PAGBUO NG PANANAW

SA MUNDO BATAY SA BIBLIA

 

 

 

HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE

 

Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute,  isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pag-aaning espirituwal.

 

Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.

 

Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa paglalarawan sa isip, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.

 

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag na mga kurso, sumulat sa:

 

 

 

Harvestime International Institute

14431Tierra Dr.

Colorado Springs, CO 80921

U.S.A.

 

 

 

 

 

 

 

© Harvestime International Institute

Copyright

 

 

 

 

 

 

NILALAMAN

 

Paano Gamitin ang Manwal na ito  .                  .           .           .           .           .           .        .       I

       

Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral          .           .           .           .           .        .      II

           

Pambungad     .            .           .           .           .           .           .           .           .           .        .       1

 

Mga Layunin ng Kurso          .  .           .           .           .           .           .           .        .       2

 

1. Sa Pasimula   .       .        .        .       .            .           .           .           .           .           .        .        3

 

2. Ang Pagkakabaha-bahagi Ng Sangkatauhan    .        .           .           .           .           .         .      12

 

3. Pagtanaw Sa Mundo Tulad Ng Pananaw Ng Dios .   .           .           .           .        .       17

 

4. Ang Sanglibutan Sa Biblia: Lumang Tipan   .        .           .          .      .           .        .        24

 

5. Ang Sanglibutan Sa Biblia: Bagong Tipan    .        .    .           .           .           .        .        41

 

6. Ang Iglesia Na Nasa Sanglibutan      .              .        .          .           .           .          .          .       52

 

7. Ang Naghihintay Na Daigdig     .       .          .         .  .           .           .           .         .        66

 

8. Ang Pagiging "World Christian"       . .           .           .           .           .            .         .       78

 

9. Tagapamagitan Sa Pananalangin Para Sa Buong Mundo   .    .           .           .          .       90

 

10. Pagbabahagi Ng Pananaw Sa Mundo Batay Sa Biblia        .            .          .           .         .       102

 

11. At Darating Ang Wakas     .               .        .           .           .           .           .           .         .       120

 

Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit    . .           .           .           .           .           .         .       128

 

 

PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO

 

PORMAT NG MANWAL

 

Bawat Aralin ay binubuo ng:

 

Mga Layunin:  Ito ang mga layunin na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.

 

Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Memoryahin ito.

 

Nilalaman ng Kabanata: Pag-aralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pag-aralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang mag-aral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin ang pagsusulit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.

 

 

DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT

 

Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia

 

 

 

I

MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG PAGAARAL

UNANG PAGTITIPON

 

Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga mag-aaral.

Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,

ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.

 

Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.

 

Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Mag-aaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.

 

Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.

 


PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD

NA MGA PAGTITIPON

 

Pasimula: Manalangin.  Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.

 

Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling buod ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.

 

Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NANG MALALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.

 

Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.)

 

Para sa Dagdag na Pag-aaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .

 

Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat mag-aaral at pangasiwaan ang pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.

 

II


Module: Pagpaparami

Kurso: Pagbuo Ng Pananaw Sa Mundo Batay Sa Biblia

 

PAMBUNGAD

 

Ito ang unang kurso sa Pangatlong Module sa pagsasanay ng Harvestime International Institute. Ang Unang Module, na pinamagatang "Pagtanaw," ay ipinakikita ang pangitain ng pag-aaning espirituwal. Ang mga kurso sa Ikalawang Module tungkol sa "Paghihirang" ay nagbibigay ng pagsasanay upang matupad mo ang pangitaing ito. Ang mga kurso sa Ikatlong Module ang nagpapaliwanag kung paano mo palalawigin ang pangitaing tinanggap mo sa pamamagitan ng pagbabahagi kung ano ang mga natutuhan mo. Matututuhan mo kung paanong magsanay ng mga manggagawa sa pagaaning espirituwal upang sila naman ay makapagsanay din ng iba:

 

At ang mga bagay ng iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  (II Timoteo 2: 2)

 

Ang pagpapatuloy ng pagsasanay na ito ay tinawag na "Pagpaparami" sapagkat dumarami ang mga manggagawa na espirituwal.

 

Ang pagbubuo ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ay mahalaga sa pagpaparaming espirituwal. Ang kahulugan ng pagkakaroon ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ay nakikita mo ang mundo ayon sa inihayag sa Biblia. Hindi mo tinitingnan ang mundo bilang isang politiko, ekonomista, o mga tagapagturo. Hindi mo nakikita ang mundo ayon sa iyong kultura. Sa halip ay nakikita mo ang mundo tulad ng pagkakita ng Dios. Unti-unti mong nauunawaan ito mula sa Kanyang pananaw. Ang ibig sabihin ng "develop" ay maragdagan ang iyong kaalaman sa isang larangan. Ang kursong ito ay magdaragdag ng iyong kaalaman ng sanglibutang iyong tinitirahan upang lalo mong paramihin ang mga manggagawang espirituwal.

 

Ipinaliliwanag sa kursong ito ang "world view" na inihayag sa Biblia, ang nalimbag na Salita ng Dios. Tinutunton nito ang paksa mula Genesis hanggang Apocalipsis. Ipinaliliwanag dito ang plano ng Dios sa mga bansa ng sanglibutan mula sa pasimula hanggang sa dulo ng tinatawag nating "panahon." Ipinakikita rito ang responsabilidad ng mga mananampalataya na hamunin ang buong mundo na maging "World Christian."

 

Tinatalakay sa mga aralin ang mga kaganapang espirituwal sa buong mundo, binibigyang diin na ikalat ang evangelio sa mga hindi pa naaabot na mga grupo ng tao sa buong mundo. Sa mga aralin ay ipinakikita ang responsabilidad ng Igleisa sa mundo, at makikita mo ang mundo kung paano ito nakikita ng Dios. Subalit kung paanong ang pananampalataya na walang gawa ay patay (Santiago 2:26), ang pananaw sa sanglibutan na walang personal na kinalaman ay hindi epektibo. Ang kursong ito ay hahamunin ka na hindi lang maging tagamasid na may pananaw batay sa Biblia. Ikaw ay mahahamon na maging kasangkot sa aktibong ginagawa ng Dios sa mundo ngayon.

 

MGA LAYUNIN NG KURSO

 

Sa pagtatapos ng kursong ito magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Tingnan ang sanglibutan kung paano ito nakikita ng Dios.

 

.    Ibigay ang buod kung ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa mundo.

 

.    Magpakita ng pagkaunawa ng plano ng Dios para sa mga bansa.

 

.    Akuin ang iyong bahagi sa pagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian sa buong

      sanglibutan.

 

.    Maging isang " World Christian."

 

.    Makituwang sa pananalangin ng pamamagitan sa buong sanglibutan.

 

.    Ibahagi ang pananaw sa mundo batay sa Biblia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

UNANG KABANATA

 

SA PASIMULA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos mo ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

.    Tukuyin ang Lumalang ng daigdig at ng sangkatauhan.

 

.     Ibigay ang dalawang dahilan ng magkakaibang kuwento ng paglalang na mayroon

        sa iba't ibang panig ng mundo.

 

.     Ipaliwanag kung bakit ayaw tanggapin ng iba ang salaysay ng Biblia tungkol sa

       paglalang ng mundo.

 

.     Ipaliwanag ang kahulugan ng "Biblical World View."

 

.     Ibigay ang buod ng pagkalalang ng Dios sa mundo sa loob ng pitong araw.

 

.     Ipaliwanag ang posisyon ng tao at ang layunin ng kanyang pagkalalang.

 

.     Ibigay ang buod ng kuwento ng "pagbagsak ng tao."

 

.     Ipaliwanag ang mga resulta ng "pagbagsak ng tao."

 

.     Tukuyin ang unang reperensiya sa Biblia tungkol sa plano ng Dios sa sanglibutan.

 

.     Tukuyin kung ano ang dalawang mundo na kinabubuhayan ng lahat ng tao.

 

 

SUSING TALATA:

 

            Ng pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.  ( Genesis 1:1)

 

 

PAMBUNGAD

 

Ang maraming mga tao ay limitado ang pananaw sa mundo. Interesado lang sila sa kanilang nayon, siyudad, o bansa. Hindi nila kinikilala na ang lugar na kanilang tinitirhan ay maliit na bahagi lamang ng malaking planetang tinatawag na "mundo." Hindi nila alam ang espesyal na plano ng Dios na kasali ang buong mundo, iba't-ibang lahi, kultura, at mga wika.

 

Ang kabanatang ito ay ipinakikilala ang mundong ating tinitirhan. Nagpasimula ito sa paglalang ng sanglibutan at ng tao na nakatira rito. Ang ikalawang kabanata ay nagpaliwanag kung bakit ang mundo ay nahati sa iba't-ibang mga nasyon at mga wika.

 

MGA ALAMAT NG PAGLALANG

 

Ang bawat kultura ay may kanikanilang paniniwala tungkol sa paglalang ng mundo. Nais ng tao na ipaliwanag kung saan galing ang mga bagay. May dalawang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga alamat ng paglalang:

           

1. Sapagkat walang mapagkukunan ng tunay na kaalaman ang mga tao tungkol dito o...

            2. Pinili nilang huwag paniwalaan ang tunay na kuwento ng paglalang.

 

ANG DIOS NA LUMALANG

 

Ang tunay na kuwento ng paglalang ay nakatala sa Biblia. Ang buod ng unang kabanata ng Genesis ay narito sa unang talata ng Genesis:

 

Ng pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.  ( Genesis 1:1)

 

Ang Dios na binabanggit dito ang nagiisang tunay na Dios. Ang Biblia ang nasulat na mga tala ng mga gawa at mga salita ng Dios. Ang ibig sabihin ng pagbubuo ng isang pananaw sa mundo batay sa Biblia ay, ibabatay natin ang ating pagkaunawa sa mundo sa kung ano ang nakasulat sa Kanyang Salita, ang Biblia.

 

Ayaw ng iba na maniwala sa nakatala sa Biblia tungkol sa paglalang sapagkat kung ito ay gagawin nila ay dapat nilang kilalanin na may Dios. Kung kikilalanin nila na may Dios ay dapat din silang magpasakop sa Kanya. Dapat din silang maniwala sa Kanyang Salita at iwaksi ang masama nilang pamumuhay. Dahil sa ayaw ng tao na baguhin ang kanilang pamumuhay, mas pinili pa nila na hindi paniwalaan ang salaysay ng paglalang na nasa Biblia at ang katunayan na may Dios.

 

Ang iba naman ay nagsasabi na ang nakatala sa Biblia tungkol sa paglalang ay kaiba sa mga nadiskubre ng mga siyentipiko na nag-aral ng mundo. Totoo na ang Biblia ay kasalungat ng mga teoriya ng ilang siyentipiko, subalit ang teoriya ay isang palagay lamang kung paano nangyari ang isang bagay. Hindi pa ito napapatunayan. Sa bawat hamon ng mga siyentipiko, ang mga katotohanang nadiskubre sa kanilang pag-aaral ay nagpatunay na ang Biblia ay tama sa salaysay ng paglalang. 

 

 

 

 

ANG PAGLIKHA NG SANGLIBUTAN

 

Sinabi sa Genesis ang kalagayan ng sanglibutan nang ito ay lalangin ng Dios.

 

At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.

            ( Genesis 1: 2)

 

 

Ang mga sumusunod na talata ang nagsasalaysay ng paglalang ng Dios sa mundo:

 

            Unang araw:            Liwanag at dilim (3-5).

            Ikalawang araw:      Kalawakan ay inihiwalay sa tubig (6-8).

            Ikatlong araw:         Tuyong lupa at mga pananim (9-13).

            Ika-apat na araw:     Tanglaw sa kalawakan: araw, buwan, mga bituwin (14-19).

            Ika-limang araw:      Gumagalaw na kinapal sa tubig at mga ibon sa

          himpapawid (20-23).

            Ika-anim na araw:     Mga hayop sa lupa at ang tao (24-25).

 

Ibinuod ng Biblia ang paglalang ng Dios upang ipakita na...

 

...sa Kaniya nilalang ang lahat ng mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pasakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Niya at ukol sa Kaniya;

 

At Siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa Kaniya.  ( Colosas 1: 16-17)

 

 

ANG PAGLIKHA NG TAO

 

Sa ika-anim na araw, nilalang ng Dios ang pinakadakilang nilalang. Nilikha Niya ang unang tao sa Kanyang sariling wangis:

 

At sinabi ng Dios, lalangin natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis; at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.

 

At nilalang ng Dios ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang Niya sila na lalake at babae.

             (Genesis 1: 26-27)

 

Nilalang ng Dios ang unang tao, si Adam, mula sa alabok ng lupa at hiningahan siya ng hininga ng buhay (Genesis 2: 17). Nilalang ng Dios ang unang babae mula kay Adam. Basahin ang kuwento ng paglalang kay Eva sa Genesis 2: 18-25.

 

ANG LAYUNIN NG DIOS PARA SA TAO

 

Noong unang panahon, ang mga hari ay nagtatayo ng mga imahen ng kanilang sarili sa mga probinsiya ng kanilang emperyo upang katawanin siya kung saan hindi siya nakikita ng personal. Ang tao ay nilalang ng Dios ayon sa Kanyang wangis at inilagay sa lupa bilang Kanyang kinatawan. Bilang kinatawan ng Dios, binigyan ang tao ng kapamahalaan sa pag-aari ng Dios dito sa lupa. May kapamahalaan ang tao sa ibabaw ng mga halaman at mga hayop sa mundo.

 

May tanging responsabilidad din ang tao. Siya ay inatasang magparami at punuin ang sanglibutan ng mga lalake at babae na magpapakita ng wangis ng Dios:

 

At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isada sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.  (Genesis 1:28)

 

Ang tao ang pinakadakila sa lahat ng nilalang ng Dios. Ang tao ay nilalang ayon sa wangis ng Dios. Mayroon siyang buhay at kaluluwang walang hanggan, di tulad ng mga hayop. Mayroon siyang emosyon at isipan kaya siya maaaring makipagusap sa Dios.

 

Ang Espiritu ng Dios ay nananaog at nakikipag-usap sa tao sa magandang hardin na kanilang tinitirahan. (Genesis 3:8)

 

Dahil sa kanyang espesyal na posisyon sa buong nilalang, ang tao ay dapat ipakita ang  Dios kung saan siya itinulad. Siya ay dapat laging nakikiugnay at nagpupuri sa Dios na lumalang sa kanya:

 

Bawat tinatawag sa Aking pangalan, at yaong Aking nilikha ay sa Aking kaluwalhatian, yaong Aking inanyuan, oo, yaong Aking ginawa...

 

Ang bayan, na Aking inanyuan para sa Aking sarili, upang Aking maihayag ang Aking kapurihan.  (Isaias 43: 7,21)

 

Si Adam at si Eva ay naatasang magparami at punuin ang mundo ng mga taong katulad nila, mga taong banal, nagpapakita ng anyo ng Dios, at nakikipag-usap at pinupuri ang lumalang sa kanila. Subalit may nangyaring isang teribleng bagay upang sirain ang magandang planong ito.

 

ANG PAGBAGSAK NG TAO

 

Ang Kabanata 3 ng Genesis ang nagsalaysay ng pinakamalungkot na pangyayari sa buong Biblia. Dito ay nakatala ang "pagbagsak ng tao." Ang tao ay nilalang sa wangis ng Dios. Kung paanong ang Dios ay may kalayaang mamili, gayon din ang tao. Malaya siyang gumawa ng kanyang mga desisyon.

 

Maraming punong kahoy sa hardin na tinitirhan ni Adam at Eva, subalit mayroon ding dalawang natatanging puno. Ang isa ay ang puno ng buhay (Genesis 3:22). Kung iyon ang kinain ni Adam at Eva ay hindi na sila mamamatay.

 

Ngunit may isa pang puno sa hardin. Ito ay tinatawag na puno ng "pagkaalam ng mabuti at masama" (Genesis 2:17). Pinagbawalan si Adam at si Eva na kanin ang bunga nito. Hindi nais ng Dios na maranasan ng tao ang kasamaan at ang mga bunga nito, kaya sila ay binalaan na pag kinain nila ang bungang ito, sila ay mamamatay.

 

Subalit hindi nakinig ang tao sa babala ng Dios. Si Satanas ang kaaway ng Dios. Dati siyang isang magandang anghel ng Dios, subalit nagnasa siyang maging kasing dakila ng Dios. Kaya't siya ay nanguna ng pag-aalsa kasama ang ibang mga anghel sa Langit. Mababasa mo ito sa Biblia sa Isaias 14: 12-17.

 

Hindi nais ni Satanas na ang tao ay maglingkod sa Dios. Lumapit muna siya sa babae, pagkatapos sa lalake sa Hardin ng Eden. Nag-anyo siyang ahas. Tinukso niya sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangakong hindi totoo. Bumigay sila sa tukso, nagkasala laban sa Dios, at kumain ng bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama.

 

Nabago ang takbo ng mundo dahil sa pagbagsak ng tao. Ang mga halaman at mga hayop ay hindi na madaling alagaan. Nagpupunyagi na ang tao sa pagsupil sa kanila. Ang mga hayop ay naging mabangis at ang lupa ay tinubuan ng mga damo at tinik. Mga hindi magandang pagbabago ang nangyari sa panahon at nagkaroon ng mga baha at iba pang mga kalamidad.

 

Ang lahat ng kasamaan sa mundo ngayon- mga salot, pagdurusa, at mga trahedya - ay resulta nitong unang pagbagsak ng tao. Ang kasalanan ay pumasok sa sanglibutan, at kasama nito ang pagdurusa. Ang parusang kamatayan ay nakaatang sa tao, tulad ng babala ng Dios. Lahat ng tao ay makakaranas ng kamatayang pisikal hanggang sa dulo ng panahon.

 

Subalit ang pinakamasaklap ay, nahiwalay ang tao sa Dios dahil sa kasalanan. Ang wangis ng Dios na dapat makita sa tao ay nasira. Dahil sa kasalanan, nawala ang kaugnayan at pakikipag-usap ng tao sa Dios.   

 

ISANG DAKILANG PANGAKO

 

Sa pinakamadilim na oras sa kasaysayan ng tao, gumawa ang Dios ng pangako. Ang sabi ng Dios kay Satanas:

 

At papagaalitin Ko ikaw at ang Babae, at ang iyong binhi, at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.  (Genesis 3:15)

 

Ito ang unang pahayag ng espesyal na plano ng Dios. Ipinakita ang paglalaban ng tao at ni Satanas sa lahat ng siglo, subalit magpapadala ang Dios ng isa na tatalo sa kaaway ng tao at magbabalik ng wastong kaugnayan ng tao sa Dios. Ito ay ang Panginoong Jesucristo. Matututuhan mo pang lalo ang plano ng Dios sa sangkatauhan sa pagpapatuloy mo nitong pag-aaral na ito.

 

DALAWANG DAIGDIG

 

Ipinakita ng Genesis 2:15 ang isang mahalagang katotohanan. Ang lahat ng tao ay nakatira sa dalawang mundo. Nakatira tayo sa natural na daigdig sa ating mga bansa. Ito ang nakikita nating mundo. Nakatira rin tayo sa espirituwal na daigdig. Hindi ito nakikita ng pisikal na mga mata, subalit ito ay kasing tunay ng natural na mundo na tinitirhan mo.

 

Ang lahat ng tao ay may natural na katawan na nakatira rito sa natural na mundo, subalit tandaan mo na nilalang ang tao na may walang hanggang kaluluwa't espiritu. Ang iyong espirituwal na pagkatao [kaluluwa at espiritu] ay bahagi ng espirituwal na mundo kung paanong ang iyong katawan ay bahagi ng natural na mundo.

 

Sa Genesis 3:15, ang salitang "dudurog" ay tinutukoy ang batalya na nangyayari sa espirituwal na larangan. Ito ay paglalaban sa puso, isip, kaluluwa, at espiritu  ng tao.

Walang hindi kinakampihan dito. Lahat ng tao ay nahahati sa dalawang panig na magkalaban. Ang sabi ni Jesus:

 

            Ang hindi sumasa Akin ay laban sa Akin... (Mateo 12: 30)

 

Upang makabuo ng isang pananaw sa mundo batay sa Biblia, dapat nating maunawaan ang mga katotohanang ito:

 

1. Dapat nating matanto na ang tao ay hindi lang sa natural na mundo nakatira, kundi sa espirituwal na mundo.

 

2. Ang paglalaban sa espirituwal na larangan ay nakaka-apekto sa natural na mundong kinabubuhayan natin. Si Satanas ay gumagawa sa espirituwal na larangan at nakikita natin ito sa natural na daigdig sa mga masasamang gawa ng mga tao at mga bansa.

 

3. Hindi maaaring walang kinakampihan sa dakilang paglalabang espirituwal na ito. 

Alin sa dalawa, tayo'y para kay Jesus, o laban sa Kanya. Kung tayo ay para sa Kanya, naniniwala tayo sa lahat ng itinuturo ng Kanyang Salita at kumikilos tayo ayon dito. Kung tayo ay hindi naniniwala sa salita ng Dios at patuloy na namumuhay para sa ating sarili at sa kasalanan, tayo ay laban sa Kanya.

 

 

PANSARILING PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Sino ang lumalang ng sanglibutan at ng sangkatauhan?

 

________________________________________

3. Magbigay ng dalawang dahilan kung bakit may iba't ibang kuwento ng paglalang sa

buong mundo?

 

________________________________________

________________________________________

4. Bakit ayaw tanggapin ng ibang tao ang mga katotohanan ng pagkalalang mula sa Biblia?

 

________________________________________

5. Ano ang kahulugan ng pananaw sa mundo batay sa Biblia?

 

________________________________________

6. Ibigay ang buod ng ginawa ng Dios sa anim na araw ng Kaniyang paglalang ng mundo.

 

Unang Araw: ________________________________________

Ikalawang Araw: ________________________________________

Ikatlong Araw: ________________________________________

Ika-apat na Araw: ________________________________________

Ika-limang Araw: ________________________________________

Ika-Anim na Araw: ________________________________________

 

 

 

7. Ano ang pagkakaiba ng tao kay sa ibang nilalang ng Dios?

 

________________________________________

________________________________________

8. Ibigay ang buod kung paano nahulog ang tao sa kasalanan.

 

________________________________________

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

9. Anu ano ang naging bunga ng pagkakasala ng tao?

 

________________________________________

________________________________________

 

________________________________________

________________________________________

10. Ibigay ang reperensiya na unang nagpakita ng plano ng Dios para sa sanglibutan.

________________________________________

11. Ilista ang dalawang mundo na kinabubuhayan ng lahat ng mga tao.

 

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito).

 

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

Pag-aralan pa ang pasimula ng daigdig at ng Dios na Manglilikha sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga sumusunod na mga talata:

 

NILALANG NG DIOS ANG SANGLIBUTAN:

 

Genesis 1: 1-32; 2: 3-4; 5:1-2

Nehemias 9:6

Job 38:1-41

Mga Awit 74:17; 89:11; 104:1-35; 115:15; 121:2; 124:8; 134:3; 136:6; 148:5

Kawikaan 8: 23-31

Eclesiastes 3: 11

Isaias 40:28; 42:5; 43:1,7; 44:24; 45:8,12,18; 48:13; 54:16; 65:17

Jeremias 10:12; 27:5; 31:22; 32:17; 51:15

Ezekiel 28:13,15

Amos 4:13

Zacarias 12:1

Malakias 2:10

Juan 1:3

Gawa 4:24; 17:24

Roma 1:20

Efeso 2: 10; 3:9; 4:24

Apocalipsis 10:6

 

PATULOY NA INAALALAYAN NG DIOS ANG SANGLIBUTAN SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KAPANGYARIHAN:

 

Mga Awit  75:3; 95:4

Colosas 1: 16-17

Hebreo 1: 3; 6: 7

II Pedro 3: 4

Apocalipsis 4: 11

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKALAWANG  KABANATA

 

ANG PAGKAKABAHA-BAHAGI NG SANGKATAUHAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa.

.    Ipaliwanag kung paano nahati ang mundo sa iba't ibang grupo ng mga wika.

.    Ipaliwanag kung paanong ang pagkakahating ito ay naging sanhi ng pagkakaroon ng

      iba't ibang grupo ng mga tao.

.    Ilarawan kung paanong ang mga grupo ng mga tao ay naging mga bansa.

 

MGA SUSING TALATA:

           

At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang

makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.

 

Halikayo! Tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.  (Genesis 11:6-7)

 

PAMBUNGAD

 

Sa nagdaang kabanata ay natutuhan mo ang pagkalalang ng daigdig at ng sangkatauhan. Natutuhan mo rin ang pagbagsak ng tao sa kasalanan. Habang si Adam at si Eva ay dumarami ang mga anak, nadaragdagan ang mga tao na ipinanganganak na may likas nang kasalanan. Hindi na mabuti ang tao tulad nang pagkalalang sa kaniya ng Dios. Ang natural niyang pagiisip at mga kilos ay naging masama. Sa ilang panahon, ang mga lalake't babae ay namuhay na magkakasama bilang isang malaking pamilya. Subalit dumating ang panahon na ang sanglibutan ay naghati sa iba't ibang wika, mga grupo ng tao, at mga bansa.

 

Natutuhan mo ang isang pagkakahati ng mundo sa nagdaang kabanata, ang paghahati ng natural at espirituwal na mga daigdig. Subalit may ibang pagkakahati sa mundo ngayon. Ang mundo ay nahahati sa iba't ibang bansa, kultura, at mga wika. Ipinaliwanag ng Biblia kung paano nangyari ito.

 

ANG PADRON NG KASALANAN

 

Inilarawan ng Genesis 4: 1- 6: 4 ang padron ng kasalanan na nagsimulang kumalat sa sanglibutan. Basahin mo muna ang mga kabanatang ito sa Biblia bago ka magpatuloy sa araling ito. Sa mga kabanatang ito ay naalaman natin ang unang pagpatay, ang unang pagsisinungaling, at kung paanong lumaganap ang kasamaan ng tao hanggang ang bawat isipan at mga gawa ay naging masama. Sa wakas, naging napakasama na ng mundo na sinabi ng Dios...

 

... nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.

 

At nagsisi ang Panginoon na Kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay ang Kaniyang puso. ( Genesis 6: 5-6)

 

Dahil sa mabilis na pagkalat ng kasalanan, inisip ng Dios na sirain ang mundo sa pamamagitan ng isang deluvio. Subalit iniligtas niya ang isang taong matuwid, si Noe, at ang kanyang pamilya. Basahin ang kuwento ni Noe at ang malaking baha sa Genesis 6: 8-9: 17. Pagkatapos ng baha, ang pamilya ni Noe ay dumami. Kaalinsabay nito ay umulit na naman ang padron ng kasalanan.

 

ANG TORE NI BABEL

 

Sa panahong ito, ang mga naninirahan sa mundo ay parang isang malaking pamilya:

 

            At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita. (Genesis 11: 1)

 

Walang pagkakahati ng mga wika at kultura. Wala pang mga bansa noon. Sapagkat ang mga tao ay nagkakaisa sa wika, kultura, at paguugali, nakagagawa sila ng mga dakilang bagay. Nagpasiya silang magtayo ng malaking tore, isang napakataas na toreng aabot sa Langit, sa presensiya ng Dios. Nais nilang matanyag sila. Basahin ang tore ni Babel sa Genesis 11: 1-9.

 

Alam ng Dios na dahil sa pagkakaisa ng kanilang wika at kultura, walang imposible sa kanila. Kaya nilito ng Dios ang kanilang mga wika:

 

At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang

makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.

 

Halikayo! Tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita. (Genesis 11: 6-7)

 

Ito ang pasimula ng pagkakaroon ng iba't ibang mga wika sa buong mundo. Natigil ang kanilang proyekto ng Babel sapagkat hindi na sila magkaintindihan:

 

            Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at

            kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.  (Genesis 11: 8)

 

Ang mga taong nagkakaintindihan ay nagtipun-tipon upang mag-usap. Nagbuo ang mga tribo ng mga taong nagsasalita ng parehong wika. Sa paglago ng mga grupong ito, lumipat sila sa mga iba't ibang parte ng mundo. Itong mga "grupo ng mga tao" ay nagkahati-hati hindi lang dahil sa wika, kundi dahil sa pagkakahiwalay ng mga isla. Malalaking bundok at mga dagat ang naghiwalay sa kanila.

 

Dahil dito, ang mga iba't-ibang grupo ay nagkaroon ng kani-kanyang mga gawi. Dito nagpasimula ang iba't-ibang mga kultura at pag-uugali. Nagkaroon din ng iba't-ibang relihiyon at sila'y sumamba sa iba't-ibang diosdiosan.

 

Sa paglipas ng panahon, ang mga grupong ito ay lumago at naging mga bansa. Nagtatag sila ng kanilang mga teritoryo, at mga sistemang politiko-legal upang pamunuan ang kanilang mga residente. Ganito nahati ang mundo sa iba't-ibang nasyon na may iba't-ibang wika, kultura, at paguugali.

 

ANG DAIGDIG NGAYON

 

Ang mundo ngayon ay mayroong pitong malalaking mga lupalop ng lupa. Ito ay tinatawag na mga kontinente. Ang mga pangalan nito ay North America, South America,

Europa, Asia, Africa, Australia, at Antarctica.

 

Ang bawat kontinente ay iba't-ibang bansa na may iba't-ibang mga lahi. Bawat bansa ay may kanyang sariling gobyerno at legal na sistema na nangangasiwa sa mga nangyayari sa loob ng teritoryo nila.

 

Sa bawat bansa ay may iba pang mga dibisyon. Maaari itong mahati sa mga estado, o mga probinsiya. Ang mga tao sa loob ng bansa ay nahahati rin sa mga tribo o grupo ng mga tao. Marami sa mga taong ito ay hindi pa nakakarinig ng Evangelio ng Panginoong Jesucristo. Hindi nila kilala ang nagiisang tunay na Dios. Wala sila ng nasulat na Salita ng Dios sa kanilang wika.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

 

________________________________________

 

________________________________________

________________________________________

2. Ipaliwanag kung paano nahati ang mundo sa iba't-ibang grupo ng mga wika.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Ipaliwanag kung paanong ang pagkakahati ng wika ay naging dahilan ng pagbubuo

    ng iba't-ibang mga grupo ng mga tao.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Ilarawan kung paanong ang mga grupo ng mga tao ay naging mga bansa.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nakatala sa dulo ng huling kabanata sa manwal na ito).

 

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

Ang sumusunod na diagram ang nagbibigay ng buod ng iyong natutuhan sa ngayon tungkol sa pananaw sa mundo batay sa Biblia.

 

 

 

Nilalang ng Dios ang sanglibutan

I

Ang lahat ng tao ay namumuhay sa dalawang daigdig:

Ang natural at espirituwal na daigdig.

I

Natural na Daigdig     ®      Tao     ¬   Espirituwal na Daigdig

I

Ang natural at espirituwal na mga daigdig ay nakaka-apekto sa isa't-isa.

I

Ang natural na daigdig ay nahahati ng wika, kultura,

 mga teritoryo ng bansa at politika.

I

Ang espirituwal na daigdig ay nahahati sa dalawang grupo:

Yaong mga para kay Cristo at yaong mga laban sa Kanya.

I

Espirituwal na daigdig

I

                                                ________________________

I                                             I

                        Yaong Mga Laban Kay Cristo      Yaong Mga Para Kay Cristo

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKATLONG  KABANATA

 

PAGTANAW SA MUNDO TULAD NG PANANAW NG DIOS

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa mo.

.    Tukuyin ang "master key" ng Biblia.

.    Ipaliwanag ang dalawang katotohanan na ipinakita sa "master key" sa Biblia.

.    Tukuyin ang reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag ng layunin ng Dios sa

      mundo.

.     Gumamit ng natural na halimbawa upang ipakita kung paano ang pananaw ng

       Dios sa larangang espirituwal.

 

MGA SUSING TALATA:

 

Nang magkagayo'y binuksan Niya ang kanilang mga pag-iisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;

                 

At sinabi Niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw.

 

At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem. (Lucas 24: 45-47)

 

PAMBUNGAD

 

Natutuhan mo na ang mga mananampalataya ay dapat makita ang mundo tulad ng pagkakita ng Dios. Ito ay mangyayari lamang kung malalaman mo kung ano ang sinasabi ng Dios sa Kanyang Salita tungkol sa mundo. Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng "master key" sa pagunawa ng pananaw sa mundo batay sa Biblia, tinatalakay ang layunin ng Dios para sa sanglibutan, at nagbibigay ng natural na halimbawa na nagpapakita kung paano ang tingin ng Dios sa mundo. Ang mga Kabanatang Apat at Lima ay nagpapatuloy ng pagtalakay ng sanglibutan kung paano ito ipinakita sa Salita ng Dios sa Luma at Bagong Tipan.

 

ANG "MASTER KEY"

 

Ang Biblia ay mayroong 66 na hiwa-hiwalay na mga aklat. Ang bawat isa sa mga aklat ay may "susing" talata. Tinatawag itong "susing" talata sapagkat para itong susi sa natural na mundo. Kung paanong ang natural na susi ay nagbubukas ng pinto, ang susing talata ay nagbubukas ng pinto sa pagkaunawa ng paksa at nilalaman ng isang aklat.

 

Ang Biblia sa kabuuan ay mayroon ding "master key", isang espesyal na talata na nagbubukas ng kahulugan sa buong Salita ng Dios. Ang "master key" na ito ang nagbibigay ng pagkaunawa sa paksa at nilalaman ng buong Biblia. Ipinakikita sa atin ang mundo kung paano ito nakikita ng Dios.

 

Nang magkagayo'y binuksan Niya ang kanilang mga pag-iisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;

 

At sinabi Niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw.

 

At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem. (Lucas 24: 45-47)

 

Pansinin ang mga salitang " At binuksan Niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga Kasulatan." Ang ibig sabihin nito ay binibigyan ni Jesus ng "master key" ang mga alagad- dalawang mahahalagang mga katotohanan, upang maunawaan nila ang lahat ng Salita ng Dios. Kung hindi mo nauunawaan ang dalawang katotohanang ito ay hindi mo lubos na mauunawaan ang Salita ng Dios. Narito ang mga susi:

 

UNA:  "Na kinakailangang maghirap si Cristo, at magbangong muli sa mga patay."

 

Ibig sabihin nito ay kailangang magdusa si Cristo upang pagkasunduin ang makasalanang tao sa matuwid na Dios. Ito ay isang susing katotohanan sa likod ng mensahe ng buong Biblia.

 

Sinabi ng Dios na ang kabayaran ng kasalanan ay pisikal, espirituwal, at walang hanggang kamatayan:

 

Datapuwat sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sa pagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka. (Genesis 2: 17)

 

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwat ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.  ( Roma 6: 23)

 

Nagkatawang tao si Jesucristo at naparito sa sanglibutan upang mamatay sa lugar ng makasalanang sangkatauhan:

 

Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.  (Roma 5: 19)

 

Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.  (Juan 3: 16)

 

Kung tingnan ng Dios ang sanglibutan, nakikita niya ang makasalanang tao na nangangailangan ng Tagapagligtas:

 

Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.  (Roma 3:23)

 

Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus at pagsisisi ng kasalanan, ang tao ay maaaring makabalik sa Dios at tumanggap ng kaloob na walang hanggang buhay.

 

IKALAWA: "Dapat ipangaral ang pagsisisi at pagpapatawad ng kasalanan."

 

Ang ikalawang bahagi ng "master key" sa Kasulatan ay ang pagsisisi at pagpapatawad ng kasalanan. Ito ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa. Ang ibig sabihin nito ay may mahalagang katungkulan ang mga mananampalataya:

 

Pagka aking sinabi sa masama, ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; ngunit ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.

 

Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; ngunit iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.  (Ezekiel 3: 18-19)

 

Kahit na si Jesus ay namatay para sa buong sangkatauhan, hindi lahat ay automatic na ligtas mula sa kasalanan. Ang bawat isang tao ay may sariling pagpapasiya at dapat siyang magpasiya kung siya'y magsisisi [tatalikod sa kasalanan] at tatanggapin si Jesus na Tagapagligtas. Upang ang mga tao ay maniwala kay Jesus at tanggapin ang kapatawaran sa kasalanan, sila muna ay dapat makaalam tungkol sa Kanya:

 

Sapagkat ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

 

Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinasampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?  ( Roma 10: 13-14)

 

Ang pangangaral ng pagsisisi at kapatawaran sa kasalanan ay tinatawag na pagpapalaganap ng Evangelio. Ang paksa ng pangangaral ng Evangelio ay madalas pinaguusapan nila Jesus at ng Kanyang mga alagad pagkatapos Niyang mabuhay mula sa mga patay. ( Tingnan ang Juan 20:21; 21:15-17; Mateo 28:18-20; Mark 16:15; Lucas 24:44-48.)

 

Kung kinakausap mo ang isang tao sa huling pagkakataon, ang pinaguusapan ninyo ay yung pinakamahalaga. Ang mga huling pananalita ni Jesus bago Siya bumalik sa Langit ay patungkol sa pangangaral ng evangelio:

 

Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

( Gawa 1: 8)

 

ANO ANG PANANAW NG DIOS SA SANGLIBUTAN

 

Mula sa "master key" ng Biblia, natutuhan natin kung ano ang pagtingin ng Dios sa Sanglibutan. Hindi Niya tinitingnan ang sanglibutan sa larangan ng politika, gobyerno, o kultura. Nakikita Niya ang mga taong makasalanan na kailangang makipagkasundo sa Kanya sa pamamagitan ni Jesucristo. Nakikita Niya ang buong mundo na kailangang makarinig ng evangelio.

 

Nakikita ng Dios ang mundo na may makalangit na layunin sa Kanyang isip. Ito ang layunin at plano Niya para sa mundo na Kanyang itinatag sa mula't mula pa:

 

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa Kaniya rin.

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya sinasabi ko.

( Efeso 1: 9-10)

 

Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin.  (Efeso 3: 11)

 

Ang walang hanggang layunin ng Dios ay tipunin ang lahat ng mga makasalanan sa Kanyang sarili sa pamamagitan ni Jesucristo. Sa pamamagitan ng nasulat na Salita, ipinakita Niya sa atin ang layuning ito na sa maraming mga taon ay isang misteryo.

 

ISANG NATURAL NA ILUSTRASYON NG KUNG PAANO TINITINGNAN NG DIOS ANG SANGLIBUTAN

 

Sa Biblia, madalas gumamit ang Dios ng mga natural na halimbawa upang magturo ng mga espirituwal na katotohanan. Ang natural ang nakikita ng ating mga sentido. Nakikita natin ito, naririnig, natitikman, naaamoy, at nahihipo. Ang espirituwal ay yaong na-o-obserbahan ng mga espirituwal na pangdama. Kaya sa pagtuturo ng bagay na espirituwal na hindi natin nakikita, gumagamit ang Dios ng natural na katotohanan na alam natin.

 

Sa Biblia ay may natural na halimbawa na nagpapakita kung paano tinitingnan ng Dios ang sanglibutan. Ang sabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad:

 

Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y Aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.

( Juan 4: 35)

 

Hindi ang natural na pagaani na nakaharap sa kanila ang binabanggit ni Jesus nang oras na iyon nang sabihin Niya ito. Ang sinasabi Niya ay ang pagaaning espirituwal. Ginamit ni Jesus ang halimbawa ng natural na pagaani upang bigyan ang Kanyang mga alagad ng pangitaing espirituwal ng sanglibutan.

 

Sa isang pagkakataon naman, sinabing malinaw ni Jesus:

 

            At ang bukid ay ang sanglibutan... ( Mateo 13: 38)

 

Ang Africa, Asia, Australia, North America, South America, Europe, ang mga pulo sa karagatan... nakikita ng Dios ang mga ito na dakilang bukirin na dapat anihin. Sa pagtingin ng Dios sa bukirin ng sanglibutan na aanihin, nakikita rin Niya ang isang malaking pangangailangan:

 

...Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa.  (Mateo 9: 37)

 

Nakikita ng Dios ang isang malaking bukirin na handang nang anihin. Subalit kakaunti lang ang mga taong gumagawa. Matututuhan mo pa ang malaking pangangailangang ito ng mga manggagawa sa kursong ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang mga Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Anong reperensiya sa Biblia ang "master key" ng Biblia?

 

________________________________________

3. Ipaliwanag ang dalawang mahahalagang katotohanan na ipinakita sa

    "master key" ng Biblia.

 

________________________________________

________________________________________

4. Ibigay ang reperensiya sa Biblia na nagpapaliwanag ng layunin ng Dios sa

    sanglibutan.

 

________________________________________

5. Ano ang layunin ng Dios sa sanglibutan ayon sa paliwanag ng mga

    talatang ito?

 

________________________________________

________________________________________

6. Anong natural na halimbawa ang ibinigay sa Biblia na nagpakita kung

    ano ang pananaw ng Dios sa sanglibutan?

 

________________________________________

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Sa araling ito ay natutuhan mo kung paanong ginamit ni Jesus ang natural na halimbawa ng pagaani upang ipakita ang isang dakilang katotohanang espirituwal. Gamitin ang mga sumusunod na reperensiya upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng paksang ito. Ibigay ang buod ng mga itinuturo nito tungkol sa pagaani:

 

Mateo 9: 37-38

________________________________________

Mateo 13: 3-39
________________________________________

Marcos 4: 3-32

________________________________________

Lucas 8: 5-15
________________________________________

Lucas 10: 2

________________________________________

Juan 4: 35

________________________________________

Juan 12: 24

________________________________________

I Corinto 3: 6-8

________________________________________

II Corinto 9: 6

________________________________________

 

Galacia 6: 7-8

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-APAT  NA  KABANATA

 

ANG SANGLIBUTAN SA BIBLIA: LUMANG TIPAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos mo ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

.    Tukuyin ang pangunahing mensahe ng Salita ng Dios.

.    Ibuod ang pananaw ng mundo batay sa Biblia ayon sa kautusan sa Lumang

     Tipan.

.    Ibuod ang pananaw ng mundo batay sa Biblia ayon sa kasaysayan ng

     Lumang Tipan.

.    Ibuod ang pananaw ng mundo batay sa Biblia ayon sa panulaan ng

     Lumang Tipan.

.    Ibuod ang pananaw ng mundo batay sa Biblia ayon sa hula sa Lumang

      Tipan.

 

SUSING TALATA:

 

            Sapagkat mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyanon,

magiging dakila ang Aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawat dako ay paghahandugan ng kamangyan ang Aking pangalan at ng dalisay na handog: sapagkat ang Aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.  ( Malakias 1: 11)

 

PAMBUNGAD

 

Ang kabanatang ito at ang ika-limang kabanata ay ipagpapatuloy ang paglalahad ng pananaw ng mundo batay sa Biblia sa pamamagitan ng piling mga talata mula sa Salita ng Dios.  Natutuhan mo na kung paano nilalang ng Dios ang sanglibutan, kung paano nahulog ang tao sa kasalanan, at kung paano nahati ang mundo sa iba't-ibang bansa at mga wika. Sa kabanatang ito ay matututuhan mo kung ano ang ipinakikita ng Lumang Tipan tungkol sa sanglibutan. Ang susunod na kabanata ay tatalakayin itong paksang ito sa Bagong Tipan.

 

Maraming mananampalataya ang hindi nakaaalam ng walang hanggang plano ng Dios para sa sanglibutan. Ang sabi ng Dios ay, "Ang Aking bayan ay nasira sa kakulangan ng kaalaman...(Oseas 4: 6). Hindi ang kaalaman na natututuhan sa paaralan ang tinutukoy dito ng Dios. Espirituwal na kaalaman ang sinasabi rito ng Dios upang maunawaan natin at makilahok tayo sa Kanyang plano dito sa lupa.

 

 

ANG AKLAT NA MAY ISANG MENSAHE

 

Ang Biblia ay hindi koleksiyon ng mga idea ng tao tungkol sa Dios. Ito ay mensahe mula sa Dios upang ipabatid ang Kanyang plano at mga layunin sa sangkatauhan. Ang Biblia ay may mga kuwento tungkol sa mga tagasunod ng Dios. Ang mga taong ito ay inihiwalay ng Dios upang maghatid ng Kanyang kapahayagan sa mundo.

 

Kalakip sa Biblia ang mga pangako, mga hula, at mga talata ng kaaliwan at inspirasyon.

Subalit ang buong Biblia, mula pasimula hanggang wakas, ay may isang pangunahing mensahe. Ito ay mensahe ng pagmamalasakit at plano ng kaligtasan para sa taong makasalanan.

 

Ang plano ng Dios sa mula pa ay:

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko. (Efeso 1: 10 )

 

Ang plano ng kaligatasan ng taong makasalanan, na natupad sa pamamagitan ni Jesucristo, ay ang layunin ng Dios para sa mga bansa ng mundo mula pa nang pasimula.

 

ANG LUMANG TIPAN

 

Ang Lumang Tipan ay may 39 na mga aklat na nahahati sa apat na bahagi:

 

Kautusan                           Genesis hanggang Deuteronomio

Kasaysayan                       Josue hanggang Esther

Panulaan                            Job hanggang Awit ng Mga Awit

Hula                                   Isaias hanggang Malakias

 

Narito ang buod ng ipinahayag ng apat na bahagi ng Lumang Tipan tungkol sa plano ng Dios para sa sanglibutan.

 

MGA AKLAT NG KAUTUSAN

 

Genesis Hanggang Deuteronomio

 

Ang mga aklat ng Genesis hanggang Deuteronomio ay tinatawag na mga aklat ng Kautusan sapagkat dito nasusulat ang mga unang utos ng Dios sa tao at ang tugon ng tao sa mga kautusang ito.

 

ANG PASIMULA:

 

Ang ibig sabihin ng Genesis ay "mga pasimula." Ang unang aklat ng Biblia ay ang tala ng pasimula ng mundo, ng tao, mga bansa, ng kasalanan, at ng plano ng Dios ng kaligtasan.

 

Tulad ng natutuhan mo na, ang tao ay nilalang ng Dios sa Kanyang wangis na may espirituwal at moral na katangian ng Dios. Sa pagdami ng tao, ang bawat tao ay dapat maging bahagi ng katuparan ng plano ng Dios. Subalit nang magkasala ang tao, nawala yaong espirituwal at moral na pagkatulad niya sa Dios. Ang unang paglalahad ng plano ng Dios para sa sanglibutan ay nasa Genesis 3: 15:

 

At papag-aalitin Ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.  ( Genesis 3: 15)

 

Ang pangakong ito ay inihayag na patalinhaga. "Ang binhi ng babae" ay si Jesus. Siya ang dudurog sa ulo ng ahas [si Satanas] na naging sanhi ng pagkakasala ng tao. Tutuparin ito ni Jesus sa pamamagitan ng pagkamatay Niya para sa sangkatauhan, at pagkakasunduin Niya ang tao at ang Dios.

 

Anim na mga bagay ang nahayag sa talatang ito:

 

1. Ang Dios ang pinagmulan ng kaligtasan ( " at Ako").

 

2. Si Satanas ang kaaway ("alitan" sa pagitan ng "binhi" ng tao at ni Satanas).

 

3. Ang Tagapagligtas ay darating na may kakaibang relasyon sa tao. Siya ay Anak ng Dios, sa katawan ng tao ("binhi ng babae").

 

4. Ang Tagapagligtas ay magdurusa ("dudurugin mo ang kanyang sakong").

 

5. Ang Dios ang gagawa ng paraan para madaig ang kaaway ("siya ang dudurog ng iyong

    ulo").

 

6. Ang kaligtasan ay para sa lahat ng tao ("lahat ng binhi"), mga pinagmulan ng bawat

    lahi.

 

Ang pagkalat ng kasalanan pagkatapos bumagsak ang tao (Genesis 6) ay tinalakay na sa mga nakaraang aralin. Nagpadala ang Dios ng malaking baha na lumaganap sa buong mundo dahil sa karumaldumal na kasalanan ng sangkatauhan, subalit nagbigay din Siya ng tanging plano ng kaligtasan (Genesis 8-9).

 

Ang arko, kung saan naligtas ang pamilya ni Noe, ay simbolo ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus. Si Jesus ang espirituwal na "arko" kung saan ang mga tao ay magiging ligtas mula sa parusa ng Dios sa kasalanan. Ang kuwento ni Noah at ng baha (Genesis 6-9) ay nagpakita na bagaman nakita ng Dios ang daigdig na makasalanan at nangangailangan ng kaparusahan, nakikita rin Niya ito na nangangailangan ng kahabagan. Lagi siyang nagbibigay ng daan upang makaligtas ang tao sa kabayaran ng kasalanan.

 

Sa buong Lumang Tipan, ang padron na ito ay pauli-ulit. Ang tao ay magkakasala at darating ang parusa ng Dios. Subalit, dahil sa kahabagan, laging gumagawa ang Dios ng daan para sa kaligtasan.

 

ISANG PINILING BANSA:

 

Napag-alaman mo kung paanong ang pagaalsa laban sa Dios sa Babel ay naging sanhi ng pagkakahati ng mga wika at ng pagkakaroon ng iba't-bang bansa. Mula sa pagkakahati ng mga bansa, pumili ang Dios ng isang bansa, ang Israel, para sa isang tanging layunin.

 

Ang buong bansa ay nagmula sa isang lalaking nagngangalang Abraham. Mababasa mo ang tungkol kay Abraham, ang mga pangako ng Dios sa kanya, at ang katuparan ng mga pangakong ito sa Genesis 11: 27- 25: 34. Si Abraham ang napiling "ama" [lider] ng bansang Israel. Pinili siya ng Dios para sa isang tanging layunin:

 

At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay Aking pagpapalain, at padadakilain Ko ang iyong pangalan; at ikaw ay isang maging kapalaran:

 

At pagpapalain Ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain Ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

            (Genesis 12: 2-3)

 

At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagkat sinunod mo ang Aking tinig. (Genesis 22:18) (Tingnan din ang Genesis 26:4 at 28:14)

 

Mula kay Abraham manggagaling ang bansang Israel. Sa pamamagitan ng Israel ang mga bansa ng sanglibutan ay mapagpapala sa pamamagitan ng pagkakilala sa tunay na Dios. Ang mga"pamilya" ng buong lupa ay mapagpapala rin. Ang salitang "pamilya" ay tumutukoy sa iba't-ibang tribo at grupo ng mga tao sa isang bansa.

 

Ang bansang Israel ay hindi pinili para sa mga espesyal na mga pabor sapagkat sila ay mas mabuti kay sa ibang bansa. Pinili sila dahil sa isang tanging layunin. Ang maliit na bansang ito ay tinawag upang maglingkod sa malalaking bansa. Pinili ng Dios ang Israel upang maipahayag Niya ang Kanyang sarili sa sanglibutan. Ang Tagapagligtas na si Jesucristo ay mula sa Israel manggagaling (Mateo 2: 2; Juan 4: 22). Sa pamamagitan ng bansang ito nagsalita ang Dios sa buong mundo sa pamamagitan ng Biblia (Awit 147: 19; Roma 3: 1,2; 9: 4).

 

Ang Israel ang saksi ng Dios sa mga bansa:

 

Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.

 

Kayo'y (Israel) Aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at Aking lingkod na Aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa Akin,

at inyong matalastas na Ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa Akin, o magkakaroon man pagkatapos Ko.

 

Ako, samakatuwid baga'y Ako, ang Panginoon; at liban sa Akin ay walang Tagapagligtas.

 

Ako'y nagpahayag, at Ako'y nagligtas, at Ako'y nagpakilala, at walang ibang Dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang Aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at Ako ang Dios. (Isaias 43: 9-12)

 

Gumawa ang Dios ng isang buhay na relasyon sa Israel na tinatawag na tipan. Ito ay isang kasunduan na ang Dios ang kanilang Dios, at sila ang Kaniyang bayan. Sa Lumang Tipan ang tipan ng Dios ay sa Israel:

 

At kayo'y Aking aariin na pinakabayan Ko at Ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na Ako'y si Jehova ninyong Dios... ( Exodo 6: 7)

 

Sa bagong Tipan, ang Dios ay nagtatag ng bagong tipan sa mga tunay na mananampalataya:

 

At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa Aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa Akin. (I Corinto 11:25)

 

MGA TAGAPAGMANA NI ABRAHAM:

 

Matututuhan mo kung paanong ang mga mananampalataya sa Bagong Tipan ay tinawag na tagpagmana ni Abraham. Ang heredero ay nagmamana ng isang bagay na pag-aari ng iba. Tulad ni Abraham, tayo ay tinawag na pagpalain ang sanglibutan. Subalit ang mga bansa at pamilya ng sanglibutan ay mapagpapala lamang kung dadalhin natin sa kanila ang Evangelio.

 

Nang tawagin ng Dios si Abraham, sinabi Niya na iwan nito ang siyudad ng Ur at pumunta sa isang lugar na "ipakikita Ko sa iyo" (Gawa 7: 2-3). Umalis si Abraham sa Ur kasama ang kanyang sambahayan, subalit pag dating niya sa Haran siya ay nanatili roon

(Genesis 11: 31).

 

Ang bawat mananampalataya ay tinawag upang lisanin ang mga espirituwal na mga lupain, mga lugar na nagiging sagabal sa layunin ng Dios. Ang ibang mananampalataya ay tinawag din na iwanan ang kanilang lupang tinubuan upang abutin ang ibang mga bansa. Ang bawat mananampalataya ay haharap sa "Haran." Ito ay isang lugar na komportable kung saan makakapili ka na manirahan sa sarap o di kaya ay lumakad at sumunod sa plano ng Dios. Si Abraham ay umalis sa Haran. Pag-alis niya doon ay hindi na siya muling lumingon doon.

 

ANG PAGTATATAG NG ISANG BANSA:

 

Kasunod ng kuwento ni Abraham sa Genesis, ang kasaysayan ng paglago at pagunlad ng bansang Israel ay nakatala sa mga natitirang aklat ng Kautusan.

 

Ginamit ng Dios ang Israel upang ipahayag ang Kanyang plano sa mundo:

 

Genesis 50: 20:  Sa Egipto, itinayo ng Dios si Jose upang iligtas ang mga bansa.

 

Exodo 8: 22:  Inilabas ng Dios ang Iarael mula sa Egipto upang patunayan na Siya ang

                       Dios ng buong mundo.

 

Exodo 9: 29:  Ang mga salot sa Egipto ang nagpatunay ng kapangyarihan ng Dios.

 

Exodo 33: 16: Ang presensiya ng Dios sa Israel ang nagpakita ng Kanyang katunayan sa

                        mga bansa.

 

Exodo 34: 10: Patuloy na gumagawa ang Dios sa Israel upang makita ng mga karatig

                        bansa na ang Dios ay kumikilos.

 

Levitico 20: 23:  Ang Israel ay dapat maging modelo sa mga bansa at huwag silang

                           sumunod sa kanilang mga gawing masama.

 

Levitico 19: 24:  Ang Israel ay dapat ibahagi ang pagibig ng Dios sa mga ibang bansa.

 

Bilang 14: 21:  Ang plano ng Dios ay na ang buong lupa ay mapuno ng Kanyang

                          kaluwalhatian.

 

Deuteronomio 4: 27; 7:6; 14:2; 26:19: Pinili ng Dios ang Israel bilang Kanyang saksi,

                          subalit dahil sa kasalanan, sila ay nagpangalat at nagdusa sa kamay ng

                          kanilang mga kaaway.

 

Deuteronomio 18:9; 30:19: Binalaan ng Dios ang Israel na huwag tumulad sa mga gawi

                          ng ibang mga bansa, kundi piliin ang landas ng buhay.

 

Deuteronomio 28: 9-10: Ang nais ng Dios ay kilalanin Siya ng lahat ng mga bansa sa

                           pamamagitan ng Israel.

 

MGA AKLAT NG KASAYSAYAN

 

Josue Hanggang Esther

 

 

Sa mundo, ang Israel ay hindi mahalagang bansa. Subalit iba ang pananaw ng Biblia. Ito ang bansa na gagamitin Niya upang ipakita ang Kanyang plano sa mundo. Sa mga aklat ng kasaysayan ng Lumang Tipan natala ang mga karanasan ng Israel na ginampanan ito.

 

Kung masunurin ang Israel sa Dios, siya ay naliligtas mula sa kamay ng kaaway. Ito ay saksi sa kapangyarihan ng Dios na magligtas. (Tingnan ang Awit 66: 1-7; Isaias 52:10).

Kung ang Israel ay sumuway sa Dios, ang kaparusahan Niya ay isa ring saksi sa katunayan ng Dios (Awit 145: 17). Kung nakikitungo ang Dios sa Israel sa pamamagitan ng pagibig o kaparusahan, patuloy Niyang ipinahahayag ang Kanyang sarili sa kanila at sa mga bansa ng mundo.

 

Narito ang ilang mga reperensiya mula sa mga aklat ng kasaysayan na magpapaunlad ng iyong pagkaunawa ng plano ng Dios para sa mundo:

 

Josue 2:11; 3:11:  Ang Dios ang Panginoon ng Langit at ng lupa.

 

Josue 4: 23-24:  Tinuyo ng Dios ang Ilog ng Jordan upang makita ng mga tao sa lupa

                           ang kapangyarihan ng Kanyang kamay.

 

Josue 23: 3,9,12,13:  Binalaan ng Dios ang Israel na humiwalay sa mga bansang pagano

                             at maging Kanyang mga saksi sa kalagitnaan nila.

 

Mga Hukom 2: 21-22: Sinubukan ng Dios ang Israel kung sila ay susunod sa Kanya. Ang

                             aklat ng Mga Hukom ang nagtala ng kanilang paulit-ulit na pagsuway.

 

Ruth 1: 16: Ang Dios ng mga Judio ay Siya ring Dios ng mga Gentil.

 

I Samuel 17: 46: Nang labanan ni David si Goliat, inangkin niya ang tagumpay upang

                            malaman ng buong mundo na may Dios sa Israel.

 

II Samuel 22: 50-51:  Pinuri ni David ang Dios upang ang lahat ng bansa ay luwalhatiin

                                   Siya.

 

I Hari 8: 23, 43: Matapos matatag ang Kaharian ng Israel, hiniling ni Haring Salomon na

                          "makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang Iyong pangalan, upang

                            matakot sa Iyo gaya ng Iyong bayang Israel."

 

I Hari 8: 43, 53, 60: Ang mga talatang ito ang nagpapakita ng patuloy na nais ng Dios

                             na ang sanglibutan ay makaalam ng Kanyang plano.

 

II Hari 19:15-19: Ang kalayaan ay hinanap upang malaman ng mundo ang tunay na Dios.

 

I Cronica 16: 23-24, 31: Ang kaluwalhatian ng Dios ay dapat ipahayag sa lahat ng bansa.

 

I Cronica 16: 35:  Ang paglaya mula sa mga pagano ay maganap upang maluwalhati ang

                             Dios.

 

II Cronica 6: 32-33: Ang lahat ng mga tao sa daigdig ay dapat magkaroon ng

                                 pagkakataon na makilala ang tunay na Dios.

 

II Cronica 6:14; 20:6; 32:13: Ang Dios ay itinaas bilang isang tunay na Dios sa buong

                                  sanglibutan.

 

II Cronica 16: 9: Tinitingnan ng Dios ang mundo na may tanging pitak sa Kanyang puso.

 

Ezra 1:2; 5:11: Magtatayo si Ciro ng templo sa Jerusalem upang parangalan ang Dios

                         sa harap ng buong lupa.

 

Nehemias 6: 16: Ang layunin ng proyekto ni Nehemias ay higit pa sa pagtatayo ng pader.

                           Ito ay upang ipakita ang katunayan ng kapangyarihan ng Dios at ang

                           kasiguruhan ng Kanyang plano.

 

Nehemias 9: 6-7: Ang Dios ay itinanghal na Dios ng buong lupa.

 

Esther 4: 14:   Si Esther ay itinayo upang iligtas ang bayan ng Israel na nais sirain ni

                        Satanas.

 

ANG MGA AKLAT NG PANULAAN

 

Job Hanggang Awit ng Mga Awit

 

Ang mga aklat ng Job, Mga Awit, Kawikaan, Eclesiates, at Awit ng Mga Awit ay tinatawag na mga aklat ng panulaan sapagkat ang mga ito ay isinulat na patula. Ang mundo ang mahalagang paksa sa mga aklat na ito.

 

Sa aklat ng Mga Awit nabanggit ang mga bansa at mga tao nang mahigit sa 200 beses.

Mga salitang tulad ng "lahat ng lupa," "lahat ng mga tao," "lahat ng tao," "lahat ng laman," "lahat ng may hininga," "hanggang sa dulo ng daigdig," "lahat ng mga tao sa buong mundo," "ang lahat ng mga mata," at "ang mga pagano" ay madalas ulitin sa aklat na ito.

 

Ipinakikita ng Mga Awit na ang lupa ay pag-aari ng Panginoon, na ang lahat ay nasa ilalim Niya (Awit 24:1). Itinataas ang Dios na Kataastaasang Dios sa buong lupa

(Awit 38:10; 97:9). Ipinakikita Siya na Hukom dito sa lupa (Awit 149:7), na nagbibigay ng kahabagan sa pamamagitan ng kaligtasan (Awit 119:64). Ang makasalanang kalagayan ng mga bansa ay inilarawan sa Awit 2. Sa Awit 67, ang pagasa ng kaligtasan ay inialok sa lahat ng bansa.

 

Sa "Para sa Dagdag na Pag-aaral" na bahagi ng kabanatang ito, mayroong kumpletong listahan ng paksa ng sanglibutan na tinalakay sa Mga Awit.

 

 

Narito ang mga susing talata mula sa ibang aklat ng panulaan:

 

Job 1 at 2: Inilalarawan ang paglalaban sa puso, isipan, at kaluluwa ng tao.

 

Job 9:24; 12:23; 38:1-41: Bagaman laganap ang kasamaan dito sa mundo, hindi pa rin nawawalan ng kontrol ang Dios sa daigdig.

 

Kawikaan 2:22; 10:30; 11:31: Inilalarawan ang masamang kalagayan ng sanglibutan.

 

Kawikaan 14: 34: Ipinaghambing ang mga matuwid at mga makasalanang bansa.

 

Kawikaan 3:19; 8:23-31: Itaas ang Dios na Lumalang ng Langit at ng lupa.

 

Eclesiastes 1:4; 3:11: Ipinakilala ang Dios na Manglilikha at Dios ng buong lupa.

 

Eclesiastes 7:20; 8:14; 10:7: Itinuon ang pansin sa kalagayan ng tao at ng sanglibutan

                                              sa ngayon.

 

Eclesiastes 12:7:  Ipinakita ang walang hanggang likas ng espiritu ng tao.

 

Eclesiastes 3: 14: Binibigyan diin ang plano ng Dios.

 

Ang mga talatang ito ay mga halimbawa lamang ng plano ng Dios sa sanglibutan na inihayag sa mga aklat na ito. Tingnan ang "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" sa kabanatang ito para sa dagdag na mga talata tungkol sa sanglibutan sa mga aklat ng panulaan.

 

ANG MGA AKLAT NG HULA

 

Isaias Hanggang Malakias

 

Ang mga aklat ni Isaias hanggang Malakias ay tinatawag na mga aklat ng Hula. Dito nakatala ang mga hula na ibinigay ng Dios sa mga lalake ng Israel na Kanyang pinahiran. Ang mga hulang ito ang nagpapaliwanag ng mga mangyayari sa hinaharap ayon sa plano ng Dios sa sanglibutan. Sa mga aklat na ito, ang aspeto ng gawain ng Tagapagligtas ay binigyan diin. Si Jesus ay darating hindi lang para sa bayan ng Israel, kundi para sa buong sangkatauhan.

 

MGA MINISTRONG TUMATAWID NG KULTURA:

 

Dalawa sa mga propeta, si Daniel at si Jonas, ay naglingkod sa ibang kultura.

 

Si Daniel ay isang saksi sa Dios habang naglilingkod bilang tagapayo at opisyal sa Babilonia. Iniligtas ng Dios si Daniel mula sa kamatayan upang patunayan na Siya ang Dios ng lupa (Daniel 6:27). Ang aklat ni Daniel ang nagtala ng maraming kapahayagan tungkol sa darating na panahon dito sa mundo. Kaugnay ito ng aklat ng Apocalipsis sa Bagong Tipan na nagbibigay ng dagdag na impormasyon ng plano ng Dios para sa mga bansa.

 

Ang buod ng layunin ng Dios ay narito sa Daniel:

 

At binigyan Siya (si Jesus) ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa Kaniya: ang Kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang Kaniyang kaharian ay hindi magigiba.  (Daniel 7: 14)

 

Si Jonas ay isang Judiong misyonero na tinawag upang mangaral ng katubusan sa masamang Gentil na lunsod ng Nineve. Bantulot niyang sinunod ang kanyang misyon.

Ang aklat ni Jonas ay mahalaga sapagkat ipinakikita rito na nais ng Dios magdala ng kaligtasan sa lahat ng bansa, hindi lamang sa bansang Israel.   

 

Kinamumuhian ng Israel ang mga taga Nineve. Nang una'y ayaw ni Jonas na mangaral doon. Subalit pagkatapos ng pakikitungo ng Dios sa kanya, siya ay nangaral ng pagsisisi doon, bagaman hindi siya nagsabi kung paano sila magsisisi. Hinulaan nila kung ano ang gagawin, na makikita sa utos ng hari (Jonas 3: 8-9).

 

Sa halip na magalak dahil sa pagsisisi nila, nagreklamo si Jonas sa Dios (Jonas 4:2). Ang mga huling pananalita ni Jonas na natala sa Biblia ay "Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan" (Jonas 4:9). Ang aklat ni Jonas ay hindi nagtapos. Ang mga huling tanong (Jonas 4:9-11) ay hindi nasagot. Iniwan natin si Jonas na hinihintay ang Dios na sumunod sa kanyang paraan ng pagiisip.

 

Naghihintay pa rin ang Dios sa mga tao na katulad ni Jonas. Nakaupo silang komportable sa kanilang mga tahanan, tulad ni Jonas sa lilim ng halaman. Hindi nila nauunawaan at ayaw silang makilahok sa plano ng Dios para sa sanglibutan.

 

ANG AKLAT NI ISAIAS:

 

Si Isaias ay isang magandang halimbawa ng pagbibigay diin sa plano ng Dios sa sanglibutan na inihayag sa mga aklat ng mga propeta:

 

Isaias 17:12-13; 24:5-6: Ipinakikita ang kalagayan ng mundo bago dumating ang Dios.

 

Isaias 40:12; 42:5; 44:24; 45:8,12,18; 48:13: Itinataas ang Dios bilang Manglilikha ng

                                                                         langit at lupa.

 

Isaias 14:12: Ipinakita si Satanas na kalaban ng lahat ng mga bansa.

 

Isaias 37:20; 64:4: Bibigyan diin ang layunin at kadakilaan ng plano ng Dios para sa

                               sanglibutan.

 

Isaias 65:17; 66:22: Ipinakita ang darating na plano ng Dios para sa sanglibutan.

 

Isaias 40:15:  Ang pananaw ng Dios para sa mga bansa.

 

Isaias 45:22; 51:6: Ang pakiusap sa mga bansa na tumingin sa Dios para sa kaligtasan.

 

Isaias 43: 8-12: Ang Israel ang saksi ng Dios sa mga bansa.

 

Isaias 52: 13-15: Ang aliping binabanggit dito ay si Jesus. Siya ay magdurusa para sa katubusan ng sanglibutan. Ang mga hari ng mga Gentil na bansa ay makakarinig ng Evangelio na may pagtataka. Ang kamatayan ni Jesus ay para sa lahat ng tao at bansa.

Ang Kanyang Evangelio ay ipangangaral sa buong mundo.

 

Isaias 54: 1-5: Ang "binhi" dito ay ang binhing espirituwal, kasali ang mga Gentil na mananampalataya na kinilala si Jesus na Tagapagligtas. Ang kahulugan ng "palakhin ang dako ng iyong tolda" ay tanggapin mo ang mga anak ng Dios mula sa mga bansang pagano.

 

Isaias 42: 1-10: Mahahabag ang Dios sa mga bansa. Hindi Siya susuko , kahit gaano katagal bago sila tumugon. Marami sa mga "isla" ayon kay Isaias ay naghihintay pa rin sa Kanyang kautusan. Ang talatang anim ay tungkol sa Tagapagligtas na magtatali sa mga bansang tinubos Niya.

 

Isaias 49: 6-12: Ang pagbabalik ng Israel ay maliit na bagay kumpara sa dakilang plano ng Dios sa sanglibutan. Ang Kanyang pakay ay na ang buong mundo ay kilalanin at sambahin Siya sa espiritu at katotohanan.

 

Isaias 56: 7: Ang tahanan ng Dios ay magiging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.

 

Isaias 59:16-60:5: Sinasabi rito na bagaman ang kadiliman ay tatakip sa buong mundo dahil sa kasalanan, si Jesus ay darating na may dalang liwanag at kagalingan. ang banal na Ilaw na ito ay aabot sa buong mundo. Ang mga Gentil na mula sa mga liblib na pook ng mundo ay tatanggap sa Ilaw na ito.

 

Isaias 2:4,19,21; 5:26; 11:4; 13:11,13; 24:1,19,21; 25:7; 26:21; 34:2; 64:2: Lahat ng mga

talatang ito ay mga hula ng kaparusahan ng Dios sa mga bansa.

 

Isaias 2:2; 6:3; 11:9; 52:10; 55:5; 60:2; 61:11; 66;1,18: Lahat ito ay nagsasaad ng panahon na ang buong lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon.

 

ANG IBANG MGA PROPETA:

 

Narito ang ilang mga susing talata mula sa ibang mga aklat ng mga propeta:

 

Jeremias 1:5: Tinawag si Jeremias bilang isang propeta sa mga bansa.

 

Jeremias 9: 24: Ipinakita ng Dios ang pagibig, paghatol, at katuwiran sa lupa.

 

Jeremias 23:5:Hula sa paghatol at justisiya na gagawin ni Jesus sa lupa.

 

Jeremias 18: 7-10: Nagbigay ng malinaw na pagpili sa lahat ng bansa.

 

Jeremias 27:5; 32:17; 51:15: Itinaas ang Dios bilang lumalang ng lupa.

 

Jeremias 31: 7: Ang Dios ay dapat ibandila at purihin sa mga bansa.

 

Jeremias 4:2; 33:9: Ang mga bansa ay luluwalhati sa Dios.

 

Jeremias 5:9; 6:19; 7:28; 9:9; 10:10, 11,25; 12:17; 23:5;25:14,31; 51:25:

Ang lahat ay nagsabi ng kahatulan ng Dios sa masasamang bansa ng sanglibutan.

 

Jeremias 16: 19-20: Ang layunin ng Dios para sa mga bansa ay matutupad sa pamamagitan ng Israel.

 

Jeremias 33: 9: Ang lahat ng bansa sa lupa ay maririnig ang Panginoon.

 

Mga Panaghoy 3: 37-39: Paparusahan ng Dios ang tao dahil sa kasalanan.

 

Mga Panaghoy 4: 20: Bagaman nakatira tayo sa palibot ng mga pagano, tayo ay nasa ilalim ng anino ng Dios.

 

Ezekiel 20: 41; 36:23; 38:23; 39:7, 21: Lahat ng talatang ito ay nagpapahiwatig na nais ng Dios na lumaganap ang pangalan Niya sa mga bansa ng mundo.

 

Oseas 1:10; 2:23: Sa mga dako na hindi kilala ang Dios, Siya ay maipapahayag.

 

Joel 1:15: Nagbabala si Joel ng "araw ng Panginoon," na kapanahunan ng paghuhukom ng mga bansa. Tumawag siya ng buong mundong pagsisisi.

 

Joel 2:28-32; 3:9-12: Bagaman ang lahat ng mga bansa ay makakaranas ng hatol ng Dios, makararanas din sila ng kaloob ng Espiritu Santo at ng kapayapaan na susunod.

 

Joel 3:14: Inilalarawan ang karamihan sa mundo na hindi pa naaabot para sa Dios.

 

Amos 4:13: Nakisama si Amos sa ibang mga propeta sa pagkilala ng pagka Panginoon ng Dios sa buong lupa.

 

Amos 9:11-12: Magtatayo ang Dios ng mga bansa na tinawag sa Kanyang pangalan.

 

Obadias 1: 1: Nagsugo ang Dios ng mga mensahero sa mga bansa.

 

Obadias 1: 15: Ang araw ng kahatulan ay darating sa mga hindi nananampalataya.

 

Mikias 4: 1-3; 5:15; 7:16: Hahatulan ng Dios ang mga bansa.

 

Nahum 1:5: Lahat ng bansa ay darating sa ilalim ng kontrol ng Dios.

 

Habakuk 15: 3:12: Ang Dios ay gagawa ng mga himala upang ipakita ang Kanyang sarili sa mga hindi nananampalataya.

 

Habakuk 2:4: Inilatag ang prinsipyo ng kapatawaran sa pamamagitan ng pananampalataya.

 

Habakuk 2:14; 3:3: Hinulaan ang araw na ang lupa ay mapupuno ng kaluwalhatian ng Panginoon.

 

Zefanias 3:6,8: Hahatulan ng Dios ang mga masasamang bansa sa lupa.

 

Hagai 2:7,21,22: Liligligin ng Dios ang mga bansa upang ilapit sila sa Kanyang sarili.

 

Zacarias 12:1: Ang Dios ay ipinakilala bilang Manglilikha ng espiritu ng tao.

 

Zacarias 4:10: Ang paningin ng Dios ay nakatuon sa sanglibutan.

 

Zacarias 12:10; 13:1,6,7: Hinulaan ang kamatayan ni Jesus para sa mga kasalanan ng sanglibutan.

 

Zacarias 14: 8-9: Ang Dios ay maghahari sa buong lupa.

 

Malakias 1:11: Ang pangalan ng Dios ay pupurihin sa lahat ng mga bansa.

 

Mula sa mga talatang ito makikita mo na imposibleng masuri ang lahat ng turo ng mga propeta tungkol sa plano ng Dios sa mundo sa limitadong pahina nito. Sa "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" makikita mo ang lahat ng mga reperensiya tungkol sa mundo mula sa mga propeta sa Lumang Tipan upang makapagpatuloy ka sa pag-aaral.

 

PAGLIPAT SA BAGONG TIPAN

 

Ang Lumang Tipan ay nagtatapos sa aklat ni Malakias. Ang Bagong Tipan ay nagpapasimula sa aklat ni Mateo. Sa susunod na kabanata magpapasimula ang iyong pag-aaral ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ayon sa Bagong Tipan.

 

Sa Lumang Tipan, ginamit ng Dios ang Israel upang ilapit ang mga bansa sa Kanyang sarili. Sa pamamagitan ng pamumuhay na may takot sa Dios, nailapit nila ang mga bansa tulad ng bato balani sa Jerusalem at sa Panginoon.

 

Sa Bagong Tipan, pagkatapos tanggihan ng Israel si Jesus, isang bagong pangkat ng mga tao ang natatag. Ito ang tinatawag ng Iglesia na kinabibilangan ng mga taong pinanganak na muli. Sa pamamagitan ng Iglesia, ang Dios ay gumagawa upang ipahayag ang Kanyang sarili sa sanglibutan.

 

Subalit ang paraan ay iba. Sa Lumang Tipan, ang mga bansa ay pinapunta sa Jerusalem

upang matuto tungkol sa Panginoon. Sa Bagong Tipan, ang Iglesia ay pinalabas mula sa Jerusalem tungo sa mga bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ano ang pinakasentrong mensahe ng Salita ng Dios?

 

________________________________________

________________________________________

3. Ibigay ang buod ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ayon sa mga aklat ng kautusan sa Lumang Tipan.

 

________________________________________

________________________________________

4. Ibigay ang buod ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ayon sa mga aklat ng kasaysayan sa Lumang Tipan.

 

________________________________________

________________________________________

5. Ibigay ang buod ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ayon sa mga aklat ng panulaan sa Lumang Tipan.

 

________________________________________

________________________________________

6. Ibigay ang buod ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ayon sa mga aklat ng hula sa Lumang Tipan.

 

________________________________________

________________________________________

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL

 

Gamitin ang mga sumusunod na mga talata upang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral ng pananaw sa mundo batay sa Biblia sa Lumang Tipan. Kasali sa listahang ito ang patungkol sa sanglibutan, sa mga pagano, mga bansa, at mga Gentil [lahat ng bansa liban sa Israel].

 

Genesis: 6:5-7,11-13,17; 8:17,22; 9:1-2, 11-17; 10:32; 11:1,8,9; 12:2,3; 13:16; 14:19,22; 17:4-6,16,20; 18:18; 21:13,18; 22:18; 26:4; 28:14; 46:3

 

Exodo: 8:22; 9:14,16,29; 19:5,6; 32:10; 33:16; 34:10

 

Levitico: 20:23

 

Bilang: 14:21

 

Deuteronomio: 3:24; 4:27,39; 7:6; 9:4; 10:14; 14:2; 15:6; 18:9; 26:19; 28:1,10; 30:19

 

Josue: 2:11; 3:11; 4:24; 23:3,9,12,23

 

Hukom : 2:21-23

 

I Samuel: 8:5

 

II Samuel: 7:23; 22:50

 

I Hari: 8:23,43,53,60; 11:2

 

II Hari: 5:15; 17:11,15; 19:15,19

 

I Cronica: 16:14,23,24,30,31,35; 17:21; 29:11

 

II Cronica: 6:14,33; 16:9; 20:6; 32:13

 

Nehemias: 1:8; 5:9; 6:16; 9:6

 

Job: 9:24; 12:23; 19:25; 37:6,12; 38:4

 

Mga Awit: 2:1,2,8; 8:1,9; 9:5,8,15,17,19,20; 10:16,18; 18:7,43,49; 19;4; 22:27-29; 24:1; 25:13; 33:5,8,10,12,14; 34:16; 37:9,11,22; 44:2,11,14; 46:2,,6,8-10; 47:2,3,7-9; 48:2,10; 49:1; 50:1,4,12; 57:5,9,11; 58:11; 59:5,8,13; 65:5,9; 66:4,7; 67:2,4,6,7; 68:8,32; 69:34; 72:8,11,17,19; 73:12,25; 74:12,17,20; 75:3,8; 76:8,9,12; 77:18; 78:55,69; 79:6,10; 80:8; 82:8; 83:4,18; 86:9; 89;11; 90:2; 93:1; 94:10; 95:4; 96:1; 99:1; 102:15,19,25; 104:5,9,13,14,24,30,32,35; 105:7; 106:27,34,35,41,47; 108:3,5; 110:6; 111:6; 112:2; 113:4; 114:7; 115:2,15,16; 117:1; 119:64,90,119; 121:2; 124:8; 126:2; 134:3; 135:6,7,10,15; 136:6; 138:4; 146:6; 147:8,15; 148:11,13; 149:7

 

Kawikaan: 2:22; 3:19; 8:23,26,29,31; 10:30; 11:31; 14:34

 

Eclesiastes: 1:4; 3:11; 5:2,9; 7:20; 8:14,16; 10;7; 11:2; 12:7

 

Isaias: 2:2,4,19,21; 5:26; 6:3; 11:4,9,12; 12:5; 13:11,13; 14:12,26; 17:12,13; 23:9; 24:1,4-6,19-21; 25:7,8; 26;2,9,21; 34:2; 37:16,20; 40:12,15,17,21,28; 41:9; 42:4,5,10; 44:24; 45:8,12,18,22; 48:13; 49:6; 51:6,13,16; 52:10; 54:5; 55:5,9; 60;2; 61:11; 64:2,4; 65:1,17; 66:1,18,22

 

Jeremias: 1:5; 4:2; 5:9; 6:19; 7:28; 9:9,24; 10;2,10-12,25; 12:17; 16:19; 18;7-9; 22;29; 23;5,24; 25:14,15,17,31,32; 27:5; 29:14; 31;7,10; 32:17; 33:9; 36;2; 46:28; 49:14; 51:15,20,25

 

Mga Panaghoy: 4:20

 

Ezekiel: 5:5-8; 16:14; 20:41; 36:24; 38:23; 39:7,21; 43:2

 

Daniel: 4:35; 6:27

 

Oseas: 2:23; 6:3; 9:17

 

Joel: 2:17,19,30; 3:2,11,12

 

Amos: 4:13; 9:8,9,12

 

Obadias: 1;1,15

 

Mikias: 1:2,3; 4;2,3,7; 5:4,15; 6:2; 7:16

 

Nahum: 1:5

 

Habakuk: 1:5; 2:14,20; 3:3,6,12

 

Zefanias: 2:3,11; 3:6,8,20

 

Hagai: 2:7,14,21,22

 

Zacarias: 1:10,11,15; 2:8,11; 4:10; 12:1,3,9; 14:2,3,9,16

 

Malakias:  1:11

 

 

 

IKA-LIMANG  KABANATA

 

ANG SANGLIBUTAN SA BIBLIA: BAGONG TIPAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

.    Ipaliwanag kung paanong ang plano ng Dios sa sanglibutan ay nahayag sa

      pagpapahayag ng kapanganakan ni Jesus.

.    Ibuod ang pananaw ni Jesus sa mundo na ipinakita ng Kanyang pag-uugali.

.    Ibuod kung ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa mundo at sa Kanyang misyon dito.

.    Ipaliwanag ang kahalagahan ng krus ni Jesus sa plano ng Dios sa sanglibutan.

 

SUSING TALATA:

 

Niluwalhati Kita sa lupa, pagkaganap Ko ng gawa na ipinaganap Mo sa Akin. ( Juan 17: 4)

 

PAMBUNGAD

 

Patuloy na pag-aaralan mo ang sanglibutan sa kabanatang ito na inihayag ng Salita ng Dios. Ipinaliliwanag dito ang pananaw sa mundo batay sa Biblia na nahayag sa Bagong Tipan. Mula sa pahayag ng kapanganakan ni Jesus hanggang sa Kanyang kamatayan, at pagkabuhay na maguli, binigyan diin ng Bagong Tipan ang sanglibutan.

 

Gayon din ang diing ibinigay pagkatapos magbalik ni Jesus sa Langit, nang ang Iglesia ay humayo upang ipangaral ang Evangelio sa lahat ng bansa. Pag-aaralan mo ang "Iglesia Na Nasa Sanglibutan" sa susunod na kabanata.

 

MGA PAHAYAG NG KAPANGANAKAN NI JESUS

 

Ang unang pahayag ng kapanganakan ni Jesus na natala sa Bagong Tipan ay ibinigay ng isang anghel sa isang babaeng nagngangalang Maria na isang birhen. Basahin mo ito sa Lucas 1.

 

Ang pagparito ni Jesus sa mundo ay bahagi ng plano ng Dios na ihinayag sa Lumang Tipan. Sinabi ni Maria na ang Tagapagligtas ay darating...

 

...(Gaya ng sinabi Niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa Kaniyang binhi magpakailan man. ( Lucas 1:55)

 

Basahin mo ang pahayag ng kapanganakan ni Jesus na sinabi ng mga anghel sa Lucas 2: 10-14. Pansinin mo ang mga salitang "Narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan" (talatang 10) at "sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya" (talatang 14). Ang ibig sabihin ng "lahat ng tao" ay lahat ng tao sa buong mundo. Ang pahayag na ito ay nagpapakita na Siya ay naparito para sa lahat ng tao sa buong mundo.

 

Kung walang ibang kapahayagan sa buong Bagong Tipan upang patunayan na ang Evangelio ay para sa lahat ng tao sa mundo, sapat na ang talatang ito.

 

ANG PAGTATALAGA KAY JESUS

 

Nang dinala si Jesus sa templo upang italaga sa Dios, tulad ng kaugalian ng mga Judio, nakilala Siya ni Simeon na Siya ang ipinangakong Tagapagligtas ng sanglibutan. Basahin ang pangyayaring ito sa Lucas 2:25-32. Sinabi ni Simeon na si Jesus ay dumating upang pagkasunduin ang Dios at ang tao. Ang sabi niya'y:

 

"Ang Iyong pagliligtas...inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao; isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil" [pagano] ( Lucas 2: 30-32)

 

Isa pang hula sa Bagong Tipan patungkol sa misyon ni Jesus sa mundo ay ibinigay ni Caifas, isang Dakilang Saserdote ng Judaismo. Ang sabi Niya ay:

 

...sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.

 

Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;

 

At hindi dahil sa bansa lamang, kundi upang matipon din naman Niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat. (Juan 11: 50-52)

 

SI JUAN BAUTISTA

 

Si Juan Bautista ay isang taong pinili ng Dios upang ihanda ang mga tao sa pagdating ni Jesus. Basahin ang kanyang kapanganakan at ang plano ng Dios sa kanyang buhay sa Lucas 1.

 

Nang ipakilala ni Juan si Jesus sa mga tao, sinabi niya na "ang lahat ng laman ay makakikita ng kaligtasan ng Dios." Si Jesus ay nagdala ng kaligtasan sa sangkatauhan (Lucas 3: 3-6)

 

Tinukoy din ni Juan si Jesus bilang "Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan":

 

Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan! (Juan 1:29)

 

Sa Lumang Tipan ang mga cordero ay ginagamit bilang handog para sa kasalanan. Si Jesus ang handog ng Dios para sa kasalanan. Siya ang sakdal, at panghuling handog. Hindi na kailangang ipagpatuloy pa ang paghahandog ng mga dugo ng mga hayop upang magkaroon ng kapatawaran sa kasalanan.

 

Tinawag ni Juan si Jesus na "ilaw ng sanglibutan":

 

Nagkaroon ng tunay na Ilaw, samakatuwid baga'y ang ilaw na lumliwanag sa bawat tao, na pumaparito sa sanglibutan.

 

Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan Niya, at hindi Siya nakilala ng sanglibutan. (Juan1:9-10)

 

ANG PAGUUGALI NI JESUS

 

Ipinakita ni Jesus ang Kanyang dakilang pagibig sa sanglibutan sa pamamagitan ng Kanyang paguugali nang narito Siya sa lupa at naglilingkod. Basahin ang pagpapakain ng 5,000 sa Mateo 14: 13-21. Ang tingin ng mga alagad sa karamihan ay istorbo. Nakita sila ni Jesus bilang isang pagkakataon upang ipahayag ang pagibig ng Dios.

 

Basahin mo ang kuwento ni Jesus at ng babaeng Samaritana sa Juan 14:1-42. Sa halimbawang ito, itinuro ni Jesus na walang pagkakaiba ang mga lahi at ang katubusang ipinagkaloob ng Dios mula sa kasalanan. Ang sabi ng mga tao sa Samaria ay:

 

...Ngayo'y nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagkat kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan. ( Juan 4: 42)

 

Nang ibahagi ni Jesus sa Kanyang mga alagad ang malaking pangitain ng pagaaning espirituwal sa buong mundo, ganito ang Kanyang sinabi:

 

Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y Aking sinasabi, itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.

(Juan 4:35)

 

Sinabi Niya sa Kanyang mga alagad:

 

...Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa;

 

Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kaniyang aanihin. (Mateo 9: 37-38)

 

Basahin ang Marcos 14:1-9 na nagsasabi kung paano pinahiran ni Maria si Jesus. Pinintasan siya ng ilan sa pagbubuhos niya ng mamahaling pabango sa ulo ni Jesus. Subalit ang sabi ni Jesus ay...

 

...Saan man ipangaral ang Evangelio sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa Kaniya.  (Marcos 14: 9)

 

Sa mga salitang ito, ipinahayag ni Jesus na plano Niyang palaganapin ang Evangelio sa buong mundo.

 

Basahin ang paglilinis ng templo sa Marcos 11:15-17. Muling binigyang diin ni Jesus ang sanglibutan nang sabihin Niya:

 

...Hindi baga nasusulat, Ang Aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwat ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.  (Marcos 11:17 )

 

Sa ngayon, marami sa mga dako ng pagsamba ang lumayo na mula sa pakay ng Dios. Kailangan natin si Jesus na linisin tayong muli upang matupad natin ang Kanyang plano na...

 

...sapagkat ang Aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan.  (Isaias 56: 7)

 

ANG ARAL NI JESUS

 

Binigyang diin ni Jesus ang plano ng Dios para sa sanglibutan sa Kanyang mga aral at sa Kanyang buhay.

 

Pag-aralan mo ang mga sumusunod na mga talata sa Biblia:

 

Mateo 5: 13-16: Ang mga tagasunod ni Jesus ay dapat maging asin ng lupa at ilaw ng sanglibutan.

 

Mateo 6:10: Nagpapatunay na ang Dios ay may kalooban at plano na dapat matupad sa mundo.

 

Mateo 6:19; 16:26; Marcos 8:36; Lucas 12:22-32; Juan 12:25: Ang ating mga pag-ukulan ng pansin ay mga bagay na walang hanggan, hindi mga bagay na makamundo.

 

Mateo 9:6; Marcos 2:10; Lucas 5:24: May kapangyarihan si Jesus na magpatawad ng kasalanan.

 

Mateo 13:35: Ipinakita ni Jesus ang plano ng Dios sa sanglibutan na natago mula pa nang pasimula ng daigdig.

 

Mateo 21:43: Hinulaan ni Jesus ang pagkalat ng Evangelio sa mga bansang Gentil.

 

Lucas 4:18-19: Pansinin ang malasakit ni Jesus para sa mga pangangailangan ng mga tao sa mundo.

 

Lucas 12:49-51; Juan 9:39; 12:31: Nagdala si Jesus ng "apoy" (paghatol) at pagkakabaha-bahagi sa pagitan ng katuwiran at kasalanan.

 

Lucas 13:28-29: Itinuro ni Jesus ang pagtitipon ng lahat ng mga bansa sa pagtatapos ng panahon.

 

Juan 3:16-18; 12:47; 17:6; 18:37: Ang mga talatang ito ang nagpapakita ng Kanyang mga layunin sa pagparito sa sanglibutan.

 

Juan 6: 33-51: Ang sabi ni Jesus Siya ang tinapay ng buhay para "sa kanino mang tao" at ibibigay Niya ang Kanyang laman para sa buhay "ng sanglibutan."

 

Juan 7:7: Nagsalita si Jesus tungkol sa makasalanang katayuan ng sanglibutan.

 

Juan 8:12: Ipinakita ni Jesus na Siya ang Ilaw ng sanglibutan. (Tingnan din ang 9:5 at 12:46).

 

Juan 8:23,26: Ang sabi ni Jesus hindi Siya taga sanglibutan kundi ipinadala Siya sa sanglibutan upang sabihin ang mensahe ng Dios.

 

Juan 12:47: Sinabi ni Jesus na Siya'y naparito upang iligtas ang sanglibutan.

 

Juan 10: 1-16: Hinulaan dito na ang Evangelio ay ipangangaral sa mga Gentil, "mga tupa" na hindi kabilang sa Israel. Ang mga guhit na naghahati ay maaalis sapagkat ang "lahat ng tupa ay magkakasama na sa isang kulungan."

 

Juan 12:20-36: Sinabi Niya na hahalinahin Niya ang mga tao sa Kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkamatay Niya para sa kasalanan ng sanglibutan. Hahalinahin Niya ang mga lalake at babae mula sa lahat ng panig ng mundo.

 

Juan 15:18-19; 16:33; 17:14-16: Kung paanong tinanggihan si Jesus, gayon din tatanggihan ng mundo ang Kanyang mga alagad.

 

Juan 16:8: Pagdating ng Espiritu Santo, susumbatan Niya ang sanglibutan ng kanilang kasalanan.

 

 

ANG MGA TALINHAGA NI JESUS:

 

Nagsalaysay si Jesus ng maraming talinhaga nang Siya'y naglilingkod dito sa lupa. Ang mga talinhaga ay mga halimbawang natural na nagpapakita ng espirtuwal na katotohanan.

Tinatawag silang mg "kuwentong makalupa na may makalangit na kahulugan." Sa mga talinhaga isiniwalat ni Jesus ang plano ng Dios sa sanglibutan:

 

Ang Mabuting Samaritano: (Lucas 10)

 

Ang mga Israelita ay hindi maayos ang kaugnayan sa mga taga Samaria. Ang tanong na "Sino ang aking kapwa tao?" ay matagal nang pinagtatalunan ng mga lider ng relihiyon. Ang kuwento na ito ang nagturo ng tamang damdamin tungkol sa taong iba sa atin.

 

Ang Alibughang Anak: (Lucas 15)

 

Ang damdamin ng matandang kapatid dito ay tulad ng sa mga lider ng relihiyon sa Israel sa panahon ni Jesus. Ayaw nilang ang pagibig ng Dios ay ibigay sa ibang bansa. Hindi nila nais na ang ibang nasyon ay iligtas din ng Dios.

 

Kung pinupulaan natin ang mga Israelita, tandaan natin na may ganito ring damdamin ang ibang mga modernang iglesia. Panatag tayo sa mga pagpapala ng Evangelio na wala tayong pakialam sa mga nasa kadiliman pa na walang Jesus.

 

Ang Malaking Hapunan: (Lucas 14: 16-24)

 

Ang kuwentong ito ay nagpapakita na ang Israel ang unang binigyan ng pagkakataon na pumasok sa kaharian, subalit tinanggihan nila ang paanyaya. Ang tawag ngayon ay para doon sa mga nasa "daan at bakuran" ng sanglibutan.

 

Ang Mga Magsasaka: (Mateo 21: 34-44)

 

Sinabi ni Jesus na ang Israel ang dapat mag-alaga ng ubasan ng Dios, subalit hindi sila nagtagumpay dito.

 

Ang Trigo At Ang Panirang Damo: ( Mateo 13: 36-43)

 

Ang bukid sa talinhagang ito ay ang sanglibutan. Ang Salita ng Dios ay dapat ikalat sa buong mundo. Sa katapusan ng mundo, ang bungang espirituwal ay aanihin ng Dios.

 

Ang Manghahasik:  (Marcos 4)

 

Ang binhi, na Salita ng Dios, ay dapat ikalat sa lahat ng bukid ng sanglibutan. Ito ay mahuhulog sa iba't-ibang uri ng espirituwal na lupa at magbubunga ng iba't-ibang uri ng bunga.

 

 

Palaganapin Ang Kaharian: ( Mateo 13)

 

Gumamit si Jesus ng iba't-ibang talinhaga upang ipakita kung paano palalaganapin ang Evangelio ng Kaharian sa buong mundo. Basahin ang kuwento ng butil ng mustasa, ang lebadura, ang kandila, ang lambat, ang nakatagong kayamanan, ang mahalagang perlas, at ang taong puno ng sangbahayan sa Mateo 13.

 

ANG PAGTANGGI KAY JESUS

 

Dahil sa tinanggihan ng mga Judio ang mensahe ni Jesus, gumamit ang Panginoon ng maraming halimbawa upang ipakita kung gaano kaselan ang pagtangging ito.

 

ANG SAMPUNG KETONGIN:  (Lucas 17:12-19)

 

Sa pagkakataong ito isang Samaritanong ketongin ang bumalik upang magpasalamat, samantalang ang siyam na ketonging Israelita ay hindi. Tinawag ni Jesus ang pansin sa katotohanang ang Samaritano ay nagpasalamat sa Dios samantalang binale wala ng mga Israelita ang pabor ng Dios. Itinulad dito ang tugon sa Evangelio ng Israel at ng mga bansang Gentil.

 

ANG BABAENG CANANEA: (Mateo 15:21-28)

 

Ang unang sagot ni Jesus ay mabagsik sapagkat Siya'y may tanging layunin. Nais ni Jesus na makita ng iba ang kaniyang dakilang pananampalataya at magsilbing halimbawa at saway sa Israel. Ang pagbibigay ng kahilingang ito ay nagpapakita na ang kahabagan ng Dios ay hindi limitado ng mga hangganan ng lahi.

 

ANG ALIPIN NG CENTURION:  (Mateo 8: 5-12)

 

Ang taong ito ay sundalong Romano, subalit ang kahabagan ng Dios ay ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng kagalingan ng kanyang alipin. Ang sabi ni Jesus patungkol sa kanya ay:

 

...Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi Ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya. (Mateo 8:10)

 

Ang sinabi ni Jesus sa talatang 11 ay nagpapakita na ang Evangelio ng Kaharian ay para sa lahat ng tao:

 

At sinabi Ko sa inyo, na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit. (Mateo 8:11)

 

 

 

 

ANG KRUS AT ANG SANGLIBUTAN

 

Ang kamatayan ni Jesus sa krus ay bahagi ng plano ng Dios sa sanglibutan. Ang Kaniyang kamatayan ang basehan ng kaligtasan para sa mundo. Ito ang pangunahing mensahe ng buong Biblia. Dinadala ni Jesus ang atensiyon ng buong mundo sa kahalagahan ng krus:

 

Mateo 20: 28: Naparito Siya upang "ibigay ang Kaniyang buhay bilang kabayaran para sa marami." Ibig sabihin ng "marami" ay sa maraming mga tao sa buong mundo.

 

Mateo 26:28: Ang sabi ni Jesus ang Kaniyang dugo ay "nabuhos dahil sa marami sa ikapapatawad ng mga kasalanan."

 

Juan 3:14-17: Ipinakita ni Jesus ang pagibig ng Dios sa mundo sa pagbibigay Niya ng Kaniyang Anak upang mamatay para sa kasalanan ng sangkatauhan. Ang ibig sabihin ng "sinoman" ay kahit sinong tao sa lahat ng bansa.

 

Juan 6:51: Sinabi Niyang ibibigay Niya ang Kaniyang buhay para sa mundo.

 

Juan 12:32: Sinabi ni Jesus na hahalinahin Niya ang mga tao sa Kaniyang sarili para sa kaligtasan.

 

Ang krus ang pangunahing paksa ng mga sulat ni Pablo, na nagpapahayag ng kaniyang pangdaigdig na layunin:

 

Roma 5: 12-21: Dahil sa kasalanan ni Adam, ang paghuhukom ay dumating sa lahat ng tao. Sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesus sa krus, ang katuwiran ay maaaring dumating sa lahat.

 

II Corinto 5: 14-19: Si Jesus ay namatay para sa "lahat" at ang Dios, sa pamamagitan ni Jesus, ay pinagkasundo ang mundo sa Kaniyang sarili.

 

Galacia 1: 4: Ibinigay ni Jesus ang Kaniyang sarili para sa ating mga kasalanan bilang pagsunod sa kalooban ng Dios.

 

Efeso 3: 6-11:Ang mga bansang pagano ay tatanggap ng beneficio ng katubusan ni Jesus.

 

Colosas 1:20: Kapayapaan at pagkakasundo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus.

 

I Timoteo 1:15: Dumating si Jesus upang iligtas ang mga makasalanan.

 

I Timoteo 2: 5-6: Iisa lamang ang tagapamagitan, si Jesucristo, kung saan ang lahat ng tao ng bawat tribo at bansa ay makakaugnay sa iisang tunay na Dios.

 

Hebreo 9:11-12: Nagdusa si Jesus minsan at para sa lahat para sa mga kasalanan ng tao.

 

Itinuon din ni Juan ang ating paningin sa malawakang bisa ng krus:

 

I Juan 4: 9,14: Isinugo si Jesus sa lupa upang maging tagapagligtas ng sanglibutan.

 

ANG TINAPOS NA GAWAIN

 

Sa pagharap ni Jesus sa krus, ganito ang Kaniyang sinabi:

 

...Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito Ako naparito sa sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawat isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng Aking tinig.  ( Juan 18: 37)

 

Sa pamamagitan ng kamatayan Niya sa krus, ipinahayag ni Jesus na ang plano ng Dios

na pagkakasundo sa mundo ay tapos na:

 

            Niluwalhati Kita sa lupa, pagkaganap Ko ng gawa na ipinagawa Mo sa Akin.

            ( Juan 17:4)

 

ANG DAKILANG UTOS NI JESUS

 

Nabuhay na maguli si Jesus, tatlong araw matapos Siyang mamatay (Mateo 28). Maraming beses Siyang nagpakita sa Kaniyang mga alagad pagkatapos Niyang mabuhay bago Siya umakyat sa Langit. Sa tuwing makikipagtagpo Siya sa kanila, lagi Niyang sinasabi na abutin nila ang buong mundo ng mensahe ng Evangelio. Binigyan Niya sila ng hamon na tinaguriang " Ang Dakilang Utos." Sa susunod na kabanata, matututuhan mo kung paanong tinugon ng mga alagad ang hamon na ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ipaliwanag kung paanong ang plano ng Dios sa mundo ay nahayag dahil sa pahayag ng kapanganakan ni Jesus.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ipaliwanag kung paano ang pananaw sa sanglibutan batay sa Biblia ay nakita sa buhay ni Jesus.

 

________________________________________

________________________________________

4. Ibigay ang buod ng itinuro ni Jesus tungkol sa mundo at ang Kaniyang misyon dito.

 

________________________________________

________________________________________

5. Ibigay ang kahalagahan ng krus ni Jesus sa plano ng Dios sa sanglibutan.

 

________________________________________

________________________________________

6. Ano ang kahulugan nang sabihin ni Jesus na natapos na Niya ang gawain ng Dios?

 

________________________________________

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

Magpatuloy sa pag-aaral tungkol sa sanglibutan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga sumusunod na mga reperensiya. Ang lahat ng ito ay patungkol sa "mundo" at mga kaugnay na salita sa Evangelio:

 

Mateo: 5: 5,13,14: 6:19; 9:6; 10:34; 13:35,38-40,49; 16:19,26; 18:18,19; 21:43; 24:3,7,9,14,30,35; 25:32,34; 28:18-20

 

Marcos: 2:10; 4:5,19; 8:36; 10:30; 11:17; 13:8,10,27,31; 14:9; 16:15

 

Lucas:  1:70; 5:24; 11:50; 12:30,49,51; 18:30; 21:10,25,26,33,35; 24:47

 

Juan:  1:9,10,29; 3:16,17,19,31; 4:42; 6:33,51; 7:7; 8:12,23,26; 9:5,39; 11:51,52; 12:19,25,31,32,46,47; 14:17,19,31; 15:18,19; 16:11,21,28,33; 17:4,6,11,14-16,18,21,23;

18:20,36,37; 21:25

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-ANIM NA KABANATA

 

ANG IGLESIA NA NASA SANGLIBUTAN

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

.    Ipaliwanag ang "Dakilang Utos."

.    Magpakita ng mga reperensiya sa Biblia tungkol sa "Dakilang Utos."

.    Ibigay ang katuturan ng salitang "Iglesia."

.    Ipaliwanag kung paanong nagsimula ang Iglesia.

.    Tukuyin ang espirituwal na kapangyarihan sa likod ng Iglesia.

.    Ibuod ang plano ng Dios sa organisasyon ng Iglesia.

.    Sabihin ang layunin ng Iglesia.

.    Ipaliwanag ang mga mahahalagang elemento ng "Evangelio ng Kaharian."

 

SUSING TALATA:

 

Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

 (Gawa 1:8) 

 

PAMBUNGAD

 

Sa panahon ng Lumang Tipan itinayo ng Dios ang Israel bilang isang bayan na sa pamamagitan nila ay maihahayag ang plano Niya ng kaligtasan sa mundo. Matapos tanggihan ng Israel si Jesus, nagtayo ang Dios ng bagong pangkat ng mga tao upang makagawa Siya sa mundo sa pamamagitan nila. Ang grupong ito ay ang Iglesia. Ang Iglesia ay may tanging posisyon at layunin sa plano ng Dios sa mga bansa. Ang aralin na ito ay nagpapaliwanag ng papel ng Iglesia sa mundo.

 

ANG DAKILANG UTOS

 

Pagkatapos mabuhay ni Jesus mula sa mga patay, maraming beses Siyang nagpakita sa Kanyang mga alagad. Sa tuwing magkikita sila, inihaharap Niya ang isang hamon sa kanila. Ang hamon na iyon ay na abutin nila ang buong mundo ng mensahe ng Evangelio. Itong misyon na ito na iniatang sa mga mananampalataya ay nakilala na "Dakilang Utos." Ito ang pinakadakilang utos na naibigay sa tao. Ito ay na abutin ang bawat isang nilalang ng Evangelio.

 

 

Ang mga sumusunod na talata ang Dakilang Utos na ibinigay ni Jesus sa Kaniyang mga alagad:

 

JUAN 20:21-23:

 

Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod, "Kung paano Ako sinugo ng Ama, gayon Ko rin kayo sinusugo." Ang Dakilang Utos ay nagmula sa Dios. Sa mga nagdaang mga taon, ulit-ulit Niyang sinugo ang Kaniyang mga mensahero, ang mga propeta, upang ilapit ang mga makasalanan sa Kaniyang sarili. Madalas tinatanggihan ang mga mensaherong ito. Sa wakas, ipinadala Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, si Jesus.

 

Lahat ng hinihiling kay Jesus bilang isang mensahero ay hinihiling din sa atin sapagkat tayo ay sinugo "tulad" ng pagkasugo sa Kaniya ng Ama. Anu-ano ang mga kahilingan kay Jesus?

 

            -Naparito Siya sa mundo na may makalangit na misyon.

            -Iniwan Niya ang lahat upang pumarito.

            -Nakalaan Siyang maging katulad ng nagkasalang sangkatauhan.

            -Nakalaan Siyang magdusa at mamatay para sa misyon.

            -Tinupad Niya ang misyon sa pamamagitan ng salita at gawa.

            -Tinapos Niya ang gawaing iniutos sa Kaniya ng Dios na gawin.

 

LUCAS 24: 45-59:

 

Pinag-aralan natin ang mga talatang ito sa nakaraang kabanata bilang susi sa Kasulatan. Ipinahayag dito ang plano ng Dios sa kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Jesus. Ang pinagagawa rito ay ang ibahagi ang mensahe ng katubusan sa mga bansa ng mundo.

 

Hindi sapat na namatay si Jesus para sa kasalanan ng sanglibutan. Ang mga nawala ay hindi automatik na maliligtas. Dapat nating ibahagi ang Evangelio sa kanila at ilapit sila sa Dios. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23). Dahil sa kasalanan, ang bawat lalake at babae ay patungo sa Impiyerno. Sila lamang na tumanggap sa Panginoong Jesus at tumanggap ng kapatawaran sa kasalanan ang maliligtas.

 

Hindi nais ng Dios na ang sinoman ay mapahamak:

 

Hindi mapagpaliban ang Panginoon sa Kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.

            ( II Pedro 3: 9)

 

Walang duda na nais ng Dios na ang lahat ng tao sa mundo ay maligtas:

 

Sapagkat, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.  (Roma 10: 13)

 

 Subalit...

 

Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano sila magsisisamplataya sa Kaniya na hindi nila napakinggan? at paano sila mangakikinig na walang tagapangaral?  (Roma 10: 14)

 

Nais ng Dios na ang bawat isa ay maligtas, subalit dapat ay may magsabi sa kanila ng mabuting balitang ito.

 

MARCOS 16: 14-16:

 

Ang utos ay "humayo." Ang patutunguhan ay "sa buong mundo." Ang Evangelio ay dapat ipangaral sa lahat ng nilalang. Ipinangako ni Jesus na ang mga tanda at himala ay makikita sa kanila na susunod sa utos. Ang ibang mga tao ay naghahanap ng mga tanda sa kanilang ministeryo, subalit hindi naman sila sumusunod sa utos na humayo, at nagtataka sila kung bakit sila walang kapangyarihan.

 

JUAN 15: 16:

 

Pinili tayo ni Jesus na humayo at magbunga ng espirituwal na bunga. Basahin mo ang buong kabanata na ito na tungkol sa pagbubungang espirituwal. Matututuhan mo kung paanong si Jesus ang puno at tayo ang mga sanga. Ang buhay na dumadaloy mula kay Jesus patungo sa atin ang nagdadala ng espirituwal na pagaani.

 

MATEO 28: 16-20:

 

Sinabi ni Jesus na "ang lahat ng kapangyarihan" ay ibinigay sa Kaniya ng Dios. Dahil dito, may kapamahalaan si Jesus na suguin ang Kaniyang mga tagasunod na libutin ang mundo ng Evangelio. Pansinin sa talatang ito:

 

Mga Tauhan: Ito ang mga taong tinatawag ni Jesus para sa gawaing ito. "Kayo"[lahat ng mananampalataya] ang mga mensahero.

 

Ang Kapangyarihan: "Lahat ng kapangyarihan." Ang kapangyarihan ng Dios ang naguudyok sa mga mensahero na humayo. Ito ang kapangyarihan ng Espiritu ng Dios, hindi ang kapangyarihan ng tao at ang kaniyang mga pamamaraan.

 

Ang Dapat Unahin: "Humayo" ang utos na ibinigay sa talatang ito ng Dakilang Utos. Ito ang dapat unahin sa ating buhay, hindi ito isang pagpili.

 

Ang Plano: Pagtuturo at pangangaral ang mga paraan na gagamitin.

 

Ang Pakay: Upang gawing mga alagad ang mga bansa. Ito ang pagpaparami ng Evangelio.

 

Ang Mga Tao: Ang mga taong aabutin ay "lahat ng mga bansa." Ito ang sakop ng utos.

Kasali ang buong sanglibutan.

 

Ang Presensiya: Ang sasama sa atin ay si Jesus. Siya ang manager ng programa. Siya ang sasama sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa ating pagsunod sa Dakilang Utos.

 

Ang Mga Katuruan: Ang mga ituturo ay ang mensahe. Ang mensahe ay upang dalhin sa buong mundo ang Evangelio ng Kaharian.

 

At ipangangaral ang Evangeliong ito ng Kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa... ( Mateo 24:14)

 

Ang Evangelio ay Evangelio rin ng Dios (I Tesalonica 2:9), ang Evangelio ni Cristo (I Tesalonica 3:2), at ang evangelio ni Pablo ( Roma 2: 16). Hindi magkakalaban ito. Sa Dios nagmula ang Evangelio. Si Jesus ang tumupad ng plano. Ang mga taong tulad ni Pablo ay kapwa tagatanggap at mensahero ng Evangelio.

 

Ang Evangelio ay tinanggap sa pamamagitan ng kapahayagan mula sa Dios. Hindi ito doktrinang ginawa ng tao:

 

Sapagkat aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa Evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.

 

Sapagkat hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo. ( Galacia 1: 11-12)

 

Sa I Corinto 15: 1-11, ang simpleng mga katotohanan ng Evangelio ay ibinuod. Ang pinakamahalagang mensahe ay si Jesus, ang Kaniyang ministeryo, kamatayan para sa kasalanan, pagkabuhay na maguli, at mga pagpapakita. Ang Evangelio ay nakabatay sa biyaya at pananampalataya.

 

Sa pinakamaliit na paraan, ang Evangelio ay ang simpleng plano ng kaligtasan na ipinakita sa Juan 3:16, Juan 14:1, Mateo 11:28, at Roma 10:9. Sa malawak na kahulugan, kasali rito ang lahat ng itinuro ni Jesus tungkol sa Kaharian.

 

Ang Evangelio ay ang katotohanan ng Dios:

 

Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng Evangelio.  ( Colosas 1: 5)

 

Ang Evangelio ay kapangyarihan ng Dios na humahantong sa kaligtasan:

 

Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagkat siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego. ( Roma 1: 16)

 

 

ANG IGLESIA

 

Ang hamon ng Dakilang Utos ay ibinigay ni Jesus sa Iglesia. Ang Iglesia ay naglilingkod kung paanong tinawag ang Israel na maglingkod sa panahon ng Lumang Tipan. Ito ay isang grupo na sa pamamagitan niya ay ipinahahayag ng Dios ang Kaniyang sarili sa mga bansa ng sanglibutan.

 

Mahalagang malaman natin ang kahulugan ng "Iglesia." Ang Iglesiang binabanggit sa Biblia ay hindi isang gusali. Hindi ito isang denominasyon o relihiyon. Ang Iglesia ay binigyan kahulugan sa dalawang larangan:

 

SAKOP ANG BUONG MUNDO:

 

Ang Iglesia ay kinabibilangan ng lahat ng mga tao na nananampalataya kay Jesucristo. Ito ay samahan ng mga mananampalataya na ipinanganak na muli at namumuhay na sumusunod sa Dios.

 

Ang kahulugan ng salitang "Iglesia" ay ang "tinawag mula sa" o " ang mga tinawag." Ang Iglesia ay binubuo ng mga taong tinawag mula sa Kaharian ni Satanas patungo sa Kaharian ng Dios. Kasali rito ang mga tao ng ibang mga lahi, tribo, kultura, at wika na tumanggap kay Jesucristo bilang Tagapagligtas.

 

Ang Iglesia rin ay tinawag na "Katawan ni Cristo," "mga Kristiyano," o "mga mananampalataya." Ang mga salitang ito kung minsan ay malawak ang paggamit, subalit sa tunay na katuturan ang kasali lang dito ay yaong mga ipinanganak na muli sa pamamagitan ni Jesucristo at sumusunod sa Dios.

 

LOKAL:

 

Para sa mga layunin ng pagmimisyon, organisasyon, at samahan, ang mga grupo ng mananampalataya ay nagsasama-sama sa isang organisasyon at lokal na samahan. Ang padron ng pagtatatag ng Iglesiang lokal ay nagpasimula sa Bagong Tipan.

 

ANG KATANGIAN NG IGLESIA

 

Ang Biblia ay gumamit ng iba't-ibang simbolo na nagpapaliwanag ng likas, gawain, relasyon, at posisyon ng Iglesia.

 

Sa mga sumusunod na talata ang Iglesia ay tinawag na:

 

Isang Bagong Nilalang:  Efeso 2: 14-15

 

Ang Katawan Ni Cristo:  Efeso 1: 22-23; 5:30; I Corinto 12:27

 

Ang Templo Ng Dios: Efeso 2:21-22; I Corinto 3:9,16; I Timoteo 3:15; I Pedro 2:5

 

Isang Saserdoteng Banal: I Pedro 2:5,9; Apocalipsis 1:6; 5:10

 

Ang Asawang Babae Ni Cristo:  II Corinto 11: 2

 

Ang Sambahayan ng Dios:  Efeso 2: 19

 

Ang Kawan Ng Dios: Juan 10:1-29; I Pedro 5: 3-4; Hebreo 13:20; Gawa 20: 28

 

Ang Iglesia ng Dios: Gawa 20:28; I Corinto 1:2; 10:32; 11:22; 15:9; I Timoteo 3:5; I Tesalonica 2: 14

 

Ang Iglesia ng Buhay Na Dios:  I Timoteo 3: 15

 

Ang Iglesia Ni Cristo:  Roma 16:16

 

Ang Iglesia Ng Mga Panganay:  Hebreo 12: 23

 

Ang Iglesia Ng Mga Banal:  I Corinto 14: 33

 

 

ANG LAYUNIN NG IGLESIA

 

Ang Iglesia ay maraming mahahalagang gawain tulad ng pagsamba, pagsasama-sama, at ministeryo sa pangangailangan ng mga tao. Subalit ang pinakamahalagang layunin kung bakit may Iglesia ay upang palaganapin ang Evangelio. Sa payak na pananalita, ang pangunahing pakay ng Iglesia ay upang sundin ang Dakilang Utos.

 

Inatake ni Satanas ang misyon ng unang Iglesia sa maraming paraan. Sinikap niyang pigilin ang pagpapalaganap ng Evangelio sa pamamagitan ng paguusig, mga maling doktrina, at ng kasalanan. Ito pa rin ang mga pakana niya hanggang ngayon. Subalit may isa pang hadlang sa pakay ng Iglesia: Ang pagiging abala ng mga lider sa mga mabubuti at mahahalagang gawain ang nagpabago ng pokus na ibinigay ni Jesus. Pag-aralan mo ang Gawa 4. Maraming mahahalagang bagay na kailangang gawin, subalit ang mga lider ang gumagawa ng mga ito at nakakaligtaan nila ang pag-aaral ng Salita ng Dios at ang pananalangin.

 

Ang pangangailangan ng tao ay marami. Ang sabi ni Jesus ay ang mga nangangailangan ay lagi nating kasama. Ang Iglesia ay dapat tagpuin ang mga pangangailangan ng mga tao, at dapat maging mapagmalasakit tulad ng panahon ng Bagong Tipan. Subalit ang pakay ng Iglesia ay hindi lamang doon sa pagtagpo ng mga pangangailangang pisikal, sosyal, o materyal. Ang dapat unahin ay ang pagpapalaganap ng Evangelio. Ang Iglesia ay maaaring tagpuin ang ibang pangangailangan, subalit dapat samahan ito ng makapangyarihang paglalahad ng mensahe ng Evangelio.

 

Ang mabuting halimbawa ay nasa Roma 9 at 10. Alam ni Apostol Pablo ang pangangailangan sa pananalapi ng mga Judio. Alam din niya ang politikal na panlulupig ng Roma sa mga tao, subalit malinaw na ang kanyang malaking malasakit ay ang kanilang espirituwal na kalagayan. Ang kanyang malasakit sa Israel ay ang sila ay maligtas (Roma 10:1). Ang misyon ng Iglesia ay ipaalam ang Evangelio upang ang Dios ay mapaglingkuran nang matapat ng lahat ng tao.

 

ISANG AHENSIYANG NAGSUSUGO

 

Ang paraan ng Dios ay magsugo. Dahil sa pagibig sa atin, isinugo Niya ang Kaniyang Anak sa atin:

 

Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

 

Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.  (Juan 3: 16-17 )

 

Inutusan tayo ni Jesus na dalhin ang Evangelio. Ang bawat Iglesia lokal ay dapat maging iglesiang nagsusugo, humahayo na may pagibig sa namamatay na sanglibutan.

 

Hindi itinatag ng Dios ang Iglesia bilang mga espesyal na tampulan ng Kaniyang pabor. Ang Iglesia ay tinawag sa pakay, hindi pribilehiyo. Tayo ay mga ministro ng pagkakasundo. Dapat natin sundin ang padron na ibinigay ng Dios at ni Jesus. Tayo ay humayo na dala ang Evangelio.

 

Bawat iglesia ay napapalibutan ng mga taong walang Dios at walang pagasa. Ito ang ating pinakamalaking hamon, tulad ng sinabi ni Pablo sa Filipos (Filipos 2: 12-16). Ganito ring mga pananalita ang sinabi sa mga iglesia sa Corinto, Efeso, Tesalonica,

 at Colosas. Gayon ding mensahe ang umaalingawgaw ngayon.

 

Sa Efeso, ibinuod ni Pablo ang pakay ng Iglesia:

 

At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay;

 

Upang ngayo'y sa pamamagitan ng Iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,

 

Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin.  (Efeso 3: 9-11)

 

ANG IGLESIANG IPINANGANAK NG KAPANGYARIHAN

 

Malaking gawain ang iniwan ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod. Dapat nilang ihatid ang mensahe ng Evangelio sa buong mundo. Subalit hindi Niya sila binigyan ng responsabilidad na walang kapamahalaan. Ipinangako Niya ang tanging kapangyarihan upang matupad ang gawaing ito.

 

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na tatanggapin nila ang kapangyarihan pagdating ng Espiritu Santo:

 

 Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

 (Gawa 1:8)

 

Labing-isang lalake ang binigyan ng imposibleng gawain. Hindi sila nagtatag ng komite upang pagpasiyahan kung sino ang hahayo at kung saan. Hindi sila kumuha ng handog upang malaman kung hanggang saan aabot ang pera nila. Hindi sila nagbotohan upang sundin and desisiyon ng mayorya. Nagpunta sila sa silid sa itaas at nagkaisang manalangin. Dito ipinanganak ang Iglesia na may dakilang kapangyarihan.

 

Natala sa Gawa 2 ang pagdating ng Espiritu Santo. Ang kapangyarihang ito ng Espiritu Santo ay ibinigay na may tiyak na layunin. Ang layunin ay upang abutin ng mga bansa ng Evangelio ( Gawa 1:8). Natala rin sa Gawa 2 ang pasimula ng unang Iglesia. Nang ang Espiritu Santo ay ibinigay sa bagong kapahayagan ng kapangyarihan, nangaral si Pedro at ito'y nagbunga ng 3,000 na tumugon sa Evangelio. Ito ang pasimula ng unang Iglesia. Ang tala ng kanilang pagdami at ng kanilang misyon ay naroon sa mga nalalabing mga kabanata sa aklat ng Mga Gawa.

 

ANG ORGANISASYON NG IGLESIA

 

Upang matupad ang misyon ng Iglesia, nagtatag ang Dios ng mga prinsipyo ng organisasyon. Ang mga kaanib ng iglesia ay magkakaugnay bilang magkakapatid na espirituwal. Tinawag sila na "Katawan ni Cristo," kung saan si Cristo ang ulo. Ang iglesia ay dapat gumawang magkakasama na nagkakaisa tulad ng isang pisikal na katawan. Sila ay dapat kumilos sa ilalim ng direksiyon at Pangunguna ng Panginoong Jesucristo.

 

Nagtatag ang Dios ng mga espesyal na mga lider sa iglesia tulad ng mga apostol, mga propeta, mga evangelista, mga pastor, at mga guro. Nagbigay din ang Dios ng mga kaloob na espirituwal para sa bawat mananampalataya upang gamitin sa gawain ng ministeryo.

 

Ang pagtatalakay kung paanong ang mga kaloob ng pangunguna at ministeryo ay magaganap upang tumulong sa Iglesia sa pagtupad ng misyon nito, ay hindi sakop ng pag-aaral na ito. Ang Harvestime International Institute ay may isang kurso tungkol sa paksang ito na pinamagatang "Ang Ministeryo ng Espiritu Santo."

 

ANG PAGSAKSI NG UNANG IGLESIA

 

Ang aklat ng Mga Gawa sa Bagong Tipan ay kuwento kung paanong ang Iglesia ay tinupad ang Dakilang Utos ng pagdadala ng Evangelio sa buong mundo. Libu-libo ang naligtas sa loob lamang ng ilang linggo pagkatapos ng mga pangyayari sa Gawa 2. Sa paglipas ng panahon, ang bilang ng mga mananampalataya sa Jerusalem ay mabilis na dumami.

 

Pinahintulutan ng Dios ang paguusig upang  mapilitan ang mga mananampalataya na lumabas sa Jerusalem. Nagkalat sila sa Judea at Samaria:

 

...At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol.

 

Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang Salita.  ( Gawa 8:1,4)

 

Isa sa mga mananampalataya na nangaral sa Samaria ay si Felipe. Ito ang unang pagmimisyon sa ibang kultura na natala sa Mga Gawa (Gawa 8). Sa Gawa 9, itinayo ng Dios si Apostol Pablo upang maging Apostol sa mga Gentil, isang misyonero sa mga bansa ng sanglibutan.

 

Sa Gawa 10 ay natala ang pagkahikayat ng isang lalaking nagngangalang Cornelio. Binigyan ng Dios si Pedro ng pangitain na nagbunsod sa kaniya na humayo sa mga Gentil na dala ang Evangelio. Sa Gawa 11 ay ipinakita ang kahalagahan ng Espiritu Santo sa pagpapalaganap ng misyon ng Iglesia sa buong mundo.

 

Sa Gawa 13, ang tunay na programa ng pagpapalaganap ng Evangelio sa "dulo ng daigdig" ay nagpasimula. Si Pablo at si Bernabe ay tinawag na magdala ng Evangelio sa mga tao na may ibang kultura. Sila ay sinugo upang dalhin ang Evangelio sa mga kultura liban sa Israel:

 

At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang Salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.

 

            At lumaganap ang Salita ng Panginoon sa buong lupain.  (Gawa 13: 48-49)  

 

Mababasa mo ang unang komperensiya ng mga misyonero sa "home church" sa Antioch sa Gawa 14: 26-27, at ang kanilang unang report sa headquarters sa Jerusalem sa Gawa 15: 2-4.

 

Si Pablo, na nakatitiyak ng layunin ng Dios sa mga bansa ng sanglibutan, ay may katapangang dinala ang Evangelio sa mga siyudad, bayan, probinsiya, mga estados, sa mga nag-aral at hindi nag-aral, sa mga laya at sa mga alipin:

 

Sapagkat ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahuli-hulihang hangganan ng lupa. (Gawa 13: 47)

 

Ang unang Iglesia ay tinupad ang kanyang misyon na may sigla at alab kaya't ang sabi sa kanila ay "binaligtad nila ang mundo" para sa Dios (Gawa 17:6). Ang pakay ng Dios ay natupad nang ang mga tao mula sa iba't ibang bansa ay naging isa sa pamamagitan ng dugo ni Jesus:

 

At ginawa Niya sa isa ang bawat bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa... (Gawa 17:26)

 

Kundi sa bawat bansa siya na may takot sa Kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa Kaniya. ( Gawa 10: 35)

 

 

ANG NALALABING REKORD NG BAGONG TIPAN

 

Sa ngayon, ang aralin na ito ay nakatuon sa Iglesia na nasa sanglibutan sa aklat ng Mga Gawa. Ang mga natitirang mga aklat ng Bagong Tipan ay isinulat ng mga kaanib ng unang Iglesia sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu Santo. Maraming mga reperensya rito tungkol sa sanglibutan.

 

Ang seksiyon ng "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" sa kabanatang ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong pag-aralan ang lahat ng reperensya sa Bagong Tipan tungkol sa mundo. Siguruhin mong gawin ito upang makumpleto ang inyong pag-aaral tungkol sa sanglibutan sa Salita at lalong mabuo ang isang pananaw sa sanglibutan batay sa Biblia.

 

Isang mahalagang bagay na dapat pansinin sa "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" ay tungkol sa Lumang Tipan. Sa Roma 4 binabanggit ni Pablo ang mga pangakong ibinigay kay Abraham. Kasali rito ang pangako na siya ay magiging pagpapala sa mga bansa ng sanglibutan. Sa Bagong Tipan, ang mga mananampalataya ay tinawag na tagapagmana ni Abraham (Galacia 3). Ibig sabihin nito ay namana natin ang lahat ng ipinangako kay Abraham. Kasali rito ang tawag na maging pagpapala sa lahat ng bansa.

 

 

ANG IGLESIA NA NASA SANGLIBUTAN

 

Mula sa pag-aaral ng Bagong Tipan, ang gawain ng Iglesia kaugnay ng sanglibutan ay maaaring ibuod na ganito:

 

1. Ang Iglesia ay inatasang ipahayag si Jesus sa mundo bilang Tagapagligtas, Panginoon ng buong mundo, at babalik na Hukom ng sangkatauhan.

 

2. Dapat ituro ng Iglesia ang mga tao sa tamang kaugnayan kay Jesuscristo upang sila ay makaranas ng kapatawaran ng kasalanan at bagong buhay sa Kaniya.

 

3. Sa pamamagitan ng binyag sa tubig, pagtuturo, at pangangaral, itatatag ng Iglesia ang mga mananampalataya sa doktrina, mga prinsipyo, at mga kaugalian ng pamumuhay Kristiyano. Sila ay dapat turuan ng Iglesia na "sundin ang lahat" ng iniutos sa Salita ng Dios.

 

4. Dapat tipunin ng Iglesia ang mga mananampalataya upang maging lokal fellowship na tinutupad ang kanilang misyon sa mundo.

 

5. Ang bawat lokal na fellowship ay dapat tumanggap ng kapangyarihan mula sa Espiritu Santo upang maulit ang cycle na ito [ mula no. 1 hanggang 5]. Sa pamamagitan ng prosesong ito, ang mga tao ay mahihikayat at ang mga bagong fellowship ay matatatag.

 

Ang Iglesia ay dapat humayo sa "buong sanglibutan" na dala ang Evangelio. Ang susunod na kabanata ay maglalarawan ng "Naghihintay na Sanglibutan " kung saan isinugo ang Iglesia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng "Dakilang Utos."

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

3. Magbigay ng tatlong reperensya tungkol sa "Dakilang Utos."

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

4. Ibigay ang kahulugan ng salitang "Iglesia" ayon sa Biblia.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

5. Paano nagsimula ang Iglesia?

 

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

6. Ano ang kapangyarihang espirituwal na nasa Iglesia na tumutulong sa kaniya na tuparin ang misyon nito sa sanglibutan?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

7. Ibigay ang buod ng plano ng Dios na organisasyon ng Iglesia.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

8. Ibigay ang buod ng layunin ng Iglesia sa plano ng Dios.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

9. Anu-ano ang mga mahahalagang elemento ng Evangelio?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

1. Kung interesado kang malaman kung paano kumalat ang Evangelio sa buong mundo pagkatapos ng nakatalang rekord ng Dios, basahin mo ang aklat na

"From Jerusalem To Iryian Jaya" ni Ruth Tucker. Ito ay nilimbag ng Zondervan Publising House, Grand Rapids, Michigan, U.S.A.

 

Ang pagsaksi sa mga bansa ay nahati sa tatlong malalaking panahon sa Bagong Tipan:

           

            UNANG ERA:

 

            Ang paglaganap ng Evangelio sa mga region sa tabi ng mga dagat ng sanglibutan.

            Ito ay pinasimulan ni William Carey.

 

            IKALAWANG ERA:

 

            Ang paglaganap ng Evangelio sa loob ng mga region ng mundo na pinasimulan ni

             J. Hudson Taylor.

 

IKATLONG ERA:

 

Pinasimulan ni W. Cameron Townsend hanggang sa ngayon. Ito ang pagabot sa mga hindi pa naaabot na mga grupo ng mga tao ng Evangelio.

 

2. Sa huling kabanata, pinag-aralan mo ang lahat ng reperensya tungkol sa sanglibutan sa mga aklat ng Bagong Tipan na Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Ang mga sumusunod na reperensya tungkol sa sanglibutan ay hango sa Mga Gawa hanggang kay Judas sa Bagong Tipan:

 

Gawa: 1:8; 2:5; 3:25; 4:24,26; 10:28,35; 13:47; 14:15,16; 15:18; 17:6,24,26,31

Roma: 1:5,8,20; 3:19; 4;13,17,18; 5:12,13; 9:17,28; 10:18; 11:12,15; 12:2; 16:25,26

I Corinto: 1:20,21,27,28; 2:6-8,12; 3:18,19; 8:4,5; 10:11,26,28; 11:32; 15:47-49

II Corinto: 4:4; 5:19; 7:10

Galacia: 1:4,16; 2:9; 3:8; 4:3

Efeso: 1:4,10,21; 2:2,12; 3:9,21; 6:12

Filipos: 2:10,15; 3:19

Colosas: 1:16,20; 2:8,20; 3:2,5

I Timoteo: 1:15; 3:16; 6:7,17       II Timoteo: 1:9; 4:10

Tito: 1:2; 2:12

Hebreo: 6:7; 9:26; 11:7; 12:25,26

Santiago: 2:5

I Pedro: 1:20   II Pedro: 2:5; 3:6,7

I Juan:  2:2,15-17; 3:1; 4:3,4,9,14,17; 5:4,5,19   II Juan: 1:7

 

IKA-PITONG  KABANATA

 

ANG NAGHIHINTAY NA DAIGDIG

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na iyong kinabisa.

.    Ibuod ang katayuan sa ngayon ng pagpapalaganap ng Evangelio sa mundo.

.    Ibigay ang kahulugan ng "grupo ng mga tao."

.    Ibigay ang kahulugan ng "hindi pa naaabot na grupo ng mga tao."

.    Tukuyin ang mga limang malalaking hindi pa naaabot na grupo ng mga tao.

.    Ipaliwanag ang kahulugan ng "saradong bansa."

 

SUSING TALATA:

 

...Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa.  (Mateo 9:37)

 

PAMBUNGAD

 

Sa kabanatang ito matututuhan mo ang kalagayan ngayon ng mundo na naghihintay ng Evangelio ng Kaharian. Natatandaan mo ba iyong natural na bukirin na ginamit ni Jesus upang ipakita nag espirituwal na pangangailangan ng mundo? Sa pagtatapos nitong kabanata, mauunawaan mo kung bakit sinabi ni Jesus na:

 

...Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa.  (Mateo 9:37)

 

SA BUONG MUNDO

 

Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad:

 

...Magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang LAHAT ng mga bansa... (Mateo 28:19)

 

Magsiyaon kayo sa BUONG sanglibutan, at inyong ipangaral ang Evangelio sa lahat ng kinapal. (Marcos 16:15)

 

At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa LAHAT ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem. (Lucas 24: 47)

 

...At kayo'y magiging mga saksi Ko...hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.  (Gawa 1:8)

 

Ano ang ibig sabihin ng humayo sa buong mundo? Ang mga misyonero ay nakaparoon na sa bawat bansa, at mayroon nang Kristiyanong saksi kahit paano sa bawat bansa dito sa lupa. Subalit nakaparoon na ba tayo sa BUONG mundo, sa BAWAT nilalang?

 

AYON SA LUGAR

 

Milyon-milyong mga nayon sa mundo ang hindi pa nakakadama ng yabag ng mga paa ng misyonero. Hindi pa nila naririnig ang mensahe ng kaligtasan. Bahagi sila ng sanglibutan. Hindi pa natin naaabot ang buong mundo.

 

AYON SA WIKA

 

Ang pagpapalaganap ng Evangelio sa pamamagitan ng wika ay ang pagsasalin ng Biblia sa iba't-ibang mga wika. Ang Biblia ay ang mensahe ng Dios para sa lahat ng tao. Ang pinaka-epektibong paraan ng pagbabahagi ng mensahe ay sa pamamagitan ng sariling wika na ginagamit ng mga tao.

 

Sa ngayon, mayroong 5,445 na mga lenguwahe sa buong mundo. Sa bilang na ito 3,000 pa ang nangangailangan ng salin ng Biblia sa kanilang wika. Hindi pa nababasa ng mga taong ito ang nasulat na Salita ng Dios sa kanilang wika. Hindi pa natin naaabot ang buong mundo sa pamamagitan ng wika.

 

AYON SA BILANG NG POPULASYON

 

Hindi lang ayon sa lugar at wika tayo hindi pa nakakaabot sa buong mundo, hindi pa rin natin naaabot ang lahat ng populasyon ng sanglibutan.

 

Sa panahon ni Jesus, tinatayang 250 milyon ang mga tao sa mundo noon. Halos dumoble ito sa taong 1600. Mula nang panahon ni Adam hanggang 1500 na taon pagkalipas ng kapanganakan ni Jesus, ang populasyon ng mundo ay naging 500 milyon. Mula 1500 hanggang 1850, ito ay tumaas sa 1 bilyon. Nang 1850 ang populasyon ay dumoble na naman. Ngayon ay maraming bilyon na mga tao dito sa lupa.

 

Kahit sa mga malalaking siyudad na maraming iglesia, marami pa ring mga tao ang hindi nakakarinig kay Jesus. Hindi pa natin naaabot ang buong mundo ayon sa populasyon sapagkat marami pa ring milyon ang hindi nakakarinig ng mensahe ng Evangelio.

 

MGA GRUPO NG MGA TAO

 

Kung titingnan natin ang mundo ayon sa mga bansa, masasabi natin na naabot na natin ang buong mundo sapagkat sa bawat bansa ay may saksi na ng Evangelio. Marami nang mga mananampalataya at mga iglesia sa bawat bansa dito sa mundo. Subalit iba pa rin ito doon sa "bawat tribo, wika , mga tao at nasyon" na binabanggit sa Apocalipsis 5:9.

 

Nang sabihin ni Jesus na buong mundo, hindi lamang mga bansa ang tinutukoy Niya. Ang ginamit ni Jesus na salita na mundo ay ang Griego na "ethne." Ibig sabihin nito ay "ethnic" o mga grupo ng tao. Tinitingnan ni Jesus ang mundo bilang mga "grupo ng mga tao."

 

Mas madaling maunawaan ang kalagayan ng pagpapalaganap ng Evangelio sa ngayon kung titingnan natin ang mundo bilang mga grupo ng mga tao. Ang ibig sabihin ng grupo ng mga tao ay...

 

"...isang malaking grupo ng mga tao na nagkakabuklod sa isa't isa. Ang pagkakabuklod ay maaaring sa wika, kultura, paguugali, o lokasiyon ng tirahan."

 

Ang "grupo ng mga tao" ay isang malaking grupo kung saan kakalat ang Evangelio na walang problema sa paguunawaan at pagiging tanggap. Dahil sa ang isang grupo ng tao ay pareho ang wika at kultura, kaya ang mga hadlang na ito ay wala na.

 

Mayroong 19,000 iba't-ibang grupo ng mga tao sa buong mundo na nakatala sa ngayon. Ang ilan ay may 3,000 mga miembro, samantalang ang iba ay may 30 milyon. Ang bawat continente ng mundo ay kinabibilangan hindi lamang ng mga bansa, kundi ng mga grupo ng mga tao. Halimbawa, sa continente ng Africa mayroong 1,000 mga wika at daan-daang mg grupo ng mga tao.

 

Ang bawat bansa ay may mga grupo ng mga tao. Kung ating matatanto na ang isang bansa tulad ng Nigeria ay may 500 na mga tribo, makikita natin na ang pagkakaiba-iba ng mga tao ay hindi lamang sa mga dibisyon ng mga bansa.

 

Isang halimbawa ng grupo ng mga tao ay ang Somali ng Kenya, Africa. Mayroon silang isang wika, kasaysayan, mga tradisyon, at kultura. Sila ay palipat-lipat ng tirahan, mga Muslim, at tumitira sa mga liblib na bahagi ng Hilagang Probinsiya. Isa lamang sila sa mga daan-daang mga grupo ng mga tao sa Kenya.

 

May dalawa pang katawagan na dapat ay matutuhan mo:

 

Ang hindi pa naaabot na grupo ng mga tao ay isang grupo na wala pang mananampalataya sa komunidad, at walang sapat na bilang ng tao o kagamitan upang mangaral ng Evangelio na walang tulong mula sa labas.

 

Ang grupo ng tao na naabot na ay may sapat na bilang na ng mga mananampalataya at mga gamit upang magebanghelyo na walang tulong mula sa labas.

 

KATEGORYA NG MGA TAONG HINDI PA NAAABOT

 

May mga 17,000 grupo ng mga tao na walang iglesiang sumasaksi ng Evangelio. Napapaloob dito sa mga grupong ito ay milyon-milyong mga tao. Maaaring mahati sa limang kategorya ang mga hindi pa naaabot na mga taong ito:

 

MGA TRIBO:

 

Libu-libong mga tao ang nasa mga tribo na may iba't-ibang mga kultura at wika. Karamihan sa kanila ay tinatawag na "animists," sapagkat sila ay sumasamba sa mga espiritu maliban sa tunay na Dios. Ang mga espiritung ito ay mga demonyo at mga diosdiosan na kinakatawan ng mga idolong yari sa kahoy, metal, at iba pang materyales.

 

MGA MUSLIM:

 

Ang mga Muslim ang sumusunod sa relihiyong Islam at sa mga turo ng Koran. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa Gitnang Asia, Africa, at sa Gitnang Silangan. Milyon-milyong mga tao ang nakapaloob sa mundo ng mga Muslim.

 

MGA HINDU:

 

Karamihan sa mga Hindu ay nasa India, subalit mayroon ding nakakalat sa iba't-ibang panig ng mundo. Hawak ng mga Hindu ang kanilang mga tagasunod sa kanilang mga templo, mga seremonya, at pagsamba sa mga diosdiosan.

 

MGA INTSIK:

 

Kasali rin ang mga Intsik sa hindi pa naaabot na mga grupo ng mga tao. Ang marami sa kanila ay nakakalat sa buong mundo, kabilang ang mga milyon na hindi pa naaabot sa Tsina.

 

MGA BUDDHIST:

 

Maraming iba't-ibang mga grupo ng Buddhist sa Silangang Asia, subalit sila ay nagkakabuklod sa pagsamba sa diosdiosan, pagsamba sa espiritu, at mga demonyo.

 

NASAAN ANG MGA MANGGAGAWA?

 

Bakit hindi pa naaabot ang mga taong ito ng Evangelio? Nasaan ang mga manggagawa?

 

Maraming mga manggagawang Kristiyano ang nasa malalaking mga iglesia kung saan maraming mga materyal na bagay at sapat na suporta sa pananalapi. Ang iba ay ayaw lumisan sa kanilang mga tahanan at pamilya upang gumawa sa mahihirap na lugar at mga kalagayan. Ang iba naman ay hindi pa nakikita ang pangitain ng sanglibutan.

 

Kung tingnan ng Dios ang sanglibutan, may nakikita Siyang malaking puwang. Ito ay distansiya sa pagitan ng taong makasalanan at ng Dios na matuwid. Ito ay puwang sa mga bukirin ng pagaani sa mundo. Nakahanda na ang aanihin, subalit kakaunti ang mga manggagawa.

 

Milyon-milyong mga tao ang nakatayo sa puwang na ito. Nakahanda na silang anihin para sa Dios ng mensahe ng Evangelio. Ang sabi ng Dios:

 

At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap Ko dahil sa lupain, upang huwag Kong ipahamak; ngunit wala Akong nasumpungan.  (Ezekiel 22: 30)

 

Kung lubusan mong nauunawaan ang pananaw sa sanglibutan batay sa Biblia, matatanto mo na ikaw ay tinawag na tumayo sa puwang. Ito ang tawag ng lahat ng tunay na mananampalataya.

 

 SARADONG MGA BANSA

 

Isang bagay na nakahahadlang sa pagpapalaganap ng Evangelio sa mga nagdaang taon, 60% ng mga bansa ay nagsara sa tradisyonal na pamamaraan ng pagkakalat ng Evangelio. Kapag ang isang bansa ay sarado, ang ibig sabihin nito ay hindi na sila tumatanggap ng mga misyonero mula sa ibang bansa, at kadalasan, may mga batas sila patungkol sa relihiyon ng kanilang mga mamamayan. Sa ibang bansa ay bawal manghikayat ng mga tao sa Kristiyanismo.

 

Bakit nagsasara ang ibang bansa sa Evangelio? Sapagkat ginawa ni Satanas na ang mga lider ng mga bansa na...

 

-Magkaroon ng pilosopiang hindi naniniwala sa Dios. Ayaw ng mga ganitong lider na may nagtuturo sa kanilang mga tao ng tungkol sa tunay at buhay na Dios.

 

-Magtatag ng malakas na pambansang relihiyon. Ang mga ganitong gobyerno ay ayaw mahikayat ang kanilang mga tao sa Kristiyanismo. Nais nila na tanggapin ng lahat ang pambansang relihiyon, kaya gumagawa sila ng mga batas na nagbabawal sa pagpapalaganap ng Evangelio at ng pagpasok ng mga misyonero sa kanilang bansa.

 

- Magkaroon ng pilosopiyang politikal na ihiwalay sila sa ibang mga bansa na nagpapadala ng mga misyonero at isara ang kanilang bansa sa Evangelio. Si Satanas ang promotor ng ganitong paghihiwalay at hindi pagkakasundo ng mga bansa upang mahadlangan ang pagpapalaganap ng Evangelio.

 

MGA PINTONG BUKAS

 

Bagaman 60% ng mga bansa ay sarado sa tradisyonal na paghahatid ng evangelio, sa katunayan ay walang saradong mga pinto. Kinilala ni Jesus na may mga kontra sa Evangelio. Ang sabi Niya ay, "Kung kayo ay pinaguusig sa lugar na ito, lumipat kayo sa ibang dako" (Mateo 10:23).

 

Ang saradong mga pinto para sa maraming mananampalataya ay katumbas ng pagkatalo. Subalit sinabi ni Jesus na kapag nagsara ang isang pintuan sa Evangelio, may mabubuksan namang iba. Kung minsan ay ginagamit ng Dios ang mga saradong pinto upang ikaw ay dalhin sa lalong matabang lupa ng espiriutwal na pagaani. Nangyari ito kay Pablo at sa kaniyang grupo na nangangaral:

 

At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia aat Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang Salita sa Asia;

 

At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;

 

At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa Troas.

 (Gawa 16: 6-8)

 

Sa Troas tumanggap si Pablo ng tawag sa Macedonia, isang bukid na handa nang anihin para sa Dios. Pagkaraan ng ilang panahon, si Pablo ay pinahintulutang tumungo sa Asia. Kung minsan ang mga pinto ay sinasarhan sapagkat ang aanihin ay hind pa hinog. Dapat tayong maging sensitibo sa pangunguna ng Espiritu Santo sa gayong pagkakataon. 

 

Subalit paano iyong mga bansa na sarado dahil sa paniniwalang walang Dios, o kaya'y may mga pilosopiyang relihiyoso o politikal? Ang Iglesia ay naging masyadong mabilis na matalo sa mga ganitong pintuang sarado. Dapat nating matanto na kung hindi posibleng pumasok sa isang bansa bilang isang ebangelista o misyonero, magpapakita ang Dios ng ibang paraan upang makapasok ang Evangelio sa bansang iyon.

 

Sa mga bansang hindi makapasok ang mga misyonero o pastor, maaaring pumasok ang mga mananampalataya bilang mga guro, administrador, at mga trabahador. Maaari silang manirahang kasama ng mga tao, at suportahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng secular na trabaho, subalit ang pinakamahalagang pakay ay palaganapin ang Evangelio.

 

Nagbigay ang Biblia ng mga halimbawang ganito. Gumawa ng tolda si Pablo upang suportahan ang gawain ng Evangelio sa maraming bansa. Si Jose at si Daniel ay mga layco na may mahahalagang katungkulan upang turuan ang buong bansa tungkol sa Dios.

 

Kahit na walang ibang paraan upang makapasok sa isang bansa, hindi pa rin ito sarado sa Evangelio. Walang bansa ang sarado sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng panalangin. Ang panalangin at ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay makakapasok sa alin mang bansa, kahit na ipinagbabawal ng kanilang kautusan ang pagpapalaganap ng Evangelio.

 

PAANO MATATAPOS ANG GAWAIN?

 

Kung titingnan natin ang sanglibutan na naghihintay ng mensahe ng Evangelio, tayo ay hindi makapaniwala sa laki ng gawain na nasa harap natin:

 

            -Milyon-milyong mga tao ang wala pang Cristo.

            -Daan-daang mga linguwahe pa ang walang Salita ng Dios.

            -Daan-daang mga grupo ng mga tao ang wala pang saksi ng Evangelio sa kanila.

 

Masyado tayong namamangha pag nakikita natin ang karamihan ng tao tulad ng mga buhangin sa dalampasigan sa Tokyo, Sao Paolo, Calcutta, at Hongkong. Di mabilang na libo-libo, at bawat isa ay dapat makarinig, makaunawa, at mabigyan ng pagkakataong tumugon sa mensahe ng Evangelio.

 

Kapag tumitingin tayo sa mundo sa dami ng mga masa ng mga tao na hindi pa naaabot ng Evangelio, ang ating nasa ay dapat maging katulad ng kay Pablo:

 

Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;

 

Kundi, gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa Kaniya, at silang hindi nangakapakinig ay mangakakatalastas.  (Roma 15: 20-21)

 

Ang hamon na ito ay matutugunan kung ang bawat mananampalataya ay magiging "World Christian." Matututuhan mo pa ito sa susunod na kabanata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ibuod mo ang katayuan ng pagpapalaganap ng Evangelio sa mundo ayon sa lugar, wika, at populasyon.

 

________________________________________

________________________________________

3. Ibigay ang kahulugan ng "grupo ng mga tao."

 

________________________________________

4. Ibigay ang kahulugan ng "Di pa naaabot na grupo ng mga tao."

 

________________________________________

5. Ibigay ang kahulugan ng "Naabot nang grupo ng mga tao."

 

________________________________________

6. Ilista ang mga malalaking grupo ng mga tao na hindi pa naaabot.

 

________________________    _____________________     ______________________

                    ____________________________     _________________________

7. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng "saradong bansa."

 

________________________________________

8. Tama o Mali? Kung tutuusin, wala talagang saradong bansa. _________________

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

 

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

1. Sumulat ka at humingi ng tsart na naglilista ng mga "unreached peoples of the World." Ito ay galing sa U.S. Center for World Mission, 1605 Elizabeth Street, Pasadena, California, 91104, U.S.A.

 

2. Para sa kumpletong impormasyon tungkol sa katayuan ng pagpapalaganap ng Evangelio sa buong mundo, basahin ito sa The World Christian Encyclopedia ni David Barrett.

 

3. Isang "Unreached Peoples Desk" ang nasa mga opisina ng Missions Advanced Research and Communications Center, 919 West Huntington Drive, Morovia, CA. 91016, U.S.A.

 

Ito ay nagse-servicio sa mga interesadong umabot sa mga "unreached peoples." Ang gawain ng desk na ito ay dalawang larangan: Ang paghingi ng impormasyon tungkol sa "unreached peoples" at ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga interesadong magbahagi sa kanila ng Evangelio.

 

4. Kung interesado ka sa dagdag na impormasyon tungkol sa malalaking grupo ng mga "unreached peoples" [Tribal, Muslim, Hindu, Buddhists, Chinese], sumulat sa U.S. Center for World Missions, 1605 Elizabeth St., Pasadena, CA 91104, U.S.A. Dito ang headquarters ng mga mission agencies na naglilingkod sa mga grupong ito. Nagbibigay sila ng mga mapa at importanteng impormasyon tungkol sa bawat grupo.

 

5. Ang National Geographic Magazine ay naglilimbag nga mga mapa ng mga grupo ng mga tao sa iba't-ibang bansa. Para sa listahan ng mga mapa sumulat sa National Geographic Society, Washington, D.C. 20036, U.S.A.

 

6. Ang sumusunod na survey ay nagpapakita ng takbo ng mundo sa panahon nang ito'y masulat:

 

AFRICA

 

52 mga bansa

 

Sa Africa, ang iglesia ay nagpapakita ng sigla at paglago sa gitna ng isang continente

na maraming pagbabago. Karamihan sa mga malalagong iglesia ay iyong mga nasa timog ng Sahara Desert. Malakas ang Islam sa bandang hilaga ng continente. Kakaunti ang mga Kristiyano rito at maliliit ang mga iglesia. Sa dulo ng taong 2000, tinataya na nasa Africa ang pinakamaraming Kristiyano sa buong mundo! Ang katunayan nito ay makikita na maraming mga iglesia ang may mga programang pang evangelistiko. Sila rin ay nagpapadala na ng mga misyonero sa labas ng bansa. Ang mga iglesia at pagmimisyon sa Africa ay humaharap sa maraming suliranin, subalit marami ring mga pagkakataon ang bukas. Maraming mga ipinagbabawal sa mga grupo ng mga iglesia at misyonero, at ang ilan sa kanila ay pinalayas na mula sa mga bansang ito. Maraming dahilan dito, subalit kadalasan ay politika ang tunay na dahilan.

 

 

ASIA

 

28 na mga bansa

 

Ito ang pinakamalaking continente at pinakamaraming populasyon, subalit ang mga Kristiyano ay nasa minorya. Sila ay mga dalawa o tatlong porsiento lamang ng populasyon ng rehiyon. Subalit sa ibang mga bansa sa Asia, ang mga Kristiyano ay malaki ang impluwensya dahil sa kanilang mataas na pinag-aralan at posisyon sa komunidad.

 

Sa ibang mga lugar ay mas mataas ang porsiento ng mga Kristiyano. Ang mga halimbawa nito ay ang mga estado ng Kerala, Meghalaya, Manipur, Mizoram, Nagal, sa India, at Sabah, Malaysia. Bagama't ang mga total na bilang ay kakaunti, ang tugon sa pananampalatayang Kristiyano ay mabuti sa ilang bahagi ng rehiyon. Ang mga tribo sa India, Taiwan, Indonesia, at Burma ay bukas sa Evangelio.

 

Sa Korea, ang paglago ng mga Kristiyano ay apat na beses na higit kay sa kanilang populasyon. Inireport ng "Asiaweek" na ang Kristiyanismo sa South Korea ang pinakamabilis na lumago sa buong mundo. Libu-libong mga tao ang naging Kristiyano sa Indonesia noong 1960. Sa Cambodia, na dati'y halos lahat ay Buddhist, ay nagpakita ng interest sa Kristiyanismo ang mga tao noong 1971 hanggang 1975 nang mahulog sa kamay ng mga komunista ang bansa. Kakaunting Kristiyano ngayon ang naninirahan doon. Maraming mga iglesiang evangelico ang lumalago sa Thailand, Singapore, at Burma, sa kabila ng mga hadlang sa sosyal, kultural, at politikal na larangan.

 

Ang mga militanteng Muslim ay nagtatrabaho nang husto upang hadlangan ang pagkahikayat ng mga Malays at Sundanese. Ang mga Buddhist at Hindu ay madalas nagiging hadlang sa pagkilos at presensiya ng mga Kristiyano. Naiulat din ang aktibong paguusig. Ang mga batas ng gobyerno ang nagsasara ng mga pintuan para sa mga misyonero, o nililimitahan o kaya'y inaalis ang mga pagtitipon sa iglesia.

 

Sa Japan ang pinakamaraming misyonero kay sa ibang mga bansa sa sanglibutan, maliban sa Brazil. Maraming mga lider sa iglesia ang naniniwala na makakaranas ang Japan ng malaking pagkilos pabor sa Kristiyanismo sa sususnod na decada.

 

EUROPA AT ANG DATING UNION SOVIET

 

27 na mga bansa at 1 bansa na may 15 na mga republika

 

Ang pagiging sekular, makatao, Komunismo, at ang pagwawalang bahala sa relihiyon ang nananaig sa mga bansa ng Europa. Ang mga programang evangelistiko ay madalas pang lokal lamang, bagaman may mga plano ring pang rehiyon. Ang mga Congresong pang Evangelistiko ay nagdala ng interes sa evangelismo at nagkaroon ng mga pagtitipong national dahil dito. Nakatulong ang maraming mga makapangyarihang Kristiyanong estasyon ng radio sa pagpapalakas ng eveangelismo at mga ministeryo sa buong Europa.

 

Maraming mga indibiduwal sa dating Komunistang mga bansa sa silangan ang nagpakita ng interes sa Kristiyanismo. Ang mga natatag nang mga iglesia ay pinapayagang magtipon at sa maraming bansa tulad ng Poland, Rumania, Bulgaria, at ang dating Union Soviet ay ang pagdalo ay dumarami. Maliliit na mga grupo ng Bible Study ang umuusbong sa mga barrio at kabayanan kung saan ang mga kabataang tumatanggi sa Komunismo at ibang walang Dios na pilosopiya ay dumadalo.

 

LATIN AMERICA

 

36 na mga bansa

 

Mabilis ang paglago ng mga iglesia Evangelica sa maraming lugar ng Latin America at ang pagbabagong buhay ay balita sa maraming bansa. Halimbawa, sa Brazil, ang pinakamalaking bansa sa rehiyon, ang mga Protestante ay tatlong beses ang paglago kumpara sa pagdami ng kanilang populasyon. Ang mga Protestanteng Brazilian ay ikatlong bahagi ng lahat ng Protestante sa Latin America. Ang ibang bansa ay apektado ng mga pilosopiyang Marxist at iyong mga naniniwalang walang Dios. Ito ay malaking hamon sa pangangaral ng Evangelio.

 

GITNANG SILANGAN

 

17 na bansa

 

Ang Gitnang Silangan ay rehiyon na limitado ang paglago ng Iglesia. Sa gitna ng pagdagsa ng Islam at mga Zionista, ang Kristiyanismo ay itinuturing na pambanyaga. Ang pagkahikayat ay itinuturing na hindi pagtatapat sa bansa at relihiyon. Ang Iglesia ay maliit, makaluma, at natatalian ng tradisyon. Ang pinagsama-samang mga Kristiyano ay bumubuo ng kulang pa sa apat na porsiento ng buong populasyon.

 

Ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapalaganap ng Evangelio ay sa pamamagitan ng mga paaralan, mga ospital sa isahang paraan, at sa pamamagitan ng babasahin at radio. Ang relief at mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga bansang nasalanta ng giyera tulad ng Lebanon, ay nagbukas ng daan sa pangangaral ng Evangelio sa mga biktima ng terorismo.

 

Sa Turkey, ang bansang may pinakamalaking populasyon sa Gitnang Silangan, pinagbabawal ang ministeryo ng mga Kristiyano. Sa Egipto, ang susunod na pinakamaraming populasyon sa rehiyon, ang porsiento ng mga Kristiyano ay bumababa at ang paguusig ay tumitindi. Ang ministeryo sa mga Muslim sa Gitnang Silangan ang pinakamalaking hamon sa Iglesia ngayon. Halimbawa, sa Saudi Arabia, bawal sa Muslim ang manghikayat sa Kristiyanismo.

 

Ang mga tunay na Kristiyano ay nakakaranas ng paglago sa mga Bible Study sa mga tahanan at ang mga pagkakataon sa panghihikayat ay tuloy sa Lebanon, Pakistan, at Jordan sa kabila ng mahirap na mga kalagayan.

 

NORTH AMERICA

 

2 mga bansa

 

Sa mga pagsisiyasat napagalaman na ang mga tao sa North America ang pinaka relihiyosong mga tao sa mundo ayon sa mga sagot nila tungkol sa kahalagahan ng relihiyon, paniniwala sa buhay na walang hanggan, at paniniwala sa Dios. Subalit marami sa North America ang "Kristiyano" lamang sa pangalan. Ang kanilang kultura at kalagayang politikal ay hindi nagpapakita ng pagka Kristiyano.

 

Maraming pagbabago ang naganap sa Kristiyanismo sa North America. Mga pagsusumikap sa pagbabago sa loob at labas ng mga tradisional na mga iglesia ay nasimulan. Ang ibang denominasyon ay nagbago ng organisasyon at ang iba naman ay nahati upang bumuo ng mga bagong grupo.

 

OCEANIA

 

8 na mga bansa

 

Ang Oceania, kasali ang Australia at New Zealand, ay dako kung saan milyun-milyong mga tao na may iba't-ibang kultura ang nakakalat sa Pacific Ocean. Marami sa mga taong ito ay mga Kristiyano na mula pa noong labingsiyam at dalawampung siglo.

 

Ang paglago ng Kristiyanismo ay mabilis nitong mga nakaraang mga taon. Ang mga hamon dito ay ang magsanay ng sapat na liders, paglaban sa mga relihiyon ng tribo, at pag-abot sa mga tribong nasa liblib na mga kagubatan na hindi pa naaabot ng Evangelio.

 

Ang Papua New Guinea ay isang halimbawa ng bansa na maraming tribo na hindi pa naaabot. Dito ay dumarami ang mga taong Kristiyano lamang sa pangalan. Kung matindi ang pagkalat ng Evangelio, ang mga tribo sa liblib na mga lugar sa Papua New Guinea ay maaabot sa ating generasyon.

 

Ang ibang mga grupong hindi Kristiyano ay ang mga Instik at Bombay na nakatira sa mga pulo. Ang Australia at New Zealand, na may British na impluwensiya, ay aktibo sa gawain ng pagmimisyon sa Oceania. Ang pinaka-epektibong gawain ng evangelismo ay ang gawain ng mga misyonerong lokal na nagbibiyahe sa mga pulo.

 

Ang Kristiyanismo sa New Zealand ay hango rin sa mga British. Ang Church of England at Presbyterian Church ay mga ikatlong bahagi ng mga Protestante doon. Ang Iglesia Catoliko Romano ang pinakamalaking nag-iisang iglesia doon.

 

IKA-WALONG  KABANATA

 

ANG PAGIGING "WORLD CHRISTIAN"

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

.    Ipaliwanag ang kahulugan ng "World Christian."

.    Maging isa kang "World Christian."

.    Ipaliwanag ang ginamit ng unang Iglesia na estratehiya sa pag-abot sa mundo

     ng Evangelio.

 

SUSING TALATA:

 

Ako'y hindi ninyo hinirang, ngunit kayo'y hinirang Ko, at Aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa Aking pangalan, ay maibigay Niya sa inyo.  (Juan 15: 16)

 

PAMBUNGAD

 

Sa nakaraang kabanata naalaman mo ang responsabilidad ng Iglesia na abutin ang mundo ng Evangelio ni Jesucristo. Bilang isang mananampalataya, IKAW ay bahagi ng grupo ng katawan ni Cristo na tinatawag na Iglesia. Kung tutuparin ng Iglesia ang kaniyang misyon sa sanglibutan, dapat kilalanin ng bawat isa ang kaniyang bahagi sa plano ng Dios. May personal kang responsabilidad sa mundo. Higit iyon sa pagbibigay mo ng donasyon sa pagmimisyon kada buwan.

 

Ang kabanatang ito ay patungkol sa responsabilidad mo sa mundo. Matututuhan mo kung paano maging isang "World Christian." Ikaw ay hindi lamang magiging tagamasid, kundi ikaw ay magiging taga gawa sa plano ng Dios sa mga bansa.

 

ANG BAWAT TAO AY EVANGELISTA

 

Nang sabihin ni Jesus na "Humayo kayo sa buong sanglibutan at ipangaral ang Evangelio" at "Kayo ang Aking magiging mga saksi," kinakausap Niya ang Kaniyang mga tagasunod. Subalit, tulad ng anomang grupo, ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga indibiduwal na mga tao. Nang sabihin ni Jesus na "Humayo kayo," hindi lamang Niya ito sinabi sa grupo, kundi sa bawat isa. Ang bawat isang kaanib ng grupo ay dapat tanggapin ang hamon na ito. Kung ang mga indibiduwal sa grupo ay hindi tutugon, ang buong grupo ay hindi magtatagumpay.

 

Ang hamon na humayo sa buong mundo upang mangaral ay nasa Iglesia na ngayon. Subalit ang Iglesia ay binubuo ng mga indibiduwal, at magiging epektibo lamang ito kung ang bawat isa ay tumugon nang personal sa Dakilang Utos.

 

ANG BAWAT ISA AY MAGTURO NG ISA

 

Sa unang iglesia, ang bawat isa ay naging responsable sa paghahatid ng Evangelio. Ang pagmiministeryo sa ibang kultura ay ginawa ng mga layco na hindi kabilang sa mga "full-time" na ministro. Karamihan sa mga dakilang kampanya ng evangelismo ay ginawa ng mga layco na ito. Sa Gawa 6 at 7 ay mababasa natin ang mga ginawa nina Felipe at Esteban. Kapwa sila layco,  makapangyarihang ginamit ng Dios upang palaganapin ang Evangelio.   

 

Nang dumating ang paguusig laban sa Iglesia sa Jerusalem, ang mga mananampalataya ay nagsipangalat sa Judea at Samaria. Natala sa Biblia:

 

...Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang Salita. (Gawa 8: 4)

 

Ang bawat mananampalataya ay tinanggap ang hamon na magturo ng mga tapat na lalake at babae na magtuturo din naman sa iba:

 

At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  ( II Timoteo 2: 2)

 

Itong patuloy na pagpaparaming espirituwal ay nagbunga ng patuloy na pagdami ng mga mananampalataya.

 

ANG BAWAT TAHANAN AY SENTRO NG PAGPAPARAMI

 

Ang idea na ang tahanan ay sentro ng espirituwal na paglago ay hindi bago. Mula nang ibigay ng Dios ang kautusan sa tao, ang tahanan ay nasa plano na na maging sentro ng pagsasanay:

 

At ang mga salitang ito, na Aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;

 

At iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

 

At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.  (Deuteronomio 6: 6,7,9)

 

 

Ang bawat bahay sa unang iglesia ay sentro ng evangelismo. Ang mga mananampalataya ay nagturo ng evangelio hindi lamang sa templo, kundi araw-araw sa kanilang tahanan:

 

At sa araw-araw, sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang Siyang Cristo.

            (Gawa 5: 42)

 

Naging matagumpay ang mga pagtuturo sa mga bahay-bahay kaya nang pinaguusig ni Saulo ang Iglesia, hindi lamang siya sa templo nagtungo. Pinasok niya ang mga bawat bahay upang matigil ang paglaganap ng Evangelio:

 

Datapuwat pinuksa ni Saulo ang Iglesia, na pinapasok ang bahay-bahay, at kinakaladkad ang mga lalake't mga babae, at sila'y ipinapasok sa bilangguan.  (Gawa 8: 3)

 

Ang pangitain ng Dios para sa pagpapalaganap ng Evangelio sa ibang kultura ay ibinigay sa isang tahanan habang nananalangin si Pedro sa bubong ng bahay (Gawa 10). Ang unang mensahe sa mga Gentil ay ipinangaral sa bahay ni Cornelio (Gawa 10).

 

Ang dakilang evangelista sa ibang kultura, na si Pablo, ay dinisipulo ni Ananias sa isang bahay (Gawa 9). Si Pablo ay nagturo sa publiko at ganoon din sa bahay-bahay sa kanyang ministeryo:

 

Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan, at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahay-bahay.

            (Gawa 20: 20)

 

Ang mga huling araw ni Pablo sa ministeryo ay naganap sa inupahang bahay kung saan ay tinanggap niya lahat ng dumating, nagtuturo at nangangaral sa kanila:

 

At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya'y nagsisipagsadya.

 

Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya.  (Gawa 28: 30-31)

 

Sinabi ni Jesus na ang Kaniyang bahay ay tatawagin ng lahat ng bansa na bahay-panalanginan:

 

At Siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, Ang Aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa?

(Marcos 11:17)

 

Ang salitang Griego na ginamit dito sa "bahay" ay tirahan. Maaari itong pribadong tahanan o templong pang publiko.

 

Ang estratehiya ng unang Iglesia na abutin ang mundo ay ginawa na ang bawat mananampalataya ay nagpaparami na ginagamit ang bawat tahanan na sentro ng evangelismo.

 

ANG MGA RESULTA

 

Ano ang naging resulta nitong estratehiya na "bawat tao" at "bawat bahay" sa unang Iglesia? Naabot nila ang kanilang mundo ng Evangelio. Mismong ang mga kaaway ng Iglesia ang nagsabi:

 

...Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan, ay nagsiparito rin naman.

            (Gawa 17: 6)

 

Ano ang magiging resulta kung ganito ang susundin na padron ng bawat mananampalataya ngayon?

 

Pag-aralan mo ang tsart sa susunod na pahina. Ang tsart na ito ay gumamit ng isang taon bilang panahong kinakailangan upang mahikayat at masanay mo ang isang tao hanggang sa siya ay maging nagbubungang mananampalataya. Sa katunayan, ang proseso ay maaaring ganito katagal, humigit kumulang, depende sa taong sinasanay. Subalit ituring natin ang isang taon, kung ang bawat mananampalataya ay aabot ng isa lamang sa isang taon, turuan siya at siya naman ay manghikayat ng isa sa susunod na taon, ang mundo ay madaling maaabot ng Evangelio.

 

Pansinin mo sa tsart na sa loob ng isang taon, ang mananampalataya ay nanghikayat at nagdisipulo [nagsanay] ng isang tao. Sa dulo ng taon ay may dalawang matapat na tao na

[ang nanghikayat at ang taong kanyang sinanay]. Sa susunod na taon, ang bawat isa sa kanila ay nanghikayat ng tigisa. Sa dulo ng taon ay may apat na tao, na ang bawat isa doon ay manghihikayat naman ng isa sa susunod na taon. Marami pang bahagi ng mundo ang hindi pa naaabot ng Evangelio. Subalit nagbigay ang Dios ng estratehiya na, kung susundin ng bawat mananampalataya, ay matatapos ang gawain ng pagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

      MGA NAG-AALAGA         MGA INAALAGAAN                   TOTAL           

 

TAON 17         65,536                                    65,536                              =        131,072

 

TAON 16         32,768                                    32,768                              =          65,536

 

TAON 15         16,384                                    16,384                              =          32,768

 

TAON 14         8,192                                        8,192                              =           16,384

 

TAON 13         4,096                                        4,096                              =             8,192

 

TAON 12          2,048                                       2,048                              =             4,096

 

TAON 11          1,024                                       1,024                              =             2,048

 

TAON 10             512                                          512                              =             1,024

 

TAON 9               256                                          256                              =               512

 

TAON 8                128                                         128                              =               256

 

TAON 7                 64                                            64                              =               128

 

TAON 6                 32                                            32                              =                 64

 

TAON 5                 16                                            16                               =                 32

 

TAON 4                   8                                              8                               =                 16

 

TAON 3                   4                                              4                                =                  8

 

TAON 2                   2                                              2                                 =                 4

 

TAON 1                   1                                               1                                =                 2

 

 

 

ANG ESTRATEHIYA NG DIOS PARA SA PAGDAMI AT PAGPAPAKILOS

 

 

 

 

 

 

 

"WORLD CHRISTIANS"

 

May bagong pangkat na lumalago sa mundo ngayon. Hindi ito isang denominasyon o organisasyon. Ito ay mga grupo ng mga mananampalataya na ang damdamin ay kanilang responsabilidad na palaganapin ang Evangelio sa mga bansa ng sanglibutan.

 

Ang grupong ito ay binubuo ng mga tao mula sa iba't-ibang lahi, kultura, mga wika, at mga denominasyong pang relihiyon. Ang iisang panata nila ay na sila'y maging "World Christian." Ang isang "World Christian" ay yaong...

 

            -Kinikilala na ang Dios sa Biblia ay ang nag-iisang tunay na Dios.

            -Kinikilala ang Banal na Biblia ang nasulat na Salita ng Dios.

            -Personal na tumanggap ng plano ng Dios ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus.

            -May pananaw sa sanglibutan na batay sa Biblia.

            -Tinanggap ang hamon na dalhin ang Evangelio sa iba't-ibang mga bansa.  

        

Hindi ang ibig sabihin nito ay ang "World Christian" ay lalabas ng kanyang bansa upang pumunta sa ibang kultura, bagaman nakalaan silang gawin ito kung kinakailangan. Ang kahulugan nito ay nakalaan silang ikalat ang Evangelio kung saan sila nandoon, sa kanilang barrio o siyudad. Nakalaan din silang magpadala ng iba sa hindi pa naaabot na mga tao sa mundo. Kahit "full-time" ministry ito o isang trabahong sekular, ang unang prioridad ng "Kristiyanong Nagmamalasakit sa Mundo" ay palaganapin ang Evangelio.

 

ANG PANATA NG KRISTIYANONG NAGMAMALASAKIT SA MUNDO

 

Ang mga taong tinanggap ang hamon na ito ay gumawa ng tanging panata sa Dios. Ito ang kanilang ipinangako:

 

"Sa biyaya ng Dios at para sa Kaniyang kaluwalhatian, ibinibigay ko ang aking buong buhay sa pagsunod sa utos sa Mateo 28: 18-20, saan man o paano man ako pangunahan ng Dios, na inuuna ang mga taong hindi pa naaabot ng Evangelio

(Roma 15: 20-21). Magsusumikap din akong ibahagi ang pangitain na ito sa iba."

 

Bilang bahagi ng "Pansariling Pagsusulit" sa kabanatang ito, ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumirma sa panatang ito.

 

PAGPAPALAGO NG KRISTIYANONG NAGMAMALASAKIT SA MUNDO

 

Sa bahaging "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" sa kabanatang ito, may mga mungkahi kung saan puwede kumuha ng mga materiyales upang lumago ka bilang Kristiyanong Nagmamalasakit sa Mundo. Naito ang ilang mga bagay na magagawa mo upang ikaw ay masangkot sa plano ng Dios na ikaw ay maging Kristiyanong Nagmamalasakit sa Mundo:

 

 

 

MAGHANDA KA PARA SA TAWAG NG DIOS:

 

1. Ihandog mo ang iyong sarili na isang haing buhay at pinabanal sa Panginoon

 (Roma 12: 1-2).

 

2. Siguruhin mong walang kasalanang makasasagabal sa iyong espirituwal na pandinig at pagkakita (Efeso 1:18; Colosas 1: 9).

 

3. Alisin ang mga nayari sa isip na mga personal na plano at mga ambisyon ( Awit 25: 9)

 

4. Ugaliin ang pananalangin at pag-aaral ng Biblia araw-araw (Josue 1:8; Awit 77:12;

    119: 15,25,45).

 

5. Matiyagang maghintay sa Panginoon at asahan Siyang mangasiwa ng bawat hakbang ng iyong pang-araw-araw na buhay at mga gawain. Lilinawin Niya at sisiguruhin ang Kaniyang pagkatawag sa iyo (Kawikaan 3:6; Awit 23:3; 32:8; 37:5,7). 

 

Tandaan, walang nasasayang na oras sa paghihintay sa Dios na ipahayag ang Kaniyang plano para sa iyo. Naghintay si Jose sa bilangguan nang dalawang taon, subalit lumabas upang iligtas ang buong bansa. Naghintay si Moises sa disyerto ng apat na pung taon, subalit siya ang nanguna sa dakilang espirituwal na paglabas ng Israel mula sa pagkabihag tungo sa paglaya.

 

6. Kumuha ng Harvestime International Institute na kursong pinamagatang "Pagkilala Sa Tinig Ng Diyos". Pag-aralan mo ito bilang paghahanda sa pagtugon mo sa tawag ng Dios.

 

MAGUMPISA KA KUNG SAAN KA NANDOON:

 

1. Sumunod ka sa Dios araw-araw sa maliliit na bagay ng iyong buhay (Lucas 19:17; I Samuel 15:22). Kung hindi ka tapat sa maliliit na mga bagay na ipinagagawa sa iyo ng Dios, hindi ka Niya bibigyan ng mas dakilang ministeryo (Mateo 25:14-30).

 

Tumingin ka sa iyong palibot na may mga matang "espirituwal." Hingin mo sa Dios na ipakita sa iyo sila na nangangailangan ng Evangelio. Ang kurso ng Harvestime International Institute na "Mga Prinsipyo ng Pagsusuri Ng Paligid," ay makakatulong sa iyo.

 

Umabot ka at sumaksi sa mga nasa palibot mo. Ang mga kurso ng Harvestime International Institute na "Mga Paraan Ng Pagpapalago" at  "Panghihikayat Ng Kaluluwa,"  ay makakatulong sa iyo na maging bahagi ng plano ng Dios sa sarili mong dako.

 

2. Maging laan na humayo at pagamit sa Dios kahit saan (Juan 7:17). Maaaring ito ay mangahulugan ng paglisan mo sa sarili mong lugar upang magministeryo sa ibang kultura upang ihayag ang Evangelio. Maaari ding ikaw ay pinapupunta sa iyong kalapit bahay upang ibahagi ang Evangelio sa nangangailangan.

 

3. Patuloy mong pag-aralan ang mga espirituwal na mga pangangailangan ng sanglibutan upang mahasa ang iyong espirituwal na pangitain (Juan 4:35). Magbasa ka ng mga aklat patungkol dito sa paksang ito at magbiyahe ng maiikling biyahe upang ikaw ay makasalamuha ng mga tao sa ibang kultura. Dumalo sa mga kumperensiya ng pagmimisyon sa inyong lugar.

 

4. Mag-ukol ng panalangin para sa mga bansa ng mundo at para sa mga manggagawa sa pag-aani (Mateo 9: 37-38). Ang Ika-Siyam na Kabanata ng kursong ito ay may organisadong plano sa paggawa nito.

 

5. Pasimulan mo nang gamitin ang iyong mga kaloob na espirituwal.  Ang kursong,

"Ang Ministeryo Ng Espiritu Santo," ng Harvestime International Institute ay tutulong sa iyo upang madiskubre ito.

 

6. Sumanib sa komite ng Evangelismo sa iyong iglesia. Kung wala sila nito, pasimulan mo! Ang "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" sa Ika-Sampung Kabanata ay makakatulong sa iyo sa paggawa nito.

 

7. Makipag-ugnay ka sa mga nagpapalaganap ng Evangelio sa ibang bansa. Sumulat ka sa mga misyonero sa ibang lugar. Anyayahan mo sila sa iyong tahanan kung sila ay nasa gawi ninyo. Matuto ka mula sa kanilang mga karanasan. Makikinabang ka habang sila ay nagbabahagi ng kanilang mga pasanin, mga pangangailangan, at mga tagumpay sa iyo.

 

8. Patuloy kang magsanay bilang paghahanda sa iyong pag-abot sa mundo. Humingi ka ng katalogo ng mga kurso ng Harvestime International Institute upang makatulong sa iyong paghahanda.

 

9. Ibahagi mo ang iyong matututuhan sa iba. Sumanib ka o magumpisa ka ng isang grupo ng "World Christians" upang lalo kang matuto tungkol sa sanglibutan at makakilos nang naaayon dito. Ang Ika-Sampung Kabanata ng manwal na ito ay makakatulong sa iyong paggawa nito.

 

10. Pasimulan mo ang isang programa ng pagbibigay na may sistema mula sa iyong personal na pondo upang tumulong sa pagpapalaganap ng Evangelio. Suriin mo ang iyong pamumuhay. Anu-anong mga bagay ang dapat mong baguhin upang ang iba mong salapi ay mapunta sa gawain ng Panginoon?

 

11. Lakarin mo ang iyong pasaporte. Maaari kang ipadala ng Dios sa ibang bansa upang magbahagi ng Evangelio.

 

KILALANIN ANG TAWAG NG DIOS:

 

Ang bawat mananampalataya ay tinawag upang magbahagi ng Evangelio kahit saan siya naroroon. Subalit ang iba ay tatawagin ng Dios na maglingkod sa ibang kultura o pumasok sa "full-time" na posisyon bilang pastor, evangelista, misyonero, atbp. May mga prinsipyo kang masusundan kung paano mo matitiyak ang tawag ng Dios sa iyo kung saan Ka Niya sinusugo.

 

Itanong mo ang mga ito sa iyong sarili:

 

1. Ang nais mo bang gawin ay ayon sa plano ng Dios na sinasaad sa Kanyang Salita? Ito ba ay makatutulong sa pag-abot sa sanglibutan ng Evangelio?

 

2. Ang mga pangyayari ba sa iyong buhay ay ayon sa pangunguna ng Dios? Huwag kang padadala basta sa mga pangyayari, subalit suriin mo ang mga ito kung, sa iyong paniniwala, ay ayon sa tawag sa iyo ng Dios.

 

3. Ang Espiritu Santo ba ay sang-ayon sa iyong espiritu na ito nga ang kalooban ng Dios?

Ang kawalan ng kapayapaan ay madalas babala na ito ay maling desisyon.

 

4. Ikaw ba'y "tinawag" pa rin kahit na tila walang hamon o ganda ang kaugnay nitong tawag na ito? Kung tinawag ka sa isang hindi importanteng gawain o lugar, pupunta ka rin ba?

 

5. Nakalaan ka bang gawin ang lahat matupad mo lamang ang tawag ng Dios na ibinigay sa iyo? Maaaring hindi ka na makapagpatuloy ng pag-aaral o mamatay ka bilang martir. Maaaring mangahulugan ito ng paglayo sa tahanan, pamilya, at mga kaibigan. Nakalaan ka ba?

 

PINILI KA NIYA

 

Pinili ka ni Jesus upang maging bahagi ng Kanyang plano upang abutin ang mga bansa ng mundo. Itinalaga ka Niya na magdala ng mga espirituwal na bunga mula sa pag-aani. Ipinangako Niya na tutugunin Niya ang lahat mong pangangailangan upang matapos mo ang gawain:

 

Ako'y hindi ninyo hinirang, ngunit KAYO'Y hinirang Ko, at Aking KAYONG inihalal, upang KAYO'Y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang INYONG bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa Aking pangalan, ay maibigay Niya sa inyo. (Juan 15:16)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAG-AARAL

 

1. Isulat ang Susing Talata na iyong kinabisa.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ano ang "World Christian"?

 

________________________________________

________________________________________

3. Ibuod ang estratehiya ng unang Iglesia kung paano nila naabot ang mundo ng Evangelio.

 

________________________________________

________________________________________

 

4. Ang pinakamalaking pagsubok ng kabanatang ito ay ang iyong panata na maging "World Christian." Repasuhin mo ang panata ng "World Christian" sa ibaba. Kung nauunawaan mo ang pangakong ito at nais mong tuparin ito sa pinakamabuting makakaya, ipirma mo ang iyong pangalan sa guhit sa ibaba.

 

 

 

"Sa biyaya ng Dios at para sa Kaniyang kaluwalhatian, ibinibigay ko ang aking buong buhay sa pagsunod sa utos sa Mateo 28: 18-20, saan man o paano man ako pangunahan ng Dios, na iniuuna ang mga taong hindi pa naaabot ng Evangelio

(Roma 15: 20-21). Magsusumikap din akong ibahagi ang pangitain na ito sa iba."

 

 

 

Pirma: _______________________________                    Petsa: __________________

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa test ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA  SA  DAGDAG  NA PAG-AARAL

 

1. Sumulat ka sa World Christian, Inc., P.O. Box 40345, Pasadena, CA 91104, U.S.A. Humingi ka ng mga materiales sa pagtatayo mo ng iyong pangitain bilang World Christian.

 

2. Sumulat ka sa MARC sa World Vision International, 919 W. Huntington Drive, Monrovia, CA 91016, U.S.A. Humingi ng sample ng MARC newsletter at repasuhin ang listahan ng mga materiales nila sa paglago bilang World Christian.

 

3. Sumulat ka sa Inter-Varsity Mission, 233 Langdon St., Madison, Wisconsin 53703, USA. Humingi ng World Christian Bookshelf, isang listahan ng mga materiales na nabibili sa murang halaga.

 

4. Sumangkot sa proyekto na magbigay ng Biblia sa sariling wika ng mga taong nakalista sa mga direktoryo ng telepono sa buong mundo. Tumawag sa Bibles for the World, P.O. Box 805, Wheaton, Illinois, USA.

 

5. Pumili ka ng susuportahan mong proyekto ng pagmimisyon.

 

6. Ang unang World Christian ay si Abraham. Ito ay nakatala sa Genesis 11-25. Si Abraham ang unang tao na pinagbigyan ng Dios ng pangako na aabot sa iba't-ibang bansa. Siya ay isang layco na nagbiyahe sa iba't-ibang dako dala-dala ang kanyang negosyong bakahan upang matupad ang mga layunin ng Dios. May mga importanteng katangiang espirituwal si Abraham na nakatulong sa kanya sa pagtupad niya ng kanyang tawag sa mga bansa ng sanglibutan. Bilang mga World Christians, magsumikap tayong maging bahagi ito ng ating mga buhay:

 

Kinilala ni Abraham ang kanyang tawag: Alam niya ang kanyang responsabilidad sa mga bansa sa mundo (Genesis 22:18). Bilang mga espirituwal na tagapagmana, ganoon din ang ating responsabilidad (Galacia 3:10).

 

Siya'y lubusang naniniwala sa kanyang layunin:  Roma 4: 21

 

Siya'y laging kumikilos para sa Dios: Simple lamang ang buhay ni Abraham kaya madali siyang lumipat ng mga lugar para sa Dios. Mabilis siyang kumilos ayon sa utos ng Dios

(Genesis 12).

 

Hindi siya lumingon: Hindi niya ninasa ang dating buhay na iniwan niya, sa halip ay nakatingin siya sa mga bagong bagay na gagawin ng Dios ( Hebreo 11:6).

 

Lumakad siya na may kaalaman ng kapahayagan ng Dios:  (Genesis 18:7)

 

Hindi siya tumingin sa kanyang mga natural na kakayahan: Ang pangako ng Dios ay galing sa isa na "tila patay na" (Hebreo 11:12).

Hinanap niya ang Dios: Nakatala sa Genesis 12 kung paano si Abraham ay nagtayo ng altar at tumawag sa pangalan ng Panginoon.

 

Inako ni Abraham ang responsabilidad para sa iba: Basahin mo ang kuwento ni Abraham at Lot sa Genesis 14.

 

Siya ay isang taong mapagbigay: Nagbayad siya ng ikapo ng lahat ng tinanggap niya

(Genesis 14:20).

 

Siya ay masunurin: Sumunod si Abraham sa mga utos ng Dios, kahit hindi niya alam ang kahihinatnan (Hebreo 11:8; Genesis 22:18).

 

Nakalaan siyang tumira sa isang hindi kilalang lugar:  Hebreo 11:9.

 

Nakalaan siyang igalang ang kultura ng iba: Yumuko siya sa mga tao sa bayan tulad ng kinugalian (Genesis 23:12).

 

Ang kanyang mga pagpapahalaga ay pang walanghanggan, hindi pansamantala:

 Gawa 7: 5.

 

Nakalaan siyang manindigan na nagiisa:  Isaias 51:2.

 

 Siya ay lalaking may espirituwal na pangitain:  Hebreo 11: 10.

 

Kilala niya ang Dios nang malapitan: Si Abraham ay tinawag na  "kaibigan ng Dios."

Santiago 2:23.

 

Siya ay lalake ng pag-asa:  Roma 4: 18.

 

Malakas ang kanyang pananampalataya: Roma 4: 20.

 

Siya ay matuwid:  Roma 4: 22.

 

Siya ay mapagpakumbaba:  Roma 4: 20.

 

Nais niya ay kapayapaan:  Genesis 13.

 

Mabilis siyang sumunod sa kalooban ng Dios: Kahit na mahirap ang kalooban ng Dios,

sumunod agad si Abraham (Genesis 22).

 

Nagbigay siya ng kaluwalhatian sa Dios:  Genesis 14: 21-24.

 

Nagbunga siya ng mga taong katulad niya ang pagtatalaga: Makikita ito sa buhay ng kanyang alipin (Genesis 24).

 

Siya'y pinagpala sa lahat ng bagay:  Genesis 24: 1

IKA-SIYAM  NA  KABANATA

 

TAGAPAMAGITAN SA PANANALANGIN PARA SA BUONG MUNDO

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

.    Ipaliwanag ang ibig sabihin ng "tagapamagitan sa pananalangin para sa buong

      mundo."

.    Tukuyin ang mga beneficio ng pagiging tagapamagitan sa pananalangin para sa buong

      mundo.

.    Sundin ang isang plano para sa isang maayos na pananalangin para sa iba't-ibang mga

     bansa.

.    Maging isang tagapamagitan sa pananalangin para sa buong mundo.

.    Mag-ayos ng isang "prayer manual" para sa pananalangin sa buong mundo.

.    Sanayin ang iba na maging tagapamagitan sa pananalangin para sa buong mundo.

 

 SUSING TALATA:

 

...Sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan.  ( Isaias 56: 7)

 

PAMBUNGAD

 

Sa nakaraang kabanata binigyan ka ng mga mungkahi kung paanong ikaw ay maging kasangkot sa plano ng Dios para sa sanglibutan. Isa sa pinakamabuting paraan kung paano ka magiging kabahagi ng plano ng Dios ay sa pamamagitan ng pag-abot sa mga bansa sa pananalangin. Tuturuan ka sa kabanatang ito kung paano ito gawin. Matututo kang maging tagapamagitan sa pananalangin para sa buong mundo.

 

ANG BANAL NA TAGAPAMAGITAN

 

Ang tagapamagitan ay tumatayo sa pagitan. Humihingi siya ng pabor para sa iba. Halimbawa, ang isang abogado sa hukuman ay namamagitan. Tumatayo siya sa pagitan ng akusado at ng hukom. Siya ang namamagitan para sa akusado.

 

Minsan, naghanap ang Dios sa lupa kung sino ang puwedeng tumayo sa pagitan Niya at ng taong makasalanan. Wala Siyang nakita, kaya nga't ipinadala Niya si Jesus upang ito'y gawin:

 

At Kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang Kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa Kaniya; at ang Kaniyang katuwiran ay umalalay sa Kaniya. (Isaias 59: 16)

 

Si Jesus ang banal na padron ng tagapamagitan para sa buong mundo. Siya ang tagapamagitan sa pagitan ng tao at ng Dios. Sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ay naglagay siya ng tulay upang matawid ang bangin na nilikha ng kasalanan.

 

Patuloy si Jesus na namamagitan para sa atin:

 

Dahil dito naman Siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan Niya, palibhasa'y laging nabubuhay Siya upang mamagitan sa kanila. ( Hebreo 7: 25)

 

...Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na Siyang nasa kanan ng Dios, na Siya namang namamagitan dahil sa atin,

(Roma 8: 34)

 

Si Jesus ay namamagitan sa pagitan ng tao at ng Dios. Ang Espiritu Santo rin ay namamagitan:

 

At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagkat hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; ngunit ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisaysay sa pananalita;

 

At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakaaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagkat Siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.  (Roma 8: 26-27)

 

PAMAMAGITAN SA BUONG MUNDO

 

Ibinigay ng Dios sa mga mananampalataya ang gawain ng pamamagitan para sa mga bansa ng buong mundo. Namamagitan tayo sa pamamagitan ng pananalangin. Kung tayo'y namamagitan, hinahanap natin ang Dios para sa iba.

Naghahandog tayo ng mga panalangin sa Dios para sa mga bansa dito sa mundo.

 

Ang ibig sabihin ng "international" ay sa pagitan ng mga bansa. Bilang tagapamagitan sa panalangin para sa buong mundo, ang ipinananalangin mo ay hindi lang yaong mga personal mong mga kailangan, o ng iyong pamilya at mga kaibigan. Sa panalangin, ikaw ay kumikilos na espirituwal sa pagitan ng mga bansa ng sanglibutan.

 

MGA BENEFICIO NG PANANALANGIN PARA SA BUONG MUNDO

 

Ang pinakamahalagang estratehiya sa pag-abot sa mga bansa ng sanglibutan ay ang pamamagitan sa pananalangin. May tatlong beneficio sa ministeryong ito:

 

ANG PAMAMAGITAN SA PANANALANGIN AY NASA BIBLIA:

 

Mababasa natin sa Lumang Tipan ang maraming halimbawa kung saan ang pangyayari ng buong bansa ay nabago dahil sa pananalangin. Ang panalangin ni Nehemias na namagitan ay isang magandang halimbawa. Narito ang mga talata sa Biblia na naguutos sa atin na manalangin para sa iba:

 

Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;

 

Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.  (I Timoteo 2: 1-2)

 

Nang magkagayo'y sinabi Niya sa Kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa.

 

Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala Siya ng mga manggagawa sa Kaniyang aanihin. (Mateo 9: 37-38)

 

...Sapagkat ang Aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan.   (Isaias 56: 7)

 

ANG PANALANGIN AY ISANG GAWAIN KUNG SAAN ANG LAHAT AY NAKASALALAY:

 

Ang panalangin ang pinakamalaking pinagmumulan ng kapangyarihan ng tao. Ang panalangin ay nagdadala ng pagbabagong buhay, at ang pagbabagong buhay ay nagbibigay ng alab sa evangelismo. Ang evangelismo ang nagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian. Mahalaga ang mga plano at mga programa sa evangelismo, subalit ang panalangin ang nagdadala ng tagumpay. Ito ang humahawak sa ministeryo at ang pundasyon ng operasyon.

 

WALANG HANGGANAN ANG PAMAMAGITAN SA PANANALANGIN PARA SA BUONG MUNDO:

 

Walang saradong bansa na hindi mapapasok ng panalangin. Ito ay makararating sa dulo ng daigdig. Maaaring hindi ka umalis ng iyong tahanan, subalit sa pamamagitan ng iyong panalangin ay makakapagbiyahe kang espirituwal kahit saang lugar sa mundo na may pangangailangan. Sa panalangin ang iyong misyon ay walang limit. Ang layo, kalagayan sa lipunan, at wika ay hindi hadlang sa panalangin.

 

Ang panalangin ay isang pandaigdig na pagmimisyon na bukas sa lahat ng mananampalataya. Binibigyan tayo ng daan na makasangkot sa pagpapalaganap ng evangelio na walang sagabal. Walang  napakatanda o napakabata sa ministeryong ito.

Hindi sagabal ang sakit o kapansanan. Ang lahat ay maaaring makasangkot sa pangmundong cosa ng Dios na walang ipinagbabawal.

 

ISANG PLANO NG PANANALANGIN

 

Ang sumusunod na plano ng panalangin ay maaaring gamitin sa personal o grupong pamamagitan sa pananalangin para sa buong mundo. Ito ay magbibigay ng pocus sa iyong mga panalangin. Pang isang oras itong panalanginan. Ito ay isa lamang patnubay. Huwag mong limitahan ang iyong oras kung nais pa ng Dios na ikaw ay manalangin. Tandaan na laging manalangin sa pangalan ni Jesus, tulad ng itinuro Niya. Iniuugnay natin ang mga panalangin sa Kaniyang mga layunin.

 

BAGO MAGPASIMULA, TUKUYIN ANG MGA KAILANGANG IPANALANGIN:

 

Tukuyin ang mga ipananalangin. Tiyakin na ang mga ito ay may kaugnayan sa pangmundong layunin ng Dios. Ang pamamagitan sa panalanging ito na pang sanglibutan ay hindi panalanginan para sa iba't-ibang bagay. Ang pokus nito ay ang mga bansa ng mundo.

 

PAGPUPURI SA DIOS:  ( 10 minuto)

 

Pumapasok tayo sa presensiya ng Dios na may pagpapasalamat at pagpupuri:

 

            Magsipasok kayo sa Kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,

At sa Kaniyang looban na may pagpupuri. Mangagpasalamat kayo sa Kaniya, at purihin ninyo ang Kaniyang pangalan. (Awit 100: 4)

 

Ang pagpupuri ay dinadala ka sa presensiya ng Dios upang marinig Niya ang iyong mga dalangin. Purihin mo ang Dios kung sino Siya at kung ano ang ginawa Niya. Sa pagpupuri mo ay kilalanin mo ang Kaniyang dakilang plano para sa mundo at magpasalamat ka sa iyong bahagi rito. Sabi ng Salmista, "Lumapit tayo sa Kaniyang presensiya na may awitan." Maaari mong awitin ang mga papuri mo sa Dios. Mabuting umawit ka ng mga imno na may kaugnayan sa layunin ng Dios sa mga bansa.

 

PAMAMAGITANG PANGKALAHATAN PARA SA MUNDO:  (10 minuto)

 

Narito ang mga tiyak na bagay na dapat ipanalangin. Idalangin ang...

 

-Magkaroon ng bagong uhaw na espirituwal sa buong mundo.

 

-Magtindig ang Dios ng isang pang-mundong puwersa ng mga mananalangin.

 

-Ang pagdami at paglago ng Iglesia sa buong mundo.

 

-Magtindig ang Dios ng mga manggagawa para sa anihan -mga pastor, mga propeta, mga evangelista, mga apostol, mga guro, at mga lider na layco -upang matupad ang utos sa

(Mateo 9: 38; Lucas 10:2).

 

-Pagkakaisa sa mga iglesia at mga grupo ng misyon.

 

-Isang pagbabagongbuhay at alab upang manghikayat ng mga nawawala,

 

-Matalinong paggamit ng mga materiales at kagamitan upang ikalat ang Evangelio. Hilingin sa Dios na ipagkaloob ang mga pinansiyal na pangangailangan at magtindig ng mga taong susuporta sa pag eevangelio.

 

-Magbukas ng "kalooban ng pananalita" upang magbahagi ng Evangelio (Efeso 6:19).

 

-Mabuksan ang mga "saradong bansa" sa Evangelio (II Tesalonica 3:1).

 

-Tanggapin ng mga nakarinig ang Evangelio (Roma 15: 30-31).

 

-Mga malalaking issue sa mundo na nakakapekto sa pagkalat ng Evangelio.

 

-Mga lider ng mga gobierno, na maging bukas ang puso sa gawain ng pagmimisyon at evangelismo.

 

-Mga manggagawa na nagtatanim ng mga bagong iglesia at gawain ng pagmimisyon.

 

-Mga mananampalataya na nakabilanggo o nagdurusa dahil sa kanilang debosyon kay Cristo o dahil sa ministero.

 

-Ang gawain ng mga nagsasalin ng Biblia sa buong mundo.

 

-Mga paaralan ng Biblia, mga kursong pasulat, at mga institusiyon na nagsasanay sa buong mundo.

 

-Mga Kristiyanong manggagawa sa bawat bansa.

 

-Mga nagmimisyon na tumatawid ng kultura.

 

-Isang pagkilos ng Dios sa mga kabataan. Sila ang magiging mga lider ng Iglesia sa hinaharap.

 

-Magpakita ang Dios ng tamang paraan ng pag-abot sa bawat bansa at barrio ng mundo. Hilingin na ipakita ito sa mga manggagawa sa mga lugar na iyon. Ipanalangin ang mga organisasyon na nananaliksik ng mga estratehiya para sa lalong mabuting pagmimisyon.

 

-Proteksiyon sa mga manggagawa mula sa mga atake ni Satanas. Talian ang mga ginagawa ni Satanas laban sa mga mananampalataya at mga bansa. Idalangin ang mga lumalaban sa Evangelio (Roma 15: 30-31; II Tesalonica 3: 2).

 

-Ang pananaw ng Biblia sa mundo ay kumalat sa mga mananampalataya, at sila nawa ay maging sangkot sa halip na manunuod lamang ng plano ng Dios.

 

-Sila na nagtatrabaho sa sekular na mga gawain sa ibang bansa upang palaganapin ang Evangelio.

 

-Mga mananampalataya sa hukbong sandatahan sa iba't ibang panig ng mundo. Maaari din silang maging epektibong puwersa sa paghahatid ng Evangelio.

 

-Ang trabaho ng media na kaugnay ng relihiyon tulad ng mga recording ng Evangelio, mga pelikula, cassette tapes, mga Kristiyanong programa sa radio at telebisyon.

 

-Ang gawain ng mga team sa medical at social misyon. Mga ministeryong nagbibigay ng relief at tulong. Kasama rito sa mga pagbibigay ng tulong at panggagamot ay ang paghahatid ng Evangelio.

 

-Ang mga pilotong misyonero at organisasyon na naghahatid ng mga supplies sa iba't-ibang panig ng mundo.

 

-Ang gawain sa mga bagong salta at mga refugees sa mundo.

 

-Ang pagtatali ng mga kapangyarihan ni Satanas na umiimpluwensiya sa mga bansa. Ito ay naranasan sa Persia nang panahon ni Daniel. Ito ang dahilan kung bakit ang ibang bansa ay mas bukas sa Evangelio kay sa iba. May mga espiritu na aktibo sa ibang mga rehiyon, at malibang ang mga mananampalataya ay mamagitan sa pananalangin, ang

mga rehiyong ito ay hindi magbubukas sa Evangelio.

 

PANANALANGIN PARA SA ISANG LUGAR SA MUNDO: (10 minuto)

 

Ituon ang panalangin sa isang tiyak na bansa o continente. May mga ahensiya na mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga lugar, ahensiya, mga grupo ng mga tao upang matulungan kang ipanalangin ang mga ito. Tingnan ang "Para Sa Dagdag na Pag-aaral" na bahagi ng kabanatang ito.

 

Narito ang mga tiyak na ipananalangin para sa bawat bansa:

 

-Mga pangyayari sa ngayon. Magiging tiyak ang panalangin mo sa isang lugar kung makikinig ka sa mga balita at makikiugnay ka sa mga manggagawang Kristiyano doon.

 

-Ang mga iglesia ng bansa.

 

-Sila na gumagawa sa espirituwal na pag-aani sa bansang iyon. Kasali rito ang mga church planters, mga manggagawang taga roon, mga paaralang nagsasanay, mga misyonero, mga nagsasalin ng Biblia, atbp.

 

-Lahat ng mga mananampalataya sa bansa.

 

-Mga taong hindi pa naaabot sa bansa.

 

-Tinatalian ang kapangyarihan ni Satanas sa bansa; mga puwersa na kumakalaban sa paghahatid ng Evangelio o nais na magsara sa bansa para sa evangelismo.

 

-Sa bawat bansa, may pitong larangan na humuhubog sa isipan ng mga tao at ng hinaharap ng bansa. Ang mga ito ay ang tahanan at pamilya, ang iglesia, edukasyon, sining at mga aliwan, media, gobiyerno, at negosyo. Ipanalangin mo ang mga lider at ang espirituwal na kalagayan  ng mga kategoryang ito.

 

PANANALANGIN PARA SA TIYAK NA MISYONERO O AHENSIYA: (10 min.)

 

Sa pamamagitan ng pakikiugnay sa misyonero o ahensiya ng pagmimisyon, malalaman mo ang tiyak na pangangailangan na dapat ipanalangin. Magpalista ka sa kanilang pinadadalhan ng newsletter o buletin sa pananalangin.

 

IPANALANGIN MO ANG ISANG GRUPO NG MGA TAO NA HINDI PA NAAABOT NG EVANGELIO: (10 minuto)

 

Ang limang malalaking grupo ng mga taong hindi pa naaabot ay ang mga Buddhist, mga Hindu, mga tao sa tribo, mga Muslim, at mga Intsik.

 

-Idalangin mo na magkaroon ng kauhawang espirituwal sa mga ito.

 

-Idalangin mo na magkaroon ng mga manggagawa na magbabahagi ng Evangelio sa kanila.

 

-Idalangin mo na ipakita kung ano ang pinakamabuting paraan nang pag-abot sa bawat isang grupo.

 

-Idalangin mo sila na naguumpisa nang umabot sa mga grupong ito.

 

PANALANGIN PARA SA MGA PERSONAL NA PANGANGAILANGAN:

( 10 minuto)

 

Idalangin mo ang iyong mga personal na pangangailangan na kaugnay ng mundo. Ano ang kaugnayan ng iyong mga personal na pangangailangan sa layunin ng Dios para sa mundo at ang iyong bahagi rito? Kahit ang iyong mga personal na dalahin ay dapat may kaugnayan sa plano ng Dios para sa mga bansa.

 

Patuloy mong hanapin ang Dios kung paano mo matutupad ang Kaniyang utos na abutin ang mga bansa ng Evangelio. Paano ka makapaghahanda na mabuti para dito? Paano mo ito mapapasimulan ngayon? Paano mo mabibigyan ng panahon at salapi ang layuning ito?

 

ANG ORAS NG PANANALANGIN

 

Narito ang buod ng pamamagitan sa pananalangin para sa buong mundo:

 

1. Pagpupuri sa Dios: (10 minuto)

2. Pamamagitang pangkalahatan sa buong mundo: (10 minuto)

3. Pananalangin para sa isang bahagi ng mundo: (10 minuto)

4. Pananalangin para sa isang tiyak na misyonero o ahensiya ng misyon: (10 minuto)

5. Panalangin para sa isang grupo ng mga taong hindi pa naaabot: (10 minuto)

6. Tiyak na personal na mga pangangailangan. ( 10 minuto)

 

GUMAWA NG MANWAL NG PANALANGIN

 

Ang personal na manwal sa pananalangin ay makakatulong sa iyo sa pananalangin para sa mga bansa. Narito ang mga tagubilin sa paggawa ng manwal na ito:

 

UNANG BAHAGI - ANG PLANO SA PANANALANGIN:

 

Ihiwalay ang "Plano sa Panalangin" na ibinigay sa kabanatang ito para sa isang oras na pananalangin sa mga bansa. Ipitin ito sa iyong manwal ng panalangin bilang patnubay sa oras ng iyong pananalangin.

 

PANGALAWANG BAHAGI - ANG MUNDO SA PANGKALAHATAN:

 

Tanggalin ang mga mungkahi para sa pangkalahatang panalangin para sa pangangailangan ng mundo na nasa kabanatang ito. Isingit ito sa bahaging ito ng manwal sa panalangin. Dagdagan mo ng iba pang dapat ipanalangin para sa mundo habang ipinaaalaala sa iyo ng Dios.

 

Kumuha ka ng isang mapa ng mundo at isingit mo rito. Patungan mo ng kamay ang mapa sa iyong pananalangin bilang punto ng kaugnayan.

 

PANGATLONG BAHAGI - MGA TIYAK NA LUGAR:

 

Mag-ipon ka ng mga mapa at impormasyon tungkol sa iba't-ibang lugar sa mundo at isingit mo dito sa bahaging ito ng iyong manwal sa panalangin. Maglagay ka rin ng mga ginupit na mga balita na may kaugnayan sa gawain ng Evangelio sa mga bansa. Ipanalangin mo ang mga issue na ito.

 

Huwag mong kalilimutang idalangin ang iyong bansa, nayon, o siyudad. Isali mo ang mapa ng iyong bansa sa bahaging ito.

 

Kumuha ka ng directory ng telepono sa iyong siyudad at ipanalangin mo ang bawat isang pangalan na nakalista doon. Maglista ka ng mga pangalan ng mga opisyal ng iyong bansa at siyudad at ipanalangin mo sila.

 

PANG-APAT NA BAHAGI - MGA TIYAK NA MISYONERO AT AHENSIYA:

 

Maglista ka ng pangalan ng mga tiyak na misyonero na ipananalangin mo. Kumuha ka

ng kopiya ng kanilang newsletter at isingit mo rito sa bahaging ito. Idalangin mo ang kanilang mga tiyak na pangangailangan.

 

Kung ang iyong denominasyon ay may mga misyonero, humingi ka ng kanilang mga pangalan at tirahan. Ipanalangin mo at sulatan ang ilan sa kanila. Humingi ka ng impormasyon tungkol sa mga ahensiya ng pagmimisyon at isingit mo rito. Ipanalangin mo ang kanilang tiyak na mga pangangailangan. Humingi ka ng listahan ng mga iglesia, mga organisasyong Kristiyano na nagsasanay, at mga ahensiya ng pagmimisyon sa inyong lugar. Ipanalangin mo sila.

 

PANG-LIMANG BAHAGI - MGA GRUPO NG TAONG DI PA NAAABOT:

 

Isulat mo ang pangalan ng mga malalaking bloke ng mga grupo ng mga tao na hindi pa naaabot, sa bahaging ito ng manwal. Ito ang mga Buddhist, mga Muslim, mga Hindu, mga Intsik, at mga tao sa tribo. Kumuha ka ng mga impormasyon tungkol sa mga grupong ito at isingit mo rito sa bahaging ito ng manwal.

 

PANG-ANIM NA BAHAGI - MGA PERSONAL NA PANGANGAILANGAN:

 

Isulat mo ang mga sumusunod na pamagat sa isang pirasong papel para sa rekord ng  iyong personal na pangangailangan na dapat ipanalangin:

 

            Petsa                 Personal na Pangangailangan             Petsa ng Katugunan

 

Ang pagsulat ng rekord na ganito ay tutulong sa iyong pananalangin at malalaman mo kung kailan tumugon ang Dios.

 

MAGSANAY NG IBA NA MAGING TAGAPAMAGITAN SA PANANALANGIN PARA SA BUONG MUNDO

 

Narito ang plano sa pagsasanay ng mga tagapamagitan sa pananalangin:

 

1. Ibahagi mo ang pananaw sa sanglibutan batay sa Biblia.

 

Una, ibahagi mo ang pananaw sa mundo batay sa Biblia. Hangga't hindi nakukuha ng tao ang pangitain ng plano ng Dios sa mundo at ang kanilang bahagi rito, hindi sila magiging epektibong tagapamagitan sa pananalangin. Nasa Ika-Sampung Kabanata ang mga tagubilin kung paanong ipaliliwanag ang pananaw sa mundo batay sa Biblia.

 

2. Gamitin mo ang kabanatang ito upang sanayin ang iba sa pagiging tagapamagitan sa pananalangin para sa mundo.

 

Una, pag-aralan ang kabanata kasama nila. Pangalawa, manalangin ayon sa plano ng panalangin na ibinigay dito. Pangatlo, tulungan mo silang gumawa ng manwal sa panalangin tulad ng ginawa sa kabanatang ito.

 

3. Bumuo ng isang grupo ng mga mananalangin para sa sanglibutan.

 

Ang suporta ng grupo ang makasisiguro na magpapatuloy itong mga nananalangin para sa mundo. Magtakda ng tiyak na oras, araw, at lugar para sa inyong pagtatagpo. Maaaring magkita ang grupong ito sa iyong tahanan o iglesia. Gamitin mo ang plano ng pananalangin sa kabanatang ito at ang manwal sa pananalangin na ginawa mo upang may patnubay ang inyong pananalangin. Humingi ka ng dagdag na kagamitan sa panalangin na nakalista sa "Para Sa Dagdag na Pag-aaral" na bahagi sa kabanatang ito. Makakatulong ang mga ito sa iyo at sa iyong mga sinasanay sa pananalangin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Ano ang ibig sabihin ng pagiging "tagapamagitan sa pananalangin para sa mundo"?

 

________________________________________

3. Paano ka makapagsasanay ng iba na maging tagapamagitan sa pananalangin para sa mundo?

 

________________________________________

________________________________________

4. Gumawa ka na ba ng pagpapasiya na maging tagapamagitan sa pananalangin para sa mundo?

 

________________________________________

5. Gumawa ka na ba ng personal na manwal para sa pananalangin ng pamamagitan?

 

________________________________________

6. Anu-ano ang tatlong beneficio na makukuha mo bilang isang tagapamagitan sa pananalangin para sa mundo, na tinalakay sa kabanatang ito?

 

_______________________________________     ______________________________

                                    ________________________________________

7. Ilarawan mo ang plano na ibinigay sa kabanatang ito para sa isang organisadong pananalangin na nakapokus sa pamamagitan para sa mundo.

 

________________________________________

________________________________________

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

Ang mga sumusunod na materiales ay maaaring mapasaiyo sa pamamagitan ng mga World Christian agencies upang makatulong sa iyong pamamagitan sa panalangin para sa buong mundo:

 

1. Operation World: Ang aklat na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa bawat bansa ng mundo na may listahan ng mga tiyak na pangangailangan sa panalangin. Mag-order ka sa STL Books, Box 28, Wanesboro, Georgia, 30830, USA.

 

2. International Intercessors: Isang grupo na nagbibigay ng buwanang newsletter na may impormasyon tungkol sa mga bansa at tiyak na kahilingan sa panalangin para sa bawat buwan. Magpalista ka sa kanilang programa. Sumulat sa Box O, Pasadena , CA, 91108, USA.

 

3. Magumpisa ng Frontier Fellowship prayer group na tinatarget na ipanalangin ang mga hindi pa naaabot na mga grupo ng mga tao. Para sa impormasyon, sumulat sa U.S. Center for World Mission, 1605 Elizabeth St., Pasadena, CA 91104, USA.

 

4. Isang prayer map ay makukuha mula sa Operation Mobilization, P.O.Box 14, Midland Park, N.J., 97432, USA. Isang "World Christian" prayer map ay makukuha mula sa Change The World Ministries, P.O.Box 5838, Mission Hills, CA, 92135, USA. Isang

"Bibles For All" prayer map ay makukuha mula sa WCL, P.O.Box 40129, Pasadena, CA, 91104, USA.

 

5. Sumulat para sa pagsasanay sa "Concerts Of Prayer" na makukuha sa Inter-Varsity Christian Fellowship, 233 Langdon, Madison, WI, 53703, USA.

 

6. Ang Lausanne Committee for World Evangelization ay nagpapalabas ng buwanang buletin na may panalangin at pagpupuri na kalendaryo para sa mga bansa sa mundo. Sumulat sa P.O.Box 1100, Wheaton, Ill., 60189, USA.

 

7. Sumulat para sa prayer cards para sa mga bansa ng sanglibutan. Upang maingganyo

na manalangin para sa 70 espirituwal na nangangailangang bansa, ang bawat card ay may mahahalagang impormasyon tungkol sa bansa upang epektibo mong maipanalangin. Sumulat sa Inter-Varsity Christian Fellowship, 233 Langdon St., Madison, WI 53703, USA.

 

8. Sumanib sa specialized prayer fellowship. Narito ang dalawang halimbawa ng ganitong grupo:

 

Fellowship of Faith for Muslims, 205 Yonge St., Toronto, Ontario, Canada M5BIN2.

Pray for China Fellowship, 1423 Grant St., Berkeley, CA, USA  

 

 

IKA-SAMPUNG  KABANATA

 

PAGBABAHAGI NG PANANAW SA MUNDO BATAY SA BIBLIA

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

.    Tukuyin ang apat na hakbang sa pagbabahagi ng pananaw sa mundo batay sa Biblia.

.    Ibahagi ang pananaw sa mundo batay sa Biblia sa mga tapat na lalake at babae.

.    Magtatag ng komite para sa evangelismo.

.    Magtatag ng mga Bible studies para sa mga Kristiyanong may malasakit sa mundo.

 

SUSING TALATA:

 

At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  ( II Timoteo 2: 2)

 

PAMBUNGAD

 

Tulad ng natutuhan mo na, milyun-milyong mga mananampalataya sa buong mundo ay walang pagkatanaw sa mundo na batay sa Biblia. Ang kanilang isip ay nakatuon sa kanilang pamilya, nayon, at iglesia. Sapagkat hindi nila nauunawaan ang plano ng Dios para sa mundo, hindi sila aktibong kasangkot sa pagtupad nito. Ang kabanatang ito ay nagpapaliwanag kung paano mo ibabahagi ang pananaw sa mundo batay sa Biblia sa mga taong ito, hinihimok silang maging mga Kristiyanong nagmamalasakit sa mundo.

 

MGA TAONG TAPAT

 

Ang susi sa pagbabahagi ng pananaw sa mundo batay sa Biblia ay mamili ng mga taong

tapat upang sanayin:

 

At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  ( II Timoteo 2: 2)

 

Ang ibig sabihin ng "tapat" ay aktibo, maaasahan, at mapagkakatiwalaan.

 

Hindi lahat ay tatanggapin ang pananaw sa mundo batay sa Biblia. Hindi lahat ay magiging tapat dito.

 

Sa pagbabahagi ng pangitaing ito, piliin mo yaong mga may katangian ng pagiging aktibo, maaasahan, at mapagkakatiwalaan na tutugon sa Dios. Sila na tuturuan mo nito ay dapat maging tapat na magturo rin sa iba. Ito ang tanging paraan kung saan magkakaroon ng panganganak at ang pagdami ay magpapatuloy.

 

BATAY SA BIBLIA, HINDI SA KULTURA

 

Sa pagbabahagi mo ng iyong natutuhan sa iba, tandaan mo na ang iyong ibabahagi ay hindi ang iyong kultura. Ibabahagi mo ang pananaw sa mundo batay sa Biblia.

 

Ang kultura ay ang paraan kung paano ginagawa ang mga bagay  sa isang uri ng kapaligiran. Kasama na rito ang kaugalian, tradisyon, wika...at lahat ng uri ng ugali at pamumuhay. Ito ang dahilan kung bakit malaki ang pagkakaiba ng mga tao sa India at sa Africa.

 

Malaki ang epekto ng kultura kung saan ka nakatira. Iniisip mong ang paraan ng paggawa mo ng mga bagay ang siyang pinakamabuti. Subalit dapat mong malaman na walang kulturang nakahihigit kay sa iba. Ang tawag mo ay hindi upang baguhin ang kultura ng iba o ibahagi ang iyong paraan ng paggawa ng mga bagay, na iniisip mong nakahihigit.

 

Ang tanging dapat mo lang iwasto ay kung ang kultura ay labag sa Salita ng Dios. Kapag ganoon ay dapat mo itong harapin at ituring na ito ay kasalanan. Hindi ka tinawag na dalhin ang sibilisasyon sa mga pagano. Ang layunin mo ay hindi iligtas ang lipunan, kundi ang mga kaluluwa. Ang pakay ng mangingisda ay hindi upang baguhin ang dagat, kundi upang manghuli ng isda rito.

 

Tutukan mo ang tunay na gawain sa ngayon: Ang magsanay ng mga lalake at babae.

 

ANG PLANO

 

Narito ang apat na hakbang sa pagbabahagi ng pananaw sa mundo batay sa Biblia:

 

                     1. Maging modelo ka ng pangitain.

                     2. Ibahagi ang pangitain sa iba.

                     3. Panatilihin ang pangitain bilang sentro ng buhay.

                     4. Sundin ang pangitain.

 

Tingnan natin ang detalye ng bawat hakbang:

 

MAGING MODELO KA NG PANGITAIN:

 

Una, dapat ikaw mismo ay yakapin ang pananaw na ito sa mundo batay sa Biblia. Iyan ang layunin ng pag-aaral na ito. Pag kinilala mo ang responsabilidad mo sa Dakilang Utos at ang iyong puso ay nahipo sa pangangailangan ng mga bansa sa mundo, maaari ka nang maging modelo ng pangitain na ito.

 

Bilang modelo, ikaw ay magiging buhay na halimbawa sa harap ng iyong mga kaibigan at kasamahan sa iglesia. Bayaan mong makita nila ang iyong malasakit para sa layunin ni Cristo at madama nila ang tibok ng iyong puso para sa mga bansa sa mundo. Bayaan mong makita ka nila na aktibong umaabot sa iba na dala ang Evangelio. Ang pinakamabisang pagtuturo ay hindi sa salita. Ito ay sa pamamagitan ng halimbawa. Nakita natin ito sa buhay at ministeryo ni Jesus.

 

IBAHAGI ANG PANGITAIN SA IBA:

 

Narito ang ilang mungkahi kung paano mo ito ibabahagi sa iba:

 

1. Ibahagi mo ang pangitain sa mga taong malapit sa iyo -isahan. Ibahagi mo sa kanila ang kursong ito," Pagbubuo Ng Pananaw sa Mundo Batay Sa Biblia." Ibahagi mo ang malaking pangangailangan ng mundo at sabihin ang kanilang personal na papel dito. Manalanging sama-sama para sa mga bansa na ginagamit ang mga estratehiya na natutuhan sa Ika-Siyam na Kabanata.

 

2. Hilingin sa iyong pastor na magkaroon ng diin sa pagiging "World Christian" bilang bahagi ng regular na gawain sa iglesia. Ito ay ilang minuto sa oras ng pagsamba kung saan ay maibabahagi mo ang kalagayang espirituwal ng mundo, mga grupo ng taong hindi pa naaabot, at magkaroon ng hamon sa pagkilos batay sa mga impormasyong ito.

 

3. Kung ang iyong iglesia ay may lingguhang buletin o report, singitan ito ng mga artikulo na humihimok na magkaroon ng pananaw sa mundo batay sa Biblia.

 

4. Magtayo ng "resource center" sa iyong iglesia o tahanan. Lagyan ito ng mga aklat at materiales tungkol sa mga grupong hindi pa naaabot, mga sulat mula sa mga misyonero, mga display sa bulletin board na nagpapakita ng mga bansa, mga mapa sa pananalangin, atbp. (Siguruhing kasama ang kursong ito bilang bahagi ng "resource center.")

 

5. Humingi sa mga misyonero at mga Kristiyanong lider sa ibang bansa na magpadala ng 5 minutong audio tape na report upang maibahagi sa iyong grupo. Hilingin sila na magpadala ng mga larawan, slides, o videos na nagpapakita ng mga ginagawa nila doon.

 

6. Kung may colegio o unibersidad na malapit sa inyo, hilingin ang mga estudiyanteng banyaga na magbahagi tungkol sa kanilang kultura at mga pangangailangan sa kanilang bansa. Kung may mga ibang lahi na nakatira sa inyong lugar, anyayahan mo siya na magbahagi sa inyong grupo.

 

7. Magbahagi ka sa mga kasama mo sa iglesia ng kahalagahan ng pananalangin sa kanilang buhay. Kung isinusulat ang mga kahilingan sa panalangin, isali ang mga ibang bansa upang maipaalam sa kongregasyon ang layunin ni Cristo para sa mundo.

 

8. Magtatag ka ng World Christian o komite ng evangelismo sa iyong iglesia. Matutulungan ka ng "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" na bahagi ng kabanatang ito upang ito'y maisagawa.

 

9. Magdaos ka ng mga pulong ng "world awareness" sa inyong iglesia. Maaari itong maganap sa isang maliit na grupo sa tahanan o sa isang malakihang "missions conference." Mag-anyaya ka ng mga tagapagsalita mula sa iba't-ibang ahensiya ng pagmimisyon. Mag-ayos ka ng "World Christian" na display na may mga materiales na mabibili. (Siguruhing ang kursong ito ay kabilang doon!)

 

10. Hilingin ang iyong pastor na ituro ang kursong ito, "Pagbubuo ng Pananaw sa Mundo Batay Sa Biblia", sa inyong kongregasyon at sa ibang mga iglesia sa inyong palibot. Idaos ang mga klase sa bahay, sa iglesia, o sa isang publikong lugar.

 

PANATILIHIN ANG PANGITAIN BILANG SENTRO NG BUHAY:

 

Dapat mong panatilihin ang pangitain bilang sentro ng iyong buhay at ng buhay ng mga lalake at babaeng iyong sinasanay. Narito ang mga mungkahi kung paano ito gagawin:

 

1. Magpatuloy kang magbasa ng mga aklat na nagbibigay diin sa pagmimisyon at sa pananaw ng mundo batay sa Biblia.

 

2. Dumalo sa mga komperensiya ng pagmimisyon sa iyong palibot.

 

3. Magkaroon ng kabatiran ng mga pangyayari sa buong mundo na may epekto sa pagpapalaganap ng Evangelio at patuloy mong idalangin ang mga bansa.

 

4. Magkaroon ka ng derechong ugnayan sa mga manggagawa sa iba't-ibang lugar sa mundo. Ang kanilang mga report ang magbibigay sa iyo ng inspirasyon tungkol sa pangitaing ito.

 

5. Gumawa ka ng "World Christian Bible Studies" para sa personal mong gamit at upang ibahagi sa iba. Ang pag-aaral na ito sa Biblia ay nagbibigay diin sa paksa ng sanglibutan sa Biblia. Ang "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" na bahagi ng kabanatang ito ay makakatulong sa iyo sa paggawa nito.

 

SUNDIN ANG PANGITAIN:

 

Hindi sapat na basta magkaroon ng pananaw sa mundo na batay sa Biblia, at ibahagi ito sa iba. Dapat mong sundin ang natutuhan mo:

 

Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

 

Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawaing mabuti. ( II Timoteo 3: 16-17)

 

Ang bawat talata sa Biblia na natutuhan natin ay dapat magbunsod sa atin na gumawa ng mabuti. Marami ka nang natutuhang mga prinsipyo sa kursong ito, subalit ang kaalamang walang hakbang ng pagkilos ay tulad ng pananampalatayang walang gawa. Kung natututo ka lamang ng mga prinsipyo at wala namang pagkilos ayon sa iyong natutuhan, ito ay espirituwal na "dead end." Ang pagtanggap ng pangitain ay hindi sapat. Ang pagbabahagi nito sa iba ay hindi sapat. Ikaw at ang iyong mga sinasanay ay dapat sumunod sa pangitain.

 

Ang Harvestime International Institute ay nag-aalok ng mga kurso na tutulong sa iyo sa paggawa nito. Ang susunod na kurso, "Mga Paraan Ng Pagtuturo," ay makakatulong sa iyo sa pagbabahagi sa iba ng mga natutuhan mo. "Mga Paraan ng Pagpapalago," ay magpapakita sa iyo kung paano mo mapalalago ang puwersang espirituwal na sinanay mo. Ang ibang mga kurso ng Harvestime ay tutulong sa iyo na magpasimula, mangasiwa, at magpakilos nitong mga tapat na lalake at babae. Ang kurso ng Harvestime International Institute na, "Panghihikayat Ng Kaluluwa," ay nagbibigay ng mga tagubilin sa pagbabahagi ng mensahe ng Evangelio na may kapangyarihan. Subalit huwag mong hintayin na matapos mo ang mga kursong ito. Pasimulan mo nang sundin ang pangitain ngayon, kung saan ka naroon. Narito ang mga mungkahi kung paano ito gagawin:

 

1. Ibahagi mo ang Evangelio sa iyong mga kapitbahay, sa nayon, o siyudad.

 

2. Makipagtulungan ka sa iyong iglesia sa evangelismo sa inyong lugar, sa buong bansa, at sa buong mundo.

 

3. Ipanalangin mo ang mga bansa sa buong mundo.

 

4. Magbigay ka sa mga ahensiya ng pagmimisyon, sa pamamagitan ng iyong iglesia o ibang mapagkakatiwalaang organisasyong pang evangelistico. Ang pagbibigay sa mga manggagawa na naglilingkod sa mga hindi pa naaabot ng Evangelio ay dapat bigyan ng diin.

 

5. Umabot ka sa labas ng iyong palibot. Maging bahagi ka ng "extension ministry team."

Magtatag ka ng isang team na nagpupunta sa ibang komunidad, kultura, o bansa upang magbahagi ng Evangelio.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IPAGPATULOY ANG PAG-INOG

 

Narito ang patuloy na pag-inog (cycle) ng pagpaparami ng pananaw sa mundo batay sa Biblia:

 

 

 

Maging modelo ka ng pangitain.

I

Ibahagi mo ang pangitain sa iba.

I

Panatilihin ang pangitain bilang sentro ng iyong buhay.

I

Sundin mo ang pangitain® ® ® ­

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                                                                                                                                 

 

 

 

 

Una, maging modelo ka ng pangitaing tinanggap mo, at ibahagi mo ang pangitain sa iba sa pamamagitan ng halimbawa at pagtuturo. Panatilihin ang pananaw sa mundo batay sa Biblia na sentro ng iyong buhay at ng buhay ng iyong mga sinasanay. Sa pagsama mo sa iyong sinasanay sa pagsunod sa pangitain, lahat kayo ay nagiging modelo ng pangitain at ang pag-inog (cycle) ay patuloy habang ibinabahagi mo ito sa iba.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

________________________________________

2. Sa pagbabahagi ng pananaw sa mundo batay sa Biblia, anong uri ng mga lalake at babae ang ating pagbubuhusan ng panahon?

 

________________________________________

________________________________________

3. Anu-ano ang apat na hakbang sa pagbabahagi ng pananaw sa mundo batay sa Biblia?

 

__________________________________     __________________________________

__________________________________     ___________________________________

4. Anong hakbang ang gagawin mo upang tuparin ang pangitain ng pag-abot sa mga bansa ng sanglibutan ng Evangelio? Kangino mo ibabahagi ang pangitaing ito? Ano ang gagawin mo sa iyong iglesia? Ano ang gagawin mo sa inyong komunidad?

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

PAGBUBUO NG KOMITE PARA SA EVANGELISMO

 

Sa araling ito, iminumungkahi na magtatag ng komite para sa evangelismo o isang "World Christian" na grupo sa inyong iglesia. Ang evangelismo ay hindi lang dapat maging isang departamento ng iglesia. Ito ang dapat diin ng iglesia. Ang dahilan sa pagtatatag ng komite ay upang patnubayan ang isang fellowship na matupad ang kanyang layunin bilang isang "Church in the World" (tingnan ang Ika-Anim na Kabanata).

 

Ganito ang pagbubuo ng isang Komite:

 

MAGUMPISA KA SA PASTOR:

 

Makipagkita ka sa pastor at ibahagi mo ang iyong plano na bumuo ng isang komite. Ibahagi mo sa kanya ang iyong pangitain at kung ano ang natutuhan mo sa kursong ito.

Maaaring ikaw ang gawin niyang lider ng komite o bigyan ka ng katulong sa pagbubuo nito. Mahalaga na makuha mo ang pahintulot at pagkasangkot ng pastor upang ito ay magtagumpay.

 

SURIIN MO ANG PROGRAMA SA NGAYON:

 

Ano ang kalagayan ng evangelismo o pagmimisyon sa inyong iglesia? Suriin ang mga sumusunod:

 

-Patakaran:

 

May nakasulat bang patakaran ang inyong iglesia patungkol sa evangelismo o pagmimisyon? Kung mayroon, ito ba ay sapat at nakikita bang sinusunod ng iglesia?

 

-Panalangin:

 

Gaano kadalas manalangin nang sama-sama ang iglesia para sa misyon at evangelismo?

May naipanalangin na ba ang iglesia na manggagawa na mapasok sa ministeryo tulad ng tagubilin sa Mateo 9: 38?

 

-Mga Kumperensiya:

 

Nagkaroon ba ng kumperensiya sa inyong iglesia tungkol sa misyon at evangelismo sa nakaraang taon?

 

-Pagsasanay:

 

Nagdaraos ba ng pagtuturo ang inyong iglesia patungkol sa pananaw sa mundo batay sa Biblia na nagbibigay diin sa evangelismo at sa katayuan ng pagkalat ng Evangelio?

 May programa ba ng pagtuturo tungkol sa pagmimisyon sa iba't ibang edad sa iglesia?

 

-Pagkasangkot:

 

Sa nakaraan, anong programa ng misyon at evangelismo ang kinasangkutan ninyo?

Ano na ang nagawa ninyo sa larangang lokal, buong bansa, at sa buong mundo?

Aling programa ang nagtagumpay? Bakit? Alin-alin ang hindi nagtagumpay?

 

-Suporta:

 

Sinong misyonero ang sinusuportahan ng inyong iglesia? Saan sila naroroon? Anong uri ng suporta ang inyong ibinibigay?

 

-Budget:

 

Anong porsiyento ng budget ng iglesia (mga tinanggap na kaloob) ang napupunta sa misyon o evangelismo? Upang gawin ito, punan ang mga sumusunod na puwang:

 

      Ang total na offering na tinanggap ng iglesia noong isang taon ay P_________.

 

      Sa halagang ito, nagbigay kami ng P__________ sa misyon at evangelismo.

 

      Ibig sabihin nito ay _______% ng ating budget sa iglesia ay napunta sa misyon at 

      evangelismo noong isang taon?

 

-Mga Kayamanan:

 

Ang kayamanan o resources ay mga tao, pananalapi, mga kagamitan, at lugar na kinikilusan. paano nagagamit ng inyong iglesia ang mga kayamanang ito para sa pagmimisyon at evangelismo?

 

TURUAN ANG KONGREGASYON:

 

Magkaroon ng klase na tinatalakay ang, "Pagbuo Ng Pananaw sa MundoBatay sa Biblia," na ginagamit ang manwal na ito bilang patnubay. Sa klase ay ibahagi mo ang kalagayan ng misyon at evangelismo sa mundo. Mula sa dumalo sa klase, pumili ka ng mga lalake at babae na nakaunawa ng pananaw sa mundo batay sa Biblia. Ang mga taong ito ay may alab sa evangelismo at nakalaan na aktibong sumangkot.

 

MAGDAOS NG MITING PANG-ORGANISASYON:

 

Tumawag ka ng isang pulong upang itatag ang komite para sa evangelisasyon:

 

Mga Katungkulan:

 

Narito ang mga mungkahi na mga katungkulan ng evangelisasyon.

Ang komite ay dapat:

 

-Maging halimbawa sa iglesia sa pagkasangkot sa pagmimisyon, pagbibigay, at pananalangin.

 

-Tipunin ang kongregasyon sa pananalangin para sa misyon at evangelismo.

 

-Magtatag ng lokal, pang bansa, at pang mundong mga hangarin (goals) para dito.

 

-Isipin kung paanong ang mga kayamanan ng iglesia ay magagamit sa evangelisasyon.

 

-Turuan ang iglesia tungkol sa misyon at evangelismo.

 

-Maghanda ng taunang budget para sa misyon. Ipakita kung magkano at kung saan-saan ito gagamitin.

 

-Maghanda ng taunang kalendaryo ng mga gawain sa iglesia patungkol sa misyon.

 

-Magplano, ipamalita, at magdaos ng mga pagsasanay sa misyon at evangelismo.

 

-Magplano, ipamalita, at magdaos ng komperensiyang pang misyon taon-taon.

 

-Ayusin ang programa ng misyon at evangelismo sa lahat ng departamento ng iglesia.

 

-Himukin ang suporta para sa mga misyonero sa pamamagitan ng pananalangin, pagbibigay, personal na pakikilahok, at mga proyekto. Ang komite ay dapat ding mag-isip ng mga bagong idea sa larangang ito.

 

-Alamin ang mga nangyayari sa mundo tungkol sa misyon at evangelismo.

 

- Siyasatin at irekomenda ang mga karapat-dapat na mga proyekto kaugnay ng misyon.

 

-Siyasatin at irekomenda sa iglesia ang mga organisasyon at misyonerong dapat suportahan.

 

-Ipagpatuloy ang kaugnayan sa mga misyonero, mga ahensiya ng pagmimisyon, at mga proyektong sinusuportahan ng iglesia.

 

Organisasyon:

 

Narito ang mga mungkahi para sa organisasyon ng komite:

 

-Pastor:

 

Ang pastor ang may awtoridad na mangasiwa sa komite sapagkat siya ang ulo ng iglesia.

 

-Director:

 

Nangunguna sa mga pulong, nagpaplano at isinasagawa ang mga aktibidades sa ilalim ng direksiyon ng pastor. Siya rin ang nagpapatnubay sa ibang mga miembro ng komite upang magawa nila ang kanilang mga responsabilidad.

 

-Kalihim:

 

Nag-aayos ng mga rekord ng mga miting, ang kalendaryo ng misyon, at gumagawa at nagpapadala ng mga pahayag. Siya rin ang nagtatago ng mga rekord ng mga misyonero at anumang proyektong kinasangkutan ng iglesia.

 

-Chairman ng Pangingilak ng Pondo:

 

Nangangasiwa ng pangingilak ng pondo para sa misyon at evangelismo.

 

-Ingat-Yaman:

 

Naghahanda at nangangasiwa ng budget para sa misyon at evangelismo. Nagbibigay ng pondo sa mga misyonero at mga proyekto na aprobado ng komite.

 

-Chairman ng Pananalangin:

 

Magkaroon ng kabatiran ng mga pangangailangang dapat ipanalangin at mga katugunan  sa panalangin, at ipinaaalam ang mga ito sa mga kaanib ng iglesia.

 

-Chairman ng Pamamahayag:

 

Naghahanda ng mga pahayag tungkol sa mga gawaing pangmisyon at evangelismo. Kasama rito ang mga anunsiyo sa dyaryo, radio, telebisyon, mga poster, pulyeto, sa buletin ng iglesia, at sa bulletin board ng pagmimisyon.

 

-Chairman ng Pagsasanay:

 

Naghahanda ng mga programa ng pagsasanay upang patuloy na turuan ang kongregasyon tungkol sa misyon at evangelismo. Dapat magkaroon ng programa para sa bawat edad at departamento sa iglesia.

 

 Nangangalap ng mga babasahin, mga libreta, mga tracts, at ibang babasahin tungkol sa misyon at evangelismo ayon sa budget, para sa library ng iglesia.

 

-Chairman ng Komperensiya:

 

Nagpaplano, nagpapahayag, at nangangasiwa ng taunang komperensiya ng pagmimisyon.

 

 

-Chairman ng Lokal na Misyon:

 

Nangangasiwa ng mga outreaches tulad sa bilangguan, ospital, bahay-bahay, sa kalye at eskuelahan, pagdadalaw, pagsubaybay sa mga bagong hikayat at mga bisita sa iglesia, at mga tanging ministeryo sa mga drug addict, mga dalagang ina, mga lasenggo, atbp. Naghahanap ng mga proyekto na dapat suportahan.

 

-Chairman ng Pambansang Pagmimisyon:

 

Nangangasiwa sa mga gawain kaugnay ng pagmimisyon at evangelismo sa bansa. Nagre-rekomenda ng mga indibiduwal o proyekto na maaaring suportahan.

 

-Chairman ng Panglabas na Pagmimisyon:

 

Nangangasiwa ng mga gawain kaugnay ng panglabas na pagmimisyon at evangelismo. Nagre-rekomenda ng mga indibiduwal at mga proyektong dapat suportahan.

 

-Chairman ng Paghahanap ng Tauhan:

 

Naghahanap at nangangasiwa sa mga volunteer para magmisyon at magpalaganap ng Evangelio.

 

-Mga Kinatawan Mula sa Mga Departamento ng Iglesia:

 

Ang mga kinatawan mula sa iba't-ibang departamento ng iglesia ay maaaring maglingkod sa komite tulad ng kababaihan, kalalakihan, kabataan, at ang direktor ng Sunday School.

 

MAGDAOS NG MGA MITING UPANG MAGPLANO:

 

Ang komite sa evangelismo ay dapat magpulong nang regular upang gumawa ng mga bagong plano para sa evangelismo at misyon. Mula sa inyong pananalangin at pagsasalabay, magtakda ng mga bagong layunin sa pagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian. Ang layunin ay isang tutunguhan. Paglalagay ng patutunguhan ay makakatulong sa pag-abot ng inyong nilalayon, sa gawaing lokal, sa bansa, at sa labas ng bansa. ( Para sa dagdag na kaalaman sa larangang ito, tingnan ang kurso ng Harvestime International Institute na pinamagatang, "Pangangasiwa Batay Sa Layunin").

 

Magtakda ng mga bagong layunin para sa:

 

-Patakaran:

 

Kung ang iyong iglesia ay may nakasulat na patakaran sa pagmimisyon at evangelismo, repasuhin mo ito at alamin kung ito ay sapat na. Kung wala, sumulat ka ng patakaran.

Ang patakaran ng pagmimisyon ay dapat may pakay at mga layunin ng pagmimisyon at evangelismo. Ang Harvestime International Institute na kursong pinamagatang "Pangangasiwa Batay Sa Layunin" ay makatutulong sa iyo.

-Pananalangin:

 

Manalangin kayong sama-sama para sa misyon bilang isang komite. Magdala kayo ng mga kahilingan sa pananalangin tungkol sa misyon at evangelismo na maaaring idalangin ng buong iglesia.

 

Mga Komperensiya:

 

Magplano ng komperensiya sa pagmimisyon. Magtayo ng mga "booth" tungkol sa mga bansa at mga ahensiya ng pagmimisyon. Mag-anyaya ng mga tagapagsalita tungkol sa misyon at evangelismo, misyonero at suporta para dito, magpakita ng mga pelikula, slides, at videos na may kaugnay dito.

 

Pagsasanay:

 

Magturo ng mga klase o Bible Study upang lumago sila sa pananaw sa mundo batay sa Biblia. Bigyan diin ang pangangailangan sa evangelismo at sa katayuan ng pagpapalaganap ng Evangelio sa buong mundo. Gamitin ang kursong ito bilang patnubay sa pag-aaral.

 

Magplano ng buong taong diin sa misyon at evangelismo. Maaari kang mag pokus sa isang misyonero, isang bansa, o isang organisasyon sa pagmimisyon sa bawat buwan.

 

Pakikilahok: 

 

Repasuhin mo ang inyong natutuhan sa nakaraang pagsangkot ninyo sa pagpapalaganap ng Evangelio. Pasimulan mong idalangin kung ano ang gagawin ninyo sa hinaharap dito sa inyong lugar, sa bansa, at sa labas ng bansa.

 

Anu-anong mga programa ang nagtagumpay sa nakaraan? Baka nais mong ulitin iyon. Anu-anong mga programa sa ngayon ang matagumpay? Anu-anong mga bagong programa ng evangelismo at pagmimisyon ang maaari mong umpisahan? Anu-anong mga kabiguan ang naranasan ninyo sa nakaraan at paano ninyo ito maiiwasan sa hinaharap?

 

Isangkot ang bawat departamento at edad sa pagmimisyon at evangelismo. Anyayahan ang kinatawan ng bawat grupo na dumalo sa inyong mga miting. Sila na ang magbabahagi ng pangitain sa kanilang mga departamento.

 

Dagdagan ang pakikilahok ng mga pamilya sa inyong iglesia sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

 

* Ang bawat pamilya ay maglagay ng mapa sa kanilang tahanan at markahan nila ang lugar kung aling misyonero ang kanilang ipapanalangin at susuportahan.

 

* Bayaan ang mga pamilya ay mag-anyaya ng mga misyonero, mga estudiyante sa ibang bansa, at mga bisita na foreigner sa kanilang tahanan.

 

* Magbigay ng tirahan o transportasyon para sa mga misyonero na bumalik sa bansa o sa kanilang mga anak na nangangailangan ng pansamanatalang pangangalaga.

 

* Magdisplay sa bahay ng mga plake, mga karatula, at mga poster, na nagpapahayag ng misyon.

 

* Magtayo ng library ng mga aklat na pang misyonero at mga magasin.

 

* Maglagay ng jar o alkansiya para sa missions offering kung saan makapaghuhulog ang mga miembro ng pamilya araw-araw.

 

* Magbigay ng mga tirahan ng mga misyonero sa mga pamilya at himukin silang sumulat sa mga misyonerong sinusuportahan ng inyong iglesia.

 

* Isang biyahe ng pamilya sa lugar ng pagmimisyon ay maaaring isaayos ng isang responsableng ahensiya ng pagmimisyon.

 

*  Maaaring himukin ng mga magulang ang kanilang mga anak na makisangkot sa lokal na evangelismo at pagmimisyon.

 

* Bigyan diin ang pagmimisyon at evangelismo sa oras ng pananambahan ng pamilya.

    

 -Suporta:

 

Dagdagan ang mga misyonerong sinusuportahan ng iyong iglesia/ o dagdagan ang suporta sa inyong mga misyonero. Pag-isipang magpadala ng mga team na magmimisyon sa maikling panahon.

 

-Budget:

 

Magplanong dagdagan ang porsiyento ng budget para sa misyon at evangelismo. Halimbawa, gamitin ang tsart na ito upang hamunin ang mga kaanib ng iglesia:

 

       Kung ang bawat isang miembro ay magbibigay ng ____isang araw para sa misyon, 

       tayo ay makapagbibigay (miembro____x 365 araw x halaga bawat araw____) ng

       total na _____ isang taon.

 

Halimbawa, sa America kung ang bawat miembro ng iglesia na may kaanib na 200 ay magbibigay ng 10 cents bawat araw sa loob ng isang taon, ang iglesia ay magkakaroon ng total na extrang $ 7,300 para sa misyon.

 

Suriin ang inyong budget sa ngayon. Anong mga dapat bawasan upang maibigay sa misyon at evangelismo? Alamin ang porsiyento ng pondo na pupunta sa lokal, pangbansa, at panglabas ng bansa na pagmimisyon.

 

Kayamanan:

 

Isaayos ang kayamanan ng inyong iglesia at bigyan diin ang misyon at evangelismo. Kasali rito ang mga tao, pananalapi, mga kagamitan, at lugar. Alamin kung paano magagamit na mabuti ang mga ito upang maabot ang inyong mga hangarin para sa evangelismo.

 

MAGDAOS NG REGULAR NA MITING NG KOMITE SA EVANGELISMO:

 

Narito ang sample agenda para sa regular na miting ng komite sa evangelismo:

 

1. Pambungad na panalangin at pagbasa ng Biblia.

2. Basahin ang mga minutes nang nakaraang miting (ng kalihim).

3. Report na pinansiyal.

4. Mga report ng mga rehiyon:

       -Report ng chairman ng lokal na misyon.

       -Report ng chairman ng pangbansang misyon.

       -Report ng chairman ng misyong panglabas ng bansa.

5. Mga Tanging Report:

        -Paglilikom ng pondo.

        -Taunang komperensiya ng pagmimisyon.

        - Pagsasanay.

        -Report mula sa mga departamento ng iglesia tungkol sa misyon at evangelismo.

6. Iba Pang Paguusapan:

       - Mga bagay na hindi kaugnay ng mga nakalista sa itaas.

7. Pangwakas na pananalita ng pastor.

8. Oras ng pananalangin para sa misyon at evangelismo sa pangunguna ng chairman.

 

IPAALAM ITO SA IGLESIA AT KOMUNIDAD:

 

Ipaalam ang pangitain, mga hangarin, mga plano, at aktibidades sa iglesia at komunidad sa pamamagitan ng:

 

-Media: Radio, telebisyon, at mga anunsiyo sa dyaryo.

 

-Mga karatula at poster: Sa labas at loob ng iglesia at komunidad.

 

-Mga bandera ng iba't-ibang bansa.

 

-Mga aklat at audio-visual na materiales sa library ng iglesia.

 

-Mga brochure, poster, at mga libreta.

 

-Lingguhang buletin sa iglesia na nagbabalita tungkol sa misyon at evangelismo.

 

-Newsletters at iba pang liham na ipinadadala sa mga kaanib ng iglesia.

 

Mga bulletin board na may mga larawan at sulat tungkol sa mga gawain ng pagmimisyon at evangelismo, mga pahayag ng miting, mga salawikain ng pagmimisyon, at mga tutunguhan.

 

-Mga pahayag mula sa pulpito sa mga regular na pananambahan.

 

-Isang direktoryo ng misyonero na may pangalan, tirahan, larawan ng pamilya, listahan ng mga miembro ng pamilya, mga edad at birthday, impormasyon sa lugar ng gawain, at isang maikling sanaysay tungkol sa kung ano ang ministeryo ng misyonerong ito.

 

-Mga mapa, ng buong mundo at ng iba't-ibang bansa kung saan ang iglesia ay kasangkot sa misyon at evangelismo.

 

MGA BIBLE STUDY NG "WORLD CHRISTIAN"

 

Ang Bible Study ng "World Christian" ay magpapanatili sa iyong isip ng pananaw sa mundo batay sa Biblia. Tutulungan ka rin nito na ibahagi ang pangitain sa iba. Narito ang ilang mungkahi kung paano gagawin ito:

 

PAG-AARAL NG TALATA:

 

Gamitin ang Ika-4, 5, at 6 na kabanata ng kursong ito para sa pagtuturo ng pananaw sa mundo batay sa sanglibutan at sa Biblia. Sa iyong personal na pag-aaral ng Biblia, hanapin mo ang mga susing salitang ito na nagpapakita ng layunin ng Dios sa mundo:

          mga bansa-Gentil-pagano-mga tao-mundo-bayan-dulo ng daigdig

 

Sa pag-aaral mo ng Biblia, itanong mo ito sa iyong sarili:

 

-Ano ang ipinakikita ng talata tungkol sa malasakit ng Dios para sa mga bansa?

 

-Ano ang ipinakikita ng talata tungkol sa mundo?

 

-Ano ang ipinakikita ng talata na pakikitungo ng Dios sa mga tao at mga bansa?

 

-Ano ang mensahe ng Dios sa mundo ayon sa talatang ito?

 

-Ano ang sinasabi ng talata tungkol sa layunin ng Dios sa mundo, sa Israel, sa iglesia, o sa indibidual na mananampalataya?

 

-Anong susing salita sa talatang ito ang nakatuon sa mundo. Halimbawa, ang salitang

"sanglibutan" sa Juan 3: 16 ay halimbawa ng susing salita. Ang pagibig ng Dios ay nakatuon sa mundo. Kaya Niya ipinadala si Jesus upang mamatay para sa mga kasalanan ng sangkatauhan.

 

-Ang talata bang ito ay nanghihingi ng pagtugon mula sa mga mananampalataya na kaugnay ng pag-abot sa mundo ng Evangelio? Anu-anong aksiyon ang hinihiling na dapat nating gawin?

 

PAG-AARAL NG TAUHAN:

 

Pag-aralan ang mga tanging tauhan sa Biblia sa liwanag ng kanilang papel sa plano ng Dios sa mundo. Sa iyong pag-aaral ng isang personalidad sa Biblia, itanong mo ang mga tanong na ito:

 

-Ano ang tiyak na ipinagagawa ng Dios sa taong ito? 

 

- Paano makakatulong ang mga gawaing ito upang matupad ang mga layunin ng Dios sa mundo?

 

-Anu-ano ang mga personal na katangian niya na nakatulong o nakapigil sa kanyang pagiging mensahero ng Dios? (Ang aralin tungkol kay Abraham sa "Para Sa Dagdag Na Pag-aaral" na bahagi ng Ika-Walong Kabanata ay nagbibigay ng halimbawa ng pag-aaral ng mga personal na katangian).

 

-Paano nagtagumpay ang taong ito sa ipinagagawa ng Dios sa kanya?

 

-Ano ang dahilan ng kanyang pagtatagumpay?

 

-Paano sila nabigo? Ano ang dahilan ng pagkabigo? Paano sana naiwasan ang mga pagkabigong ito?

 

-Ano ang matututuhan mo mula sa kanilang mga karanasan na makakatulong sa iyong pagganap ng bahagi mo sa plano ng Dios?

 

PAG-AARAL NG BUONG AKLAT:

 

Pag-aralan ang isang buong aklat ng Biblia na nasa isip ang pananaw sa mundo batay sa Biblia. Tulad ng nakita mo sa kursong ito, bawat aklat sa Biblia ay nagpapahiwatig ng mga katotohanan tungkol sa plano ng Dios para sa mga bansa. Sa pag-aaral mo ng isang aklat, itanong mo sa sarili mo ang mga sumusunod:

 

-Ano ang layunin ng aklat na ito sa liwanag ng layunin ng Dios para sa mundo?

 

-Sinu-sino ang mga personalidad sa aklat na ito? Pag-aralan ang mga katangian ng kanilang mga karacter sa liwanag ng bahagi nila sa plano ng Dios. (Gamitin ang mga tagubilin na ibinigay sa "Pag-aaral ng Karacter.")

 

-Anu-ano ang mga tiyak na talata sa aklat na ito na nagbabanggit ng sanglibutan at ng mga plano ng Dios at ng Kaniyang mga layunin? (Gamitin ang mga tagubilin sa "Pag-aaral ng Talata.")

 

-Anong hamon ang ibinigay ng aklat na ito sa iyo sa liwanag ng plano ng Dios para sa mundo? Paano ka aktibong tutugon sa mga natutuhan mo sa aklat na ito?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

IKA-LABINGISANG  KABANATA

 

AT DARATING ANG WAKAS

 

MGA LAYUNIN:

 

Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

 

.    Isulat ang Susing Talata na kinabisa mo.

.    Ipaliwanag ang malaking pangyayari bago dumating ang katapusan ng mundo at ang

     climax ng plano ng Dios para sa mga bansa.

.    Magbigay ka ng mga talata sa Biblia na naglalarawan ng katapusan ng mundo.

.    Ibigay ang buod ng mga pangyayari na nagtatapos sa katapusan ng mundo at ng

     climax ng plano ng Dios para sa mga bansa.

 

SUSING TALATA:

 

 At ipangangaral ang Evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.

(Mateo 24: 14)

                                                                                                                                 

PAMBUNGAD

 

Sa unang kabanata ng kursong ito ay inilarawan ang pasimula ng sanglibutan. Mula doon ay nasundan mo ang pagbubuo ng plano ng Dios sa kasaysayan, mula sa panahon ng Luma at Bagong Tipan hanggang sa panahon ng Iglesia at sa ngayon.

 

Subalit ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa hinaharap ng mundo? Nagturo si Jesus tungkol sa katapusan ng mundo. Ano ang ibig sabihin nito? Sinasagot ng kabanatang ito ang mga tanong na ito sa pagpapaliwanag ng katapusan ng mundo at ang climax ng plano ng Dios para sa sangkatauhan.  

 

ISANG TANGING PANGYAYARI

 

Ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod:

 

... Ako'y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan.

 

At kung Ako'y pumaroon at kayo'y ipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo'y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon.  ( Juan 14: 2-3)

 

Ang sabi ni Jesus ay babalik Siya sa mundo para sa kanila na mga ipinanganak nang muli at sila'y dadalhin sa isang espesyal na lugar na inihanda Niya para sa kanila. Kailan ito mangyayari? Walang nakakaalam ng eksaktong oras maliban sa Dios:

 

Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. ( Mateo 24: 36)

 

Hindi natin alam ang eksaktong oras, subalit nagsabi si Jesus ng isang susing pangyayari upang malaman ng Kanyang mga tagsunod na malapit na ang oras:

 

 At ipangangaral ang Evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.

(Mateo 24: 14)

 

Ang susing pangyayari bago dumating ang katapusan ng mundo at ang climax ng plano ng Dios para sa mga bansa ay ang pagpapalaganap ng Evangelio ng Kaharian sa lahat ng tao. Anong laking responsabilidad mayroon tayo sa pagganap ng plano ng Dios!

 

Sa kursong ito natutuhan mo ang gawain ng Iglesia at ang iyong personal na responsabilidad bilang bahagi upang tupdin ang hamon na ito. Napag-alaman mo rin na ang mensahe na ibabahagi mo ay ang "Evangelio ng Kaharian." Subalit ano ang "katapusan" na sinasabi ni Jesus? Ang katapusan ay ang dulo ng daigdig at ng panahon na alam natin ngayon. Ito ang huling bahagi ng plano ng Dios para sa mga bansa.

 

ANG NAKATALANG HULA

 

Hindi ibinigay ng Dios ang lahat ng detalye kung paano magtatapos ang mundo, subalit ibinigay Niya ang balangkas ng mga mangyayari sa pamamagitan ng hula. Ang kahulugan ng salitang "hula" ay sabihin. Ang hula sa Biblia ay may tatlong uri ng "pagsasabi":

 

          1. Isang mensahe ng inspirasyon mula sa Dios.

          2. Panghuhula ng mga darating na mga pangyayari sa walang hanggang plano ng

              Dios. 

          3. Pagpapaliwanag para sa tao ng mga gawa ng Dios. *

 

Ang mga mahahalagang hula tungkol sa hinaharap ng mundo ay matatagpuan sa Daniel at sa Apocalipsis. Mga espesyal na mga talata sa Mateo 24 at sa I Tesalonica 4: 13-18 ay nagdaragdag ng impormasyon. Mula sa pag-aaral ng mga ito, naalaman natin ang tungkol sa katapusan ng mundo.

 

______________________________

* Ang Ika- Dalawampung Kabanata ng Harvestime International Institute na kursong pinamagatang "Mga Mabibisang Pamamaraan ng Pag-aaral ng Biblia" ay nagbibigay ng detalyadong panuntunan sa pag-aaral ng mga hula sa Biblia.

ANG INIHAYAG

 

Narito ang maikling buod na inihayag ng Dios sa Kanyang Salita tungkol sa katapusan ng mundo:

 

ANG PANGANGARAL NG EVANGELIO NG KAHARIAN:

 

Ito ay dapat na maganap bago dumating ang wakas (Mateo 24: 14).

 

ANG PAGDAGIT:

 

Matapos maipangaral ang Evangelio ng Kaharian sa lahat ng tao, babalik si Jesus para sa mga mananampalataya. Ang I Tesalonica 4: 13-18 ay nagbigay ng detalye tungkol sa pagbabalik na ito na tinatawag na "pagdagit." Ang ibig sabihin nito ay "inagaw." Mula sa talatang ito napag-alaman natin na:

 

-Si Jesus mismo ay babalik. (talatang 6)

 

-Magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga mananampalataya kung sila'y mamatay. (talatang 16)

 

-Magkakaroon ng pagdagit, ang ibig sabihin ay "ililipat ang isang tao mula sa isang lugar patungo sa isang lugar." Ang mga buhay pang mananampalataya ay kukunin mula sa lupa upang salubungin si Jesus sa himpapawid. (talatang 17)

 

-Magkakaroon ng reunion ang mga namatay nang mananampalataya, at ang mga nabubuhay pang mananampalataya pagdating ni Cristo, at ng Panginoong Jesuscristo. (talatang 17)

 

Ang iba ay naniniwala na ang pagdagit ay mangyayari bago dumating ang kapighatian at ang mga mananampalataya ay hindi na makakaranas ng kahindik-hindik na panahon dito sa lupa. Ang iba naman ay naniniwalang mangyayari ito sa kalahatian ng kapighatian. At ang iba pa ay naniniwalang ang pagdagit ay mangyayari pagkatapos ng kapighatian. Ang karamihan ay naniniwala na ang pagdagit ay mangyayari bago dumating ang kapighatian. Ang iba't-ibang paniniwala sa oras ng pagdagit ay bunga ng iba't-ibang interpretasyon ng Kasulatan. Ang totoo, walang nakakaalam ng eksaktong oras nito kundi ang Dios Ama (Mateo 24: 36). Ang mahalaga ay ang masiguro mong ikaw ay tunay na mananampalataya at nakahanda kang sumama kay Jesus sa pagdagit pag nangyari ito.

 

ANG KAPIGHATIAN:

 

Ang ibang mga tao ay hindi matutuwa na makita si Jesus na bumalik:

 

Narito, Siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya. Gayon din, Siya nawa.  (Apocalipsis 1:7)

Ang dahilan ng kanilang kalumbayan ay dahil hindi sila tumanggap kay Jesus. Tinanggihan nila Siya at namuhay sa sarili nilang makasalanang gawi. Ngayon, nakaharap sila sa malaking pagdurusa sa lupa. Sinabi ng Biblia ang kakilakilabot na pangyayaring darating na tinatawag na "kapighatian" na mangyayari pagkatapos madagit ang mga mananampalataya at makasama ni Jesus:

 

-Ang kapighatian ay tatagal ng 42 na buwan o 1,260 na mga araw (Daniel 9: 24-27).

 

-Ito ay magiging napakahirap na panahon. Maraming naging mahihirap na panahon dito sa mundo, subalit tatlong bagay ang pagkakaiba ng kapighatian kay sa ibang mga panahon ng paghihirap.

 

Una: Ito ay mangyayari sa buong mundo, hindi lang sa isang lugar (Apocalipsis 3: 10).

 

Pangalawa: Malalaman ng mga tao na ang katapusan ng sanglibutan ay malapit na

                    (Apocalipsis 6: 16).

 

Pangatlo: Ang tindi ng paghihirap ay walang katulad sa naranasan sa nakaraan

                 (Mateo 24: 4-14).

 

Maraming sunud-sunod na mga paghatol ng Dios sa lupa sa panahon ng kapighatian. Inilarawan ito sa Apocalipsis kabanata 6, 8, 9, at 16 at sa Mateo 24: 4-14. Ang kahatulan ay mapupunta sa lahat ng lalake at babae na tumanggi kay Jesus.

 

ANG MILENYO:

 

Nakatala sa Biblia ang 1,000 taon pagkatapos ng kapighatian kung saan si Jesus ang maghahari sa lupa na may katuwiran (Zacarias 14:9; Daniel 7:14). Ang siyudad ng Jerusalem ang magiging sentro ng gobiyerno (Isaias 2:3). Ang panahong ito ay magwawakas pag umatake si Satanas sa huling pagkakataon laban sa Dios (Apocalipsis 20: 7-9). Magpapaulan ng apoy ang Dios mula sa langit upang tapusin ang lahat ng labanan. Si Satanas ay ihahagis sa lawa ng apoy magpawalang hanggan (Apocalipsis 20:10)

 

PAGHUHUKOM:

 

Ang mga namatay na hindi nanampalataya ay bubuhaying muli upang humarap sa paghuhukom. Sapagkat hindi sila nagsisi ng kanilang kasalanan at tinanggap si Jesus na Tagapagligtas, sila ay hahatulan sa walang hanggang Impiyerno (Apocalipsis 20: 12-15). Ang mga tunay na mananampalataya na nagsisi ng kanilang kasalanan at tumanggap kay Jesus na Tagapagligtas ay pupunta sa Langit sa presensiya ng Dios na walang hanggan.

 

ANG PAGSIRA SA SANGLIBUTAN:

 

Nakatala sa Biblia na ang mundo ay masisira ng matinding init:

Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.  (II Pedro 3: 10)

 

Ang oras na ating nalalaman ay mawawala na. Tayo ay papasok sa walang hanggan, na walang pasimula at walang katapusan:

 

At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,

 

At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, na hindi na maluluwat ang panahon.  (Apocalipsis 10: 5-6)

 

NATUPAD ANG LAYUNIN NG DIOS

 

Natatandaan mo ba ang tanging layunin ng Dios na pinagaralan mo?

 

Na ipinakikilala Niya sa atin ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasya Niya sa Kaniya rin.

 

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa Kaniya, sinasabi ko.  (Efeso 1: 9-10)

 

Sa wakas, ang tanging plano ng Dios ay matutupad:

 

At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo: at Siya'y maghahari magpakailan kailan man.

(Apocalipsis 11: 15)

 

At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa Kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.  (Apocalipsis 5: 13)

 

SA HARAP NG TRONO

 

Gagawa ang Dios ng bagong Langit at bagong lupa. Ang paglalarawan nito ay makikita sa Apocalipsis 21 at 22. Lahat ng mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa ay magkakatipon kasama ng iisang Dios na tunay:

 

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawat bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;

 

At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.

 

At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,

 

Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa. (Apocalipsis 7: 9-12)

 

Mga lalake't mga babae mula sa lahat ng bansa- sa lahat ng mga tribo at mga wika, lahat ng mga grupo ng mga tao-nagkakatipon sa harap ng trono. Subalit sa ating pagtingin sa dakilang tanawin na ito sa Langit, huwag nating kalimutan ang hamon na sila lamang na...

 

...nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.  (Roma 10: 13)

 

SUBALIT...

 

Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano sila magsisisampalataya sa Kaniya na hindi napakinggan? at paano sila mangakikinig na walang tagapangaral?

 

At paano sila magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!  (Roma 10: 14-15)

 

Pinag-aralan mo ang pananaw sa mundo batay sa Biblia. Nakita mo ang mundo mula sa mga mata ng Dios.

 

Ngayon... ano ang IYONG personal ng tugon sa malaking hamon na ito?

 

 

 

 

 

 

 

 

PANSARILING  PAGSUSULIT

 

1. Isulat ang Suling Talata na kinabisa mo.

 

________________________________________

 

________________________________________

2. Ano ang susing pangyayari na magaganap bago dumating ang katapusan ng mundo?

 

________________________________________

3. Anu-anong dalawang aklat ng Biblia ang nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa katapusan ng mundo at ang pagtatapos ng plano ng Dios sa mga bansa?

 

____________________________  at  _________________________________

4. Saan makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa "pagdagit"?

 

________________________________________

5. Saan ang pinakamaraming impormasyon na ibinigay tungkol sa bagong Langit at bagong lupa?

 

________________________________________

6. Anong talata ang naglalarawan kung paano masisira ang langit at ang lupa?

 

________________________________________

7. Ibigay ang buod ng pagtatapos ng mundo at ang plano ng Dios para sa mga bansa.

 

________________________________________

________________________________________

________________________________________

 

 

 

 

 

 

(Ang mga sagot sa pagsusulit ay nasa katapusan ng huling kabanata ng manwal na ito.)

 

PARA  SA  DAGDAG  NA  PAG-AARAL

 

1. Pag-aralan mo pang higit kung ano ang ipinakita ng Dios tungkol sa katapusan ng mundo.

 

-Pag-aralan ang mga aklat ni Daniel at Apocalipsis.

 

-Pag-aralan ang Mateo 24.

 

-Pag-aralan ang I Tesalonica 4: 13-18 at II Pedro 3: 10.

 

2. Ang aklat ng Apocalipsis ay tungkol sa katapusan ng mundo at ang pagtatapos ng plano ng Dios para sa mga bansa. Sa mga nagdaang aralin ay pinag-aralan mo "ang mundo sa Biblia" sa buong Biblia maliban sa Apocalipsis.

 

Ang aklat ng Apocalipsis ay naglalaman ng mga pinal na reperensya sa paksang ito. Ang mga sumusunod na mga talata ang huling tiyak na mga reperensya sa Biblia sa mga bansa ng sanglibutan:

 

-Si Jesus ang prinsipe ng mga hari ng sanglibutan: 1:5

 

-Ang pagbabalik ni Jesus sa lupa: 1: 7

 

-Mga pangako sa lahat ng mga mananampalataya sa lahat ng mga bansa: 2:26; 3:10

 

-Ang huling pangangaral at pag-aani ng mga bansa sa mundo: 14: 6-7, 15-19

 

-Ang katapusan ng mundo: 10: 5-6; 11:15; 13: 8; 17:8

 

-Ang mga paglalarawan ng bagong Langit at lupa at ang mga pangyayari kasama nito:

5: 9-10,13; 7: 9-11; 15: 4; mga kabanata 21 at 22 (tiyak na pagbanggit sa mga bansa ay nasa 21: 24,26; 22: 2).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA SAGOT SA PANSARILING PAGSUSULIT

 

UNANG KABANATA:

 

1. Ng pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. (Genesis 1:1)

 

2. Ang nag-iisang tunay na Dios na inihayag sa Banal na Biblia.

 

3. Ang dalawang dahilan sa magkakaibang kuwento ng paglalang ay: Ang mga tao ay walang kaalaman tungkol sa tunay na mga pangyayari ng paglalang at sapagkat pinili nilang huwag paniwalaan ang tunay na kuwento ng paglalang nang kanilang marinig ito.

 

4. Ang ibang mga tao ay ayaw tanggapin ang katunayan ng paglalang sapagkat kung ito'y gagawin nila, dapat nilang kilalanin na may Dios. Kung tanggapin nilang mayroong Dios, dapat nilang kilalanin ang Kaniyang pangangasiwa sa kanila. Dapat din nilang paniwalaan ang Kaniyang Salita at baguhin ang kanilang masamang pamumuhay. Sapagkat ayaw ng mga tao na baguhin ang kanilang uri ng pamumuhay, pinili na nilang huwag paniwalaan ang natala sa Biblia na paglalang ng Dios sa sanglibutan.

 

5. Kung pinaguusapan natin ang pagbuo ng pananaw sa mundo batay sa Biblia, ang ibig sabihin nito ay ang ating pagkaunawa sa mundo ay nakasalalay sa kung ano ang ipinakita ng Dios sa Kaniyang nasulat na Salita, ang Biblia.

 

6. Para sa buod ng paglalang ng Dios sa mundo tingnan ang listahan sa Unang Kabanata.

 

7. Kakaiba ang tao sa ibang mga nilalang ng Dios sapagkat ang tao ay nilalang sa wangis ng Dios at siya'y may walang hanggang kaluluwa at espiritu. Mayroon siyang kakayahang magkipagusap  at makitungo sa Dios.

 

8. Tingnan ang buod ng "Pagbagsak ng Tao" sa Unang Kabanata.

 

9. Tingnan ang mga resulta ng "Pagbagsak ng Tao" sa Unang Kabanata.

 

10. Genesis 3: 15

 

11. Ang natural na mundo at ang espirituwal na mundo.

 

IKALAWANG KABANATA:

 

1. At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may iisang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, nayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin. Halikayo! Tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.

(Genesis 11: 6-7)

 

2. Ang mundo ay nahati sa iba't-ibang mga wika sa tore ni Babel.

 

3. Ang mga tao na nagkakaintindihan ay nag-umpok na sama-sama. Bumuo sila ng mga grupo o tribo ng mga tao na magkakapareho ang mga wika. Ang naging resulta nito ay iba't-ibang mga grupo ng mga tao.

 

4. Habang dumarami ang mga tao sa grupo, lumipat sila sa iba't-ibang lugar sa mundo. Sa paglipas ng panahon, ang mga grupong ito ay naging mga bansa. Nagtayo sila ng mga hangganan para sa kanilang mga teritoryo at mga politikal at legal na sisitema upang pangasiwaan ang mga residente.

 

IKATLONG KABANATA:

 

1.  

 Nang magkagayo'y binuksan Niya ang kanilang mga pag-iisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan; At sinabi Niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw.

At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem. (Lucas 24: 45-47)

                            

2. Ang "master key" ng Biblia ay Lucas 24: 45-47.

 

3. Ang dalawang mahalagang mga katotohanan sa 'Master Key" ng Biblia ay:

 

         Una: "Kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay."

         Pangalawa: " At ipangaral sa Kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng

         mga kasalanan."

 

4. Ang mga talatang nagpapaliwanag ng layunin ng Dios para sa mundo ay Efeso 1: 9-10 at 3: 11.

 

5. Ang walang hanggang plano ng Dios ay tipunin ang lahat ng mga makasalanan sa Kaniyang sarili sa pamamagitan ni Jesucristo.

 

6. Ang bukid na aanihin.

 

IKA-APAT NA KABANATA:

 

1. Sapagkat mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyanon,

magiging dakila ang Aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawat dako ay paghahandugan ng kamangyan ang Aking pangalan at ng dalisay na handog: sapagkat ang Aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 

( Malakias 1: 11)

2. Ang pangunahing mensahe ay ang malasakit ng Dios at ang plano ng kaligtasan para sa taong makasalanan.

 

3. Ihambing mo ang iyong buod doon sa ibinigay sa Ika-Apat na Kabanata.

 

4. Ihambing mo ang iyong buod doon sa ibinigay sa Ika-Apat na Kabanata.

 

5. Ihambing mo ang iyong buod doon sa ibinigay sa Ika-Apat na Kabanata.

 

6. Ihambing mo ang iyong buod doon sa ibinigay sa Ika-Apat na Kabanata.

 

IKA-LIMANG KABANATA:

 

1. Niluluwalhati Kita sa lupa, pagkaganap Ko ng gawa na ipinaganap Mo sa Akin.

( Juan 17: 4)

 

2. Ang plano ng Dios ng kaligatasan ng mundo ay ipinahayag ng mga anghel, ni Maria, ni Simeon, at ng iba pa. Sa bawat pahayag, binabanggit ang Kaniyang pakay ng pagkakasundo ng lahat ng mga tao sa Dios.

 

3. Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Ika-Limang Kabanata.

 

4. Ihambing ang iyong buod sa talakayan sa Ika-Limang Kabanata.

 

5. Sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesus sa krus ay nagkasundo ang taong makasalanan at ang matuwid na Dios. Ang plano ng Dios para sa kaligtasan ay kumpleto na.

 

IKA-ANIM NA KABANATA:

 

1. Datapuwat tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Gawa 1: 8)

 

2. Ang Dakilang Utos ay ang utos ni Jesus na ibinigay sa mga mananampalataya upang ipahayag ang Evangelio sa mga bansa ng mundo.

 

3. Alinmang tatlo sa mga reperensiyang ito ay maaaring gamitin: Juan 20: 21-23; Gawa 1: 8; Juan 15:16; Lucas 24: 45-49; Marcos 16: 14-16; Mateo 28: 16-20.

 

4. Ang Iglesia ay maaaring bigyan ng kahulugan sa dalawang larangan:

 

Buong mundo:

 

Ang Iglesia ay binubuo ng lahat ng tao na nananampalataya kay Jesucristo. Ito ay kapisanan ng mga mananampalataya na ipinanganak na muli at sumusunod sa Dios. Ang ibig sabihin ng iglesia ay "tawagin mula sa" o "ang mga tinawag." Ang Iglesia ay binubuo ng mga tao na tinawag mula sa Kaharian ni Satanas tungo sa Kaharian ng Dios. Ito ay binubuo ng mga tao mula sa bawat lahi, tribo, kultura, at wika na tumanggap kay Jesuscristo bilang Tagapagligtas.

 

Lokal: Para sa misyon, organisasyon, at pagsasama-sama, ang mga grupo ng mga mananampalataya ay nagsama-sama sa isang organisasyon.

 

5. Ang Iglesia ay nagsimula sa Araw ng Pentecostes na natala sa Gawa 2. Ito ay ipinanganak ng Dios sa isang dakilang pagpapakita ng kapangyarihan.

 

6. Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.

 

7. Ang mga mananampalataya ay magkakaugnay bilang magkakapatid sa isang sambahayan. Sila ay dapat maglingkod tulad ng Katawan na gumagawang magkakatulong, na si Cristo ang ulo. Nagtakda ang Dios ng mga tanging lider at binigyan sila ng mga kaloob upang makapagministeryo sa Iglesia.

 

8. Ang Iglesia ay may mga gawain tulad ng pagsamba, pagsasama-sama, at ministeryo sa mga pangangailangan ng tao. Subalit ang pangunahing layunin ng Iglesia ay palaganapin ang Evangelio. Sa madaling salita, ang layunin ng Iglesia ay upang tuparin ang Dakilang Utos.

 

9. Ang I Corinto 15: 1-11 ay ibinuod ang mga mahahalagang mga elemento ng Evangelio. Ang pangunahing mensahe ay si Jesus, ang Kaniyang ministeryo, pagkamatay para sa kasalanan, pagkabuhay na maguli, at mga pagpapakita. Sa pinakasimpleng kahulugan, ang Evangelio ay Juan 3: 16, Juan 14:1, Mateo 11:28, at Roma 10:9. Sa malawak na kahulugan, kabilang dito ang lahat ng itinuro ni Jesus tungkol sa Kaharian.

 

IKA-PITONG KABANATA:

 

1. Ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang mga manggagawa. ( Mateo 9: 37)

 

2. Ihambing mo ang iyong buod sa ibinigay sa Ika-Pitong Kabanata.

 

3. Ang grupo ng mga tao ay isang malaking grupo ng mga indibiduwal na may magkakaparehong bagay na nagtatali sa kanila. Kabilang dito ang wika, kultura, mga kaugalian, at pagkakalapit ng lokasyon.

 

4. Ang di pa naaabot na grupo ng mga tao ay yaong wala pang grupo ng mga mananampalataya na may sapat na bilang at kayamanan upang abutin ang kanilang kababayan na walang tulong mula sa labas.

 

5. Ang naabot nang grupo ng mga tao ay yaong may sapat na bilang ng mga mananampalataya at kayamanan upang manghikayat ng mga kababayan nila na walang tulong mula sa labas.

 

6. Ang limang mga hindi pa naaabot na mga grupo ay ang: Tribo, Muslim, Hindu, Intsik, at Buddhist.

 

7. Ang saradong bansa ay yaong hindi tumatanggap ng mga misyonero mula sa ibang mga bansa, at sa maraming pagkakataon, ay may mga batas patungkol sa relihiyon ng kanilang bansa. Sa ibang bansa ay bawal manghikayat ng lokal na tao sa Kristiyanismo.

 

8. Ang pangungusap ay totoo.

 

IKA-WALONG KABANATA:

 

1. Ako'y hindi ninyo hinirang, ngunit KAYO'Y hinirang Ko, at Aking KAYONG inihalal, upang KAYO'Y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang INYONG bunga: upang anomang inyong hingin sa Ama sa Aking pangalan, ay maibigay Niya sa inyo. (Juan 15: 16)

 

2. Ang mga "World Christians" ay isang grupo ng mga tao mula sa iba't-ibang lahi, kultura, wika at denominasyon ng relihiyon. Ang isang bagay na nagbubuklod sa kanila ay sila ay "World Christian."

 

3. Ang unang iglesia ay umabot sa mundo sa pamamagitan ng pagpaparami na inilarawan sa II Timoteo 2: 2. Ang bawat mananampalataya ay nanganganak at ang bawat bahay ay sentro ng evangelismo.

 

4. Ang tanong na ito ay nangangailangan ng pirma mo ng pagkasangkot.

 

IKA-SIYAM NA KABANATA:

 

1. ...Sapagkat ang Aking bahay ay tatawaging bahay na pananalanginan para sa lahat ng mga bayan.  (Isaias 56: 7)

 

2. Ang tagapamagitan sa pananalangin ay isang namamagitan sa ngalan ng iba. Namamagitan tayo sa mga bansa sa pamamagitan ng pananalangin sa kanila. Ito ang kahulugan ng pananalangin ng pamamagitan para sa mundo. Kung tayo'y namamagitan hinahanap natin ang Dios para sa iba. Nagdadala tayo ng mga kahilingan sa Kaniya para sa mga bansa ng sanglibutan.

 

3. Mga hakbang sa pagsasanay sa iba bilang tagapamagitan:

 

Una:  Ituro ang pananaw sa mundo batay sa Biblia.

 

Pangalawa: Pag-aralan ang kabanatang ito na magkasama, sinusunod ang mga tagubilin sa plano sa pananalangin at gumawa ng manwal sa pananalangin.

 

Pangatlo: Magtatag ng grupo na mananalangin para sa ibang bansa. Makasisiguro ka na magpapatuloy ang importanteng ministeryong ito.

4. Kung ang sagot mo ay oo, natupad mo na ang layunin ng kabanatang ito.

 

5.  Kung ang sagot mo ay oo, natupad mo na ang layunin ng kabanatang ito.

 

6.

       -Ang pamamagitan sa pananalangin ay ayon sa Biblia.

       -Ang panalangin ay isang gawain kung saan nakasalalay ang lahat ng gawain.

       -Walang hangganan ang pamamagitan sa pananalangin sa buong mundo.

 

7. Narito ang plano sa pananalangin:

 

       -Pagpupuri sa Dios: (10 minuto)

       -Pamamagitan sa mundo sa pangkalahatan: (10 minuto)

       -Pamamagitan sa isang bahagi ng mundo: (10 minuto)

       -Pamamagitan para sa isang misyonero o ahensiya ng pagmimisyon: (10 minuto)

       -Panalangin para sa isang di pa naaabot na mga grupo ng mga tao: (10 minuto)

       -Mga tiyak na personal na kahilingan sa pananalangin: (10 minuto)

 

IKA-SAMPUNG KABANATA:

 

1.At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.  ( II Timoteo 2: 2)

 

2. Mga tapat na lalake at babae.

 

3.

       -Maging modelo ng pangitain.

       -Ibahagi ang pangitain sa iba.

       -Panatilihin ang pangitain na sentro ng iyong buhay.

       -Sundin ang pangitain.

 

4. Ikaw lang ang makasasagot sa tanong na ito. Kung hindi ka pa nagpapasiya sa iyong tugon bilang pagsunod sa pangitaing ito, patuloy kang magsaliksik sa Dios hanggang makita mo iyon. Ito ang tunay na pagsubok sa kabanatang ito at ng buong kursong ito:

Ikaw ba ay nahamon upang gumawa ng hakbang patungkol sa plano ng Dios para sa mga bansa ng sanglibutan?

 

IKA-LABINGISANG KABANATA:

 

1. At ipangangaral ang Evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.

(Mateo 24: 14)

 

2. Ang pangangaral ng Evangelio ng Kaharian sa lahat ng tao sa buong mundo.

 

3. Ang mga aklat ng Apocalipsis at ni Daniel.

 

4. I Tesalonica 4: 13-18.

 

5. Apocalipsis kabanata 21 at 22.

 

6. II Pedro 3: 10

 

7. Ihambing mo ang iyong buod sa tinalakay sa Ika-Labingisang Kabanata.