacia 1:7-8)
Huwag tatanggap ng mga sinasabing hula na walang wastong kaugnayan sa pananampalataya (Roma 12:6) at hindi naman natutupad (Deuteronomio 18:22). Huwag tatanggap ng anomang kapahayagan na maglalayo sa iyo mula sa Diyos at sa katotohanan ng Kaniyang Salita (Deuteronomio 13:1-5):
Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng
kaunawaan, Magpapahinga sa kapisanan ng patay.
(Kawikaan 21:16)
IWASAN ANG ANOMANG IMPLUWENSYA NI SATANAS:
Nagbabala ang Diyos sa Israel na iwasan ang anomang uri ng impluwensya ni Satanas:
…at inyong sisirain ang lahat ng kanilang
batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang larawang binubo, at
inyong gigibain ang lahat ng kanilang mataas na dako. (Bilang 33:52)
Basahin ang mga dagdag na tagubilin na ibinigay ng Diyos sa Deuteronomio 18:9-14. Ang Israel ay hindi dapat magkaroon ng anomang kaugnayan sa anomang uri ng mga gawa ni Satanas.
Sirain ang anomang nasa iyo na may kinaalaman sa pangkukulam o gawa ng diablo. Kabilang dito ang mga diosdiosan, agimat, bolang kristal, mga laro, o mga gamit para sa panghuhula, at iba pang tulad ng mga ito. Sirain ang anomang babasahin na masama at musika na hindi nagbibigay lugod sa Diyos. Ito ang ginawa ng mga tao sa Bagong Tipan nang sila ay maging mananamplataya:
At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng
mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat, at pinagsusunog
sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga niyaon, at nasumpungang
may limangpung libong putol na pilak.
(Gawa 19:19)
Huwag kang gugugol ng panahon sa mga dako na ang impluwensya ay masama. Sinasabi ng Biblia na ang Diyos ay naghayag ng Kaniyang sarili sa mga tanging dako tulad ng templo sa Lumang Tipan at ang silid sa itaas sa Bagong Tipan sa araw ng Pentecostes. Ganoon din ang kapangyarihan ni Satanas, ito ay nahahayag sa mga dako na itinalaga para sa kasamaan. Kabilang dito ang mga lugar na doon ay nagpapalabas ng masasamang mga pelikula, paglalasing at magulong pamumuhay ang nagaganap, mga pakikipagusap sa mga namatay na ay ginagawa, pagsamba kay Satanas ay idinaraos—saan man na ang mga maksalanang gawa ay nangyayari. Iwasan ang gayong mga lugar, sapagkat ang kapangyarihan ni Satanas ay malakas sa mga lugar na iyan. Hindi mo maidadalangin ang “Huwag mo akong ihatid sa tukso,” at pagkatapos ay ikaw mismo ang pupunta doon:
…at di Ko ibig na
kayo’y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.
(I Corinto 10:20)
Huwag kang makikisama sa mga bulaang tagapanguna, tagapagturo, propeta, ministro o apostol:
Layuan ninyo ang bawat
anyo ng masama. (I Tesalonica 5:22)
KILALANIN NA ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS AY HIGIT KAY SA
KAPANGYARIHAN NI SATANAS:
Ang samahan ng Diyos, ang Iglesia ay higit na makapangyarihan kay sa samahan ni Satanas:
At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko Niya
(Dios) sa ilalim ng Kaniyang (Jesus) mga paa, at Siyang (Jesus) pinagkaloobang
maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa Iglesia. Na Siyang katawan Niya…
(Efeso 1:22-23)
Upang ngayo’y sa pamamagitan ng iglesia, ay
maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang
kapuspusan ng karunungan ng Dios.
(Efeso 3:10)
Si Jesus ang ulo ng Iglesia. Ang mga mananampalataya ay katawan. Kung ang lahat ng mga bagay (kabilang si Satanas at ang kaniyang straktura ng relihiyon) ay nasa ilalim ng paa ni Jesus, kung gayon ay nasa ilalim din ng ating mga paa ang mga ito sapagkat tayo ang Kaniyang katawan. Ang ibig sabihin ng “nasa ilalim ng paa” ay nasa ilalaim ng Kaniyang kapangyarihan at kapamahalaan na itinakda sa atin ng Diyos. Sinabi ni Jesus na mayroon tayong kapangyarihan laban sa “lahat ng kapangyarihan ng kaaway” (Lucas 10:19). Kabilang dito ang kasamaang espirituwal sa dakong kataas-taasan. Si Satanas at ang kaniyang mga alipores ay humahamon sa kapangyarihan ng Diyos, ngunit hindi naman ito banta sa Kaniya o sa Kaniyang bayan. Ang totoo, ang Iglesia ang maghahayag ng kapangyarihan ng Diyos sa mga masasamang pamunuan at kapangyarihang ito!
MATUTUHAN ANG MGA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN NG BIBLIA:
Pag-aaralan mo ang mga prinsipyo ng Biblia sa kursong ito. Kung nauuunawaan mo ang mga prinsipyo ng kapangyarihan ng Diyos, hindi ka madadaya ng mga huwad na gawa ni Satanas.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang ibig sabihin ng “mga espirituwal na kasamaan sa dakong kataas-taasan”?
3. Ibigay ang buod ng lahat ng iyong naaalaala tungkol sa paghuhuwad ng kapangyarihan ng Diyos na ginagawa ni Satanas sa pamamagitan ng mga kasamaang espirituwal sa dakong kataas-taasan.
4. Ilista ang walong mga estratehiya ng Biblia na ibinigay sa kabanatang ito sa pagdaig sa kapangyarihan ng nanghahamon na manggagaya.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Pag-aralan ang II Pedro kabanata 2 at ang aklat ni Judas. Ang mga kabanatang ito ay tutulong sa iyo na makilala ang mga manggagaya ni Satanas sa iglesia.
2. Pag-aralan mo ang kurso ng Harvestime International Institute “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Ng Pakikibakang Espirituwal”. Tutulong ito sa iyo na matutuhan mong higit ang tungkol sa nanghahamon na huwad at magbigay ng tiyak na mga estratehiya upang madaig ang kaniyang kapangyarihan.
3. Bilang manggagaya ng kapangyarihan ng Diyos, hinahangad ni Satanas na mandaya sa sanglibutan ngayon. Ang ibig sabihin ng “mandaya” ay linlangin ang isang tao na maniwala sa isang bagay na hindi totoo.
-Si Satanas ay nangdadaya hindi lamang ng mga tao kundi pati rin mga bansa:
Apocalipsis 20:8-10
-Gumagawa si Satanas na may “buong daya ng kalikuan”: II Tesalonica 2:10
-Tayo ay binalaan na ang pangdaraya ay lalaganap: II Timoteo 3:13
-Sapagkat ang pangdaraya ay lalaganap, tinagubilinan tayo na ating alamin ang mga pangyayari na nagpapahiwatig ng pagbabalik ni Cristo: Mateo 24; Marcos 13; II Tesalonica 2:3
-Binigyan tayo ng babala tungkol sa mga gagamitin ni Satanas upang mangdaya: II Corinto 11:13; Tito 1:10; II Pedro 2:13; II Juan 7
-Mandaraya ang puso ng tao: Jeremias 17:9
-Bawat taong hindi ligtas ay nadaya: II Corinto 4:4; Hebreo 3:13
-Huwag tanggapin ang mga “magagandang pananalita” na hindi kasangayon ng Salita ng Diyos: Roma 16:18; II Corinto 4:2
Ikaw ay nadaya kung…
Nakikinig ka sa mga walang kabuluhang pilosopiya: Colosas 2:8
Nagtitiwala ka sa kayamanan at hinahayaan ang mga pita ng laman: Mateo 13:22; Marcos 4:19;
Efeso 4:22
Tagapakinig ka lamang at hindi tagaganap ng Salita ng Diyos: Santiago 1:22
Sinasabi mo na wala kang kasalanan: I Juan 1:8
Nakikinig ka sa mga taong masama: II Timoteo 3:13
Iniisip mong ikaw ay higit na mahalaga ngunit ang totoo ay wala kang anoman: Galacia 6:3
Iniisip mo na hindi mo aanihin ang iyong inihasik: Galacia 6:7
Iniisip mo na ang liko ay magmamana ng Kaharian ng Diyos: I Corinto 6:9
Iniisip mo na ikaw ay marunong sapagkat may karunungan ka ng sanglibutang ito: I Corinto 3:18
Iniisip mo na ikaw ay espirituwal ngunit hindi mo masupil ang iyong dila na naghahayag ng
iyong tunay na kondisyon: Santiago 1:26
Hindi ka naniniwala na si Jesu-Cristo ay naparito sa laman: II Juan 7
Iniisip mo na ang pakikiugnay sa kasalanan ay hindi makaka-apekto sa iyo: I Corinto 15:33
IKA-APAT NA KABANATA
“WALANG TAONG NANGUSAP NA TULAD NIYA”
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng kapangyarihan ni Jesus.
-Ibigay ang buod ng katuruan ng Biblia tungkol sa kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus.
SUSING TALATA:
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa Langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
(Mateo 28:18)
PAMBUNGAD
Ang Diyos ay may tatlong persona, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Ang pinagmumulan ng kapangyarihan ay ang Diyos Ama. Itinakda ng Diyos ang kapangyarihan sa Kaniyang Anak na si Jesu-Cristo. Ang Espiritu Santo naman ang nagsangkap sa mga mananampalataya ng kapangyarihan na itinakda ng Anak.
Sa kabanatang ito ay matututuhan mo ang kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus. Napakadakila ng kapangyarihan Niya na na nasabi ng mga lider ng relihiyon nang panahong yaon, “Walang taong nangusap na tulad Niya.” (Juan 7:46).
ISINILANG SA KAPANGYARIHAN
Si Jesus ay isinilang sa kapangyarihan ng Espiritu Santo:
At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya,
Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng
Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak
ng Diyos. (Lucas 1:35)
Si Jesus ang nahayag na kapangyarihan ng Diyos:
Ngunit sa kanila na mga tinawag…SI CRISTO
ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS, at ang karunungan ng Diyos. (I Corinto 1:24)
BINAUTISMUHAN SA KAPANGYARIHAN
Kinilala ni Juan ang kapangyarihan ni Jesus. Sinabi niya:
… Sumusunod sa hulihan ko ang lalong
makapangyarihan kay sa akin; hindi ako karapatdapat yumukod at kumalag ng tali
ng Kaniyang mga pangyapak.
Binabautismuhan ko kayo sa tubig; datapuwat
kayo’y babautismuhan Niya sa Espiritu Santo.
(Marcos 1: 7-8)
Nang bautismuhan ni Juan si Jesus sa Ilog ng Jordan bumaba ang Espiritu Santo sa wangis ng isang kalapati:
At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita
ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa Langit; at
dumapo sa Kaniya. (Juan 1:32)
Sinabi ng Diyos kay Juan…
…Ang makita mong babaan ng Espiritu, at
manahan sa Kaniya, ay Siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo. (Juan 1:33)
Ito ay napagtibay nang ang Espiritu Santo ay bumaba sa kay Jesus sa wangis ng isang kalapati. Si Jesus ay hindi lamang napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, Siya ay nabautismuhan ng kapangyarihan.
ISANG NAPATUNAYANG KAPANGYARIHAN
Pagkatapos ng Kaniyang bautismo, si Jesus ay naparoon sa ilang upang tuksuhin ni Satanas:
At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo ay
bumalik mula sa Jordan at inihatid ng Espiritu sa ilang. (Lucas 4:1)
Mababasa mo ang karanasang ito sa Lucas 4:1-13.
Ang kapangyarihan ay napatutunayan sa pamamagitan ng pagsubok. Bawat tukso ni Satanas ay hamon sa kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus. Matagumpay na nadaig ni Jesus ang bawat isa at…
…bumalik si Jesus sa Galilea sa
kapangyarihan ng Espiritu: at kumalat ang kabantugan tungkol sa Kaniya sa
palibot ng buong lupain. (Lucas 4:14)
ANG PINAGMUMULAN NG KANIYANG KAPANGYARIHAN
Ang Diyos Ama ang pinagmumulan ng kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus. Sinabi ni Jesus:
Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagkat Ako’y pinahiran Niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo Niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi. (Lucas 4:18-19)
Hindi ginamit ni Jesus ang kapangyarihan na hiwalay sa Diyos Ama. Sa buong panahon ng Kaniyang ministeryo sa lupa, patuloy na kinilala ni Jesus na ang Diyos ang pinagmumulan ng Kaniyang kapangyarihan:
Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting
gawa na mula sa Ama ang ipinakita Ko sa inyo.
(Juan 10:32)
WALANG HANGGANANG KAPANGYARIHAN
Walang hangganan sa kapangyarihan ni Cristo. Ibinigay sa Kaniya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa:
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
(Mateo 28:18)
Si Jesus ay may kapangyarihan…
Sa kaibaibabawan ng lahat ng pamunuan, at
kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawat pangalan na
ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:
At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko Niya
sa ilalim ng Kaniyang mga paa, at Siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat
ng mga bagay sa Iglesia.
(Efeso 1:21-22)
Si Jesus ang ulo ng lahat ng ibang mga kapangyarihan:
At sa Kaniya kayo’y napuspos na Siyang
pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan.
(Colosas 2:10)
Walang hangganan ang kapangyarihan ni Jesus. Binigyan Siya ng:
KAPANGYARIHANG MAGTURO NA MAY KAPAMAHALAAN:
Ang kapamahalaan ng mga escriba ay salig sa kasulatan ng Lumang Tipan. Ang kapamahalaan ni Jesus ay salig sa Diyos mismo:
At nangagtaka sila sa Kaniyang aral:
sapagkat sila’y tinuturuan Niyang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng
mga escriba. (Marcos 1:22)
At nangagtaka sila sa Kaniyang aral,
sapagkat may kapamahalaan ang Kaniyang salita.
(Lucas 4:32)
KAPANGYARIHAN LABAN SA KASALANAN:
Si Jesus ay may kapangyarihang magpatawad ng kasalanan:
Datapuwat upang maalaman ninyo na ang Anak
ng tao’y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan… (Mateo 9:6)
KAPANGYARIHAN LABAN SA SAKIT:
At nang kinahapunan, ay dinala nila sa
Kaniya ang maraming inaalihan ng demonio: at pinalayas Niya sa isang salita ang
masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit. (Mateo 8:16)
KAPANGYARIHAN LABAN SA KALIKASAN:
At gumising Siya at sinaway ang hangin, at
sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na
totoo ang panahon. (Marcos 4:39)
KAPANGYARIHAN LABAN SA LAMAN:
Gaya ng ibinigay Mo sa Kaniya ang
kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan Niya ng buhay na walang hanggan
ang lahat ng ibinigay Mo sa Kaniya.
(Juan 17:2)
KAPANGYARIHAN LABAN SA KANIYANG MGA KAAWAY:
Sinabi nga sa Kaniya ni Pilato, Sa akin ay
hindi ka nagsasalita? Hindi Mo baga nalalaman na ako’y may kapangyarihang sa
Iyo’y magpawala, at may kapangyarihang sa Iyo’y magpako sa krus?
Sumagot si Jesus sa kaniya, Ano mang
kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa Akin malibang ito’y ibinigay sa
iyo mula sa itaas… (Juan 19:10-11)
KAPANGYARIHAN LABAN SA KAMATAYAN:
Sinabi ni Jesus:
Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang
kabuhayan: ang sumasampalataya sa Akin, bagama’t Siya’y mamatay, sa gayon ma’y
mabubuhay Siya. (Juan 11:25)
Sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, si Jesus…
Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga
kapangyarihan sila’y mga inilagay Niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay
Siya sa kanila sa bagay na ito.
(Colosas 2:15)
KAPANGYARIHAN SA KANIYANG SARILING BUHAY:
Ipinaliwanag ni Jesus ang tungkol sa Kaniyang buhay:
Sinoma’y hindi nagaalis sa Akin nito, kundi
kusa Kong ibinibigay. May kapangyarihan Akong magbigay nito, at may
kapangyarihan Akong kumuhang muli…
(Juan 10:18)
KAPANGYARIHAN NA MAGBIGAY NG KAHATULAN:
Si Jesus ay binigyan ng kapangyarihan na magbigay ng hatol:
At binigyan Niya Siya ng kapamahalaang
makahatol, sapagkat Siya ang Anak ng tao.
(Juan 5:27)
KAPANGYARIHAN LABAN SA MGA DEMONYO:
Si Jesus ay may kapangyarihan at kapamahalaan laban sa mg demonyo:
At silang lahat ay nangagtaka at
nangagsalitaan sa isa’t isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? Sapagkat
Siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na
espiritu, at nagsisilabas sila. (Lucas
4:36)
At silang lahat ay nangagtaka, anupa’t
sila-sila rin ay nangagtatanungan, na sinasabi, Ano kaya ito? Isang bagong aral
yata! May kapamahalaang naguutos pati sa mga karumaldumal na espiritu, at
Siya’y tinatalima nila. (Marcos 1:27)
Samakatuwaid baga’y si Jesus na taga
Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Diyos ng Espiritu Santo at ng
kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng
pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa Kaniya ang Diyos. (Gawa 10:38)
KAPANGYARIHAN LABAN SA LAHAT NG GAWA NG KAAWAY:
Ang layunin ng pagkaparito ni Jesus sa sanglibutan ay upang wasakin ang lahat ng mga gawa ng Diablo:
…Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng
Diyos, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.
(I Juan 3:8)
KASALUKUYANG KAPANGYARIHAN
Pagkatapos ng Kaniyang kamatayan at pagkabuhay na maguli, si Jesus ay bumalik sa langit. Doon ay patuloy Siyang nagmi-ministeryo sa kapangyarihan at kapamahalaan sa kanang kamay ng Diyos:
Datapuwat magmula ngayon ang Anak ng tao ay
mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.
(Lucas 22:69)
At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang
mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Diyos. (Gawa 7:56)
Nagpapatuloy din ang ministeryo sa pamamagitan ng kapangyarihang natakda sa mga mananampalataya. Bago nagbalik si Jesus sa langit, nagtakda Siya ng kapangyarihan at kapamahalaan sa Kaniyang mga alagad. Gagawin nila ang mga ginawa Niya, at higit pa rito (Juan 14:12). Pag-aaralan mo ang tungkol sa natakdang kapangyarihang ito sa susunod na kabanata.
KAPANGYARIHAN SA HINAHARAP
Balang araw, si Jesus ay babalik sa lupa sa dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian:
At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng
Anak ng tao sa langit; at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga
angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng taong napaparitong sumasa mga
alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. (Mateo 24:30)
Sa panahong yaon lahat ng mga kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibibigay kay Jesus:
Kung magkagayo’y darating ang wakas, pagka
ibibigay na Niya ang kaharian sa Diyos, samatuwid baga’y sa Ama; pagka
lilipulin na Niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at
kapangyarihan. (I Corinto 15:24)
Kikilalanin ng buong sansinukob ang kapangyarihan ng Diyos Ama at ng Anak na si Jesu-Cristo:
Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na
pinatay, upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at
kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.
At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa,
at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa
mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa Kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa
Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan ,at kaluwalhatian, at paghahari
magpakailan kailan man. (Apocalipsis
5:12-13)
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang mga hangganan ng kapangyarihan ni Jesus?
3. Ano ang pinagmumulan ng kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus?
4. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol sa kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus sa kabanatang ito.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ipagpatuloy mong pag-aralan ang tungkol sa kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kaniyang buhay at ministeryo sa mga aklat ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan.
Gumawa ng talaan kung ilang beses kinilala ni Jesus na ang Kaniyang kapangyarihan ay mula sa Diyos Ama. Ano ang suma total?
Gumawa ng tala ng maraming mga kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan sa pagtuturo, pagpapalayas ng demonyo, himala, kontrol sa kalikasan, at iba pa. Gamitin ang tsart na ito:
Reperensya Paano
Nahayag Ang Kaniyang Kapangyarihan Bunga
IKA-LIMANG KABANATA
ANG ITINAKDANG KAPAMAHALAAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng ating tinatanggap na kapamahalaang espirituwal.
-Ipaliwanag ang kaugnayan ng pananagutan at kapamahalaan.
-Ipaliwanag ang pananagutan na itinakda ni Jesus sa Kaniyang mga alagad.
-Bigyang kahulugan ang dalawang salitang Griego para sa kapangyarihan.
SUSING TALATA:
Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan na
inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng
kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa’y hindi kayo maaano. (Lucas 10:19)
PAMBUNGAD
Ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan. Itinakda Niya ang “lahat ng kapangyarihan” sa Kaniyang anak, si Jesu-Cristo. Itinakda naman ni Jesus ang kapangyarihan sa Kaniyang mga alagad. Ang kapangyarihang ito ang nagbigay kakayahan sa kanila na matupad ang dakilang pananagutan na ibinigay sa kanila.
PANANAGUTAN AT KAPAMAHALAAN
Nang matapos ni Jesus ang Kaniyang ministeryo sa lupa, nagbalik Siya sa langit. Iniwan Niya ang Kaniyang mga alagad ng isang dakilang pananagutan. Sinabi Niya:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa
pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa
inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:19-20)
Ang pananagutang ibinigay ni Jesus sa Kaniyang mga alagad ay ang abutin ang buong sanglibutan ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos.
May tiyak na kaugnayan sa pagitan ng pananagutan at kapamahalaan. Kung ang isa ay binigyan ng pananagutan na gawin ang isang bagay, dapat din siyang bigyan ng kapamahalaan na magawa ito. Ang kapamahalaang ito ay dapat maitakda ng isang higit na dakila kay sa kaniya.
Halimbawa, ang isang pulis ay binigyan ng pananagutan na panatilihin ang kaayusan sa isang bayan. Binigyan din siya ng gobyerno ng kapamahalaan na magawa ang kaniyang pananagutan. Binigyan siya ng kapamahalaan na magdala ng sandata upang mabigyan siya ng kapangyarihan na magawa ang kaniyang gawain. Ang pulis ay walang kapamahalaan sa kaniyang sarili. Ang kapamahalaan ay natakda (naibigay) sa kaniya ng mga nakatataas sa kaniya. Isa siyang tao na may kapangyarihan na itinakda sa kaniya ng isang nakatataas na awtoridad. Kinakatawan niya ang gobyerno.
Binigyan ni Jesus ang Kaniyang mga alagad ng pananagutan na abutin ang sanglibutan ng Ebanghelyo. Binigyan din Niya ng kapamahalaan na matupad ang gawaing ito. Hindi mo mabibigyan ang sinoman ng pananagutan kung hindi mo rin bibigyan ng kapamahalaan na isakatuparan ang pananagutang yaon. Ano ang kapamahalaang ito? Ito ay kapangyarihang espirituwal—dakilang kapangyarihang espirituwal. Sinabi ni Jesus:
… Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
(Mateo 28:18)
Pagkatapos ay sinabi Niya,
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa
pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa
inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:19-20)
ANG KAPAMAHALAAN NA MAGTAKDA
Nang si Jesus ay dumating sa lupa, dumating Siya na may kapangyarihan at kapamahalaan. Si Jesus ay may “lahat ng kapangyarihan” na itinakda sa Kaniya ng Diyos. Dahil dito, Siya (si Jesus) ay may kapamahalaan na magtakda ng kapangyarihan at pananagutan sa Kaniyang mga alagad:
At pinalapit Niya sa Kaniya ang Kaniyang
labingdalawang alagad, at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga
karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling
ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman. (Mateo 10:1)
Kaya Kaniyang hinirang ang labingdalawa, na sila ay makasama Niya, at sila ay maisugo upang mangaral.
At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng
mga demonio.
(Marcos 3:15)
At pinalapit Niya sa Kaniya ang
labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa: at binigyan Niya sila
ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu. (Marcos 6:7)
At tinipon Niya ang labingdalawa, at
binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at
upang magpagaling ng mga sakit.
(Lucas 9:1)
Hindi mga pagpapalang materyal o emosyonal ang itinakda ni Jesus sa Kaniyang mga alagad. Hindi Siya nagtatag ng isang kwartel heneral sa Jerusalem. Alam Niya na hindi sapat ang mga ito upang maisakatuparan ang gawain. Ang itinakda Niya ay KAPANGYARIHAN.
Sa Kabanatang Ika-tatlo, natutuhan mo ang tungkol sa kapangyarihan ni Satanas. Ang kapangyarihan na itinakda ni Jesus sa Kaniyang mga alagad ay higit na malakas kay sa kapangyarihan ng kaaway:
Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan na
inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng
kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa’y hindi kayo maaano. (Lucas 10:19)
Hindi natatakot si Satanas sa iyo. Hindi ka niya igagalang, ngunit takot siya sa ibinigay ng Diyos sa iyo na kapamahalaan.
Ang kapamahalaan ay nakabatay sa kaugnayan. Halimbawa, ang pulis ay may kapamahalaan dahil sa kaugnayan niya sa gobyerno. Ang iyong kapamahlaan ay batay sa iyong kaugnayan sa Panginoong Jesu-Cristo. Nasa likuran mo si Jesus na mayroong “lahat ng kapangyarihan.” Kung kilalanin mo ang katotohanang ito, ang buhay mo ay mababago. Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad:
At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako
ng Aking Ama, datapuwat magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan
ng kapangyarihang galing sa itaas.
(Lucas 24:49)
Nang ang mga alagad ay sangkapan ng kapangyarihan, sila ay nabago mula sa matatakutin, mapagalinlangang mga lalake sa pagiging mga lalake na may kapamahalaan:
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa
lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang
Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
(Marcos 16:20)
Ang aklat ng Gawa ay nagtala kung
paanong ang pangako ng kapangyarihang espirituwal ay natupad sa buhay ng mga mananampalataya.
Ang mga himala, tanda, at kababalaghan na inilarawan sa aklat na ito ay
kahanga-hanga. Bawat kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos ay nagambag sa
katuparan ng dakilang pananagutan ng pagabot sa sanglibutan ng Ebanghelyo.
DALAWANG SALITA PARA SA KAPANGYARIHAN
Sa Bagong Tipan, dalawang mga magkaibang salitang Griego ang isinalin sa salitang kapangyarihan. Inilarawan ng talatang ito ang dalawang kahulugan:
Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan (exousia) na inyong yurakan
ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa
ibabaw ng lahat ng kapangyarihan
(dunamis) ng kaaway… (Lucas 10:19)
Ang kahulugan ng salitang Griego na “exousia” ay itinakdang kapangyarihan o kapamahalaan. Ang tinutukoy naman ng salitang “dunamis” ay likas na kapangyarihan. Ang “likas” na kapangyarihan ay hango sa isip at sarili. Ang likas na kapangyarihan (dunamis) ay ginamit sa talatang ito upang ilarawan ang kapangyarihan ni Satanas. Ang itinakdang kapangyarihan (exousia) ay ginamit upang ilarawan ang kapangyarihan ni Jesus na itinakda ng Diyos. Ito ang kapangyarihan, itinakda mula sa Diyos, na higit kay sa kapangyarihan ng kaaway. Ang kapangyarihang ito ang inilipat naman sa mga mananampalataya. Hindi ka isinilang na taglay ang ganitong kapangyarihan. Ito ay itinakda sa iyo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
PANANAGUTAN PARA SA KAPANGYARIHAN
Ang kapangyarihang ibinigay ni Jesus sa Kaniyang mga lagad ay may kaakibat na pananagutan: Ito ay gagamitin sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa mga bansa ng sanglibutan:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa
kahulihulihang hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Ang kapangyarihang ito ay para sa layuning palaganapin ang Ebanghelyo sa mga bansa ng sanglibutan.
May sinabing talinhaga si Jesus na naglalarawan ng katotohanang ito sa Marcos 13. Sinabi Niya:
Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang
lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang
mga alipin, sa bawat isa’y ang kaniyang gawain, ay nag-utos din naman sa
bantay-pinto na magpuyat.
(Marcos 13:34)
Ang kapamahalaan ay ibinigay upang matupad ang isang gawain. Ang gawaing yaon ay ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa mga bansa ng sanglibutan.
ITO BA AY LIPAS NA?
Sinasabi ng ilang mga tao na ang dakilang pagsangkap ng kapangyarihang ito ay para lamang sa unang iglesia. Sinasabi nila na ito ay para lamang sa mga alagad. Sinasabi nila na ang mga araw ng himala ay lipas na.
Ngunit isipin mo ang tanong na ito. Ang buong sanglibutan ba ay naabot na ng Ebanghelyo? Ang gawaing iniwan ni Jesus sa Kaniyang mga alagad ay hindi pa tapos. May pananagutan pa tayo na abutin ang buong sanglibutan ng Ebanghelyo ng Kaharian. Hindi babawiin ni Jesus ang kapamahalaan hanggat hindi pa natutupad ang pananagutan.
Basahin ang kasaysayan ng kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Lazaro sa Juan 11. Nang si Jesus ay dumating si Lazaro ay namatay na, sinalubong siya ni Marta at sinabi:
Panginoon, kung Ikaw sana’y narito, disin
ang kapatid ko ay hindi namatay.
(Juan 11:21)
Sinabi sa kaniya ni Jesus…
…Magbabangon uli ang iyong kapatid. (Juan 11:23)
Sinabi ni Marta:
Nalalaman ko na siya’y
magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw.
(Juan 11:24)
Pagkatapos ay sinabi sa kaniya ni Jesus:
…Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang
kabuhayan: Ang sumasampalataya sa Akin, bagamat siya’y mamatay, gayon may
mabubuhay siya. (Juan 11:25)
Nanampalataya si Marta na maaaring nabuhay ni Jesus si Lazaro noon (“…kung ikaw sana’y narito”). Nanampalataya siya na maaari ding ibangon siya sa hinaharap (“sa huling araw”). Ngunit may ibinahagi sa kaniya si Jesus na napakahalagang katotohanan. Sinabi Niya, “Ako ang pagkabuhay na maguli at ang kabuhayan.” Ang sinabi ni Jesus patungkol sa Kaniyang gagawin ay sa kasalukuyan noon. Pagkatapos ay ibinangon Niya si Lazaro mula sa mga patay.
Walang lipas na panahon sa himala. Wala ring hinaharap lamang sa himala. Sa bawat panahon ay may kapangyarihan na gumawa ng himala upang matagpo ang mga pangangailangan ng mga tao. Sa bawat araw at panahon, inihahayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan. Sinasabi Niya sa iyo, AKO NGA—ngayon ito.
BUHAY MULA SA PUNO
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at Ako’y
sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagkat kung kayo’y hiwalay sa Akin
ay wala kayong magagawa. (Juan 15:5)
Sa likas na larangan, ang buhay ay nagmumula sa puno. Ang puno ay nagdadala ng daloy ng buhay sa mga sanga ng isang halaman upang magbunga. Ang sanga ay hindi makapagbubunga sa kaniyang sarili. Kung ito ay mahiwalay sa puno, hihinto ang pamumunga nito at hindi magtatagal at mamamatay.
Ito ang halimbawa na ginamit ni Jesus upang ilarawan ang daloy ng kapangyarihan ng Diyos sa larangang espirituwal.Tayo ang mga sanga na nagbubunga. Si Jesus ang puno. Hindi ikaw ang namumunga, ikaw lamang ang nagdadala nito (tingnan ang Juan 15)
Ang mga makapangyarihang mga himala sa Bagong Tipan ay hindi ang mga himala ni Pedro. Hindi rin ang mga gawa ni Pablo. Ito ay ang bunga ng buhay mula sa Diyos na dumadaloy sa kanila bilang mga sangang espirituwal na nagdadala ng bungang espirituwal.
Ang mga taong ito ay ginawa ang iniuutos ng Diyos sa kanila. Ipinangaral nila ang Salita. Ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit. Kanilang inutusan ang mga demonyo na bitiwan ang mga buhay ng mga lalake at babae. Sila ay sumunod at ipinagkatiwala sa Diyos ang resulta.
Sumunod ka sa Diyos at iwan mo ang resulta sa mga kamay Niya. Hindi ikaw ang tagagawa ng himala. Ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan. Kung ikaw ay susunod sa Diyos at kikilos ayon sa Kaniyang Salita, Siya na ang bahala. Siya ang nagkakaloob ng kapangyarihan sa pamamagitan mo.
Nang tanungin ng mga alagad “Ano ang aming gagawin upang magawa ang gawain ng Diyos?”, sumagot si Jesus…
Ito ang gawa ng Diyos,
na inyong sampalatayanan yaong kanilang sinugo.
(Juan 6:29)
Si Jesus ang Siyang gumagawa sa pamamagitan mo. Siya ang nagtakda ng kapamahalaan. Hindi mo na kailangang antigin pa ang mga emosyon ng tao. Hindi mo na kailangang “magmakaawa”. Ang kapangyarihan ng Diyos ang gumagawa sa iyo at sa pamamagitan mo:
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa
lahat ng dako, NA GUMAGAWANG KASAMA NILA ANG PANGINOON, at pinatototohanan ang
Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
(Marcos 16:20)
Madalas sa ministeryo ang padron na ito ay nababaliktad. Marami ang gumagawa para sa Diyos.
Ngunit ang paraan na may makapangyarihang bunga ay “Gumagawang kasama nila ang Panginoon.”
Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad:
At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako
ng Aking Ama, datapuwat magsipanatili
kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng kapangyarihang galing
sa itaas. (Lucas 24:49)
Maraming mga ministeryo ay nabibigo sapagkat humahayo muna sila bago nila matanggap ang kapangyarihang espirituwal. Kung nais nating matagpo ang hamon ng dakilang pananagutan na ibinigay sa atin ni Jesus, dapat nating gawin ito sa kapamahalaan at kapangyarihan ng Diyos.
ANG MGA LAYUNIN
Hindi nagtatakda ng kapangyarihan ang sinoman sa iba malibang may dahilan ito. Laging may layunin sa tuwing ang kapamahalaan ay itinatakda.
Natutuhan mo sa kabanatang ito na ang pangunahing layunin ng kapangyarihang espirituwal ay ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Ngunit marami pang ibang mahahalagang mga layunin sa itinakdang kapangyarihan. Matututuhan mo ang tungkol sa mga layuning ng kapangyarihan sa susunod na kabanata.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Mula kangino tumatanggap ng kapamahalaang espirituwal ang isang mananampalataya?
3. Ano ang kaugnayan ng pananagutan sa kapamahalaan?
4. Ano ang pinakadakilang pananagutan na itinakda ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod?
5. May dalawang salitang Griego na ginamit para sa kapangyarihan.
Ano ang ibig sabihn ng salitang “dunamis”? ________________________________________
Ano ang ibig sabihin ng salitang “exousia”? ________________________________________
6. Ang pangungusap bang ito ay Tama o Mali?
“Lipas na ang mga araw ng himala. Wala na tayo ng mga kapahayagan ng kapangyarihan na naranasan ng mga alagad.”
Ang pangungusap ay ____________________
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Basahin ang aklat ng Gawa upang makita kung paano tinupad ng mga alagad ang kanilang pananagutan na taglay ang kapamahalaang itinakda sa kanila ni Jesus.
Ilista ang reperensya ng bawat kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos sa unang kolum sa ibaba. Ibigay naman ang maikling buod ng nangyari sa ikalawang kolum. Sa pangatlong kolum, ipaliwanag ang bunga ng kapangyarihan ng Diyos. Ang isang halimbawa ay ibinigay upang iyong sundan.
Makikita mo kung paanong ang kapamahalaan na itinakda ni Jesus ay nagbigay ng kakayahan sa mga alagad na tuparin ang pananagutan na ibinigay Niya sa kanila sa pagabot sa sanglibutan ng Ebanghelyo.
Gawa
Reperensya Paano
Nahayag Ang Bunga
Kapangyarihan Ng Diyos
Gawa 2 Ibinigay ang Espiritu Santo Si Pedro, dati ay matatakutin
ay nagbigay ng isang maka-
pangyarihang saksi na nag-
resulta sa kaligtasan ng 3,000
katao.
IKA-ANIM NA KABANATA
MGA LAYUNIN NG KAPANGYARIHAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ipaliwanag kung paano kaiba ang kapangyarihang espirituwal sa makamundong kapangyarihan.
-Ibigay ang reperensya sa Biblia na nagpapatunay na ang mga prinsipyo ng sanglibutan ay
salungat sa mga prinsipyo ng Kaharian ng Diyos.
-Tukuyin ang mga layunin ng kapangyarihang espirituwal.
SUSING TALATA:
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa
lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang
Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
(Marcos 16:20)
PAMBUNGAD
Ang kapangyarihang walang direksyon ay mapanganib. Ang kapangyarihan ng isang malakas na ilog ay maaaring masupil para sa mabuting mga layunin. Mga malalaking daong ay maaaring maglayag sa mga tubig nito. Sa ibang mga dako, ginagamit ito upang lumikha ng makapangyarihang enerhiya na tinatawag na “elektrisidad.”
Ngunit ang ilog ding ito, kung walang direksyon ay maaaring umapaw ang mga pampang at magdulot ng malaking pagakasira. Maaaring sirain nito ang mga pananim at lupain, sirain ang mga bahay, at kumitil ng mga buhay. Yaon ding ilog na iyon. Yaon ding kapangyarihan na iyon. Ang ilog ay isang positibong pwersa kung ito ay may direksyon sa wastong mga layunin, at makasisira kung walang direksyon.
Ang kapangyarihang espirituwal na ginamit sa maling mga layunin ay kasing mapanganib na tulad ng isang ilog na umapaw at nagdulot ng baha sapagkat hindi na-kontrol. Dahil dito, mahalaga na maunawaan ang mga layunin ng kapangyarihang espirituwal ayon sa Biblia.
MGA MAKAMUNDONG LAYUNIN
Tulad ng iyong natutuhan sa pambungad ng kursong ito, maraming mga uri ng kapangyarihan na umiiral sa sanglibutan ngayon. Ginagamit ng mga tao ang kapangyarihan sa ibat-ibang mga layunin:
Ang kapangyarihang politikal ay ginagamit upang makuha ang liderato ng mga orgnisasyon, tribo, nayon, lungsod, estado, lalawigan at buong bansa.
Ang kapangyarihan ng karunungan ay ginagamit upang lumikha ng mga dakilang imbensyon, mga sulatin at musika, at makapagtayo ng mga paaralan at pamantasan.
Ang kapangyarihang pisikal ay nagbubunga ng kabantugan sa larangan ng paligasahan sa paglalaro.
Ang kapangyarihan ng pananalapi ay lumilikha ng mga mapakinabang na mga negosyo, korporasyon, at mga malalaking samahan ng pananalapi.
Ang kapangyarihang militar ay ginagamit upang magtanggol at sumakop ng mga teritoryo.
Ang kapangyarihan ng enerhiya ay nagsisilbi sa tao sa maraming mga kaparaanan mula sa isang simpleng ningas upang magdulot ng init hanggang sa elektrisidad para sa isang buong lungsod.
Ang kapangyarihan ng relihiyon ay lumilikha ng mga dakilang denominasyon at mga kulto.
Ngnit wala sa mga ito ang nilalayon ng kapangyarihan ayon sa Biblia.
HINDI GAYA NG MGA HENTIL
Minsan nang tinuturuan ni Jesus ang Kaniyang mga alagad ng tungkol sa pangunguna, sinabi Niya:
…Nalalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga
Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay
nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
Sa inyo’y hindi magkakagayon: kundi ang
sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
At sinomang magibig na maging una sa inyo
ay magiging alipin ninyo.
(Mateo 20:25-27)
Si Jesus ay nagtuturo sa Kaniyang mga alagad ng isang mahalagang prinsipyo na magagamit sa maraming mga sangay ng buhay bukod sa pangunguna. Ang salitang “Hentil” ay ginamit upang tukuyin ang mga tao at bansa na hiwalay sa Diyos. Ipinaliwanag ni Jesus na ang Kaharian ng Diyos ay kumikilos ayon sa mga prinsipyo na lubos na kaiba sa mga prinsipyo ng sanglibutan.
Ang prinsipyong ito ay totoo rin kaugnay ng paksa ng kapangyarihan. Ang makamundong mga layunin para sa kapangyarihan ay iba kay sa mga layunin ng kapangyarihan sa Kaharian ng Diyos. Sa sanglibutan ang kapangyarihan ay ginagamit para sa pansariling kapakinabangan. Sa Kaharian ng Diyos, ito ay kailangang gamitin sa layunin ng pagsusulong ng Kaharian.
Ang ibang mga tao naman ay inaabuso ang kapangyarihang espirituwal at ginagamit ito upang lumikha ng mga kilusang pang-relihiyon at mga denominasyon. Ginagamit ito upang makalikha ng mga sariling kaharian na maraming pondo at magpapasikat sa kanila. Ngunit hindi ito ang layunin ng kapangyarihang espirituwal ayon sa Kasulatan. Ang mga ito ay pangaabuso ng tunay na mga layunin kung bakit itinakda ni Jesus ang kapamahalaan sa mga mananampalataya. Ang mga escriba at mga Pariseo sa panahon ng Bagong Tipan ang mga halimbawa ng pagabuso sa kapangyarihang espirituwal. Sinabi ni Jesus:
Sa aba ninyong mga Fariseo! Sapagkat inyong
iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga
pamilihan.
Sa aba ninyo! Sapagkat kayo’y tulad sa mga
libingang hindi nakikita, at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw
nila. (Lucas 11:43-44)
Ang mga escriba at mga pariseo ay mga makapangyarihang mga pinuno ng relihiyon. Ginamit nila ang kapangyarihan para sa pansariling pakinabang. Naupo sila sa mga pinakamagagandang upuan sa sinagoga. Hiniling nila ang mga tanging paraan ng pagbati sa kanila sa mga pamilihang bayan. Ginamit din nila ang kapangyarihan upang kontrolin ang mga tao:
Datapuwat sa aba ninyo, mga escriba at mga
Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit
laban sa mga tao: sapagkat kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok
man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.
(Mateo 23:13)
Sa aba ninyo, mga escriba at mga Fariseo,
mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap
ng isa ninyong makakakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa
siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. (Mateo 23:15)
Nagpakita ang mga Pariseo ng panglabas na kapangyarihang espirituwal, ngunit ginamit para sa pansariling pakinabang:
Sa aba ninyo, mga escriba’t mga Fariseo,
mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaeng bao,
at inyong dinadalhan ng mahahabang panalangin: kaya’t magsisitanggap kayo ng
lalong mabigat na parusa.
(Mateo 23:14)
Mayroon silang kapangyarihan ng relihiyon, ngunit walang tunay na kapangyarihang espirituwal. Sinabi ni Jesus na sila ay mistulang mga libingan, patay at walang kapangyarihan na hindi nila alam ay niyuyurakan na sila ng mga tao.
MGA LAYUNIN NG KAPANGYARIHAN AYON SA BIBLIA
Narito ang mga layunin ng kapangyarihang espirituwal ayon sa Biblia:
KALIGTASAN:
Ang nangingibabaw na layunin ng kapangyarihang espirituwal ay kaligtasan:
Datapuwat ang lahat ng sa Kaniya’y
nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng
Diyos, samakatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan. (Juan 1:12)
Sapagkat ang salita ng krus ay kamangmangan
sa kanila na nangapapahamak; ngunit ito’y kapangyarihan ng Diyos sa atin na
nangaliligtas. (I Corinto 1:18)
Ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos ay nagbubunga ng kaligtasan. Ang mga nayon ng Lida at Sharon ay nahikayat ng si Aenas, isang lumpo na nahiga sa loob ng walong taon, ay gumaling (Gawa 9).
PAGSAKSI:
Ang isang pangunahing layunin ng kapangyarihang espirituwal na itinakda sa mga mananampalataya ay ibinigay nang unang ipangako ni Jesus ang kapangyarihang ito:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa
kahulihulihang hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Matututuhan mo ng higit ang tungkol sa kapangyarihan ng Espiritu Santo sa kursong ito.
Ang kapangyarihang itinakda ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod ay tatanggapin PAGKATAPOS na dumating ang Espiritu Santo. Ang layunin ng kapangyarihan ay ang pagpapalaganap ng saksi ng Ebanghelyo, simula sa Jerusalem at aabot sa dulo ng daigdig.
Ang unang kapahayagan ng kapangyarihang ito ay kay Apostol Pedro. Pagkatapos na tanggapin ang Espiritu Santo, nagbigay siya ng isang makapangyarihang pagsaksi sa Ebanghelyo na nagbunga ng kaligtasan ng 3,000 mga tao. Ito rin ang Pedro na tumakas nang si Jesus ay hulihin. Ito rin ang Pedro na itinatuwa na kilala niya ang Panginoon. Ano ang nangyari?
Si Pedro ay nasangkapan ng kapangyarihang espirituwal. Naalaala niya ang layunin ng kapangyarihang yaon na binanggit ni Jesus, “Kayo ay magiging mga saksi Ko.” Nang kaniyang tanggapin ang kapangyarihan sinimulan niyang gamitin ito ayon sa wastong layunin—ibahagi ang Ebanghelyo sa mga hindi pa ligtas na mga lalake at babae.
Sa isang hukuman, ang isang “saksi” ay kinabibilangan ng dalawang bagay: testimonyo ng pananalita at katibayan. Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Dapat kabilang sa ating pagsaksi sa Ebanghelyo ang testimonyo at ebidensya. Ang ebidensya ay ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos:
At pinatotohanan ng mga apostol na may
dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at
dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.
(Gawa 4:33)
Isinulat ni Pablo:
Kung paanong ang aming evangelio ay hindi
dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman… (I Tesalonica 1:5)
Nangako si Jesus na kasamang gagawa nang mga tutupad sa Kaniyang utos na humayo sa buong sanglibutan bilang mga saksi sa bawat nilalang. Ang ilang mga tao ay naghahanap ng mga makapangyarihang tanda sa kanilang ministeryo, ngunit hindi naman sila tumutupad sa utos na humayo. Ang kapangyarihang ipinangko ni Jesus ay para doon sa mga tutupad ng Kaniyang utos.
KATAPANGAN:
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng
espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng
kahusayan. (II Timoteo 1:7)
Sa unang Iglesia ang Ebanghelyo ay ipinangaral na may katapangan dahil sa pagsangkap ng kapangyarihan:
At nang sila’y makapanalangin na, ay
nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila;
At nangapuspos silang lahat ng Espiritu
Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Diyos. (Gawa 4:31)
Datapuwat kinuha siya (si Pablo) ni
Bernabe, at siya’y iniharap sa mga apostol, at sa kanila’y isinaysay…kung
paanong siya’y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus. (Gawa 9:27)
At siya’y
nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga… (Gawa 18:26)
At siya’y pumasok sa sinagoga; at
nagsalitang may katapangan sa loob ng tatlong buwan na nangangatuwiran at
nanghihikayat tungkol sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Diyos. (Gawa 19:8)
…nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob
dahil sa ating Diyos upang salitain sa inyo ang Evangelio ng Diyos… (I
Tesalonica 2:2)
PAGGAWA NG MGA GAWA NG DIYOS:
Namangha ang mga alagad sa mga makapangyarihang mga gawa ni Jesus:
At umalis Siya doon; at napasa kaniyang
sariling lupain; at nagsisunod sa Kaniya ang Kaniyang mga alagad.
At nang dumating ang Sabbath, ay
nagpasimulang magturo Siya sa sinagoga: at marami sa mga nangakakarinig sa
Kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga
bagay na ito? At, anong karunungan ito na sa Kaniya’y ibinigay, at anong
kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng Kaniyang mga
kamay? (Marcos 6:1-2)
Sinabi ni Jesus:
Kinakailangan nating gawin ang mga gawa
niyaong nagsugo sa Akin, samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong
makagagawa. (Juan 9:4)
Si Jesus ay may tiyak na layunin: Dapat Niyang gawin ang mga gawa ng Diyos. Ito ang naguudyok sa Kaniya. Pagkatapos na masaksihan ang mga gawang ito nang ilang panahon, lumapit ang mga alagad kay Jesus na nagtanong ng ganito:
Ano ang kinakailangan naming gawin, upang
aming magawa ang mga gawa ng Diyos?
(Juan 6:28)
Sumagot si Jesus:
… Ito ang gawa ng
Diyos, na inyong sampalatayanan yaong sinugo.
(Juan 6:29)
Ang pinakadakilang gawa ng Diyos ay nahayag kay Jesus. Itinuon ng Panginoon ang pansin ng Kaniyang mga alagad sa katotohanan sa halip na sa namamalas na kapahayagan ng mga tanda at himala. Ang mga tunay na himala ay laging nagtataas kay Jesus. Ito ang gawa ng Diyos.
Hindi nagtagal, sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod:
Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa
inyo, Ang sa Akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang
Aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya;
sapagkat Ako’y paroroon sa Ama.
(Juan 14:12)
Gagawin din ng Kaniyang mga alagad ang mga gawang ginawa Niya. Hindi pa nalubos ng nakaraan ang kapahayagan ng kapangyarihan. Higit na dakilang gawa ang kanilang gagawin. Ang mga gawang ito ang higit na dakila sa dami, hindi sa uri—sapagkat si Jesus ay dapat bumalik sa langit.
Ang Kaniyang pangako ay nagkatotoo. Sa buong aklat ng Gawa, nasaksihan natin ang mga mananampalataya na gumagawa ng mga gawa ng Diyos. Ang mga maysakit ay gumaling, ang mga demonyo ay napalayas, mga bilangguan ay nabuksan, at ang mga patay ay nabuhay muli.
PAGHAHAYAG SA DIYOS:
Natutuhan mo na ang isang dahilan ng pagpapakita ng Diyos ng Kaniyang kapangyarihan sa lupa ay upang ihayag ang Kaniyang sarili sa tao. Ang kapangyarihang espirituwal na itinakda sa mga mananampalataya ay may ganito ring layunin:
Datapuwat nang makita ito ng karamihan, ay
nangatakot sila, at kanilang niluwalhati ang Diyos, na nagbigay ng gayong
kapamahalaan sa mga tao.
(Mateo 9:8)
Sa pamamagitan ng isang makapangyarihang Iglesia, nais ng Diyos na ihayag ang Kaniyang sarili sa buong sansinukob:
Upang ngayo’y sa pamamagitan ng iglesia, ay
maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang
kapuspusan ng karunungan ng Diyos.
(Efeso 3:10)
Ang layunin ng ganitong kapahayagan sa pamamagitan ng kapangyarihan ay upang:
…idilat mo ang kanilang mga mata, upang
sila’y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni
Satanas hanggang sa Diyos, upang sila’y magsitanggap ng kapatawaran ng mga
kasalanan at ng mga mana sa kasamaan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng
pananampalataya sa Akin. (Gawa 26:18)
PAGHAHAYAG NG KAHARIAN NG DIYOS:
Pinagsama ni Jesus ang proklamasyon ng Kaharian ng Diyos at ang pagpapakita nito. Nang tanungin si Jesus “ikaw ba ang siyang inaasahang darating?” (Lucas 7:19), hindi Siya nakipagtalo sa pamamagitan ng lohika. Sinabi Niya:
… Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay
Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay
nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis,
at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha
ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
(Lucas 7:22)
Ang kapangyarihan ang naghahayag kung paano kumilos ang Kaharian ng Diyos. Ang mga himala ni Jesus ay nagpakita na ang Kaharian ng Diyos ay malapit na. Ito ay mga larawan kung ano Kaharian kung ito ay nasa anyo nang nakikita kung magkaroon na ng Bagong Langit at Bagong Lupa.:
-Ang pagpapalayas ng mga demonyo ay nagbabadya ng pagsakop ng Diyos sa larangan
ni Satanas at ang kaniyang ang kaniyang magiging wakas: Mateo 12:29; Marcos 3:27; Lucas 11:21; Juan 12:31; Apocalipsis 20:1
-Ang pagpapagaling sa mga maysakit ay tumitingin sa araw na darating na ang lahat ng
pagdurusa ay magwawakas: Apocalipsis 21:4
-Ang mahimalang pagkakaloob ng makakain ay nagsasabi sa atin nang panahon na ang
lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan ay magwawakas. Apocalipsis 7:1
-Ang pagpayapa sa bagyo ay tumatanaw sa tagumpay laban sa mga kapangyarihan na
ginagamit ang kalikasan upang magbanta sa lupa: Apocalipsis 21:1
-Ang pagbuhay sa patay ay naghahayag na ang kamatayan ay papawiin na
magpakailanman: I Corinto 15:26
PAGPAPATIBAY SA SALITA:
Makapangyarihang mga tanda at kababalaghan ang nagpapatibay sa Salita ng Diyos:
Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon
na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa salita
ng Kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga
tanda at mga kababalaghan. (Gawa 14:3)
At ngayon, Panginoon, tingnan Mo ang
kanilang mga bala; at ipagkaloob Mo sa iyong mga alipin na salitain ang Iyong
salita ng buong katapangan,
Samantalang Iyong inuunat ang Iyong kamay
upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan sa
pangalan ng Iyong banal na si Jesus.
(Gawa 4:29-30)
At nagsialis sila at nagsipangaral sa lahat
ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang Salita
sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
(Marcos 16:20)
MINISTERYO SA IBA:
Ang kapangyarihan ng Diyos ay nanahan kay Jesus upang sangkapan Siya ng kakayahan para sa ministeryo:
At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa
Kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng
katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon. (Isaias 11:2)
Ang Espiritu ng Panginoong Diyos ay sumasa
Akin; sapagkat pinahiran Ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita
sa mga maamo; kaniyang sinugo Ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso,
upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa
nangabibilanggo.
(Isaias 61:1)
Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga
Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Diyos ng Espiritu Santo at ng
kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat
ng pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa Kaniya ang Diyos. (Gawa 10:38)
At nangagtaka sila sa Kaniyang aral:
sapagkat sila’y tinuturuan Niyang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng
mga escriba. (Marcos 1:22)
Ang kapangyarihan ding ito ay nahayag sa mga ministeryo ng mga mananampalataya sa unang iglesia. Sinabi ni Pablo:
Na dito’y ginawa akong ministro, ayon sa
kaloob ng biyayang yaon ng Diyos na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng
Kaniyang kapangyarihan. (Efeso 3: 7)
Ang mabisang paggawa ng kapangyarihan ng Diyos sa kalooban mo ay nagbubunga ng ministeryo. Ang iyong ministeryo ay nagaganap at umuunlad sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na gumagawa sa iyo. Sinabi ni Pablo:
At ang aking pananalita at ang aking
pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa
patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan:
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag
masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos. (I Corinto 2:4-5)
Ang unang iglesia ay isinilang sa isang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng mga dakilang orador o pakikipagtalo sa teolohiya. Pinahintulutan nito ang kanilang pananampalataya na masalig sa Diyos sa halip na sa mga kagalingang magsalita ng tao.
Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbibigay tulong sa lahat ng larangan ng ministeryo: Pagpapalaganap ng Ebanghelyo, ministeryo sa mga maysakit, naaapi, at ang mga binihag ng kapangyarihan ng mga demonyo.
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin. Dahil dito magsiyaon nga kayo at , at
gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa…
(Mateo 28:18-19)
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa Aking pangalan;
mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung
magsiinom sila ng mga bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi
makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit,
at sila’y magsisigaling.
(Marcos 16:17-18)
At pinalapit Niya sa Kaniya ang Kaniyang
labingdalawang alagad, at binigyan Niya sila ng kapamahalaan laban sa mga
karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling
ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman. (Mateo 10:1)
Ikaw ay subok bilang isang ministro ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos:
Datapuwat sa lahat ng mga bagay ay
ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya
ng mga ministro ng
Diyos…Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos.
(II Corinto 6:4,7)
PARA SA PAKIKIBAKANG ESPIRITUWAL:
Sa iyong pagtupad ng layunin ng kapangyarihan para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo, makakaharap mo ang paglaban ni Satanas. Nagtakda ng kapangyarihan si Jesus sa iyo para sa pakikibakang espirituwal. Binigyan ka Niya ng kapangyarihan laban sa kapangyarihan ng kaaway:
Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan na
inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng
kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa’y hindi kayo maaano. (Lucas 10:19)
Sa katapustapusa’y magpakalakas kayo sa
Panignoon, at sa kapangyarihan ng Kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng buong
kagayakan ng Diyos, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi
laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga
kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban
sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. (Efeso 6:10-12)
PAGIWAS SA KAMALIANG ESPIRITUWAL:
May dalawang dahilan kung bakit ang mga tao ay nahuhulog sa kamaliang espirituwal:
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa
kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng
kapangyarihan man ng Diyos. (Mateo
22:29)
Ang kamaliang espirituwal ay resulta ng hindi mo pagkaalam ng Salita ng Diyos sapagkat bukas ka sa mga doktrina na mapandaya at maling katuruan. Ang kamaliang espirituwal ay bunga rin ng di pagkaalam ng kapangyarihan ng Diyos. Ikaw ay magiiging bukas sa mapandayang kapangyarihan ng kaaway. Ikaw ay mahuhulog sa kapangyarihan na lumalaban sa iyo kung wala kang kapangyarihang espirituwal na sa pamamagitan nito ay malalabanan mo ang kaniyang mga pwersa.
Ang ilan ay may wangis ng kabanalan at may alam pa sa Kasulatan, ngunit kanilang itinatatwa ang kapangyarihan ng Diyos. Nagbabala ang Biblia na ang mga taong ito ay may…
…Na may anyo ng kabanalan, datapuwat
tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito. (II Timoteo 3:5)
TAGUMPAY LABAN SA KASALANAN:
Ang kapangyarihang espirituwal ang dadaig sa kasalanan:
Sapagkat ang kasalanan ay hindi makapaghahari
sa inyo… (Roma 6:14)
PAGPAPATIBAY:
Sumulat si Pablo sa mga taga Corinto:
Sapagkat bagaman ako ay magmapuri ng marami
tungkol sa aming kapamahalaan
(na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay
sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya. (II Corinto 10:8)
Dahil dito’y sinusulat ko ang mga bagay na
ito samantalang ako’y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong
gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa
ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.
(II Corinto 13:10)
Alam ni Pablo na ang kaniyang kapamahalaan ay hindi dapat gamitin upang hawakan ang mga tao o sirain sila kung kaniyang maibigan. Mukhang mayroon siyang hilig na magsalita ng masakit, kaya sumulat siya sa mga taga Corinto tungkol sa mga mahihirap na bagay. Hindi niya nais na abusuhin ang kapangyarihang espirituwal na ibinigay sa kaniya ng Diyos. Ang kapangyarihan ng Diyos ay ibinigay kay Pablo upang patibayin ang iba, hindi upang sirain sila. Ang ibig sabihin ng “patibayin” ay itayo at magtaguyod ng paglagong espirituwal.
Hindi ang ibig sabihin nito ay wala tayong kapangyarihan na dumisiplina ng nararapat sa loob ng iglesia. Ang kapamhalaang espirituwal ay ibinigay sa mga lider upang dumisiplina ayon sa mga tagubilin na ibinigay ng Diyos sa Kaniyang mga Salita. Ang isang iglesia na walang kapangyarihan ay magbubunga ng kawalan ng disiplina.
PAGLIKHA NG PAGIGING LAAN:
Bawat tao ay may sariling kalooban. Ang kaloobang yaon ang kapangyarihang pumili. Ang kapahayagan ng kapangyarihan ay lumilikha ng pagiging laan o bukas sa Diyos:
Ang bayan Mo’y naghahandog na kusa sa
kaarawan ng Iyong kapangyarihan…
(Awit 110:3)
HINAHAYAANG MAKAGAWA ANG DIYOS:
Ang paggawa ng Diyos ay ayon sa sukat na hahayaan mo ang kapangyarihan Niya ay makagawa sa iyo:
Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin. (Efeso 3:20)
Ang lahat ng hihingin mo sa Diyos--lahat ng iniisip mo tungkol sa mga katotohanang espirituwal-- ay dahil sa kapangyarihan ng Diyos na gumagawa sa iyo.
KALAKASANG ESPIRITUWAL:
Ang kapangyarihan ng Diyos ay
hindi lamang pwersa na gumagawa sa pamamagitan mo, kundi ang lakas na
sumusustini sa iyo. Sinabi ni Pablo na tayo ay…
Na kayo’y palakasin ng buong kapangyarihan,
ayon sa kalakasan ng Kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at
pagpapahinuhod na may galak. (Colosas
1:11)
Pinalalakas ka ng kapangyarihan ng Diyos sa mga panahong mahihirap na kung saan kailangan mo ng pagtitiis sa pagdurusa. Maaari mong harapin ang mahihirap na kalagayan na may galak sapagkat ang Kaniyang maluwalhating kapangyarihan ay gumagawa sa iyo. Hindi lamang ito isang sukat ng limitadong lakas. Ikaw ay pinalalakas ng “buong kapangyarihan” – lahat ng kapangyarihan at lakas na dumadaloy mula sa Diyos ang mga panloob na kakayahan na nakalaan para sa iyo sa panahon ng pangangailangan. Ito ay isang mahalagang layunin ng Kaniyang kapangyarihan na gumagawa sa iyo.
At Siya’y nagsabi sa akin, Ang aking
biyaya’y sapat na sa iyo: sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal
sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking
kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. (II Corinto 12:9)
PAGIINGAT:
Ikaw ay iniingatan, o inaalagaan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, hanggang sa wakas ng panahon:
Na sa kapangyarihan ng Diyos ay iniingatan
sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa
huling panahon. (I Pedro 1:5)
PAGKABUHAY NA MAGULI:
Ikaw ay nabubuhay sa isang katawang may kamatayan at tiyak na mamamatay maliban magbalik na muna si Jesus sa lupa. Kapangyarihang espirituwal ang magbabangon sa iyong lupang katawan sa pagkabuhay na maguli:
Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay
na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli
na may kapangyarihan.
(I Corinto 15:43)
At muling binuhay ng Diyos ang Panginoon,
at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan. (I Corinto 6:14)
BUHAY NA WALANG HANGGAN:
Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbibigay kakayahan sa buhay na walang katapusan:
Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos
na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang
katapusan. (Hebreo 7:16)
PARA SA LAHAT NG BAGAY:
Ang lahat ng mga bagay patungkol sa buhay at kabanalan ay ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos:
Yamang ipinagkaloob sa atin ng Kaniyang
banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa
kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa Kaniya na tumawag sa atin sa
pamamagitan ng Kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan (II Pedro 1:3)
Isipin mo ang maraming mga bagay na sangkot sa buhay. Isipin mo ang maraming mga bagay na sangkot sa kabanalan. Ang layunin ng kapangyarihan ay ibigay sa iyo ang mga bagay na ito – LAHAT NG MGA BAGAY.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Paano naiiba ang kapangyarihang espirituwal sa makamundong kapangyarihan?
3. Magbigay ng reperensya sa Biblia na nagtuturo na ang mga prinsipyo ng sanglibutan ay salungat sa mga prinsipyo ng Kaharian ng Diyos.
4. Pinag-aralan mo ang maraming mga layunin para sa kapangyarihang espirituwal sa araling ito. Sumulat ng isang maikling parapo na nagbibigay buod sa iyong natutuhan tungkol sa tatlo sa mga layuning ito.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Sinabi ni Jesus na gagawin ng mga mananampalataya ang mga gawa na Kaniyang ginawa. Basahin ang Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Gumawa ng listahan ng lahat ng mga ginawa ni Jesus. Ito rin ang mga gawa na iyong magagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.
2. Sa ibaba ay nakalista ang mga layunin ng kapangyarihan na tinalakay sa kabanatang ito. Timbangin mo ang iyong antas na espirituwal. Alin sa mga layuning ito ang nahahayag sa iyong buhay at ministeryo? Ilagay ang markang ito (+) sa tabi ng na nahahayag na sa iyong buhay. Ilagay mo naman ang markang (-) sa tabi ng mga layunin na kailangan pang mahayag.
Kaligtasan Tagumpay laban sa kasalanan
Pagsaksi Pagpapatibay
Katapangan Paglikha ng pagiging laan
Ginagawa ang mga gawa ng Diyos Hinahayaang gumawa ang Diyos sa iyo
Inihahayag ang Diyos Kalakasang espirituwal
Inihahayag ang Kaharian ng Diyos Pag-iingat
Pinagtitibay ang Salita ng Diyos Pagkabuhay na maguli
Ministeryo sa iba Buhay na walang hanggan
Pakikibakang espirituwal Lahat ng mga bagay tungkol sa buhay
Pagiwas sa kamaliang espirituwal
3. Madalas banggitin ni David ang tungkol sa mga gawa ng Diyos sa aklat ng Mga Awit.
Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensya:
8:6; 9:1; 14:1; 26:7; 28:5; 33:4, 15; 40:5; 46:8; 66:3, 5; 71:17; 73:28; 75:1; 77:11;
78:4, 7, 11, 32; 86:8; 92:4, 5; 103:22; 104:13, 24, 31; 105:2, 5; 106:13, 22, 35, 39:
107:8, 15, 21, 22, 24, 31; 111:2, 4, 6, 7; 118:17; 119:27; 138:8; 139:14; 141:4; 143:5;
145:4, 5, 9, 10, 17
Ibigay ang buod ng iyong natutuhan mula sa mga bahagi ng Kasulatan na ito:
IKA-PITONG KABANATA
UNANG PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN: ANG KAPANGYARIHAN NG
EBANGHELYO
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ibigay ang kahulugan ng “Ebanghelyo.”
-Tukuyin ang reperensya sa Biblia na nagbibigay buod sa mga paunang elemento ng Ebanghelyo.
-Ipaliwanag kung bakit makapangyarihan ang Ebanghelyo.
-Tukuyin ang mga pakinabang ng kapangyarihan ng dugo ni Jesus.
-Tukuyin ang pangangailangan ng pananampalataya para sa pagaangkin ng kapangyarihan ng Ebanghelyo.
-Maranasan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo.
SUSING TALATA:
Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang
Evangelio: sapagkat siyang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat
sumasampalataya; una’y sa Judio at gayon din sa Griego. (Roma 1:16)
PAMBUNGAD
Natutuhan mo ang kahalagahan ng kapangyarihan sa iyong buhay. Natuklasan mo ang pinagmumulan ng kapangyarihan ay ang Diyos at pinag-aralan mo ang tungkol sa kapangyarihan na itinakda kay Jesu-Cristo. Sa nakaraang kabanata natutuhan mo kung paanong ang kapangyarihang espirituwal ay itinakda sa mga mananampalataya. Ngunit paano mo tatanggapin ang kapangyarihang ito? Paano mo maangkin ito para sa iyong buhay at ministeryo? Ano ang mga prinsipyong espirituwal sa pagkilos nito? Ang kabanatang ito ang magpapasimula ng isang serye ng pag-aaral na pinamagatang “Mga Prinsipyo Ng Kapangyarihan.” Bawat aralin ay sinusuri ang isang prinsipyo na kailangan upang matanggap mo at mapanatili ang kapangyarihang espirituwal. Ang unang prinsipyo ay “Ang Kapangyarihan Ng Ebanghelyo.”
ANG EBANGHELYO
Ang ibig sabihin ng salitang “Ebanghelyo” ay “mabuting balita.” Kung ating binabanggit ang Ebanghelyo ayon sa Biblia, tumutukoy ito sa mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang mga paunang elemento ng Ebanghelyo ay binigyang buod ni Apostol Pablo:
Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat,
ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga
kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
At Siya’y inilibing; at Siya’y muling
binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. (I Corinto 15:3-4)
Ang paunang mga elemento ng Ebanghelyo ay natuon sa buhay at ministeryo ni Jesus. Kabilang din ang Kaniyang kamatayan para sa kasalanan ng buong sangkatauhan, ang Kaniyang pagkalibing, at ang Kaniyang pagkabuhay na maguli mula sa mga patay ayon sa tala ng Salita ng Diyos. May dakilang kapangyarihan sa mensahe ng Ebanghelyo. Sinabi ni Pablo:
Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang
Evangelio: sapagkat siyang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat
sumasampalataya; una’y sa Judio at gayon din sa Griego.
Sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos ay
nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng
nasusulat, Ngunit ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sapagkat ang poot ng Diyos ay nahahayag
mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga
sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;
Sapagkat ang nakikilala tungkol sa Diyos ay
hayag sa kanila; sapagkat ito’y ipinahayag ng Diyos sa kanila. (Roma 1:16- 19)
Ang mga talatang ito ay naghahayag kung bakit makapangyarihan ang Ebanghelyo: Ito ay makapangyarihan dahil sa:
-Ito ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos sa tao.
-Ito ay nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng mga tao, anoman ang lahi, kulay o paniniwala.
-Ito ay naghahayag nang maaring maalaman ng mga tao tungkol sa Diyos.
-Ito ay naghahayag ng kahatulan at poot ng Diyos laban sa kasalanan.
-Ito ay naghahayag ng katuwiran ng Diyos.
-Ito ay nagpapakita kung paano aariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
-Ito ang batayan ng pananampalataya ng ating pamumuhay.
ANG KAPANGYARIHAN NG DUGO
Ang krus ay kasangkapan ng kamatayan, ang putol ng kahoy kung saan namatay si Jesus. Ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay hindi mahihiwalay sa kapangayrihan ng krus at ang dugo na nabuhos dito.
Ang kapangyarihan ng krus ay wala sa piraso ng kahoy. Ang kapangyarihan ay wala sa anomang simbulo ng krus na isinusuot o inilalagay sa mga gusali ng simbahan. Ang kapangyarihan ng krus ay naroon sa nangyari sa krus. Ito ay nasa dugo ni Jesus na nabuhos sa krus para sa kasalanan ng buong sangkatauhan.
Itinuturo ng Biblia na ang buhay ng tao at hayop ay nasa dugo (Levitico 17:11, 14). Sapagkat ang kabayaran para sa kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23), at yamang ang buhay ay nasa dugo, itinatag ng Diyos ang prinsipyo na ang kapatawaran ng mga kasalanan ay darating lamang sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo:
At ayon sa kautusan, ay masasabi ko halos
lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay
walang kapatawaran. (Hebreo 9:22)
Sa Lumang Tipan ang dugo ng mga
hayop ay inihandog bilang hain para sa kasalanan. Ang paghahandog ng dugo ay
paulit-ulit na ginawa tuwing magkakasala ang tao. Ngunit sa Bagong Tipan,
sinugo ng Diyos si Jesus upang ibuhos ang Kaniyang dugo para sa kasalanan
minsan at para sa lahat. Hindi na kailangan na ang dugo ng mga hayop ay ihandog
pa bilang hain para sa kasalanan:
At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo
ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng Kaniyang sariling
dugo, ay pumasok na MINSAN magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang
WALANG HANGGANG katubusan. (Hebreo
9:12)
Ang kapangyarihan ng krus ay nasa dugo ni Jesus. Anong kapangyarihang espirituwal ang nasa dugong yaon? Ang dugo:
-Ay nabuhos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami: Mateo 26:28
-Ang nagdala ng katubusan mula sa kasalanan: Efeso 1:7; 2:13; I Pedro 1:2, 18-19;
Apocalipsis 5:6-9
-Ay mahalaga, sapagkat ito ang tumubos sa atin: I Pedro 1:18-19
-Ay nililinis tayo mula sa kasalanan: I Juan 1:7
-Ay maglilinis sa ating budhi mula sa kasalanan: Hebreo 9:14
-Ay nangungusap para sa atin: Si Jesus ang namamagitan para sa atin at ang Kaniyang dugo ang
nagsasalita para sa atin: Hebreo 12:24
-Ay nagbibigay daan tungo sa presensya ng Diyos upang makalapit tayo sa Kaniya: Hebreo
9:12; 10:19-22; Efeso 2:13
-Ay ginawa si Jesus na tagapamagitan sa Diyos at sa tao: Hebreo 12:24
-Ay pinapaging banal tayo: Hebreo 13: 12-13
-Ang paraan para tayo ay ariing-ganap: Roma 3:24-25
-Ay saro ng pagpapalang espirituwal: I Corinto 10:16
-Ang tumutubos sa atin mula sa kasalanan at sakit: Isaias 53:4
-Ay pinagtitibay ang mga pangako ni Cristo: nang kunin ni Jesus ang saro at sinabi “Ang sarong
ito ang bagong tipan sa aking dugo” ang ibig Niyang sabihin ay “Bawat pangako na bahagi ng
tipan na yaon ay tutuparin na ang kabayaran ng Kaniyang dugo”: Lucas 22:20
-Ang kapangyarihan sa likod ng pagkabuhay na maguli ni Jesus: Hebreo 13:20
-Ay nagdadala ng buhay: Juan 6:53-57
-Ay tinutulungan tayong gawin ang kalooban ng Diyos: Hebreo 13:20-21
-Ay tinutulungan tayo na madaig ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway: Apocalipsis 12:11
-Ay nagdudulot ng proteksyon: Nang ang dugo ng kordero ng Paskua ay inilagay sa mga
pintuan ng mga Israelita sa Egipto, hindi makapasok ang kasamaan: Exodo 12:21-23
Ito ang mga dahilan na sinabi ni Pablo:
Sapagkat ang salita ng krus ay kamangmangan
sa kanila na nangapapahamak; ngunit ito’y kapangyarihan ng Diyos sa atin na
nangaliligtas. (I Corinto 1:18)
ISANG USAPIN NG PAGPILI
Ang ibig bang sabihin ay higit na makapangyarihan ang Kaniyang mga kaaway kay sa Kaniya nang si Jesus ay napako sa krus sapagkat dinulutan Siya ng malaking pagdurusa at winakasan ito sa kamatayan? Basahin kung ano ang sinasabi ng Biblia patungkol dito:
Sinabi nga sa Kaniya ni Pilato, Sa akin ay
hindi Ka nagsasalita? Hindi Mo baga nalalaman na ako’y may kapangyarihang sa
Iyo’y magpawala, at may kapangyarihang sa Iyo’y magpako sa krus?
Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang
kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa Akin malibang ito’y ibinigay sa
Iyo mula sa itaas: kaya’t ang nagdala sa iyo sa Akin ay may lalong malaking
kasalanan. (Juan 19:10-11)
Sinoma’y hindi nag-aalis sa Akin nito,
kundi kusa Kong ibinibigay. May kapangyarihan Akong magbigay nito, at may
kapangyarihan Akong kumuhang muli. Tinanggap Ko ang utos na ito sa Aking
Ama. (Juan 10:18)
Ang mga kaaway ni Jesus ay hindi nagkaroon ng higit na kapangyarihan kay sa Kaniya. Pinili ni Jesus na ialay ang Kaniyang buhay para sa kasalanan ng buong sangkatauhan ayon sa plano ng Diyos. Hindi kailangang gawin ito ni Jesus. May kapangyarihan Siya na iligtas ang Kaniyang sarili mula sa krus. Bukal sa Kaniyang kalooban na inihandog ang Kaniyang buhay.
ANG PAGKABUHAY NA MAGULI
Hindi winakasan ng kamatayan ni Jesus sa krus ang kasaysayan. Ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay hindi nagtatapos dito. Tatlong araw pagkatapos na Siya ay mamatay, si Jesus ay nagbangong muli sa mga patay. Mababasa mo ito sa Lucas 24:1-12.
Na Siya’y binuhay na maguli ng Diyos,
pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagkat hindi maaari na Siya’y mapigilan
nito. (Gawa 2:24)
Ang pinaka-dakilang larawan ng kapangyarihan ng Diyos ay nasa pagkabuhay ni maguli ni Jesu-Cristo:
Sapagkat Siya’y ipinako sa krus dahil sa kahinaan, gayon ma’y nabubuhay Siya dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat kami naman ay sa Kanila’y mahihina, ngunit kami ay mabubuhay na kasama Niya sa kapangyarihan ng Diyos sa inyo.
(II Corinto 13:4)
Ang pagkabuhay na maguli ni Jesus ay isang mahalagang bahagi ng kapangyarihan ng Ebanghelyo sapagkat dahil dito…
…sa Kaniya kayo’y napuspus na Siyang
pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan.
Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga
kapangyarihan sila’y mga inilagay Niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay
Siya sa kanila sa bagay na ito.
(Colosas 2:10,15)
Sa pamamagitan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, nagtagumpay si Jesus laban sa kapangyarihan ng kaaway. Dahil dito, mayroon tayong kapangyarihan sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway. Mayroon din tayong kapanyarihan laban sa kamatayan, sapagkat ang ating lupang katawan ay makakaranas ng pagkabuhay na maguli. May dakilang kapangyarihan sa pagkabuhay na maguli. Binanggit ni Pablo ang pagkakilala kay Jesus sa kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli (Filipos 3:10). Matututuhan mo ang tungkol sa prinsipyong ito sa Ika-Labinganim na Kabanata, “Ang Kapangyarihan Ng Kaniyang Pagkabuhay Na Maguli.”
ANG PANANAMPALATAYA
May isa pang bagay na kailangan upang maranasan ang mga pakinabang ng dugo ni Jesu-Cristo. Dapat kang sumampalataya sa dugo ni Jesus:
Palibhasa’y inaring-ganap na walang bayad
ng Kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus.
Na Siyang inilagay ng Diyos na maging
pangpalubagloob, sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA , sa Kaniyang dugo, upang
maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na
nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Diyos;
Sa pagpapakilala’y Aking sinasabi, ng
Kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang Siya’y maging ganap at
tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.
Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay
inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan. (Roma 3:24-26, 28)
Hindi sapat na may kapangyarihan sa Ebanghelyo. Dapat mong magamit ang kapangyarihang ito sa iyong sariling buhay. Sa madalit-sabi ang pananampalataya ay paniniwala. Dapat kang sumampalataya sa kapangyarihan ng Ebanghelyo upang maranasan ito. Matututuhan mo pa ang tungkol sa kaugnayan ng pananampalataya at kapangyarihan sa kursong ito.
PAGKARANAS NG KAPANGYARIHAN NG EBANGHELYO
Kung hindi mo pa natatanggap si Jesus na iyong sariling Tagapagligtas at hindi ka pa napapatawad sa iyong mga kasalanan, hindi mo mararanasan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo. Upang maranasan ang kapangyarihan ng ebvanghelyo dapat mong:
1. KILALANIN NA IKAW AY
NAGKASALA:
Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa
kaluwalhatian ng Diyos.
(Roma 3:23)
2. SUMAMPALATAYA NA SI JESUS
AY NAMATAY PARA SA IYONG MGA KASALANAN:
Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng
Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang
sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay
na walang hanggan.
Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa
sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay
maligtas sa pamamagitan Niya.
(Juan 3:16-17)
3. IHAYAG ANG IYONG MGA
KASALANAN SA DIYOS AT HINGIN MO SA KANIYA NA IKAW AY PATAWARIN:
Kung sinasabi nating tayo’y walang
kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa
atin.
Kung ipinahahayag natin ang ating mga
kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan,
at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
(I Juan 1:8-9)
4. DANASIN ANG ISANG BUHAY NA BINAGO:
Hayaan mong ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay gumawa sa iyo upang baguhin ang iyong dating pamamaraan ng pamumuhay, ang iyong mga makasalanang mga kilos, mga saloobin, at kaisipan:
Kaya’t kung sinoman ay na kay Cristo,
siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y
pawang naging mga bago. (II Corinto
5:17)
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ibigay ang kahulugan ng “Ebanghelyo.”
3. Anong reperensya sa Biblia ang nagbibigay ng pinakamabuting buod ng mga paunang mga elemento ng Ebanghelyo?
4. Bakit ang Ebanghelyo ay napaka-makapangyarihan?
5. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol sa dugo ni Jesus.
6. Ano ang kailangan upang ma-angkin ang kapangyarihan ng Ebanghelyo?
7. Paano mo mararanasan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo?
8. Ang pangungusap bang ito ay Tama o Mali? “Nakahihigit ang kapangyarihan ng mga kaaway ni Jesus kay sa Kaniya dahil sa napatay Siya ng mga ito.” Ang pangungusap ay ________________.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito).
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Mga dagdag na paag-aaral tungkol sa Ebanghelyo. Ibigay ang buod ng mga itinuituro ng mga sumusunod na mga Kasulatan:
Mateo 4:23; 9:35; 24:14
Marcos 1:14
Gawa 20:24
Roma 1:1-3, 9; 15:16, 19
II Corinto 4:4
Efeso 1:13; 6:15
I Tesalonica 2:2, 9
II Tesalonica 1:8
I Timoteo 1:11
I Pedro 4:17
Apocalipsis 14:6
IKA-WALONG KABANATA
IKALAWANG PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
ANG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ibigay ang reperensya sa Biblia na naghahayag ng kaugnayan ng Espiritu Santo sa
kapangyarihan.
-Tukuyin ang pangunahing layunin ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
-Tukuyin ang mga kaloob ng Espiritu Santo.
-Ibigay ang reperensya sa Biblia na nagli-lista ng bunga ng Espiritu Santo.
-Maglista ng mga panuntunan sa pagtanggap ng bautismo sa Espiritu Santo.
SUSING MGA TALATA:
At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako
ng Aking Ama, datapuwat magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y
masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.
(Lucas 24:49)
PAMBUNGAD
Si Jesus ay gumawa ng isang mahalagang pangako sa Kaniyang mga tagasunod tungkol
sa kapangyarihang espirituwal:
At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako
ng Aking Ama, datapuwat magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y
masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.
(Lucas 24:49)
Ang kapangyarihan ng Ebanghelyo
at ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay dalawang mga susing prinsipyo sa
pagkaunawa ng konsepto ng Biblia tungkol sa kapangyarihan. Ang pagkaranas ng
dalawang ito ay kailangan upang makatanggap ng kapangyarihang espirituwal.
Natutuhan mo na ang kahalagahan ng kapangyarihan ng Ebanghelyo. Ngunit mayroon
pang isang mahalagang karanasang espirituwal na dapat mong matanggap. Ito ang
kapangyarihan ng Espiritu Santo na ipinangako ni Jesus. Tinatalakay ng
kabanatang ito ang mahalagang prinsipyong ito. Ang kabanatang ito ay isa lamang
pambungad patungkol sa Espiritu Santo. Upang mapag-aralan ng lubusan ang
paksang ito, pag-aralan mo ang kurso ng Harvestime International Institute, “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
ANG PANGAKO NG KAPANGYARIHAN
Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod na…
…Ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y
bibigyan Niya ng ibang Mangaaliw, upang Siyang suma inyo magpakailan man.
Sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng
katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagkat hindi nito Siya
nakikita, ni nakikilala man Siya: Siya’y nakikilala ninyo; sapagkat Siya’y
tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
(Juan 14:16-17)
Ang Espiritu na binanggit ni Jesus ay ang ikatatlong persona ng Trinity ng Diyos, ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang “magsasangkap” o “magbibihis” sa mga alagad ng kapangyarihang espirituwal:
At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako
ng Aking Ama, datapuwat magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y
masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.
(Lucas 24:49)
ANG KAUGNAYAN NG ESPIRITU SANTO SA KAPANGYARIHAN
Pansinin na ang dakilang kapangyarihang espirituwal na ito ay dapat maranasan
PAGKATAPOS na matanggap ang Espiritu Santo:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, sa buong Judea at
Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Ang kapangyarihan ay isang espiritu:
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng
espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng
kahusayan. (II Timoteo 1:7)
At bumalik si Jesus sa Galilea sa
kapangyarihan ng Espiritu: at kumalat ang kabantugan tungkol sa Kaniya sa
palibot ng buong lupain. (Lucas 4:14)
Ang “espiritru ng kapangyarihan” ay ang Espiritu Santo:
Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga
Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Diyos ng Espiritu Santo at ng
kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat
ng pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa Kaniya ang Diyos. (Gawa 10:38)
MGA LAYUNIN NG KAPANGYARIHAN
Ang Espiritu Santo ay naglilingkod sa maraming makapangyarihang paraan sa buhay ng mga mananampalataya. Ang Espiritu Santo ay:
Nananahan sa kaniya: (I Corinto 6:19) Tayo ay templo o tahanan ng Espiritu Santo.
Pinapagkakaisa Siya na kasama ng Diyos at ng ibang mga mananampalataya: (I Corinto 6:17) May dakilang kapangyarihan sa pagkakaisa tulad ng inihayag sa kasaysayan ng tore ng Babel (Tingnan ang Genesis 11; lalong pansinin ang talatang 6).
Namamagitan para sa kaniya: (Roma 8:26) Ang makapangyarihang panalangin ng pamamagitan ayon sa kalooban ng Diyos.
Pinapatnubayan siya: (Juan 16:13) Ang Espiritu Santo ay tinutulugan tayo na lumakad na may kapangyarihan at hindi sa kalituhan. Pinapatnubayan Niya tayo sa dako ng kapangyarihan, sa sakdal na kalooban ng Diyos.
Inilalagay ang pagibig ni Cristo sa kaniya at sa pamamagitan niya: (Roma 5:5) Matututuhan mo pang higit ang tungkol sa kapangyarihan ng pagibig sa susunod na kabanata.
Naghahayag ng katotohanan ayon sa Biblia sa kaniya: (II Corinto 2:10) Makapangyarihang kapahayagang espirituwal ay dumarating sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Umaaliw sa kaniya: (Gawa 9:31 at Juan 14:17, 26) Inaaliw Niya tayo sa panahon ng pagdadalamhati.
Binabago siya ayon sa larawan ni Cristo: (II Corinto 3:18) Wala tayong kapangyarihan na baguhin ang ating sarili ayon sa larawan ni Cristo. Ang pagpapabuti sa sarili ay tiyak na mabibigo. Ngunit sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tayo ay mababago ayon sa larawan ni Jesus.
Tinuturuan siya: (Juan 14:26) Ang pinakadakilang tagapagturo ay nananahan sa atin kung tayo ay nasangkapan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang kaalaman ay kapangyarihan, at ang Espiritu Santo ang nagkakaloob ng kaalamang espirituwal.
Kinakasihan siya upang maging tunay ang pagsamba: (Juan 4:24) Ang pagpupuri at pagsamba ay makapangyarihang estratehiyang espirituwal. Sa ilang mga labanan sa Lumang Tipan ito ang pangunahin paraan na ginamit laban sa mga kaaway ng Diyos.
Binubuhay siya: (Roma 8:11) Ang kapangyarihan na nagbangon kay Jesus mula sa mga patay ang siya ring gumagawa sa atin upang tayo ay buhayin. Ang ibig sabihin nito, habang tayo ay nasa lupang katawan na ito, sinasangkapan tayo ng kapangyarihan tulad ng sa pagkabuhay na maguli.
Binabanal siya: (II Tesalonica 2:13-14) Hindi na natin kailangang sikapin pa na mamuhay ng isang buhay na banal sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagpapabanal sa ating mga kaisipan at paguugali. Binibigyan tayo ng kakayahan na mamuhay na may kabanalan.
Binabago siya: (Tito 3:5) Ang kapangyarihan ay kailangan upang magdulot ng pagbabago at ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng kapangyarihan para sa positibong pagbabago.
Sinusumbatan siya sa kamalian: (Juan 16:8-11) Matututuhan mo sa kursong ito na ang kasalanan ay bunga ng kawalan ng kapangyarihang espirituwal. Ang Espiritu Santo ang sumusumbat sa ating mga kamalian at pinagungunahan tayo tungo sa pagsisisi. Ito ang nagbibigay ng kakayahan na magpatuloy ang daloy ng kapangyarihan ng Diyos.
Nagbibigay ng kasiguruhan ng kaligtasan: (Roma 8:16) Ang pagkaalam mo ng iyong kalagayan ay nagbibigay sa iyo ng kapangyarihan. Tinitiyak ng Espiritu Santo ang iyong kalagayan sa harapan ng Diyos.
Nagbibigay sa kaniya ng kalayaan: (Roma 8:2) Ang kalayaan ang nagkakaloob ng pinakadakilang pagkakataon para sa kapangyarihan. Ang Espiritu Santo ay nagbibigay ng kalayaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Nangungusap sa pamamagitan niya: (Marcos 13:11) Hindi tayo malilimitahan ng ating sariling kakayahang magsalita. Sa pamamagitan natin, sinasalita ng Espiritu Santo ang kapangyarihan at kapamahalaan ng Salita ng Diyos.
Naghahayag ng kapangyarihan ng Diyos: (I Corinto 2:4) Ang Espiritu Santo ang nagbibigay kakayahan upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa bawat larangan ng ating buhay.
Nagpapalakas sa kaniya: (Efeso 3:16) Kung ikaw ay mahina, nahahayag ang kapangyarihan ng Diyos.
ANG PINAKADAKILANG LAYUNIN
Ang lahat ng mga ito ay mahahalagang mga layunin, ngunit may isang pangunahing layunin para sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang lahat ng mga layunin ng Espiritu Santo ay nakatuon sa katuparan ng dakilang hangaring ito. Ang pinakadakilang layunin o hangarin ng Espiritu Santo ay nahayag sa pangako ni Jesus:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng
Espiritu Santo: at KAYO’Y MAGIGING MGA SAKSI KO sa Jerusalem, sa buong Judea at
Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Gawa 1:8)
Ang kapangyarihan upang maging mga saksi para kay Jesus ang tunay na katibayan ng Espiritu Santo. Ito ay kaagad namasdan sa buhay ni Apostol Pedro. Bago ang karanasan sa Espiritu Santo si Pedro ay puno ng takot na itinatuwa na kilala niya si Jesus. Pagkatapos matanggap ang pagsangkap ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, tumayo si Pedro at nagbigay ng isang makapangyarihang pagsaksi para sa Ebanghelyo na nag-resulta sa kaligtasan ng 3,000 katao.
Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo sa unang iglesia na nagbunga ng paglaganap ng Ebanghelyo sa buong sanglibutan. Ang aklat ng Gawa ay isang tala ng makapangyarihang pagsaksi na siyang katibayan ng bautismo sa Espiritu Santo.
ANG BAUTISMO SA ESPIRITU SANTO
Ang pagsangkap ng kapangyarihan ay dumarating sa pamamagitan ng karanasan na tinatawag na “ang bautismo sa Espiritu Santo.” Binanggit ni Jesus ang tungkol sa bautismong ito:
Sapagkat tunay na si Juan ay nagbautismo ng
tubig; datapuwat kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan
pa. (Gawa 1:5)
Binanggit din ni Pedro ang tungkol sa bautismong ito:
At naalaala ko ang salita ng Panginoon,
kung paanong sinabi Niya, Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat
kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo.
(Gawa 11:16)
ANG PALATANDAANG PISIKAL
Ang tunay na palatandaan ng bautismo sa Espiritu Santo ay kapangyarihang espirituwal, ngunit ang karanasang ito ay may kasamang palatandaang pisikal. May tatlong mga lugar sa Bagong Tipan na sinabi sa atin kung ano ang nangyari sa mga tao noong sila ay ma-bautismuhan sa Espiritu santo. Kabilang dito ang unang pagbibigay ng Espiritu Santo na natala sa Gawa 2:2-4; sa bahay ni Cornelio sa Gawa 10:44-45; at noong ang mga alagad sa Efeso ay tumanggap ng Espiritu Santo na natala sa Gawa 19:6.
Sa paghahambing sa tatlong mga bahaging ito ng Biblia, isang palatandaang pisikal ang pareho sa tatlong pangyayari: ang mga nagsitanggap ng Espiritu Santo ay nagsalita sa mga wikang iba kay sa kanilang sariling wika. Hindi ito mga wika na kanilang pinag-aralan. Ito ay mga wika na ibinigay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang “mga wika” ng Espiritu Santo ay maaaring mga wika mismo dito sa lupa:
At silang lahat ay nangagtaka at
nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga mga Galileong lahat ang
mga nagsisipagsalitang ito?
At bakit nga naririnig ng bawat isa sa
atin, ang ating sariling wikang kinamulatan?
(Gawa 2:7-8)
Maaari din na walang taong nakakaalam ng mga wikang ito. Ang tawag dito ay “mga wikang hindi ginagamit ng tao”:
Sapagkat ang nagsasalita ng wika ay hindi
sa mga tao nagsasalita, kundi sa Diyos; sapagkat walang nakauunawa sa kaniya;
kundi sa Espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga. ( I Corinto 14:2)
MGA LAYUNIN NG MGA WIKA
Ang mga wika na bigay ng Espiritu Santo ay may mga makapangyarihang layunin sa buhay ng mga mananampalataya. Ang ilan sa mga layunin sa mga wika na masusumpungan sa I Corinto 14 ay:
Panalangin sa Diyos: Talatang 2.
Pagpapatibay sa sarili: Ang pagpapatibay sa sarili ay hindi pagtataas sa sarili, kundi paraan ng pagpapalakas, o paglago. Talatang 4.
Kung may magpapaliwanag, mapagtitibay ang iglesia: Talatang 5.
Panalangin ng pamamagitan: Talatang 14. Tingnan din ang Roma 8:26-27
Pagpupuri: Talatang 15 at 17
Katuparan ng hula: Talatang 21. Tingnan din ang Isaias 28:11-12
Pinaka tanda para sa mga hindi mananampalataya: Talatang 22. Tingnan din ang Gawa 2
MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO
Iniwan ni Jesus sa Kaniyang mga alagad ang isang pananagutan na palaganapin ang Ebanghelyo hanggang sa dulo ng daigdig:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa
pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Naituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin
ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong
palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
(Mateo 28:19-20)
Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay ibinigay upang tulungan ang mga alagad na matupad ang gawaing ito (Gawa 1:8).
Bahagi ng kapangyarihang ito ng Espiritu Santo ay ang mga kaloob na espirituwal upang sangkapan sila ng kakayahang makapaglingkod na mabisa. Higit na malaki ang gawain para ito ay matupad sa pamamagitan ng mga likas na kakayahan.
Ang mga kaloob na espirituwal na ito ay kakaiba kay sa mga kakayahang likas. Ang mga likas na kakayahan ay kasama ng ating pagsilang at lumalago sa ating sariling pagsisikap. Ang mga ito ay magagamit din sa ministeryo, ngunit hindi ito katulad ng mga kaloob na espirituwal.
Ang mga kaloob na espirituwal ay mga makapangyarihang kakayahan na ibinigay ng Espiritu Santo upang may kakayahang maisagawa ang gawain ng ministeryo. Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay mga kakayahang bigay ng Diyos…
Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing
paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:
Hanggang sa abutin nating lahat ang
pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang sa
lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni
Cristo:
Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa,
na napapahapay dito’t doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng
aral…
Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may
pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa Kaniya, na Siyang pangulo,
samakatuwid baga’y si Cristo.
(Efeso 4:12-15)
Ang mga pangunahing bahagi ng Kasulatan na nagli-lista ng mga kaloob na espirituwal na nakalaan para sa mga mananampalataya ay: Roma 12:1-8; I Corinto 12:1-31; Efeso 4:1-16; I Pedro 4:7-11.
Narito ang isang listahan ng mga kaloob na espirituwal. (Hindi inilista ng Biblia ang mga kategorya na ibinigay dito. Ang pag-grupo ng mga kaloob ay para sa layunin na mapag-aaralan ang mga ito.)
Kaloob Na Tangi Kaloob
Ng Pagsasalita
(Special Gifts) (Speaking
Gifts)
Mga Apostol Panghuhula
Mga Propeta Pagtuturo
Mga Ebanghelista Pangangaral
Mga Pastor Salita ng Karunungan
Mga Guro Salita ng Kaalaman
Kaloob ng Paglilingkod Kaloob
Na May Palatandaan
(Serving Gifts) (Sign Gifts)
Pagkilala sa mga espiritu Pagkakaloob Mga Himala
Pangunguna Pagtulong Pagpapagaling
Pamamahala Paglilingkod Mga Wika
Pananampalataya Mapagpatuloy Pagpapaliwanag ng mga Wika
Kahabagan
Ipinapaliwang na detalyado ang mga kaloob na ito sa kurso ng Harvestime International Institute na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Tutulungan ka nito na matuklasan ang iyong kaloob na espirituwal. Ang wastong paggamit ng kaloob na espirituwal ay isang susi sa mabisang kapangyarihang espirituwal. Kung wala ang mga ito, ang katumbas nito ay paggawa na walang tamang kasangkapan sa likas na larangan
ANG BUNGA NG ESPIRITU SANTO
Ang pagsangkap ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay nagbibigay kakayahan din upang ikaw ay makapamuhay ng buhay na tulad ng kay Cristo. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng mga katangian ng Espiritu Santo na lumalago sa iyong buhay. Ang tawag sa mga katangiang ito ay bungang espirituwal. Ang bunga ng Espiritu Santo ay tumutukoy sa kalikasan ng Espiritu Santo na nakikita sa buhay ng isang mananampalataya. Nais ng Diyos na ang lahat ng bunga ay makita sa bawat mananampalataya. Narito ang listahan ng bunga ng Espiritu Santo:
Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig,
katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan, pagpipigil;
laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
(Galacia 5:22-23)
Ang bunga ng Espiritu Santo ay detalyadong tinalakay sa kursong, “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Ang mga katangiang ito ang nagbibigay sa iyo ng kapangyarihang espirituwal upang maging tulad ni Jesus.
PAGTANGGAP NG SANGKAP NG KAPANGYARIHAN
Tulad ng ipinangako ni Jesus, ang Espiritu Santo ay ibinigay ng Ama habang ang mga alagad ay naghihintay sa Jerusalem (Gawa 2). Naibigay na ang Espiritu Santo, ngunit ang bawat mananampalataya ay kailangang tumanggap ng kapangyarihang ito sa pamamagitan ng isang personal na karanasan ng bautismo sa Espiritu Santo.
Narito ang mga panuntunan ayon sa Biblia upang tanggapin ang bautismo sa Espiritu Santo:
MAGSISI AT MA-BAUTISMUHAN:
Dapat munang maranasan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsisisi ng kasalanan at pagtanggap kay Jesu-Cristo bilang personal na Tagapagligtas. Iminumungkahi rin na ma-bautismuhan ka sa tubig:
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi
kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa
ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng
Espiritu Santo. (Gawa 2:38)
SUMAMPALATAYANG ITO AY PARA SA IYO:
Sapagkat sa inyo ang pangako, at sa inyong
mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng
Panginoon nating Diyos sa Kaniya.
(Gawa 2:39)
NASAIN MO:
…Si Jesus ay tumayo at sumigaw, na
nagsasabi, Kung ang sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito siya sa Akin, at
uminom.
Ang sumasampalataya sa Akin, gaya ng
sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na
buhay.
Ngunit ito’y sinalita Niya tungkol sa
Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa Kaniya: sapagkat hindi pa
ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati. (Juan 7:37-39)
KILALANIN MO NA ITO AY ISANG KALOOB:
Ang Espiritu ay naipagkaloob na. Naipagkaloob ito sa Iglesia noong Araw ng Pentecostes na natala sa Gawa 2. Sapagkat ito ay isang kaloob, wala kang magagawa upang maging karapatdapat ka sa pagtanggap nito. Magsimula kang magpuri at magpasalamat sa Diyos para sa kaloob ng Espiritu Santo.
SUMUKO KA SA DIYOS:
Sa iyong pagpupuri dahil sa kaloob ng Espiritu Santo, salitain mo ng malakas ang iyong mga papuri tulad ng kanilang ginawa sa Araw ng Pentecostes sa Gawa 2. Sa iyong pagpupuri na malakas mapapansin mo na ang iyong mga labi ay magsisimulang maiba. Isuko mo lamang ang iyong dila sa Espiritu Santo at Siya ay mangungusap sa pamamagitan mo ng mga salitang hindi mo naman pinag-aralan at nauunawaan. Hindi magtatagal at ang mga labi mo ay makabubuo ng mga wika sa iyong pagpapatuloy ng pagpupuri sa Diyos:
Kundi sa pamamagitan ng ibang taong may
ibang pangungusap at may iba’t ibang wika ay sasalitain Niya sa bayang
ito. (Isaias 28:11)
At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu
Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa
ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.
(Gawa 2:4)
HILINGIN ANG PANALANGIN NG IBANG MANANAMPALATAYA:
Ang Espiritu Santo ay maaari ding matanggap sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga mananampalataya. Ipinakikita ng Gawa 8, 9, at 19 kung paano makatutulong ang mga mananampalatayang puspos ng Espiritu Santo na matanggap mo ang bautismo sa Espiritu Santo.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ibigay ang reperensya sa Biblia na naghahayag ng kaugnayan ng Espiritu Santo sa kapangyarihan.
3. Ano ang pangunahing layunin ng kapangyarihan ng Espiritu Santo?
4. Ibigay ang reperensya sa Biblia na naglilista ng bunga ng Espiritu Santo.
5. Ilista ang anim na panuntunan ng Biblia na ibinigay sa kabanatang ito para matanggap ang kapangyarihan ng Espiritu Santo:
_______________________________ _____________________________________
_______________________________ _____________________________________
_______________________________ _____________________________________
6. Gamitin ang mga sumusunod na mga reperensya upang ilista ang mga kaloob ng Espiritu Santo na nakalaan para sa mga mananampalataya: Roma 12:1-8; I Corinto 12:1-31; Efeso 4:1-16; I Pedro 4:7-11
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Basahin ang Gawa 8:14-17. Ang mga tao sa Samaria ay tumanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng ministeryo ni Felipe. Tinanggap naman nila ang bautismo sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng ministeryo ni Pedro at ni Juan.
Ang pagtanggap ng bautismo sa Espiritu Santo ay isang karanasan bukod sa karanasan ng pagtanggap ng kaligtasan. Ipinakikita nito ang kapangyarihan ng Ebanghelyo at ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na magkasamang gumagawa sa ministeryo.
Tingnan din ang Gawa 19:1-6. Pansinin ang tanong ni Pablo: “Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y magsisampalataya?”
2. Pag-aralan mo ang kurso ng Harvestime International Institute na may pamagat na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Ito ay isang detalyadong pag-aaral ng makapangyarihang ministeryo ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya. Ang isang tunay na susi sa kapangyarihang espirituwal ay ang pagtukoy sa iyong kaloob na espirituwal at ang pagpapalago ng bungang espirituwal sa iyong buhay. Ang kursong ito ang tutulong sa iyo tungkol sa mga bagay na ito.
Kung pinag-aaralan mo ang mga kurso ng Institute sa iminungkahing hanay, natapos mo ng pag-aralan ang kursong “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.” Repasuhin mo uli sa layuning matukoy ang mga paraan ng Espiritu Santo sa pagsangkap ng kakayahan sa mga mananampalataya para sa isang makapangyarihang ministeryo.
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-APAT NA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN: ANG
KAPANGYARIHAN NG PAGIBIG
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ibigay ang kahulugan ng “pagibig.”
-Tukuyin ang pagibig bilang pinakadakilang prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal.
-Tukuyin ang una at pangalawang pinakadakilang mga utos.
-Ipaliwanag kung paano malalaman ng sanglibutan na tayo ay mga mananampalataya.
SUSING MGA TALATA:
Datapuwat ngayo’y nananatili ang tatlong
ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; ngunit ang pinakadakila
sa mga ito ay ang pagibig. (I Corinto 13:13)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata, pinag-aralan mo ang tungkol sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Natutuhan mo na ang bungang espirituwal ay kapahayagan ng kapangyarihan na dulot ng Espiritu Santo sa buhay ng isang mananampalataya. Ang isa sa mga bungang espirituwal na ito ay ang katangiang tulad ng kay Cristo-pagibig. Ito ang unang bunga sa listahan sa Galacia 5:22-23:
Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay pagibig…
(Galacia 5:22)
ANG PINAKADAKILANG KAPANGYARIHAN
Basahin ang Corinto 13:1-13 bago ipagpatuloy ang araling ito. Ang ibig sabihin ng salitang “charity” sa Ingles sa bahaging ito ay pagibig. Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa pinakadakilang prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal, ang kapangyarihan ng pagibig. Ang kapangyarihan ng pagibig ay higit kay sa:
Mga wika na bigay ng Espiritu Santo: Darating ang araw na ang mga wikang ito ay matatapos. Ikaw man ay nagsasalita ng wika ng tao o ibang wika, ito ay walang kapangyarihang mensahe kung walang pagibig. (Talatang 1 at 8)
Kaalaman at kaunawaan: Ang kaalaman ay makapangyarihan, ngunit darating ang araw na ang kaalaman ng tao ay lilipas. Mananatili ang pagibig. (Talatang 2 at 8)
Kaloob ng hula: Tunay na makapangyarihan ang kaloob ng hula -- na masalita mo ang mensaheng galing mismo sa Diyos at masabi ang mga pangyayari sa hinaharap. Ngunit ang mga hula balang araw ay matatapos. (Talatang 2, 8-12)
Pananampalataya: Kahit mayroon kang sapat na pananampalataya na mapalipat mo ang bundok, ito ay walang kabuluhan kung wala kang pagibig. (Talatang 2)
Pagkakaloob: Kahit gaano kalaki ang ipagkaloob mo sa iba, ito ay walang pakinabang malibang ipinagkaloob na may pagibig. (Talatang 3)
Pagiging martir: Kahit ikaw ay mamatay pa alang-alang sa Ebanghelyo, walang kabuluhang pagsasakripisyo ito malibang ginawa dahil sa pagibig. (Talatang 3)
Pagasa: Mahalaga ang pagasa sapagkat kung wala ito ang buhay ay puno ng hapis. Ngunit ang pagibig ay higit na mahalaga kay sa pagasa. (Talatang 13)
Marami kang matututuhan tungkol sa kapangyarihan sa kursong ito. Ngunit alalahanin mo ito:
Ang lahat ng ibang mga prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal, lahat ng mga kaloob na espirituwal, lahat ng ministeryo ay kailangang kumilos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagibig, at kung hindi, walang kabuluhan ang mga ito. Kung ang lahat ng bagay ay mabigo, ang kapangyarihan ng pagibig ay magtatagumpay.
ANG KAHULUGAN AT MGA KATANGIAN NG PAGIBIG
Ang pagibig ay isang damdamin ng malalim na pagmamahal, pagkalinga, at pagmamalasakit na lumalago sa iyong buhay sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Hindi ito isang uri ng pagibig na mapalalago mo sa iyong sarili. Ito ay isang banal na uri ng pagibig na maaari lamang palaguin ng kapangyarihan ng Espiritu Santo:
…sapagkat ang pagibig ng Dios ay nabubuhos
sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin. (Roma 5:5)
Pansinin ang mga katangian ng banal na pagibig na ito na ibinigay sa I Corinto 13:
TALATANG 4:
Ang pagibig ay mapagpahinuhod.
Ang pagibig ay magandang loob.
Ang pagibig ay hindi nananaghili.
Ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.
TALATANG 5:
Ang pagibig ay hindi naguugaling mahalay.
Ang pagibig ay hindi hinahanap ang kaniyang sarili (Hindi makasarili).
Ang pagibig ay hindi nayayamot (Hindi magagalitin)
Ang pagibig ay hindi inaalumana ang masama.
TALATANG 6:
Ang pagibig ay hindi nagagalak sa kalikuan (Hindi nasisiyahan sa paggawa ng mali o makinig ng tungkol sa pagkakamali ng iba)
Ang pagibig ay nakikigalak sa katotohanan (Hindi sa kasinungalingan o tsismis)
TALATANG 7:
Ang pagibig ay nagbabata ng lahat ng bagay (Kahit mahihirap na mga bagay).
Ang pagibig ay pinaniniwalaan ang lahat (May paniniwala sa iba).
Ang pagibibig ay inaasahan ang lahat (Hindi nawawalan ng pagasa sa Diyos o sa iba).
Ang pagibig ay tinitiis ang lahat.
TALATANG 8:
Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailanman (Kahit ano pa ang mga pangyayari)
ANG ITINUTURO NG BIBLIA TUNGKOL SA PAGIBIG
Upang maunawaan mo ang kapangyarihan ng pagibig, dapat mong malaman kung ano ang itinuturo ng Biblia sa paksang ito. Ang bungang espirituwal ng pagibig, ang makapangyarihang pwersang ito, ay hindi ang pagibig na kaugnay ng mga malaswa o karnal na pagibig na inilalarawan ng sanglibutan. Ito ay pagibig na “hindi pakunwari”, na ang ibig sabihin ay ito ay banal na pagibig. Ang pagibig na hindi pakunwari ang uri ng pagibig na dapat ipakita sa iba:
Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa
inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid,
ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng buong puso sa isa’t isa. (I Pedro 1:22)
Ang una at pinakadakilang utos ay ibigin mo ang iyong Diyos:
At iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng
buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong
lakas mo. (Marcos 12:30)
(Tingnan din ang Deuteronomio 6:5; Lucas 10:27; I Juan 2:5, 15; 3:11-17; 4:7-20; 5:2; II Juan 1:5-6)
Ang iyong pagibig sa Diyos ay sinusubok sa iyong pagsunod sa Kaniya:
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung
ang sinoman ay umiibig sa Akin, at kaniyang tutuparin ang Aking salita: at
siya’y iibigin ng Aking Ama, at kami’y pasasa Kaniya, at Siya’y gagawin naming
aming tahanan. (Juan 14:23)
Datapuwat ang sinomang tumutupad ng
Kaniyang salita, tunay na sa Kaniya naging sakdal ang pagibig ng Diyos. Dahil
dito’y nalalaman nating tayo’y nasa Kaniya.
(I Juan 2:5)
Ang pangalawang pinakadakilang utos ay ang ibigin ang iba:
At ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang
iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga
ito. (Marcos 12:31)
Nais ni Jesus na ibigin mo ang iba tulad ng Kaniyang pagibig sa iyo:
Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay
Ko, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa: na kung paanong iniibig Ko kayo, ay
mangagibigan naman kayo sa isa’t isa.
(Juan 13:34)
Kung paanong iniibig Ako ng Ama, ay gayon
din naman iniibig Ko kayo: magsipanatili kayo sa Aking pagibig.
Ito ang Aking utos, na kayo’y mangagaibigan
sa isa’t isa, na gaya ng pagibig Ko sa inyo.
(Juan 15:9, 12)
At ipinakikilala Ko sa kanila ang Iyong
pangalan, at ipakikilala Ko; upang ang pagibig na sa Akin ay iniibig Mo ay
mapasa kanila, at Ako’y sa kanila.
(Juan 17:26)
Ikaw ay nakikilala bilang mananampalataya sa pamamagitan ng pagibig:
Sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng mga
tao na kayo ay Aking mga alagad, kung kayo’y may pagibig sa isa’t isa. (Juan 13:35)
Nalalaman nating tayo’y nangalipat na sa
buhay mula sa kamatayan, sapagkat tayo’y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi
umiibig ay nananahan sa kamatayan.
(I Juan 3:14)
Kung hindi mo maibig ang ibang mananampalataya, wala sa iyo ang pagibig ng Diyos:
Ang nagsasabing siya’y nasa liwanag at
napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon.
Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay
nananahan sa liwanag, at sa kaniya’y walang anomang kadahilanang
ikatitisod. (I Juan 2:9-10)
Ito ay isang mahalagang katotohanan. Pag-aralan mo pa sa Juan 13:34; 14:15, 21, 23, 31; 15: 9-17; 17:26; 21:15-17).
Ang pagibig para sa ibang mananampalataya ay nagbubunga ng pagkakaisang espirituwal na isang makapangyarihang pwersa. Nang sila ay nagkakaisa sa panalangin, naganap ang Pentecostes (Gawa 2). Sila ay “nagkakaisa ng puso at kaluluwa” (Gawa 4:32) at may kapangyarihan na nagpatotoo (Gawa 4:33). At sila ay nagsipanatiling matibay sa pagsasamasama (Gawa 2:42) at maraming mga kababalaghan at tanda ang nagawa (Gawa 2:43).
Ibigin mo ang iyong mga kaaway:
Datapuwat sinasabi Ko sa inyong
nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang
nangapopooot sa inyo.
Pagpalain ninyo ang sa inyo’y sumusumpa at
ipanalangin ninyo ang sa inyo’y lumalait.
At kung magsigawa kayo ng mabuti sa
nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? Sapagkat
ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
Datapuwat ibigin ninyo ang inyong mga
kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti…
(Lucas 6:27, 28, 33, 35)
Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang
iyong kapwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway:
Datapuwat sinasabi Ko sa inyo, Ibigin ninyo
ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig. (Mateo 5:43-44)
Ang iyong pagibig ay kailangang sumagana:
At ito’y idinadalangin ko, na ang inyong
pagibig ay lalo’t lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng
pagkakilala. (Filipos 1:9)
At kayo’y palaguin at pasaganain ng
Panginoon sa pagibig sa isa’t isa, at sa lahat ng mga tao… (I Tesalonica 3:12)
Kailangan kang magugat at magtumibay sa pagibig:
Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso
sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo’y magugat at magtumibay sa
pagibig,
Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat
ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,
At makilala ang pagibig ni Cristo na di
masayod ng kaalaman, upang kayo’y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng
Diyos. (Efeso 3:17-19)
Upang ikaw ay mapuspos ng kalubusan ng Diyos at ng Kaniyang kapangyarihan, dapat kang magkaroon ng pagibig. Mahalaga ito sa kapangyarihan sapagkat ito ang nagaalis ng takot:
Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal
na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagkat ang takot ay may kaparusahan; at
ang nangatatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig. (I Juan 4:18)
Ikaw ay kailangang lumakad sa pagibig:
At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin
naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang Kaniyang
sarili, na hain at handog sa Diyos, upang maging samyo ng masarap na amoy. (Efeso 5:2)
Ikaw ay makikiugnay sa iba sa pagibig:
Na buong kapakumbabaan at kaamuan, na may
pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig. (Efeso 4:2)
Panatilihin mo ang iyong sarili sa pagibig:
Na magsipanatili kayo
sa pagibig sa Diyos… (Judas 21)
…sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa
pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan. (I Timoteo 6:11)
Ang pananampalataya na mahalaga sa kapangyarihan ay gumagawa sa pamamagitan ng pagibig:
…kundi ang pananampalataya na gumagawa sa
pamamagitan ng pagibig.
(Galacia 5:6)
Ang iyong paggawa para sa Panginoon ay kailangang paggawa na may pagibig:
Na aming inaalaalang walang patid sa
harapan ng ating Diyos at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal
sa pagibig… (I Tesalonica 1:3)
Sapagkat ang Diyos ay hindi liko upang
limutin ang inyong gawa at pagibig na inyong ipinakita sa Kaniyang pangalan, sa
inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo’y nagsisipaglingkod
kayo. (Hebreo 6:10)
Sa paglapit natin sa pagwawakas ng panahon sa lupa, hindi magtatagal ang pagibig ng marami. Ito ay manglalamig, na ang ibig sabihin ay mawawalan ng malasakit ang mga tao:
At dahil sa pagsagana ng katampalasanan,
ang pagibig ng marami ay lalamig.
(Mateo 24:12)
Ngunit binigyan tayo ng katiyakan na walang makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Diyos:
Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni
Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, oa ang paguusig, o ang kagutom, o ang
kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
Sapagkat ako’y naniniwalang lubos, na kahit
ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga
pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating,
kahit ang mga kapangyarihan,
Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan,
kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa
pagibig ng Diyos, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin. (Roma 8:35, 38-39)
ANG PINAKADAKILANG PAGIBIG
Ang pinakadakilang pagibig ay ang pagibig ng Diyos para sa makasalanang sanglibutan. Ipinakita Niya ang pagibig na yaon sa pamamagitan ng pagsusugo kay Jesus upang mamatay:
Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng
Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang
sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay
na walang hnaggan.
(Juan 3:16)
Ipinakita ni Jesus ang dakilang pagibig na ito sa Kaniyang kusang loob na pagaalay ng Kaniyang buhay sa krus:
Walang may lalong dakilang pagibig kay sa
rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga
kaibigan. (Juan 15:13)
Sapagkat ang isang tao’y bahagya nang
mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama’t dahil sa isang taong mabuti
marahil ay may mangangahas mamatay.
Datapuwat ipinagtatagubilin ng Diyos ang Kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. (Roma 5:7-8)
Ang makapangyarihang pwersang ito ng pagibig--ang pagibig ng Diyos—ang nais palaguin ng Espiritu Santo sa iyong buhay:
…sapagkat ang pagibig ng Diyos ay nabubuhos
sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin. (Roma 5:5)
Tandaan, lahat ng ibang mga prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal ay nakasalalay dito: Ang kapangyarihan ng pagibig.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang pagibig?
3. Ano ang una at pangalawang pinakdakilang utos?
4. Paano malalaman ng sanglibutan na tayo ay mga mananampalataya?
5. Kompletuhin ang pangungunsap na ito:
“Ang lahat ng ibang mga prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal, lahat ng mga kaloob na espirituwal, lahat ng ministeryo ay dapat gumawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ______________ o kung hindi walang kabuluhang lahat ito.”
6. Ano ang pinakadakilang prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal?
7. Ano ang ibig sabihin ng salitang “charity” (KJV) sa I Corinto 13?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Maraming isinulat si David tungkol sa pagibig. Tingnan ang Awit 18:1; 31:23; 40:16; 97:10; 116:1; 119:97, 113, 119, 127, 132, 159, 163, 165, 167; 122:6; 145:20.
2. Pag-aralan ang aklat ng I Juan. Ang pangunahing paksa na aklat na ito ay pagibig.
3. Narito ang I Corinto 13 sa salin na “Ang Salita Ng Diyos Para Sa Mga Pilipino.” Makabago ang salin na ito at gamit ang salitang Pilipino na masa madaling maintindihan:
Makapagsalita man ako ng wika ng mga tao at mga anghel ngunit wala
naman akong pag-ibig, para lang akong gong na tumutunog o batingaw na
umaalingawngaw.
Magkaroon man ako ng kaloob ng pagpapahayag, at umunawa sa lahat ng
hiwaga; magkaroon man ako ng kaalaman sa lahat ng bagay; magkaroon man ako ng
matibay na pananampalataya na makapagpapalipat ng mga bundok, ngunit wala naman
akong pag-ibig, wala rin akong kabuluhan.
Ipagkaloob ko man sa mga dukha ang lahat ng aking ari-arian at ibigay
ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong
pakikinabangin.
Ang pag-ibig ay matiyaga at nagmamagandang-loob. Hindi ito nananaghili,
nagmamapuri, o nagyayabang.
Hindi ito makasarili, magagalitin, o mapagtanim ng galit. Hindi ito
natutuwa sa masamang gawa, bagkus ay nagagalak sa katotohanan.
Pinapasan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
inaasahan ang lahat ng bagay. Tinitiis ang lahat ng bagay.
Ang pag-ibig ay walang katapusan. Titigil ang pagpapahayag. Matatapos
ang pagsasalita ng mga wika at mawawala ang kaalaman.
Hindi pa lubos ang ating nalalaman at ang kakayahan sa pagpapahayag.
Ngunit pagdating ng ganap mawawala ang di-ganap.
Noong kao’y bata pa, nagsasalita akong tulad ng bata; nagdaramdam akong
tulad ng bata, at nagiisip na tulad ng bata. Nang ako’y nasa hustong gulang na,
iniwan ko na ang pagaasal bata.
Ngayon ang nakikita natin ay malabong larawan; balang araw, makikita
natin nang mukhaan. Ngayon, bahagya lamang ang aking pagkilala, ngunit
pagdating ng araw, makikilala ko nang lubusan , tulad ng pagkakilala sa akin.
At ngayon ay nananatili ang tatlong ito: pananampalataya, pag-asa, at
pag-ibig. Ngunit ang pinakdakila sa mga ito ay ang pagibig.
IKA-SAMPUNG KABANATA
ANG PAGPAPAHID NG KAPANGYARIHAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ipaliwanag ang layunin ng banal na pagpapahid ng langis sa Lumang Tipan.
-Magbigay ng mga halimbawa kung paano ginamit ang pagpapahid ng langis sa Lumang Tipan.
-Ibigay ang kahulugan ng pangalang “Cristo.”
-Ibigay ang buod ng mga layunin ng pagpapahid ng kapangyarihan.
-Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagtuklas ng iyong tiyak na pagpapahid sa ministeryo.
-Ipaliwanag kung paano tumanggap ng pagpapahid ng kapangyarihan.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng espirituwal na pagpapahid.
SUSING MGA TALATA:
At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa
Kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang
kayo’y turuan ng sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng Kaniyang
pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan,
at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa Kaniya. (I Juan 2:27)
PAMBUNGAD
Ang kabanatang ito ay tungkol sa pagpapahid ng Diyos na nagbibigay kapangyarihan sa mga lalake at babae para sa mabisang ministeryo. Ito ay nagkakaloob din ng panuntunan sa pagtanggap ng pagpapahid ng kapangyarihan.
ANG PAGSASAGAWA NG PAGPAPAHID
Ang ibig sabihin ng “pahiran” ay pahiran ng langis ang isang tao o bagay. Ang pagsasagawa nito ay itinatag sa panahon ng Lumang Tipan. Ang pagpapahid ay tatlong uri sa simula: Karaniwang pagpapahid, pagpapahid bilang pangggamot, at banal na pagpapahid.
Ang karaniwang pagpapahid ay kaugnay ng pagaayos sa sarili upang magkaroon ng mabangong amoy. Mababasa ito sa Ruth 3:3, Awit 104: 15, at Kawikaan 27:9. Ang mga panauhin ay pinapahiran bilang tanda ng paggalang (Lucas 7:46) at ang namatay ay pinapahiran bilang paghahanda sa paglilibing (Marcos 14:8; 16:1).
Ang pagpapahid bilang panggagamot ay ginagamit upang tulungan ang maysakit at nasugatan. Halimbawa, tingnan ang Lucas 10:34.
Ang banal na pagpapahid: Ang pangatlong uri ng pagpapahid ang paksa ng kabanatang ito. Ito ang pagpapahid para sa banal o espirituwal na mga layunin. Ito ay ginagamit upang italaga ang mga bagay o tao sa Diyos.
MGA HALIMBAWA SA LUMANG TIPAN
Ang unang pagkakataon na ang pagpapahid para sa layuning espirituwal na natala sa Lumang Tipan ay makikita sa Genesis 28:18. Pagkatapos na makita ni Jacob ang dakilang pangitain mula sa Diyos…
…bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha
ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, at kaniyang itinayo na
pinakaalaala, at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw.
At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay
Betel (ang bahay ng Diyos)…
(Genesis 28:18-19)
Hindi nagtagal at binanggit ng Diyos ang tungkol sa pangyayaring ito at Kaniyang sinabi:
Ako ang Diyos ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala, at doon ka gumawa ng panata sa Akin… (Genesis 31:13)
Hindi nagtagal, nagbigay ang Diyos na mga tagubilin tungkol sa pagpapahid sa mga saserdote, mga hari, at mga propeta upang ibukod sila para sa mga layuning espirituwal. Ang mga nilalaman ng Tabernakulo ng pagsamba ay kailangan ding pahiran. Maaari mong pag-aralan pa ito sa bahagi ng “Para Sa Dagdag Na Pag-aaral” ng kabanatang ito.
Ang layunin para sa pagpapahid sa mga tao at mga bagay na ito ay upang ibukod sila para sa tanging pagtatalaga sa gawain ng Diyos. Ang banal na langis ang gagamitin para sa mga layuning espirituwal na ito:
At iyong gagawing banal na langis na
pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango:
siya ngang magiging banal na langis na pangpahid.
At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel,
na iyong sasabihin, Ito’y magiging banal na langis na pangpahid sa Akin sa
buong panahon ng iyong mga lahi.
(Exodo 30:25, 31)
ANG PAGPAPAHID KAY JESUS
Ayon sa kaayusan na itinatag ng Diyos, si Jesus ay pinahiran para sa paglilingkod. Sinabi ni Jesus:
Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagkat Sko’y pinahiran Niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga
dukha: Ako’y sinugo Niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga
bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nang-aapi,
Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. (Lucas 4:18-19)
Ito ay katuparan ng hula na ibinigay sa Isaias 61:1.
Kinilala ng mga alagad na…
Samakatuwid baga’y si Jesus na taga
Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Diyos ng Espiritu Santo at ng
kapangyarihan; na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat
ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa kaniya ang Diyos. (Gawa 10:38)
ANG PINAGMUMULAN NG PAGPAPAHID
Ang kapangyarihan sa pagpapahid na espirituwal ay wala sa langis. Ang kapangyarihan ay hindi nakasalalay sa taong nagpapahid o sa mga kakayahan ng tumanggap. Ang kapangyarihan ng pagpapahid ay dumadaloy mula sa pinagmumulan, ang Diyos Ama. Pansinin ang sinabi ni Jesus “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagka’t Ako’y pinahiran Niya.”
Sinabi ni Pablo:
Ngayon Siya na ang nagpapatibay sa amin na
kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa atin, ay ang Diyos. (II
Corinto 1:21)
Ang Diyos ang pinagmulan ng pagpapahid kay Cristo. Siya pa rin hangga ngayon ang pinagmumulan ng pagpapahid. Ang langis ay isa lamang simbulo na ginamit upang katawanin ang pagpapahid na ito. Ang isang taong bulag na pinagaling ni Jesus ay nagulat:
Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na
Jesus ay gumawa ng putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin,
Humayo ka sa Siloe, at maghugas ka: kaya’t ako’y humayo at naghugas, at ako’y
tumanggap ng paningin. (Juan 9:11)
Ang talatang ito ang nagpapatibay na hindi ang simbulo na ginamit kundi ang kapangyarihan sa likod ng paggawa ng pagpapahid ang mabisa. Bagamat ang mga lalake at babae ay pinahiran ng langis ng tao, ang tunay na pagpapahid ng kapangyarihan ay mula sa Diyos. Sinabi ng Diyos tungkol kay Haring David:
Aking nasumpungan si David na Aking
lingkod; Aking pinahiran siya ng Aking banal na langis. (Awit 89:20)
Maraming mga taon bago pa pinahiran si David ng tao, siya ay pinahiran na ng Diyos:
At sinabi ni Nathan kay David… Ganito ang
sinabi ng Panginoon, Pinahiran kita ng langis na maging hari sa Israel… (II Samuel
12:7)
ANG MGA LAYUNIN NG PAGPAPAHID
Ang pagpapahid ng espiritu ng Diyos ay napakahalaga sa buhay at ministeryo ng isang mananampalataya. Narito ang ilang mga layunin ng pagpapahid:
PAGLILINGKOD:
Nang ang pagpapahid ng Diyos ay dumating kay Saul, binago siya upang maglingkod bilang hari ng Israel:
Nang magkagayo’y kinuha ni Samuel ang
sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi,
Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka
sa kaniyang mana?
At ang Espiritu ng Panginoon ay
makapangyarihang sasaiyo, at manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging
ibang lalake. (I Samuel 10:1,6)
Si Jesus ay pinahiran ng Diyos para sa paglilingkod:
Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon,
Sapagkat Ako’y pinahiran Niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga
dukha: Ako’y sinugo Niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga
bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nang-aapi,
Upang itanyag ang kaayaayang taon ng
Panginoon. (Lucas
4:18-19)
Samakatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa Kaniya ang Dios. (Gawa 10:38)
Ang mga talatang ito ay nagbibigay ng isang listahan ng mga layunin ng pagpapahid para sa paglilingkod. Binibigyan ka ng pagpapahid ng kakayahang :
-Ipangaral ang Ebanghelyo.
-Maglingkod sa mga dukha.
-Pagalingin ang sugat ng puso.
-Pagalingin ang mga maysakit. (Tingnan din ang Santiago 5:14-15 at Marcos 6:13)
-Ipangaral ang pagliligtas sa mga bihag.
-Buksan ang mga mata ng mga espirituwal na bulag.
-Bigyang kalayaan ang nangaaapi.
-Palayain ang mga nasugatan ng kaaway.
-Ipangaral ang kaayaayang taon ng Panginoon. (Tingnan ang II Corinto 6:2).
-Humayo upang gumawa ng mabuti.
-Pagalingin ang mga pinahihirapan ng Diablo.
PANANAGUTAN:
Pinahiran ng Diyos ang mga mananampalataya na may pananagutang espirituwal. Anoman ang
ipinagkatiwala Niya sa iyo, malaki man o maliit, hindi ito dahil sa iyong sariling kakayahan. Hindi ito dahil sa iyong edukasyon, personalidad o kalagayan sa lipunan. Tinanggap mo ang pananagutang espirituwal sa pamamagitan ng pagpapahid:
At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At
Ako’y narito, Aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa
aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga Anak ni Israel; Aking ibinigay sa iyo
dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan
man. (Bilang 18:8)
PAGTUTURO:
Itinuturo sa iyo ng pagpapahid:
At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa
Kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang
kayo’y turuan ng sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng Kaniyang
pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan,
at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa Kaniya. (I Juan 2:27)
Hindi ang ibig sabihin nito ay hindi ka na tatanggap ng katuruang espirituwal mula sa iba. Nagtakda ang Diyos nga mga guro sa Iglesia para sa layuning ito (Efeso 4:11). Pinahiran sila ng Espiritu Santo upang ituro ang Salita ng Diyos. Ngunit kung wala kang pagkakataon na makatanggap ng paglilingkod mula sa mga taong pinili ng Diyos, tuturuan ka pa rin ng pagpapahid ng Espiritu Santo.
Tutulungan ka ng pagpapahid na ito na timbangin ang mga katuruan na iyong naririnig mula sa iba. Ito rin ang naghahayag sa iyo ng mga katotohanan na hindi mo maunawaan at malinaw na binubuksan ang kapahayagan ng nasulat na Salita ng Diyos sa iyo. Pansinin na ang pagpapahid ay nagtuturo sa atin ng “lahat ng bagay.” May gayong kapangyarihan sa pagpapahid na nagtuturo sa iyo sa lahat ng larangan ng iyong buhay at ministeryo.
PANANATILI:
Ang pagpapahid ng Diyos ang nagbibigay kakayahan sa iyo na manatili kay Jesus. Pansinin ang bahaging ito ng talata na katatapos pa lamang pag-aralan:
At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa
Kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo… at kung paanong kayo’y tinuruan
nito, ay gayon kayong nananahan sa Kaniya.
(I Juan 2:27)
Isang bagay ang tanggapin si Jesus bilang Tagapagligtas. Iba ring bagay ang matutuhan kung paano manatili sa Kaniya at lumakad na may pagsunod sa Kaniyang Salita at Kaniyang kalooban. Itinuturo sa iyo ng pagpapahid kung paano mo gagawin ito.
KALAYAAN:
Ang pamatok ng pagkaalipin ay sinisira ng pagpapahid. Ang mga pamatok ay ginamit sa lumang panahon upang pagsamahin ang mga hayop sa paggawa sa bukid. Ginagamit pa rin sa ganitong layunin ang mga ito sa maraming mga bansa ngayon. Binanggit ni Jesus ang tungkol sa pamatok na Kaniyang sabihin:
Magsiparito kayo sa Akin, kayong lahat na
nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y Aking pagpapahingahin.
Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at magaral
kayo sa Akin; sapagkat Ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan
ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
Sapagkat malambot ang Aking pamatok, at
magaan ang Aking pasan.
(Mateo 11:28-30)
Tayong lahat ay nasa ilalim ng isang uri ng pamatok. Alin sa dalawa, nasa ilalim ka ng pamatok ni Satanas o ng Diyos. Ang pamatok ng pagkabihag ni Satanas ay tatsulok:
1. Ang pamatok ng kasalanan:
Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas
sa inyo sa lupain ng Egipto, upang huwag kayong maging mga alipin nila; at
sinira Ko ang mga kahoy ng inyong pamatok, at pinalakad Ko kayo ng mga ulong
matuwid. (Levitico 26:13)
Ang “pamatok ng Egipto” ay ang pamatok ng kasalanan. Ang pamatok na ito ay kailangang masira kung nais mong ikaw ay mapailalim sa pamatok kasama ni Jesus.
2. Ang pamatok ng sarili:
Nagpunyagi si Pablo dahil sa pamatok ng sarili:
Sapagkat ang ginagawa ko’y hindi ko
nalalaman: sapagkat ang hindi ko ibig ang ginagawa ko; datapuwat ang
kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.
(Roma 7:15)
3. Ang pamatok ng tao:
Ang pamatok ng tao ay ang pagbihag na likha ng tao sa iyo:
Oo, sila’y nagbibigkis ng mabibigat na mga
pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao;
datapuwat ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. (Mateo 23:4)
Maaaring kabilang sa pamatok ng tao ang paggigiit ng kasalanan, tradisyon, sobrang pagka denominasyon, o mga imposibleng mga pamantayan ng pamumuhay na ipinipilit ng iba. Paano masisira ang mga patibayang ito sa iyong buhay at sa buhay ng mga pinaglilingkuran mo? Ang mga ito ay sinisira ng pagpapahid.
KAGALAKAN:
Si Jesus ay pinahiran ng langis ng kagalakan:
Ngunit tungkol sa Anak ay sinasabi…Inibig
mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; kaya’t ang Dios, ang Dios mo,
ay nagbuhos sa inyo, ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan. (Hebreo 1:8-9)
Sila na mga umiibig sa katuwiran at napopoot sa kalikuan ay papahiran ng kagalakang ito. Ang pagpapahid ng Diyos ay nagdadala ng malaking kagalakan sa iyong buhay. Ang kagalakan ng Panginoon ang nagbibigay ng kapangyarihan sa iyong paglilingkod para sa Diyos.
MGA TIYAK NA PAGPAPAHID
Ang mga layunin ng pagpapahid na iyong pinag-aralan ay para sa lahat ng mga mananampalataya. Ngunit pinapahiran din ng Diyos ang mga tao para sa mga tiyak at tanging gawain. Ang iba ay pinahirang maging ebanghelista, ang iba naman ay mga guro. Ang iba ay mga pastor at may mga propeta. Maraming ibat-ibang pagpapahid na ibinibigay ang Diyos sa mga mananampalataya.
Si Jesus ay may tiyak na pagpapahid mula sa Diyos upang mamatay para sa kasalanan ng mga tao. Ang ibig sabihin ng pangalang “Cristo” ay “ang pinahiran.” Ang ibig sabihin ng pangalang Jesus ay “Tagapagligtas.” Kung gamitin ang pangalang Jesu-Cristo na magkasama, ang ibig sabihin nito ay Siya ang pinahiran ng Diyos upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan. Bago ang Kaniyang kamatayan, isang babae ang nagpahid ng mamahaling langis kay Jesus. Sinabi ni Jesus:
Sapagkat sa pagbubuhos niya nitong unguento
sa Aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda Ako sa paglilibing. (Mateo 26:12)
Alam ni Jesus na Siya ay pinahiran ng Diyos upang mamatay para sa kasalanan ng mga tao. Wala ng iba na nagkaroon ng ganitong tiyak na pagpapahid.
Sa buong tala ng Biblia, pinahiran ng Diyos ang mga tao para sa mga tiyak na mga ministeryo (Tingnan ang II Cronica 22:7). Nang sikapin ng mga tao na magsimula ng gawain ng isang tiyak na ministeryo na walang pagpapahid ng Diyos, nagbunga ito ng problema. Basahin ang kasaysayan ni Aaron at Miriam sa Bilang 12 para sa halimbawa nito. Inisip ni Miriam at Aaron na nasa kanila rin ang pagpapahid na na kay Moises at mapangungunahan nila ang Israel ng kasing galing niya. Nasumpungan nila na hindi gayon. Ang isa pang halimbawa ay makikita sa Bilang 16 sa kasaysayan ni Kore na sinikap na angkinin ang pagpapahid na tulad ng kay Moises.
Ang karamihan sa di pagkakaisa sa Katawan ni Cristo ay nagmumula sa mga tao na nagsusumikap na pumasok sa mga larangan ng ministeryo na hindi naman sila nakatanggap ng pagpapahid para dito. May isang tao na pinahiran ng Diyos sa isang tanging paraan at di magtatagal gagayahin na siya ng bawat isa. Subalit ang mga manggagaya ay walang bunga tulad ng kanilang ginagaya. Nagtatak sila kung ano ang mali. Ginagawa nila ang lahat tulad ng kanilang ginagaya, ngunit walang gayong bunga. Ang sagot ay makikita sa pagpapahid ng kapangyarihan. Ang pagpapahid ng Diyos ay ibinigay sa isang tao para sa isang tiyak a gawain, ngunit hindi ibinigay sa iba. Dahil dito ang isa ay nagtagumpay, ang iba naman ay hindi.
Ang isa sa mga kasalanan ng laman
ay nakalista sa Galacia 5:20 ay tinatawag na “paninibugho.” Ang paninibugho ay
isang uri ng pananaghili na nahahayg sa pamamagitan ng paggaya sa iba. Hindi
pagpapalain ng Diyos ang paninibugho. Ang hinahanap ng Diyos ay yaong mga
lalabas mula sa kasalanan ng paninibugho tungo sa kapahayagan sa pamamagitan ng
pagpapahid ng kapangyarihan.
PAANO TUMANGGAP NG PAGPAPAHID
Paano mo matatanggap ang pagpapahid ng kapangyarihan?
KILALANIN ANG PINAGMUMULAN:
Tulad ng iyong natutuhan sa araling ito, ang pinagmumulan ng pagpapahid ng kapangyarihang espirituwal ay ang Diyos. Hindi ka maaaring magtiwala sa iyong edukasyon, personalidad, o kalagayan sa lipunan. Hindi mo matatanggap ang pagpapahid mula sa iba.
Wala ka namang magagawa upang maging karapat-dapat na tumanggap ng pagpapahid. Hindi ito darating sa pamamagitan ng emosyon. Ang Diyos lamang ang tanging pagmumulan ng pagpapahid na espirituwal. Upang tumanggap ng ganoong pagpapahid, dapat mong kilalanin ang pinagmumulan ng pagdaloy nito.
MARANASAN ANG KAPANGANAKANG MULI:
Sapagkat ito ay kapangyarihang espirituwal na dumadaloy mula sa Diyos, dapat ay born again ka upang matanggap mo ito. Ang dahilan nito ay:
Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi
tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagkat ang mga ito ay
kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagkat ang mga yaon ay
sinisiyasat ayon sa espiritu. (I
Corinto 2:14)
Ang pagpapahid na ito ay dumadaloy mula sa Espiritu ng Diyos. Ang karnal (makasalanan) na tao ay hindi makatatanggap nito. Hindi mo ito matatanggap malibang ikaw ay isang maka-Diyos na tao.
BASAHIN ANG SALITA NG DIYOS AT MANALANGIN:
Yamang ang Diyos ang pinagmumulan ng pagpapahid, dapat kang manatili na nakaugnay sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin (na dito ikaw ang nakikipagusap sa Kaniya) at sa Salita ng Diyos (na dito naman ay Siya ang nangungusap sa iyo). Habang lalo kang nananatili sa Kaniyang Salita, at ito ay nananatili sa iyo, lalo namang dadaloy ang pagpapahid sa iyong buhay.
SIRAIN ANG PAMATOK:
Matututuhan mo sa kabanatang ito na ang isa sa mga layunin ng pagpapahid ay upang sirain ang mga pamatok ng pagkabihag. Hingin mo sa Diyos na sirain ang bawat pamatok ng kasalanan, sarili, o yaong mga iginiit ng tao. Dapat mong maranasan ang pagpapahid na sisira ng pamatok sa iyong buhay bago ito makadaloy sa iyo tungo sa iba.
TANGGAPIN ANG ESPIRITU SANTO:
Samakatuwid baga’y si Jesus na taga
Nazaret, kung paanong Siya’y pinahiran ng Diyos ng Espiritu Santo at ng
kapangyarihan; na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat
ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagkat sumasa kaniya ang Diyos. (Gawa 10:38)
Ang talatang ito ay naglalarawan kung paano ang pagpapahid ng Diyos ay kaugnay sa makapangyarihang gawa ng Espiritu Santo sa iyong buhay. Upang maranasan mo ang pagpapahid ng kapangyarihan, dapat mong tanggapin ang Espiritu Santo. Napag-aralan mo na ito sa Ika-walong Kabanata sa “Ang Kapangyarihan Ng Espiritu Santo.”
HUWAG ITUON ANG PANSIN SA IYONG KAKULANGAN:
Maraming mga tao ang nakatuon sa kanilang mga kakulangan sa halip na sa mga kakayahang nakalaan sa kanila sa pamamagitan ng pagpapahid ng kapangyarihan. Minsan ay sinabi ni Haring David:
At ako’y mahina sa
araw na ito, bagaman pinahirang hari… (II Samuel 3:39)
Kinilala ni David na sa kaniyang sarili siya ay mahina, bagamat siya ay hari. Ang kapangyarihang kaniyang naransan ay sa pamamagitan ng pagpapahid. Ang kaniyang kahinaan ay napalitan ng kalakasan. Hindi siya tumngin sa kaniyang mga kakulangan, kundi sa kaniyang kakayahan sa pamamagitan ng pagpapahid ng kapangyarihan. Kaya nga kaniyang nasabi:
Sapagkat sa pamamagitan Mo ay dadaluhungin
ko ang isang hukbo; At sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa
kuta. (Awit 18:29)
Ang mga alagad ay mga lalaking matatakutin sa simula at mapagalinlangan. Silang lahat ay tumalikod kay Jesus sa panahon ng Kaniyang pangangailangan. Ang isa ay nagtatuwa pa na kilala niya si Jesus. Ito rin ang grupo na pinagkatiwalaan ni Jesus ng misyon na abutin ang sanglibutan ng Ebanghelyo. Hindi tiningnan ni Jesus ang kanilang mga kakulangan. Hindi Niya itinuon ang Kaniyang pansin sa kanilang kakapusan ng edukasyon o kalagayan sa lipunan. Hindi Niya tiningnan ang tala ng kanilang nakalipas na kabiguan. Nakita Niya kung ano ang mangyayari sa kanila kung kanilang hahayaan ang pagpapahid ng kapangyarihan na bumago sa kanilang buhay. Nakita Niya kung ano ang mangyayari sa kanila pagkatapos nilang matanggap ang Espiritu Santo.
Tumigil ka ng pagtingin sa iyong sarili. Kilalanin mo na ang Espiritu ng Diyos ay sumasa iyo. Ang gawain ay sa Kaniya, Kaniyang ministeryo, Kaniyang mga himala, Kaniyang pagpapahid. Hingin mo sa Kaniya na hayaang ang pagpapahid ay dumaloy sa pamamagitan mo. Simulan mong abutin ang iba sa ministeryo, at madadama mo ang daloy ng kapangyarihan sa pamamagitan mo.
Hindi ka papahiran ng Diyos upang maupo lamang na walang ginagawa sa likuran ng iglesia. Ang pagpapahid ng kapangyarihan ay ibinigay para sa mga tiyak na layunin na pinag-aralan sa Ika-anim na Kabanata. Habang ang iyong lakas ay dito sa mga layuning ito nakatuon, lalo namang ang pagpapahid ng kapangyarihan ay dadaloy sa pamamagitan mo.
TUKLASIN ANG TIYAK MONG PAGPAPAHID:
Upang matukoy mo ang iyong tiyak na pagpapahid sa ministeryo, dapat mong matuklasan ang mga kaloob na espirituwal na ibinigay ng Diyos sa iyo. Tingnan ang kurso ng Harvestime International Institute na “Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo,” upang magabayan ka sa bagay na ito.
ANG KINALALAGYAN NG PINAHIRAN
Ikaw ay malalagay sa harapan mismo ng pakikibakang espirituwal bilang pinahiran ng Diyos. Inihahayag ng Biblia na ang mga pinahiran ng kapangyarihan ng Diyos ay makakaranas ng paglaban ng kaaway:
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at
ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa Kaniyang
pinahiran, na sinasabi:
Lagutin natin ang kanilang tali, at ating
iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
(Awit 2:2-3)
Sinabi ni David:
Na idinusta ng Iyong mga kaaway, Oh
Panginoon, Na kanilang idinusta sa mga bakas ng Iyong pinahiran ng langis. (Awit 89:51)
Ngunit sinabi ng Diyos tungkol sa mga sumasalungat sa Kaniyang pinahiran:
Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo’y magsasalita Siya sa kanila
sa Kaniyang poot. (Awit 2:4-5)
Ang Diyos ang iyong lakas kung nakaharap sa mga gayong paglaban:
Ang Panginoon ang kanilang kalakasan, At
Siya’y kuta ng kaligtasan sa Kaniyang pinahiran ng langis. (Awit 28:8)
Talastas ko ngayon na inililigtas ng
Panginoon ang Kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin Niya siya mula sa
Kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng Kaniyang kanang
kamay. (Awit 20:6)
Magingat ka sa iyong sasabihin tungkol sa ibang mananampalatayang pinahiran. Harapin mo na may paggalang ang mga pinahiran na nakakasakop sa iyo. Pinahahalagahan ng husto ng Diyos ang pagpapahid ng kapangyarihan. Nagbababala Siya:
…Huwag ninyong gagalawin ang Aking mga
pinahiran ng langis, at huwag ninyong saktan ang Aking mga propeta. (I Cronica 16:22)
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang layunin ng banal na pagpapahid sa Lumang Tipan?
3. Magbigay ng ilang mga halimbawa kung paano ginamit ang banal na pagpapahid sa Lumang Tipan.
4. Ano ang ibig sabihin ng pangalang “Cristo”?
5. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol sa mga layunin ng pagpapahid ng kapangyarihan.
6. Bakit mahalaga na matuklasan ang iyong tiyak na pagpapahid ng kapangyarihan?
7. Paano mo matatanggap ang pagpapahid ng kapangyarihan?
8. Sino ang pinagmumulan ng pagpapahid na espirituwal?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Magdagdag ng pag-aaral tungkol sa pagpapahid para sa layuning espirituwal sa Lumang Tipan:
-Pagpapahid sa mga saserdote: Levitico 8:12, 30; Exodo 28:41; 29:7; 30:30
-Pagpapahid ng tabernakulo at ng mga kasangkapan dito: Exodo 30:22-29; 40:9-11
-Pagpapahid sa mga hari: Maraming mga tala nito. Halimbawa tingnan ang I Samuel 9:16; 10:1; 16:1, 12, 13; II Samuel 2:7; I Hari 1:33-34
-Pagpapahid sa mga propeta: I Hari 19:16; I Cronica 16:22
2. Si Satanas ay minsang isa sa pinahiran ng Diyos. Basahin ang tungkol dito sa Ezekiel 28:
3. Hindi sapagkat pinahiran ka ng Diyos ay libre ka na mula sa pagtutuwid dahil sa kasalanan. Tingnan ang Awit 89:38.
4. Ang Diyos ay tumingin sa mukha ng Kaniyang pinahiran at minamasdan sila (Awit 84:9). Nagpapakita Siya ng kahabagan sa kanila (Awit 18:50).
5. Naunawaan ni David na mahalaga na hindi mo saktan ang isang pinahiran ng Diyos. Tingnan ang I Samuel 24 at 26 at II Samuel 1:16, 21.
6. Inilista ng kabanatang ito ang mga layunin ng pagpapahid sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa mga mananampalataya para sa ministeryo. Timbangin ang iyong sariling ministeryo kaugnay ng mga layuning ito. Ilan ang namamasdan sa iyong ministeryo?
-Ipangaral ang Ebanghelyo.
-Maglingkod sa mga dukha.
-Pagalingin ang sugat ng puso.
-Pagalingin ang mga maysakit. (Tingnan din ang Santiago 5:14-15 at Marcos 6:13)
-Ipangaral ang pagliligtas sa mga bihag.
-Buksan ang mga mata ng mga espirituwal na bulag.
-Bigyang kalayaan ang nangaaapi.
-Palayain ang mga nasugatan ng kaaway.
-Ipangaral ang kaayaayang taon ng Panginoon. (Tingnan ang II Corinto 6:2).
-Humayo upang gumawa ng mabuti.
-Pagalingin ang mga pinahihirapan ng Diablo.
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKA-LIMANG PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN: KAPANGYARIHAN,
PANANAMPALATAYA AT MGA GAWA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ibigay ang kahulugan ng pananampalataya.
-Tukuyin ang mga antas ng pananampalataya.
-Tukuyin ang mga uri ng pananampalataya.
-Ipaliwanag kung paanong mapalalago ang pananampalataya.
-Ibigay ang buod ng kaugnayan ng kapangyarihan, pananampalataya, at mga gawa.
SUSING MGA TALATA:
At si Esteban, na puspos ng biyaya at
kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga
tao. (Gawa 6:8)
PAMBUNGAD
Sa Mateo 17, sinikap ng mga alagad na palayasin ang demonyo sa isang bata, ngunit nabigo. Nang dalhin nila kay Jesus, napagaling Niya ito.
Nagtanong ang mga alagad kay Jesus, “Bakit hindi namin siya mapalayas?” Sumagot si Jesus…
…Dahil sa kakauntian ng inyong
pananampalataya: sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Kung magkaroon kayo
ng pananampalataya na kasing laki ng butil ng mostasa, ay masasabi ninyo sa
bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito’y lilipat; at sa
inyo’y hindi may pangyayari. (Mateo
17:20)
Sa pangyayaring ito ibinahagi ni Jesus ang isang mahalagang prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal: Dapat gumawa ang kapangyarihan na may pananampalataya upang magawa ang mga gawa ng diyos. Ang pananampalataya ang tugon ng tao sa kapangyarihan ng Diyos:
…Ang lahat ng mga
bagay ay may pangyayari sa Kaniya na nananampalataya.
(Marcos 9:23)
Ang kabanatang ito ay tungkol sa kaugnayan ng kapangyarihan, pananampalataya at mga gawa.
KAHULUGAN
Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay maniwala at magkaroon ng katiyakan tungkol sa isang bagay. Ang ibig sabihin ng maniwala ay magkaroon ng pagtitiwala. Ang mga salitang “pananampalataya, paniniwala at pagtitiwala” ay pareho ang mga ibig sabihin sa Biblia.
Ang kahulugan na ibinigay ng Biblia sa pananampalataya ay:
…siyang kapanatagan sa mga bagay na
hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. (Hebreo 11:1)
Ang pananampalataya ay nagbibigay ng katiyakan na ang mga bagay na ipinangako sa hinaharap ay totoo at ang mga bagay na hindi nakikita ay tunay.
Ang pananampalataya ay hindi tulad ng “higit na malakas ang pagiisip kay sa nararamdaman” na itinuturo ng ibang mga relihiyon. Ang ibig sabihin ng katuruang ito ay maaaring madaig ng tao ang lahat na mga problema sa tunay na sanglibutan sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang isip, pangangatuwiran, o kalooban. Ang mga katuruang ito ay naka-sentro sa tao. Sa sarili nagtitiwala sa halip na sa Diyos. Hindi ito ayon sa Salita ng Diyos. Ang pananampalataya ay naka-sentro sa Diyos, hindi sa tao. Ang pananampalataya ay hindi isang bagay na nilikha ng tao sa pamamagitan ng sariling pagsisikap ng kaniyang pag-iisip.
Ang pananampalatayang tinutukoy ng Biblia ay hindi likas na pananampalataya na nagtitiwala sa mga bagay sa likas na daigdig na iyong natutuhan sa pamamagitan ng karanasan. Halimbawa, ang pananampalataya na makakaya ka ng silyang inuupuan mo.
MGA URI NG PANANAMPALATAY SA BIBLIA
May mga ibat-ibang mga uri ng pananampalataya na inilarawan sa Kasulatan:
PANANAMPALATAYANG NAGLILIGTAS:
Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya,
mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong
Jesucristo. (Roma 5:1)
Ang pananampalatayang nagliligtas ay sangkot ang tunay na pagsisisi mula sa kasalanan. Dapat mong marinig, sampalatayanan at tanggapin ang mensahe ng Ebanghelyo. Ang nagliligtas na pananampalataya ay humihiling ng isang personal na pagtugon sa Diyos.
Ang pananampalataya ay isang kaloob mula sa Diyos para sa tao upang sila ay maligtas.
Sapagkat sa biyaya kayo’y nangaligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob
ng Dios. (Efeso 2:8)
Hindi ka maliligtas kung walang
pananampalataya:
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay
maliligtas; datapuwat ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. (Marcos 16:16)
At kung walang pananampalataya ay hindi
maaaring maging kalugudlugod sa Kaniya; sapagkat ang lumalapit sa Dios ay dapat
sumampalatayang may Dios, at Siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa Kaniya’y
nagsisihanap. (Hebreo 11:6)
PANANAMPALATAYANG NAGPAPABANAL:
Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo;
at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang
buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya,
ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa Akin ay umibig, at ibinigay
ang Kaniyang sarili dahil sa akin.
(Galacia 2:20)
Ang pananampalatayang nagpapabanal ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang mamuhay ng isang buhay na banal pagkatapos na tanggapin si Jesus bilang Tagapagligtas. Dapat mong maranasan ang pananampalatayang nagliligtas upang matanggap mo ang pananampalatayang nagpapabanal.
PANANAMPALATAYANG NAGTATANGGOL:
Ang pananampalataya ang isa sa mga sandata sa pagtatanggol laban sa iyong kaaway na espirituwal, si Satanas:
Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng
pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi
ng masama. (Efeso 6:16)
Sasalakayin ni Satanas ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga palaso ng pagaalinlangan sa iyong isipan. Ang pananampalataya sa Diyos ang nagkakaloob ng espirituwal na pagtatanggol sa mga pagsalakay na ito.
ANG KALOOB NG PANANAMPALATAYA:
May kaloob na espirituwal ng pananampalataya na ibinigay ang Espiritu Santo:
Sapagkat sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu
ay ibinibigay ang…pananampalataya.
(I Corinto 12:8-9)
Ang isang tao na may espirituwal na kaloob ng pananampalataya ay may tanging kakayahan na sumamplataya sa Diyos. Alam niya na maaaring magawa ng Diyos ang imposible sa tao. Kaniyang ginagamit ang pananampalatayang ito bagamat ang iba sa kaniyang paligid ay hindi sumasampalataya.
ANG BUNGA NG PANANAMPALATAYA
Ang pananampalataya ay isang bagay na hindi mo malilikha sa iyong sarili. Ito ay isang bungang espirituwal na pinalalago ng Espiritu Santo:
Datapuwat ang bunga ng Espiritu ay …
pananampalataya. (Galacia 5:22)
Ang pananampalataya bilang bunga ay ang paguugali. Ito ay isang saloobin ng pagsampalataya sa Diyos. Ito ay pinalalago sa pamamagitan ng Kaniyang buhay na sumasa iyo na nagdadala ng paglagong espirituwal.
Bagamat hindi lahat ay may espirituwal na kaloob ng pananampalataya, ang bunga ng pananampalataya ay kailangan upang maranasan ang kapangyarihang espirituwal.
MGA ANTAS NG PANANAMPALATAYA
Inihahayag ng Biblia na may mga ibat-ibang antas ng pananampalataya. Binanggit ni Jesus ang tungkol sa mga taong hindi ginamit ang kanilang pananampalataya bilang mga taong walang pananampalataya (Mateo 17:17). Binanggit din Niya yaong mga kakaunti ang pananampalataya (Mateo 6:30; 8:26; 14:31; Lucas 12:28) at yaong may malaking pananampalataya (Mateo 8:10; 15:28; Lucas 7:9).
Itinuturo ng Biblia na ang bawat tao ay may taglay na sukat ng pananampalataya na ibinigay sa kaniya bilang isang kaloob mula sa Diyos:
…ayon sa kasukatan ng
pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawat isa.
(Roma 12:3)
Ngunit paano mo pinalalago ang sukat na ito ng pananampalataya sa isang antas na hahayaang dumaloy ang kapangyarihan ng Diyos?
PAANO MAPALALAGO ANG PANANAMPALATAYA
Sinabi sa atin ng Biblia kung paano palaguin ang pananampalataya:
Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa
pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. (Roma 10:17)
Pinalalago mo ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos. Ang pananampalatayang nagliligtas ay dumarating sa pakikinig ng Salita ng Diyos. Dapat mo munang marinig ang Salita ng Diyos upang ikaw ay makapagsisi ng kasalanan at matanggap si Jesus bilang Tagapagligtas. Hindi mo mararanasan ang kapangyarihang espirituwal malibang maranasan mo ang pananampalatayang nagliligtas.
Pagkatapos mong maligtas, ang pagtuturo at pangangaral ng Biblia ang nagpapalago sa iyong pananampalataya. Lalo mong pinakikinggan ang Salita ng Diyos, lalo namang lalago ang iyong pananampalataya. Ang pananampalatayang ito ang magpapatuloy na hubugin sa iyo ang wangis ni Jesus sa pamamagitan ng proseso ng pagpapabanal.
Ang pagpapabanal ay pamumuhay ng isang buhay na banal. Dapat kang mamuhay ng matuwid upang maranasan mo ang espirituwal na kapangyarihan. Ang pagpapatuloy sa kasalanan ay pipigil sa daloy ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay.
Habang lumalago ang pananampalataya, magiging mas madali na makapamuhay ng isang buhay na banal at makapagtanggol laban sa mga espirituwal na salakay ng kaaway. Ang mga Cristianong walang kapangyarihan ay talunang Cristiano.
Kahit maliit lamang na pananampalataya ay makapangyarihan:
At sinabi Niya sa kanila, Dahil sa
kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagkat katotohanang sinasabi Ko sa
inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng butil ng
mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang
doon; at ito’y lilipat; at sa inyo’y hindi may pangyayari. (Mateo 17:20)
PANANAMPALATAYA, MGA GAWA, AT KAPANGYARIHAN
Napakadali na makita kung paanong ang pananampalataya ay may bisa sa daloy ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay. Kung walang pananampalataya, malalagay ka sa panganib ng nakinig lamang sa salita at hindi naranasan ang kapangyarihan:
Sapagkat tunay na tayo’y pinangangaralan ng
mabubuting balita, gaya rin naman nila: ngunit hindi nila pinakinabangan ang
salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang
nangakarinig. (Hebreo 4:2)
Ngunit mayroong mahalagang kaugnayan ang pananampalataya, mga gawa, at kapangyarihan. Upang maranasan ang kapangyarihan, dapat kang sumampalataya. Upang maihayag ang kapangyarihan dapat kang sumampalataya. Upang maging mabisa ang pananampalataya at kapangyarihan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, ang mga ito ay dapat mahayag sa mga gawa. Isinulat ni Santiago:
Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung
sinasabi ng sinoman na siya’y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa?
Makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?
Gayon din naman ang pananampalatayang
walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.
Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay
mayroong pananampalataya, at ako’y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang
iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga
gawa ay ipakita sa iyo ang aking pananampalataya.
Sapagkat kung paanong ang katawan na walang
espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay
patay. (Santiago 2:14, 17-18, 26)
Ang pananampalataya at mga gawa ay malapit na magkaugnay tulad ng kaugnayan ng katawan at espiritu.
Si Esteban ay puno nag pananampalataya at kapangyarihan na nagbigay sa kaniya ng kakayahang makagawa ng mga dakilang bagay:
At si Esteban, na puspos ng biyaya at
kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao. (Gawa 6:8)
Ang mga gawa ng pananampalataya ay ginagawa na may kapangyarihan:
Dahil dito ay lagi naming idinadalangin
kayo, upang kayo’y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at
ganaping may kapangyarihan ang bawat nais sa kabutihan at gawa ng
pananampalataya. (II Tesalonica 1:11)
Nais ng Diyos na gumawa ng mga gawa ng pananampalataya na may kapangyarihan sa iyo at sa pamamagitan mo. Kung gagamitin mo ang pananampalataya, iniuugnay nito ang kapangayrihan ng Diyos sa iyong mga gawa. “ Lahat ng bagay ay may pangyayari,” wika ni Jesus, “sa kaniya na sumasampalataya.”
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ibigay ang kahulugan ayon sa Biblia ng pananampalataya.
3. Tukuyin ang mga antas ng pananampalataya na binanggit ni Jesus.
4. Ilista ang mga uri ng pananampalataya ayon sa Biblia na tinalakay sa araling ito.
5. Paano mapalalago ang pananampalataya?
6. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan sa kabanatang ito tungkol sa kaugnayan ng kapangyarihan, pananampalataya, at mga gawa.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Pag-aralan pa ang kapangyarihan ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagbasa ng Hebreo 11 na pinamagatang “Ang Kabanata Ng Pananampalataya” ng Biblia. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol sa kapangyarihan ng pananampalataya mula sa mga halimbawang ito:
2. Isa sa mga dakilang halimbawa ng pananampalataya sa Biblia ay si Abraham.
-Si Abraham ay inaring ganap dahil sa pananampalataya: Santiago 2:23
-Ang kaniyang pananampalataya ang nagbigay ng kasiguruhan sa mga pangako ng
Diyos: Roma 4:18-21
-Nasumpungan ng Diyos ang katapatan ng puso ni Abraham: Nehemias 9:8
-Ang mga mananampalataya na sumusunod sa kaniyang halimbawa ay mga tao ng
pananampalataya: Roma 4:11-12
Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol kay Abraham mula sa mga talatang ito:
IKA-LABINGDALAWANG KABANATA
IKA-ANIM NA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
ANG KAPANGYARIHAN NG PANGALAN NI JESUS
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga pangalan sa panahon ng Biblia.
-Tukuyin ang pangalang higit sa lahat ng ibang pangalan.
-Tukuyin ang kahulugan ng pangalang “Jesus.”
-Ipaliwanag kung paano nakuha ni Jesus ang Kaniyang pangalan.
-Tukuyin ang mga panuntunan ng Biblia sa paggamit ng pangalang ni Jesus.
SUSING MGA TALATA:
Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, AT
SIYA’Y BINIGYAN NG PANGALAN LALO SA LAHAT NG PANGALAN:
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang
lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa
ilalim ng lupa,
At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na
si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:9-11)
PAMBUNGAD
Natutuhan mo ang tungkol sa kapangyarihan at kapamahalaan na ibinigay ng Diyos kay Jesu-Cristo at kung paano itinakda ni Jesus ang kapangyarihan at kapamahalaang ding ito sa mga mananampalataya. Ang isa sa mga makapangyarihang prinsipyong espirituwal ay ang paggamit ng Kaniyang pangalan. Nakatuon ang kabanatang ito sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesus.
ANG KAHALAGAHAN NG MGA PANGALAN
Sa panahon ng Biblia ang mga pangalan ay may kahalagahan na wala sa mga pangalan ngayon. Sa maraming mga makabagong kultura, ang isang pangalan ay ginagamit lamang bilang pagkakakilanlan. Sa panahon ng Biblia, may malaking kahalagahan na kaugnay ng pangalan ng isang tao. Ang pangalang ibinigay ay karaniwang kaugnay ng isang pangyayari sa panahon ng pagsilang (Genesis 19:22). Minsan ang pangalan ay naghahayag ng isang pagasa o hula (Isaias 8:1-4; Oseas 1:4).
Dahil sa kahalagahan ng mga pangalan sa panahon ng Biblia, pinalitan ng Diyos ang pangalan ng ilang tao. Binago Niya ang pangalang Abram at ginawang Abraham dahil sa kaniyang hantungan:
At hindi na tatawagin ang pangalan mong
Abram, kundi Abraham ang iyong magiging pangalan; sapagkat ikaw ay ginawa Kong
ama ng maraming bansa.
(Genesis 17:5)
Ang ibig sabihin ng pangalang Abraham ay “ama ng karamihan.” Pinalitan din ng Diyos ang pangalang Sarai at ginawang Sara at Jacob na ginawang Israel sa parehong mga dahilan. Sa Bagong Tipan ang ganito ring padron ay nagpatuloy. Si Simon ay tinawag na “Pedro” at sa Saulo ay naging “Pablo.” Nasalamin sa kanilang mga naging pangalan ang kanilang hantungan sa plano ng Diyos.
Dahil sa kahalagahan ng kahulugan ng mga pangalan, pumili ang Diyos ng isang tanging pangalan para sa Kaniyang bugtong na Anak.
ANG PANGALAN NI JESUS
Ang pangalang Jesus ay ibinigay
sa anak ng Diyos nang Siya ay naparito sa lupa sa wangis ng tao. Ito ay
ibinigay bilang pagsunod sa utos ng anghel kay Jose, ang asawa ni Maria, ang
ina ni Jesus:
At siya’y manganganak ng isang lalake; at
ang pangalang itatawag mo sa Kaniya’y JESUS; sapagkat ililigtas Niya ang
kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
(Mateo 1:21)
Ang ibig sabihin ng pangalang “Jesus” ay “Tagapagligtas.” May iba pang pangalan si Jesus. Karaniwan Siyang tinatawag na Jesu-Cristo, Cristo Jesus, Panginoong Jesus, at Panginoon. Ang mga ito ay pinagsamasama rin sa pamagat na “Panginoong Jesu-Cristo.” Ang ibig sabihin ng “Cristo” ay “ang pinahiran.”
Minsan ding tinawag si Jesus na “Emmanuel,” na ang ibig sabihn naman ay “sumasaatin ang Diyos.” Tinawag ni Jesus ang Kaniyang sarili na “Ang anak ng Tao” at madalas Siyang tinawag na “Ang Anak ng Diyos” sa mga sulat ng Bagong Tipan. Tinawag Siya ni Juan bilang “ang Salita” at “ang Kordero ng Diyos.”
Marami pang ibang mga pamagat na itinawag kay Jesus, tulad ng “tinapay ng buhay,” ang “ilaw ng sanglibutan,” at iba pa. Isang kumpletong listahan ng mga pangalang ito at pamagat ay ibinigay sa kurso ng Harvestime International Institute na “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Ng Pakikibakang Espirituwal.” Bawat pangalang ibinigay kay Jesus ay mahalaga sa pagkaunawa ng Kaniyang posisyon at ministeryo.
Ngunit ang ating Panginoon ay karaniwan nang nakilala sa pangalang “Jesus” sa buong Bagong Tipan. Ang pangalang ito ang ating tinutukoy sa kabanatang ito sa kapangyarihan ng pangalan. Ito ay ang pangalan ni Jesus na minsan ay kasama ng iba Niyang mga pangalan na ginamit sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos sa mga mananampalataya sa aklat ng Gawa.
PAANO NAKUKUHA ANG PANGALAN
May tatlong paraan kung paanong ang mga dakilang mga tao ay nabigyan ng pangalan:
SA PAMAMAGITAN NG PAGSILANG:
Ang ilang mga tao ay isinilang na may dakilang pangalan. Sila ay isinilang bilang isang prinsipe, prinsesa, o anak ng isang dakilang lider ng isang tribo o lipi. Maaaring sila ay isinilang sa isang pamilya na may dakilang pangalan dahil sa kayamanan o kapangyarihang politikal. Namana nila ang kanilang dakilang pangalan mula sa kanilang mga magulang.
SA PAMAMAGITAN NG MGA NAISAKATUPARAN:
Ang ilang mga tao ay nagkaroon ng dakilang pangalan dahil sa kanilang mga naabot o naisakatuparan. Naging dakila at mahusay silang mga manunulat, mga imbentor, politiko, at mga lider.
SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKALOOB NITO:
Ang iba namang mga tao ay nagkaroon ng mga dakilang pangalan dahil sa ito ay ipinagkaloob sa kanila. Ibang tao ang nagbigay ng pangalan sa kanila. Halimbawa, ang isang pobreng babae ay maaaring tumanggap ng pangalan ng isang mayamang politiko kung maging asawa niya ito. Ang isang hari o lider ng tribo ay maaaring magbigay ng isang titulo o halaga sa isa sa mga nasasakupan ng kaniyang kaharian o tribo.
PAANO NAKUHA NI JESUS ANG KANIYANG PANGALAN
Tinanggap ni Jesus ang Kaniyang pangalan sa tatlong mga paraan na ang mga taong dakila ay tumatanggap ng pangalan sa lupa:
SA KANIYANG PAGKASILANG:
Tinanggap ni Jesus ang Kaniyang
pangalan sa Kaniyang pagsilang, sa pamamagitan ng ipinamana mula sa Kaniyang
Ama:
Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon
at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na
ito sa pamamagitan, ng Kaniyang Anak, na Siyang itinalaga na tagapagmana ng
lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman Niya’y ginawa ang sanglibutan;
Palibhasa’y siyang sinag ng Kaniyang
kaluwalhatian, at tunay na larawan ng Kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng
lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng Kaniyang kapangyarihan, nang
Kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng
karangalan sa kaitaasan;
Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel,
palibhasa’y NAGMANA ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila. (Hebreo 1:1-4)
Minana ni Jesus ang isang pangalang higit na dakila kaysa kangino mang pangalan sa buong sansinukob. Ang Kaniyang pangalan ay higit kay sa sinomang hari, pangulo, o lider ng tribo. Ito ay higit na dakila kay sa pangalan ng sinomang anghel sa langit.
SA KANIYANG NAISAKATUPARAN:
Tinanggap din ni Jesus ang Kaniyang pangalan sa pamamagitan ng naisakatuparan Niya sapagkat tinalo Niya ang lahat ng mga kapangyarihan ng kaaway:
Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga
kapangyarihan sila’y inilagay Niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay Siya
sa kanila sa bagay na ito.
(Colosas 2:15)
SA NAIPAGKALOOB SA KANIYA:
Tinanggap din ni Jesus ang Kaniyang pangalan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa Kaniya nito:
Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, AT
SIYA’Y BINIGYAN NG PANGALAN LALO SA LAHAT NG PANGALAN:
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang
lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa
ilalim ng lupa,
At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na
si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:9-11)
ANG PINAKADAKILANG PANGALAN
Ang pangalan ni Jesus ang pinaka-makapangyarihang pangalan sa sansinukob. Ito ay higit sa lahat ng mga pangalan:
Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, AT
SIYA’Y BINIGYAN NG PANGALAN LALO SA LAHAT NG PANGALAN: (Filipos 2:9)
Sa kaibaibabawan ng lahat ng pamunuan, at
kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at SA BAWAT PANGALAN NA
IPINANGUNGUSAP, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating. (Efeso 1:21)
KAPANGYARIHAN SA KANIYANG PANGALAN
Iniwan ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod ang dakilang misyon ng pagabot sa sanglibutan sa pamamagitan ng mensahe ng Ebanghelyo. Iniwan din sa kanila ang isang tanging kapangyarihan upang matupad nila ang misyon. Binigyan Niya sila ng kapamahalaan na gamitin ang Kaniyang pangalan:
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
Kaniyang kinausap, sa sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa
pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo;
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na
iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa
katapusan ng sanglibutan. (Mateo
28:18-20)
Kapag ang isang tao ay nagbigay ng kaniyang pangalan sa iba, ang ibig sabihin nito ay ang dalawa ay pinagsama sa isang malapit na pagkakaisa. Ang isang halimbawa ay nang ibigay ng Diyos ang Kaniyang pangalan sa Israel:
Itatag ka ng Panginoon na isang banal na
bayan sa Kaniya, gaya ng Kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga
utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa Kaniyang mga daan.
At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa,
na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila’y matatakot
sa iyo. (Deuteronomio 28:9-10)
Ang isugo o mangusap sa ngalan ng iba ay ang pagkakaroon ng kapamahalaan:
Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon tungkol
sa mga lalake ng Anathoth na nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw
ay huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, upang huwag kang mamatay sa aming
kamay;
Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon ng mga
hukbo, Narito, Aking parurusahan sila.
(Jeremias 11:21-22)
Pinagtangkaan ng mga tao na patayin si Jeremias dahil sa nanghuli siya sa pangalan ng Panginoon at alam nila na sa likod ng kaniyang hula ay ang kapamahalaan ng Diyos:
Ang isa sa pinakadakilang susi sa kapangyarihang espirituwal ay ang pangalan ni Jesus. Maaari tayong mabigo sa ministeryo dahil sa pag-depende natin sa ating mga sariling kakayahan na iligtas ang iba. Hindi ang ating pangalan, posisyon, o kapamahalaan ang nagdadala ng kapangyarihan. Ang ating kapangyarihan ay nasa pangalan ni Jesus.
Ang paulit-ulit na pagbigkas ng pangalan ay mistulang isang rituwal lamang. Nagiging pauulit-ulit na walang kabuluhan tulad ng ginagawa ng mga Pariseo at mga eskriba sa panahon ng Biblia. Ang pangalan ni Jesus ay hindi isang mahika na sinasambit. Dapat kang sumampalataya sa pangalan. Binigyang diin ito ng mga alagad pagkatapos ng isang makapangyarihang pagpapagaling na natala sa Gawa 3. Sinabi ni Pedro:
…SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA SA
KANIYANG PANGALAN ay pinalakas ng Kaniyang pangalan ang taong ito. (Gawa 3:16)
Sinambitla natin ang pangalan ni
Jesus tulad ng isang rituwal, ngunit ang ating pananampalataya sa pangalan ay
mahina. Paano ito maitutuwid? Paano tayo makakasulong mula sa pagsambit lamang
ng pangalan ni Jesus tungo sa pananampalataya sa pangalan na nagbubunga ng
kapangyarihan? Sinabi ng Biblia:
Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa
pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. (Roma 10:17)
Ang iyong pananampalataya sa pangalan ni Jesus ay lalago sa pamamagitan ng pakikinig ng sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa pangalang yaon. Sa pamamagitan ng Salita mauunawaan mo ang kapamahalaan sa likod ng pangalan at ang mga panuntunan ng Biblia para sa wastong paggamit ng pangalan.
SA PANGALAN NI JESUS
Ang pangalan ni Jesus ay ginamit…
PARA SA KALIGTASAN:
Ang pinakadakilang kapangyarihan sa pangalan ni Jesus ay ang kapangyarihan ng kaligtasan mula sa kasalanan. Sa pamamagitan lamang ng Kaniyang pangalan ay nagkakaroon ng kaligtasan:
At siya’y manganganak ng isang lalake; at
ang pangalang itatawag mo sa Kaniya’y Jesus; sapagkat ililigtas Niya ang
Kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
(Mateo 1:21)
At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan:
sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na
sukat nating ikaligtas. (Gawa 4:12)
Ang sumasampalataya sa Kaniya ay hindi
hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya
sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios. (Juan 3:18)
Hindi ka mapapatawad sa iyong kasalanan sa ibang paraan- sa pangalan lamang ni Jesus. Hindi ka makalalapit sa Diyos maliban sa pangalan ni Jesus:
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at
ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa
pamamagitan Ko. (Juan 14:6)
Sa paghahayag ng Ebanghelyo, mahalaga na bigyang diin na ang kaligtasan ay dumarating lamang sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus. Ang paghahayag ng pangalan ni Jesus ay mahalaga sa kaligtasan:
Sapagkat kung ipahahayag mo ng iyong bibig
si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang
maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:
Sapagkat ang tao’y nananampalataya ng puso
sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa
ikaliligtas. (Roma 10:9-10)
Ang kapangyarihan na maging anak ng Diyos ay sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu:
Datapuwat ang lahat ng sa Kaniya’y
nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios,
sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan. (Juan 1:12)
KABANALAN:
Hindi ka lamang nilinis mula sa kasalanan at inaring ganap sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus, ikaw ay pina-paging banal. Ang kabanalan ay dumarating sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na nagpapatuloy na gumawa sa iyo pagkatapos ng kaligtasan upang makapamuhay ka ng isang buhay na banal. Sa I Corinto 6 binanggit ni Pablo ang mga kasamaan ng kasalanan. Sinabi niya…
At ganyan ang mga ilan sa inyo: ngunit
nangahugasan na kayo, ngunit binanal na kayo, ngunit inaring-ganap na kayo SA
PANGALAN ng Panginoong Jesuscristo, at sa Espiritu ng ating Dios. (I Corinto 6:11)
Dati, ang mga taga Corinto ay nabuhay sa ganitong mga makasalanang mga gawa. Ngayon maaari na silang makapamuhay ng isang buhay na banal sa pamamagitan ng kabanalang nanggagaling sa pangalan ni Jesus.
SA PANANALANGIN:
Hanggang ngayo’y wala
pa kayong hinihinging anoman SA PANGALAN KO: kayo’y
magsihingi, at kayo’y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.
(Juan 16:24)
Hanggang sa panahong sinabi ni Jesus ang mga salitang ito, wala pang hinihingi sa Kaniya ang Kaniyang mga alagad. Sa sandaling yaon, nagtayo si Jesus ng isang bagong kaugnayan sa kanila. Sinabi Niya na humingi sa Diyos para sa lahat ng mga bagay sa Kaniyang pangalan:
…Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa
inyo, Kung kayo’y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay Niya sa inyo SA AKING
PANGALAN. (Juan 16:23)
O anong kahanga-hangang pangako! Anomang ating hingin sa Kaniyang pangalan, ay ating tatanggapin.
Ngunit ang pangakong ito ay kabilang sa ibang mga prinsipyo ng panalangin na itinuro sa Biblia. Hindi natin maaaring ihiwalay ang isang talata mula sa isang paksa na hindi itinuturing ang lahat ng mga itinuturo tungkol sa paksang yaon sa Salita ng Diyos. Itinuturo ng Biblia na hindi ka maaaring humingi sa paraang makasarili:
Kayo’y nagsisihingi, at hindi kayo
nagsisitanggap, sapagkat nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong
mga kalayawan. (Santiago 4:3)
Dapat ka ring namumuhay na matuwid sa harapang ng Diyos. Kung ikaw ay magkasala, kailangang ihayag mo ito at manalangin para sa kapatawaran:
Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng
inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa’t
isa ang iba, upang kayo’y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas
na panalangin ng taong matuwid.
(Santiago 5:16)
Hindi ka makapagpapatuloy na mabuhay sa kasalanan at isiping dahil sa humingi ka sa pangalan ni Jesus ay pagkakalooban ka ng iyong hinihiling. Ang panalangin ng lalake at babaeng matuwid ang may bisa sa Diyos:
Kung kayo’y magsipanatili sa Akin, at ang
mga salita Ko’y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anumang inyong
ibigin, at gagawin sa inyo. (Juan 15:7)
Ang ibig sabihin nito, KUNG nananatili ka kay Cristo, maaari kang humingi at ito ay gagawin. KUNG ikaw ay lumalakad sa pagsunod sa Salita ng Diyos, makakahingi ka sa pangalan ni Jesus.
Ang pananalangin sa pangalan ni Jesus ay may kinaalaman pa rin sa kalooban ng Diyos. Nanalangin si Jesus:
Ama, kung ibig MO, ilayo Mo sa Akin ang
sarong ito: gayon ma’y huwag mangyari ang Aking kalooban, kundi ang Iyo. (Lucas 22:42)
Sa kahinaan ng laman, hindi nais ni Jesus na magdusa. Nais Niyang ang saro ng pagdurusa ay maalis, ngunit napailalim Siya sa kalooban ng Diyos.
Sa ilang mga usapin na maliwanag na tinukoy sa Biblia, alam natin ang kalooban ng Diyos at kung paano tayo mananalangin. Sa ibang mga bagay, maaari nating ihayag ang ating kalooban, tulad ni Jesus, at pagkatapos ay ipailalim ang ating kalooban sa Kaniyang kalooban—ang lahat ng ito sa pangalan ni Jesus.
Ang mga kahilingan sa pangalan ni Jesus ay sa ilalim pa rin ng nangingibabaw na kalooban ng Diyos. Humihingi tayo ayon sa pangangatwiran ng tao at hindi laging maalaman ang mataas na hangarin ng Diyos:
Sapagkat ang Aking mga pagiisip ay hindi
ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay Aking mga lakad, sabi ng
Panginoon.
Sapagkat kung paanong ang langit ay lalong
mataas kay sa lupa, gayon ang Aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong
mga lakad, at ang Aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip. (Isaias 55:8-9)
Hindi mo laging matitiyak ang kalooban ng Diyos at paano manalangin. Kung hindi ka tiyak sa kalooban ng Diyos, ito ang magandang panahon na manalangin sa wika ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang namamagitan alang-alang sa atin ayon sa kalooban ng Diyos:
At gayon din naman ang Espiritu ay
tumutulong sa ating kahinaan: SAPAGKAT HINDI TAYO MARUNONG MANALANGIN NG
NARARAPAT; ngunit ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik
na hindi maisaysay sa pananalita;
At ang nakasisiyasat ng mga puso’y
nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagkat Siya ang namamagitan
dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.
(Roma 8:26-27)
May mga hindi sasangayon sa katuruang ito ng Biblia. Sinasabi nila na maaari mong hingin ang ANOMAN sa pangalan ni Jesus at ito ay mangyayari. Kung may kayabangan kang mananalangin na hindi ipinaiilalim ang iyong kahilingan sa kalooban ng Diyos, maaaring ang sagot Niya sa iyong hiling ay yaong hindi makabubuti sa iyo. Ginawa Niya ito sa bansang Israel:
At binigyan Niya sila ng kanilang hiling;
Ngunit pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
(Awit 106:15)
Dapat mo ring mapagkilala na kung ikaw ay may hingin na isang bagay para sa ibang tao, papasok din dito ang kanilang kalooban. Walang sinoman na sa pamamagitan ng pananalangin sa pangalan ni Jesus ay ipipilit ang kaniyang nais sa ibang tao na hindi naman niya gusto. Hindi inaalis ng Diyos ang kalooban ng tao. Ang kalooban at kawalan ng pananampalataya ng isang tao ay may epekto sa pananalangin mo para sa kaniya.
Binanggit ni Jesus ang kapangyarihan ng pakikipagkasundo o pakikipagkaisa sa iba sa pnanalangin sa Kaniyang pangalan:
Muling sinasabi Ko sa inyo, na kung
pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang
hihingin, ay gagawin sa kanila ng Aking Ama na nasa Langit.
Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa
o tatlo SA AKING PANGALAN, ay naroroon Ako sa gitna nila. (Mateo 18:19-20)
Bilang bahagi ng panalangin, ang pagpapasalamat ay kailangang ibigay sa pangalan ni Jesus:
Na kayo’y laging magpasalamat sa lahat ng
mga bagay SA PANGALAN ng Ating Panginoong Jesuscristo sa Dios na ating
Ama. (Efeso 5:20)
Dapat ka ring magpasalamat sa pangalan ni Jesus:
Sa pamamagitan nga Niya ay maghandog tayong
palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, samakatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi
na nagpapahayag ng KANIYANG PANGALAN.
(Hebreo 13:15)
Marami ka pang matututuhan tungkol sa kapangyarihan ng panalangin sa susunod na kabanata.
SA LAHAT NG LARANGAN NG MINISTERYO:
Ang pangalan ni Jesus ay dapat gamitin sa lahat ng mga larangan ng ministeryo:
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan SA
PANGALAN ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo: at narito, Ako’y sumasa
inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:18-20)
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio SA AKING PANGALAN;
mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung
magsiinom sila ng mga bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi
makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit,
at sila’y magsisigaling.
(Marcos 16:17-18)
Ayon sa mga talatang ito, ang mga sumusunod na mga ministeryo ay dapat gawin sa pangalan ni Jesus:
Mga Tanda at Kababalaghan:
Ang lahat ng mga makapangyarihang mga tanda at mga kababalaghan ay dapat gawin sa pangalan ni Jesus. Nanalangin ang mga alagad.
…Panginoon, tingnan Mo ang kanilang mga
bala; at ipagkaloob Mo sa Iyong mga alipin na salitain ang Iyong salita ng
buong katapangan.
Samantalang Iyong iniuunat ang Iyong kamay
upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang MGA TANDA AT MGA KABABALAGHAN sa
pangalan ng Iyong banal na si Jesus.
(Gawa 4:29-30)
Pangangaral at Pagtuturo:
Sinabi ni Jesus na ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay ibinigay sa Kaniya at sa pamamagitan ng kapangyarihang ito ay inatasan na ipangaral at ituro ang Ebanghelyo sa Kaniyang pangalan:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan SA
PANGALAN ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos Ko sa inyo… (Mateo 28:19-20)
…Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang
maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw:
At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang
pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa
Jerusalem. (Lucas 24:46-47)
Sapagkat kanilang kinilala ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus, ang mga kaaway ng mensahe ng Ebanghelyo ay binalaan ang mga alagad na…
…atin silang balaan, na buhat ngayo’y huwag
na silang magsalita pa sa sinomang tao SA PANGALANG ITO. At sila’y tinawag
nila, at binalaan sila, na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni
magsipagturo tungkol SA PANGALAN NI JESUS.
(Gawa 4:17-18)
Ngunit sumagot si Pedro:
Sapagkat hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig. (Gawa 4:20)
Namalas ng mga alagad ang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga bagay na kanilang nakita at narinig sa pangalan ni Jesus ay isang makapangyarihang pwersa na nagudyok sa kanila na tuparin ang kanilang ministeryo.
Hindi ka lamang magtuturo SA pangalan ni Jesus, dapat ka ring magturo TUNGKOL sa pangalan ni Jesus:
Datapuwat ng magsipaniwala sila kay Felipe
na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at SA PANGALAN
NI JESUCRISTO, ay nangabautismuhan ang mga lalake’t mga babae. (Gawa 8:12)
Bautismo:
Ang mga bagong hikayat ay kailangan ma-bautismuhan sa tubig sa pangalan ng Ama, ng Anak na si Jesus, at ng Espiritu Santo:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan SA
PANGALAN ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo… (Mateo 28:19)
At nang kanilang marinig ito, ay
nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoon Jesus. (Gawa 19:5)
Batay sa pangalang yaon, ang mga mananampalataya ay tatanggap ng kaloob ng Espiritu Santo:
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi
kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesuscristo sa
ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng
Espiritu Santo. (Gawa 2:38)
PAGPAPALAYAS NG MGA DEMONYO:
Ang mga diablo o demonyo ay mga anghel ni Satanas. Dati silang mga anghel ng Diyos na sumama kay Satanas sa pagaalsa laban sa Diyos. Sila ngayon ay bahagi ng mga pwersa ni Satanas na aktibo sa lupa sa maraming mga masasamang paraan.
Maaaring pumasok ang demonyo sa mga hindi mananampalataya at sapian sila nito. Maaari namang pahirapan ng mga demonyo ang mga mananampalataya ngunit hindi nila ito masasapian. Ang kapangyarihan nila na galing kay Satanas ay wawasakin sa pangalan ni Jesus:
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio SA AKING PANGALAN…
(Marcos 16:17)
Nang si Pablo ay harapin ng isang babaeng inaalihan ng demonyo, sinabi niya sa espiritu:
... Iniuutos ko sa iyo SA PANGALAN NI JESUCRISTO na lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon. (Gawa 16:18)
Ang detalyadong katuruan tungkol sa mga demonyo at kung paano magdadala ng pagliligtas sa kanila na nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang impluwensya. Ito ay kabilang sa kursong “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Ng Pakikibakang Espirituwal” ng Harvestime International Institute.
PAGLILINGKOD SA ESPIRITU SANTO:
Ang Espiritu Santo ay ibinigay sa pangalan ni Jesus:
Datapuwat ang Mangaaliw, sa makatuwid
baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama SA AKING PANGALAN, Siya ang
magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y
Aking sinabi. (Juan 14:26)
Ang pagsasalita ng mga bagong wika sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay ginamit bilang halimbawa ng Kaniyang ibat-ibang mga ministeryo sa talatang ito:
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya… mangagsasalita sila ng mga bagong wika SA AKING PANGALAN…
(Marcos 16:17)
Ang lahat ng mga makapangyarihang kaloob ng Espiritu Santo ay kailangang gumawa sa pangalan ni Jesus. Ang kaloob ng mga wika ay isa lamang sa maraming mga kaloob na espirituwal. Ginamit ito rito bilang kinatawan ng lahat ng mga ministeryo ng Espiritu Santo mula ng ito ay unang maranasan nang ang Espiritu Santo ay ibinigay.
PAGPAPAGALING:
Ang pangalan ni Jesus ay gagamitin sa ministeryo ng pagpapagaling sa kanila na may sakit:
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio SA AKING PANGALAN;
mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung
magsiinom sila ng mga bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi
makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit,
at sila’y magsisigaling.
(Marcos 16:17-18)
May sakit baga ang sinoman sa inyo?
Ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran
nila ng langis SA PANGALAN NG PANGINOON…
(Santiago 5:14)
Nang si Jesus ay mamatay sa krus, hindi lamang Siya nagdusa para sa iyong kasalanan kundi sa pamamagitan ng Kaniyang pagdurusa at kamatayan, nakamit Niya ang iyong kagalingan:
Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga
pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng
tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kaniya; at sa pamamagitan ng Kaniyang mga
latay ay nagsigaling tayo.
(Isaias 53:5)
Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng
propeta Isaias, na nagsasabi, Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at
nagdala ng ating mga karamdaman.
(Mateo 8:17)
Na Siya rin ang nagdala ng ating mga
kasalanan sa Kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga
kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa Kaniyang mga sugat ay nangagsigaling
kayo. (I Pedro 2:24)
Bakit napakadali na tanggapin ang kaligtasan mula sa kasalanan, ngunit nahihirapan tayo na sumamplataya para sa kagalingan sa Kaniyang pangalan?
Nang makatagpo ng mga alagad ang isang lumpo sa pintuang maganda ng templo, sinabi ni Pedro:
…Pilak at ginto ay wala ako; datapuwat ang
nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. SA PANGALAN ni Jesuscristong taga
Nazaret, lumakad ka. (Gawa 3:6)
Alam ni Pedro ang kapangyarihan sa pangalan ni Jesus. Alam niya na may kagalingan sa pangalang yaon. Alam niya na nasa kaniya ang kapamahalaan na gamitin ang pangalan—“Ang nasa akin!” Ang kapangyarihan sa likod ng pangalan ay itinakda sa kaniya ni Jesus.
Ang pananalapi ay mahalaga sa gawain ng ministeryo, ngunit ang kawalan ng pananalapi ay hindi makapipigil sa tunay na ministeryo sa kapangayarihan ng Diyos. Walang pilak at ginto si Pedro at Juan, gayon man nagpatuloy sila sa ministeryo sa kapangayarihan ng pangalan ni Jesus.
Ang mga lalakeng ito ay walang salapi para sa mga anunsyo ng kanilang ministeryo sa lungsod ng Jerusalem. Ngunit napagalaman ng buong lungsod ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos. Mababasa mo ito sa Gawa 3 at 4.
Sa maraming mga makabagong ministeryo, higit na diin ang ibinibigay sa pagtatayo ng mga pondo sa halip na sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesus. Kinikilala ang kahalagahan ng pananalapi sa ministeryo, ngunit ang higit na dapat bigyang diin ay ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan sa pangalan ni Jesus ay hindi apektado ng pagkakaroon o kawalan ng pananalapi.
SA PAGTATANGGOL:
At lalakip ang mga tandang ito sa
magsisisampalataya: SA AKING PANGALAN…
Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung
magsiinom sila ng mga bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi
makasasama sa kanila…
(Marcos 16:17-18)
si Apostol Pablo ay nakagat ng isang nakalalason na ahas ngunit hindi siya namatay. Maaari mong mabasa ito sa Gawa 28.
SA LAHAT NG BAGAY:
Sinabi ng Biblia na lahat ng iyong gagawin ay dapat gawin sa pangalan ni Jesus:
At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa
gawa, GAWIN NINYONG LAHAT SA PANGALAN NG PANGINOONG JESUS, na nagpapasalamat
kayo sa Diyos sa pamamagitan Niya.
(Colosas 3:17)
Kung gagawin mo ang lahat ng bagay sa pangalan ni Jesus, kahit ang isang simpleng gawain ng paglilingkod ay magiging isang makapangyarihang karanasang espirituwal. Maaari kang magwalis sa loob ng iglesia sa pangalan ni Jesus. Maaari mong ihanda ang pagkain ng iyong pamilya sa pangalan ni Jesus. Hindi mahalaga kung ANOMAN ang iyong gagawin ang mahalaga ay PAANO mo ito gagawin. Ito ba ay gagawin mo sa pangalan ni Jesus?
PAGDURUSA ALANG-ALANG SA KANIYANG PANGALAN
Kung Ako’y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin
din…datapuwat ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa
Aking pangalan, sapagkat hindi nila nakikilala ang sa Akin ay nagsugo. (Juan 15:20-21)
Nang ang mga alagad ay magdusa alang-alang sa ebanghelyo:
Sila nga’y nagsialis sa harapan ng
Sanedrin, na nangatutuwang sila’y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng
kaalimurahan dahil sa Pangalan.
At sa araw-araw, sa mga templo at sa mga
bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si
Jesus ang Siyang Cristo. (Gawa 5:41-42)
Ang mga alagad ay mga lalaking isinuong sa panaganib ang kanilang buhay para sa pangalan ng Panginoon:
At minagaling namin, nang mapagkaisahan na,
na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga
minamahal na si Bernabe at si Pablo;
Na mga lalakeng nangagsapanganib ng
kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong
Jesuscristo. (Gawa 15:25-26)
Bagamat ipinangako ni Jesus ang pagiingat habang nasa ministeryo, hindi ang ibig sabihin ay hindi nagdusa ang mga alagad. Si Pedro, Pablo at Silas ay nabilanggo. Ang mga alagad na ito ay binato at hinampas, at si Pablo ay minsang iniwan sa akalang patay na siya ng mga kaaway ng Ebanghelyo. Nang matapos ang kanilang ministeryo, karamihan sa mga alagad ay namatay bilang mga martir alang-alang sa Ebanghelyo. Si Pedro na dating napalaya mula sa bilangguan ay namatay alang-alang sa Ebanghelyo.
Isinalaysay ng Hebreo 11 ang mga kasaysayan ng mga dakilang lalake at babae na naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit kasama rin dito ang mga namatay sa pananampalataya para sa Ebanghelyo nang matapos na ang kanilang ministeryo. Sinabi sa atin ni Pedro:
Kung kayo’y mapintasan dahil sa pangalan ni
Cristo, ay mapapalad kayo; sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang
Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.
(I Pedro 4:14)
Matututuhan mo higit ang tungkol sa kapangyarihan ng pakikiisa sa Kaniyang pagdurusa sa Ika-Labingpitong Kabanata.
PAGHAHARI SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG PANGALAN
Sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus, ikaw ay nagiging bahagi ng Kaharian ng Diyos:
Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging
dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
Na Siyang nagligtas sa atin sa
kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng Kaniyang
pagibig. (Colosas 1:12-13)
Bilang bahagi ng kaharian ni Jesus, tatanggapin mo ay pamana ng kapangyarihan upang maghari sa buhay:
Sapagkat kung, sa pagsuway ng isa, ay
naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay
ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa
pamamagitan ng isa, samakatuwid baga’y si Jesuscristo. (Roma 5:17)
Kailangan kang maghari sa buhay sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus. Mapaghaharian mo ang mga negatibong mga pangyayari sa buhay sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus. Mapaghaharian mo ang lahat ng makapangyarihang mga pwersa ng kaaway sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus!
ANG PANGWAKAS NA REPERENSYA SA BIBLIA
Ang huling reperensya sa Biblia tungkol sa pangalan ni Jesus ay makikita sa aklat ng Apocalipsis. Patungkol ito sa araw na ang mga mananampalataya ay nasa presensya ng kanilang Tagapagligtas sa bagong Langit at lupa.
At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang
luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon; at Siya’y paglilingkuran ng
Kaniyang mga alipin;
At makikita nila ang Kaniyang mukha; at ang
KANIYANG PANGALAN ay sasa kanilang mga noo.
(Apocalipsis 22:3-4)
-Ang pangalang yaon na ating minahal…
-Ang pangalang yaon na ginamit natin sa ministeryo at sa pananalangin…
-Ag pangalang yaon na sa pamamagitan nito ay naghari tayo sa buhay….
-ANG PANGALAN NI JESUS… magiging kabahagi ng kung sino tayo sa walang
hanggan.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga pangalan sa Biblia.
3. Sino ang nagutos kay Jose na panganlan si Jesus?
4. Ano ang pinakadakilang pangalan sa buong sansinukob?
5. Paano nakuha ni Jesus ang Kaniyang pangalan?
6. Paano lalago ang iyong pananampalataya sa pangalan ni Jesus at ng kapangyarihan nito?
7. Basahin ang mga sumusunod na pangungunsap at punan ang mga puwang.
a. Kailangan ang pangalan ni Jesus para sa k_______________________.
b. Kung nananalangin tayo para sa ka___________________ sa sakit, kailangang ito ay sa
pangalan ni Jesus.
c. Ang k________________________ ay dumarating sa pangalan ni Jesus.
d. Tayo ay m__________________ at m________________ sa pangalan ni Jesus.
e. Ang pagpapalayas ng d________________ ay sa pangalan ni Jesus.
f. Tayo ay b__________________ sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.
8. Isulat ang TAMA o MALI sa puwang sa harap ng bawat pangungusap.
a. __________ Dapat tayong magpasalamt sa lahat ng bagay sa pangalan ni Jesus.
b. __________ Ang Espiritu Santo ay ibinigay sa pangalan ni Jesus.
c. __________ Ang ibig sabihin ng pagiingat sa pangalan ni Jesus ay hindi na tayo
magdurusa para sa Kaniya.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang napapaloob sa mga sumusunod ay listahan ng lahat ng mga reperensya sa Biblia sa pangalan ni Jesus sa Bagong Tipan. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo tungkol sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesus na gamit ang listahang ito.
Mateo: 1:21; 1:23; 1:24,25; 10:22; 12:18,21; 18:5; 18:19,20; 19:29; 28:19
Marcos: 9:38-41; 16:17-18
Lucas: 10:17; 24:46-47
Juan: 1:12; 2:23; 3:18; 14:13-14; 14:26; 15:16; 15:20-21; 16:23, 24,26; 20:31
Gawa: 2:21; 2:38; 3:6; 3:16; 4:7,8,10,12,17,18; 4:29-30; 5:28; 40-42; 8:12; 9:14-16; 9:21,27,29; 10:43; 10:48; 15:25-26; 16:18; 19:5
Roma: 1:5; 10:13
I Corinto: 1:2; 1:10; 6:11
Efeso: 5:20
Filipos: 2:9-11
Colosas: 3:17
II Tesalonica: 1:12
II Timoteo: 2:19
Hebreo: 1:4; 6:10; 13:15
Santiago: 5:14
I Pedro: 4:14
I Juan: 2:12; 3:23; 5:13
Apocalipsis: 19:12, 13, 16; 22:3-4
IKA-LABINGTATLONG KABANATA
IKA-PITONG PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
ANG KAPANGYARIHAN NG PANANALANGIN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ipaliwanag kung paanong ang panalangin at pagaayuno ay nagbubukas sa kapangyarihan ng Diyos.
-Ibigay ang kahulugan ng panalangin.
-Tukuyin ang ibat-ibang mga antas ng panalangin.
-Tukuyin ang ibat-ibang uri ng panalangin.
-Tukuyin ang mga hadlang sa panalangin.
-Ibigay ang kahulugan ng pagaayuno.
-Kilalanin ang dalawang uri ng pagaayuno.
-Ipaliwanag ang layunin ng pagaayuno.
SUSING TALATA:
Malaki ang nagagawa ng
maningas na panalangin ng taong matuwid.
(Santiago 5:16b)
PAMBUNGAD
Sa iyong pag-aaral tungkol sa kapangyarihan sa pangalan ni Jesus natutuhan mo na maaaring gamitin ng mga mananampalataya ang Kaniyang pangalan sa panalangin upang gumawa ng kahilingan sa Ama. Ang araling ito ay magsasaliksik ng kapangyarihan ng panalangin sa pangalan ni Jesus. Ihahayag din nito ang kaugnay na gawain ng pagaayuno. Ang panalangin at pagaayuno ay makapangyarihang mga prinsipyo na nagbibigay laya sa kapangyarihan ng Diyos sa buhay ng mga mananampalataya.
________________
* Ang ilang mga materyal sa araling ito ay katulad ng isang kabanata sa panalangin at pagaayuno sa “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Sa Pakikibakang Espirituwal.” Ang mga gawaing ito ay hindi lamang sandata ng pakikibaka, ito ay mga prinsipyo ng kapangyarihan. Dahil dito, may magkapareho at mayroon ding mga bagong materyal sa kabanatang ito.
ANG KAHULUGAN NG PANALANGIN
Ang panalangin ay pakikipagugnay sa Diyos. Ibat-ibang mga wangis, ngunit ito ay nagaganap kung ang tao ay makipagusap sa Diyos at ang Diyos ay makipagusap sa tao. Ang panalangin ay inilarawan bilang:
Pagtawag sa pangalan ng Panginoon: Genesis 12:8
Dumaing sa Diyos: Awit 27:7; 34:6
Lumapit sa Diyos: Awit 73:28; Hebreo 10:22
Tumingin sa itaas: Awit 5:3
Igawad ang kaluluwa: Awit 25:1
Igawad ang puso: Panaghoy 3:41
Buksan ang puso: Awit 62:8
Buksan ang kaluluwa: I Samuel 1:15
Nagsidaing sa langit: II Cronica 32:20
Namamanhik sa Panginoon: Exodo 32:11
Hanapin ang Diyos: Job 8:5
Hanapin ang mukha ng Panginoon: Awit 27:8
Mamanhik sa Diyos: Job 8:5; Jeremias 36:7
ANG BUHAY PANALANGIN NI JESUS
Ang panalangin ay isang makapangyarihang kasangkapan sa buhay ng Panginoong Jesus:
GINAWANG PANGUNAHIN NI JESUS ANG PANALANGIN:
Nanalangin Siya kahit anong oras araw o gabi: Lucas 6:12-13
Higit na mahalaga ang panalangin kaysa pagkain: Juan 4:31-32
Higit na mahalaga ang panalangin kaysa gawain: Juan 4:31-32
LAGING MAY PANALANGIN SA ANOMANG MAHALAGANG PANGYAYARI:
Sa Kaniyang bautismo: Lucas 3:21-22
Sa Kaniyang unang paglalakbay sa ministeryo: Marcos 1:35; Lucas 5:16
Bago pumili ng Kaniyang mga alagad: Lucas 6:12-13
Bago at pagkatapos na pakainin ang 5,000: Mateo 14:19, 23; Marcos 6:41, 46; Juan 6:11, 14-15
Sa pagpapakain sa 4,000: Mateo 15:36; Marcos 8:6,7
Bago nagpahayag si Pedro: Lucas 9:18
Bago ang pagbabagong anyo: Lucas 9:28, 29
Sa pagbabalik ng pitongpu: Mateo 11:25; Lucas 10:21
Sa libingan ni Lazaro: Juan 11:41-42
Sa pagpapala sa mga bata: Mateo 19:13
Sa pagdating ng ilang mga Griego: Juan 12:27-28
Bago ang oras ng Kaniyang pinakamatinding pagdurusa: Mateo 26:26-27; Marcos 14:22-23;
Lucas 22:17-19
Para kay Pedro: Lucas 22:32
Para sa pagkakaloob ng Espiritu Santo: Juan 14:16
Sa daan patungong Emmaus: Lucas 24:30-31
Bago ang Kaniyang pagbabalik sa langit: Lucas 24:50-53
Para sa Kaniyang mga tagasunod: Juan 17
Ang panalanging itinuro ni Jesus sa kanila ay natala sa
Mateo 6:9-13
MGA ANTAS NG PANALANGIN
Tinawagan ni Pablo ang lahat ng mga mananampalataya na laging manalangin ng “lahat ng panalangin.” (Efeso 6:18) ang isang salin ng Biblia ay nagsasaad ng ganito, “…manalangin…na may lahat ng uri ng panalangin…” (Ang Salita Ng Diyos Para Sa Mga Pilipino) Ito ay tumutukoy sa mga antas at uri ng panalangin.
May tatlong mga antas ng tindi ng panalangin: Paghingi, paghanap, pagtuktok:
Magsihingi kayo at kayo’y bibigyan;
magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo at kayo’y
bubuksan:
Sapagkat ang bawat humihingi ay
tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay
binubuksan.
(Mateo 7:7-8)
Ang paghingi ang unang antas ng panalangin. Ito ay ang paghaharap ng isang kahilingan sa Diyos at pagtanggap ng kaagad na kasagutan. Upang tumanggap, ang kondisyon ay humingi:
…kayo’y wala, sapagkat kayo’y hindi
nagsisihingi. (Santiago 4:2)
May makapangyarihan tayong sandatang espirituwal, gayon man marami ang hindi gumagamit nito. Hindi sila humihingi, at dahil dito, hindi sila tumatanggap.
Ang paghanap ay higit na malalim na antas ng panalangin. Ito ang antas ng panalangin na ang kasagutan ay karaniwang hindi kaagad tinatanggap tulad ng antas ng paghingi. Ang 120 na mga lalake at babae sa silid sa itaas na doo’y nagpatuloy sila sa pananalangin ay isang halimbawa ng paghanap. Ang mga lalake at babaeng ito ay humanap ng katuparan ng pangako ng Espiritu Santo at at patuloy na humanap hanggang sa dumating ang kasagutan (Gawa 1-2)
Ang pagtuktok ay mas malalim pa. Ito ay panalangin na matiyaga kahit ang mga kasagutan ay matagal bago dumating. Ito ay inilarawan ng talinhaga na sinabi ni Jesus sa Lucas 11:5-10. Ang pagtuktok ang pinakamatinding antas ng panalangin sa pakikibakang espirituwal. Ito ay inilarawan sa pagtitiyaga ni Daniel na patuloy na tumuktok sa kabila ng katotohanang wala siyang makitang resulta (Daniel 10)
MGA URI NG PANALANGIN
May mga ibat-ibang uri naman ng panalangin na inilarawan sa modelong panalangin na ibinigay ng Panginoon (Mateo 6:9-13). Kabilang sa mga uri ng panalangin ang :
1. PAGSAMBA AT PAGPUPURI:
Ikaw ay pumapasok sa presensya ng Diyos na may pagsamba at pagpupuri:
Magsipasok kayo sa Kaniyang mga
pintuang-daan na may pagpapasalamat, At sa Kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa Kaniya, at purihin ninyo ang Kaniyang pangalan. (Awit 100:4)
Ang pagsamba ay pagbibigay karangalan at pagmamahal. Ang pagpupuri ay pagpapasalamat at kapahayagan ng utang na loob hindi lamang sa mga ginawa ng Diyos kundi kung sino Siya. Ikaw ay sasamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan:
Datapuwat dumarating ang oras, at ngayon
nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at
katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa
Kaniya.
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa
Kaniya’y magsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa
katotohanan. (Juan 4:23-24)
Ang pagpupuri at pagsamba ay maaaring kasaliw ang:
Pagawit: Awit 9:2, 11; 40:3; Marcos 14:26
Malakas na papuri: Awit 103:1
Pagsigaw: Awit 47:1
Pagtataas ng mga kamay: Awit 63:4; 134:2; I Timoteo 2:8
Pagpalakpak: Awit 47:1
Mga instrumentong panugtog: Awit 150:3-5
Pagtayo: II Cronica 20:19
Pagyuko: Awit 95:6
Pagsayaw: Awit 149:3
Pagluhod: Awit 95:6
Paghiga: Awit 149:5
2. PAGTATALAGA:
Ang panalanging ito ay pagtatalaga ng iyong buhay at kalooban sa Diyos. Kabilang dito ang mga panalangin ng pagtatalaga at pagaalay.
3. PAGHINGI:
Ito ang mga panalangin na may hinihiling. Ang mga kahilingan ay dapat gawin ayon sa kalooban ng Diyos na nahayag sa Kaniyang nasulat na Salita. Ang mga kahilingan ay maaaring nasa antas ng paghingi, paghanap, o pagtuktok. Ang pamamanhik ay isa pang salita para sa uring ito ng panalangin. Ang ibig sabihin ng mamanhik ay “ ang matinding pagsusumamo sa Kaniya para sa isang pangangailangan.”
4. PAGHAHAYAG AT PAGSISISI:
Ang panalangin ng pagpapahayag ay pagsisisi at paghingi ng kapatawaran para sa kasalanan:
Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
(I Juan 1:9)
5. PAMAMAGITAN:
Ang pananalanging ito ay pamamagitan para sa iba. Ang isang intercessor ay yaong kumukuha ng lugar ng isa o nagsusumamo para sa uasapin ng iba.
Sinasabi ng Biblia na minsan ang Diyos ay naghanap sa lupa walang nasumpungang namamagitan:
At kaniyang nakita na walang tao, at namangha
na walang tagapamagitan: kaya’t ang Kaniyang sariling bisig ay nagdala ng
kaligtasan sa Kaniya; at ang Kaniyang katuwiran ay umalalay sa Kaniya. (Isaias 59:16)
Nang makita ng Diyos na walang namamagitan, Siya ang nagbigay sa pamamagitan ng pagsusugo kay Jesus:
Sapagkat may isang Dios at may isang
Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus. (I Timoteo 2:5)
...Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong
nabuhay na maguli sa mga patay na Siyang nasa kanan ng Dios, na Siya namang
namamagitan dahil sa atin. (Roma 8:34)
Dahil dito naman Siya’y nakapagliligtas na
lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan Niya, palibhasa’y laging
nabubuhay Siya upang mamagitan sa kanila.
(Hebreo 7:25)
Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito
ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman
ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesuscristo ang
matuwid. (I Juan 2:1)
Ang isang manananggol sa isang korte ng hustisya ay isang abogado na ipinagtatanggol ang kaso ng iba. Ang pamamagitan sa pakikibakang espirituwal ay panalangin sa Diyos para sa ibang tao. Minsan ang pamamagitan na ito ay may pagkaunawa nating ginagawa. Namamagitan ka sa wikang alam mo:
Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay
iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan at magpasalamat na patungkol sa
lahat ng mga tao;
Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas
na kalagayan… (I Timoteo 2:1-2)
Sa ibang pagkakataon, ang pamamagitan ay ginagawa ng Espiritu Santo. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng mga hibik mula sa isang mabigat na pasaning espirituwal. Maaaring sa wikang hindi natin alam. Maaaring ito ay pamamagitan para sa iba o ang Espiritu Santo ay namamagitan para sa iyo. Kung ito ay mangyari, ang Espiritu Santo ay nagsasalita sa pamamagitan mo diretso sa Diyos at ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi mo nauunawa ang ganitong uri ng pamamagitan:
At gayon din naman ang Espiritu ay
tumutulong sa ating kahinaan: sapagkat hindi tayo marunong manalangin ng
nararapat; ngunit ang Espiritu rin ang namamagitan dahil s atin ng mga hibik na
hindi maisaysay sa pananalita.
(Roma 8:26)
ANG MODELONG PANALANGIN
Noong si Jesus ay nasa lupa at nagmi-ministeryo, lumapit sa Kaniya ang Kaniyang mga alagad minsan na may magandang kahilingan:
…sinabi sa Kaniya ng isa sa Kaniyang mga
alagad, Panginoon, turuan Mo kaming manalangin… (Lucas 11:1)
Hindi hiniling ng mga alagad kung paano sila mangaral o gumawa ng mga himala. Hindi sila naghanap ng mga aralin tungkol sa pagpapatibay ng mga kaugnayan. Hindi sila nagtanong tungkol sa mga kababalaghan ng kagalingang pisikal. Ang hiniling nila ay turuan silang manalangin. Ano ang lumikha ng pagnanais na ito? Ito ay ang mga namamasdang palatandaan ng bisa ng panalangin sa buhay at ministeryo ni Jesus. Nasaksihan ng mga alagad ang mga makapangyarihang bunga ng estratehiyang espirituwal na gumagalaw.
Basahin ang modelong panalangin na ito at pansinin ang mga ibat-ibang uri ng panalangin na ating tinalakay:
Ama namin, na nasa langit ka, sambahin nawa ang pangalan mo. Pagpupuri at pagsamba
Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin mo ang iyong
kalooban, kung paano sa langit gayon din naman sa lupa. Pagtatalaga
Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. Paghingi
At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman
namin na nagpapatawad sa mga may utang sa amin. Paghahayag, pamamagitan
At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami
sa masama. Paghingi
Sapagka’t Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang
kaluwalhatian, magpakailanman. Pagpupuri at pagsamba
(Mateo 6:9-13)
PAANO MANALANGIN
Hanapin ang mga sumusunod na mga reperensya sa inyong Biblia. Itinuturo ng mga Kasulatang ito kung paano manalangin:
-Ang panalangin ay dapat gawin sa Diyos: Awit 5:2
-Ang walang kabuluhang paulit-ulit ay ipinagbabawal, ngunit ang tapat na dalangin na inuulit ay hindi: Mateo 6:7; Daniel 6:10; Lucas 11:5-13; 18:1-8
-Nagkakasala ka kung kaligtaan mo ang pananalangin para sa iba: I Samuel 12:23
-Manalangin na may pagkaunawa (alam mong wika): Efeso 6:18
-Manalangin sa Espiritu: Roma 8:26; Judas 20
-Manalangin ayon sa kalooban ng Diyos: I Juan 5:14-15
-Manalangin sa lihim: Mateo 6:6
-Ang kalidad sa halip na haba ang binibigyan ng diin. Hindi matagumpay ang panalangin dahil sa ito ay mahaba: Mateo 6:7
-Manalangin lagi: Lucas 21:36; Efeso 6:18
-Manalangin patuloy: Roma 12:12
-Manalanging walang patid: I Tesalonica 5:17
-Manalangin sa Ama sa pangalan ni Jesus: Juan 15:16
-Na may pagbabantay: I Pedro 4:7
-Ayon sa halimbawa ng modelong panalangin: Mateo 6:9-13
-Manalangin na may espiritung nagpapatawad: Marcos 11:25
-Manalangin na may kapakumbabaan: Mateo 6:7
-Minsan manalangin na may pagaayuno: Mateo 17:21
-Manalangin ng maningas: Santiago 5:16; Colosas 4:12
-Manalangin na may pagpapasakop sa Diyos: Lucas 22:42
-Gamitin ang estratehiya ng pagtali at pagkalag sa panalangin: Mateo 16:19
ANO ANG DAPAT MONG IPANALANGIN
-Ang kapayapaan ng Jerusalem: Awit 122:6
-Manggagawa para sa pagaani: Mateo 9:38
-Na huwag kang pumasok sa tukso: Lucas 22:40-46
-Sila na lumalait sa inyo (ang iyong kaaway): Lucas 6:28
-Lahat ng mga banal: Efeso 6:18
-Ang maysakit: Santiago 5:14
-Sa isa’t-isa (magdalahan ng mga pasan): Santiago 5:16
-Para sa lahat ng tao, mga hari, at sila na namamahala: I Timoteo 2:1-4
-Para sa ating pang-araw-araw na kailangan: Mateo 6:11
-Para sa karunungan: Santiago 1:5
-Para sa kagalingan: Santiago 5:14-15
-Para sa kapatawaran: Mateo 6:12
-Para ang kalooban at Kaharian ng Diyos ay matatag: Mateo 6:10
-Para sa kagalingan sa karamdaman: Santiago 5:13
IPANALANGIN ANG MGA PANGAKO
Kayo’y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagkat
nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan. (Santiago 4:3)
Ang Diyos ay tumutugon sa panalangin ayon sa Kaniyang mga pangako. Kung hindi ka humingi ayon sa mga pangakong ito, ang iyong panalangin ay hindi matutugon. Ito ay tulad sa kung paano nakikiugnay ang ama sa kaniyang anak. Walang magulang na nangangako na ibibigay ang lahat ng hinihiling ng kaniyang mga anak. Nililinaw niya na may gagawin siya at may mga bagay naman na hindi niya gagawin. Sa loob ng mga hangganang ito, tinatagpo ng ama ang mga hiling ng kaniyang anak.
Gayon din sa Diyos. Ang Kaniyang pangako ang batayan ng wastong pananalangin. Matutuhan mo ang ipinangako ng Diyos at manalangin ayon sa mga pangako ng Diyos. Ang isang magandang bagay na gawin ay basahin ang buong Biblia at markahan ang lahat ng mga pangako. Gamitin mo ang iyong Biblia sa iyong pananalangin at isalig mo ang iyong mga panalangin sa mga pangakong ito.
MGA HADLANG SA PANALANGIN
Narito ang ilang mga bagay na humahadlang sa iyong mga panalangin:
-Anomang uri ng kasalanan: Isaias 59:1-2; Awit 66:18; Isaias 1:15; Kawikaan 28:9
-Mga diosdiosan sa puso: Ezekiel 14:1-3
-Isang espiritung hindi nagpapatawad: Marcos 11:25; Mateo 5:23
-Pagiging makasarili, maling motibo: Kawikaan 21:13; Santiago 4:3
-Gahaman sa kapangyarihan, namimilit na panalangin: Santiago 4:2-3
-Maling pagtrato sa asawa: I Pedro 3:7
-Katuwirang pangsarili: Lucas 18:10-14
-Kawalan ng pananampalataya: Santiago 1:6-7:
-Hindi pananatili kay Cristo at sa Kaniyang Salita: Juan 15:7
-Kawalan ng kahabagan: Kawikaan 21:13
-Pagpapaimbabaw, pagkapalalo, walang kabuluhan paulit-ulit: Mateo 6:5; Job 35:12-13
-Paghingi na hindi ayon sa kalooban ng Diyos:
-Paghingi hindi sa pangalan ni Jesus: Juan 16:24
-Mga paghadlang ng mga demonyo at ni Satanas: Daniel 10:10-13; Efeso 6:1
-Hindi paghanap muna sa Kaharian: Kung hanapin mo muna ang Kaharian ng Diyos na ikaw ay pinangakuan ng ibang mga bagay: Mateo 6:33
-Ang Diyos ay may higit na mataas na layunin sa pagtanggi sa iyong kahilingan: II Corinto 12:8-9
-Kung hindi mo alam kung paano manalangin ng nararapat, ang panalangin ay nahahadlangan. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na hayaan ang Espiritu Santo na manalangin sa pamamagitan mo: Roma 8;26
KAILAN HINDI DAPAT MANALANGIN
Mahalaga na matutuhan na maghintay sa gabay at direksyon ng Panginoon bago kumilos. Mahalaga rin na malaman kung kailan hindi dapat manalangin. Kung tawagin ka ng Diyos na kumilos, dapat kang kumilos—hindi magpatuloy manalangin.
Halimbawa, sa mapait na tubig ng Mara nang si Moises ay tumangis sa Panginoon. Ipinakita sa kaniya mismo ng Diyos kung ano ang gagawin upang patamisin ang tubig. Hindi na kailangang maghintay pa ng matagal sa Panginoon sa panalangin. Si Moises ay kailangang kumilos batay sa inihayag ng Diyos. Ganito rin kay Josue noong manalangin siya dahil sa malaking pagkatalo ng Israel sa Ai. Inihayag ng Diyos na may kasalanan sa mga tao ng Israel. Sinabi Niya kay Josue…
At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon
ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?
Ang Israel ay
nagkasala… Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan.
(Josue 7: bahagi ng
10, 11, at 13)
Hindi yaon ang panahon upang manalangin. Panahon na upang kumilos ayon sa direksyon na ibinigay noong nananalangin. May ilang mga tao na ginagamit ang panalangin bilang dahilan ng pagiwas nila sa pagsangkot at pagkilos sa sinabi ng Diyos na kanilang gawin. Repasuhin ang kasaysayan ni Balaam sa Bilang 22. Pansinin lalo na ang mga talatang 18-19. Walang karapatan si Balaam na lumapit sa Diyos tungkol sa bagay na malinaw na ipinagbawal ng Diyos na kanilang pakialaman (tingnan ang talatang 12).
PAGSASANIB NG PANALANGIN AT PAGAAYUNO
Ang panalangin ay higit na makapangyarihan kung kasama ang pagaayuno. Ang pagaayuno sa pinaka-simpleng kahulugan ay hindi kakain muna.
MG URI NG PAGAAYUNO:
Ayon sa Biblia may dalawang uri ng pagaayuno. Ang lubos na pagaayuno ay walang pagkain o inumin. Ang halimbawa nito ay nasa Gawa 9:9. Ang bahagyang pagaayuno ay kung ang kinakain ay may bawas sa karaniwan. Ang halimbawa nito ay nasa Daniel 10:3.
HAYAGAN AT LIHIM NA PAGAAYUNO:
Ang pagaayuno ay isang pangsariling usapin sa pagitan ng isang tao at ng Diyos. Ito ay kailangang gawin bilang isang gawaing pribado na hindi ipinagmamalaki:
Bukod dito, pagka kayo’y nangagaayuno, ay
huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagkat
kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila’y nangagaayuno.
Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila’y ganti.
Datapuwat ikaw, sa pagaayuno mo, ay
langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;
Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw
ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa
lihim, ay gagantihan ka.
(Mateo 6:16-18)
Ang mga tagapanguna ay maaaring tumawag ng isang pagaayuno ng maramihan o hayagan na hinihiling sa buong iglesia na magayuno:
Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin
kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan. (Joel 2:15)
ANG MGA LAYUNIN NG PAGAAYUNO:
May mga tiyak na mga layuning espirituwal sa pagaayuno. Mahalaga na ating maunawaan ito, sapagkat kung tayo ay magayuno na mali ang mga dahilan, ito ay hindi magiging mabisa. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reperensya patungkol sa mga layunin ng pagaayuno. Naghahayag ito ng dakilang kapangyarihan ng pagaayuno sa pakikibakang espirituwal. Ikaw ay nagaayuno:
-Upang magpakumbaba: Awit 35:13; 69:10
-Upang magsisi ng kasalanan: Joel 2:12
-Para sa kapahayagan: Daniel 9:2; 3:21-22
-Upang pawalan ang pagkatali ng kasamaan, angatin ang mga mabibigat na pasan, palayain ang
mga naaapi, at wasakin ang bawat pagkabihag: Isaias 58:6
-Upang pakanin ang mga dukha, sa pisikal at espirituwal: Isaias 58:7
-Upang marinig ng Diyos: II Samuel 12:16, 22; Jonas 3:5, 10
Hindi binabago ng pagaayuno ang Diyos. Ikaw ang binabago nito. Nakikiugnay ang Diyos sa iyo batay sa iyong relasyon sa Kaniya. Kung ikaw ay magbago, ang pakikitungo ng Diyos ay apektado. Hindi ka nagaayuno upang baguhin ang Diyos, sapagkat ang Diyos ay hindi nagbabago. Ngunit ang pagaayuno ang bumabago ng pakikitungo ng Diyos sa iyo. Basahin ang aklat ni Jonas para sa halimbawa.
ANG TAGAL NG PAGAAYUNO:
Ang tagal ng pagaayuno ay batay sa sinabi ng Diyos sa iyong espiritu. Maaaring pangunahan ka na magayuno sa maikli o mahabang panahon. Naaalaala mo ba ang kasaysayan ni Esau at ni Jacob? Si Jacob ay naghanda ng kaniyang makakain, ngunit hindi niya kinain ito upang makuha niya ang karapatan ng pagka-panganay. Mas maganda sana kung si Esau ay hindi bumigay dahil lamang sa isang pagkain.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang dalawang prinsipyo na nagpapalabas ng kapangyarihan sa Diyos sa buhay ng mga mananampalataya?
____________________________________ at _______________________________________
3. Ano ang tatlong antas ng panalangin na tinalakay sa araling ito?
________________________ ____________________________ _______________________
4. Ilista ang mga uri ng panalangin na inilarawan sa modelong pananalangin.
5. Ilista ang ilang mga hadalang sa pananalangin na tinalakay sa kabanatang ito.
6. Ibigay ang kahulugan ng panalangin.
7. Ibigay ang kahulugan ng pagaayuno.
8. Ano ang dalawang uri ng pagaayuno?
____________________________________ at _______________________________________
9. Ibigay ang buod ng mga layunin ng pagaayuno.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Mga sagot sa panalangin ay ipinagkaloob:
May pagkakataong kaagad Isaias 65:24; Daniel 9:21-23
Nabalam minsan Lucas 18:7
Minsan, iba kay sa ating ninanais II Corinto 12:8-9
Higit pa sa ating inaasahan Jeremias 33:3; Efeso 3:20
Tandaan: Ang panalangin ni Jesus sa Halaman ay hindi nagpabago sa kalooban ng Diyos, ngunit ang kalooban ng Diyos ay naging maliwanag sa pamamagitan nito (Hebreo 5:7-9). Hindi sapagkat ang ating mga panalangin ay hindi nasagot ayon sa ating kagustuhan ay nangangahulugan na hindi ito tinugon. Madalas ang ating nakita na hindi nasagot na panalangin ay may ibang layunin.
2. Kung tayo ay mananalangin ayon sa ayos ng modelong panalangin na “Ama namin” ito ay lumilikha ng wastong saloobin:
Kung manalangin tayo … Ipinakikita
natin…
Ama namin na nasa langit Ka Saloobin ng isang bata
Sambahin nawa ang pangalan Mo Saloobin na gumagalang
Dumating nawa ang kaharian Mo Saloobing nagaantabay
Gawin nawa ang Iyong kalooban kung paano sa
langit, gayon din naman sa lupa Saloobing nagpapasakop
Ibigay Mo sa amin ang aming kakanin
sa araw-araw Saloobing nagtitiwala
At ipatawad Mo sa amin ang aming mga utang Saloobing nagsisisi
Gaya naman namin na nagpapatawad sa mga
May utang sa amin Saloobing nagpapatawad
Huwag Mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas
Mo kami sa masama Saloobing matagumpay
Iyo ang kaharian, kapangyarihan, at kaluwalhatian
magpakailanman Saloobing sumasamba
3. Basahin ang Santiago 5:17-18. Ito ay isang modelong panalangin ng kapangyarihan at
pananampalataya sapagkat:
-Ito ay nakabatay sa tiyak na pangako ng Diyos: I Hari 18:1
-Tinupad nito ang kondisyon ng panagako: I Hari 18:2
-Siya ay nagtiyaga sa kabila ng di kaaya-ayang
mga ulat: I Hari 18:43
4. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga halimbawa ng makapangyarihang panalangin na natala sa Biblia:
Genesis:
Ang kasaysayan ng panalangin ay nagsimula: 4:26
Panalangin at paglagong espirituwal: 5:21-24
Panalangin at ang altar: 12-13
Panalangin para sa tagapagmana: 15
Panalangin, ang wika ng isang panangis: 16
Panalangin at kapahayagan: 17
Panalangin para sa isang masamang lungsod: 18-19
Panalangin pagkatapos ng pagkukulang: 20
Panalangin ng pagsunod: 22
Panalangin para sa isang mapapangasawa: 24
Panalangin para sa isang baog: 25:19-23
Panalangin na bumabago ng mga bagay: 26
Panalangin bilang isang panata: 28
Panalangin para sa isang nasaktang kapatid: 32
Panalangin, ang natagong apoy: 39-41; 45:5-8; 50:20,24
Panalangin para sa pagpapala sa mga lipi: 48-49
Exodo:
Panalangin na inihayag bilang daing: 1-2
Panalangin bilang pagpapalitan ng usapan: 3-4
Panalangin bilang pagdaing: 5-7
Panalangin kabilang sa lahat ng kapangyarihan: 8-10
Panalangin bilang papuri: 15
Panalangin na nanganib: 17
Panalangin ng nangangailangan: 22:22-24
Panalangin upang ibalam ang paghatol: 32
Unang panalangin ni Moises para sa Israel: 32:9-14
Pangalawang panalangin ni Moises: 32:30-34
Pangatlong panalangin ni Moises: 33:12-23
Panalangin at pagbabagong anyo: 34
Bilang:
Panalangin bilang basbas: 6:24-27
Panalangin para sa pagpapanatili at pagiingat: 10:35-36
Panalangin upang alisin ang hatol: 11:1-2
Panalangin ng isang nanghihinang puso: 11:10-35
Panalangin ng isang mapagpakumbabang tao: 12
Panalangin upang panatilihin ang karangalang makalangit: 14
Panalangin upang kumilos ang Diyos laban sa paghihimagsik: 16
Panalangin upang lumaya mula sa kamatayan: 21
Panalangin at hula: 23-24
Panalangin para sa bagong tagapanguna: 27
Deuteronomio:
Panalangin para sa isang gawain: 3:23-29
Panalangin sa isang malapit: 4:7
Panalangin upang manatili ang hatol: 9:20, 26-29
Panalangin bilang pagpapala: 21:6-9
Panalangin bilang awit: 32-33
Josue:
Panalangin bilang isang hamon: 5:13-15
Panalangin na hindi sinagot ng Diyos: 7
Panalangin na nakaligtaan na may di magandang bunga: 9:14
Panalangin na nagdulot ng himala: 10
Mga Hukom:
Panalangin para sa direksyon: 1
Panalangin sa panahon ng digmaan: 4-5
Panalangin para sa mga tanda: 6
Panalangin sa panahon ng kalamidad: 10:10-16
Panalangin bilang pagtawad: 11:30-40
Panalangin para sa hindi pa isinisilang na sanggol: 13
Panalangin sa harap ng kamatayan: 16:28-31
Panalangin na tiyak na nasagot: 20:23-28
Panalangin para sa nawalang lipi: 21:2-3
I Samuel:
Panalangin na walang salita: 1
Panalangin, may hula sa pagtanaw: 2:1-10
Panalangin sa santuario: 3
Panalangin para sa pambansang ligalig: 7
Panalangin para sa isang hari: 8
Panalangin bilang patunay: 12
Panalangin ng isang ligalig na hari: 14
Panalangin ng isang napighating puso: 15:11
Panalangin bilang isang maliit na tinig: 16:1-12
Panalangin bilang isang lihim ng katapangan: 17
Panalangin bilang pagtatanong: 23
Panalangin para sa bingi: 28:7
Panalangin para sa pagbabalik ng labi ng digmaan: 30
II Samuel:
Panalangin bilang ari-arian: 2:1
Panalangin para sa tagumpay: 5:19-25
Panalangin para sa pagpapala sa bahay at kaharian: 7:18-29
Panalangin para sa batang maysakit: 12
Panalangin bilang pagpapanggap: 5:7-9
Panalangin upang maunawaan ang karamdaman: 21:1-12
Panalangin bilang isang awit: 22
Panalangin bilang isang pagpapahayag ng kataasan: 24:10-17
I Hari:
Panalangin para sa isang marunong na puso: 3
Panalangin ng pagtatalaga: 8:12-61
Panalangin para sa tuyong kamay: 13:6
Panalangin para sa nakapinid na langit: 17
Panalangin para sa pagkabuhay na muli ng anak: 17:20-24
Panalangin para sa karangalang banal: 18:16-41
Panalangin at pagtitiyaga: 18:45
Panalangin para sa kamatayan: 19
II Hari:
Panalangin para sa isang patay na bata: 4:32-37
Panalangin para sa pangitain: 6:13-17
Panalangin para sa kaligtasan mula sa mga kaaway: 19
Panalangin para sa mahabang buhay: 20:1-11
I Cronica:
Panalangin para sa kasaganaang espirituwal: 4:9-10
Panalangin bilang pagtitiwala: 5:20
Panalangin ng pagkatakot: 13:12
Panalangin para sa pagtatayo ng tipan: 17:16-27
Panalangin na sinagot ng apoy: 21
Panalangin bilang bantay: 23:30
Panalangin at pagkakaloob: 29:10-19
II Cronica:
Panalangin sa panahon ng panganib sa bansa: 14:11
Panalangin at pagbabago: 15
Panalangin at hiling para sa kasaysayan: 20:3-13
Panalangin ng pagtitika: 33:13
Ezra:
Panalangin ng pagpapasalamat: 7:27-28
Panalangin at pagaayuno: 8:21-23
Panalangin at paghahayag: 9:5-10:4
Nehemias:
Panalangin dahil sa paghihirap: 1:4-11
Panalangin sa isang kagipitan: 2:4
Panalangin para sa kaligtasan mula sa kahihiyan: 4:1-6
Panalangin na nagtagumpay laban sa galit: 4:7-9
Panalangin at pakikipagkasundo: 5
Panalangin laban sa takot: 6:9-14
Panalangin at ang Salita: 8:1-13
Panalangin at ang kabutihan ng Diyos: 9
Panalangin para sa pagalaala: 13:14, 22, 29, 31
Job:
Panalangin ng pagsuko: 1:20-22
Panalangin para sa awa: 6:8-9; 7:17-21
Panalangin para ariing ganap: 9
Panalangin ni Job laban sa kawalang katarungan: 10
Panalangin para sa liwanag tungkol sa kawalang kamatayan: 14:13-22
Panalangin at pakinabang: 21:14-34
Panalangin at katuwiran: 23
Panalangin na tinugon ng ipo-ipo: 38
Panalangin bilang paghahayag: 40:3-5; 42:1-6
Panalangin bilang pamamagitan: 42:7-10
Mga Awit:
Panalangin na idinulot ng paghihimagsik: 3
Panalangin ng kabanalan: 4
Panalangin bilang pagmamatyag sa umaga: 5
Panalangin para sa pagkilos ng Diyos: 8
Panalangin para sa pagiingat dito at sa walang hanggan: 16
Panalangin ng krus: 22
Panalangin para sa pagkalinga ng pastol: 23
Panalangin para sa kapahayagan ng kaluwalhatian ng Diyos: 24
Panalangin bilang pailanlang sa Diyos: 25
Panalangin ng isang pusong sumasampalataya: 27
Panalangin bilang paglitaw ni Cristo: 31
Panalangin ng isang napahamak na kaluluwa: 32
Panalangin para sa pagiingat laban sa kaaway: 35
Panalangin sa pagpupuri dahil sa kagandahang loob: 36
Panalangin ng isang manglalakbay: 39, 90,91
Panalangin at ang naabot nito: 40
Panalangin sa panahon ng bagabag: 41
Panalangin bilang pintuan ng pagasa: 42-43
Panalangin para sa tulong ng Diyos: 44
Panalangin para sa pagkakanlong: 46
Panalangin ng isang wasak ang puso: 51
Panalangin sa lahat ng panahon: 55
Panalangin sa panahon ng pangangailangan: 57
Panalangin pagtitiwala: 71
Panalangin para sa Diyos mismo: 73
Panalangin bilang papuri sa kadakilaan ng Diyos: 96
Panalangin upang makatakas mula sa pagsubok: 102-103, 105
Panalangin ng pagaalaala: 106
Panalangin para sa panganib sa dagat: 107
Panalangin at pakikiisa sa Kasulatan: 19, 119
Panalangin ng isang pusong nagsasaliksik: 139
Kawikaan:
Nakatuon ang aklat sa mga panalangin bilang daluyan ng karunugan.
Eclesiastes:
Tinatalakay ng aklat ang tungkol sa panalangin at sa kamalasan.
Awit ng mga Awit:
Mga lihim ng panalangin.
Isaias:
Panalanging hindi dinidinig ng Diyos: 1:15; 16:12
Panalangin at paglilinis: 6
Panalangin para sa tanda: 7:11
Panalangin ng pagtataas: 12
Panalangin ng papuri para sa tagumpay: 25
Panalangin para sa kapayapaan; 26
Panlangin at pagtitiwala: 41
Panalangin at paguugali: 55
Panalangin na hindi tanggap ng marami: 59
Panalangin upang ihayag ang kapangyarihan ng Diyos: 63-64
Jeremias:
Panalangin bilang kapahayagan ng kakulangan ng kakayahan: 1
Panalangin bilang pagluluksa dahil sa pagtalikod: 2-3
Panalangin bilang pagdaing: 4:10-31
Panalangin ng panaghoy dahil sa paghihimagsik: 5
Panalangin mula sa bilangguan: 6
Panalangin na ipinagbawal: 7:16
Panalangin para sa katarungan: 10:23-25
Panalangin ng pagkalito: 12:1-4
Panalangin upang lumaya mula sa kasalanan at tagtuyot: 14:7-22
Panalangin para sa paghihiganti ng Diyos: 15:15-21
Panalangin para sa pagkalito ng mga kaaway: 16:19-21; 17:13-18
Panalangin para sa pagkatalo ng mga likong tagapayo: 18:18-23
Panalangin ng isang sawing puso: 20:7-13
Panalangin ng pagpapasalamat dahil sa kagandahang loob ng Diyos: 32:16-25
Panalangin para sa isang sumasampalatayang nalabi: 42
Panaghoy:
Panalangin ng pasakit: 1:20-22
Panalangin para sa awa: 2:19-22
Panalangin bilang pagdaing: 3
Panalangin para sa mga naaapi: 5
Ezekiel:
Panalangin bilang pagsalungat: 4:14
Panalangin para sa pananatili ng nalabi: 9:8-11
Santuario ng panalangin: 11:13-16
Daniel:
Panalangin para sa paliwanag: 2:17-18
Panalangin bilang pagsalungat sa utos: 6:10-15
Panalangin ng paghahayag: 9
Panalangin at ang bungang espirituwal: 10
Panalangin tungkol sa kaiklian ng buhay: 12:8-13
Oseas:
Nanawagan ang Diyos sa isang bansang tumalikod na manalangin ng panalangin ng pagsisisi.
Joel:
Panalangin sa panahon ng emergency: 1:19-20
Panalangin at pagtangis: 2:17
Amos:
Panalangin para sa kapahingahan at kapatawaran: 7:1-9
Jonas:
Panalangin ng mga paganong marino: 1:14-16
Panalanging makalabas sa impyerno: 2
Panalangin ng isang lungsod na nagsisi: 3
Panalangin ng isang propetang nasiphayo: 4
Micas:
Ang panalangin ay paghihintay sa Panginoon para sa katuparan ng Kaniyang Salita.
Habacuc:
Panalangin ng pagdaing at pagpapatunay: 1:1-4, 12-17
Panalangin ng pananampalataya: 3
Malakias:
Panalangin: Unang Pagsalungat: 1:2
Panalangin: Ikalawang pagsalungat: 1:6
Panalangin: Ikatatlong pagsalungat: 1:7, 13
Panalangin: Ika-apat na pagsalungat: 2:17
Panalangin: Ika-limang pagsalungat: 3:17
Panalangin: Ika-anim na pagsalungat: 3:8
Mateo:
Panalangin at ang pangangailangan ng pagpapatawad: 5:22-26; 6:12, 14-15
Panalangin at pagpapaimbabaw: 6:5-7
Panalangin na itinuro ni Cristo: 6:8-13
Panalangin ayon sa pagtiyak ni Cristo: 7:7-11
Panalangin ng isang ketongin: 8:1-4
Panalangin ng centurion: 8:5-13
Panalangin sa panganib: 8:23-27
Panalangin ng mga inaalihan: 8:28-34
Panalangin ni Jairo: 9:18-19
Panalangin ng isang maysakit na babae: 9:20-22
Panalangin ng dalawang taong bulag: 9:27-31
Panalangin para sa manggagawa: 9:37-39
Panalangin ni Cristo ng pagpapasalamat sa Diyos: 11:25-27
Panalangin sa isang bundok: 14:23
Panalangin ni Pedro na nasa panganib: 14:28-30
Panalangin ng babaeng taga Siro-Phoenicia: 15:21-28
Panalangin para sa himataying anak: 17:14-21
Panalangin para sa pagkakaisa: 18:19-20
Panalangin sa isang talinhaga: 18:23-25
Panalangin para sa isang pwesto: 20:20-28
Panalangin para sa kagalingan ng pagkabulag: 20:29-34
Panalangin ng pananampalataya: 21: 18-22
Panalangin ng pagpapanggap: 23:14, 25
Panalangin para sa pananagot: 25:20,22,24
Panalangin ng isang nagsuko ng kalooban: 26:26, 36-46
Panalangin sa Kalbaryo: 27:46, 50
Marcos:
Panalangin ng isang demonyo: 1:23-28, 32-34
Panalangin – Ugali ni Cristo: 1:35; 6:41, 46
Panalangin para sa pipi at bingi: 7:31-37
Panalangin at pagaayuno: 2:18; 9:29
Panalangin ng isang batang tagapanguna: 10:17-22
Lucas:
Panalangin ni Zacarias: 1:8, 13, 67-80
Panalangin bilang pagsamba: 1:46-55
Panalangin bilang pagpupuri: 2:10-20, 25-38
Panalangin sa simula ng paglilingkod: 3:21-22
Panalangin bilang pagtakas mula sa pagiging bantog: 5:16
Panalangin at ang labing dalawa: 6:12-13, 20, 28
Panalangin at pagbabagong anyo: 9:28-29
Panalangin na nasa isang talinhaga: 11:5-13
Panalangin ng alibugha: 15:11-24, 29-30
Panalangin na makalabas sa impyerno: 16:22-31
Panalangin ng sampung ketongin: 17:12-19
Panalangin sa ayos ng isang talinhaga: 18:1-8
Panalangin ng Pariseo at publikano:18:9-14
Panalangin para ingatan si Pedro: 22:31
Panalangin ng paghihirap: 22:39-46
Panalangin at ang nagbangong Panginoon: 24:30, 50-53
Juan:
Panalangin para sa espiritu: 4:9, 15, 19, 28; 7:37-39; 14:16
Panalangin ng isang taong marangal: 4:46-54
Panalangin para sa Tinapay ng Buhay: 6:34
Panalangin para sa pagpapatunay: 11:40-42
Panalangin na may dalawang aspeto: 12:27-28
Panalangin bilang pribilehiyo: 14:13-15; 15:16; 16:23-26
Panalangin ng lahat ng panalangin: 17
Gawa:
Panalangin sa silid sa itaas: 1:13-14
Panalangin para sa papalit: 1:15-26
Panalangin at pagsamba: 2:42-47
Panalngin bilang isang kinaugalian: 3:1
Panalangin para sa katapangan ng pagsaksi: 4:23-31
Panalangin at ang ministeryo ng Salita: 6:4-7
Panalangin ng unang martir: 7:55-60
Panalangin para sa mga Samaritano at sa manggagaway: 8:9-25
Panalangin ng isang nahikayat: 9:5-6, 11
Panalangin para kay Dorcas: 9:36-43
Panalangin para kay Cornelio: 10:2-4, 9, 31
Panalangin para kay Pedro na nasa bilangguan: 12:5, 12-17
Panalangin ng ordinasyon: 13:2-3, 43
Panalangin at pagaayuno: 13:2-3; 14:15, 23, 26
Panalangin sa tabi ng ilog: 16:13, 16
Panalangin sa kulungan: 16:25, 34
Panalangin ng pagkakatiwala: 20:36
Panalangin sa pakasira ng barko: 27:33, 35
Panalangin para sa nilalagnat: 28:8, 15, 28
Roma:
Panalangin para sa isang masaganang paglalakbay: 1:8-15
Panalanging kinasihan ng Espiritu: 8:15, 23, 26-27
Panalangin alang-alang sa Israel: 10:1; 11:26
Panalangin bilang patuloy na ministeryo: 12:12
Panalangin para sa magkakaisang isip: 15:5-6, 30-33
Panalangin para sa pagkabihag kay Satanas: 16:20, 24-27
II Corinto:
Panalangin bilang basbas: 1:2-4
Panalangin upang alisin ang tinik: 12:7-10
Efeso:
Panalangin at ang kalagayan ng mananampalataya: 1:1-11
Panalangin para sa pagkaunawa at kapangyarihan: 1:15-20
Panalangin bilang paglapit sa Diyos: 2:18; 3:12
Panalangin para sa kalubusan ng kalooban: 3:13-21
Panalangin at panloob na awit: 5:19-20
Panalangin bilang sandata ng mandirigma: 6;18-19
Filipos:
Panalangin bilang kahilingan para sa kagalakan: 1:2-7
Panalangin at kapayapaan ng pagiisip: 4:6-7, 19-23
Colosas:
Panalangin bilang papuri para sa katapatan: 1:1-8
Panalangin para sa makapitong pagpapala: 1:9-14
Panalangin sa pagsasama-sama: 4:2-4, 12, 17
I Tesalonica:
Panalangin ng pagaalaala: 1:1-3
Panalangin upang makabalik: 3:9-13
Panalangin, papuri at kasakdalan: 5:17-18, 23-24, 28
II Tesalonica:
Panalangin para sa pagiging karapatdapat sa tawag: 1:3, 11-12
Panalangin para sa kaginhawahan at katibayan: 2:13, 16-17
Panalangin para sa Salita at pagiingat: 3:1-5
II Timoteo:
Panalangin para sa ministeryo ni Timoteo: 1:2-7
Panalangin para sa sambahayan ni Onesiforo: 1:6-18
Panalangin para sa bulaang kaibigan: 4:14-18
Hebreo:
Panalangin bilang papuri dahil sa nilalang: 1:10-12
Panalangin para sa habag at lingap: 4:16
Panalangin at ministeryo ni Cristo: 5:7-8; 7:24-25
Panalangin para sa katuparan ng kalooban ng Diyos: 12:9, 12, 15
Panalangin para sa kasakdalan: 13:20-21
Santiago:
Panalangin para sa karunungan: 1:5-8, 17
Panalangin na hindi nakatuon: 4:2-3
Panalangin na mabisa: 5:13-18
I Pedro:
Panalangin ng pagpapasalamat dahil sa pamana: 1:3-4
Panalangin sa kalagayang may asawa: 3:7-12
Panlangin-pagbabantay: 4:7
Panalangin para sa pagtibay ng mga Cristiano: 5:10-11
II Pedro:
Panalangin para sumagana ang biyaya at kapayapaan: 1:2
III Juan:
Panalangin sa likuran ng pagkatao: 1-4, 12
Judas:
Panalangin sa Espiritu: 20
Apocalipsis:
Panalangin bilang papuri sa Kordero dahil sa katubusan: 5:9
Panalangin bilang ginintuang insenso: 5:8; 8:3
Panalangin ng mga pinaslang na mga martir: 6:10
Panalangin ng karamihang mga Gentil: 7:9-12
Panalangin ng matatanda: 11:15-19
Panalangin ni Moises: 15:3-4
Panalangin ng niluwalhating mga banal: 19:1-10
Panalangin sa pagwawakas ng Biblia: 22:17, 20
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-WALONG PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng Salita ng kapangyarihan.
-Ibigay ang kahulugan ng “rhema” at “logos” na mga Salita ng Diyos.
-Ipaliwanag kung paano hinarap ni Jesus ang hamon ni Satanas sa pamamagitan ng Salita ng
kapangyarihan.
-Ipaliwanag ang iyong pananagutan sa Salita ng Diyos ng kapangyarihan.
-Ibigay ang buod ng makapangyarihang mga layunin ng Salita ng Diyos.
-Ipaliwanag kung bakit ang iyong mga salita ay mahalaga kaugnay ng kapangyarihang
espirituwal.
SUSING MGA TALATA:
Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay, at
mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon
hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak,
at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. (Hebreo 4:12)
PAMBUNGAD
Ang Banal na Biblia ang nasulat na Salita ng isang tunay at buhay na Diyos. May tanging kapangyarihan sa mga Salita ng Diyos:
Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay, at
mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon
hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak,
at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. (Hebreo 4:12)
Magiging gayon ang Aking salita na
lumalabas sa bibig Ko: hindi babalik sa Akin na walang bunga, kundi gaganap ng
kinalulugdan Ko, at giginhawa sa bagay na Aking pinagsuguan. (Isaias 55:11)
Hindi mo lubusang matatanggap ang kapangyarihan ng Diyos hanggat hindi mo nararanasan ang kapangyarihan ng Kaniyang Salita.
ANG PINAGMUMULAN NG SALITA
Ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan at ng Kaniyang nasulat na Salita. Dahil dito kaya makapangyarihan ang Salita ng Diyos:
Nagbibigay ng salita ang Panginoon: Ang mga
babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo. (Awit 68:11)
At dahil naman dito kami ay nagpapasalamat
ng walang patid sa Diyos, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na
ipinangaral, samakatuwid baga’y ang Salita ng Diyos, ay inyong tinanggap na
hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi ayon sa katotohanan, na Salita ng Diyos,
na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya. (I Tesalonica 2:13)
Nilalang ng Diyos ang sanglibutan sa pamamagitan ng Kaniyang Salita:
Sa pananampalataya ay natatalastas natin na
ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Diyos, ano pa’t ang
nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na hindi nakikita. (Hebreo 11:3)
Nilalang ng Diyos ang kalangitan sa pamamagitan ng Kaniyang Salita:
Sa pamamagitan ng Salita ng Panginoon ay
nayari ang mga langit… (Awit 33:6)
Patuloy na hinahawakan ng Diyos ang sanglibutan at ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kaniyang Salita:
Palibhasa’y siyang sinag ng Kaniyang
kaluwalhatian, at tunay na larawan ng Kaniyang pagka-Diyos, at umaalalay ng
lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng Kaniyang kapangyarihan, nang
Kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng
Karangalan sa kaitaasan. (Hebreo 1:3)
“RHEMA” AT “LOGOS”
May dalawang magkaibang salita sa Griego na ginamit sa Biblia para sa Salita ng Diyos. Ang isa sa mga salitang Griego na ito ay ang “logos” at ito ay tumutukoy sa buong sinambitla ng Diyos. Ito ang kalubusan ng kapahayagan ng kung ano ang sinabi ng Diyos.
Ang panglawang salita, “rhema,” ay tumutukoy sa isang tiyak na sinalita ng Diyos na angkop sa isang partikular na tanging kalagayan. Ang buong “logos” na kapahayagan ng Diyos ay makapangyarihan, ngunit kung ang Diyos ay may buhayin na salitang “rhema” mula sa Kaniyang nasulat na Salita, ito ay may tanging kapangyarihan. Kung buhayin ng Diyos ay isang salitang “rhema”, isang talata na nabasa na ninyo ng maraming ulit ay nagkakaroon ng bagong kahulugan. Makikita mo kung paano ito aangkop sa isang tiyak na kalagayan na iyong hinaharap. Binibigyan ka ng “rhema” na salita ng sagot, kapahayagan, o kaaliwan na kailangan sa pagkakataong yaon.
ANG TUKSO KAY JESUS
Ang kapangyarihan ng Diyos ay itinakda kay Jesu-Cristo ngunit dapat masubok ang kapangyarihang yaon sapagkat lumalakas ito habang ginigipit. Ang isang pangunahing pagtutuos sa pagitan ng kapangyarihan ni Jesus at ng kapangyarihan ni Satanas ay maagang dumating sa ministeryo ni Jesus sa lupa. Bago magpatuloy sa araling ito, basahin ang pagtatagpong ito sa Mateo 4:1-11; Marcos 1:12-13; at sa Lucas 4:1-13.
Una, sinikap ni Satanas na gawin ni Jesus na maging tinapay ang bato. Ang kapangyarihan ni Jesus na di nagtagal ay ginawang maging alak ang tubig ay tiyak na magagawa Niya na gawing tinapay ang bato. Ngunit kung ginawa Niya ito, hiwalay ito sa Diyos at paggamit ito ng kapangyarihan para sa sariling pakinabang.
Sumunod, sinikap ni Satanas na si Jesus ay magpatihulog mula sa ituktok ng templo upang ipakita ang Kaniyang kapangyarihan. Gumamit pa ng Kasulatan si Satanas upang himukin Siya na tama lang itong gawin.
Sa ikatlong pagkakataon, tinukso ni Satanas si Jesus patungkol sa kapangyarihan sa sanglibutan. Sinabi ni Satanas na ibibigay niya ang lahat ng mga kaharian ng sanglibutan kay Jesus kung sasamba lamang Ito sa kaniya.
Sa bawat isa sa labanang ito, hinarap ni Jesus ang hamon sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Sinitas ni Jesus ang mga Kasulatan na angkop sa mga kalagayang iniharap sa Kaniya. Ginamit Niya ang “rhema” ng Salita ng Diyos.
PAGGAMIT NG SALITA NG KAPANGYARIHAN
Hindi sapat na malaman mo lamang na may kapangyarihan sa Salita ng Diyos. Upang maging mabisa, ang Salita ay dapat iangkop o gamitin tulad ng ginawa ni Jesus. Nilinaw ni Jesus na ang mga salita na Kaniyang sinambit ay hindi sa Kaniya . Ito ang mga Salita ng Diyos (Juan 3:34; 14:10, 24; 17:8, 14)
Sinalita ni Jesus na may kapangyarihan ang Salita ng Diyos:
At nangagtaka sila sa Kaniyang aral,
sapagkat may kapamahalaan ang Kaniyang salita.
(Lucas 4:32)
At silang lahat ay nagtaka at nagsalitaan
ang isa’t isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? Sapagkat Siya na may
kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at
nagsisilabas sila. (Lucas 4:36)
Nangusap si Jesus sa isang lalaking natuyo ang kamay at ito ay gumaling (Marcos 3:1-5). Sinalita Niya ang Salita sa isang ketongin at ito ay luminis (Mateo 8:2-3). Sinabi Niya…
-“magtindig ka” sa lalaking maysakit sa tabi ng tanke ng tubig (Juan 5:8)
-“makakita ka” sa bulag (Lucas 7:21)
-“lumayas ka” sa mga demonyo (Mateo 9:32-33)
-“makaring ka” sa bingi (Marcos 7:32-35)
-“bumagon ka” sa patay (Juan 11:44)
Alam ni Jesus na may kapangyarihan sa Salita ng Diyos, ngunit alam din Niya na kailangang marinig ito at tugunan ng mga tao upang maging mabisa. Ang mga salita ni Jesus na siyang mga Salita ng Diyos, ay mapakapangyarihan kahit may distansya ang nangangailangan. Hindi na kailangang nasa harapan mismo si Jesus kung saan naroon ang problema. Ang isang tao ay may aliping may sakit na nagsabi…
At sumagot ang senturion at sinabi,
Panginoon, hindi ako karapatdapat na Ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking
bubungan; datapuwat sabihin Mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila.
At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka
ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo’y
mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon. (Mateo 8:8, 13)
Sumampalataya ang lalaking ito sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos. Alam niya kung gaano ito makapangyarihan. Hindi ito napipigil ng oras, lugar o ano pa mang limitasyon ng tao. Ngunit para ito ay maging mabisa sa kaniyang buhay at kalagayan, kinailangang angkinin niya ito. Dapat niyang gamitin ang Salita ng Diyos upang matanggap ang pakinabang ng kapangyarihan nito.
Ginamit ng unang iglesia ang Salita ng Diyos na makapangyarihan. Sinabi ni Pablo:
At ang aking pananalita at ang aking
pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa
patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan;
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag
masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos. (I Corinto 2:4,5)
Ngunit ako’y paririyan agad sa inyo, kung
loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo,
kundi ang kapangyarihan. (I Corinto
4:19)
ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA
Ang Diyos ang kapangyarihan sa likod ng Kaniyang Salita:
Magiging gayon ang Aking salita na
lumalabas sa bibig Ko: hindi babalik sa Akin na walang bunga, kundi gaganap ng
kinalulugdan Ko, at giginhawa sa bagay na Aking pinagsuguan. (Isaias 55:11)
…sapagkat Aking
iniingatan ang Aking salita upang isagawa.
(Jeremias 1:12)
Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng dakilang kapangyarihang espirituwal:
Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay, at
mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon
hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak,
at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. (Hebreo 4:12)
Pinararangalan ng Diyos ang Kaniyang Salita higit sa Kaniyang pangalan:
Ako’y sasamba sa dako ng Iyong banal na
templo, At magpapasalamat sa Iyong pangalan, dahil sa Iyong kagandahang-loob at
dahil sa Iyong katotohanan; sapagkat Iyong pinadakila ang Iyong salita sa Iyong
buong pangalan. (Awit 138:2)
Ano ang mga makapangyarihang layunin na natutupad ng Salita ng Diyos? Pag-aralan ang sumusunod na mga talata.
Ang Salita ng Diyos:
-Ito ay mapapakinabangan sa pagtuturo, pagsansala, pagtutuwid, at pagkatuto: II Timoteo 3:16-17
-Nagdadala ng pagsampalataya sa mensahe ng ebanghelyo: Gawa 4:4
-Lumilinis: Juan 15:3; Efeso 5:26
-Nagdadala ng buhay na walang hanggan, kung ating pakinggan at sampalatayanan: Juan 5:24
-Ang batayan ng walang hanggang kahatulan: Juan 12:48
-Ginagamit upang palayasin ang masasamang espiritu: Mateo 8:16; Lucas 4:36
-Ay sinusundan ng mahimalang mga tanda na humihikayat sa mga tao sa katotohanan ng Ebanghelyo: Marcos 16:20
-Nagbibigay ng katiyakan ng kaligtasan: I Juan 1:2-6
-Nagdadala ng karanasan ng kapanganakang muli: I Pedro 1:23; Awit 119:41
-Nagpapatibay sa katotohanan ng Ebanghelyo: I Juan 5:7
-Pinapaging banal ang mananampalataya: I Timoteo 4:5
-Nagbibigay pagasa: Awit 130:5; 119:49, 81
-Nagdadala ng kagalingan: Awit 107:20
-Iniingatan tayo mula sa maninila: Awit 17:4
-Siyang espiritu at buhay: Juan 6:63
-Nagdadala ng kagalakan: Jeremias 15:16
-Nagpapalago ng pananampalataya: Roma 10:17
-Umaaliw: I Tesalonica 4:18, Awit 119: 50, 52
-Nagdadala ng kalakasang espirituwal: I Timoteo 4:6
-Nagdadala ng sagot sa panalangin: Juan 15:7
-Siyang susi sa tagumpay: Josue 1:8
-Nagpapala, kung ating pakinggan at sundin: Lucas 11:28
-Nagdadala ng pagpapala kung tutuparin at sumpa kung hindi: Deuteronomio 28
-Isang sandata sa panahon ng tukso: Mateo 4
-Humihikayat sa kaluluwa: Awit 19:7
-Ginagawang maalam ang payak: Awit 19:7
-Nagbibigay liwanag: Awit 19:8
-Nagbababala: Awit 19:11
-Nagdadala ng dakilang gantipala kung ingatan: Awit 19:11
-Nagbibigay daan para makapasok sa langit: Apocalipsis 22:14
-Nagdadala ng pagpapala ng paglakad sa katuwiran: Awit 119:1-3
-Ginagawa tayong higit na maalam kaysa ating mga kaaway, guro, ang mga nakatatanda: Awit
119:98-104
-Bumubuhay: Awit 119:25
-Nagpapalakas: Awit 119:28
-Batayan ng Kaniyang kahabagan: Awit 119:58
-Nagdudulot ng kasiyahan: Awit 119:58
-Binibigyan ang payak ng pagkaunawa: Awit 119:130, 104, 169
-Nagliligtas: Awit 119:170
ANG PANANAGUTAN PARA SA SALITA
Sapagkat ang Salita ng Diyos ay napaka-makapangyarihan, may pananagutan ang mga mananampalataya na ito ay ipabatid sa buong sanglibutan. Ang unang iglesia ang umako ng pananagutang para sa Salita ng Diyos. Pumaroon sila sa lahat ng dako na ipinangangaral ito (Gawa 8:4; 12:24; 13:49). Humingi sila sa Diyos ng katapangan na salitain ang Kaniyang mga Salita (Gawa 4:29, 31). At lumaganap ang Salita ng Diyos sa buong sanglibutan dahil sa kanilang katapatan (Gawa 6:7; 19:20).
Pinagtibay ng Diyos ang Kaniyang mga Salita ng mga tanda na sumunod. Hindi mahihintay ninoman na mauna ang mga tanda kay sa Salita. Mayroon kang pananagutan na ikalat ang makapangyarihang Salita sa sanglibutan. Alamin ang iyong pananagutan sa pag-aaral ng mga sumusunod na mga Kasulatan:
-Inilalagay ng Diyos ang Kaniyang Salita sa iyo upang salitain mo sa iba: Deuteronomio 18:18-19; Isaias 51:16; Jeremias 1:9; 3:12; 5:14; 26:12; Ezekiel 2:7-8.
-Kung ikaw ay maturuan sa Salita ng Diyos, ikaw ay may pananagutan na turuan ang iba: galacia 6:6
-Kailangang ipangaral mo ang Salita sa buong sanglibutan: Lucas 24:47; Marcos 16:15; II Timoteo 4:2.
-Ang sasalitain mo ay ang Kaniyang mga Salita hindi ang iyong sariling salita: Isaias 58:13
-Hindi mo dapat ikahiya ang Salita: Marcos 8:38
-Ito ay ituturo mo sa iyong mga anak: Deuteronomio 6:6-9
ANG IYONG SARILING MGA SALITA
Ang Banal na Kasulatan ay may kapangyarihan sapagkat ito ay mga Salita ng tunay at buhay na Diyos. Ngunit ang iyong mga salita ay makapangyarihan din, lalo na kung ang sinasalita mo ay ang Salita ng Diyos. Maaari mong matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga salita:
At Siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng
Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang
kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
(Apocalipsis 12:11)
Ang paghahayag ng iyong bibig ay bahagi ng iyong kaligtasan:
Datapuwat ano ang sinasabi nito? Ang salita
ay malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso: samakatuwid baga’y ang
salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral.
Sapagkat kung ipahahayag mo ng iyong bibig
si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang
maguli ng Diyos sa mga patay ay maliligtas ka.
Sapagkat ang tao’y nananampalataya ng puso
sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa
ikaliligtas. (Roma 10:8-10)
Ang iyong dila ay may kapangyarihan na magdala ng kamatayang espirituwal o buhay sa iyong ministeryo sa iba:
Kamatayan at buhay ay
nasa kapangyarihan ng dila… (Kawikaan
18:21)
Maaari kang mabitag ng iyong sariling mga salita. Maaari kang mapasok sa ligalig dahil sa iyong mga sinasabi:
Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong
bibig, Ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig. (Kawikaan 6:2)
Maaari kang pigilin ng iyong mga salita na kilalanin ang kapangyarihan ng Diyos:
Na nagsipagsabi, sa
pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay
aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
(Awit 12:4)
Ginagamit ni Satanas ang iyong mga sinasabi upang magkaroon ng puwang sa iyong espiritu. Dito sa puwang na ito maaaring pumasok si Satanas:
Ang dilang magaling ay punong kahoy ng
buhay: Ngunit ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa. (Kawikaan 15:4)
May epekto sa iyong kaluluwa ang iyong sinasabi:
Ang bibig ng mangmang ay kaniyang
kapahamakan, At ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa. (Kawikaan 18:7)
Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at
kaniyang dila, Nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan. (Kawikaan 21:23)
May epketo sa iyong buong katawan ang iyong mga salita:
At ang dila’y isang apoy: ang sanglibutan
ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba’t ang dila, na nakakahawa sa buong
katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila’y pinagniningas
ng impierno. (Santiago 3:6)
May epketo sa iyong buong buhay ang iyong mga salita:
Siyang nagiingat ng kaniyang bibig,
nagiingat ng kaniyang buhay.
(Kawikaan 13:3)
Hinahadlangan ng mga mananampalataya ang daloy ng kapangyarihan ng Diyos sa kanilang buhay sa pamamagitan ng kanilang mga salita. Nagsasalita sila ng pagiimbot, walang kabuluhan at mga mangmang na mga salita. Nagtatalo sila sa mga utos ng tao na nagpapalayo sa mga tao sa katotohanan ng Ebanghelyo. Masama ang kanilang sinasabi tungkol sa iba, dumadaing, nagmamataas, at nagsisinungaling. Nagsasalita sila ng mga salitang nagdudulot ng pagkaka-baha-bahagi, mga salita ng pagsumpa at kapaitan.
Pagkatapos ay nagtataka sila kung bakit wala silang kapangyarihan.
Tandaan: Ang pagdaloy ng kapngyarihan ng Diyos sa iyong buhay ay hindi lamang apektado ng kapngyarihan ng KANIYANG Salita, ito ay apektado rin ng kapangyarihan ng IYONG mga salita.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ano ang pinagmumulan ng Salita ng kapangyarihan?
3. Ano ang “rhema” ng Salita ng Diyos?
4. Ano ang “logos” ng Salita ng Diyos?
5. Paano hinarap ni Jesus ang hamon ni Satanas?
6. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan sa araling ito tungkol sa iyong pananagutan para sa Salita ng Diyos na makapangyarihan.
7. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan sa araling ito tungkol sa makapangyraihang mga layunin ng Salita ng Diyos.
8. Ang pangungusap bang ito ay tama o mali? “Ang iyong mga salita ay walang epekto sa kapangyarihang espirituwal.”
Ang pangungusap ay: ________________.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Basahin ang Genesis kabanatang 1. Pansinin ang mapanglikhang kapangyarihan sa Salita ng Diyos. Guhitan ang bawat gamit ng mga salitang “at sinabi ng Diyos.”
2. Pag-aralan pang higit ang tungkol sa kapangyarihan ng iyong sariling dila sa kurso ng Harvestime International Institute na “Mga Estratehiyang Espirituwal: Isang Manwal Ng Pakikibakang Espirituwal.” Mga estratehiya sa pagpipigil sa iyong dila na ibinigay sa kursong ito.
3. Si Jesus ay tinawag na Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Basahain ang Juan 1.
4. Ang unang tala ng Salita ng Diyos na isinulat ng tao ay masusumpungan sa Exodo 20:1-17.
5. May dalawang mga dibisyon sa Salita ng Diyos: Ang gatas ng Salita at ang karne ng Salita. Ang gatas ng Salita ay ang mga paunang mga katotohanan na madaling maunawaan. Ang karne ng Salita ay higit na malalim na mga katuruan ng Salita ng Diyos na nagdadala ng paglagong espirituwal. Basahin ang tungkol sa mga dibisyong ito sa Hebreo 5:13-14 at I Pedro 2:2.
IKA-LABINGLIMANG KABANATA
IKA-SIYAM NA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
ANG KAPANGYARIHAN NG KAPAMAHALAAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ipaliwanag kung bakit dapat kang pasakop upang makagamit ng kapamahalaan.
-Ipaliwang Kung paanong si Jesus ay nagpasakop sa kapamahalaan at nagkaroon ng
kapamahalaan.
-Tukuyin ang mga straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos sa Iglesia.
-Tukuyin ang mga straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos sa tahanan.
-Ipaliwanag ang straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos sa dako ng ating trabaho.
-Ibigay ang isang reperensya na nagpapaliwanag ng kaugnayan ng mga mananampalataya sa
mga namamahala sa gobyerno.
SUSING MGA TALATA:
Ang bawat kaluluwa ay pasasakop sa matataas
na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang
mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos.
(Roma 13:1)
PAMBUNGAD
Mula sa pagkalalang ng sanglibutan, nagdala ang Diyos ng kaayusan mula sa kaguluhan. Isa sa mga paraan Niyang ginawa ay ang pagtatakda ng mga straktura ng kapamahalaan sa bawat sangay ng buhay. Ang pinakadakila at pinakamataas na kapamahalaan ay ang Diyos mismo, ang Anak na si Jesu-Cristo, at ang Espiritu Santo.
Ang Diyos ay nagtatag din ng mga straktura na may epekto sa iyong buhay. Kung nais mo ng kapangyarihang espirituwal, mahalaga ang mga kapamahalaang ito. Kung hindi ka napapasakop sa wastong kapamahalaan, hindi ka magkakaroon ng kapamahalaan.
ISANG LALAKING NASA ILALIM NG KAPAMAHALAAN
Isang araw sa Capernaum, si Jesus ay nagkaroon ng pakikipagharap sa isang opisyal militar. Hindi ibinigay ang pangalan ng opisyal na ito. Sinabi lamang sa atin na siya ay isang senturion at may isang alipin na may sakit. Basahin ang kasayasayan ng senturion sa Mateo 8:5-13 at Lucas 7:1-10 bago magpatuloy sa araling ito.
Ang senturion ay isang lalaki na nasa ilalaim ng kapamahalaan ng Roma. Mayroon din siyang kapamahalaan., dahil sa siya ang lider ng 100 mga kawal. Dahil dito madali niyang naunawaan ang kaugnayang espirituwal sa paggawa ni Jesus sa Kaniyang Ama. Ito ay katulad ng kaniyang kaugnayan bilang isang senturion sa kaniyang kumander.
Si Jesus ay isang may kapamahalaan. Kumilos siya na may kapamahalaan. Nagpatawad Siya ng mga makasalanan, nagpagaling ng mga maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga himala. Ngunit si Jesus ay nasa ilalim din ng kapamahalaan. Siya ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Ama:
Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila,
Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng
anoman sa Kaniyang sarili kundi ang makita Niyang gawin ng Ama; sapagkat ang
lahat ng mga bagay na Kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa
ng Anak sa gayong ding paraan. (Juan
5:19)
Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay
sa Kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban Niya ang Anak na
magkaroon ng buhay sa Kaniyang sarili:
At binigyan Niya Siya ng kapamahalaang
makahatol, sapagkat Siya’y Anak ng tao.
(Juan 5:26-27)
Sapagkat bumaba Akong mula sa Langit, hindi
upang gawin Ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa
Akin. (Juan 6:38)
…Ang turo Ko ay hindi
Akin, kundi doon sa nagsugo sa Akin.
(Juan 7:16)
At ang nagsugo sa Akin ay sumasa Akin;
hindi Niya Ako binayaang nagiisa; sapagkat ginagawa Kong lagi ang mga bagay na
sa Kaniya’y nakalulugod.
(Juan 8:29)
Kinilala ng senturion ang kapangyarihan ng ganitong kapamahalaan at dahil dito ay alam niya na hindi na kailangang si Jesus ay magpunta pa sa kaniyang bahay upang pagalingin ang kaniyang alipin. Alam niya na si Jesus ay may sapat na kapangyarihan na sabihin lamang nito ang salita at darating ang kagalingan. Pinuri ni Jesus ang senturion dahil sa kaniyang dakilang pananampalataya at pinagaling ang alipin nito.
Saan man ang kapamahalaan ay nahahayag, laging may wastong hanay ng paguutos. Kaya ang mga escriba at mga Pariseo ay nagtanong kay Jesus, “Sa anong kapamahalaan ginagawa Mo ang mga bagay na ito?” (Mateo 21:23) Saan man ang mga tao ay makakita ng mga buhay na puno ng kapangyarihan at kapamahalaan, lagi nilang nais tuklasin ang pinagmumulan.
SI JESUS NA NASA ILALIM NG KAPAMAHALAAN
Hinanap ng Diyos ang makapagdadala ng Kaniyang kapamahalaan:
At narinig ko ang tinig ng Panignoon, na
nagsasabi, Sinong susuguin Ko, at sinong yayaon sa ganang amin? … (Isaias 6:8)
Ibinigay ng Diyos ang isang sukat ng Kaniyang kapamahalaan sa mga lalake at babae sa Lumang Tipan, ngunit ang lubos na kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan at kapamahalaan ay damating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Alam ni Jesus na mayroon Siya ng ganitong kapamahalaan:
At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y
Kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa
ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin.
(Mateo 28:18)
Ipinakita ni Jesus na mayroon Siyang kapamahalaan:
Datapuwat upang maalaman ninyo na ang Anak
ng tao’y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi nga
Niya sa lumpo), Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong
bahay. (Mateo 9:6)
Tinanggap ni Jesus ang Kaniyang kapamahalaan mula sa Diyos at dahil dito ay napagtagumpayan Niya ang lahat ng mga kapangyarihan ng kaaway.
Si Jesus ang ulo ng lahat ng kapamhalaan at kapangyarihan (Colosas 2:10) sapagkat…
Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga
kapangyarihan sila’y mga inilagay Niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay
Siya sa kanila sa bagay na ito.
(Colosas 2:15)
Si Jesus ay nasa ilalaim ng kapamahalaan ng Diyos at may kapamahalaan sa lahat ng ibang mga kapangyarihan at mga kapamahalaan. Tulad ng dati mo nang natutuhan, itinakda ni Jesus ang kapamahalaang ito sa iyo:
Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang
lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang
mga alipin, sa bawat isa ay kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa
bantay-pinto na magpuyat. (Marcos
13:34)
Ikaw ay nasa ilalim ng kapamahalaan ni Jesus at kung gayon ikaw ay nasa ilalim din ng kapamahalaan ng Ama. Ang mga mananampalataya ay nasa ilalim ng kapamahalaan at may kapamahalaang espirituwal.
MGA KAPAMAHALAANG ITINAKDA NG DIYOS
Natutuhan mo na ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan:
Sapagkat sa Kaniya nilalang ang lahat ng
mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at
ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan
o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya at ukol
sa Kaniya. (Colosas 1:16)
Ang Diyos ang kapangyarihan sa likod ng lahat ng mga straktura ng kapamahalaan na Kaniyang itinatag sa sanglibutan:
Ang bawat kaluluwa ay pasasakop sa matataas
na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang
mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos.
(Roma 13:1)
Dagdag sa kasukdulang kapamahalaan ng Diyos, ang mga mananampalataya ay nasa ilalim ng iba pang mga straktura ng kapamahalaan na Kaniyang itinatag. Kabilang dito ang kapamahalaan sa tahanan, Iglesia, trabaho, at gobyerno.
Iba ang kalagayan ng bawat tao. Ang ilang mga babae ay walang asawa. Ang iba namang mga tao ay walang trabaho at walang mga amo o employer. Hindi sila sangkot sa mga strakturang ito ng kapamahalaan. Mahalaga na kilalanin mo ang mga straktura na may kaugnayan sa iyo sapagkat ang Diyos ang nagtatag nito. Para ikaw ay makakilos na may kapamahalaan, dapat kang pailalim sa mga kapamahalaan na itinatag ng Diyos. Ang lehitimong kapamahalaan ay laging itinatakda galing sa pinagmulan nito.
Kung ikaw ay napapailalim sa kapamahalaan, mayroon kang lehitimong pinagmumulan ng iyong kapamahalaang taglay. Halimbawa, ang kapamahalaan ng isang ginang ay mula sa kaniyang asawa. Ang mga diakono at matatanda sa iglesia ay kumukuha ng kapamahalaan mula sa mga lalaking itinakda ng Diyos na manguna sa kanila. Ang isang empleyado ay may hangganan ang kapamahalaang ginagamit niya ayon sa itinakda ng kaniyang employer. Ngunit ang lahat ng mga pagkakahanay nito ay matutunton sa Diyos, na pinagmumulan ng lahat ng kapamahalaan.
Ang Diyos ang nagtayo ng lahat ng kapamahalaan. Sa ating pagtunton ng kapamahalaan kung saan nagmula ito, laging hihinto sa Diyos. Dahil dito, ang paghihimagsaik laban sa kapamahalaan ay humahadlang sa pagdaloy ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay. Kung ikaw ay maghimagsik laban sa mga nasa kapamahalaan, sa Diyos ka mismo naghihimagsik:
Ang bawat kaluluwa ay pasasakop sa matataas
na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang
mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos. Kaya nga’t ang sumasalangsang sa
kapangyarihan, ay sa utos ng Diyos sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang
ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13:1-2)
Upang maging isang nagtataglay ng kapamahalaan, dapat kang pailalim sa kapamahalaan ng Diyos at doon sa mga itinakda ng Diyos na may kapamahalaan sa iyo. Narito ang ilan sa mga straktura ng kapamahalaan na itinakda ng Diyos:
KAPAMAHALAAN SA TAHANAN:
Ang kauna-unahang straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos ay ang tahanan (Genesis
1-3). Narito ang straktura ng Diyos para sa tahanan:
Asawang Lalake:
Itinuturo ng Biblia na ang asawang lalake ang dapat maging ulo ng tahanan. Ang kapamahalaan ng asawang lalake sa tahanan ay nakasalig sa pagibig:
Sapagkat ang lalake ay pangulo ng kaniyang
asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang
tagapagligtas ng katawan.
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong
asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang Kaniyang
sarili dahil sa kaniya. (Efeso 5:23,
25)
Asawang Babae:
Ang asawang babae ay dapat sumailalim ng mapagmahal na kapamahalaan ng asawang lalake:
Mga babae, pasakop
kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.
(Efeso 5:22)
Mga Magulang:
Magkasama, ang magasawa ay may kapamahalaan sa kanilang mga anak:
Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga
magulang sa Panginoon: sapagkat ito’y matuwid.
Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang
unang utos na may pangako).
Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay
mabuhay na malaon sa lupa.
(Efeso 6:1-3)
Ngunit binalaan ang mga magulang:
At, kayong mga ama, huwag ninyong
ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa
saway at aral ng Panginoon. (Efeso 6:4)
Lahat ng kapamahalaan ay may kasamang pananagutan. Ang kapamahalaang maka-Diyos ng mga magulang ay iiral na may pagibig. Ang pangunguna ng asawang lalake ay tulad ng kay Cristo patungkol sa Iglesia. Hindi sila dapat malulupit at ipinipilit sa asawa at mga anak at maglingkod ito sa kaniya na parang mga alipin. Dapat silang makitungo sa kanilang pamilya tulad ng pakikitungo ni Jesus sa Iglesia.
Ang mga asawang lalake ay kailangang makinig sa kanilang mga asawa, sapagkat ang mga ito ay kaloob mula sa Diyos bilang isang “katuwang”. Paano makatutulong ang isang asawang babae sa kaniyang asawa kung ayaw naman siyang pakinggan at binabale wala ang kaniyang mga kuro-kuro? May mga tala ang Biblia kung saan sinabi ng Diyos sa lalake na makinig sa asawang babae (Abraham) at mayroon ding ang asawang babae muna ang kinausap ng Diyos bago ang lalake (Manoah). Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na ang magasawa ay makitungo ng wasto sa isat-isa. Magandang pansinin na ang isang dahilan kung bakit tinawag ng Diyos si Abraham sa malaking pananagutan ay sapagkat may kaayusan ang kaniyang tahanan.
Bawat straktura ng kapamahalaan ay kailangang maging patas at mapagmahal. Nakakalungkot, na sa bawat straktura, ang kapamahalaan ay inaabuso at ang mga tao ay hindi laging kumikilos sa isang patas at mapagmahal na paraan. Ang kapamahalaan na itinatag ng Diyos sa tahanan ay may epekto sa ministeryo. Kung ang tahanan ay walang kaayusan, hindi mapaiiral ang kapamahalaan ng pangunguna sa ministeryo na isang mas malaking pananagutan. Kaya nga ang Diyos ay nagtatag ng isang maayos ang hanay na tahanan bilang kailangan para sa pangunguna sa Iglesia:
Dapat nga na ang obispo ay… namamahalang
mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na
may buong kahusayan;
(Ngunit kung ang sinoman nga ay hindi
marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa
iglesia ng Diyos?) (I Timoteo 3:2, 4-5)
…asawa ng isang babae lamang, na may mga
anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o
suwail. (Tito 1:6)
Binabanggit din ng Biblia ang mga panalangin na nahahadlangan kung may di pagkakasundo sa pagitan ng asawang lalake at ng kaniyang maybahay.
KAPAMAHALAAN SA IGLESIA:
Kung ating banggitin ang straktura ng kapamahalaan sa Iglesia, hindi ang kaayusan ng tao ang ating tinutukoy. Hindi ang mga denominasyon ang ating binabanggit at kung paano sila nagaayos, kumukuha, o bumoboto sa mga lider. Ang ating tinutukoy ay ang straktura sa Biblia para sa Iglesia na itinatag ng Diyos.
Ang ulo ng Iglesia ay si Jesu-Cristo at ang mga mananampalataya ang…
Kayo nga ang katawan
ni Cristo, at bawat isa’y samasamang sangkap Niya.
(I Corinto 12:27)
Nagtakda ang Diyos na mga kaloob na tagapanguna sa Iglesia:
At pinagkalooban Niya ang mga iba na maging
mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga
iba’y pastor at mga guro.
(Efeso 4:11)
Ang mga kaloob na tagapanguna ay inilagay ng Diyos sa Iglesia. Kung ikaw ay maging bahagi ng isang iglesia lokal, ikaw ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng mga lalake na itinakda ng Diyos bilang tagapanguna sa kapulungang yaon. Ang mga takdang tagapangunang ito sa iglesia ay inaayudahan ng mga matatanda at mga diakono sa iglesia lokal na maglilingkod sa ilalim ng kanilang pangunguna. Mababasa mo ang mga katangian at mga katungkulan ng mga lalaking ito sa I Timoteo 3 at Tito 1.
Nagbibigay din ang Diyos sa mga
mananampalatayang puspos ng Espiritu ng mga kaloob na espirituwal. Dapat
gamitin ang mga kaloob na ito sa iglesia sa ilalim ng kapamahalaan ng mga lider
para sa ikatitibay at sa gawain ng
ministeryo. Mababasa mo ang tungkol sa mga kaloob sa mga sumusunod na mga
bahagi ng Kasulatan: Roma 12:1-8; I Corinto 12: 1-31; Efeso 4:1-16; I Pedro
4:7-11. Mapag-aaralan mo ang mga tanging kaloob na ito sa detalyadong paraan sa
kurso ng Harvestime International Institute, Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo.”
Ang Iglesia ang katawang espirituwal ni Jesu-Cristo. Bawat kaanib ng iglesia ay may ibang pananagutan, kung paano ang bawat bahagi ng isang katawan ng tao. Ang buong katawan ay nasa ilalim ng direksyon ng Ulo ng Iglesia, si Jesu-Cristo.
Sa katawan ng tao, bawat bahagi ay tumatanggap ng direksyon mula sa ulo. Gayon din sa espirituwal na katawan, ang Iglesia. Hindi magkakaroon ng pagkakaisa sa katawan kung walang kapamahalaan ng ulo, na si Jesu-Cristo.
Ang mga kaanib ng katawan ay kailangang pasakop sa isat-isa, kung paano sa natural na katawan. Halimbawa, kapag ang pagbabasa ang paguusapan, ang mga mata ang may kapamahalaan. Pagdating naman sa paglakad, mga paa naman. Ang mga kaanib ng katawang espirituwal ay kailangan magpasakop sa gayon ding paraan sa isat-isa upang makakilos ng husto sa ministeryo.
KAPAMAHALAAN SA TRABAHO:
Ang Biblia ay nagtakda rin ng straktura ng kapamahalaan para doon sa mga nagta-trabaho bilang mga empleyado o employer. Ang employer ang siyang amo, boss, o siyang namamahala sa mga trabahador. Ang empleyado ay isang trabahador na inupahan at may pananagutan na gawin ang isang gawain.
Itinuturo ng Biblia:
Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong
ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa
katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo;
Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya
ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na
ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Diyos;
Maglingkod na may mabuting kalooban, na
gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:
Yamang napagaalaman na anomang mabuting
bagay na gawin ng bawat isa, ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa
Panginoon, maging alipin o laya.
(Efeso 6:5-8)
Ang gawain ng isang alipin o empleyado ay dapat gawin para sa Panginoon sapagkat ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan. May mga tagubilin din para sa mga amo o employer. Ang straktura na ang isa para makapamahala ay kailangang nasa ilalim ng kapamahalaan ay maliwanag na inilalarawan dito:
At kayong mga panginoon, gayon din ang
inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na
ang Panginoon nila at ninyo ay nasa Langit, at sa Kaniya’y walang itinatanging
tao. (Efeso 6:9)
Kailangang ang pakikitungo ng mga amo sa kanilang trabahador ay patas, kung paano sila pinakikitunguhan ng Diyos na siyang pinagmumulan ng kanilang kapangyarihan.
KAPAMAHALAAN SA GOBYERNO:
Ayon sa Mateo 20:25-28 ang straktura ng kapangyarihan ng sanglibutan ay hindi mula sa Kaharian ng Diyos. Bagamat tayo ay mga mananampalataya at bahagi ng Kaharian ng Diyos, sa kasalukuyan, tayo ay nakatira dito sa sanglibutan. Bawat isa sa atin ay nakatira sa isang nayon, lungsod, o probinsya na bahagi ng isang bansa. Bawat isa sa atin ay nabubuhay sa ilalim ng isang pamahalaang lokal at nasyon, at may mga batas at mga lider ng gobyerno na may kapamahalaan sa atin.
Natutuhan mo na dati na itinuturo ng Biblia na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan. Ipinapaliwanag ng Roma 13 kung paano kaugnay ito ng kapamahalaan ng mga gobyerno. Buksan mo ang iyong Biblia sa bahaging ito.
Itinuturo ng unang talata na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan at kailangan kang pasakop sa mga kapangyarihang ito.
Isinasaad naman ng ikalawang talata na kung ikaw ay maghimagsik laban sa mga kapangyarihang ito, ikaw ay sa Diyos mismo naghihimagsik.
Ipinapaliwanag naman sa talatang 3-4 na ang mga tagapanguna sa gobyerno ay kilabot lamang para doon sa mga sumusuway sa kanila. Ang totoo, sila ay itinulad sa mga ministro ng Diyos.
Madadala ng Diyos ang mga lider ng gobyerno sa kapangyarihan at maaari din silang alisin kung nais Niya:
At Kaniyang binabago ang mga panahon at mga
kapanahunan; Siya’y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; Siya’y
nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng
unawa. (Daniel 2:21)
…upang makilala ng mga may buhay na ang
Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay Niya ito sa
kanino mang Kaniyang ibigin, at itinataas Niya sa Kaniya ang pinakamababa sa
mga tao. (Daniel 4:17)
Binanggit ni Daniel ang kasaysayan ng hari na si Nebuchadnezzar na hindi kumilala sa pinagmulan ng kaniyang kapangyarihan sa lupa hanggang turuan siya ng Diyos:
Ngunit nang ang kaniyang puso ay
magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya’y gumawang may
kapalaluan, siya’y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang
kaniyang kaluwalhatian:
…hanggang sa kaniyang naalaman na ang
Kataastaasang Diyos ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at iniluluklok Niya
roon ang sinomang Kaniyang ibigin.
(Daniel 5:20-21)
Nagsugo ang Diyos ng isang
propeta kay haring Amasias upang tagubilinan siya noong siya ay nagbabalak
makidigma:
Ngunit naparoon ang isang lalake ng Diyos
sa kaniya, na nagsasabi, O hari, Huwag mo pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel;
sapagkat ang Panginoon ay hindi sumasa Israel…
Ngunit kung ikaw ay yayaon, gumawa kang may
katapangan, magpalakas ka sa pakikibaka: ibubuwal ka ng Diyos sa harap ng
kaaway: sapagkat ang Diyos ay may kapangyarihang tumulong at magbuwal. (II Cronica 25:7-8)
Ang mga talatang ito ay maliwanag na naglalarawan na ang Diyos ang nagtatakda ng kapangyarihan ng mga tagapanguna sa gobyerno. Gumagawa ang Diyos kahit sa mga digmaan ng sanglibutang ito, may itinitindig, may ibinabagsak. Nakalulungkot na kung paanong inaabuso ang kapamahalaan sa tahanan at sa iglesia, ito ay inaabuso rin sa gobyerno. Mga masasama at malulupit na mga lider ay nakaagaw ng kapangyarihan sa maraming mga bansa. Tumanggi silang kilalanin ang Diyos bilang pinagmumulan ng kapangyarihan at nagdudulot ng pagdurusa sa mga mananampalataya. Kung may gobyerno o batas na salungat sa itinuturo ng Biblia, ang dapat mong sundin ay ang Diyos sa halip na ang tao. Nang sabihan ang mga alagad na hindi na sila pwedeng mangaral sa pangalan ni Jesus…
Datapuwat nagsisagot si Pedro at ang mga
apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga
tao. (Gawa 5:29)
Kinilala nila na ang hinihiling sa kanila ay salungat sa utos ni Jesus na nagsabi sa kanila na ipangaral ang Ebanghelyo sa buong sanglibutan. Sa ibang pagkakataon, kailangang…
…dapat na kayo’y pasakop, hindi lamang
dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.
Sapagkat dahil dito ay nagsisipagbayad
naman kayo ng buwis; sapagkat sila’y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa
Diyos, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.
Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila’y
nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat
katakutan; puri sa dapat papurihan.
(Roma 13:5-7)
Dahil sa kanilang dakilang pananagutan at sa posibilidad na abusuhin ang kapangyarihan, ikaw ay manalangin:
Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas
na kalagayan: upang tayo’y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan
at kahusayan.
(I Timoteo 2:2)
LAHAT NG KAPANGYARIHAN AY KAPANGYARIHAN GALING SA DIYOS
Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan sa natural at espirituwal na larangan. Lahat ng kapangyarihan ay sa Kaniya nagmumula ang pagtakda. Itinakda Niya ang kapangyarihan upang magtatag ng straktura sa tahanan, sa Iglesia, sa trabaho, sa komunidad, at sa bansa. Ngunit darating ang panahion sa hinaharap na ang lahat ng kapangyarihan na itinakda ay maiipon sa Kaniya lamang:
Kung magkagayo’y darating ang wakas, pagka
ibibigay na Niya ang Kaharian sa Diyos, sa makatuwid baga’y sa Ama; pagka
lilipulin na Niya ang LAHAT NG PAGHAHARI, AT LAHAT NG KAPAMAHALAAN AT
KAPANGYARIHAN.
(I
Corinto 15:24)
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko
na sa Kaniya, kung magkagayo’y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng
lahat ng mga bagay sa Kaniya, upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat. (I Corinto 15:28)
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Bakit kailangan kang pasakop sa kapamahalaan bago ka makapamahala?
3. Ipaliwang kung paanong si Jesus ay nasa ilalim ng kapamahalaan at may kapamahalaan.
4. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol sa mga straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos sa Iglesia.
5. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol sa mga straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos sa tahanan.
6. Ipaliwanag ang straktura ng kapamahalaan na itinatag ng Diyos sa mga kaugnayan sa trabaho.
7. Ibigay ang reperensya sa Biblia na nagpapaliwang ng kaugnayan ng mga mananampalataya sa mga kapamahalaan ng gobyerno.
8. Kung ikaw ay maghimagsik laban sa nakakasakop na kapamahalaan sa iyo, kangino ka mismo naghihimagsik?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Pag-aralan ang Gawa 6:1-6 para sa halimbawa ng kapamahalaan na gumagawa sa loob ng samahan ng iglesia. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan tungkol sa kapamahalaan mula sa bahaging ito ng Biblia:
2. Sa Filipos 4:2 hiniling ni Pablo na umiral ang kapayapaan sa pagitan ni Eudias at Syntyche. Hindi sinabi sa atin ang dahilan ng paglalaban, ngunit kailan man mayroong problemang gayon, may isa na hindi napapasakop sa kapamahalaan.
3. Basahin ang I Samuel 13. Sa kasaysayang ito, Kinuha ni Saul ang kapamahalaan na hindi naman talagang para sa kaniya bilang hari. Nag-alay siya ng mga handog na dapat lamang gawin ng isang propeta ng Diyos.
Basahin ang I Samuel 15. Dito si Haring Saul ay sumuway sa utos ng Diyos sa pamamagitan ng pagkuha ng ilang mga natira sa labanan sa mga Amalekita.
Ano ang naging bunga ng mga paghihimagsik ni Haring Saul? (Tingnan ang I Samuel 13:13-14 at 15:26).
4. Basahin ang Juan 19:10-11. Akala ni Pilato ay may kapangyarihan siya kay Jesus. Totoo ba ito?
5. Ibigay ang buod ng mga tagubilin na ibinigay sa mga asawang lalake at sa kanilang maybahay sa I Corinto 7.
6. Basahin sa Gawa 23 kung paanong si Pablo ay nagpasakop sa kapamahalaan ng kaniyang mapagkilala na ang tao na kaniyang nakausap ay isang dakilang saserdote ng Diyos. Ano ang naging tugon niya?
IKA-LABING ANIM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
ANG KAPANGYARIHAN NG KANIYANG PAGKABUHAY NA MAGULI
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ibigay ang kahulugan ng pagkabuhay na maguli.
-Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkabuhay na maguli ni Jesus.
-Ibigay ang buod ng kasalukuyang silbi ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli sa buhay ng
mananampalataya.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli.
SUSING MGA TALATA:
Upang makilala ko Siya, at ang
kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng Kaniyang
mga kahirapan, na ako’y natutulad sa Kaniyang pagkamatay. (Filipos 3:10)
PAMBUNGAD
Binanggit ni Pablo ang kapangyarihang espirituwal na nararanasan sa dalawang paraan sa pamamagitan ni Jesus:
Upang makilala ko Siya, at ang
kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng Kaniyang
mga kahirapan, na ako’y natutulad sa Kaniyang pagkamatay. (Filipos 3:10)
Nakatuon ang kabanatang ito sa kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo na nananahan sa mga mananampalataya. Ang mga sumusunod na mga kabanata ay tungkol sa kapangyarihan naman sa pakikiisa sa Kaniyang pagdurusa. Wala ng paksa na kinamumuhian ni Satanas na hihigit pa sa pagkabuhay na maguli ni Jesus, sapagkat ito ay nagpakita ng higit kay sa ibang mga pangyayaring natala sa Biblia na hindi niya kayang talunin si Cristo.
KAHULUGAN NG PAGKABUHAY NA MAGULI
Ang ibig sabihin ng salitang pagkabuhay na maguli ay ang pagbangon mula sa kamatayan at pagbabalik sa buhay.
ANG PAGKABUHAY NA MAGULI NI JESU-CRISTO
Pagkatapos ng Kaniyang kamatayan para sa kasalanan ng buong sangkatauhan, si Jesus ay ibinangon ng Diyos mula sa mga patay.
… At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay:
na binuhay ng Diyos na maguli
sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay
na ito. (Gawa 3:15)
Na nangalibing na
kalakip Niya sa bautismo, na kayo nama’y muling binuhay
na kalakip Niya, sa pamamagitan ng
pananampalataya sa pagawa ng Diyos,
na muling bumangon sa Kaniya sa mga
patay. (Colosas 2:12)
Na sa pamamagitan Niya
ay nananampalataya kayo sa Diyos, na sa Kaniya’y
bumuhay na maguli sa mga patay, at sa Kaniya’y nagbigay ng
kaluwalhatian,
upang ang inyong pananampalataya at pagasa
ay mapasa Diyos. (I Pedro 1:21)
Mababasa mo ang kasaysayan ng pagkabuhay na maguli ni Jesus sa Mateo 28, Marcos 16, Lucas 24, at Juan 20.
ANG KAHALAGAHAN NG PAGKABUHAY NA MAGULI NI JESUS
Ang pagkabuhay na maguli ni Jesus ay isang makapangyarihang katotohanan sapagkat ito ay saligan ng ating pananampalataya:
Datapuwa’t kung walang
pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga
muling binuhay si Cristo:
At kung si Cristo’y hindi muling binuhay,
ay walang kabuluhan nga ang aming
pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang
inyong pananampalataya.
(I Corinto 15:13-14)
Ang pagsampalataya sa pagkabuhay na maguli ni Jesus ay kailangan para sa kaligtasan:
Sapagka’t kung
ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at
SASAMPALATAYA KA SA IYONG PUSO NA BINUHAY
SIYANG MAGULI
NG DIYOS SA MGA PATAY, ay maliligtas
ka. (Roma 10:9)
Ang pagkabuhay na maguli ni Jesus ay nagpapatibay na ang mga mananampalataya ay inaring ganap:
Na (si Jesus) ibinigay
dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa
ikaaaring ganap natin.
(Roma 4:25)
Ang ibig sabihin ng pagkabuhay na maguli ay natalo na ang kamatayan:
Dahil sa ang mga anak
ay mga may bahagi sa laman at dugo, Siya nama’y gayon
ding nakabahagi sa mga ito; upang sa
pamamagitan ng kamatayan ay Kaniyang
malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang
diablo…(Hebreo 2:14)
Pinagtibay ng pagkabuhay na maguli ni Jesus na Siya ay nakakahigit sa lahat ng mga nilalang:
At kung ano ang
dakilang kalakhan ng Kaniyang kapangyarihan sa ating
nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng
kapangyarihan ng Kaniyang lakas.
Na Kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito’y
Kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa Kaniyang kanan sa
sangkalangitan.
Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at
kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawat pangalan na
ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating.
At sa lahat ng mga bagay ay pinasuko Niya
sa ilalim ng Kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat
ng mga bagay sa iglesia.
(Efeso 1:19-22)
Pinagtibay ng pagkabuhay na maguli na si Jesus ay Anak ng Diyos:
Na ipinahayag na Anak ng Diyos na may
kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na
maguli ng mga patay. (Roma 1:4)
ANG HINAHARAP NA PAGKABUHAY NA MAGULI
Binabanggit ng Biblia ang darating na panahon na ang lahat ng mga bagay sa sanglibutang ito ay magwawakas. Sa panahong yaon, magkakaroon ng pagbangon ang lahat ng mga patay. Ang lahat ng mga namatay bilang mananampalataya ay bubuhaying muli para sa buhay na walang hanggan. Ang mga namatay naman na hindi mananampalataya ay ibabangon din, hahatulan, at parurusahan sa walang hanggan.
Maaari mong mabasa ang tungkol sa
darating na pagkabuhay na maguli sa I Corinto 6:14; 15:1-58; I Tesalonica
4:13-18; Juan 5:28-29; II Corinto 4:14; at Apocalipsis 20:4-6. Mapag-aaralan mo
ng detalyado ang tungkol sa pagkabuhay na maguli sa kurso ng Harvestime
International Institute na “Mga Saligan
Ng Pananampalataya.”
ANG KASALUKUYANG KAPANGYARIHAN NG PAGKABUHAY NA MAGULI
Totoo na mararanasan natin mismo ang pagkabuhay na maguli mula sa mga patay, ngunit ang kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli ay hindi lamang para sa hinaharap. Ang kapangyarihan nito ay maaaring maranasan ng mga mananamapalataya ngayon. Ang pagkabuhay na maguli ang batayan ng kapangyarihang espirituwal ngayon sapagkat ito ay nagbibigay sa iyo ng:
ISANG BAGONG PAGASA:
Nagkakaroon ka ng pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli. Ang iyong buhay ay hindi magwawakas sa libingan. Mayroon kang buhay na walang hanggan:
Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating
Panginoong Jesucristo, na ayon sa Kaniyang awa ay ipinanganak na muli tayo sa
isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesuscristo sa
mga patay. (I Pedro 1:3)
Ang pagasa ay isang makapangyarihang pwersa. Kung walang pagasa, ang mga tao ay manglulupaypay at masisiraan ng loob. Binubuhay ng pagkabuhay na maguli ang pagasa.
ISANG BAGONG BUHAY:
Kung iyong tanggapin si Jesus bilang Tagapagligtas, ikaw ay binuhay muli mula sa kamatayang espirituwal ng kasalanan tungo sa buhay espirituwal.
At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong
mga kasalanan…ay Kaniyang binuhay kayo na kalakip Niya, na ipinatawad sa atin
ang ating lahat na mga kasalanan.
(Colosas 2:13)
Ang pagkabuhay na maguli ay nagbubunga ng kamatayan sa kasalanan. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli maaari kang mamuhay ng isang bagong buhay. Hindi ka na mamumuhay tulad ng dati. Ikaw ay patay na sa mga masasamang mga bagay ng sanglibutang ito at buhay naman kay Jesus.
Hindi mo magagawa ito sa iyong
sarili. Hindi mo ito maipamumuhay ayon sa iyong sariling kapangyarihan.
Maipamumuhay mo ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli:
Gayon din naman kayo, ibinilang ninyong
kayo’y tunay na mga patay na sa kasalanan, ngunit mga buhay sa Diyos kay Cristo
Jesus.
Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong
katawang may kamatayan, upang kayo’y magsisunod sa kaniyang mga pita.
At huwag din naman ninyong ihandog ang
inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi handog
ninyo ang inyong sarili sa Diyos, na TULAD SA NANGABUHAY SA MGA PATAY, at ang
inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Diyos.
SAPAGKAT ANG KASALANAN AY HINDI
MAKAPAGHAHARI SA INYO…
(Roma 6:11-14)
Ang pakikipagpunyagi na iyong hinaharap ay sa pagitan ng kamatayang espirituwal at buhay na gumagalaw sa iyo. Tinatalo ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli ang kautusan ng kasalanan at kamatayan at pinalalaya kayo mula sa pagkaaliping espirituwal. Sinabi ni Jesus:
Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi
upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: Ako’y naparito upang sila’y magkaroon
ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.
(Juan 10:10)
Hindi lamang buhay na walang hanggan sa hinaharap, kundi masaganang buhay sa kasalukuyan dahil sa kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli.
ISANG BAGONG PANGINOON:
Ang espirituwal na pagkabuhay na maguli ay ginagawang si Jesus ang mamanginoon sa iyong buhay. Sa halip na mabuhay sa iyong sarili, nabubuhay ka upang maglingkod sa Kaniya:
At Siya’y namatay dahil sa lahat, upang ang
nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay
dahil sa kanila at muling nabuhay. (II
Corinto 5:15)
Ang kapangyarihan ay dumarating mula sa pagkaunawa ng iyong kalagayan dahil sa pagkabuhay na maguli. Ikaw ay lingkod ng buhay na Diyos. Hindi ka na alipin ni Satanas.
ISANG BAGONG LAYUNIN SA BUHAY:
Ang isang bagong layunin sa buhay
ay bunga ng espirituwal na pagkabuhay na maguli. Sa halip na pagmamalasakit sa
mga bagay na pansamantala ng sanglibutan, tulad ng materyal na pakinabang,
ambisyon, at iba pa, nakatuon ang iyong pansin sa mga bagay na pangwalang
hanggan:
Kung kayo nga’y muling binuhay na kalakip
ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni
Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga
bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. Sapagkat
kayo’y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa
Diyos. (Colosas 3:1-3)
Hindi na kontrolado ng mga materyal na mga bagay ng sanglibutan ang isang mananampalataya na nakaranas ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli. Hindi na siya tinatalo ng mga pangyayari sa sanglibutan. Ang pagkaranas ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli ay nagbibigay sa kaniya ng isang bagong pananaw at layunin.
ISANG BAGONG PAGBUHAY:
Ngunit kung ang Espiritu niyaong bumuhay na
maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa
mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa
pamamagitan ng Kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo. (Roma 8:11)
Ang pagbuhay ay hindi lamang bubuhayin kundi bibigyan pa ng buhay. Binuhay ka na ng Diyos mula sa kasalanan:
At kayo’y binuhay Niya, nang kayo’y mga
patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan. (Efeso 2:1)
Ngunit nais din Niya na buhayin ang iyong lupang katawan. Nais ng Diyos na sangkapan ang iyong lupang katawan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli:
Ngunit taglay namin ang mga kayamanang ito
sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging
mula sa Diyos, at huwag mula sa aming sarili.
(II Corinto 4:7)
Kung natanggap mo na si Jesus bilang Tagapagligtas at napuspos ka na ng Espiritu Santo, ang kapangyarihan na nagbangon kay Jesus mula sa mga patay ay nananahan sa iyo. Ang daloy ng buhay na yaon ay maaari kang buhayon NGAYON sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli.
ANG PINAGMUMULAN NG KAPANGYARIHAN NG PAGKABUHAY NA MAGULI
Ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli sa buhay ng mananampalataya ay si Jesus. Sinabi Niya:
… Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang
kabuhayan: ang sumasampalataya sa Akin, bagamat Siya’y mamatay, gayon ma’y
mabubuhay Siya. (Juan 11:25)
Kung paanong ang buhay ng tao ay nasa dugo, ang buhay espirituwal naman ay sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. Kung paanong ang natural na dugo ay dumadaloy sa iyong mga ugat, ang buhay ng pagkabuhay na maguli ay dumadaloy sa iyong espiritu. Ikaw ba ay lumalakad sa kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli NGAYON? Sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay bilang Cristiano? Sa iyong ministeryo? Makiugnay ka sa buhay na yaon ngayon!
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ibigay ang kahulugan ng pagkabuhay na maguli.
3. Ibigay ang buod ng kahalagahan ng pagkabuhay na maguli ni Jesus mula sa mga patay.
4. Ang pangungusap bang ito ay tama o mali? “Ang kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli ay mararanasan lamang ng mananampalataya sa hinaharap kung siya ay buhayin mula sa mga patay.” Ang pangungusap ay ___________________.
5. Ibigay ang buod ng kasalukuyang mga layunin ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli sa buhay ng mananampalataya.
6. Sino ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli sa buhay ng mananampalataya?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Si Jesus ay hindi dumalo sa mga libing…Ang dinaluhan Niya ay ang pagkabuhay na maguli…
Ang anak na lalake ng babaeng taga-Nain: Lucas 7:11-17
Anak na babae ni Jairo: Marcos 5:35-43
Lazaro: Juan 11:1-46
Sarili Niya: Mateo 28, Marcos 16, Lucas 24, Juan 20
2. Ang pangangaral ng pagkabuhay na maguli ay mahalagang bahagi ng mensahe ng Ebanghelyo. Tingnan ang Gawa 4:2; 17:18, 32; I Corinto 15:1-8, 19-22.
3. Si Abraham ay nabuhay maraming mga taon pa bago nabuhay na maguli si Jesu-Cristo, gayon man naranasan niya ang kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli. Basahin ang tungkol dito sa Roma 4:16-24.
4. Napaka makapangyarihan ni Eliseo na ang isang taong patay na inihagis sa kaniyang libingan maraming taon pagkatapos malibing si Eliseo ay nabuhay na maguli! Mas marami siyang kapangyarihan sa kaniyang mga buto kay sa ating mga buhay (II Hari 13:20-21
IKA-LABING PITONG KABANATA
IKA-LABING ISANG PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
ANG KAPANGYARIHAN NG PAGDURUSA
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng pagdurusa.
-Ilista ang limang mga paraan kung paano dumarating ang pagdurusa.
-Ibigay ang buod ng mga layunin ng pagdurusa sa buhay ng isang mananampalataya.
SUSING MGA TALATA:
Sapagkat Siya’y ipinako sa krus dahil sa
kahinaan, gayon ma’y nabubuhay Siya dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat
kami naman ay sa Kaniya’y mahihina, ngunit kami ay mabubuhay na kasama Niya sa
kapangyarihan ng Diyos sa inyo.
(II Corinto 13:4)
PAMBUNGAD
Ang nakaraang kabanata ay nagsimulang tumalakay sa dalawang prinsipyo ng kapangyarihan ng Filipos 3:10:
Upang makilala ko Siya, at ang
kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng Kaniyang
mga kahirapan, na ako’y natutulad sa Kaniyang pagkamatay. (Filipos 3:10)
Patungkol naman sa kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli sa buhay ng mananampalataya ang Ika-labing anim na Kabanata. Ang kabanata namang ito ay nakatuon sa kapangyarihan ng pakikisama sa pagdurusa. Sinabi ni Pablo tungkol kay Jesus:
Sapagkat Siya’y ipinako sa krus dahil sa
kahinaan, gayon ma’y nabubuhay Siya dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat
kami naman ay sa Kaniya’y mahihina, ngunit kami ay mabubuhay na kasama Niya sa
kapangyarihan ng Diyos sa inyo.
(II Corinto 13:4)
Tinatanaw natin ang pagdurusa sa pamamagitan ng pangangatuwiran ng tao. Sa anomang pamantayan ng pangangatuwiran ng tao, ang krus ni Jesus ay isang malaking pagaaksaya ng isang dakila at marangal na buhay. Ngunit sa katuwiran ng Diyos, ito ang pinakadakilang kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan. Ito ay nagbunga ng kaligtasan ng tao.
Naunawaan ni Pablo ang mahalagang prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal. Ang kapangyarihan ng Diyos ay waring nabalutan ng kahinaan. Kaya kaniyang nasabi:
…Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may
malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan
ni Cristo.
Kaya nga ako’y nagagalak sa mga kahinaan,
sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga
paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagkat pagka ako’y mahina, ako nga’y
malakas. (II Corinto 12:9-10)
Hindi tayo nakakakita ng kapangyarihan sa kahinaan o kabiguan. Ito ay isang mahiwagang saloobin para sa mga taong ang sentro ng pananampalataya ay ang krus. Naranasan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli pagkatapos Niyang magdusa.
Ang tunay na kapangyarihang espirituwal ay nakikita hindi sa kawalan ng pagdurusa, mga problema, at krisis, kundi sa kalagitnaan ng mga ito. Ang kapangyarihan ang bumabago sa isang itunuturing ng sanglibutan na isang kakilakilabot na karanasan na maging pagkakataon upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos.
ANG PINAGMUMULAN NG PAGDURUSA
Hindi ang Diyos ang lumikha ng pagdurusa. Ito ay unang pumasok sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakasala ng tao na sulsol ni Satanas (Genesis 3). Nang ang tao ay sumuko sa tukso ni Satanas at nagkasala, pumasok ang pagdurusa sa sanglibutan. Ang kasalanan, kasama ang lahat ng ibinungang kasalanan, ay maaaring matunton sa pinagmulan nito, si Satanas. Bagamat may ibat-ibang mga dahilan kung bakit ang pagdurusa ay pumapasok sa iyong buhay, ang lahat ng pagdurusa ay maaaring tuntunin sa unang pinagmulan nito.
MGA DAHILAN SA PAGDURUSA
Maraming binabanggit ang Biblia tungkol sa pagdurusa, mga problema, at pasakit. Sa pagbibigay buod sa mga katuruan nito, natuklasan namin ang limang mga paraan ng pagpasok ng pagdurusa sa buhay ng isang mananamplataya. Ang lahat ng pagdurusa sa iyong buhay ay darating sa pamamagitan ng alinman sa mga paraang ito:
IBANG MGA TAO NA NAKAPALIBOT SA IYO:
Ang pagdurusa at mahihirap napangyayari sa buhay ay maaaring dumating sa pamamagitan ng mga taong nakapalibot sa iyo.
Si Joseph ay isang halimbawa ng ganitong uri ng pagdurusa. Bagamat hindi niya kasalanan, si Joseph ay ipinagbili sa Egipto ng kaniyang mga kapatid, ibinalanggo dahil sa kasinungalingan ng asawa ni Potiphar, at nalimutan noong mga natulungan niya sa bilangguan. Ngunit pakinggan ninyo ang kaniyang tugon. Sinabi ni Joseph:
At ngayo’y huwag kayong magdalamhati, o
magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagkat sinugo ako
ng Diyos sa unahan ninyo upang magadya ng buhay…Hindi nga kayo ang nagsugo sa
akin dito, kundi ang Diyos.
(Genesis 45: 5,8)
MGA PANGYAYARI SA BUHAY:
Ang ikalawang paraan ng pagdating ng pagdurusa sa iyo ay sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay. Ito ay inilarawan ng mga karanasan ni Naomi na natala sa aklat ni Ruth sa Biblia. Mapait ang kaniyang pagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa at mga anak na lalake.
Hanggang sa dumating si Jesus at ang huling kaaway na kamatayan ay magapi, ang kamatayan ay bahagi ng buhay. Pumasok ang kamatayan sa pamamagitan ng orihinal na kasalanan ng tao at ito ay isang natural na pangyayari na hinaharap nating lahat, sapagkat “itinakda sa tao ang mamatay na minsan” (Hebreo 9:27)
Nang maranasan ni Naomi ang mga mahihirap na pangyayaring ito, sinabi niya, “Huwag na akong tawaging Naomi (na ang ibig sabihin ay mapalad), kundi tawagin mo akong Mara.” Ang ibig sabihin ng Mara ay “mapait.”
ANG IYONG MINISTERYO:
Ang pangatlong dahilan sa pagdurusa ay ang iyong ministeryo sa Panginoon.
Binabanggit ng Bagong Tipan ang pagdurusa alang-alang sa Kaniyang pangalan (Gawa 9:16), para kay Cristo (Filipos 1:29) para sa Kaharian ng Diyos (II Tesalonica 1:5), para sa Ebanghelyo (II Timoteo 1:11-12), dahil sa paggawa ng mabuti (I Pedro 2:19-20; 3:17), alang-alang sa katuwiran (I Pedro 3:14), bilang isang Cristiano (I Pedro 4:15-16), at ayon sa kalooban ng Diyos (I Pedro 4:19).
Si Apostol Pablo ay isang halimbawa ng pagdurusa na bunga ng ministeryo. Ang tingin ng ilan sa pagdurusa ay bunga ng pagkabigo o kawalan ng pananampalataya. Kung ito ay totoo, walang pananampalataya si Pablo at siya ang pinamalaking kabiguan sa kasaysayan ng iglesia.
Sinabi ni Pablo na noong siya ay nasa Asia, ganoon na lamang ang naranasan niyang hirap na nawalan na tuloy siya ng pagasa sa buhay (II Corinto1:8). Kakaiba ang kaniyang inilarawan imahen at hindi isang masiglang ebanghelista na walang ipinangako kundi kapayapaan at kasaganaan.
Nang si Pablo ay unang tawagin ng Diyos para sa ministeryo, sinabihan siya na mga dakilang bagay ang kaniyang pagdurusahan alang-alang sa Panginoon (Gawa 9;16). Ang naging tugon ni Pablo sa pagdurusa ay tiisin ang “kalugihan ng lahat ng bagay upang makahikayat ng kaluluwa sa Panginoon” Sumulat siya sa mga mananampalataya “sa inyo ay ipinagkaloob hindi lamang upang manampalataya sa Kaniya, kundi upang magtiis din naman alang-alang sa Kaniya.” (Filipos 1:29)
Hindi nagiisa si Pablo sa pagdurusa dahil sa ministeryo. Ang boong iglesia sa Bagong Tipan ay nagdusa (Gawa 8). Itinala ng Hebreo kabanata 11 ang mga kasaysayan ng mga malulupit na paguusig na kanilang tiniis. Marami sa mga lalake at babaeng ito ng pananampalataya ay iniligtas ng kapangyarihan ng Diyos. Nabuksan ang mga pintuan ng bilangguan para sa kanila at malaya silang nakalabas. Hinatulan silang mamatay sa mga nagniningas na hurno ngunit nakalabas na hindi man lamang napaso ng apoy.
Ngunit ang ilan sa mga mananampalatayang ito, na tinawag din bilang mga lalake at babae ng pananampalataya ay hindi tumanggap ng pagliligtas. Sila ay ibinalanggo, sinaktan, pinahirapan, at pinatay pa ang iba dahil sa kanilang patotoo sa Ebanghelyo (Hebreo 11:36-40). Nakatuon tayo sa buhay na pananampalataya, ngunit inihayag din ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan sa namatay sa pananampalataya. Ito ang pananampalataya na nakatayo sa panahong hindi kaaya-aya, hindi lamang sa mga mabubuting mga panahon kung saan ang makapangyarihang pagliligtas ay nahahayag.
ANG PAGSALAKAY NI SATANAS MISMO:
Ang pagdurusa ay maaari ding dumating sa iyong buhay dahil sa mga gawa ni Satanas.
Ito ay nakita sa buhay ni Job. Nakikipagbuno ang aklat na ito sa tanong na, “Bakit nagdurusa ang taong matuwid?” Ang patotoo ng Diyos tungkol kay Job ay siya ay isang taong matuwid (Job 1-2). Hindi nagdusa si Job sapagkat siya ay nagkasala, gaya ng sinasabi ng kaniyang mga kaibigan. Naniniwala sila na kung si Job ay magsisisi, ang mga pangyayari sa kaniyang buhay ay mababago.
Ang mga kaibigang ito ay nagsumikap na magbigay ng isang pangkalahatang pagaangkop na nakabatay sa isang pansariling karanasan. Para bagang sinabi mo na sapagkat iniligtas ng Diyos si Pedro mula sa bilangguan, ganoon din ang gagawin para sa iyo. Hindi ito totoo. Marami ang pinatay sa mga bilangguan bagamat may dakila silang pananampalataya at buhay na walang dungis.
Dapat tayong magingat kung tinitingnan natin ang pagdurusa ng iba na hindi natin sila paratangan na sila ay nagkasala, o wala silang pananampalataya. Itinuturo ng Biblia na ang isang taong makasalanan ay umaani ng mapait na ani sapagkat naghasik sa makalamang kabulukan (Galacia 6:8). Ngunit ang paghahasik at pagaaani ay hindi maaaring gamitin upang ipaliwanag ang pagdurusa ng walang kasalanan.
Hindi nagdusa si Job dahil sa anomang nagawa niya. Si Job ay isang taong matuwid. Ito ang patotoo ng Diyos tungkol kay Job, patotoo ni Job sa kaniyang sarili, at ang pagkakakilala ng mga tao sa kaniya. Sa likod ng mga ito sa larangang espirituwal makikita ang tunay na dahilan ng pagdurusa ni Job. May isang labanang espirituwal na nagaganap para sa puso, isipan at katapatan ni Job.
May pakikibakang nagaganap sa larangang espirituwal para sa iyo. Ang pakikibakang ito ay nakikita sa mga mahihirap na mga pangyayari na iyong nararanasan sa likas na larangan.
Ang isang mahalagang katotohanan sa pagdurusa ni Job ay walang anomang nakakapasok sa buhay ng isang mananampalataya na hindi alam ng Diyos. Hindi ang Diyos ang nagdudulot ng pagdurusa. Ito ay dala ni Satanas, ngunit ang Diyos ang nagtatakda ng hangganan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay higit na dakila kay sa kay Satanas, at mararanasan mo ang tagumpay kung magpatuloy ka sa pagtitiwala sa Kaniya.
ANG IYONG SARILING KASALANAN:
Ang panglimang paraan na ang pagdurusa ay pumapasok sa iyong buhay dahil sa iyong kasalanan.
Si Jonas ay halimbawa ng ganitong pagdurusa. Sa pagsuway sa Diyos, sa halip na sa Ninive nagpunta na doon siya inutusang mangaral ng pagsisisi, ay sa ibang lugar siya nagtungo, at nakaranas ng isang matinding bagyo at napunta siya sa tiyan ng isang malaking isda dahil sa kaniyang sariling kasalanan (Jonas 1-2)
Ang ligalig ay kailangang tratuhin bilang isang tawag upang tingnan ang iyong mga lakad at suriin ang iyong puso sa harapan ng Diyos. Baka ikaw ay nagdurusa dahil sa iyong sariling kasalanan. Inihahayag ng Biblia na ang Diyos ay nagpaparusa sa kanila na nabubuhay sa pagsuway sa Kaniyang Salita. Ang ibig sabihin ng parusa ay disiplina, pagsaway, at pagtutuwid:
Lahat ng pagdurusa sa ngayon ay tila man
din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma’y pagkatapos ay namumunga ng
bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito. (Hebreo 12:11)
Ginagamit ng Diyos ang pagdurusa
upang ituwid ka at ibalik ka sa Kaniyang kalooban para sa iyong buhay:
Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Ngunit ngayo’y tinutupad ko ang Iyong salita.
Mabuti sa akin na ako’y napighati; Upang
aking matutuhan ang mga palatuntunan Mo.
Talastas ko, Oh Panginoon, na ang mga
kahatulan Mo ay matuwid, At sa pagtatapat IYO akong dinalamhati. (Awit 119:67,71,75)
ANG WASTONG SALOOBIN SA PAGDURUSA
Ang ligalig ay hindi laging nangangahulugan ng pagiging makasalanan. Sinasabi ng Biblia, “marami ang kadalamhatian ng matuwid” (Awit 34:19)
Kung ikaw ay magdusa na walang kasalanan at hindi dahil sa iyong sariling kasalanan, kailangang panatilihin mo ang wastong saloobin sa pagdurusa. Ang tunay na palatandaan ng iyong paglagong espirituwal ay kung paano ka tumutugon sa mga panahon ng bagabag:
Kung ikaw ay manglupaypay sa araw ng
kasakunaan, Ang iyong kalakasan ay munti.
(Kawikaan 24:10)
Inilalarawan ng Biblia ang saloobin na kailangang umiral sa iyo kung ikaw ay nagdurusa bilang isang mananampalataya sa kalooban ng Diyos.
Hindi ka kailangang mahiya:
Ngunit kung ang isang tao ay magbata na
gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Diyos sa pangalang
ito. (I Pedro 4:16)
Kailangan mong italaga ang iyong kaluluwa (ang iyong pagdurusa) sa Diyos, yamang alam mo na Kaniyang ginagawang magkakalakip ang lahat ng bagay para sa ikabubuti:
Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata
ayon sa kalooban ng Diyos ang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na
Lumalang. (I Pedro 4:19)
Kailangan kang magsaya kung ikaw ay nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos:
Sila nga’y nagsialis sa harapan ng
Sanedrin, na nangatutuwang sila’y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng
kaalimurahan dahil sa Pangalan. (Gawa
5:41)
Sinabi ni Pablo na kailangan kayong:
Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa
kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin.
(Roma 12:12)
…bagama’t inuupasala, ay kami’y
nangagpapala; bagama’t mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami… (I Corinto 4:12)
… sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri
namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Diyos, sa maraming pagtitiis,
sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis… (II Corinto
6:4)
Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa
ating Panginoon, ni ako na bilanggo
Niya: kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa Evangelio ayon sa
kapangyarihan ng Diyos. (II Timoteo
1:8)
Upang ang sinoma’y huwag mabagabag sa
pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagkat kayo rin ang nangakaaalam na
itinalaga kami sa bagay na ito.
(I Tesalonica 3:3)
Ngunit ikaw ay magpigil sa lahat ng mga
bagay, magtitis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin
mo ang iyong ministeryo. (II Timoteo 4:5)
Huwag mong isiping katakataka kung ikaw ay nakakaranas ng pagdurusa:
Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka
tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo’y
subukin, na waring ang nangyayari sa inyo’y di karaniwang bagay…upang sa
pagkahayag ng Kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na
galak. (I Pedro 4:12-13)
Binigyang buod ni Pablo ang wastong saloobin sa pagdurusa nang kaniyang ipaliwanag…
…bagama’t ang aming pagkataong labas ay
pahina, ngunit ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.
Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na
sa isang sangdali lamang. Ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng
kaluwalhatiang walang hanggan.
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa
mga bagay na nangakikita: kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang
mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwat ang mga bagay na hindi
nangakikita ay walang hanggan.
(II Corinto 4:16-18)
Tinanaw ni Pablo ang pagdurusa bilang isang alipin. Sinabi niya na uubra ito sa atin.
KAPANGYARIHAN SA PAMAMAGITAN NG PAGDURUSA
Tandaan, hindi ang Diyos ang nagdudulot ng pagdurusa. Ang pagdurusa ay nasa sanglibutan dahil sa kasalanan. Ngunit ginagamit ng Diyos ang pagdurusa bilang isang pagkakataon upang ihayag ang Kaniyang kapangyarihan. Ginagamit Niya ito…
UPANG GAWING MABUTI ANG MASAMA:
Kinukuha ng Diyos ang mga binalak para sa masama at ginagawa Niya ito para sa ikabubuti. Tinutubos Niya upang matupad ang Kaniyang layunin. Sinabi ni Joseph sa kaniyang mga kapatid na nagbili sa kaniya sa pagkaalipin:
At ngayo’y huwag kayong magdalamhati, o
magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagkat sinugo ako
ng Diyos sa unahan ninyo upang magadya ng buhay…Hindi nga kayo ang nagsugo sa
akin dito, kundi ang Diyos.
(Genesis 45: 5,8)
Si Satanas ang nagudyok sa kaniyang mga kapatid na dalhan ng pagdurusa si Jospeh, ngunit tinubos ito ng Diyos upang maging sa ikabubuti. Sa kabila ng mga negatibong mga pangyayari, gumagawa ang Diyos. Si Satanas ang nagudyok sa mga tao na ihatid sa kamatayan si Jesus, ngunit tinubos ito ng Diyos para sa ikabubuti. Ang Kaniyang kamatayan ay nagbunga ng kaligtasan at pagkabuhay na maguli.
Inihahayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan kung ginagamit Niya ang iyong pagdurusa upang matupad ang Kaniyang mga layunin. Walang mga pangyayaring nagkataon lamang sa buhay ng isang mananampalataya dahil ang Diyos ang:
… na itinalaga na Niya tayo nang una pa
ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng
Kaniyang kalooban. (Efeso 1:11)
UPANG GAWING TAGUMPAY ANG PAGKATALO:
Ginagawa ng Diyos na ang pagkatalo ay maging pakinabang na espirituwal. Isinulat ni Pablo ang tungkol sa kaniyang mga kalugihan sa likas na larangan:
Gayon man ang mga bagay na sa akin ay
pakinabang, ay inari kong kalugihan, alang-alang kay Cristo.
Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari
kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na
Panginoon ko: na alang-alang sa Kaniya’y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng
mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo. (Filipos 3:7-8)
UPANG GAWING LAKAS ANG KAHINAAN:
Alam ni Pablo na…
...ang kahinaan ng Diyos ay lalong malakas
kay sa mga tao. (I Corinto 1:25)
Sinabi ng Diyos kay Pablo…
…Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo:
sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. (II Corinto 12:9)
Kaya nga nasabi ni Pablo…
…Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo:
sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. (II Corinto 12:9)
Kaya nga ako’y nagagalak sa aking kahinaan,
sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga
paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagkat pagka ako’y mahina, ako nga’y
malakas. (II Corinto 12:9-10)
Ang iyong kahinaan bilang tao ay nagbibigay ng pagkakataon para sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
UPANG SUBUKIN ANG IYONG PANANAMPALATAYA:
Ang lahat ng bagay sa larangang espirituwal ay nakasalig sa pananampalataya. Iyan ang dahilan kung bakit ang tibay ng iyong pananampalataya ay dapat masubok:
Upang ang pagsubok sa inyong
pananampalataya na lalong mahalaga kaysa ginto na nasisira bagamat ito’y
sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati
at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesuscristo.
(I Pedro 1:7)
Ito ay isang pagsubok ng pananampalataya kung ikaw ay manalangin tulad ng panalangin ni Jesus, para palampasin ng Diyos ang saro ng kapaitan, gayon man hindi ito lumampas. Sa halip, ginawa kang uminom sa saro ng pagdurusa. Matututuhan ng mananampalataya na ang ating mga panalangin ay hindi walang katugunan dahil lamang sa ang naging tugon ng Diyos ay hindi tulad ng ating inaasahan.
UPANG BIGYAN KA NG KAKAYAHAN NA PALAKASIN ANG IBA:
Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating
Panginoong Jesuscristo, ang Ama ng mga kaawaan at Diyos ng buong kaaliwan.
Na Siyang umaaliw sa atin sa lahat ng
kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan
ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Diyos.
(II Corinto 1:3-4)
Kung ibahagi mo ang kaaliwan ng Diyos sa iyo sa iba…
… itaas ninyo ang mga
kamay na nakababa, ang mga tuhod namang nanginginig;
At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa
inyong mga paa, upang huwag maligaw ang pilay, kundi bagkus gumaling. (Hebreo 12:12-13)
UPANG TURUAN KANG HUWAG MAGTIWALA SA SARILI:
Binanggit ni Pablo ang kaniyang pagdurusa sa Asia:
… sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng
higit sa aming kaya, ano pa’t kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay:
Oo, kami’y nagkaroon sa aming sarili ng
hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magtiwala sa amin ding sarili, kundi sa
Diyos na bumubuhay na maguli ng mga patay.
(II Corinto 1:8-9)
Darating ka sa pagkilala na…
…taglay namin ang kayamanang ito sa mga
sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa
Diyos, at huwag mula sa aming sarili.
(II Corinto 4:7)
UPANG PALAGUIN ANG MGA POSITIBONG MGA KATANGIANG ESPIRITUWAL:
…nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian
na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan: at ang katiyagaan, ng
pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa.
(Roma 5:3-4)
…pagkatapos na kayo’y makapagbatang
sandaling panahon, ay Siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas
sa inyo. (I Pedro 5:10)
Ang mga katangiang ito ang naglalapit sa iyo sa wangis ni Jesus na siyang kalooban ng Diyos para sa iyo (Roma 8:28-29; Hebreo 2:10
UPANG IHAYAG ANG MGA GAWA NG DIYOS:
Nang makita ng mga alagad ang isang taong bulag mula pa sa kaniyang pagkapanganak, tinanong nila kung sino ay may kasalanan nito. Kasalanan ba ng mga magulang o noong tao mismo? Sumagot si Jesus:
…Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala,
ni ang kaniyang mga magulang man, kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng
Diyos. (Juan 9:3)
UPANG SAKDALIN ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS:
…Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo:
sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus
akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa
akin ang kapangyarihan ni Cristo. (II Corinto
12:9)
UPANG ALISIN ANG MGA ALANGANIN:
Niyayanig ng pagdurusa ang lahat ng bagay sa iyong buhay na alanganin ang kalagayan. Humihinto ka na sa pagdepende sa mga tao, mga programa, o mga bagay na materyal yamang ang lahat ng mga ito ay bigo sa panahon ng pangangailangan. Pinahihintulutan ito ng Diyos…
… ang pagaalis niyaong mga bagay na
niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi
niyanig. (Hebreo 12: 27)
Sa panahong ang buhay ay binabagyo, lahat ng bagay na hindi nakasalig sa Diyos at sa Kaniyang mga Salita ay gumuguho (Awit 11:89 at Mateo 7:24-27).
UPANG BAGUHIN ANG IYONG PINAGTUTUUNAN NG PANSIN:
Kung makaranas ka ng pagdurusa madalas nakatuon ang iyong pansin sa bakit nangyari ito at ano ang ibinunga. Ganoon na lamang ang iyong malasakit sa dahilan ng mahirap na mga pangyayaring ito at ang naging bunga nito sa iyong buhay. Nais ng Diyos na matuon ang iyong pansin mula sa pagpupunyagi na maunawaan ang pangsamantalang kalagayan sa pagkilala ng pakinabang na walang hanggan:
Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na
sa isang sangdali lamang. Ay siyang guamgawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng
kaluwalhatiang walang hanggan.
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa
mga bagay na nangakikita: kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagkat ang
mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwat ang mga bagay na hindi
nangakikita ay walang hanggan.
(II Corinto 4: 17-18)
Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka
tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo’y
subukin, na waring ang nangyayari sa inyo’y di karaniwang bagay…upang sa
pagkahayag ng Kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na
galak. (I Pedro 4:12-13)
Kung tayo’y
mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama Niya…
(II Timoteo 2:12)
UPANG BAGUHIN ANG LUMANG LIKAS NA PAGKATAO:
Sinabi ng Diyos tungkol sa bansa ng Moab:
Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang
kabataan, at siya’y nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi nagpasalinsalin
sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kaya’t ang kaniyang
lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago. (Jeremias 48:11)
Sapagkat hindi pa nararanasan ng Moab ang pagkatas at pag-giyagis tulad ng kailangan upang makagawa ng masarap ng alak, hindi nagbago ang bansa. Prente lamang ang Moab at nasiyahan sa kasaganaan at dahil dito ay hindi lumagong espirituwal. Dahil dito, walang pagbabago. Nanatili lamang sa kaniya ang “sariling bango.”
Inaalis ng pagdurusa ang makasariling likas. Kung ikaw ay ginigiyagis, nililigalig, at parang ibinubuhos, ang iyong bangong espirituwal ay nababago mula sa pagiging karanal tungo sa pagiging espirituwal.
UPANG IHANDA KA SA MINISTERYO:
Hiniling mo na gamitin ka ng Diyos. Niniais mo na maging tulad ni Jesus at nanalangin upang maging piniling sisidlan para Kaniyang gamitin. Ang sagot sa iyong panalangin ay maaaring sa pamamagitan ng pagdurusa:
Narito, dinalisay kita, ngunit hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian. (Isaias 48:10)
Sa pamamagitan ng mga pasakit nakakakilos ka sa kabila pa ng tawag sa iyo bilang anak ng Diyos upang maging pinili ng Diyos. Ang pasakit ayon sa kalooban ng Diyos ang nag papadalisay sa iyo upang magamit Niya kung paanong ang bakal ay dinadalisay sa hurno ng apoy.
UPANG IHANDA KA NA MAGHARING KASAMA NI CRISTO:
Kung tayo’y mangagtiis, ay mangaghahari
naman tayong kasama Niya…
(II Timoteo 2:12)
UPANG BIGYAN KA NG PAGPAPALANG ESPIRITUWAL:
Sinabi ni Jesus:
Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa
katuwiran: sapagkat kanila ang kaharian ng Langit.
Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at
kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang
kasinungalingan, dahil sa Akin.
Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo:
sapagkat malaki ang ganti sa inyo sa Langit: sapagkat gayon din ang kanilang pagkausig
sa mga propeta na nangauna sa inyo.
(Mateo 5:10-12)
UPANG TURUAN KA NA SUMUNOD:
Bagama’t Siya’y Anak, gayon ma’y natuto ng
pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na Kaniyang tiniis. (Hebreo 5:8)
UPANG SUBUKIN ANG SALITA NG DIYOS SA IYO:
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay
na salita: Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong
dinalisay. (Awit 12:6)
UPANG GAWIN KANG MAPAGPAKUMBABA:
Na Siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at
kakilakilabot na ilang na tinatahanan ng mga makamandag na ahas at mg alakdan,
at uhaw na lupa, na walang tubig;
Na Siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong
pingkian;
Na Siyang nagpakain sa iyo ng mana sa
ilang, na hindi nakilalang iyong mga magulang; upang Kaniyang mapangumbaba ka,
at Kaniyang subukin ka, na pabutihin ka sa iyong wakas. (Deuteronomio 8:15-16)
UPANG PALAWAKAIN ANG IYONG BUHAY ESPIRITUWAL:
Ang ibig sabihin ay lalago ka sa buhay espirituwal:
…Ikaw na humango sa dusa ko’t hirap. (Awit 4:1, MBB)
UPANG TULUNGAN KANG MAKILALA MO ANG DIYOS SA ISANG MALAPIT NA
PARAAN:
Lalo mong nakikilala ang Diyos sa isang malapit na kaugnayan sa pamamagitan ng pagdurusa. Nagdusa ng matindi si Job, at natutuhan niya ang katotohanang ito at nagsabi…
Narinig kita sa
pakikinig ng pakinig; Ngunit ngayo’y nakikita Ka ng aking mata.
Kaya’t ako’y nayayamot
sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.
(Job 42:5-6)
Kilala ng ilan sa atin ang Diyos na para segunda mano. Kung tayo ay nagtatamasa ng mga pagpapala ng buhay, ang turing natin sa Diyos ay luho sa halip na kailangan. Ngunit kung mayroon kang tunay na kailangan, kailangan mo ang Diyos.
Nakilala ni Job ng lalong malapit ang Diyos sa pamamagitan ng pagdurusa. Bago siya nagdusa, kilala ni Job ang Diyos sa pamamagitan ng teolohiya. Pagkatapos, nakilala niya ang Diyos sa pamamagitan ng karanasan. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo…
Upang makilala ko Siya, at ang
kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng Kaniyang
mga kahirapan, na ako’y natutulad sa Kaniyang pagkamatay. (Filipos 3:10)
Makikilala mo lamang ang Diyos sa kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli sa pamamagitan ng malapit na pakikisama sa pagdurusa.
Sa pagdurusa ni job, itinanong niya sa Diyos ang dahilan kung bakit siya nagdurusa. Hindi mali ang magtanong sa Diyos. Alam ni Jesus na ang dahilan ng Kaniyang pagparito sa lupa ay upang mamatay para sa kasalanan ng sangkatauhan. Gayon man sa panahon ng Kaniyang pagdurusa, sumigaw Siya at nagsabi, “Diyos Ko, Diyos Ko, BAKIT Mo Ako pinabayaan?”
Kung ano ang susunod sa tanong ang higit na mahalaga. Ang mga sumunod na salita ni Jesus ay, “Sa Iyong mga kamay inihahabilin Ko ang Aking kaluluwa.” Sa kabila ng mga tanong, ang tugon ni Job ay…
Bagaman Ako’y patayin Niya, akin ding
hihintayin Siya… (Job 13:15)
Ngunit talastas ko na Manunubos sa akin ay
buhay, At Siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan;
At pagkatapos na magibang ganito ang aking
balat, Gayon ma’y makikita ko ang Diyos sa aking laman. (Job 19:25-26)
Pagkatapos ng lahat ng mga pagtatatnong, ang diin ay dapat mabago mula sa ‘akin” tungo sa “Iyo”. Dapat mong italaga ang iyong pagdurusa, kasama ang lahat ng mga hindi nasasagot na mga tanong, sa kamay ng Diyos.
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo,
At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan. (Kawikaan 3:5)
Maaaring ihayag ng Diyos ang
ilang mga layunin sa iyong pagdurusa, ngunit maaari din na hindi mo lubusang
maunawaan ito:
Kaluwalhatian nga ng
Diyos na maglihim ng isang bagay… (Kawikaan 25:2)
Ang
mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Diyos: ngunit ang mga bagay
na hayag ay nauukol sa atin…
(Deuteronomio 29:29)
May mga ilang lihim na mga bagay na dapat sa Panginoon lamang. Tulad ni Job, maaaring hindi mo maunawaan ang lahat ng mga layunin ng iyong pagdurusa:
Itinakda ni Yaweh ang landasin ng tao,
pagkat di alam nito kung saan patutungo.
(Kawikaan 20:24, MBB )
Sa wakas, nang kausapin ng Diyos si Job, gumamit Siya ng ilang mga halimbawa mula sa kalikasan na maipapaliwanag ni Job. Sinabi ng Diyos na kung hindi maunawaan ni Job ang mga nakikita niya sa likas na larangan, tiyak na hindi niya mauunawaan ang hindi niya nakikita sa larangang espirituwal.
Nang humarap si Job sa Diyos, wala ng saysay ang hindi siya nakatanggap ng sagot sa kaniyang mga tanong tungkol sa pagdurusa. Siya ay nasa mismong presensya ng Diyos, at ang karanasang yaon ay wala nang lugar para sa iabng bagay. Hindi na siya pinahihirapan ng pangangatuwiran ng tao.Pinalitan niya ang mga tanong, hindi ng mga sagot, kundi ng pananampalataya.
Kung makilala mo ang Diyos sa isang malapit na paraan sa pamamagitan ng pagdurusa, nakikita mo ang iyong sarili kung sino ka talaga. Hindi na segunda mano ang pagkakilala mo sa Diyos. Nagagawa ng harapang pakikipagtagpo sa Diyos ang hindi nagagawa ng pangangatuwiran at pakikipagtalo.
Nang si Job ay tumayo sa harapan ng Diyos, wala siyang mga sagot. Hindi siya binigyan ng bagong mga bagay tungkol sa kaniyang pagdurusa. Ngunit pinalitan niya ng pananampalataya ang mga tanong. Si Job ay nasa presnesya ng Diyos, at ang karanasang ito ay wala ng lugar para sa mga tanong at pagaalinlangan.
HINDI KA NAGIISA
Kung ikaw ay magdusa ayon sa kalooban ng Panginoon, dapat mong kilalanin na hindi ka nagiisa. Maraming ibang mga mananampalataya ang nakakaranas ng gayon ding mga pakikilaban:
…yamang inyong nalalaman na ang mga gayong
hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. (I Pedro 5:9)
Ang mga bagyo ng buhay ay hindi maiiwasan at hindi mo ito kontrolado, tulad ng inilarawan sa talinhaga ng dalawang bahay sa Mateo 7:24-27. Darating ang mga bagyo sa kanila na nagtayo ng kanilang buhay sa Salita ng Diyos ganoon din sa mga hindi nagtayo sa Salita ng Diyos. Ang pundasyon ng buhay ng tao ang magpapasiya kung ano ang kalalabasan ng pagdating ng bagyo.
Ang pagdurusa ay maaasahan bilang bahagi ng kalooban ng Diyos:
Oo, at lahat na ibig mabuhay na may
kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig. (II Timoteo 3:12)
Sapagkat sa inyo’y ipinagkaloob alangalang
kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa Kaniya, kundi upang magtiis din
naman alangalang sa Kaniya.
(Filipos 1:29)
… upang kayo’y ariing karapatdapat sa
kaharian ng Diyos, na dahil dito’y nangagbabata rin naman kayo... (II Tesalonica 1:5)
Sapagkat sa katotohanan, nang kami ay
kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng
kapighatian; gaya nga na nangyari, at nalalaman ninyo. (I Tesalonica 3:4)
Kung magkagayo’y ibibigay kayo sa
kapighatian, at kayo’y papatayin: at kayo’y kapopootan ng lahat ng mga bansa
dahil sa Aking pangalan. (Mateo 24:9)
…huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na
kayo’y ibibigay sa mga sinagoga at mga bilangguan, na kayo’y dadalhin sa
harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa Aking pangalan. (Lucas 21:12)
Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo’y
Aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung Ako’y
kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din… (Juan 15:20)
Ngayon hindi ang ibig sabihin nito ay sasadayain mong magdusa sa paniwalang ito ay makalulugod sa Diyos. Hindi nalulugod ang Diyos kung ang mga tao ay nagdurusa. Para sadyain mo na magdusa (isang hakbang na ginagawa ng asceticism) ay kasalanan.
Maraming mga tao ang gumagawa nito sa pagsisiskap na pawiin ang galit ng Diyos o kay ay ipakitang sila ay banal o relihiyoso sa harap ng mga tao. Ngunit ang papayapa lamang sa Diyos ay ang dugo ni Jesu-Cristo. Gayon man, ginagamit ng Diyos ang isang pagdurusa kung ito ay dumating sa iyong buhay at tinutubos ito para sa iakabubuti.
Bahagi ng mga pagsubaybay sa mga unang Cristiano ay ang ituro sa kanila na sila ay makakaranas ng pagdurusa. Hindi ito makikita sa maraming mga iglesia ngayon:
Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga
alagad, at inaaralan sila na magsipanantili sa pananampalataya, at sa
pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa
kaharian ng Diyos. (Gawa 14:22)
Ang tawag ni Jesus sa mga tagasunod ay pagtanggi sa sarili at pagdurusa:
At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at
sumusunod sa Akin, ay hindi karapatdapat sa Akin. (Mateo 10:38)
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa
Kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa Akin ay tumanggi
sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa Akin. (Mateo 16:24)
…ipagbili mo ang lahat
mong tinatangkilik… at pumarito ka, sumunod ka sa Akin.
(Marcos 10:21)
…Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa
Akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa araw-araw ang kaniyang
krus, at sumunod sa Akin. (Lucas 9:23)
Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang
sariling krus, at sumusunod sa Akin, ay hindi maaaring maging alagad Ko. (Lucas 14:27)
Tinawag ni Jesus ang mga tao sa isang buhay ng pagtanggi sa sarili, pagdurusa, at sa krus dahil sa ibubungang kapangyarihan ng pakikisama sa Kaniyang pagdurusa.
Ang kapangyarihan ng pagkabuhay na maguli at ang kapangyarihan ng Kaniyang pagdurusa ay tulad ng positive at negative sa baterya o elektrisida na ginagamit natin ngayon. Kailangang pareho ang positive at negative upang lumikha ng kapangyarihan.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Sino ang pinagmula ng lahat ng kasalanan at pagdurusa?
3. Paano dumarating ang pagdurusa sa ating buhay? Ilista ang limang paraan na tinalakay sa kabanatang ito.
4. Ibigay ang buod ng mga makapangyarihang mga layunin na natutupad sa buhay ng isang mananampalatay sa pamamagitan ng pagdurusa.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Sa anong sangay ng iyong buay ka nakakaranas ng pagdurusa?
2. Paano pumasok ang pagdurusa sa iyong buhay?
_______iIbang mga tao na nakapalibot sa iyo
_______Sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay
_______Dahil sa iyong sariling kasalanan
_______ Dahil sa iyong ministeryo
_______Mga gawain ni Satanas mismo
3. Paano ka tumutugon sa mga pagdurusa?
Upang maihayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagdurusa, dapat kang tumugon ng wasto habang nararanasan mo ito. Hindi ka dapat dumaing o magreklamo. Ito ang tugon ng Israel sa pagdurusa. Nagbulong-bulungan sila laban kay Moises (Exodo 15:24). Ngunit at lahat ng bulong-bulungan ay laban sa Diyos at sa Kaniyang plano na itulad ka sa wangis ni Cristo. Ang lahat ng mga bagay ay guimagawang nagkakalakip upang itulad ka sa Kaniyang wangis. Kung magreklamo ka dahil sa pagdurusa, iniririklamo mo ang pamamaraang ito. Tingnan ang Roma 8:28-29.
Sa pagdanas ng pagdurusa, huwag mong hayaan na lumago ang isang mapait na saloobin. Ang kapaitan ay isang maling tugon sa pagdurusa. Ito ay napopoot, nagrereklamo at mapaghiganting saloobin. Kung hayaan mo ang kapaitan, ito ay liligalig at dudumi sa iyo (Hebreo 12:16), hinahdalangan ka na makiring mula sa Diyos (Exodo 6:9), lumilikha ng isang mapaghiganting espiritu (I samuel 30:6), nagdudulot ng pagkagiyagis at panghihina ng loob (Panaghoy 3:18-20), at lumalason sa iyong buhay espirituwal (Gawa 8:23).
4. Paano ka tutugon sa mga mahihirap na mga pangyayari sa isang paraang ayon sa Kasulatan?
IKA-LABING WALONG KABANATA
PAANO MARANASAN ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Ipaliwang kung paano mararansan ang kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay at ministeryo.
-Tukuyin ang layunin ng Iglesia kaugnay ng kapangyarihang espirituwal.
-Ipaliwanag kung paano lumalago ang kapangyarihang espirituwal.
-Maranasan ang kapangyarihang espirituwal sa iyong buhay at ministeryo.
SUSING MGA TALATA:
At nagsialis sila, at nagsipangaral sa
lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang
Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
(Marcos 16:20)
PAMBUNGAD
Maraming mga prinsipyo ng kapangyarihang espirituwal sa kursong ito. Sa kabanatang ito, ang mga prinsipyo ay binigyang buod at mga pangwakas ng panuntunan ay ibinigay upang maranasan mo ang pagsangkap ng kapangyraihang espirituwal na nagyon ay iyong pag-aaralan.
PAGTANGGAP NG KAPANGYARIHANG ESPIRITUWAL
Ang kapangyarihang espirituwal ay hindi mo maaaring imbentuhin sa iyong damdamin. Hindi ka rin magkakaroon nito sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kasulatan. Kahita ang kaalaman ng mga prinsipyo ng kapangyarihan ayon sa Biblia ay hindi gagarantiya na tatanggapin mo ang kapangyarihang espirituwal.
Ang kapangyarihang espirituwal ay dumdaloy mula sa pinagmumulan nito. Si Jesus ay itinulad sa isang puno ng ubas. Ikaw naman ay isang sangang espirituwal. Sa sarili mo hindi ka makapagbubunga ng kapangyarihan. Siya ang buhay na dumadaloy na pinagmumulan ng kapangyarihan. Bayaan mo lamang na dumaloy sa pamamagitan mo ang Kaniyang kapangyarihan:
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga:
Ang nananatili sa Akin, at Ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami:
sapagkat kung kayo’y hiwalay sa Akin ay wala kayong magagawa. (Juan 15:5)
Narito ang mga panuntuan ng Biblia upang maranasan angpagsankap ng kapangyarihan:
1. MAGAYUNO AT MANALANAGIN:
Lumapit ka sa Diyos at magpakababa ka sa pamamagitan ng pagaayuno at pananalangin. Nangako ang Diyos na Siya ay makikinig kung tayo ay lalapit sa Kaniya na may ganitong saloobin:
Kung ang Aking bayan na tinatawag sa
pamamagitan ng Aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang
Aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad: Akin ngang didinggin
sa Langit… (II Cronica 7:14)
Huwag kapangyarihan ang hanapin mo. Sa pamamagitan ng panalangin at pagaayuno ihanda mo ang iyong sarili bilang isang alulod na dito ang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring dumaloy.
2. TANGGAPIN ANG KALOOB NG ESPIRITU SANTO:
Datapuwat tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, PAGDATING sa inyo ng Espiritu Santo. (Gawa 1:8)
3. GAMITIN ANG PANANAMPALATAYA:
Sa pananampalataya, tanggapin ang Kaniyang pangako ng kapangyarihan:
Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan… sa
ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway… (Lucas 10:19)
Ngayon, ang pananampalataya ay isang
kapanatagan sa mga bagay na hinihintay,
ang katunayan ng mga bagy na hindi nakikita.
(Hebreo 11:1)
Tinanggap mo ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngayon naman, tanggapin mo ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Bakit napakadali na tanggapin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya at napakahirap na magtiwal sa Diyos para sa mga mahimalang kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan tulad ng kagalingan at pagpapalayas ng demonyo?
4. GAMITIN ANG MGA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN AYON SA BIBLIA:
Sa pananampalataya, simulang gamitin ang mga prinsipyo ng kapangyarihan ayon sa Biblia na iyong natutuhan sa kursong ito. Kabilang dito ang:
Ang kapangyarihan ng Ebanghelyo: Dapat munang mabago ang iyong buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ebanghelyo. Ang pagsisisi ang batayan ng kapangyarihang espirituwal.
Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo: Tatanggap ka ng kapangyarihan PAGKATAPOS na ang Espiritu Santo ay dumating sa iyo.
Ang kapangyarihan ng pagibig: Anomang kaloob na espirituwal, anomang kapahayagan ng kapangyarihan ay walang bisa kung wala nito.
Ang pagpapahid ng kapangyarihan: Ang pagpapahid ang sisira sa pamatok. Hindi mo magagawa ito sa iyong sariling lakas at kapangyarihan.
Kapangyarihan, pananampalataya at mga gawa: Ang mga ito ay hindi mapaghihiwalay. Dapat kumilos ang mga ito na magkakasama sa iyong buhay at ministeryo.
Ang pangalan ni Jesus; Ikawa ay nakakagawa dahil sa Kaniyang kapamahalaan. Ito ang kapangyarihan sa KANIYANG pangalan.
Ang kapangyarihan ng panalangin: Kapangyarihan ang bunga ng pagaayuno at pananalangin.
Ang kapangyarihan ng Salita: Salitain ang Kaniyang mga Salita, hindi sa iyo. Ang Kaniyang mga Salita ay hindi babalik na walang bunga. Matutupad nito ang layunin ng pagsusugo nito.
Ang kapangyarihan ng kapamahalaan: Manatili ka sa ilalim ng kapamahalaan upang ikawa ay makapamahala.
Ang kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli: Maranasan mo na ngayon sa iyong lupang katawan.
Ang kapangyarihan ng pagdurusa: Ikaw ay may kapangyarihan SA mga kahirapan kung paanong ganoon din sa IBABAW nito. Mas matindi ang panggigipit, mas higit ang kapangyarihan. Gawing pagkakataon ang mga kahirapan para sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
KAPANGYARIHAN NG MAGKAKASAMA
Isahang dapat maranasan ang kapangyarihang espirituwal ng mga mananampalataya, ngunit hindi ito dapat gamitin ng hiwlay sa Katawan ni Cristo. Plano ng Diyos na ang Iglesia ay makaranas ng kapangyarihang espirituwal na magkakasama. Ang Iglesia ay kailangang maging sentro ng kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan.
Isang arawa, si Jesus ay naparoon sa templo sa Jerusalem at nasumpungan ang mga lider na nagtitinda ng baka, tupa, at kalapati. Pinagkakitaan nila ang mga pangangailangan ng mga tao sa pagaalay ng mga hayop. Ginagamit nila ang iglesia na sentro ng negosyo.
Kumuha si Jesus ng panghagupit at itinaboy ang mga taong ito palabas ng templo. Itinapon Niya ang mga salapi at binaligtad ang mga mesa. Sinabi Niya:
Nasusulat nga, At ang Aking bahay ay
magiging bahay-panalanginan; datapuwat ginawa ninyong yungib ng mga
tulisan. (Lucas 19:46)
Sa maraming mga pagkakataon ngayon ang Iglesia ay naging sentro ng sosyalan, isang dako ng palaruan at pagsasama-sama. Ito ay naging sentro din ng pamimigay ng pagkain at aliwan.
Ang ilan sa mga gawaing ito ay may kaniyang dako, ngunit hindi ito ang layunin ng Diyos para sa Iglesia. Ang Iglesia ay maaari ring maging sentro ng pananalangin at pag-aaral ng Biblia at hindi pa rin maabot ang layunin ng Diyos kung ang pangangailangan ng tao ay nananatiling hindi natatagpo sa labas lamang ng pintuan ng iglesia.
Ang templo na nilinis ni Jesus ay naging sentro ng negosyo. Ngunit ipinaliwanag ni Jesus ang tunay na layunin ng Iglesia sa talinhaga sa Lucas 14:16-24. Sa talinhagang ito, ang panginoon ng sambahayan ay nagsabi sa kaniyang mga alipin:
… Pumaroon kang madali sa mga lansangan at
sa mga daang makikipot ng bayan, at dalhin mo rito ang mga dukha, at ang mga
pingkaw, at ang mga bulag, at ang mga pilay.
…Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran,
at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang Aking bahay. (Lucas 14:21,23)
Ang Iglesia ay kailangang mapuno ng maraming mga tao na may malalim na pangangailangan. Kailangang humayo ang mga mananampalataya sa bawat antas ng lipunan at himukin silang lumapit. Ang Iglesia ay mapupuno ng mga mananampalataya na may kapangyarihang espirituwal. Ito ang lilikha ng isang samahan na kung saan ang Diyos ay nakapaghahayag ng Kaniyang sarili. Ang mga lumpo ay pagagalingin, ang mga bulag ay makakakita, ang mga bingi ay makakarinig, at ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay magbabago ng mga buhay.
Natatandaan mo ang taong lumpo na nakaupo sa pintuan ng templo sa Jerusalem (Gawa 3)? Ang mga gawain ngrelihiyon ay nagaganap sa loob ng templo. May magagandang mga seremonya, mga naihahayag na mga panalangin, magagandang pagaawitan—ngunit hindi napapansin at ang kaniyang pangangailangan ay hindi natatagpo, naroon sa labas lamang ng pintuan ang isang pobreng lalaking lumpo.
Sa wakas, dalawang lalake, mga mananampalataya sa Diyos na nakaranas ng pagsangkap ng kapangyarihan espirituwal ang nagdaan sa kaniyang tabi. Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Tingnan mo kami. Ang nasa akin, ibinibigay ko sa iyo.” Kapagdaka, tumanggap ang kaniyang mga paa at bukong-bukong ng lakas at siya ay pinagaling ng kapangyarihan ng Diyos. Isang nangangailangang sanglibutan ay tumitingin sa atin. Ang nagdurusang sangkatauhan ay tumitingin sa Iglesia ni Jesu-Cristo. Dapat tayong mayroong maibigay.
ANG BATAS NG PAGGAMIT AT PAGLAGO
May isang prinsipyo sa Biblia na
tinatawag na :Batas Ng Paggamit At Paglago” na may bisa sa kapangyarihang
espirituwal. Ang iyong kapangyarihang espirituwal ay lalago sa pamamagitan ng
wastong paggamit ng prinsipyong ito. Basahin ang talinhag na sinabi ni Jesus sa
Lucas 19:12-26. Pansinin na ang mga alipin na gumamit at nagpalago ng salapi na
ibinigay sa kanila ang tumanggap ng dagdag na salapi. Yaong isa na walang
ginawang anoman sa salapi na tinanggap niya ay nawalan pa nito. Ang “Batas Ng
Paggamit At Paglago” ay gayon. Gamitin ang anomang ibiniogay sa iyo at ito
ay lalago. Alin sa dalawa, gaimitin mo o mawala sa iyo.
Binibigyan ka ng Diyos ng kapangyarihang espirituwal para sa paglilingkod, hindi sa paghahari (Mateo 20:25-28). Kung gamitin mo ang kapangyarihang espirituwal ng wasto, ang daloy ng kapangyarihan ng Diyos ay lalago sa iyo. Lalo mo pang makikita ang mga dakilang kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan sa iyong buhay at ministeryo. Kung hindi mo gamitin, mawawala ito sa iyo:
Sinasabi Ko sa inyo, na bibigyan ang bawat
mayroon; datapuwat ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya. (Lucas 19:26)
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Ibigay ang buod ng mga panuntunan na ibinigay sa araling ito kung paano mararanasan ang kapaangyarihan ng Diyos.
3. Ano ang layunin ng Iglesia sa kaugnayan nito sa kapangyarihang espirituwal?
4. Paano lumalago ang kapangyarihang espirituwal?
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang kapangyarihan ng Diyos ay nararanasan sa pamamagitan ng mga tanda, kababalaghan, at mga himala. Pag-aralan ang mga talatang ito:
Exodo 15:11
Bilang 14:22
Deuteronomio 6:22; 7:19; 11:3; 29:3; 34:11
Josue 3:5
Nehemias 9:10
Awit 77:11, 14; 78:11, 43; 88:10,12; 89:5; 96:3; 105:27; 136:4
Jeremias 32:20
Daniel 4:2-3
Joel 2:30
Marcos 16:17
Juan 2:11, 23; 3:2; 6:2, 26; 7:31; 9:16; 11:47; 12:37; 20:30
Gawa 2:22, 43; 4:30; 5:12; 6:8; 8:6, 13; 14:3; 15:12; 19:11
Roma 15:19
I Corinto 12:10, 28, 29
Galacia 3:5
Hebreo 2:4
IKA-LABING SIYAM NA KABANATA
KAWALAN NG KAPANGYARIHAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin ang mga dahilan sa Kasulatan ng kawalan ng kapangyarihan.
-Magbigay ng reperensya sa Kasulatan na nagpapatibay ng kahigtan ng Diyos sa mga kalagayan
na kung saan ang tao ay walang makitang mga sagot.
SUSING MGA TALATA:
At Siya’y hindi gumawa roon ng maraming
makapangyarihanag gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya. (Mateo 13:58)
PAMBUNGAD
Sa likas na kalagayan, naka-depende ang tao sa mga likas na pinagmumulan ng power para sa pasulong. Ang likas na power ay maaaring ang isang simpleng apoy na pinaglulutuan ng hapunan. Kung walang apoy, walang mangyayari sa iniluluto. Maaari din naman na ang likas na power ay ang elektrisidad na idinudulot ng mga higanteng mga planta. Kung mawalan ang mga plantang ito ng power, wla rin sila maidudulot na elektrisidad. Ang isang buong lungsod ay makakaranas ng blackout. Kung mawalan ng power sa likas na larangan, mahihinto ang pagasenso.
Totoo rin ito sa larangang espirituwal. Kung mawalan ng kapangyarihan, mahihinto ang pagsulong na espirituwal. Ang mga buhay ay hindi mababago sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ebanghelyo. Hindi gagaling ang mga maysakit. Ang mga demonyo ay hindi mapapalayas.
May dahilan ng pagkawala ng power sa likas na kalagayan. Maaaring isang simpleng dahila tulad ng namatay na ang apoy, o higit na komplekado tulad ng pagkasira ng isang kasangkapan. Kung ang mga dahilang ito ay matukoy, babalik na muli ang daloy ng power.
May mga dahilan din kung bakit nawalan ng kapangyarihan sa larangang espirituwal. Kung ang mga ito ay matukoy at maituwid, babalik ang daloy ng kapangyarihang espirituwal.
KILALA BA SA IMPIYERNO ANG IYONG PANGALAN?
Ang isa sa pinakadakilang halimbawa ng kapangyarihang espirituwal na nawala ay natala sa Gawa 19:13-16. Basahin ang kasaysayang ito ng mga anak ng punong saserdote na sinubukang magpalayas ng masamang espiritu mula sa isang tao at nabigo. Sumigaw ang masamang espiritu…
Nakikilala ko si
Jesus, at nakikilala ko si Pablo; datapuwat sinu-sino kayo?
(Gawa 19:15)
Pagkatapos, ang lalake na inaalihan ng masamang espiritu ay lumundag sa mga lalaking ito, sinira ang kanilang damit at sinaktan sila. Tumakbo sila na hubad at sugatan, mula sa presensya ng lalaking inalihan ng demonyo. Kilala ng demonyo si Pablo. Kilala ng demonyo ang pangalang Jesus. Ngunit ang pangalan ng mga binatang ito ay hindi alam sapagkat wala silang tunay na kapangyarihang espirituwal sa kanilang buhay.
Kung ikaw ay napatawad na sa iyong mga kasalanan, ang pangalan mo ay kilala sa langit. Ito ay nasulat sa aklat ng buhay ng Kordero na binanggit sa Apocalipsis 21:27. ngunit ang pangalan mo ba ay kilala sa impiyerno? May sapat ka bang kapangyarihan ng Diyos na dumadaloy sa iyong buhay na kinikilala ng mga demonyo ang iyong kapamahalaan sa pangalan ni Jesus?
Ang mga binatang ito ay ginamit ang pangalan ni Jesus sa pagpapalayas nila ng demonyo, ngunit hindi ito umubra. Ang pangalan ni Jesus ay hindi isang agimat. Dapat nasa iyo ang kapangyarihan sa likod ng pangalan. Dapat mong kilalanin at ariin ang kapamahalaan ng pangalang yaon.
Sa panahon ng krisis, haharap ka sa pagkatalo kung ang iyong pangalan ay hindi kilala sa impiyerno. Hindi magapi ng mga binatang ito si Satanas batay sa karanasan ni Pablo, at hindi mo rin magagawa ito. Kung ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa iyong buhay saka mo lamang magagapi si Satanas. Kung ang pangalan mo ay hindi kilala sa impiyerno at wala kang kapangyarihan, tatakas kang hubad at sugatan sa harap ng kaaway.
KAWALAN NG KAPANGYARIHAN
Narito ang ilang dahilan kung bakit walang kapangyarihang espirituwal:
KASALANAN:
Ang kasalanan ang naghihiwalay sa tao sa Diyos. Kung ikaw ay mahiwalay sa Diyos, ang Kaniyang kapangyarihan ay hindi makadadaloy sa pamamagitan mo.
Basahin ang Roma 7 na dito ay inilarawan ni Apostol Pablo ang kaniyang pakikipagbuno sa pagkaalipin ng kasalanan. Basahin ang kaniyang paglaya sa Roma 8. Bilang mananampalataya si Pablo ay mayroon ding mga pakikibaka na tulad ng iyong nararanasan, ngunit natutuhan niyang pagtagumpayan ang kautusan ng kasalanan na umiiral sa kaniyang laman. Dahil dito, ang kaniyang buhay ay bukas sa pagdaloy ng kapangyarihan ng Diyos.
Nang ang makasalanan lalake na si Simon ay nagalok ng salapi upang makamit ang kapangyarihang espirituwal, sumagot si Pedro:
Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay
na ito: sapagkat ang puso mo’y hindi matuwid sa harap ng Diyos.
Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at
manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong
puso.
Sapagkat nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng
kapaitan at sa tali ng katampalasanan.
(Gawa 8:21-23)
Ang pagsisisi mula sa kasalanan at kapatawaran sa pamamagitan ng dugo ni Jesu-Cristo ang tanging paraan upang tulayan ang namamagitan sa pagkahiwlay. Ang kasalanan ang naghihiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Sa pagbabalik ni Jesus…
Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa
Diyos, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa Evangelio ng ating Panginoong
Jesus. (II Tesalonica 1:8)
Yaong mga nasa kasalanan ay…
…siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang
hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng
Kaniyang kapangyarihan.
(II Tesalonica 1:9)
Sa wakas, ang kasalanan ay magdudulot ng walang hanggang pagkahiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos.
MGA PAGKA-ALIPIN:
Ang pagkaaliping espirituwal ay maaaring hadlangan ang daloy ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay. Ang pagkaalipin ay hindi kasalanan. Ito ay ang mga ugali o mga bagay na nagiging mahalaga sa iyo na napapailalim ka tuloy dito. Isinulat ni Pablo:
Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid;
ngunit hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid
; ngunit hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman. (I Corinto 6:12)
Anomang bagay na pumupuno sa iyong kaisipan at kinahihiligan ay isang pagkaalipin. Ikaw ay napapailalim sa kapangyarihan nito.
Ito ay maaaring ugali o libangan. Ito ay maaaring saloobin ng pagkamahiyain at pagkatakot na pumipigil sa iyo na kumilos sa pananampalataya at kapangyarihan. Ang gayong mga pagkaalipin ang nagdudulot ng kawalan ng kapangyarihan sapagkat ikaw ay napapailalim sa kanilang kapangyarihan sa halip na mapailalim ka sa Espiritu Santo.
PAGSUWAY SA MGA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN:
Natutuhan mo ang maraming mga prinsipyo ng kapangyarihan ayon sa Biblia sa kursong ito. Ang pagsuway sa mga prinsipyong ito ay nagdudulot ng kawalan ng kapangyarihan. Patuloy mong suriin ang iyong buhay at ministeryo kaugnay ng mga prinsipyong ito lalo na kung nawalan ka ng kapangyarihan.
PAGHAHARI SA HALIP NA PAGLILINGKOD:
Kung ang kapangyarihang espirituwal ay gamitin upang maghari sa halip na maglingkod, kawalan ng kapangyarihan ang bunga. Natutuhan mo sa Mateo 10:25-28 na ang straktura ng kapangyarihan ng Diyos ay hindi tulad ng sa sanglibutan. Ang kaisipan ng sanglibutan ng kapangyarihan ay pagharian at kontrolin ang mga tao.
Mula pa sa pagkabata, naghahangad na tayo ng kapangyarihan. Sinisikap nating kontrolin ang ating mga magulang. Naghahanap tayo ng kapangyarihan sa lipunan, sa ating kapaligiran, at sinisikap din na hulaan at kontrolin ang mga pwersa ng kalikasan. Ang kapangyarihan ng sanglibutan ay maaaring magsilbing diosdiosan natin na komokontrol sa atin.
Ang straktura ng kapangyarihan ayon sa Biblia ay humihiling na paglingkuran at tagpuin ang mga pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos. Sumulat si Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto tungkol sa paksang ito. Bilang dakilang Apostol ng Iglesia, si Pablo ay may kapamahalaan sa mga pulutong ng mga mananampalataya. Ngunit hindi niya inabuso ang kapangyarihan. Sinabi niya sa kanila:
Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid,
hindi baga lalo pa kami? Gayon ma’y hindi namin ginamit ang matuwid na ito;
kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa
Evangelio ni Cristo. (I Corinto 9:12)
Hindi inabuso ni Pablo ang kaniyang posisyong espirituwal. Hindi niya pinagharian ang mga taga Corinto, sa halip pinaglingkuran niya ang mga ito:
Hindi dahil sa kami ay walang karapatan,
kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay
inyong tularan. (II Tesalonica 3:9)
PANSARILING PAKINABANG:
Sinulatan din ni Pablo ang mga taga Corinto tungkol sa kapangyarihan para sa pansariling kapakanan. Sinabi niya:
Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na
ayon sa Espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na
ayon sa laman? (I Corinto 9:11)
Naglingkod si Pablo sa mga taga Corinto at naghasik ng binhing espirituwal. May karapatan siyang tumanggap mula sa kanila ng mga “bagay na materyal” tulad ng salaping pangtustos. Ngunit hindi niya inabuso ang kapangyarihang ito. Mas ginusto pa niya na magdusa kay sa abusuhin ang kapangayarihang espirituwal at pigilan ang gawain ng Diyos (I Corinto 9:12)
Si Jesus ay tinukso ni Satanas na gamitin ang Kaniyang kapangyarihan para sa pansariling pakinabang. Tinukso Siya ni Satanas na gawing tinapay ang mag bato at patunayang ang Kaniyang kapangyarihan sa mga tao sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ituktok ng templo. Tumanggi si Jesus.
Nang si Jesus ay matinding nagdurusa sa krus para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, maaari Niyang tinawag ang 10,000 mga anghel na dumating at sagipin Siya (Matreo 26:53). Tinanggihan Niya ang kapahayagan ng kapangyarihan upang matupad ang higit na mataas na mga layunin ng Diyos.
PANINIBUGHO:
Sa bandang unahan ng kursong ito ay natutuhan mo ang tungkol sa kasalanan ng laman na tintawag na “paninibugho” na isang uri ng pagkainggit na inihahayag sa paggaya sa iba (Galacia 5:20). Ito ay isang problema na nagbunga ng kawalan ng kapangyarihan sa unang iglesia. Sa Gawa 19:13, tinutukoy dito ang yaong mga “nagsipangahas” na magpalayas ng mga demonyo sa paggaya sa ministeryo ni Pablo. Kung iyong gagayahin ang ministeryo ng iba, makakaranas ka ng pagkawala ng kapangyarihan tulad ng mga lalaking ito.
MGA MALING MOTIBO:
Huwag mong isipin na sapagkat ang kapangyarihang espirituwal ay minsa’y inaabuso ay masama na ito. Ang kapangyarihang espirituwal na dumadaloy mula sa Diyos ay mabuti, ngunit ito ay maaaring abusuhin at gamitin sa maling mga dahilan at maling motibo.
Ang orihinal na kasalanan ni Satanas ay bunga ng maling motibo sa paghahangad ng kapangyarihan. Totoo rin ito sa unang kasalanan ng tao na nagawa niya habang naghahangad ng kapangyarihang galing sa kaalaman.
Minsan si Santiago at Juan ay nais magpababa ng apoy mula sa langit upang tupukin ang mga sumasalungat kay Jesus. Naging kamangha-mangha sanang kapahayagan ng kapangyarihan yaon! Ngunit ang kanilang motibo ay mali. Ang kanilang motibo ay maghiganti sa kanilang mga nakaaway. Ang gayon paggamit ay isang pagaabuso ng kapangyarihang espirituwal. Sinabi sa kanila ni Jesus:
…Hindi ninyo alam kung
anong uri ng espiritu ang sumasainyo.
Sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi
upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila. (Lucas 9:55-56, MBB )
Ang hindi wastong motibo ay nagdudulot ng hindi balanseng diin sa kapangyarihan. Nagbabala si Jesus sa Kaniyang mga alagad:
Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan na
inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng
kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa’y hindi kayo maaano.
Gayon ma’y huwag ninyong ikagalak ito, na
ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat
ang inyong mga pangalan sa Langit.
(Lucas 10:19-20)
KAWALAN NG PANANAMPALATAYA:
Malamang ang pinakadakilang dahilan ng kawalan ng kapangyarihang espirituwal ay ang kawalan ng pananampalataya. Kahit ang ministeryo ni Jesus ay naapektuhan ng kawalan ng pananampalataya:
At Siya’y hindi gumawa roon ng maraming
makapangyarihanag gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya. (Mateo 13: 58)
Ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos ay maaaring maapektuhan ng kawalan ng pagsampalataya ng mga taong iyong pinaglilingkuran. Pati na rin ang iyong sariling kawalan ng pagsampalataya (Mateo 17:14-21).
TINATASAHAN ANG DIYOS:
Walang hangganan ang kapangyarihan ng Diyos, ngunit maaari nating tasahan kung paano ito gagawa sa atin at sa pamamagitan natin. Sinabi ni Pablo na ang Diyos ay may kayang gawin ang higit pa sa ating hinihingi o iniisip ayon sa kapangyarihan na gumagawa sa atin:
Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng
lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang
gumagawa sa atin. (Efeso 3:20)
Minsan hindi ginagawa ng Diyos ang ating hinihingi o iniisip (kulang sa kasaganaan) sapagkat hindi natin hinahayaan ang Kaniyang kapangyarihan na gumawa sa atin.
KUNG WALANG HIMALA
Kapag ang isang mananampalataya ay nakakaranas ng kawalan ng kapangyarihang espirituwal, dapat suriing may panalangin ang bawat sangay na tinalakay. Kung mayroong mga pagsuway na matuklasan, ito ay kaagad maituwid upang ang kapangyarihan ng Diyos ay mabalik sa kaniyang walang hadlang na pagdaloy.
Ngunit ano kung ang lahat ng mga sangay na ito ay inayos na, at wala pa ring himala? Ano ang dahilan at ang isang tao ay nailigtas bilang sagot sa panalangin at yaong isa naman ay hindi? Narito ang ilang mga halimbawa halaw sa tunay na buhay.
-Isang Cristianong magasawa ay may dalawang anak, isang lalake at isang babae. Pareho
silang malubha ang sakit. Ang dalawa ay parehong ipinanalangin ng mga magulang at ng
kasamahan nilang grupo. Ang isa ay gumaling at naging isang ministro ng Ebanghelyo
ngayon. Yung kapatid ay hindi gumaling. Maraming mga taon ang kaniyang ginugol sa isang pagamutan at namatay din.
-Isang kilalang ministro sa boong daigdig na ginamit ng Diyos sa mga makapangyarihang mga himala ay minsang nagsabi na 10% lamang ng kaniyang ipinapanalangin ang gumagaling.
-Ang Pedro din na iniligtas sa bilangguan sa pamamagitan ng panalangin ng mga mananampalataya ay pinatay bilang isang martir alang-alang sa Ebanghelyo. Bakit ang kapangyarihang nagbukas ng pintuan ng bilangguan ay hindi nagligtas sa kaniya sa kakilakilabot na kamatayang ito?
-Maraming mga ketongin sa Israel sa panahon ni Elias, ngunit isa lamang ang pinagaling ng Diyos (Lucas 4:27)
Wala tayong mga sagot sa mga tanong na ganito. Kung nasa atin ang lahat ng mga sagot, kung alam na nating lahat, katulad na tayo ng Diyos.
Dapat nating laging kikilalanin ang Kataas-taasang Diyos tungkol sa kapangyarihang espirituwal. Kumikilos lamang tayo ayon sa kapangyarihang itinakda sa atin. Mabisa ang kapangyarihang ito. Ngunit ito ay ITINAKDA, na ang ibig sabihin ay gagamitin sa ilalim na kapamahalaan ng Diyos.
Para sa mga tanong na wala tayong sagot, inihayag ng Biblia na…
Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa
Panginoon nating Diyos: ngunit ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin… (Deuteronomio 29:29)
Sa ilang mga pagkakataon, inihayag ng Diyos kung bakit walang himala. Sa ibang pagkakataon, hindi natin masusumpungan ang sagot. May mga lihim na bagay na Diyos lamang ang nakakaalam. Kumikilos tayo sa larangan ng kapahayagan, hindi nakahihigit na kaalaman. Ngunit huwag nating bayaang ito ay humadlang sa kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay. Lumakad tayo ayon sa inihayag na. Iwan natin sa Diyos ang mga tanong na hindi masagot at mga lihim na bagay.
Ang kapangyarihan ng Diyos ay nahahayag sa kamatayan at sa buhay. Ito ay nahahayag sa mga nalalaman at nauunawaan gayon din sa mga hindi nalalalaman. Ito ay nahahayag maging sa kahinaan o kalakasan man.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Magbigay ng reperensya sa Kasulatan na nagpapatibay sa kahigtan ng Diyos sa mga kalagayan na walang masumpungang sagot ang mga tao.
3. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan sa kabanatang ito tungkol sa mga dahilan ng kawalan ng kapangyarihang espirituwal.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Basahin ang kasaysayan ni David at Batseba sa II Samuel kabanata 11. Ginamit ni David ang kaniyang kapangyarihan bilang hari na bigay ng Diyos upang magkasala ng pangangalunya, kunin ang asawa ng iba, at ipapatay ang asawa nito. Pansinin kung paano binigyang diin ng propeta ng Diyos ang hindi wastong paggamit ng kapangyarihan sa pagsaway niya na nakatala sa II Samuel 12:1-14.
2. Ang isang propeta sa Lumang Tipan na nangangalang Balaam ay nagabuso rin ng tunay na kapangyarihang ng Diyos na ibinigay sa kaniya. Basahin ang kaniyang kasaysayan sa Bilang 22-24.
3. Sa Gawa 8:9-11 ay inilalarawan ang kahalagahan ng pagkilala sa tunay na kapangyarihan ng Diyos upang hindi ka madaya noong mga umaabuso ng kapangyarihang espirituwal.
4. Basahin ang kasaysayan ni Jehoash sa II Hari 13:18-19. Ang Panginoon at ang propeta ay nabigo sapagkat hindi ginamit ni Jehoash ang lahat ng kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos. Tumanggap siya mula sa Diyos, ngunit yun lamang mga sinampalatayanan niya. Hindi niya tinanggap ang lahat ng nais ng Diyos na ibigay sapagkat iginiit niya ang kaniyang sariling makataong limitasyon.
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA
PAGHARAP SA KALABAN
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanatang ito magkakaroon ka ng kakayahang:
-Isulat ang Susing Talata na memoryado.
-Tukuyin ang pinagmumulan ng lahat ng mga hamon sa kapangyarihang espirituwal at
kapamahalaan.
-Tukuyin ang mga dahilan kung bakit ang kapamahalaang espirituwal ay hinahamon.
-Ilista ang panuntunan sa pagharap sa kalaban.
SUSING MGA TALATA:
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at
ang mga pinuno ay nagsasanggunian, laban sa Panginoon at laban sa Kaniyang
pinahiran ng langis… (Awit 2:2)
PAMBUNGAD
Ang kapangyarihan at kapamahalaan ni Jesus ay madalas hinamon sa panahon ng Kaniyang ministeryo dito sa lupa. Pagkatapos na si Jesus ay mabautismuhan sa tubig at ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay dumating sa Kaniya, ang Kaniyang kapangyarihan ay hinamon ni Satanas sa isang serye ng tatlong mga pagtukso (mateo 4:1-11).
Tinukso ni Satanas si Jesus na gamitin ang Kaniyang kapangyarihan para sa pansariling kapakinabangan sa pamamagitan ng ang bato ay gawing tinapay. Tinukso niya si Jesus na ipakita ang Kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ituktok ng templo. Inalok din ni Satanas si Jesus ng lahat ng mga kaharian ng sanglibutan kung si Jesus lamang ay sasamba sa kaniya.
Ang kapamahalaan ni Jesus ay hinamon din ng mga lider ng relihiyon noon. Hinamon ang Kaniyang doktrina, paraan ng paglalahad, at kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos sa Kaniyang buhay at ministeryo.
SA LIKOD NG HAMON
Sa Ika-tatlong Kabanata ng kursong ito, pinag-aralan mo ang tungkol sa “Paghamon sa Huwad.” Laging tandaan na si Satanas ay nasa likuran ng lahat ng mga pwersa na humahamon sa tunay na kapangyarihang espirituwal.
Ang ilang mga salungat sa kapangyarihang espirituwal ay mula sa mga pangyayari sa buhay. Ang mga “alalahanin ng sanglibutan” ay maaaring maging mabigat at marami. Si Satanas ay nasa likod ng paghadlang sa daloy ng kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay.
Higit na maraming pagsalungat ang nagmumula sa mga taong nakapalibot sa iyo, ngunit dapat mong laging tandaan na hindi ang mga tao mismo ang sumasalungat sa iyo. Hinahayaan nila na ang kanilang mga kaisipan at paguugali ay maimpluwensyahan ni Satanas. Si Satanas mismo ang pwersa na gumagalaw laban sa iyong kapangyarihan at kapamahalaang espirituwal
MGA DAHILAN PARA SA HAMON
May mga dahilan kung bakit ang kapamahalaan ni Jesus ay hinamon. Ito rin ang mga dahilan kung bakit hahamunin ni Satanas ang iyong kapangyarihang espirituwal:
KAWALAN NG PANANAMPALATAYA:
Basahin ang kasaysayan ng pagbabangon sa anak ni Jairo mula sa mga patay sa Lucas 8:49-56. Gumawa si Jesus ng isang dakilang himala, ngunit bago Niya ginawa ito, naharap Siya sa isang problema na tulad ng ilang mga hamon na iyong hinaharap.
Nang si Jesus ay pumasok sa bahay ni Jairo nasagupa Niya ang kawalan ng pananampalataya. Sa tuwing magtitiwala ka sa Diyos para sa isang kapahayagan ng Kaniyang kapangyarihan, mga taong walang pananampalataya ang magsasabi sa iyo kung bakit hindi mangyayari ang nais mo, bakit hindi ito dapat mangyari, at bakit hindi kalooban ng Diyos na ito ay mangyari.
OPINYON NG NAKARARAMI:
Huwag mong isipin na sapagkat ikaw ay nasa kalagitnaan ng kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos na ikaw ay maiibigan ng lahat ng tao. Hinamon ng opinyon ng nakararami ang kapamahalaan ni Jesus. Basahin ang kasaysayan sa Marcos 5:5-15. Gumawa si Jesus ng isang dakilang himala, subalit laban sa Kaniya ang opinyon ng nakararami:
At sila’y nangagpasimulang magsipamanhik sa
Kaniya na Siya’y umalis sa kanilang mga hangganan. (Marcos 5:17)
Sa isa pang pagkakataon, tinawanan ng mga tao si Jesus (Marcos 5:40). Dapat kang maging handa, kung kinakailangan, na tumayong magisa. Hindi lahat ay tatanggap sa iyong ministeryo. Sinabi na sa huling araw, ang mga tao ay nagsipagbunton sa kanila ng mga guro ayon sa kanilang mga masasamang pita sapagkat may “kati ang tainga.” Ang magiging popular na ministeryo ay yaong nagsasabi ng mga gustong marining ng mga tao sa halip na ang mensahe na nais ibigay ng Diyos.
TRADISYON:
Ang mga eskriba at Pariseo ay sumalungat sa kapamahalaan ni Jesus sa pagkat hindi ito sumangayon sa kanilang mga tradisyon ng relihiyon. Madalas sinabi ni Jesus “Narinig ninyo” at tutukoy ng isang tradisyon ng mga lider ng relihiyon. Pagkatapos ay sasabihin Niya, “Ngunit sinasabi Ko sa inyo,” at magpapatuloy na ibahagi ang isang makapangyarihang katotohanan mula sa Diyos. Naranasan ni Jesus na salungatin Siya sapagkat ang Kaniyang pagtuturo ng kapangyarihan at kapamahalaan ay hindi sangayon sa mga tradisyong likha ng tao.
Ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos ay maaaring hindi sangayunan ng mga tradisyon ng iyong kultura o denominasyon. Kung ito ay totoo, haharap ka sa pagsalungat dahil sa mga dahilang sinalungat din si Jesus.
MGA KATIBAYAN O CREDENTIALS:
Sinalungat ang kapamahalaan ni Jesus sapagkat Siya ay hindi isang aprubadong lider ng relihiyon. Wala Siya ng mga credentials ng isang eskriba o Pariseo. Pinag-alinlanganan nila ang Kaniyang kapamahalaan sapagkat Siya ay anak ng isang karpentero mula sa dukhang nayon ng Nazareth:
Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? Hindi
baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at
Judas ang kaniyang mga kapatid?
At ang kaniyang mga kapatid na mga babae,
hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng
lahat ng ganitong mga bagay?
(Mateo 13:55-56)
Kahit ang isa sa mga lalaking magiging tagasunod Niya ay nagtanong:
Mangyayari bagang
lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret?
(Juan 1:46)
Nagtanong ang mga tao:
… Sa anong kapamahalaan ginagawa Mo ang mga bagay na ito? At sino ang sa Iyo’y nagbigay ng kapamahalaang ito? (Mateo 21:23)
Ang iyong kapangyarihan at kapamahalaan ay maaaring hamunin noong mga nakakadama na wala ka sa tamang lahi, angkan o antas ng lipunan. Maaaring ikaw ay hamunin sapagkat hindi ka nag-aral sa isang Bible College o wala kang lisensya mula sa isang denominasyon.
Higit na mahalaga na ang credentials mo ay ang kapangyarihang espirituwal sa halip na yaong galing lamang sa mga denominasyon ng tao. Ang pinakamahalaga ay maging isang lalake o babae na pinatunayan ng Diyos (Gawa 2:22).
DOKTRINA:
Si Jesus ay sinalungat dahil sa Kaniyang doktrina:
At silang lahat ay nangagtaka, ano pa’t
sila-sila rin ay nangagtatanungan, na sinasabi, Ano kaya ito? Isang bagong aral
yata! May kapamahalaang naguutos pati sa mga karumaldumal na espiritu, at
Siya’y tinatalima nila. (Marcos 1:27)
Ang kapangyarihang inihayag ni Jesus ay hindi ayon sa mga doktrina na dala ng mga lider ng relihiyon ng panahong yaon. Ang Kaniyang mga turo ay hindi kasangayon ng mga isipan at paniniwala na kanilang pinalawak at tinawag na doktrina.
PARAAN NG PAGTUTURO:
May ilang mga sumalungat sa paraan ng pagtuturo ni Jesus. Nagturo Siya na may kapamahalaan, hindi tulad ng mga escriba. May ilang sasalungat sa paraan mo ng pagtuturo. Sasabihin nila na masyado kang emosyonal o nagtuturo ka na masyadong may kapamahalaan.
Ang mga pagtuturo ni Jesus ay simple, bagamat makapangyarihan. Magpapayo ang ilan sa iyo na laliman mo ang iyong pangangaral na may mga mabibigat na mga teolohiya ang iyong mga mensahe at bawasan ang emosyon. Ngunit tandaan ang sinabi ni Pablo:
At ang aking pananalita at ang aking
pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa
patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan.
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag
masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos. (I Corinto 2:4-5)
KAMALIANG ESPIRITUWAL:
Ang kapahayagan ng kapangyarihan ay hahamunin noong mga nasa kamaliang espirituwal:
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa
kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng
kapangyarihan man ng Diyos. (Mateo
22:29)
Maaari kang hamunin nonng mga nasa kamaliang espirituwal sapagkat kanilang itinatatuwa ang kapangyarihan ng Diyos.
HINDI WASTONG PAGGAMIT:
Maaaring ikaw ay hamunin noong mga tutukso sa iyo na abusuhin ang paggamit ng kapangyarihang espirituwal. Hinamon ni Satanas si Jesus sa larangang ito.Tinukso niya si Jesus na gamitin ang Kaniyang kapangyarihan para sa sariling pakinabang at upang patunayan ang Kaniyang posisyon.
Tutuksuhin ka rin ni Satanas sa ganitong paraan. Tutuksuhin ka niya na gamitin ang iyong kapamahalaan upang malagay ka sa isang dako nga katanyagan. Magmumungkahi siya ng mga paraan kung paano gagamitin ang kapangyarihan para sa pansariling pakinabang. Ito ang isa sa pinakamalaking hamon na iyong haharapin.
ANG IYONG PAMUMUHAY:
Haharap ka sa pagsalungat kung mamumuhay ka ng isang buhay ng pananampalataya at kapangyarihan. Ang mga lumalakad sa pananampalataya ay nakakairita sa mga lumalakad ayon sa likas na paningin.
Si Esteban ay isang lalake ng pananampalataya at kapangyarihan (Gawa 7:54) at siya ay kanilang binato hanggang mamatay.
PAGHARAP SA HAMON
Sa iyong paglago mula sa larangan ng pagpapalang espirituwal tungo sa larangan ng kapangyarihan at kapamahalaan, ikaw ay hahamunin din. Ito ay iyong gagawin kung hamunin ni Satanas ang iyong kapamahalaan:
KILALANIN ANG PINAGMULAN:
Tandaan na ang lahat ng mga hamon sa tunay na kapangyarihang espirituwal ay mula kay Satanas. Hindi ang mga pangyayari at mga tao ang mga humahamon. Dapat mong kilalanin ang tunay na pinagmumulan ng pagsalungat upang mabisa mo itong maharap:
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi
laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, sa mga kapangyarihan,
laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa
espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
(Efeso 6:12)
HUWAG SAYANGIN ANG PANAHON SA PAGTATALO:
Sapagkat ang iyong pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, huwag mong sayangin ang panahon sa mga pakikipagtalo sa tao. Hindi apektado si Satanas ng mga lohika, talino, o pagtatalo sa teolohiya.
Hindi ginugol ni Jesus ang panahon sa pakikipagtalo o debate sa Kaniyang kapamahalaan espirituwal. Nagtanong Siya ng ilang mga tanong na nakatuon sa kondisyong espirituwal noong mga humahamon sa Kaniya, at pagkatapos ay sinabi…
…Hindi Ko rin naman sasabihin sa inyo kung
sa anong kapamahalaan ginagawa Ko ang mga bagay na ito. (Mateo 21:27)
HARAPIN ANG KALABAN:
Huwag kang tumakas mula sa kalaban. Huwag mong pahintuin ang daloy ng kapangyarihan ng Diyos upang pagbigyan ang mga tao. Harapin mo ang mga sumasalungat sa kapangyarihan ng Diyos.
Nang si Jesus ay pumasok sa bahay ni Jairo upang buhayin ang anak nito, hinarap Niya ang mga pwersa ng kawalan ng pananampalataya. Hindi Niya hinayaang pigilan Siya nito. Hindi Siya lumabas ng bahay na takot at talunan. Hinarap Niya ang kalaban at natupad Niya ang layuin ng Kaniyang pagparito.
GAMITIN ANG KAPAMAHALAAN:
Alalahanin ang kapamahalaan na itinakda sa iyo ni Jesus. Sinabi Niya “Binigyan kita ng kapangyarihan laban sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway.”
Ibinigay Niya ito sa iyo, ngunit dapat mong gamitin. Kung kaharap mo ang hamon ni Satanas, gamitin ang kapamahalaang espirituwal laban sa hamon na yaon. Gamitin mo ang kamapahalaan sa pangalan ni Jesus. Gamitin mo ang kapamahalaang salig sa Salita ng Diyos. Gamitin ang mga prinsipyo ng kapangyarihan na iyong natutuhan sa kursong ito.
Binigyan ka ng kapangyarihan laban sa LAHAT ng kapangyarihan ng kaaway. Pagtagumpayan mo ang mga negatibong pwersa ng kawalan ng panaampalataya! Tumayo sa kapamahalaan ng Diyos sa iyong buhay.
PANSARILING PAG-AARAL
1. Isulat ang Susing Talata na memoryado.
2. Sino ang nasa likod ng lahat ng pagsalungat sa tunay na kapangyarihang espirituwal?
3. Ibigay ang buod ng iyong natutuhan sa araling ito tungkol sa mga dahilan na ang kapangyarihan at kapamahalaan ay hinahamon.
4. Ilista ang mga panuntunan na ibinigay sa kabanatang ito sa pagharap sa pagsalungat sa kapangyarihang espirituwal.
(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
1. Ang paghamon sa mga pinahiran ng kapangyarihan ng Diyos ay hindi nagsimula kay Jesus. Binanggit ito ni David sa Awit 2. Ibigay ang buod ng itinuturo ng Awit na ito tungkol sa paksang ito:
2. Basahin ang Lumang Tipan at tukuyin ang mga hamon na hinarap ng mga lalake at babae na sinangkapan ng kapangyarihan ng Diyos. Pansinin ang mga paraan kung paano nila hinarap at pinakitunguhan ang pagsalungat ni Satanas, pagkatapos ay gamitin mo ang mga katotohanang ito sa iyong sariling buhay at ministeryo. Gamitin ang sumusunod na tsart:
Reperensya Tao
Hamon Paano Hinarap Paano Ko Magagamit
Na Hinarap Sa aking Buhay
MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT
UNANG KABANATA:
1. Oh Dios, Ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan Ka ng aking kaluluwa, pinananabikan Ka ng Aking laman, Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
Sa gayo’y tumingin ako sa Iyo sa santuario, Upang tanawin ang Iyong kapangyarihan at ang Iyong kaluwalhatian. (Awit 63:1-2)
2. Ang relihiyon ay ang pagsusumikap ng tao na makilala ang Diyos. Ito ay isang rituwal at mga reglamento, mga gawa at mga salita na walang kapangyarihan. Kamatayang espirituwal ang dala ng relihiyon.
Ang kapangyarihan ng Diyos ang nakikitang kapahayagan ng Kaniyang nais na ihayag ang Kaniyang sarili sa tao. Ang kapangyarihang espirituwal ay ang Kaharian ng Diyos na kumikilos. Ito ay nagdadala ng buhay espirituwal.
3. Politikal, talino, pisikal, pinansyal, militar, at kapangyarihan ng relihiyon at ang kapangyarihan ng enerhiya.
4. Mateo 20:25-28
5. Ang kahulugan ng salitang “kapangyarihan” ayon sa Biblia ay ang lakas espirituwal, kakayahan, pwersa, at lakas. Ito ay makalangit na pananakop na nagbubunga ng makapangyarihang mga gawa at mga himala. Ang kahulugan ng salitang “kapamahalaan” ayon sa Biblia ay malapit ang kaugnayan at may katulad na kahulugan sa salitang “kapangyarihan.” Ito ay tumutukoy sa legal at karapatang kapangyarihang na kumilos para sa iba. Ang paggamit ng kapamahalaan ay ang paghahayag ng kapangyarihan.
6. Ang pinagmumulan ng kapangyarihang espirituwal ay ang Diyos Ama, Diyos Anak na si Jesu-Cristo at ang Espiritu Santo. Ang pinagmumulan ng masamang kapangyarihang espirituwal ay si Satanas.
7. Ang pangako at pag-aari ng pangako.
8. Dapat mong piliin na ariin ang pangako; Dapat mong maunawaan ang mga prinsipyo; Dapat mong gamitin ang mga prinsipyo.
9. Pagsisisi.
IKALAWANG KABANATA:
1. Ang Dios ay nagsalitang minsan, Makalawang aking narinig ito; Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios. (Awit 62:11)
2. Ang pinagmulang ng isang bagay ay ang simula o pinanggalingan.
3. Ang tunay at buhay na Diyos na nahayag sa Banal na Biblia.
4. Inihayag ng Diyos ang Kaniyang kapangyarihan sa lupa sa sumusunod na mga paraan:
Kalikasan Jesu-Cristo
Kahatulan Ang Espiritu Santo
Katubusan Mga makalangit na mga tanda
Ang Kaniyang nasulat na Salita Mga mananampalataya
5. Mali. Ang Diyos ang pinagmumulan ng kapangyarihan at ng pinakadakilang kapangyarihan, ngunit nagtatag din Siya ng ibang mga kapangyarihan.
6. Efeso 1:9-10 at 3:11
IKATATLONG KABANATA:
1. At hindi katakataka: sapagkat si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
(II Corinto 11:14-15)
2. Nang banggitin ni Pablo ang tungkol sa “mga kasamaang espirituwal sa mga dakong kataastaasan,” tinutukoy niya ang mga masasamang espiritu na nakapasok ng lihim sa sistema ng relihiyon ng sanglibutan. Ginagaya nila ang tunay na kapangyarihan ng Diyos.
3. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-tatlong Kabanata.
4. Ikumpara ang iyong buod sa mga estratehiya na ibinigay sa Ika-tatlong Kabanata.
IKA-APAT NA KABANATA:
1. At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y Kaniyang kinausap, na sinasbi, Ang lahat ng kapamahalaan sa Langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin. (Mateo 28:18)
2. Hindi limitado si Jesus. Mayroon Siya ng lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa. Mateo 28:18
3. Ang Diyos Ama.
4. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-Apat na Kabanata.
IKA-LIMANG KABANATA:
1. Narito, binigyan Ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa’y hindi kayo maaano. (Lucas 10:19)
2. Ang kapamahalaang espirituwal ng mananampalataya ay itinakda ni Jesus.
3. Kung ang isa ay binigyan ng isang pananagutan na gawin ang isang bagay, dapat din siyang bigyan ng kapamahalaan na magawa ito.
4.Upang abutin ang sanglibutan ng Ebanghelyo.
5. Ang salitang Griego na “dunamis” ay tumutukoy sa kapangyarihang likas. Ang salitang “exousia” naman ay kapangyarihan o kapamahalaang itinakda.
6. Ang pangungusap ay mali.
IKA-ANIM NA KABANATA:
1. At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang Salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip. (Marcos 16:20)
2. Ang kapangyarihan ay ginagamit sa sanglibutan para sa makasariling layunin. Ang kapangyarihang espirituwal ay dapat gamitin para sa mga layuning espirituwal at sa pagsulong ng Kaharian ng Diyos.
3. Mateo 20:25-27
4. Maaari mong isulat ang alin man sa mga layunin ng kapangyarihan na tinalakay sa kabanatang ito.
IKA-PITONG KABANATA:
1. Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang Evangelio: sapagkat siyang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una’y sa Judio at gayon din sa Griego. (Roma 1:16)
2. Ang ibig sabihin ng salitang Ebanghelyo ay “magandang balita.” Kung ating gamitin ang salitang Ebanghelyo ayon sa kahulugan ng Biblia ito ay tumutukoy sa magandang balita ng Kaharian ng Diyos at ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
3. I Corinto 15:3-4. Ang paunang elemento ng Ebanghelyo ay nakatuon sa buhay at ministeryo ni Jesus. Kabilang nito ang Kaniyang kamatayan para sa kasalanan ng buong sangkatauhan, ang Kaniyang pagkalibing, at ang Kaniyang pagkabuhay na maguli mula sa mga patay ayon sa nasulat na tala ng Salita ng Diyos.
4. Tingnan ang Roma 1:16-19
-Ito ang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos sa tao.
-Ito ay nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng mga tao, anoman ang lahi, kulay o paniniwala.
-Ito ay naghahayag nang maaring maalaman ng mga tao tungkol sa Diyos.
-Ito ay naghahayag ng kahatulan at poot ng Diyos laban sa kasalanan.
-Ito ay naghahayag ng katuwiran ng Diyos.
-Ito ay nagpapakita kung paano aariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
-Ito ang batayan ng pananampalataya ng ating pamumuhay.
5. Ikumpara ang iyong buod tungkol sa kapangyarihan ng dugo sa pagtalakay sa Ika-pitong Kabanata.
6. Pananampalataya.
7. Kilalanin na ikaw ay nagkasala: Roma 3:23
Sumampalataya na si Jesus ay namatay para sa iyong mga kasalanan: Juan 3:16-17
Ihayag ang iyong mga kasalanan sa Diyos at hingin mo sa kaniya na ikaw ay patawarin: I Juan 1:8-9
Danasin ang isang buhay na binago: II Corinto 5:17
8. Mali. Ibinigay ni Jesus ng kusa ang Kaniyang buhay sa krus.
IKA-WALONG KABANATA:
1. At narito, ipadadala Ko sa inyo ang pangako ng Aking Ama, datapuwat magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas. (Lucas 24:49)
2. Gawa 1:8. Ang kapangyarihan ay dumarating PAGKATAPOS na ang Espiritu Santo ay dumating sa atin.
3. Upang maging mga saksi ng Panginoong Jesu-Cristo. Tingnan ang Gawa 1:8
4. Galacia 5:22-23
5. Magsisi at ma-bautismuhan
Sumampalatayang ito ay para sa iyo
Nasain mo
Kilalanin mo na ito ay isang kaloob
Sumuko ka sa Diyos
Hilingin ang panalagin ng ibang mananampalataya
6. Ikumpara mo ang iyong listahan sa pagtalakay sa Ika-walong Kabanata.
IKA-SIYAM NA KABANATA:
1. Datapuwat ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig. (I Corinto 13:13)
2. Ang pagibig ay isang malalim na damdamin ng pagmamahal, pagkalinga, at pagmamalasakit na lumago sa ating buhay bilang bunga ng Espiritu Santo.
3. Ang unang dakilang utos ay ibigin ang Diyos. Ang pangalawa ay ibigin ang kapwa. Marcos 12:30-31.
4. Sa pamamagitan ng pagiibigan sa isat-isa. Juan 13:35
5. Pagibig.
6. Pagibig.
7. Tulad din ng pagibig.
IKA-SAMPUNG KABANATA:
1. At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa Kaniya’y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo’y turuan ng sinoman; ngunit kung paanong kayo’y tinuturuan ng Kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa Kaniya. (I Juan 2:27)
2. Ang sagradong pagpapahid ng langis sa Lumang Tipan ay ginamit upang ibukod ang mga tao at bagay sa pagtatalaga sa Diyos.
3. Ang sagrado o banal na pagpapahid ay ginamit upang pahiran ng langis ang mga propeta, mga hari, mga saserdote, mga altar, ang tabernakulo at ang mga kasangkapan nito.
4. Ang pinahiran.
5. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-sampung Kabanata.
6. Sapagkat ang Diyos ay hindi nagpapahid ng langis sa bawat isa para sa pare-parehong ministeryo. Ang kabiguan at kalituhan ang bunga kung sisikapin mo na gayahin ang isang ministeryo na hindi ka naman pinahiran ng Diyos para dito.
7. Ikumpara ang iyong sagot sa mga panuntunang ibinigay sa Ika-sampung Kabanata.
8. Ang Diyos.
IKA-LABINGISANG KABANATA:
1. At si Esteban, na puspos ng biyaya at kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao. (Gawa 6:8)
2. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay maniwala at magkaroon ng kasiguruhan patungkol sa isang bagay. Ang ibig sabihin ng sumampalataya ay magtiwala. Ang mga salitang pananampalataya, maniwala, at magtiwal sa Kasulatan ay pare-pareho ng kahulugan. Ang pananampalataya ang nagbibigay ng kasiguruhan na ang mga bagay na ipinangako ay magkakatotoo at ang hindi nakikitang mga bagay ay tunay. Tingnan ang Hebreo 11:1
3. Binanggit ni Jesus ang mga tao na hindi ginamit ang kanilang pananampalataya bilang walang pananampalataya (Mateo 17:17). Binanggit din Niya yaong mga kakaunti ang pananampalataya (Mateo 6:30; 8:26; 14:31; Lucas 12:28) at yaong mga may malaking pananampalataya (Mateo 8:10; 15:28; Lucas 7:9).
4. Pananampalatayang nagliligtas, pananampalatayang nagpapabanal, pananampalatayang nagtatanggol, kaloob ng pananampalataya, bunga ng pananampalataya.
5. Sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos.
6. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labingisang Kabanata.
IKA-LABINGDALAWANG KABANATA:
1. Kaya Siya naman ay pinakadakila ng Dios, AT SIYA’Y BINIGYAN NG PANGALAN LALO SA LAHAT NG PANGALAN:
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. (Filipos 2:9-11)
2. Ang mga pangalan sa Biblia ay may mahalagang kahulugan. Ang pangalang ibinibigay ay madalas na pinagpapasiyahan sa pamamagitan ng ilang mga pangyayari sa panahon ng pagsilang (Genesis 19;22). Minsan ang pangalan ay naghahayag ng pagasa o isang hula (Isaias 8:1-4; Oseas 1:4). Mga pangalang tulad ng Abram, Sarai, Jacob, Pedro, at Pablo ay binago dahil sa kanilang hantungan sa plano ng Diyos.
3. Isang anghel na sinugo mula sa Diyos.
4. Jesus.
5. Nakuha ni Jesus ang Kaniyang pangalan sa pamamagitan ng tatlong kaparaanang ang mga dakilang tao ay tumatanggap ng kanilang pangalan: Sa pamamagitan ng pagsilang, ng mga naisakatuparan ng ipinagkaloob.
6. Sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos. Roma 10:17
7. a. Kaligtasan d. Pangangaral, pagtuturo
b. Pagpapagaling e. Ang Diablo
c. Kabanalan f. Bautismo
8. a. Tama b. Tama c. Mali
IKA-LABINGTATLONG KABANATA:
1. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.
(Santiago 5:16b)
2. Panalangin at pagaayuno.
3. Paghingi, paghanap, pagtuktok.
4. Pagsamba at pagpupuri, pagtatalaga, paghingi, paghahayag, pamamagitan.
5. Tingnan ang listahan sa Ika-labingtatlong Kabanata.
6. Ang pananalangin ay pakikiugnay sa Diyos. Ito ay may ibat-ibang wangis, ito ay nagaganap kung ang tao ay makipagusap sa Diyos at ang Diyos ay makipagusap sa tao.
7. Ang pagaayuno sa pinakamadaling kahulugan ay ang hindi pagkain.
8. Ayon sa Biblia may dalawang uri ng pagaayuno. Ang lubos na pagaayuno na dito ay walang pagkain at inumin. Ang isang halimbawa nito ay makikita sa Gawa 9:9. Ang bahagyang pagaayuno ay ang pagbabawas sa karaniwang kinakain. Ang halimbawa nito ay nasa Daniel 10:3.
9. Upang magpakumbaba
Upang magsisi ng kasalanan
Para sa kapahayagan
Upang pawalan ang pagkatali ng kasamaan, angatin ang mga mabibigat na pasan, palayain ang
mga naaapi, at wasakin ang bawat pagkabihag
Upang pakanin ang mga dukha, sa pisikal at espirituwal
Upang marinig ng Diyos
IKA-LABINGAPAT NA KABANATA:
1. Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. (Hebreo 4:12)
2. Ang Diyos.
3. Ang “rhema” ng Salita ng Diyos ay tumutukoy sa isang tiyak na pananalita ng Diyos na angkop sa isang tiyak na kalagayan.
4. Ang “logos” ng Salita ng Diyos ay tumutukoy sa buong sinalita ng Diyos. Ito ang buong kapahayagan ng sinabi ng Diyos.
5. Hinarap Niya ang mga ito ng Salita ng kapangyarihan, ang Salita ng Diyos. Ginamit Niya ang “rhema” ng Salita ng Diyos.
6. Ikumpara ang iyong buod sa mga pagtalakay sa Ika-labingapat na Kabanata.
7. Ikumpara ang iyong buod sa mga pagtalakay sa Ika-labingapat na Kabanata.
8. Mali.
IKA-LABINGLIMANG KABANATA:
1. Ang bawat kaluluwa ay pasasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Diyos. (Roma 13:1)
2. Dapat mong kunin ang iyong kapamahalaan sa isang lehitimong pinagmumulan.
3. Si Jesus ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Ito ang pinagmulan ng kapamahalaan na Kaniyang ginamit. Dahil dito, may kapamahalaan Siya laban sa sakit, demonyo, kasalanan at mga kalikasan.
4. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labinglimang Kabanata.
5. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labinglimang Kabanata.
6. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labinglimang Kabanata.
7. Roma 13:1-7
8. Ang Diyos.
IKA-LABINGANIM NA KABANATA:
1. Upang makilala ko Siya, at ang kapangyarihan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng Kaniyang mga kahirapan, na ako’y natutulad sa Kaniyang pagkamatay. (Filipos 3:10)
2. Ang ibig sabihin ng salitang pagkabuhay na maguli ay ang pagbangon, o ibangon mula sa mga patay at ibalik sa buhay.
3. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labinganim na Kabanata.
4. Mali.
5. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labinganim na Kabanata.
6. Si Jesus. Juan 11:25
IKA-LABINGPITONG KABANATA:
1. Sapagka’t siya’y ipinanako sa krus dahil sa kahinaan, gayon ma’y nabubuhay Siya dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Sapagka’t kami naman ay sa Kaniya’y mahihina, nguni’t kami ay nabubuhay na kasama Niya sa kapangyarihan ng Diyos sa inyo. (II Corinto 13:4)
2. Si Satanas.
3. Ang pagdurusa ay dumarating sa ating buhay sa pamamagitan ng ibang tao, ang mga pangyayari sa buhay, ministeryo, kasalanan, at pagsalakay mismo ni Satanas.
4. Ikumpara ang iyong buod ng mga layunin ng pagdurusa sa pagtalakay sa Ika-labingpitong Kabanata.
IKA-LABINGWALONG KABANATA:
1. At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatotohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip. (Marcos 16:20)
2. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labingwalong Kabanata.
3. Ang Iglesia ang dapat maging sentro ng kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
4. Dapat mong gamitin upang ito ay lumago. Tingnan ang talinhaga sa Lucas 19:12-26
IKA-LABINGSIYAM NA KABANATA:
1. At Siya’y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya. (Mateo 13:58)
2. Deuteronomio 29:29.
3. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-labingsiyam na Kabanata.
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:
1. Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, laban sa Panginoon at laban sa Kaniyang pinahiran ng langis…(Awit 2:2)
2. Si Satanas.
3. Ikumpara ang iyong buod sa pagtalakay sa Ika-dalawampung Kabanata.
4. Tingnan ang panuntunang nalista sa Ika-dalawampung Kabanata.